TANDAAN MO May dalawang lawak ang sining pang-industriya na ang bawat lawak ay maynasasaklaw na mga gawain na nakabubuti at nakakatulong sa mga mamamayan ngbansa. ISAPUSO MO Si Jose ay batang mag-aaral sa ika-6 na baitang. Bukod sa itinuturo ng kanyangguro sa mga gawain sa sining pang-industriya, pilit pa niyang inaalam ang iba panggawain sa iba’t ibang lugar upang madagdagan ang kanyang kaalaman at kasanayan. Anong katangian mayroon si Jose? Makabubuti ba sa kanya ang kanyangginagawa? Kung ikaw si Jose, gayon din ba ang gagawin mo? Bakit? Isulat ang iyong sagot sa sagutang kuwaderno. GAWIN MOA. Punan ang puwang ng tamang sagot at isulat sa kuwaderno. 1. Gumagawa si Jose ng nilala o hinabing dahon upang makabuo ng isang lalagyan o sisidlan. Saang industriya o lawak nabibilang ang kanyang ginawa? _______________ 2. _________________ ang gawaing tinatalakay ang boltahe, resitensiya at kuryente. 13
3. Nagpatatak o nagpaletra si Adel ng T-shirt, saang industriya ito? ____________________ 4. Kumikita si Andres ng malaki sa pagtatabas at pagbebenta ng rattan na ginagamit sa palakasang “arnis.” Saang gawain kasama ito? ____________________ 5. Ang gawaing __________________ ay pagsasagawa ng mga proyekto na yari sa balat ng hayop.B. Kailangang natutukoy mo ang mga gawain sa pamayanan na nakatutulong sa iyo at sa mga mamamayan. Lagyan ng tsek (√ ) ang mga nakakatulong na gawain at ekis (x) naman kung hindi. Sipiin sa kuwaderno at dito gawin. 1. Paggawa ng mga proyekto sa gawaing kamay_______ 2. Pagsusunog ng mga natirang materyales upang maging malinis ang pinaggawaan_________ 3. Mga industriya na pinapayagan ng pamahalaan________ 4. Kahit na anong industriya na makakatawid ng gutom sa mga mamamayan___________ 5. Industriyang hindi masyadong nagdudulot ng polusyon sa kapaligiran____________PAGTATAYA1. Pag-ugnayin ang mga industriya sa Hanay A sa mga gawain sa Hanay B. Isulat lamang ang titik ng tamang sagot sa kuwadernong sagutan.________1. Seramika a. bench hook, bangko________2. Gawing bao b. dust pan na yari sa galon ng langis________3. Gawaing yantok________4. Gawaing plastik (motor oil)________5. Gawaing kahoy c. dust wiper, shoe brush________6. Gawaing katad d. paggawa ng streamer o karatula e. paglalala, paghahabi ng sisidlan 14
________7. Gawaing metal f. paggawa ng extension cord/________8. Gawaing himaymay pagpapalit ng fuse________9. Gawaing Kabibe_______10. Sining panggrapika g. water dipper/cooking dipper_______11. Paggawa ng laruan h. lamp shade na yari sa capiz_______12. Paggawa ng lambat i. tool box na yari sa yero_______13. Gawaing kawayan k. alkansya, sawali_______14. Basketri l. arnis_______15. Elektrisidad m. laruang ibon na yari sa lata ng gatas n. plato, tasa, inodoro2. Sa mga nabasa at napag-aralan mo sa modyul na ito. Magbigay ng mga kabutihan at naitutulong ng gawaing industriya sa pamayanan at sa bansa.Kung nasagutan mo nang buong husay ang bahagingpagtataya ng modyul, binabati kita! Maaari mo nang pag-aralan ang susunod na modyul.15
GRADE VI PAGPAPLANO NG PROYEKTO ALAMIN MO Bakit may plano ang mga bahay, tulay at iba pang mga proyektong ginagawa sa pamayanan? Gaano kahalaga ito sa bawat gawain? Sa modyul na ito malalaman mo ang kahalagahan ng mga bahagi at paggawa ng plano ng proyekto na makatutulong nang malaki upang makatipid sa panahon, salapi at lakas sa paggawa ng mga proyekto. Kailangan lang ng masusing pag- aaral upang ito ay matutuhan. 1
PAGBALIK-ARALAN MOA. Alin sa mga sumusunod ang higit na nangangailangan ng plano ng proyekto? Lagyan ng tsek (√) kung nangangailangan at ekis (x) kung hindi.Paggawa ng bahay ____________Paggawa ng bisagra ____________Paggawa ng Dust pan ____________Paggugupit ng yero ____________Pagpapako ng hugpong ng table ____________Paggawa ng upuang tabla ____________Paggawa ng proyekto sa siningPang-industriya ____________ Ilan ang iyong tamang sagot? Paano mo matutukoy ang mga gawaing nangangailangan ng plano?B. Natatandaan mo pa ba ang mga katumbas ng simbolong ito? 1.” – pulgada o inch 2. I 6” = 6 pulgada ang sukat ng bahaging ipinakikita.Magaling! Gagamitin mo ito sa susunod mo pang mga gawain.2
PAG-ARALAN MO Sa bawat gagawin, kailangan mong magplano. Kailangan mong matukoy kungano ang layunin mo sa paggawa nito. Ang mga sukat ng mga bahagi, presyo ngmateryales at ng krokis ng proyekto ay dapat ding isaalang-alang. Pag-aralan din angmga kasangkapang gagamitin at mga hakbang sa paggawa nito. Pag-aralan mo ang sampol ng plano ng proyekto: “Extension Cord” A. Pangalan ng proyekto :” Extension Cord” B. Layunin ng proyekto: Magkaroon ng karagdagang outlet ng kuryente sa tahanan. Makagawa ng angkop na proyekto na naaayon sa plano C. Talaan ng mga materyales (bill of materials)Yunit Kuwantidad Deskripsiyon Halaga bawat Kabuuang 1 piraso piraso halaga convenience P 25.00 P 25.00 1 piraso outlet 5 metro (saksakan ng P 10.00 P 10.00 plug) plug P 10.00/metro P 50.00 (pansaksak sa P 85.00 outlet electric wire #16D. Mga kasangkapan sa paggawa 1. Disturnilyador 2. Side cutting plier (plais) 3. Wire stripper (pang balat ng wire) 3
