Important Announcement
PubHTML5 Scheduled Server Maintenance on (GMT) Sunday, June 26th, 2:00 am - 8:00 am.
PubHTML5 site will be inoperative during the times indicated!

Home Explore FILIPINO 1 part2

FILIPINO 1 part2

Published by Palawan BlogOn, 2015-10-21 22:18:58

Description: FIL1part2

Search

Read the Text Version

A. Basahin at unawain nang mabuti ang hinihingi sa bawat aytem. Piliin ang titik ng tamang sagot. Isulat sa notbuk. 1. Itinuring siyang diktador ng bayan noong dekada ’70 at ‘80. A. B. C.2. Ang kauna-unahang babaeng pangulo ng Pilipinas pagkatapos ng people power noong 1986. A. B. C.3. Ang makapangyarihang boses ng simbahang Katoliko na nanawagan sa mga Pilipino na pumunta sa lansangan ng EDSA noong 1986 para suportahan sina Enrile, Ramos at iba pang militar. A. B. C.4. Ang ika-12 pangulo ng Pilipinas pagkatapos ng termino ni Aquino. A. B. C.5. Ang umupong pangulo ng Pilipinas pagkatapos ng EDSA DOS noong Enero 2001.A. B. C.6. Hinirang siyang hepe ng seguridad ng Ministro ng Depensa ng Pilipinas noong 1986.A. Fabian Ver B. Gregorio Honasan C. Juan Ponce Enrile7. Sinuportahan niya ang pasya ang Ministro ng Depensa na tumiwalag sa administrasyon niMarcos noong 1986.A. Fidel Ramos B. Gregorio Honasan C. Juan Ponce Enrile8. Bilang Ministro ng Depensa ay nagpasya siyang pakinggan ang sigaw ng bayan kaya nangunasiya sa pagtiwalag sa diktadurya ni Marcos noong 1986.A. Fidel Ramos B. Jaime Cardinal Sin C. Juan Ponce Enrile 48

9. Ang lumaban kay Marcos sa eleksyon bunsod ng hangaring ibalik ang demokrasya sa Pilipinasnoong 1980’s.A. Imelda Marcos B. Corazon Aquino C. Gloria Macapagal-Arroyo10. Ang dating Pangulo ng Pilipinas na nais pagbitiwin ng taong bayan noong EDSA DOS.A. Joseph Estrada B. Ferdinand Marcos C. Gloria Macapagal-ArroyoB. Piliin ang titik ng tamang sagot upang makumpleto ang mga sumusunod na impormasyon. Isulat sa notbuk ang sagot.11. Taong 1983 nang umuwi sa Pilipinas si Ninoy Aquino at sinalubong siya ng…A. banda ng musiko B. bala ng kamatayan C. patong-patong na kaso12. Umabot sa 11 oras ang martsa ng mga tao para ihatid si Ninoy sa…A. bahay B. kulungan C. sementeryo13. Sa pangunguna ni Juan Ponce Enrile at Fidel Ramos ay tumiwalag ang ilan sa mga pwersangmilitar sa ilalim ng administrasyon ni Marcos noong…A. Pebrero 21, 1986 B. Pebrero 22, 1986 C. Pebrero 23, 198614. Sama-samang nagkapit-kamay ang mga Pilipino para pigilan ang mga tangke sa paglusob sa Kampo Krame kaya sa bandang huli ay… A. maraming nasaktan B. walang dumanak na dugo C. naghanap ng ibang ruta ang mga tangke para makapasok sa kampo15. Sa gitna ng kaguluhan noong ika-25 ng Pebrero ay magkahiwalay na nagdaos ng inagurasyonsa pagkapangulo sina Aquino at…A. Marcos B. Estrada C. Macapagal-Arroyo16. Dahil sa people power ng mga Pilipino at panawagan ng pangulo ng Amerikang si RonaldReagan ay bumaba rin sa pwesto si Marcos at nilisan ang Pilipinas sakay ng helikopterpatungong…A. Guam B. Saipan C. Hong Kong17. Sa ikalawang pagkakataon, muling nagkaisa ang mga Pilipino laban sa masama o tiwalingpamahalaan kaya nagkaroon ng pager revolution o EDSA DOS pagkalipas ng …A. 10 taon B. 15 taon C. 20 taon18. Sa tulong ng cellphone ay mabilis na dumating sa EDSA Shrine ang mga Pilipinong humigit- kumulang sa… 49

A. 500,000 B. 1,000,000 C. 1,500,00019. Dahil sa bintang na korapsyon, nasampahan ng kaso na walang katumbas na pyansa angdating pangulo ng Pilipinas na si…A. Ferdinand Marcos B. Joseph Estrada C. Pareho20. Sa naganap na EDSA DOS o pager revolution, nakuha ni Gloria Macapagal-Arroyo angposisyong nabakante kaya naupo siya bilang bagong presidente ng Pilipinas noong…A. Enero 2001 B. Pebrero 2001 C. Mayo 2001C. Piliin ang titik ng tamang sagot upang mabuo ang talata 1, 2, 3 at 4. Isulat sa notbuk ang sagot.Talata 1 Ang pagkakaisa ng mga Pilipino sa kasaysayan ng EDSA ay nasaksihan ng buongmundo. Nakilala ang (A. gawaing B. pangyayaring C. pagdiriwang) ito bilang People 1Power at Pager Revolution. Naipamalas ito sa (A. unang B. huling C. makalawang) 2pagkakataon noong Pebrero 1986 at (A. matapos B. dumaan C. pagkalipas) ng 15 taon 3ay muling nabuhay sa EDSA DOS (A. noong B. mangyaring C. pagkaraang) Enero 2001. 4Talata 2 Hindi naging madali ang taong 1986 para sa (A. kabiyak B. kapatid C. katuwang) 5ni Ninoy na si Cory Aquino na harapin ang taong katulad ni Marcos na (A. nalasing sakapangyarihan B. nawala sa matinong pag-iisip C. naging masama at mapang-abuso) 6kaya maraming Pilipino ang nasaktan, naparusahan at namatay. Subalit lahat ng bagayay may hangganan dahil dumating din ang panahon ng (A. pag-alsa B. pag-ayaw 7C. pag-alma) na sinimulan nina Enrile at Ramos na kaagad namang sinuportahanni Cardinal Sin bilang (A. maimpluwensya B. maraming koneksyon C. makapangyarihang 8boses) ng simbahang Katoliko na sinusunod ng maraming Pilipino. 50

Talata 3 Nakatulong nang husto sa People Power ang kredibilidad ni (A. Butz AquinoB. Cardinal Sin C. Doy Laurel) nang nanawagan siya sa taong bayan para suportahan 9sina Enrile at Ramos sa loob ng kampo (A. Krame B. Capinpin C. El Dridge) mula sa 10pag-atake ng pwersang militar ni Marcos. (A. Pagkatapos B. Pagkalipas C. Pagkasunod) 11nagsimulang dumami ang tao at napuno ang mahabang lansangan ng EDSA noong(A. Pebrero 21, 1986 B. Pebrero 22,1986 C. Pebrero 23,1986). Kaya sama-samang 12nanalangin, nagkwentuhan, nagkantahan at nagkapit-kamay ang mahirap at mayamangPilipino.Talata 4 Patuloy sa pagvi-vigil ang taong bayan para pigilan ang paglusob ng tangke saloob ng kampo. (A. Pagkatapos B. Pagkasunod C. Pagkalipas) kausapin at bigyan ng 13bulaklak ang mga sundalo ng kanilang kapwa Pilipino ay hindi natuloy ang madugonglabanan. (A. Kasunod B. Patuloy C. Sa wakas), bumaba rin si Marcos sa kanyang pwesto 14at nilisan ang Malacañang. (A. Kinagabihan B. Sa isang iglap C. Sa bandang huli), nag- 15wagi ang kabutihan laban sa kasamaan kaya tinanghal na bayani ang maraming Pilipino.Direksyon: Piliin ang titik ng tamang sagot upang mabuo ang diyalogo. Isulat sa notbuk ang sagot.Diyalogo 1 51

Matalik na magkaibigan at magkasinggulang ang dalawang tinedyer.Liam : Tinitingnan mo ba ang larawan?Sansu : Oo. (A. Nabugnot B. Napatawa C. Gumaan) ang pakiramdam ko habang 16Liam :Sansu : tinitingnan ko ang litrato. Bakit?Liam : Dahil sa kabila ng mainit na tensyon ay nagawa ng dalawang Pilipina naSansu : (A. mambola B. magpapansin C. magbigay pag-asa) kahit na anumangLiam : 17 oras ay handang lumusob ang sundalo sa Kampo Krame. Anong epekto nito? Dahil sa simpleng ngiti at bulaklak ay maaring (A. mainis B. mapikon 18 C. mapayapa) ang tensyonadong kalooban ng sundalo at tiyak na makapagpapabago ng kanyang kilos o pasya sa oras na iyon. Oo nga, tama ka.Diyalogo 2Ang edad ng lolo ay 80 samantalang ang kanyang apo ay 15.Lolo : Kanina ka pa nakatingin diyan (A. baka B. tila C. talagang) nagustuhan moJules : 19Lolo :Jules : ang litrato.Lolo : (A. Oo B. Opo C. Ayaw), lolo. Kayo po?Jules : 20 (A. Oo B. Opo C. Nais) ko rin, apo. 21 Lolo, sa tingin ko (A. ibig B. dapat C. pwedeng) tanggapin ng sundalo 22 ang ibinibigay na bulaklak ng mga babae bilang tanda ng pakikiisa. Aba! (A. Nais B. Dapat C. Maari) tanggapin ng sundalo ang mga bulaklak 23 dahil tanda ito ng pakikiisa sa taong bayan nang manaig ang kapayapaan sa ating bansa. Oo nga lolo, tama kayo.Diyalogo 3Magpinsan ang dalawa at matanda ng isang taon si Rey kay Levi.Rey : Sa palagay mo ba (A. may tali sa ilong B. may krus sa dibdib C. may kaya 24 52

Levi : Sa buhay) ang sundalo sa litrato?Rey : Maari.Levi : Sa tingin ko, wala kasi tingnan mo tinanggap niya ‘yong bulaklak na binigay ng 2 babaeng sibilyan na kasama sa people power.Rey : Malay mo, baka (A. pabalat-bunga B. panakip-butas C. hipong tulog) langLevi : 25 niya ‘yon. Sa tantiya ko, bukal sa loob na tinanggap niya ang mga bulaklak dahil tila ayaw niyang kalabanin ang kapwa Pilipino. May katuwiran ka d’yan.D. Basahing mabuti ang texto at pagkatapos ay sagutin ang mga sumusunod na Tanong. Piliin ang titik ng tamang sagot. Isulat sa notbuk. Talumpati ni PGMA bilang Ika-14 na Pangulo ng Republika ng Pilipinas EDSA Shrine, Ortigas Aveñue, Enero 20, 2001 Textong hango mula sa orihinal at isinalin sa Filipino ni: Alona Jumaquio-Ardales Mga kapatid ko dito sa EDSA at sa buong Pilipinas, buong pagpakumbaba kong tinatanggap ang pribilehiyo at responsabilidad na gumanap bilang bagong presidente ng Republika ng Pilipinas. Natitiyak kong babalikan ng mga Pilipinong hindi pa ipinapanganak ngayon ang naganap ditosa EDSA 2001 na may pagmamalaki sa ating lahi. Katulad din ng buong paghanga nating paglingonsa pangyayari sa Mactan, Katipunan at iba pang himagsikan, sa Bataan at Corregidor, at sa EDSAnoong 1986. Ngunit saan nga ba tayo pupunta mula rito? Unang nagbigay ng sagot ay si Jose Rizal, pinayuhan niya ang mga Pilipinong mamuhay attumupad sa pangakong uunahin ang kapakanan ng bansa bago ang sarili. Muli kong ihahayag ang aking paniniwala na ang ating pamahalaan ay dapat na: 1. Malakas ang loob na harapin at labanan ang kahirapan. 2. Mapabuti ang moralidad ng gobyerno bilang matibay na pundasyon ng pamamahala.Mabago ang uri ng politika, hindi na personalidad ang titingnan kundi mga programa 1. at proseso ng diyalogo para sa tao upang makapagsulong ng tunay na reporma. 2. Magpakita ng magandang halimbawa ang pinuno sa pamamagitan ng masigasig na pagtatrabaho at hindi napapako sa salita, mamuhay ng disente’t may dignidad 53

