____ 4. Tumigil si Andres sa paglalagalag nang maisipang mag-aral.____ 5. Di na nais ni Andres na maragdagan pa ang mga hampaslupang naglipana sa lansangan Nadalian ka ba sa katatapos na gawain. Iwasto mong muli ang iyong mga sagot sapamamagitan ng Susi sa Pagwawasto. Kalayaan at awtentiko.Alam mo ba na ito ang mga tanging nais kilalanin ng eksistensyalismo?Sa pananaw na ito kitang-kita ng tao ang proseso ng pagiging tao at hindi pagkakaroon ng tamangsistema ng paniniwala ang pinahalagahan ng tao upang mabuhay. Walang tiyak na simulain angeksistensyalismo.Maihahambing din ito sa modernismo dahil nagpipilit itong magwasak ngkasaysayan.Maihahambing din ito sa romantisismo dahil sa mahilig ito sa paghanap ng tunay naparaan ng pagpapahayag o ekspresyon. Handa ka na bang sagutin ang susunod na gawain? Isaalang-alang mo ang natututunan. Simulan mo na ang gawain. Kanina’y nailapat mo ang bisa ng akda sa iyong sarili at sa lipunang iyong ginagalawan. Napahalagahan mo ito at nakatulong sa iyo upang masagot mo ang gawain sa pagsusuring pangnilalaman. Ngayon, higit na madaragdagan pa ang iyong kaalaman. Higit mong mapahahalagahan at mauunawaang mabuti ang isang akda kung alam mo ang mga ideyang makapagpapaliwanag ukol dito. Bibigyang-diin ang teoryang eksistensyalismo sa araling tinalakay na pinamagatang “Timawa”. Marami ka ng alam ngunit may ilan pa ring bagay na dapat mong malaman ukol dito.c. Pagsusuring Pampanitikan Panuto: Lagyan mo ng tsek ang pahayag na nagpapakita ng kalakasan/kapangyarihan ng pangunahing tauhan.________ 1. Kahit ulila nang lubos hinangad pa rin ni Andres ang maging manggagamot.________ 2. Nagsawa sa paglalagalag, at muling nag-aral.________ 3. Namasukan bilang tagahugas ng pinggan, makapag-aral lang.________ 4. Karanasan niya dito sa Maynila ang nagpabago ng takbo ng kanyang buhay.________ 5. May tiwala sa sarili si Andres na balang-araw siya’y magiging isang manggagamot. Madali mo bang nakilala ang teoryang eksistensyalismo na ipinakita sa taglay nakalakasan/kapangyarihan ng pangunahing tauhan.? Itsek mo kung tamang lahat ang sagot mo.Hiramin mo ang Susi sa Pagwawasto. 25
4. Palalimin mo… Panuto: Piliin mo ang mga bilang na tumutugon sa mga pagbabagong naganap sa iyo.1. Naging maganda ang panuntunan ko sa buhay.2. Nagkaroon ako ng interes na magbasa ng katulad na paksa ng nobela.3. Napag-isip-isip ko na dapat kong pahalagahan ang bawat sentimong ginagasta ng magulang ko sa aking pag-aaral.4. Napatunayan ko na masuwerte ako na may pampaaral pa ang aking magulang sa akin.5. Naging magandang halimbawa sa akin ang kasaysayan ni Andres. Tiyak na maraming nabago sa iyo. Tama bang lahat ang iyong mga sagot. Iwastomong muli sa pamamagitan ng Susi sa Pagwawasto.5. Gamitin mo…Anu-ano sa palagay mo ang nabago sa iyo matapos mabasa ang aralin?Panuto: Piliin mo sa ibaba at isulat ang titik lamang ng mga detalye ng pangyayari sa akda na nagpapatunay ng pangunahing kaisipang napapaloob dito. Pangunahing Kaisipan Kundi magsisikap habang panahong timawa(1) detalye (3) detalye (2) detalye (4) detalyeMga pagpipiliang detalye: a. Ginawang araw ang gabi kumita lang ang ama ng salaping pampaaral sa anak b. Sumama sa amain sa pagbabarko para mabago ang takbo ng buhay c. Naglagalag nang walang dahilan d. Kahit tagahugas ng pinggan sa Amerika ay pinasok upang makatapos ng medisina e. Pinangatawanan ang pag-aaral upang maabot ang pinangarap ng namayapang ama. Kung naunawaan mong mabuti ang aralin, tiyak na tamang lahat ang iyong mgasagot sa gawain. Iwasto mo muli ang iyong mga sagot sa pamamagitan ng Susi sa Pagwawasto nanasa iyong guro. 26
Nahirapan ka ba sa mga nauna mong gawain? Alam ko na pinagsusumikapan mongmakayang sagutin ang mga gawain. Susulat ka naman ngayon ng isang pagsasalaysay. Magugustuhan mo ito, hango parin ang paksa sa akdang tinalakay. Handa ka na ba?6. Sulatin mo… Panuto: Sumulat ka ng isang talatang nagsasalaysay. Ang paksa ay tungkol sa kahirapan ng buhay.________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________ Marahil kilalang-kilala mo ang taong binanggit mo sa iyong sinulat kaya madalikang nakabuo ng isang talatang nagsasalaysay.7. Lagumin mo… Panuto: Lagyan mo ng tsek (/) ang mga bilang sa iyong sagutang papel kung inaakala mong tumutugon sa mga natutuhan mo. 1. Mga salitang higit sa isang kahulugan 2. Pagtukoy sa bisa ng akda sa sarili/lipunan 3. Pagsusuri sa nobelang nasa teoryang eksistensyalismo 4. Mabuting epekto ng akda na mailalapat sa tunay na buhay 5. Pagsusumikap sa buhay 6. Pagmamahal sa magulang 7. Wastong pakikitungo sa kaibigan 8. Paglilingkod ng tapat 9. Pagiging mabuting anak 10. Pagkilala sa malasakit ng magulang 27
11. Paghahangad na makaahon sa kahirapan 12. Pagtupad sa pinangarap ng ama Madali ba para sa iyo ang natapos na gawain? Alam kong kayang-kaya mong sagutinglahat ang mga ito. Hiramin mong muli sa iyong guro ang Susi sa Pagwawasto. Ang susunod na gawain ang susukat muli sa iyong natutuhan sa araling tinalakay.Unawain mong mabuti ang panuto. Simulan mo na.8. Subukin mo… Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga pangungusap. Piliin mo ang titik ng may tamang sagot. 1. Ayon sa donyang pinaglilingkuran ng mag-ama, “Ang mga timawa ay nauna pang kumain kaysa sa ilang mga bisita. Ang kahulugan ng timawa ay ___ a. nakatunganga b. may mababang sahod c. patay-gutom d. walang magawa 2. Sawa na siyang maglagalag kaya naisipang mamasukan at ipagpatuloy ang pag-aaral. Ang naglagalag ay nangangahulugang: a. saan-saan nagpunta b. lumipat ng tirahan c. nagliwaliw d. naglakbay 3. Ayaw niyang maging isang hampaslupa. Ang ibig sabihin ng may salungguhit ay - a. palabuy-laboy b. inihampas sa lupa c. may mga lupain d. walang patutunguhang direksyon Panuto: Kung ang bisa ng akda ay sa sarili isulat ang S at kung sa lipunan isulat ang L. ____ 4. Nabago ang takbo ng buhay ni Andres dahil sa kahirapan. ____ 5. “Nag-aral ako dahil nais ng aking ama na ako’y maging manggagamot.” ____ 6. Di na nais ni Andres na maragdagan pa ang mga timawa. 28
Panuto: Lagyan mo ng tsek ang pahayag na nagpapakita ng kalakasan/kapangyarihan ng pangunahing tauhan. 7. Kahit ulila na ng lubos, tinupad pa rin ni Andres na maging manggagamot siya. 8. Nagsawa na siyang maglagalag at pinagsikapang makapag-aral. 9. Tutal timawa ang ama, ginaya na lang ito ni Andres. Panuto: Sipiin mo ang salitang/pariralang tumutugon sa halagang pangkatauhan: PAGTITIWALA SA SARILI ___ nagsikap umunlad ___ kayang mabuhay mag-isa ___ walang pag-asa ___ naghahanapbuhay at nag-aaral ___ umasa sa iba para mabuhay ___ batugan Itsek mo muli ang iyong mga sagot sa pamamagitan ng Susi sa Pagwawasto. Maramika bang tamang sagot? Kung ang iskor na nakuha mo ay 7 pataas, maaari ka nang magpatuloy sasusunod na modyul. Kung 6 pababa, isagawa mo muli ang Paunlarin Mo….9. Paunlarin mo… Para marating mo ang pangarap na tagumpay, kailangang alam mo ang hakbang naiyong gagawin. Ang susunod na gawain ay inilaan para sa iyo, kung paano mo mapagsusunud-sunodang mga hakbang para magtagumpay. Panuto: Itala mo ang mga hakbang na iyong gagawin upang marating ang pangarap na tagumpay. Ladder of Success Step 5 Step 4 Step 3 Step 2 Step 1 29