E. Mga hakbang sa paggawa ng proyekto: 1. ihanda ang mga materyales 2. sukatin ang mga bahagi ng alambre na babalatan 3. ikabit ang bawat dulo ng alambre o wire sa plug at sa outlet 4. sa dikeksiyong clockwise sundin ang nakasaad sa krokisF. Krokis o guhit ng proyekto 1. Dayagram: 2. Detalyadong IlustrasyonSa nabasa mong sampol ng proyektong extension cord, nakita mo kung paanoginawa ang plano at ang bawat bahagi nito. Dapat nakasaad ang pangalan at layunin ng proyekto. Ano ang maitutulongnito sa mga gagamit? Ang bill of materials o talaan ng mga materyales ay dapatmaipakita nang tama ang deskripsyon at kuwenta ng materyales. Dapat nakalagayang kabuang halaga na kinuha sa yunit, kantidad, deskripsyon at halaga ng bawatpiraso. Kailangan maliwanag, ang kwenta para maihanda ang gagastusin saproyekto. Upang maipakita pa ang kahandaan, ang kasangkapang gagamitin aydapat ding matukoy gayon din ang mga tama at sunod-sunod na hakbang sapaggawa. 4
Ang working drawing o krokis ay kinakailangang maipakita ng wasto katulad ng mga sukat at ilustrasyong madaling maiintindihan upang madaling magawa nang tama ang proyekto. Sa kabuuan, walang maaksaya sa gagawing proyekto kung ito ay may tamang plano. SUBUKIN MO Gumawa ng plano tungkol sa ibang binabalak na proyekto. Sundin ang mga gabayna napag-aralan sa paggawa nito. TANDAAN MO Makatutulong nang malaki ang paggawa ng plano para sa isang maganda, tama atkapaki-pakinabang na proyekto. ISAPUSO MO Nakaplano ng lahat ang bawat gawin ni Magno lalo na ang mga gawain sa SiningPang-industriya. Alam niya na ang pagpaplano ay napakahalaga sa ikatatagumpay ngano mang adhikain. Anong katangian ang nakikita mo sa ginagawa ni Magno? Ano-anong kabutihan ang magagawa nito sa kanya? Kung ikaw si Magno, gagawin mo ba ang ginagawa niya? Bakit? 5
GAWIN MO Pag-aralan ang krokis na ito at gawin ang plano ng proyekto ayon sa napag-aralang halimbawa:Sundin ang pormat na itoI – Pangalan ng proyekto _____________II – Layunin ng proyekto ___________III- Talaan ng materyales (Bill of Materials)Yunit Kantidad Deskripsyon Halaga Kabuuang halagaIV- Mga Kasangkapan Gagamitin 6
V- Mga Hakbang sa Paggawa ng ProyektoVI- Krokis o Disenyo ng Proyekto PAGTATAYA A. Ibigay at isulat sa ibaba ang anim na bahagi ng plano ng proyekto. 1. ___________________ 2. ___________________ 3. ___________________ 4. ___________________ 5. ___________________ 6. ___________________ 7
B. Pag-ugnayin ang tinutukoy sa Hanay A na matatagpuan sa Hanay B. Isulat ang titik ng tamang sagot sa kaliwa ng mga bilang.AB1. Drowing ng Proyekto a. layunin2. Pagkakakilanlan sa proyekto b. krokis3. Plais, Disturnilyador c. pangalan ng proyekto4. Pagsusukat, pagtatabas d. hakbang sa paggawa5. Yunit, kantidad materyales e. kasangkapang gagamitin6. Bakit ginawa ang proyekto f. talaan ng materyalesC. Gumawa ng isang simpleng plano ng proyekto na maaari mong simulan.Kung nasagutan mo nang buong husay ang bahagingpagtataya ng modyul, binabati kita! Maaari mo nang pag-aralan ang susunod na modyul.8
GRADE VI PAGDIDISENYO NG PROYEKTO ALAMIN MO Bakit kailangan ang disenyo ng proyektong gagawin? Ano-ano ang maitutulong nito sa gagawing proyekto? Sa modyul na ito, malalaman mo ang kahalagahan ng pagdidisenyo ng proyekto. Naipapakita nito ang larawan o ayos at iba pang espisipikasyon ng gagawing proyekto. Ituturo ng modyul na ito ang mga paraan ng paglalarawan ng disenyo. Isa ito sa mga gabay na isinasaalang–alang sa pagbuo o paggawa ng mga kapaki-pakinabang na mga gawain. 1
PAGBALIK-ARALAN MOBasahin ang mga paraan para mailarawan ang disenyo.1. Tatlong tanawin o views sa disenyo Top view/ tanawing pang-itaas- nakikita rito ang tanawing pang-itaas ng proyekto. Front view/ tanawing pangharap- ipinakikita dito ang harap na bahagi ng proyekto. Side view/ tanawing pantagiliran- ipinakikita ang gilid na bahagi ng proyekto.2. Isometric na ilustrasyon- nagpapakita ng tatlong tanawin ng proyekto sa iisang drowing na may 30 (30 degrees) ang bawat gilid nito.3. Linyang panukat ( 6” dimension line) nagpapakita ng sukat sabawat mahalagang bahagi ng proyekto sa pulgada (“) o sa sentimetro (cm).4. Iskala-pagpapalaki o pagpapaliit ng disenyo ng proyekto ayon sa mga proporsiyonal na sukat kung ipakikita sa pamamagitan ng drowing:Halimbawa:¼”: 1- Ang bawat isang kapat na pulgada ay katumbas ng isang pulgada sa aktuwal na laki ng proyekto5mm: 1cm – Ang bawat limang sentimetro sa disenyo ay katumbas ngisang sentimetro sa aktuwal na laki ng proyekto.PAG-ARALAN MO Maraming paraan para mailarawan ang disenyo ng isang proyekto. Maaaring gamitinang isang simpleng krokis o sketch o sa pamamagitan ng ortograpik na prodyeksiyon naipinakikita ang tatlong tanawin na may sukat sa mga bahagi nito sa paggamit ng mgalinyang panukat. 2
