Sanhi: _______________ Sanhi: _______________Maibabahagi mong Maibabahagi mongsolusyon: ____________ solusyon: ____________ Tandaan Natin Ang kalinisan ay kasunod ng pagiging maka-Diyos. Angmalinis na isip ay nagbubunga ng malinis na gawa at gawi. Angpagiging malinis ay isa ring disiplinang pansarili na nagbubunga ngkabutihan at kagandahan sa sarili, sa kapuwa, sa lipunan, at lalong-lalo na sa kalikasan. Mahalaga na may disiplina ang bawat isa dahil hindi nakailangang may mag-utos pa kung kinakailangan. Ang paglilinis ngpaligid sa paaralan, sa kalsada, o sa tahanan man ay isang kalugod-lugod na disiplinang pansarili.235
Hindi dapat kalimutan ng bawat isa ang napakalakingtrahedyang idinulot ng bagyong Yolanda sa Kabisayaan. Maramiang nawalan ng ari-arian, kinabukasan, at buhay sa nangyaringnapakalakas na bagyo na nagtala ng pinakamalakas na hangin atpinakamalaking pinsala sa kasaysayan ng Pilipinas. Iisa ang dahilanng mga eksperto sa nangyaring ito. Dahil daw sa nagbabagongatmospera at klima ng ating mundo dulot ng pagkasira ng kalikasan. Hindi na dapat itanong pa kung sino ang may kagagawanng pagkasirang ito dahil ang bawat isa ay may kontribusyon sasuliraning ito. Nasa bawat isa rin sa atin ang ikapaghihilom ng mga sugatat pagkasira sa ating kalikasan. Ito ay ang sama-sama at tulong-tulong na pagkilos at pagsunod sa batas na ipinatutupad para sakalinisan ng ating kapaligiran. Isabuhay Natin Napakahalaga ng pagkakaroon ng pansariling disiplina atpaggawa ng mainam para sa kalikasan kahit walang nakakakita. Isasa mga disiplina na ating dapat gawin at sundin ay ang pagpapanatiling kalinisan at kaayusan. Ipinasusunod din ito sa mga patakaran atbatas sa ating lipunang ginagalawan.Pangkatang Gawain 1. Bumuo ng apat na pangkat. Bawat pangkat ay magpapakita ng isang buong pamilya. Magpakita ng maikling skit na ang eksena ay pumunta ang inyong mag-anak sa isang lugar at 236
bawat isa ay nakasusunod sa mga batas at panuntunan salugar na inyong pinuntahan ukol sa kalinisan ng kalikasan.Pangkat 1 - Sa Luneta ParkPangkat 2 - Sa pamamasyal sa siyudadPangkat 3 - Sa pagbibiyahePangkat 4 - Sa bahay dalanginanSubukin Natin Basahin ang bawat aytem. Pillin sa tatlong hanay sapamamagitan ng paglalagay ng tsek (P) kung ano ang iyong sagotat isulat ang dahilan. Isulat ang sagot sa iyong kuwaderno.Aksiyon Hindi Ko Paminsan- Palagi Ginagawa / minsan Kong Kong Ginagawa / Dahilan Ginagawa / Dahilan Dahilan1. Nagtatapon ako ng basura sa bintana ng sasakyan.2. Basta ko na lang inihuhulog sa ilalim ng upuan ang aking mga kalat sa aming silid- aralan. 237
Aksiyon Hindi Ko Paminsan- Palagi Ginagawa / minsan Kong Kong Ginagawa / Dahilan Ginagawa / Dahilan Dahilan3. Natutuwa ako sa mga samahang nagtataguyod sa pangangalaga ng kapaligiran.4. Dumudura ako kahit saang lugar.5. Umiihi ako kung saan-saan kapag walang nakakakita. Natutuwa ako sa aktibo mong pakikiisa sa mga gawain natin.Nakatataba ng puso dahil marami ka nang natutuhan ukol sapangangalaga sa kalikasan. Inaasahan ko na ipagpatuloy mo paang iyong pagmamahal dito hanggang sa iyong paglaki. Maramingsalamat dahil tiyak na natutuwa na sa iyo ngayon si Inang Kalikasan. 238
Aralin 7 Disiplina sa Pagtatapon ng Basura: Isang Pandaigdigang Panawagan “Ang kalinisan at kaayusan ng isang kapaligiran ay bunga ng nagkakaisa at may disiplinang mamamayan.” Malinis ba ang iyong paligid o puro basura ang makikita kung saan- saan? May mga tapunan ba ng basura kayong nakikita sa paligid? Ano ang markang nakasulat sa mga ito? Gaano ba kahalaga ang paghihiwa-hiwalay o segregasyon ng basura sa ating pamayanan? Ginagawa rin kaya ito kahit sa ibang parte ng daigdig? Alamin NatinBasahin ang tula na nasa ibaba at pagnilayan ang nilalaman nito. Sa ating kapaligiran inyong maoobserbahan Tambak o bundok ng basura makikita kaliwa’t kanan Sama-sama ang mga bote, plastik, at papel na pinaggamitan Metal, goma, steel, at mga nabubulok na pagkaing pinagtirhan. May mga taong tila walang pakialam Kahit marumi ang paligid, sa kanila ay ayos lang Tapon dito, tapon doon, kalat dito di napaparam Dulot ay pagkasira sa kawawang kapaligiran. 239
Bilang tagapagtaguyod ng kalinisan at kaayusan Nabubulok at hindi nabubulok segregasyon dapat isagawa Ipakita mong ikaw sa disiplina nananahan Upang maging modelo bawat isa’y masisiyahan. Halika na, aking kapatid, kamag-aral, at kaibigan Ikampanya natin, segregasyon ay ipaglaban Kahalagahan nito’y ipaunawa’t iparamdam Upang ang lahat ay mahimok at maglingkuran.Sagutin ang sumusunod na tanong: 1. Itala ang karaniwang nakikita sa kapaligiran na nabanggit sa tula. Ganito rin ba ang sitwasyon sa inyong pamayanan? 2. Bakit kailangang paghiwa-hiwalayin o i-segregate ang mga basura na makikita sa tahanan, paaralan, pamayanan o maging sa bansa? 3. Ano ang sumasalamin sa isang bayan o bansa kung parating nakatambak o nakakalat ang basura rito? 4. Anong mga pangyayaring pangkapaligiran ang nararanasan natin ngayon na maaaring dulot din ng maling pagtatapon ng basura? 5. Kung ang bawat tao ay patuloy na walang disiplina sa pagtatapon ng basura, ano kaya ang magiging epekto nito sa ating bayan at maging sa buong daigdig? 240
