Important Announcement
PubHTML5 Scheduled Server Maintenance on (GMT) Sunday, June 26th, 2:00 am - 8:00 am.
PubHTML5 site will be inoperative during the times indicated!

Home Explore Edukasyon sa Pagpapakatao Grade 4

Edukasyon sa Pagpapakatao Grade 4

Published by Palawan BlogOn, 2015-11-19 19:33:41

Description: Edukasyon sa Pagpapakatao Grade 4

Search

Read the Text Version

Isapuso NatinTimbang-timbangin Gumuhit ng timbangan sa iyong kuwaderno. Gamit angtimbangan, ilagay sa kanang bahagi nito ang mga bilang ng bagayna nagawa mo na at ginagawa mo hanggang sa kasalukuyan.Ilagay naman sa kaliwa ang mga bilang ng mga bagay na hindi mopa nagagawa. 1. Nakikinig ako kapag may nagsasalita. 2. Ibinabalik ko nang tahimik ang gamit na aking hiniram lalo na kapag nag-aaral ang may-ari nito. 3. Iniiwasan kong makagawa ng ingay na makagagambala sa taong nagtatalumpati sa harap. 4. Iniiwasan ko na makipag-usap sa aking katabi kapag nagsisimba. 5. Hinihintay ko muna na matapos manood ng telebisyon ang aking kapatid bago ko ito ilipat sa ibang channel dahil mahalaga ito sa kaniyang takdang-aralin. 140

6. Iniiwasan ko ang pag-istambay sa harapan ng silid-aralan sa oras ng klase. 7. Nakikinig ako nang mabuti sa mga panuto na sinasabi ng namumuno sa palaro. 8. Tumitigil ako sa aking ginagawa upang pakinggang mabuti ang sinasabi ng aking nanay. 9. Lumalakad ako nang marahan at tahimik sa pasilyo ng paaralan kapag may nagkaklase. 10. Iginagalang ko ang nagsasalita kahit hindi ko nagugustuhan ang kaniyang sinasabi. Pansining mabuti kung alin ang mas maraming laman. Anoang iyong naramdaman? Ano ang dapat mong gawin sa sandalingnakita mo na ang laman ng mga timbangan? Ano ang iyong magigingkahalagahan sa bawat sinasabi ng bilang? Tandaan Natin Bahagi ng pagkikipagkapuwa-tao ang pagpapakita ngpaggalang at kabutihan sa iba. Ang mga pagpapahalagang ito aynakabatay sa kung paano nararapat na kumilos at gumawa ang taopara sa kaniyang sarili, sa kaniyang kapuwa, sa bansa, at sa Diyos. Ang paggalang sa iba ay maaaring maipakita hindi lamang sasalita kundi gayundin sa gawa. Bata man o matanda ay nararapatna igalang. Bawat isa ay may pantay na karapatan sa paggalang. 141

Ang paggalang sa karapatan ng iba ay susi upang magkaroonnang maayos na pagsasama ang bawat isa. Maraming paraanupang maipakita ang paggalang sa karapatan ng ating kapuwa.Ang pakikinig sa nagsasalita o nagpapaliwanag ay isang paraan ngpagpapakita ng paggalang. Ang pagbibigay ng konsiderasyon sapangangailangan sa oras, lugar, at panahon ng iba ay nagpapakitarin ng paggalang. Halimbawa, sa oras ng pag-aaral ng ibang mag-aaral, ang karapatan niya para sa tahimik, ligtas, at maayos na lugaray dapat isaalang-alang. Ang pagpapakita ng paggalang ay pagkilala sa karapatangpantao ng iba. Isabuhay NatinIsagawa ang mga gawain sa ibaba. A. Sa pagdiriwang ng Teachers’ Day, gumawa ng isang tribute para sa inyong guro. B. Gumawa ng isang liham ng paghingi ng tawad para sa taong hindi mo pinakinggan habang nagsasalita. C. Gumuhit ng poster na nagpapahayag ng paggalang sa guro habang siya ay nagtuturo. D. Gamit ang art materials, gumawa ng simbolo para sa kaklase na sasalamin sa iyong hangarin na igalang siya sa oras ng kaniyang pag-aaral. 142

Magbigay ng mga halimbawa ayon sa sariling karanasan osa isang nasaksihang sitwasyon tungkol sa mabuting naidudulot ngpakikinig sa nagsasalita at paggalang sa mga taong nag-aaral. Subukin Natin Buuin ang dayagram. Sa loob ng bawat bilog, isulat angpangalan ng mga tao na iyong iginalang habang sila ay nag-aaral okaya ay pinakinggan habang sila ay nagsasalita o nagpapaliwanag.Ilagay sa bawat kahon kung paano mo ito naipakita. Gawin ito saiyong kuwaderno. LunesMiyerkoles Martes Huwebes Sabado Biyernes Linggo Matapos mong mapagtagumpayan ang araling ito, inaasahanna sa mga susunod na araw at linggo, ikaw ay nakahanda na parasa panibagong paglalakbay. Maligayang paglalakbay para sa iyongpagkatuto! 143

Aralin 8 Ingatan Natin, Pasilidad na Gagamitin Mahalaga ang may maayos at malinis na pasilidad sa paaralan. Isang hamon sa bawat isa ang pagpapanatili ng kaayusan nito. Paano mo ba ginamit ang mga pasilidad ng inyong paaralan? Isinasaalang-alang mo ba ang iyong kapuwa na gagamit din sa mga ito? Alamin NatinBasahin ang kuwento. Isang Pagkamulat Kring, Kring, Kring… Nagsimula nang pumasok sa silid-aralan ni Bb. Fe Evangelistaang kaniyang mga mag-aaral. Masaya ang mga bata sa kanilangpag-aaral kasama ang guro. Sa pagtatapos ng klase, napansin niBb. Evangelista ang mga bagay sa puwesto ni Arvin. Makikita angkulumpon ng mga nilamukos na papel sa sahig, balat ng kendi sailalim ng upuan, at ang kaniyang upuan na wala sa tamang puwesto.Sa pagpasok niya sa banyo ng silid-aralan tumambad sa kaniyaang puting tiles nito na nakukulapulan ng putik. Sa pagtingin niyasa paligid ng munting silid na iyon, nakita niya na nakagulong angtimba at tabo sa sahig. Napabuntong-hininga si Bb. Evangelista.Inilabas niya ang kaniyang teleponong may kamera at kinunan nglarawan ang tagpo sa silid-aralan at palikurang iyon, at pagkataposay nilinis niya ito. 144

