Important Announcement
PubHTML5 Scheduled Server Maintenance on (GMT) Sunday, June 26th, 2:00 am - 8:00 am.
PubHTML5 site will be inoperative during the times indicated!

Home Explore E.P.P V

E.P.P V

Published by Palawan BlogOn, 2015-10-01 02:02:33

Description: Binder1

Search

Read the Text Version

MGA HAKBANG NA DAPAT SUNDIN SA PAGHAHANDA NG PUNLAAN1. Bumuo ng kahon, maaaring yari sa yero o kahoy may sukat ng 30 x 45 sentimetro ang lapad at haba at 7.5 sentimetro ang taas.2. Butasan ang ilalim ng kahon upang may daluyan ang sobrang tubig.3. Lagyan ng lupa ang kahon. Ito ay pinaghalong mahusay na lupa, buhangin, at humus. Gawing tig-isang katlong bahagi ang bawat isa.4. Pipiin at pantayin ang lupa sa kahon. SUBUKIN MO Ayon sa natutunan mo sa mga wastong pamamaraan ng pagtatanim; ang tuwiran at di-tuwiran, pag-aralan ang nakikita mong lay out ng taniman. Ipaliwanag ang gamit nito at kung bakit kailangan ito sa paghahalaman. Isulat sa kuwadernong sagutan. - Sa anong paraan ng pagtatanim ito ginagamit? 5

TANDAAN MOAng pagtatanim ay may dalawang pamamaraan. Ito ay ang tuluyang pagtatanim otuwiran at ang paglilipat ng punla o di-tuwiran. Ang tuwirang pagtatanim ay payak at madaling gawin. Ang di-tuwirangpagtatanim ay kinakailangan magpunla at ilipat ang sibol sa takdang panahon sakamang taniman. ISAPUSO MO Kung susubukan mong magtanim ng halamang ornamental sa pamamagitan ng wastongpamamaraan ng pagtatanim, alin sa mga sumusunod na tseklis ang magagawa mongkasiya-siya?Mga Kagamitan Lubos na Kasiya-siya Pagbutihin pa kasiya-siya 1. Wastong pagsunod sa mga paraan. 2. Wastong paggamit ng punlaan. 3. Bilis ng paggawa. 4. Kawilihan sa paggawa. 6

GAWIN MOBasahin ang mga dapat mong gawin at sundin ang mga pamamaraan sa paggawa.1. Gumawa ng kahong punlaan.2. Ihanda ang kamang taniman3. Pumili ng halamang ornamental na maaaring itanim sa pamamagitan ng di- tuwirang pagtatanim.4. Dalhin at ipatsek sa guro. PAGTATAYA1. Sa ginawa mong kahong punlaan, magpunla ka ng chichirica o sunflower at ilipat mo sa inihanda mong kamang taniman pagdating sa tamang gulang.2. Itanim ang napili mong halamang ornamental sa inyong bakuran. Alagaan at ingatan para matiyak ang malusog at mabilis na paglaki Kung nasagutan mo nang buong husay ang bahaging pagtataya ng modyul, binabati kita! Maaari mo nang pag-aralan ang susunod na modyul. 7

GRADE V PANGANGALAGA NG LUPA AT MGA PANANIM ALAMIN MONarinig mo na ba ang awiting “Bahay Kubo”? Alam mo ba ito? Kung iintindihin natinang ibig sabihin ng awit, ang bahay kahit maliit lang ay puno ng iba’t ibang klasenghalaman. Bakit kaya? Maliban sa masisipag ang mga kasambahay, ang lupa aynapapangalagaan at gayon din ang mga pananim. Mahalagang bigyan ng kalinga atsapat na panahon ang pag-aalaga ng lupa at mga halaman. Kung mayaman sasustansiya ang lupa, tataba at lalago ang halamang mabubuhay rito. Kaya sa modyul na ito, tatalakayin natin ang mga wastong pamamaraan upangmapangalagaan ang lupa at mga pananim sa gayon ay matiyak ang maunlad atmasaganang ani. 1

PAGBALIK-ARALAN MOBago natin talakayin ang pangangalaga ng lupa at mga pananim, pagbalik-aralannatin ang tungkol sa wastong pamamaraan ng pagtatanim.Isaayos ang mga sumusunod na paraan ng tuwirang pagtatanim. Lagyan ng bilang 1 –5 ayon sa pagkakasunod-sunod nito._____ Diligan ang lupang taniman upang mapangalagaan ang mga buto o binhi_____ Gumawa ng butas sa mga hanay na ginawa_____ Maglagay ng mga panandang hanay sa pamamagitan ng tulos at pisi_____ Diligin ang lupang pagtataniman_____ Lagyan ng buto ang bawat butas, tabunan ng tuyong lupa at bahagyang pipiin ng kamay PAG-ARALAN MO Tingnan ang mga larawan sa itaas at suriing mabuti ang ginagawa ng isang bata salupang taniman (kaliwa) at ang ginagawa ng mag-asawang Mario at Naty sa kanilangpananim (kanan). 2

Hindi lahat ng uri ng lupa ay katatagpuan ng mga sustansiyang kailangan nghalaman. Lupang Payat - dapat alagaan at pagyamanin upang maging matagumpay ang iyong paghahalamanan. Abono o Pampataba – nagdudulot ng sustansiyang kailangan ng halaman. Pinabibilis nito ang pagtubo ng ugat ng mga halaman. Nakapipigil din ito sa pagkawala ng tubig sa lupa. Dalawang Klase ng Pataba sa Lupa 1. Patabang Organiko – galing sa mga bagay na may buhay tulad ng dumi ng mga hayop (kabayo, manok, kalapati, at kalabaw). Maaaring gumamit din ng galing sa mga nabulok na bagay tulad ng mga tuyong damo, dayami at dahon ng halaman. 2. Patabang di-Organiko – ito ay karaniwang nabibili sa mga tindahan. Gawa rin ito ng tao buhat sa mga kemikal na sangkap. - Pinaghalo ang tatlong pangunahing pagkain ng halaman sa mga komersiyal na pataba. a) nitrogen b) phosphorus c) potassium Maaaring gamitin ito sa anyong pulbos, butil, o kaya’y tinunaw sa tubig. Humus – mga nabubulok na bagay tulad ng tuyong dahon, damo, dumi ng hayop at pinagbalatan ng mga prutas at gulay, pinaghahalo ang mga ito, hinahayaang mabulok sa lupa hanggang sa ito ay maging lupang pataba.Mga bagay na naitutulong ng pataba sa lupang taniman 1. Nakatutulong ito sa pagpapahusay ng uri ng butil ng lupa. 2. Kung ito ay ihahalo sa lupang basa o luwad, magiging buhaghag at pino ang lupa. 3. Naghahadlang ito sa pagbubuo-buo ng lupa. 4. Sinisipsip ng lupang pataba ang tubig upang mapanatiling mamasa-masa at buhaghag ang lupa. 3

