At hindi siya nakadama ng bugso ng tuwa at nagtatakbo para mag-usyoso nang makita niyaang mga taong may dalang bentilador, rice cooker, o iba pang de-koryenteng gamit mula sa mini-busni Ai Kleeio na kararating lang mula sa kabayanan. Karamihan sa mga de-koryenteng gamit ayaalisin sa kahon at ididispley sa tindahan ni Pa Chua at maiipon ang pulutong ng mga tao para mag-usyoso, at alam ng lahat kung sino ang bumili ng ano. Paminsan-minsan, ang delivery van ngtindahan ng mga de-koryenteng gamit mula sa bayan ay maghahatid ng mga refrigerator attelebisyon, o kaya’y darating ang tauhang magkakabit ng antenna ng t.v. Ito’y lagi ng tumatawag ngmalaking interes at magkukulumpon ang mga tao para mag-usyoso. Sa bawat pagkakataon naidineliber ang isang gamit sa bahay ng isang tao, isang prusisyon ng mga tao ang susunod sasasakyan at manonood sa ginagawa. Kung set ng telebisyon, mananatili roon ang mga tao hanggangsa lumitaw ang palabas sa screen. “Hindi kasinglinaw ang palabas sa telebisyon na bigay ng prinsipal,pero mas maganda ang set kaysa sa bahay ng Kamnan,” kanya-kanya silang sabi ng opinyon dependesa sarili nilang palagay. Hindi interesado si Fak alinman dito at hindi kailanman nakisali sa prusisyon ng mgatagasunod. Nasiyahan na lang siya na hindi na siya gaanong pinapansin ng mga tao na gaya ng dati. Ginagamit pa rin niya ang kanyang maliit na ilawang-langis para ilawan ang kanyang bahayat nanatiling kuntento sa kanyang lumang lutuan ng kanin at bumabagsak ng kalan, at ang hangingumiihip sa loob ng kubo niya ay sapat na para siya mapreskuhan. Natitighaw pa rin ang kanyangpagkauhaw ng tubig-ulan na inimbak niya sa bariles sa tabi ng kanyang dampa at maligaya na siyangmanatili sa ganitong pamumuhay. Napakatamad niya para matuwa at hindi niya maintindihan kungano ang nakakatuwa. Walang bagay sa buhay niya na karapat-dapat pagtindigan ng pag-asa at angtanging bagay na naghahatid sa kanya ng tuwa ay ang pagpunta sa paradahan upang bumili ng alak… Hindi na nag-aabala si Fak na alagaan ang kanyang sarili. Hinayaan na niyang dumumi angkanyang katawan at hindi na tumingin pa sa salamin para alamin ang kanyang hitsura. Nag-umpisasiyang mangamoy at nagpatuloy ang pagsama ng hitsura niya sa bawat araw na magdaan. Hindi niyanamamalayan ang mga pagbabagong nagaganap sa kanya at hindi niya napapansin ang manilaw-linaw na mantsang lumilitaw sa katawan niya o ang paninilaw ng puti ng kanyang mata. Ang tanging alam niya ay ang pangyayari na pag hindi siya nakainom agad pagkagising niya,hindi siya magkakaroon ng lakas na harapin ang maghapon. Kahit tangkain niyang angatin ang tabong tubig para hilamusan ang kanyang mukha, talagang ni wala siyang lakas para gawin iyon.Manginginig ang kanyang kamay at hindi niya magawang iangat ang kahit ano maliban sa bote ngalak, at tuwing tutungga siya mula sa bote, nadarama niyang bumabalik ang kanyang lakas. Alam niyang sumasakit ang kanyang gilagid tuwing ngunguya siya ng pagkain, at napansinniyang nag-uumpisang mamanas ang kanyang mga paa, pero katuwiran niya na ito’y bunga ng labisna paglakad niya at iyon naman ay gagaling din. Kapuri-puri ang asal ni Mai Somsong. Ang buhay niya sa piling ni Fak ay simple lang at hindipalahingi. Nagpatuloy siyang mabuhay sa dating istilo niya at kuntento na ang kayamanang iniiponniya sa kubo ay nadagdagan na at patuloy na nadaragdagan sa bawat araw. 9
Mga basag na pinggan, mga bunging tasa, may lamat na baso, baong niyog, bulaklak napapel, basyong lata, at iba pa. Itinatabing lahat iyon ni Fak sa kubo nang walang pag-aalala na itaponiyon ni Fak gaya na dati. Hindi lamang nadagdagan pa ang panahon niya para maupo at hangaan angmga iyon. Araw at gabi ay mauupo siya roon at masuring eeksaminin ang mga ito mula sa paninginng isang eksperto, sa paraan na sinusuri ng isang propesyunal na kolektor ang halaga ng isang bagaysa kanyang koleksyon. Kapag nangyari na masyadong natatamad si Fak para intindihin ang pagkain niya, siya mismoang pupunta at kukuha niyon sa mga batang templo. Minsa’y aalis siyang maraming dala, minsa’ykaunti lang, depende sa kung ano ang ibigay sa kanya ng mga katulong para siya mabuhay. Ang mgagabi niya’y hindi na balisa tulad noong mga araw na hindi siya puwedeng mahiga sa tabi ni Fak atyakapin ito sa kalaliman ng gabi. Kahit pa kailanma’y hindi ibinili ni Fak ng bagong damit si Nang, hindi iyon problema parasa babae. Maaari pa naman niyang isuot ang kanyang mga lumang damit, sa kabila ng pangyayaringmarurumi at punit na ang mga iyon at nalalantad ang isang pirasong hita dito at doon. Walangpumapansin sa kanya. Naliligo pa rin siya araw-araw, nagsusuklay ng kanyang buhok at humuhuning kanyang awit pagsayad ng gabi… Kahit naninirahan silang magkasama sa iisang bubong, ang kanilang buhay ay nasamagkalayong daigdig. Para kay Mai Somsong, oras na nakakain na siya ng almusal ay lalabas na siya upangmaghanap ng kayamanan, minsa’y umaalis siya ng bahay bago pa man magising si Fak. Hahanapinniya ang kanyang kayamanan sa lahat ng sulok na pagdalhan sa kanya ng kanyang mga paa. Minsa’ytitindig siya roon at tititig sa mga poste ng komunikasyon na kasalukuyang itinatayo at mangunguhang mga piraso ng kawad ng koryente at kapag nakalikom na siya ng sapat na dami ng piraso aybabalik na siya sa bahay. Walang pumapansin sa kanya habang pagala-ala siya sa maghapon. Kapagnapagod na siya sa kalalakad, magpapahinga siya sa entablado ng maliit na open theater. Kapagnagutom siya, lalabas na siya uli. Sa gabi, hihintayin niyang makatulog si Fak sa kalasingan. Sa mga huling sandali bago itomaidlip, maririnig niya itong bumubulong-bulong, “Umalis ka dito… layas… kinasusuklaman kita…magpapa-ordina ako. Ibig kong magpa-ordina… ikaw ang dahilan kaya… sige… umalis ka rito.”Ganoon lagi gabi-gabi. May mga gabing maririnig din ang kulambo at gagapang sa loob upangmatulog sa tabi ni Fak. Pagdating ng umaga, mabilis siyang lalabas bago ito magising… Malamang ay hindi naiintindihan ang ibig sabihin ni Fak pag sinasabi nito, “Umalis ka…ikaw… umalis ka dito…” Patuloy na nanatili doon si Nang at walang ipinakikitang intensiyon naumalis. O marahil ay iniisip ni Nang na nagsasalita lang ng ganoon si Fak dahil lasing ito kaya hindiniya pinapansin ang pang-aabuso ng lalaki. O maaari din namang dahil wala siyang ideya kung saansiya pupunta. Ang buhay ni Nang ay nakatagpo na ng puwang sa nayong ito at sa ayos at tila dito siyanakatalagang manatili. Sino ang makapagsasabi… Hindi pumatak ang ulan sa loob ng maraming araw, samakatuwid ay tapos na ang panahon ngtag-ulan. Ang pagkawala ng ulan ay proseso ng kalikasan na hindi mapipigil ninuman o maiiwasangmangyari. Dumaan ito nang matahimik at halos hindi napapansin. 10
Lahat ng bagong kuti sa templo ay kumpleto na ngayon at ang natitira na lang ay maliit natrabahong magagawa ng mga trabahador. Mga isa-dalawang araw na lang para sila matapos nanghusto. Ang komite ng mga sibilyan ay nagdaos ng pulong para itakda ang araw ng pag-aalay ng mgarobang Kathin at disidido na maging araw din iyon ng paggunita sa pagkayari ng mga bagong kuti… Anim na araw pagkaraang matapos ang Pansah, dumating ang grupo ng Kathin sakay ng trenmula sa Bangkok. Napuno ang paligid ng templo sa nangakaparadang sasakyan at pulu-pulutong namga kabataan mula sa Bangkok na malayang gumala sa lugar. Nakisali sa merit making ceremony sapagtatanghal ng Kathin. Madaling makilala ang mga taong lokal at mga bisita mula sa siyudad. Nakisali ang lahat at tumulong nang husto sa isa’t isa. Pagkaraang makumpleto ang pang-relihiyong pormalidad at mabilang na ng komite ang mga alay na salapi, isang kinatawan mula sabangko sa kabayanan ang dumating para kunin ang pera at ligtas na ideposito sa bangko. Bagogumabi ay nag-umpisa nang mag-uwian ang grupo mula sa Bangkok. Ilan sa kanila’y medyo lasingna at nag-uumpisang tumugtog ng mahahabang tambol at cymbals na nauwi sa kantahan at sayawanna nagpasigla sa bawat isa. Natanggap na nila ang kanilang merito, nagliliwanag ang kanilang mgamukha at maaari na silang magsiuwi nang buong kasiyahan. Nang gabing iyon ay isang pelikula ang ipinalabas sa templo. Ito’y bilang pagdiriwang sapagkayari ng mga batong kuti at sa presentasyon ng Kathin at, gayundin, para bigyan ang mgataganayon ng pagkakataong makapagpahinga ng maghapong paggawa. Pero ang mga tao’y hindi nakasinsabik na gaya noong mga nakaraan. Sabi ng ilan sa kanila: “Mas masarap pang mahiga sa bahay at manood ng telebisyon.” Nag-enjoy nang husto si Fak nang araw na iyon. Gumala siya sa nasasakupan ng templo atmalayang nakikisalamuha sa lahat. Manaka-naka’y nagpupukol siya ng tingin sa mga kabatang lalakina nakaupo sa bus at tumutugtog sa mahahabang tambol hanggang sa lumapit na nga siya sa mga itopara makipag-inuman. Nang maging kasinlasing na siya ng mga ito, inimbita siya ng mga itongsumayaw. Bagama’t hindi siya dating sumasayaw, sumayaw siya sa tiyempo ng mahabang tambol.Umawit siya at sumayaw nang buong maghapon, wala kahit kaunting pakialam na pinagtitinginansiya ng iba, o kahit katawa-tawa na ang itsura niya. Ginugol ni Mai Somsong ang maghapon sa paggala nang walang direksiyon sa lahat ng lugar.Suot niya ang paborito niyang blusa na pulang bulaklakin, na ang kulay ay kupas na ngayon, at hindipa sapat iyon, may mga punit na sa bandang likod. Walang ganap na makapagsasabi kung gaano siyakaligaya, pero naglagay siya ng pulang bulaklak ng gumamela sa likod ng kaliwang tainga niya.Gumala siya’t nakisalamuha sa mga babae sa nayon at nang dumating ang oras ng paghahanda ngtanghalian, gumala siya sa kusina at nanood sa preparasyon ng pagkain. Napahiya ang mga babae sanayon sa pagtanghod niya at tinangka ng mga ito na siya’y ipagtabuyan, pero sabi ng mga kabataangbabaing taga-Bangkok ay dapat talaga silang humanap ng pagkaing maibibigay sa kanya. Awang-awaang mga ito sa kanya kaya walang naglakas-loob na tumanggi. Naglunoy si Mai Somsong saatensiyong iniukol sa kanya ng mga kabataang babae at punung-puno ng interes na pinanood niyanang kunin ng mga babae ang kanilang tubo ng lipstik at pintahan ang kanilang mga labi pagkataposkumain. Nagkainteres siyang mabuti sa matingkad na pulang kulay ng lipstik, at itinuro niya iyon atsabi niya, “Bigyan mo ako ng isa.” Sa harap ng gimbal ng mga mata ng mga babaing taga-nayon, na 11
