Alamin kung naunawaan ang iyong napag-aralan. Sagutin ang mgasumusunod na tanong at isulat ang sagot sa kuwadernong sagutan: 1. Ano-ano ang pamamaraan ng pangangalaga ng pananim? 2. Bakit mahalagang pangalagaan ang mga pananim? 3. Ano-anong panuntunang pangkalusugan at pangkaligtasan ang dapat isaisip sa paggamit ng insecticide at iba pang pamatay-insekto?SUBUKIN MO Pagtambalin ang mga parirala o pangungusap sa Hanay A at sa Hanay B. Saiyong sagutang papael, isulat ang titik ng pangungusap para sa inyong sagot. A B1. Pagpuksa ng mga peste A. Madaling lunas, ngunit ito ay dapat at kulisap gampanan ng isang taong may sapat na kaalaman sa mabuti at masamang2. Paglalagay ng pataba o epekto nito. abono sa lupa B. Ito ay makatutulong upang3. Pagdidilig ng mga magtaglay ng sustansiya ang lupa. pananim C. Ginagawa ito sa umaga o hapon at4. Pagbubungkal ng lupa ang paggawa nito kung matindi ang sikat ng araw ay makakasama sa mga5. Pag-aalis ng damo halaman. D. Ginagawa ito upang hindi agawin ang sustansiya sa lupa. E. Makatutulong ito upang makahinga ang ugat sa ilalim ng lupa F. Gumamit ng sabon at maghugas ng kamay pagkatapos gumawa. 6
TANDAAN MO Ang mga halamang tanim ay magiging malusog at higit na kapakipakinabangkung aalagaan sa wastong pamamaraan. ISAPUSO MO Ang wastong pamamaraan sa pag-aalaga ng mga pananim ay nagpapakita ngisang mahalagang katangian o kaugalian. Ano ito? Isaisip at isapuso ang iyong sagot. GAWIN MOA. Kung may halaman sa inyong paaralan o pamayanan, dalawin ito. Subukang ipakita ang mga sumusunod: a. pagdidilig b. pagbubungkal ng lupa c. pag-aalis ng mga ligaw na damo d. paglalagay ng patabaB. Gumawa ng pakikipanayam, sa isang magsasaka o sa iyong guro tungkol sa pagpuksa ng mga sakit at peste sa halaman. 7
PAGTATAYA A. Sa iyong kuwadernong sagutan sipiin ang cluster map na ito at isulat ang: 1. 2. 3. Wastong Pangangalaga ng Halaman5. 4. 8
B. Ang sumusunod na pangungusap ay tungkol sa pagpuksa ng mga peste at kulisap sa mga halaman. Sipiin sa sagutang papel ang anim na pangungusap na nagsasaad ng tuntuning pangkalusugan at pangkaligtasan: - Lagyan ng takip ang ilong at bibig, habang nagbobomba ng mga pamatay kulisap at peste. - Maghugas ng kamay bago gumawa sa halamanan. - Iwasan ang paggamit ng mga kasangkapang sira. - Sumangguni sa guro o kinauukulan tungkol sa mga gagamiting gamot na pamuksa. - Ihalo ang insecticide sa tubig bago ibomba. - Ibomba nang tuwiran sa mga dahon ng halaman ang anyong gas na insecticide. - Ang insecticide ay nagbibigay ng mura at madaling lunas. - Maglagay ng bakod sa mapaminsalang mga hayop. - Gumamit ng angkop na kasangkapan. - Maglaan ng maayos na lalagyan o taguan para sa mga gamot na pamuksa.- Kung nasagutan mo nang buong husay ang bahaging pagtataya ng modyul, binabati kita! Maaari mo nang pag- aralan ang susunod na modyul. 9
GRADE VI PAGLALAGAY NG ABONO SA PUNO/BUNGANG KAHOY ALAMIN MO Pagmasdan mo ang larawan. Ano ang masasabi mo? Bakit malago ang kanilang mga dahon at mabunga ang puno? Kailangan din ba ng halaman ang sustansiya? Paano sila nagkakaroon nito? Sa modyul na ito, matutuhan mo ang wastong paraan ng paglalagay ng abono. 1
PAGBALIK-ARALAN MO Magbugtungan tayo. Basahin ang bugtong at isulat sa kahon ang bawat titik ngsagot. Gawin ito sa kuwadernong sagutan. 1. Pamatay-kulisap ako sa puno Siling labuyo at sabong nakababad sa tubig maaring gamitin kinabukasan idilig sa bahaging may aphids. Ano ako? 2. Dahon ko’y umaalsa namamaga at naglalagas Putulin ang bahaging kinapitan at ibaon din sa lupa Anong sakit ng puno ako? 3. Ako’y sakit ng puno Malapot na dagta ang Dala-dala ko Bahaging napinsala Pinuputol at sinusunog Ano ako? 4. Sangkap ng pamatay-kulisap Pinaghalong sabon at tubig Hinahalong mabuti at pinakukuluan Ibomba o idilig sa bahaging napinsala Ano ako? Nakuha mo ang tamang sagot? Magaling! Maari ka nang dumako sa susunod nagawain. 2
PAG-ARALAN MO Basahin ang sitwasyon. Alamin ang araling ipinakitang turo ng isangpinakamahusay sa guro sa Recto Elementary School. Ang Recto Elementary School ay nagkaroon ng “Skills Festival in EPP”. Lahat ng pinakamagaling magturo sa EPP ay magpapakitang- Turo ng isang kasanayan. Si G. Perez ang napiling guro sa ikaanim na baitang na magpapakitang–turo tungkol sa paglalagay ng abono sa puno/bungangkahoy. Inihanda niya ang kanyang mga kagamitan at sinimulan na niya. “Mga bata, kung susuriin, walang patabang kailangan sa panahon ng pagtatanim. Gayunman, kapag ang halamang prutas ay maayos na ang pagtubo, mahalagang lagyan ng isang dakot na layak o abonong madaling matunaw na may nitroheno katulad ng Ammonium Sulfate. Ang abonong ito ay dapat ilagay sa paligid ng mga puno nang may 15 hanggang 30 sentimetro ang layo sa puno (Tingnan ang larawan) Kung sakali at hindi maayos ang pagtubo ng halaman sanhi ng paggamit ng nitroheno, kailangang ibang nitroheno ang gamitin. Kailangan ding sumangguni 3
sa dalubhasa sa lupa upang malaman kung anong pataba o abono ang dapat gamitin sa naturang punongkahoy. Kadalasan, ang paglalagay ng pataba ay isinasabay sa pagbubungkal. Ito rin ay inilalagay sa mga tudling. Ang pinakamahusay na pataba ay ang nanggagaling sa bukid, kung wala nito ang mga nakukuhang bulok na mga bagay at basura sa mga palengke ay maaaring gamitin. Dito natapos ang pakitang–turo ni G. Perez. Sagutin ang mga tanong sa sagutang papel. 1. Anong kasanayan ang ipinakitang-turo ni G.Perez? 2. Bakit ang abono sa bungangkahoy ay kailangang may nitroheno? 3. Paano ilalagay ang abono sa puno? 4. Kailan dapat ilalagay ang abono sa puno? 5. Ano ang isang halimbawa ng patabang nitroheno? 1. Hugasang mabuti ang kamay pagkatapos maglagay ng abono. 2. Ibalik sa tamang lalagyan ang abono at lagyan ng tamang label. SUBUKIN MO Isulat ang mga hakbang ng wastong paraan ng paglalagay ng abono sapuno/bungang kahoy TANDAAN MO Ang mga halamang puno o bungangkahoy ay dapat mabigyan ng mga sustansiya.Ang wastong paraan ng paglalagay ng pataba o abono ay makatutulong. 4
