Piling Pahayag Kaugnay na kaisipan Paliwanag mula sa akda1.Nagtatawanan at Nahahalatang ang Itinago nila sa pamamagitan ngnagbibiruan sila katuwaan ay pilit. pagdaraos ng piging ang pang-2. Wala, wala akong Sinabi ko na kanina, iyan uyam nila sa pasya sanalalaman. Ako’y ay kaululan Akademya ng wikang Kastilawalang pakialam Patuloy na inililigtas ni Juanito ang sarili3. Walang inihahasik sa Parang mga bilanggo ng Hindi ibinibigay sa mgaamin kundi mga gobyerno na salat na salat Pilipinoa ng lahat ngkaisipang luma, mga pangangailangan nito.bisyong simulaing sa pagkain.kasalungat ngpagkakasulong4. Isang tunay na Kailanma’y kinalulugdan Iginagalang ni isagani si Padrekagalang-galang, siyang ko ang mga binatang Fernandez. Hinahangaanitinangi kailanma’t nagpapahayag nginaalimura ang mga maliwanag at may naman ni Padre Fernandez siprayle. kanyang sariling Isagani5. Ang anumang salita Ituring ninyo ako bilang Ipinaalam ni Isagani na pinag-na hindi ka sang-ayon isang prayle at kayo ang uusig ang sinumang magsabing niloloob ng laban sa mga prayle pero itongmakapangyayari ay estudyante Padre Fernandez ay hinayaanipinalalagay na niyang magsalita si Isagani.pilibustero.5. Gamitin mo… 1. b 2. b 3. b 6. Sulatin mo… Nobyembre 20, 2004 G. Pedro dela Cruz Punong Barangay Barangay 114, Sona 18 Maynila
G. Pedro dela Cruz: Kapansin-pansin na madilim sa kalye at marami na ang nababalitangnahoholdap at nalalagay sa peligro ang buhay sa lugar na ito. Hinihiling po naming na malagyan ng ilaw ang naturang pook atmagtalaga ng mga tanod na magbabantay sa pook na yaon. Sana po, ang ikabubuti ng mga tagaroon ang unahin ninyo, sa halip nabigyang-pansin ang nauukol sa pampapaganda ng iyong tanggapan. Panglimangliham na po namin ito at sana panindigan ninyo ang mga ipinangako ninyo saamin. Lubos na sumasaiyo, Melchor Suarez7. Lagumin mo… Manindigan ka kung tama ang iyong ginagawa, sapagkat ito angmagiging gabay mo sa buhay, upang magkaroon ka ng magandangkinabukasan.8. Subukin mo… 6. c 7. b 1. b 8. a 2. a 9. a 3. a 10. e 4. c 5. d9. Paunlarin mo… Marangal ang isang taong may paninidigan sapagkatmaipaglalaban niya ang matuwid na katwiran Aralin 3 – Mga Huling SandaliB. Mga Gawain sa Pagkatuto 1. Alamin mo…
1H ULI2U LEYSIS3L ES LOCHES DE CORNEVILLE4I SAGANI5N6G ANID 7S SIMOUN 8A PYAN 9N10 D ON CUSTODIO11 A LPERES12 L OS BANOS13 I MUTHIS 3. Linangin mo… a. Pagsusuring Panlinggwistikapag-uwi pagtatapos ng gawain HULING SANDALIpagkapanalo kamatayan pagkikita d. Pagsusuring Pampanitikan
Pahayag mula sa akda Mga Piling Pagiging Makabuluhan Hamon sa salitang ginamit ng pahayag Pag-iisip1. Sa mga bahay aynagsisispagrosaryo ang mga May loob Sa pananalig sa Manalig samay loob sa Diyos at Sa Diyos Diyos nananangan kapangyarihannagpapatungkol ng Kaluluwamahahabang requiem sa Ng mga ang tao ng Diyosmga kaluluwa ng mga Kamag-anakkamag-anak nila’t kaibigan2. Kinuha ni Padre Irene Bulsa at Nakilala kung Hindi dapatang pera at sinabing bulsa at budhi anong uri ng tao masilaw sabudhi ang managot ang managot si Padre Irene. salapi Hindi dapat suhulan ang Diyos.3. Nakasuot ng prak, nakasuot ng Hindi dapat gamitin Magingnakaumbok ang pisngi dahil prak ang lakas o taimtim angsa nginunguyang hitso, dala nakaumbok ang pananalig saang sasabunging manok. pisngi pormal impluwensya sa Diyos.Ang sakristan mayor na na pormal kamatayan.kalahok sa umpukan, pormal tango ng ulona pormal na nagpapatotoosa pamamagitan ng tango ngulo at iniisip na pagkamatayniya.d. Halagang Pangkatauhan 1. a 2. c 3. a4. Palalimin mo… Halimbawa Dapat na maging matalino sa pagpapasya sapagkat dito nakasalalay ang iyongtagumpay kaya mag-isip at pag-aralang mabuti ang sitwasyon upang hindi magkamali. Kapag ang tao ay hindi naging matalino sa pagpapasya siya ay maaaring magsisi sabanding huli kaya mag-isip nang makailang ulit upang hindi magkamali.5. Gamitin mo… / 6. / 1. X 7. / 2. / 8. / 3.
X 4. X 9.X 5. / 10.6. Sulatin mo… KATANGGAP-TANGGAP Hindi KATANGGAP-TANGGAPMaging matalino sa pagpapasya Maniwala sa mga sabi-sabiNasa Diyos ang awa, nasa tao ang gawa. Magpatiwakal kapag nagkamaliMag-ingat sa mga balitang walang batayan Pagbigyan ang kaibigan kahit ito ayPaghandaan ang kamatayan makasasama. Iasa sa Diyos ang lahat Laging makinig sa sinasabi ng matanda kahit mali. Walang maling paraan ng pananampalataya.7. Lagumin mo…1. Oo 6. Oo2. Oo 7. Oo3 . Hindi 8. Oo4. Oo 9. Oo .5. Oo 10. Oo8. Subukin mo… 1. C 6. D 2. C 7.] E 3. A 8.] 4. A 9.] A 5. C 10.] B9. Paunlarin mo… Halimbawa…. Anumang gagawin, isiping mabuti nang hindi mabigo at hindi magsisi.VIII. Gaano Ka Kahusay ?1. B 3. D 5. C 7. A 9. A2. B 4. A 6. B 8. C 10. E
Modyul 18 Pagsusuri sa Akda Batay sa Pagkapanitikan Nito Tungkol Saan ang Modyul na Ito? Natutuwa ako at maluwalhati mong natapos ang dalawang unang modyul ng ElFilibusterismo. Siguro naman, sa pagkakataong ito, kilala mo na ang mga tauhan ngnobelang ito, ang kanilang ugali, paniniwala at paninindigan sa buhay, na siya ringpananaw, panimula at paninindigan ng ating pambansang bayaning si Dr. Jose Rizal,pati na ang inaasam niya para sa bayan. Ngayon naman, dadako ka na sa ikatlong modyul. May mga panibagong gawainat pagsasanay na inihanda upang matulungan kang maipagpatuloy mo ang pag-aaralsa nobelang ito sapagkat sa modyul na ito, ibayong pagsusuri ang gagawin mo upangganap mong maunawaan ang lalim ng nilalaman nito at nang makapagbigay ka ngreaksyon sa pagkapanitikan ng akda, paggamit ng mga makatotohanang tauhan atpaglalahad ng mga kaalamang dapat mong matutuhan. Kalakip ng modyul na ito ang pagtalakay sa kabanata XXI- Mga Ayos Maynila,kabanata XXII- Ang Palabas, kabanata XXIII- Isang Bangkay at Kabanata XXIV-Mga Pangarap na may pamagat na “Sa Lahat ng Kaganapan, kabanata XXV-Tawanan at Iyakan, Kabanata XXVI- Mga Paskil, at kabanata XXVII- Ang Prayle atang Estudyante na may pamagat na “ Laban sa Makapangyarihan,” kabanata XXVIII-Pagkatakot, kabanata XXIX- Mga Huling Salita Ukol Kay Kapitan Tiyago atkabanata XXX- Si Huli na may pamagat na “ Mga Huling Sandali.” Pati angpagsusuring panglinggwistika, pagsusuring pangnilalaman at pagsusuringpampanitikan ay makatutulong nang malaki sa lalo pang pag-unawa mo sa mgakabanatang ito at maugnay mo sa kasalukuyang kaganapan maging sa iyongkaranasan, kaya tulad ng dati, pagbutihin mo. Ano ang Matututunan mo? Masusuri ang akda batay sa mga tiyak na katangian nito.
Paano mo gagamitin ang modyul naito? Napakahalaga ng modyul na ito kaya pag-ingatan mo. Marami pa anggagamit nito kaya huwag mo itong dudumihan. Gumamit ka ng ibang papel sapagsagot. Ang modyul na ito ay sadyang inihanda para sa iyong pagkatuto kayasundin mo ang mga sumusunod na tagubilin.1. Una, susukatin muna ng modyul na ito ang iyong kaalaman tungkol sa aralin kaya ayusin mo ang pagsagot sa panimulang pagsusulit sa bahaging “Ano ba ang Alam mo?”2. Iwasto mo ang iyong mga sagot. Kunin mo sa iyong guro ang susi sa pagwawasto. Kung mababa man ang iyong iskor, huwag kang mabahala. Tutulungan ka ng modyul na ito.3. Unawain mong mabuti ang mga buod ng kabanata ng El Filibusterismo. Pagkatapos, gawin mo ang mga kasunod na gawain.4. Sagutin mo ang pangwakas na gawain upang malaman mo kung gaano ka na nga kahusay.5. Tulad ng dati, iwasto mo ang iyong sagot. Gamitin mo ang susi sa pagwawasto na nasa iyong guro. Ano ba ang Alam Mo? Ang susunod na gawain ay panimulang pagsusulit na susukatin ang lawakng inyong kaalaman hinggil sa paksa, kaya basahin mo itong mabuti at sundin angpanuto.Panuto: Piliin ang titik ng wastong sagot.1. Patuloy ang walang patumanggang kagalitan at babagan ng mga tao sa harap ngtakilya. Ang babagan ay nangangahulugang ________________.a. awayan c. kaguluhanb. sigawan d. siksikan2. Talagang makapal na ang tao na parang halong kalamay. Ang parang halongkalamay ay nangangahulugang _____________.a nagsisiksikan c. nagwawalab. nagkakasakitan d. nagkakagulo3. Pinangangalandakan ni Ben-zayb na masama ang pagtuturo sa kabataan saPilipinas. Ang pinangangalandakan ay nangangahulugang __________.a. ikinakalat c. ipinagyayabangb. ipinamamalita d. ipinagmamalaki 2
4-5. Alin ang totoo ayon sa binasa? a. Nakikigulo si Camaroncocido sa dulaan. b. Itatayo na ang Akademya ng Wikang Kastila c. Nanood din si Basilio nang gabing yaon. d. Nagdaos ng piging ang mga estudyanteng nanood sa loob ng teatro. 6-7. Hindi nakarating si Basilio dahil sa ________. a. wala siyang hilig sa palabas b. kailangang magrepaso siya c. hindi siya pinayagan ni Kapitan Tiyago d. naaalaala niya si Huli e. maysakit si Kapitan Tiyago 8. Ang pagkibit ng balikat ni Camaroncocido ay nagpapahiwatig ng __________. a. walang kaalaman sa paligid b. walang pakialam sa nagaganap c. hindi alam ang gagawin d. hindi alam ang mangyayari 9. Alin kaya ang makatulong upang pagkaguluhan ang pagtatanghal sa dulaang Variadades? a. Ipinagbawal ng prayle ang pagtatanghal b. Manonood din ang Kapitan Heneral c. Dahil sa mga mananayaw sa Pranses d. Mura lamang ang ticket nito. 10. Alin ang maaaring ibunga ng pagwawalambahala sa mga kaganapan sa paligid? a. makaiiwas sa kaguluhan b. walang maitutulong c. magpapalala sa sitwasyon d. magkakaroon ng kapayapaan Nahirapan ka ba sa pagsagot? Hingin mo sa iyong guro ang susi sa pagwasto nang malaman mo kung tama o mali ang sagot mo.I. Aralin 1: Sa Lahat Ng Kaganapan A.Anu-ano ang mga Tiyak na Matututunan Mo? Matapos mapag-aralan ang kabanata XXI hanggang kabanata XXIV, inaasahang matatamo ang mga susunod na kasanayan; 3
1. Napipili ang mga salitang magkakaugnay ang mga kahulugan 2. Naipahahayag ang bisa ng akda sa lipunang ginagalawan 3. Nasusuri ang nais sabihin ng akda sa bumabasa 4. Nailalahad ang kahalagahan ng pakikisangkot sa mga kasalukuyang kaganapan sa bansa 5. Naisusulat ang talatang nagpapaliwanag hinggil sa kaisipan ng akda B. Mga Gawain sa Pagkatuto.1. Alamin Mo… Panuto: Isulat mo ang kaugnay na salita ng salitang PANGARAP. Piliin mo sa loob ng kahon ang mga salita.____________ Pangarap _______________________ ____________ ______________Mga pamimilian;inaasahan naishangarin pananawpanaginip patutunguhantinatanaw ibig Di ba madali lang? Tingnan mo kung tama ang iyong sagot. Hinginmo sa iyong guro ang susi sa pagwawasto. Tingnan natin, kung ano ang kaugnayan ng mga salitang iyan sababasahin mo. 4
