B. Hulaan ang tinutukoy sa bawat bugtong. Iguhit ang iyong sagot sa iyong kuwaderno.Bugtong1. Dalawang bolang itim, malayo ang nararating.2. Limang puno ng niyog, ang isa’y matayog.3. Naligo ang kapitan, hindi nabasa ang tiyan. Pahiwatig: Sasakyan4. Ate mo, ate ko, ate ng lahat ng tao.5. HIndi tao, hindi ibon, bumabalik pag itapon. Pahiwatig: Laruan 185
Gawain 2 1. Bumuo ng limang pangkat. 2. Katulong ang iyong pangkat, lumikha ng dalawang bugtong at maghandang pahulaan ito sa klase. Kinakailangang may tugma ang huling salita ng bawat linya. Halimbawa: • Hindi hari, hindi pari Ang damit niya ay sari-sari. (sampayan) 3. Lumikha ng isang salawikain na may anim o walong pantig Halimbawa: • Hi/nog/ nga/ sa/ ti/ngin Ma/sak/lap/ kung/ ka/nin/ (anim na pantig) • Pag/ la/bis/ ang/ su/yo’t/ ga/lang/ May/ ma/sa/mang/ ti/na/tak/pan (walong pantig) 4. Ipaliwanag ang ibig sabihin ng mga nagawang bugtong at salawikain sa isang pangungusap. Maghandang ipahula muna ang bugtong at ipaunawa naman ang salawikain. 186
Ang mga awit, bugtong, at salawikain ay ilan lamang sa mgahalimbawa ng ating mayamang sining at panitikan. Katulong angiyong pangkat, gawin ang naitalagang atas sa inyo. Pagkataposay maghandang ibahagi ang inyong nagawa sa klase. Gamitin angmga natutuhan sa Araling Panlipunan, Filipino, at Edukasyon saPagpapapalakas ng Katawan. Isapuso NatinPangkat 1 – Gumawa ng komik istrip na may kaukulang diyalogo para sa isang pabula o alamat na napag-aralan ninyo.Pangkat 2 – Pumili ng isang alamat o maikling kuwento at isadula ito.Pangkat 3 – Bumuo ng plano na magbibigay-halaga sa panitikan at sining Pilipino. Itala ang mga okasyong maaaring paggamitan. Halimbawa: Isang bilang sa programang pampaaralan na nagtataguyod ng kulturang Pilipino. • Linggo ng Wika • Katutubong sayaw gaya ng Tinikling o CariñosaPangkat 4 – Umawit ng isang katutubong himig at lapatan ito ng akmang kilos. Sabihin kung saan ito nagmula at kung sino ang lumikha nito. Ibigay din ang mensahe nito. 187
Pangkat 5 – Magpakita ng isang katutubong sayaw. Maaaring gamitin ang akmang musika o gumamit ng improvised na tambol o sa pamamagitan ng tunog- tao. Ganyakin ang klase na gumaya sa inyo. Paano tayo makatutulong sa pagpapayabong at pagpapalaganapng ating sining at panitikan? Tandaan Natin Likas sa mga tao ang ipahayag ang kanilang mga obserbasyon,saloobin, pananaw, at karanasan sa pamamagitan ng panitikan, angsining na pasulat. Ang mga kuwento, tula, sanaysay, mga tulangnilapatan ng himig at maging awit, at mga salawikaing nalikha bagopa man dumating ang mga Espanyol ay nagpapatunay na ang atingmga ninuno ay may mayamang panitikan. Ang mga alamat ay angnagpapaliwanag sa atin ng maaaring pinagmulan ng mga lugar,hayop, halaman, o bagay. Samantala, ang mga pabula na gumagamit ng mga hayopbilang mga tauhan ay naglalahad ng mahahalagang aral atkatotohanang nagsisisilbing gabay sa ating pamumuhay. Ang mga awiting Pilipino ay naglalarawan ng mga saloobin ngmga Pilipino sa buhay. Ang bugtong na lubhang mapanghamon saating isip dahil sa matalinghaga nitong anyo ay isang pagpapatunayna ang ating mga ninuno ay may malalim na pag-iisip at malikhaingimahinasyon.Ang ating mga salawikain ay nagpapakita ng marubdobna pagnanais ng ating mga ninuno na mamuhay nang matuwid,mapayapa, at may kaayusan. 188
Bilang mga Pilipino, makatutulong sa pag-unawa sa atingpinagmulan ang ating sining at panitikan. Sa bawat kuwentongnaisusulat, tulang nabibigkas, at awiting pumapailanlang, higit natumitingkad ang ating kultura at higit na nauunawaan natin angmga kaganapan sa ating lipunan. Ang mga likhang-sining tulad ngmga iginuhit na larawan, mga gawang lilok, at mga dekorasyon aysumasalamin din sa ating mga pinagdaanan, kinakaharap, at mgapangarap. Isabuhay Natin1. Buhayin nating muli at ipagpatuloy ang ating mga katutubong sining. Sa tulong ng iyong kaklase, pumili kayo ng isang gawain mula sa sumusunod: • Gumawa kayo ng isang bagay na kahawig ng isang produktong sining (lilok, pintang larawan, kagamitan, o adorno sa katawan gamit ang mga payak o recycled na materyales). • Gumawa ng maliit na aklat ng koleksiyon ng mga bugtong o salawikain. • Gumawa ng mga post card na ang mga larawan ay tumutukoy sa isang maikling kuwentong Pilipino na napag-aralan ninyo. • Pumili ng isang lumang awitin at isulat ito. Gumuhit ng larawang sasagisag sa mensahe nito. 189
• Pumili ng isang bagay, lugar, prutas, o halaman na sa palagay ninyo ay wala pang alamat na pinagmulan, Lumikha ng maikling kuwentong alamat nito.2. Ipakita at ipaliwanag ang inyong ginawa sa klase.3. Paano kayo makatutulong sa pagpapanatiling buhay ng ating katutubong sining at panitikan? Subukin NatinPakinggan ang awitin. Sa Ugoy ng Duyan Sana’y di magmaliw ang dati kong araw Nang munti pang bata sa piling ni nanay Nais kong maulit ang awit ni inang mahal Awit ng pag-ibig habang ako’y nasa duyan. 190
Sa aking pagtulog na labis ang himbing, Ang bantay ko’y tala, ang tanod ko’y bituin, Sa piling ni nanay langit ang buhay, Puso kong may dusa, Sabik sa ugoy ng duyan. (Ulitin ang una at ikalawa) coda: Nais kong matulog Sa dating duyan ko inay O, inay...1. Suriin ang mga pahayag sa ibaba. Sa iyong kuwaderno, isulat ang salitang TAMA kung ang pahayag ay ayon sa isinasaad ng awit, MALI kung kasalungat ng isinasaad nito, at WALA kung hindi matatagpuan sa kanta ang isinasaad ng pahayag. ______ a. Ayaw ng umaawit na malimutan ang alaala niya nang siya ay munti pang bata sa piling ng kaniyang ina. ______ b. Pinatutulog din siya ng kaniyang ama. ______ c. Ayaw na niyang matulog muli sa dati niyang duyan. ______ d. Inaawitan siya ng kaniyang ina habang pinatutulog sa duyan noong siya ay bata pa. ______ e. Hindi siya karaniwang makatulog sa ugoy ng duyan. ______ f. Ang kaniyang ina ay mapagmahal at mapagkalinga. 191
