2. Kung ang pamahalaan ay magkakaloob ng pautang sa puhunan upang makapagsimula ka sa paghahayupan, anong hayop ang nais mong alagaan? Bakit?PAGTATAYA Basahin at unawain ang bawat pangungusap. Piliin ang titik ng tamang sagot atisulat sa kuwaderno.1. Ang kasanayan sa pag-aalaga ng hayop ay may malaking kinalaman sa pag- unlad ng pamumuhay ng_________A. mag-anak C. magkalaroB. magkalaban D. magkaibigan2. Nagiging ___________ sa mga gawain kung may kasanayan sa pag-aalaga.A. madali C. sagabalB. mahirap D. malungkot3. Ang tagumpay sa pag-aalaga ng hayop ay nakasalalay sa____________ .A. pamahalaang local C. kakayahan ng kapitanB. pamahalaan National D. kasanayan ng nag-aalaga4. Ang taong may kasanayan sa pag-aalaga ng hayop ay magkakaroon ng ____________ sa sarili.A. tiwala C. galitB. takot D. lungkotKung nasagutan mo nang buong husay ang bahagingpagtataya ng modyul, binabati kita! Maaari mo nang pag-aralan ang susunod na modyul. 6
GRADE VI PAGPAPLANO AT MGA SALIK NA DAPAT ISAALANG-ALANG SA PAGPILI NG AALAGAANG HAYOP ALAMIN MO May mga alagang hayop ba kayo tulad ng nasa larawan? Nais mo bang mag- alaga ng mga hayop? Sa modyul na ito malalaman mo ang pagpaplano at mga salik na dapat isaalang-alang sa pag-aalaga ng hayop. 1
PAGBALIK-ARALAN MOA. Sagutin ang mga tanong. Isulat ang sagot sa kuwadernong sagutan.Ano ang kahalagahan ng Bakit mahalaga ang pag-aalaga ngkasanayan sa pag-aalaga ng hayop sa mag-anak, pamayanan athayop? bansa?Ano ang mangyayari saating pamilya kung walangkasanayan sa pag-aalagang mga hayop?B. Ang kasanayan sa pagsukat ay makakatulong sa pagplano ng pag-aalaga ng hayop.Balik-aral sa mga katumbas na sukat1- sentimetro - .3937 pulgada1- metro - 39.37 pulgada1- pulgada - 2.54 sentimetro1- talampakan - 3048 metro12- bagay - 1 dosena10- hektogramo - 1 kilo 2
PAG-ARALAN MO Basahin ang sitwasyon. Ang pag-aalaga ng hayop ay isang gawaing mapagkakakitaan. Kaya’t mahalagang pagplanuhan muna bago magsimula upang matiyak ang ikatatagumpay nito. Sa pagpili ng aalagaang hayop, dapat isaalang-alang ang kapaligiran o lugar na paglalagyan. Dapat angkop ang uri ng hayop at ng pangangailangan sa kapaligiran. Ang kambing, baka at kuneho ay mabuting alagaan sa lugar na may malawak na damuhan. Sa malawak na bakuran naman alagaan ang manok, at kuneho. Ang isda at itik ay angkop sa lugar na malapit sa dagat, ilog at iba pang anyong tubig. Isaalang-alang din ang puhunang kakailangin para sa kulungan, gamot at pagkain. Maaaring sumangguni sa mga ahensiya ng pamahalaan. Magsimula sa maliit kapag kulang ang karanasan. Unti-unting matututuhan ang mga dapat at hindi dapat gawin. SUBUKIN MO A. Pumili ng angkop na hayop na maaaring alagaan sa inyong bakuran. Iguhit ito sa kuwaderno. B. Iguhit mo ang mga kagamitan at kasangkapang gagamitin sa pag-aalaga ng piling hayop. TANDAAN MO Sa pagbabalak ng pag-aalaga ng hayop, dapat isaalang-alang ang kapaligiran olugar na paglalagyan, uri ng hayop na aalagaan, puhunan, gamot at pagkain at kasanayansa pag-aalaga ng hayop. 3
ISAPUSO MO A. Sagutin ang mga sumusunod na sitwasyon. Isulat ang sagot sa kuwaderno. 1. May malawak kayong lupain na maraming tumutubong damo sa paligid nito. Ang tatay mo ay nawalan ng trabaho, ang nanay ay abala sa gawaing bahay. Kung tatanungin ka tungkol sa plano ng pag-aalaga ng hayop, anong hayop ang pipiliin mo? Bakit? 2. Marami kayong alagang hayop na tulad ng manok at kambing. Ang kaibigan mo ay balak mag-alaga ng mga hayop din. Ano ang maipapayo mo sa kanya bago siya magsimula?. PAGTATAYAA. Basahin mabuti ang mga pangungusap. Piliin at isulat ang titik nang tamang sagot.______1. Sa pagbabalak ng pag-aalaga ng iba’t-ibang hayop dapat isaalang-alang ang ________.A. lugar C. uri ng hayopB. puhunan D. lahat ng nabanggit______2. Sa pasimula maaaring sumangguni sa mga _______ ng pamahalaan.A. tindahan C. botikaB. ahensya D. pagamutan4
______3. Angkop na lugar ang mag-alaga ng ______ at itik sa lugar na malapit sa dagat, ilog at iba pang anyong tubig.A. bibi C.bakaB. manok D. kambing______4. Sa pagpaplano ng pag-aalaga dapat alamin ang maaaring pagkagastahan gaya ng mga kagamitan sa_____ pagkain at gamot.A. kulungan C. tahananB. kapitbahay D. kusina______5. Isang gawaing mapagkakakitaan ang pag-aalaga ng hayop ngunit mahalagang piliin na_________A. makakaabala C. makakatulongB. makakasagabal D. magpapabigatB. Sikaping sumangguni sa mga may alagang hayop sa inyong lugar tungkol sa pagpaplano ng angkop na uri ng hayop na nais mong alagaan. Isulat ito sa kuwadernong sagutan.Kung nasagutan mo nang buong husay ang bahagingpagtataya ng modyul, binabati kita! Maaari mo nang pag-aralan ang susunod na modyul.5
GRADE VI PAGPAPLANO SA PAG-AALAGA NG HAYOP ALAMIN MO Mahalagang maghanda muna ng plano sa paghahayupan bago ito isagawa, upang matiyak ang ikatatagumpay ng proyekto. Sa modyul na ito pag-aaralan mo ang paggawa ng plano sa pag-aalaga ng hayop. PAG-ARALAN MO Pagmasdan at pag-aralan ang larawan: Ano-ano ang mga dapat isaalang-alang sa pagpaplano sa pag-aalaga ng hayop? 1