lubhang napahiya sa inasal ni Mai Somsong, isang kabataang babaing taga-Bangkok ang nag-abotkay Nang ng tubo ng lipstik. “Ay, huwag mong ibigay sa kanya. Medyo luka-luka iyan.” “Di bale. Marami naman ako.” Ang kabataang babae, na ang labi’y napipintahan ng pula, ayngumiti sa kanila ng matamis. Sinambot ni Mai Somsong ang tubo ng lipstik at nagmamadaling umuwi sa bahay bago iyonbawiin ng taong nagbigay sa kanya. Nang makauwi, namalagi na sa bahay si Nang at ayaw nanglumabas uli. Nang gabing iyon, sinuman kina Fak o Mai Somsong ay hindi na nanood ng palabas. Si Fakay natatakot lumabas sa dilim at si Mai Somsong ay natatakot pa rin na kailanganin niyang isauli anglipstik, kaya hindi nangahas na lumabas… Ang mga bagong kuti, na nakahilera sa magkabilang gilid ng lupa ng templo, ay napakaganda.Itinayo sila sa tradisyunal na istilong Thai at dalawang palapag ang itaas. Sa gitna ay ang kogedor atang itaas ay ang bulwagang dasalan. Paglatag ng dilim, ang templo ay naiilawan ng de-koryentengliwanag. Regular na naglilitawan ang mga antenna ng telebisyon sa bubong ng mga bahay ng mgataong may kaunting pera. Para sa mga taong nangangarap pa lang ng telebisyon, kailangan nilangpumunta at makinood sa bahay ng kanilang kapitbahay o kaibigan… Ang modernisasyon na dumating sa nayon, hindi nagtagal ay naging ordinaryong bagay nalang dahil kinasanayan na iyon ng mga tao at ang tuwang naghari noong unang ikinabit ang koryenteay namatay na. Gusto ng ilan sa kanila’y itaboy nang tuluyan si Fak sa nayon dahil wala namang pakinabangang sinuman sa pagiging narito nito, liban sa nagagamit nila ito bilang halimbawa kapag tinuturuannila ang mga bata. Ang tanging bagay na pumigil sa kanila’y si Luang Pho na tumatanggingipagtabuyan si Fak, dahil doon ito nanirahan sa lupa ng templo. Kasabay ng pagkakaroon ng interes kay Fak, tumitingkad ang pagiging abnormal ngkundisyon ng lalaki. Lalo pang nanilaw ang kanyang balat na para bang pinulbusan niya ang sarili ngtumeric, at iba’t bang bahagi ng kanyang katawan ang tinubuan ng mga pasa at namumula-namemerdeng mga marka. Ang sakong niya ay lubhang namaga na para bang namemeligro na iyongpumutok, at bagama’t ang katawan niya’y patpatin at tuyo, malaki’t namamaga ang kanyang tiyan,ang nagbibigay sa kanya ng itsura ng isang buntis na babae. Nag-aalsahan ang mga ugat sa kanyangtiyan, at hindi pa yata sapat iyon, lumaylay at lumaki ang kanyang mga suso na tulad sa isangnagdadalaga. Kinukutya siya ng ilang tao sa pamamagitan ng pagsasabing, “Lumalaki ang suso ni AiFak at siya ay buntis. Hindi magtatagal at manganganak na iyan.” Sabi pa ng iba’y nabuntis siya niEe Somsong. Sabi naman ng iba’y napalitan ang kanyang katawan ng katawan ng isang babae dahilinasawa niya ang asawa ng kanyang ama. “Karma. Nakakarma siya sa harap mismo ng ating mga mata.” 12
Sa nagdaang panahon si Fak ay ginagamit bilang magandang halimbawa ng isang mabutingkabataan sa nayon, pangangaralan ng mga magulang ang kanilang mga anak sa pamamagitan ngpagsasabing, “Bakit hindi kayo tumulad kay Fak?” At ngayon, si Fak ay minsan pang ginagamit na halimbawa upang ipakita na hindi nakailangang maghintay pa muna ng kamatayan para tanggapin ang resulta ng masasamang gawa opara mahulog sa impyerno. Tumatanggap na siya ng kaparusahan ngayon, dito sa buhay na ito. “Gawin n’yong halimbawa si Ai Fak.” Hindi ganap na tamang sabihin na si Fak ay lubos na walang silbi sa nayon, dahil, manaka-naka kapag nagloloko ang mga bata o ayaw magpakatino, tatakutin sila ng kanilang mga ina sapamamagitan ng pagsasabing, “Pag hindi ka huminto sa kaiiyak, darating si Ai Fak para kunin at isama sa kanya.” Pag narinig na nila ito, hihinto na agad sa pag-iyak ang mga bata at uupo roon nang walangkilos sa matinding takot. Ilan sa mga batang lalaki na nakakakita ng kasiyahan sa panunudyo at kapilyuhan angnagsasamantala nang husto sa hitsura ni Fak para magkatuwaan sila. Tutuksuhin nila at tutudyuin siFak hanggang sa habulin sila nito at sikaping hulihin. Pero walang paraan para mahuli ng mataba attamad na katawan ni Fak ang mga bata. Pag nanunudyo, ang isisigaw nila, “Ai Fak, lasenggo, pinaghuhubad niya ang asawa niya!” “Ai Fak, lasenggo, pinaghuhubad niya ang asawa niya!” magpapalakpakan ang iba pang mgabata sa paligid at didilaan si Fak at ngingiwian pag dumaan ito sa tapat nila. Oras na nagalit na si Fakat hinabol na sila, magtatakbuhan na ang mga ito at kakalimutan na ang kanilang mga kaibigan.Bahala na ang isa’t isa sa sarili nilang kaligtasan Tinangka ni Lung Khai na patigilin siya sa pag-inom, pero huli na. Hindi titigil si Fak at nihindi niya iniisip ang posibilidad ng pagtigil. Pinayuhan siya ni Lung Khai na pumunta sa kabayananat magpatingin sa doktor, pero ganito lang ang isasagot ni Fak, “Ayos lang ako. Wala akong sakit.” At ayon sa pagkaunawa ni Fak sa salitang “Ayos,” ayos si Fak at magpapatuloy na ganoon,kahit papalapit na ang panahon ng taglamig. Ang totoo, sa ganang mga taganayon, hindi talaga istorbo ang panahon ng taglamig, dahil angpanahon ay hindi sinlamig ng ibig ipakahulugan niyon. Lumalamig lang nang kaunti ang panahon atnagiging mas maginhawa. 13
Naibigan mo ba ang isang bahagi ng nobela na iyong binasa? Naramdaman mo rinba ang emosyong naghari sa pangunahing tauhan sa akda? Kung binasa at inunawa mong mabuti ang kuwento, masasagutan mo ang mgagawaing inihanda ko para sa iyo. Madali lamang ang mga ito kaya huwag kang mag-alala.Unawain mong mabuti ang mga panuto. Ang unang gawain ay tungkol sa pagbibigay-kahulugan sa matatalinghagangpahayag. Makatutulong ang iyong mga nabasa sa pagsagot mo ng unang gawain.3. Linangin mo… a. Pagsusuring Panlinggwistika Panuto: Piliin mo ang titik na taglay ang wastong kahulugan ng matatalinghagang pahayag. Tinik = 1. ________________ sa lalamunanKahulugan ng mga Naliligo = 2. _________________matatalinghagang sa pawispahayagPagpipilian: Nahawi =3. _________________ sa labia. naiinitanb. hadlangc. di na pinag-uasapand. pawis na pawise. di na ngumiti Nabigyan mo ba ng wastong kahulugan ang mga matatalinghagang pahayag? Iwastomo ito. Kunin mo ang Susi sa Pagwawasto sa iyong guro. Handa ka na bang gawin ang susunod na gawain? Pagbutihin mo! 14
b. Pagsusuring Pangnilalaman A. Panuto: Suriin mo ang nilalaman ng akda ayon sa sumusunod. Piliin ang titik ng angkop na sagot sa bawat hanay. Tauhan Anyo Kilos/Gawi Iniisip Kalagayan sa lipunan1. Fak2. MaiSomsong a. may marumi a. itinuturing a. maghiganti a. pagala-gala at punit-punit na luka-luka sa nambugbog nang walang na suot direksyon b. kagalang- b. kuntento sa b. gumagala b. walang isip galang karangyaan para makaipon ng kayamanan c. kinatatakutan c. mataba, c. lasenggo c. magkaroon marumi at ng makabagong nakatatakot na gamit anyo Ang mga kaalaman tungkol sa nobela ay makatutulong sa iyo sa pagsusuri pa rin ukolsa mga tauhan.Pagbuo ng Pagsusuri sa mga tauhanB. Panuto: Isulat mo ang buod ng akdang binasa sa tulong ng mga kahon ng pangyayari. Piliin mo ang angkop na sagot sa bawat isa. Titik lamang ang isulatPangyayari Pangyayari Pangyayari Pangyayari Pangyayari 1 2 3 4 5Mga pagpipiliang sagot: 15
a. Dahil sa matinding sakit na naramdaman, pati dilim at mga kaluskos ay kinatakutan b. Nag-isip maghiganti ngunit pinanghinaan ng loob c. Sa pag-inom ng alak at pagpapabaya sa katawan humantong ang lahat d. Nabugbog si Fak nang walang kalaban-laban e. Nang dahil sa dami ng sakit na naramdaman pati kaanyuan niya’y kinatakutan f. Hinusgahan ng kamatayan Napagsunud-sunod mo ba ang mga pangyayari sa pamamagitan ng pagbubuod?Iwasto mo na ang iyong mga kasagutan. Hiramin mo sa iyong guro ang Susi sa Pagwawasto. Ang teoryang pampanitikang binigyang-diin sa nobela na “Ang Paghuhukom” ayteoryang realismo. Tinutukoy nito ang realidad sa buhay ng tao. c. Pagsusuring Pampanitikan Panuto: Itala mo ang mga pangyayari sa akda na kinapapalooban ng realidad sa buhay. Titik lamang ang isulat. 5 ___________________________ 4 _____________________________ 3 ______________________________ 2 _______________________________ 1 ________________________________ Mga pangyayari sa akda na kinapapalooban ng realidad Mga Pagpipilian a. Ang pambubugbog na tinanggap ni Fak ay di lang nag-iwan ng sakit ng katawan kundi nag-iwan ng tatak sa kanyang isipan. b. Kontrolado ng takot ang buhay niya. c. Upang malimutan ang mga pangyayari sa alak ito nagpakalango. d. Naglubag ang kagustuhan niyang maghiganti at napawi na ng tuluyan e. Naengganyo sa mga makabagong kasangkapan f. Dahil sa alak, narehistro sa katawan ng lasenggo ang di-kaiga-igayang anyo at amoy. 16
