Aralin 6 Impormasyon: Bahagi at Instrumento sa Aking Pagkakatuto Isang malaking bahagi ang teknolohiya upang mas maayos na maipakita ang mga aralin na itinuturo sa loob ng klase. Sa loob lamang ng ilang dekada, ang computer naman ay naging pangunahing kagamitan para sa pagtuturo sa ika-21 na siglo. Kailan ka huling gumamit ng teknolohiya sa tulong ng iyong guro? Alamin NatinBasahin ang nasa ibaba. Internet: For Better or For Worse (Nakabubuti o Nakasasama) Ang pagtuklas ng katotohanan ay nagiging mas mabisa lalona kung ito ay ginagamitan ng pananaliksik. Sa tulong ng internet,isang pindot mo lang sa computer ay makikita mo na ang gustomong malaman. Gayunpaman, dapat tayong maging mapanuri saating mga pinapasok na site o blogsite sa internet. Upang magamit natin nang tama ang internet, kailangannating malaman ang mga salitang dito ay umuugnay. Makikita sa ilustrasyon ang mga halo-letra na nakalagay saloob ng kahon. Ayusin ang mga letrang ito upang makabuo ng mgasalita na may kaugnayan sa internet at teknolohiya. Isulat ang sagotsa iyong kuwaderno. 45
8. netertin7. koafboce 5. legogo1. pewabge 6. oyu etub4. ttertwi 3. ailm-e 2. biteslog Narito ang mga clue upang mas lalo kang magabayan sa iyongpaglalaro: 1. Pahina sa internet na makatutulong sa impormasyon. 2. Karaniwang pinananatili ng isang indibidwal na may regular na mga entry ng mga komentaryo, ang paglalarawan ng mga pangyayari, o iba pang materyales tulad ng mga graphic o video. 3. Modernong pagpapadala ng liham. 46
4. Isang social networking at microblogging na serbisyo na nagbibigay-kakayahan sa gumagamit nito na magpadala at basahin ang mga mensahe na kilala bilang mga tweets. 5. Isang uri ng website na maaaring gamitin sa pananaliksik. 6. Ang magkakabit na mga computer network na maaaring gamitin ng mga tao sa buong mundo. 7. Maaaring magdagdag din ng mga kaibigan at magpadala ng mensahe sa kanila, at baguhin ang kanilang sariling sanaysay upang ipagbigay-alam sa kanilang mga kaibigan ang tungkol sa kanilang sarili. 8. Isang uri ng website na maaaring gamitin upang makapanood ng video o palabas.Sagutin ang mga tanong: 1. Tungkol saan ang mga nabuo mong salita? 2. Alin sa mga ito ang nakatulong sa iyo sa paghahanap ng kasagutan sa iyong mga naiisip na opinyon? Magbigay ng halimbawa. 3. Kung wala ang internet, paano ka kaya makahahanap ng kasagutan sa mga tanong mula sa iba’t ibang asignatura? 4. Nakaapekto ba ang teknolohiya sa iyong pang-araw-araw na pamumuhay? Pangatwiranan. 5. Pumili ng babasahin sa internet. Suriin ang balangkas, nilalalaman, at mensahe nito. 47
Isagawa NatinGawain 1 Sa loob ng mga hugis na bilog sa ibaba magtala ng mganaidudulot ng internet sa iyo bilang mag-aaral. Gawin ito sa isangmalinis na papel. Halimbawa: Isports – dahil sa internet ay nalalaman ko kung nanalo ba o natalo ang paborito kong koponan sa basketball. 48
Gawain 2Pangkatang Gawain 1. Bumuo ng limang pangkat. Pumili ng lider at taga-ulat para sa bawat pangkat. 2. Gumuhit ng dalawang malaking computer. 3. Itala sa loob ng iginuhit na computer ang pinagsama-sama ninyong ideya at opinyon tungkol sa epekto ng paggamit ng internet. 4. Sa unang computer itala ang positibong epekto at sa pangalawa namang computer ay ang negatibong epekto nito. Gawin ito sa kuwaderno.Positibong Epekto Negatibong EpektoSagutin ang tanong: “Nakaapekto ba nang malaki ang internet sa iyong buhaybilang mag-aaral?” Pangatwiranan. 49
Isapuso Natin Sa paggamit ng internet, nasa anong lebel mo maikakategoryaang iyong sarili sa pagtuklas ng katotohanan? Kategorya 1-2 Hindi Mahusay 3-4 Medyo Mahusay 5-6 Mahusay 7-8 Mahusay na mahusay Sa iyong sagot, masasabi mo bang hindi ka umabuso sapaggamit ng internet? Suriin ang sarili batay sa lebel o antas nakinalalagyan. Ipaliwanag. 50
Tandaan Natin Tunay na napakahalaga ng paggamit ng internet o teknolohiyasapagkat napapadali ang mga gagawing pananaliksik lalong-lalo nasa mga mag-aaral na naghahanap ng kalutasan sa mga naibigayna takdang-aralin: paggawa ng pagsasaliksik, ulat-pasalaysayat marami pang iba. Sa pamamagitan na lamang ng pag-browsesa internet, napagagaan ang kanilang gawain at natututo rin angmag-aaral na mapalawak ang kaalaman sa larangan ng anumangdisiplina. Malaki ang epekto sa atin ng internet. Subalit hindi lahat ngating nababasa sa internet ay totoo at tama. Kailangang magingmapanuri sa mga binabasa o pinupuntahang sites. Marami ringsites na nagbibigay ng kalaswaan at karahasan. Masasabi natin na malaking tulong ang teknolohiya sa pag-unlad ng iba’t ibang aspekto ng kaalaman at edukasyon. Subalitkailangan nating tandaan na nararapat nating gamitin ito nangwasto. Huwag nating hayaan ang ating mga sarili na abusuhin angteknolohiya. Maaaring makapagdulot ito ng mga masamang epektosa atin kapag ito ay hindi ginamit sa tamang paraan. Isabuhay Natin 51