Tingnan at pag-aralan kung paano ginawa ang sampol ng disenyo ng proyektongpambigat (paper weight) Disenyo ng proyektong Paper weight Top view Iskala: 5mm:1cm 8cmI1cmI Isometrik 6cmI 8cm I 8cmBASAHIN MO ! Sa disenyong iyong pinag-aralan, ipinakita ang tatlong tanawin o views. Kungtitingnan mo ang kanya-kanyang tanawin at may kanya kanyang detalyadong sukat ngmga bahagi na magiging gabay sa paggawa. Mapapansin mo na ang bahagi ng taas ngfront at side view ay magkapareho. Ang lapad naman ng front at top view ay iisa rinbawat bahagi. Ang lapad naman ng top view ay katulad na katulad naman ng side view. Ang isometric na drowing naman ang nagpapakita ng tatlong tanawin o views saiisang ilustrasyon. Ang nakikita mong numero at maliliit na “arrow”, ay nagsasaad kung hanggang sangbahagi ang sukat maging ito man ay pulgada o sentimetro at iba pang yunit.Sa disenyo, gumamit ng ilang uri ng linya (alphabet of line) katulad ng dimensionline( 6” ) na nagpapakita kung hanggang saan ang sukat ng bawat bahagi.Hidden line (---------) na nagpapakita ng mga nakatagong bahagi ng proyekto at visibleline naman para sa mga nakikitang bahagi ng proyekto. Mayroon kang nakitang iskala: 5mm: 1cm sa proyektong paperweight. Bawat 5mm(milimetro) sa disenyo ay katumbas ng 1cm (sentimetro) sa aktuwal na laki ng proyekto. Sa paggawa ng disenyo, maari kang gumamit ng “ bond paper”, lapis, footrule attriangle na may anggulong 30° x 60 °x 45°x 90° ( = 30°x 60°, = 45° x 90°). 3
Kapag nasanay ka na sa paggawa nito maaari ka nang gumamit ng iba pang drawing instruments. Sa kabuuan, mahalaga ang paggawa ng disenyo sa bawat proyektong gagawin upang maging gabay para sa pagpaplano at pagbubuo nito. SUBUKIN MO Isulat ang sagot sa kuwaderno. 1. Ano ang kahalagahan ng disenyo ng proyekto? 2. Paano ipinakikita sa disenyo ang nakatagong bahagi nito? 3. Bakit gumagamit ng iskala sa disenyo? 4. Ano ang masasabi mo sa taas ng front at side views? 5. Ano ang relasyon ng lapad ng front view sa top view? TANDAAN MO Ang disenyo ng proyekto ay nagpapakita ng mga detalye, kaanyuan, sukat at nagiginggabay sa pagbuo ng isang gawain. ISAPUSO MO Maganda at walang maaksaya sa proyekto kung may nakahanda at disenyong kaiga-igaya. 4
GAWIN MOA. Pagsanayang iguhit ang disenyo ng “ Proyektong Sangkalan”Top view Iskala: I/4: 1 cmI 2” I Isometric I 8” II 6” I I 12” I Front view Side view PAGTATAYASagutin ang mga sumusunod. Isulat ang titik ng tamang sagot sa kuwaderno. 1. Bakit dapat mayroong disenyo ang proyekto? A. Upang maging gabay sa gumagawa. B. Dahil ito ay utos ng guro C. Para matibay tignan D. Para mukhang mamahalin ang proyekto. 5
2. Alin sa mga sumusunod ang hindi dapat mawawala kung gagawa ng proyekto? A. Dekorasyon B. Pintura C. Metro D. Disenyo3. Alin sa mga sumusunod ang dapat ay magkatulad? A. Taas ng front at side view B. Taas ng front at top view C. Lapad ng front at side view D. Lahat ng mga ito.4. Napakahalaga sa disenyo ang ipakita ang tatlong tanawin ng proyekto na may kanya kanyang sukat. Sa anong paraan ito magagawa? A. Oblique B. Ortograhic C. Isometric D. Metric5. Alin ang hindi kasama sa pangkat? A. Top view B. Front view C. Side view D. Bottom viewB. Iguhit ang disenyong ito: 6
C. Panuto: Lagyan ng (√) ang hanay sa naayon sa antas ng kahusayan ng pagkagawa. Kriterya Antas ng kahusayan 123 211. Angkop ba ang mga pagkagawa ng disenyo?2. Gaano kaayos ang pagkagawa ng disenyo?3. Paano naisakatuparan ang bawat sukat ng disenyo?4. Gaano kaayos ang kabuoan ng disenyo?Batayan:5- Napakahusay- 86-90%4- Mas mahusay- 81-85%3- Mahusay - 76-80%2- mahusay-husay- 71-75 %1- Di-mahusay- 65-70%D. Gumawa ng simpleng disenyo ng isang proyekto sa sining pang-industriya na kaya mong gawin. Kung nasagutan mo nang buong husay ang bahaging pagtataya ng modyul, binabati kita! Maaari mo nang pag- aralan ang susunod na modyul. 7
GRADE VI PAGBUBUO NG PROYEKTO ALAMIN MO Ang mga sumusunod na katanungan ang dapat mong masagot at maisagawa upang magkaroon ng isang maganda, matibay, ligtas at kapaki-pakinabang na proyekto Madali bang magbuo ng proyekto? Ano ang mga dapat na isaalang-alang sa gawaing ito? Ang mga katanungang sumusunod ang dapat mong masagot at maisagawa upang magkaroon ng isang maganda, matibay, ligtas at kapaki-pakinabang na proyekto. 1