d. Halagang PangkatauhanPiliin mo ang nararapat iangkop sa pahayag. Titik lamang ang isulat. “Anuman ang sama ng anyo ng isang tao ay di dapat gawing panakot sa mgabatang matitigas ang ulo.” Ang mga ito ay may damdamin din kaya dapat silang…a. igalangb. patawarinc. iwasand. pagdudahan Nakilala mo ba kaagad ang teoryang realismo?. Tingnan mo nga kung tamang lahatang sagot mo . Itsek mo ito. Kunin mo sa iyong guro ang Susi sa Pagwawasto.4. Palalimin mo… Panuto: Isulat mo sa angkop na hanay ang sa palagay mo ay… KNOW INTERESTING LEARNED(Alam Mo) (Kawili-wili) (Natutuhan Mo)a. Nasa huli ang pagsisisib. Pagkakaloob ng maliit na bagay na ikinagalak ng tumanggapc. Kasabikan sa mga makabagong kasangkapand. Ang pagpapabaya sa sarili ay walang ginhawang matatamo na tulad ni Fake. Na kapag marumi ang katawan madaling dapuan ng sakitf. Pagkakaisa sa pagtatayo ng posteg. Ang mga taong tamad ay pabigat sa lipunan tulad ni Fakh. Masamang tinatakot ang batai. Ang katapatan ni Mai Somsong kay Fak ay wagasj. Kailangang bumili ng makabagong gamit 17
Tiyak na marami ka ng alam, naging kawili-wili at natutuhan at nakapagpabago saiyo. Tama ba lahat ang iyong sagot mo? Iwasto mo ito sa pamamagitan ng Susi saPagwawasto.5. Gamitin mo…Panuto: Piliin mo sa ibaba ang tamang sagot na hinihingi sa Spider map. Isulat mo ang titik sa angkop na mga bilang. Bakit dapat 21 tulungan ang nangangailangan? 43 65 Mga pagpipiliang sagot sa tanong: a. Upang sagipin ang kanilang buhay b. Para gumaan ang kanilang kalooban c. Upang di magtangkang wakasan ang buhay d. Para pagdating ng panahon, tumulong din sa iba e. Upang magsilbing huwaran f. Para habang panahon ay umasa sa tulong ng iba g. Likas sa Pilipino ang gawang pagtulong Kung naunawaan mo ang aralin, tiyak na tamang lahat ang iyong mga sagot. Hinginmo muli sa iyong guro ang Susi sa Pagwawasto. Nahirapan ka ba sa mga nauna mong gawain? Alam kong ginagawa mong lahat angiyong makakaya para masagutan ang mga ito. Ngayon naman ay susulat ka. Madali lamang ito. Tiyak na magugustuhan mo angpaksa. Handa ka na ba? 6. Sulatin mo… 18
Panuto: Sumulat ka ng isang sitwasyong nagpapakita ng realidad sa buhay na ang pinagtutuunan ng pansin ay ang kahirapang mabuhay ng isang ulilang mag-aaral. ___________________________________________________________________ ___________________________________________________________________ ___________________________________________________________________ ___________________________________________________________________ Tingnan mo kung tamang lahat ang mga sagot mo. Itsek mo muli ang iyong mga kasagutan. 7. Lagumin mo… Panuto: Lagyan mo ng tsek (/) sa tabi ng bawat bilang na tumutugon sa mga matututuhan mo sa aralin. ____1. magbigay-kahulugan sa matatalinghagang pahayag ____ 2. magsuri sa nilalaman ng akda ____ 3. pagbibigay ng buod ng binasang akda ____ 4. pagtatala ng mga pangyayari sa akda na kinapapalooban ng realidad ng buhay ____ 5. naibigan ko ang nobela ____ 6. nabatid ang ukol sa teoryang realismo ____ 7. di dapat tularan ang katamaran ni Fak ____ 8. kawiwilihan ko’ng pagbabasa ng nobela ____ 9. nakapagsuri ng mga pangyayari sa akda ____ 10. naibigan ko ang dalawang pangunahing tauhan ____ 11. pahalagahan ko’ng saloobin ng iba ____ 12. may hustisya para sa lahat Nadalian ka ba sa natapos mong gawain? Alam kong nakaya mong sagutin ang mgaito. Hiramin mong muli sa iyong guro ang mga kasagutan at iwasto mo ang iyong mga sagot. Ang susunod na gawain ay susukat muli sa iyong mga natutuhan sa araling tinalakay.Unawain mo itong mabuti. Kaya mo ito. Simulan mo na. Gaano ka na kahusay? Panuto: Basahin at unawain mong mabuti ang mga pangungusap. Piliin mo ang titik na may pinakaangkop na sagot. 1. Dahil sa naging kalagayan ni Fak, itinuring niyang mga tinik sa lalamunan ang mga bumugbog sa kanya. Ang ibig sabihin ng may salungguhit ay: a. sagabal b. pasaway c. tiwaling mamamayan 19
d. tinik ng isda 2. Napakaalinsangan ng panahon kaya naman naliligo sa pawis si Fak dahilan din ito ng di niya paliligo nang matagal na panahon. Ang ibig sabihin ng may salungguhit ay: a. pawis na pawis b. basa ng pawis c. naligo ng pawis d. pinapawisan 3. Nahawi sa labi ng mga kababayan ang karumal-dumal na krimen. Ang ibig ipakahulugan sa may salungguhit ay - a. nalimutan na b. ayaw pag-usapan c. di na pinag-usapan d. naalis sa labi Susuriin mo ang nilalaman ng akda kaugnay ng mga tauhan. Kung ang tinutukoy ay Anyo,isulat ang titik A, G para sa Gawi at I para sa Iniisip. 4. Gusto ni Fak na maghiganti ngunit nag-aalala siya na di naman ito mabibigyan ng hustisya. 5. Mula nang magumon sa alak si Fak, kinatamaran na niya ang paliligo. 6. Pinabayaan ni Fak ang sarili kaya naman kapag may batang matigas ang ulo, siya ang ipinananakot. 7–9. Piliin mo ang mga pangyayaring hango sa binasang akda na kinapapalooban ng realidad sa buhay. Titik lang ang isulat. a. Sa alak humiram ng panandaliang solusyon sa kasawian ang pangunahing tauhan b. Kawalan ng katarungan para sa mahihirap c. May hustisya ang mga naaapi d. Marami ang nagkagusto sa kaginhawahang dulot ng makabagong kasangkapan e. Sa wakas guminhawa rin ang pamumuhay Piliin mo ang pinakaangkop na pagpapakahulugan sa pahayag. Titik lang ang isulat. 10. Di dapat mawalan ng pag-asa ang biktima, may hustisya pa rin sa bansa. Ang kahulugan ngmay salungguhit ay: a. maraming batas b. may panalo sa kaso c. may katarungan para sa lahat d. walang maaapi Paunlarin mo… Panuto: Bumuo ng angkop na slogan tungkol sa aralin na ang pangunahing diwa ay may kaugnayan sa paghuhukom. 20
Susi sa Ang PaghuhukomPagwaw Isinalin ni Lualhati Bautista astoANO BA ANG ALAM MO? 1. A 2. D 3. C 4. A 5. B 6. B 7. A 8. B 9. D 10. DALAMIN MO1. May piring/takip ang mga mata ng babae.2. Para maging patas ang paghuhusga o pagbibigay-katarungan3. Patas na paghuhusga4. may piring ang mata ng babae upang ang paghuhukom ay patas.LINANGIN MOa. Pagsusuring Panlingguwistika 1. b 2. d 3. cb. Pagsusuring PangnilalamanA 1. Fak CCA C A 2. Mai Somsong A A B 21 1. D
2. B3. A4. C5. EPagsusuring Pampanitikan Interesting Learned 1. A (Kawili-wili) (Natutuhan) 2. D 3. B C D 4. C F G 5. F B IHalagang Pangkatauhan 1. APalalimin Mo… Know (Alam) A E HGamitin Mo… 1. A 2. B 3. C 4. D 5. E 6. GSulatin MoSitwasyong nagpapakita ng realidad sa buhay na pinagtutuunan ng pansin ay ang kahirapangmabuhay ng isang ulilang mag-aaral.Gaano Ka Na Kahusay? 1. A 2. A 22
3. C 4. I 5. G 6. A 7. A 8. B 9. D 10. CPaunlarin Mo…Islogan tungkol sa aralin na ang pangunahing diwa ay may kaugnayan sa paghuhukom. Islogan:Paksa: Paghuhukom 23
Modyul Blg. 17 Pamagat: Pagsasaling-wika Tungkol saan ang modyul na ito? Maraming kaalaman ang dapat taglayin ng bawat mag-aaral na tulad mo at isa narito ang malawak na kaalaman sa pagsasaling-wika. Nasubukan mo na bang makipag-usap sa isang banyaga? Naging madali ba para sa iyo na ipahayag ang nais mong sabihin? Kaakibat ng pag-unlad ng bansa ang pakikipag-ugnayan natin sa mga banyaga atdahil ang ingles ay tinatawag na unibersal na lenggwahe, marapat lamang na may taglaytayong kaalaman ukol dito. Sa modyul na ito, na inihanda ko ay matututunan mo ang mga batayang kaalamansa pagsasaling-wika. Sa mga araling inihanda ko, mababatid mo ang mga pangunahing batayangsimulain sa pagsasalin. Kung ano nga ba ang pagsasaling-wika at ang mga dapat tandaanng isang tagapagsaling-wika. Mapatutunayan mo rin na kayang-kaya mo ang magsalin kung pakatatandaan moang mahahalagang impormasyon at detalyeng inilahad ko sa modyul na ito. Ano ang matututunan mo? Ang layuning panlahat ng modyul na ito ay: Makapagsagawa ng pagsasalin sa tulong ng mga tiyak na pamantayan Paano mo gagamitin ang modyul na ito? Ang modyul na ito ay magsisilbing gabay mo sa pansariling pagkatuto at pag-unlad. Gamitin mo ito bilang patnubay sa tulong ng mga tuntunin. Upang magingmakabuluhan at wasto sa iyo ang paggamit, kailangang maging malinaw sa iyo ang mganararapat gawin at sundin. Huwag kang mag-alala, madali lamang ang paggamit nitobasta’t susundin mo ang mga sumusunod na tuntunin. 1
