PAG-ARALAN MO KAHALAGAHAN NG TINGIANG TINDAHAN Alam mo ang kahalagahan ng tingiang tindahan? Kung marunong sa pamamahala sa pagtatag ng tingiang tindahan, malaki ang maitutulong nito sa mag-anak dahil sa tubong kikitain. Ito’y nagbibigay ng karagdagang kita sa nagsisilbing isang marangal na hanapbuhay. Nagkakaroon ang mag-anak ng pagkakataong maging malapit sa isa’t isa at makapaglingkod sa iba. Kung magtutulungan ang mag-anak, sila ay magiging modelo sa kanilang komunidad.Naunawaan mo ba ang iyong binasa?Basahin ang parirala/pangungusap at pag-aralan kung ang bawat isa ay nagsasabi tungkolsa kahalagahan ng tingiang tindahan. A. umuunlad ang pamumuhay ng mag-anak B. nagkakaroon ng pagkakataong magkatulungan ang mag-anak C. natutugunan ang mga pangangailangan D. nakakapaglingkod sa pamayanan E. nagkakaroon ng karagdagang kitaLahat ba ng mga parirala/pangungusap ay nagsasabi tungkol sa matalinong pamamahalang tingiang tindahan? Tama ka. Binabati kita! TANDAAN MO Ang matalinong pamamahala ng tingiang tindahan ay nagdudulot ng maraming kabutihan sa mag-anak. 3
ISAPUSO MOBasahin. Ang mag-anak na Reyes ay may isang tindahan. Si Mang Juan ang nagbubukas ng tindahan at si Aling Maring ang namimili ng paninda sa palengke. Habang nasa palengke si Aling Maring ang kaisa-isa nilang anak na si Rita ang nagbabantay sa tindahan.Anong mabuting ugali ang ipinakikita ng mag-anak? GAWIN MOGumuhit ng isang pamilyang kilala mo sa inyong barangay na nagpapakita ngpagtutulungan. 4
PAGTATAYA Sa pamamagitan ng concept web, itala ang mga kabutihan ng matalinongpamamahala ng tindahang tingian. Isulat sa iyong sagutang papel.15 2 Kahalagahan ng tindahang tingian 43Kung nasagutan mo nang buong husay ang bahaging pagtataya ngmodyul, binabati kita! Maaari mo nang pag-aralan ang susunod namodyul. 5
GRADE V MGA KATANGIAN NG ISANG MAHUSAY NA TINDERA/ TINDERO ALAMIN MONakaranas ka na bang magtinda? Suriin mo ang tinderang nakalarawan. Ano angmasasabi mo? Sa modyul na ito, matutukoy mo ang mga katangian ng isang mahusay natindera o tindero. Makatutulong ito sa iyo balang araw. 1
PAGBALIK-ARALAN MO Naalaala mo pa ba ang iyong pinag-aralan ukol sa mga alintuntuning dapat sundinsa pagtitinda ng tingian? Sagutin mo ang mga sumusunod na tanong at isulat ito sa kuwadernong sagutan. 1. Ano-anong mga kaukulang pahintulot ang nararapat kunin sa pamahalaan bago magtayo ng tingiang tindahan? 2. Saan maaaring manggaling ang panimulang puhunan? 3. Ano ang dapat bayaran sa gobyerno ng isang nagtatatag ng tingiang tindahan? PAG-ARALAN MO Narito ang isang tula na kapupulutan ng magandang aral at maraming kaalaman. Basahin ito at pag-aralan. MAHUSAY NA TINDERA/ TINDERO Ako’y may kilalang isang magandang tindera/tindero Maayos manamit, katawa’y malinis pa. May magandang kalusugan, personalidad kaaya-aya May sapat na kaalaman sa kanyang pagtitinda Mga wastong ugaling dapat na taglayin Isinasabuhay niya nang may pagkamasunurin Sa mamimili’y magalang at magiliw din Masipag, matiyaga, tapat at masayahin Maganda ang tula di ba? Saulohin mo ito. Bigkasin sa harap ng isang kasambahay. 2
SUBUKIN MOSagutin mo ang mga sumusunod na tanong. Isulat ang sagot sa iyong kuwaderno.1. Anong mga katangian ng isang mahusay na tindera ang ipinahayag ng tulang nabasa mo?2. Paano dapat magtinda ang isang tindera?3. Anong magandang aral ang isinasaad ng tula? TANDAAN MO May mga katangian na dapat taglayin para maging isang mahusay na tindera na nakapagbibigay saya sa mga mamimili upang umunlad ang tingiang tindahan. ISAPUSO MOA. Anong magandang kaasalan ang natutuhan mo sa modyul na ito?B. Basahin ang mga talata sa ibaba. Sagutin ang mga tanong ukol dito at isulat sa iyong kuwaderno. 1. Si Madona ay tumutulong sa kanyang ina sa pagtitinda. Sa pagtanggap niya ng bayad, napansin niya na labis ang bigay na pera. Tinawag niya ang bumili at isinauli niya. Kung ikaw si Madona, gagawin mo rin ba iyon? Bakit? 3
2. Tuwing may bibili kay Madonna na nakatatanda sa kanya, siya ay gumagamit ng po o di kaya ay opo. Maraming bumubili sa kanya. Tutularan mo ba si Madona? Ipaliwanag ang sagot mo. GAWIN MO A. Gumuhit ng isang larawan ng tindera. Isulat sa ilalim nito ang mga katangian ng tinderang nakalarawan. B. Magtanong-tanong sa mga tinderang kakilala kung ano pa ang mga dagdag katangian na dapat taglayin ng isang tindera para sa mahusay na pagtitinda.PAGTATAYAA. Panuto: Tukuyin ang magagandang katangian ng isang tindera. Pumili sa mga pariralang nakatala sa ibaba. Isulat ang sagot sa iyong kuwaderno. 1. Palangiti sa mga mamimili 2. Isinasauli ang labis na pera 3. Ipinaliliwanag ang kahalagahan ng kalakal sa mamimili 4. Masigla, magaan ang katawan at parang walang kapaguran 5. Madalas nililinis at inaayos ang tindahan.Matiyaga MalinisMalusog MatapatMagiliw MagalangKung nasagutan mo nang buong husay ang bahaging pagtataya ngmodyul, binabati kita! Maaari mo nang pag-aralan ang susunod namodyul.4
