10. Ang isa pang pagsubok ay pagpapaamo sa isang ______ (a. kabayo, b. usa, c. leon) na mismong si Haring SalermoB. Anong pagpapahalaga ba o matandang kaugalian ang isinasaad sa mga saknong sa ibaba,partikular sa bahaging may salungguhit? Isulat sa sagutang papel ang iyong sagot.1009 Buong galang na tumugon ang prinsipeng tinatanong, “Bati ko’y magandang hapon sa Hari kong panginoon.”1018 Ipinakli ni Don Juan: “Iyan po’y di pasasaan, ang hintay ko’y pag-utusan ng aking makakayanan.”976 “Ngunit tabi sa harapan ako’y iyong pagtapatan, alin bagang kaharian ang iyong pinanggalingan?”C. Nasa ibaba ang mga sitwasyong hango sa Ibong Adarna. Isulat sa iyong sagutang papel ang Pkung posible at DP kung di posible. 1. Naglakbay sa himpapawid si Don Juan. 2. Sakay siya ng agila. 3. Isang buwan silang naglakbay nang walang hinto. 4. Ang 2 ermitanyong tumulong kay Don Juan ay may edad 500 taon at 800 taon 5. Naging bato ang mga manliligaw ng magkakapatid na prinsesa sa kagagawan ng hari. 6. Nagpakana si Don Pedro laban sa bunsong kapatid na si Don Juan. 7. Kinasapakat niya ang kapatid na si Don Diego. 8. Itinago ni Don Juan ang damit ni Maria. 9. Nagalit si Maria kay Don Juan dahil sa pagtatago ng damit niya. 10. Nawala ang galit ni Maria dahil sa mapagkumbabang sagot at sa tamis ng dila ni Don Juan. 4
D. Isulat kung ano ang kaisipang isinasaad sa pariralang may salungguhit? Nagaganap pa ba ang mgaito sa kasalukuyan?1374 Kabataan, palibhasa pag-ibig ay batang-bata, sa apoy ng bawat nasa’y hinahamak pati luha.1375 Likas na sa kabataang sa pag-ibig ay mamatay, bawalan mo ay kaaway pati ng mga magulang.1376 Mga pusong sa pag-ibig pinag-isa na ng dibdib halangan ng kahit lintik liliparin din ang langit.1377 At sa batang kaisipan ang lahat na’y pawang buhay, sa masama’y pagbawalan ang akala’y di mo mahal. Mahal kong estudyante, kung tapos mo nang sagutan ito, kunin sa iyong guro ang Susi saPagwawasto. Iwasto nang maayos at tapat ang iyong papel. Ano ang nakuha mong marka? Kung nakakuha ka ng 25 pataas, di mo na kailangang pag-aralan ang modyul na ito. Maaari ka nang magpatuloy sa susunod na modyul. Pero kung wala pang 25 ang nasagutan mo nang tama, kailangan mo ang modyul na ito. 5
Mga Gawain sa PagkatutoSub-Aralin 1 Mga Pagpapahalagang PilipinoLayunin: Pagkatapos mo ng Sub-araling ito, inaasahang natutukoy mo ang iba’t ibang pagpapahalagang Pilipinong lumutang sa akda.Alamin Natatandaan mo pa ba kung ano ang mga nangyari na sa mga naunang bahagi ng IbongAdarna? Para maalala mo ang mga naunang pangyayari, narito ang buod ng una at ikalawang bahagi: Nagkasakit si Haring Fernando at ang tanging lunas ay ang awit ngmahiwagang Ibong Adarna. Ang bunso, si Don Juan, ang nakahuli nito. Ngunitnagpakana sina Don Pedro at Don Diego, ang dalawang nakatatandang kapatid.Iniuwi nila ang ibon at iniwang lugmok si Don Juan. Nakauwi rin si Don Juan.Noon lamang umawit ang ibon. Gumaling ang hari. Gabi-gabi, halinhinangpinabantayan ng hari sa tatlong magkakapatid ang Ibong Adarna. Isang gabi, pinawalan ni Don Pedro at ni Don Diego ang Ibong Adarnaupang palitawing si Don Juan ang nagpabaya. Kusang lumisan si Don Juanupang mapagtakpan ang mga kapatid. Ipinahanap ng hari si Don Juan kina DonPedro at Don Diego. Masayang nagkita-kita ang tatlong magkakapatid sakabundukan ng Armenya.. May nakita silang isang mahiwagang balon na napakalalim pero walangtubig. Sa pamamagitan ng lubid na nasa ibabaw ng balon, narating ni Don Juanang kailaliman ng balon at iniligtas ang magkapatid na sina Juana at Leonorasa higante at serpyenteng may pitong ulo. Nang muling bumaba sa balon si Don Juan upang balikan ang singsingni Leonora, pinatid ni Don Pedro ang lubid na kinakapitan ni Don Juan kayaang huli’y naiwan sa ilalim ng balon na bali-bali ang mga buto. Tinulungan siyang isang lobo na pinapunta roon ni Leonora. 6
Umuwi sa Berbanya sina Don Pedro at Don Diego kasama sina Juana at Leonora. Ikinasal si Juana kay Don Diego. Dinalaw ng Ibong Adarna si Don Juan at pinayuhang hanapin ang kapalaran sa Reyno de los Cristal Narito naman ang buod ng ikatlong bahagi ng Ibong Adarna. Dumanas ng malaking hirap si Don Juan sa paghahanap sa Reyno de los Cristal. Sa wakas, nakita niya ang Ermitanyo na ayon sa matanda sa nakaraang bahagi ay makapagtuturo sa kanya sa nasabing kaharian. Itinuro siya ng ermitanyo sa isa pang ermitanyo na may alagang agila. Ang ibong ito ang naghatid sa kanya sa hinahanap na reyno. Nakita niya ang hanap na dilag. Napaibig ni Don Juan si Donya Maria kaya tinulungan siya ng dalaga upang malampasan ang mga pagsubok ng ama nitong si Haring Salermo. Iba’t ibang pagsubok ngunit nagawang lahat sa tulong ng mahika blangka ng prinsesa. Ngunit nalaman ni Maria na sa iba ipakakasal si Don Juan. Nagtanan ang dalawa. Hinabol sila ng hari pero nalampasan ng talino ni Maria ang mahika negra ng kanyang ama. Isinumpa ng hari ang magkasintahan. Nagkasakit at namatay ang hari. Ano kayang mga pagsubok ito ang hinarap ni Don Juan? Lalong nagiging kapana-panabik angkwento sa buhay niya, di ba? Para lalo mong maibigan ang koridong pinag-aaralan, basahin ang ilang piling saknong: 858 Limang buwang paglalakad pitong bundok ang binagtas, pitong dusa’t pitong hirap bago sinapit ang hangad. 859 Doon ay kanyang dinatnan isang Ermitanyong mahal, balbas ay hanggang baywang kasindak-sindak pagmasdan. 7
860 Pagkakita sa Prinsipe ang matanda ay pumiksi: “Ikaw tuksong pagkalaki lumayo sa aking tabi. 861 “Dito’y mahaba nang araw na ako’y nananahanan, sa tahimik kong pamumuhay walang taong nakaalam.” 864 Nakita ang dalang baro Ermitanyo’y napatango, noon niya napaghulo na mali ang kanyang kuro. 865 Hinagkan na’t tinangisan yaong barong kanyang tangan, luha sa mata’y bumukal agos ang nakakabagay. 866 At nagwika ng ganito: “Hesus na Panginoon ko, isang galak ko na itong pagkakita sa baro Mo.” Sino kayang Hesus na Panginoon ang tinutukoy ng Ermitanyo? Tama ka kung ang sagot moay si Hesukristo. Napansin mo bang nakasulat sa malaking titik ang Panginoon (T2) gayon din angpanghalip na Mo sa T4? Di ba sinisimulan sa malaking titik ang mga salitang tumutukoy sa Diyos,pati na mga panghalip? Ano ba ang Ermitanyo? Ito ay taong namumuhay nang mag-isa, malayo sa ibang tao at salipunan, karaniwa’y sa kadahilanang kaugnay ng relihiyon. Napansin mo ba ang reaksyon ngErmitanyo nang makita si Don Juan? Aling saknong ang nagsasaad ng reaksyon ng Ermitanyo? Di baS860? Nagalit ang matanda nang makita si Don Juan. Kasi nga’y pinili niyang lumayo sa lipunan,kaya hindi niya ikinasisiya ang mga dayo sa kanyang lugar. Ilang taon na kaya ang Ermitanyo? Hanapin mo sa saknong na ito. 871 “Hesus na Panginoon ko, limang dantaon na akong naninirahan dito’t malayo sa mga tao. Ano ang sagot mo, 500? Tama ka. 8
Ang Ermitanyong ito’y hindi nakapagturo kay Don Juan sa hinahanap na kaharian. Sa halip,itinuro siya nito sa isa pang Ermitanyo. Ito naman ang paglalarawan sa isa pang Ermitanyo. 896 Hinangaan at nagtaka sa Ermitanyong nakita sa katandaa’y humigit pa sa nakausap na una. 897 Ang balbas nito sa haba sumasayad na sa lupa, balahibo’y mahahaba’t mapuputi namang pawa. 903 Pagkatapos ay ganito ang sabi ng Ermitanyo: “Walong daang taong husto ang paninirahan ko rito.” Sino ang mas matanda sa dalawang ermitanyo? Ang ikalawa, di ba? Ilang taon na angikalawa? 800 nga! Grabe, ano? Ang matandang ito ang nakatulong kay Don Juan sa paghahanap sa Reyno de los Cristal.Sadyang napakalayo ng kahariang ito at isang buwan niyang nilakbay sakay ng ibong agila. Naritoang paglalarawan sa kanyang paglalakbay. 934 Sa paglipad na sambuwan walang hinto sandali man, kasukat ng baong taglay na tatlong daang duruan. 935 Dalang baon ay ubos na nakarating naman sila sa banyo ni Donya Mariang tubig ay kaaya-aya. Heto na nga ang Prinsipe sa paliguan ni Donya Maria nang tyempong dumating ang babae: 950 Kitang-kita ni Don Juan nang ang tatlo ay dumatal kalapating kagayaka’y himala ng kagandahan. 951 Dilag ni Donya Maria walang kapantay sa kanya, ipikit man yaong mata’y nasisilaw din ng ganda. 9
Napahanga na naman sa kagandahan ang Prinsipe! Itinago niya ang damit ng dalaga kaya’tnagalit ito. Nagpakilala si Don Juan bago inilitaw ang damit ng dalaga, sabay hingi ng tawad. Nangtanungin siya ni Maria kung saan galing, ito ang sagot ng binata:978 “Ang inyo pong kaharian ay sinadya kong nilakbay, bula ang aking sinakyan sa dagat lulutang-lutang.” Totoo ba ang sinabi ni Don Juan? Nambobola siya, di ba? Saan ba siya naglakbay? Sa dagatba? Di ba sa papawirin, sakay ng agila? Pero sa mapagpakumbabang sagot at sa tamis ng dila ni DonJuan, hindi na nakuhang magalit ng Prinsesa. Sige, basahin mo ang patunay dito.982 Ang Prinsesa ay nahabag Sa anyo ng kapuspalad galit niya ay naglubag nahalili ay pagliyag. Isa na namang puso ang nabihag ng makisig na Prinsipe! May ipinakita ang Prinsesa kay DonJuan:989 “Iyang iyong natatanaw mga batong nakahanay, ang lahat na’y taong tunay na pawang naparusahan.” Grabe pala ang ama ng Prinsesa. Kung ikaw si Don Juan, ipagpapatuloy mo pa ba angpangingibig sa isang dalagang may gayon kalupit na ama? Kung ikaw naman ang dalagang maygayong klaseng ama, ano ang gagawin mo? Siguro, tutulungan mo ang iyong manliligaw ano? Ganito ang ginawa ni Donya Maria’y– iniharap niya sa ama ang manliligaw, pero tinuruanmuna ng gagawin. May mga pagsubok daw ang hari, pero huwag mag-alala ang Prinsipe dahil:1003 “Anuman ang iaaatas tanggapin mo, aking liyag, hindi ikaw ang tutupad kundi akong kanyang anak.” 10
