_______________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________.Sub-Aralin 2 Pagtukoy sa Mga Detalyeng Sumusuporta Sa Pangunahing DiwaLayuninSa araling ito ay matututunan mo ang sumusunod: 1. natutukoy ang pangunahing diwa ng talata 2. naibibigay ang kaibhan ng pangunahing diwa at mga detalyeng sumusuporta dito 3. napipili ang mga detalyeng angkop na sumusuporta sa pangunahing diwa Kung sa tingin mo ay mahirap ang leksyong ito, wala kang dapat ikabahala. Tutulungankitang maintindihan ito. Bilang panimula, balikan natin ang mga maaaring nalalaman mo natungkol sa paksang may kinalaman sa detalyeng sumusuporta sa pangunahing diwa. Halika na!Alamin Isulat sa patlang ang tawag sa mga salitang magkakasama o magkakagrupo. Halimbawa: mata, ilong, bibig, tenga Bahagi ng mukha 1. mesa, upuan, chalk, chalkboard, pambura _____________________ 2. sampaguita, gumamela, ilang-ilang, santan _____________________ 15
3. martilyo, pako, lagare, paet ___________________________________ 4. saging, papaya, santol, mangga ________________________________ 5. dolyar, yen, piso, rupee ______________________________________ Ang mga tamang sagot dito ay ang sumusunod: 1. mga gamit sa paaralan 2. mga bulaklak sa Pilipinas 3. mga kagamitan ng karpintero 4. mga prutas 5. mga tawag sa salapi ng iba’t ibang bansa Paano mong nalaman ang mga tamang sagot? Madali lang iyan! Tiyak ako na hindi ka langbasta nanghula nang walang batayan. Tiningnan mong mabuti ang kaugnayan ng mga salita saisa’t isa at pagkatapos ay pinili mo ang mga katangian nilang magkakatulad, di ba? Kung sa simpleng mga bagay ay kailangan ang kaayusan, lalo pang ninanais na taglayin itosa anumang paraan ng komunikasyon, lalo na sa pagbasa at pagsulat. Para sa isang manunulat, mas madaling ipahayag ang kanyang ideya kung tiyak niya angkanyang pangunahing diwa at mga detalyeng kaugnay nito. Gayundin naman, higit namauunawaan ng mambababasa ang laman ng akda kung siya ay may kasanayan sa paghanap ngpangunahing diwa at mga detalyeng nagpapatunay dito. Ano nga ba ang pangunahing diwa at ang kaugnayan nito sa mga mahahalagang detalye? Halika at pag-aralan mo.Linangin Para lalo mo pang maintindihan ang mga detalyeng sumusuporta sa pangunahing diwa,kailangan mo munang tiyak na matukoy kung ano ang pangunahing diwa. Ito ay ang ideya nanais bigyang – diin o talakayin ng manunulat. Bilang gabay sa paghanap mo nito, alamin mo ang paksa at kung ano ba tungkol sa paksaang pinag-uusapan. Kadalasan, ang pamagat ng akda ay magbibigay sa iyo ng pahiwatig ukol sapaksa. Piliin mo ang isa o dalawang salita mula sa pamagat upang maging batayan ng iyongpaksa. Tandaan mo na ang paksa ay hindi pangunahing diwa; sa halip, ito ay batayan lamang ngmahalagang diwa ng manunulat. Ang susunod mong gagawin ay alamin naman kung ano tungkol sa paksa ang binibigyangfocus ng akda o manunulat. Dito mo na kailangang hanapin ang mga detalyeng sumusuporta sapangunahing diwa. Ang mahahalagang detalye ay dapat na may tuwirang kaugnayan sa 16
pangunahing diwa, na batay naman sa paksang natukoy mo na. Ito ay ang mga detalyengnagbibigay patotoo o sumusuporta sa pangunahing diwa. Balikan mo ang binasang akda sa Aralin 1, at subukan mo kung paano hanapin ang paksa,pangunahing diwa, at mahahalagang detalye. Handa ka na ba? Pamagat: Kolonisasyon ng Pilipinas Paksa: (Pumili ka ng isa o dalawang mahalagang salita mula sa pamagat.)Ano ang napili mo? Magaling! Kolonisasyon o kaya’y ang pamagat mismo ang paksa. Pangunahing diwa: (Mula sa paksa, ibigay mo kung ano tungkol dito ang tinalakay ngmanunulat.) Basahin mo nang mabilis ang nilalaman para magkaroon ka ng ideya. Tungkol ba sa mgalugar na sinakop, mga taong tanyag noong panahon ng kolonisasyon, o mga bansang sumakopsa bansa? Tumpak! Inisa-isa ng manunulat ang mga bansang nagkolonisa sa Pilipinas. Ito angpangunahing diwa. Mahahalagang detalye: (Kunin mo ang mga salita o ideya na nagpapatunay sapangunahing diwa.)Kung pinili mo ang apat na bansa – Espanya, Ingles, Amerika, at Hapon – mainam ang iyongsagot! Natutuhan mo na ang paghanap ng mahahalagang detalye sa akdang iyong binasa! Tingnan mo ang dayagram na nagpapakita ng kaugnayan ng pamagat, paksa, pangunahingdiwa, at mahahalagang detalye. Kolonisasyon ng Pilipinas (Pamagat) Kolonisasyon (Paksa) Iba’t ibang bansa ang sumakop sa Pilipinas (Pangunahing diwa) 17
Espanya Ingles Amerika Hapon Mayroon pang ibang mga ideya na mapipili mo na napapailalim sa mahahalagang detalye,subalit sapat na sa ngayon na matukoy mo kung ano ang mas dapat na bigyang-tuon sa pag-intindi ng iyong binasa. Malamang ay nais mo nang subukan ang iyong kakayahan tungkol sa araling tinalakay. Anopa ang hinihintay mo? Kumuha ng iyong sagutang papel at gamitin ang iyong natutuhan!Gamitin Basahin ang akda sa ibaba at pagkatapos ay tapusin ang mga gawain batay dito. Migrate or not to Migrate (Pilipino Star, Oktubre 30, 2004) Isa na naman ito sa mga katanungang bumabagabag sa bawat tao na nagnanais na mangibang-bansa upang makipagsapalaran. Marami na rin tayong mga kababayan ang nasa ibang bansa katulad ng Estados Unidos, Canada, New Zealand at iba pa. Ngunit, karamihan sa mga Pilipino ay hindi nanaisin na mag-migrate. Ito ay sa kadahilanang ang kwalipikasyon at experience ng ating mga kababayan ay hindi basta-basta kinikilala. Katulad na lamang ng ibang mga propesyunal kung saan maganda ang kanilang pwesto dito sa atin ngunit pagdating sa ibang bansa ay mga clerk, tagapag-alaga, waiter at iba pa ang kanilang nagiging trabaho. Nariyan ang mga doctor na kapag nakipagsapalaran sa ibang bansa, katakut-takot na pag-aaral at mga pag-susulit pa ang mangyayari bago makakuha ng lisensiya para makapag-praktis kung kaya’t ang iba sa kanila ay mas ninanais na lamang na mag-aral ng nursing upang mas madaling makapasok at makakuha ng trabaho. Marami na rin ang nagsasabi katulad ng aking mga kamag-anak na ang buhay sa ibang bansa ay hindi madali at hindi puro saya. Kumikita ka nga ng malaki ngunit tama rin ito para sa mga babayarin. Kaya kadalasan may mga part- time job sila sa ibang mga establisimiyento. Isa rin sa mga rason kung bakit hindi natutuloy ang pag-alis ng isang tao ay dahil sa malalayo sila sa tahanan na kanilang kinalakhan. At kung sakali mang may mangyari sa kanilang mga mahal sa buhay, hindi sila basta-basta makakabalik ng Pilipinas gustuhin man nila. 18
Ngunit para sa ibang mga Pilipino, nakikipagsapalaran pa rin sila para sa ikagaganda ng buhay ng kanilang pamilya. Ang pinakapuno’t dulo pa rin nito ay kung ano ang makabubuti sa lahat. A. Punan ang patlang ng hinihinging imformasyon. Pamagat:_______________________________________________________ Paksa:__________________________________________________________ Pangunahing diwa:________________________________________________ Mahahalagang detalye: _____________________________________________ __________________________________________________________ __________________________________________________________B. Batay sa pangunahing diwang napili mo, kopyahin ang tatlong mahahalagang pangungusapsa ibaba na nagsasaad ng detalyeng sumusuporta dito. 1. Ang kwalipikasyon ng ating kababayan ay hindi basta-basta kinikilala. 2. Mganda ang trabaho dito, pero pagdating sa ibang bansa ay clerk, tagapag-alaga o waiter. 3. Ang mga doktor ay nag-aaral pa para maging nars. 4. Ang buhay sa ibang bansa ay hindi madali at hindi puro saya. 5. Kailangan pang magpart-time para makasapat sa bayarin. 6. Malalayo sila sa kanilang pamilya at mahal sa buhay. 7. Hindi basta-basta makababalik sa Pilipinas.C. Ipakita sa diagram ang kaugnayan ng mga ideya batay sa nabasa mo. _____________________ (Pamagat) _____________________ (Paksa) ________________________ (Pangunahing diwa) 19
