Important Announcement
PubHTML5 Scheduled Server Maintenance on (GMT) Sunday, June 26th, 2:00 am - 8:00 am.
PubHTML5 site will be inoperative during the times indicated!

Home Explore E.P.P VI

E.P.P VI

Published by Palawan BlogOn, 2015-10-01 02:03:47

Description: Binder1

Search

Read the Text Version

PAGBALIK-ARALAN MO Tingnang mabuti ang mga larawan. Tukuyin ang okasyong ipinakikita rito at isulat ang sagot mo sa iyong kuwaderno.         2

Basahin ang sitwasyon. PAG-ARALAN MO Tayong mga Pilipino ay magaling at masarap magluto ng mga pagkain. Maramitayong paraan ng pagkukumbinasyon ng mga pagkaing maaaring ihanda sa bawatokasyon. Darating ang panahon na magiging isa ka ring magaling na tagapagluto.Para maging isang mahusay na tagapagluto, kailangan marunong ka sa pagbabalak ngpagkaing ihahanda sa kahit anong okasyong magaganap. Ito ang ilan sa mga dapatmong gawing batayan. Pag-aralan mong mabuti. PAGBABALAK NG PAGKAING IHAHANDA Sa pagbabalak mo ng pagkaing ihahanda, isaalang-alang mo ang mga sumusunod: 1. Kung payak ang paghahanda, ang mga pagkain ay simple lamang. Halimbawa: Cookies at inumin Cake at inumin Sandwich at inumin at iba pa, 2. Kung marangyang paghahanda naman, maaaring magdulot ng sopas ilang putahe ng karne (baboy/manok/baka/at gulay) prutas o anumang panghimagas katas ng prutas 3. Kung may malaki-laking laang halaga ng pera, maaaring magdagdag ng putahe katulad ng pansit, spaghetti, salad, ice cream o iba pa. 4. Isaisip palagi na ang pagkain o sangkap na bibilhin ay masustansiya, mura at sapat ang dami. 5. Gumawa ng tsart ng mga pagkain na maaaring ihanda sa iba’t ibang okasyon. Ihanda palagi ito para pag kailangan, may pagbabatayan agad. 3

Ito ang ilan sa mga pagkain na maaaring ihanda sa oras ng minindal, tanghalian ohapunan. PANGMININDAL PANTANGHALIAN/HAPUNAN menudopansit cassava cake puchero kalderetang kambingpansit molo banana cake kalderetang manok adobong manokpansit guisdo pitsi-pitsi adobong isda chicken currypansit lomi squid balls kare-kare hamonadopalabok fish balls litson manok nilagang karnemiki-bihon kikiam sinaing na isda fried meatsotanghon fried fish grilled meatbehongke grilled fish chicharonspaghetti pininyahang manok bicol expressmacaroni salad laing steamed fishbaked macaroni apritadapotato saladchicken saladcakeputobarbecuehotdog in stickgraham cakelasagnasandwichcarbonaraturonguinataansopaspinindothamburger 4

Narito naman ang mga pagkaing panghimagas at mga inuming maaaring ihanda sa ibat ibang uring okasyon PANGHIMAGAS INUMINhinog na saging orange juicehinog na mangga pineapple juicemelon mango juicepakwan guyabano juicepinya pomelo juicefruit salad calamansi juiceice cream iced teagelatin buko juiceleche-flan tomato juicebuko grape juicepandan strawberry juicemaja blancasweet natasweet macapunosweet sagosweet kaongNgayon sa mga pagkaing ito, pwede ka nang gumawa nang sariling mong menu.Tingnan mo ang halimbawa sa tsart sa ibaba.TSART NG MGA PAGKAIN NA MAAARING IHANDA SA IBA’T IBANG OKASYON.OKASYON ORAS NG PAGSASALO- MENU Kaarawan SALO HANDAAN Minindal - Pansit, cake, mango Pista juice. - spaghetti, sandwich, pineapple juice Tanghalian - Kalderetang manok, fried tilapia, barbeque, chopsuey, leche flan, gelatin 5

OKASYON ORAS NG PAGSASALU- MENU SALO HANDAAN - Menudo, fried chicken, steamed fish, vegetable salad, kare-kare, fruit salad, maja blancaGradwasyon Hapunan - adobong manok, potato salad, pansit gisado, hinog na saging - apritada, chicken curry, grilled fish, sweet macapuno, melon, pineapple juiceNgayong nauunawaan mo na ang wastong pagbabalak ng pagkaing angkop saanumang okasyon na dapat ay masustansya, mura at sapat, huwag mong kakaligtaangilapat ang mga naging kaalaman mo sa matalinong pamimili. Balikan ang mga alintuntunin sa matalinong pamimili ng mga pagkain. Talagangmahalagang magkaroon ka ng sapat na kasanayan sa pamimili para masanay ka agadhabang bata pa. Isipin palagi na makatipid sa mura ngunit masustansiyang pagkain.Sa ganitong paraan, makatutulong ka para lumusog at maitaas ang antas ng nutrisyonng bawat kasapi ng mag-anak. GABAY SA MATALINONG PAMIMILI1. Gumawa at ihanda ang talaan/ listahan ang lahat na mga pamimilihin upang hindi magpabalik-balik at makatitipid sa oras at lakas.2. Alamin ang mga pamalit sa mga bibilhing hindi matagpuan agad.3. Bilhin ang mga pagkaing mura, masustansiya at napapanahon.4. Huwag magpadala sa mga advertisement at pananalita ng tindera. 6