Panalangin ng Isang Netizen Panginoon, lubos po kaming nagpapasalamat sa katalinuhanginilaan po ninyo sa amin. Sa naiimbento naming mga materyal nakagamitan gaya ng computer at internet, kami’y inyong gabayan.Buksan mo po ang aming mga mata para sa tamang makikita. Ilayopo ninyo kami sa tukso ng malalaswang panoorin. Gayundin angaming mga tainga sa aming naririnig sa mga blog sites, laro sainternet na nakapipinsala sa amin. Linisin mo po ang aming isipan sa mga bagay na nakagugulodala ng makabagong teknolohiya. Basbasan mo po ang amingpuso para maiproseso namin ang mabuti at masamang epekto nginternet at social networking sites. Panginoon, gawin mo kaming mabuting netizen na maypagmamahal sa katotohanan at may pagtataguyod sa tamangpaggamit ng bagong likhang kagamitan. Amen. Subukin Natin Lagyan ng salitang Nakabubuti ang mga gawain nanagpapakita ng nakabubuti sa paggamit ng internet. HindiNakabubuti naman kung ito ay nakasasama. Isulat ang sagot saiyong kuwaderno._______1. Nakapagsasaliksik sa agham at teknolohiya para sa takdang-aralin. 52
_______2. Nakapaglalaro sa internet ng barilan at patayan ng mga zombies._______3. Nakapapasok sa mga sites na may malalaswang panoorin._______4. Nakagagawa ng blog site tungkol sa ganda ng Sorsogon at iba pang magagandang lugar sa Pilipinas na napuntahan._______5. Nakakapag-upload ng mga batang nagsusuntukan sa YouTube._______6. Nakapagbabasa ng mga e-mail na may katuturan sa buhay ng simpleng mag-aaral na Pilipino._______7. Nakakapag-chat ng malalaswang salita sa Skype._______8. Nakakapag-Facebook nang magdamag._______9. Nakapaglalagay ng mensahe sa Instagram tungkol sa mga hinaing sa pamumuno ng isang opisyal._______10. Nabibigyan ng impormasyon ang mga kaibigan tungkol sa paggawa ng loombands galing sa internet. Magaling! Tagumpay mong naipakita ang iyong pagmamahalsa katotohanan. Patuloy mo itong paunlarin. Sapagkat natapos mo nang may pagmamahal sa katotohananang araling ito, ngayon ay handa ka na sa susunod na hamon ngaralin. Galingan mo pa! 53
Aralin 7 Aking Tutularan: Pagiging Mapagpasensiya Nais mo bang maging isang batang mapagpasensiya? Naranasan mo na bang magbigay ng pagkakataon sa iba dahil sa isang hindi inaasahang pagkakataon? Paano mo matatamo ang ugaling ito? Alamin NatinBasahin at unawain ang kuwentong ito. Si Rolando ay isang masigasig at masipag na bata. Angkaniyang ama ay isang tricycle driver samantalang ang kaniyangina ay nasa bahay lamang. Hindi sapat ang kita ng kaniyang amapara sa kanilang pang-araw-araw na pangangailangan. Si Rolando ay panganay sa apat na magkakapatid kaya naisipniyang tulungan sa paghahanapbuhay ang kaniyang ama para maymakain sila sa araw-araw. 54
Hindi na siya nakapagpatuloy ng pag-aaral sa sekondarya.Nagtinda siya ng kendi, tubig, at kung ano-ano pa. Kapag ubos naang kaniyang paninda, nagsa-shine naman siya ng sapatos. Gustong-gusto sana niyang makatapos ng pag-aaral ngunitnakiusap ang kaniyang ama at sinabi, “Magpasensiya ka na, anak.Unahin na muna natin ang pag-aaral ng dalawa mong kapatid.Kapag may naipon na tayong sapat na pera saka mo na ipagpatuloyang iyong pag-aaral.” Sumagot si Rolando, “Huwag po kayong mag-alala, Ama, naiintindihan ko po. Alam ko na may awa rin ang Diyossa ating pamilya.” Pinagpasiyahan ni Rolando na ipagpatuloy ang pagtatrabahoat pagtulong sa pamilya. Hindi siya gumagastos kung hindi kailangan.Unti-unti siyang nakaipon dahil sa kaniyang pagtitipid. Nagtiis siyasa lahat ng pagkakataon hanggang sa siya ay makaipon. Minsan, may nakapagsabi sa kaniya na may programaang Department of Education (DepEd) na Distance Learning. Saprogramang ito, makapag-aaral ang isang bata kahit hindi pormal napumapasok sa paaralan. Agad siyang nagpalista rito at nagsimulasiyang makapag-aaral sa sekondarya. Hindi naglaon ay nakataposdin siya ng pag-aaral. Tuwang-tuwa ang kaniyang mga magulangsa ipinakita niyang pagtitiis, tiyaga, at pagsisikap para makatapossa pag-aaral. Sinabi niya sa kaniyang sarili, “Magsisikap pa akopara makapagtapos ng kolehiyo.”Sagutin ang mga tanong. 1. Tukuyin ang mga katangiang ipinakita ni Rolando. Kahanga- hanga ba ang kanyang ginawa? Patunayan. 55
2. Papaano niya tinulungan ang kaniyang ama? Ikuwento ito sa klase nang may paghanga sa ginawa ni Rolando. 3. Masasabi mo bang mapagpasensiya ang batang si Rolando? Basahin ang bahagi mula sa kuwento na nagpapakita ng kaniyang pagtitis at pagpapasensiya. 4. Kung ikaw si Rolando, paano mo maipakikita ang pagiging mapagpasensiya at maparaan? 5. Ipaliwanag na kakambal ng pagiging mapagpasensiya ang pagtitiis at pagtitiyaga. Isagawa NatinGawain 1 1. Magpangkat sa tatlo. 2. Bawat miyembro ng pangkat ay humanay nang dala-dalawa. Maghawak-kamay at pagdikitin ang tig-isang paa. 56
3. Magtalaga ng isang mag-aaral na magsisilbing poste ng bawat pangkat. 4. Mag-uunahang lumakad at umikot ang bawat pareha ng bawat pangkat sa kanilang poste na magkadikit ang paa at hindi magbibitiw ng kamay. 5. Ang huling pareha na makabalik ay bubunot ng papel sa kahong inihanda ng guro. Nakasulat sa papel ang sitwasyong inyong babasahin at sasagutin. Halimbawa ng sitwasyon: May usapan kayo ng kaibigan mo na maglalaro sa plasa subalit hindi ka pinayagan ng iyong Tatay na lumabas ng bahay dahil umaambon. Ano ang gagawin mo?Gawain 2 1. Bawat pangkat ay bibigyang muli ng guro ng mga sitwasyon na susuriin. 2. Gumawa ng isang maikling dula-dulaan tungkol sa sitwasyong nakuha ng pangkat. 3. Ang inyong gagawin ay susukatin gamit ang pamantayan. 4. Sa pagtatapos ng dula-dulaan, tukuyin kung anong pagpapahalaga ang dapat taglayin ng isang mag-aaral kung sakaling magkakaroon ng ganoong karanasan. 57
