Important Announcement
PubHTML5 Scheduled Server Maintenance on (GMT) Sunday, June 26th, 2:00 am - 8:00 am.
PubHTML5 site will be inoperative during the times indicated!

Home Explore E.P.P V

E.P.P V

Published by Palawan BlogOn, 2015-10-01 02:02:33

Description: Binder1

Search

Read the Text Version

_____4. Kapag maliit ang badget sa pagkain, hindi ito natutugunan ang mga pangangailangan ng mag-anak. Patunayan ang iyong kasagutan._____5. Higit na kasiya-siyang kumain kapag puno ng iba’t ibang ulam ang inyong hapag-kainan. Patunayan ang iyong kasagutan?A. GAWIN MO Isulat sa loob ng mga kahon ang mga salik sa pagbabalak ng pagkain para sa mag-anak. MGA SALIK SA PAGBABALAK NG PAGKAIN PAGTATAYA Panuto: Ang sumusunod ay mga bagay na isinasaalang–alang sa pagbabalak ngpagkain. Isulat ang titik ng tamang sagot na tumutugon sa sitwasyon. A – Pangangailangan ng katawan B – Badget para sa pagkain C – Panahon na ukol sa paghahanda ng pagkain D – Kakayahan ng naghahanda ng pagkain E – Kaugalian, paniniwala at pananampalataya F – Huwaran ng pagkain 7

________1. Maliit ang kita ni Mang Nono, kaya ang inihanda ng nanay ay mga mura, ngunit masustansiyang gulay tulad ng kangkong, talbos ng kamote, ampalaya at kalabasa._______2. Ang tatay ni Nene ay isang karpentero, kaya ang inihandang pagkain ni nanay ay maraming carbohydrates, taba at langis._______3. Tanghali na ng dumating ang nanay. Ang iniluto niya ay pritong isda at ensaladang talbos upang madali niyang mapakain ang mga anak._______4. Kapag ang ate ang nagluluto ang ipinahahanda ng nanay ay sinigang o nilaga dahil hindi siya marunong magluto ng ibang putahe.______5. Ang magiging bisita ni Edy ay hindi kumakain ng dugo, kaya ginataan ang kanilang inihanda. Kung nasagutan mo nang buong husay ang bahaging pagtataya ng modyul, binabati kita! Maaari mo nang pag- aralan ang susunod na modyul. 8

GRADE V PAGHAHANDA AT PAGLULUTO NG PAGKAIN NG MAG-ANAK ALAMIN MOKumusta na Kaibigan? Muli sa ating pagkikita ngayon ibibigay ko naman sa iyo angkaalaman tungkol sa paghahanda at pagluluto ng pagkain ng mag-anak. Alam mobang sa hirap ng buhay ngayon nararapat lamang na matutunan ng bawat isangmag-anak ang pagtutulungan sa paghahanda at pagluluto ng pagkain upang hindi naumupa ng katulong sa bahay. Handa ka na bang tuklasin ang mga pahina ko? Ang pagkain ng mag-anak ay sinisimulan ng paghahanda mula sa agahanhanggang hapunan. Bawat pagkain ay may iba’t ibang uri ng paghahanda atpagluluto. Tanging sa pagsunod nang wasto sa paggawa ang magiging susi sa kasiya-siyang pagluluto. 1

PAGBALIK-ARALAN MO Marahil hindi mo pa nakalimutan kaibigan ang ating nakalipas na aralin tungkol sa matalinong pamimili ng pagkain para sa mag-anak. Subukan mong sagutin ang mga tanong. Isulat ang sagot sa kahon ng web stand. Ibigay ang katangian ng pagkaing sariwa at may mataas na uri.Karne Karne ng Manok Isda Itlog Bigas Gulay Bungangng baka at Butilbaboy prutas 2

PAG-ARALAN MO Ang paghahanda ng pagkain ay binubuo ng mga gawaing kamay at ibat ibangparaan ng pagluluto. Pag-aralan mo ang nasa larawan na karaniwang ginagawa sapaghahanda ng pagkain. Iba’t ibang Gawaing Kamay 1. Pagtatalop- pag-aalis ng balat ng gulay o prutas, tulad ng patatas, sayote, upo at iba pa na ginagamitan ng kutsilyo o iba pang pantalop. 2. Pagbabalat –Pag-aalis ng balat ng prutas o gulay tulad ng saging, dalandan, nilagang kamote at iba pa na gamit ang kamay 3. Paghihiwa- iba-iba ang paraan ng paghihiwa batay sa pagkain hihiwain at ayon sa lutong gagawin a.) pakuwadrado b.) pahilis c.) manipis na pahaba (strips) papaliit d.) may korte 4. Paghihimay- paghihiwalay upang maging maliliit o pino ang laman ng pagkain, tulad ng manok na pang–salad, tinapang ihahanda sa munggo o alimango na pang torta 3

5. Pagtatadtad- paghihiwa ng pagkain tulad ng sibuyas, kinchay, karots at bawang na kailangan pinuhin6. Pagdidikdik- pagdudurog ng mga pagkain tulad ng paminta, mani, balat, ng hipon at tinustang bigas, kailangan ang almires upang ito ay maisagawa7. Pagbabati- mabilis na paghahalo sa itlog hanggang sa ito’y bumula, gamit ay tinidor o rotary egg beater.8. Pagsasala- paghihiwalay ng likido, katas o sabaw sa pira- pirasong laman ng pagkain sa pamamagitan ng kolander o salaan.9. Pagbababad- paglubog ng pagkain sa tinimplahan sarsa upang mapasarap ang lasa gaya nang pagbabarbecue 4

10. Pagkukudkud- pagkukos sa kudkuran ng pagkain tulad ng buko o niyog. 11. Pagsusukat- paggamit ng mga kutsara o tasang sukatan upang matiyak ang dami ng sangkap tulad ng asukal, arina, toyo, suka at patis ayon sa hinihingi ng resipe. 12. Pagtutuhog- pagtusok ng pagkain tulad ng karne, mais lamang-loob gamit ay patpat gawa sa kawayan o stainlees bago ito. IhawinII Mga Paraan ng Pagluluto. Mahalaga kaibigan ang pagluluto ng pagkain. Bukod sa pinapatay nito ang mikrobyo, pinasasarap din nito ang pagkain lalo’t ito ay may ibat ibang sangkap na ihahalo 1. Pagpapakulo- ang pagkain ay naluluto sa tubig hanggang umabot ito sa punto ng pagkulo o boiling point na 100° c. Ito’y ginagawa kapag nagluluto ng sinigang, nilaga, bulalo at iba pang pagkain. 2. Pagpiprito- paglubog ng pagkain sa mainit o kumukulong mantika upang maluto ang loob nito o di kaya’y lumutong tulad ng isda, manok at itlog. 3. Paggigisa- ito’y pagluluto ng mga sahog ng pagkain sa kaunting bawang, sibuyas, kamatis sa mainit na mantika. Ginagamit ito sa pagluluto ng gulay tulad ng upo, bitswelas, sitaw at chopsuey. 4. Paglalaga- pagpapakulo at pagpapalambot ng pagkain ng may sapat na tubig sa mababa at pantay na init. 5

