Important Announcement
PubHTML5 Scheduled Server Maintenance on (GMT) Sunday, June 26th, 2:00 am - 8:00 am.
PubHTML5 site will be inoperative during the times indicated!

Home Explore E.P.P VI

E.P.P VI

Published by Palawan BlogOn, 2015-10-01 02:03:47

Description: Binder1

Search

Read the Text Version

B. Pag-aralan ang impormasyon sa pagkilala at paggamit ng mga kasangkapan. Sagutin ang mga tanong tungkol sa mga kasangkapan. Kilalanin ang gamit ng mga ito. 2. Kasangkapang Pangguhit o Panggawa ng Linya (Lining Tools) A. Ano ang mga kasangkapan sa pangkat na ito? B. Ano ang ginagawa ng gumagamit? 3. Kasangkapang Pansukat (Measuring Tools) A. Ano-anong ang mga kasangkapan sa pangkat na ito? B. Sa anong gawain ginagamit ang mga ito? 4. Kasangkapang Panghawak, Pangkontrol o Pangkalas (Holding Tools) A. Ano-ano pang mga kasangkapan sa pangkat na ito? B. Magbigay ng mga halimbawa nito. 5. Kasangkapang Pantay ang Talim (Edge-Cutting Tools) A. Ano ang mapapansin sa mga talim o matalas na bahagi ng mga ito? B. Saan ginagamit ang mga ito? C. Magbigay ng mga halimbawa. 6. Kasangkapang Pampukpok o Pang-“drive” (Driving Tools}) A. Ano-ano ang mga kasangkapan sa pangkat na ito? B. Ipakita ang paggamit ng bawat isa. C. Napansin mo ba na may puwersa kang ibinibigay upang magamit ito? 7. Kasangkapang may Ngipin (Tooth Cutting) A. Ano-ano ang mga kasangkapan sa pangkat na ito? B. Ano ang katangian ng mga kasangkapan sa pangkat na ito? 8. Kasangkapang Pansubok (Testing Tools) A. Kailan ginagamit ang mga kasangkapan sa pangkat na ito? B. Nasubukan mo na bang gumamit nito? Ikuwento ang inyong karanasan. 16

C. Magbigay ng dalawang halimbawa sa bawat klasipikasyon ng kasangkapang pangkamay. Isulat ang sagot sa iyong talaan.D. Isulat ang mga kasangkapang tinutukoy at klasipikasyon ng sumusunod:a) Maghahati ako ng “plywood.” Gusto kong lagyan ng guhit bago hatiin. Anong kasangkapan ang aking gagamitin?b) Magpapalubog at magbubunot si Mang Jose ng pako. Anong kasangkapan ang dapat niyang gamitin?c) Ang kasangkapang ito ay ginagamit upang matingnan kung 90 o iskuwalado ang sulok ng proyekto. Alin ito?d) Maghahati o magtistis ng tabla si Pepe. Anong kasangkapan ang dapat niyang gamitin?e) Ano ang gagamitin sa pagkakalas o pagpapahigit ng metal na tubo ng tubig?f) Hatiin ang mga tabla sa pare-parehong bahagi. Anong kasangkapan ang dapat gamitin para matiyak na pareho ang pagkakahati?E. Mag-Ensayo sa pagtukoy ng mga kasangkapan sa bawat klasipikasyon at gamit ng bawat isa.Hanapin ang mga kasangkapan sa Kolum B na tinutukoy ng Kolum A. Isulatang titik ng tamang sagot.AB1. pangguhit a. martilyo, malyete, disturnilyador2. pansubok b. try square, iskuwala3. kasangkapang may ngipin c. kikil, lagari4. kasangkapang pantay ang talim d. liyabe, plais5. pansukat e. itak, katam6. panghawak, pangkalas f. metro, ruler7. pang-“drive” o pampukpok g. lapis, granil17

  GRADE VI PANGANGALAGA NG MGA KASANGKAPAN, MATERYALES AT KAGAMITAN ALAMIN MO Nakaranas ka na ba na masaktan sa paggamit ng kasangkapan habang gumagawa? Lumaki ba ang gastos ng proyekto mo dahil maraming naaksayang materyales? Nasira ba ang mga kagamitan dahil sa kakulangan ng pag-iingat? Sa paggawa ng proyekto, kailangan ang pag-iingat at pangangalaga sa mga kasangkapan, kagamitan at materyales upang makatipid, makaiwas sa aksidente at maging maganda ang kalalabasan ng proyekto. 1

PAGBALIK-ARALAN MO Natatandaan mo pa ba ang mga kasangakapan, kagamitan at materyales na ginagamitsa paggawa? A. KLASIPIKASYON NG KASANGKAPANG PANG KAMAY (TOOLS) 1. Kasangkapang pantay ang talim (edge cutting tools) Halimbawa: Kutsilyo, pait, katam, palakol, at iba pang kasangkapang pantay ang talim. 2. Kasangkapang may ngipin ( tooth cutting tools) Halimbawa: Lagari, (Cross cut, rip saw, back, keyhole, coping saw, etc) kikil, at iba pang kasangkapang may ngipin. 3. Driving tools- Halimbawa: Martilyo, maso malyete, disturnilyador at iba pang kasangkapang kailangan “I-Drive” o gamitan ng puwersa bago gumana. 4. Kasangkapang panukat (measuring tools) Halimbawa: metro, foot rule, medida, protractor. 5. Kasangkapang pangguhit (Lining tools) Halimbawa: Scratch owl, pitik (marking gauge) hulog (plumb bob) lapis, at iba pang pangguhit. 2

6. Kasangkapang pansubok (Testing tools) Halimbawa: Iskuwala , (try –square) tester, 7. Kasangkapang de-koryente (Power tools) Halimbawa: Electric drill, electric planer, soldering iron. 8. Kasangkapang panghawak/panghapit ( Holding tools) Halimbawa: Plais, liyabe, clamp, B. Mga kagamitan (Equipment) 1. Welding machine, gato at iba pa. K. Materyales 1. Pangkalahatang industriya-kahoy, tabla, electrical, panggrapika, metal, pangseramika, 2. Gawing-kamay- plastic, bao, yantok, kabibe, himaymay, pang- basketry, at iba pa. PAG-ARALAN MO Ang pangangalaga sa mga kasangkapan, kagamitan, at materyales ay dapatisaalang-alang sa paggawa ng proyekto. Kung maiingatan ang mga kasangkapan,tatagal at maraming beses mo pang magagamit ang mga ito. Narito ang mga pamamaraan sa pangangalaga ng mga kasangkapan sa ibat ibangklasipikasyon: 3