Sa pagbalik ng mga mag-aaral sa silid-aralan nang hapongiyon, kinausap ni Bb. Evangelista ang mga bata. Ipinaalala niya angpagiging responsable sa kanilang mga kalat. Pinag-usapang mulisa klase ang tamang paggamit ng mga pasilidad. Nagbigay ng gawain si Bb. Evangelista kung saan kinakailangannilang pumunta sa silid-aklatan ng paaralan upang magsaliksik.Maayos na pumila ang mga mag-aaral papunta sa silid-aklatan. Saloob ng silid-aklatan, tahimik na gumawa ang lahat maliban kay Arvinna walang tigil sa paglakad at pagkuha ng mga aklat sa kabinet.Ipinatong niya ang mga ito sa mesa. Ang iba naman ay inilagayniya sa hindi tamang lalagyan ng mga aklat. May ilang aklat din nahalatang pinunit ang ibang pahina. Lahat ng ito ay hindi nakaligtassa paningin ni Bb. Evangelista. Wala siyang sinayang na sandali atkinunan ng larawan ang mga pangyayari. Dumating ang oras ng uwian nang hapong iyon. Habangnaghahanda sa pag-uwi si Arvin, tinawag siya ng kaniyang guro.“Arvin, maaari ba kitang makausap?” tanong ni Bb. Evangelista.“Opo,” sagot ni Arvin. “Nakita ko ang lahat ng ginawa mo kanina saloob ng silid-aralan. Sa iyong palagay, tama ba ang ginawa mongpaggamit doon?” malumanay na wika ni Bb. Evangelista. “Hindi po,Bb. Evangelista. Paumanhin po. Hindi ko na po uulitin,” nakayukongtugon ni Arvin. Kinabukasan, nagpakita ng isang video clip si Bb. Evangelista.Ito ay tungkol sa isang bata na nakatira sa isang bahay na yarisa pinagtagpi-tagping sako, plastik, at tarpaulin ng ilang politiko atprodukto. Mababakas ang kahirapan sa buhay ng pamilya ng bata.Pero makikita ang kamangha-manghang ginagawa ng batang siChristian na maingat na nilalagyan ng pabalat ang aklat gamit angsupot na pinaglagyan ng binili sa palengke. 145

“Wala po kaming silid-aklatan. Kaya kapag may nagbibigay saamin ng aklat ay talagang iniingatan namin,” salaysay ni Christian.Ipinikita din sa video ang palikuran ng pamilya na yari sa pinagtagpi-tagping kalawanging yero at sako. Gayunpaman, kapansin-pansinna maayos at malinis ito. “Napakasuwerte pala namin na may kompletong pasilidadpara sa aming mga pangangailangan. Mula ngayon, gagamitin ko nanang maayos ang lahat ng pasilidad na mayroon kami,” naibulongni Arvin sa sarili. Panibagong araw. Namangha si Bb. Evangelista sa kaniyangnakita. Malinis ang palikuran, nakaayos ang mga upuan sa silid-aralan, at nakasalansan nang maayos ang mga aklat sa kabinet.Hindi niya pinalampas ang pagkakataon. Kinuhanan niya ito nglarawan. Inilagay niya ang lahat ng larawan na nakuhanan niyasa kanilang bulletin board. Nagulat ang lahat sa kanilang nakita.Lalo na sa mga katagang nakasulat “Noon, Ngayon, at Araw-Araw,” Nagpalakpakan ang lahat. Ngiting-ngiti na sinulyapan ni Bb.Evangelista si Arvin.Sagutin ang mga tanong: 1. Paano iminulat ni Bb. Evangelista ang mga mag-aaral sa maayos na paggamit ng mga pasilidad? 2. Kung ikaw si Bb. Evangelista, gagawin mo rin ba ang ginawa niya? Bakit? 3. Paano mo maipakikita ang maayos na paggamit ng mga pasilidad sa iyong paaralan? 146

4. Bakit mahalaga na maging maayos sa paggamit ng mga pasilidad?5. Sa paanong paraan mo mahihikayat ang ibang mag-aaral na maging maayos sa paggamit ng pasilidad ng iyong paaralan? Isagawa NatinGawain 1 Pag-aralan ang larawan. Isulat ang pangalan ng pasilidadna tinutukoy sa ibabang guhit ng larawan. Sa katapat ng larawan,isulat kung paano ito gagamitin nang maayos. Gawin ito sa iyongkuwaderno. Pasilidad Paraan ng Paggamit1. ____________________ ____________________ ____________________ ____________________ ____________________ ____________________ ____________________ ____________________ ____________________ ____________________ __________________________________________ 147

2. ____________________ ____________________ ____________________ ____________________ ____________________ ____________________ ____________________ ____________________ ____________________ ____________________ ____________________ ______________________3. ____________________ ____________________ ____________________ ____________________ ____________________ ____________________ ____________________ ____________________ ____________________ ____________________ ____________________ ______________________ 148

4. ____________________ ____________________ ____________________ ____________________ ____________________ ____________________ ____________________ ____________________ ____________________ ____________________ ____________________ ______________________ 5. ____________________ ____________________ ____________________ ____________________ ____________________ ____________________ ____________________ ____________________ ____________________ ____________________ ____________________ ______________________ 149

Gawain 2Gallery Exhibit, Pasyalan Natin Sa loob ng inyong silid-aralan, ipakita ang iba’t ibang pasilidadng paaralan at ng komunidad.Ospital – Ipakita ang palikuran sa lugar na ito at ang maayos na paggamit. Gumawa ng slogan para rito.Aklatang Pampubliko – Ipakita ang maayos na paggamit ng silid- aklatan ng pamayanan o municipal public library. Gumawa ng mga karatula o mga paalala tungkol sa tamang paggamit ng pasilidad na ito.Parke – Ipakita ang itsura ng isang maayos na palaruan. Gumawa ng collage tungkol sa tamang paggamit nito.Kantina – Ipakita ang isang maayos na kantina. Gumawa ng tula tungkol sa maayos na paggamit nito. Simbahan – Ipakita ang maayos na paggamit ng mga upuan sa lugar na ito. Gumawa ng jazz chant para rito. Magkaroon ng gallery walk. Pasyalan ng bawat pangkat angbawat estasyon. Gamitin ang rubric sa pagtataya ng gawa ng bawat pangkat. 150