2. Basahin mo… Ngayon, palalawakin mo ang iyong kaalaman sa El Filibusterismo. Babasahin mo ang buod ng kabanata XXI at kabanata XXII. Marami pang kaisipan ni Dr. Jose Rizal ang matutunan mo. Basta, unawain mo lamang ang mga ito. Sa Lahat ng Kaganapan Ang samahan ng opereta ng Pranses na si Mr. Jouy ng Les Cloches de Corneville ay magdaraos ng pagtatanghal sa Dulaang Variadades nang gabing yaon. Ikapito at kalapati pa lamang ng gabi ay wala nang mabiling ticket kaya ang mga tao sa labas ng tanghalan ay nagkakagulo sa haba ng pila at kabilang dito si Padre Salvi. Kahit na nagkaroon ng kagalitan at babagan sa takilya ay wala pa ring ticket ngunit nang mag-ikawalo na, lumaki ang halaga ng mga upuan. Lampas na sa oras ay di pa nagsisimula ang palabas dahil wala pa ang Kapitan Heneral. Talagang makapal na ang tao na parang hinalong kalamay, may nagtatawanan may nagbabatian, may nagbibiruan, at may mga sumisigaw na: Sa labas ng dulaan, may isang lalaking waring naiiba, na tila hindi kahalo sa mga nagnanais na makapasok sa dulaan. Siya ay tinatawag na Camaroncocido (Hipong halabos). Siya ay lalaking payat, marahan kung lumakad at kinakaladkad ang isang paang naninigas, ngunit mukhang taga- Europeo, anyong pulubi at walang nakaaalam kung saan siya kumakain o matutulog kaya ang buhay niya ay isang hiwaga bagamat ayon sa sabi ,siya ay tagapagbalita. Samantala, lumapit sa kanya si Tio Kiko na sinasabing kabaligtaran ni,Camaroncocido. Siya’y maliit, maayos manamit bagamat maluwag at nakapantalon hanggang tuhod. Gaya ng kanyang kaibigan, siya ay nabubuhay rin sa paglalathala, nagbabalita ng mga palabas at nagdidikit ng mga kartel ng mga dulaan. Bukod-tangi siyang Pilipino na nakapagsusuot ng chistera at levita na di ginagambala tulad ng kanyang kaibigan na siyang kastilang humahamak sa karangalan ng lahi. “Anim na piso ang upa ng mga Pranses kay Tio Kiko pero sa mga prayle, magkano naman ang bigay nila? tanong ni Camaroncocido, sabay kibit balikat. Samantala, sa palabas naman, nahati ang Maynila sa dalawang pangkat, ang mga nagsisitutol dito bilang masagwa at laban sa moralidad, tulad ni Don Custodio at ng mga prayle, mga babaeng may-asawa at may kasintahan. Mayroon din namang nagtatanggol dito tulad ng mga pinuno ng hukbo, mga marino, mga kawani at maraming matataas na tao. 5
Ayon kay Camaroncocido, ang kalahati ng mga nagsipasok sa teatro aynanood dahil sinabi ng mga prayle na huwag manood at ang kalahati ay nag-akalang may itinuturo ang nasabing palabas dahil ipinagbawal ito ng mgaprayle. Sa pag-alis ni Tio Kiko, may napansin si Camaroncocido na mga taongtila di sanay mag-amerikana at waring ayaw mapuna. Inakala niyang ang mgaito ay sekreta o magnanakaw pero may mga lalaking lumapit dito pati na siSimoun na nasa loob ng karuwahe at narinig niya ang sinabing “ang hudyat ayisang putok,” ngunit ang mga ito ay pinagkibit-balikat lamang niCamaroncocido. Sa isang banda naman ay naroon si Tadeo na kasama ang isangprobinsyano na napaniwala niya sa kanyang mga kasinungalingan. Iniwanniya lamang ito nang dumating si Makaraeg at isinama siya sa loob ngtanghalan dahil may sobrang ticket na dapat ay kay Basilio na hindi sumamanang gabing yaon. Sa loob ng dulaan ay patuloy na nagkakagulo ang mga tao. May isanglalaking ayaw iwan ang upuang nakalaan kay Don Primitibo at wala ringnagawa ang tagapamahala sapagkat iyon ay mataas na tao sa pamahalaan. Sa wakas, dumating din ang kapitan Heneral at itinugtog ang marcha real.Ang mga estudyante ay nakaupo malapit sa kinauupuan ni Pepay na siyangnakipagtipan kay Don Custodio. Masasaya ang mga estudyante maliban kayIsagani na nakadarama ng galit, panibugho, pagkakaapi, at pagdaramdamdahil nakita niya nang kausapin ni Paulita si Juanito Pelaez nang pumasoksiya sa dulaan. Nagsimula ang palabas. Isang pransesa ang umawit na panay ang salin niTadeo sa kastila ng mga salitang Pranses at gayundin ang ginawa ni Juanitokina Paulita at Donya Victorina. Samantala, nakikipagtinginan nangmakahulugan si Makaraig kay Pepay. Sapagkat may masayang mukha angmananayaw, umaasa ang mga estudyanteng magtatagumpay sila habang siDon Custodio ay nag-iisip ng mga panukala habang nanonood. Si Sandovalnaman ay nagkunwaring magaling sa Pranses ay naging tagasalin ng kanyangmga kaibigan. Samantala, naroon din si Padre Irene na nautusan ni Padre Salvina magmanman para sa simbahan. Nakilala siya ni Tadeo sa kabila ng huwadna bigote nito at malaking ilong nang ito ay nginitian ni Serpolette,angmagandang dalagang mang-aawit. Samantala, patuloy si Tadeo sa kanyang pagkukunwari, gayon din siJuanito na kapag tumawa ang mga tao’y nakikitawa rin at dahil napaniwalaniya si Donya Victorina, labis itong humanga sa kanya lalo na nang di niyapinatulan si Don Custodio nang sabihan siyang tisiko dahil kasama raw niyaang magtiya pero ang totoo, takot si Juanito sa don. Naninibugho naman si 6
Paulita dahil sa inaakala niyang naaaliw si Isagani sa mga mananayaw naPranses. Nang matapos ang unang bahagi ng palabas, marami ang nagbigay ngsariling haka-haka tungkol sa mga artista. May nagsabing mahuhusay angmga ito subalit ayon kay Ben-Zayb, wala ni isa man sa kanila ang tunay naartista at hindi pa sila dapat hangaan. Paraan ito ng mamamahayag upang lalopa siyang maging tanyag na manunuligsa. Sa pagkakataon ding ito napansinang isang bakanteng palkon na ayon sa balita, iyon ay nakalaan kay Simounna hindi nanood sa palabas na yaon. Habang nag-uusap ang mga estudyante, dumating si Makaraig na hawakang kalatas galing kay Don Custodio na nagsasabing pinagtibay na angkanilang kahilingan ngunit dadaan pa rin ito sa korporasyon. Muling nag-usapang mga estudyante at nagplano ng piging. Nang mag-iikawalo ng gabi, nakitani Makaraig si Simoun sa kalye Ospital na malapit sa kumbento ng Sta. Claranang tumugtog ang agunyas. Nang mag-iikasiyam naman ay nakita siya niCamaroncocido sa may dulaan na kausap ang isang anyong mag-aaral, “Anoang mawawala sa akin? Ano ang mapapala ko sa pagmamalasakit sa mgamamamayan?” Iyon ang ulit ni Camaroncocido. Ayon kay Makaraig, abala si Basilio sa pag-aaral at pag-aalaga kayKapitan Tiyago. Lalo raw hirap ito sa matanda lalo na kapag mainit ang ulonito. Siya’y inaalimura dahil sa nais ng matandang dagdagan pa ni Basilio angpaghithit ng apyan. Tinitiis ito ng binata para na rin sa ikabubuti ng matandana tinatanawan niya ng utang na loob. Kapag naman naliliwanagan naman ngpag-iisip ang matanda, Magiging masaya ito at tinatawag siyang anak. Angpinagtataka ni Basilio’y bakit madalas na ito’y mahimbing matulog na wari’ymarami itong apyan nahithit gayong ang tanging dumadalaw rito ay sinaSimoun at Padre Irene. Nang gabing yaon, dumating si Simoun . Kinamusta ang maysakit.Binalita ni Basilio na mahinang-mahina ang tibok ng puso nito. Nasa gayonsilang pag-uusap nang tinugtog ang ikasampu at kalahati ng gabi. Nagitla siSimoun at nagsabing “Hindi ninyo binabasa ang aklat na pinadala ko sa inyo.Wala kang malasakit sa bayan!.” Nagtangkang tumutol si Basilio ngunit sinansala siya ng mag-aalalahas.Ayon kay Simoun sa loob ng isang oras ay magsisimula na ang himagsikan sapamamagitan ng hudyat niya at kinabukasan, wala nang aral-aral, wala nangunibersidad, wala nang makikita kundi patayan. “Nakatitiyak ako ngtagumpay.” sabi pa niya. Pinagpasya ng mag-aalahas ang binata sapagkatayon sa kanya, nasa kamay niya ang kalooban ng himagsikang magwawasaksa pintuan ng Sta. Clara at si Basilio ang namumunong kukuha kay MariaClara. 7
“Ay! Huli na kayo! pahimutok na sabi ni Basilio sapagkat noong ikaanim ng hapon ay namatay na si Maria Clara. Hindi makapaniwala ang mag-aalahas kaya ipinakita ni Basilio ang liham ni Padre Irene tungkol sa nangyari kay Maria Clara. Litung-litong patakbong umalis si Simoun at nawala na sa isip ni Basilio ang pag-aaral. Kinabukasan, mag-uusap sina Isagani at Paulita Gomez sa Luneta at nang unti-unti nang lumalalim ang gabi, dumating ang dalaga na kaagad ngumiti nang siya ay makita na nagpapasaya sa paligid ni Isagani. Kaagad namang lumapit sa kanya si Donya Victorina upang itanong ang asawang si Don Tiburcio na alam ni Isaganing nasa bahay ng kanyang amaing si Padre lorentino. Ayon sa kanya, hindi siya makapaghihintay ng sampung oras kaya nabuo sa isipan ni Isagani na may balak pa itong mag-asawa na kaagad sinabi ni Donya Victoriana na “Ano ba ang tingin mo kay Juanito Pelaez?!! Sa pag-uusapan naman ng magkasintahan, sa halip na si Paulita ang hingan ng paliwanag ni Isagani, si Paulita ang humingi ng paliwanag kay Isagani tungkol sa nagdaang gabi. Ayon kay Paulita, si Donya Victorina ang tanging may nais na magpunta sila sa dulaan dahil kay Juanito Pelaez. Nagkapalitan sila ng mga pananaw sa kinabukasan. Nais ni Isaganing manirahan sa nayon na hindi magtatagal ang buong kapuluan ay malalatagan ng daang-bakal. Ang Look ng Maynila at ang Ilog Pasig ay mapupuno ng mga sasakyan ng pangangalakal, uunlad ang bansa at matutulad ang Pilipinas sa Inglatera. Ang mga pangarap na ito ay mananatiling pangarap lamang ayon kay Paulita sapagkat sinabi ni Donya Victorina, ‘mananatiling busabos ang bansang ito.’ Naunawaan mo ba ang iyong binasa? kung gayon, sagutin mo ang mga sumusunod na gawain.3. Linangin mo… a. Pagsusuring Panglinggwistika Panuto: Piliin mo sa loob ng pangungusap ang kaugnay ng salitang may salungguhit. 1. Mainit ang kagalitan at babagan sa dulaang Variadades dahil sa ang lahat ay nagnanais na makapasok sa dulaan. 2. May isang lalaking naiiba ang kilos at hindi kabilang sa mga nagpipilit makapanood. 8