A. Basahin mo at pag-aralang mabuti ang tulang ito: PAG-AALAGA NG HAYOP Sa paghahalaman, maging sa paghahayupan, Ang pagpaplano ay kailangan, Kung gawaing ito’y nais mapagtagumpayan, Mahalagang bagay, dapat isaalang-alang. Pagpili ng hayop iyong pag-isipan, Gayun din ang lugar at kapaligiran, Perang gagamitin at iyong puhunan, Isama na ring mga kagamitan. Sa pasimula at kung wala pang alam, Sumangguni sa may karanasan, Maaari ring sa ahensiya ng pamahalaan, Upang sigurado maibibigay na kaalaman. Wastong pag-aalaga sa napiling hayop, Kuneho, kambing, baka at manok, Sa damuhan, sa dagat, at maging sa ilog, Pumili ng lugar, sa kanila ay angkop. Unti-unti ay matututuhan din, Ang mga dapat, at hindi dapat gawin, Mula dito maaaring palawakin, Proyektong sinimulan, kayang palaguin, Nauunawaan mo ba ang tula? Sagutin mo ang sumusunod na tanong: Isulat sakuwaderno ang iyong mga sagot. 1. Ano ang isinasaad sa unang saknong? Sa pangalawang saknong? Sa pangatlong saknong? Sa pang-apat na saknong? At sa huling saknong? 2. Ano ang ipinahahayag ng tula?B. Pag-aralan ang halimbawa ng Plano ng Paghahayupan: 2
Pag-aalaga ng Baboy I- Layunin: - Nakapag-aalaga ng 25 sisiw. - Maipagbibili/ Maibenta ang 25 inalagaang sisiw. II- Mga kagamitan - 25 sisiw - kulungan at mga kasangkapan - mga pagkain, gamot III- Pamamaraan 1. Isaalang- alang ang kapaligiran at lugar na paglalagyan nito. Dapat malayo sa mga kabahayan at may tubig na mapagkukunan. 2. Isaalang-alang din ang perang gagamitin, bilang puhunan. Alamin ang maaaring pagkakagastahan gaya ng mga kagamitan sa kulungan, pagkain at gamot. Maaari na ring lagyan ng halaga ang 25 sisiw, ang nauubos na pagkain, gamot at upa sa mag-aalaga nito. 3. Sa simula, maaaring sumangguni sa mga ahensya ng pamahalaan. 4. Alamin ang wastong paraan ng pag-aalaga ng manok. 5. Isaalang-alang din ang pagsasapamilihan ng produkto. Alamin kung naunawaan ang plano. Sagutin ang sumusunod na mga tanong:Isulat ang sagot sa iyong kuwaderno 1. Ano ang unang bahagi ng plano? Ano ang nilalaman nito? 2. Ano ang ikalawang bahagi ng plano? Ang pangatlong bahagi? 3. Ano-ano ang dapat isaalang-alang sa lugar na pagtatayuan ng tubig? 3
SUBUKIN MO Piliin ang salitang bubuo sa pangungusap. Isulat ang sagot sa iyong sagutangkuwaderno. 1. Upang malaman ang wastong pamamaraan ng pag-aalaga ng hayop, sumangguni sa (mga balita, ahensiya ng pamahalaan, kapitbahay, mga kaibigan). 2. Ang (pera, pamilya, pagpaplano, pagsangguni) ay mahalaga para sa ikapagtatagumpay ng kahit anong proyekto. 3. Ang kapaligiran o (mga puno, lupa, tubig, lugar) na paglalagyan sa aalagaang mga hayop ay dapat isaalang-alang sa pagpaplano ng paghahayupan. 4. Ang paglalagyan ng mga hayop na aalagaan ay dapat malayo sa mga (damuhan, kabahayan, pinagkukunan ng tubig). 5. (Malalampasan, Mapagtatagumpayan, Makabubuti, Mapagkakakitaan) ang anumang proyekto kung sisimulan ito sa masusing pagpaplano. TANDAAN MO Sa mahusay at wastong pagpaplano ay nakasisiguro sa maunlad at matagumpayna gawain. ISAPUSO MO Mahalaga ang plano sa anumang gawain, ngunit mahalaga rin ang pagsasagawanito, nang may kasamang pagtitiyaga at kasipagan. Isapuso at isabuhay ito. 4
GAWIN MO 1. Pumili ng isang uri ng hayop na nais mong alagaan. Gumawa ng plano tungkol sa pag-aalaga ng hayop na napili mo. 2. Kung may nag-aalaga ng hayop sa inyong lugar kapanayamin mo at itanong kung paano niya ginawa ang plano at paano ito nakaapekto sa proyekto. A. PAGTATAYA Ang mga sumusunod ay mga gawain sa paghahayupan, Sipiin at isulat sakuwaderno ang mga parirala tungkol sa mga gawaing pagpaplano. - pagpili ng lugar o kapaligiran - pagpapakain sa mga hayop - sumangguni sa ahensiya ng pamahalaan - paggamot sa mga sakit ng hayop - pagpili ng hayop na aalagaan - isaalang-alang ang puhunan - paggawa ng kulungan - pagsunod sa makaagham na pamamaraan Kung nasagutan mo nang buong husay ang bahaging pagtataya ng modyul, binabati kita! Maaari mo nang pag- aralan ang susunod na modyul. 5
GRADE VI MAKAAGHAM NA PAMAMARAAN, PANUNTUNANG PANGKALUSUGAN AT PANGKALIGTASAN SA PAG-AALAGA NG HAYOP ALAMIN MO Nakakita ka na ba ng alagang kambing? Kayo ba ay may alagang kambing? Mayroon ka bang alam sa makaagham na pamamaraan at panuntunang pangkalusugan at pangkaligtasan sa pag-aalaga ng kambing? Matututunan mo ang lahat ng iyan sa modyul na ito. 1
PAGBALIK-ARALAN MO Lagyan ng titik ang bawat kahon upang mabuo ang salitang may kinalaman samga gawain sa pag-aalaga ng hayop. Isulat sa kuwadernong sagutan. 1. 1. Pag-aalis ng dumi. 2. 2. Pagbibigay ng gamot sa may sakit. 3. 3. Dalhin ang kambing sa damuhan. 4. - 4. Tulungang mailabas ang anak. 5. 5. Pagpapakasta sa babaing kambing. PAG-ARALAN MO MGA MAKA-AGHAM PAMAMARAAN SA PAG-AALAGA NG KAMBING a) Lalaking kambing 1. Piliin ang malusog at maliksing barakong kambing 2. Kapunin ang lalaking kambing 2-4 linggo matapos ipanganak. 3. Putulin ang mga kuko upang makalakad nang matatag. 4. Upang maiwasan ang masamang amoy, gupitin ang balahibo. b) Inahing kambing 1. Maglaan ng tuyong lugar na panganakan sa inahing kambing. 2. Ayusin at lagyan ng sapin. 3. Upang maiwasan ang pamamahay ng mikrobyo, bombahin ng gamot ang lugar. 2
