Important Announcement
PubHTML5 Scheduled Server Maintenance on (GMT) Sunday, June 26th, 2:00 am - 8:00 am.
PubHTML5 site will be inoperative during the times indicated!

Home Explore E.P.P V

E.P.P V

Published by Palawan BlogOn, 2015-10-01 02:02:33

Description: Binder1

Search

Read the Text Version

PAGTATAYA Ipakita ang ginawa sa guro kung wasto at maayos ang pamamaraan sapaghahanda ng makina. Sipiin at sagutan ang sumusunod na tseklis sa kuwaderno. Papirmahin angnagmasid at gumabay sa iyo.Mga Pamantayan Oo Bahagya Hindi 1. Naihanda ba ang lahat ng materyales at kagamitan bago magsimula ang gawain? 2. Nasunod ba ang mga tuntunin na dapat tandaan sa paggawa? 3. Nasunod ba nang wasto at maayos ang bawat hakbang ng gawain? Kung naisagawa mo ang lahat ng nakasulat sa modyul na ito, handa ka nangmagpatakbo ng makinang panahian.Kung nasagutan mo nang buong husay ang bahaging pagtataya ngmodyul, binabati kita! Maaari mo nang pag-aralan ang susunod namodyul. 7

GRADE V WASTONG PARAAN NG PAGPAPATAKBO NG MAKINA ALAMIN MO Magandang araw kaibigan. Handa ka na bang magpatakbo ng makina? Alam mo,madali lang ang magpatakbo nito kung susundin mo ang mga panuntunan sa pagpapatakbona tatalakayin sa modyul na ito. 1

PAGBALIK-ARALAN MOAyusin ang mga titik sa loob ng kahon ayon sa gamit ng bawat bahagi ng makina.1. Umiipit sa tela habang tinatahi - S E P SRER OOT F2. Tapakan ng pagpapaandar sa malaking E H D A E R T L gulong habang nananahi3. Lagayan ng karete ng sinulid na pang-itaas L P O S O N I P4. Koriyang nag-uugnay sa balance wheel at T L E B drive wheel5. Kidkiran ng sinulid sa bobina N I BBOB REDN I W6. Inaayos ang luwag at higpit ng sinulid E T N N O I S R L E G A U R T O7. Makintab na metal na tumatakip sa D L S I E ETALP kaha ng bobina8. Kinokontrol ang haba at laki ng tahi I T S THC RGAUE L ROT9. Pinaglalagyan ng karete ng sinulid sa OSOP L NP I itaas na bahagi ng ulo ng makina10. Humahawak sa karayom at dinadalang E L E D E N RBA pataas at pababa ang sinulid 2

PAG-ARALAN MOBasahin ang sumusunod na sitwasyon.Belen: Mano po Nay. Alam nyo po, marunong na akong maghanda ng makinang panahi. Tinuruan kami ni Gng. Santos. Siguro naman po maaari ko nang patakbuhin ang makinang panahi natin.Nanay: Anak nakasisiguro ka ba na natutunan mo lahat ang mga hakbang sa pagpapatakbo ng makina?Belen: Hindi ko pa po lubusang alam ang mga hakbang sa pagpapatakbo ng makina inay.Nanay: O sige anak, tuturuan kita upang matutunan mong mabuti ang mga hakbang sa pagpapatakbo ng makina upang maiwasan ang pagkasira nito.Belen: Yehey! (patalon na sabi ni Belen) Salamat po Inay.Katulad ni Belen, marahil ay gustong-gusto mo na ring magpatakbo ng makina. Paano nga ba patakbuhin ang makinang panahi? Ang pagpapatakbo ng makina aymadali kung susundin ang mga panuntunan na nakatala sa ibaba.1. Ilagay ang makina sa lugar na maliwanag upang makitang mabuti ang iyong tatahiin.2. Pumili ng upuan na may sapat na taas upang hindi mahirapang manahi.3. Umupo nang maayos sa harap ng makina. Ilagay nang lapat ang dalawang paa sa apakan o threadle. Ang kaliwang paa ay dapat bahagyang mataas kaysa kanan.4. Hawakan ang gulong sa ilalim o band wheel at paandarin ito sa pamamagitan ng pag-ikot patungo sa iyo.5. Ipadyak ang mga paa hanggang umikot ang gulong sa ilalim nang maayos at sa iisang direksiyon lamang.6. Ayusin ang kulindang upang magdugtong ang band wheel sa balance wheel.7. Paandarin ang makina sa pamamagitan ng pag-ikot ng balance wheel patungo sa iyo.8. Magsanay pumadyak sa apakan hanggang maging maayos at iisang direksiyon lamang ang takbo ng makina. 3

9. Itaas ang presser foot. Igalaw ang balance wheel upang tumaas ang lalagyan ng karayom.10. Ilagay ang tela sa ilalim ng karayom. Tiyakin na ang malapad na bahagi ng tela ay nasa gawing kaliwa.11. Ibaba ang presser foot at simulang paandarin ang makina tulad ng ginawa sa bilang 7.12. Paandarin ang makina sa katamtamang bilis. Patnubayan ng kaliwang kamay ang telang tinatahi upang maging tuwid ang mga tahi.13. Bagalan ang pagpapadyak sa threadle kapag malapit na sa dulo ng telang tinatahi. Itigil ang makina sa huling tahi.14. Kailangang tahiin ng ilang beses ang mga dulo ng tahi sa makina upang hindi ito matastas. Ikutin ang tela sa huling tahi na hindi itinataas ang karayom. Tahian muli ang dinaanan ng karayom hanggang isang pulgada upang hindi ito matastas. Gawin din ito sa simula ng mga tahi.Naunawaan mo ba kaibigan? SUBUKIN MOSubukan mo ngayon kung talagang naintindihan mo ang iyong pinag-aralan.Ipakitang-gawa mo ang mga hakbang sa pagpapatakbo ng makina. Ang una aywalang sinulid at ang ikalawa ay mayroon na. Pakiusapan ang isang mananahi nagabayan ka. Huwag mong kalimutang magpasalamat. TANDAAN MO Ang pagpapatakbo ng makina ay isang mahalagang kakayahan na kailangan ng ibayong pagsasanay kaya kailangang mabigyan ng pansin ang wastong pamamaraan upang maging matagumpay at ligtas ang iyong pananahi. 4