ISAPUSO MO Basahin ang sitwasyon at sagutin ang tanong sa loob ng dalawa o tatlongpangungusap sa isang malinis na papel. Naglalakad ka sa may tabing-ilog nang makita mo si Mang Crispin na naglalagay ng abono sa mga pananim niyang bungangkahoy. Napansin mo na hindi tama ang paglagay niya ng abono. Agad mo siyang nilapitan, at ipinakita sa kanya ang wastong paraan ng paglagay ng abono. Ano ang naramdaman mo noong makatulong ka sa kaibigan mo? Anong uri ng pag-uugali ang naipakita mo? GAWIN MO Pagmasdan mo ang paligid kung may mga tanim na puno na di-gaanong magandaang tubo. Kung wala, kumuha ng kahit anong halaman sa bakuran ninyo at lagyan ngabono sa wastong paraan. PAGTATAYAA. Ipaliwanag ang wastong paraan ng paglalagay ng abono sa puno/bungang kahoy sa pamamagitan ng pagguhit. Gawin sa malinis na papel.B. Mamasyal ka sa isang taniman ng prutas o puno at tanungin ang may-ari kung paano siya maglagay ng abono. Ipakita mo rin sa kanya ang paraan ng paglagay at paghambingin mo kung sino ang nakasunod sa tamang paraan. Kung nasagutan mo nang buong husay ang bahaging pagtataya ng modyul, binabati kita! Maaari mo nang pag- aralan ang susunod na modyul. 5
GRADE VI PAMAMARAAN NG PAGSUGPO NG PESTE AT SAKIT NG MGA PUNO/ BUNGANGKAHOY ALAMIN MOMay nakita ka bang punong prutas na hindi nagbubunga dahil sa sakit o peste? Ang maling paraan ng pangangalaga sa mga punongkahoy ang dahilan upangkapitan ito ng sakit at peste. Ang uri at kalidad ng mga bunga ang higit nanaapektuhan. May mga pag-aaral na ginagawa ang ahensiya ng pamahalaan samainam na pagsugpo sa mga ito para maiwasan ang pagdapo sa mga punongkahoy. Matututunan mo sa modyul na ito kung paano mapupuksa ang mga peste atsakit ng mga halamang puno/bungangkahoy. PAG-ARALAN MOBasahin ang maikling dula-dulaan at sagutin ang mga tanong Isang araw, nagkaroon ng talakayan tungkol sa mga peste at sakit ng mgahalamang puno at bungang kahoy ang klase ni G. Pangan.G. Pangan : Magandang umaga, mga bataMga Bata : Magandang umaga din po.G. Pangan : Lahat ba ng punong kahoy at punong prutas ay malusog?Mga Bata : Hindi po, kasi may mga puno na hindi nagbubunga dahil sa pinsalaG. Pangan ng peste at sakit. : Magaling, tignan ninyo itong larawan. Suriin ninyong mabuti kung may makikita kayo nito sa pupuntahan nating taniman ng mga puno. Doon ko sa inyo ituturo kung ano-ano ang mga peste at sakit na nakapipinsala sa mga puno at kung paano susugpuin ang mga ito. 1
uwang at salagubangMga Bata : Sige po, labas na po tayo.G. Pangan : Lalabas tayo nang tahimik at maayos.Mga Bata : Nandito na po tayo, sir sa mapunong lugar. May nakita na po kami, sir, dito po sa isang puno ay may insekto. Ano–ano po ang mga ito, sir?G. Pangan : Ang nakikita ninyong mga insekto ay uod ng paru paro, uwang, at salagubang. Ito ay tinatawag na pesteng kulisap. Hindi mabilang ang mga kulisap at mga sakit na nakapipinsala sa mga halamang prutas. Ang mga pesteng kulisap ay ang mga sumusunod.1. Armored Scale - Ito ay may panakip-waks na nakatago sa katawan at nagsisilbing pananggalang niya. Mayroon din itong pananggalang na kaliskis; 2
isa sa ibabaw at ang isa ay nasa likod ng katawan. Ito ay lubhang makapinsalalalo na sa maaasim na bunga.2. Unarmored Scale - Ito ay tinatawag na soft scale. Nagbibigay ng maruming pulot-pukyutan at amag na tumutubo sa katawan nito. Malakas makapinsala ang kulisap na ito.3. Mango Fruit Fly - Ito ay nakapipinsala sa mangga. Ito’y maaaring mapuksa sa pamamagitan ng pagkuha at pagsunog sa lahat ng prutas na napinsala.4. Ring Borer - Itinuturing na isa sa pinakamalubhang kaaway ng mga punong- kahoy. Maaaring gumamit ng panghuling ilaw upang mahuli ang malaking gamugamong ito.5. Mealy Bug - Ito ay nahahawig sa kulisap na may kaliskis at nagbuhat sa iisang angkan. Ito ay dumadami sa pamamagitan ng pangingitlog. Mapinsala ito sa sitrus at palmera.6. Mellon Aphid - Ang halamang prutas na makapitan ng kulisap na ito ay nagkakaroon ng kulot na dahon at ang ilalim ay nababalot ng kutong malambot ang katawan. Ang mga kuto ay mapupuksa sa pamamagitan ng pagwiwisik ng Endrin, Malathion at Sevin.7. Citrus Rust Mite - Ito’y nakapipinsala sa kahel at ubas. Sinisipsip ang bunga at dahon nito. Ang mga bahaging napinsala ay kinakailangang sunugin o ibaon sa lupa.Mga Bata : Paano po sir, mapupuksa ang mga ito?G. Pangan : Ang paggamit ng lasong arsenic, ay mainam na pamuksa. Ang paggamit ng kemikal na pamuksa ay maaaring makapinsala hindi lamang sa panamin kundi pati na rin sa gumagamit. Tiyakin din na angkop ang gagamiting kemikal o insecticide upang tuluyan itong mapuksa. Isaalang–alang lamang ang mga panuntunang pangkalusugan at pangkaligtasan upang maiwasan ang anumang sakuna.Mga Bata : Maliban po sa paggamit ng lasong arsenic ano-ano pa pong mga paraan ang pagsugpo nitong mga mapaminsalang pesteng kulisap?G. Pangan : Maaari ding alisin sila sa malinaw na paraan. Ibigsabihin, tatanggalin ng mga kamay nyo ang mga kulisap sa halaman. 3
Mayroon din tayong tinatawag na pestisidiyong gawang-bahay na pamatay-kulisap. Gagawin lamang natin ito sa bahay. Suriin ninyong mabuti ang mgasumusunod na nakatalang pamuksa.Mga Sangkap Paraan sa paggawa1. Sabon at tubig Ihalo ang isang kutsarang sabon na pulbos sa2. Kerosene at sabon isang tabong tubig, haluing mabuti at3. Siling Labuyo at sabon pakuluan. Maaari na itong gamitin pagkatapos palamigin.4. Pinaglagaan ng bawang, sibuyas Ihalo sa isang litrong tubig ang ¼ na tasangat siling pula sabong pulbos at ¼ na kutsarang “kerosene” o gaas. Gamitin itong panbomba kung malala lamang ang pamiminsala ng insekto. Ibabad ang 15 buo ng siling labuyo at isang kutsarita ng sabong powder sa lata na may ½ galong tubig magdamag. Maaari na itong gamitin kinabukasan. Idilig ang tubig sa mga bahagi ng halamang may aphids. Pakuluan sa tubig ang tinadtad na sibuyas, bawang at siling pula sa loob ng 1-2 minuto. Ihalo ang ilang bahagi nito sa 3-4 na bahaging tubig at saka ibomba sa pananim.Mga Bata : Ang galing mo sir! Lahat po ng sangkap ng mga iyan ay madaling mahanap. Ano-ano naman ang pamuksa para sa mga sakit ng puno/ bungangkahoy?G. Pangan : Lahat ng uri ng halaman ay dinadapuan ng sakit. Ang mga punongkahoy, gaano man kalaki ang mga puno ay napipinsala din sa sakit.Pag-aralan mo ang mga nakatalang sakit, sintomas at pamamaraan sa pagpuksa. Sakit Sintomas Pamamaraan sa Halimbawa ng1. Die-back Pagpuksa mga Halaman 1. Panunuyo ng mga siit Santol, Suha at sanga 1. Putulin ang mga bahaging kinapitan sa layong 25 sentimetro, mula sa malusog na bahagi ng sangang dinapuan 4