5. Bumili ng sapat lamang sa pangangailangan pero bumili nang maramihan kung kinakailangan. Mas makatitipid kung pagkaing tinitimbang, per dosena o por daan ang bibilhin. 6. Bantayan lang mabuti ang pagtitimbang o pagbibigay ng halaga. 7. Suriing mabuti ang mga pagkain o anumang bibilhin sa baratilyo at nakatumpok. Siguruhing bago at sariwa. 8. Pumili ng maaaring maging suki sa palengke na mapagkakatiwalaang malinis/sariwa ang kanilang paninda at husto ang kiluhan o bilang. Ang wasto at maingat na pamimili ng mga pagkain ay tamang paraan upangmatiyak na mura at masustansya ang pagkaing ihahanda para sa mag-anak. Kungikaw ang mamamalengke, isagawa mo ito nang maayos. Magiging madali at kawili-wili ang gawaing ito para sa iyo lalo’t higit kung alam mo ang mga katangian ngsariwa, masustansiya at mataas na uri ng pagkain sa mga pamilihan gaya ng mgasumusunod: 1. Bigas - buong-buo ang mga butil, tuyo mabigat at malinis kung hawakan - walang mga bato, palay at kulisap, walang di-kanais-nais na amoy. 2. Isda - Malinaw at nakaumbok ang mga mata - Mapula ang hasang - Kapit na kapit sa balat ang kaliskis - Matatag ang laman, di humihiwalay sa tinik at bumabalik sa dating anyo kapag pinisil - Walang masamang amoy 3. Karne ng Manok - Siksik ang laman at natatakpan nito ang dulo ng buto sa pitso - Malambot at nababaluktot ang buto sa pitso ng manok na pamprito - Matigas at matatag ang buto sa pitso ng manok na panlaga - Manilaw-nilaw ang taba sa balat, malambot, makinis at walang pasa-pasa - walang masamang amoy 4. Karne ng Baka o Baboy - May tatak na nagpapatunay na nasuri na ito ng pamahalaan. - Mamula-mula ang laman at manilaw-nilaw naman ang taba - Walang di kanais-nais na amoy. 7

5. Itlog - magaspang ang balat - malinaw at malapot ang puti - naaaninag ang pula kapag itinapat sa ilaw at buo ito kapag binasag - mabigat para sa taglay na laki - lumulubog kapag inilagay sa plangganang may tubig - walang amoy 6. Lamang–dagat - nakasara nang husto at malinis ang talukoy ng tahong tulya, talaba at halaan - buhay at gumagalaw ang alimasag, alimango at talangka - Malinis at buo ang balat ng hipon - Walang masamang amoy 7. Gulay at Prutas - walang mga pasa o bahaging malambot - matingkad ang kulay - Malago at hindi lanta o nangungulubot ang mga dulo ng madahong kulay. - Matigas ang laman at maayos ang hugis ng mga bungang-ugat. - Makintab ang balat at pantay ang pagkahinog ng mga prutas.8. Bungang Butil - Pare-pareho ang laki ng mga butil - Walang mga butas o mga kulisap - Hindi nangingitim o nangungulubot - Maayos ang pagkatuyo at hindi mamasa-masa9. Pagkaing De-lata at Pagkaing nakabalot - Ang mga pagkaing de-lata at pagkaing nakabalot ay kailangang piliing mabuti upang makuha ang pinakamataas na uri at lasa sa tamang halaga. - Suriin at basahing mabuti ang etiketa ng mga delata at nakakahon bago ito bilhin. Ang mataas na uri nito ay nagtataglay ng mahahalagang tagubilin tungkol sa dami ng laman, sangkap at 8

paghahanda at nakasulat ang pangalan ng kompanyang gumawa nito. - walang yupi at hindi depormado. Punong-puno ka ng kaalaman ukol sa pagbabalak ng mga masusustansiya, mura at sapat na pagkaing angkop sa iba’t ibang okasyon at kung paano ang matalinong pamimili nito SUBUKIN MO Basahin, unawain at sagutin ang mga sumusunod na tanong. Isulat ito sa iyong kuwaderno. 1. Ano ang naunawaan mo ukol sa pagbabalak? 2. Ano-ano ang salik na dapat isaalang-alang sa pagbabalak ng pagkaing angkop na ihanda sa iba’t ibang okasyon? 3. Bakit mahalagang matutuhan ang mga salik na ito sa pagbabalak ng pagkain? 4. Ano-ano ang mga tuntuning dapat sundin sa matalinong pamimili ng pagkain? 5. Bakit dapat kang maging matalino sa pamimili? TANDAAN MOMay mga salik na dapat tandaan at isaalang-alang sa pagbabalak ng mgamasusustansya, mura at sapat na pagkaing angkop sa iba’t ibang okasyon. Gayundin, may mga alintuntuning dapat sundin para sa matalinong pamimiliupang makatipid sa pera, oras at lakas, at upang higit pang maitaas ang antas ngnutrisyon ng mag-anak. 9