4. Kung nais gawing gatasan ang inahing kambing ihiwalay ito sa anak limang (5) araw makalipas manganak.c) Maliit na kambing 1. Punasan ng malinis na basahan ang ilong ng bagong anak na kambing upang makahinga 2. Talian ng pisi ang pusod sa dalawang lugar sa layong sampung (10) sentimetro ang pagitan. Gupitin ang pusod sa pagitan ng dalawang tali kapag wala ng tumutulong dugo. Lagyan ng iodine 3. ibilad sa init ng araw ang bagong anak na kambing. 4. Bigyan ng pinaghalong gatas at binating itlog ang maliit na kambing, sakaling mamatay ang inahin.d) Pagkain para sa alagang kambing 1. Pastulin ang mga alagang kambing sa malawak na damuhan. 2. Bigyan ng kaunting butil o minasang pagkain tulad ng darak, giniling na mais at dinurog na balat ng talaba. 3. Sa panahon ng malakas ang ulan tustusan ng ibat-ibang dahon ng akasya, mani, mais sitaw, talisay, kangkong at kamote.e) Kulungan ng kambing 1. Gumawa ng kulungan na may 2 metro ang lapad, 3 metro ang haba, at 2 metro ang taas na gawa sa katutubong materyales na matatagpuan sa inyong barangay. 2. Maglagay ng matibay na partisyon sa pagitan ng kulungan upang hindi mabuwal sa kanilang paglalaro na maaring sanhi ng pagkasugat ng katawan. 3. Panatilihing tuyo and sahig upang maiwasan ang pamamahay ng mga mikrobyo. 3
SUBUKIN MOA. Alin dito sa mga sumusunod and kayang-kaya mong iguhit Pumili ng dalawa: A. Lalaking kambing na kinapon B. Paggatas sa inahin ng kambing C. Maliit na kambing na pinupunasan ang nguso D. Taong nagugupit ng kuko at balahibo ng kambingB. Sagutin ang sumusunod na mga tanong: 1. Magbigay ng dalawang paraan ng pangangalaga ng lalaking kambing. 2. Paano mo pangangalagaan ang bagong anak na kambing? 3. Ano ang dahilan kung bakit ihihiwalay ang maliit na kambing sa gagawing gatasan na inahin? 4. Kung namatay ang inahing kambing paano aalagaan ang maliit na kambing? TANDAAN MO Ang mga maka-agham na pamamaraan panuntunang pangkalusugan atpangkaligtasan sa pag-aalaga ng kambing ay bahagi ng matagumpay napaghahayupan. 4
ISAPUSO MO Kilalanin ang iyong sarili sa pamamagitan ng tseklist na ito. Lagyan ngtsek kung saan nararapat ang iyong kakayahan sa maka-agham, pangkalusugan atpangkaligtasan ng pamamaraan ng pag-aalaga ngkambing. SAGOT HINDI KATAMTAMAN MAGALING MGA KASANAYAN 12 31. Pangangalaga sa bagong anak na kambing2. Pangangalaga sa lalaking kambing3. Pangangalaga sa inahing kambing4. Pangangalaga sa maliit na kambing na namatay ang inahin.Ginto – 9-12 Kabuuan:Pilak – 8-5Tanso – 4-1PAGTATAYAA. Basahin mabuti ang sitwasyon. Piliin ang tamang sagot at isulat ang titik sa sagutang papel.1. Ang bagong panganak na kambing ay dapat punasan ng malinis na basahan ang _________ upang makahinga. A. mata C. tiyan B. tainga D. ilong 5
2. Maaari nang kapunin ang lalaking kambing sa edad na____A. isa hanggang 2 linggoB. dalawang hanggang 4 na linggoC. tatlo hanggang 6 na linggoD. apat hanggang 8 na linggo3. Ang alagang kambing ay likas na mahilig _____ kaya kailangan matugunan ang pangunahing pangangailangan.A. lumakad C. magtagoB. manginain D. matulog4. Kailangan ng kulungan ang alagang kambing upang ito ay mapangalagaan sa:A. malakas na ulan C. bahaB. malakas na hangin D. lahat ng ito5. Maiiwasan ang masamang amoy ng kambing kapag binawasan angA. kuko C. buntotB. balahibo D. dilaB. Basahing mabuti ang sitwasyon at piliin ang nararapat mong gawin at isulat lamang ang titik.1. Kung ikaw ay bibigyan ng pagkakataong, pumili ng inahing kambing alin ang gusto mo?A. Mataba at may malambot na susoB. Mataba at may maliit na susoC. Laging nakahiga at may malaking susoD. Payat at may matigas na suso2. Ano ang nararapat mong gawin upang maging malulusog at maliliksi ang mga alagang kambing?A. Pabayaang gumala saan mang lugarB. Pakanin ng tirang pagkain sa bahayC. Pabayaang marumi ang kulungan ng kambingD. Sundin ang maka-agham na pamamaraan at ang panuntunang pangkalusugan at pangkaligtasan sa pag-aalaga 6
3. Pagkatapos manganak ng inahing kambing, namatay ito. Ano ang nararapat mong gawin sa mga anak nito?A. Ipasyal at ihanap ng sariwang damoB. Paliguan ng mainit na tubigC. Bigyan ng gatas na hinaluan ng itlogD. Ipamigay sa mga kaibigan4. Sa panahon ng malakas ang ulan, ano ang gagawin mo sa mga alagang kambing?A. Hayaang maligo sa ulan.B. Ilagay sa kulungan ang mga alagang kambing.C. Itali mo sa mga puno ng kahoy.D. Pagmasdan habang sila ay nababasa.5. May sakit ang isang alaga mong kambing. Sino sa kanila ang hihingan mo ng tulong?A. sanitaryo C. albularyoB. abogado D. beterenaryoC. Magtanong sa mga may alagang hayop tulad ng kambing, baka at iba pa upang malaman ang kanilang karanasan.D. Humanap ng ba pang mga babasahin na may kaugnayan sa pag-aalaga ng kambing.Kung nasagutan mo nang buong husay ang bahagingpagtataya ng modyul, binabati kita! Maaari mo nang pag-aralan ang susunod na modyul. 7
GRADE VI PAGBIBILI NG MGA PRODUKTO AT PAGTUTUOS NG PINAGBILHAN ALAMIN MO Alam mo ba kung paano at saan ipinagbibili ang mga produkto ng alagang hayop? Paano mo malalaman kung kayo ay kumita o nalugi sa pag-aalaga ng hayop? Sa modyul na ito matututunan ang paraan ng pagbibili at pagtutuos ng pinagbilhan. 1