2. Scab 1. Dahon ay umaalsa o 2. Lahat ng pinutol na Maasim na prutas3. Canker namamaga sanga ay dapat ibaon gaya ng mangga at sunugin4. Gumosis 2. Naglalagas ang dahon Suha ng halaman 1. Putulin agad ang Kahel bahaging kinapitan Kalamansi 3. Madalang na pagtaas nito ng mga sanga at dahon Citrus 2. Sunugin ang pinutol Langka 1. Nagkakaroon ng na bahagi at ibaon sa Dalandan mantas o batik sa mga lupa Mangga tangkay, bunga at dahon ng halaman 1. Ang bahaging napinsala ng sakit ay 2. Sa mga sanga, ang kailangang alisin batik ay hindi pantay na nakaumbok at 1. Pagputol at butas-butas na may pagsusunog ng kapeng border o bahaging kinapitan hangganan 1. Ang katawan ng puno sanga, at siit a may lumalabas na dagtaMga Bata : Ganoon po pala, sir. Salamat po, marami po kaming natutuhanG.Pangan : Walang anuman, Sige, balik na tayo sa kuwarto nang maayos.Sagutin ang mga tanong at isulat sa isang malinis na papel. 1. Ano-anong mga sakit ng puno/bungangkahoy ang pinuputol ang bahaging napinsala at ibinabaon o sinusunog? 2. Anong uring sabon ang maaaring gamiting pamatay- kulisap? 3. Aling pamatay-kulisap ang gagamiting pambomba kung malala ang pamiminsala ng insekto? 4. Bakit kailangan sunugin ang bahaging napinsala sa sakit? 5. Paano mapupuksa ang sakit na canker? 5
SUBUKIN MO Punan ng salita o lipon ng mga salita ang puwang ng bawat pangungusap. Isulatang sagot sa kuwadernong sagutan.1.___________ ay ang sakit ng puno/bungangkahoy na umaalsa o namamaga ang dahon at pinupuksa ito sa pamamagitan ng pamuputol ng bahaging kinapitan.2.___________ ang sukat ng sabon na pulbos sa isang tabong tubig na paghahaluin para sa pamatay-kulisap.3.___________ ang bilang ng upos na sigarilyo na ibabad sa lata na may ½ galong tubig magdamag.4.___________ ito’y sakit ng puno na may panunuyo ng mga siit at sanga na puputulin ang bahaging kinapitan nito.5.__________ ito’y pamatay ng kulisap na pakukuluan sa tubig ang tinadtad na sibuyas bawang at siling pula TANDAAN MO Mahalaga ang maagap na pagsugpo sa mga sakit at pesteng dumadapo sa mgapuno/bungang kahoy upang hindi na kumalat pa at lumubha. ISAPUSO MO Basahin ang sitwasyon at sagutin ang tanong sa sagutang kuwarderno. Ang tatay mo ay may tanimang mangga. Nakikita niya na naglalagas ang mgadahon at namamaga ito. Hiningi niya ang payo mo kung ano ang dapat gawin.Tutulungan mo ba siya o hahayaan mo na lang mamatay ang manggahan ninyo?Bakit? Sabihin mo rin kung ano ang mararamdaman mo sa pagtulong o di–pagtulong. 6
GAWIN MO Gumuhit ng dalawang puno ng santol o kahit anong bungangkahoy. Ang isang puno ay napinsala ng sakit na canker, scab at gumosis at ang isang puno ay malusog. Paghambingin ang dalawang puno. PAGTATAYAA. Ipaliwanag ang mga sumusunod na sakit ng puno/bungangkahoy at kung paano pupuksain ang mga ito. 1. Gumosis 2. Canker 3. Scab 4. Die-backB. Magmasid ka sa paligid ng bahay ninyo kung may puno ng bungangkahoy o punong kahoy na napipinsala ng sakit o kulisap. Kung meron, sugpuin mo o gawin ang paraan na maalis ang sakit/kulisap batay sa natutuhan mo sa araling ito. Kung nasagutan mo nang buong husay ang bahaging pagtataya ng modyul, binabati kita! Maaari mo nang pag- aralan ang susunod na modyul. 7
GRADE VI PAG-AANI AT PAMAMAHALA SA INANING PRUTAS/BUNGANGKAHOY ALAMIN MO Nasaksihan mo na ba ang pag-aani ng bungangkahoy? Paano ito inaani? Ano ang ginagawa sa mga inaning prutas? Alam mo, may salik na dapat isaalang-alang sa pamamahala ng mga produktong galing sa pananim. Lalo na, kung ito ay may malaking puhunan. Ang mga ito ay kaalaman tungkol sa paraan ng pag-aani at kung saan ito dapat imbakin upang hindi masira ang uri o kalidad. Sa modyul na ito, pag-aralan mo ang wastong paraan sa pag-aani ng produkto at pamamahala ng inaani.PAGBALIK-ARALAN MO Pangkatin ang mga halamang ornamental, gulay, punong kahoy at bungangkahoyna nasa kahon ayon sa uring kinabibilangan. Isulat sa kuwadernong sagutan.ipil-ipil mangga upo papayagumamela rosas santan patanikaimito pipino nara sampaguitaokra akasya santol chicoalugbati mabolo gimelina rosal1. Halamang Ornamental 2. Halamang Gulay __________________ __________________ __________________ __________________ __________________ __________________ 1
3. Halamang Punongkahoy 4. Halamang Bungangkahoy __________________ __________________ __________________ __________________ __________________ __________________ PAG-ARALAN MO Ang Barangay San Isidro ay nagkaroon ng programa tungkol sa “Pag-aani ngPrutas.” Si G. Romeo Ablay, isang Municipal Agriculturist, ay inimbitahan ngKapitan na maging panauhing pandangal sa araw na iyon. Ito ang nilalaman ng talumpati ni G. Ablay. “Ibat iba ang uri ng halamang prutas kaya’t ibat iba rin ang panahon ng pag-aaninito. Ibinabatay pa ang pag-ani sa uri ng lupa at sa kondisyon ng klima sa lugar naiyon. Ang lapit ng halamanan sa pamilihan ay isa pang salik na dapat isaalang-alangupang matiyak ang kahinugan ng prutas na aanihin. Kaya’t sa pag-aani ngnatatanging prutas, dapat tandaan ang sumusunod na mga bagay-bagay: 1. Mangga – kapag ito ay itinanim para isapamilihan, ang mga bunga ay pinipitas nang maaga sa ibat-ibang paraan. Ang luntian at madilaw-dilaw na kulay nito ang kainamang palatandaan. 2. Papaya – Ang prutas na ito ay pinipitas kung ito ay madilaw-dilaw na. Ang mga pasa ay kailangang iwasan upang makatiyak nang pantay na pagkahinog. 3. Bayabas, Abokado, Saging at Santol – Ang mga prutas na ito ay mahahayaang nasa puno kahit na matagal at nadadala pa sa pamilihan sa magandang anyo at kondisyon. Ang mga prutas na ito ay gumugulang at nahihinog na kapag magkaroon na ng madilaw-dilaw at maberde-berdeng kulay. 4. Sampalok, Tsiko, Kaymito at Atis – Ang mga prutas na ito ay hayaang gumulang o mahinog bago ito pitasin dahil hindi na ito lubhang nagbabago pagkapitas. Kaya sa pag-aani, malaki ang nagagawa ng sapat na pagbabalak, paghahanda at maayos na pamamalakad. Ang mga magsisipag-ani ay kailangang maging maagap sa pagganap ng kani-kanilang tungkulin. Ang mga kagamitan at kasangkapan ay dapat nakahanda pati na ang mga sisidlan ng mga inani upang hindi magalusan o mayupi ang mga ito. Ang wastong 2
