Important Announcement
PubHTML5 Scheduled Server Maintenance on (GMT) Sunday, June 26th, 2:00 am - 8:00 am.
PubHTML5 site will be inoperative during the times indicated!

Home Explore FILIPINO 4 part 2

FILIPINO 4 part 2

Published by Palawan BlogOn, 2015-10-21 23:52:52

Description: FIL4part2

Search

Read the Text Version

“Gaano kaya katibay ang puso mo Ernesto?” ang tanong ni Lino at masusing minasdan angmukha ng anak.” “Kung hulihin na ako at ilakad maipangangako mo sa akin, Ernesto na di ka iiyak?Maipangangako mo bay an sa akin anak ko?” Noon pa lamang napilitan nang silipin at masdan ni Miss Sanchez ang mukha ni Ernesto.Nakita niyang kumurap-kurap ang bata sa pagkatingalang nakatitig sa mukha ng ama; makalawanglumunok; kumurap-kurap na muling tila nahihilam; kuminig-kinig ang mga labi, at humikbi-hikbi sapagpipigil manding huwag siyang mapasigaw. Nguni’t namalabis lamang ang luha sa kaniyang mgapisngi at din na nakapangako. “Ernesto!” ang malungkot na tawag ni Lino. “Mapait man sa loob ko’y tikis na sinanay kitasa hirap para magkaroon ka ng matibay na puso at matatag na loob. Bakit ka lumuluha? Sapagkakasala lamang, sa pagkabulid lamang sa masama, nararapat malaglag ang luha ng isang tunayna lalaki. Hindi sa gaano man kalaking kasawian at mga kaapihan!” Mabilis na pinahid ni Ernesto ng kaliwa niyang bisig ang luha sa kaniyang mga mata, mulingpanatag na iniharap ang mukha sa nahahambal na ama. Si Aling Ambrosia ay napilitang tumalikod.Tumagilid lamang si Miss Lavadia na tila di na makagalaw. Isinubsob naman ni Miss Sanchez angkaniyang mukha sa dalawang palad at tikis na hindi kumilos. Kailangang igalang ang maseselangmga sandaling yaon sa mag-ama. “May isang tanging alaala na iiwan ko sa iyo, Ernesto,” aniyang muli ni Lino sa tinig ng isangtahasan nang pamamaalam. “Ito’y alaalang bigay sa akin ng iyong ina! Sa pakikilaban sa Bataan; sapagkapiit sa Kapas; sa pamumundok namin bilang mga gerilya; sa malaong pakikipagsaparan natin saMaynila hanggang sa mga sandaling ito, ang alaalang ito’y hindi nawalay sa katawan ko saglit man!”Dinukot ni Lino sa kaniyang lukbutan ang isang kalupi at inilabas mula sa isang tanging pitak nitoang isang munting krusipihong aluminyo na may nakapakong larawan ni Kristo. “Ingatan mo ito atpakamahalin alang-alang sa nakalarawan, sa iyong ina, at sa akin!” Hinagkan muna ni Lino angkrusipiho bago hinawakan ang kamay ng anak at inilagay iyon sa lahad na palad. “Maramingpagkakataong iniligtas ako nito sa panganib. Gayon ang naging paniniwala ko, Ernesto. Dimamakailang sa gitna ng malulupit na pangangailangan natin sa Maynila at dinadalanginan ko iyan atako’y dininig. Naging mabisang tulay iyan sa mga dalangin ko sa Diyos!” Binitiwan na ni Lino angkamay ng anak. “Itay, tawag ni Ernesto sa kumikinig na tinig at di tinikom ang palad na kinasasalalayan ngkrusipiho. Ayokong kunin ito sa iyo! Ibig kong makaligtas ka, Itay! Ayoko,ayoko, Itay!” “Ernesto!” ang tawag ng ama sa di-natitigatig na tinig, “Ikaw ang lalong mangangailanganniyan! Higit na mahaba ang panahong tatahakin mo pa sa buhay, anak ko! Alanganin nang lubha anghaba at kulay ng mga araw sa aking harapan!” Pag buhay ka lamang, Itay, hindi ako maano, hindi ako matatakot! Oo, Itay! Maski hindi naako kumain, Itay!” “Ernesto!” ang mairog na tawag ng ama. “Hindi mo pa nauunawaan ang hiwaga ng buhay!Sundin mo ang sinasabi ko sa iyo. Ingatan mo at pakamahalin ang alaalang iyan ng iyong ina!” “Itaaay!” tutol pa rin ni Ernesto. “Ipinakikiusap ko sa iyo, anak ko!” Hindi na nakatutol si Ernesto. Dahan-dahang iniunat ang nanginginig na mga daliri; inilahadang palad at pinakatitigan ang krusipiho na sa mga mata’y nunukal ang luha; at, sa simbuyo mandinng di mapaglabanang hinagpis, isinubsob ng bata ang kaniyang mukha sa krusipiho at pasigaw naaniya: “Diyos ko po! Si Itay ko po!” Tahasan nang umiyak si Miss Lavadia. Humagulgol si Aling Ambrosia. Si Miss Sanchez aypasugod na lumapit kay Ernesto niyakap ito, saka basa ng luha ang mga matang humarap kay Lino. 8

“Miss Sanchez!” ang magalang na bati ni Lino bago nakapagsalita ang dalaga. “Tila kayoanghel na nakikita namin kapag may dalita.” “Mang Lino! Tawag ni Miss Sanchez sa tinig na tigib ng panggigipuspos. “Mang Lino!angpamuling tawag :Hindi ko kailangang malaman kung bakit kayo hinuhuli! Nguni’t ibig kongipakiusap sa inyo, kung may tiwala kayo sa akin, na sa akin na sana maihahabilin si Ernesto!” “A! Nasa gipit na katayuan kami, Miss Sanchez,” ang marahang tugon ni Lino. “Isangkapalaluang tanggihan ko ang isang matapat na pagkakawaanggawa! Opo, Miss Sanchez!Inihahahbilin ko siya sa inyo. Maging sa anumang kalagayan siya maturing ay tatanawin kongutang-na-loob sa buong buhay ko!” “Aariin ko siyang akin, Mang Lino! Pagpapalain ko! Papag-aralin ko! Magiging kapatid siyani Erni, na isa ring ulila. Sisikapin kong matanim sa puso at isip niya ang mga aral na aking narinig.Buung-buo na makukuha ninyo siya sa akin sa anumang sandali na maibigan ninyo1 “Salamat, Miss Sanchez! Hindi ko kayo malilimot kailanman. Magiging panata ko, mulangayon, ang pagsisikap na makaganting-loob sa inyo. Ngunit iiwan ko sa iyo ang isang kataga, naisinasamo kong paniwalaan sana ninyo!” “Opo! Sabihin ninyo Mang Lino!” Wala nang panahong maisalaysay ko pa ang mga tunay na nangyari,” ani ni Lino. “Balangaraw ay malalaman din ninyo kaipala ang lahat lahat. Ngayo’y wala akong tanging sasabihin sa inyo,Miss. Sanchez, kundi Wala akong Sala!” “Naniniwala ako sa inyo, Mang Lino,” ang madaling tugon ni Miss. Sanchez at bigay nabigay na tumitig sa kausap. “Anuman ang mangyari; anuman ang kahantungan; at anuman ang sabihin ng mga tao, aynaniniwala ako ngayon pa, at maniniwala ako kailanman, na wala nga kayong sala, Mang Lino,pagkat gayon ang sinabi ninyo sa akin! Hindi iyan lamang. Idadalangin namin ang inyongkaligtasan. Pumanatag kayo at huwag ninyong alalahanin si Ernesto.” “Miss. Sanchez! Hindi ko malirip kung paanong naging marapat ang kaliitan namin sainyong pagtingin. Gayon ma’y paniwalaan ninyong buhay ko man ibibigay nang dahil sa inyo!” Bago nakapagsalita ng anuman si Miss Sanchez, si Lino ay mabilis na yumukod at humalik sadahon ng pamaypay na anahaw na nakabitin sa kamay ng dalaga. Napayuko si Miss Sanchez atnagbuntunghininga. “Ernesto!” ang malungkot na tawag ni Lino sa kaniyang anak. “Maiiwan kita kay MissSanchez. Magpapakabait ka at maging masunurin. Babalik ako sa iyo, anak ko! Pasugod na yumakap si Ernesto sa kaniyang ama na tila di makapangusap. Niyakap siya nangbuong higpit ni Lino at hinagkan nang hinagkan. Sa lalapit na noon si Kabo Lontoc at si Estanislao Villas. Kasunod nila ang isang maalikabokna jeep na pinalalakad ng isa sa tatlong kawal na lulan. Sa hudyat ng kabo, isa sa mga kawal angbumaba at naglabas ng posas. “Utang-na-loob, Kabo Lontoc,” ani Miss Sanchez at lumapit sa kabo, “huwag ninyo silangkabitan ng posas. Pinanagutan ko sa inyo na hindi sila tatakas!” “Kasama akong mananagot, Kabo!” susuog naman ni Villas. “Kami man, sagot din!” ang halos sabay-sabay na pakli naman ng marami. “Kung may balak man lamang na magtago ‘yan, hindi rito sa Pinyahan titira ‘yan nanglantaran” ang palabi at patalilis na wika ng isang matandang babaing may pandudurang nagluwa sasapa. “Puwe!” “Marangal na tao ‘yan, kahit na ganyan lang sa tingin! Sabad ng isang matandang lalaki naumingus-ingos. 9

“Bakit ba di magtago, kundangan, gayon pala’t dapat sagutin?” sumbat ng isa pangmatandang lalaki. Di kaya nakikitang ‘yun lang hindi nagtatago ang siyang dinadakip?” “E, kung gayon,” ani ni Kabo Lontoc, matapos mag-isip sandali. “Private Gorospe!” balingsa may hawak na galang. “Ibulsa mo na lang ‘yang bastus na posas na ‘yan!” Hindi kailangan ‘yan,”aniya pa at binalingan si Lino. “Paano, kaibigan?” “Sasama ako sa inyo,” aniya ni Lino na malungkot nguni’t payapang humarap sa marami.“kung minsan’y kailangan din pala ang isang kasawian para maunawa ng tao na may halaga pa siyasa kaniyang kapwa! Salamat sa inyong lahat! Sa mga utang-na-loob namin sa inyo,” aniya pa atmalungkot na tumingin kay Ernesto, “ay iiwan kong sangla sa inyo ang aking anak.” Pinagkabilaang akbayan ni Miss Sanchez at Miss Lavadia si Ernesto. Walang kaimik-imik nanakatitig ang bata sa mukha ng kaniyang ama. Sa malakas na pag-alon ng dibdib ng bata, sa mahigpit na pagkakatikom ng kaniyang mgalabi at sa mga matang itinititig na pilit bagaman labis na nahihilam ay dagling masisinag angmalaking nais na makapag-anyong matibay sa paningin ng kaniyang ama sa kabila ng matindingsimbuyo ng hapis. Malayo na ang sasakyang nilulunanan ni Lino ay nasa gayong anyo pa rin si Ernesto. Walangkurap na nakatitig sa malayo. Tila walang nakikitang anuman sa natatanaw. Parang walangnararamdaman, ni naririnig, sa kaniyang paligid. Waring nasaid ang luha sa tindi ng dusangkumuyom sa dibdib. “Ernesto!” ang nahahambal na tawag ni Miss Sanchez sa pagkakatitig sa mukha ngbata.”Bayaan mong malaglag ang mga luha mo! Sulong umiyak ka! Makagiginhawa ‘yan sa dibdibmo!” “Siyanga, Ernesto!” tigib-lunos na udyok ni Miss Lavadia. Tiningala ni Ernesto si Miss Sanchez at si Miss Lavadia. Nakita ng dalawa na may namuongluha sa mga mata ng bata, na biglang yumuko at humihikbi-hikbing halos mapugtuan ng hininga. “Ernesto!” ang masuyong tawag ni Miss Sanchez sa umiiyak na tinig. :” Tibayan mo angloob mo! Talagang ganyan ang buhay! Maraming pagsubok! Maraming pagtitiis ! Ngunit umasa kanghindi ka pababayaan! Ituturing kitang tunay na akin, Ernesto!” “Ang Itay ko,” ang pahikbing wika ni Ernesto sa tinig na tigib ng masaklap na hinanakit,“panay siyang hirap…panay siyang pagtitiis!” “Umasa kang liligaya rin siya, Ernesto!” ang mahambal na alo ni Miss Sanchez. :Gaya rin ngaraw: may dilim at may liwanag ang buhay!.. Tena na Ernesto!” yaya na ng dalaga at masuyonginakbayang muli ang bata. “Aling Ambrosia!” baling na tawag sa labandera. “Lalakad na kami.Kung may anoman sina Ernesto na dapat dalhin sa amin ay kayo na sana ang bahala!” “Opo, Miss Sanchez!” anang labandera. Ako na ang bahala! Isama na ninyo siya. Isang tinging balot ng magkakalangkap na lungkot, habag at paghanga ng naiwang kanayonang pumatnubay sa paglakad nina Miss Sanchez, Miss Lavadia at Ernesto. “Kaawa-awang bata!” ang sagut-sagutang wika ng marami. “Magandang lalaki at mabait”anang ilan. “Talagang pambihirang babae ‘yang si Miss Sanchez.” anang isang matandang lalaki naman.“Mabuti na lamang at sa kaniya nahabilin ang bata!” “Ba! Mang Islaw!” tawag ng isang babae na nakapansing naroon pa si Estanislao Villas.“Paano ba? Hindi ba kikilos ang ating kapisanan?” “Iyan din ang iniisip ko,” ang tugon ni Villas. 10