PAGBALIK-ARALAN MO Isaayos ang mga titik upang mabuo ang salita na may kinalaman sa pagbibili atpagtutuos ng pinagbilhan.1. UTOB - ________2. GALAHA - ________3. OTPORKUD - ________4. GEKAPENL - ________5. LIBIPIGAB - ________6. SUTUGAPOT - ________7. ATIK - ________8. LATANA - ________Basahin ang sitwasyon. PAG-ARALAN MO Basahin ang panayam ng mga mag-aaral ni G.Santos ng Mababang Paaralan ngPlainview sa maunlad na pag-aalaga ng mga hayop ni G. Reyes.Mga Mag-aaral at G. Santos : Magandang hapon po, Ginoong Reyes.G. Reyes: Magandang hapon naman sa kanila. Ano po ang maipaglilingkod namin?G. Santos: Nais po naming malaman ang tagumpay ninyo sa pag-aalaga ng mga hayop lalo na sa paraan ng pagbibili.G. Reyes: Ang mga produkto sa mga alagang hayop ay ipinagbibili ang mga labis sa pangangailangan ng mag-anak. Para matiyak ang tubo sa pinagbilhan, kailangang may magandang kalidad ang mga produkto. 2
Mga Bata: Papaano po ninyo ipinagbili ang mga produktong alagang hayop?G. Reyes: Ang mga manok, kambing at baka ayMga Bata: ipinagbibili nang buhay. Maaaring dalhin angG. Reyes: produkto sa pamilihan ng buo o per kilo. Sa mga itlog ng manok dapat kunin kaagad sa mga pugad at isalansan nang maayos. Ipagbili nang maaga. Dapat alam ng nagbibili ang kasalukuyang presyo ng bilihin sa palengke upang maiwasan ang pagkalugi. Papaano po ba ang pagtutuos ng pinagbilhan? Narito ang mga talaan ng aking mga nagastos at kinita sa pag-aalaga ng hayop. TALAAN NG GASTOS AT KINITA SA PAG-AALAGA NG BAKAA. Gastos:5 Batang Baka (5,000 – isa) - P 25,000silungan ng baka - 3,000Bitamina at Gamot - 2,000 ------------- TOTAL P 30,000B. Pinagbilhan ng 5 bakaP 12,000 isa - P 60,000C. Kita (P60,000 – 30,000) - P 30,000Mga Bata at G. Santos: Magaling! Maraming salamat po sa inyong kasanayan sa pag-aalaga ng mga hayop. Paalam na po G. Santos. 3
SUBUKIN MO Pag-aralan ang talaan ng gastos at kinita sa pag-aalaga ng baboy. Alamin mokung tagumpay o Hindi. Isulat ang sagot sa kuwaderno.A. Uri ng Hayop (baboy) 4 na ulo Landrace (patabain)B. Gastusin 1. Kulungan Materyalesa. Kahoy P166.00 2pcs. 5cm 8cm 20cm P136.00 2pcs. 5cm 8cm 15cm P186.00 4pcs. 5cm 8cm 18cm P196.00 2pcs. 5cm 8cm 25cm P196.00 6pcs. 21/2 cm 5cm 25 cm P 500.00 Nipa 200 pcs P 1000.00 Hollow block 200 pcs P 580.00 Bato at buhangin P550.00 Semento 5 sako P 60.00 Pako (2”) 1kg P 80.00 Pako (3”) 1 kg P 2000.00b. Manggagawa P 3,850.00 Kabuuan 4
2. Halaga ng 4 na baboy P 4,800.003. Gamot1 bote Dynamutelen P 55.00(anti-cholera) P 46.001 bote Lysol(disinfectant)4. Feeds4 sako ipa P 800.004 sako hog mash P 1,800.004 Bag Pigromix P 1,200.00 Kabuuan: P 8,701.00 Pangkahalatang Gastos P 12,551.00C. Pagtutuos P 7,000.00X4= P 28,000.00 1. Halaga ng benta ng 4 na baboy P 12,551.00 2. Kabuuan Gastos P 15,449.00 3. KitaIsulat sa kuwaderno kung tagumpay o Hindi. TANDAAN MO Sa pagbibili ng mga produktong alagang hayop, tiyakin lamang na mataas angkalidad. Dapat alam ang kasalukuyang presyo ng bilihin sa palengke. Angproduktong baka, manok, at kambing ay karaniwang ipinagbibili nang kilo o per ulo. Kailangang magkaroon ng talaan ng gastos at napagbilhan ng mga produkto sapag-aalaga ng hayop upang malaman ang kalagayan ng proyekto. 5
ISAPUSO MOA. Isulat sa kuwaderno ang sagot sa mga tanong: 1. Napag-utusan ka ng iyong nanay na ipagbili ang mga itlog sa palengke. Habang naglalakad ka nahulog ang iba at nabasag. Ano ang sasabihin mo pagdating mo galing sa palengke? 2. Maraming alagang manok ang tatay mo, Umalis ang mga magulang mo at ikaw lang ang naiwan. May kakilala kang dumating na gustong bumili ng manok. Hindi na mapapansin ito kung pagbibilhan mo. Ano ang iyong gagawin? Bakit?PAGTATAYA Basahing mabuti ang mga tanong at isulat ang titik nang wastong sagot sakuwaderno.1. Ang manok at baka ay ipinagbibili sa paraan.________A. tali C. tumpokB. kilo D. per sako2. Mas mabuting ipagbili ang mga produktong alagang hayop kung ito ay_________A. nasa mababang uri C. nasa mataas na uriB. nasa katamtamang uri D. nasa kahit anong uri 6
3. Kailangan ang pagtatala at pagtutuos ng mga gastos at pinagbilhan upang madaling malaman ang__________A. tagumpay C. tagumpay o nalugiB. talugi D. wala sa nabanggit4. Bago ipagbili ang mga produktong alagaang hayop, dapat alamin ang _____________A. presyo ng bilihin C. lugar ng bilihanB. oras ng bilihan D. lahat ng mga ito5. Ang dahilan ng pagtataas ng bilihin sa palengke sa produktong alagang hayop ay__________.A. kakaunti ang produkto marami ang nangangailanganB. kakaunti ang produkto, kaunti rin ang nangangailanganC. marami ang produkto at kakaunti ang nangangailanganD. marami ang produkto, walang nangangailanganB. Sipiin sa kuwaderno at isulat sa tapat ang paraan ng pagbili kung por kilo o per dosena. 1. itlog ng manok___________ 2. karne ng kambing ________ 3. itlog ng pugo________ 4. itlog ng itik__________ 5. karne ng baka _________ 6. karne ng pato__________ 7. karne ng pugo__________Kung nasagutan mo nang buong husay ang bahagingpagtataya ng modyul, binabati kita! Maaari mo nang pag-aralan ang susunod na modyul. 7
GRADE VI PAG-AALAGA NG ISDA ALAMIN MO Malapit ba ang inyong pamayanan sa dagat, lawa , ilog at sapa? Alam mo ba ang mag-alaga, magparami at mag-ani ng mga alagang isda? Sa modyul na ito matututuhan mo ang mga kasanayang ito. 1
