“Gumaling na uli?” “Mukhang hindi.” “Siyanga? Matagal siyang nagkasakit sa Tokyo at sinasabi nilang naging geisha siKomako noong nakaraang tag-araw para makatulong sa pagbabayad sa doktor. Ewan ko kungnakatulong.” “Si Komako ba “ka mo?” “May kasunduan pa lamang sila. Pero palagay ko, gumagaan ang kalooban ng isangtao kapag ginawa ang lahat ng makakaya niya.” “Kasunduan ba ‘ka mo?” “Sabi nila. Ewan ko, pero iyan ang balita,” Napakakaraniwang bagay ang makarinig ng tsisimis tungkol sa geisha mula sa isangmasahista ng bukal ngunit kabaligtaran at lalong nakakagulat ang naging epekto nito; ang pagpasokni Komako bilang geisha para tulungan ang nobyo niya ay karaniwang kwentong nakaiiyak kayanatagpuan ni Shimamura ang sarili na halos hindi matanggap. Marahil ilang konsiderasyong moral –mga kwestiyon kung tama o maling ipagbili ang sarili bilang geisha – ang nakadagdag sa pagtangi. Iniisip ni Shimamura na gusto niyang halukayin pa ang kasaysayan ni Komako ngunithindi na nagsalita ang masahista. Kung may kasunduan na ang lalaki at si Komako at kung si Yoko ang bago nitongkalaguyo, at ang lalaki’y malapit nang mamatay – muli na namang nagbalik kay Shimamura angexpresyong “nasayang na pagsisikap”. Kung magiging tapat sa pangako si Komako hanggang wakasat ipagbibili pa nito ang sarili para makabayad lamang sa diktor – ano pa ba ito kundi na nasayang napagsisikap? Tatapatin niya si Komako sa katotohanang ito, ipamumukha niya kapag nagkita uli sila,sabi niya sa sarili; gayunman, ang buhay nito’y tila naging mas dalisay ay mas malinis dahil sabagong pagkaalam nito. Namamalayan ang nakakahiyang panganib sa kanyang manhid na pakiramdam sa kungano ang huwad at hungkag, nakahigang pinagtuunan ito ng isip ni Shimamura, sinisikap madama itokahit matagal nang nagpaalam ang masahista. Nanlalamig siya hanggang sa kalaliman ng kanyangsikmura ngunit may nakaiwan sa bintana nang bukas na bukas. Lumatag na ang kulay ng gabi sa lambak ng bundok, maaga itong nalibing sa mga anino.Sa takipsilim na ngayo’y nanganganinag pa sa liwanag ng lumulubog na araw, tila lumalapit angmalayong bundok. Di nagtagal nang ang mga pagitan ng bundok ay nagiging malayo at malapit, mataas atmababa, ang mga anino nito ay nagsimulang lumalim at pumula ang langit sa taluktok ng bundok namayelo na ngayo’y napapaliguan na lamang ng isang maputlang liwanag. Nangingitim na nakatayo ang mga kulumpon ng cedar sa pampang ng ilog, sa laruang ski,sa paligid ng templo. Tulad ng isang mainit na liwanag, bumuhos si Komako sa hungkag na pagkabalisangbumaba gabay kay Shimamura. May miting sa otel para pag-usupan ang mga plano sa panahon ng pag-iski. Ipinatawag siKomako para sa parti pagkaraan. Pinainit nito ang kamay sa kokatsu, pagkatapos ay maliksingtumayo at sinalat ang pisngi ni Shimamura. “Maputla ka ngayong gabi. Nakapagtataka.” Hinila nito ang malambot na laman sa pisnginiya na parang ibig iyong bakbakin. “Pero ikaw din ang may kasalanan.” Lasing na nang kaunti si Komako. Nang bumalik mula sa parti, bumagsak ito sa harap ngsalamin at halos nakatawa ang kalasingang ipinakita ang mukha nito. “Wala akong alam doon. 20
Wala. Masakit ang ulo ko. Ang sama ng pakiramdam ko. Masama. Gusto kong uminom. Bigyanmo ako ng tubig.” Pinagdaop nito sa mukha ang dalawang palad at gumulong nang hindi iniintindi angmaingat na pagkakayos ng kanayang buhok. Mayamaya, bumangon uli ito at sinimulang tanggalinang makapal na polbo sa pamamagitan ng malamig na krema. Matingkad na pula ang nasa ilalim.Mukhang nasisiyahan ito sa kanyang sarili. Kay shimamura, nakagugulat ang gayon kabilis napaglipas ng kalasingan. Kumikinig ang balikt ni Komako sa lamig. Buong Agosto’y halos muntik na itong bumagsak. Sa matinding nerbiyos, sabi nito kayShimamura. “Akala ko’y mababaliw ako. Lagi akong nag-iintindi sa isang bagay na hindi ko alamkung ano. Nakakatakot.Hindi ako mapagkatulog. Nakokontrol ko lamang ang sarili ko kapagpumupunta ako sa isang parti. Kung anu-ano ang napapanaginipan ko at nawalan ako ng ganangkumain. Uupo ako at kung ilang oras na dadagok sa sahig kahit sa kainitan ng araw.” “Kailan ka unang naging geisaha?” “Noong Hunyo. Inisip ko noong una na pumunta sa Hamamatsu.” “Para mag-asawa?” Tumango si Komako. Hinahabol siya ng lalaki para pakasalan ngunit hindi niya itomagustuhan. Matagal bago siya nakapagdesisyon. “Pero kung ayaw mo sa kanya, ano ang mahirap sa desisyon.?” “Hindi gayon kasimple.” “Masarap ang may-asawa?’ “Tumigil ka. Mas malamang na gusto kong malinis at maayos ang lahat ng nasa paligidko.” Umungol si Shimamura. “Alam mo, napakahirap mong kausaping tao.” “May relasyon ba kayo ng lalaking taga-Hamamatsu?” Isinigaw ni Komako ang sagot:”Kung mayroon, palagay mo ba’y magdadalawang-isip paako? Pero sinabi niyang hangga’t narito ako, hindi niya ako papayagang mag-asawa ng iba.Gagawin niya ang lahat para huwag matuloy.” “Pero ano’ng magagawa niya mula sa malayong Hamamatsu? Iyon ba ang inaalala mo?” Sandaling nag-inat si Komako, nilalasap ang init ng sariling katawan. Nang muli itongmagsalita. Kaswal na ang kanyang tono. “Akala ko’y buntis ako.” Humagikgik ito. “Nakakatawakapag naaalala ko ngayon.” Namaluktok itong tila isang bata, at pagkaraa’y dalawang kamay na sinunggaban ang leegng kimono ni Shimamura. Sa malago nitong pilikmata, muli na namang naisip ni Shimamura na kalahati lamangnakadilat ang mga mata nito. NAKAUPO sa tabi ng painitang-bakal, may isinulat si Komako sa likod ng isang lumangmagasin nang gumising si Shimamura kinabukasan. “Hindi ako makakauwi ngayon. Bumangon ako nang magdala ng uling ang katulong,pero maliwanag na. Pumapasok na ang araw sa pinto. Nalasing ako nang kaunti kagabi at napasarapang tulog ko,” “Anong oras na?” “Alas otso.” “Halika, maligo tayo.” Bumangon si Shimamura. 21
“Hindi ako pwedeng sumama. Baka may makakita sa akin sa bulwagan.” Napakaamo nanito ngayon. Nang bumalik si Shimamura mula sa paliligo, inabutan niya si Komako na matiyagangnaglilinis ng kwarto, may panyong masining na nakatakip sa ulo. Napakaingat na nitong napunasan ang mga paa ng mesa at ang gilid ng painitang-bakal atngayo’y hinahalo ang uling ng sanay na kamay nito. Kontentong nakaupo si Shimamura, nagsisigarilyo habang ang paa’y nasa kotatsu. Nangmalaglag ang abo sa kanyang sigarilyo, dinampot ito ni Komako sa pamamagitan ng isang panyo atdinalhan siya ng isang ashtray. Napatawa si Shimamura tawang kasinsaya ng umaga. Tumawa rin siKomako. “Kung may asawa ka, lagi mo sigurong kagagalitan.” “Hindi. Pero pagtatawanan ako dahil tinitiklop ko maging maruning damit ko. Hindi komapigilan. Talagang ganito ako. “Sinabing mahuhulaan mo raw ang lahat sa isang babae tingnan mo lamang ang loob ngkanyang aparador.” “Kay ganda ng araw.” Nag-aalmusal sila at bumabaha ang pang-umagang araw sakwarto. “Maaga sana akong nakauwi para magpraktis ng samisen. Iba ang tunog sa araw na tuladnito.” Tumingala si Komako sa kristal na langit. Malambot at krema ang yelo sa malayong bundok parang may belong manipis na usok. Naalala ang sinabi ng masahista, iminungkahi ni Shimamura na sa kwarto na niyamagparkatis ng samisen. Si Komako. Dagli itong tumawag sa bahay upang humingi ng kopya ngmusika at mapalit na damit. Kung gayo’y may telepono pala sa bahay na nakita niya nang nagdaang araw, naisip nishimamura. Ang mata ng isa pang babae, si Yoko au lumutang sa kanyang gunita. “Dadalhin dito ng batang iyon ang iyong musika?” “Maaari.” “May kasunduan kayo ng anak ng lalaki, di ba?” “Aba! kailan mo nasagap iyan?” “Kahapon.” “Kakatwa ka talaga. Kung nabalitaan mo kahapon,bakit hindi mo sinabi sa akin?”Ngunit ang tono nito’y di nagpakita ng katalasang tulad nang araw na nagdaan. Ngayon, maymalinis na ngiti lamang sa mukha nito. “Madaling ungkatin ang bagay na iyon kung hindi kita iginagalang.” “Ano ba talaga ang iniisip mo? Kaya ayaw ko sa mga taong galing sa Tokyo.” “Binabago mo ang usapan. Hindi mo pa sinasagot ang tanong ko.” “Hindi ko binabago ang usapan. At pinaniniwalaan mo naman?” “Oo. “Nagsisinungaling ka na naman. Alam kong hindi ka naniniwala.” “Katunaya’y hindi ko mapaniwalaan ang lahat. Pero sabi nila’y naging geisha ka paratumulong sa pagbabayad sa doktor.” “parang kwento sa isang mumurahing magasin. Pero hindi totoo. Wala kamingkasunduan kailanman. Naiisip lang ng tao na gano’n. Hindi dahil ibig kong tumulong kaninumankung bakit ako naging geisha. Pero malaki ang utang na loob ko sa kanyang ina at kailangang gawinko ang aking makakaya.” “Matalinghaga kang magsalita.” “Sasabihin ko sa iyo ang lahat. Pakalilinawin ko. Para ngang may panahon na inisip ngkanyang ina na magandang idea kung pakakasal kami. Pero inisip lamang niya ito. Hindi niya sinabi 22
