3. Inirekomenda ni Sen. Manuel Villar Jr. sa mga miyembro ng dalawang kapulungan ng Konggreso na ayaw magsoli ng kanilang pondo na magtanim na lamang ng mga puno. Ang pakay o motibo ni Sen. Villar Jr. ay upang __________________. A. makabawas sa pagkakalbo ng kagubatan. B. maisantabi ang mga gawain sa dalawang kapulungan. C. maiwasan ang illegal logging. D. magamit sa pangangampanya sa susunod na eleksyon. 4. Hindi pabor si Sen. Aquilino Pimentel Jr. sa panukalang isama sa death penalty ang illegal logging. Ang pakay o motibo ni Sen. Pimentel Jr. ay upang ang mga pinagdududahang illegal loggers ay __________________. A. mai-freeze na lamang ang kanilang bank deposits at ari-arian. B. patawan ng higit na mabigat na parusa. C. mapangalanan. D. magsisi at humingi ng kapatawaran sa mga naging biktima ng pagbaha. 5. Sa bagong pormula ng MMDA, gagawing 7am-4pm ang pasok ng mga empleyado ng gobyerno at 9am-6pm naman sa mga manggagawa sa pribadong sektor. Ang pakay o motibo ni MMDA Chairman Bayani ay upang ______________. A. makapagtipid ang gobyerno. B. maiklasipika ang mga nagtatrabaho sa gobyerno at sa pribadong sektor. C. maraming bumili ng mga sasakyan. D. malunasan ang problema sa trapiko.B. Basahin ang sitwasyon. Piliin ang titik na nagpapahayag ng kasiya-siyang damdamin. 1. Ngayong Lunes, Nobyembre 29 ay idineklarang non-working holiday ng Malacanang. Ang paliwanag ng palasyo, ang Nobyembre 30 na Araw ni Bonifacio at Pambansang Araw ng mga Bayani na siyang tunay na pista opisyal ay natapat ng Martes. Ipit ang Lunes sa Linggo na walang pasok. A. Sayang, wala akong sahod sa araw na walang pasok. B. Magulo ang magkasabay na selebrasyon ng Araw ni Bonifacio at Pambansang Araw ng mga Bayani. C. Mabuti at kinikilala ng Pilipinas ang kabayanihan ni Bonifacio at ng mga bayani ng ating bansa. D. Wala na tayong magagawa kung may pagbabagong ginawa ang Malacanang. 17
2. Nagbigay-pugay si Senador Richard Gordon sa libu-libong volunteers ng Olongapo City na nagsakripisyo upang maipreserba ang mga pasilidad ng Subic Bay matapos abandonahin ng mga Amerikano ang mga ito bilang naval base. A. Kung bakit kasi umalis pa ang mga Amerikano. Nawalan tuloy ng hanap-buhay ang maraming mamamayan ng Olongapo City. B. Pagod, gutom at puyat ang dinaranas naming mga volunteer. C. Papuri lamang ang kapalit sa mga ginagawa naming pagvo-volunteer. D. Ang kusang pagtulong namin ay hindi nangangailangan ng kapalit.3. Sa unang siyam na buwan ng taong kasalukuyan ay umangat ng 9% ang ani ng mangga kung saan umabot sa P14,97 bilyon ang kinita ng bansa sa mangga mula sa P14.5 bilyon noong nakaraang taon. Ang mga nangungunang rehiyon sa produksyon ng mangga ay ang Ilocos Region, Gitnang Luzon at Calabarzon. A. Bakit hindi nakasama ang aming rehiyon? B. Sa susunod, huwag lang ang produksyon ng mangga ang bigyan nila ng papuri. Mataas din ang ani ng saging, dalandan at kopra. C. Sa isang taon, hihina na ang produksyon ng mangga. D. Mabuti naman at dahil sa pag-angat ng ani ng mangga ay naragdagan ang kaban ng bayan.4. Iba-iba ang naging reaksyon ng mga mamamayan hinggil sa iminungkahi ng isang kongresista na gawing legal ang pagtatanim ng marijuana bilang legal na alternatibong gamot sa sakit na kanser.Sang-ayon ako rito. A. Laban ako sa anumang illegal na droga sa bansa kabilang ang legalisasyon ng marijuana. B. Lalong tataas ang bilang ng mga magugumon sa ipinagbabawal na gamot. C. Maapruba sana ito sa lalong madaling panahon. D. Hindi makakakuha ng maraming boto sa Kongreso ang panukala.5. Bahagyang nagkaroon ng magandang kinahinatnan ang transport strike kahapon sa panig ng mga tsuper at operators bagama’t perwisyo naman ang idinulot nito sa mga commuters. A. Hindi lahat ng mga tsuper ay sang-ayon sa strike. B. Hindi makatarungan ang laging pagtataas ng halaga ng krudo. C. Sampu sa mga nagwelgang driver ang dinakip ng mga pulis dahil sa pananakot sa ilang kasamahang driver. D. Mabibigyan ng diskuwento sa diesel ang mga driver. 18
Iwasto mo ang iyong mga sagot.A. 1. A B. 1. C2. D 2. D3. A 3. D4. A 4. C5. D 5. D Tama ba lahat ang iyong mga sagot? Kung hindi ang sagot mo, ang sagot mo, gawin mo angsusunod na gawain.PaunlarinA. Basahin ang sitwasyon sa bawat bilang. Isulat sa sagutang papel ang titik ng pariralang bubuo sa pangungusap pagkatapos ng bawat talata.1. Ako’y taga-Aklan. Ipinababatid ko sa lahat na bukod sa mga yamang-kalikasan ay mayaman din ang aming lalawigan sa kasaysayan at kultura. Ang pakay o motibo ng nagsasalaysay ay ___________. A. makapagyabang. B. makipagkaibigan. C. maipahayag ang kasiyahan. D. iwanan ang Aklan.2. Ako’y may kapansanan. Ako’y isa sa labintatlong residente ng Makati na may kapansanan na tinanggap ng kumpanya ng Bench bilang costumer sale assistant. Ang pakay o motibo ng nagsasalaysay ay upang ipabatid sa lahat na ang kumpanya ng Bench ay ___________. A. maraming sangay. B. mapili sa mga empleyado. C. matulungin sa mga residente ng Makati. D. tumatanggap ng mga empleyadong may kapansanan.3. Ang pagpapalabas ng mga malalaswang larawang nakasulat o nakikita ay maaaring pangganyak sa kabataan upang gumawa ng krimen tulad ng rape. Sanay maiwasan ng print media ang pagpapalathala ng mga malalaswang larawan. Ang pakay o motibo ng nagsasalaysay ay ___________. A. magsulat ng mga balita tungkol sa rape. B. isisi sa print media ang paglaganap ng krimen. C. purihin ang print media. D. ibilang ang print media na salik sa paggawa ng krimen. 19
B. Basahin ang sitwasyon. Piliin ang titik na nagpapahayag ng kasiya-siyang damdamin.1. Ang EcoZone ay tumutulong sa mga manggagawa upang sila’y madaling makahanap ng trabaho. A. Salamat at malulunasan na ang bilang ng mga Pilipinong walang trabaho. B. Kailangan pa bang magtrabaho sa ibang bansa? C. Wala naming natapos ang mga nag-aaplay ng trabaho, eh. D. Kailangang mag-isip tayo kung saan tayo magtatrabaho.2. Ang buhay ni Rizal ay delikado at masalimuot ngunit kakikitaan ng katapangan at kabayanihan. A. Idolo ko si Rizal. B. Sino ang pumapangalawa kay Rizal bilang pambansang bayani? C. Sino ang higit na matapang, si Rizal o si Bonifacio? D. Ang Noli Me Tangere ay nobela ng pag-ibig at pakikipagsapalaran.3. Kapag napag-uusapan ang teknolohiya, ang unang pumapasok sa isipan ng mga tao ay ang computer. Ito ang gamit sa pagpapadala ng mga mensahe, komentaryo, tanong o dokumento. A. May negatibong dulot ang teknolohiya. B. Ang computer ay para lamang sa mga matatalino at mayayaman. C. Magastos ang magkaroon ng computer. D. Salamat sa computer at napagaan ang mga trabaho ko.Iwasto mo ang iyong mga sagot: A. 1. C B. 1. A 2. D 2. A 3. D 3. C.Tama ba ang mga sagot mo? Kung OO, binabati kita.Ipagpatuloy mo ang pag-aaral sa susunod na sub- aralinSub-Aralin 2 Paglalagom ng ImpormasyonLayunin Sa pag-aaral mo ng pangalawang aralin ay nakatitiyak akong matutugunan mo ang sumusunodna layunin:1. nakapipili at nakalalagom ng mga impormasyong nakapaloob sa binasa ayon sa sariling pagpapakahulugan 20
Alamin Bago ka magkaroon ng impormasyon ukol sa bagong aralin ay pag-aralan mo ang mga salitangnakakahon.ulat pamanahong papel book reviewrebyu ng pelikula lektyur eksperimento Sa anong salita mo maiuugnay ang mga salitang nakakahon? Nahihirapan ka bang sagutin?Sige, hihintayin kitang makapag-isip. Balikan mong basahin ang mga salitang nabanggit. Hindi ba’t ang mga salita ay isang gawaingpasulat na ginagawa ng higit pa sa isang oras? Kung gayon, mahabang oras din ang kailangan mopara mabasa mo ang mga ito. Pagkatapos mong mabasa, ano ang pinakahuling gawain na magagawamo para sa mga ito? Tama, lalagumin o bubuurin mo batay sa mga impormasyong nabasa mo.Linangin Mahalagang matutuhan mo ang wastong paglalagom o pagbubuod ng impormasyong nabasamo. Ngunit bago mo ito matutuhan, pag-aralan mo muna ang ilang mahahalagang impormasyon ukolsa paglalagom o pagbubuod: Ang paglalagom na kasingkahulugan ng pagbubuod ay isang gawaing pasulat na pinaiklingbersyon ng anumang nabasang akda o napanood na pelikula o dula. Ang mga lagom o buod aymaaaring nilikha mula sa mga aklat, artikulo, pulong at mga ulat. Sa pagsulat ng buod ay lagingkasama ang paksa at mahahalagang detalye. Ibig mong malaman kung anu-ano ang mga katangian ng isang lagom o buod?Basahin mo ang halimbawa: 21
Mga Bagong Panukala . . . Maipatupad Kaya? Dalawang bagong panukala ang inihain sa Kongreso. Ang legalisasyon ng jueteng at legalisasyon ng paggamit ng marijuana. Ang dahilan sa jueteng ay para mawala ang katiwalaan sa gobyerno samantalang idinadahilan sa paggamit ng marijuana na gamot ito sa kanser at iba pang sakit at karamdaman, bukod sa mapagkukunan ng karagdagang kita ang pamahalaan dito. Mahihirapan ang mga kongresistang nagpanukala nito na maipasa sa Konggreso ang dalawang kontrobersyal na panukala. Tiyak na darami ang tututol. Napuna mo bang ang lagom o buod ay nagtataglay ng mga sumusunod na katangian? 1. Maikli. Ang lagom o buod na maikli at hindi maligoy ay nakasisiyang basahin. 2. Malinaw ang paglalahad. Nasa pag-uugnay-ugnay ng mga pangungusap ang ikinalilinaw ng isang lagom o buod. 3. Malaya. Taglay ng isang lagom o buod ang pangunahing idea o kaisipan kaya’t malaya ang manunulat na pumili ng paksang kanyang susulatin. 4. Matapat na kaisipan. Ang lagom o buod ay naglalaman ng matapat na pag-unawa sa orihinal na teksto o pangyayari. Matapos mong malaman ang mga katangian ng isang mahusay na lagom o buod ay handa kanang matutuhan kung paano makapaglalagom ng isang binasang akda, di ba? Sundin mo ang mgasumusunod na hakbang: 1. Basahin ang buong teksto Ang mga Manunulat noong Panahon ng Amerikano Maraming manunulat ang nakilala hindi lamang sa istilo ng kanilang pagsulat kundi sa wikang kanilang ginamit sa pagpapahayag ng kanuilang isipan at damdamin. Lima sa maraming manunulat sa Kastila noong Panahon ng Amerikano ang itinuturing na haligi ng panitikang Filipino, Sila’y ang mga sumusunod: Cecilio Apostol. Siya’y sumulat ng tulang handog sa mga bayani. Isa sa kanyang mga isinulat ay ang tulang pumupuri kay Jose Rizal 22
Fernando Ma. Guerrero. Itinipon niya ang kanyang mga tula na pinamagatan niyang Crisalidas na ang salin sa Filipino ay Mga Hingad. Jesus Balmori. Itinuturing na pinakamahusay na makata ata mambabalagtas sa Panahon ng Amerikano. Manuel Bernabe. Isang makatang liriko, si Manuel Bernabe ay higit na hinahangaan ng mga mambabasa dahil sa` melodiya ng kanyang mga tula. Claro M. Recto. Kinilala ang kanyang tinipong mga tula sa aklat na Bajo los Coconeros. Sa kasalukuyan, pinag-aaralan sa Panitikang Filipino ang ilan sa kanilang mga akda.2. Itala nang maayos ang mahahalagang punto ng teksto. Maraming manunulat… istilo ng pagsulat… wikang ginamit … Cecilio Apostol, Fernando Ma. Guerrero, Jesus Balmori, Manuel Bernabe at Claro M. Recto . . . Panitikang Filipino.3. Isulat sa sariling pananalita ang bawat seksyon o talata ng teksto. Sa Panahon ng Amerikano ay limang manunulat sa Kastila ang nakilala. Sila’y sina Cecilio Apostol, Fernando Ma. Guerrero, Jesus Balmori, Manuel Bernabe at Claro M. Recto.4. Pagsamahin ang pangunahing idea at mga sinusuportahang detalye. Gumamit ng pang-abay. Limang manunulat sa Kastila noong Panahon ng Amerikano ang nakilala: Ceclio Apostol, Fernando Ma. Guerrero, Jesus Balmori, Manuel Bernabe, at Claro M. Recto. 23
