Important Announcement
PubHTML5 Scheduled Server Maintenance on (GMT) Sunday, June 26th, 2:00 am - 8:00 am.
PubHTML5 site will be inoperative during the times indicated!

Home Explore E.P.P V

E.P.P V

Published by Palawan BlogOn, 2015-10-01 02:02:33

Description: Binder1

Search

Read the Text Version

2. Lagyan ng abono o pataba ang halaman upang mapabilis ang paglaki at maging malusog.3. Bungkalin ang lupa sa paligid ng halaman. Iwasan na ang ugat ay mapinsala.4. Gumamit nang pamatay sa kulisap na sumisira sa halaman. 3

5. Bunutin ang damong ligaw sa paligid ng mga halamang tanim 6. Bakuran ang mga halamang tanim upang di sirain ng mga alagang hayop 7. Maingat at maayos na ilipat ang mga punla. Bago ilipat ang mga punla ay kailangang malalaki na at marami-raming ugat.Ngayong nalaman mo na ang mga hakbang sa pangangasiwa ng mga tanim sa narseri.Gawin ang Subukin Mo. 4

SUBUKIN MOSubukin mong sagutin ang natutuhan mo sa pangangasiwa ng mga tanim sa narseri.Lagyan ng sagot ang mga puwang. Piliin ang wastong sagot sa mga salitang nasaibaba.araw-araw ugat damong ligawabono abono halamang tanimtubig punla pataba Si Jose ay mag-aaral sa ikalimang baitang. Sa bakuran nila ay mayroon silangmaliit na narseri. Ang tungkulin niya ay tumulong sa pangangasiwa ng mga tanim sanarseri. Ang ginagawa niya ay dinidilig ng _____ ang mga tanim _____. Nakitaniyang mahina ang paglago kaya nilagyan niya ng _____ o _____. Binubungkal niyaang paligid ng halaman at binubunutan ng _____. Nang maglipat siya ng mga _____binakuran niya ito upang di sirain ng mga hayop. Ganito siya kung mag-alaga ng mgahalamang tanim. TANDAAN MO1. Ang halamang tanim ay nangangailangan ng pag-aalaga at pagmamahal.2. Maraming dapat tandaan sa pag-aalaga o pangangasiwa ng mga pananim tulad ng: a. pag-aalis ng damo b. pagbubungkal ng lupa c. paglalagay ng pataba d. paglalagay ng gamot at paglilipat ng punla e. pagpuksa sa mga peste, sakit at kulisapISAPUSO MO Lagyan ng tsek (√) ang kolum na nagpapahayag ng iyong damdamin sa bawatsitwasyon. Gawin sa iyong sagutang kuwaderno. 5

Sitwasyon Masaya Malungkot1. Nalanta ang mga halaman dahil hindi ko nadilig.2. Nilagyan ko ng pataba ang mga tanim kaya sila ay malulusog.3. Nagbigay ng maraming bunga ang alaga kong tanim.4. Inalisan ko ng mga damo at binungkal ang paligid ng mga tanim.5. Hindi ko nilagyan ng bakod kaya kinain ng kambing ang mga halaman kong tanim.A. Iguhit ang isang senaryo sa pag-aalaga ng tanim. Lagyan ng pamagat. Kulayan. Ipakita sa guro upang mabigyan ng puna.B. Kung nagbenta ka ng sumusunod na mga pananim, at kung ang puhunan mo ay P250.00, magkano ang iyong kinita?* sampung (10) plastik ng tanim ng gumamela - P 150.00 5 puno ng sampaguita - 100.00 3 puno ng mangga - 150.00Magkano ang iyong kinita o tinubo? ______________ GAWIN MO Iguhit mo ang wastong paglalagay ng abono sa puno ng halaman. Isulat ang mgapamamaraan ng paglalagay ng abono. PAGTATAYAA. Panuto: Punan ng titik upang mabuo ang mga salita o parirala. Halimbawa: 1. H a l a m a n 6

2. pama ___ ay kulisap 3. pata ___ a 4. ma ___ ulu ___ og 5. b __ nga 6. ___ unla 7. kuli ___ ap 8. pa ___ aa ___ a ___ a 9. a ___ ono 10. tu ___ igB. Sagutin ang mga sumusunod na tanong o sitwasyon. 1. Sa paaralan ay nag-aalaga ka ng mga tanim na petsay. Nakita mong nalalanta. Ano ang iyong gagawin? ___________________. 2. Sa alaga mong petsay nakita mong may mga kulisap at butas butas ang mga dahon. Bubunutin mo ba ang petsay at itatapon? Bakit? __________________. 3. Sa palagay mo ano ang mangyayari kung hindi mo aalisin ang mga damong ligaw sa paligid? ____________________________ ____________________________ 4. Upang di sirain ng mga hayop ang iyong alagang tanim, ano ang dapat mong gawin? _________________________________ __________________________________________________ 5. Kailan mo dapat ilipat ang mga bagong punlang halaman? ____________________________ ____________________________C. Magbigay ng limang (5) hakbang sa pangangasiwa ng mga tanim. 1. 2. 3. 4. 5. Kung nasagutan mo nang buong husay ang bahaging pagtataya ng modyul, binabati kita! Maaari mo nang pag-aralan ang susunod na modyul. 7