kahit kanino. Parang alam lang naming pareho ang nasa isip niya, pero hanggang doon lang. at iyanlamang ang nangyari. “Magkaibigang magkababata.” “Tama. Pero matagal kaming nagkahiwalay. Nang ipadala nila ako sa Tokyo paramaging geisha, siya lamang ang naghatid sa akin. Isinulat ko iyon sa pinakaunang pahina ng akingpinakalumang diary.” “Kung nagkasama kayong dalawa, kasal na siguro kayo ngayon.” “Ewan.” “Pakakasal ka sa kanya.’ “Hindi mo siya dapat alalahanin. Hindi magtatagal ay mamamatay na siya.” “Pero tama bang lumalabas ka ng bahay kung gabi?” “Hindi mo dapat itanong iyan. Paano ako mapipigil ng isang malapit nang mamatay paragawin ang gusto ko?” Walang maisip si Shimamura. Bakit kaya ni isang salita’y hindi nababanggit ni Komako ang batang si Yoko? At si Yoko, na nag-alaga sa may sakit na lalaki sa tren, maaaring katulad ng pag-aalagarito ng ina nito noong siya’y musmos pa – ano ang mararamdaman nito pagpunta sa otel, dala angpamalit na kung ano – ng lalaking kasabay na umuwi ni Yoko? Natagpuan ni Shimamura ang sarili na ginugunita ang mga dati niyang malayongpantasya. “Komako. Komako.” Mababa ngunit malinaw ang magandang boses ni Yoko. “Maraming salamat.” Lumabas si Komako papunta sa silid-bihisan. “Ikaw pa mismoang nagdala. Nabigatan ka siguro. Dagling umalis si Yoko. Nalagot ang pang-itaas na kwerdas ng samisen nang tentatibo itong kalabitin niKomako. Habang pinapalitan nito ang kwerdas at itinotono ang instrumento, nakita ni Shimamura namay tiyak at tiwala itong salat. Dinampot nito ang makapal na balutan at binuksan iyon sa ibabaw ngkotatsu. Sa loob ay may ordinaryong libro ng mga awit at mga dalawampung piyesa ng musika.Nagtatakang sumulyap si Shimamura sa huli. “Nagpapraktis ka mula rito?” “Kailangan. Walang iba rito na makapagtuturo sa akin.” “Iyong babaeng kasama mo sa bahay?’ “Paralisado siya.” “Kung nakapagsasalita siya, maaari pa siyang makatulong sa iyo.” “Pero hindi siya makapagsalita. Nagagamit pa niya ang kaliwang kamay para ituro angmga mali sa sayaw, pero naiinis lang siya sa pakikinig sa samisen nang hindi maituro ang tama.” “Naiintindihan mo talaga ang musika sa pagbasa ng piyesa?” “Naiintindihan ko talaga.” “Matutuwa ang ginoong naglathala niyan kapag natuklasan niyang may isang tunay nageisha – hindi ordinaryong baguhan lamang – na nagpapraktis sa kanyang kopya sa malayongbundok na ito.” “Sa Tokyo, inaasahan nilang sasayaw ako at binigyan nila ako ng mga leksyon sasayaw. Pero halos wala akong natutuhan sa pagtugtog ng samisen. Kung makakalimutan ko pa ito,wala nang makapagtuturo sa akin. Kaya gumagamit ako ng piyesa.’ “At ang pagkanta?” 23
“Ayokong kumanta. Natuto ako ng ilang kanta mula sa aking pagsayaw at nakakayako naman pero ang mga bago’y kailangang matutuhan ko sa radyo. Hindi ko alam kung gaano akokatama. Sa aking sariling estilo – tatawa ka lang, alam ko. Bumibigay ang boses ko kapagkumakanta ako sa isang taong kilala ko. Malakas lamang ang loob ko sa mga estranghero. “Sandaliitong nagmukhang tila mahiyain,pagkaraa’y pumanatag uli at sumulyap kay Shimamura na parangisinesenyas na kumanta na ito. Napahiya si Shimamura. Sa kasamaang palad hindi siya mang-aawit. Sa pangkalahata’y pamilyar siya sa musikang Nagauta ng teatro at sayaw sa Tokyo, atalam niya ang titik ng karamihan sa mga awit. Pero wala siyang pormal na pagsasanay. Katunayan,iniuugnay niya ang musikang Nagauta hindi sa pribadong pagtatanghal ng isang geisha kundi sa actorna nasa entablado. “Pinahihirapan ako ng kostumer na ito.” Kasabay ng mabilis na pagkagat sa pang-ibabang labi, ikinalang ni Komako ang samisen sa tuhod at nang tila naging ibang tao siya, taimtimniyang binalingan ang mga titik na nasa harap. “Pinapraktis ko na ang isang ito mula pa noong nakaraang taglagas.” Humagod ang lamig kay Shimamura. Tila tumaas ang kanyang balahibo hanggangpisngi. Binuksan ng mga unang nota ang isang nananagos na kahungkagan sa kanyang kaibuturan atsa kahungkagang ito’y tumaginting ang tunog ng samisen. Nagitla siya- o manapa’y napaurong siyana parang nasapol ng isang tamang-tamang suntok. Nabalot ng damdaming halos pagsamba,sinasabayan ng mga alon ng pagsumbat sa sarili, walang pananggol parang pinagkaitan ng lakas-walang siyang nagawa kundi patangay sa agos, sa sarap ng pagpapatianod saan man siya gustingdalhin ni Komako. Geishang bundok ito, nasabi ni shimamura sa sarili, wala pang beinte anyos at hindimaaaring gayon siya kagaling. At kahit na nasa isang maliit na kwarto, hindi kaya nito hinahablotang instrumento na parang nasa entablado? Siya mismo’y natatangay ng sarili niyang emosyon.Sinadya ni Komako na basahin ang mga kataga sa iisang tono, minsa’y bumabagal at minsa’ynilalampasan ang isang napakahirap na pasada; ngunit unti-unti tila ito nilukuban ng isang engkanto.Habang tumataas ang boses nito, nagsimulang makaramdam si Shimamura ng bahagyang pagkatakot.Hanggang saan siya tatangayin ng makapangyarihan at tiyak na himig nito? Bumiling siya at iniunanang ulo sa isang braso na parang bagot sa naririnig. Para siyang nakawala nang matapos ang awit. A, umiibig sa akin ang babaengito…ngunit nayamot siya sa sarili sa ganitong isipin. Tiningala ni Komako ang maliwanag na langit sa ibabaw ng yelo. “Iba ang tono sa arawna ito.” Ang tono’y naging kasingyaman at kasintaginting tulad ng ipinahiwatig ng tinuran nito. Ibaang paligid. Walang mga dingding ng teatro. Walang manonood, walang alikabok ng lungsod.Kristal na lumulutang ang mga nota sa malinis na umaga ng tagalamig upang umabot ang tunog samalayo at nagyeyelong taluktok ng bundok. Kay Shimamura, isang nasayang na pagsisikap ang ganitong paraan ng buhay.Naramdaman din niya rito ang isang pangungulilang nanawagan sa kanya at humihingi ng simpatiya.Ngunit ang buhay at takbo ng buhay ay walang dudang dumadaloy nang ganito kadakila mula sasamisen nang may panibagong halaga kay Komako mismo. Si shimamura na hindi sanay sa pasikut-sikot na teknik ng samisen at naiintindihan angemosyon sa tono lamang ang marahil ideal na tagapakinig ni Komako. Nang simulan ni Komako ang pangatlong awit-senswal na kalambutan ng musikamarahil ang sanhi – nawala ang panlalamig at pagtaas ng balahibo ni Shimamura na panatag atmatamang nakikinig ay tumitig sa mukha ni Komako. Isang matinding pagkakalapit na pisikal anglumukob sa kanya. 24
Parang ipinakakahulugan ng makikinis na labi ang isang nagsasayaw na liwanag kahit naang mga ito’y parang talulot na nakatikom; at kung sa isang saglit ay nababanat ang mga ito gaya nghinihingi ng pagkanta, mabilis itong tumitikom uli sa isang nakahahalinang maliit na talutot. Angbighani ng labi ay katulad na katulad ng bighani ng kanyang katawan mismo. Dahil sa mga mataniyang mamasamasa at kumikislap, nagmukha siyang isang batang-batang babae. Wala siyang polboat sa ningning ng isang geishang lungsod ay sumapi ang kulay ng bundok. Ang kanyang balat, nanagpapahiwatig ng kasariwaan ng isang bagong talop na sibuyas o ng puno ng lila marahil, aybahagyang namumula hanggang lalamunan. Higit sa lahat ito’y malinis. Matigas at tuwid na nakaupo, tila mas mahinhin siya at mas mukhang dalaga kaysa dati. Ngayon, habang nakatingin sa isang bagong piyesa, kinanta niya ang isang awit na hindi paniya naisasaulo. Nang matapos ito ay tahimik niyang isinuksok ang pang kalabit sa ilalim ng mgakwerdas at binayaang mapahinga ang sarili sa mas maginhawang posisyon. Ang pagbago niya ng upo’y mabilis na naghatid ng anyong nakakatukso at nanghihikayat. Walang maisip sabihin si Shimamura. Hindi pansin ni Komako kung ano ang palagay niyasa pagtugtog. Parang wala siyang pakialam na nasisiyahan sa kanyang sarili. “Mahuhulaan mo ba lagi kung sino ang geisha sa tono ng kanyang samisen?” “Madali. Wala pa kaming dalawampu rito. Depende iyan sa estilo. Ang pagigingindibidwal ay higit na lumalabas sa ilang estilo kaysa iba.” Muli nitong dinampot ang samisen at inilipat ang bigat ng katawan kaya ang mga paa’ynakahilig sa isang panig at ang instrumento ay nakapatong sa kalamnan ng binti. “Ganito ang paghawak kung maliit ka.’ Yumuko ito sa samisen na parang napakalaki nitopara sa kanya. “I-ti-im na buhok…” Nagboboses bata si Komako at parang nag-aaral na kinalabitang mga nota. “itim na buhok ba ang una mong natutuhan?” “O-o” Parang batang ipinilig nito ang ulo, walang alinlangang tulad ng ginawa nito noongaraw na napakaliit pa niya para mahawakan nang husto ang samisen. HINDI na tinatangkang umuwi ni Komako bago mag-umaga kapag nagpapaiwan ito sagabi. “Komako.” Mula sa bulwagan sa dulo ay tatawag ang dalawng taong gulang na anak nababae ng tagapangasiwa ng otel, ang boses ay tumataas sa punto ng salitang bundok. Silangdalawa’y masayang maglalaro sa kotatsu hanggang sa bago tumanghali at pagkaraa’y sabay silangmananaog para maligo. Pagkagaling sa paliligo, sinuklay ni Komako ang buhok. “Tuwing makakikita ng geishaang bata, tumatawag ito, “Komako” sa nakakatawa niyang punto at kapag nakakita siya ng retrato ngiba na lumang estilo ang buhok, si “Komako” rin iyon. Alam ng mga bata kung mahal mo sila.“Halika, Kimi. Maglaro tayo kina Komako.” Tumayo si Komako upang umalis, pagkaraa’ytinatamad na naupo sa beranda. “Mga sabik na taga-Tokyo, nag-i-ski na.” Ang kwarto’y nakatunghay sa mismong dausdusan ng ski sa paanan. Mula sa kotatsu, sumulyap si Shimamura. Patse-patse na ang yelo sa bundok at lima oanim na taong nakaitim na damit pang-ski ang nagpaikut-ikot sa may pilapil ng bakod. Parang siraang mga ulo. Banayad ang dalisdis at ang mga pilapil ay hindi pa natatakpan ng yelo. “Mga estudyante yata. Linggo ba ngayon? Ano’ng mapapala nila?” “Magagling din naman sila,” ani Komako na parang sarili ang kinakausap. “Lagingnagugulat ang mga panauhin dito kapag binabati sila ng isang geisha sa iskihan. Hindi siya nakikilaladahil sunog siya sa tindi ng lamig. Sa gabi, tinatakpan ito ng polbo.” “Nagsusuot ka rin ng pang-ski?” 25