___________________ _________________ ________________ ____________ (Mga detalyeng sumusuporta sa pangunahing diwa)Ganito ba ang iyong mga sagot? Sige iwasto mo ang iyong ginawa: A. Pamagat: Migrate or not to Migrate Paksa: Pagpili kung aalis o mananatili sa bansa Pangunahing diwa: Mas maraming Pilipino ang ayaw lumisan ng bansa Mahahalagang detalye: ang mga dahilan ay hindi basta-basta kinikilala ang kanilang kwalipikasyon, hindi madali at hindi puro saya ang buhay, at ayaw malayo sa mahal sa buhayB. Ang mahahalagang detalye ay ang pangungusap 1, 4, at 6.C. Dayagram Migrate or not to migrate Pagpili kung aalis o hindi sa bansa Maraming dahilan bakit ayaw umalis ng mga PilipinoMababang pagtanggap sa kwalipikasyon hindi puro saya ayaw malayo sa pamilya Mainam ang pagsisikap mo sa mga pagsasanay sa katatapos pa lamang na aralin! Bilang paalala, tandaan mo lamang ang mga mahahalagang bagay na tinalakay sa sub-araling ito.Lagumin 20
Ang pangunahing ideya ay mahalagang matukoy bago mo hanapin ang mga detalyengsumusuporta dito. Ang mahahalagang detalye ay may tuwirang kaugnayan sa pangunahing diwa, atmatitiyak mo lamang ito kung alam mo ang paksa batay sa pamagat ng akda, at sa iyongmaingat na pagbabasa upang bigyang patunay ang pangunahing diwa . Gayundin naman, maaari mong gamitin ang dayagram upang ipakita ang kaugnayan ngpamagat, paksa, pangunahing diwa, at mga detalyeng sumusuporta sa pangunahing diwa. Tingnan natin kung naintindihan mo ang araling ito.SubukinBasahin nang tahimik ang akda. Pagkatapos ay gawin ang mga kasunod na gawain. Maraming Mag-aaral sa High School, Hindi Makabasa Pilipino Star Ngayon, Oktubre 24, 2004 Nakaaalarma, nakakatakot ang ulat na karamihan sa mga mag-aaral sa high school ay hindi marunong bumasa, o kaya ay hindi nakaiintindi ng binabasa. Ano ang kahihinatnan nila? Kawawa sila sa hinaharap. Hindi lamang pala ang problema sa mga guro, mali-maling libro, kakulangan ng silid-aralan ang problema ng Kagawaran ng Edukasyon o Department of Education (DepEd) kundi pati na rin ang mga estudyanteng hindi marunong magbasa. Dapat malaman ang ugat ng problemang ito upang hindi naman maging kawawa ang mag-aaral sa pagdating ng panahon. Marami ang kadahilanan ng suliraning ito. Ilan dito ay ang di-wasto o di- sapat na nutrisyon sa mga bata, limitadong pinagkukunan o kasalatan ng mga pampublikong paaralan, at ang mahihina at kakulangan sa pagsasanay ng mga guro. Ayon pa sa DepEd, “Masakit sabihin ang katotohanan, pero ang edukasyon sa Pilipinas ay nasa krisis. Ito ay nasa panahon ng pagdarahop.” Marami ang nagsulputang eskwelahan ngayon, parang mga kabute na kung saan – saan sumisibol at tumutubo, na mataas pa ang tuition o singil sa pag-aaral. Nakikilatis pa ba ng DepEd kung anong klaseng turo ang ibinibigay ng mga paaralang ito? 21
B. Ibigay ang hinihinging imformasyon batay sa akdang binasa. Pamagat:_____________________________________________________ Paksa: ______________________________________________________ Pangunahing diwa:_____________________________________________ Mahahalagang detalye: __________________________________________ ___________________________________________ ___________________________________________ ___________________________________________ ____________________________________________ ____________________________________________ ____________________________________________ ____________________________________________C. Buuin ang dayagram ayon sa iyong sagot sa B. ______________________________ Pamagat _____________________________ Paksa _______________________________ Pangunahing diwa______________ _______________ ____________ ___________ __________ Mga mahahalagang detalye Nakita mo ba ang kaugnayan ng iyong sagot sa B at C? Magaling! Ang dayagram aynakatutulong upang lalo mong masiguro kung ang mga natukoy mong paksa, pangunahing diwa,at mahahalagang detalye ay may tuwirang kaugnayan sa isa’t isa, ayon na rin sa nais iparatingng manunulat. Kung napansin mo na malayo ang kaugnayan sa isa’t isa ng mga sagot mo, basahin atpag-aralang muli ang akda. 22
Ang mga tamang sagot sa B ay ang sumusunod: Pamagat: Maraming mag-aaral sa high school, hindi makabasa Paksa: Mga dahilan sa hindi pagkatutong bumasa ng mga mag-aaralPangunahing diwa: Ang hindi pagkatutong bumasa ay dulot ng maraming kadahilanan.Mahahalagang detalye: di-wasto/sapat na nutrisyon, limitadong pinagkukunan ng mgapampublikong paaralan, mahihina/kulang sa pagsasanay ng mga guroAng tamang sagot sa dayagram, titik C, ay ang mga sumusunod: Maraming mag-aaral sa high school, hindi makabasa (Pamagat) Mga dahilan sa hindi pagkatutong bumasa ng mga mag-aaral (Paksa) Ang hindi pagkatutong bumasa ay dulot ng maraming kadahilanan. (Pangunahing diwa)di-wasto/sapat na nutrisyon kasalatan ng pinagkukunan gurong kulang sa kasanayan ng paaralan Nakuha mo ba ang mga tamang sagot? Mainam kung ganon!Paunlarin mo pa ang iyong kaalaman sa araling ito sa pamamagitan ng isa pang pagsasanay.Handa ka na ba?23
Paunlarin Ngayon naman ay ang pagkakataon mong gamitin ang iyong natutuhan sapamamagitan ng pagsulat ng isang akda. Gumawa ka muna ng dayagram katulad ng ipinakita sanakalipas na pagsasanay. Gawin mong batayan ang pamagat na “Bunga ng Hindi PagkatutongBumasa”. Bunga ng Hindi Pagkatutong Bumasa (Pamagat) ___________________________________ (Paksang nais mong talakayin) _________________________________________________ (Pangunahing diwa ng iyong akda) _______________ ___________________ _____________ _____________ (Mahahalagang detalyeng nais mong gamitin upang suportahan ang pangunahing diwa) Marahil ay napag-isipan mo nang malalim ang mga ideyang nais mong isulat sa iyong akda. Ngayon naman ay isulat mo na ito sa paraang palahad. Maaaring dalawa o tatlong talata, okaya ay higit pa rito ang mabubuo mong akda. Huwag mong kalimutang gamiting gabay angmga isinulat mo sa dayagram. Pagkatapos, ipakita mo sa guro ang iyong ginawa. Simulan mo na! 24
___________________________ __________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________. ___________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________.Sub Aralin 3 Pagkilala ng Sanhi at Bunga Ngayon naman ay tatalakayin natin ang panibagong sub-aralin na gagabay sa iyoupang lalo pang maunawaan ang kaugnayan ng mga ideya o pangyayari sa isang akda.Layunin: Tutulungan ka ng araling ito upang magawa mo ang sumusunod: 1. nakikilala ang mga salita/pahayag na nagsasaad ng sanhi at bunga; 2. napipili ang bahagi ng pangungusap o talata na nagpapahiwatig ng sanhi at bunga; 3. nabibigyang-dahilan/ katwiran ang kilos ng kapwa;Alamin Pag-aralan mo ang larawan. Ipinapakita dito ang kasalukuyang sitwasyong kinakaharap ngmga manggagawa at mga negosyante sa ating bansa. Ituon mo ang iyong pansin sa naisipahiwatig ng larawan. 25
Pilipino Star Ngayon, Setyembre 7, 2004 Magbigay ng 3 – 5 mga inaakala mong sanhi ng paghingi ng manggagawa ng dagdag nasahod. Isulat ang sagot sa iyong papel. ________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________. Isa-isahin mo ang mga posibleng mangyari kung hindi tataasan ang sahod ngmanggagawa. _________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________ Maaaring iba-iba ang sagot dito. Ilan sa mga sanhi ng paghingi ng dagdag na sahod ayang pagbaba ng halaga ng piso, pagtaas ng presyo ng bilihin, papahirap na trabaho, dagdag naoras sa trabaho, at iba pa. Ang mga bunga naman kung hindi tataasan ang sahod ay maaaring paghirap sa buhay,pagkagutom ng pamilya, malnutrisyon, kawalan ng pambayad sa pangunahing pangangailangan,at iba pa. Huwag kang kabahan sa iyong mga sagot! Ang katatapos na gawain ay may layongpukawin ang iyong kaalaman tungkol sa sanhi at bunga - ang paksa ng aralin ngayon. Gusto mo na bang linangin ang iyong kaalaman? Nakatutuwa naman kung ganon. Simulan mo na! 26
Linangin Karamihan sa mga pangyayari sa atin ay mayroong dahilan, o tinatawag na sanhi, at mayidinudulot sa ating buhay, o may ibinubunga. Halimbawa, may dahilan ang pagsikat ng araw,pagbuhos ng ulan, pagkasira ng kapaligiran, at marami pang iba. Ang mga ito ay maaaringmagdulot ng matinding tag-init, tuloy-tuloy na pagbaha, o pagkamatay ng mga nilalang. Sa pagbasa man o pagsulat, mainam na alam mong tukuyin ang ugat ng pangyayari nasiyang nagpapaliwanag ng dahilan o rason. Ito ay tinatawag na sanhi. Ang sanhi ayipinahihiwatig ng mga salitang kapag, dahil, dahilan, at rason. Walang tiyak na lugar sapangungusap o sa talata ang sanhi; ibig sabihin, maaaring bago o pagkatapos ibigay ang bungaay makikita ang sanhi. Ang bunga naman ay nagsasaad ng kinalabasan, resulta, o epekto ng isang sanhi.Ito ay ipinahihiwatig ng kaya, upang, bunga nito, at iba pa na nagpapakita ng bunga.Kagaya ng sanhi, ang bunga ay wala ring tiyak na isang lugar sa pangungusap o talata.Kailangang maintindihan mong mabuti ang kaibhan ng dalawa para matukoy mo kung alin ngaba ang siyang dahilan at kinalabasan nito. Makatutulong sa iyo na hanapin kung alin ba ang nauna o mauunang mangyari at alinnaman ang sumunod o susunod. Ang una ay sanhi at ang huli ay ang bunga. Pag-aralan ang halimbawang pangungusap. 1. Dahil sa malawakang nakawan ay nagtalaga ng mga tanod sa bawat barangay. 2. Kaya payapa ang lipunan ay may pag-uunawaan ang mamamayan. Ano sa palagay mo ang unang nangyari sa pangungusap 1- ang pagnanakaw opagtatalaga ng tanod? Tama ang sagot mo! Nagkaroon muna ng sanhi, ang nakawan, bago angbunga, ang pagtatalaga ng tanod. Sa pangalawang pangungusap, alin ang sanhi? Alin naman ang bunga? Paano mongnalaman ito? Tumpak ang iyong mga tugon! Ang sanhi ay ang pag-uunawaan, samantalang angbunga ay ang payapang lipunan. Nabatid mo ito marahil dahil sa pahiwatig na salita, gayundinsa pagtukoy mo kung ano ang mas nauna sa dalawang pangyayari. Bukod sa mga sanhi at bunga sa pangungusap, kailangan mo ring pag-aralan at isipingmabuti ang mga dahilan sa kilos o gawi ng tao. Sa masusi mong obserbasyon at malalim napagkaunawa sa sitwasyon, mabibigyan mo ng akmang katwiran ang kilos ng iyong kapwa. Sa iba’t ibang sitwasyon ay masisilip mo ang posibleng pinagmulan ng dahilan ng isangbagay, kilos, o pangyayari. Halimbawa, sa iyong pagbabasa ng diyaryo ay mapapansin mo angmga drowing o ilustrasyon na magiging batayan mo upang bigyang katwiran ang nais iparatingng ilustrador o kaya ay manunulat. Ano kaya ang nais iparating ng gumuhit sa larawan sa ibaba? 27
