FILIPINO IV PART 1
Modyul 1 Pagsusuri ng Akda sa Teoryang Humanismo at Eksistensyalismo Tungkol saan ang modyul na ito? Ang modyul na ito ay inihanda para sa iyo at marami kang matutuhang aralin dito.Alam kong pagsisikapan mong mabuti na masagot ang mga gawain. Tiyak na magugustuhan mo angmga maikling kuwentong babasahin mo ngayon. Mayroon ka bang karanasang di mo malilimutan noong ikaw ay bata pa? Sino ba sananay at tatay mo ang mahigpit? Sa bagay may mga tatay na napakahigpit sa kanilang anak. Marahilmay maselang dahilan. Ito ang paksa ng kwentong iyong babasahin,. “ Paalam sa Pagkabata” nasinulat ni Nazareno D. Bas. Maiibigan mo ito sapagkat masasabi mong higit kang mapalad kaysa sapangunahing tauhan. Isa pang kwentong kasama sa modyul na ito ang “Yaong Itim na Bathala” ni GumerM. Rafanan. Ang pananampalataya ay isa sa pinanghahawakan ng batang tauhan sa kwento nanaghahangad ng pagbabago at kaligtasan. Naniniwala ka ba sa pahayag? Alam kong sang-ayon ka.Ang pananampalatayang iyan ang gabay ng isang bata sa napakatagal na panahong napaniwala angsarili na ang kinikilalang ama ay isang “Panginoon”. Tiyak na maiibigan mo ang bawat bahagi ngpakikipagtunggali sa katotohanan ng batang tumukoy sa kwento. Ano kaya ang mag-aalis sa isipanng bata na ang ama-amahan ay hindi “Panginoon”. Iyan ang iyong aalamin. Ang iyong kaalaman sa pagsusuring panlinggwistika, pangnilalaman at pampanitikanay lalo pang mahahasa sa araling ito. Ang mga dati mo nang kaalaman ay mauugnay mo rin dito. Patina rin ang iyong karanasang pansarili at pang-iba ay maaari mong pagkunan ng iyong mga kasagutan. Tutulungan kang muli ng aking mga inihandang gawain. Alam kong makakaya mongsagutin ito. Kaya mo ‘to! Handa ka na ba? Simulan mo na. 1
Ano ang matututunan mo? Nailalapat ang mga batayang kaalaman at kasanayan sa mapanuring pagbasa sa iba’tibang genre ng panitikan Paano mo gagamitin ang modyul na ito? Malaki ang maitutulong sa iyo ng modyul na ito. Higit na maayos at kapaki-pakinabang ang iyong pag-aaral kung susundin mo ang mga panuto o tuntunin sa paggamit nito. 1. Sagutin mo nang maayos ang Panimulang Pagsusulit na bahaging “Ano ba ang Alam Mo?” Susukatin nito ang iyong kaalaman tungkol sa aralin. 2. Iwasto ang mga sagot. Hingin mo ito sa iyong guro. Kung marami kang mali huwag kang mag-alala. Tutulungan kang linawin ito habang sinusuri mo ang akdang babasahin. 3. Basahin at pag-aralang mong mabuti ang mga akda. Isagawa mo ang mga kaugnay na gawain. Mababasa mo kung paano ito gagawin. 4. Sagutin mo ang pangwakas na pagsusulit sa kabuuan sa “Gaano Ka Na Kahusay?” kunin mong muli sa iyong guro ang Susi sa Pagwawasto. Maging matapat ka sa pagwawasto. 5. Kaibigan mo ang modyul na ito. Huwag mong sulatan at ingatang huwag masira. Gumamit ka ng hiwalay na sagutang papel o notbuk. 2
Ano ba ang alam mo?Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang isinasaad sa bawat pangungusap. Piliin at isulat ang titik ng tamang sagot.1. Sa kabilang silid sa kwarto nina Nanay at Tatay narinig ko ang pigil na paghikbi.Ang salitang may salungguhit ay nangangahulugan ng: a. pagsasalita c. pag-iyak b. pagbulong d. pagtawa2. “Ngunit ang damdamin ko ay tila tigang na lupang pinagkaitan ng ulan.” Angpahayag ay nangangahulugan ng: a. walang malay c. walang pakialam b. walang silbi d. walang pagmamahal3. Nagbingi-bingihan na lang siya para huwag mainis. Ang kahulugan ng maysalungguhit ay: a. maraming naririnig c. bingi b. di-makarinig d. ayaw pakinggan4. Madalas nagiging sanhi ng pagtatalo ay ang misteryong bumabalot sa lambat. Anglambat ay may kasaysayan na: a. kababalaghan c. kakila-kilabot b. lihim d. hiwaga5. Ang alam ng bata ang “Panginoon” sa bahay nila ay si Papa Kanor. Itinuringsiyang Panginoon sapagkat siya’y: a. matapang c. makapangyarihan b. kinatatakutan d. sinusunod6. Iisa ang larawan ng tao sa bahay-pawid at ni Celso, pinatunayan ito sa tuwinghumaharap siya sa salamin. Ang ibig sabihin nito, ang tao sa bahay-pawid at siCelso ay: a. magkamukha c. magkaibigan b. mag-ama d. magkapitbahay7. Laging naririnig ng anak sa kinakasama ng Ina na “hanggang piyer” lang ito. Anginang tinutukoy ay: a. biyuda c. walang tunay na asawa b. iniwan ng asawa d. iniwan ng sundalong kinasama 3
8. Ganoon na lamang ang mahigpit na babala kay Celso na huwag lalapit sa bahay napawid. Kaanu-ano ni Celso ang nakatira sa bahay-pawid?a. kapatid c. kaibiganb. ama d. kalaro9. Ngayong magkakulay na sina Billy at ang itinuturing niyang bathala, lumakas naang pananalig niya sapagkat mayroon na siyang:a. tagapagligtas c. Panginoonb. malalapitan d. kalaro10. Iginalang ni Celso ang kagustuhan ng ama ngunit kinailangan na tuklasin rin niyaang katotohanan. Taglay ni Celso ang:a. pagtitiwala sa kapwa c. pagtatago ng lihimb. paggalang sa magulang d. sariling pagpapasya11. Di nakaligtas si Billy sa pangungutya ng kapwa bata dahil sa kakaiba nitong kulayat anyo. Kulang ang mga bata sa:a. pakikipagkaibigan c. paggalang sa kapwab. pagsunod sa magulang d. pinag-aralan12. Ayaw ng ama ni Celso na humarap sa katotohanan. Dinadaan na lamang sapagsasawalang-kibo. Patunay ito na ang ama ay:a. mahinang loob c. ayaw lumabanb. walang masabi d. duwagARALIN 1: Paalam sa Pagkabata Anu-ano ang mga tiyak na matututunan mo? Matapos mong basahin ang akda. Inaasahang matatamo ang mga sumusunod nakasanayan: 1. Natutukoy at nabibigyang-kahulugan ang mga piling simbolismo at pahiwatig sa ginamit na akda 2. Nailalarawan ang pagkakasunud-sunod ng mga pangyayari, kilos, paghahamok o galaw sa tulong ng mga sangkap nito 4
3. Nakikilala at nasusuri ang mga tauhan sa akda batay sa kani-kanilang tiyak na magagandang saloobin at pangkaisipan ng akda bilang mambabasa 4. Naipaliliwanag ang bisang pandamdamin at pangkaisipan ng akdang binasa 5. Nakasusulat ng isang sanaysay na di-pormal na katulad ng akdang binasa Mga Gawain sa Pagkatuto? 1. Alamin mo… Panuto: Isulat ang mga kapuna-punang pagbabago sa saloobin at damdamin bilang patunay ng pamamaalam sa pagkabata. Piliin ang titik ng wastong sagot. 5 12 taong gulang 4 8-11 taong gulang 3 6-7 taong gulang 2 2-5 taong gulang 1 1 taong gulang Pagpipiliang sagot: a. Anuman ang nais nasasabi na ito. b. Lumalawak ang pag-iisip sa kaganapan sa paligid. c. Simula na ng pagkakaroon ng kamalayan sa takbo ng buhay. d. Pag-iyak ang tanging pagpapahayag ng nais. e. Inaasam-asam na pag-aaral sa mababang paaralan. Nasagutan mo bang lahat ng gawain? Kayang-kaya mo di ba? Kunin mo sa iyong guroang Susi sa Pagwawasto. Iwasto mo ang iyong sagot. 5
2. Basahin mo… Ngayon, babasa ka ng isang maikling kuwento na sa palagay ko ay maiibigan mo. Unawain mo itong mabuti: Maligayang pagbabasa. “PAALAM SA PAGKABATA” (KUWENTO/CEBUANO) Salin ni Nazareno D. Bas sa “Panamilit sa Kabantanon” ni Santiago PepitoPangkat I Wala akong nakikitang pagbabago. Tulad ng nagdaang mga madaling araw: ang ginaw,katahimikan, dilim, iyon din ang bumubuo ng daigdig ng aking kamalayan. Maraming bagay angdapat mailarawan. Ngunit alam kong iisa lamang ang kahulugan ng mga iyon. Alam ko. Sa kabilang silid, sa kuwarto nina Nanay at Tatay, naririnig ko ang pigil na paghikbi. Umiiyakna naman si Nanay. Ang sunud-sunod na paghikbi ay tila pandagdag sa kalungkutan ng daigdig.Napabuntung-hininga ako. Umiling-iling. Hanggang ngayon hindi ko pa nakikita ang tunay nadahilan ng damdaming iyon na matagal nang umalipin sa kanya. Walang malinaw sa aking isipan. Mula sa aking pagkamulat, ang pagkainip ay kakambal ngaking buhay. Sa aking pag-iisa di ko maiwasan ang mangarap at taglayin ang ngiti ng isang anghel.Ngunit ang damdamin ko’y tila tigang na lupang pinagkaitan ng ulan. Maliwanag na ang silangan nang ako’y bumangon. May bago na namang umaga. Ngunit angtanawin sa bahay ay walang pagbabago. Tulad ng dati, nakikita ko si Nanay na nakaupo at nag-iisipsa may hagdanan. Nakatitig siya sa sampayan ng lambat ni Tatay. At madalas ang kanyangpagbubuntong-hininga. Matagal ko nang nakikita ang sampay na lambat. Ngunit hindi ko nakikitang ito’y ginagamitni Tatay. Noon ay walang halaga ito sa akin. Nagsimula ang pagpansin ko sa lambat noong ito’yitinapon ni Nanay mga dalawang taon na ang nakakaraan. Galit na galit si Tatay sa ginawa ni Nanay.Pinagbuhatan ni Tatay ng kamay si Nanay. Pagkatapos ipinabalik kay Nanay ang lambat sasampayan. “Hanggang ngayon ba’y hindi ka pa nakakalimot, Tomas? Alam ng Diyos na wala akongkasalanan. Ang kanyang ginawa ang siya mong ginagawa tuwing ikaw ay darating sa madaling-araw.Ang kanyang amoy ay siya ring amoy na galing sa dagat. Magkatulad ang inyong ikinikilos. Sino anghindi mag-aakala na siya ay hindi ikaw? Huli na nang malaman ko ang katotohanan. Huli na nangsiya ay aking makilala. Totoong lumigaw siya sa akin. At mula noon ay alam mo iyon. Ikaw angaking iniibig, Tomas. Kailan mo pa malilimutan ang nangyari?” 6