Pamantayan 3 2 1Kawastuan ng Naisagawa May 1-2 3 o higit pa angEksibit nang wasto bagay na hindi wasto saNilalaman ngpalabas ang pasilidad. hindi wasto sa pagkakagawa.Saloobin sa pagkakagawa.pagganap Naipakita sa Hindi gaanong Hindi naipakita mensahe ng naipakita ang ang tamang palabas ang pagsasaalang- mensahe ng pagsasa- alang sa palabas. alang-alang sa kapakanan ng kapakanan ng kapuwa. kapuwa. Nagampanan Nagampanan Hindi naipakita ang gawain ang gawain ang positibong nang may nang may saloobin sa kasiyahan at kasiyahan pagganap. pagtitiwala sa ngunit hindi sarili. sapat ang tiwala sa sarili. Bakit mahalagang gamitin nang maayos ang mga pasilidadng paaralan at ng komunidad? Isapuso Natin Gamit ang pangkat ng nakaraang araw, magsagawa ngcommitment relay ang bawat pangkat. Ang bawat miyembro ngpangkat ay magsusulat ng kanilang pangako sa metacard tungkolsa responsableng paggamit ng pasilidad na nakatalaga sa pangkat.Habang hinihintay ng ibang pangkat na matapos ang unang pangkat, 151

sila ay aawit sa himig ng “Magtanim ay Di Biro” hanggang sa lahatng pangkat ay makapagsulat ng kanilang komitment. Tayo na sa paaralan Masaya, may paggalang Pasilidad ay gamitin Ingatan at linisin. Palikuran ay buhusan Aklat ay isalansan Kalat ay ‘wag hayaan Sa kantina ay maiwan. Halina, halina sa paaralan Tayo ay magsipag-aral Ingatan mga kagamitan Para sa kapuwa at bayan.Idikit ang mga metacard sa graphic organizer. 152

Tandaan Natin Bawat mag-aaral ay may karapatan sa pagkakaroon ngmaayos at kaaya-ayang pasilidad maging sa pribado o pampublikongpaaralan. Sa paaralan makikita ang iba’t ibang uri ng pasilidadtulad ng silid-aralan, silid-aklatan, palikuran, palaruan, kantina,gymnasium, laboratoryo at iba pa. Ang pasilidad ng paaralan ayisang napakahalagang bahagi ng pagkatuto. Ang mga pasilidad naito ay nakatutulong sa kaganapan ng pagkatuto ng mga mag-aaral.Nararapat lamang na ang mga ito ay ingatan at gamitin sa wastongparaan.Upang masiguro ang epektibong benepisyo na naidudulotng mga pasilidad sa paaralan, kinakailangan ang maayos at tamangparaan ng paggamit sa mga ito. Ang pagsasaalang-alang sa ibapang taong gagamit ng bawat pasilidad ay nakatutulong upangmapanatili ang maayos at malinis na pasilidad. Ang paggamitng pasilidad ng paaralan nang may pag-aalala sa kapakanan ngkapuwa ay nagpapakita ng paggalang sa karapatan ng iba. Ang tamang saloobin sa paggamit ng mga pasilidad ay dapatna maipakita hindi lamang sa paaralan kundi gayundin sa lahat ngpasilidad sa komunidad. Isabuhay NatinHinahamon ka sa sumusunod na gawain: 1. Maging isang kasapi ng YES-O Club o Youth for Environment in Schools’ Organization sa inyong paaralan. 153

2. Tumulong sa samahan na mapanatiling maayos ang mga pasilidad ng paaralan. 3. Pagsumikapang maging aktibong kasapi sa boy scout at girl scout. Anuman ang iyong sasalihang samahan, magbigay ngmungkahi na isa sa mga dapat na maging proyekto ninyo ay angpagtulong sa pag-iingat at pagpapanatili ng kalinisan at kaayusanng mga pasilidad ng paaralan.Subukin NatinA. Pagsusuring pansarili. Lagyan ng tsek (ü) ang kolum ng iyong sagot. Maging matapat sa pagsagot sa bawat bilang. Gawin ito sa iyong kuwaderno.Mga Gawain Palagi Minsan Hindi1. Maingat kong ginagamit ang palikuran ng aming silid-aralan.2. Pumipila ako nang maayos sa tuwing bibili ako sa kantina.3. Itinatapon ko sa tamang lalagyan ang mga basura ng aking pinagkainan kapag ako ay namamasyal sa parke. 154

Mga Gawain Palagi Minsan Hindi4. Tinitiyak kong malinis ang gymnasium matapos ko itong gamitin sa pagpapraktis at paglalaro.5. Maingat kong binubuklat ang mga pahina ng aklat sa sild- aklatan.6. Iniiwasan ko ang pagsulat sa mga pader ng palikuran.7. Sinusunod ko ang mga alituntunin ng silid-aklatan para sa tamang paraan ng paggamit nito.8. Binabalutan ko ang mga batayang aklat at ang aking upuan.9. Isinasalansan ko sa tamang lalagyan ang mga aklat.10. Sinusunod ko ang mga alituntunin nang maayos at maingat na paglalaro sa palaruan. Bilangin ang dami ng mga gawain na palagi, minsan, at hindiginagawa. Nasiyahan ka ba sa naging resulta? 155

Larawan ng Pagbabago Magdikit o iguhit ang iyong sariling larawan na nagpapakita ng pagbabago tungo sa responsableng paggamit ng mga pasilidad. B. Gamit ang mga kuhang larawan sa ginawang gawain sa nakalipas na araw, masining o malikhaing isaayos ang mga ito. Gumawa ng collage o kaya ay picture tree. Kung kayo aymay art center sa inyong paaralan, i-display ang mga nagawangproyekto. Kung wala naman, ilagay ito sa inyong silid-aklatan osaan mang bahagi ng silid-aralan na makikita ng ibang mag-aaralupang gayahin ang proyektong naisakatuparan. Ngayon na nakikita mo na ang kagandahan nang may maayosat malinis na pasilidad, maaari mo nang tuklasin ang susunod naaralin. 156

Aralin 9 Kaaya-ayang Kapaligiran: Sa Sarili at Kapuwa Pangarap ng bawat isa ang tahimik, malinis, at kaaya-ayang kapaligiran. Ang ideyal na paligid ay makakamtan kung ang lahat ay magtutulong-tulong. Kaya mo bang maging bahagi sa pagkakamit nito? Alamin NatinBasahin ang tula. Disiplina ang Kailangan Isang hatinggabing payapa, banayad ang hangin Sa higaa’y nakalagak katawang nahihimbing Pamamahinga’y natigil, natutulog na diwa’y nagising Ingay ng mga tao at sasakyan sa labas ang gumising. Isang magandang tanawin, matatagpuan sa hardin Paruparo’y umaaligid, sumasayaw sa hangin Sa isang iglap ay napawi magandang tanawin Walang awang sinira ng batang kay hirap disiplinahin. Pipiip! Pipiip!, busina ng trak ng basura Hahakutin ang naipong kalat ng pamilya Pero teka muna, tila ang iba’y walang nakikita! Sa kanal at ilog pa rin itinatapon ang basura. Paligid na tahimik, payapa, at paraiso Sa isang iglap naglaho gandang taglay nito Nasaan ang disiplina, bakit ganito ang tao? Kailan kaya matututong alagaan ang paligid na noo’y isang kaaya-ayang paraiso? 157