Pilipino Star Ngayon, Oktubre 24, 2004Para gabayan ka sa pag-aaral ng larawan, ituon mo ang iyong isip sa sumusunod: 1. Pansinin mo ang paraan ng paglalarawan sa mga tao upang mahinuha mo ang kanilang damdamin, kalagayan sa buhay, at pananaw sa kanilang sitwasyon, at iba pang dapat na ikonsidera. 2. Isipin mo ang paksang tinatalakay sa drowing at tingnan mo ang kaugnayan nito sa iyong ginawa sa hakbang 1. 3. Buuin mo sa iyong isipan ang diwang nais iparating ukol sa paksa. 4. Bigyan mo ng katwiran ang pananaw o kilos ng mga taong sangkot sa ilustrasyon. 5. Ibahagi mo sa iba sa paraang pasulat o pasalita ang nabuo mong kaisipan. Balikan natin ang larawan sa Pinong (Sipag-Nyusboy) ni Rene Aranda. Nakita mo siguro naang isang lalaki ay may edad na, sira ang damit, at tila galit na sinisigawan ang bata. Angdahilan ng kanyang tila pagkagalit ay ang food program ng gobyerno para sa mahihirap. Subalitayaw niyang magtrabaho para makamit ito; mas gusto pa niyang ibigay ito nang libre sa kanya. Ano kaya ang dahilan ng kanyang asal? Ayon na rin sa batang kausap niya, ang suliranin ayang katamaran at ang kawalan ng sapat na pagmamalaki sa sarili. Kung masipag sana siya, hindimagiging hadlang ang kahirapan para kumain. Higit pa rito, wala rin siyang malasakit sa sarili; naging palaasa na siya at hindi natinulungan ang sariling makaahon sa sitwasyong kinasadlakan. Ang mga ito ay maaaring ilanlamang sa mga katwiran sa asal o kilos ng lalaki sa larawan. Maliwanag na siguro sa iyo ang sanhi at bunga, at ang paraan ng pagbibigay katwiran sakilos o asal ng kapwa . Tingnan natin ang galing mo sa pag-unawa ng araling ito. 28
GamitinA. Sa iyong sagutang papel, kopyahin ang bahagi ng pangungusap na nagpapakita ng sanhi. 1.Karamihan sa mga Pilipino ay hindi nanaisin na mag-migrate sa kadahilanang ang kwalipikasyon at experience ng ating mga kababayan ay hindi basta-basta kinikilala. 2. Ang iba sa kanila ay mas ninanais na lamang na mag-aral ng nursing upang mas madaling makapasok at makakuha ng trabaho sa ibang bansa. 3. Sapat lang ang malaking kita para sa mga bayarin, kaya kadalasan ay may mga part- time job sila sa ibang mga establisimiyento. 4. Isa rin sa mga rason kung bakit hindi natutuloy ang pag-alis ng isang tao ay dahil sa malalayo sila sa tahanan na kanilang kinalakhan. 5. Kapag may nangyari sa kanilang mga mahal sa buhay, hindi sila basta-basta makakabalik ng Pilipinas gustuhin man nila dahil nasa ibang bansa sila at naghahanapbuhay.Ang mga tamang sagot dito ay: 1. Ang kwalipikasyon at experience ng ating mga kababayan ay hindi basta- basta kinikilala. 2. Ang iba sa kanila ay mas ninanais na lamang na mag-aral ng nursing. 3. Sapat lang ang malaking kita para sa mga bayarin. 4. Dahil sa malalayo sila sa tahanan na kanilang kinalakhan. 5. Dahil nasa ibang bansa sila at naghahanapbuhay.F. Pag-isipang mabuti ang comic strip na SPO Juan ni Boy Aguilar. Tukuyin ang gawi ng babae at bigyan ng 3 hanggang 5 katwiran ang kilos niya habang kinakausap ng pulis. Sumulat ng talata ukol sa mga dahilang naisip mo. 29
Pilipino Star Ngayon, Oktubre 31, 2004 ___________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________ Malapit ba rito ang talatang isinulat mo? Ang babae ay tila natakot nang makita ang pulis, sa kabila nang pagsasabi ng pulis na hindi siya dapat katakutan. Ayon na rin sa sinabi ng babae, ang kinatatakutan niya ay baka tamaan siya ng ligaw na bala. Hindi naman masisisi kung ganito ang maging reaksyon dahil na rin sa maraming kadahilanan. Una, marahil ay nabalitaan niya na ang mga pulis ay madalas ipinapapatay kahit na sa pampublikong lugar. Pangalawa, ang mga taong may galit sa pulis ay handang pumatay kahit pa maraming sibilyan ang maaaring masaktan. Panghuli, tila ang pagtingin tungkol sa mga pulis ay bumababa na at dahil dito’y hindi na ligtas ang pakiramdam ng nakararami sa tuwing makakikita ng alagad ng batas. Ilan lamang ito sa maaaring kadahilanan ng ikinilos ng babae sa harap ng pulis.Lagumin Siguro naman ay bihasa ka na sa paggamit ng mga napag-aralan mo. Ngayon naman aynarito ang mahahalagang bagay na dapat mong isaisip. Sa pagbasa man o pagsulat, mainam na alam mong tukuyin ang ugat ng pangyayari nasiyang nagpapaliwanag ng dahilan o rason. Ito ay tinatawag na sanhi. Ang sanhi ay 30
ipinahihiwatig ng mga salitang kapag, dahil, dahilan, at rason. Walang tiyak na lugar sapangungusap o sa talata ang sanhi; ibig sabihin, maaaring bago o pagkatapos ibigay ang bungaay makikita ang sanhi. Ang bunga naman ay nagsasaad ng kinalabasan, resulta, o epekto ng isang sanhi.Ito ay ipinahihiwatig ng kaya, upang, bunga nito, at iba pa na nagpapakita ng bunga.Kagaya ng sanhi, ang bunga ay wala ring tiyak na isang lugar sa pangungusap o talata.Kailangang maintindihan mong mabuti ang kaibhan ng dalawa para matukoy mo kung alin ngaba ang siyang dahilan at kinalabasan nito. Makatutulong sa iyo na hanapin kung alin ba ang nauna o mauunang mangyari at alinnaman ang sumunod o susunod. Ang una ay sanhi at ang huli ay ang bunga.Sa pagtukoy ngsanhi at bunga, maging sensitibo ka sa mga pahiwatig ng manunulat sa paggamit ng mgasalitang pananda sa sanhi at bunga. Ang kapag, dahil, dahilan sa/ng, rason ay sinusundan ng dahilan; samantalang angupang, kaya, bunga nito, resulta, ay sinusundan ng bunga. Maaaring nasa una o dulongbahagi ng pangungusap makikita ang sanhi o bunga.Subukin Basahing muli ang akda sa ibaba upang maging batayan ng pagsasanay sa pagtukoy ngsanhi at bunga. Maraming Mag-aaral sa High School, Hindi Makabasa Pilipino Star Ngayon, Oktubre 24, 2004 Nakaaalarma, nakakatakot ang ulat na karamihan sa mga mag-aaral sa high school ay hindi marunong bumasa, o kaya ay hindi nakaiintindi ng binabasa. Ano ang kahihinatnan nila? Kawawa sila sa hinaharap. Hindi lamang pala ang problema sa mga guro, mali-maling libro, kakulangan ng silid-aralan ang problema ng Kagawaran ng Edukasyon o Department of Education (DepEd) kundi pati na rin ang mga estudyanteng hindi marunong magbasa. Dapat malaman ang ugat ng problemang ito upang hindi naman maging kawawa ang mag-aaral sa pagdating ng panahon. Marami ang kadahilanan ng suliraning ito. Ilan dito ay ang di-wasto o di- sapat na nutrisyon sa mga bata, limitadong pinagkukunan o kasalatan ng mga pampublikong paaralan, at ang mahihina at kakulangan sa pagsasanay ng mga guro. Ayon pa sa DepEd, “Masakit sabihin ang katotohanan, pero ang edukasyon sa Pilipinas ay nasa krisis. Ito ay nasa panahon ng pagdarahop.” Marami ang nagsulputang eskwelahan ngayon, parang mga kabute na kung saan – saan sumisibol at tumutubo, na mataas pa ang tuition o singil sa 31
pag-aaral. Nakikilatis pa ba ng DepEd kung anong klaseng turo ang ibinibigayng mga paaralang ito?A. Mula sa iyong binasa, kilalanin mo kung ang pangungusap ay sanhi o bunga. _____ 1. Kawawa ang kabataan ngayon. _____ 2. Hindi marunong magbasa ang karamihan sa mag-aaral sa high school. _____ 3. Isa sa dahilan nito ay ang kakulangan ng pagsasanay sa guro. _____ 4. Ang edukasyon ng Pilipinas ay nasa krisis. _____ 5. Hindi nakaiintindi ng binabasa ang maraming estudyante ngayon. B. Dugtungan mo ang mga pangungusap sa A upang ipakita ang sanhi at bunga sa bawatbilang. Pagkatapos, bilugan mo ang bahaging nagpapahayag ng bunga. 1. ___________________________________________________________ 2. ___________________________________________________________ 3. ___________________________________________________________ 4. ___________________________________________________________ 5. ____________________________________________________________ Nahirapan ka ba sa pagsasanay na ito? Huwag kang mag-alala. Narito ang mga wastongsagot sa A:1. bunga 2.sanhi 3. sanhi 4. bunga 5. bunga Narito naman ang ilang maaaring tamang sagot sa B:1. Kawawa ang kabataan ngayon dahil marami sa kanila ang hindi marunong bumasa.2. Hindi marunong magbasa ang karamihan sa mag-aaral sa high school sapagkat di-sapat ang nutrisyon nila.3. Isa sa dahilan ng di pagkatuto ay ang kakulangan ng pagsasanay sa guro.4. Ang edukasyon ng Pilipinas ay nasa krisis kaya di makabasa ang mag-aral.5. Hindi nakaiintindi ng binabasa ang maraming estudyante ngayon kaya tila wala na ring halaga ang edukasyon. Natandaan mo ba ang mahahalagang bagay mula sa araling ito? Kung gayon, palawakin panatin ang iyon kaalaman. 32