- Ang lupang walang kahalong lupang pataba ay nagiging tigang kahit na ito ay diligan. - Ang lupang mabuhangin at magaan ay nagiging mabigat at malamig naman sa pamamagitan ng pataba. Dumako naman tayo sa Wastong Paraan ng Pangangalaga ng Pananim. 1. Pagdidilig – Diligan ang mga halaman araw-araw tuwing umaga o sa hapon. Kapag hindi matindi ang sikat ng araw.2. Pagbubungkal ng lupa – Kailangang bungkalin ang lupa nang minsan o dalawang beses isang linggo upang makahinga ang mga ugat ng halaman. 3. Pag-aalis ng Damo o Ligaw ng Halaman – Alisin ang mga ligaw na halaman at damo sa kamang taniman. Tiyaking nabunot ang ugat nito upang hindi na tumubo muli. Ang mga ligaw na damo at halaman ay umaagaw sa sustansiyang kailangan ng mga pananim. 4

4. Paglalagay ng Pataba – Ito ay nakapagpapabilis ng paglaki at pagtaba ng mga halaman. Ikalat ito sa bawat paligid ng tanim. 5. Paggamit ng Pesticide – Bombahin ng angkop na gamot upang masugpo ang mga hayop o pesteng sumisira sa mga halaman. 6. Pagbabakod – Bakuran ang taniman upang hindi makapasok ang mga hayop na nakapipinsala sa mga tanim. Makatitiyak ng masaganang ani para sa inyong mag-anak sa buong taon at malulusog na halamang ornamental sa inyong bakuran kung susunding lahat ang mga batayang pamamaraan sa paghahalaman. 5

SUBUKIN MO Basahin at suriing mabuti ang mga sumusunod na sitwasyon at sagutin ang tanong ngdalawa hanggang tatlong pangungusap. Isulat ang sagot sa kuwadernong sagutan. 1. Sa likod bahay mo ay may espasyo na puwedeng pagtamnan ng petsay o kahit anong gulay. Ngunit nakita mong tigang ang lupa at mabato ito. Ano ang gagawin mo para mapakinabangan ito at makapagtanim ka? 2. Si Noli ay may taniman na kamatis sa bakuran nila. Alaga niya ito sa dilig, pataba, walang damo at lagi niyang binubungkal ang lupa. Ngunit isang araw, nakita niyang sinisira ang mga bunga ng kulisap. Paano niya pupuksain ang mga peste na sumisira sa halaman? TANDAAN MO Ang pangangalaga nang wasto sa lupa at sa mga halaman ay nakatutulong sa pagtubo at paglaki ng mga halaman. Dahil sa mga pamamaraang ito magiging madahon o mabunga ang ating halaman. ISAPUSO MO Pumili ng tatlong kaaya-ayang gawain at ipaliwanag ang nararamdaman mo tungkoldito. Isulat ang sagot sa kuwadernong sagutan. 1. Diligan ang halaman tuwing hapon lamang. 2. Tipunin ang dumi ng manok o dumi ng ibang hayop. Ihalo sa lupa at hayaang mabulok. 3. Damihan ang paglagay ng komersiyal na pataba sa halaman. 6

4. Bukod sa insekto, dapat ding alisin ang mga bahagi ng halaman na napinsala upang hindi na ito kumalat pa at tuluyang makahawa. 5. Ang pagbubungkal ng lupa sa paligid ng halamang taniman ay kailangan upang makahinga ang mga ugat ng tumutubong halaman. GAWIN MO1. Dalawin mo ang halamanan sa inyong paaralan at subukang ipakita sa guro ang mga sumusunod. 1. pagdidilig 2. pagbubungkal ng lupa 3. pag-aalis ng mga ligaw na damo 4. paglalagay ng pataba 5. pagpupuksa ng pesteng kulisap2. Gumawa ng isang album tungkol sa mga uri ng kulisap at iba pang pesteng sumisira sa pananim at ang mga paraan sa pagpuksa sa mga ito. Magsaliksik sa silid-aklatan tungkol dito. PAGTATAYA Subukin ang iyong kaalaman sa modyul na ito. Basahin ang sitwasyon at sundin ang nararapat mong gawin. Isulat ang inyong sagot sa kwadernong sulatan. Alamin ang mga halamang-gulay na karaniwang iniluluto ng Nanay. Magsaliksik kung paano ang pag-aalaga ng mga halamang-gulay na ito. Sumulat ng isang talata tungkol sa wastong pangangalaga sa mga halamang- gulay. 7

GRADE V PAGSASAPAMILIHAN NG HALAMANG ORNAMENTAL ALAMIN MO May mga salik na dapat isaalang-alang sa pagsasapamilihan ng mga produktonggaling sa pananim lalo na kung ito ay may malaking puhunan. Sa modyul na ito, pag-aaralan mo ang wastong paraan ng pagsasapamilihan ngmga halamang ornamental. PAG-ARALAN MO 1