Isagawa NatinGawain 1 1. Pagmasdan ang tatlong kahon na makikita sa harap. Basahin ang nakasulat sa labas ng mga kahon. 2. Bisitahin ang inyong bag. May nakita ka bang mga basura? Pag-isipan kung saang kahon dapat itapon ang dala-dala mong basura. TUYONG MGA LATA, BOTE,PAPEL AT TIRANG AT IBA PANG PAGKAIN, LALAGYAN DAHON PRUTAS AT GULAY NA YARI SA GLASS, PLASTIK, AT METAL3. Pagkatapos isagawa ang Gawain 1, sagutin ang mga tanong: a. Anong klase ng basura ang itinapon ng mga kaklase mo sa mga kahon na may tatak na nabubulok at hindi nabubulok? b. Tama ba ang kahon na kanilang pinagtapunan? Ipaliwanag ang iyong sagot. 241
c. Bago itinapon ang basura sa mga kahon, ano ang iyong inisip at isinaalang-alang? d. Ano naman ang iyong gagawin kung makita mo ang iyong kaibigan o kamag-anak na sama-samang itinatapon ang mga plastik, lata, bote, at mga food wastes tulad ng panis na pagkain sa isang lalagyan lamang? e. Sa paanong paraan mo ipakikita na talagang alam mo ang batas ng tamang pagtatapon ng basura?Gawain 2 1. Bumuo ng tatlong pangkat. Pag-usapan ang iba’t ibang paraan ng pagtatapon ng basura sa tahanan, paaralan, o pamayanan. 2. Iguhit sa kaliwang bahagi ng isang manila paper ang totoong sitwasyon na nangyayari. Isulat naman sa kanang bahagi ang inyong suhestiyon o dapat gawin.Mga Totoong Sitwasyon Tamang Paraan Dapat Gawinng Paraan ng Pagtatapon o Hindi Tamang ng Basura sa… Paraan1. Tahanan2. Paaralan3. Pamayanan 242
3. Ipaskil sa harap ang mga iginuhit at iulat ang ginawa sa klase.Sagutin ang sumusunod: 1. Suriin ang mga larawan. Anong paraan ng pagtatapon ng basura ang ipinapakita sa mga naiguhit na larawan? 2. Anong klaseng pag-uugali ng tao ang ipinakikita sa mga sitwasyon? 3. Alin sa mga mungkahing ibinigay ang makatutulong upang mapanatili ang kalinisan at kaayusan ng paligid? 4. Kung ikaw ay magkakaroon ng pagkakataon na makapunta sa ibang lugar o bansa na may batas sa tamang pagtatapon ng basura, susunod ka ba? Ipaliwanag ang iyong sagot. 5. Magtala ng iyong maitutulong para maitama ang maling pagtatapon ng basura sa inyong tahanan, paaralan, at komunidad. Isapuso Natin 1. Bumuo ng apat na pangkat. Pumili ng lider at tagatala sa inyong pangkat. 243
2. Magkaroon ng talakayan upang makabuo ng isang plano na makatutulong upang maiwasan ang maling pagtapon ng basura sa bansa, pamayanan o barangay, paaralan, at tahanan.3. Iguhit ang nabuong plano at gumawa ng maliit na modelo tungkol dito. Maaaring gumamit ng mga lokal na materyales o mga patapong bagay para sa gagawing modelo. Ang bawat miyembro ay inaasahang makikiisa sa gawaing ito.Halimbawa: Pangkat 1 - Bansa Pangkat 2 - Pamayanan o Barangay Pangkat 3 - Paaralan Pangkat 4 - Tahanan Tandaan Natin Sa mga nakalipas na panahon, ang mga tao ay nagtataponng basura sa tarangkahan upang magkaroon ng malinis, magandaat ligtas na paligid para maiwasan ang anumang sakit. Sa mgabakuran ng ating mga tahanan, nandoon ang walis at dust pan napalaging ginagamit sa paglilinis sa ating bakuran. Ang malinis napaligid ay nagdudulot ng saya sa bawat miyembro ng pamilya. Mula sa aklat na tumatalakay sa solid waste management nainilimbag ng Department of Environment and Natural Resources(DENR) sa tulong ng Miriam College sa Diliman, Quezon City naginagamit sa mga paaralan, ang bawat tao ay dapat na nagbibigay-halaga sa mga simpleng paraan ng pagtatapon ng basura. Kasabayng pagtaas ng bilang ng tao sa ating bansa, patuloy din ang pagdami 244
ng basura na makikita sa ating kapaligiran. Maraming lugar angnaging tapunan ng basura tulad ng Payatas sa Quezon City namatatagpuan sa Pambansang Punong Rehiyon (NCR). Sa lugar naito makikita ang gabundok na basura kung saan naganap ang isangtrahedya noong 1999 nang matabunan ng basura ang maramingtao sa kasagsagan ng napakalakas na ulan. Ayon pa rin sa aklat, ang malungkot na trahedya sa Payatasang isa sa mga nagbukas ng isipan na ang pangunahing dahilanng pagkawala ng buhay ng mga tao ay ang maling praktis o paraanng pagtatapon ng basura. Dahil dito, sinimulan ang proyekto namagkaroon ng tamang segregasyon o paghihiwa-hiwalay ng basurasaan mang panig ng ating bansa. Nagkaroon ng malawakang kampanya sa Oplan Segregasyon.Pinagsama-sama ang mga bagay na nabubulok o biodegradabletulad ng mga natirang pagkain, prutas, pinagbalatan ng gulay atmga tuyong papel na puwedeng gamiting muli o i-recycle. Ang mgalata, bote, at iba pang lalagyan na yari sa plastik, metal, goma, atmga lalagyang babasagin ay mga halimbawa ng hindi nabubulok onon-biodegradable. Hanggang sa ngayon ay patuloy na hinihimok attinuturuan ang bawat mamamayan upang hindi na muling mangyariang trahedya tulad ng sa Payatas. Ang disiplina sa pagtatapon ng basura ay masasalamin kahitsaan mang panig ng daigdig tayo makarating. Ang pagpapanatili ngkalinisan sa kapaligiran sa pamamagitan ng tamang pamamahalang basura ay isang adhikain ng lahat ng bansa upang maisalba angating Inang Kalikasan. 245
Isabuhay Natin1. Bumuo ng limang pangkat.2. Magkakaroon kayo ng pagkakataon na magmasid kung ano ang praktis ng mga mag-aaral sa pagtatapon ng basura sa loob ng silid-aralan. Makikita sa ibaba ang antas o baitang na inyong oobserbahan.Unang Pangkat - Ikaanim na BaitangIkalawang Pangkat - Ikalimang BaitangIkatlong Pangkat - Ikatlong BaitangIkaapat na Pangkat - Ikalawang BaitangIkalimang Pangkat - Unang Baitang3. Bago umikot, tiyaking naintindihang mabuti ang direksiyon ng guro upang maisagawa ang gawain nang maayos. Magdala ng panulat at kuwaderno para sa pagtatala ng anumang naobserbahan.4. Magpakita ng paggalang sa mga klase na inyong bibisitahin. Gagabayan kayo ng inyong guro sa gawaing ito.5. Buuin ang obserbasyon ng inyong pangkat at pag-usapan kung paano ito ipakikita sa pamamagitan ng isang role play o isang malikhaing palabas. Inaasahan ang pakikiisa ng bawat isa sa gawaing ito. 246