PAGBALIK-ARALAN MO1. Ano-ano ang mga bahagi ng plano ng proyekto?2. Ibigay ang kahulugan ng bawat isa.3. Anong uri ng lagari ang ginagamit sa pagtatabas ng tabla kung pasalungat sa hilonito o across the grain? Ano naman kung paayon sa hilo (along the grain)?4. Ano ang tawag sa mga simbolong ito (“) (‘)?5. Ano ang kinukuwenta kapag ginagamitan ng pormulang T”x W “X L”? na kungsaan ang 12T”- Kapal sa pulgadaW”- Lapad sa pulgadaL”- Haba sa piye o foot12- Divisor sa product na t x w x l. PAG-ARALAN MO Sa pagbubuo ng proyekto, may mga hakbang kang dapat sundin para laging nasainaasahang pamantayan ang iyong ginagawa. Pag-aralan ang mga hakbang kung paano nabuo ang proyektong “Bench Hook”. Hakbang 1: paggawa ng plano ng proyekto. Sa nakaraang modyul mo natutuhan ang paggawa ng mga nilalaman nito. Hakbang 2: Paghahanda ng mga materyales at kasangkapan na nakasaad sa plano Hakbang 3: Paglelay-out o pagsusukat ng mga bahagi Hakbang 4: Pagtatabas ng mga bahagi Hakbang 5: Pagbubuo ng proyekto Hakbang 6: Pagtatapos (finishing) Hakbang 7: Pagpapahalaga 2
BASAHIN MO! Sa iyong disenyo sa plano, ganito ang pagkakalarawan mo. Top view6” iskala:1/8-1inch 12” 1” isometrik2” 6”Front view 2” 6” Side view Laging kumonsulta sa ginawang plano (Hakbang #1) Anong mga materyales ang kailangan? Makikita mo ito sa talaan ng materyales (Bill of materials) at sa disenyo.- Ito ang gagamiting mga materyales 1 piraso tabla (1” x 2” x 1”) 1 piraso tabla (1” x 8” x 1”) 4 piraso screw (1 ¾”) Ano-ano naman ang gagamiting kasangkapan? (Hakbang # 2) sa plano ng proyekto mo, gagamit ka ng mga sumusunod- Cross-cut saw lagari- Wood plane katam- Screw driver disturnilyador- Pull-push rule metro Matapos maihanda ang materyales at kasangkapan, tingnan ang hakbang blg 3 (lay-outing o pagsusukat).- Markahan ang sukat ng mga bahagi na nakasaad sa talaan ng materyales o sa disenyo. Matapos makapaglay-out, gawin ang hakbang bldg. 4 o ang pagtatabas ng bahagi ng proyekto ayon sa tamang sukat gamit ang lagari. Dapat na mayroon kang tatlong piraso ng tabla na may sukat na gaya ng mga sumusunod. 3
2 piraso (1” x 2” x 6”) 1 piraso (1”x 8”x12”)- Pero bago magsimula sa pagtatabas o sa pagbubuo kailangaang isaalang-alang ang mga paala-alang ito para sa iyong kalusugan at kaligtasan habang gumagawa.1. Gumamit ng tamang kasangkapan sa tamang uri ng gawain.2. Ilagay ang mga materyales at kasangkapan sa tamang lugar.3. Mag-isip at maging sigurado sa mga tatabasing bahagi.4. Maglagari at magpalubog ng screw ayon sa tamang pamantanyan.5. Isaloob lagi ang ginagawa upang maiwasan ang aksidente. Kapag natabas na ang mga materyales at naihanda na ang mga kasangkapan, gawin mo ang hakbang # 5. Ang pagbubuo ng proyekto:- Tingnan o sumangguni sa disenyo ng proyekto kung paano nabubuo ito.- Una, itapat ang unang 1”x 2” x 6” na tabla sa dulong bahagi ng malapad na tabla.- Lagyan at palubugin ang dalawang screw sa pamamagitan ng disturnilyador (pakanan ang pagpapalubog nito at pakaliwa kapag inaalis ang screw).- Ibaligtad ang proyekto at itapat ang pangalawang piraso ng tabla (1” x 2” x 6”). Lagyan at palubugin din ang dalawang screw. Hanggang sa mabuo ng ganito.4
- Kapag nabuo na ang proyekto, gawin ang hakbang bilang 6, ito ay ang pagtatapos o FINISHING. Gumamit ng papel de liha sa pagpapakinis ng magaspang na bahagi nito. Lagyan ng shellac barnis, o pintura upang maging kaaya-aya sa gagamit nito. - Pagkatapos nito, gawin ang hakbang bilang 7 o ang pagpapahalaga/pagsusuri sa gawaing natapos upang lalo mo pa itong mapabuti. Narito ang dapat mong isaalang-alang sa pagsusuri at pagpapahalaga sa natapos na proyekto. 1. Disenyo - Tama ba ang ginawang disenyo? 2. Bilis ng pagkakayari - Natapos ba ang proyekto ayon sa plano? 3. Kawastuan - Ito ba ayon sa spesipikasyon? 4. Wastong pagpapahalaga sa gawain - nasiyahan ka ba sa inyong ginawa? 5. Kaalamang natamo - Ano-ano ang iyong natutunan sa paggawa ng proyekto? 6. Kahalagahan ng proyeto – Magagamit mo ba ito? SUBUKIN MOPAGSANAYAN MO! 1. Sa mga nabasa mo at napag-aralan sa pagbubuo ng proyekto, isa –isahin ang mga hakbang na iyong ginawa. Hakbang # 1______________ Hakbang # 2______________ Hakbang # 3______________ Hakbang # 4______________ Hakbang # 5______________ Hakbang # 6______________ Hakbang # 7______________ Hakbang # 8______________ 5
2. Sa proyektong nasa ibaba, ilista o isulat ang mga hakbang sa pagbubuo nito (extension light). TANDAAN MO May mga hakbang sa pagbubuo ng proyekto na dapat sundin upang magkaroon ngsistematikong pamamaraan at magandang kalalabasan ng proyektong gagawin. ISAPUSO MO Ginagawa mo ba ang tamang pagkakasunod-sunod ng pagbubuo ng proyekto?Dapat bang sundin ang pangkaligatasang prekusyon at ang bawat hakbang ayisinasapuso mo? Anong asal ang ipinakikita mo sa iyong ginagawa? Ano-anong kabutihan angidinudulot nito sa iyo? Dapat mo bang ipagpatuloy ito? Bakit? 6
GAWIN MO Magbuo ka ng isang simpleng proyekto na gagamit ng iba’t ibang hakbang nanapag-aralan.PAGTATAYA1. Nasa ilalim ang mga hakbang sa pagbubuo ng proyekto. Sa mga puwang sa kanan nito lagyan ng numero na nagpapahayag ng tamang pagkakasunod-sunod.1. Pagpapahalaga ______________2. Pagtatapos ______________3. Paggawa ng plano ______________4. Pagtatabas ______________5. Pag lay out/ pagsusukat ______________6. Pagbubuo ______________7. Paghahanda ng ______________ materyales/kasangkapan2. Sa proyektong SEED BOX na may ilustrasyon sa ilalim, isulat o ilista ang mga magkakasunod na hakbang at gagawin sa pagbuo nito.Top view 60cm Iskala: 1cm-30cm 90cm IsometricFront view 7.5cm Side 7