Hinihiling ko ang inyong suporta at panalangin. Sama-sama tayong maghilom ng sugat at magbagong-buhay tungo sa pagkakaisa. Maraming salamat, pagpalain tayong lahat ng Poong Maykapal. http://www.opnet.ops.gov.ph/speech-2001jan20.htm26. Bakit nagbigay ng talumpati si Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo o PGMA? A. nanalo siya sa eleksyon B. pinalitan niya sa pwesto ang napatalsik na pangulo C. tinaguyod ng sambayanang maluklok siya sa Malacañang27. Paano tinanggap ni PGMA ang kanyang tungkulin bilang bagong pangulo ng Pilipinas?A. determinado B. buo ang loob C. mapagkumbaba28. Paano ipinahayag ni PGMA ang kanyang panukala o proposisyon sa pamamahalang bansa?A. malakas B. katamtaman C. napakalakas29. Sang-ayon ka ba sa mungkahi ni PGMA na “sama-sama tayong maghilom ng sugat atmagbagong-buhay tungo sa pagkakaisa.” A. Makabubuti para sa lahat ang mungkahing paghilom dahil nagkahiwa-hiwalay ang paniniwala ng mga Pilipino pagkatapos ng EDSA DOS. B. Pangit para sa bagong luklok sa pwesto na isabay sa paghilom ng kanyang puso ang hindi pa magaling na sugat ng mga tagasuporta ng dating pangulo. C. Hindi mainam para sa lahat ng Pilipino ang mungkahi niyang paghilom kung sariwa pa’t masakit ang sugat.30. Sa iyong palagay, napagbigyan ba ng mga Pilipino ang hiling na suporta at panalangin niPGMA? A. Sa aking palagay, hindi napagbigyan ng mga Pilipino ang kahilingan ni PGMA sapagkat marami pa ring nasasaktan at hindi masaya sa pamahalaan katulad ng mga rebeldeng Muslim sa Mindanao. B. Batay sa aking pagmamasid, napagbigyan ng mg Pilipino ang kahilingan ni PGMA dahil patuloy ang pagsuporta ng tao sa mga programa ng pamahalaan kagaya ng transportasyong MRT sa kahabaan ng EDSA. C. Sa tingin ko, hindi napagbigyan ng mga Pilipino ang kahilingan ni PGMA kasi hindi lahat ng Pilipino ay nagdadasal para sa kanya, halimbawa, iba-iba ang relihiyon ng mga Pilipino. 54

Susi sa Pagwawasto Modyul 15 Pagsasalaysay at Pagbuo ng mga Reaksyon sa mga Ideya, Proposisyon at Panukala Panimulang PagsusulitA. KAALAMANG PANGWIKA B. KASANAYANG PANGWIKA1. A 1. A2. C 2. A3. C 3. B4. C 4. C5. C 5. C6. A 6. A7. C 7. A8. A 8. A9. A 9. A10. A 10. A Pangwakas na Pagsusulit A. B.1. A 15. A 1. B 16. C2. B 16. A 2. A 17. C3. C 17. B 3. C 18. C4. B 18. B 4. A 19. B5. A 19. B 5. A/ C 20. B6. B 20. A 6. A/ C 21. C7. A 7. A/ C 22. C8. C 8. A/ C 23. B9. B 9. B 24. A10. A 10. A 25. A11. B 11. A 26. B12. C 12. C 27. C13. B 13. A 28. C14. B 14. C 29. A/ C 15. C 30. A/ B 1

Modyul 16 Pagsulat ng Anekdota Tungkol saan ang modyul na ito? Kumusta ka, kaibigan? Matagumpay mo bang napag-aralan ang mga naunang modyul? Nasagot mo ba nang buonghusay ang mga tanong? Mataas ba ang markang nakuha mo sa pagsusulit? Magaling kung ganoon! Magsaya ka sapagkat napatunayan mo sa iyong sarili na kaya mongmag-aral mag-isa. Itinatanong mo kung bakit masaya ang salitang nababasa mo? Mangyari, inihahanda lang kitadito sa modyul na pag-aaralan mo. Kung sa mga naunang modyul ay naging seryoso ka habangbinabasa mo ang mga aralin, sa modyul na ito ay medyo mapapangiti ka sapagkat di-seryoso angmababasa mong teksto. Nais mong malaman kung bakit? Simple lang ang aking maisasagot.. Ang pagkadi-seryoso ngmababasa mong teksto ay isa sa mga katangian ng bagong akda na matututuhan mo. Ang tawagdito’y anekdota. Ngayon mo lang narinig ang salitang ito? Alam mo ba kung paano ito isinusulat?Mangyari, ang aralin sa modyul na ito ay nauukol sa pagsulat ng anekdota. Uulitin ko, ang modyul na ito ay nauukol sa pagsulat ng anekdota kaya’t mahalagang mabasamo ang kabuuan ng mga aralin. Bilang paghahanda sa pagkatuto mo sa tatalakaying paksa at para lubusang magkaroon ka ngkaalaman sa kahulugan, mga elemento at ang wastong paraan ng pagsulat ng anekdota ay ipinaaalamko sa iyo ang nilalaman ng modyul na ito: Ang kabuuan ng modyul ay binubuo ng tatlong sub-aralin. Ang sub-aralin 1 ay nauukol sa iba’t ibang mga birong katawa-tawa, na nagiging bahagi ngiyong karanasan. Maaaring ang mga birong mababasa mo rito ay nabasa mo o narinig mo na. Maaaririn namang ikaw ang nagkuwento. Hindi ba’t naaaliw ka sa mga birong katawa-tawa na iyongnababasa, naririnig at naikukuwento? Ang sub-aralin 2 naman ay nauukol sa araling nagbibigay-kahulugan sa anekdota at sa mgakatangian nito. Makababasa ka ng mga piling anekdota ng mga kilalang tao. Malalaman mong patipala mga bayani ng bansa ay may mga anekdota rin. 1

Ang huling aralin, sub-aralin 3 ay nauukol sa paraan ng pagsulat ng anekdota. Malalaman mokung paano isinusulat ang anekdota at sasagutin ang mga tanong mo kung paano sinisimulan,inoorganisa ang nilalaman, at winawakasan ang pagsulat nito. Handa ka na ba, kaibigan? Ano ang matututunan mo? Nakasisiyang mabatid na interesado kang malaman ang mga bagay-bagay ukol sa pagsulat nganekdota. Ngunit ito’y hindi pa sapat upang masabing ganap mong mauunawaan ang kabuuan ngaralin. Higit na mahalagang malinang mo ang mga kasanayang nakapaloob dito. Sa modyul na ito, inaaasahan kong magagawa mo ang mga sumusunod: 1. Naipakikita ang pagkamalikhain at pagkamasining sa pasulat na komunikasyon 2. Nagagamit ang sariling istilo sa pagbuo ng magandang simula, maayos na pagpapalawak, atmakabuluhang wakas 3. Nasusunod ang mga tiyak na pamantayan sa pagsulat batay sa nilalaman at sangkap 4. Naipakikita ang pagiging malikhain sa pamamagitan ng pagsulat ng anekdota – sarilinganekdota at anekdota ng ibang tao Naramihan ka ba sa mga gawain na inaasahan kong mapagtatagumpayan mong tapusin?Huwag kang masiraan ng loob, kaibigan. Alam kong kayang-kaya mo iyan. Paano mo gagamitin ang modyul na ito? Gaya nang nasabi ko na, marami kang matututunan sa modyul na ito. Bukod dito, magigingmadali para sa iyo ang lahat ng mga aralin at gawain kung susundin mo ang mga tuntunin sa ibaba namagsisilbing gabay mo sa iyong pag-aaral. Basahin mo at unawaing mabuti.1. Una sa lahat, ingatan mo ang modyul na ito. Huwag mo itong susulatan. Gumamit ka ng hiwalay na sagutang papel sa pagsagot mo sa mga pagsusulit. 2

2. Sagutin mo muna ang Panimulang Pagsusulit. Ito ay ang panimulang hakbang upang masukat at matiyak ang dati mong kaalaman sa paksang ating tatalakayin,3. Iwasto mo ang iyong sagot. Kunin mo sa guro ang Susi ng Pagwawasto. Maging matapat ka lamang sa pagwawasto. Huwag kang mag-aalala kung mababa ang markang nakuha mo. May mga inihanda akong mga gawain at iba pang pagsasanay na tiyak kong makatutulong sa iyo.4. Basahin at unawain mong mabuti ang mga teksto bago mo sagutin ang mga gawaing kaugnay nito. Unawain mo ring mabuti ang mga panuto dahil malaki ang maitutulong nito sa iyo upang maging madali ang pagsagot sa mga gawain.5. Sagutin mo agad ang Pangwakas na Pagsusulit upang matiyak mo kung natutuhan mo ang aralin. Kunin mong muli sa guro ang Susi sa Pagwawasto. Muli, maging matapat ka sa pagwawasto.6. Bigyang-halaga mo sana ang modyul na ito, kaibigan. Sikapin mong sagutin ang mga gawaing inihanda ko katulad ng pagsisikap ko na ikaw ay matulungang matuto.Ano na ba ang alam mo? Alamin muna natin kung kailangan mo pa ang modyul na ito. Kumuha ka ng sagutang papel atsimulan mo ang pagsagot sa panimulang pagsusulit. A. Tapusin ang pangungusap sa bawat bilang sa pamamagitan ng pagsulat sa titik ng salitangbubuo sa pangungusap sa sagutang papel.1. Ang pagpapalitan ng mga pahayag sa masayang paraan na kasingkahulugan ng panunudyo ay ang______________.A. pamimintas. C. pagbibiro.B. pamumuna. D. pagtuligsa.2. Ang uri ng birong dapat iwasan ay ang birong ____________.A. nakakatakot. C. nagpapalalim ng kaisipan.B. nagkakatotoo. D. maaanghang.3. May batas na ngayong nagpaparusa sa pagbibiro at pananakit ng damdamin sa mga taong may____________.A. sakit. C. kapansanan.B. problema D. katungkulan sa pamahalaan.4. Ang anekdota ay kuwentong naglalarawan sa isang taong _________.A. nakatapos ng pag-aaral. C. nasa pamahalaan.B. kilala. D. nakapaglakbay. 3

5. Ang mga pangyayari sa anekdota ay maikli, kawili-wili at __________.A. nakalilibang. C. nakalalakas ng loob.B. nakaiinip. D. nakapananabik.6. Ang anekdota ay bahagi ng ____________.A. alamat. C. epiko.B. kuwentong bayan. D. talambuhay.7. Tulad ng pabula, ang wakas ng anekdota ay ____________.A. nag-iiwan ng kakintalan o impresyon.B. nagwawagi ang pangunahing tauhan.C. nalulutas ang problema ng pangunahing tauhan.D. nag-iiwan ng aral.8. Mayaman sa guniguni ang anekdota bilang isang akdang ___________.A. panteknikal. C. pampanitikan.B. pansyentifiko. D. pansosyo-politikal.9. Ang anekdota ay nagbibigay-buhay sa matamlay na ____________.A. paksa. C. aksyon ng mga tauhan.B. pangyayari. D. usapan ng mga tauhan.10. Kailangang maisalaysay o maisulat ang anekdota sa paraang ____________.A. maikli. C. mabulaklak ang mga pahayag.B. maligoy. D. limitado ang talasalitaan.B. Basahin ang anekdota. Sagutin ang mga tanong sa pamamagitan ng pagsulat ng titik ng tamang sagot sa sagutang papel. ANG TSINELAS NI PEPE (Anekdota ni Jose Rizal) Isang araw, sumama si Pepe sa kanyang ama sa pamamangka sa ilog. Gustung-gusto niPepe ang pamamangka dahil bukod sa nalilibang siya ay nagugustuhan niyang pagmasdan angmga nagtataasang mga puno at naggagandahang mga halaman at bulaklak. Nagugustuhan dinniyang pagmasdan ang napakalinis at napakalinaw na ilog. Kaya’t habang nagsasagwan angkanyang ama ay abala naman siya sa katitingin sa ilog. Ginagawa niya itong salamin upangmakita ang kanyang mukha. Iba’t ibang ayos ang ginagawa niya sa kanyang mukha. Minsa’yidinidilat niya ang kanyang mga mata o di kaya naman kaya ay pinalalaki niya ang kanyangbibig. Gustung-gusto rin niyang nakikita ang iba’t ibang ibon na nagpapahinga sa kanilangmga pugad. Napapalakpak siya sa tuwing siya’y makakakita ng mga ibong sabay-sabay nalumilipad. 4