Pamantayan 3 2 1Pagsusuring Nasuri nang Nasuri nang Nasuri angginawa maayos ang maayos ang sitwasyon at sitwasyon sitwasyon naipakita angPagpapahalaga at naipakita at naipakita dapat gawin ang tamang ang dapatKooperasyon paraan na gawin dapat gawin Natukoy at Natukoy Natukoy ang naipaliwanag at naipali- pagpapa- ang tamang wanag ang halaga na pagpapa- papahalaga ipinakita sa halaga na na ipinakita dula-dulaan ipinakita sa sa dula- dula-dulaan dulaan 3 miyembro Lahat ng 1o2 ng pangkat miyembro ng miyembro o higit pa ay pangkat ay ng pangkat hindi nakiisa nakiisa sa ay hindi sa gawain gawain nakiisa sa gawain Isapuso Natin Mula sa mga nakaraang gawain, pagnilayan kung ano angtumimo sa inyong mga puso. Isulat ito sa inyong reflection booklet.Gamitin ang sumusunod na tanong bilang gabay: 1. Naipakita ko na ba ang ugaling mapagpasensiya? 2. Kung hindi, ano ang aking nararamdaman? 58
3. Kaya ko ba itong magawa sa ngayon? 4. Paano ko ito dapat isagawa? Tandaan Natin Pasensiya. Salitang palaging namumutawi sa bibig ng mgaPilipino. Ang pagiging mapagpasensiya ay isang mabuting pag-uugali. Kasama sa pagpapasensiya ang pagtitiis at pagtitimpi.Madaling makamtam ang ating mithiin at pangarap sa buhay kungtayo ay marunong magpasensiya. Sa pag-uugaling ito, makikitanatin ang kahalagahan ng tamang panahon, tamang oras at tamangpagkakataon. Sinasabi ng matatanda na ang mga taong walangpasensiya at palaging nagmamadali ay kadalasang nagkakaroonng problema sa buhay. May mga taong nakilala dahil sa kanilang pagigingmapagpasensiya. Sila ay umunlad sa napili nilang larangan. Tuladng bayaning si Andres Bonifacio na naging mapagpasensiya. Dahilsa maagang pagkamatay ng kanilang mga magulang ay nahintosiya sa pag-aaral sa edad na labing-apat. Gumawa siya ng kahoyna baston at pamaypay na papel na kaniyang itininda sa lansanganupang maging pantustos sa pangangailangan nilang magkakapatid.Kahit hindi siya nakapagtapos ng pag-aaral ay sinikap pa rin niyangpaghusayin ang kaniyang kaalaman sa pamamagitan ng pagbabasang mga aklat. Tulad ni Andres Bonifacio, marami pang ibang tao na bago nilanarating ang kanilang kinalalagyang estado sa ngayon ay nagingmapagpasensiya sila sa mga naranasang paghihirap sa buhay. 59
Isabuhay NatinGumawa ng isang commitment booklet sa iyong kuwaderno. 1. Hatiin sa dalawang bahagi ang tigkabilang booklet tulad ng halimbawa sa ibaba. 2. Ang kaliwang bahagi ay sasagutan mo at ang nasa kanang bahagi naman ay para sa iyong magulang o kahit sinong miyembro ng iyong pamilya. 3. Bawat hanay ay susulatan mo at ng iyong kapamilya ng tig- lilimang sitwasyon ayon sa hinihingi ng booklet.Ako ay naging … Ang aking anak ay naging …Mapagpasensiya Dahil sa . . Mapagpasensiya Dahil sa . . . sa . . . sa . . .1.2.3.4.5. 60
Subukin Natin Lagyan ng tsek (ü) ang bilang na nagsasaad ng pagigingmapagpasensiya at ekis (û) kung hindi. Isulat ang sagot sa sagutangpapel.______ 1. Matiyagang naghihintay ng pagkakataon.______ 2. Laging nagmamadali sa ano mang gawain.______ 3. Patuloy na nakikinig sa guro maski maingay ang mga kaklase.______ 4. Hindi sumisingit sa pila sa pagbili ng pagkain sa kantina.______ 5. Mahilig magreklamo kung inuutusan ng nanay na tumulong sa mga gawaing-bahay. Ngayong natamo mo na ang kaalaman sa pagigingmapagpasensiya, isagawa mo ito para lalo kang pagpalain. Sapagkat alam mo na ang pagpapahalagang ito ay maaari kanang tumuloy sa susunod na aralin. 61
Aralin 8 Pagtitimpi, Pinahahalagahang Ugali Naranasan mo na bang tuksuhin o manukso ng kapuwa mo mag- aaral? Kung ikaw naman ay palaging tinutukso ng iyong mga kalaro o kaklase, madali ka bang mainis o magtampo? Magkaroon ng masusing pagsusuri sa mga gawaing tinatalakay sa araling ito. Alamin NatinBasahin ang kuwento. Sally, Batang Mapagtimpi Buwan ng Agosto. Ang mga mag-aaral ay naghahanda ngisang palatuntunan upang ipakita kung paano maipagmamalakiang sariling wika. 62
Isang umaga, ibinalita ni Bb. Susan Cruz sa kaniyang mgamag-aaral na Pangkat Rosas ang tungkol sa gaganaping dula-dulaan. “Mga bata, magkakaroon tayo ng palatuntunan tungkol sapagpapahalaga sa sariling wika. Tayo ay magpapakita ng isangdula-dulaan. Pipili ako ng mga gaganap,” wika ng guro. Tuwang-tuwa ang mga bata. Sabay-sabay silang nagsabi ngkanilang interes para gumanap sa dula-dulaan. “Puwede po ba ako,Ma’am? Maganda po ang boses ko. Maaari po akong kumanta,”ang sabi ni Romeo. “Ako po ay marunong sumayaw,” sabi namanni Haydee. “Ma’am, sanay po akong sumulat ng script,” ang buongpagmamalaking sabi ni Roy. “Lalo po ako, nakababasa nang maydamdamin,” dagdag ni Rommel. “Bb. Cruz, magaling po ako sadrama,” ang sabi ni Sally. Biglang may nagsalita na kaklase mula sa bandang likuran.“Ma’am, huwag po ninyong piliin si Sally. Hindi po siya sanaymagsalita ng Filipino.” Sabay-sabay na nagsipagsalita ang mgabata, “Inglisera, inglisera!” Gustong-gusto nang magalit ni Sally at magbitiw ng masasakitna salita ngunit naalala niya ang palaging tagubilin ng kaniyangmga magulang, “Huwag kang maiinis o magagalit kapag ikaw aytinutukso. Magtimpi ka sa iyong sarili para wala kang kaaway.” Kayanapag-isip-isip ni Sally na dapat niyang gawin ang tamang bilin ngkaniyang magulang. Hindi nakatiis si Bb. Cruz. Pinangaralan niya ang mga mag-aaral. Sinabi niya na dapat pamarisan si Sally sapagkat siya aynaging mapagtimpi. Hindi siya nagalit o nainis nang siya ay tuksuhinng mga kamag-aral. 63