Pangkat II Tuluyang umiyak si Nanay. Umungol lamang si Tatay. Nansilik ang mga matang tumingin salambat at pagkatapos ay bumaling sa akin. May ibig sabihin ang tingin niyang nag-aapoy. Maliban satakot na aking nararamdaman ay wala akong naintindihan sa pangyayaring iyon. Mula noon ay hindi na ginalaw ni Nanay ang lambat. Naluma na ito ngunit buung-buo pa rinsa aking paningin. Buung-buo pa rin sa paningin ni Nanay. Ano kaya ang misteryong napapaloob salambat na iyon? Alam kong alam ni nanay ang hindi ko nalalaman. At kailangang malaman ko ito.May karapatan akong makaalam. Nilapitan ko si Nanay na malalim pa rin ang iniisip. Hinalikan ko ang kanyang kamay. Mayibig akong itanong tungkol sa misteryo ng lambat. Ngunit napigil ang ibig kong sabihin nangkanyang pagluha. “Lakad na Celso, malapit nang dumating ang Tatay mo.” Sa labasan, sumalubong sa akin ang bagong araw. Tumingin ako. Maliwanag ang langit! Maygumugulo sa aking kalooban. Kalawakan. Iyan ang sabi ng aking guro sa ikaapat na baitang ngprimarya. Iyan ay hindi langit kundi hangganan lamang ng pananaw ng tao. Ang langit ay nasa tao.Hindi nakikita. Hindi naaabot. Naabot na kaya ni Nanay ang langit? “Ano pa ang hinihintay mo, Celso? Ipinahid ko sa mukha ang suot kong sando. Humakbang pagkatapos. Maya-maya’y tumakbona ako nang matulin. Nasa dalampasigan ang mamimili ng isdang dala ng mga bangkang galing sa laot. Masasayasilang nagkukuwentuhan habang hinihintay ang mga mangingisda. Sumalampak ako sa buhangin,malapit sa kinauupuan ng dalawang lalaking may katandaan na. Sa laot ako nakatingin atpinagmamasdan ang galaw ng mga alon na pandagdag sa kagandahan ng kalikasan. Napalingon ako nang makarinig ng tugtog ng gitara mula sa di-kalayuang bahay-pawid. Atsabay kong narinig ang malungkot na awiting nagsasaad ng kasawian sa pag-ibig. At muli na namangnaantig ang aking damdamin. Habang pinakikinggan ko ang malungkot na kundiman,umalingawngaw ang mahinang pag-uusap ng dalawang lalaki sa tabi ko. “Naririyan na naman siya.” “Talagang pambihira ang kanyang pagmamahal. Naniniwala akong nagpapatuloy angkanyang pangarap habang di pa namamatay ang babae sa kanyang buhay. Hindi nawawala angkanyang pag-asa. Kung kailan matutupad ang kanyang pangarap, Diyos lamang ang nakakaalam.” 7
Pangkat III Dinig na dinig ko ang mga kataga habang nagpapatuloy ang malungkot na kundimang nagingbahagi na ng aking buhay. Tumayo ako at ibinaling ang paningin sa bahay-pawid sa lilim ngkaniyugan. Patuloy ang awitin. Humakbang ako ngunit biglang napatigil sa harap ng dalawanglalaking may katandaan na. Naalala ko ang sabi ni Tatay. Bawal pumunta sa bahay-pawid na iyon.Mahigpit ang utos ni Tatay. Nagbabanta ng parusa. Lumingon ako sa laot. Nasa malayo ang mga bangka ng mga mangingisda. Bumaling ako sapinanggalingan ng awit na ngayo’y gumaganda sa aking pandinig. At para akong hinihila.Nakalimutan ko ang ipinagbawal ni Tatay. Mabilis ang aking paglakad at sa ilang saglit kaharap kona ang taong naggigitara at umaawit. May luha sa kanyang mga mata. Tumitig siya sa akin. Inilapag ang gitara sa ibabaw ng papag na kinauupuan. Tumayo siya atdahan-dahang lumapit sa akin. Kinabahan ako. Umakma akong tumakbo ngunit nahawakan na niyaang isa kong kamay. Nagpumiglas ako upang makawala sa kanyang pagyapos sa akin. Ngunit lalonghumigpit ang kanyang pagyakap. Umiiyak ako. Ngumiti siya at pinahid ang aking mga luha. Hinimas ang aking ulo. Unti-unting lumuwagang aking paghinga. Naramdaman ko ang kanyang pagmamahal nang tumingin ako sa kanya. Muliniya akong niyapos. “Dalawin mo akong palagi, ha?” Hindi ako kumibo. Tinitigan ko siya. Ang kanyang mga mata, ang ilong, ang labi-lahat parangnakita ko na? Alam ko na, sa salamin. Talagang siya ang nakita ko sa salamin na nakasabit sadingding ng aming bahay. Napatingin ako sa dalampasigan nang marinig ko ang hiyawan. Nagdatingan na pala ang mgabangka at nag-uunahan ang mga mamimili ng isda. Nagmamadali akong tumakbo upang salubunginang Tatay. Malayo pa ako ng makita ko siyang nakatayo sa may dinaungan ng kanyang bangka.Natanawan niya ako. Masama ang titig niya sa akin. Galit. Kinabahan ako. “Lapit dito, Celso!” Malakas ang sigaw ni Tatay. Nanginginig akong lumapit, at bigla akong sinampal. “Di ko gusto ang batang matigas ang ulo! Di lang sampal ang matitikman mo kapag umulit kapa. Hala, kunin mo ang mga isda at sumunod ka kaagad sa akin.” Habang naglalakad ay sinalat ko ang pisnging nakatikim ng sampal. Talagang mahirapintindihin si Tatay. Wala namang dahilan upang iwasan ko ang taong nasa bahay-pawid. Di namandapat katakutan ang kanyang mukha at boses. Bakit kaya hinihigpitan ako ni Tatay? 8
Pangkat IV Matapos akong mag-almusal, nandoon na naman si Tatay sa sampayan ng lambat.Nakatabako at nagtatagpi ng punit na bahagi ng lambat. Alam kong aabutin siya ng tanghali bagomatapos ang kanyang gawain. Matapos makapananghali siya’y matutulog. Pagkagisingmaghahapunan. Balik na naman sa dagat. Iyan ang buhay ni Tatay. At iyan ang bahagi ng akingbuhay. Sa aking kinauupuan sa may bintana nakikita ko si Nanay na nakaupo sa may hagdanan.Tahimik at nakatingin na naman sa sampayan ng lambat. Luhaan na naman ang kanyang mga mata.At naalala ko ang pangyayari noong itinapon iyon ni Nanay. Lahat may itinatagong kahulugan. Atnaalala ko ang nangyari kanina sa dalampasigan.. Naalala ko iyong tao. Lumapit ako sa salamin sa dingding. Pinagmasdan ko ang aking sarili. Nakita ko sa akingisipan ang mukha ng tao. Unting-unting lumiwanag ang aking kamalayan. Biglang kumulo ang akingdugo habang iniisip ang nakasampay na lambat. Nagdilim ang aking paningin. Nadama konginihahanap ko ng katarungan ang aking kalagayan. Nagpunta ako sa kusinaan. Hinanap ko ang itak ni Nanay na pansibak ng kahoy. Bitbit ko itoat pinuntahan ang sampayan ng lambat. Pinagtataga ko ang lambat. Nasiyahan ka ba sa kuwentong binasa mo? Naantig ba ang iyong damdamin sa mgasaloobin at damdamin ng mga tauhan sa akda? Kung binasa at inunawa mong mabuti ang kuwento, masasagutan mo ang mgagawaing inihanda ko para sa iyo. Huwag kang mag-alala, madali lang ang mga ito. Makatutulongkung uunawain mong mabuti ang mga panuto. Ang unang gawain ay tungkol sa mga simbolismo at pahiwatig na nakapaloob sa mgapahayag na mahirap unawain. Narinig mo na ba ang tungkol sa simbolismo at pahiwatig? Isa ito sa nagpapaganda at nagbibigay-sining sa akda. Madaling maunawaan ito sa tulong ng mga “clue”. Ang mga ito ang palatandaang makikita mo sa akda na makatutulong sa iyo upang matukoy ang kahulugan na nais ipahiwatig at ipakita. Nalinawan ka na ba? Makatutulong ang iyong nabasa sa pagsagot mo sa unanggawain. 9
3. Linangin mo… a. Pagsusuring Panlinggwistika Panuto: Iguhit mo sa iyong sagutang papel ang mga simbolismo na ginamit sa akda ayon sa sumusunod na “clue”. Piliin ang titik ng angkop na pahiwatig. 1. Nakasabit ito sa dingding Pahiwatig: __________________ __________________ 2. Ito ang laging pinagmamasdan ng Ina. Pahiwatig: _________________ _________________ 3. Pinagbawalan ang bata na lapitan ito. Pahiwatig: _________________ _________________ Mga pahiwatig na pagpipilian a. Ama ng bata ang tao sa bahay-pawid b. May misteryong napapaloob sa lambat c. Kamukha ng tao sa bahay-pawid ang nakita sa sarili sa salamin 10
Ano ba ang pagkakaunawa mo tungkol sa maikling kuwento? Iba ito sa nobela dahil ito ay isang uri ng pagsasalaysay na maikli ang kaanyuan. May mga bahagi rin ang maikling kuwento. Kailan mo kinagigiliwang magbasa ng isang akda? Hindi ba kung maganda ang panimula? Dapat na maging kakaiba ito. Saglit na kasiglahan naman ang bahaging naglalarawan ng panimula patungo sa paglalahad ng unang suliraning inihahanap ng lunas. Matutukoy mo kaya ito sa iyong binasa? Tunggalian naman iyong paglalaban ng mga tauhan. Hindi lamang ito pisikal o tao sa tao. Maaari ring tao sa sarili o kaya’y tao sa kalikasan. Ang pinakarurok naman ng kawilihan ay tinatawag na kasukdulan. Ito iyong bahaging malalaman mo kung magtatagumpay o mabibigo ang bida. Kaagad naman itong sinusundan ng kakalasan. O hayan, marami ka nang natutuhan tungkol sa maikling kuwento. Tiyak na mawiwilikang basahin ito dahil hahanapin mo na yung mga bahaging ipinaliwanag ko. Handa ka na bang gawin ang sumusunod na gawain. Pagbutihin mo! b. Pagsusuring Pangnilalaman Panuto: Piliin mo ang mga pangyayari at paglalarawan ng mga katangiang taglay ng mga tauhan sa binasang seleksyon. Nasa ibaba ang pagkukunan ng sagot. Titik lamang ang iyong isulat. 6. Kasukdulan 5. __ 4. __ ___7 Kakalasan 3. __Sunud-sunodna pangyayari 2. __1 Simula 8 Wakasa. Palaging nag-iisip si Nanay at nakatanaw sa lambat na nakasampay.b. Tinapon na ito ni Nanay, ikinagalit ni Tatay.c. Nilabag ko ang kautusan ni Tatay na lumapit sa bahay-pawid. 11
d. Alam kong galit si Tatay kaya kumulo ang dugo ko, pinagtataga ko ang lambat, bugbog sarado ako kay Tatay. e. May itinatagong misteryo ang lambat. f. Nawalan ako ng ulirat at sa pagmulat ng aking mata si Tatay ang aking nakita at yakap-yakap ako. g. Umiiyak na naman si Nanay, inipit ang kanyang mga hikbi. h. Batid ko na alam ng Tatay na wala akong kasalanan na siyang namutawi sa bibig ni Nanay nang ako’y sinasaktan ng Tatay. Kanina’y natutuhan mo ang ilang mga impormasyon tungkol sa maikling kuwento.Alam kong makatutulong ito sa iyo para masagot mo ang gawain sa pagsusuring pangnilalaman. Ngayon, madaragdagan pa ang iyong kaalaman. Higit mong mapahahalagahan atmauunawaang mabuti ang isang akda kung alam mo ang ilang mga prinsipyo, mga paniniwala atideyang makatutulong sa pagpapaliwanag ng isang akdang pampanitikan. Ang tawag dito ayTeoryang Pampanitikan. Hindi lamang sapat na mabasa mo ang isang akda kundi magamit mo angkarunungang matututuhan sa pag-unawa sa buhay sa higit na malalim na pananaw. Ang Teoryang Pampanitikang binigyang-diin sa kwentong “Paalam sa Pagkabata” ay teoryang humanismo. Narinig mo na ba ito? Humanismo-“ “human”, isang salitang Ingles na mahahango mo rito. Samakatwid tumutukoy ito sa tao. Madali lamang ang teoryang humanismo. Ito ay nagbibigay-puri sa tauhan, na kanyang kailangan. Makikilala mo ang mga tauhan batay sa kani- kanilang mga tiyak na saloobin at damdamin. Handa ka na bang sagutin ang susunod na gawain? Isaalang-alang mo ang iyongnatutunan. Masasagot mo iyan. Subukin mo. 12
c. Pagsusuring Pampanitikan Panuto: Kilalanin ang mga tauhang nasa titik A batay sa kani-kanilang mga tiyak na saloobin at damdamin na nasa titik B. Titik lamang ang isulat A. MagulangTatay 1 2 NanaySaloobin/Damdamin Saloobin/Damdamin 3 Anak Saloobin Damdamin Halagang Pangkatauhan: 4-5B.a. pinagtaksilan ng asawab. naguguluhan sa bawat pangyayaric. paghihiganti sa bunga ng pagkakasalad. walang kasalanang nagawa sa asawae. inihanap ng kasagutan ang kalupitang dinaranas Panuto: Basahin ang pahayag at piliin ang mga saloobing katumbas nito. Titik lamang ang isulat. 4-5. Di na makayanan ni Celso ang pagmamalupit ng ama kaya’t inihanap naniya ito ng kasagutan. Ito ay pagpapatunay na nais na ni Celso ng: a. pagharap sa katotohanan b. paghigantihan ang ama c. katahimikan 13