3. May mga pangkat ng manonood na tutol sa palabas sapagkat ito raw ay masagwa at laban sa moralidad. 4. Talagang makapal ang tao sa dulaan, para silang hinalong kalamay . 5. Nagkibit-balikat lamang si Camaroncocido at nagwikang “E, ano sa akin kung may kaguluhang magaganap. Nahirapan ka ba? Tingnan mo kung tama ang iyong sagot. Kunin mo ang susi sa pagwawasto na nasa iyong guro. Ngayon naman, alamin mo ang mahahalagang detalye sa nilalaman ng akda. Handa ka na ba? Sige, simulan mo na.a. Pagsusuring Pangnilalaman Panuto: Ilahad mo ang mga mahahalagang pangyayari sa iyong binasa sa tulong ng mga pangyayaring nakapaloob sa loob ng kahon. Ayusin mo ang mga ito ayon sa pagkakasunud-sunod.Nagbalak ng piging ang mga estudyante Nakilala ni Camaroncocido si Tio Kikomatapos malaman ang pasya ni Don na nabubuhay sa paglathala,Custodio hinggil sa Akademya ng nagbabalita ng mga palabas atWikang Kastila at sila ay umalis sa nagdidikit ng mga kartel.dulaan.Maiingay ang mga manonood dahil sa Nagkakagulo ang mga tao sa labas nghindi pa sinisimulan ang pagtatanghal dulaan habang nagkikibit-balikat lamanggayong lampas na sa takdang oras ng si Camaroncocido sa nangangarap.pagsisimula nito.Nakita ni Camaroncocido ang ilang lalaki Naninibugho si Isagani sa pakikipag-usapna umiiwas na mapuna at may binabalak. ni Paulita kay J. Pelaez at sumama naman ang loob ng dalaga dahil sa panonood ni Isagani sa mananayaw na Pranses. 9
Tulad ni Basilio, di nagtungo si Simoun sa Kinabukasan,magkikita sina Isagani atdulaan. Nagpunta siya sa binta upang muli Paulita Gomez. Napangarap ng binata angitong hikayating sumama sa kanya at doon magagandang bagay para sa kanyangniya na nalamang patay na si Maria Clara. katipan.Sa pagdating nina Paulita Gomez at Donya Umalis si Simoung damang-dama ang labisVictorina, kaagad nitong tinanong kung na pagdaramdam sa balitang natanggapnakita ng binata si Don Tiburcio. mula kay Basilio. Alamin mo kung tama ang sagot. iwasto mo ito sa susi sapagwawasto na nasa iyong guro.c. Pagsusuring Pampanitikan Alamin mo muna ang nasa loob ng kahon bago sagutin ang kasunod nagawain. Ang isang nobelista o may-akda ay may nais sabihin o iparating sa kanyang mambabasa. Ito ay maaaring ang kanyang mensahe, kaisipan o maaaring may isang pangyayaring nais niyang ilantad upang makapukaw ng damdamin o matuligsa upang mabigyan ng agarang solusyon. Ang kabanata ng El Filibusterismo ay totoong nagsasaad ng mga makatotohanang pangyayari sa panahon ng may-akda at kung lalaliman ang pag-aaral dito, malaki ang kaugnayan ng mga pangyayaring yaon sa kasalukuyan.Panuto: Itala sa ibaba ang nais sabihin ng may-akda sa mambabasa batay sa mgasumusunod na dayagram. Piliin sa ibaba ang wastong sagot. 10
Sa Lahat ng KaganapanMamamayan PamahalaanMga Pamimilian 10Maging mapagmasid at makialam Hindi likas sa Pilipino ang pagiging huli sa mga kaganapan Ipakita ang disiplina sa lahat ngMatutong tumanggap ng kabiguan pagkakataonLahat ay nagdurusa dahil sa kahirapanMaging makatarungan Nasa wastong pamamahala ang ikaaayos ng bayan Hinamon ba ang kakayahan mong mag-isip ng nakaraang gawain. Alamin mokung tama ang iyong sagot. Kunin mo ang susi sa pagwawasto sa iyong guro.d. Halagang Pangkatauhan Panuto: Piliin ang titik ng wastong sagot:1. Ang pagiging mulat sa mga nagaganap sa kapaligiran ay nagbubunsod ng _______. a. paggawa ng mabuti para sa bansa. b. pagiging matalino at mapanuri c. pagpuna sa kamalian ng kapwa d. pakikiisa sa mga dayuhan 11
2. Sa panonood sa loob ng teatro, dapat na ________. a. pumalakpak nang malakas b. pahalagahan ang pinanonood c. magpakita ng disiplina d. purihin ang mga artista3. Kung naantala ang pagsisimula ng pagtatanghal, dapat na _________. a. kaagad kausapin ang tagapamahala b. pagsabihan ang mga artista nito c. maging mapagpasensya at maghintay d. umuwi na lamang at huwag nang manood4. Alin sa mga sumusunod ang tamang paraan ng pagtanaw ng utang na loob? a. magpasalamat sa nagawang tulong sa iyo. b. Laging gumawa ng kabutihan c. Gumanti sa mabuting paraan d. lahat ng nabanggit Tapos ka na ba? Kung gayon, kunin mo sa iyong guro ang susi sa pagwawastonang malaman mo kung tama ang iyong sagot.4. Palalimin mo… Panuto: Mula sa iyong binasa, itala mo sa angkop na hanay ang sa palagaymong positibo, kawili-wili at negatibong nakuha mo sa aralin.POSITIBO KAWILI-WILI NEGATIBO 12
Naniwala ka na bang madali ang gawaing ito? Kung ang iyong sagot aymalapit sa susi sa pagwawasto, ito ay katanggap-tanggap.5. Gamitin mo… Panuto: Itala mo ang ugaling katanggap-tanggap at hindi katanggap -tanggapsa kasunod na tsart batay sa kaisipang nangingibabaw sa akda. Piliin sa ibaba ang tamangsagot. Katanggap- tanggap Hindi Katanggap- tanggapMga Pamimilian:Dumating sa tamang oras. Gawin ang nararapat .Magpakita ng disiplina Bulyawan ang nagtatanghalMaging mulat sa mga kaganapan Sigawan ang tagapamahalaMaging mahinahon Magwalang-bahala sa nagaganapMakipag-alitan sa ibang maiingay Huwag pansinin kung mayMatutong tumanggap ng kabiguan nanggugulo Matutong makipagkasundo. Tumanaw ng utang na loob Huwag makinig sa paliwanag Kunin mo sa iyong guro ang susi sa pagwawasto at iwasto mo ang iyong sagot.6. Sulatin mo… Panuto: Bilang isang mamamayang Pilipino, marami kang dapat ipagtanaw ngutang na loob sa bansa. Batay dito, bumuo ka ng talata sa tulong ng panimulangpangungusap at lagyan mo ito ng angkop na pamagat. Sumulat ka sa ibang papel. _______________________ 13
Pamagat Bilang isang mamamayang Pilipino, marami akong dapat ipagpasalamat sabansa tulad ngkaya ___________________________________________________________________________________________________________________________________________. Nahirapan ka ba? Sa aling bahagi ka nahirapan. Muli mong basahin angiyong isinulat na talata bago mo ito iwasto. Kunin mo sa iyong guro ang susi sapagwawasto.7. Lagumin mo… Panuto: Matamang basahin mo ang mga sumusunod na pangungusap. Lagyanmo ng tsek ( / ) sa tabi ng bawat bilang ang tumutugon sa natutuhan mo sa aralin.______1. Ang mga Pilipino ay mahilig sa mga dayuhang pagtatanghal..______2. May mga Pilipinong ayaw makialam sa mga nagaganap sa paligid.______3. Ang sistema ng palakasan ay di mawawala sa lipunang Pilipino.______4. Maging mapagmasid sa mga kaganapan at isipin kung ano ang magagawa ukoldito.______5. Ang Filipino time ay pang-aglahi sa ating mga ninuno sapagkat hindi oras-Pilipino ang laging huli, ito’y namana lamang ng ilang isip-alipin sa mga dayuhan.______6. Nahuli na si Simoun sa pagbawi kay Maria Clara sapagkat ito ay namatay na.______7. Laganap na sa buong katawan ni Kapitan Tiyago ang lason ng apyan, tulad sapamahalaan na laganap na ang kaguluhan.______8. Tanging pangarap lamang ang maihahandog ni Isagani kay Paulita______9. Mahalagang marunong tumanaw ng utang na loob tulad ng ipinakita ni Basilio.______10. Makikita sa kasalukuyan ang katuparan ng mga pangarap ni Dr. Jose Rizal. Kung tapos ka na, iwasto mo ang iyong sagot. Kunin muli ang susi sapagwawasto sa iyong guro. Kung 7 pataas ang iyong iskor, magaling ka. Tingnan natin kung talagang magaling ka. Sagutin mo ang pangwakas napagsusulit. Madali lang ito. Simulan mo na. 14
8. Subukin mo… Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga pangungusap. Piliin ang titik ngwastong sagot.1.Nagsisigawan na ang mga tao dahil sa lampas na sa oras ay hindi pa nagsisimulaang palabas. “Ang kilos ay mauugnay sa _________ ng mga tao.a. pagkagalit c. paghihinayangb. pagkainis d. pagkainip2. Sa pahayag ni Basilio na “Ay! Huli na kayo!” ay nangangahulugang a, patay na si Maria Clara b. hindi siya sasama sa himagsakan c. malala na si Kapitan Tiyago d. tapos na siya sa gawain3. Hindi siya mapalagay at nais niyang alimurain ang katipan na kausap si JuanitoPelaez. Ang kaugnay na salitang mailalapat sa pahayag ay __________.a. pag-aalala c. pagkagalitb. panibugho d. pagdaramdam4. Alin sa mga sumusunod ang may higit na mabisa sa kasalukuyan? a. ang pakikisangkot sa mga mahahalagang kaganapan b. ang panonood ng dayuhang pagtatanghal c. ang pangarap ni Isagani d. ang panibugho ni Isagani5. Alin ang tahasang binanggit sa aralin? a. may magaganap na kaguluhan b. hindi na itutuloy ni Simoun ang himagsikan c. laging binibigyan ng apyan ni Padre Irene si Kapitan Tiyago d. patay na si Maria Clara.6. Ang kaisipang nangingibabaw sa aralin ay _____________ a. ipaubaya sa pamahalaan ang lahat b. magwalambahala sa kapaligiran c. matutong makialam sa ikabubuti ng bayan d. gantihan ng sama-sama ang sama.7. Sa pahayag ni Simoun na “kalat na ang salot ng apyan kay Kapitan Tiyago ay katulad ng pamahalaan. Nais nitong sabihin na __________. a. malala na ang kaguluhan sa bansa b. malapit na itong bumagsak sa kamay ng dayuhan c. hindi na ito uunlad pa tulad ng ibang bansa d. wala nang aasahang pagbabago pa 15
8. Sinasabi ng akda na ang pagwawalambahala ni Camoroncocido ay ________. a. karaniwang nagaganap saanmang bansa b. isang katiwaliang dapat tuligsain c. maaaring makapigil sa alitan d. maaaring tularan ninuman 9-10. Ang pakikialam at pakikisangkot sa mga isyung panlipunan ay_________. a. pinupuri at ikinararangal ng tao b. nakadaragdag ng sariling gawain c. nakababawas sa suliraning pambansa d. nakapagbubunsod ng unawaan e. tungkulin ng isang mamamayang makabayan Iwasto mo ang iyong sagot. Magaling ka kung ang iyong iskor ay 7 pataas.Kung 6 naman pababa, isagawa mo pa ang sumusunod na gawain.9. Paunlarin mo… Bumuo ka ng jingle na may kaisipang kaugnay ng aralin. Maaaring ang jingleay binubuo ng 2 o 3 saknong at ang himig ay maaaring hango sa alinmang kilalangawitin. Muli mong basahin ang iyong ginawa upang matiyak mo ang kawastuan nito.Ngayong natapos mo ang Aralin 1 ng modyul na ito, binabati kita.VI. Aralin 2: Laban sa Makapangyarihan A.Anu-ano Ang Mga Tiyak na Matututunan mo? Pagkatapos mong mapag-aralan ang kabanata XXV hanggang XXVII, inaasahang matatamo ang mga sumusunod na kasanayan; 1. nabibigyang-kahulugan ang mga pahayag na ginamit sa akda 2. napipili ang mga mahahalagang detalye batay sa kayarian ng akda 3. natutukoy at nabibigyang-patunay ang ginamit sa tunggalian 4. natatalakay ang kahalagahan ng paninindigann 5. nabubuo ang isang bukas na liham na nagsasaad ng kaisipang nakuha sa aralin 16