GRADE VPAMAMARAAN SA PAG-AALAGA NG MANOKALAMIN MO Lubos tayong nasisiyahan sa pag-aalaga ng manok kung nakikita natin nasila’y malusog at mataba. May mga pamamaraan sa pag-aalaga ng mga manok atkauri nito, gayundin kailangan na alam mo ang mga panuntunang pangkalusuganat pangkaligtasan sa pag-aalaga ng mga manok. Malalaman mo sa modyul na itoang mga pamamaraan at mga panuntunang pangkalusugan at pangkaligtasan sapag-aalaga ng mga manok. PAGBALIK-ARALAN MOPahulaan: Isulat ang sagot sa puwang._____ 1. Ito ay yari sa kawayan, nipa o kugon ang bubong na pinaglalagyan ng alagang manok. Ano ito?__________ 2. Ang tawag sa ipinakakain sa manok ay ano?_____ 3. Ako ang lahi ng manok na patabain at puwede rin gawing pagkain._____ 4. Ako ay nagbibigay ng karne at itlog. Ano ako? 5. Ako ang pinakakilalang uri ng manok sa produksiyon ng itlog. Ano ako?(Sagot) (1) kulungan (2) patuka (3) broiler (4) manok (5) White Leghorn 1

PAG-ARALAN MO Basahin ang sulat ni Mang Bernardo sa kanyang pamangkin tungkol sapamamaraan sa pag-aalaga ng mga manok. Agosto 27, 2004 Mahal kong Lito, Natanggap ko ang liham mo kahapon at nakikikusap ka na tulungan kita sa mga pamamaraan ng pag-aalaga ng mga manok gayundin ang mga panuntunang pangkalusugan at pangkaligtasan. Narito ang mga pamamaraan na dapat mong gawin. 1. Itayo ang kulungan ng manok sa nasisikatan ng araw at mayroong mga punongkahoy. 2. Malamig at sariwa ang hangin sa paligid ng kulungan. 3. Bigyan ng inumin at patuka ang mga manok araw-araw. 4. Bigyan ng bitamina at mineral upang maging mabilis ang paglaki. 5. Linisin ang kanilang kulungan araw-araw. 6. Alisin ang dumi ng manok at patuyuin sa sikat ng araw upang magamit na pataba. Sa mga panuntunang pangkaligtasan at pangkalusugan ay ito ang mga dapat mong isaalang-alang o gawin. Ang lugar na pagtatayuan ng kulungan ay kailangang malayo sa bahay ng ilang metro. Lagyan mo ng kanal na daluyan ng tubig ang paligid ng kulungan upang manatiling tuyo ang lugar na kinatatayuan. Bigyan sila ng gamot na pangontra sa sakit. Bigyan mo ng bitamina upang lumusog at kailangang malinis ang tirahan upang maligtas sa sakit at peste. Sana ay maisagawa mong lahat ang mga sinulat ko upang maging matagumpay ka sa iyong gagawing proyekto na pag-aalaga ng manok. Nagmamahal, Tiyo Bernardo 2

Matapos mong mabasa ang liham ni Mang Bernardo kay Lito ay inaasahan nanagkaroon ka rin ng mga kaalaman sa pamamaraan ng pag-aalaga gayundin sa mgapanuntunang pangkaligtasan at pangkalusugan. SUBUKIN MOA. Panuto: Sagutan ang mga puwang. Isulat sa isang papel. 1. Itayo ang kulungan ng manok sa nasisikatan ng _____ at mayroong mga punongkahoy. 2. Bigyan ng inumin at _____ ang mga manok araw-araw. 3. Linisin ang kanilang _____ araw-araw. 4. Lagyan ng _____ na daluyan ng tubig ang paligid ng kulungan. 5. Bigyan ang mga manok ng _____ na pangontra sa _____ at _____ upang maging malusog ang mga manok.B. Suriin ang puzzle na nasa ibaba. Hanapin at bilugan ang mga salitang kasing kahulugan ng salitang may guhit. AKBKDE GUH I LM NLOPRS TUB I GA T N OWY B KGDEGH KANAL I L NMNO P 1. Itayo ang bahay sa nasisikatan ng araw. 2. Bigyan ng malinis na inumin ang mga alagang manok. 3. Lagyan ng hukay ang paligid ng kulungan ng manok. 3

TANDAAN MO Sundin ang mga wastong pamamaraan at mga pangkalusugan at tuntuningpangkaligtasan sa pag-aalaga ng mga manok at kauri nito. ISAPUSO MOA. 1. Bakit kailangang sundin ang mga wastong pamamaraan at panuntunang pangkalusugan at pangkaligtasan sa pag-aalaga ng mga manok? 2. Ano ang makukuha mo kung susundin ang mga pamamaraan sa pag-aalaga nito? 3. Bakit kailangan pahalagahan ang mga tuntuning pangkalusugan at pangkaligtasan sa pag-aalaga ng mga manok? GAWIN MOA. - Gumuhit ng isang kulungan ng mga manok. - Ipakita ang lalagyan ng patuka at inuman. - Kulayan ito at lagyan ng pamagat. - Ipakita sa guro upang mabigyan ng puna.B. Tumulong ka sa paglilinis ng isang poultry house. Mag-ulat tungkol sa iyong mga ginawa. 4

PAGTATAYAA. Pumunta sa isang poultry sa inyong barangay. Itanong sa tagapag-alaga kung paano ang paraan ng pag-aalaga, gayundin ang mga gawaing pangkalusugan at pangkaligtasan. Itala ang mga ito. Paghambingin ang iyong mga tala sa nabasa mong modyul. Isulat ang mga pagkakaiba.B. Kung may kakilala kang nag-aalaga ng mga manok na sasabungin itanong mo kung paano ang paraan ng pag-aalaga nito. Itanong mo kung nananalo o natalo. Anong bitamina ang ibinibigay upang maging malusog ito? Itala ang pangalan ng mga bitamina. Mag-ulat sa guro pagpasok sa paaralan. Kung magagawa mo ito ay maaari ka nang gumamit nang susunod na modyul. Binabati kita kung makapag-uulat ka tungkol sa modyul na ito. Kung nasagutan mo nang buong husay ang bahaging pagtataya ng modyul, binabati kita! Maaari mo nang pag-aralan ang susunod na modyul. 5