Linangin mo….Pagsusuring PanlinggwistikaPanuto: Ang mga salitang may salungguhit sa Hanay A ay mga mahihirap na salita naginamit ng may-akda. Hanapin mo ang katumbas na kahulugan nito sa Hanay B.Titik lamang ang isulatHanay A Hanay B_____1. saglit munang tinaya ang pag-uusap ng mag-ama a. mamatay_____2. napako ang tingin sa dalagang dumaan b. maganda_____3. nanunot sa kaluluwa ang magandang c. natuonsinabi d. nalaglag_____4. sa mata’y nunukal ang luha e. sagad_____5. tiwasay ang panahon sa kanyang paglisan f. pinakiramdaman Panuto: Ibigay ang pahiwatig ng mga sumusunod na pahayag? Isulat lamang ang titik ng tamang sagot. Pahayag1. Gumawa ka ng mabuti hindi sapagkat may langit kundi sapagkat mabuti ang mabuti.2. Huwag kang mawawalan ng pananalig sa Diyos.3. Sa pagkabulid lamang sa masama nararapat malaglag ang luha ng isang tunay na lalaki at hindi sa kasawian at kaapihan.4. Alanganin nang lubha ang haba at kulay ng mga araw sa aking harapan5. Kung minsa’y kailangan din pala ang kasawian para maunawaan ng tao na may halaga pa siya sa kanyang kapwa a. Matanda na b. Magtiwala sa Diyos c. Gawin ang nararapat hindi dahil sa gantimpala d. Sa oras ng pangangailangan malalaman ang mga nagpapahalaga sa iyo e. Sa kasamaang ginawa dapat lamang na magsisisi at malungkot ang tao f. Wala siyang maaasahan na tulong sa kapwa. 11

Alam mo ba kung ano ang nobela? Narito ang ilang kaalaman hinggil dito upang higit mongmaunawaan . Ang nobela ay isang dulang ang pangyayari ay katha lamang ng may akda. Ang paksanito’y nababatay sa mga tunay na pangyayari sa buhay ng tao. Ito’y naglalahad ng isang kawili-wiling pangyayaring hinahabi sa isang mahusay na pagkakabalangkas na ang pinakapangunahingsangkap ay ang paglalaban ng hangarin ng bayani sa isang dako at ang hangarin naman ng kanyangkatunggali sa kabila. Ang isang nobela’y dapat maglaman ng isang mabuting kuwento. Dapat ding magtaglay itong isang pag-aaral o pagmamasid sa mga gawa at kilos ng sangkatauhan, ng mga taong kasalamuhanatin araw-araw. Ang pangunahing layunin ng nobela ay lumibang , bagaman sa di-tahasang paraan, ito’ymaaaring magturo, magtaguyod ng isang pagbabago sa pamumuhay o sa lipunan o magbigay kayang isang aral. Pagsusuring Pangnilalaman Panuto: Piliin mo sa Hanay B ang mga kasagutan na tumutugon sa Hanay A. Titik lamang ang isulat Hanay A 1. Pangunahing Tauhan 2. Suliranin 3. Tunggalian 4. Kasukdulan 5. Kakalasan Hanay B a. Hindi pagpayag ng mga taga nayon na dakpin si Mang Mino b. Mang Lino c. Pagpapaalamanan ng mag-amang Lino at Ernesto d. Paghabilin ni Mang Lino kay Ms. Sanchez ng kanyang anak e. Pagdakip kay Mang Lino sa pamumuno ni Kabo Lontoc f. Payapang pagsama ni Mang Lino sa alagad ng batas 12

Panuto: Suriin mong mabuti ang tamang sagot sa bawat katanungan. Isulat ang titik ngtamang sagot1. Ano ang bulung-bulungan sa pagdakip kay Mang Lino? a. benggansa b. pagnanakaw c. pagwawaldas ng pera d. pagpatay2. Bakit masakit sa kalooban ng mga taga-nayon na dakpin si Mang Lino? a. alam nila na mabuting tao si Mang Lino b. maraming may kasalanan na malaya pa rin c. may anak siyang maiiwan d. hindi naging patas ang batas3. Paano humupa ang init ng ulo ng mga kanayon ni Mang Lino laban kay Kabo Lontoc? a. pinagbigyan sila sa kanilang kahilingang di posasan si Mang Lino b. nang ipagpaliban ang pagdakip kay Mang Lino c. pinaliwanagan ni Ms. Sanchez ang mga kanayon na tumutupad lamang si Kabo sa kanyang tungkulin d. hinayaang makatakas si Mang Lino4. Paano ipinakita ni Ms. Sanchez ang kanyang pagtulong kay Mang Lino a. Kinausap niya si Kabo na huwag nang hulihin si Mang Lino b. Hindi naniwala si Ms. Sanchez na may kasalanan si Mang Lino c. Kinupkop niya si Ernesto na anak ni Mang Lino d. Dinadalaw niya si Mang Lino sa kulungan5. Paano hinarap ni Mang Lino ang pagsubok sa kanyang buhay? a. may positibong pagtingin sa buhay at pananampalataya sa Diyos b. pinilit na manalo sa kaso c. tinakasan ang suliranin d. umasa sa kanyang mga kanayon sa pakikipaglabanPagsusuring pampanitikan Sa pagbasa sa isang akda sa pananaw realismo, tinitingnan ng mambabasa ang mgapangyayaring inilahad sa akda na masasabing angkop na angkop sa tunay na buhay. Bahaging pagiging realidad ang mga pangyayaring buhay na buhay at nararanasan ng taosa totoong buhay. 13

Ngayong naunawaan mo na ang akdang nasa pananaw realismo. Maaari ka ng magsimulasa susunod na gawain. Panuto: Ibigay ang hinihingi ng bawat letra at isulat sa kahon A. Pumili ng isang bahagi ng akda na maituturing na nangyayari na sa tunay na buhay B. Ilahad ang kaangkupan nito sa tunay na buhay C. Magbigay ng patunay A B CBahagi ng akda na Kaangkupan ng pangyayari Patunaynangyayari sa tunay na buhay sa tunay na buhay Halagang pangkatauhan 1. Makatwiran bang sabihin na maganda pa ang daigdig kung puro pagdurusa ang nararanasan? 2. Maraming katulad ni Mang Lino sa panahon ngayon na napagbibintangan sa kasalanang di ginawa. Kung isa ka sa kanila , ano ang katangiang dapat mong taglayin? Bakit? Nakatapos ka na ba sa lahat ng mga gawain ? Iwasto mo na ang iyong sagot sa susi sapagwawasto na nasa iyong guro. Nakakasiguro akong naragdagan na ang iyong kaalaman, ngunit di pa rito natatapos. Marami pa akong gawain na inihanda upang makatulong sa iyo. 14

Palalimin mo …… Dugtungan mo ang mga sumusunod na mga palagay . Matapos kong mabasa angNobelang “Maganda Pa Ang Daigdig”Nabatid kong _____________________________________Natutunan kong ___________________________________Napatunayan kong _________________________________ Tingnan mo sa susi sa pagwawasto ang tamang sagot at iwasto mo ito.Gamitin mo ……..Panuto: Lagyan mo ng tsek ( / ) ang mga kaisipang sa palagay mo ay tama at ( x )kung mali1. Laging sumunod sa tawag ng tungkuling sinumpaan2. Tulungan ang mga taong maaaring tumulong din sa iyo3. Magkaroon nang matibay na pananalig sa Diyos4. Iwaksi ang galit sa diwa’t damdamin5. Matutong tumakas sa batas kung may pagkakataon6. Mahalin ang kapwa tulad ng pagmamahal sa sarili7. Huwag bigyan ng pagkakataong maipagtanggol ng tao ang kanyang sarili kung sa tingin mo’y nagkasala siyaIwasto mo ang iyong sagot gamit ang susi sa pagwawasto na nasa iyong guro.Ngayon, subukin mo namang sagutan ang susunod na gawainSulatin mo ……Panuto: Punan ng nawawalang salita ang bawat patlang upang makasulat ng islogan.Hanapin mo sa kahon ang tamang sagot at isulat sa patlang.Ang ___________ng tao’y tunay na mahalagakaya’t dapat ________________ at isaisip tuwina.Pagtitiwala sa ______________ay kailangan.Ito ang ________________ sa ‘tin sa kapahamakan.Anumang _______________ginawa sa iyong kapwaSa Panginoon, ito’y tunay na may _________________________ 15

gantimpala magliligtas taglayin asal karangalan Panginoon kabutihang larawan kaloob.Iwasto mo muli ang iyong sagot sa susi sa pagwawasto na nasa iyong guro.Naging magaan ba sa iyo ang gawain? Binabati kita.Lagumin mo …….. Nagustuhan mo ba ang nobela? Di ba’t totoong ito’y napapanahon? Alam kongmarami ka ng natutunan. Subukin mo muli ang gawin ito.Panuto: Hanapin mo sa ibaba ang angkop na kaisipang napulot mo sa akda. Lagyanlamang ng tsek ang katabi ng bilang na iyong napili.1. Ang buhay ay puno ng pakikipagtunggali kaya’t kailangang laging handa sa lahat ng oras.2. Nagiging matatag ang pagsasamahan kung ang lahat ay nagtutulungan.3. Sa oras ng kagipitan makikilala ang tunay na kaibigan.4. Walang kinatatakutan ang taong may malinis na puso.5. Alisin mo ang dungis sa iyong mukha bago alisin ang dungis ng iba.6. Ang pananampalataya natin sa Diyos ang siyang magliligtas sa atin.Balikan mo muli ang susi sa pagwawasto na nasa iyong guro. Iwasto mo ang iyong gawa.Subukin mo …… Subukin natin kung hanggang saan ang iyong natutunan. Sagutin mo ang pangwakas napagsusulit. 16

Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot1. Benggansa lamang ang dahilan ng pagdakip kay Mang Lino . Ang kahulugan ng benggansa ay : a. paratang b. sugal c. ganti d. karma2. Walang kamalak malak na hinuli ang mga korap na opisyales ng pamahalaan. Ang salitang may salungguhit ay nangangahulugang…. a. pruweba b. kabalak-balak c. gumusto d. patawad3. Nanuot hanggang buto ang galit niya sa pumatay sa kanyang asawa. Ang ibig sabihin nito ay: a. matindi ang galit niya sa tao b. walang awa sa taong pumatay c. malalim ang sugat na nararamdaman d. hindi kayang kontrolin ang galit4. Ang bagay na sumisimbolo na si Mang Lino ay maka-Diyos a. Santong nasa bahay b. krusipihong nasa kalupi c. nobena sa pitaka d. rosaryo sa leeg5. Sa pagdakip kay Mang Lino ni Kabo Lontoc , hindi naisip ni Mang Lino na a. magpaalam sa anak b. tumakas sa batas c. maging mahinahon d. magpasalamat sa kanayon6. Dinakip ni Kabo si Mang Lino dahil ______________ a. problema siya sa lugar nila b. gumanti siya sa kasalanang ginawa sa kaniya ni Mang Lino c. nagsumbong ang mga kanayon ni Mang Lino sa kasalanang ginawa d. tumupad siya sa kanyang tungkulin 17