GRADE V PAMAMAHALA NG TINGIANG TINDAHAN ALAMIN MOTingnan mong mabuti ang larawang ito. Ano ang masasabi mo? May karanasan ka na basa ganitong gawain? Alam mo, sa modyul na ito, matutukoy mo ang mga gawaing kaugnay sa pamamahalang tingiang tindahan. Mahalagang malaman mo ito. Maaaring isang araw, ikaw na angmay-ari nito. PAGBALIK-ARALAN MO Bago mo ipagpatuloy ito, isulat mo muna sa iyong kuwadernong sagutan ang mga kahalagahan ng matalinong pamamahala ng tingiang tindahan at ang magiging epekto nito sa mga tao sa pamayanan. Ang galing mo! 1
PAG-ARALAN MO Ngayon ay handa ka na sa bago mong aralin. Basahin at unawain mo ito. Mga Gawaing Kaugnay sa Pamamahala ng Tingiang Tindahan Ang pangangasiwa ng tingiang tindahan ay maituturing na isang marangal na gawain athanapbuhay. Kailangang malaman ng isang nagbabalak magtayo ng tingiang tindahan ang mgagawaing kaugnay sa pamamahala nito. Dito nakasalalay ang ikauunlad ng tingiang tindahan. 1. Paglilinis ng Tindahan Dapat linising mabuti ang loob at labas ng tindahan para maging kaayaaya sa mga mamimili. 2. Pamimili ng mga Paninda Magkaroon ng listahan ng mga bibilhing mga paninda upang makatipid sa oras, pera at lakas. 3. Pagsusuri ng mga Paninda Isa-isahin ang mga talaan ng pinamili. Tingnan kung naroong lahat ang iyong pinamili, walang depekto at tama ang dami. Lagyan ng etiketa o “tag price” ang mga paninda. 4. Pag-aayos ng mga Paninda Dapat ayusin ang mga paninda ayon sa uri at laki ng mga ito. Tandaan mo na malaki ang epekto ng magandang kaayusan ng iyong mga paninda sa loob ng tindahan tulad ng: a. Magbibigay ito ng kaluwagan at kaginhawahan sa mga suki. b. Magbibigay ito sa tindahan ng magandang kaanyuang kaakit-akit pagmasdan. c. Magsisilbi itong mabisang anunsiyo sa mga paninda. d. Makatutulong ito upang mabilis na mabili ang mga panindang matutumal o panindang di mabili. e. Maraming mamimili ang maaakit na mamili sa tindahan. 2
5. Pagtitinda Dapat isabuhay ang lahat ng mga magagandang kaugalian ng isang mahusay na tindera sa pagtitinda upang umunlad ang iyong tingiang tindahan.6. Pag-iimbentaryo Dapat imbentaryuhin ang mga paninda. Ito’y isang mahalagang gawain upang mapamahalaan nang maayos ang tindahan. Maaari itong gawin nang araw-araw, linggu-linggo o buwanan. Makikita sa imbentaryo kung alin ang mga panindang dapat damihan at kung alin sa mga ito ang dapat bawasan.7. Pangangalaga sa mga Kagamitan, Kasangkapan at Paninda sa TindahanDi ba makabuluhan ang mga kaalamang ito para sa iyo? Masuwerte ka! SUBUKIN MONgayon, natamo mo na ang mga kaalaman at kasanayan sa mga gawaing kaugnaysa pamamahala ng tingiang tindahan. Subukin mong sagutin ang sumusunod natanong. Tukuyin ang mga gawaing kaugnay sa pamamahala ng tingiang tindahan. Bakit dapat gawin ang mga ito?Isulat sa kuwadernong sagutan ang iyong kasagutan. TANDAAN MO May mga kaugnay na gawain na dapat matutuhan, pagsanayan at sundin kaugnay sa pamamahala ng tingiang tindahan. 3
ISAPUSO MOSa modyul na ito, anong magandang aral ang napulot mo?Dapat akong maging malinis sa aking tindahan at maging masipag sa mgagawain dito upang ako ay magtagumpay, umunlad at makatulong sa akingkapwa. GAWIN MOIkaw ay may-ari ng isang tingiang tindahan. Upang maging maayos at matagumpayang iyong pamamahala, anu-anong kaugnay na gawain ang dapat mong bigyan ngpansin?Ipahayag ito sa pamamagitan ng pagbuo ng mga kawikaan. Isulat ito sa iyongkuwadernong sagutan. PAGTATAYABasahin mo ang mga pangungusap o tanong tungkol sa mga gawaing kaugnay sapamamahala ng tindahan. Piliin ang tamang titik ng tamang sagot. Isulat sa iyongkuwadernong sagutan.1. Alin sa mga sumusunod na gawain sa pamamahala ng tindahan ang magbibigay ng damdaming kaginhawaan sa mga mamimili? A. pag-aayos ng mga paninda B. pag-iimbentaryo ng mga paninda C. paglalagay ng “tag price” o etiketa sa mga paninda D. pagpapanatiling malinis ang loob at labas ng tindahan 4
2. Bakit dapat may “tag price” ang mga bilihin ng mga mamimili sa tindahan? Upang makatipid sa ______.A. oras C. lakasB. pera D. oras, pera at lakas3. Ano ang tawag sa gawaing ito? Paghahambing ng mga panindang binili at talaan ng pinamili upang malaman kung may nawawalang panindang binili.A. pagtitinda C. pagsusuriB. pag-iimbentaryo D. pamimili4. Anong gawain ang tawag sa pagsasalansan ng mga paninda sa istante ayon sa uri?A. pagbibiliB. pagsusuriC. pag-iimbentaryoD. pag-aayos ng mga paninda5. Ano ang tawag sa gawain na ang layunin ay malaman kung anong mga paninda ang mabili, kung alin ang matumal at kung magkano ang halaga ng paninda?A. pagtitindaB. pag-iimbentaryoC. pagsusuriD. pamimili Kung nasagutan mo nang buong husay ang bahaging pagtataya ng modyul, binabati kita! Maaari mo nang pag-aralan ang susunod na modyul. 5
GRADE V PAGKUKUWENTA NG PINAGBILHAN SA TAMA AT MAAYOS NA PAMAMARAAN ALAMIN MO Tingnan mo ang larawan? Ano ang ipinakikita nito?Magkano kaya ang tinutubo sa pagtitinda ng taho? mais? diyaryo? Gusto mo bangalamin? Sa modyul na ito malalaman mo ang kahalagahan ng maayos at tamangpagkukuwenta ng pinagbilhan at ang ginamit na puhunan. Sa gayon malalamanmo kung ikaw ay tumubo o nalugi sa ginawang pagtitinda. 1