1. Sagutin mo ang panimulang pagsubok o ang bahaging Ano Na Ba Ang Alam Mo. Gabay ito upang masukat ang lawak ng iyong kaalaman sa paksa.2. Iwasto mo ang iyong sagot. Hingin mo ito sa iyong guro. Kung nagkaroon ka man ng maraming mali, huwag mag-alala. Tutulungan ka ng mga gawaing inihanda ko.3. Pag-aralan mong mabuti ang paksang-aralin. Isagawa mo ang mga kaugnay na gawaing inihanda ko. Unawain mong mabuti ang bawat panuto. Mahalaga ito upang masagot mo nang wasto ang bawat gawain.4. Matapos mong maisagawa ang pagsasanay, tingnan mo kung naragdagan na ang iyong kaalaman. Sagutin mo ang Pangwakas na Pagsusulit o ang bahaging Gaano Ka Na Kahusay? Pagkatapos ay iwasto mo ang iyong sagot sa tulong ng susi sa pagwawasto na nasa iyong guro. Maging matapat ka sa pagwawasto ng iyong sagot.5. Gamitin mo nang wasto ang modyul na ito. Kaibigan mo ito.6. Sagutan nang mabuti. Huwag mong susulatan ng anuman. Gumamit ka ng hiwalay na papel o kaya naman ay notbuk sa pagsagot.7. Malaki ang maitutulong ng modyul na ito sa iyong pag-unlad kaya marapat lamang na ito ay iyong pahalagahan.Ano na ba ang alam mo? Huwag kang matakot sa pagsusulit na ito. Layon lamang nitong masukat ang datimo nang kaalaman tungkol sa paksa.Handa ka na ba?Magsimula ka na!A. Panuto: Hanapin sa ibaba ang salin sa ingles ng mga sumusunod na salita. Titik lamang ng wastong sagot ang isulat.1. maganda 6. bahay2. bulaklak 7. silangan3. masaya 8. silid4. kulay 9. tahimik5. malungkot 10. hugisa. color e. house i. quietb. beautiful f. east j. happyc. sad g. room k. southd. flower h. shape l. handsome 2
B. Panuto: Pagtapat-tapatin ang wikang Ingles sa salin nito sa Filipino. Titik lamang ng pinakawastong sagot ang isulat. HANAY A HANAY B11. Good morning! a. Ikinalulugod kong makita ka!12. Thank you very much. b. Magandang umaga13. How are you? c. Hanggang sa muling pagkikita14. What is your name? d. Maraming salamat15. What can I do for you? e. Aalis na ako.16. Till we meet again. f. Kumusta ka na?17. I am pleased to see you. g. Anong maipaglilingkod ko sa iyo?18. I hope you remember me. h. Maganda ka.19. I’ll be going now. i. Sana ay maalala mo ako.20. You are beautiful. j. Ano ang pangalan mo? Iwasto mo ang iyong sagot. Gamitin mo ang Susi sa Pagwawasto na nasa iyongguro. Naging madali ba para sa iyo ang pagsusulit? Kung gayon, natatandaan mo pa ang mga araling napag-aralan mo noon. Binabati kita dahil diyan. Tutulungan na lamang kitang paunlarin at pagyamanin ang iyong kaalaman tungkol sa paksang ito. Kung nahirapan ka naman, matutulungan ka ng mga gawaing inihanda ko. Unawain mo lamang mabuti ang mga paliwanag upang makakuha ka ng mataas na marka. Aralin 1. Pagbatid sa mga Pangunahing Batayang Simulain sa PagsasalinA. Anu-ano Ang Mga Tiyak Na Matututunan Mo? Matapos mapag-aralan ang araling ito, inaasahang matatamo mo ang mgasumusunod na kasanayan: 1. Nababatid ang pangunahing batayang simulain sa pagsasalin 2. Natutukoy ang mga katangiang dapat taglayin ng tagapagsaling-wika 3. Nabibigyang-puna ang mga pilosopiyang kaugnay ng pagsasalinB. Anu-ano Na Ang Mga Tiyak Na Alam Mo? Ang pagsasaling-wika ay ang paglilipat ng pinakamalapit na katumbas ng diwa omensaheng isinasaad ng tekstong isinasalin. Sa pagsasalin, lalo na ng Ingles sa Filipino ay dapat pumili ng mga salita atpariralang simple at abot ng pang-unawa ng mga babasa. 3
Alam mo ba kung anu-anong mga salitang Ingles ang katumbas ng ilang salitangFilipino? Sagutin mo ang pagsubok na inihanda ko upang malaman kung gaano nakalawak ang iyong kaalaman sa paksang ito. Handa ka na ba?Panuto: Lagyan ng tsek () kung ang mga salitang Ingles ay angkop na katumbas/salin ng salitang Filipino at ekis ( x ) kung hindi._____ 1. tagumpay ( victory, success, triumph )_____ 2. talino ( wisdom, knowledge, ignorance )_____ 3. halaga ( cost, price, worth )_____ 4. kaibigan ( friend, companion, enemy )_____ 5. kayamanan ( wealth, abundance, poverty )Panuto: Lagyan ng asteris ( * ) kung ang salitang nasa loob ng bilog ay angkop na salin ng salitang nasa gitnang kahon at krus ( + ) naman kung hindi.__2. poverty __1. riches _3. wealth KAHIRAPAN __4. difficulty__6. aim __5. desire __7. goal ADHIKA 4
___8. objective Iwasto mo ang iyong sagot. Gamitin mo ang Susi sa Pagwawasto na nasa iyongguro. Mga gawain sa pagkatuto1. Alamin mo… Isang kilalang teorista at praktisyuner na nagngangalang Wilamowitz ang nagsabina ang pagsasaling-wika ay tulad ng paglilipat ng kaluluwa ng isang nilalang sa katawanng isang patay. Ang ganitong pahayag niya ay maituturing na eksaheradong paraan ngpagsasabi na hindi biru-birong gawain ang pagsasaling-wika. Katunayan, nagkakaisa angmga awtoridad sa larangang ito na walang perpektong salin. Kung may sampung tagapagsalin at bibigyan sila ng isang piyesa ng literaturaupang isalin, halimbawa ay isang tula, mapatutunayang ang resulta ay sampu ring iba’tibang estilo ng salin – nagkakaiba-iba sa mga salitang ginamit, sa paraan ng pagsasabi ngisang kaisipan, sa balangkas ng mga taludtod at pangungusap at iba pa. Sagutin mo ang gawaing inihanda ko upang malaman kung gaano ka kagaling sapaksang ito.Panuto: Punan ang bawat patlang ng tamang salita upang mabuo ang pangungusap. Piliin ang titik ng tamang salita sa ibaba. 1. Si Milamowitz ay isang kilalang ___________ at praktisyuner. 2. Ayon sa kanya, ang _____________ ay tulad ng paglilipat ng kaluluwa ng isang nilalang sa katawan ng patay. 3. Ang pagsasaling-wika ay hindi __________ gawain. 4. Nagkakaisa ang mga awtoridad sa larangang ito na walang ___________ salin. 5. Kung may sampung tagapagsalin at bibigyan ng isang piyesa ay mapatutunayang ang resulta ay sampu ring iba’t ibang _________ ng salin.a. pagsasaling-wika d. perpektob. biru-biro e. seryosoc. teorista f. estilo 5
Iwasto mo ang iyong sagot gamit ang susi sa pagwawasto na nasa iyong guro. Makatutulong ang mga gawaing inihanda ko upang lalong malinang ang iyong pag-unawa sa paksang pag-aaralan. Handa ka na bang magsimula?Gawain 1: Mga Katangiang Dapat Taglayin ng Isang Tagapagsaling-wika Wala pang isinagawang pagtalakay sa mga simulain at prinsipyo sa pagsasaling-wika ang hindi bumanggit tungkol sa tagapagsaling-wika. Alam mo ba kung ano ang mga katangiang dapat taglayin ng isang tagapagsaling-wika? Basahin mo muna ang inilahad kong paliwanag upang lalong maging malinaw itosa iyo. Narito ang mga katangiang dapat taglayin ng isang tagapagsaling-wika. A. Sapat na kaalaman sa dalawang wikang kasangkot sa pagsasalin: Kailangang maging malawak at sapat ang kaalaman ng tagapagsalin sa dalawang wikang kasangkot sa pagsasaling-wika. Hangga’t maaari, ang wikang pagsasalinan ay dapat na siyang unang wika ng tagapagsalin. Dapat nating tandaan na sa kahit anong bagay, ang kakarampot na kaalaman ay magiging mapanganib. B. Sapat na kaalaman sa paksang isasalin: Nagiging mahusay at maayos ang pagsasalin kung ang tagapagsalin ay may malawak na kaalaman sa paksang tinatalakay. Kailangang interesado rito ang tagasalin.Makatutulong din nang malaki kung makikipag-ugnayan ang tagapagsalin sa awtor. 6
C. Sapat na kaalaman sa kultura ng dalawang bansang kaugnay sa pagsasalin: Bawat wika ay nakaugnay sa kultura ng mga taong likas na gumagamit nito. Ang Filipino ay wikang gamit natin sa pagpapahayag ng ating kultura at saloobin; Ang Ingles naman ay wikang gamit ng mga Amerikano sa pagpapahayag ng kanilang kultura at saloobin. Ang dalawang bansang ito ay lubhang malaki ang pagkakaiba sa kani-kanilang kultura. Mahihinuhang ang lahat ng wika ay may sariling bisa at kakayahan bilang kasangkapan sa pagpapahayag ng sariling kulturang kinabibilangan nito. Kaya’t marapat lamang na, upang maging makabuluhan at mabisa ang pagsasalin ay magkaroon ng malawak at sapat na kaalaman ang tagapagsalin sa kultura ng dalawang bansang kasangkot sa pagsasaling-wika. Matapos mong basahin ang paliwanag ay tiyak kong masasagot mo na ang inihanda kong gawain para sa iyo. Handa ka na ba?A. Panuto: Isulat ang T kung tama ang ipinahihiwatig ng pahayag at M naman kung mali. Isulat ang sagot sa ikaapat na bahagi ng papel._____1. Ang tagapagsaling-wika ay kailangang may sapat na kaalaman sa dalawang wikang kasangkot sa pagsasalin._____ 2. Basta’t may alam sa paksa ay maaari nang magsaling-wika._____ 3. Hangga’t maaari, ang wikang pagsasalinan ay siyang unang wika ng tagapag- salin._____ 4. Kailangang sapat ang kaalaman ng tagapagsalin sa kultura ng dalawang bansang kaugnay sa pagsasalin._____ 5. Kahit sino ay maaaring maging tagapagsaling-wika.B. Panuto: Ayusin ang mga letra ng salitang dapat ipuno sa patlang upang mabuo ang kaisipan nito.1. Ang ___________________________ ay kailangang interesado sa paksang isasalin. NGASSLAIAGN-IWAK2. Kailangang sapat ang _______________sa dalawang wikang kasangkot sa pagsasalin. A K L MA N A A 7
3. Makatutulong din nang malaki kung makikipag-ugnayan sa __________ ang tagapag- salin. OA TWR4. Ang wikang pagsasalinan ay dapat na siyang unang _________ng tagapagsalin. I WA K5. Kailangang sapat ang kaalaman sa ______________ ng dalawang bansang kaugnay sa pagsasalin. A T UKU L RC. Panuto: Iguhit ang masayang mukha ( ) kung ang mga katangiang nabanggit sa bawat bilang ay dapat taglayin ng isang tagapagsalin at malungkot na mukha ( ) naman kung hindi.___1. Interesado sa paksa ___2. Malawak ang kaalaman sa kultura ng dalawang___3. Nakikipag-ugnayan wikang kasangkot. sa awtor. ___4. Sapat na kaalaman sa___5. bihasa sa dawalang paksa. wikang kasangkot Iwasto mo ang iyong sagot. Gamitin mo ang Susi sa Pagwawasto na nasa iyong guro.Gawain 2: Mga Nagsasalungatang Paraan sa Pagsasaling-wika Napakaraming iba’t ibang simulain sa pagsasaling-wika na kalimitan ay nagsasalungatan. Mahalagang mabatid natin ang mga ito upang maging mabisa ang ating pagsasalin. Upang higit na maging malinaw sa iyo ay basahin at pag-aralan mo muna ang mga paliwanag na aking ilalahad. 8