ISAPUSO MOA. Ayon sa iyong isinasagawang pagsasanay sa pagpapatakbo ng makina, sagutin mo ang sumusunod na tseklist.Mga Sukatan Napakaayos Antas ng Pagsasagawa Hindi Maayos Maayos-ayos Maayos1. Pare-pareho ba ang laki ng mga tahi?2. Tama ba ang higpit ng mga tahi?3. Hindi ba naglalaktaw- laktaw ang mga tahi? Mga Sukatan Oo Hindi1. Naisagawa ko ba ang mga panuntunang pangkalusugan at pangkaligtasan sa pagpapatakbo sa makina?2. Nasiyahan ba ako sa aking ginawa?B.1. Makipanayam sa kakilala mong mananahi tungkol sa mga karanasan niya noong una siyang magpatakbo ng makina. Tanungin kung ano-ano ang kanyang mga naging suliranin sa pagpapatakbo ng makina. Hingan din siya ng tips kung paano mo pa matututunan ang wasto at maayos na pananahi. Huwag na huwag mong kalimutang magpasalamat, kaibigan.2. Bumuo ng ehersisyo na makatutulong sa iyo na mapanatili ang maayos at mabikas na postura sa pagpapatakbo ng makina. Ipakita ito sa guro. Maaari mo itong sabayan ng awit o anumang tugtog upang lalo kang ganahang isagawa ito.Paulit-ulit na magsanay sa pagpapatakbo ng makina. Binabati kita at matagumpay mong natapos ang modyul na ito! Maaari mo na ngayong simulan ang susunod na modyul. 5

GRADE V PANUNTUNANG PANGKALUSUGAN AT PANGKALIGTASAN SA PANANAHI SA MAKINA ALAMIN MOAng pananahi sa makina ay gawaing kapaki-pakinabang. Maraming bagay kangmagagawa kung marunong kang manahi sa makina. Lalo kang magiging kapaki-pakinabang na kasapi ng pamilya. Mapapamahal kang lalo sa iyong mga magulang. Sa gawaing pananahi, kinakailangan ang ibayong pag-iingat upang makaiwas sadisgrasya at mapanatili ang iyong kalusugan. Sa modyul na ito, matututunan mo ang mga paraan upang malayo ka sadisgrasya o aksidente at mananatili kang malusog habang nananahi. 1

PAGBALIK-ARALAN MOKaibigan, maaalala mo pa ba Sa pag-aalaga ng makina,kung paano aalagaan ang kinakailangang …makinang panahi?Bakit mahalagang sundin ang 1. ___________mga ito? 1. ___________ 2. ___________ 3. ___________ 4. ___________ Mahalagang alagaan ang makinang panahi upang __________. 2

PAG-ARALAN MO Basahin ang sumusunod na tugma. Pananahi sa makina, pamilya’y mabubuhay Makatitipid na, kikita ka pang tunay. Subalit ingat lang kapatid, ika’y maghinayhinay Upang di masugat sa matutulis niyang bagay. Bago manahi, maghugas muna ng kamay Pasma’y maiiwasan, di nanginginig na tunay Sa lugar na maliwanag pumuwesto ka Inay Upang mga mata mo’y tatagal ang buhay Ano ang sinasabi sa tugma? Bakit mahalagang mag-ingat ka kapag mananahi samakina? Upang maginhawa ang iyong pananahi at maiwasan ang sakuna kailangangsundin ang mga panuntunang pangkalusugan at pangkaligtasan sa pananahi. 3

Mga Pangkalusugang GawainHugasan ang kamay bago Tanggalin ang anumang Manahi sa maliwanag atmagsimula at tiyaking kagamitan sa ibabaw ng maaliwalas na lugarmalinis ang kamay bago makina maliban samanahi kagamitang lubhang kailangan sa pananahiManahi na ang liwanag ay Umupo nang tuwid upangnanggagaling sa kaliwang maginhawa ang likodbalikat Mga Pangkaligtasang GawiIngatang matusok ng Huwag ipitin ng bibig Gumamit ng guntingkarayom ang daliri ang aspili o karayom sa pagputol ng sinulid na ginamitIwasan ang di Upang hindi masilaw,kailangang paggalaw iwasang tumama angsa iba’t ibang bahagi matinding liwanag ngng makina araw sa tinatahi lalo kung ito ay puti 4

SUBUKIN MOHumanap ng malinis na katsa o lumang lampin. Tupiin ang mga gilid nito at tahiin samakina upang gawing pamunas ng kamay. Kung wala kayong makina, makiusap sakapitbahay na mananahi. Pakiusapan siyang magmasid sa iyong pananahi. Kopyahin at ipasagot ang sumusunod na tseklis sa taong nagmasid o nanood saiyong pananahi. Pagkatapos papirmahin siya sa ibaba nito. Mga Sukatan Oo Hindi1. Hinugasan niya ang kamay bago magsimulang manahi sa makina2. Inayos muna niya ang ibabaw ang makina. Tinanggal ang anumang magiging sagabal sa kanyang pananahi3. Pumuwesto siya sa lugar na maliwanag4. Maayos ang kanyang pag-upo habang nananahi5. Ginamit niya ng gunting sa pagputol ng sinulid TANDAAN MO Magiging maayos at kasiya-siya ang iyong pananahi kapag sinunod ang mgapanuntunang pangkalusugan at pangkaligtasan. 5

ISAPUSO MO Sa isinagawa mong pananahi ng pamunas ng kamay, markahan mo nga ang iyongsarili ayon sa panuntunan o sukatan sa ibaba. Mga Sukatan – 100 % Marka Mo1. Maluwag ang pakiramdam ko sa natapos na gawain.2. Maayos pa rin ang aking paningin pagkatapos kong manahi.3. Nasiyahan ako sa aking ginawang pag-iingat habang nananahi KABUUAN GAWIN MO 1. Ilagay ang makina sa isang panig ng silid na maliwanag at maaliwalas. 2. Ipakita ang wasto at ligtas na pag-upo ng isang mananahi. 3. Bumuo ng isang jingle tungkol sa pangkalusugan at pangkaligtasang gawi sa pananahi sa makina. PAGTATAYA Pumunta sa isang kakilalang mananahi. Makiusap na tumulong sa pananahi ng mgagilid lamang ng kasuotan. Malay mo bukod sa matututo ka na baka magkapera ka pa.Isagawa lahat ang natutunang pangkalusugan at pangkaligtasang gawi sa pananahi samakina. 6

GRADE V WASTONG PANGANGALAGA NG MAKINA ALAMIN MOMay makina ba kayo sa bahay? Pinapayagan ka bang gamitin ito? Kung maganda ang takbong makina habang ikaw ay nananahi, ano ang pakiramdam mo? Kung pauntol-untol angtakbo nito, nasisiyahan ka ba sa pananahi? Pag-aralan mo ngayon kung paano pangangalagaan ang makinang panahi. Angmodyul na ito ang magtuturo sa iyo ng wastong pangangalaga ng makina upang ito aymagtagal at maging magaan gamitin bukod pa sa magiging maganda at maayos ang iyongmga tatahiin. PAGBALIK-ARALAN MO Natatandaan mo pa ba ang nasa larawan? Isulat ang mga bahagi at gamit nito sa iyong kuwadernong sagutan. 1