Sa bandang likuran ng bangka laging umuupo si Pepe. Nakataas ang kanyang mga paa sa malapad na kahoy na inuupan ng kanyang ama. Ang paghanga ni Pepe sa sama-samang paglipad ng mga ibon ay kanyang pinapalakpakan. “Yehey! Ang ganda! Sabay-sabay sila sa paglipad!” sabi ni Pepe habang siya’y walang tigil sa pagpalakpak. “Pepe, huwag kang malikot. Baka lumubog ang bangka,” paalala ng kanyang ama. “Dinaramdam ko po, Ama. Labis po kasi akong nagandahan sa nakita ko,” sabi ni Pepe. Muli na namang nakakita si Pepe ng mga ibong sabay-sabay na limilipad. Hindi niya napigilan ang pagpalakpak. Kasabay ng kanyang pagpalakpak ay napakislot ang kanyang kanang paa. Hindi niya inaasahang mahuhulog ang isa niyang tsinelas. “Ama, nahulog po ang aking isang tsinelas,” sabi ni Pepe. “Huwag kang mag-alala. Ibabalik ko ang bangka para kunin ang tsinelas mo,” sabi ng kanyang ama. Sa halip na sumang-ayon ay itinapon ni Pepe ang kabyak ng tsinelas. “O, bakit mo itinapon ang kabyak ng tsinelas?” tanong ng kanyang ama. “Para po pakinabangan ng makakakuha. Hindi po kasi niya magagamit ang isangtsinelas lamang,” sagot ni Pepe. Natawa ang ama ni Pepe. Ipinagpatuloy niya ang pagsagwan habang tuwang-tuwang pinapanood ni Pepe ang nagliliparang mga ibon.1. Sinong Pepe ang tinutukoy sa anekdota?A. Jose Rizal C. Jose BurgosB. Jose Corazon de Jesus D. Jose dela Cruz2. Kanino sumama si Pepe? C. Sa kanyang guro. A. Sa kanyang ama. D. Sa kanyang kaibigan. B. Sa kanyang kapatid.3. Saan naganap ang kuwento? C. Sa bakuran. A. Sa parke. D. Sa ilog. B. Sa pamilihan. 5

4. Paano nagsimula ang kuwento? A. Sumama si Pepe sa kanyang ama na mamangka sa ilog. B. Nakataas ang mga paa ni Pepe sa kahoy na upuan ng kanyang ama. C. Gustung-gustong pagmasdan ni Pepe ang lumilipad na mga ibon. D. Habang nagsasagwan ang ama ni Pepe ay abala naman siya sa katitingin sa ilog.5. Ano ang suliranin sa kuwento? C. Ang paghulog ng tsinelas sa ilog. A. Ang paglipad ng mga ibon. D. Ang pagsagwan sa ilog. B. Ang pagsakay sa bangka.6. Ano ang kapana-panabik na bahagi ng kuwento? A. Lumipad nang sabay-sabay ang mga ibon. B. Nahulog ang isang tsinelas ni Pepe. C. Itinapon ni Pepe ang kabyak ng tsinelas. D. Kukunin ng ama ni Pepe ang tsinelas.7. Aling bahagi ng kuwento ang maaaring pagtalunan? A. Kung isasama si Pepe ng kanyang ama sa pamamangka. B. Kung sabay-sabay na lilipad ang mga ibon. C. Kung magiging mabulaklak ang mga halaman. D. Kung itatapon ni Pepe ang kabyak ng tsinelas.8. Aling bahagi ng kuwento ang kapupulutan ng aral? A. Ang pagtulong sa taong nangangailangan. B. Ang pagpapanatiling malinis ng ilog. C. Ang pagtanggap sa kamalian. D. Ang pagiging mapagkumbaba.9. Ano ang naging wakas ng kuwento? A. Hinangaan si Pepe ng kanyang ama. B. Nagtampo kay Pepe ang kanyang ama. C. Lumubog ang bangka. D. Hindi na makalipad ang mga ibon.10. Alin sa mga katangian ng anekdota ang taglay ng kuwento? A. Maikli. B. Kawili-wili. C. May aral. D. Lahat ng sagot. 6

C. Tapusin ang pangungusap sa bawat bilang sa pamamagitan ng pagsulat ng titik ng salitang bubuo sa pangungusap.1. Sa pagsulat ng anekdota, ang unang dapat pagtuunan ng pansin ng manunulat ayang pagpili sa taong __________.A. may kapansanan. C. nasa hustong edad.B. kilala. D. kabilang sa mataas na lipunan.2. Makakakuha ng informasyon ang manunulat sa buhay ng taong susulatin satulong ng ____________.A. alamat. C. pabula.B. kuwentong-bayan. D. talambuhay.3. Ang paksa ng susulating anekdota ay dapat nakafocus sa _________.A. katawa-tawang pangyayari. C. suliranin ng pangunahing tauhan.B. makatawag-pansing simula. D. malungkot na wakas.4. Kung susulatin ang panimula ng anekdota, ito’y dapat na __________.A. maikli. C. pasalaysay.B. patanong. D. nasa unang panauhan.5. Sa panimulang talata pa lamang ay dapat nang ipinakikilala ang ___________.A. pangunahing tauhan. C. aral.B. katulong na tauhan. D. suliranin.6. Ang simula ng banghay ay kadalasang isinusulat sa ____________.A. unang talata. C. pangatlong talata.B. pangalawang talata. D. huling talata.7. Ang tunggalian ay isinusulat sa pagitan ng suliranin at _________.A. simula ng banghay. C. katawa-tawang bahagi.B. kasukdulan. D. wakas.8. Ang kasukdulan ay isinusulat bago isulat ang _________.A. tunggalian. C. aral.B. katawa-tawang bahagi. D. wakas.9. Ang wakas ng anekdota ay isinusulat pagkatapos mailahad ang ______.A. solusyon sa problema. C. kasukdulan.B. tunggalian. D. aral.10. Sa pagsulat ng sariling anekdota, dapat itong maglantad ng _________.A. kalakasan. C. katotohanan.B. kahinaan . D. kapalaran. 7

Mga Gawain sa PagkatutoSub-Aralin 1: Mga Birong Malilinis, Hindi Nakakainis! Bago ka makabasa ng anekdota ay kailangang maihanda mo muna ang iyong sarili sa mgakuwentong nakaaaliw o nakatatawa. Isa sa mga kuwentong ito ay ang mga biro. Alam kong mayalam ka ng mga biro na maaaring iyong nabasa, narinig o naikuwento. Magkapareho kasi ang layuninng anekdota at ng biro, ang magbigay-aliw sa mga tagapakinig at / o bumabasa. Dahil dito, layunin ng araling ito ang mga sumusunod: 1. nabibigyang-kahulugan ang tekstong nakaaaliw at / o nakatatawa 2. npaghahambing ang mga birong nakaaaliw at nakasasakit ng damdamin 3. nasasabi ang aral at / o kaisipang nakapaloob sa biroAlamin Pagmasdan mong mabuti ang mga nakalarawang mukha. Lagyan mo ng tsek ( / ) angpatlang na naglalarawan sa iyong sarili.__ malungkot __ masaya __ galit __ takot Mula sa mga katangiang ito, pumili ka ng bilang at tapusin mo ang pangungusap:1. Dahil sa biro mo, malungkot ako kasi __________________________.2. Dahil sa biro mo, masaya ako dahil ____________________________.3. Dahil sa biro mo, galit ako sapagkat ___________________________.4. Dahil sa biro mo, takot ako kasi ______________________________. Mula sa mga pahayag na ito, agad mong maiiisip na hindi lahat ng biro ay masaya. Maybiro ring nakapagpapalungkot o nakapagpapagalit. Batay sa isinagot mo sa gawain sa itaas,malalaman mo kung anong biro ang ikukuwento ko sa iyo. Handa ka na ba? 8

Linangin Narito ang ilang mga biro sa isang usapan na madalas mong mabasa o marinig. Naibiromo na rin ba ang mga ito? Sige, simulan mo nang basahin. Biro 1: Mag-aral ng Niponggo Bagong dating si Brienz mula sa isang buwang pagbabakasyon sa Japan. Masayang ibinalitaniya sa kanyang kaibigang si Mark Terry ang kanyang mga naging karanasan. “Nagustuhan ko na ang mga pagkaing Hapon kahit di-gaanong luto,” sabi ni Brienz. “Atmarami na akong natutuhan sa wikang Niponggo.” “Talaga? Sampol naman,” hiling ni Mark Terry. “Sige, magbigay ka ng pangungusap sa Ingles at isasalin ko sa Filipino,” hamon ni Brienz. “Is this your property?” tanong ni Mark Terry. “Arimoto?” sagot ni Brienz. “Gano’n ba ‘yon? Parang Filipino.” Puna ni Mark Terry. “Halimbawa naman pag-aari ko anglote’t bahay na ito. Paano mo isasalin sa Niponggo ‘yung This is my property. Is this yours? This ismine.” “Arikoto. Sayobato? Sakinitu.” mabilis na sagot ni Brienz. “Niponggo ba ‘yun? Parang Filipino talaga,” sabi ni Mark Terry. “Ano ang pagkakaiba ng Is this your car? sa Is this my car? Huwag mong sabihing tunog-Filipino rin ‘yun.” “Otomoto? Otokoto?” sagot ni Brienz. “Niloloko mo yata ako, eh. Alam mo, kahit hindi ako nagpunta ng Japan, mayroon din akongalam na mga salitang Niponggo. May textmate akong galing ng Japan na nagturo sa akin,” sabi niMark Terry. “Ow, sige nga,” sabi ni Brienz. “You haven’t washed your face. Ano sa Niponggo ‘yun?” tanong ni Mark Terry. “Naku, hindi ko napag-aralan ‘yan,” sagot ni Brienz. “Sirit na. Ano ‘yon sa Niponggo?” “Mimutamatamo,” sagot ni Mark Terry. “Gumanti ka, ha?” sabi ni Brienz. 9

Biro 2: Iba’t Ibang Bansa Sa campus, nagpapalitan ng tanong ang mga estudyante upang malaman kung gaano silakahusay sa heograpiya. “Ang sinumang unang makasagot sa tanong ay siya naman ang magtatanong. Simulan ko,ha? Anong bansa ang hindi sa iyo?” tanong ni Jennifer. “Kenya,” mabilis na sagot ni Edna. “Anong bansa ang umaawit ng apat na ulit?” “Singapore,” sagot ni Elizabeth. “Anong bansa ang nakagapos?” “Meron bang ganoon?” tanong ni Sotero. “Meron. Isip-isip!” sabi ni Elizabeth. “Sirit na?” “Sige, sirit na,” sabi ni Sotero. “Italy,” sagot ni Elizabeth. “Walang nakasagot kaya ako uli ang magtatanong. Anong bansaang nagmamadali?” “Russia,” sagot ni Sotero. “Magaling! Sige, magtanong ka,” sabi ni Jennifer. “Dadalawahin ko na ang tanong. Anong bansa ang tinutukso at anong bansa ang maanghang?”tanong ni Sotero. Walang sumagot. “Hindi n’yo alam? Ang bansang tinutukso ay Cuba at ang bansang maanghang ay Chile.” “Oo nga, ano?” sabi ni Jennifer. Tiningnan ni Edna ang relo. “Nakaaaliw ang mga biro, ano? Sayang, taym na. Pumasok na tayo,” aya ni Edna. Biro 3: Mga Tanong na Bakit Likas sa mga bata ang palatanong. Si Sophia Irish, limang taong gulang, ay isa sa mga batangito. Laging nagsisimula sa bakit ang kanyang mga itinatanong. Nakakaaliw naman ang nagigingsagot ng kanyang ama. “Tatay, bakit po galit ang mais kapag nagpapatawa?” tanong ni Sophia Irish. “Tinatawag kasi siyang Corny,” sagot ng kanyang ama. 10