A. Salita laban sa Diwa; May ibang pangkat ng tagapagsalin ang naniniwalang hindi dapatsa pagtutumbas ng mga salita ng isinasaling teksto nakabuhos angatensyon ng tagapagsalin kundi sa ideya o mensahe ng kaniyangisinasalin. Hindi maitatatwa na may mga salita sa wikang isinasalin na hindinatutumbasan ng isa ring singkahulugang salita sa wikang pinagsasalinan.May mga pagkakataon na ang isang kaisipan o ideya sa isang wika ayhindi maipahayag nang maayos sa ibang wika dahil sa magkalayongkultura ng mga taong gumagamit sa dalawang wikang kasangkot sapagsasalin. Isa pa , ang literal na salin ay hindi nagiging mabisa, lalo nakung ang kasangkot na dalawang wika ay hindi magkaangkan. Naunawaan mo na ang inilahad kong kaalaman. Masasagot mo na siguro ang inihanda kong gawain para sa iyo.Handa ka na ba?Panuto: Piliin ang higit na tiyak na kahulugan ng pangungusap na Ingles sa salin sa Filipino. Titik lamang ang isulat.1. Sing softly. c. Umawit nang mahina a. Umawit nang malambot d. Wala sa nabanggit b. Kumanta nang malambot2. Sleep soundly. c. Matulog nang maingay a. Matulog nang mahimbing d. Lahat ng nabanggit b. Matulog nang matunog3. Take a bath. c. Maligo a. Kumuha ng paliguan d. Wala sa nabanggit b. Kuhain ang banyo4. Sleep tight. c. Matulog nang mahigpit a. Matulog nang mabuti d. Wala sa nabanggit b. Matulog sa masikip5. Fall in line. c. Pumila nang maayos a. Mahulog ka sa linya d. Lahat ng nabanggit b. Hulog sa linya 9
Iwasto ang iyong sagot sa tulong ng susi sa pagwawasto. Hingin ito sa iyong guro. B. “Himig-orihinal” laban sa “Himig-salin”: Kapag literal ang salin, humigit-kumulang, ito’y himig- salin na rin. At kapag naman idyomatiko ang salin, humigit- kumulang, ito’y himig-orihinal. Nagiging himig-salin ang isang salin sapagkat karamihan ng mga salita ay halatang-halatang katumbas ng mga nasa orihinal na teksto; gayundin, sapagkat literal ang salin, may mga balangkas ng mga parirala at pangungusap sa orihinal na makikitang nalipat sa wikang pinagsalinan. Kapag naman idyomatiko ang salin, nagiging himig- orihinal na rin ito sapagkat hindi na halos napapansin ng mambabasa na ang kanyang binabasa ay una palang isinulat sa ibang wika. Higit na nakararami marahil ang mga tagapagsalin na naniniwala na ang isang salin ay dapat magng natural at himig- orihinal. Matapos mong basahin ang inilahad kong paliwanag, gawin mo ang inihanda kong gawain para sa iyo upang matiyak kung ito’y iyong naunawaan.Handa ka na ba?Panuto: Pagtapat-tapatin ang mga sumusunod na salin sa tunay na kahulugan nito. Titik lamang ng pinakawastong sagot ang isulat. Hanay A Hanay B1. matigas ang ulo a. hard to please2. kabiyak ng dibdib b. dream3. di-mahulugang karayom c. twilight4. sariling pugad d. liar5. saling pusa e. wife/husband6. bungang-tulog f. thick crowd7. takipsilim g. stubborn8. sanga-sangang dila h. house/home9. mahaba ang buntot i. temporary included10. makuskos-balungos j. spoiled 10
Iwasto mo ang iyong sagot. Hingin ang susi sa pagwawasto sa iyong guro. C. Estilo ng Awtor laban sa Estilo ng Tagapagsalin: Bawat awtor, lalo na sa mga malikhaing panitikan, ay may sariling estilo. Bagamat may mga manunulat na sa biglang tingin ay waring magkatulad sa estilo, sa katotohanan ay may pagkakaiba ang mga ito kahit paano. Maaaring nagkakaiba sa uri ng mga pangungusap na ginamit. May mga awtor na mahilig sa mabulaklak at kilometrong mga pahayag na dahil sa kahabaan ay madalas na nalilito ang mga mambabasa sa pinagsama-samang iba’t ibang kaisipan sa pangungusap. May mga awtor naman na ang kabaligtaran nito ang hilig: maikli at payak na pangungusap ang ginagamit. Subukin natin kung naunawaan mo ang inilahad kong paliwanag sa pamamagitan ng inihanda kong gawain para sa iyo. Handa ka na ba?Panuto: Lagyan ng tsek ( √ ) ang mas mainam na salin ng pangungusap na may salungguhit at ekis ( х ) naman ang hindi. 1. Carry on the shoulder. ______ Dalahin sa balikat ______ Pasanin. 2. Tell the children to return to their seats. ______ Sabihin sa mga bata na magbalik na sila sa kani-kanilang upuan. ______ Pabalikin ang mga bata sa kanilang upuan. 3. The war between Iran and Iraq. ______ Ang digmaan sa pagitan ng Iran at Iraq. ______ Ang digmaan ng Iran at Iraq. 4. The guest arrived when the program was already over. ______ Ang panauhin ay dumating kung kailan tapos na ang programa. ______ Tapos na ang programa nang dumating ang panauhin. 11
5. I went to the Auditorium where the contest will be held. ______ Ako ay nagpunta sa Awditoryum na kung saan idaraos ang paligsahan. ______ Nagpunta ako sa Awditoryum na pagdarausan ng paligsahan. Iwasto ang iyong sagot gamit ang susi sa pagwawasto. Hingin mo ito sa iyong guro. D. Panahon ng Awtor laban sa Panahon ng Tagapagsalin Nagkakaroon lamang ng problema sa panahon kapag mga akdang klasiko na ang isinasalin. Ito ay kung nahihirapan ang isang tagapagsalin na pilitin ang sariling mapaloob sa katauhan ng kanyang awtor, isa ring napakahirap na gawain ang bagtasin ang panahong namamagitan sa panahon ng awtor at sa panahon ng tagapagsalin. Isang magandang halimbawa nito ay ang pagsasalin ng Bibliya na mahuhusay kundi man pinakamahusay na mga tagapagsalin ang nagsisipagsalin. E. “Maaaring Baguhin” laban sa “Hindi Maaaring Baguhin”: Ayon sa isang kilalang manunulat, di dapat bawasan, dagdagan o palitan ng tagapagsalin ang anumang ideya sa kanyang isinasalin sapagkat ang gayon ay hindi magiging makatarungan sa awtor. Ang tungkulin ng isang tagapagsalin ay isalin o ilipat lamang sa ibang wika ang likhang-isip ng iba kaya’t nararapat lamang na paka-ingatan niyang hindi mapasukan ng anumang pagbabago ang akda. 12
F. “Tula-sa-Tula” laban sa “Tula-sa-Prosa”: Isang manunulat ang nagsabi na ang isang prosa o tuluyan ay dapat na maisalin sa paraang tuluyan din, at ang tula ay kailangang sa paraang patula rin. Si Matthew Arnold man diumano ay naniniwala na kung isasalin sa paraang tuluyan ang isang tula, ang salin ay kailangang magtaglay pa rin ng mga katangian ng isang tula. Anupa’t waring nagkakaiba sa paniniwala ang karamihan ng mga tagapagsaling-wika. May mga nagsasabi na ang pagsasalin ng isang tulang may sukat ay napakahina kung mawawala ang sukat; na ang tuluyang salin ng isang tula ay pinakamahina sa lahat ng paraan. Sila’y naniniwala na upang mNaaugnianwgaamnamkaotabrauanngganmgsaa imnialakhaatdankgonagwktaoarla, manang? kManasyaasanggottumlao nasiguaryo aknagiliannihgaanndga kisoanlginganwgainsapnagramsaaikyaot.a rin, at sa paraang patula rin. Handa ka na ba?Magsimula ka na!A. Panuto: Ang mga sumusunod ay ilang idyoma sa Ingles. Kung sa palagay mo ay tama ang ibinigay na kahulugan sa Filipino, isulat ang salitang Tama sa katapat na blangkong linya. Kung sa palagay mo naman ay mali, isulat ang salitang Mali.Idyomang Ingles Kahulugan_____ 1. Bread and butter - Kabuhayan_____ 2. A snake in the grass - Lihim na kaaway; traydor_____ 3. Move heaven and earth - Gawain ang lahat ng paraan_____ 4. Man in the street - Karaniwang tao_____ 5. Man of letters - Taong nag-aaral; dalubhasa sa_____ 6. Hold one’s tongue panitikan - Manatiling tahimik; huwag_____ 7. Make faces_____ 8. Birds of a feather magsalita ng anuman_____ 9. Make a mountain out - Bumusangot - Mga taong magkakaugali of a molehill - Palakihin ang isang maliit na____ 10. Bury the hatchet problema - Makipagkasundo sa kaaway 13
B. Panuto: Lagyan ng tsek (√ ) kung ang salin ay angkop at ekis (x ) naman kung hindi.___1. intelligence ___2. dullness Talino___3. knowledge ___4. stupidity ___5. comprehension Iwasto mo ang iyong sagot. Gamitin mo ang Susi sa Pagwawasto na nasa iyongguro.Gawain 3: Ilang Simulain sa Pagsasalin sa Filipino mula sa Ingles Alam mo ba ang ilang simulain sa pagsasalin sa Filipino mula sa Ingles? Basahin mo ang mga paliwanang sa ibaba upang higit na maragdagan ang iyong kaalaman sa paksang ito. Ilang Simulain sa Pagsasalin sa Filipino Mula sa Ingles A. Bawat wika ay nakaugat sa kultura ng mga taong likas na gumagamit nito. Batid ng lahat na ang Pilipinas at Amerika ay dalawang bansang lubhang may malaking pagkakaiba sa kultura. Ang wikang Ingles ay kasangkapan ng mga Amerikano sa pagpapahayag at ang Filipino naman ay sa Pilipinas. Napakahalagang maunawaan ng isang tagapagsalin na hindi siya dapat maging literal sa pagsasalin; na hindi dapat maging salita-sa-salita ang pagsasalin, lalo na kung kargado ng kultura ang kanyang isinasalin. Sa halip, ang dapat niyang pilitin ay maisalin ang intensyon o ang ibig ipahatid na mensahe ng awtor. 14