Ang nagagawa nga naman ng pag-ibig!Narito naman ang pananalita ni Don Juan nang makaharap na si Haring Salermo:1009 Buong galang na tumugon ang prinsipeng tinatanong, “Bati ko’y magandang hapon sa Hari kong panginoon.”Linangin Naibigan mo ba ang mga binasang saknong? Syempre naman, di ba? Kasi, lutang na lutangang magagandang pananalita at ang mga pagpapahalagang Pilipino sa akda. Bakit may mga pagpapahalagang Pilipino sa akda gayong ang tagpuan nito ay sa malalayongkaharian, tulad ng Berbanya, Armenya, at Reyno de los Cristal. Sa tunog na tunog pa lamang ng mgalugar na ito ay banyagang-banyaga na, marahil ay Europeo, ano? Ang mga tauhan naman ay mga hariat reyna, prinsipe at prinsesa, don at donya. Mayroon ba niyan sa Pilipinas? Wala ngang ganyang mga tao sa ating bansa. Wala ring ganyang mga lugar sa Pilipinas. Peroang mga tauhan ng korido ay mga Pilipino, dinamitan lamang ng banyagang kasuotan. Ang panlabasna anyo lamang nila ang dayuhan. Matangos ang ilong, maputi ang kutis, blonde ang buhok. Peroang kalooban at mga pagpapahalaga ay iyong kilalang-kilala nating mga Pilipino. Ano ang mga pagpapahalagang ito? Napansin mo ba ang malaking paggalang na iniukol ni Don Juan sa Ermitanyo? Sa mganaunang bahagi ng Ibong Adarna, gayon ding paggalang ang ipinamalas ni Don Juan sa matatanda.Matulungin siya at maawain sa matatanda, pati na sa isang ketonging nakapandidiri. Sa bandang huli,ginantimpalaan naman ang gayong pagkamatulungin dahil lagi, matanda ang nakatutulong sa kanya.Muli itong napatunayan sa bahaging ito. Ngunit bukod sa pagiging magalang sa matatanda, ang bahaging ito ay waring may iba pangibig ipahiwatig. May implikasyong relihiyoso ang S866 – na parang si Hesus mismo ang unangmatandang naghimaton kay Don Juan sa Ermitanyo. Di ba tayong mga Pilipino ay may paniniwalana pinapatnubayan ng Diyos ang taong madasalin, maaawin at matulungin sa kapwa? Tungkol naman sa kababaihan. Ang paggalang at pagpapahalaga sa kababaihan ay ipinakita niDon Juan sa kanyang pakikitungo kay Donya Maria. Oo nga’t pinangahasan niyang itago ang damitnito, pero agad siyang nagpakumbaba at humingi ng tawad. Bukod pa rito, pawang maririkit atmatatamis na pananalita ang iniukol niya rito, di ba? 11
Mayroon pa bang ibang pagpapahalagang Pilipino sa akda? Tiyak na mayroon pa. Tingnanmo nga kung matutukoy mo. Alam mo ba kung bakit hitik sa mga pagpapahalaga ang koridong Ibong Adarna? Ito’y dahilsa layuning panrelihiyon ng korido. Sinulat ang korido upang magpalaganap ng kaisipang Kristiyano.Gamitin Tingnan mo nga kung kaya mo nang ilapat ang natutuhan mo. Anong pagpapahalagang Pilipino ang isinasaad sa mga saknong sa ibaba:1009 Buong galang na tumugon ang prinsipeng tinatanong, “Bati ko’y magandang hapon sa Hari kong panginoon.” Ang nagsasalita rito ay si Don Juan. Ito ang pagbati niya sa haring ama ni Maria. Anongpagpapahalaga ang makikita rito? Tama, ang pagiging magalang sa ama ng nililigawan. Ang isa pangpagpapahalaga ay ang magalang na pagbati sa may-ari ng bahay na binibisita niya. Hindi ka bastapapasok sa bahay ng iba na parang ito’y pag-aari mo, di ba? Magalang kang babati at hihintayinmong patuluyin ka bago ka humakbang man lamang papasok. Noong panahon ng ating mga ninuno, kailangan pang pilitin ang isang taong inaanyayahan,bago ito mapapasok sa ibang bahay. Bakit kaya? Kasi, iginagalang niya ang kalooban ng may-ari ngbahay. Baka nakaaabala siya, pero hindi naman masabi ng may-ari ng bahay, dahil sa magandangkalooban nito. Makikita niya kung tapat ang paanyaya kung hihilahin na siyang papasok. Sa kaso ni Don Juan, nang patuluyin siya ng Hari ay di siya umakyat sa palasyo. Ito ang tugonniya:1018 Ipinakli ni Don Juan: “Iyan po’y di pasasaan, ang hintay ko’y pag-utusan ng aking makakayanan.” Ganyan ang mga Pilipino noon. Sa halip tanggapin ang paanyaya, paghingi ngmaipaglilingkod ang sagot ni Don Juan. Pero sa pagkakataong ito, ang pagtanggi ay ginawa ni Don Juan dahil na rin sa payo ni Maria.Pag pumasok daw siya ay di na makalalabas nang buhay! 12
Ito ang payo ni Maria: 999 “Ang pagpanhik sa palasyo’y isang silo ng ama ko, sa sandali kang mabuyo’y tiyak na kamatayan mo.”Ano namang pagpapahalagang Pilipino ang nakasaad sa mga saknong na ito:1013 “Ngalan ko po ay Don Juan bunsong anak ng magulang, sa Berbanya’y minamahal lungkot nila ang mawalay.1014 “Bayan ninyo ay nasapit sa atas po ng pag-ibig pusong lumagi sa hapis ang hanap ay isang langit.” Ito’y pagpapakilala ni Don Juan ng sarili sa ama ng nililigawan niyang dilag. Ganyan angmga Pilipino noong unang panahon. Hindi basta dinadagit ang isang dalaga. Maayos na dumadalawsa bahay ng nililigawan, nagpapakilala sa mga magulang nito, at nagpapahayag ng mataos napagmamahal at matapat na damdaming hindi paluluhain lamang ang isang babae.Ganito pa rin ba ang ligawan sa ngayon? Ibang-iba na, di ba?Lagumin Malinaw na marahil sa iyo ang sub-araling ito. Upang maging mas malinaw pa, narito angmga pangunahing puntos: 1. Ang tauhan ng isang korido ay karaniwang mga hari at reyna, prinsipe at prinsesa, don atdonya. 2. Ang tagpuan ay karaniwan ding malalayong lugar. 3. Gayon man, ang mga tauhan ay nagpapakita ng mga ugali at pagpapahalagang Pilipino,tulad ng paggalang sa matanda, pagiging madasalin, paggalang sa kababaihan at maayos napanliligaw sa kababaihan. Ngayong malinaw na sa iyo ang sub-aralin, handa ka na ba sa isang pagsubok? 13
Subukin Sagutin ang mga tanong. Isulat ang mga sagot sa iyong sagutang papel. 1. Ilang daang taon na ang unang Ermitanyong pinuntahan ni Don Juan? 2. Ilang daang taon na ang pangalawang Ermitanyong pinuntahan ni Don Juan? 3. Sino o alin ang naghatid kay Don Juan sa kaharian ni Maria? 4. Gaano katagal silang naglakbay? 5. Ano ang anyo ni Maria nang dumating ito sa paliguan? 6. Anong mga pagpapahalagang Pilipino ang lumutang sa bahaging ito ang koridong Ibong Adarna? 7. Basahin ang mga saknong at sagutin ang mga tanong sa ibaba: 976 “Ngunit tabi sa harapan ako’y iyong pagtapatan, alin bagang kaharian ang iyong pinanggalingan?” A. Ano ang ibig sabihin ng tabi sa harapan? a. nagbibigay-galang bago magtanong b. pinatatabi ang kausap c. pinahaharap ang kausap B. May pagpapahalagang Pilipino ba sa pahayag sa itaas? Anong pagpapahalaga ito? 989 “Iyang iyong natatanaw mga batong nakahanay, ang lahat na’y taong tunay na pawang naparusahan.” a. Ano ang natatanaw na nakahanay? b. Bakit sila nagkaganito? 8. Anong matandang kaugaling Pilipino ang nakasaad sa sagot ni Don Juan kay HaringSalermo: S1018 T3-4: “ang hintay ko’y pag-utusan/ng aking makakayanan.” 14
Ganito rin ba ang mga sagot mo? Kung gayo’y tama ka.1. 500 taon2. 800 taon.3. Agila4. Isang buwang walang tigil.5. Kalapati6. Paggalang sa matatanda, pananalig sa Diyos, paggalang sa kababaihan, paggalang sa may-ari ng bahay7. S976: A. a. B. Oo. Pasintabi sa kausap bago magtanong. Humihingi muna ng pahintulot sa gayong pagtatanong. S989: a. Mga bato b. Dating mga tao na naparusahan8. Ang matandang kaugalian ng paninilbihan ng isang binata sa pamilya ng dalagang nililigawan niya.Kung tamang lahat ang sagot mo, hindi mo na kailangang sagutan ang Paunlarin.Paunlarin 1. May pagpapahalaga bang nakasaad sa pariralang may salungguhit? Ano ito? 962 “Ito’y hindi dapat gawin lalo pa nga kung sa akin maging hamak at alipin ang tingin ko ay magaling.” 2. Ano ang dapat gawin upang magtagumpay? 943 “Sa iyo, ako’y paalam, ang loob mo ay tibayan, bilin ko sana’y tandaan nang matiyak ang tagumpay.” a. tibayan ang loob b. tiyakin ang tagumpay c. sundin ang bilin 15
Mga sagot:1. Mayroon. Pantay na pagtingin sa lahat ng tao, mahirap man o mayaman. O kaya’y makatarungang pagtingin sa tao kahit mahirap o mababa ang katayuan sa buhay2. a. Tibayan ang loobSub-Aralin 2 Libo Mang Pagsubok: Posible ba? Layunin: Pagkatapos mo ng sub-araling ito, inaasahang ikaw ay: 1. Nakapagbibigay ng pansariling paghuhusga sa akda batay sa: • Posibilidad ng mga pangyayari • Di posibilidad ng mga pangyayari 2. Nakabubuo ng desisyon hinggil sa pagkamalapit sa realidad ng akda.Alamin Ngayong nakaharap na ni Don Juan ang ama ng dalagang minamahal niya, at nangako siyanghandang maglingkod, nagsimula na ang pagsubok. Ito ang unang gawaing dapat niyang isakatuparan:Binigyan siya ng trigo at pinagbilinang:Ano ang ibinigay 1022 “Trigong ito’y iyong dalhinkay Don Juan? pag-ingatan mong magalingTrigo, di ba? huwag mawalan, ni sambutil at pakinggan ang gagawin.Ano ang gagawin 1023 “Iyang bundok na mataassa bundok? tibagin mo’t nang mapatagWow! Papatagin diyan mo nga ikakalatang bundok para itong trigong aking hawak.Ikalat ang trigo?Ang hirap, ano? 16
Ano ang gagawin 1024 “Ngayon ito itatanimsa trigo? Posible kaya gabing ito’y patubuin,ito? Sa isang gabi lang, ngayong gabi’y pamungahi’titatananim,patutubuin, gabing ito ay anihin.pamumungahin at aanihin?Kapag naani na ang 1025 “Sa gabing ito rin namantrigo, ano ang gagawin? ay gagawin mong tinapaySa gabi ring iyon, sa hapag ko’y magigisnanggagawing tinapay. pagkain ko sa agahan.” Hindi lamang mahirap gawin ang mga iyan, di ba? Imposible yata! Ngunit ano ang pangakoni Maria kay Don Juan? Di ba ito: 1045 “Lahat ng dapat mong gawin ang pagyari’y nasa akin, matulog ka nang mahimbing at masaya kang gigising.” Samakatwid, matutulog lamang si Don Juan at paggising ay nagawa na ang pagsubok.Masaya silang nagniig ni Maria bago isinagawa ng dalaga ang kahilingan ng amang hari. Pagbangonng hari ay nagisnan na nga niya ang tinapay sa hapag mula sa trigong ipinatanim niya nang gabingnagdaan. Narito naman ang ikalawang pagsubok: 1067 “Labindalawang negrito buhay namang mga tao, ito’y mga alaga ko’t minamahal na totoo. 1068 “Sila’y aking pawawalan sa laot ng karagatan, isilid mong muli naman sa prasko nilang tahanan.” Naisagawa itong madali ng prinsesa, kaya’t kinabukasan, panibagong pagsubok ang iniatangng hari kay Don Juan: 17