“E, bakit po naman nangingiti ang mani?” tanong ni Sophia Irish. “Kasi, minamani lang niya ang lahat ng bagay” sagot ng kanyang ama. “E, Tatay, bakit naman po madalas sabihin ni Mommy na battered wife siya?” muling tanongni Sophia Irish. “Kasi, tuwing umaga ay butter ang palaman niya sa tinapay,” sagot ng kanyang ama. “Isang tanong na lang po, Tatay,” hiling ni Sophia Irish. “Bakit po nakayuko ang baboy kapagnaglalakad?” “Aba, dapat lang. Kasi, nahihiya dahil baboy siya,” sagot ng kanyang ama. Natawa ka ba sa mga birong nabasa mo, kaibigan? Siguro ay naaliw ka, ano? Bawat biro na iyong binasa ay may damdaming pinupukaw sa bumabasa. Mayroongnakakalungkot, nakakatawa, nakakagalit o nakakatakot. Balikan mong muli ang mga biro. Anong pangkalahatang damdamin ang nabuo sa iyo?Natawa ka ba sa mga biro? Ako rin ay naaliw nang mabasa ko ang mga iyan. Naranasan mo bang suriin ang ugnayan ng tanong at sagot sa mga pagkakataong hindi ka agadnatawa sa biro? Syempre, di ba? Alam kong sa BIRO 1 ay naaliw ka sa pagsasalin sa Niponggo ng mga pangungusap na Ingles.Alam ko ring nalalaman mong hindi totoong ganoon ang mga tamang salin. Hindi ba’t Filipino angnaging salin ng mga nabanggit na pangungusap? Natawa ka ba sa pagkakasalin ng mga sumusunod?Arimoto?, Otomoto?, Otokoto, Mimutamatamo atb.? Sa BIRO 2 ay ganito ang isang tanong: Anong bansa ang umaawit ng apat na ulit? Ang sagot na Singapore ay sinuri mo marahil nang ganito: Sing – awit, pore – four (apat). Sa tanong na “Anong bansa ang hindi sa iyo?” Ang tamang sagot ay Kenya. Ganito naman marahil ang pagkakasuri mo sa sagot na Kenya :Ang Kenya ay katunog ng kanya at ang salitang ito ay nangangahulugan ng hindi sa iyo. Nasuri mo ba ang pagkakasagot ng Russia sa tanong na “Anong bansa ang nagmamadali?” Marahil, nasuri mo na kapag binabasa o binibigkas mo ang salitang Russia, ang kasintunognito ay rush + yeah = Russia. At ang salin sa Filipino ng salitang rush ay madali onagmamadali. 11

Sa BIRO 3, nasuri mo ba ang pagkakaugnay ng mga sumusunod na salita? mais- corny,mani – minamani, at battered wife – butter? Basahin mo naman ngayon ang sumusunod na biro. Sitwasyon: Mag-aaral 1: Ganda ng suot mo, parang galing sa ukay-ukay. Mag-aaral 2: Salamat ha? Maganda rin ang suot mo. Saang sampayan mo naman nahablot ‘yan? Ano ang reaksyon mo sa biro? Nainis ka ba? Natuwa? May efekto sa damdamin, ano?GamitinSubukin mo ngang iaplay ang natutuhan mo.A. Basahin ang biro sa bawat bilang. Isulat sa patlang ang LT kung ang biro ay nakakalungkot, TW kung nakakatawa , GT kung nakakagalit at TK kung nakakatakot. ____ 1. Cristian: Hindi mo man lang ipinaalam sa akin na ikinasal ka. Michael: Biglaan eh. Cristian: Maganda ba ang napangasawa mo, Pare? Michael: Mabait siya. Cristian: Ha? Ang tanong ko, kung maganda siya. Michael: Me pinag-aralan, pare. Tapos ng nursing. Cristian: Ang tanong ko kung maganda ang napangasawa mo. Michael: Masarap siyang magluto. Huwag ka nang magtanong Pare. Kumain na lang tayo. Gutom na ako, eh. Ano ang nadama mo sa birong ito? Natawa ka ba o naawa kay Michael? Ano ang ibigsabihin ng mga sagot ni Michael? Ganito rin ba ang isasagot mo kapag hindi kagandahan angmahal mo? ___ 2. Tuesday: Birthday ko bukas. 18 na ako. Jom: Ha? 18? Hindi halata. Tuesday: Talaga? Jom: Oo, mukha ka ng 30. Sa birong ito, tiyak na masasabi mong nainsulto si Tuesday sa tanong ni Jom. Alam monaman na ayaw na ayaw ng mga babae na matanong ng kanilang edad, di ba? Kung sa iyo itatanongito, maiinsulto ka rin ba? Magagalit? Bakit? 12

____ 3. Apo: Lola, totoo po bang nakalilipad sina Aguiluz at Krystala? Lola: Hindi totoo iyon. Walang taong nakalilipad. Huwag kang nagpapaniwala sa mga bagay na hindi napatutunayan ng syensya. Ay, apo, pakiabot nga ng mga bawang. Apo: Magluluto kayo, lola? Lola: Hindi. Isasabit ko ang mga bawang sa bintana. Halloween ngayon at baka may sumalakay na mga aswang at manananggal. Naaliw ka ba sa biro ni Lola? Magandang magbiro si Lola sa sitwasyong nabasa mo di ba? Sa simula’y hindi niyapinaniniwalaan ang anumang paniniwalang hindi napatutunayan ng syensya. Ngunit bakit sabandang huli’y bakit nagbago ang kanyang pananaw? Hindi ba’t ito ang nakaaliw sa sitwasyongnabasa mo?____ 4. Alfred: Ang pag-aalaga ng girlfriend ay parang pag-aalaga ng ibon. Jeffrey: Talaga? Bakit mo naman nasabi ‘yan? Alfred: Pag hinigpitan mo ang pag-aalaga, baka mamatay. Pag niluwagan mo naman, baka makalipad. Jeffrey: Hindi ba nakita mo na ang girlfriend ko? Anong gagawin ko? Alfred: Hayaan mo nang lumipad, pare. Kung ikaw si Jeffrey, magagalit ka ba kay Alfred? Siguro ay magagalit ka. Anongpangungusap ang maaaring makagalit sa iyo? Ang pangungusap na “Hayaan mo nang lumipad,pare.” Nagsasaad ito ng matinding damdamin, ano? Ano ang ibig sabihin ng pangungusap na ito? Iwanan o pabayaan mo na ang iyong girlfriend,di ba?B. Basahin mo ang biro sa bawat bilang. Tapusin mo ito sa pamamagitan ng pagsulat sa mga guhit ng dapat na maging wakas nito. Pumili ng angkop na sagot sa kahon at isulat mo sa sagutang papel ang iyong sagot. 1. Martin: Lahat ng palabas sa cable, tungkol sa ulan. The Rainman. The Rainmaker. Tag-ulan sa tag-araw. Sino’ng Pipigil sa Pagpatak ng Ulan? Kaya sa programa na lang sa T.V. ang panonoorin ko. Roman: Ano’ng panonoorin mo? Martin: _____________________. 13

2. Victor: Sa nakaraang eleksyon, bakit napabalitang pati ang mga patay ay nasa voter’s list? Riano: Kasi, sabi ni Bro. Eddie Villanueva,___________.3. Mark: Gusto mo ba nitong ensaymada? Kaya lang, walang Ace: asukal sa ibabaw, ha? Mark: Okey lang. Hmm. Sarap ng ensaymada! Teka, bakit nga pala walang asukal sa ibabaw? Kasi, ___________________.4. Nanay: Hay, naku. Kailan kayo tayo makakaahon sa hirap? Tatay: Darating na. Malapit na malapit na. Nanay: Paanong darating, eh hindi ka naman gumagawa ng paraan? Tatay: Gumagawa ako ng paraan. Nanay: Anong paraan? Tatay: ________________________.5. Misis: Mga anak, dali, nalulon ni Bunso ‘yong susi ng kuwarto ko. Panganay: Para ‘yon lang nagpa-panic kayo. Teka, me kukunin ako. Misis: Ano’ng kukunin mo? Panganay: _______________________.Kukunin ko iyong duplikadong susi.Dinilaan ko na.Weather Forecast.Bangon, Pilipinas.Nagbabasa ako ng classified ads. Ihambing mo rito ang iyong mga sagot. 1. Weather Forecast. 2. Bangon, Pilipinas. 3. Dinilaan ko na. 4. Nagbabasa ako ng classified ads. 5. Kukunin ko iyong duplikadong susi.Nasagot mo bang lahat? Kung hindi ay basahin mong muli at suriin ang mga biro. 14

Lagumin Mula sa araling nabasa mo ay natuklasan mong ang mga biro, bukod sa nakalilibang atnakaaaliw ay nakapaghahatid din ng mga informasyon. Bagamat karamihan sa mga biro aykatatawanan, may mga biro ring nakagagalit, nakatatakot o nakalulungkot. Ihambing mo rito angiyong mga sagot. Mahalagang makabasa ka ng iba’t ibang uri ng biro dahil nakararagdag din ang mga ito sapagpapayaman ng iyong mga karanasan. Dahil dito, mahalaga ring makapagkuwento ka ng mgabirong bukod sa nabasa at narinig mo ay ikaw ang naging tagapagkuwento.Subukin Subukin mong sagutin ang sumusunod na pagsusulit. Isulat mo sa sagutang papel ang mgatamang sagot.A. Lagyan ng tsek ( / ) ang patlang ng bawat bilang kung TAMA ang isinasaad ng pangungusap at ( x ) MALI. Isulat sa sagutang papel ang iyong sagot. _____ 1. Ang biro ay nakaaaliw. _____ 2. May mga birong nakakatakot, nakagagalit at nakalulungkot. _____ 3. May mga birong bunga ng sariling karanasan. _____ 4. Mahalagang makabasa ng mga biro dahil nakukuha nitong payamanin ang ating karanasan. _____ 5. Magkatulad ng layunin ang biro at ang anekdota.B. Panuto: Basahin sa bawat bilang ang pangungusap sa Ingles mula sa mga birong nabasa mo. Isulat sa patlang ang katumbas na kahulugan nito sa Niponggo sa paraang pabiro. _______________________ 1. Is this your property? _______________________ 2. Is this yours? _______________________ 3. Is this your car? _______________________ 4. Is this my car? _______________________ 5. You haven’t washed your face.C. Panuto: Isulat sa patlang ang nawawalang salita o lipon ng mga salita sa mga birong nabasa mo. 1. Galit ang mais kapag nagbibiro siya kasi tinatawag siyang ___________. 2. Nangingiti ang mani kasi _____________ lang niya. 3. Nakayuko ang baboy kapag naglalakad kasi nahihiya siya at ______ siya. 4. Battered husband si Daddy kasi laging ang palaman ng kinakain niyang tinapay ay _________. 15

SUSI SA PAGWAWASTOA. B. C. 1. / 6. / 1. Arimoto? 1. Corny 7. / 8. / 2. Sayobato? 2. minamani 5. / 3. Otomoto? 3. baboy 4. Otokoto? 4. butter 5. Mimutamatamo. Tama ba lahat ang sagot mo? Kung OO, pag-aralan mo na ang Sub-Aralin 2. KungHINDI, pumunta ka sa Paunlarin.Paunlarin A. Dahil likas na mapagbiro ang ilan nating mga kababayan kung kaya’t hindi na mabilang ang mga birong narinig o nabasa mo na, kaibigan. Narito ang mga karagdagang biro na sa palagay ko’y hindi lamang makaaaliw sa iyo kundi makadaragdag sa iyong mga kaaalaman. 1. Beth: Ayon sa Bibliya, dapat tayong mag-aral sa math. Terry: Saan nakasulat ‘yan? Beth: Heto, babasahin ko: “Go forth and multiply.” Naaliw ka ba sa biro? Para maunawaan mo ang birong ito, dapat pag-ugnayin mo ang dalawang salitang nakahilig, ang math at multiply. Iba ang pagkaunawa ni Beth sa pangungusap na “Go forth and multiply.” Naitanong mo ba sa sarili mo kung ano ang kaugnayan ng math sa multiply? Tama ka. Ito’y ang salitang multiply dahil isa sa mga fundamental na operasyon ng matematika ay ang multiplication. 2. Pare 1: Pare, akala ko ba kaya ka nag-asawa eh, para may tagalaba ka? Pare 2: Malas nga, pare. Iyon kasing napangasawa ko, kaya rin pala nag-asawa ay para mayroon siyang tagalaba. Naaliw ka ba o nainsulto sa biro? Ano ang kaugnayan ng pag-aasawa sa tagalaba?Sang-ayon ka ba sa pahayag na kaya nag-aasawa ang isang tao ay para mayroon siyang tagalaba?Matanggap kaya ito ng nakararami? Isipin mo kung bakit natatanggap. Bakit hindi? 16