lagayan ng inani ay tiklis, sako, bariles at iba pa. Takpan ng dahon ng saging o sako ang prutas upang mapanatiling sariwa. Pagkatapos maani ang prutas, kailangang may namamahala sa susunod na gawain. Ang wastong pamamahala ng inaning prutas ay ang mga sumusunod: 1. Ang mga napapanahong prutas/bungang kahoy ay dapat madala agad sa pamilihan o sa mga nag-aangkat ng mga produkto patungo sa pamilihan. 2. Ang pagbibigay ng halaga sa mga produkto ay dapat ibatay sa kalakalang halaga upang hindi malugi. 3. Ang pagtimbang o pagbilang ng mga kalakal ay mahalaga rin upang masukat ang dami o laki ng mga produkto. 4. Ang halaga ng ibang prutas pag tinuos sa pagpapalaki o pagpapalago ng mga pananim ay dapat isama sa kabuuang gastos at sa paglalapat ng halaga bago ito ibenta, ang ginamit na pataba, sa mga nag-aani at nag-imbak at mga papeles sa pamamahala. 5. Alalahanin din ang mga batas at iba pang alituntuning umiiral o itinakda para sa mga ahensiya ng pamahalaan upang makatiyak. Laging isaisip na ang anumang uri ng paglabag ay may kaukulang kaparusahan. Tiyak na magiging sulit ang hirap at pagod sa pagtatanim kung may sapatna kapalit na pera ang mga pinamahala ng mga ani sa pananim. Ang ganitongpamamahala ay dapat pangasiwaan ng buong mag-anak upang makatulong sapag-unlad ng kabuhayan Tingnan natin kung naintindihan mo ang talumpati ni G. Romeo Ablay.Sagutin ang mga tanong sa sagutang kuwaderno. 1. Bakit si G. Albay ang naging panauhing pandangal ng Barangay San Isidro? 2. Ano-ano ang mga batayan sa pag-aani ng prutas? 3. Ano ang palatandaan na maaari nang pitasin ang mangga? 4. Bakit kailangan anihin ang mga prutas na pananim sa takdang oras? 5. Kailan pinipitas ang papaya? 3
SUBUKIN MO Piliin ang angkop na salita mula sa loob ng panaklong. Isulat ang tamang sagot sasagutang kuwaderno. 1. Ang prutas na ito ay kailangan nang pitasin kapag maberde-berde na ang kulay. (bayabas, papaya, sampalok) 2. Ang prutas na ito ay hindi na nagbabago pagkapitas, kaya hayaang gumulang sa puno. (mangga, abokado, kaymito) 3. Ang wastong lagayan ng inaning prutas ay (timba, tiklis, palanggana) 4. Ang pagbibigay-halaga sa mga produktong prutas ay ibabatay sa kalakalang halaga upang hindi (mabulok, umasim, malugi) 5. Ang palatandaan na maaari nang pitasin ang mangga ay (luntian at madilaw-dilaw na kulay, berdeng kulay, bilog at malaki) TANDAAN MO Ang wastong paraan ng pag-aani ng prutas o bungang kahoy at ang maayos rin napamamahala nito ay mahalaga lalo na kung ipagbibili ito o pagkakakitaan. May ibat-ibang hakbang na dapat sundin kung itoy maaari nang anihin upang mapanatilingbuo, sariwa at walang pasa ang bahaging makakain. 4
ISAPUSO MO Gumuhit ng masayang mukha katapat ng gawaing nagpapakita ng magandangasal at mukhang malungkot kung hindi tama ang ipinapakita. Gawin ito sa sagutangkuwaderno. 1. Hayaang mahinog ang prutas sa puno kung ito’y dadalhin sa palengke. 2. Ang inaning bungang kahoy ay dapat ilagay sa tiklis. 3. Anihin ang bungang kahoy kapag husto na ang laki at gulang. 4. Itapon ang labis na inaning prutas. 5. Timbangin o bilangin ang mga inaning prutas na pangkalakal. GAWIN MO Sa pamamagitan ng papel at lapis, gumuhit ng mga prutas o bungang kahoy namaaari nang anihin sa ipinakikitang mga palatandaan na natutunan mo. Kulayan moang bawat isa ng kahit anong pangkulay mayroon ka. Gawin ito sa malinis na papel PAGTATAYA A. Sa cluster map na ito, isulat ang mga palatandaan ng prutas o bungang kahoy kung maaari na itong anihin. Gawin sa kuwadernong sagutan. Palatandaan ng prutas o bungangkahoy na maaari na itong anihin 5
B. Magtala ng mga prutas o bungang kahoy na inaani sa pamamagitan ng pagpitas. Isulat and sagot sa kuwadernong sagutan.C. Gumawa ng pagsusuri sa inyong pamayanan upang malaman kung paano inaani ang mga prutas/bungang kahoy at ano ang ginagawa nila sa mga inani. Gumawa ng talaan sa kuwadernong sagutan. Prutas/bungang kahoy Paraan ng Pamamahala Pag-aani sa Inani1.2.3.4.5.Kung nasagutan mo nang buong husay ang bahagingpagtataya ng modyul, binabati kita! Maaari mo nang pag-aralan ang susunod na modyul. 6
GRADE VI PAG-AAYOS, PAGPEPRESYO AT WASTONG PAGSASAPAMILIHAN NG INANI ALAMIN MO Mahalaga ang tamang pagsasaayos, pagpepresyo at wastong pagsasapamilihan ng mga inani. Ang hindi tumpak na pagsasagawa ng mga ito, ay maaaring magdulot ng malaking kawalan o pagkalugi. Sa modyul na ito, matututuhan mo ang: 1. angkop na paraan ng pag-aayos ng inani sa lalagyan. 2. mga alintuntunin na umiiral sa pagpepresyo at pagbibili ng mga produkto; at 3. wastong paraan ng pagsasapamilihan ng mga inani. PAGBALIK-ARALAN MO Pagbalik-aralan mo ang mga gawain kaugnay sa paraan ng pag-aani ng tanim o produkto. Kumuha ng sagutang papel at isulat ang tsek (√) kung ang pangungusap ay nagsasaad ng wastong pamamaraan ng pag-aani, at ekis(x) naman kung hindi: 1. Ang manibalang na bunga ay pinipitas nang maaga at hinahayaang mahinog sa imbakan. 2. Ang kulay dalandan na bunga ay pinakatamang palatandaan na maari nang pitasin ang bunga. 3. Lahat ng uri ng prutas ay hinahayaang gumulang at mahinog sa puno bago ito pitasin. 4. Ang luntian at madilaw-dilaw na kulay na bunga ng mangga ay mainam na palantandaan na maaari na itong pitasin. 5. Ang mga pasa sa bunga ay kailangang iwasan, upang makatiyak ng pantay na pagkahinog ng anumang uri ng prutas o bunga 1
Basahin ang sitwasyon. -) PAG-ARALAN MO Ang pamilya ni Mang Mike ay may-ari ng pinakamataas na uri ng taniman ngprutas o orchard sa Bulacan. Mangga, abocado, kayimito, santol at marami pang ibaang mga tanim nilang halamang prutas. Basahin ang maikling dula-dulaan at sagutinang mga tanong. “Orchard” Isang araw ng Biyernes, iba’t ibang uri ng prutas ang napitas ng pamilya ni MangMike. Isasagawa nila ang pagsasa ayos at pagsasapamilihan ng kanilang inani.Aling Cora (asawa ni Mang Mike): Kinakailangang isaayos natin sa wastong lalagyan ang mga inaning prutas sa lalong madaling panahon.Mang Mike: Katulungin natin ang mga bata sa pagsasaayos ng mga ito. Kailangan ayusin ang mga prutas ayon sa: laki at uri, dahil sa mataas na uri ng ating ani, maaari tayong makapagtakda ng mataas na presyo.Aling Cora: Nonoy, Dan at Mon tulungan n’yo kami na iayos ang mga inaning prutas.Nonoy: Ako po ang mag-aayos ng mga mangga. Paghihiwa-hiwalayin ko po ang malalaki at maliliit, ganun din po ang magagandang uri at ang hindi.Dan: Ako naman po ang mag-aayos ng mga abocado. Gagayahin ko po ang gagawin ni Kuya Nonoy.Mon: Ako naman po ang mag-aayos ng mga saging. Paghiwahiwalayin ko po ang malalaki at maliliit na piling, ganun din ang mga hinog at berdeng saging.Aling Cora: Sandali lang mga anak! Bago ninyo isilid sa mga lalagyan ang mga prutas, kinakailangang timbangin ninyo ang mga prutas. Alamin ninyo kung ilang kilo ang laman ng bawat lalagyan. Itala ninyo sa kuwaderno para lagyan natin ng presyo o halaga ang bawat lalagyan. 2