Palawakin Tapusin ang bawat pangungusap sa pamamagitan ng pagdadagdag ng ideya ayon sahinihingi sa perentesis ( ). 1. Ang henerasyon ngayon ay nakararanas ng krisis sa edukasyon. _____________________________________________________ . (bunga) 2. Kapag hindi naagapan ang problemang ito, _____________________________________________________.(bunga) 3. _____________________________________________________ ang isa pang dahilan ng krisis sa edukasyon. (sanhi) 4. Ang kawalan ng matatag na hanapbuhay ay resulta ng _______________________________________________ (sanhi) 5. Dahil sa lumalalang kakulangan sa pagsasanay ng mga guro, ______________________________________________________ .(bunga) Ilan sa maaaring sagot mo ay ang mga sumusunod: 1. Ang henerasyon ngayon ay nakararanas ng krisis sa edukasyon.Ang epekto nito ay ang malawakang pagbagsak sa mga pagsusulit sa paaralan. 2. Mas darami ang mga taong mahihirapan pumasok ng trabaho kapag hindi naagapan ang problemang ito. 3. Ang di-pakikibahagi ng magulang sa edukasyon ng anak ang isa pang dahilan ng krisissa edukasyon. 4. Ang kawalan ng matatag na hanapbuhay ay resulta ng mga suliranin sa pamahalaan. 5. Dahil sa lumalalang kakulangan sa pagsasanay ng mga guro, ang kalidad ng eduaksyon ay patuloy na bumubulusok. Ngayon ay handa ka na marahil para sa isang pagsusulit sa lahat ng araling tinalakay samodyul na ito. Handa na ba ang iyong bolpen at sagutang papel? Kung ganon, halika na! 33
Gaano ka na kahusay? Ang bahaging ito ng modyul ay makatutulong sa iyo upang alamin ang iyong natutuhansa buong modyul na ito. Basahin ang seleksiyon at sagutin ang kasunod na mga tanong. Isulat sa iyong sagutangpapel ang titik lamang ng iyong tamang sagot. Ano ang mga Dahilan Bakit Nangingibang Bansa ang mga Pilipino? Pilipino Star Ngayon October 30, 2004 (Nikki Gabitan) Ano nga ba ang pinakapunong dahilan kung bakit nangingibang bansa ang karamihan sa ating mga Pilipino? Sa ngayon, isa ito sa mga karaniwang katanungan na may ibat ibang opinyon ang bawat isa sa atin. Kung ating mapapansin, karamihan sa bagong graduate o ibang estudyante ay nag-iisip na makipagsapalaran sa ibang bansa. Kahit na ang ibang may mga trabaho na o mga propesyonal ay iniisip na magbakasakali sa ibang bansa kahit na ang kanilang magiging trabaho ay mas mababa kesa kanilang tinapos. Ano kaya ang nag-tutulak sa kanila upang mag-isip at gawin nga ang binabalak? Ano ang mga dahilan kung bakit nakakaya nilang mag-trabaho sa bansa ng mga dayuhan at iwan ang kanilang mga mahal sa buhay? Dahil ba sa 34
nag-hihingalong ekonomiya ng ating bansa o para lamang sa career growth? Aking aaminin, na kahit ako ay nagbabalak din na makipagsapalaran sa ibang bansa kapag may magandang oportunidad na dumating. Karamihan din sa aking mga kakilala, kaibigan, naging kaeskwela at kahit aking mga kapamilya ay nagbabalak din katulad ko. Aking nabasa sa isang lathalain na halos 98% na napagtanungan tungkol sa isyu ay sumagot na gusto nilang umalis ng ating bansa at magtrabaho sa bansa ng mga dayuhan. Una, karaniwang rason nila ay tumatalakay sa usapang pinansiyal. Pangalawang dahilan nila ay ang malaking opurtunidad sa trabaho; pangatlo ay ang maraming pagkakataon para sa career growth at panghuli ay ang pagkakaroon ng matatag na gobyerno. Kung ito lamang ang pagbabasehan, makikita na kung ano ang pinaka- ugat na dahilan ng pag-alis ng bawat Pilipino. At ito ay ang pinansiyal na aspeto. Karamihan sa mga OFW ay nagsasabi na mas malaki ang kanilang kinikita kumpara noong sila ay nagtatrabaho dito sa Pilipinas. Karamihan din ay mamalagi pansamantala sa ibang bayan upang makaipon at babalik ng Pilipinas upang magtayo ng kahit munting negosyo. Sa nangyayari ngayon sa ating bansa kung saan patuloy ang pagtaas ng mga bilihin. Hindi sapat ang kinikita upang tustusan ang pang-araw-araw na pangangailangan ng bawat isa lalo na kung malaki ang iyong pamilya. Kahit na sabihing magkaroon ng dagdag sa sweldo, hindi pa rin ito magiging sapat lalo na para sa kanilang manggagawa. Kapag tinanong ang mga nagbabalak na umalis patungong ibang bansa kung ano ang makakapigil sa kanilang pag-alis, ang numero uno na kanilang sagot ay ang kanilang pamilya. Kung minsan mangangailangan pa ng konsultasyon sa ibang myembro ng pamilya bago makagawa ng pinal na desisyon. Dito umiiral ang close-knit family ties sa bawat Pilipino. Kung ating titingnan, ang pinaka rason para sila ay manatili ay ang kanilang pamilya at isa din sa mga rason upang sila ay umalis nang dahil din sa pamilya.B. Isulat sa iyong sagutang papel ang salita o pariralang kasingkahulugan ng may salungguhit sa pangungusap. 1.Karamihan sa bagong graduate o ibang mga estudyante ay nag-iisip na makipagsapalaran sa ibang bansa. Nais nilang sumubok ng trabaho sa Amerika. 2.Ano kaya ang nagtutulak sa kanila upang mag-isip ng ganito?Ano kaya ang nag- uudyok sa kanila? 35
3. Bakit kaya nakakaya nilang magtrabaho sa bansa ng mga dayuhan o banyaga, at iwan ang kanilang mahal sa buhay?4. Aking nabasa sa isang lathalain, isang akda mula sa pahayagan,na halos 98% ng estudyante ay nais umalis ng ating bansa.5. Dahil ba sa naghihingalong ekonomiya at tila wala ng pag-asang pag-unlad ng ating bansa kaya sila umaalis?6. Kung ito lamang ang pagbabasehan, makikita na kung ano ang pinakaugat na dahilan ng pag-alis ng bawat Pilipino.C. Isulat sa iyong papel kung ang may salungguhit ay sanhi o bunga. 1. Dahil ba sa naghihingalong ekonomiya kaya umaalis ng bansa ang mga Pilipino? 2. Nangingibang-bansa ang karamihan upang magkaroon ng matatag na buhay. 3. Hindi sapat ang kinikita dito sa bansa kaya’y nagtitiis tayo na malayo sa pamilya ang maraming Pilipino. 4. Ang pagkakaroon ng malaking oportunidad sa trabaho ay isa ring rason upang lisanin ang bansa.D. Isulat sa sagutang papel kung ang mga sumusunod na salitang ginamit sa pangungusap sa Cay nagpapahayag ng sanhi o bunga. 1. dahil 2. kaya 3. rason 4. upangE. Basahin ang pangungusap sa ibaba na nagpapahayag ng pangunahing ideya. Pagkatapos aylagyan ng tsek ang lahat ng sumusunod na pangungusap na nagbibigay suporta sa pangunahingideyang nabanggit.Pangunahing ideya: Kung ito lamang ang pagbabasehan, makikita na kung ano ang pinaka-ugat na dahilan ng pag-alis ng bawat Pilipino. At ito ay ang pinansiyal na aspeto.______1. Naghihingalo ang ekonomiya ng Pilipinas.______2. Magandang lugar ang nais marating ng mga Pilipino.______3. Mas malaki ang oportunidad na makahanap ng trabaho sa ibang bansa.______4. Ang sahod sa ibang bansa ay halos triple ng sahod dito sa Pilipinas.______5. Ang pamilya ay masaya kung may maliit na negosyo. 36
F. Pag-aralan ang comic strip sa ibaba. Pagkatapos ay piliin ang titik ng tamang sagot sa mga tanong.NO I.D. NO ENTRY NI BOY JERVOSO Pilipino Star Ngayon, Okybre 24, 20041. Ano kaya ang hanapbuhay ng natutulog? a. pulis b. security guard c. laborer d. supervisor2. Ano ang naging unang resulta nang sabihin na , “Aba.. Bumbay!Naniningil!” e. Nagulat ang natutulog f. Nagising ang natutulog g. Napatayo ang natutulog h. Napasigaw ang natutulog3. Bakit sinabi ang, “Aba.. Bumbay! Naniningil!” i. para gisingin ang natutulog j. para hindi masingil ng bumbay k. para makapagtago agad l. para pakiusapan ang bumbay4. Ano ba ang inaasahan sa isang namamasukan? a. magbayad ng utang sa bumbay b. magtrabaho pag nandiyan ang amo c. maging matapat sa amo d. tupdin ang tungkulin sa oras ng trabaho 37
5. Ano ang kahihinatnan kung ang lahat ng manggagawa ay tulad ng taong natutulog? a. hindi makakaiwas sa maniningil b.hindi maririnig ang ingay sa trabaho c. hindi uunlad ang buhay d. hindi magkakasakit sa trabaho Hingin sa iyong guro ang Susi sa Pagwawasto upang malaman mo kung gaano karamiang tamang sagot na nakuha mo. Kung hindi ka naman masaya sa resulta nito, pag-aralan moang modyul at tiyak na makatutulong ito sa iyo. 38
