Important Announcement
PubHTML5 Scheduled Server Maintenance on (GMT) Sunday, June 26th, 2:00 am - 8:00 am.
PubHTML5 site will be inoperative during the times indicated!

Home Explore E.P.P VI

E.P.P VI

Published by Palawan BlogOn, 2015-10-01 02:03:47

Description: Binder1

Search

Read the Text Version

4. Magiging mabilis ang pagbibili ng mga paninda kung ito ay nakatanghal at kaakit-akit upang makatawag-pansin sa mamimili. Narito ang mga paraan ng maayos na pagtatanghal ng paninda. a. Dapat pagsama-samahin ang mga panindang magkakauri b. Pangkat-pangkatin ang mga paninda c. Kinakailangang may presyo ang bawat paninda5. Malaki rin ang magagawa ng nagtitinda o tindera sa paghihikayat ng mga mamimili. Kailangang ang tindera ay may malusog na pangangatawan, malinis sa pananamit, at higit sa lahat, siya ay magalang at masigla sa pakikitungo sa mga mamimili at nagtataglay ng malinis at tapat na kalooban sa pagtitinda.6. Ang malinis at tumpak na talaan ng mga pinamili, presyo o halaga ng pagkakabili at pagkakabenta ay makakatulong din sa pamamahala at pagsasaayos ng tindahan.SUBUKIN MOKung ikaw ang may-ari ng isang tindahan, paano mo isasaayos ang mga paninda? Kung gayon, ihanay mo ang mga paninda ayon sa uri. Gawin mo ito sa iyongkuwaderno.SABON SARDINAS GATAS DE BOTELigo Camay toyo sukang paombongCatsup Palmolive birch tree AlaskaAnchor milk 555 ivory patis 3

TANDAAN MO 1. Ang pamimili ng mga paninda sa kooperatiba ay ibinabatay sa pangangailangan ng mga kasapi at uri ng tindahang kooperatiba. 2. Ang maayos na pagtatanghal ng paninda ay nakaaakit ng mamimili, nakapagpapadali ng pamimili, at nakapagpapabilis ng pagtitinda. 3. Ang kalusugan, pananamit at tamang pakikitungo sa mga mamimili ay makahihikayat upang dumami ang mga suki. ISAPUSO MO Basahing mabuti ang mga pangungusap. Kapag ito ay nagsasaad ng mabutingpag-uugali, gumuhit ng puso at kulayan ng pula. Kung ito naman ay nagpapahayag ngdi-wastong pag-uugali, gumuhit ng pusong walang kulay. Gawin ito sa iyongkuwaderno. 1. Ang tindera ay laging nakangiti sa mga mamimili. 2. Sinisigawan ni Marie ang bumibili kapag ito ay makulit. 3. Sinasabi ni Nelia ang tunay na halaga ng paninda at hindi siya nagdadagdag ng presyo. 4. Padabog na inihahagis ng tindera sa bumibili ang biniling produkto. 5. Ugali niyang magpasalamat sa mga taong bumibili ng paninda. 4

GAWIN MOA. Lagyan ng tamang sagot ang bawat patlang. Piliin sa loob ng tindahan ang wastong salita. Isulat ito sa iyong kuwaderno.M O N ‘S SARI-SARI STOREMataas PopulasyonAntas TuboUri PuhunanPresyo Dibidendo Pangangailangan1. Sa matalinong pamimili dapat isaisip ang mga pangunahing ___________ ng nakararami sa mga kasapi.2. Dapat ding isaalang-alang ang ______________ at _____________ ng mga pamumuhay ng mga taong nasa pamayanan kung saan nakatayo ito.3. Alamin din ang laki ng _________________ kung saan nakatayo ang kooperatiba.4. Dapat _____________ ang uri ng paninda. 5

B. Ngayong natutuhan mo na ang mga salik na dapat isaalang-alang sa matalinong pamimili, tingnan ko nga kung kaya mong ilarawan ang isang tindahang kooperatiba sa pamamagitan ng pagguhit. Gawin mo ito sa iyong kuwaderno.A. PAGTATAYA Sipiin o kopyahin ang tseklist na ito sa iyong kuwadernong sagutan. Lagyan ngtsek (√) ang angkop na kolum.Pamantayan Tama Mali Di-sigurado1. Upang ganahan ang mamimili punuin ng laman ang istante.2. Ang pangangailangan ng marami ay dapat unahin.3. Kailangang maayos ang pagtatanghal ng paninda.4. Ang tindera ay suplada, mataray at magaspang ang pag-uugali.5. Ang mga paninda ay may mataas na uri at mababa ang halaga.Kung nasagutan mo nang buong husay ang bahagingpagtataya ng modyul, binabati kita! Maaari mo nang pag-aralan ang susunod na modyul. 6

  GRADE VI ANG PAG-IIMBENTARYO AT PAGTUTUOS NG TUBO AT KITA ALAMIN MO Ang bata sa larawan ay pinapagbantay ng tindahan ng kanyang nanay. Bago umalis ang kanyang ina, pinagbilinan siya na pagbutihan ang pagtitinda. pagkuwenta Ikaw, ano ang gagawin mo upang hindi naman kayo malugi sa araw na iyon? Sa modyul na ito, matututuhan mo ang wastong pag-iimbentaryo, pagtutuos ng halaga ng pinamili, pinagbilhan at tinubo sa pagtitinda. O, ano “K” ka na ba? 1

PAGBALIK-ARALAN MO Isulat ang tsek (√) kung ang diwa ng pangungusap ay tama at ekis (x) kung mali.Isulat ang iyong sagot sa kuwadernong sagutan: 1. Pagsama-samahin ang lahat ng paninda 2. Madaling abutin ang paninda. 3. Lagyan ng tamang presyo. 4. Ang magkakauri ay pagsama-samahin. 5. Ang pangangailangan ng marami ay dapat unahin. 6. Hayaang nakakalat ang mga paninda. 7. Ang isang tindera ay nagtataglay ng magagandang katangian. 8. Kulang ang sukli na ibinibigay sa mamimili. 9. Bumili ng pinakamataas na uri ng produkto. 10. Ang mga panindang bibilhin ay batay sa pangangailangan ng mga tao sa pamayanan. PAG-ARALAN MO Ang pag-iimbentaryo ng mga paninda ay mahalaga upang malaman ang mgapinamili at pinagbilhan. Nararapat na may malinaw na pagkakatala o listahan angmga panindang binili at bilang nito gayon din ang mga bilang ng panindang natira.Ang pag-iimbentaryo ay maaaring gawing lingguhan, buwanan o taunan ayon sahinihingi ng pagkakataon. Dito rin malalaman kung kumikita ang tindahan o hindi. 2

Narito ang isang halimbawa ng pormulasyon na maaaring gamitin kapag nag-iimbentaryo:Pangalan ng tindahan:______________ Petsa:___________Papel ng Imbentaryo o Bilang:_____________Bilang Yunit Pangalan ng Halaga ng Kabuuang HalagaPaninda paninda20 kilo bigas P 35.00 P 700.0030 piraso itlog 5.50 165.0015 lata sardinas 225.0010 bareta sabon 15.50 240.00 24.00Itinala ni:________________ Sinuri ni:______________ Ang paglalagay ng presyo o halaga ng mga paninda ay ibinabatay sa bahagdangpinaiiral ng pamahalaan. Narito ang pormula ng paglalagay ng presyo ng paninda:Pormula: Puhunan x 15% bahagdang idadagdag1 Ballpen = P 6.50 P 6.50 Puhunan x 15% + 1.00 idagdag P 7.50 Halaga ng pagbebenta Maraming tindahang kooperatiba ang nagtatabi ng kahati sa pagtangkilik athalagang pinuhunan ng isang taon. Ang kita ng tindahan ay tinutuos o inaawdit nanglingguhan, buwanan at sa huling araw ng taon upang malaman kung magkano anghalaga ng dibidendong matatanggap ng bawat sapi o sosyo. Mahalagang itago ng isang kasapi ang mga resibo ng kanyang pinamili sapagkatmakatutulong ito upang malaman ang antas ng pagtangkilik niya sa kooperatiba.Dalawang linggo bago sumapit ang takdang araw ng pagbibigay ng mga dibidendo,isinasara na ang mga ulat ng pagtutuos upang malaman ang halaga ng dibidendo okinita at ang halagang natipid. Ang perang natipid ay ang isinasabing kahati sapagtangkilik. 3

