ARALING PANLIPUNAN Patnubay ng Guro Grade 9
MODYUL 1: Heograpiya at mga Sinaunang Kabihasnan sa Daigdig PANIMULA Kabilang ang Heograpiya sa mga salik na nakaaapekto sa daloy ng kasaysayan. Sa katunayan, malaki ang bahaging ginampanan nito sa pag- usbong at pagbagsak ng isang kabihasnan. Ito rin ang humubog at patuloy na humuhubog sa pag-unlad ng kabuhayan at paglinang ng kultura ng tao. Sa Modyul na ito, kailangang ipaunawa sa mga mag-aaral ang ugnayan ng heograpiya at kasaysayan. Gagabayan ka ng Teacher’s Guide (TG) na ito kung paano maituturo sa mga mag-aaral ang pakikipag-ugnayan ng mga prehistorikong tao sa kanilang kapaligiran upang matugunan ang kanilang pangangailangan at tuluyang mapaunlad ang kanilang pamumuhay.DRAFTTutulungan ka rin nito na ipaliwanag sa mga mag-aaral na nagbunga ng mauunlad na pamayanan at kalinangang kultural na tinawag na kabihasnan ang pakikipag-ugnayan ng mga sinaunang tao sa kanilang kapaligiran. Inaasahang mabubuo sa mga mag-aaral ang pagpapahalaga sa mga ambag ng mga sinaunang kabihasnan sa daigdig. Nakapaloob sa Teacher’s Guide na ito ang mga pamamaraang gagabay sa guro upang mabisa at mahusay na magamit ang Learner’s Material (LM). Ang mga mungkahing gawain ay inaasahang tutugon atApril 1, 2014hahamon sa kakayahan ng mga mag-aaral upang maging mas kawili-wili ang pag-aaral ng Araling Panlipunan 8 (Kasaysayan ng Daigdig). Pamantayang Pangnilalaman: Naipamamalas ang pag-unawa sa naging kaugnayan ng kapaligiran at ng tao sa paghubog ng mga sinaunang kabihasnan sa daigdig. Pamantayan sa Pagganap: Ang mga mag-aaral ay nakabubuo ng panukalang proyekto na nagsusulong sa pangangalaga at preserbasyon ng mga pamana ng mga sinaunang kabihasnan sa daigdig para sa kasalukuyan at sa mga susunod na henerasyon. 11
Mga Aralin at Sakop ng ModyulAralin 1 – Heograpiya ng DaigdigAralin 2 – Ang mga Sinaunang TaoAralin 3 – Ang mga Sinaunang KabihasnanSa Modyul na ito, inaasahang matututuhan ang mga sumusunod. Nasusuri ang limang temang heograpikal bilang kasangkapan sa pag-unawa sa daigdigAralin 1 Nasusuri ang katangiang pisikal ng daigdig Napahahalagahan ang natatanging kultura ng mga rehiyon, bansa, at mamamayan sa daigdig (lahi, pangkat-etniko, at relihiyon sa daigdig) Nasusuri ang kondisyong heograpikal sa panahon ng mga unang tao sa daigdigAralin 2 DRAFT Naipaliliwanag ang uri ng pamumuhay ng mga unang tao sa daigdig Nasusuri ang yugto ng pag-unlad ng kultura sa panahong prehistoriko Naiuugnay ang heograpiya sa pagbuo at pag-unlad ng mga sinaunang kabihasnan sa daigdig Nasusuri ang pag-usbong ng mga sinaunang kabihasnan sa daigdig; pinagmulan at batayan Nasusuri ang mga sinaunang kabihasnan sa daigdig batay sa politika, ekonomiya, kultura, relihiyon, paniniwala, at lipunanApril 1, 2014Aralin3 Napahahalagahan ang mga kontribusyon ng mga sinaunang kabihasnan sa daigdigPanimulang Gawain 1. Ipabasa at ipaunawa sa mga mag-aaral ang Panimula at mga Gabay na Tanong sa Learner’s Material. 2. Ipatukoy ang mga aralin at saklaw ng modyul. 3. Ipaliwanag ang grapikong pantulong sa Aralin. 4. Ipaunawa ang tsart ng mga inaasahang matututuhan sa modyul at mga inaasahang kakayahan 5. Ipasagot ang paunang pagtataya 12
Aralin 1: Heograpiya ng Daigdig ALAMIN Layunin ng bahaging ito na tukuyin ang iskema o dati nang alam ng mag-aaral tungkol sa heograpiya ng daigdig sa tulong ng dalawang gawaing pupukaw sa kanilang interes. Gawain 1. GEOpardy! DRAFTHango sa sikat na game show na Jeopardy ang gawaing ito. Layunin nito na kunin ang iskema ng mga mag-aaral tungkol sa termino/konseptong may kaugnayan sa heograpiya. Hindi ito dapat markahan sapagkat magsisilbing pagganyak lamang sa mga mag-aaral. Ipakikita ng guro ang GEOpardy board na naglalaman ng mga salita o larawang may kinalaman sa heograpiya, bubuo naman ang mga mag-aaral ng mga tanong na akma sa salita o larawan. Ipasusulat sa mga mag-aaralApril 1, 2014ang sagot sa papel. Pagkatapos, iwasto ang mga sagot ng mga ito. Makikita sa kasunod na pahina ang mga salitang maaaring gamitin sa gawaing ito. 13
Pacific Ocean Antarctica gubatlahing Austronesian globo bundok bagyo Tropikal compassDRAFTGawain 2. Graffiti Wall Layunin ng gawaing ito na matukoy ang kaalaman ng mga mag-aaraltungkol sa heograpiya ng daigdig. Makatutulong ito sa isasagawangtalakayan sa bahagi ng Paunlarin.April 1, 20141. Gumamit ng manila paper o cartolina bilang graffiti wall. 2. Maaaring pangkatan o pambuong klase ang gawaing ito. 3. Ipasagot sa mga mag-aaral ang tanong na nasa graffiti wall. Masasagot ito sa pamamagitan ng pangungusap o guhit. 4. Paalalahanan ang mga mag-aaral na malayang maihahayag ang kanilang mga kasagutan sapagkat mga dating kaalaman o iskema ang hinihingi sa gawain. . 5. Bigyan ng pagkakataon ang mga mag-aaral na basahin ang kanilang mga inilagay sa graffiti wall. 6. Mahalagang magkaroon ng paglalagom sa mga impormasyong ibinigay ng mga mag-aaral upang maging lunsaran sa susunod na bahagi ng aralin, ang PAUNLARIN. 7. Itabi muna ang graffiti wall at muling ipakita kapag tapos na ang bahagi ng PAGNILAYAN. Layon nito na masagot ang mga tanong at maiwasto ang mga konseptong naitala sa graffiti wall. 14
PAUNLARIN Pagkatapos balikan ng mga mag-aaral ang kanilang mga kaalaman tungkol sa heograpiya ng daigdig, ipababasa na sa kanila ang teksto kaugnay ng paksa. Layunin ng gawaing ito na mapalawak pang lalo ang kanilang kaalaman sa aralin. Maaaring ibigay bilang takda ang ilang konsepto tungkol sa heograpiya. Paksa: Katuturan at Limang Tema ng Heograpiya DRAFTMaaaring magbalik-aral tungkol sa kahulugan ng heograpiya sa tulong ng malayang talakayan o pagpapakita ng mga larawang tumutukoy sa mga konseptong nakapaloob dito. Makatutulong din ang pagtalakay sa nilalaman ng Learner’s Material tungkol sa saklaw ng pag-aaral ng heograpiya at sa limang tema ng heograpiya. Gawain 3. Tukoy-Tema-Aplikasyon Ipasuri sa mga mag-aaral ang sumusunod na impormasyon.April 1, 2014Pagkatapos, ipatukoy kung ito ay may kaugnayan sa lokasyon, lugar, relihiyon, interaksiyon ng tao at kapaligiran o paggalaw. 1. May tropikal na klima ang Pilipinas. 2. Matatagpuan ang Pilipinas sa kanluran ng Pacific Ocean, timog ng Bashi Channel, at silangan ng West Philippine Sea. 3. Ang pangingisda ay isang aktibong kabuhayan ng mga Pilipino dahil napalilibutan ang bansa ng dagat. 4. Libo-libong Pilipino ang nangingibang-bansa sa Australia at New Zealand upang magtrabaho. 5. Kasapi ang Pilipinas sa Association of Southeast Asian Nations. 6. Ang napakaraming tao sa Tokyo, Japan ang nagbigay-daan upang higit na paunlarin ang kanilang sistema ng transportasyon at maging ng pabahay sa lungsod. 7. Ang mataas na antas ng teknolohiya ang nagpabilis sa mga tao na magtungo sa mga bansang may magagandang pasyalan. 8. Ang Islam ang opisyal na relihiyon ng mga mamamayan sa Saudi Arabia. 15
9. Ang Singapore ay nasa 1º 20ʹ hilagang latitud at 103º 50ʹ silangang longitude. 10. Espanyol ang wikang ginagamit ng mga mamamayan sa Mexico. Sa pagpapatuloy ng gawaing ito, papiliin ang bawat pangkat ng isangbansang bibigyang-pansin. Ipasuri sa kanila ang kalagayang heograpikal nitosa pamamagitan ng pagbibigay ng kongkretong halimbawa o impormasyongnaaayon sa limang tema ng heograpiya. Ipakikita ang kanilang sagot sapamamagitan ng flower chart. LugarLokasyon Bansa RehiyonInteraksiyon ng TaoPaggalawDRAFTatKapaligiran Pamprosesong Tanong 1. Ano ang masasabi mo tungkol sa heograpiya ng isang bansa ayon saApril 1, 2014limangtemanito. 2. Bakit magkakaugnay ang limang tema ng heograpiya sa pag-aaral ng katangiang pisikal ng bansa? 3. Paano nakatulong ang mga temang ito sa iyong pag-unawa sa heograpiya ng isang bansa?Paksa: Ang Katangiang Pisikal ng Daigidig Ang kasunod na paksang tatalakayin ay tungkol sa katangiang pisikal ng daigdig. Layunin nito na mas mapalawak ang kaalaman ng mga mag-aaral tungkol sa heograpiya ng daigdig bilang nag-iisang planeta sa solar system na maaaring tirahan ng tao at ng lahat ng nabubuhay na organismo. Ipabasa sa mga mag-aaral ang kaugnay na teksto sa kanilang module at ipagawa ang mga kasunod na gawain. 16