Sa pagbubuod, nawawala ba ang kaisipang nais ipahatid ng sumulat sa babasa nito? Hindi, diba? Naroon pa rin ang ideya o kaisipang nakapaloob sa teksto.Siguro nasabi mo sa iyong sarili,“Ay, ganoon lang pala ang pagbubuod ng isang teksto. Madali, di ba?Gamitin Basahin ang talata sa bawat bilang. Ibuod ito sa sagutang papel. Pagkatapos mo, ipakita moang iyong ginawa sa iyong guro. 1. Ang Center for International Trade Exposition (CITEM) ay isang export promotion agency ng Department of Trade and Industry (DTI). Layunin nitong ipakilala ang Pilipinas sa pandaigdigang pamilihan bilang maaasahang pinagmumulan ng ng mga produktong may mataas na kalidad sa pamamagitan ng trade fair, mga espesyal na eksibit, mga misyong pangkalakalan at iba pang gawaing panmpromosyon sa loob at labas ng bansa. Kabilang sa mga produktong pang-export na matutulungan ng CITEM sa pamamagitan ng promosyon ay ang mga gamit sa konstruksyon, elektroniks, pagkain, mga gamit sa bahay, atb. Sa pamamagitan ng mga programa ng CITEM, patuloy na nakikilala sa pandaigdigang pamilihan ang mga produktong sariling atin. Malaking tulong para sa mga negosyanteng Pinoy at sa ekonomiya ng bansa. 2. Kayang-kaya ng mga kumpanya ng langis ang P2.00 diskwento sa diesel na hinihingi ng mga driver kung gugustuhin ng mga negosyante at susuportahan ng gobyerno. Hindi masisisi ang grupo ng mga nag-aalsang driver kung mauulit muli ang kaguluhang naganap kamakailan kung hindi ipatutupad ang pangako ng mga negosyante. Ito ang tamang paglalagom sa binasa mong teksto. Tingnan mo kung malapit dito ang ginawamo. Kung napakalayo, ipakita mo sa iyong guro at sasabihin niya sa iyo ang dapat. 1. Ang Center for International Trade Exposition (CITEM) ng Department of Trade and Industry (DTI) ay gumagawa ng mga produktong pang-export gaya ng mga gamit sa konstruksyon, elektroniks, mga gamit sa bahay, atb. kaya’t nakikilala ang Pilipinas sa pandaigdigang pamilihan. 2. Kayang-kaya ng mga kumpanya ng langis ang P2.00 diskwento sa diesel na hinihingi ng mga driver kung gugustuhin ng mga negosyante at susuportahan ng gobyerno para hindi na maulit ang kaguluhan. Tama ba ang paglalagom na sinulat mo? Kuung OO ang sagot mo, magaling! 24
Lagumin Natatandaan mo pa ang mga kaalamang natutuhan mo sa araling ito? Lagumin natin. Saaraling ito ay natutuhan mong ang pagbubuod ay isang gawaing pasulat na ginagawa upangmapaikli ang isang binasang teksto nang hindi nawawala ang kaisipang nais nitong ipahatid sa mgamambabasa. Sa pagbubuod ng alinmang teksto ay mahalagang mabasa mo muna ang buong teksto.Kailangang maitala mo nang maayos ang mahahalagang punto ng teksto. Kailangan ding maisulatmo ang mga kaisipang ito sa sarili mong pangungusap. Bukod dito, mahalagang mapagsama-samamo ang mga pangunahing idea at mga sumusuportang idea na gamit ang mga pangatnig.Subukin A. Lagumin ang teksto sa bawat bilang. Isulat ang sagot sa sagutang papel. 1. Ang Pilipinas ay nahaharap sa napakaraming problema tulad ng kahirapan, terorismo, destabilisasyon, katiwalian, droga at krisis sa ekonomiya. Ito’y patunay lamang na hindi nagagampanan ng gobyerno ang gawain nito gayundin ang pagkakaroon ng mahinang republika. Sinang-ayunan ito ni Esmino (2003) sa kanyang pahayag na: 2. . . . Ang maraming bilang ng malalaking nakawan na nagaganap maghapon ay pagdagsa ng mga kontrobersyal na kaso kidnapping at ang nakamamatay na pagsulong ng karahasan sa lahat ng dako ng bansa ay tanda ng pagkakaroon ng magulong republika. 3. Maraming dahilan kung bakit nagaganap ang mga ganitong kaguluhan sa bansa. Una, ang pagtanggal sa karapatan ng mga mamamayan. Pangalawa, ang kawalan ng moral ascedency ng mga ofisyal ng pamahalaan at simbahan na nagiging dahilan ng pagkawala ng kredibilidad ng mga institusyong kinabibilangan nila. Pangatlo, ang mahinang liderato ng mga namumuno sa bansa. Pang-apat, ang krisis sa ekonomiya, kasama rito ang patuloy na pagbagsak ng piso, at ang di-nababayarang utang ng pamahalaan sa ibang bansa na umaaabot na sa P3.4 bilyon. 4. Totoong hindi madali ang pagkakaroon ng isang matatag na Republika ngunit kung lahat ng mamamayan ay iisipin ang kapakanan ng ating bayan, ang Pilipinas ay muling makakabangon sa kahirapan. Disiplina, pagmamahal sa bayan, determinasyon, sipag at tiyaga. Ang mga ito ang magandang puhunan para sa isang matatag na Republika.Malapit ba dito ang paglalagom mo sqa mga tekstong iyong binasa?: 1. Ang Pilipinas ay nahaharap sa napakaraming problema kaya’t patunay lamang na hindi nagagampanan ng gobyerno ang gawain nito kayat mahina ang Republika. 25
2. Tanda ng pagkakaroon ng magulong Republika ang nakawan, kidnapping at karahasan. 3. Nagaganap ang mga kaguluhan dahil sa pagtanggal ng karapatan, kawalan ng moral ascedency, mahinang liderato, krisis sa ekonomiya at ang di-nababayarang utang ng pamahalaan.PaunlarinGawin mo ang sumusunod kung kailangan mo pa.A. Basahin ang teksto. Isulat sa sagutang papel ang lagom o buod nito. Wikang Filipino: Wika ng Paglaya at Pagkakaisa Hayaan ninyong pasalamatan ko ang kaganapan ng aking pananalig na manatiling malaya at payapa ang ating bayang kaytagal ding naghirap sa kamay ng mga mananakop na dayuhan. Sa panahon ng pananakop, ang wikang Filipino ay naging mabisang kasangkapan sa pakikipaglaban, maging sa mga mayayamang bansa na nais sakupin maging ang ating kabuhayang pinamuhunanan ng pawis, dugo at luha. Wika ang tanging daan sa pag-alis ng diwang kolonyal. Kung ang wikang Filipino ay gagamitin nang naaayon sa ating kagustuhan, paniniwala at mithiin magiging madali ang pag- uugnayan natin sa isa’t isa tungo sa isang napapanahong pagbabalak at pagpapasya. Dahil sa wika’y kikilos ang lahat para sa pambansang kalayaan at pagkakaisa. Bilang pangwakas, masasabi kong ang wika ay matibay na pananggalang laban sa mga mananakop na nais alisin ang kalayaan at pagkakaisang natatamo natin sa ating bayan.Ito ang buod ng tekstong nabasa mo: Wikang Filipino sa Pambansang Paglaya at Pagkakaisa Hayaang ninyong pasalamatan ko ang pananatiling malaya at payapa ng ating bayan. Sa panahon ng pananakop, ang wikang Filipino ay naging mabisang kasangkapan sa pakikipaglaban. Wikang Filipino ang tanging daan sa pag-alis ng diwang kolonyal. Sa paggamit nito ay magiging madali ang pag-uugnayan ng mga tao. Ang wika ay matibay na pananggalang laban sa mga mananakop na nais alisin ang kalayaan at pagkakaisang natatamo natin. 26
B. Bumasa ka ng isang teksto mula sa dyaryo o magasin. Isulat sa sagutang papel ang buod ng teksto. Ipabasa sa iyong guro ang iyong ginawa.Sub-Aralin 4 Pagbabagong MorpopomemikoO kaibigan, alam ko ngayon ay handa ka na para sa huling sub-aralin. Pag-igihan mo, ha?Layunin May mga salitang nababago ang pagkakabaybay na nagiging sanhi upang mabago rin angpagbigkas ng mga ito. Pagbabagong morpoponemiko ang tawag dito. Narinig mo na ba ang tungkoldito? Dahil ibig kong magkaroon ka ng sapat na kaalaman sa paksang nabanggit, layunin ng aralingito na: 1. nakikilala ang mga pagbabagong morpoponemiko na nagaganap sa isang salita 2. nasusuri ang pagbabagong morpoponemikong nagaganap sa isang salitaAlamin Basahin ang liham na ipinadala ni Mrs. Tapris sa kanyang anak na si Ramoj. Pansinin ang mgasalitang may salungguhit. Camarines Sur National High School Pili, Camarines Sur Enero 3, 2005Mahal kong Ramoj, Kumusta ka, anak? Kumusta ang pag-aaral mo sa Maynila? Kung kami ng tatay mo angtatanungin mo ay mabuti naman sa awa ng Diyos. Kumusta ang bahay? Pakisabi sa Kuya Joel mo na aptan ang bubong bago dumating angbagyo. Nakabili ba siya ng pamatay ng daga? Nabalitaan ko kasi na libu-libong daga raw angnaninira ng mga pananim dyan sa Maynila. Pinadalhan ko siya ng pera na pambili ngpampatay ng mga daga pati na rin pantukod sa mga bintana.Balitaan mo naman ako ng mga nangyayari riyan Nagmamahal, Nanay 27
Pag-aralan mo ang mga salitang may salungguhit. Wala ka bang napansin sa pagkakasulat ngmga ito?Pag-usapan natin ang pinanggalingan ng mga salitang nabanggit.Salitang-ugat Nabuong Salitatanong tatanungin atip aptanpatay libo pamataytanim libu-libodiyan pananim dala bili dyanpatay pinadalhantukodbalita pambilidiyan pampatay panukod balitaan riyan Anong pagbabago ang naganap sa mga salitang-ugat nang bumuo ng bagong salita? Alingmga salita ang nilapian? May pagbabago rin bang naganap dito?Linangin Bago mo matutuhan ang aralin ay nais kong mapag-aralan mo muna ang ilang kaalaman ukolsa morpolohiya. Ngayon mo lang ba narinig ang salitang ito? Ang morpolohiya ay pag-aaral ng pagsasama-sama ng mga tunog upang makabuo ng salita.Inilalarawan sa morpolohiya ang pagkakaroon ng makabuluhang kahulugan ng isang salita sapamamagitan ng pinagsama-samang mga tunog. Ang morpema ay itinuturing na pinakamaliit na yunit ng salita na nagtataglay ng kahulugan.Ito’y mauuri sa (1) panlapi gaya ng ma- , ka-, pang-, ipang-, atb. sa matubig, kapuso,pangkulay, at ipanghiram; (2) salitang-ugat gaya ng araw, ulap, sining, atb.; at (3) ponemagaya ng a sa konsehala, gobernadora, atb. Dahil sa impluwensya ng kaligiran ng isang morpema ay nagbabagu-bago ang anyo nito.Ito’y tinatawag na pagbabagong morpoponemiko. Ibig mong malaman ang mga uri nito? Ituturo ko sa iyo ang limang uri ang pagbabagong morpoponemiko na karaniwang nangyayarisa salita kapag ito’y nilapian. Ito’y ang mga sumusunod: 28
1. Asimilasyon. Nagaganap ang asimilasyon kapag ang tunog ng isang morpema aynaaasimila ng isa pang morpema. May dalawang uri ang asimilasyon: ang asimilasyong di-ganap atang asimilasyong ganap. a. asimilasyong di-ganap. Ito’y nakikita sa pagbabagong nagaganap sa isangmorpema sanhi ng posisyong pinal na kasunod na ang bigkas ay pailong. Halimbawa nito ay / n /ng / pang- / ay nagiging / m / ayon sa kasunod na tunog. Halimbawa: Panlapi Salitang Nilapian Asimilasyong Di-Ganappang- + palasa = pampalasapang- + baraha = pambaraha Napansin mo ba na kapag ang salitang nilalapian ay nagsisimula sa / p / at / b /ang pang- ay nagiging pam- ? Suriin mo naman kung ang salitang nilalapian ay nagsisimula sa / d, l, r, s, t / gayang mga sumusunod: Panlapi Salitang Nilapian Asimilasyong Di-Ganappang- + duro = panduropang - + laba = panlabapang- + relo = panrelopang- + sayaw = pansayawpang- + takip = pantakip Anong pagbabago ang naganap sa pang- + nang ikapit sa mga salitang nagtatapos sa / d, l,r,l s, t / ? Magbigay ka ng iba pang salita. b. asimilasyong ganap. Nagkakaroon ng asimilasyong ganap kapag ang unang ponemanginuunlapian ay naaasimilang ganap ng huling tunog ng panlapi. Ito’y makikita sa panlaping pang-na sinusundan ng / p / at / b /:/ p / tulad ng / pitas // b / tulad ng / bilang / 29
