FILIPINOPatnubay ng Guro Grade 3
Patnubay ng Guro sa Filipino 3 Aralin 1 Ako ItoLingguhang LayuninPag-unawa sa Pinakinggan Nakasasagot sa mga tanong tungkol sa tekstong napakingganWikang Binibigkas Naisasagawa ang maayos na pagpapakilala ng sariliGramatika Nagagamit ang pangngalan sa pagsasalaysayPag-unawa sa Binasa Naiuugnay ang binasa sa sariling karanasanKaalaman sa Aklat at Limbag Nahuhulaan ang nilalaman/paksa ng aklat sa pamamagitan ng pamagatPagsulat at Pagbabaybay Nasisipi nang wasto at maayos ang mga salitaPaunang Pagtataya Punan ng angkop na salita ang sumusunod na pangungusap upang mabuo ang talata. Isulat ang sagot sa sagutang papel. DRAFTAng Batang Masipag Mag-aral Si Lilia ay isang batang masipag mag-aral.Bago siya matulog sa gabi muli niyang binabasa ang _______ na itinuro ng kaniyang _____ upang sa kinabukasan ay makasagot at makasali sa talakayan sa klase.Sa panahon ng pagsusulit, walang oras na hindi nag-aral si ______ dahil para sa kaniya makatutulong ito upang makakuha ng mataas na marka. Hindi rin siyaApril 10,2014nakalilimot na tumulong sa kaniyang_____ sa mga gawaing-bahay.Unang ArawLayunin Nasasagot ang mga tanong ayon sa napakinggang kuwento Naisasagawa nang may kaayusan ang pagpapakilala sa sariliPaksang-Aralin Pagpapakilala ng SariliPanlinang na Gawain 1. Tukoy-Alam Hayaang ipakilala ng mga bata ang kanilang sarili. Tumawag ng mga volunteer para sa gawaing ito. 2. Paglalahad Anong karanasan sa unang araw ng pasukan ang hindi mo malilimutan? Sabihin ang pamagat ng kuwentong babasahin. Ano kaya ang nangyari sa unang araw ng pasukan? 2
Patnubay ng Guro sa Filipino 3 3. Pagtalakay at Pagpapahalaga Basahin nang malakas. Unang Araw ng Pasukan Unang araw ng pasukan sa Paaralang Elementarya ng Sta. Clara.Makikita ang tuwa at galak sa bawat isa. Natutuwa ang lahat na makitang muli ang mga kaklase at kaibigan. Abala ang lahat sa paghahanap ng bagong silid-aralan , maliban sa isang batang si Ella. Siya ay bagong mag-aaral sa paaralan. Bagong lipat lamang sila sa lugar kaya wala pa siyang kakilala o kaibigan man lang. Palinga- linga siya sa paglalakad. Pasilip-silip siya sa mga silid-aralan. Ang takot niya ay pilit na itinatago hanggang sa mapaiyak na siya nang tuluyan.Ilang saglit lang, isang maliit na boses ang kaniyang narinig. “ Ano’ng pangalan mo?” Isang matamis na ngiti ang kaniyang iginanti sabay sabing, “Ako si Ella. Ikaw?” Itanong: DRAFTAno ang nararamdaman ng mga bata sa unang araw ng pasukan? Bakit masaya ang mga bata? Bakit kakaiba ang nararamdaman ni Ella? Bakit siya malungkot? Ano kaya ang sumunod na nangyari? Paano mo ipakikilala ang iyong sarili? Basahin sa mga bata ang sinabi ng bagong kaibigan ni Ella. Para sa Guro : Gumawa ng puppet upang magamit sa gawain na ito.April 10,2014Ipakilala ang puppet na ginawa sa pamamagitan ng pagsasabi ng : Ako si Marina. Ako ay pitong taong gulang. Nasa ikatlong baitang ako. Nakatira ako sa Purok 4. Itanong: Ano ang unang sinabi ni Marina tungkol sa kaniyang sarili? Ano-ano pa ang sinabi niya? Ano ang dapat tandaan sa pagpapakilala ng kaniyang sarili sa kapwa bata? Paano kung sa matanda siya magpapakilala? 4. Pagpapayamang Gawain Maghanda ng isang musikang patutugtugin. Iayos pabilog ang mga bata.Sabihin sa kanila na habang tumutugtog ang musika ay ipapasa nila ang bola sa kanilang katabi sa kanan. Kung sino ang may hawak ng bola paghinto ng tugtog ang siyang magpapakilala ng sarili sa 3
Patnubay ng Guro sa Filipino 3 pamamagitan ng pagbuo ng mga pangungusap na nasa tsart . Ulitin ito hanggang sa makapagpakilala ang lahat ng bata. Ako si ________________ Ako ay _________ taong gulang. Ipinanganak ako noong _______________. Nakatira ako sa___________________________. Ang aking mga magulang ay sina________________ . 5. Paglalahat Itanong: Ano ang dapat tandaan sa pagpapakilala ng sarili? Pasagutan sa mga bata ang mga patlang sa ibaba upang higit na maunawaan ang mga dapat tandaan sa pagpapakilala ng sarili. Sa pagpapakilala ng aking sarili ay unang sinasabi ang aking _____. Sinasabi din ang araw, buwan at taon ng aking ______. Ang lugar kung saan ako nakatira ay tumutukoy sa aking _______. Binabanggit din ang pangalan ng aking mga ______. 6. Karagdagang Pagsasanay Tumawag ng ilang bata na magsasabi ng isang pangalan ng kaniyang kaklase at ilang impormasyon na natatandaan niya tungkol sa tinukoy na kamag-aral. Ipaturo din sa tinawag na bata ang inilalarawang kaklase.DRAFTIkalawang ArawLayunin Nasasagot ang mga tanong tungkol sa binasang kuwento Naiuugnay ang binasa sa sariling karanasanPaksang-AralinPag-uugnay ng Karanasan sa BinasaApril 10,2014PanlinangnaGawain 1. Tukoy-Alam Linangin ang salitang pista sa pamamagitan ng concept map. Itanong: Nakadalo na ba kayo sa isang pista? Ano-ano ang inyong nakita o naranasan? Isusulat ng guro ang sagot ng mga bata sa concept map. pista Ano ang ibig sabihin ng salitang pista? Ipagamit ang bagong salita sa mga bata. 4
Patnubay ng Guro sa Filipino 3 2. Paglalahad Pagpapalawak ng Talasalitaan Sabihin ang kahulugan ng may salungguhit na salita na matatagpuan din sa loob ng pangungusap. 1. Si Kaka Felimon ang pinakamatanda sa pamilya kaya maraming humihingi ng kaniyang payo. 2. Ipinagmamalaki ng mga Bikolano ang Bulkang Mayon sa kanilang lugar. 3. Ang pamahalaang lokal ay nagbigay ng mahalagang anunsiyo tungkol sa padating na bagyo sa kanilang lugar. 4. Marami palang malilikhang kapaki-pakinabang na bagay mula sa indigenous materials tulad ng basket na gawa sa kawayan. Ipagamit sa mga bata ang mga bagong salita sa sariling pangungusap. Itanong Nakapunta ka na ba sa isang pistahan? Hayaang magbahagi ang mga bata ng sariling karanasan. Sabihin ang pamagat ng kuwentong babasahin. Itanong: Ano ang nais ninyong malaman sa kuwento? DRAFTIsulat sa pisara ang mga tanong na ibibigay ng mga bata. Gabayan sila upang makapagbigay ng tanong. 3. Pagtatalakay at Pagpapahalaga Ipabasa “Ang Pistang Babalikan Ko” sa Alamin Natin, p. 2. Balikan ang mga tanong na ginawa ng mga bata bago nila basahin ang kuwento. Pasagutan ang mga ito sa kanila. Itanong: Ano ang pamagat ng kuwento? Ano-ano ang pangyayari sa kuwentong binasa?April 10,2014Anoangkatapusanngkuwento? Anong okasyon ang inilalarawan sa kuwento? Ano-anong kaugaliang Pilipino ang nabanggit sa kuwento? Ginagawa pa ba ang ganito sa inyong lugar? Dapat pa ba ito ipagpatuloy? Bakit? Paano natin mapapahalagahan ang mga kaugaliang sariling atin? 4. Pagpapayamang Gawain Pasagutan ang Linangin Natin , p. 3. 5. Paglalahat Pagawain ng kiping ang mga bata. Magpagupit ng isang dahon mula sa isang berdeng papel. (Maaaring ipakita muna sa mga bata kung paano ito isagawa.) Ipasipi at ipakumpleto sa mga bata ang pangungusap batay sa natutuhan niya sa aralin. Itanong: Ano ang natutuhan mo sa aralin? 6. Karagdagang Pagsasanay Pasagutan ang Pagyamanin Natin p. 4. 5
Patnubay ng Guro sa Filipino 3Ikatlong ArawLayunin Nagagamit ang pangngalan sa pagsasalaysay tungkol sa mga tao, lugar, at bagay sa paligidPaksang-Aralin Paggamit ng Pangngalan sa PagsasalaysayPanlinang na Gawain 1. Tukoy-Alam Sabihin sa mga bata na magmasid sa paligid. Itanong: Ano-ano ang nakikita ninyo sa paligid? Gabayan ang mga bata na bumuo ng pangungusap tungkol sa nakita nila sa paligid. Itanong : Ano-ano ang pangngalan na ginamit sa pangungusap? 2. Paglalahad Itanong : Ano ang ginagawa mo kung malapit na ang pista sa inyong bayan? 3. Pagtatalakay at Pagpapahalaga Ipabasa ang “Pista sa Aming Bayan” sa Alamin Natin, p. 4. Itanong: Ano ang magaganap sa bayan? Ano-ano ang ginagawang paghahanda ng mga tao? Ganito rin ba ang ginagawa sa inyong pamayanan tuwing sasapit ang kapistahan? DRAFTAnong kaugalian ang ipinakita sa talata? Ano ang katangian ng mga tao na binanggit sa talata? Dapat ba silang tularan? Paano mo sila tutularan? Paano ka makatutulong kapag may okasyon sa inyong bahay? Bigyan ang mga bata ng isang card. Ipasulat sa mga ito ang mga ngalan ng tao/bagay/lugar/pangyayari sa talatang muling babasahin ng guro.April 10,2014Ipadikit sa mga bata ang kanilang sagot sa pisara. Ipabasa ang mga ito sa mga bata. Linangin ang bawat salita. Ano ang tawag sa mga salitang ito? Alin-aling salita ang dapat magkakasama? Pabigyang-katwiran ang ginawang pagsasama ng mga salita. Paano isinulat ang mga salita sa bawat kategorya? 4. Pagpapayamang Gawain Ipagawa ang Linangin Natin, p. 5. 5. Paglalahat Ipakumpleto ang pangungusap na makikita sa Tandaan Natin, p.5 . Ano ang pangngalan? Ang pangngalan ay ngalan ng tao, bagay, hayop, pook/lugar, o pangyayari. 6. Karagdagang Pagsasanay Pasagutan ang Pagyamanin Natin, p. 5. 6
Patnubay ng Guro sa Filipino 3 Ikaapat na Araw Layunin Nahuhulaan ang nilalaman/paksa ng aklat sa pamamagitan ng pamagat Nasisipi nang maayos at wasto ang mga salita Paksang-Aralin Pagsipi ng mga Salita Panlinang na Gawain 1. Tukoy-Alam Magpaskil ng ilang salita sa paligid ng silid-aralan. Bigyan ng pagkakataon ang mga bata na makapag-ikot sa loob ng silid-aralan. Ipasipi sa kanila ang limang salita na kanilang nababasa at nauunawaan ang kahulugan. Ipabasa sa mga bata ang kanilang ginawa. Isulat ang sagot ng mga bata sa pisara. Pag-usapan ang kahulugan ng bawat salita. 2. Paglalahad Magpakita ng isang alkansiya. Pag-usapan ito sa klase. DRAFTSabihin ang pamagat ng kuwento. Itanong: Ano kaya ang nangyari sa kuwento? Isulat ang mga sagot ng mga bata. 3. Pagtalakay at Pagpapahalaga Ipabasa sa mga bata “ Ang Aking Alkansiya” na nasa Alamin Natin, p. 6. Balikan ang mga hula ng mga bata sa simula tungkol sa mga mangyayari sa kuwento. Itanong: Tama ba ang hula mo? Tungkol saan ang kuwento? Ilarawan ang batang nagkukuwento.April 10,2014Dapatbasiyangtularan? Bakit? Ano-anong ginagawa niya na ginagawa mo rin? Ipabasang muli ang kuwento sa mga bata. Ipasipi sa mga bata ang mga salitang hindi nila nauunawaan. Ipabasa ang mga ito.Linangin ang bawat salita. Tama ba ang pagkakasipi ninyo? Paano mo sinulat ang bawat salita? May sapat bang layo ang mga letra sa isa’t isa? Pantay-pantay ba ang pagkakasulat mo? 4. Kasanayang Pagpapayaman Ipagawa ang Linangin Natin, p. 6. 5. Paglalahat Itanong: Ano ang dapat tandaan sa pagsipi ng ngalan ng tao? Bagay? Lugar? Hayop? Ipakumpleto sa mga bata ang pangungusap na makikita sa Tandaan Natin, p. 7. 6. Karagdagang Pagsasanay Pasagutan ang Pagyamanin Natin, p. 7. 7