Sagutin ang sumusunod: 1. Isa-isahin ang mga kaganapan sa paaralan kung bakit tuwang-tuwa ang mga bata sa kuwento. 2. Sino ang bata na naging tampulan ng tukso sa kuwento? Bakit? 3. Ano ang reaksiyon ng mga kaklase sa naisin ni Sally? 4. Papaano tinanggap ni Sally ang pangyayari? Bakit? 5. Patunayan ang malaking tulong ng nanay ni Sally sa kaniyang pag-uugali. 6. Ano ang ipinangaral ni Bb. Cruz sa kaniyang mga mag- aaral? 7. Kung ikaw si Sally, ano ang iyong gagawin kung tinutukso ka ng iyong kaklase? Isagawa NatinGawain 1 Ibigay at ipahayag ang iyong reaksiyon sa sumusunod nasitwasyon sa pamamagitan ng pagsulat ng sagot sa kuwaderno. 1. Naglalaro ng holen sina Rudolf at Rey. Natalo si Rey kaya siya ay nagsalita ng masama. Kung ikaw si Rudolf, ano ang gagawin mo? 64
2. Pinagbilinan ka ng iyong ina na huwag kang makipagkaibigan sa batang mahilig makipag-away. Ano ang iyong gagawin? Bakit?3. Mayroon kayong ginagawang proyekto sa MAPEH. Ang isa sa iyong kaklase na kasali sa inyong pangkat ay hindi nakikiisa sa inyong gawain. Kailangang matapos agad ang inyong pangkatang gawain. Nagkataon na ikaw ang lider ng pangkat. Paano mo maipakikita ang iyong pagtitimpi?Gawain 2 1. Basahin at unawain ang kasabihan sa ibaba. \"Ang batang marunong magtimpi ay palaging masaya at palangiti.\"2. Bumuo ng tatlong pangkat. Bawat pangkat ay bubunot ng kanilang gawain na tulad ng sumusunod:Unang Pangkat - Gagawa ng isang mosaic- slogan ang mga mag-aaral tungkol sa nasabing kasabihan.Pangalawang Pangkat - Gagawa ang mga mag-aaral ng isang maikling debate tungkol sa pagiging mapagtimpi.Pangatlong Pangkat - Magpapakita ng munting iskit ang mga mag-aaral tungkol sa batang marunong magtimpi. 65
Isapuso Natin Sa iyong kuwaderno, gumuhit ng kung palaging ginagawa, kung minsan lang ginagawa, at kung hindi ginagawa angugaling pagiging mapagtimpi sa sumusunod na sitwasyon: 1. Inagawan ka ng baon ng iyong kaklase sa loob ng silid- aralan. 2. Siningitan ka sa pila ng iyong kaklase sa kantina. 3. Itinulak ka ng isa mong kalaro dahil gusto niyang mauna sa pagkuha ng tubig sa gripo. 4. Kinuhang bigla ang iyong pencil case ng iyong kaklase. 5. Kinukulit ka sa silid-aralan ng mga kalaro mo. Kompletuhin ang mga salitang makikita sa kahon sa ibaba. Nasasaktan ako kasi … Nasisiyahan ako kasi… Nakapagtitimpi ako kasi... 66
Tandaan Natin Ang pagiging mapagtimpi ay isang pinahahalagahang ugali nadapat isabuhay. Gaya ng ating mga magulang, sila ay nagpapakitang pagiging mapagtimpi sa pagpapalaki sa kanilang mga anak.Ang ating mga guro ay ganoon din. Sa kabila ng mga kaguluhan,kakulitan, at pagiging pasaway ng mga mag-aaral, iniiwasan nilangmagalit. Nagtitimpi sila dahil gusto nilang ipaalam sa mga mag-aaralna kailangan ang ugaling ito para sa magandang pakikisalamuhaat pagkikipagkapuwa-tao. Naipakikita sa ugaling mapagtimpi angpagmamahal na tapat sa isang tao. Ang taong mapagtimpi ay nalalayo sa pakikipag-away. Dahilhindi siya madaling magalit o mainis, kinagigiliwan siya ng marami:sa pamilya, paaralan, o pamayanan. Sa lahat ng pagkakataon, kailangan natin ang magtimpi. Saganito, magiging positibo ang pakikisalamuha natin sa kapuwa saanman tayo tumungo. Isabuhay Natin Ako ito bilang isang nilalang na ginawa ng Diyos, paano komaipalalabas ang aking pagiging mapagtimpi sa bawat miyembrong aking pamilya? 67
Ama InaNakatatandang Lola o Lolo Kapatid Nakababatang Kapatid Mahal na mahal ko ang aking pamilya. Para sa kanila aykakayanin kong magtimpi sa abot ng aking makakaya.Subukin NatinIguhit ang masayang mukha kung ikaw ay kayangmagtimpi at malungkot na mukha kung hindi. Isulat ang sagotsa iyong kuwaderno_______1. Sunod-sunod ang utos ng aking ina. Kahit madami akong ginagawa ay nasunod ko ang utos niya._______2. Matapos kong iligpit ang maraming kalat na laruan sa kuwarto ng nakababata kong kapatid, muli niyang itinapon ang mga ito sa aking harapan. 68
_______3. Naisasaayos ko ang mga gamit na naiwan ni Ate sa loob ng silid tanggapan kahit may utos pa sa akin si Ama na pakainin ang aming aso._______4. Kahit iyak ng iyak ang aking kapatid ay hindi ko siya iniintindi sapagkat marami akong ginagawang takdang- aralin._______5. Punong-puno na ang aming basurahan, inutusan ko ang aking nakababatang kapatid para itapon ito ngunit ako ay kanyang ininis at tinakbuhan. Ngayon, natutuhan mo na ang pagiging mapagtimpi. Dapatmo itong ipagmalaki at huwag ikahiya. Kaya mong maging isangmapagtimping mag-aaral. Mahusay ka! Ngayon, maaari ka nang tumungo sa susunod na aralin. 69
Aralin 9 Ako, Mahinahon sa Lahat ng PagkakataonIkaw ba ay isang batang madaling matakot tuwing may kalamidado isang batang mahinahon kapag may nararanasang pagsubok opaghihirap sa buhay?Alamin NatinSuriin ang ipinahahayag ng nasa larawan.Ano ba kayo? Opo, nanay. Super Naku, mga anakNakalimutan niyo Nakakatakot typhoon malakas pala angbang nakahanda naman. yata ang bagyong darating!na lahat iyon. darating. Ano ang dapatDapat lagi nating gawin?tayong handa sa Nasaan na ba angpagdating ng mga mga kailangansakuna. natin?! Dalian niyo mga anak!Mga kababayan,Inaasahangdaratingmamayang hapon,ang tinatayangpinakamalakasna bagyo.Pinaghahandaang lahat. 70