Panlapi Salitang Nilapian Asimilasyong Di- Asimilasyong Ganap Ganappang- + pitas = pamitaspang- + bilang = pampitas = pambilang = pamilang Ang ilang mga salitang nagsisimula sa / s / at / t / ay nagkakaroon din ng asimilasyongganap kung ang inuunlapi ay / pan- / gaya ng mga sumusunod:/ s / tulad ng / sabong // t / gaya ng / tulak / Panlapi Salitang Nilapian Asimilasyong Di-Ganap Asimilasyong Ganappang- + sabong = pansabong = panabongpang- + tulak = pantulak = panulak 2. Pagpapalit ng ponema. Sa pagbubuo ng salita ay may pagkakataong ang ponemang inisyalng salita na nilalapian ay nagbabago o napapalitan gaya ng mga sumusunod: a. d → r ma- + dami = marami ma- + dungis = marungis b. h → n tawah + an = tawanan c. o → u gusto = gustung-gusto bugso = bugsu-bugso 3. Metatesis. Ang pagpapalit ng posisyon ng letra sa loob ng isang binuong salita aytinatawag na metatesis. Ang mga salitang-ugat na nagsisimula sa / l / o / y / na ginigitlapianng / -in- / ay nagkakaroon ng paglilipat ng posisyon ng / n / at ng / l / o / y /.Halimbawa:Salitang-ugat Panlapi Salitang Nilapian Nabuong Salita lingap + -in- = liningap = nilingap yakap + - in- = yinakap = niyakap talab + -an- = talaban = tablan tanim + -an- = taniman = tamnan 30
Napuna mo ba na nagkapalit ng posisyon ang / l / at / n /, / y / at / n /, /l / at / b /, at/ n / at / m / ? Magbigay ka ng iba pang halimbawa. 4. Pagkakaltas ng ponema. Ito’y nagaganap kung ang huling ponemang patinig ng salitang-ugat na hinuhulapian ay nawawala. Pag-aralan mo ang mga halimbawang ito:Salitang-ugat Panlapi Salitang Nilapian Nabuong Salita dakip + -in dakipin = dakpin bigay + -an bigayan = bigyan halik + -an halikan = halkan bukas + -an bukasan = buksan takip + -an takipan = takpan Naunawaan mo ba kung paano nakaltas ang ponema ng mga salitang nasa tsart?Magbigay ka ng ilang halimbawa. 5. Paglilipat-diin. Ang paggamit ng panlapi ay nakapagpapabago ng diin ng salita.Maaaring mailipat ang diin sa isa o dalawang pantig patungong huling pantig o isang pantig saunahan ng salita. Ang pantig na may salungguhit ang may diin. Halimbawa: Panlapi Salitang-ugat Nabuong Salitaka . . . an limot kalimutanpag . . . an sabi pagsabihanma . . . an lawak pagtibayinpag . . . in tibay paglamayanKapag binibigkas mo ang mga salitang limot, sabi, lawak, tibay, at lamay ay nasaan angdiin? Sa unang salita, di ba? Ngunit kapag nilapian ang mga salitang ito ay nalilipat ang diin saikalawang pantig ng salitang-ugat. Pansinin ang diin sa mga salitang sinalungguhitan sa mgahalimbawang ito: gubat kagubatan tukso tuksuhin tagumpay pagtagumpayan salamat pasalamatan hinog pahinugin Matapos mong mabasa ang mga salita ay bigkasin mo naman nang malakas ang mga ito.Napansin mo ba ang pagbabagong naganap? Ikaw naman ang magbigay ng halimbawa. Magsabi kang salitang ugat at bigkasin. Lagyan mo ng panlapi ang salitang binanggit mo at bigkasin. Maypagbabago bang naganap sa diin ng salita? 31
Lagumin Natatandaan mo pa ang mga kaalamang natutuhan mo sa araling ito? Lagumin natin. Sa araling ito ay natutuhan mo ang iba’t ibang uri ng pagbabagong morpoponemiko gaya ng(1) asimilasyon na nagaganap kapag ang tunog ng isang morpema ay naaasimila ng isa pangmorpema. May dalawang uri ang asimilasyon, ang asimilasyong di-ganap na nagaganap sa isangmorpema sanhi ng posisyong pinal na kasunod ang bigkas na pailong; at ang asimilasyong ganap nanagaganap kapag ang unang ponemang inuunlapian ay naaasimilang ganap ng huling tunog ngpanlapi; (2) pagpapalit ng ponema na nagaganap kapag ang ponemang inisyal ng salita na nilalapianay nagbabago o napapalitan; (3) metatesis na nagaganap kapag nagpapalit ng posisyon ang letra saloob ng binuong salita; (4) pagkakaltas ng ponema na nagaganap kung ang huling ponemang patinigng salitang-ugat na hinuhulapian ay nawawala; at (5) paglilipat-diin na nagaganap kapag angpaggamit ng panlapi ay nakapagpapabago ng diin ng salita.Subukin A. Isulat sa dahong sagutan ang uri ng pagbabagong morpoponemiko na naganap sa salita sabawat bilang. Piliin sa loob ng kahon ang tamang sagot.asimilasyong ganap metatesisasimilasyong di-ganap pagkaltas ng ponemapagpapalit ng ponema paglilipat-diin1. siliran sidlan2. libo libu-libo3. takipan takpan4. lumbay kalumbayan5. pangbukas pambukasNarito ang tamang sagot:1. metatesis2. pagpapalit ng ponema3. pagkaltas ng ponema4. paglilipat-diin5. asimilasyong ganapTama ba lahat ang sagot mo? Kung OO, magaling! 32
PaunlarinA. Isulat sa dahong sagutan ang pagbabagong morpoponemikong naganap sa salita sa bawat bilang. 1. pangbigay pambigay 2. damahin damhin 3. gamot gamutin 4. kitilin kitlin 5. pangriles panriles 6. lunas lunasan 7. madami marami 8. atipan aptan 9. kuhanin kunin 10. pangdukot pandukotAng mga sumusunod ang tamang sagot: 1. asimilasyong di-ganap 2. pagkaltas ng ponema 3. pagpapalit ng ponema 4. pagkaltas ng ponema 5. asimilasyong di-ganap 6. paglilipat-diin 7. pagpapalit ng ponema 8. metatesis 9. pagkaltas ng ponema 10. asimilasyong di-ganap 33
Gaano ka na kahusay? Alamin natin ngayon kung talagang natutuhan mo ang mga aralin. Sagutan mo angpangwakas na pagsusulit Tandaang gumamit ng hiwalay na sagutang papel.A.Basahin ang sitwasyon sa bawat bilang. Isulat sa sagutang papel ang titik ng pariralang bubuo sa pangungusap pagkatapos ng bawat talata. 1. Maagang nagising si Ryan. Ibig niyang sorpresahin ang kanyang ina. Matapos mailigpit ang mga gamit sa pagtulog ay inunahan na niya ang kanyang ina sa pagluluto ng almusal. Diniligan niya ang mga halaman, pinakain ang alagang aso at nilinis ang buong sala. Kailangang mapasaya ang kanyang ina sa kanyang mga ginawa. Kailangan ding makaalis siya nang maaga dahil may outing silang magkakabarkada. Wala siyang pera. Ang pakay o motibo ni Ryan ay ______________________________. A. humingi ng pera sa kanyang ina. B. ipagluto ng pagkain ang mga kabarkada. C. hiramin ang kotse ng kanyang ama. D. isama ang kanyang ina. 2.Pagkababang-pagkababa ng pasahero sa taksi ay agad na sinabi ni Ace sa driver ang lugar na kanyang pupuntahan. Pagkaupo ni Ace ay napansin niya ang isang maliit na bag sa bandang ibaba ng sasakyan. Isang pakete ang laman ng bag. Sa ibabaw nito ay may nakasulat na pangalan at address. Malapit sa pupuntahan niya ang addres na kanyang nabasa. Naisip ni Ace na __________________________________________. A. ibigay sa driver ang pakete. B. bumaba at habulin ang lalaking sakay ng taksi. C. ipahinto ang taksi sa malapit na police station. D.ihatid ang pakete sa taong nagmamay-ari ng pakete 3.Working student si Lance. Nasa iskul siya mula 7:00 ng umaga hanggang 3:00 ng hapon. Mula 4:00 ng hapon hanggang 9:00 ng gabi ay nagtatrabaho siya bilang crew ng isang sikat na fast food center. Madalas na nahuhuli ng kanyang profesor si Lance na natutulog sa klase kayat madalas din siyang pagsabihan nito. Ang pakay o motibo ng profesor ay upang ______________________. A. hiyain si Lance. B. gawing modelo si Lance. C. mag-drop si Lance. D. ipaunawa kay Lance na mahirap pagsabayin ang pag-aaral sa pagtatrabaho. 34
4.Ibig mag-aral ni Prince Kelly sa kolehiyo ngunit noon pang isang buwan ay sinabihan na siya ng kanyang ama na wala siyang ipantutustos sa pag-aaral nito. Ayaw matulad ni Prince Kelly sa kanyang mga kapatid na hindi nakatapos ng pag-aaral. Sa isang pahayagan ay nabasa ni Prince Kelly ang tungkol sa Programang Study Now Pay Later Plan. Naunawaan niya ang mahahalagang inpormasyon na nakasaad dito kaya kakausapin niya ang kanyang ama. Ang pakay o motibo ni Prince Kelly sa pakikipag-usap sa ama ay upang hikayatin itong ____________________. A.mangutang ng pera. B..tumira sa boarding house. C.lumuwas ng Maynila. D.basahin ang nilalaman ng programa. 5.Dalawang taon pa lamang si John-John nang magtrabaho sa Saudi Arabia ang kanyang ama bilang isang OFW. Ngayong siya’y labimpitong taong gulang na ay nakatanggap ng balita ang kanyang ina na babalik na sa Pilipinas ang kanyanag ama. Sa halip na matuwa ay parang walang anumang narinig si John-John. Hindi siya nakapagsalita. Ang pakay o motibo ni John-John ay upang ipakita sa kanyang ina na _____________________. A.maysakit siya. B.may pangarap din siyang makapagtrabaho sa ibang bansa. C.sasamahan niya ang ama sa pamamasyal. D.Hindi siya nasasabik makita ang ama.B.Basahin ang sitwasyon sa bawat bilang. Piliin ang titik na nagpapahayag ng kasiya-siyangpalagay. 1.Gutom na gutom na si Francel. Sitenta pesos na lamang ang laman ng kanyang bulsa. Ibig niyang makabili ng pagkaing bukod sa mura na ay mabubusog pa siya. Sa unang tindahan na kanyang pinuntahan ay singkwenta pesos ang halaga ng isang kanin, dalawang ulam. Sa isang tindahan naman ay sisenta pesos ang dalawang kanin, isang ulam at softdrinks. Pinili ni Francel ang huling tindahan. Laking tuwa ni Francel. Hindi siya nagsisi sa napiling pagkain. A.Hindi na ako mauulit pang kumain dito. B.Lutong-bahay. Siguro kababayan ni Inay ang nagluto nito. C.Parang kulang sa asim ang sinigang. D.Parang minadali ang pagkakasaing. 2.Walang pasok si Algerou. Araw ng Ramadan. Sumama siya kay Michael na mamasyal sa Quiapo para bumili ng pirated CD. Tamang-tama. Nagpapabili rin ang kanyang kapatid ng bagong CD ni Regine Velasquez. Nagtaka siya sa murang halaga ng mga CD. Ngunit kabilin-bilin ng kanyang kapatid na huwag na huwag bibili ng pirated CD. Kinagabihan, nag- 35
text si Michael kay Algerou. Nasira ang kanyang component sa bahay. Ano ang sasabihin ni Algerou? A.Mabuti nga sa iyo. Mahilig kang bumili ng pirated CD, eh. B.Baka talagang sira ang component ninyo. C.Isoli mo. Gusto mo, samahan kita? D.Sa susunod, sa iba na lang tayo bumili. 3.Nahuli sa akto ni Mr. Francisco na ninanakaw ng isang bata ang cellphone ng babaing katabi niya sa bus. Dahil may alam siya sa self-defense, inaresto niya ang bata. Iniwasan niyang daanin sa dahas ang pag-aresto. Ipinaalam niya sa bata ang kadahilan ng kanyang pag-aresto. Ano ang sasabihin ng bata? A.Bakit mo ako hinuli. Pulis ka ba? B.Wala akong kinukuha. Sa akin ang cellphone na ito. C.Bakit, me karapatan ka bang mang-aresto? D.Mabuti’t hindi ninyo ako sinaktan. Patawarin n’yo na ‘ko. 4.Lalabas na si Genaldo sa rehabilitation center. Tatlong taon din siyang namalagi rito. Ayaw na niyang umuwi sa kanilang bahay. Nangangamba siya na baka hindi na maging maganda ang pakikitungo sa kanya ng mga kasama niya sa bahay. Ang akala niya’y siya lamang mag- isa ang uuwi. Laking gulat niya ng malaman niyang sinusundo na siya ng kanyang magulang at mga kapatid. Ano ang sasabihin ni Genaldo? A.Sinorpresa ninyo ako. Salamat po. Hindi ko malilimutan ang araw na ito. B.Bakit ngayon lang kayo dumating? C.Susunduin ninyo ako pagkatapos ibabalik n’yo uli ako rito? D.Dito na lang ako. Ayoko nang umuwi. 5.Pinalad na maging beneficiary ang familya Mangao sa mga proyekto ng Rural Improvement Center (RIC) ng Kagawaran ng Pagsasaka pagkatapos silang dumalo sa seminar ng wastong pagbababuyan. Malaking tulong ang ipinagkaloob ng RIC. Ano ang masasabi ng familya Mangao sa benepisyong kanilang natanggap? A.Magbababoy na tayo noon, magbababoy pa rin tayo ngayon. B.Wala nang asenso ang buhay natin. C.Kung iyong iba natutulungan ng gobyerno, tayo pa kaya? D.Lalo natin pagsumikapang lumago ang ating negosyo.C. Basahin ang talata sa bawat bilang. Isulat ang lagom nito sa sagutang papel. 1. Mahirap magutom ang tao. Kadalasan, kapag gutom ang isang tao ay natututo siyang kumain ng mga pagkaing hindi pa niya nakakain para lamang magkaroon ng laman ang kanyang sikmura. Sa Ongpin, China Town sa Binondo ay mabibili ang iba’t ibang hayop na maaaring lutuin para iulam sa hapag-kainan. Nariyan ang ahas, cobra, pawikan, at iba pa. Kaya hindi 36