B. Mga Gawain sa Pagkatuto1. Alamin mo… Panuto: Sa tulong ng salitang nakasulat sa loob ng plakard, itala ang mgapangyayaring kaugnay nito. Tutulan…! Kunin mo ang susi sa pagwawasto na nasa iyong guro at tingnan mo kung tamaang iyong sagot Kung ang iyong sagot ay malapit sa susi sa pagwawasto, ito aykatanggap-tanggap. Pagkatapos nito, alam kong marami kang katanungan hinggil sa mga susunodna kabanatang El Filibusterismo. Huwag kang mabahala, marami kang malalaman sasusunod na araling babasahin mo. Unawain mo itong mabuti at gawin mo ang mgakasunod na gawain Handa ka na bang magbasa? Simulan mo na.2. Basahin mo… Laban sa Makapangyarihan Ang bulwagan ng Panciteria Macanista de Buen ang pinagdausan ng piging.Naroroon ang labing-apat na estudyante, at mababasa ang paskel na may ganitongpahayag “Luwalhati kay Don Custodio sa sa kaitaasan at Pansit sa lupa sa mga binatangmay mabubuting kalooban.’ Nagtatawanan ang mga estudyante ngunit mahahalata na angkatuwaan ay pilit at sa kabila noon, sila ay malulupit at wala na sa katuwiran. Matatalimang kanilang mga salita at ang tawa’y may tunog na naghihimagsik. Sila’y nagkainan atinihandog ang pansit-lanlang kay Don Custodio. Ang sopas ay tinaguriang sopas ngpanukala: ang lumpiyang intsik ay inialay kay Padre Irene, ang torta’y iniuukol sa praylengunit sa pagkakataong ito ay tumutol si Isagani sapagkat may isang di daw dapat isamasa panunumpa si Padre Florentino. Tumutol din si Tadeo na ihambing sa alimasag angmga prayle. Ang pansit guisado ay iniukol sa pamahalaan at sa bayan. Maaari rin dawitong ialay kay Quiroga o kaya, kay Simoun. Nagpatuloy ang biruan, tawanan hanggangsa may nakakita sa utusan ni Padre Sibyla. Kinabukasan, maagang nagbangon si Basilio upang dumalaw sa ospital atpagkatapos ay tutungo sa unibersidad upang asikasuhin naman ang kanyang pagtatapos. 17
Tutungo rin siya kay Makaraig upang mangutang ng pera sapagkat ang pera niya aypinantubos niya kay Huli. Sa paglakad ni Basilio, Hindi niya napansin ang mga pulu-pulutong na mgaestudyante na galing sa loob ng Maynila; hindi rin niya napansin ang ilang natutubigan,ang mga paanas na usapan hanggang sa nang marating niya ang San Juan de Letran.Doon niya nalaman na marami ang nasasangkot at tinanong din siya kung naroon siya sapiging. May nagsabing walang kinalaman si Simoun sapagkat ito ay nahihiga. Maynagsabi ring walang kinalaman ang mga tulisan. Nakita rin ni Basilio si Sandoval, ngunit di niya ito pinansin. Samantala, tuwang-tuwa naman si Tadeo dahil sa wala raw pasok. Si Pelaez nama’y parang baliw sa paulit-ulit na pagsasabing wala siyang kasalanan. Si Isagani naman ay namumutla ngunitmalakas pa ring nagsabing sa katiting na pangyayarin ba ay magkakawatak-wataksila,Ayon kay Isagani, “kung saan naroon ang panganib ay doon tayo dumalo dahilnaroon ang karangalan. Kung ang nasasabi sa paskil ay kaayon ng ating kalooban,sinuman ang sumulat noon ay dapat ipagpasalamat. Kung hindi man ay sapat nangtutulan at tanggihan.” Tumalikod si Basilio sapagkat di siya sang-ayon sa sinabi niIsagani at nagtuloy sa bahay ni Makaraig. Naroon ang kabo at isinama siya sa mgadinakip. Samantala, habang nagsasalita si Isagani, may lumapit sa kanya at nagsabingpinatatawag siya ni Padre Fernanadez. Si Padre Fernanadez ay ang pareng itinatangi niIsagani kapag ang mga prayle ay inalimura. Sa isang banda, pinupuri na ito ng prayle sataglay nitong paninindigan. Ayon sa kanya, may mga dalawang libong estudyante na angnaturuan niya at karamiha’y pumupula sa mga prayle ngunit walang nakapagsalita nangharapan tulad ni Isagani. Ayon pa rin kay Isagani, tinuturing ng mga magkapangyarihanna pilibustero ang nagsasalita ng laban at ito ay kaagad na pinag-uusig. Sinisiil sila samalayang pagkukuro,”kaya biglang nagtanong si Padre Florante. “Ano ba ang ibig ngmga estudyante sa mga prayle?” Hindi inaasahan ni Isagani ang gayong tanong kaya bigla rin ang kanyang sagot,“tumupad kayo sa inyong mga tungkulin.” at kabilang dito, ang pagbabawas sakinalamang ibinibigay, ang paghadlang o pagsupil sa marubdob na hangaring matuto,angpagtuturo ng luma at lipas na karunungan, ang sabwatan ng pamahalaan at prayle upangmapanatili ang kamangmangan ng mga Pilipino, ang pagpatay sa sigla ng pag-aaralupang ang kabataan ay hindi matuto. Nasabi tuloy ni Padre Florentino na mabigat angparatang ng binata ngunit nagpatuloy pa rin siya sa pagsasalita at sinabi niyang hindi itokabilang sa mga prayleng kasapi sa lahat ng order na hindi dapat matuto ang mgaestudyante sapagkat balang araw ay maghahangad itong lumaya. “Ang kalayaan para saisang tao ay katumbas ng ikatuto kung sa katalinuhan at ang pag-ayaw ng mga prayle nakami’y tumalino ay siyang puno’t simula ng di namin pagkakaroon ng kasiyahang-loob!.” ang tahasang sabi ni Isagani. “Ang karunungan ay ipinagkakaloob lamang sa sadyang karapat-dapatpagkalooban, sapagkat kung iyan ay ipagkakaloob sa mga taong walang malinis na 18
kalooban at mabuting asal ay kahalay-halay lamang, tugon ni Padre Fernandez, ngunit sabawat katwiran ng pare ay kaagad na may panagot si Isagani, na ayon sa kanya bakitmay mga taong walang malinis na kalooban at mabuting asal. Ito ay dahil naman sa mgamagulang at sa kapaligiran na siyang naging sagot ng pare? Labis itong tinutulan niIsagani at nagwikang “kung ano man kami, ay kayo ang may gawa. Ang bayang sinisiilay tinuturuan ng pagkukunwari; ang taong pinagkakaitan ng katotohanan aypinagkakalooban ng kasinungalingan, ang mandarahas ay gumagawa ng mga alipin.” Tunay na nakilala ni Padre Fernanadez ang kanyang kagipitan at noon lamangniya naranasan sa buo niyang buhay na siya ay tinalo ng isang estudyanteng Pilipino kayaginawa niyang kalasag ang pamahalaan na nahalata naman ng binata hanggang sa tahasanniyang sinabi na hindi dapat humadlang ang mga prayle sa malayang pagtuturo na para samga prayle ay isang pagpapatiwakal, ngunit para sa binata, ang malayang pagtuturo ayisang pakikiraan upang di masagasaan ang mga prayle hanggang sa nasabi ni PadreFlorentino na magsaka na lamang sila.” Ayon kay Isagani, “ may pumipilit na sila ay mag-aral. Katungkulan ng bawat taona hanapin ang kanilang mga kaganapan ng pagkatao. Katutubo sa tao na linangin angkanyang talino at lalong matindi ang nais na ito rito dahil sa ito’y hinahadlangan. Angpamahalaan at prayle ang pumipilit na kami’y mag-aral at maghanap ng karunungan dahilsa inyong pag-aglahi sa amin sa kawalang-pinag-aralan at kamangmangan . Dinugtong parin niya na “Titigil lamang ang mga estudyante kung magpapakita ng kabutihan ang mgamagtuturo. Sabi pa niya, “Gusto ninyong mga prayle, kayong mga may karunungan namagkaroon ng bayan ng mga manananim, ng mga magsasaka ngunit sa pagkamagsasakana lamang ang kalagayang dapat maabot ng tao sa kanyang pagsulong? O ibig niyangmapainyo ang karunungan at mapaiba ang paggawa. “Ang karunungan ay dapat taglayin ng mga taong dapat mag-ingat nito, at dito,magkakaroon ng gurong may paglingap,,,” tugon ni Padre Fernanadez. Ayon kay Padre Fernanadez, sasabihin niya sa kanyang mga kasamahan angnapag-usapan nila ng binata ngunit nangangamba siyang baka hindi maniwala ang mgaito na may estudyanteng tulad ni Isagani. Gayon din ang tinuran ng binata, baka dimaniwala ang mga kapwa-estudyante na may pareng tulad ni Padre Fernandez. Natapos ang kanilang pag-uusap at nagtungo si Isagani sa pamahalaang sibil,titingnan ang mga paskin at sasanib siya sa kanyang mga kasama. Naunawaan mo ba ang inyong binasa? Nakuha mo ba ang mga ideyang naislinawin ni Dr. Jose Rizal. Kung naunawaan mo, tiyak, masasagutan mo ang mga kasunodna gawain. 19
3. Linangin mo… a. Pagsusuring Panglinggwistika: Panuto: Piliin ang titik sa ibaba na magbibigay kahulugan sa mga kaisipang nasa pahayag 1. Matatalim ang kanilang mga salita at ang tawa ay may tunog na naghihimagsik. 2. Si Pelaez nama’y parang baliw sa paulit-ulit na pagsasabing wala siyang kasalanan. 3. Kung saan naroon ang panganib ay doon tayo dumalo dahil naroon ang karangalan.. 4. 5. Doon niya nalamang marami ang nasangkot at tinanong kung siya ay nasa piging. 6. Itinuturing ng mga maykapangyarihan na pilibustero ang nagsasalita ng laban at ito ay kaagad na pinag-uusig. a. Ang tao ay walang karapatang magsalita ng laban kung hindi , sila ay maparurusahan b. Dapat ipagsanggalang ang paninindigan sapagkat iyon ang nararapat. c. Mararamdaman sa kanila ang galit ng kalooban. d. Gusto niyang iligtas ang sarili sa mga kaganapan. e. Totoong wala siyang alam sa mga pangyayari. Tapos ka na ba? Kung gayon, kunin mo sa iyong guro ang susi sa pagwawastonang malaman mo kung ang sagot mo ay tama.b. Pagsusuring Pangnilalaman Panuto: Isulat sa bawat kahon ang sagot batay sa nakasulat sa ilalim nito.Tauhan Simula Tunggalian Kasukdulan 20
Wakas Nadalian ka ba? Kunin mo sa iyong guro ang susi sa pagwawasto. Kung angiyong sagot ay malapit sa tamang sagot, ito ay katanggap-tanggap.c. Pagsusuring Pampanitikan: Sa tulong ng dayagram sa ibaba na magpapatunay na ang uri ng tunggalian saakda ay tao sa tao, isulat ang maaaring pagkakatulad o pagkakaiba nina Padre Fernanadezat Isagani at ipaliwanag. PADRE FERNANDEZ ISAGANI PALIWANAGANYOKALAGAYAN SA BUHAYINIISIPPAPEL NAGINAGAMPANAN 1. Batay sa sinagutang dayagram, anong uri ito ng tunggalian? Ipaliwanag ang sagot. Nahirapan ka ba? Sa anong bahagi ka nahirapan? Tingnan mo kung tama ang iyong sagot. Kunin mo sa iyong guro ang susi sa pagwawasto. Ito ay katanggap-tanggap kung malapit. 21
