Important Announcement
PubHTML5 Scheduled Server Maintenance on (GMT) Sunday, June 26th, 2:00 am - 8:00 am.
PubHTML5 site will be inoperative during the times indicated!

Home Explore Edukasyon sa Pagpapakatao Grade 4

Edukasyon sa Pagpapakatao Grade 4

Published by Palawan BlogOn, 2015-11-19 19:33:41

Description: Edukasyon sa Pagpapakatao Grade 4

Search

Read the Text Version

Sagutin ang sumusunod: 1. Ano ang iyong reaksiyon nang marinig mo ang puna ng mga hurado? Paano mo tinanggap ang mga puna? 2. Bakit kaya sa palagay mo ay negatibo ang natanggap mong mga puna? 3. Sa iyong palagay, ano ang iyong naging pagkukulang? 4. Ano naman ang iyong gagawin upang sa susunod na paligsahan ay positibong puna ang iyong matanggap? 5. Isa-isahin ang iyong maaaring kakulangan na naging sanhi para hindi ka manalo sa paligsahan. Ilagay ito sa graphic organizer at ilagay mo rin ang mga dapat gawin upang makatanggap ng positibong puna.Ang aking kakulangan: Mga dapat kong gawin1. upang mas mapabuti2. ang aking kakayahan3. 1. 2. 3.Gawain 2 May inilunsad na timpalak ang Supreme Pupil Government oSPG sa inyong paaralan. Ito ay tinawag nilang “Pagpapahalaga saClass Home Ko.” 90

Bubuo kayo ng apat na pangkat upang makagawa ng planokung paano ninyo mapagaganda ang inyong silid-aralan paramanalo sa paligsahan. Layunin ng paligsahan na maging sentro ngbawat silid-aralan ang Pagpapahalaga o Values. Ang inyong planoay maaaring iguhit sa kartolina. Bibigyan kayo ng limang araw upangmapag-usapang mabuti at mapaganda ang inyong plano. Bawat pangkat ay bibigyan ng pagkakataon upang maipaliwanagsa hurado ang nilalaman ng plano. Ang hurado ay binubuo ng SPG, mgaguro, Guidance Counselor, at kinatawan ng samahan ng mga magulang.Bibigyan ng puna ang inyong nagawang plano batay sa pamantayangibibigay ng guro. Isulat ninyo ang lahat ng magiging puna at mungkahi naibibigay ng bawat hurado. 1. Ano ang inyong gagawin kung hindi mapili ang inyong ginawang plano para sa inyong silid-aralan? 2. Paano ninyo tatanggapin ang puna ng mga hurado? 91

Isapuso NatinMagpasiya ka!Suriin ang mga sitwasyon. 1. Pangarap mong maging modelo sa iyong paglaki kung kaya’t sumasali ka sa mga paligsahan sa inyong paaralan at komunidad. Gayon pa man, madalas mong marinig na may pumipintas sa iyo. Ano ang iyong gagawin? 2. May bago kang kaklase galing sa malayong probinsiya. Nalaman mong pinipintasan ito ng mga kaklase mo. Ano ang sasabihin mo sa kanila? 3. Napaunlad mo ang iyong angking kakayahan sa pagguhit. Marami ang humahanga sa iyo sapagkat madalas kang manalo sa mga paligsahan. Ano ang iyong sinasabi sa mga nagbibigay sa iyo ng mga papuri? 4. Madalas kang kumanta sapagkat hilig mo rin ito. Sinigawan ka ng inyong kapitbahay. Hindi raw maganda ang boses mo. Mapipikon ka ba? 5. Binabatikos ka dahil sa isang pagkakamaling nagawa mo. Paano mo haharapin ang mga pumupuna sa iyo? 92

Tandaan Natin Likas sa tao ang magbigay ng puna o papuri sa kilos, ugali, atpisikal na anyo ng kaniyang kapuwa. May mga pagkakataong hindinatin namamalayan na nakasasakit na tayo ng damdamin ng atingkapuwa dahil sa mga ibinibigay nating puna at pintas. Paano ba tatanggapin ang mga puna nang maluwag sa atingkalooban? May mga paraan na makatutulong sa isang batang tuladmo upang higit na mapaunlad ang sarili sa kabila ng maraming punana iyong natatanggap. Ang isang tao ay maaaring matuto mula sa kaniyang kapuwa.Samakatuwid, maaari mong ituring na bagong impormasyon angnatanggap mong puna at magagamit mo ito upang higit na mapagbutiang iyong mga gawain at kilos. Ang sumusunod na pamaraan ay makatutulong sa iyo upanghigit na mapamahalaan mo ang iyong sarili at makamit ang layuninsa buhay: • Pakinggan ang sinasabi ng kapuwa mo, subalit timbangin mo kung ano ang magiging bunga kung ito ay iyong susundin o hindi. • Magkaroon ng positibong pananaw sa mga bagay na nangyayari sa iyo at sa iyong paligid. • Alamin kung ano-ano ang nais mo sa buhay at dito ituon ang iyong pansin. 93

• Gawing inspirasyon sa iyong ginagawa ang iyong pamilya, mga kaibigan, at higit sa lahat, magkaroon ng matibay na paniniwala sa Diyos. • Maging mabuting halimbawa sa iyong kapuwa sa pagbibigay ng puna at papuri. • Sumali sa mga gawaing pampaaralan (extra-curricular activities) upang magkaroon ng maraming kaibigan at makakuha ng bagong impormasyon. • Isipin lagi na ang papuri at puna ay makatutulong sa pagkilala natin sa ating sarili at upang magkaroon ng pagbabago at pag-unlad sa iyong mga ginagawa. Ang pagsusuri sa mga puna ay makatutulong upangmatanggap ang mga ito nang maluwag sa kalooban at hindi magingsanhi ng kawalan ng tiwala sa sariling kakayahan. Sa iyong paglaki ay marami kang maririnig na mga puna atpapuri sa iyong ginagawa. Ang mahinahong pagtanggap sa mgaito ay makatutulong upang higit na maunawaan ang damdamin ngkapuwa at higit na mapaunlad ang sarili. Isabuhay Natin Bumuo ng apat na pangkat. Gamitin ang inyong pagkamalikhainupang makapagsadula ng isang bahagi ng buhay ni Manuel L.Quezon, ang ama ng Wikang Filipino. Bibigyan ang bawat pangkatng pagkakataong makapagbigay ng puna o papuri sa presentasyon.Sundin ang gabay sa ibaba sa pagbibigay ng puna at papuri. 94