ISAPUSO MOIsulat sa iyong kuwaderno ang kasagutan sa mga tanong na ito. 1. Anong magandang asal ang mabubuo sa sama-samang pagbabalak ng pagkain ng mag-anak sa iba’t ibang okasyon sa kanilang buhay? 2. Ano ang maidudulot ng matalinong pamimili ng pagkain na ihahanda sa iba’t ibang uri ng okasyon? 3. Ano ang dapat mong gawin sa magagandang asal na ito? Bakit? GAWIN MO A. Gumawa ka ng listahan ng menu para sa payak na handaan ng mga sumusunod: 1. Pasko 2. Kumpilan B. Gumawa ka ng listahan ng menu para sa marangyang handaan na angkop sa debu o ikalabingwalong kaarawan ng kapatid mo. C. Sumama sa iyong Nanay sa palengke. Subukang mamili ng pagkain at isabuhay o ilapat ang lahat ng natutuhan tungkol sa matalinong pamimili. 10

. PAGTATAYA Isulat kung TAMA o HINDI ang mga sumusunod na pangungusap. Kung hindi tama ang sagot, bigyan ito ng paliwanag. Isulat ang iyong kasagutan sa kuwaderno mo. 1. Sa pagbabalak ng marangyang handaan, dalawa lang putahe ang nararapat na ihanda para makatipid ang mag-anak. 2. Sapagkat payak ang paghahandang gagawin sa pagdiriwang ng anibersaryo ng kasal nina Mang Bernard at Aling Dolly, nagbalak silang bumili na lamang ng mga pagkaing mura ngunit masusustansiya. 3. Napag-utusan si Shirley na mamili ng alimasag at talangka. Pinili niya ang mga buhay at gumagalaw pa kahit siya’y mahihirapang magdala. 4. Mas minabuti ni Pilar na piliing bilhin ang isdang maputla na ang hasang na ihahanda nila sa awting. Ang katwiran niya, marami na mura pa. 5. Dadalo ang kumare ni Gng. Cruz na galing sa ibang bansa sa handaan nila sa darating na kapistahan ng kanilang bayan. Nagbalak siya ng putaheng baboy, manok, baka at isda at maraming uri ng panghimagas. Ayaw niyang mapahiya. Kakaunti ang kanyang pera kaya isinangla niya ang kanyang mga alahas. Kung nasagutan mo nang buong husay ang bahaging pagtataya ng modyul, binabati kita! Maaari mo nang pag- aralan ang susunod na modyul. 11

  GRADE VI PAGHAHANDA NG PAGKAING ANGKOP SA OKASYON ALAMIN MO Nakadalo ka na ba sa iba’t ibang handaan? Alam mo ba na sa iba’t ibang okasyon o handaan tulad ng kaarawan, piyestahan, binyagan at kasalan ay masasarap na pagkain ang inihanda? Anong putahe ang natikman mo? Alam mo pinaghahandaang mabuti ang ganitong okasyon, na maaaring tanghalian, meryenda at hapunan. Bakit kaya? Sa modyul na ito malalamaan mo ang mga salik sa paghahanda ng pagkain pangokasyon. Gusto mo ba? Bago ka magsimula ay magbalik tanaw noong nasa ikalimang baitang ka. 1

PAGBALIK-ARALAN MO Tignan kung masasagutan mo ang mga pagsasanay sa ibaba.PANUTO: Piliin ang akmang titik sa kabilang hanay at isulat sa kahon upang makabuo ng isang salita.Halimbawa: O K A S Y O N -K, Y, N Maaring ka nang magsimula sa bilang isa hanggang lima. 1. M U A - R, B, D MA T A I O 2. - I , M, N, O3. A N K O P - G, O, K4. P A G K A N - L, G, I5. M A S U S A S Y - T, A, N Binabati kung nasulatan mo ang mga tamang titik ang mga kahon. Maaari monang simulan ang susunod na gawain.2

PAG-ARALAN MO Basahin mong mabuti at unawain ang tula sa ibaba. Ito ay may pamagat na “SAISANG HANDAAN”. Tingnan mo kung ano ang natututuhan mong mahahalagang bagayukol sa paghahanda ng mga pagkain sa isang okasyon. Gusto mo bang malaman. “SA ISANG HANDAAN” SA ISANG OKASYON DAPAT MONG ALAMIN SA PAGHAHANDA NG MGA PAGKAIN UNA AY ILAN AT SINO ANG DARATING UPANG MATANTIYA ANG HANDANG PAGKAIN SALAPI AY MAHALAGA SA HANDAANG GAGAWIN UPANG MALAMAN GAANO ANG GAGASTUSIN AT KAPAG LUTO NA PAGKAIN MANDIN ANG ANYO, KULAY AT LASA AY ALAMIN. ITO BA AY MASARAP AT MASUSTANSYA DAPAT ISIPIN ITO AY MAHALAGA TALAAN NG RESIPE KATOTO AY AYOS BA UPANG DI MAGAHOL PANAHON AY KULANGIN PA. Matapos mabasa ang tula, pag- ukulan mo ang pansin ang mga katanungan nanasa ibaba. Pansin mga salitang may salungguhit sa tula. 1. Ano ang unang dapat alamin sa paghahanda ng pagkain? 2. Ano ang tinutukoy sa mahalaga na dapat ihanda upang gawin pambili ng mga sangkap? 3. Bakit kailangan ang sapat na pera sa isang handaan? 3