Gawain 4. KKK GeoCard Completion Layunin ng gawaing ito na mataya ang pag-unawa ng mga mag-aaralsa kanilang binasa tungkol sa katangiang pisikal ng daigidig. Ipagawa angsumusunod na panuto. 1. Gumawa ng sariling KKK GeoCard batay sa kasunod na format. 2. Kumpletuhin ang KKK (Kataga-Kahulugan-Kabuluhan) GeoCard na may kaugnayan sa katangiang pisikal ng daigdig. 3. Isulat sa unang bahagi ng KKK GeoCard ang kataga na nasa loob ng kahon. 4. Sa ikalawang bahagi ng card isulat ang kahulugan ng nakatalang salita. 5. Sa ikatlong bahagi, itala ang kabuluhan ng naturang kataga sa pamamagitan ng pagsagot sa tanong naPaano nakaiimpluwensiya/nakaaapekto ang naturang konsepto sa buhay ng tao at sa iba pang nabubuhay na organismo sa daigdig sa kasalukuyan?GDRAFTKE Mga Kataga: K 1. Planetang Daigdig 2. mantleApril 1, 2014O C A R DK 3. plate 4. pagligid sa araw 5. longhitude at latitudeGawain 5. Dito sa Amin Tatayahin sa gawaing ito ang pagkaunawa ng mga mag-aaral tungkolsa klima ng daigdig. Ipasuri ang kasunod na dayagram at ipagawa ang mgapanutong ito: 1. Suriing mabuti ang kasunod na dayagram. 2. Tukuyin ang lugar na inilalarawan sa mapa. 3. Kumpletuhin ang pahayag sa call out. 4. Manaliksik ng mga impormasyon tungkol sa klima at yamang likas ng lugar na kinaroroonan ng dayagram. 5. Buuin ang pangungusap na nasa ilalim na bahagi ng dayagram. 17
Mapa Ako si _____________________________. Narito ako sa ___________________________________________Dahil sa klima at likas na yaman ng Ang klima dito ayaming lugar, ang aming pamumuhayay Ang mga likas na yaman dito________________________ ay________________________ ____________________________________ _________ DRAFTPamprosesong Tanong1. Ano ang klima?2. Bakit nagkakaiba-iba ang klima sa iba’t ibang panig ng daigdig?3. Ano ang kaugnayan ng klima sa mga likas na yaman na matatagpuanApril 1, 2014saisanglugar?4. Paano nakaaapekto ang klima sa pamumuhay ng tao sa isang lugar?5. Bakit malaki ang bahaging ginagampanan ng klima at likas na yaman sa pag-unlad ng kabuhayan ng tao?Matapos basahin ng mga mag-aaral ang paksang Ang mgaKontinente sa kanilang learner’s module ay ipagawa ang mgakasunod na gawain.Gawain 6. Three Words in One Ang gawaing ito ay katulad ng larong 4 Pics, 1 Word. Tutukuyin ngmga mag-aaral ang kontinenteng inilalarawan sa tulong ng mga salitangibinigay na may kaugnayan sa pinahuhulaang kontinente. 18
1. Sahara 2. Appalachian Desert Mountains Nile Hudson River Bay Egypt Rocky Mountains3. 4. Andes Cape K-2 Lhotse Mountains Horn Argentina Tibet5. DRAFT 6. Kangaroo Tasmanian Iberian BalkanApril 1,Devil 2014Peninsula Micronesia Peninsula Italy Pamprosesong Tanong 1. Ano ang mga katangi-tanging paglalarawan sa bawat kontinente? 2. Sa anong aspeto nagkakatulad at nagkakaiba ang mga kontinente? 3. Bakit mahalagang pag-aralan ang mga paglalarawan tungkol sa mga kontinente ng daigdig?Gawain 7. Illustrated World Map Ipalagay sa mapa ang mga natatanging anyong lupa at tubig ngdaigdig na nasa loob ng kahon, gamit ang kasunod na simbolo. 19
bundok disyerto dagat,bulubundukin ilog look, golpoDRAFT phillipriley.comswiki.wikispaces.netAprilAnyong Lupa Greenland 1, 2014AnyongTubig Madagascar Nile River Borneo Amazon River Mt. Everest Yangtze River Mt. Kilimanjaro South China Sea Sahara Desert Mediterranean Sea Himalayas Mountain Range Caribbean Sea Andes Mountain Range Bering Sea Appalachian Mountain Range Arabian Sea Tibetan Plateau Bay of Bengal Scandinavian Peninsula Hudson Bay Arabian Peninsula Gulf of Mexico Persian GulfPamprosesong Tanong1. Batay sa gawain, ano ang natatanging mga katangian ng bawat anyong lupa at tubig ng daigdig? 20
2. Bakit maiuugnay ang pamumuhay ng tao sa anyong lupa o tubig na kanilang pinaninirahan? 3. Paano nakaaapekto ang mga anyong lupa at tubig sa pag-unlad ng kabuhayan ng tao?Gawain 8. The Map Dictates... Ang gawaing ito ay naglalayong subukin ang kasanayan ng mga mag-aaral sa paggamit ng mapa bilang instrumento sa pag-aaral sa heograpiya.Gamit ang mapa, kukumpletuhin nila ang hinihinging datos tungkol saheograpiya ng daigdig. Lagyan ng bituin ang pitong kontinente ng daigdig. Tukuyin ang tatlong malalaking pulo, dalawang kapuluan at isang tangway. Guhitan ng simbolong alon ( ) ang limang karagatan ng daigdig. Tukuyin ang uri ng klima ayon sa lokasyon ng simbolong KL sa mapa Magbigay ng halimbawa ng partikular na yaman ayon sa lokasyon ng DRAFTsimbolong YL sa mapa. Iguhit ang karaniwang hayop na makikita sa lugar sa mapa na may simbolong H.April 1, 2014KL H YL H YL YL YL KLKL HPinagkunan: phillipriley.comswiki.wikispaces.net 21
Pamprosesong Tanong1. Ano ang iyong masasabi tungkol sa daigdig bilang isang planeta?2. May epekto ba ang kalagayang pisikal ng daigdig sa mga organismo at tao? Bakit?3. Sa pangkalahatan, bakit mahalagang magkaroon ng kaalaman tungkol sa ating kapaligiran at sa heograpiya ng daigdig?Pagkatapos ng gawaing ito, maaaring lagumin ang mgamahahalagang konseptong tinalakay tungkol sa pisikal na katangianng daigdig. Mahalagang iugnay ang paksang ito sa heograpiyangpantao upang maging maliwanag ang interaksiyon ng tao sa kaniyangkapaligran.Paksa: Heograpiyang Pantao Bilang panimula, talakayin ang kahulugan ng heograpiyang pantao at ang kaibahan ng saklaw nito sa pisikal na heograpiya. Pagkatapos ay ipabasa ang teksto tungkol dito na makikita sa module ng mga mag- DRAFTaaral.Gawain 9. Crossword Puzzle Ipabuo ang crossword puzzle tungkol sa Heograpiyang Pantao saApril 1, 2014pamamagitan ng pagtukoy sa salitang inilalarawan sa bawat bilang.Pahalang Pababa1. Kaluluwa ng kultura 2. Relihiyong may pinakamaraming3. Sistema ng mga paniniwala at tagasunod rituwal 4. Pamilya ng wikang may7. Pagkakakilanlang biyolohikal pinakamaraming taong ng pangkat ng tao gumagamit9. Pamilya ng wikang Filipino 5. Salitang-ugat ng relihiyon10. Matandang relihiyong umunlad 6. Salitang Greek ng “mamamayan” 8. Pangkat ng taong may iisang sa India kultura at pinagmulan 22
3 4 1256 879 DR10 AFT Pamprosesong Tanong 1. Ano ang ibig sabihin ng heograpiyang pantao? Ibigay ang pagkakaiba nito sa pisikal na heograpiya. 2. Ano-ano ang saklaw ng heograpiyang pantao? Ipaliwanag ang bawatApril 1, 2014isa. 3. Bakit mahalagang pag-aralan ang heograpiyang pantao? 4. Paano nakaaapekto ang heograpiyang pantao sa pagkakakilanlan ng indibidwal o isang pangkat ng tao? 5. Paano magiging instrumento ang heograpiyang pantao sa pagkakaisa ng mga tao sa daigdig? PAGNILAYAN/UNAWAIN Pagkatapos ng mga talakayan at gawain tungkol sa pisikal na katangian at heograpiyang pantao ng daigdig, palalimin ang pagkaunawa ng mga mag-aaral sa tulong ng mga gawaing hahamon sa kanilang kritikal at malikhaing pag-iisip. Inaasahang mauunawaan ang kabuluhan ng paghubog ng heograpiya sa kabuhayan at pamumuhay ng tao. 23
Gawain 10. My Travel Reenactment Pabuuin ang mga mag-aaral ng limang pangkat at ipagawa angsumusunod: 1. Makibahagi sa iyong pangkat tungkol sa mga hindi malilimutang paglalakbay sa isang lugar. 2. Pumili ng isang katangi-tanging kuwento ng paglalakbay mula sa iyong kapangkat. 3. Gawan ito ng pagsasalaysay o kuwento. Nararapat lamang na nakapaloob sa mabubuong kuwneto ang mahahalagang konsepto o aralin na tinalakay tungkol sa pisikal na heograpiya ng daigdig. 4. Pagkatapos, isadula ang kuwento habang ito ay isinasalaysay. 5. Maaaring gumamit ang pangkat ng improvised props at kasuotan. Isaalang-alang ang pamantayan sa pagmamarka ng gawaing ito gamit ang sumusunod na rubric.Rubric sa Pagmamarka ng My Travel Reenactment DRAFTkonsepto ng aralin; madaling unawain angPamantayan Deskripsyon Puntos 10 Angkop ang pagsasalaysay sa paksangPagsasalaysay tinalakay; nakapaloob ang tatlo o higit pang pagkakasulat ng kuwento; malinaw ang pagbasa ng salaysay habang isinasadula itoApril 1, 2014Pagsasadula Magaling ang pagsasadula ng kuwento; mahusay 10 na naipakita ng mga tauhan ang kanilang pag- arte; kapani-paniwala ang kanilang pagganap Gumamit ng angkop na props at kasuotan saPagkamalikhain pagsasadula; orihinal at makatotohanan ang 5 ginawang pagsasadula Kabuuan 25Pamprosesong Tanong1. Tungkol saan ang ipinakitang dula ng iyong pangkat?2. Anong konsepto ang maiuugnay sa binasang pagsasalaysay at isinagawang dula?3. Paano mapatutunayan sa dula ang kaugnayan ng pisikal na heograpiya at pamumuhay ng tao?4. Bakit mahalagang magkaroon ng kaalaman tungkol sa pisikal na daigdig?5. Magbigay ng isang linya o pahayag sa pagsasalaysay na pumukaw sa iyong interes? Bakit? 24