______ g. May iba pa siyang mga kapatid na inaalagaan ng nanay niya.______ h. Ngayon ay malaki na ang umaawit; hindi na siya bata.______ i. Nangungulila sa kaniyang nanay ang umaawit.______ j. Buwan ang nagbabantay sa kaniya habang natutulog sa duyan.2. Hanapin sa Hanay B ang kaukulang mensahe ng mga linya sa Hanay A. Isulat sa sagutang papel ang titik ng sagot sa bawat bilang.AB1. Bisig ko’y namamanhid, a. Maging matalino sabaywang ko’y paggasta. nangangawit. b. Ang taong nagmamahal sa kaniyang bansa ay2. Kung pagkain sana ihahandog anumang nabusog pa ako. makakaya makita lang itong malaya.3. Ang pag-ibig ay sa c. May tagumpay sa gawa, hindi sa salita. pagkakaisa. d. Hindi madali ang4. Kaya matibay ang walis, magtanim.palibhasa’y nabibigkis. e. Higit na mahalaga ang5. Walang mahalagang ikinikilos kaysa sinasabi. hindi inihandog na may pusong mahal sa f. Susi sa tagumpay ang bayang nagkupkop. matibay na pananalig sa Diyos. 192
3. Pumili ng isang katutubong awit, kuwento, o tula na iyong nabasa. Isulat kung anong katangian ng mga Pilipino ang ipinakikita nito. Ang napili ko po ay isang (awit, kuwento, tula) na maAynpgamnaapgialitknoa p_o__a_y__is_a_n_g__(a_w__it,__k_u_w_e_n_to_,__tu.la) na may pamagat na _________________________. IIttoo aayytutunnggkokol sl asa____________________________________________________. _. IIppiinnaapkiakkitiata nitnoitnoa annga mgaanPgilipinmogaay __P_il_ip_i_n_o___ay _________________________________________ __________________________________________ __________________________________________. Magaling! Natapos mo na ang aralin. Nawa ay patuloy mongpagyamanin ang iyong kaalaman sa kulturang Pilipino. Sa daratingna panahon, inaasahan kong maging aktibo kang kabahagi sapagpapayabong ng kultura ng ating lahi. Salamat sa pagmamahalmo sa ating bansa. 193
Aralin 3 Pangkat na Magkakaiba, Pinahahalagahan ng mga Pilipinong Nagkakaisa Iba-iba ang lahi nating pinanggalingan. Iba-iba ang ating mga pananaw sa buhay ngunit iisa ang ating pagkakakilanlan - iyan ang pagiging Pilipino sa isip, sa salita, at sa gawa. Gaya ng mga pangkat etniko na sama-samang naninirahan sa isang lugar na may sariling wika, kaugalian, tradisyon, at paniniwala, magkakaiba tayo ngunit nagkakaisa sa pinahahalagahang kultura. Alamin NatinBasahin at gawin Kumuha ka ng isang papel at sagutin mo ang sumusunod natanong: • Ano ang kulay ng iyong mata? • Ilang taon ka na? • Ilan kayong magkakapatid? • Ano ang paborito mong kanta? • Sino ang paborito mong artista? • Ano ang paborito mong laro? • Ano ang paborito mong palabas? Ipakita mo ang iyong sagot sa kaklase sa iyong kaliwa. Parehoba kayo ng mga sagot? Ipakita mo rin ang iyong mga sagot sakaklase mo sa kanan. Pareho rin ba kayo ng mga sagot? Kungtitingnan mo ang mga sagot ng lahat ng kaklase mo, sa palagay mo 194
ba ay may mababasa kang kapareho ng iyong mga sagot? Saangbagay naman kaya kayong lahat ay magkakatulad? Ano-anong mga pangkat etniko ang nakikilala mo? Ibahagimo ito sa klase. Naimbag nga bigat! Ako po si Maricel. Ako po ay taga-Ilocos. Kilala ang mga Ilokano sa pagiging matipid at masikap sa buhay. Kung may litsong kawali ang mga Tagalog, kami naman ay may bagnet. Ikinagagalak kong sabihin sa inyo na ang bayaning si Diego Silang ay Ilokanong katulad ko. Ako naman po si Reinhart. Pilipina ang aking nanay samantalang ang aking ama ay isang Amerikano. Ako ay isang Amerasian. Ang matalik ko pong kaibigan ay si Bulig. Isa po siyang Ayta. Napakabait po niya. Tinutulungan niya ang iba pa niyang kapitbahay sa pagkumpuni ng bahay nila. 195
Ako po si Okaye. Isa po akongAgta. Marami po sa amin aymatatagpuan dito sa lalawiganng Quezon pero kami po ngaking pamilya ay narito saRizal. Kilala po kami sa galingsa pangingisda at pangangaso.Inspirasyon ko po si Ma’amShirley kasi araw-araw limangoras po ang nilalakad niya,maturuan lang po kami. Isa posiyang mabuting guro sa aminglahat.Ako po si Fely. Isa po akongBantoanon. Dito po kami nakatirasa Concepcion sa Romblon. Angsalita po namin ayAsi, kahawig ngdiyalekto ng mga Romblomanon.Tulad ng maraming batangPilipino, naniniwala po ako nanapakahalaga ng edukasyonsa buhay ng tao. Nagsisikap poakong mag-aral dahil pangarapko po ang maging guro. Balang-araw magtuturo din ako sa mgakapuwa ko Bantoanon. 196
Kami po ay magkakaibigan. Iba-iba ang pangkat etnikong aming kinabibilangan ngunit lahat kami ay nagkakasundo. Iginagalang namin ang kulturang pinagmulan ng bawat isa. Kung minsan, ibinabahagi namin ang aming kultura sa isa’t isa. Mas makulay at maganda ang aming pagkakaibigan dahil lahat kami ay nagmamahalan. Masarap mabuhay sa isang komunidad na ang lahat ay maypaggalang sa bawat isa at ang pakikitungo ay di batay sa anyo,paniniwala, o antas sa buhay. Kung tutuusin, lahat tayo ay iisalamang. Lahat tayo ay nagmula sa ating Dakilang Lumikha. Walatayong karapatang pagtawanan o kutyain ang sinuman. Walangmas nakatataas at wala ring nasa ibaba. Lahat tayo ay may pantayna karapatang mabuhay nang mapayapa. Ikaw at ako, bilang mgaPilipino at bilang mga anak ng Diyos ay dapat lamang na tumulongsa pagtataguyod ng isang lipunang matuwid, mapayapa, maymalasakit at pagmamahal sa bawat isa. 197
Isagawa NatinGawain 1 Ano-ano pa ang mga pangkat etnikong kilala mo? Gamit ang padron na ipakikita ng guro, gumawa ng isangbiographic doll na kakatawan sa pangkat etnikong kinabibilangan.Maaari kang gumamit ng iba’t ibang materyal upang ito ay bihisanat adornohan. Sa likod nito ay ilagay ang mga katangian ng pangkatetnikong kinakatawan nito. Isabit ito at hayaan ang ibang mga mag-aaral na tingnan ang iyong nagawa.Gawain 2 Ang Pilipinas ay tahanan ng napakaraming mga pangkatetniko. Bunga ng mga pakikipag-ugnayan sa iba’t ibang bansa atng pagdating at paninirahan ng mga dayuhan sa bansa, ilan samga pangkat etniko ay naimpluwensiyahan ng mga kulturang dalang mga dayuhan. Samantala, may mga pangkat na napanatili angkanilang orihinal na kultura ilang siglo man ang nakaraan. Sila angtinatawag nating Indigenous People o IP. Ang mga Agta ng SierraMadre, Lumad ng Mindanao, Mangyan ng Mindoro, at Tau’t Bato ngPalawan ang ilan sa kanila. Sa gitna ng mga pagbabagong dulot ng teknolohiya atmalayang pagpasok ng bagong kaalaman, isang malaking hamonpara sa mga katutubo natin ang mapanatili ang kanilang kultura.May ibang mga tao ang hindi nauunawaan ang kanilang kulturakaya’t may mga pagkakataong sila ay naisasantabi o kung minsanay hindi tinatanggap. 198