5. Pagbabanli-panandaliang lubog o babad ng pagkain sa kumukulong tubig bago ito kainin o upang madaling maalisan ng balat na ginagawa sa talaba, pili at kamote. 6. Pag-iihaw- pagluluto sa nagbabagang uling. Binabalot muna sa dahon ng saging o foil upang di manikit tulad ng bangus, manok, talong, okra, karne ng baboy o barbecue, ang iba naman ay niluluto ng walang balot. 7. Pagtutusta- Pagpapainit ng pagkain hanggang sa ito’y mamula-mula at lumutong. Maaaring magtusta sa kawali tulad ng bigas, linga o tinapay. 8. Pagsasangkutsa- pagluluto ng pagkain sa kaunting mantika sa maikling panahon upang manatili ang lasa at linamnam nito bago lubusang lutuin sa ibang paraan. Halimbawa, sinangkutsa muna ang manok bago ito lutuing afritada. 9. Paghuhurno- Paglalagay ng inihandang pagkain sa loob ng mainit na oven upang ito’y maluto. Ang mga biskwit, tinapay, cake at pastries ay niluluto sa paraang ito.III Kaibigan sa pamamagitan nitong pyramid ay matututunan mo, ang mga alintuntunin sa paghahanda ng pagkain, Narito, at basahin mo, intindihin at isagawa mo para sa iyong kapakinabangan. Alintuntunin sa Paghahanda ng Pagkain 1. Hugasan ang mga sangkap na lulutuin lalo na ang prutas at gulay bago ito balatan o hiwain. 2. Gawing manipis ang pagbabalat sa mga gulay tulad ng patatas, karots, hilaw na papaya at sayote sapagkat nasa balat ang maraming sustansiya nito. 3. Kaunting tubig lamang ang gamitin sa paglalaga ng mga gulay. Gamiting pansabaw ang pinaglagaan. Huwag itong itapon. 4. Gamitin ang mga angkop na mga kagamitan sa pagluluto. Tiyaking katamtaman lamang ang laki ng kasirola o kaldero at lapat ang takip nito. 5. Takpan ang mga pagkaing nasa mesang gawaan upang huwag dapuan ng langaw at iba pang kulisap. Hangga’t maaari lagyan ng tabing ang mga bintana sa kusina.6. Panatilihing malinis ang lugar na pinaggawaan sa lahat ng oras. Sapinan ng dyaryoang mesa upang madaling hakutin ang mga pinagbalatan. 6

7. Maging matipid at masinop sa paggamit ng tubig, kuryente at gas.8. Maghanda lamang ng katamtamang dami ng pagkain upang maiwasan ang mga tirang pagkain.Iwasan din ang paulit-ulit na pagpapainit nito, sapagkat dumarami ang baktirya kapag lumalamigat maaring maging sanhi ng pagkalason. SUBUKIN MO Narito ang dalawang resipe kaibigan, pumili ng isa at lutuin mo. Ipakita mo sa iyong nanay o kapatid ang iba’t ibang paraan ng paghahanda at pagluluto na natutunan sa pamamagitan ng resipe na lulutuin mo. Sinigang na Baka o Baboy Mga sangkap: ½ kilong karne ng baboy o baka 3-4 tasang sabaw ng sinaing 1 sibuyas (hiniwa) 2 kamatis na hiniwang pakuwadrado hilaw na sampalok kamyas, hinog na bayabas (para pampaasim) 3 pirasong gabi, hiniwa ng tig-aapat 10 sitaw, pinutol ng 2 pulgada ang haba 1 labanos, hiniwa nang manipis at pabilog 3 pirasong okra, talbos ng kamote o kangkong patis o asin Pamamaraan: 1. Hugasan at hiwain ang karne sa katamtamang laki. 2. Pakuluan ang karne sa sabaw ng sinaing kasama ang pampaasim at kamatis. 3. Hanguin ang pampaasim kapag malambot na durugin upang makuha ang katas, salain at ibalik ang katas sa pinakuluang karne. 4. Hinaan ang apoy, ilagay ang sibuyas at hayaang kumulo nang atay-atay hangga’t lumambot ang karne. 5. Isa-isang ilagay ang mga gulay ayon sa ganitong pagkakasunod-sunod: gabi, sitaw, okra, labanos, talbos ng kamote o kangkong. 6. Timplahan ng patis o asin ayon sa panlasa. Ihain nang mainit. 7

Menudo Mga sangkap: 1 kl. Baboy ½ kl. Atay 11/2 tasang garbanzos 4 na patatas (katamtamang laki) 2 sibuyas 1 pakete tomato sauce (optional) o kamatis 2 siling pula 6 na butil na bawang, toyo at atsuete. Pamamaraan: 1. Hiwain ang karneng baboy, atay, patatas ng pakuwadrado. Hiwain ng pino ang sibuyas at kamatis at pahabang manipis naman ang siling pula. 2. Igisa ang bawang, sibuyas at kamatis. 3. Ilagay ang baboy at sangkutsahin bago lagyan ng toyo. 4. Takpan at hayaang kumulo hanggang lumambot. 5. Isama ang sili kapag malapit nang lumanbot. Papulahin ang sarsa ng tomato sauce at atsuete. 6. Ihulog ang patatas at binalatang garabanzos. Huling ilagay ang atay. 7. Timplahan ng asin ayon sa panlasa. Hanguin.Tandaan: Mag-ingat sa paggamit ng kutsilyo at iba pang matutulis na kasangkapan. TANDAAN MO 1. Sa paghahanda ng pagkain dapat isaalang-alang ang wastong paraan ayon sa lulutuing pagkain. 2. Ang iba’t ibang paraan ng pagluluto ay nakapagpapaganang kumain dahil pinasasarap nito ang pagkain. 8