Subukin Natin1. Bumuo ng tatlong pangkat. Sa loob ng limang minuto, maghanda ng isang skit na magpapakita ng bagong mukha ng pagtatapon ng basura.Unang Pangkat - TahananIkalawang Pangkat - PaaralanIkatlong Pangkat - Pamayanan2. Ang inyong pangkat ay may tatlong minuto para ipakita ang inihandang palabas. Siguraduhin ang pakikiisa ng bawat miyembro. Hinahangaan kita! Matagumpay mong naisakatuparan angaralin na makatutulong sa pagpapanatili ng kalinisan at kaayusansa ating kapaligiran. Ipagpatuloy mo ang pagkakaroon ng disiplinaupang maging inspirasyon ka ng ibang bata pati na rin ng matatanda.Iugnay mo ang iyong natutuhan sa susunod na aralin. 247
Aralin 8 Patuloy na Panawagan: Pagsusunog ng Basura, Itigil Na! Ang masamang epekto ng patuloy na pagsusunog ng plastik, goma, at iba pang basura sa ating bansa at ibang panig ng daigdig ay ating nararanasan na sa mga panahong ito. Maruming sapa at ilog, nagkakasakit na mga bata, at matatanda pati na rin mga hayop ay senyales ng maruming hangin at kapaligiran. Ito kaya ay resulta ng palagian at malawakang pagsusunog ng basura? Sino ang responsable sa nararanasan nating problema sa ating bansa at mga karatig na lugar? May mga taong mahilig magsunog ng basura sa kanilang bakuran. May mga pagawaan sa siyudad na nagsusunog ng mga plastik, papel, at goma. Alam kaya nila ang mapanganib na epekto nito sa ating kapaligiran? Nabasa na kaya nila ang kasalukuyang batas na nagbabawal dito? Alamin Natin Suriin ang mga larawan.Pag-isipan at isulat sa metacards angposibleng epekto ng mga sitwasyon sa kalusugan ng tao at hayopgayundin sa kapaligiran. Ipaskil sa pisara ang iyong ginawa. 248
Mga taong nakatira malapit Babaeng sobrang sakit ng sa dumpsite na palaging ulo; di kalayuan ay may nagsusunog ng basura; nagsisiga ng goma may mga sakit sa balat at mga plastikKontaminadong tubig sa ilog Factory na naglalabas ng o sapa at factory sa paligid usok dulot ng pagsusunog na nagsusunog ng plastik; ng goma; nanghihina at mga payat na ibon at namamayat na mga bata at ibang lokal na hayop matatanda na nakatira 249 sa paligid
Sagutin sa inyong kuwaderno ang mga tanong: 1. Pagmasdan muli ang mga larawan. Anong pangyayari sa mga sitwasyon ang maaaring dahilan ng pagkakasakit ng mga tao at hayop at pagkasira ng kapaligiran? 2. Nakaamoy ka na rin ba ng sinusunog na plastik o anumang bagay? Ano ang karaniwang nararamdaman mo? 3. Kung palagiang magsusunog ng basura o anumang bagay ang mga tao, ano na lang ang mangyayari sa lahat ng tao sa mundo? 4. Sa iyong palagay, may kinalaman ba ang pagsusunog ng basura sa pagkakaroon ng sakit ng mga tao o hayop, pagdumi ng hangin at kapaligiran sa ating bansa at sa buong mundo? Pangatwiranan. 5. Kung may batas na nagbabawal sa pagsunog ng basura at patuloy pa ring ginagawa ito, anong pag-uugali ang ipinakikita rito? Isagawa NatinGawain 1 1. Pagnilayan ang anumang karanasan na may kinalaman sa mga sitwasyong nasa larawan. Kung wala kang naranasan tungkol sa mga ito, maaaring mag-isip kung ano ang iyong dapat gawin kung sakaling may mag-utos para gawin ang sumusunod: 250
Mga batang nagsusunog ng gamit Babaeng may hawak na walis habang pinanonood ang sinisigaang tambak ng dahon at basura Mga teenagers na sinusunog ang patong- patong na goma.251
2. Humanap ka ng kapareha para ibahagi ang iyong kuwento at tanungin kung ano ang kanilang naging pakiramdam habang ginagawa ang pagsusunog ng basura. Gawin ito nang tatlong beses. Itala sa papel ang inyong nalaman kung kinakailangan.Sagutin ang sumusunod: 1. Batay sa mga kuwentong iyong napakinggan, alin sa mga sitwasyon sa larawan ang palaging ginagawa? 2. May iba ka pa bang karanasang napakinggan maliban sa mga naipakitang sitwasyon? 3. Kung may mag-utos sa iyo na gawin ang katulad ng mga nasa sitwasyon, ano ang iyong dapat gawin? Pangatwiranan ang iyong sagot. 4. Kung ang lahat ng tao sa ating bayan at sa buong daigdig ay lalong magiging matigas ang ulo at patuloy na magsusunog ng basura, ano pa ang posibleng mangyari sa atin at sa Inang Kalikasan? 5. Anong mga pangyayari ang nararanasan natin ngayon na posibleng epekto ng pagsusunog ng basura? 6. Ano ang maibabahagi mo para mapalakas ang kampanya laban sa pagsusunog ng basura rito sa ating bayan at sa mga karatig-bansa? 252
Gawain 2 1. Bumuo ng apat na pangkat. Pag-usapan kung ano ang maaari ninyong gawin sa sitwasyon na nakatalaga sa inyong pangkat.Unang Pangkat Ikalawang PangkatMay isang sako ng basura Laganap na angsa likuran ng inyong pagsusunog ng mga punobahay. Nalaman mo na sa inyong kagubatan.ipadadala ito sa bukid Ayon sa inyong barangay,upang doon ay sunugin. nagkakasakit na ang mga hayop na nakatira rito. Ikatlong Pangkat Ikaapat na PangkatNapansin mo na naglagay Sinabihan kayo ng inyongng mga lumang gulong sa guro na sunugin ang isangharap ng inyong bahay tambak na basura sa gilidang mga pinsan mo upang ng inyong silid-aralan.sunugin sa pagpasok ngBagong Taon. 253