1. KASANGKAPANG PANTAY ANG TALIM – kailangang laging matalas ang talim ng mga ito. Nilalangisan kung hindi ginagamit at hindi inilalagay sa mga gilid ng mesa upang hindi bumagsak ang mga ito sa paa mo o sa semento na maaaring makasira sa talim nito. Kailangang sunod ang tamang angulo o “level” nito. Iwasan din na sumayad sa metal na bahagi ang talim nito.2. KASANGKAPANG MAY NGIPIN (Tooth cutting tools) - ang isa sa mga kasangkapan sa grupong ito ay lagari. Kung maglalagari ka nang paayon sa hilo (grain) ng kahoy, gumamit ka ng rip saw. Kung pasalungat naman sa hilo, gamitin mo ang cross-cut saw. Kailangang kikilin ito ng “saw file” upang tumalas at magkaroon ng “saw kerf” para madaling isulong at hilahin habang naglalagari. Kasama rin dito ang ibat ibang uri ng kikil na kailangang ingatang huwag bumagsak dahil madali itong maputol.3. KASANGKAPANG PANSUBOK (Testing tools) - nasa ibaba ang ilang testing tools na makikita mo sa paggawa ng proyekto. Kailangan ang tester ay nakaset sa tamang gawain kung gagamitin. Kung ang tinitest mo ay resistans at continuity, dapat nakaset ito sa Ω ohms. Kapag nakaset ito sa Ω ohms at nagamit mo sa pagtetest ng boltahe, masisira ang tester mo. Kaya bago gumamit, kailangang magpaturo ka muna sa iyong guro o sa taong marunong gumamit nito. Kailangan din ang pangangalaga sa iskuwala, hulog at iba pang “testing tools” upang huwag masira ito. Gamitin ito sa kanyang sariling kagamitan. 4

4. KASANGKAPAN DE-KORYENTE (Electrical tools) - maraming kasangkapang de-koryente ang lalong kailangang pangalagaan. Dapat tingnang mabuti ang “voltage rating.” Kung 110volts dapat huwag magpa-“plug” sa 220 volts. Basahin ang direksiyon o ang manuwal ng bawat isa bago gamitin. Kapag ginagamit ang bawat isang kasangkapan, iwasang may mga bahagi ng kasuotan na maaaring sumama sa pag-ikot ng electrical tools upang maiwasan ang aksidente.5. KASANGKAPANG PANGHAWAK (Holding tools) – ang nasa ibaba ay ilang holding tools na dapat ding pangalagaan. Gamitin lamang ang mga ito sa kaya nitong kontrolin o hawakan. Ang pagpuwersa nito sa ano mang gawain ay nakasisira. Laging alisin ang kalawang at langisan ang mga bahagi. 5

6. KASANGKAPANG PANGGUHIT- Lahat ng mga kasangkapan sa ibaba ay ilang halimbawa ng kasangkapang pangguhit. Ang lapis ay kailangang matulis lagi at kayang mag-iwan ng malinaw na linya sa ginagawa. Ang pusod at granil naman ay laging matulis din ang dulo para mag-iwan ng malinaw na linya. Ang pitik naman ay laging dapat may diyobos o pulbos na mag-iiwan ng linya kapag hinila at binitiwang bigla. Kailangang nakagrupo ito sa tool kabinet at nakaayos ang pagkakalagay.7. KASANGKAPANG PANSUKAT (Measuring tools) - dapat mong pangalagaan ang mga pansukat na kasangkapan. Ang footrule ay kailangang hindi ikikiskis nang madiin sa sinusukatang bahagi upang hindi maalis ang mga dibisyon ng sukat sa pulgada at sentimetro. Ang metro (pull-push rule) ay kailangang hindi maiwan na nakalabas ang pansukat na bahagi upang hindi lumuwag ang awtomatikong aserong nagbabalik nang kusa matapos gamitin ito. Kailangang may lalagyan ang mga ito upang kahit madaganan ng ibang kasangkapan sa tool cabinet ay hindi magagasgas ang mga ito. 6

8. KASANGKAPANG DRIVING TOOLS - Iwasang bumagsak ang mga kasangkapang ito. Huwag gagamitin ang martilyo (claw hammer) sa pag-aalis ng malaking pako sa tabla. Gumamit ng crow bar (de kabra) sa gawaing ito. Huwag gumamit ng martilyo sa pagpapait (chiseling). Gamitin ang malyete at iwasang gamitin ang disturnilyador sa pagpapait ng mga metal na materyales katulad ng lata at iba pa. Sa mga binasa mo, natukoy mo at nalaman ang ilang pangangalaga sa mga kasangkapan. Bago gumawa ng proyekto, kailangang maihanda mo na ang mga kasangkapang gagamitin, pati na ang mga materyales. Pagkatapos ng bawat gawain, ang wastong pagliligpit naman ng kasangkapan, kagamitan at materyales ang dapat pagtuunan ng pansin. Ang mga kasangkapang ginamit ay dapat iligpit at isauli sa lalagyan na nakagrupo ayon sa klasipikasyon nito. Ang mga materyales naman ay dapat na mailigpit nang maayos at ang mga patapon na ay dapat na mapagbukod-bukod ayon sa itinatadhana ng Batas Bilang 9003 (Ang Solid Waste Management Act of 2003). Mahalaga ang pagbukod-bukod ng patapong basura. Maaaring gamiting muli ang ibang materyales (recycled) at maaari ding ipagbili ang iba at ang itatapon lamang ay ang hindi na magagamit at maipagbibili. Dito na papasok ang tungkulin ng barangay at bayan kung paano at kung saan dadalhin ang mga nasabing basura. 7

SUBUKIN MOA. Anong klasipikasyon ng mga kasangkapan ang tinutukoy ng mga sumusunod:1. Pangtingin sa boltahe bago ______________________ I-plug ito sa outlet2. Iwasang tumama ang talim ______________________ nito sa bahaging metal3. Kapag nagtatabas ng tabla ______________________ na pasalungat sa hilo o grain ng kahoy, gumamit ng cross-cut saw.4. Gumamit ng malyete sa halip ______________________ na martilyo kapag nagpapait5. Kapag ang resistans at “continuity” ang iyong tinitest, I-test ang iyong tester sa Ω (ohms) ______________________B. 1. Ano-ano ang kahalagahan ng pangangalaga sa mga gagamitin at nagamit na mga kasangkapan? 2. Bakit kailangang mailigpit nang maayos ang mga kagamitan at materyales na ginagamit sa proyekto? 8

C. Pag-ugnayin ang tinutukoy sa Hanay A (mga gamit na iniligpit) na matatagpuan sa Hanay B (mga dapat gawin sa mga gamit na iniligpit). Isulat ang titik ng tamang sagot sa sagutang kuwaderno.AB_______1. pinagtabasan ng plastik a. ipunin at ilagay sa lalagyang may sulat na______ 2. labis sa ginawa mong proyekto “nabubulok” sa gawaing metal b. alisin ang balat at ipagbili ang tanso.______3. mga sobrang kartolina at papel c. ipunin at ipagbili sa bumibili ng papel at karton.______4. mga sobrang alambre ng pang- d. ipunin at ipagbili saelektrisidad. bumibili ng bakal.______5. Kusot o pinaglagarian e. ipunin at ipagbili sa bumibili ng plastik. TANDAAN MO Maraming paraan ang iyong magagawa upang mapahagalahan ang mgakasangkapang ginamit, mailigpit nang maayos ang mga ito, pati na ang mgakagamitan at materyales tungo sa isang sistematikong paggawa ng kapaki-pakinabangna proyekto. ISAPUSO MO Inaalagaan mo nang wasto ang mga kasangkapan, inililigpit mo ang mga ito nangmaayos pati na ang mga kagamitan at materyales na ginamit. Ano-anongmagagandang asal ang ipinakikita sa ginawa mo? Dapat mo bang ipagpatuloy angmga kaasalang ito? Bakit? 9