ISAPUSO MO Mga kagandahang asal sa paghahanda at pagluluto ng pagkain sa mag-anak.Tanong: Ano-ano ang mga kagandahang asal na ating maipagmamalaki bilang Pilipino habang naghahanda at nagluluto ng pagkain ng mag-anak. Isulat mo ang iyong sagot kuwaderno. GAWIN MO Lumikha ka ng isang jingle sa himig ng awiting “Sasakyan kita” at gamitin angmga kataga tungkol sa paghahanda at pagluluto ng pagkain. Binabati kita sa magagawa mong jingle, kaya’t gawin mo na ngayon kaibigan! 9

PAGTATAYA1. Magsaliksik ng 3 resipe na ginagamitan ng iba’t ibang kataga sa paghahanda at pagluluto ng pagkain.2. Bilugan ang mga kataga sa resiping sinipi at bilangin ang katagang natagpuan.3. Tiyakin 20 ang matatagpuang kataga sa 3 resipe.17-20 - kapuri-puri14-16 - lubhang kasiya-siya 9-13 - kasiya-siya di-kasiya-siya 5-8 - kailangang pag-aralan pa 2-4 -Kung nasagutan mo nang buong husay ang bahaging pagtataya ngmodyul, binabati kita! Maaari mo nang pag-aralan ang susunod namodyul. 10

GRADE V IBA’T IBANG PAMAMARAAN NG PAG-IIMBAK NG PAGKAIN ALAMIN MOAng ating bansa ay sagana sa prutas at gulay lalo na sa lalawigan. May mgapanahon na sobrang dami kaya ito ay mura. Subalit kung wala sa panahonmataas naman ang halaga ng mga ito. Upang maiwasan ang pagkasira, lalo nakung ito ay napapanahon, at hindi kayang ubusin ang mga ito, mahalagangmatutunan mo ang mga pamamaraan sa pag-imbak nito. May iba’t ibang pamamaraan ng pag-iimbak ng pagkain tulad ng paggamitng yelo, preserbatiba, at pagsasadelata. Mahalaga ang wastong kaalaman sapamamaraan ng pag-iimbak ng pagkain. Ito ay maaring pagkakitaan bilanghanapbuhay. Kaya sa modyul na ito, matutunan mo ang iba’t ibang paraan ng pag-iimbakng pagkain. 1

PAGBALIK-ARALAN MO Kaibigan, natatandaan mo pa ba ang aralin sa ika-4 na baitang tungkol sa mgabatayan sa pag-iimbak ng pagkain? Subukan mo ang gawaing naririto sapamamagitan ng data retrieval chart. Sagutin ang bawat bilang.Batayan sa pag-iimbak ng Pagkain1. Alin kaya sa mga pagkaing iniimbak ang  may sapat na asukalmagtatagal sa loob ng 3 araw?  walang asukal  puro-tubig2. Ang lahat ng mga sumusunod ay batayan  may sapat na tubig at asukalsa pag-iimbak ng pagkain maliban sa isa.Alin sa mga ito ang hindi kasama?  pagkaing napapanahon  may pagkaing sariwa3. Alin sa mga prutas ang maaring imbakin?  mga prutas na may kain ng iba  mga pagkaing di-kayang ubusin4. Maraming nabibiling bayabas sa palengkekaya nais ng Nanay na gumawa ng jelly.  lanzonesAnong batayan sa pag-iimbak ang susundin  santolni Nanay?  kaimito5. Pinagdala kayo ng guro ng santol na  aratilisiimbakin. Alin ang inyong dadalhin  may sapat na sangkap  may malinis na lalagyan  napapanahon  mabuting kalalagyan  malambot  maitim ang balat  berde ang balat  matigas 2

PAG-ARALAN MOAlam mo ba kaibigan na halos lahat ng uri ng pagkain ay maaaringimbakin? May iba’t ibang paraan ng pag-iimbak ng karne, gulay, isda. Narito ang mga paraan ng pag-iimbak ng pagkain. Mga Paraan ng Pag-iimbak ng Pagkain1. Pagtutuyo - Ito ay paraang ibibilad ang pagkain sa init ng araw.Hal.: palay daing monggo tapa kamiyas tuyo2. Pag-aasin - Ang paraang ito ay ginagamitan ng asin bilang preserbatibaHal.: Isda karne Itlog3. Pagyeyelo - Ito’y paraan na ang pagkain ay inilalagay sa palamigan o refrihadora upang di masira agad ang pagkain. isda karne prutas gulay 3

4. Pagmamatamis - Ito’y ginagamitan ng asukal sa iba’t ibang prutas piña santol kamyas kamatis5. Padadaing - Ito’y paraang ibinibilad sa araw ang mga pagkaing nakaayos sa bilao o trey upang maiwasan ang pagkasira nito. Hal.: isda: biya/ayungin6. Paglalagay ng Preserbatiba - Malaki ang maitutulong ng mga pampalasang ito tulad ng salitre, accord, vetsin, pamintaHal.: tocino longganisa ham7. Pagpapausok - Sa paraang ito, pinabababa nito ang unido, moisture ngpagkain upang hindi pamahayan ng mga mikrobyo na sumisira isda karne 4

8. Pag-aatsara - Suka ang mahalagang sangkap sa pag-iimbak, kung kaya’t tumatagal at di agad nasisira ang pagkainHal.: bungang gulay tulad ng: labong, papaya, pipino, singkamas9. Pagsasadelata - Ito’y paraan ng maramihang pag-iimbak ng isda, karne, gulay o prutas na tumatagal ng mahabang panahon. Gumagamit ng kemikal at teknolohiya ito. Hal: isda karne gulay prutasPAGSANAYAN MOSa pag-iimbak kailangan sundin nang buong husay ang isinasaad sa resipe. Sundinang tamang sukat, sangkap, kagamitan at pamamaraan ng pagluluto. Narito ang halimbawa ng isang paraan ng pag-iimbak ng pagkain. Nais kongsa inyong bahay ay pagsanayan mo ang pagmamatamis ng kamatis. Alam kongkayang-kaya mo ito. Matamis na kamatisSangkap Kagamitan 10 piraso kamatis garapon isterilesado 2 puswelong asukal kutsilyo, salaan 1 puswelong tubig tasang panukat kaserola, kutsaron 5