1101 “Ang ibig ko’y iyang bundok dito’y iyong maiusod isang malaki kong lugod na sa hangin ay mabusog.1102 “Itapat mo sa bintana pagkatayo’y tamang-tama hanging diya’y magmumula sa palasyo’y maging sula.”Nangyari rin ito sa madaling panahon. Pagkatapos nito, bagong pagsubok na naman!1130 “Hiling ko sa iyo ngayon bundok na ito’y itabon sa gitna niyang maugong na dagat na madaluyong.1131 “Doon ay maging kastilyo sa umaga’y makita ko, ang kanyang mga simboryo anyo’t bilog ay pareho.1132 “Itong moog ay tayuan ng gulod na pitong hanay mga kanyon ang nariyan pananggol ng kaharian.1133 “Iyan ay lalagyan mo pa mga anim na batirya, may kawal sa bawat isa’t ayos makikipagbaka.1134 “Mga kanyon ay magisnang putok ay nagtutunugan wari baga’y may digmaa’t ginagahis ang kaaway.Nang maisagawa ang pagsubok na ito, ito naman ang gustong mangyari ng hari: 18
1172 “Ngayong gabi, yaring nais ang kastilyo ay maalis, ni bakas ma’y di ko ibig sa karagata’y mamasid. 1173 “Ang bundok na nasa dagat isauli dito bukas, kailangan kong lumanghap niyang hanging isang lunas.” Madaling naisagawang lahat ni Maria ang lahat ng ito. Ngayon naman ay ipinahahanap nghari ang kanyang singsing na nahulog sa dagat. 1190 “Ang singsing kong minamahal kung bakit ko nalingatang sa daliri ay natanggal. nahulog sa karagatan. 1191 “Kung maluwag sa loob mo ngayon sana ang ibig ko, kunin saan pa man dako’t saka na mag-usap tayo.”Ang kahilingang ito’y nakapagpalungkot sa Prinsesa. May kahirapan itong gawin.Ano raw ang puhunan 1209 “Ito’y pamumuhunanan,”sa pagsubok na ito? anang Prinsesang nalumbay,Buhay daw ang maaring “ng panganib at ng buhaymaging kapalit nito, di ba? bago tayo magtagumpay.”Paano hahanapin ang singsing? Ganito ang bilin ng Prinsesa kay Don Juan:Ano ang dapat 1213 “Ngayon ako’y tadtarin mo,ingatan? tadtarin mong pinung-pinoSalungguhitan mo nga ngunit ingatang totooAng T3 at 4. may matapong kapiraso. 19
Ano ang mangyayari 1214 “Kung tadtad na ay ihulogkapag natadtad na nang sa tubig ay lumubog,ang prinsesa? katawan kong durug-durogMagic talaga! isdang sisisid sa pusod.Magiging isda!Ano ang di dapat 1215 “Habang ako ay wala pagawin ng prinsipe? h’wag kang matutulog sana,Kaya mo ba iyon? gagawin mo’y mag-abang ka’tHindi raw dapat matulog? paglitaw ko ay taon na. Tila tama ang Prinsesa na may kahirapan ang pagsubok na ito. Dalawang mahirap na bagayang ipinagagawa kay Don Juan: (1) tadtaring pinung-pino ang dalaga, at (2) huwag matutuloghanggang sa lumitaw ang isdang may dalang singsing. Magawa kaya ito ni Don Juan? Madaling nagawa ang una. Tinadtad niya si Maria sa isang batya at inihulog sa dagat. Nagingisda bawat pirasong tinadtad. Agad sumisid sa dagat ang mga isda para hanapin ang singsing. Ikaw, kaya mo iyon? Tadtaring pinung-pino ang dalagang mahal mo? Ngunit ang di pagtulog – iyon ang di nakaya ni Don Juan. 1218 Paghanap ay natagalan nang di gayun-gayon lamang, nakatulog si Don Jua’t ang pangako’y nalimutan. 1219 Siyang paglitaw sa tubig ng Prinsesang umaawit ngunit itong napaidlip sa tulog ay nagtatalik. Nagalit ba ang prinsesa? Syempre naman, masama ang loob niya. Hindi naman yatamaiiwasan iyon. Gayon man, 1230 “Di ko ibig sisihin ka’t sa puso ko ay mapakla, ngunit ikaw ang may sala gayon pa ma’y mahal kita.” 20
Dahil mahimbing na nakatulog ang prinsipe, kinailangang ulitin ang proseso: muling tinadtadni Don Juan sa batya ang prinsesa, at inihagis ang mga piraso sa dagat . Sa pagmamadali, isang pirasoang tumalsik. Nang maging tao nang muli ang prinsesa, ang bahaging tumalsik ay di na naibalik.Putol na ang hintuturo ng magandang dalaga. 1237 “Tingnan mo ito, Don Juan, ang daliri ko ay kulang, ito’y iyong tatandaa’t sa aki’y pagkakilanlan.”Ang sumunod na pagsubok ay ang pagsupil sa mabangis na kabayo ng hari.Sino ang kabayo? 1254 Pakli naman ng Prinsesa:Ama rin pala niya “Ang kabayo’y dili ibaang kabayo ano? kundi ang akin ding ama, sa pagsakay, mag-ingat ka. 1255 “Yaong katad na pamigil na may gintong nagniningning at ang siyang parang garing ay mga kapatid ko rin.Nasaan si Maria? 1256 “Nasa bibig namang busalNaku, naging bakal na ang bakal na nakasihang,busal sa bibig ng kabayo! ako yao’t pag tinantang ang kabayo’y masasakyan.” Nang malampasan ni Don Juan ang pagsubok na ito, pinapili na siya kung sino sa tatlongmagkakapatid ang pakakasalan niya. Ngunit isa pa uli itong pagsubok dahil ang tatlong magkakapatidna babae ay itinago sa tig-iisang silid. Paano pipili ang prinsipe? 1310 Tatlong silid ay may butas sa pintua’y namamalas, naroon ang tatlong anak mga talang sakdal-dilag. 21
1311 Sa butas ang nakalitaw mga hintuturo lamang upang hindi mahulaan sa tatlo ang mahihirang. Nahulaan mo ba kung paano natukoy ni Don Juan ang daliri ni Maria? Tama ka, maypalatandaan ang hintuturo ng prinsesa. Ito’y putol, di ba? Kung minsan naman pala’y may buti ring ibinubunga ang pagpapabaya, ano? Pero huwag monaman sanang pamarisan ang pagkukulang na ito ni Don Juan. Baka hindi ka naman swertihing tuladniya. 1314 Hintuturong nakasuot pinigilang buong lugod “Mahal na Hari,” ang luhog, “narito ang aking irog.” Ngunit hindi lamang pala sa pagtulog (o paggising) nagkaroon ng pagkukulang si Don Juan.Nang tatakas ang dalawa at ipakuha ng prinsesa ang pinakamatuling kabayo sa kwadra, ano angnangyari? 1399 Nanaog na si Don Juan upang kunin ang sasakyanMalilimutin pala? ngunit hindi matandaan ang kabayong kailangan. 1340 Ang nakuha’y ikawalo sa halip na ikapito, ang sisiha’y di gaano nang makita ang kabayo. Hinabol ng hari ang tumatakas na magsing-irog. Mabagal ang kabayo ng dalawa kayanapilitan na ang prinsesa na ubusin ang nalalaman upang hindi maabutan ng humahabol na hari. Itoang ginawa niyang mga paraan upang di maabutan ng hari.Basahin at alamin kung anu-ano ang ginawa ng prinsesa. 1350 Naglaglag na ng karayom at noon din ay nakulong itong Haring humahabol ng tinik na buntun-bunton. 22
1355 Inihulog ng Prinsesa sa lupa ang sabon niya, daang patag at maganda sa hari ay naging sangga.1361 Inilaglag ng Prinsesa isang kohe niyang dala, lupang tuyo’y ano baga’t naging dagat kapagdaka!Linangin Makapigil-hininga ba ang mga pagsubok na pinagdaanan ni Don Juan? Di ba, habangnagbabasa ka’y sabik na sabik kang malaman ang kasunod na pangyayari? May magic o mahika sa lahat ng ito. Nabanggit na ang mahika blangkang taglay ni PrinsesaMaria Blanca. May mahika rin ang hari, at ito nama’y mahika negra. Ang mahika blangka (o puti) aypara sa kabutihan. Ang mahika negra (o itim) ay para sa kasamaan. Sa mabuti man o masama, ang tanong ngayon ay: posible bang maganap sa tunay na buhayang ganitong mga pangyayari? Malapit ba ito sa katotohanan o realidad? Husgahan mo kung posibleng maganap ang mga sumusunod: 1. Pagtatanim ng trigo, pagpapalaki ng trigo at pag-ani ng bunga at paggawa ng tinapay mularito sa loob lamang ng magdamag 2. Mga itang nakakulong sa isang prasko 3. Pag-uusod ng bundok sa tapat ng bintana ng hari 4. Paglilipat ng bundok sa dagat, pagtatayo ng kastilyo sa dagat, na may pananggol at mgakanyon sa loob lamang ng magdamag 5. Pagsasauli ng bundok na ito sa dating kinalalagyan sa tapat ng bintana ng hari 6. Pag-iibang anyo ng tao: • Anyong kalapati si Maria nang dumatal sa banyo. • Si Maria ay naging mumunting isda nang tadtaring pinung-pino. • Si Haring Salermo ay naging kabayo. • 3 magkakapatid – katad na pamigil, siya at busal ng kabayo • Naging bato ang mga taong naparusahan ng hari 23
7. Kababalaghang bunga ng mga bagay na inilaglag ni Maria • Karayom – naging tinik • Sabon – naging sangga • Kohe – lumikha ng dagat 8. Pagtulog nang mahimbing ni Don Juan sa kabila ng mahigpit na bilin ni Maria 9. Pagkalito ni Don Juan sa pagkuha ng kabayo – sa halip na ikawalo ay angikapito ang nakuha niya Sa siyam na pangyayaring nakatala sa itaas, alin ang posibleng mangyari? Alin ang hindi? Pinili mo ba ang 1-7 na imposibleng mangyari? At 8-9 lamang ang posibleng maganap satunay na buhay? Kung ganito ang sagot mo, magaling! Bakit ang mga ito ang napili mo? Imposible bang magtanim at mag-ani ng trigo sa buongmagdamag lamang? Imposible nga, di ba? Malayo sa realidad iyan. Pero ang pagpapabilis ngpagtatanim at pagpapabunga ng mga halaman ay posible na ngayon, hindi nga lamang gayon kabilisna sa magdamag lamang ay magagawang magtanim, magpayabong, magpabunga at mag-ani ng trigoo ano mang halaman. Iyon namang pag-uusod ng bundok, imposible ba iyan? Di ba ngayo’y maaari nang pataginang bundok, o kaya’y lumikha ng bundok kung saan dating wala. Ang imposible ay ang gawin ito saloob lamang ng magdamag. Kahit gayon na katalino ang tao, ang gayong kabilis na paggawa ay di parin kayang abutin ng dunong ng tao. Ang pag-iibang anyo naman? Ang ating mga kwentong bayan ay hitik ng mga nilalang nanakapag-iiba ng anyo. Mga manananggal na nahahati ang katawan, nagkakaroon ng mga pakpak ngpaniki at naninipsip ng dugo, lalo na ng mga sanggol. O kaya’y ang tiyanak na nagmumukhangmaamong sanggol ngunit mabangis pala. O kaya naman ay ang higanteng nananabako sa itaas ngpuno. Mga dwendeng puti, pula, itim. Hindi hiram ang mga kwentong iyan. Likas na katutubo ito sa mga Pilipino. Bahagi ngmayamang kwentong bayan. Sa daigdig ng korido, lahat ay posible, basta’t kaya mong paliparin sa dako pa roon ang iyongimahinasyon. Samantala, iyon namang dalawang pagkukulang ni Don Juan? Posible bang maganap iyon satunay na buhay? Bakit hindi? Sino ba sa atin ang hindi nakatulog gayong may responsibilidad nadapat tupdin? O ang nalito sa pagbilang? 24