Sagutin ang sumusunod. 1. Ibigay ang mensahe ng binasang tula. Bigyang-pansin ang iyong damdamin matapos basahin ang tula. 2. Paano mo itutuwid ang maling gawain ng mga tao sa pangangalaga sa kapaligiran? 3. Paano mo tutugunan ang panawagan sa dalawang huling linya ng tula? 4. Bakit mahalaga na mapanatili ang malinis, tahimik, at kaaya- ayang kapaligiran? 5. Kung ikaw ay itatalaga upang pangunahan ang pagpapanatili ng katahimikan at kalinisan ng inyong paaralan at lugar, ano- ano ang gagawin mong hakbang? Isagawa NatinGawain 1 Pag-aralan ang mga salita na nasa kahon. Isulat sa loob ng“thumbs up sign\" ang mga salita tungkol sa pagpapanatili ng kaaya-ayang kapaligiran mula sa kahon. Sa labas ng kamay, isulat angmga salitang hindi tumutukoy sa pagpapanatili ng kaaya-ayangkapaligiran. Gawin ito sa iyong sagutang papel. 158

walis basura maayos na tindahanhalaman mausok na sasakyanbasurahan disiplina mabahong kanalplastik malinis na kalsada pandilig malakas na tugtog metro aid punongkahoy Pansinin ang mga salita at ang dami o bilang ng nasa loob ngkamay at wala sa loob ng kamay. Bumuo ng isang kaisipan tungkolsa iyong kasagutan. 159

Gawain 2 Bumuo ng tatlong pangkat. Ang bawat pangkat ay magsasagawang gawain tungkol sa pagpapanatili ng malinis, tahimik, at kaaya-ayangkapaligiran.Pangkat 1 - Bilang mga kasapi ng Pupils' Government, magsagawa ng isang proyekto kung paano ninyo maipapakita ang pagpapanatili ng malinis na kapaligiran.Pangkat 2 - Bilang mga kasapi ng isang organisasyon na nagtataguyod sa turismo ng isang komunidad, kumuha ng video ng pamayanan o barangay na nagpapakita ng tahimik at malinis na kapaligiran.Pangkat 3 - Bilang mga kasapi ng produksiyong panradyo, bumuo ng balitang panradyo. Ibalita ang mga hakbang na ginagawa ng isang komunidad sa pagpapanatili ng malinis at tahimik na kapaligiran. Paano nakamit o naisakatuparan ang malinis, tahimik, atkaaya-ayang kapaligiran? Paano ito nakaaapekto sa buhay ngbawat tao? Isapuso Natin Sa hugis pusong papel na ibibigay ng guro, isulat ang mgasalitang angkop para mabuo ang ideya. 160

Mapananatili ko ang malinis at kaaya-ayang kapaligiran kung. ____ __________________ __________________ __________________. Upang mapanatili ang tahimik na kapaligiran, ako ay _____________ __________________ __________________ __________________. Paano mo mapahahalagahan ang malinis, tahimik at kaiga-igayang, kapaligiran? 161

Tandaan Natin Ang pamahalaan ay nagtatakda ng mga alituntunin sapagpapanatili ng tahimik, malinis, at kaaya-ayang kapaligiran. Sapamamagitan ng iba’t ibang programa, napangangalagaan nitoang kapaligiran tulad ng sistema ng pangongolekta ng basura,pagtatalaga ng mga pulis na tumitiyak sa katahimikan at kaayusanng lugar, pulis-trapiko na nagsasaayos ng daloy-trapiko, at mgaprograma na nangangalaga sa kalikasan. Nagtatakda rin angmga lokal na pamahalaan ng mga ordinansa sa oras ng paggamitng videoke, maayos na pangangalaga sa mga alagang hayop,pagbabawal sa paggamit ng plastik, at tamang lugar na tawiran,babaan at sakayan. May mga nakalaan ding pampublikong palikuranna maaaring magamit ng kahit na sinong mamamayan. May mga hakbang din na ginagawa ang paaralan upangmapanatili ang kaayusan ng paligid nito. May mga basurahan namatatagpuan sa iba’t ibang bahagi ng paaralan. Nagkakaroon dinng mga kampanya para sa wastong pangangalaga ng kapaligiran. Malaki ang kontribusyon ng malinis na kapaligiran sa pagkakaroonng malusog na katawan at isipan ng mga mamamayan. Dahil dito, angdisiplina at pakikiisa ng mga tao sa lahat ng programang ipinatutupaday kailangan upang mapanatili ang kaayusan at kagandahan ngkapaligiran. 162

Isabuhay NatinA. Gumawa ng action plan bilang paglahok sa PNOY 1B Trees Project. Ilahad sa klase ang mga hakbang ng pakikilahok sa proyekto. Halimbawa:Layunin Pangalan ng Mga Dapat Kagamitan na Proyekto Gawin KakailanganinB. Sa pagdiriwang ng National Health Education Week, gumawa ng poster na nagpapakita ng isang malinis, tahimik, at kaaya-ayang kapaligiran. Halimbawa: 163

Subukin NatinBasahin at isagawa. A. Magsagawa ng Oplan Linis sa paaralan. Kapag nasiguro na malinis na ang paligid, gumawa ng mga plakard gamit ang illustration board na nagpapakita ng mga babala o alituntunin para sa pagpapanatili ng tahimik at malinis na paligid. B. Magdala ng mga gamit na itatapon na o hindi na ginagamit. Maging malikhain sa pagre-recycle nito. Gumawa ng kapaki- pakinabang na gamit sa mga bagay na maaari ng itapon. Pagmasdan ang iyong paligid. Bahagi ka ba ng kaaya-ayangkapaligiran na ito? Kung ganoon, ipagpatuloy mo iyan nang buonghusay sa susunod na aralin. 164

4 Edukasyonsa Pagpapakatao Kagamitan ng Mag-aaral Yunit 3 Ang aklat na ito ay magkatuwang na inihanda at sinuri ng mga edukador mula sa mga publiko at pribadong paaralan, kolehiyo, at / o unibersidad. Hinihikayat namin ang mga guro at ibang nasa larangan ng edukasyon na mag-email ng kanilang puna at mungkahi sa Kagawaran ng Edukasyon sa [email protected]. Mahalaga sa amin ang inyong mga puna at mungkahi. Kagawaran ng Edukasyon Republika ng Pilipinas i