A. Pagbibigay ng puna Isulat ang inyong mga puna sa ikalawa at ikatlong hanay.Gawin ito sa kuwaderno. Pangkat na Negatibong puna Positibong puna nagtatanghal1.2.3. B. Pagtanggap ng puna Ayon sa natanggap na puna ng inyong pangkat, paano ninyo tatangapin ang mga ito? Gawin ito sa kuwaderno. Natanggap na puna Paraan ng pagtanggap sa mga puna 95

Subukin Natin Lagyan ng masayang mukha ang patlang kung sa palagaymo ay tama ang mga salitang ginamit sa pagtanggap ng mga puna.Iguhit ang malungkot na mukha kung hindi ka sang-ayon samga salitang ginamit sa pagtanggap ng mga puna. Gawin ito saiyong kuwaderno.______ 1. Salamat sa pagpuna mo, susundin ko ang iyong payo.______ 2. Wala kang pakialam.______ 3. Kunwari lang naman ‘yan na tutulong para mapaganda ang proyekto ko, alam ko naiinggit lang iyan.______ 4. Mabuti at napansin mong malaki sa akin ang damit ko.______ 5. Ayos lang sa akin ang puna mo, mabuti nga at mababago ko.______ 6. Alam kong para sa kabutihan ko ang puna mo.______ 7. Magaling ako kaya hindi ko kailangan ang puna mo.______ 8. Basta ito ang gusto ko kaya hindi ko puwedeng baguhin.______ 9. Mabuti na lang napuna mo ang mali bago ko naipasa.______10. Matagal ko na itong alam kaya hindi ko na papansinin ang sinasabi mo. 96

Mas marami ang naiguhit kong masayang mukha dahil _________________________________________________________. Iginuhit ko ang malungkot na mukha dahil __________________________________________________________________. Binabati kita! Ngayon ay may positibo ka nang pagtanggap samga punang ibinibigay sa iyo ng iyong kapuwa. 97

Aralin 3 Mga Biro Ko, Iniingatan Ko Nakatutuwang isipin na nakapagpapasaya tayo ng damdamin ng ating kapuwa sa oras ng kalungkutan at pag-iisa sa pamamagitan ng ating mga biro. Subalit ang nagbibiro ay dapat pumili ng mga salitang hindi makasasakit ng damdamin. Alamin NatinBasahin ang kuwento. Nakatutuwang Biro Malakas ang tawanan sa loob ng silid-aralan nina Caloy. Walapa ang kanilang guro kaya’t walang humpay na tuksuhan at biruanang ginagawa ng mga mag-aaral. Pinag-uusapan nila ang mgakatatawanang napanood sa telebisyon. Sila rin ay nagbibigay ngsarili nilang nakatatawang biro. 98

“Alam n’yo, may pick-up line ako,” sabi ni Ronel. “Sige, sabihin mo,” sabay-sabay na sagot ng mga kaklaseniya. “Crayola ka ba?” “Bakit?” “Nagbibigay ka kasi ng kulay sa mundo.” Malakas na tawanan ang ibinigay ng mga mag-aaral. “Ako naman ang magbibigay ng pick-up line,” wika ni TonTonsabay tingin sa isa nilang kaklase. “Ikeng, elepante ka ba?” “Bakit?” “Kasi ang laki ng tainga mo,” malakas na tawanan ulit angsumunod na narinig sa silid-aralan subalit si Ikeng ay biglangtumahimik. Biglang pumasok si G. Ramos at narinig niya ang huling birong mag-aaral. Matapos siyang batiin ng mga mag-aaral ay nagbigaysiya ng paalala sa mga ito tungkol sa tamang pagbibiro. “Natutuwa ako dahil masayahin kayo at kaya ninyong aliwinang inyong mga kamag-aral. Kaya lamang ay dapat ninyong piliinang mga sitwasyon at salitang gagamitin sa pagbibiro,” paliwanagsa kanila ng guro. 99

“Bakit kaya hindi natuwa si Ikeng sa naging biro sa kaniya?\"tanong ng guro. “Kasi po nasaktan siya sa pagkokompara sa kaniya saelepante,” sagot ni Carol. “Tandaan ninyo na ang mga biro ay dapat nakatutuwa at hindinakasasakit sa damdamin ng kapuwa,” dagdag pa ng guro. Ipinaalam din sa kanila ng guro na ang paggamit ng mgasalitang nakasasakit sa damdamin ng kapuwa kahit na biro aymaaaring ituring na pambu-bully.Sagutin nang pasalita ang mga tanong: 1. Alin sa mga birong ginamit sa kuwento ang nakapagpapasaya ng damdamin? 2. Bakit hindi natuwa si Ikeng sa biro ng kaniyang kaklase? Kung ikaw si Ikeng, ano ang iyong mararamdaman? 3. Naranasan mo na bang makapagpasaya ng iyong kapuwa sa iyong mga biro? 4. Nakagamit ka na rin ba ng mga salitang nakasasakit sa damdamin sa iyong pagbibiro? 5. Ipaliwanag kung bakit dapat ingatan ang mga salitang ginagamit sa pagbibiro. 100

Isagawa NatinGawain 1 Ito sina Mico at Roel. Mahilig silang magbiro sa kanilang mgakakilala.Kiko, ang taba mo May kamukhanaman, para ka tuloy kang artista,aparador na kontrabida nganaglalakad. Ha ha ha! lang. Ha ha ha!1. Kung ikaw ang sinabihan ng mga salitang ito sa pagbibiro ng iyong kapuwa, ano ang iyong mararamdaman?2. Balikan ang diyalogo nina Mico at Roel. Paano mo sasabihin ang kanilang mga biro na hindi ka makasasakit ng iyong kapuwa? Isulat ang sagot sa iyong kuwaderno. 101