4. Anong ang kailangan sa isang putahe?5. Sa palagay mo kailangan pa ba ang resipe? Bakit?6. Bakit kailangan isaalang-alang ang lasa, kulay, at anyo?7. Mahalaga din ba sa iyo ang mga ito?8. Ikaw ay nakadalo na rin sa mag handaan, tulad ng kaarawan at kasalan?9. Ano ang binibigyang halaga sa tulang ito?10. Ano ang pamagat ng tula? SUBUKIN MO Matapos mong basahin at sagutin ang mga tanong na may kaugnayan satula ay mayroon ka pang mag pagsasanay na gagawin. Basahin ang panuto.PANUTO: Lagyan ang puwang ng angkop na salita sa bawat puwang. Piliin ang salita na nasa loob ng panklong sa ibaba. Gawin ito sa kuwadernong sagutan.1. Sa isang ________ may dapat alamin (okasyon, kulay,lasa)2. Una ay ______ at _______ sino ang darating (kulay, ilan, sino)3. _______ay mahalaga sa handaan. (okasyon, salapi,alamin).4. Ito ba ay masarap at ______________. (resipe, masustansya, mahalaga) 4

5. Talaan ng ___________ katoto ay ayos na (salapi,resipe,kulay) Binabati kita kung nasagutan mong lahat ang mga puwang na may kinalaman sa paghahanda ng pagkain sa isang okasyon. TANDAAN MO Isaisip mo ang mga salik sa paghahanda ng pagkain sa isang okasyon tulad ng mga bilang ng taong kakain salapi, lasa at anyo ng pagkain, sustansya at panahon ng paghahanda. ISAPUSO MO Lagyan mo ng tsek (√) ang nadarama mo kung sang-ayon o di-sang-ayon. Gawinito sa kuwaderno sagutan. SANG-AYON DI-SANG-AYON 1. Mahalaga na malaman ang bilang at sino ang kakain sa isang handaan. 2. Isaalang-alang ang paghahanda sa magastos na pamamaraan. 3. Kailangan mura at masustansya ang mga pagkaing ihahanda. 4. Ang talaang ng mga putahe o resipe ay kailangan sa pagluluto. 5. Ang masarap na lasa ng lutuin ay mahalaga sa panauhin sa handaan. B. Gumawa o sumulat ng saloobin sa mga sumusunod na sitwasyon. Gawin ito sa kuwaderno sagutan. 1. Sa isang handaan ay naghain at pinakain ka ng putaheng walang asin. 2. Hindi ka nakakain sa isang okasyon dahil naubusan ng handa. 5

GAWIN MO Itanong mo sa iyong Tatay at Nanay kung anong paghahanda ang kanilangginagawa kapag may isang okasyon tulad ng kaarawan ng iyong kapatid. Isulat mo saisang papel ang mga kasagutang nakuha sa kanila. PAGTATAYA 1. Pag-aralan ang tulaang: sa isang handaan at isaulo ito. 2. Sumulat ng pangungusap at gamitin ang mga sumusunod na salita. Gawin sa kuwaderno sagutan. - salapi - masustansya - okasyon - lasa ta anyo - panahon Matapos kang makasulat ng pangungunsap sa bawat salita at masaiulo ang tula aybinabati kita. Maaari mong simulang ang susunod na modyul. Kung nasagutan mo nang buong husay ang bahaging pagtataya ng modyul, binabati kita! Maaari mo nang pag- aralan ang susunod na modyul. 6

  GRADE VI PARAAN NG PAGDUDULOT NG PAGKAIN ALAMIN MO Tingnan mo ang larawan? Ano ang iyong nakikita? Ikaw ba ay nakadalo o nakapunta na sa ganitong handaan? Ano ang mga kilala mong restoran na iba-iba ang paraan ng pagdudulot ng pagkain? Tayong mga Pilipino ay may kaugalian na maghanda ng masasarap na pagkain tuwing may okasyon tulad ng kasalan, binyagan, pistahan at kaarawan. Hindi madali ang gawaing maghanda para sa isang okasyon, kaya ang ginagawa ngayon ng iba ay humahanap na ng mababayaran upang magluto at magdulot ng pagkain. Ang tawag sa serbisyong ito ay catering. Maganda ring hanapbuhay ito at makadadagdag pa ng kita para sa isang pamilya. 1