Si Jacob Maentz (isang banyagang potograpo na nasa likod ngKatutubo Project) ay isa sa mga taong nagpunyaging maunawaanang mga katutubo ng lipunan at maipakita ang yaman ng kanilangkultura. Pinupuntahan nila Maentz ang mga lugar kung saannaninirahan ang ating mga kapatid na katutubo. Sa pamamagitan ngmga larawan, malinaw na naipahahatid ni Maentz ang kagandahanng kultura ng iba't ibang katutubo. 1. Bumuo ng limang pangkat. 2. Bawat pangkat ay bibigyan ng guro ng larawan ng pangkat etniko. Suriin at ilarawan ang pangkat etnikong naitalaga sa inyo. Gumamit ng graphic organizer tulad ng nasa ibaba sa paglalahad ng inyong sagot. Maaaring magdagdag ng iba pang impormasyong nakalap ng inyong pangkat tungkol sa pangkat na ito. 3. Gamitin ang mga gabay na tanong sa ibaba sa inyong pag- uulat. • Ano ang tawag sa kanilang pangkat? • Saan sila matatagpuan? • Ano ang kanilang mga pangunahing katangian? • Ano ang kanilang ikinabubuhay? 199
• Ano ang maitutulong natin sa kanila? 4. Sa loob ng dalawang minuto, ibahagi sa klase ang inyong nagawa. Isapuso Natin Magkakaiba man tayo ng pangkat na pinagmulan, tiyak namay mga katangian tayong magkakapareho o magkakaugnay. 1. Gamit ang padron sa ibaba, gumawa kayo ng isang malaking bulaklak. Lagyan ito ng mga talulot ayon sa dami ng miyembro sa inyong pangkat. 2. Ibabahagi ng bawat isa sa pangkat ang kaniyang pinagmulan, katangian, natatanging ambag at suliraning kinakaharap. Isusulat ang mga ito sa talulot na nagawa. 3. Pagkatapos, isusulat naman ninyo sa gitna ng bulaklak ang lahat ng mga katangiang magkakapareho kayo. 200
4. Lagyan ng kawili-wiling pamagat o tag line ang inyong ginawa. Halimbawa: nagkakahawig, nagkakaisa.5. Lagyan ito ng stick sa likod upang tumayo. Itutulos ito sa hardin ng makulay na nagkakaiba ngunit nagkakaisa.6. Bago itulos ang inyong ginawa, lapitan ang mga kaklaseng nasaktan ninyo ang damdamin dahil maaaring napagtawanan o iniwasan ninyo dahil iba ang pangkat nilang kinabibilangan.7. Kung kayo ay may kamera, magpakuha nang magkakasama hawak ang bulaklak ng pagkakaisa. 201
Tandaan Natin Ang Pilipinas ay tahanan ng mahigit isandaang pangkatetniko. Bunga ng mga pakikipag-ugnayan sa mga banyaga at mgapagbabago sa gawi ng mga tao, unti-unti nang naimpluwensiyahanang ilang pangkat etniko sa Pilipinas. Sa kabila nito, may mgapangkat na napanatiling buhay ang kanilang katutubong kultura. Silaang tinatawag nating Indigenous People (IP) o Pangkat Katutubo. Maaaring may mga kaugalian at gawi silang naiiba sa karaniwanngunit hindi ito dahilan upang sila ay iwasan, pagtawanan, o isantabi.Sa buong mundo, maraming mga IP ang patuloy na nakararanas ngdiskriminasyon. Lubha itong nakababahala sapagkat ang ilan sakanila ay kailangan nang lumikas at pumunta sa mga napakalayonglugar kung saan hindi sila maaapi. Dito sa Pilipinas, may batas tayong nangangalaga sa kanilangkarapatan. Ang mga katutubong pangkat, tulad mo ay mga Pilipinorin. Hindi dapat pagtawanan ang kanilang mga gawi. Hindi sila dapathusgahan. Hangga’t ang kanilang mga gawi ay hindi lumalabag sakarapatang pantao, dapat silang igalang at unawain. Ang kailangannila ay pagtanggap. Higit sa pagiging Pilipino, sila ay mga taongtulad mo na may karapatang mabuhay nang matiwasay. Sa halipna libakin, atin silang unawain. Sa halip na pagtawanan, dapatsila ay kalingain. Anumang pangkat etniko ang kinabibilangan mo,ipagmalaki mo ito. Anumang pangkat etniko ang kinabibilangan ngiba, igalang mo sila tulad ng nais mong gawin din nila sa iyo. 202
Isabuhay Natin “Everybody can be great because anyone can serve.”Sinabi ito minsan ni Martin Luther King, Jr., isa sa mga aktibongtagapagtaguyod ng pantay-pantay na karapatan ng mga tao. Tamasiya. Lahat ay maaaring maging dakila dahil lahat ay maaaringmagsilbi. Ang kailangan lamang ay ang pusong mapagmalasakit atmarubdob sa pagnanais na makatulong. Tulad ito ng isang dokumentaryo tungkol sa isang paaralansa Mt. Pulag. Isang araw, nagpunta roon ang isang samahangtinatawag na Juan Portrait. Bitbit ang kanilang mga kamera at isangprinter, naglakbay sila nang mahigit na walong oras marating lamangang lugar, upang kunan ng litrato ang mga batang nag-aaral doonat mabigyan sila ng identification card (ID). Tuwang-tuwa ang mgabata suot ang kanilang ID. 203
Tulad nila, may magagawa ka upang matulungan ang iba panating kapatid na Pilipino. Maraming paraan para tumulong. Gaanoman ito kapayak, may magagawa ka pa rin upang matulungan angiba. Maraming batang katutubo ang nakararanas ng kahirapan.Maaari kang makatulong sa kanila sa pamamagitan ng pagpapadalang ilang gamit na kakailanganin nila sa pag-aaral. 1. Sa tulong ng inyong guro, gumawa ng isang plano kung paano kayo makatutulong sa mga kapatid na katutubo. 2. Mangalap kayo ng mga bagay na maaaring maipadala sa isang paaralang kumakalinga sa mga batang katutubo. Maaaring maipadala ang inyong tulong sa pamamagitan ng iba pang organisasyong may katulad na adhikain. Maaari ring pumili ng kahit na anong paaralan o organisasyong kumakalinga sa mga batang Pilipino at ipadala ang tulong sa kanila. 3. Gumawa kayo ng maikling personal na liham para sa mga mag-aaral na inyong padadalhan ng tulong. Isasama ito sa mga ipadadala sa kanila. Subukin Natin1. Tukuyin ang inilalarawan sa bawat pahayag. Isulat ang inyong sagot sa inyong sagutang papel. Piliin ang sagot sa mga salitang nasa kahon.Agta Amerasian Tau't BatoIndigenious People Mansaka 204
a. Sila ay mga katutubo na matatagpuan sa Compostela Valley. Isa sa ikinabubuhay nila ang pagmimina ng ginto. b. Sila ay karaniwang matatagpuan sa Isabela, Quezon, at Rizal. Isa sa ikinabubuhay nila ay paghuli ng pugita o octopus. c. Ito ang tawag sa isang batang ang ama ay Amerikano at ang ina ay Pilipino. d. Sila ay matatagpuan sa Palawan. Marami sa kanila ay nabubuhay sa pangangaso at pangangalap ng bungang- kahoy. e. Sila ang mga pangkat etnikong napanatili ang kanilang katutubong kultura hanggang ngayon.2. Isulat ang mga dapat gawin sa sumusunod na sitwasyon: a. May bago kayong kaklase na hindi gaanong marunong mag-Filipino. ___________________________________________ b. Narinig mo na may parating na bagyo at maaaring tamaan nang matindi ang mga Ivatan sa Batanes. ___________________________________________ c. Binigyan ka ng kaibigan mong Ifugao ng kuwintas na gawa ng kanilang tribo. ___________________________________________ 205