Ganito tinutuos ang dibidendo:1. Binibilang ang kabuuang halagang hawak.2. Ibabawas ang halaga ng mga pinagkagastahan o puhunan.3. Ang matitirang halaga ang hahati-hatiin ayon sa bilang ng sosyo.Halimbawa: Perang hawak - P 20,000.00 Puhunan - P 13,000.00 Tubo/kita - P 7,000.00Bilang ng sosyo - 10Ang perang kinita o tinubo ay hahatiin sa 10 sosyo.P 7,000.00 ÷ 10= P 700.00 Ang bawat kasapi ay tatanggap ng halagang P 700.00. Kung ikaw ay maydalawang sapi tatanggap ka ng P1,400.00SUBUKIN MOA. Ibigay ang tamang presyo ng mga paninda. Kuwentahin ito sa tubo ng labinlimang porsiyento (15%). Gawin ito sa iyong kuwaderno Puhunan Presyo1 sardinas P 12.00 P 13.801 noodles P 5.00 5.751 itlog P 5.00 5.751 shampoo (sachet) P 4.60 5.30B. Sagutin ang mga sumusunod na katanungan. Isulat ang sagot sa iyong kuwaderno.1. Bakit kailangan ang pag-iimbentaryo ng mga paninda?2. Kailan ang wastong panahon ng pag-iimbentaryo?3. Ano-anong impormasyon ang makukuha sa pag-iimbentaryo?4. Paano tinutuos ang kabuuang halaga ng mga paninda?5. Ilang porsiyento ang kailangang idagdag sa mga paninda? 4

TANDAAN MO1. Ang imbentaryo ay talaan ng mga pinamili at mga natirang paninda.2. Ang pagtutuos ng tubo ay ginagawa sa pamamagitan ng pagbilang ng hawak na pera. Ibawas ang puhunan at ang halagang matitira ay ang tubo.3. Makukuha ang kabuuang tubo sa pagbabawas ng puhunan sa halagang pinagbilhan at ang netong tubo naman ay ang pagbabawas ng mga gastos sa kabuuang tubo. ISAPUSO MO1. Maraming ginagawa ang iyong nanay sa bahay. Naisipan mong magbantay ng tindahan upang makatapos agad ang iyong ina sa mga gawaing-bahay. Anong magandang pag-uugali ang ipinakita mo?2. Sa dami ng iyong takdang-aralin na sasagutan, nagawa mo pa ring isingit ang paggawa ng imbentaryo ng panindang naipagbili at natira sa inyong tindahan. Anong magandang katangian ang ipinamalas mo? 5

GAWIN MO A. Kuwentahin ang mga sumusunod na suliranin at gamitin ang tamang pormula sa pagkukuwenta ng halagang pagbibili sa isang paninda. Ipakita sa iyong kuwaderno ang tamang pagkukuwenta. 1. Si Gng. Reynoso ay bumili ng 10 pirasong DMC sinulid pamburda sa halagang P 4.00 ang isa. Magkano niya dapat ipagbili ang isang piraso sa may dagdag na 15%. 2. Ang dalawang dosenang pakete ng shampoo ay nabili ni Ching ng Php 110.40. Naipagbili niya ng P 5.30 ang isa magkano ang naging kabuuang tubo sa lahat? PAGTATAYA Basahing mabuti ang bawat pangungusap. Alamin ang tinutukoy ng bawat isa sa pamamagitan ng pagpili ng tamang sagot sa loob ng panaklong. Isulat lamang ang titik ng wastong sagot sa iyong kuwadernong sagutan.1. Ito ay talaan ng mga pinamili at mga natirang paninda. (A. imbentaryo B. resibo C. pormularyo D. papeles)2. Ano ang pormula sa paglalagay ng presyo ng paninda? (A. Puhunan x 10% B. Puhunan x 15% C. Puhunan x 20% D. puhunan x 25% )3. Ang halagang tinatanggap ng bawat kasapi ayon sa kanyang inilagak na sosyo ay tinatawag na: (A. tubo B. interes C. dibidendo D. puhunan) 6

4. Alinsunod sa batas, ilang porsiyento ang idinagdag sa puhunan sa pagkukuwenta ng halagang pantinda? (A. 10% B. 15% C. 20% D. 25%)5. Ang perang kinita mula sa pagbebenta ng paninda ay tinatawag na: (A. interes B. porsiyento C. tubo C. puhunan) Kung nasagutan mo nang buong husay ang bahaging pagtataya ng modyul, binabati kita! Maaari mo nang pag- aralan ang susunod na modyul. 7

  GRADE VI PAG-AALAGA NG SANGGOL AT PISIKAL NA KATANGIAN ALAMIN MO Hello! Masuwerte ka! Ngayo’y nasa ikaanim na baitang ka na! Malakas at responsable. Di ba, dumaan ka rin sa pagkasanggol, inalagaan at minahal? Alam ko, kayang-kaya mo na ang mag-alaga ng sanggol upang makatulong sa iyong magulang. Marami ka pang dapat malaman sa ganitong gawain. Sa modyul na ito, inaasahan na matututuhan at matutukoy mo ang pagkakaiba- iba ng mga pisikal na katangian ng isang sanggol. 1

PAG-ARALAN MO Basahin ang pag-uusap ng mag-inang Aling Maria at Jesusa. Aling Maria: Halika anak, tingnan mo ang iyong larawan noong sanggol ka. Ang kyut-kyut mo. Jesusa: Inay, kailan po ba tinatawag na sanggol ang isang bata? Aling Maria: Anak, ang batang bagong panganak hanggang isang taon ay tinatawag na sanggol. May dalawang yugto ng pagiging isang sanggol. Ito ay mula sa pagkakasilang hanggang siyam na buwan at mula siyam na buwan hanggang dalawang taong gulang. May mga pisikal na katangian ang sanggol sa bawat yugtong ito. Jesusa: Ano-ano po ang mga katangiang pisikal ng sanggol? Aling Maria: O, Tingnan mo ang bagong silang na sanggol sa larawang ito. Ang sanggol ay may manipis at maselang balat, malaki ang ulo kaysa sakatawan at mabilog ang mukha na nagbabago habang lumilipas ang mga araw.Basahin mo anak ang nakasulat pa rito. 2

Jesusa: Mula sa pagsilang hanggang sa ikalawang buwan ay madalas natutulog ang sanggol. Karaniwang nagigising kapag nagugutom o basa ang damit at lampin. Madalas maghikab at mag-inat ang sanggol. Ang paningin niya ay wala pa sa direksiyon at kung minsan ay naduduling. Nakakahawak na siya ng mga bagay. Aling Maria: Ang galing ng anak ko. Ito pa ang isang larawan. Ang sanggol na ito ay nasa tatlo hanggang limang buwan. Basahin mo ulit angnakatala rito. Jesusa: Sa edad na ito, marami na ang natutuwa sa kanya. Nagsisimula nang tumagilid sa higaan hanggang sa matutong dumapa, makakilala at umabot ng mga bagay. Nagiging matalas na ang kanyang pandinig, pandama, panlasa, paningin at pang-amoy. Marunong na siyang makipag-usap bagama’t di pa tuwirang makapagsalita. Ganito rin ba ako noon, Inay? Aling Maria: Oo, mahal na mahal kita, kaya alagang-alaga kita. Tingnan mo naman ang huling larawan mo. Ikaw ay nasa edad anim hanggang labindalawang buwan 3

Siyempre, marami na siyang nagagawa:- gumagapang sa pamamagitan ng mga tuhod at mga kamay- umuupo, tumatayo at lumalakad nang nag-iisa- nakakikilala na ng mga tao, kasambahay, ng mga matitingkad na kulay at hayop tulad ng aso at pusa- nagsisimula nang magkagusto at umayaw- nagsisimula nang magkangipin.- nagsisimula nang bumigkas ng mga pantig tulad ng ma-ma, pa-pa, da-da, ta- taJesusa: Wow, ang galing naman! Ganon pala ako noong sanggol pa. Buti na lang napakamaunawain, matiyaga at mapagmahal ang tagapag-alaga kong si Nanay. Salamat, Nanay, ha. Lumaki po akong ligtas at mahusay dahil sa pag-aalaga ninyo sa akin. Sana po, ako’y maging mahusay na tagapag- alaga ng sanggol. SUBUKIN MO Alam ko, nagustuhan mo ang kuwentong usapan ng mag-ina. Sagutin angmga tanong ukol sa binasa at isulat ang sagot sa kuwaderno. 1. Anong paksa ang pinag-uusapan ng mag-inang Aling Maria at Jesusa? 2. Ano ang ibig sabihin ng katangiang pisikal? 3. Ano-ano ang mga katangian pisikal sa bawat yugto ng isang sanggol? a. Isa hanggang dalawang buwan b. Talo hanggang limang buwan c. Anim hanggang isang taon o hanggang dalawang taon 4. Ano ang nadarama mo habang natututuhan ang bawat yugto ng pagiging sanggol? 4