Gamitin Ngayon, handa ka na bang ilapat ang iyong nalalaman tungkol sa posibilidad at pagkamalapitsa realidad ng mga pangyayaring nabasa mo? Basahin ang sumusunod na mga saknong. • Ano ang kaisipang nakasaad sa bahaging may salungguhit? • Ito ba’y posible o malapit sa realidad? 1326 Handa niyang ipapatay ang prinsipeng si Don Juan, maging ito’y kasalanan at laban sa karangalan. Natukoy mo ba ang kaisipan sa may salungguhit na bahagi? Di ba ito ay ang masamang balakng hari na ipapatay ang prinsipe dahil natalo siya. Natukoy ni Don Juan kung sino si Maria kahithintuturo lamang ang nakalitaw rito.Posible bang mangyari ang ganito sa tunay na buhay? Bakit naman hindi? May tinatawag na kutob – iyon bang hindi mo naman alam kung bakit, basta’t dama mo angisang bagay. Maaari ka rin namang manghula. O pwede rin namang maging simpleng maswerte ka. 1328 “O, si Ama!” ang nawikang buong lungkot at naluha, “Bakit siya gayon kaya sa anak ay walang awa?” Ang kaisipan: May mga amang walang awa sa anak. Posible ba itong mangyari? Marami ngang mga kaso ngayon, sa kasalukuyang panahon, ng mga amang siya pangnagsasamantala sa mga anak na babae. 1330 “O, magulang! O, Pag-ibig! Aling daan ang matuwid? Ilaw ninyo yaring nais sa nadirimlan kong isip.” Ang kaisipan: Alin ang pipiliin? Magulang o pag-ibig? Posible bang magkaroon ngsalungatan ang magulang at pag-ibig? Posible ito. 25
Ano kaya ang pinili ni Maria? Kung ikaw ang nasa lugar niya, sino ang pipiliin mo: Angiyong ama o ang lalaking mahal mo?1331 Tumugon ang kanyang puso: “Kapwa sila may pagsuyo, igalang ang iyong dugo magtapat ka sa pangako.” Ano ang tugon ng puso ni Maria: Dapat pa rin niyang igalang ang magulang niya pero dapatmangibabaw ang pag-ibig. Posible bang mangyari ito sa tunay na buhay? Bakit hindi? Maraming pangyayari sa korido na posibleng maganap sa tunay na buhay. Ito’y dahil ang alinmang salaysay, tuluyan man o patula, ay hango sa buhay ng tao. Ngunit marami rin namang mgapangyayaring di posibleng mangyari – mga pangyayaring sa mayamang imahinasyon lamangnabibigyang buhay. Ang mga di posibleng ito ang nakapagpapaganda sa isang korido.Lagumin Malinaw na ba sa iyo ang sub-araling ito? Upang maging mas malinaw pa, naririto ang mgapangunahing puntos: 1. Naharap sa mga pagsubok si Don Juan at naisagawa niya ang mga ito sa tulong ng mahika ni Maria. 2. Di posibleng maganap sa tunay na buhay ang mga ipinagawa ng hari, tulad ng pagpatag ng bundok, pagtatanim at pag-aani ng trigo sa loob lamang ng magdamag, pagbabagong anyo ng tao, at iba pa. 3. Malayo man sa realidad at di man posible ang mga pangyayari sa korido, ang ganitong mga pangyayari ang ikinaganda ng salaysay dahil pinagagalaw ang imahinasyon ng mambabasa. Ngayong mas malinaw na ang sub-aralin, handa ka na ba sa isang pagsubok? 26
Subukin Nasa ibaba ang mga sitwasyong hango sa Ibong Adarna. Isulat sa iyong sagutang papel ang Pkung posible at DP kung di posible. Magbigay ng posibleng dahilan posible man o di posible angsitwasyon. 1. Naglakbay sa himpapawid si Don Juan. 2. Sakay siya ng agila. 3. Isang buwan silang naglakbay nang walang hinto. 4. Ang 2 Ermitanyong tumulong kay Don Juan ay may edad 500 taon at 800 taon 5. Naging bato ang mga manliligaw ng magkakapatid na prinsesa sa kagagawan ng hari. 6. Nagpakana si Don Pedro laban sa bunsong kapatid na si Don Juan. 7. Kinasapakat niya ang kapatid na si Don Diego. 8. Itinago ni Don Juan ang damit ni Maria. 9. Nagalit si Maria kay Don Juan dahil sa pagtatago ng damit niya. 10. Nawala ang galit ni Maria dahil sa mapakumbabang sagot at sa tamis ng dila ni Don Juan. 11. Ang galit niya ay napalitan ng pagmamahal.Ano ang mga sagot mo? Ganito rin ba: 1. P. Posible talaga ang paglalakbay sa himpapawid, sakay ng eroplano at iba pang sasakyang panghimpapawid. 2. DP. Hindi masasakyan ng tao ang agila. 3. DP. Hindi posible ang walang hintong paglalakbay. 4. DP. Bihira ang tumatagal nang mahigit 100 taon. 5. DP. Hindi posible ang pagbabagong anyo ng tao. 6. P. Kahit magkakapatid ay posibleng magkagalit at magpakana laban sa isa’t isa. 7. P. Pwedeng magkampihan ang magkapatid laban sa kapwa kapatid. 8. P. Madaling itago ang damit. 9. P. Nakakagalit naman itong talaga, di ba? 27
10. P. Kapag humingi ng tawad ang isang tao, makatwiran lamang na patawarin siya, di ba? 11. P. Ang pinakamatindi raw magalit ang siya ring pinakamatinding magmahal.Kung tamang lahat ang sagot mo, maaari nang hindi mo sagutan ang Paunlarin.Paunlarin Paano pinaamo ni Don Juan ang kabayo, na mismong si Haring Salermo rin? Basahin angmga saknong at sagutin ang mga tanong. 1277 Haba ngang tinuturuang magbait ang salanggapang, palo’t takid sa katawan parang lintik kung lumatay. Saan inihambing ang mga palong tinamo ng kabayo? 1278 Makailang magdarambang ang ibig ay lumipad na, ngunit sa higpit ng renda ni tumakbo’y di makuha. Ano ang ibig gawin ng kabayo? Nagawa ba niya ito? Bakit hindi? 1279 Ang kabayo ay nahapo luha’t laway tumutulo, mga mata ay umamo mabait nang parang suso. Ilarawan ang kabayo nang mapaamo. Ganito ba pinaaamo ang kabayo? Di ba malupit na paraan ito? 28
Mga sagot: S1277: Sa lintik. Kidlat ang ibig sabihin nito. S1278: Ibig lumipad. Hindi niya ito nagawa, kahit nga tumakbo ay di nakaya. Dahil sa higpit ng renda. S1279: Tumutulo ang luha’t laway at maamo ang mga mata. Malupit ngang paraan ng pagpapaamo ng kabayo. Kasi’y may mahika ang kabayong ito. Sa tunay na buhay, renda lamang ang kailangan, di na kailangang gulpihin.Sub-Aralin 3 Kaugnayan sa KasalukuyanLayunin: Pagkatapos mo ng sub-araling ito, inaasahang naiuugnay mo sakasalukuyan ang mga pangyayaring inilahad sa akda.Alamin Nakatakas nga ang magkasintahang Don Juan at Maria. Naiwang naghihinagpis ang ama ngbabae. Gusto mo bang malaman kung ano pa ang nangyari? Basahin ang sumusunod na mgasaknong. 1364 Wala na siyang magagawa pati lakas ay nawala, amang anak ang humiya ang anak ay sinusumpa.Kanino nanawagan 1365 Itinaas na ang kamayang hari? at sa langit ang pananaw:Sa Diyos, di ba? “Diyos na Makapangyarihan ang bahala na po’y ikaw.Pansinin mo ang dalanginng ama para sa anak? 1366 “Ikaw, anak na suwail,Kaya bang gawin ito ng nawa’y makaalala rin,isang magulang? sa ginawa mo sa akin,Nangyari na siguro talaban ka ng dalangin..pero bihira. 29
1367 “Hingi ko sa Panginoon gumapang kang parang kuhol, at sa haba ng panahon matuto ka ring lumingon. 1368 “At sakaling sumapit ka sa kahariang Berbanya, malimot ng iyong sinta sa pagluha’t pag-iisa. 1369 “Itakwil ka’t pabayaan sa iba siya pakakasal ito’y siyang kabayaran sa gawa mong kataksilan.” 1370 Hari, sa sama ng loob namahay na sa himutok araw-gabi’y walang tulog ang hininga’y nangangapos.Ano ang nangyari 1371 Nagkasakit at narataysa hari? di nagluwat at namataySalungguhitan ang nabigo ang karunungangT1 at 2 ng S 1371. agawin ang kanyang buhay.Malagim, ano? 1372 Bayaan sa pagluluksa ang kahariang may luha lahat tayo’y may tadhana magbabalik din sa lupa. 1373 Ngayon ang ating susunda’y ang sinapit ng nagtanan, kung tumalab o nasinsay ang dalangin ng namatay. 1374 Kabataan, palibhasa pag-ibig ay batang-bata, sa apoy ng bawat nasa’y hinahamak pati luha. 1375 Likas na sa kabataang sa pag-ibig ay mamatay, bawalan mo ay kaaway pati ng mga magulang. 30
1376 Mga pusong sa pag-ibig pinag-isa na ng dibdib halangan ng kahit lintik liliparin din ang langit.1377 At sa batang kaisipan ang lahat na’y pawang buhay, sa masama’y pagbawalan ang akala’y di mo mahal.1378 Sadyang ganyan tayong tao habang bata’y walang tuto, labang-laban sa pagtungo’t laging taas yaong ulo.1379 Lahat ito’y pumapanaw pagsapit ng katandaan pagsisisi ay nariyan sa nagawang kamusmusan. Sumpa! Iyan ang iginawad ng hari sa anak nang di na siya makahabol. Ligtas na sumapit saBerbanya sina Don Juan at Maria. Ano kaya ang naghihintay sa kanila sa kaharian ni Don Juan?Hindi masasagot ang tanong na iyan sa ngayon dahil dito na natatapos ang ikatlong bahagi ng korido.Abangan mo sa huling aralin tungkol sa Ibong Adarna.Linangin Ang korido ay isa sa mga popular na anyong pampanitikan na lumaganap noong panahon ngpananakop ng mga Kastila. Alam mo ba kung bakit? Kasi, ginamit ng mga mananakop na Kastila angpanitikan sa pagpapalaganap ng relihiyong Kristiyano. Ang Ibong Adarna, samakatwid, na di namakilala kung sino ang awtor, ay maaaring sinulat mahigit dalawang daang taon na ang nakalilipas. May kaugnayan pa kaya sa kasalukuyan ang akdang ito na mas matanda pa sa iyong kalolo-lolohan? May kaugnayan pa rin, di ba? Ang mga paksa tungkol sa pag-iibigan ng isang lalaki’t isangbabae, ang pagmamahal ng anak sa magulang, ang pagtataksil ng kapatid sa kapatid, ang pagtalikodng anak sa magulang – lahat ng ito’y mga paksang unibersal at panghabang panahon. Alin sa mga pangyayari sa bahaging ito ng Ibong Adarna ang maaari pa ring maganap sakasalukuyan? Alisin mo ang mga bahaging kababalaghan at di posibleng mangyari sa tunay nabuhay, at ang malalabi ay ang pang-araw-araw na pangyayaring maaari pa ring maganap hanggang sangayon. 31