d. paghihinagpis Tingnan mo nga kung nasagutan mo lahat ang gawain. Itsek mo ito gamit ang Susi saPagwawasto na nasa iyong guro. 4. Palalimin mo… Anu-ano sa palagay mo ang nabago sa iyo matapos mabasa ang aralin 1? Panuto: Lagyan mo ng tsek ( ) kung ito ay tumutugon sa pagbabagong naganap sa iyo. _________1. Napag-isip-isip ko na ang bawat suliranin ay may kalutasan, gaano man kabigat ito. _________2. Nagkaroon ako ng interes magbasa ng maikling kwento. _________3. Napatunayan ko na ang magulang ay mapagmahal sa anak. _________4. Nagkaroon ako ng ideya kung paano haharapin ang suliranin. Tiyak na marami nang nabago sa iyo? 5. Gamitin mo… A. Panuto: Pag-ugnay-ugnayin mo ang mga nakatalang salita sa dayagram upang makabuo ng mabisang pahayag na hahanapin mo sa ibaba. Isulat sa iyong sagutang papel ang napili mong pahayag . Nabuong pahayag 1. Karanasan makintal sa isipan bahagi ng buhay 2. Bahagi ng buhay ang karanasan na makintal sa isipan 14
Kung naunawaan mo ang aralin, tiyak na tama ang iyong sagot. Hingin mo muli saiyong guro ang Susi sa Pagwawasto. B. Panuto: Pag-ugnay-ugnayin ang mga salita sa A upang makabuo ng mabisang kaisipan na hahanapin sa B. A. Paalam sa Pagkabata BISADamdamin Kaisipan 12 B. a. Masarap mabuhay na may pagkakaisa at pagmamahalan. b. Alamin ang dahilan ng pagkakamali bago husgahan. Tama ba ang iyong mga sagot? Iwasto mo ang mga ito. Nahirapan ka ba sa mga nauna mong mga gawain? Alam kong ginawa mo ang lahatng iyong makakaya para masagutan ang mga ito. Ngayon naman ay susulat ka. Madali lamang ito. Tiyak na magugustuhan mo angpaksa. Handa ka na ba? 6. Sulatin mo… Panuto: Ayusin mo ang pagkakasunud-sunod ng bilang ng mga talata. Pagkatapos gawin mong sanaysay na di-pormal. 1. Walang hanapbuhay ang kanyang amain. Ang kaunting salapi na mula sa kanyang lola na pinsyonada ay sa alak lamang nauubos. Lasenggo sa madali’t salita ang naturan at halos inuumaga na sa inuman. Ngunit kakaiba ito, mahilig dumisiplina ng iba. Nangyayari ito kapag nasa ispiritu ng alak. Paano mo ba susundin ang ganito, di naman huwaran. 2. Masakit para kay MOT na lumaki na malayo sa piling ng mga magulang. Apat na taong-gulang pa lamang siya nang ilagak ng kanyang ama sa kanyang lola. Mabagsik ang kapatid ng kanyang ama na kapisan nila. Ang galit nito sa kanyang ama ay sa kanya ibinubunton. Dahil kailangang mabuhay at makapag-aral, tiniis niya ang lahat. 3. Minsan inabot ng sama ng katawan ang amain. Mataas ang lagnat at halos gulapay. Paalis noon ang lola ni MOT at nag-iwan ng pera. Bilin nito, dalhin ito 15
sa ospital kung kakailanganin. Di umalis si MOT sa tabi ng amain at inaruga hanggang gumaling. Sa ngayon maayos na ang lahat para kay MOT. Naisulat mo na ba ang pagkakasunud-sunod ng talata? Alamin mo kung tama angiyong ginawa. Iwawasto mo ito. Kunin mo ang Susi sa Pagwawasto. 7. Lagumin mo… Panuto: Lagyan ng tsek sa tabi ng bawat bilang ang tumutugon sa natututuhan mo sa aralin. 1. Kahulugan ng maikling kwento 2. Kaalaman tungkol sa Awtor 3. Kabatiran sa Teoryang Humanismo 4. Pagkakaroon ng pagbabago sa saloobin ng damdamin 5. Nabibigyang-kahulugan ang mga piling simbolismo at pahiwatig 6. Nailarawan ang pagkakasunud-sunod ng mga pangyayari 7. Nakilala ang mga tauhan 8. Nasuri ang kanilang magagandang saloobin 9. Natutuhan ang bisang pangkaisipan at pandamdamin 10. Nakabuo ng isang sanaysay sa di-pormal na katulad ng akdang binasa Nasagutan mo ba lahat? Iwasto mo na ang sagot. 8. Subukin mo… Panuto: Basahin ang pangungusap/pahayag. Piliin ang titik ng angkop na sagot. 1. Salamin ang simbolismo na ginamit sa akda. a. Kulang sa salamin ang kabahayan b. Masasalaming mga mangyayari c. Pagharap ni Celso sa salamin, anyo ng tao sa bahay-pawid ang makikita d. May lihim ang salamin 2. Pinagbawalan si Celso na lumapit sa bahay-pawid a. May lihim ang bahay-pawid b. Bahay ito ng tunay na ama ni Celso c. Pinagseselosan ng ama ang nakatira roon 16
d. Doon nakatira ang taong nakikita ang kaanyuan sa salamin3. Nakasampay lamang ang lambat sa matagal na panahon a. May lihim ang lambat b. Mangingisda rin ang taong may-ari nito c. Luma at sira-sira na ang lambat d. Di pa natatagpian ang lambat4. Ito ay nasa bahaging “kasukdulan” ng kwento a. Mag-anak na ama, ina at Celso b. Palaging nag-iisip si Nanay at nakatanaw sa lambat c. “Tinapon na ito ni Nanay na ikinagalit ni Tatay” d. Pinagtataga ang lambat kaya bugbog sarado5. Ang “kalakasan” na isa sa bahagi ng kwento a. Nawalan ako ng ulirat at sa aking pagmulat mukha ng Tatay ang aking nakita at ako’y yakap-yakap. b. Umiiyak na naman si Nanay c. May itinatagong misteryo ang lambat d. Palaging nag-iisip si Nanay at nakatingin sa lambat6. Ang bahaging ito ang “wakas” ng kwento a. “Batid ko na alam ng Tatay na wala akong karanasan” b. “Umiyak na naman si Nanay at inipit ang kanyang mga hikbi” c. “Nawalan ako ng ulirat at sa pagmulat ko mukha ng Tatay ang aking nakita” d. “Nilabag ko ang kautusan ni Tatay na lumapit sa bahay-pawid7. Dumanas siya ng hirap sa kasalanang di niya ginawa a. Tao sa bahay-pawid b. Nanay c. Celso d. Tatay8. Pagharap ni Celso sa salamin, nakita na niya ang kaanyuang ito a. tao sa bahay-pawid b. Nanay c. Celso d. Tatay9. Bagamat di-tuwirang ipinamalas ito, ang yakap na mahigpit sa anak ay tanda ng a. pagtaga-taga sa lambat b. paghingi ng tawad c. pagbabagong buhay d. pagtugon sa kalupitan 17
10. Di matanggap ng ama ang pagtataksil ng asawa ngunit batid niya na dapat: a. parusahan ang anak b. pag-ibayuhin ang galit sa anak c. pagmalupitan ang anak d.huwag idamay ang anak Ano ang nakuha mong iskor? Kung 7 pataas ang iyong tamang sagot, pumunta ka nasa susunod na aralin. Kung 6 pababa, may ipagagawa pa ako sa iyong isang gawain. Kayang-kaya moito sapagkat kaugnay ito ng iyong aralin. Maaari mo na itong simulan.9. Paunlarin mo…Panuto: Bumuo ng islogan tungkol sa aralin. Hanguin at ayusin mo ang mga ginulong salita na nasa loob ng kahon.1. sa bahay ay pinag-uusapan ang suliranin di tinatakasan2. ng bata ay gagawin din ang ginawa ng matanda Nadalian ka ba sa natapos mong gawain? Alam kong nakaya mong sagutinang mga ito? Hiramin mong muli sa iyong guro ang Susi sa Pagwawasto.ARALIN 2: Yaong Itim na Bathala Anu-ano ang mga tiyak na matututunan mo? Matapos mong basahin ang akda. Inaasahang matatamo ang mga sumusunod na kasanayan: 1. Nabibigayang-kahulugan ang mga pahayag na nagtataglay ng pahiwatig 2. Naiuugnay sa sarili ang mga tiyak na damdaming nangingibabaw sa pamamagitan ng dayalogo na ginamit sa loob ng akda 18
3. Natutukoy ang ilang bahagi ng kwento 4. Nasusuri ang akda sa pamamagitan ng Teoryang Eksistensyalismo 5. Napangangatwiranan ang sariling paniniwala batay sa paniniwalang nakapaloob sa akda 6. Nakasusulat ng dayalogo batay sa napiling pahayag mula sa akdang tinalakay Mga Gawain sa Pagkatuto 1. Alamin mo… Panuto: Piliin sa ibaba ang mga salitang tumutukoy sa larawang nasa kahon. Isulat mo ito sa mga patlang sa ibaba ng larawan.1. _________________ 3. ____________________2. _________________ 4. ____________________ 5. _________________ 6. _________________a. pag-asa c. kalungkutan e. katandaanb. liwanag d. dilim f. kawalang pag-asa 19
Nasagutan mo ba ang mga gawain? Madali lang hindi ba? Iwasto mo ang iyong mga gawain. Kunin mo sa iyong guro ang Susi sa Pagwawasto. 2. Basahin mo… Babasa ka ng isa pang kwento na sa palagay ko ay maiibigan mo. Unawain mo itong mabuti. Maligayang pagbabasa! Yaong Itim na Bathala Gumer M. Rafanan (Sebuano) Lalong nanlaki ang mga mata ni Billy sa pagkakatitig sa ga-palad na krusipihong isinabit niyasa dingding ng kanyang silid, sa may ulunan ng kanyang katre. May di maipahayag na pagtataka samga matang iyon habang pinagmamasdan ang puting tao na nakadipa sa puting krus, isang taongpatpatin, malalim ang mata, duguan ang kaliwang dibdib, ang mga kamay, ang mga paa… tulad ngmalaking krusipiho na nakita niya sa simbahan. At nasabi niya sa sarili: iyon pala ang Diyos na tinutukoy nina Leni at Padre Santos. Siya palaang lumikha ng lahat, ang tutulong sa lahat. Ay, parang kay hirap paniwalaan. Paano niyamatutulungan ang iba e ni hindi niya matulungan ang kanyang sarili? Masdan mo lang ang itsura,nakakaawa, naghihirap. Bakit kaya nasabi ni Padre Santos na ginawa lamang iyon upang maligtasdaw ang ganap na pagpapalasakit para sa kapwa ay isang kabanalan? At ang higit na nakapagtataka’yhindi raw siya namatay. Hindi maaaring mamatay ang Diyos. Talagang pambihirang tao nga palaiyon. Totoo nga kaya iyon? Tanong ni Billy sa sarili. At nagpatuloy siya: sige lang, diyan ka lang.Tingnan natin kung makakatulong ka nga. Tingnan natin kung sino ang higit na magaling, ikaw ba oang Papa Kanor. Tingnan natin kung mababago mo ang mga ugali ng mga taong kinamumuhian ko,gaya nina Papa Kanor, Butch… at naalala niya si Butch, yaong batang mataba na madalas namagsiga-sigaan. Naalala niya noong malimit siyang maupo sa nakataob na bangka sa putingbuhanginan sa may dalampasigan. Habang hinihintay si Tandang Karyo, pinanood niya ang iba pangmga batang kasing-edad niya- anim, pito, walong taong gulang- na nagsisipaglaro. Malimit niyangmakita sina Butch, Peping, Tetel, Totoy, Susie at Leni na naghahabulan, nagtatawanan. Kapagganoon, nakakadama si Billy ng pagkainggit, nakadama siya ng ibayong sigla upang makipaghabulandin, makipagsigawan sa tuwa, makisali sa kasayahan. At nasabi niya sa sarili: bakit ba: Bakit akomakikisali? Mabilis din naman akong tumakbo, malakas sumigaw, mahusay magsaboy ng buhangin.At siya rin ang sasagot. Ba, hindi lang pala yon, nandiyan din ang buskaridong si Butch, na agadmanunukso, eto na naman si Agta, nandito si Negro. Nandito si Billy Coat, ang naengkanto. Takbo,takbo, kayo. Layo tayo! At kukulo ang dugo niya kay Butch sapagkat ito ang pasimuno, ito ang 20