d. Naatasan kang gumawa ng pag-uulat tungkol sa pangkat etnikong Ilonggo. ___________________________________________ e. Noong hindi pa ninyo napag-aaralan ang paksa ukol sa paggalang sa mga pangkat etniko, nakasakit ka ng damdamin ng kaklase mo na pinagtawanan mo sa kakaibang bigkas niya sa isang salita. ___________________________________________ 3. Sagutin ang mga tanong: a. Bakit dapat nating igalang ang ating kapuwa kahit pa iba ang kanilang mga gawi at paniniwala? b. Ano ang nais ipahiwatig ng pamagat ng ating aralin? Binabati kita sa iyong pagpupunyaging matapos ang araling ito!Nawa ay nakapagbigay ito ng bagong kaalaman at napalawak nitoang iyong pag-unawa sa mga pangkat etniko sa Pilipinas. Dalanginko na maisabuhay mo ang mga pagpapahalagang natutuhan mo saaraling ito. 206
Aralin 4Kultura ng mga Pangkat Etniko, Mahalagang Malaman Maganda ang Pilipinas! Sagana ito sa dinarayong mga likas na kayamanan at kapaligiran. Bawat rehiyon at pangkat etniko ay lalo pang pinatingkad at pinakulay ng mga kakaibang kultura tulad ng katutubong kasuotan, sayaw, awit, laro, at iba pa. Ito ay sariling atin kaya’t mahalin at ipagmalaki natin. Ikaw, kilala mo ba ang iyong kinabibilangang pangkat etniko? Alamin NatinBasahin ang kuwento. Maipagmamalaking T’boli si Tatay! Unang pagbisita ng mag-anak nina Abegail at Hadji saSouth Cotabato, ang probinsiya ng kanilang tatay. Sa kanilangpamamasyal, sa daan pa lamang ay excited na ang magkapatidsa kanilang pupuntahan. Sinabi ng kanilang nanay na maliban sakagandahan ng Lake Cebu ay marami pa silang makikitang ikasisiyanila. Wiling-wili si Abegail sa natatanaw nilang mga kulay rosas atputing bulaklak ng lotus na nagkukumpulan at nakalutang sa tubig. Pagbaba pa lamang mula sa kanilang sasakyan ay inestimana sila ng magigiliw na tagapangasiwa ng resort na napili ng kanilangtatay. Siyang-siya muli si Abegail dahil sa nakita niyang kakaibangmga suot ng mga taong sumasalubong sa kanila. “Kuya Hadji, kakaiba naman ang mga suot ng mga tao rito.Makukulay ang kanilang damit at marami pa silang palamuti sakatawan mula ulo hanggang paa.” 207
\"'Yon ba? Sila ay mga katutubong T’boli. Sabi ng aming guro,sila ang mga katutubong tao na naninirahan sa lugar na ito noon paman at makukulay na T’nalak talaga ang kanilang kasuotan,” sagotni Hadji kay Abegail. Dali-dali silang tumuloy sa isang kubo na yari sa kawayanna nasa pampang ng lawa kung saan maaari silang magpahinga,magkuwentuhan, at hainan ng pagkain. Mabilis na inayos ngkanilang nanay ang kanilang mga gamit at ilang dalang pagkain. Maya-maya lamang ay mabilis na inihain sa kanila ng mgataong nakasuot T’boli ang mga pagkaing inorder ng kanilang tatay.Habang kumakain ay may pangkat ng mga T’boli na may masmagagarbong kasuotan ang nagsimulang nagtanghal sa kubonila. Dala ng mga lalaki ang iba’t ibang instrumentong pangmusikatulad ng tnonggong o tambol na yari sa balat ng hayop, agong, atkulintang. Hawak din ng mga babae ang mga instrumento nilanghinihipan tulad ng sloli o plawta na yari sa kawayan, kubing, at fewo maliit na tambuli. Mayroon din silang instrumentong de-kuwerdastulad ng sludoy at hagalong. Maya-maya pa ay nagsimula na silang tumugtog at sumayaw.Maindayog ang kanilang mga galaw. Bawat sayaw ay ipinapaliwanagni Tarhata na siyang pinakapinuno ng mga nagtatanghal, angmga kahulugan nito. Si Tarhata, na siyang pinakapinuno ngmga nagtatanghal. May sayaw para sa panliligaw, pagkakasal,paglalaban, pagwawagi, at pag-ibig. Bawat yugto ay pinapalakpakannila. Gustong-gusto ni Hadji ang sayaw ng ibon na isinagawa ngisang batang lalaking kasing-edad niya. Umawit din si Tarhata ngisang utom o awiting T’boli. Matapos umawit ay nagpasalamat nasila at nagpaalam. 208
“Kayhuhusay naman nilang magtanghal! Talagang ipinagmamalakinila ang kanilang kultura at pagiging T’boli,” pahabol ng kanilangnanay. “Oo nga po. At kaygagara ng kanilang kasuotan. Mula saulo ay may paynetang may abaloryong tanso at salamin. Pati angmga tansong sinturon ay tumutunog-tunog pa at ang mga anklet aygayon din,” dagdag ni Abegail. “At pati mga tugtugin at awitin ay kakaiba ngunit tunay namaipagmamalaki kahit kanino man,” banggit naman ni Hadji. Biglang nagsalita ang kanilang tatay na kanina pa palanatutuwa. “Alam ninyo, mga anak, nasisiyahan ako sa inyongmga sinasabi. Ang mga T’boli ay isa lamang sa napakaramingpangkat etniko rito sa ating bansa. Bawat pangkat ay may iba’tibang kuwentong bayan, katutubong sayaw, awit, laro, at iba pa.Ang pagkakaroon natin ng napakaraming pangkat etniko ay hindikahinaan ng ating bansa. Ito ang nagpapakulay at nagpapagandang ating lahi. At bawat pangkat etniko ay tunay na ipinagmamalaking kanilang lahi.” “Dapat lang na ang isang tao ay may pagpapahalaga sakaniyang sariling kultura. Paraan ito ng pagmamahal sa kaniyangbansa,” sabat naman ng kanilang nanay. Bigla uling nagsalita ang kanilang tatay, “Kaya naman ako aytalagang nagmamalaki sa aming mga katutubong T’boli. At dahildoon, nakilala at mahal na mahal mo ako, di ba? Ha ha ha!” 209
Biglang nagtawanan ang mag-asawa. Nagtataka namangnagtinginan ang magkapatid na Hadji at Abegail.MagLAR-NUNGAN Tayo! (Larong-Tanungan)Sagutin ang sumusunod na tanong: 1. Ilarawan ang kultura ng mga T’boli pagkatapos nilang magtanghal na hinangaan ng nanay nina Hadji at Abegail. 2. Humanga rin ba ang magkapatid na Hadji at Abegail sa kultura ng mga T’boli na kanilang nasaksihan? Paano nila ipinakita ito? 3. Bakit kaya nagkatinginan sina Hadji at Abegail nang sabihin ng kanilang tatay sa kanilang nanay ang, “Kaya naman ako ay talagang nagmamalaki sa mga katutubong T’boli. At dahil doon, nakilala at mahal na mahal mo ako, di ba? Ha ha ha!” Pangatwiranan. 4. Sang-ayon ka ba sa sinabi ng nanay na, “Dapat lang na ang isang tao ay may pagpapahalaga sa kaniyang sariling kultura. Paraan iyon ng pagmamahal niya sa kaniyang bansa?” Pangatwiranan. 5. Bakit kaya mahalagang malaman mo ang iba’t ibang kultura ng mga pangkat etniko ng ating bansa? 210
Isagawa NatinGawain 1 Isulat sa iyong kuwaderno ang sarili mong saloobin sasumusunod: Ang mga T’boli ay isang pangkat etniko sa Pilipinas na may sariling mga kuwentong bayan, katutubong sayaw, awit, laro, at iba pa. Isulat ang iyong mga gagawin kung papaano mo maipagmamalaki at mapahahalagahan ang mga ito. Kung ikaw ay isang T’boli, paano mo maipakikita sa kapuwa Pilipino at mga dayuhan ang yaman ng iyong kultura? __________________________________________________ _________________________________________________. Kung ikaw si Hadji o si Abegail, paano mo maipagmamalaki ang yaman ng inyong kultura nang malaman mo na ikaw pala ay isang T’boli? _________________________________________________. _________________________________________________. 211