TANDAAN MO May pagkakaiba-iba sa pisikal na katangian sa bawat yugto ang sanggol. Madali at kasiya-siya ang pag-aalaga ng sanggol kapag alam mo angpisikal na mga katagian. ISAPUSO MO Sagutin at isulat sa papel ang sagot sa mga tanong. 1. Anong kagandahang-asal ang napulot sa binasang usapan nina Aling Maria at Jesusa? 2. Paano pahahalagahan ang isang lumalaking sanggol? GAWIN MO A. Gumuhit ka ng isang sanggol ayon sa nais mong yugto ng pagiging sanggol. Isulat ang katangiang pisikal na naglalarawan dito. B. Dumalaw sa isang kapitbahay na may sanggol. Tanungin ang kanyang ina ukol sa mga pisikal na katangian ng anak na sanggol. Paghambingin ayon sa napag-aralan mo. Itala ang impormasyong nakalap at ibahagi ito sa iyong kasambahay. 5

PAGTATAYA Tukuyin at isulat sa iyong kuwaderno ang titik ng tamang yugto ng pagiging isangsanggol ayon sa mga pisikal na katangian. A. Isa hanggang dalawang buwan B. Tatlo hanggang limang buwan C. Anim hanggang isa o dalawang taon 1. Gumagapang, umuupo, tumatayo at lumalakad na nang nag-iisa. 2. Paminsan-minsang pagduduling ng mga mata. 3. Nagsisimula nang maakit sa mga matitingkad na kulay. 4. Gumagapang sa pamamagitan ng dalawang paa at dalawang kamay. 5. Marunong ng makipag-usap sa pamamagitan ng pagasagot ng o-o-o-o-o-o- 6. May manipis at maselang balat. 7. Nagigising kapag nagugutom o basa ang lampin. 8. Nagsisimula nang magkaroon ng ngipin. 9. Nakakikilala ng mga kasambahay. 10. Madalas maghikab at mag-inat pagkatapos sumuso. Kung nasagutan mo nang buong husay ang bahaging pagtataya ng modyul, binabati kita! Maaari mo nang pag- aralan ang susunod na modyul. 6

  GRADE VI WASTONG PAG-AALAGA NG SANGGOL ALAMIN MO Tingnan mo ang larawan. Ano ang masasabi mo rito? May batang kasing-edad mo na nag-aalaga ng sanggol. Oo, may responsibilidad kang tumulong mag-alaga ng sanggol kung sakaling may sanggol sa inyong tahanan. Sa modyul na ito, malalaman ang tamang pamamaraang pangkalusugan at pangkaligtasan sa pag-aalaga ng sangol. O, handa ka na ba? 1

PAGBALIK-ARALAN MO Tingnan ko kung natatandaan mo pa ang nakaraang pinag-aralan ukol sa wastongpag-aalaga ng sanggol. Sagutin ang mga tanong. Isulat ang sagot sa iyong kuwaderno. A. Ano-ano ang mga katangiang pisikal ng sanggol sa: 1. unang araw ng pagkasilang hanggang ikalawang buwan. 2. ikatlong buwan hanggang ikalimang buwan 3. ikaanim na buwan hanggang isang taon B. Sa kaalaman mong ito, ano ang magandang dulot nito sa iyo? Bakit? PAG-ARALAN MO Dapat mong malaman na may wastong pamamaraan sa pag-aalaga ng isang sanggol.Isasaalang-alang mo rin ang mga panuntunang pangkalusugan, at ang pangkaligtasanniya. Tunghayan at basahin ang kabuuan ng aralin nang may pang-unawa. SANGGOL AY MAHALIN Sanggol ay may pangangailangan na dapat mong matugunan Habang siya’y lumalaki, pangangalaga’t pagsubaybay, ika’y inaasahan Dapat mo ring malaman, wastong panuntunang pangkalusugan Aralin mo rin, wastong panuntunang pangkaligtasan. Wastong pagkain na kailangan ng sanggol ay alamin. Wastong pagpapakain sa kanya ang dapat mong sundin. Wastong pagpapadighay, tunay na kailangan din. Pati na wastong pagpapaligo, pagbibihis at pagpapalit ng lampin. 2

Wastong pagpapatulog ng sanggol ay mahalaga rin Pagkagising niya’y puwede nang laruin at libangin Pero kapag umiyak na agad siya’y tugunin. Ngiti niyang pasasalamat, tiyak iyong tatamuhin. Ang lahat ng ito’y mga gawaing kaaya-aya Nagpapatibay ng relasyon sa bawat miyembro ng pamilya Taglayin mong lagi, mahusay na katangian ang tagapag-alaga Sanggol ay mahalin, siya’y tunay na malaking biyaya. Di ba ang sarap bigkasin ng tula lalo na’t nauunawaan mo ito? Pero, para lalo kang maging isang mahusay na tagapag-alaga ng sanggol, isa- isang pag-aralan mabuti ang mga sumusunod: PAGKAIN NA KAILANGAN NG SANGGOL Maselan ang sanggol kaya kailangang pili lamang ang pagkain niya. Kailangang masustansiya para siya ay lumaki agad nang malusog. 1. Gatas ng ina- Ito ang pinakamainam at pinakakumpletong pagkain para sa sanggol. Ito ay magandang panlaban sa sakit at impeksiyon. 2. Gatas sa lata o sa kahon- kung hindi sapat o wala ng gatas na masuso ang sanggol sa ina, ang pagpapasuso sa bote ay hindi mo maiiwasan. Magtanong ka sa doktor kung anong tamang gatas sa lata o sa kahon ang maaari para sa sanggol at sundin mo ang direksyong nakasaad sa lalagyan ng gatas. 3

Pagsapit ng ikatlo hanggang ikaapat na buwan, pagkaing malalambot at madaling matunaw ang dapat mong ibigay sa sanggol gaya ng: 1. dinurog na prutas, gulay at seryal 2. dinurog na pula ng itlog 3. hinimay na isda o karne 4. katas ng prutas 5. lugaw PAGPAPAKAIN NG SANGGOL 1. Hugasan mong mabuti ang iyong mga kamay. Dapat na malinis ka bago humawak sa pagkain. 2. Sa pagpapasuso ng gatas sa bote. Bago pasusuhin ang sanggol sa bote, tandaan mong lagi ang mga tuntuning ito: - Isterilahing mabuti ang bote at tsupon. Ang isterilisasyon ay ang pagpatay o pagpuksa sa mikrobyo sa pamamagitan ng pagpapakulo. - Patuyuin at linising lahat ang mga gamit ng sanggol para ligtas sa mikrobyo. - Pakuluing mabuti ang tubig na gagamiting panimpla ng gatas. Ilagay ito sa termos o sa refrigerator. Kailangan maging maligamgam at tama ang temperatura at dami ng gatas na ipasususo sa sanggol. Subukin ang init ng gatas sa pamamagitan ng pagpapapatak nito sa iyong braso. - Sundin mo ang tamang direksiyon sa pagtitimpla ng gatas. - Kapag pinasususo na ang sanggol, kailangang kalungin mo siya nang pahiga na ang ulo ay nakapatong sa iyong braso at bahagyang 4

nakadikit sa iyong katawan para madama niya ang init ng iyong pagmamahal. - Padighayin mo ang sanggol kapag nangangalahati na ang gatas sa bote. Pag-aralan mong mabuti ang pagpapadighay. - Padighaying muli ang sanggol kapag naubos na ang gatas sa bote. Linisin mo agad ang bote. Gumamit ka ng brush. - Itapon mo agad ang natirang gatas kung lampas na ng apat na oras. - Huwag piliting sumuso o kumain ang sanggol kapag ayaw nito. - Dapat nasa tamang oras ang pagpapakain at pagpapasuso mo sa sanggol, mga dalawa o tatlong oras ang pagitan. 3. Habang lumalaki na ang sanggol, gawing isa-isa at unti-unti lamang ang pagpapakain ng iba’t ibang uri ng pagkain upang masanay siya sa lasa ng bagong pagkain. 4. Gawin mong regular ang oras at kasiya-siya ang pagpapakain sa sanggol upang magustuhan at matutuhan niyang kainin ang anumang ihahain sa kanya. 5. Tingnan ang dumi ng sanggol. Kapag nag-iba na ang kulay at lambot ng dumi, itigil na ang pagpapakain. 6. Hayaan mong kumain nang mag-isa ang sanggol kapag sumapit na siya ng isang taon. PAGPAPADIGHAY NG SANGGOL Talagang hindi maiiwasang makahigop ng hangin ang sanggol habang siya ay sumususo ng gatas sa ina man o sa bote na nagiging sanhi ng pagkakaroon ng kabag. 5