Nonoy, Dan at Mon: Opo inang, gagawin po namin. Sinimulan agad ng mga bata ang pagtitimbang ng mga prutas.Nonoy: Dalawanpu’t limang kilo po lahat ang mga mangga, Sampu po ang malalaki at magagandang uri at labinlimang kilo po ang iba’t-ibang laki na hindi gaanong maganda ang uri.Dan: Labing dalawang kilo po lahat ang avocado. Magaganda at matataas na uri po ng lahat. Hindi ko na po isinasama ang mababang uri at hindi maganda dahil kakaunti lamang po. Gagawin na lang po natin na “abocado shake”.Mon: Ang mga saging po natin ay lahat magagandang uri. Labing limang kilo po ang berde pa ang kulay, at labing limang kilo din po ang mga hinog na.Mang Mike: Ang iba’t-iba pang prutas ay tinimbang ko na rin. Pinili ko na lang ang magaganda at matataas na uri. Ang iba ay ipamimigay natin sa mga kapitbahay at mga kamag-anak. Ang iba naman ay kakainin dito sa bahay.Dan: Saan po ba dadalhin ang mga tinimbang at matataas na uri ng prutas?Aling Cora: Sa palengke. Maraming tindera ang nag-order sa atin ng mga prutas. Kulang pa nga itong inani natin ngayon.Mon: Inang, kung sakali po bang maraming-marami tayong inaning prutas, Paano po natin maipagbibili ang mga ito?Aling Cora: May iba’t-ibang paraan ng pagtitinda ng mga produktong pananim. Ang mga inaning prutas ay maaaring ipagbili sa mga sari-sari store, at sa pamamagitan ng paglalako sa kariton.Mang Mike: Maaari na nating dalhin sa palengke ang ating mga prutas. Nariyan na si Mang Oscar dala ang kanyang dyip. Sa tulong ni Mang Oscar, dinala ng mag-anak ang kaing-kaing mga prutas saPamilihang Bayan ng Calumpit. Sagutin mo ang sumusunod na mga tanong. Isulat ang mga sagot sagutang papel. 1. Sino-sino ang mga tauhan sa dula-dulaan? 2. Saang lalawigan may taniman ng prutas ang pamilya ni Mang Mike? 3
3. Ano-anong mga gawain ang isinagawa ng mag-anak sa kanilang mga inaning prutas?4. Anong mga salik ang isinasaalang-alang ng mag-anak sa pagsasagawa ng mga inaaning prutas?5. Saan dinala ng pamilya ni Mang Mike ang inaning prutas?SUBUKIN MOKumuha ng sagutang papel at sagutin ang sumusunod na mga tanong:A. Sipiin ang mga salita o parirala na isinaalang-alang ng pamilya ni Mang Mike sa pagsasaayos ng mga inaning prutas:magandang uri hinog na hinogmataas na uri magulang na bungamalaki o maliit maberdeng kulayamoy lasaB. Sipiin ang mga salita o parirala sa sagutang papel kung saan maaaring maipagbili o paraan ng pagtitinda ng mga produktong prutas.mall nilalakosari-sari store drug storepuwesto sa palengke supermarketkariton bangketadepartment store 4
TANDAAN MO Ang mga inaaning prutas ay dapat maisaayos sa wastong lalagyan tulad ng sako,kaing, kahon at tiklis. Ang pagtimbang o pagbilang ng mga prutas ay mahalaga rin upang masukat angdami ng produkto. Sa pagsasapamilihan, dapat tandaan na ang produktong may pinakamataas na uriay maaaring makapagtakda ng mataas na presyo. Karaniwan ang presyo ng isangprodukto ay nababatay ayon sa mga gastusin mula sa pagtatanim, pag-aani, pagiimpake at pagbibiyahe. ISAPUSO MO Batay sa dula-dulaang binasa sa modyul na ito, anu-ano ang katangian ngsumusunod na mga tauhan? 1. Nonoy 2. Dan 3. Mon 4. Mang Mike 5. Aling CoraIsaisip at isabuhay ang iyong mga sagot. 5
GAWIN MO Kung ikaw ay malapit sa isang lugar ng taniman ng mga prutas, magmasid kungpaano isinasagawa ang pag-aani at pagsasapamilihan. Kung ikaw naman ay malapit saisang palengke, pumasyal dito at gawin din ang ginawa mo. Sipiin ang talahanayang itosa kuwaderno at dito isulat ang iyong mga sagot sa alinman sa sumusunod na prutas namakikita mo:Prutas Paraan ng Pag iimbak/ Paraan ng pagtitinda Pagsasaayosmanggasagingavocadomelondalandanpakwanorangepinyaubas PAGTATAYAisulat sa iyong sagutan papel ang sagot sa tanong. A. Pumili ng 5 prutas sa talahanayan at sabihin ang pamamaraan ng pag-sasaayos at pamamaraan ng pagsasapamilihan ng mga ito: 1. 2. 3. 4. 5. Kung nasagutan mo nang buong husay ang bahaging pagtataya ng modyul, binabati kita! Maaari mo nang pag- aralan ang susunod na modyul. 6
GRADE VI PAGPAPLANO NG NARSERI ALAMIN MO Nakagawa ka na ba ng isang proyekto? Bago mo gawin ito, ano ang iyong unang inisip? Sa bawat proyekto, kailangan ang masusing pagpaplano ng mga gawain kung saan nakatala ang mga layunin, kagamitan at tiyak na mga hakbang upang maging gabay sa paggawa. Kung masusunod ito nang wasto, nakatitiyak na magiging tagumpay ang proyekto. Sa modyul na ito, pag-aaralan mo ang pagpaplano ng isang narseri at angkop na kasangkapan at mga kagamitan. PAG-ARALAN MO Upang magtagumpay ang anumang gawain, ito ay nangangailangan ng masusing pagpaplano. Ang pagpaplano ay isang paraan upang maisagawa nang maayos at tumpak ang isang gawain. Ito ay makatutulong upang makatipid sa pera, oras, at lakas. Basahin ang kuwento ng pamilya ni Mang Bernard. Pagkatapos, sagutin ang mga tanong, upang malaman kung naunawaan mo ang iyong binasa. Ang Narseri sa Tabing-ilog Sina Mang Bernard at Aling Marifi ay sampung taon ng naninirahan sa barangay Tabing-ilog, sa bayan ng San Leonardo, Nueva Ecija. Dalawang lalaki ang kanilang anak- si Boyet, labingdalawang taong gulang at si Bernie sampung taong gulang, mga mag-aaral ng Paaralang Barangay ng Tabing-ilog. 1
Mahilig sa paghahalaman ang mag-anak. Ang kanilang bahay ay napalilibutanng iba’t ibang uri ng pananim. Ang kanilang pagkain ay halos nagmumula sa kanilangbakuran. Iba’t ibang uri ng prutas ang napipitas nila araw-araw. Nakaiipon sila ng iba’t-ibang uri ng mga buto ng bungangkahoy. Dahil dito, naisipan ng mag-asawa na ipunla o itanim ang mga buto. Nakita ni Boyet ang ginagawa ng tatay at nanay nila. Ibinahagi niya angnatutuhan sa paaralan, tungkol sa pagpaplano ng narseri. Narinig ni Bernie angusapan nila. Nagbahagi rin siya tungkol sa kahulugan at kahalagahan ng narseri. Kinuha ni Boyet ang kanyang kuwaderno at ipinakita sa kanyang tatay at nanayang ginawa niyang Planong Pamproyekto sa Pagnanarseri. Ito ay nakita nila. Binasanila ang nilalaman ng plano. Planong Pamproyekto sa Pagnanarseri I – Mga Layunin: 1. Nakapagpaplano ng isang payak na narseri at mga gawaing kaugnay nito. 2. Nasusunod ang mga wastong hakbang sa paggawa at pangangalaga ng isang narseri ayon sa plano. 3. Naipakikita ang kasiyahan sa paggawa. 2
II - Pangalan ng Proyekto:Paggawa ng Isang Payak na NarseriIII – Mga Kagamitan:asarol pala mga basyo ng mga plastic, lata at pisi.piko troweltinidor duloskalaykay regaderaIV – PamamaraanA. Paghahanda1. Pagpili at paghahanda ng lugar.2. Pagsukat sa lupang pagtataniman.3. Paghahanda ng mga kagamitang kailangan sa pagpaparami nang halaman.4. Pagsasaayos ng mga punla, binhi at pananim.5. Pagbubukod-bukod ayon sa anyo at gulang.B. Pangangalaga ng mga tanim sa narseri hanggang sa handa ng ipamahagi, ilipat sa taniman o ipagbili.1. Pagdidilig2. Paglalagay ng pataba3. Pangangalaga laban sa sakit at kulisap4. Paggawa ng talaan ng mga pananimC. Pagpaparami ng Halaman Natuwa ang mag-asawa sa kanilang nabasa. Nagpasya sila na sundin angginawang plano ni Boyet tungkol sa pagnanarseri. Kinabukasan, sinimulan ng mag-anak ang paghahanda. Humanap sila ng lugar atsinukat nina Mang Bernard at Boyet. Nilinis nila ang napiling lugar at nagsimula rinsila sa pagtatanim o pagpupunla ng mga buto, na kanilang naipon. Alagang-alaga ng mag-anak ang kanilang mga panamin. Dinidilig, naglalagayng pataba, at pinangangalagaan din nila ang mga halaman laban sa mga kulisap,sakit at insekto. 3