B. Bawat wika ay may kanya-kanyang natatanging kakanyahan Malaki ang pagkakaiba sa kakanyahan ng mga wikang hindi magkakaangkan at malaki naman ang pagkakatulad sa kakanyahan ng mga wikang magkakaangkan. At dahil hindi magkaangkan ang Filipino at Ingles, natural lamang na maging malaki ang pagkakaiba sa kakanyahan ng dalawang wikang ito. Bawat wika ay may sariling paraan ng pagbubuo ng mga salita; pagsusunud-sunod ng mga salita upang mabuo ang parirala o kaya’y pangungusap. Anupa’t sa pagsasaling-wika, dapat malaman ng tagapagsalin ang mga kakanyahan, ang kalakasan at kahinaan ng mga wikang kasangkot sa kanyang isasagawang pagsasalin. Ang isang katangiang nasa isang wika ay hindi dapat ilipat sa pinagsalinang wika.C. Ang isang salin, upang maituring na mabuting salin, ay kailangang tanggapin ng pinag-uukulang pangkat na gagamit nito.D. Bigyan ng pagpapahalaga ang uri ng Filipino na kasalukuyang sinasalita ng bayanE. Ang mga daglat at akronim, gayundin ang mga pormula, na masasabing establisado o unibersal na ang gamit ay hindi na kailangang baguhin pa upang umayon sa baybay ng katumbas sa Filipino.F. Kung may pagkakataon na higit sa isa ang matatanggap na panumbas sa isang salita ng isinasaling teksto, gamitin ang alinman sa mga ito at pagkatapos ay ilagay sa talababa ( footnotes ) ang iba bilang mga kahulugan. 15
G. Sa pagsasalin ay laging isaisip ang pagtitipid sa mga salita. H. Nagkakaroon lamang ng tiyak na kahulugan ang isang salita kapag ito’y naging bahagi ng pangungusap. Ang normal na balangkas ng pangungusap sa Ingles ay simuno + panaguri, samantalang sa Filipino, ang itinuturing na karaniwang ayos ng pangungusap sa Filipino ay panaguri + simuno. I. May mga pagkakataon na ang mga tahasang pahayag sa Ingles ay kailangang gamitan ng eupemismo sa Filipino upang hindi maging pangit sa pandinig. J. Mahalaga ang diksyunaryo sa pagsasaling-wika ngunit huwag kang paaalipin dito. Naunawaan mo ba ang iyong binasa? Mayroon ka bang hindi naunawaan? Basahin mo lamang mabuti at unawain upang maging malinaw sa iyo ang lahat. Subukin mo ang iyong pag-unawa sa pamamagitan ng pagsagot sagawaing inihanda ko para sa iyo. Handa ka na ba?Panuto: Isulat ang S kung ikaw ay sang-ayon sa ipinahihiwatig ng bawat pahayag at DS naman kung hindi. Isulat ang iyong sagot sa ikaapat na bahagi ng papel.______ 1. Ang Pilipinas at Amerika ay dalawang bansang magkatulad ang kultura kaya’t madali lamang ang pagsasaling-wika.______ 2. Bawat wika ay nakaugat sa kultura ng mga taong likas na gumagamit nito.______ 3. Sa pagsasalin ay hindi kailangang magtipid sa mga salita ang tagapag- salin.______ 4. Ang mga daglat at akronim, gayundin ang mga pormula ay kailangang baguhin pa upang umayon sa baybay ng katumbas sa Filipino.______ 5. Bigyang pagpapahalaga ang uri ng Filipino na kasalukuyang sinasalita ng bayan. 16
______ 6. Ang Filipino at Ingles ay dalawang wikang magkaangkan.______ 7. Ang isang katangiang nasa isang wika ay hindi dapat ilipat sa pinagsa- linang-wika.______ 8. Mahalaga ang diskyunaryo sa pagsasaling-wika ngunit huwag paaalipin dito.______ 9. Nagkakaroon lamang ng tiyak na kahulugan ang salita kapag ito’y naging bahagi ng pangungusap._____ 10. Ang isang tagapagsalin ay hindi dapat maging literal sa pagsasalin. Iwasto mo ang iyong sagot. Gamitin mo ang Susi sa Pagwawasto na nasa iyongguro.2. Lagumin Mo… Subukin mo kung gaano ang iyong natutunan sa mga gawaing isinagawasa pamamagitan ng pagsagot sa mga sumusunod na pagsasanay.Panuto: Punan ng angkop na letra ang bawat kahon upang mabuo ang katumbas ng salita sa bawat bilang.1. gusali - b u ld g2. himala - m r cl e3. huwad - f k4. iyak - c y5.opisina - o f ce s t6. paligsahan - c n7. yaman - w al h8. ingay - no s9. dasal - pr y r10.bahaghari- r i bw 17
Naging madali ba para sa iyo ang gawain? Tingnan mo kung tama angiyong mga sagot. Hingin mo ang Susi sa Pagwawasto sa iyong guro at iwasto moang iyong gawain.3. Subukin Mo … Punan ng angkop na salitang makikita sa loob ng kahon sa ibaba angbawat patlang upang mabuo ang diwang ipinahahayag nito. Ang tagapagsalin ay kailangang may sapat na kaalaman sa mga______1______ ng Ingles at Filipino, gayundin sa _______2_______ ng tekstongisasalin at sa _____3______ ng mga bansang Amerika at Pilipinas. Maraming nagsasalungatang paraan o simulain sa pagsasaling-wika, tuladng salita laban sa ____4_____, himig-orihinal laban sa ______5_________, estilong awtor laban sa ________6________, panahon ng awtor laban sa____7_______, maaaring baguhin laban sa _______8__________, at tula-sa-tulalaban sa _____9_________. Malaki ang pagkakaiba sa kakanyahan ng mga wikang hindi_______10____ at malaki naman ang pagkakatulad sa ______11_____ ng mgawikang magkakaangkan. Sa pagsasaling-wika, dapat malaman ng tagapagsalin ang mga kakanyahano ang mga _______12_______ at _______13_______ ng dalawang wikangkasangkot sa kanyang pagsasalin. Sa Ingles, ang normal na balangkas ng pangungusap ay ____14___ +__________, samantalang sa Filipino, ang itinuturing namang karaniwang ayosay ______________ + _______15_______.Wika panahon ng tagapagsalin diwa hindi maaaring baguhinKakanyahan kahinaan himig-salin panaguri + simunoPaksa estilo ng tagapagsalin kalakasanKultura simuno + panaguriMagkaangkan tula-sa-prosa Naging madali ba para sa iyo ang pagsusulit? Hingin mo sa iyong guro ang Susi sa Pagwawasto upang malaman kung ilan ang nakuha mong iskor. 18
4. Paunlarin Mo … Kung ang iskor na iyong nakuha sa pagsubok ay higit sa sampu (10), maaari ka nang magsimula sa susunod na aralin, subalit kung mababa rito ang iyong iskor, kailangan mo munang sagutin ang gawaing inihanda ko bago mo pag-aralan ang susunod na aralin. Handa ka na ba? Magsimula ka na! Panuto: Isulat kung ano ang tinutukoy ng mga sumusunod na pahayag. 1. Ang paglilipat ng pinakamalapit na katumbas ng diwa o mensaheng isinasaad ng tekstong isinasalin. 2. Bihasa sa larangan ng pagsasaling-wika. 3. Ang normal na balangkas ng pangungusap sa Ingles. 4. Dalawang wikang kasangkot sa pagsasalin. 5. Ang itinuturing na karaniwang ayos ng pangungusap sa Filipino.Aralin 2: Mga Hakbang sa Pagsasaling-wikaA. Anu-ano ang mga Tiyak na Matututunan Mo? Matapos mapag-aralan ang araling ito, inaasahang matatamo ang mga sumusunodna kasanayan. 1. Nasusunod nang wasto ang mga hakbang at paraan sa pagsasalin 2. Nabibigyang-pansin ang kawastuhang gramatikal sa pagsasalin 3. Nakapagsasalin ng isang tiyak na tekstoB. Anu-ano na ang Tiyak na Alam Mo? Matapos mong mabatid sa Aralin 1 ang mga pangunahing batayang simulain sapagsasalin at ang mga katangiang dapat taglayin ng isang tagapagsaling-wika. Nararapatlamang na mabatid mo ang mga hakbang at paraan upang makabuo ng isang mahusay atmaayos na pagsasalin. 19
Alam mo ba ang mga ito? Sagutin mo ang pagsubok na inihanda ko upang malaman kung gaano na kalawakang iyong kaalaman sa paksang ito.Panuto: Pagtapat-tapatin ang salitang Ingles sa angkop na salin nito sa Filipino.Hanay A Hanay B1. Paalam, Mahal ko a. Hello2. Swertihin ka sana! b. Goodbye my love3. Kumusta c. I love you4. Minamahal Kita d. Forgive me5. Patawarin mo ako e. Fight!6. Makibaka! f. Good luck!C. Mga Gawain Sa Pagkatuto1. Alamin Mo… Bilang tagapagsalin, mahalagang malaman at matutunan mo ang mga tiyak nahakbang na maaari mong maging gabay sa pagsasalin . Alam mo ba kung anu-ano ang mga dapat tandaan sa pagsasaling-wika? Anu-anoang mga hakbang na dapat isaalang-alang upang makabuo ng isang mabisang salin? Subukin mong sagutin ang inihanda kong pagsubok upang malaman kung gaanoka kagaling sa paksang ito. Handa ka na ba? Simulan mo na?Panuto: Isulat ang S kung sang-ayon ka sa ipinahahayag ng pangungusap at DS naman kung di ka sang-ayon._____1. Basahin mo muna ang akdang isasalin upang makuha mo ang kabuuang diwa nito._____2. Isalin mo ang bawat salita upang maging madali ang pagsasalin._____3. Isagawa mo ang unang pagsasalin. Dapat mong isipin na ang isasalin ay diwa at hindi salita._____4. Muli mong basahin ang salin at alamin kung may salita kang dapat palitan._____5. Rebisahin ang salin hanggang sa maging maayos nang lahat ang dapat ayusin. Iwasto mo ang iyong sagot. Gamitin mo ang Susi sa Pagwawasto na nasa iyong 20
guro. Alam kong handang-handa ka na ngayon sa mga gawaing inihanda ko.Gawain 1: Ilang tiyak na hakbang sa pagsasalin Upang makabuo tayo ng isang mabisang salin, nararapat lamang na alamin natinang ilang tiyak na hakbang na maaari mong maging gabay sa pagsasaling-wika. Basahin mo muna ang mga inilahad kong paliwanag upang lalong magingmalinaw ito sa iyo. Naririto ang ilang tiyak na hakbang na maaari mong maging gabay sa pagsasaling-wika: Basahin muna ang buong akdang isasalin upang makuha mo at maunawaan ang kabuuang diwa nito. Isagawa na ang unang pagsasalin. Dapat mong isipin na ang isasalin ay diwa at hindi ang mga salita. Pagkatapos mong maisalin ang akda, itabi mo muna ang orihinal. Basahin mo ang salin. Muli mong basahin ang salin at alamin kung may salita kang dapat palitan, pariralang dapat na alisin o idagdag upang mabuo ang hinihinging diwa o kaya naman ay mga pangungusap na dapat baguhin ang balangkas upang maging malinaw ang kahulugan nito. Ipabasa mo nang malakas sa iba ang salin at obserbahan ang mga bahagi ng salin na hindi mabasa nang maayos. Rebisahin ang salin at saka muling ipabasa nang malakas sa iba ( hindi ang unang bumasa ) hanggang sa maging maayos nang lahat ang dapat ayusin. 21
