B. Itala ang biyayang ipinagkaloob sa iyo ng Diyos na napakahalaga sa iyo. Iguhit mo ito sa iyong kuwaderno. Isulat din kung paano mo ito pangangalagaan upang magkaroon ng panloob na kapayapaan. Halimbawa: Biyaya: Mapagmahal na mga magulang Paano pangangalagaan: Maging isang mabuti at masunuring anak C. Gumawa ng isang Panalangin ng Pasasalamat para sa mga biyayang kaloob ng Diyos sa iyo. 280
Aralin 2Pagpapahalaga sa Kapuwa, Pagmamahal sa Maylikha Ang buhay na handog sa atin ang siyang pinakasagrado. Ibig ng Diyos na ihandog natin ito sa ating kapuwa o sa ibang buhay na Kaniyang nilikha. Ibig ng Diyos na ating padaluyin ang buhay para sa ibang tao. Kung gayon, pananagutan nating mahalin, igalang, at pahalagahan ang buhay ng ating kapuwa tulad ng pagpapahalaga natin sa ating buhay. Paano natin gagawin? Alamin NatinSuriin ang larawan.Sagutin ang sumusunod na tanong: 1. Paano mo ipakikita ang pagpapahalaga sa kanila? Patunayan. 2. Bakit dapat mong pahalagahan ang mga likha ng Diyos tulad ng nasa larawan? 281
Isagawa NatinGawain 1 Sa iyong kuwaderno, sagutin ang sumusunod sa pamamagitanng paglalagay ng tsek (ü) sa angkop na hanay. Ako ba ay… Madalas Minsan Hindi1. nanunukso sa aking kaklase?2. namimintas sa pananamit ng iba?3. nakikinig kapag may nagsasalita?4. nagtatakip ng aking bibig kapag umuubo, bumabahin, o naghihikab?5. nagpapasalamat sa taong pumuri sa aking pagbati sa bago kong kamag-aral?6. humihingi ng tawad kapag nakasakit ng iba?7. nagbibigay ng aking upuan sa nakatatanda?8. nakikinig sa nagsasalita? 9. nakikipag-unahan sa pila?10. tinatawag ang kapuwa- tao gamit ang kanilang pangalan? 282
Sagutin ang mga tanong: 1. Batay sa iyong sagot, ano ang natuklasan mo tungkol sa iyong sarili? 2. Masaya ka ba sa iyong natuklasan? Ipaliwanag. 3. Kung madalas mong ginagawa ang mali, ano kaya ang magiging epekto nito sa ugnayan mo sa iyong kapuwa? 4. Sa mabubuting bagay na minsan mo lang ginagawa, ano kaya ang maaari mong gawin? Bakit? 5. Kung hindi mo ginagawa ang mga nararapat mong gawin, ano kaya ang maaaring maging bunga nito sa iyo at sa pakikitungo mo sa iyong kapuwa?Gawain 2 Pangkatin ang klase sa apat. Bawat pangkat ay magpapakitang palabas kung paano igalang at pahalagahan ang sumusunodna likha ng Diyos. Magsagawa ng pagpaplano sa loob ng limangminuto at ipakita ang palabas sa loob lamang ng tatlong minuto.Pangkat Mahal - mga may kapansanan (jazz chant)Pangkat KapuwaPangkat Handog - mga nawalan ng bahay (awit)Pangkat Likha - mga may sakit (rap) - mga biktima ng kalamidad (tula) 283
Gamitin ang pamantayan sa ibaba upang maipakita nangmaayos ang gagawin ninyong palabas. Pamantayan Pakikiisa Lahat ng Isa o Tatlo o higit kasapi ng dalawang pang kasapi ay pangkat ay kasapi ng hindi nakiisa sa nakiisa sa pangkat ay gawain. gawain. hindi nakiisa sa gawain.Kagalakang Lahat ng Isa o Tatlo o mahigitipinamalas kasapi ng dalawang pang kasapisa gawain pangkat ay kasapi ng ng pangkat nagpakita ng pangkat ay hindi kasiyahan sa ay hindi nagpamalas ng pakikilahok sa nagpamalas kagalakan sa gawain. ng kagalakan pakikilahok sa sa pakikilahok gawain. sa gawain. Inaanyayahan ang lahat na maging mapanuri sa panonoodng palabas ng bawat pangkat sapagkat ang lahat ay magsisilbinghurado. Bawat isa ay may smiley board na itataas kung saannakalagay ang bilang ng smiley. 284