d. Halagang Pangkatauhan: Panuto: Ayusin ang ginulong mga titik upang matukoy ang salitangnasa loob ng kahon, Pagkatapos, itala sa ibaba ang mga katangiang taglaynito. G I DIP I N NANN A__________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________ Madali mo bang nakuha ang sagot. Kunin mo sa iyong guro ang susi sapagwawasto. Ito ay katanggap-tanggap kung malapit sa tamang sagot.4.Palalimin mo… Panuto: Mula sa mga nakatalang piling pahayag, sipiin sa akda ang mga kaugnay na kaisipan at ipaliwanag ito. Piling Pahayag Kaugnay na kaisipan Paliwanag mula sa akda1.Nagtatawanan atnagbibiruan sila2. Wala, wala akongnalalaman.Ako’y walang pakialam3. Walang inihahasik saamin kundi mgakaisipang luma, mgalisyang simulatingkasalungat ngpagkakasulong 22
4. Isang tunay na kagalang-galang, siyang itintangi kailanma’t inaalimura ang mga prayle. 5. Ang anumang salita na hindi ka sang-ayon ng niloloob ng makapangyayari ay ipinalalagay na pilibustero. Kung tapos ka na, kunin mo sa iyong guro ang susi sa pagwawasto. Ito aykatanggap-tanggap kung malapit sa tamang sagot. 5.Gamitin mo… Panuto: Piliin ang titik ng wastong sagot. 1. Naging pabaya ka sa iyong pag-aaral. Ilang araw kang di nakapasok kaya nang magbigayan ng card, nakita mong bagsak ang mga marka mo. Natakot ka kaya sa tulong ng iyong magulang, sinikap mong muli kang matanggap pero sa tingin mo, ayaw kang paniwalaan ng iyong mga guro na ginagawa mong pagbabago. Alin sa mga sumusunod ang gagawin mo? a. Titigil na sa pag-aaraal. b. Tatanggapin ang hamon. c. Ipauubaya sa tadhana ang lahat. d. Magsusumbong sa mga magulang 2. Bilang kasapi ng Sangguniang kabataan, alam mong mayroon kang karapatang dapat ipaglaban sa inyong pook ngunit ito ay laging di pinahahalagahan dahil sa sistema ng palakasan, Alin sa mga sumusunod ang gagawin mo? a. magsasawalang-kibo na lamang. b. makikipag-usap sa nakatataas. c. lilipat na lamang ng ibang pook d. magsusumbong sa maykapangyarihan 3. “Alumni Homecoming” sa paaralang pinagtapusan mo at sumagot ka sa mga dati mong kamag-aral na dadalo ka, ngunit biglang dumating ang iyong bagong kaibigan at inanyayahan ka sa isang inuman, Alin sa mga sumusunod ang gagawin mo? a. sasama sa bagong kaibigan, baka magtampo ito. b. dadalo sa Alumni Homecoming sapagkat ito ang unang nasagutan. 23
c. maguguluhan kaya magtutulog na lang sa bahay. d. walang pipiliin para walang samaan ng loob.Iwasto mo ang iyong sagot. Kunin mo sa iyong guro ang susi sa pagwawasto. 6. Sulatin mo… Panuto: Matamang basahin ang bukas na liham at punan ng angkop na sagotang mga patlang. Piliin sa ibaba ang tamang sagot. Pagkatapos, muling isulat angliham. Sumulat sa iyong sagutang papel. Nobyembre 20, 2004G. Pedro dela CruzPunong BarangayBarangay 114, Sona 18MaynilaG. Pedro dela Cruz: Kapansin-pansin na __________ sa kalye at marami na ang ___________nahoholdap at nalalagay sa _________ang buhay sa lugar na ito. ___________ po namin na malagyan ng __________ ang naturang pook atmagtalaga ng mga ___________ na magbabantay sa pook na yaon. Sana po, ang __________ ng mga tagaroon ang unahin ninyo, sa halip nabigyang-pansin ang nauukol sa pagpapaganda ng iyong _________. Panglimang liham napo namin ito at sana, ___________ ninyo ang mga __________ ninyo sa amin. Lubos na sumasaiyo, Melchor SuarezMga pamimilian peligro ikabubuti hinihiling tanggapan panindigan madilim ilaw nababalitaang tanod ipinangako Madali lamang ang gawaing ito, di ba? Kunin mo sa iyong guro ang susi sapagwawasto at kung ito ay malapit sa tamang sagot, ito ay katanggap-tanggap.7. Lagumin mo… Ang taong may paninindigan ay dapat na___________Manindigan ka kung_____________________________________upang________________________________________________sapagkat _____________________________________________kaya ________________________________________________Katanggap-tanggap ang sagot mo kung malapit sa tamang sagot. 24
8. Subukin mo…Panuto: Piliin ang titik ng wastong sagot.1. Hindi niya napansin ang mga mag-aaral na natutubigan dahil sa nangyari.Ang natutubigan ay _____a. nalito c. naguluhanb. nagulat d. natakot2. Hindi natanggap ni Isagani na mapabilang si Padre Fernandez sa mgaprayleng inaalimura. Ang inaalimura ay _____a. nililibak c. iniiwasanb. inaayawan d. kinapopootan3. Siya ang taong tunay na kagalang-galang, siyang itinatangi. Ang pahayag aynangangahulugang _________.a. siya ay naiiba b. tunay siyang kagalang-galangc. wala siyang kaparis d. siya ang pinili4. Ayon sa akda, ang mga mag-aaral ay ___________ sa pasya ni DonCustodio.a. natutuwa c. nang-uuyamb. nagdiriwang d. nanunukso5. Alam ng lahat ang nagyari sa panciteria maliban kay _________.a. Isagani c. Juanitob. Tadeo d. Basilio6. Pinatawag ni Padre Fernandez si Isagani upang __________.a. alamin ang nangyarib. ito ay pagpaliwanaganc. hingan ito ng paliwanagd. purihin sa nangyari7. Ipinakita sa akda na si Isagani ay ____________.a. tunay na matalino.b. may paninindiganc. magalang sa prayled. marunong makiusap8. Ang nangingibabaw na tunggalian sa akda ay _________. a. ang tao sa tao b. ang tao sa sairli c. ang tao sa kapaligiran d. ang tao sa pamahalaan 25
9-10. Mahalaga sa tao ang may paninindigan sapagkat -- a. maipaglalaban niya ang nararapat b. mapatutunayang matalino siya. c. makapangangatwiran siya sa paraang gusto niya. d. mailalahad niya ang sariling karanasan sa buhay e. maipaliliwanag ang sariling pangangatwiran9. Paunlarin mo… Panuto: Ayusin ang ginulong mga salita upang mabuo ang kaisipan nito.katwiran niya sapagkat marangal matuwidang taong paninindigan may naipaglalabanang isang naVII. Aralin 3 - Mga Huling SandaliA. Anu-ano Ang Mga Tiyak na MatututunanMo? Pagkatapos mong pag-aralan ang kabanat XXVIII- hanggang XXX ng El Filibusterismo, inaasahang matatamo mo ang mga sumusunod na kasanayan; 1. Nabibigyang- hinuha ang kahulugang maaaring ipinahihiwatig ng pamagat 2. Natutukoy ang sanhi at bunga ng mga mahahalagang pangyayari sa akda 3. Nasusuri at naipaliliwanag ang istilo ng may-akda sa paraan ng presentasyon batay sa pagkapanitikan ng akda 4. Natatalakay ang kahalagahan ng matalinong pagpapasya 5. Naisusulat ang konseptong nabuo mula sa akda sa pamamagitan ng islogan 26
B. Mga Gawain sa Pagkatuto 1. Alamin mo… Panuto: Buuin ang nasa loob ng kahon sa pamamagitan ng pagsagot sa mga tanong na nasa ibaba. 1 2 3 4 5 6 7 8 910111213 1. Ang katipan ni Basilio 2. Ang bida sa Odyssey ni Homer. 3. Ang pagtatanghal sa Dulaang Variedade 4. Ang Katipan ni Paulita Gomez 5. Ang ika-14 na letra sa alpabetong Filipino 6. Ang kasingkahulugan ng sakim. 7. Ang mag-aalahas 8. Ang hinihitit ni Kapitan Tiago 9. Ang katulad ng bilang 5 10. Ang Buena Tinta 11. Ang namumuno sa guardia sibil 12. Ang pinuntahan ng Kapitan Heneral pagkagaling ng Buso-buso 13. Ang pangalan ng ulong nagsasalita. Iwasto mo ang iyong sagot. Kunin mo sa iyong guro ang susi sa pagwawasto. Anong salita ang nabuo mo? Tingnan mo kung ano ang kaugnayan niyan sa pag-aaralan mo. Alam kong ang susunod na gawain ang pinakahihintay mo sapagkat nasasabik ka nang malaman ang mga susunod na pangyayari sa mga kabanata ng El Filibusterismo. Sa bahaging ito, unti-unting nagiging malinaw sa iyo ang mga 27
bahaging naging palaisipan sa iyo sa mga nakaraang kabanata. Madaragdagan dinang pagkaunawaan mo sa mga ideolohiyang nais ibahagi sa atin ni Dr. Jose Rizalat paano ito nagkaroon ng malaking kaugnayan sa sa buhay ng bawat isangPilipinong, lalo na sa kasalukuyan. Ang mahalaga, unawain mo ang iyong babasahin. Handa ka na ba?Simulan mo na.2. Basahin mo… Mga Huling Sandali Ipinangalandakan ni Ben-Zayb sa El Grito na tama siya sa pagsasabingmakasasama ang pag-aaral sa kapuluan ng Pilipinas. Pinatunayan ito ng mga paskil. Nagdulot din ng takot mula sa mga intsik hanggang sa Heneral ang paskil nanakuha sa pinto ng unibersidad. Maging ang mga prayleng laging nagtutungo sa tindahanni Quiroga ay hindi sumilay roon, tanda ng may masamang nangyayari. Di rin siyanagpapasok ng mga Indyong di niya kilala sa pasugalan sa takot na manakaw anghalagang ipinatalo ng mga mahihirap roon.Nagtungo si Quiroga kay Simoun upang isangguni kung panahon na upanggamitin ang mga baril at pulbura na itinago sa kanyang tindahan ngunit ayaw ipagkitani Simoun kaninuman. Pinagbilin na lamang nito na huwag gagalawin ang anuman sakinalalagyan nito. Nagtungo rin si Quiroga kay Don Custodio upang alamin kung dapatsandatahan na ang kanyang tindahan ngunit ayaw din nitong tumanggap ng panauhin.Naalaala ng intsik si Ben-Zayb ngunit nang magpunta siya sa bahay nito upangmakibalita, nakita niyang nakahanda ang rebolber nito, kaya kaagad siyang umuwi. Nang ikaapat ng hapon, hindi na paskin ang paksa ng usapan kundi angpakikipag-ugnayan ng mga estudyante sa mga tulisan sa San Mateo. May lulusob daw sasiyudad ayon sa usapan sa panciteria. May mga pandigmang sasakyang Aleman sa labasng look na tutulong sa kilusan. May balita pa ring may mga pangkat ng mgaestudyanteng tutungo sa Malacañang at maghahain ng tulong sa Kapitan Heneralsapagkat sila ay maka-Kastila ngunit nabilanggo dahil sa natuklasang sila ay may mgasandata. Ang balita’y nakarating kay kapitan Tiyago sa pamamagitan ni Padre Irene.Diumano, may ilang tao raw nag-uudyok sa Heneral na samantalahin ang pangyayaringyaon upang sindakin at bigyan ng aral ang mga binatang pilibustero. Umiral na ang mgahaka-haka ng mga tao. May nagsabing magpapabaril sa sandoseng pilibustero upangmatigil ang kaguluhan. Ang sabi ng isa, hayaan daw na palakarin sa kalsada ang mgakawal nang may dalang kanyon nang manahimik na sa bahay at ang sabi naman ng isa,pagpapatayin ang mayayaman at linisin ang bayan. 28