2. Isipin ang tamang desisyon para sa sitwasyon. Ipakita ang napagkasunduang desisyon sa pamamagitan ng pag-awit na pa-rap o isang malikhaing sayaw. Inaanyayahan ang lahat na panoorin at igalang ang anumang ipakikita ng bawat pangkat.Sagutin ang mga tanong: 1. Ano ang masasabi ninyo sa ipinakitang husay ng bawat pangkat? 2. Sa inyong palagay, kaninong desisyon ang higit na tumututol sa pagsusunog ng basura? Pangatwiranan ang inyong sagot. Isapuso Natin Natapos mo na ang iba’t ibang gawain na nagbigay sa iyong mensahe na ang pagsusunog ng basura ay makasasama sakalusugan ng tao at sa ating kapaligiran. Ang hindi pagsusunog ngbasura ay iyong ipagpatuloy hanggang ito ay maging isang ugali. Gawin mo naman ngayon ang susunod na gawain. Punan ng sagot ang talahanayan. Para sa huling hanay, isulatang iyong dahilan kung bakit hindi mo dapat sunugin ang mga bagayna iyong tinukoy. Gawin ito sa iyong kuwaderno. 254
Napulot na basura Ito ay hindi dapat sunugin… Nabubulok Hindi Nabubulok dahil sumasakit ang uloBilang Halimbawa: ko kapag naaamoy ko diyaryong ang usok papel 1 2 3 4 5 Tandaan Natin Ang kalikasan ay isang biyaya mula sa Diyos. Ito aydapat nating ingatan, pangalagaan, at pagyamanin. Ngunit sakasalukuyang panahon, ang kalikasang dapat nating iniingatan ayunti-unti nang nasisira dahil sa maling gawain ng mga tao. Isa narito ang pagsusunog ng basura. Ayon sa Section 48 ng Republic Act No. 9003 o tinatawagna Solid Waste Management Act, ang pagsisiga ay ipinagbabawalsa ating bansa dahil sa masamang epekto nito sa kalikasan atgayundin sa mga mamamayan. Ito ay ipinatupad ng ating gobyernosa pangunguna ng National Solid Waste Management CommissionSecretariat sa ilalim ng opisina ng Environmental ManagementBureau ng Department of Environment and Natural Resources(DENR). 255
Basahin natin ang inilathalang artikulo ng DENR tungkol sapagsusunog ng basura. Source: Environmental Management Bureau (EMB), Department of Environment and Natural Resources (DENR) http://www.emb.gov.ph/news/053006/sunogbasurafactsheet.pdf 256
Marahil ay higit mo nang nauunawaan ngayon kung bakitdapat nang itigil ang pagsusunog ng basura. Napakahalaga namaiparating natin sa ibang tao ang mensaheng ito upang maisalbaat maproteksiyunan ang lahat ng sambayanan sa buong mundo.Sagutin: Ngayong alam mo na ang masamang epekto ng pagsusunogng basura sa ating kapaligiran, ano naman ang iyong maitutulongupang matigil na ito? Ipaliwanag ang iyong sagot.Isabuhay Natin Pagtibayin mo ang iyong natutuhan sa araling ito. Basahin angbawat aytem na nasa kaliwa at isulat ang iyong desisyon sa kananghanay bilang pagpapahayag ng pagtutol o pag-iwas sa pagsusunogng basura. Gawin ito sa iyong kuwaderno. Mga Sitwasyon o Pangyayari Ang Aking Dahilan Gagawin1. Tuwing sasapit ang Bagong Taon, nagsusunog ng goma sa bakuran ang aming pamilya.2. Sinusunog ko at ng aking mga kapatid ang mga lumang papel para itaboy ang mga lamok sa aming bahay.3. Palagi kang inuutusan ng Lola mo na sunugin ang mga tuyong dahon sa bukid.257
Mga Sitwasyon o Pangyayari Ang Aking Dahilan Gagawin4. Hindi alam ng iyong kabarangay nabawal ang pagsusunog ng basura.5. Iniipon ng Ate ko ang mga plastikna pinaglagyan ng sitsirya at kaniyaitong sinusunog. Subukin Natin Bilang isang tagapagtaguyod ng batas sa pagbabawal sapagsusunog ng basura, gawin ang sumusunod: 1. Bumuo ng limang pangkat. Maghanda ng mga slogan, leaflets, at iba pa na magpapakita ng masamang epekto ng pagsusunog sa ating kapaligiran. 2. Pagkatapos na maihanda ang mga materyales, magplano para sa ipamamalas na kampanya sa loob ng paaralan. 3. Sa tulong ng iyong guro at iba pang mag-aaral, iparating sa mga mag-aaral, guro, at magulang kung bakit hindi tayo dapat nagsusunog ng basura. Hinahangaan kita, kaibigan! Isa ka nang tunay natagapangalaga ng ating kapaligiran. Ipagpatuloy mo ang iyongmagandang adhikain na pamahalaan ang kalinisan at kaligtasan ngkapaligiran. Muli, binabati kita. Maaari ka nang tumuloy sa susunodna aralin. 258
Aralin 9 Mag-Recycle ang Lahat Para sa Magandang Bukas “Ang bansang may malasakit sa Inang Kalikasan ay marunong mag-recycle ng mga patapong bagay.” Tumingin sa paligid. Ano-ano ang mga bagay na sa palagay mo ay maaari pang gamitin o i-recycle? Ano-ano naman ang hindi na magagamit? Ano ang dapat gawin sa mga ito? Bago magtapon ng isang bagay, pag-isipang mabuti kung ito ay maaari pang gamitin sa ibang paraan upang mabawasan ang mga basurang itatapon. Higit na kailangan ang disiplina ng bawat isa upang maibalik ang ganda ng ating kapaligiran. Alamin Natin Pagmasdan ang larawan. Ipagpalagay na iyong naranasanang sitwasyong ito. Pagnilayan ang maaaring naging dahilan kungbakit nagkaroon ng ganitong sitwasyon. Ibahagi ito sa klase. 259
Sagutin sa iyong kuwaderno ang sumusunod na tanong: 1. Ano kaya ang matinding dahilan ng pagbaha tulad ng nasa larawan? 2. Ano-ano ang maaaring masamang epektong dulot sa kalusugan at kapaligiran ng palagiang pagbaha? 3. Kung ang bawat tao ay matututong mag-recycle ng mga patapong bagay, maiiwasan kaya ang: • pagbaha? • pagkakasakit ng mga tao? • pagdumi ng kapaligiran? Pangatwiranan ang iyong sagot. 4. Upang maiwasan naman ang sobrang dami ng basura, ano ang dapat gawin: • sa mga patapong bagay? • bago bumili ng mga gamit sa tahanan o paaralan? 5. Kung ang lahat ng tao sa buong daigdig ay magkakaisa sa pag-recycle ng mga patapong bagay at magiging matalino sa pagbili at paggamit ng mga bagay, ano kaya ang magiging hitsura ng ating daigdig? Ipaliwanag ang iyong sagot. 6. Anong pag-uugali ang ipinapakita kung ang isang tao ay marunong sumunod sa anumang batas na may kinalaman sa pag-aalaga ng ating kapaligiran? 260