Isapuso Natin Gumupit ng puso sa bond paper. Magbalik-tanaw ka. Isipin ang mga taong nakasalamuha mona iyong iginalang o pinahalagahan. Isulat ito sa isang bahagi ngpuso na iyong ginupit. Sa kabilang bahagi naman ay isulat kung anoang ginawa mo upang ipakita ang paggalang at pagpapahalaga sataong ito. Tandaan Natin Sagrado ang buhay! Ito ang pinakadakilang kaloob ng Diyossa atin. Mahalaga na maunawaan natin ang layunin sa buhay. 285
Ang ating buhay ay hindi natin sarili. Ibig ng Diyos na ihandognatin ito sa ating kapuwa o sa ibang buhay na Kaniyang nilikha. Ibigng Diyos na ating padaluyin ang buhay para sa ibang tao. Kunggayon, pananagutan nating mahalin, igalang, at pahalagahan angating kapuwa. Maraming paraan upang pahalagahan ang ating kapuwa-tao.Karaniwan sa mga ito ay ang pagtugon sa kanilang pangangailangansa panahon ng kahirapan. Madalas na nangyayari ito sa panahonng kalamidad tulad ng bagyo, baha, at lindol. Huwag din natingkaligtaan ang mga pagkakataong kailangan nila ang ating tulongo kalinga sa panahon ng kahirapan at problemang kinasusuungan. Naipakikita rin ang pagpapahalaga sa iba sa paglutas ng mgasuliranin para sa kapakanan ng higit na nakararami. Ang pagpapahalaga sa ibang tao ay maipamamalas sapamamagitan ng pagdamay sa kanila sa panahon ng kalungkutan,sa kanilang pag-iisa, sa mga panahong nangangailangan sila ngkaramay. Sa kabila ng paghihirap at pagdurusa, makasisilip tayong pag-asa dahil sa kapuwang handang dumamay, tumulong, atkumalinga. Isabuhay NatinA. Ano ang dapat mong gawin sa bawat sitwasyon kung ikaw ang tauhan dito? Itala rin ang dahilan kung bakit mo ito dapat gawin. Gawin ito sa iyong kuwaderno. 286
1. Napanood mo sa telebisyon ang lawak ng pinsalang dulot ng bagyo sa Tacloban. Maramiangnangangailangan ng pagkain, gamot at damit. Gagawin: ______________ Dahilan: _______________2. Si Lola Amanda na 78 taong gulang ay mag-isang naninirahan sa kaniyang bahay sa Brgy. San Pedro, Vigan City. Nasa Sultan Kudarat ang kaniyang mga kaanak. Napansin mong lagi siyang malungkot at nakatingin sa malayo. Gagawin: ______________ Dahilan: _______________3. Nasira ang bahay ng pamilyang Santos dahil sa malakas na lindol. Wala silang matutuluyan. Gagawin: _____________ Dahilan: ______________ 287
B. Sumulat ng isang panalangin ng pasasalamat sa buhay na kaloob ng Diyos sa iyo. Idagdag ang iyong pangakong gagawin upang maipakita ang pagpapahalaga sa buhay na kaloob sa iyo. Subukin Natin Pag-aralan ang editorial cartoon. Gamitin ito bilang gabay sapagsulat ng isang maikling sanaysay tungkol sa paksang, “Buhayng Kapuwa-tao, Pahahalagahan Kong Lubos.” Isulat ang iyong sanaysay sa isang bond paper. Binabati kita! Natapos na namang muli ang isang aralin.Naniniwala akong ang pagpapahalaga mo sa buhay ng iyong kapuwa-tao ay kinalulugdan ng Diyos. Inaasahan kong ipagpapatuloy mo itosa lahat ng oras at pagkakataon. Handa ka na ba sa susunod naaralin? Ipagpatuloy mo ang hangaring matuto. 288
Aralin 3 Pamilya Tungo sa Isang Mapayapang Komunidad Hangad ng bawat isa sa atin ang mabuhay nang matiwasay at payapa sa isang pamilya. Upang ito ay matamo, bawat kasapi ng pamilya ay inaasahang gumawa ng kabutihan, magmahal, magpakita ng pagmamalasakit, paggalang, at higit sa lahat maipamalas ang kapayapaang panloob para makamtan ang mapayapang komunidad. Alamin Natin Narito ang sama-samang pamilyang binubuo ng mga Muslim,Iglesia ni Kristo, Kristiyano, Mormon, at Born-Again sa BarangayMindoro. Magkakaiba man ang kinabibilangang relihiyon ng mgamiyembro ng komunidad na ito, namamayani naman ang paggalangat pagpapahalaga sa isa’t isa. 289