PAGBALIK-ARALAN MO Bago mo pag-aralan ang mga paraan ng pagdudulot ng pagkaing angkop sa isangokasyon ay tingnan mo kung masasagutan ang mga sumusunod na pagsasanay. Isulat kung anong handaan ang isinasaad ng mga nasa larawan: 1. - kasalan 2. – binyagan 3. –pistahan 4. – kaarawan 5. –pagtanggap 2

Sa cluster map sa ibaba isulat sa loob ng bilog ang mga salik o kailangan sapaghahanda ng pagkain sa isang okasyon.Bilang ng Mga taong kakain kakain Mga Salik sa Paghahanda ng Pagkain sa Isang OkasyonKaanyuan lasa at Panahon ng Sustansiya ngkulay ng pagkain paghahanda pagkainPAG-ARALAN MO Ngayong maaari mo nang pag-aralan ang mga paraan ng pagdudulot ng pagkain,basahin ang talata sa bawat kahon. Pagkatapos, sagutin ang mga tanong.1. BUFFET STYLE -Ang buffet style ang paraang ginagamit sa mga pistahan, kasalan, binyagan at kaarawan. Ang mga pagkain ay nakaayos sa mesa na may serving spoon, gayundin ang mga kasangkapang gagamitin. Ang mga panauhin ay may layang pumili at kumuha ng gusto nilang pagkain. 3

2. KAMAYAN -Ang kamayan ay ang paraan ng pagkain na ang mga kamay ang ginagamit sa pag-subo. Ang mga pagkain ay idinudulot na isa-isa sa mga panauhin at inilagay sa mesa na may kasamang serving spoon, Kadalasan ay dahon ang kinakainan. Sa restoran ay may lababo na hugasan ng kamay ng mga panauhin. Sa paraang ito ay nakatitipid sa paghuhugas ng mga kasangkapan.3. SMORGASBOARD -Ang SMORGASBOARD ay isang uri ng4. A LA CARTE pagdudulot ng pagkain na ang panauhin ay may laya na pumili at kumuha ng dami ng putahe na ibig niyang kainin na may presyo o halaga na nakatalaga. Ang lahat ng klase ng putahe ay nasa mesa at maaaring kainin hangga’t kaya (EAT ALL YOU CAN), ngunit huwag mag- aayaw o magtitira sa plato. Sa paraang ito ang kukuning pagkain ay sapat lang na mauubos. -Ginagawa ang a la carte kung pare-pareho ang idudulot na pagkain at ang halaga ay tama lamang sa napiling mga ihahandang ulam. Ang paraan ng pagdudulot ay inilalagay ang lahat ng pagkaing pinili sa isang pinggan ng panauhin. Sa paraang ito hindi magkukulang ang handa at lahat ay makakakain sa oras ng pare-parehong pagkain.5. PORMAL NA PAGDUDULOT -Ginagawa ang pormal na pagdudulot sa espesyal na okasyon. Maraming kagamitan at kubyertos ang ginagamit sa pormal na handaan. Inilalagay nang pormal ang mga kagamitan sa hapag-kainan. Ang dami ng putahe ay siya ring dami ng kutsara, tinidor at pinggan ang gagamitin. Iba’t ibang kutsara ang ginagamit sa ulam at kanin. Sa pagdudulot, ang nauuna ay sopas, sunod ay ensalada at pagkatapos ay ang 4

main course na ginagamitan din ng ibang kubyertos. Matapos maubos ang lahat ng putahe ay inaalis ang pinggan. Ang dessert o panghimagas ang isusunod na may gamit na platito at kutsarita. Nagtatapos ang pormal na pagdudulot sa pag- inom ng tubig, kape o tsaa ayon sa nais ng panauhin. Sa restoran, ang mga waiter ang gumaganap ng tungkulin sa ganitong pagdudulot ng pagkain. Matapos mong basahin ang mga talatang nasa itaas ay sagutin ang mgakatanungan. Piliin ang sagot sa loob ng kahon at isulat sa iyong kuwaderno.Buffet style A la carteKamayan Pormal na pagdudulotSmorgasboard1. Anong pagdudulot ang isinagawa kapag na ang panauhin ay may layang pumili ng putahe na nais nila?2. Aling pagdudulot ang isinasagawa kapag ang kamay ang ginagamit sa pagkain?3. Alin ang pinakamatagal na pagdudulot ng pagkain?4. Ano ang tawag sa paraan na ang lahat ng pagkain ay inilagay sa isang pinggan?5. Dumalo sa kasalan sina Danica at Raul. Sa isang sikat na hotel ginanap ang salusalo sa pagdudulot ng pagkain inuna ang sopas bago ang iba pang pagkain. Anong paraan ng pagdudulot ng pagkain ang sinusunod sa hotel na iyon? 5

SUBUKIN MO Piliin ang tamang sagot na bubuo sa pangungusap na may kinalaman sapagdudulot ng pagkain. Ilagay sa loob ng kahon.1. Ang malimit na paraan ng pagdudulot sa pistahan at kaarawan. (A la Carte, Buffet, catering)2. Ang mga pagkain ay nakaayos sa na may serving spoon (plato, mesa, bandehado)3. Sa ang ganitong pagdudulot ng pagkain ay mga kamay ang ginagamit. (Buffet, A la Carte, Kamayan)4. Isinasagawa sa kung pare-pareho ang idudulot na pagkain (A la Carte, Buffet, Kamayan)5. Ang dami ng putahe ay siya ring dami ng kutsara, tinidor at ang gagamitin sa pormal napagdudulot. TANDAAN MOMay iba’t ibang paraan ng pagdudulot ng pagkain sa isang handaan o salo salo. 6