Sagutin ang mga tanong: 1. Ano ang mensaheng ipinakikita sa larawan? 2. Pansinin ang mga tauhan. Ano ang pagkakaiba-iba sa reaksiyon nila nang marinig ang balita sa radyo? 3. Sino sa kanila ang nais mong tularan kung makararanas ka ng ganitong pangyayari? Ipaliwanag. 4. Tukuyin ang ugaling ipinakita ng ama sa larawan. Tama ba ang ipinakita ng ama? Bakit? Isagawa NatinGawain 1 Ano ang gagawin mo sa sitwasyong ito para maipakita angpagiging mahinahon. Ilahad ang iyong magiging damdamin. 1. Namamasyal kayo ng nakababatang kapatid mo sa mall. Bigla ninyong naramdaman na yumayanig ang kapaligiran. 2. Nagsusulat ka ng iyong takdang-aralin ng biglang inagaw ng iyong kapatid ang iyong ginagamit na pangsulat. 3. May mahalaga kang bagay na ibinabahagi o ikinukwento sa iyong kamag-aral ng bigla ka niyang pinagtawanan. 71
Gawain 2 1. Magpangkat sa tatlo. 2. Magbahagi ng karanasan na nagpapakita ng pagiging mahinahon. 3. Pumili ang bawat pangkat ng isang karanasan gamit ang alinmang graphic organizer at iulat ito sa klase sa pamamagitan ng sumusunod na paraan.A. Unang Karanasan Pagpipilian Pagiging Mahinahon Ikatlong Ikalawang Pagpipilian PagpipilianB. 72
C. Mga Isyu Pagpipilian Pagbibigay- halaga Gawin Pumili Isapuso Natin Kaya mo na bang maging mahinahon sa lahat ng pagkakataon? Gumawa ng Self-Assessment Organizer. Punan ang bawatkahon ng mga sagot batay sa iyong natutuhan. Gamitin ang mgagabay. Gawin ito sa isang malinis na papel. B. Kaya Ko C. Sinisimulan KoA. Nalaman Ko Pangalan D. Gagawin Ko E. Natututo Ako 73
Mga Gabay: A. Isulat kung ano ang nalaman mo sa araling ito. B. Isulat ang mga kaya mong gawin batay sa mga nalaman mo. C. Isulat ang mga sinisimulan mo nang gawin. D. Isulat ang mga dapat mo pang gawin. E. Isulat ang pagpapahalagang natutuhan mo sa araling ito. Tandaan Natin Ang pagiging mahinahon ay ugaling dapat ipagmalaki.Ang taong nagpapakita ng ganitong pag-uugali sa lahat ngpagkakataon ay magiging masaya, maayos, at maunlad ang buhay.Iniiwasan niyang gumawa ng mali. Nakangiti pa rin habang siya’ykinakantiyawan o tinutukso. Palagi siyang nag-iisip ng magandatungkol sa kapuwa. Ang pagiging mahinahon ay nagpapakita ng kabaitan,pagpapatawad, hindi madaling magalit, o humusga. Masaya sakatotohanan at hinaharap ang kinabukasan nang may katataganat katapangan. Hindi siya natataranta at nalilito. May pokus sakaniyang mga isasakatuparang desisyon. Ang kahinahunan aysusi sa maunlad na kinabukasan. Ang taong mahinahon ay maymapanuring pag-iisip sa pagtuklas ng katotohanan. Isabuhay Natin Magbigay ng dalawang karanasan na nagpatunay na ikaw aymahinahon kung may hinaharap na problema sa pamilya o paaralan. 74
Ipaliwanag kung paano mo ito ginawa. Gamitin ang template saibaba. Gawin ito sa iyong kuwaderno.Karanasan Mga ginawa na nagpakita ng pagkamahinahon__________ ______________________________________________ ____________________________________ Subukin Natin Bigyan ng marka ang sarili. Lagyan ng tsek (ü) ang sagot nanagpapatunay na isa kang mahinahong mag-aaral at ipaliwanagito. Gawin ito sa sulatang papel. Palagi Madalas Minsan Hindi Paliwanag 1. Mahinahon ka ba kapag inaaway ka ng iyong kaklase? 2. Nagagalit ka ba kapag maingay ang katabi mo? 3. Kung naitulak ka habang bumibili ng pagkain, pagsasalitaan mo ba nang masakit ang may kasalanan? 75
Palagi Madalas Minsan Hindi Paliwanag4. Magiging mahinahon ka ba kung may sunog malapit sa inyong bahay?5. Maayos kang nakapila. Biglang may sumingit, sisimangot ka ba? Ngayon na marami ka nang natutuhan o nalaman hinggil sapagiging mahinahon sa lahat ng pagkakataon, magiging gabay moito para sa magandang hinaharap. Binabati kita. Handa ka ng mag-aral ng susunod na aralin. 76
4 Edukasyonsa Pagpapakatao Kagamitan ng Mag-aaral Yunit 2 Ang aklat na ito ay magkatuwang na inihanda at sinuri ng mga edukador mula sa mga publiko at pribadong paaralan, kolehiyo, at / o unibersidad. Hinihikayat namin ang mga guro at ibang nasa larangan ng edukasyon na mag-email ng kanilang puna at mungkahi sa Kagawaran ng Edukasyon sa [email protected]. Mahalaga sa amin ang inyong mga puna at mungkahi. Kagawaran ng Edukasyon Republika ng Pilipinas i