PAGBALIK-ARALAN MO Punan ng titik ang bawat kahon upang matukoy ang uri ng isdang inilalarawan sabawat bilang. 1. 1. Isdang maitim ang kulay madulas at may balbas. 2. 2. Ito ay malapad, maraming kaliskis at may puting ang kulay. 3. 3. Tinatawag itong milk fish at may maraming tinik. Ito ang pambansang isda. 4. 4. Ang isdang ito ay kulay abo at kahugis ng tilapya. 5. 5. Ito ay isdang kahugis ng hito ngunit may maraming tinik sa likod at tiyan. 2
PAG-ARALAN MO Ang Pilipinas ay binubuo ng maraming isla, dagat, ilog at lawa. Dahil dito,maraming tao sa pamayanan ang pangingisda ang ikinabubuhay upang matugunanang kanilang pang-araw-araw na pangangailangan. Kung nais mong magsimula ngisang proyektong palaisdaan, kailangan mo ng sapat na puhunan, sapat na kaalamanat kasanayan. Ang mga sumusunod ay dapat tandaan sa pag-aalaga ng isda. Isaalang-alang ang sapat na panustos ng tubig kung saan itatayo ang palaisdaan.Kapag ang lugar ay malapit sa lawa o anumang anyong tubig maaaring gumawa ngmga kulungan na yari sa kawayan at lambat. Maaari ding mag-alaga ng isda sa mgapalayan. Nakatutulong din ang mga isda na mabawasan ang mga insekto at ibangpeste na pumipinsala sa mga alagang tanim. Maglaan ng kalahating ektarya para sa gagawing palaisdaan. Hangga’t maaari,tiyaking malayo ito sa bahay ngunit malapit sa pagkukunan ng tubig. Kailangangmataas ang lugar upang hindi ito bahain. Dapat hindi bababa nang isang metro anglalim ng palaisdaan. Sa paggawa ng palaisdaan kailangan ng materyales tulad ng semento, buhangin,graba at hollow blocks. Kung sa lawa o iba pang anyong-tubig, kailangan din ngkawayan, lambat at nylon na pisi para sa kulungan. Piliin ang uri ng isdang pinakaangkop para sa sariling lugar. Ang mga isda tuladng karpa, hito, dalag at tilapia ay madaling alagaan kaya mahusay palakihin sa likod-bahay. Tiyaking may mapagkukunan ng mga karaniwang pagkain ang napiling isdangaalagaan. 3
SUBUKIN MO Punan ng salita o mga salita ang mga patlang upang mabuo ang diwa ng mgapangungusap. Pumili ng sagot mula sa talaan ng mga salita at parirala sa ibaba. Isulatang sagot sa iyong kuwadernong sagutan.tubig kalahating ektaryainsekto mataasmalapit lupa1. Ang pag-aalaga ng isda ay makatutulong upang mabawasan ang mga ______________at iba pang peste na pumipinsala sa mga alagang tanim.2. Ang sapat na panustos ng ______________ kung saan itatayo ang palaisdaan ay mahalagang isaalang-alang.3. Ang gagawing palaisdaan ay kailangang paglaanan ng__________ lugar o espasyo.4. Kailangang ang palaisdaan ay nasa______________ na lugar upang hindi bahain.5. Hangga’t maaari, tiyaking malayo-layo ito sa bahay ngunit________ sa pinagkukunan ng tubig. GAWIN MO Sa iyong kuwadernong sagutan. Iguhit ang limang isda na maaari mong alagaan atmapakinabangan ng pamilya at pamayanan. 4
TANDAAN MOSa pag-aalaga ng isda piliin mo ang kapakipakinabang, at makakatugon sapangangailangan ng pamilya at ng pamayanan. Sundin ang mga maka-agham napamamaraan. Alamin ang mga salik na dapat isaalang-alang. Sundin ang mgapanuntunang pangkalusugan at pangkaligtasan sa pag-aalaga. Ang babaeng tilapya ay may dalawang bilog sa buntot at isang bilog naman samga lalaking tilapya. Ang dami ng pagkain ng tilapya ay naaayon sa laki at timbangnito. ISAPUSO MOA. Sagutin ang mga tanong. Isulat ang sagot sa kuwadernong sagutan. 1. Nakita mo ang iyong ama na hirap na hirap gumawa ng kulungan ng tilapya. Ano ang iyong gagawin? 2. May mga alagang isda ang iyong kapitbahay, napansin mo nauubos na ang tubig at malapit nang mamatay ang mga isda. Ano ang nararapat mong gawin? 5
PAGTATAYAA. Sagutin ng Tama kung wasto ang kaisipan at Mali kung hindi.________1. Makikilala ang babaeng tilapya dahil may dalawang bilog ito sa may buntot ang lalaki naman ay isa ang bilog.________2. Ang dami ng pagkain na ibibigay sa tilapya ay naaayon sa laki at timbang nito.________3. Magpakain ng 5% na kabuuang bigat ng isda sa unang buwan ng pag-aalaga.________4. Balutin ng lambat ang balangkas ng kulungan.________5. Mag-ingat sa paggamit ng matatalas na kagamitan at kasangkapan.B. Basahin ang mga pangungusap at piliin ang tamang sagot. Isulat ang titik ng tamang sagot sa sagutang papel._______1. Ang pinakamadaling isdang alagaan ay_____A. bangus c. dalag C. dalagB. tilapya d. hito D. hito_______2. Ang mga isda tulad ng hito, dalag, tilapya at bangus ay maaaring alagaan sa.A. ilog C. dagatB. sapa D. lahat ng nabanggit_______3. Sa isang metrong kubikong kulungan ay makapag-aalaga ka ng ________ tilapya.A. 250 hanggang 500 C. 350 hanggang 700B. 300 hanggang 600 D. 400 hanggang 800 6
_______4. Ang tilapya ay maaari nang anihin pagkalipas ng ______A. isang buwan c. tatlong linggoB. dalawang buwan d. apat na linggo_______5. Gumagamit ng panalok na yari sa alambre at lambat para sa ____________A. panghuhuli c. pagpapaligoB. pagpapainom d. paglulutoC. Humanap ng taong kakapanayamin tungkol sa kasanayan sa pamamaraan, pangkalusugan at pangkaligtasan sa pag-aalaga ng iba’t ibang uri ng isda. Isulat ang mga tanong at sagot sa iyong kuwaderno.Kung nasagutan mo nang buong husay ang bahagingpagtataya ng modyul, binabati kita! Maaari mo nang pag-aralan ang susunod na modyul.7
GRADE VI MGA SALIK NA DAPAT ISAALANG-ALANG SA PAGPILI NG ISDANG AALAGAAN ALAMIN MO May mga mahahalagang bagay o salik na dapat isaalang-alang kung magpapasyang magsimula o magtayo ng isang palaisdaan. Sa modyul na ito, pag-aaralan mo ang mga salik na dapat isaalang-alang sa pagpili ng isdang aalagaan. 1