GRADE V URI NG MANOK NA AALAGAAN ALAMIN MO Ang pag-aalaga ba ng hayop ay isa ring kapaki-pakinabang na gawain? Ito kayaay makatutulong sa pagdaragdag ng kita ng mag-anak? Ano namang hayop ang maaarikong alagaan? Paano naman ang tamang pamamaraan sa pag-aalaga ng hayop? Mayroonbang tulong itong maaaring ibigay sa akin? PAGBALIK-ARALAN MO Pag-aralan ang larawan ng mga hayop. Lagyan ng tsek (√) at isulat sa patlang angmga hayop na naalagaan mo na. 1

Mga hayop na naalagaan ko na 4. _______________________ 5. _______________________ 1. _______________________ 2. _______________________ 3. _______________________ PAG-ARALAN MO Basahin mo ang mga impormasyon tungkol sa pag-aalaga ng mga uri/lahi ngmanok na aalagaan. Ang pag-aalaga ng mga manok ay isang mabuting gawain. Ang mga manok ay nagbibigay ng karne at itlog. Ang dumi naman ng mga manok ay mainam na abono sa halaman. Kailangan ay may kulungan, pugad, lalagyan ng patuka at inuman, gayundin ay may salalayan ng dumi. Kailangan ay palaging malinis ang kulungan. (Ganito ba ang aking ginagawa sa pag-aalaga ng mga hayop?) MGA URI AT LAHI NG MGA MANOK NA MAAARING ALAGAAN (Basahin ang Lathalain) Ang manok ay inaalagaan para sa kanyang karne at itlog. Layer ang tawag sa mga manok na inaalagaan upang magdulot ng sariwang itlog. Broiler naman ang tawag sa manok na inaalagaan upang patabain at gawing pagkain. Ang mga uri ng manok na maaring alagaan ay ang mga sumusunod: 1. White Leghorn – ang white leghorn ay kilala sa produksyon ng itlog. 2. Cornish 3. Plymouth Rocky 4. New Hampshire2

Ang Cornish, Plymouth Rocky at New Hampshire ay mga broiler at kilala angmga manok na ito sa kanilang manilaw-nilaw na balat at mapuputing pakpak.Sa pag-aalaga ng mga manok kailangang isaalang-alang ang mga sumusunod.* Lugar - Mabuti ang lugar na may mga puno na magsisilbing lilim sa kulungan sa panahon ng tag-init at pananggalang sa malakas na hangin at bagyo.* Kulungan – Ang kulungan ay kailangang may bentilasyon upang makagalaw at makahinga ang manok. Mahalaga ang panangga tulad ng kurtina kung mainit at malakas ang hangin. Kailangan na may patukaan, inuman, sahuran ng dumi at dapuan. Ang kulungan ay dapat malinis.* Patuka – Patuka ang tawag sa pagkain ng manok. Kailangang ang patuka ay magtaglay ng protina, bitamina, mineral at carbohydrates. May pangunahing patuka na dapat ipakian sa manok tulad ng starter mash, growing mash at layering mash. (Sa nabasa mong lathalain mayroon ba sa inyong isa sa mga uri ng mgamanok na inaalagaan ng inyong pamilya?) SUBUKIN MOBasahin ang mga tanong. Piliin at isulat sa sagutang kuwaderno ang tamang sagot. 1. Ang manok ay inaalagaan para sa kanyang __________. A. balahibo B. tuka at paa C. karne at itlog 2. Ang tawag sa patabaing manok ay __________. A. broiler B. layer C. cornish D. plymouth rocky 3

3. __________ ang tawag sa manok na nagdudulot ng sariwang itlog. A. plymouth rocky B. layer C. broiler D. cournish4. Ito ang nagsisilbing lilim sa kulungan sa panahon ng tag-init, malakas na hangin at bagyo. Ano ito? A. kulungan B. lugar C. patuka D. patukaan5. Ang __________ ay kailangang may bentilasyon upang makahinga ang manok. A. lugar B. kulungan C. patuka D. patukaan6. Ano ang tawag sa pagkain ng manok? A. patuka B. starter mash C. hog mash D. growing mash7. Alin sa mga sumusunod na broiler ang manilaw-nilaw ang balat at mapuputi ang pakpak? A. cornish B. texas C. talisain D. white leghorn8. Ang dumi o ipot ng manok ay mainam na __________ sa halaman. A. pagkain B. abono C. patuka sa kalapati 4

9. Ang kulungan ng manok ay kailangang __________. A. masikip B. mataas C. malinis D. maliwanag10. Ang __________ ay kilala sa produksyon ng itlog. A. white leghorn B. cornish C. new hempshire D. plymouth rockyTANDAAN MO Ang pag-aalaga ng mga manok ay kawili-wili at kapakipakinabang. May iba’tibang uri ng mga manok na maaaring alagaan tulad ng: 1. White Leghorn 2. Cornish 3. Plymouth Rocky 4. New Hempshire ISAPUSO MOLagyan ng (A) ang puwang kung sang-ayon at (B) kung di-sang-ayon.______ 1. Ang manok ay kailangang alagaan para sa karne at itlog.______ 2. Kailangan walang kulungan ang mga manok at pabayaang gumala______ sa paligid ng bakuran.______ 3. Bigyan ng malinis na tubig para sa inumin ng manok. 4. Hindi mo puwedeng alagaan ang mga manok na White Leghorn at______ Cornish. 5. Ang broiler ay manok na nagdudulot ng sariwang itlog. 5