GAWIN MO 1. Sa mga kasangkapang nasa inyong bahay at sa mga napag-aralan mo, magtala ng 5 kasangkapan at ibigay ang pamamaraan kung paano mo mapangangalagaan ang bawat isa. PAGTATAYA Basahin ang mga sitwasyon na nagpapakita ng wastong pangangalaga ngkasangkapan. Piliin at isulat ang titik ng wastong sagot sa sagutang kuwaderno. 1. Ano ang dapat nating gawin pagkatapos gamitin ang mga kasangkapang yari sa metal? A. Pinturahan ang ito. B. Linisin at punasan ng langis bago itabi sa lalagyan C. Basain ng alkohol pagkatapos gamitin. D. Punasan ng basahan matapos gamitin. 2. Kapag hindi matalas ang mga talim ng mga kasangkapan, mahirap gamitin ang mga ito. Ano ang dapat nating gawin? A. Pahiran ng langis B. Magtiyaga sa paggamit C. Huwag nang gamitin D. Ihasa ang talim 3. Habang ginagamit, nasisira ang mga kasangkapan. Ano ang dapat nating gawin sa mga ito? A. Ayusin o kumpunihin B. Palitan ng bago C. Manghiram sa kapitbahay D. Itapon na lamang 10

4. Saang lugar dapat ilagay ang mga kasangkapan upang hindi mawaglit at makasakit ang mga ito? A. Sa kahon ng mga kasangkapan B. Sa bag ng mga kasangkapan C. Sa kabinet ng mga kasangkapan D. Lahat ng mga ito. 5. Ano ang dapat nating gawin matapos gamitin ang mga kasangkapan? A. ilagay sa isang tabi ang mga kasangkapan B. iwan sa gawaan ang mga kasangkapan C. pabantayan sa iba ang mga kasangkapan D. linisin at iligpit ang mga kasangkapanB. Basahin ang SANAYSAY na ito at sagutin ang mga tanong sa ibaba. Ang magkaibigang Jose at Felix ay napadaan sa isang pagawaan ng Gawaang Kahoy o Wood Working Shop. Malinis at nailigpit nang maayos ang materyales at kagamitan. Inabutan nila si Mang Pancho na nilalangisan ang mga kasangkapan at inihahanay sa klasipikadong lalagyan. Napansin nilang napakaayos at nasa kondisyon ang kaniyang mga kasangkapan. Hindi nag-aksaya ng panahon ang dalawa at kanila itong tinanong. “Bago po ba ang inyong kasangkapan?” tanong nila. “Hindi, ang mga kasangkapang iyan ay minana ko pa sa aking mga magulang, tulad ng paet, martilyo, lagari,” sagot ni Mang Pancho. “Ang kasangkapang ito ay ginagamit ko nang buong ingat, nililinis ko at nilalangisan matapos gamitin. Kapag nasisira ay agad kong kinukumpuni. Ang iba, ginagamit ang kasangkapan sa hindi wastong paraan. Ipinampupukpok ang plais, ang eskuwala ay ginagamit na pangkayod sa dumi ng tabla, at ang paet ay ipinambubutas ng lata. Napakamahal ng mga kasangkapan kaya dapat itong ingatan,” dagdag ni Mang Pancho. “Marami pong salamat sa aming natutuhan” ang pamamaalam ni Jose at Felix. 11

1. Ano-ano ang napansin nina Jose at Felix sa kaayusan ng gawaan ni Mang Pancho?2. Anong magandang asal ang ipinakita ni Mang Pancho sa kanyang pagawaan?3. Ano-ano ang mga ginawa ni Mang Pancho para mapangaalagan ang kanyang mga kasangkapan.4. Sa nabasa mong sanaysay, anong mga gawain ang ginagawa ng iba na ikinasisira ng mga kasangkapan?5. Anong aral ang iyong maibibigay sa nabasa mong sanaysay. Kung nasagutan mo nang buong husay ang bahaging pagtataya ng modyul, binabati kita! Maaari mo nang pag- aralan ang susunod na modyul. 12

  GRADE VI PAGTUTUOS NG GINASTA AT KIKITAIN SA GINAWANG PROYEKTO ALAMIN MO Magkano ang magagagastos sa isang proyekto? Kung ipagbibili mo, magkano ang dapat mong kitain? Paano mo gagawin ito? Sa bawat gagawing proyekto, kailangan ang plano ng proyekto upang maisagawa ang mga gawing nang maayos. Sa bawat plano ay may talaan ng materyales o “Bill of materials” na nakadetalye ang dami ng materyales, deskripsiyon, halaga ng bawat piraso at kabuuang halaga ng nagastos mo. Ito ang isa sa magiging batayan mo sa pagkuha ng tubo kung ipagbibili mo ang iyong gagawing proyekto. Sa modyul na ito, matututuhan mo ang pagkukuwenta ng mga ginastos at tutubuin kung ipagbibili mo ang proyekto. 1

PAGBALIK-ARALAN MO Sa modyul na napag-aralan mo sa paggawa ng plano ng proyekto, ang isangbahagi doon ay ang talaan ng materyales o “Bill of materials”. Naaalaala mo pa baito? PAG-ARALAN MO Kung sa pagpaplano ng proyekto, ang nais mong gawin ay isang “Electric Tester”bago mo ito simulan kailangang may disenyo ka ng proyekto at may talaan ngmateryales. Sa disenyo o krokis sa itaas, makikita mo kung anong mga materyales anggagamitin at kung paano mo gagawin. Kung susuriin mo ang disenyo, isang rubberreceptacle o bukilya, electric tape sa pagdudugtong ng flat cord #16 sa dalawang wireng receptacle ang iyong gagamitin. 2