PAG-ARALAN MOBasahin mo ang sumusunod na talataan:Hindi maganda ang kalalabasan ng tinatahi kung palaging nasisira ang makinang panahi.Ngayon pag-aralan mo ang mga paraan ng pangangalaga upang mapanatiling malinis atmaayos ang takbo nito.Narito ang ilang tuntunin na dapat isagawa upang mapanatiling maayos ang makina atmapakinabangan sa mahabang panahon.1. Ingatan ang pagtaas at pagbaba ng ulo ng makina kapag ito ay ginagamit. Huwag itong ibabagsak sapagkat maaaring lumuwag ang mga bahagi nito.2. Punasan at alisin ang alikabok at himulmol ng sinulid sa makina bago at matapos itong gamitin.3. Lagyan ng kapirasong tela ang pagitan ng feed dog at presser foot upang hindi pumurol ang mga ngipin nito.4. Alisin ang kulindang at itabi ito nang maayos kapag hindi ginagamit ang makina upang hindi ito maputol.5. Lagyan ng angkop na langis ang mga gumagalaw na bahagi.6. Linisin ang bawat bahagi.7. Takpan ang makina kapag hindi ginagamit.8. Kumpunihin ang karaniwang sira ng makina.9. Gamitin nang wasto ang makina at iwasang paglaruan ito. 2

SUBUKIN MOIdrowing ang  kung tama ang mga pangungusap at  naman kung mali sakuwadernong sagutan.1. Dapat linisin ang makinang panahi bago at pagkatapos itong gamitin.2. Inaalis ang kulindang kapag hindi ginagamit ang makina.3. Nilalagyan ng retaso sa pagitan ng feed dog at presser foot kapag hindi ginagamit ang makina.4. Ginugupit ang mga himulmol ng sinulid pagkatapos manahi.5. Hayaang nakahayag sa araw ang makinang panahi upang di ito pagpawisan. Huwag itong takpan. TANDAAN MO Mapapakinabangan mo nang matagal ang makinang panahi kapag ito’y gagamitin sa wastong paraan at pangalagaan itong mabuti. 3

PAHALAGAHAN MOIsulat ang sagot sa kuwadernong sagutan sa mga tanong sa ibaba.1. Nakita mong pinaglalaruan ng iyong kapatid ang inyong makina, ano ang gagawin mo?2. Tinatakpan agad ng kapitbahay ninyo ang katatapos niyang gamiting makina. Ano ang masasabi mo? GAWIN MOMag-imbita ng isang mananahi sa inyong lugar. Ipakitang-gawa mo ang wastongpangangalaga ng panahing makina. Tanungin mo siya kung tama ang iyong mgaipinakita. Ipasulat sa isang papel ang namasid niya sa ipinakita mo. Pagkatapospapirmahin siya sa ibaba nito. PAGTATAYAIsulat ang T kung tama ang mga pangungusap at M naman kung mali. Kung mali, iwastoito. Gamitin ang kuwadernong sagutan1. Linisin at langisan ang makina minsan sa isang linggo.2. Huwag tanggalin ang karayom, bobina, plato at iba pang bahagi kapag nililinis ang makina.3. Lagyan ng langis pangmakina ang mga butas turnilyo at iba pang bahaging gumagalaw.4. Alisin ang alikabok sa mga bahaging gumagalaw.5. Ibalik nang maayos ang mga bahaging kinalas matapos itong linisin. Kung nasagutan mo nang buong husay ang bahaging pagtataya ng modyul, binabati kita! Maaari mo nang pag-aralan ang susunod na modyul. 4

GRADE V MGA URI NG DUGTUNGAN ALAMIN MO Magandang araw kaibigan. Sa modyul na ito bibigyan ka ng karagdagangkaalaman sa iba’t ibang uri ng dugtungan na malaki ang maitutulong sa iyo upangmakabuo ka ng mga kasuotan at kagamitang mapapakinabangan at maipagbibili. PAGBALIK-ARALAN MO Bago ka magpatuloy na magkaroon ng panibagong kaalaman sa pananahi,susubukan muna kita kung naaalaala mo pa ang mga hakbang sa pagpapatakbo ngmakina. Kunin mo ang iyong kuwaderno para sagutan at gawin ang sumusunod napagsasanay. 1

Mga Hakbang sa Pagpapatakbo ng 1. Makina 2.. 3. 4. . 5. . 6. 7. 8. 9. 10. 11. 12. Kung nasagot mo ito, handang-handa ka nang pag-aralan ang iba’t ibang uri ngdugtungan na gagamitin mo sa pananahi ng mga kasuotan.2

PAG-ARALAN MO Tatlong uri ng dugtungan ang matututunan mo ngayon ang simpleng dugtungan oplain seam, dugtong na dapa o flat – felled seam at dugtong sa loob ng dugtong oFrench seam na lalong kilala sa tawag na tahing balensiyana. Ang sumusunod ay ang mga wastong hakbang sa paggawa ng tatlong uri ngdugtungan. Simpleng Dugtungan o Plain Seam 1. Pagtapatin ang dalawang gilid na pagkakabitin sa kabaligtaran. 2. Tahiin sa makina nang may kalahating pulgada mula sa gilid Dugtong na Dapa o Flat-Filled Seam 1. Pagtapatin ang dalawang gilid na pagkakabitin sa kabaligtaran tulad sa simpleng dugtungan. 2. Tahiin sa makina nang may kalahating pulgada mula sa gilid. 3. Bawasan ng 1/8 pulgada ang isang gilid sa mga pinagdugtong. 4. Itupi ang malapad na pataan sa ibabaw ng ginupitang bahagi. 5. Itupi ang gilid nito ng ¼ pulgada bago idapa at ihilbana. 6. Pasadahan sa pinakagilid ang ginawang tupi. 7. Tiyakin tuwid at hindi liku-liko ang pasada sa makina. 3

French Seam o Tahing Balensyana Ito ay dugtong sa loob ng dugtong sapagkat dalawang tahi o dugtong angginagawa. Ang unang tahi ay ginagawa sa karayagan, malapit sa gilid ngdamit. Binabaligtad pagkatapos ang tela at muling papasadahan sa minarkahano tunay na dugtong na karaniwang may layong 1 ¾ sentimetro mula sa tabi. SUBUKIN MO Kumuha ng lumang damit o tela. Kung wala, lumang diyaryo na lamang. Ihandaang makina at manahi ng tatlong dugtungan. Kung wala kayong makinang panahi sabahay, muling makiusap sa kakilalang may makina. Ipakita ang iyong natapos naproyekto sa guro. 4