Basahin ang sanaysay sa pagsasapamilihan ng halamang ornamental. Ang mga nag-aalaga ng mga halamang ornamental at mga halamang namumulaklak ay mayroong mga palatandaan na tinitingnan kung ang mga halamang ito ay maaari nang ipagbili. Narito ang ilang palatandaan ng mga halamang ornamental at mga halamang namumulaklak na maaari ng maipagbili: 1. Matataas at malalaki 2. Malalago o mayayabong ang mga dahon 3. Magugulang 4. Namumukadkad ang mga bulaklak Mahalaga rin ang tamang pangangalaga at maayos na pamamalakad ng mga halamang ipagbibili. Isa-isahin mo ang mga dapat isaalang-alang sa wastong pamamahala atpangangalaga ng mga halamang ipagbibili. 1. Tanggalin ang mga lanta at mga tuyong dahon. Ang mga lanta at tuyong dahon ay maaaring pagsimulan ng mga sakit at peste ng mga halamang ipagbibili. Hindi rin ito magiging kaakit-akit sa mga mamimili. 2. Isagawa ang pagtatali ng mga halaman sa isang tuyo at malilim na lugar. Kung ang isang lugar ay basa o may tubig kung saan isasagawa ang pag-aayos ng ipagbibiling halaman, maaari rin itong pagsimulan ng mga sakit at peste. Kapag nangyari ito, maaaring hindi na mabili ang mga halaman. Kailangan ding isagawa ang pagtatali at pag-aayos sa isang malilim na lugar upang maiwasan ang pagkalanta, pagkatuyo at pagkasira ng halaman. Ang mga ganitong uri ng halaman ay hindi na mabibili. 3. Ang ibang uri ng halaman, lalong lalo na ang mga bulaklak ay maaaring ilagay sa mga timba na may malinis at malamig na tubig. Ginagawa ito upang maiwasan din ang pagkalanta ng mga halaman at manatili ang kasariwaan ng mga ito. 4. Ang mga halamang ornamental ay dapat inihahanay sa malawak at malilim na lugar ayon sa uri at gulang. Kailangan ito upang hindi madaling masira ang mga halaman at upang madaling makakilos ang mga mamimili. Kailangan din iayos ang mga ito ayon sa uri at gulang, upang madaling makita ng mga mamimili ang dapat nilang bilhin na mga halaman. 5. Ang mga halamang bulaklak ay dapat kunin o pitasin lamang kung ang mga ito ay namumulaklak na. 2

SUBUKIN MO Isulat sa kuwadernong sagutan ang TAMA kung wasto ang isinasaad ngpangungusap at itama ang pangungusap kung mali ang ipinahahayag nito. 1. Ang matataas o malalaking halamang ornamental ay maaari ng ipagbili. 2. Kinakailangang tanggalin ang mga lanta at mga tuyong sanga ng mga halamang ornamental. 3. Ang mga bulaklak ay maaaring ilagay sa timba na may malinis at mainit na tubig. 4. Ang mga halamang ornamental ay kailangang ihanay ayon sa uri at gulang sa malawak at malilim na lugar. 5. Ang malalago ang dahon at magugulang na mga halamang ornamental ay maaari ng ipagbili. TANDAAN MO Sa pagsasapamilihan ng mga halamang ornamental, ang may pinakamataas na uri ay maaaring makapagtakda ng mataas na presyo. Ito ay maaari lamang matamo kung wasto ang pamamahala at pangangalaga ng mga ito. 3

ISAPUSO MO Ang mga halamang ornamental at mga bulaklak ni Aling Dory ay mabilisniyang naibenta dahil mataas ang uri ng mga ito. Naibenta rin niya ang kanyangprodukto sa mataas na presyo. Alin sa mga sumusunod ang natatanging ginawa ni Aling Dory upang maibentanang mabilis at mataas na presyo ang kanilang mga halaman. a. Wastong Pamamahala b. Wastong Pangangalaga c. Wastong Hanapbuhay GAWIN MO A. Magmasid sa isang tindahan ng mga bulaklak at itala kung paano pinangangalagaan ang mga bagong pitas na bulaklak. B. Magsaliksik tungkol sa iba’t ibang paraan ng pagsasapamilihan ng mga halamang ornamental. (Isulat sa kuwaderno ang mga gawain.) PAGTATAYA Sagutan o gawin ang sumusunod na mga pagsasanay. A. Isaayos ang mga titik na nasa kahon upang makabuo ng mga salita ukol sa mga palatandaan ng mga halamang ornamental na maaari ng ipagbili. Isulat ang sagot sa iyong kuwadernong sagutan. 4

1. G A L U N G G A U M2. T A M T A A S A3. A G L O M L A A4. U K D M A A U K D M A NB. Isulat sa kuwadernong sagutan kung DAPAT o HINDI DAPAT gawin ang mga pangungusap tungkol sa pangangalaga at pamamahala ng mga halamang ornamental at mga halamang namumulaklak._____ 1. Ang tamang pagpitas ng mga bulaklak ay kung ang mga ito ay_____ namumukadkad na.__________ 2. Tinatanggal ang mga tuyong dahon sa mga halamang ornamental na maari ng ipagbili.__________ 3. Ang mga halamang ornamental ay hinahanay ayon sa uri at gulang nito sa malawak at malilim na lugar. 4. Upang mapanatili ang kasariwaan ng halamang ornamental at mga bulaklak, maaari itong ibabad sa timbang mayroong malinis at malamig na tubig. 5. Ang mga halamang ornamental ay inaayos at itinatali sa isang madilim na lugar. 6. Kailangang ihanay ang mga halamang ornamental sa isang maliit na lugar.C. Magmasid sa mga halamang namumulaklak sa inyong paaralan, sa pahintulot ng inyong guro. Isaalang-alang ang mga palatandaan na maaari ng ipagbili ang iyong mga pinitas. Ibigay ang mga pinitas na bulaklak sa iyong punong guro o sa iyong guro.D. Kung ikaw naman ay nasa inyong bahay, pumitas din ng bulaklak sa paligid ninyo. Magpaalam sa may-ari ng halaman kung hindi sa inyo ito. Ibigay mo sa iyong ina o ilagay mo sa inyong plorera. Isaalang-alang mo rin ang mga palatandaan at mga pangangalaga na binabanggit sa titik B. 5

GRADE VMGA HAKBANG SA PAGGAWA NG COMPOST/ BASKET COMPOSTINGALAMIN MO Alam mo ba na sa paghahalaman, kailangan ang abono upang maging mataba atmalago ang mga halaman? Ito ay maaaring kunin sa natural na kapaligiran. Sapamamagitan ng composting, ang mga sariwa o nabubulok na mga basura tulad ng dahonay maaaring gawing abono. Tinatawag itong organikong abono. Ito ay nakapagpapaunladsa kalidad o uri ng lupang pagtataniman. Sa modyul na ito, tatalakayin natin at matututuhan mo ang wastong pamamaraansa paggawa ng compost. PAGBALIK-ARALAN MO Bago tayo magpatuloy sa ating aralin sa modyul na ito, balikan natin angnatutunan sa pag-aalaga ng lupa sa pamamagitan nitong mga bugtong.Ako’y isang uri ng pataba, Ako’y dapat idagdag sa halaman,Upang mapagyaman ang lupa, Kung mabagal ang paglakiNagdudulot ako ng sustansiyang kailangan, Maaaring ako’y ikalat sa paligidNa galing sa nabubulok na bagay. Isabog sa pagitan ng halamanAno ako?____________ O ihalo sa tubig at idilig Ano ako?_______________ 1