unang manunukso na nasusundan naman nina Peping at Totoy, at kung minsa’y gagaya rin sina Tetelat Susie. Walang magagawa si Billy kundi ang magngitngit. Mabuti pa si Leni’t mabait di tulad niButch na buskarido, nanduduro. Noon ngang umagang iyon, sa lugar ding iyon, si Leni lamang anglumapit sa kanya na di pansin ang sigaw ni Butch, Hoy Leni anong gagawin mo diyan, may agtadiyan? Hindi kayo bagay ni Negro! At nagtatawanan ang iba. Nagbibingi-bingihan lang siya sapagkatpunung-puno na. Nakakainis! Buti’t umalis na rin ang mga loko. Aniya pa. “Bakit wala ka kanina doon, Billy?” bungad ni Leni. Kay ganda-ganda ng baro ni Leni,pulana may batik na puti. At maayos rin ang pagkakasuklay ng buhok. Lalo siyang gumanda.’ “Wala naman. Nagpaalam ako kay Mama pero di ako pinayagan. Nagmamadali kasi maylalakarin,” nahihiyang sagot ni Billy kay Leni. “Napanis tuloy ako sa kahihintay sa ‘yo. Alam mo, Billy, ang gara ng suot ko kanina, binili niMama.” “Basta sama ka sa Linggo. Nag-iisa lang kasi ako pag nag-aaral ng katekismo. Malapit langnaman ang bahay namin sa simbahan. Alam mo naman kung saan ‘yon, di ba?” “Ano ba ‘yong katekismo, Leni?” “Pag-aaral ‘yon ng dasal.” “Ano naman ‘yong dasal?” “Di na naipaliwanag ko na sa iyo ‘yon?” “A, oo nga pala. Bakit naman tayo kailangang magdasal?” “Sabi ng Papa at Mama at saka ng Padre, dapat daw magdasal para kaawaan ng Diyos. Tapos,bibigyan ka ng Diyos ng maraming pagkain, mga damit at mga laruan.” “Talaga? Ano naman ‘yong sinasabi mong Padre?” “Pari siya. Buti na lang, laging nagtuturo si Padre ng mga dasal, Bill. Sabi pa niya kung maykaibigan raw ako, sabihin ko raw na pumunta sa simbahan at tuturuan niya.” “Pari? Iyon bang nagsusuot ng damit ng babae?” “Oy, hindi ‘yon damit ng babae. Sige ka, baka magalit sayo ang Diyos.” “Di na lang ako pupunta Len. Di naman ako marunong bumasa.” “Ikaw naman kasi, e. hindi ka pumasok sa eskwelahan. Pero di bale, mabait naman si Padre.Bill. Alam mo na ba na kapatid siya ni Mama?” “O, e bakit Padre. Hindi ba dapat e Tiyo?” 21
“Tiyo nga, pero sabi ni Mama, kahit daw Tiyo basta pari, Padre dapat ang itawag. Sa kanya‘yong simbahan Bill.” “Sina Butch at Len, nagsisimba rin ba?” “A, ewan, paminsan-minsan ko lang silang makitang magsimba. Kaya siguro sobra angpagkabuskarido. Alam mo, sabi ni Mama at Papa at ni Padre, hindi raw mainam ‘yong buskarido.Magsimba ka lang Bill, ‘tamo, hindi ka na lolokohin nina Butch dahil tutulungan ka ng Diyos. Lahatng nagdarasal ay tinutulungan Niya. Iyon ang sabi ni Padre.” “Pag nagdasal ako, Len, aanuhin kaya ng Diyos sina Butch, susuntukin ba Niya?” “Hindi, uy! Hindi nanununtok ang Diyos, ang Diyos ay mabait, maunawain. Sige, Bill, ha,punta tayo sa simbahan ngayong hapon.” Pumasok ng simbahan sina Billy at Leni nang hapong iyon. Wala pang katau-tao sa simbahan.Nagtataka si Bill habang pinagmamasdan ang malaking krusipiho sa may pintuan. Itinanong niya kayLeni kung ano iyon si Kristo ang Maykapal, ang Diyos. Iginala ni Billy ang kanyang mga mata saloob ng simbahan. Nakita niya roon ang maraming rebulto, ang maraming imahen. Diyos rin ang mgaIyon sabi ni Leni. At muling napatitig si Billy sa malaking krusipiho. Dumating ang pari. Halos kasing-edad ito ng Papa Kanor ni Billy. Siya raw si Padre Santos.At kinuwentuhan ni Padre Santos si Billy tungkol sa mga bagay na nagagawa ng Diyos. Matamangnakinig si Billy pagkat nakita niyang mabait si Padre Santos, mapag-kaibigan din tulad ni Leni. Ditulad ng kanyang Papa Kanor na malimit magbulyaw, malimit magmura kahit wala siyang kasalanan.Di tulad ng kanyang Mama Tina na laging nagmumura, laging nambubuntal. Binanggit din ni Billykay Padre Santos yaong mga nakita niya sa simbahan- krusipiho, mga rebulto, mga larawan, ay walasa kanilang bahay. Dahil dito’y biglang binigyan siya ni Padre Santos ng isang ga-palad na krusipiho.At maraming ikinwento si Padre Santos. “Padre, mayroon din po kayang Diyos na itim na paris ko?” Hindi agad nakasagot si Padre Santos,. Pagkaraan ng ilang saglit, sinabi rin nitong ang Diyosay maaaring puti, itim, maaaring kahit ano sapagkat lahat daw ng tao, itim man o puti magkakapantaysa harap ng Diyos. At umuwi si Billy na dala-dala ang krusipiho. Isinabit niya iyon sa dingding ng kanyang silid.Nagbabakasakali. Lumipas ang ilang araw. Di na nagbalik si Billy sa simbahan. Di na rin sila nagkikita ni Leni.Naglagi na lamang siya sa kanyang silid, pinagmamasdan kung ano ang magagawa ng Diyos naisinabit niya sa dingding. At nanalangin siya, nag-iisang hiniling a Diyos na ipag-adya siya sapananakit ng kanyang Papa Kanor, sa pagmumura ng kanyang Mama Tina, sa paglait ng kanyangmga kababata, sa pang-aapi ng mga taong napapangitan marahil sa kanyang itsura. Kung minsan,inabot siya ng pagkabagot at nakakaisip tuloy na maglayas, pumunta sa malayong lugar. Ngunit saansiya pupunta? Saan? Matutulungan kaya siya ng ga-palad na Diyos sa kanyang silid? Mabuti pa nga 22
ang mga bathala ni Tandang Karyo at nakatutulong s matanda, nakapagbibigay ng maraming isda,ayon sa kanya. Nang sumunod na Linggo, muling nagtungo si Billy sa dalampasigan. Makikipagkita kayTandang Karyo. Sasabihin niya ditong siya man ay mayroon na ring bathala. Maraming tao sa dalampasigan. May dalang mga pagkain. Mga ama’t inang kasama angkanilang mga anak. Matatanda at mga kabataang lalaki’t babae na nag-uumpukan, nagtatawanan.Karamihan sa kanila’y nakatira sa mga bahay na may pintura sa lugar na iyon na kung tawagi’yPuting Buhangin isang lugar sa dulo ng siyudad. Nandoon din sina Butch, Totoy at Peping. Atlumayo si Billy, nag-iisang naupo sa harap ng dagat, sumandal sa isang batong ipinadpad sa ilalim ngmataas na punong niyog. Naaliw si Billy sa ibang kasama ng kanilang mga ama’t ina. Oo nga, bakit di niya katulad angmga iyon? Bakit nga ba kaya hindi sila magkasamang naliligo ng kanyang Mama Tina sa kanilangbahay? Gabing-gabi na ito kung umuwi. At ang kanyang Papa Kanor naman ay paminsan-minsanlamang kung umuwi sa kanila. Ni Lola at Lolo’y wala siya, di tulad ni Leni. Walang tiyo at tiya.Walang mga kapatid. Bakit kaya ganoon, gayon maganda rin naman ang kanilang tirahan, sagana rinsila sa pagkain, maraming damit, tulad ng t-shirt na suot-suot niya. May utusan naman sila sa bahay,si Marta. Nalito si Billy. Nagtataka. Sa kanila’y laging may gulo, laging may angilan, walangkatiwasayan. At pinapabayaang maglabuy-laboy, hindi pinapansin. Pinapansin lamang siya kapagsisigawan, bubuntalin, mumurahin, kakayamutan. Bakit nga pala lagi na lang siyang kinayayamutanng kanyang Papa Kanor at Mama Tina. At parang wala silang kaibigan sa pook na iyon. Iba angkanilang mga kaibigan. Hindi tagaroon. Mga lalake’t babae na may damit na magagara, makikintab,kumikinang tulad ng mga awtong kanilang sinasakyan. Ginuhitan ang mga Tina. Mababagsik angmga mukha ng lalaki, tulad ng kanyang Papa Kanor. Lahat ay di-baril. Lahat marahil ay matatapang.At bakit kaya nagbabago ng pangalan ang kanyang Papa Kanor at Mama tuwing nandoon ang mgataong iyon. Nick ang tinatawag sa kanyang Papa Kanor. Cris sa kanyang Mama Tina. Nagbabagu-bago ang pangalan ng tao? At nariyan pa ang kanilang bisyo, na kapag lasing na’y nagsasayawankahit walang tugtog. At biglang naghahagikgikan ang mga babae at animo kinikiliti. Makikiri.Mahahalay. Matitinis ang boses. Nakakukulili ng tenga. Maiingay na parang sila lamang ang tao samundo. Ay naku! Pagkatapos, nariyan ang pag-aaway ng Papa at Mama na minsa’y nauuniligan ni Billy sasilid-tulugang katabi ng silid niya. Ang kanyang papa: bigyan mo na sabi ako ng pera. Hindinakadali ngayon! Sagot naman ng kanyang Mama: Ala na sabi akong kuwarta! Biglang nagalit angkanyang Papa: huwag mo akong ululin, Tina! At nasaan ang kinita mo sa klab? Lumaban angkanyang Mama: Anong pinagsasabi mo Kanor! Hingi ka lang nang hingi sa akin. Ubos na angkuwarta ko. At narinig ng nayayamot na Billy ang biglang kalabog. Sa pakiwari niya’y mulingsinampal ang kanyang Mama, narinig niya itong umiyak. At nagsimula na itong nagbubusa,magpalayas, magmura at magtatatalak sa kanyang Papa Kanor. Pasigaw na suminghal ang kanyangPapa: huwag mo akong lokohin, Tina isipin mong iniwan ko ang aking asawa dahil sayo! Aba mayiba palang asawa ang kanyang Papa Kanor? At lalong tumindi ang poot ni Billy sa kanyang PapaKanor nang sabihin nitong: Nasaan nga pala ang iniwan ng asawa mong ita? Maaari bang maginghanggang piyer ka na lamang kung di ka iniwanan ng pera? Nauunawaan ni Billy ang kahulugan ng salitang hanggang piyer. At naisip niyang talaga ngapalang tarantado ang kanyang Papa Kanor. Aywan kung bakit Papa pa rin ang tawag niya sa taong 23