Gawain 11. Modelo ng Kultura Hayaan ang mga mag-aaral na makibahagi sa kanilang pangkat at ipagawa ang sumusunod na panuto. 1. Gupitin ang manila paper na kahugis ng isang damit/kasuotan. 2. Sulatan ng impormasyon o guhitan ito ng mga simbolo at bagay na maiuugnay sa lahi, wika at relihiyon ng bansang pinili ng inyong pangkat. 3. Sa hudyat ng guro, ipasuot sa isang miyembro ng pangkat ang gawang damit/kasuotan. 4. Isuot at ipakita ang gawang damit/kasuotan sa harap ng klase na tulad ng isang fashion show. 5. Pumili ng 1-2 miyembro sa pangkat na magpapaliwanag sa disenyo ng damit/kasuotang suot ng kapangkat. 6. Ipasagot ang kaugnay na tanong na nasa ibaba. Markahan ang gawaing ito batay sa rubric.DRAFTPamprosesong Tanong 1. Ano ang kaugnayan ng mga impormasyon, simbolo, at bagay na makikita sa damit/kasuotan batay sa lahi, relihiyon, at wika ng piniling bansa? 2. Paano mo mailalarawan ang mga mamamayang naninirahan sa bansang pinili ng pangkat? 3. Paano naipakita ang pagkakakilanlan ng mga mamamayan sa bansa batay sa gawain?April 1, 20144. Bakit nararapat pahalagahan ang heograpiyang pantao ng mga bansa? 5. Sa paanong paraan mo maipakikita ang paggalang sa ibang tao? Rubric sa Pagmamarka ng Modelo ng KulturaPamantayan Deskripsyon Puntos 10Nilalaman Wasto ang impormasyong nakasulat at mga 10ng Kasuotan bagay o simbolong nakaguhit sa damit; 5 25 nakapaloob ang tatlo o higit pang konsepto ng aralinDisenyo Malikhain ang gawang damit; angkop ang kulayng Kasuotan at laki ng mga nakasulat at nakaguhit sa damit; malinaw ang mensahe batay sa disenyo Mahusay ang ginawang pagmomodelo sa klase;Pagmomodelo akma ang kilos sa pangkat-etniko o bansang kinakatawan ng modelo Kabuuan 25
Pagkatapos ng mga gawain sa Modyul na ito, muling sagutin ang tanong na nasa itaas ng bagong Graffiti Wall. Ipaskil ang unang Graffitti Wall at paghambingin ang dalawang sagot ng mga mag-aaral. Paano maipamamalas ang pag-unawa sa kahalagahan ng mga pamanang ipinagkaloob ng mga sinaunang kabihasnang nagtagumpay sa hamong dulot ng kapaligiran nito?Aralin 2: Ang mga Sinaunang Tao DRAFTALAMIN Sa bahaging ito ng aralin, aalamin ng guro ang iskema ng mga mag-aaral tungkol sa pamumuhay ng mga sinaunang tao sa mundo. Malayang makapagbibigay ng mga dating kaalaman ang mga mag- aaral sa bahaging ito sapagkat lahat ng kasagutan ay tatanggapin. Pasagutin din sa mga mag-aaral ang unang kolum ng IRF Chart, isang graphic organizer kung saan itinatala ang pagbabago ng ideya o pag-April 1, 2014unawa ngmgamag-aaral.Gawain 1. Kung Ikaw Kaya … Ipagpapalagay ng mga mag-aaral na sila ay nabuhay sa daigdignoong sinaunang panahon. Papipiliin sila ng tatlong bagay mula sa kahon nasa palagay nila ay makatutulong sa kanilang pang-araw-araw na pamumuhayat kanilang ipaliliwanag kung bakit iyon ang kanilang mga pinili. 26
apoy bato kahoy banga buto ng hayop Pamprosesong Tanong 1. Alin ang iyong mga pinili sa nakasulat sa mga kahon? 2. Bakit ang mga ito ang iyong pinili? 3. Kaya mo bang mabuhay sa panahong iyon kung taglay mo ang mga pinili mong bagay? Ipaliwanag ang sagot. Pangunahan ang malayang talakayan sa pamamagitan ng mga pamprosesong tanong. Magkaroon ng paglalagom sa sagot ng mga mag-DRAFTaaral at bigyang-diin ang naranasan ng mga sinaunang tao na magkaroon lamang ng mga kasangkapang binanggit sa gawain. Itanong, “Kung ito lamang ang mga kagamitan ng ating ninuno, paano umunlad ang pamumuhay ng mga tao noong unang panahon?” Ibibigay ng mga mag-April 1, 2014aaral ang kanilang kasagutan sa susunod na gawain. Gawain 2. I-R-F (Initial-Refined-Final Idea) Chart Isusulat ng mga mag-aaral sa unang kolum ang kanilang kasagutan sakatanungan na nasa itaas na bahagi ng tsart at pagkatapos ay ibabahagi saklase ang kanilang sagot.Paano umunlad ang pamumuhay ng mga tao noong sinaunang panahon?Initial Idea Refined Idea Final Idea 27
Tumawag ng ilang mag-aaral na magbabahagi ng kanilang mga isinulat saInitial Idea. Hindi kailangang iwasto kaagad ang kanilang sagot. Ipaunawa sa mgamag-aaral na babalikan ang kanilang isinulat sa Initial Idea pagkatapos ngtalakayan. Ipagawa ang bahaging Paunlarin. PAUNLARIN Sa bahaging ito inaasahan ang pagtalakay ng guro sa paksang pag-aaralan. Inaasahan din na matututuhan ng mga mag-aaral ang mahahalagang konseptong nakapaloob sa paksa tungkol sa mga sinaunang tao sa daigdig. Magsasagawa ang mga mag-aaral ng iba’t ibang gawaing magpapayabong sa kanilang kaalaman tungkol sa paksa. Gawing batayan ng talakayan ang mga tekstong makikita sa learner’s module. Dapat ay naiwasto na nila ang kanilang mga maling paniniwala pagkatapos ng araling ito. Ang huling gawain ng mga mag- aaral sa bahaging ito ay ang paglalagay ng kasagutan sa ikalawang DRAFTkolum ng IRF Chart. Gawain 3. I-Tweet Mo! April 1, 2014Ipabasa ang tekstong makikita sa Learner’s Module at sa EASE Module (pahina 17-22) tungkol sa antas ng pamumuhay ng sinaunang tao. Hayaan ang mga mag-aaral na bumuo ng anim na pangkat. Ayon sa paksang nakatakda sa grupo, pupunan ng bawat pangkat ng mga kailangang impormasyon ang “I-Tweet Mo! Organizer”. Ang panahong nakatakda sa pangkat 1 at 2 ay ang Paleolitiko samantalang sa pangkat 3 at 4 ay ang Neolitiko at sa pangkat 5-6 ay ang panahon ng Metal. Ibibigay ng bawat pangkat ang hinihinging mga impormasyon sa anyo ng mga “tweet” o maiikling pahayag. Maaaring magbigay ang mga mag-aaral ng maraming tweet nang ayon sa hinihinging impormasyon. Pagkatapos ng pag-uulat, bigyan ng pagkakataon ang mga mag-aaral na magbigay ng kanilang mga komento o saloobin sa mga pahayag na ipinaskil ng bawat grupo. Hayaan ang mga mag-aaral na isulat ito sa kapirasong papel at idikit sa bahagi ng komento ng dayagram. 28
@Paraan ng Pamumuhay__________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________ Komento@Kaugnayan ng Heograpiya sa Panahong Paleolitiko/Neolitiko/Metal__________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________ Komento@Mga Kagamitan/Tuklas________________________________________________________________________________________________________________________________________DRAFT__________________________________________________________________________________________________ KomentoApril 1, 2014PamprosesongTanong 1. Ano ang mga katangian ng bawat yugto ng pag-unlad ng kultura ng tao? 2. Ano ang mg patunay na may naganap na pag-unlad sa kultura ng mga sinaunang tao batay sa kasangkapan, kabuhayan at iba pang aspekto ng pamumuhay? 3. Paano nakaapekto ang heograpiya ng lugar sa pag-unlad ng kultura ng tao? 4. Ano ang iyong mabubuong kongklusyon tungkol sa mga sinaunang tao? Pagkatapos ng pag-uulat ng mga pangkat, iproseso ang aralin batay sa mgainihandang tanong. Ipasuri ang pagkakatulad ng kanilang sagot. Bigyang-diin angmahahalagang impormasyon sa bawat paksa. Pagkatapos ng bawat ulat,pagtuunan din ng pansin ang mga komentong ibinigay ng mga mag-aaral at i-proseso ito. Magkaroon ng lagom sa mga reaksyon at sagutin ang mga isinulat natanong. Isunod na ang dalawa pang mag-uulat. Mahalagang paghambingin ang mga yugto ng pag-unlad kapag tapos na angmga pag-uulat. Magbuo rin ng mga kongklusyon tungkol sa paksa. Gawinglunsaran ang mga kongklusyong ito para sa susunod na gawain. 29