PAG-ARALAN MO Basahin ang panayam ng mga bata at intindihin ang nilalaman nito. Ang leksyon ng mga bata ay tungkol sa composting. Naisipan nilang kapanayamin si Mang Isko, isang magsasaka sa kanilang lugar. Mga Bata: Magandang umaga po, Mang Isko. Mang Isko: Magandang umaga. Ano ba ang maipaglilingkod ko sa inyo? Mga Bata: Kami po ay nagpunta rito upang alamin kung paano ang paggawa ng compost. Ito po kasi ay leksyon namin ngayon. Mang Isko: Alam ninyo mga bata, may mga komersyal na pataba na maaaring mabili sa iba’t ibang tindahan. Kaya lang ang paggamit ng compost ay higit na iminumungkahi lalo na kung ang lugar ay may malawak na bakuran. Halina kayo sa likod ng bahay ko at ipakikita ko sa inyo ang paggawa ng compost. Gagawa tayo ng hukay dito sa isang bahagi ng bakuran at dito natin itatapon ang mga nabubulok na kalat upang maging pataba pagkalipas ng ilang buwan. Ito ay tinatawag na compost pit. Tulong-tulong tayong gumawa para matutunan ninyo sa pamamagitan ngsumusunod na mga hakbang. Ang Paggawa ng Compost Pit 1. Pumili ng angkop na lugar. a. patag at tuyo ang lupa b. may kalayuan sa bahay c. malayo sa tubig tulad ng ilog, sapa at iba pa. 2

2. Gumawa ng hukay sa lupa nang may limang metro ang lalim at dalawang metro ang lapad. Patagin ang loob ng hukay at hayaang nakabilad sa araw upang hindi mabuhay ang anumang uri ng mikrobyo.3. Tipunin ang mga nabubulok na kalat gaya ng tuyong damo, dahon mga balat ng prutas at iba pa. Ilatag ito nang pantay sa ilalim ng hukay hanggang umabot ng 30 sentimetro ang taas. Haluan ng 1 hanggang 2 kilo ng abono urea ang inilagay na basura sa hukay. 3

4. Patungan ito ng mga dumi ng hayop hanggang umabot ng 15 sentimetro ang kapal at lagyan muli ng lupa, abo o apog. Gawin ito ng paulit-ulit hanggang mapuno ang hukay5. Panatilihing mamasa-masa ang hukay sa pamamagitan ng pagdilig araw-araw. Tiyaking hindi ito babahain kung panahon naman ng tag-ulan, makabubuting takpan ang ibabaw ng hukay ng ilang piraso ng dahon ng saging upang hindi bahain. 4

6. Pumili ng ilang piraso ng kawayang wala nang buko at may butas sa gilid. Itusok ito sa nagawang compost pit upang makapasok ang hangin at maging mabilis ang pagkabulok ng mga basura. 7. Bunutin ang mga itinusok na kawayan pagkalipas ng tatlong linggo. Haluing mabuti ang mga pinagsama-samang kalat at lupa. Pagkalipas ng dalawang buwang o higit pa ay maaari na itong gamiting pataba ayon sa mabilis na pagkakabulok ng mga basurang ginamit.Mga bata: Hay! Nakapapagod pala gumawa ng compost pit pero enjoy po naman. Maraming salamat po Mang Isko. Paano po pala kung halimbawa wala kang sapat na lugar upang gumawa ng hukay, pwede pa rin ba kami makagawa ng sariling pataba? 5

Mang Isko: Oo naman, Ito’y sa pamamagitan ng basket composting. Isang paraan din ito ng pagpapabulok ng mga basura pero sa sisidlan naman at hindi sa hukay. Halina kayo, ipakikita ko sa inyo. Ito ang mga paraan sa paggawa ng basket composting.1. Pumili ng sisidlan na yari sa kahoy o yero na sapat ang laki at haba. May isang metro ang lalim2. Ikalat nang pantay ang mga pinagpatung-patong na tuyong dahon. dayami, pinagbalatan ng gulay at prutas, dumi ng mga hayop at lupa tulad ng compost pit hanggang mapuno ang sisidlan. 6

3. Diligan ang laman ng sisidlan at lagyan ng pasingawang kawayan upang mabulok kaagad ang basura.4. Takpan ng dahon ng saging o lagyan ng bubong ang sisidlan upang hindi ito pamahayan ng langaw at iba pang peste. 7

5. Alisin ang mga pasingawang kawayan at haluin ang laman ng sisidlan upang magsama ang lupa at nabubulok na mga bagay pagkalipas ng isang buwan. Mga Bata: Ang galing mo po, Mang Isko. Kailan naman po namin pwedeng gamitin ito? Mang Isko: Maaari nang gamiting pataba ang laman ng sisidlan pagkalipas ng dalawang buwan o mahigit. Mga Bata: Maraming salamat po. Mang Isko. Ang dami naming natutunan sa mga ginawa nating compost pit at basket composting. Mang Isko: Walang anuman mga bata. Pagkatapos mabasa ang panayam, ano-ano ang mga hakbang sapaggawa ng basket composting. Ano ang iyong natutuhan? 8

SUBUKIN MO Subukin natin ang natutunan mo sa modyul na ito. Isulat ang sagot sa kuwadernong sagutan. A. Tumingin ka sa paligid ng inyong bahay. Aling lugar ang pwede mong gamitin sa paggawa ng organikong pataba. 1. compost 2. basket composting B. Ipaliwanag kung bakit iyon ang napili mong gagawin? C. Sa napili mo paano ang wastong paraan ng paghahanda nito? TANDAAN MO Ang compost ay isang uri ng pataba mula sa mga tuyong damo, dahon, balat ng prutas at gulay, at mga dumi ng hayop na pinabubulok sa isang hukay sa isang malawak na lugar samantalang ang basket composting ay pagbubulok ng basura sa isang sisidlan. ISAPUSO MO Basahin ang mga sumusunod na pamantayan sa paggawa ng compost/basket.Iguhit ang mukhang masaya kung nasisiyahan ka oangkop na gawin at mukhang malungkot kung hindi kanais-nais. 1. Ihanda ang mga mahahalagang materyales na gagamitin. 2. Mag-iingat sa paggamit ng matatalas at matutulis na kagamitan upang hindi masugatan. 3. Itapon ang mga kasangkapan sa ilog pagkatapos. 4. Linisin ang lugar at katawan pagkatapos ng gawain. 5. Magsigawan habang gumagawa. 9