Patnubay ng Guro sa Filipino 3Ikalimang ArawPanlingguhang PagtatayaLayunin 1. Makagawa ng sariling name tag 2. Maipakilala nang maayos ang sarili sa mga bagong kaklase 3. Masipi ang pangalan ng limang bagong kaklaseGagampanan ng bawat mag-aaral1. Ang bawat mag-aaral ay gagawa ng sariling name tag sa loob ng 10 minuto.2. Gamit ang name tag, ipapakilala ang sarili sa mga kaklase. Matapos ipakilala angsarili, isusulat ang nakalap na limang pangalan ng bagong kaklase at isasagawa itosa loob ng limang minuto.3. Paupuin nang pabilog ang mga bata. Ihagis sa isang bata ang bolang hawak namagsasabi ng pangalan ng dalawang pangalan ng kaniyang kaklase. Matapos anggawain, siya naman ang maghahagis ng bola upang sumunod sa kaniyang ginawa,KalagayanAng mga mag-aaral ay magpapakilala ng sarili at magkakaroon ng bagong mgakakilala. Ito ay tatasahin sa pamamagitan ng nakalakip na pamantayan.4321Bunga Naipakilala ang sarili sa limang bagong kamag-aaral.DRAFTPamantayan sa PagsasagawaMalinaw at wasto ang pagkakasulat ng pangalan .April 10,2014Malinaw at maayos ang pagpapakilala ng sarili sa ibang bata.Nasipi nang may wastong baybay ang pangalan ng limangkaklase.Natapos ang gawain sa itinakdang oras. Aralin 2 Pamilya KoLingguhang LayuninPag-unawa sa Napakinggan Nasasagot ang mga tanong tungkol sa tekstong napakinggan Nagagamit ang naunang kaalaman o karanasan sa pag- unawa ng napakinggang teksto 8
Patnubay ng Guro sa Filipino 3Pag-unawa sa Binasa Nasasagot ang mga tanong tungkol sa tulang binasaKamalayang Ponolohiya Natutukoy ang salitang magkakatugmaGramatika Nagagamit ang pangngalan sa pagsasalaysay tungkol sa mga tao, lugar at bagay sa paligidPagsulat at Pagbaybay Nasisipi nang wasto at maayos ang mga salitang magkakatugmaEstratehiya sa Pag-aaral Nakikilala ang iba’t ibang bahagi ng aklatPaunang PagtatayaSabihin ang bahagi ng aklat na tinutukoy sa bawat pangungusap.Piliin ang inyong sagot sa kahon.Paunang Salita Pahinang PabalatKarapatang Pag-aari Talaan ng NilalamanDRAFT1. Talaan ito ng bilang at pamagat ng yunit, mga kuwento, tula at ang mga pahina nito.2. Makikita rito ang nagmamay-ari ng sinulat na aklat at ang naglathalang kompanya.3. Ang pamagat ng aklat, ang pangalan ng mga may-akda at publikasyon ng aklat. Unang Araw Layunin Nasasagot ang mga tanong tungkol sa tekstong napakingganApril 10,2014Nagagamit ang naunang kaalaman o karanasan sa pag- unawa ng napakinggang teksto Paksang-Aralin Pagsagot sa mga Tanong Tungkol sa Tekstong Napakinggan Panlinang na Gawain 1. Tukoy-Alam Tumawag ng ilang bata upang magsabi ng pangalan ng kanilang kaklase at kung ano ang natatandaan nila na ginawa nila noong nagdaang bakasyon kasama ang kaniyang sariling pamilya. 2. Paglalahad Sabihin ang pamagat ng kuwento. Itanong: Ganito rin ba ang pamilya mo? 3. Pagtalakay at Pagpapahalaga Iparinig ang teksto. 9
Patnubay ng Guro sa Filipino 3 Ang Aming Simpleng Pamilya Sa isang simpleng bahay kami nakatira ng aking Nanay at Tatay. Ang aking Tatay Pio ay isang simpleng kawani ng gobyerno. At si Nanay Conching naman ay isang guro sa paaralang aking pinapasukan. Tatlo lamang kami sa aming bahay. Pero ang lahat ng gawain ay nagiging madali dahil sa aming pagtutulungan. Ang aming hapag-kainan ay napupuno ng tawanan sa pagkukuwentuhan namin ng mga pangyayari sa buong maghapon. Kapag may libreng oras at may sobrang pera, namamasyal din kami sa kung saan-saang lugar. Sa panahon naman na may problema, ito rin ay nagiging magaan dahil na rin sa pagmamahalan namin sa isa’t isa at sa pagtitiwala sa Poong Maykapal. Itanong: Tungkol saan ang talatang napakinggan? Sino-sino ang bumubuo sa pamilya ni Mang Pio? Ilarawan ang bawat isa. Ano-ano ang masasayang sandali para sa kanila? Ganito rin ba kayo sa inyong pamilya? Ano-ano ang ginagawa ninyo kasama ang buong pamilya? Ilarawan ang sariling pamilya. Katulad din ba ito ng pamilya ni Mang Pio? Ano ang kayamanan ng pamilya nila? DRAFTIkaw, ano ang kayamanan mo? Ipaliwanag ang sagot. 4. Pagpapayamang Gawain Pangkatin ang klase. Ipakuwento sa bawat bata sa pangkat ang mga gawain ng kanilang sariling pamilya. 5. PaglalahatApril 10,2014Anoangnatutuhanmosa aralin? 6. Karagdagang Pagsasanay Pagawain ang mga bata ng simpleng larawan ng pamilya sa pamamagitan ng pagguhit. Hayaang ipakita ng mga bata ang kanilang ginawa at makapagkuwento sila tungkol sa iginuhit.Ikalawang ArawLayunin Nasasagot ang mga tanong tungkol sa tulang binasa Natutukoy ang mga salitang magkakatugmaPaksang-Aralin Pagbibigay ng Kahulugan sa Binasang TulaPanlinang na Gawain 1. Tukoy-Alam Itanong Ano ang ginawa mo kagabi kasama ang pamilya mo? 10
Patnubay ng Guro sa Filipino 3 Pagbabahagi ng karanasan ng mga mag-aaral. 2. Paglalahad Ipaawit: “Nasaan si Tatay?” 3. Pagtalakay at Pagpapahalaga Basahin sa mga bata ang tulang “Ang Aming Mag-anak” sa Alamin Natin, p.7. Itanong: Ano ang pamagat ng tula? Ilarawan ang pamilyang binanggit sa tula. Paano ipinakita ng bawat isa ang pagtutulungan? Pagdadamayan? Ganito rin ba ang iyong mag-anak? Hayaang sagutin ito ng mga bata batay sa kanilang sariling karanasan. Paano mo ipakikita ang pagmamahal at pagmamalaki sa sariling pamilya? Ipabasang muli ang tula. Ipasuri ang mga salitang may salungguhit. Ipasulat ang mga ito sa pisara. Ipabasa ang mga salita. Linangin ang bawat salita. Itanong: Aling mga salita ang dapat magkakasama? Ipaliwanag ang ginawang pagsasama-sama ng mga salita. Ano ang napansin mo sa hulihang tunog ng mga salita? Aling mga salita ang magkakatugma? DRAFT4. Pagpapayamang Gawain Gumawa ng isang puno ng mga salita. Isulat ang mga salita sa bawat dahon na ididikit sa puno. Siguraduhin na may mga salitang magkakatugma. Ipagawa ang Linangin Natin, p. 8. 5. Paglalahat Ano-ano ang salitang magkakatugma?April 10,2014Ipakumpleto ang pangungusap sa Tandaan Natin, p. 8. 6. Karagdagang Pagsasanay Isulat ang ilang mga tugma sa isang malinis na papel. Siguraduhin sapat ang laki ng mga ito upang mabasa ng lahat ng mag-aaral. Basahin ang mga tugma kasama ang mga bata. Pasagutan ang Pagyamanin Natin, p. 9. Ikatlong Araw Layunin Nagagamit ang pangngalan sa pagsasabi ng mga pangalan ng mga tao, lugar, at bagay sa paligid Paksang-Aralin Paggamit ng Pangngalan Panlinang na Gawain 1. Tukoy-Alam Sabihin sa mga bata na ipakilala ang bawat kasapi ng pamilya. Bawat bata ay gagawa ng hand puppet. 11
Patnubay ng Guro sa Filipino 3 Sa bawat daliri ng puppet, isusulat ng mga bata ang ngalan ng bawat kasapi ng kaniyang pamilya. 2. Paglalahad Sino-sino ang kasapi ng iyong pamilya? Tumawag ng ilang bata upang ipakita ang ginawang puppet at magsabi ng ilang bagay tungkol sa sariling pamilya. Isulat sa pisara ang ngalan na babanggitin ng mga bata. Ipabasa ito sa mga bata. 3. Pagtatalakay at Pagpapahalaga Ipabasa muli ang tula sa Alamin Natin, p. 8. Sino-sino ang kasapi ng pamilyang binanggit sa tula? Isulat ang sagot ng mga bata sa pisara. Ipabasa ito. Tanungin ang mga bata ng iba pa nilang alam/ginagamit na katawagan sa bawat kasapi ng pamilya. Ano ang katangian ng bawat isa sa tula? Ganito rin ba ang pamilya mo? Paano mo pinahahalagahan ang mga ginagawa sa iyo ng ibang kasapi ng iyong pamilya? Ipabasa sa mga bata ang sinulat na mga pangngalan na hinango mula sa mga sagot nila sa puppet at sa pagtalakay ng tula. Ano ang tinutukoy ng bawat ngalan? Ano ang tawag natin sa mga salitang ito. 4. Pagpapayamang Gawain DRAFTIpabasang muli sa mga bata ang mga salitang inilista mula sa tula. Ipagawa ang Linangin Natin, p. 8. 5. Paglalahat Ano ang natutuhan mo sa aralin? 6. Karagdagang Pagsasanay Maghanda ng ilang larawan tungkol sa pamilya. Ipakita ang bawat isa sa mgaApril 10,2014bata. Ipagawa ang Pagyamanin Natin, p. 9.Ikaapat na ArawLayunin Nakikilala ang iba’t ibang bahagi ng aklatPaksang-Aralin Ang Iba’t Ibang Bahagi ng AklatPanlinang na Gawain 1. Tukoy-Alam Ano-ano ang gawain ng bawat kasapi ng iyong pamilya? Paano ka tinutulungan ng iyong pamilya sa mga gawain mo sa paaralan? 2. Paglalahad Itanong: Ano-ano ang bahagi ng bawat aklat? Ano ang gamit ng bawat isa? Ipabasa ang tulang “Mga Bahagi ng Aklat” na nasa Alamin Natin, p. 9. 3. Pagtalakay at Pagpapahalaga 12
Patnubay ng Guro sa Filipino 3 Itanong: Ano ang pamagat ng tula? Ano-ano ang bahagi ng aklat? Ano ang tungkulin ng bawat bahagi ng aklat? Paano mo pangangalagaan ang bawat bahagi ng aklat? Paano mo pahahalagahan ang gawain ng bawat kasapi ng iyong pamilya? 3. Pagpapayamang Gawain Ipagawa ang pagsasanay sa Linangin Natin, 9. Ipakuha sa mga bata ng sariling aklat. Ipatukoy sa kanila ang bawat bahagi nito. 4. Paglalahat Ano ang natutuhan ninyo sa aralin? Ipakumpleto ang pangungusap sa Tandaan Natin, p. 10. 5. Karagdagang Pagsasanay Ipagawa ang Pagyamanin Natin, p.10. Ipakuha ang gamit ng mga bata sa Art. Gabayan ang bawat bata na makagawa ng dummy ng isang aklat. Ipasulat ang ngalan ng bawat bahagi ng aklat. Ikalimang Araw Panlingguhang PagtatayaDRAFTLayunin Makalikha ng isang tula ukol sa sariling pamilya Mabigyang- buhay ang tula sa malikhaing pamamaraan Gagampanan ng bawat pangkat na mag-aaral 1. Hahatiin ang mga mag-aaral sa apat na pangkat. Gagawa ang bawat pangkat ng isang tula sa loob ng 15 minuto at karagdagang 10 minuto upang bigyang-buhayApril 10,2014ito sa malikhaing pamamaraan. (Maaaring kantahin, lagyan ng akmang kilos o galaw at iba pa. Bigyang-laya ang mga mag-aaral sa kung paanong paraan nila ito bibigyang-buhay. ) 2. Pagtatanghal ng bawat pangkat. Kalagayan Ang mga mag-aaral ay gagawa ng tula ukol sa sariling pamilya. Lalapatan nila ito ng sariling interprestasyon. Ito ay tatayain sa pamamagitan ng nakalakip na pamantayan. Bunga Tula tungkol sa sariling pamilya 13