PAGBALIK-ARALAN MOSa pamamagitan ng cluster map isa-isahin mo ang mga katangian ng isangmahusay na magtitinda.14 Mga Katangian ng2 Mahusay na 5 Magtitinda 6 3 Naibigay mo bang lahat? Binabati kita. Natandaan mo ang mga aralin sanakaraang modyul.PAG-ARALAN MOBasahin mo ang dalawang senaryo. Senaryo 1 Si Donna ay namili ng mga panindang bulaklak sa Dangwa sa halagang P350.00. Ang napagbilhan niya ay P500.00. Siya ba ay tumubo? Magkano ang kanyang tinubo? 2
Senaryo 2 Ang mag-amang Edwin at Feliza ay namili ng mga bote at dyaryo samga kapitbahay. Marami silang bote at dyaryong nabili. Namuhunan silang P400.00 at naipagbili ang mga bote at dyaryo sa halagang P730.00.Sila ba ay tumubo? Magkano ang kanilang tinubo?Paano ang ginawa mo para makuha ang tubo? Narito ang isang tsart na nagpapakita ng talaan ng puhunan at pinagbilhan ni Nidang ilang paninda sa loob ng isang araw. Paninda Puhunan Pagbibili Tubo1 sabon pampaligo P 25.00 P 35.00 __________1 pakete shampoo __________1 sardinas 2.50 5.00 __________1 piraso sabong panlaba 8.50 11.00 __________ 4.50 6.00 KABUUAN• Maaari bang sagutin mo ang mga tanong?1. Magkano ang puhunan ni Nida sa sabong pampaligo?2. Magkano niya ito pinagbili?3. Magkano naman ang tubo niya?4. Sa isang maliit na pakete ng shampoo, magkano ang puhunan? Magkano ang pagbibili? Magkano naman ang tubo?• Kwentahin mo ang tubo sa isang sardinas at gayundin sa sabong panlaba.• Nakuha mo ba? Magkano naman ang kabuuang puhunan?• Magkano ang kabuuang pagbibili?• Magkano ang kabuuang tubo?• Nahirapan ka ba? Alam kong kayang-kaya mo yan. Isinulat mo ba sa sagutang papel ang iyong mga sagot?• Sa pagtitinda kailangan ang talaan ng pinamili at talaan ng pinagbilhan upang malaman kung may tubo o nalugi.• Ang tawag natin sa mga talaang ito ay imbentaryo ng pinamili at imbentaryo ng pinagbilhan. 3
SUBUKIN MOPunan ang patlang ng mga kailangang datos para makumpleto ang talahanayan. Paninda Puhunan Pinagbilhan Tubo1) 5 kilong bigas __________2) 10 sardinas P 90.00 P 115.003) 15 noodles P 30.004) 5 sabong panlaba P 80.00 __________ P 30.005) 3 sabong pampaligo __________ __________ P 97.50 P 6.00 P 30.00 P 35.00 P 39.00 P 45.00 KABUUAN1. Magkano ang naging benta ng tindahan sa loob ng isang araw?2. Magkano ang kabuuang tubo?TANDAAN MO Ang maayos na pagkukuwenta ay mahalaga sa kaunlaran ng tindahangtingian. Dito mo malalaman kung kumita o nalugi sa ginawang pagtitinda. ISAPUSO MO Naging maunlad si Nida sa kanyang itinayong tindahan. Maingat at mahusaysiya sa pagkukuwenta ng pinamili at pinagbilhan. Naging tapat siya sa kanyanggawain. Tutularan mo ba siya? Bakit? 4
GAWIN MO 1. Makipanayam sa guro sa kantina ng paaralan. Alamin kung magkano ang halaga ng panindang inirarasyon sa inyong silid-aralan sa isang araw. 2. Magkano ang puhunan 3. Iba pang pinagkakagastusan 3.1. Bayad sa manggagawa 3.2. Pamasahe 3.3. Iba pa 4. Magkano ang tubo? Matapos mong alamin sa guro ng kantina ang halaga ng rasyon sa inyongsilid-aralan, humingi ka sa iyong guro ng pahintulot na ikaw na ang magtitindang paninda sa iyong klase. Kuwentahin mo kung magkano ang tubo ng kantina sa inyong klase sa isangaraw. Inaasahan ko na ikaw ay magiging matapat at maayos sa pagkukuwenta. Good Luck hanggang sa susunod na Modyul. 5
PAGTATAYA Nagluto si aling maring ng sopas sa karinderya niya, namili siya ng sangkap nitosa halagang P500.00 may iba pa siyang pinagkagastusan tulad ng uling na panluto,pamasahe at bayad sa katulong na umaabot sa P150.00. Naipagbili lahat ng sopas sahalagang P1,000.00. Tuwang-tuwa sila kahit pagod. Sagutin ang mga sumusunod: 1. Ilan ang halaga ng mga sangkap? 2. Anu-ano ang iba pang pinagkagastusan? 3. Ilan ang kabuuang puhunan? 4. Ilang ang kabuuang kita? 5. Ilang porsyento ang kinita? Kung nasagutan mo nang buong husay ang bahaging pagtataya ng modyul, binabati kita! Maaari mo nang pag-aralan ang susunod na modyul. 6
GRADE V KAALAMAN SA MATALINONG PAMIMILI ALAMIN MO Hi! Kaibigan nais kitang tulungan, basahin mo ang modyul tungkol sakaalaman sa matalinong pamimili. Bakit kailangang matalino ka sa pamimili ngmga pagkaing ihahanda para sa iyong mag-anak? Ang pamamalengke ay madaliat kawili-wiling gawin kung marunong kang magbalak ng pagkain at maykaalaman ka sa pamamalengke. Malaki ang maitutulong sa iyo ng kasanayan sapamimili upang makatipid ng oras, pera at lakas. O sige, kaibigan, pag-aralan mona ang modyul para madagdagan ang iyong kaalaman sa paghahanda ng pagkainng mag-anak. 1
PAGBALIK-ARALAN MO Susubukan kita kung natatandaan mo ang aralin tungkol sa wastong pagbabalakng pagkain. Sa pamamagitan ng circle grap sagutan mo nang buong husay anghinihinging kasagutan sa ibaba nito. Ang sentral na konsepto nito ay ang salik sapagbabalak ng pagkain ng mag-anak at nalilibutan ng mga salik (factor) na nauugnaydito. Sa ganitong paglalahad, ibigay mo ang nabanggit na salik sa pagbabalak ngpagkain para sa kabuuan ng nakaraang aralin. 2 1 10 93 8 Salik sa 4 Pagbabalak ng 7 Pagkain ng Mag-anak 56 2