GAWIN MO Isaisip uli ang mga natutunang mga paraan sa paggawa ng compost pit at basket composting. 1. Gumawa ng compost pit sa bakuran ninyo o sa likod ng inyong bahay sa tulong ng iyong mga kasambahay. 2. Hikayatin mo ang iyong kapitbahay na gumawa ng basket composting at ipaliwanag ang kahalagahan nito. PAGTATAYATingnan natin uli ang galing mo sa pag-intindi nitong modyul.Basahin ang sitwasyon at suriing mabuti kung ano ang magandang gawin.1. Nakikita mong maraming basura sa paligid ninyo. Ikinakalat lang ito ng mga kapitbahay mo kung saan-saan at ang iba naman ay nakita mong sinusunog ito. Pulungin mo sila sa pahintulot ng kapitan at ipaliwanag ang benepisyong makukuha kung ang basurang nabubulok ay hindi susunungin.2. Kapanayanim mo rin ang isang kakilalang naghahalaman sa pulong na ito. Tanungin ang uri ng patabang ginagamit gayundin ang kabutihang dulot nito sa mga alagang pananim. Isulat ng patalata ang kinalabasan ng pakikipagpanayam. Kung nasagutan mo nang buong husay ang bahaging pagtataya ng modyul, binabati kita! Maaari mo nang pag-aralan ang susunod na modyul. 10

GRADE V PAGPAPLANO NG NARSERI ALAMIN MO Alam mo ba na ang isang mahalagang istraktura sa halamanan ay ang narseri?Mahalaga na magkaroon ng isang maayos na lugar sa pagnanarseri upang mabigyan ngtamang pangangalaga ang mga punla, kaya kailangan ang pagpaplano bago itayo angisang narseri. 1

PAGBALIK-ARALAN MO Bago mo pag-aralan ang pagpaplano ng isang narseri pagbalik-aralan mo munaang mga kasangkapan at kagamitan sa pagnanarseri. Isulat sa patlang ang pangalan ng mga kagamitan/kasangkapan sa pagnanarseri nanakalarawan.1. ___________ 5. ___________2. ___________ 6. ___________3. ___________ 7. ___________4. ___________ 8. ___________ Kung natapos mo nang sagutan ang mga puwang maaari ka nang magsimulangmag-aral o tingnan ang susunod na gawain sa pagpaplano ng isang narseri. 2

PAG-ARALAN MOAlamin ang mga balangkas sa Pagpaplano ng Isang Narseri. Sa bawat proyekto kailangan ang masusing pagpaplano ng mga gawain kung saannakatala ang mga layunin, kagamitan, at tiyak na mga hakbang, upang maging gabaysa paggawa. Kung masusunod mo ito nakatitiyak ka na magiging matagumpay angiyong proyekto. Planong Pamproyekto sa Pagnanarseri I. Mga Layunin 1. Nakapagpaplano ng isang payak na narseri at mga gawaing kaugnay nito 2. Nasusunod ang mga wastong hakbang sa paggawa at pangangalaga ng isang narseri ayon sa plano 3. Naipapakita ang kasiyahan sa paggawa II. Pangalan ng Proyekto: Paggawa ng Isang Payak na Narseri Mga Kagamitan: asarol, piko, kalaykay, tinidor, trowel, regadera, kahong kahoy, rooting medium III. Pamamaraan A. Paghahanda 1. Pagpili ng lugar 2. Pagsukat sa lupang pagtataniman 3. Paghahanda ng mga kagamitan sa pagpaparami ng halaman 4. Pagsasaayos ng mga punla, binhi at pananim 5. Pagbubukod-bukod ayon sa uri at gulang B. Pangangalaga ng mga tanim sa narseri, hanggang sa handa nang ipamahagi, ilipat sa taniman o ipagbili. 1. Pagdidilig 2. Paglalagay ng pataba 3. Pangangalaga laban sa sakit at kulisap 4. Paggawa ng talaan ng mga pananim 3

SUBUKIN MO1. Subukin mong sagutin ang mga tanong sa Pagpaplano ng Narseri. 1. Anu-ano ang mga bahagi ng planong pamproyekto? 2. Bakit mahalaga ang planong pamproyekto sa pagnanarseri?2. Punan sa pamamagitan ng Cluster Mapping Pamamaraan ng Pagpaplano ng NarseriPaghahanda Pangangalaga TANDAAN MO Ang plano ng proyekto ay isang mabuting gabay sa paggawa upang makatiyak namagiging matagumpay ang proyekto sa pagnanarseri. 4

ISAPUSO MO1. Lagyan ng tsek (√) ang nadarama kung sang-ayon at ekis (x) kung di sang-ayon Sang-ayon Di Sang-ayon1. Kailangan ko ang masusing pagpaplano ng isang narseri sa tabi ng aming tahanan2. Isasalang-alang ko ang mga layunin, kagamitan at paghahanda kung magpaplano ng narseri3. Kailangang huwag ko nang sundin ang mga gabay sa pagpaplano ng narseri4. Magiging matagumpay ang plano ko sa pagnanarseri kung susundin ko ang mga gabay at hakbang* Isa sa mga gawaing pangkabuhayan sa Talisay, Batangas ay ang pagnanarseri. Itala ang limang paraan ng paghahanda sa plano ng pagnanarseri. GAWIN MOSumulat ng ilang pangungusap ukol sa larawan tungkol sa pangangalaga sa narseri ngmga halaman. 5

PAGTATAYA1. Lagyan ng nawawalang titik ang mga sumusunod na salita.N_RSERI LUGA_ KA_ AMITANPU_LA T_NIM PLAN_2. Kung nasagutan mong lahat maaari ka nang gumawa ng isang plano ng proyekto sa pagnanarseri ayon sa iyong kakayahan, kagamitan at lugar sa inyong bakuran.3. Iulat sa klase. 6

4. Sagutan ang mga sumusunod na tanong. a. Anu-ano ang mga gawain sa pangangalaga ng mga tanim sa narseri, bago ipamahagi o ilipat sa taniman? 1. 2. 3. 4. b. Sa palagay mo ano ang naibibigay na kabutihan kung ikaw ay gagawa ng isang plano bago magtayo ng isang narseri? Bakit? (Isulat sa isang papel) Kung nasagutan mo nang buong husay ang bahaging pagtataya ng modyul, binabati kita! Maaari mo nang pag-aralan ang susunod na modyul. 7