Mapapansin mo na tatlong materyales lamang ang iyong ihahanda at ang mga itoang ilalagay sa talaan ng materyales o “Bill of materials” na kagaya ng nasa ilalim.Yunit Kantidad Deskripsiyon Halaga ng Kabuuang 1 Piraso Bombilya 25 watts bawat piraso halaga P 25.00 P 25.001 Metro Electric wire 8.00 8.00 12.00 (flatcording #16)1 Piraso Electric tape (maliit) 12.00 Kabuuang halaga Php 45.00 Sa talaan ng materyales ang kabuuang halaga ay Php 45.00. Kung ipagbibili moito, dapat mong isaalang-alang ang halaga sa paggawa o “labor cost”. Sakasalukuyang umiiral na bayad sa paggawa ang singil ay 35% ng halaga ngmateryales. Pag-aralan ang pormula at komputasyong ito: Labor cost – halaga ng materyales x 35% - P 45.00 X .35= Labor cost - P 15.75 Ang puhunan mo sa “tester” ay halaga ng materyales at halaga ng labor P45.00+ 15.75= P 60.75 Kung ipagbibili mo ng P 60.75 ang proyekto, wala kang tubo. Para magkaroon ng tubo, maaari mong dagdagan ang iyong puhunan ng 15% hanggang 20% (15-20 percent). Ito ay tinatawag nating “ mark-up price” Para makuha ang halaga ng pagbibili, gamitin ang pormulang ito. Puhunan + (Puhunan x mark-up price) = halaga ng pagbibili Investment + (Investment x mark up price) = cost of item to be sold = 60.75 + (60.75 x 20%) mark-up price (Php 12.15) = 60.75 + (60.75 x .20) = 60.75 + 12.15___________ halaga ng pagbibili Php 72.90 . 3

SUBUKIN MO Gawin ang talaan ng materyales o “ Bill of materials” ng proyektong ito.Kuwentahin ang halaga ng paggawa at ang tutubuin batay sa halimbawa. TANDAAN MO Sa sistematikong pagtutuos ng ginastos sa proyekto, makukuwenta mo angkikitain kung ipagbibili ang natapos mong proyekto. 4

ISAPUSO MO Natuos mo nang maayos ang ginasta sa iyong proyekto? Dahil dito, nadagdaganka na ng makatarungang halaga para tumubo nang naaayon sa tamang pamantayan atkalakaran. - Anong magandang asal ang ipinakita at ginawa mo? - Ipagpapatuloy mo ba ang gawaing ganito? Bakit? GAWIN MOPunan o kumpletuhin ang mga impormasyon sa “table” na ito.Yunit Kantidad Dekripsyon Halaga ng isa Kabuuang halaga 2 Piraso Tabla 1” x12” x1” Php 1 bd/ft 2 Kilo Pako 2 inches Php 30.00 Php 60.00 10 Metro Flat cord #16 Php ____/metro Php ______ 2 Bombilya 50 watts Php 26.00 Php 80.00 2 Bisagra 2”x 4” Php 15.00 Php ______ Php ______ Kabuuang halaga Php __________ 5

PAGTATAYAA. Sa nagawa mong proyekto, sukatin ang antas ng pagtutuos ng ginasta at kikitain sa gawain sa paggamit ng nasa ilalim na tseklist. Lagyan ng tsek (√ ) ang Hanay ng bilang ayon sa batayan. Kriterya Antas ng kahusayan 54 3 2 11. Naisagawa ba nang ayos ang talaan ng materyales (Bill of materials)?2. Naitala ba ang kabuuang halaga?3. Nakuwenta ba ang magiging kita kung ipagbibili ang proyekto?4. Makatwiran ba ang halaga ng “mark-up price”?5. Sa kabuuan, natuos ba ang ginasta at kikitain kung ipagbibili ang proyekto?Legend: 5 ang pinakamataas at 1 ang pinakamababa.B. Sagutin ang mga sumusunod. Isulat ang tamang sagot.1. Sa mga ginawa mong proyekto, alin dito ang dapat na mataas ang presyo?A. Mataas ang halaga ng materyales na ginamitB. Mura at maayosC. Simple lang ang yari.D. Maganda, mura, maayos at kapaki-pakinabang. 6

2. Saan mo ibabatay ang iyong bibilhin kung ikaw ay bibili ng isang nabuong proyekto? A. Sa murang halaga ngunit maganda ang yari. B. Sa murang halaga ngunit hindi maganda ang yari. C. Sa mahal ang halaga ngunit pangit ang yari. D. Sa maganda at mahal ang halaga.3. Napagkaisahan ng magkaibigang Jose at Jun na ipagbili ang ginawa nilang proyekto. Ano ang dapat nilang pagbatayan sa pagtatakda ng halaga ng mga ito? A. Uri ng ginamit B. Gaano katagal ginawa C. Halaga ng materyales D. Labor cost at halaga ng materyales.4. Magkano mo ipagbibili ang proyektong ginawa na may kabuuang halaga na P 100.00 kung ang “mark–up price” ay dalawampung porsiyento. A. Php 110.00 B. Php 120.00 C. Php 130.00 D. Php 122.005. Sa talaan ng materyales, nakalagay ang 3 piraso ng bisagra na 2”x 4”. Magkano ang isang piraso kung ang kabuuang halaga ay P 45.00? A. Php 10.00 B. Php 15.00 C. Php 20.00 D. Php 5.00 Kung nasagutan mo nang buong husay ang bahaging pagtataya ng modyul, binabati kita! Maaari mo nang pag- aralan ang susunod na modyul. 7

  GRADE VI PAGKUKUMPUNI NG MGA SIRANG BAHAGI NG BAHAY ALAMIN MO Kung tumutulo ang inyong bubong na yero, kung hindi maisara ang pintuan ng mga panara, kung tumutulo ang inyong gripo kahit sarado ang pihitan, ano ang gagawin mo? Tatawag ka na lang ba ng magkukumpuni upang siyang gumawa ng mga nabanggit na sira? Sa edad mo, sa kakayahan mo at sa determinasyon mong matuto, kaya mong matukoy, at magawa ang mga simpleng sira sa inyong tahanan. 1

PAGBALIK-ARALAN MO Ano-ano ang mga bahagi ng bahay? Alam mo ba ang tawag sa bawat bahagi? Ilista sa isang papel ang mga bahagi sa inyong tahanan na may sira o dapat kumpunihin. Ano ang “fixture” sa tahanan? Bakit ang mga “fluorescent lamps” at mga materyales na pantubero (plumbing fixtures) ay tinatawag na fixtures? PAG-ARALAN MO Maraming nasisirang bahagi ng bahay at mga “fixture” ang dapat kumpunihin. Pag-aralan ang mga ito maging ang mga paraan ng pagkukumpuni at mga kasangkapang kakailanganin. Alamin mo ang ilang nakalistang sira sa kabilang pahina na maaari mong pagbatayan sa iba pang maaaring kumpunihin sa inyong bahay.Sira Kadahilanan Paraan Materyales Kasangkapan Panuntunang Crow bar, pangkalusug1.Tumutulong Butas/kinaka- Palitan ang Yero, vulca martilyo an bubong lawang na bahagi ng seal Mag-ingat sa yero sirang Disturnilyador pag-akyat sa bubong o , paet, mallet bubong ng lagyan ng bahay. vulca-seal Tiyaking matibay ang2. Mahirap Lumuwag na Higpitan Bisagra hagdangibukas at isara bisagra ng ang mga screw gagamitin.ang pintuan ng pintuan ng screw ilipat Ilagay sakabinet, pinto mga panara o palitan tamang lugarat iba pang ang bisagra ang mgapanara. matutulis at may talim na kasangkapan 2