Paraan ng Paggawa 1. Magpakulo ng tubig at ilagay ang kamatis 2. Pagkalipas ng 3 minuto hanguin ang kamatis 3. Itubog sa malamig na tubig ang kamatis 4. Alisan ng balat at alisin ang buto ng kamatis sa pamamagitan ng pagbutas 5. Gumawa ng arnibal. Ang dami nito ay ayon sa dami ng kamatis. Ang bawat 2 puswelong asukal ay 1 puswelong tubig ang ihalo. Magingat na huwag mapaso. 6. Ihulog ang kamatis kapag ang asukal ay tunaw na. Pakuluin ng 5 minuto bago hanguin. 7. Ilagay sa garapon at itabi. Palamigin muna bago ilagay sa garapon upang maiwasan ang pagkabasag nito kung ito ay yari sa bubog at upang maiwasan din ang pagkakaroon ng pawis na maaaring maging sanhi ng medaling pagkasira nito. Naunawaan mo ba ang pag-iimbak ng minatamis na kamatis? Makakagawa ka na bangayon? TANDAAN MO Naiiwasan ang pagkasira ng mga pagkaing napapanahon kung maiimbak nang wasto. 6

ISAPUSO MOPagtambalin ang hanay A at hanay B. Isulat ang titik ng tamang sagot sakuwaderno.A. Mga Sitwasyon B. Mga Kagandahang Asal1. May punong kamyas si Aling Rhoda a. pagkamasinop na hitik sa bunga, pinitas niya ang mga ito upang patuyuin at imbakin. b. kasipagan c. kalinisan2. Sa pag-iimbak ng kamyas sama-samang d. pakikiisa gumagawa sila sa kanilang kusina e. pagkamatipid3. Habang sila ay nag-iimbak ng kamyas, sinisiguro ni Aling Rhoda at ng kanyang f. pagkamatiyaga anak na nanatiling walang dumi ang g. kawilihan sa kanilang pinaggawan paggawa4. Ang pag-iimbak ng pagkain ay mahalaga sa kanilang pamilya dahil nakadadagdag sa kanilang kita5. Habang sila ay gumawa sa kusina, saliw ng tugtugin sa radyo, ay umaawit sila na may ngiti sa labi 7

GAWIN MO Awitin mo sa himig ng Pamulinawen ang awiting “Ang Pag-iimbak ngPagkain”, at igawa mo ng mensahe ang nilalaman ng awiting ito. Ang Pag-iimbak (Awit: Himig ng Pamulinawen) Ang pag-iimbak ay kawili-wili Dapat ugaliin ng batang babae Di ka mawawalan ng ulam parati Lagi kang may daing, halaya at kendi Atsara at tapa, bagoong na masarap Laging nasa mesa, sa ano mang oras Lalo na ang tuyo, na yaong malalanghap Amoy lamang nito, busog ka na agad. Mensahe PAGTATAYA Sa bahaging ito kaibigan, nais kong gumawa ka ng plano tungkol sa pag-iimbak ng kamyas, at ito’y gagamitin natin sa ating klase sa pagbabalik mo sa ating paaralan. Plano sa Pagpapatuyo ng Kamyas Sangkap: Kagamitan: 8

Paraan:Lagyan ng petsa ng paggawa at panahong/oras dapat imbakan. Gamit ang rubrics, ang planong ginawa mo ay tatayain ngiyong guro sa pamamagitan ng tseklist.Panuto: Lagyan ng tsek ang OO kung ang plano ay naglalaman nito at Hindi kung hindi naglalaman nito. Pamantayan OO Hindi1. Nakasulat ba ang pangalan ng plano?2. Tiyak ba ang resiping iluluto?3. Ang mga sangkap ba ay may tamang sukat?4. Malinaw ba ang pamamaraang nakasulat?5. May nakatala bang pamantayang halagang magagastos ang bawat sangkap?6. May talaan bang gawin ang bawat kasapi ng grupo/pamilya?7. Nakasulat ba ang mga pangalan ng kapamilya sa tapat na gawain?8. May talatakdaan ba ng paghahanda ng pag-iimbak?9. May kuwenta ba ng halaga ang mga sangkap10. May bilang ba ng taong mabibigyan ng inimbak na kamyas?Pagpapahalagang bilang ng sagot na OO 10-9 Lubos na kasiya-siya 8-7 Higit na kasiya-siya 6-5 Kasiya-siya Kung nasagutan mo nang buong husay ang bahaging pagtataya ng modyul, binabati kita! Maaari mo nang pag-aralan ang susunod na modyul. 9

GRADE V PAGPILI NG PAGKAING IIMBAKIN ALAMIN MO Kumusta kaibigan! Ngayon sa modyul na ito ay matututo ka kung paano pumili ngpagkaing iimbakin. Mahalaga na matutuhan mo ang mga bagay na ito upang hindimasayang ang oras, lakas at salapi na gugugulin mo sa pag-iimbak. 1

PAGBALIK-ARALAN MO Sagutan mo muna ang pagsasanay na ito. Subukin mo kung may natatandaan kasa nakalipas mong mga aralin, noon bang nasa ikaapat na baitang ka. Isulat sa papelang iyong sagot. 1. Ang pag-iimbak ng pagkain ay mahalaga sapagkat ito’y _____. A. nagdudulot ng katiwasayan sa pamilya B. may sustansiyang dulot C. dagdag sa kita ng pamilya D. pangsagip sa gutom ng pamilya 2. Ginagawa ang pag-iimbak upang _____. A. maitinggal ang pagkain nang matagal para magamit sa hinaharap B. sumarap ang pagkain C. maidisplay ang mga inimbak na pagkain D. madaling maipamigay ang mga pagkain 3. Ang dapat gawin sa pagkaing madaling mabulok ay _____. A. iluto B. imbakin C. ipamigay D. itapon 4. Kung taghirap sa kamatis kailangang _____. A. iwasang magluto ng pagkaing gumagamit ng ganitong sangkap B. bumili ng de-lata C. gamitin ang inimbak na kamatis D. manghingi ng iba 5. Si Marissa ay nag-imbak ng pagkain para sa biglaang pangangailangan, kaya siya ay _____. A. makatitipid ng salapi B. magtatapon ng pagkain C. mag-aaksaya ng panahon D. magwawalang bahala 2

PAG-ARALAN MO Basahin mo ang mga katangian ng mga pagkaing pwede mong imbakin.Mahalagang malaman ang mga ito upang maging matagumpay ang gawaing ito. Prutas at * malinis ang balat Gulay * pare-pareho ang laki * mura * walang butas * walang uodPagpili ng Pagkaing Isda * pinakasariwaIimbakin * malinaw ang mata * matigas ang kalamnan * buo ang kaliskis * mapula ang hasang Karne * buo ang hilatsa * walang amoy * kulay rosas ang laman * hindi nababalutan ng taba 3

