Important Announcement
PubHTML5 Scheduled Server Maintenance on (GMT) Sunday, June 26th, 2:00 am - 8:00 am.
PubHTML5 site will be inoperative during the times indicated!

Home Explore E.P.P V

E.P.P V

Published by Palawan BlogOn, 2015-10-01 02:02:33

Description: Binder1

Search

Read the Text Version

Narito ang mga proyektong maaaring gawin bilang libangan at pagkakakitaaan.1. Gawaing Yantok market basket Ang pamalo na Arnis ay paper mache yari sa yantok. Ang mga yantok ang orihinal na ginagamit sa basket o “tray.” Isa ito sa pinagkakakitaang industriya sa ating pamayanan.2. Paggawa ng Laruan Ang paggamit sa mga patapong bagay tulad ng diyaryo ay iminumungkahi upang mapakinabangan ang mga ito. Isa ito sa mga malalaking pinagkakakitaan sa pamayanan.3. Gawaing Kabibe fruit tray Kabibe, capiz at iba pa ang mga pangunahing materyales sa proyektong ito. Ang mga mamamayan na nakatira sa tabing-dagat ay malaki ang pakinabang dito.4. Gawaing Kawayan wall vase Napakaraming proyekto ang magagawa sa kawayan na magagamit sa tahanan at maipagbibili sa pamayanan. 3

5. Gawaing Bao cooking dipper Maraming proyekto ang coin purse magagawa na maipagbibili basketball ring net sa mga tindahan ng “handicrafts”. basket6. Gawaing Plastik Maraming patapong plastik o “cellophane” ang maaaring gamiting kapaki- pakinabang na proyekto sa tahanan at maaaring ipagbili sa pamayanan.7. Paggawa ng Lambat Ang mga proyekto sa gawaing ito ay ang paggawa ng lambat kagaya ng panghuli ng isda, bag, net ng bola at iba pa. Ang mga kaalaman at kasanayan sa gawaing ito ay napakahalaga sa pagkakaroon ng mga gamit sa tahanan at maaaring maipagbili sa pamilihan.8. Basketri Ito ang paglalala ng kahit anong materyales upang makabuo ng isang lalagyan o sisidlan. Maaaring kawayan, ugat ng halaman, dahon o maaaring manipis na yero ay maaaring lalahin. 4

SUBUKIN MOBasahing mabuti ang mga sitwasyon sa ibaba at sagutin ang kasunod na tanong.Isulat ang iyong sagot sa kuwadernong sagutan. 1. Si Jim ay gumawa ng isang proyekto. Pinili niya ang pinakamahusay na materyales at madaling makita sa paligid. Pinagsikapan niyang maging maayos at maganda ang kanyang proyekto. a. Ano ang ipinakikita nito? b. Anong pag-uugali mayroon si Jim? 2. Sinikap nina Esser at Derick na pagandahin ang gawa nilang proyekto. Tinuos nila ang ginasta at alam nila na sila ay kikita. Ginawa nila itong mahusay ang pagkakayari. a. Ano ang dapat isaisip ng dalawang mag-aaral kung ipagbibili nila ang nagawang proyekto? b. Ano ang ipakikitang ugali ng mga bata? TANDAAN MO 1. Sa paggawa ng isang proyekto dapat isaalang-alang ang mga sumusunod: a. Isaisip ang mga materyales na gagamitin. b. Pagsisikap na maging maayos, maganda at masinop ang pagkakagawa ng proyekto. 2. Kung nais ipagbili ang gawang proyekto dapat na: a. Alamin ang mga ginasta sa paggawa ng proyekto. b. Alamin ang kikitain. c. Isipin kung kapaki-pakinabang sa mamimili. d. Sabihin na mura ang halaga at matibay pa. 5

ISAPUSO MOIsulat sa kuwadernong sagutan ang iyong sagot. 1. Paano mo pahahalagahan ang iyong natapos na proyekto? 2. Ano ang iyong dapat gawin upang kumita sa iyong sariling pagsisikap? GAWIN MOKunin mo ang nabuong proyekto at gawin ang sumusunod na panuto. Isulat angiyong sagot sa kuwadernong sagutan. 1. Isalaysay kung paano mo nagawang maayos, maganda at masinop ang iyong proyekto. 2. Ilista o itala mo ang maaari mong gawin upang magustuhan ng mga mamimili ang iyong proyekto. 3. Kwentahin mo kung magkano ang iyong nagasta sa proyekto at kung magkano mo ito ipagbibili. 6