GRADE V MGA SALIK NA DAPAT ISAALANG-ALANG SA PAGNANARSERI ALAMIN MO Alam mo ba na ang narseri ay isang lugar kung saan ang mga buto at ibapang uri ng mga pananim ay pinatutubo at inaalagaan hanggang sa mga ito ayhanda ng ilipat sa permanenteng tanim? Kaya, dapat mong alamin ang mgasalik na dapat isaalang-alang sa pagnanarseri upang matugunan angpangangailangan ng pananim at ang kasiyahang nais matamo sapaghahalaman. 1

PAGBALIK-ARALAN MO Bago simulan ang pag-aaral sa modyul na ito, lagyan mo ng bilog ang mga bilang nanagsasaad ng kabutihang naidudulot ng pagnanarseri. 1. Ang pagnanarseri ay nakalilibang na gawain. 2. Natutugunan din nito ang mga magsasakang nangangailangan ng mga punla o binhing itatanim. 3. Natutugunan din nito ang mga pangangailangan ng mga taong nais mag- alaga ng punla. 4. Nagiging isang uri rin ito ng paghahanapbuhay. 5. Nakatutulong ito sa pagsulong ng mga nais mangibang bansa. 6. Nakatutulong din ito sa pagsulong ng kabuhayan. 7. Natutulungan nito ang mga taong nais magtanim at agad silang may mapagkukunan ng mabuting uri ng binhi. 8. Natutugunan din nito ang mga suliranin na dulot ng basura. 9. Ang pagnanarseri ay nakapagpapaganda ng paligid. 10. Ito ay pananggalang sa polusyon na dulot ng mga usok ng mga sasakyan. PAG-ARALAN MO Pagmasdan at pag-aralan ang larawan. Sa larawang napagmasdan, nakita mo ba ang mga salik sa pagnanarseri? Mahalagang malaman ang mga salik na kailangan sa pagnanarseri. Narito isa-isahin mo: 2

1. Matabang Lupa. Ang lupa sa pook ng binhian ay dapat na maging mataba (ibig sabihin, madali itong durugin at sagana sa humus) upang ang halaman ay tumubo. Ang katabaan ng lupa ay nangangailangan ng isang uri ng pagkaing halaman sa anyong humus, na matatagpuan sa lupa.2. Pagkakaroon ng Daluyan ng Tubig. Ang lupa na pagtatayuan ng narseri ay kinakailangang bahagyang nakahilig upang may dumaloy ang tubig, lalo na kung malakas ang ulan.3. Malapit sa Pinagmulan ng Tubig. Ang narseri ay dapat na malapit sa pinanggalingan ng sapat na dami ng tubig, sapagkat ito ay kinakailangan sa pagpapatubo ng halaman. Higit na kinakailangan ang tubig kung tag-araw. 3

4. Maayos na Bakod. Ang narseri ay dapat mayroong maayos na bakod upang mapangalagaan ang mga halaman at mga pinaraming punla sa mga nakawala o ligaw na hayop.5. Pagkakaroon ng Pananggalang sa Malakas na Hangin. Ang malakas na hangin ay nakakapinsala sa maliit na halaman, kung kaya’t ang narseri ay dapat mayroong likas na pananggalang sa hangin tulad ng mga punongkahoy o burol. 4

6. Nasisikatan ng Araw. Ang sikat ng araw ay kailangan ng halaman sa paggawa ng pagkain. Dapat nasisikatan ng araw sa maghapon ang napiling lugar na pagtatayuan ng narseri.7. Maaayos na Daan. Kailangan ding malapit sa maayos na daan ang narseri upang madaling maisapamilihan ang mga punla at maging magaan ang paghahatid ng mga ito. 5

SUBUKIN MOA. Pagtambalin ang hanay A at hanay B. Isulat lamang ang titik ng sagot sa kuwaderno._____ 1. matabang lupa a. Mga punongkahoy at burol_____ 2. maayos na daan b. Kailangan ito sa paggawa ng_____ 3. pananggalang sa hangin_____ 4. daluyan ng tubig pagkain ng halaman_____ 5. malapit sa tubig c. Pananggalang sa mga ligaw at_____ 6. kaayusan ng bakod_____ 7. sikat ng araw at nakawalang mga hayop d. Kailangan ito upang madaling maisapamilihan ang mga punla at maging magaan ang paghahatid ng mga ito e. Takbuhan ng tubig f. Kailangan ito sa pagpapatubo ng halaman lalo na kung tag-araw g. Madaling durugin at sagana sa humusB. Bakit dapat isaisip ang mga salik sa pagnanarseri? Ipaliwanag ito. Isulat sa kuwaderno ang mga sagot.TANDAAN MOMay mga salik na dapat isaalang-alang sa pagnanarseri na dapat lagingisaisip upang makatiyak sa maayos at matagumpay sa gawaing ito. 6

ISAPUSO MO Ang pagnanarseri ay nagiging isang uri ng hanapbuhay, nakadaragdag ng kita,isang magandang libangan, nakapagpapaganda ng paligid at nakaaaliw. Subalit angmga magagandang dulot ng pagnanarseri ay matatamo lamang kung ang moral sapaggawa tulad ng kasipagan, pagiging matulungin at pakikiisa, katapatan atpagkamalikhain ay iyong taglay. GAWIN MO Iguhit sa isang malinis na papel ang anyo ng isang mainam o mahusay na lugarpara sa pagnanarseri. Isaalang-alang ang mga salik na natutunan mo. PAGTATAYA Isulat sa papel ang sagot sa bawat patlang ng sumusunod na mga pangungusap.Pumili ng sagot na nakasulat sa ibaba. 1. Ang ___________ ang pinakaangkop na lupang gagamitin sa paghahalamang gulay sapagkat ito ay buhaghag, magaan at madaling bungkalin. 2. Ang mga halaman ay dapat tumanggap ng ___________ sa maghapon dahil ito ay kailangan sa paggawa ng kanilang pagkain. 3. Ang narseri ay kailangan malapit sa maayos na daan upang madaling maisapamilihan ang mga ___________ at maging magaan ang paghahatid ng mga ito. 4. Ang mga punongkahoy o mga ___________ ay mga halimbawang pananggalang sa malakas na hangin. 7