Gawain 2 Pangkatin ang inyong klase sa apat at sagutin ang gawain saibaba gamit ang isang kartolina. Bibigyan kayo ng sampung minutoupang tapusin ang gawaing ito. Makalipas ang takdang oras ayiuulat ng tagaulat ng pangkat ang kanilang sagot.Panuto: Magbigay ng mga biro na narinig o napanood ninyo. Sabihinkung ano ang maaaring maramdaman ng taong binibiro. Nagsabi/ Mga salitang Maaaring pinanggalingan ginamit sa maramdaman ng pagbibiro ng biro taong binibiro1.2.3. Isapuso Natin Basahin ang sitwasyon at magpasiya ka kung ano angnararapat gawin. Napansin mong nagkakaingay ang mga mag-aaral sa isang kanto malapit sa paaralan. Nakita mo ang isa mong kamag- aral na biniro ng iba pang mga bata. Masayang nagtatawanan ang mga nagbibiro subalit ang iyong kaklase ay tila gusto nang umiyak. Nasasaktan na siya sa mga biro ng ibang mag-aaral. Ano ang iyong gagawin? 102

Isulat sa loob ng speech balloon ang maaari mong sabihin saiyong kamag-aral na binibiro. Gawin ito sa iyong kuwaderno. 103

Tandaan Natin Ang pagiging mahinahon sa damdamin ay naipakikita magingsa mga salitang ginagamit sa pagbibiro. May mga pagkakataong sakagustuhan nating makapagpasaya ng ating kapuwa, hindi na natinnapipili nang maayos ang mga salita at nakasasakit tayo sa atingkapuwa. Hindi masama ang pagbibiro lalo na kung ang ating mga biroay nakatutulong upang magpasaya sa iba at mapagaan ang kanilangsuliranin at alalahanin. Kilala ang mga Pilipino sa pagiging masayahinat magiliw. Subalit may mga pagkakataong naaabuso at nabu-bully ang kapuwa dahil sa mga nakasasakit na salita. Ang pambu-bully ay mangangahulugan ng kahit anong paraan ng panggigipitna ginagawa ng isa o ng isang pangkat sa isa pa - pisikal man,berbal, o mental. Isang uri ng nakasasakit na biro ay ang paggamitng pisikal na anyo ng isang tao tulad ng pagiging payat, mataba,maitim, at iba pa. Kapag nangyari ito, ang emosyon, kaisipan, atpisikal na aspekto ng isang taong naabuso ay apektado. Bumababarin ang pagpapahalaga sa kaniyang sarili ng isang taong nabu-bullyhanggang sa tuluyan nang mawalan ng tiwala sa kaniyang sarili atkakayahan. Ipaalam sa mga kinauukulan tulad ng mga guro, magulang, atalagad ng batas kung nakararanas ng bullying. Isabuhay Natin Magkakaroon ng isang pagtatanghal sa inyong paaralan bilangpagdiriwang ng Buwan ng Wika. Isang bahagi ng programa ay ang 104

pagkakaroon ng “Kuwelang Bulilit” upang makapagpasaya sa buongpaaralan. Ang mag-aaral na nais makasali ay dapat maghanda ngmga biro o \"jokes\" at pipiliin ng mga guro ang mga mag-aaral namagtatanghal sa “Kuwelang Bulilit”. Maaaring gumawa ng sarilingbiro o \"joke\" at puwede ring kumuha sa internet . Ang inyong mga biro ay susukatin sa pamamagitan ngpamantayang ibibigay ng guro.Biro o Hindi Nababagay sa Nagustuhan\"Joke\" nakasasakit mga nakikinig/ ng mga ng damdamin (5 puntos) nanonood nakikinig/ (3 puntos) nanonood (2 puntos) Subukin Natin Sa sagutang papel, lagyan ng kaukulang tsek (ü) angpinaniniwalaang pahayag. Mga pahayag Tama Mali1. Maymgabirongnakasasakitngdamdamin kahit hindi sinasadya ng nagbibiro.2. Nasasaktan ang taong binibiro sapagkat sila ay pikon. 105

Mga pahayag Tama Mali3. Dapat piliin ang mga salitang ginagamit sa pagbibiro.4. Lahat ng napapanood natin sa telebisyon at naririnig na mga katatawanan sa radyo ay dapat gayahin.5. Maaari tayong makapagpasaya ng ating kapuwa sa pamamagitan ng mga salitang ating ginagamit. Ngayon ay alam mo na kung paano ka magbibiro nang hindinakasasakit ng damdamin ng iyong kapuwa. Gumawa ka ng isangpick-up line na may temang pagmamahal sa kapuwa. Punong-puno ka na ngayon ng pagmamahal sa iyong kapuwakaya handa ka nang humarap sa mas malawak na pagtahak tungosa pagtupad ng iyong mga pangarap sa buhay. Binabati Kita!106

Aralin 4 Damdamin Mo, Nauunawaan Ko Ang pagdamay sa kapuwa ay isang gawaing kinalulugdan ng Diyos. Ang magagandang karanasan sa pagtulong na naibabahagi sa iba ay maaaring kapulutan ng magandang halimbawa ng ibang mga kabataan. Alamin NatinBasahin ang kuwento. Ang Kuwento ni Mina Kataka-takang walang imik buong araw si Lydia. Napansinkong sa buong araw ay hindi man lang siya nakibahagi sa mgatalakayan. Sa mga pangkatang gawain ay hindi rin siya nakilahok.Wala man lang ngiti sa kaniyang mukha. Bakas sa kaniyang mgamata na siya ay umiyak. Hindi ako sanay na makitang ganito siLydia. Nang lapitan ko siya ay bigla siyang umiyak. Tinapik koang kaniyang mga balikat at tumabi sa kaniya. Nagsimula siyangmagkuwento na ngayon ang ikaisang taon ng pagkamatay ngkaniyang mahal na tatay. Tahimik kaming dalawa habang nakaupopagkatapos niyang magkuwento na noong buhay pa ang kaniyangtatay ay hindi nito nakaligtaang mag-uwi ng pasalubong mula sakaniyang trabaho kahit ito ay kendi lang, pansit na hindi naubos odi kaya’y lapis na maaaring gamitin ni Lydia sa paaralan. Tinapik koang kaniyang balikat sabay sabi: “Lydia, ganyan talaga ang buhay. 107

Lahat tayo ay pahiram lang sa mundo. Nauna lang ang tatay mo.Magpasalamat na lang tayo at minsan ay naranasan natin angpagmamahal ng ating tatay. May mga bata nga na hindi pa nilanakita o nakilala man lang ang kanilang magulang.” 1. Kilalanin mo sina Mina at Lydia batay sa binasang kuwento. Magbigay ng mga katangian nilang dalawa.Lydia Mina2. Mula sa mga katangiang iyong binanggit, masasabi mo ba kung sino sa kanila ang nagpakita ng pag-unawa sa damdamin ng kapuwa? Ipaliwanag ang iyong sagot.3. May maibabahagi ka bang karanasan tulad ng kay Mina? Ikuwento ito sa klase. 108