3. Pulis: Aha, arestado ka. Driver: Bakit po, ano po ang violation ko? Pulis: Gumamit ka ng sirena. Driver: Sori po. Ang akala ko po ako si Marina. Pulis: Puwes, hindi mo ‘ko nakikilala? Ako si Dugong. Para maunawaan mo ang birong ito, dapat pag-ugnayin mo ang tatlong salitangnakahilig. Kung familyar ka sa telenovela na Marina ay masasagot mo ito. Nakuha mo ba ang ibigipakahulugan sa biro? Si Marina, na nagiging sirena, at si Dugong ay mga pangunahing tauhan saisang telenovela.B. Sa mga patlang ay sumulat ka ng isang biro na maaaring nabasa, narinig o naikuwento mo. Ipakita mo ito sa iyong guro at obserbahan ang naging reaksyon niya pagkabasa nito. _____________________________________________________________ _____________________________________________________________ _____________________________________________________________ _____________________________________________________________ _____________________________________________________________ _____________________________________________________________ _____________________________________________________________ _____________________________________________________________ _____________________________________________________________ _____________________________________________________________Sub-Aralin 2: Ano ang Anekdota? Kumusta ang pag-aaral mo sa unang sub-aralin, kaibigan? Naaliw ka ba sa iba’t ibangbirong nabasa mo? Nakalikha ka ba ng sarili mong mga biro? Kung OO ang sagot mo, sa palagaymo ba’y handa ka ng pag-aralan ang pangalawang aralin, ang anekdota? Mangyari, gaya nangnasabi ko na sa unang sub-aralin, parehong di-seryoso ang biro at ang anekdota. Ngunit masmagugustuhan mong basahin ang aralin sa anekdota dahil buo ang kuwento rito. Ito’y kumpleto samga elemento ng maikling kuwento: tauhan, tagpuan, banghay, tunggalian, at kasukdulan nasinusundan agad ng wakas. Handa ka na bang magpatuloy, kaibigan? 17

Layunin Sa pag-aaral mo ng pangalawang Sub-Aralin ay nakatitiyak akong matutugunan mo angmga sumusunod na layunin: 1. nakikilala ang kahulugan at mga katangian ng anekdota 2. naipaghahambing ang anekdota sa ibang anyo ng panitikan 3. nakikilala ang mga elemento ng anekdota 4. natutukoy sa anekdota ang bahaging nakaaaliwAlamin Bago ka magkaroon ng informasyon ukol sa anekdota ay kilalanin mo muna ang mgatao, bagay, lugar o pangyayari na nakalarawan. Sa ibaba ay may talaanng mga salitang mag-uugnay sa mga taong nabanggit. Matukoy mo kaya?123 45 67 8Ferdinand Marcos Gloria Macapagal-Arroyo Joseph Ejercito EstradaAndres Bonifacio Ryan Cayabyab Manny Pacquiao Jose Rizal Imelda Marcos 18

Naiugnay mo ba ang mga taong nakalarawan sa mga lugar, bagay o pangyayaring nakatala sakahon? Ano ang kaugnayan ng mga ito? Mahalaga sa pag-aaral mo ng anekdota na maiugnay ang mga pangyayari sa buhay ng mgakilalang tao. Hindi kaila sa iyo na sa ating kasaysayan, ang Batas Militar ay ikinakapit kayPangulong Ferdinand Marcos; ang pagluklok ni Gloria Macapagal- Arroyo bilang pangulo ngPilipinas ay nangyari dahil sa pagpapatalsik sa dating Pangulong Joseph Ejercito Estrada; at ang CCPcomplex ay proyekto ng dating Unang Ginang Imelda R. Marcos. Alam mo na marahil na angnobelang Noli Me Tangere ay sinulat ni Jose Rizal at ang KKK ay itinatag ni Andres Bonifacio. Salarangan ng musika, sino ang hindi nakakikilala kay Ryan Cayabyab bilang kompositor, at kayManny Pacquiao bilang world boxing champion, sa larangan ng isports. Silang lahat ay ilan lamang sa mga kilalang taong mapagkukunan ng informasyon para saisang anekdota. Samantala, naritong muli ang kanilang mga larawan. Sino sa kanila ang nasubaybayan moang buhay dahil hinangaan mo ang kanilang nagawa sa bayan? May katawa-tawang pangyayari kabang natuklasan sa kanila? Pag-isipan mo. 1 23Jose Rizal Imelda R. Marcos Corazon Aquino 4 5 6Madonna Ferdinand Marcos Andres Bonifacio 19

78Manny Pacquiao Gloria Macapagal-ArroyoLinangin Alam mo ba, kaibigan kung ano ang anekdota? Nakabasa ka na ba nito? Kung ang sagot mo ayOO, naaliw ka ba? Napaghambing mo ba ang pagkakatulad at pagkakaiba nito sa ibang akdangpanliterari? Bago ka magkaroon ng malawak na kaalaman ukol sa anekdota ay balik-aralan mo muna angiba’t ibang anyo ng akdang panliterari na bukod sa tuluyan ay maihahanay sa maiikling kuwento. Saganitong paraan ay mapaghahambing mo ang anekdota sa mga ito. Basahin mo ang sumusunod: Ang alamat ay ang salaysaying nauukol sa pinagmulan ng tao, bagay o lugar. Karaniwang hubad sa katotohanan ang kuwentong ito dahil ito’y likhang-isip lamang ng ating mga ninuno sa pagtatangka nilang ipaliwanag ang pinanggalingan ng mga bagay-bagay sa paligid at bunga ng kawalan ng mga kaisipang napaghahanguan ng mga tumpak na paliwanag tulad ng agham at Bibliya. Halimbawa, “Ang Pinagmulan ng Sansinukob,” “Ang Pinagmulan ng Araw at Buwan,” atb. May nabasa ka na ba o narinig na alamat? Isulat mo sa patlang ang pamagat nito.______________________________. Tulad ng alamat, ang kuwentong bayan ay nagpasalin-salin sa bibig ng mga tao. Ito’y nauukolsa pakiikipagsapalaran, pag-iibigan, katatakutan, katatawanan, atb. Ang mga pangyayari sa buhaynina Juan Tamad, Juan Pusong, Mariang Makiling, atb. ay ilan lamang sa mga halimbawa ng uringito. Siguro ay marami ka na ring nabasa o narinig na kuwentong-bayan. Kung may kasabay kangmag-aaral ng modyul na ito, ibahagi mo ang isa. 20

Narinig mo na ba ang nakatutuwang kuwento ng matsing at pagong? Halimbawa ito ngtinatawag na pabula. Ang pabula ay kuwento tungkol sa hayop. Ang mga nagsasalita at kumikilos sakuwento ay mga hayop. Ito’y nagbibigay-aral. Ano naman ang tawag sa mga kuwentong nagmula sa Bibliya o Banal na Kasulatan? Ang ilanghalimbawa nito ay ang “Ang Mabuting Samaritano,” “Ang Alibughang Anak,” atb. Parabula angtawag dito. Ngayon, handa ka nang iugnay ang mga ito sa ating aralin, ang anekdota.A. Ano ang anekdota? Ang anekdota ay kuwentong naglalarawan ng isang kilalang tao.Basahin mo ang halimbawang ito: Ang Bayaning Kasambahay (Anekdota ni Apolinario Mabini) Pinag-uusapan sa Pilipinas ang kapakanan at benipisyong dapat maipagkaloob sa mga katulongo kasambahay. Katunayan, may batas na para sila mapangalagaan at magamit ang kanilang mgakarapatan. Alam mo bang si Apolinario Mabini, ang binansagang Dakilang Lumpo at Utak ngHimagsikan ay pumasok na katulong para lamang makapag-aral? Isang katawa-tawang pangyayari ang hindi malilimutan ni Pule (palayaw ni mabini) noongsiya’y namasukang katulong sa isang mayamang familya. Isang umaga, habang abala sa paglilinis ng bahay si Pule ay nakakita siya ng limang barya nanakakalat sa ilalim ng mesa. Kinuha niya ang mga iyon at ipinagtanong sa mga anak ng kanyangpinaglilingkuran kung sino ang nagmamay-ari. “Sa akin iyan,” sabi ng panganay. “Kumonti kasi ang mga barya ko sa ibabaw ng akingmesa.” “Aba, sa akin iyan. Hindi ko matandaan kung saan ko ibinaba ang sukli sa tinapay na binili kokanina,” sabi naman ng nag-iisang anak na lalaki. “Nagkakamali kayo,” sabi ng bunso. “Sa akin ang mga baryang iyan. Sobra iyan sa mgabaryang ibinigay sa akin ni Ama.” “Hindi ko malaman kung sino talaga sa inyo ang nagmamay-ari ng mga baryang ito. Masmakabubuti kung ibabalik ko na lang sa dating kinalalagyan nito,” sabi ni Pule. Hindi nakakibo ang magkakapatid habang ibinabalik ni Pule ang mga barya sa ilalim ng mesa. 21

B. Katangian ng anekdota Ano napansin mo sa anekdotang iyong binasa? Tama, maikli. Bukod dito,kawili-wili at nakalilibang, di ba? Ang anekdota ay pangyayaring maikli, kawili-wili at nakalilibang. Ito’y bahagi ngtalambuhay at bilang isang akdang pampanitikan, ito’y mayaman sa guni-guini. Ito’y maaaring totooo kaya’y bunga ng isip na nagwawakas sa isang katawa-tawang pangyayari. Ito’y nagbibigay-buhaysa matamlay na usapan ng mga tauhan ng kuwento.C. Elemento ng anekdota May mga elemento ang anekdota na kailangan mong malaman. Anganekdota ay binubuo ng mga sumusunod na elemento:1. Tauhan - Sa anekdota, kailangang ang pangunahing tauhan ay isang kilalang tao. Siya’y maaaring bayani o isang pangkaraniwang taong nakagawa ng di-inaasahang gawain na nagbigay- pangalan sa kanya.2. Tagpuan - Simple at kalimitan ay nagaganap lamang sa isang lugar ang tagpuan sa anekdota.3. Suliranin - Ang pangunahing tauhan ang madalas na magkaroon ng suliranin sa kuwento. Bago magwakas ang isang akda ay kinakailangang nalutas na ang suliranin.4. Banghay - Ang banghay sa anekdota ay malinaw at maikli. Bukod dito, ang pinakasentro sa pangyayari ay ang nakaaaliw na bahagi na nakapagbibigay-aliw sa mga mambabasa o tagapakinig. Sa banghay matatagpuan ang panimula, nilalaman, at wakas ng isang anekdota.5. Tunggalian - Ang anekdota ay nagtataglay ng tunggalian ng tauhan laban sa kanyang sarili, sa kanyang kapwa at sa kanyang paligid. Ito’y nakapaloob sa banghay.6. Kasukdulan - Ang kapana-panabik na bahagi sa anekdota ay ang kasukdulan. Kadalasan, sa bahaging ito pa lamang ay natutukoy na ng mga mambabasa ang magiging wakas ng kuwento. Ito’y nakapaloob din sa banghay. 22