TANDAAN MOMay tatlong uri ng dugtungan na ginagamit sa pananahi ng iba’t ibangkasuotan. Ito ay ang plain seam, flat-felled seam at French seam. May mga dapat sunding hakbang sa paggawa ng mga ito.ISAPUSO MO Kuhain ang iyong kuwaderno at sagutin ang sumusunod natseklis:Mga Pamantayan Oo Bahagya Hindi1. Naihanda ko ba ang mga materyales at kagamitan bago ako nagsimula?2. Nasunod ko ba nang wasto at maayos ang mga hakbang ng gawain?3. Sinunod ko ba ang mga panuntunang pangkalusugan at pangkaligtasan habang gumagawa o nananahi?4. Mabilis ba at maayos ang aking ginawa o tinahi?5. Nagpamalas ba ako ng kasiglahan at kasiyahan sa paggawa? 5

GAWIN MO 1. Kumuha ng mg retasong tela at manahi sa makina ng tatlong uri ng dugtungan. Idikit ang mga natapos na proyekto sa kopon ban at gumawa ng album. Ipatsek ito sa guro. 2. Bumuo ng bugtong tungkol sa tatlong uri ng dugtungan. Tumawag ng kalaro o kapitbahay na kamag-aral at magpalitan kayong magbugtungan. 3. Gumawa ng crossword puzzle na kinapapalooban ng tatlong uri ng dugtungan. Isulat ito sa likod ng lumang kalendaryo o posters mula sa mga tindahan. Kung walang pentel pen, maaari kang gumamit ng uling. Dalhin ang natapos na puzzle sa paaralan at ipakita sa guro. PAGTATAYA Kumuha ng katsa o lumang damit na hindi na ginagamit. Manahi ng isangpunda ng unan. Ipakita sa isang datihang mananahi o sa guro. Hingin ang kanilangmungkahi sa natapos mong proyekto. Kung nasagutan mo nang buong husay ang bahaging pagtataya ng modyul, binabati kita! Maaari mo nang pag-aralan ang susunod na modyul. 6

GRADE V KAGAMITANG TAHI SA MAKINA “EPRON” ALAMIN MONapag-aralan mo sa nakaraang modyul ang mga bahagi ng makina at ang wastongpagpapatakbo nito. Ngayong alam mo na ang mga bahagi at wastong pagpapatakbo nito, maaari kanang bumuo ng mga kagamitang tahi sa makina. Pumili ng simpleng kagamitan natatahiin sapagkat ikaw ay nag-uumpisa pa lamang. Matututuhan mo sa modyul na ito ang wastong paraan ng pananahi ng eprongamit ang makina. Kapatid, ito na ang iyong unang hakbang patungo sa tagumpay sa larangan ngnegosyo. 1

PAG-ARALAN MO Kaibigan bugtungan tayo. Isa … dalawa … tatlo. Game ka na ba? Ginagamit ako sa pagluluto. Isa akong kasuotan na maaaring tahiin sa makina.Ako ay maaaring gamitin sa paaralan o sa bahay. Pwede rin ako sa lalake upangmapangalagaan ang kanilang kasuotan kapag nagkakarpintero o gumagawa ng ibanggawaing kamay. Sino ako? Kunin mo ang iyong kuwadernong sagutan at kopyahin mo ang sumusunod namga kahon. Isulat sa loob nito ang iyong sagot. Nagkaroon ka na ba ng karanasan sa pananahi ng ganitong kasuotan? Paano kayaang wastong paggawa nito? Narito ang mga hakbang sa paggawa ng epron. 2

 Gumawa muna ng plano ng proyekto tulad nito. Plano ng Proyekto I. Proyekto: Epron II. Mga kagamitan: 1 metro ng katsa o lumang damit na koton sinulid kagamitan sa pananahi makinang panahi gauge o panukat na may iba’t ibang sukat III. Disenyo 3

Narito ang simpleng paraan ng pananahi ng epron. 1. Paghahanda ng tela Dapat ihanda ang tela bago gupitin upang matiyak na hindi uurong. Gawin ang sumusunod na hakbang isang araw bago gamitin. 1. Itupi nang maayos ang tela. Ibabad ang tela sa tubig nang magdamag. Huwag pipigain. Isampay, pagtapatin ang mga dulo at banatin habang pinatutuyo ito. 2. Kapag tuyo na, hugutin ang isang pahalang na hibla ng sinulid upang matuwid ang nahimulmol na gilid. Ang pinaghugutang bahagi ang gabay sa paggupit. 3. Banating muli nang marahan, pantayin ang mga dulo at plantsahin. 4

2. Paggawa ng padron 4. Kopyahin ang padron na inihanda ng guro sa Manila paper. Gamitan ng lapis sa pagsusog sa padron. Lagyan ng 2½ cm na palugit mula sa leeg, tagiliran at laylayan. Gupitin ang Manila paper sa inilagay na palugit.3. Paglalapat ng padron sa tela 6. Tiklupin nang pahaba ang tela na nakapaloob ang harapan nito. Ang lapad ng tupi ang siyang pinakamalapad na bahagi ng epron. Ilatag ang padron sa bahaging ito at aspilihan na papalayo sa iyo. 7. Ilipat ang aktwal na sukat ng padron sa tela sa pamamagitan ng “carbon paper,” “ruler” at “tracing wheel” o bolpen na walang tinta. Gupitin ito mula sa palugit. 5

3. Hakbang sa pananahi ng epron * Pananahi sa bahaging dibdib 9. Itiklop ang gilid ng dibdib nang may ½ cm ang lapad. 10. Itupi uli nang may 2 cm. Gumamit ng gauge o panukat upang magkapareho ang lapad ng tupi. 11. Aspilihan at hilbanahan. 12. Tahiin sa makina. * Pananahi ng tagiliran at laylayan 13. Gumawa ng lupi na sinlaki ng nasa dibdib ng epron. 14. Tahiin ito gaya ng pananahi sa bahaging dibdib. 15. Tahiin sa makina. * Paggawa ng tirante 1. Itupi ang kahabaan ng tela sa gitna ng mga karayagan. 2. Sumukat ng 3 cm. ang lapad at tandaan ng lapis. 3. Dagdagan ng 1 cm. na palugit. Gupitin sa palugit. 4. Lagyan ng aspili ang paligid. 5. Hilbanahan sa palugit. 6. Tahiin sa makina ng malapit sa hilbana. 7. Alisin ang hilbana. 8. Ilipat ang tupi upang ang tinahing bahagi ay mapunta sa gitna. 9. Diinan ito upang bumuka ang pinagtahian. 10. Tahian ang isang dulo ng ½ sm. upang sumara. 11. Hayaang nakabukas ang kabilang dulo. 6