Gawain 4. Tower of Hanoi Chart Nasa tuktok ng Tower of Hanoi Chart ang mga kongklusyon tungkol sayugto ng pag-unlad ng kultura ng mga sinaunang tao. Ipasulat ang mga mag-aaral ang tore ng mga ebidensyang susuporta sa mga nakatalangkongklusyon. Malaki ang epekto ng Malaki ang naging epekto Higit na umunlad angheograpiya sa pag-usbong ng agrikultura sa pamumuhay ng tao dahil sa nga unang pamayanan. pamumuhay ng mga tao. paggamit ng mga metal. 1. 1. 1.DRAFT2. 2. 2.3. 3. 3. April 1, 2014Pamprosesong Tanong 1. Ano ang kaugnayan ng iyong sagot sa nakalahad na kongklusyon? 2. Nakabuti ba ang mga nakitang pagbabago sa pamumuhay ng mga sinaunang tao? Bakit? 3. Maipagmamalaki ba ng kasalukuyang henerasyon ang ginawang ito ng mga sinaunang tao? Pangatwiranan. 4. Ano ang gustong ipahiwatig ng mga kongklusyon at ebidensyang nakatala sa Tower of Hanoi Chart tungkol sa pag- unlad ng kultura ng mga sinaunang tao sa mundo? 30
Gawain 5. Ano Ngayon? Chart Pagkatapos matukoy ng mga mag-aaral ang mahahalagangkonseptong nakapaloob sa bawat yugto ng pag-unlad ng kultura ng tao,iugnay ito sa kasalukuyang pamumuhay. Ipatukoy ang kahalagahan ng ilan sa mga pangyayaring naganap saiba’t ibang yugto ng pag-unlad ng sinaunang tao sa pamamagitan ng AnoNgayon? Chart. Ipasulat sa mga kahon sa kanan ang kahalagahan o epektosa kasalukuyan ng mga sumusunod na pangyayari.Paggamit ng Apoy ________________________________ ________________________________ ________________________________ _______________ ________________________________ ________________________________ ________________________________ _______________ ________________________________ DRAFTPagsasakaPag-iimbak ng labis napagkain ________________________________ ________________________________AprilPaggamit ng mga 1, 2014_______________ pinatulis na bato ________________________________ ________________________________ Paggamit ng mga ________________________________ kasangkapang metal _______________ _________________________________ _________________________________ _________________________________ ____________ Pagtatayo ng mga _________________________________permanenteng titirahan _________________________________ _________________________________Pag-aalaga ng mga ____________ hayop _________________________________ _________________________________ _________________________________ ____________ 31
Rubric sa Pagmamarka ng Ano Ngayon? ChartPamantayan Deskripsyon Puntos 10 Mahusay na nailahad ang kaugnayan ng mga 10Nilalaman pangyayari noong sinaunang panahon sa 20 kasalukuyan.Ebidensya Napatunayan ang kaugnayang ito sa pamamagitan ng mga kongkretong halimbawa. Kabuuan Pamprosesong Tanong 1. Gaano kahalaga ang mga pag-unlad na naganap noong sinaunang panahon? 2. Paano hinubog ng mga pagbabagong ito ang kasalukuyang pamumuhay ng tao? 3. Sa iyong palagay, alin sa mga pagbabago sa pamumuhay ng tao ang may pinakamalaking epekto sa kasalukuyan? Sa pagkakataong ito, babalikan ng mga mag-aaral ang kanilang I-R-FDRAFTChart. Ipasagot muli ang tanong na nasa itaas ng chart. Isusulat nila ito sa ikalawang kolum, sa Refined Idea. Nararapat na iwasto ng mga mag-aaral ang kanilang mga konsepto na nakalagay sa initial idea.April 1, 2014PAGNILAYAN/UNAWAIN Pagkatapos mapayabong ang kaalaman ng mga mag-aaral tungkol sa paksa ay magsasagawa sila ng gawaing magpapalalim at magpapatibay pa sa kanilang kaalaman sa pamamagitan ng kritikal at malikhaing pag-iisip. Hamunin ang mga mag-aaral na makabuo ng sariling konsepto at ibahagi ito sa pamamagitan ng isang pangkatang gawain.GAWAIN 6. Archaeologist at Work! Hatiin ang klase sa apat na pangkat. Ipagpapalagay ng mga mag-aaralna miyembro sila ng isang pangkat ng mga archaeologist na nakahukay ngmga artifact sa isang lugar. Susuriin ng bawat miyembro ang mga nahukayna artifact, gamit ang Artifact Analysis Worksheet #1. Pagkatapos ay pag-uusapan nila ang mga ginawang pagsusuri at magkakasama nilangsasagutan ang Artifact Analysis Worksheet #2. 32
Task Card Kabilang ka sa pangkat ng mga archaeologist mula sa iba’t ibangbahagi ng daigdig na kasalukuyang nagsasagawa ng paghuhukay saCatal Hȕyȕk. Nakapaloob sa task card na ito ang ilang mga artifact nanatagpuan ng inyong pangkat sa nasabing lugar.Ang Iyong Misyon Gamit ang Artifact Analysis Worksheet#1,suriin ang bawat artifactna nahukay sa Catal Hȕyȕk. Tingnan ang pisikal na katangian, gamit, atkahalagahan ng mga artifact na ito.Kaligirang Impormasyon Sa kasalukuyan, ang Catal Hȕyȕk ay isang lugar sa Turkey.Sinasabing umunlad ang sinaunang pamayanang ito 9,000 taon na angDRAFTnakararaan. May lawak na 32 acres o halos 24 football fields ang lugarna ito. Malapit ang Catal Hȕyȕk sa pampang ng Ilog Carsamba. Artifact Analysis Worksheet #1 2014Artifact Analysis Worksheet #2 1. Ano ang artifact? 1. Ano-ano ang katangian ng Catal ______________________________ Hȕyȕk batay sa iyong ginawang ______________________________ imbestigasyon? ______________________________April 1,2. Ano ang mga katangian nito? ______________________________ ______________________________ ______________________________ 2. Ihambing ang paraan ng pamumuhay 3. Sa iyong palagay, ano ang gamit nito ng mga taga-Catal Hȕyȕk sa noong sinaunang panahon? kasalukuyang pamumuhay ayon sa ______________________________ sumusunod na aspekto: ______________________________ 4. Ano ang kahalagahan ng artifact na a.pang-araw-araw na gawain ito? b. paraan ng paglilibing ______________________________ c. sining ______________________________ d. pinagkukunan ng pagkain 5. Ano ang nais ipahiwatig ng artifact na ito tungkol sa Catal Hȕyȕk? ______________________________ ______________________________ _____________ 33
Pamprosesong Tanong 1. Batay sa pagsusuri ninyo sa mga artifact, ilarawan ang kultura ng mga tao sa Catal Hȕyȕk? 2. Ano ang mga patunay na ang Catal Hȕyȕk ay umusbong noong panahong Neolitiko? 3. Ano ang kongklusyong maaaring mabuo mula sa paghahambing ng buhay sa Catal Hȕyȕk at sa kasalukuyang pamumuhay? Rubric sa Pagmamarka ng Archaeologist at Work!Pamantayan Deskripsyon Puntos 10Artifact Mahusay na nasuri ang katangian ng bawat 10Analysis artifact.Worksheet Mahusay na natukoy ang gamit at kahalagahan#1 ng mga artifact na ito. Artifact DRAFTMahusay na nailarawan ang mga katangian ng AnalysisWorksheet Catal Huyuk gamit ang mga artifact na sinuri. Mahusay na napaghambing ang pamumuhay sa #2 Catal Huyuk sa kasalukuyang pamumuhay.Pag-uulat Mahusay na naipaliwanag ang mga sagot. Mahusay na nalagom ang mga impormasyong 5April 1, 2014inilahad. Kabuuan 25 Layunin ng unang artifact analysis worksheet na higit pangmasuri ng mga mag-aaral ang mga katangian ng panahong Neolitiko sapamamagitan ng mga primaryang batis. Samantala, ang ikalawangartifact analysis worksheet ay naglalayong maihambing ang buhaynoong panahon ng Neolitiko sa kasalukuyan at matukoy kung gaano naang lawak ng pag-unlad ng ating kultura. Gabayan ang pagwawasto sa mga sagot ng mga mag-aaral samalayang talakayan. Maaaring ipaulat sa bawat pangkat ang kanilangsagot sa dalawang artifact analysis worksheet. Ipalagom sa mga pilingmag-aaral ang ulat ng mga pangkat. Pagkatapos nito, pasagutan ang huling kolum ng I-R-F Chart.Tumawag ng ilang mag-aaral na magbabahagi ng kanilang mga sagotsa chart. Bigyang-pansin ang pagbabago ng kanilang mga ideya mulaInitial Idea hanggang Final Idea. 34
ARTIFACTS Mural Painting Isang PigurinImahe mula kay Prof. Michael Fuller, St. Imahe mula kay Prof. Michael Fuller, St.Louis Community College Louis Community Collegehttp://users.stlcc.edu/mfuller/catalhuyuk.h http://users.stlcc.edu/mfuller/catalhuyuk.hDRAFTtml. tml.April 1, 2014Ceremonial Flint Dagger Obsidian Arrow HeadImahe mula kay Prof. Michael Fuller, St. LouisCommunity College Imahe mula kay Prof Michael Fuller, St. Louis Community Collegehttp://users.stlcc.edu/mfuller/catalhuyuk.html. http://users.stlcc.edu/mfuller/catalhuyuk.html.Mga palamuti mula sa mga bato at buto ng hayop Labi na nahukay sa loob ngImahe mula kay Prof. Michael Fuller, St. Louis mga bahay sa Catal HuyukCommunity Collegehttp://users.stlcc.edu/mfuller/catalhuyuk.html. 35