Patnubay ng Guro sa Filipino 3Pamantayan sa Pagsasagawa 43 2 1 Bahagyang may Mababaw angMalalim at Makahulugan ang lalim ang kabuuan kabuuan ng tula. ng tula.Makahulugan kabuuan ng tula.ang kabuuan ngtula.Piling-pili ang May ilang piling Ang mga salita ay Ang mga salita ay hindi gaanong hindi pinili.mga salita at mga salita at mga pinili.parirala. parirala. Aralin 3 Pag-uugali KoLingguhang LayuninPag-unawa sa Napakinggan Nasasagot ang mga tanong tungkol sa napakinggang kuwentoWikang Binibigkas Nagagamit ang magalang na pananalita sa pagbati, pakikipag-usap at paghingi ngDRAFTpaumanhinPag-unawa sa Binasa Nakasusunod sa nakasulat na panutoPag-unlad ng Talasalitaan Nakikilala at napagyayaman ang talasalitaan sa pamamagitan ng paggamit ng mga salitang magkasingkahuluganApril 10,2014Gramatika Nagagamit ang pangngalan sa pagsasalaysay tungkol sa mga tao, lugar, at bagay sa paligidPalabigkasan at Pagkilala sa Salita Nakababasa ng mga salitang may dalawa hanggang tatlong pantigKomposisyon Nasisipi nang wasto at maayos ang mga pariralaPaunang Pagtataya Mag-usap tayo! Pangkatin ang mga mag-aaral. Ang bawat pangkat ay muling hahatiin upang makabuo ng tig-iisang pares. Ipagawa sa mga mag-aaral ang usapan sa pamamaraang dyad . Ano ang iyong sasabihin sa bawat sitwasyon? Sitwasyon 1: Isang umaga, nakita mo ang nanay ng iyong kaibigan. Inaasahang sagot: “Magandang umaga po, Gng. _____.” Sitwasyon 2: Dinalaw mo ang iyong lolo at lola na matagal mo nang hindi nakikita. Inaasahang sagot: “Kumusta po kayo Lolo at Lola?” 14
Patnubay ng Guro sa Filipino 3Pag-uulat ng bawat pangkat gamit ang gabay na katanungan: 1. Ilahad ang pagkakapareho at pagkakaiba-iba ng sagot ng bawat pares. 2. Anong karagdagang kaalaman ang natutuhan? Unang Araw Layunin Nasasagot ang mga tanong tungkol sa napakinggang kuwento Nagagamit ang magagalang na pananalita sa pagbati, pakikipag-usap, at paghingi ng paumanhin Paksang-Aralin Paggamit ng Magagalang na Pananalita Panlinang na Gawain 1. Tukoy-Alam Ipalarawan sa mga bata ang kanilang lolo at lola. Hayaang ibahagi ng mga bata ang kanilang karanasan tungkol sa kanilang lolo at lola. 2. Paglalahad DRAFTPagpapalawak ng Talasalitaan Piliin sa loob ng panaklong ang kasingkahulugan ng salitang may salungguhit. 1. Dumalaw si Lea sa kaniyang kaibigang may-sakit. ( bumisita, nagtampo, nagpaalam ) 2. Masarap tumira sa probinsiya dahil payak ang pamumuhay doon. ( maingay, simple, marumi) 3. Maraming magandang tanawin ang makikita sa probinsiya ng Ilocos. ( lungsod, bayan, lalawigan) 4. Sabi ng tatay ko, manang-mana ako sa kaniya dahil pareho kaming mabait.April 10,2014( magkaiba, magkatulad, magkabagay) Sabihin ang pamagat ng babasahing teksto. Itanong : Ano kaya ang nangyari kina Lolo at Lola? Isulat ang hula ng mga bata sa pisara. 3. Pagtalakay at Pagpapahalaga Basahin nang malakas sa mga bata. Ang Mahal kong Lolo at Lola Bakasyon nang dumalaw ang pamilya ni Benjie sa kaniyang Lolo Benny at Lola Berna sa Bicol. Payak at masaya ang buhay ng kaniyang Lolo at Lola sa probinsya kaya naman gustong-gusto ni Benjie ang magbakasyon sa kanila.Lolo Benny: Salamat at dinalaw ninyo kami.Benjie: Mano po, Lolo. Mano po, Lola. Magandang umaga po!Nanay: Pasensiya na po kayo at ngayon lang kami nakadalaw. Kumusta po?Lola Berna: Ayos lang ‘yun, apo. Ang mahalaga andito ka na ngayon. Saan mo ba gustong mamasyal? 15
Patnubay ng Guro sa Filipino 3Benjie: Naku, Lola, gusto ko lang kayong makasama.Tutulungan ko kayo sa inyong mga gawaing-bahay.Lolo Benny: Ito talagang apo ko, manang-mana sa akin!Lola Berna: Mana sa iyo o sa akin? (mapapaupo na parang nahihilo)Benjie: O, Lola, ayos lang po ba kayo?Lola Berna: Nahihilo lamang ako, dahil siguro sa panahon.Lolo Benny: Dapat kasi ay hindi ka na masyadong nagkikikilos dito sa bahay.Benjie: Tama po si Lolo Benny, Lola. Maari po bang ako na lang ang gumawa ng gagawin ninyo? Ngayon na nandito po ako, ako muna ang mag-aalaga sa inyo.Lola Berna: Naku! Salamat, apo, pero huwag mo akong intindihin. Kaya ko pa naman.Lolo Benny: Hay ang apo ko talaga, mana sa akin. Napakabait!Benjie: Salamat po!Nagkatinginan ang Nanay at Lola Berna. At sila’y nagtawanan. Itanong : Sino ang pangunahing tauhan sa kuwento? Kailan dumalaw ang pamilya ni Benjie sa Bicol? Bakit sinabi ng lolo na hindi na dapat kumikilos ang lola ni Benjie? Paano mailalarawan ang batang si Benjie?DRAFTAno-ano ang magagalang na pananalitang ginamit ni Benjie sa usapan? Ano-ano ang magagalang na pananalitang ginagamit sa pagbati? Ano ang dapat tandaan sa pakikipag-usap sa mga matatanda? (Bigyang-diin na ang paggamit ng po at opo ay kaugalian lamang ng mga Tagalog. Ang mga Bisaya at iba pang pangkat etniko ng Pilipinas ay hindi gumagamit nito, at hindi ibig sabihin na sila ay hindi na magagalang naApril 10,2014Pilipino. Sa halip, sa tono, intonasyon at diskurso makikita ang paggalang.) Paano pa maipakikita ang pagiging magalang sa mga nakatatanda? Ano ang dapat sabihin kung nais humingi ng paumanhin?4. Pagpapayamang Gawain Pangkatin ang klase. Magpagawa ng isang dula-dulaan na nagpapakita ng - magalang na pagbati - pakikipag-usap sa nakatatanda - pakikipag-usap sa mga hindi kakilala - paghingi ng paumanhin 5. Paglalahat Ano ang natutuhan mo sa aralin?6. Karagdagang Pagsasanay Hayaang magbahagi ang mga bata ng isang karanasan tungkol sa pagiging magalang. 16
Patnubay ng Guro sa Filipino 3Ikalawang ArawLayunin Nakasusunod sa nakasulat na panuto Nakikilala at napagyayaman ang talasalitaan sa pamamagitan ng paggamit ng mga salitang magkasingkahuluganPaksang-Aralin Pagsunod sa Nakasulat na PanutoPanlinang na Gawain 1. Tukoy-Alam Isulat ang sumusunod na panuto sa isang malinis na papel at ipagawa ang mga ito sa mga mag-aaral. Tingnan kung masusunod ang mga ito ng mga mag-aaral.1. Umupo nang maayos.2. Itaas ang dalawang kamay.3. Sabihin nang malakas ang iyong pangalan.2. PaglalahadLinangin ang salitang masipag.DRAFTIpagamit ito sa sariling pangungusap.Sabihin ang pamagat ng kuwento.Itanong : Bakit kaya gustong-gusto ni Ian ang araw ng Sabado?Isulat sa pisara ang hula ng mga bata. Hula Ko Tunay na Nangyari 3. Pagtatalakay at Pagpapahalaga Ipabasa sa mga bata ang “Ang Sarap Talaga” sa Alamin Natin, p.10. Itanong:April 10,2014Tama ba ang hulang ibinigay bago basahin ang kuwento? (Balikan ang tsart na ginawa at lagyan ng sagot ang kolum ng tunay na nangyari.) Sino ang bida sa kuwento? Paano siya inilarawan sa kuwento? Ano-ano ang patunay ng katangiang ito? Bakit para kay Ian, masarap ang araw ng Sabado? Ganito rin ba ang pakiramdam mo sa araw ng Sabado? Ipaliwanag ang sagot. Dapat ba siyang tularan? Ano-ano kaya ang mga tuntunin sa bahay nila na kaniyang sinunod? Ipabasa sa mga bata ang mga nakasulat na panuto. Ipagawa ang mga ito. 1. Gumuhit ng isang bilog. Sa loob nito, isulat ang pangalan mo. 2. Sa kaliwa ng bilog, gumuhit ng isang puso. Kulayan ito ng pula. 3. Sa itaas ng bilog, gumuhit ng isang ulap. Isulat dito ang isang utos na sinunod mo sa bahay. 17
Patnubay ng Guro sa Filipino 3 4. Sa kaliwa ng bilog, gumuhit ng isang parihaba. Isulat dito ang isang bagay na ayaw mong gawin. 5. Sa ibaba ng bilog, gumuhit ng isang parihaba. Isulat dito ang “Ako ay masunurin.” Nasunod mo ba ang mga panuto? Bakit? Bakit hindi? 4. Pagpapayamang Gawain Maghanda ng ilang learning centers sa loob ng silid-aralan. - Art Center (lagyan ng kagamitan sa art) - Music center (lagyan ng cassette o radyo, tape o CD ng mga awit) - Writing center (lagyan ng papel , lapis) Ipagawa ang Linangin Natin, p. 11. Sabihin sa mga bata na pumili ng isang center na nais nilang puntahan. Ipagawa ang nakasulat na mga panuto sa center na pupuntahan. Bigyan sila ng ilang minuto upang maisagawa ang mga panuto sa pupuntahan. Matapos ang nakalaang oras, hayaang ipakita ng mga bata ang kanilang natapos na gawain at pag-usapan ito sa klase. - Art center – Gumuhit ng isang malaking puso. Magpunit ng maliliit na papel mula sa colored magazine na makikita sa center. Idikit ito sa loob ng malaking puso upang maging kulay nito. - Music Center – Gumawa ng pangkat na may tatlong miyembro. Mag-aral ng DRAFTisang bagong awit. - Writing center – Sumulat ng dalwang panuto na nais mong ipagawa sa ibang kaklase. 5. Paglalahat Ano ang natutuhan mo sa aralin? 6. Karagdagang PagsasanayApril 10,2014Hayaang mamasyal ang mga bata sa loob ng silid-aralan . Ipabasa at ipatala ang isang nakapaskil na panutong nasunod. Bigyan nang sapat na oras ang mga bata na maisagawa ito. Matapos ang laang oras, ipabasa sa mga bata ang nasunod nilang panuto.Ikatlong ArawLayunin Nagagamit ang pangngalan sa pagsasalaysay tungkol sa tao, lugar, at bagay sa paligidPaksang-Aralin Paggamit ng Pangngalan sa PagsasalaysayPanlinang na Gawain 1. Tukoy-Alam Bigyan ng flashcard ang bawat bata. Pasulatin ang bawat bata sa hawak na card ng isang pangngalan. 18
Patnubay ng Guro sa Filipino 3 Ipapasa ito sa kaklaseng nasa kanan, magpasulat sa kaniya ng isang salita tungkol sa pangngalang nakasulat sa papel. Ipasa muli sa kanan ang papel. Hayaang gumawa ng pangungusap gamit ang mga salitang nakasulat sa card. Ibalik sa orihinal na may-ari ang papel. Tumawag ng ilang bata upang ipabasa ang pangungusap na nasa card. Ipapaskil ito sa pisara matapos basahin nang malakas. 2. Paglalahad Ipabasang muli ang ”Ang Sarap Talaga” sa Alamin Natin, p.10. 3. Pagtalakay at Pagpapahalaga Itanong: Ano-ano ang pangngalan na ginamit sa kuwento? Ipatala ang mga ito. Ipabasa sa mga bata ang nakatalang pangngalan. Alin-alin ang ngalan ng tao? Bagay? Pangyayari? Papiliin ang mga bata ng isang pangngalan. Ipagamit ito sa sariling pangungusap na nakabatay sa binasang kuwento. Balikan ang mga pangungusap na nakasulat sa card sa unang gawain. Ano-ano ang pangngalan na ginamit sa bawat pangungusap? Ipapangkat ang mga ito ayon sa kategorya. Paano isinulat ang bawat pangngalan? 4. Pagpapayamang Gawain Maghanda ng ilang mga larawan ng tao, bagay, hayop at pangyayari. DRAFTIlagay ito sa isang malaking kahon. Ipagawa ang pagsasanay sa Linangin Natin, p. 11. 5. Paglalahat Ano ang natutuhan mo sa aralin? 6. Karagdagang Pagsasanay Ipagawa ang Pagyamanin Natin, p. 12.April 10,2014Pakuhanin ang mga bata ng isang bagay mula sa hardin na ididikit sa kanilang notebook. Pasulatin ang mga bata ng isang pangungusap tungkol dito. Ikaapat na Araw Layunin Nakababasa ng mga salitang may dalawa hanggang tatlong pantig Nasisipi nang wasto at maayos ang mga parirala Paksang-Aralin Pagsipi ng mga Parirala Panlinang na Gawain 1. Tukoy-Alam Sumulat sa flashcard ng ilang salita na may dalawa at tatlong pantig. Ipabasa ito sa mga bata. 2. Paglalahad Ipabasa ang “Ang Sarap Talaga” sa Alamin Natin, p. 10. 3. Pagtatalakay at Pagpapahalaga Ipasipi sa mga bata ang mga salitang may dalawa at tatlong pantig. 19