Bilang isang mag-aaral na may nakagisnang pangkat etniko, paano mo pinahahalagahan o ipinagmamalaki ang nakagisnang kultura? ________________________________________________ ________________________________________________.Gawain 2 Makinig sa guro. Pakinggan ang sanaysay na kaniyangbabasahin. Mula sa napakinggang sanaysay, buuin ang tsart ngmga alam mong maipagmamalaking kultura ng pangkat etnikongkinabibilangan mo. Gamitin ang kuwaderno sa gawaing ito. Kultura Mga halimbawa mula sa pangkat etnikong kinabibilangan moKuwentong BayanKatutubong SayawAwitLaro Paano mo maipagmamalaki at pahahalagahan ang mga ito?_________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________. 212
Isapuso Natin Sa isang bond paper, buuin ang larawan at iguhit angkatutubong kasuotan upang maipagmalaki mo ang kultura ngpangkat etnikong iyong kinabibilangan. Maaari mong kulayan angiyong iginuhit. Lagyan mo rin ng iyong larawan ang nakalaangkahon. Kung ikaw ay babae ay sa kaliwa at kung ikaw ay lalaki ay sakanan. Kompletuhin din ang patlang ng hinihinging impormasyon. Ako ay si ___________________________________._________________ ang pangkat etnikong aking kinabibilangan.Nakalarawan sa itaas na bahagi ang katutubong kasuotan namaipagmamalaki namin. 213
Ang kuwentong bayan na sikat sa aming pangkat etniko ay_____________________. Sikat na katutubong sayaw naman ang________________________. Ang katutubong awit namin ay ang____________________. Ang isang katutubong laro naman naaming nilalaro ay ang ______________. Maipagmamalaki ko ang mga ito sa pamamagitan ng ________________________________________________________________________________________________________. Tandaan Natin Mahalagang maunawaan at igalang ang mga gawaingnagpapakita ng pagpapahalaga sa iba’t ibang kultura ng mgapangkat etniko sa ating bansa. Kultura ang isa sa nagpapakilalang isang bansa sa buong daigdig. Ang kultura ay nagpapakulay atnagpapakilala rin sa pagkamamamayan ng mga taong nakatira saisang bansa. Tinatayang may humigit kumulang 180 pangkat etniko saPilipinas. Sa Luzon, ilan sa mga kilala ang mga Aeta sa MountainProvince, Bikolano sa Kabikulan, Gaddang at Ibanag sa GitnangLuzon, Ivatan sa Batanes, Mangyan sa Mindoro, Tagalog saKamaynilaan, at iba pa. Sa Visayas at Mindanao ay kilala rin angmga Subanon sa Zamboanga Peninsula, Bisaya sa Kabisayaan,Zamboangueño sa Kamindanawan, at marami pang iba. Iba-iba ang kultura ng bawat rehiyon at bawat pangkat etniko.Makikita ito sa mga katutubong kasuotan, kuwentong bayan, sayaw, 214
awit, laro, at iba pa. Ito ay nagpasalin-salin na mula pa sa mganinuno. Hindi ito dapat mawala dahil sa nagbabagong panahon. Itoay kaluluwa ng ating lahi na hindi dapat mapahiwalay at makalimutandahil ito ang nagpapatunay ng ating pagiging makabansa. Tandaan natin na ang pagpapahalaga at pagsasabuhay saating kultura ay isang paraan ng pagpapakita ng pagmamahal sabansa. Mayaman at makulay ang kulturang Pilipino.Isabuhay NatinPangkatang Gawain Napabalita kamakailan ang mga mag-aaral ng isang paaralansa Baguio City na ipinakita ang paglalaro ng basketball habangnakasuot ng bahag na kanilang katutubong kasuotan. Ito ay bahaging pagdiriwang ng barangay sa pagtatapos ng Brigada Eskuwela atsa pagsisimula ng pasukan. Naipakita ba nila ang pagmamalaki sakanilang sariling kultura? Sumulat ng isang maikling talata hinggil sa bagay na ito atilahad sa harap ng klase sa pamamagitan ng sumusunod na gawain:Pangkat 1 - PakoroPangkat 2 - RapPangkat 3 - Sabayang BigkasPangkat 4 - Haiku (isang uri ng tula na may lima- pito-lima (5-7-5) na pantig at binubuo ng tatlong taludtod) 215
Subukin Natin Basahin ang bawat sitwasyon at piliin ang dapat mong gawin.Bilugan ang titik ng tamang sagot. Ipaliwanag din ang sarili mongkuro-kuro at saloobin kung bakit iyon ang napili mong sagot. Gawinito sa iyong kuwaderno. 1. Isinama ka sa Davao City ng iyong pinsan na nagbalikbayan mula sa ibang bansa. Sa isang parke roon, may isang lugar na nag-aanyaya ng libreng tikim ng kanilang ipinagmamalaking prutas na durian. a. Hindi ako papayag dahil mabaho at hindi ako sanay kumain ng prutas na ito. b. Papayag ako dahil mainam na matikman ko rin ang lasa ng durian para hindi na ako magtatanong tungkol sa lasa nito. c. Papayag ako dahil bahagi ng pagpasyal ko sa lugar na iyon ang tuklasin anuman ang kultura ng mga tao rito. Ipaliwanag ang iyong saloobin sa napili mong kasagutan. _______________________________________________ ______________________________________________. 2. May kakayahan ka sa pag-awit. Isinali ka ng guro mo sa musika para maging kasapi ng isang koro sa inyong paaralan na aawit ng mga awitin ng mga katutubong Manobo para sa nalalapit na pagtatanghal sa plasa. a. Sasali ako para tumaas ang aking grado sa musika. 216
b. Sasali ako dahil kailangang ipagmalaki ko rin ang mga awitin ng mga Manobo. c. Sasali ako dahil gusto kong humusay pa ang aking kakayahan. Ipaliwanag ang iyong saloobin sa napili mong kasagutan. _______________________________________________ ______________________________________________.3. Kasama mo ang mga pinsan mong nagbakasyon sa Tawi- Tawi. Isa sa mga katutubong laro ng mga bata rito ay ang siato. Ayaw makipaglaro ng mga pinsan mo dahil bukod sa mga batang makakalaro nila ay mga nakahubad, hindi rin pamilyar ang mga pinsan mo sa larong siato. a. Yayayain mong makipaglaro ang mga pinsan mo para magkaroon kayo ng mga bagong kaibigan. b. Yayayain mong makipaglaro ang mga pinsan mo para may bago kayong laro pagbalik sa lugar ninyo. c. Yayayain mong makipaglaro ang mga pinsan mo para matutuhan ninyo ang isang katutubong laro mula sa lugar na iyon. Ipaliwanag ang iyong saloobin sa napili mong kasagutan. _______________________________________________ ______________________________________________.4. Nang dumalaw sa bahay ninyo ang inyong lola na mula sa Lanao ay ikinuwento niya na ang mga aswang ay hindi naman totoo at kuwentong bayan lamang iyon. a. Maniniwala ako dahil karamihan sa mga kuwentong bayan ay mga kathang-isip lamang. 217