Nagsusuot daw siya ng “pantalong bundok,” sabi nito. “Pero malaking abala angpanahon ngayon ng ski. Malapit na naman. Makikita mo sila sa gabi sa otel, at sasabihin nilamagkikita tayo uli kinabukasan habang nag-iski. Dapat sigurong itigil ko na ang pag-iski sa taongito. Sige, aalis na ako. Halika na, Kim. Uulan ng yelo ngayong gabi. Malamig lagi ang gabi bagoumulan ng yelo.” Lumabas si Shimamura sa beranda. Inaakay ni Komako si Kimi sa matarik na daan saibaba ng daudusan ng ski. Hindi umulan ng yelo nang gabing iyon. Bumagyo ng buu-buong yelo na naging ulan. Muling ipinatawag ni Shimamura si Komako nang gabing iyon bago siya umalis.Aliwalas ang gabi at maliwanag ang buwan. Pagdating ng alas onse nanigid ang lamig ngunitnagpumilit si Komako na sila’y maglakad-lakad. Hinatak siya nito mula sa kotatsu. Nagyeyelo ang kalsada. Tahimik na nakahimlay ang nayon sa ilalaim ng malamig nalangit. Itinaas ni Komako ang laylayan ng kimono at ipinaloob ito sa kanyang obi. Kumikislap angbuwan na parang patalim na asul na yelo. “Pupunta tayo sa istasyon,” sabi ni Komako. “Gaga. Mahigit isang milya iyon. Pa’no pa ang pagbalik?” “Malapit ka nang bumalik sa Tokyo. Tingnan lang natin ang istasyon. Namamanhid si Shimamura mula sa balikat hanggang pigi. Pagbalik sa kwarto, malungkot na napalupasay si Komako. Yuko ang ulo at ang mgakamay ay malalim na nakapasok sa Kotatsu. Kakatwa, tumanggi itong sumama sa kanya sa paliguan. Nakahanda na ang higaan na ang paa ng kutson ay nakapaloob sa katatsu. Malungkotna nakaupo sa gilid si Komako nang bumalik si Shimamura mula sa paliligo. Walang sinabi siKomako. “Ano’ng nangyari sa iyo?” “Uuwi na nako.” “Huwag kang gaga.” “Mahiga ka na. Bayaan mong umupo muna ako rito sandali.” “Bakit gusto mong umuwi?| “Hindi ako uuwi. Mauupo lang ako rito hanggang umaga.” “Hindi kita maintindihan.” “Hindi ako mahirap intindihin.” “E. bakit…?” “Masama… ang pakiramdam ko.” Nasiyahan ka ba sa kwentong binasa mo? Nadama mo ba ang naramdaman ngtauhang babae? Kung naunawaan mo ang iyong binasa, sigurado akong masasagutan mo ang mgainihanda kong gawian. 26
Linangin mo… Pagsusuring panlinggwistikaPanuto: Ibigay ang kahulugan ng mga salita batay sa elemtong hinihingi. Iguhit mo angsimboloKahulugan Simbolo PAG_IBIG KARAPATAN LIPUNAN PANTAY 27
KATARUNGAN Matapos mong mabigyan-kahulugan ang mga salita batay sa hinihinging elemento,mahalagang masuri mo ang katauhan ng ating mga pangunahing tauhan sa pamamagitan ng“Character Profile“ Ito’y lubos na pagkilala sa mga tauhan. Lubusang kikilalanin ang tauhan sapamamagitan ng mga nakatalang impormasyong nais malaman sa mga tauhan batay samga pangyayaring kinasasangkutan nila sa seleksyon. 28
Pagsusuring pangnilalaman Ngayong alam mo na ang character profile, madali mo nang masasagot ang mga impormasyong hinihingi. Pangalan Gulang Hanapbuhay Pag-aaral Mga Libangan Pananaw sa buhay Katangian Panlabas na kaanyuan Nasyonalismo KasarianShimamura Komako 29
Naibigan mo ba ang ginawa mong pagsusuri sa dalawang tauhan? Kakaiba di ba?Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga sumusunod na pahayag at kaisipan. Piliin angpahiwatig at kahulugan nito na makikita sa bandang ibaba. Titik lamang ang isulat Mga Pahayag / Kaisipan Pahiwatig Kahulugan. 1. “Pakikipagkaibigan lamang ang nararamdaman ko sa babaeng ito”2. May dahilan siya sapaglusong sa mababawna tubig nang hindinagpapakabasa.3. “Kung gabi,mapakadelikadong maymatirang latak na digusto ng sinuman.”4. “Ikaisandaan atsiyam-napu’t siyam naaraw. Eksaktongikaisandaan atsiyamnapu’t siyam naaraw.5. Hile-hilerang batoang nakadagan sa atipng mga bahay parahuwag itong tangayinng hangin. Pamimiliana. Ayaw niyang makipagrelasyon sa babae.b. Pihikanc. Kahirapand. Panandaliang pag-ibig ang nais niya. 30
e. Tira-tirahan na lamangf. Nang ibigay nito ang sarili kay Shimamurag. May mga geishang napagpilian nah. Luma nai. Ayaw niyang mahulog ang loob niya sa babaej. Ipinagkatiwala ang buong pagkatao Pagkatapos mong masagutan ang iyong mga gawain, daragdagan pa natin angiyong kaalaman sa akda. Dahil sa pag-unawa sa kwento, kailangan mo na ang focus satransformasyon ng tauhang babae. Ang tawag dito ay teoryang feminismo. Sa teoryang feminismo, ang mahalagang sangkap na binibigyan ng atensyon ay ang tauhang babae. Sa proseso ng pagbasa tinitingnan ang taglay na lakas ng tauhang babae. Maaaring ito ay nakapaloob sa mga tiyak na pahayag na nagpapakita ng kanyang saloobin, pananaw sa buhay at maging sa pagkilos.Pagsusuring pampanitikan Ngayong nabatid mo na ang teoryang feminismo, suriin mo ang akdang “Lupain ngTaglamig” batay sa pagpapakita ng kalakasan ng tauhang babae.1. Lakas ng loob2. Lakas ng pagpapasya3. Lakas na pisikalHalagang Pangkatauhan1. Kung ikaw ang magiging manager sa isang kompanya, paano mo ipakikita ang pantay na karapatan ng iyong mga empleyadong babae at lalaki?2. Anu-anong panuntunan ang iyong ipapatupad na mag-aalis ng deskriminasyon sa pagitan nila? Madali mo bang naisagawa ang mga inihanda kong gawain? Iwasto mo ito. Hiraminmong muli sa iyong guro ang susi sa pagwawasto. Narito pa ang ilang gawain na alam kong makadaragdag sa iyong kaalaman. 31
Palalimin Mo… Dugtungan mo ang sumusunod na mga pahayag. Matapos kong mabasa ang akdang “Lupain ng Taglamig” at nakilala ang dalawang tauhan. Nalaman ko na ang isang geisha ay …. Naramdaman ko na ang isang geisha ay … Masasabi ko na ang isang geisha ay … Gamitin mo… Panuto: Lagyan mo ng sek (/) kung posiibo at (X) kung negatibo ang epekto ng feminismo. _______1. Pagkakaroon ng kalayaan sa pagpili ng mapapangasawa. _______2. Lagi nang unang nabibigyan ng pagkakataon ang mga kalalakihan. _______3. May matigas na puso sa mga desisyon. _______4. Pantahanan lang ang mga kababaihan. _______5. Kapwa kumikita ang mag-asawa. _______6. Pabayaan sa anumang gawin nila sa kanilang buhay. Tiyak na alam mo na ang positibong epekto ng feminismo. Iwasto mo na ang iyonggawa. Kunin mo muli sa iyong guro ang susi sa pagwawasto. Sulatin mo… Panuto: Ayusin mo ang pagkakasunud-sunod ng bilang ng mga pangungusap. Pagkatapos, gawin mo itong isang talata. 1. Naging matatag siya sa mga pagsubok na dumaan sa kanyang buhay. 2.. Utang natin sa kanya ang pagkakaroon ng mapayapang rebolusyon. 3. Kaya naman minahal siya ng taong bayan. 4. Dahil sa kanya, nabuhay muli ang diwa ng demokrasya. 32
Ang husay mo nang mag-ayos ng pagkakasunud-sunod ng mga pangyayari. Ngayong nabuo mo nang isang talata ang mga pangungusap, hiramin mo muli saiyong guro ang susi sa pagwawasto. Iwasto amg iyong ginawa. Lagumin mo… Panuto: Lagyan mo ng tsek (/) ang aral na napulot mo sa akda. _____1. Na dapat pantay-pantay ang karapatan ng lalaki at babae. _____2. Di dapat padadaig ang babae sa lalaki. _____3. Ang isang geisha ay dapat igalang. _____4. Karapatan ng babae na pumili ng kanyang mapapangasawa. _____5. Kaalaman sa teoryang feminismo. _____6. Kailangan bigyan-laya ang babae sa dapat niyang gawin. _____7. Pananagutan niya ang anumang mangyayari sa kanya. Marami ka nang alam tungkol sa akda. Hiramin mong muli sa guro mo ang susi sa pagwawasto. Iwasto mo na ito. Gaano ka na kahusay?Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga pangungusap. Piliin ang titik ng tamang sagot.1. Si Shimamura ay bumaba sa nayon ng mainit na bukal pagkaraan ng pitong araw sa hangganan sa bundok. Ang ibig sabihin ng salitang may salungguhit ay:a. batis c. dalisdisb. ilog d. sapa2. Nagpatawag siya ng isang geisha. Ang ibig ipakahulugan ng geisha ay babaing:a. nagbibili ng aliw c. mang-aawitb. katulong sa bahay d. mananayaw 33
3. Nagsiklab ang babae at pagkaraa’y umurong ng isang hakbang ang kahulugan ng maysalungguhit ay:a. nag-apoy c. nagliyabb. nagalit d. nagwala4. Edad ni Komako nang magsimula siyang sumulat sa diary.a. 15 c. 16b. 14 d. 18 5. “Hindi ako magsisisi. Hindi ako kailanman magsisisi. Pero hindi ako ganoong babae.”Nais ipahiwatig sa pahayag na.a. nagmamakaawa ang babae.b. nagmamatigas ang babae sa lalaki.c. nais makipagtalik ng babae sa lalakid. nakikipagtalo ang babae sa lalaki.6. “Bangon. Bangon, kapag may nagsabi sa iyong bumangon.” Nagpapahiwatig dito na ang nagsasalita ay:a. matapang c. mabagsikb. makapangyarihan d. mahigpit7. Tawag sa pahayag ng mga kababaihan sa karapatang pulitikal, sosyal at ekonomikala. humanismo c. realismob. feminismo d. romantisismo8. Karapatan ng babae na mabigyan siya ng _____ kapag hiwalay na sila ng kanyang asawa.a. hanapbuhay c. bahay at lupab. sustento d. mana9. Mahalaga para sa iyo na buo ang inyong pamilya, ngunit madalas kang bugbugin ng iyong asawang lasenggero. Ano ang gagawin mo?a. palalayasin siyab. ipagugulpi sa mga kapatid na lalakic. ipauubaya na lang sa Diyosd. magsusumbong sa maykapangyarihan 34
10. Magkakaroon ng kapanatagan, pagmamahalan, katarungan at kaunlaran ang isang pamilya kung ang mag-asawa ay:a. may pagbibigayan c. may pagkakaisab. may pag-uunawaaan d. lahat ay tama Iwasto mo ang iyong sagot sa susi sa pagwawasto na nasa iyong guro. Kung ang iskor mo ay 7-10 binabati kita at kung ang iskor mo ay 6 pababa, gawin mo angsusunod na pagsasanay.Paunlarin mo…Panuto: Bumuo ka ng mga konsepto batay sa mga salitang nasa loob ng kahon.Maging sunud-sunuran di dapat sa babae ang kanyang asawang babae ang humawak ngng pamilya karapatan kabuhayan 35
Modyul Blg. 15 Pagsusuri ng akda Batay sa Teyoryang Humanismo Tungkol saan ang modyul na ito? O, ano kumusta ka na? Maaliwalas ang dating ng mukha mo.Sigurado akong naging mabunga ang mga nakaraan mong aralin. Mabuti naman. Ngayon narito pa ang isang modyul na magiging kawili-wili para sa iyo. Ito’y hahamon na naman sa iyong kakayahan. Alam kong pamilyar ka na sa mga akdang Asyano. Ang akdang babasahin mo ay mula sa bansang Singapore na pinamagatang “Kung Mangarap Ka Nang Matagal.” Ito’y isinalin ng isang batikang manunulat na si Ruth Elynia Mabanglo. Alam mo ba kung paano maaaring maging makabuluhan ang isang gawain gaano manito kababa? Iyan ngayon ang iyong tutuklasin sa pagbasa ng akdang inihanda para sa iyo. O handa ka na ba? Sige simulan mo na. Ano ang matututunan mo? Nailalapat ang mga batayang kaalaman at kasanayan sa pag-unawa sa akda. Paano mo gagamitin ang modyul na ito? Magiging gabay mo sa pagkatuto ang modyul na ito. Makatutulong ito bilang patnubay sa mga tuntunin kung susundin mo ang mga tagubilin sa paggamit nito.