7. Wakas - Sa bahaging ito ay nailalahad ang solusyon sa problema ng pangunahing tauhan. Katulad ng pabula, may aral sa anekdota na sa wakas lamang ng kuwento nailalantad.Narito ang isang halimbawa ng anekdota. Suriin mo ang mga elementong taglay nito. Ang Press at ang Priest (Anekdota ni Manuel L. Quezon) Bilang Pangulo, hindi maiiwasan ni Pangulong Quezon ang makipag-usap sa mgamamamahayag na noon ay tinatawag niyangPress. Araw-araw ay mahigit sa limampungperyodista ang nagtatanong o kumakapanayam sakanya.Kinagigiliwan ng press si Pangulong Quezondahil sa kanyang mabilis na pagsagot sa mgatanong tungkol sa mga isyung madalas maging paksang pang-umagang pahayagan. Ngunit may mgapagkakataong hindi makalapit sa kanya ang presslalo’t mainit ang kanyang ulo dahil sa pambabatikos ng mga kalaban niya sa politika. Isang araw, pagpasok ni Pangulong Quezon sa kanyang tanggapan ay halos magmura siya sagalit dahil sa dami ng papeles na nasa ibabaw ng kanyang mesa. Ipinatawag niya ang kanyangsekretarya. “Bakit dumami na naman ang papeles sa mesa? Hindi mo pa ba naipamamahagi ang mgaito?” tanong niya sa sekratarya. “Mga bagong papeles po ang mga iyan na hindi pa ninyo napipirmahan. May inisyal na po‘yan ng inyong mga kalihim,” sagot ng sekretarya. Napansin ng sekretarya na hawak ng Pangulong Quezon ang kanyang ulo habang papaupo sakanyang mesa.“May dinaramdam po kayo, Pangulo?” tanong ng sekretarya. “Sino ang hindi magkakasakit kapag nakita ang papeles na ito?” Hindi ko pa nababasa aysumasakit na ulo ko. Pakitawag mo ang aking nurse,” utos ng Pangulo. “At huwag ka munangmagpapapasok ng press sa araw na ito. Ibig kong makapagpahinga.” 23

“Tumawag po si Father. Natanggap po niya ang inyong pasabi. Parating na po siya,” sabing sekretarya. “Sige, papasukin mo siya oras na dumating,”utos ng Pangulo. Pagkadating ng nurse ay sinuri niya agad angPangulo. “Kailangan po ninyo ang makapagpahinga,”sabi ng nurse. “Kaya nga ipinagbilin ko sa aking sekretarya na huwag magpapapasok ng press,” sabi ngPangulo. “Sige, pupunta lang muna ako sandali sa aking silid para makapagpahinga. Ipatatawag nalang kita kapag hindi pa gumaan ang aking pakiramdam. Huwag kang magpapapasok ng press.” Paglabas ng nurse ay siyang pagdating ng pari. “Saan po kayo pupunta?” tanong ng nurse. “Ipinatatawag ako ng Pangulo,” tugon ng pari. “Naku, hindi po maaari. Nagpapahinga po siya,” sabi ng nurse. “Ngunit ang bilin ng Pangulo ay makipagkita agad ako sa kanya pagdating ko,” sabi ngpari. “Ngunit ang bilin po niya’y huwag ko kayong papasukin,” sabi ng nurse. “Ano? Huwag akong papasukin?” tanong ng pari. Upang huwag nang humaba pa ang usapan ay umalis na lang ang pari. Mayamaya’y isang tawag sa telepono ang tinanggap ng Pangulo. Si Father ang kanyangkausap sa kabilang linya. Nagsumbong ito na ayaw siyang papasukin ng nurse. Ipinatawag ng Pangulo ang nurse. “Totoo ba hindi mo pinapasok si Father?” tanong Pangulo. “Totoo po. Hindi po ba ang bilin ninyo ay huwag akong magpapapasok ng press? Parang ibig lagnatin ng Pangulo sa kanyang narinig. Natawa ka ba sa anekdotang nabasa mo? Naiugnay mo ba ang salitang press sa priest?Napuna mo ba na napakahalaga ng tunog ng salita dahil maaaring makapagpabago ito sa kahuluganng salita? Balikan mo ang kuwento. Pag-aaralan mo ang mga elementong taglay nito. Simulan mo sa panimula. Paano sinimulan ang kuwento? Napuna mo ba na ipinakilalaagad si Pangulong Quezon bilang pangunahing tauhan? Hindi ba’t nasabi ko kanina na angpangunahing tauhan ng anekdota ay isang kilalang tao? 24

Napansin mo ba na umikot ang kuwento sa isang tagpuan lamang? Hindi ba’t ito ang isasa mga katangian ng anekdota? Ang tagpuan sa kuwentong nabasa mo ay naganap lamang satanggapan ng Pangulo. Pag-usapan natin ang banghay o ang pagkakasunud-sunod ng mga pangyayari sa kuwento.Inilahad agad sa kuwento ang suliranin. Naging suliranin ng Pangulong Quezon ang napakaramingpapeles sa ibabaw ng kanyang mesa kaya’t sumakit ang kanyang ulo. Paano nalutas ang suliraningito? Hindi ba’t ipinatawag ng Pangulong Quezon ang nurse na siyang sumuri sa kanyangkaramdaman? May tunggalian bang naganap sa kuwento? Mayroon. Ito iyong bahaging ipinagbilin ngPangulong Quezon sa kanyang sekretarya at nurse na huwag magpapapasok ng press. Angtunggalian ay ang bahagi sa kuwento na may paglalabang nagaganap ang tauhan laban sa kanyangsarili, sa kanyang kapwa o sa kanyang kapaligiran. Lutang na lutang ito sa kuwento, di ba? Naaliw ka ba sa naging kasukdulan ng kuwento? Iyong bahaging naging kapana-panabikhabang binabasa mo. Sa kuwento ay iyon ang bahaging pinipigilan ng nurse na makapasok ang parisa tanggapan ng Pangulong Quezon. Nakaaaliw basahin, di ba? Parang ibig lagnatin ng Pangulo sa kanyang narinig. Ito ang naging wakas ng kuwento.Maikli at payak na pangungusap, di ba? Bukod sa mga katangiang ito ay nalutas ang suliranin sakuwento. Ganito madalas ang nagiging wakas ng isang anekdota.GamitinA. Narito ang ilang larawan ng mga pangyayari sa anekdota ni Ramon Magsaysay na mababasa mo. Pagsunud-sunurin mo ang mga ito sa pamamagitan ng pagsulat ng mga bilang sa dahong sagutan upang mabuo mo ang kuwento. Iwasan mo sanang mabasa ang kuwento nang hindi mo pa napagsusunud-sunod ang mga larawan. 12 25

345678 SUSI SA PAGWAWASTO 1, 3, 2, 5, 7, 4, 6, 8 26

B. Basahin ang kuwento. Pag-aralan ang mga elementong nakapaloob sa bawat bahagi. Ang Kariton ni Ramon (Anekdota ni Ramon Magsaysay) Noong Panahon ng Hapon, ang isa sa mga kinilalang Panimulamatapang na Pilipino ay ang dating pangulo ng Pilipinas, si RamonMagsaysay. Dahil dito, naglaan ng gantimpalang salapi angpamahalaang Hapon upang mapadali ang pagkakadakip sa kanya. Isang umaga, sumakay si Ramon sa kariton na hila ng kalabaw Suliraninpatungo sa kutang kanilang pinagtataguan ng mga gerilya. Tatlongkawal ang kanyang isinama upang maging tagabantay niya. Palibhasa’y masaya, maingay, at umaawit ng makabagongawitin, hindi nila namalayan na sa kanilang likuran ay mayroonpalang dumarating na trak na ang nakasakay ay mga kawalHapones. Nabigla sila. Madaling nag-utos si Ramon sa kanyang mga Tunggaliankasama. “Lumukso kayo at magtago sa malagong damuhan,” utos niRamon. Sinunod ng tatlong kawal ang ipinag-utos ni Ramon. Lumuksosila at nagtago sa malagong damuhan. Nagtaka ang tatlong kawal kung bakit nagpaiwan si Ramon.Humiga sa kariton si Ramon at tinakpan ang mukha ngsambalilong buli. Sinundot niya ang puwit ng kalabaw. Ito’ynagtatakbo nang buong bilis. Hinabol ng trak ang kariton at ito’y naabutan ng mga kawal Katawa-tawangHapones. Bahagi “Carabao afraid, takot sa your trak,” sabi ni Ramon.Nagtawanan ang mga kawal Hapon. “Sige, sige. Beat carabao. Go,” utos ng pinuno ng mga kawalHapones. Huminga nang malalim si Ramon. Pinatakbo niya ang karitonat lumiko sa pinagkurusan ng daan. Lumabas ang tatlong kawal na kasama ni Ramon. Ang hindi Aral atalam ng mga kawal Hapon ay nasa ilalim ng mga dayami ang Wakaswalong riple na dadalhin nila sa pinagtataguan ng mga gerilya. Mula noon, hindi nag-ingay o umawit sina Ramon kapag sila’ynasa isang maselang misyon. 27

Sub-Aralin 3: Pagsulat ng Anekdota Nasiyahan ka ba, kaibigan sa dalawang araling natutuhan mo? Natatandaan mo pa ba kungpaano ka pinasaya sa mga birong nabasa mo sa unang aralin at kung paano naragdagan ang kaalamanmo tungkol sa anekdota sa pangalawang aralin? Dahil marami ka nang alam sa anekdota, sa ikatlo at huling aralin ay magsusulat ka naman ngsarili mong anekdota. Ngunit bago ka magsulat, dapat mong malaman ang paraan ng pagsulat nito.Handa ka na ba?Layunin Narito ang mga inaasahan sa iyo sa araling ito: 1. nagagamit ang sariling istilo sa pagbubuo ng magandang simula, maayos na pagpapalawak at makabuluhang wakas. 2. nakasusunod sa mga tiyak na pamantayan sa pagsulat batay sa nilalaman at sangkap 3. nalilinang ang pagiging malikhain sa pamamagitan ng pagsulat ng sariling anekdotaAlamin Marami ka na sigurong naisulat, ano? Kasi naman, bata ka pa lamang ay may mga naisulat kanang sulatin. Ibig kong malaman kung alin sa mga sulatin sa bawat bilang ang higit mong naiibigangsulatin. Lagyan mo ng tsek ( / ) ang iyong sagot. Sulatan mo ang sagutang papel ng 1-10 at dito momarkahan ng tsek. _______ 1. liham pangkaibigan _______ 6. balita _______ 2. tula _______ 7. maikling kuwento _______ 3. sanaysay _______ 8. awit _______ 4. iskrip _______ 9. talumpati _______ 5. editoryal ______10. sariling anekdota Sa mga napili mo, isulat mo sa dahong sagutan kung bakit ang mga ito ang napili mong sulatin.Simulan mo sa ganito ang iyong pahayag: Ibig kong sulatin ang mga iyon sapagkat ______________________________. 28

Linangin Ibig mong makasulat ng sarili mong anekdota? Madali lang iyan. Ngunit bago iyon, dapat momunang malaman ang ilang mahahalagang informasyon kung bakit ka nagsusulat. Handa ka nangmalaman? Ang pagsulat ng sariling anekdota ay parang nakikipag-uusap lamang habang nagbibigay ka ngsarili mong ideya. Ito’y isang pagkokonekta ng sarili mong karanasan sa isipan ng babasa kayat dapatkang magkaroon ng balanseng paglalahad sa pagitan ng iyong mga bagong ideya upang mailapat moito sa kabuuang padron ng iyong susulatin. Narito ang ilang tip para ka makasulat ng sarili mong anekdota: 1. Isiping ang pagsusulat ay isang libangan. Sa dami ng pinagkakaabalahan mo ay mabibigyan mo ng kaunting oras ang pagsusulat para maipahayag mo ang iyong iniisip at nadarama. 2. Pumili ng mga nakatatawang pangyayari sa buhay. Mula rito ay umisip ka ng isang pangyayari na sa palagay mo ay madali mong sulatin. Maaaring ang pangyayari ay naganap noong bata ka pa o ngayong malaki ka na. Tiyakin lamang na ito’y nakatutuwa o nakaaaliw. 3. Gumawa ng balangkas. Sa isang baguhang manunulat ay mahalaga ang paghahanda ng balangkas. Itala mo sa isang malinis na papel ang mga pangyayari at pagsunud-sunurin mo mula sa simula hanggang sa wakas ng ikukuwento mo. Ito ang magiging gabay mo sa pagsulat. Pumili ka ng uri ng balangkas na gagamitin mo. Napag-aralan mo na ito sa unang modyul, di ba? 4. Simulan sa isang makatawag-pansing panimula. Ang panimula ay maaaring patanong, pagsipi sa isang pahayag o panggulat na pangungusap. Halimbawa: Naranasan mo na bang sumakay sa kalabaw? Anong nadama mo noong habang sumasakay ka ay urung-sulong ang kalabaw? Hindi ka ba natakot? (patanong) Anang kasabihan, “Sabihin mo sa akin ang mga kaibigan mo at sasabihin ko sa iyo kung sino ka.” (pagsipi ng pahayag) “Sunog! Sunog! Tulungan ninyo ako!” (panggulat na pangungusap) 5. Ipahayag ang suliranin sa pangalawang talata. Bagamat maikli ang pangalawang talata, ito’y dapat maglaman ng suliranin sa kuwento. Isipin mo na kung walang suliranin ay hindi mabubuo ang kuwento dahil dito iikot ang kabuuan ng kuwento. Banggitin mo na rin dito ang tagpuan o ang lugar na pinangyarihan ng kuwento. 29