Edukasyon sa Pagpapakatao – Ikaapat na BaitangKagamitan ng Mag-aaralUnang Edisyon, 2015ISBN: _____________ Paunawa hinggil sa karapatang-sipi. Isinasaad ng Seksiyon 176 ng BatasPambansa Bilang 8293: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anumangakda ng Pamahalaan ng Pilipinas. Gayon pa man, kailangan muna ang pahintulotng pamahalaan o tanggapan kung saan ginawa ang isang akda upang magamit sapagkakakitaan ang nasabing akda. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabingahensiya o tanggapan ay ang patawan ng bayad na royalty bilang kondisyon. Ang mga akda/materyales (mga kuwento, seleksyon, tula, awit, larawan, ngalanng produkto o brand names, tatak o trademarks, palabas sa telebisyon, pelikula, atbp.)na ginamit sa aklat na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagtibay ngisang kasunduan ng Kagawaran ng Edukasyon at Filipinas Copyright Licensing Society(FILCOLS), Inc. na ang FILCOLS ang kumakatawan sa paghiling ng pahintulot sanagmamay-ari ng mga akdang hiniram at ginamit dito. Hindi inaangkin ni kinakatawanng tagapaglathala (publisher) at mga may-akda ang karapatang-aring iyon.Inilathala ng Kagawaran ng EdukasyonKalihim: Br. Armin A. Luistro FSCPangalawang Kalihim: Dina S. Ocampo, PhD  Mga Bumuo ng Kagamitan ng Mag-aaralConsultant: Fe A. Hidalgo, PhDMga Tagasuri at Editor: Irene C. de Robles, Erico M. Habijan, at Joselita B. GulapaMga Manunulat: Felamer E. Abac, Gina A. Amoyen, Jesusa M. Antiquiera, Henrieta A. Bringas, Grace R. Capati, Maria Carla M. Caraan, Rodel A. Castillo, Rolan B. Catapang, Isabel M. Gonzales, Noel S. Ortega, Marilou D. Pandiño, Adelaida M. Reyes, at Portia R. SorianoMga Tagaguhit: Eric S. de Guia, Fermin M. Febella Jr., at Randy G. MendozaMga Tagapagtala: Gregorio T. Pascual at Bryan R. Simara Mga Naglay-out: Gregorio T. Pascual at Elizabeth T. Soriao-UrbanoPunong Tagapangasiwa: Joselita B. GulapaPangalawang Tagapangasiwa: Marilou D. PandiñoInilimbag sa Pilipinas ng ____________Department of Education-Instructional Materials Council Secretariat (DepEd-IMCS)Office Address: 5th Floor, Mabini Bldg, DepEd Complex Meralco Avenue, Pasig City Philippines 1600Telefax: (02) 634-1054 at 634-1072E-mail Address: [email protected] ii

Paunang Salita Ang Kagamitan ng Mag-aaral na ito ay inihanda para sa iyo nanasa Ikaapat na Baitang upang makatulong sa iyong pag-aaral ngEdukasyon sa Pagpapakatao na isa sa mga asignatura sa K to 12.Layunin sa paggamit ng kagamitang ito na mapatnubayan ka upanghigit mong makilala ang iyong sarili, bahaging ginagampanan sapamilyang kinabibilangan, at pamayanang ginagalawan bilang isangPilipino na inaasahang makikibahagi sa pagbuo ng pamayanangpinaiiral ang katotohanan, kalayaan, katarungan, pagmamahal atpagmamalasakit. Ang iyong gulang, interes, at pangangailanganupang makaangkop sa kasalukuyang panahon ay isinaalang-alang sa pamamagitan nang masusing pagpili, pagsasaayos, atpaglalahad ng mga kuwento, sitwasyon, tula at awit na hinangosa pang-araw-araw na pangyayari at karanasan... Inaasahangkawiwilihan at palaging isasakatuparan bilang isang hamon angpag-unawa, pagninilay, pagsangguni, at pagpapasiya, at pagkilosbago gumawa ng desisyon na may kinalaman sa iyong pamumuhaybilang isang bata saan man naroroon. Ang kagamitang ito ay hinati sa apat na yunit na may apatna kuwarter ng pag-aaral sa loob ng isang taon ang Kagamitan saPag-aaral.Yunit I - Pananagutang Pansarili at Pagiging Mabuting Kasapi ng PamilyaYunit II - Pakikipagkapuwa-taoYunit III - Pagmamahal sa Bansa at Pakikibahagi sa Pandaigdigang PagkakaisaYunit IV - Pananalig at Pagmamahal sa Diyos: Paninindigan sa Kabutihan iii

Katulad sa una, ikalawa at ikatlong baitang ginagamit atnasundan mo sa pamatnubay ng iyong guro ang mga hakbangat proseso sa paggamit ng Kagamitan ng Mag-aaral at iba pangkaranasan sa paglinang ng pagpapahalaga. Muli, gagabayan kang iyong guro sa mga prosesong gagamitin sa pagsasagawa ngmungkahing mga Gawain na maaaring pang-indibidwal o pangkatan.Ginamit upang maging makahulugan ang mga sumusunod nahakbang o Gawain sa pagkatuto: Alamin Natin, Isagawa Natin,Isapuso Natin, Tandaan Natin, Isabuhay Natin at Subukin Natin. Sa pagtatapos sa Ikaapat na Baitang, inaasahangmaipapamalas mo ang pag-unawa sa makabuluhang gawain namay kaakibat na pagpapahalaga tungo sa wasto, maayos, masayaat mapayapang pamumuhay para sa sarili, kapuwa, bansa, at Diyos. iv

Talaan ng NilalamanYunit III Pagmamahal sa Bansa at Pakikibahagi sa Pandaigdigang Pagkakaisa .…………….… 165 Aralin 1 Kultura ng Ating Lahi, Ating Pahalagahan.....…... 166 Aralin 2 Kultura Ko, Ipinagmamalaki Kong Tunay ....….… 181 Aralin 3 Pangkat na Magkakaiba, Pinapahalagahan ng mga Pilipinong Nagkakaisa …………....…. 194 Aralin 4 Kultura ng mga Pangkat Etniko, Mahalagang Malaman …………………….………………….…. 207 Aralin 5 Sariling Disiplina sa Pagsunod sa mga Batas...... 219 Aralin 6 Nagkakaisang Lahi, Mundo’y Maisasalba .……. 230 Aralin 7 Disiplina sa Pagtatapon ng Basura: Isang Pandaigdigang Panawagan ……..…………....…. 239 Aralin 8 Patuloy na Panawagan: Pagsusunog ng Basura, Itigil Na! …...………………………………...…… 248 Aralin 9 Mag-Recycle ang Lahat Para sa Magandang Bukas ……………………………………...…... 259 v