7. Ang buhay ng tao ay mahiwaga. Ito’y nagpapahiwatig na … a. puro kasamaan ang nagaganap sa mundo b. di mo alam ang naghihintay sa iyong kapalaran c. maraming kababalaghang nagaganap d. maraming pangyayari na ninais mo8. Ang pangyayaring di makatotohanan sa akda. a. paghabilin ni Mang Lino sa ibang tao ang anak b. hindi pagtakas ni Mang Lino c. hindi pagposas kay Mang Lino ng mga pulis d. maraming napagbibintangang walang kasalanan9. Ipinag-utos ni Kabo Lontoc sa kanyang kasama na huwag nang posasan si Mang Lino sa pakiusap ni Ms. Sanchez. Ang pangyayaring ito sa akda ay a. katawa-tawang pangyayari b. di maktotohanang pangyayari c. makatotohanang pangyayari d. kathang-isip na pangyayari 10. “Tibayan mo ang iyong loob; talagang ganyan ang buhay, punung-puno ng pagsubok” Ang angkop na kaisipan sa pahayag na ito ay a. Nasa Diyos ang awa, nasa tao ang gawa b. Habang may buhay may pag-asa c. Ang buhay ay pakikipagtunggali at pakikipagsapalaran d. Walang manloloko kung walang magpapaloko Mataas ba ang iyong iskor ? Kung 7 pataas ang iyong tamang sagot, pumunta ka sasusunod na aralin. Kung 6 naman pababa, isagawa mo pa ang susunod na gawain.Paunlarin mo …..Panuto: Bumuo ka ng kaisipan tungkol sa aralin. Ayusin ang mga susing salita na nasa kahonang pagkakataon pananaw sa buhayay kailangan ang pakikipagsapalaranupang ipagpatuloy ng positibong 18

mo sa lupa sa langitna kabayaran anumang ginagawa ay may katumbas Tingnan mo ang iyong sagot sa susi sa pagwawasto na nasa iyong guro. Kung ito’y malapitsa tamang sagot ay batid kong handa ka na sa susunod na aralin. Kaya maaari ka ng magsimula.Aralin 2: Titser Anu-ano ang mga tiyak na matututunan mo? Matapos mong mapag-aralan ang modyul na ito, inaasahang matatamo ang sumusunodna kasanayan: 1. Nabibigyang-kahulugan ang mga mahihirap na salita at mga piling pahiwatig na ginamit sa akda 2. Natutukoy ang mga mahahalagang detalye sa akda 3. Nasusuri ang akda batay sa magagandang saloobing ipinapahayag ng tauhan 4. Napatutunayan ang kahalagahan ng pagkakakroon ng paninindigan sa buhay 5. Nabubuo ang mga kaisipang may kaugnayan sa akda. Iwasto ang iyong sagot, kunin ang susi sa pagwawasto na nasa iyong guro. Mga gawain sa pagkatuto Alamin mo … Punan ng angkop na salita ang bawat patlang. Piliin sa ibaba ang tamang sagot.____________ang kailangan sa hanapbuhay na ito____________ang mabuting asal sa mga kabataang nalilito 19

____________ito ay mahirap na trabaho____________pa ring maging marangal at tapat sa serbisyo____________sa mga kabataan at kapwa guro____________ibibigay ay kaligayahang matatamoSinisikap Talino ItinuturoEdukasyon Respeto TotooTaliwas Ehemplo Relasyon Angkop ba ang mga salitang napili mo? Para makasiguro ka, tingnan mo sa susi sapagwawasto na nasa iyong guro. Iwasto mo. Pansinin mo ngayon ang unang letra ng bawat sagot. Kung pagsasama-samahin ang mga ito,anong salita ang mabubuo? Tama, Titser. May kaugnayan dito ang babasahin mong akda. Basahin mo….. Ang babasahin mo ay isa na namang nobela. Ito’y kauna-unahang nobela ngawtor na si Liwayway A. Arceo. Unang nalathala bilang serye sa Liwayway (23Nobyembre 1953- 1 Nobyembre 1954) isinulat noong 1952 sa gabay ni Agustin C.Fabian; naging editor ng Graphic at general manager ng Liwayway Publications.Sige basahin mo na . TITSER (Kabanata 1 ) ni Liwayway B. ArceoPaninindigan Mula sa kinatatayuan ni Aling Rosa sa tabi ng bintana ay nakita niyang papasok na satarangkahan si Amelita. Hindi naikubli ng nag-aagaw na dilim at liwanag ang hapung-hapong anyoni Amelita at ang hapis na mukhang pinalamlam ng pagod. Nguni’t hindi rin nakubli sa paningin ngmatanda na wari ay walang nadaramang pagod o hirap ang anak. Magaan din ang pag-angat atpagbasak ng mga paa nito. Tila may kasiyahang walang kahulilip ang imbay ng kanang braso, at angkaliwa ay may kipkip na aklat at makapal na kuwaderno. Hindi man lamang kumibo si Aling Rosa nang humalik ng kamay si Amelita, bagama’t hindiniya nailihim ang nagpupuyos niyang damdamin. Natitiyak niyang napansin iyon ni Amelita; ilangsaglit napatitig sa kaniya ang anak bago unti-unting ibinaba ang tingin. 20

“Ala ‘ata ang Tatang?” mahinang tanong ni Amelita. “Ewan ko!” paasik na tugon ni Aling Rosa. Sinundan niya ng tingin si Amelita nangpumasok ito sa sariling silid. “Talagang pinakagaga sa lahat ng anak ko ang isang ‘to, oo! Himutok ni Aling Rosa. “Maaarinamin kumuha kahit anong mabuti-buting karera. . . nagpilit na maging titser lang! Ngayon . . ano?Alila ng buong nayon!” Bumalik sa gunita ni Aling Rosa ang mga natupad na pangarap sa pagpapalaki sa kaniyangmga anak nang pumasok sa salas ni Mang Ambo. Bahagyang hinukot na ng panahon ang mga balikat ni Mang Ambo, katuwas ng malalapad attila higit na matatag na mga balikat ni Aling Rosa. May ilang gatla na sa mga pisngi si Mang Ambona hindi naging sagabal sa anyong kapita-pitagan: nagbibigay-tingkad iyon sa payak nguni’tkagalang-galang na anyo. Ang katalinuhang kumikislap sa mga mata ay pinatitingkad ng mga salitna pilak sa buhok. At ang tinig na mahina at banayad, kalbayo ng matigas at makapangyarihan atbuong-buong tinig ni Aling Rosa. “Oy,” salubong ni Mang Ambo sa kaniya, “dumating na ba’ng anak mo?” “Oo, nar’yan na sa kuwarto niya!” matabang na tugon ni Aling Rosa. “O. e ano’ng nangyari’t ganyan na naman ang mukha mo? Hindi raw ba siya sasama?” Sapagsasalita ni Mang Ambo ay hindi mapag-aalinglanganang kilalang-kilala nito ang asawa. “Ewan ko … hindi ko pa naman sinasabi!” “Gan’on pala naman, e … ano’t parang bigung-bigo ka na?” “Ku…e makita ko lang ang ayos ng anak mong ‘yan, pinagsisiklaban na ‘ko ng galit!” “Bakit naman?” “Naku, Ambo …ma’nong huwag ka nang magmaang-maangan! Hindi ba ikaw itong lagingnakapupunang nangangayat na sa pagtuturo ang anak mong ‘yan? Pa’no laging pagod na pagod!” Napatango si Mang Ambo. “Sa tingin ko’y nasisiyahan naman sa pagtuturo ang batang ‘yan,a … baya’n mo na lang ! Pumayag ka na rin lang na ‘yan ang pag-aaralan niya..” “Bakit nga hindi pa ‘ko papayag, e sa nakita kong kahit patayin ko’y ang gusto rin niya angsusundin!” Gigil na gigil si Aling Rosa sa pagsasalita at lumilitaw ang mga ugat sa leeg. “Baya’n mo na …talagang gayan ang bunso!” “Bunso!” Hinagod ni Aling Rosa ang buhok na nakalag sa pagkakapusod at padarag naibinuhol uli ‘yon, at sinundan ng pagpalis sa ilang hiblang nalaglag sa noo. “Kung hindi ko langinaalalang masisira ang linya ng ating pamilya sa pagkakaroon ng isang anak na hindi de titulo…kailan ako pumayag? Hindi kumibo si Mang Ambo. Hindi nito masasabing mali ang asawa. Nakita nito angkatwiran niya sa pagpipilit na makatapos ang mga anak sa pag-aaral at makakuha ng mga karerangtinitingala. Hindi sila mayaman, nguni’t sadyang hinahangaan sila ng buong nayon sa ginawangpagpapaaral sa mga anak. Halos nahuhulaan na ni Aling Rosa kung ano ang nasa isipan ni Mang Ambo. “Ayaw ka langmaniwala sa ‘kin no’ng una at ‘ika mo’y mahihirapan tayo …o, ano’ng nangyari? Kung hindi natiniginapang si Norberto at naging inhinyero,,papatusin ba ni Marina? Siyempre pang isang masalapiring tulad niya ang kukunin ni Marina. O kaya, isang propesor din sa musika paris niya. Pero hindi,e. Naibigan niya si Norberto dahil sa sariling dunong at titulo. At nakatulong pa sa pagpapaaral samga sumunod sa kaniya. O, ano…hindi ba?” Tumungo si Mang Ambo. “Ang itinatanong ko lang naman e kung napag-usapan na ninyo niAmelita. Sasama raw ba siya o hindi?” “Pinag-initan na nga ako ng ulo nang makita ko ang itsura ng anak mo!” mariing sagot niAling Rosa. 21

“Bakit nga?” “Parang nahuhulaan ko ang isasagot. Pihong sasabihin n’yan ay pagod siya sa maghapongpagtuturo!” “Ikaw naman, oo! Hindi mo pa pala nasasabi.e …gumagawa ka na ng hula kung ano’ngisasagot. Tawagin mo nga! Aba, kung hindi siya makasasama kay Osmundo, masabi na agad.Mahirap nang maghintay sa wala ‘yong tao!” “Sus, bakit naiba ang salita mo ngayon? Dati’y ikaw ‘tong nagtatanggol sa anak mo. Sa ‘kinka pa nagagalit at ‘ika mo’y lagi ko na lang pinipilit ang anak mo!” “Alam mo, Oy …inaabot na rin ako ng kahihiyan kay Osmundo! Kung pakiharapan mo’yparang may pag-asa ‘yong tao. E itong pag-uukulan ng pagpapagod, e hindi natin matiyak angkalooban!” Hindi malaman ni Mang Ambo kung paano magpapaliwanag. Bahagyang napawi ang pangungulimlim ng mukha ni Aling Rosa. Tinawag ni Mang Ambo siAmelita. Nang lumabas ito mula sa silid ay nakasuot na ng pambahay at hawak sa kanang kamayang isang walang takip na fountain pen. “Aba, narito na pala kayo, Tatang! Sabay ang paghalik sa kamay ng ama. “May sasabihin daw ang Inang mo ..” sa halip ay tugon ni Mang Ambo at sinulyapan si AlingRosa. “Ano ‘yon, Inang?” “Kinukumbida ka ni Osmundo..may benepisyo sa kapitolyo. Dadaan daw ditongayon..”Walang kagatul-gatol na pagsasalita ni Aling Rosa. “Ang dami kong trabaho ngayon e…” matatag na tugon ni Amelita. Nguni’t napatungo na!” “Aba,” biglang tumigas ang tinig ni Aling Rosa, “nakasagot na ‘ko. Mag-ayus-ayos ka na!” “Pero, Inang…” Nangapos ang paghinga ni Amelita. “Amelita!” Mariin ang pagkakabigkas ni Aling Rosa sa pangalan ng anak. “Bukod-tangi kasa lahat ng anak ko, ha? Walang-hiya ka! Ikaw pa’ng bunso..ikaw pang natutong sumuway sa lahatng gusto ko!” Tungung-tungo si Amelita. “Hindi ba’t sa simula pa lang, ayoko niyang kinuha mong karera? Ayoko, dahil magigingalangan ka nga sa mga kapatid mo! Hindi ka nahihiya n’yan? Ang Kuya Norberto mo’y inhinyero,ang hipag mo’y propesora. Ang Dikong Jose mo, abogado..kaya’t ang napangasawa, abogada. AngAte Lourdes mo, palibhasa’y parmasiyutika..madaling makapag-asawa ng doctor. Ang DitsengFelisa mo, doktora…nakapag-asawa ng doctor din! May kani-kaniyang bahay, may kotse..e, ikaw?”at sinabayan ng surot sa mukha ni Amelita. Hinawakan ni Mang Ambo sa braso si Aling Rosa at tinangkang hadlangan siya sa iniisip paniyang isagawa. Nguni’t mabilis niyang pinalis ang kamay ng asawa. “Baya’n mo nga ako!” at pagalit na hinarap si Mang Ambo. “Bakit, ito ba’ng ginagawa ko epara sa sarili ko lang? Hindi ba para sa kaniya? Ayan…hindi ako sinunod ng anak mong ‘yan,kaya’t siya lang ang hirap na hirap sa trabaho! Siya ang halos walang kinikita dahil abunadong lagisa klase. Trabahong alipin ang ginagawa!” Nagtaas ng mukha si Amelita. “Nasisiyahan naman ako sa pagtuturo, Inang!” Mahina nguni’tmatatag ang tinig. “Sasabihin mo nga bang nasisiyahan? Talagang hindi ka makapagreklamo dahil ikaw angpumili ng karerang ‘yan. Pero may paraan naman para makalayo ka sa ganyang buhay…”Isangmakahulugang tingin ang ipinukol ni Aling Rosa kay Mang Ambo. “Kung mapapangasawa mo siOsmundo.” Napaungol si Amelita. 22