PAGTATAYAA. Lagyan ng tsek ang bilang na nagpapakita na mayroon kang pagpapahalaga sa natapos na proyekto. Bigyang-paliwanag ang iyong sagot. Isulat ito sa kuwadernong sagutan._____ 1. Iniingatan ang proyekto at binabalutan ng plastik._____ 2. Pinagsikapang makagawa ng proyekto na isinasaisip ang mga_____ materyales na gagamitin. 3. Pinilit na makagawa ng proyekto upang magkaroon ng lamang sa__________ marka. 4. Pinagsikapang maging maganda ang proyektong ginawa. 5. Hindi na inayos ang bahagi ng proyekto na nangangailangan pa ng pagpapaganda.B. Tukuyin ang mga magkakaugnay na gawain sa Hanay A at Hanay B. Isulat ang wastong sagot sa iyong kuwadernong sagutan. AB1. Gawaing Kawayan a. capiz, lamp shade2. Gawaing Kahoy b. plastic envelope3. Gawaing Plastik c. proyektong de kuryente4. Elektrisidad d. bilao, basket5. Basketri e. alkansiyang kawayan6. Gawaing Kabibe f. bangkitoKung nasagutan mo nang buong husay ang bahaging pagtataya ngmodyul, binabati kita! Maaari mo nang pag-aralan ang susunod namodyul. 7

GRADE V MGA MATERYALES, KASANGKAPAN AT KAGAMITAN SA PAGGAWA ALAMIN MO Ang anumang gawain ay magiging madali at magaan kung pinaghahandaan ito nangmabuti. Bago simulan ang anumang gawain, kailangan na maging maingat at wasto sapagpili ng angkop na kasangkapan, kagamitan at materyales upang magtagal angpakinabang ng mga proyektong gagawin. Sa modyul na ito, matututuhan mo at makikilala ang kahalagahan ng pagtatala ngdami, ispesipikasyon at halaga ng mga materyales na malimit gamitin sa paggawa ng iba’tibang uri ng kagamitan at palamuting yari sa kamay 1

PAGBALIK-ARALAN MOA. Ayusin ang mga hakbang na dapat sundin sa pagpaplano ng proyekto sa pamamagitan ng paglalagay ng bilang 1-5 sa patlang._____ a. Itala ang mga pangunahing kasangkapan na kakailanganin sa paggawa ng proyekto._____ b. Gumawa ng batayang larawan na magiging gabay sa pagbubuo ng_____ proyekto._____ c. Isulat nang maayos sa papel._____ d. Balikan ang pagkakasunud-sunod ng mga hakbang na gagawin sa pagbuo ng proyekto. e. Gumawa ng talaan ng mga materyales at iba pang kagamitang kakailanganin sa paggawa ng proyekto.B. Isulat sa iyong kuwaderno ang tinutukoy sa bawat bilang.1. Ito ay ginagamit sa pagkuha ng tamang haba o laki ng mga materyales na kailangan sa pagbuo ng proyekto.2. Ginagamit ito na pamukpok ng pako sa kahoy.3. Ito ang ginagamit upang higpitan o luwagan ang mga turnilyo.4. Ginagamit ito sa paggawa ng mga butas o hugpungan at sa pag-ukit at pagkorte ng kahoy.5. Ito ay ginagamit upang kuminis at pumantay ang ibabaw ng kahoy. PAG-ARALAN MO Sa paggawa mo ng isang proyekto, dapat isaalang-alang ang mga materyales nakakailanganin sa paggawa nito. Ang talaan ng materyales ay bahagi ng plano ngproyekto na nagsasaad ng mga materyales na gagamitin. Dito mo malalaman anghalagang gugugulin at matitiyak mo kung mayroong materyales na makukuha omabibili sa pamayanan. 2

Kinakailangan ding mapili nang wasto ang angkop na materyales na gagamitinupang magamit nang matagal at lubos na kapakipakinabang ang proyektonggagawin.A. Narito ang isang halimbawa ng talaan.Yunit Kuwantidad Deskripsyon Halaga ng Bawat Kabuuang Piraso Halaga 1 Piraso Tabla – 2” x 8” x 1” P40.00 2 Piraso Tabla – 2” x 6” x 8” 30.00 4 Piraso 20.00 1 Piraso Screw - ¼ x 3” 8.00 Liha #2 P98.00 Kabuuang HalagaB. Narito ang ilan sa mga materyales na maaari mong gamitin sa paggawa ng iba’t ibang uri ng kagamitan at palamuting yari sa kamay. 1. Kahoy o tabla Kawayan2. 3