PAGBALIK-ARALAN MOI. Pangkatin ang uri ng pagkaing nabibili sa pamilihang bayan at ang katangian ng mga dapat bilhin. Sa pamamagitan ng Data Retrieval Chart buuin ang mga impormasyong nakasulat sa loob ng cell na magsisilbing gabay sa pagbili ng sariwa at mataas na uri ng pagkain. Ngayon simulan mo na kaibigan ang pagsagot. Pagkaing Nabibili Magandang KatangianA. Karneng BaboyB. Karneng BakaC.Karneng Manok 3
Pagkaing Nabibili Magandang KatangianD. Malinaw ang mata, mapula ang hasang Isda Mabigat makinis ang balat, lumulubogE. sa tubig Itlog Buo ang butul, walang di-kanais-nais naF. amoy, mabigat ang butil BigasG. Prutas at Gulay Mabigat lumulubog sa tubigH.Butil na Gulay 4
II. Tingnan ko kung marami ka nang natutunan tungkol sa wastong paraan sa pamimili ng pagkain. Panuto: Sagutan ng Oo kung wasto ang isinasaad ng pangungusap at Hindi kung di wasto ang isinasaad ng pangungusap, subali’t kung ito ay mali, iyong iwasto. 1. Bumili ng maramihan upang makamura. 2. Tiyakin ang mga pangangailangan. 3. Bumili ng pagkaing hinog na hinog na upang makatipid. 4. Huwag nang magdala ng listahan, dahil ito’y nakaaabala sa pamimili. 5. Isaalang-alang ang sustansya ng pagkain sa pamimili. 6. Alamin ang kailangang bilhin. 7. Bumili ng pagkaing pira-piraso kaysa tinitimbang o sinusukat. 8. Ipamahala sa tindera ang pinamimili bilang pagtitiwala sa kanila. 9. Huwag magpadala sa mga Advertisement at pananalita ng tindera. 10. Bumili ng pagkaing napapanahon upang makatipid. 5
SUBUKIN MOPumunta ka sa sari-sari store, grocery, at palengke. Paano nagkakaiba ang halagaat uri ng kanilang mga tinda? Alamin mo ang halaga at uri ng mga sumusunod napaninda sa ibaba at itala ang halaga ng mga ito. Alamin kung saan ang maymataas na uri ng pagkain. Gamitin mo ang kaalamang natutunan sa ating aralin. Halaga sa: Sari-sari Store Grocery Palengke12 itlog1 kilong karneng manok2 kilong bigas (sinandomeng)1 kilo na galunggong1 taling sitaw1 litrong langis2 guhit ng monggo beans1 kilong asukal (puti) 6
TANDAAN MO Isinasaisip ang mga batayan sa pamimili upang maging maayos at mapadali ang lahat ng kailangang bilhin. ISAPUSO MO Basahin mo kaibigan ang sumusunod na pangungusap tungkol sa pamimili ngpagkain at isulat mo sa kuwaderno kung anong kagandahang asal ang isinasaad sabawat pangungusap. 1. Upang mabigyan ng pagkakataon ang ibang mamimili mahusay na inaasikaso sila ng tindera. Sagot: ________________ 2. Ipinabahala ni Aling Ising ang pagpili ng hinog na saging sa kilala niyang tindera. Sagot: ________________ 3. Si Aling Rosa ay umikot sa tindahan ng isda para makakita ng sariwang isda. Sagot: ________________ 4. Umiwas sa piligrong lugar ng pamilihan si Aling Julia, upang siya ay di madukutan ng pera. Sagot: ________________ 5. Binuhat ng kargador ang lahat na pinamili ni Aling Pinay, nang walang katumbas na kabayaran, nagpasalamat naman si Aling Pinay. Sagot: ________________ 7
GAWIN MO Kaibigan, nais kong sumulat ka ng maikling talata sa iyong kuwaderno ukol sa kaalaman sa matalinong pamimili. PAGTATAYAPanuto: Isulat ang titik ng wastong sagot. 1. Ang sariwang baboy ay may _______________. A. malamig at mapulang mga laman B. malarosas, malambot at walang amoy C. may tatak ng tindahan o pabrika 2. Upang makatiyak na sariwa ang binibiling isda ay dapat _______________. A. amuyin ang kaliskis B. malinaw ang mata at mapulang hasang C. malambot at buo ang tiyan 3. Bumibili ng itlog si Jerome. Pinili niya ang _______________. A. malaki at magaspang ang balat B. makinis at matulis ang hugis C. mabigat at lumulubog sa tubig 4. Sa pamimili ni Lito ng bigas ay pinipili niya ang maalsang isaing at _______________. A. mapalay at mura B. buo ang butil at walang di-kanais-nais na amoy C. mabigat at maputi 8
5. Nais ni Camille na pumili ng malalaki at matatamis na dalandan sa nakabuntong paninda. Ano ang dapat niyang gawin? A. umikot sa palengke at maghanap ng malalaking dalandan B. ipakiusap sa tindera na gusto niyang pumili ng malalaking dalandan C. halikwatin ang bunton at kunin ang malalaki Kung nasagutan mo nang buong husay ang bahaging pagtataya ng modyul, binabati kita! Maaari mo nang pag-aralan ang susunod na modyul. 9
GRADE V PAGPAPAHALAGA SA MGA GAWAIN ALAMIN MOSa panahon ngayon, napakasuwerte na ng taong may pirmihang hanapbuhay. Kumikita kana, nakakatulong pa. Bahagi ka pa ng pag-unlad ng iyong pamayanan. Suriin mo anglarawang ito. Ano ang masasabi mo? Sa modyul na ito, lubos mong mauunawaan kung paano maipakikita ng isangmahusay na tindera ang pagpapahalaga sa mga gawain sa tingiang tindahan. 1
PAGBALIK-ARALAN MOTingnan mo kung gaano mo lubos na natutuhan ang iyong nakaraang aralin.Sagutin sa iyong sagutang kuwaderno ang gawaing ito ukol sa pagkukuwenta ngpinagbilhan sa tama at maayos na pamamaraan.A. Nagdesisyon ang iyong kapatid na magtinda ng kakaning puto sa harap ng inyong paaralan. Namuhunan siya ng P24.00 sa 30 pirasong puto at ipinagbili niya ito ng piso bawat piraso. Magkano ang kanyang tinubo?B. Binili ni Jayson ang sampung kilong talong na naani ni Mang Jose sa kanyang taniman sa halagang anim na piso bawat kilo. Ibinenta niya ito sa kanyang mga kapitbahay sa halagang walong piso bawat kilo. May natira pa sa kanya na dalawang kilo na hindi nabili. 1. Magkano ang kabuuan niyang puhunan? 2. Magkano ang kanyang pinagbilhan? 3. Magkano ang kanyang tubo? PAG-ARALAN MOMasarap ang buhay di ba? Kaya lang, mahirap ang takbo ng ating buhay ngayon.Kailangan may hanapbuhay ang bawat isa at pahalagahan ang gawaing ito katuladnga ng pagtatatag ng tingiang tindahan.Paano nga ba maipakikita ang pagpapahalaga sa mga gawain sa tingiang tindahan.Pag-aralan mong mabuti ito. 2