Tinapunan ito ng tingin ni Aling Rosa. Namumutla ang mga labi nito. Hindi maililihim angpagkabigla. “Bakit…hindi ba totoo ang sinasabi ko?” patuloy ni Aling Rosa. “Sa laki ba naman ngkayamanan ni Osmundo..sa lawak ng mga lupain at sakahan, kakailanganin mo pa ang magturo?” Napansin ni Aling Rosa ang pagtigas ng kalamnan sa mukha ni Amelita. Nangilid ang luha samga mata nito. “Matagal nang nakikiusap sa ‘kin si Osmundo,” patuloy ni Aling Rosa,”at palagay ko naman,napapanahon na para sumagot ka!” Nag-uutos ang tinig niya. Pero, Inang…” Nangangatal na tinig ni Amelita nang magsalita. “hindi ko naman maaaringsundin ang…” “Alin ang hindi maaari?” agaw ni Aling Rosa. “Lahat ng gusto ko’y nasuway mo naAmelita..pero ang isang ito’y hindi mo maaaring baliin!” “Inang,” higit nang matatag ang tinig ni Amelita, “kailangang malaman ni Osmundo nangayon na…na hindi maaari. Nagdilim ang mukha ni Aling Rosa. “Bakit hindi maaari? Bakit? At niyugyog niya angdalawang balikat ni Amelita hanggang mabitiwan nito ang hawak na fountain pen. Maging si Mang Ambo ay hindi nagkaroon ng lakas ng loob na damputin ang nabitiwan niAmelita. Linangin mo …. Pagsusuring Panlinggwistika Panuto: Basahin at unawain mong mabuti ang mga salitang may salungguhit. pagkatapos ayusin mo ang mga letra na nasa kahon upang matukoy ang kahulugan. Isulat sa patlang. 1. Bukod tangi sa lahat ang kanyang kagandahan ___________ gan saii 2. Ang balak na pag-aralan ay tinangkang hadlangan ________________ lka inad 23

3. Pinalis niya ang kamay ng asawa na nasa kanyang balikat________________ nati big 4. Hindi matanggap ng mga kawani ng pamahalaan ang mga benepisyo nila _____________ pai ban knag 5. Paasik na tugon ang ibinigay sa kasamaang loob ____________ ag itlPanuto: Ibigay ang kahulugan ng mga sumusunod na pahayag at pahiwatig.pagbatayan ang kahulugan na nasa ibaba. Isulat ang titik ng tamangsagot sa tabi ng bilang. _____1. Hindi naikubli ng nag-aagaw na dilim at liwanag ang hapung-hapong anyo ni Amelita. _____2. Hinukot na ng panahon ang mga balikat ni Mang Ambo _____3. Bahagyang napawi ang pangungulimlim ng mukha ni Aling Rosa _____4. Nangapos ang hininga sa galit 24

_____5. Pinilit na makatapos ang mga anak at makakuha ng mga karerang tinitingalaa. Nahirapang humingab. Pinagtapos ang mga anak ng mataas na uri ng kursoc. Hindi naitago ang galitd. Dapithapon na kung umuwi kaya’t kitang-kita ang pagod sa mukhae. Tumanda naf. Naibsan ang galitPagsusuring PangnilalamanPanuto: Piliin mo sa Hanay B ang mga kasagutang tumutugon sa Hanay A.Titik lamang ang isulat.Hanay A Hanay B1. Kursong pinili ni Amelita - desisyong titser ang kuning kurso2. Ang hindi makaunawa sa - lahat ng anak ay de titulo desisyon ni Amelita3. Puno’t dulo ng pagtatalo - Mang Ambo ng mag-inang Aling Rosa at Amelita4. Higit na nakakikilala kay - titser Aling Rosa5. Sapilitang pagsang-ayon - Aling Rosa ni Aling Rosa sa piniling kurso ng anak6. Layunin ni Aling Rosa sa - sariling pagpapasyapagpapakasal sa anak kay Osmundo7. Katangiag ipinakita ni Amelita - makaahon si Amelita sa hirap sa desisyong ginawa ng buhay ng pagiging guro - makilala sa nayon 25

Pagsusuring Pampanitikan Bago mo gawin ang susunod na gawain. Alamin mo muna ang isinasaad ng nasaloob ng kahon. Kung babasahin ang isang akdang pampanitikan sa pananaw humanismo, maaaringbigyang-pansin ang magagandang saloobin ng tao na nakapaloob sa mga tiyak na pahayag ngakda. Bukod dito, maaari ring suriin ang akda batay sa magagandang damdamingipinapahayag ng tauhan. Ngayong nauunawaan mo na ang tungkol sa teoryang humanismo, simulan mo ng sagutinang gawain sa ibaba. Isulat mo sa kahon ang iyong sagotPumili ng isang Pumili ng isang bahagitiyak na bahagi ng na nagpapakita ngakda na nagpapakita magandang damdaminng magandang soloobin ngtao ____________________________________________ ____________________________________________ ____________________________________________ ____________________Bakit ito magandang Bakit ito magandangsaloobin? damdamin 26

Halagang Pangkatauhan 1. Kanino ang simpatya mo, kay a. Amelita na hinangad lamang magkaroon ng sariling disposisyon sa buhay upang lumigaya b. Aling Rosa na ang hinangad lamang ay ang makabubuti para sa anak ______________________________________________________ ______________________________________________________ ______________________________________________________ 2. Tama bang magkaroon ng sariling pagpapasiya ang anak na labag sa kagustuhan ng magulang tulad ng ginawa ni Amelita? Bakit? _______________________________________________________ _______________________________________________________ _______________________________________________________ Nagawa mo ba lahat ng pagsasanay? Nadalian ka bang sagutin ang mga katanungan? Iwasto mo ang iyong sagot sa susi ng pagwawasto na nasa iyong guro. Palalimin mo….. 1. Bahagi pa rin ba ng pagiging ina ang pagpili ng mapapangasawa ng anak? Kungmasusunod ang kagustuhan ni Aling Rosa na ipakasal ang anak na labag sa kalooban nito, anu-anoang maaaring ibunga nito (PIN)Positibo Kasiya-siya Negatibo Tingnan mo ang susi sa pagwawasto na nasa iyong guro. Kung ang iyong sagot aymalapit sa tamang sagot , katanggap-tanggap na ito. Gamitin mo…. Panuto: Piliin sa ibaba ang mga wasto at maling pagpapahalaga sa buhay. Isulat sa dayagram. 27

Titser Maling PagpapahalagaWastong Pagpapahalaga1. Pagbibigay ng tamang panahon sa trabaho.2. Pakikisama dahil sa pera3. Pagkakaroon ng matatag na pagpapasya4. Pagsunod sa tamang tagubilin ng magulang5. Paglagay sa tao sa kahihiyan na makakabuti sa iyong sarili6. Pagpili ng magulang ng mapapangasawa ng anak kahit labag sa kalooban ng anakIwasto mo na ang iyong sagot sa susi sa pagwawasto na nasa iyong guro.Sulatin mo….Panuto: Punan ng nawawalang salita ang bawat patlang upang mabuo ang tamangsagot sa loob ng kahon sa ibaba.1. Ang anumang nais na piliing ________________________ Kailanga’y lakas ng loob at ________________________2. Sa bawat ____________at mga paggawa Dapat magpasya kung mali o _______________3. Gawing matatag ang _____________________taglay Tungkuli’y ________________nang may pagmamahalprinsipyong larangantama gampananpagkilos paninindigan 28

Tingnan mo ang sagot sa susi sa pagwawasto na nasa iyong guro. Lagumin mo …. Panuto: Lagyan ng tsek sa tabi ng bawat bilang na tumutugon sa mga natutunan mo sa aralin. _____1. Kahulugan ng nobela _____2. Kaalaman tungkol sa awtor _____3. Kahalagahan ng pamilya _____4. Kahalagahan ng pagkakaroon ng paninindigan _____5. Pagpili ng tamang kurso _____6. Pagkilala sa saloobin at damdamin ng tauhan _____7. Pagkakaroon ng pag-asa sa buhay _____8. Pagbibigay ng kahulugan sa mga pahiwatig o pahayag Subukin mo…. Subukin natin kung hanggang saan sa kabuuan ang iyong natutunan. Sagutin mo angpangwakas na pagsusulit. 1. May ilang gatla na sa mga pisngi ni Mang Ambo. Ang kahulugan ng salitang may salungguhit ay: a. hiwa b. kulubot c. marka d. gilit 2. Ang mga pilak sa kanyang buhok ay nagpapatunay na marami na siyang pinagdaanan sa buhay. Ang kahulugan ng pilak sa buhok ay : a. puting buhok b. pagiging matanda c. pinaglipasan ng panahon d. yaman 3. May kasiyahang walang kahulilip ang kilos niya’t galaw. Ito’y nangangahulugang a. walang wakas na kaligayahan ang nadama b. sobrang ligaya ang naghahari c. laging maligaya d. walang katumbas na kaligayahan ang nadama 29

4 - 5 Ang dalawang kaisipang angkop sa akdang binasa ay a. Igalang ang iyong mga magulang b.Huwag lilihis sa kagustuhan ng magulang c. Walang magulang ang naghangad ng kasamaan sa anak d. Mahalaga ang tamang pagpapasiya sa buhay ng tao.6. Lalong ikinagalit ni Aling Rosa ang a. pag-alis ni Amelita ng walang paalam b. nang magpasiya si Amelita na sabihin kay Osmundo na wala siyang maaasahan c. di papayag si Amelitang sumama sa imbitasyon ni Osmundo d. panghihiya ni Amelita kay Osmundo7. Napansin ni Aling Rosa ang pagtigas ng kalamnan ng mukha ni Amelita. Ang pagtigas ng kalamnan ng mukha ay nagpapahiwatig ng: a. matatag niyang desisyon b. di sang-ayon sa gusto ng ina c. matigas ang kalooban d. nakaramdam ng pananakit ng mukha8. Hindi man lamang kumibo si Aling Rosa nang humalik ng kamay si Amelita ang katangiang ipinakita ni Aling Rosa ay: a. matatag na kalooban b. matigas ang kalooban c. pagiging magagalitin d. mapagmalaki sa iba9. Ayaw paasahin ni Amelita si Osmundo sa kanyang pag-ibig. Nangangahulugan lamang na si Amelita ay a. di mapagsamantala b. totoong tao c. simpleng dalaga d. manhid sa pag-ibig10. “Mahalaga ang may sariling paninindigan upang ipaglaban ang iyong karapatan” Ang pahayag na ito’y a. sariling opinyon b. sariling palagay c. katotohanan d. kongklusyon 30

Iwasto mo ngayon ang iyong sagot sa susi sa pagwawasto na nasa iyong guro .Kung ang iyong iskor ay 7 – 10 sagutan mo na ang huling pagsubok. Kung 6 naman pababa isagawamo pa ang susunod na gawain Paunlarin mo ……. Anong kaisipan ang nililinang ng akda? Anong mga detalye ang sumusoporta rito? Kaisipan Tingnan mo ang iyong sagot sa susi sa pagwawasto na nasa iyong guro. Kung ang niyong sagot ay malapit dito, maaari na ito. Gaano ka na kahusay? Panuto: Piliin at isulat ang titik ng wastong sagot. 1. Nanunuot hanggang buto ang sakit na kanyang naramdaman Ang kahulugan ng may salungguhit ay: a. nananatili hanggang buto b. nakadikit hanggang buto c. sagad sa buto d. natutuyo ang buto 2. Ipinahihiwatig naman ng pahayag na may salungguhit sa bilang isa ay: a. matindi ang sakit na naramdaman b. walang pag-asang gumaling c. hindi kayang labanan d. walang katumbas na sakit ang naramdaman 31