b. Maniniwala ako dahil wala namang mawawala sa akin kapag ako’y naniwala. c. Hindi ako maniniwala dahil totoo talaga ang mga aswang sa Lanao. Ipaliwanag ang iyong saloobin sa napili mong kasagutan. _______________________________________________ ______________________________________________. 5. Pinagtatawanan ng mga kaklase mo ang bagong lipat ninyong kamag-aral dahil sa kaniyang ipinakitang sayaw at kasuotang Muslim sa inyong programa sa paaralan. a. Sasawayin ko sila dahil dapat igalang ng bawat isa ang kulturang alam at nakasanayan niya. b. Sasawayin ko sila dahil nakakaawa naman ang bago naming kaklase. c. Sasawayin ko sila dahil masama ang makipag-away. Ipaliwanag ang iyong saloobin sa napili mong kasagutan. _______________________________________________ ______________________________________________. Binabati kita sa lahat ng iyong natutuhan sa natapos naaraling ito. Sana ay huwag mong kalimutan ang iyong pagigingPilipino saan ka man dalhin ng iyong tagumpay sa hinaharap. Angpagmamalaki at pagpapahalaga sa sariling kultura ay katulad ngpagmamahal natin sa ating mga ninuno gayundin sa mga daratingpang salinlahi. Maraming salamat sa pakikiisa at ihanda mo pa angiyong sarili sa mas marami pang pagkatuto. 218
Aralin 5 Sariling Disiplina sa Pagsunod sa mga Batas Ang disiplina ay kakambal ng kabutihan. Ang taong may sariling disiplina ay gumagawa kung ano ang mabuti at mainam para sa lahat. Ang taong may disiplina ay kahanga-hanga at mayroon ding maayos na kinabukasan. Ang pagkakaroon ng pansariling disiplina ay bunga ng positibong pagtugon sa kung ano ang magandang ibinubulong ng sariling konsiyensiya. Kapag ang lahat ng tao ay may disiplina, magdudulot ito ng katiwasayan sa lipunan at lubos na kaunlaran ng bansa. Alamin NatinBasahin ang kuwento. Kahit Walang Nakakakita, Gumawa ng Tama Maaga pa lamang ay gising na si Dante. Kailangan niyakasing maagang makarating sa paaralan dahil naatasan angkanilang pangkat na maglinis ng hardin at magdilig ng mga tanimna gulay na pag-aari ng kanilang baitang. May programa kasi angkanilang paaralan na tinawag nilang proyektong LUNTIAN naang ibig sabihin ay Lupang Napabayaang Taniman, Ingatan, atAlagaan Natin. Ito ay ang pagtatanim ng mga halamang gulay atpampalamuti sa mga bakanteng lupa na malapit sa kanilang silid-aralan. Bawat baitang ay may sakop na mga lugar. Pati ang mgapader ay hitik sa pananim dahil sa mga nakasabit na malalakinglata, makukulay na galon, pininturahang mga bote ng softdrinksna may halaman. Maging mga lumang bota tuwing tag-ulan na may iba’t ibang laki at klase ay ginamit at tinaniman. 219
Ang mga gulong na pinagpatong-patong ay naging malalakiat makukulay na paso ng namumulaklak na mga halaman. Isang linggong gagawin ng bawat naatasang pangkat angmga nakasaad na tungkulin na nakapaskil sa pader. Nakasulat dinsa pader ang mga tungkulin ng ilang nagpalistang parent volunteersna siyang gumagabay sa kanila sa tamang pagtatanim, paglilinis,pangangalaga, at pagdidilig. Natutuwa si Dante dahil hilig niyangmagtanim. Magsasaka kasi ang kaniyang ama na paminsan-minsanding dumadalaw sa kanilang hardin upang tingnan ang kalagayannito. Gusto ni Dante na masiguro na maaga ring makararating sapaaralan ang mga kasapi sa kaniyang pangkat. Pinag-usapan na nilaito. Nais nilang matuwa ang kanilang gurong si Gng. Arellano. Angmga kasaping babae ang maghihiwa-hiwalay ng mga papel at botena maaaring ibenta. Bawat klase ay may ganitong sistema. Iniiponnila ang napaghiwa-hiwalay na mga bagay sa itinalagang materialrecovery facilities o MRF para sa bawat baitang. Tuwing Biyernesng umaga ay may dumarating na kakalap at bibili ng kanilangmga basura. Iniipon nila ang mga napagbentahan sa alkansiya ngkanilang klase at ito ay maaari nilang gamitin sa pangangailangansa kanilang silid-aralan, para sa kanilang Christmas party o kungminsan ay sa katapusan ng klase kung saan ay nagkakaroon silang masayang noodle party kasama ang kanilang guro. Tinawagnaman nila ang programang ito na project TACOS o trash as cashonce segregated. Ganito sila kasipag araw-araw. Awtomatikong kumikilos parasa dalawang nabanggit na proyekto ng paaralan. Sinimulan nila angmga proyektong ito dalawang taon na ang nakararaan mula nangmagsimulang mamuno ang kanilang punongguro. 220
Masaya si Dante sa ganitong sitwasyon. Alam niyang angmga proyektong ito ay may kabuluhan. Bukod sa hilig niya sapagtatanim ay may pagpapahalaga rin siya sa kalikasan. Alamniyang ang pagkasira ng kalikasan ay patuloy na nagaganap kaya’tnais niyang maging bahagi ng pagkasalba nito. Sinasabi rin niyaito sa kaniyang mga kaklase dahil nais din ni Dante na pati silaay makiisa sa kaniyang gusto. Naniniwala naman sa kaniya angkaniyang mga kamag-aral. Malayo-layo pa lang si Dante ay naririnig na niya na may taona pala sa loob ng hardin. Napabulong na lamang siya na bakaang kaklase niya na mas maagang pumasok sa kaniya ang naroon.Laking gulat niya nang makita niya si Gng. Arellano. “O, Dante nandiyan ka na pala. Magandang umaga sa iyo,”bati ni Gng. Arellano. “Opo, ma'am. Magandang umaga rin po,” sagot naman niDante. “Mainam naman at maaga ka. Nais kong ibalita sa iyo nakayo bilang mga lider ng pangkat sa bawat klase ay pararangalanng punongguro mamaya sa flag ceremony,” dagdag ng kaniyangguro. “Bakit po kaya, ma'am?” masayang tanong ni Dante. “Kahapon kasi sa aming pagpupulong pagkatapos ngmaghapong klase ay ibinalita niya sa aming mga guro na ang atingpaaralan ay pararangalan dahil tayo ay nagwagi sa buong rehiyonbilang 2013 Most Sustainable and Ecofriendly School. At iyon aydahil sa inyong maaasahang mga lider ng bawat pangkat at sa mgaparent volunteers na tumutulong sa atin,” masayang sagot ng gurohabang nakahawak sa magkabilang balikat ni Dante. 221