MAHUSAY NA TINDERALaging magalang sa M Laging masinop at maayosmamimili A sa pagsasagawa ng mga Y gawainLaging mabikas at malinis Pagpapahalaga sa Laging matapat sasa katawan mamimili mgaLaging mahaba ang Laging magiliw/pasensiya sa pakikipag- Gawain masayahin sa pakikipag-usap sa mamimili usap sa mamimili(matiyaga) M A Laging maingat saLaging matipid sa K mamimili:paggamit ng mga A • sa pagtanggap ng perakagamitan sa pagtitinda K • sa pagsusukli A M T A N MAUNLAD NA TINGIANG TINDAHANSagutin ang sumusunod na mga tanong. - Paano pinahahalagahan ng mahusay na tinder ang kanyang gawain? May iba ka pang mungkahi? - Ano-ano ang magandang bunga kung tayo ay mayroong pagpapahalaga sa ating mga gawain? 3
SUBUKIN MONgayong nalaman mo nang lubos kung paano mapapahalagahan ng isang tinderaang mga gawain sa tingiang tindahan, iguhit mo sa iyong kuwadernong sagutan anglarawang nasa ibaba. Sagutin ang tanong.Ikaw ay isang tindera. Paano mo maipakikita ang iyong pagpapahalaga sa iyong gawaingpagtitinda upang matawag kang isang mahusay na tinder at makatulong ka sa pag-unladng negosyo? Isulat ang mga sagot sa loob ng lobo. 4
TANDAAN MO Makikita ang pagpapahalaga sa mga gawain sa tingiang tindahan kapag ang tindera ay laging mahusay sa pagsasagawa o pagsasabuhay ng mga dapat taglaying magagandang katangian sa pakikitungo sa mga mamimili. ISAPUSO MONadama mo ba sa araling ito kung gaano kaimportante ang pagpapahalaga sagawain?A. Ano pang magandang aral ang napulot mo sa modyul na ito na pwede mong gawing gabay sa iyong pang-araw-araw na pamumuhay? Isulat ang mga ito sa iyong kuwadernong sagutan.B. Isang araw, dumating ang pinsan mo na isang tindera sa kanilang lugar. Idinaing niya sa iyo na matumal ang kanyang mga paninda. Ano ang imumungkahi mo para dumami ang kanyang mamimili at para siya ay maging isang mahusay na tindera? Isulat ang mga sagot mo sa iyong kuwadernong sagutan. GAWIN MOMagmasid-masid ka sa mga inuugali ng mga tindera sa inyong pamayanan.Tingnang mabuti kung sila ay sumusunod sa mahusay na pagpapahalaga sa mgaGawain sa tindahan. Magmungkahi ka ayon sa iyong natutuhan kungkinakailangan. 5
PAGTATAYAA. Isulat sa iyong kuwadernong sagutan ang Oo kung ang pangungusap ay nagsasabi na ikaw na tindera ay nagpapahalaga sa mga gawain sa tindahan at Hindi kung hindi. 1. Magiliw ako lagi sa aking mga mamimili. 2. Masinop akong lagi sa mga bagay na nasa loob ng tindahan. 3. Pinananatili kong malinis ang aking sarili at ang mga bagay-bagay sa loob at labas ng tindahan. 4. Gumagamit ako paminsan-minsan ng mga magagalang na salita sa pakikipag- usap sa mga mamimili. 5. Matipid akong lagi sa paggamit ng mga bagay-bagay lalo na sa paggamit ng tubig at kuryente. 6. Ibinabalik ko ang labis na bayad ng mga mamimili kapag napapansin nila. 7. Wala akong tiyaga sa pakikipag-usap sa mga mamimili lalo’t sila ay makukulit.B. Humanap ng isang tindahan na pwede kang makapagsagawa ng mga pagpapahalaga sa mga gawain bilang iyong paghahanda sa darating na araw. Pwede ring gawin mo ito sa sanayang tindahan sa inyong paaralan. Isulat sa iyong kuwadernong sagutan ang iyong naging karanasan. Kung nasagutan mo nang buong husay ang bahaging pagtataya ng modyul, binabati kita! Maaari mo nang pag- aralan ang susunod na modyul. 6
GRADE V MGA KAGAMITAN AT KASANGKAPAN SA PAGHAHALAMANALAMIN MOSa paghahalaman, kailangan mo ang kagamitan at kasangkapan. May mgakasangkapang ginagamit upang mapadali ang pagbubungkal ng lupa at ang pag-aalaga ng pananim ngunit kailangan pahalagahan ang mga ito upang magamit samas mahabang panahon Sa modyul na ito ay makikilala at malalaman mo ang wastong paggamit ngkasangkapan at kagamitan sa paghahalaman at ang mga paraaan ngpangangalaga nito. PAGBALIK-ARALAN MO Bago natin simulan itong modyul, magbalik-aral muna tayo tungkol sa iba’tibang uri ng halamang ornamental. Pangkatin ang mga halamang ornamental na nasa kahon ayon sa uringkinabibilangan.gumamela rosas bogambilyapalmera akasya orchidsantorium santan bromilyandsan francisco rosal suphorbia 1