6. Ilahad sa nilalaman ang pagkakasunud-sunod ng mga pangyayari. Sa bahaging ito nakapaloob ang tunggalian, katawa-tawang pangyayari, at kasukdulan. 7. Wakasan ang kuwento sa maikling paraan. Maaaring ipaloob sa wakas ng kuwento ang aral na nais mong ipahatid sa mambabasa. 8. Pumili ng pamagat na angkop sa kuwento. Isusulat mo ang pamagat kapag natapos mo nang sulatin ang kuwento. Pumili ng pamagat na maikli at makatawag-pansin. Ito’y dapat na may kaugnayan sa pangyayari sa kuwentong iyong inilahad. Naging malinaw ba sa iyo ang mga gabay na nabanggit? Kung OO ang sagot mo, magsimulaka nang magsulat.GamitinA. Basahin mo ang mga sumusunod na pamagat at pumili ng isang aangkop sa sariling anekdota na isusulat mo. Isulat ito sa jornal.1. Buhay-Teen-ager 9. Tao lang Ako2. Ang Nag-iisang Ako 10. Eh Kasi, Bata3. Bunga ng Kamusmusan 11. Masarap Palang Mabuhay4. Nagkamali Ako! 12. Hindi Ko na Uulitin5. Huwag Mo Akong Hatulan 13. Sige na Nga!6. Katotohanan o Guniguni? 14. Ako sa Nagbabagong Mundo7. Masarap na Mapait ang Buhay 15. Wala Akong Pinagsisisihan8. Bakit Ako Mahihiya?B. Tanungin mo ang isa mong kaibigan tungkol sa nakatatawang pangyayaring naganap sa kanyang buhay. Isulat mo ang kanyang anekdota.Ipabasa mo sa iyong guro ang iyong isinulat para malaman kung nakasunod ka sa pamantayan.Lagumin Marami ka bang natutuhan sa pangalawang aralin, kaibigan? Kung OO ang sagot mo,binabati kita. Ngunit bago kita bigyan ng mga gawaing pasulat, sariwain mo ang mga kaalamang natutuhanmo sa araling ito. Handa ka na ba, kaibigan? 30

1. Ang anekdota ay kuwentong naglalarawan ng isang kilalang tao.2. Ang mga pangyayari sa anekdota ay maikli, kawili-wili at nakalilibang.3. Ang anekdota ay maaaring totoo o kaya’y bungang isip lamang.4. Ang di pagkaseryoso ng pangyayari ay isang katangian ng anekdota.5. Ang anekdota ay nagbibigay-buhay sa matamlay na usapan ng mga tauhan.6. Nagwawakas sa katawa-tawang pangyayari ang anekdota7. Maaaring ang anekdota ay bahagi ng talambuhay.8. Ang anekdota ay nagbibigay-aral gaya ng pabula.9. Dapat isalaysay ang anekdota sa maikling paraan.10. Dapat iwasan ang maligoy at mabulaklak na salita sa pagsasalaysay ng anekdota.SubukinPanuto: Basahin ang pangungusap sa bawat bilang. Piliin ang titik ng tamangsagot.1. Sa anekdota, ang pangunahing tauhan ay isang ______ A. maysakit C. kilala B. may kapansanan D. banyaga2. Kadalasang ang may suliranin sa anekdota ay ang ______________. A. pangunahing tauhan C. kaaway ng pangunahing tauhan B. pangalawang tauhan D. kasama ng pangunahing tauhan3. Ang anekdota ay maikli, kawili-wili at ______________. A. nakaaantok C. nakagaganyak B. nakalilibang D. kapansin-pansin4. Ang anekdota ay maaaring totoo o ____________. A. syentifiko C. political B. di-makatotohanan D. bungang-isip5. Ang mga pangyayari sa anekdota ay kalimitang ___________. A. katawa-tawa C. kahindik-hindik B. kalunus-lunos D. kalungkot-lungkot6. Sa pagsasalaysay ng anekdota, ito’y hindi dapat maging __________. A. maikli C. malinaw B. malalim D. maligoy7. Ang simula, nilalaman at wakas ng anekdota ay matutunghayan sa _________. A. banghay C. tunggalian B. kasukdulan D. suliranin 31

8. Ang kapana-panabik na bahagi ng isang anekdota ay mababasa sa ________. A. sulirain C. tunggalian B. tagpuan D. kasukdulan9. Ang wakas ng isang anekdota ay nagbibigay ng aral tulad ng ________. A. pabula C. mitolohiya B. parabula D. alamat10. Ang anekdota ay bahagi ng isang ___________. A. talambuhay C. nobela B. alamat D. mitolohiya11. Sa pagsulat ng anekdota, isiping ito ay isang ____________. A. hanap-buhay C. libangan B. gawain D. kompetisyon12. Sa simula pa lamang ng kuwento ay dapat nang nakapaloob ang _________. A. tunggalian C. suliranin B. kasukdulan D. aral13. Sa baguhang manunulat, mahalaga ang paghahanda ng ________. A. burador C. konseptong papel B. balangkas D. banghay14. Ang suliranin, tunggalian at kasukdulan ng kuwento ay nakapaloob sa ____________. A. panimula C. nilalaman B. pangalawang talata D. wakas15. Ang pamagat ay isinusulat nang ______. A. una C. pangatlo B. pangalawa D. huliPaunlarin Gusto mo pang makabasa ng isang anekdota, kaibigan? Ano kaya’t ang ipabasa ko sa iyo ayisang anekdota ng isa ring naging pangulo ng Pilipinas? Maaliw ka kaya kapag ang nabasa mo ay anganekdota sa buhay ni dating Pangulong Fidel V. Ramos?Magsimula ka nang magbasa. At habang nagbabasa ka, tuklasin mo ang mga sumusunod:A. pangunahing tauhan E. tunggalianB. tagpuan F. kasukdulanC. suliranin G. tunggalianD. panimula H. wakas 32

Ang Matandaing Pangulo (Anekdota ni Pangulong Fidel V. Ramos) Ang isang magandang katangian ni dating Pangulong Fidel V. Ramos ay ang kanyang pagiging matandain. Noong siya’y pangulo pa ng ating bansa, sa gulang na 60 ay maraming nagtataka kung saan siya kumukuha ng talino upang maging matandain. Isang araw, naanyayahan ang Pangulong Ramos na magsalita sa harap ng napakaraming tao saQuirino Grandstand, na tinatawag ngayong Freedom Grandstand. Bago magsalita si Pangulong Ramos ay iniabot niya ang ilang papeles sa isa niyang kawani. “Hawakan mo ito at pag-aralan. Ibalik mo sa akin pagkatapos mong magawan ng assessmentreport,” utos ni Pangulong Ramos sa kawani. Dahil sa dami ng mga gawain, nalimutan ng kawani ang ipinagagawa sa kanya ng pangulo. Pagkaraan ng ilang buwan, ipinatawag ni Pangulong Ramos ang kawani. “Natatandaan mo ba noong bago ako magsalita sa Quirino Grandstand, may inabot akong mgapapeles sa iyo. Sinabi ko sa iyong gawan mo iyon ng assessment report. Kung hindi akonagkakamali, siyam na buwan na ngayon ang nakararaan,” ang pagunita ni Pangulong Ramos sakawani. Napahiya ang kawani. Hindi niya akalaing sa mahabang panahong nagdaan ay naalala pa niPangulong Ramos ang pangyayaring iyon. “Dinaramdam ko po. Labis po akong napahiya sapagkat akong bata ang nakalimot,” sagot ngkawani. SUSI SA PAGWAWASTOSubukin 2. A 3. A 4. D 5. A 6. A 8. D 9. A 10. A 11. C 12. C 1. C 14. C 15. D 7. A 13. B 33

 Gaano ka na kahusay? A. Tapusin ang pangungusap sa bawat bilang sa pamamagitan ng pagsulat sa titik ng salitangbubuo sa pangungusap sa sagutang papel.1. Ang pagpapalitan ng mga pahayag sa masayang paraan na kasingkahulugan ng panunudyo ayang ______________.A. pamimintas. C. pagbibiro.B. pamumuna. D. pagtuligsa.2. Ang uri ng birong dapat iwasan ay ang birong ____________.A. nakakatakot. C. nagpapalalim ng kaisipan.B. nagkakatotoo. D. maaanghang.3. May batas na ngayong nagpaparusa sa pagbibiro at pananakit ng damdamin sa mga taong may____________.A. sakit. C. kapansanan.B. problema D. katungkulan sa pamahalaan.4. Ang anekdota ay kuwentong naglalarawan sa isang taong _________.A. nakatapos ng pag-aaral. C. nasa pamahalaan.B. kilala. D. nakapaglakbay.5. Ang mga pangyayari sa anekdota ay maikli, kawili-wili at __________.A. nakalilibang. C. nakalalakas ng loob.B. nakaiinip. D. nakapananabik.6. Ang anekdota ay bahagi ng ____________.A. alamat. C. epiko.B.kuwentong bayan. D. talambuhay.7. Tulad ng pabula, ang wakas ng anekdota ay ____________.A. nag-iiwan ng kakintalan o impresyon.B. nagwawagi ang pangunahing tauhan.C. nalulutas ang problema ng pangunahing tauhan.D. nag-iiwan ng aral.8. Mayaman sa guniguni ang anekdota bilang isang akdang ___________.A. panteknikal. C. pampanitikan.B. pansyentifiko. D. pansosyo-politikal.9. Ang anekdota ay nagbibigay-buhay sa matamlay na ____________.A. paksa. C. aksyon ng mga tauhan.B. pangyayari. D. usapan ng mga tauhan. 34

10. Kailangang maisalaysay o maisulat ang anekdota sa paraang ____________.A. maikli. C. mabulaklak ang mga pahayag.B. maligoy. D. limitado ang talasalitaan.E. Basahin ang anekdota. Sagutin ang mga tanong sa pamamagitan ng pagsulat ng titik ng tamang sagot sa sagutang papel. ANG TSINELAS NI PEPE (Anekdota ni Jose Rizal) Isang araw, sumama si Pepe sa kanyang ama sa pamamangka sa ilog. Gustung-gusto niPepe ang pamamangka dahil bukod sa nalilibang siya ay nagugustuhan niyang pagmasdan angmga nagtataasang mga puno at naggagandahang mga halaman at bulaklak. Nagugustuhan dinniyang pagmasdan ang napakalinis at napakalinaw na ilog. Kaya’t habang nagsasagwan angkanyang ama ay abala naman siya sa katitingin sa ilog. Ginagawa niya itong salamin upangmakita ang kanyang mukha. Iba’t ibang ayos ang ginagawa niya sa kanyang mukha. Minsa’yidinidilat niya ang kanyang mga mata o di kaya naman kaya ay pinalalaki niya ang kanyangbibig. Gustung-gusto rin niyang nakikita ang iba’t ibang ibon na nagpapahinga sa kanilangmga pugad. Napapalakpak siya sa tuwing siya’y makakakita ng mga ibong sabay-sabay nalumilipad. Sa bandang likuran ng bangka laging umuupo si Pepe. Nakataas ang kanyang mga paa samalapad na kahoy na inuupan ng kanyang ama. Ang paghanga ni Pepe sa sama-samang paglipad ng mga ibon ay kanyangpinapalakpakan. “Yehey! Ang ganda! Sabay-sabay sila sa paglipad!” sabi ni Pepe habang siya’ywalang tigil sa pagpalakpak. “Pepe, huwag kang malikot. Baka lumubog ang bangka,” paalala ng kanyang ama. “Dinaramdam ko po, Ama. Labis po kasi akong nagandahan sa nakita ko,” sabi niPepe. Muli na namang nakakita si Pepe ng mga ibong sabay-sabay na limilipad.Hindi niya napigilan ang pagpalakpak. Kasabay ng kanyang pagpalakpak ay napakislot angkanyang kanang paa. Hindi niya inaasahang mahuhulog ang isa niyang tsinelas. “Ama, nahulog po ang aking isang tsinelas,” sabi ni Pepe. “Huwag kang mag-alala. Ibabalik ko ang bangka para kunin ang tsinelas mo,”sabi ng kanyang ama. 35