kataka-taka kung may mabili tayong kare-kareng kriket, tortang anay, sinangag nalanggam, kilawing uwang, ginataang salagubang, adobong balang, atb.Huwag naman sanang dumating ang panahon na dahil sa kagutuman ay kainin ng taomaging ang mga damo, halaman at bulaklak.2. Si Henaral Francisco Soliman Makabulos ang itinuturing na pangunahingbayani ng Tarlac. Noong panahon ng Kastila ay siya lamang ang tangingnakapagpalaya sa lalawigan sa kamay ng mga mananakop.Isinilang si Makabulos sa La Paz, Tarlac. Bagamat elementarya lamang ang natapos aykinilala ang kanyang katalinuhan at katapangan sa pamamagitan ng pagtatatag ng sangayng Katipunan sa Tarlac. Bilang manunulat ay nakapaglathala si Makabulos ng mga tula saEl Heraldo de la Revolucion, ang opisyal na pahayagan ng rebolusyonaryong Pilipino.Isinama siya ni Heneral Emilio Aguinaldo nang lagdaan ang Kasunduan sa Biak na Bato.Namatay si Makabulos noong Abril 30, 1922 sa Tarlac, Tarlac. Pagkaraan ng ilangtaon, ang kanyang mga labi ay inilipat sa kanyang monumento na nasa harap ng kapitolyong Tarlac.D. Pag-aralan ang pagbabagong morpoponemikong naganap sa salita sa bawat bilang. Piliinsa kahon ang sagot. Isulat sa sagutang papel ang tamang sagot. Ang diin ng salita ay nasapantig na may salungguhit.1. madamot maramot2. pangbahay pambahay3. buo buung-buo4. buhay kabuhayan5. taniman tamnanasimilasyong di-ganap metatesispagpapalit ng ponema pagkaltas ng ponemapaglilipat-diinKung tapos ka na, kunin mo sa guro ang SUSI SA PAGWAWASTO. 37
Susi sa Pagwawasto Modyul 13 Pagpapahayag ng Pakay/Motibo at Palagay Pagbuod ng mga Impormasyon, Pagbabagong MorpoponemikoA. 1. A 2. D 3. D 4. D 5. DB. 1. B 2. C 3. D 4. A 5. DC. 1. Mahirap magutom ang tao. Kumakain siya para magkaroon ng laman ang kanyang sikmura. Sa Ongpin, Chinatown sa Binondo mabibili ang iba’t ibang hayop na maaaring lutuin para iulam. 2. Si Heneral Francisco Soliman Makabulos ang itinuturing na bayani ng Tarlac, Tarlac. Isinilang si Makabulos sa La Paz, Tarlac. Nakapaglathala siya ng mga tula. Isinama siya ni Heneral Emilio Aguinaldo nang lagdaan ang Kasunduan sa Biak na Bato. Namatay si Makabulos sa Tarlac, Tarlac.D. 1. pagpapalit ng ponema 2. asimilasyong di-ganap 3. pagpapalit ng ponema 4. paglilipat-diin 5. metatesis
Modyul 14 Pagtukoy ng Pangunahing Kaisipan at Pagbuo ng Hinuha Tungkol saan ang modyul na ito? Kumusta kaibigan? Matanong nga kita. Anu-anong lugar sa Pilipinas ang napuntahan mo?Maaaring di mo pa napuntahan ang ilan sa maraming lugar sa Pilipinas na kabilang sa pandaigdigangpamanang kultural ng lahing Pilipipino pero nakita mo na sa mga larawan o sa panoorin. Malalamanmo sa modyul na ito kung anu- ano ang mga lugar na iyon. Mahalagang malaman ng isang mag-aaralna tulad mo kung kung bakit hinahangaan ng buong mundo ang mga lugar na iyon. Maipagmamalakimo rin kung alam mo, di ba? Sa pamamagitan ng pag-aaral ng modyul na ito magagawa mong maglakbay sa mga lugar naitinuturing na pamana ng mga Pilipino sa kasaysayang pandaigdig. Kasabay ng pag-aaral mo tungkoldito ang paglinang ng mga kasanayang pangwika, tulad ng pagkilala ng mga salitangmagkasingkahulugan at magkasalungat, pagkilala at pagpapatibay ng isang ideya at pagbubuo nghinuha mula sa isang impormasyon. Ginamit din sa modyul na ito ang mga tekstong informativ kayamalalaman mo rin ang mga katangiang dapat taglayin ng isang imformativ na teksto. Madali lang ang mga aralin dito kung maglalaan ka ng oras at konsentrasyon sa pag-aaral. O, handa ka na ba sa iyong gagawing lakbay-aral? Hangad ko ang iyong tagumpay. Ano ang matututunan mo? Sa pamamagitan ng modyul na ito, inaasahang matatamo mo ang mga sumusunod: 1. nakikilala ang mga salitang magkasing kahulugan at magkasalungat 2. natutukoy ang paksa at pangunahing kaisipan na nakapaloob sa teksto 3. naipaliliwanag ang mga katangian ng isang informativ na teksto 4. nakabubuo ng hinuha mula sa binasang teksto 1
Paano mo gagamitin ang modyul na ito? Bago mo simulan ang paggamit ng modyul na ito, basahin mo muna ang mga tuntunin kungpaano gagamitin ito. 1. Basahin at unawain ang mga nakasulat sa modyul. 2. Kung mayroong nais liwanagin o linawin tungkol sa mga gawain, magtanong sa guro o sa taong may sapat na kaalaman. 3. Ang lahat ng iyong sagot ay isusulat mo sa isang malinis na papel, hindi maaaring sulatan ng kahit ano ang modyul. Panatilihing malinis ang modyul. 4. Magtala ng mahahalagang impormasyon at kaisipan. Makatutulong ito sa iyong paglalakbay- aral. 5. Pagkatapos mong isagawa ang mga pagsusulit ( una at huling pagsusulit) maaari mo ng makuha sa guro ang mga tamang sagot.Ano na ba ang alam mo? Bago ka tumungo sa mga gawain kailangang maipakita mo muna kung ano na ang mga taglaymong kaalaman. Sagutan mo ang paunang pagsusulit. Tandaang gumamit ng hiwalay na sagutangpapel.A. Panuto: Hanapin sa mga pagpipilian ang kasingkahulugan ng mga salitang may salungguhit. Titik lamang ang isulat sa sagutang papel.1. Ang bawat andana ng lupa ay may taas na dalawa hanggang tatlong metro.A. baitang B. habaC. sukat D. lapad2. Dalawang pintuan mayroon ang bahay. Ang una ay puwerta, dito pinapasok ang karwahe.A. pangunahing pintuan B. maliit na pintuanC. makitid na pintuan D. malapad na pintuan3. Sa caida pinatutuloy ang mga importanteng bisita.A. sala B. antesalaC. asoteya D. komedor4. Maraming katawagang ibinigay ang mga dayuhan sa kamangha-manghang Payaw sa Mt.Province.A. hagdan-hagdang palayan B.patyoC. pook D. tanawin5. Ang subterenyan ay makikita sa lalawigan ng Palawan.A. malawak na lupain B. ilog sa ilalim ng lupaC. makapal na gubat D. malaking bato 2
B. Panuto: Hanapin sa hanay B ang kasalungat ng mga salitang nasa hanay A. Titik lamang ang isulat sa sagutang papel. A B 1. hari A. indibidwalistik 2. kooperativ B. alipin 3. kolektiv C. kompetetiv 4. modernisasyon D. datu 5. tradisyunal E. makabago F. katutuboC. Pagtukoy ng pangunahing kaisipanPanuto: Tukuyin kung ano ang pangunahing kaisipan na nakapaloob sa bawat talata.1. Ayon sa mga pag-aaral na isinagawa, ang mga katutubong Ifugaw ay gumugol ng mahigit na 2,000 taon upang matapos ang hagdan-hagdang palayan. Ito ay itinayo sa pamamagitan ng sama-samang paggawa ng mga katutubo, gamit ang kanilang mga kamay at katutubong teknolohiya. Ipinagpapalagay na ito ay mahigit 6,000 taong gulang na.2. Matatagpuan ang Vigan sa bukana ng ilog ng Abra, hilagang kanluran ng baybaying Luzon. Malapit ito sa bansang Tsina. Dahil sa magandang lokasyon nito naging mahalaga ang papel ng Vigan sa kalakalan noong panahon ng katutubo hanggang ikalabing siyam na siglo.3. Ang Tubbataha Reef ay matatagpuan sa Rehiyon IV, lalawigan ng Palawan sa gitna ng dagat ng Sulu (sa Valencia). Ang lawak nito ay 33,200 ektarya na kakikitaan ng maraming uri ng acquatic life, tulad ng 300 uri ng koral, pinakamalaking uri ng coral reef, iba’t ibang uri ng isda, malalaking uri ng pawikan, lionfish at pating na mas malaki sa karaniwang laki na makikita sa ibang diving site. Sa lalim na dalawampu’t limang talampakan kitang - kita ang makukulay at magagandang isda. Labing limang metro mula sa lugar ng pagtatalunan ( diving) makikita ang sandy slope, ang paboritong lugar na tinutulugan ng mga pating at lobster. Sa hilagang bahagi makikita ang malalaking coral garden , coral tower na hindi karaniwan ang laki. Ang lugar na ito ang kakikitaan ng pinakamaraming uri ng isda sa buong Pilipinas.D. Paghihinuha: Panuto: Batay sa mga informasyon na nakalahad sa bawat bilang bumuo ng hinuha kungtungkol saan ang sanaysay.1. Hudhud matriyarkalIfugao tag-ani, kasalan,lamayanUNESCO pinakamahusay na obrang pasalitaPamana sa sangkatauhang mahirap maunawaan. 3
2. Lokasyon Taong Itinatag Pangalan Intramuros,Manila 1571 San Agustin Ilocos Sur,Sta. Maria 1765 Ilocos Norte, Paoay 1593 La Asuncion 1731 San Agustin Iloilo, Miag-ao Santo Tomas Tapos ka na ba? Kung gayon, kunin mo na sa guro ang Susi sa Pagwawasto.Maging matapat ka sana sa pagwawasto, ha? Ngayon ano ang nakuha mo? Huwag kang mabahala kung marami kang kamalian.Tutulungan ka ng modyul na ito. Sige, magsimula ka na.Mga Gawain sa PagkatutoSub Aralin 1 Pagtukoy ng Paksa at Pangunahing KaisipanMga Layunin: Pagkatapos ng sub- araling ito inaasahang magagawa mo ang mga sumusunod: 1. naipaliliwanag ang mga katangian ng isang informativ na teksto 2. natutukoy ang paksa at pangunahing kaisipan na nakapaloob sa teksto 3. nakapagbibigay ng kasingkahulugan ng mga salita.Alamin: Nakita mo na ba ang hagdan-hagdang palayan? Siguro ay salarawan lang, ano? O, maaaring satelebisyon mo ito nakita. Kaya mobang ilarawan ito? Alam mo ba kunggaano katagal at paano ito naitayo?Alam mo ginamit ng mga Ifugao angkanilang kamay sa pagtatayo nito. Atmahigit 2,000 taon nilang trinabahoito. Ang tindi, ano? Anu-ano ang iba’tibang katawagan dito? Nakilala natin 4
ito sa pangalang hagdan-hagdang palayan. Pero may tawag dito ang mga katutubo. Gusto konghanapin mo sa sanaysay kung ano ito. Kinilala rin ito ng UNESCO bilang isa sa pandaigdigangpamanang kultural. Alam mo ba kung bakit? Malalaman mo rin sa pagbabasa mo.Linangin Ngayon basahin mo na ang sanaysay. Tandaan mo ang mga impormasyong iyong hahanapin. Hagdan-hagdang Palayan Aurora F. Mambiar 1. Matatarik at matataas na bundok ang makikitang tanawin sa hilagang Luzon, Rehiyon I. Ngunit sa kabila ng mga katangiang ito nalikha ng mga Ifugaw ang hinahangaan ng buong mundo sa ngayon. Ito ay ang hagdan-hagdang palayan. 2. Nang makita ito ng mga Amerikano tinawag nila itong rice terraces at isinalin sa wikang Tagalog na hagdan-hagdang palayan. 3. Taong 1995, kinilala at isinama sa talaan ng UNESCO ( United Nations Educational, Scientific and Cultural Organization ) ang hagdan-hagdang palayan bilang isa sa pandaigdigang pamanang kultural ng lahing Pilipino ( world’s cultural heritage) dahil sa ganda nito at ganap na pakikibagay ng tao sa kalikasan . 4. Ayon sa mga pag-aaral na isinagawa, ang mga katutubong Ifugao ay gumugol ng mahigit 2,000 taon upang matapos ang hagdan-hagdang palayan. Ito ay itinayo sa pamamagitan ng sama-samang paggawa ng mga katutubo, gamit ang kanilang mga kamay at katutubong teknolohiya. Ipinagpapalagay na ito ay mahigit na 6,000 taong gulang na. 5. Ang hagdan-hagdang palayan ay matatagpuan sa hilagang bahagi ng Luzon sa Pilipinas. Ang layo nito sa Maynila ay 250 kilometro pahilaga (sa Gardner). Ito ay may habang 18,500 milya, katumbas ng kalahating sirkomferens ng mundo.Ang bawat andana ng lupa ay may taas na dalawa hanggang tatlong metro.Tinuturing na mas mataas ito sa pinakamataas na gusali sa buong mundo. 6. Makikita ang kamangha-manghang kaalaman at kasanayan ng mga katutubo sa pagsasaka, arkitektura at enjiniring . Ang bawat baitang ay nakaayos sa isang istratejik na anggulo upang ang mga tanim na palay ay ganap na masikatan ng araw 5