Halimbawa, ang pagkikilala nina Don Juan at Prinsesa Maria. Di ba maaari pa ring maganapang gayong pagkikilala? Subuking palitan ang lugar – sa halip na sa paliguan ng may-mahikangkagandahan ay gawin mong sa mall, o sa isang internet café. Sa halip na anyong kalapati ay gawinmong bihis-estudyante si Maria. O kaya’y bihis-astronaut. Ang pagtatanan ng anak, di ba’t nangyayari pa rin ito hanggang sa ngayon? Sang-ayon ka ba na kung papalitan ang kasuotan nina Don Juan at Prinsesa Maria, at gagawinsilang mga karaniwang mamamayan ng kasalukuyang panahon, makagagawa ng isang bagonginterpretasyon ng kanilang kasaysaysan. Subukin mo kayang palitan ang mga pagsubok ng hari kay Don Juan ng mga palaisipangisasagawa sa pamamagitan ng mahika ng computer, para maging relevant sa kasalukuyang panahonang mga pangyayaring inilahad, ano ang mangyayari? Tiyak, mas makikita mo na ang kwento ngpag-iibigan nina Don Juan at Maria ay maaari pa ring maganap sa kasalukuyan. Kahit pa palitan ang tagpuan, mananatili pa rin ang mga pagpapahalagang lumutang sa akda,gayon din ang pinakaubod ng kanilang kwento – ang tapat na pag-ibig na di mapipigilan ng libomang hadlang.Gamitin Ngayon, tingnan mo kung kaya mo nang ilapat ang iyong natutuhan. Alin sa mga pangyayari sa ibaba ang maiuugnay pa rin sa kasalukuyan: 1. Pagtulong ng matanda kay Don Juan. 2. Paglalakbay sa ere ni Don Juan 3. Paghahanap sa isang magandang dalaga 4. Pag-ibig sa unang pagkikita 5. Pagkakaroon ng mahika 6. Paghadlang ng magulang sa pag-ibig ng anak 7. Pagpapakana ng magulang laban sa manliligaw/kasintahan ng anak 8. Pagsunod ng anak sa puso, sa halip na ang magulang ang sundin 32
Di ba lahat ng iyan ay nangyayari pa rin sa kasalukuyan? Posible pa rin kayang maganap sa kasalukuyang panahon ang pagsumpa ng magulang saanak, at ang paghiling na mapasama ang sariling anak, para lamang maturuan siya ng leksyon? Balikan ang mga saknong 1372-1379. Ano ang sinasabi sa mga saknong na ito? Di ba mgakaisipang maiuugnay pa rin hanggang sa ngayon? Basahin ang saknong sa ibaba. Bigyang pansin ang bahaging may salungguhit:1372 Bayaan sa pagluluksa ang kahariang may luha lahat tayo’y may tadhana magbabalik din sa lupa. Anong kaisipan ang ipinapahayag sa T3-4? Di ba, ang pagbabalik sa lupa ng ating katawanglupa? Ito ang mangyayari sa lahat ng tao pagdating ng oras.1373 Ngayon ang ating susunda’y ang sinapit ng nagtanan, kung tumalab o nasinsay ang dalangin ng namatay. Ang S1373 ay tungkol naman sa epekto ng sumpa ng ama ni Maria. Natupad kaya ito.Naniniwala ka ba sa sumpa? Naniniwala ka bang tumatalab ang masamang hiling ng isang taong maymasamang nasa sa iba? Syempre, hindi ka dapat maniwala sa sumpa, di ba? Ang ikapapahamak mo ay sa sarili mongkagagawan, kung di ka mag-iingat, o kung gagawa ka ng kasamaan.Lagumin Malinaw na ba sa iyo ang sub-aralin? Upang maging mas malinaw pa, naririto ang mgapangunahing puntos ng sub-aralin. 1. Ang Ibong Adarna ay sinulat mahigit dalawang daang taon na ang nakalilipas. 2. Gayon man, may mga kaisipang inilahad dito na may kaugnayan pa rin sa kasalukuyang panahon. 33
3. Kung bibihisan ng iba ang mga tauhan, at papalitan ng kasalukuyang panahon ang tagpuan, maaari pa ring maganap sa kasalukuyang panahon ang mga pangyayaring isinalaysay rito. 4. Ito ay dahil ang mga paksa sa korido ay unibersal at panghabang panahon.Handa ka na ba sa isang pagsubok?Subukin Ano ang kaisipang isinasaad sa pariralang may salungguhit? Nagaganap pa ba ang mga ito sakasalukuyan?1374 Kabataan, palibhasa pag-ibig ay batang-bata, sa apoy ng bawat nasa’y hinahamak pati luha.1375 Likas na sa kabataang sa pag-ibig ay mamatay, bawalan mo ay kaaway pati ng mga magulang.1376 Mga pusong sa pag-ibig pinag-isa na ng dibdib halangan ng kahit lintik liliparin din ang langit.1377 At sa batang kaisipan ang lahat na’y pawang buhay, sa masama’y pagbawalan ang akala’y di mo mahal.Ano ang sagot mo? Ganito rin ba:S1374: Para sa mga kabataan, walang hadlang sa pag-ibig. Kahit luha ng magulang ay di papansinin, masunod lamang ang gusto. Hanggang ngayon ay ganito pa rin ang mga kabataan.S1375: Kapag pinagbawalan ang mga kabataan, pati mga magulang ay di na sinusunod. Hanggang ngayon ay maaari pa rin itong mangyari. 34
S1376: Walang makahahadlang sa dalawang pusong umiibig. Hindi ito mahahadlang ng ano man. Posible pa rin hanggang sa ngayon ang ganito. S1377: Kapag pinagbawalan ang kabataan, ang laging nasasaisip ay di sila mahal ng magulang na nagbabawal. Hanggang ngayo’y nagaganap na pa rin ito.Kung tamang lahat ang sagot mo, hindi mo na kailangang sagutan ang Paunlarin.PaunlarinAnong kaisipan ang isinasaad sa sumusunod na mga saknong? Sagutin ang mga tanong: 1378 Sadyang ganyan tayong tao habang bata’y walang tuto, labang-laban sa pagtungo’t laging taas yaong ulo. a. Ano ang ibig sabihin ng walang tuto? b. Anong pagtungo ang tinutukoy rito? c. Ano ang kahulugan ng laging taas yaong ulo? 1379 Lahat ito’y pumapanaw pagsapit ng katandaan pagsisisi ay nariyan sa nagawang kamusmusan. a. Ano ang kahulugan ng pumapanaw? b. Kailan nangyayari ang pagsisisi?Mga sagot: S1378: a. Mahirap turuan, o ayaw makinig sa pangaral b. Pagyuyuko ng ulo ang tinutukoy rito, na nangangahulugang pagpapakumbaba at pagsunod sa turo ng magulang c. Laging iniisip na sila ang tama S1379: a. Nawawala b. Sa pagtanda. 35
Gaano ka na kahusay?A. Punan ng angkop na salita ang patlang. Isulat sa iyong sagutang papel ang mga sagot. 1. Dalawang matandang _______ (a. ketongin, b. maysakit, c. ermitanyo) ang tumulong kay Don Juan sa paghahanap sa Reyno de los Cristal. 2-3. Si Don Juan ay naglakbay sa _________ (a. tubig, b. lupa, c. himpapawid) sakay ng _________ (a. bus, b. bapor, c. agila). 4. Nang ilapag ng agila si Don Juan sa paliguan ni Prinsesa Maria, tyempo namang dumating ang prinsesa sa anyong _______ (a. gansa, b. bibe, c. kalapati). 5. Itinago ni Don Juan ang ________ (a. damit, b. sapatos, c. pakpak) ng prinsesa. 6. Ang galit ng prinsesa ay napalitan ng pag-ibig nang ang prinsipe ay humingi ng ________ (a. tawad, b. halik, c. pera) 7. Maraming pagsubok na ipinatupad si Haring ______ (a. Salem, b. Salino, c. Salermo), ang ama ni Maria. 8. Ang pinakamahirap na pagsubok ay ang paghanap sa _______ (a. singsing, b. salapi, c. negrito) ng hari. 9. Upang hanapin ang singsing, si Maria ay nagpatadtad nang pinung-pino at bawat piraso ay naging ______ (a. isda, b. pating, c. dugong). 10. Ang isa pang pagsubok ay pagpapaamo sa isang ______ (a. kabayo, b. usa, c. leon) na mismong si Haring Salermo.B. May pagpapahalaga ba o matandang kaugaliang isinasaad sa mga saknong sa ibaba, partikular sabahaging may salungguhit?1009 Buong galang na tumugon ang prinsipeng tinatanong, “Bati ko’y magandang hapon sa Hari kong panginoon.” 36
1018 Ipinakli ni Don Juan: “Iyan po’y di pasasaan, ang hintay ko’y pag-utusan ng aking makakayanan.”976 “Ngunit tabi sa harapan ako’y iyong pagtapatan, alin bagang kaharian ang iyong pinanggalingan?”C. Nasa ibaba ang mga sitwasyong hango sa Ibong Adarna. Isulat sa iyong sagutang papel ang P kung posible at DP kung di posible. 1. Naglakbay sa himpapawid si Don Juan. 2. Sakay siya ng agila. 3. Isang buwan silang naglakbay nang walang hinto. 4. Ang 2 Ermitanyong tumulong kay Don Juan ay may edad 500 taon at 800 taon 5. Naging bato ang mga manliligaw ng magkakapatid na prinsesa sa kagagawan ng hari. 6. Nagpakana si Don Pedro laban sa bunsong kapatid na si Don Juan. 7. Kinasapakat niya ang kapatid na si Don Diego. 8. Itinago ni Don Juan ang damit ni Maria. 9. Nagalit si Maria kay Don Juan dahil sa pagtatago ng damit niya. 10. Nawala ang galit ni Maria dahil sa mapakumbabang sagot at sa tamis ng dila ni Don Juan.D. Ano ang kaisipang isinasaad sa pariralang may salungguhit? Nagaganap pa ba ang mga ito sa kasalukuyan?1374 Kabataan, palibhasa pag-ibig ay batang-bata, sa apoy ng bawat nasa’y hinahamak pati luha. 37
1375 Likas na sa kabataang sa pag-ibig ay mamatay, bawalan mo ay kaaway pati ng mga magulang.1376 Mga pusong sa pag-ibig pinag-isa na ng dibdib halangan ng kahit lintik liliparin din ang langit.1377 At sa batang kaisipan ang lahat na’y pawang buhay, sa masama’y pagbawalan ang akala’y di mo mahal. Mahal kong estudyante, maligayang bati. Ngayong natapos mo na ang Modyul 18, maaarika nang magpatuloy sa susunod na modyul.Mga SanggunianRodillo, Gregorio M. et al. 1998. Ibong Adarna: Isang Interpretasyon. Binagong Edisyon. Maynila: Rex Book Store.Santillan-Castrence, Pura. 1940. Publikasyon Blg. 26 ng Surian ng Wikang Pambansa. Maynila: Surian ng Wikang Pambansa. 38
Susi sa Pagwawasto Modyul 17 Walang Hadlang sa Pag-ibigA. 1. ketongin 2. himpapawid 3. agila 4. kalapati 5. damit 6. tawad 7. Salermo 8. singsing 9. isda 10. kabayoB. S1009: Mayroon. Pagbibigay-galang sa may-ari ng bahay; pagpapakilala rin ng lalaki sa magulang ng nililigawan S1018: Mayroon. Pag-aalay ng paglilingkod sa magulang ng nililigawan bilang tanda ng katapatan ng pag-ibig; pagpapahalaga sa kababaihan – upang ipakitang mahalaga ang babae at ang lalaki ay nakahandang maglingkod sa magulang nito S976: Mayroon. Pasintabi sa kausap bago magtanong ng isang bagay na maaaring di maibigan ng kausap.C. 1. P 6. P 2. DP 7. P 3. DP 8. P 4. DP 9. P 5. DP 10. PD. S1374: Hinahamak ng nag-iibigan ang lahat masunod lamang ang puso. Nagaganap pa. S1375: Kaaway ng nag-iibigan ang sino mang hahadlang sa kanila.Nagaganap pa. S1376: Walang makahahadlang kahit pa lintik. Nagaganap pa. S1377: Ang kabataang pinagbabawalan ay nag-iisip na di sila mahal ng magulang. Nagaganap pa.