3. Niyog4. Anahaw Kabibe5. 4

SUBUKIN MOA. Matapos mong matutuhan ang kahalagahan ng pagtatala ng materyales at kagamitan, subukin mong gawin ang sinasabi ng panuto na nasa ibaba. 1. Pumili ng isang proyektong nais gawin. 2. Isa-isahin ang mga materyales na gagamitin. 3. Maghanda ng talaan ng materyales sa napiling proyekto.B. Tukuyin kung anong materyales ang ginamit sa pagbuo ng proyektong gawang- kamay sa bawat bilang. Isulat ang titik ng wastong sagot sa iyong kuwaderno. K - Kahoy o Tabla G - Kawayan M - Abaka I - Anahaw T - Kabibe N - Niyog 1. Paggawa ng Laruan 2. Basket 3. Pamunasan ng Paa 4. Paggawa ng Hikaw at Kuwintas 5. Abaniko 6. Alkansiya 7. Plorera 8. Banig 9. Tsinelas 10. Bulaklak TANDAAN MO • Kailangan ang talaan ng materyales upang maisa-isa ang uri, dami at halaga ng mga materyales na kakailanganin sa paggawa ng napiling proyekto. • Ang pagpili nang wasto at angkop na materyales at kagamitan sa pagbuo ng isang proyektong gawang-kamay ay napakahalaga. 5

ISAPUSO MO1. Bakit kailangan mong maitala nang wasto ang mga materyales at kagamitan sa paggaw ng proyekto? Kailangang maitala nang wasto ang mga materyales at kagamitan sa paggawa ng proyekto upang matapos kaagad ang proyekto at walang masayang na materyales2. Bakit kailangang matalino sa pagpili ng kasangkapan, kagamitan at materyales sa pagbuo ng isang proyektong gawaing-kamay? Mahalaga na piliin ang angkop na materyales at kagamitan upang matagal na mapakinabangan ang proyektong gagawinGAWIN MOA. Umisip ka ng proyektong gustong gawin at punan mo ang talaan na nasa ibaba.Yunit Kuwantidad Deskripsyon Halaga ng Bawat Kabuuang Piraso HalagaB. Magtala ng limang (5) proyekto na ginagamitan ng mga likas na materyales na maaaring kapaki-pakinabang sa bahay at sa paaralan. 6

PAGTATAYA1. Kopyahin at sagutan ang mga tanong sa tsart. Gamitin ang sumusunod na pananda para sa iyong kasagutan. Oo -√ Bahagya - Hindi -X Mga Sukatan Oo Bahagya Hindi1. Natukoy ko ba ang lahat ng materyales kong gagamitin?2. Nakuwenta ko ba ang bilang at dami ng kinakailangangmateryales?3. Nakuwenta ko ba ang halaga ng bawat piraso at kabuuanghalaga?4. Natiyak ko ba ang dami at mga sukat ng bawat materyales?2. Sipiin mo ang tsart na ito sa iyong kuwaderno at isulat ang napiling materyales, kasangkapan at kagamitan para sa sumusunod na proyekto. PROYEKTO MATERYALES KASANGKAPAN KAGAMITAN1. Pandekorasyon2. Pencil holder3. Place mat4. Plorera Kung nasagutan mo nang buong husay ang bahaging pagtataya ng modyul, binabati kita! Maaari mo nang pag-aralan ang susunod na modyul. 7

GRADE V KAALAMAN AT KASANAYAN SA PAGKUKUMPUNI ALAMIN MO “Makatitipid ka ng malaki kung marunong kang magkumpuni.” Ito’y isangpaalala upang ng sa gayon ay makatipid ka. Lalo na sa panahon ngayon nakaunting bagay lang ay binabayaran. Kaya kung malalaman mo ang tamangkaalaman, kasanayan at kahusayan sa pagkukumpuni ay maaayos ang lahat ngmga sirang kagamitan sa loob ng tahanan o ng paaralan ng walang malakinggastos. Kaya’t inaasahan na sa pagtatapos ng modyul na ito: • Matutukoy mo nang tama ang mga sirang bahagi ng kasangkapan tulad ng paa ng mesa, silya at iba pa • Magagamit nang wasto ang mga materyales at kasangkapan o kagamitang dapat na gamitin sa pagkukumpuni 1