Susi sa Pagwawasto Modyul 18 Pagbibigay-Dahilan/Katwiran sa kilos ng Kapwa at Pagpapahayag ng Sanhi at BungaA. 1. sumubok 2. nag-uudyok 3. banyaga 4. isang akda mula sa pahayagan 5. wala ng pag-asa sa pag-unlad 6. pangunahing basehan o dahilanB. 1. sanhi 2. bunga 3. bunga 4. sanhiC. 1. sanhi 2. bunga 3. sanhi 4. bungaD. 1. ∕ 2. 0 3. ∕ 4. ∕ 5. 0E. 1. B 2. B 3. A 4. D 5. D
Modyul 19 Pagkilala ng Magkatulad at Magkasalungat na Ideya at Pagkuha ng Mahahalagang Puntos sa mga Pahayag Tungkol saan ang modyul na ito? Simula pa man ng iyong buhay mag-aaral sa unang baitang ay kinailangan nang ituro sa iyoang pagkakatulad at pagkakaiba ng maraming bagay - mula sa kulay, hugis, at titik- upang ihanda kasa pagbasa at pag-unawa sa mundong ginagalawan mo. Gayundin naman, sa karamihan ng dapatmong malaman at tandaan, hinubog na rin ang iyong kakayahan na bigyang-tuon ang mahahalagangpuntos sa iyong naririnig o nababasa. Upang mahasa pa nang lubusan ang mga kakayahang ito, ihinanda ang mga aralin sa modyulna ito. Inaasahan na matatamo mo ang mga kasanayang nakapaloob sa bawat aralin nang sa gayon ayhumusay ka pa sa pagbasa at pagsulat. Ano ang matututunan mo? Sa modyul na ito ay matututuhan mo ang kaibhan o pagkakatulad ng mga ideya, gayundin angpaghanap ng paksang pangungusap, at pagkuha ng mahahalagang puntos sa pahayag. Ipakikilala rinsa iyo ang iba’t ibang fokus ng pandiwa na makatutulong sa pagbuo mo ng iba’t ibang ideya. Sa pamamagitan ng mga akdang kaugnay sa kultura, kabuhayan, at iba pang mga akdangekspositori ay huhubugin ang iyong kakayahan sa iba’t ibang paraan ng pakikipagtalastasan. 1
Pagsasalita 1. natutukoy ang pahayag na nagpapakilala ng pagkakatulad o pagkakaiba ng mga ideya; 2. nagagamit ang angkop na salita na magpapakita ng kaugnayan ng mga ideya; 3. nakabubuo ng mga pangungusap na may magkatulad o magkasalungat na ideya; 4. nakikilala ang fokus ng pandiwa 5. nakabubuo ng mga ideya gamit ang iba’t ibang fokus ng pandiwaPagbasa 1. nakikilala ang kaibhan ng punong salita at mga salitang napapailalim dito; 2. natutukoy ang paksang pangungusap sa mga pahayag at talata; 3. nagagamit ang kaalaman sa paraan ng paglalahad upang hanapin ang mahalagang puntos sa talata;Pagsulat 1. natutukoy ang paksa ng talata; 2. nakabubuo ng paksang pangungusap na angkop sa talata; 3. naiaayos ang mga pangungusap sa pagbuo ng talata; Paano mo gagamitin ang modyul na ito? Ang modyul na ito ay isang self-learning kit that allows you to work at your own pace. Ito aytutulong sa iyo upang lubos na maunawaan ang sanhi at bunga sa pamamagitan ng mga babasahin atgawain sa pagbasa at pagsulat. Dahil sa nabanggit na kahalagahan nito, ituring mo ang modyul na ito na isang kaibigan.Sundin mo ang mga sumusunod na tagubilin upang pangalagaan ito. 1. Ingatan ang paggamit nito. Tandaan mo na may iba pang gagamit at makikinabang dito pagkatapos mo. 2. Huwag sulatan o lagyan ng kahit ano pa mang marka ang bawat pahina ng modyul. 3. Ang lahat ng sagot ay isusulat mo sa hiwalay na sagutang papel. 4. Sagutan ang Panimulang Pagsusulit at pagkatapos ay kunin sa guro ang Susi sa Pagwawasto upang ikaw mismo ang magwasto ng iyong gawain. 5. Kung nasagutan mo ng tama ang 90-95% ng mga tanong, nangangahulugan na taglay mo na ang mga kasanayang lilinangin ng modyul na ito. Maaari mo nang ibalik sa guro ang modyul at magtuloy na sa kasunod. Nasa iyo ang desisyon kung magtutuloy ka na sa kasunod o gagamitin mo pa rin ang modyul na ito. Tandaan lamang na ikaw ang may hawak ng desisyon kung kaya’t kailangan mong pag-isipang mabuti kung ano ang sa palagay mo ay lubos na makabubuti sa iyong ikatututo. 2
6. Siguraduhing nabasa mo na ang mga aralin bago sagutin ang mga tanong. Pagkatapos mong aralin ang buong modyul, ibalik na ito sa guro para magamit naman ng iba. 7. Hingin sa guro ang susunod na modyul. Bago mo simulan ang pag-aaral, sagutin mo muna ang pre-test. Tandaan mo na hindi itoupang markahan ka, kung hindi upang magabayan ka pa sa mga araling hindi mo pa lubos nanaiintindihan. Tayo na! Kayang-kaya mo yan! Ano na ba ang alam mo? Basahin ang akda. LAYUNIN SA BUHAY Ang papel ng ekonomiks sa lipunan ay sinimulang ipakilala sa atin sa araling panlipunan. Sa dami ng depinisyong inilahad, pinakapopular marahil ang “ekonomiks bilang sangay ng agham panlipunan tungkol sa alokasyon o pamamahagi ng kapos na mga yaman upang tugunan ang dumaraming hilig ng mga tao.” Sa depinisyong ito, ang diwa ng alokasyon, kakapusan ng yaman, at dumaraming hilig ng mga tao ang mga tampok na konsepto sa ekonomiks. Subalit depinisyon itong may kakulangan dahil hiram sa mga aklat na naglalarawan ng gawi at pananaw ng mga mamamayan sa mauunlad na dayuhang ekonomiya. Sa mga Pilipino, ang ganitong katuturan ng ekonomiks, gaano man kapopular, ay hindi gaanong makabuluhan lalo na kung hindi abot ang kanilang damdam at danas. Dahil kung susuriing mabuti, ang ekonomiks ay tungkol sa mga mekanismong panlipunan at pagsagot ng mga mamamayan sa layuning mapanatiling buhay at maunlad ang lipunang kanilang ginagalawan. Mahalaga ang proseso ng alokasyon ng yaman kahit saan mang ekonomiya. Subalit mas mahalagang malaman kung bakit isinasagawa. Sa tinatanggap na depinisyon ng ekonomiks, ang layunin ng alokasyon ay ang pagtugon sa hilig ng mamamayan. Nagpapahiwatig din ito na kailangan ang patuloy na paglikha ng yaman upang tugunan ang dumaraming hilig. 3
Ang diin sa hilig at hindi sa mga pangunahing pangangailangan ay nangangahulugang natugunan na ng lipunan ang mga pangunahing pangangailangan ng mga mamamayan nito upang mabuhay. Ang pagtugon sa mga ipinagbago ng hilig o mga artipisyal na pangangailangan ang siyang pinagtutuunan ng pansin. Ang ganitong hilig ang nag-uudyok sa mga mamamayan na palawakin ang kanilang yaman. Sa ganang akin, ang ganitong pananaw ay mahirap tumagos sa loob ng mga Pilipino. Sa ating mga kababayan, ang ekonomiks ay tinatanaw bilang pamamaraaan tungo sa kabuhayan. Samakatwid, ang pangunahing pangangailangang mabuhay ang tinutugunan nito at hindi ang mga ipinagbago at pangalawa o artipisyal na hilig ng mga mamamayan. Dahil sa konseptong kabuhayan, ang layunin ng proseso ng alokasyon sa mga Pilipino ay hindi ang pagpapalago ng yaman kundi ang maginhawang pamumuhay. Kasama sa konsepto ng maginhawang pamumuhay ang sapat na pagkain, sweldo, damit, at tirahan; malinis na kapaligiran; tahimik na pamayanan; at malulusog na kabataan. Samantala, ang maginhawang pamumuhay ay hindi nagpipilt sa mga tao na magsagawa ng mga gawaing ikabubuti nila samantalang ikasasama naman ng kanilang kapwa. Dahil ang pagkasapat at hindi ang pinakamataas na personal na kagalingan ang pamantayang ipanatutupad ng maginhawang buhay, may likas itong mekanismo sa pagtitimpi sa mga hilig ng mga tao. Mga pangangailangan lamang na magdadala tungo sa maginhawang buhay ang siyang tutugunan. May nagsasabi na kung ginhawa at hindi pagyaman ang gagamitin bilang pangunahing layunin ng ating buhay, baka mauwi ito sa mabagal na paglaki. Subalit ang pagyaman o paglago ng mga materyal na bagay ang isa lamang sa mga aspekto ng pamantayang pangkaunlarang ginagamit sa buong daigdig. Ang kalidad ng buhay ay higit na mahalaga kaysa paglago ng mga materyal na bagay. Samakatwid, higit na makabuluhan ang maginhawang buhay. Ekonomiya, Tao, Mundo, at ang Ekonomistang Guro Tereso S. Tullao Jr.A. Ano ang paksang tinatalakay ng mga pangungusap sa bawat bilang? Isulat sa iyong sagutang papel ang titik ng tamang sagot. 1. Sa depinisyong ito, ang diwa ng alokasyon ang tampok na konsepto subalit depinisyon itong may kakulangan. a. diwa ng alokasyon at kakulangan ng depinisyon nito. b. tampok na konsepto at depinisyon c. kakulangan ng diwa ng alokasyon 4
2. Popular man ang depinisyon ng ekonomiks ay hindi gaanong makabuluhan lalo na kung hindi abot ng damdam at danas. a. ang depinisyon ay popular at makabuluhan b. bagamat popular ay hindi makabuluhan ang depinisyon c. ang damdam at danas ay popular sa tao 3. Mahalaga ang alokasyon ng yaman, subalit mas mahalagang malaman kung bakit ito isinasagawa. a. ang alokasyon ay mahalaga sa yaman b. ang dahilan ng alokasyon ang tanging mahalaga c. ang alokasyon at dahilan nito ay parehong mahalaga 4. Ang layunin ng alokasyon aya ng pagtugon sa mga hilig ng mamamayan. Nagpapahiwatig din ito na kailangan ang patuloy na paglikha ng yaman upang tugunan ang dumaraming hilig. a. Ang dumaraming hilig ay kontra sa diwa ng alokasyon b. Ang paglikha ng yaman at pagtugon sa hilig ay ang layunin ng alokasyon c. Ang mamamayan ay mahilig sa alokasyon. 5. Layunin ng mamamayan na mapanatiling buhay ang lipunang kanilang ginagalawan at isa pa’y mapanatiling maunlad ang nasabing lipunan. a. ang lipunan ay gumagalaw dahil sa mamamayan b. ang mapanatiling buhay at maunlad ang lipunan ay layunin ng mamamayan. c. Iisa lamang ang layunin ng mamamayanB. Balikan ang mga pangungusap sa A. Isulat sa papel kung ang mga ideyang tinatalakay sa bawat bilang ay magkasalungat o magkatulad. 1. _____________ 2. _____________ 3. _____________ 4. _____________ 5. _____________C. Ano ang punong salita o kategorya na maaaring gamitin sa bawat bilang? Isulat ang sagot sa iyong papel. 1. lapis, papel, notebook, bolpen _________________ 2. English, Math, Science, Filipino________________ 3. piko, luksong tinik, luksong lubid, tumbang preso ________________ 4. puto, kutsinta, kalamay, palitaw__________________ 5. bataw, sitaw, patani, kalabasa_____________________ 5