Patnubay ng Guro sa Filipino 3Gamitin ang format. Tatlong Pantig Dalawang Pantig Ipabasa ang mga salitang may dalawang/tatlong pantig. Pag-usapan ang kahulugan ng bawat salita. Ipagamit ang mga ito sa pangungusap. Ipasipi sa mga bata ang parirala na nagtataglay ng mga salita sa talaan. Ipabasa ang mga parirala. Itanong: Ano ang mapapansin sa pagkakasulat ng parirala? Ano ang pagkakaiba ng parirala sa pangungusap? 4. Pagpapayamang Gawain Ipagawa sa mga bata ang pagsasanay sa Linangin Natin, p. 12. 5. Paglalahat Ano ang dapat tandaan sa pagsipi ng parirala? Ipakumpleto ang pangungusap sa Tandaan Natin, p. 12. 6. Karagdagang Pagsasanay Ipabasang muli ang “Ang Aking Alkansiya” sa Alamin Natin, p. 6. Ipasipi ang mga parirala na nagpapakita ng mga laging ginagawa ng tauhan sa DRAFTkuwentong binasa.Ikalimang ArawPanlingguhang PagtatayaLayunin Maipakita ang tamang paraan ng pagbati, pakikipag-usap at paghingi ng paumanhinApril 10,2014Gagampanan ng bawat pangkat ng mag-aaral 1. Ang mga mag-aaral ay hahatiin sa ilang pangkat. Ang bawat pangkat ay gagawa ng isang usapan na kinapapalooban ng tamang pagbati, pakikipag-usap at paghingi ng paumanhin sa loob ng 15 minuto at karagdagang 5 minuto upang makapag-ensayo. (Bigyang-laya ang mga mag-aaral sa kung paanong paraan nila ito bibigyang- buhay) 2. Pagtatanghal ng bawat pangkat.Kalagayan Ang bawat mag-aaral ay gagawa ng usapan ukol sa tamang pagbati, pakikipag-usap at paghingi ng paumanhin na sumasalamin sa tamang pag-uugali o kaasalan. Ito ay tatasahin sa pamamagitan ng nakalakip na pamantayan.Bunga Usapang nagpapakita ng tamang pagbati, pakikipag-usap at paghingi ng paumanhin 20
Patnubay ng Guro sa Filipino 3Pamantayan sa Pagsasagawa43 21Nagamit nang May isang May isa hanggang Hindi gumamit ngwasto ang mga magalang na dalawang magagalang nanatutuhang pananalita na hindi magagalang na pananalita.magagalang na angkop sa pananalita na hindipananalita. sitwasyong angkop sa ipinakita. sitwasyong ipinakita.Naipahayag ang Naipahayag ang Mahina ang boses. Halos hindiideya nang may ideya nang may napakinggan angtama at wastong katamtamang lakas, usapan dahil salakas, bilis at diin bilis at diin ng sobrang hina ngng boses. boses. boses.Ang usapan ay Ang usapan ay hindi May iba’t ibang Walang paksa angkaugnay ng usapang ipinarinig sa klase.DRAFTpaksang ibinigay. kaugnay ng paksang paksa na ibinigay. napakinggan sa usapan.Aralin 4 Maglibang Tayo Lingguhang Layunin Pag-unawa sa PinakingganApril 10,2014Napagsusunod-sunod ang mga pangyayari ng kuwentong napakinggan sa pamamagitan ng larawan Pag-unawa sa Binasa Nasasagot ang mga tanong tungkol sa kuwentong binasa Kamalayang Ponolohiya Napapantig ang mga salita nang pabigkas Pagsulat at Pagbabaybay Nababaybay nang wasto ang mga salitang natutuhan sa aralin Gramatika Nagagamit ang pangngalan sa pagsasalaysay tungkol sa mga tao, lugar, at bagay sa paligid Estratehiya sa Pag-aaral Nakakagamit ng diksiyunaryo 21
Patnubay ng Guro sa Filipino 3Paunang Pagtataya Pangkatin ang klase. Sa bawat pangkat, hatiin muli sa tigdadalawa (dyad) upang ipakilala ang sarili at ikuwento kung anong ginagawa kapag bakanteng oras. Isagawa ito sa loo ng 2 minuto at karagdagang 5 minuto upang ibahagi sa grupo ang narinig na kuwento. Pag-uulat ng bawat pangkat gamit ang gabay na katanungan 1. Anong kasagutan ang magkakapareho? Magkakaiba? 2. Anong mensahe ang ipinararating nito?Unang ArawLayuninNapagsusunod-sunod ang mga pangyayari ng kuwentong napakinggan sapamamagitan ng larawanNasasagot ang mga tanong tungkol sa tekstong napakingganPaksang-AralinPagsusunod-sunod ng mga PangyayariPanlinang na Gawain Tumatakbong DRAFTmgabata1. Tukoy-Alam Ipakita ang mga larawan. Mananakbong Mga bata na may Mananakbong hawak na bata sa starting medalya lineApril 10,2014 Ipaayos ang mga larawan sa tamang pagkakasunod-sunod ng mga ito. Ipasalaysay sa mga bata ang kuwento na ipinakikita ng mga larawan. Kailan nilalaro ang ipinakita sa larawan?2. Paglalahad Ano ang ginagawa ninyong magkakaibigan o magkakapatid pagkatapos ng ulan? Sabihin ang pamagat ng kuwento. Itanong: Bakit mapalad si Isan?3. Pagtalakay at Pagpapahalaga Basahin nang malakas ang kuwento . Mapalad si Isan ni Josenette Pallaza BranaMatapos ang isang linggong pag-ulan, sumikat din ang araw.“ Isan! Isan!,” tawag ng mga kaibigan niya.“Akyat tayo sa bundok, maglaro tayo doon!” Masarap magpadulas sa mgadamo.” 22
Patnubay ng Guro sa Filipino 3 “Hintay lang! Magpapaalam ako kay Inay,”sigaw ni Isan. “Huwag anak. Mapanganib ngayon ang umakyat sa bundok. Hindi kayo dapat maglaro doon. Katatapos lamang ng bagyo. Baka kung ano ang mangyari sa inyo. masyadong madulas ang daan,” sagot ng ina. Hindi na nagpilit si Isan. Mabuti na lamang at sinunod niya ang kaniyang ina. Bandang hapon nakarinig sila ng balita na may pagguho ng lupa sa karatig-pook nila. Nabalitaan din ang nangyari sa mga batang umakyat sa bundok. “Mapalad ako,” ang bulong ni Isan. Itanong: Sino-sino ang tauhan sa kuwento? Ano ang ibig gawin ng mga kaklase ni Isan? Bakit hindi pumayag ang ina ni Isan na sumama siya sa bundok? Ano ang huling nangyari sa kuwento? Ano kaya ang maaaring mangyari kung sumama si Isan? Anong magandang pag-uugali ang ipinakita ni Isan? DRAFTTama ba ang mga ipinakita niyang ito? Sino sa mga tauhan ang nais mong tularan? Pangatwiranan ang sagot. Kung ikaw si Isan, sino ang susundin mo: ang mga kaklase mo o ang iyong ina? Pangatwiranan ang sagot. Ano-ano ang libangan ninyong magkakapatid/magkakaibigan sa tuwing bakanteng oras? Kung umuulan? Pagkatapos ng ulan? Kung mainit ang panahon? 4. Pagpapayamang Gawain Maghanda ng mga larawan tungkol sa kuwentong binasa (nang malakas) sa mgaApril 10,2014bata.Ipakitaangmgaito. Pag-usapan ang bawat isa. Sabihin sa mga bata na iayos ang mga larawan ayon sa tama nitong pagkakasunod- sunod. Tumawag ng ilang bata upang isalaysay muli ang napakinggang kuwento sa tulong ng mga iniayos na larawan. 5. Paglalahat Ano ang natutuhan mo sa aralin? 6. Karagdagang Pagsasanay Pagawain ang mga bata ng filmstrip ng napakinggang kuwento. Ipakita sa mga bata ang modelo ng filmstrip. Ipaguhit sa bawat kahon ang mga pangyayari sa napakinggang kuwento nang may wastong pagkakasunod-sunod. 23
Patnubay ng Guro sa Filipino 3Ikalawang ArawLayunin Nasasagot ang mga tanong tungkol sa tekstong binasaPaksang-Aralin Pagsagot sa mga Tanong Tungkol sa BinasaPanlinang na Gawain 1. Tukoy-Alam Ipakita ang ilang mga larawan tungkol sa laro ng lahi. Ipatukoy sa mga bata ang ngalan ng bawat laro.Luksong tinik Tumbang Patintero Sungka preso2. PaglalahadGumawa ng mini-survey sa klase tungkol sa kung ano ang nilalaro ng bawat bata.Ipatanong : Ano ang paborito mong laro? Ipatala ang sagot sa tsart na nasa ibaba.DRAFTLaro Babae Lalaki Kabuuan Tumawag ng ilang bata upang iulat ang nakalap na impormasyon. Isulat sa pisara ang mga inulat na impormasyon ng mga bata.3. Pagtalakay at Pagpapahalaga Ipabasa nang tahimik ang “Tara na, Laro Tayo!” sa Alamin Natin, p.13.April 10,2014Itanong: Ano ang pamagat ng talata? Tungkol saan ito? Ano-ano ang laro sa computer na alam mo? Ano ang mga laro ng lahi na tinukoy sa talata? Alam mong laruin ang mga ito? Ipasalaysay sa mga bata kung paano ito laruin. Ano ang isinisimbulo ng mga laro ng lahi? Ano ang magandang naidudulot ng paglalaro sa ating isip at sa ating katawan? Dapat pa ba nating laruin ang mga laro ng lahi? Bakit? Balikan ang mini-survey na isinagawa. Itanong: Alin-alin dito ang laro ng lahi? Ano-ano pang libangan ang mabuti sa ating isipan at pangangatawan?4. Pagpapayamang Gawain Ipagawa ang gawain sa Linangin Natin, p. 14. Hatiin sa pangkat ang klase. Isulat ang isang teksto at ilang katanungan para sa bawat pangkat. 24
Patnubay ng Guro sa Filipino 3 Ibigay ito sa bawat pangkat upang basahin at sagutan. Pag-uulat ng bawat pangkat. Talakayin ang kanilang mga sagot. 5. Paglalahat Ano ang natutuhan mo sa aralin? Ipakumpleto ang pangungusap sa Tandaan Natin, p. 14. 6. Karagdagang Pagsasanay Ipagawa ang Pagyamanin Natin, p. 14. Ikatlong Araw Layunin Nagagamit ang pangngalan sa pagsasalaysay tungkol sa mga tao, lugar at bagay sa paligid Nahahati nang pabigkas ang isang salita ayon sa pantig Nababaybay ang mga salitang natutuhan Paksang-Aralin Ang Gamit ng Pangngalan Panlinang na Gawain 1. Tukoy-Alam Ipakita ang ilang bagay tulad ng bola, sipa, sungka, lubid, at lata. Itanong: Sa anong laro ito ginagamit? DRAFT2. Paglalahad Sino-sino ang kasama mo tuwing maglalaro? Saan kayo naglalaro? Ipabasang muli ang “Tara na, Laro Tayo.” 3. Pagtalakay at Pagpapahalaga Pangkatin ang klase. Kumpletuhin ang tsart sa pamamagitan ng pagsagot sa mga ibinigay na tanong.April 10,2014Anong laro? Sino ang maglalaro? Kailan lalaruin? Saan nilalaro? Hayaang ipakita ng bawat pangkat ang natapos na gawain. Ipabasa sa mga bata ang mga salita sa bawat hanay. Ano ang tinutukoy ng bawat salita sa unang hanay? Pangalawa? Pangatlo? Pang- apat? Ano ang tawag sa mga salitang ito? Tumawag ng ilang bata upang magsalaysay tungkol sa isang laro na nasa talaan. 4. Pagpapayamang Gawain Pangkatin ang klase. Gumawa ng sarili at bagong laro na ipakikilala sa klase. Talakayin ang kagamitang gagamitin; kung sino ang maglalaro gayundin 25
Patnubay ng Guro sa Filipino 3 kung saan ito lalaruin; at kung paano ito lalaruin. Ipagawa ang natapos na laro sa ibang pangkat. 5. Paglalahat Ano ang natutuhan mo sa aralin? 6. Karagdagang Pagsasanay Ipasalaysay sa mga bata ang isang laro na gustong-gusto nila. Pahulaan ito sa mga kaklase. Ipatukoy din ang pangngalan na ginamit sa pagsasalaysay.Ikaapat na ArawLayunin Nakakagamit ng diksiyunaryoPaksang-Aralin Paggamit ng DiksiyunaryoPanlinang na Gawain 1. Tukoy-Alam Itanong : Tuwing magbabasa ka, ano ang ginagawa mo kapag may salitang hindi nauunawaan? 2. Paglalahad Magpakita ng manipis o anumang diksiyunaryong magagamit. DRAFTItanong: Nakagamit na ba kayo ng diksiyunaryo? Hayaang magbahagi ang mga bata ng kanilang naging karanasan sa paggamit nito. Ipasuri ang isang pahina ng diksiyunaryo sa Alamin Natin, p.15. 3. Pagtalakay at Pagpapahalaga Ano ang pamatnubay na mga salita sa pahinang ito?April 10,2014Ano-anong salita ang nakatala sa pahina? Ano-ano ang iba’t ibang entry sa diksiyunaryo na makikita sa pahina? Paano inayos ang mga salita sa diksiyunaryo ? Paano ang tamang pagpapantig sa salitang pruweba ? Pukawin? Proyekto? Ano ang kahulugan ng salitang pruweba ? Pukawin? Proyekto? Anong bahagi ng pananalita ang salitang pruweba ? Pukawin? Proyekto? Ipakita sa mga bata ang tamang paggamit ng diksiyunaryo. 4. Pagpapayamang Gawain Ipagawa ang Linangin Natin, p. 15. 5. Paglalahat Paano ginagamit ang diksiyunaryo ? Ipakumpleto ang pangungusap sa p. 16. 6. Karagdagang Pagsasanay Ipagawa ang Pagyamanin Natin, p. 16. Pabalikan ang “Tara na,Laro Tayo” sa Alamin Natin, p. 13. Ipatala sa mga bata ang mga salitang hindi nauunawaan. Ipahanap at sipiin ang kahulugan ng mga ito gamit ang diksiyunaryo. 26