Basahin ang kanilang ekumenikal na panalangin. Pinagsama-samang Panalangin ng Isang Komunidad Salamat po sa lahat ng biyayang handog. Salamat sapagkakataong ipinagdiriwang namin ang buhay ng mga miyembro ngbawat pamilyang bumubuo sa Barangay Mindoro. Ipinagmamalakinamin ang komunidad na ito dahil pinagbubuklod ang mga kasapinito ng paggalang at pagpapahalaga. Ipinagbubunyi namin ang pagmamahal na namamayani sabawat isa sa amin. May maaliwalas na puso. May maliwanag na mgatahanan na nagbibigay-tanglaw sa aming buhay. Ipinagpapasalamatnamin ang buhay, pagmamahal, pananalig, pag-asa, kapayapaan sagitna ng pagdududa, kalituhan, di pagkakaunawaan, at kaguluhan. Hinihiling ng bawat pamilya na makaangkop ang mga kasapisa mga hamon ng buhay. Nananalangin din kami sa pagkakaroonng ganap na kapayapaan. Sa pamamagitan ng iyong walanghanggang pagmamahal sa amin, nawa’y patuloy naming maibahagiang pagmamahal na ito sa aming kapamilya sa komunidad. Amen.Sagutin ang mga tanong: 1. Sino ang pinasasalamatan sa panalangin? 2. Bakit ipinagmamalaki ng mga nagdarasal ang kanilang komunidad? 290
3. Ano-anong kahilingan ang binanggit sa panalangin? Bakit? 4. Masasabi mo bang may kapayapaan ang mga nagdarasal? Magbigay ng patunay batay sa panalangin. 5. Paano kaya makakamtan ang buhay-kapayapaan na hinihiling ng mga nagdarasal? Isagawa NatinGawain 1 Mangarap ka. Gumuhit ng isang larawang nagpapakita ngmaayos, masaya, mapayapa, at nagkakasundong pamilya sakomunidad. Iguhit ito sa bond paper. Halimbawa ng larawan: 291
Sagutin ang sumusunod: 1. Mula sa iyong iginuhit na larawan, bigyan mo ito ng maikling pagpapaliwanag. 2. Ano ang iyong naramdaman habang iginuguhit mo ang iyong pinapangarap na pamilya sa isang komunidad? 3. Itala ang mga salitang naglalarawan ng iyong emosyon habang iginuguhit mo ang pinangarap mong komunidad.Gawain 2 Nakasulat sa loob ng “materyales” sa paggawa ng bahay angiba’t ibang pagpapahalaga. Bumuo ng isang bahay tulad ng nasahalimbawa gamit ang mga pagpapahalagang ito. Saang bahagi ngbahay mo ilalagay ang pagpapahalagang ito? Ipaliwanag kung bakitdito mo ito ilalagay. Isulat ang sagot sa sagutang papel. (Maaarikang magdagdag ng iba pang pagpapahalaga.) Paggalang Pagtitimpi Pag-unawa Pagmamahalan Pagsasakripisyo Pagtutulungan Pagkakaisa Pananalig sa Diyos 292
Halimbawa: Pagmamahal - inilagay ko sa bandang ibaba dahil ito ay magsisilbing pundasyon upang magkaroon ng isang payapang komunidad. Ano ang naramdaman mo sa iyong ginawa? Bakit? Isapuso NatinPag-aralan ang kanta. Ako, Ikaw, Tayo ay Isang Pamilya Ako, ako, ako’y isang pamilya Ako, ako, ako’y isang pamilya Ako, ako, ako’y isang pamilya Ako’y isang pamilya. 293
Ikaw, ikaw, ika’y kabilang sa komunidad Ikaw, ikaw, ika’y kabilang sa komunidad Ikaw, ikaw, ika’y kabilang sa komunidad Ika’y kabilang sa komunidad. Sumayaw, sayaw at umindak-indak Sumayaw, sayaw katulad ng dagat. Sumayaw, sayaw at umindak-indak. Sumayaw, sayaw katulad ng dagat. Tayo, tayo, tayo’y isang pamilya na bumubuo sa komunidad Tayo, tayo, tayo’y isang pamilya na bumubuo sa komunidad Tayo, tayo, tayo’y isang pamilya na bumubuo sa komunidad Tayo’y isang pamilya na bumubuo sa komunidad. Sumayaw, sayaw at umindak-indak Sumayaw, sayaw katulad ng dagat. Sumayaw, sayaw at umindak-indak. Sumayaw, sayaw katulad ng dagat.A. Sagutin ang mga tanong: 1. Ano ang ipinahihiwatig ng kanta? 2. Nagustuhan mo ba ito? Bakit? 3. Ano ang naramdaman mo habang kinakanta ito? 4. Paano mo ipamamalas na ikaw ay isang mahalagang bahagi ng komunidad na iyong kinabibilangan? 294