Gaano ka na kahusay?Panuto: Piliin mo ang tamang sagot sa bawat pangungusap. Titik lamang ang iyong isulat sa iyong sagutang papel.1. Maraming naglalagalag para hanapin ang magandang kapalaran. Ang ibig sabihin ng may salungguhit ay: a. nagpalabuy-laboy b. nangibang-bansa c. nakipagsapalaran d. umalis ng tirahan 2. Ayaw kong mapabilang sa mga timawa. Ang kahulugan ng timawa ay: a. hamak b. walang sapat na pera c. kargador d. mababang uring hanapbuhay 3. Mga hampaslupa ang makikita mo sa masisikip na eskinita. Ang kahulugan ng may salungguhit ay: a. inihampas sa lupa b. maglulupa c. lagalag d. istambay Panuto: Lagyan mo ng tsek ang mga pahayag na mula sa akda na nagkabisa sa iyong sarili. 4. “Itataguyod ko ang pag-aaral mo, gusto kitang maging manggagamot.” 5. “Ayaw kong matawag na timawa kaya magsisikap akong umunlad ang aking buhay.” 6. “Lalo akong nagsumikap nang maging ulila akong lubos.” Panuto: Piliin mo ang mga bilang na nagpapakita ng kalakasan/kapangyarihan ng pangunahing tauhan. 7. Kahit tagahugas ng pinggan lamang si Andres, di niya ito ikinahiya, makapagpatuloy lang ng pag-aaral. 8. Sa gulang na labing-anim, sumama siya sa isang kamag-anak na kusinero sa bapor na nagyayao’t dito sa Amerika at Pilipinas. 9. Isang hiwaga ang pagbubukod ni Andres sa sarili, ayaw makihalubilo sa iba. 30
Panuto: Piliin mo ang tamang sagot na tumutugon sa hinihingi sa bawat pangungusap. Titik lamang ang iyong isulat. 10. Umaasa ang ama ni Andres na balang araw magiging manggagamot ang anak. Ang pahayag ay nangangahulugan ng: a. may pag-asa b. malaking tiwala sa anak c. maghahanapbuhay nang lubos d. mag0hahanap ng ikabubuhay 11. Tinapos na ni Andres ang paglalagalag, naghanapbuhay ito at nag-aral. Ang ibig sabihin ng pahayag ay – a. may pinaglalaanan b. may pampaaral c. may panlagalag d. may paninindigan 12. Umiiwas si Andres sa mga kasayahan, nakapokus ang atensyon niya sa pag-aaral. Walang hinangad si Andres sa buhay kundi – a. mapag-isa b. makapaghanapbuhay c. makatapos ng pag-aaral d. makalayo sa barkada Sa pagkakataong ito, nadalian ka na ba sa gawaing ito? Iwawasto mo muli ang iyongginawa. Nasa guro mo ang Susi sa Pagwawasto. 31
Modyul BLG. 21 Pagsusuri ng Akda Batay sa Teoryang Naturalismo Tungkol saan ang modyul na ito? Marami ka ng araling natapos kaya sa pagkakataong ito nakatitiyak akong madali nasa iyo ang mga susunod pang aralin. Nakapaloob sa modyul na ito ang akdang Pinaglahuan ni Faustino S. Aguilar. Ito aymay tema ng pag-ibig at oryentasyong sosyal. Pag-ibig na di nagkaroon ng katuparan dahilsa magkaibang uri ng lipunang ginagalawan. Inilarawan dito kung gaano kalakas angpwersa ng mayaman at kung gaano naman kahina ang tao sa ganitong uri ng pwersa, tulad ngnangyari sa pangunahing tauhan. Hindi maipaglaban ang kanyang pag-ibig dahil salat sakayamanan. Ikinalakal ang kanyang katipan ng sarili nitong magulang sa isang mayaman,upang maiahon ang pamilya sa kahihiyan. Binigyang diin din sa akda ang mapagkunwaring ispiritwalidad na minana natin samga Kastila. Inilarawan ito sa pamamagitan ng bahay ni Don Nicanor na sinasabingalangang simbahan, alangang monasterio ang pagkakagawa. Nais na ipamarali ang kanilangpagiging kristiyano ngunit napakababaw naman ng pag-unawa sa aral Kristiyano. Tulad ngmag-asawang Don Nicanor at Nyora Titay na dinadalangin at ginamit ang anak upangmakamit ang hinihiling, mapagtakpan lang ang malaki nilang pagkakautang kay Rojalde. Ano ang matututuhan mo? Nailalapat ang mga batayang kaalaman at kasanayan sa mapanuring pagbasa saiba’t ibang genre ng panitikan.
Paano mo gagamitin ang modyul na ito? Kapaki-pakinabang ang modyul na ito. Higit na magiging maayos ang iyong pag-aaral, kung susundin mo ang mga panuto o tuntunin sa paggamit nito. 1. Sagutin mo ang Panimulang Pagsusulit. Susukatin nito ang iyong kaalaman tungkol sa aralin. 2. Iwasto mo ang mga sagot sa tulong ng susi sa pagwawasto na nasa huling pahina ng modyul. Kung magkaroon ka man ng maraming mali, huwag mag-alala, tutulungan ka ng mga gawaing inihanda ko. 3. Basahin at pag-aralan mong mabuti ang akda. Isagawa mo ang mga kaugnay na gawain. Mababasa mo kung paano ang dapat gawin. 4. Sagutin mo ang pangwakas na pagsusulit. Pagkatapos, iwasto ang iyong sagot sa tulong ng susi. Maging matapat ka sa pagwawasto. 5. Mahalin mo ang modyul na ito, pahalagahan tulad ng isang kaibigan. Huwag mo itong susulatan at sikaping huwag mapunit. Ano na ba ang alam mo? Ang iyong nakikita ay panimulang pagsusulit. Huwag kang matakot sa pagsusulitna ito. Layunin lamang nitong masukat ang dati mo nang kaalaman tungkol sa paksa.Panuto: Piliin at isulat ang letra ng wastong sagot sa bawat bilang..1. “Bawat salita mo’y patalim na humihiwa sa aking laman, bawat bigkas mo’y aking ikamamatay.” Ang pahayag na ito’y nangangahulugang: a. lubhang nasaktan ang umiibig sa mga binitiwang salita ng minamahal b. ang puso ay literal na nahiwa ng mga wikang nasambit c. wala na ang pag-ibig d. masakit umibig 2
2. “Kulang-palad tayo.” Ibig sabihin nito ay a. kulang ang palad nila b. sila ay mga sinawimpalad at di napagtagumpayan ang kanilang pag-iibigan c. may sakit ang kanilang mga palad d. sila ay walang swerte 3. Sila ang aking pangalawang Diyos dito sa lupa. Ang kahulugan ng salitang may salungguhit ay: a. nirerespeto b. sinusunod c. pinanampalatayaan d. tinitingala 4. Ang bahay ni Don Nicanor Gutierrez ay inihalintulad sa isang: a. lumang palasyo b. simbahan o monasterio c. munisipyo d. karaniwang bahay 5. Dahilan ng pakikipagkita ni Luis kay Danding a. upang makipagkalas sa kasintahan b. maging maayos ang kanilang paghihiwalay c. upang mabatid ang suliranin ng kasintahan d. maliwanagan ang bulung-bulungan sa pag-alis ng dalaga 6. Dahilan ng paglilihim ng dalaga sa kasintahan ng kanyang pagpapakasal sa ibang lalaki: a. walang pagkakataong ipagtapat b. ayaw niyang masaktan ang binata c. nais niyang magulang niya ang magsabi sa kasintahan d. hindi siya sigurado sa desisyong gagawin7-8. Piliin ang dalawang kaisipan na nagpapakita ng kalupitan ng tao. a. sapagkat siya’y dukha’y di man lamang makasali sa pamamakyaw b. dalawang pag-asa ang nagtatago sa mata ng marami, hindi sapagkat masama ang sila’y magmahalan kundi sa “sukat masabi!” c. “ mapalad nga, pagkat may isa akong minamahal na nagmamahal naman sa akin.” d. “ matagal ko nang napupuna na ikaw ay may ipinaglilihim sa akin.” 3