3. Magbuo ng isang proyektong naangkop sa iyong kakayahan. Gamitin ang mga napag-aralang hakbang sa paggawa nito. Pahalagahan ang proyektong nabuo sa pamamagitan ng tseklist na itoPamantayan sa nabuong proyekto Oo Bahagya Hindi1. Naangkop ba ang taas, haba at lapad ng proyekto?2. Naisasagawa ba sa takdang panahon ang nabuong proyekto?3. Nasunod ba ang tamang sukat ayon sa krokis?4. Nasunod ba ang mga hakbang sa nabuong proyekto?5. Natamo ba at nagamit ang kaalaman sa nabuong proyekto?6. May kaukulang gamit ba ang nabuong proyekto?7. Naaangkop ba ang mga gamit na kasangkapan at kagamitan sa nabuong proyekto? Sa resulta ng tseklist na ito nakasalalay ang pag-unlad at pagpapabuti ng iba pangproyektong gagawin mo. Muli, binabati kita sa pag-aaral ng modyul na ito, maaari mo nang simulan angiba pang modyul sa sining pang-industriya.Kung nasagutan mo nang buong husay ang bahagingpagtataya ng modyul, binabati kita! Maaari mo nang pag-aralan ang susunod na modyul.8
GRADE VI KAPAKI-PAKINABANG NA PROYEKTO ALAMIN MO Alam mo ba na maraming mga materyales na makikita sa inyong pamayanan namaaaring gawing kapaki-pakinabang na proyekto? Alamin kung ano-ano ang mga ito.Sa pag-aaral ng modyul na ito, matututuhan mo ang: pagpili ng proyektong kapaki-pakinabang ayon sa materyales at kagamitang matatagpuan sa pamayanan nakagagawa ng isang simpleng plano ng proyekto 1
PAGBALIK-ARALAN MOA. Itala sa iyong kuwaderno ang mga kagamitan at gamit ng mga materyales na mayroon sa inyong pamayanan.B. Magbigay ng mga paraan sa matipid na paggamit ng mga materyales, oras, lakas, at salapi. PAG-ARALAN MOAyon sa naitala mong kagamitan at materyales, pag-aralan kung ano-ano angmagagawa mo sa mga ito. Ang kawayan ay isa sa mga materyales na matatagpuan sa inyongpamayanan. Marami ang maaaring gawin sakawayan sapagkat sa buong kapuluanay matatagpuan ang mga ito. Ito’y angkop sa paggawa ng iba’t ibang proyekto. Isana rito ang “Bamboo Wall Vase” na bukod sa magandang dekorasyon sa bahay aymaaari pang ipagbili. Bukod pa sa mga nabanggit na dahilan ay mapapaunlad moang iyong karanasan sa pagkakayas, pagtitilad, pagtatabas at pagbuo ng proyektosa gawaing kawayan.Napakahalaga rin na may plano sa ano mang gawain o proyekto. Maihahanda angmateryales at matutukoy ang halagang gagamitin. Malalaman at maihahanda angmga kasangkapan. At higit sa lahat, maitatala ang mga hakbang sa paggawa ngproyekto. 2
Hindi magiging paulit-ulit sa paggawa. May gabay sa mga sukat ng mga bahagi.Nakikita ang buong anyo ng proyekto sa krokis o disenyo ng proyektong gagawin.Kung may plano ang isang proyekto, tiyak na makatitipid sa salapi, oras atmateryales na gagamitin. At mapapaganda pa ang produkto na naaayon sainaasahang pamantayan.Maliban dito kailangan mo ring tandaan ang tamang pangkaligtasan atpamantayan sa paggawa ng proyekto gaya ng: gumamit ng kasangkapang angkop sa gawain; iwasan ang pakikipag-usap o paglaruan ang mga matatalas at matutulis na kagamitan; huwag gumamit ng sira at mapurol na kasangkapan; iligpit at iayos sa takdang lagayan ang mga kagamitan, kasangkapang ginamit; gamitin nang buong ingat ang mga kasangkapan at gamit na matutulis ang talim; magsuot ng apron o damit pantrabaho kung nagpipintura o nagbabarnis. Ugaliin din na maglagay ng diyaryo sa mesang paggawaan; linisin ang pinaggawan pagkatapos gumawa. PLANO NG PROYEKTONG “BAMBOO WALL VASE”A. Pangalan ng Proyekto: BAMBOO WALL VASEB. Layunin ng Paggawa ng Proyekto: Mapaunlad ang wastong kasanayan at kaugalian sa gawaing kawayan Makagawa ng proyektong makapagpapaganda sa tahanan at paaralan Magkaroon ng karagdagang kita sa sinumang gagawa ng proyektong itoC. Layunin ng Paggawa ng Proyekto:Yunit Dami Deskripsyon Halaga Kabuuang 1 biyas Bawat Piraso Halaga 1 biyas kawayan (4” pataas ang P75.00 dayametro) P75.00 20 piraso dulo ng kawayan na may 2” 1 pinta pababa ang dayametro, 12” ang P50.00 P50.00 haba na may isang buko pakong bakya (½”) P0.10 P2.00 barnis P20.00 P20.00 KABUUAN P145.10 P147.00 3
D. Mga Kasangkapan at Materyales sa Paggawa 1. lagari crosscut lagaring bakal 2. metro ruler 3. kutsilyo 4. martilyo 5. lapis 6. kawayan (isang biyas na may 2 buko) 4
7. dulo ng kawayan (hindi bababa sa 2 pulgada ang dayametro) at hindi bababa sa 12 pulgada ang haba at may isang buko 8. pako (shoe nail) 9. brush 10. barnisE. Mga Hakbang sa Paggawa ng Proyekto 1. Tingnan at pag-aralan ang krokis ng proyekto. 2. Sukatin at kayasan ang bawat bahagi ng gagawing proyekto. 3. Tabasin ang mga bahagi ng proyekto. 4. Buuin at ipako ang mga bahagi ayon sa mga sukat sa plano ng proyekto. 5. Lagyan ng barnis ang natapos na proyekto. 5