GAWIN MO1. Itala kung ilan ang alagang manok ng inyong pamilya.2. Gumawa ng slogan ukol sa uri ng mga alagang manok. “Bata, bata Kumain ka ng itlog At ikaw ay bibliog.”3. Sumulat ng isang tugma ukol sa manok. “Adobong Manok at sariwang lumpia Manok na prito’y malutong na sadya Inihaw na manok may asin at toyo Lutong Manok masarap na totoo”PAGTATAYA1. Pumili at itala ang mga uri ng manok na nais mong alagaan. Sabihin kung bakit.URI NG MANOK DAHILAN KUNG BAKIT NAIS ALAGAAN 6

2. Pumunta sa inyong kapitbahay. Itanong kung anong mga uri ng manok ang inaalagaan. Tanungin ang may-ari kung may pakinabang sa pag-aalaga ng manok.3. Iulat sa klase.4. Sagutan ang mga sumusunod na tanong. a. Anu-ano ang mga uri ng manok na natutuhan mo sa modyul na ito? 1. 2. 3. 4. b. Sa palagay mo ano ang naibibigay ng manok sa iyo kung ikaw ay mag- aalaga nito? Bakit? (Isulat sa isang papel) Kung nasagutan mo nang buong husay ang bahaging pagtataya ng modyul, binabati kita! Maaari mo nang pag-aralan ang susunod na modyul. 7

GRADE V PAGSASAPAMILIHAN NG PRODUKTO ALAMIN MOAlam mo ba na sa produktong galing sa mga hayop ay maaari kang kumita?Malaking tulong sa pamilya at sa pamayanan kung ang mga produkto ay mapag-uukulan ng maayos na pamamahala. Ikaw bilang isang mag-aaral ay dapat tumulong sa wastong pamamahala ngmga produkto.PAG-ARALAN MOA. Tingnan ang isang surbey sa pamilihan ng Las Piñas. Bigyan pansin ang mga nakatalang paninda at mga produkto sa pamilihan. Tingnan at suriin ang mga sumusunod na tala.Pangalan Produkto Paano Ipinagbibili Halaga Manok itlog por dosena P48.00 karne por kilo 130.00 Dilis paa por kilo 35.00 ulo por kilo 30.00 bituka por kilo 20.00 dugo por kilo 20.00 por bote 12.00 bagoongSuriin ang mga presyo o halaga ng mga datos na nakatala. Ganito rin ba angpresyo sa inyong lugar?B. Basahin ang talaan ni Celia sa paraan ng pagsasapamilihan ng mga produkto.• Itlog ng itik, manok at pugo – por dosena. Pinagbubukod-bukod ayon sa laki. Inilalagay sa basket o trey. Maaaring ipagbili ng lansakan kung marami. 1

• Gatas – Pinakukuluan bago ilagay sa malinis na bote. → Kailangan walang mikrobyo ang gatas. → Ipinagbibili nang nakabote.• Karne ng Baka – Ipinagbibili ng por kilo. → Maaari ring ipagbili ng buhay. → Iniluluwas sa pamilihang bayan. → Ang baka o kambing ay ipinagbibili nang lansakan kung maramihan. → Ang karne ay inilalagay sa palamigan upang manatiling sariwa.PAMAMAHALA NG PRODUKTO → Maaaring ipagbili kung sobra → Pamahalaan nang wasto at ayos ang produkto → Mahusay at mataas ang uri ng produkto → Alam ang pangkasalukuyang presyo upang hindi malugi.PAG-IINGAT SA IPINAGBIBILING PRODUKTO → Husto ang timbang → Ipinagbayad ng buwis → Walang sakit → Nasuri ng inspektor pangkalusugan ang mga produkto SUBUKIN MOA. Gumawa ng isang talaan sa pagsasapamilihan ng produkto. Lagyan ng mga datos na kailangan. Pangalan Produkto Paano Ipinagbibili HalagaBakaKambingItlogManokIsdaB. Sagutin ang mga tanong. Isulat sa papel.- Anu-anong mga hakbang sa pagsasapamilihan ang dapat sundin? 2

- Dapat bang matupad ang mga umiiral na batas sa pagsasapamilihan? Bakit?C. Lagyan ng tsek (√) kung tinutupad ang umiiral na batas sa pagsasapamilihan. Kung hindi lagyan ito ng ekis (x). Ilagay ito sa unahan ng bilang._____ 1. Hustong bilang ng dosena ng itlog ang ipinagbibili._____ 2. Ipinagbabayad ng buwis ang mga itinitindang karne._____ 3. Hindi dumadaan sa inspektor ng pangkalusugan ang mga_____ kakataying baboy at baka._____ 4. Walang sakit o pinsala ang ipinagbibiling produkto. 5. Inilulubog ang manok sa tubig bago ipagbili. TANDAAN MO Madaling maipagbili sa mataas na halaga ang mga produkto kung mataas ang mgauri nito.ISAPUSO MOA. Lagyan ng tsek ang nadarama kung sang-ayon o di-sang-ayon ayon sa mga sitwasyon Sitwasyon Sang-ayon Di-sang-ayon1. Ang ina ni Perla ay tindera ng karne. Hindi niya inilagay sa palamigan dahil abalang- abala sa ibang ginagawa2. Matapos makuha ang itlog sa pugad ay pinagbubukod-bukod ayon sa laki. Pagkatapos ay isinalansan sa trey.3. Si Mang Gil na may bakahan ay nagbebenta nang lansakan at por kilo sa pamilihang bayan.4. Ang isang mag-anak ay uunlad kung pabaya sa pag-aalaga ng mga hayop.5. Ang gatas ay kailangang painitan bago ilagay sa boteng isterelisado ang sabi ng Nanay ni Joy. 3

GAWIN MOA. Tingnan ang mga larawan ng pagsasaayos ng mga produktong itlog. Lagyan ng bilang ang tamang pagsasapamilihan.B. Sumulat ng isang tugma ukol sa pagsasapamilihan ng mga produkto. 4