PAGBALIK-ARALAN MOIsulat sa kuwaderno kung anong kasangkapan ang tinutukoy. Isulat lamangang titik ng tamang sagot._____ 1. Ginagamit sa pagkuha ng tamang haba at sukat ng materyales._____ 2. Ginagamit sa pagputol at paghugis ng kahoy o bakal._____ 3. Pangkaraniwang ginagamit na pamukpok ng pako sa kahoy._____ 4. Ginagamit upang kuminis at pumantay ang ibabaw ng kahoy._____ 5. Ginagamit upang higpitan o luwagan ang mga turnilyo.A. B. K. D. E. 2

PAG-ARALAN MO Kahit na gaano ka pa man kaingat sa paggamit ng mga kagamitan o kasangkapanito ay nasisira din. Kaya’t dapat mo na itong kumpunihin bago pa lumala ang muntingsira. Paano mo matutukoy kung ang mga kagamitan sa inyong tahanan ay may sira atdapat na itong kumpunihin? Simple lang ang dapat mong gawin. Suriin o tingnanmabuti ang mga kagamitan o kasangkapan na may sira. Ihiwalay ang mga ito para sadagliang pagkukumpuni at kung marami na ang bagay na dapat kumpunihin aygumawa ng isang talaan ng mga bagay na dapat kumpunihin. Isang halimbawa ng talaan ay ang makikita sa ibaba.Halimbawa ng talaan: Bagay na Parte na Dapat Ang Dapat Gawin May Sira Kumpunihin1. mesa palitan2. plug paa isaayos sa pamamagitan ng disturnilyador3. silya koneksiyon alisin ang parteng may sira at ipako sandalan Matapos mong gawin ang isang talaan, kailangan mo nang malaman ngayon angmga materyales at kasangkapan na dapat mong gamitin sa pagkukumpuni. Makatutulong ng malaki ang mga sumusunod upang makapili ka ng tamangkagamitan na angkop gamitin sa bawat sira sa iyong pagkukumpuni.Gomang Pambomba 3

Liyabe de tuboDisturnilyadorKagamitan sa pagkukumpuni ng sirang kable ng kuryente o mga kagamitangpang-elektrisidad.Long nose plier Disturnilyador Side Cutter Plier 4

Mga kagamitan sa pagkukumpuni ng mga bagay na gawa sa kahoy. EskwalaMetrong Panukat Lagare Katam Martilyo SUBUKIN MO• Libutin mo ang loob ng iyong tahanan at sa kalapit na bahay at itala mo sa iyong kuwaderno ang mga bagay na madalas masira na kayang kumpunihin ng isang batang katulad mo. 1. 6. 2. 7 3. 8. 4. 9. 5. 10.• Itala mo ang mga kagamitan o materyales na dapat mong gamitin sa iyong gagawing pagkukumpuni. 5

• Gamitin ang talahanayang ito upang mapadali ang pagkukumpuni. Bagay na Madalas Masira Kagamitan sa Pagkukumpuni1. mesa lagari, pako, martilyo2.3.4.5.6.7.8.9.10. TANDAAN MO• Mapapadali ang pagkukumpuni kung nalalaman ang mga bagay na dapat mong gamitin• May iba’t ibang kagamitan sa bawat kasangkapang ating kinukumpuni• Mahalaga ang wastong paggamit ng mga kasangkapan sa pagkukumpuni upang maiwasan ang anumang sakuna o disgrasya ISAPUSO MO1. Paano mo aalagaan ang mga kagamitan sa iyong tahanan?2. Ano ang dapat mong gawin upang makaiwas sa mga sakuna sa paggamit ng mga kagamitang pangkumpuni?3. Bakit mahalagang habang maaga ay kumpunihin na ang munting sira sa ating mga kasangkapan? 6

GAWIN MO • Iguhit sa isang malinis na cartolina ang mga bagay na ginagamit sa pagkukumpuni ng mga sirang kagamitan na gawa sa kahoy. PAGTATAYA Kilalanin ang pangkat ng mga kagamitang nasa larawan at isulat sa iyong kuwaderno ang kaukulang gamit nito.A. B. C. Kung nasagutan mo nang buong husay ang bahaging pagtataya ng modyul, binabati kita! Maaari mo nang pag-aralan ang susunod na modyul. 7