F. Krokis ng Proyekto Tanawin mula sa taasTanawing Pangharap Tanawing Patagilid 6
SUBUKIN MO Pagkatapos mong pag-aralan ang paggawa ng “Bamboo Wall Vase,” ihanda ang mga kagamitan at kasangkapan na gagamitin sa paggawa ng proyekto. Isagawa angpagbuo nito ayon sa tamang hakbang at nasusunod ang mga panuntunang pangkaligtasan at pangkaligtasan sa paggawa ng proyekto at gamitin ang wastong paraan ng paglalagay ng pintura o barnis. TANDAAN MOMaraming proyekto ang magagawa sa kawayan maliban sa “wall vase.” Natatagpuan sabuong kapuluan ang halamang ito.Ang plano ay dapat gawin bago simulan ang anumang proyekto.May mga panuntunang pangkalusugan at pangkaligtasan na dapat sundin habanggumagawa upang maiwasan ang sakuna at maging tuluy-tuloy ang paggawa. PAHALAGAHAN MO 1. Bakit kailangan mong alamin ang mga materyales at kagamitan na matatagpuan sa pamayanan? 2. Bakit kailangan mong gumawa ng plano bago isagawa ang isang proyekto? 3. Ano-ano ang kahalagahan ng kawayan? 4. Ano-ano ang magagawa nito? 5. Ano ang naidulot sa iyo ng ginawa mong proyekto? 7
GAWIN MOMaliban sa natapos mong proyekto, itala sa kuwaderno ang iba’t iba pang kapaki-pakinabang na proyekto na gawa sa kawayan. Pumili ng isang proyektong naitala atigawa ng plano. Sundin ang halimbawa ng paggawa ng plano ayon sa napag-aralan. Isulat ang mahahalagang impormasyon tungkol sa proyekto na naaayon sa plano. Tandaan ang sunod-sunod na hakbang sa paggawa ng proyekto. Sundin ang mga ligtas na pamamaraan sa paggawa.Awitin mo ang isang awit na hango sa himig na “Paruparong Bukid.” Kapaki-pakinabang na Proyekto Himig: Paru-Parong Bukid Ang mga gawain ng laging ihanda Dapat kong sundin hakbang sa paggawa Mga pamantayan at kaligtasan Isaisip lagi at ng walang sakuna Kabibi, kawayan, abaka, nito man Kapaki-pakinabang sa sangkatauhan Proyektong pangkamay dapat ay isasalang Alay sa kinabukasan ng ating bayanHabang inaawit ito sundan ng pag-imbay ng mga kamay at wastong hakbang ng “step-close, step-close.”Gumawa ng saranggola na yari sa kawayan. Balutin ito ng papel de hapon na mayiba’t ibang kulay. 8
PAGTATAYALagyan ng tsek ( ) ang kolum na OO kung wasto at ekis (X) sa kolum na HINDI. GAWAIN OO HINDI1. Nakapili ba ng proyektong kapaki-pakinabang ayon sa materyales at kagamitang matatagpuan sa pamayanan?2. Nakagawa ba ng isang simpleng plano ng proyekto?3. Nasunod ba ang ispesipikasyon sa plano?4. Naisagawa ba ang tamang hakbang sa paggawa ng proyekto?5. Naitala ba ang mga materyales na nakita sa pamayanan?6. Natapos ba ang proyekto ayon sa itinakdang oras?7. Naaayon ba sa tamang pangkaligtasan at pamantayan ang paggawa ng proyekto?8. Naibahagi ba sa mag-anak ang ginawang proyekto?9. Pinahalagahan ba ang natapos na proyekto?10. Naibigay ba ang mga paraan kung paano maging kapaki- pakinabang ang mga proyekto sa gawain sa tahanan, paaralan at sambayanan? 9
GRADE VI WASTONG PAMAMARAAN NG PAGGAMIT NG MGA KASANGKAPAN SA PAGGAWA NG MGA GAWAING-KAMAY ALAMIN MOAlam mo ba na napakasagana ng ating bansa sa likas na yaman? Iba-iba ang laki at kulay ngsusô at kabibe na galing sa ating karagatan. Naiibigan ng mga dayuhan ang mga palamuti sakatawan at sa tahanan. Kaya tinaguriang “Perlas ng Silangan” ang Pilipinas. Narito sa atinang magagandang perlas na iba-iba ang kulay. Ang mga halaman ay naggagandahan atkapaki-pakinabang. Maraming punong niyog sa lahat ng lugar. Ito ay tinatawag na “Puno ng Buhay.”Ang daming produktong nagmumula sa mga ito.Nariyan ang abaka na nasa mga lalawigan. Dito manggagaling ang mga matitibay na sinulid.Ginagamit ang abaka sa paglikha ng tela, lubid, basket, bag, at iba pa. Hindi rin pahuhuli sakahalagahan ang kahoy, kawayan, at yantok, ang mga kasangkapang yari sa kanila ayhinahangaan sa ibang bansa. Sa modyul na ito ay matututuhan mo ang kahalagahan ng pagkakaroon ng kasanayansa gawaing kamay at wastong pamamaraan ng paggamit ng mga kasangkapan at iba pangkagamitan at ang pangangalaga ng mga ito. 1
PAGBALIK-ARALAN MO Kilalanin ang mga kasangkapan o kagamitan na karaniwang ginagamit sa pagkukumpuni. Suriin ang mga larawan at isulat sa kuwaderno ang pangalan ng mga ito. 1) 2) 3) 4) 5) 6) 7) 8) 9) 2
10) 11) 12)1 _________________ 5 _________________ 9 _________________2 _________________ 6 _________________ 10 ________________3 _________________ 7 _________________ 11 ________________4 _________________ 8 _________________ 12 ________________ Hanapin ang mga ito sa palaisipan sa baba at bilugan.OKUT S I LYOAEYME T R OME C LML SANMB L AONK P E KKSKNAL P CAYOUT A L C G U N T I N GWI SOBABKBC I LAL I B A R N I S CMU LYMNO EM I C AA E AOKCKCOERB S P CNANOL PAE TOEBL P A K O K WW A K B K 3