Sasakit ang kanyang tiyan, mag-iiiyak at di siya mapapalagay kapag siya ay may kabag. Kaya, napakahalaga na padighayin mo agad ang sanggol sa kalagitnaan at pagkatapos sumuso. Ganito ang gagawin mo: - Lagyan mo ng malinis na tuwalya o lampin ang iyong balikat para di ka marumihan. Maaari siyang lumungad. - Kargahin mo nang bahagyang nakasampay sa balikat ang sanggol at alalayan mo ang ulo at leeg nito. - Marahang hagurin at tapik-tapikin ang kanyang likod hanggang sa dumighay ito. - Kung sakaling siya ay lumungad, pahiran mo siya agad ng malinis na tuwalya o lampin. - Kapag naisagawa na ito, marahan mong itihaya at ihiga ang sanggol, Makikita mong magiginhawaan ang sanggol pagkakatapos niyang makadighay. Sulit ang iyong hirap, di ba? Teka, mayroon pang isang maayos na paraan ng pagpapadighay sa sanggol. Padapain mo nang buong ingat sa iyong kandungan ang sanggol. Dahan-dahan mong tapik-tapikin at hagud-hagurin ang kanyang likod hanggang siya’y nakadighay at punasan ang bibig ng malinis na tuwalya o lampin. PAGPAPALIGO NG SANGGOL Nakaranas ka na bang makapagpaligo ng sanggol? Alam mo, maselang gawain ito dahil malambot pa ang kanyang buto at hindi pa kayang itaas ang ulo pero dapat gawin sapagkat kailangan niyang mapaliguan araw-araw, kaya matinding pag-iingat ang dapat gawin. Pinakamabuting si nanay muna o sinumang kasambahay na bihasa na sa gawaing ito ang magpaligo sa kanya gaya ni lola, tiya, nars o kumadrona habang siya ay nasa una hanggang ikatlong buwang gulang. Pagkatapos ng edad na 6

ito, puwede ka nang magpaligo sa sanggol. Tandaan mo lamang at isagawa ang mga sumusunod: - Ihanda mo muna ang lahat na gagamitin sa pagpapaligo ng sanggol katulad ng mesa, plangganang may malinis at maligamgam na tubig, malambot na bimpo, tuwalya, tamang uri ng sabon, rubber mat, langis o losyon, damit na bihisan, bulak at pulbo. - Marahang kargahin ang sanggol nang payapos na sapo ang ulo at leeg, marahan siyang ilagay sa mesa at hubaran ng damit. - Basain ang malambot na bimpo ng malimgamgam na tubig at punasan ang kanyang mukha, mata, ilong, tainga at ulo. - Sabuning mabuti ang kanyang katawan nang banayad. Iwasang mabasa ang pusod. - Buhatin ang sanggol at itapat sa plangganang may tubig at banlawang mabuti. Huwag tatagalan ang pagbabanlaw at baka siya sipunin. - Ilapag ang sanggol sa mesang may latag na tuwalya at dahan-dahang dampian ang kanyang katawan ng tuwalya upang matuyo at para di ginawin. - Linisin ng bulak ang tainga nang buong ingat. - Pulbusan ang buong katawan o lagyan ng langis o losyon - Bihisan ang sanggol ng malinis at maluwag na damit at lampinan ito. Napaliguan mo na ang sanggol. Ngayon ay handa mo na siyang damitan o bihisan. Alamin pa rin ang mga sumusunod. PAGBIBIHIS NG SANGGOL Karaniwang payak ang pagkakayari ng damit ng sanggol na bagong silang. Madaling isuot at tanggalin. Ito ay yari sa malambot, manipis at walang himulmol gaya ng puting kamiseta, perlin at koton para mapangalagaan ang pino niyang balat. Karaniwan ding bukas ang harapan nito at ang pansara ay laso o dili kaya’y maliliit na butones. Kaya, ganito ang dapat mong gawin sa pagbibihis ng sanggol. 1. Ihanda muna ang lahat ng kailangan bago simulang bihisan ang sanggol. 2. Ihiga ang sanggol. Isuot ang isang braso nito sa isang manggas ng damit. Hilahin ito nang dahan-dahan upang di siya masaktan. 3. Itagilid ang sanggol at marahang hilahin ang damit upang maisuot ang isa pang manggas sa kabilang braso. 4. Itihaya ang sanggol at isuot ang isa pang manggas sa kabilang braso. 5. Paglapatin ang harapan ng damit at itali ng laso. Paglaki-laki ng sanggol, sando o kamiseta na ang dapat mong ipasuot sa kanya. Panatilihin mong malinis ang kanyang damit sa lahat ng panahon. 7

 PAGPAPALIT NG LAMPIN SA SANGGOL Ang lampin ng sanggol ay mas madalas palitan kaysa kanyang pang-itaas. Kapagito’y nabasa na dapat mo nang palitan agad para maiwasan ang pamumula atpamamantal ng balat nito. Bagamat may nabibiling komersyal na lampin, masmakatitipid ka pa rin kung tela ang gagamiting lampin. Kaya dapat pa ring pag-aralanang wastong pagpapalit ng lampin sa sanggol gaya ng mga sumusunod: 1. Tiklupin mo ang lampin sa tatlong bahagi kung malapad ito at dalawa naman kung makitid. 2. Ilagay mo ito sa ilalim ng puwitan ng sanggol. 3. Isingit mo sa pagitan ng dalawang hita ng sanggol ang isang dulo ng lampin at lagyan mo ng perdible ang dalawang gilid. 4. Tiyaking maayos ang pagkakalagay ng lampin. Hindi dapat sobrang luwag o sobrang higpit, iwasang huwag matutusok ng aspile o perdible ang bata.mas kumportable kung gagamit ng mga nabibiling clip na pang lampin. 8

 PAGPAPATULOG NG SANGGOL Ang bagong silang na sanggol ay karaniwang tulog nang tulog sa buong araw dahilkailangan niya ito sa mabilis niyang paglaki. Nagigising lamang siya kung gutom, basaang lampin o may dinaramdam. Pero, habang siya ay lumalaki, nababawasan ang oras ngkanyang pagtulog. Kaya dapat mo siyang patulugin sa tamang oras at ganito ang wastongpagpapatulog sa kanya.  Ihanda mong lahat ang mga kinakailangan sa pagpapatulog ng sanggol gaya ng malinis at malambot na kunang higaan na may kulambo.  Palitan mo ng maluwag na damit ang sanggol bago ito patulugin. Ipaghele mo ito, awitan at siya’y tapik-tapikan kung kinakailangan.  Ihiga nang buong ingat ang sanggol sa kanyang tulugan.  Hayaan mong matulog ang sanggol hanggang nais niya.  Bantayan mong mabuti ang natutulog na sanggol. Kaysarap pagmasdan ng sanggol sa kanyang malayang pagtulog. 9

 PAKIKIPAGLARO AT PAGLILIBANG SA SANGGOL Maaaring naranasan mo na ang makipaglaro sa isang sanggol at pareho kayongnalibang at nasiyahan. Malaking bagay ito sa sanggol, sapagkat kailangan niyanglumaking malusog, malakas, masigla, matangkad, at matalino. Paano mo ba lalaruin atlilibangin ang iyong inaalagaang sanggol? Sundin mo ang mga sumusunod: 1. Handaan at bigyan mo siya ng mga laruang malalambot, makikinis at may matitingkad o kaaya-ayang kulay. Ito ay kailangang angkop sa sanggol na babae o lalaki. 2. Pumili ka ng laruang angkop sa kanyang edad. 3. Huwag mong masyadong lalakasan ang boses habang nililibang o nakikipaglaro sa sanggol. 4. Maging maingat ka sa pagkilos at paghipo sa sanggol habang nakikipaglaro. 5. Siguraduhing malinis ang kapaligiran ng sanggol habang siya’y nilalaro at nililibang.  PANUNTUNANG PANGKALUSUGAN 1. Huwag bibigyan ang bata ng mga bagay na pwedeng mapunit o malulon 2. Iwasang ding mabigyan ng mga laruang may maliliit na parte o makakasugat sa katawan tulad ng matutulis na bagay. 3. Ilayo ang mga plastik na supot sa lugar na pinaglalaruan ng sanggol. Ito ay maaaring tumakip sa ilong ng sanggol na magiging sanhi nang hindi maayos na paghinga. 10