GRADE V WASTONG PARAAN NG PAGKUKUMPUNI ALAMIN MO Alam mo ba na malaki ang naitutulong ng pagkakaroon ng wastong kaalaman saparaaan ng pagkukumpuni? Kung ibig mong malaman ang mga simpleng pamamaraan, marapat na isaulo atpaghusayan ang pag-aaral sa paksang ito. Kung walang kahusayan o kasanayan sa wastong paraan ng pagkukumpuni angisang batang katulad mo ay marahil makapagdudulot ito ng kapahamakan hindilamang sa iyo kundi pati na rin sa iyong kasambahay. Sa modyul na ito ay matututunan mong: • Makasunod ng wasto sa paraan ng pagkukumpuni 1

PAGBALIK-ARALAN MOBuuin ang mga salita ng naaayon sa gamit at pagkakapangkat nito: A. Pagkumpuni sa mga bagay na yari sa kahoy. 1. m t y2. a a r3. k taB. Mga kagamitan sa pagkukumpuni ng mga gamit na pang-elektrisidad.1. d s u y or2. l e 2

PAG-ARALAN MO Bago mo gawin ang pagkukumpuni, mahalagang malaman mo muna ang wastongpamamaraan nito. Wala namang mawawala kung susundin mo nang tama ang bawathakbang ng wastong pamamaraan manapa ay makakatulong pa ito sa iyongkaligtasan sa oras ng iyong pagkukumpuni. • Pagkukumpuni ng sirang upuan (paa) Kagamitan: Martilyo, lagari, pako, katam, panukat Pamamaraan: Maingat na putulin ang bahagi ng upuan na may sira sa pamamagitan ng lagari, gamitin ang panukat at sukatin ang bahaging pinutol. Kumuha ng kahoy at putulin ito sa tamang sukat. Pakinisin ang gagamiting pamalit sa pamamagitan ng katam. Panghuli ay pagdugtungin ang bahagi ng pinagputulan at ang ginawang 3

kapalit sa paraang ito gumamit ng pako at martilyo upang maging matibay angpagkukumpuni.• Pagkukumpuni ng nasirang hawakan ng pandakot (dust pan) Madalas sa ating pagwawalis ay hindi maiwasang mabali ang hawakan ngating “dust pan” o pandakot. Para makumpuni ang nasirang hawakan, kumuhalamang ng kahoy na may kainamang laki at lapad na akma sa nabaling hawakan.Gamit ang lagari, putulin ang napiling kahoy sa gustong haba. Ilapat ang kahoysa pinagputulang bahagi at maingat na ipako gamit ang martilyo.• Kung nakasunod ka ng wasto sa paraan ng pagkukumpuni “BINABATI KITA! Ibahagi mo ang iyong natutunan sa iyong mga kaklase at kaibigan SUBUKIN MO 4

• Kasama ang iyong mga kaklase at kaibigan humanap ng mga sirang kagamitan na gawa sa kahoy at subukin ninyong kumpunihin ito.• Pagkatapos kumpunihin ang mga nasirang kagamitan kunin ang kuwaderno at isulat ang mga kasangkapang inyong ginamit sa pagkukumpuni.• Gamitin ang talaan sa ibaba. Sirang Gamit Kasangkapang Ginamit sa Pagkukumpuni1.2.3.4.5.• “MAHUSAY!” at nakasunod ka ng tama sa paraan ng pagkukumpuni. TANDAAN MO• Mahalagang malaman na bago pa simulan ang anumang gawain ay isaisip muna ang wastong panuntunan sa paggawa• Upang makaiwas sa anumang sakuna sa panahon ng pagkukumpuni o paggawa, gamitin ang mga kagamitan sa wastong pamamaraan.• Habang maliit pa ang sira ng kasangkapan kumpunihin na ito ng hindi na lumaki pa.• Makatitipid ka ng malaki kung marunong kang magkumpuni. ISAPUSO MO1. Ano ang dapat mong gawin upang tumagal an gating mga kagamitan sa bahay o paaralan? 5