PAG-ARALAN MOHigit na magtatagumpay ang proyektong palaisdaan kung makatitiyak na ang napilingisdang aalagaan ay madaling lumaki upang mapakinabangan. Narito ang mga salik na dapat mong isaalang-alang kung nais mong mag-alaga ngisdang pangkomersyal o kaya’y pangbakuran lamang: 1. Topograpiya Patag na lugar ang nararapat sa palaisdaan. Ang hindi patag na ilalim ay makasasagabal sa mga gawain tulad ng paglilinis at pag-aani. 2. Panustos na tubig Mahalagang magkaroon ng palagiang panustos ng malinis na tubig sa buong taon. Kung kaya’t ang pagtatayo ng palaisdaan sa ilog o sapa ay karaniwang ginagawa upang makatiyak na may sapat na tubig para sa pag- aalaga ng isdang angkop para dito. May mga magsasakang nag-aalaga din ng isda sa mga palayan na mapagkukunan nila ng araw-araw na pagkain. Bukod sa pagkaing dulot nito sa mga magsasaka, makakatulong din ang mga isda na mabawasan ang mga insekto at ibang peste na pumipinsala sa mga alagang tanim. 3. Uri ng Lupa Sa pag aalaga ng isda, malaki ang maitutulong ng kalagayan ng lupa. Ang Matabang Lupa sa palaisdaan ay magdudulot ng dagdag na pagkain para sa isda. Ang lupang may katangiang magtagal ang tubig ay angkop para sa isang palaisdaan. Karaniwan ang lupang lusak ay nagtataglay ng ganitong katangian, samantalang ang lupang mabuhangin ay nangangailangan pa ng karagdagang pagkain upang maging sapat sa pangangailangan ng mga alagang isda. 2
4. Pagpili ng Isdang Aalagaan Iba-iba ang pangangailangan ng iba’t ibang uri ng isda, kaya dapat piliin ang uri ng isda na pinakaangkop para sa sariling lugar. Bigyang halaga rin ang mga pinagkukunan sa pamayanan na kakailanganin sa palaisdaan. May mga uri ng isda na maaaring alagaan nang maramihan upang maipagbili o kaya’y pambakuran lamang. Mga halimbawa nito ay tilapia, karpa, hito at mga kauri nito. Ang mga isdang ito ay madaling alagaan ay palakihin sa likod-bahay. Ang ibang lamang-dagat tulad ng hipon, talaba, at tahong ay madali ring alagaan at mahusay pagkakitaan. Tiyakin lamang na may mapagkukunan ng mga karaniwang pagkain ng isdang napiling alagaan upang lumaki at mapakinabangan agad. 5. Laki ng Palaisdaan Mainam na malaki ang lugar ng gagawing palaisdaan kung nais itong mapakinabangan nang husto. Maaaring maglaan ng kalahating ektarya o higit pa ang gagawing sukat ng palaisdaan. Kung maaari, tiyaking malayo-malayo ito sa bahay ngunit malapit sa pinanggagalingan ng tubig. Kailangan ding mataas ang lugar na paglalagyan ng palaisdaan upang hindi ito bahain. Dapat hindi bababa sa isang metro ang lalim ng palaisdaang gagawin. Tingnan kung naunawaan ang iyong binasa. Sagutin mo ang sumusunod na mgatanong at isulat ang iyong sagot sa kuwadernong sagutan: A. Sabihin ang mga dapat isaalang-alang sa pagpili ng isdang aalagaan: 1. topograpiya 2. panustos na tubig 3. uri ng lupa 4. pagpili ng isdang aalagaan 5. laki ng palaisdaan 3
SUBUKIN MO Basahin ang mga parirala sa ibaba ng cluster map. Gumawa ng sariling clustermap at isulat dito ang mga parirala na angkop sa sarili, sa pagpili ng isdang aalagaan.Gawin ito sa iyong kuwadernong sagutan. Mga Salik sa Pag- aalaga ng isdaTopograpiya Panustos Uri ng Laki ng Uri ng isdang na tubig lupa palaisdaan Aalagaan- Angkop sa sariling lugar- Isaalang-alang ang lupang lawak- May sapat na tubig sa buong taon- Nasa patag na lupa- Madaling alagaan- Matabang lupa- Malayo-layo na bahay- Maglaan ng kalahating ektarya- Mag-alaga upang mapagkakitaan- Sapat ang panustos na tubig- Magtayo sa sapa o sa ilog- Magtatagal ang tubig sa lupa- Pinagkukunang mayroon sa pamayanan 4
TANDAAN MO Ang proyektong palaisdaan ay dapat itaguyod upang mapaunlad ang industriya ngpangingisda at upang matugunan ang pangangailangan nito sa loob at labas ng pamilihan. ISAPUSO MO Naging matagumpay ang proyekto ng isang pamilya sa Taal, Batangas. Sa palagaymo ano-ano kaya ang mga katangiang taglay ng pamilya kaya naging maunlad angkanilang palaisdaan? Isapuso at isabuhay ang sagot. GAWIN MO A. Sumulat ng maikling sanaysay tungkol sa paksang: “Ang Kaunlaran ng Bansa at Ang Makaagham na Paraan ng Pag-aalaga ng Isda” B. Kung merong palaisdaan sa inyong pamayanan bumisita dito at alamin ang mga pamamaraang isinasagawa upang lumaki at mapakinabangan nang husto ang mga alagang isda. 5