ISAPUSO MO Lagyan ng tsek (√) ang nadarama kung sang-ayon o di-sang-ayon sa mgasitwasyon. Sang-ayon di-sang-ayon1. Sa pagdudulot ng pagkain, ang ginagawa, ni Bert ay maingat na inilalagay ang lahat ng pagkaing pinili sa iisang pinggan ng panauhin.2. Sa kamayan, ang ginawa ni Liza ay hindi na naghugas ng kamay bago kumain.3. Dumalo si Nelia sa handaan na Buffet Style ang paraan ng pagdudulot. Ang ginawa niya ay napakarami ang kinuhang pagkain kaya ito ay umapaw at natapon.4. Dumalo sa isang salusalo si Dan. Nakita niya na mahaba ang pila ng mga panauhin. Gutom na gutom siya kaya siya ay pumunta sa unahan ng pila at sumingit. Anong mga kaugalian ang dapat gawin sa pagdalo sa iba’t ibang handaan? Kungnatapos mo nang sagutin gawin mo ang susunod na gawain. Isulat sa loob ng tsart ang paraan ng pagdudulot ng pagkain sa mga panauhin. 7

Paraan ng Pagdudulot ng Pagkain Pagdudulot ng Pagkain1. Nakaayos ang lahat ng pagkain sa mesa. Ang pagdudulot ay malimit sa binyagan, pistahan ginagawa.2. Lahat ng pagkain ay inihahain at ipinakakain hanggang gusto ng panauhin.3. Ginagamit ang kamay sa pagkain.4. Pare-pareho ang idudulot na pagkain at ang dami ay tama lamang sa napiling pagkain.5. Ito ay ginagawa sa isang espesyal na okasyon. GAWIN MOA. Itanong sa iyong Nanay o ate kung paano ang ginawang pagdudulot ng handa o pagkain noong araw ng piyesta sa inyong barangay gayundin noong magdaos ng kaarawan ang sinuman sa inyong pamilya. Isulat sa pamamagitan ng isang talata sa isang malinis na papel. 8

B. Tingnan ang larawan. Ano ang ayos ng hapag-kainan? Ibigay ang pagkakaiba ng bawat isa.Pang-agahan na ayos Panghapunan o pantanghaliang na ayosPagkakaiba:1._________________________________2._________________________________3._________________________________PAGTATAYAPiliin ang titik ng wastong sagot:1. Ang lahat ng pagkain ay inilalagay sa mesa at ipinakakain hangga’t gustong kumain.A. Buffet C. KamayanB. Smorgasboard D. A la carte 9

2. Ito ay pormal na pag-aayos ng mesa.A. Kamayan C. A la CarteB. Pormal D. Buffet3. Nakahanda sa isang mesa ang pagkain at ang panauhin ang kukuha ng gustong kainin.A. Smorgasboard C. KamayanB. Buffet D. Pormal4. Gumagamit ng kamay at saping dahon sa hapag kainan.A. Kamayan C. PormalB. A la Carte D. Buffet5. Ginagawa ang pagdudulot sa espeyal na okasyon. Ang dami ng putahe ay siya ring dami ng kutsara, tindor, at pinggan na gagamitin.A. Kamayan C. Pormal na pagdudulotB. buffet D. A la CarteB. Punuan ng titik upang mabuo ang salitang nauukol sa pagdudulot ng pagkain. 1. K __ma__a__= 2. B__f____t= 3. P__r____l= 4. A L__ Ca__t__= 5. S__or____sb__ar__=Kung nasagutan mo nang buong husay ang bahagingpagtataya ng modyul, binabati kita! Maaari mo nang pag-aralan ang susunod na modyul. 10

  GRADE VI KAHALAGAHAN NG PAG-IIMBAK NG PAGKAIN ALAMIN MO Tingnan ang larawan. Ano ang nakikita mo? Bakit may mga pagkain sa bote at lata? Alam mo ba ang ginagawa kapag marami o sobra ang pagkain? Bakit kailangan imbakin ang mga labis na pagkain? Ano ba ang kahalagahan nito sa bawat isa o sa pamilya? Gusto mo bang malaman ang kahalagahan? Sa modyul na ito ay malalaman at matututuhan mo ang kahalagahan sa pamumuhay ng pag-iimbak ng pagkain. 1