Modyul 18 Pagbibigay-Dahilan/Katwiran sa Kilos ng Kapwa at Pagpapahayag ng Sanhi at Bunga Tungkol saan ang modyul na ito? Hello! Isang masayang paanyaya sa mundo ng kaalaman ang hatid ng modyul na ito! Sabawat pahina ay matututuhan mo ang sanhi at bunga ng mga kaganapan sa iyong paligid,paggamit ng salitang nagbibigay-pahiwatig sa kahulugan ng mahirap na salita, at pagtukoy samga detalye na sumusuporta sa pangunahing ideya – sa pamamagitan ng mga akdang maykaugnayan sa kolonyalismo at kamalayang panlipunan. Tayo na at samantalahin ang magandangpagkakataong ito! Ano ang matututunan mo? Sigurado akong marami kang namasid sa iyong paligid tungkol sa kadahilanan at sanhing mga pangyayari. Hindi naman maituturing na kalabisan kung pagbalik-aralan mo ito atiugnay sa mga napapanahong isyu sa ating lipunan. Kung itatanong mo kung bakit ko nasabi ito ay simple lang ang sagot. Sa modyul na itoay nais kong higit mo pang matukoy, magamit, at mabuo ang isang komposisyong nagpapakitang sanhi at bunga, na gumagamit ng mga ideyang sumusuporta sa iyong pangunahing ideya. Magagawa mo lamang ito dahil tutulungan ka ng modyul na malinang ang mgasumusunod na layunin:Pagsasalita: 1. nakikilala ang mga salita/pahayag na nagsasaad ng sanhi at bunga 2. nabibigyang dahilan/ katwiran ang kilos ng kapwa 1
Pagbasa: 1. napipili nag mga salita sa pangungusap na nagbibigay-pahiwatig saPagsulat: kahulugan ng mahirap na salita 2. natutukoy ang mga dtealye na sumusuporta sa pangunahing ideya 1. nakabubuo ng komposisyong ekspositori gamit ang sanhi at bunga sa pag- oorganisa ng ideya 2. nagagamit nang wasto sa komposisyon ang mga salitang nagpapahayag ng sanhi at bunga Paano mo gagamitin ang modyul na ito? Ang modyul na ito ay isang self-learning kit na magagamit mo anumang oras na nais moayon sa iyong kakayahan. Ito ay tutulong sa iyo upang lubos na maunawaan ang sanhi at bungasa pamamagitan ng mga babasahin at gawain sa pagbasa at pagsulat. Dahil sa nabanggit na kahalagahan nito, ituring mo ang modyul na ito na isang kaibigan.Sundin mo ang mga sumusunod na tagubilin upang pangalagaan ito. 1. Ingatan ang paggamit nito. Tandaan mo na may iba pang gagamit at makikinabang dito pagkatapos mo. 2. Huwag sulatan o lagyan ng kahit ano pa mang marka ang bawat pahina ng modyul. 3. Ang lahat ng sagot ay isusulat mo sa hiwalay na sagutang papel. 4. Sagutan ang Panimulang Pagsusulit at pagkatapos ay kunin sa guro ang Susi sa Pagwawasto upang ikaw mismo ang magwasto ng iyong gawain. 5. Kung nasagutan mo ng tama ang 90-95% ng mga tanong, nangangahulugan na taglay mo na ang mga kasanayang lilinangin ng modyul na ito. Maaari mo nang ibalik sa guro ang modyul at magtuloy na sa kasunod. Nasa iyo ang desisyon kung magtutuloy ka na sa kasunod o gagamitin mo pa rin ang modyul na ito. Tandaan lamang na ikaw ang may hawak ng desisyon kung kaya’t kailangan mong pag-isipang mabuti kung ano ang sa palagay mo ay lubos na makabubuti sa iyong ikatututo. 2
6. Siguraduhing nabasa mo na ang mga aralin bago sagutin ang mga tanong. Pagkatapos mong aralin ang buong modyul, ibalik na ito sa guro para magamit naman ng iba. 7. Hingin sa guro ang susunod na modyul. Ano na ba ang alam mo? Ang bahaging ito ng modyul ay makatutulong sa iyo upang balikan ang mga aralin namaaaring alam mo na. Tandaan mo na anuman ang maging resulta ng pagsusulit na ito aygagamitin hindi para husgahan ang iyong kakayahan, kung hindi upang mabatid kung ano atpaano pa magiging kapaki-pakinabang ang modyul sa iyo. Sagutin lamang ang mga sumusunod sa abot ng iyong makakaya. Pagbutihin mo- tiyak na kaya mo yan! Basahin ang seleksiyon at sagutin ang kasunod na mga tanong. Isulat sa iyong sagutangpapel ang titik lamang ng iyong tamang sagot. HUWAG SULATAN ANG MODYUL NA ITO. Ano ang mga Dahilan Bakit Nangingibang Bansa ang mga Pilipino? Pilipino Star Ngayon October 30, 2004 (Nikki Gabitan) Ano nga ba ang pinakapunong dahilan kung bakit nangingibang bansa ang karamihan sa ating mga Pilipino? Sa ngayon, isa ito sa mga karaniwang katanungan na may ibat ibang opinion ang bawat isa sa atin. Kung ating mapapansin, karamihan sa bagong graduate o ibang estudyante ay nag-iisip na makipagsapalaran sa ibang bansa. Kahit na ang ibang may mga trabaho na o mga propesyonal ay iniisip na magbakasakali sa ibang bansa kahit na ang kanilang magiging trabaho ay mas mababa kesa kanilang tinapos. Ano kaya ang nag-tutulak sa kanila upang mag-isip at gawin nga ang binabalak? Ano ang mga dahilan kung bakit nakakaya nilang mag-trabaho sa bansa ng mga dayuhan at iwan ang kanilang mga mahal sa buhay? Dahil ba sa nag-hihingalong ekonomiya ng ating bansa o para lamang sa career growth? Aking aaminin, na kahit ako ay nagbabalak din na makipagsapalaran sa ibang bansa kapag may magandang oportunidad na dumating. Karamihan din sa aking mga kakilala, kaibigan, naging kaeskwela at kahit aking mga kapamilya ay nagbabalak din katulad ko. Aking nabasa sa isang lathalain na halos 98% na napagtanungan tungkol sa isyu ay sumagot na gusto nilang umalis ng ating bansa at magtrabaho sa bansa ng mga dayuhan. Una, karaniwang rason nila ay 3
tumatalakay sa usapang pinansiyal. Pangalawang dahilan nila ay ang malaking oportunidad sa trabaho; pangatlo ay ang maraming pagkakataon para sa career growth at panghuli ay ang pagkakaroon ng matatag na gobyerno. Kung ito lamang ang pagbabasehan, makikita na kung ano ang pinaka- ugat na dahilan ng pag-alis ng bawat Pilipino. At ito ay ang pinansiyal na aspeto. Karamihan sa mga OFW ay nagsasabi na mas malaki ang kanilang kinikita kumpara noong sila ay nagtatrabaho dito sa Pilipinas. Karamihan din ay mamalagi pansamantala sa ibang bayan upang makaipon at babalik ng Pilipinas upang magtayo ng kahit munting negosyo. Sa nangyayari ngayon sa ating bansa kung saan patuloy ang pagtaas ng mga bilihin. Hindi sapat ang kinikita upang tustusan ang pang-araw-araw na pangangailangan ng bawat isa lalo na kung malaki ang iyong pamilya. Kahit na sabihing magkaroon ng dagdag sa sweldo, hindi pa rin ito magiging sapat lalo na para sa kanilang manggagawa. Kapag tinanong ang mga nagbabalak na umalis patungong ibang bansa kung ano ang makakapigil sa kanilang pag-alis, ang numero uno na kanilang sagot ay ang kanilang pamilya. Kung minsan mangangailangan pa ng konsultasyon sa ibang myembro ng pamilya bago makagawa ng pinal na desisyon. Dito umiiral ang close-knit family ties sa bawat Pilipino. Kung ating titingnan, ang pinaka-rason para sila ay manatili ay ang kanilang pamilya at isa din sa mga rason upang sila ay umalis nang dahil din sa pamilya.A. Isulat sa iyong sagutang papel ang salita o pariralang kasingkahulugan ng may salungguhit sa pangungusap. 1. Karamihan sa bagong graduate o ibang mga estudyante ay nag-iisip na makipagsapalaran sa ibang bansa. Nais nilang sumubok ng trabaho sa Amerika. 2. Ano kaya ang nagtutulak sa kanila upang mag-isip ng ganito?Ano kaya ang nag- uudyok sa kanila? 3. Bakit kaya nakakaya nilang magtrabaho sa bansa ng mga dayuhan o banyaga, at iwan ang kanilang mahal sa buhay? 4. Aking nabasa sa isang lathalain, isang akda mula sa pahayagan,na halos 98% ng estudyante ay nais umalis ng ating bansa. 5. Dahil ba sa naghihingalong ekonomiya at tila wala ng pag-asang pag-unlad ng ating bansa kaya sila umaalis? 6. Kung ito lamang ang pagbabasehan, makikita na kung ano ang pinakaugat na dahilan ng pag-alis ng bawat Pilipino. 4
B. Isulat sa iyong papel kung ang may salungguhit ay sanhi o bunga.1. Dahil ba sa naghihingalong ekonomiya kaya umaalis ng bansa ang mga Pilipino?2. Nangingibang bansa ang karamihan upang magkaroon ng matatag na buhay.3. Hindi sapat ang kinikita dito sa bansa kaya’t nagtitiis tayo na malayo sa pamilya ang maraming Pilipino.4. Ang pagkakaroon ng malaking oportunidad sa trabaho ay isa ring rason upang lisanin ang bansa.C. Isulat sa sagutang papel kung ang mga sumusunod na salitang ginamit sa pangungusap sa B ay nagpapahayag ng sanhi o bunga.1. dahil2. kaya3. rason4. upangD. Basahin ang pangungusap sa ibaba na nagpapahayag ng pangunahing ideya. Pagkatapos ay lagyan ng tsek ang lahat ng sumusunod na pangungusap na nagbibigay suporta sa pangunahing ideyang nabanggit.Pangunahing ideya: Kung ito lamang ang pagbabasehan, makikita na kung ano ang pinaka-ugat na dahilan ng pag-alis ng bawat Pilipino. At ito ay ang pinansiyal na aspeto.______1. Naghihingalo ang ekonomiya ng Pilipinas.______2. Magandang lugar ang nais marating ng mga Pilipino.______3. Mas malaki ang oportunidad na makahanap ng trabaho sa ibang bansa.______4. Ang sahod sa ibang bansa ay halos triple ng sahod dito sa Pilipinas.______5. Ang pamilya ay masaya kung may maliit na negosyo.E. Pag-aralan ang comic strip sa ibaba. Pagkatapos ay piliin ang titik ng tamang sagot sa mga tanong.NO I.D. NO ENTRY NI BOY JERVOSO 5