2. Kung may nakita kang sira sa iyong mga kagamitan sa bahay, kailangan mo na itong _________________. 3. Ano ang dapat mong sundin sa panahon ng iyong pagkukumpuni? GAWIN MO• Isulat sa iyong kuwaderno ang gamit ng mga sumusunod na kasangkapang pangkumpuni. 1. _____________________ ______________________ ______________________ ______________________ 2. ______________________ ______________________ ______________________ ______________________ 3. 6

______________________ ______________________ ______________________• Isaulo ang tula Isipin lagi ang pag-iingat Upang sa sakuna ay maligtas Kahit na tayo’y nagmamadali Hindi dapat magkamali.PAGTATAYA• Lagyan ng tsek (√) kung nasunod nang wasto ang mga gawain at ekis (x) naman kung hindi. Gawain Oo Hindi1. Nakasunod ba ako nang wasto sa paraan ng pagkukumpuni?2. Ginamit ko ba ng tama ang mga kasangkapan sa pagkukumpuni?3. Naging maingat ba ako sa aking paraan ng pagkukumpuni?4. Nakatulong ba sa akin ng malaki ang modyul na ito upang ako’y maging maingat?Kung nasagutan mo nang buong husay ang bahaging pagtataya ngmodyul, binabati kita! Maaari mo nang pag-aralan ang susunod namodyul. 7

EDUKASYONG PANTAHANAN AT PANGKABUHAYAN V TALAAN NG NILALAMANBilang ng Pamagat Bilang ng Modyul Pahina 1 Pangkalinisan at Pangkalusugan ng Pagdadalaga at 11 Pagbibinata 2 Mga Kasuotan sa Iba’t Ibang Okasyon 11 3 Pangangalaga ng Kasuotan 6 4 Pag-aalaga ng May Sakit 10 5 Pagpapaganda ng Tahanan 8 6 Pagbabalak ng Pagkain ng Mag-anak 8 7 Paghahanda at Pagluluto ng Pagkain ng Mag-anak 10 8 Iba’t Ibang Pamamaraan ng Pag-iimbak ng Pagkain 9 9 Pagpili ng Pagkaing Iimbakin 6 10 Kahalagahan ng Pagkakaroon ng Kaalaman at Kasanayan 11 sa Makina 11 Mga Bahagi ng Makinang Panahi 9 12 Paghahanda ng Makinang Panahi 7 13 Wastong Paraan ng Pagpapatakbo ng Makina 5 14 Panuntunang Pangkalusugan at Pangkaligtasan sa Makina 6 15 Wastong Pangangalaga ng Makina 4 16 Mga Uri ng Dugtungan 6 17 Kagamitang Tahi sa Makina “Epron” 10 18 Ang Pagbuburda 16 19 Kahalagahan ng Tingiang Tindahan 5 20 Mga Katangian ng Isang Mahusay na Tindera/Tindero 4 21 Pamamahala ng Tingiang Tindahan 5 22 Pagkukuwenta ng Pinagbilhan sa Tama at Maayos na 6 Pamamaraan 23 Kaalaman sa Matalinong Pamimili 9 24 Pagpapahalaga sa mga Gawain 6 25 Mga Kagamitan at Kasangkapan sa Paghahalaman 6 26 Mga Uri ng Halamang Ornamental 7 27 Wastong Paraan ng Pagtatanim 7 28 Pangangalaga ng Lupa at mga Pananim 7 29 Pagsasapamilihan ng Halamang Ornamental 6 30 Mga Hakbang sa Paggawa ng Compost/Basket Composting 10 31 Pagpaplano ng Narseri 7 32 Mga Salik na Dapat Isaalang-alang sa Pagnanarseri 8 33 Mga Gawain Kaugnay sa Pagnanarseri 8 34 Pangangasiwa sa Narseri 7 35 Pamamaraan sa Pag-aalaga ng Manok 5 36 Uri ng Manok na Aalagaan 7 37 Pagsasapamilihan ng Produkto 5

Bilang ng Pamagat Bilang ng Modyul Pahina 38 Mga Gawain sa Sining Pang-Industriya 10 39 Paghahanda ng Plano sa Isang Gawain 6 40 Paggawa ng Proyekto 10 41 Pagpapahalaga sa Proyekto 7 42 Mga Materyales, Kasangkapan at Kagamitan sa Paggawa 7 43 Kaalaman at Kasanayan sa Pagkukumpuni 7 44 Wastong Paraan ng Pagkukumpuni 7 332 KABUUAN


Like this book? You can publish your book online for free in a few minutes!
Create your own flipbook