12. Baliktarin ang panali sa pamamagitan ng pagtulak ng sinarhang dulo papalabas sa tulong ng lapis o iba pang mahabang kagamitan. 13. Diinan ang mga gilid ng panahi.* Pananahi ng tirante 1. Pagdugtungin ang dalawang pirasong tirante sa pamamagitan ng payak na dugtungan. 2. Tiklupin ng pahaba sa gitna at pagtapatin ang dalawang gilid. 3. Aspilihan, hilbanahan at tahiin sa makina. 4. Mag-iwan ng bukasan sa gitna. 5. Baliktarin patungong gitna. Isara ang bukasan sa pamamagitan ng “blind hemming” o di-nakikitang lilip. 6. Ilagay sa gitna ang mahabang dugtong at plantsahin. 7. Tahiin sa makina ang dalawang gilid. 8. Sa pamamagitan ng perdible, isuot ang magkabilang dulo ng tirante mula sa dibdib patungong tagiliran. 9. Mag-iwan ng sapat na haba sa tagiliran sa iyong baywang. 7

* Paggawa ng bulsa 1. Ang bulsa ay dapat na 16 cm ang haba at 13 cm ang lapad kapag natapos. Guhitan ng lapis ang sukat nito. Lagyan ng palugit mula sa aktwal na sukat. Ang palugit ay 2½ cm sa itaas at 1 sm sa bawat tagiliran. Gupitin sa inilagay na palugit.16 cm 2½ 2½ 13 cm SUBUKIN MOA. Kunin ang kuwadernong sagutan at isulat ang titik ng wastong sagot sa patlang. 1. Sa araw-araw na pagluluto, ang epron ay madalas gamitin kaya’t madalas itong labhan. Ang tela nito ay dapat ___________. A. kaakit-akit at makulay B. makapal at mainit sa katawan C. matibay at madaling labhan D. manipis at di-kumukupas 2. Sa paggawa ng padron ng epron, mahalagang ibabad muna ang tela sa tubig nang ___________ upang hindi umurong. A. magdamag B. isang linggo C. kalahating araw D. maghapon at magdamag 8

3. Upang hindi masayang ang telang tatabasin, gumamit muna ng ___________. A. Pardon B. Plano C. Iskor kard D. disenyo 4. Dapat ihanda muna ang tela bago tahiin. Ang wastong pagkakasunud-sunod ng mga hakbang ay ___________. A. pagbababad, pagbabanat, pagpaplantsa, pagpapatuyo B. pagbabanat, pagpaplantsa, pagpapatuyo, pagbababad C. pagbababad, pagpapatuyo, pagbabanat, pagpaplantsa D. pagpaplantsa, pagpapatuyo, pagbababad, pagbabanat 5. Sa pananahi ng tirante, pagdugtungin ang dalawang piraso nito sa pamamagitan ng ___________. A. tahing tutos B. dugtong na dapa C. dugtong sa loob ng dugtong D. payak na dugtunganB. Ihanda ang kagamitan sa paggawa ng epron. Ipakitang gawa ang wastong pananahi nito sa pamamatnubay ng kakilalang modista. Ipakita ang natapos na gawain sa guro. TANDAAN MO Ang epron ay isang kasuotang pangkusina na ipinapatong sa damit upang hindi ito marumihan. Ginagamit ito kapag naghahanda ng pagkain o nagluto. May mga hakbang na dapat sundin sa paggawa nito. 9

ISAPUSO MOA. Pagkatapos mong manahi ng epron kopyahin sa kwadernong sagutan at sagutin ang sumusunod na tseklis. Pamantayan Oo Bahagya Hindi1. Kanais-nais bang gamitin ang natapos na kagamitang panahi?2. Maayos ba at matibay ang pagkakagawa nito?3. Malinis ba ang tinahing epron?4. Naisagawa ko ba ang mga panuntunang pangkalusugan at pangkaligtasan sa pananahi?5. Nasiyahan ba ako sa pananahi? GAWIN MO1. Manood sa telebisyon na may nagluluto at pansinin ang kanilang suot na epron. Kung walang TV, tumingin ng mga disenyo sa mga magasin.2. Gumawa ng scarp book o album na nagpapakita ng iba’t ibang disenyo ng epron. Gumamit ng mga retaso, lumang butones at iba pa. PAGTATAYA Kumuha ng lumang palda o kasuotang pambahay na hindi na ginagamit. Kung wala, lumang magasin na lamang ang gamitin. Lumikha ng bagong disenyo ng epron at tahiin ito sa makina. Isuot at ipakita sa guro. Hingin ang kanyang puna. Kung may babaguhin, sundin ang mungkahi. Kung nasagutan mo nang buong husay ang bahaging pagtataya ng modyul, binabati kita! Maaari mo nang pag-aralan ang susunod na modyul. 10

GRADE V ANG PAGBUBURDA ALAMIN MONakapagsuot ka na ba ng damit na may burda? Kung hindi nakakita ka na ba ng mgakasuotan na may burda tulad ng barong tagalog, damit pangkasal, blusa, bestida,punda at pantakip sa mesa? Di ba maganda kapag may burda ang mga damit o ngkagamitan sa tahanan. Alam mo ba na ang Kastila ang nagturo sa mga Pilipino namagburda? Nais mo bang magkaroon ng kaalaman sa gawaing kamay na ito? Isa dinito sa mga gawain pangkabuhayan na maaari mong pagkakitaan kahit ikaw ay nasabahay. Gusto mo bang matuto? Sa modyul na ito matututuhan mo ang mga pangunahing kaisipan para sagawaing pagbuburda tulad ng mga pamamaraan, disenyo, kagamitan at iba’t ibang uring tahing burda. 1

PAGBALIK-ARALAN MOTingnan ang mga larawan sa kahon. Isulat ang mga pangalan ng mga kagamitan sapananahi sa puwang ng bawat pangungusap. 1. Ang __________ ang ginagamit sa pagtatahi sa tela. __________ at sinulid ay mga kagamitan 2. sa pananahili. 3. Ginugupit ng __________ ang sinulid. 4. Ang __________ ang ginagamit sa pagbuburda. Ang __________ ay maaaring gawing 5. kasuotan tulad ng bestida, polo, blusa at panyama. 2