PAGTATAYA1. Sumulat ng isang talata sa “Wastong Pamamahala ng Produkto. (Isulat sa isang papel)2. Sagutin ang tanong at isulat sa papel. Paano mapananatiling mataas ang uri ng mga produkto sa pagsasapamilihan?3. Magsaliksik sa kasalukuyang presyo ng karneng manok at itlog. Gumawa ng talaan ng kuwenta kung ikaw ay kikita sa kasalukuyang presyo.4. Kapanayamin ang isang tindera tungkol sa mga umiiral na pagsasapamilihan ng produkto. Kung nasagutan mo nang buong husay ang bahaging pagtataya ng modyul, binabati kita! Maaari mo nang pag-aralan ang susunod na modyul. 5

GRADE V MGA GAWAIN SA SINING PANG-INDUSTRIYA ALAMIN MO Alam mo ba na ang mga Pilipino ay likas na masipag, matiyaga at malikhainlalo na sa larangan ng sining pang-industriya? Sa modyul na ito malalaman mo ang iba’t ibang uri ng gawaing pang-industriyana tiyak na mapapalawak ang iyong kaalaman at kahusayan sa paggawa.Mahalaga at makatutulong ito ng malaki upang madagdagan ang kita sa pang-araw-araw na kabuhayan. PAGBALIK-ARALAN MOSa iyong kuwadernong sagutan isulat ang pangkat ng mga bagay na ginagamit sapagkakarpintero at pang-elektrisidad 1

A. Mga gamit pang-karpintero 1. 2. 3.B. Mga gamit pang-elektrisidad 1. 2. 3. PAG-ARALAN MOBasahin ang talata sa ibaba. Sa kahirapan ng buhay ngayon kailangan mong malaman ang kahalagahan ngpaghahanapbuhay. Kaya’t bilang isang mag-aaral ang magiging gabay mo ay itongmodyul upang makatulong at malaman ang iba’t ibang uri ng gawain sa sining pang-industriya. Sa kabuuan ay madali lamang tukuyin at makilala ang iba’t ibang uri ng gawaingpang-industriya. Sa yari at uri ng materyales na ginamit upang mabuo ang isangkagamitan ay madali mong matutukoy kung anong uri ng gawaing pang-industriya angisang bagay. Basahin mo ang bawat gawain upang mapadali ang iyong pag-aaral. 1. Gawaing kahoy (wood working) madali lamang matukoy kung ang isang bagay ay yari sa gawaing kahoy. Kung ang mga materyales na ginamit ay kahoy, ang mga ito ay nabibilang sa gawaing ito. 2

Ang mga halimbawa na yari sa gawaing ito ay:a. silya o bangkob. Mga laruang kahoyc. mesa 3

d. aparador2. Elektrisidad – Lahat ng bagay na dinadaluyan at gumagamit ng kuryente at boltahe ay nabibilang sa gawaing pang-elektrisidad. Halimbawa ng mga ito ay: a. bumbilya b. lamp shade 4

c. extension cord3. Gawaing Metal (Metal Works) Gawaing metal o “metal works” ang tawag sa gawaing gumagamit ng mga materyales na metal tulad ng bakal, tanso, aluminyo o “aluminum,” zinc, stainless, ginto at pilak. May mga simpleng bagay na gawa sa metal ang kaya mong gawin tulad ng: a. dust pan b. hawakan ng lagaring bakal c. embudo d. mga laruang gawa sa lata 5

4. Sining Pang-Grapika (Graphic Arts) Kung matututunan mo ang uri ng gawaing ito ay makatutulong ng malaki upang magkaroon ng dagdag na kita. Madali lamang na makilala kung ang isang bagay ay gawa sa “graphic arts,” Ang mga halimbawa ay ang: a. Pagtatatak ng T-Shirt (T-Shirt Printing) b. Streamer 6

c. Karatula d. Billboard Sa mga nabasa mo at napag-aralan sa modyul na ito magkakaroon ka ng malakingkapakinabangan tulad halimbawa ng: 1. dagdag na kita sa pamilya 2. lumawak ang iyong kaalaman sa sining pang-industriya 7

SUBUKIN MO• Magtala ng sampung (10) bagay na yari sa kahoy, metal at grapiko.• Sa iyong kwadernong sagutan itala nang maayos ang mga bagay gamit ang talaan sa ibaba Wood Craft Metal Craft Electricity Graphic Arts1. 1. 1. 1.2. 2. 2. 2.3. 3. 3. 3.4. 4. 4. 4.5. 5. 5. 5. TANDAAN MOAng mga gawaing-kahoy, gawaing metal, luwad o seramika, elektrisidad at siningpanggrapika ang bumubuo sa pangkalahatang industriya. 8

ISAPUSO MO• Likas sa mga Pilipino ang pagkamalikhain, matiyaga at masikap• Nasa Diyos ang awa nasa tao ang gawa GAWIN MOSa inyong buong kabahayan tingnan at iguhit ang mga bagay o kagamitan na yari sakahoy, metal, may kaugnayan sa elektrisidad at grapika. Gawin sa kuwadernong sagutan.Gawaing kahoy Gawaing metalGawaing grapika Gawaing elektrisidad 9

PAGTATAYA• Pumili ng isang proyekto na ang gagamitin ay gawaing kahoy o woodworking• Pagkapili ay buuin ito katulong ang nakatatanda mong kapatid o tatay. laruang kahoy sangkalansilya• Upang makatipid, gumamit lamang ng mga materyales na mapupulot sa iyong bakuran na sa tingin mo’y maaari pang gamitin. 10