Isagawa NatinGawain 1 1. Suriin ang mga larawan.A. batang nahiwalay B. batang pinagagalitan sa kaniyang mga ng guro kasama sa parkeC. mga batang marurumi at D. batang pilay na pinatid namumulot ng basura ng isa ring bata 109

2. Gamit ang iyong kuwaderno, gumuhit ng dalawang puso.3. Sa unang puso, isulat kung ano ang iyong nararamdaman tungkol sa mga larawan A, B, C, at D. Sa ikalawang puso, isulat kung paano mo ipakikita ang iyong pagdamay. Damdamin ko para sa aking kapuwa A. B. C. D. Gagawin ko upang maipakita ang aking pagdamay A. B. C. D. 110

Gawain 2Tayo’y maglaro ng “Unawa-awa.” 1. Bumuo ng bilog na magkakaharap kayo sa inyong pangkat. 2. Ipapasa ang bola sa kanan kapag sinabi ng guro ang salitang “unawa”. 3. Kapag sinabi ng guro ang salitang “awa” hihinto kayo sa pagpasa ng bola upang umupo at makinig. Ang batang may hawak nito ay mananatiling nakatayo upang magbahagi ng kaniyang karanasan tungkol sa pagpapakita ng pag-unawa sa kalagayan o sa damdamin ng kapuwa. Bibigyan siya ng isang minuto. 4. Pagkatapos ng pagbabahagi ay tatayo ulit kayo at ipapasa ang bola hanggang marinig muli ang “unawa” na sasabihin ng guro. 5. Uulitin ang proseso upang ang bawat isa ay mabigyan ng pagkakataong makapagkuwento ng karanasang nagpapakita ng pagdamay sa kapuwa. Isapuso Natin Ayon sa inyong ibinahaging karanasan sa pagdamay sakapuwa, alam mo na ngayon kung sino ang nangangailangan ngiyong pag-unawa. Dugtungan mo ang isang panalangin para sakanila. Gawin ito sa iyong kuwaderno. 111

Panginoon, bigyan mo po ng lakas ng loob ang mga batang nawawalan ng pag- asa sa buhay. _______________________ __________________________________ __________________________________ __________________________________ _________________ Amen. Tandaan Natin Bawat tao ay maaaring magkaroon ng oras na siya aymasayang-masaya, ngunit may mga panahon din na siyaay malungkot dahil sa problema. Sa ganitong pagkakataon,kakailanganin niya ng taong puwedeng dumamay sa kaniya. Dahilbawat tao ay gumagalaw sa isang komunidad, marapat na siya aymakipag-ugnayan o makibahagi sa ibang mga tao. Sa kaniyangpakikibahagi, natututuhan niya ang pagdama at pag-unawa sadamdamin ng iba, hanggang sa maipamamalas niya ang paglalagayng kaniyang sarili sa kinalalagyan ng ibang tao. Sa paraang ito aynakatutulong na siya. Maaaring materyal na bagay ang tulong na maibabahagi natinngunit hindi laging ito ang kailangan ng iba. May mga panahon nakailangan ng isang kaibigan na makikinig at magbibigay ng payo.Kung minsan nama’y kasama sa pagsasaya sa isang tagumpayang kailangan ng tao. Sa lahat ng pagkakataon, kailangan lang 112

maging sensitibo sa damdamin at pangangailangan ng kapuwa.Ito ang pinakamabuting paraan upang maipadama natin angpagmamahal at pag-unawa na kinakailangan ng ating kapuwa nawalang anumang hinihintay na kapalit. Isabuhay Natin Makipag-ugnayan sa inyong Guidance Counselor upangmakapagbuo kayo ng isang samahan na tutulong sa mga mag-aaralna may suliranin. Maaaring ang suliranin ng mga ito’y sa iba’t ibangasignatura o kaya naman ay problema sa kaibigan at tahanan. Gagawa kayo ng talaarawan upang itala kung paano kayonagpakita ng pag-unawa o pagdamay sa kanila. Ipapasa itominsan sa isang linggo upang lagdaan ng inyong guro. Tularan angtalaarawan sa ibaba. Talaarawan ng Pag-unawa Kapuwa kong Suliranin Paraan ng pagpapakita nabigyan ng pag-unawa ng aking ko ng pag-unawa o kapuwa pagdamayLunesMartesMiyerkolesHuwebesBiyernes _____________ Lagda ng Guro 113

Subukin NatinGawain 1 Masayang-masaya ang nanalo sa paligsahang ito. Ano kayasa palagay mo ang damdamin ng hindi pinalad na manalo? Gumawaka ng isang sanaysay para sa natalong kandidata at iparamdam mosa kaniya ang iyong pag-unawa. Basahin ang iyong sanaysay sa harap ng klase.Gawain 2 Malungkot ang iyong kamag-aral na si Mico. Napagalitan siyang kaniyang magulang sapagkat bumaba ang kaniyang marka.Kasama siya dati sa mga nangunguna sa klase subalit dahil sapagbaba ng kaniyang marka ay hindi na siya nakasama. Ano ang 114

maaari mong sabihin kay Mico? Gumuhit sa iyong kuwaderno ng speech balloon at isulat saloob nito ang iyong payo sa kaniya. MMiiccoo,,naisnkaoisng sakboinhgin ssaabiyihoinna sa iyo na _________________ _________________ ________________ . Ngayon ay alam mo na kung paano tumugon sa damdaminat pangangailangan ng iyong kapuwa. Ipagpatuloy ito at ibahagi saiba. Maaari ka nang tumuloy sa susunod na aralin. 115

Aralin 5 Kapuwa Ko, Nandito Ako! Nabubuhay ang tao hindi lamang para sa kaniyang sarili kundi para sa kaniyang kapuwa. Mahirap man o mayaman, may kakayahan ang tao na tumulong sa mga nangangailangan. Alamin NatinPakinggan natin ang kuwento ni Paola. Ako si Paola. Galing ako sa Mindanao. Lumipat kami sa inyongpook sapagkat isa ang pamilya namin sa nakaranas ng maramingkalamidad. Ang iba’y gawa ng tao at ang iba nama’y dahil sa bangisng kalikasan. Ito ang larawan ng karanasan ng aming pamilya.kaguluhan sa pamilya na nakatira Mindanao sa ilalim ng tulay 116