PAG-ARALAN MO Basahin ang isang sanaysay na may kinalaman sa pagbuburda. Pagkatapossagutan ang mga gawain. Isulat sa isang papel o kuwaderno ang mga sagot. PAGBUBURDA Isang magandang gawaing kamay ang pagbuburda. Malakas pagkakitaan ang pagbuburda sa damit sapagkat maganda ito, maraming bumibili at iniluluwas pa sa ibang bansa. Ito ay natutuhan sa mga Espanyol noong panahon ng Kastila. Ang mga kagamitan at materyales sa pagbuburda ay ang karayom, sinulid, bastidor, gunting, at pantusok o stiletto. Ang karayom ay kailangan na matulis at makinis at ang butas ay mahaba at manipis. Itusok sa pin cushion ang karayom kung hindi ginagamit. Ang gunting na ginagamit ay kailangan maliit at matulis ang dulo ng talim. Ang hawakan ay bilog at katamtaman ang laki. Sinulid ang ginagamit na pamburda. Ito ay kailangan na malambot at maluwag ang pagkakapilipit ng mga hibla. Dapat makintab ang sinulid upang maging maganda ang burda. Ang sinulid ay nakakarete, nakalabay o nakaikid na parang bola. Ang bastidor ang ginagamit sa pagbuburda upang mabanat at di malukot ang disenyo. Ito ay yari sa dalawang binilog na yantok na pinagsusuklob upang ang tela ay maipit at mabinat. Ang stiletto ay yari sa metal, kawayan o kahoy, matulis and dulo at ginagamit na pantusok sa mga butas na kailangan sa disenyo. Ginagamit na tela sa pagbuburda ay ang batiste, pinong katsa, ramie, nainsook, jusi (piña) at breadcloth. 3

DISENYO – kailangan ang dibuho sa pagbuburda. Pumili ng payak na disenyo para sa telang buburdahan. Isaalang-alang ang laki, hugis ng disenyo sa telang paglalagyan. Ang mga katangian ng disenyo na dapat isaalang-alang ay ang mga sumusunod: • Ang guhit ng linya ay maliwanag at maayos • Magkaroon ng “focal point” o makatatawag ng pansin • Nagkakaisa , magkakaugnay ang guhit at hugis ng disenyo • Akma sa laki ng tela ang hugis ng disenyo Sa paglilipat ng disenyo ay maaaring gawin sa pamamagitan ng: • Pagbabakat – ang lapis at papel na karbon ang ginagamit sa pagbabakat. Ilagay ang papel na karbon sa pagitan ng disenyo at tela. Iaspile ang disenyo sa ibabaw ng tela at bakatin ang mga guhit o disenyo ng lapis. • Pagpaplantsa – ang mga yaring disenyo ay maililipat sa tela kapag pinadaanan ng mainit na plantsa. Ito ay natutunaw at naililipat sa tela. • Pagtatatak – ang padrong may disenyo ay butas-butas. Inilalapat ang disenyo sa tela at inihahagod ang espongha na inilubog sa tinimplang gaas at tina. Sa paghahagod ay kailangang maingat upang maisalin ang disenyo sa tela.PAGPILI NG KULAY PARA SA DISENYO Ang kulay ay nagbibigay buhay sa disenyong buburdahan. Piliin ang mgasinulid na magkakabagay ang kulay upang maging masining, maganda angkayarian nito. Sumangguni sa tsart ng mga kulay upang makita ang pag-uugnayan ng bawat kulay. Ang magkakaugnay na kulay kapag nagsasama-samaay nagbibigay ng magandang kumbinasyon at nagiging kaakit-akit. May limang uri ng pag-uugnay ng mga kulay tulad ng: • Monochromatic – ang pinagsamasamang mga kulay ay mula sa iisang kulay ngunit iba-iba ang tingkad. • Analogus – ginagamit ang dalawang magkatabing kulay sa tsart tulad ng asul-berde. • Complimentary – ang paggamit ng dalawang magkatapat na kulay sa tsart tulad ng dilaw at lila, o pula at berde. Huwag gawin pantay ang tingkad ng dalawang kulay na gagamitin. 4

• Split Complimentary – tatlong kulay ang ginagamit dito tulad ng ang katapat ng dilaw ay lila. Sa split complimentary ang pulang tela at asul-lila ang gagamitin sa halip na lila. • Triad – pinagsama-samang tatlong kulay sa tsart na bumubuo ng triyanggulang pantay-pantay. Ang dilaw, asul at pula ay halimbawa ng triad katulad din ng lila, kulay dalandan at berde. Mga Tuntunin sa Pagsasama-sama ng Kulay para sa disenyo 1. Ang malalaking disenyo ay gamitan ng kulay na malamig sa mata. 2. Ang maliliit na disenyo ay maaaring gamitin ang matingkad o madilim na kulay.Isaisip at gawin ang mga tuntunin upang maganda ang kinalabasan ngpagbuburda. MGA URI NG TAHING BURDA Ang paggawa ng iba’t ibang burda sa isang disenyo ay maganda at kaakit-akittingnan. Ang mga uri ng tahing burda at wastong hakbang sa pagbuburda ay angmga sumusunod. 1. Tutos Tahiin sa pamamagitan ng paglalabas-masok ng karayom sa tela upang mag-iwan ng mga tahing pantay-pantay ang pagitan. Ginagamit ito sa mga tangkay ng bulaklak, mga ugat at dahon. 5

2. Sinuksukang Tutos Gumawa ng habing patutos at gumamit ng isang kulay na sinulid, pagkatapos gumamit ng ibang kulay ng sinulid at isuksok sa ibabaw ng bawat tutos mula sa kanan pakaliwa na di tumatagos sa tela. Huwag hilahin nang husto ang sinulid upang maging alon-alon o parang lubid ang tahi.3. Tahing Paatras Itusok ang karayom sa kanan patungo sa kaliwa na parang gumagawa ng tahing tutos. Palabasin ang karayom sa kaliwa at itusok itong pabalik sa unang pinagtusukan sa kanan. Palabasin ito sa kasinghaba ng agwat sa unang tahi. Itusok muli ang karayom matapos hilahin ang sinulid pabalik sa dulo na nakaraang tahi.4. Tahing Balangkas Tulad din ito ng tahing paatras ngunit nagsasanib ang dalawang magkasunod na tahi. Kung ang guhit ng lalagyan ng tahing ito ay nakahiga, magsimula sa kaliwa pakanan. Kung patayo naman ang guhit na 6