9. Piliin ang kaisipang magpapatunay na si Danding ay produkto ng kanyang herediti at kapaligiran. a. kusang inilihim ni Danding ang pagpapakasal sa iba b. patago siyang makipagkita kay Luis c. tinuturing niyang pangalawang Diyos sa lupa ang magulang kaya’t sila ay kanyang sinunod d. matatag na tinalikuran ang kasintahan 10. Ang pagsunod ni Danding sa kagustuhan ng magulang na ipakasal siya sa iba sa kabila ng pagtutol ng kanyang damdamin ay pagpapatunay lamang na siya ay: a. madaling maimpluwensiyahan b. masunuring anak c. mangmang d. duwagAralin : PINAGLAHUAN Anu-ano ang mga tiyak na matututunan mo? Matapos mong mapag-aralan ang modyul na ito, inaasahang matatamo mo ang mga sumusunod na mga kasanayan.. 1. Nabibigyang-kahulugan ang mga matatalinghagang pahayag at salita na ginamit sa akda 2. Natutukoy ang mahahalagang detalye at kaisipan sa akda 3. Nasusuri ang akda batay sa naturalismong pananaw 4. Napatutunayan ang kahalagahan ng pagkakaroon ng matalinong pagpapasya sa gitna ng suliranin sa buhay 5. Nabubuo ang talataan na may kaugnayan sa tamang pagpapasya 4
Mga gawain sa pagkatuto Alaminmo… Piliin sa kahon ang mga ugaling dapat taglayin ng magulang at isulat sa bilog. Mga ugaling dapattaglayin ng magulangMapag-aruga Mapagmahal MapagmalasakitMapagpalayaw Mapang-abuso MaunawainDiktador Maasikaso Materyoso 5
Nadalian ka ba sa inihanda kong gawain? Ang gawaing ito ay may kaugnayan sa akdang babasahin mo. Iwasto mo ang iyong sagot sa susi sa pagwawasto na nasa iyong guro. Handa ka na ba? Simulan mo na ang pagbabasa Basahin mo… PINAGLAHUAN (Kabanata 3) ni Faustino Aguilar GABI AT UMUULAN. GABING DAPAT SUMPAIN ng mga may sakit narayuma dahil sa kalamigan ng hanging humihihip. Gabing dapat ipanalangin ng mgamatatakutin dahil sa mahuhugong na kulog at nagniningasang kidlat. Ang patak ng ulan ay ga-maishalos at siyang ipinaglulusak ng mga lansangan ng Maynila na kaya lamang maganda ay kung tag-araw, tulad din naman sa isang babayi na kung bihis lamang saka nakikitaan ng gara. Ang mga ilaw-elektriko ay waring nangag-aantukan sa inandap-andap at sa mga daang dating matao ay ilan-ilan lamang ang nagsisipaglakad, matangi ang mga pulis na may katungkulang magbantay ay nangagyayao’t ditong matalas ang tainga sa ano mang kilatis o yabag kaya na di karaniwan. Ito ang biyayang napapala sa kanilang ibinubuwis ng mga naninirahan sa Maynila na nang gabing iyong pinasungitan ng ulan ay maagang nagsipaglapat ng pinto. Tulog ang bayan at hindi naririnig ang dagundong ng mga kalesa at ang pinatatagintingan ng salapi sa mga bahay-kalakal. Ngunit isa lamang masuyain, ang sa gayong kalakas na ulan ay sumasagasa at sugod nang nakikipag-unahan sa bilis ng kidlat na maminsan-minsang nakalilito sa kanyang mga paningin. Pagliko sa isang daan at sa tapat ng isang tila nag-aantok na ilaw, ay nakikilalang siya pala ang binatang nakatalo ng pulis sa Opera. Lalo pang lumalakas ang ulan, ngunit lalo namang nagdudumali ang masuwayin na pagtapat sa isang bahay sa daang A. ay tumigil at nagmasid. Lapat na ang mga pinto’t bintana ng kinatatapatang bahay na di naman lubhang mataas. Ang bahay na iyong salat sa karingalan ng mga bagong tayo, ay napagkikilalang matanda na at marahil ay di lamang lilimampung taong pinamamahayan. Malaki nga kung sa malaki, datapwat di sasalang yari noon pang walang mga kawani ang municipio na nag-uutos paris ngayong ang tataas ng mga bahay at pagpantay-pantayin, sapagkat mababa, at sa katunaya’y pantay-ulo lamang ang mga palababahan ng bintana. Ang bahay na iyon marahil ay labi ng isang marahas na sakuna, pagkat sa biglang tingin ay napagkikilalang dating mataas at nagsasabi ng ganito’y ang ayos ng kabahayan na alangang-alangan sa kababaan ng silong. Ito’y bahagya nang umaangat sa lupa. Sa gayong kadilim na gabi 6
ay pagkakamalan ang bahay na ito at wiwikain ng kahit sino na marahil isang simbahangmatanda, at kabilang na ng mga bagay na kakahapunin ng pananampalatayangkristiyano. Siyang-siya ng sa isang simbahan ang tabas-kamalig niyang bubong na tisana sa may gitna at sa pinakatuktok ay may isa pang maliit na gola na natatapos sa isangkurus na kahoy. Ang kurus na iyo’y di sasalang nakasaksi ng panahon sa malalakingbagay na nangyari; gaano karaming lihim ang nalalaman niyang pipi naman at hindinakapagsalita. Kung ang bahay na ito’y nagkataong napagitna sa matataas na pader aymaipalalagay sanang isang monasterio o tahanan ng mga babaying walang puso kung samga lalaking tagalupa, maliban kay Kristong hindi na pinagsawaang pag-ukulan ng kani-kanilang pag-ibig ng libu-libong dalaga. Ngunit hindi, at ang bahay na iyong alangang simbahan, alangang monasterio aytahanan ng isang mayamang kilala sa buong Maynila sa pangalang Nicanor Gutierrez.Iyon ang bahay ni Don Nicanor na kinatatapatan ng masuyain kay Pagtulog. Sa mga kilos at anyo ng taong natatapat sa bahay ay napagkikilalang hirati siya sagayong tinatu-tayo. Ang kalaliman ng gabi, ang malakas na ulang bahagya pa lamangnagbabawas, ang putik sa lansangang abot sa may bukung-bukong, ang mangisa-ngisadapwa’t maririing kulog, ay hindi man niya pansin, at waring natatalagangmakipagtagalan sa noo’y tila matatalo na niyang bubo ng tubig mula sa itaas. Isa pangbugsong malakas kaysa mga nauna, at ang ula’y tumigil, ngunit hindi ang kidlat at kulogna patuloy rin at waring nagtatawag pa ng unos. Isa, dalawa, tatlo, hanggang limang ubo ang narinig sa gitna ng dilim at hindi naumulit. Iba namang tunog ang narinig: marahan ngunit hugong ng isang bintanang kapisna binubuksan. “Luis, Luis?” ang salitang gumambala sa kadiliman ng gabi. “Oo,Danding, ako nga.” “Matagal ka na bang naghihintay?” “Ngayun-ngayon lamang ako naiinip.” “Oo nga at inakala ko nang baka hindi tayo magkausap.” “At bakit?” “Sapagkat baka napahimbing ka na naman.” “Ah, hindi na mangyayari uli ang gayon, lubha pa’t ganitong ang puso ko’yginigiyagis ng mararahas na damdamin.” 7
“Danding, binibigla mo ako. Ngayon lamang kita nakausap nang ganyan.Ako kaya’y malilimot mo na?” “Hindi hangga ngayo’y iyung-iyo ang aking pananalig, hindi pa sumasagi saaking gunita ang paglililo. Ngunit, oh, manhik ka. At tila babagsak na naman ang ulan.” At siyanga naman, ang inambun-ambon ay unti-unting lumalakas at ang datingmaitim na langit ay nagpanibagong-sapot at bumanta na namang magbuhos sa lupa ngkatakut-takot na tubig. Datapwa’t malayo na sa pagkabasa si Luis, sa isang imbay aynakapanhik sa itaas ng silid na tutulugan ni Danding at ang bintanang dinaanan niya’ymuling napalapat ng pagkakalapat na nagsasabing: “dito’y walang nangyayaringanuman.” Wala nga ngunit sa loob ng dalawang pusong kapwa bata at nasusuob ngmababangong kamanyang, dalawang pag-ibig na pinapagtali ng kapalaran angnagsusumpaan, dalawang pag-asa ang nagtatago sa mata ng marami, hindi sapagkatmasama ang sila’y magmahalan kundi sa “sukat masabi.” Sa gaano kalalaking paglilihimnaitutulak ang tao niyang pag-ilag sa “sukat masabi!” – iyang mabigat na pasaningipinadadalang pilit sa balana ng mga kabulaanan sa pamumuhay. Si Danding at si Luis ay hindi nakailag na pabuwis na ito, at hindi miminsangnag-uusap sila nang palihim at malayo sa “sukat masabi,” samantalang ang mgamagulang ng dalaga ay nangagpapahinga sa kabilang silid naman ng bahay. Ang pag-uusap nila nang gabing ito ay napaiba sa lahat: waring nakikibagaysa panahon, malungkot at walang katamisang gaya ng dati, lubha pa nang makaraan naang mga unang sandali. “Oo, Danding,” ang sabi ng