Ano-ano ang katangian ng isdang pwedeng imbakin? Pwede bang imbakin angisdang mapula ang mata at maputla ang hasang? Bakit kaya? Ano-ano ang palatandaan na ang prutas o gulay ay pwedeng imbakin? Lahat bang uri ng prutas at gulay ay pwedeng imbakin? Anu-ano naman ang dapat tingnan kung mag-iimbak ng karne? SUBUKIN MO Sagutan ang mga sumusunod na tanong. Isulat mo sa papel at ibigay sa guro paramaiwasto. 1. Nais magburo ng mustasa ni Lola Cely, anong uri ng dahon ang dapat bilhin? 2. Magdadaing ng bangus ang nanay ni Mary. Anong katangian ng isdang iimbakin ang dapat niyang isaisip? 3. Ang samahan ng mga babae ay magluluto ng “tomato catsup.” Anong uri ng kamatis ang dapat nilang piliin? TANDAAN MO Magiging matagumpay ang pag-iimbak ng pagkain kung ang mga sangkap ay napapanahon at maganda ang katangian. 4

ISAPUSO MOBasahin mo ang tulang nasa ibaba. Para bukas Hindi lamang ngayon Pagkaing sagana Huwag itapon Piliin pagkain Magandang katangia’y angkin Imbakin, imbakin Para sa bukas na darating. Anong magandang kaisipan o buod ang isinasaad sa tula? Ano ang dapat gawin sapagkain kung ito ay sagana? Isulat sa kuwaderno ang iyong mga kasagutan?GAWIN MO Sumama ka sa iyong ina sa pamamalengke. Itala ang mga pagkain na maaaringimbakin at ang mga katangian nito. Mga Pagkaing Maaaring Imbakin Mga Katangian1.2.3.4.5.6. 5

PAGTATAYA Basahin kung tama o mali ang isinasaad ng bawat pangungusap. Kung mali,iwasto. 1. Mura ang kilo ng galunggong subalit mapula na ang mga mata nito. Bumili si Lani ng 5 kilo upang patuyuin. 2. Hitik sa bunga ang puno ng bayabas sa gilid ng bahay nina Lito. Nais ng nanay niya na gumawa ng “guava jelly.” Kaya namitas si Lito ng hinog na bunga. Pinili niya ang maayos ang pagkakahinog. 3. Gagawa ng tosino si Nila. Pumili siya ng karne na mura ang halaga subalit mababa naman ang kalidad. 4. Nais magbagoong ni Carlos. Bumili siya sa palengke ng 10 kilong dilis. Kahit mura ang bawat kilo maganda pa rin ang kalidad. 5. Gumawa si Aling Clara ng minatamis na santol. Inutusan niya si Miguel na mamili ng santol. Inihiwalay ni Miguel ang bulok at hilaw. Ibinigay niya sa nanay ang maayos ang pagkakahinog. 6

GRADE VKAHALAGAHAN NG PAGKAKAROON NG KAALAMAN AT KASANAYAN SA PANANAHI SA MAKINA ALAMIN MO Tatalakayin sa modyul na ito ang kahalagahang dulot sa atin kung mayroong kaalaman at kasanayan sa pananahi sa makina. Malaki ang maitutulong sa kabuhayan ng mag-anak kung marunong manahi sa makina. Alam mo ba ang naitutulong nito? Hindi na kailangan magbayad sa modista o sastre upang magpatahi ng damit. Ang mga kagamitang nagagawa sa makina tulad ng kubre kama, kurtina, placemat at iba pa ay maaari na ring tahiin ng sarili. Dahil dito, inaasahan na magkaroon ka ng panimulang kaalaman sa pananahi. Gayundin ang pagsasanay upang makatahi ka ng nais mong gamit para sa iyong sarili at pamilya. Maaari ka ring kumita sa pamamagitan ng iyong kaalaman at kasanayan sa pananahi sa makina. 1

PAGBALIK-ARALAN MO Tingnan ko nga kung natatandaan mo pa ang inyong aralin sa baitang V tungkolsa wastong paggamit at pangangalaga ng mga kagamitan at kasangkapan sa pananahi. Sa pamamagitan ng pahulaan sagutin mo ang mga sumusunod na konsepto: Konsepto 1. Ito’y matalas at matulis, itinutusok ito sa pin cushion pagkatapos gamitin. 2. Ito’y dapat matibay at hindi nangungupas Inilalagay sa sewing box pagkatapos gamitin. 3. Ito’y isinusuot sa gitnang daliri ng kamay upang gamitin na panulak ng karayom. 4. Ito ang panggupit ng tela at sinulid. Kailangang ito’y laging matalas. 5. Ito naman ang panukat ng tela at ng bahagi ng katawan. Sinusukat ito kung ilang metro o pulgada ang haba o luwang ng tela o damit. 6. Ito’y matulis at ginagamit na panghawak sa telang tinatahi. 2

7. Ito naman ay tusukan ng karayom at aspile. Ang laman nito ay maaaring bulak. 8. Yari ito sa koton at ang laman nito ay buhangin o durog na plato. Ginagamit itong hasaan ng karayom at aspile. 9. Lalagyan ito ng mga kagamitan sa pananahi. Ito’y maaaring yari sa lata, kahon o tela. Madali ang aking pahulaan di ba? Ito ay dahil sa ito’y iyong napag-aralan na. PAG-ARALAN MO Tatalakayin sa modyul na ito ang kahalagahan ng pagkakaroon ng kasanayan sapananahi sa makina. Alam mo ba na ang pagkakaimbento ng makina ni Elias Howeay isang malaking hakbang na nagpabuti sa gawaing pananahi? Ngayong may mgamakinang napapatakbo ng kuryente at nakagagawa ng ibat ibang uri ng tahi. Higit namabilis matapos at matibay ang tahi sa makina. Pagbasa ng Kuwento “Kung may tiyaga may nilaga” Kaibigan nais kong basahin mo ang kuwento tungkol kay Rosette na dahil sakaalaman sa pananahi ay gumanda ang buhay. Si Rosette ay dalagang nagmula sa mahirap na pamilya na may 4 na kapatid, angkanyang mga magulang ay pawang magbubukid. Ang kanyang ina ay manananim ngpalay samantalang ang kanyang ama ay tagapag-araro at taga-ani ng palay. Ang kanyang 3 kapatid ay nagsisipag-aral pa sa elementarya at hayskul. Dahil sakanilang kahirapan hindi siya nakapag-aral sa kolehiyo, kaya’t nagsabi siya sakanyang mga magulang na papasok siya sa NFE dahil may ibinibigay na kursongpananahi sa Paaralang Elementarya ng Siniloan. 3