PAGBALIK-ARALAN MO Mayroon ka na bang naging karanasan sa pag-iimbak ng pagkain? Paano at bakitmo ginagawa ang pag-iimbak ng pagkain? Anong buti ang naitulong sa iyo ng pag-iimbak ng pagkain? 1. Itala sa ibaba ang mga prutas, gulay, isda at karne na maaaring imbakin. ISDA KARNE GULAY PRUTASDilis Karne ng baboy Papaya ManggaGalunggong Karne ng baka Mustasa Sampalok Pinya2. Basahin ang mga sumusunod na sitwasyon. Itala ang naiisip mong kahalagahan na nagagawa ng pag-iimbak ng pagkain.  Lubhang sagana at labis ang natira pang gulay at prutas matapos magbenta sa palengke si Aling Nita, Kung ikaw si Aling Nita, ano ang iyong gagawin at bakit?  Nag-aral si Aling Sela ng pagtutusino at paggawa ng hamon. Ngayon ay marami nang bumibili sa kanya. Ano kaya ang magiging kalagayan ng pamumuhay niya?  Tag-ulan at bumagyo sa buwan ng Augusto. Sa hapunan ng pamilya dela Cruz ang pang-ulam nila ay daing, tuyo at sardinas. Anong masasabi mo sa kanilang pagkain sa hapunan? 2

yon. PAG-ARALAN MOBasahin mo ang isang talata. Maraming prutas at gulay ang naani ni Aling Nita sa kanilang bakuran.Kapag hindi ito kayang ubusin ay nasisira at itinatapon na lamang. Upang hindimasayang ang mga ito ay naisip niyang imbakin. Ang pag-iimbak ay isang paraanupang ang pagkain ay hindi masayang at magamit sa panahon ngpangangailangan. Ginagawa ito upang maiwasan ang pagkabulok at sa panahonng tagsalat ay may magamit. Bukod sa sariling gamit ang mga ito aymakadadagdag ng kita sa kanyang pamilya at maaari ring panregalo sa mgakapitbahay at kaibigan. Sa gayon, ang pamumuhay sa pamayanan ni Aling Nita ayuunlad at sasagana. Matapos mong basahin ang talata, ngayon ay nalaman at natutuhan mo na angkahalagahan ng pag-iimbak ng pagkain. May mga katanungan sa ibaba tungkol satalatang iyong binasa. Isulat mo ang sagot sa sagutang kuwaderno. 1. Ibigay ang kahulugan ng pag-iimbak ng pagkain. 2. Isulat ang kahalagahan ng pag-iimbak.SUBUKIN MO Subukan mo ngayon kung nauunawaan mo ang talatang binasa. Isulat sa iyongsagutang papel ang wastong sagot.1. Ang ___________ ay paraan upang ang pagkain ay hindi masayang at masira.A. pag-iimbak C. pagtitindaB. pagbuburo D. lahat ng ito 3

2. Ang pag-imabak ay nakapagpapaunlad ng __________ ng mag-anak.A. paggawa C. pagsisikapB. pamumuhay D. samahan3. Naiiwasan ang__________ ng pagkain kung ito ay iimbakin.A. pagkasira C. pagkukulangB. pagdami D. pagdagsa4. Hindi na panahon ng mangga pero nakatitikim pa rin ang mag-anak ni Mang Rogel ng manggang dahil noong panahon na sagana sa mangga, sila ay nag imbak nito sa pamamagitan ng pagpapatuyo. Anong mabuting dulot ng pagiimbak nila ng mangga?A. lalo silang naging mahilig sa manggaB. lumaki ang kanilang pangangailan sa prutasC. nakatitikim parin sila ng mangga kahit wala na ito sa panahonD. naging malusog ang kanyang pamilya dahil sa pagkain ng mangga5. Natikman ng isang balikbayan ang atsarang papaya ni Aling Lucy. Naibigan niya ang lasa nito kung kaya’t hinimok niya si Aling Lucy na magluto ng atsara na bibilhin niya upang ipasalubong sa mga kaibigan niya sa Amerika. Ano ang kabutihang dulot ng kaalaman niya sa paggawa ng atsara? A. nagkaroon siya ng dagdag kita B. nakarating siya sa ibang bans C. nakapag parami siya ng tanim na papaya D. nakasalamuha niya ang mga kilalang tao 4

TANDAAN MOAng kahalagahan ng pag-iimbak ng pagkain ay ang mga sumusunod: 1. Nagagamit sa darating na panahon. 2. Naiiwasan ang pagkasira o pagkabulok ng pagkain. 3. Nakadaragdag ng kita ng mag-anak. 4. Nagagamit sa panahon ng tagsalat 5. Maaaring ipanregalo o ibigay sa kaibigan at kapitbahay. 6. Nakapagpapaunlad ng buhay sa pamayanan.ISAPUSO MO Ayon sa nabasa mong talata sa kahalagahan ng pag-iimbak, mangyaring sagutinang mga sumusunod na tseklist.SUKATAN OO HINDI1. Nag-iimbak ng pagkain upang maiwasan ang pagkasira o pagbulok.2. Ang pag-iimbak ng pagkain ay hindi nakatulong sa pamilya sa darating na panahon.3. Hindi maaaring ipanregalo ang mga inimbak na pagkain4. Nakapagpapaunlad ng pamumuhay ng mag-anak.5. Ang pag-iimbak ay nagagamit sa panahon ng tagsalat o pangangailangan 5