binata,”sasamantalahin ko ang pag-uusap natingito upang sabihin sa iyong ako’y napakasawing-palad. Tuwina’y ganito, para akongmagnanakaw na di makalantad sa marami, patago kung makasilay sa maligaya mongmukha, paumit kung iyong makaharap, ano pa’t sa dilim lamang ng gabi naipagtatapatang aking pag-ibig at sa liwanag ng araw ay hindi na. Mapalad daw ako, ang sabi ng ilan.mapalad nga, pagkat may isa akong minamahal na nagmamahal naman sa akin, may isaakong iniibig na hindi maipahayag kangino man sa takot na baka ngayon pa’ymawala na.” “Luis, Luis!” “Danding, bayaan mong sa gabing itong maulan ay mailantad ko sa iyo angmga sugat ng aking puso, nitong pusong sapagkat iyo’y hindi dapat maglingid ng anung-ano man. Matagal ko nang napupuna na ikaw ay may ipinaglilihim sa akin, mula noongsumulat ka nang kayo’y nasa Tayuman. Ang matatalinghag mong sinabi sa liham aynatatala pa sa aking isip: “may sasabihin ako sa iyo,” ngunit hangga ngayo’y hindi mo panasasabi. Aywan kung nawalang-tiwala ka sa akin o talagang ang pag-ibig ko sa iyong dina malilimot kailan man ay ipinalalagay mong kabang walang susi, kaya ang sasabihingiyon ay ipinakakalihim-lihim. Lason mang nakamamatay sa aking pananalig at pag-asa 8
ang iyong sasabihin ay ipagtapat mo nang hindi ko mawikang wala kang pagmamahal.Ngunit huwag at baka wala akong matwid na humingi sa iyo ng ganito kalaking bagay.’ “Sukat na,’ ang pagkaraka’y naisagot ng dalaga sa gayong paghihinampo.“Bawat salita mo’y patalim na umiiwa sa aking laman, bawat bigkas mo’y akingikamamatay. Ako nga’y nagkasala sa iyo, ngunit pagkakasalang di ko naman dapatipagsisi. Kinusa ko ang paglilihim, at nalaman mo kung bakit?” Ang binata’y hindi nakakibo, hindi malaman kung ano ang isasagot sakanyang kausap na sa sandaling iyo’y nagtila anyo ng kasawian dahil sa kalumbayangnapalarawan sa mukha at sa unti-unting pangingilid ng luha sa magaganda niyang mata. “Nalaman mo kung bakit?’ ang ulit pagkasandali. “Sapagkat hindi ko ibig mamatay, sapagkat hinahangad kong ang puso ko na lamang ang madurog. Luis, kulang palad-tayo!” Ang ilang luhang nag-unahan sa pagpatak ang nagsabi sa binata ng kadalamhatiang kinakabaka ni Danding. Lalo pang napatigagal si Luis at ang malamlam na ilaw ng isang maliit na globong kulay luntian ang sumaksi sa kaniyang pagkahabag sa pinakaiirog nang higit sa buhay. “Luis huwag kang matakot sa pighati. Ikaw ang sumalang ng sugat,” ang patuloy nang buong kalungkutan ng nagsasalita. “Tapos na sa atin ang lahat. Ito ang wakas ng ating pag-iibigan. Oh! Kaydaling natapos. Ngayon ay sasabihin ko sa iyo ang bagay kong ipinaglilihim. Wala akong ipagkakaila anung-ano man, lahat ay aking sasabihin yamang ibig mo. Ang dalagang umiibig sa iyo at kung palayawan mo’y aking Danding ay hindi na iyo ngayon. Siya’y wala nang sariling puso, siya,y isang kasangkapan lamang na ipinagbibiling di magluluwat. Ipinagbibili, Luis, at sa halagang di mo maaabot. Alam kong sa pag-ibig mo sa akin, sampung buhay man ay iyong ipapalit, dapwa’t di sukat ang buhay, kailangan ang salapi, kailangan ang pilak na mataginting, na panira sa lalo mang mahal na mga tipanan, at makaalipin sa napakataas mang hari, kaya ngayo’y hindi na ikaw ang may karapatan sa aking pag-ibig, iniirog man kita, kundi si Rojalde na mula ngayo’y kinapopootan ko.” “Kung gayon, si Rojalde…” ang bahagyang nasnaw sa bibig ng binata. Oo, Luis, siyang bibili sa akin at ang magbibili nama’y ang aking mga magulang.” At marahil sa pagkalunod, ang dalaga’y napatigil. Hindi na nakapagpatuloy , at walang naisaksi ang kaniyang puso sa sakbibing dalamhati kundi ang saganang luha at ang pinipigilang paghikbi. Sabay sa pagluha, sabay sa paghikbing isinalaysay ng dalaga ang buong pangyayari. Siya’y pinagsabihan na ng kaniyang ama at nang sumagot na may kapaitang lunukin ang maagap na pagkakapaoo kay Rojalde nang hindi naman sumangguni sa kanya, ay nagalit, napoot, at siya’y tinawag na masamang anak. Di- umano’y kaligtasan nilang mag-anak ang gayong pag-aasawa at alang-alang sa pagkaligtas na ito sa isang napakalaking panganib at kahihiyang kapapasukan kung sakali ay dapat siyang sumunod. Nasabi pa rin ng kaniyang amang kung hindi siya 9
sasang-ayon ay mapipilitang magpatiwakal na muna bago masamsam ang lahat ngpag-aari at lumabas na kahiya-hiya sa karamihan. Ang kanila palang dangal atkapurihang mag-anak ay maaaring siklut-siklutin ni Rojalde. Napakalaki ang sagutin ngkaniyang ama rito na di na makauurong pa kahit ibigin. “At ako, sa harap ng ganyang sigalot ay nalilito. Iniibig ko ang akingmagulang at iniibig din naman kita.” Ang mga huling salitang sakdal kapaitan ngdalaga. Ang gayong dagok ng kasawiang-palad ay hindi inasahan ni Luis.hanggang nang mga sandaling yao’y hindi pa nagkakasugat ang kaniyang puso.Naniniwala ng paniniwalang bulag sa kaligayahan ng pag-ibig na sa palagay niya’yisang bulaklak na napakabango at di na mauubusan ng samyo. Hanggang sa gabingiyon ay pawang paglasap ng katamisan sa sinapupunan ng kaniyang pinakamamahal naDanding ang natatamo, minsan ma’y di nakadama ng isang tinik na sukat ikapagsabingnagsapot sa kaniya ang kalangitan, minsan ma’y di nakalagok ng kapaitangikapagtuturing na siya’y nasawi. Lahat ay ligaya, lahat ay aliw at katamisan, walanglungkot ni pighati ni luha at pagdaramdam. Alam niyang may mga pag-ibig na taksil at nakamamatay, datapwa’t kailanma’y di nag-akalang ang ganito sa kaniyang Danding na makalilibong sumumpa sapagmamahalan nila. Hindi akalain ni Luis na sa isang sandali lamang ay mapapawingparang aso ang lahat niyang pag-asa sa isang babaying hindi naman masasabing sa iba pakundi kaniya nang lubos. Nang mga sandaling iyo’y nagunita ni Luis ang pagkakapagkilala nila niDanding, isang hapon sa Luneta, nang ito’y kagagaling pa lamang sa isang colegio ritosa Maynila at inilabas ng ama dahil sa nalalapit na pagdiriwang ng Del Pilar sa Sta. Cruz.Biglang sumagi sa kaniyang gunita ang ikalawang pagtatagpo nila, makasanlinggolamang sa isang sayawan, at nagunita tuloy ang kaniyang pagkakapahayag sa sayawangiyon, na ipinagtamo kay Danding ng kung hindi man isang oo ay isa namangpagpapaasang sukat nang makaaliw sa isang nangingibig. Oh! Hindi maaari, na ang gayong pag-iibigang pinapagtibay na mahigit ngisang pag-irog na dalisay at wagas ay magbunga ng kapait-paitang pagkadusta. Hindi,kailangang mamatay na muna siya upang makapanalig sa ganito. Gayunma’y kaharap siDanding, nadinig sa mga labi nito ang buong katotohanan, ang pagbibili ng isang pusongmay dinadalanginan man ay pilit na ipinasasaklaw sa iba, at siya ay naroong walanamang magawa at di makapagsalita ng anung-ano man palibhasa’y pinipi ng gayongkasawiang ikawawala ng kaniyang mutya at tunay na ligaya. Ibig na ayaw paniwalaan niLuis na may mga magulang ngang nangangalakal ng anak. Pinag-aalinlangan niyang angpangangalakal na ito, kung totoo man, ay iukol ni Don Nicanor sa kaniyang kaisa-isanganak na babayi, pagkat si Don Nicanor ay mayaman at di mangangangailangan ngsalaping ipananakip sa tainga upang huwag marinig ang sigaw ng isang pusongtumututol. 10