 PAGTUGON SA PAG-IYAK NG SANGGOL Ano ang dapat mong gawin kapag marinig mong umiiyak ang iyong inaalagaangsanggol? Alamin mo agad kung ano ang ipinahihiwatig ng kanyang pag-iyak sapagkatito’y paraan niya ng pakikipag-usap at pakikipag-ugnayan sa tao. Gawan mo agad ngparaan na maibigay ang kanyang pangangailangan upang siya’y maginhawahan. Mga posibleng dahilan ng pa-iyak ng sanggol 1. Gutom o uhaw na bigyan mo ng wastong pagkain. 2. Basa ang lampin o kasuotan – palitan na agad ang lampin o kasuotan. 3. Gustong magpakarga-bigyan siya ng oras mo; kargahin at ipaghele mo. 4. May nangangati sa katawan o may kagat ng insekto o kulisap- gamutin agad ng tamang pampahid. 5. Naiinitan- Ilabas mo sa mahanging lugar o pahanginan ng electric fan, 6. Giniginaw- Suotan mo ng sweater. 7. Masama ang pakiramdam o may sakit- Gamutin ng tamang gamot o dalhin agad sa doktor. 8. Inaantok o napapagod- Papagpahingahin at patulugin. 9. Natatakot- Samahan, tabihan at awitan. 10. May gustong hawakan- Bigyan ng angkop na bagay na kayang mahawakan. Kapag ito’y naisagawa mo, tiyak na ikaw mismo ang siyang masisiyahan.Mamahalin ka ng sanggol na iyong inaalagaan. 11

 PANUNTUNANG PANGKALUSUGAN SA PAG-AALAGA NG SANGGOL. Naaalaala mo pa ba ang kasabihang.” Ang Kalusugan ay Kayamanan”?Napakagandang panuntunan ito na dapat isaalang-alang lalo na sa pag-aalaga ngsanggol. Narito ang ilan sa mga wastong panuntunang pangkalusugan na dapat mongsundin bilang tagapag- alaga ng sanggol. 1. Panatilihin mong malinis ang buong kapaligiran na kinalalagyan ng sanggol at lahat ng mga bagay na nakapaligid dito. Ikaw mismo ay dapat palaging malinis sa katawan at sa pananamit. 2. Siguraduhin mong palaging may pumapasok na sariwang hangin at nasisikatan ng araw ang silid ng sanggol. 3. Panatilihin mong kaiga-igaya ang buong silid at paligid ng sanggol. Gumamit ka ng mga kulay na malamig sa mata. 4. Pag-ingatan mong magkaroon sa silid ng mga nakasisilaw na liwanag. 5. Pakainin mo ang sanggol ng mga tamang pagkain na bagay sa kanya, mga pagkaing madaling tunawin. 6. Huwag mong papayagang mahalikan ng kahit sino ang pisngi at bibig ng sanggol. Baka siya mahawaan ng sakit kung sakali. Iwasang umubo o bumahin sa harap ng sanggol. 7. Hayaan mong gumapang, tumayo o lumakad nang kusa ang lumalaking sanggol para siya ay lumakas at tumatag ang kanyang tuhod. 8. Dalhin mo ang sanggol sa doktor o sa pinakamalapit na Health Center para sa regular check-up. SUBUKIN MO Alam ko, nasiyahan ka sa pagbigkas ng tula at nauunawan ang mga binasa mongparaan ng pag-aalaga ng sanggol. Sagutin ang mga tanong at isulat ang sagot sa iyong kuwaderno: 1. Ano ang pamagat ng tula? 2. Ano ang masasabi mo sa isang sanggol? 3. Paano mo maipakikita ang pagmamahal mo sa sanggol? 4. Ano-ano ang mga pangangailangan ng isang sanggol? 5. Bakit kaya dapat ibigay ang mga ito sa kanya? 12

6. Paano mo masisiguro ang kalusugan ng sanggol na iyong inaalagaan? Bakit mo ito gagawin? 7. Ano-anong mga panuntunang pangkalusugan ang dapat mong maisakatuparan habang nag-aalaga ka ng sanggol? Bakit dapat mo itong isagawa? 8. Ano-ano ang mga panuntunang pangkaligtasan ang dapat mong sundin bilang tagapag-alaga? 9. Ano-ano ang magagandang katangian na dapat taglayin para matawag kang mahusay na tagapag-alaga ng sanggol? Bakit mahalaga ito? 10. Ano ang nadarama mo kapag wasto ang pag-aalaga mo sa sanggol? Ipaliwanag. TANDAAN MO May iba’t ibang pamamaraan at wastong panuntunang pangkalusugan at pangkaligtasan sa pag-aalaga ng sanggol tulad ng mga sumusunod: - Pagpapakain ng sanggol - Pagpapaligo ng sanggol - Pagbibihis ng sanggol - Pagpapalit ng lampin ng sanggol - Pagpapatulog ng sanggol ISAPUSO MO Sinunod mong lahat ang kaalamang natutuhan sa pag-aalaga ng sanggol noong ikaway pakiusapan ng iyong ina na alagaan ang sanggol mong kapatid habang siya ay nasaMaynila. Anong magagandang kaasalan ang ipinakita mo habang ikaw ay nag-aalaga ngsanggol na kapatid? Isulat ang mga ito sa iyong kuwaderno. 13

GAWIN MOIsagawa mo ang mga sumusunod: A. Isaulo ang tulang. “Sanggol ay mahalin.” Ipagmalaking bigkasin ito nang buong husay sa harap ng iyong kasambahay. B. Gawin mo ang sinasabi ng bawat pangungusap. 4. Kumuha ka ng isang manika kung walang sanggol sa inyo. Ipakita sa iyong kasambahay o sa mga kaibigan ang wastong pagpapaligo ng sanggol. 5. Ipakita ang wastong paraan ng pagbibihis sa sanggol kasama na ang paglalampin. 6. Ipakita ang wastong paraan ng pagpapakain sa sanggol. 7. Ipakita ang wastong paraan ng pagpapatulog sa sanggol. C. Gumawa ka ng mga laruang ginagamitan ng makukulay na papel tulad ng baso, bola, bangka, eroplano, sumbrero at iba pa. Ipalaro mo ito sa iyong inaaalagang sanggol. PAGTATAYA Basahin at unawain ang bawat pangungusap. Piliin at lagyan ng tsek (√) ang mgapangungusap na nagsasaad ng wastong pangangalaga ng sanggol at (x) kung hindi. Isulatsa papel ang iyong sagot. 1. Tiyaking malinis ang sanggol sa tuwina lalo na’t bago siya matulog. 2. Susun-susunin ang damit ng sanggol nang hindi siya ginawin. 3. Alalayan ang ulo ng sanggol tuwing kakargahin. 4. Dalhin ang sanggol sa mga lugar sa maraming tao upang siya ay maaliw. 5. Iwasan ang paghalik sa bibig at pisngi ng sanggol para hindi siya mahawahan ng sakit. 14

6. Bigyan ng sapat na oras ng pamamahinga ang sanggol para lumaki agad.7. Lagyan ng kulambo ang bata habang natutulog.8. Gumamit ng kahit anong uri ng sabon sa pagpapaligo ng sanggol.9. Piliting ipaubos sa sanggol ang lamang gatas sa bote para hindi masayang.10. Sigawan ang sanggol kapag umiiyak.Binabati kita, mahusay na tagapag-alaga ng sanggol! Kung nasagutan mo nang buong husay ang bahaging pagtataya ng modyul, binabati kita! Maaari mo nang pag- aralan ang susunod na modyul. 15

  GRADE VI SALIK: PANGANGASIWA NG MGA GAWAIN SA TAHANAN ALAMIN MO Pagmasdan mo ang larawan sa itaas. Ano ang masasabi mo? May pangarap ka rin bang maging kabahagi ng alin man sa mga gawaing ito? Dapat! Dahil makikita mo naman na sila ay masasaya. Bakit kaya? Sa modyul na ito, mauunawaan mo ang kahulugan, at kahalagahan at ang mga salik na dapat isaalang-alang sa mabisang pangangasiwa ng mga gawain sa tahanan sa maayos at matipid na pamamaraan. Ok, ihanda ang iyong sarili sa isa pang kapaki-pakinabang na aralin. 1