Isagawa Natin Magagamit pa ba natin ang mga patapong bagay na mayroonsa ating paligid?Gawain 1 Kompletuhin ang talahanayan sa ibaba. Sa unang hanay, ilistaang mga lumang gamit na mayroon sa inyong tahanan na maaaripang gamitin. Isulat sa ikalawang hanay ang maaaring gawin dito.Sa huling hanay naman itala ang maaaring maging epekto sakapaligiran ng iyong gagawin. Gawin ito sa inyong kuwaderno. Mga Lumang Ano ang Iyong Maaaring EpektoGamit sa Tahanan Gagawin? sa KapaligiranHalimbawa: Lilinisin ko nang lata ng gatas mabuti ang lata nang may pag-iingat at tatamnan ko ng halaman.1.2.3.4.5. 261
Sagutin ang mga tanong: 1. Ano-ano pang bagay ang wala sa listahan na gusto mong i-recycle? 2. Bakit kaya mas mabuting gamitin muli ang mga ito kaysa sa itapon agad-agad? Pangatwiranan ang iyong sagot. 3. Kung patuloy mong isasagawa ang pag-recycle, ano ang malawakang epekto nito sa ating bansa? 4. Masasabi mo bang ikaw ay isang tagapangasiwa ng pag- iingat ng Inang Kalikasan kung patuloy kang magre-recycle ng mga patapong bagay? Pangatwiranan. 5. Ano ang iyong puwedeng magawa upang maipaabot mo sa ibang parte ng bansa at daigdig ang kabutihang dulot ng pagre-recycle?Gawain 2 Natutuhan mo na ang mga bagay na puwedeng i-recycle omagamit muli. 1. Bumuo ng tatlong pangkat. Pagnilayan at pag-usapan ang masamang dulot sa kalusugan at kalikasan kung hindi magre-recycle ang lahat ng tao sa inyong bayan. 2. Iguhit ang napagkasunduang sagot sa isang manila paper. Gumamit ng pangkulay kung kinakailangan. Umisip ng isang nakapupukaw na pamagat para sa inyong iginuhit. 262
3. Ang mga miyembro ng bawat pangkat ay inaasahang magtutulungan upang maisagawa nang tama at maayos ang gawain. 4. Ipaskil ang inyong mga ginawa sa harap ng klase.Sagutin ang mga tanong: 1. Ano ang masasabi ninyo sa inyong iginuhit? 2. Ano naman ang inyong naramdaman habang iginuguhit ninyo ito? 3. Kung kayo ay patuloy na magiging matigas ang ulo at hindi isasapuso ang pag-recycle, ano pa kaya ang mas matinding problema na maaari nating maranasan dito sa Pilipinas at maging sa ibang bansa? Isapuso Natin Gawin ang isang personal na pagninilay kung bakit dapatisapuso ang pag-recycle. Kompletuhin ang bawat bilang sa ibaba.Gawin ito sa inyong kuwaderno. 1. Magsisimula na akong mag-recycle dahil alam kong ______ _____________________________________________. 2. Bago ako bumili ng isang bagay ____________________ _____________________________________________. 263
3. Tinutupi ko at __________________ ang mga tuyong karton para ________________________________________. 4. Kung hindi pa alam ng kapatid ko ang pag-recycle dapat ko _____________________________________________. 5. Ako ay palagi nang magre-recycle dahil _______________ _____________________________________________. Tandaan Natin Mula sa ating tahanan, paaralan o pamayanan man, angmga basura ay hindi maubos-ubos. Kung minsan ang mga ito ayumaapaw na sa mga basurahan. Maraming pagkakataon pa nanaitatapon na lamang ang mga ito nang sama-sama. Pero anonga ba talaga ang dapat gawin ng mga tao upang mabawasan angsobrang dami ng basura sa araw-araw? Natutuhan mo na sa mga naunang aralin ang kahalagahanng pagbubukod-bukod ng mga basura. Sumunod naman dito angkaalaman na ipinagbabawal ng batas ang pagsusunog ng mga ito.Ngunit ginagawa ba talaga ang pagbubukod-bukod ng basura, angpag-iwas sa pagsusunog at ang pag-recycle? Sa flyer na inihanda ng United Nations DevelopmentProgramme (UNDP) para sa Community-Based Ecological SolidWaste Management na isang programa sa ating bansa ay makikitanatin ang iba’t ibang paraan kung paano dapat i-segregate at ihandapara ma-recycle ang mga basura. 264
265
Maliwanag sa impormasyon kung paano ang pag-recycleng mga bagay, patapon man o hindi. Ito ay makatutulong upangmabawasan ang pagdami ng basura sa kapaligiran. Kapag ito aynaging praktis na ng bawat isa, ito ay isang magandang halimbawana maipamamana sa mga susunod na salinlahi. Kaya’t kumilos natayong lahat upang makatulong sa pagpapanatili ng kalinisan atkaayusan ng kapaligiran hindi lang sa ating bansa kundi pati na rinsa buong daigdig.Isabuhay NatinGawain 1 Pag-isipan at pagnilayan kung ano ang maaaring gawin kapagni-recycle ang sumusunod na kagamitan. Isaalang-alang ang mgaprodukto na maaaring magamit ng mga tao sa komunidad. Isulatang mga ito sa iyong kuwaderno. Mga Patapong Bagay Produkto na Puwedeng Magawamga plastik na bote Mula sa Patapong Bagaymga lumang diyaryo omagasinmga basyong lata ng gatasiba’t ibang tuyong kartonmga tuyong dahon 266
Gawain 2 1. Bumuo ng apat na pangkat. Magkaroon ng malalim na talakayan kung ano ang magandang idudulot ng pagre- recycle. 2. Gamit ang iba’t ibang estratehiya na nakalista sa ibaba, gumawa ng mga campaign materials para mapaigting ang kampanya sa pag-recycle ng basura na sisimulan ng inyong klase. • Patalastas • Awit • Slogan • Collage 3. Habang isinasagawa ang proyekto, ang ibang miyembro katulong ang inyong guro ay mag-uusap para sa gagawing kampanya sa loob ng paaralan. Subukin Natin 1. Gumawa ng isang proyekto gamit ang mga itatapon na ngunit kapaki-pakinabang na bagay na nakatala sa talahanayan. Bigyan ng pangalan ang proyektong gagawin at tema para rito. 267