(Enriquez) . Bagama’t libu-libong taon nang naitayo ito, ang mga patubig ay sapat at nananatiling mataba pa rin ang lupa sa kabila ng mga pag-ulan at natural na kalamidad. 7. Maraming katawagan ang ibinigay ng mga dayuhan sa kamangha-manghang likhang - pinoy na ito. Ang iba ay tinawag itong hagdanan patungo sa langit, ang iba naman ay tinawag itong hagdan patungo sa paraiso, sapagkat ang mga katutubo raw noon ay hindi naglakbay upang maghanap ng pagkain. Sa halip ginamit nila ang kalikasan upang matugunan ang pangunahing pangangailangan. Nanatili ang mga katutubo sa lugar na ito at hindi na bumaba sa kapatagan. Nagsilbing paraiso sa kanila ang likhang kamay na ito. Ang iba naman ay tinawag itong Pacific Grand Canyon at may mga dayuhan ding nagsasabi na matatagpuan sa Pilipinas ang nalalabing hanging garden of Babylon (members.tripod.com) . Ngunit tinawag itong Pay-yo ng mga Ifugao na lumikha nito. 8. Ang Pay-yo ang magpapatunay at mangungusap sa lahat kung gaano kayaman ang kultura at kasaysayan ng Pilipinas. Ngayon masasagot mo na ba ang mga katanungang ibinigay sa iyo? Una, ano ang tawag ngmga katutubo sa hagdan-hagdang palayan? Tama, ang tawag nila dito ay Pay-yo. Alam mo na rin ba kung bakit ito isinama UNESCO sa kanilang talaan bilang isa sapandaigdigang pamanang kultural? Tama ka, isinama nila ito dahil sa ganda at ganap na pakikibagayng tao sa kalikasan. Ano pang pangalan ang ibinigay ng mga dayuhan sa hagdan-hagdang palayan? Tinawag itongrice terraces ng mga Amerikano at ang iba naman ay tinawag itong Pacific Grand Canyon atHanging Garden of Babylon, di ba? Iisang lugar lang ba ang tinutukoy nila ? Oo, iisang lugar langang tinutukoy ng mga pangalang ito. Narito pa ang ilang tanong tungkol sa iyong binasa. Sagutin ang mga sumusunod. 1. Kailan idineklara ng UNESCO na isa sa pandaigdigang pamanang kultural ng mga Pilipino ang hagdan-hagdang palayan? 2. Saang bahagi ng Pilipinas matatagpuan ito? 3. Anu-ano ang iba’t ibang katawagan sa hagdan-hagdang palayan? 4. Sino ang lumikha ng hagdan-hagdang palayan? 5. Bakit ito isinama ng UNESCO sa kanilang talaan bilang isa sa pandaigdigang pamanang kultural? Kung ang sagot mo ay ang mga sumusunod, tama ka. Kung hindi, balikan mo ang teksto. 6
1. taong 1995 2. Rehiyon I, lalawigan ng Banaue 3. Pay-yo at hagdanan patungo sa ulap 4. Ifugao 5. Dahil sa ganda nito at ganap na pakikibagay ng tao sa kalikasan. Suriin mo ang mga tanong sagot. Ano ang hinihinging kasagutan sa bawatbilang ? Tama ka. Ang hinihinging sagot sa bilang isa ay petsa , sa ikalawa ay lugar, sa ikatlo aypangalan ng tao at sa ikalima ay paliwanag . Karamihan sa mga tekstong informative ang mga informasyong iyan. Mahalagang masagotang mga tanong na iyan sa isang informativ na teksto. Ang tanong na paano ay mahalaga rin. Paano binuo ng mga Ifugao ang hagdan-hagdang palayan? Binuo nila ito sa pamamagitan ngsama-samang paggawa ng mga katutubo, gamit ang kanilang mga kamay at katutubong teknolohiya.Ang bawat baitang ay nakaayos sa isang istratejik na anggulo upang ang mga tanim na palay ayganap na masikatan ng araw. Masasabi mo ba kung saang talata makikita ang nasabing sagot? Nasa ikaapat at ikaanim natalata, di ba?. Suriin mo uli ang talata. Napansin mo ba na makikita rin sa talata ang mga tiyak nadeskripsyon , gaya ng gaano katagal ginawa ang hagdan-hagdang palayan at gaano na ito katanda?Mahigit na 2,000 taong ginawa at mahigit na 6,000 taong gulang na ito. Ang tanda-tanda na, ano?Ano ang distansya nito mula sa Maynila? Tama, ang layo nito mula sa Maynila ay 250 kilometropahilaga . Gayun din, binanggit ang pagkakaayos ng bawat baitang at ang taas ng bawat baitang. Saangtalata naman ito makikita? Nasa ikalima at ikaanim, di ba? Ngayon suriin natin ang kaibahan ng informativ na teksto sa iba pang akda tuladng maikling kwento? Ang imformativ na teksto ay iba sa ibang uri ng akda , sapagkat ang mgadetalye na nakalahad dito ay bunga ng isang masusing pag-aaral at hindi likhang isip. Katotohananang ipinapahayag ng tekstong informativ. Halimbawa ng mga pahayag na imformativ ay ang mgasumusunod: • Mahigit na 2000 taon ang ginugol ng mga katutubong Ifugao upang maitayo ang tanawing ito. • Ang layo nito sa Maynila ay 250 kilometro pahilaga. • Ito ay 18,500 milya katumbas ng kalahating sirkomferens ng mundo. • Ang bawat andana ay may taas na dalawa hanggang tatlong metro. • Nakaayos sa istratejik na anggulo ang bawat baitang. 7
Pagtukoy sa paksa at pangunahing kaisipan Matapos mong malaman ang tungkol sa informativ na teksto, pag-usapan natin ang pagtukoysa paksa ng teksto. Balikan mong muli ang teksto. Isang katangian ng isang mahusay na mambabasa ay angpagtukoy sa paksa ng teksto. Madaling malaman ang paksa kung itatanong mo sa iyong sarili ang ganito, “ Tungkol saanang sanaysay? Ano ang pinag-uusapan?”Ito ang pinag-uusapan sa teksto. O kaya mo bang ibigay ang sagot sa tanong na, “Tungkol saan ang sanaysay?” Tama. Tungkol ito sa hagdan-hagdang palayan. Iyan ang paksa. Ang ikalawang katangiang dapat taglayin ng isang mahusay na mambabasa ay ang pagtukoysa pangunahing ideya. Ang pangunahing ideya ay ang pinakamahalagang kaisipan tungkol sa paksang isang talata. Ano ang sinasabi tungkol sa paksa? Halimbawa, masasabi mo ba kung ano ang pangunahing ideya sa ikaapat na talata(4) atikaanim (6) na talata? Sa ikaapat na talata, ang pangunahing ideya ay matagal nang naitayo ang hagdan-hagdangpalayan. Sa ikaanim na talata naman, ang pangunahing ideya ay ang pagkakaayos ng lugar nakakikitaan ng kaalaman sa pagsasaka, arketektura at engineering ng mga Ifugao. Basahin mo ang dalawang talata na nasa ibaba at tukuyin kung ano ang pangunahing ideya. 1. Ano nga ba ang sinabi ng mga pyramid ng Ehipto, magagarang templo at monumento, tulad ng Taj Mahal ng India, Angkor Wat ng Cambodia, Ananda Temple ng Burma ( Myanmar) at Borobudur ng Indonesia kung ihahambing sa ating Pay-yo? Isang buhay na simbulo na ang mga Pilipino ay mapagmahal sa kalayaan.. Naitayo ito sa pamamagitan ng kolektibo at kooperatibong paggawa at hindi tulad ng ibang pandaigdigang pamanang kultural na naitayo dahil sa may naghahari at may inaalipin sa lipunan. Hindi ito itinayo dahil lamang sa kaligayahan at kapakinabangan ng isa o iilang tao, kundi ito ay itinayo dahil sa kabutihan at kapakinabangan ng mamamayan. Upang makatugon sa pangunahing pangangailangan ng buong bayan. 2. Ang proseso ng pagma-mummified ay nagsisimula sa pagpapainom ng napakaalat na inumin sa isang taong malapit nang mamatay. Kung patay na ito, hinuhugasan ang kanyang katawan at pinauupo sa silya na yari sa bato na napaliligiran ng mga baga upang lumabas ang lahat ng tubig sa katawan. Kinakailangan ding bugahan ng usok ng tabako ang bibig nito upang matuyo ang internal organ ng bangkay. Madalas umaabot ng kung ilang lingo o buwan bago ito maging 8
mummy. Bago ito dalhin sa kweba pinupunasan ang tuyong katawan nito ng mga halamang gamot. Ganito ba ang sagot mo? 1.Ang motibo ng mg Ifugao sa pagtatayo ng Pay-yo. 2. Proseso ng pagma-mummified sa Pilipinas.Gamitin Ngayon tingnan natin kung kaya mong gamitin ang iyong mga natutunan.Panuto: Basahin ang tekstong informativ. Sagutin ang mga sumusunod na tanong tungkol sa iyongbinasa. Isulat sa sagutang papel ang iyong mga sagot. 1. Saang bahagi ng Pilipinas matatagpuan ang Vigan? 2. Anu-ano ang makikita sa ayos ng plasa ng bayang Vigan? 3. Ilarawan ang mga bahay dito. 4. Kailan kinilala at isinama sa talaan ng UNESCO ang Vigan bilang isa sa pandaigdigang pamanang kultural? 5. Ilang taong pinag-aralan ng UNESCO ang Vigan bago isinama sa kanilang talaan? 6. Bakit isinama sa talaan ng pandaigdigang pamanang kultural ang Vigan? Vigan Noong ipinahayag ng UNESCO na ang Vigan ay isa sa pandaigdigang pamanang kultural dumagsa ang mga turista dito upang makita ang Vigan. Saan makikita ang Vigan? Bakit ito kinilala ng UNESCO? Matatagpuan ang Vigan sa bukana ng ilog ng Abra, hilagang kanluran ng baybaying Luzon. Malapit ito sa bansang Tsina. Dahil sa magandang lokasyon nito (www.vigancity.gov.ph) , naging mahalaga ang papel ng Vigan sa kalakalan noong panahon ng katutubo hanggang ikalabing siyam na siglo. 9
Makikita sa pagkakaayos ng bayan ng Vigan ang malaking impluwensya ngmga kastila. Ang gitna nito ay ang Plaza Salcedo at nakaangkla sa plasa ang katedral atarzobispado ( bahay ng arsobispo), sa tapat nito o sa kabilang dulo ng plaza ay angmunisipyo at ang gusali ng gobernador ( inq7.net) . Magkakalapit o magkakatabi angsimbahan, munisipyo at plasa, palatandaan na nasakop ito ng mga Kastila. Kitang-kita rin ang pagtatangi-tanging panlipunan ( social stratification) noongpanahon ng kastila. Ang bahay ng mga ilustrado at mestiso ay nakatayo malapit sasimbahan, munisipyo at plasa. Malayo sa mga nasabing lugar ang bahay ng mga indyo.Makikita sa lalakarang kalye ang mga brick na mahigit isang siglong taong gulang na. Taglay ng bayan ng Vigan ang pinag-isang disenyo at konstruksyon ng mgagusali sa Asya at Europa (www.vigan.gov.ph) . Isang modelo ito ng pagpapanatili ngpagkakakilanlan at kasaysayan ng bansa, at ito ay kapansin-pansin sa mga bahay namatatagpuan sa Vigan. Paano nga ba nabuo ang mga bahay dito? Noong panahon ng mga katutubo angmga bahay ay yari sa kahoy, kawayan, kogon at nipa, ngunit madali itong nasisirakapag may bagyo. Ikalabing-pitong siglo nang ituro ng mga kastila ang paggawa ngbahay na yari sa bato, briks at lime mortar (www.vigancity.gov.ph) . Ang ganitong uring mga kagamitan ay hindi madaling masunog ngunit madaling mawasak ng lindol.Dahil dito, ang mga katutubo ay nakabuo ng bagong disenyo na hindi madalingmasunog at hindi madaling masira ng lindol. Pinagsanib nila ang konsepto ng bahay-kubo at estilo ng bahay sa Europa, kung kaya hindi madaling masira ang mga ito ngkalamidad. Maraming bahagi sa mga bahay dito ang kakikitaan ng pinagsanib na istrukturaat konseptong katutubo at kanluranin. Halimbawa, ang mga bahay sa Vigan ay binubuong dalawang palapag. Ang unang palapag ng bahay ay pinaglalagyan ng karwahe atbodega.Mayroong dalawang pintuan. Ang una ay tinatawag na puwerta o pangunahingpintuan. Ito ay malapad kaya kayang ipasok ang karwahe o karosa. Puwertita o maliitna pituan naman ang tawag sa ikalawang pintuan. Dito pinapapasok ang mga bisita.Hinihila ang lubid sa ikalawang palapag upang mabuksan ang puwertita. Ang hagdananay may dalawang bahagi. Ang unang bahagi ay binubuo ng tatlo hanggang apat nabaitang. Dito pinatutuloy ang mga ordinaryong bisita. Ang ikalawang bahagi aymahabang hagdanan patungo sa ikalawang palapag. Sa caida o antesala pinatutuloyang mga importanteng bisita. Sa sala naman ginaganap ang mga importanteng okasyonat dito rin nagtitipun-tipon ang pamilya. Itinuturing na pinakaimportanteng bahagi ngbahay ang sala. Tulad ng bahay-kubo ang kwarto ay matatagpuan sa dulo ng sala o dilikaya ay nakahiwalay sa komedor, papunta sa kusina. Ang asotea ay makikita sa likodng ikalawang palapag. Ito ay ekstensyon ng bahay. Dito nagpupunta ang mga nakatirasa bahay pagkatapos ng hapunan upang magpahangin o dili kaya dito pinatutuloy angmga manliligaw. Malalaki at maluluwang ang mga bintana upang makapasok ang 10