Patnubay ng Guro sa Filipino 3Ikalimang ArawPanlingguhang PagtatayaLayunin Makagawa ng collage na sumasalamin sa maganda o kaaya-ayang libangan ng mga bata Magamit ang pangngalan sa pagsasalaysay ng isang kuwentong may kaugnayan sa natapos na collageGagampanan ng bawat pangkat na mag-aaral1. Ang mga mag-aaral ay hahatiin sa ilang pangkat.2. Ang bawat pangkat ay gagawa ng isang collage na nagpapakita ng isang kaaya- ayang libangan. Magpakuha ng iba’t ibang gamit tulad ng papel, mga tuyongdahon at maliliit na sanga, at plastic.3. Gamit ang mga nakolektang kagamitan, ipagawa ang napagkasunduang larawanng kaaya-ayang libangan. Ipagawa ito sa kalahating bahagi ng isang manila paper.4. Magpasulat ng isang talata na may apat hanggang limang pangungusap tungkol sanatapos na collage. Paguhitan ang pangngalan na ginamit.DRAFTKalagayan Ang mga mag-aaral ay gagawa ng isang collage na nagpapakita ng maganda o kaaya-ayang libangan ng mga bata gamit ang iba’t ibang bagay na matatagpuan sa loob o labas ng silid-aralan. Matapos silang makagawa ng collage, gagamitin namannila ito upang makagawa ng kuwentong isasalaysay sa klase. Ito ay tatasahin sa pamamagitan ng nakalakip na pamantayan. Bunga Collage at kuwento hinggil dito na ginagamitan ng pangngalan.April 10,2014PamantayansaPagsasagawa Pamantayan Inaasahang Nakuhang Puntos PuntosNaipakita nang malinaw at maayos ang ideya na 5kaugnay ng paksang ibinigay.Orihinal ang ideya na ipinakita. 5Gumamit ng iba’t ibanbg texture sa paggawa ng 5collage.Gumamit ng tamang kombinasyon ng kulay 5upang maipahayag nang wasto ang ideya. 27
Patnubay ng Guro sa Filipino 3 Aralin 5 Pangarap KoLingguhang LayuninPag-unawa sa Napakinggan Naisasakilos ang tula na napakingganPag-unawa sa Binasa Naibibigay ang tauhan, tagpuan at banghay ng kuwentoGramatika Nagagamit ang mga salitang ako, ikaw at siya sa usapan at sitwasyonKomposisyon Nakasusulat ng may wastong baybay, bantas, gamit ang malaki at maliit na letra upang maipahayag ang ideya, damdamin o reaksiyon sa isang paksa o isyuPaunang Pagtataya A. Punan ng panghalip na ako, ikaw at siya ang patlang. DRAFTAng Pangarap ni Ivy Nasa bukuran ang magkaibigan. Pinanonod nila ang mga bituin. Divine : Hayun, tingnan mo, may falling star. Ivy : Yehey, nag-wish ako. Eh, _____ Divine ano ang wish mo? Divine : Wish ko na makarating _____sa buwan. Anong wish mo? Ivy : Makita kung sino ang nagpapadala ng mga falling stars. Divine : Weh, tao ba yun? Ivy : Kung sino man _____ay gusto ko siyang makita.April 10,2014Divine : Bakit gusto mo siyang makita? Ivy : Hihingi _____ng maraming bituin, para mas maraming wishes.Unang ArawLayunin Naisasakilos ang tulang napakingganPaksang-Aralin Pagsasakilos ng Tulang NapakingganPanlinang na Gawain 1. Tukoy-Alam Ipalagay sa graphic organizer ang mga salitang may kaugnayan sa salitang pangarap. 28
Patnubay ng Guro sa Filipino 3 pangarap 2. Paglalahad Pagpapalawak ng Talasalitaan Tukuyin ang kahulugan ng salitang may salungguhit mula sa mga salitang nasa loob ng panaklong. 1. Langhapin mo ang bango ng bulaklak. (titigan, amuyin, hawakan) 2. Ang puno ay hitik sa bunga, lahat ay nais kumuha. DRAFT(marami, malaki, kokonti) 3. Ang kaniyang damit ay mamahalin;siguradong ginto ang halaga. (murang halaga, mataas ang halaga, walang halaga) 4. Masarap maglakad sa baybayin at panoorin ang mga bangkang papalaot. (tabi ng dagat, malayo sa dagat, ilalim ng dagat) 5. Makakamtan mo ang tagumpay kung ikaw ay magsisikap. (magagawa,makakamit, malalagpasan) Ipagamit sa sariling pangungusap ang mga salitang may salungguhit. Sabihin ang pamagat ng tula.April 10,2014Magpagupit sa mga bata ng isang ulap. Ipasulat sa loob nito ang sagot sa tanong na, “Ano ang pangarap mo sa buhay?” 3. Pagtalakay at Pagpapahalaga Iparinig ang tula. Pangarap Ko ni Elgee Ariniego Pangarap ko’y magaganda ang mga bulaklak Langhapin ang bango nito’t halimuyak. Pangarap kong akyatin bundok na mataas Sa puno na hitik ay makapamitas. Pangarap kong sisirin dagat na malalim Makakita ng mga perlas na mamahalin. 29
Patnubay ng Guro sa Filipino 3 Pangarap kong maglakad sa pinong baybayin Habang ang alon sa paa ko’y dadamhin. Pangarap kong ito ay pangarap lamang Sa pagsisikap ko ito’y makakamtan. Itanong: Ano ang pamagat ng tula? Angkop ba ang pamagat sa nilalaman ng tula? Sino ang sumulat ng tula? Ano-ano ang pangarap niya? Paano niya ito makakamit? Tama ba na mangarap ang isang batang tulad ni Elgee? Bakit? Paano mo makakamit ang pangarap mo? 4. Pagpapayamang Gawain Pangkatin ang mga mag-aaral. Bigyan ang bawat pangkat ng sipi ng tula. Talakayin sa pangkat ang tula at hayaan silang gumawa ng pagsasakilos tungkol dito. Ipakita sa lahat ang inihandang pagsasakilos ng tula. Bigyang-halaga ang ginawa ng bawat pangkat. DRAFT5. Paglalahat Ano ang natutuhan mo sa aralin? 6. Karagdagang Pagsasanay Padugtungan ang napakinggang tula sa pamamagitan ng pagsasakilos ngApril 10,2014kanilangpangarap.Ikalawang ArawLayunin Naibibigay ang tauhan, tagpuan, at banghay ng kuwentoPaksang-Aralin Ang mga Elemento ng KuwentoPanlinang na Gawain 1. Tukoy-Alam Linangin ang salitang pangarap. Ano ang pangarap mo? Ano ang gagawin mo upang maabot ito? 2. Paglalahad Sino-sino ang kaibigan mo? Pare-pareho ba kayo ng pangarap? Ano-ano ang kanilang pangarap? Sabihin ang pamagat ng kuwentong babasahin. Itanong : Ano ang pangarap ng magkakaibigan? 30
Patnubay ng Guro sa Filipino 3 3. Pagtalakay at Pagpapahalaga Ipabasa sa mga bata ang kuwento na “Pulang Watawat” sa Alamin Natin, p.16. Hatiin ang klase sa pangkat. Ipagawa sa bawat pangkat: Pangkat I – Iguhit kung saan naglalaro ang mga bata Pangkat II – Igawa ng name tag ang mga bata na naglalaro Pangkat III – Isadula ang mga pangyayari sa kuwento Itanong: Ano ang pamagat ng kuwento? Sino-sino ang tauhan sa kuwento? (Tawagin ang Pangkat I) Saan naganap ang kuwento? (Tawagin ang Pangkat II) Ano-ano ang pangyayari sa kuwento? (Tawagin ang Pangkat III) Ano ang pangarap ng magkakaibigan? Nakuha ba nila ito? Bakit hindi? Tama ba ang ginawa ng magkakaibigan sa kuwento? DRAFTKung ikaw si Anna, ano ang gagawin mo? Gagawin mo rin ba ang ginawa ng magkakaibigan? Ano ang dapat nating gawin upang maabot ang pangarap natin sa buhay? 4. Pagpapayamang Gawain Ipagawa ang gawain sa Linangin Natin, p. 17. 5. Paglalahat Ano-ano ang elemento ng kuwento? 6. Karagdagang Pagsasanay Ipagawa ang gawain sa Pagyamanin Natin, p. 18.April 10,2014Ipabasa sa mga bata ang “Paglalakbay sa Baguio.” Ibigay ang hinihingi sa organizer na nasa LM. Ikatlong Araw Layunin Nagagamit ang ako, ikaw, at siya sa usapan o sitwasyon Paksang-Aralin Gamit ng Ako, Ikaw at Siya Panlinang na Gawain 1. Tukoy-Alam Ipabasa sa mga bata ang mga salitang nakasulat sa flashcard. ako ikaw siya Ipagamit ang bawat salita sa sariling pangungusap. Isulat sa pisara ang mga pangungusap na ibibigay ng mga bata. 2. Paglalahad Ano-ano ang pangarap ng magulang mo para sa iyo? 31
Patnubay ng Guro sa Filipino 3 Ipantomina ito at pahulaan sa kaklase. 3. Pagtalakay at Pagpapahalaga Tumawag ng tatlong bata na babasa at gaganap sa bawat tauhan sa usapan. Habang binabasa ito ng tatlong bata, pasundan naman ang usapan sa Alamin Natin, p. 17. Itanong: Ano ang pinagkuwentuhan ng magkakaibigan? Ano ang pangarap ng bawat isa? Sino ang tinutukoy ni Jacko nang sabihin niyang ikaw? Sino ang tinutukoy ni Bobie nang sabihin niyang siya? Sino ang nagsabi ng ako? Ano ang tawag sa mga salitang ito? Kailan ginagamit ang ako? Ikaw? Siya? Balikan ang mga pangungusap na ibinigay ng mga bata sa umpisa ng klase. Tama ba ang pagkakagamit ng ako? Ikaw? Siya? 4. Pagpapayamang Gawain Ipagawa ang Linangin Natin, p. 19. Pabuuin ang klase ng pangkat na may tatlong miyembro. Pag-usapan ang pangarap ng bawat isa. 5. Paglalahat Kailan ginagamit ang panghalip na ako? Siya? Ikaw? DRAFTPasagutan ang Tandaan Natin, p. 19. Ginagamit ang panghalip na ako pamalit sa ngalan ng taong nagsasalita. Ginagamit ang panghalip na ikaw sa ngalan ng taong kinakausap. Ginagamit ang panghalip na siya pamalit sa ngalan ng taong pinag-uusapan. 6. Karagdagang Pagsasanay Ipagawa ang Pagyamanin Natin, p.19.April 10,2014Pasulatin ang mga bata ng isang maikling script na may gamit na ako, ikaw at siya. Pag-usapan ang pangarap ng bawat isa.Ikaapat na ArawLayunin Nakasusulat nang may wastong baybay, bantas, gamit ang malaki at maliit na letra upang maipahayag ang ideya, damdamin o reaksiyon sa isang paksa o isyuPaksang-Aralin Pagsulat ng TalataPanlinang na Gawain 1. Tukoy-Alam Itanong: Ano-ano ang paraan ng pag-abot sa pangarap? Gumawa ng mini-survey tungkol dito. Ipahanda ang papel at kuhanin ang sagot sa tanong ng limang kaklase. Punan ang tsart. 32
Patnubay ng Guro sa Filipino 3Mga paraan Bilang ng Lalaki Bilang ng Babae Kabuuan Pag-usapan ang natapos na tsart. 2. Paglalahad Itanong : Ilang beses ka nang nakaliban sa klase? Ano ang mangyayari kung lagi kang liban sa klase? 3. Pagtalakay at Pagpapahalaga Ipabasa ang talatang “Pag-abot sa Pangarap” na nasa Alamin Natin, p.19. Itanong: Ano ang pamagat ng talata? Tungkol saan ito? Ano-ano ang dahilan ng mga bata sa hindi nila pagpasok sa paaralan? Kung lahat ng bata ay ganito, sa palagay mo ba maaabot nila ang kanilang pangarap? Pangatwiranan ang sagot. DRAFTPaano mo mahihikayat ang mga kaklase na huwag lumiban sa klase? Ipabasa muli ang talata. Ano ang pamagat ng talata? Paano isinulat ang pamagat? Talata? Paano sinimulan ang pangungusap? Talata? Ano-anong bantas ang ginamit sa pangungusap? Talata? Ano ang ipinapahiwatig nito? 4. Pagpapayamang GawainApril 10,2014Ipagawaang Linangin Natin, p. 20. Itanong : Sang-ayon ka ba sa mga sinabi sa talata? Sumulat ng pangungusap tungkol dito. Ipabasa sa mga bata sa klase ang isinulat na pangungusap. Isulat ang mga pangungusap na ibibigay ng mga bata sa anyong talata. Ipabasa ang natapos na talata at pasulatin ang mga bata ng pamagat para dito. Hayaang ipakita ng mga bata ang kanilang isinulat na pamagat. Tama ba ang pagkakasulat ninyo? 5. Paglalahat Ano-ano ang dapat tandaan sa pagsulat ng isang talata? Ipakumpleto ang pangungusap sa Tandaan Natin, p. 20. 6. Karagdagang Pagsasanay Ipabasang muli ang talatang nagawa ng klase. Ipagawa ang Pagyamanin Natin, p. 20. Gabayan ang mga bata sa pagsusuri ng kanilang isinulat sa pamamagitan ng sumusunod na tanong: (Isulat ito sa isang malinis na papel) 33