Ang pangingibig ni Rojalde ay kaniyang talastas. Nalalaman niyang ito’ynagpapakamatay halos kay Danding, at sa katunaya’y di miminsang nakapagdahilanan pang kaniyang mga pagtatampong lambing lamang naman sa nagmamahal na si Dandingdatapwa’t di niya sinapantaha kailan mang gayon ang magiging wakas. Si Don Nicanor, sa kaniyang palagay, ay isang amang may katuwiran athindi kabilang sa mga magulang na sa supot tumitingin at hindi sa kaligayahan ngkanilang anak, datapwa’t naroroon si Danding na nagpapabulaan sa ganitong palagay.Oo, ang Danding na iyong kinaniya-niya at pinaglalaanan ng buong pagkatao atpagmamahal ay ipinagbili ng magulang, at siya sapagkat dukha’y di man lamang makasalisa pamamakyaw. Ang kaniyang maliit na sahod sa pinapasukang isang bahay-kalakal na dayoay hindi maipangangahas sa gayong pagbibilihan: sukat na lamang ang magtiis, at angpagmumuni-muning ito’y siyang nagsurot sa kaniyang mga mata ng napakaruhagingpalad ng dukha, na pinanaligan niyang nauuwi sa ganito: ngayo’y malakas, bukas aymahina at sa makalawa’y matanda nang pinatatapun-tapon hanggang sa mamatay nadayukdok. “Ipagbibili ako sa halagang hindi mo maaabot!” ito ang sabi ni Danding.at may katotohanan nga naman, pagkat siya ay dukha,isang maralitang salamat sakaunting nalalaman kaya nakagigitaw-gitaw nang kaunti. Datapwa’t ganito man aynag-uulik-ulik ang kalooban ng binata. Hindi makapani-paniwala sa lahat ng narinig, atipinalalagay na ang mga ipinaturing ng kaniyang minamahal ay isang panaginip lamangkung hindi man isang pagbiro. Nang mga sandaling iyon si Luis ay napatulad sa isang ayaw mamatay natinutulan pati ng paghihingalo. Si Danding ay kaniya, at liban dito’y wala nangkatuwiran pang maibabali. Kapagkaraka’y walang lunas na minagaling kundi angpagtatanan. Sa lilim ng malayang pamamalakad tungkol sa bagay na ito ay makasisilongsila ni Danding: doo’y di na makaaabot ang lakas at masagwang pagkaama ni DonNicanor, kaya ang sabi pagkatapos ng matagal na di pag-imik. “Laban sa ganyang paggahasa ng iyong ama ay kagahasaan din angpanlaban. Magtanan tayo, lumayo rito at sarilinin ang ating palad.” Ang ganitong mga salita’y binigkas ni Luis nang biglang-bigla atnatatatakan ng katigasang-loob. Hindi minasama ni Danding ang gayong hikayat. Siyama’y nakapag-akala na ring di miminsan ng gayon, datapwa’t kinahahabagan angkaniyang ama at ang kaniyang ina. Dito niya utang ang pagkatao, ang nalalaman, anglahat. Ang kaniyang pagsunod ay talagang sa mga magulang, ngunit ang kaniyang puso? Isang pakikipagtunggali sa mga udyok ng puso ang nangyayri kay Dandingng mga sandaling iyon. Isang matamis na damdamin ang nagtutulak sa kaniyangsumama kay Luis, lumayo, at sa gitna ng kalayaan lasapin ang katamisan ng paggiliw,ngunit magpikit man ng mata’y isinusurot naman sa kaniyang mga balintataw ngpagsunod sa magulang ang larawan ng amang nagpatiwakal dahil lamang sa kaniyang di 11
pagsunod. Matay mang pakakuruin ang sinasapit niya ay di mapanibulos kung saangdako kikiling: saa’t saan man ay may kamatayan, may lasong makamandag, may sundangna pang-iwas. Napaiyak, at di kinukusa’y sa balikat ng binata napahilig. Isang halik napasiil ang inilunas ni Luis sa gayong kapighatian, at ang sabing sabay ng paghaplos sa nooni Danding. “Alam kong iniibig mo ako kaya wala akong katiga-tigatig. Ikaw ay akinat di kay Rojalde.” “Napakahirap kang papaniwalain,” ang pahikbi-hikbing sagot ng dalaga,“at ngayong makilala ko ang kadakilaan ng iyong puso at ang karangalan ng iyong pag-ibig ay lalo kitang minamahal. Ngunit maniwala ka sa akin, Luis. Limutin mo na ako,huwag kang umasa ng ano man at ang pagbibili sa akin ay hindi na mauurong. Luis!Luis! Bakit di ka naging mayaman?” “Danding!’ “Oh, hindi ko sinusugatan ang iyong pagkatao. Nasabi ko ang gayonpagka’t kung maysalapi ka ay hindi ako kay Rojalde, kundi’y iyo na lamang.” “Siya na. Ako’y hindi mo na iniibig kaya ka nagsasalita nang ganyan. Pusong babae ka nga mayroon. Ipinagpapauna mo sa pag-ibig, diyan sa dalisay na dumadaming bibihis sa katauhan, ang kahinaang-loob. Dinaya mo ang aking pag-asa. Hindi mo na minamahal. May katuwiran ka, ako’y dukha at di dapat mangarap ng pag-akyat diyan sa kalangitan handa lamang sa mga mapalad na manggagaga. Oo, lilimutin kita sapagka’t ikaw ay mayaman, hindi sapagkat hinihingi mo. Aalis ako ritong gahak ang puso at walang paniwala.” At pagkasabi ng ganito’y tumindig ang binata at wala kang awa, Luis. Ikaw paang maghihinanakit sa akin. Ibig kong sa pag-alis mo rito”y magtaglay ng paniniwalang hindikita nililimot. Iniibig kita nang higit pa kaysa rati datpwa’t ang aking mga magulang, angpagpapahalaga sa knilang naipangako, ang kaba- itang taglayin ng isang anak…Luis, kaawaanmo ako. “Nauunawaan kita, ngunit ano ang magulang, ang pangako, ang kabaitan sa harap ng isang pag-ibig? Ikaw ay akin at hindi sa iba, bakit ngayo’y ikaw na rin ang magkukusa ng pagwawalat sa ating ligaya?” “Lahat nang iya’y totoo, maaaring ako’y iyong pag-itingan ng sisi at pagdusta, datapwa’t huwag mong hinalain kailan man na kita’y hindi iniibig, pagkat ito ang lasong makamamatay sa akin. Iniibig kita ngunit… ‘‘Kung gayon ay di mo makakayang suwayin ang mga magulang mo?” “Sila ang aking pangalawang Diyos dito sa lupa, at bago ko sirain ang ganitong tadhana ng aking pananampalatayang kinagisnan ay ibig ko munang mamatay.” 12
“Sukat na, Danding. Maituturing mong ikaw ay nagwagi. Iiwan ko ritoang aking puso. Aalis akong wala nang pag-asa ni pananalig. Isang buhay anginalisan mo ng halaga, dapwa’t hindi kita sinisisi sa pagkakaganito, nalalaman kongikaw ay walang sala, ang aking pinakasusumpa ay ang mga kamaliang bunga ngdalawang gawa ng tao: salapi at ang pananampalataya. Pagkaraan ng may isang oras, si Luis ay malungkot na nanasok sa pintong kaniyang bahay na sa isang nayon ng Maynila ay kaumpok ng ilang bahay napawid na paris din ng kaniyang tinatahana’y naghihiwatig ng di totoong mariwasangbuhay ng nagsisitira. Hanggang sa makakubli sa mga patak ng ulan ng gayong kasungit nggabi ay walang nauulit-ulit ang binata kundi ang mga salitang: “Ang salapi, ang pananampalataya, napakalakas ng mga kaaway kongito.”Linangin mo… Pagsusuring panlinggwistika Panuto: Ang mga salitang nasa Hanay A ay matatalinghagang pahayag na ginamit sa akda. Hanapin mo ang kahulugan nito sa Hanay B. Titik lamang ang isulat. Hanay A _____1. sa dilim lamang ng gabi naipagtapat ang pag-ibig _____2. pag-ibig na ipinalalagay na kabang walang susi _____3. wala nang sariling puso _____4. paniniwalang bulag sa kaligayahan ng pag-ibig _____5. isang bulaklak na napakabango at di na mauubusan ng samyo _____6. nagsapot sa kanya ang kalangitan 13