Tandaan Natin Ang iba’t ibang katangiang hinahanap natin sa isang huwarangkomunidad ay maaaring nakikita sa ating pamilyang kinabibilangan.Ang pagmamahal ay isang mabisang paraan upang ang mgapamilya sa komunidad ay magkaroon ng kapayapaan. Ang buhay atugnayan ng mga miyembro ng mga pamilya sa komunidad ay maymahahalagang papel sa pagkakaroon natin ng panatag at payapangkalooban. Ang pagiging bahagi ng mga pamilya sa komunidad ayisa sa mahalagang karanasan para maging batayan ng ating pusoang sariling kapayapaan. Sa tahanan, unang iminumulat at ipinadadama ang iba’tibang uri ng pagpapahalaga. Kabilang dito ang pagmamahal saDiyos at ang pagkakaroon ng kapayapaang panloob. Habang tayoay nagkakaroon ng sapat na pag-iisip, may bahagi tayong dapatgampanan sa paghubog ng isang komunidad na namamayani angkapayapaang panloob. Magmahalan. Ang pagmamahal ay nangangahulugangpaggawa ng mabuti para sa iba. Nangangahulugan ito ng pag-unawa. Ang simpleng hug, pagbati ng hello, konting sakripisyo parasa iba, paggalang, at iba pa ay pagpapakita ng pagmamahalan. Pagiging mapayapa. Ang pag-iwas sa gulo, alitan, pagtatalo,di pagkakaunawaan ay mga paraan para matamo ang kapayapaan.Kapag nalagay tayo sa isang sitwasyon na maaaring magdulot ngkaguluhan, mas mainam na mag-isip nang taimtim at taos-puso.Kung hindi maiiwasan ang pakikipagtalo, isagawa at ipasabi angpagtitimpi. Matutong maging mahinahon dahil walang magandangpatutunguhan kung paiiralin ang pagiging pikon at mainit ang 295
ulo. Sabi nga ng isang kasabihan, “Disagree to agree.” Maaaringmailatag ang iba’t ibang opinyon sa isang maingat at matalinongpamamaraan. Panatilihin ang kapayapaan. Ang kapayapaan ay mananatilikung bawat isa sa atin ay may pusong payapa. Pinakamabisangparaan upang makamtan ito ay ang pagsisimula ng kapayapaangpansarili. Ang kapayapaang pansarili ay isang kalagayang tinatamasang isang taong puno ng pagmamahal na nakikita sa kaniyangpakikitungo sa iba. Hindi kailanman maibabahagi ng isang tao angkapayapaan sa iba kung wala siyang kapayapaang pansarili. Isabuhay Natin 296
Sagutin ang mga tanong: 1. Saan ka patutungo? Bakit? 2. Paano ka makararating sa daang nais mong tahakin? 3. Paano mo magagamit ang mapayapang kalooban na natutuhan mo sa iyong komunidad upang makarating ka sa iyong patutunguhan? Subukin Natin Salamat sa Pamayanang Handog, Kapayapaa’y DulotKagamitan: bond paper, lapis at krayolaPanuto: 1. Mag-isip ng isang simbolo para sa mapayapang pamilya. 2. Iguhit at kulayan ang simbolong ito. 3. Sumulat ng isang pagninilay o repleksiyon sa iyong pinapangarap na mga pamilya sa komunidad ngayon. Dagdagan ito ng paglalarawan ng mga pamilyang bumubuo sa komunidad na pinapangarap mo. Gumamit ng isang papel para sa iyong repleksiyon. Binabati kita sa pagtatapos mo sa araling ito! Tiyak konghandang-handa ka nang tumungo sa susunod na aralin. Dalanginko na bilang kasapi ng isang komunidad ay maisapuso moang mga inaasahang paggawa ng kabutihan, pagmamahalan,pagmamalasakit, paggalang, at higit sa lahat pagpapamalas ngkapayapaang pansarili upang tiyak na makamtan ang magandangkinabukasan para sa isang tahimik na pamayanan. 297