liwanag at hangin. Sa ilalim ng bintana ay may dalawang ventanillas o maliliit na bintana. Dito sumisilip ang mga bata upang mapanood ang parada o prusisyon. Taglay nito ang disenyong arkitektural na babagay sa isang tropikal na klima at arkipelagong bansa. Matapos ang limang taong pag-aaral at pagbalik-balik ng UNESCO sa Vigan, taong 1999 kinilala at napasama sa talaan ng UNESCO ang Vigan bilang isa sa pandaigdigang pamanang kultural. Sa kabila na ang Pilipinas ay naging lugar ng paglalaban noong ikalawang digmaang pandaigdig, taglay pa rin ng mga bahay dito ang kakanyahang sining ng mga katutubo, kanluranin at uri ng teknolohiya noong ika-18 at ika-19 na siglo. Makikita sa disenyong arkitektural ang makabuluhang pagbabago ng kasaysayan. Nakita mo ba ang mga tiyak na detalyeng sasagot sa mga tanong? Ibigay mo nga. Tingnan mokung ang mga sagot mo ay kahawig ng mga sumusunod. Kung hindi balikan mong muli ang teksto. a. bukana ng ilog Abra, hilagang kanluran ng baybaying Luzon b. Makikita sa ayos ng plasa ang malaking impluwensya ng kastila. Magkakatabi ang simbahan, munisipyo at plasa. Malapit sa mga nasabing lugar ang bahay ng mga ilustrado at mestiso. Taglay din ng mga bahay sa Vigan ang pinagsanib na istruktura at konseptong katutubo at kanluranin. c. Ang bawat bahay ay binubuo ng dalawang palapag. Ang unang palapag ng bahay ay pinaglalagyan ng karwahe at bodega. Makikita ang dalawang pintuan. Ang una ay ang pangunahing pintuan na pinapasukan ng karwahe. Ang ikalawang pintuan ay maliit at dito pinatutuloy ang mga bisita. Ang unang makikita sa ikalawang palapag ng bahay ay caida o antesala, kasunod nito ay sala at sa dulong bahagi nito ay kwarto. Sa likod ng ikalawang palapag ay may ekstensyon at ito ay tinatawag na asotea. d. taong 1999 Ngayon naman ay sagutin mo ang dalawang tanong sa ibaba. Isulat sa sagutang papel angiyong mga sagot.1. Ano ang paksa ng sanaysay?2.Ibigay ang pangunahing kaisipan ng mga sumusunod na talata. a. Makikita sa pagkakaayos ng bayan ng Vigan ang malaking impluwensya ng mga kastila. Ang gitna nito ay ang Plaza Salcedo at nakaangkla sa plasa ang katedral at arzobispado (bahay ng arsobispo), sa tapat nito o sa kabilang dulo ng plaza ay ang munisipyo at ang gusali ng gobernador. Magkakalapit o magkakatabi ang simbahan, munisipyo at plasa, palatandaan na nasakop ito ng mga kastila. 11
b. Kitang-kita rin ang panlipunang pagtatangi-tangi ( social stratification) noong panahon ng Kastila. Ang bahay ng mga ilustrado at mestiso ay nakatayo malapit sa simbahan, munisipyo at plasa. Malayo sa mga nasabing lugar ang bahay ng mga indyo. Tingnan mo kung ganito ang iyong mga sagot. Tama bang lahat ang iyong sagot? Kung hindi basahin mo uli ang sub-aralin. 1. Vigan 2. Pangunahing Kaisipan a. ayos ng bayan ng Vigan b. lugar na kinatatayuan ng bahay ng mga ilustrado at mestisoPagbibigay ng Singkahulugan Ang teksto ay gumamit ng iba’t ibang salita na magsing kahulugan. Hanapin mo angsingkahulugan ng mga sumusunod na salita sa sanaysay. 1. andana 2. puwerta 3. caida 4. payaw 5. sala Kung ang sagot mo ay ang mga sumusunod. Tama ka. 1. andana – baiting 2. puwerta – pangunahing pintuan 3. caida- maliit na sala o antesala 4. payaw – hagdan-hagdang palayan 5. sala – mas malaki sa caida at pinamamahalagang bahagi ng bahayLagumin Tinalakay sa sub-aralin na ito ang mga katangiang dapat taglayin ng isang imformativ nateksto. Ang kakanyahang katangiang taglay nito ay naglalaman ng totoong imformasyon at hindilikhang-isip. Bunga ng isang maingat na pag-aaral ang mga nakalahad dito. Natutunan mo rin ang pag-alam sa paksa o tapik ng teksto at pagkuha ng pangunahingkaisipan sa teksto. Ang paksa ay ang pinag-uusapan sa sanaysay. Ang pangunahing kaisipan namanay ang pinakamahalagang kaisipan tungkol sa paksa. 12
Subukin Handa ka na marahil sa isang pagsubok. Ang mga informasyong nakatala sa ibaba ay tungkolsa Puerto Princesa Subterranean River. Basahin mo ang tungkol dito pagkatapos ay sagutin mo angmga sumusunod na tanong . Isulat mo sa iyong sagutang papel ang bilang kung saan makikita angsagot sa mga tanong.1. Saan makikita ang Puerto Princesa Subterranean River?2. Gaano kalawak ang lugar na ito?3. Ano ang pangunahing katangian nito?4. Ibigay ang iba’t ibang organismo (habitat for biodiversity) na makikita sa lugar na ito.5. Kailan ito isinama ng UNESCO sa kanilang talaan bilang isa sa pandaigdigang pamanang kultural?6. Anu-ano pa ang mga karangalan na ibinigay dito?1. Bansa : Pilipinas2. Pangalan : Puerto Princesa Subterranean River3. Lokasyong Hiyografikal : * Mga bulubunduking St. Paul * 8 kilometro hilagang kanluran mula sa siyudad ng Puerto Princesa * hilagang baybayin ng Palawan4. Lawak : 20, 202 ektarya ( core zone – 5, 753 ektarya at buffer zone –5. Diskripsyong Fisikal : 14, 449 ektarya)6. Ecosystem: * Ilog sa ilalim ng lupa ( subterranean river ) na may 8 kilometrong haba * 120 metrong lapad at 60 metrong taas * limestone karst landscape * 295 uri ng punong kahoy * 800 uri ng tanim * 30 uri ng mammals * 18 uri ng buwaya * 10 uri ng amphibians * 62 uri ng coral reef fishes * 41 uri ng paruparo * 91 uri ng ibon * 8 uri ng paniki * 5 uri ng gubat Tropical rain forest Beach forest Mangroves Sandy beaches Coral reefs 13
7. Kasaysayan: 1992 Pinarangalan ng Pacific Asia Travel Association (PATA) sa kategoryang Environmental Enhancement 1993 Paglilipat ng DENR sa local na pamahalaan ang pamamahala sa Subterranean River. 1999 Kinilala ng UNESCO bilang isa sa pandaigdigang pamanang kultural dahil sa likas napakagandang tanawin at makabuluhang ekolohikal.Tingnan mo kung ganito ang iyong mga sagot. 1. 3 2. 4 3. 5 4. 6 5. 7 6. 7 Kung sa palagay mo ay kailangan mo pa ng dagdag na pagsasanay pumunta ka sa Paunlarin.Kung hindi na, maaari mo nang pag-aralan ang sub-aralin 2.Paunlarin Narito ang sanaysay tungkol sa mga impormasyon na nakalahad sa Subukin. Basahin atsagutin ang mga tanong sa ibaba. Isulat ang sagot sa sagutang papel. 1. Ano ang paksa ng sanaysay? 2. Ibigay ang pangunahing kaisipan sa talata 2,3, 5 at 7. Ang Ilog sa Ilalim ng Lupa 14
Ang Ilog sa Ilalim ng Lupa Aurora F. Mambiar1. Nakabibinging katahimikan at alingawngaw ng kalikasan. Ito ang mararanasansa loob ng Puerto Princesa Subterranean River National Park. Isa saipinagmamalaking yaman ng bansang Pilipinas.2. Ang Puerto Princesa ay dating kilala sa tawag na St. Paul Subterranean RiverNational Park. Ito ay matatagpuan sa hilagang baybayin ng Palawan. Ito aywalumpung kilometro, hilagang kanluran (unep-wcmc.org) mula sa siyudad ngPuerto Princesa. Ang core zone nito ay may 5,753 ektarya at ang buffer zone aymay 14, 449 ektarya. Sa kabuuan, ito ay may lawak na 20,202 ektarya, kasama naang mga sangang ilog ng underground river. Nailipat sa pagmamay-ari ngpamahalaan ang core zone noong 1992. Inilipat ng DENR ang pamamahala atpangangalaga nito sa lokal na pamahalaan ng Puerto Princesa, noong 1993.3. Ang pangunahing katangian nito ay ang kamangha-manghang ilog sa ilalimng lupa na may habang walong kilometro at naglalagos patungo sa dagat. Ito aymay lapad na 120 metro at taas na 60 metro (unep-wcnc.org) . Kung lalakbayinang kahabaan ng ilog, kakikitaan ito ng mapakaraming stalactite at stalagmite .Kilalang- kilala ito sa taglay na limestone karst landscape. Ang makapal atmasukal na gubat ang nagsisilbing hangganan at harang ng siyudad ng Palawan.Lalong naging makabuluhan ang taglay nitong katangian dahil pinananahanan itong iba’t ibang organismo ( habitat for biodiversity ).4. Ayon kay Kuntze sa kanyang ulat sa Manila Times ang lugar na ito aykakikitaan ng 295 uri ng punong kahoy, 800 uri ng tanim, 30 uri ng mammals, 18uri ng buwaya, 10 uri ng amphibians, 62 uri ng coral reef fishies, 41 uri ngparuparo, 91 uri ng ibon at 8 klase ng paniki. Taglay nito ang malawak naecosysytem. Mula sa tropical rainforest at beach forest hanggang sa mangroves,sandy beaches at coral reefs. itinuturing na iilan ito sa pinakamahalagang gubat saAsya.5. Nagkaroon ng maraming parangal ang lugar na ito. Isa na rito ay ang parangalna ibinigay ng Pacific Asia Travel Association (PATA) noong 1992 ( unep-wcnc.org) sa kategoryang Environmental Enhancement. Taong 1999 (unep-wcnc.org) nang isinama ito ng UNESCO sa kanilang talaan ng pandaigdigangpamanang kultural dahil sa likas na napakaganda at makabuluhang ekolohikal nataglay nito.6. Dahil sa kasikatan ng subterranean , naglunsad ng maraming programa anglokal na pamahalaan upang ganap na mapangalagaan ang kalikasan. Ayon sa 15
UNESCO ang mga programa ay maingat at tagumpay na ipinatupad ngpamahalaan ng Puerto Princesa na nagdala ng maraming karangalan mula sanasyonal at internasyonal sa lokal na pamahalaan na pinamumunuan ni MayorEdward S. Hagedorn.7. Ang makabuluhang katangian nito ang nagbunsod kay Mayor Edward S.Hagedorn upang gawing modelo ang Puerto Princesa para sa ecotorism atpinaggaganapan ng mga kombensyon sa Pilipinas.8. Malinaw na mahalaga ang political will upang maisulong ang mga programangmagpoprotekta sa pamana ng lahi tulad ng naipakita ng lokal na pamahalaan ngPuerto Princesa sa ilalim ng pamumuno ni Mayor Hagedorn. Ihambing mo ang mga sagot sa ibaba. Kung tamang lahat ang sagot mo, binabati kita. Kunghindi balikan mo uli ang teksto. 1. Ang paksa ng sanaysay ay tungkol sa Puerto Princesa Subterranean River 2. Pangunahing kaisipan: Talata 2: Ang lawak ng sakop nito at nangangalaga sa lugar. Talata 3: Ang pangunahing katangian at ang mga makikita dito. Talata 5: Ang tagumpay ng mga programa na inilunsad ng lokal na pamahalaan. Talata 7 : Ang kahalagahan ng political will ng namumuno.Sub – Aralin 2 Pagbibigay - HinuhaNarito pa ang isang aralin. Makapagpapayaman ito ng mga natamo mo ng kasanayan.Layunin: Pagkatapos ng sub-aralin na ito inaasahang magagawa mo na ang mga sumusunod: 1. nakapagbibigay ng mga kahulugan ng salitang magkasalungat 2. nakabubuo ng hinuha mula sa binasang teksto 16