Matapos mong basahin ang paliwanag ay tiyak kong masasagot mo na ang inihanda kong gawain para sa iyo. Handa ka na ba?Panuto: Isaayos ang mga hakbang sa pagsasalin ayon sa wastong pagkakasunud-sunod. Titik lamang ang isulat. Mula A hanggang F.___1. Rebisahin ang salin at saka muling ipabasa sa iba hanggang sa maging maayos nang lahat ang dapat ayusin.___2. Isagawa na ang unang salin. Dapat mong isipin na ang isasalin ay diwa at hindi ang mga salita.___3. Muli mong basahin ang salin at alamin kung may salita kang dapat palitan, pariralang dapat na alisin o idagdag upang mabuo ang hinihinging diwa o kaya naman ay mga pangungusap na dapat baguhin ang balangkas upang maging malinaw ang kahulugan nito.___4. Basahin mo muna ang buong akdang isasalin upang makuha mo at maunawaan ang kabuuang diwa nito.___5. Pagkatapos mong maisalin ang akda, itabi mo muna ang orihinal. Basahin mo ang salin.___6. Ipabasa mo nang malakas sa iba ang salin at obserbahan ang mga bahagi ng salin na hindi mabasa nang maayos. Iwasto mo ang iyong sagot sa tulong ng Susi sa Pagwawasto. Hingin mo ito saiyong guro.Gawain 2: Pagsasalin ng mga salita at parirala Sa larangan ng pagsasalin, kailangang maging malawak muna ang ating kaalamansa pagsasalin ng mga salita o parirala bago makapagsalin ng akda.A. Panuto: Piliin sa loob ng ulap ang salitang angkop na salin ng mga salita sa bawatbilang.beauty orphan universityheroism bureau courtesy purpose department river treasurer courtship bible 22
1. Banal na kasulatan 5. ulila 9. ilog2. pamantasan 6. paggalang 10. kagawaran3. kabayanihan 7. kawanihan 11. ingat-yaman4. pagliligawan 8. kagandahan 12. layuninB. Panuto: Punan ng angkop na titik ang bawat hanay upang mabuo ang wastong salin ng mga parirala sa bawat bilang.1. lahing kayumanggi - b r o_ n r_c_2. malinaw na pananalita -3. taunang ulat - cle_r s_ee_h4. lubos na kaalaman -5. bansang malakas - a_n_u_l r_po_t c_mp_te kn_wl_d_e po_erf_l n_t_onIwasto mo ang iyong sagot. Gamitin mo ang susi sa pagwawasto na nasa iyong guro.Gawain 3: Pagsasalin ng mga sawikain at mga pahayag na patambis Sa pagsasaling-wika lalo na ng mga tula at akdang pampanitikan ay madalas tayong makatagpo ng mga matatalinghangang pahayag o idyoma. Bilang tagapagsalin, kinakailangang malawak ang kaalaman natin sa pagpapakahulugan sa mga ito. Alam mo ba ang kahulugan ng ilan sa mga pahayag na patambis o idyoma? Sagutin mo ang pagsubok na inihanda ko upang malaman kung gaano na kalawak ang iyong kaalaman sa paksang ito. Handa ka na ba?Panuto: Isulat ang AS kung ito ay angkop na salin at LS naman kung ito ay literal na salin.__1. to remember Itaga sa bato ____2. to cut on stone__3. to list on the water Ilista sa tubig ____4. a debt that will not be paid anymore__5. to become angry Magdilim ang paningin ___6. darken the eyesight 23
___7. to kill umutang ng buhay ___8. to borrow a life___9. to make the head bilugin ang ulo ___10. to fool roundIwasto mo ang iyong sagot. Hingin mo ang susi sa pagwawasto sa iyong guro.Gawain 4: Pagsasalin ng mga pangungusap at akda Mahalagang maging maingat sa pagsasalin ng mga pangungusap at mga akda.Basahin muna nang ilang ulit bago simulan ang pagsasalin upang maunawaan angkabuuang diwa nito. Sagutin mo ang gawaing inihanda ko upang malaman kung gaano ka kagaling sapaksang ito. Handa ka na ba? Magsimula ka na!Panuto: Isaayos ang mga salita upang mabuo ang ang angkop na salin ng mga pangungusap sa bawat bilang. I , did, know, what, you, last night.1. Alam ko ang ginawa mo kagabi. The, province, from, came, visitor, the2. Ang panauhin ay galing sa lalawigan. I, the, opened, door, big.3. Ang malaking pinto ay binuksan ko. Alejandro, an, wrote, interesting story4. Si Alejandro ay sumulat ng isang kawili-wiling kuwento. 24
There, a, is, girl, beautiful, the, in, room5. May magandang bata sa kuwarto.Iwasto mo ang iyong sagot sa tulong ng susi sa pagwawasto na nasa iyong guro.2. Lagumin Mo… Subukin mo kung gaano ang iyong natutunan sa mga gawaing isinagawa sapamamagitan ng pagsagot sa mga sumusunod na pagsasanay.Panuto: Piliin sa ibaba ang angkop na salin ng mga salita sa bawat bilang.1. balarila 6. pangatnig2. pandiwa 7. patinig3. pangngalan 8. pang-uri4. katinig 9. pang-abay5. panaguri 10. pang-ukolgrammar adverb predicate conjunction verb noun vowelproposition consonant adjective Naging madali ba para sa iyo ang gawain? Tingnan mo kung tama ang iyong mgasagot. Hingin mo ang susi sa pagwawasto sa iyong guro at iwasto mo ang iyonggawain. 25
3. Subukin Mo …Panuto: Lagyan ng tsek ( ) kung ang salitang nasa bilog ay salin ng salitang nasagitnang bilog at ekis ( ) naman kung kasalungat na salin.__2. obscure __1. renowned __3. unknown__4. unsung SIKAT __5. glorious __6. famous Naging madali ba para sa iyo ang pagsusulit? Hingin mo sa iyong guro ang susi sapagwawasto upang malaman kung ilan ang nakuha mong iskor.4. Paunlarin Mo … Tama ba lahat ang iyong kasagutan? Nangangahulugan lamang niyan na bihasa kana sa pagsasaling-wika. Magiging madali na sa iyo ang pagsasagawa ng pagsasalin. Kungnagkaroon ka man ng kamalian, sagutin mo muna ang gawaing inihanda ko bago mo pag-aralan ang susunod na liksyon. 26
Panuto: Subukin mong isalin sa Ingles ang liham sa ibaba.Dr. Alfredo ReyesTagatalaUnibersidad ng Santo TomasEspanya, MaynilaMahal na Ginoo: Binabalak ko pong mag-aral sa Santo Tomas sa darating na pasukan kaya naiskong malaman ang katugunan sa sumusunod na mga tanong: Ako po ang “Salutatorian”sa mga nagtapos sa haiskul, gaano po ba ang kailangan kong ibayad na matrikula saKolehiyo ng Edukasyon? May iksamen pa po ba akong kailangang kunin? Kungmayroon, kailan at saan? Anu-ano po bang mga katibayan ang kailangan ko? Tatanawin ko pong utang na loob ang inyong maibibigay na kasagutan sa akingmga tanong. Buong galang na sumasainyo, Bb. Ana Marie Lopez Iwasto mo ang iyong sagot gamit ang Susi sa Pagwawasto na nasa iyong guro. Gaano ka na kahusay?A. Panuto: Isalin ang mga sumusunod na salawikain sa Ingles. 1. Ang taong nagagalit, walang kilalang matwid. 2. Kapag walang pakikibaka ay walang tagumpay 3. Kapag tahimik ang batisan, malalim itong tunay. 4. Magsisi ka man at huli, wala nang mangyayari 5. Sa taong may hiya, ang pangako’y panunumpa. 27
An angry man To a person with Follow myknows no reason shame, a advises, but not Nothing will promise is a vow what I do happen if you Silent water If there’s no will repent runs deep fight, there’s no victoryIwasto ang iyong sagot gamit ang Susi sa Pagwawasto na nasa iyong guro. 28
Modyul 18 Ikatlong Markahan Susi sa Pagwawasto Aralin 1 – Sa Lahat ng KaganapanIV. Ano ba ang Alam mo?1. a 6]. b2. a 7]. e3. b 8. b4] d 9. a5] e 10. cV. 1. Alamin mo…inaasam hangarintumatanaw ibig nais3. Linangin mo… 2. Nakita ni Camaconcocido sia. Pagsusuring Panlingwistika Tiyo Kiko na nabubuhay sa paglalathala, pagbabalita ng 1. kagalitan mga palabas at nagdidikit 2. hindi kabilang ng mga kartel. 3. laban sa moralidad 4. makapal ang tao 5. e, ano sa akinb. Pagsusuring Pangnilalaman 1. Nagkakagulo ang mga tao sa labas ng dulaan habang nagkikibit-balikat lamang si Camaroncocido
3. 7. Tulad ni Basilio, hindi nagtungo Nakita ni Camaroncocido ang sa dulaan si Simoun. Nagpunta ilang mga lalaki na umiiwas siya sa binata upang muli itong na mapuna at may binabalak hikayating sumama sa kanya at doon niya malamang patay na si Maiingay ang mga manonood Maria Clara.4. dahil sa hindi pa sinisimulan 8. ang pagtatanghal gayong Umalis si Simoun damang- lampas pa sa takdang oras ng dama ang labis na pagsisimula nito. pagdaramdam sa balitang natanggap mula kay Basilio. Naninibugho si Isagani sa Kinabukasan, magkikita sina5. pakikipag-usap ni Paulita Paulita Gomez at Isagani. Napangarap ng binata ang Gomez kay Juanito Pelaez, magagandang bagay para sa gayundin ang dalaga dahil sa kanyang katipan panonood ng binata sa P6. Nagbalak ng piging ang mga Sa pagdating nina Paulita at estudyante matapos matapos 10. Donya nakita ng binata si Don malaman ang pasya ni Don Custodio hinggil sa akademya Custodio. ng Wikang Kastila at sila ay umalis sa dulaan
c. Pagsusuring Pampanitikan Sa Lahat ng Kaganapan Mamamayan PamahalaanMaging mapagmasid at Lahat ay nagdurusa dahil sa makialam sa mga kaganapan katiwalian . Maging makatarungan.Hindi likas sa Pilipino ang pagiging huli. Isipin ang kapakanan ng bayan Nasa wastong pamamahala angIpakita ang disiplina sa lahat ng pagkakataon. ikaaayos ng bayan.Matutong tumanggap ng kabiguan.d. Halagang Pangkatauhan1. a2. c3. c4. d5. Palalimin mo… POSITIBO KAWILI-WILI NEGATIBOAng Pilipino ay marunong May disiplina sila sa oras Nawawala ang disiplinadumating sa oras. kapag naiinipPagpapasyahan ni Don Magdaraos ng piging ang Daraan pa rin saCustodio ang tungkol sa mga estudyante korporasyon ng mga prayleAkademya ng wikang ang nasabing akademya.Kastila Pag-uusapan nila angMag-uasap sina Isagani at naganap sa dulaan at ang Ang pangarap ay pangarapPaulita pangarap ni Isagani lamang ayon kay Paulita.