Aralin 4 Mga Hayop na Ligaw at Endangered, Kalingain at Alagaan Ang pagkalinga ay hindi lamang naipakikita sa mga tao. Ito ay maaaring ipakita rin sa iba pang nilikha tulad ng mga hayop. Bilang batang mag-aaral, nararapat lang na kalingain, mahalin, at alagaang mabuti ang mga hayop. Alamin kung papaano ito gagawin. Alamin NatinBasahin ang kuwento. Ang Paglalakbay sa Manila Zoo Araw ng Sabado. Maagang gumising ang magkapatid na Jasperat Justin dahil sa field trip nila sa Manila Zoo. Agad silang naghandang kanilang mga sarili upang makarating sila sa tamang oras sahintayang lugar. Nakarating ang lahat sa tamang oras kaya’t sila 298
ay masayang nakaalis patungong Manila Zoo. Masayang-masayaang mga bata habang naglalakbay. May tawanan, kuwentuhan, atsiyempre may kainan. Ilang sandali pa ay nakarating na sila sa Manila Zoo. Bagosila bumaba ng bus ay ipinaalala ulit ng guro ang mga dapat athindi dapat gawin ng bawat isa para sa maayos na pag-iikot sa loobng Manila Zoo. Pagkamangha at pagkagulat ang naramdaman ngbawat isa sa nakita nilang mga hayop na ligaw tulad ng spotteddeer, Philippine Eagle, tamaraw, pond turtle, tarsier, crocodile, atmarami pang iba sa loob ng Manila Zoo. Ipinaliwanag din ng kanilang guro ang iba’t ibang pamamaraanng pag-aalaga at pagkalinga sa mga nabanggit na hayop na ligaw.Ipinaalala rin sa bawat isa na nararapat lang na mahalin at alagaangmabuti ang mga endangered animals. Maaari silang maprotekhanansa pamamagitan ng sumusunod: (1) matuto nang higit pa tungkolsa endangered animals sa inyong lugar; (2) bisitahin ang isangpambansang kanlungan para sa mga wildlife, parke o iba pang mgabukas na espasyo; (3) gawin ang iyong bahay na wildlife friendly;(4) magbigay ng tirahan para sa mga hayop sa pamamagitan ngpagtatanim ng katutubong halaman sa inyong bakuran; (5) iwasanang paggamit ng “herbecides at pesticides”; (6) maging mabagalkapag nagmamaneho; (7) mag-recycle at bumili ng napananatilingmga produkto; (8) huwag bumili kailanman ng mga produktongginawa mula sa nanganganib nang maubos na hayop o endangeredanimals; (9) iulat o i-report ang anumang panggigipit o pagbaril ngendangered animals; at (10) protektahan ang tirahan ng mga hayop. Tandaan natin na mayroon tayong responsibilidad upangprotektahan ang wildlife, mga ibon, isda, at halaman sa bingit ngpagkaubos. Mangako tayo na gagawin natin ang mga bagay na 299
nabanggit dahil sila ay katulad din nating mga tao na nilikha onilalang ng Poong Maykapal. Sa pagkakataong ito, ang mga bata ay mahusay na nakinig sapagbabahagi sa kaalaman ng tour guide kung paano makatutulongang bawat isa upang protektahan ang mga endangered animals.Ipinaalala rin niya ang sumusunod: Una, ipaalala sa kanilang mgamagulang na ang dapat bilhin ay mga environment-friendly goodstulad ng non-toxic cleaners upang maiwasan ang pagkalason ngsapa, ilog, at karagatan. Ang mga toxic cleaners ay maaari dingmaging dahilan ng pagkamatay ng mga hayop; ikalawa, iwasan angpagbili ng mga produkto na yari sa balat ng hayop; ikatlo at higit salahat ay pasalamatan ang iba’t ibang samahan na sumusuporta sapagprotekta sa mga endangered animals. Umuwi nang may ngiti sa mga labi ang bawat isa sapagkatmarami silang natutuhan sa isinagawang field trip sa Manila Zoo.Sagutin ang sumusunod na mga tanong: 1. Ano ang gawaing ikinatuwa ng magkapatid na Jasper at Justin? 2. Ano-ano ang natuklasan ng magkapatid nang nakarating sila sa Manila Zoo? 3. Sa anong pamamaraan inaalagaan at kinakalinga ang mga hayop na ligaw at endangered animals? 4. Sa iyong palagay, tama bang alagaan at kalingain ang mga hayop na ligaw at endangered animals? Bakit? 300