iyon. Iyon kasi ang sinabi ng kanyang Mama na tawag niya sa taong iyon. Ito raw ang bago niyangPapa. Kapalit ng Papa niyang patay na. Isa raw Amerikano ang tunay niyang Papa, ngunit iyo’ymaitim, tulad niya, sunog ang balat, kingki ang buhok, malapad ang ilong, makapal ang labi. Di tuladng ibang Amerikanong nakikita niyang maputi, simputi ng Diyos na nakasabit sa dingding ngkanyang silid. Ngunit matapang raw ang kanyang ama na isang sundalo. May baril din itong tulad ngkanyang Papa Kanor. Di ba’t minsa’y may kasamang lalaki ang Papa Kanor niya sa kanila? Maramisilang dalang pera na pinagpartihan. Aywan kung saan galing ‘yon. Malimit pagmumurahin ngkanyang Papa Kanor ang mga kasamahan nito. At laging sila ang may pinakamalaking parte. Atnakagawian na rin ng kanilang Papa Kanor na himas-himasin ang tuta, ang puting tuta na maymakapal na balahibo. White ang pangalan. Minsan, nakaligtaan ni Billy na pakainin si White.Binalibag siya ng kanyang Papa Kanor ng isang kaputol na tubo. Nahagip siya sa paa at nag-iiyak.Mas mahalaga pa pala sa kanya ang isang tuta. Nagdadala raw ito ng suwerte. Lintek na suwerte‘yan! Lalong tumindi ang poot niya sa tuta. At nagsawalang-kibo na lamang ang kanyang Mama.Natakot marahil sa kanyang Papa Kanor. Sigaw pa ito ng sigaw ng: Hoy, kayong lahat, huwagkayong loloku-loko sa akin pagkat akong hari dito, ako ang makapangyarihan, ako ang Diyos, ako…ako ang bathala! Totoo kayang Diyos ang kanyang Papa Kanor? Siguro, di ba’t marami angnatatakot sa kanya? Pulis man daw ay gulat din sa kanya. Marami na raw itong nabaril at napatay.Ganoon kaya talaga ang Diyos? Bakit iba siya sa mga Bathala ni Tandang Karyo? Marami bangDiyos? At di napigilan ni Billy na mangarap na sana’y maging isa rin siyang Diyos. Maging isangBathala, upang malakas, matapang at kinatatakutan din tulad ng kanyang Papa Kanor. Sumagi sa isip ni Billy si Tandang Karyo. Mangingisda si Tandang Karyo. Payat, sunog angbalat, at nakatira sa tabing dagat. Tuwing nakakainom ng tuba, kinatatakutan siya ng mga bata pagkatnamumula ang kanyang mga mata; kapag ganito’y bigla siyang magkakalaway sa mga bata. Kungminsan tuloy tinatawag siyang momo, aswang, kapre. Subalit di natatakot sa kanya si Billy pagkatnoon pa mang una silang magkakilala, nasabi na ni Billy na magkauri sila pagkat itim din ang balat niTandang Karyo. Lalong nagkalapit ang dalawa nang mabanggit ni Tandang Karyo na kaibigan dawniya ang tunay na ama ni Billy, na magkasama noong Liberation sa pagtitinda ng baril at tela saTabok, sa inuman at sa pambababae. Maraming kuwento ngunit higit na maraming kuwento siTandang Karyo sa dagat, sa mga sirena, sa mga siyukoy, sa mga pating, balyena at iba pang mgahayop sa tabing dagat. Kay Tandang Karyo, nalaman ni Billy ang maraming uri ng dagat-Bathala.May Bathala daw sa dagat, sa isang bundok at maging sa ilog. Makapangyarihan daw ang lahat ngBathala na masunurin at matulungin. At minsan naitanong ni Billy kung sino ang pinakamagaling salahat ng Bathala. Sumagot si Tandang Karyo na lahat ay magaling. Aniya, “ para sa akin, sinumangmakatulong sa akin, iyon ang aking bathala, ang aking Diyos. Ikaw ang pipili ng sarili mong bathala.Ang higit na kailanga’y magkaroon ka ng bathala at nang may makapagtanggol sa iyo.” At lalong nalito si Billy habang nakatanaw sa lawak ng dagat. Sino naman kayang bathala angdapat niyang piliin? Sino ang hihingan niya ng tulong? Sino ang dapat niyang tawagan upang ituro sakanya ang landas na malaon na niyang hinahanap? Ano ang kulay ng balat ng bathalang sasambahinniya? Biglang may pumasok sa isip ni Billy. Tumayo siya at tumakbo… Nagmamadaling pumasok si Billy sa kanyang silid. Basang-basa ng pawis ang t-shirt na asul.Sa pamamagitan ng kaputol na tubong pinukol sa kanya minsan ng kanyang Papa Kanor, binunot 24
niya ang maliit na pakong pinagsasabitan ng kanyang krusipiho. Pagkaraan, habang hawak-hawak ngkaliwang kamay ang krusipiho, dahan-dahan niyang pinulot sa kanyang katre ang itim na lapis naginagamit ng kanyang Mama na pangguhit nito ng kilay. At sinubukan niyang ikaskas ang dulo nglapis sa katawan ng nakadipang tao. Puwede! Kanyang kinaskas pa nang husto hanggang maging itimang buong katawan! Ngayon, susubukan niyang magdasal sa kanyang bagong bathala. Marahiltutulungan na siya nito ngayong magkakulay na sila. Walang anu-ano’y narinig ni Billy ang paghinto ng kotse sa harap ng kanilang bahay. Narinigniya ang papalapit na yabag sa kanilang tarangkahan, tinungo ang hagdanan, tumuloy sa sala athuminto sa silid ng kanyang Papa Kanor at Mama Tina. Di naglaon, narinig niya ang malakas natahol ni White. At may tinig siya na nauulinigan, mga tinig ng kanyang Papa Kanor at Mama Tina.Sabi ko na sa’yo Kanor, huwag ka nang pumunta uli doon. Kita mo nabaril ko tuloy:nagkaengkwentro tuloy kayo. Huwag mo akong sisihin, Tina-ah! Takpan mo Kanor, takpan momabuti ang tiyan mo nang maampat ang dugo! Halika’t hubarin natin ang amerikana mo… walangkwenta ito, Tina, ang mahalaga’y napatay ko siya. Yan ang napapala ng mga dobolkroser - uugh!Tiyak na pinaghahanap ka na ng mga pulis, Kanor… huwag mo akong iiwan. Si… si Billy na angutusan mo! Ako na lang Kanor, para madali! At narinig ni Billy ang paglabas ng mga yabag ngkanyang Mama. “Billy!” umalingawngaw ang tinig ng kanyang Papa Kanor sa loob ng kanyang silid. Ninerbiyos si Billy. Hindi agad siya nakahuma. “Billy!” Dahan-dahang binuksan ni Billy ang pinto ng kanyang silid. Nanginginig ang kanyang mgakamay, hawak ng kanan ang krusipiho, at hawak naman ng kaliwa ang kaputol na tubo. Ano kaya angkanyang gagawin? Dahan-dahang lumapit si Billy sa katabing pintong sarado. Tahol pa rin nang tahol si White saloob ng silid. Biglang nabuksan ang pinto. Lumabas si White. Tinahulan si Billy. Di nagluwat, nakita niyaang kanyang Papa Kanor na nagkakandangiwi, pinagpapawisan, gulung-gulo ang buhok, kalag angkurbata, habang sapu-sapo ng kaliwang kamay ang dumudugong tiyan. “Lintek kang bata ka! Ang tagal mong sumagot? Ugh! Ugh! Ugh!” Napipi si Billy, nanlaki ang mga mata. Lalong nanginig ang kanyang mga kamay habanghawak pa rin ang krusipiho. Namimilipit ang kanyang Papa Kanor, nagpatuloy sa pagtahol si White. Aw! Aw! Aw!Nahihirapang bumangon ang kanyang amain, parang lasing. At bigla siyang sinampal. Sinangga niyaito ng kanyang kamay, tinamaan ang krusipiho ay nahulog sa sahig. 25
Aw! Aw! Aw! Pinagtatahulan ni White ang krusipiho. G-r-r-r! Lalong nagsikip ang galit ni Billy sa tuta. Ano’ng gagawin ni White sa kanyang bathala?Lumapit siya sa tuta at pinalo ito ng kaputol na tubong hawak niya. Nahagip sa ulo ang tuta!Nanaghoy, namilipit, napahandusay sa tabi ng krusipiho! Binunot ng kanyang Papa Kanor ang baril sa baywang. At nanlisik ang mga mata tulad samabangis na hayop. “Papatayin kita, hayup ka! Bakit mo pinatay si White? Papatayin kita! Ugh!…Ugh!… Ugh! Nais na tumakbo ni Billy ngunit ang krusipiho, ang kanyang bathala! Itinutok ng Papa Kanor ang baril sa kanya. Lalong tumindi ang takot sa dibdib ni Billy.Napaurong siya hanggang mapasandal sa dingding. Nagpatuloy sa paglapit ang kanyang Papa Kanor ngunit bigla na lamang itong nalugmok sasahig. Tumilapon ang baril sa tabi ng krusipiho. Nakita ni Billy na dahan-dahang ginagapang ng kanyang Papa Kanor ang baril… dahan-dahan… nanginginig ang kanyang kamay na gumagapang sa sahig samantalang sapu-sapo pa rin ngkaliwang kamay ang tiyan. Lalong nanlaki ang mga mata ni Billy na nakatitig sa kamay nananginginig dahil sa labis na pagsisikap na maabot ang baril, kamay ng isang taong nagsasabingsiya’y makapangyarihan, siya ang Diyos, siya ang panginoon, ang bathala… Kamay ng isang uri ngbathalang pangingilagan, kamay sa ngayon ay tinatakasan ng lakas, ng tibay, nanlulupaypay…nanghihina… hanggang hindi na lubusang makagalaw! “Billy!” Iyon ay mula sa kanyang Mama na may kasama na sa pagbabalik. Dali-daling pinulot ni Billy ang krusipiho, tinakbo ang kanyang silid at biglang isinara angpinto. “Billy! Billy!” At pinagkakatok ng kanyang Mama Tina ang pinto. “Buksan mo ito! Dali!” Ngunit hindi tuminag si Billy. Parang hindi niya narinig ang tawag ng kanyang Mama at angmga katok sa pinto. Pinagmasdan lamang niya ang krusipiho. Lumuluha ang mga mata habangnakatitig sa kanyang bathala, sa itim na bathala. Nagustuhan mo ba ang kwentong iyong binasa. Naghari ang mga emosyon sa mga tauhan, naramdaman mo ba ito? Kung inunawa mong mabuti ang binasa mong kwento, masasagutan mo ang mga gawaing inihanda ko para sa iyo. 26
Ang unang gawain ay tungkol sa pagbibigay-kahulugan sa mga pahayag nanagtataglay ng pahiwatig. Alam mo na ang tungkol sa pahiwatig; ito ang nagbibigay-sining sa akda.Makatutulong ang iyong binasa sa pagsagot mo sa unang gawain. 3. Linangin mo… a. Pagsusuring Panlinggwistika Panuto: Basahin at unawain mong mabuti ang mga pahayag sa I at hanapin sa II ang nais pahiwatig nito. Titik lamang ang isulat. I 1. “Siya ang lumikha ng lahat, ang tutulong sa lahat.” 2. “Nandito si Billy Coal, ang naengkanto. Takbo, takbo kayo. Layo tayo.” 3. “Nagbibingi-bingihan lang siya sapagkat punung-puno na.” 4. “Maaari bang maging hanggang pier ka na lamang kundi ka iniwanan ng pera.” 5. “Ngayon susubukan niyang magdasal sa kanyang bagong bathala. Marahil tutulungan na siya nito ngayong magkakulay na sila.” II. a. nilalayuan ng kapwa bata b. di pinapansin ang panlalait c. Diyos na makapangyarihan d. pagsampalataya sa itim na bathala e. nang iwan ng sundalo: may iniwan ding pera Madali lamang hindi ba? Kunin mo ang Susi sa Pagwawasto sa iyong guro at iwastomo ang iyong mga sagot. Marami ka nang alam tungkol sa maikling kwento. Hahanapin mo na iyong mgabahaging nabatid mo ukol dito. Handa ka na bang gawin ang susunod na gawain? Pagbutihin mo! 27
b. Pagsusuring Pangnilalaman Panuto: Piliin mo sa hanay B ang mga kasagutang tumutugon sa hanay A. Titik lamang ang isulat. Hanay A a. Pangunahing Tauhan _________________ b. Suliranin _______________ c. Tunggalian _______________ d. Kasukdulan ________________ e. Kakalasan _______________ Hanay B a. kulang sa pagmamahal ng magulang b. pagmamaltrato ng ama-amahan c. mag-anak na Tina, Kanor at Billy d. ipinagtanggol ang sarili sa kamay ng mabagsik na ama-amahan e. yaong itim na bathala ang kanyang tagapagligtas Kayang-kaya mo bang sagutan? Madali lang di ba? Iwasto mo na ang iyong mgakasagutan. Ang Susi sa Pagwawasto ay kunin mo sa iyong guro. Isa pang pagsasanay ang iyong isagagawa. Handa ka na ba? Panuto: Tukuyin ang mga tiyak na damdaming nakapaloob sa dayalogo sa hanay B na tutugon sa hanay A. Titik lamang ang isulat. Hanay A 1. “Mabuti pa si Leni mabait di-tulad ni Butch na buskador.” 2. “A, oo nga pala. Bakit naman tayo kailangang magdasal. 3. “Pari, Iyon bang nagsusuot ng damit na babae.” 28