Edukasyon sa Pagpapakatao – Ikaapat na BaitangKagamitan ng Mag-aaralUnang Edisyon, 2015ISBN: _____________ Paunawa hinggil sa karapatang-sipi. Isinasaad ng Seksiyon 176 ng BatasPambansa Bilang 8293: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anumangakda ng Pamahalaan ng Pilipinas. Gayon pa man, kailangan muna ang pahintulotng pamahalaan o tanggapan kung saan ginawa ang isang akda upang magamit sapagkakakitaan ang nasabing akda. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabingahensiya o tanggapan ay ang patawan ng bayad na royalty bilang kondisyon. Ang mga akda/materyales (mga kuwento, seleksyon, tula, awit, larawan, ngalanng produkto o brand names, tatak o trademarks, palabas sa telebisyon, pelikula, atbp.)na ginamit sa aklat na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagtibay ngisang kasunduan ng Kagawaran ng Edukasyon at Filipinas Copyright Licensing Society(FILCOLS), Inc. na ang FILCOLS ang kumakatawan sa paghiling ng pahintulot sanagmamay-ari ng mga akdang hiniram at ginamit dito. Hindi inaangkin ni kinakatawanng tagapaglathala (publisher) at mga may-akda ang karapatang-aring iyon.Inilathala ng Kagawaran ng EdukasyonKalihim: Br. Armin A. Luistro FSCPangalawang Kalihim: Dina S. Ocampo, PhD Mga Bumuo ng Kagamitan ng Mag-aaralConsultant: Fe A. Hidalgo, PhDMga Tagasuri at Editor: Irene C. de Robles, Erico M. Habijan, at Joselita B. GulapaMga Manunulat: Felamer E. Abac, Gina A. Amoyen, Jesusa M. Antiquiera, Henrieta A. Bringas, Grace R. Capati, Maria Carla M. Caraan, Rodel A. Castillo, Rolan B. Catapang, Isabel M. Gonzales, Noel S. Ortega, Marilou D. Pandiño, Adelaida M. Reyes, at Portia R. SorianoMga Tagaguhit: Eric S. de Guia, Fermin M. Febella Jr., at Randy G. MendozaMga Tagapagtala: Gregorio T. Pascual at Bryan R. Simara Mga Naglay-out: Gregorio T. Pascual at Elizabeth T. Soriao-UrbanoPunong Tagapangasiwa: Joselita B. GulapaPangalawang Tagapangasiwa: Marilou D. PandiñoInilimbag sa Pilipinas ng ____________Department of Education-Instructional Materials Council Secretariat (DepEd-IMCS)Office Address: 5th Floor, Mabini Bldg, DepEd Complex Meralco Avenue, Pasig City Philippines 1600Telefax: (02) 634-1054 at 634-1072E-mail Address: [email protected] ii
Paunang Salita Ang Kagamitan ng Mag-aaral na ito ay inihanda para sa iyo nanasa Ikaapat na Baitang upang makatulong sa iyong pag-aaral ngEdukasyon sa Pagpapakatao na isa sa mga asignatura sa K to 12.Layunin sa paggamit ng kagamitang ito na mapatnubayan ka upanghigit mong makilala ang iyong sarili, bahaging ginagampanan sapamilyang kinabibilangan, at pamayanang ginagalawan bilang isangPilipino na inaasahang makikibahagi sa pagbuo ng pamayanangpinaiiral ang katotohanan, kalayaan, katarungan, pagmamahal atpagmamalasakit. Ang iyong gulang, interes, at pangangailanganupang makaangkop sa kasalukuyang panahon ay isinaalang-alang sa pamamagitan nang masusing pagpili, pagsasaayos, atpaglalahad ng mga kuwento, sitwasyon, tula at awit na hinangosa pang-araw-araw na pangyayari at karanasan... Inaasahangkawiwilihan at palaging isasakatuparan bilang isang hamon angpag-unawa, pagninilay, pagsangguni, at pagpapasiya, at pagkilosbago gumawa ng desisyon na may kinalaman sa iyong pamumuhaybilang isang bata saan man naroroon. Ang kagamitang ito ay hinati sa apat na yunit na may apatna kuwarter ng pag-aaral sa loob ng isang taon ang Kagamitan saPag-aaral.Yunit I - Pananagutang Pansarili at Pagiging Mabuting Kasapi ng PamilyaYunit II - Pakikipagkapuwa-taoYunit III - Pagmamahal sa Bansa at Pakikibahagi sa Pandaigdigang PagkakaisaYunit IV - Pananalig at Pagmamahal sa Diyos: Paninindigan sa Kabutihan iii
Katulad sa una, ikalawa at ikatlong baitang ginagamit atnasundan mo sa pamatnubay ng iyong guro ang mga hakbangat proseso sa paggamit ng Kagamitan ng Mag-aaral at iba pangkaranasan sa paglinang ng pagpapahalaga. Muli, gagabayan kang iyong guro sa mga prosesong gagamitin sa pagsasagawa ngmungkahing mga Gawain na maaaring pang-indibidwal o pangkatan.Ginamit upang maging makahulugan ang mga sumusunod nahakbang o Gawain sa pagkatuto: Alamin Natin, Isagawa Natin,Isapuso Natin, Tandaan Natin, Isabuhay Natin at Subukin Natin. Sa pagtatapos sa Ikaapat na Baitang, inaasahangmaipapamalas mo ang pag-unawa sa makabuluhang gawain namay kaakibat na pagpapahalaga tungo sa wasto, maayos, masayaat mapayapang pamumuhay para sa sarili, kapuwa, bansa, at Diyos. iv
Talaan ng NilalamanYunit II Pakikipagkapuwa-tao …………….……………… 77 Aralin 1 Pagkakamali Ko, Itutuwid Ko ..……………….…. 78 Aralin 2 Puna at Mungkahi Mo, Tanggap Ko ..….………... 87 Aralin 3 Mga Biro Ko, Iniingatan Ko ……...………………. 98 Aralin 4 Damdamin Mo, Nauunawaan Ko ……………..... 107 Aralin 5 Kapuwa Ko, Nandito Ako! ……….……………. 116 Aralin 6 Igagalang Ko, Oras ng Pahinga Mo …………… 128 Aralin 7 Mga Gawain Mo, Igagalang Ko ...…………...… 136 Aralin 8 Ingatan Natin, Pasilidad na Gagamitin .…….….. 144 Aralin 9 Kaaya-ayang Kapaligiran: Sa Sarili at Kapuwa.... 157
Yunit IIPakikipagkapuwa-tao 77
Aralin 1 Pagkakamali Ko, Itutuwid Ko May mga pagkakataong nakagagawa tayo ng pagkakamali at nakasasakit sa damdamin ng ating kapuwa nang hindi natin namamalayan. Nangyari na ba sa iyo ang ganito? Alamin NatinBasahin ang kuwento. Parol ni Carla Nagmamadali si Carla sa pagpasok sa paaralan. Masayang-masaya siya sapagkat natapos niya ang kaniyang proyektongparol. Katulong niya ang kaniyang buong pamilya sa paggawanito. Habang bitbit niya ang parol ay nasagi siya ng isang batangnakikipaghabulan sa kaklase nito, dahilan upang mapahagis angbitbit na parol ni Carla at nasira ito. 78