_____7. huwag kang matakot sa pighati _____8. pusong babayi ka nga mayroon _____9. sukat masabi _____10. patago kung makasilay sa maligaya mong mukha Hanay B a. walang katiyakan b. dapat sabihin c. walang kalayaang magkita ang magkasintahan d. di na maaaring umibig e. hindi maglalaho ang kariktan ng babae f. sobrang kaligayahang nararamdaman g. madaling magbago ang isip o nararamdaman h. walang katapusang kaligayahan i. palihim o panakaw na pagkikita j. hindi maunawaan ang pangyayari k. harapin ang kalungkutan Ngayong nabigyang kahulugan mo na ang matatalinghagang pahayag, mahalagangmasuri mo naman ang mahahalagang pangyayari sa akda. Gamitin mo ang tsart o ang “Story Grammar.” Basahin mong mabuti ang mga tanongsa bawat bahagi bago mo ito sagutin. 14
Pagsusuring pangnilalamanTA TauhanGP PinangyarihanUA PanahonN Panimulang Pangyayari (Paano nagsimula ang kwento)BA Suliranin (Ano ang naging suliranin ng tauhan?)N Reaksyon (Ano ang naging reaksyon ng tauhan sa suliranin?)G Ginawa (Ano ang binalak gawin upang malutas ang suliranin?)H Resulta (Ano ang naging resulta?)A Wakas (Paano nagwakas ang kwento?)YPagsusuring pampanitikan Bago mo simulang gawin ang susunod na gawain, basahin at pag-aralan momuna ang nasa loob ng kahon. Makatutulong ito sa iyo upang maging madali saiyo ang mga gawain. 15
Kung babasahin ang isang akda sa pananaw ng mga tagapagtaguyod ngpaniniwalang naturalismo sa panitikan, tinitingnan ang kabangisang umiiral na maykinalaman sa buhay ng mga tauhan. Kinakailangang makita na ang tao aynabubuhay sa isang mundong tila walang awa at mabangis. Hinahanap din angbahaging maaaring makapagpatunay na ang kabiguan ng tao ay dala ng kanyangkapwa. Pinalulutang sa pagbabasa ang kasuklam-suklam at nakaririmarim nakapaligirang ginagalawan ng tao. Sa teoryang naturalismo, ang mga tauhan sa isang akda ay mga produktolamang ng kanilang herediti at kapaligiran. Naunawaan mo ba ito? Maaari mo ng suriin ang akdang “Pinaglahuan.”Isulat ang hinihingi ng bawat letra sa nakalaang patlang.A. Ilarawan ang kalagayan sa buhay ng mga tauhan sa akda Danding ____________________________________________ ___________________________________________________ ___________________________________________________ Luis ________________________________________________ ____________________________________________________ ____________________________________________________B. Magbigay ng mga tiyak na bahagi ng akda na nagpapakita ng kabangisan ng mundo sa tao. _____________________________________________________ _____________________________________________________ ______________________________________________________C. Patunayan na ang bahaging sinipi sa letrang B ay nagpapakilala ng 16
kabangisan ng mundo sa tao. ______________________________________________________ ______________________________________________________ ______________________________________________________D. Ilahad kung ano ang naging bunga ng kabangisan ng mundo sa mga tauhan sa akda. ____________________________________________________ ____________________________________________________ ____________________________________________________Halagang pangkatauhan1. Kung ikaw ang nasa katayuan ni Danding, ano ang pipiliin mo, pag-ibig sa dakilang minamahal o pag-ibig sa magulang na pinagkakautangan mo ng buhay.2. Basahin at unawaing mabuti ang sitwasyon. Subukin mong gumawa ng sariling pagpapasya. Magtatanan kayo noon ng iyong kasintahan nang kayo ay maaksidente.Buong akala mo’y namatay ang iyong kasintahan, dahil ito ang sinabi ngiyong magulang. Ngunit lingid sa iyong kaalaman binayaran ng iyong ina angmagulang ng iyong kasintahan dahil tutol sila sa inyong pagmamahalan at sakasamaang palad nagkaroon ng amnesya ang iyong kasintahan at walangnaalala tungkol sa inyong pag-iibigan. Sa hindi inaasahang pagkakataon, nakita mo ang iyong kasintahan nakasama ang iyong pinsan at ipinakilala niya ito sa iyo. Natulala ka dahil di kaniya nakilala at doon mo nalamang mayroon siyang amnesya. Gusto mong ipagtapat sa pinsan mo ang lahat, nagtatalo ang iyong isip,ayaw mo siyang masaktan dahil kitang-kita mo rin ang kanilang pagmamahalansa isa’t isa ngunit sinasabi ng iyong puso na mahal na mahal mo pa angiyong boyfriend. Sasabihin mo ba sa iyong pinsan ang katotohanan omananatili kang tahimik kahit nasasaktan ? 17
Naging madali ba sa iyo ang lahat ng mga gawain? Kung gayon, iwasto mo naang iyong sagot sa susi sa pagwawasto na nasa iyong guro. Daragdagan mo pa ang iyong kaalaman sa tulong ng mga gawaing magpapalawakng iyong kaisipan.Palalimin mo… Dugtungan mo ang mga sumusunod na mga pahayag. Matapos kong mabasa angnobelang “Pinaglahuan”Nalaman ko na __________________________________________________ __________________________________________________Masasabi ko na __________________________________________________ __________________________________________________Napatunayan ko na ________________________________________________ ________________________________________________ Iwasto mo ang iyong sagot sa susi sa pagwawasto na nasa iyong guro.Kung malapit ang iyong sagot sa tama, ito ay katanggap-tanggap.Gamitin mo… Panuto: Lagyan mo ng tsek (/) ang mga pahayag na sa tingin mo ay positibo at ekis (x) kung negatibo. _____1. Maging mahinahon sa pang-aaping sinapit sa buhay. _____2. Huwag panghinaan ng loob sa mga pagsubok na dumarating sa buhay. 18
_____3. Ipambayad utang ang anak kung wala nang ibang pamamaraan. _____4. Makisama sa mga taong kauri mo lamang sa lipunan. _____5. Matutong lumaban sa patas na pamamaraan. _____6. Gamitin ang talino sa anumang desisyong gagawin. _____7. Gawin ang naaayon sa iyong konsensya. _____8. Sumunod sa kagustuhan ng iyong magulang kahit ito’y ikapahamak mo _____9. Maging sunud-sunuran sa gusto ng mga taong nakatutulong sa iyo. _____10. Maging malawak ang pang-unawa sa mga taong may suliraning kinakaharap sa buhay. Kung tapos mo nang sagutin ang gawain, kunin mo ang susi sa pagwawastona nasa iyong guro. Iwasto ang iyong sagot. Gawin mo na ang susunod na pagsasanay.Sulatin mo… Panuto: Punan ang mga patlang ng mga tamang salita upang mabuo ang talataan. Nasa loob ng kahon ang mga pagpipiliang sagot. Ang pagkakaroon ng 1 sa pagpapasya ay isang 2 dapat taglayinng tao lalo na sa pagharap niya sa pang-araw-araw na pakikipagtunggali sabuhay. Madalas 3 tayo sa sitwasyong di natin nais kung tayo ay bumubuong pagpapasya. Ngunit kailangan pa rin nating gawin para sa higit naikabubuti ng lahat. Ano nga ba ang mga kailangan isaalang-alang upang makabuo ngtamang 4 ? Narito ang ilang bagay na makatutulong sa atin. Una, pag-aralang 5 ang anumang sitwasyong pagpapasyahan. 6 magkabilang panig. Isaalang-alang ang mga 7 at negatibongibubunga ng desisyong gagawin. 19
Pangalawa, dapat walang kinikilingan at huwag 8 sapagpapasyang gagawin. Pangatlo, maging matigas at handa na 9 ang gagawingpagpapasya. Hindi maiiwasang may masaktan sa iyong desisyonsubalit kung sa tingin mo, ito ang tama at hindi ka lilihis sakagustuhan ng nasa 10 , hindi ka dapat mag-alala. Ngayong nabatid mo na ang mga bagay na dapat isaalang-alang ,subukin mong gawin ito. Nakatitiyak akong di ka 11 at magiginglaging 12 ang isipan at damdamin sa bawat pagpapasyang gagawinsa buhay. Mga Pagpipiliana. mabuti i. timbanginb. pagpapasya j. mangakoc. talino k. magsisisid. paninindigan l. positiboe. Itaas m. naiipitf. katangian n. mag-urong sulongg. payapa o. sitwasyonh. nabatid Iwasto mo muli ang iyong sagot gamit ang susi sa pagwawasto nanasa iyong guro. Siguro naman ay naging malinaw na sa iyo ang lahat ng gawain.Hanapin mo sa ibaba ang lahat ng natutunan mo at isulat ito sa loob ngkahon. 20