Aralin 3: Mga Sinaunang Kabihasnan sa Daigdig ALAMIN Bibigyang-diin sa unang bahagi ng Alamin ang malikhaing gawaing magsisilbing pagganyak sa mga mag-aaral upang mapukaw ang kanilang interes sa pagtalakay ng mga sinaunang kabihasnan sa daigdig. Sa ikalawang bahagi, tutuklasin ang kanilang kaalaman tungkol sa paksa sa tulong ng Gawain 2.Gawain 1. Picture Frame a. Ipaskil ang tatlong picture frame sa pisara. Ipaliwanag na ang bawat frame ay may dalawang “misteryosong” salitang nararapat matukoy. b. Tumawag ng mga mag-aaral na tutukoy sa mga misteryosong DRAFTsalita sa pamamagitan ng pagguhit sa loob ng frame. c. Pahulaan ang mga salitang inilalarawan sa iginuhit ng mga kamag- aral. d. Kasunod ang halimbawa ng gawain.April 1, 2014Kpamayanan ilog pagsasaka pagsulat pyramid ceramicse. Pagkaraang maiguhit at matukoy ang mga salita sa bawat frame, isunod ang pagproseso ng gawain batay sa mga ibinigay na tanong.Pamprosesong Tanong1. Ano ang salitang mabubuo sa itaas ng frame?2. Batay sa mga guhit sa loob bg tatlong frame, ano ang sarili mong pagkaunawa sa salitang “kabihasnan”? 36
Gawain 2. WQF Diagram a. Ipaskil ang dayagram sa pisara. Kasunod ang halimbawa nito.Paksa: Sinaunang Kabihasnan ng DaigdigWQ F DRAFTb. Ilahad sa mga mag-aaral ang sumusunod na panuto sa pagbuo ng dayagram: 1. Bigyang-pansin ang paksa sa pagbuo ng WQF Diagram. 2. Itala sa bawat kahon na nasa ibaba ng “W” (words) ang mgaApril 1, 2014salitang may kaugnayan sa nakalaang paksa. 3. Sa kahon ng “Q” (questions), bumuo ng 3-5 tanong na nais mong masagot tungkol sa paksa. 4. Sa bilog “F” (facts), isulat ang iyong mga bagong natutuhan tungkol sa paksa. Ipaunawa sa mga mag-aaral na sasagutin lamang ang bahaging ito pagkatapos ng talakayan sa paksang ito. Kung may sapat na oras, hatiin ang klase sa mga pangkat batay sasumusunod na paksa: (1) Sinaunang Kabihasnan sa Kanlurang Asya, (2)Kabihasnang Indian, (3) Kabihasnang Egyptian, (4) Kabihasnang Tsino, at (5)Kabihasnang MesoAmerica. Ipabuo ang WQF Diagram. Pagkaraan ng takdang minuto, atasan angkinatawan ng bawat pangkat na ipaskil at ibahagi ang nabuong dayagram. 37
PAUNLARIN c. Sa yugtong ito, tatalakayin ang heograpiya at mga sinaunangkabihasnan ng daigdig batay sa babasahing teksto. Isasagawa ito satulong ng talakayan at mga mungkahing gawaing nakapaloob sayugtong ito. Isunod na balikan ang WQF Diagram sa Alamin at iwastoang mga konseptong taliwas sa tinalakay na mga paksa.Paksa: Kabihasnan – Katuturan at mga Batayan1. Pabigyang-katuturan ang salitang “kabihasnan.” Habang inilalahad ang iba’t ibang kahulugan nito, binubuo ang concept map ngmahahalagang salitang may kaugnayan sa “kabihasnan.” Tingnan anghalimbawa:DRAFTmataas na antas pamumuhay Mula sa mga salitang nasa concept map, ipabuo sa Kabihasnan klase ang sarilingpamayanan maunlad pagpapakahulugan ng salitang kabihasnan. organisado2. Inaasahang sagot: “Ang kabihasnan ay tumutukoy sa isangApril 1, 2014pamayanan o paraan ng pamumuhay ng tao na kinakitaan ngmataas na antas ng kalinangang kultural at maunlad na lipunang mayorganisadong pamahalaan, ekonomiya, sining, at sistema ngpagsulat”.3. Talakayin ang mga batayan kung ang isang pamayanan ay maituturing na kabihasnan batay sa mga simbolo/larawan. Ipalahad ang interpretasyon ng mga mag-aaral sa sumusunod na simbolo. Larawan ng korona Larawan ng palay Larawan ng isda Larawan ng Larawan ng sinaunang ng hari http://forum.philbox http://www.fishfarm Hieroglyphics gulong ing.com/viewtopic.p ing.com/tilapia.html http://depositphotos.cohttp://revphil2011.w hp?f=8&t=110850&p m/4400538/stock- http://listdose.com/top-ordpress.com/2011/ photo-Ancient-egypt- 10-inventions-that- 07/28/fighting-for- =2818140 hieroglyphics-on- changed-human-lives- the-crown/ wall.html forever 38
Pamprosesong Tanong 1. Ano ang sinisimbolo ng korona ng hari? Bakit mahalaga ang bahaging ginampanan ng mga pinuno at ng mga batas sa isang sinaunang pamayanan? 2. Ano ang kahulugan ng larawan ng isda at palay sa aspektong pangkabuhayan ng mga sinaunang tao? Bakit mahalaga ang aktibong kalakalan sa pagtataguyod ng kabihasnan? 3. Paano nagsimula ang sistema ng pagsulat ng mga sinaunang tao? 4. Ano ang kabutihan ng sistema ng pagsulat sa isang pamayanan? 5. Ano ang sinisimbolo ng gulong? Bakit may malaking pakinabang ang mataas na antas ng agham at teknolohiya sa kabihasnan? DRAFT6. Paano mo mailalarawan ang isang kabihasnan ayon sa inilahad na mga batayan nito? 7. Ano-ano ang sinaunang kabihasnang umunlad sa daigdig, partikular sa Asya, Africa, at America? Sa puntong ito, inaasahang malinaw na sa mga mag-aaral ang konsepto ng kabihasnan at mga batayan nito. Magpatuloy sa susunodApril 1, 2014napaksa. Paksa: Impluwensiya ng Heograpiya sa Pag-unlad ng mga Sinaunang Kabihasnan 1. Ipaskil ang mapa ng daigdig. Ipatukoy ang mga kontinente ng daigdig. 2. Ipatukoy rin sa mapa ang mga sinaunang kabihasnan sa pamamagitan ng paglalagay ng bituin ( ) sa kinaroroonan nito sa mapa. 3. Ipabasa ang teksto tungkol sa kalagayang heograpikal ng mga sinaunang kabihasnan sa daigdig na makikita sa learners’ module o sa Project EASE. Project EASE (Effective Alternative Secondary Education) AP III Modyul 3 – Ang mga Unang Kabihasnan (pp. 7-15) (p.22) (p.54) 39
Gawain 3. Triple Matching Type Ilahad sa mga mag-aaral ang sumusunod na panuntunan: 1. Buuin ang triple matching type sa pamamagitan ng pagsasama- sama ng mga terminolohiya at konsepto ayon sa partikular na heograpiya ng isang kabihasnan. AB CEgypt Sa pagitan ng mga ilog Lupain ng Yucatan PeninsulaTsino Nasa gitna ng kontinente Timog ng MediterraneanIndus Biyaya ng Nile Nasa kanluran ng Yellow Sea Nasa tangway ng Timog Asya Dumadaloy ang Indus RiverMesoamerica Nasa Kanlurang AsyaDRAFTMesopotamia May matabang lupain sa Huang Ho Kung may sapat na oras, isagawa ang dyad na pinamagatang triple matching type plus 1. Idagdag ang kolum D at magbigay ng iba pang impormasyon tungkol sa heograpiya ng mga nabanggit na sinaunangApril 1, 2014kabihasnan. Pamprosesong Tanong 1. Ano-anong katangiang pisikal ng mga sinaunang kabihasnan ang magkakatulad? 2. Bakit nakaapekto ang mga anyong lupa at tubig ng isang lugar sa pagtaguyod ng kabihasnan? 3. Alin sa kalagayang heograpikal ng mga kabihasnan ang may malaking impluwensiya sa pamumuhay ng mga taong nanirahan dito? Ipaliwanag.Gawain 4. Geography Checklista. Ilahad ang sumusunod na panuntunan: 1. Hatiin ang klase sa limang pangkat. Bawat pangkat ay may partikular na paksang bibigyang-pansin: (1) Sinaunang Kabihasnan sa Kanlurang Asya, (2) Kabihasnang Egyptian, (3) Kabihasnang Indus, (4) Kabihasnang Tsino, (5) Kabihasnang America. 40
2. Ipabasa ang teksto tungkol sa paksang nakatalaga sa bawat pangkat. Pagkatapos, gumawa ng checklist (maaaring gawin sa manila paper) na katulad ng nasa ibaba. Isulat ang nakatalagang kabihasnan sa pangkat Geography Checklist Kabihasnan: Katangiang Heograpikal: Magtala ng 5 hanggang 10 katangiang heograpikal ng nakatalagang kabihasnan sa pangkatDRAFT3. Isunod ang pagsasanib ng dalawang pangkat. Paghahambingin ng mga miyembro ang dalawang kabihasnang nakatalaga sa kanila. Muling gamitin ang checklist at sundin ang sumusunod na hakbang:April 1, 2014Isulatangpangalawang kabihasnang ihahambing. Isulat ang pangatlong kabihasnang ihahambing. Geography ChecklistKabihasnan:Katangiang Heograpikal:123 Lagyan ng tsek (√) ang kahon kung taglay ng kabihasnang tinukoy ang sumusunod na katangiang heograpikal. 4. Ipaskil ang ginawang checklist. Iulat sa klase ang output ng paghahambing ng mga kabihasnan batay sa mga katangiang heograpikal ng mga ito.b. Ipasuri ang nabuong checklist ng lahat ng pangkat. 41