Isagawa NatinGawain 1 Gumupit ng mga larawan ng mga hayop na ligaw at endangeredanimals. Idikit ito sa iyong kuwaderno at isulat ang pangalan ngbawat isa sa ibaba ng larawan.Gawain 2 Ano-ano ang maaaring mangyari kung isasaalang-alang atpagsusumikapang mailigtas ang mga hayop na ligaw at endangeredanimals? Gumawa ng isang simpleng pananaliksik tungkol sa mgahayop na ligaw at endangered animals na matatagpuan dito sa atingbansa. Itala ang pangalan ng mga ito at ang mga pamamaraan ngpangangalaga o pagkalinga sa kanila. Pangalan ng mga Hayop na Pamamaraan ng Pag-aalagaLigaw at Endangered Animals o Pagkalinga 1. 2. 3. 4. 5. 6. 7. 8. 9.10. 301
Gawain 3 Sa isang malinis na papel gumuhit ng nararapat na tirahan ngmga endangered animals. Lagyan ng marka o pangalan kung saanmo ilalagay ang bawat isa. Ipaliwanag sa klase ang mga iginuhit. Isapuso NatinA. Punan ang mga patlang upang mabuo ang “Pangako sa Pag- aalaga ng Hayop na Ligaw” na nasa ibaba. Huwag kalimutang lagdaan ito. Gawin ito sa sagutang papel. Pangako sa Pag-aalaga ng Hayop na Ligaw Ako si, (isulat ang iyong pangalan) ay nangangakong aalagaan ko (pangalan ng hayop na ligaw na nais ampunin / alagaan) sa pamamagitan ng ___________ ____________________________________________ ____________________________________________ ____________________________________________ ____________________________________________ __________________.B. Gumawa ng isang maikling sulat-panawagan tungkol sa mga taong nanghuhuli ng mga endangered animals. Ipaliwanag kung bakit kinakailangan nilang panatilihing buhay ang mga hayop na ito. 302
Tandaan Natin Ang pagkalinga sa hayop ay isa sa magandang katangiannating mga Pilipino. Sa pamamagitan nito ay ipinapakita natin angating pagmamahal sa Diyos sapagkat kabilang ito sa Kaniyang mganilikha. Ang Republic Act No. 8485, na mas kilala bilang “Animal WelfareAct of 1988\" ang unang batas na komprehensibong nagtadhana satama at maayos na pangangalaga ng mga mamamayan sa lahat nghayop sa Pilipinas. Binuo ng batas na ito ang Committee on AnimalWelfare na siyang mamumuno sa pagpapatupad ng batas. Sinasabi ng batas na dapat mabigyan ang lahat ng hayop ngwastong pangangalaga, at maaaring maparusahan ang sinumangmapatunayang lumalabag dito. Sa Seksiyon 6 ng batas, ipinagbabawal ang pagmaltratoat pananakit sa mga hayop. Ipinasa rin sa bahaging ito ng batasna hindi maaaring pumatay ng hayop, maliban sa mga hayop nakinakain tulad ng baka, baboy, kambing, tupa, manok at iba pangpoultry, kuneho, kalabaw, kabayo, usa at buwaya. Isang paglabag sa batas ang pagpatay sa mga hayop nahindi nabanggit liban na lamang kung ito ay dahil sa ritwal ng isangrelihiyon, malubhang sakit ng hayop, at pagsupil sa hayop kungnasa bingit ng panganib ang hayop o mga taong malapit dito. Itinuturing na isang landmark law ang Animal Welfare Actdahil ito ang unang kumilala na paglabag sa batas ang kalupitan sahayop. 303
Isinasaad naman sa Republic Act No. 9147 o ang “WildlifeResources Conservation and Protection Act” na maaari namangmag-alaga ng kahit anong “threatened indigenous and endemic”,o mga “exotic species” ang kahit sino. Kinakailangan lamang namabigyan sila ng Department of Environment and Natural Resources(DENR) ng Certificate of Wildlife Registration (CWR). Ayon kay Luz Corpuz ng Protected Animal Welfare Bureau(PAWB) nagbigay rin sila ng amnestiya para sa mga nag-aalaga ngmga protected at endangered animals. Tamang edukasyon at hindipaghuli sa mga nag-aalaga ng mga protected at endangered nahayop ang nakikita nilang solusyon. May proseso silang sinusunod sa sino mang nagnanais mag-alaga ng