PAGBALIK-ARALAN MO Basahin at unawain ang bawat pangungusap na nakatala sa ibaba nito. Tukuyinkung alin sa bawat pangungusap ang nagsasabi ng A. wastong panuntunangpangkalusugan o B. Wastong panuntunang pangkaligtasan sa pag-aalaga ng sanggol.Titik lamang ng tamang sagot ang isulat sa iyong kuwaderno. 1. Dapat maging malinis at pinakuluan kung kinakailangan ang lahat na mga kagamitan para sa sanggol. 2. Ang mga pagkaing dapat ibigay sa sanggol ay dapat malambot at madaling matunaw. 3. Ingatan na huwag mabasa ang pusod ng sanggol habang pinaliliguan. 4. Ang damit ng sanggol ay dapat payak, malambot at walang himulmol. 5. Bigyan ang sanggol ng laruang walang matutulis na dulo at matatalas na gilid upang maiwasan ang pagkasugat. PAG-ARALAN MO Ang mabuting pangangasiwa lalo na sa sariling tahanan ay iyong matalinongpamamahala at paggamit ng lahat na mga pinagkukunan ng mag-anak upang umunladat maging matiwasay ang inyong pamumuhay. Nangangahulugan ito ng maparaangpagsusunod-sunod ng inyong mga gawain sa loob ng tahanan, pagbibigay ng wasto attiyak na impormasyon at direksyon sa mga magsasakatuparan ng mga gawain sa loobng tahanan at pagsubaybay upang matiyak kung wasto ang ginawa ayon sa itinakdanggawain. Ang pangangasiwa ng tahanan ay masasabing mabuti o maayos kung ito aymakapagdudulot ng maraming kapakinabangan. Ang inyong mag-anak ay dapatmakatipid sa panahon, pera at lakas sa pagtupad ng inyong mga nakatakdang gawain.Dapat magkaroon kayo ng panahon upang makapagpahinga at makapaglibang,makadalo sa mga gawaing pansibiko, pansimbahan, pambayan, at pampamayanan. 2

Sa ganitong paraan, magiging magaan at maayos ang paggawa, matutupad anghangarin o layunin, magiging kasiya-siya ang kalooban, at maginhawa ang kaisipan.Dahil dito, higit na liligaya, tatahimik at titwasay ang inyong pamumuhay. Kung mapapansin mo, lahat ng tao ay binigyan ng pagkakaroon na magingtagapangasiwa o tagapamahala ng gawain. Kaya lang, may mga taong mahusaymamahala at mayroon ding hindi. Para makasiguro na magiging mahusay at mabisaang iyong pangangasiwa, kailangang maunawaan mo ang mga salik na dapatisaalang-alang sa mabisang pangangasiwa ng mga gawaing pantahanan sa maayos atmatipid na pamamaraan. Pag-aralan at unawain mong mabuti ang diagram na sumusunod. MABUTING PANGANGASIWA NG TAHANAN Layunin o hangarinLayuning pansarili Layuning pangmag-anak Layuning Layuning pangmadalian pangmatagalanPangangailangan Kagustuhan Pagpapahalaga Pinagkukunan MGA SALIK SA MABUTING PANGANGASIWAPagbabalak Pagbubuo at Pagsasagawa at Pagpapahalaga pagtatalaga ng pagpapatnubay tungkulin 3

Sa mabuting pangangasiwa ng tahanan kailangan mong maunawaan ang mga ito. Unang-una, may mga layunin, hangarin, mithiing adhikain ang bawat kasapi ngiyong mag-anak na nais ninyong makamtam. Ito ang lakas na nagtutulak sa iyongmag-anak upang ang bawat isa ay magsikap umunlad ang buhay para matupad angpangarap sa buhay. Ito rin ay isang hamon upang magpatuloy ang bawat miyembro sapaggawa at paglutas ng mga suliraning kinakaharap sa buhay hanggangmapagtagumpayan ito. May dalawang uri ng layunin. 1. Layuning Pansarili- iisang tao lamang ang nag-iisip, nagbababalak at naglalayon para sa kanyang pansariling kapakanan. 2. Layuning Pangmag-anak- lahat ng kasapi ng mag-anak ang nagbabalak, nag-iisip at nagkakaisa sa paggawa para sa kanilang ikauunlad. Ang dalawang uri ng layunin ito ay maisasakatuparan sa madaling panahon o samatagal na panahon depende sa panahong kailangan sa pagtupad nito. 1. Layuning Pangmadalian- Kailangan lamang dito ang ilang oras o araw upang ito’y matupad. 2. Layuning Pangmatagalan- ang layunin ay inaabot ng buwan o taon bago matupad. Kapag ikaw ay may nilalayon, bigyan mo ng pansin ang mga sumusunod: 1. Pangangailangan- ito ay mga bagay na kailangan ng tao o ng mag- anak ninyo para mabuhay gaya ng pagkain, pananamit, tirahan at edukasyon. Hindi kayo mabubuhay kung wala nito. Ang mga ito ang nagtutulak sa inyong mag-anak na magsumikap, magtiyaga, magtiis sa paghahanapbuhay at magpakatatag. 2. Kagustuhan- ito ay mga bagay na maaaring naisin ng iyong mag-anak upang maging madali o maalwan ang inyong pamumuhay gaya ng kung mayroon ka nito o wala, patuloy pa rin kayong mabubuhay. 3. Pagpapahalaga- ito ay mga bagay na dapat mong bigyang halaga nang higit kaysa ibang bagay. 4

Halimbawa: a. Pangangailangan o kagustuhan - pagkain muna o videoke - edukasyon muna o kotse b. dangal o salapi c. karangalan o katanyagan d. payak na buhay, ngunit tahimik o marangyang buhay ngunit magulo naman. Sana, maging matalino ka sampu ng iyong kasambahay sa pagpapahalaga sa mga bagay-bagay. Magtulungan kayo rito at kamtin ninyo ang buhay na masagana at matahimik. 4. Pinagkukunan- ito ay mga bagay na ginagamit ninyong mag-anak upang maging maayos at mabuti ang inyong pamumuhay katulad ng salapi, lakas at dunong.MGA SALIK SA PANGANGASIWA NG MGA GAWAIN SA TAHANAN: 1. PAGBABALAK- ito ay ang pagtatakda ng plano o paraan upang makamit ang layuning nais mong makamit o hangaring ibig mong maisakatuparan. Kaya kailangan matalino ka. Dahil ito ang susundin mo hanggang sa mapagtatagumpayan mo ang iyong nilalayon. 2. PAGBUBUO AT PAGTATALAGA NG TUNGKULIN- Ang layunin at binabalak na mga gawain ay mahalagang maisaayos ayon sa pagkakasunod- sunod na may akmang panahon para makagawa ng tamang hakbang upang makamit ito nang buong tagumpay. Ang bawat gawain ay dapat hati-hatiin at italaga mo sa bawat kasapi ayon sa kanilang gulang, kasarian at kakayahan upang matiyak na naisasagawa ang mga ito at maiiwasan ang sisihan o di pagkakaunawaan. Sa ganitong paraan, wala kang magiging problema. 3. PAGSASAGAWA AT PAGPAPATNUBAY- Sa pagsasakatuparan ng mga gawaing itinakda mo sa bawat kasapi ay nangangailangan ng iyong masusing pamamatnubay upang matiyak na maisasagawa ang mga ito sa tamang pamamaraan at sa itinakdang oras. Ipaunawa mo ito nang buong husay sa bawat kasapi at ito’y makatutulong din sa kanila para lalong mapaunlad ang sarili nilang kakayahan at pagkatao. 4. PAGPAPAHALAGA- Dapat mong tandaan na ang bawat gawain ay mabibigyan ang tamang pagpapahalaga sa katapusan ng itinakdang panahon upang malaman mo kung naging matagumpay o bigo ang isinagawa. Kung napagtatagumpayan, lalo itong pagbubutihin sa hinaharap kung may kahinaan, pag-uusapan ninyo ng bawat kasapi at magtutulong-tulong na mabigyan ito ng ayos na pamamaraan para makamit ang ninanais na tagumpay. 5