3. Kulang na Nabasag o Sukatin ang Jalousy blade Plier, glaze upangjalousy blade bumitiw sa bibilhing Fuse cutter, metro. maiwasanng bintana aluminun clip blade at breaker ang sakuna. na blade ikabit ng Insuladong Hawakang1.Nawala ang maayos sa sapatilya plais mabutidaloy ng Sirang fuse aluminum Tubig na (insulated jalousy bladekoryente sa Nag-trip-off clip pambuhos plier) upang hindibahay ang breaker ito mahulog Alamin Liyabe at mabasag.2. Tumutulo Sira ang kung aling Katala Ang basag naang gripo kahit sapatilya fuse ang sira Disturnilyador jalousy aynakasara ang at palitan ito nakakasugatpihitan Hindi bumaba ng ganoon Pambomba Gumamit ng ang tubig at ding “amper Closet auger angkop na3. Baradong dumi rating” kasangkapaninodoro Tingnan at kagamitan kung may sa pagpalit depekto ang ng sirang sirkito at fuse o buksan muli breaker. ang circuit Humiling ng breaker tulong sa - patingnan marunong sa gumawa marunong kung hindi gumawa mo pa kaya. kung hindi mo pa kaya. Siguraduhing Kalagin ang sarado ang packing nut, “gate bulb” alisin ang upang hindi turnilyo ng mabasaat nozzle, maiwasan alisin ang ang pagtapon sepatilya at ng tubig. palitan ng bago Gumamit ng Bombahin “face mask” ng at gwantes pambomba 3

at buhusan habang ng tubig, inaalis ang kung hindi bara ng pa inodoro. matanggal, Hugasang gumamit ng mabuti ang closet auger mga kamay at paikutin at gumamit ang ng hawakan “disinfectant nito. tulad ng alcohol.4. Patay-buhay Maitim ang i-off muna Siguraduna dulong bahagi ang switch hing may“ fluorescent ng kumuha ng katulong o “fluorescent matatag na hahawak sa na ilaw” bulb” tuntungan, tuntungan. hawakan Gumamit ng nang sabay Flourescent Tuntungan tuyong ang bulb mesa o basahan kung magkabilan hagdan hihipuin ang g dulo, bombilya. paikutin ito nang papunta sa iyo hanggang sa maalis. Palitan ito ng kaparehong “ fluorescent” 4

Pagkukumpuni ng tumutulong bubongPagkukumpuni ng lumuwag na bisagra ng pintuan 5

Pagkukumpuni ng nabasag o bumitiw sa aluminun clip na blade Pagkukumpuni ng Sirang fuse nag-trip-off ang breaker Pagkukumpuni ng sirang gripo 6

Pagkukumpuni ng baradong inodoro Pagkukumpuni ng patay buhay ng “ fluorescent na ilaw” Ilan lamang ang mga halimbawang napag-aralan mo na maaari mong kumpunihin sainyong bahay. Sa pagkukumpuni, laging tukuyin ang sira, kadahilanan, materyales atkasangkapang gagamitin at ang paraan sa paggawa. Dapat ay nakaplano rin angpagkukumpuni upang makatipid ka sa oras, lakas, at salaping gugugulin. Pagkatapos mong maisagawa ang pagkukumpuni sa inyong tahanan, kailangangmapahalagahan mo ang iyong ginawa upang sa susunod, lalo mo pang mapagbuti angiyong pagkukumpuni. Narito ang ilang batayang magagamit mo. 7

1. Nasunod mo ba ang wastong hakbang sa pagkukumpuni ng mga sirang kagamitan at bahagi ng bahay? 2. Nagamit mo ba ang tamang kagamitan at kasangkapan? 3. Gumamit ka ba ng wastong paraan sa pagkukumpuni? 4. Natapos mo ba sa takdang panahon ang pagkukumpuni? 5. Nagamit mo ba ang pangkaligtasang gawi sa pagkukumpuni? SUBUKIN MO1. Kumpletuhin ang talahanayang na ito.Mga sira sa Kadahilanan Paraan Materyales Kasangkapan tahanan1. Sirang aleroalulud (gutter).2. Hindigumaganangdown spout ngalero.3. Baradonglagusan ngtubig sa sahigng banyo (floordrain)4. Baradonglababo5. SirangkordonIguhit mo sa iyong kuwaderno ang bahagi ng bahay na dapat kumpunihin. 8

TANDAAN MO Sa inyong bahay maraming bahagi at fixtures ang maaari mong kumpunihin.Kailangan mo lamang matukoy ang mga ito, malaman ang kadahilanan, angpamamaraan sa paggawa, at maihanda ang mga materyales at kasangkapan. ISAPUSO MO1. Bakit kailangang ikaw na ang magkukumpuni ng mga sirang bahagi ng tahanan? Anong magandang ugali ang ipinakita mo rito?2. Bakit kailangang alam mo ang kahalagahan ng mga panimulang pamamaraan sa pagkukumpuni?3. Ang kahandaan ng mga materyales at kasangkapan bago magkumpuni ay makatutulong sa iyo. Bakit? (Isulat sa kuwaderno ang iyong mga kasagutan.) GAWIN MOSagutin ang mga tanong at isulat ang sagot sa kuwadernong sagutan. Ano ang mga materyales at kasangkapan na gagamitin sa mga sumusunod na mgaGawain?1. Pagpapalit ng sirang materyal sa fuse box _______________2. Mahirap ibukas at isara ang mga panarang kabinet, pinto. _______________3. Tumutulong bubungan ng bahay _______________4. Baradong inodoro _______________5. Pagkukumpuni ng sirang paa ng silya _______________ 9

PAGTATAYAA. Sa inyong bahay, humanap ng mga bahagi o fixtures na maaari mong kumpunihin. Iplano mo ito ayon sa mga hakbang sa pagkukumpuni na nabasa mo sa modyul na ito.B. Ayon sa mga nabasa mo sa modyul na ito, magbigay ng mga kapakinabangan ng kaalaman sa pagkukumpuni ng sirang bahagi at fixture ng inyong bahay.C. Piliin ang wastong sagot sa loob ng panaklong. Isulat lamang ang titik ng tamang sagot sa kuwaderno. 1. Tumutulo ang gripo ni Juan kahit nakasarado ang pihitan. Ano kaya ang dahilan nito? A. Butas ang tubo B. Hindi gaanong nakasarado C. Butas ang elbow D. Sira ang sapatilya 2. Sumasayad ang ilalim na bahagi ng sahig ng iyong pintuan. Ano kaya ang dahilan nito? A. May nakalagay na laruan B. May napalagay na basahan C. Lumaki ang ilalim na bahagi ng pinto D. Maaaring lumuwag ang bisagra nito. 3. Magpapalit ka ng nasirang fuse sa fusebox. Ano ang unang hakbang na gagawin mo? A. Alisin ang fuse sa fuse box B. Palitan ang fuse C. Tanggalin ang fuse sa pamamagitan ng kamay D. Ibaba ang liyabe o isara muna ang main switch o fuse box 10