4. “Para sa akin, sinumang makatulong sa akin, iyon ang aking bathala ang aking Diyos.” 5. “Papatayin kita, hayup ka! Bakit mo pinatay si White?” Hanay B a. nagtataka sa kahalagahan ng dasal b. nag-alinlangan sa kasuotan ng pari c. masaya at may mabait na kaibigan d. pagbabanta kaugnay ng nangyayari e. pananampalataya sa sinumang makatutulong Madali mo bang nasagutan ang pinagawa ko sa iyo? Iwasto mo ang iyong mga sagot. Handa ka na bang sagutan ang sumusunod na gawain? Isaalang-alang ang iyongnatutuhan. Masasagutan mo yan. Subukin mo. Ang teoryang pampanitikang binigyang-diin sa kwentong “ Yaong Itim na Bathala “ ay teoryang eksistensyalismo. Narinig mo na ba ito? EKSISTENSYALISMO- “ nananatiling nilalayon “ ang pinakamalapit na kahulugang maikakapit dito. Marubdob na pagnanasa na matamo ang isang mithiin sa buhay, gagawing lahat ng paraan para ito’y mapagtagumpayan. Makikilala mo ang tauhan batay sa kani-kanilang mga tiyak na saloobin at damdamin. Handa ka na bang sagutan ang susunod na gawain? Isaalang-alang ang iyongnatutuhan. Masasagot mo iyan. Subukin mo. c. Pagsusuring Pampanitikan Panuto: Lagyang ng tsek ang mga inaakala mong paniniwala batay sa paniniwalang nakapaloob sa akda. 1. Si Papa Kanor ay isang Panginoon. 2. “Sabi ni Papa at Mama at saka ni Padre dapat daw magdasal para kaawaan tayo ng Diyos. 3. Hiniling niya sa Diyos na ipag-adya siya sa pananakit ni Papa Kanor at pagmumura ni Mama Tina. 4. Sa pamamagitan ng lapis na pangguhit sa kilay ng kanyang Mama, initim niya ang kabuuan ng krusipiyo, sa paniniwalang magkakulay na sila at didinggin na ang kanyang panalangin. 29
Panuto: Isulat ang T kung totoong nangyari sa kwento at H kung hindi nangyari.5. Dahil sa pagdarasal at sa lakas ng pananampalataya, iniligtas ang buhay niya ng kanyang kinikilalang itim na bathala. Madali mo bang nakilala ang Teoryang Eksistensyalismo. Tingnan ko kung tamanglahat ang iyong mga sagot. Itsek mo ito.4. Palalimin mo… May mga nabago ba sa iyo, matapos mabasa ang iyong aralin?Panuto: Isulat mo ang mga bilang na inaakala mong tutugon sa pagbabagong naganap sa iyo.1. Naging gabay ko ang pananampalataya.2. Nagkaroon ako ng interes sa mga kwentong binigyang-diin ang teoryang eksistensyalismo.3. Nababago ng panahon ang takbo ng buhay.4. Nagkaroon ako ng ideya kung paano haharapin ang suliranin.5. Lagi na akong magbabasa ng kwento ng buhayTiyak na maraming nabago sa iyo. Tama bang lahat ang iyong sagot? Iwasto mo.6. Gamitin mo…Panuto: Isulat mo kung ano ang iyong alam, ipinagtataka at matutuhan mula sa kwentong tinalakay. Piliin ang sagot sa hanay B. Bilang lamang ang isulat. A BCAlam ko… Ipinagtataka ko… Natutunan ko…Hanay B 1. na ang batang tulad ng nasa kwento sa ganoong gulang ay mag-aaral na 2. na kapag malakas ang pananampalataya may kaligtasan 3. na may sapat na salapi ang mga magulang, bakit di nag-aaral ang bata 4. na maraming di alam ang bata 30
5. na mahalaga ang mag-aaral at maraming matututuhan 6. na ang salaping galing sa masama, mauuwi rin sa wala Kung naunawaan mo ang aralin, marami kang masasagot. Iwasto mo ang iyong mga sagot. Alam kong ginawa mo ang lahat ng iyong makakaya para masagutan ang mga. gawain. Ngayon naman ay susulat ka. Madali lamang ito, tiyak na magugustuhan mo. Handa ka na ba?6. Sulatin mo… Panuto: Isulat mo ang dayalogo na angkop sa napiling pahayag sa akdang binasa. Titik lamang ang isulat. Mga Dayalogo a. “Para sa akin ang aking tagapagligtas ay yaong itim na bathala.” b. “Katulad ng malaking krusipiho na nakita ko sa simbahan. Iyon pala ang Diyos na tinutukoy ni Leni at Padre Santos.” c. “Bigyan mo ako ng pera, hindi ako nakadelihensya ngayon.” 31
Tingnan mo kung tama lahat ang iyong mga sagot. Itsek mo muli ang iyong mgakasagutan.6. Lagumin mo… Panuto: Lagyan mo ng tsek sa tabi ng bawat bilang ng tumutugon sa mga natutuhan mo sa aralin. 1. pagbibigay-kahulugan sa pahayag Pahayag mula sa akda Dayalogo1 Lalong nanlalaki ang mga mata ni Billy sa pagkatitig sa ga-palad na krusipihong isinabit sa dingding ng kanyang silid.2 Pasigaw na suminghal ang kanyang Papa Kanor. 3 Maraming uri ng bathala.2. kaalaman tungkol sa pahiwatig3. nakapili ng mga dayalogo mula sa akda4. naiuugnay sa sarili ang nangingibabaw na damdamin5. natukoy ang mga bahagi ng kwento6. halimbawang pananaw ng teoryang eksistensyalismo32
7. natukoy ang ilang piling pahayag 8. nakapag-angkop ng dayalogo sa pahayag 9. naniwala rin sa mga paniniwala sa akda 10. pagiging matapang Sa natapos mong gawain, nadalian ka ba? Alam kong nakaya mong sagutin ang mgaito. Itsek mo ang iyong mga kasagutan. Ang susunod na gawain ay susukat muli sa iyong mga natutuhan sa araling tinalakayunawain mo itong mabuti. Kaya mo ito. Simulan mo na. 7. Subukin mo… Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga pangungusap. Piliin ang titik ng tamang sagot. 1. Ayon sa pahayag na “Nagbibingi-bingihan na lamang si Billy.” Ang ibig ipahiwatig nito ay: a. totoong bingi si Billy b. di niya pinapansin ang mga panlalait sa kanya c. di siya makarinig sa sinabi ng iba d. ayaw niyang makinig sa panunukso ng iba. 2. “Hanggang pier lamang ang nanay ko”. Ang nanay, ayon sa pahiwatig ay: a. hinatid sa pier b. sa pier iniwan c. itinira sa pier d. iniwan at di pinakasalan 3. Sino ang tinutukoy na “Siya ang lumikha at tutulong sa lahat.” a. Billy b. Diyos c. Padre d. Papa Kanor e. 4. Ang pangunahing tauhan sa kwento ay si: a. Billy b. Mama Tina c. Bathala d. Papa Kanor 5. Ang tunggalian na tumutukoy sa kwento ay ang: 33
a. pagtatanggol sa sarili b. paghahanap sa tunay na bathala c. sa pagmamalabis ng ama-amahan d. kakulangan sa pagmamahal ni Billy 6. Ang kakalasan ay makikita sa bahaging: a. pagtungo sa simbahan b. pakikipaglaro sa kapwa bata c. pananalig sa itim na bathala na tagapagligtas d. pagtungo kay Tandang karyo 7. Ayon kay Papa Kanor , siya ay isang: a. Panginoon b. Bathala c. hanggang pier lang d. tagapagligtas 8. Iniligtas si Billy sa kamatayan ng itim na: a. aso b. ama-amahan c. bathala d. kalaro 9. Hiniling niya sa Diyos na ipag-adya siya sa pananakit ni: a. Mama Tina b. Butch c. Tandang Kastor d. Papa Kanor 10. Ayon kay Leni, dapat magdasal para: a. Kaawaan tayo ng Diyos b. di na pagmalupitan c. di na tuksuhin d. Gumanda ang buhay Ano ang nakuha mong iskor? Kung 7 pataas ang iyong tamang sagot mainam at kung6 pababa, may ipagagawa pa ako sa iyo. Kayang-kaya mo ito sapagkat kaugnay naman ito ng iyongaralin. Maaari mo itong simulan 8. Paunlarin mo… Panuto: Sumulat ng dayalogo batay sa sumusunod na pahayag. Pumili lamang ng isa. 1. Takang-taka si Billy sa kasuutan ng pari. 2. Matagal na pinaniwalaan ni Billy na si Papa Kanor ay Panginoon. 3. Batid ni Billy na iniligtas siya ng kanyang itim na bathala. 34
Gaano ka na kahusay? Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang isinasaad sa bawat pangungusap. Piliin ang titik ng tamang sagot.1. 1. Tila tigang na lupa na pinagkaitan ng ulan ang damdaming naghahari sa kanyang puso ngayon. Ang pahayag ay nangangahulugan ng kawalan ng: a. malay b. silbi c. pakialam d.. pagmamahal 2. Para huwag mainis nagbingi-bingihan na lang si Billy. Ang kahulugan ng may salungghit ay: a. maraming naririnig b. di makarinig c. bingi d. ayaw pakinggan 3. Ang pigil na paghikbi ni inay ang ayaw ko nang marinig a. pagsasalita b. pagbulong c. pagtawa d. pag-iyak 4. Talagang may misteryong bumabalot sa lambat. Ang lambat ay may kasaysayan na itinuturing na: a. lihim b. kababalaghan c. kakila-kilabot d. hiwaga 5. “Si Papa Kanor lang ang Panginoon”, yan ang paniwala ni Billy. Itinuring siyang Panginoon sapagkat siya’y: a. matapang b. makapangyarihan c. kinatatakutan d. sinusunod 6. Magkamukha ang tao sa bahay-pawid at si Celso, patunay ito sa tuwing humaharap sa salamin si Celso. Samakatwid si Celso at ang tao sa bahay-pawid ay a. magkamukha b. magkaibigan 35
c. mag-ama d. magkapitbahay7. “Hanggang pier ka lang!” Ito ang palaging naririnig sa kinakasama ng ina. Ang inang tinutukoy dito ay: a. walang tunay na asawa b. iniwan ng sundalong kinakasama c. biyuda d. iniwan ng asawa8. Mahigpit na babala ng ama kay Celso na huwag lalapit sa bahay-pawid. Ano ang kaugnayan ni Celso sa tao sa bahay-pawid? a. kalaro b. kaibigan c. kapatid d. ama9. Lumakas ang pananalig ni Billy sa itinuturing niyang itim na bathala. Ito ay patunay na taglay na ni Billy ang paniniwala na mayroon na siyang: a. kalaro b. tagapagligtas c. malalapitan d. Panginoon10. Bagamat iginagalang ni Celso ang kagustuhan ng ama, kailagang tuklasin rin niya ang katotohanan. Taglay ni Celso ang: a. pagtitiwala sa kapwa b. sariling pagpapasya c. paggalang sa magulang d. pagtatago ng lihim11. Di makaiwas si Billy sa panunukso ng kapwa bata. Patunay ito na kulang ang mga bata sa: a. pinag-aralan b. pagsunod sa magulang c. pakikipagkaibigan d. paggalang sa kapwa 36
12. Dinadaan na lamang sa pagsasawalang-kibo ng ama ni Celso ang lahat . Ayaw nitong harapin ang katotohanan. Ang ama ni Celso ay: a. mapagbigay b. walang silbi c. ayaw lumaban d. duwag 37
Modyul 2 Pagsusuri ng Akda batay Teoryang Romanticismo at Teoryang Formalistiko Tungkol saan ang modyul na ito? Kumusta ka na? Ilan na ring paksa ang nabasa mo at natitiyak ko na marami ka na ringnatutuhan sa mga modyul na inilaan para sa iyo. Nasagot mo bang lahat ang mga tanong? Sananaibigan mo ang mga kuwento. Kung nagustuhan mo ang mga iyon lalo nang magugustuhan mo anginihanda kong babasahin mo ngayon. Naniniwala ka ba na maraming pulo rito sa ating bansa?.. at marami rin tayong mga kultura attradisyon. Bukod dito, alam mong iba-iba rin ang mga batas at patakarang pinaiiral. Anupa’tmararagdagan pa ang iyong mga kaalaman sa kaysaysayan. Ang kaalaman mo sa pagsusuri ay lalawak at gaya nang nauna may pagsusuringpanglingguwistika, pangnilalaman at pampanitikan. May kaugnayan ito sa dati mo ng alam tulad ngkaranasang pansarili at pang-iba na maaari mong maging batayan sa iyong kasagutan kaya ngayon aytutulungan kang muli ng iyong babasahing modyul. Madali lamang ang pagsasanay nito. Makakayamo ito at magugustuhan mong sagutin. Handa ka na ba? Kung gayon ay simulan mo na. Ano ang matututunan mo? Nailalapat ang mga batayang kaalaman at kasanayan sa pag-unawa at pagsusuri sa akda. Paano mo gagamitin ang mga modyul na ito? Sadyang inilaan sa iyo ang mga pagsasanay sa modyul na ito kaya’t malaki ang maitutulongnito sa iyo. Sagutin mo nang maayos ang mga tanong. Huwag kang lilihis sa mga panuto o tuntuninupang maging madali ang iyong pagkatuto. 1. Sagutin mo ang panimulang pagsusulit sa bahaging “ANO BA ANG ALAM MO?” Susukatin nito ang iyong kaalaman tungkol sa aralin.