GRADE V PAGHAHANDA NG PLANO SA ISANG GAWAIN ALAMIN MO Bago pa lamang umpisahan ang isang proyekto o gawain kailangan mo munaitong pagplanuhang mabuti. Napapadali ng plano ang anumang gawain. Ang plano aykaraniwang ginagamit ng mga arkitekto at inhinyero (engineer). Sila rin ang maingatna sumusuri ng isang plano upang mapanatiling matatag at matibay ang gagawingproyekto. PAGBALIK-ARALAN MO • Muling isaisip ang mga pamantayan sa maingat na paggawa. 1

PAG-ARALAN MOAng isang proyekto ay napapadali kung maihahandang mabuti ang disenyo at plano. Kaya bago simulan ang paghahanda sa iyong napiling proyekto, pag-aralan munaang sumusunod upang makatulong sa pagbuo ng isang maayos at mahusay na plano. Mga hakbang na dapat tandaan sa paggawa ng plano. 1. Pagpili ng gawain ayon sa pangangailangan Pumili ng proyekto o gawain na may kapakinabangan, madalas gamitin at naaayon sa pangangailangan sa pang-araw-araw na buhay. 2. Pagpili ng mga materyales na may kakayahan Maging maingat sa pagpili ng mga materyales na gagamitin upang maging matibay ang gagawing proyekto. 3. Pagpili ng gamit na madaling hanapin at bilhin Pumili ng kagamitan na madaling makita o mabili upang hindi mahirapan sa panahon ng pagbuo ng plano sa napiling proyekto. Narito ang mga bahagi upang mabuo ang isang plano ng proyekto. I. Pangalan ng proyekto II. Layunin ng proyekto III. Talaan ng mga materyales a. Bilang b. Yunit c. Sukat at katangian ng materyales d. Halaga ng bawat piraso e. Kabuuang halaga f. Pangkalahatang halaga IV. Mga Kasangkapan V. Disenyo o krokis ng proyekto 2

VI. Mga hakbang Halimbawa ng isang plano ng proyekto PLANO NG PROYEKTONG “EXTENSION CORD” I. Pangalan ng Proyekto: “EXTENSION CORD” II. Layunin ng Proyekto: Makagawa ng panibagong saksakan upang makaabot sa iba’t ibang bahagi ng tahanan. III. Talaan ng mga Materyales: Halaga ng Kabuuang HalagaBilang Yunit Sukat at Katangian ng Materyales Bawat P25.00 1 Piraso Piraso P60.00 5 Metro Saksakan (Outlet) P25.00 P8.00 1 Piraso P93.00 Kawad pang Elektrisidad “Duplex” P12.00 #16 Stranded Plug (Male) P8.00 PANGKALAHATANG HALAGA IV. Mga Kasangkapan: 1. plais 2. wire stripper 3. disturnilyador V. Disenyo o Krokis ng proyekto: 3

VI. Mga Hakbang: 1. Ihanda ang lahat ng mga materyales at kasangkapan sa paggawa. 2. Bago umpisahan ang gawain kailangan munang isipin ang mga pamantayan sa maingat na paggawa. 3. Gamitin ang disturnilyador at buksan ang outlet. Paluwagin ang dalawang turnilyo na nasa loob. 4. Balatan ang dulo ng kable ng 2 sentimetro (2 cm.) at paikutin pakanan “clockwise” upang lumapat pagkatapos ay higpitan ang turnilyo. Parehong hakbang ang gawin sa kabilang turnilyo. Matapos gawin, kunin ang takip at isara ang outlet. 5. Sa paglagay naman ng plug, paluwagin ang dalawang turnilyo, balatan ang dulo ng kable ng 2 sentimetro (2 cm) pagkatapos ilapat ito sa turnilyo at paikutin pakanan o “clockwise” at higpitan ang turnilyo. Parehong hakbang ang sundin sa kabilang turnilyo. 6. Tiyaking huwag magdikit ang dalawang dulo upang maiwasan ang anumang kapahamakan. 7. Para sa karagdagang pag-iingat magpagabay sa nakatatanda bago isaksak ang natapos na proyekto. SUBUKIN MO• Sa iyong sagutang kuwaderno pumili ng isang proyekto at gawan ito ng plano• Mga proyektong mapagpipilian A. 4

B. C. TANDAAN MO• Napapadali ang anumang gawain kung ito ay napaghahandaan at may mahusay na plano.• Ang isang mahusay na plano ay nagdudulot ng magandang resulta sa anumang gawain. ISAPUSO MO• Ano ang kahalagahan ng plano sa isang proyekto?• Bakit kailangang maging maingat sa pagpili ng gagawing proyekto? 5

GAWIN MO Umisip ng isang proyekto na maaaring gawan ng plano. Sundi ng wastoang mga hakbang sa paggawa nito at itala sa iyong kuwadernong sagutan. PAGTATAYA• Kopyahin at sagutan ang mga tanong sa iyong sagutang kuwaderno. Lagyan ng tsek (√) kung Oo at ekis (x) kung Hindi. Tanong Oo Hindi1. Nakasunod ba ako ng tama sa mga hakbang sa paggawa ng plano?2. Naging maingat ba ako sa paggawa ng plano?3. Natapos ko ba ng may kagalakan ang plano?• Basahin ang mga tanong at isulat ang sagot sa iyong sagutang kuwaderno. 1. Anu-ano ang mga bahagi ng isang plano? 2. Anu-ano ang mga dapat sundin sa paggawa ng plano? 3. Bakit mahalagang gumawa ng plano bago simulan ang isang gawain?Kung nasagutan mo nang buong husay ang bahaging pagtataya ngmodyul, binabati kita! Maaari mo nang pag-aralan ang susunod namodyul.6