Ang nasa unang larawan ay nangyari noong bata pa ako.Sabi ni Inay, dalawang taon pa lamang daw ako nang mangyariito. Nalaman ko ito dahil ikinuwento nila. Napakarami raw ngnaapektuhan ng gulong ito sa Mindanao. Subalit ang gulo sa aming bayan ay nagpaulit-ulit. Noongnakaraang taon ay muling sumiklab ang kaguluhan at nadamay patiang aming paaralan. Nasunog ito kasama ng iba pang mga bahayat gusali. Ang aming mga klase ay pansamantalang ginagawa samga dampa habang itinatayong muli ng pamahalaan ang amingsilid-aralan. Sapagkat wala na rin kaming bahay na matitirahankaya’t napilitan kaming lumipat dito upang makaiwas sa kaguluhanat makapagpatuloy kaming magkapatid ng aming pag-aaral. Dahil wala kaming bahay, natutulog kami sa ilalim ng tulaykasama ang iba pang biktima ng iba’t ibang kalamidad. Naglalatagkami ng karton at banig sa aming kariton. Nagtitiis kaming mabasakapag umuulan. Upang matustusan ang aming pagkain sa araw-araw,nangongolekta ng bote at plastik ang aking mga magulang mula samga tambak ng basura. Ibinibenta nila ito sa junk shop upang maymaibili ng bigas at ulam. Nag-aaral akong mabuti sapagkat nais kong matupad angaking mga pangarap sa buhay. Nais ko ding makatulong sa akingmga magulang. Kapag walang pasok, nagtitinda ako ng mgabasahan sa kalye. Nag-iingat naman ako sapagkat iyon ang lagingbilin sa akin ng aking mga magulang. Naniniwala ako na pagpapalaindin kami ng Diyos sapagkat nagsisikap kami at naghahangad ngmabuti para sa aming kapuwa. 117

Ipinagdarasal ko rin na sana ay magkaroon ako ng mgakaibigan dito. Matapos mong marinig ang kuwento ni Paola, ano ang naismong itanong sa kaniya? Magbigay ng tatlong tanong: 1. _____________________________________________? 2. _____________________________________________? 3. _____________________________________________? 1. Ano ang iyong naramdaman habang tinitingnan ang mga larawan? Naawa ka ba sa kanila? Bakit? Ano ang maaari mong gawin para sa mga katulad ni Paola? 2. Kung isa ka sa kanila, ano ang iyong mararamdaman? Kanino ka lalapit at hihingi ng tulong? Ngayon naman ay bumuo ka ng isang plano kung paano katutulong sa kanila. Isulat ito sa isang bond paper.1. ____________ 2. ____________ 3. ____________ ____________ ____________ ____________ ____________ ____________ ____________ Ang aking plano upang matulungan si Paola 118

Isagawa NatinGawain 1Basahin ang diyalogo nina Marla at Rolan.Marla: Rolan, binabati kita. Pinuri ni Gng. Rosales ang iyong ginawang plano ng pagtulong sa mga nakatira sa ilalim ng tulay.Rolan: Salamat Marla. Maganda rin naman ang plano mo. Siguro may nakalimutan ka lang isulat kaya may mga punang hindi maganda.Marla: Naisip ko rin iyon, marami pa ang kulang sa aking plano kaya kailangan ko pang baguhin at ayusin. Kapag nagawa ko na nang higit na maganda, ipakikita ko ulit sa inyo. Paano ka nga ba tutulong kina Paola? 119

Rolan: Susulatan ko ang mga ahensiya ng pamahalaan tulad ng Department of Social Welfare and Development (DSWD). Di ba may napag-aralan tayo tungkol sa programa nilang \"Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps)?\" May mga kaklase nga tayo na kasali roon.Marla: Ang galing mo naman, Rolan. Naisip mo silang ilapit sa DSWD para maisali sa 4Ps. Ito iyong programa ng pamahalaan na tumutulong sa mahihirap.Rolan: Alam mo, hindi lang naman sila ang nangangailangan ng tulong. Napakarami pa nating kababayan na talagang nakakaawa ang kalagayan, tulad ng mga nabiktima ng kalamidad sa Tacloban, lindol sa Bohol, at madalas ding may nasusunugan.Marla: Pero marami naman ang nagpapadala ng tulong mula sa ibang bansa, di ba? Napanood ko nga sa telebisyon, marami ang nanggagaling sa malalaking kompanya at mayayamang tao.Rolan: Marami nga pero mas kailangan ng ating mga kababayan ang dadamay sa kanila nang may pagmamahal. Hindi lang basta nagpapadala ng mga pagkain. Kailangang nararamdaman natin ang kanilang paghihirap at dapat bukal sa loob ang ating pagbibigay.Marla: Bilib na talaga ako sa iyo. Pero sabi ni Inay, mayroon daw umaabuso. Iyon bang umaasa na lang sa ibibigay ng kapuwa, hindi na naghahanapbuhay. Dapat pala, alam natin kung sino talaga ang dapat tulungan.Rolan: Oo nga. Hindi bale, tatalakayin pa naman natin ang tungkol sa pagtulong sa mga darating na araw. 120

Gawain 2 Maglaro tayo ng \"Regalo’t Hagdan.\" Bumuo ng apat napangkat at sundin ang panuto ng laro. 1. Pumunta sa iyong pangkat. 2. Bawat miyembro ay bibigyan ng isang pirasong papel na hugis bilog. Ito ang magsisilbing butil mo sa paglalakbay sa \"Regalo’t Hagdan.\" 3. Gamit ang dice, ihahagis ito ng bawat miyembro pataas upang malaman kung pang-ilan siya sa pila ng mga aakyat sa \"Regalo’t Hagdan.\" 4. Ilagay ang iyong butil sa tamang bilang ayon sa lumabas nang inihagis ang dice. Kung dalawang tuldok (dots) ang nasa ibabaw ng dice dapat ang iyong butil ay aakyat sa ikalawang kahon sa \"Regalo’t Hagdan\" at ikaw ang ikalawang aakyat pagkatapos ng unang miyembro na ang lumabas sa ibabaw ng dice ay isang tuldok (dot). 5. Basahin ang nasa kahon. Ayon sa iyong sagot maaari ka na namang umakyat sa ibang kahon. 6. Ang lider ng bawat pangkat ang magsasabi kung saang kahon ka makakapunta ayon sa iyong sagot. 7. Ulitin ang paghagis ng dice kapag lahat ng miyembro ay nakaakyat na para sa susunod na bilang at pila ng pag- akyat. 8. Ang mag-aaral na unang makaakyat sa kahon bilang 25 ang siyang mananalo. 121

