Important Announcement
PubHTML5 Scheduled Server Maintenance on (GMT) Sunday, June 26th, 2:00 am - 8:00 am.
PubHTML5 site will be inoperative during the times indicated!

Home Explore FILIPINO 4 part 2

FILIPINO 4 part 2

Published by Palawan BlogOn, 2015-10-21 23:52:52

Description: FIL4part2

Search

Read the Text Version

3. “Mainit pang masyado ang dugo mo sa mga babae”, ang turan ng isa sa mgakausap ni Buyung. Sa naturang pahayag, nangangahulugang si Buyung aymasasabing may:a. kakulitan c. kayabanganb. kapusukan d. kasupladuhan4. “Wala yan. Pagkapawi ng ulap ay langit.” Ang pahayag na ito ni Sanip aynangangahulugan na pagkatapos ng:a. hirap ay ginhawa c. problema ay kasiyahanb. kasawian ay kaligayahan d. unos ay maaliwalas na kalangitan5. Sa mga kalalakihang naroon sa kagubatan, kapansin-pansing si Pak Hitamlamang ang matipid kung magsalita. Samakatuwid si Pak Hitam ay:a. utal c. tahimikb. bulol d. di palakibo Karamihan sa atin ay may mga tunguhin sa buhay o mga layunin sa lahat ng atinggagawin. May mga dahilan o sanhi kung bakit natin ginagawa ang isang bagay at kungbakit din ito nangyayari. Sa tuwing gumagawa tayo ng isang bagay o nagdidisisyong gawinang isang bagay batay sa ating mga kadahilanan ay lagi itong may resulta o bungangkapalit, maganda man o masama ang kahinatnan ng ating mga ginawa. Samakatuwid lahat ng ating ginagawa o gagawin ay may sanhi at bunga.b. Pagsusuring Pangnilalaman Panuto: Isulat ang S kung ang pangungusap ay nagsasaad ng Sanhi ng mga pangyayari sa akda at B kung nagsasaad ng Bunga. 1. Sa loob ng gubat ay makatatagpo ng rattan, damar at maraming uri ng mahalagang kahoy. 2. May mga taong tumitira sa gubat para humanap ng ikabubuhay sa pamamagitan ng paghahakot ng mga produktong makukuha roon. 3. Si Wak Katok ay iginagalang sa kanyang galing sa pencak at pagiging mangangaso. Kailanma’y di pinagdudahan ang kanyang salita o gawa. 4. Naging pinuno ng kanilang nayon si Wak Katok at itinuturing na lider ng marami. 5. Napapalukso ang puso ni Buyung kapag nagpapakita si Zaitun ng pagiging magiliw sa kanya. Alam mo ba kung ano ang tinatawag na nobela? Ito ay isang akdang pampanitikan nanagtataglay ng maraming ligaw na tagpo. Marami itong tauhan at nangangailangan ng 19