susundan, simulan ito sa itaas. Itusok ang karayom nang paatras sa may kalagitnaan ng sinakop na pagitan. Palabasin ito nang lagpas sa unang tinusukan at higitin ang sinulid nang katamtamang higpit. Itusok muli ang karayom sa gawing kanan ng unang tahi sa may kalagitnaan. Palabasin ang karayom nang lagpas sa sinundang tahi at pabalik namang itusok sa kalagitnaan ng nakaraang tahi hanggang mapuno ang guhit.5. Tahing Kadena Simulan ang tahi sa itaas ng disenyo pababa. Itusok ang karayom sa kabaligtaran patungong karayagan. Gumawa ng maliliit na bilog at pigilan ito ng hinlalaki habang tinutusok ang karayom sa unang nilabasan nito. Ilabas ang karayom nang may kalayuan sa pinasukan nito habang pigil ng hinlalaki ang isa pang bilog. Higitin ang sinulid at isuksok muli ang karayom sa pinanggalingan nito. Gawing paulit-ulit ang mga hakbang hanggang mabuo ang kadena. Ginagamit ito sa mga maririin at malalaking guhit sa disenyo at maaaring palaman o padding para sa ibang tahi tulad ng satin.6. Tahing Ohales Simulan ito sa kaliwa patungong kanan. Palabasin ang karayom sa karayagan ng tela. Pigilin ng kaliwang hinlalaki ang sinulid at gumawa ng silo na paikot sa karayom na ang sinulid sa may butas ng karayom ang ipaninilo. Higitin ang sinulid pakanan upang umayos at lumapat ang silong ginawa sa kanang gilid ng tahi. Ulit-ulitin ito sa kahabaan ng disenyo. 7

7. Tahing Herringbone Ginagawa ito sa pagitan ng dalawang guhit. Palabasin ang sinulid sa guhit sa gawing ibaba. Itusok ang karayom sa itaas na guhit at gumawa ng maikling tahi mula sa kanan pakaliwa. Higitin ang sinulid at itusok naman ang karayom sa gawing kanan sa ibabang guhit at kumuha ng maliit na tahi patungo sa kaliwa. Ginagamit ang tahing ito para sa makapal na tangkay at sa pagkakabit ng mga buong bahagi ng disenyo upang magbigay ng bisang nakapagpapagaan.8. Tahing Buto Ginagamit ito sa mga bahagi ng dibuho na may malalaking puwang upang hindi magmukhang bakante. Ito ay ginagawa katulad ng tahing paatras ngunit hindi ito dikit-dikit at higit na maliliit ang bawat tahi. Ikalat nang salit-salit ang mga tahi sa bahaging binuburdahan na magkakatulad ang agwat ng tahi sa bawat isa. 8

9. Buhol Pranses Palabasin ang karayom sa karayagan ng tela. Puluputan ng sinulid nang dalawa o tatlong beses ang karayom malapit sa tela. Hugutin ang karayom at muling itusok malapit sa butas na nilabasan nito. Hilahin patungong kabaligtaran ng tela ang karayom. Ulitin ang pamamaraan sa malapit sa naunang ginagawang tahi. Maaaring dagdagan o bawasan ang dami ng pulupot ayon sa laki ng buhol na ibig gawin.10. Slip Stitch Ginagamit ito sa mga scallop at pakurbang gilid ng disenyo. Lagyan muna ng tahing tutos ang loob o guhit ng disenyo upang umangat ito. Simulan ang paggawa ng tahi sa pinakatulis na dulo ng scallop. Itusok ang karayom sa ilalim ng pakurbang gilid at palabasin sa ibabaw ng kurba. Hawakan ang sinulid sa kaliwang hinlalaki upang magkaroon ng silo sa labas ng gilid ng ginagawang tahing tutos. Hilahin ang sinulid upang lumapat nang maayos ang tahi sa tela. Itusok muli ang karayom sa ilalim at ulitin ang hakbang hanggang matapos. Gawing dikit-dikit ang mga tahi. 9

11. Tahing Satin Gumawa muna ng tahing tutos sa loob ng disenyong lalagyan ng tahing satin upang magsilbing palaman. Ipasok at ilabas ang karayom sa mga gilid ng disenyong nilagyan ng tutos. Gawing masinsin at dikit-dikit ang bawat tahi upang hindi makita ang palamang tahi. Gawing katamtaman din ang hila sa sinulid upang hindi malukot o mangulubot ang mga gilid. Dapat maging makinis, pantay-pantay, at hindi patung-patong ang tahi. Kung malapad ang bahaging buburdahan, hating burdang satin ang ginagamit. Pareho din ang mga hakbang na isinasagawa rito ngunit dapat tapusin muna ang isang bahagi bago simulan ang kabila upang maging maayos ang pagkakahati ng tahing ito.12. Tahing Tangkay na Pranses Ito ay ginagamit sa pagbuburda ng mga tangkay at mga letra o monograms. Gumawa muna ng tahing balangkas sa disenyo. Gumamit ng makapal-kapal na sinulid para sa tahing balangkas upang umumbok ang tahing tangkay na Pranses. Simulan ang tahi mula sa kaliwa pakanan. Ilabas ang karayom sa kaliwa ng tahing balangkas, itusok pakanan, at palabasin muli sa malapit sa unang tahi sa kaliwa. Dapat kunin ang karayom ang mga hibla ng sinulid na nasa ilalim ng tahing balangkas. Gawing dikit-dikit at pare-pareho ang haba ng bawat tahi. 10

13. Tahing Mahaba at Maikli Ginagamit ito upang bigyang-buhay ang mga talulot ng bulaklak at mga dahon. Hindi na kinakailangang lagyan ng tahing tutos ang ilalim ng tahi sapagkat hindi ito pauumbukin. Ang tahi ay sinisimulan sa kaliwa pakanan ayon sa hugis ng disenyo. Katulad din ng tahing satin ang paggagawa rito ngunit salitang mahaba at maikli ang bawat tahi na ginagawang magkadikit-dikit.14. Eyelet Ginagamit ito sa maliliit na bilog na bahagi ng disenyo. Palibutan muna ng dalawang hanay ng tahing patutos ang bilog bago ito butasan na ginagamit ang stilleto. Patungan ng tahing paulit-ulit o overcasting ang gilid ng butas upang matakpan ang tahing tutos at ang naputol na mga hibla ng binutas na tela. Gawing dikit-dikit at pantay-pantay ang mga tahi sa paligid ng butas upang magandang tingnan. 11