2. Iwasto mo ang mga sagot. Hingin mo sa iyong guro ang susi sa pagwawasto. Kung magkaroon ka man ng maraming mali, huwag mag-alala. Tutulungan ka ng mga gawaing inihanda ko. 3. Basahin at unawain mong mabuti ang mga aralin. Isagawa mo nang maayos ang mga pagsasanay. 4. Gawin at sundin mo ang mga panuto. 5. Isulat mo ang iyong sagot sa inilaang sagutang buklet o “notebook”. 6. Sagutin mo ang pangwakas na pagsusulit o ang bahaging “Gaano Ka Na Kahusay.” Pagkatapos, iwasto ang iyong sagot sa tulong ng susi sa pagwawasto na nasa iyong guro. 7. Maging matapat ka sa pagwawasto ng iyong sagot at mga gawa. 8. Tulad ng sinabi ko sa iyo, gabay at kaibigan mo ang modyul na ito, huwag mong susulatan at ingatan mo ang bawat pahina upang di mapunit. Ano na ba ang alam mo? Ang mga sumusunod ay ang panimulang pagsusulit. Ito ay susukat sa lawak ng iyongkaalaman sa akdang pinag-aaralan. PANUTO: Basahin at unawain ang bawat pangungusap. Piliin at isulat ang titik ng tamang sagot: 1. Sa kanila napangangalagaan ang moralidad ng pananamit. Nangangahulugan itong: a. sumusunod sa uso b. pagtalima sa batas c. may dati ng resolusyon d. may ipinatutupad na batas 2. Makatulong sana kayo upang di maging dungis ng lipunan. Ang may salungguhit ay nangangahulugang: a makasalanang mamamayan b. palaaway na kabataan c. mamamayang mangmang d. pabigat sa bayan -- 2
3.Isang dahilan ito ng paglaho niya sa sanlibutan. Nangangahulugan ang may salungguhit ng: a. pag-alis b. paglipat c. pagkawala d. pagwasak4. Tungkol sa pamamalakad ng trapiko, may ordinansa sila na nagpaparusa sa mabagalmagpatakbo ng sasakyan. Kung gayon dapat lamang na: a. magpatakbo nang mabilis b. magpatakbo nang tiyak na may kaligtasan c. magpatakbo nang di nakakaabala d….magpatakbo tulad ng nakikipagkarera9. Ang Miliminas at Pilipinas ay maaaring iisa dahil sa: a. pagbanggit ng heograpiya nito b. pagkakalarawan sa pananamit c. pagkakaroon ng mga katiwalian d. pagkakasundo sa mga transaksyon10. May mga alagad ng pamayanan na gumagamit nang mabuti. Sila pa ang nagtatago dahil sa sila’y pinagtatawanan. Nagpapahayag lamang ito na may: a. kakaibang patakaran dito b. nakararami ang masama ngayon c. kumukutya sa gumagawa nang mabuti d. nagagalit sa kanila11. Naghahanda ang pamilya ayon sa katas ng kinabuhayan. Ang may salungguhit ay nangangahulugang: a. lebel ng hanapbuhay b. taon ng paghahanapbuhay c. kalagayan ng buhay d. mariwasang buhay12. Ang tradisyong Pilipino ay dapat lamang na: a. kalimutan b. palaganapin c. alalahanin d. baguhin13. Ang tradisyong Pilipino ay sagabal sa pag-unlad. Ito’y isang: a. kasabihan b. opinyon c. katotohanan d. kongklusyon -- 3
14. May kasabihan silang iboto sa bulsa at hindi sa balota. Iboto dahil sa: a. takot sa bala b. maraming pera c. maraming bala d. takot mamatay Madali lamang sagutin, di ba? Kung nahirapan ka man huwag mag-alala. Iwasto mo angiyong sagot. Kunin sa iyong guro ang susi ng pagwawasto. Mababa man ang iyong iskor tutulunganka ng modyul na ito.II. Araling Blg. 1: Miliminas: Taong 0069 A. Anu-ano ang mga tiyak na matututunan mo? Matapos mong mapag-aralan ang modyul na ito, inaasahang matatamo mo ang mga sumusunod na mga kasanayan. 1. Nabibigyang kahulugan ang mga pahayag at salitang ginamit sa akda. 2. Natutukoy ang mahahalagang detalye at kaisipan sa akda. 3. Nasusuri ang akda batay sa Romanticismong pananaw sa tulong ng sanaysay na satirikal. 4. Naiisa-isa ang bisa at kahalagahan ng akdang binasa upang maiwasto ang kamalian at kahinaan sa lipunan. 5. Nakasusulat ng sanayan tungkol sa mahalagang pamamahala, mga isyu sa telebisyon at pahayagan. B. Mga gawain sa pagkatuto 1. Alamin mo… Panimulang Gawain. Panuto: May iba’t ibang paraan na kayong matututunan sa pagbibigay kahulugan sa salita o parirala. Ngayon naman, hanapin mo sa nakatala ang kahulugan ng may salungguhit: 1. Wala silang ginawa kundi aksayahin ang kaban ng yaman. a. kaban ng yaman b. pangangamkam -- 4
c. salapi ng bayan d. pera sa bangko2. Nahuhuli sila sa sibilisasyon a. paurong na pamumuhay b. mabagal na pag-unlad c. maraming tradisyon d. walang kaunlaran - Ngayong tapos mo nang sagutin, iyong iwasto, hingin sa guro ang susi ngpagwawasto. Tama ba ang naging sagot mo? Tandaan mo ang iyong mga naging sagot atpaghandaan ang iyong babasahin. Handa ka na nga ba? Simulan mo na ang pagbabasa.2. Basahin mo… Miliminas: Taong 0069 (Sanaysay/Hiligaynon) Salin ni Ruby V. Gamboa-Alcantara mula sa “Miliminas: Taong 0069” ni Nilo Par. Pamonang MILIMINAS, ITO ANG pangkat ng mga pulo na matatagpuan sa kalagitnaan ng Dagat Pasipiko bago pa magkaroon ng malaking pagbaha. Ito ay binubuo ng higit sa pitong libo at dalawang daang mga pulo. Ang Miliminas – ito ang tawag sa mga mamamayan ng nasabing kapuluan – ay katulad din ang mga balat at hitsura. Ang kanilang pananalita ay tulad din ng sa atin. Ngunit dahilan sa nahuhuli sila sa sibilisasyon, may mga pag-uugali sila at pagsasalita na kaiba rin sa atin. Mik ang tawag sa kanilang pera. At ang tawag nila sa isang taong may isang milyong mik, o sobra pa, ay mikinaryo. Sa pagbibihis, malaki ang pagkakaiba natin sa kanila. Ang kanilang tawag sa pormal na damit para sa mga babae ay ang katumbas sa atin ngayon ng bathing suit at kamiseta at korto para naman sa mga lalaki. Para mapangalagaan ang kanilang moralidad sa pagbibihis, may batas silang ipinatutupad na hulihin ang sinumang magdadamit nang mahaba pa sa mini-skirt at micro-mini-skirt. Ang upuan sa kanilang mga sasakyan ay nilalagyan ng kiluhan upang masukat ang timbang ng mga pasahero dahil ito ang pagbabatayan ng kanilang pamasahe. Ito ang tinatawag ng kanilang Public Disservice Commission na equality before the kilo. Tungkol naman sa pamamalakad ng trapiko ay may ordinansa sila na nagpaparusa sa mabagal magpatakbo. Ang kasalanan nang mabagal magpatakbo ay tinatawag na not overspeeding. -- 5
Mayroon din silang serbisyo sa tubig na tinatawag na nawasdak. Ang ahensyang itoay may tatlong uri ng tubo. Ang una ay nilalabasan ng malinis na tubig; ang ikalawa aynilalabasan ng maruming tubig; at ang ikatlo, walang tubig kundi hangin lamang.Nakapagtataka? Ito ang pag-uuri ng quatwasdak*. Ang gripo na may malinis na tubig aymahal ang bayad, para sa mayayaman lamang; ang may maruming tubig, para sa lahat ngmarunong magtrabaho o kung mayaman naman, gustong magtrabaho; at ang pangatlo,para sa mga mahirap at ito ay walang bayad. Mayroon ding nagmomonopolyo ng kuryente. Ito ang Patay Electric Company.Tatlo rin ang uri ng serbisyo nito sa publiko. Ito ang light service, brownout service atblackout service. Ang light service ay nagibigay ng ilaw sa araw at gabi. Ang brownoutservice ay nagbibigay ng ilaw kung hindi mo kailangan at mawawala kung kailangan mong ilaw sa pagkain ng hapunan at pagbabasa kung gabi. Kung gusto mo lang ngpandekorasyon, ang dapat mong ipakabit ay iyong blackout service. Ang sidewalk sa kanilang lungsod ay higit na malalapad kaysa sa atin. Bakit nga ba?Ang dahilan ay sapagkat ang mga bazaar ang umuukupa ng mga sidewalk at ang mganagtitinda ng sigarilyo at kung anu-ano ang siyang umuukupa ng mga kwartu-kwarto ngmga bazaar. At sabihin pa, ang mga may-ari ng mga bazaar ang hinuhuli ng mga pulis sakanilang pagtitinda sa mga sidewalk. Ang mga opisyal sa bansa na tumaba habang sila ay nasa serbisyo ay pinapatawanng sala o akusasyon sa kanilang mga resolution, genuine na mga batas, at iba pa. Upang mapagkatiwalaan ang mga matataas na opisyal ng bansa, itinatag ang anti-genuine commission para sa paghuli ng mga nagpaparami ng pag-aari o tumatanggap ngmga lagay na genuine, tulad ng genuine na resolutions, genuine na pera, genuine nabatas, at iba pa. Ang pinakamalaking tindahan ay tinatawag na super blackmarket. May pintura itongitim. Dito ipinagbibili ang mga bagay na ngayon ay ipinagbabawal tulad ng blusil nasigarilyo, apyan, mga bagay na ninakaw, at mga ipinagbibiling pekeng bagay. Ang mgagenuine na bagay ay ipinagbibili nang patago at tigkakaunti lamang dahil laging hinuhuling mga alagad ng katiwalian ang nagbebenta ng mga ito at kinukumpiska pa angkanilang mga paninda. Katiwalian ang tawag nila sa kanilang batas, at ang nagpapatupadnito ay tinatawag nilang alagad ng katiwalian. Ang mga baril ng mga alagad ng katiwalian ay paltik. Dahil sa ang nag-aari nglisensyadong baril ay hinuhuli at pinapatawan ng salang illegal possession of genuinefirearm. Sa panahong ito ay uso rin ang kickback na kaunti lang ang ikinaiba sa atingtinatawag na kickback ngayon. Ang mga buwaya ng bansa (ito ang tawag sa mataas naopisyal sa pamahalaan) ay sinisipa sa likod para sa bawat gatas o milk na tanggapingsuhol sa kanyang mga transaksyon. Ang mga buwaya ng bansa ay tumitigil sapagpapasipa kapag makapal na ang kanilang likod dahil ito ang magiging isang batayansa pagpili ng isang outstanding buwaya of the year. Dalawang klase ng batas ang ipinalalabas ng kanilang batasan na tinatawag naCircus of Miliminas. Ang isang batas ay para sa mga mayayaman at ang isa ay para samahihirap. Ang mga alagad ng bansa ay maliit lang ang sweldo pero malaki naman angkanilang maaaring gastusing representasyon. Ang mga mamamayan ng Miliminas ay masyadong relihiyoso. Tatlo ang paborito -- 6
nilang mga santo – ang mik (ang pera mismo), ang buwaya, at si Santasa, isang taongmay sungay at buntot katulad ng tinatawag natin ngayong satanas. Ang pinakamalakingkasalanang magagawa ay ang hindi pagpatay, hindi pagtataksil sa asawa at hindi pag-angkin sa yaman ng iba, kundi ang pagkaawa sa mahihirap at ang hindi pagbibigay nganumang hingin sa kanila ng mga buwaya ng bansa. Ang mga malaking transaksyon ng pamahalaan ay pinagkakasunduan sa ilalim ngpuno, at tinatawag nila itong shady transactions. Ang iba naman ay binubuo sa ilalim ngmga mesa ng mga opisyal ng pamahalaan. Dahil dito, ang mga mesa ay matataas parahindi mauntog ang ulo ng mga opisyal kapag sumusuot sila sa ilalim nito. Ang mga hues de pas natin ngayon ay tinatawag nila na hues de paupas. Parangnakakatawa, ano? Pero iyan ang katotohanan. At isa pang nakapagtataka, angginugwardyahan ay ang mga walang kasalanan. Bakit ganoon ang pamamalakad nghustisya rito? Iyan ang batas. At ang balak ay mapili ng hues de paupas kung sinu-sino samga mamamayan ang palaaway at iskandaloso at sino ang mababait. Pagkatapos ng bistaat bumaba na ang hatol, ibinibilanggo ang mga walang sala upang ihiwalay sa maramingmga nakalalayang masasamang tao. Sabihin pa, malalaki pa ang bilangguan dito atkumpleto sa mga kasangkapan kaysa sa labas. Ang lahat ng bilanggo ay tinatawag naVIP (Very Important Prisoner). Kung tungkol sa sistema ng pagpili ng mga opisyal, ibang-iba sa atin. Simula palang ng kampanya, magkakaharap na sa entablado ang magkakalaban sa politika.Nagbabatuhan ng putik. Sa atin ngayon ang “mudslinging” ay pasaring lamang sa mgatalumpati samantalang sa kanila ay talagang ginagawa. Ang bawat kandidato ay