Yunit IIIPagmamahal sa Bansa at Pakikibahagi sa Pandaigdigang Pagkakaisa 165

Aralin 1 Kultura ng Ating Lahi, Ating Pahalagahan Kultura ang tawag sa paraan ng pamumuhay ng mga tao. Ito ang nagbibigay sa isang bansa ng kaniyang sariling pagkakakilanlan. Nakikilala tayo bilang isang lahi sa pamamagitan ng ating pagkain, pananamit, mga laro, kuwento, mga pambansang sagisag, kaugalian o mga gawi. Paano pa maaaring makilala ang isang bansa? Halina at ating tuklasin ang angking ganda at yaman ng ating kultura. Alamin NatinSuriin natin. Alam mo ba na bago pa man dumating ang mga Espanyol aymay sarili nang sistema ng pagbasa at pagsulat ang mga katutubongPilipino? Kilala ito sa tawag na baybayin. Suriin natin ang tsart na ito: Ang Baybayin. 166

Ginagamit pa rin ang baybayin ng ilang katutubong pangkattulad ng mga Hanunuo at Bujid. Gayon din naman, maraming Pilipinoang kinakikitaan ng kawilihang pag-aralan ito at gamitin. Nararapatlamang sapagkat ito ay bahagi ng ating kultura. Pinatutunayan nitona ang mga Pilipino ay may kabihasnang hindi nahuhuli sa mgakatabing bansa sa Asya noong sinaunang panahon pa man.1. Sagutin ang sumusunod na tanong: P Ano ang tawag sa sinaunang sistema ng pagbasa at pagsulat na sinasabing umiral na sa Pilipinas bago pa man dumating ang mga Espanyol? Saan ito isinusulat at paano ito binabasa? P Ano ang ipinahihiwatig ng pagkakaroon ng mga sinaunang Pilipino ng sariling baybayin? P Paano mo mapahahalagahan ang mga katutubong Pilipino na may mayamang kultura noon pa mang sinaunang panahon?2. Magbaybayin Tayo: Subuking isulat ang mga salita sa ibaba gamit ang baybayin. Gamitin bilang gabay ang tsart. Gawin ito sa iyong kuwaderno. 167

Katulong ang iyong katabing mag-aaral, buuin ang web. Isulatsa maliliit na hugis bilog ang angkop na halimbawa ng mga materyalna kulturang Pilipino. Isulat lamang ang bilang ng halimbawa sahugis bilog. Idugtong ang maliliit na bilog sa kinabibilangangmalaking bilog. Gawin ito sa iyong kuwaderno.1. tumbang preso 9. Ang Pagong at Matsing2. aratilis 10. Tinikling3. Pandango sa Ilaw 11. maruya4. sungka 12. patintero5. Ang Alamat ng Lansones 13. Sa Ugoy ng Duyan6. Cariňosa 14. Ibong Adarna7. adobo 15. Anak8. kamatsile Sayaw Laro Awit Materyal na Kultura Kuwento Pagkain 168

a. Ano ang ipinahihiwatig ng nabuong web tungkol sa kulturang Pilipino? b. Bilang mga Pilipino, bakit mahalagang kilala natin ang ating kultura? c. Paano mo mapahahalagahan ang ating sariling kultura sa modernong panahon? Pangatwiranan. Isagawa Natin Gaano ang alam mo sa kulturang Pilipino? Halina at gawinang sumusunod.Gawain 1 Ang mga Pilipino ay kilala sa buong mundo sa kanilangnatatanging pagpapahalaga sa kultura. Alam mo ba kung ano-anoang mga pagpapahalagang ito? 1. Sa bawat sitwasyon na inilahad, anong pagpapahalaga ang nararapat? Piliin sa Kahon ng Pagpapahalaga ang sagot sa bawat bilang.Kahon ng Pagpapahalaga* Pananalig sa Diyos * Kabaitan* Pagkamatapat * Kawanggawa o Charity* Pagkamaalalahanin * Pagmamahal sa Pamilya* Pagmamahal o Pag-aaruga sa Anak 169

Libo-libong tao ang nasawi nangmanalasa ang Bagyong Yolanda.Maraming bahay at gusali ang gumuho.Sa kabila nito, hindi nangamba angmga Pilipino na sila ay pababayaan ngDiyos.______________________________Ang awit na “Anak” ni Freddie Aguilarna tumutukoy sa hindi mapapantayangpagmamahal ng mga magulang saanak ay naisalin sa 26 na wika, narinigsa 56 na bansa at bumenta ng 30milyong kopya. Ano ang ipinahahatidng awit na ito?______________________________Para sa mga Pilipino, hindi kinakailanganmaging mayaman upang makatulong sakapuwa. Sa mga panahon ng kalamidadat nananawagan ang mga estasyon ngradyo o telebisyon, mapapansin mongbumabaha ng tulong mula sa atingmga kababayan.______________________________ 170

Hindi nagdalawang isip si Cherryl Macaraeg, isang Pilipinong nakatira na sa Canada, na ibalik ang halagang $100,000 sa bangkong nagkamali na ideposito ito sa kaniyang savings account. ______________________________ Kung mapansin ng iba na ikaw ay may hinahanap na lugar, nag-aalok silang tulungan ka. Kung may dala kang mabigat, hindi mo na kailangan pang humingi ng tulong, may mga nakahandang mag-alok nito sa iyo. Likas ito sa ating mga Pilipino. ______________________________2. May iba ka pa bang alam na pagpapahalagang Pilipino? Paano ka makatutulong sa pagpapanatili nito?3. Anong mabuting kaugalian ang iyong naipakita bilang Pilipino?4. Paano makaaapekto ang magandang ugaling ito sa pandaigdigang pagkakaisa?5. Bilang isang mag-aaral, paano mo maipamamalas ang pagkakaroon ng sariling disiplina tungo sa progresibong kultura? 171

Gawain 2Pangkatang Gawain 1. Pagyamanin natin ang ating kultura. Katulong ang iyong pangkat, gumawa ng word tree para sa paksa o bahagi ng kulturang maitatalaga sa inyong pangkat. Maaaring gawing halimbawa ang word tree sa araling ito. Gamitin ang inyong pagkamalikhain. Gawin ito sa isang manila paper. Unang Pangkat - Mga Laro at Libangan Ikalawang Pangkat - Mga Lugar at Tanawin sa Pilipinas Ikatlong Pangkat - Mga Lutuing Pagkaing Pilipino Ikaapat na Pangkat - Mga Awiting Pilipino Ikalimang Pangkat - Mga Kuwento at Tula Ikaanim na Pangkat - Mga Kasuotan 2. Ibahagi sa klase ang nagawa ng inyong pangkat. Ilarawan o ipakita sa pamamagitan ng kilos ang mga nabuong sagot. 3. Sabihin kung paano kayo makatutulong sa pagpapayaman at pagpapanatili ng kulturang Pilipino. 172