D. Tukuyin ang fokus ng pandiwa sa mga sumusunod na pangungusap. 1. Sinisikap iangat ng maraming tao ang kanilang posiyong ekonomik. 2. Yumayaman sila dahilan sa pagsisikap. 3. Pinapasok nila ang anumang gawain para sa mga anak. 4. Iniyayaman ng ilang tao ang kanilang kaalaman sa paggawa ng mga bagay-bagay. 5. Pinagtatayuan nila ng munting negosyo ang kanilang mismong tahanan.E. Baguhin ang fokus ng pandiwa sa mga pangungusap sa D. 1. (AKTOR) _______________________________________________________ 2. (SANHI)__________________________________________________________ 3. (BENEFAKTIV)______________________________________________________ 4. (AKTOR)________________________________________________________ 5. (LAYON)_________________________________________________________ Kunin sa iyong guro ang susi sa pagwawasto upang malaman ang iyong iskor. Ano ang pakiramdam mo? Kung nahirapan ka ay huwag kang kabahan. Sabi ko sa iyo aytutulungan ka ng modyul na ito. Sige simulan mo na ang pag-aaral.Mga Gawain sa PagkatutoSub-Aralin 1 Mga Salita at Pangungusap na Nagpapakilala ng Magkatulad o Magkasalungat na IdeyaLayunin: 1. natutukoy kung magkatulad o magkasalungat ang ideya sa pangungusap 2. nagagamit ang mga salitang nagpapakilala ng magkatulad at magkasalungat na ideya 3. nakabubuo ng pangungusap na nagpapahayag ng magkatulad at magkasalungat na ideya 6
Alamin Paano ba nakasusulat ng pangungusap na nagpapahayag ng magkatulad o kaya aymagkasulangat na ideya? Tila mahirap para sa iyo na sagutin ito. Ngunit huwag kang kabahan.Tingnan natin kung ano na ang alam mo tungkol dito. Handa ka na ba? Mabuti kung ganon. Alamin na natin. Sa iyong sagutang papel, isulat kung ang mga salita /parirala ay ginangamit sa pagpapahayagng magkatulad o magkasalungat na ideya. Isulat ang K kung magkatulad at S kung magkasalungat. 1. datapwat __________ 2. gayundin naman__________ 3. samakatwid ____________ 4. subalit _____________ 5. ngunit _____________Ang mga tamang sagot ay: 1. S 2. K 3. K 4. S 5. S Tama ba ang lahat ng iyong sagot? Kung oo, kahanga-hanga ang iyong kakayahang tandaanang mga nakalipas na aralin! Upang lubos pang malinang ang iyong kakayahan, simulan na nating talakayin ang tungkol samagkatulad o magkasalungat na ideya ng pangungusap. Tayo na!Linangin Ang bawat pangungusap ay nagtataglay ng ideya. Subalit ang ideyang tinatalakay ay maaringmagkatulad o magkasalungat. Ang ideya sa isang pangungusap ay magkatulad kung ito ay kapareho ng diwa, karagdagangpaliwanag, o karugtong ng ideyang tinatalakay. 7
Ang manunulat ay nagbibigay ng pahiwatig upang mabatid ng mambabasa ang layunin ngpangungusap. Kadalasaan, ang mga salitang nagpapahiwatig ng magkatulad na ideya ay samakatwid,kung gayon, gayundin naman, o, rin, at, alalaong baga at sa madaling sabi. Tingnan mo kung paano nakatutulong ang ilan sa mga salitang ito upang bigyang linaw angkaugnayan ng mga ideya sa mga pangungusap. 1. Ang ekonomiks ay tungkol sa mga mekanismong panlipunan at gayundin naman sa pagsagot ng mga mamamayan sa layuning mapanatiling buhay ang lipunang kanilang ginagalawan. 2. Ang mamamayan ang nagpapanatiling buhay ng isang lipunan. Sa madaling sabi, ang mamamayan ang nagpapaunlad ng isang lipunan. 3. Mahalaga ang proseso ng alokasyon ng yaman; samakatwid, ay ang pagtugon sa mga hilig ng mga mamamayan. Sa unang halimbawa, ang paksa ay ekonomiks. Ano, tungkol dito, ang tinalakay? Tama!Sinabi sa pangungusap na ang elemento ay tungkol sa mga mekanismong panlipunan. Ito lamang baang sinabi ukol sa paksa? Hindi. Mayroong karagdagang ideya na ang ekonomiks ay tungkol din sapagsagot ng mga mamamayan upang mapanatiling buhay ang lipunan. Bagama’t karagdagan ang huling ideya, masasabi mo na ang idinagdag ay hindi malayo sanaunang ideya; hindi sila magkasalungat; sa halip sila ay magkatulad at ito ay ipinahiwatig ngsalitang at gayundin naman. Sa pangalawang pangungusap, ang paksa ay mamamayan. May dalawang ideya tungkol ditoang isinasaad ng pangungusap. Anu-ano ito? Magaling! Ang mamamayan ay nagpapanatiling buhay sa lipunan at nagpapaunlad nito. Angsalitang sa madaling sabi ay nagpapahiwatig na magkatulad ang mga ideyang ito. Sa huling pangungusap, tinalakay ang kahalagahan ng isang proseso-ang proseso ngalokasyon ng yaman. Hindi lamang ito ang sinabi tungkol sa proseso. Idinagdag pa na ito ay angpagtugon sa mga hilig ng mamamayan. Ano ang kaugnayan ng mga ideyang ito? Tumpak ang tugon mo! Magkatulad ang mga ideya, at ito’y ipinahiwatig ng salitangsamakatwid. Kung ang mga naunang halimbawa ay nagtataglay ng magkakatulad na ideya, paano monaman matitiyak na magkasalungat ang ideya sa pangungusap? Mahusay ang paliwanag mo! Angideya sa isang pangungusap ay magkasalungat kung ito ay taliwas, kabaligtaran, o kakaiba sanaunang ideyang tinatalakay tungkol sa paksa. Upang ipahiwatig ang magkasalungat na kaugnayan ng ideya, ang ilan sa mga salitangginagamit ng manunulat ay ngunit,samantala, subalit, datapwat, at bagaman. 8
Pag-aralan mo ang mga sumusunod na halimbawa. 1.Mahalaga ang proseso ng alokasyon ng yaman, subalit mas mahalagang malaman kung bakit ito isinasagawa. 2.Ang depinisyon ng ekonomiks ay popular, ngunit ito ay may kakulangan. 3.May mga produktong nagtaasan ng presyo nang tumaas ang presyo ng langis kamakailan, bagaman hindi sila gumagamit ng langis sa produksiyon. Sa pangungusap 1, ang paksa ay tungkol sa kahalagahan ng proseso. May dalawang ideyangnakapaloob sa pangungusap. Anu-ano ito? Tama! Ang alokasyon ng yaman at ang dahilan sa pagsasagawa nito. Magkatulad ba angdalawang ideya? Magaling! Sila ay hindi magkatulad ng diwa at ng kahalagahan. Sapagkat mas mahalaga angdahilan kaysa sa alokasyon. Masasabi natin na ang dalawang ito ay magkasalungat, at ipinahayag ito sa tulong ng salitangsubalit. Sa pangungusap 2, iisa ang paksa – ang depinisyon ng ekonomiks. Ngunit may dalawangideyang nakapaloob dito – ang pagiging popular at ang kakulangan ng depinisyon. Magkatulad baang mga ito? Hindi! Kung gayon, magkasalungat sila at ang kaugnayang ito ay ipinahiwatig ng salitangngunit. Sa pangungusap 3, ano naman ang dalawang ideyang magkasalungat? Mainam ang sagot mo! Ang produktong gumagamit ng langis at di gumagamit ng langis aymagkasalungat, ayon na rin sa salitang ginamit, bagaman, upang ipakita ang kaugnayang ito. Sakabilang banda, masasabi mo na bagaman ang dalawang ito ay magkasalungat, pareho o magkatuladnaman ang kanilang ginawa- nagtaasan ang presyo ng mga produkto. Maliwanag na ba sa iyo ang araling ito? Mabuti kung ganon. Tingnan natin ang natutunan mo. Handa ka na ba? Simulan na natin! 9
Gamitin Sa iyong sagutang papel, kopyahin ang salita sa bawat pangungusap na nagpapahiwatig ngkaugnayan ng mga ideya. Pagkatapos, isulat kung ang ideya ay magkatulad o magkasalungat 1. Ang pagtuon sa hilig ay nagtutulak sa mamamayan na magpayaman, datapwat ito ay mahirap tumagos sa loob ng Pilipino. 2. Ang maginhawang pamumuhay ay hindi nagpipilit sa tao na gumawa ng mali sa kapwa, samantalang ang pagpapayaman dahil sa pagtuon sa hilig ay nakasisira sa kapwa. 3. Kasama sa konsepto ng maginhawang pamumuhay ang sapat na pagkain, sweldo, damit, at tirahan; samakatwid, ito ay ang pangunahing pangangailangan upang mabuhay. 4. Ang pagtugon sa hilig ay di lubusang mainam; gayundin naman, ito ang nag-uudyok na manlamang sa kapwa. 5. Ang depinisyon ng ekonomiks ay hiram sa mauunlad na dayuhang ekonomiya; ito rin ay ang pinakapopular sa lahat ng depinisyon. Ang mga tamang sagot ay ang sumusunod: 1. datapwat – magkasalungat 2. samantala/ng – magkasalungat 3. samakatwid – magkatulad 4. gayundin naman – magkatulad 5. rin – magkatulad Tama ba ang iyong mga sagot? Kun oo, magaling. Kung hindi, balikan mo ang aralin.Lagumin Pagbalik-aralan natin ang mahahalagang ideya na natutunan mo sa sub-araling ito. Ang bawat pangungusap ay nagtataglay ng ideya. Subalit ang ideyang tinatalakay ay maaringmagkatulad o magkasalungat. Ang ideya sa isang pangungusap ay magkatulad kung ito ay kapareho ng diwa,karagdagang paliwanag, o karugtong ng ideyang tinatalakay. Ang manunulat ay nagbibigay ng pahiwatig upang mabatid ng mambabasa ang layunin ngpangungusap. Kadalasaan, ang mga salitang nagpapahiwatig ng magkatulad na ideya aysamakatwid, kung gayon, gayundin naman, o, rin,at, alalaong baga at sa madaling sabi. Ang ideya sa isang pangungusap ay magkasalungat kung ito ay taliwas, kabaligtaran, okakaiba sa naunang ideyang tinatalakay tungkol sa paksa. Upang ipahiwatig ang magkasalungat na kaugnayan ng ideya, ang ilan sa mga salitangginagamit ng manunulat ay ngunit, samantala, subalit, datapwat, at bagaman. Huwag mong kalimutan ang mga importanteng konseptong ito, ha? 10