Dahil sa pagkakadakip kay Basilio at pagkakakahalughog sa mga papeles nito,lalong lumubha si Kapitan Tiyago. Nadagdagan pa ito ng mga balita ni Padre Irene nanaging bunga, nanginginig ang kaawa-awa at sa matinding hirap ay nagkandidilat angmga mata. Kumapit siya sa bisig ni Padre Irene upang bumangon ngunit patay na siya.Natakot ang kura kaya tumakbo siya ngunit dahil kumapit sa kanya ang patay,nakaladkad niya ito hanggang sa maiwan ang bangkay sa gitna ng silid. Lalong sumidhi ang katatakutan ng gabing yaon. Ang gabi ay isa sapinakamalungkot.Sa mga bahay ay nagsisipag-usyoso ang mga may loob sa Diyos atnagpapatungkol ng mahahabang requiem sa mga kaluluwa ng mga kamag-anak nila atkaibigan. Ikawalo pa lamang ng gabi’y bahagya nang makakita ng mangisa-ngisangnaglalakad. Paminsan minsan ay nakaririnig daw ng kabayong takbo nang takbo nawaring may hinahabol. May nagsabog din daw ng perang pinag-agawan ng mga bata.Inaakalang kagagawan iyon ng mga pilibustero kaya hinabol ng opisyal ang mga bata nainakalang simula na iyon ng himagsikan. May nahuli ring nagbabaon ng baril sa silongng bahay ngunit tumakbo ang mga ito. Isang beteranong inakalang estudyante ang sininosa Dulumbayan ngunit hindi sumagot dahil bingi , binaril, patay. Si Isagani raw ay luku-luko dahil nagpahuli kaya baka magpapakasal na sa iba siPaulita Gomez. Si Tadeo ay nabaril daw pero hindi na umimik yaong babaengnagpautang sa binatang ito, sa takot na mapaghinalaang kasabwat. Sa bahay naman niPlacido ay pinagtatalunan ang nangyari. Ayon sa manggagawa kagagawan ni Padre Salviang kaguluhan, at may nagsabi namang si Quiroga ang may pakana nito ngunit sapagdating ni Placido, kasama ang manggagawa ng pulbura, sinabi ng estudyante na hindiniya nakausap ang mga bilanggo pero magkakaroon ng pugutan ng ulo, sagot ng kasamaniya. Biglang sumagot ang isa na hindi matutuloy ang pugutan ng ulo, dahil may sakit siSimoun. Nakatingin ang dalawang bagong dating. Pagkatapos, nagtanong angmagpupulbura “Ano ang gagawin ninyo kung magkakaroon ng himagsikan?” Totohaninna natin, kasi pupugutan din lang naman tayo”? Sagot kaagad ng isa. Nang gabing yaon, pinalitan ng mga artilyerong Kastila ang mga tanod sa loob ngMaynila at kinabukasan naman, may nakitang bangkay ng isang dalagitang kayumanggina halos hubad na ngunit di iyon ibinalita ng mamamahayag. Samantala, maringal ang libing kay Kapitan Tiyago at si Padre Irene ang nagingtagapamahala at tagapagpatupad ng kanyang testamento. Ang kanyang kayamanan aymapupunta sa Sta Clara, sa Papa, sa Arsobispo, at sa mga orden. Nagtira siya ng P20.00pangmatrikula ng mga mahihirap na estudyante. Binawi niya ang P25.00 na pamana kayBasilio dahil sa masamang inasal nito ng mga huling araw ngunit kinuha iyon ni PadreIrene at sinabing bahala na ang kanyang bulsa at budhi ang managot. Nang nakaburol si Kapitan Tiyago, marami ang napag-usapan. Nakita raw ng mgamongha ang nagliliwanag na kaluluwa nito na dahil sa maraming pamisang nagawa nito.May nagsabing nakasuot ito ng prak, nakaumbok ang pisngi dahil sa nginunguyang hitso,dala ang sasabunging manok. May naghaka na hahamunin ni Kapitan Tiyago si SanPedro ng sabong . Si Donya Patronocio na kaagaw ni Kapitan Tiyago sa pagpapataasan 29
ng ihi sa pagkabanal ay nagnanais na ring mamatay kinabukasan upang mahigitan anglibing ni Kapitan Tiago. Sa kabilang dako, dinamdam ng buong bayan ang pagkadakip kay Basilio. Maaariraw patayin o ipatapon ang binata dahil Enero rin daw nang bitayin ang tatlong paringmartir, pero para kay Hermana Penchang, iyon daw ay dahil sa hindi ito nag-aaguabendita sa simbahan pero sa iba hindi raw dapat nangyari iyon sa binata dahil tahimiknaman ito at ang lahat ay dahil sa paghihiganti ng mga prayle ng tinubos ng binata si Hulina anak ng tulisang si Tales. Ayon kay Hermana Penchang, buti na rin ang nangyari dahilayaw niyang magalit ang mga prayle sa kanya. Ang totoo, ikinalungkot ni Hermana Penchang ang pagkakatubos kay Hulisapagkat inaako ng dalaga ang pagdarasal at pag-aayuno ng matanda. Si Hermana Bali ang nagbalita kay Huli ng pagkakadakip kay Basilio at alamniyang wala na itong tagatangkilik at tututlong dito upang makalabas ito sa bilangguandahil patay na si Kapitan Tiyago. Inisip ni Huli na tulungan ang binata kaya sa payo niHermana Bali, sinabi nitong lumapit kay Padre Camorra. Si Padre Camorra ang tumulongdin sa kanya ukol kay Tandang Selo. Bantulot siyang lumapit sa prayle at alam niHermana Bali ang dahilan, napilitang lumapit ang dalaga kay Padre Camorra natinaguriang “Si Kabayo”, na sadyang malikot sa babae. Binagungot si Huli ng gabing yaon. Nakita niya ang kanyang ama, si Basilio nanaghihingalo at kinahapunan ng sumunod na araw, may napabalitang mga estudyantengbinaril at nabalitaang si Basilio na lamang ang nakakulong. Ipatatapon daw ito saCarolina. Ito ang nag-udyok kay Huli na hanapin si Hermana Bali. Sumunod na ngayon siHuli, namumutla, ang tingi’y sa ibaba at natatakot siyang itaas ang mata. Akala niya’ysiya ang tinitingnan ng lahat ng tao at siya ang itinuturo. Isang pangalang mahalay anghumahaging sa kanyang tainga ngunit nagbingi-bingihan at nagpatuloy ng paglakad. Kinagabihan, naging usap-usapan ang nangyari kay Huli nang hapong iyon.Tumalon ito sa bintana ng kumbento at si Hermana Bali nama’y patakbong bumaba sapinto ng kumbento. Samantala, si Tandang Selo nama’y nagsisisigaw at nagpupukpok sapinto ng kumbento. Tapos ka na bang magbasa? Inuunawa mo ba naman ang iyong binasa? Natutukoymo ba ang mga kaalamang dapat mong matamo? Kung gayon, madali mong masasagotang mga gawaing inihanda para sa iyo. 30
3. Linangin mo… a. Pagsusuring Panglinggwistika: Panuto: Isulat sa patlang ang mga salitang mahihinuhang kahulugan ng salitangnasa loob ng kahon. HULING SANDALI /| \ ___________ _____________ ______________ Nadalian ka ba? Kunin mo sa iyong guro ang susi sa pagwawasto nang malamanmo kung tama ang iyong sagot. Kung malapit sa tamang sagot, ito ay katanggap-tanggap. b. Pagsususring Pangnilalaman Panuto: Sa tulong ng dayagram, isulat ang sanhi at bunga ng mga mahahalagang pangyayari sa akda.Dahil sa paskin. Marami ang natakot.Nalaman ni Kapitan Marami ang haka-Tiyago ang nangyari. haka. Naiwan si Basilio sa kulungan at ipatatapon ito. 31
Nahirapan ka ba? Sa aling bahagi ka nahirapan? Kunin mo sa iyong guro ang susi sapagwawasto. Kung ito ay malapit sa tamang sagot, ito ay katanggap-tanggap. c. Pagsusuring Pampanitikan Bago mo gawin ang susunod na gawain, alamin mo muna ang nasa loob ng kahon.Alam mo ba kung ano ang pagkapanitikan ng akda- Ito ay tumutukoy sa kakayahan ngmay-akda na ilantad sa kanyang akda ang isang katotohanang ito, gumamit ang may-akdang mga sagisag, ng mga salitang magdaragdag ng kasiningan sa paglalahad ng mgapangyayari. Sa pagkapanitikan ng akda, pili ang mga salitang ginamit kaya ang may-akda ayhumahabi ng mga salitang punung-puno ng kahulugan na hahamon sa isipan ng mgamambabasa na mag-isip.Panuto: Sipiin sa akda ang mga bahaging nagpapatunay sa pagkapanitikan ng akda atipaliwanag. Sumulat sa iyong sagutang papel.Pahayag mula sa Mga piling Salitang Pagiging Hamon sa Pag-iisipakda ginamit makabuluhan ng pahayag 32
Kunin mo ang susi sa pagwawasto na nasa iyong guro. Ito ay katanggap-tanggapkung malapit sa tamang sagot.d. Halagang PangkatauhanPanuto: Piliin ang titik ng wastong sagot:1. Alin sa mga sumusunod ang nagpalubha sa sitwasyon?a. paniniwala sa mga haka-hakab. pagkawala ni Simounc. pagpunta ni Quiroga kay Simound. pagkamatay ni Kapitan Tiyago2. Sino sa mga tauhan ang sa palagay mo’y nagpakita ng labis na kahinaan?a. Quiroga c. Hulib. Kapitan Tiyago d. Basilio3. Bakit mahalagang matalino sa pagpapasya?a. upang di magsisi sa bandang hulib. para maging tama ang sagotc. sapagkat batayan ito ng pagkataod. dahil ito ang basehan ng iyong talino Kung tapos ka na, iwasto mo ang iyong sagot. Maaari mo nang kunin sa iyongguro ang susi sa pagwawasto. Pagkatapos nito, humanda ka naman sa panibagong gawain. Huwag kang mag-alala, madali lamang yaon.4. Palalimin mo… Panuto: 1. Dugtungan ang pahayag batay sa konseptong nakuha mo sa aralin. Dapat na maging matalino sa pagpapasya sapagkat____________ kaya_______________ upang______________ Kapag ang tao ay hindi naging matalino sa pagpapasya. siya ay_____________________________________ kaya _____________________________________ upang ____________________________________ Tapos ka na ba ? Kung gayon, kunin mo sa iyong guro ang susi sa pagwawasto.Kung malapit sa tamang sagot, ito ay katanggap-tanggap. 33
5. Gamitin mo… Panuto: Lagyan mo ng tsek (/) kung ikaw ay sumasang-ayon at ekis (x) kung ikaw ay salungat sa kaisipang inihahayag. ____ 1. May mga Pilipinong naniniwala sa mga haka-haka. ____ 2. May itinatago ang taong madaling matakot. ____ 3. Nakagagawa ng di tama ang taong may kasalanan. ____ 4. May kinalaman si Basilio sa pagkamatay ni Kapitan Tiyago. ____ 5. Dapat maging maringal ang libing ng taong namatay. ____ 6. Tinuligsa ni Dr. Rizal ang maling paraan ng pananampalataya. ____ 7. Ang kahirapan ay laging nagbubunsod ng kapahamakan sa isang tao. ____ 8. Imulat ang mata sa maling paniniwala. ____ 9. Ang kahinaan ng tao ay magliligtas sa kanya sa ibayong dusa. ____ 10. Maging matalino sa pagpapasya nang hindi magsisisi. Madali lang, di ba? Para malaman mo ang iyong iskor, kunin mo sa iyong gurosa susi sa pagwawasto.6. Sulatin mo… Panuto: Isulat sa angkop na hanay kung katanggap-tanggap o hindi katanggap-tanggap ang mga kaisipang nasa ibaba.KATANGGAP- TANGGAP HINDI KATANGGAP- TANGGAPMaging matalino sa pagpapasya. Iasa sa Diyos ang lahat.Maniwala sa mga sabi-sabi. Walang maling paraan ng pananampalataya.Magpatiwakal kapag nagkamali. Nasa Diyos ang awa, nasa tao ang gawa.Pagbigyan ang kaibigan kahit ito ay makasasama.Mag-ingat sa mga balitang walang batayan.Laging makinig sa sinasabi ng matatanda kahit mali.Paghandaan ang kamatayan. 34