Mga Mga Patapon/Kapaki- Proyekto/Tema Pangkat pakinabang na BagayUnang Halimbawa:PangkatIkalawang Mga lumang lata ng gatas, Garden sa LataPangkat sardinas, at iba paIkatlong Tema: BasyongPangkat Lata Man MayIkaapat na Pakinabang DinPangkat Mga lumang lata ng gatas, sardinas, at iba pa Mga papel o kartong papel Mga babasaging bote Mga plastik na bote o lalagyan 2. Bago magsimula sa paggawa, tandaan at gawin ang sumusunod: • iwasan ang paglalaro ng matutulis na kagamitan upang maiwasang makasakit ng kapuwa; • gumamit ng proteksiyon sa kamay • itabi ng mga gamit pagkatapos gamitin at iba pa. 3. Inaasahan ang pakikiisa ng bawat miyembro gayundin ang partisipasyon ng ilang magulang o nakatatanda na inimbita ng inyong guro. Binabati kita! Ipagpatuloy mo ang pag-recycle ng mga patapongbagay na makikita sa iyong paligid. Ikalat mo ang magandang dulotng gawaing ito. Maghanda ka na para sa susunod na aralin. 268
4 Edukasyonsa Pagpapakatao Kagamitan ng Mag-aaral Yunit 4 Ang aklat na ito ay magkatuwang na inihanda at sinuri ng mga edukador mula sa mga publiko at pribadong paaralan, kolehiyo, at / o unibersidad. Hinihikayat namin ang mga guro at ibang nasa larangan ng edukasyon na mag-email ng kanilang puna at mungkahi sa Kagawaran ng Edukasyon sa [email protected]. Mahalaga sa amin ang inyong mga puna at mungkahi. Kagawaran ng Edukasyon Republika ng Pilipinas i
Edukasyon sa Pagpapakatao – Ikaapat na BaitangKagamitan ng Mag-aaralUnang Edisyon, 2015ISBN: _____________ Paunawa hinggil sa karapatang-sipi. Isinasaad ng Seksiyon 176 ng BatasPambansa Bilang 8293: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anumangakda ng Pamahalaan ng Pilipinas. Gayon pa man, kailangan muna ang pahintulotng pamahalaan o tanggapan kung saan ginawa ang isang akda upang magamit sapagkakakitaan ang nasabing akda. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabingahensiya o tanggapan ay ang patawan ng bayad na royalty bilang kondisyon. Ang mga akda/materyales (mga kuwento, seleksyon, tula, awit, larawan, ngalanng produkto o brand names, tatak o trademarks, palabas sa telebisyon, pelikula, atbp.)na ginamit sa aklat na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagtibay ngisang kasunduan ng Kagawaran ng Edukasyon at Filipinas Copyright Licensing Society(FILCOLS), Inc. na ang FILCOLS ang kumakatawan sa paghiling ng pahintulot sanagmamay-ari ng mga akdang hiniram at ginamit dito. Hindi inaangkin ni kinakatawanng tagapaglathala (publisher) at mga may-akda ang karapatang-aring iyon.Inilathala ng Kagawaran ng EdukasyonKalihim: Br. Armin A. Luistro FSCPangalawang Kalihim: Dina S. Ocampo, PhD Mga Bumuo ng Kagamitan ng Mag-aaralConsultant: Fe A. Hidalgo, PhDMga Tagasuri at Editor: Irene C. de Robles, Erico M. Habijan, at Joselita B. GulapaMga Manunulat: Felamer E. Abac, Gina A. Amoyen, Jesusa M. Antiquiera, Henrieta A. Bringas, Grace R. Capati, Maria Carla M. Caraan, Rodel A. Castillo, Rolan B. Catapang, Isabel M. Gonzales, Noel S. Ortega, Marilou D. Pandiño, Adelaida M. Reyes, at Portia R. SorianoMga Tagaguhit: Eric S. de Guia, Fermin M. Febella Jr., at Randy G. MendozaMga Tagapagtala: Gregorio T. Pascual at Bryan R. Simara Mga Naglay-out: Gregorio T. Pascual at Elizabeth T. Soriao-UrbanoPunong Tagapangasiwa: Joselita B. GulapaPangalawang Tagapangasiwa: Marilou D. PandiñoInilimbag sa Pilipinas ng ____________Department of Education-Instructional Materials Council Secretariat (DepEd-IMCS)Office Address: 5th Floor, Mabini Bldg, DepEd Complex Meralco Avenue, Pasig City Philippines 1600Telefax: (02) 634-1054 at 634-1072E-mail Address: [email protected] ii
Paunang Salita Ang Kagamitan ng Mag-aaral na ito ay inihanda para sa iyo nanasa Ikaapat na Baitang upang makatulong sa iyong pag-aaral ngEdukasyon sa Pagpapakatao na isa sa mga asignatura sa K to 12.Layunin sa paggamit ng kagamitang ito na mapatnubayan ka upanghigit mong makilala ang iyong sarili, bahaging ginagampanan sapamilyang kinabibilangan, at pamayanang ginagalawan bilang isangPilipino na inaasahang makikibahagi sa pagbuo ng pamayanangpinaiiral ang katotohanan, kalayaan, katarungan, pagmamahal atpagmamalasakit. Ang iyong gulang, interes, at pangangailanganupang makaangkop sa kasalukuyang panahon ay isinaalang-alang sa pamamagitan nang masusing pagpili, pagsasaayos, atpaglalahad ng mga kuwento, sitwasyon, tula at awit na hinangosa pang-araw-araw na pangyayari at karanasan... Inaasahangkawiwilihan at palaging isasakatuparan bilang isang hamon angpag-unawa, pagninilay, pagsangguni, at pagpapasiya, at pagkilosbago gumawa ng desisyon na may kinalaman sa iyong pamumuhaybilang isang bata saan man naroroon. Ang kagamitang ito ay hinati sa apat na yunit na may apatna kuwarter ng pag-aaral sa loob ng isang taon ang Kagamitan saPag-aaral.Yunit I - Pananagutang Pansarili at Pagiging Mabuting Kasapi ng PamilyaYunit II - Pakikipagkapuwa-taoYunit III - Pagmamahal sa Bansa at Pakikibahagi sa Pandaigdigang PagkakaisaYunit IV - Pananalig at Pagmamahal sa Diyos: Paninindigan sa Kabutihan iii
Katulad sa una, ikalawa at ikatlong baitang ginagamit atnasundan mo sa pamatnubay ng iyong guro ang mga hakbangat proseso sa paggamit ng Kagamitan ng Mag-aaral at iba pangkaranasan sa paglinang ng pagpapahalaga. Muli, gagabayan kang iyong guro sa mga prosesong gagamitin sa pagsasagawa ngmungkahing mga Gawain na maaaring pang-indibidwal o pangkatan.Ginamit upang maging makahulugan ang mga sumusunod nahakbang o Gawain sa pagkatuto: Alamin Natin, Isagawa Natin,Isapuso Natin, Tandaan Natin, Isabuhay Natin at Subukin Natin. Sa pagtatapos sa Ikaapat na Baitang, inaasahangmaipapamalas mo ang pag-unawa sa makabuluhang gawain namay kaakibat na pagpapahalaga tungo sa wasto, maayos, masayaat mapayapang pamumuhay para sa sarili, kapuwa, bansa, at Diyos. iv