4. Barado ang inodoro ninyo sa bahay. Ginamit mo na ang pambomba o plumbers friend pero hindi pa rin maalis ang bara. Ano pa ang angkop na paraan upang maayos mo ang inodoro? A. Buhusan pa ng tubig B. Bombahin pang muli C. Gamitin ang kamay sa pagtatanggal D. Gumamit ng closet auger5. Paano malalaman kung ang flourescent bulb ay malapit nang mapundi o masira? A. Lumalabo ang liwanag B. Umiitim na ang dulong bahagi C. Lumiliwanag nang matindi D. Naninilaw ang liwanag Kung nasagutan mo nang buong husay ang bahaging pagtataya ng modyul, binabati kita! Maaari mo nang pag- aralan ang susunod na modyul. 11

  GRADE VI PAGTATATAG NG TINDAHANG KOOPERATIBA ALAMIN MO Kaya mo bang gawin ang ginagawa ng mga bata sa larawan? Bakit kaya sila naglalako ng mga kakanin? Sa modyul na ito, matututuhan mo ang mga salik na dapat isaalang-alang sa pagtatatag ng isang tindahang kooperatiba. Game ka na ba? 1

PAG-ARALAN MO Isa sa mga kapaki-pakinabang na pamamaraan upang kumita ng dagdag na pera ang mag-anak ay ang pagsapi sa tindahang kooperatiba. Ang kooperatiba ay isang samahan kung saan ang mga miyembro nit angnagmamay-ari ng itinayong tindahan. Ang lahat ng kasapi ay tulong tulong sapamamahala at ang kikitain ay hinahati ayon sa ginawa nilang paglilingkod. Sa pagtatatag ng tindahang kooperatiba, kinakailangang maunawaan mo ang ilangtuntunin at pamamaraan upang maging matagumpay at maunlad ang pamamahala. 1. Ang pagsapi sa kooperatiba ay hindi sapilitan, kusang loob at hayagan. 2. Ang bawat miyembro ay may karapatan sa isang boto lamang. Hindi pinahihintulutan ang kinatawan o proxy. 3. Ang tubo ng puhunan ay hindi dapat lumaki sa umiiral na pagpapatubo sa lugar at kinakailangang alinsunod sa batas. 4. Ang kooperatiba ay pangangasiwaan ng lupon ng mga direktor na iboboto ng mga miyembro sa demokratikong pamamaraan. 5. Ang mga kasapi na tumangkilik sa kooperatiba ay tatanggap ng halagang katumbas sa kanyang ibinigay at pagtangkilik sa tindahan. Ang tawag dito ay patronage refund at dibidendo. Ang tagumpay ng isang tindahang kooperatiba ay nakasalalay sa maramingbagay. May mga salik na dapat isaalang-alang sa pagtatatag nito.Lugar Ang lugar na pagtatayuan ng tindahan ay dapat na nasa mataong lugar. Kung matao ang lugar, makaaasa ng pagtangkilik sa itatayong kooperatiba. 2

Puhunan Ang puhunan ay ang halagang nalikom mula sa mga kasapi. Ang kooperatiba ay nangangailangan ng sapat na puhunan para matugunan ang mga pangangailangan ng mga kasapi.Kasapi Kailangan ang mga kasaping matapat, matulungin, at masunurin sa lahat ng napagkasunduan.Mamimili Ang mga mamimili ay maaaring kasapi o di-kasapi ng kooperatiba.Pamamaraan ng Pagtitinda at Pamimili May iba’t ibang paraan ng pagtitinda at pamimili. May tingian kung saan ang pagtitinda ay kakaunting bilang, mayroon din namang maramihan o pakyawan.SUBUKIN MOA. Basahing mabuti ang kalagayan at isulat ang sagot sa iyong kuwaderno. 1. Nagbabalak ka na magtayo ng sanayang tindahang kooperatiba sa inyong silid-aralan. Ano-anong mga salik ang dapat mong isaalang- alang sa pagtatatag nito? Ipaliwanag ang bawat isa sa sariling pangungusap.B. Hanapin sa Hanay B ang kasingkahulugan ng mga salitang nasa Hanay A. Isulat lamang ang titik ng wastong sagot sa iyong kuwadernong sagutan.Hanay A Hanay B1. pakyawan a. kapital2. paglilingkod b. miyembro3. kasapi c. maramihan4. tingian d. iilang bilang5. puhunan f. pagtitinda 3

TANDAAN MO Mahalaga ang tindahang kooperatiba sapagkat ito ay nakatutulong sa mga kasapina may kakaunting kita. Malaki ang maitutulong nito sa pamayanang nangangailangan kung ang bawatmiyembro ay marunong sa wastong pangangasiwa ng tindahang kooperatiba. ISAPUSO MO Anong katangian ang dapat taglayin ng isang miyembro o kasapi ng tindahang kooperatiba?Piliin mo sa mga sumusunod ang sagot at isulat sa kuwadernong sagutan. - Pagiging masipag at matulungin - Pagiging mayaman at maganda - Pagiging magalang at mabait GAWIN MO Basahing mabuti ang bawat sitwasyon at sagutin ang mga katanungan. Isulat nang patalata ang iyong kasagutan sa kuwaderno. 1. Sina Jake at Liza ay mag-aaral sa ikaanim na baitang. Dahil sa kahirapan ng buhay madalas pumasok ang magkapatid nang walang baon. Minsan tuloy hindi na sila pumapasok sa klase. Sa iyong palagay, anong paraan ang mabuting gawin ng mga magulang nina Jake at Liza? 4

2. Pag may sapat ka nang gulang, sasapi ka ba sa pagtatatag ng tindahang kooperatiba? Bakit?A. PAGTATAYA Hanapin sa loob ng kahon ang salitang angkop sa bawat bilang. Isulat angsagot sa kuwadernong sagutan.1. Ang mga _____ang bubuo ng tindahang kooperatiba.2. Ang ______na pagtatayuan ay mahalaga.3. Ang tindahang kooperatiba ay nangangailangan ng sapat na _________upang matugunan ang pangangailangan ng mga kasapi.4. Ang _____ ay isang samahang sinasapian ng mga taong nagmamay-ari at nakikinabang sa mga benepisyong dulot nito.5. Ang kooperatiba ang pinamamahalaan ng lupon ng mga______lugar kasapikooperatiba dibedendodirektor puhunanKung nasagutan mo nang buong husay ang bahagingpagtataya ng modyul, binabati kita! Maaari mo nang pag-aralan ang susunod na modyul. 5

  GRADE VI MGA TUNGKULIN, KARAPATAN, AT PANANAGUTAN NG BAWAT KASAPI NG TINDAHANG KOOPERATIBA ALAMIN MO Suriin mo ang larawan. Ano ang ipinahihiwatig nito? Tama ka! Sila ay sama-sama para ipakita ang kanilang pagkakaisa. Aktibo, magaling, matulungin at handing maglingkod at tumanggap ng tungkulin at pananagutan para sa kooperatiba. Ano pa ang hinihintay mo? Tara na, abot-kamay mo ang tagumpay. Sa modyul na ito, malalaman mo ang mga tungkulin, karapatan at pananagutan ng bawat kasapi ng tindahang kooperatiba. 1