Pamprosesong Tanong 1. Alin sa mga katangiang heograpikal ng mga sinaunang kabihasnan sa daigdig ang may malaking pagkakatulad sa isa’t isa? 2. Bakit kaya karaniwang may magkakatulad na katangiang heograpikal ang mga sinaunang kabihasnan? 3. Ano ang epekto ng mga katangiang heograpikal na ito sa pamumuhay ng mga sinaunang tao? 4. Para sa iyo, alin sa mga katangiang heograpikal ng mga sinaunang kabihasnan ang nararapat na mapangalagaan? Bakit?Paksa: Mga Sinaunang Kabihasnan sa Daigdig a. Ipatukoy ang mga sinaunang kabihasnan sa Asya, Africa, at America. b. Ipabasa ang teksto tungkol sa mga sinaunang kabihasnan sa Asya na makikita sa learner’s module at Project EASE. Project EASE (Effective Alternative Secondary Education) AP III a. Modyul 3 – Ang mga Unang Kabihasnan (pp. 6-48) DRAFTb. Modyul 7 – Kabihasnang Klasikal sa America at Pacifico (pp. 9-16) Ipagawa ang sumusunod na gawain matapos basahin ang learner’s module tungkol sa Kabihasnang Mesopotamia.April 1, 2014Gawain5. CompleteIt! A. Kumpletuhin ang sagot sa bawat bilang sa tulong ng mga akmang letra sa patlang. 1. ___ ___ M ___ ___ - Mga unang lungsod-estado ng Mesopotamia 2. ___ K ___ ___ ___ - Unang imperyong itinatag sa daigdig 3. ___ ___ ___ ___ L ___ ___ - Kabisera ng Imperyong Babylonia 4. C ___ ___ ___ ___ ___ ___ - Imperyong itinatag ni Nabopolassar 5. ___ ___ T ___ ___ ___ - Tawag sa mga lalawigang bumuo sa Persia 6. ___ ___ ___ ___ ___ I ___ - Imperyong itinatag pagkaraan ng Babylonia 42
B. Kumpletuhin ang pangungusap na magbibigay ng wastong impormasyon tungkol sa kabihasnang Mesopotamia. 1. Ang Mesopotamia ay maituturing na isang kabihasnan dahil________ ________________________________________________________. 2. Naging tanyag si Haring Sargon I sa kasaysayan dahil_____________ ________________________________________________________. 3. Sa panahon ni Hammurabi naganap ang_______________________ ________________________________________________________. 4. Nagwakas ang pamamahala ng mga Chaldean sa Mesopotamia nang ________________________________________________________ ________________________________________________________. 5. Isa sa kahanga-hangang nagawa ni Haring Darius the Great sa DRAFTImperyong Persian ang___________________________________ ________________________________________________________. Pamprosesong Tanong 1. Paano nagsimula at nagwakas ang kabihasnang Mesopotamia? 2. Sino ang mga pinuno na namahala sa imperyo? 3. Ano ang naging paraan ng kanilang pamamahala?April 1, 20144. Bakit sinasabing ang kasaysayan ng Mesopotamia ay pag-usbong at pagbagsak ng mga kabihasnan? Pagkatapos basahin ng mga mag-aaral ang learner’s module tungkol sa Kabihasnang Indus, ipagawa ang sumusunod na gawain. Gawain 6. Tatak-Kabihasnan sa Timog Asya A. Iguhit sa loob ng kahon ang tatlong mahahalagang bagay na naglalarawan sa pamumuhay ng mga katutubo at dayuhang Aryan na nanirahan sa Timog Asya. Pagkatapos ay isulat sa loob ng bilog ang kahalagahan ng mga tinukoy na bagay sa pamumuhay ng mga naturang grupo ng mga tao. 43
B. Itala sa unang kolum ng tsart ang pagtala ng mga ambag ng kabihasnang Indus at Panahong Vedic. Sa pangalawang kolum, italaDRAFTang kapakinabangan nito sa kasalukuyan.Ambag ng Kabihasnan Kapakinabangan NgayonApril 1, 2014Pamprosesong Tanong 1. Ano ang dalawang lungsod na umunlad sa lambak-ilog ng Indus? Ilarawan ang mga ito. 2. Paano mailalarawan ang pamumuhay ng mga tao sa panahong Vedic? 3. Sang-ayon ka ba sa pagpapangkat-pangkat ng mga tao sa India batay sa sistemang Caste? Ipaliwanag ang sagot. Ipagawa sa mga mag-aaral ang kasunod na gawain upang tukuyin ang kanilang pagkaunawa sa paksang “Pagbuo ng mga Imperyo at Kaharian.” 44
Gawain 7. Empire DiagramKumpletuhin ang dayagram tungkol sa mga imperyong itinatag sa TimogAsya. Sa unang kahon, itala ang mahahalagang datos sa bawat imperyo. Saikalawang kahon, isulat ang mga tanyag na pinuno ng imperyo at ilarawanang bawat isa. Sa huling kahon, magbigay ng isang aral na natutuhan sa mgaitinatag na imperyo sa Timog Asya. Imperyo sa Timog AsyaMaurya Gupta MogulDatos: Datos: Datos:* * *DRAFT* * ** **Tauhan: Tauhan: Tauhan: ** * ** * ** *April 1, 2014AralnaNatutuhan:Pamprosesong Tanong 1. Ano ang naging kontribusyon ng mga pinuno sa pag-unlad ng kanilang imperyo? 2. Paano bumagsak ang mga naturang imperyo sa Timog Asya? 3. Ano-ano ang naging ambag ng mga imperyong ito sa kasalukuyang kabihasnan? Pagkatapos talakayin ang Kabihasnang Tsino, ipasagot ang kasunod na gawain. 45
Gawain 8. Maramihang Pagpili sa Tsart A. Tukuyin sa tsart ang mahahalagang impormasyon tungkol sa kabihasnang Tsino. Kabilang ang dinastiya, mga tanyag na tauhan, at mga ambag nito sa kasalukuyan. Piliin ang sagot sa loob ng mga bilog.Kabihasnang Tsino Chou Ming Q’ing Mga Dinastiya Shang Sui Tang Yuan1. Nakasulat sa mga oracle bone ang mga naiwang kasulatan ng mga sinaunang Tsino nabuhay sa dinastiyang ito2. Unang dayuhang dinastiyang namahala sa China3. Huling dinastiya ng China4. Yumabong sa dinastiyang ito ang kaisipang humubog sa kamalayang Tsino tulad ng Confucianism, Taoism, at Legalism5. Ipinagawa ang Grand Canal sa dinastiyang ito6. Sa dinastiyang ito nagsimula at lumaganap ang kaisipang mandateDRAFTof heaven7. Ipinatayo ang tanyag na Forbidden City sa Peking sa dinastiyang ito Zheng He Kublai Khan Confucius Shih Huang DiApril 1, 20148. Itinuring ang kaniyang sarili bilang “unang emperador”Mga Tauhan9. Itinatag niya ang Dinastiyang Yuan sa China10. Pinangunahan niya ang mga ekspedisyon sa Indian Ocean atsilangang bahagi ng Africa11. Nakasentro sa kaniyang mga aral ang kaisipang ConfucianismMga Ambag Great Wall Forbidden City Mandate of Heaven Taoism12. Pagpapahintulot ng kalangitan na mamuno ang emperador13. Nagsilbing-tanggulan ang estrukturang ito laban sa mga tribong nomadiko sa hilagang China14. Naging tirahan ng mga emperador noong Dinastiyang Ming15. Hangad ng kaisipang ito ang balanseng kalikasan at pakikiayon ng tao sa kalikasan 46
Ipagawa ang kasunod na gawain upang tayain ang kanilang pagkaunawa sa paksang Kabihasnang Egypt.Gawain 9. Walk to Ancient Egypt A. Kumpletuhin ang kasunod na dayagram. Tukuyin ang inilalarawan sa bawat aytem. Kabihasnang Egyptian1. Tauhan 8. TauhanDRAFT2. Bagay 7. BagayApril 1, 20143.Panahon4. Tauhan5. Tauhan6. Panahon1. Nagpagawa ng Great Pyramid na pinakamalaki sa buong daigdig2. Sistema ng pagsulat ng mga sinaunang Egyptian3. Itinuring bilang “Empire Age” at pinakadakila sa kasaysayan ng sinaunang Egypt4. Kinilalang isa sa mahuhusay na babaing pinuno ng sinaunang Egypt5. Napag-isa sa kaniyang paghahari ang Upper Egypt at Lower Egypt6. Nagsimula sa Ikatlong Dinastiya ng Egypt at panahon ng pagtatayo ng mga pyramid sa Egypt7. Nagsilbing mga bantayog ng kapangyarihan ng mga pharaoh at naging libingan ng mga ito8. Lumagda sa kauna-unahang kasunduang pangkapayapaan sa hari ng mga Hititte 47
Pamprosesong Tanong 1. Anong kabihasnan ang umunlad sa Africa? Ano ang pagkakatulad at pagkakaiba ng kabihasnang Egyptian sa mga kabihasnang umunlad sa Mesopotamia? 2. Paano mailalarawan ang pamumuhay ng mga sinaunang Egyptian? 3. Sino ang mga naging pinuno ng Egypt? Ano ang kanilang naging papel sa paghubog ng kabihasnan sa Egypt? 4. Anong kongklusyon ang iyong mabubuo tungkol sa kabihasnang Egyptian? Kapag natapos nang basahin ang pagtalakay ng Learner’s Module sa Kabihasnang Mesoamerica, ipagawa ang mga kasunod na gawain. Ang mga gawaing ito ay naglalayong tayain ang pagkakaunawa ng mga mag- aaral sa mga sinaunang kabihasnan sa daigdig. Pagkatapos nilang suriin ang bawat kabihasnan, hahamunin sila ng mga kasunod na gawain na paghambingin ang mga ito upang makita ang kaugnayan ng bawat isa saDRAFTkasalukuyang panahon.Gawain 10. Tracing the Beginning ChartApril 1, 2014Anoangsinaunanga. Ipakumpleto ang tsart ayon sa hinihinging datos sa bawat kolum.b. Talakayin ang mga impormasyon sa pagbuo ng tsart. Paano nagsimula Ano ang katangiankabihasnang ang kasaysayan ng ng mgaumusbong sa daigdig? kabihasnang ito? katutubo nito?Pamprosesong Tanong1. Saang aspekto nagkakatulad ang mga sinaunang kabihasnan sa daigdig batay sa pagsisimula ng mga ito?2. Ano ang magkakahawig na mga katangiang taglay ng mga sinaunang katutubo sa panahon ng pagtatatag ng kanilang mga kabihasnan?3. Kahanga-hanga ba ang ginawa ng mga sinaunang tao sa pagtatag nila ng kanilang kabihasnan? Ipaliwanag ang sagot.4. Anong aral ang iyong natutuhan batay sa napag-alamang mga katangian at kakayahan ng mga sinaunang tao tungo ng kanilang pamumuhay? 48