“Talaga po? Yeheyyyyy!” masayang sagot ni Dante nananlalaki ang mga mata. “Siya, ituloy mo na itong aking pagdidilig at sasabihan ko paang kapuwa mo lider at aabisuhan ko rin ang iba pang mga magulangna pumunta at maghanda sa isasagawang pagpaparangal,” sagotng guro habang iniaabot kay Dante ang hose na pandilig. Habang nagdidilig ay parang nakalutang sa hangin angdiwa ni Dante. Masaya siya! Masayang-masaya! At alam niyanghindi mababayaran ninuman ang kasiyahang iyon. Gusto niyangipagpatuloy pa ang kaniyang nasimulan. Kahit walang nakakakita aypatuloy niyang isasagawa ang adhikain na patuloy niyang sinasabisa kaniyang mga kamag-aral. Kahit walang nakakakita ay alamniyang may Diyos na nakamasid at siyang nalulugod sa kabutihangginagawa ninuman. Kahit walang nakakakita, ang isang tao aydapat na may disiplina sa sarili na gumawa ng tama at mabuti parasa kapakanan ng kapuwa, kabutihan ng bansa at higit sa lahat ngkaligtasan ng kalikasan na mahal na mahal niya.Sagutin ang mga tanong: 1. Anong mabuting asal ang ipinakita ni Dante sa kuwento na nais niyang ipagaya rin sa kaniyang mga kaklase? 2. Tulad ni Dante, bakit kailangan nating gumawa ng kabutihan sa kapaligiran kahit walang nakakakita? 3. Paano natin magaganyak ang ating mga kamag-aral, mga kapamilya, at mga kapuwa Pilipino na magkaroon ng disiplina para sa kapaligiran? 222
4. Bakit kaya naganyak ang ilang magulang na tumulong at sumuporta sa mga programa ng paaralan? 5. Kung ikaw ay isang lider ng inyong pamayanan, paano mo mapasusunod ang mga mamamayan para sa inyong mga proyektong ukol sa kapaligiran? Isagawa NatinGawain 1 Sumulat ng isang pangungusap kung ano ang dapat mongmagawa bilang disiplinadong mamamayan para sa sumusunod nalarawan. Gawin ito sa iyong kuwaderno.ilog na marumi at may pasilyo ng paaralan at may karatulang ‘Bawal karatulang ‘Munting basura,magtapon ng basura.’ pakibulsa na.’ 223
basurang umaapaw at may batang nagsisiga ng basurakaratulang ‘Tumulong sa at may karatulang ‘Malinispagpapanatili ng kalinisan’ na hangin, ating bantayan.’lalaking nagpuputol ng puno bakanteng lote sa likod ngat may karatulang ‘Save the bahay at may karatulang forests’ ‘Clean and green’ 224
Gawain 2Arkitekto Kami! 1. Lumahok sa pangkat na sasabihin ng guro. Pumili ng lider. Bawat pangkat ay ilalaan sa isang bahagi ng paaralan na dapat bigyan ng pansin ukol sa kalinisan at kaayusan. 2. Gamit ang manila paper, gumawa ng plano kung paano ito mapagaganda. Iguhit ito na mayroon ng plant box, mga nakatanim na halamang gulay o namumulaklak at mga puno. Maglagay rin ng mga karatula ukol sa kalinisan ng kapaligiran. 3. Pipiliin ng guro ang may pinakamagandang plano. Isapuso NatinHand stamping at panata para sa Kapaligiran. 1. Gamit ang water color na berde, lagyan ng kulay ang palad na hindi ginagamit sa pagsusulat. 2. Kapag sigurado ka na at puno na ng kulay ang bawat daliri ay sabay-sabay mong ii-stamp sa isang nakahandang puting bond paper. 3. Hayaan muna itong matuyo. 4. Habang nagpapatuyo ay buuin mo ang ‘Panata para sa Kapaligiran’ na nasa kabilang pahina. Buuin mo ang pangungusap at kapag sigurado ka na sa iyong panata ay 225
isulat ito ng may disenyo sa ilalim ng ini-stamp mong daliri sa bond paper.5. Pipiliin ng guro ang may pinakamagandang hand stamping at Panata para sa Kapaligiran. PANATA PARA SA KAPALIGIRAN Ako ay nilalang ng Diyos katulad din ng kalikasan. Katungkulan ko na pangalagaan ang kapaligiran at ang kalikasan. Para sa ikagaganda ng kapaligiran, ako ay __________. Para sa kalinisan nito, ako ay __________. Para tularan ako ng aking mga kamag- aral, ako ay _________ upang lalo pang maging maayos ang aming paaralan. Sa bahay naman ako ay ______ upang matuwa ang aking mga magulang. Nais ko ring ang buong bansa at ang mundo ay maging ligtas kaya ako ay susunod sa _______. Kasihan nawa ako ng Poong Maykapal. 226
Tandaan Natin Ang kalikasan ang tunay na ating tahanan hindi lang angating bahay na tinitirahan. Ito ay dapat lamang nating pahalagahan,ingatan, at pangalagaan. Inaasahan ang pansariling disiplinaupang higit na maingatan, maisalba, o maibalik ang buhay ng ilangnaghihingalong bahagi ng kapaligiran tulad ng maruruming ilog atmga nakakalbong kabundukan at ng pagdumi ng hangin. Paano pakaya tayo mabubuhay kapag tuluyan na itong namatay, nawala, athindi na karapat-dapat gamitin? Nilalayon ng United Nations na tumaas ang bilang ng mgataong may koneksiyon sa malinis at naiinom na tubig. Dahil dito,nararapat lamang na ang bawat isa, bata man o matanda ay patuloyna makapag-isip at makapagpasiya nang wasto tungkol sa epektong tulong-tulong na pangangalaga sa kapaligiran para sa kaligtasanng bansa at daigdig. Sumunod ang bawat isa sa mga pinaiiral nabatas at alituntunin para sa pangangalaga ng kapaligiran. Bilang pakikiisa sa iba’t ibang panawagan upang maibalik atmapanatili ang kagandahan at kalinisan ng kapaligiran, pinaiigtingang mga batas o panuntunang pinaiiral kung saan ang bawatmamamayan ay hinihikayat na gumalang at sumunod sa mga batas.Sa ganitong paraan, maaaring muling maibalik ang mga likas yamanna minsan nang nasira tulad ng maruruming ilog at nakakalbongbundok dahil sa kawalan ng disiplina at katigasan ng ulo ng mgatao. Kailangang maunawaan at maipamalas ng bawat tao angpagkakaroon ng sariling disiplina sa pagmamahal sa kalikasan parasa mas maganda at kaaya-ayang pamayanan, mas maunlad nabansa tungo sa pandaigdigang pagkakaisa. 227
Isabuhay NatinPangkatang Gawain Bumuo ng apat na pangkat. Pumili ng lider at sundin angpanuto para sa bawat pangkat.Pangkat 1 - Gumawa ng infomercial na humihikayat sa mga tao sa pansariling disiplina tungo sa kaligtasan ng kalikasan.Pangkat 2 - Gumawa ng skit na nagpapakita ng paggawa ng maganda para sa kalikasan kahit walang nakakakita.Pangkat 3 - Gumawa ng awit na nagsasaad ng mga batas na dapat nating sundin ukol sa pangangalaga sa kalikasan kahit walang nakakakita.Pangkat 4 - Gumawa ng komiks na naglalarawan ng komunidad na may sariling disiplina at tulong- tulong na nangangalaga sa kalikasan. Subukin Natin Sipiin ang talahanayan at sagutin. Gaano mo kadalas gawinang sumusunod: 228
Lagyan ng kung palagi, kung paminsan-minsan, atkung hindi. Isulat ang sagot sa iyong kuwaderno.Gawain Palagi Paminsan- Hindi minsan1. Nakikiisa ako sa paglilinis ng silid-aralan kapag araw na ng paglilinis ng aming pangkat.2. Hindi ko itinatapon sa bintana ng sasakyan ang mga balat ng pagkain matapos kumain kapag ako ay nagbibiyahe.3. Inilalagay ko muna sa bulsa ang aking basura kapag nakita kong walang basurahan sa paligid.4. Nakikiisa ako at tumutulong sa mga programang pangkalinisan at pangkapaligiran sa aming paaralan.5. Pinupulot ko ang mga kalat sa mga pasilyo at iba pang lugar sa paaralan kahit walang nag- uutos sa akin. Nakatutuwa dahil nadagdagan na naman ang iyong kaalamanukol sa pagmamahal at pangangalaga sa kapaligiran. Lagi mongtatandaan na lagi kang bahagi ng mundo na iyong ginagalawankaya’t lagi mong isaisip, isapuso, at isagawa ang mga gawaingmakapagsasalba ng ating kalikasan kahit walang nakakakita, dahilang tunay na pag-uugali ng isang tao ay nakikita kapag siya ay nag-iisa. 229