O, huwag kang mag-alala, ito’y ginawa para sa madali mong pagkatuto.1. Sagutin mo nang walang pag-aalinlangan ang Panimulang Pagsusulit sa bahaging Ano Ba Ang Alam Mo? Gabay mo ito upang masukat ang lawak ng iyong kaalaman sa paksa.2. Sa Tulong ng susi sa pagwawasto na hihiramin mo sa iyong guro, iwawasto mo ang iyon mga sagot. Kung marami kang mali, huwag kang mag-alala, tutulungan kang linawin ito sa Pagpapayaman at iba pang gawain.3. Basahin at unawain mong mabuti ang akda. Isagawa mo ang mga kaugnay na gawain. Mababasa mo kung paano ito isagawa.4. Isulat mo ang iyong sagot sa papel o notbuk.5. Sagutin mo ang pangwakas na pagsusulit o ang bahaging Gaano Ka Na Kahusay? Hiramin mong muli sa iyong guro ang susi sa pagwawasto. Maging matapat ka sa . pagwawasto.6. Ingatan mo ang modyul na ito. Panatilihin mong malinis at walang punit ang bawat pahina. Ano ba ang alam mo? Narito ang unang pagsusulit mo. Ito’y para lang masukat kung ano ang alam motungkol sa akda. Handa ka na ba?Panuto: Piliin at isulat ang titik ng wastong sagot1. Ipinagbibili ng mga magnanakaw ang mga nakulimbat nila. Ang ibig sabihin ng may salungguhit ay: a. nanakaw b. nahamig c. naagaw d. nawala 2
2. Sa kabila ng pagiging mababa at kabagut-bagot na trabaho, mahalaga at makabuluhan ito. Ano ang ibig sabihin ng may salungguhit? a. kainis-inis b. kasiya-siya c. kainip-inip d. katuwa-tuwa3. “Tama na ang isang beer.” Ito’y nagpapahiwatig na ang nagsasalita ay: a. matipid b. makatao c. mapagbigay d. mahilig uminom4. Binisita ni Kwang Meng ang kapitbahay nilang si: a. Boon Teik b. Anne c. Me-I d. Boo Tiek5. Inihatid sa bahay ni Kwang Meng ang pinsan ni Me-I na si a. Boon Teik b. Anne c. Cecilia d. Annie6. Sumulat ng aklat na nais ipabasa agad ni Boon Teik kay Kwang Meng a. Nonya b. Narayan c. Me-I d. Pernakan7. “Tuluy-tuloy,” sabi ni Boon Teik na tumayo’t inilahad ang isang kamay. “Upo ka, upo ka.” Nagpapakita ito ng: a. mahusay na pakikisama b. pakikipagkaibigan c. masayang kapitbahay d. magiliw na pagtanggap 3
8. Dahil walang hilig sa pakikipagtalo, nanatiling tahimik si Kwang Meng. Ito’y nagpapakita ng: a. kawang-galang b. di mabuting tagapakinig c. mapagbigay d. ayaw na may naiinis sa kanya 9. May kaibigan kang ayaw makinig ng tamang paliwanag, ano ang gagawin mo? a. lalayasan ko b. iinisin ko c. hihintayin ko na iba ang magpaliwanag sa kanya d. pakikiusapan ko siyang muli akong pakinggan. 10. Bilang isang kabataan, paano mo malalaman na may kabuluhan ang iyong ginagawa? a. pinagbubuti ko ito b. nasisiyahan ang ibang tao c. ipinagmamalaki ng kapwa ko d. lahat ay tama Naging madali ba para sa iyo ang pagsusulit na ito? Kung mabababa lang ang iskormo, huwag kang mag-alala dahil simula pa lamang iyan. Tutulungan ka ng modyul na ito na maunawaan mo ang mga kasanayang dapat mong matutunan. Sige hiramin mo ulit ang susi sa pagwawasto sa iyong guro at iwasto mo ang iyonggawa.Aralin: KUNG MANGARAP KA NANG MATAGAL Anu-ano ang mga tiyak na matututunan mo? Matapos mong mapag-aralan ang modyul na ito, inaasahang matatamo mo ang mga sumusunod na kasanayan. 1. Nabibigyang–kahulugan ang mga piling salita/pahayag na may ibig ipahiwatig. 2. Nasusuri ang katauhan ng mga pangunahing tauhan sa akda. 4
3. Nabibigyang-halaga ang akda tuon sa magagandang saloobin at damdamin ng tauhan.4. Napahahalagahan ang isang gawain gaano man ito kababa.5. Nakasusulat ng mga tamang detalye upang mabuo ang kaisipan hango sa akda. Mga Gawain Sa Pagkatuto Alamin Mo… Panuto: Isaayos ang mga pinaghalong letra na nasa loob ng bulaklak upang makabuo ng iba’t ibang uri ng gawain / trabaho . Ilagay sa ibaba ang iyong sagot. ggan uasmgaot erb or ma_______________ _______________ 5
era aalb yned a y_______________ _______________ Nasagutan mo bang lahat ang gawain? Madali di ba? Hiramin mo sa iyong guro angsusi sa pagwawasto. Iwasto mo na ang iyong mga sagot. Basahin Mo … KUNG MANGARAP KA NANG MATAGAL (Isinalin ni Ruth Elaynia Mabanglo) KUMATOK SA PINTO si Kwang Meng kahit nakabukas ang pinto at nakikita niya si Boon teik na nakaupo sa sopa at nagbabasa. “Tuloy, tuloy,” sabi ni Boon teik na tumayo’t inilahad ang isang kamay. “Upo ka! Upo ka! Nasa kusina ang misis ko’t tinatapos ang pagluluto ng ating hapunan. “Me-I!” tawag nito, “Narito na si Kwang Meng!” Lumabas ang asawa nito, kasunod si Anne. “Me-I, ito ang kapitbahay nating si Kwang Meng,” at saka bumaling sa kasunod na nagsasabing,”Palagay ko’y magkakilala na kayo ni Anne, pinsan ni Me-I.” 6
Binati ni Kwang Meng ang kabiyak ni Boon Teik. Maraming beses na niya itongnakita noon. Mukhang wala pa itong dalawampu, may maliit na pangangatawan atnakasalaming gaya ni Anne. Talagang namamana pala iyon ng pamilya, naisip niya nanatutuwa. Nagulat siyang naroon si Anne. “Iiwan muna namin kayong mga lalaki,” humihingi ng paumanhin si Me-I.“Pasensiya ka na, Kwang Meng, may gagawin pa kaming mga babae sa kusina, kundi’y hinditayo makapaghahapunan.” “Oo ba,” sagot ni Kwang Meng. Nahihiyang nginitian siya ni Anne, nasisiyahang nagulat siya sa pagkikita nila.Nagpunta na kapagkuwan ang mga babae sa kusinang nasa likod ng flat. “Ano ang gusto mong inumin, Kwang Meng?” tanong ni Boon Teik. “Tama na ang isang beer.” Kumuha si Boon Teik ng maiinom nila sa kusina. Iginala ni Kwang Meng angmga mata sa buong salas. Simple ngunit may panlasa ang mga gamit doon. Light greenang pin ta ng kuwarto. Nakasabit sa dingding ang ilang print ng Van Gogh at cezannwat batik na gawa ng mga local artists. Palibhasa’y walang ibang nakasanayan kundidingding na puti, naakit si Kwang Meng sa berdeng silid. May isang mahabang bookshelfna puno ng libro roon at saka isang record player na may katabing maraming long-playing records. Nagsabit ang asawa ni Boon Teik ng kurtinang batik na green at goldkaterno ng mga cushion covers para sa sopa at dalawang armchair. Sa itaas, isangmalaking Japanese paper lampshade na puti ang nakabitin, at nakatayo naman sa isang suloksa likod ng mga armchair ang isang lampstand na may pulang lampshade. Sa ibabaw ngmaliit, makitid at papahabang coffee table ay nakasalansan ang mga magazine, kasamaang isang bowl na Ikebana, ang Japanese-style na pag-aayos ng mga bulaklak. Hindina-imagine ni Kwang Meng kailanman na mapagaganda at mapaaaliwalas ang isang flatng Housing Development Board. Ang bahay nila mismo’y sama-samang kwarto lamang namauuwian; walang pagtatangkang gawin itong isang lugar na matitirhan. Ang magagawanga naman ng kaunting pagsisikap!. Interes lamang iyon, ang pangangailangang magkaroonng interes, isang pangangailangang nagsasabi kung may interes sa buhay at pamumuhay angsinuman, naisip niya. Bumalik si Boon Teik na dala na ang mga inumin. “ Gusto ko ang pagkakaayos ng lugar n’yo, Boon Teik” “Hindi kami gumasta nang malaki riyan,” sabi ni Boon Teik. Si Me-I ang pumili ngkaramihan sa mga furniture naming. Mahilig siyang mamili sa dating C.C.C. Junk Shop saNewton Road gayundin sa mga tindahan sa Sungei Road na nagbebenta ng mga kung anu-anong luma. Alam mo siguro ‘yon, kilala rin iyon bilang Thieves’ Market.” 7
Narinig na ni Kwang Meng ang lugar na iyon, pero wala siyang nabalitaan kundinapakabaho ng mga kanal doon. Tiyak na enterprising si Me-I dahil hindi man lang siyanapigil ng mabahong amoy. Aywan niya kung totoo ang balita na noong araw,ipinagbibili roon ng mga magnanakaw ang mga nakulimbat nila, kaya kapag may isangnapagnakawan, nagpupunta na ito sa Thieves’ Market umagang-umaga kinabukasanupang mabawi ang ninakaw sa kanya. Siyempre pa’y binibili niya uli ito; ngunit sa masmurang halaga. Doon siguro nito nakuha ang pangalan. Ilang nakapasong halaman na ferns at cacti rin ang nasa salas ni Boon Teik. “Talagang dapat kong purihin ang panlasa mo. Parang kulungan ng baboy ang bahaynamin kung ihahambing dito,” sabi ni Kwang Meng. “Pero hindi iyon ang talagang lugar mo! Hintayin mong makapag-asawa ka’tmagkaroon ng sarili mong flat. Natitiyak kong magagawa mo roon ang lahat ng gusto monggawin. Parang kulungan din ng baboy ang bahay ng mga magulang ko, at tumira kami roonhanggang noong bagong ikasal si Me-I. Noong nakatira pa ako roon, hindi ako gumagawa ngkahit ano liban sa mag-ayos ng kwarto ko. Iba na ngayon. Bahay na naming ito.” “Maganda talaga ang pagkakaayos mo,” bati ni Kwang Meng sa pangatlongpagkakataon. “Sa palagay ko’y napakahalaga nito kung paano namumuhay ang isang tao. Angisang bahay o tahanan gaya ng buhay, ay nababatay sa kung paano mo inaayos. Ganoon angdapat maging pakiramdam natin para umayos pati ang sariling buhay natin. Nararamdamankong hindi ganito ang ginagawa natin ngayon, lalo na tayong mamamayan ng postwargeneration. Pasakay- sakay lang tayo, walang direksyon. Sa eskwela, ito ang pinipilit kongituro sa aking mga estudyante. Mahalagang matutuhan nila ito.” “Magiging isang mabuti teacher ka, Boon Teik.” “Pinipilit ko. Lahat tayo’y dapat magpumilit. Anuman ang ginagawa natin, dapatnatin itong pagbutihin.” “Kahit walang kahulugan ang trabahong ginagawa mo?” tanong ni Kwang Meng. “Walang bagay na talagang walang kahulugan,” pagpapalagay ni Boon Teik. Napakalakas ng pagpapalagay na iyon kaya ibig tuloy maniwala ni Kwang Meng,bagaman hindi siya naniniwala. Pero sinabi niya iyon na parang kapani-paniwala, naisip niKwang Meng, tulad ng dapat gawin ng isang mabuting guro. Hindi naman talagang anghimig ng awtoridad ang nagdulot doon, kundi ang himig na nagsasaad ng katotohanan.Hinangad ni Kwang Meng na totoo na sana iyon. Ngunit sa halip, sinabi niya, “Hindi ako lubos na naniniwala. May mga bagay attrabahong talagang walang kahulugan.” Iniisip niya noon ang sariling trabaho niya. 8