Nagtiyaga siyang pumasok araw-araw tuwing hapon mula alas-tres hanggang alas-singko kahit nasa bukid ang kanilang tirahan. May semester din siyang nagtiyagang pumasok hanggang siya ay matutong manahi. Ikinagalak ng kanyang magulang ang pagkatuto niya ng pananahi dahil hindi na nila inuupa sa modista ang pagpapatahi at nakasusunod pa sila sa bagong moda. Minsan napansin ng nanay ni Rosette pati ang dating sirang damit ng kapatid ay buo na pati ang retasong pinagtabasan ng kanilang bestida ay nagamit ni Rosette para gawing doily. Nangailangan ng mananahi sa abroad. Nag-apply si Rosette, at suwerteng siya ay natanggap. Nakaalis si Rosette taglay ang kasiyahan. Dahil sa laki ng kanyang kinikita sa pananahi sa abroad unti-unting nabangon sa kahirapan ang pamilya ni Rosette. Kaibigan, mula sa binasa mong kuwento tungkol sa pagiging mananahii ni Rosette, gagamitin natin ay ang pyramid na narito bilang talaan ng mga naidudulot na kabutihan kay Rosette ng pagkakaroon ng kaalaman sa pananahi sa makina. Kahalagahan ng pagkakaroon ng kaalaman at kasanayan sa pananahi sa makina 1. Nakasunod sa moda 2. Nagagamit ang mga patapong bagay tulad ng mga retaso o pinagtabasan. 3. Nababago ang yari ng dati nang yaring kasuotan. 4. Nakalilikha ng mga kapakipakinabang na gamit/ kasuotan sa sarili, pamilya at iba pa. 5. Nagiging hanapbuhay 6. Dagdag na kita 7. Nagtatamo nang kasiyahan sa nagawa. 8. Nakatitipid9. Nakakapili ng damit sa iba’t ibang okasyon / pagkakataon. 4

SUBUKIN MO Pag-aralan ang sumusunod na senaryo. Kahalagahan ng Pagkakaroon ng Kaalaman sa Pananahi sa Makina Senaryo 1 Si Annie ay papasok sa pananahi. Nang isuot niya ang palda ay nakita niyang sira ito. Agad siyang umupo sa makina at tinahi niya ang kanyang palda. Tanong: Ano ang kabutihang naidudulot nito kay Annie? Sagot: Senaryo 2 Walang pasok si Hayde at nakakita siya ng tela sa kanilang kabinet. Tinabas ito at tinahi sa makina. Tanong: Ano ang kahalagahan ng marunong manahi? Sagot:Senaryo 3 Tuwang-tuwa si Addie sa pananahi ng mga bistida sa kanyang dalawang anak.Hindi na niya ito dinala sa modista. Tanong: Ano ang kahalagahan ng may kaalaman sa pananahi? Sagot: Senaryo 4 Ang mga magulang sa ALS ay nanahi ng uniform ng mga mag-aaral. Ipinagbenta ito sa mga bata at nakaipon sila ng pera. 5

Tanong: Ano ang kabutihan ng may kaalaman sa pananahi sa makina? Sagot:Senaryo 5 May pabrika sa tabi ng bahay ni Gng. Pena. Humihingi siya ng mga retasongreject at tinatahi niya itong doormat, pamunasan at bag. Tanong: Ano ang kabutihang naidudulot ng mga kaalaman sa pananahi sa makina? Sagot: TANDAAN MOAng karunungan sa pananahi ay nagdudulot ng kasiyahan at kapakinabangan sa sarili,sa pamilya at sa ibang tao. ISAPUSO MO Ang sentral na konsepto ng circle graph na narito ay para sa isang mahusay na mananahi at dahil siya ay marunong manahi. Marami itong kabutihang dulot sa kanyang pamilya at sa bawat “espasyo” na may bilang ang mga kabutihang ibinibigay ng isang marunong manahi. 6

1. 10. 2.. 3. 4.9. 10. 7. 5.8. 7. 6. Pagpapahalagang bilang ng sagot: 10-9- lubos na kasiya-siya 8-7- higit na kasiya-siya 6-5- kasiya-siya 4-3- di gaanong kasiya- siya 2-1- di kasiya-siya GAWIN MO Kaibigan, ikaw ay hahanap sa inyong lugar ng isang mananahi na nagingmatagumpay ang buhay dahil sa kaalaman at pagkatuto niya ng pananahi sa makina. Humingi ka sa kanya ng tips at bukas ay iulat mo sa klase ang narinig sa kanya. 7

PAGTATAYAPANUTO: Punan ng wastong salita ang sumusunod na pangungusap. Piliin ang sagot sa ibaba ng pagsasanay. 1. Ang mga batang babae at lalaki ay nararapat matutuhan ang gawaing may kinalaman sa __________. 2. Ang isang marunong manahi ay ______________. 3. Makapananahi ng kagamitan/kasuotan sa manika o kaya’y sa_______________. 4. Ang mga tinahing gamit at kasuotan ay maaring ipagbili o iyong ___________________. 5. Ang kaalaman at kasanayan sa pananahi ay _______________ na kita sa pamilya. Dagdag Kamay Mapagkakitaan Pananahi Nakatitipid Nababawasan Kung nasagutan mo nang buong husay ang bahaging pagtataya ng modyul, binabati kita! Maaari mo nang pag-aralan ang susunod na modyul. 8

GRADE V MGA BAHAGI NG MAKINANG PANAHI ALAMIN MOSa kasalukuyang panahon, napakarami ng makinang panahi ang ibinebenta sa iba’tibang pamilihan ng “appliances”, lalo na sa lungsod. Iba’t iba ang mga “brand” otatak nito. Mahalagang piliing mabuti ang bibilhing makinang panahi. Kinakailangangmahusay ang paandar nito habang ginagamit at mahusay ang resulta ng tahi sa tela. May iba’t ibang makinang panahi na mabibili. May yaring high speed,monomural, electric at motor. Ang modyul na ito ang tutulong sa iyo upang makilala ang mga bahagi ngmakinang panahi. 1

PAG-ARALAN MOAno ang nasa larawan? Piliin at isulat ang iyong sagot sa kuwadernong sagutan. A. masining panahi B. makinang panahi C. matining panahi D. mariing panahiNakakita ka na ba nito? Mayroon ba kayo nito sa bahay? Pag-aralan ang nasalarawan.Narito ang itaas na bahagi ng makina. Pag-aralan mo. 2