PAGBALIK-ARALAN MO Hanapin sa loob ng crossword puzzle ang mga salitang may kaugnayan sa TINDAHANG KOOPERATIBA. Maaari itong nakasulat nang pahalang, pababa o palihis. Isulat ito sa iyong kuwaderno. D K O O P E R A T I B AE I B A T C P U H U N A NA R S I S D K C B B D O AN E OWA A B O X O Y Z FO K N X LWP Y C X Z Y ZC T K C A T D I O W T X OW O T M P U T I N D A H AN R A D I B I D E N D O TC PAG-ARALAN MO Basahin ang lathalain. Ang tagumpay ng isang kooperatiba ay nakasalalay sa pagsasagawa ng mgatungkulin, karapatan at pananagutan ng bawat isa. Ang pakikiisa at pakikipagtulunganng bawat isa ay mahalaga. Dapat malaman ng isang kasapi ng kooperatiba ang kanyangmga tungkulin at karapatan. Tungkulin ng mga Kasapi 1. Pangangalaga sa mga panindang kailangan ng mamimili. 2. Pag-aayos ng mga paninda sa kanya-kanyang lalagyan. 3. Pagpapanatiling malinis ang tindahan at kapaligiran. 4. Pagtulong sa pagpepresyo, pagtatatak at pagtatanghal ng mga paninda. 5. Pagtitinda, pamimili at pag-iimbentaryo ng mga paninda. 6. Paglilingkod sa lahat ng mamimili. 7. Pagiging tapat sa mamimili. 8. Pagtangkilik sa mga produkto at serbisyo ng tindahang kooperatiba. 2

Karapatan ng mga Kasapi 1. Pagpili at pagboto sa pinakamagaling na kasapi na bubuo ng lupon ng mga direktor. 2. Pagdalo sa mga pagpupulong ng koopertiba upang malaman ang katayuan ng samahan, makapagbigay ng puna o mungkahi para sa ikauunlad ng samahan. 3. Pag-alam sa mga posibilidad at mga limitasyon ng samahan. 4. Pagsangguni sa lupon ng mga direktor kung may alinlangan o suliranin. 5. Pakikilahok sa pamamalakad ng kooperatiba. 6. Pagtanggap ng dibidendo. Tungkulin ng Tagapamahala ng Kooperatiba (Chairman of the Board) 1. Pagkakaroon ng sapat na kaalaman sa pamamalakad ng negosyo. 2. Pagpapatupad at pagsasakatuparan ng mga patakarang inihanda ng iba’t ibang lupon. 3. Pagpapasiya tungkol sa mahahalagang desisyon na may kinalaman sa pamamalakad ng kooperatiba. 4. Pagpapatawag ng pulong kung kinakailangan. Mga Tungkulin ng Lupon ng mga Direktor 1. Pangangalaga sa kooperatiba ng mga kasapi. 2. Pagiging matapat sa pagganap ng tungkulin at pananagutan. 3. Pagsasakatuparan ng mga patakaran ng koopertiba. 4. Pagpili ng mga tao o pangkat na magpapatakbo ng kooperatiba. 5. Pagdalo sa mga pagpupulong ng kooperatiba. 6. Paggawa ng mahahalaga at kailangang aksyon para sa kaunlaran ng mga kasapi at ng kooperatiba. SUBUKIN MOA. Tukuyin kung kaninong tungkulin o karapatan ang mga sumusunod. Isulat sa iyong kuwaderno kung ito ay para sa Kasapi, Lupon ng mga Direktor, o Pangkalahatang Tagapamahala. 1. Pinangangalagaan nila ang mga panindang kailangan ng mamimili. 3

2. Pumipili ng pinakamagaling na kasapi na bubuo ng lupon ng mga direktor. 3. Nagpapatupad ng mga batas ng koopertiba. 4. Namumuno sa pagpupulong ng kooperatiba. 5. Nag-aayos ng mga paninda sa kanya-kanyang lalagyan o lugar. B. Sumulat ng isang sanaysay sa iyong kuwaderno na may pamagat na: “Bawat Kasapi Mahalaga sa Tagumpay ng Kooperatiba” TANDAAN MO Mahalagang malaman ng bawat kasapi, direktor at tagapamahala ang kanyang mgatungkulin, karapatan at pananagutan sapagkat sa kanila nakasalalay ang paglaki, pag-unlad at tagumpay ng isang tindahang kooperatiba. ISAPUSO MO Isulat ang tamang sagot sa iyong kuwaderno. Si G. Perez. ay napiling tagapamahala ng bagong tatag na kooperatiba sa paaralan.Ano-anong katangian mayroon kaya siya? a. May mataas na antas ng moralidad at integridad. b. May kaalaman at kasanayan sa pamamahala at pamamalakad. c. May matibay na paniniwala at karanasan sa kooperatiba. d. Lahat ng nabanggit. 4

GAWIN MO Isulat ang Tama kung ang diwa ng pangungusap ay tama at Mali kung hindi. KungMali ang sagot iwasto ang pangungusap. Isulat ang sagot sa iyong kuwadernong sagutan. 1. Ang kasapi ay mananatiling tapat sa samahan. 2. Ang namamahala ay may sapat na kaalaman. 3. Nakasalalay sa tagapamahala ang ikauunlad at ikababagsak ng isang tindahang kooperatiba. 4. Ang susi ng tagumpay ng isang kooperatiba ay hawak ng direktor. 5. Lahat ng kasapi ng kooperatiba ay may kani-kanyang tungkuling dapat gampanan PAGTATAYA Isulat ang T kung ito ay tungkulin at K kung ito naman ay karapatan. Isulat angiyong sagot sa kuwaderno. 1. Maging tapat sa pamimili 2. Makatanggap ng dibidendo 3. Pagdalo sa mga pagpupulong ng kooperatiba upang malaman ang katayuan ng samahan. 4. Magtinda at mamili ng paninda. 5. Paghahalal ng mga opisyal ng kooperatiba 6. Tumulong sa pagpepresyo ng mga paninda. 7. Pagsangguni sa lupon ng mga direkto kung may suliranin. 8. Pag-iimbentaryo ng mga paninda. 9. Pakikilahok sa pamamalakad ng kooperatiba. 10. Alamin ang mga limitasyon ng samahan. Kung nasagutan mo nang buong husay ang bahaging pagtataya ng modyul, binabati kita! Maaari mo nang pag- aralan ang susunod na modyul. 5