“Maaaring walang kahulugan iyon sa tingin, pero hindi naman talaga. Depende iyansa paraan ng pagtanaw mo. Naniniwala akong dapat itong tanawin mula sa malawak napananaw ng lipunan. Isang social animal ang tao, dapat muna nating tanggapin ito.Nakabilang siya sa isang lipunan, at para makakilos ang lipunan, kinakailangangmagkaroon ng iba’t ibang uri ng gawain. Ngunit anumang kategorya o uri ng gawain,nagkakaakma silang lahat na parang isa-isang bahagi ng isang masalimuot na makinarya,gaya ng isang relos halimbawa. Sa gayon, makikita mong mahalaga ang kahit isang maliitna piraso, ang bawat bahagi ng kabuuan.” “Siguro nga. Pero hindi ba’t ito rin ang simulaing ginamit ng mga tao noong unangpanahon para pangatwiranan ang pangangailangan nilang makapang-alipin? Parang ganito rinang sinabi ng isang Greek Philosopher, di ba? Hindi ko lang matandaan ang pangalan.” “Pero hindi natin tinatanggap ang pang-aalipin ngayon, sabi ni Boon Teik. Tinatawag lang natin ito sa ibang pangalan, pero iyon din. Ang mapilitanggumawa ng mga trabahong walang kahulugan sa lipunan ay parang sapilitang pagpasok saisang uri ng pang-aalipin.” “Hindi naman,” tutol ni Boon Teik. Dahil walang hilig sa pakikipagtalo, nanatiling tahimik si Kwang Meng. Walangkabuluhan para sa kanya ang pagtatalo dahil bibihirang tanggapin ng isa ang katwiran ng isaa; bibihirang makumbinsi ang isa at baguhin pagkatapos ang sariling palagay niya, tamaman iyon o mali. Hindi, hindi ako maaakit na makipagtalo, pasya niya. Magigingdahilan lang iyon para mainis sa ‘kin si Boon Teik o mainis ako sa kanya; at ayokong mainiskay Boon Teik. “Dapat mong maunawaang napakakumplikado ng makabagong lipunan; at habanglalong nagiging makabago ang anyo ng lipunan, lalo itong nagiging kumplikado atsopistikado; at sa ganitong uri ng lipunan, napakaraming mahahalagang uri at kategorya ngmga gawaing itinatakda sa tao, mula sa pinakamababa hanggang sa pinakamataas. Tunayna ang kalawakan ng pagkakaiba-iba ang nagtatalaga ng antas ng pagkasulong ng isanglipunan.” Tumigil si Boon Teik, naghihintay marahil na ipagpatuloy ni Kwang Meng angpakikipagtalo. Dahil sa walang tinanggap na sagot, nagpatuloy si Boon teik, “Maaaringhindi makatarungan sa tingin itong theory of human function na tagasibak ng kahoy attaga-igib ng tubig. Pero ito ang talagang essence ng demokrasya.” Hindi ko sinasabing hindi ito tama; hindi ko rin tinututulang maaaring demokratikoito; ang masasabi ko lang ay napakalungkot nito, sumaisip ni Kwang Meng ngunit hindi itoipinarinig sa kaibigan. “Alam kong malungkot ito ngunit hindi ito maaaring tutulan,” sabi ni Boon Teik naparang nabasa ang nasa isip ni Kwang Meng. “Pero sa huli, ang talagang problema’y kung 9
paano maipauunawa sa mga tao na sa kabila ng pagiging mababa at kabagut-bagot ng trabahonila’y mahalaga’t makabuluhan ito sa maayos na pagkilos ng lipunan,” dagdag ni Boon Teik. “Pero hindi pa rin ‘yon makapagbibigay sa kanila ng anumang kasiyahan. Hindi parin no’n magagawang kawili-wili ang trabaho nila, di ba?” salag ni Kwang Meng. “Hindi nga,” sang-ayon ni Boon Teik. “Pero kung malalaman nilang makabuluhanang trabaho nila, kung malalaman nilang may naiaambag iyon, kung makikita nilangnakatutulong sila sa pag-unlad at pagsulong ng lipunan, maaaring makatagpo sila ngkasiyahan sa katotohanang instrumental sila sa pagbabago ng lipunan, kaya magiging masmainam na lipunan iyon para sa kanilang mga anak, at sa magiging anak ng kanilang mgaanak. At kung hindi man kasiyahan ang matagpuan nila, kaunting ginhawa o pampalubag-loob man lang.”“Paano iyon magagawa, Boon Teik?” ‘Tungkulin iyan ng ating mga polotiko. Kailangang bigyan nila ng edukasyon ang mgamamamayan upang malaman nila ito.”“Hindi ba’t ginagawa na rin iyan ng mga politiko natin?”“ Oo”“At babahagyang ginhawa ang natatagpuan natin.” Dumating sa bahaging ito ang mga babae mula sa kusina. Nakahain na anghapunan. Nakakahawig ng sa kanila ang flat, sa kusina rin inilagay ng mga Lim ang kanilanghapag-kainan, isang maliit na kwadradong apatan ang silya. Ngunit malinis at masaya angkitchen-cum-dining roon nila, napipintahan ng lemon yellow. May mga sariwang bulaklakna nakalagay sa bote sa ibabae ng mesa, ilang tangkay ng Golden Shower Orchids.Ilang lutong nonya ang inihanda ni Me-I. Nalaman ni Kwang Meng pagkaraan na itoat si Anne ay buhat sa matandang angkan ng Pernakan, at naroon na sa pook na iyon ang mganinuno nila nang mahigit isandaang taon. Ang mga Pernakang ito na lalong kilala sa nonya atbilang babae ng matatandang straits-born Chinese na lumuwas sa Malaya at Singaporemaraming salinlahi na ang nakalilipas. Sa loob ng mga taon, nakabuo sila ng natatanginganyo ng kulturang bagaman ethnically Chinese ay may ilang impluwensyang Malay saparaan ng kanilang pagdadamit, pagsasalita at sariling uri ng maaanghang na pagkain.Naiibigang mabuti ni Kwang Meng ang huli, paborito niya ang nonya at laksa mula sapulo ng Penang, ang nasi lemak o kaning may lasang buko, ang otak-otak, sambal atcurry, at ang kuay. Nang gabing iyon, nasi lemak ang niluto ni Me-I.“Gusto mo bang mga lutong nonya, Meng?” tanong ni Anne.“H’mmmmmm! Ang sarap , Me-I,” pagpupuri ni Kwang Meng. 10
“Oy, masarap ding magluto si Anne,” sabi ni Me-I. Namula si Anne. “Hindi kasing-husay mo,” nginitian ni Anne ang pinsan. “Ikaw ang dapat magsabi niyan Kwang Meng,” sabi ni Boon Teik. “Kailangangmatikman mo ang luto ni Anne.” “Tama, sa susunod, si Anne ang paglulutuin namin para sa iyo,” sabi ni Me-I. Pagkahapunan, bumalik ang mga lalaki sa salas. Nagdala ng dalawang beer si BoonTeik samantalang naiwan para magligpit ang mga babae. Dalawang taon na silang kasal, sabi sa kanya ni Boon Teik. Kaga-graduate lang niyanoon ng T.T.C. at kae-enroll ni Me-I bilang estudyante. Nang unang ilang buwan,nakipanirahan sila sa mga magulang ni Boon Teik pero hindi naging mabuti iyon. Walasilang privacy sapagkat napakalaki ng pamilya ng mga magulang niya. May mga tiyuhin,tiyahin, at iba pang nakikita bukod sa talagang pamilya. Hindi talagang angkop iyon para sapagsisimula ng isang kakakasal ng mag-asawa. Pagkaraa’y sinwerte sila. Nag-aplay sila at nakakuha ng sarili nilang flat. Naging napakasaya nila noon. Dinama ni Kwang Meng ang kapaligiran sa flat ng kanyang kaibigan. Taglay nito angtahimik na kapanatagan at kaluwagang sumasalamin sa mapayapang kalagayan ng pagsasamang mag-asawa. Naniniwala siyang ang isang matagumpay na pag-aasawa ay higit namaganda kaysa alinmang bagay. Tunay na isang mainam na bagay ang pagkakaroon ngmarital bliss; pero hindi lahat ng pag-aasawa ay nagiging maligaya. Pumasok sa isip niya siHock Lai at Cecilia iyon, at mas nararamdaman ito ni Hock Lai kaysa kay Cecilia. Ngunitipinagpatuloy nila ito, buong kasiyahan at buong pagwawalambahala! Napakasaya kahit saharap ng panganib ! Sa loob ng isang taon, kundi man bago dumating ang isang taon,nambabae si Hock Lai, at sa loob ng ilang taon, makakasanayan ito ni Cecilia, tatanggapinniya ito (“Parang negosyo ito, alam mo namang kailangan kong mag-entertain,” sasabihiniyon ni Hock Lai), hanggang sa matutuhan nitong magpalipas ng oras sa paglalaro ngmahjong. Nagpatugtog ng isang plaka si Boon Teik. Isang Brahms’ symphony iyon, sabi nito,at saka lumabas para kumuha ng marami pang beer. Tumayo si Kwang Meng at tumingin-tingin sa mahabang bookshelf. Marami-raming collection ng libro si Boon Teik, karamihandoo’y paperbacks sa literature, history at politics. “Masyado ka palang palabasa,” sabi ni Kwang Meng kay Boon Teik nang makabalikna ito sa silid. “Oo, enjoy ako sa pagbabasa. Gano’n din si Me-I. Hindi naman kami palalabas, bihirarin kaming dumalo sa mga social functions. Kung minsan, nanonood kami ng sine. Wala rinkaming telebisyon. Parang takot kaming bumili. Nalaman kong nagiging addict doon angmga tao. Masama iyon sa palagay ko.” “Sana marami na rin akong nabasa,” sabi ni Kwang meng. 11
“Hindi pa naman huli para magsimula ka, Kwang Meng. Welcome ka parahiramin ang mga libro ko. Kahit anong oras. Tutal, diyan ka lang nakatira sa katabing pinto.” “Salamat. Pero tamad na tamad na akong bumasa.” “Wala iyon. Mabubuhos ang loob mo kapag nagsimula ka na. Magsimula lang angdapat; at maiinam na libro lang ang dapat mong basahin. Sa gano’n hindi ka mababagot.Literatura na ang pinakamagandang pagsimulan. Marami kang matututuhan sa literature.” Agad namang namili ng ilang libro si Boon Teik para kay Kwang Meng. Crime andPunishment ni Dostoyevsky, To Have And To Have Not ni Hemingway, at ang The Maneaterof Malgudi ni Narayan. “Sus, aabutin ako ng siyam-siyam sa pagbabasa niyan!” sabi ni Kwang Meng. “Huwag kang magmadali. Hindi mo naman kailangang isauli iyan agad. Unahin mosi Narayan,” payo ni boon Teik, “siguradong matatawa ka riyan.” “Sinamahan na sila ng mga babae makaraang tapusin ang mga ligpitin sa kusina.Bawat isa sa kanila’y may dalawang maliit na puswelo ng black coffee. “Hinihiram mo ang ilang libro ni Boon Teik?” tanong ni Anne. “Patingin kung alin-alin iyan.” Iniabot dito ni Kwang Meng ang mga libro. “A, nakakatawa ang isang ito,” sabi ni Anne na itinataas ang kay Narayan. “Dapat tayong bumili ng iba pang libro niya,” sabi ni Me-I sa kanyang asawa. “Wala akong makita,” sagot ni Boon Teik. “Napuntahan ko na ang lahat ngbookshop dito, wala talaga. Sana mayroon ditong magagandang bookshops. Hindi alam iyon ni Kwang Meng. Pero talaga namang hindi pa siya nakapagbasa-basasa isang bookstore kahit kalian. “Tapos na ang plaka, Teik”, sabi ni Me-i. Lumapit si Boon sa record player. “Huwag ka nang magpatugtog ng bago,” sabi ng asawa nito. “Kausapin na lang natinang ating mga bisita.” Kaya pinalipas nila ang oras sa pag-uusap. Nakapagsalita nang mas marami si KwangMeng kaysa karaniwan niya at hindi niya ito namalayan. 12