Bukod sa mga bungangkahoy, nagpunla o nagtanim din sila sa kanilang narsering mga halamang ornamental at mga halamang namumulaklak. Nang nasa katamtamang laki at gulang na ang kanilang mga punla, sinimulannilang ilipat ang mga ito sa permanenteng taniman. Patuloy na dumami ang kanilang mga pananim sa paligid ng bahay. Patuloy dingdumami ang kanilang mga punla at mga pananim sa narseri. Lalong napuno ng mga halaman ang kanilang narseri, ganun din ang kanilangpaligid. Kung kaya’t, naisip nilang ibenta ang mga punla at iba pang halaman.Napabalita sa kanilang barangay at sa bayan sa San Leonardo ang paglaki ngkanilang narseri. Naisip nila na ang tagumpay na kanilang natamo ay dahil sa masusing plano saginawa ni Boyet at ang masayang pagtutulungan ng mag-anak. Naging usap-usapan sa San Leonardo at sa mga kalapit-bayan ang paglaki ngNarseri ng Tabing- ilog. Naunawaan mo ba ang kuwento? Sagutin ang sumusunod na mga tanong: Isulatang sagot sa kuwadernong sagutan. 1. Saang barangay nakatira ang pamilya ni Mang Bernard? 2. Sino-sino ang mga anak ni Mang Bernard at ni Aling Marifi? 3. Ilan taon na si Boyet? Si Bernie? 4. Ano ang itinayo ng pamilya ni Mang Bernand? 5. Ano ang naging susi ng tagumpay ng narseri nina Aling Marifi at Mang Bernard? SUBUKIN MO A. Ang mga sumusunod na pangungusap ay talaan ng mga gawain o pamamaraan ng pagnanarseri. Sipiin sa iyong sagutang papel ang mga pangungusap, ayon sa pagkasunod-sunod ng paggawa nito: - Pagsasaayos ng mga punla, binhi at pananim. - Pagpili at paghahanda ng lugar. - Pagbubukod-bukod ayon sa uri at gulang. 4
- Paghahanda ng mga kagamitang kailangan sa pagpaparami ng mga halaman. - Pagsukat sa lupang pagtataniman. B. Isulat o itala ang mga bahagi ng plano sa pagnanarseri ayon sa kuwentong binasa: I- II - III - A. B. C. TANDAAN MO Ang masusing pagpaplano ng isang gawain ay nagdudulot ng wasto, maayos atmatipid na paggawa. Maraming bagay ang dapat isaalang-alang sa pagtatayo ng narseri tulad ng lugar,uri ng lupa at mga kagamitan. ISAPUSO MO Batay sa kuwentong: “Ang Narseri sa Tabing Ilog “ano-ano ang mga katangian ni Bernie at ni Boyet ang dapat mong tularan? Isabuhay ang iyong mga sagot. 5
GAWIN MO Gumawa ng isang plano sa pagnanarseri ayon sa iyong kakayahan, mgakagamitan at lugar sa inyong bakuran o paaralan. PAGTATAYAIbigay ang sagot sa hinihingi ng bawat tanong. Isulat ang sagot sa sagutan papel. A. Ano-ano ang matitipid mo, kung gagawa ka ng plano sa pagnanarseri o proyekto? 1. 3. 2. 4. B. Ano-ano ang bahagi ng plano sa pagnanarseri? I- II - III - C. Ano-ano ang mga kagamitan o kasangkapan sa pagnanarseri? Kung nasagutan mo nang buong husay ang bahaging pagtataya ng modyul, binabati kita! Maaari mo nang pag- aralan ang susunod na modyul. 6
GRADE VI MAKAAGHAM NA PAGNANARSERI ALAMIN MO Nakakita ka na ba ng isang narseri ng mga halaman? Ang narseri ay tumutukoy sa lugar alagaan, samantalang ang pagpapanarseri ay tumutukoy sa wasto at maingat na pagaayos at pag aalaga ng mga halaman at tanim mula sa murang gulang hanggang sa sumapit sa gulang na maari na itong ilipat sa ibang lugar o permanenteng taniman. Ang makaagham na pamamaraan sa iba’t ibang gawain sa pagnanarseri tulad ng pagpaparami sa mga halaman ay mahalaga. Pag-aaralan mo sa modyul na ito, ang kahalagahan ng pagsunod sa makaagham na pamamaraan ng pagnanarseri. 1
PAG-ARALAN MO Iba’t ibang gawain ang napapaloob sa pagnanarseri. Sa bawat gawain, dapatisaalang-alang ang makaagham na paggawa nito. Basahin ang awit. Pagkatapos awitin mo ito sa himig ng “Bahay Kubo”: Pagnanarseri Makaagham na pamamaraan Sa pagpaparami ng mga halaman. Produktong nais makamtam Ay siguradong may katiyakan Sa pagnanarseri, masusing pinipili Halamang pararamihin, matataas na uri Magaganda, malulusog; pagtubo mabilis Makakamtam, masisiyahan halaman mong nais. Sa pagnanarseri, pakinabang marami Mainam pagkakitaan, magandang libangan Nakaaalis ng tensiyon, magdudulot ng kasiyahan Makatutulong nang malaki sa mabuting kalusugan.Basahing muli ang awit at sagutin mo ang sumusunod na mga tanong:Isulat ang sagot sa kuwadernong sagutan. 1. Batay sa awit na binasa, ano-ano ang kahalagahan ng pagnanarseri? 2. Ano-ano ang dulot ng makaagham na paggawa ng mga gawain sa pagnanarseri? 2
Basahin at pag-aralan ang talahanayan. MGA GAWAIN SA PAGNANARSERIMga pangunahing Gawain Magka agham na Kahalagahan Pamamaraan1. Paghahanda ng Lupa - Pumili ng lupang - Siguradong tutubo at2. Paglalagay ng Pataba bagay sa uri ng magiging malusog ang halamang ipupunla punla.3. Pagtatanim at paglilipat - Dapat dumaan sa - Ligtas ang lupa sa4. Paglalagay ng lilim iba’t ibang paraan mapamuksang maliliit na5. Pangangalaga sa mga punla at ng isterilisasyon. organismo. halaman. - Paggamit ng - Kapag naubos ang organikong pataba pagkain ng punla, may o “compost” magagamit pa. - Paggamit ng - Lalong magiging mataba patabang kemikal o mayaman ang lupa at sa tamang paraan at lalago ang halaman. panahon - Nakatitipid - Basain ang lupa - Madaling bunutin ang bago ilipat ang punla punla sa lupa - Hindi mapuputol ang - Dahan-dahang angatin ang mga ugat ng punla. halaman kasama - Lumalaking malusog ang ang lupa. mga punla at - Paglalagay ng mga mapapakinabangan. tuyong dahon at damo sa paligid ng - Hindi malalanta ang mga punla punla - Kinakailangang - Maiiwasan ang pagkalanta ng mga dahon hindi sagabal sa o pagdapo ng mga sakit pagpasok ng hangin na maaaring ikamatay ng at sikat ng araw. mga alagang punla. - Katamtaman ngunit palagiang - Lumuluwag at nagiging pagdidilig buhaghag ang lupa. - Pagbubungkal ng - Dumadaloy ang tubig at lupa sa paligid ng nakakapasok ang hangin halaman. 3