Subukin Basahin mong muli ang mga sumusunod na pangungusap upang maging batayan ng iyongsagot sa pagsasanay na ito. Sa iyong sagutang papel, kopyahin ang tsart at ibigay ang hinihinging imformasyon sa bawatkolum. Ang unang bilang ay sinagutan na para magsilbing halimbawa. 1. Ang pagtuon sa hilig ay nagtutulak sa mamamayan na magpayaman, datapwat ito ay mahirap tumagos sa loobin ng Pilipino. 2. Ang maginhawang pamumuhay ay hindi nagpipilit sa tao na gumawa ng mali sa kapwa, samantalang ang pagpapayaman dahil sa pagtuon sa hilig ay nakasisira sa kapwa. 3. Kasama sa konsepto ng maginhawang pamumuhay ang sapat na pagkain, sweldo, damit, at tirahan; samakatwid, ito ay ang pangunahing pangangailangan upang mabuhay. 4. Ang pagtugon sa hilig ay di lubusang mainam; gayundin naman, ito ang nag-uudyok na manlamang sa kapwa. 5. Ang depinisyon ng ekonomiks ay hiram sa mauunlad na dayuhang ekonomiya; ito rin ang pinakapopular sa lahat ng depinisyon.Mga Paksa Mga ideyang tinalakay ukol Kaugnayan ng mga sa paksa ideyang tinalakay1. pagtuon sa hilig nagtutulak magpayaman, ngunit mahirap tumagos sa Pilipino Magkasalungat2.________________ __________________________ _____________________3.________________ __________________________ ______________________4. _______________ __________________________ ______________________5.________________ __________________________ _______________________ Malapit ba dito ang iyong mga sagot? Iwasto mo ang iyong papel upang malaman mo angiyong iskor. 11
Mga Paksa Mga ideyang tinalakay ukol Kaugnayan ng mga sa paksa ideyang tinalakay1. pagtuon sa hilig Nagtutulak magpayaman,2.maginhawang ngunit mahirap tumagos sa magkasalungatpamumuhay at magkasalungatpagpapayaman Pilipino ang una ay di nagtutulak gumawa ng mali sa kapwa; ang huli ay nakasisira sa kapwa3.konsepto ng sapat na pagkain, sweldo, damit magkatuladmaginhawang buhay at tirahan, at pangunahing magkatulad pangangailangan sa buhay4. pagtugon sa hilig di-lubusang mainam at nag- magkatulad5.depinisyon ng uudyok manlamang sa kapwaekonomiks hiram at pinakapopular Mainam kung ganon! Binabati kita! Marahil ay higit mong nakita ang kaugnayan ng mga ideyang tinalakay sa bawatpangungusap. Higit pa rito, mayroon ka nang kakayahang bumuo ng iyong mga pangungusap nanagtataglay ng ideyang magkatulad o magkasalungat sa tulong na rin ng mga salitang nagpapahiwatigng angkop na kaugnayan.Palawakin Kumuha ng isang malinis na papel. Sumulat ng mga pangungusap na magkasalungat atmagkatulad kaugnay sa ibinigay na paksa sa bawat bilang. Gamitin ang mga salitang nakapaloob sapanaklong ( ) upang ipihiwatig ang kaugnayan ng mga ideya. Sundan ang ibinigay na halimbawa. Paksa: mahirap at mayaman (datapwat, samakatwid) 12
Magkasalungat : Ang mahirap ay salat sa ginhawa, datapwat ang mayaman ay salat sa aruga. Magkatulad : Ang mayaman at mahirap ay kapwa nangangailangan ng kalinga; samakatwid, nais nilang tumanggap ng panahong laan lamang sa kanila. 1. paksa –maunlad at mahirap (ngunit, gayundin naman) 2. paksa- katalinuhan ( ito rin, sa kabilang banda) 3. paksa- masipag at tamad (sa madaling sabi, bagaman) 4. paksa- teknolohiya (datapwat, samakatwid) Ikumpara mo ang iyong binuong pangungusap sa sumusunod na sagot. Malapit ba sa mga itoang nagawa mo? 1. Magkatulad: Ang mayaman ay di-tiyak ang bukas; gayundin naman ang mahirap. Magkasalungat:Ang mahirap ay salat sa ginhawa, ngunit ang mayaman ay sagana. 2. Magkatulad: Ang katalinuhan ay puhunan sa pag-aaral; ito rin ay baon sa hanapbuhay. Magkasalungat: Ang katalinuhan ay mahalaga. Sa kabilang banda, ito ay nagiging sanhi ng yabang ng isang tao. 3. Magkatulad: Ang masipag at tamad ay mayroong pangangailangan. Sa madaling sabi, sila ay gumagastos para sa pagkain, damit, tirahan, at iba pa. Magkasalungat: Ang masipag ay nag-iipon para sa tag-ulan; bagaman ang tamad ay nagsasayang ng panahon. 4. Magkatulad: Ang teknolohiya ay katulong sa pag-unlad. Samakatwid, ito ay nagbibigay ng trabaho sa tao. Magkasalungat: Ang teknolohiya ay nagpapalawak ng kaalaman ng tao; datapwat ito ay nagdudulot ng maraming sakripisyo. Kung malayo rito ang nabuo mong mga pangungusap, ipakita mo sa iyong guro at hayaanmong iwasto niya ang mga ito. Ngayon naman ay talakayin natin ang susunod na aralin tungkol sa pagkilala ng pangunahingpuntos sa mga pahayag. 13
Sub-Aralin 2 Pagkilala ng Pangunahing Puntos sa Isang PahayagLayunin: 1. nakikilala ang paraan ng paglalahad na ginamit sa akda 2. natutukoy ang paksang pangungusap sa mga pahayag 3. nakikita ang kaugnayan ng mga salita o ideya sa tulong ng punong salita 4. nagagamit ang kaalaman sa paraan ng paglalahad, paggugrupo ng mga salita, at paksang pangungusap sa pagkuha ng pangunahing puntos sa isang pahayag;Alamin Ano na ang alam mo tungkol sa paraan ng paglalahad ng manunulat? Kung wala pa o hindi pasapat ang iyong kaalaman tungkol dito, subukin mong sagutan ang pagsasanay na ito. Piliin sa kolum B ang paraan ng paglalahad na sa tingin mo ay ginamit ng manunulat sapagbuo ng mga ideya. Gamitin mong batayan ang mga pamagat ng akda sa kolum A. AB_____1. Pagmamahal o Paghanga? a. Paglilista_____2. Ang Buhay ng Bituin b. Pagsusunod-sunod_____3. Pag-iwas sa Dengue c. Sanhi at Bunga_____4. Mga Dapat Gawin sa Panahon d. Paghahambing/kontras ng Krisis sa Tubig____5. Global Warming, Nakasisira sa Kalikasan e. Suliranin at SolusyonGanito ba ang iyong mga sagot? Tingnan natin kung ilan ang wastong sagot na nakuha mo.1. d 2. b 3. e 4. a 5. c Huwag mong damdamin kung marami ka pang maling sagot.Tutulungan ka ng araling itoupang lubusan mong maunawaan ang tungkol sa paraan ng paglalahad. 14
Linangin Ang mahusay na manunulat ay may tiyak na plano kung paano ilalahad o ipaliliwanag angkanyang ideya sa mambabasa. Bumabalangkas siya ng mahahalagang ideyang nais niyang talakayinsa akda, at pinag-iisipang mabuti ang paraan ng paglalahad na angkop sa kanyang layunin. Tandaanmo na ang layunin ng akda ay isa sa mga batayan sa pagpili ng 0paraan ng paglalahad. Sa akdang ekspositori, ang layunin ng manunulat ay magpaliwanag o magbigay ng faktwal naimpormasyon ukol sa isang paksa. Ang ilan sa paraan ng paglalahad ng akdang ekspositori ay angsumusunod:Paraan ng Paglalahad 1. Paglilista – ito ay paraan ng paglalahad sa pamamagitan ng pag-iisa-isa o paglilista ng mga ideyang may kinalaman sa paksang tinatalakay. Hindi mahalaga ang pagkakasunod-sunod ng mga ideya, sapagkat hindi ito ang nais na bigyang-diin; sa halip ay ang simpleng pag-iisa-isa ng mga ideyang sumusuporta sa paksa. 2. Pagsusunod-sunod– ito ay paraan ng paglalahad sa pamamagitan ng pagsusunod-sunod ng mga pangyayari o hakbang ukol sa isang paksa. Mahalaga na tingnan ang pagkakasunod- sunod ng pangyayari o hakbang sapagkat ito ang nais bigyang-diin ng manunulat upang maunawaan ang debelopment ng paksang tinatalakay sa akda. 3. Sanhi at Bunga- ito naman ay ginagamit upang ipakita ang dahilan at ang resulta ng mga bagay na may kinalaman sa paksa. Ang ganitong paglalahad ay nagpapaliwanag ng mga epekto na may tuwirang kaugnayan sa sanhi. 4. Paghahambing at Kontras- ito ay ginagamit upang talakayin ang pagkakaiba o pagkakapareho ng mga ideya ukol sa paksa. Maaaring talakayin muna ang lahat ng pagkakapareho at pagkakaiba, o kaya naman ay tatalakayin nang paisa-isa ang bawat pagkakatulad o pagkakaiba. 5. Suliranin at Solusyon- ito ay paglalahad ng mga suliranin at mga posibleng solusyon dito. Maaaring may iba’t ibang suliranin at solusyon, o kaya naman ay may isang suliranin lamang na bibigyan ng mga solusyon. Ang kaalaman mo tungkol sa paraan ng paglalahad ng akdang ekspositori ay isang paraanupang gabayan ka sa pagtukoy ng mahahalagang puntos sa iyong nabasa o narinig. Subalit hindi itosapat upang lubusan mong makuha ang nais iparating ng manunulat. Marami pang dapat bigyangtuon upang matamo ang tunay na kaalaman sa paghalaw ng mahahalagang puntos sa isang pahayag. 15