Lagumin mo… Mga Natutunan a. kaalaman hinggil sa teoryang naturalismo b. pagpapakahulugan sa mga matatalinghagang pahayag c. bunga ng kawalang respeto sa magulang d. mga detalye ng mga pangyayari sa kwento e. kahalagahan ng pagpapasya ng indibidwal f. impluwensya ng pamilya g. resulta ng maagang pag-aasawa h. pagpapatunay na ang mundo ay isang mabangis na lunsod i. katamaran ng mga Pilipino j. kahalagahan ng katatagan sa mga suliranin sa buhay k. nagagawa o kapangyarihan ng salapi sa buhay ng tao. 21
Panuto: Punan ng nawawalang salita ang bawat patlang upang mabuo ang kaisipan. Piliin ang tamang sagot na nasa loob ng kahon. Ang Diyos ay ating ________ paggalang ay iukol sa ________ natinSa buhay, ang ________ ay kailanganNgunit ang pagpapaalipin dito ay ________Ang anumang ________ na ginamit mo sa iyong kapwaay panukat ding gagamitin ng ________sa iyo.kasalanan salapiPanginoon panukatsambahin magulang Tingnan mo muli sa susi sa pagwawasto na nasa iyong guro kung tamaang iyong kasagutan. Iwasto mo na ito.Gaano ka na kahusay Subukin natin kung gaano mo naunawaan ang lahat ng iyong pinag-aralan.Sagutin mo ang pangwakas na pagsusulit. 22
Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot. 1. Lubha pa’t ganitong puso ko’y ginigiyagis ng mararahas na damdamin. Ang kahulugan ng pahayag na ito ay: a. maraming masasayang damdamin ang nagsasalimbayan sa kanyang puso b. walang kasinglungkot at puno ng hinagpis ang kanyang puso’t damdamin c. naliligalig ang puso d. maligaya siya sa nararamdaman 2. Sapagkat dukha’y di man lamang makasali sa pamamakyaw sa puso ng kasintahan. Nangangahulugan lamang na ang nagsasalita ay: a. hindi magawang maipaglaban ang kasintahan dahil mahirap lamang b. maraming karibal sa pag-ibig ng kasintahan c. hindi tunay na iniibig ng dalaga d. walang panahong makipag-agawan 3. “Tila isang monasterio o tahanan ng mga babaying walang puso kung sa mga lalaking tagalupa. Ang kahulugan ng salitang may salungguhit ay: a. patay na b. naghihingalo c. di na maaaring umibig d. sensitibo 4. Ano ang kalagayan ng panahon nang maganap ang pag-uusap nina Luis at Danding? a. malamig at tag-yelo b. mainit c. tag-ulan d. papalubog ang haring araw 5. Bakit di makalantad at di maipahayag ni Luis ang dakilang pag-ibig para kay Danding? a. dahil siya ay may kapansanan b. dahil siya ay dukha c. dahil siya ay kriminal d. dahil siya ay may sakit 23
6. Alin ang pinili ni Danding? a. pananampalataya at salapi b. pag-ibig kay Luis c. Rojalde d. walang pinili 7-8. Alin sa mga sumusunod ang nagpapatunay na “Ang kasawian ng tao ay dulot ng kanyang kapwa”? a. Hindi sila lantad kung magkita b. Ipinagbili si Danding ng kanyang magulang sa ibang lalaki c. Tinutulan ng magulang ni Danding ang pag-iibigan nila ni Luis dahil ang binata ay mahirap lamang. d. Nakikihalubilo lamang ang mayayaman sa kauri nila 9. Anong kaisipan ang magpapatunay na malakas ang pananampalataya ni Danding sa kanyang mga magulang. a. Hindi lantad ang pag-iibigan nila ng kanyang kasintahan. b. Natutunan niyang ibigin si Rojalde na gusto ng magulang niya sa kanya. c. Hindi niya kayang suwayin ang kagustuhan ng magulang. d. Naging mabuti siyang anak. 10. Mabuting gawain ang pagsunod sa kagustuhan ng iyong magulang ngunit kailangan mo ring matutong magdesisyon para sa sarili. Ang pahayag na ito ay isang: a. kongklusyon b. haka-kaha c. katotohanan d. kawikaan Ilan ang nakuha mong iskor? Kung 7 pataas ang iyong tamangsagot binabati kita. Kung 6 pababa ang nakuha mo, gawin mo ang isa panggawain na inihanda ko sa iyo. maaari ka nang magsimula. 24
Paunlarin mo… Ayusin mo ang mga ginulong salita na nasa loob ng kahon upang mabuo moang kaisipan. ng kapaligiran / sa buhay ng isang tao / paaapekto / malaki ang impluwensya / idulot nito sa iyo / sa maaaring / kaya’t huwag / sa iyong daraanan / ang anumang / paglalakbay / may malaking balakid / na nasimula / kahit pa / na humahadlang / ipagpatuloy / 25
Modyul 22 Pagsusuri ng Akda sa Teoryang Realismo at Romantesismo Tungkol saan ang modyul na ito? Ang modyul na iyong babasahin sa araw na ito ay muling maghahatid atmagbibigay sa iyo ng mga kaalaman na tiyak na magpapabago sa iyong pananaw sa buhay at salipunang iyong ginagalawan. Kung iyong susuriin, iba-iba ang antas ng pamumuhay ng mga tao sa mundo.May mahirap, may mayaman at may nabibilang din sa katamtamang antas ng pamumuhay. Saanka ba nabibilang sa tatlong nabanggit? Alin man sa mga ito ang kinabibilangan mong antas ngpamumuhay sa ating lipunan, alam kong damang-dama mo ang hirap ng buhay sa kasalukuyan.At alam mo bang sa gitna ng kahirapang dinaranas ng maliliit na mamamayan ay nariyan angilan nating mapagsamantalang kababayan? Totoo ang lahat ng ito at alam kong ikaw mismo sasarili mo ay makapagpapatunay ng katotohanan nito batay na rin sa iyong mga nabasa, narinig,napanood, nasaksihan at marahil sa iyong personal na karanasan. Ang dalawang akdang iyong babasahin sa araw na ito ay lubos mong maiibigan.May kaugnayan ito sa mga mamamayang napasailalim sa kalupitan ng ilang mapagsamantalangtao. Ano ang matututunan mo? Nailalapat ang mga batayang kaalaman at kasanayan sa mapanuring pagbasa saiba’t ibang genre ng panitikan
Paano mo gagamitin ang modyul na ito? Malaki ang maitutulong sa iyo ng modyul na ito sapagkat gagabayan ka nitotungo sa iyong pagkatuto. Nakalahad dito ang mga tuntunin upang maging maayos atmakabuluhan ang iyong paggamit. 1. Sagutin mo nang maayos ang Panimulang Pagsusulit o ang bahaging “Ano Ba Ang Alam Mo? “, gabay ito upang masukat ang lawak ng iyong kaalaman sa paksa. 2. Sa tulong ng Susi sa Pagwawasto na nasa iyong guro, iwasto mo ang iyong mga sagot. Huwag kang mag-alala kung magkaroon ka man ng maraming mali sapagkat matutulungan ka naman ng mga gawaing inihanda ko para sa iyo. 3. Basahin at unawain mong mabuti ang paksang-aralin at isagawa mo ang kaugnay na mga gawain. May mga panuto kang mababasa kung paano ito maisasagawa. 4. Suriin mo kung naragdagan ba ang iyong kaalaman. Sagutin mo ang Pangwakas na Pagsusulit o ang bahaging “Gaano Ka Na Kahusay?”. Pagkatapos, iwasto mo ang iyong mga kasagutan sa tulong ng Susi sa Pagwawasto na nasa iyong guro. Maging tapat ka sana sa pagwawasto. 5. Kaibigan mo ang modyul na ito kung kaya’t gamitin mo nang wasto. Sagutan mo itong mabuti at sikaping huwag masulatan. Gumamit ka ng hiwalay na notbuk o papel sa pagsagot. Ano ba ang alam mo? Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang pangungusap sa bawat bilang. Piliin at isulat ang letra ng tamang sagot. 1. May nalasahang pait si Leni sa kanyang bibig nang malamang patay na ang pasyente. Nangangahulugan lamang na si Leni ay: a. nawalan ng pag-asa b. nakaramdam ng lungkot c. may mapait na panlasa d. nalasahan ang mapait na inulam 2. Gumapang ang buong lamig sa kanyang katawan. Ang nangyari sa kanya ay: 2