Pinag-isipan mo bang mabuti ang iyong sagot? Kung gayon, mainam. Kunin mona sa iyong guro ang susi sa pagwawasto, nang malaman mo kung tama ang iyong sagot.7. Lagumin mo… Panuto: Lagyan mo ng tsek (/) ang mga bilang na magsasabi ng iyong natutunan saaralin.______ 1. Nababago ang balita kapag nagpasalin-salin sa bibig ng mga tao.______ 2.Ang pagpatay ay kasalanan.______ 3. Nais ng mga prayleng luminis ang bayan at maging matatag ang pamahalaang Kastila.______4. Katawan at puri ni Huli ang hangad ni Padre Canorra.______ 5. Nagpatiwakal si Huli dahil sa pag-aabuso ni Padre Canorra.______6. Ipinakita ang maling paraan ng pananampalataya.______ 7. Maraming prayle ang nagtatago sa kabanalan ng abito.______ 8. Ang istilo ni Rizal sa pagsulat ay nakapagpalinaw sa mensahe nito.______ 9. Sa pagkapanitikan ng akda, pili ang mga salitang ginamit.______ 10. Maaaring mailantad ang katotohanan sa pagkapanitikan ng akda Kung tapos ka na, kunin mo sa iyong guro ang susi sa pagwawasto:8. Subukin mo… Panuto: Piliin ang titik ang wastong sagot: 1. Sa pahayag na “Ipinangangalandakan ni Ben-Zayb na tama siya sa pagsasabing nakasasama ang pag-aaral sa Pilipinas, mahihinuhang ___________. a. siya ay mayabang b. ayaw niya sa Pilipinas c. ayaw niyang matuto ang mga Pilipino d. gusto niyang masabing siya ay matalino. 2. Dahil sa mga pangyayari, umiral na ang haka-haka ng mga tao. Mahihinuhang__. a. marami ang nagaganap ss paligid. b. mahilig ang mga taong mag-usap c. ang tao ay may opinyon sa nagaganap d. ang haka-haka ay sadyang nagaganap 35
3. Sa pahayag na “ang tingi’y sa ibaba, at natatakot siyang itaas ang mata.”Mahihinuhang siya ay _____________.a. nahihiya c. kinakabahanb. natatakot d. naiilang4. Si Isagani raw ay luku-luko dahil ____________.a. nagpahuli ito.b. umiibig sa di niya kauri.c. nakipagtalo sa prayled. ikinaila si Don Tiburcio5. Napaniginipan ni Huli na itatapon sa Carolinos si Basilio kaya ______.a. umiyak siya nang umiyakb. humingi siya ng tulong kay Hermana Balic. pumayag siyang makipagkita kay Padre Camorrad. nagpaturo siya ng dasal kay Hermana Penchang6. Nagpatiwakal si Huli dahil __________.a. nakakulong si Basiliob. nahulog ito sa bintanac. sa utos ni Hermana Balid. kay Padre Camorra7-8. Sa pagkapanitikan ng akda, alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang?a. pili ang mga salitab. makabuluhanc. humahamon sa isipd. masining ang paglalahade. tahas ang pahayag9-10. Ang matalinong pagpapasya ay nagbubunga ng __________.a. pagtatagumpay sa buhayb. hindi pagsisisi sa hulic. paghanga ng ibad. pagkatuwa sa pangyayarie. paglaganap ng kabutihan Pagkatapos mong isagawa ang gawain, iwasto mo ang iyong sagot. Kung angiskor mo ay 7 pataas, ang galing mo. Kung 6 pababa, gawin mo ang susunod na gawain.9. Paunlarin mo… Panuto: Bumuo ng islogan tungkol sa kaisipang nakuha mo sa aralin. Angbubuuing islogan ay dapat na binubuo ng 2 linya na may magkatulad na bilang ng mga pantig. Kunin mo sa iyong guro ang susi sa pagwawasto. Kung ito ay malapit sa tamangsagot, ito ay katanggap-tanggap. 36
VIII. Gaano ka na kahusay?Panuto: Piliin ang titik ng wastong sagot.1. Sa pahayag na “ang bulung-bulungan ay nagkakaalaman ang mga estudyante atang mga namumundok sa San Mateo. Mahihinuha na ang pahayag ay ______.a. totoong-totoo c. walang batayanb. opinion lamang d. dapat paniwalaan2. Si Doña Patricinio, ang dating katunggali ni Kapitan Tiyago sa pagkamasambahin ay tunay na nagnasang mamatay kinabukasan upang magkaroon ng lalong maringal na libing. Mahihinuhang siya ay _____. a. tunay na madasalin b. sadyang mainggitin c. nais nang mamatay d. tunay na kaibigan3. “Pabayaan mong itapon si Basilio; bayaan mong barilin siya sa daan at sabihingnagtangkang tumakas, pagpatay na, saka ka magsisi,” Ang nagsasalita aymahihinuhang _____.a. nanghihinayang c. naninisib. nanunumbat d. nangungunsensya4. Ayon sa akda, ipinagbawal ni Quiroga ang pagpasok ng mga Indyong di niyakilala sa pasyalan sapagkat ________. a. nag-aalala siyang baka manakaw ang mga halagang ipinatalo raw ng mga mahihirap b. baaka lumusob ang mga estudyante at mga tulisan na balitang nagsanib na. c. ibinilin ni Simoun na huwag gagalawin ang mga baril na nakatago sa tindahan. d. ipinagbawal ni Don Custodio na nakaalam na may malagim na himagsikang magaganap.5. Lalong lumubha si Kapitan Tiyago dahil sa __________ . a. himagsikang magaganap b. apyang hinihithit niya c. pagkakadakip kay Basilio d. pagdating ni Padre Irene6. Dinamdam ng buong bayan ang pagkadakip kay Basilio dahil sa _____. a. kawawa naman si Kapitan Tiyago b. tahimik lamang ito. c. inaalala nila si Huli. d. walang sinumang tutubos dito 37
7. Binangungot si Huli nang gabing yaon. Nakita niya ang kanyang ama, si Basilio na naghihingalo. Anong katotohanan ang nais ilantad sa bahaging ito? a. Labis siyang naapektuhan ng problema niya b. Gustung-gusto na niyang makita sina Kabesang. Tales at Basilio. c. Wala siyang magawa sa mga problema niya. d. Pagud na pagod siya sa mga kahirapan ng buhay8. Sumunod si Huli patungo sa kumbento, namumutla, ang tingi’y sa ibaba at natatakot siyang itaas ang mata. Akala niya’y tinitingnan siya ng lahat ng tao. Ang katotohananang nais tukuyin dito ay _______ . a. nahihiyang nadakip si Basilio. b. di matanggap na sumama sa tulisan ang ama. c. pumayag na siyang makipagkita kat Padre Camorra. d. pinagalitan siya ni Hermana Penchang.9-10. Alin-alin ang ibinubunga ng matalinong pagpapasya?a. hindi magsisisi sa bandang huli d. hahangaan ng ibab. walang magiging problema e. magtatagumpayc. darami ang kaibigan 38
Modyul Blg. 19 Pagsusri ng Akda Batay sa Teoryang Naturalismo Tungkol saan ang modyul na ito? Mukhang may ngiti ngayon sa iyong mga labi? Ito ba’y nangangahulugan na nananabik kana sa susunod na aralin? Siguradong magugustuhan mo ang mga gawaing inihanda ko sa iyo lalo pa’t napapanahonang paksa ng kuwentong pag-aaralan mo ngayon. Hindi tatakbo ang panahon nang di makararanas ang tao ng mga pagsubok sa buhay. Ito aykatotohanan ng buhay kaya’t nararapat lamang na magkaroon tayo ng positibong pagtingin o pag-unawa sa mga nagaganap na ito Mahalaga ang pananampalataya at pagtitiwala sa Panginoon saganitong pagkakataon. Ito ang nais iparating ng akdang “Maganda Pa Ang Daigdig” ni Lazaro Francisco. Isang taona pinagkaitan ng kapalaran. Biktima ng lipunang ginagalawan. Napagbintangan sa kasalanangdi niya ginawa. Ang tanging nagbibigay pag-asa at nagpapalakas ng loob ay ang pananalig saDiyos at pagtulong ng kanyang mga kasama. Isa pa sa kwentong magugustuhan mo na kasama sa modyul na ito ay ang “Titser” na isinulatni Liwayway A. Arceo Mahalaga ang pagkakaroon ng paninindigan habang tayo ay nabubuhay sa daigdig. Ito angprinsipyong nangibabaw sa pangunahing tauhan na nagpasya na titser ang kuning kurso sa kabilang pagsalungat ng kanyang ina. Babaeng may paninindigan at nakikipaglaban sa mgapinaniniwalaan. Ano ang matututunan mo? Nailalapat ang mga batayang kaalaman at kasanayan sa pag-unawa sa iba’t ibang anyo ngpanitikan.
Paano mo gagamitin ang modyul na ito? Magiging kapaki-pakinabang ang modyul na ito sa iyo. Tiyak na magiging maayos atmalinaw ang bawat gawain kung susundin mo ang mga tagubilin sa ibaba. 1. Sagutin mo ang panimulang pagsusulit o iyong bahaging Ano Na Ba Ang Alam Mo? Makatutulong ito upang masukat ang kaalaman mo sa paksa. 2. Iwasto mo ang iyong sagot sa tulong ng susi sa pagwawasto na nasa iyong guro. Huwag kang mag-alala kung magkaroon ka man ng maraming mali dahil tutulungan ka ng mga gawaing inihanda ko. 3. Basahin at unawain mong mabuti ang mga akda. 4. Unawain at sundin mo ang mga panuto. 5. Sagutin mo ang pangwakas na pagsusulit.o bahaging Gaano Ka Na Kahusay? Maging matapat ka sa pagwawasto ng iyong gawa. Iwasto ang iyong sagot sa tulong ng susi sa pagwawasto na nasa iyong guro. 6. Mahalin mo ang modyul na ito tulad ng pagmamahal mo sa iyong sarili. Huwag mong sulatan at sikaping huwag mapunit. Gumamit ka ng hiwalay na papel at kwaderno. Ano na ba ang alam mo? Ang iyong nakikita ay panimulang pagsusulit na hahamon sa iyong kakayahan sapag-aaralang akda. Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot. 1. Hindi mo siya makakausap nang maayos dahil nakapako lamang ang kanyang isip sa kasintahang umalis. Ang kahulugan ng salitang nakapako ay a. di naaalis b. nanatili c. nakatuon d. nakalagay 2
2. Hindi mawala ang alingasngas tungkol sa pagdispalko niya ng pera ng kompanya. Ang kahulugan ng salitang may salungguhit ay a. bulung-bulungan b. ingay c. ugong d. gulo3. Walang kagatul-gatol ang tinig niya sa pagsalungat sa kagustuhan ng magulang. Ang walang kagatul-gatol ay nangangahulugang a. walang kaba b. tuluy-tuloy c. walang takot d. putul-putol4. Siya ang napag-utusang dumakip kay Mang Lino a. Mr.Sanchez b. Mr. Ambrosia c. Mr. Villas d. Kabo Lontoc5. Ano ang propesyong pinili ni Amelita? a. inhinyero b. titser c. abogado d. pulis6. Kanino ipakakasal ni Aling Rosa ang anak na si Amelita? a. Mang Ambo b. Osmundo c. Norberto d. Rolando7. “Marami pa rin naman ang makikita nating nagkalat na nakagagawa ng lalong malulubhang paglabag ngunit ni di man lamang naisakdal at hulihin kung kaya napanungkulan pa ang iba” Ang pahayag ay isang a. opinyon b. konklusyon c. sariling palagay d. katotohanan 3
8. “Inang Kailangang malaman ni Osmundo ngayon na …na hindi maaari…” Ang katangiang mahihinuha sa nagsasalita ay a. matigas ang kalooban b. marunong magpasya c. suwail na anak d. matigas ang ulo 9. “Maraming pagkakataong iniligtas ako ng krusipihong ito sa panganib. Gayon ang naging paniniwala ko” Ang katangiang nangingibabaw sa nagsasalita ay a. mapamahiin b. di-agad-agad sumusuko c. di nawawalan ng pag-asa d. matatag ang pananampalataya sa Diyos 10. Sumunod si Kabo Lontoc sa pinag-uutos ng nakatataas sa kanya. Pinatunayan lamang niya na a. Ang karangalan ang tanging kayamanan ng tao b. Ang pakikisama sa tao ay may hangganan c. Mahalaga ang pagtupad sa tungkuling sinumpaan d. Hindi lahat nang nakikita ay totoo Nahirapan ka bang sagutan ang mga katanungan? Iwasto mo ang iyong mga sagot sa susi sa pagwawasto na nasa iyong guro. Kung mababa man ang naging iskor mo, huwag kang mag-alala. Tutulungan ka ng modyul na ito.Aralin 1 : Maganda Pa Ang Daigdig Anu-ano ang mga tiyak na matututunan mo? Matapos mong basahin ang akda, inaasahang matatamo ang mga sumusunod na kasanayan. 1. Nabibigyang kahulugan ang mga mahihirap na salita at mga piling pahiwatig na ginamit sa akda. 2. Natutukoy ang mga mahahalagang detalye at kaisipan sa akda 4