3. Ang paasik na pagsagot sa guro ay di dapat tularan. Ano ang ibig sabihin ng paasik? a. paangas b. pabulong c. pabalang d. pasigaw4. “Sasama ako sa inyo.” Ang pahayag na ito ni Mang Lino ay nagpapahiwatig na: a. masama ang loob sa nangyari b. walang balak tumakas c. aminadong may kasalanan d. malinis ang konsensiya5. “Bakit ito bang ginagawa ko ay para sa akin lamang?” Ito ay sinabi ni: a. Ms. Sanchez b. Aling Rosa c. Mang Lino d. Amelita6. Ang kaisipang sumusuporta sa akdang “Maganda pa ang Daigdig” ay a. walang matimtimang birhen sa matiyagang manalangin b. ang tunay na pagpapatawad ay nasa puso c. maging positibo sa pagtanaw sa buhay d. walang taong nabubuhay para sa sarili lamang7. Ang akda’y naglalahad ng mga pangyayaring angkop sa tunay na buhay ay nasa teoryang a. Humanismo b. Naturalismo c. Realismo d. Romantisismo8. Hindi lahat ng nasa loob ng rehas ay may kasalanan. Ito ay isang: a. kuru-kuro b. opinyon c. kongklusyon d. katotohanan 32

9. “Pero inay…hindi ko maaaring sundin, dapat niyang malaman agad….” Ang nagsasalita ay mahihinuhang a. may paninindigan b. nagmamakaawa c. nagmamalasakit d. malumanay10. Ang taong walang paninindigan, kailan ma’y a. di nagtatagumpay sa buhay b. makararanas ng kahirapan c. di makaaahon sa hirap d. walang pagmamahal sa sarili 33

Modyul 20 Pagsusuri ng Akda sa Teoryang Romantesismo at Eksistensyalismo Tungkol saan ang modyul na ito? Ang modyul na ito ay sadyang inihanda para sa iyo. Marami ka na bang natutuhangaralin sa mga modyul? Alam ko na pinagsisikapan mong mabuti na masagot ang mga gawain. Angisang bahagi ng nobelang iyong babasahin ay tiyak na magugustuhan mo. Maraming mahihirap na nagnais na mabago ang kalagayan sa buhay. Iisa lamangkadalasan ang ninanais nilang gawain, lisanin ang pook ng kahirapan. Makipagsapalaran, ‘yan angpangunahing hakbang. Sa bagay marami rin ang nabibigo at nagbabalak sa dating kinalakihang lugar.Ito ang paksa ng isang bahagi ng nobelang iyong babasahin. “Ang Tundo Man ay May Langit Din” niAndres Cristobal. Maganda ang nobelang ito tiyak na maiibigan mo. Isa pa ring bahagi ng nobela ang iyong babasahin na kasama sa modyul na ito. Angpamagat ay “Timawa” ni Augusto Fabian. Tulad ng naunang nobela, umiikot din sa kahirapan ngbuhay ang paksa nito. Masakit para sa isang mahirap ang mapagsabihang timawa. Para banghanggang doon ka na lang. Di na aangat ang iyong buhay. Ngunit kung sa isang batang mayambisyon sa buhay, di niya palalampasin ang anumang pagkakataon na makaahon sa kahirapan lalona sa kalagayan ng ulilang lubos. Anu-ano kaya ang pinagdaanang buhay ng pangunahing tauhan?Iyan ngayon ang iyong aalamin. Tiyak kong maiibigan mo ang iyong babasahing nobela. Ang iyong kaalaman sa pagsusuri—panlingguwistika, pangnilalaman at pampanitikanay lalo pang lalawak sa araling ito. Maiuugnay mo rin sa iyong sarili ang mga damdamingnangibabaw sa mga dayalogo na ginamit sa loob ng kabanata. Ang iyong mga dating alam, kasamana rito ang iyong sariling karanasan at gayon din ang pang-iba ay maaari mong paghanguan ng iyongmga kasagutan. Tutulungan kang muli ng mga inihanda kong gawain. Kayang-kaya mo ang mga ito.Handa ka na ba? Simulan mo na.

Ano ang matututunan mo? Nasusuri ang nobela ayon sa damdamin at paniniwala ng tauhan Paano mo gagamitin ang modyul na ito? Malaki ang maitutulong sa iyo ng modyul na ito. Sundin mo ang mga panuto attuntunin sa paggamit upang maging maayos at kapaki-pakinabang ang iyong pag-aaral. Ito’ysadyang inihanda para sa madali mong pagkatuto. 1. Sagutin mo nang maayos ang unang gawain sa bahaging “Ano ba ang Alam Mo?” Susukatin nito ang iyong kaalaman tungkol sa aralin. 2. Itsek mo ang iyong mga sagot. Hingin mo sa iyong guro ang Susi sa Pagwawasto. Huwag kang mag-alala kung marami kang mali. Mababatid mo rin ang mga tamang katugunan kapag natunghayan mo na ang kabuuan ng aralin. 3. Basahin at unawain mong mabuti ang mga akda. Isagawa mo ang mga kaugnay na gawain. Mababasa mo kung paano ito gagawin. 4. Sagutin mo ang pangwakas na pagsusulit sa bawat aralin at ganoon din ang pagsubok sa kabuuan sa “Gaano Ka na Kahusay?” Maging matapat ka sa pagwawasto. Kunin mo muli sa iyong guro ang Susi sa Pagwawasto. 5. Ingatan mong huwag masira ang modyul na ito at huwag mo ring sulatan. Ano ba ang alam mo? Panuto: Basahin at unawain mong mabuti ang isinasaad sa bawat pangungusap. Piliin at isulat ang titik ng tamang sagot. 1. Naglaho ang mga pangarap ng magkasintahan dahil sa pagtatalusira ng isa sa kanila. Ang kahulugan ng pagtatalusira ay - a. paglalaho b. pagsumpa c. paghinanakit d. pagtataksil 2

2. Mga hampas-lupa ang turing ng donya sa mga katulong. Nangangahulugan ang may salungguhit ng- a. walang hanapbuhay b. mahihirap c. magsasaka d. palaboy3. Para di maapektuhan sa narinig nagkibit-balikat na lamang ang binata at ipinagpatuloy ang gawain. Ang ibig sabihin ng may salungguhit ay - a. itinaas na balikat b. di-pinansin c. nainis na d. naaburido Piliin mo sa ibaba ang damdaming nangibabaw sa isinasaad ng dayalogo. Titik lamang ang iyong isulat. 4. “Kapag naunawaan mo na pala ang isang bagay, kapag nawatasan mo na kung bakit ganoo’t ganito ang isang nilalang, babaguhin mo ang dati mong alaala.” 5. “At anim na buwang singkad akong tagapagmasahe ng mga pinggan, kubyertos, at mga lutuan sa bapor. Kaya hindi kayo dapat magtaka na ako’y eksperto sa mga gawaing iyan.” 6. “Halos ang gabi ay ginagawa niyang araw. Ibig niyang makaipon. Ang adhika niya ay maging manggagamot ako.” Mga Pagpipilian: a. pagmamalaki b. pamimighati c. pag-unawa d. panunumbat e. pagsisisi Panuto: Piliin mo ang ginawang paglalarawan sa tauhan batay sa sumusunod na pahayag. Isulat mo ang titik lamang. 7. “Nagtitiwala ako na ang Tundo ay may langit din. Iyon ang aking hahanapin. Hindi lamang para sa aking sarili.” 8. “Isinumpa ko sa harap ng bangkay ng aking ama na ako ay magiging manggagamot.” 9. “Maluwat na nating kasama si Andy. Wari ay malayo siya. Gayong kay lapit ay kay layo.” 3

Mga Pagpipilian: a. kilos b. paniniwala c. gawi d. paninindigan e. pagsasalita 10. Sinabihan ka ng “timawa”, ano ang dapat mong gawin? Piliin mo ang titik lamang ng may tamang sagot. a. magdamdam habang panahon b. magpaliwanag sa nagsabi c. umiwas sa nagsabi d. magsumikap makaahon sa kahirapan Nasagot mo ba’ng mga karamihan sa gawain. Kunin mo ang Susi sa Pagwawasto.Itsek mo ang iyong sagot.ARALIN 1: Ang Tundo Man ay May Langit Din Anu-ano ang mga tiyak na matututunan mo? Matapos mong basahin ang akda, inaasahang matatamo ang sumusunod na kasanayan. 1. Nabibigyang - kahulugan ang mga pahayag na nagtataglay ng pahiwatig 2. Naiuugnay sa sarili ang mga damdaming nangingibabaw sa pamamagitan ng dayalogo na ginamit sa loob ng kabanata 3. Nasusuri ang kabanata sa pamamagitan ng teoryang romantisismo 4. Napangangatwiranan ang sariling paniniwala batay sa paniniwalang nakapaloob sa akda 5. Nakasusulat ng dayalogo batay sa napiling pahayag mula sa akdang tinalakay 4

Mga Gawain sa Pagkatuto1. Alamin mo… Panuto: Anu-anong damdamin ang ipinahihiwatig sa larawan? Piliin mo ang angkop na sagot. Titik lang ang isulat mo. Mga Pagpipilian: a. tagumpay ng lahat b. kaligayahan ng sambayanan c. katiwasayan ng loob d. kagalakan ng puso e. katuwaan sa dibdib Kayang-kaya mong sagutan ang mga gawain, hindi ba? Kunin mo sa iyong guro angSusi sa Pagwawasto. Itsek mo ang iyong mga sagot.2. Basahin mo… Mahilig ka bang magbasa? Isa itong magandang libangan, di ba? Kapupulutan mo ngmahahalagang aral ang nobelang iyong babasahin. Napalalawak din nito ang iyong kaalaman.Madarama mo ang lungkot at ligaya sa buhay ng tauhan. Unawain mong mabuti ang iyong babasahin at sa palagay ko’y maiibigan mo angisang bahaging ito ng nobela. 5

Ang Tundo Man May Langit Din (Kabanata VIII) Ni Andres Cristobal CruzHindi maputul-putol ang tawang marahan ni Victor. Hindi makatingin si Alma. Ibig na ibig niyanghumingi ng paumanhin. Waring nadarama niya sa pagtawa ni Victor ang inililihim nitongpagdaramdam. Pabiro man, nabigla siya sa sinabi niyang hindi ang klase ni Victor ang ipagseselosniya.Tumingin si Victor sa orasang malaki sa lobby.“Magta-time na,” wika ni Victor at saka lumakad papalayo patungo sa pasilyong palabas.Nagngingitngit sa sariling sumunod si Alma. Ngayon lamang sila muling nagkabati ay si Victornaman ang nagdaramdam. Muntik na siyang tumakbo upang habulin si Victor. Ayaw naman niyangmaging kapuna-puna siya. Lumakad na lamang siya nang mabilis at nilakihan ang kanyang mgahakbang. Si Victor ay nakalabas na sa pasilyo at patungo na sa gusali ng Education.“Totoo kaya ang sinabi niyang nagseselos ako?” naitanong ni Alma sa sarili. Hindi niya matiyakkung iyon ang dahilan at siya’y nagalit nang magsinungaling sa kanya si Victor tungkol sapagkakahuli nito nang dahil sa pagkikipagkita nito sa dating katipan noong Sabado.“Ba’t pa ‘ko nakasama-sama sa bowling,” may paninising wika ni Alma sa sarili. “Sana’y hindi ko nanabalitaan na si Victor ay may kasamang babae noong Sabado ng hapon.”Sinundo siya ng kaniyang pinsang si Minnie noong Sabado pagkatapos ng klase. Iyon daw angsinasabi niyang taga-Tundo ay nakita ni Minnie na naunang lumabas at nagmamadaling pumanaog sahagdang malaki ng kilalang palamigan sa Quiapo.“Ipakukumbida ko sana sa’yo,” sabi pa ni Minnie. “Ibig kong subukan, mapatunayan ang sinabimong hindi siya katulad ng ibang binata. Isasama natin sa bowling sa Quiapo. Naroroon na sinaJohnny, Nick at Monching.”Dumating sila sa Quiapo, sa palamigang may kasamang bowling alley. Si Nick na kapatid ni Minnieat minsang naipakilala na ni Alma kay Victor ang nakapagbalita. Hindi makapaniwala si Alma.Gayunma’y hindi siya nagpahalata. Panay sa kanal ang takbo ng kaniyang mga bola nang naibalita nani Nick ang tungkol sa nakita niyang kasama ni Victor sa palamigan.“Beautiful na beautiful,” sabi pa ni Nick, “alam mo na pati si Monching, muntik nang mabago angpaniwalang ikaw, Alma, ang pinakamaganda.”Matagal nang may gusto si Monching kay Alma. 6