a. nagulat c. natulala b. gininaw d. kinilabutan3. Inabuluyan si Dado ng salaping kulay-kahel. Samakatwid, nakatanggap siyang abuloy na nagkakahalagang: a. 10 c. 50 b. 20 d. 1004. Ang lahat ng pangyayari ay naglalahad ng katotohanan maliban sa: a. nagpapautang ng walang tubo b. mahirap ang lumapit sa mga mayayaman c. mahihirap na tao na hindi nangungutang d. mga taong nangungutang kahit malaki ang tubo5. Masasabing nagkakaroon ng bisa ang akda sa iyong sarili kung nagkaroon kang: a. kaliwanagan c. masamang saloobin b. kakaibang pananaw d. magaan na damdamin6. Ang katotohanang nagaganap kapag ang tao’y naghihirap ay a. nagpapakamatay c. nagdarasal sa Panginoon b. kumakapit sa patalim d. naghihintay ng swerte7. Nagbibigay-halaga sa katotohanan ang teoryang pampanitikang: a. realismo c. humanismo b. imahismo d. naturalismo8. Ang teoryang pampanitikang romantisismo ay nagbibigay-halaga sa: a. realidad c. kaanyuan ng akda b. damdamin d. kabuluhan ng akda9. Maraming mamamayan ang naghihirap at ang dapat gawin ng nakaririwasaay: a. umunawa c. magpautang b. tumulong d. maglingkod10. Anumang oras ay dumarating ang pagsubok sa ating buhay at ang dapat gawinay maging: a. matatag c. mahinahon b. matapang d. mababa ang kalooban Maaari mo nang iwasto ang iyong mga sagot. Kunin mo sa iyong guro ang Susi saPagwawasto. Maganda ba ang naging resulta ng iyong iskor? Huwag kang mabahala sakinalabasan nito. Sinusukat lamang nito ang dati mo nang kaalaman kaugnay sa dalawang aralinna ating tatalakayin sa araw na ito. 3
Makatutulong na maipaunawa sa iyo ng modyul na ito ang iba’t ibang kasanayanna dapat mong matutunan sa tulong ng mga gawaing inihanda ko para sa iyo.ARALIN 1: Canal de la Reina (Kabanata 7-8) Anu-ano ang mga tiyak na matututunan mo? Matapos mapag-aralan ang modyul na ito ay inaasahan iyong matatamo ang sumusunod na kasanayan: 1. Nabibigyang kahulugan ang mga pahayag na nagtataglay ng pahiwatig 2. Naiisa-isa ang mga pangyayaring naglalahad ng katotohanan 3. Nagsusuri ang akda batay sa teoryang realismo 4. Napatutunayang lubhang mahalaga ang pagbibigay ng tulong nang walang anumang kapalit sa mga taong nangangailangan 5. Nakasusulat ng isang talatang kinapapalooban ng mga sitwasyong nagpapakita ng realidad sa buhay Mga Gawain sa Pagkatuto 1. Alamin mo… Panuto: Suriin ang larawan at pagkatapos ay piliin ang letra ng mga pahayag na tumutugon sa nais ipahiwatig nito.A. Kapalit ng kaligayahan ang kalungkutanB. Parang tanghalan ang buhayC. May mga nalulungkot kapag masaya ang isang taoD. May dalawang mukha ang buhay ng taoE. Maraming mapagbalatkayo sa mundoF. Kakambal na ng kaligayahan ang kalungkutan 4
G. Di maaaring palaging masaya ang tao Nasuri mo ba ang larawan at ang nais nitong ipahiwatig? Kung gayon, kunin moang Susi sa Pagwawasto sa iyong guro at itsek mo ang iyong mga kasagutan at pagkatapos ayihanda mo na ang iyong sarili sa kasunod na gawain. 2. Basahin mo… Ang unang akdang iyong babasahin at susuriin ay bahagi lamang ng isang nobela.Tiyak na maiibigan mo ito sapagkat ang tagpuan o pinangyarihan ay palasak na sa iyongpandinig, isang lugar na matatagpuan sa Tundo, Maynila. Umupo ka nang maayos at basahin nang may pag-unawa ang mga pangyayaringnakapaloob sa babasahing akda. Maaari mo nang simulan… CANAL DE LA REINA (Kabanata 7-8) Ni Liwayway A. ArceoKABANATA 7 Daigdig ng Pagdarahop Canal de la Reina! Naramdaman ni Leni ang gumapang na lamig sa kanyang buong katawan,kasunod ang wari ay namamanhid na kilabot. Hindi pa ganap na nasasasanay si Leni namakasaksi sa mga huling sandali ng isang yumayao, sa mga sandali ng pakikipagtunggali sakamatayan. Sinisimulan pa lamang niyang pagtibayin ang kanyang loob sa iba-ibang larawan ngbuhay. Marahil, kung hindi sadyang likas na hilig ang maging manggagamot ay hindi na siyanakatapos. “Mabuti pang maging general practitioner ka,” nagunita niyang mungkahi niCaridad nang pinag-uusapan ang larangang papasukin niya. “Nawawala na ang G.P. na noongaraw siyang respetado…” Nauunawaan niya ang nasa isipan ng kanyang ina. Siya man ay nakababatid naisang dahilan upang maging napakamahal ng pagpapagamot ay ang unti-unting pagkakaroon ngespesyalisasyon sa bawat uri ng karamdaman. Hindi niya nalilimutan ang sinabi ng isa niyangpropesor. “Darating ang araw,” pahayag niyon, lakip din ang hindi ganap na pagsang-ayon, “‘yong espesyalistang titingin sa kanang butas ng ilong ay hindi na titingin at gagamot sa kaliwa.Gayundin sa mata: iba ang espesyalista sa kanang mata, iba sa kaliwang mata!” May isa pang mungkahi si Caridad. “O baka gusto mo naman, O.B.-Gyn?” 5
Search
Read the Text Version
- 1
- 2
- 3
- 4
- 5
- 6
- 7
- 8
- 9
- 10
- 11
- 12
- 13
- 14
- 15
- 16
- 17
- 18
- 19
- 20
- 21
- 22
- 23
- 24
- 25
- 26
- 27
- 28
- 29
- 30
- 31
- 32
- 33
- 34
- 35
- 36
- 37
- 38
- 39
- 40
- 41
- 42
- 43
- 44
- 45
- 46
- 47
- 48
- 49
- 50
- 51
- 52
- 53
- 54
- 55
- 56
- 57
- 58
- 59
- 60
- 61
- 62
- 63
- 64
- 65
- 66
- 67
- 68
- 69
- 70
- 71
- 72
- 73
- 74
- 75
- 76
- 77
- 78
- 79
- 80
- 81
- 82
- 83
- 84
- 85
- 86
- 87
- 88
- 89
- 90
- 91
- 92
- 93
- 94
- 95
- 96
- 97
- 98
- 99
- 100
- 101
- 102
- 103
- 104
- 105
- 106
- 107
- 108
- 109
- 110
- 111
- 112
- 113
- 114
- 115
- 116
- 117
- 118
- 119
- 120
- 121
- 122
- 123
- 124
- 125
- 126
- 127
- 128
- 129
- 130
- 131
- 132
- 133
- 134
- 135
- 136
- 137
- 138
- 139
- 140
- 141
- 142
- 143
- 144
- 145
- 146
- 147
- 148
- 149
- 150
- 151
- 152
- 153
- 154
- 155
- 156
- 157
- 158
- 159
- 160
- 161
- 162
- 163
- 164
- 165
- 166
- 167
- 168
- 169
- 170
- 171
- 172
- 173
- 174
- 175
- 176
- 177
- 178
- 179
- 180
- 181
- 182
- 183
- 184
- 185
- 186
- 187
- 188
- 189
- 190
- 191
- 192
- 193
- 194
- 195
- 196
- 197
- 198
- 199
- 200
- 201
- 202
- 203
- 204
- 205
- 206
- 207
- 208
- 209
- 210
- 211
- 212
- 213
- 214
- 215
- 216
- 217
- 218
- 219
- 220
- 221
- 222
- 223
- 224
- 225
- 226
- 227
- 228
- 229
- 230
- 231
- 232
- 233
- 234
- 235
- 236
- 237
- 238
- 239
- 240
- 241
- 242
- 243
- 244
- 245
- 246
- 247
- 248
- 249
- 250
- 251
- 252
- 253
- 254
- 255
- 256
- 257
- 258
- 259
- 260
- 261
- 262
- 263
- 264
- 265
- 266
- 267
- 268
- 269
- 270
- 271
- 272
- 273
- 274
- 275
- 276
- 277
- 278
- 279
- 280
- 281
- 282
- 283
- 284
- 285
- 286
- 287
- 288
- 289
- 290
- 291
- 292
- 293
- 294
- 295
- 296
- 297
- 298
- 299
- 300
- 301
- 302
- 303
- 304
- 305
- 306
- 307
- 308
- 309
- 310
- 311
- 312
- 313
- 314
- 315
- 316
- 317
- 318
- 319
- 320
- 321
- 322
- 323
- 324
- 325
- 326
- 327
- 328
- 329
- 330
- 331
- 332
- 333
- 334
- 335
- 336
- 337
- 338
- 339
- 340
- 341
- 342
- 343
- 344
- 345
- 346
- 347
- 348
- 349
- 350
- 351
- 352
- 353
- 354
- 355
- 356
- 357
- 358
- 359
- 360
- 361
- 362
- 363
- 364
- 365
- 366
- 367
- 368
- 369
- 370
- 371
- 372
- 373
- 374
- 375
- 376
- 377
- 378
- 379
- 380
- 381
- 382
- 383