PAGTATAYA Sa inyong sagutang papel, lagyan ng tsek (√) ang bilang ng pangungusap nanagsasaad ng tamang gawain na dapat isaalang-alang sa pagpili ng isdang aalagaan,at ekis (x) naman kung hindi. Gawin ito sa kuwadernong sagutan.________1. Ang huwarang palaisdaan ay nararapat na nasa patag na lugar.________2. Dapat piliin ang matabang lupa, dahil ito ay magdadagdag ng pagkain para sa isda,.________3. Ang pagtatayo ng palaisdaan ay karaniwang ginagawa sa malapit sa ilog o sapa upang makatiyak na may sapat na tubig para sa pag-aalaga ng isdang angkop para dito.________4. Ang hindi patag na ilalim ay nakasasagabal sa mga gawain tulad ng paglilinis at pag-aani.________5. Malaki ang maitutulong ng kalagayan ng lupa sa pang-aalaga ng isda.________6. May mga isda na maaaring alagaan nang maramihan.________7. Piliin ang lugar na mayroong sapat na panustos na tubig sa buong taon.________8. Maglaan ng kalahating ektarya para sa gagawing palaisdaan.________9. Piliin ang mataas na lugar na paglalagyan ng palaisdaan upang hindi bahain,_______10. Gumawa ng mga kulungang yari sa kawayan at lambat. Kung nasagutan mo nang buong husay ang bahaging pagtataya ng modyul, binabati kita! Maaari mo nang pag- aralan ang susunod na modyul. 6
GRADE VI MGA GAWAIN AT KAPAKINABANGAN ALAMIN MO Tingnan mo ang kapaligiran sa iyong lungsod, lalawigan, bayan at hanggang sa barangay. Ano-ano ang ikinabubuhay ng mga tao roon na may kaugnayan sa sining pang-industriya? Alam mo ba ang mga lawak, hanapbuhay at mga kabutihang natatamo sa gawaing ito? Humanda ka at marami kang matututuhan sa modyul na ito. 1
PAGBALIK-ARALAN MO1. Ano-ano ang ibat ibang materyales sa iyong kapaligiran na maaaring gawing proyekto? Pagpangkat-pangkatin ang mga materyales na ito sa grupong gusto mo. (Isulat mo sa kuwaderno).2. Ano-ano ang mga industriya sa pamayanan na alam mo? Ilista ito sa kuwaderno at paghambingin sa mga industriyang pag-aaral an mo sa modyul na ito. PAG-ARALAN MOBasahin at unawain ang lathalain sa ibaba. Ang sining pang-industriya ay isang bahagi ng asignaturang EdukasyongPantahanan at Pangkabuhayn (EPP) na may apat na komponent. Ang HomeEconomics (H.E.), Retail Trade (R.T), Elementary Agriculture (E.A) at IndustrialArts (I.A). Sa Industrial Arts matututunan mo ang materyales, wastongkagamitan, kasangkapan at pamamaraan upang makabuo ng mgakapakipakinabang na proyekto sa paaralan at tahanan. May dalawa itong lawak,ang gawaing kamay at pangkahalatang industriya. Ang kaalaman ng mga ito aymahalaga para sa iyong panimulang kaalaman at matutukoy ang mga proyektongmaaaring gawin sa bawat lawak. Marami kang magagawa na makadaragdag sakita na makakatulong sa iyong pamilya at pamayanan. 2
Mga gawain sa sining pang-industriya at mga halimbawa ng mga gawainsa bawat lawak.A. PANGKAHALATANG INDUSTRIYA 1. Seramika-Sa industriyang ito, ginagamit ang pinong-pinong lupa o clay (china clay) na binubuo sa molde, pinaiinitan sa pugon o “kiln” sa kontroladong temperatura. Upang mapakintab ang proyekto ay itinutubog sa kemikal o “glaze” at muling paiinitan sa “kiln”. Kahit na ang araling ito ay kasama sa pangkahalatang industriya, hindi pa ito lubos na naituturo sa elementary. Sa halip, mga teorya lamang at pottery works kagaya ng mga paso ng halaman, palayok at iba pang maliliit na proyekto. Halimbawa: 2. Mga sining panggrapika (graphic arts) Maraming tao ang nabibiyayaan sa hanapbuhay na ito. Ang grapika ay nagsimula sa salitang “Grapo” na ang kahulugan ay “letra” kaya ang mga gawain dito ay nauukol sa makasining na pagleletra. 3
Halimbawa:3. Elektrisidad- pinag-aaralan dito ang ilang teorya hinggil sa boltahe (volts) kuryente (current) at resistensiya (resistance) o tinatawag nating panimulang kuwantidad sa elektrisidad. Matututuhan mo rin ang mga uri ng sirkito, materyales at kasangkapan, mga simpleng pagkukumpuni at paggawa ng proyekto. Napakahalaga ng gawaing ito, sapagkat lahat ng istraktura sa ating kapaligiran ay gumagamit ng elektrisidad. Madaming hanapbuhay ang naghihintay sa iyo kung matututuhan mo ang gawaing ito. Pati na ang mga pangkaligtasang prekusyon na matutuhan mo. Halimbawa: a. Extension light 4
b. Mga uri ng sirkito sa wiring board.4. Gawaing metal (metal craft) Mapapansin mo na ang pangunahing materyales sa gawaing ito ay yari sa metal o bakal. Malalaman mo ang mga panimulang pamamaraan sa gawaing metal at paggawa ng padron ng proyekto (pattern development) na magiging gabay sa pagbuo ng mga proyekto. Halimbawa:5. Gawing kahoy ( wood working) Sa gawaing ito, matututuhan mo ang mga panimulang kaalaman at kasanayan sa gawaing kahoy at mga proyektong maaaring gawin. Mapapansin mo na ang mga pangunahing materyales sa proyekto ay yari sa kahoy. 5
Halimbawa:B. GAWAING KAMAY 1. Gawaing himaymay (Fiber craft) Sa gawaing ito, ang mga proyekto ay yari sa mga himaymay ng abaka o yari sa mga himaymay ng mga bahagi ng katawan ng mga hayop at iba pang kauring materyales. Napakahalaga ng mga proyektog magagawa sa nasabing materyales na magagamit sa tahanan at maaaring ipagbili sa pamayanan. Halimbawa: 2. Paggawa ng laruan (Toy making) Matutukoy mo ang mga laruang yari sa iba’t ibang, materyales na matatagpuan sa pamayanan. Dapat mong tukuyin ang mga magagamit na patapong materyales (recycling) upang maging kapaki-pakinabang. Isa ito sa mga malaking pinagkakakitaan sa pamayanan. 6