PAG-ARALAN MO Basahin mo itong kuwento tungkol sa isang magsasaka na may malawak nalupain at puno ito ng halaman.Isang araw, dinala ni Mang Pedro ang lahat ng kagamitan niya sapaghahalaman sa taniman niya ng prutas. Sa tuwing darating siya doon, agadsiyang nagbubungkal ng lupa sa pamamagitan ng asarol upang ito’ybumuhaghag bago tamnan.Noong matapos siyang magbungkal ng lupa nagpahinga siya at nakita niyangmarumi ang bakuran. Kinuha niya ang kalaykay atginamit ito sa paglinis ng bakuran. Tinipon ng kalaykay ang mga kalat sahalamanan tulad ng mga dahong tuyo, tuyong damo at iba pang uri ng kalat. Maybalak kasi siyang taniman ng petsay ang pagitan ng mga halamang ornamentalkaya bilang paghahanda ng lupang tatamnan, ginamit niya ang piko sapagdurog at pagpino ng malalaking tipakng lupa. ‘Yong ibang halaman sa paligid ay binubungkal niya ang lupa sapamamagitan ng dulos. Ginagamit niya rin ito sa paglilipat ng mgapunla.Tuwing umaga at hapon, dinidilig niya ang mga halaman gamit ang legadera. Ito’y may mahabang lagusan ng tubig na may maliliitna butas sa dulo. Minsan nawala ang legadera, kaya kinuha niya ngtimba at tabo pamalit sa legadera. Gamit din niya ito sa 2
pagdilig ng halaman. Habang nagdidilig siya, may naamoy siyang mabaho galingsa gilid ng halamanan. Yon pala ay di makadaloy ang maruming tubig sa kanalkaya kinuha niya ang pala at ginamit sapaghukay ng butas sa kanal para makadaloy ang tubig at maging malinis ito.Ginagamit din niya ito sa paglilipat ng lupa at pagsasaayos nito para sa tamangtaniman. Habang nag-iikot siya sa halamanan, nakita niya ang mga punlang petsay napwede nang ilipat sa taniman. Bago niya ito ilinipat, inayos na muna niya angtaniman sa pamamagitan ng hanay. Gumamit siya ng tulos at pisipara gabay sa paggawa ng mga hanay sa tamangtaniman at sa pagbungkal ng lupa. Itinusok niya ang mga tulos sa apat na sulok nglupa at tinalian ng pisi upang sundin bilang gabay. Ilinipat niya ang mga punlangpetsay sa taniman at ginamit ang metro sa pagsukat ng layo oluwang ng bawat tanim.Pagdating ng hapon napansin niya na ang mga sanga ng punongkahoy aynaglalaylayan at nakasasagabal sa daan. Kaya pinutol niya ang mga ito sapamamagitan ng gulok. Naisip din niya na pwede ring gamitinito sa pagkukumpuni ng maliliit at payak na sira sa halamanan tulad ng bakod atbalag. Ang mga pinutol na sanga ay ilinagay niya sa kartilya atdinala sa isang sulok ng halamanan.Ito ay nahahawig sa kariton ngunit may isang gulong sa unahan at dalawa ang paasa likuran. Karaniwang yari ito sa bakal at ginagamit din ito ni Mang Pedro sapaglilipat ng lupa sa ibang lugar. Si Mang Pedro ay nasa 60 taon gulang na at ang mga kagamitan atkasangkapan niyang ito sa paghahalaman ay inalagaan niya ng matagal napanahon at hanggang ngayon ay nagagamit pa niya. Tinanong siya minsan ngisang magsasaka kung bakit umabot sa ganoong katagal ang mga kagamitan niyasa paghahalaman. Simpleng sagot ni Mang Pedro ay ang pagiging maalaga samga gamit. Binigyan niya ng “tip” ang magsasaka sa mga paraang dapat sundinupang makatiyak ng pagtitipid at kaligtasan sa paggamit. 3
PANGANGALAGA NG MGA KASANGKAPAN AT KAGAMITAN SA PAGHAHALAMAN 1. Maglaan ng isang matibay at maayos na lalagyan. 2. Hugasan at patuyuin ang mga kasangkapan at kagamitan pagkatapos gamitin. 3. Ilagay at isalansan nang maayos ang mga kagamitan at kasangkapang ginamit sa tamang lalagyan. 4. Kumpunihin ang mga kagamitan at kasangkapang may sira at langisan ang mga kasangkapan na maaaring kalawangin. 5. Hasain ng madalas ang mga kasangkapang may talim tulad ng itak, bolo at iba pa. 6. Bitbitin o dalhin nang maayos ang mga kagamitan at kasangkapang gagamitin. 7. Gamitin sa angkop na gamit ang bawat kagamitan at kasangkanpan. 8. Kumpunihin ang sirang kasangkapan at langisan ang kasangkapang maaring kalawangin upang maiwasang hindi kalawangin. Umalis ang magsasaka at ipinangako niya sa sarili na aalagaan na rin niya angkanyang mga kagamitan at kasangkapan sa paghahalaman para mapakinabanganna rin ng kanyang mga apo na magsasaka rin. SUBUKIN MOIguhit ang tinutukoy na kagamitan at kasangkapan sa paghahalaman. 1. Pantipon ng mga kalat sa halamanan tulad ng tuyong damo. 2. Angkop na pambungkal ng lupa sa paligid ng halamang tanim. 3. Pandurog ng malalaking tipak ng lupa upang pinuhin ito. 4. Pandilig ng mga halamang tanim. 5. Ginagamit sa pagbubungkal ng lupa upang bumuhaghag ito. 4
TANDAAN MO Upang maging maayos ang pangangalaga sa mga halaman, kailangan may mgakagamitang gagamitin sa paghahalaman tulad ng asarol, kalaykay, piko, dulos,lagadera, pala, gulok, tulos at pisi, kartilya at metro. Matagal nating mapapakinabangan ang mga kasangkapan kung maingat angpaggamit at mapangangalagaan sila nang maayos.ISAPUSO MO Basahin ang mga sitwasyon at lagyan ng tsek (√) kung ito ay dapat gawin at ekis(x) kung hindi dapat gawin. Dapat na Di Dapat Gawin Gawin1. Ikalat ang mga kasangkapan pagkatapos gamitin.2. Ilagay kahit saan ang asarol pagkatapos magbungkal ng lupa.3. Hasain ang gulok ng madalas para madaling makaputol ng mga balakid na sanga.4. Maglaan ng isang lalagyan para sa asarol, kalaykay, piko at dulos.5. Ang mga bakal na maaaring kalawangin ay langisan bago itago.GAWIN MOA. Magtanong ka sa isang maghahalaman tungkol sa wastong gamit at pangangalaga ng mga kagamitan o kasangkapan sa paghahalaman. Ihambing mo ang sasabihin ng maghahalaman sa mga natutuhan sa aralin tungkol sa paksa ng interbyu. Isalarawan sa pamamagitan ng pagguhit ang mga sinabi ng inyong napagtanungan na maghahalaman. 5