dapatmagsinungaling, magmura, mambato ng putik sa kalaban, mangako ng mga hindimatutupad, dahil kung hindi niya ito gagawin ay pawawalan ng bisa ang kanyangkandidatura ng Komisyon ng Kalokohan, ang ahensyang namamahala sa eleksyon. Saaraw ay namimili rin ang tao ng iboboto kahit na ang isinusulat sa balota ay hindi na nilapinag-iisipan. Ang iniisip nila ay ang naipon na bala ng mga kandidato, at mga napatayng kanilang mga kampon, at ang may pinakamaraming pera. Ang kanilang ibinoto aytinatawag na ibinoto sa bala at hindi ibinoto sa balota. Ang mga politika at ang kanilang mga kampon ay hindi natatakot mapatay atpumatay sa panahon ng kampanya at eleksyon dahilan sa kanilang paniniwalang ito angmagdadala as kanilang kaluluwa sa impyerno kung saan mabubuhay sila nang maligayakasama si Santasa, ang kanilang paboritong santo. Ang eleksyon ay tuwing ikalawang taon. Kung gayon ay masasabi natin na madalingmaubos ang mga mamamayan rito kung madali ang patayan sa panahon ng eleksyon.Subalit nababawi rin ito ng imbensyon ng isang bantog na baliw (ito ang tawag nila sakanilang henyo) na nakabuo ng isang tableta na kung iinumin ng mag-asawa aymagkakaanak ang babae ng tinatawag na instant baby, na ipinagbubuntis sa loob lamangng dalawampu’t apat na oras. Napakadali ng pagpapalilt-palit ng kapangyarihan sa Miliminas. Patuloy din angpag-iral ng mga bayang kontento na sa klase ng pamamalakad dito na sa ngayongpanahon ay masasabing kabaligtaran ng mga pangyayari. Ipinagmamalaki pa ng mgamataas ang katungkulan sa pamahalaan ang pagsasamantala sa kabuhayan ng mgamamamayan. Ang bagong Milimino, ang mga bayaning gumagala sa kapuluan, sila angmagigiting na tumatanggap ng mga papuri na maririnig mo sa bibig ng nakaraangadministrasyon. At sino ang kanilang pinatutungkulan? Ang pinatutungkulan nila ng mga -- 7
papuri ay ang mga ismagler, mga namomorsiyento, mga kickback artist, mga mayaman na nang-aapi sa mga mahihirap, mga nang-aagaw ng lupa ng may lupa, mga alagad ng katiwalian na nang-aabuso sa mga mamamayan, mga hues de paupas at mga pislak (piskal) na hindi tumitingin sa kislap ng espada ng katarungan, at timbangan ng katotohanan kundi tumitingin sa kalansing ng pilak at timbangan ng malalakas at maykapangyarihan, mga walang ginagawa sa bayan kundi aksayahin ang kaban ng bansa sa halip na gamitin ang kanilang katungkulan sa pagsisilbi sa publiko ay ginagamit pa ito sa pangangamkam ng yaman. Ang ilan sa mga alagad ng bayan na sa ngayon ay masasabi nating gumagawa ng mabuti ay nagtatago, nahihiya dahil pinagtatawanan sila ng kanilang mga kasamahan. Hindi lang iyan, kinukutya pa sila, at kung mahuli ng kanilang hepe, ay kinagagalitan pa at inaalis sa trabaho. May ilang kabataan na malawak ang pag-iisip na tumawag ng isang pulong kung saan ipinaliwanag nila ang kaibhan ng pamamahala na kanilang isinasagawa. Ang kanilang prinsipyo ay humihingi ng isang klase ng pag-uugnayan ng mga namamahala at pinamamahalaan. Noong simula ay tinatawanan lamang sila ng mga pinuno. Ngunit nang lumaon ay dumami na ang dumadalo sa kanilang pulong, bukod pa sa mga mahirap. Ipinagbawal ng pamahalaan ang pagdaraos ng pulong ng grupong ito ng mga kabataan na tinawag nilang dungis ng lipunan. Ang simpatiya ng mga mahirap ay nakuha ng mga kabataan. At ang pagbabawal sa kalayaan ng mga ito, at nang lumaon ay pagpatay ng ilan sa kanila ang naging dahilan ng pagkagalit ng mga mayaman at ng mga may katungkulan. Sumiklab ang isang rebolusyon na lumaganap sa buong kapuluan ng Miliminas. Bilang parusa sa kanila ng kanilang diyos na si Santasa, dumating ang isang malaking baha, nagkaroon ng malakas na paglindol hanggang sa pumutok ang isang malaking bulkan sa kailaliman ng dagat sa gitna ng kapuluan na siyang naging dahilan ng paglalaho ng Miliminas sa sanlibutan. - Binasa mo bang mabuti ang akda? Naunawaan mo ba ito? Nataandaan mo ba angmahahalagang detalye at pangyayari sa akda? Kung gayon, handa ka na para sagutin ang mga pagsasanay na inihanda ko. Simulan mo na.3. Linangin mo… -- 8
a. Pagsusuring PanglinguwistikaPanuto: Ayusin ang mga pantig na nakakahon upang mabuo ang mga imbentong salita naginamit sa akda.DAK WAS NA 1. Ito’y serbisyo at ahensya ng tubig.PAS PAU DE SEUH 2. Ang hustisya na pumipili kung sino ang mamamayang palaaway at iskandalosoDUM NGI LIS GN 3. Mga pagbabatuhan ng mga pasaring at masasamang salitaTA SA SAN 4. Isang taong may sungay at buntot katulad ni Satanas sa ngayonKKCI CBKA 5. Ito ay tawag sa pagpapasipa sa likod Panuto: Ang salitang may salungguhit sa HANAY A ay mga mahihirap na salita naginamit sa akda. Hanapin mo ang katumbas na kahulugan nito sa HANAY B. Titiklamang ang isulat.HANAY A HANAY B1. nahuli sa sibilisasyon a. pinagbibintangan2. may ordinansa sila b. kasamaan3. pinapatawan ng sala c. kalinangan4. maraming katiwalian d. regalo/lagay5. suhol na ibinigay e. batasb. Pagsusuring Pangnilalaman:1. Ang Miliminas ba ay piksyonal o totoong lugar? -- 9
Patunayan. __________________________________________________________________ _____________________________________________________________________ _______________________________________________________________2. Paghambingin ang Miliminas at ang Pilipinas ayon sa lokasyon, dami ng pulo, at katangiang pisikal ng mga tao.Aspeto Miliminas Pilipinaslokasyondami ng pulokatangiang pisikal ngtao3. Batay sa iyong pagkakahambing, maaari bang sabihin na ang Miliminas at Pilipinas ay iisa lamang? Ipaliwanag. __________________________________________________________________ _____________________________________________________________________ _______________________________________________________________4. Sa mga legal/mabuting gawain sa Miliminas, pumili ng tatlo na sa palagay mo ay malaking problema sa Pilipinas ngayon. Ipaliwanag ang batayan ng iyong pagpili. _____________________________________________________________________ _____________________________________________________________________ ____________________________________________________________5. Ibigay ang pinakamahalagang kaisipan at impormasyong natutuhan mo sa akda a. kaisipan __________________________________________________________________ ____________________________________________________________ b. impormasyon _______________________________________________________________ _______________________________________________________________ - - 10
6. Anong kaisipang bago sa iyo ang nabuo mo matapos mabasa at mapag-aralan ang akda? __________________________________________________________________ _____________________________________________________________________ _______________________________________________________________c. Pagsusuring Pampanitikan.Bago mo gawin ang sumusunod, alamin mo muna ang isinasaad ng nasa loob ng kahon.Ang Sanaysay na Satirikal Ang sanaysay ay isang komposisyong pampanitikan na naglalahad ng sariling idea okaisipan ng may akda sa isang paksa. Ang sanaysay na satirikal ay isang sanaysay nanaglalantad ng mga kabulukan, kamalian, bisyo o kahinaan ng mga tao at ng kanyanglipunan sa pamamagitan ng panunuya, pangungutya, at pagbabaliktad ng katotohanan.Madalas na isinasagawa ang satiro sa istilong nakatatawa.ROMANTICISMO Ang romanticismo ay isang kilusan noong huling bahagi ng ikalabingwalong siglona dumadakila sa individualismo, revolusyonismo, inobasyon, imahinasyon, at natural naugali. Binigyan nito ng mas malalim na paghanga ang mga kagandahan ng kalikasan atpinaburan ang emosyon sa halip na katalinuhan. Sa panitikan, binigyan-diin nito angkabayanihang individual, ang kakaiba, at ang misteryoso.- Nauunawaan mo ba ito? Kung gayon, suriin mo ang akdang “MILIMINAS 0069” batay sa sanaysay nasatirical1. Pumili ng isang pangyayari. Bigyang kaugnayan ito sa nangyayari ngayon. Nalantad ba sa pinili mong pangyayari ang mga bisyo at kahinaan…PANGYAYARI BISYO KAHINAAN - - 11
2. Pumili ka pa ng isang pangyayari. Ilahad mo ang iyong paniniwala nito. Naipakita ba ng pangyayaring ito ang kaugnayan sa kasalukuyan.PANGYAYARI PANINIWALA KAUGNAYAN SA NANGYAYARI SA KASALUKUYAN3. Anu-anong katangian ng akdang “Miliminas” ang maaaring nagustuhan ng isang romantisista? _________________________________________________________________ _________________________________________________________________ _____________________________________________________4. Aling bahagi ng akda ang pinaka-nakatatawa? Ipaliwanag. - - 12
Search
Read the Text Version
- 1
- 2
- 3
- 4
- 5
- 6
- 7
- 8
- 9
- 10
- 11
- 12
- 13
- 14
- 15
- 16
- 17
- 18
- 19
- 20
- 21
- 22
- 23
- 24
- 25
- 26
- 27
- 28
- 29
- 30
- 31
- 32
- 33
- 34
- 35
- 36
- 37
- 38
- 39
- 40
- 41
- 42
- 43
- 44
- 45
- 46
- 47
- 48
- 49
- 50
- 51
- 52
- 53
- 54
- 55
- 56
- 57
- 58
- 59
- 60
- 61
- 62
- 63
- 64
- 65
- 66
- 67
- 68
- 69
- 70
- 71
- 72
- 73
- 74
- 75
- 76
- 77
- 78
- 79
- 80
- 81
- 82
- 83
- 84
- 85
- 86
- 87
- 88
- 89
- 90
- 91
- 92
- 93
- 94
- 95
- 96
- 97
- 98
- 99
- 100
- 101
- 102
- 103
- 104
- 105
- 106
- 107
- 108
- 109
- 110
- 111
- 112
- 113
- 114
- 115
- 116
- 117
- 118
- 119
- 120
- 121
- 122
- 123
- 124
- 125
- 126
- 127
- 128
- 129
- 130
- 131
- 132
- 133
- 134
- 135
- 136
- 137
- 138
- 139
- 140
- 141
- 142
- 143
- 144
- 145
- 146
- 147
- 148
- 149
- 150
- 151
- 152
- 153
- 154
- 155
- 156
- 157
- 158
- 159
- 160
- 161
- 162
- 163
- 164
- 165
- 166
- 167
- 168
- 169
- 170
- 171
- 172
- 173
- 174
- 175
- 176
- 177
- 178
- 179
- 180
- 181
- 182
- 183
- 184
- 185
- 186
- 187
- 188
- 189
- 190
- 191
- 192
- 193
- 194
- 195
- 196
- 197
- 198
- 199
- 200
- 201
- 202
- 203
- 204
- 205
- 206
- 207
- 208
- 209
- 210
- 211
- 212
- 213
- 214
- 215
- 216
- 217
- 218
- 219
- 220
- 221
- 222
- 223
- 224
- 225
- 226
- 227
- 228
- 229
- 230
- 231
- 232
- 233
- 234
- 235
- 236
- 237
- 238
- 239
- 240
- 241
- 242
- 243
- 244
- 245
- 246
- 247
- 248
- 249
- 250
- 251
- 252
- 253
- 254
- 255
- 256
- 257
- 258
- 259
- 260
- 261
- 262
- 263
- 264
- 265
- 266
- 267
- 268
- 269
- 270
- 271
- 272
- 273
- 274
- 275
- 276
- 277
- 278
- 279
- 280
- 281
- 282
- 283
- 284
- 285
- 286
- 287
- 288
- 289
- 290
- 291
- 292
- 293
- 294
- 295
- 296
- 297
- 298
- 299
- 300
- 301
- 302
- 303
- 304
- 305
- 306
- 307
- 308
- 309
- 310
- 311
- 312
- 313
- 314
- 315
- 316
- 317
- 318
- 319
- 320
- 321
- 322
- 323
- 324
- 325
- 326
- 327
- 328
- 329
- 330
- 331
- 332
- 333
- 334
- 335
- 336
- 337
- 338
- 339
- 340
- 341
- 342
- 343
- 344
- 345
- 346
- 347
- 348
- 349
- 350
- 351
- 352
- 353
- 354
- 355
- 356
- 357
- 358
- 359
- 360
- 361
- 362
- 363
- 364
- 365
- 366
- 367
- 368
- 369
- 370
- 371
- 372
- 373
- 374
- 375
- 376
- 377
- 378
- 379
- 380
- 381
- 382
- 383
- 384
- 385
- 386
- 387
- 388
- 389
- 390
- 391
- 392
- 393
- 394
- 395
- 396
- 397
- 398
- 399
- 400
- 401
- 402
- 403
- 404
- 405
- 406
- 407
- 408
- 409
- 410
- 411
- 412
- 413
- 414
- 415
- 416
- 417
- 418
- 419
- 420
- 421
- 422
- 423
- 424
- 425