Punong Salita Bukod sa paraan ng paglalahad, dapat din na mulat ka sa mga kaugnayan ng salita sa iba pangmga salita. Mapapansin mo na may mga salitang mas malawak ang sakop, samantalang ang ibanaman ay nasa ilalim lamang ng isang punong salita. Para mas madali mong maintindihan angkaugnayang ito, pagpangkat-pangkatin mo ang mga ideyang magkakapareho o dapat namagkakasama, pagkatapos ay bigyan mo sila ng kategorya. Ang kategoryang naisip mo angmagsisilbing punong salita at ang iba namang nasa ilalim nito ay siyang mga sakop, o saklaw ngpunong salita. Sa pagbasa, ang punong salita ay maaaring ang paksang tinatalakay, at ang mga detalyetungkol dito ay siya namang mga sakop o napapailalim sa paksa. Halimbawa, ang nais talakayin ng akda ay tungkol sa sakit. Kung gayon, ang sakit ang siyangpaksa, o punong salita, at anumang maisip mo na may kaugnayan dito ay maaaring halimbawa namasasabi nating napapailalim lamang sa punong salita. Tandaan mo na ang punong salita ay higit namahalaga kaysa sa mga salitang napapailalim dito. Kung ang paksa o kategorya ay sakit, ano ang naiisip mong halimbawa nito? Tumpak angsagot mo! Tuberkulosis, asthma, arthritis, at marami pang iba. Sa malalim na pagsusuri, marami kapang maibibigay na halimbawa sapagkat natukoy mo na ang punong salita bilang batayan mo. Subalit kung ang punong salita ay sakit sa balat, marahil ay maiiba ang magiging sagot mo,bagaman ang paksa ay tungkol pa rin sa sakit. Samakatwid, nararapat lamang na matiyak mo nanglubusan ang ipinahihiwatig ng punong salita bago ka magbigay ng mga halimbawa upang mastuwiran ang kaugnayang maipakita mo. Ganito rin ang kailangan mong gawin sa pagbasa upangmatukoy ang mahahalagang puntos ng akda o pahayag.Paksang Pangungusap Isa ring mainam na gabay sa pagkuha ng mahahalagang puntos ay ang paksang pangungusap.Ito ay ang bahagi ng akda na tuwirang nagsasabi ng lawak o sakop ng paksang tatalakayin, ngpangunahing diwa, o buod ng talata. Ang paksang pangungusap ay nililinang sa kabuuan ng talata atpinaiigting sa tulong ng mga detalye, patotoo, at mga halimbawa. Kadalasan, ang paksang pangungusap ay ang unang pangungusap sa talata. Subalit may mgatalatang ang paksang pangungusap ay di tuwirang ibinibigay ng manunulat, sa halip ay nagbibigaysiya ng sapat na mga pangungusap at salita upang mahinuha ng mambabasa ang nais niyangiparating. Sa ganitong paraan, ang mambabasa ay bumubuo o gumagawa ng mga maaaring paksangpangungusap batay na rin sa mga imformasyong nakalap niya sa talata. Ang natutuhan mo tungkol sa paraan ng paglalahad, punong salita, at paksang pangungusapay mainam na gamiting batayan sa pagtukoy ng mahahalagang puntos sa isang pahayag o akda. Ngayon naman ay ipakita mo ang iyong natutunan sa araling ito sa pamamagitan ng mgapagsasanay. Halika na! 16
Gamitin Basahin mo nang tahimik ang akda. Mabuti sa Katawan ang Red Wine Aprubado na ang red wine ay mabisa sa mga may sakit sa puso. Ayon sabeteranong TV director Al Quin talagang malaking tulong sa kanyang kalusugan angpag-inom ng red wine. Araw-araw siyang nagre-red wine. Ilang manlalaro ng basketball, badminton at tennis ang nagpatotoo na epektiboang red wine sa kanila. Matapos ang sobrang pag papawis bunga ng kanilang physicalexertion ay nakaugalian na nilang uminom ng red wine at nakakadama sila ngginhawa. Ang red wine ay anti oxidant. Ito ay nakukuha sa balat ng ubas. Angsangkap na itoy matatagpuan din sa raspberry at mani. Isa pang itinuturing na major breakthrough sa medisina ang nag-uugnay sa red wine na nakapagpapagaling sa mga kalalakihang may prostate cancer. Ayon sa American Health Expert na si Janet Stanford kailangan ng mga may prostate cancer ang mahigit sa four ounces of red wine a week. Isang kaibigang doktor ang nagpayo na matapos na maghapunan at bago matulog ay uminom ng kahit isang shot ng red wine. Makatutulong ito sa mahimbing na pagtulog at sa mga married couples ay epektibo rin sa kanilang pagtatalik ang red wine. Cielito “Mahal” del Mundo Pilipino Star Ngayon, Nobyembre 14, 2004Isulat ang titik lamang ng tamang sagot sa bawat tanong.1. Ang paksa ng akda ay c. sakit sa puso a. red wine b. mahalagang uminom2. Ang punong salita na may kaugnayan sa mahahalagang detalye ay a. pag-iwas sa sakit sa puso b. kahalagahan ng red wine c. pagiging malusog 17
3. Ang akda ay inilahad sa paraanga. paghahambing b. suliranin at solusyon c.paglilista4. Ang pangunahing diwa ay matatagpuan sa pangungusap bilang a. 4 b. 2 c. 15. Ang paksang pangungusap ng akda ay a. mabuti ang katawan sa red wine b. mabisa ang red wine sa katawan c. red wine ang gamot sa puso6. Ang kabuuang bilang ng mahahalagang puntos na may kaugnayan sa punong salita o paksa ay a. 5 b. 6 c.77. Hindi kabilang sa mahahalagang puntos ang c. nagpapapawis a. nagbibigay ginhawa b.nagpapagaling ng cancerNahirapan ka ba sa pagsagot? Mabuti pa ay iwasto mo ang iyong papel.Narito ang mga tamang sagot:1. A 2. B 3. C 4. C 5. B 6. B 7. AB. Magbigay ng 3 – 5 salita o ideyang napapailalim sa mga punong salita ibinigay. 1. simbolo ng pasko - ________, _________, ___________, ________, _______ 2. bayaning Filipino- _________, ________, __________, _______, _________ 3. pangulo ng Pilipinas - ______, ___________, ___________, ______, ______ 4. produktong agrikultural- _______, _________, ________, _________, _____ 5. pera ng ibat ibang bansa - ______, _______, ____________, ______, ______Ang mga sagot ditto ay maaaring katulad ng sumusunod: 1. parol, bituin, kandila, pastol, sabsaban 2. Jose Rizal, Apolinario Mabini, Andres Bonifacio, Emilio Jacinto, Marcelo del Pilar 3. Ferdinand Marcos, Corazon Aquino, Fidel V. Ramos, Joseph Estrada, Gloria Arroyo 4. palay, niyog, mais, baboy, manok 5. dolyar, pound, yen, piso, francC. Narito ang isang talatang hindi maayos ang pagkakasulat. Basahin ito at pagkatapos ay ibigay ang imformasyon hinihingi.Maaaring buksan ang radyo o kaya’y ang stereo at lunurin sa pamamagitan ng 18
Search
Read the Text Version
- 1
- 2
- 3
- 4
- 5
- 6
- 7
- 8
- 9
- 10
- 11
- 12
- 13
- 14
- 15
- 16
- 17
- 18
- 19
- 20
- 21
- 22
- 23
- 24
- 25
- 26
- 27
- 28
- 29
- 30
- 31
- 32
- 33
- 34
- 35
- 36
- 37
- 38
- 39
- 40
- 41
- 42
- 43
- 44
- 45
- 46
- 47
- 48
- 49
- 50
- 51
- 52
- 53
- 54
- 55
- 56
- 57
- 58
- 59
- 60
- 61
- 62
- 63
- 64
- 65
- 66
- 67
- 68
- 69
- 70
- 71
- 72
- 73
- 74
- 75
- 76
- 77
- 78
- 79
- 80
- 81
- 82
- 83
- 84
- 85
- 86
- 87
- 88
- 89
- 90
- 91
- 92
- 93
- 94
- 95
- 96
- 97
- 98
- 99
- 100
- 101
- 102
- 103
- 104
- 105
- 106
- 107
- 108
- 109
- 110
- 111
- 112
- 113
- 114
- 115
- 116
- 117
- 118
- 119
- 120
- 121
- 122
- 123
- 124
- 125
- 126
- 127
- 128
- 129
- 130
- 131
- 132
- 133
- 134
- 135
- 136
- 137
- 138
- 139
- 140
- 141
- 142
- 143
- 144
- 145
- 146
- 147
- 148
- 149
- 150
- 151
- 152
- 153
- 154
- 155
- 156
- 157
- 158
- 159
- 160
- 161
- 162
- 163
- 164
- 165
- 166
- 167
- 168
- 169
- 170
- 171
- 172
- 173
- 174
- 175
- 176
- 177
- 178
- 179
- 180
- 181
- 182
- 183
- 184
- 185
- 186
- 187
- 188
- 189
- 190
- 191
- 192
- 193
- 194
- 195
- 196
- 197
- 198
- 199
- 200
- 201
- 202
- 203
- 204
- 205
- 206
- 207
- 208
- 209
- 210
- 211
- 212
- 213
- 214
- 215
- 216
- 217
- 218
- 219
- 220
- 221
- 222
- 223
- 224
- 225
- 226
- 227
- 228
- 229
- 230
- 231
- 232
- 233
- 234
- 235
- 236
- 237
- 238
- 239
- 240
- 241
- 242
- 243
- 244
- 245
- 246
- 247
- 248
- 249
- 250
- 251
- 252
- 253
- 254
- 255
- 256
- 257
- 258
- 259
- 260
- 261
- 262
- 263
- 264
- 265
- 266
- 267
- 268
- 269
- 270
- 271
- 272
- 273
- 274
- 275
- 276
- 277
- 278
- 279
- 280
- 281
- 282
- 283
- 284
- 285
- 286
- 287
- 288
- 289
- 290
- 291
- 292
- 293
- 294
- 295
- 296
- 297
- 298
- 299
- 300
- 301
- 302
- 303
- 304
- 305
- 306
- 307
- 308
- 309
- 310
- 311
- 312
- 313
- 314
- 315
- 316
- 317
- 318
- 319
- 320
- 321
- 322
- 323
- 324
- 325
- 326
- 327
- 328
- 329
- 330
- 331
- 332
- 333
- 334
- 335
- 336
- 337
- 338
- 339
- 340
- 341
- 342
- 343
- 344
- 345
- 346
- 347
- 348
- 349
- 350
- 351
- 352
- 353
- 354
- 355
- 356
- 357
- 358
- 359
- 360
- 361
- 362
- 363
- 364
- 365
- 366
- 367
- 368
- 369
- 370
- 371
- 372
- 373
- 374
- 375
- 376
- 377
- 378
- 379
- 380
- 381
- 382
- 383
- 384
- 385
- 386
- 387
- 388
- 389
- 390
- 391
- 392
- 393
- 394
- 395
- 396
- 397
- 398
- 399
- 400
- 401
- 402
- 403
- 404
- 405
- 406
- 407
- 408
- 409
- 410
- 411
- 412
- 413
- 414
- 415
- 416
- 417
- 418
- 419
- 420
- 421
- 422
- 423
- 424
- 425
- 426
- 427
- 428
- 429
- 430
- 431
- 432
- 433
- 434
- 435
- 436
- 437
- 438
- 439
- 440
- 441
- 442