Halos umiyak na si Carla sapagkat mahuhuli na siya sakaniyang klase at nasira pa ang kaniyang proyektong parol. “Naku, paano na iyan, wala na akong ipapasa kay Ma’am,”himutok ni Carla. “Pasensiya na, hindi kita napansin kasi naghahabulan kami,”paumanhin ng nakasaging bata. “Tutulungan na lamang kitang mabuo ulit ang parol,” wika pang batang nakasagi. Pumayag naman si Carla at magkasama silang nagpaliwanagsa guro kung bakit nasira ang parol. Nang araw ding iyon ay magkatulong na ang dalawang batasa pagbuo ng parol ni Carla. Magkasama nila itong ipinasa sa guroat naging magkaibigan pa silang dalawa. 79
Pag-usapan Natin 1. Isalaysay ang nangyari habang naglalakad si Carla patungo sa kaniyang silid-aralan. 2. Tama ba ang ginawang paghingi ng paumanhin ng batang nakasagi? 3. Kung ikaw si Carla, ano ang sasabihin mo sa nakasagi sa iyo? 4. Paano itinuwid ng batang nakasagi ang kaniyang pagkakamali? Tama ba ang kaniyang ginawa? 5. Sa iyong palagay, ano pa ang ibang paraan upang maituwid ang nagawang pagkakamali? Isagawa NatinGawain 1 Pag-aralan ang tsart. Piliin sa unang hanay ang isa sa apat nakapuwa na nagawan mo ng pagkakamali o nasaktan. Sa ikalawanghanay ay isulat mo kung ano ang pagkakamaling nagawa. Saikatlong hanay naman ay isulat mo kung paano mo itinuwid angpagkakamaling nagawa mo. Gawin ito sa iyong kuwaderno. 80
Mga taong nasaktan Pagkakamaling Paraan ng nagawa sa pagtutuwid sa o nagawan ko ng kapuwa naging pagkakamali pagkakamali1. kapamilya a) b) c) 2. kaibigan a) b) c) 3. kaklase a) b) c) 4. kalaro a) b) c) Gawain 2Pangkatang Gawain 1. Bumuo ng apat na pangkat. Pumili ng lider at tagaulat. 2. Mula sa inyong sagot sa Gawain 1, pagsamahin ang magkakaparehong sagot. Isulat ito sa metacard at ilagay sa paskilan na inihanda ng inyong guro. 81
Sagutin ang mga tanong: 1. Ayon sa inyong mga sagot sa unang hanay, sino ang mas madalas na nagagawan ng pagkakamali? 2. Alin sa mga ito ang pare-parehong pagkakamali na madalas na nagagawa? 3. Sang-ayon ba kayo sa paraan ng pagtutuwid sa pagkakamali na ginawa mula sa mga sagot ng bawat pangkat? Ipaliwanag.Isapuso NatinAlin sa sumusunod na salita o pangkat ng mga salita angginamit ninyo sa mga naunang gawain na nagpapakita ng paghinging paumanhin? Gumuhit ng bituin sa inyong kuwaderno atisulat sa loob nito ang napili mong mga salita.Bahala na!Sorry!Hindi ko sinasadya.Patawad.Buti nga sa iyo.Excuse me.Patawarin mo ako.Wala akong pakialam!Pasensiya ka na.Ikinalulungkot ko ang nangyari.Ikaw kasi!Di ko kasalanan iyon.Pasensiya na po. Hindi ko na po uulitin. 82
1. Pumili ng isang salita mula sa sinulat mo sa loob ng bituin at sabihin kung kailan mo ito huling ginamit. Ipaliwanag kung bakit mo ito napili. 2. Sa iyong kuwaderno, gumuhit ka ng puso. Isulat mo sa loob ng puso ang iyong naramdaman nang ginamit mo ang katagang ito sa pagtutuwid ng iyong pagkakamali. Tandaan Natin Sinasabing normal lang sa isang tao ang magkamali. Subalitang pahayag na ito ay hindi natin dapat abusuhin, nararapat itonggawing panuntunan upang maiwasan ang pagkakamali at makasakitng damdamin ng ating kapuwa. Ang paghingi ng paumanhin ay isang positibong kaugalian nadapat makasanayan ng isang bata. Dapat ding isapuso at isabuhayang mga natutuhan sa pagkakamaling nagawa upang maiwasangmakasakit ng kapuwa at hindi na ito maulit pa. Ang pagtutuwid ng isang pagkakamali ay hindi kahinaan kunditanda ito ng pagiging mahinahon at maunawain sa damdamin ngkapuwa. Nakikita ang katatagan ng isang tao sa pagharap niya sanaging bunga ng kaniyang mga nagawa. Mahalagang timbanginmuna ang idudulot na mabuti o hindi mabuti bago gumawa ngdesisyon. Isang Tsinong Pilosopo na kilala sa pangalang Confuciusang nagsabi na, “Huwag mong gawin sa kapuwa mo ang ayawmong gawin sa iyo.” 83
Isabuhay Natin Pagnilayan Mo Alam mo na dapat iwasang makasakit ng damdamin ngating kapuwa. Ngayong Buwan ng Wika ay may paligsahan angdepartamento ng Filipino sa paggawa ng greeting card. Bilang pakikiisa sa gawaing ito, bawat isa ay gagawa ng isangcard ng paumanhin para sa nagawan ng pagkakamali. Gamitin anghusay mo sa pagiging malikhain. Isulat sa loob ng card ang mganagawa mong pagkakamali sa kaniya at ang paghingi mo ng tawadat paumanhin. Ibigay ang ginawa mong card sa kaniya. Maaari ringmag-email kung nanaisin. Iulat sa klase kung ano ang naging reaksiyon ng taong binigyanmo ng card ng paumanhin. Nakatulong ba ito upang maituwid moang iyong nagawang pagkakamali? Bukod sa pagbibigay ng card atsulat, ano pa sa palagay mo ang puwedeng gawin upang maituwidang pagkakamaling nagawa sa kapuwa? Subukin Natin Suriin ang sumusunod na pangungusap. Lagyan ng tsek (ü)ang iyong pinaniniwalaang sagot. Gawin ito sa iyong sagutangpapel. 84