mahabang kawing ng panahon. May layunin itong manlibang bagama’t di-tuwirangtinutukoy ay maaaring magbigay ng aral o mga halimbawang dapat pamarisan ng lahat. Binibigyang-diin sa akdang iyong binasa ang Teoryang Naturalismo kung saan,binibigyang-patunay na ang buhay ay tila isang marumi, mabangis na lungsod at walangawang kagubatan. Ipinakikita rin ng manunulat nito ang mga kasuklam-suklam na mgapangyayari. Ang paliwanag na iyong nabasa ay may kaugnayan sa susunod na gawaing inihandako para sa iyo. Isaalang-alang mo ang iyong mga natutuhan. Maaari ka nang magsimula.c. Pagsusuring Pampanitikan:Panuto: Lagyan mo ng (tsek) ang lahat ng bilang ng mga pangyayari sa akdana nagbibigay-diin sa Teoryang Naturalismo at (ekis) kung hindi.1. Pagiging salamangkero ni Wak Katok kung kaya nagagawa niyang makipag- ugnayan sa mga multo at masasamang espiritu.2. Pinaniwala ng Afghaning salamangkero ang mga tao na kaya niyang ibalik ang hiniwang dila ng bata at matapos makuha ang pera ng mga manonood ay tumakas sapagkat di-pala n’ya maibabalik sa dating anyo ng dila ng bata.3. Paghanga ni Buyung kay Zaitun na anak ng kanilang pinuno.4. Paghuli at pagpatay ng grupo nila Buyung sa mga hayop sa kagubatan tulad ng usa at baboy-ramo upang makain.5. Pagkakaroon ni Pak Hitam ng apat na asawa at mahigit isandaang beses niyang pagpapakasal kung kaya’t nagkalat ang kanyang mga anak na di mabilang o matandaan kung sinu-sino ang mga iyon.d. Halagang Pangkatauhan Panuto: Lagyan ng kahon ang mga bilang na nagsasaad ng pangangalaga at pagmamalasakit sa kalikasan.1. Pagtatatag ng batas na matigil ang huma o pagkakaingin.2. Pangunguha ng mahahalagang kahoy sa kagubatan upang gawing negosyo.3. Pangangalaga sa mga ‘endangered species’ sa loob ng kagubatan.4. Ang mga pinutol na puno sa kagubatan ay kailangang palitan sa pamamagitan ng pagtatanim o ‘reforestation’.5. Pagtatayo ng mga bahay sa kagubatan at kabundukan. Nasiyahan ka ba o nahirapan sa mga gawain? Maaari mo nang iwasto ang iyong mgakasagutan. Kunin mo ang Susi sa Pagwawasto sa iyong guro. 20

4. Palalimin mo… Panuto: Isa-isahin ang mga positibo, kawili-wili at negatibong kaisipan na binibigyang-diin sa akda. Isulat sa loob ng dayagram ang bilang ng kaisipan. Kawili- Positibo wili Negatibo 1. Pagiging masigasig sa pagtatrabaho ng mga nangunguha ng damar sa kabila ng mahirap at mapanganib na gawain. 2. Panloloko sa kapwa na ipinamalas ng Afghani. 3. Nakaaaliw na mga kwento ni Sanip sa mga kasamahan. 4. Pagkakaroon ng malakas na pangangatawan sanhi ng kasanayan sa mabibigat na gawain. 5. Pagkakaingin sa kagubatan. 6. Mga kwento tungkol sa birtud at salamangka. 7. Pagrespeto ng mga kalalakihan sa itinuturing nilang pinuno. Kunin mong muli sa iyong guro ang Susi sa Pagwawasto at iwasto mo ang iyong mgakasagutan. 5. Gamitin mo… Panuto: Piliin ang letra ng simbolong tumutugon sa isinasaad ng bawat pahayag. 1. Pangangalagaan ang sarili at iiwasan ang mga delikadong gawain. 2. Mahalin lahat ng kalikasan at kapaligiran. 3. Iwasan ang manloko ng kapwa-tao. 4. Harapin ang mga pagsubok at hamon ng buhay sa wasto at tamang paraan. 5. Pahalagahan ang buhay ng lahat ng nilikha sa mundong ibabaw.a. b. c. d. e. 21