PAG-ARALAN MO Mahalagang matutuhan ng bawat mag-aaral ang magandang saloobin sapaggawa ng kapaki-pakinabang na mga gawain tulad ng mga proyektongmakatutulong sa kabuhayan ng mag-anak at pamayanan. Ang sipag, pagtitipid, tiyaga, pagkamalikhain at pagmamahal sa paggawa ayilan lamang sa katangian ng mga manggagawang Pilipino. Mahalaga rin namatutuhan ng bawat mag-aaral ang mga kasanayan sa paggamit ng mgakagamitan, kasangkapan at materyales sa paggawa ng isang kapaki-pakinabang naproyekto. Inaasahan na sa pamamagitan ng mga kaalaman at kasanayangnatutuhan ay magpapamalas ng kawilihan ang bawat mag-aaral na makagawa ngisang makabuluhang proyekto. Ang magagandang kamay ay gumagawa ng mga proyektongmaipagmamalaki kahit sa ibang bansa. Ang Philippine Handicrafts ay isa sa mga hinahangaan sa buong mundo.Ang ating mga gawang-kamay ay malikhain, maganda, makinis at matibay. Kung sa ating bansa ay maraming mapagkukunan ng materyales gayon din,marami tayong uri ng mga gawaing-kamay. Ilan ang paghabi ng tela, pagbuburda,paggawa ng basket, banig, alahas, at iba pang palamuti at paggawa ng muwebles nayari sa yantok at kawayan. 4
May iba’t ibang tawag sa mga gawaing ito. Minsan ay likhang-kamay, yaring-kamay, o gawang-kamay (home industry). Iisa naman ang kahulugan: binubuo angmga produkto sa pamamagitan ng kamay. Ngunit hindi maaaring kamay lamang ang gagamitin. Hindi makakalikha ngmga produktong kawayan, kahoy, at yantok kung walang kasangkapang gagamitin. Kailangan ang simpleng kasangkapan sa pagbuo ng isang payak na proyekto.Bawat gawain ay may kanya-kanyang kasangkapang kinakailangan ayon sa gamitnito. Mapatitibay ang mga kasanayan sa paggamit ng mga materyales kungmatutuhan at malalaman ang angkop na kagamitan sa pagbuo ng isang proyekto. Mga Kagamitan sa Pagbuo ng ProyektoKasangkapan na Pangguhit o Panggawa ng Linya1. Lapis2. Pusod (Scratch Awl)3. Granil 5
Kasangkapang Panukat1. Ruler2. MetroKasangkapan sa Paghawak o Pagkontrol at Pagkalas1. Plais (Plier)2. Gato (Vise)3. Liyabe (Wrench) 6
Kasangkapang Pantay ang Talim1. Gunting sa Yero (Tin Snip)2. Katam (Plane) Kasangkapang Pangpukpok o Pang-“drive” 7
Kasangkapang May Talim o Ngipin May talim o ngipin ang mga kasangkapang ito. Maaaring ito ay pumuputolgaya ng lagari. Maaaring ito ay nagpapakinis tulad ng (“wood” o “metal file.” )Maaaring ito ay nagpapatalas gaya ng kikil o “saw file.” “Katam o wooden plane.” Kasangkapang Panubok Ginagamit ang mga kasangkapang ito upang tingnan kung ang ginagawa aynaaayon sa tamang pamantayan. Ang lebel o “plumb bob.” Ang ginagamit naparnubok kung iskwalado ang bawat sulok ng proyekto. Samantalang ang “Tester”ay ginagamit upang malaman ang tamang boltahe at “resistance” ng Proyekto. 8
Kasangkapang Panghasa Ginagamit ang mga ito upang maging matalas ang mga panghiwa gaya ngkutsilyo o panggupit gaya ng gunting. Ginagamit ang mulyihon, “oil stone,” o“honing stone” sa mga kasangkapang pantay ang talim. Ginagamit naman ang kikilsa mga kasangkapang may ngipin. Kasangkapang Pambutas Ito ang mga kasangkapang pambutas sa kahoy, metal at maging kongkreto.May talim na angkop na pambutas ang mga ito. 9
Wastong Paggamit sa mga Kasangkapang Pangkamay. Mahalagang matutuhan at mailarawan ang wastong paraan ng paggamit samga kasangkapang pangkamay upang maiwasan ang sakuna sa paggawa ngproyekto.Metro1. Hawakan ang metro nang maayos habang sinusukat ang isang bagay.2. Lagyan ng pananda ang tapat ng numero ng tabla o iba pang bagay na susukatin.Iskuwala1. Hawakang mabuti ang iskuwala.2. Itama o ilapat ang dulo sa kalaparan ng tabla o bagay na susukatin.3. Suriing mabuti kung ganap na ang pagkakakuwadrado ng tabla at ang ulo ng pantay- pantay. 10
Martilyo1. Tandaan o markahan ng lapis ang kahoy o ano mang bagay na papakuan.2. Hawakan nang mahigpit ang puluhan ng martilyo.3. Hawakan nang isang kamay ang katawan ng pakong pupukpukin.4. Pukpukin nang marahan ang pako papalakas hanggang sa ito ay bumaon sa kahoy.Lagari1. Markahan ang bagay o tablang lalagariin o puputulin.2. Lumayo nang bahagya na ang balikat ay may anggulong 45-60 digri paharap sa lalagariin.3. Isuot ang kamay sa hawakan ng lagari.4. Ilagay ang talim sa lalagiriin. Lagariin sa isang direksiyong patulak o pakabig hanggang maputol ang kahoy. 11
Barena/Balbike1. Markahan ang lugar na bubutasin.2. Ikabit ang angkop na pambutas para sa laki ng butas na gagawin.3. Hawakang mabuti ang barena, iturok ang dulo ng pambutas sa minarkahang tabla.4. Paikutin ang balbike hanggang sa mabutas ang tabla.5. Paikutin ang barena nang tuluy-tuloy upang maging maayos at pantay ang butas.Paet1. Ipitin ang kahoy na papaetin sa gato o “bench vise.”2. Hawakan ng isang kamay ang puluhan ng paet at pukpukin nang papalayo sa iyo.3. Sundin ang hilatsa ng kahoy habang ginagamit ang paet.4. Sa pagpapaet, igalaw ito nang pakaliwa at pakanan upang maging maayos at madali ang pagguhit sa kahoy. 12