GRADE V PAGGAWA NG PROYEKTO ALAMIN MO Sa pagbuo ng anumang proyekto, kailangan ang kaalaman, kahusayan atinteres sa pagsasagawa upang matiyak na magiging maayos, wasto at kapaki-pakinabang ang gagawing proyekto. Alin sa mga proyektong nasa larawan ang kaya mong gawin? Malalaman mo sa modyul na ito ang mga sumusunod: • Kabutihang dulot ng wastong pagsunod sa mga hakbang sa paggawa ng proyekto. • Kahalagahan ng pagsunod sa panuntunang pangkalusugan at pangkaligtasan sa paggawa ng proyekto. 1

PAGBALIK-ARALAN MOA. Punan mo ng titik ang mga kahon upang mabuo ang isang katutubong materyales na matatagpuan sa pamayanan. Isulat ito sa iyong kuwadernong sagutan. 1. - Isang uri ng damo 2. - Ang hibla nito ay ginagawang lubid 3. - Kilala ito sa tawag ng “puno ng buhay” 4. - Ang malalapad na dahon nito ay ginagawang abaniko. 5. - Pinakamalaking palmera na tumutubo sa ating bansa. 2

B. Bilugan mo sa palaisipan ang kagamitan o kasangkapan na tumutukoy sa bawat bilang. Isulat sa iyong kuwadernong sagutan ang wastong sagot.ML AGAR E OC X LMNC OAKA B XNMP A I T A B B SRU I BLONLXACHNATT R A KM P X AWK D I O R UI EAC I QL I TBA J P EVL I YABEOSGUNT I NGYK I K I L OML C E KAAXO T L O I S UWG D F L QMYA C D F G A D I S K UWA L AB E XY Z G J B O E GMR ZW 1. Ginagamit sa pagkuha ng tamang haba o laki. 2. Ginagamit sa pagputol at paghugis ng kahoy. 3. Pamukpok ng pako sa kahoy. 4. Ginagamit sa paggupit ng mga materyales. 5. Pamutol ng alambre at iba pa. 6. Ginagamit sa paggawa ng mga butas. 7. Ginagamit upang kuminis at pumantay ang ibabaw ng kahoy. 3

PAG-ARALAN MONarito ang mga hakbang sa paggawa ng isang proyekto.A. Plano ng Proyektong “Bamboo Wall Vase” I. Pangalan ng Proyekto: BAMBOO WALL VASE II. Layunin ng Proyekto: Makagawa ng isang bamboo wall vase para sa pagpapaganda ng tahanan at paaralan at pagkakaroon ng karagdagang kita. III. Talaan ng mga MateryalesDami Yunit Deskripsiyon Halaga Bawat Kabuuang 1 biyas Piraso Halaga 1 biyas Kawayan (4 na pulgada pataas ng P 8.00 P 8.00 dayametro) 4.00 4.00 20 piraso Dulo ng kawayan na may 1 pinta dalawang pulgada pababa ang 0.25 5.00 dayametro) 15.00 15.00 12 pulgada ang haba na may isang P 32.00 buko pakong bakya (kalahating pulgada) Barnis Kabuuang Halaga 4

IV. Mga Kasangkapan 1. Lagari 2. metro (ruler) 3. kutsilyo 4. martilyo 5. lapisV. Mga Hakbang sa Paggawa 1. Tingnan at pag-aralan ang krokis ng proyekto. 2. Sukatin at kayasan ang bawat bahagi ng gagawing proyekto. 3. Tabasin ang mga bahagi ng proyekto. 4. Buuin at ipako ang mga bahagi ayon sa mga sukat sa plano ng proyekto. 5. Lagyan ng barnis ang natapos na proyekto. 5

VI. Krokis ng Proyekto Tanawin mula sa itaas Tanawing PantagiliranTanawing PangharapB. Narito ang ilang tuntunin na dapat mong tandaan upang maiwasan ang sakuna habang gumagawa: 1. Alamin mo muna ang wastong paggamit ng kasangkapan bago simulan ang gawain. 2. Ilagay mo ang mga kasangkapang may talim sa ibabaw ng mesang gawaan na ang talim ay nakaturong palayo sa iyo. 3. Mag-ingat habang ginagamit ang hinlalaki na pamatnubay sa paglalagare. 6

4. Tiyakin na malayo ang iyong kamay sa harap ng mga kasangkapang may talim habang ginagamit. 5. Hawakan mong mabuti ang tatangnan ng anumang kasangkapang ginagamit. 6. Makipagtulungan sa mga kasamahang gumagawa upang maiwasan ang aksidente. SUBUKIN MOA. Gawin ang sumusunod na hakbang sa paggawa ng “Bayong na Yari sa Niyog.” 1. Pumutol ng ilang palapa ng dahon ng niyog. Tanggalin ang mga dahon sa palapa at maingat na kayasan ito upang mapahiwalay ang dahon sa tingting. 2. Lalahin ang mga dahong naalisan ng tingting. Ang ilang dahon ay gawing mga hiblang paayon at ang iba ay hiblang pahalang. Ang lala ay maaaring gawing isa-isa at salitan o kaya ay dalawahang salitan. 3. Maging maingat sa paglalala sa katawan ng bayong. Ang ilang panig nito ay nilalala nang pabaluktot. 4. Kumuha ng ilang dahong lalalahin nang maliliit na siyang gagamiting tangkay ng bayong. 5. Kunin ang katawan ng bayong at ikabit dito ang nilalang tangkay. Gawin ang pagkakabit ng tangkay sa pamamagitan din ng paglalala o pag-iikot.B. Isulat sa iyong kuwadernong sagutan kung nararapat sundin o hindi nararapat ang mga sumusunod na panuntunan sa paggawa ng proyekto.a. Bago gumawa ng proyekto, isipin muna kung anong pakinabang ang makukuha rito.b. Hayaang magkalat ang mga kagamitan sa sahig.c. Iayos ang mga kagamitan pagkatapos gamitin sa isang lalagyan.d. Itapon ang mga kagamitan na ginamit at nakasasakit.e. Ipagkapuri ang anumang proyektong nalikha. 7