Palagi Paminsan- Hindi ko minsan ginagawa1. Humihingi ako ng tawad kapag nagkakamali ako.2. Nakagagawa ako ng pagkakamali sa aking kapuwa kahit hindi ko sinasadya.3. Nagpapatawad ako sa taong nagkasala sa akin.4. Ginagamit ko ang salitang sorry nang bukal sa aking kalooban.5. Inaayos ko agad ang tampuhan naming magkaibigan.6. Tinatanggap ko ang aking pagkakamali at hinaharap ang bunga ng aking ginawa.7. Itinutuwid ko ang aking pagkakamali sa pamamagitan ng pag-amin sa aking nagawang kasalanan.8. Iniiwasan kong makasakit ng aking kapuwa.9. Kinakausap ko ang isang tao kahit may nagawa siyang kamalian sa akin.10. Humihingi ako ng paumanhin sa aking kaklase kahit hindi ko sinasadya ang aking pagkakamali.85
Suriin ang iyong mga sagot at kompletuhin ang mgapangungusap na nasa ibaba: May mga bagay na paminsan-minsan ko lang ginagawa dahil ______________. Para sa mga bagay na hindi ko pa nagagawa, ako ay _________________. Ipagpapatuloy ko ang palagi kong ginagawa sapagkat ________________. Binabati kita! Ngayon ay handa ka na para sa susunod naaralin. 86
Aralin 2 Puna at Mungkahi Mo, Tanggap Ko Walang perpektong tao sa mundong ito. Lahat tayo ay may kahinaan at kakayahan, subalit magkakaiba ang pagtanggap ng tao sa kanilang mga kahinaan. Paano ba ang tamang pagtanggap ng kahinaan lalo na kung maraming natatanggap na mungkahi at puna sa iyong kakayahan at kasanayan? Alamin NatinBasahin at gawin Punaypay (Puna at Pamaypay) 1. Kumuha ng isang buong papel at itupi ito nang sampu na parang pamaypay. Isulat ang iyong pangalan sa unang tupi. 2. Kapag narinig ang musika, ipapasa ang iyong papel. 87
3. Kapag huminto ang musika, susulatan mo ang isang tupi ng papel na hawak mo ng isang salitang naglalarawan sa may- ari ng papel. Maaari mong ilarawan ang pisikal na anyo at ang ugali ng may-ari ng papel. Siguraduhin mo lamang na tama ang paglalarawan mo sa kaniya. Huwag mong isusulat ang iyong pangalan.4. Ipapasang muli ang papel kapag tumugtog ang musika at uulitin ang proseso nang siyam na beses hanggang sa masulatan ang bawat tiklop ng papel.5. Kapag natapos ang musika, kokolektahin ng guro ang mga papel upang ibigay sa may-ari nito. Basahin ang isinulat ng iyong mga kaklase. Gamit ang iyongkuwaderno, gumuhit ng dalawang kahon at isulat kung paano kainilarawan ng iyong mga kaklase.Magandang puna Hindi magandang puna1. 1.2. 2.3. 3.4. 4.5. 5.1. Saan mas maraming naisulat na puna ang iyong mga kaklase? Sa iyong palagay, bakit mas marami ang nagbigay sa iyo ng ganitong puna?2. Ano ang naramdaman mo nang mabasa mo ang hindi magagandang puna sa iyo? 88
Isagawa NatinGawain 1 Tumalon ka sa tuwa nang sabihin sa iyong nakapasa ka saaudition ng “Birit Bulilit.” Puspusan kang nag-ensayo upang makuhamo ang magandang puna ng mga hurado at magtaas sila ng pulangpanyo tanda ng paghanga. Dumating ang oras ng iyong pagtatanghal sa nasabingpaligsahan. Bumirit ka nang buong husay subalit natapos ang iyongawit na walang hurado ang nagtaas ng pulang panyo. Sa halip napula ay asul ang kanilang itinaas tanda ng iyong pagkabigo. Sabi ngunang hurado na si Piolo Valdez, kulang ka raw sa sigla. Ang punanaman ng ikalawang hurado na si Carmi Salcedo, may mga notana hindi mo naabot. Sinabi ng ikatlong huradong si Kath Padilla,kulang ka raw sa pagbibigay ng damdamin sa awit. 89
Search
Read the Text Version
- 1
- 2
- 3
- 4
- 5
- 6
- 7
- 8
- 9
- 10
- 11
- 12
- 13
- 14
- 15
- 16
- 17
- 18
- 19
- 20
- 21
- 22
- 23
- 24
- 25
- 26
- 27
- 28
- 29
- 30
- 31
- 32
- 33
- 34
- 35
- 36
- 37
- 38
- 39
- 40
- 41
- 42
- 43
- 44
- 45
- 46
- 47
- 48
- 49
- 50
- 51
- 52
- 53
- 54
- 55
- 56
- 57
- 58
- 59
- 60
- 61
- 62
- 63
- 64
- 65
- 66
- 67
- 68
- 69
- 70
- 71
- 72
- 73
- 74
- 75
- 76
- 77
- 78
- 79
- 80
- 81
- 82
- 83
- 84
- 85
- 86
- 87
- 88
- 89
- 90
- 91
- 92
- 93
- 94
- 95
- 96
- 97
- 98
- 99
- 100
- 101
- 102
- 103
- 104
- 105
- 106
- 107
- 108
- 109
- 110
- 111
- 112
- 113
- 114
- 115
- 116
- 117
- 118
- 119
- 120
- 121
- 122
- 123
- 124
- 125
- 126
- 127
- 128
- 129
- 130
- 131
- 132
- 133
- 134
- 135
- 136
- 137
- 138
- 139
- 140
- 141
- 142
- 143
- 144
- 145
- 146
- 147
- 148
- 149
- 150
- 151
- 152
- 153
- 154
- 155
- 156
- 157
- 158
- 159
- 160
- 161
- 162
- 163
- 164
- 165
- 166
- 167
- 168
- 169
- 170
- 171
- 172
- 173
- 174
- 175
- 176
- 177
- 178
- 179
- 180
- 181
- 182
- 183
- 184
- 185
- 186
- 187
- 188
- 189
- 190
- 191
- 192
- 193
- 194
- 195
- 196
- 197
- 198
- 199
- 200
- 201
- 202
- 203
- 204
- 205
- 206
- 207
- 208
- 209
- 210
- 211
- 212
- 213
- 214
- 215
- 216
- 217
- 218
- 219
- 220
- 221
- 222
- 223
- 224
- 225
- 226
- 227
- 228
- 229
- 230
- 231
- 232
- 233
- 234
- 235
- 236
- 237
- 238
- 239
- 240
- 241
- 242
- 243
- 244
- 245
- 246
- 247
- 248
- 249
- 250
- 251
- 252
- 253
- 254
- 255
- 256
- 257
- 258
- 259
- 260
- 261
- 262
- 263
- 264
- 265
- 266
- 267
- 268
- 269
- 270
- 271
- 272
- 273
- 274
- 275
- 276
- 277
- 278
- 279
- 280
- 281
- 282
- 283
- 284
- 285
- 286
- 287
- 288
- 289
- 290
- 291
- 292
- 293
- 294
- 295
- 296
- 297
- 298
- 299
- 300
- 301
- 302
- 303
- 304
- 305
- 306
- 307
- 308
- 309
- 310
- 311
- 312
- 313
- 314
- 315
- 316
- 317
- 318
- 319
- 320
- 321
- 322
- 323
- 324
- 325
- 326
- 327
- 328
- 329
- 330
- 331
- 332
- 333
- 334
- 335
- 336
- 337
- 338
- 339
- 340
- 341
- 342
- 343
- 344
- 345
- 346
- 347
- 348
- 349
- 350
- 351
- 352
- 353
- 354
- 355
- 356
- 357
- 358
- 359
- 360
- 361
- 362
- 363
- 364
- 365
- 366
- 367
- 368
- 369
- 370
- 371