Hindi inabutan ni Alma si Victor. Hustung-hustong labasan na ng isang klase nang makarating siyasa gusali ng Education. Pumasok sa kanilang classroom si Victor. Magkatabi sila ng upuan sa maylikuran.Hindi nakatiis si Alma nang nagkaklase na sila. Pumilas siya ng isang dahon sa kanyang kuwadernoat sinulatan iyon, pagkatapos ay tiniklop at iniabot ang kanyang sulat kay Victor na nasa kanan niya.Binuklat ni Victor ang kinuha niyang nakatiklop na papel. Malaking-malaking SORRY ang nakasulatdoon.Huling-huli ni Victor ang panakaw na tingin sa kanya ni Alma. Hindi pinansin ni Victor ang sulat niAlma. Sinulyapan niya ang nakatitik sa sulat subali’t walang mababasa si Alma sa kaniyang mukha.Mayroon silang vacant period na tatlumpung minuto pagkatapos ng klase nila. Alas siyete na ulit angpasok nila. Nang matapos ang klase, binigyan ni Alma ng daan si Victor. Daraan si Victor kay Almaupang makalabas. Nanatiling nakaupo si Alma at kunwari’y sinamsam ang kanyang mga libro’tkuwaderno.“Nabigla ako,” wika ni Alma, “sori”.“Ang klase ko bang ito’y pinagkakausap mo pa?” kunwari’y nagdaramdam pa ring tugon ni Victor.Hindi pa rin nakakahalata si Alma sa pag-aartista ni Victor.“A, ikaw ang bahala,” wala nang magawang sabi ni Alma, sinabi ko nang nabigla ako, sori…”Kinikipkip ni Alma ang kanyang mga libro’t kuwaderno, tumayo at lumabas sa kuwarto. Silangdalawa ni Victor ang huling lumabas. Umuna ng bahagya si Victor at saka nagsalitang may arte panganimo’y isang baklang malambot ang baywang at mga kamay at nagboses babae siya.“Masakit po ang inyong biro. Alam po naman ninyong hindi akwoh bhasta-bhasta.” Natawa rin siVictor sa kanyang pagpapatawang iyon.“Tigilan mo nga ‘yan”, saway ni Alma. “Baka mahipan ka ng hangin. Maraming nakakakita sa’yo!”Nakaramdam ng pagkapahiya si Victor nang mapansin niyang nakatinging nagtataka sa kanya angilang mga kaiskuwela.“Tena sa canteen,” anyaya ni Alam nang lumabas na sila sa gusali ng Education. “Ibo-blowout kita.”“Yan na naman” wika ni Victor na itinaas ang boses.“O, bakit?” pagtataka ni Alma.“Ano, ano ‘ko? Bata?” paliwanag na nagtatawa ni Victor. “Pagkatapos mong saktan, sabihing angklase kong ito’y hindi mo ipagseselos, palalamunin mo ko’t tapos na ang lahat ng pagdaramdam.”“Naku,” parang nabubuwisit na sagot ni Alma, “lahat na lamang ay binibigyan mo ng kahulugan.” 7

“Aba’y sino ba sa’tin ang nagbibigay ng kahulugan sa wala, aber?”“Ikaw.”“Di ba imbetiga mo sa ’kin sa lobby kanina, di ba sabi mo, kaya pumutok ang kilay ko’y dahil nag-away kami ni Flor.”“Flor pala ang pangalan,” wika ni Alma.Nagtabi sila sa upuang marmol sa ilalim ng mataas, at malaking puno ng akasya sa isang sulok ngmalawak na bakuran ng pamantasan. Dumidilim na. nakasindi na ang mga ilaw sa mga kuwartongaralan.“Bakit ka nagsinungaling pa?” tanong ni Alma. “At bakit mo naman ako pagsisinungalingan?”Nagkibit-balikat si Victor. Hindi rin niya malaman kung bakit nga niya pinagsinungalingan pa siAlma. Ipinaliwanag ni Alma kung paano niya nalamang kasama niya, ni Victor, si Flor noong Sabadokaya hindi nakarating agad. Ginamit pa ni Alma ang salitang ginamit ni Nick tungkol kay Flor.Beautiful na beautiful. Magandang-maganda raw si Flor.“Kung ganoon,” nasabi ni Victor, “dalawang bagay ang dapat ipaliwanag sa’yo. Si Flor at ito.”Itinuro ni Victor ang kaniyang putok na kilay.“Aba, kung ayaw mo, huwag!” sansala ni Alma at saka nagbibirong salita. “Hindi kita pinipilit. Sinonaman akong dapat mong pagpaliwanagan?”“Mabuti na ang malinaw kaysa malabo,” sagot ni Victor. “Ano’ng malay ko, baka balang araw isurotma sa akin at sukat ang tungkol kay Flor o kaya’y … patulan mo ko, saka-sakali…”“O, ikaw naman,” tudyo ni Victor. “Ang totoo’y sabik na sabik ka na. kunwari pa ‘to…”“Victor!” parang nangangaral na wika ni Alma. “Ayoko ng ganyan. Ginugulo lagi ang usapan.”Hindi na nagbiro si Victor.Naging magaan para kay Victor ang magtapat kay Alma tungkol kay Flor. Kamalian man yata, kapagsi Flor na ang kanyang maaalala, ang unang pumapasok sa ulo niya’y ang magaganda nilangpangarap. Kinitil ang mga pangarap na iyon ng isang pagtatalusirang naglangkap ng isangmakamandag na kasiphayuan.“Kapag naunawaan mo na pala ang isang bagay,” wika ni Victor, “kapag nawatasan mo na kungbakit ganoo’t ganito ang isang nilalang, babaguhin mo ang dati mong akala. Pati na’ng iyong sarili’ypara mo na ring natuklasan.”“Ibig mong sabihin,” usisa ni Alma, “hindi ka nagdaramdam sa ginawa niya?” 8

“Nagdamdam? Aba, oo! Sagot ni Victor. “Sa simula, kasi naman ang sama-sama ng loob ko. Nguni’tiyon ay dahil sa hindi ko pa nauunawaan kung bakit siya nagkagayon. Kung bakit niya tinalikuran,wika nga, ang aming mga kuwan.” At tumawa si Victor.“Sa kabila ng…?” hindi maituloy ni Alma ang kaniyang sasabihin.Alam ni Victor ang ibig sabihin ni Alma. Wala siyang inilihim tungkol sa kanilang dalawa ni Flor.Gayunma’y pinili niyang mabuti ang kaniyang ginamit sa salita: pagnanasang maging iisa, makilalaang kani-kanilang sarili, matagpuan ang sarili sa isa’t isa… malayang pag-uulayaw… ganoon angmga pariralang ginamit ni Victor.“Kung may nangyari. Ewan ko,” wika ni Victor na natawa pa. “Balita ko, kapag tatay na ang isip naang isang tao, hanapbuhay na lamang ang inaasikaso. Lalo na sa Tundo.”“Ano ang gagawin mo?” tanong ni Alma.“Tulungan siya,” walang gatol na tugon ni Victor.“Kahit na, kahit ka niya…?”Tumango si Victor, at saka nagsalita. “Nauunawaan ko na siya. Tapos na. Siya’y taga-Tundo. Ibigniyang makalayo sa estero; nakita niya ang paraan, tao lamang siyang mayroong mga kahinaan. Angngayon ang kaibahan ko sa kanya, maliban sa paniniwala kong kaya lamang magiging matagumpayang aking paglayo sa aming kapaligiran ay kung mailalayo ko rin ang ibang katulad ko, at hindi angsarili ko lamang. Ewan ko, pero nagtitiwala akong ang Tundo man ay may langit din. Iyon ang akinghaharapin. Hindi lamang para sa aking sarili.”“At kung mabigo ka?” tanong ni Alma.“May diperensiya ako kung ganoon,” sagot ni Victor. “Kailangang malaman ko kung ano, tapos aykayod na naman, mag-umpisa na naman.”“At kung mabigo ka na naman?” ulit ni Alma.“Teka nga muna,” baling ni Victor kay Alma at tiningnan niya itong mabuti bago magpatuloy sapagsasalita, “palagay mo kaya’y mabibigo?. Tapatin mo ako, sabihin mo sa ‘kin kung bakit. Palagaymo kaya’y mabibigo ako?”Umiiling-iling si Alma.“Hanga ka sa akin, ano?” nagbibirong isip mo’y nagmamagaling na sabi ni Victor.“Yabang lang,” wika ni Almang napatawa’t wala sa loob ay umambang papaluin si Victor.Umilag kunwari si Victor at inilayo ang ulo. “Baka mo tamaan ang aking sugat,” wika niya.“Masakit pa ba?” tanong ni Alma. “Ano ba talaga ng nangyari?” 9

“Hindi ko na napigilan si Lukas,” sagot ni Victor. “Aba’y sumagupa ba namang nag-iisa. Ano’ngmagagawa ko kundi sumabak na rin. Biruin mo, apat.”“Di bale, sanay ka naman sa kuwan, sa bakbakan,” wika ni Almang noon lamang narinig ni Victor nagumamit ng salitang lansangan, bakbakan.Natawa si Victor sa pagkakagamit ng salitang iyon ni Alma. Iba ang tunog niyon sa pagkakasalita niAlma. Para siyang dayuhang gumamit ng salitang hindi kanya.“Nahahawa ka na yata sa’kin,” wika ni Victor. “Talagang hanga ka sa ’kin ayaw mo lang aminin.”“Tumigil ka nga r’yan,” wika ni Alma. Mabuti na lamang, naisip niya, dumidilim na, kung hindi’ybaka napansin na ni Victor ang pamumula ng kaniyang mukha. Tiningnan niya sa liwanag ang ilawsa mataas na posteng bakal sa may likod nila kung anong oras na sa relong panggalang niya. “Malapitna ang time,” paalala niya.“Inilalayo mo naman ang usapan,” wika ni Victor kay Alma. “Sabihin mo na, hanga ka sa akin.”“Hindi!” pakling-iiling-iling ni Alma.At saka kanina, o,” paalaala ni Victor.“O, ano naman ‘yon?” wika ni Almang inaayos ang kikipkiping mga sala.“nagseselos ka kay Flor,” biro ni Victor, “di ba?”Sumimangot si Alma. Halatang-halata ni Victor na pinipigil ni Alma ang pagtawa.“Sumusobra ka na, Victor,” parang galit na wika ni Alma. Pero hindi rin niya napigilan ang kanyangpagtawa.Nahawa si Victor sa tawa ni Alma. Lumalakad silang patungo sa gusali ng Liberal Arts. Ang susunodnilang klase ay Philippine History, ang kanilang major subject. Iyon ang pinagdadalubhasaan nila niAlma, ang kasaysayan ng Pilipinas. Iyon, balang araw, ay kanilang ituturo sa mga Kastila.“Nakapag-aral ka ba ng El Fili?” tanong ni Alma. Ipinababasa iyon ng kanilang propesor bilangtulong sa pag-aaral tungkol sa panahon bago dumating ang himagsikan sa Pilipinas laban sa mgaKastila.“Kahit makirot ang kilay ko, nagbasa ako kahapon,” sabi ni Victor. “Ikaw ba, hindi? Ilang araw sa’yo ang libro, di ka nagbasa, o nakalimutan mo na?”“May notes ako. Sabi ni Alma,” pero hindi ko na-review kahapon.”“Nanood ka siguro ng sine,” sabi ni Victor, “o may party kang pinuntahan.”Umiling si Alma. 10

“A, alam ko na!” natatawang wika ni Victor na nanghuhula’t nagbibiro. Alam ko na kung bakit di kanakapag-aral.”Tumingin si Alma kay Victor. “Bakit?”“Iniisip mo kasi kung sino ang sinabi ni Nick na kasama ko noong Sabado. Nagseselos ka!” tudyo ulini Victor.“Sige na nga, nagseselos kung nagseselos!” kunwari’y nayamot nguni’t tumatawang sagot ni Alma.“Hanga naman ako sa’yo, oo!”“Hayan, ha, inamin mo na,” paalala ni Victor.“Inamin ang ano?”“Na hanga ka sa akin!” nagtatawang sagot ni Victor.Biglang huminto si Alma sa paglalakad. “Victor!” wika niyang humarap kay Victor at sakapumadyak. Nanlisik ang mga mata ni Alma. Nasiyahan ka ba sa iyong nabasa? Marahil nadala ka rin ng emosyong naghari sa mgatauhan sa akda. Kung inunawa mong mabuti ang nobela, masasagutan mo ang mga gawaing inihandako para sa iyo. Upang masagutan mo ang mga gawain, unawain mong mabuti ang mga panuto. Ang unang gawain ay tungkol sa pagpili ng mga salitang nagtataglay ng pahiwatig.Handa ka na ba? Simulan mo na.3. Linangin mo… a. Pagsusuring Panlinggwistika Panuto: Angkupan mo ng kahulugan at halimbawa ang mga salitang nagtataglay ng pahiwatig. Piliin mo sa kabilang pahina ang titik ng tamang sagot.Salita Kahulugan Gamit sa akda1. nagkibit-balikat 1. 1.2. nagngitngit 2. 2.3. pagtatalusira 3. 3. 11