MAPA ng \"Regalo’t Hagdan\" 122

21 22 23 24 25Walang aalalay Bakit kailangang Paano Kahanga-sa lola na tatawid tumulong sa maipakikita hanga ka!sa kalye. Ano ang nangangailangan? ang pagiging Ipagpatuloygagawin mo? bukas-palad? ang pagiging, matapat, totoo, at bukas-palad! 20 19 18 17 16Kailan maaaring May maitutulong Sori, Sa bahay ninyoipakita ang ka ba sa mgapagiging bukas- nasalanta ng kailangan inimbak angpalad? bagyo? mong bumalik relief goods sa kahon 11. para sa mga nasalanta ng bagyo. May nagustuhan kang laruan sa mga ito. Ano ang gagawin mo?11 12 13 14 15 Ano ang gagawin Sori, kailangan mo sa natirang mong bumalik Maaari kang pera sa iyong sa kahon 6. umakyat sa baon? Bakit ito kahon 23 ang gagawin mo? 10 9 876Magbigay ng isang Kanino ka dapat May outreachbagay na kaya tumulong? programmong ibahagi sa ang iyongmga nasunugan. paaralan para sa mga nasunugan. Alin sa iyong mahalagang mga gamit ang kaya mong ibigay? 1 2 3 4 5Maaari kang Paano mo May batang Magbigay ng Ano angumakyat sa kahon matutulungan ang walang pagkain isang bagay gagawin mo8. isang tinderang sa oras ng na kaya kapag may nakita mong meryenda at mong gawin batang nadapa kinukupitan ng nasa isang para sa mga sa kalye? mga paninda ng sulok lang. Ano nasalanta ng isang bata? ang gagawin bagyo. mo? 123

Pagnilayan at sagutin. 1. Ano ang naramdaman mo habang naglalaro ng \"Regalo’t Hagdan?\" Nasiyahan ka ba? Ipaliwanang ang sagot. 2. May napulot ka bang magandang aral sa larong ito? Ibahagi sa klase. Isapuso Natin Gumawa ng sulat sa isang ahensiya ng pamahalaan na naismong hingan ng tulong para sa mga katulad ni Paola. Banggitin mosa iyong sulat kung bakit nais mo silang matulungan ng pamahalaan. Tandaan Natin Lahat ng tao ay may pangangailangan. Walang tao na nasakaniya na ang lahat.Ang mahihirap ay hindi nangangahulugang walana silang maibibigay o maitutulong sa ibang tao at mga kaibigan.Wala ring taong sobrang yaman na hindi na mangangailangan ngtulong ng iba. Ang pagiging bukas-palad ay pagbibigay ng kung ano angmayroon ka nang bukal sa kalooban. Ang mga munting regalo na kayang ibigay, tulad ng pagtulongsa pag-akyat ng hagdan, ay isang kaginhawaan. Lahat ay magigingmasaya at walang maiiwan. 124

Ang mga gawa ni MotherTheresa, isang Santa mula sa CalcuttaIndia, noong siya ay buhay pa ay likas na pagiging bukas-palad.Hanggang sa huling mga sandali ng kaniyang buhay ay tumulongsiya sa mga may sakit at wala siyang inasahang kapalit. Hindikayamanan ang ibinahagi niya kundi ang kaniyang oras, serbisyo,at pagmamahal, na maluwag sa kaniyang puso. Ang kaniyang mgagawain ay nagsilbing inspirasyon sa maraming tao upang magingbukas-palad din sa pakikisalamuha sa kanilang kapuwa. Ibahagi sa iba ang biyayang mayroon ka na maluwag sadamdamin at walang inaasahang kapalit. Lubos na kasiyahan angmaidudulot nito sa iyo. Kapag tapat at totoo ang damdamin sapagbibigay o pagbabahagi, tiyak na pagpapalain ka ng Maykapal atmapasasaya mo ang iyong kapuwa. Isabuhay Natin Muling balikan ang ginawa ninyong plano sa pagtulong kayPaola at sa iba pang batang natutulog sa ilalim ng tulay. Pag-usapanang maaaring maging sagot ng Department of Social Welfare andDevelopment (DSWD) sa inyong liham. Maglikom ng mga tulongna maaaring ipadala sa mga naging biktima ng kalamidad at samga tunay na nangangailangan ng inyong tulong. Ilagay sa gift boxang inyong mga ibibigay upang madala ito sa susunod na buwan.Kasama ng materyal na tulong, padalhan din sila ng card at sulatupang ipadama mo sa kanila ang iyong pagmamahal. 125

Subukin Natin Basahin ang sitwasyon at sabihin kung anong damdaminmayroon sa sumusunod na uri ng pagbibigay: A. Napipilitan lamang magbigay B. Nagbigay nang bukal sa kalooban C. Nakikigaya sa ibang mga nagbibigay D. Nagbigay dahil nasa batas ng kanilang samahan E. Nagbigay dahil hindi na niya kailangan ang ipinamigay 1. May dumating na donasyon galing sa bansang Japan para sa mga biktima ng lindol. Ang nais ng mga Hapones ay sila ang mag-aabot sa mga biktima sapagkat may listahan sila ng bilang at pangalan ng mga bibigyan. 2. Isang grupo ng mga kabataan ang nangalap ng pagkain, gamot, damit, at higaan para sa mga biktima. Nagpunta sila sa evacuation center upang makausap ang mga inilikas na biktima. Nararamdaman nila ang pagdurusa ng mga bata kaya’t magkakaroon pa sila ng susunod na pagdalaw sa mga ito. 3. Nakita ng mayaman mong kapitbahay na marami ang nagdadala ng relief goods sa covered court ng barangay. May inilikas na mga nasunugan at walang nailigtas na gamit ang mga ito. Inutusan niya ang kaniyang kasambahay na ilabas ang mga damit na hindi na nasusuot at ang mga de- latang malapit nang masira. 126