BAHAGI NG MAKINANG PANAHIItaas na Bahagi Bahagi Ang Gamit Nito1. Lalagyan ng sinulid o spool pin Pinaglalagyan ng karte ng sinulid sa itaas2. Gulong sa ibabaw o balance wheel na bahagi ng ulo ng makina Nagpapaandar sa makina katulong ang3. Ikitan ng sinulid o bobbin winder gulong sa ilalim. Dito sinisimulan ang pagpapatakbo ng makina4. Bobina o bobbin Bahaging malapit sa balance wheel na5. Kaha ng bobina o bobbin case ginagamit upang lagyan ng sinulid ang6. Kulintang o belt bobina.7. Patnubay ng sinulid o thread guide Pinaglalagyan ng sinulid sa ilalim ng makina.8. Presser foot o pandiing pisador Pinaglalagyan ng bobina sa ilalim ng9. Presser bar lifter o tagataas-babang makina Bahaging nagdugtong ng maliit na gulong pisador sa ibabaw sa malaking gulong sa ibaba.10. Tension regulator o itaas na Mga kalawit na alambre na pumapatnubay sa sinulid mula sa spool pin hanggang pangdiing o pambanat karayom.11. Ngipin ng makina o feed dog Bahaging pumipigil at gumagabay sa tela12. Needle bar o kabilya ng karayom habang nananahi. Nagbababa o nagtataas ng presser foot o13. Stitch regulator o pangontrol ng tahi pangdiing pisador.14. Stop motion screw o tagatigil Inaayos ang luwag at higpit ng sinulid.15. Plato ng makina o throat plate Bahaging nasa ilalim ng presser foot na16. Kama o Bed nag-uusad ng tela habang nananahi. Hinahawakan ang karayom at dinadalang17. Slide plate paitaas at pagbaba ang sinulid sa damit na tinatahi. Kinokontrol ang haba at laki ng tahi Itinitigil ang galaw ng makina kapag linuluwagan at pinaaandar naman kapag sinisikipan. Pumapatnubay sa karayom upang makuha ang sinulid ng bobina. Patag na bahagi ng ulo ng makina. Sa ilalim nito pinaaandar ang kahang may bobina na nagdadala ng sinulid sa ibabaw. Makinis at makintab na metal sa kaliwa ng kama. Maaari itong buksan upang mailagay o matanggal ang kaha ng bobina. 3

Basahin at pag-aralan ang susunod na ibabang bahagi ng makina. 4

1. Band Wheel o Bigkis ng Gulong • Malaking gulong na pagkakabitan ng kulindang at nagpapaikot ng7. Band Wheel Crank balance wheel• Nagpapaikot sa 2. Belt Shifter • Inaakma angmalaking gulong bigkis na gulong sa gulongsa ilalim6. Belt Guide Ibabang Bahagi 3. Pitman Rod o Pang- • Pumapatnubay sa ng Makina writ kulindang upang • Inuugnay ang di mawala sa pedal sa gulong lugar5. Legs o Paa • Umaalalay sa mesa ng makinang panahi 4. Treadle or apakan • Inaapakan ng paa upang umandar ang malaking gulong sa ilalim sa tulong ng pitman rod 5

SUBUKIN MOA. Isulat ang mga bahagi ng makina.B. Isulat ang mga bahagi ng makina sa kuwadernong sagutan.kung tama ang pangungusap at naman kung mali.Kung mali, iwasto ito. 1. Ang band wheel crank ang nagpapaikot sa gulong sa ilalim. 2. Gumagamit ng treadle o patungan ng paa upang umandar ang malaking gulong sa ilalim ng makina. 3. Ang band wheel ay maliit na gulong na nakikita sa ilalim ng makina. 6

4. Pumapatnubay ang belt guide sa kulindang upang hindi ito mawala sa lugar. 5. Pitman rod ang tawag sa bahaging nagdudugtong ng treadle sa band wheel crank. 6. Pinaglalagyan ng karete ng sinulid ang spool pin sa itaas na bahagi ng ulo ng makina. 7. Ang kaha ng bobina ang lalagyan ng bobina sa itaas ng makina. 8. Pinaandar ng balance wheel ang makina katulong ang gulong na malaki sa ilalim. 9. Inaayos ng tension regulator ang luwag at higpit ng mga tahi ng makina. 10. Ang stitch regulator ang kumukontrol sa haba o laki ng tahi. TANDAAN MO Mahalagang malaman ang iba’t ibang bahagi ng makina at wastong gamit ng mga ito bago mag-aral manahi. ISAPUSO MO Bilang isang mabuting kaibigan, ibahagi mo sa iba ang kaalamang natutunan mo ngayon.SALAMAT 7

GAWIN MO1. Bakatin sa kopon ban ang larawan ng makina. Gupitin ito at idikit sa matigas na karton. Ikwadro ito nang wasto at palamutian ang mga gilid sa pamamagitan ng mga materyales na makikita sa inyong bakuran tulad ng dayami, walis tingting, tuyong sanga, dahon o bulaklak. Dalhin sa paaralan at ipakita sa guro.2. Bumuo ng isang “jingle” tungkol sa mga bahagi ng makina na natutunan mo.PAGTATAYAA. Tukuyin ang bahagi ng makinang panahi na tinutukoy ng bawat pangungusap. Pumili ng titik ng tamang sagot sa mga salita o parirala sa loob ng kahon. Isulat ang titik ng tamang sagot sa kuwadernong sagutan.a. gulong sa ibabaw o balance wheel f. spool pin o lalagyan ng sinulidb. ikitan ng sinulid o bobbin window g. slide platec. stitch regulator o pamputol ng tahi h. kama o bedd. needle bar o kabilya ng karayom i. plato ng makina o throat platee. tension regulator o itaas na pang- j. ngipin ng makina o feed dog igting o pambanat___1. Makinis at makintab na metal ito sa kaliwa ng kama. Maaari itong buksan upang ilagay o matanggal ang kaha ng bobina.___2. Pinaglalagyan ito ng karete ng sinulid sa itaas na bahagi ng ulo ng makina.___3. Patag na bahagi ng ulo ng makina. Sa ilalim nito pinaaandar ang kahang may bobina na nagdadala ng sinulid sa ibabaw.___4. Ito ay pumapatnubay sa karayom upang makuha ang sinulid ng bobina.___5. Ito ang nagpapaandar sa makina katulong ang gulong sa ilalim. Dito sinisimulan ang pagpapatakbo ng makina.___6. Bahaging malapit sa balance wheel na ginagamit upang lagyan ng sinulid ang bobina.___7. Kinokontrol nito ang haba at laki ng tahi. 8