5. Mapangangalagaan ang mga halaman sa narseri kung meron itong ___________.6. Ang ___________ ay kailangan sa paghahalaman lalong lalo na kung tag- araw.7. Ang lupa ay kailangang bahagyang ___________ upang may takbuhan ang tubig lalo na sa panahon ng tag-ulan.8. Ang loam, banlik o ___________ ay mga uri ng lupa para sa binhian.burol maayos na bakodpunla tubigsikat ng araw nakahiligloam soil putikKung nasagutan mo nang buong husay ang bahaging pagtataya ngmodyul, binabati kita! Maaari mo nang pag-aralan ang susunod namodyul. 8

GRADE V MGA GAWAIN KAUGNAY SA PAGNANARSERI ALAMIN MOMahalaga ang pagnanarseri sa paghahalaman. Ang maayos na paggawa nito aykailangan upang mapabuti at mapaunlad ang paghahalaman. Sa modyul na ito, pag-aaralan mo ang iba’t ibang gawaing may kinalaman sapagnanarseri. Malalaman mo ang kahalagahan ng bawat gawain, sa ikatatagumpayng paghahalaman. PAGBALIK-ARALAN MO A. Itala ang pitong (7) salik na kailangan sa pagpili ng tamang lugar o pook sa pagnanarseri. 1. 2. 3. 4. 5. 6. 7. B. Magbigay ng isa o dalawang pangungusap bilang paliwanag kung bakit mahalaga ang bawat salik. 1

PAG-ARALAN MO Maraming gawain ang nauugnay sa pagnanarseri at ang mga ito ay mahahalagarin. Pag-aralan mo isa-isa. 1. Ang Paghahanda ng Narseri Isaalang-alang ang mga salik sa pagpili ng lugar o pook na pagtatayuan ng narseri. 2. Paggawa ng Shed o Paglalagay ng Lilim Kinakailangang maayos ang pagkakagawa ng silungan upang magsilbi itong pananggalang sa init ng araw. Kapag sobra ang init ng araw, ito ay nakadadarang at nagiging sanhi ng pagkatuyo ng lupa, mga punla at iba pang mga halaman sa loob ng narseri. Ang shed ay pananggalang din sa malakas na hangin na maaaring makatangay sa maliliit na halaman. Maaaring gumamit ng kawayan, kahoy o tabla at kailangang tibayan ang pagkakagawa nito. Ang pundasyon ay dapat kongkreto upang hindi magiba agad. Itayo sa likod ng isang bagay na magsisilbing pananggalang sa malakas na hangin. Tiyakin din na ang lilim na ilalagay ay hindi nakasasagabal sa pagpasok ng hangin at sikat ng araw. 2

3. Paghahanda ng Lupa Mahalagang maihanda muna ang lupa bago tamnan. Dapat bumagay ito sa uri ng butong ipupunla. Kung minsan ang lupa ay nangangailangang dumaan sa iba’t ibang uri ng isteralisasyon. Ang isteralisasyon ay ginagawa sa pamamagitan ng pagbibilad ng lupa sa araw, pag-init, pagbubuhos ng mainit na tubig, pagsunog at paggamit ng kemikal. Ginagawa ito upang makatiyak na ligtas ang lupa sa mapaminsalang maliliit na organismo.4. Paglalagay ng Pataba Ito rin ay isang gawaing kaugnay sa pagnanarseri. Binibigyan ng karagdagang sustansya ang lupa sa pamamagitan ng paglalagay ng pataba. Ang mga binhi ay may nakaimbak na sariling pagkain. Ito ay nauubos habang sila ay lumalaki. Kapag naubos, umaasa sila sa sarili para sa kanilang pagkain. Kaya ang paglalagay ng pataba sa wastong panahon at paraan ay dapat na ugaliin. 3

5. Pagtatanim at Paglilipat Mula sa kahong punlaan ang mga punla ay maari ng ilipat sa paso, supot ng plastik, mga kahon, tubong kawayan, mga lata at iba pang lalagyan. Ginagawa ito kung ang mga punla ay nasa katamtamang laki na o gulang. Gawin ito ng buong ingat upang hindi mapinsala ang mga ugat. Kadalasan, ang pagtatanim at paglilipat ng punla ay ginagawa bago o makalipas ang tag-ulan, dahil hindi gaanong malagkit ang lupa. Maaari ring maglipat ng punla o magtanim sa bandang hapon kapag hindi matindi ang sikat ng araw.6. Pangangalaga sa mga Punla at mga Halaman Ang mga punla at iba pang halaman sa narseri ay nangangailangan ng pangangalaga tulad ng: a. Katamtaman at palagiang pagdidilig. Ang wastong paraan ng pagdidilig ay dapat tandaan. Ang sobrang tubig ay makakasama sa punla. Maaari itong pagmulan ng impeksyon o pagkakasakit ng mga punla. b. Pagbubungkal ng lupa sa paligid ng halaman. Ginagawa ito upang madaling masipsip ng mga ugat ang tubig at mga sustansiya sa lupa. c. Pag-aalis ng mga ligaw na damo. Ang mga damo ay kumukuha rin ng mga sustansiya sa lupa. Kinakailangang alisin ang mga ito upang hindi magkaroon ng kaagaw ang mga punla at mga halaman sa mga sustansiya na dapat nilang makuha sa lupa. Ang iba pang paraan ng pangangalaga sa halaman ay dapat ding gawin sa wastong paraan upang makatiyak sa maunlad na pagnanarseri. 4

7. Pag-aayos ng mga punla Kailangang maayos ang pagkakalagay ng mga punla sa narseri upang maging magaan at madali ang pagkilos ng tagapangalaga. 8. Pagpuksa ng mga peste at sakit Kinakailangang panatilihing malinis at maayos ang tubig malapit sa narseri. Kailangan ito upang higit na madaling maiwasan ang pagdapo ng mga sakit at peste. Kapag ang sakit at peste ay dumapo na, ang paggamit ng mekanikal at kemikal na pamuksa ay maaari nang gawin. Isaisip lamang ang mga tagubiling pangkaligtasan sa paggamit nito. Maaari ring gawin ang regular na pagbobomba ng mga pamuksa sa malulubhang kaso. SUBUKIN MOSubukin mong hanapin sa pahulaan ang pitong (7) gawaing kaugnay sa pagnanarseri.Ang mga ito’y matatagpuan sa ayos na pahalang, paayon at pasibad. Isulat sakuwaderno ang sagot. 1. 2. 3. 4. 5. 6. 7. 5