Sa halip na sumang-ayon ay itinapon ni Pepe ang kabyak ng tsinelas. “O, bakit mo itinapon ang kabyak ng tsinelas?” tanong ng kanyang ama. “Para po pakinabangan ng makakakuha. Hindi po kasi niya magagamit ang isangtsinelas lamang,” sagot ni Pepe. Natawa ang ama ni Pepe. Ipinagpatuloy niya ang pagsagwan habang tuwang-tuwang pinapanood ni Pepe ang nagliliparang mga ibon.1. Sinong Pepe ang tinutukoy sa anekdota?A. Jose Rizal C. Jose BurgosB. Jose Corazon de Jesus D. Jose dela Cruz2. Kanino sumama si Pepe? C. Sa kanyang guro. A. Sa kanyang ama. D. Sa kanyang kaibigan. B. Sa kanyang kapatid.3. Saan naganap ang kuwento? C. Sa bakuran. A. Sa parke. D. Sa ilog. B. Sa pamilihan.4. Paano nagsimula ang kuwento? A. Sumama si Pepe sa kanyang ama na mamangka sa ilog. B. Nakataas ang mga paa ni Pepe sa kahoy na upuan ng kanyang ama. C. Gustung-gustong pagmasdan ni Pepe ang lumilipad na mga ibon. D. Habang nagsasagwan ang ama ni Pepe ay abala naman siya sa katitingin sa ilog.5. Ano ang suliranin sa kuwento? C. Ang paghulog ng tsinelas sa ilog. A. Ang paglipad ng mga ibon. D. Ang pagsagwan sa ilog. B. Ang pagsakay sa bangka.6. Ano ang kapana-panabik na bahagi ng kuwento? A. Lumipad nang sabay-sabay ang mga ibon. B. Nahulog ang isang tsinelas ni Pepe. C. Itinapon ni Pepe ang kabyak ng tsinelas. D. Kukunin ng ama ni Pepe ang tsinelas.7. Aling bahagi ng kuwento ang maaaring pagtalunan? A. Kung isasama si Pepe ng kanyang ama sa pamamangka. B. Kung sabay-sabay na lilipad ang mga ibon. C. Kung magiging mabulaklak ang mga halaman. D. Kung itatapon ni Pepe ang kabyak ng tsinelas. 36

8. Aling bahagi ng kuwento ang kapupulutan ng aral? A. Ang pagtulong sa taong nangangailangan. B. Ang pagpapanatiling malinis ng ilog. C. Ang pagtanggap sa kamalian. D. Ang pagiging mapagkumbaba. 9. Ano ang naging wakas ng kuwento? A. Hinangaan si Pepe ng kanyang ama. B. Nagtampo kay Pepe ang kanyang ama. C. Lumubog ang bangka. D. Hindi na makalipad ang mga ibon.10. Alin sa mga katangian ng anekdota ang taglay ng kuwento? A. Maikli. B. Kawili-wili. C. May aral. D. Lahat ng sagot.C. Tapusin ang pangungusap sa bawat bilang sa pamamagitan ng pagsulat ng titik ng salitang bubuo sa pangungusap.1. Sa pagsulat ng anekdota, ang unang dapat pagtuunan ng pansin ng manunulat ayang pagpili sa taong __________.A. may kapansanan. C. nasa hustong edad.B. kilala. D. kabilang sa mataas na lipunan.2. Makakakuha ng informasyon ang manunulat sa buhay ng taong susulatin satulong ng ____________.A. alamat. C. pabula.B. kuwentong-bayan. D. talambuhay.3. Ang paksa ng susulating anekdota ay dapat nakafocus sa _________.A. katawa-tawang pangyayari. C. suliranin ng pangunahing tauhan.B. makatawag-pansing simula. D. malungkot na wakas.4. Kung susulatin ang panimula ng anekdota, ito’y dapat na __________.A. maikli. C. pasalaysay.B. patanong. D. nasa unang panauhan.5. Sa panimulang talata pa lamang ay dapat nang ipinakikilala ang ___________.A. pangunahing tauhan. C. aral.B. katulong na tauhan. D. suliranin.6. Ang simula ng banghay ay kadalasang isinusulat sa ____________. 37

A. unang talata. C. pangatlong talata.B. pangalawang talata. D. huling talata.7. Ang tunggalian ay isinusulat sa pagitan ng suliranin at _________.A. simula ng banghay. C. katawa-tawang bahagi.B. kasukdulan. D. wakas.8. Ang kasukdulan ay isinusulat bago isulat ang _________.A. tunggalian. C. aral.B. katawa-tawang bahagi. D. wakas.9. Ang wakas ng anekdota ay isinusulat pagkatapos mailahad ang ______.A. solusyon sa problema. C. kasukdulan.B. tunggalian. D. aral.10. Sa pagsulat ng sariling anekdota, dapat itong maglantad ng _________.A. kalakasan. C. katotohanan.C. kahinaan . D. kapalaran. 38

Susi sa Pagwawasto Modyul 16 Pagsulat ng Anekdota SUSI SA PAGWAWASTO Sub-Aralin 1A. B. C. 1. / 2. / 1. Arimoto? 1. Corny 3. / 4. / 2. Sayobato? 2. minamani 5. / 3. Otomoto? 3. baboy 4. Otokoto? 4. butter 5. Mimutamatamo. Sub-Aralin 2 1, 3, 2, 5, 7, 4, 6, 8 Sub-Aralin 31. C 2. A 3. A 4. D 5. A 6. A1. A 8. D 9. A 10. A 11. C 12. C13. B 14. C 15. D

Modyul 17 Walang Hadlang sa Pag-ibig Tungkol saan ang modyul na ito? Mahal kong estudyante, kumusta ka na? Marami ka bang natutuhan sa mga modyul na napag-aralan mo na? Mabuti naman kung ooang sagot mo. Nakabasa ka na ba o nakarinig na ng mga kwento tungkol sa kalapating nagigingisang magandang dalaga? O tungkol sa pagpatag sa isang bundok sa loob lamang ng magdamag? Okaya naman ay tungkol sa trigong kagabi lamang itinanim pero ngayong umaga’y nakahain nangtinapay? Makikilala mo kaya ang isang mahal sa iyo kung isang hintuturo lamang niya ang makikitamo? Kawili-wili ang ganitong mga kwento, di ba? Ginigising ba ng ganitong mga kwento angiyong haraya o imahinasyon? Nagiging natatanging karanasan ba ang pagbabasa para sa iyo? Tiyakiyon. Kung gayon, halika, maglakbay ka sa malalayong kabundukan at makipagsapalaran ding tuladng mga tauhan sa koridong pinag-aaralan mo. Sa tulong ng modyul na ito, tuklasin mo ang hiwagang pag-ibig na di kayang pigilan ng libo mang hadlang. Pag-aaralan mo sa modyul na ito ang ikatlong bahagi ng koridong Ibong Adarna. Ano ang matututunan mo? Ang kwento tungkol sa pag-iibigang pilit hinadlangan ng malupit na ama ng prinsesa at angkahanga-hangang mahika ng prinsesang ito ang magiging daluyan ng mga kasanayang inaasahangmatatamo mo sa modyul na ito. Inaasahang matututuhan mo sa modyul na makilala at masuri ang ikatlong bahagi ng IbongAdarna batay sa mga tiyak na katangian at pamantayan. Narito ang mga tiyak na kasanayanginaasahang matatamo sa modyul:

1. Natutukoy ang iba’t ibang pagpapahalagang Pilipinong lumutang sa akda. 2. Nakapagbibigay ng pansariling paghuhusga sa akda batay sa: • Posibilidad ng mga pangyayari • Di posibilidad ng mga pangyayari 3. Nakabubuo ng desisyon hinggil sa pagkamalapit sa realidad ng akda. 4. Naiuugnay sa aktwal na pangyayari sa kasalukuyan ang mga pangyayaring inilahad sa akda. Para bang mahirap? Hindi mahirap iyan. Kayang-kaya mo basta’t hakbang-hakbang mongsusundan ang bawat bahagi ng modyul. Paano mo gagamitin ang modyul na ito? Tulad ng sinabi ko sa iyo, kaibigan, maraming ihahandog na mga bagong kaalaman sa iyo angmodyul na ito. Magiging madali at matagumpay ang paggamit mo nito kung susundin mo ang mgatuntunin sa ibaba na magsisilbing gabay mo sa iyong pag-aaral. Basahin mo ang mga ito at unawaingmabuti. 1. Una sa lahat, ingatan mo ang modyul na ito. Huwag mo itong dudumihan at susulatan. Gumamit ka ng hiwalay na sagutan/sulatang papel para sa pagsagot mo sa mga pagsusulit. 2. Sagutin mo at huwag lalaktawan ang Panimulang Pagsusulit. Ito ang panimulang hakbang upang masukat at matiyak ang dati mo nang kaalaman sa paksang tatalakayin sa modyul na ito. 3. Kunin mo sa iyong guro ang susi sa pagwawasto. Iwasto mo ang iyong sagot. Maging matapat ka lamang sa pagwawasto, ha? Huwag kang mag-aalala kung mababa ang markang nakuha mo. May inihanda akong mga gawain at iba pang pagsasanay na tiyak na makatutulong sa iyo. 4. Basahin at unawain mong mabuti ang mga teksto bago mo sagutin ang mga gawaing kaugnay nito. Unawain mo ring mabuti ang mga panuto dahil malaki ang maitutulong nito upang maging madali sa iyo ang pagsagot sa mga gawain. 2

5. Sagutin mo agad ang Pangwakas na Pagsusulit upang matiyak mo kung natutuhan mo ang aralin. Kunin mong muli ang susi sa pagwawasto sa iyong guro. Muli, maging matapat ka sa pagwawasto. 6. Bigyang halaga mo sana ang modyul na ito, kaibigan. Sikapin mong sagutin ang mga gawaing inihanda ko katulad ng pagsisikap kong matulungan kang matuto. Ano na ba ang alam mo? Sa bahaging ito, nakaharap sa libong hadlang ang pag-iibigan nina Don Juan at PrinsesaMaria. Malampasan kaya nila ang mga pagsubok? Nasa ibaba ang ilang tanong para mataya kung ano na ang alam mo sa ngayon kaugnay ngnilalaman ng modyul na ito.A. Punan ng angkop na salita ang patlang. Isulat sa iyong sagutang papel ang letra ng mga sagot. 1. Dalawang matandang _______ (a. ketongin, b. maysakit, c. ermitanyo) ang tumulong kayDon Juan sa paghahanap sa Reyno de los Cristal. 2-3. Si Don Juan ay naglakbay sa _________ (a. tubig, b. lupa, c. himpapawid) sakay ng_________ (bus, bapor, agila). 4. Nang ilapag ng agila si Don Juan sa paliguan ni Prinsesa Maria, tyempo namang dumatingang prinsesa sa anyong _______ (a. gansa, b. bibe, c. kalapati). 5. Itinago ni Don Juan ang ________ (a. damit, b. sapatos, c. pakpak) ng prinsesa. 6. Ang galit ng prinsesa ay napalitan ng pag-ibig nang ang prinsipe ay humingi ng ________(a. tawad, b. halik, c. pera) 7. Maraming pagsubok na ipinatupad si Haring ______ (a. Salem, b. Salino, c. Salermo), angama ni Maria. 8. Ang pinakamahirap na pagsubok ay ang paghanap sa _______ (a. singsing, b. salapi,c. negrito) ng hari. 9. Upang hanapin ang singsing, si Maria ay nagpatadtad nang pinung-pino at bawat piraso aynaging ______ (a. isda, b. pating, c. dugong). 3


Like this book? You can publish your book online for free in a few minutes!
Create your own flipbook