TANDAAN MO 1. Laging sumunod sa mga tuntunin habang gumagawa ng proyekto upang maiwasan ang sakuna at matiyak ang kaligtasan. 2. Ang maayos na pagsunod sa mga hakbang sa paggawa ng proyekto ay mahalaga upang makatipid ng oras, lakas, at salapi. ISAPUSO MO1. Bakit dapat sundin ang mga tagubilin sa pangkalusugan at pangkaligtasan sa paggawa ng proyekto? Dapat isaisip at sundin ang mga tagubiling pangkalusugan at pangkaligtasan upang maiwasan ang aksidente habang gumagawa2. Ano ang palatandaan ng isang taong nagpapahalaga sa proyektong natapos? Isulat sa iyong kuwaderno ang sagot.3. Ano ang dapat mong sundin sa panahon ng iyong pagkukumpuni? 8

GAWIN MOA. Balikan mo ang mga hakbang sa paggawa ng “Bamboo Wall Vase” at gawin ito nang wasto at maayos.B. Lagyan ng tsek (√) ang kolum na Oo kung wasto at ekis (x) sa kolum na Hindi kung hindi wasto ang gamit sa paggawa ng proyektong “Bamboo Wall Vase” Sipiin ito sa iyong kuwaderno. Gawain Oo Hindi1. Nasunod ba ang espisikasyon sa plano?2. Naisagawa ba ang tamang hakbang sa paggawa ng proyekto?3. Natapos ba ang proyekto ayon sa itinakdang oras?4. Naaayon ba sa tamang pangkaligtasan at pamantayan ang paggawa ng proyekto?5. Napahalagahan ba ang natapos na proyekto? 9

PAGTATAYAA. Sagutan ang mga sumusunod. Isulat ang titik ng tamang sagot sa iyong kuwadernong sagutan.1) Ang lapad ng mga kawayan sa likod ng vase ayA) 1½” B) 1” C) 2” D) 1¾”2) Ang pinakahuling hakbang sa paggawa ng proyekto ay:A) pagsusukat C) pagpapakoB) pagbabarnis D) pagbubuo3) Upang maiwasan ang aksidente habang gumagawa ng proyekto, kailangang __________.A) huwag magbibiruan habang gumagawaB) isaisip ang ginagawaC) matalas at nasa kondisyon ang mga kasangkapanD) lahat ng mga ito4) Ang kasangkapang napakahalaga para masunod ang espisipikasyon sa mga sukat ng proyekto ay __________.A) martilyoB) kutsilyoC) lagaring bakalD) metroKung nasagutan mo nang buong husay ang bahaging pagtataya ngmodyul, binabati kita! Maaari mo nang pag-aralan ang susunod namodyul. 10

GRADE V PAGPAPAHALAGA SA PROYEKTO ALAMIN MO Maaaring gugulin ang malayang oras sa mga gawaing mapagkakakitaan. Bukod sa nakalilibang na, nagbibigay pa ito ng karagdagang kita. Kalakip ang tamang saloobin sa paggawa at pagpapahalaga sa nabuong proyekto walang pasubali na makakalikha ng isang makabuluhan at kapaki-pakinabang proyekto. Sa pag-aaral ng modyul na ito, matututuhan mo kung paano ipakikita angpagpapahalaga sa natapos na proyekto at kung ano ang kabutihang dulot ng pagigingmatiyaga, masikap, masinop at malikhain sa paggawa 1

PAGBALIK-ARALAN MOA. Pagsunud-sunurin ang mga hakbang sa paggawa ng proyektong “Bamboo Wall Vase” sa pamamagitan ng paglalagay ng bilang 1-5 sa patlang. Sipiin ito sa iyong kuwadernong sagutan._____ a. Tabasin ang mga bahagi ng proyekto._____ b. Lagyan ng barnis ang natapos na proyekto._____ c. Tingnan at pag-aralan ang krokis ng proyekto._____ d. Sukatin at kayasan ang bawat bahagi ng gagawing proyekto._____ e. Buuin at ipako ang mga bahagi ayon sa mga sukat sa plano ng proyekto.B. Isulat ang K kung ang pangungusap ay nagsasaad ng kabutihan at H naman kung hindi. Isulat ang iyong sagot sa kuwadernong sagutan.1. Nagagamit ang malayang oras sa pagbuo ng kagamitan.2. Ang mga kagamitan o palamuti na yari sa mga materyales na matatagpuan sa pamayanan ay walang kabuluhan sa mag-anak.3. Hindi kailangan ang pagkamalikhain ng mga Pilipino sa paggawa ng mga produkto sa gawaing industriya.4. Nakadadagdag ng kita sa mag-anak ang mga produktong yari sa katutubong materyales.5. Pumili ng mga proyektong maganda lamang. PAG-ARALAN MO Maraming magagandang proyekto ang maaaring pagkakitaan. Bawat isa rito aymay kani-kaniyang paraan at hakbang sa paggawa. Iba’t ibang uri rin ng materyalesang ginagamit sa bawat gawain. Para makabuo ng isang maganda, maayos at kapaki-pakinabang na proyekto,masusing pagplano at malikhaing isip, talino, sipag at tiyaga ang kailangan. Sapagkakaroon ng mga katangiang ito, lalo mong napagtitibay ang iyong pagpapahalagasa natapos na proyekto. 2


Like this book? You can publish your book online for free in a few minutes!
Create your own flipbook