anumang klaseng protected at endangered species. Parasa mga matitigas ang ulo at nais makipagsubukan, pagkakakulongng dalawa hanggang apat na taon o multa mula P200,000.00;P300,000.00 naman ang kahaharapin ng sinumang mapatutunayanglumabag sa RA 9147. Mahalagang malaman mo na ang pagmamahal sa Diyos aypatuloy na nililinang o pinauunlad upang higit na maipadama ito saating kapuwa at sa lahat ng Kaniyang nilikha. Isabuhay NatinPag-isipan mo ang tanong na ito: Gaano kadalas ang pagpapakita mo ng pagprotekta,pagkalinga, at pangangalaga sa mga hayop, kabilang ang mgaendangered animals? 304
Lagyan ng tsek (ü) ang hanay ng iyong sagot. Isulat sakuwaderno ang iyong mga sagot.Ginagawa mo ba ang mga ito? Oo Madalas Hindi1. Sumusuporta ako sa adbokasiya ng mga samahang nagtataguyod at nagpapanatili sa kaligtasan ng mga hayop na ligaw at endangered animals.2. Bumibili ako ng mga gamit na gawa sa balat ng hayop tulad ng sinturon at bag.3. Bumibili ako ng stuffed toys ng mga endangered animals upang maipakita ko ang wastong pangangalaga at pagprotekta sa kanila.4. Ibinabahagi ko sa aking mga kaibigan at pamilya ang aking kaalaman tungkol sa wastong pagprotekta sa mga ligaw na hayop at endangered animals.5. Sumasali ako sa pagtatanim ng mga puno upang may masilungan ang mga hayop.6. Nanonood ako ng programa sa telebisyon tungkol sa mga hayop na ligaw upang madagdagan ang aking kaalaman.305
Ginagawa mo ba ang mga ito? Oo Madalas Hindi7. Niyayaya ko ang aking kapatid na magtanim sa aming bakuran ng mga katutubong halaman bilang tirahan ng mga hayop na ligaw.8. Sumusuporta ako sa pangangaso ng ligaw na hayop.9. Iniuulat o inire-report ko sa may kapangyarihan ang anumang panggigipit sa mga endangered animals.10. Binabato ko ang hayop na ligaw na nakikita ko sa daan. Sa iyong palagay, bakit mahalagang protektahan, kalingain,at pangalagaan ang mga hayop na ligaw at endangered animals sabansa?______________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________. Subukin NatinA. Lagyan ng tsek (ü) ang bilang kung ang isinasaad sa pangungusap ay tungkol sa pangangalaga at pagprotekta sa hayop na ligaw at endangered animals at ekis (û) naman kung hindi. Isulat ang sagot sa iyong kuwaderno. 306
_______ 1. Panghuhuli ng baboy-ramo sa kagubatan upang patayin._______ 2. Pagtirador sa ibong agila na nakikitang nakadapo sa punongkahoy._______ 3. Panghuhuli sa usa upang kunin ang sungay at ibenta ito._______ 4. Pagdadala ng sawa sa Manila Zoo upang doon alagaan._______ 5. Panggugulat sa mga tarsier habang natutulog ang mga ito._______ 6. Pagbabaon sa ilalim ng lupa ng pond turtle._______ 7. Pagbibigay sa tamaraw ng pagkaing damo._______ 8. Panghuhuli ng pond turtle upang ibenta._______ 9. Pagbibigay o paghahagis ng mga bagay na hindi maaaring kainin ng isang buwaya._______10. Pagsangguni sa Animal Welfare Committee para sa wastong pangangalaga sa mga hayop. Binabati kita! Muli mo na namang natapos ang isang aralin.Hinangaan kita sa kaalaman mong ipinakita tungkol sa pagkalingasa mga hayop na ligaw at endangered animals. Hangad kongipagpapatuloy mo ang kaalaman sa pagkalingang ito sa iba pangnilikha ng Diyos sa lahat ng oras at pagkakataon. Handa ka naba sa susunod na aralin? Ipagpatuloy mo ang mabuting hangaringikaw ay matuto! 307
Aralin 5 Halamanan sa Kapaligiran, Presensiya ng Pagmamahal ng Maykapal Sa kasalukuyang panahon, ang pagkakaroon ng luntiang kapaligiran ay tila imahinasyon na lamang. Naniniwala ka ba sa pahayag na ito? Ang pagsasaluntian ng kapaligiran ay pagtatanim ng mga halaman o punongkahoy upang madagdagan o mapalitan ang mga nabuwal na mga puno’t halaman. Naipakikita ang pagmamahal sa Poong Maykapal kung pinahahalagahan at inaalagaan ang mga halaman. Alamin kung paano mo ito gagawin. Alamin NatinBasahin at unawain ang kuwento. Tayo na sa Halamanan Nag-uusap ang magkaibigang Teejay at Maan. “Tayo na sahalamanan. Tingnan natin ang mga tanim,” wika ni Teejay. 308