Talaan ng NilalamanYunit IV Pananalig at Pagmamahal sa Diyos: Paninindigan sa Kabutihan ……………….....................……. 269 Aralin 1 Buhay na Mula sa Diyos, Pahalagahan ………... 270 Aralin 2 Pagpapahalaga sa Kapuwa, Pagmamahal sa Maylikha ………………………...………..... 281 Aralin 3 Pamilya Tungo sa Isang Mapayapang Komunidad …………………………...…….… 289 Aralin 4 Mga Hayop na Ligaw at Endangered, Kalingain at Alagaan .………………………..….. 298 Aralin 5 Halamanan sa Kapaligiran, Presensiya ng Pagmamahal ng Maykapal …………….….…… 308 Aralin 6 Pangangalaga sa Kapaligiran, Tanda ng Paggalang sa Diyos na Lumikha ……..……….. 319 Aralin 7 Mga Biyaya ng Kalikasan, Dapat na Pahalagahan ....………………………..........…….. 327 Aralin 8 Mga Yamang Likas, Ating Alagaan....…..…..…….. 334 Aralin 9 Mga Kagamitang Gawa ng Tao, Iniingatan Ko! .... 343 vi
Yunit IVPananalig at Pagmamahal sa Diyos: Paninindigan sa Kabutihan 269
Aralin 1 Buhay na Mula sa Diyos, Pahalagahan Ang ating buhay ay ipinagkaloob sa atin ng Diyos. Paano mo ito pinahahalagahan? Ang pagpapahalagang ito ang nagpapakita ng kaibahan ng tao sa hayop na parehong nilalang ng Diyos. Alamin NatinBasahin at unawain ang maikling salaysay ni Adrian. “Alam Ko Na!” Noon, madalas akong kumain ng fries at uminom ng softdrinkstuwing recess. Sa pananghalian, pritong manok o kaya’y sinigang nababoy lamang ang gusto kong kainin. Ayaw na ayaw kong makakitang ampalaya, kalabasa, kangkong, o anumang gulay. Mas nanaisinko pang kumain ng tsokolate mula sa refrigerator kaysa kumain ngsaging o atis. 270
Madalas ay nanonood lamang ako ng telebisyon o naglalarong computer games. Mahilig din akong magbabad sa harap ng laptopat mag-upload ng selfie pictures sa Facebook o makipag-text samga kaibigan. Madalas, puyat, pero ayos lang sa akin, ikinatutuwaat masaya naman ako sa ginagawa ko. Ilang panahon ang lumipas, napansin ko na bumibigat angaking timbang. Ako’y nagtataka. Bakit ako nanghihina gayongmalakas naman akong kumain? Bakit madalas sumasakit ang akingmga mata? Parang kinakailangan ko nang gumamit ng salamindahil lumalabo na ang aking paningin. Madalas ay nagkakasakitako. Laging bugnutin at umikli ang aking pasensiya. Ang akingmga kaibigan, kamag-aral at pamilya ay napansin ang pagbabagong aking ugali. Dahil sa mga pagbabagong ito ay bumaba ang aking grado.Iniiwasan din ako ng aking mga kamag-aral at kaibigan dahil madaliakong mapikon sa mga biro na naging sanhi ng aking pagigingbugnutin. Nanibago ako sa mga nangyayari. Napagtanto kong hindi itoang gusto ko. Hindi rin ito ang pinangarap ko. Tandang-tanda ko pa ang pangaral ni Inay at ni Itay. “Anak,ingatan mo ang iyong sarili. Handog ito sa iyo ng Diyos. Ang bawathandog ng Diyos ay may kaakibat na pananagutan.” “Tama si Inay at si Itay,” wika ko sa aking sarili.Sagutin ang mga tanong: 1. Ano-ano ang paboritong kainin at madalas gawin ni Adrian? Itala ang mga ito. 271
2. Paano nakaapekto ang mga ito sa kaniyang: a. ugali b. kalusugan c. pakikipagkapuwa-tao3. Kung ipagpapatuloy ni Adrian ang ganitong gawi, ano kaya ang magiging epekto nito sa kaniyang: a. sarili b. kapuwa c. relasyon sa Diyos4. Ipaliwanag ang linyang ito: “Anak, ingatan mo ang iyong sarili. Handog ito sa iyo ng Diyos. Ang bawat handog ng Diyos ay may kaakibat na responsibilidad at pananagutan.”Isagawa NatinGawain 1 Basahin ang mga sitwasyon sa unang hanay. Sa ikalawanghanay, lagyan ng tsek (ü) kung ito ay ginagawa mo at ekis (û) kunghindi. Sa ikatlong hanay naman ay ipaliwanag ang dahilan ng iyongmga sagot. Gawin ito sa iyong kuwaderno.Sitwasyon PoO PaliwanagNag-eehersisyo ako araw-arawNaghuhugas ako ng paapagkahubad ng sapatos 272
Sitwasyon PoO PaliwanagNagpapahinga akopagkatapos ng pagdidiligng mga halamanNaliligo ako pagkataposmaglaro ng basketballMadalas akong kumakainng hotdog, tocino, atbarbecueGawain 2 Basahin ang mga slogan na nasa ibaba. Ang mga ito aytungkol sa kahalagahan ng pangangalaga sa sarili. Unawain ito.Gumawa ng pangkatang slogan upang itaguyod ang malusog naestilo ng pamumuhay. Isulat ito sa bond paper. Maaaring gumawang sariling slogan. Maging malikhain sa paggawa nito. Kumain ng gulay upang Kalusugan ay ingatan, humaba ang buhay. sakit ay iwasan. Prutas at gulay ay kainin, Mag-ehersisyo araw-araw,sustansiya ang laging isipin, upang katawan malusog na katawan ay maigalaw-galaw. ang aanihin. Ipaskil ito sa isang bahagi ng inyong paaralan na makikita ngmga mag-aaral para sa gagawing gallery walk. Kumuha ng mgareaksiyon mula sa mga mag-aaral hinggil sa mga slogan. 273
Isapuso Natin Ano-ano ang mga inaasahang ginagawa ng iba’t ibang bahaging ating katawan? Pag-aralan ang ipinahihiwatig na mensahe sa bawat larawan.Dugtungan ang mga lipon ng mga salita upang makabuo ng isangpahayag na nagpapakita ng pagpapahalaga at pangangalaga saiba’t ibang bahagi ng iyong katawan. Gawin ito sa iyong kuwaderno. May mga mata ako upang _____________________ ____________________. Dahil dito dapat kong _____________________ ____________________. May mga tainga ako upang _____________________ ____________________. Dahil dito dapat kong _____________________ ____________________. 274
May puso ako upang _____________________ ____________________. Dahil dito dapat kong _____________________ ____________________.May mga kamay ako upang_________________________________________.Dahil dito dapat kong_________________________________________. May bibig ako upang _____________________ ____________________. Dahil dito dapat kong _____________________ ____________________. 275