Alamin Marahil humanga ka sa talino at galing ng ating mga ninuno matapos mong pag-aralan angSub – Aralin 1. Sa kabila ng mga pagbabago at pananakop sa loob ng daan –daang taon hindihinayaan ng mga ninuno na tuluyang mawala ang pagkakakilanlan ng lahing Pilipino. Ang patunaynito ay makikita sa ayos ng mga bahay sa Vigan. Marahil nagkaroon ka rin ng ideya kung ano ang sibilisasyon ng lipunang Pilipino bagodumating ang mga Kastila. Ang panahong ito ay tinatawag na panahon ng katutubo. Isa sa tangingbuhay na katibayan nito ay ang hagdan-hagdang palayan. Ngayon ipagpapatuloy mo ang paglalakbay- aral.Linangin Basahin mo ang pamagat. Sa palagay mo, bakit nanganganib ang Pay-yo? Natatandaan mo ba kung ano ang Pay-yo? Ang hagdan-hagdang palayan di ba? May mga varying ito. Bakit kaya ganito. Anu-ano iyon? Tama, ito ay Payaw at Pyew. Bakit kaya ito nanganganib? Sige alamin mo sa teksto. Nanganganib na Pay-yo Aurora F. Mambiar 1. Hagdan-hagdang palayan, rice terraces, Pacific Grand Canyon at hanging garden of Babylon ( members.tripod.com ) ay ilan lamang sa maraming katawagan na ibinigay sa ginawa ng mga Ifugaw. Ano man ang katawagang ibinugay nila dito mahalagang gamitin ang katawagan ng mga Ifugao sa kanilang ginawa. Ito ay ang Pay-yo. Ang varyant ng salitang Pay-yo ay Payaw at Payew: Hinangaan ng buong mundo at ibinilang sa talaan ng UNESCO bilang isa sa pandaigdigang pamanang kultural . 2. Ano nga ba ang sinabi ng mga pyramid ng Ehipto, magagarang templo at monumento, tulad ng Taj Mahal ng India, Angkor Wat ng Cambodia, Ananda Temple ng Burma (Myanmar) at Borobudur ng Indonesia kung ihahambing sa ating Pay-yo? 17
3. Isang buhay na simbulo na ang mga Pilipino ay mapagmahal sa kalayaan. Para sa mga Pilipino ang lipunan ay nabubuo sa pamamagitan ng kolektiv at kooperativ at hindi individwalistik at kompetitiv. Naitayo ito sa pamamagitan ng kolektibo at kooperatibong paggawa at hindi tulad ng ibang pandaigdigang pamanang kultural na naitayo dahil sa may naghahari at may inaalipin sa lipunan. Hindi ito itinayo dahil lamang sa kaligayahan at kapakinabangan ng isa o iilang tao, kundi ito ay itinayo dahil sa kabutihan at kapakinabangan ng mamamayan. Upang makatugon sa pangunahing pangangailangan ng buong bayan.4. Inihambing noon sa isang paraiso ang ulap na lupaing ito sapagkat kung tatanawin sa kalayuan malawak na hagdan-hagdang palayan ang makikita. Kulay berde atpunung - puno ng uhay, ngunit ngayon damo ang makikita sa ibang bahagi ng Pay-yo.Unti-unti na itong nasisira. Ayon sa ulat ng ilang mananaliksik sira na ang ikatlongbahagi nito. Tama ba ang hula na ginawa mo? Oo, kasi unti-unti itong nasisira at sira na ang ikatlong bahagi ng Pay-yo. Nakalulungkot ano? Ano kaya ang dahilan ng pagkasira ng ibang bahagi nito? Hulaan mo ang sagot sa tanong.Basahin mo na ang sanaysay. Tingnan mo kung tama ang iyong hula.5. Nagsimula ang kawalang- interes sa pagsasaka nang buksan ang Solano-BanaueRoad ( Sa Abano) at iba pang daan patungong Banaue. Ang mga daang ito ay simbolong mga alternatibong gawaing pang-industriyal at bunga na rin ng modernisasyon.Naging madali ang paglikas para sa mga Ifugao lalung- lalo na sa mga kabataan upangmaghanap ng trabaho sa ibang lugar.6. Ayon kay Gobernor Teddy Baguilat Jr. ( sa Abano, 2002) para sa mga kabataangIfugaw ang pagsasaka ay hindi na praktikal at kapakipakinabang. Bukod sa maliit nakita sa pagsasaka matagal din bago ito maging pera. Dagdag pa nito matagal atnakapapagod ang pagsasaka. Nangangailangan ng manwal at intensibong paggawakaya mas ginugusto pa ng ibang katutubo ang mga gawaing pangturismo tulad ngpaghabi, pag-ukit ng kahoy at paggabay sa mga turista kaysa sa pagsasaka. Tama ba ang hula mo? Ano ang dahilan ng unti-unting pagkasira ng Pay-yo? Tama, dahil sa kawalang interes ng mga kabataang Ifugao sa pagsasaka at bunga rin ng modernisasyon. Pinabayaan na ang Pay-yo. Ano kaya sa palagay mo ang posibleng mangyari kung hindi maagapan ang pagkasira at mapanumbalik ang dating anyo ng Pay-yo? Ipagpapatuloy mo ang iyong pagbabasa. Tandaan mo ulit ang iyong hula. 18
7. Nagbabala ang International Union for Conservation of Nature (IUCN) atInternational Council of Monuments and Sites (Icomos) (Sa Abano) na kapag hindinaagapan sa loob ng sampung taon ang tuloy – tuloy na pagkasira nito ay posiblengmawala ito sa talaan ng pandaigdigang pamanang kultural ng Pilipinas. Tama ba ang hula mo? Ano ang magiging epekto kung hindi maagapan ang pagkasira ng Pay-yo? Oo, tatanggalin ito sa talaan ng pandaigdigang pamanang kultural ng Pilipinas. May ginawa kayang hakbang ang mga kinauukulan? Hulaan mo kung mayroon at anu-ano kaya iyon? Tatapusin mo ang pagbabasa sa teksto. Tandaan mo ang iyong hula.8. Maging ang mga matatandang Ifugao ay nagsasabi na kailangang mapanatili anghagdan-hagdang palayan. Kailangang mapanumbalik at mahikayat ang mga kabataanna pahalagahan ang pamanang kayamanan na ito. Mahalagang mapanatili atmaipagpatuloy ang talino, kasanayan ng mga ninuno at tradisyunal na paraan ngpamumuhay ng mga Ifugao.9. Maraming mungkahi ang nabuo upang mapanumbalik ang dating anyo nito (saAbano). Isa na rito ang iminungkahi ng mga matatandang Ifugao. Ayon sa kanilakailangang sarhan ang mga daan patungong Banaue lalong lalo na ang Solano-Banaueroad.10. Ang pamahalaan, sa pamamagitan ng Departamento ng Turismo nagsasagawa ngpamamaraan upang mapanumbalik ang dating anyo ng Pay-yo. Ayon sa ulat, maynabuong plano na nangangailangan ng 1.31 bilyong piso (sa Enriquez) para sa nasabinglugar.11. Ang suliraning ito ay hindi lamang problema ng mga Ifugao kundi problema ito nadapat harapin at bigyan ng agarang aksyon ng buong nasyon. Sa Pay-yo natitipon angtalino, kasanayan, pananaw, pilosopiya, at malaking bahagi ng kasaysayan sa panahonng katutubo. Ang Pay-yo ay isang buhay na pamana ng lahi, kapag tuluyang nasira itoay tuluyan na ring binura ang malaking bahagi ng ating nakaraan. Tama ba ang iyong hula? Marahil ay medyo ano? May mga aksyon ba na ginawa ang mga kinauukulan? Oo, may mga iminungkahi ang mga matatandang Ifugao at may binuong plano ang pamahalaan upang mapanumbalik ang dating anyo ng Pya-yo. 19
Ano kaya ang layunin ng awtor sa pagsulat? Tsekan () mo ang bilang ng posibleng layunin ng awtor. _____1. Upang ipaalam sa tao na may problema sa Payaw. _____2. Manawagan sa lahat ng Pilipino na ang problema sa Payaw ay problema ng buong bansa. _____3. Tumulong sa mga Ifugao. _____4. Mahikayat muli ang mga kabataang Ifugao na magsaka sa Payaw. _____5. Upang magsilbing hamon ito sa lahat na kumilos ng agarang aksyon sa problema. Nilagyan mo na ba ng stek ang lahat ng mga bilang? Kung gayon, tama ka. Alam mo ba na ang mga ginawa mo sa umpisa pa lamang ng Linangin hanggang sa pagtsitsek ay paghula o pagbuo ng hinuha? Ang hinuha ay pagbibigay ng sariling opinyon mula sa mga informasyon na nabasa. Sa pagbibigay hinuha ang mahalagang sangkap ang paggamit ng dating kaalaman at karanasan. Nakapagbibigay ng tamang hula ang isang mag-aaral kapag marami siyang nakaimbak na dating kaalaman at karanasan na naiuugnay niya sa bagong imformasyon. Ngayon balikan mo ang ilang salita may magkakasalungat ang kahulugan na ginamit sa teksto.Pagbibigay Kahulugan sa mga Salitang Magkasalungat Ang mga salitang magkatapat sa bawat bilang ay magkasalungat ang kahulugan. Hulaan mokung ano ang kahulugan ng bawat isa batay sa kung paano ginamit ang mga ito sa teksto. Isulat moang iyong sagot sa sagutang papel. 1. kolektiv – individwalistik 2. kooperativ – kompetitiv 3. hari – alipin 4. tradisyunal – makabago 5. modernisasyon – katutubong pamumuhay Kung ang mga sagot mo ay ang mga sumusunod tama ka. 1. Ang kolektiv ay nangangahulugang sama-sama o tulong-tulong, kaya may konsepto tayo ng bayanihan. Ang idividwalistik naman ay kanya-kanya o walang pakialam sa iba. 2. Ang kooperativ ay walang kompetensya o walang paligsahan, kaya wala tayong hari at reyna, walang inaalipin at walang nang-aalipin, walang malakas at walang mahina. 20
Lahat ay nagtutulungan. Samantalang ang kompetitiv ay mayroong kompetensya o mayroong paligsahan. Kaya mayroong konsepto ng hari at reyna sa ibang bansa. 3. Ang hari ay nangangahulugang ang isang tao ay nasa pribelehiyong katayuan sa lipunan na may absolut na kapangyariahan. Ang alipin ay nangangahulugang isang taong nasa pinakamababang antas ng lipunan at walang anumang karapatan. 4. Ang tradisyunal ay makalumang paraan o gawi na hindi pa gaanong napapasukan ng anumang ideya o paraan ng pamumuhay mula sa labas ng lipunan. Ang makabago naman ay inobasyon mula sa pagiging tradisyunal. 5. Ang modernisasyon ay transformasyon mula sa pagiging katutubo tungo sa mabilis na paraan ng pamumuhay. Kaakibat nito ang makabagong teknolohiya at kaalaman. Samantalang ang katutubong pamumuhay ay ang pagiging puro nito at walang halong impluwensya ng mga dayuhan. Narito ang isang bahagi ng balita mula sa Palawan Times. Tuluyan kayang makulong ang mga nahuling ilegal na mangingisda sa Palawan? Ito kaya ang kauna-unahang pagkakataon na nangisda sila sa dagat ng Pilipinas? Basahin mo ang teksto at kumpirmahin mo kung tama ang iyong hula. Indonesians Huli sa Balabac ni Joy Tabuada- Asignacion Nahaharap ngayon sa mga kasong Poaching at Illegal Entry ang limang Indonesians na nahuli ng Philippine Navy sa Balabac, Palawan nationals na nangingisda . Sa panayam kay Provincial Committee on Illegal Entrants (PCIE) chairman, Col. Jose Balane sinabi nito na pinag-aaralan pa sa ngayon ng PCIE ang posibilidad ng pagsasampa ng kasong “illegal fishing” maliban sa poaching at illegal entry sapagkat nahuli nito sa aktong nagtro-trawl fishing. Nakuha rin sa mga Indonesian fishermen na lulan ng isang Malaysian fishing boat ang 200 kilong hipon, 100 kilo ng iba’t ibang uri ng isda. Palawan Times Vol.XI No. 237 Kung ang sagot mo ay ang mga sumusunod. Binabati kita.1. Hindi sila pakakawalan dahil huli sila sa akto at sa mga katibayan na nakuha. Tuluyan silang ikukulong .2. Maraming ulit na silang nangingisda sa karagatan ng Pilipinas. Ayon sa Philippine Navy, matagal na itong minamanmanan. 21
Gamitin Ngayon tingnan natin kung kaya mong gamitin ang mga natutunan mo. Muli kang bumuo ngmga hula tungkol sa mga sumusunod. 1. Ano kaya ang posibleng epekto ng quarrying activity sa lungsod ng Puerto Princesa 2. Ano ang quarrying? Basahin mo na ang bahagi ng balita mula sa Palawan Times at kumpirmahin kung tama ka. Quarrying sa Lucbuan Ipinatigil ng PENRO ni Joy Tabuada-Asignacion Pinatigil ng Provincial Environment ang Natural Resources Office ( PENRO) ang pangunguha ng graba at buhangin sa Bgy. Lucban lungsod ng Puerto Princesa. Sa panayam ng Manila Times kay PENRO Ivene Reyes, ipinag- utos niya sa We Eng Construction na itigil na ang kanilang quarrying activity sa naturang lugar dahil sa ang lupang kanilang pinagkukunan ng graba ay dineklarang “timberland” . Maliban dito ay walang maipakitang dokumento tulad ng Environmental Compliance Certificate (ECC) at permiso buhat sa Pamahalaang Lungsod ang naturang kompanya. Palawan Times Vol. XI No. 237 Tingnan mo kung katulad nito ang iyong mga sagot. 1. Ang mga sumussunod ay posibleng mangyari a. landslide at siltation o pagguho ng mga lupa sa dagat dahil wala ng graba na magho-hold sa lupa b. Pagkamatay ng mga yamang dagat kung sakaling magkakaroon ng siltation at buhay ng mga tao. c. pagkawala ng mga punong kahoy sa lugar ng pinagka-quarrying d. Masisira ang mga likas- yaman ng Pilipinas at maaaring bumaba ang katanyagan ng Palawan. 22