Aralin 6 Nagkakaisang Lahi, Mundo’y Maisasalba Tayo ay nakatira sa iisang bubong - ang langit. Sa ilalim ng bubong na ito ay ang kalupaan na may iba’t ibang likas na kagandahan at kayamanan. Ang mga biyayang ito na kaloob ng Diyos ay dapat nating pagtulung-tulungang isalba dahil kapag ito ay naubos na ay di na kailanman maibabalik pa. Sumunod sa mga alituntunin at batas para sa kalikasan. Alamin NatinBasahin ang tula. Disiplina para sa Kapaligiran Damhin ang amihang may samyo ng mga bulaklak; Iwaglit ang lumbay, mangarap at ngumiti sa tuwi-tuwina; Sa kapaligiran ialay ang lugod na abot hanggang alapaap; Iwasan ang pagyurak, pagsira at paggahasa sa Kalikasang Ina. Panuntunan ay sundin at ang mga batas na sa ati’y pinaiiral; Lingapin para sa kalupaan, kalawakan, karagatan at kalipi; Isipin muna ang gagawin, kalikasa’y laging isaalang-alang; Nasa disiplina ng tao upang mundo’y laging may ngiti. Araw-araw ang kalinisan at kaayusan kahit saan mang lugar; Dapat isaisip, isapuso at isagawa ng matanda man o bata; O, kay saya ng lahat, may disiplina para sa kapaligiran! 230
Sagutin ang sumusunod: 1. Ibigay ang mensahe ng tula. 2. Anong suliranin ng kalikasan sa kasalukuyang panahon ang pumupukaw sa iyong damdamin? 3. Kung bibigyan ka ng kapangyarihan ng Diyos na ayusin ang napakalaking suliranin ng mundo ukol sa kapaligiran, anong suliranin ang gagawan mo ng solusyon? Bakit ito ang napili mo? 4. Ano ang mga mangyayari kapag nagkaisa ang lahat para sa pinapangarap na mundo? Patunayan. 5. Ano ang naidudulot ng kalinisan at kaayusan sa buhay ng mga mamamayan? Isagawa NatinGawain 1 Nakaranas ka na bang makagawa ng pagsuway sa isa samga ipinagbabawal na gawain laban sa ating kapaligiran? Buuinang template. Gawin ito sa iyong kuwaderno. 231
Mga Nagawang Epekto sa Natutuhan mo sa Pagsuway sa Kapaligiran Iyong Ginawa Kapaligiran Pagbabara ng mga Pagkintal sa isipHalimbawa: kanal tuwing tag- na magdala naPaggamit ng plastik ulan na nagiging ng mga lalagyanna ipinagbabawal sanhi ng pagbaha tuwing mamimilisa inyong lugar sa palengke ona nagdaragdag kahit ulam sang mga basura sa karinderya.tahananGawain 2 Ano ang iyong gagawin sa sumusunod na sitwasyon?Pangatwiranan ang iyong kasagutan. 1. Namamasyal kayo sa Roxas Boulevard. Habang naglalakad sa baybayin nito ay nakaramdam ka ng matinding pag-ihi ngunit malayo naman ang palikuran. Kung sa baybayin ka iihi ay wala namang makakakita sa iyo. Saan ka iihi? 2. Kumakain kayo ng ice cream habang naglalakad sa tabi ng kalsada. Pagkatapos ninyong kumain ay hinanap ninyo ang basurahan para itapon ang mga stick na inyong ginamit. Dahil 232
wala kayong makitang basurahan, bigla na lang itinapon ng kasama mo ang stick sa tabi-tabi dahil wala naman daw nakakakita. Ano ang gagawin mo? 3. Habang nasa sasakyan ay ngumunguya ka ng bubble gum. Nang malasahan mong matabang na ito, ano ang gagawin mo? Pangatwiranan ang iyong sagot. 4. Nangangamoy na ang inyong mga basura ngunit hindi mo pa ito mailalabas kundi sa mismong araw ng paghahakot ng basurang nabubulok, ayon sa ordinansa. Ano ang gagawin mo? Pangatwiranan ang iyong sagot. 5. Nag-picnic kayo sa malapit sa ilog. Marami kayong naging basura.Ano ang gagawin mo sa mga basura? Pangatwiranan ang iyong sagot. Isapuso Natin Tingnan ang mga larawan. Ano ang mensaheng ipinahihiwatigng bawat larawan? Pag-usapan ninyo ng guro ang mga naging sanhing mga pangyayaring ito at paano rin ito mabibigyan ng solusyon. 233
Sanhi: _______________ Sanhi: _______________Maibabahagi mong Maibabahagi mongsolusyon: ____________ solusyon: ____________Sanhi: _______________ Sanhi: _______________Maibabahagi mong Maibabahagi mongsolusyon: ____________ solusyon: ____________ 234
Search
Read the Text Version
- 1
- 2
- 3
- 4
- 5
- 6
- 7
- 8
- 9
- 10
- 11
- 12
- 13
- 14
- 15
- 16
- 17
- 18
- 19
- 20
- 21
- 22
- 23
- 24
- 25
- 26
- 27
- 28
- 29
- 30
- 31
- 32
- 33
- 34
- 35
- 36
- 37
- 38
- 39
- 40
- 41
- 42
- 43
- 44
- 45
- 46
- 47
- 48
- 49
- 50
- 51
- 52
- 53
- 54
- 55
- 56
- 57
- 58
- 59
- 60
- 61
- 62
- 63
- 64
- 65
- 66
- 67
- 68
- 69
- 70
- 71
- 72
- 73
- 74
- 75
- 76
- 77
- 78
- 79
- 80
- 81
- 82
- 83
- 84
- 85
- 86
- 87
- 88
- 89
- 90
- 91
- 92
- 93
- 94
- 95
- 96
- 97
- 98
- 99
- 100
- 101
- 102
- 103
- 104
- 105
- 106
- 107
- 108
- 109
- 110
- 111
- 112
- 113
- 114
- 115
- 116
- 117
- 118
- 119
- 120
- 121
- 122
- 123
- 124
- 125
- 126
- 127
- 128
- 129
- 130
- 131
- 132
- 133
- 134
- 135
- 136
- 137
- 138
- 139
- 140
- 141
- 142
- 143
- 144
- 145
- 146
- 147
- 148
- 149
- 150
- 151
- 152
- 153
- 154
- 155
- 156
- 157
- 158
- 159
- 160
- 161
- 162
- 163
- 164
- 165
- 166
- 167
- 168
- 169
- 170
- 171
- 172
- 173
- 174
- 175
- 176
- 177
- 178
- 179
- 180
- 181
- 182
- 183
- 184
- 185
- 186
- 187
- 188
- 189
- 190
- 191
- 192
- 193
- 194
- 195
- 196
- 197
- 198
- 199
- 200
- 201
- 202
- 203
- 204
- 205
- 206
- 207
- 208
- 209
- 210
- 211
- 212
- 213
- 214
- 215
- 216
- 217
- 218
- 219
- 220
- 221
- 222
- 223
- 224
- 225
- 226
- 227
- 228
- 229
- 230
- 231
- 232
- 233
- 234
- 235
- 236
- 237
- 238
- 239
- 240
- 241
- 242
- 243
- 244
- 245
- 246
- 247
- 248
- 249
- 250
- 251
- 252
- 253
- 254
- 255
- 256
- 257
- 258
- 259
- 260
- 261
- 262
- 263
- 264
- 265
- 266
- 267
- 268
- 269
- 270
- 271
- 272
- 273
- 274
- 275
- 276
- 277
- 278
- 279
- 280
- 281
- 282
- 283
- 284
- 285
- 286
- 287
- 288
- 289
- 290
- 291
- 292
- 293
- 294
- 295
- 296
- 297
- 298
- 299
- 300
- 301
- 302
- 303
- 304
- 305
- 306
- 307
- 308
- 309
- 310
- 311
- 312
- 313
- 314
- 315
- 316
- 317
- 318
- 319
- 320
- 321
- 322
- 323
- 324
- 325
- 326
- 327
- 328
- 329
- 330
- 331
- 332
- 333
- 334
- 335
- 336
- 337
- 338
- 339
- 340
- 341
- 342
- 343
- 344
- 345
- 346
- 347
- 348
- 349
- 350
- 351
- 352
- 353
- 354
- 355
- 356
- 357
- 358
- 359
- 360
- 361
- 362
- 363
- 364
- 365
- 366
- 367
- 368
- 369
- 370
- 371