Mga Pagpipilian para sa kahulugan: a. tagong galit b. nagulat c. di pinansin d. natawa e. nagtaksilpara sa gamit sa akda: a. Nagngitngit sa sariling sumunod si Alma b. Nagkibit-balikat si Victor c. Kinitil ang mga pangarap na iyon ng pagtatalusira ni Flor d. Si Nick ang nagngingitngit na kapatid ni Minnie e. Pati si Monching nagkibit-balikat na lang Madali lamang hindi ba? Iwasto mong muli ang iyong mga sagot.Madali lamang makilala ang teoryang romantisismo. Inspirasyon ang tanging kasangkapan ng mgaromantiko para mabatid ang nakakubling katotohanan, kabutihan at kagandahan. Pinaniniwalaan dinnilang inspirasyon at imahinasyon ang tanging bumubuo sa pagiging totoo at maganda.Handa ka na bang gawin ang susunod na gawain? Pagbutihin mo!b. Pagsusuring Pangnilalaman Panuto: Iuugnay mo sa iyong sarili ang damdaming nangibabaw sa pamamagitan ng dayalogo na ginamit sa loob ng kabanata. Isulat mo ang iyong sagot.Dayalogo Sariling damdamin1. “Mabuti na ang malinaw kaysamalabo”, sagot ni Victor. “Ano’ng malayko, baka balang araw isurot mo sa akinang tungkol kay Flor.”2. “Nagdamdam? Aba, oo!” sagot niVictor. “Sa simula, di kasi naman, angsama-sama ng loob ko. Ngunit iyon aydahil sa hindi ko pa nauunawaan kungbakit siya nagkagayon.”3. “Ano ngayon ang gagawin mo? tanongni Alma.4. “Tulungan siya”, walang gatol na tugonni Victor.5. “Kahit na, kahit ka niya…?”Naisulat mo ba ang mga sarili mong damdamin kaugnay ng dayalogo.12

Ang teoryang pampanitikan na binigyang-diin sa nobelang “Ang Tundo Man ay MayLangit Din” ay teoryang romantisismo. Handa ka na bang sagutan ang susunod na gawain. Isaalang-alang mo ang iyongnatutuhan. Masasagot mo iyan. Subukin mo.c. Pagsusuring Pampanitikan Panuto: Alin sa sumusunod na mga pahayag ang nagbigay ng pagbabago sa damdamin, paniniwala at kalagayan. Isulat mo ang iyong piniling sagot.Pahayag Nagbibigay ng Pagbabago sa –“Kahit kailan, kapag si Flor na ang pinag- 1.uusapan, ang unang pumapasok sakanyang isipan ay ang magandang alaala.Kinikitil ng mga pangarap na iyon angpagtatalusirang natanggap ng isangmakamandag na kasiphayuan.”“Ano ang kaibhan ko sa kanya, maliban sa 2.paniniwala kong kaya lamang magigingmatagumpay ang aming paglayo sa amingkapaligiran ay kung mailalayo ko rin angibang katulad ko at hindi sa sarili kolamang.”“Nagtitiwala akong ang Tundo man ay 3.may langit din. Iyon ang aking hahanapin.Hindi lamang para sa aking sarili.” Panuto: Sipiin mo mula sa akda ang pagpapakita ng magandang pananaw sa buhay ng tauhan sa kabila ng kanyang kalagayan. Ang iyong sisipiin ay binubuo ng dalawa lamang salita na sinabi ni Victor.4. “_____________ ____________”, walang gatol na tugon ni Victor. Kahit siya’y nagtalusiratutulungan pa rin ni Victor si Flor.5. Minahal ni Victor si Flor ngunit nagtalusira pa rin ito sa kanilang sumpaan. Ganoon pa man handapa rin si Victor, ang dating kasintahan. Piliin mo ang angkop na sagot na nagpapatunay ng pagkataoni Victor. a. may pagpapahalaga sa kapwa b. sumira sa sumpaan13

c. lumimot sa usapan d. nagwalang-bahala sa sinabi Nasuri mo ba ang kabanata sa pamamagitan ng teoryang romantisismo?Itsek mo nga ang iyong mga sagot sa pamamagitan ng Susi sa Pagwawasto. Tama ka bang lahat?4. Palalimin mo… Anu-ano sa palagay mo ang nabago sa iyo matapos mong mabasa ang aralin.Panuto: Lagyan ng tsek (/) kung ito ay tumutugon sa mga pagbabagong naganap sa iyo. 1. Di ako nawawalan ng pag-asa sa buhay. 2. Nagkaroon ako ng ideya kung paano pakitunguhan ang taong nagkasala sa akin. 3. Nagkaroon ako ng interes magbasa ng nobela. 4. Naging maganda ang pananaw ko sa buhay. 5. Alam ko na magana ang hangarin ni Victor sa pagtulong. 6. Natutuwa ako sa pagiging maunawain ni Alma. 7. Natutuhan ko na sa Tundo man ay may langit din. Tiyak na maraming nabago sa iyong buhay. Tama bang lahat ang iyong sagot? Iwastomo na ito sa pamamagitan ng Susi sa Pagwawasto na iyong kukunin sa iyong guro.5. Gamitin mo… Panuto: Dugtungan mo ang sumusunod upang makabuo ng kaisipan. Isulat mo ang iyong sagot sa iyong sagutang papel.Kailangang magingmatatag sa pagharap samga pagsubok upang 1. __________________________ __________________________Sa pag-ibig kailangangpantay na paghariinang puso at isip upang 2. _________________________ _________________________ 14

Hindi pawang 3. _________________________kaligayahan ang _________________________makakamit mula sapag-ibig kaya 4. ________________________ ________________________May iba’t ibang uri ngpag-ibig: may tapat,may mapag-imbot,kaya Tama ba ang iyong mga sagot? Hingin mo muli sa iyong guro ang Susi saPagwawasto. Alam kong ginagawa mong lahat ang iyong magagawa para masagutan ang bawatgawain. Ngayon naman ay susulat ka. Madali lang ito. Tiyak na magugustuhan mo ang paksa.Simulan mo na.6. Sulatin mo… Panuto: Susulat ka ng dayalogo batay sa pahayag na mula sa akda.Pahayag na mula sa akda.Sa simula, ang sama-sama ng loob ni Victor. Ngunit iyon ay dahil sa hindi pa niya nauunawaan kungbakit siya nagkaganoon. Kung bakit siya tinalikuran ni Flor?Victor: “____________________________________________________________________________”Alma: “______________________________________________________________________________” 15

7. Lagumin mo… Panuto: Piliin at isulat mo sa iyong sagutang papel ang mga bilang na tumutugon sa mga natutuhan mo sa aralin. ____1. natutuhan ko ang pagsusuri ng nobela ayon sa damdamin at paniniwala ng mga tauhan. ____ 2. nakapagbigay-kahulugan sa mga pahayag na nagtataglay ng pahiwatig ____ 3. kaalaman sa teoryang romantisismo ____ 4. nakasulat ng dayalogo batay sa napiling pahayag sa akda ____ 5. pagiging mabuting magkaibigan ____ 6. kaalaman sa pagbuo ng kaisipang hango sa akda ____ 7. paghanga sa tauhang si Victor ____ 8. pagpapahalaga pa rin sa kapwa kahit may pagkakasala ____ 9. pagkakabatid na sa Tundo man ay may langit din ____ 10. pag-iisip bago isagawa ang isang bagay ____ 11. katapatan sa lahat ng pagkakataon ____ 12. pagsunod sa magulang Nadalian ka ba sa natapos mong gawain? Alam kong nakaya mong sagutin ang mgaito. Gamitin mo ang Susi sa Pagwawasto para maiwasto ang iyong mga sagot. Susukat muli sa iyong mga natutuhan sa araling tinalakay ang susunod na gawain.Unawain mo itong mabuti. Simulan mo na.8. Subukin mo… Panuto: Basahin at unawain mong mabuti ang mga pangungusap. Piliin ang tamang sagot. 1. Kahit nahihirapang mamuhay ang bawat mamamayang Pilipino, nagkikibit-balikat na lamang sila. Ang kahulugan ng may salungguhit ay… a. itinaas sa balikat b. di pinansin c. pinabayaan d. inalis sa isipan 16

2. Nagngitngit ang mga nawalan ng hanapbuhay kaya labis-labis na kahirapan ang dinaranas nila. Kapag ang isang tao ay nagngitngit siya ay - a. kinakalaban b. may tagong galit c. nagdadalamhati d. nagsisisigaw3. Kahit may pagkakaunawaan na sina Victor at Flor, nagtalusira ang babae sa sumpaan. a. nagtaksil b. lumayas c. nagsinungaling d. nangibang- lugar4. Ang damdaming naghari sa dayalogong, “Mabuti na ang malinaw kaysa malabo. Baka balang araw ay isumbat mo lahat sa akin.” ay - a. pag-aalinlangan b. pag-asa c. pag-aalala d. pampalubag5. “Nagdamdam ako sa simula dahil di ko alam ang dahilan ngunit, ngayon naunawaan ko na lahat.” Ang damdaming nais iparating sa iyo ng pahayag ay - a. pag-aalinlanganan b. pagdaramdam c. pagkasuklam d. pang-unawa6. “Tutulungan ko pa rin siya.” Kung bibigyan mo ng kahulugan ang damdaming naghari sa pahayag, ito ay damdaming may - a. pagkaawa b. pagtulong c. pagdadalamhati d. pag-unawa Panuto: Alin sa mga sumusunod na pahayag ang nagbigay ng pagbabago sa damdamin, paniniwala at kalagayan. Piliin mo mula sa tatlong salita na may salungguhit sa panuto ang angkop sa pahayag.7. “Kahit kailan, kapag si Flor na ang pinag-usapan, ang unang pumapasok sa kanyang isipan ay ang magandang alaala.”8. “…naniniwala ako na magiging matagumpay ang aming paglayo sa aming kapaligiran…”9. “Nagtitiwala ako na ang Tundo man ay may langit din.” 17

Panuto: Piliin mo ang angkop na dayalogo na tumutugon sa sumusunod na gawi ng tauhan sa akda. Titik lamang ang isulat. 10. pagmamalasakit Mga dayalogong pagpipilian: a. “Tutulungan ko siya!” b. “Kahit siya nagtalusira, inuunawa ko na siya.” c. “Di sila dapat hamakin, sa Tundo man ay may langit din.” Kung ang nakuha mong iskor ay 7-10, maaari ka nang tumungo sa susunod na aralin.Kung 6 pababa, isagawa mo pa ang susunod na gawain.9. Paunlarin mo… Panuto: Sumulat ka ng dayalogo batay sa napiling pahayag mula sa akdang tinalakay. Napiling pahayag mula sa akda Dayalogo batay sa pahayagARALIN 2: Timawa Anu-ano ang mga tiyak na matututunan mo? 1. Napipili ang mga salitang higit sa isang kahulugan 2. Natutukoy ang bisa ng akda sa sarili/lipunan 3. Nasusuri ang nobela batay sa teoryang eksistensyalismo 4. Nasasabi ang epekto ng akda sa mambabasa 5. Nakasusulat ng isang talatang nagsasalaysay 18

 Mga Gawain sa Pagkatuto1. Alamin mo… Panuto: Itala mo ang mga kadahilanan o sanhi ng tinutukoy na salita sa dayagram. Sanhi/Kadahilanan Kahirapan 1. 2. 3. 4. Nasagutan mo ba ang gawain? Kayang-kaya mo hindi ba? Iwasto mo na ang mgasagot mo.2. Basahin mo… Sa babasahin mong isang kabanata ng nobela, tiyak kong marami kangmatututunan na makatutulong upang lumawak ang iyong kaalaman. Ngayon, babasa ka ng isang nobela na sa palagay ko ay maiibigan mo. Unawain moitong mabuti sapagkat ang mga susunod na gawain ay batay sa iyong babasahin. Simulan mo na. TIMAWA (Kabanata 1) Ni Agustin Fabian Sabado noon at mag-iika-pito ng gabi. Si Andres Talon, na isang mahirap na estudyante, aykasalukuyang naghuhugas ng mga pinggang kinanan sa ladies dormitory, sa isang unibersidad saAmerika. Ito lamang ang paraan upang makapagtuloy siya ng pag-aaral sa kolehiyo ng medisina.Nakatali sa kanyang baywang ang isang tapi at nakalilis ang mga manggas ng kanyang kamisadentro. 19