4. Nagbigay ng isang sakong bigas ang pamilya ni Mang Oca sa mga biktima ng bagyo. Nalaman ito ng kanilang kapitbahay kaya nagpadala rin sila ng dalawang sakong bigas at mga damit. 5. Ang pag-aaral mo at ng iba mo pang kaklase ay sinusuportahan ng isang samahang nagkakawanggawa sa mga mahihirap na may kasipagan at kakayahang mag-aral. Ipinadadala sa inyong paaralan ng samahang ito ang mga kailangan ninyo sa pag-aaral. Ngayon ay alam mo na kung paano maging bukas-paladsa pagbibigay ng tulong. Pagyamanin mo ito at ipagpatuloy angmabuting gawi. Isa kang huwarang mag-aaral na dapat tularan. 127

Aralin 6 Igagalang Ko, Oras ng Pahinga Mo Kailangan ng tao ng oras na ipahinga ang sarili. Sa mga pagkakataon na nagpapahinga ang isang tao lalo na kung siya ay may sakit, kinakailangan natin siyang igalang. Alamin NatinBasahin ang kuwento. Salamat sa Paggalang Si Tiya Juling ay isang guro sa Mababang Paaralan ngMamboc. Sa pag-uwi niya sa hapon, bitbit niya ang maraming aklatna babasahin. Inaabot siya ng hatinggabi sa paghahanda ng mgakagamitang panturo na gagamitin niya kinabukasan. Tuwing Sabado, nakaugalian na ni Tiya Juling na maglabang kaniyang mga damit sa umaga. Pagdating naman ng hapon,natutulog siya at nagpapahinga. Kakaiba ang araw na ito ng Sabado. Hindi naglaba si TiyaJuling. Nasa loob lamang siya ng kaniyang silid at nakahiga sakaniyang kama. Nang araw na iyon, bisita namin sa bahay angaking mga pinsan. Masaya ang lahat. May ilan pa na tumatawanang malakas at patakbo-takbo hanggang sa loob ng silid ni TiyaJuling. Kinausap ko ang aking mga pinsan. “Maaari ba ninyonghinaan ang inyong boses dahil nagpapahinga si Tiya Juling sakaniyang silid? Iwasan din muna ninyong pumunta sa kaniyang 128

silid upang hindi siya maabala,” ang sabi ko sa kanila. \"Sige, Raul,\"ang pasang-ayong sagot ng aking mga pinsan. Itinuloy namin angmasayang kuwentuhan subalit naging maingat kami na maistorbosi Tiya Juling. Pagdating ng hapon, lumabas na ng kaniyang silid si TiyaJuling. “Nandito pala kayong magpipinsan. Mabuti na lang atnakapagpahinga ako nang mabuti. Nawala na ang sakit ng akingulo. Maya-maya ay maaari ko nang simulan ang aking paglalaba,”ang sabi ni Tiya Juling. Ngumiti ako sa aking narinig. Mabuti na lang at hindi naminnagambala si Tiya Juling sa kaniyang pagpapahinga kanina.Sagutin ang sumusunod batay sa kuwento: 1. Anong sitwasyon sa kuwento ang nagpapakita ng pagmamalasakit ni Raul sa kaniyang Tiya Juling? 2. Sang-ayon ka ba sa ginawa ni Raul? Pangatwiranan. 3. Magtala ng mga dahilan kung bakit kailangang igalang ang mga taong: • nagpapahinga • may sakit 4. Ibahagi sa iyong kamag-aral ang mga karanasang nagpapakita ng paggalang sa mga taong nagpapahinga at may sakit. 129

Isagawa NatinGawain 1 Tunghayan ang larawan. Bigyan ng pansin ang mga nagaganapna eksena sa larawan. Ano ang iyong magiging diyalogo kung ikawang bata sa nasabing larawan.Gawain 2 Makilahok sa iyong pangkat. Tumulong upang magawa omabuo ang gawain ng bawat pangkat. Maghanda para sa isangpagtatanghal o pagbabahagi. Pangkat 1 - Gumawa ng isang awit (maaaring rap) na nagpapakita ng paggalang o pagpapahalaga sa mga taong lansangan na nagpapahinga sa daan o kalye. 130

Pangkat 2 - Sa pamamagitan ng sayaw, ipakita ang paggalang sa tao na gustong mapag-isa upang magmuni, magdasal o makiisa sa kaniyang Diyos.Pangkat 3 - Ipakita sa pamamagitan ng pantomina ang paggalang sa mga alagang hayop na nangangailangan din ng paggalang sa kanilang pamamahinga lalo na kung ang mga ito ay may sakit.Suriin ang pagtatanghal batay sa rubric na nasa ibaba.Pamantayan 3 21Nilalaman Naipakita Naipakita ang Hindi naipakitaPartisipasyon ang lahat ng pagpapa- ang nararapat pagpapahalaga halaga ngunit na pagpapa- na hindi sapat halaga. kinakailangang ang ideya ng palabasin. palabas. May 3 o higit pa na kasapi Lahat ng kasapi May 1-2 na hindi ay nakilahok na kasapi nakilahok sa sa pagbuo ng ang hindi gawain ng konsepto at sa nakibahagi pangkat. pagtatanghal. sa pagbuo ng pagtatanghal.Kaangkupan Angkop lahat Medyo Hindi angkop ang ginawa angkop ang sa sitwasyon ng pangkat ginawa ng ang ginawa ng sa sitwasyon pangkat sa pangkat. at naaayon sitwasyon na sa mga nakatalaga. nakatalagang gawain. 131

Isapuso NatinPunan ang bawat kahon. Gawin ito sa inyong kuwaderno.Tren 1Tren 2 1. Sa unang tren, isulat ang salita o bagay na sumasalamin sa karapatan o pangangailangan ng taong nagpapahinga. Halimbawa : tahimik na paligid 2. Sa ikalawang tren, isulat sa bawat kahon kung ano ang paggalang na dapat ibigay sa taong may sakit. Halimbawa: hayaan siyang makapagpahinga 132