“Dadalhin ko na ang pandilig,” wika naman ni Maan. “Huwag mo nang dalhin iyan dahil umulan naman kagabi,”sabi ni Teejay. “Sige, magdadala na lang ako ng kalaykay.” “Dadalhin ko naman ang asarol.” Nang nasa halamanan na sina Teejay at Maan, ganito angkanilang usapan. “Tingnan mo ang mga halaman, Maan. Marami na silangbulaklak ngayon.” “Kay ganda nga nilang pagmasdan. Bakit kaya may bulaklakna ang mga halaman?” tanong ni Maan. “Dinilig kasi ng ulan ang mga halaman. Gusto ng mga halamanang ulan pati na rin ang araw.’ Tiningnan naman nina Teejay at Maan ang mga tanim nilanggulay. “Malalaki na rin ang ating mga tanim na gulay. Mamumungana ang mga ito,” wika ni Teejay. Nakita ni Maan ang mga damong nakapaligid sa mga gulay. “Ating linisin ang halamanan. Maraming damo sa mga gulay.May uod pa ang mga petsay. Marami rin ang nakakalat na bato,”wika ni Maan. 309
Search
Read the Text Version
- 1
- 2
- 3
- 4
- 5
- 6
- 7
- 8
- 9
- 10
- 11
- 12
- 13
- 14
- 15
- 16
- 17
- 18
- 19
- 20
- 21
- 22
- 23
- 24
- 25
- 26
- 27
- 28
- 29
- 30
- 31
- 32
- 33
- 34
- 35
- 36
- 37
- 38
- 39
- 40
- 41
- 42
- 43
- 44
- 45
- 46
- 47
- 48
- 49
- 50
- 51
- 52
- 53
- 54
- 55
- 56
- 57
- 58
- 59
- 60
- 61
- 62
- 63
- 64
- 65
- 66
- 67
- 68
- 69
- 70
- 71
- 72
- 73
- 74
- 75
- 76
- 77
- 78
- 79
- 80
- 81
- 82
- 83
- 84
- 85
- 86
- 87
- 88
- 89
- 90
- 91
- 92
- 93
- 94
- 95
- 96
- 97
- 98
- 99
- 100
- 101
- 102
- 103
- 104
- 105
- 106
- 107
- 108
- 109
- 110
- 111
- 112
- 113
- 114
- 115
- 116
- 117
- 118
- 119
- 120
- 121
- 122
- 123
- 124
- 125
- 126
- 127
- 128
- 129
- 130
- 131
- 132
- 133
- 134
- 135
- 136
- 137
- 138
- 139
- 140
- 141
- 142
- 143
- 144
- 145
- 146
- 147
- 148
- 149
- 150
- 151
- 152
- 153
- 154
- 155
- 156
- 157
- 158
- 159
- 160
- 161
- 162
- 163
- 164
- 165
- 166
- 167
- 168
- 169
- 170
- 171
- 172
- 173
- 174
- 175
- 176
- 177
- 178
- 179
- 180
- 181
- 182
- 183
- 184
- 185
- 186
- 187
- 188
- 189
- 190
- 191
- 192
- 193
- 194
- 195
- 196
- 197
- 198
- 199
- 200
- 201
- 202
- 203
- 204
- 205
- 206
- 207
- 208
- 209
- 210
- 211
- 212
- 213
- 214
- 215
- 216
- 217
- 218
- 219
- 220
- 221
- 222
- 223
- 224
- 225
- 226
- 227
- 228
- 229
- 230
- 231
- 232
- 233
- 234
- 235
- 236
- 237
- 238
- 239
- 240
- 241
- 242
- 243
- 244
- 245
- 246
- 247
- 248
- 249
- 250
- 251
- 252
- 253
- 254
- 255
- 256
- 257
- 258
- 259
- 260
- 261
- 262
- 263
- 264
- 265
- 266
- 267
- 268
- 269
- 270
- 271
- 272
- 273
- 274
- 275
- 276
- 277
- 278
- 279
- 280
- 281
- 282
- 283
- 284
- 285
- 286
- 287
- 288
- 289
- 290
- 291
- 292
- 293
- 294
- 295
- 296
- 297
- 298
- 299
- 300
- 301
- 302
- 303
- 304
- 305
- 306
- 307
- 308
- 309
- 310
- 311
- 312
- 313
- 314
- 315
- 316
- 317
- 318
- 319
- 320
- 321
- 322
- 323
- 324
- 325
- 326
- 327
- 328
- 329
- 330
- 331
- 332
- 333
- 334
- 335
- 336
- 337
- 338
- 339
- 340
- 341
- 342
- 343
- 344
- 345
- 346
- 347
- 348
- 349
- 350
- 351
- 352
- 353
- 354
- 355
- 356
- 357
- 358
- 359
- 360
- 361
- 362
- 363
- 364
- 365
- 366
- 367
- 368
- 369
- 370
- 371