6. Pagpuksa ng mga sakit at - Pag-aalis ng mga sa ilalim para sa ugat. peste. ligaw na damo. - Hindi magkakaroon ng - Panatilihing kaagaw sa sustansiya ng maaayos at malinis lupa ang mga halaman. ang paligid at ang - Maiiwasan ang pagdapo daluyan ng tubig ng mga sakit at peste. malapit sa narseri. - Tuluyang mapupuksa ang - Kapag dumapo na mga sakit at peste. ang mga sakit at peste, gumamit ng mekanikal at kemikal na pamuksa.PAALALA: Sa paggamit ng kemikal, isaisip lagi ang mga tagubiling pangkalusugan at pangkaligtasan. SUBUKIN MO Basahin at isulat sa sagutang papel ang “tama” kung wasto ang isinasaad ngpangungusap at isulat ang “mali” kung mali ang sinasabi ng pangungusap. 1. Ang maayos na paggawa sa narseri ay kailangan, upang mapabuti at mapaunlad ang paghahalaman. 2. Ang lupa ay dapat bumagay sa uri ng butong ipupunla. 3. Ang paglalagay ng pataba ay maaaring gawin sa kahit anong pamamaraan at ang lupa ay kahit anong panahon. 4. Dapat tandaan na ang sobrang tubig ay makasasama sa punla. 5. Magiging ligtas ang mga punla at halaman kung dadaan sa isteralisasyon ang lupa na pagtataniman o pagpupunlaan. 6. Ang di- organikong pataba ay hindi maaaring gamitin sa mga punla sa punongkahoy at iba pang mga halaman. 4
7. Madaling bunutin ang mga punla kung mamasa-masa ang lupa. 8. Ang pagbubungkal ng lupa sa paligid ng halaman ay nagiging sanhi ng pagkalanta ng halaman. 9. Maiiwasan ang pagdapo ng sakit at peste kung pananatilihing malinis ang paligid at ang daluyan ng tubig. 10. Iba’t-ibang uri ng halaman, iba’t-iba ang pangangailangan. TANDAAN MO Ang paggamit ng makaagham na pamamaraan sa iba’t ibang gawain sapagpapanarseri ay mahalaga. Magiging maunlad ang paghahalaman. Magkakaroondin ng katugunan ang kasiyahang nais mong matamo sa paghahalaman. ISAPUSO MO Ang pagiging matiyaga at sapat na kaalaman sa paggawa ng anumang gawain aymahalaga. Isaisip ito at isapuso. GAWIN MO 1. Kung mayroong narseri sa inyong lugar, dumalaw ka dito. Magmasid sa paligid at isulat sa papel ang makaagham na pamamaraan ng mga gawain sa pagnanarseri. 2. Gumawa ng maikling talata tungkol sa kahalagahan ng makaagham na paggawa ng mga gawain sa pagnanarseri. 5
PAGTATAYAA. Basahin ang pangungunsap sa bawat bilang. Punan ang patlang ng salita o mga salita upang mabuo ang diwa. Pumili ng sagot sa mga salita o parirala na nasa loob ng kahon. Isulat ang sagot sa sagutang papel.malulusog narseri natamomaunladmadaling pagtubo makaagham mataas na uri1. Ang __________ ay tumutukoy sa wasto at maingat na pangangalaga ng halaman mula sa murang gulang.2. Ang paggamit ng mga__________ na pamamaraan sa iba’t ibang gawain sa pagnanarseri ay mahalaga.3. Sa pamamagitan ng pagnanarseri, nakatitiyak ng _______ at4. ___________ng halaman.5. Tiyak din ang __________ na paghahalaman.B. Sumulat ng maikling talata tungkol sa kahalagahan ng makaagham na pagnanarseri. Gawin ito sa iyong sagutang papel.Kung nasagutan mo nang buong husay ang bahagingpagtataya ng modyul, binabati kita! Maaari mo nang pag-aralan ang susunod na modyul. 6
GRADE VI PAGBIBILI AT PAGTUTUOS NG GASTOS AT KINITA SA PANANIM SA NARSERI ALAMIN MO Nakakita ka na ba ng mga ipinagbibiling halaman galing sa narseri? Alam mo ba kung bakit nagtatagumpay ang mga nag-aalaga nito? Sa modyul na ito malalaman mo ang pagbibili at pagtutuos ng gastos at kita sa pagpaparami ng Punongkahoy at prutas. 1
PAGBALIK-ARALAN MO Lagyan ng titik ang bawat kahon upang mabuo ang isang salita sa bawat bilang.Isulat ito sa sagutang kuwaderno. 1. Pagpaparami at pagpapanatili ng natatanging uri ng buto. 2. Ang itinatanim ay maaaring ugat, sanga o dahon. Ito’y hinahati sa dalawa ang natural at artipisyal. 3. - Ang pagpaparami ng halaman kung saan ang lupa ay dinadala sa sanga ( Air Layering) 4. Ang pagpapalaganap ng halaman na ang buko ng halaman ay isinusugpong sa sanga ng ibang halaman. 5. Ginagamit naman kung nais pamahalaan at tipirin ang bawat buko sa isang sanga upang maging bagong halaman. 2
PAG-ARALAN MO Basahin ang sanaysay sa ibaba. Unawaing mabuti ang isinasaad dito. Ang pagbibili ng mga pinaraming halaman sa narseri ay may iba’t ibang paraan.Ang pabinhiang komersiyal ay karaniwang nasa pamamalakad ng isang samahan oisang mayamang mahilig sa halaman. Ang pagunahing layunin nito ay kumita attumubo sa pamamagitan ng pinaraming mga halaman. Ang mga malalaking narseriay nagbibili sa kanilang puwesto kung saan naroon ang mga pinaraming halaman.Malayang pumupunta ang mga namimili upang pumili ng anumang magustuhanghalaman. Ang iba naman ay inilalako sa pamamagitan ng kariton na may apat nagulong. Sa karitong ito, inilalagay ang mga nakapaso o naka plastik na pinaraminghalaman. Ang halaga ng bawat pinaraming halaman ay batay sa uri at kalidad.Naglalagay ng tag sa bawat uri ng halaman at namamahala. Upang malaman mo ang tagumpay sa pagnanarseri, kailangan matutunan angpagtutuos ng gastos at kita sa pagpaparami ng halaman. Maglalaan ng talaan ngmga pinagkagastusan tulad ng silungan, mga lalagyan ng pinaraming halaman tuladng plastik, lata o paso, mga lupa, pataba, kemikal na pamatay peste, pandilig,kasangkapan at kagamitan sa pagpaparami ng halaman. Isama sa talaan anganumang bayad sa mga manggawa at iba pang serbisyo na ipinagawa sa ibang tao. SUBUKIN MO A. Isulat sa kuwaderno ang tanong at kasagutan. 1. Subukin mong humanap ng mga nagpaparami ng halaman at kapanayamin tungkol sa tagumpay ng kanyang negosyo. 2. Sa anong paraan mo ipagbibili ang iyong pinaraming halaman? Anong gagawin mo kapag hindi mabenta ang iyong halaman? TANDAAN MO Upang matiyak ang tagumpay sa pagnanarseri, itala ang lahat ng gastos at kinita.Siguraduhing mataas ang uri at kalidad ng pinararaming halaman. 3
ISAPUSO MOSagutin ang mga sumusunod na tanong. Isulat ito sa kuwaderno.1. Bakit kailangang mataas ang uri at kalidad ng iyong pinaraming halaman?2. Paano mo malalaman na ikaw ay magtatagumpay sa pagnanarseri ng mga punong prutas at kahoy?PAGTATAYA Suriin mabuti ang talaan ng gastos at kinita sa pagnanarseri. Tingnan kungTagumpay, Patas o Lugi sa kahon sa ibaba.A. Gastos sa pagnanarseri1. Pagtatayo ng Bahay-Silungan. 1. Nipa o Pawid - 500.00 2. Kawayan - 700.00 3. Pako at panali - 200.00 4. Bakod - 500.00 5. Kahoy - 600.00 6. Manggagawa - 800.00 Kabuuan P3,300.00B. Mga Punla, Lupa at pataba1. Mga Bato - 200.00 300.002. Paso - 100.00 400.003. Plastic Bags - 50.004. Abono - 150.00 P1,200.00(organiko at di-organiko)5. Kusot/ Compost -6. Kemikals, pamatay-peste - Kabuuan 4