Nangingintab sa pawis ang kanyang kayumangging mukha. Ang bula sa sabong nakabalot sakanyang mga matipunong bisig ay umabot sa siko. At isinalaysay ni Andres na, wika nga, ay palagay ang loob niya sa kusina. Labing-anim nataon siya nang mamatay ang kanyang ama at lubusang maulila. Katatapos lamang niya ngintermedya. May kamag-anak naman siyang isang kusinero sa isang bapor na nagyayao’t dito saAmerika at sa Pilipinas. Sumama siya. “At anim na buwang singkad akong tagapagmasahe ng mga pinggan, kubyertos, at mga lutuansa bapor. Kaya hindi kayo dapat magtaka na ako’y eksperto sa mga gawaing iyan”, tapos ni Andres. “Usisera ka rin lamang, Alice”, ang biro naman ni Bill, “ang mabuti, itanong mo kay Andreskung anu-ano ang naging karanasan niya dito sa Amerika.” “Sige nga,” sang-ayon kapagdaka ni Alice. “Linggo rin lamang bukas. Hindi baleng tayo’ymapuyat.” “Alam niyo”, ani Andres na nagpapahid na ng kamay, “ako ay may pagkahampaslupa.” “Teka, teka”, hadlang ni Bill. “Ilalabas ko muna itong basura. Ibig kong marinig uli iyan.” Nang bumalik si Bill ay nakaupo na si Alice at Andres. Bumatak siya ng isang silya atnakiumpok sa dalawa. “Ngayon, simulan mo na”, sabi ni Bill na humilig mabuti sa kaniyang upuan. “Saan ninyo ako gustong magsimula?” “Nang dumating ka dito sa Amerika”, tugon ni Alice. Sa San Francisco bumaba si Andres at ang paghuhugas ng pinggan ang unang naginghanapbuhay. Naging manggagawa sa iba’t ibang bayan ng California. Namitas ng mansanas saOregon at Washington. Dalanghita sa Florida. Lalo na raw siyang umitim sa taniman ng kamatis,letsugas, repolyo, at iba pang gulay. Naging serbidor sa mga restawran. Naging utusan. Naglingkodsa salmunan sa Alaska. Nagpatag ng bato sa daang-tren sa Nevada. “Alin sa mga karanasan mo ang bumago sa takbo ng iyong buhay?” tanong ng dalagangAmerikano. Hindi kaagad tumugon si Andres. Tila tinitimbang niya sa marami niyang karanasan angpinakatampok. Ang totoo ay nag-aalangan si Andres na sariwain pa ang malungkot na bahagi ngkanyang buhay. “Halimbawa”, untag ni Alice, “bakit mo naisipan ang mag-aral? Bakit mo iniwan angpaglalagalag?” 20

“Hindi nangyari sa Amerika ang karanasang bumago sa takbo ng aking buhay,” sa wakas aysinabi ni Andres. “Doon sa amin sa Pilipinas nangyari ito.” “Paano?” sabat ni Bill. “Magsasaka ang aking ama. May isang kaugalian sa amin”, patuloy ni Andres. “Kung pista ngbayan, ang lahat ng magsasaka ay pumaparoon sa malaking bahay ng may-ari ng lupa at tumutulongsa karaniwang malaking handaan doon. Nagsisipagsaing, nagsisibak ng panggatong. Nagpapatay ngmanok, baboy, kambing, at baka. Sabihin pa, ang lahat ng tumulong ay doon kakain. “At isang pista nga ay isinama ako ng aking ama upang tumulong sa may-ari ng lupang amingsinasaka. May labintatlong gulang ako. Nang nagkakainan na ang mga nanunulungan ay dumatingang donyang asawa ng aming kasama, at pinagmumura ang mga nagsisikain. Hindi pa raw natataposkumain ang mga panauhin sa itaas ay inuuna na raw ang aming mga bituka. Lubha raw kaming mgatimawa. “Hindi ko agad naunawaan ang aking narinig,” patuloy ni Andres. “Noong papauwi nalamang kami at sabihin sa akin ni Amang ang kaniyang pagdaramdam, noon ko lamang lubos nanaunawaan ang kahulugan ng salitang timawa. Sinabi sa akin ni Ama na pagbutihin ko ang aking pag-aaral upang wag kong sapitin angkaapihang ganoon. Kung ako raw ay lalaking magsasaka at hindi akin ang sasakahing lupa, ayganoon din ang aking kapalaran. Aalimurain ng mayaman. Ang isang timawa, ay higit na pangitkaysa gutom. Ang timawa raw ay kahalintulad ng isang aso. Sagpang nang sagpang. Huwag dawakong mag-aksaya ng panahon. Gagawin niyang lahat ang kanyang makakaya upang ako matuto.” “Kay buti ng iyong ama”, ani Alice. “Halos ang gabi ay ginagawa niyang araw,” dugtong pa ni Andres. “Ibig niyang makaipon.Ang adhika niya ay maging isang manggagamot ako.” Huminto muna si Andres sa kaniyang pagsasalaysay. Nakatingin siya sa malayo na waringnakikitang muli ang kanyang ama. At pagkatapos ng ilang sandali ay napatuloy na naman sapagsasalita. “At nang ako ay nakatapos sa intermedya ay gayon na lamang ang galak niya. Ngunit anghumalili sa kagalakang iyan ay malagim na kalungkutan. Si ama’y inabutan ng ulan sa tanghalingsiya ay nagbubungkal ng lupa. Nagkasakit siya. Pulmunya. At . . . at . . . namatay.” Dinampi ni Alice ang kaniyang mata ng hawak niyang panyolito. Tumindig si Bill. Lumapitkay Andres at pinisil ang balikat ng kaibigang Pilipino. “Maupo ka, Bill”, sabi ni Andres. “Hindi pa ako natatapos.” Naupong muli si Bill, at muling nagsimula si Andres. 21

“Naubos na lahat ,” aniya, “ang kaunting naiipon ni Ama. Ulila na akong lubos ay wala pa niisang sentimo. Subalit isinumpa ko sa aking sarili, sa harap ng bangkay ng aking ama, na ako ay pilitna mag-aaral, at ako ay magiging manggagamot. Hahanapin kong pilit ang tagumpay na siyangadhika niyang maging akin.” Maluwat ring walang umimik matapos ang pagsasalaysay ni Andres. Nadama ni Bill at niAlice ang malaking kalungkutan ni Andres. Sa wakas ay nagsalita si Alice. “Nauunawaan kita ngayon,” paikli ni Bill. “Bakit? Ako ba ay naging isang hiwaga sa inyo? Tanong ni Andres at wala na sa kanyangtinig ang pagdaramdam at kalungkutan. “Oo, isang hiwaga ka sa akin,” tugon ni Alice. “Alam kong ikaw ay isang mabuting tao.Masipag ka. Matalino. Magalang. Nguni’t tila ayaw mong makihalubilo sa iba. Tila ayaw mong ikaway maabala. Ibinubukod mo ang iyong sarili. Tila may lihim kang lakad at ang lahat ng nasa paligidmo’y makaaabala sa iyo.” “Napapansin ko nga ,” tudyo na naman ni Bill, “na maluwat mo nang sinusubaybayan siAndy.” “Ano ang masama riyan?” tanong ng dalaga. “Maluwat na nating kasama si Andy. Wari aymalayo siya. Gayung kay lapit ay kay layo. Mayroon ba namin gayung araw-araw aynagkakabungguan-balikat ay di mo matawag na kapalagayang-loob?” “Lumalabas pa yatang malaking tao ako?” tanong ng Pilipino. “O kaya’y dungo naman,” sundot ni Bill. “Hindi malaking tao o dungo ang ibig kong sabihin,” paliwanang ni Alice. “May anyo siAndy na nag-uudyok sa nagmamalas na mataho kung ano siya, pinipigil ang nagmamalas na iyannaman ng isang hindi maunawang kilos ni Andy. Tila hindi mahalaga kay Andy ang magkaroon ngmaraming kapalagayang-loob.” “Pinalalaki mo ang loob ko, Alice,” dampot ni Andres. “Diyata’t ako ang pinag-aaksayahanmo ng kuru-kuro?” “Hindi biro. Lagi kong naitatanong sa aking sarili kung bakit ibinubukod mo ang iyong sarilisa karamihan.” “Ang karanasan ang nagturo sa akin niyan. Ang madalas na mauntog ay natututong yumuko.” “Naku, lumalalim ang salitaan at hindi bumababaw,” hadlang ni Bill. “Ang totoo, Andy, ayito: walang alinlangan mararating mo ang iyong patutunguhan. Ngunit mag-aliw-aliw ka naman.Mag-iibayo ang sigla mo kung sanda-sandali man lamang ay ilalayo mo ang iyong ilong sa iyonglibro. Maaari ba namang ang isang malusog na gaya mo ay ay hindi maaakit ng mga dalaga? Hayansi Alice . . . ‘yang gandang ‘yan . . .” 22

“Bakit ba si Alice ang binubuwisit mo?” hadlang ni Andres. “Kahit na sa biruan ay mayhangganan.” “Tigilan mo na si Andy,” pakli ng dalaga. “At huwag mo naman akong pag-ukulan. Ano angmalay mo kung si Andy mayroon nang itinatago,” at tumawa si Alice. “May itinatago si Andy?” pamanghang sabi ni Bill. “Walang maitatago sa akin iyan. Iyan angtinatawag na nauuhaw at ayaw makikiinom.” “At kung tanggihan ang nakikiinom?” tanong ni Andres. “Natatakot kang tanggihan kung ganoon. E, paano malalaman kung tatanggihan ka o kunghindi?” nakatawang tanong ni Alice. Tumindig na bigla si Andres. “Hatinggabi na, Bill”, aniya. “Mapupuyat na lubha si Alice. “Hayan ang sinasabi ko,” pakutyang pakli ni Bill,”ang magaling na kaibigan kong Pilipino aytakbuhin. Ngayon pa lamang sumasarap ang usapan,” tudyo niya, “ay saka pa tatalilis. Tayo na.Walang mangyayari sa akin kung ang manok ko ay takbuhin.” Naunang lumabas si Bill. Nagsuot si Andres ng kanyang amerikana at sumunod sa kaibigan.Inihatid siya ni Alice hanggang sa pintuang may kadiliman noon dahil sa bahagya nang abutin ngliwanag ng ilaw. “Aalis na kami, Alice. At maraming salamat sa iyong kagandahang-loob,” paalam ni Andres.“Hindi pangkaraniwang gabi ito sa gabi. Naramdaman na lamang ni Andres ang halik ni Alice sa kanyang pisngi . . . Nasiyahan ka ba sa iyong binasa? Naramdaman mo ba ang emosyong ipinadama ngmga tauhan ng akda? Kung binasa at inuunawa mong mabuti ang nobela, masasagutan mo ang mgagawaing inihanda ko para sa iyo. Unawain mong mabuti ang bawat panuto sa mga gawain. Huwagkang mag-alala, madali lang ito. Ang unang gawain ay pagpapaliwanag sa mga salitang may higit sa isang salitangkahulugan. 23

3. Linangin mo… a. Pagsusuring Panlinggwistika Panuto: Isulat mo sa hanay ang kahulugan ng mga salitang mula sa akda. Gamitin mo ang iyong sagutang papel. (1) TIMAWA _____________________ ______________________ ______________________ (2) HAMPASLUPA PAGLALAGALAG(3) ___________________ ____________________ ___________________ ____________________ ___________________ ____________________Mga Pagpipilian: mahirap naglibot saan-saan nagpunta patay-gutom walang hanapbuhay palabuy-laboy nakipagsapalaran istambay walang makain Naibigan mo ba ang iyong binasa? Tiyak na mawiwili kang isagawa ang mga gawain.Batay ang mga ito sa iyong nabasa. Handa ka na bang gawin ang susunod na gawain? Pagbutihin mo! b. Pagsusuring Pangnilalaman Panuto: Tukuyin mo kung ang bisa ng akda ay sa sarili o sa lipunan batay sa pahayag. Isulat mo ang S kung ang bisa ay sa sarili at L kung ang bisa ay sa lipunan.____ 1. Hindi nangyari sa Amerika ang karanasang bumago sa takbo ng buhay ni Andres kundi dito sa Pilipinas.____ 2. Mag-aral kang mabuti para huwag mong sapitin ang ganoon at tawagin kang timawa.____ 3. Halos ang gabi ay ginagawang araw ng ama ni Andres. Ibig niyang makaipon at maging manggagamot ang anak. 24


Like this book? You can publish your book online for free in a few minutes!
Create your own flipbook