P PAGPUKSANGSAK I TL A P P A T P E S T E Y NWO LH P G A N I R S T GWN S O UWMAGAG L B KDNH LMB N TD G NWA T H E I P SWY L O RO L L P NYAHO R H P KUMYS A H L GWO T U S MD B G I HNLDYAYDSAP L PKEDOT A PWL S YGNNHMDA T SR G H A A TWSWG I P L NWOS A I WG D U G E S DMLMN KWY K X A LWA D G I U L H E BDNMS N E I MO S P T N R S UK G PWG G T LWX L RML O DWP NMP S DA I B D E GHAKO A R T U D L N R P O TWU S ML TMRN E AK E GA I L HDBS A N U L G N P S UWT T R OMKB P RABDL EOLM I ROSP AGHAHANDANG L U P A 6

TANDAAN MO Dapat mong isaisip ang mga sumusunod na mga gawaing kaugnay sa pagnanarseri: 1. Ang paghahanda ng narseri 2. Paggawa ng shed o paglalagay ng lilim 3. Paghahanda ng lupa 4. Paglalagay ng pataba 5. Pagtatanim at paglilipat ng mga punla 6. Pangangalaga sa mga punla at mga halaman 7. Pag-aayos ng mga punla 8. Pagpuksa ng mga sakit at peste Dapat mo ring tandaan na ang iba’t ibang gawain sa pagnanarseri ay nararapat na isagawa nang mahusay at maingat. Kung magagawa ito, magiging matagumpay at kasiya-siya ang paghahalaman. ISAPUSO MO Ang hanapbuhay ng mag-anak ni Mang Ikoy ay pag-aalaga ng iba’t ibang halaman saisang narseri. Napagtapos niya sa pag-aaral ang kanyang limang anak. Sa kasalukuyan, katulong na niya ang kanyang limang anak sa mga gawaing kaugnaysa pagnanarseri. Lalong lumago ang kanilang hanapbuhay at nahirang ang pamilya niMang Ikoy na Huwarang Pamilya ng kanilang bayan. Ano sa palagay mo ang mga katangian ng mag-anak ni Mang Ikoy na nagpaunlad ngkanilang hanapbuhay? Ano rin sa palagay mo ang kanilang katangian at nahirang angkanyang mag-anak na “Huwarang Pamilya ng Bayan? Pagisipang mabuti ang iyong mga sagot, isapuso at isabuhay mo. GAWIN MO Sa isang papel, itala mo ang mga panuntunang pangkabuhayan at pangkaligtasan nadapat tandaan sa bawat gawaing kaugnay sa pagnanarseri. 7

PAGTATAYA Basahin ang mga pangungusap sa ibaba. Lagyan ng tsek (√) ang puwang kung angpangungusap ay nagsasaad ng mga gawaing kaugnay sa pagnanarseri. Gawin sakuwaderno._____ 1. Ang pagnanarseri ay nagpapaganda ng paligid._____ 2. Ang paglalagay ng pataba ay nagdadagdag ng sustansiya sa lupa na__________ kailangan ng mga binhi at iba pang halaman._____ 3. Kapag malapit sa maayos na daan ang isang narseri madaling__________ maisasapamilihan._____ 4. Sa paghahanda ng narseri, dapat isaalang-alang ang mga salik sa__________ pagpili ng lugar o pook._____ 5. Ang paggawa ng silungang maayos ay magsisilbing bubong na_____ pananggalang sa init ng araw._____ 6. Kaaya-ayang pagmasdan ang paligid kapag maraming halamang__________ ornamental at halamang bulaklakin ang nakatanim. 7. Ang lupang tatamnan ay dapat bumagay sa butong ipupunla o itatanim. 8. Sa pamimili ng halamang-gulay na itatanim sa bakuran, dapat sumangguni sa kalendaryo ng pagtatanim. 9. Maraming bagay ang dapat tandaan sa paggawa ng mahusay na narseri. 10. Ang mga punla at iba pang halaman sa narseri ay dapat alagaan nang wasto upang makatiyak sa maunlad na pagnanarseri. 11. Magiging magaan, madali at maayos ang pagkilos ng tagapag-alaga ng mga punla at mga halaman sa narseri kung maayos ang pagkakalagay ng mga ito. 12. Maiiwasan ang pagdapo ng mga sakit at peste sa halaman kung mapapanatiling malinis at maayos ang loob at paligid ng narseri. 13. Ang pagsunod sa mga pamantayan at alituntunin ay makatutulong sa pagsasagawa ng anumang gawain sapagkat ito ang nagsisilbing gabay. 14. Ang mga halamang-baging ay ginagawan ng balag upang dito gumapang ang halaman. 15. Dapat diligin ang mga halaman nang wasto at katamtamang tubig upang hindi ito malunod. 8

GRADE V PANGANGASIWA SA NARSERIALAMIN MO Ang mga halamang tanim sa NARSERI ay nangangailangan ng wastongpangangasiwa at pagmamahal tulad mo rin na nangangailangan ng pag-aalaga.Ano naman kaya ang mga pangangailangan ng mga tanim sa narseri kung nasapunlaan pa at ang ugat ay malambot pa. Ano kaya ang dapat gawin kongpangangalaga upang lumaking malusog at kapakipakinabang sila. (Bigyan mongpansin ang mga salitang may salungguhit).PAGBALIK-ARALAN MOAnong mga buto ang itinanim mo?A. Tumubo na ba ang mga butong itinanim mo? Ilang araw bago tumubo?(Isulat sa ibaba ang mga pangalan ng mga butong itinanim at isulat ang mgaimpormasyong hinihingi) Butong Itinanim Tumubo Ba? Ilang Araw Bago Tumubo1.2.3. 1

B. Isulat sa puwang ang paraan sa pagpapatubo ng halaman sa bawat bilang. (sa sanga, buto, bunga, ulo, dahon at grafting) MGA HALAMAN PAANO ANG PAGPAPARAMI1. duranta2. rosas3. palong-palong4. tsitsirika5. ilang-ilang6. rosal7. adelfa8. san francisco9. gumamela10. cactusPAG-ARALAN MO (Basahin ang mga impormasyon ukol sa pangangasiwa ng mga tanim sa narseri attingnan ang mga larawan) ν WASTONG PANGANGALAGA/PANGANGASIWA NG MGA TANIM SA NARSERI Upang lumaki nang malusog at maging kapakipakinabang ang mga tanim sa narseri, dapat sundin ang mga pangunahing hakbang tulad ng mga sumusunod: 1. Diligan nang sapat na dami ng tubig ang mga halaman araw-araw 2


Like this book? You can publish your book online for free in a few minutes!
Create your own flipbook