Patnubay ng Guro sa Filipino 31. Paano isinulat ang pamagat?2. Nakapasok ba ang unang pangungusap sa talata?3. Paano sinimulan ang mga pangungusap?4. Tama ba ang pagkakasulat ng mga pangngalang pantangi at pambalana?5. Tama ba ang ginamit na mga bantas?6. Tama ba ang pagkakabaybay ng mga salita?Ikalimang ArawPanlingguhang PagtatayaLayunin Makagawa ng isang sulating pinamagatang “Ang Pangarap Ko” na binubuo ng sampung pangungusap Magamit ang tamang bantas at mga panghalip gaya ng ako, ikaw o siyaGagampanan ng bawat mag-aaral Ang bawat mag-aaral ay gagawa ng isang sulatin na pinamagatang “Ang Pangarap Ko” na binubuo ng tatlong pangungusap, at ginamitan ng tamang bantas at panghalip gaya ng ako, ikaw o siya.Kalagayan DRAFTAng mga mag-aaral ay gagawa ng isang sulatin na pinamagatang “Ang Pangarap Ko” na binubuo ng tatlong pangungusap, na ginagamitan ng tamang bantas at panghalip gaya ng ako, ikaw o siya. Ito ay tatasahin sa pamamagitan ng nakalakip na pamantayan.BungaApril 10,2014Sulating pinamagatang “Ang Pangarap Ko”Pamantayan sa PagsulatPUNTOS PAMANTAYAN12 Nakabuo ng isang sulatin na may sampung pangungusap na : a) ginamitan ng angkop na bantas at panghalip gaya ng ako, ikaw o siya, at b) may pagkakaugnay-ugnay ang lahat ng pangungusap.9 Nakabuo ng isang sulatin na may walong pangungusap na: a) ginamitan ng angkop na bantas at panghalip gaya ng ako o siya, at b) may pagkakaugnay-ugnay ang lahat ng pangungusap.6 Nakabuo ng isang sulatin na may limang pangungusap na: a) ginamitan ng angkop na bantas at panghalip gaya ng ako, at b) may pagkakaugnay-ugnay ang lahat ng pangungusap.3 Nakabuo ng isang sulatin na may tatlong pangungusap na: a) ginamitan ng angkop na bantas at panghalip gaya ng ako, at b) may pagkakaugnay-ugnay ang lahat ng pangungusap. 34
Patnubay ng Guro sa Filipino 3 Aralin 6 Kakayahan Ko Lingguhang Layunin Pag-unawa sa Napakinggan Nakasusunod sa panutong may dalawa hanggang tatlong hakbang Wikang Binibigkas Nagagamit ang magagalang na pananalita sa pakikipag-usap sa matatanda at hindi kakilala Pag-unawa sa Binasa Nasasagot ang mga tanong tungkol sa tekstong procedural Gramatika Nagagamit ang kami, tayo, kayo at sila sa usapan at sitwasyon Kamalayang Ponolohiya Natutukoy ang mga salitang magkatugma Pagsulat at Pagbaybay Nababaybay nang wasto ang mga salitang di-kilala batay sa kanilang bigkas Estratehiya sa Pag-aaral Nabibigyang-kahulugan ang pictographDRAFTPaunang Pagtataya Pagpangkat-pangkatin ang klase . Bigyan ang bawat pangkat ng kagamitan para sa paggawa ng banderitas. Pagawain sila ng banderitas na may limang tatsulok. Ipasulat sa bawat tatsulok ang isang pares ng mga salitang magkakatugma. Ipatapos ang gawain sa loob ng 8 minuto. Ipasabit sa mga bata ang natapos na banderitas at magsagawa ng gallery walk.April 10,2014Ano-ano ang nabasang salitang magkakatugma? Unang Araw Layunin Nakasusunod sa panutong may dalawa hanggang tatlong hakbang Paksang-Aralin Pagsunod sa Panuto na may Dalawa hanggang Tatlong Hakbang Panlinang na Gawain 1. Tukoy-Alam Ipagawa sa mga bata. Isulat ang buo mong pangalan sa isang malinis na papel. Gumuhit ng isang malaking bilog na may bituin sa loob. Kulayan ng pula ang bituin. Pumalakpak ng tatlong beses. Maupo nang maayos. Itanong:Nasunod mo ba nang maayos ang mga panuto? Pangatwiranan ang sagot. 35
Patnubay ng Guro sa Filipino 3 2. Paglalahad Magpatugtog ng isang bilang na maaaring sayawan. Sabihin sa mga bata na sundan ang mga kilos na ipakikita sa kanila. Tingnan kung nakasusunod ang lahat. Itanong: Nakasunod ka ba? Bakit? Bakit hindi? 3. Pagtalakay at Pagpapahalaga Ipagawa sa mga bata. 1. Gumuhit ng isang parihaba. Sa loob nito iguhit ang kakayahan mo. 2. Gumuhit ng isang bilog. Sa loob nito iguhit ang hindi mo kayang gawin. 3. Gumuhit ng dalawang tatsulok. Sa loob nito, isulat ang isang kakayahang nais mo sana na mayroon ka. Ipasa ang natapos na gawain sa kaklase sa kaliwa. Basahing muli ang mga ibinigay na panuto. Patingnan sa kaklase kung nakasunod nang maayos ang kaniyang kapareha. Palagyan ng tsek kung nasunod at ekis kung hindi nasunod ang bawat panuto. Ipabalik sa mga bata ang iniwastong papel ng kaklase. Ano ang ginawa mo at nasunod mo ang lahat ng panutong ibinigay? Bakit hindi? Ano ang kahalagahan ng pagsunod sa mga utos/tuntunin? Ano ang dapat gawin upang makasunod nang maayos sa mga nakasulat na DRAFTpanuto/sinabing panuto? Ano ang puwedeng mangyari kung hindi natin susundin ang mga nabasa o napakinggang panuto? 4. Pagpapayamang Gawain Ipagawa . 1.Gumuhit ng tatsulok at isulat sa loob nito ang nais mong maging paglaki.April 10,20142. Iguhit sa loob ng isang bilog ang isang taong iyong hinahangaan. 3. Isulat at guhitan ng dalawang beses ang gagawin mo upang maabot ang iyong pangarap. 5. Paglalahat Ano ang natutuhan mo sa aralin? 6. Karagdagang Pagsasanay Ipalaro : “Ang Utos ng Hari” Tumawag ng isang bata na tatayong “hari” na siyang magpapakita ng mga kilos na gagayahin ng iba pang bata. Ang batang hindi makasusunod sa mga ipinagagawa ng hari ang siyang susunod na maging “it” o taya.Ikalawang ArawLayunin Nasasagot ang mga tanong sa binasang tekstong proceduralPaksang-Aralin Pagsagot sa mga Tanong 36
Patnubay ng Guro sa Filipino 3 Panlinang na Gawain 1. Tukoy-Alam Ano ang isang proyekto sa Art na natapos na? Paano ito isinagawa? Hayaang ibahagi ng mga bata ang mga hakbang na kanilang sinunod? 2. Paglalahad Ipakita ang isang tunay na alkansiya. Itanong: Ano ang gamit ng bagay na ito? Paano kaya ito gawain? 3. Pagtalakay at Pagpapahalaga Ipabasa ang mga hakbang sa paggawa ng alkansiya sa Alamin Natin, p. 21. Itanong: Ano-ano ang kagamitang kailangan sa paggawa ng alkansiya? Ano ang unang hakbang na ginawa? Pangalawa? Panghuli? Ano kaya ang nangyari kung hindi mo sinunod ang mga nakasulat na hakbang? 4. Pagpapayamang Gawain Ipagawa ang Linangin Natin, p.21. 5. Paglalahat Ano ang natutuhan mo sa aralin? 6. Karagdagang Pagsasanay DRAFTIpagawa ang Pagyamanin Natin, p.22. Ipaskil sa pisara ang paraan ng paggawa ng pinwheel. Maghanda rin ng katanungan tungkol dito. Pasagutan ang mga ito sa mga bata. Ikatlong Araw LayuninApril 10,2014Nagagamit nang wasto ang kami, tayo at sila sa usapan at sitwasyon Nagagamit nang wasto ang magagalang na pananalita sa pakikipag-usap sa nakatatanda at mga hindi kilala Paksang-Aralin Paggamit ng Kami, Tayo at Sila Panlinang na Gawain 1. Tukoy-Alam Tumawag ng ilang bata upang magkuwento tungkol sa mga ginagawa nilang magkakaibigan upang makatulong sa mga nangangailangan? Ano-ano ang panghalip na ginamit sa pagkukuwento? Ano ang pinalitan ng mga ito? 2. Paglalahad Pag-usapan ang mga nakitang pagtutulungan ng mga Pilipino nang maranasan ng bansa ang hagupit ng bagyong Yolanda. Paano mo ipinakita ang pagtulong sa mga nasalanta ng bagyo o ng iba pang kalamidad na nangyari sa bansa? 37
Patnubay ng Guro sa Filipino 3 3. Pagtalakay at Pagpapahalaga Ipabasa ang usapang “Maliit Man ay Malaki Rin” sa Alamin Natin, p. 22. Itanong: Ano ang pamagat ng usapan? Tungkol saan ang usapan? Sino ang nag-uusap? Ano ang ginawa ng bawat isa? Tama ba ang ginawa ng magkakaibigan? Dapat ba silang tularan? Ipabasa sa mga bata ang mga pangungusap na may mga salungguhit na salita. Sino ang tinutukoy ng kami? Tayo? Sila? 4. Pagpapayamang Gawain Pasagutan ang Linangin Natin, p.23. Sa tulong ng larawan, piliin ang angkop na pamalit sa ngalan ng tao sa bawat pangungusap. 5. Paglalahat Kailan ginagamit ang sila? Kami? Tayo? Ipatapos ang pangungusap sa p. 24. Ang kami at tayo ay ginagamit sa unang panauhan upang tukuyin ang taong nagsasalita sa pangungusap. Ang kayo ay ginagamit sa ikalawang panauhan upang tukuyin ang taong kinakausap. DRAFTSamantalang,ang sila ay ginagamit sa ikatlong panauhan upang tukuyin ang taong pinag-uusapan. 6. Karagdagang Pagsasanay Ipagawa ang Pagyamanin Natin, p. 24. Pangkatin ang klase. Pagawain ng isang usapan gamit ang kami, tayo at sila upang ipakita ang mgaApril 10,2014kaya nilang gawin sa pagtulong sa kapwa.Ikaapat na ArawLayunin Nabibigyang- kahulugan ang pictographPaksang-Aralin Pagbibigay Kahulugan sa PictographPanlinang na Gawain 1. Tukoy-Alam Ano-ano ang ginagawa mo upang makatulong sa mga taong kailangan tulungan mo? 2. Paglalahad Paano tayo makatutulong sa mga biktima ng kalamidad? Isulat ang sagot ng mga bata. 38
Patnubay ng Guro sa Filipino 3Itanong: Ilan ang handang tumulong sa pamamagitan ng (Banggitin ang bawatsagot ng bata sa unang tanong.) Itala ang bilang ng babae at lalaki na tutulong saparaang binanggit sa pamamagitan ng pictograph.Gamitin ang tsart sa pagpapakita ng sagot ng mga bata.Gawain sa Bilang ng mga BataPagtulong Bago magsimula ang klase maghanda ng cut-outs ng batang babae at lalaki. Idikit ang mga cut-out ng babae at lalaki sa tapat ng bawat paraan ng pagtulong na binanggit nila. 3. Pagtalakay at Pagpapahalaga Itanong: Tungkol saan ang graph? Ano-ano ang paraan ng pagtulong? DRAFTAling paraan ang may pinakamaraming gumawa? Pinakakaunti? Ano ang kabutihang dulot ng pagtutulungan? Ano ang gagawin mo kung hindi mo kayang pumunta sa isang relief center para tumulong sa pag-iimpake para sa mga biktima ng kalamidad? Paano mo maipakikita ang pagtulong sa mga taong nangangailangan sa iyong paligid? 4. Pagpapayamang Gawain Hatiin ang klase at ipagawa ang Linangin Natin, p.24. 5. Paglalahat Ano ang natutuhan mo sa aralin?April 10,20146. Karagdagang Pagsasanay Ipagawa ang Pagyamanin Natin, p.24. Ikalimang Araw Panlingguhang Pagtataya Layunin 1. Makagawa ng isang isang liham pangkaibigan na kinapapalooban ng mga pamamaraang (procedure) dapat sundin sa paggawa ng “Egg Sandwich” 2. Magamit ang tamang bantas at mga panghalip gaya ng kami o tayo o sila sa pagbubuo ng pangungusap Gagampanan ng bawat mag-aaral 1. Ang bawat mag-aaral ay susulat ng isang liham na pangkaibigan na pumapaksa sa sumusunod na pamamaraan o procedure sa paggawa ng egg sandwich. 1. Balatan ang isang nilagang itlog. 39