PAGTATAYAA. Basahin ang mga pangungusap sa ibaba. Punan ng angkop na salita ang bawat patlang. Piliin ang tamang sagot sa loob ng kahon.asarol pala kalaykayrigadera piko kartilyadulos1. _____ panghukay ng matigas na lupa.2. _____ ginagamit sa pagpapantay ng lupa at paghihiwalay ng bato sa lupa.3. _____ ginagamit sa paglilipat ng lupa.4. _____ lalagyan at panghakot ng lupa at kagamitan.5. _____ pantanggal ng damo sa halaman.B. Ilagay sa loob ng mga talulot ng bulaklak ang mga salitang tumutukoy sa pag- aalaga at pag-iingat ng mga kagamitan at kasangkapan sa paghahalaman. Pag-aalaga at Pag-iingat ng mga Kagamitan sa PaghahalamanKung nasagutan mo nang buong husay ang bahaging pagtataya ngmodyul, binabati kita! Maaari mo nang pag-aralan ang susunod namodyul. 6
GRADE V MGA URI NG HALAMANG ORNAMENTAL ALAMIN MOAlam mo ba na tayo ay dapat na nagtatanim ng iba’t ibang uri ng halamangornamental? Malaking pakinabang ang dulot ng mga ito. Ito ay nagbibigay ngkagandahan sa kapaligiran at nagbibigay din ng kasiyahan sa nagmamasid dahil sakanilang anyo at kulay. Maaari din ito mapagkakitaan nagbibigay rin ito ng sariwanghangin o “oxygen na nakakatulong sa kalusugan. Pero alam mo ba na maraming uring halamang ornamental? Sa modyul na ito, tatalakayin at matututuhan mo ang iba pang kahalagahan ngpagtatanim ng halamang ornamental at ang iba’t ibang uri nito. 1
PAGBALIK-ARALAN MOBasahing mabuti ang mga pangungusap at punan ng wastong salita ang bawatpatlang. Piliin ang sagot sa mga lipon ng mga salita sa ibaba.paghahalaman latapaligid angkoppamahalaan tubig1. Kung walang malawak na lugar o taniman maaaring gumamit ng mga paso o _____ at iba pang uri ng sisidlan.2. Ang _____ ay isang sining ng pag-aalaga at pagtatanim ng mga halamang ornamental, gulay at punongkahoy.3. Ang paghahalaman ay isang gawaing nakatutulong hindi lamang sa kabuhayan ng mag-anak kundi pati rin sa programa ng _____ tungo sa pag-unlad ng ekonomiya ng bansa.4. Ang mga halamang tanim ay nakapagpapaganda rin ng _____.5. Sa paghahalaman mahalagang piliin ang ______ na lugar. 2
PAG-ARALAN MOTingnan mabuti ang mga larawan sa ibaba. Water lily (aquatic plant/halamang tubig) Orchid santan halamang ugat punong prutas(aerial plant) (shrub) (herbal plant)Anong uri ng mga halaman ang nakikita mo?Ang mga sumusunod ang iba’t ibang uri ng halamang ornamental: 1. Aerial Plants – Ito’y mga halamang nabubuhay ng nakabitin sa hangin at hindi itinatanim sa lupa. Ito ay itinatanim sa uling na nakalagay sa bunot at isinasabit. Mainam itong tanim sa mga lugar na malamig ang klima. Hal. orchids 3
2. Aquatic Plants/Halamang Tubig Ang mga ganitong uri ng halaman ay nabubuhay sa tubig. Hal. water lily3. Shrub Ang mga halamang ito ay matigas ang mga tangkay at hindi gaanong tumataas. Nabibilang sa ganitong uri ang sampaguita, santan at gumamela.4. Herbal plants/Halamang Gamot Ito ang mga halamang nakapagbibigay lunas sa karamdaman ng tao. Hal. Damong Maria, oregano, mayana sabila ikmo sambong5. Punong prutas Nabibilang sa uring ito ang mga punong kahoy na namumunga. Hal. mangga, kaimito, mabolo, santol, guyabano, bayabas6. Mga punong nagbibigay ng iba’t ibang gamit Ito’y mga punong hindi namumunga ngunit napagkukunan naman ng iba’t ibang gamit tulad ng katad, kahoy, goma, at iba pa Hal. narra, akasya, fire tree 4
SUBUKIN MO Nalaman mo na ang mga halamang ornamental. Ngayon ay tingnan mo kungmasasagutan mo ang mga ito.A. Pagtambalin ang nasa Hanay A sa Hanay B. Hanay A Hanay B1. aquatic plant a. gumamela2. herbal plant b. orkidya3. aerial plant c. mangga4. shrub d. oregano5. punong prutas e. petsayB. Pag-aralang mabuti ang salita sa loob ng kahon. Isulat sa dulo ng arrow ang kahalagahan ng pagtatanim ng halamang ornamental. Isulat sa kuwaderno ang iyong sagot. Kahalagahan ng Pagtatanim ng Halamang Ornamental TANDAAN MO Ang iba’t ibang uri ng halamang ornamental ay nagdudulot sa atin ngmaraming pakinabang o kahalagahan. Ang mga halamang ornamental ay ang aerial, aquatic, shrub, herbal, punongprutas at mga punong nagbibigay ng iba’t ibang gamit. 5
ISAPUSO MO• Basahin ang sitwasyon at sagutin ang tanong ayon sa dapat mong gawin. May batang naglalaro sa gilid ng hardin ng mga halamang namumulaklak. Nang ikaw ay dumaan, tamang-tama na pinipitas niya ang isang bulaklak at pinaglaruan ito. Anong gagawin mo? GAWIN MO Mamasyal sa isang halamanang malapit sa inyo. Magmasid at suriin ang mgahalamang ornamental. Batay sa inyong pagsusuri gumawa ng isang talahanayan tulad ngnasa ibaba. Ilarawan sa pamamagitan ng pagguhit. Isagawa ang gawain sa kuwaderno. Pangalan ng Halaman Uri Pakinabang na Larawan1. naidudulot2.3. 6
PAGTATAYAPagmasdang mabuti ang mga larawan ng halamang ornamental sa ibaba. Tukuyinkung anong uri ng ornamental ito at ipaliwanag ang kahalagahan nito. Isulat angpagtataya sa kuwaderno. 7