SUBUKIN MO Sagutin mo ang mga sumusunod na tanong. Isulat ang iyong mga sagot sa sulatang papel 1. Paano mo maipapaliwanag ang tamang kahulugan ng pangangasiwa? 2. Kailan mo masasabing ang pangangasiwa mo ay mabuti o mahusay? 3. Ano ang dapat mong unang isipin o isaalang-alang sa binabalak mong gawain? Bakit? 4. Bakit kailangang maisakatuparan ang mga gawaing nakaatang sa bawat kasapi ng pamilya sa takdang oras? 5. Tukuyin at ipaliwanag ang kahalagahan ng bawat salik sa mahusay na pangangasiwa ng mga gawain sa tahanan. TANDAAN MO May mga pamamaraan at hakbang na dapat sundin upang maging matagumpay atkasiya-siya ang mga gawain. Binubuo ito ng apat na salik sa mahusay napangangasiwa ng mga gawain sa tahanan gaya ng pagbabalak, pagbubuo atpagtatalaga ng tungkulin, pagsasagawa at pagpapatnubay at pagpapahalaga. ISAPUSO MO Basahin at unawain mo ang sitwasyon sa ibaba nito. Tukuyin mo kung anongmagandang asal ang ipinahihiwatig nito na dapat mong tularan at isabuhay. Tinipon ni Mang Jose ang kanyang mag-anak at pinag-usapan nila ang balak napagkukumpuni ng kanilang tahanan. Hiningan niya ito ng kani-kanilang opinion atisinaalang-alang ang bawat isa. Isinagawa nila ito hanggang matapos angpagkukumpuni ng kanilang tahanan at magkaroon sila ng pagpapahalaga nito. 6

GAWIN MO1. Itala ang mga layunin mo sa buhay.2. Kapaanyamin mo ang iyong ama o ina upang malaman mo ang mga layunin o mithiing nais nilang makamit para sa kanilang anak.3. Isulat ito sa iyong kuwaderno at iulat sa iyong kasambahay. PAGTATAYAPanuto: Unawain ang mga sumusunod. Isulat sa papel ang titik ng salita o parirala na sasagot sa tanong sa bawat bilang. 1. Habang naghahapunan ang mag-anak nina G. at Gng. Ramoran, bingigyan na ng mag-asawa ang bawat isa sa kanilang tatlong mga anak ng mga takdang gawain para sa araw na walang pasok. Anong salik sa pangangasiwa ng mga gawain sa tahanan ang ipinapakita nito? A. pagpapahalaga B. pagbabalak C. pagtatalaga ng tungkulin D. pagsasagawa at pagpapatnubay 2. Nais magtayo ng manukan ni mang Ariel upang madagdagan ang kita ng kanyang mga anak. Kinausap niya ang kanyang asawa at mga anak ukol sa kanyang binabalak na proyekto. Bakit kaya sinangguni ni mang Ariel ang kanyang asawa at anak ukol sa proyekto? A. upang maging bahagi sila ng gagawing pagpaplano B. upang maipagmayabang ang kanyang proyekto C. upang makwenta ang kikitain sa gagawing proyekto D. upang masuri ang kinahinatnan ng proyekto 7

3. Alin sa mga sumusunod ang layuning pansarili. A. matutong makapagsalita ng ibang wika B. makalipat ang pamilya sa mas malaking tahanan C. makapagtayo ng negosyo upang mapalago ang kabuhayan D. maipaayos ang sasakyan upang magamit na panghatid at pagsundo sa mga anak sa paaralan 4. Tatlong buwan pakatapos magsimula ang munting karinderya nina mang Arthur at Aling Ditas, nagsagawa ang mag asawa ng sariling pagsusuri sa naging pag-unlad ng kanilang negosyo. Aling salik sa pangangasiwa ng gawain ang kanilang isinagawa? A. pagbabalak B. pagpapahalaga C. pagtalaga ng tungkulin D. pagsasagawa at PagpatnubayMABUHAY KA! IPAGPATULOY ANG PAGTUKLAS NG KAALAMAN. Kung nasagutan mo nang buong husay ang bahaging pagtataya ng modyul, binabati kita! Maaari mo nang pag- aralan ang susunod na modyul. 8

  GRADE VI PANGANGASIWA NG MGA GAWAIN SA TAHANAN AT PAGGAWA NG TALATAKDAAN ALAMIN MO Naaalaala mo ba ang iyong pamilya kahalintulad ng mag-anak na nasa larawan? Oo, masasaya sila dahil tiyak na maaayos ang pangangasiwa ng mga gawain nila sa tahanan. Kaya kaibigan, sa modyul na ito, matututuhan mo ang tamang mga pamamaraan ng pangangasiwa sa paggawa ng mga gawaing pantahanan sa pamamagitan ng paggawa ng talatakdaan ng mga gawain at pagsunod dito. Kaibigan, pakikinabangan mo ito! 1

PAGBALIK-ARALAN MO Basahin at unawain ang bawat pangungusap. Punan ng tamang salita ang bawatpatlang. Isulat ang iyong sagot sa iyong kuwaderno. 1. Ang pamamahala ng lahat ng mga pinagkukunan ng mag-anak upang umunlad ang kabuhayan at maging maginhawa at matiwasay ang pamumuhay ay tinatawag na_______. 2. Ang adhikain, hangarin o mithiin ay tinatawag na ________ ng isang tao, mag-anak o bansa na nagtutulak sa kanila upang sikaping umunlad at nang matupad ang mithiin sa buhay ay tinatawag na_________. 3. Ang mga bagay na kailangan ng tao upang mabuhay tulad ng pagkain, tirahan,at pananamit ay tinatawag na________ 4. Ang mga bagay na ninanais ng tao o mag-aaral upang maging madali o maalwan ang kanilang pamumuhay ay tinatawag ___________ 5. Ang mga bagay na binibigyang halaga ng isang tao nang higit kaysa sa ibang bagay ay tinatawag na __________ 6. Ang mahahalagang salik sa mabuting pangangasiwa ay: a.___________ b.___________ c.___________ d.___________ 2

PAG-ARALAN MO Hindi maikakaila sa iyo na napakaraming gawain sa tahanan na dapat gampananng bawat kasapi ng mag-anak. Siyempre, nais ng mag-anak na makagawa sila ng mgabagay-bagay para sa kanilang kapakinabangan. Kaya sila ay nagtutulong-tulongupang maisaayos at mapadali ang pagtupad sa mga ito. Ganito rin ba sa inyo? Napag-aralan mo na napakahalaga ng mabisang pangangasiwa ng mga gawain saaraw-araw upang mapanatiling tahimik at matiwasay ang pagsasamahan ng mag-anaksa loob at labas ng tahanan. Kapag mahusay ang pamamahala sa tahanan,nagkakaroon ng pagkakaunawaan, pagtututulungan, at pagmamahalan. Malinaw,naiiwasan ang hindi pagkakaunawaan, alitan at inggitan ng mga kasapi ng mag-anak.Kaya nga, ipinauunawa muna sa iyo ang mahalagang salik sa mabisang pangangasiwaupang matiyak na maisasagawa ang gawaing pantahanan. Paano naman ang mga paraan sa paggawa sa tahanan? 1. Alamin muna ang mga gawaing dapat tapusin sa loob ng tahanan. 2. Uriin ang gawain ayon sa kadalasan ng pagsasagawa ng mga ito. Halimbawa: A. Gawaing Pang-araw-araw Halimbawa: - Pag-aayos ng hinigan - Pagluluto - Paglilinis ng bahay at kapaligiran - Pagtatapon ng basura, at iba pa B. Gawaing Panlingguhan Halimbawa: - paglalaba ng damit - pamamalantsa - paglalagay ng floorwax - pag-aayos ng mga kagamitan sa aparador, kabinet at iba pa 3