C. Mga Kagamitan sa Pagnanarseri - 3,000.00 1. asorol, pala, piko, _____________ dulos regadera, kartelya at iba Kabuuan P7,500.00D. Pagtutuos 1. Halaga ng naipagbiling - 10,000.00 halaman 200x50/ halaman 2. Kabuuang gastos - 7,500.00 3. Kita - P2,500.00 Tagumpay Lagyan ng halaga ang mga sumusunod na kagamitan sa narseri at gumawa ngtalaan ng gastos at kita. Alamin kung tagumpay o hindi.MGA KAGAMITAN GASTOS2 Pirasong buong kawayan o kahoy P =___________1 kilo pako P =___________1 kilo alambre P =___________12 piraso paso P =___________12 piraso plastic katamtaman ang laki Mga P =___________buto ng halaman1 Botelyang kemikal sa pambomba P =___________1 Sako kusot/compost P =___________6 yero/pawid piraso P =___________ Kabuuan P =___________Bilang ng pinaraming halaman x halaga P =___________Kabuuan Kita P=____________Kabuuan Gastos P=____________ Kung nasagutan mo nang buong husay ang bahaging pagtataya ng modyul, binabati kita! Maaari mo nang pag- aralan ang susunod na modyul. 5
GRADE VI KAHALAGAHAN NG KASANAYAN SA PAG-AALAGA NG HAYOP ALAMIN MO Sa modyul na ito malalaman mo ang kahalagahan ng kasanayan sa pag-aalaga ng hayop. Halina at balikan mo ang iyong naging karanasan sa pag-aalaga ng hayop. 1
PAGBALIK-ARALAN MO Tingnan mo ang crossword puzzle na ito. Hanapin ang nakatagong salita na may kaugnayan sa paghahayupan. Maaaring nakasulat nang pahalang, pababa o palihis. Isulat ang walong hayop na matatagpuan at isulat sa kuwaderno. MA L P A T OK WA M U K I B A AB N G AT IM BA D O YANB AK H A KT S I PA L N I BON UH I T I KSG GA S D OPNL ON I S DABN PAG-ARALAN MONaiisip mo ba ang maaaring mangyari sa mga darating na panahon sa Pilipinas?Lumalaki ang bilang ng populasyon ngunit kakaunti ang nag-aalaga ng mga hayop.Nangangahulugang marami ang nangangailangan sa kakaunting alagang hayop. Tiyak natataas ang bilhin ng karne sa mga palengke o sa mga tindahan. Kaakit-akit at kawili-wiling pagmasdan ang kapaligiran kung may marami at iba’tibang uri ng hayop ang ating nakikita. Sa mga pasyalang lugar, sa mga tahanan at mgabukirin sa nayon ay matatagpuan ang iba’t ibang hayop na ito. Nangangamba ang Kagawaran ng Agrikultura lalo na ang ahensya ng Paghahayupanna may lahi ng katutubong hayop na malapit nang maubos. Kaya’t kinakailangan angbawat Pilipino ay mapagmahal sa kalikasan at sapat na kasanayan sa pag-aalaga nghayop. 2
Pag-aalaga ng Kambing Piliin ang malusog, maliksi at agresibong lalaking kambing. Putulin angmahahabang kuko upang maging maayos ang lakad. Ilagay ang inahing kambing satuyo at malinis na lugar. Mag-spray ng gamot upang mapuksa ang mga pestengmaaaring dumapo. Tulungan sa panganganak ang inahing kambing. Tumawag ngbeterinaryo kung nahihirapan manganganak ang inahin. Punasan ng basahan angbagong anak na kambing upang makahinga. Hayaan manatili ang maliit na kambingsa inahin upang sumuso. Ilagay sa init ng araw ang bagong silang na kambing, tatlo(3) hanggang 5 minuto. Pakainin ng gatas na may halong itlog kung ang inahin ayhindi nagpapasuso. SUBUKIN MO Sa pamamagitan ng larawang ito. Ano-ano ang naiisip mong kahalagahan sa pag-aalaga ng hayop? 3
A. Sagutin ang mga sumusunod na tanong. Lagyan ng (tsek) sa Oo o Hindi. Gawin ito sa kuwadernong sagutan. MGA TANONG MGA SAGOT OO HINDI1. Maisasagawa ko ang pag- aalaga ng mga hayop sa aking kasanayan?2. Makakatulong ba ako sa aking pamilya kung gagamitin ko ang aking kasanayan?3. Makakatulong ba ang aking kaalaman sa pag- unlad ng ating bayan?4. Makakabubuti ba itong kasanayan sa kinabukasan ko?5. Sapat na ba itong kasanayan ko upang mag- alaga ng piling hayop?TANDAAN MO Higit na magagampanan ang isang gawain sa paghahayupan kung ikaway may sapat na kaalaman at kasanayan sa pag-aalaga ng iba’t ibang hayop. 4
ISAPUSO MOBasahin ang mga saloobin. Lagyan ng tsek (√) sa tiyak o Hindi tiyak. MGA SALOOBIN SAGOT TIYAK HINDI TIYAK1. Lumalakas ang loob sa pagsisimula ng pag-aalaga ng hayop kung may kasanayan.2. Magiging hadlang sa tagumpay ng pag-aalaga ng hayop ang kulang na kaalaman at kasanayan.3. Maaaring maging tagapagpayo sa larangan ng paghahayupan kung may sapat na kasanayan.4. Madaling nalulutas ang suliranin sa pag-aalaga ng hayop kung may kasanayan.5. Mabuti ang pakikitungo mo sa alagang hayop at ibinigay ang mga kailangan.B. Sumulat ng tatlo (3) hanggang limang (5) pangungunsap tungkol sa bawat sitwasyon. 1. Kung ikaw ang may kasanayan sa pag-aalaga ng hayop sa iyong bayan ano ang maitutulong mo bilang isang mabuting mamamayan? Bakit? 5
Search
Read the Text Version
- 1
- 2
- 3
- 4
- 5
- 6
- 7
- 8
- 9
- 10
- 11
- 12
- 13
- 14
- 15
- 16
- 17
- 18
- 19
- 20
- 21
- 22
- 23
- 24
- 25
- 26
- 27
- 28
- 29
- 30
- 31
- 32
- 33
- 34
- 35
- 36
- 37
- 38
- 39
- 40
- 41
- 42
- 43
- 44
- 45
- 46
- 47
- 48
- 49
- 50
- 51
- 52
- 53
- 54
- 55
- 56
- 57
- 58
- 59
- 60
- 61
- 62
- 63
- 64
- 65
- 66
- 67
- 68
- 69
- 70
- 71
- 72
- 73
- 74
- 75
- 76
- 77
- 78
- 79
- 80
- 81
- 82
- 83
- 84
- 85
- 86
- 87
- 88
- 89
- 90
- 91
- 92
- 93
- 94
- 95
- 96
- 97
- 98
- 99
- 100
- 101
- 102
- 103
- 104
- 105
- 106
- 107
- 108
- 109
- 110
- 111
- 112
- 113
- 114
- 115
- 116
- 117
- 118
- 119
- 120
- 121
- 122
- 123
- 124
- 125
- 126
- 127
- 128
- 129
- 130
- 131
- 132
- 133
- 134
- 135
- 136
- 137
- 138
- 139
- 140
- 141
- 142
- 143
- 144
- 145
- 146
- 147
- 148
- 149
- 150
- 151
- 152
- 153
- 154
- 155
- 156
- 157
- 158
- 159
- 160
- 161
- 162
- 163
- 164
- 165
- 166
- 167
- 168
- 169
- 170
- 171
- 172
- 173
- 174
- 175
- 176
- 177
- 178
- 179
- 180
- 181
- 182
- 183
- 184
- 185
- 186
- 187
- 188
- 189
- 190
- 191
- 192
- 193
- 194
- 195
- 196
- 197
- 198
- 199
- 200
- 201
- 202
- 203
- 204
- 205
- 206
- 207
- 208
- 209
- 210
- 211
- 212
- 213
- 214
- 215
- 216
- 217
- 218
- 219
- 220
- 221
- 222
- 223
- 224
- 225
- 226
- 227
- 228
- 229
- 230
- 231
- 232
- 233
- 234
- 235
- 236
- 237
- 238
- 239
- 240
- 241
- 242
- 243
- 244
- 245
- 246
- 247
- 248
- 249
- 250
- 251
- 252
- 253
- 254
- 255
- 256
- 257
- 258
- 259
- 260
- 261
- 262
- 263
- 264
- 265
- 266
- 267
- 268
- 269
- 270
- 271
- 272
- 273
- 274
- 275
- 276
- 277
- 278
- 279
- 280
- 281
- 282
- 283
- 284
- 285
- 286
- 287
- 288
- 289
- 290
- 291
- 292
- 293
- 294
- 295
- 296
- 297
- 298
- 299
- 300
- 301
- 302
- 303
- 304
- 305
- 306
- 307
- 308
- 309
- 310
- 311
- 312
- 313
- 314
- 315
- 316
- 317
- 318
- 319
- 320
- 321
- 322
- 323
- 324
- 325
- 326
- 327
- 328
- 329
- 330
- 331
- 332
- 333
- 334
- 335
- 336
- 337
- 338
- 339
- 340
- 341
- 342
- 343
- 344
- 345
- 346
- 347
- 348
- 349
- 350
- 351
- 352
- 353
- 354
- 355
- 356
- 357
- 358
- 359
- 360
- 361
- 362
- 363
- 364
- 365
- 366
- 367
- 368
- 369
- 370
- 371
- 372
- 373
- 374
- 375
- 376
- 377
- 378
- 379
- 380