Isapuso Natin Sa pagdaan ng panahon, hindi maiiwasang magkaroon ngpagbabago sa isang kultura. Ano-ano ang mga dahilan ng mgapagbabagong ito? Dapat bang gayahin o tanggapin ang anumangnauuso? 1. Katulong ang iyong pangkat, gumawa ng poster o collage na nagpapakita ng yaman at ganda ng kulturang Pilipino. Maaari itong magpakita ng mga materyal at di materyal na salik ng ating kultura. Sa ibaba ng poster ay gumawa ng magsisilbing pamagat o paksa ng inyong poster. 2. Ibahagi ang inyong ginawa sa klase. Sabihin kung tungkol saan ang inyong ginawa at paano ito makapaghihimok o makagaganyak sa iba na mahalin at ipagmalaki ang ating kultura. Tandaan Natin Kultura ang tawag sa paraan ng pamumuhay ng isangpangkat. Napapaloob dito ang kanilang mga paniniwala, kaugalian,pagpapahalaga, mga gawi, at mga bagay o sagisag na magpapakilalasa kanila bilang isang natatanging pangkat. Upang magkaroon ngmalalim na kaalaman tungkol sa isang pangkat, kinakailangangmalaman mo ang kultura ng pangkat na ito. Ang kulturang Pilipino ang nagpapakita ng atingpagkakakilanlan bilang isang bansa. Bilang isang Pilipino, tungkulinnating alamin, alagaan, pagyamanin, at ipagpatuloy ang kultura 173

natin. Masarap sa pakiramdam na alam mo ang iyong pinagmulan,ang pamana ng iyong lahi. Dahil alam mo na bahagi ito ng iyongpagka-Pilipino, pananatilihin mong buhay ito. Sa iyong pagtanda,tanungin ka man ng mga nakababata, masasagot mo ang anumangmay kinalaman sa kulturang Pilipino dahil kilala mo ito at bahagi kanito. Isabuhay Natin Napakaraming magagandang katangian ang kulturangPilipino. Bilang Pilipino, tungkulin nating palaganapin at pagyamaninang mga pamanang ito. 1. Nakakita ka na ba ng flyer o brochure? Karaniwan itong ipinamimigay kung may produktong nais ipakilala sa mga mamimili. Gumawa ng isang flyer o brochure na maglalarawan ng isang aspekto ng kulturang Pilipino. 2. Lagyan din ng pamagat o tag line ang ginawang materyal. Halimbawa: Pilipinas ang Ganda! Tayo Na! 3. Mga halimbawa ng maaaring gawin ay: • Masasarap na pagkaing Pilipino • Mga larong Pilipino • Mga pambansang sagisag at kahalagahan • Isang tanyag na Pilipino sa kaniyang larangan • Isang tanawin o lugar sa Pilipinas na maaaring puntahan • Mga natatanging kaugalian sa Pilipinas • Isang popular na kuwentong Pilipino na alam mo 174

4. Para makagawa ng isang magandang brochure, maaaring gamiting batayan ang mga ipakikitang brochure o flyer ng guro. Gamitin ang iyong pagiging malikhain. Lagyan ito ng makukulay na larawan. Maaaring gumupit sa mga lumang magasin o maaari ding sariling guhit ang mga larawan. Talakayin din ang paksa sa brochure. Gawing maikli ngunit malaman ang pagtatalakay. Narito ang halimbawang balangkas para sa isang brochure. • Tupiin ang isang puting papel sa tatlong bahagi. • Ang isang bahagi ay maaaring gawing front cover o paunang pahina. Dito mo ilalagay ang pamagat o paksa ng iyong brochure. (Halimbawa: \"Paano Magluto ng Sarap-Asim na Sinigang\") 175

• Para sa susunod na pahina, habang tinatalakay ang paksa, maglagay ng mga kaugnay na larawan upang higit na maging kaakit-akit itong basahin.5. Pagkatapos mo itong magawa, ipakita ang iyong nagawa sa katabi. Ipaliwanag sa kaniya ang iyong nagawa.6. Pagkatapos makapagbahagi, sa tulong ng guro, ilalatag ang mga nagawang brochure sa isang mesa, ilalabas ito, upang makita at mabasa ng ibang mag-aaral Halimbawa ng brochure: 176

Subukin NatinI. Tukuyin ang inilalarawan sa bawat pahayag. Isulat ang inyong sagot sa inyong sagutang papel. Piliin ang sagot sa mga salitang nasa kahon. Lydia de Vega Rona Mahilum karapatan Emilio Advincula Jolibee bayanihan malasakit1. Siya ang kauna-unahang Pilipinang naipadala sa Olympics upang kumatawan sa ating bansa. Itinanghal bilang Asia’s fastest woman noong 1980’s.2. Isang natatanging kaugalian ng Pilipino ang kusang-loob na pagtulong. Halimbawa: kung may nagbabayad na pasahero, inaabot natin ang kaniyang bayad kahit hindi natin siya kakilala; kung may nahulog na gamit ang isang tao at alam mong marami siyang dala, pinupulot mo ito o tinutulungan mo siyang ayusin ang gamit niya.3. Noong Mayo 26, 1996, nasunog ang isang bahay sa Negros Occidental. Isang batang babae ang nagtamo ng mga lapnos sa kaniyang likod sa pagliligtas sa kaniyang limang kapatid sa kasagsagan ng sunog. Noong 1997, kinilala siya sa kaniyang katapangan at kabayanihan!4. Noong 1996, naiwan ng isang balikbayan ang kaniyang bag na naglalaman ng mga alahas na nagkakahalaga ng P2 milyon at ilang libong dolyar. Ibinalik lahat ng bayaning taxi drayber ang naiwan ng kaniyang pasahero. 177

5. Ito ang kauna-unahang food chain restaurant na nagtagumpay na makipagsabayan sa ibang restawran sa ibang bansa. Kilala ito sa linyang “Langhap Sarap.”II. Pag-aralan ang sumusunod na sitwasyon. Piliin ang dapat gawin para sa bawat sitwasyon. Isulat ang titik ng iyong sagot sa iyong kuwaderno. 1. Napansin mo na hindi gumagamit ng po at opo ang iyong nakababatang kapatid sa pagsagot sa inyong nanay. Ano ang iyong gagawin? a. Hahayaan ko na lamang siya sa kaniyang ginagawa. b. Sisigawan at pagagalitan ko siya upang matuto siya. c. Sasabihin ko sa kaniya na ang batang Pilipino ay magalang kaya dapat na sumagot siya nang may po at opo sa mga nakatatanda. d. Sasabihan ko si Nanay na paluin siya. 2. May pinsan kang nagbalikbayan sa unang pagkakataon. Nagbilin ang iyong tatay na turuan siya ng larong Pinoy. Ano ang ituturo mo sa kaniya? a. Isasama ko siya sa computer shop para maglaro ng computer games. b. Iimbitahan ko siyang magbasketbol. c. Magkukunwari akong hindi narinig ang Tatay dahil mahihirapan lang akong mag-Ingles kapag tinuruan ko siya. d. Iimbitahan at tuturuan ko siyang maglaro ng sungka. 178