Halimbawa: laruang ibon na yari sa lataPaper mache3. Paggawa ng lambat (net making) Sa tabing dagat at lawa marami kang makikitang lambat. May gumagawa at may nagre-repair ng lambat (net mending). Subalit hindi lang panghuli ng isda ang ginagawa dito kundi maraming proyekto na kung matututunan mo ay madali mo ring maipagbibili. Tingnan ang iba pang halimbawa.4. Gawang katad (leather craft) Maraming balat ng hayop ang naitatapon lamang dahil sa kakulangan ng kaalaman sa pagpoproseso nito upang magawang proyekto sa gawaing katad. Sa gawaing ito, malaki rin ang naiambag nito sa mga hanapbuhay sa pamayanan. Ang ilan dito ay ang mga sumusunod: 7
5. Gawaing kabibe (sea shell craft) Galing sa dagat ang pangunahing materyales na ginagamit sa gawaing ito katulad ng kabibe, capiz at iba pa. Napakahalaga nito lalo na sa mga mamamayang nakatira sa tabing dagat na makagagawa ng mga proyektong ang materyales ay nasa kanilang kapaligiran lamang. Halimbawa:6. Basketri Sa gawaing ito, maglalala o maghahabi ka (weaving) ng kahit na anong materyales upang makabuo ka ng isang lalagyan o sisidlan. Maraming gamit sa tahanan na yari sa gawaing ito. Maaaring gamitin ang kawayan, ugat ng halaman, baging (vines), dahon, at maaring 8
manipis na metal para magamit sa pagbuo ng proyektong mapakikinabangan at mapagkakakitaan. Halimbawa:7. Gawaing Plastik Mapapansin mo na ang pangunahing gamit sa mga bahay ngayon ay yari sa plastik. Maraming patapong plastik at “cellophane” ang maaring gamiting kapakipakinabang na proyekto sa tahanan at maaring ipagbili sa pamayanan. Malaking tulong ito sa mga mamamayang walang pinagkakakitaan at makatutulong din ito sa “zero waste management” ng ating pamahalaan sa pamamagitan ng “recycling”. Halimbawa:8. Gawaing Yantok (Rattan craft) Ang mga pangunahing materyales sa mga proyekto ay yantok o rattan. Ang mga “wicker” na rattan ang orihinal na ginagamit sa basket o tray. Isa ito sa mga napakalaking pinagkakakitaan ng “Handicraft industries” sa ating bansa. 9
Halimbawa: “tray” rattan chairArnis “cane”9. Gawaing bao (coco-shell-craft) Ang pangunahing materyales sa mga proyekto ay yari sa bao. Ang bao ay ginagawa ring uling na ginagamit sa pag-iihaw ng isda at karne. Marami rin sa mga gamit sa tahanan ay yari sa bao. Halimbawa: Panabo ng tubig (water dipper) Napkin holder 10
Kawot (cooking dipper)10. Gawaing kawayan (bamboo craft) Sa gawaing kawayan napakaraming proyekto ang magagawa mo.Maraming proyekto sa basketry at iba pang gamit sa bahay ang yari samateryales na ito. Gayon din, sa mga pangdekorasyon sa tahanan atiba pang gusaling pangkalakalan ay yari din sa kawayan.Halimbawa:Bamboo wall vase alkansiyang kawayanSawali 11
SUBUKIN MOIsulat sa kuwaderno ang iyong sagot sa mga tanong.1. Ibigay ang dalawang lawak ng sining pang-industriya. a.___________________ b.___________________2. Ano-ano ang mga gawain sa pangkalahatang industriya? a.__________________ b.__________________ c.__________________ d.__________________ e.__________________3. Ano-ano ang mga gawain sa gawaing kamay? a. _________________ b. _________________ c. _________________ d. _________________ e. _________________ f. _________________ g. _________________ h. _________________ i. _________________ j. _________________ 12
Search
Read the Text Version
- 1
- 2
- 3
- 4
- 5
- 6
- 7
- 8
- 9
- 10
- 11
- 12
- 13
- 14
- 15
- 16
- 17
- 18
- 19
- 20
- 21
- 22
- 23
- 24
- 25
- 26
- 27
- 28
- 29
- 30
- 31
- 32
- 33
- 34
- 35
- 36
- 37
- 38
- 39
- 40
- 41
- 42
- 43
- 44
- 45
- 46
- 47
- 48
- 49
- 50
- 51
- 52
- 53
- 54
- 55
- 56
- 57
- 58
- 59
- 60
- 61
- 62
- 63
- 64
- 65
- 66
- 67
- 68
- 69
- 70
- 71
- 72
- 73
- 74
- 75
- 76
- 77
- 78
- 79
- 80
- 81
- 82
- 83
- 84
- 85
- 86
- 87
- 88
- 89
- 90
- 91
- 92
- 93
- 94
- 95
- 96
- 97
- 98
- 99
- 100
- 101
- 102
- 103
- 104
- 105
- 106
- 107
- 108
- 109
- 110
- 111
- 112
- 113
- 114
- 115
- 116
- 117
- 118
- 119
- 120
- 121
- 122
- 123
- 124
- 125
- 126
- 127
- 128
- 129
- 130
- 131
- 132
- 133
- 134
- 135
- 136
- 137
- 138
- 139
- 140
- 141
- 142
- 143
- 144
- 145
- 146
- 147
- 148
- 149
- 150
- 151
- 152
- 153
- 154
- 155
- 156
- 157
- 158
- 159
- 160
- 161
- 162
- 163
- 164
- 165
- 166
- 167
- 168
- 169
- 170
- 171
- 172
- 173
- 174
- 175
- 176
- 177
- 178
- 179
- 180
- 181
- 182
- 183
- 184
- 185
- 186
- 187
- 188
- 189
- 190
- 191
- 192
- 193
- 194
- 195
- 196
- 197
- 198
- 199
- 200
- 201
- 202
- 203
- 204
- 205
- 206
- 207
- 208
- 209
- 210
- 211
- 212
- 213
- 214
- 215
- 216
- 217
- 218
- 219
- 220
- 221
- 222
- 223
- 224
- 225
- 226
- 227
- 228
- 229
- 230
- 231
- 232
- 233
- 234
- 235
- 236
- 237
- 238
- 239
- 240
- 241
- 242
- 243
- 244
- 245
- 246
- 247
- 248
- 249
- 250
- 251
- 252
- 253
- 254
- 255
- 256
- 257
- 258
- 259
- 260
- 261
- 262
- 263
- 264
- 265
- 266
- 267
- 268
- 269
- 270
- 271
- 272
- 273
- 274
- 275
- 276
- 277
- 278
- 279
- 280
- 281
- 282
- 283
- 284
- 285
- 286
- 287
- 288
- 289
- 290
- 291
- 292
- 293
- 294
- 295
- 296
- 297
- 298
- 299
- 300
- 301
- 302
- 303
- 304
- 305
- 306
- 307
- 308
- 309
- 310
- 311
- 312
- 313
- 314
- 315
- 316
- 317
- 318
- 319
- 320
- 321
- 322
- 323
- 324
- 325
- 326
- 327
- 328
- 329
- 330
- 331
- 332
- 333
- 334
- 335
- 336
- 337
- 338
- 339
- 340
- 341
- 342
- 343
- 344
- 345
- 346
- 347
- 348
- 349
- 350
- 351
- 352
- 353
- 354
- 355
- 356
- 357
- 358
- 359
- 360
- 361
- 362
- 363
- 364
- 365
- 366
- 367
- 368
- 369
- 370
- 371
- 372
- 373
- 374
- 375
- 376
- 377
- 378
- 379
- 380