GAWIN MOA. Pumunta sa pamilihan at itala ang mga gulay at prutas na lubhang marami at maaaring imbakin.B. Itanong sa may-ari ng tindahan ng mga iniimbak na pagkain ang kahalagahan ng pag-iimbak. PAGTATAYAA. Gamitin sa pangangusap ang mga sumusunod na salita: 1. Pag-iimbak 2. Nasisira 3. Pamumuhay 4. Panahon 5. PamilyaB. Iguhit ang mga prutas at gulay na maaaring imbakin.C. Isulat ang mga dalawa o tatlong mahalagang bagay sa pag-iimbak ng pagkain. Kung nasagutan mo nang buong husay ang bahaging pagtataya ng modyul, binabati kita! Maaari mo nang pag- aralan ang susunod na modyul. 6

  GRADE VI PARAAN NG PAG-IIMBAK NG PAGKAIN ALAMIN MO Magandang araw, kaibigan. Handa ka na bang pag-aralan ang mga paraan ng pag-iimbak ng pagkain? Madali lang ito kung isasapuso mo at susundin ang mga tagubilin sa paraan ng pag-iimbak ng ibat-ibang pagkain. Kaya halina at pag-aralan ang modyul na ito. 1

PAGBALIK-ARALAN MOSa natapos mong modyul, pinag-aralan mo ang kahalagahan ng pag-iimbak.Sagutin ang mga sumusunod na tanong; Bakit at kailan ang tamang pag-iimbak ng pagkain? (upang hindi masira o mabulok ang pagkain. Kung sagana o labis ang inaaning prutas) Ano ang kahalagahan ng pag-iimbak ng pagkain?- Nakakatulong sa pagpapaunlad ng pamilya- May nakakain sa panahon ng taghirap- Maaaring ibigay sa kapitbahay o ipanregalo. Anong pag-iimbak na ang ginawa mo sa bahay? (pag-aasin at pag-aatrsara) Paano naman ang ginawang pag-iimbak ng nanay mo sa isda, karne at gulay? Kung pagmamasdan mong mabuti magkakatulad ba ng paraan ng pag-iimbak ng mga ito? Alin kaya ang pinakamabisang paraan ng pag-iimbak ng pagkain? 2

PAG-ARALAN MO Basahin mo at pag-aralan ang mga impormasyon na may kaugnayan sa mgaparaan ng pag-iimbak ng pagkain. Ang mga bakterya na magiging sanhi ng pagkasira ng pagkain ay namamatay sapamamagitan ng pag-iimbak. Iba’t iba ang paraan ng pag-iimbak. Ang preserbatibatulad ng asin, asukal, suka, at iba pang kemikal ang ginagamit sa pag-iimbak. Iba-ibaang paraan ng pag-iimbak ng isda, karne, gulay at prutas. Lahat ng uri ng pagkain ay maaaring imbakin, subalit kailangang piliing mabutiang mga gulay, prutas at iba pa upang maging maayos ang magiging kinalabasan ngpag-iimbak. Naririto ang iba’t ibang paraang ng pag-iimbak ng pagkain. 1. Pagpapatuyo- ito ay pagbibilad ng pagkain na iimbakin sa sikat ng araw. Ito ang pinakaunang paraan ng pag-iimbak ng pagkain. 2. Pag-aasin- maraming asin ang ginagamit bilang preserbatiba sa pag- iimbak ng isda, karne at itlog. 3

3. Pagyeyelo- ang pag-iimbak sa pamamagitan ng yelo o lamig ng temperatura ang pumipigil sa pagdami ng mikrobyo. Ang isda at karne ang halimbawa na maaaring imbakin sa yelo.4. Pagpapausok- sa pagpapausok pinabababa ang moisture ng pagkain upang hindi magkaroon ng mikrobyong sumisira sa pagkain.5. Pagmamatamis- ang asukal ang pangunahing preserbatiba sa pagmamatamis katulad ng paggawa ng kendi, jam marmasilada at jelly. 4

6. Pag-aatsara- suka ang pinakamahalagang sangkap sa pag-iimbak ng gulay. 7. Pagsasalata – ito ang maramihang pag-iimbak nang karne, gulay, prutas at isda na tumatagal ng mahabang panahon. Gumagagamit ng kemikal at teknolohiya sa paraang ito.Kailangang linisin mabuti at pakuluan ng 5-10 na minuto ang bote o garapon nagagamitin sa pag-iimbak ng pagkain. Patuyuin ang mga ito at huwag pahiran ngbasahan. Ito ang tinatawag na isterilisasyon. Maging maingat at sundin ang mgapanuntunang pangkalusugan at pangkaligtasan sa pag-iimbak. Sa pag-iimbak sundin nang buong husay ang isinasaad sa resipe. Sundin angtamang sukat, sangkap at kagamitan sa pamamaraan ng pagluluto. Sa pag-iimbak,maaari ring pumili ng pagkain na nais imbakin. Kung masusunod ang lahat ng tamang pamamaraan ay magiging matagumpayang pag-iimbak ng pagkain. 5


























Like this book? You can publish your book online for free in a few minutes!
Create your own flipbook