Dumalaw si Simoun kay Muling nakita ni simoun si Nalaman ni Simoun naKapitan Tiago Basilio. patay na si Maria Clara.May pangarap si Rizal para Nagkaroon nga ng Walang disiplina ang mga mamamayan.sa bansa katuparan ang mga pangarap na ito.5. Gamitin mo… HINDI KATANGGAP-TANGGAP Bulyawan ang nagtatanghal KATANGGAP-TANGGAP Makipag-alitan sa ibang maingayDumating sa tamang oras. Sigawan ang tagapamahalaMaging mulat sa mga kaganapan Magwalang-bahala sa nagaganapMaging mahinahon Huwag pansinin kung may mangguloMatutong tumanggap ng kabiguan Huwag makinig sa paliwanagGawin ang nararapatMagpakita ng disiplinaMatutong makipagkasundoTumanaw ng utang na loob6. Sulatin mo… Halimbawa: Bilang Mamamayan Bilang isang mamamayang Pilipino, marami akong dapat naipagpasalamat sa bansa kaya dapat na mag-isip ako ng mabubuting magagawa ko upangmakatulong ako sa kahit na munting paraan Susunod ako sa batas na piniiral ngpamahalaan at hindi ako lalahok sa anumang gawaing sisira sa tahimik na pamumuhay sakapaligiran. Sisikapin kong maging makabuluhang mamamayan sa lahat ng pagkakataon. Kayo, ano naman ang magagawa ninyo?7. Lagumin mo… 6. / 7. / 1. / 8. / 2. / 9. / 3. / 10. / 4. / 5. /
8. Subukin mo… 6. c 7. a 1. d 8. b 2. a 9.] d 3. b 10]. e 4. a 5. d9. Paunlarin mo… Halimbawa: [Mula sa himig ng awiting” Sasakyan Kita} Magmamasid ako Sa lahat ng kaganapan Magmamasid ako Pagkat tayo ay…. Pilipino… Arallin 2 – Laban sa MakapangyarihanB. Mga Gawain sa Pagkatuto 1. Alamin Mo…Edsa Revolution tutulan! People PowerPagtutol sa Pagtaas Reklamo labanng presyo ng gasoline sa namumuno Paghiling sa pagtaas ng pasahe2. Linangin mo… a. Pagsusuring Panlinggwistika
1. c 2. d 3. b 4. e 5. a b. Pagsusuring Pangnilalaman Mga estudyante Nagdaos ng piging ang Mag-aaral laban sa Padre Fernandez mga estudyante mga prayle at Don Mga Tauhan Simula Custodio Padre Fernandez at Isagani Tunggalian Hinuli ng mga Nanatili si Isagani sa estudyante kanyang paninindigan Pinag-uusap nina Padre Fernandez at Isagani Kasukdulan Wakasc. Pagsusuring Pampanitikan PADRE FERNANDEZ ISAGANI PALIWANAG Batay saANYO Kagalang-galang, matikas paglalarawan sa walang-kibo, waring kanila, pareho silang nag-iisip kagalang-galang at may lalim ang pananaw sa buhay.
KALAGAYAN SA Alagad ng simbahan estudyante Makikita ang agwat BUHAY ng kalagayan sa buhay.INIISIP Pinupuri si Isagani sa Para sa kanya, Bagama’t magkaiba paninindigan nito. isang taong ng kalagayan sa kagalang- buhay, pareho ang galang, saloobin sa isa’t isa. itinatangi ni Padre FernandezPAPEL NA Hindi lahat ng prayle ay Nagpahayag ng Naipahayag ng may may masamang akda ang saloobin atGINAGAMPANAN pagtingin sa Pilipino. magagandang layunin para sa bayan at ang simulain at pagtingin sa mga Kastila. saloobin ng may-akda.d. Halagang Pangkatauhan PANININDIGAN may kakayahang makapangatuwiran matalino sa pagsagot matalas ang isip hindi malilituhin buo ang loo4. Palalimin mo
Search
Read the Text Version
- 1
- 2
- 3
- 4
- 5
- 6
- 7
- 8
- 9
- 10
- 11
- 12
- 13
- 14
- 15
- 16
- 17
- 18
- 19
- 20
- 21
- 22
- 23
- 24
- 25
- 26
- 27
- 28
- 29
- 30
- 31
- 32
- 33
- 34
- 35
- 36
- 37
- 38
- 39
- 40
- 41
- 42
- 43
- 44
- 45
- 46
- 47
- 48
- 49
- 50
- 51
- 52
- 53
- 54
- 55
- 56
- 57
- 58
- 59
- 60
- 61
- 62
- 63
- 64
- 65
- 66
- 67
- 68
- 69
- 70
- 71
- 72
- 73
- 74
- 75
- 76
- 77
- 78
- 79
- 80
- 81
- 82
- 83
- 84
- 85
- 86
- 87
- 88
- 89
- 90
- 91
- 92
- 93
- 94
- 95
- 96
- 97
- 98
- 99
- 100
- 101
- 102
- 103
- 104
- 105
- 106
- 107
- 108
- 109
- 110
- 111
- 112
- 113
- 114
- 115
- 116
- 117
- 118
- 119
- 120
- 121
- 122
- 123
- 124
- 125
- 126
- 127
- 128
- 129
- 130
- 131
- 132
- 133
- 134
- 135
- 136
- 137
- 138
- 139
- 140
- 141
- 142
- 143
- 144
- 145
- 146
- 147
- 148
- 149
- 150
- 151
- 152
- 153
- 154
- 155
- 156
- 157
- 158
- 159
- 160
- 161
- 162
- 163
- 164
- 165
- 166
- 167
- 168
- 169
- 170
- 171
- 172
- 173
- 174
- 175
- 176
- 177
- 178
- 179
- 180
- 181
- 182
- 183
- 184
- 185
- 186
- 187
- 188
- 189
- 190
- 191
- 192
- 193
- 194
- 195
- 196
- 197
- 198
- 199
- 200
- 201
- 202
- 203
- 204
- 205
- 206
- 207
- 208
- 209
- 210
- 211
- 212
- 213
- 214
- 215
- 216
- 217
- 218
- 219
- 220
- 221
- 222
- 223
- 224
- 225
- 226
- 227
- 228
- 229
- 230
- 231
- 232
- 233
- 234
- 235
- 236
- 237
- 238
- 239
- 240
- 241
- 242
- 243
- 244
- 245
- 246
- 247
- 248
- 249
- 250
- 251
- 252
- 253
- 254
- 255
- 256
- 257
- 258
- 259
- 260
- 261
- 262
- 263
- 264
- 265
- 266
- 267
- 268
- 269
- 270
- 271
- 272
- 273
- 274
- 275
- 276
- 277
- 278
- 279
- 280
- 281
- 282
- 283
- 284
- 285
- 286
- 287
- 288
- 289
- 290
- 291
- 292
- 293
- 294
- 295
- 296
- 297
- 298
- 299
- 300
- 301
- 302
- 303
- 304
- 305
- 306
- 307
- 308
- 309
- 310
- 311
- 312
- 313
- 314
- 315
- 316
- 317
- 318
- 319
- 320
- 321
- 322
- 323
- 324
- 325
- 326
- 327
- 328
- 329
- 330
- 331
- 332
- 333
- 334
- 335
- 336
- 337
- 338
- 339
- 340
- 341
- 342
- 343
- 344
- 345
- 346
- 347
- 348
- 349
- 350
- 351
- 352
- 353
- 354
- 355
- 356
- 357
- 358
- 359
- 360
- 361
- 362
- 363
- 364
- 365
- 366
- 367
- 368
- 369
- 370
- 371
- 372
- 373
- 374
- 375
- 376
- 377
- 378
- 379
- 380
- 381
- 382
- 383