Patnubay ng Guro sa Filipino 3 2. Sa isang mangkok, durugin ang itlog gamit ang tinidor. 3. Lagyan ng limang kutsarang mayonnaise. 4. Lagyan ng sapat na dami ng asin upang magkalasa. 5. Haluin nang mabuti. 6. Kumuha ng isang tinapay at ilagay ang natapos na palaman. 2. Gagamitin ang tamang bantas at iba-ibang uri ng panghalip sa pagbuo ng pangungusap. 3. Isasagawa ito sa loob ng 45 minuto.Kalagayan Ang mga mag-aaral ay gagawa ng isang liham na pangkaibigan na kinapapaloobanng ng mga pamamaraang (procedure) dapat sundin sa paggawa ng “egg sandwich”na ginagamitan ng tamang bantas at panghalip gaya ng kami, tayo o sila. Ito aytatasahin sa pamamagitan ng nakalakip na pamantayan.BungaLiham PangkaibiganPamantayan sa PagsulatPUNTOS DRAFTPAMANTAYAN 12 Nakabuo ng isang liham na pangkaibigan na: a) kinapapalooban ng lahat ng pamamaraang dapat sundin sa paggawa ng egg sandwich; b) ginamitan ng angkop na bantas at panghalip gaya ng kami o tayo o sila; at c) may pagkakaugnay-ugnay ang lahat ng pangungusap. 9 Nakabuo ng isang liham na pangkaibigan na: a) kinapapalooban ng pitong pamamaraang dapat sundin sa paggawa ng egg sandwich; b) ginamitan ng angkop na bantas; at c) at maliban sa isa may pagkakaugnay-ugnay ang lahat ng pangungusap.April 10,20146 Nakabuo ng isang liham na pangkaibigan na: a) kinapapalooban ng pitong pamamaraang dapat sundin sa paggawa ng egg sandwich; at b) ginamitan ng angkop na bantas.3 Nakabuo ng isang liham na pangkaibigan na: a) kinapapalooban ng pitong pamamaraang dapat sundin sa paggawa ng egg sandwich Aralin 7 Paniniwala KoLingguhang LayuninPag-unawa sa Pakikinig Naisasalaysay muli ang napakinggang teksto sa tulong ng larawanPag-unlad ng Talasalitaan Natutukoy ang kahulugan ng mga salita sa pamamagitan ng mga kasalungat na mga salita 40
Patnubay ng Guro sa Filipino 3 Nakapagpapalit at nakapagdaragdag ng mga tunog upang makabuo ng bagong salita Pag-unawa sa Binasa Naisasalaysay muli ang binasang teksto nang may tamang pagkakasunod-sunod sa pamamagitan ng pangungusap Gramatika Nagagamit ang kami, tayo, kayo, at sila sa usapan at sitwasyon Pagsulat at Pagbaybay Nagagamit ang malaki at maliit na letra at mga bantas sa pagsulat ng mga salita, parirala at pangungusap na natutuhan sa aralin Estratehiya sa Pag-aaral Nakagagamit ng diksiyunaryo Paunang Pagtataya A. Bilugan ang magkasalungat na salita sa bawat pangungusap. 1. Ang pagdiriwang ng kapistahan ay tradisyon ng mga Pilipino. Sa loob at labas man ng bansa ito ay ipinagdiriwang. 2. Mula pagsikat hanggang sa paglubog ng araw, ang mag-anak ay abala sa paghahanda ng mga pagkain para sa darating na mga bisita. DRAFT3. Si Rona ay masiglang bata samantalang si Jona naman ay matamlay. 4. Ang masipag na si Emma ay pinarangalan ng klase habang nakatingin nang may panghihinayang ang tamad na si Mario. 5. Madali lang ang pagsusulit para kay Luisa dahil pinag-aralan niya ang mahirap na aralin kagabi. Unang Araw LayuninApril 10,2014Naisasalaysay muli ang napakinggang teksto sa tulong ng larawan Natutukoy ang kahulugan ng mga salita sa pamamagitan ng mga kasalungat na mga salita Paksang-Aralin Pagsasalaysay Muli Panlinang na Gawain 1. Tukoy-Alam Ipatala sa mga bata ang naaalala nila kapag naririnig ang salitang tradisyon. Pag-usapan sa klase ang itinala ng mga bata. 2. Paglalahad Pangkatin ang klase. Bigyan ng puzzle ang bawat pangkat. 41
Patnubay ng Guro sa Filipino 3 Larawan ng fiesta na ginawang puzzle 3. Pagtalakay at Pagpapahalaga Basahin nang malakas. Pagdiriwang ng Pista Tradisyon na ng mga Pilipino ang pagdiriwang ng kapistahan taon-taon. Ang lahat ay nananabik sa pagdating ng araw ito. Panahon ito ng pagkikita-kita ng mga magkakamag-anak, magkakaibigan, magkakakilala at magkakapamilya. Halos lahat ay nagiging abala sa pag-aayos ng sari-sariling bahay. Ang iba naman ay nagbibigay ng oras sa pagkakabit ng banderitas. Bawat pamilya, mahirap man o mayaman ay may mga handang pagkain upang may maihain sa panauhing darating. Simple man o magarbong paghahanda tuwing kapistahan, ang diwa ng pasasalamat sa Poong Maykapal sa mga biyaya sa nagdaang taon ay hindi mawawala sa puso ng bawat Pilipino. Itanong: DRAFTAno ang pagdiriwang na binanggit sa teksto? Paano naghanda ang mga tao bago pa man sumapit ang araw ng pista? Sa mismong araw ng pista? Pagkatapos ng pista? Ganito rin ba ang ginagawa ninyong paghahanda? Paano ipinapakita ang pagkakaisa sa pagdiriwang ng kapistahan?April 10,2014Bakit nagdiriwang ng kapistahan? Ano-ano ang paniniwala kung may pagdiriwang ng pista? Magpakita ng mga larawan tungkol sa binasang talata. Sabihin: Pagsunud-sunurin ang mga ito ayon sa napakinggan. 42
Patnubay ng Guro sa Filipino 3Ipasalaysay muli ang napakinggan sa pamamagitan ng larawan.Ipabasa at ipasuri sa mga bata ang sumusunod na pangungusap.1. Simple man o magarbong paghahanda tuwing kapistahan, ang diwa ng pasasalamat sa Poong Maykapal sa mga biyaya sa nagdaang taon ay hindi mawawala sa puso ng bawat Pilipino.2. Bawat pamilya, mahirap man o mayaman ay may mga handang pagkain upang may maihain sa panauhing darating.Ano ang ibig sabihin ng magarbo? Mahirap?Ipagamit ang mga salitang ito sa sariling pangungusap upang matiyak nanaunawaan ng mga bata ang kahulugan nito.Ipabasa muli sa mga bata ang pangungusap. Tukuyin ang kasalungat nasalita ng magarbo/mahirap.Ipakita ang graphic organizer.Ano ang salitang kasalungat ng salitang nasa loob ng bilog? (Isulat sa organizerang sagot ng mga bata.) payapaDRAFT* Ipalit ang bawat salitang nakalista na nasa loob ng bilog. Ano ang kasalungat nasalita ng bawat isa? Maaari rin namang gumamit ng ibang salita na natutuhan saApril 10,2014Ipagamit ang mga salita sa pangungusap upang maipakita ang pagigingnakaraang aralin.mabango mabigatmadilim mataasmagkasalungat ng mga salita na binigyang-kahulugan.4. Pagpapayamang Gawain Pangkatin ang klase. Hayaang magkuwento ang isang bata sa pangkat. Ipaguhit ang mga pangyayari sa napakinggang kuwento.Tumawag ng ibang bata upang isalaysay ang kuwento sa pamamagitan ng mgaiginuhit ng pangkat.5. Paglalahat Sa anong paraan pa maisalaysay muli ang isang kuwentong napakinggan?Kailan nagiging magkasalungat ang mga salita?6. Karagdagang Pagsasanay Bumasa sa mga bata ng isang kuwentong hindi pa nagagamit sa klase.Ipaguhit sa mga mag-aaral ang bahagi na nagustuhan nila.Matapos ang ilang minuto, hayaang ipakita ng ilang bata ang kanilang natapos nagawain at ipakuwento ang pangyayari sa iginuhit na bahagi ng napakinggangkuwento. 43
Patnubay ng Guro sa Filipino 3Ikalawang ArawLayunin Napapalitan at nadadagdagan ang mga tunog upang makabuo ng bagong salita Naisasalaysay muli ang binasang teksto nang may tamang pagkakasunod-sunod sa pamamagitan ng pangungusapPaksang-Aralin Pagsasalaysay Muli ng Binasang TekstoPanlinang na Gawain1. Tukoy-Alam Itanong: Ano ang suliraning naranasan na ng inyong pamilya? Ano ang ginawa ninyo nang ito ay maranasan? Hayaang magbahagi ang mag-aaral ng karanasan tungkol dito.2. Paglalahad Sabihin ang pamagat ng kuwentong babasahin. Gabayan ang mga bata sa pagbuo ng mga tanong na nais nilang masagot habang binabasa ang kuwento.3. Pagtalakay at PagpapahalagaIpabasa ang kuwentong “Huwag Mawalan ng Pag-asa” sa Alamin Natin, p.25.Itanong sa mga bata kung mayroon silang salita/mga salita na hindi naunawaan sakuwentong binasa. Itala ang sagot ng mga bata.DRAFTLinangin ang bawat salita.Pabalikan ang mga tanong na ginawa bago bumasa. Pasagutan ito sa mga bata.Ihanda ang sumusunod na tanong sa mga istrip ng cartolina.Ilagay ang mga ito sa malaking kahon o basket. Magpatugtog ng musika habang umiikot ang basket ng mga tanong. Pagtigil ng musika, ang batang may hawak ng basket ang siyang bubunot ng tanong at sasagot nito. Itanong :April 10,2014AnoangnangyarikayMang Lando?Bakit siya dinala sa ospital?Ano ang naramdaman ng asawa at mga anak ni Mang Lando sa pangyayaringnaganap?Ano ang unang pangyayari sa kuwento? Gitnang pangyayari? Hulingpangyayari?Isulat sa pisara ang mga pangungusap na ibibigay ng mga bata.Ipabasa ang mga ito.Iayos nang may wastong pagkakasunod-sunod ang mga pangungusap.Hayaang isalaysay muli ng mga bata ang binasang kuwento sa pamamagitanng pangungusap.Paano ipinakita ng pamilya ang labis nilang pananalig sa Panginoon?Anong katangian mayroon ang pamilya?Dapat ba natin silang tularan? Bakit?Ipabasa ang mga salitang mula sa binasang kuwento.- sapa - dama 44
Patnubay ng Guro sa Filipino 3 Sabihin: Hanapin ang pangungusap kung saan ginamit ang mga salita. Ano ang ibig sabihin ng salitang sapa? Dama? Ipagamit ang mga ito sa sariling pangungusap. Kung papalitan natin ang mga unang tunog ng bawat salita, ano ang bagong salitang mabubuo? Gamitin ang tsart sa pagtatala ng mga sagot. Bagong Salita sapa mapa, tapa, kapa dama Ngayon naman, padagdagan ng tunog o pantig ang mga salita. 4. Pagpapayamang Gawain Ipagawa ang Linangin Natin, p. 26. 5. Paglalahat Ano ang natutuhan sa aralin? Ipakumpleto ang Tandaan Natin p. 26. 6. Karagdagang Pagsasanay Ipagawa ang Pagyamanin Natin, p. 26. Matapos ang inilaang oras, ipabasa sa mga bata salitang itinala at mga nabuong salita sa tulong ng kaklase.DRAFTIkatlong Araw Layunin Nagagamit ang kami, tayo, kayo at sila sa usapan at sitwasyon Nagagamit ang malaki at maliit na letra at mga bantas sa pagsulat ng mga salita, parirala at pangungusap na natutuhan sa aralin Paksang-AralinApril 10,2014Gamitng Kami, Tayo,Kayo, at Sila Panlinang na Gawain 1. Tukoy-Alam Basahin ang mga sitwasyon. Sagutin ang tanong. 1. Sina Mira at Maya ay may mabubuting kalooban. Sina Mira at Maya ay laging tumutulong sa mga nangangailangan. Sina Mira at Maya ay laging bukas- palad sa mga lumalapit sa kanila. Anong salita ang maaaring ipalit sa pangalan nina Mira at Maya? 2. Ako, sina Paolo at Mark ay nakapulot ng pitaka na may lamang pera. Hinanap ko, nina Paolo at Mark ang nagmamay-ari ng pitaka upang isauli ito. Anong salita ang maaaring ipalit sa pangalan ko at nina Paolo at Mark? 2. Paglalahad Pangkatin ang klase. Sabihin sa mga bata na pag-uusapan sa pangkat ang kani-kanilang pinaniniwalaan. Papaghandain ang bawat pangkat upang iparinig ang usapang ginawa. Ipagamit ang kami, tayo, sila at kayo. 45