Pagkatapos. Gaya ng inaasahan sa kanya ng lahat, nagprisinta si Kwang Meng na maihatid pauwi si anne. Nagpaalam sila kina Boon Teik at Me-I at lumakad sa pasilyo pababa sa hagdanan upang hintayin ang lift pagkaraan. Sa lansangan, malamig at nakakapresko ang hangin. Naging matahimik si Kwang Meng sa oras na ito. Itinuro niiya kay Anne ang kumpol ng mga punongkahoy. “Rain trees,” sabi nito. “Hindi ba matanda na sila’t maganda?” “Oo, kung minsan, kumikinang sila kapag maliwanag ang buwan sa gabi.” “Gusto ko silang makita kapag maliwanag ang buwan,” sabi nito. Tumango siya. Sumakay sila sa isang bus papauwi sa bahay ni Anne. Walang laman ang bus. Abala ang konduktor sa pagbibilang ng mga baryang nakatago sa isang malaking bag na may strap na nakabitin sa balikat nito. Pagkaraang makuha ang bayad ng dalawa sa pasahe, hindi na sila pinansin nito. Kapwa sila nag-iisa, magkasama. Nang papauwi na siya pagkaraan, naramdaman niya ang bigat ng mga libro sa kamay niya. Nagbibigay ng kung anong katiyakan. Isang nakasisiyang gabi iyon para sa kanya, at nakipagkasundo siyang makipaglaro ng badminton kay Boon Teik sa darating na Linggo ng umaga at isasama sa swimming si Anne sa sinusundang Sabado ng hapon. Pagdating ng bahay, himiga siya’t madaling nakatulog. Nagustuhan mo ba ang binasa mo? Di ba kasiya-siya ang ugali ng pangunahing tauhan. Para sa kanya anumang gawain kailangang bigyan importansya ito. Kung naunawaan mo ang iyong binasa, masisiyahan ka sa aking mga inihandang gawain. Linangin Mo…Pagsusuring panlinggwistika a. Panuto: Piliin at bilugan ang tamang sagot1. “Magiging isang mabuting tiser ka.” Ang ibig ipahiwatig ng pahayag ay: a. pang-iinis b. papuri c. pambastos d. pagpapalaki ng ulo 13
2. Nagprisinta si Kwang Meng na ihatid si Anne. Ang may salungguhit ay nangangahulugang: a. nagmagandang loob b. nanguna c. nagpasya d. nagyabang3. Nakakuha sina Boon Teik ng isang flat sa Housing Development Board. Ibig sabihin ng flat ay: a. house and lot b. housing loan c. apartment d. condominium4. Sa ibabaw ng maliit at pahabang coffee table ay may nakapatong na isang bowl ng Ikebana. Ang Ikebana ay pag-aayos ng bulaklak na ang istilo ay: a. Chinese b. Malaysian c. Japanese d. Singaporean5. “Ano ang gusto mong inumin, Kwang Meng? Ang pahayag ay nagpapakita ng : a. pag-aalala b. pagbabalewala c. pagkatakot d. pang-iinsulto b. Ibigay ang kahulugan ng mga pariralang nasa loob ng bilog. Isulat ang sagot sa patlangMalawak napananaw _____________________________________ 14
Itinakda ______________________________________ sa taoNagtatalaga ng antas _______________________________________ Tahimik nakapanatagan _____________________________________ Nangingiti ka. Sigurado akong nadalian ka sa ibinigay ko sa iyo. Hala kunin mo saiyong guro ang susi sa pagwawasto at iwasto mo ang iyong gawa. 15
Pagsusuring pangnilalaman Matapos mong gawin iyan, ang susunod mo ngayon ay pagkilala naman sa dalawang pangunahing tauhan sa akda. Paano? Madali lang. Sundin mo lamang ang hinihingi ng tsart. BOON TEIKKatangian: PaliwanagSinabiKatagian: PaliwanagSinabiKatagian: PaliwanagSinabi 16
Katagian: KWANG MENGSinabi PaliwanagKatagian: PaliwanagSinabiKatagian: PaliwanagSinabi Nagustuhan mo ba ang iyon ginawang pagsusuri sa pangnilalamam. Kaiba di ba? Matapos mong masagutan ang iyong mga gawain, narito pa ang karagdagang impormasyon tungkol sa akda. Dahil sa pagbabasa ng isang akdang pampanitikan sapananaw humanismo, ang binibigyan pansin ay ang tauhan. 17
Sa teoryang humanismo, ang focus ng pagbasa ay nakatuon sa mga saloobin at damdaming inilalahad ng tauhan. Sa pamamagitan nito, itinataas ang karangalan ng tao bilang sentro ng akda.Pagsusuring pampanitikan Ngayong nabatid mo na ang teoryang humanismo, suriin mo ang akdang Kung Mangarap Ka Nang Matagal na nagpapakita ng magandang saloobin at damdamin ng tauhan. a. Isulat mo ang magagandang saloobin ni Boon Teik Boon Teik 18
b. Itala mo naman ang magagandang damdamin ni Boon Teik Boon TeikHalagang pangkatauhan1. Nagtalo sina Boon Teik at Kwang Meng tungkol sa pang-aalipin, at di na nakipagtalo paang huli. Kung ikaw si KwangMeng, ganoon din ba ang gagawin mo? Bakit?2. College graduate ka pero di ka makahanap ng trabahong akma sa iyong natapos na kurso,sa halip janitor ang napasukan mo sa isang malaking kompanya. Paano momapahahalagahan ang iyong trabaho? Nadalian ka ba sa mga inihanda kong gawain? Iwasto mo na. Hiramin mong muli saiyong guro ang susi sa pagwawasto. Narito pa ang ilang gawain na makadaragdag pa sa iyong kaalaman 19
Palalimin Mo…Panuto: Lagyan ng puso kung ang pahayg ay naglalahad ngPandamdamin at star kung pangkaisipan ang bisa nito._________1. Magiliw na pagtanggap sa panauhin._________2. Hindi nakikipagtalo sa kausap._________3. Masinop sa mga kasangkapan_________4. Mahusay makipagkaibigan_________5. Anuman ang ginagawa natin, dapat itong pagbutihin._________6. Mapagmahal na asawa si Me-I._________7. Masayang nakipag-usap ang mag-asawa kay Kwang Meng._________8. Kusang loob na pagpapahiram ng mga aklat ni Boon Teik kay Kwang Meng._________9. Pagpiprisinta ni Kwang Meng na maihatid sa bahay si Anne.________10. Paghanga ni Kwang Meng kay Anne. Sigurado ako na nagkaroon ng bisa sa iyong damdamin at isipan ang akdang binasamo. Iwasto mo na ito. Hiramin mong muli sa iyong guro ang susi sa pagwawasto. 20
Gamitin Mo…Panuto: Piliin sa mga nakatala sa ibaba at isulat ang tamang sagotna hinihingi sa dayagram. KUNG MANGARAP KA NANG MATAGAL Positibong pananaw a a1 3 b b a 2 b Mga Pananaw1. Magiging isang mahusay na titser2. Mahusay mag-ayos ng bahay3. Masarap magluto4. Magiliw tumanggap ng panauhin5. Mapag-alala6. Maunawain 21
Iwasto mo ang iyong mga sagot gamit ang susi sa pagwawasto na hihiramin mo saiyong guro. Mataas ba ang nakuha mong iskor? Kung gayon binabati kita. Gawin mo naman ang susunod na pagsasanay.Sulatin Mo…Panuto: Punan ang mga puwang ng mga tamang detalye upang mabuo ang kaisipan ng akda. Binisita ni __1___ ang kanyang kapitbahay na sina ____2_____ at ___3___.Pinagmasdan ni Kwang Meng ang loob ng bahay at humanga siya dahil ___4___. Habangnagluluto ng hapunan si Me-I at ang kanyang pinsang si ___5___, nag-uusap ang dalawanglalaki. Sa kanilang pag-uusap, ipinaliwanag ni Meng na mahilig sa Boon Teik na ___7___.Pinahiram siya ni Boon Teik ng ___8___ upang masimulan ang ___9___. Pagkataposng hapunan at kwentuhan, nagpaalam na si Kwang Meng at boluntaryo siyang ___10___. Mga Pamimiliana. gusto niya ang pagkakaayos nito g. Anneb. maihatid si Anne h. Kwang Mengc. pagbabasa i. magbasad. maghalaman j. Boon Teike. Me-I k. makabuluhanf. mga aklat l. mag-ayos ng bahay Nadalian ka ba sa natapos mong gawain? Alam kong kayang-kaya mong sagutin angmga ito. Hiramin mong muli sa iyong guro ang susi sa pagwawasto. 22
Lagumin Mo… Panuto: Lagyan no ng tsek sa tabi ng bawat bilang na tumutugon sa mga natutuhan mo sa aralin. _____1. Kaalaman sa teoryang humanismo. . _____2. Wastong pagtanggap sa panauhin. _____3. Pagpapakahulugan sa mga pahayag na may pahiwatig. _____4. Mapag-alala sa kapwa _____5. Nagbibigay-puri sa maybahay. _____6. Pagiging isang mabuting titser _____7. Makabuluhan ang lahat ng trabaho _____8. Pagkakaroon ng interes sa pagbabasa. _____9. Kahalagahan ng kahit isang maliit na piraso, ang bawat bahagi nito ay kabuuan. ____10. Walang bagay na talagang walang kabuluhan. Madali kang nakatapos sa mga gawain. Alam kong kayang-kaya mong sagutin angmga ito. Hiramin mong muli sa iyong guro ang susi sa pagwawasto. O, sige iwasto mo na. Gaano ka na kahusay? Matapos ang maraming gawain at pagsasanay na ibinigay ko sa iyo, sagutin mo naman ang panghuling pagsubok upang malaman ko kung gaano ang natutuhan mo sa modyul na ito. O handa ka na ba? Simulan mo na. 23
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga pangungusap. Piliin ang titik ng tamang sagot.1. Dinama ni Kwang Meng ang kapaligiran sa flat ng mag-asawa. Taglay ang tahimik nakapanatagan nito. Ang ibig sabihin ng may salungguhit ay: a. tahimik na kapaligiran b. panatag na kalooban c. mapayapang kalagayan d. lahat ay tama2. “Gusto ko ang pagkakaayos ng lugar ninyo.” Ito’y isang a. papuri b. pang-iinsulto c. pang-iinis d. pambabastos3. “Hmmm! Ang sarap ng luto mo Me-I.” Ang pahayag ay isang a. pagyayabang b. pang-iinis c. pang-iinsulto d. papuri4. Ilang beer ang hiningi ni Kwang Meng? a. isa b. dalawa c. tatlo d. wala5. Ang natapos na kurso ni Boon Teik ay: a. doctor b. guro c. abogado d. wala6. Mahilig magbasa ng libro si a. Anne b. Kwang Meng c. Cecilia d. Boon Teik 24
7. Kinakitaan agad ng pagkagiliw si Kwang Meng kay Anne. Ang bisang ipinakita rito’y a. pandama b. pandamdamin c. panlasa d. pangkaisipan 8. Naniniwala si Boon Teik na makabuluhan at mahalaga ang lahat ng trabaho gaano man ito kaliit / kababa. Bisa ito sa: a. pandamdamin b. paningin c. pangkaisipan d. panlasa 9. Walang mang-aalipin, kung walang paaalipin. Ito’y isang: a. kasabihan b salawikain c. kuro-kuro d. sabi-sabi 10. Ang magkaibang opinion / pananaw sa buhay ay isa sa mga dahilan kung bakit di nagkakaintindihan ang dalawang panig.Ito’y isang: a. haka-haka b. salawikain c. katotohanan d. sabi-sabi O kumusta na ang iskor mo? Kung nakakuha ka ng 7-10 binabati kita. Kung 6 pababa angnakuha mo, gawin mo ang susunod na pagsasanay na kaugnay rin ng ating aralin. Maaari mo naitong simulan. Paunlarin mo… Panuto: Bumuo ka ng slogan tungkol sa aralin. Hanguin at ayusin mo ang mga ginulong salita na nasa loob ng scroll. 25