GRADE VWASTONG PARAAN NG PAGTATANIMALAMIN MO Nakapasyal ka na ba sa isang narseri? May nakita ka bang punla na nakatanim sakahon o mga itim na plastik? Ito ay isang paraan ng pagtatanim kung tawagin ay di-tuwirang pagtatanim. Inililipat ito sa permanenteng pagtatamnan kung may dalawahanggang apat na dahon na ang punla. Meron din tayong tinatawag na tuwirangpagtatanim at ito ay sa pamamagitan ng buto o binhi na tuwirang inihuhulog sa butasna ginawa sa lupa upang pagtamnan. Alin man dito ang piliin mo sa paraan ngpagtatanim ay kailangang manatiling malulusog ang mga halaman upang umaninang maganda. Sa modyul na ito, pag-aralan mo ang wastong pamamaraan ng pagtatanim.DI-TUWIRANG PAGTATANIM TUWIRANG-PAGTATANIM 1
PAGBALIK-ARALAN MO Balikan muna natin ang ating natutunang mga wastongkagamitan at kasangkapan ng paghahalaman. Ang sumusunod ay ilang sa mga kasangkapan sa paghahalaman. Iayos angmga titik upang mabuo ang pangalan ng mga kasangkapan at ibigay ang gamitnito.1. O L A R A S- _____________2. L A K Y A Y A K __________3. A LA P ____________4. U K LO G _________________5. O S T U L ________________ 2
PAG-ARALAN MOTingnan mo ang “picture tree” at pag-aralan ang nilalaman nito. Mga Wastong Paraan ng PagtatanimDi-tuwirang pagtatanim - Tuwirang pagtatanim - ginagawa sapaglilipat ng punla sa tamang pamamagitan ng paghulog kaagad ngtaniman. buto o binhi kung saang bahagi ng kama ibig itong patubuin. Mga paraan Mga paraan 1. Ihanda ang kahong punlaan na may tamang sukat. Tiyakin na may butas 1. Diligin ang inihandang lupa at ito sa ilalim upang madaluyan ng hayaang makasipsip ng sapat tubig. Paghaluin ang tig-iisang na tubig. katlong bahagi ng lupa, buhangin at humus sa loob ng kahong inihanda. 2. Gumawa ng hanay sa pamamagitan ng paglalagay ng 2. Ihanda ang mga buto ng halamang tulos sa magkabilang dulo ng itatanim. Ibabad ang mga ito nang kama at pagtatali ng pisi sa magdamag bago itanim at patubuin bawat tulos. Magsisilbi itong sa kahong punlaan. gabay sa paggawa ng butas. 3
3. Takpan ang kahong punlaan habang 3. Sa pamamagitan ng patpat hindi pa lumalabas ang unang sibol. gumawa ng butas na may Gumamit ng panakip tulad ng sapat na layo. Dagdagan ang dahon ng saging at iba pa. distansya kung ang dahon ng halamang itatanim ay4. Unti-unting ilantad ang kahong mabukadkad punlaan, kapag nagsimula ng sumibol ang mga buto. - kung tag-init at ang lupa ay buhaghag at5. Alisin ang takip kung husto na ang mabuhangin laliman ang tubo ng mga punla. Piliin at alisin butas. ang mga punlang payat at dikit- dikit. - kung sa panahon ng taglamig at ang lupang6. Hintaying magkaroon ng dalawa gagamitin ay siksik, hanggang apat na dahon ang mga gawing mababaw ang punla bago ilipat sa permanenteng butas. pagtatamnan. 4. Hugutin at alisin ang tulos at7. Diligin ang mga punla bago angatin pising ginagamit. Ihulog ang at alisin sa kahong punlaan. dalawa hanggang tatlong buto o binhisa mga butas na ginaw.8. Gumamit ng dulos at angatin nang Takpan ng lupa at bahagyang buong ingat ang punla at ingatang pipiin ng kamay. di mapinsala ang gma ugat. 5. Diligin ang kamang taniman.9. Pungusan ng dahon ang mga punla. Gawin ito ng buong ingat Tiyakin ang pagpupungas ay hindi upang mapangalagaan ang gaanong malapit sa tangkay. mga butong bagong tanim.10. Ilipat nang buong ingat ang mga punla sa permanenteng pagtataniman at alagaang mabuti. Iwasan ang paglilipat ng punla kung matindi ang sikat ng araw.4
Search
Read the Text Version
- 1
- 2
- 3
- 4
- 5
- 6
- 7
- 8
- 9
- 10
- 11
- 12
- 13
- 14
- 15
- 16
- 17
- 18
- 19
- 20
- 21
- 22
- 23
- 24
- 25
- 26
- 27
- 28
- 29
- 30
- 31
- 32
- 33
- 34
- 35
- 36
- 37
- 38
- 39
- 40
- 41
- 42
- 43
- 44
- 45
- 46
- 47
- 48
- 49
- 50
- 51
- 52
- 53
- 54
- 55
- 56
- 57
- 58
- 59
- 60
- 61
- 62
- 63
- 64
- 65
- 66
- 67
- 68
- 69
- 70
- 71
- 72
- 73
- 74
- 75
- 76
- 77
- 78
- 79
- 80
- 81
- 82
- 83
- 84
- 85
- 86
- 87
- 88
- 89
- 90
- 91
- 92
- 93
- 94
- 95
- 96
- 97
- 98
- 99
- 100
- 101
- 102
- 103
- 104
- 105
- 106
- 107
- 108
- 109
- 110
- 111
- 112
- 113
- 114
- 115
- 116
- 117
- 118
- 119
- 120
- 121
- 122
- 123
- 124
- 125
- 126
- 127
- 128
- 129
- 130
- 131
- 132
- 133
- 134
- 135
- 136
- 137
- 138
- 139
- 140
- 141
- 142
- 143
- 144
- 145
- 146
- 147
- 148
- 149
- 150
- 151
- 152
- 153
- 154
- 155
- 156
- 157
- 158
- 159
- 160
- 161
- 162
- 163
- 164
- 165
- 166
- 167
- 168
- 169
- 170
- 171
- 172
- 173
- 174
- 175
- 176
- 177
- 178
- 179
- 180
- 181
- 182
- 183
- 184
- 185
- 186
- 187
- 188
- 189
- 190
- 191
- 192
- 193
- 194
- 195
- 196
- 197
- 198
- 199
- 200
- 201
- 202
- 203
- 204
- 205
- 206
- 207
- 208
- 209
- 210
- 211
- 212
- 213
- 214
- 215
- 216
- 217
- 218
- 219
- 220
- 221
- 222
- 223
- 224
- 225
- 226
- 227
- 228
- 229
- 230
- 231
- 232
- 233
- 234
- 235
- 236
- 237
- 238
- 239
- 240
- 241
- 242
- 243
- 244
- 245
- 246
- 247
- 248
- 249
- 250
- 251
- 252
- 253
- 254
- 255
- 256
- 257
- 258
- 259
- 260
- 261
- 262
- 263
- 264
- 265
- 266
- 267
- 268
- 269
- 270
- 271
- 272
- 273
- 274
- 275
- 276
- 277
- 278
- 279
- 280
- 281
- 282
- 283
- 284
- 285
- 286
- 287
- 288
- 289
- 290
- 291
- 292
- 293
- 294
- 295
- 296
- 297
- 298
- 299
- 300
- 301
- 302
- 303
- 304
- 305
- 306
- 307
- 308
- 309
- 310
- 311
- 312
- 313
- 314
- 315
- 316
- 317
- 318
- 319
- 320
- 321
- 322
- 323
- 324
- 325
- 326
- 327
- 328