3. Napatutunayan na ang mga pangyayari sa akda ay angkop sa tunay na buhay4. Napangangatwirang maganda pa ang daigdig at kailangan lamang ang pananalig sa Panginoon5. Nakasusulat ng mga islogan na nauukol sa mga kaisipang napapaloob sa akda.Mga gawain sa pagkatutoAlamin mo Ikaw ba’y napagbintangan na sa isang bagay na di mo ginawa? Ano ang isinisigaw ng iyongdamdamin?Panuto: Ayusin mo ang mga pangungusap upang makabuo ng Monologo. Piliin lamang angletra ng tamang pagkakasunud-sunod1. Di ba’t tayo’y pantay-pantay lamang sa pagtingin ng Maykapal?2. Ngunit ano itong sinapit ko?3. Isinadlak sa rehas na bakal ng isang may kapangyarihan4. Bakit ganito ang buhay ng tao?5. Kahit ang aking isinisigaw ay “wala akong kasalanan”6. Ang papel sa mundo ng maliit ay laging api-apihan ng mayayaman at may katungkulana. 14365 c. 461235b. 453126 d. 614235 Tingnan mo sa susi sa pagwawasto na nasa iyong guro kung tama ang ayos naginawa mo. Alam mo bang may kaugnayan dyan ang babasahin mo? Handa ka na ba? Simulan na ang pagbasa. 5
Basahin mo ….. MAGANDA PA ANG DAIGDIG Kabanata 13 “Wala Akong Sala” ni Lazaro Francisco NAPANSIN KAAGAD NI MRS. SANCHEZ ANG KAKAT-wang kilos at alinlangan ngkaniyang kanayon laban kina Kabo Lontoc na ibinunga ng bintang ni Aling Ambrosia nabenggansa lamang ang dahilan ng pagdakip kay Lino. Upang maagap na maapula ang anumangmaaaring mangyari ay iginala ng dalaga ang kaniyang paningin sa karamihan at mabanayad nanagsalita. “Mga kanayon!” ani Miss Sanchez. “Huwag sana nating malimot na sina Kabo Lontoc aynapag-uutusan lamang! Tumutupad lamang sila sa kanilang tungkulin! Batas at bayan ang kanilangpanginoon. At tayo’y bahagi ng bayang pinaglilingkuran nila! Sa ilang katagang iyon ng punung-guro, ang may maiinit na ulo sa kanilang paligid ay paranamang nasubhang bigla ng malamig na tubig. Ang mga umirap sa kabo ay tumahimik na at ngumitipa ang ilan. “Ito po, Miss Sanchez,” himig pasintabing wika ni Kabo Lontoc, “ang isa sa malulungkot natungkulin namin! Nguni’t kung hindi namin tutupdin ito ay bababa ang tingin sa amin ng bayan atbaka wikain pang alangan kami sa aming uniporme!” Tumangu-tango si Miss Sanchez. nguni’t hindi nagsalita. “Ipinakikiusap ko sana sa kanila, Miss Sanchez,” pakli naman ni Villas na tinukoy sina KaboLontoc,”na, yayamang hindi pa naman gaanong tiwasay ang panahon, at yayamang marami pa rinnaman ang nakikita nating nagkalat doon at dito na nakagawa ng lalong malulubhang paglabag sabatas nguni’y ni di man lamang yata kamalak-malak na isakdal at hulihin kung kayanakapanunungkulan pa ang iba at ang iba nama’y patuloy na nakapamamayagpag sa gitna ng bayan,ay maano sanang ipagwalambahala na muna nila ang pagdakip na ito kay Lino at maging parangbalato na nila sa atin ang kanilang pagpapaumanhin, na anupa’t palabasin na lamang na hindi nilanatagpuan si Lino dito saan man. Nasabi ko pa nga na kung kailangan lamang na palayuin na munarito ang mag-amang Lino ay hindi maluwag na magawa natin iyon. Huwag na lamang sanang dakpinngayon dito ang ama, alang-alang sa kabutu-butong anak na musmos pa’t walang sinumang maaaringsulingan kahit na isang malayong kamag-anak!” Malungkot na yumuko si Miss Sanchez at nagpatuloy sa di pa rin pagkibo. “E…ano ang sagot sa inyo, Mr. Villas?” tanong ni Miss Lavadia “Tama rin naman ang isinagot nila sa ‘kin,” ang patuloy na salaysay ni Villas na naging tugonna rin sa tanong ni Miss Lavadia. “Kung magkakagayon daw ay kalian pa kaya masisimulan angpagpapatupad sa mga batas sa kapakanan ng kapayapaan at kaayusan?” “Saka.” Sudlong ni Kabo Lontoc, “kung hindi man kami ay marami pa rin namang ibangmauutusang dumakip sa dinarakip namin at baka, kung inaalat, maging dalus-dalos pa angpakikitungo sa inyo at sa dinarakip!” Luminga-linga ang kabo at tumanaw sa mga kasamang kawal.Saka hinarap si Villas. “Gagabihin kami, Mr. Villas!” 6
“Sandali lamang Kabo Lontoc,” Hadlang ni Miss Sanchez. ‘maaari bang bigyan ninyo kaming kaunting panahong makausap muna namin si Mang Lino?” “Aba, opo, Miss Sanchez,” payag kaagad ang kabo. “Kausapin na ninyo. Hindi kamimaiinip.” “Salamat,” tanging nasabi ni Miss Sanchez na tumalikod na upang lumapit sa mag-amangLino. Saglit na munang tinaya ni Miss Sanchez ang anyo ng pag-uusap ng mag-ama. Ibig sananiyang igalang ang mga huling maseselang sandaling yaon ng kanilang pag-uusap. Nguni’t maiklina ang panahon. Kaya nga, napilitan nang lumapit ang dalaga na naging maingat naman at marahan.Sinundan siya ni Miss Lavadia at ni Aling Ambrosia. Buung-buo manding nakapako naman yata ang isip ni Lino sa mga bagay na sinasabi atitinatagublin sa anak kung kaya nakalapit at sukat sina Miss Sanchez sa may likuran ng takayad nangdi niya napansin, gayong manipis at butas-butas na ang dingding ng takayad. Patuloy si Lino sabanayad na pagsasalita at sa tinig na malinaw, marahan at walang pangamba. Muli’t muling sinasabi ko sa iyo, Ernesto, na tibayan mo sana ang loob mo,” anang tinig niLino na halos nanuot sa kaluluwa ni Miss Sanchez at ng dalawang kasama. “Mag-aral kangmagpakalalaki, kahiman bata ka pa. Itanim mo sa puso mo na wala akong sala, pagka’t iyan angtotoo. Umasa kang magbabalik ako, pagka’t may katarungan pa naman sa puso ng tao, marahil. “At. . . kung wala man, umasa ka ring magbabalik ako Ernesto. Hahanapin kita saanman,anoman ang mangyari, gaya rin ng ginawa kong paghahanap sa iyo noong sanggol ka pa. Hindi panasira ang anomang sinabi ko sa iyo, Ernesto,hindi ba? Tumigil sandali si Lino sa pagsasalita. Si Miss. Sanchez, gaya rin ni Miss. Lavadia at alingAmbrosia, ay patuloy sa matahimik na pagkakayuko habang nakikinig. Isa man sa kanila ay walangnangahas na sumilip man lamang sa anyo ng mukha ni Ernesto. “Wala akong mapaghahabilinan sa iyo kundi kay Aling Ambrosia,” patuloy ni Mang Lino satinig na nabasag nang bahagya. “Magpapakabait ka. Mag-aral kang makisama sa kanila, at sa lahatng tao. Maging magalang ka at matapat na lagi. Huwag kang hihiwalay sa nalalaman mong mabuti,kahit ka mamatay. Naniniwala akong may langit at impiyerno sa kabilang buhay. Nguni’t gumawaka ng mabuti, hindi sapagka’t may langit kundi sapagka’t mabuti ang mabuti. Huwag kang gagawang masama, hindi sapagka’t may impiyerno, kundi sapagka’t masama ang masama. Iyan lamang angnakikilala kong landas para sa mga taong may dangal at kahihiyan!” Pamuling tumigil si Lino sa pagsasalita. Mabilis na tumatakas ang oras at ibig niyangmakinis ang lahat ng dapat na sabihin. Mapapansing dinampi-dampian ni Miss. Sanchez ng panyoang kanyang mga mata. Nagpatuloy si Lino sa pagsasalita. “Huwag kang mawawalan ng pananalig sa Diyos, Ernesto! Iyan lamang, sa mga bagay nadati kong pinaniniwalaan, ang tanging di ko ibig na mawala pa sa akin. Sa Kaniya mo hihingin anglahat ng iyong ibig. Sa Kaniya mo idadaing ang mga sakit ng loob mo. Sa Kaniya ka hihingi nglunas kung ikaw ay may karamdaman. Sa Kaniya ka tatawag kapag nawawalan ka ng pag-asa. SaKaniya ka dudulog kung nakararamdam ng pangungulila ang puso mo sa isang magulang o sa isangkamag-anak o isang kaibigan1” Muli na namang huminto si Lino sa pagsasalita. Suminghot si Miss Sanchez at tila panabayna humikbi sina Miss Lavadia at Aling Ambrosia, nguni’t hindi pa rin sila napansin ng mag-ama. “Gaano kaya katibay ang puso mo, Ernesto?” ang tanong ni Lino at masusing minasdan angmukha ng anak. “Kung hulihin na ako at ilakad, maipangangako mo sa akin, Ernesto na di ka iiyak?Maipapangako mo ba ‘yan sa akin, anak ko?” 7
Search
Read the Text Version
- 1
- 2
- 3
- 4
- 5
- 6
- 7
- 8
- 9
- 10
- 11
- 12
- 13
- 14
- 15
- 16
- 17
- 18
- 19
- 20
- 21
- 22
- 23
- 24
- 25
- 26
- 27
- 28
- 29
- 30
- 31
- 32
- 33
- 34
- 35
- 36
- 37
- 38
- 39
- 40
- 41
- 42
- 43
- 44
- 45
- 46
- 47
- 48
- 49
- 50
- 51
- 52
- 53
- 54
- 55
- 56
- 57
- 58
- 59
- 60
- 61
- 62
- 63
- 64
- 65
- 66
- 67
- 68
- 69
- 70
- 71
- 72
- 73
- 74
- 75
- 76
- 77
- 78
- 79
- 80
- 81
- 82
- 83
- 84
- 85
- 86
- 87
- 88
- 89
- 90
- 91
- 92
- 93
- 94
- 95
- 96
- 97
- 98
- 99
- 100
- 101
- 102
- 103
- 104
- 105
- 106
- 107
- 108
- 109
- 110
- 111
- 112
- 113
- 114
- 115
- 116
- 117
- 118
- 119
- 120
- 121
- 122
- 123
- 124
- 125
- 126
- 127
- 128
- 129
- 130
- 131
- 132
- 133
- 134
- 135
- 136
- 137
- 138
- 139
- 140
- 141
- 142
- 143
- 144
- 145
- 146
- 147
- 148
- 149
- 150
- 151
- 152
- 153
- 154
- 155
- 156
- 157
- 158
- 159
- 160
- 161
- 162
- 163
- 164
- 165
- 166
- 167
- 168
- 169
- 170
- 171
- 172
- 173
- 174
- 175
- 176
- 177
- 178
- 179
- 180
- 181
- 182
- 183
- 184
- 185
- 186
- 187
- 188
- 189
- 190
- 191
- 192
- 193
- 194
- 195
- 196
- 197
- 198
- 199
- 200
- 201
- 202
- 203
- 204
- 205
- 206
- 207
- 208
- 209
- 210
- 211
- 212
- 213
- 214
- 215
- 216
- 217
- 218
- 219
- 220
- 221
- 222
- 223
- 224
- 225
- 226
- 227
- 228
- 229
- 230
- 231
- 232
- 233
- 234
- 235
- 236
- 237
- 238
- 239
- 240
- 241
- 242
- 243
- 244
- 245
- 246
- 247
- 248
- 249
- 250
- 251
- 252
- 253
- 254
- 255
- 256
- 257
- 258
- 259
- 260
- 261
- 262
- 263
- 264
- 265
- 266
- 267
- 268
- 269
- 270
- 271
- 272
- 273
- 274
- 275
- 276
- 277
- 278
- 279
- 280
- 281
- 282
- 283
- 284
- 285
- 286
- 287
- 288
- 289
- 290
- 291
- 292
- 293
- 294
- 295
- 296
- 297
- 298
- 299
- 300
- 301
- 302
- 303
- 304
- 305
- 306
- 307
- 308
- 309
- 310
- 311
- 312
- 313
- 314
- 315
- 316
- 317
- 318
- 319
- 320
- 321
- 322
- 323
- 324
- 325
- 326
- 327
- 328
- 329
- 330
- 331
- 332
- 333
- 334
- 335
- 336
- 337
- 338
- 339
- 340
- 341
- 342
- 343
- 344
- 345
- 346
- 347
- 348
- 349
- 350
- 351
- 352
- 353
- 354
- 355
- 356
- 357
- 358
- 359
- 360
- 361
- 362
- 363
- 364
- 365
- 366
- 367
- 368
- 369
- 370
- 371
- 372
- 373
- 374
- 375
- 376
- 377
- 378
- 379
- 380
- 381
- 382
- 383