Pilipino Star Ngayon, Oktubre 24, 20041. Ano kaya ang hanapbuhay ng natutulog? a. pulis b. security guard c. laborer d. supervisor2. Ano ang naging unang resulta nang sabihin na , “Aba.. Bumbay! Naniningil!” a. Nagulat ang natutulog b. Nagising ang natutulog c. Napatayo ang natutulog d. Napasigaw ang natutulog3. Bakit sinabi ang, “Aba.. Bumbay! Naniningil!” a. para gisingin ang natutulog b. para hindi masingil ng bumbay c. para makapagtago agad d. para pakiusapan ang bumbay4. Ano ba ang inaasahan sa isang namamasukan? a. magbayad ng utang sa bumbay b. magtrabaho pag nandiyan ang amo c. maging matapat sa amo d. tupdin ang tungkulin sa oras ng trabaho5. Ano ang kahihinatnan kung ang lahat ng manggagawa ay tulad ng taong natutulog? a. hindi makakaiwas sa maniningil b.hindi maririnig ang ingay sa trabaho c. hindi uunlad ang buhay d. hindi magkakasakit sa trabaho 6
Hingin sa iyong guro ang Susi sa Pagwawasto upang malaman mo kung gaano karamiang tamang sagot na nakuha mo. Kung hindi ka naman masaya sa resulta nito, pag-aralan moang modyul at tiyak na makatutulong ito sa iyo. Handa ka na ba? Tara na!Mga Gawain sa PagkatutoSub-Aralin 1 Paggamit ng Salitang Nagbibigay-Pahiwatig sa Kahulugan ng Mahirap na SalitaLayunin Ang araling ito ay makatutulong sa iyo upang pagbalik-aralan ang kasaysayan ngPilipinas noong panahon ng kolonisasyon. Kasabay nito ay ang paghubog ng iyong kakayahanupang mapili ang mga salita sa pangungusap, hango sa mga akdang may kaugnayan sakasaysayan, na nagbibigay-pahiwatig sa kahulugan ng mahirap na salita.Alamin Marahil ay pamilyar ka na sa mga bansang Espanya, Ingles, Amerika, at Hapon. Kungmay mapa ng daigdig sa kinaroroonan mo ngayon, hanapin mo ang mga bansang ito. Kilala silasa maraming kadahilanan, subalit bilang Pilipino ay tiyak akong batid mo ang papel nila sa atingkasaysayan. Kung hindi ka sigurado ay tutulungan kitang tukuyin ang ilan sa nagingmahahalagang ginampanan nila na nakaimpluwensya ng malaki sa ating kultura. Ang gagawin mo lamang ay isulat sa iyong sagutang papel ang bansang tinutukoy samga pangungusap- Espanya, Ingles, Amerika o Hapon. Ipinaaalala ko lamang na anumang sagotmo ay hindi bibigyan ng marka. Ito ay isa lamang paraan upang bago ilahad ang aralin aynakatuon na ang isip mo sa ating paksa. 7
Halika na at tingnan natin ang abot ng iyong maaalala._____1. Nagturo ng Kristiyanismo sa mga Pilipino_____2. Sinakop ang Pilipinas sa loob ng dalawang taon at pinahintulutan ang pagpasok ng mga banyagang aklat, pahayagan, at mga manlalakbay mula sa Britanya, Pransya, at Alemanya_____3. Nagbigay ng libreng edukasyon para sa lahat at hindi para sa piling mayayaman lamang_____4. Nagpahirap sa sundalong Amerikano at Pilipino sa pamamagitan ng Martsa ng Kamatayan Ang mga wastong sagot ay ang sumusunod: 1. Kastila; 2. Ingles; 3. Amerikano; at 4.Hapon. Ilan ang iyong tamang sagot? Kung nahirapan ka sa pagsagot sa mga tanong, huwag kang mawalan ng pag-asa.Basahin mo ang kasunod na akda at marami ka pang malalaman tungkol dito. Ang mga sinagutan mo ay hinango sa akdang tumatalakay sa kolonisasyon ng Pilipinas. Ang Kolonisasyon ng Pilipinas 1 Bago pa man dumating ang mga Kastila, ang Pilipino ay mayroon nang sariling kahiratihan na tinatawag ding kabihasnan, paniniwala, kaugalian, at paraan ng pagsulat. Ang lahat ng ito ay pinilit na baguhin o palitan ng mga Kastila na dumating sa Pilipinas noong 1521 upang gawin itong kolonya. Ang kolonya ay ang bansang pinamumunuan ng mga dayuhan. 2 Sinakop nila ang ating bansa sa tatlong kadahilanan. Una, nais nilang palaganapin ang relihiyong Katoliko Romano at gawing Kristiyano ang maraming tao. Dahil dito, naglaan ang hari ng Espanya ng malaking halaga upang ang nakararami ay manampalataya sa relihyong ito. Pangalawa, nais ng Espanya na hawakan ang spice trade sa Asya dahil ang mga pampalasa ay mabili sa Europa.Kung mangyayari ito, tatanghalin at kikilalanin itong pinakamayamang bansa sa buong mundo; subalit sila ay bigong makamit ang layuning ito. Panghuli, nais ng Espanya na magkaroon ng karangalang politikal sa pagiging pinakamalaking kaharian sa daigdig. Ang mga layuning ito ang naging sanhi ng pananakop ng Kastila sa Pilipinas at ito ay tumagal ng mahigit sa 300 taon, mula 1565-1898. 3 Pansamantalang naantala, isang panandaliang paghinto, ang kapangyarihan ng Kastila nang sakupin ng mga British o Ingles ang Pilipinas noong 1762-1764 bilang bahagi ng digmaan ng Britanya at Pransya. Ang laban ng dalawang bansang ito ay tinawag na Seven Years’ War at napasama ang Pilipinas sa gulo dahil ang Espanya ay sumuporta sa Pransya, na siya namang ginamit na dahilan ng Ingles upang lusubin ang ating bansa. 8
4 Ang maikling pananakop ng Ingles sa bansa ay nag-iwan ng bahid, at sa kabilang banda ay magandang aral sa mga Pilipino. Hindi malilimot ang malawakang pangungulimbat sa mga simbahan at mahahalagang gusali sa Maynila na nakagimbal sa mga mamamayan sapagkat ito ang kauna-unahang pangyayaring ganito. Ang lahat ng ninakaw ay dinala sa ibang bansa, at dahil dito ay maraming talang pangkasaysayan at mga antigo ang nawala sa bansa. Sa kabilang banda, naging malaki ang tulong ng Ingles sa kamalayang panlipunan ng mga Pilipino sa kadahilanang pinayagan nilang makapasok ang mga bagong ideya mula sa mga banyagang aklat, pahayagan, at mga manlalakbay galing sa ibang bansa. 5 Amerika ang sumunod na sumakop sa bansa noong 1898. Ilan sa mga layunin ng pagsakop ng Amerika ay ang magkamit ng bagong lupain upang paunlarin at makipagkalakalan, magtayo ng base ng hukbong-pandagat at daungan sa Asya, at ang paniniwala na tungkulin nilang gawing sibilisado ang mga Pilipino. Maaaring nakamit nila ang mga layuning ito, subalit marami rin silang naibahagi sa kamalayang Pilipino. Nagdala sila ng Bibliya at ipinatupad ang kalayaan ng relihiyon, nagsanay para sa demokrasya, nagbigay ng libreng edukasyon, at nagturo ng wikang Ingles. 6 Noong taong 1942-1945, sinakop ng Hapon ang Pilipinas at dito nasaksihan ang isa sa pinakamalagim na giyera sa buong mudo. Kahit na matapat at matapang na nakipaglaban ang mga Pilipino at Amerikano laban sa mga Hapon, nanaig pa rin ang huli at napabagsak ang Bataan at Corregidor at halos 100,000 mga sundalong Pilipino at Amerikano ang ikinulong ng mga Hapon. Naganap din ang Martsa ng Kamatayan kung saan ang mga sundalo ay pinilit na magmartsa ng 120 kilometro sa loob ng mahigit sa sampung araw nang walang pagkain, tubig o gamot, habang marami ang pinalo o sinaksak ng bayoneta. Pilipino Star Ngayon, Oktubre 24, 2004 Pagkatapos mong basahin ang akda, balikan mo ang iyong mga sagot sa mga tanong saALAMIN at iwasto mo ang mga mali ayon na rin sa pagkakaunawa mo sa aralin. Alin sa mga tanong ang hirap kang sagutin? Para higit mo pang matandaan ang mahahalagang aral sa iyong binasa, punan mo angpatlang ng mga salita ayon sa talatang iyong binasa. Sa talata 1 mababasa ang unang nanakop sa Pilipinas. Ito ay ang ______________. 9
Sa talata 2, nabatid mong may tatlong layunin ang unang nanakop sa bansa. Ang mga ito ayang ________________________________, ______________________ at_____________________________. Makikita sa talatang ______ ang impluwensiya ng Ingles sa Pilipinas, samantalang satalatang _____ nakasaad ang pangalawang mananakop ng Pilipinas. Sa talata 5 nakasaad ang sumunod sa Kastila. Pang-ilang mananakop na ang Amerika?_____ Ang layunin ng Amerika sa pagsakop, ayon sa talata 5, ay __________________,______________________________, at _________________________________. Sa panghuling talata nabasa mo ang isa pang nanakop sa bansa. Isulat ang mga karanasan ngPilipino sa kamay ng Hapon. __________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________. Ang mga tamang sagot ay ang sumusunod: Sa talata 1, Espanya ang unang sumakop sa Pilipinas. Sa talata 2, ang mga layunin ng Espanya ay palaganapin ang Kristiyanismo, hawakanang spice trade at maging pinakamayamang bansa, at ang pagkakamit ng karangalang politikal. Sa talata 4 mababasa ang impluwensiya ng Ingles, at sa talata 3 naman ang pangalawangnanakop sa Pilipinas- ang Ingles. Ang Amerika ay pangatlong mananakop ng bansa natin. Ang layunin ng Amerika ay masakop ang bagong lupain at paunlarin ito.Hangad dinnilang magtayo ng mga base ng hukbong-pandagat at magkaroon ng daungan sa Asya, atgawing sibilisado ang mga Pilipino. Sa talatang 6 ipinakita ang dinanas ng mga Pilipino at Amerikanong sundalo sa kamayng mga Hapones. Sila’y ikinulong, pinagmartsa ng mahabang lakbayin, ginutom, at pinahirapan.Linangin Ngayon, mas sigurado ka na sa alam mo! Marami ka pang matututunan tungkol sa atingkasaysayan kung hindi ka hihintong magbasa at itutuloy mo ang modyul na ito! At dahilnagpasya kang matuto, may dagdag-kaalaman pa para sa iyo – ang pagpapalawak ng iyong 10