mapagkawanggawa ang karunungan ng kapwa di palabasa ang isang walang mamahalin matatamasa pahalagahan na mababa uri natin kailangan ng gawin mataas 26
Modyul 16 Pagsusuri ng Akda sa Teoryang Realismo Tungkol saan ang modyul na ito? Sa mga modyul na sadyang inihanda para sa iyo, alam ko na marami ka nangnatutuhang aralin. Batid ko rin na pinagsisikapan mong mabuti na masagot ang mga gawain sanakaraang modyul. Ngayon, tiyak na magugustuhan mong basahin ang isang bahagi ng nobela. Mayroon ka na bang narinig, nabasa o nasaksihan na kuwento tungkol sa isang taongnagpaubaya sa sarili bunga ng kawalan na ng pag-asa. Katarungan ang nais niya. Nais niyang mabigyan ng katarungan ang sinapit niya sapambubugbog sa kanya. Nais niyang maghiganti ngunit di niya magawa. Kaya sa takot, halos lahatng bagay ay kinatakutan at sa alak na lang humanap ng katahimikan. Ito ang maikling synopsis ngiyong babasahin. Ang bahagi ng nobelang iyong babasahin ay pinamagatang “Ang Paghuhukom” naisang nobelang Thai na isinalin ni Lualhati Bautista. Maiibigan mo ito sapagkat may nasaksihan,nabasa o narinig ka na ganito ang takbo ng buhay. Bakit kaya “Ang Paghuhukom” ang pamagat ngnobela? Iyan ang iyong tutuklasin. Ang iyong kaalaman sa pagsusuri—panlinggwistika, pangnilalaman at pampanitikanay lalo pang mahahasa sa araling ito. Ang dati mong kaalaman ay maiuugnay mo sa kaalamang iyongmatututuhan. Kasama na rin dito ang mga paghahanguan ng iyong kasagutan. Tutulungan kang muli ng aking mga inihandang gawain. Alam kong makakaya mongsagutin ang mga ito. Handa ka na ba? Simulan mo na. Ano ang matututunan mo? Naipahahayag ang sariling saloobin batay sa mga pangyayaring napapaloob sa akda 1
Paano mo gagamitin ang modyul na ito? Tutulungan ka ng modyul na ito. Higit na magiging maayos at kapaki-pakinabang angiyong pag-aaral kung susundin mo ang mga panuto o tuntunin sa paggamit nito. Ito’y sadyanginihanda para sa madali mong pagkatuto. 1. Sagutin mo nang maayos ang Panimulang Pagsusulit sa bahaging “Ano ba ang Alam Mo?” Susukatin nito ang iyong kaalaman tungkol sa aralin. 2. Iwasto mo ang mga sagot.. Hingin mo sa iyong guro ang Susi sa Pagwawasto. Kung marami kang mali, huwag kang mag-alala. Tutulungan kang linawin ito habang tinatalakay ang ibang gawain. 3. Basahin at pag-aralan mong mabuti ang akda. Isagawa mo ang mga kaugnay na gawain. Mababasa mo kung paano ito gagawin. 4. Sagutin mo ang pangwakas na pagsusulit sa aralin at ganon din ang pagsubok sa kabuuan. Kunin mo muli sa iyong guro ang Susi sa Pagwawasto. 5. Huwag mong sulatan at ingatang huwag masira ang modyul na ito. Ano ba ang alam mo? Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang isinasaad sa bawat pangungusap. Piliin ang titik ng tamang sagot. 1. Tila tinik sa lalamunan ni Fak naisip na paghihiganti. Nangangahulugan ang may salungguhit ng: a. hadlang b. may tinik sa lalamunan c. barado d. nakaharang 2. Dahil sa labis na pagkatakot at pag-aalala, halos naliligo sa pawis ang kaawa-awang si Fak. Ang kahulugan ng may salungguhit ay- 2
a. naligo ng pawis b. basa ng pawis c. pinagpapawisam d. pawis na pawis 3. Nag-umpisang mahawi sa labi ng balana ang malagim na pangyayari. a. nawala sa bibig b. natanggal sa labi c. di na pinag-usapan d. nakatuon sa usapan Piliin mo ang titik na angkop sa kadalasang kilos at gawi ng taong - 4. lasing na lasing a. nawawala sa sarili b. malakas uminom c. sigaw nang sigaw d. tahimik 5. naalis sa trabaho a. naghihinagpis b. lungkot na lungkot c. nahihiya d. tinatamad 6. nilalayuan ng balana a. nahihiya b. nag-iisip c. binabalewala d. natutuwa 7-9. Alin-alin ang mga tumutugon sa realidad ng buhay. Piliin mo ang titik na angkop sa tinuran a. nanlilimos dahil walang makain b. natanggal sa trabaho kaya naglalasing c. nagmahal nang labis d. nagtiis ngunit di nakayanan 10. “Nawalan na ng pag-asa ang biktima sa kawalan ng hustisya.” Ang biktima ay – a. naapi b. di nabigyan ng hustisya c. natalo sa usapin d. patas na batas Nasagot mo ba ang mga katanungan sa panimulang gawain? Ikaw ang magwawastonito. Kunin mo ang Susi sa Pagwawasto sa iyong guro. 3
ARALIN: Ang Paghuhukom Anu-ano ang mga tiyak na matututunan mo? Matapos mong basahin ang akda, inaasahang matatamo ang mga sumusunod na kasanayan: 1. Naibibigay ang kahulugan ng matatalinghagang pahayag 2. Nakapag-uugnay ng mga karanasang napapaloob sa akda sa mga katotohanan sa buhay 3. Nasusuri ang mga pangyayaring nagpapakita ng pagsasanib ng teoryang realismo 4. a. Nailalahad ang sariling saloobin sa mga kaisipan, pangyayari, paniniwalang inilahad sa akda b. Naitatala ang mga sanhi at bunga ng mga pangyayari 5. Nakasusulat ng mga sitwasyong nagpapakita sa realidad sa buhay Mga Gawain sa Pagkatuto 1. Alamin mo… Panuto: Sa larawan ng babaeng nakapiring at may hawak na timbangan ibabase ang mga kasagutan sa sumusunod na tanong na matatagpuan sa kasunod na pahina. 4
Pagsusuri sa larawan 1. Ano ang nakikita mo sa larawan? 2. Bakit may piring ang mata ng babae? 3. Ano ang sinasagisag ng timbangan? Kayang-kaya mo bang sagutan ang mga gawain? Kunin mo sa iyong guro ang Susisa Pagwawasto. Iwasto mo ang iyong ginawa. 2. Basahin mo… Mahilig ka bang magbasa ng mga nobela? Isa itong magandang libangan, di ba? Bukod sa nakatutulong ito upang lumawak ang iyong kaalaman marami ka pang matututuhan tungkol sa buhay. Napatawa ka na ba o kaya’y napaiyak ng isang kuwentong iyong binasa? Babasa ka ngayon ng isang bahagi ng nobela na sa palagay ko ay maiibigan mo. Unawain mo itong mabuti. Maligayang pagbabasa! ANG PAGHUHUKOM (Bahagi ng Nobela) Isinalin ni Lualhati Bautista Ang panahon ng tag-ulan, nang malamig at preskong panahon na tumutulong sa mga punopara magsibol ng mga bagong dahon at humuhugas sa mga karumihan, ay hindi pa natatapos. Pagtuloy sa pagdating ang mga araw at gabi, kahit sa anong panahon… Ang pagdaraan ng mga araw at gabi ay hindi na makapagsasauli sa apat na ngiping nawawalasa bibig ni Fak, katulad ding hindi na mapipigil ang kamay ni Fak sa pag-abot sa bote ng alak atpagdadala roon sa kanyang bibig. Kaya ang dumaraang mga araw at gabi ay sumaksi sa walanghumpay na pag-inom ni Fak sa mga oras na siya’y gising. Ang pambubugbog na tinanggap ni Fak ng gabing iyon ay hindi lang nag-iwan ng sakit sakanyang katawan kundi nag-iwan din ng tatak sa kanyang isipan. Sa loob ay nakadama siya ng galit at pangangailangang makapaghiganti, at nag-iisip pa ngang paraan kung paano niya bubuweltahan ang mga nanakit sa kanya. Natatandaan niya nang malinawna dalawa sa tatlong taong sumalakay sa kanya ng gabing iyon ay sina Thid Tieng at Tid Song.Kailangang makahanap siya ng paraan para ipatikim sa dalawang taong iyon ang sakit at kirot nadinaranas niya. Gusto niyang puntahan ang mga ito sa bahay nila at suntukin sa mukha o magdala ngkutsilyo at saksakin sila hanggang sa magmakaawa ang mga ito na huwag niyang patayin. Paminsan-minsan, napapanaginipan niya na nakaupo daw siya sa dibdib ni Thid Tieng at walang humpay napinagsusuntok ito at paggising niya, ramdam niya’y nagawa talaga ang nagawa niya sa panaginip atumahon ang kasiyahan sa loob. 5
Gayunman, sa pagdaraan ng mga araw, naglubag ang kagustuhan niyang makapaghiganti atunti-unti ay mabagal silang napawi ng tuluyan. Marahil ay hindi si Fak ang likas na ganoong tipo ngtao. Isa siyang tao na ang gusto’y kapayapaan, na takot makipag-away at walang sapat na kalupitanpara pumatay. Naisip niyang ireport sa pulisya ang nangyari pero natatakot naman na balikan siya atsalakaying muli ng pamilya ng dalawa, at hindi na matatapos agad ang gulo. Nang iwan na siyanglubos ng hangarin niyang makapaghiganti, naisip na lang niya: “Kalimutan mo na iyon!” Minsa’y ang sarili pa nga ang sinisisi niya sa pagsasabing hindi niya dapat pinukol ng niyogang bata. Gayunman ay naiwan nang wasak ang kanyang isip, tulad ng isang piraso ng salamin nabinasag at paulit-ulit na dinurog. Lahat ng nangyari’y lumikha ng ganap na pagbabago kay Fak, atkahit nagawa niyang hamigin ang sarili’y hindi na siya magiging tulad pa rin ng dati, at mahabang-mahabang panahon bago niya maibalik ang sarili sa normal. Ang buhay niya’y kontrolado ng takot, hindi na siya makapangahas na lumabas ng bahay niyasa gabi at hindi na kailanman nagtungo sa bahay ni Lung Khai, maliban na lang sa kalagitnaan ngaraw o sa araw ng Sabado’t Linggo. Tuwing makakarinig siya ng kaluskos ng taong lumalakad sakanyang likuran, itutulak siya ng takot na lumingon at tumingin. Minsa’y wala namang kahit anodoon. Kung naglalakad siya nang wala sa loob at narinig niya ang ihip ng hangin sa mga puno,lulundag sa takot ang puso niya at bibilis ang kanyang kaba. Wala siyang magagawa kundi mapakosa kinatatayuan at pawisan. Sobra ang kanyang nerbiyos na minsa’y di niya mapaghiwalay angrealidad ng nangyari sa kanyang mga takot at panaginip. Natakot siya sa dilim, natakot sa malalakas na ingay at sa mga ingay na nagpapaalala sa kanyasa mga tunog na naririnig niya nang gabing iyon, at antimanong sumayad ang takipsilim ay mabilisniyang aabutin ang bote para uminom hanggang sa makatulog… Ang balita ng pambubugbog kay Fak ay agad-agad na kumalat sa nayon at hindi nagtagal ayiyon na lang ang nasa labi ng mga tao, at sa ayos ay wala na iyong katapusan. Gayunman, walangbumabanggit ng tungkol sa mga taong may kagagawan ng pagkalagas ng mga ngipin ni Fak atwalang nag-abalang mag-imbestiga o magsampa ng reklamo laban sa mga taong sumalakay sa kanya.Nag-ipun-ipon ang mga tao sa nayon para pag-usapan ang nangyari ng gabing iyon. Isang grupo ng mga tao ang nag-usap tungkol sa iba’t ibang dahilan na humangga sapangyayari at lahat sila’y nagkaisa na inabot ni Fak ang dapat sa kanya. Bagama’t sila’y walangaktibong kinalaman sa usapin, naisip din nila iyon at ngayo’y pinag-uusapan nila iyon nang maykasiyahan… “Sayang at hindi na siya namatay.” “Mabuti nga sa kanya.” “Mas kasalanan pang pumatay ng aso kaysa pumatay ng isang kagaya niya.” “Ang pesteng gaya ng isang ‘yon! Bakit kailangang maawa sa kanya ang kahit sino?” 6