___8. Hinahawakan nito ang karayom at dinadalang paitaas at pababa ang sinulid sa damit na tinatahi. ___9. Inaayos nito ang luwag at higpit ng sinulid. ___10. Ito ay bahaging nasa ilalim ng pressure foot na mag-uusad ng tela habang nananahi.B. Isulat sa kuwadernong sagutan ang bahagi ng makina na tinutukoy ng bawat bilang. Piliin ang sagot sa mga nakasulat sa ibaba.a. balance wheel o gulong sa ibabaw f. needle bar o kabilya ng karayomb. band wheel o bigkis ng gulong g. pressure bar lifter o tagataasc. bobbin winder o ikitan ng sinulid h. babang pisadord. belt guide i. stitch regulator o pamputol ng talie. legs j. spool pin o lalagyan ng sinulid k. treadle o apakan 10 9 8 11 7 12 6 13 14 5 415 3 216 17 1Kung nasagutan mo nang buong husay ang bahagingpagtataya ng modyul, binabati kita! Maaari mo nang pag-aralan ang susunod na modyul. 9

GRADE V PAGHAHANDA NG MAKINANG PANAHIAN ALAMIN MOKaibigan, malapit na malapit ka nang manahi. Dapat mong malaman na bago mogamitin ang makina ng panahian, may mga kaukulang paghahandang dapatgawin upang maging maayos ang pananahi at maiwasan ang mga suliranin. Ang modyul na ito ang tutulong sa iyo upang matutunan mong ihanda angmakina bago ito gamitin. PAG-ARALAN MO Basahin ang sumusunod na kalagayan Dapat nang matutong manahi si Nena, isa ring mag-aaral na nasa ikalimangbaitang, Modista o mananahi ang kanyang ina kaya’t paminsan-minsan pinapayagansiyang patakbuhin ang makina at manahi ng mga pamunas ng kamay na yari sa katsa 1

o sako ng arina. Hinihingi niya ang mga katsa sa pinsan niyang may bakery. Ibinebenta niya ang mga ito sa kantina ng kanilang paaralan kaya’t pamisan-minsan’y nalilibre ang kanyang baon. Subalit may mga pagkakataong nagkakaroon pa rin siya ng suliranin kapag mananahi sa makina. Ano kaya ang maaaring dahilan? Hindi maiiwasang magkaroon ng mga suliranin sa pagpapatakbo ng makina lalo na kung baguhan pa lamang ang gumagamit nito. Kung minsan napuputol ang sinulid, nababali ang karayom, maluwag o palaktaw-laktaw ang mga tahi o kaya ay nangungulubot ito. Kailangan ihanda muna ang makina bago ito magamit sa pananahi. Ilan sa mga gawaing dapat mong matutunan ang ang mga sumusunod. PAGLALAGAY NG KARAYOM1. Igalaw ang balance wheel hanggang tumaas nang husto ang lalagyan ng karayom2. Paikutin ang turnilyo sa gilid ng needle clamp upang ito ay lumuwag.3. Ipasok ang turnilyo sa ilalim ng needle clamp. Ang karayom na pangmakina ay may dalawang panig. Ang isa ay lapat at mahaba at ang kabila naman ay bilugan at maikli. Ang panig na mahaba ay kailangan nakaharap sa dako ng makina kung saaan nanggagaling ang sinulid na isusuot dito.4. Ikutin ang turnilyo upang humigpit ito. 2

PAGLALAGAY NG BOBINA1. Ikutin ang stop motion screw sa 2. Maglagay ng karete ng sinulid sa spool balance wheel upang huwag gumalaw pin ang makina3. Paikutin ng sinulid ang bobina nang ilang 4. Isuot nang mabuti ang bobina sa bobbin beses winder5. Tapakan ang treadle upang umandar ang 6. Hayaang may sobrang sinulid na hindi Babbin Winder. Ipagpatuloy ito hanggang nakaikot sa bobina. mapuno ng sinulid ang bobina. 3

7. Ipasok ang bobina sa kanyang kaha. 8. Palabasin ang dulo ng sinulid sa siwang o maliit na butas ng kaha at itaas nito. Dapat umiikot ang bobina ng clockwise kapag hinila ang sinulid nito.9. Ilagay ang kahang may bobina sa 10. Isara ang slide plate. kinalalagyan sa ilalim ng slide plate. Itaas ang karayom upang madaling gawin ito. PAGLALAGAY NG SINULID SA ITAAS NG MAKINA1. Ilagay ang karete ng sinulid sa spool pin.2. Igalaw ang balance wheel upang tumaas nang husto ang karayom.3. Mula sa spool pin, isuot ang sinulid sa unang patnubay o thread. a.) patungong tension regulator b.) patungong isa pang patnubay k.) tuloy sa thread take –up lever d.) patungo sa ilan pang guide e.) bago ito isuot sa butas ng karayom 4

4. Hilahin ang sinulid upang magkaroon ng sobrang sinulid sa karayon. Ilagay ito sa ilalim ng presser foot. PAGKUHA NG SINULID SA ILALIM1. Hawakan ang dulo ng sinulid sa ibabaw ng makina. Paikutin nang minsan ang balance wheel upang pumasok ang karayom sa butas na nasa slide plate.2. Itaas ang balance wheel. Dala na ang sinulid sa ibabaw ang silo ng sinulid mula sa bobina sa ilalim.3. Hilahin ang silo upang makuha ang dulo ng sinulid sa ilalim. Mayroon nang dalawang sinulid sa ilalim ng presser foot.4. Dalhin ang mga sinulid papalayo sa karayom. Nauunawaan mo ba kaibigan? SUBUKIN MO Subukan mo ngayong buksan ang makinang panahian sa inyong paaralan at ihanda upang magamit na at pagsanayang paandarin. TANDAAN MO Ang paghahanda ay kailangan gawin sa pagpapatakbo ng makina upang magiging madali at walang gaanong suliranin. 5

ISAPUSO MOKopyahin sa kuwaderno ang sumusunod na tseklist, sagutan ito at ipakita sa guro.Pamantayan Oo Bahagya Hindi1. Nasunod ko ba nang maayos ang bawat hakbang ng gawain?2. Naisagawa ko ba ang mga panuntunang pangkalusugan at pangkaligtasan sa pananahi sa makina?3. Kanais-nais ba ang aking ipinakitang gawain?4. Nagpamalas ba ako ng magandang kaugalian sa paggawa?5. Nasiyahan ba ako sa aking ginawa? GAWIN MOBuksan ang makinang panahi at ihanda ang mga sumusunod na gawain tulad ng:1. Paglalagay ng karayom.2. Paglalagay ng bobina sa makina. 6


Like this book? You can publish your book online for free in a few minutes!
Create your own flipbook