talasalitaan sa paggamit ng salita sa pangungusap na nagbibigay-pahiwatig sa kahuluganng mahirap na salita. Sa Ingles, ito ay tinatawag na context clue. Maoobserbahan mo na habang nagbabasa ka ay may ilang mahihirap na salita na tila hindimo nauunawaan? Subalit kung bibigyang-pansin mo ang mga salitang nakapaligid dito aynagkakaroon ka ng ideya tungkol sa kahulugan nito. Context clue o mga salitang nagbibigay-pahiwatig sa kahulugan ang tawag sa ganitong paraan ng pagbibigay-kahulugan sa isang salita. May iba’t ibang paraan ang manunulat upang bigyang-pahiwatig ang kahulugan ng mahirapna salita. Ang mga ito ay: 1. pagbibigay ng kasingkahulugan sa paggamit ng salitang o , na tinatawag din, o kaya ay at 2. pagbibigay ng kasalungat sa paggamit ng sa kabilang banda, ngunit, bagamat, subalit, at marami pang iba. 3. pagbibigay depinisyon na makikita sa loob ng pangungusap o sa susunod pang pangungusap 4. paggamit ng buong talata para sa sapat na paghinuha sa kahulugan Pag-aralan mo ang mga sumusunod na halimbawa at tukuyin ang kahulugan ng mga salitangnakahaylayt. 1. Mayroong historikal na pagtatalo tungkol sa tamang panahon ng pagdating ni Magellan sa Pilipinas bunga ng kanyang ekspedisyon o paglalakbay dulot ng isang layunin. Mayroong nagsasabi na noong ika-16, samantalang ang iba naman any ika –17 ng Marso, 1521. 2. Ang pananalakay ng British ay isang nakatutuwa ngunit nakakarimarim ding panahon ng ating kasaysayan. 3. Pagsapit ng ika-19 na dantaon, nagkaisa ang mga Pilipino na humingi ng reporma sa kolonya. Ang reporma ay ang pagbabago sa mga patakarang kasalukuyang ipinatutupad. 4. Noong Hulyo 7, 1892, ay nagtatag ng isang lihim na samahang panghimagsikan para sa mga Pilipino upang ipaglaban ang kalayaan. Ang buong pangalan nito ay Kataastaasang Kagalang-galangang Katipunan ng mga Anak ng Bayan at tinawag na “Katipunan” o KKK para maikli. Kung mahirap para sa iyo ang salitang ekspedisyon, mapapansin mo na ito ay sinundan ngsalitang o, na nagpapahiwatig naman na ang sumunod na mga salita ay kasingkahulugan ngnauna. Ito ay isang paraan ng manunulat upang tulungan kang maunawaan ang salita sa iyongbinabasa. 11
Sa pangalawang pangungusap, ang salitang ngunit na nag-uugnay sa mahirap na salita(nakakarimarim) at sa kahulugan nito ay ginamit upang bigyang-pahiwatig na ang dalawangito ay magkasalungat. Kung gayon, ang pakahulugan nito ay salungat sa nakatutuwa –maaaringnakapangingilabot o nakakagalit. Sa pangatlong pangungusap, ginamit ang sumusnod na pangungusap upang bigyangdepinisyon ang mahirap na salita, reporma, upang ipahiwatig ang kahulugan nito. Ano nga ang reporma? Magaling! Ito ay ang pagbabago sa mga patakarang kasalukuyangipinatutupad. Ang buong talata sa bilang 4 ay nagpapahiwatig naman kung ano ang Katipunan.Kailangan mong gamitin ang lahat ng pangungusap upang lubusang maintindihan angkahulugan nito. Ano ang KATIPUNAN? Ito ay isang lihim na samahang panghimagsikan nanangangahulugang Kataastaasang Kagalang-galangang Katipunan ng mga Anak ng Bayan.Gamitin Gaano kalinaw sa iyo ang tinalakay na paksa? Sagutan mo ang sumusunod upang sukatinang iyong natutunan sa aralin. Sa iyong sagutang papel, isulat ang salita o grupo ng mga salitang kasingkahulugan ng maysalungguhit. Pagkatapos ay isulat din ang paraang ginamit upang ipahiwatig ang kahulugan. 1. Bago pa man dumating ang mga Kastila, ang Pilipino ay mayroon nang sariling kahiratihan na tinatawag ding kabihasnan, paniniwala, kaugalian, at paraan ng pagsulat. 2. Ang kolonya ay ang bansang pinamumunuan ng mga dayuhan. 3. Kung mangyayari ito, tatanghalin at kikilalanin itong pinakamayamang bansa sa buong mundo; subalit sila ay bigong makamit ang layuning ito. 4. Pansamantalang naantala, isang panandaliang paghinto, ang kapangyarihan ng Kastila nang sakupin ng mga British o Ingles ang Pilipinas noong 1762- 1764 bilang bahagi ng digmaan ng Britanya at Pransya. 5. Hindi malilimot ang malawakang pangungulimbat sa mga simbahan at 12
mahahalagang gusali sa Maynila na nakagimbal sa mga mamamayan sapagkat ito ang kauna-unahang pangyayaring ganito. Ang lahat ng ninakaw ay dinala sa ibang bansa. Narito ang tamang mga sagot: 1. kabihasnan; 2. bansang pinamumunuan ng mgadayuhan; 3. kikilalanin; 4. panandaliang paghinto; at 5. pagnanakaw Tumpak ba ang lahat ng iyong sagot? Magaling! Nangangahulugan iyan na natutunanmo na ang tungkol sa paggamit ng pahiwatig na salita upang maintindihan ang kahulugan ngmahirap na salita.Lagumin Upang malaman mo ang kahulugan ng mahirap na salita, gamitin mo ang mga salitangnakapaligid dito na nagpapahiwatig ng kasingkahulugan, kasalungat, depinisyon, opaliwanag sa buong talata. Ang kasingkahulugan ng mahirap na salita ay ipinahihiwatig na mga salitang o, natinatawag din, o kaya ay at. Ang kasalungat ng mahirap na salita ay ipinakikilala ng mga salitang sa kabilang banda,ngunit, bagamat, subalit, at marami pang iba. Maaari rin namang ang sumunod na pangungusap ay nagpapahiwatig ng depinisyon ngmahirap na salita. Panghuli, tandaan mo na kung minsan ay kailangan mong gamitin ang buong talata upangmabatid kung ano ang kahulugan ng mahirap na salita.Subukin Narito ang ilang mga salitang ginamit sa mga naunang akdang iyong binasa. Basahin monang matahimik. oportunidad pinansiyal pansamantala tustusan konsultasyon naglaan lusubin bahid demokrasya nasaksihan 13
Mahirap ba para sa iyo ang mga salitang ito? Kung gayon, gamitin mo ang sumusunod namga pangungusap upang makuha mo ang kahulugan ng bawat isa. Isulat sa iyong papel angkahulugan ng salitang may salungguhit. 1. Ang oportunidad ay minsan lamang kumatok sa iyong pintuan. Huwag mong sayangin ang iyong pagkakataon sa panahong dumating ito. 2. Ang trabahong pansamantala ay hindi nagtatagal. Ito ay panandalian lamang. 3. Ang pag-alis sa bansa ay desisyon ng buong pamilya, at hindi ng isang tao lamang. Kailangan ang konsultasyon o paghingi ng kuro-kuro ng mga kaanib. 4. Nais ng mga sundalong lusubin ang kampo ng mga terorista upang salakayin ang imbakan ng mga armas. 5. Kailangan sa demokrasya ang pagtanggap ng responsibilidad sapagkat ang bawat kalayaan sa pagpapahayag ay may katumbas na tungkulin. Ngayon naman, gamitin mo sa iyong sariling pangungusap ang sumusunod na salita. 1. pinansiyal 2. tustusan 3. naglaan 4. bahid 5. nasaksihan Ipakita sa iyong guro ang mga nabuo mong pangungusap para malaman mo kung tamaang mga ito.Paunlarin Gamitin mo naman sa sa isang talata o kaya’y kwento ang mga salitang may salungguhitsa SUBUKIN. Isulat ito sa iyong sagutang papel. Muli, ipakita mo sa iyong guro ang iyongginawa. __________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________. 14
Search
Read the Text Version
- 1
- 2
- 3
- 4
- 5
- 6
- 7
- 8
- 9
- 10
- 11
- 12
- 13
- 14
- 15
- 16
- 17
- 18
- 19
- 20
- 21
- 22
- 23
- 24
- 25
- 26
- 27
- 28
- 29
- 30
- 31
- 32
- 33
- 34
- 35
- 36
- 37
- 38
- 39
- 40
- 41
- 42
- 43
- 44
- 45
- 46
- 47
- 48
- 49
- 50
- 51
- 52
- 53
- 54
- 55
- 56
- 57
- 58
- 59
- 60
- 61
- 62
- 63
- 64
- 65
- 66
- 67
- 68
- 69
- 70
- 71
- 72
- 73
- 74
- 75
- 76
- 77
- 78
- 79
- 80
- 81
- 82
- 83
- 84
- 85
- 86
- 87
- 88
- 89
- 90
- 91
- 92
- 93
- 94
- 95
- 96
- 97
- 98
- 99
- 100
- 101
- 102
- 103
- 104
- 105
- 106
- 107
- 108
- 109
- 110
- 111
- 112
- 113
- 114
- 115
- 116
- 117
- 118
- 119
- 120
- 121
- 122
- 123
- 124
- 125
- 126
- 127
- 128
- 129
- 130
- 131
- 132
- 133
- 134
- 135
- 136
- 137
- 138
- 139
- 140
- 141
- 142
- 143
- 144
- 145
- 146
- 147
- 148
- 149
- 150
- 151
- 152
- 153
- 154
- 155
- 156
- 157
- 158
- 159
- 160
- 161
- 162
- 163
- 164
- 165
- 166
- 167
- 168
- 169
- 170
- 171
- 172
- 173
- 174
- 175
- 176
- 177
- 178
- 179
- 180
- 181
- 182
- 183
- 184
- 185
- 186
- 187
- 188
- 189
- 190
- 191
- 192
- 193
- 194
- 195
- 196
- 197
- 198
- 199
- 200
- 201
- 202
- 203
- 204
- 205
- 206
- 207
- 208
- 209
- 210
- 211
- 212
- 213
- 214
- 215
- 216
- 217
- 218
- 219
- 220
- 221
- 222
- 223
- 224
- 225
- 226
- 227
- 228
- 229
- 230
- 231
- 232
- 233
- 234
- 235
- 236
- 237
- 238
- 239
- 240
- 241
- 242
- 243
- 244
- 245
- 246
- 247
- 248
- 249
- 250
- 251
- 252
- 253
- 254
- 255
- 256
- 257
- 258
- 259
- 260
- 261
- 262
- 263
- 264
- 265
- 266
- 267
- 268
- 269
- 270
- 271
- 272
- 273
- 274
- 275
- 276
- 277
- 278
- 279
- 280
- 281
- 282
- 283
- 284
- 285
- 286
- 287
- 288
- 289
- 290
- 291
- 292
- 293
- 294
- 295
- 296
- 297
- 298
- 299
- 300
- 301
- 302
- 303
- 304
- 305
- 306
- 307
- 308
- 309
- 310
- 311
- 312
- 313
- 314
- 315
- 316
- 317
- 318
- 319
- 320
- 321
- 322
- 323
- 324
- 325
- 326
- 327
- 328
- 329
- 330
- 331
- 332
- 333
- 334
- 335
- 336
- 337
- 338
- 339
- 340
- 341
- 342
- 343
- 344
- 345
- 346
- 347
- 348
- 349
- 350
- 351
- 352
- 353
- 354
- 355
- 356
- 357
- 358
- 359
- 360
- 361
- 362
- 363
- 364
- 365
- 366
- 367
- 368
- 369
- 370
- 371
- 372
- 373
- 374
- 375
- 376
- 377
- 378
- 379
- 380
- 381
- 382
- 383
- 384
- 385
- 386
- 387
- 388
- 389
- 390
- 391
- 392
- 393
- 394
- 395
- 396
- 397
- 398
- 399
- 400
- 401
- 402
- 403
- 404
- 405
- 406
- 407
- 408
- 409
- 410
- 411
- 412
- 413
- 414
- 415
- 416
- 417
- 418
- 419
- 420
- 421
- 422
- 423
- 424
- 425
- 426
- 427
- 428
- 429
- 430
- 431
- 432
- 433
- 434
- 435
- 436
- 437
- 438
- 439
- 440
- 441
- 442