Tandaan Natin Ang paggalang sa kapuwa-tao ay natutuhan natin mulasa pagkabata. Ito ay isang hakbang sa pagkakamit ng isangmapayapang pamayanan. Kapag iginagalang ng lahat ang kaniyangkapuwa tiyak walang magkakagalit dahil nirerespeto ang karapatangpantao. Isang karapatan ng tao ang pagpapahinga (Right to Rest)ayon sa Listahan ng Human Rights (UNESCO – Article 24). Ang paggalang at pagtrato na nais nating gawin sa atin ngibang tao ay napakahalaga. Sabi nga, kung ano ang nais monggawin sa iyo ay siya ring gagawin mo sa iyong kapuwa-tao. Ito ayhindi lamang naipakikita sa salita kundi pati sa kilos at gawa. Sa panahon na ang isang tao ay may sakit, nangangailangansiya ng tahimik na paligid. Kaya ang iyong mga kilos ay kinakailangangmaayos at marahan. Matuto tayong magbigay-halaga sa pangangailangan ngating kapuwa. Igalang natin ang kanilang oras ng pagpapahinga. Isabuhay NatinPag-isipan at sagutin ang sumusunod: 1. Naglalakad ka sa kalye. Sa madilim na bahagi ng daan, nakita mo ang isang batang marungis na natutulog sa malamig na semento gamit ang isang karton. Ano ang dapat mong gawin upang hindi maabala ang kaniyang pamamahinga? 133

2. Namamasyal ka sa isang lugar na maraming puno. Napansin mo sa itaas ng puno ang isang ibon na nakalimlim sa kaniyang pugad. Ano ang iyong gagawin?3. Naiwan mo sa loob ng silid-tulugan ng iyong magulang ang baon mo sa pagpasok sa eskuwelahan. Alam mo na ang iyong Nanay na may sakit ay natutulog sa silid. Ano ang iyong gagawin?Subukin NatinLagyan ng tsek (ü) kung ito ay naranasan mo nang gawin at ekis(û) kung ito ay hindi pa naranasang gawin. Gawin ito sa iyongkuwaderno. SITWASYON üoû1. Tahimik na nag-aalay ng panalangin sa kaibigang may sakit.2. Maingat na isinasara ang pinto kapag may natutulog.3. Tumigil sa paglalaro at pag-iingay kapag may nagpapahinga.4. Pinagsabihan ang mga kamag-aral o kaibigan na huwag maingay dahil natutulog ang nakababatang kapatid. 134

SITWASYON üoû 5. Inaaliw ang mga may sakit nang hindi inaabala ang kanilang pagpapahinga 6. Iniiwasan ang pamamasyal sa bahay ng kaibigan sa oras ng kanilang pamamahinga. 7. Hinihintay na matapos ang pagpapahinga ng kapatid bago magpatugtog ng paboritong maiingay na musika. 8. Tahimik na hinihintay ang kaibigan sa labas ng kanilang simbahan para makipaglaro. 9. Iniiwasan ang pangungulit sa taong may sakit.10. Hindi ginigising ang magulang na nagpapahinga at may sakit upang sagutin ang tawag sa telepono.1hanggang 3 ang ü - Sikaping gawin ang iba pang paggalang4 hanggang 7 ang ü - Pagbutihin pa ang iyong paggalang8 pataas ang ü - Hinahangaan kita! Ipagpatuloy ang PAGGALANG sa kapuwa Sa puntong ito, ipagpatuloy mo ang pagpapakita ng paggalangsa iba sa oras ng kanilang pamamahinga at kapag sila ay may sakit. Binabati kita! Alamin ang iba pang paraan ng pagpapakita ngpaggalang sa ibang sitwasyon sa susunod na aralin. 135

Aralin 7 Mga Gawain Mo, Igagalang Ko Ang paggalang sa gawain ng iba ay maaaring maipakita kahit sa simpleng pamamaraan. Ang pakikinig ba bilang isang bahagi ng talastasan ay nagpapakita ng paggalang? Tuklasin! Alamin NatinTunghayan at pag-aralang mabuti ang mga larawan.isang batang nag-aaral mga mag-aaral na na ginugulo ng ibang nakikinig sa sinasabi ng mga bata isa nilang miyembroSagutin ang mga tanong: 1. Ano ang iyong naramdaman habang tinitingnan mo ang mga larawan? 136

2. Ilahad ang iyong gagawin kung ikaw ang batang ginugulo habang nag-aaral. 3. Kung ikaw ang batang nagsasalita sa harapan at ang iyong mga kamag-aral ay nakikinig, ano ang iyong magiging reaksiyon? 4. Kung ikaw ang batang nagpapaliwanag at walang nakikinig sa iyo, ano ang iyong mararamdaman? 5. Magbigay ng mga pangyayari o sitwasyon kung saan maipakikita mo ang paggalang lalo na sa oras ng pakikipagtalastasan. Isagawa NatinGawain 1 Unawain ang bawat sitwasyon. Punan ang mga speechbubble kung paano mo maipakikita ang paggalang. Nasa gymnasium kayong magkakaklase upang manood ng palatuntunan sa pagtatalumpati. 137

Nagkaroon ng pagkakataon na mangampanya sa inyong silid-aralan ang mga kandidato para sa eleksiyon ng SupremePupils Government sa inyong paaralan. Ang mga kandidato aynagtatalumpati subalit naiinip ka na dahil sa tagal ng kanilangpagsasalita.May naggu-group study sa inyong kapitbahay para sa nalalapitna markahang pagsusulit. Subalit, malakas ang pagpapatugtogng musika ng iyong kapatid na alam mong nakaaabot sa inyongkapitbahay. 138

Gawain 2 Ipangkat ang sarili batay sa simulang titik ng iyong apelyido.Ang may apelyidong nagsisimula sa A – J ang bubuo sa Unangpangkat. Samantala, ang mga may apelyidong nagsisimula saK – Z ang kakatawan sa Ikalawang pangkat. Basahing mabuti angnilalaman ng activity card. Unang Pangkat: Sumulat ng isang kasabihan o salawikain na nagpapakita ng paggalang sa matatanda habang sila ay nagsasalita. Ipaliwanag sa harap ng klase ang mensahe ng nabuong kasabihan o salawikain. Ikalawang Pangkat: Isadula ang pagpapakita ng paggalang kapag may nagsasalita o nagpapaliwanag habang nagkakaroon ng pagpupulong ang isang samahan. Bakit mahalaga na matutuhan mong igalang ang ibang taokapag sila ay nag-aaral, nagsasalita o nagpapaliwanag? 139


Like this book? You can publish your book online for free in a few minutes!
Create your own flipbook