SUBUKIN MOSubukan mong sagutin ang mga natutuhan mo sa pagbuburda. Hanapin sa puzzle ang mga salitang gamit sa pagbuburda, mga salitang kailangansa pagpili ng disenyo, pagpili ng kulay at mga uri ng tahing burda. Isulat ang mgasalita sa isang papel o kuwaderno.BAS T I DOR S PADENAB I DEKNODAFGORGUNT I NGNTGR S TUS TUEYE L ETTR I ADKE LGH I MP SAT I NES T I L E T TONTABKDBKD I S ENYOANTHNP AGBAB AKA T DU E OR S N L BOMD P AG T H EA T GAN L QK S K L OMNBUHOL P RANS E S O P1. Ginagamit sa pagbuburda upang mabanat at di-malukot ang disenyo.2. Ito ay ginagamit sa pagpuputol ng sinulid.3. Kailangan na malambot at maluwag ang pagkapilipit.4. Ginagamit na pambutas sa telang buburdahan.5. Uri ng paglilipat ng disenyo na ginagamitan ng papel na karbon.6. Ito ay dibuho sa pagbuburda.7. Ang padron may disenyo ay butas-butas.8. Pinagsama-samang tatlong kulay.9. Ang tahi ay pantay-pantay ang pagitan at ginagamit sa tangkay.10. Tahing ginagamit na panakip sa dahon at bulaklak.11. Ang pagpupulupot ng sinulid sa karayom nang dalawa o tatlong beses.12. Ginagamit ang tahing ito sa maliliit na bilog na bahagi ng disenyo at binubutasan.MGA SAGOT SA PUZZLE:1. bastidor 5. pagbabakat 9. tutos2. gunting 6. disenyo 10. satina3. sinulid 7. pagtatatak 11. Buhol Pranses4. stiletto 8. triad 12. eyelet 12

TANDAAN MO Ang pagbuburda ay isang magandang hanapbuhay o gawaing kamay namapagkakakitaan upang umunlad ang buhay. ISAPUSO MOA. Gumuhit nang masayang mukha kung ang nadama mo ay kasiya-siya at ekis (x) kung hindi sa mga sumusunod na pangyayari. Ang sagot ay isulat sa malinis na papel o kuwaderno._____ 1. Naihandang lahat ni Tita ang mga materyales at kagamitan bago_____ magsimula sa pagbuburda.__________ 2. Hindi sinunod nang wasto ni Ligaya ang mga hakbang sa_____ pagbuburda ng mga dahon at bulaklak. 3. Gumamit ng ngipin sa pagputol ng sinulid na panahi ang ina ni Bella. 4. Natapos sa takdang panahon ang gawaing proyekto ng pagbuburda si Tita. Pinuri siya ng kanyang guro. 5. Malinis at maayos ang pagkakalipat ng disenyo sa telang buburdahan na ipinagawa ng kanyang ina kay Ligaya.B. Iguhit ang mga kagamitan sa pagbuburda tulad ng:1. karayom2. sinulid3. gunting4. bastido 13

5. stiletto Isagawa ito sa malinis na papel o kuwaderno.C. Kilala ang mga telang buburdahan tulad ng barong tagalog, damit pangkasal, panyo, table cloth, punda at kimona sa Taal, Lukban at Bulacan. Ibigay ang mga kabutihang naidudulot sa mga mamamayan ng Taal, Lumban at Bulacan. Isulat sa papel o kuwaderno ang iyong sagot. GAWIN MOA. Bilang pagsasanay iguhit o idrowing ang mga uri ng tahi. Gawin sa isang malinis na papel o kuwaderno. 1. Tutos 2. Tahing Kadena 3. Tahing Balangkas 4. Tahing Herringbone 5. Tahing Buto 6. Tahing Satin 7. Tahing Ohales 8. Tahing Slip StitchB. Kapanayamin ang kilala mong mananahi sa inyo at itanong ang mga kagamitang naburdahan na. Itanong kung ano ang mga naging suliranin sa pagbuburda. (Isulat ang mga kasagutan sa kuwaderno)C. Sumulat ng isang talata sa kuwaderno ukol sa gawaing Pagbuburda. 14

PAGTATAYAPanuto: Isulat sa papel ang titik ng wastong sagot. 1. Ang __________ ay kailangan na matulis, makinis ang butas ay mahaba at manipis. A. sinulid B. karayom C. stiletto D. bastidor 2. Ginagamit ang __________ sa pagpuputol ng sinulid at ang hawakan ay bilog at katamtaman ang laki. A. bastidor B. stiletto C. gunting D. karayom 3. Pumili ng payak na __________ para sa telang buburdahan. A. disenyo B. tela C. bastidor D. stiletto 4. Ang lapis at papel na karbon ang ginagamit sa __________ ng disenyo. A. pagbabakat B. pagtatatak C. pagpaplantsa D. pagbuburda 5. Ang pagsasama-sama ng tatlong kulay sa tsart na bumubuo ng triyanggulong pantay-pantay ay tinatawag na __________. A. analogus B. triad C. monochromatic D. komplimentaryo 15

6. Ang __________ ay ang pinagsama-samang mga kulay mula sa iisang kulay ngunit iba-iba ang tingkad. A. monochromatic B. complimentary C. split-complimentary D. triad7. Ang __________ ginagamit sa mga butones ng polo shirt. A. tahing buto B. tahing satin C. tahing ohales D. tahing tutos8. Maliliit na pabilog at binubutas ng stiletto ang tahing __________. A. tutos B. eyelet C. balangkas D. ohales9. Ang stiletto ay maaaring yari sa kawayan, kahoy at __________. A. metal B. bubog C. goma D. plastik10. Ang tela na magandang burdahan ay ang __________. A. lana B. ramie C. denim D. satin Kung nasagutan mo nang buong husay ang bahaging pagtataya ng modyul, binabati kita! Maaari mo nang pag-aralan ang susunod na modyul. 16

GRADE V KAHALAGAHAN NG TINGIANG TINDAHAN ALAMIN MOKumusta ka na? Alam kong marami ka nang panimulang kaalaman at kasanayan satingiang tindahan noong ikaw ay nasa ikaapat na baitang. Sa modyul na ito, malalaman mo ang kahalagahan ng matalinong pamamahala ngtingiang tindahan. “In” ka na? 1

PAGBALIK-ARALAN MOHanda ka na bang sagutin ang mga katanungan tungkol sa tingiang tindahan? Kunghanda ka na basahin mo ang panuto. Panuto: Isulat ang TAMA sa kuwadernong sagutang papel kung wasto ang isinasaadng pangungusap at kung MALI ibigay ang wastong sagot. Simulan mo na. 1. Ang pagtitinda ng tingian ay isang gawaing may kasamang paglilingkod. 2. Sa tingiang tindahan, binibili ang mga produkto ng isahan, maramihan o bultuhan. 3. Ang magtataho, magbabalot at magpuputo ay ilan lamang sa halimbawa ng nagtitinda ng tingian sa pamayanan. 4. Sa pamamagitan ng tingiang tindahan ay matutugunan ang mga pangangailangan ng mga mamamayan sa higit na maginhawa at mabilis na paraan. 5. Ipinagbawal ng pamahalaan ang pagtatayo ng tingiang tindahan kahit saang lugar.Handa ka na ba? Tingnan ang wastong sagot sa likod ng modyul na ito. Binabati kita!Nakuha mo bang lahat ang tamang sagot. O, huwag kang malungkot. Pagbutihin mo angsusunod na gawain. 2


Like this book? You can publish your book online for free in a few minutes!
Create your own flipbook