3. Sinabihan kayo ng inyong guro na kayo ay magsasayaw ng Tinikling sa pagdiriwang ng Buwan ng Wika. Ano ang iyong gagawin? a. Hindi ako sasali dahil mahirap ang sayaw na Tinikling. b. Sasali ako at pagbubutihin ko ang pag-eensayo. c. Sasali ako sa pag-eensayo pero hindi ako dadalo sa araw ng pagtatanghal. d. Makikiusap ako na Hiphop na lang ang isayaw namin dahil iyon ang uso.4. Sa kabila ng mabigat na suliraning idinulot ng bagyong Yolanda, hindi natinag ang mga Pilipino. Nagtulong-tulong ang bawat isa sa pamamagitan ng pagbibigay ng relief goods, muling pagtatayo ng kanilang bahay at pagdarasal para sa kanila. Mahirap mang pumunta sa mga nasalantang lugar dahil sira-sira ang mga daan, hindi ito inalintana ng mga kababayan natin. Isa itong patunay na likas na sa bawat Pilipino ang pagiging: a. bayani b. madasalin c. matulungin d. mapagbigay5. Napansin mong nahihirapan ang iyong kaklase na unawain ang inyong leksiyon sa Matematika. Laging mababa ang kaniyang iskor sa mga pagsusulit. Samantala, matataas lagi ang iyong nakukuha dahil naunawaan mo nang mabuti ang itinuturo ng inyong guro. 179

a. Maaawa ako sa kaniya. b. Lalapitan ko siya at aalukin kung nais niyang mag-aral kami ng leksiyon namin sa Matematika. c. Sasabihan ko siyang makinig nang mabuti sa guro. d. Sasabihan ko siyang mag-aral nang mabuti.III. Paano ka makatutulong sa pagpapayaman at pagpapalaganap ng Kulturang Pilipino? Isulat ang iyong sagot sa iyong kuwaderno. 1. 2. Binabati kita sa pagtatapos mo sa araling ito! Ngayon ayhanda ka nang tumungo sa susunod na aralin. Lagi mong isapusoang pagmamahal sa bansang Pilipinas. Pagmalasakitan mo ito atipagmalaki mo na ikaw ay Pilipino. 180

Aralin 2 Kultura Ko, Ipinagmamalaki Kong Tunay Mayaman ang Pilipinas sa kultura, kaya naman tayo ay kinagigiliwan ng tagaibang bansa. Nasasalamin sa ating kultura ang magandang gawi, asal, mga tradisyon, sining, at panitikan na nagbibigay sa atin ng pambansang pagkakakilanlan. Nagsisilbi itong buklod ng pagkakaisa at pagkakaunawaan. Ang kultura ay tumutukoy sa paraan ng pamumuhay na nakagawian ng tao. Kabilang dito ang sining, wika, musika, at panitikan. Kasama rin ang paninirahan at kaugaliang kanilang ipinakikita sa pang-araw-araw na pamumuhay. Ipagmalaki natin ang ating kulturang kinagisnan dahil iyan ang tatak ng tunay na pagmamahal sa ating bansang Pilipinas. Mahilig ka bang kumanta o makinig ng mga awit? Sinasabingmusika ang wika ng puso. Iba man ang salitang ginamit, nauunawaan Alamin Natinpa rin ng mga tao ang damdaming hatid ng isang himig. May alam kabang katutubong awitin? Ang sinaunang kultura ng mga Pilipino aymayaman sa mga awitin. May awit para sa pagsamba, sa pagtatanimo pangangaso, panliligaw, pagpapakasal, maging sa pakikipaglabanat paglisan. Narinig mo na ba ang awit na Dandansoy? Pakingganmo ito, sabayan at pagkatapos ay sagutin mo ang mga tanong. 181

Dandansoy Dandansoy, bayaan ta icao Pauli aco sa Payao Ugaling con icao hidlauonAng Payaw imo lang lantauon. Dandansoy, con imo apason Bisan tubig di magbalon Ugaling con icao uhauon Sa dalan magbobonbobon. Convento, diin ang cura? Municipio, diin justicia? Yari si dansoy maqueja. Maqueja sa paghigugma Ang panyo mo cag panyo co Dala diri cay tambijon co Ugaling con magcasilo Bana ta icao, asawa mo aco. 182

Sagutin ang mga tanong: 1. Ano sa palagay mo ang damdaming inilalarawan sa awit? 2. Ano kaya ang ibig sabihin ng Dandansoy? 3. Ano sa palagay mo ang mensahe ng awit? 4. Sa iyong palagay, anong katangian ng mga Bisaya ang ipinapakita ng awiting ito na masasabi nating sumasalamin sa mga Pilipino? 5. May alam ka pa bang ibang katutubong awitin na nagpapakita ng kaugaliang Pilipino? Anong kaugalian ang ipinakikita nito? Ang Dandansoy ay isang popular na himig ng mga Ilonggo.Inaawit din ito bilang oyayi o kanta sa pagpapatulog ng sanggol. May alam ka bang awit sa kasalukuyan na tumatalakay sapag-ibig, pag-asa, o paglisan? Ibahagi ito sa klase. Isagawa NatinGawain 1 May alam ka bang salawikain? Ang mga salawikain ay mayhatid na aral o katotohanang magagamit nating gabay sa atingbuhay. A. Kompletuhin mo ang mga salawikain. Sa iyong kuwaderno, punan ng titik ang bawat hugis upang mabuo ang sagot. 1. Ubos-ubos ang biyaya, pagkaubos 183

2. Lumilipas ang kagandahan ngunit di ang ba3. Ang nagugutom pakainin, ang nauuhaw4. Ako ang nagsaing, iba ang5. Ang panalo ay sakali, ang pagkatalo ay g Pumili ng isang salawikain at ibahagi sa katabi ang pakahuluganmo rito. Samantala, ang mga bugtong ay matalinhagang paglalarawanng mga bagay na ang pangunahing layunin ay hamunin o patalasinang ating isipan. Handa ka na ba? BBuuggttoonngg bbuuggttoonngg,, \"“ssaa araw di makita, sa ggaabbii aayymmaalliiwwaannaaggssiliala.”\".Sagot: (bituin) 184


Like this book? You can publish your book online for free in a few minutes!
Create your own flipbook