C. Gawaing Buwanan Halimbawa: - Pagkukumpuni ng mga sirang kagamitan - Pagpapalit ng kurtina - Pagbabago ng ayos ng mga kasangkapan, at iba pa.3. Pagsunod-sunurin ang mga gawaing dapat isakatuparan ayon sa pangangailangan o sa paraan ng pagsasagawa nito.4. Isaalang-alang ang pangangailangan, kakayahan, at i kalusugan ng bawat kasapi ng mag-anak upang maging matagumpay ang binabalak. Mas makabubuti rin kung bibigyang-pansin ang panahon kung kailan dapat isagawa ang gawain. Sa gayon magiging madali at mabisa ang pagtatalaga ng tungkulin sa bawat isa.5. Sa pamumuno ng ina, bilang tagapangasiwa ng tahanan, pagpulungan ng mag- anak ang mga gawaing dapat nilang gampanan ayon sa ginawang balak at ang maaaring mangyari kung sakaling hindi ito lilikhain kung may kasaping hindi makatutupad sa kanyang tungkulin. Ipaliwanag ito nang maayos upang maiwasan ang pagtatalo at di-pagkakaunawaan. Higit na mabuti kung isusulat sa papel ang mga napagkasunduan upang magsilbing paalala sa bawat isa.6. Gumawa ng talatakdaan ng gawain na dapat sundin ng bawat kasapi ng mag- anak. TALATAKDAAN NG MGA GAWAING PANTAHANAN Ano nga ba ang talatakdaan? Paano ito gagawin at paano itomaisasakatuparan? Ang talatakdaan ay talaan ng mga gawaing dapat gawin o isakatuparan ngbawat kasapi ng mag-anak sa takdang oras at panahon. Ito’y nagsisilbingtagapagpaalaala sa bawat isa na siya ay may dapat sundin sa paggawa at pagkilosupang matapos ang mga gawain sa takdang panahon. Ito ay maaaring gawingpang-isang–araw, pang-isang linggo, pang isang buwan o ayon sa hinihingi ngpagkakataon. Kung ito ay gagawin at masusunod nang ayos, gagaan ang gawainat makapagtitipid sa oras, lakas at panahon. 4

May dalawang uri ng talatakdaan: Talatakdaang pansarili at talatakdaang pangmaganak. 1. Talatakdaang Pansarili- Ito’y ay ginagawa ng indibidwal na kasapi ng mag-anak na tumutulong sa mga gawaing isasakatuparan sa takdang oras at panahon. 2. Talatakdaang Pangmag-anak- Ito ay ginagawa ng magulang sa tulong ng buong mag-anak at pinaghahati-hati ang mga gawain para sa lahat ng kasapi na dapat gampanan sa takdang oras at panahon. Ito naman ang dapat tandaan sa paggawa ng talatakdaan 1. Italang lahat ang mga gawain na dapat isakatuparan sa loob ng tahanan. 2. Igrupo ang mga ito kung alin ang pang-araw-araw, panlingguhan at pambuwanan, 3. Pagpasiyahan kung anong oras at araw na dapat isagawa ang bawat gawain. 4. Gumawa ng talatakdaang pansarili ang bawat kasapi ng mag-anak. 5. Gumawa ng talatakdaang pangmag-anak. 6. Lagyan ng puna ang mga gawaing naisakatuparan na. 7. Bigyan ng pagpapahalaga ang natapos na talatakdaan. 5

Pag-aralan mong mabuti ang halimbawang ito ng talatakdaan ng gawain. ORAS MINUTO TALATAKDAAN5:00-5:10 n.u 10 Pagliligpit ng higaan5:10-5:20 10 Pagdarasal5:20-5:40 20 Pagwawalis ng bakuran5:40-5:55 15 Paglilinis ng katawan5:55-6:20 25 Pagkain ng almusal6:20-6:35 15 Pagliligpit ng kinainan6:35-9:35 180 Paglalaba ng damit9:35-9:45 10 Pagkain ng minindal9:45-11:00 75 Pagpapatuloy ng paglalaba11:00-12:00 60 Pagtulong sa pagluluto ng pananghalian12:00-12:30 30 Pagkain ng tanghalian12:30-1:05 25 Pagliligpit ng pinaglutuan at pinagkainan1:05-1:15 10 Pamamahinga1:15-2:15 60 Paglilinis ng tahanan2:15-3:15 60 Pag-aaral ng leksiyon3:15-3:55 40 Pagtitiklop ng nilabhang damit3:55-4:35 40 Patuloy na pag-aaral ng leksiyon Pagtulong sa pagluluto ng hapunan4:35-6:05 30 Pagkain ng hapunan Pagliligpit ng pinaglutuan at6:05-6:30 25 kinainan6:30-7:00 30 Pamamahinga Paggawa ng takdang aralin7:00-7:15 nh 15 Paglilinis ng katawan7:15-8:15 nh 60 Pagdarasal8:15-8:45 30 Pagtulog8:45-9:00 nh 159:00-5:00 nh 480 6

B. TALATAKDAANG PANG MAG-ANAK GAWAIN TAONG GAGANAP PANAHONPagbabalak ng pagkain ngmag-anak Nanay LingguhanPamimili ng pagkain at Nanay Lingguhankailangan sa tahananPagluluto ng pagkain ng Nanay/ate Araw-arawmag-anakPaglilinis ng Bahay Mga anak Araw-arawPag-aalaga ng nakababatang Ate/kuya Araw-arawkapatidPagkukumpuni ng mga Tatay/kuya Lingguhansirang kagamitanPaglilinis ng bakuran Tatay/kuya Araw-arawPagpapalit ng kurtina Nanay/ate LingguhanPaglalaba ng mga damit Ate/Kuya LingguhanPagliligpit ng higaan Ate/Kuya Araw-arawPagliligpit ng kinainan Ate/ Kuya Araw-araw SUBUKIN MOBasahin, unawain at sagutin ang mga tanong. Isulat sa papel ang iyong sagot. 1. Ano-anong mga gawaing pantahanan ang dapat isagawa ng bawat pantahanan? 2. Alin sa mga ito ang dapat isagawa nang araw-araw? lingguhan? buwanan? 7

3. Ano ang wastong pamamaraan ng pangangasiwa sa paggawa ng mga gawaing ito? 4. Anong magandang dulot ng wastong pangangasiwa ang dapat sa pagsasagawa ng bawat kasapi ng mag-anak? 5. Ipaliwanag ang kahulugan ng talatakdaan. 6. Ano ang dalawang uri ng talalakdaan? Ipaliwanag ang bawat isa. 7. Paano ang tamang paraan ng paggawa ng talatakdaan? 8. Bakit mahalagang gumawa ng talatakdaan? TANDAAN MO May tamang mga pamamaraan ng pangangasiwa ng mga gawaing pantahanan.Ito ay sa pamamagitan ng: - paghahati-hati ng mga gawain sa tahanan na dapat nakabatay sa kakayahan, kalusugan, at gulang ng bawat kasapi ng mag-anak. - Paggawa ng talatakdaan ng gawain at pagsasakatuparan nito upang maging magaan at mabilis ang paggawa at walang masayang na oras. ISAPUSO MOSagutin mo. 1. Kung ikaw ay mabigyan ng mga gawain at tungkulin, paano mo tinutupad ang mga tungkuling ito? Ano ang nadarama mo? 2. Ano ang epekto ng paghahati-hati ng gawaing pantahanan sa pagsasamahan ng iyong mag-anak? Nagugustuhan mo ba ito? Bakit? 8

GAWIN MOIsulat sa papel ang iyong kasagutan sa mga tanong. 1. Sa inyong tahanan, sino ang nagbibigay o nagtatalaga ng mga tungkulin ng bawat kasapi ng mag-anak? 2. Ano-anong gawain at tungkulin ang itinalaga sa iyo? 3. Gawan mo ito ng iyong sariling talatakdaan. PAGTATAYA Tukuyin at isulat sa iyong kuwaderno kung ang bawat gawing pantahanan aygawaing pang-araw-araw, lingguhan o buwanan. 1. Paglilinis ng bakuran 2. Paglilinis ng mga kabinet 3. Paglilinis ng palikuran 4. Paglalagay ng floorwax 5. Paglilinis ng refrigator 6. Pagpapalit ng kurtina 7. Paglalaba ng mga damit 8. Pagliligpit ng pinagkainan 9. Pamamalantsa 10. Pamimili ng mga kailangan 11. Paglilinis ng buong bahay 12. Pag-aayos ng mga kasangkapan 13. Pagdidilig ng halaman 14. Pagpapalit ng punda at sapin sa kama 15. Paglaba ng mga damit-panloob Kung nasagutan mo nang buong husay ang bahaging pagtataya ng modyul, binabati kita! Maaari mo nang pag- aralan ang susunod na modyul. 9

  GRADE VI PAGBABALAK NG PAGKAING ANGKOP SA OKASYON ALAMIN MO Nakaramdam ka ba ng gutom sa nakita mong masasarap na mga pagkain na nakalarawan? Alam ko, natikman mo na ang mga ito. Sa modyul na ito, matututuhan mong magbalak ng mga masustansiya, mura, at sapat na pagkaing angkop sa iba’t ibang okasyon at ang matalinong pamimili ng mga ito. Umpisahan mo na! 1


Like this book? You can publish your book online for free in a few minutes!
Create your own flipbook