Patnubay ng Guro sa Filipino 3 3. Pagtalakay at Pagpapahalaga Bigyang-halaga ang ginawa ng bawat pangkat. Itanong : Kailan ginagamit ang kayo? Sila? Kami? Tayo? Ipasuri sa mga bata ang mga pangungusap sa Alamin Natin, p.27. Ano ang salitang ipinanghalili sa ngalan nina Marco, Gab at ako? Peter, Gary, ikaw at ako? Mang Carding, Aling Perla at ikaw? Carlos, Jenny at Edward? 4. Pagpapayamang Gawain Magsagawa ng isang mini-interview sa loob ng klase. Bawat bata ay magtatanong sa dalawa hanggang apat na kaklase ng kanilang paniniwala tungkol sa multo, duwende, engkanto. Matapos ang inilaang oras, ipagawa ang Linangin Natin, p. 27. Pasulatin ang mga bata ng mga pangungusap tungkol sa nakalap na impormasyon. Ipaalala sa mga bata na gamitin sa pangungusap ang sila, kayo, tayo at kami. 5. Paglalahat Kailan ginagamit ang sila? Kami? Tayo? Kayo? Ipakumpleto ang pangungusap sa Tandaan Natin, p. 27. 6. Karagdagang Pagsasanay Ipagawa ang Pagyamanin Natin, p. 27. DRAFTBigyang-halaga ang gagawing pagtatanghal ng bawat pangkat.Ikaapat na ArawLayunin Nagagamit nang wasto ang diksiyunaryoPaksang-Aralin Wastong Paggamit ng DiksiyunaryoApril 10,2014PanlinangnaGawain 1. Tukoy-Alam Paano gamitin ang diskyunaryo? 2. Paglalahad Ipabasang muli ang “Huwag Mawalan ng Pag-asa” sa Alamin Natin, p. 24. 3. Pagtalakay at Pagpapahalaga Ipatala sa mga bata ang mga salitang hindi nila nauunawaan mula sa binasang teksto. Ipasipi mula sa diksiyunaryo ang isang kahulugan nito. Ipagamit sa mga bata ang format na ito. Salitang Hindi Ko Maunawaan Kahulugan Mula sa Diksiyunaryo Ano-ano ang salitang hindi nauunawaan mula sa binasa? Itala sa pisara ang sagot ng mga bata. Ipabasa ang mga ito. Ano ang kahulugan ng bawat isa? 46
Patnubay ng Guro sa Filipino 3 Ipagamit ang mga salita sa sariling pangungusap.4. Pagpapayamang Gawain Ipagawa ang Linangin Natin, p. 28.5. Paglalahat Paano gamitin ang diksiyunaryo?6. Karagdagang Pagsasanay Ipagawa ang Pagyamanin Natin, p. 28. Ipatala sa mga bata ang tatlong salitang natutuhan mula sa mga nagdaaang aralin. Ipasulat ang kahulugan ng bawat isa buhat sa diksiyunaryo.Ikalimang ArawPanlingguhang PagtatayaLayunin Makagawa ng talaan ng talahuluganan ng mga salitang pinamagatang “ Ang Aking Diksiyunaryo” Magamit ang kuwentong “Huwag Mawalan ng Pag-asa” sa pagsusulat ng tatlong salitang natutuhan sa talahuluganan ng mga salitaDRAFTMagamit ang dictionary entry bilang gabay sa paggawa ng talahuganan ng mga salitaGagampanan ng bawat mag-aaral Makasulat ng tatlong salitang hindi nauunawaan sa kuwentong “Huwag Mawalan ng Pag-asa” at makagawa ng “Aking Diksiyunaryo.”Kalagayan Ang mga mag-aaral ay magsasagawa ng talaan ng talahuluganan ng mga salitang pinamagatang “Ang Aking Disyunaryo”. Gagamitin bilang sanggunian ang kuwentong “Huwag Mawalan ng Pag-asa” upang makabuo ng talahuluganan na mayApril 10,2014tatlong salitang bibigyan ng kahulugan. Ito ay tatasahin sa pamamagitan ngnakalakip na pamantayan.Bunga Ang Aking DiksiyunaryoPamantayan sa PagsasagawaPUNTOS PAMANTAYAN 12 Naisulat nang paalpabeto ang tatlong salita mula sa kuwentong “Huwag Mawalan ng Pag-asa” sa “Ang Aking Diksiyunaryo.” Nabigyan ang 9 bawat isa nang wastong kahulugan. Nagamit ang dictionary entry bilang gabay sa paggawa ng talahuluganan ng mga salita. Naisulat nang paalpabeto ang tatlong salita mula sa kuwentong “Huwag Mawalan ng Pag-asa” sa “Ang Aking Diksiyunaryo.” Nabigyan ang dalawang salita ng wastong kahulugan. Nagamit ang dictionary entry bilang gabay sa paggawa ng talahuluganan ng mga salita. 47
Patnubay ng Guro sa Filipino 3 6 Naisulat nang paalpabeto ang tatlong salita mula sa kuwentong “Huwag Mawalan ng Pag-asa” sa “Ang Aking Diksiyunaryo.” Nabigyan ang isang salita nang wastong kahulugan. Nagamit ang dictionary entry bilang gabay sa paggawa ng talahuluganan ng mga salita.. 3 Naisulat nang paalpabeto ang tatlong salita mula sa kuwentong “Huwag Mawalan ng Pag-asa” sa “Ang Aking Diksiyunaryo.” Aralin 8 Karapatan KoLingguhang LayuninPag-unawa sa Napakinggan Naibibigay ang mensahe ng napakinggang kuwentoPag-unawa sa Binasa Nakapagbibigay ng wakas sa binasang kuwentoWikang Binibigkas Nagagamit ang magagalang na pananalita sa panghihiram ng gamitGramatika Nagagamit ang panghalip na pamatlig na ito, iyan, at iyonKomposisyonDRAFTNasisipi nang maayos at wasto ang mga salita mula sa tekstong binasaPagsulat at Pagbabaybay Nababaybay nang wasto ang mga salitang may tatlo o apat na pantigEstratehiya sa Pag-aaral Nagagamit ang iba’t ibang bahagi ng aklat sa pagkalap ng impormasyonApril 10,2014PaunangPagtataya Pangkatin ang klase at ipagawa ang isinasaad sa matatanggap na activity sheet. Bigyan ang bawat pangkat ng activity sheet na nakasulat ang isa sa sumusunod. Gawain 1 Naubos na ang berdeng krayola at nais ng buong pangkat manghiram sa kabilang pangkat. Ipakita ang gagawin sa pamamagitan ng isang dula-dulaan. Gawain 2 Ano ang sasabihin mo kung manghihiram ka ng isang aklat sa silid-aklatan? Isulat ang mga sasabihin. Pagpapalahad ng sagot ng bawat pangkat. Ano ang mga ginamit na salita upang ituro ang tinutukoy na mga bagay?Unang ArawLayunin Nasasagot ang mga tanong sa kuwento Naiguguhit ang mensahe ng napakinggang kuwentoPaksang-Aralin Pag-unawa sa Napakinggang Kuwento 48
Patnubay ng Guro sa Filipino 3 Panlinang na Gawain 1. Tukoy-Alam Ano-ano ang alam mong karapatan mo? 2. Paglalahad Itanong: Ano-ano ang mga salitang maiuugnay ninyo sa salitang mapalad? Sabihin ang pamagat ng kuwentong babasahin sa mga bata. Ano kaya ang nangyari kay Marina? Isulat ang sagot ng mga bata. 3. Pagtalakay at Pagpapahalaga Basahin ang kuwento. Marinang Mapalad Si Marina ay isang batang ulila. Bata pa siya ay namatay na ang kaniyang mga magulang sa isang aksidente. Kaya nga’t siya ay kinupkop ng kaniyang tiyahin na walang anak. Itinuring siya ay parang tunay na anak. Pinag-aral siya. Ibinili ng lahat ng kaniyang pangangailangan. At higit sa lahat binigyan ng isang pamilya na kaniyang matatawag. Tunay na mapalad si Marina. Itanong Sino ang inilalarawan sa kuwento? Ano ang nangyari sa kaniya? Bakit siya mapalad? Ano-anong karapatan ang naibigay sa kaniya? DRAFTAno-ano ang karapatang naibibigay sa iyo ngayon? Paano mo pahahalagahan ang mga karapatang ito? 4. Pagpapayamang Gawain Ipakuha sa mga bata ng kagamitan para sa paggawa ng poster. Ipaguhit ang mga dahilan ng pagiging mapalad ni Marina. 5. PaglalahatApril 10,2014Anoangnatutuhanmosa aralin? 6. Karagdagang Pagsasanay Magpagawa sa mga bata ng isang maikling liham ng pasasalamat sa magulang sa pagbibigay-buhay at pagpapaaral sa kanila. Ikalawang Araw Layunin Nasasagot ang tanong tungkol sa binasang kuwento Nakapagbibigay-wakas sa binasang kuwento Paksang-Aralin Pagbibigay ng Wakas sa Binasang Kuwento Panlinang na Gawain 1. Tukoy-Alam Hayaang magbahagi ang mga bata ng isang karanasan ng kanilang pamamasyal kasama ang pamilya. 49
Patnubay ng Guro sa Filipino 3 2. Paglalahad Anong lugar sa Pilipinas ang nais mong mapuntahan? Bakit gusto mong makarating dito? Sabihin ang pamagat ng kuwento. Itanong: Ano kaya ang mangyayari pagkatapos ng limang tulog? 3. Pagtalakay at Pagpapahalaga Ipabasa ang kuwentong “Limang Tulog” sa Alamin Natin, p.28. Pangkatin ang mga bata. Bigyan ng sapat na oras ang bawat pangkat upang tapusin ang gawaing iaatas sa kanila. Gawain 1 Isadula kung bakit excited si Flor. Gawain 2 Iguhit ang mga naisip ni Flor. Gawain 3 Isulat ang mga pangyayari sa kuwento. Pagtatanghal ng bawat pangkat. Balikan ang kasagutan sa pag-uumpisa ng klase. Tama ba ang naging hula ninyo? Bakit excited si Flor? Ano ang nangyari sa kaniya? Sa palagay mo, nakasama kaya siya? Bakit mo nasabi? Ano ang gagawin mo kung hindi ka makakasama dahil may sakit ka? Ano ang gusto mong maging wakas ng napakinggang kuwento? Ano-anong karapatan ang tinamasa ni Flor sa kuwento? DRAFTNatatamasa mo rin ang mga ito? 4. Pagpapayamang Gawain Ipagawa ang Linangin Natin, p. 30. Pagpangkat-pangkatin ang klase. Bigyan ng sitwasyon ang bawat pangkat. Atasan silang isadula ang sa palagay nila ay naging wakas ng napiling kuwento . 5. PaglalahatApril 10,2014Anoangnatutuhanmosa aralin? Ipakumpleto ang pangungusap sa Tandaan Natin, p. 30. 6. Karagdagang Pagsasanay Ipagawa ang Pagyamanin Natin, p. 30. Tumawag ng ilang bata at pabasa ang natapos na gawain. Kunin ang papel na pinagsulatan ng mga bata ng kanilang sagot. Bigyan ng puna kung paano isinulat ang talata. Matapos bigyan ng puna, ibalik ito sa mga bata upang muling maisulat ang talata.Ikatlong ArawLayunin Nagagamit ang mga magagalang na pananalita sa panghihiram ng gamit Nagagamit ang ito, iyan / iyon sa pangungusapPaksang-Aralin Gamit ng Ito, Iyan, at Iyon 50
Search
Read the Text Version
- 1
- 2
- 3
- 4
- 5
- 6
- 7
- 8
- 9
- 10
- 11
- 12
- 13
- 14
- 15
- 16
- 17
- 18
- 19
- 20
- 21
- 22
- 23
- 24
- 25
- 26
- 27
- 28
- 29
- 30
- 31
- 32
- 33
- 34
- 35
- 36
- 37
- 38
- 39
- 40
- 41
- 42
- 43
- 44
- 45
- 46
- 47
- 48
- 49
- 50
- 51
- 52
- 53
- 54
- 55
- 56
- 57
- 58
- 59
- 60
- 61
- 62
- 63
- 64
- 65
- 66
- 67
- 68
- 69
- 70
- 71
- 72
- 73
- 74
- 75
- 76
- 77
- 78
- 79
- 80
- 81
- 82
- 83
- 84
- 85
- 86
- 87
- 88
- 89
- 90
- 91
- 92
- 93
- 94
- 95
- 96
- 97
- 98
- 99
- 100
- 101
- 102
- 103
- 104
- 105
- 106
- 107
- 108
- 109
- 110
- 111
- 112
- 113
- 114
- 115
- 116
- 117
- 118
- 119
- 120
- 121
- 122
- 123
- 124
- 125
- 126
- 127
- 128
- 129
- 130
- 131
- 132
- 133
- 134
- 135
- 136
- 137
- 138
- 139
- 140
- 141
- 142
- 143
- 144
- 145
- 146
- 147
- 148
- 149
- 150
- 151
- 152
- 153
- 154
- 155
- 156
- 157
- 158
- 159
- 160
- 161
- 162
- 163
- 164
- 165
- 166
- 167
- 168
- 169
- 170
- 171
- 172
- 173
- 174
- 175
- 176
- 177
- 178
- 179
- 180
- 181
- 182
- 183
- 184
- 185
- 186
- 187
- 188
- 189
- 190
- 191
- 192
- 193
- 194
- 195
- 196
- 197
- 198
- 199
- 200
- 201
- 202
- 203
- 204
- 205
- 206
- 207
- 208
- 209
- 210
- 211
- 212
- 213
- 214
- 215
- 216
- 217
- 218
- 219
- 220
- 221
- 222
- 223
- 224
- 225
- 226
- 227
- 228
- 229
- 230
- 231
- 232
- 233
- 234
- 235
- 236
- 237
- 238
- 239
- 240
- 241
- 242
- 243
- 244
- 245
- 246
- 247
- 248
- 249
- 250
- 251
- 252
- 253
- 254
- 255
- 256
- 257
- 258
- 259
- 260
- 261
- 262
- 263
- 264
- 265
- 266
- 267
- 268
- 269
- 270
- 271
- 272
- 273
- 274
- 275
- 276
- 277
- 278
- 279
- 280
- 281
- 282
- 283
- 284
- 285
- 286
- 287
- 288
- 289
- 290
- 291
- 292
- 293
- 294
- 295
- 296
- 297