Katam1. Ipitin ang kahoy ng gato o “bench vise.”2. Hawakan ng dalawang kamay ang puluhan ng katam.3. Itulak nang pasulong at paurong ang katam sa tabla o kahoy na nais pakinisin.SUBUKIN MO Magtungo sa mga tindahan, “trade exhibit” o pagawaanng gawaing-kamay (handicraft) sa inyong lugar. Itala ang mga produkto na nakita at ipagtanong ang mga materyales at kasangkapang ginamit. Kopyahin sa kuwaderno at tapusin ang talahanayan. Gawaing-Kamay Materyales Paano Tinapos1. Flower Base Kawayan Barnis2. Sala Set Rattan Kulay3.4.5. 13
Itala ang mga materyales sa iyong paligid. Ano ang maaari mong gawin mula sa mga ito? Kopyahin sa kuwaderno at tapusin ang talahanayan. Materyales Paggagamitan1. Abaka Gawing bag o kaya’y banig2. Yantok Gawing muwebles sa tahanan3.4.5. Suriin ang mga kasangkapan na nasa larawan.a. Ano-ano ang mga kasangkapang iyong nakita?b. Ano ang pangalan ng bawat isa?c. Saan ginagamit ang bawat isa? Itala sa kuwaderno ang kasangkapang alam at di alam ang gamit. Suriin ang mga pagkakagrupo ng mga kasangkapan at gamit ng bawat isa.a. Paano iginugrupo ang mga kasangkapan?b. Alamin ang tawag sa bawat grupo.TANDAAN MO Ang magagandang kamay ang iyong ipinangagawa ng produktong maipagmamalaki kahit sa ibang bansa. Iba’t iba ang mga kasangkapang magagamit sa mga proyekto. May angkop na kasangkapan para sa isang gawain. Ang mga kasangkapan sa gawaing-kamay ay dapat pangalagaan at gamitin sa angkop na paraan. 14
PAHALAGAHAN MO 1. Ano-anong mga likas na yaman ang matatagpuan sa ating mga rehiyon na magagamit sa paggawa ng mga proyekto sa gawaing kamay? 2. Ano-anong karaniwang kasangkapan ang ginagamit sa gawaing-kamay? 3. Ano ang angkop na gamit ng bawat kasangkapan?4. Bakit mahalagang gamitin sa angkop na gamit ang mga kasangkapan sa paggawa? Ipaliwanag. GAWIN MO Gumawa ng album ng mga likas na yaman na makukuha sa ating kapaligiran tulad ng suso, kabibe, mga perlas na galing sa ating mga karagatan, abaka, niyog, kawayan, yantok, atbp. Iguhit sa isang “cartolina” ang mga kasangkapang pangkamay ayon sa kanya- kanyang grupo. Isulat din ang tamang gamit ng bawat isa. Magsaliksik din sa silid-aklatan tungkol sa karagdagang kaalaman sa mga paraan ng pangangalaga sa mga kasangkapan na dapat sundin maliban sa mga napag-aralan na. Ibahagi ang natutuhan sa kasambahay at mga kaibigan. PAGTATAYAA. Isulat sa kuwaderno kung TAMA o MALI ang mga pangungusap.______ 1. Nahahati ang gawaing-kamay sa marami pang gawain.______ 2. Kamay lamang ang ginagamit sa paggawa ng proyekto at produkto.______ 3. Mayaman ang ating bansa sa materyales sa gawaing-kamay.______ 4. Maipagmamalaki ang ating gawaing-kamay.______ 5. Likas na malikhain, masipag at matiyaga ang mga Pilipino.______ 6. Ipinadadala ang ating mga produkto sa ibang bansa. 15
Search
Read the Text Version
- 1
- 2
- 3
- 4
- 5
- 6
- 7
- 8
- 9
- 10
- 11
- 12
- 13
- 14
- 15
- 16
- 17
- 18
- 19
- 20
- 21
- 22
- 23
- 24
- 25
- 26
- 27
- 28
- 29
- 30
- 31
- 32
- 33
- 34
- 35
- 36
- 37
- 38
- 39
- 40
- 41
- 42
- 43
- 44
- 45
- 46
- 47
- 48
- 49
- 50
- 51
- 52
- 53
- 54
- 55
- 56
- 57
- 58
- 59
- 60
- 61
- 62
- 63
- 64
- 65
- 66
- 67
- 68
- 69
- 70
- 71
- 72
- 73
- 74
- 75
- 76
- 77
- 78
- 79
- 80
- 81
- 82
- 83
- 84
- 85
- 86
- 87
- 88
- 89
- 90
- 91
- 92
- 93
- 94
- 95
- 96
- 97
- 98
- 99
- 100
- 101
- 102
- 103
- 104
- 105
- 106
- 107
- 108
- 109
- 110
- 111
- 112
- 113
- 114
- 115
- 116
- 117
- 118
- 119
- 120
- 121
- 122
- 123
- 124
- 125
- 126
- 127
- 128
- 129
- 130
- 131
- 132
- 133
- 134
- 135
- 136
- 137
- 138
- 139
- 140
- 141
- 142
- 143
- 144
- 145
- 146
- 147
- 148
- 149
- 150
- 151
- 152
- 153
- 154
- 155
- 156
- 157
- 158
- 159
- 160
- 161
- 162
- 163
- 164
- 165
- 166
- 167
- 168
- 169
- 170
- 171
- 172
- 173
- 174
- 175
- 176
- 177
- 178
- 179
- 180
- 181
- 182
- 183
- 184
- 185
- 186
- 187
- 188
- 189
- 190
- 191
- 192
- 193
- 194
- 195
- 196
- 197
- 198
- 199
- 200
- 201
- 202
- 203
- 204
- 205
- 206
- 207
- 208
- 209
- 210
- 211
- 212
- 213
- 214
- 215
- 216
- 217
- 218
- 219
- 220
- 221
- 222
- 223
- 224
- 225
- 226
- 227
- 228
- 229
- 230
- 231
- 232
- 233
- 234
- 235
- 236
- 237
- 238
- 239
- 240
- 241
- 242
- 243
- 244
- 245
- 246
- 247
- 248
- 249
- 250
- 251
- 252
- 253
- 254
- 255
- 256
- 257
- 258
- 259
- 260
- 261
- 262
- 263
- 264
- 265
- 266
- 267
- 268
- 269
- 270
- 271
- 272
- 273
- 274
- 275
- 276
- 277
- 278
- 279
- 280
- 281
- 282
- 283
- 284
- 285
- 286
- 287
- 288
- 289
- 290
- 291
- 292
- 293
- 294
- 295
- 296
- 297
- 298
- 299
- 300
- 301
- 302
- 303
- 304
- 305
- 306
- 307
- 308
- 309
- 310
- 311
- 312
- 313
- 314
- 315
- 316
- 317
- 318
- 319
- 320
- 321
- 322
- 323
- 324
- 325
- 326
- 327
- 328
- 329
- 330
- 331
- 332
- 333
- 334
- 335
- 336
- 337
- 338
- 339
- 340
- 341
- 342
- 343
- 344
- 345
- 346
- 347
- 348
- 349
- 350
- 351
- 352
- 353
- 354
- 355
- 356
- 357
- 358
- 359
- 360
- 361
- 362
- 363
- 364
- 365
- 366
- 367
- 368
- 369
- 370
- 371
- 372
- 373
- 374
- 375
- 376
- 377
- 378
- 379
- 380