May iba pa, na siyang nakararami, na hindi interesado sa nangyari kay Fak. Nabubuhay silanang walang pakialam at hindi sila nag-aabala sa problema ng iba. Kapag nababanggit ang nangyari,nakikinig sila nang walang interes at hindi nagsasabi ng anumang opinyon. Wala silang ipinakikitangawa o simpatya kay Fak kaugnay ng mga nangyayari at wala silang hangaring mapasangkot. Iisangbagay lang ang laman ng isip ng grupo ng mga taong ito… “Wala akong pakialam.” …May isa pang grupo ng tao na may makataong pakiramdam at nakakadama ng awa sa taongpinagsamantalahan o naging biktima ng pang-aapi. Pero sa nayong ito ay hindi marami niyon. Ilan sakanila’y lihim na naaawa kay Fak sa pagkakabugbog dito, bagama’t hindi pa nila tinatanggap angkatotohanan na hindi nito inaasawa ang sarili niyang madrasta. Para sa mga taong iyon, magkaibangbagay ang dalawang istorya. Gayunman, wala sa kanilang may lakas ng loob para tumulong kay Fak.Natatakot sila na sila mismo’y maging sentro ng mga tingin ng mga tao. Kaya kinimkim na lang nilaang kanilang awa sa kanilang sarili at tahimik na ipinasya na hindi dapat ginawa ng mga sumalakaykay Fak ang ginawa nila. Sa grupo ng mga taong ito, si Saproe Khai lang ang nangahas na magbaba ng sarili attumulong kay Fak. May mga gabing pumupunta siya sa bahay nito para tumulong sa pag-aalaga ditoat gamutin ang mga tinamo nitong sugat, tulad sa isang ama na nagmamalasakit sa kanyang anak… “Ay… sobra talaga ang ginawa nila ngayon sa ‘yo, ano?” Ito ang unang sinabi niya nang makita niya si Fak kinabukasan ng gabing iyon. Hindisumagot si Fak, ngumiti lang, isang bunging ngiti. Marahil ay dahil masyadong masakit ang bibigniya kaya ayaw niyang magsalita, at isa pa, wala siyang masasabi, kundi ngumiti… Lahat ng naganap ng gabing iyon ay naging dahilan para lalo pang magkulong sa sarili niya siFak hanggang sa maging mas tahimik pa siya sa dati, na tulad ng isang pipi… May sapat na ideya si Mai Somsong sa nangyari kay Fak. Nagawa niyang hulaan sapamamagitan ng mga pasa, ng mga hiwa at sugat na madali namang makita. Kaya hindi niyainiwasang sumunod sa mga ipinag-uutos ni Fak na tulad ng pagsasaing o pagbili ng alak, at sinikapdin niyang huwag gaanong lumapit at abalahin ito, maliban sa kalaliman ng gabi, kapag nakatulog nasi Fak sa kalasingan, ikakabit na niya ang kanyang kulambo at maghihintay siyang nakabantay.Kapag hindi na ito bumibiling o kumikilos, gagapang na siya sa loob ng kulambo nito… Patuloy nang ginagampanan ni Fak ang tungkulin niya bilang dyanitor ng eskwela hanggangsa katapusan ng buwan (Agosto), at nang matanggap niya ang huling suweldo niya, itinabi niya iyonng buo at hindi bumawas ng kaunti man para iwan sa prinsipal dahil naisip niya na ganitong wala nasiyang pagkukunan ng suweldo na makukunan niya ng maitatabi, ang mangyayari na lang aymagwiwidro siya sa prinsipal. Kailangan niyang tipirin ngayon ang pera niya at bawasan angpaggasta sa mga bagay na di kailangan, at ang mga bagay na hindi kailangan kay Fak ay ang tatlongbeses na pagkain araw-araw. Hindi niya kailangang alalahaning masyado ang tungkol sa pagkaindahil alam niya na makakakuha siya lagi sa templo ng sapat para ibusog sa sarili kahit isa, kundi mantatlong kainan isang araw. Mas nag-aalala siya kay Mai Somsong na hindi makakakain nang sapataraw-araw. 7
Kalagitnaan ng Setyembre… Ang istorya tungkol kay Fak ay nag-umpisang mahawi sa labi ng bawat isa at hindi nagtagalay hindi na iyon pinag-uusapan ng mga tao. Ang tanging bagay na lang na interesadong pag-usapanng mga tao ngayon ay ang elekrisidad na ikinakabit na sa nayon. Kahit hindi sa ano pa man, maskipaano’y nakatulong iyon para mamatay ang usapan tungkol kay Fak at sa kanyang madrasta… Lahat ng tao sa nayon ay pursigidong makatulong sa mga trabahador sa paglalagay sa lugar samga kongkretong poste para mas mabilis na matapos ang trabaho. Nakahanda silang lahat namagsakripisyo ng lakas at salapi para sa kapakanan ng kumportableng kinabukasan at modernisasyonng nayon. May mga taong nangangarap nang makapag-ari ng telebisyon, refrigerator, o bentilador.Hindi na nila alalahanin ngayon ang pagsisindi ng gasera na hindi pa makapagbigay ng sapat naliwanag para ilawan ang kanilang paligid. Hindi magtatagal at sa halip ay magkakaroon sila ngmahahabang tubo ng flourescent para magbigay-liwanag sa kanilang tahanan. Magagawa niyongilawan ang buong bahay, at sa kalaliman ng gabi, kung kailangan nilang magpunta sa banyo, hindinila kailangang mag-abala pa na magsindi ng gasera at magbitbit niyon papunta sa labas. Wala silangdapat gawin kundi pindutin ang bukasan at ang buong bahay ay magliliwanag at iglap na matataboyang kadiliman sa banyo. At pagdating naman sa pagpaplantsa ng mga damit, hindi na nila kailangangmagpabaga pa ng uling sa mabigat na plantsang bakal na gaya ng ginagawa nila ngayon. Hindi na silamamumutol ng mga dahon ng saging para ilagay sa plantsa at hindi na nila kailangang tiisin angnakayayamot na ingay ng nasusunog na dahon. Hindi na sila magbubuhat ng mabigat na plantsa atmaliligo sa pawis bago matapos ang pamamalantsa nila. Sa pamamagitan ng bagong plantsa, walasilang tanging dapat gawin kundi isaksak ito at hintaying mag-init at, gayundin, magiging singgaanlang iyon ng pag-aangat sa isang balahibo. Nagkuwentuhan at nag-usap-usap ang mga tao tungkol sapagsasaing at pagluluto ng isda, at wika nila’y hindi na sila maniningkayad ngayon sa harap ng apoysa loob ng kalahating oras o higit pa, na mawawala ngayon ang kanilang pag-aalala na baka masunogo lumata ang sinaing, na hindi na sila mag-aaksaya ng oras at magagamit pa nila sa ibang gawain. Sabagong dekoryenteng rice cooker, wala silang gagawin kundi isaksak iyon, i-set ang orasan at iwanna, at pag handa na ang kanin, bahala na iyong kusang mamatay. Hindi na sila ngayon mauupo saharap ng mainit na kalan, nagbabantay at nagpapaypay ng apoy, naggagatong ng kahoy, etsetera. Pagmayroon na silang refrigerator, makakagawa na sila ng sarili nilang yelo at magkakaroon ng malamigna tubig na pamatid-uhaw kahit kailan nila gusto. Makakapag-imbak sila ng gulay at karne atmagkakaroon ng sariwang pagkain sa lahat ng oras. Hindi na sila mag-iimbak ng pagkain sa palayokpara mawala lang ang lasa ng baka o baboy na tulad ng kaso ngayon… Ang mga bagay na ito ang mga pangarap at usapan ng buong nayon… Hindi nagtagal at lahat ng iyon ay naging katotohanan at ang buong nayon ay nagliwanag… Hindi natutuwa si Fak tungkol sa pagkakakabit ng koryente at wala siyang nadaramang inggito panibugho sa iba. Lahat ng mga oras na gising siya’y nauubos sa bote ng alak at ngayong wala nasiyang responsibilidad ng pagtatrabaho, ganap nang malaya ang lahat ng araw niya. Hindi… Hindiginamit ni Fak ang mga libreng oras niya sa paghuhukay o pagtulong sa pagtitindig ng mga poste ngilaw gaya ding hindi niya ginamit ang mga libreng oras niya para magpunta sa kabayanan at tuminginng mga de-koryenteng gamit na tulad ng ginagawa ng iba. 8
Search
Read the Text Version
- 1
- 2
- 3
- 4
- 5
- 6
- 7
- 8
- 9
- 10
- 11
- 12
- 13
- 14
- 15
- 16
- 17
- 18
- 19
- 20
- 21
- 22
- 23
- 24
- 25
- 26
- 27
- 28
- 29
- 30
- 31
- 32
- 33
- 34
- 35
- 36
- 37
- 38
- 39
- 40
- 41
- 42
- 43
- 44
- 45
- 46
- 47
- 48
- 49
- 50
- 51
- 52
- 53
- 54
- 55
- 56
- 57
- 58
- 59
- 60
- 61
- 62
- 63
- 64
- 65
- 66
- 67
- 68
- 69
- 70
- 71
- 72
- 73
- 74
- 75
- 76
- 77
- 78
- 79
- 80
- 81
- 82
- 83
- 84
- 85
- 86
- 87
- 88
- 89
- 90
- 91
- 92
- 93
- 94
- 95
- 96
- 97
- 98
- 99
- 100
- 101
- 102
- 103
- 104
- 105
- 106
- 107
- 108
- 109
- 110
- 111
- 112
- 113
- 114
- 115
- 116
- 117
- 118
- 119
- 120
- 121
- 122
- 123
- 124
- 125
- 126
- 127
- 128
- 129
- 130
- 131
- 132
- 133
- 134
- 135
- 136
- 137
- 138
- 139
- 140
- 141
- 142
- 143
- 144
- 145
- 146
- 147
- 148
- 149
- 150
- 151
- 152
- 153
- 154
- 155
- 156
- 157
- 158
- 159
- 160
- 161
- 162
- 163
- 164
- 165
- 166
- 167
- 168
- 169
- 170
- 171
- 172
- 173
- 174
- 175
- 176
- 177
- 178
- 179
- 180
- 181
- 182
- 183
- 184
- 185
- 186
- 187
- 188
- 189
- 190
- 191
- 192
- 193
- 194
- 195
- 196
- 197
- 198
- 199
- 200
- 201
- 202
- 203
- 204
- 205
- 206
- 207
- 208
- 209
- 210
- 211
- 212
- 213
- 214
- 215
- 216
- 217
- 218
- 219
- 220
- 221
- 222
- 223
- 224
- 225
- 226
- 227
- 228
- 229
- 230
- 231
- 232
- 233
- 234
- 235
- 236
- 237
- 238
- 239
- 240
- 241
- 242
- 243
- 244
- 245
- 246
- 247
- 248
- 249
- 250
- 251
- 252
- 253
- 254
- 255
- 256
- 257
- 258
- 259
- 260
- 261
- 262
- 263
- 264
- 265
- 266
- 267
- 268
- 269
- 270
- 271
- 272
- 273
- 274
- 275
- 276
- 277
- 278
- 279
- 280
- 281
- 282
- 283
- 284
- 285
- 286
- 287
- 288
- 289
- 290
- 291
- 292
- 293
- 294
- 295
- 296
- 297
- 298
- 299
- 300
- 301
- 302
- 303
- 304
- 305
- 306
- 307
- 308
- 309
- 310
- 311
- 312
- 313
- 314
- 315
- 316
- 317
- 318
- 319
- 320
- 321
- 322
- 323
- 324
- 325
- 326
- 327
- 328
- 329
- 330
- 331
- 332
- 333
- 334
- 335
- 336
- 337
- 338
- 339
- 340
- 341
- 342
- 343
- 344
- 345
- 346
- 347
- 348
- 349
- 350
- 351
- 352
- 353
- 354
- 355
- 356
- 357
- 358
- 359
- 360
- 361
- 362
- 363
- 364
- 365
- 366
- 367
- 368
- 369
- 370
- 371
- 372
- 373
- 374
- 375
- 376
- 377
- 378
- 379
- 380
- 381
- 382
- 383