Gawain11. Pagbuo ng K-Web Diagram a. Ibigay sa mga mag-aaral ang mga panuntunan sa pagbuo ng “Kabihasnan - Web Diagram.” 1. Tukuyin ang inilalarawan sa bawat bilang. 2. Isulat ang bilang at sagot sa puwesto nito sa dayagram. Halimbawa: 1. CuneiformMesopotamia EgyptSinaunangKabihasnanDRAFTMesoamerica Indus TsinoApril 1, 20141. SistemangpagsulatngmgaSumerian 2. Kambal na lungsod na umunlad sa lambak-ilog ng Indus 3. Sagradong aklat ng mga Aryan 4. Tawag sa China na nangangahulugang “Gitnang Kaharian” 5. Kauna-unahang kabihasnang umunlad sa America 6. Pagpapangkat-pangkat ng tao sa lipunang Hindu 7. Bahay-sambahan ng mga Sumerian 8. Pinakamalaking estruktura at libingan ng pinuno ng sinaunang Egypt 9. Maunlad na lungsod sa Mesoamerica na ibig sabihin ay “tirahan ng diyos” 10. Tanyag na gusali sa Babylon; kabilang sa “seven wonders” ng sinaunang daigdig 11. Estruktura sa China na nagsilbing harang at proteksiyon laban sa mga mananakop 12. Tawag sa rehiyon ng America na kinabibilangan ng malaking bahagi ng Mexico, Guatemala, at El Salvador 13. Taguri sa pinuno ng sinaunang Egypt 14. Sinaunang paniniwala ng mga pinunong Tsino na may pahintulot ang langit na pamunuan ang China 15. Tawag sa sinaunang sistema ng pagsulat ng mga Egyptian 49
b. Talakayin ang mahahalagang konseptong nakapaloob sa K-Web Dayagram.Gawain 12. Kabihasnan Pathway Diagram a. Hatiin ang klase sa apat na pangkat. b. Ipaliwanag ang sumusunod na panuntunan: 1. Bibigyang-pansin ng Pangkat 1 ang Kabihasnang Mesopotamia, Pangkat 2 ang Kabihasnang Indus, Pangkat 3 ang Kabihasnang Tsino, at Pangkat 4 ang Kabihasnang Egyptian. 2. Batay sa pag-unawa sa binasang kasaysayan, kukumpletuhin ng mga miyembro ang Pathway Diagram sa pamamagitan ng paglalagay ng mahahalagang pangyayari ayon sa tamang pagkakasunod-sunod ng mga ito. Isulat ang isang pangyayari sa bawat hakbang. 3. Pagkatapos mabuo ang pathway, punan ang mga bilog ng iba pang impormasyon tungkol sa nakatalagang kabihasnan, kabilang ang ekonomiya, kultura, at lipunan nito. DRAFT4. Ipagawa sa manila paper ang dayagram na kagaya ng nasa ibaba.April 1, 20145. Pumili ng dalawang miyembro ang bawat pangkat na mag-uulat saklase tungkol sa ginawang Pathway Diagram.6. Isaalang-alang ang mga pamantayan sa pagmamarka gamit angsumusunod na rubric.Rubric sa Pagmamarka ng Kabihasnan Pathway DiagramPamantayan Deskripsyon Puntos Nakapaloob sa dayagram ang 5 o higit pangNilalaman mahahalagang pangyayari sa nakatalagang 10 kabihasnan; wasto ang pagkakasunod-sunod nitoPag-uulat Mahusay na naipaliwanag ang kasaysayan ng nakatalagang kabihasnan batay sa nabuong 10 dayagramIba pang Nakapaglahad ng iba pang datos na mayimpormasyon kaugnayan sa kasaysayan ng nakatalagang 5 kabihasnan Kabuuan 25 50
c. Isunod ang pagsusuri ng mahahalagang pangyayari sa bawat sinaunang kabihasnan. Maaaring atasan ang mga mag-aaral na bumuo ng mga tanong sa isang sinaunang kabihasnan. Talakayin ito.Gawain 13. Gallery of Ancient Rulers 1. Hatiin ang klase sa walong pangkat. Pipili ang bawat pangkat ng isang pinuno mula sa tinalakay na mga sinaunang kabihasnan. Ipaalalang walang dalawang pangkat ang may kahalintulad sa pinuno. 2. Pagawain ng human statue ang bawat pangkat batay sa piniling pinuno. 3. Ipaliwanag ang sumusunod na mga panuntunan. a. Pumili ng isang miyembrong magsisilbing “estatwa” na kakatawan sa piniling pinuno. b. Ihanda ang posisyon ng “estatwa” ayon sa katangian at nagawa ng piniling pinuno. c. Maaaring dikitan ng papel (o manila paper) na may simbolo o mga salitang maglalarawan sa pinuno ang katawan ng “estatwa.” DRAFTd. Pagkaraan ng 15 minuto, itatanghal ang mga “estatwa” sa klase. Magtalaga ng 1-2 miyembrong magpapaliwanag ng ginawang “estatwa.” Pamprosesong Tanong 1. Ano ang mahalagang katangian ng napiling pinuno ng pangkat? 2. Bakit siya naging kilala sa kasaysayan? 3. Maipagmamalaki ba ang piniling pinuno ng inyong pangkat? Patunayan.April 1, 20144. Para sa iyo, ano ang pinakamahalagang katangiang dapat taglayin ng isang pinuno? Bakit mo iyon nasabi?4. Bigyan ng marka ang ginawang estatwa gamit ang kasunod na rubric:Rubric sa Pagmamarka ng Gallery of Ancient RulersPamantayan Deskripyon PuntosGawang Angkop ang estatwa bilang kinatawan ngEstatwa piniling pinuno ng pangkat; wasto ang mga 10 simbolo at datos na ikinabit sa estatwa Mahusay na ipinakilala ang nakatalagangPag-uulat pinuno batay sa estatwa; naglahad ng 8 mahigit 3 impormasyon tungkol sa nasabing pinuno Natatangi ang pagkakabuo ng estatwa;Orihinalidad gumamit ng mga akmang disenyo upang 7 maging makatotohanan ang hitsura Kabuuan 25 51
Paksa: Mga Kontribusyon ng mga Sinaunang Kabihasnan sa Daigdig a. Magbalik-aral sa mga sinaunang kabihasnan ng daigdig. b. Ipabasa ang mga kontribusyon/pamana ng mga sinaunang kabihasnan batay sa learner’s module.Gawain 14. K-A-K Organizera. Maaaring indibidwal o pangkatan ang gawaing ito.b. Papiliin ang bawat mag-aaral (o pangkat) ng tatlong sinaunang kabihasnan na gagawan ng Kabihasnan-Ambag-Kabuluhan (K-A-K) Organizer.c. Ipasulat sa parihaba ang piniling kabihasnan, sa biluhaba ang ambag, at parisukat ang kabuluhan ng ambag sa mga sinaunang tao.DRAFTKabihasnan Ambag KabuluhanApril 1, 2014d. Magsagawa ng talakayan sa klase. Maipakikita ang mga larawan ng iba’t ibang kontribusyon ng mga sinaunang kabihasnan. Pamprosesong Tanong 1. Ano-ano ang pamana/ambag ng mga sinaunang kabihasnan sa daigdig? 2. Ano ang kabuluhan ng mga nabanggit na ambag sa pamumuhay ng mga sinaunang taong nanirahan sa kani-kanilang kabihasnan? 3. Bakit maituturing na dakilang pamana ang mga ambag na ito? 52
PAGNILAYAN/UNAWAIN a. Sa yugtong ito, isasagawa ang pagpapalalim at pagninilaytungkol sa impluwensiyang heograpikal at mga sinaunang kabihasnansa daigdig. Mahalagang maiugnay ang paksang ito sa panahon ngayonat lubos na maipakita ang bahaging ginampanan ng mga sinaunangkabihasnan sa paghubog ng kasalukuyang pamumuhay ng tao.Gawain 15. Thank You Lettera. Batay sa natutuhan ng mga mag-aaral tungkol sa bahaging ginampanan ng heograpiya sa pag-unlad ng mga sinaunang kabihasnan sa daigdig, magpasulat ng liham pasasalamat.DRAFTb. Ibigay ang sumusunod na mga panuntunan sa pagsulat ng nasabing liham: 1. Pumili ng isang anyong lupa, tubig o kahit anong bagay na may kaugnayan sa heograpiya ng mga sinaunang kabihasnan na naismong gawan ng liham pasasalamat.2. Isulat sa liham ang sariling saloobin tungkol sa mahalagang papel na ginampanan nito sa buhay ng mga sinaunang tao. 3. Gawing batayan ang kasunod na rubric sa pagmamarka ng iyongApril 1, 2014isinulatnaliham. Rubric sa Pagmamarka ng Thank You LetterPamantayan Deskripsyon Puntos Mahusay na naipaliwanag ang bahagingNilalaman ginampanan ng heograpiya sa buhay ng mga 12 sinaunang tao; Nakapagbigay ng halimbawang magpapatunay sa papel na ginampanan nito sa mga sinaunang taoTeknikal na Wasto ang paggamit ng bantas, baybay ngPagbuo ng mga salita; maayos ang mga bahagi ng 8Liham isang liham.Anyo at Malinis at maayos ang pagkakasulat; 5Disenyo naglagay ng malilikhaing bagay at simbolo; 25 angkop ang kulay ng disenyo Kabuuan 53
Gawain 16. Maimpluwensiyang Kabihasnan a. Kumpletuhin ang dayagram sa pamamagitan ng pagtatala ng pamana ng mga sinaunang kabihasnan sa daigdig, gayundin ang impluwensiya ng pamanang ito sa daigdig at sa ating bansa sa kasalukuyang panahon. Impluwensiya sa Daigdig Impluwensiya sa Pilipinas Pamana ng Sinaunang Kabihasnan Pamprosesong Tanong 1. Sa anong aspeto ng pamumuhay ng mga Pilipino maiuugnay ang pamanang tinukoy sa dayagram? DRAFT2. Ano ang kapakinabangang dulot ng naturang pamana sa mga Pilipino? Magbigay ng halimbawa. 3. Bakit maimpluwensiya ang piniling pamana sa mga tao sa buong daigdig? 4. Kung ikaw ay nabuhay sa kabihasnang nagkaloob ng nasabing pamana, ano ang iyong reaksiyon?April 1, 20145. Ano ang iba pang bagay na maituturing na pamana ng mga sinaunang tao sa kasalukuyang kabihasnan? Bakit mo itinuring na pamana ang mga ito? Balikan ang WQF Diagram at punan ang kolum ng F (facts) ng mga bago at wastong kaalaman tungkol sa paksa. ILIPAT AT ISABUHAY Sa pagkakataong ito, gawin ang huling yugto ng Yunit 1, ang ILIPAT. Gamit ang kaalamang natutuhan ng mga mag-aaral batay teksto at mga gawain, ihanda sila sa paggawa ng susunod na proyekto. 54