Sagutin ang sumusunod na tanong: 1. Bukod sa paningin, ano pa ang gamit ng ating mga mata? Patunayan. 2. Sa pakikinig lamang ba sa nagsasalita ginagamit ang ating tainga? Pangatwiranan. 3. Ang ating pamilya, kaibigan, kamag-aral, at mga taong malapit sa atin lamang ba ang puwede nating mahalin? Bakit? 4. Saan pa maaaring gamitin ang ating mga kamay bukod sa paghawak ng mga bagay-bagay? Ipaliwanag. 5. Bukod sa pagnguya, ano pa ang gamit ng ating bibig at mga ngipin? Tandaan Natin Biyaya ng Diyos ang pagpapahalaga natin sa kalusugan ngating katawan at isipan. Ito ay nagbibigay-daan upang malinang saatin ang ugaling kumain ng tamang pagkain at magkaroon ng sapatna oras sa pagtulog, pamamahinga at ehersisyo. Gayundin angpagiging malinis at maayos sa ating mga sarili. Lagi nating tandaanna “Ang kalusugan ay kayamanan”. Sinuman at lalo’t higit ang Diyosay magiging masaya kung inaalagan natin ang ating kalusugan atpangangatawan. Isa sa mga kasiyahan ng batang malusog ay ang pagpapamalasng kasiglahan at tiwala sa sarili. 276
Bilang nilalang ng Diyos, may mga misyon tayo sa mundona kinakailangang gampanan. Inaasahan Niyang mapalago natinat mapangalagaan ang lahat na Kaniyang nilikha. Hindi natinmagagawa ang misyong ito kapag madalas tayong magkasakit atwalang kapayapaan sa ating buhay. Handog ng Diyos ang ating buhay. Marapat lamang na atinitong ingatan at pahalagahan para sa sarili natin at para sa iba nanagmamahal sa atin. Paano mo nga ba mapahahalagahan ang iyong buhay? 1. Alam mong masama sa iyo ang matatamis na pagkain, kakain ka pa ba nito? 2. Basang-basa ka ng pawis. Paano mo maipakikita ang pag- iingat upang hindi ka magkasakit? 3. Papaalis ka ng bahay. Napansin mong umaambon na. Ano ang dapat mong gawin? Pag-isipan mong mabuti. Tandaan natin na mahal tayo ng Diyos kaya inaasahan Niyangaalagaan natin ang ating sarili bilang tanda ng pasasalamat natinsa buhay na kaloob. 277
Isabuhay NatinA. Paano mo maipakikita na ikaw ay isang nilikhang may mapayapang kalooban? Ilagay ang iyong mga sagot sa iyong kuwaderno gamit ang graphic organizer sa ibaba. Halimbawa: Ginagamit ko ang aking dila sa pamamagitan ng mahusay na pagsasalita na nagpapakita ng mapayapang kalooban. Ako Bilang May Payapang KaloobanB. Gumawa ng isang pangako o resolusyon na nagpapahayag ng mga gagawin upang matamo ang kapayapaang panloob. Gawing gabay ang nasa kabilang pahina. 278
Pangako Ko, Tutuparin Ko Ako, ______________________ bilang isang nilikha ng Diyos ay nangangakong _____________ simula ________________. Upang ________________. Naniniwala ako na ______________ dahil ____________. ________________ LagdaC. Maaari ding magdikit ng mga larawan sa gagawin mong pangako. Ipaskil ito sa isang lugar sa inyong bahay na madalas mong makita upang laging magpaalala sa iyo sa pangakong ginawa. Subukin Natin1. Pumili ng isa sa mga gawain mula sa A, B, C.A. Buuin ang talahanayan para sa isang malusog at payapang ikaw. Sumulat ng isang halimbawa sa bawat hanay. Gawin ito sa iyong kuwaderno. Gagawin Dahilan Kahihinatnan Pangakong HindiHalimbawa: na GagawinHindi ako Nakasasakit Magkakaroon Hindi na akomagmumura ako ng ako ng magmumura o kaaway magsasalita ng kapuwa masama 279
Search
Read the Text Version
- 1
- 2
- 3
- 4
- 5
- 6
- 7
- 8
- 9
- 10
- 11
- 12
- 13
- 14
- 15
- 16
- 17
- 18
- 19
- 20
- 21
- 22
- 23
- 24
- 25
- 26
- 27
- 28
- 29
- 30
- 31
- 32
- 33
- 34
- 35
- 36
- 37
- 38
- 39
- 40
- 41
- 42
- 43
- 44
- 45
- 46
- 47
- 48
- 49
- 50
- 51
- 52
- 53
- 54
- 55
- 56
- 57
- 58
- 59
- 60
- 61
- 62
- 63
- 64
- 65
- 66
- 67
- 68
- 69
- 70
- 71
- 72
- 73
- 74
- 75
- 76
- 77
- 78
- 79
- 80
- 81
- 82
- 83
- 84
- 85
- 86
- 87
- 88
- 89
- 90
- 91
- 92
- 93
- 94
- 95
- 96
- 97
- 98
- 99
- 100
- 101
- 102
- 103
- 104
- 105
- 106
- 107
- 108
- 109
- 110
- 111
- 112
- 113
- 114
- 115
- 116
- 117
- 118
- 119
- 120
- 121
- 122
- 123
- 124
- 125
- 126
- 127
- 128
- 129
- 130
- 131
- 132
- 133
- 134
- 135
- 136
- 137
- 138
- 139
- 140
- 141
- 142
- 143
- 144
- 145
- 146
- 147
- 148
- 149
- 150
- 151
- 152
- 153
- 154
- 155
- 156
- 157
- 158
- 159
- 160
- 161
- 162
- 163
- 164
- 165
- 166
- 167
- 168
- 169
- 170
- 171
- 172
- 173
- 174
- 175
- 176
- 177
- 178
- 179
- 180
- 181
- 182
- 183
- 184
- 185
- 186
- 187
- 188
- 189
- 190
- 191
- 192
- 193
- 194
- 195
- 196
- 197
- 198
- 199
- 200
- 201
- 202
- 203
- 204
- 205
- 206
- 207
- 208
- 209
- 210
- 211
- 212
- 213
- 214
- 215
- 216
- 217
- 218
- 219
- 220
- 221
- 222
- 223
- 224
- 225
- 226
- 227
- 228
- 229
- 230
- 231
- 232
- 233
- 234
- 235
- 236
- 237
- 238
- 239
- 240
- 241
- 242
- 243
- 244
- 245
- 246
- 247
- 248
- 249
- 250
- 251
- 252
- 253
- 254
- 255
- 256
- 257
- 258
- 259
- 260
- 261
- 262
- 263
- 264
- 265
- 266
- 267
- 268
- 269
- 270
- 271
- 272
- 273
- 274
- 275
- 276
- 277
- 278
- 279
- 280
- 281
- 282
- 283
- 284
- 285
- 286
- 287
- 288
- 289
- 290
- 291
- 292
- 293
- 294
- 295
- 296
- 297
- 298
- 299
- 300
- 301
- 302
- 303
- 304
- 305
- 306
- 307
- 308
- 309
- 310
- 311
- 312
- 313
- 314
- 315
- 316
- 317
- 318
- 319
- 320
- 321
- 322
- 323
- 324
- 325
- 326
- 327
- 328
- 329
- 330
- 331
- 332
- 333
- 334
- 335
- 336
- 337
- 338
- 339
- 340
- 341
- 342
- 343
- 344
- 345
- 346
- 347
- 348
- 349
- 350
- 351
- 352
- 353
- 354
- 355
- 356
- 357
- 358
- 359
- 360
- 361
- 362
- 363
- 364
- 365
- 366
- 367
- 368
- 369
- 370
- 371