  GRADE VI PAGKAKAIBA NG TINGIANG TINDAHAN AT TINDAHANG KOOPERATIBA ALAMIN MO Tingiang Tindahan 1

Tindahang Kooperatiba MABUHAY Kung ikaw ang bibigyan ng pagkakataon na makapamili ng iyong kagamitansa paaralan, saan mo gustong mamili, sa tingiang tindahan o sa tindahangkooperatiba? Bakit? Sa modyul na ito, malalaman mo ang pagkakaiba ng tingiang tindahan attindahang kooperatiba. PAGBALIK-ARALAN MO Iguhit mo ang masayang mukha kung ang pangungusap ay Tama, atmalungkot na mukha kung ang pangugusap ay Mali.Isulat ang iyong sagot sa kuwaderno. 1. Ang tindahang kooperatiba ay nakapagbibigay ng dibidendo sa bawat kasapi. 2. Ang sari-sari store, grocery at supermarket ay halimbawa ng mga tindahang permanente. 3. Ang mga kasapi ng kooperatiba ay hindi na kailangang dumalo sa pagpupulong nito. 4. Nagkakani-kanya ang mga kasapi ng kooperatiba. 5. Malaki ang maitutulong ng tindahang kooperatiba sa mag-anak. 2

PAG-ARALAN MO Suriin mo ang talahanayan at alamin ang pagkakaiba ng tingiang tindahan attindahang kooperatiba. Tingiang Tindahan Tindahang Kooperatiba1. Kadalasan, isa lamang ang 1. Maraming tao ang nagmamay-ari. nangangasiwa.2. Galing sa isang tao ang 2. Nanggagaling ang puhunan sa puhunan mga miyembro.3. Maliit lang ang puhunang 3. Nangangailangan ng malaking kailangan. puhunan.4. Ang tubo ay napupunta sa 4. Ang bawat kasapi ay may iisang tao. karapatang tumanggap ng5. Pinangangasiwaan ng ilang tao dibidendo. 5. Ang pamamahala at disisiyon ay lamang pinagkakaisahan ng mga kasapi.6. Unti-unti ang pagbili ng 6. Maramihan ang pamimili. 7. Nakasalalay ang tagumpay sa paninda. pagsasagawa ng mga tungkulin7. Ang paghina o paglakas ng at karapatan ng bawat kasapi. benta ay nakasalalay sa magandang relasyon ng nagtitinda at ng namimili Nauunawaan mo ba ang pagkakaiba ng tingiang tindahan at tindahangkooperatiba? Magaling! 3

SUBUKIN MO Subukan natin kung kaya mong gawin nang wasto ang sumusunod na pagsasanay.Isulat ang iyong sagot sa kuwaderno. 1. Kung ikaw ay magtatatag ng isang tindahan, anong uri ng tindahan ang nais mo? Tingiang Tindahan ba o Tindahang Kooperatiba? Bakit? 2. Ipakita ang pagkakaiba ng tingiang tindahan at tindahang kooperatiba sa pamamagitan ng pagguhit nito sa iyong kuwaderno. Kung walang pangkulay, gumamit ng katas ng dahon at bulaklak. TANDAAN MO Ang tingiang tindahan ay maliitan ang pamimili at pagbibili ng mga paninda. Ang tindahang kooperatiba ay nakasalalay ang tagumpay sa pagsasagawa ng mgatungkulin at karapatan ng bawat kasapi. ISAPUSO MO Ibigay ang magandang kaugalian na ipinapakita ng tauhan sa bawat pangungusap. Isulat ang sagot sa iyong kuwaderno.1. Napanatili ni Zeny na maayos at malinis ang tindahan at kapaligiran nito.2. Si Mang Nicanor ay gumagamit ng mga kagamitang tama ang timbang katulad ng timbangan at mga sukatan.3. Si G. Ledesma ay mabilis at maayos gumawa ng mga pasiya para sa ikabubuti ng nakararami.4. Marunong siyang makiisa at iginagalang niya ang karapatan at tungkulin ng bawat kasapi. 4

GAWIN MO Punan ang patlang ng wastong sagot. Pumili sa mga salita na matatagpuan saloob ng kahon. Isulat ang iyong sagot sa iyong kuwaderno. 5. Sa tingian tindahan ang ___________ ay galing sa isang tao. 6. Ang __________ ay pinaghati-hati sa mga kasapi bilang dibidendo. 7. Ang pamimili at pagbibili ng mga paninda nang maliitan ay tinatawag na ________________. 8. Sa tindahang kooperatiba, ang pamamahala at desisyon ay pinagkakaisahan ng mga________________ 9. Ang tingiang tindahan ay hindi katulad ng tindahang kooperatiba sapagkat ______________ ang nangangasiwa ng kooperatiba. kasapi puhunan marami kooperatiba tubo tingiang tingiang pangangalakal PAGTATAYA Isulat ang TT kung ito’y naglalarawan ng tingiang tindahan at TK naman kungtindahang kooperatiba. Isulat ang sagot sa iyong kuwadernong sagutan._____ 1. Isa lamang ang nagmamay-ari ng tindahang ito._____ 2. Ang bawat kasapi ng tindahang ito ay may karapatang tumanggap ng dibidendo._____ 3. Maliit lang ang puhunang kailangan para makapagsimula. 5

_____ 4. Nanggagaling ang puhunan sa mga miyembro._____ 5. Binubuo ng iba’t ibang lupon._____ 6. Pamimili ng kakaunting bilang ng mga paninda para sa tindahang ito._____ 7. Ang tindahang ito ay naglalayong makapagbigay at makapagbili ng mataas na uri ng paninda sa mababang halaga sa kanyang mga kasapi._____ 8. Nagdaraos ng pagpupulong upang malaman ang katayuan nito._____ 9. Ang pamamahala at desisyon ay galing sa may-ari.____ 10. Ang mga uri nito ay permanente at semi-permanente tulad ng lumilibot na tindahan. Kung nasagutan mo nang buong husay ang bahaging pagtataya ng modyul, binabati kita! Maaari mo nang pag- aralan ang susunod na modyul. 6

  GRADE VI MGA SALIK SA MATALINONG PAMIMILI ALAMIN MO Naranasan mo na bang mamili? Nasiyahan ka ba sa serbisyong ibinigay ng tindera at sa mga napili mo? Bakit? Sa modyul na ito, matututuhan mo ang mga salik sa matalinong pamimili. 1

PAGBALIK-ARALAN MO Ayusin mo ang mga titik upang makabuo ng salita na may kaugnayan sa tingiangtindahan at tindahang kooperatiba. Isulat ang iyong sagot sa kuwaderno.1. a k t i - _________2. u b t o - _________3. d e r r k t i - _________4. a l a h a g - _________5. a s a p k i - _________6. n a h a n u p u - __________7. n a d a h i n a - __________8. n g i t a i n - __________9. b i d i e n o d - __________10. a b i t a r e p o k o - __________ PAG-ARALAN MO Narito ang mga salik na dapat isaalang-alang sa pamimili at pagbibili ng mgapaninda sa kooperatiba. Basahin mo at unawaing mabuti. 1. Ang pamimili ng mga paninda ay ibinabatay sa mga pangangailangan ng mga kasapi. 2. Kailangang malaman muna ang pamumuhay ng mag-anak sa pamayanan, ang dami ng mag-anak na naninirahan dito, ang kanilang pinagkukunan at mga kaugalian sa pamimili. 3. Maging anuman ang uri ng tindahang kooperatiba, mahalaga na ang paninda ay may mataas na uri at mababa ang halaga. 2


Like this book? You can publish your book online for free in a few minutes!
Create your own flipbook