2. Ang quarrying ay pagkuha ng graba sa bundok. Naririto pa ang isang gawain na magsasanay sa iyo sa pagbubuo ng hinuha. Batay sa mgainformasyon na nakalagay sa kahon, hulaan mo kung ano ang tamang sagot sa mga tanong na nasaibaba.1. Ano ang kahulugan ng salitang Tubbataha?A. mataas na bato sa gitna ng dagatB. mahabang bagay na may kaugnayan sa reefC. iba’t ibang uri ng koralD. yamang dagat2. Saan ito matatagpuan?A. Palawan B. Sulu C. Mindoro D. Cebu3. Ano ang panganib na nagaganap sa lugar?A. Maraming nakakapasok na ilegal na mangingisda.B. Maraming nagaganap na smugglingC. Maraming namamatay na koralD. Palala ng palala ang polusyon4. Ano ang hakbang na isinagawa ng pamahalaan para sa konservasyon ng Tubbataha reef?A. Nagtatag ng puwersa na magbabantay sa Tubbataha.B. Nangangalap ng pondo upang mapanatili ang Tubbataha.C. Nanghingi ng tulong mula sa ibang bansa.D. Wala pang hakbang na ginagawa.5. Bakit kilala ang lugar na ito sa buong mundo?A. dahil sa ginawa ng AbusayafB. dahil sa ganda nitoC. dahil isa ito sa pamanang kultural ng mga PilipinoD. dahil sa maraming muslim ang nakatira dito. 23
Tubbataha Reef Pilipinas, Rehiyon IV, Palawan 1993- World Heritage Site Dekada 80 – bumaba ang mga buhay na koral at nakaranas ng pinakamalaking antas ng pagkasira 1993 – kinilala ng UNESCO 1995- Binuo ang Task Force for the Tubbataha reef Uri ng aquatic life - 300 uri ng koral, 400 uri ng isda, coral garden, coral tower, pawikan, lionfish, pating, lobster at iba pa.Basahin mo ang sanaysay tungkol sa Tubbataha at alamin kung tama ang iyong mga hula. 24
Tubbataha Reef Aurora F. Mambiar1. Tubbataha reef – kauna – unahang tanawin sa Pilipinas na itinalaga ngUNESCO bilang isa sa World Heritage Site noong 1993 (sa Ledesma atMejia) dahil sa taglay nitong globally significant biodiversity.2. Taong 1998 sa bisa ng Proklama bilang 306 (Sa Valencia) ipinahayag ngpamahalaan na ang Tubbataha Reef at ang mga malalapit na lugar nito ayisang National Marine Park.3. Ang salitang tubbataha ay galing sa salitang muslim(www.tourism.gov.ph) tubba ibig sabihin ay mahaba at taha ibig sabihin aybagay na may kaugnayan sa lagun o reef . Matatagpuan ang Tubbataha reefsa rehiyon IV, lalawigan ng Palawan sa gitna ng dagat ng Sulu (saValencia). Ang lawak nito ay 33,200 ektarya (Valencia) na kakikitaan ngmaraming uri ng cquatic life (ncca.gov.ph) , tulad ng 300 uri ng koral,pinakamalaking uri ng coral reef, 400 na uri ng isda, malalaking uri ngpawikan, lionfish at pating na mas malaki sa karaniwang laki na makikita saibang diving site. Sa lalim na dalawampu’t limang talampakan kitang kitaang makukulay at magagandang isda. Labing limang metro (Valencia) mulasa lugar ng pagtatalunan (diving) makikita ang sandy slope, ang paboritonglugar na tinutulugan ng mga pating at lobster. Sa hilagang bahagi makikitaang malalaking coral garden , coral tower na hindi karaniwan ang laki.Ang lugar na ito ang kakikitaan ng pinakamaraming uri ng isda sa buongPilipinas.4. Sa kabila ng kalayuan nito hindi pa rin ligtas ang lugar sa mga iligal namangingisda. Noong 1989 (Ledesma at Mejia) napag-alaman na bumabaang bilang ng mga buhay ng koral at sa dekada 80 (Laedsma at Mejia)nakaranas ng pinakamataas na antas ng pagkasira sa lugar na ito .5. Noong July 1995 (sa Valencia) sa ilalim ng administrasyon ng datingpangulong Fidel V. Ramos binuo ang Task Force for the Tubbataha ReefNational Marine Park na bubuo at magsasagawa ng mga hakbang upangmapigil ang tuluyang pagkasira ng kalikasan . Sa mga nakalipas na limang taon magkaakibat ang Philippine Navyat World Wide Fund for Nature o WWF – Philippines (sa Valencia) sapagbabantay ng Tubbataha laban sa mga iligal na gawain. Sa kasalukuyan magkasanib (Valencia) ang puwersa ng PalawanCouncil for Sustainable Development , lokal na pamahalaan at WWF –Philippines upang mapangalagaan ang lugar. Dagdag nito ang DENR, WWF 25
– Philippines at UN Development Program ay lumagda ng kasunduan para sa taunang proyektong pondo na nagkakahalagang $750,000 (Sa Valencia) para mapanatili ang Tubbataha Reef. Ang resposabilidad ng pagpapanatili sa Tubbataha reef ay nakasalalay hindi lamang sa lokal, nasyonal na pamahalaan at internasyonal na organisasyon kundi lalo’t higit sa mga mamamayan na nakatira malapit sa Tubbataha reef. Kailangang magkaisa ang pamahalaan sa pagpapanatili ng yaman ng Tubbataha. Sapagkat wala ng ibang matatagpuan sa bansa na nagtataglay ng parehong yaman at ganda na makikita sa Tubbataha. Hamon din sa lahat ng Pilipino na pangalagaan ang kalikasan ng bansa. Narito ang tamang sagot sa mga tanong. 1. B 2. A 3. A 4. A 5. CLagumin Tinalakay natin sa sub-aralin 2 ang pagbibigay ng kasalungat na kahulugan sa salita atpagbibigay hinuha sa isang tekstong informativ. Ang hinuha ay ang pagbibigay ng matalinongpanghuhula mula sa nabasang informasyon. Ang pagkakaroon ng maraming nakaimbak naimformasyon ay mahalagang sangkap upang makabuo ng tamang hinuha.Subukin Handa ka na marahil sa isa pang pagsubok. Sa pamamagitan ng mga impormsayon sa kahon,hulaan mo ang tamang sagot sa bawat bilang. Pambansang yaman ng Pilipinas Mummy Benguet Kweba ng Timbak, Tenangkol, Opdas at iba pa Isa sa 100 pinakananganganib na bagay sa buong mundo 26
1. Ano ang kahulugan ng mummy? 2. Saan ito matatagpuan? 3. Bakit nanganganib ito? 4. Bakit mahalaga ito sa atin ang mummy? 5. Ano kayang tribo ang kilala sa pagma-mummified? Basahin mo ang teksto tungkol sa mummy. Pagkatapos balikan mo ang iyong mga hula kungtama. Itinuturing na Pambansang Yaman ng Pilipinas ang nakitang mga mummy sa hilagang bahagi ng Luzon, partikular sa kwebang Benguet, kweba ng Timbak, Tenangkol, Opdas, Kabayan at iba pa. Ang tribong Ibaloi ang napag-alamang gumagawa ng mummy. Ang muling pagkakatuklas ng mga ito ay naganap sa pasimula ng mga taong 1900. Napag-alamang marami na ang nanakaw sa panahon ding ito. Nabanggit sa ulat ni Laarni Ilagan ng Manila Times (2003) na ang ilan sa mga ninakaw na mummy sa bayan ng Kabayan ay ipinagbibili sa San Francisco, California sa halagang 310,000 piso ( $5,637). Ayon sa Monument Watch ang mga mummy na natuklasan muli sa Pilipinas ay isa sa 100 Most Endangered Sites in the World. Kasing halaga ito ng mga pinakananganganib na monumentong pinangangalagaan at itinuturing na pamana ng lahi. Tingnan mo kung tama ang iyong mga sagot. 1. Ang mummy ay patay na katawan ng tao na priniserv sa pamamagitan ng paggamit ng mga halamang gamot at pagtatanggal ng mga tubig sa katawan nito. 2. Benguet at iba pang lalawigan sa hilagang bahagi ng Pilipinas 3. Sapagkat ninanakaw ang mga ito at ipinagbibili sa labas ng Pilipinas. 4. Sapagkat tinuturing itong Pambansang Yaman ng ating bansa. 5. Ibaloi Kung sa tingin mo ay kailangan mo pa ng dagdag na pagsasanay pumunta ka sa Paunlarin.Kung hindi maaari ka nang pumunta sa susunod na modyul. 27
Paunlarin Batay sa mga impormasyong nakatala sa ibaba bumuo ka ng hinuha kung saan patungkol angsanaysay. Isulat mo sa sagutang papel ang iyong hinuha. Bansa: Pilipinas Pangalan ng mga simbahan Taong Itinayo Lalawigan Sto. Tomas de Villanueva 1797 Iloilo Nuestra Senora de la Assuncion --- Sta. Maria, Ilocos Sur San Agustin 1694 Paoay, Ilocos Norte Ang sanaysay ay tungkol sa simbahang Nuestra Señora de la Assuncion ng Paoay, IlocosNorte bilang isa sa simbahang barok sa Pilipinas at isa sa pamanang kultural ng lahing Pilipino sakasaysayan ng daigdig. Gaano ka na kahusay?I. Pagpapalawak ng Bokabularyo: A. SingkahuluganPanuto: Hanapin sa mga pagpipilian ang kasingkahulugan ng mga salitang may salungguhit.Titik lamang ang isulat sa sagutang papel.1. Ang bawat andana ng lupa ay may taas na dalawa hanggang tatlong metro. A. baitang B. haba C. sukat D. lapad2. Dalawang pintuan mayroon ang bahay. Ang una ay puerta, dito pinapasok ang karwahe. A. pangunahing pintuan B. maliit na pintuan C. makitid na pintuan D. malapad na pintuan3. Sa caida pinatutuloy ang mga importanteng bisita. A. sala B. antesala C. asoteya D. komedor4. Maraming katawagang ibinigay ang mga dayuhan sa kamangha-manghang Pay-yo A. hagdan-hagdang palayan B. payaw C. payew D. lahat ng nabanggit 28
Search
Read the Text Version
- 1
- 2
- 3
- 4
- 5
- 6
- 7
- 8
- 9
- 10
- 11
- 12
- 13
- 14
- 15
- 16
- 17
- 18
- 19
- 20
- 21
- 22
- 23
- 24
- 25
- 26
- 27
- 28
- 29
- 30
- 31
- 32
- 33
- 34
- 35
- 36
- 37
- 38
- 39
- 40
- 41
- 42
- 43
- 44
- 45
- 46
- 47
- 48
- 49
- 50
- 51
- 52
- 53
- 54
- 55
- 56
- 57
- 58
- 59
- 60
- 61
- 62
- 63
- 64
- 65
- 66
- 67
- 68
- 69
- 70
- 71
- 72
- 73
- 74
- 75
- 76
- 77
- 78
- 79
- 80
- 81
- 82
- 83
- 84
- 85
- 86
- 87
- 88
- 89
- 90
- 91
- 92
- 93
- 94
- 95
- 96
- 97
- 98
- 99
- 100
- 101
- 102
- 103
- 104
- 105
- 106
- 107
- 108
- 109
- 110
- 111
- 112
- 113
- 114
- 115
- 116
- 117
- 118
- 119
- 120
- 121
- 122
- 123
- 124
- 125
- 126
- 127
- 128
- 129
- 130
- 131
- 132
- 133
- 134
- 135
- 136
- 137
- 138
- 139
- 140
- 141
- 142
- 143
- 144
- 145
- 146
- 147
- 148
- 149
- 150
- 151
- 152
- 153
- 154
- 155
- 156
- 157
- 158
- 159
- 160
- 161
- 162
- 163
- 164
- 165
- 166
- 167
- 168
- 169
- 170
- 171
- 172
- 173
- 174
- 175
- 176
- 177
- 178
- 179
- 180
- 181
- 182
- 183
- 184
- 185
- 186
- 187
- 188
- 189
- 190
- 191
- 192
- 193
- 194
- 195
- 196
- 197
- 198
- 199
- 200
- 201
- 202
- 203
- 204
- 205
- 206
- 207
- 208
- 209
- 210
- 211
- 212
- 213
- 214
- 215
- 216
- 217
- 218
- 219
- 220
- 221
- 222
- 223
- 224
- 225
- 226
- 227
- 228
- 229
- 230
- 231
- 232
- 233
- 234
- 235
- 236
- 237
- 238
- 239
- 240
- 241
- 242
- 243
- 244
- 245
- 246
- 247
- 248
- 249
- 250
- 251
- 252
- 253
- 254
- 255
- 256
- 257
- 258
- 259
- 260
- 261
- 262
- 263
- 264
- 265
- 266
- 267
- 268
- 269
- 270
- 271
- 272
- 273
- 274
- 275
- 276
- 277
- 278
- 279
- 280
- 281
- 282
- 283
- 284
- 285
- 286
- 287
- 288
- 289
- 290
- 291
- 292
- 293
- 294
- 295
- 296
- 297
- 298
- 299
- 300
- 301
- 302
- 303
- 304
- 305
- 306
- 307
- 308
- 309
- 310
- 311
- 312
- 313
- 314
- 315
- 316
- 317
- 318
- 319
- 320
- 321
- 322
- 323
- 324
- 325
- 326
- 327
- 328
- 329
- 330
- 331
- 332
- 333
- 334
- 335
- 336
- 337
- 338
- 339
- 340
- 341
- 342
- 343
- 344
- 345
- 346
- 347
- 348
- 349
- 350
- 351
- 352
- 353
- 354
- 355
- 356
- 357
- 358
- 359
- 360
- 361
- 362
- 363
- 364
- 365
- 366
- 367
- 368
- 369
- 370
- 371
- 372
- 373
- 374
- 375
- 376
- 377
- 378
- 379
- 380
- 381
- 382
- 383
- 384
- 385
- 386
- 387
- 388
- 389
- 390
- 391
- 392
- 393
- 394
- 395
- 396
- 397
- 398
- 399
- 400
- 401
- 402
- 403
- 404
- 405
- 406
- 407
- 408
- 409
- 410
- 411
- 412
- 413
- 414
- 415
- 416
- 417
- 418
- 419
- 420
- 421
- 422
- 423
- 424
- 425
- 426
- 427
- 428
- 429
- 430
- 431
- 432
- 433
- 434
- 435
- 436
- 437
- 438
- 439
- 440
- 441
- 442