Gawain 17. POKUS NGAYON: Preserbasyon ng mga Pamana ng mga Sinaunang Kabihasnan ng Daigdig Ipaunawa sa mga mag-aaral ang sumusunod na sitwasyon upang maisagawa ang inaasahang pagganap sa araling ito: Ikaw ang tagapangulo ng National Committee on the Preservation of Cultural Heritage ng iyong bansa na isa sa mga sinaunang kabihasnan sa daigdig. Nakatanggap ka ng liham mula sa United Nations na humihingi ng panukalang proyektong may layuning ipreserba ang mga dakilang pamanang mula sa iyong bansa. Ang iyong komite ay nagtakda ng isang pulong upang bumuo ng panukalang proyekto para sa nabanggit na layunin. Isaalang-alang ang mga panuntunan sa pagbuo ng panukalang proyekto: 1. Hatiin ang klase sa mga pangkat ayon sa sumusunod: DRAFTPangkat 1 – Iraq Para sa Kabihasnang Mesopotamia Pangkat 2 – Iran Para sa Sinaunang Persia Pangkat 3 – Egypt Para sa Kabihasnang Egyptian Pangkat 4 – India at Pakistan Para sa Kabihasnang Indus Pangkat 5 – China Para sa Kabihasnang Tsino Pangkat 6 – Mexico Para sa Kabihasnan sa Mesoamerica 2. Makibahagi sa iyong pangkat sa pagtalakay sa itinakdang kabihasnanApril 1, 2014na bibigyang-tuon sa gagawing panukalang proyekto. 3. Bigyan ang bawat pares na miyembro ng pangkat ng pamanang nararapat na ipreserba: a. Pares 1 – isang estruktura o landmark b. Pares 2 – isang tradisyon/kaugalian c. Pares 3 – isang sinaunang bagay 4. Isulat sa papel ang format ng panukalang proyekto. Gawing gabay ang kasunod na template. Bansang nakatalaga sa pangkat: ____________________ National Committee on the Preservation of Cultural Heritage UNANG BAHAGI: a. Pamagat ng proyekto: _________ b. Kinaroroonan ng isasagawang proyekto: _________ c. Petsa ng simula at wakas ng pagpapatupad ng proyekto: _________ d. Halagang gugugulin sa proyekto: _________ e. Ahensiya ng pamahalaang kaakibat sa proyekto: _________ 55
IKALAWANG BAHAGI:a. Panimula (Tungkol saan ang panukalang proyekto?)b. Katuturan (Mahalaga bang isagawa ang proyekto? Bakit?)c. Kapakinabangan (Sino ang makikinabang nito? Sa paanong paraan?)IKATLONG BAHAGI:a. Mga hakbang sa pagkamit ng layunin (Ano-ano ang dapat gawin upang magtagumpay sa hangarin ng pangkat?)b. Pondo ng proyekto (Paano makakukuha ng salaping gagastusin sa proyekto?)c. Pagsasanay (Sino at paano sasanayin ang mga tauhan sa pagkamit ng proyekto?)d. Kagamitan (Ano-ano ang kagamitan upang magawa ang proyekto?) IKAAPAT NA BAHAGI: a. Inaasahang bunga (Ano-ano ang inaasahang bunga o resulta ng DRAFTisasagawang proyekto?) b. Mensahe sa kinauukulan at sa taong-bayan (Ano ang nais mong sabihin upang maging matagumpay ang preserbasyon ng mga sinaunang ambag at pamana ng bansa?) c. Guhit ng isasakatuparang proyekto (Ano ang hitsura ng kalalabasanApril 1, 2014nggagawingproyekto?)5. Talakayin ng inyong pangkat ang bubuuing panukala.6. Kumpletuhin ang template para sa gagawing panukala.7. Iulat sa klase ang gawang panukala. Gamitin ang mga pamantayan sa pagmamarka ng gawaing ito.Kraytirya 4 3 21Nilalaman Kumpleto ang May 1-2 ang Mahigit sa 50% Mahigit sang nilalaman ng nawala sa ang nawala sa 50% angPanukalang panukalang panukalang panukalang nawala saProyekto proyekto; proyekto; hindi proyekto; nilalaman ng 100% na wasto bababa sa mahigit sa 50% panukalang ang itinala sa 75% ang may ang hindi wasto proyekto; panukala; wastong itinala sa mga itinala mahigit sa makatotohanan sa panukala; sa panukala; 50% ang ang lahat ng Makatotohanan may 50% sa hindi wasto sagot sa ang mahigit nilalaman ng sa mga itinala 56
tanong; may 75% sagot sa panukala ay sa panukala; kabuluhan ang tanong; may hindi hindi maka- gawang kabuluhan ang makatotohanan; totohanan panukala; gawang may pag- ang panukala; mahusay ang panukala; aalinlangan sa hindi iginuhit sa mahusay ang kabuluhan ang maipakita ang magiging iginuhit sa gawang kaugnayan ng bunga ng magiging panukala; hindi guhit sa proyekto bunga ng gaanong panukala proyekto na malinaw ang may 1-2 guhit aspekto ng guhit ang kailangang isaayosPinagkunan Ibinatay sa 3 o Ibinatay sa 2 Ibinatay lamang Walang sanggunian ang datosng Datos DRAFThigit pang ang sanggunian batayang sanggunian sa batayang pinagkunan at ang datos na aklat gawa-gawa kabilang sa lamang ang panukalang mga proyekto impormasyon (aklat, pahayagan, video clip, internet, at ibaApril 1, 2014pa)Presentasyon Mahusay ang Maayos ang Karaniwan ang Hindi malinawng paglalahad sa paglalahad sa paglalahad sa angPanukalang presentasyon; presentasyon; presentasyon; paglalahad saProyekto malinaw at may ilang maikli at hindi presentasyon; malakas ang kinabahan at binigyan ng hindi boses ng mahinang pansin ang naipaliwanag tagapagsalita; boses; maraming ang lubos na naipaliwanag bahagi ng maraming naipaliwanag ang higit sa panukala; hindi bahagi ng ang bawat 75% ng gaanong panukala; aytem sa kabuuang maunawaan hindi panukala aytem sa ang maunawaan panukala pagsasalita; ang mahigit sa 50% pagsasalita; ang hindi kaunti lamang naipaliwanag sa ang panukala naipaliwanag 57
Sa huling bahagi ng Yunit 1, ipabasa ang sumusunod na “Transisyon sa Kasunod na Yunit,” ang pagbubuod ng mga paksang tinalakay sa yunit. Nagsisilbi rin itong tulay upang iugnay ang tinalakay na yunit sa mga paksa ng bagong yunit.Transisyon sa Kasunod na Modyul Tinalakay sa katatapos na Modyul ang heograpiya ng daigdig. Saklawnito ang mga anyong lupa at tubig, klima, at likas na yaman na may malakingimpluwensiya sa paghubog ng kasaysayan ng mga sinaunang tao.Nakasalalay ang pamumuhay ng mga prehistorikong tao sa kanilangmahusay na pakikiayon sa idinikta ng kanilang kapaligiran. Naging instrument ang kanilang talino at kakayahan upang magingmatagumpay sa mga hamon ng buhay. Ito rin ang nagbigay-daan upang higitDRAFTna mapabuti ang kanilang pamumuhay hanggang nakapagtatag sila ngmauunlad na pamayanang tinawag na kabihasnan. Ang iba’t ibang kontribusyon ng mga sinaunang kabihasnan salarangan ng politika, relihiyon, ekonomiya, kultura, agham at teknolohiya aylubos na nakatulong hindi lamang sa kanilang panahon kundi maging sa lahatApril 1, 2014ngpanahon. Sa susunod na Modyul, pag-aaralan ang mga dakilang kabihasnangklasikal ng Greece at Rome. Idagdag pa rito ang pakikipagsalaparan ng mgaEuropeo noong Gitnang Panahon, ang mga kabihasnan sa iba pang panig ngdaigdig hanggang sa pagbubukang-liwayway ng Makabagong Panahon. 58
Search
Read the Text Version
- 1
- 2
- 3
- 4
- 5
- 6
- 7
- 8
- 9
- 10
- 11
- 12
- 13
- 14
- 15
- 16
- 17
- 18
- 19
- 20
- 21
- 22
- 23
- 24
- 25
- 26
- 27
- 28
- 29
- 30
- 31
- 32
- 33
- 34
- 35
- 36
- 37
- 38
- 39
- 40
- 41
- 42
- 43
- 44
- 45
- 46
- 47
- 48
- 49
- 50
- 51
- 52
- 53
- 54
- 55
- 56
- 57
- 58
- 59
- 60
- 61
- 62
- 63
- 64
- 65
- 66
- 67
- 68
- 69
- 70
- 71
- 72
- 73
- 74
- 75
- 76
- 77
- 78
- 79
- 80
- 81
- 82
- 83
- 84
- 85
- 86
- 87
- 88
- 89
- 90
- 91
- 92
- 93
- 94
- 95
- 96
- 97
- 98
- 99
- 100
- 101
- 102
- 103
- 104
- 105
- 106
- 107
- 108
- 109
- 110
- 111
- 112
- 113
- 114
- 115
- 116
- 117
- 118
- 119
- 120
- 121
- 122
- 123
- 124
- 125
- 126
- 127
- 128
- 129
- 130
- 131
- 132
- 133
- 134
- 135
- 136
- 137
- 138
- 139
- 140
- 141
- 142
- 143
- 144
- 145
- 146
- 147
- 148
- 149
- 150
- 151
- 152
- 153
- 154
- 155
- 156
- 157
- 158
- 159
- 160
- 161
- 162
- 163
- 164
- 165
- 166
- 167
- 168
- 169
- 170
- 171
- 172
- 173
- 174
- 175
- 176
- 177
- 178
- 179
- 180
- 181
- 182
- 183
- 184
- 185
- 186
- 187
- 188
- 189
- 190
- 191
- 192
- 193
- 194
- 195
- 196
- 197
- 198
- 199
- 200
- 201
- 202
- 203
- 204
- 205
- 206
- 207
- 208
- 209
- 210
- 211
- 212
- 213
- 214
- 215
- 216
- 217
- 218
- 219
- 220
- 221
- 222
- 223
- 224
- 225
- 226
- 227
- 228
- 229
- 230
- 231
- 232
- 233
- 234
- 235
- 236
- 237
- 238
- 239
- 240
- 241
- 242
- 243
- 244
- 245
- 246
- 247
- 248
- 249
- 250
- 251
- 252
- 253
- 254
- 255
- 256
- 257
- 258
- 259
- 260
- 261
- 262
- 263
- 264
- 265
- 266
- 267
- 268
- 269
- 270
- 271
- 272
- 273
- 274
- 275
- 276
- 277
- 278
- 279
- 280
- 281
- 282
- 283
- 284
- 285
- 286
- 287
- 288
- 289
- 290
- 291
- 292
- 293