Muli mong iwasto ang iyong ginawa. Kunin mong muli sa iyong guro ang Susi saPagwawasto. Sa pagkakataong ito ay naghanda ako ng isang gawain sa pagsulat. Tiyak namagugustuhan mo ang paksa. 6. Sulatin mo… Panuto: Suriin ang larawan at ang kaugnayan nito sa mga tauhan sa akda. Pagkatapos ay bumuo ng isang talatang nagsasalaysay sa pamamagitan ng pag-uugnay ng mga pahayag sa ibaba.Wak Katok Sanip Pak HitamSutan Pak BalamTalib Buyung Afghani • Lahat sila ay masasabing taglay ang ugali ng isang tigre, mabangis, matapang at animo’y hari ng kagubatan. • Ang nobela ay pinamagatang Tigre! Tigre! • Inilahad kasi rito ang maruming paraan ng pamumuhay, gawi at katangian ng mga tauhan.7. Lagumin mo… Panuto: Bilugan ang bilang ng mga pangungusap na tumutugon sa mga natutuhan mo sa aralin. 1. kahulugan ng mga salitang may tagong kahulugan 2. sanhi at bunga ng mga pangyayari 3. bisang hatid ng akda sa sarili 4. pagpapahalaga sa kalikasan at kapaligiran 5. istilo ng may-akda sa pagsulat 6. kahulugan ng nobela 7. ideya sa Teoryang Naturalismo 8. talambuhay ng may-akda 9. kahulugan ng mga salitang Indones 10. kasaysayan ng Indonesia 22

Kunin mong muli sa iyong guro ang Susi sa Pagwawasto upang maitsek ang iyongmga kasagutan. Ang susunod na gawain ay inihanda ko upang lubusan mong masukat kung hangggangsaan ang iyong natutuhan.Maaari mo nang simulan.8. Subukin mo… Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga pangungusap at pagkatapos ay piliin ang letra ng pinakaangkop na sagot.1. Limang taon siyang nagtrabaho sa barko sa daungan ng mga puti. Sino angtinutukoy na mga puti sa pangungusap na ito.a. mistiso c. anak-arawb. amerikano d. mayayaman2. Nagkakandabaluktot sa pagtawa ang nakikinig ng di-mabilang na kwento ni Sanip.Ang kahulugan ng may salungguhit ay:a. sobra c. maramib. kaunti d. kapani-paniwala3. “Uhugin ka pa kung kaya’t di pa dapat matutuhan ang tungkol sa birtud”, angpahayag ni Wak Katok kay Buyung. Ipinalalagay ni Wak Katok na si Buyung ay:a. inosente c. sakitinb. musmos d. laging sinisipon4. Sisenta anyos na si Pak Haji ngunit malakas pa rin at matibay pa ang kanyangkatawan. Ito’y sanhi ng kanyang:a. pagiging binata c. pag-aaral ng Koranb. pangingibang bayan d. kasanayan sa mabibigat na trabaho5. Magaling magpatawa si Sanip kapag siya’y nagkukuwento kung kaya’tkinaiinggitan siya ni Buyung at ng iba pang kasamahan. Ang bahagi ngpangungusap na nagsasaad ng sanhi ng pangyayari ay:a. kinaiingitan c. magaling magpatawab. kapag nagkukuwento d. iba pang kasamahan6. Alin naman sa mga pagpipilian sa ikalimang pangungusap ang nagsasaad ng bungang mga pangyayari?a. kinaiinggitan c. magaling magpatawab.kapag nagkukuwento d. iba pang kasamahan7. Nagmalasakit si Pak Hitam na patuluyin sa bahay nito sa kagubatan ang mga may-asawa nang kalalakihan ngunit sa kabila nito’y lihim na pinagnanasahan ng mgaito ang kanyang asawa. Ang ipinakitang pag-uugali ng mga kalalakihan ay:a. masama c. maharot 23

b. mabangis d. mapag-imbot8. Ang pangungusap sa itaas ay halimbawa ng Teoryang Naturalismo sapagkat higitna binibigyang-diin na ang buhay ay tila isang kagubatang: a. marumi c. mahamog b. mausok d. mapanglaw9. Ang uri ng kalikasan sa akdang binasa na dapat pahalagahan at alagaan ay: a. karagatan c. kapatagan b. kagubatan d. kakahuyan10. Mahalin, alagaan at pahalagahan ang ating kalikasan, ito’y puhunan natin samagandang kinabukasan. Ang pahayag ay isang: a. kasabihan c. agarang kongklusyon b. katotohanan d. mapamahiing paniniwala Iwasto mong muli ang iyong mga kasagutan. Kunin mo sa iyong guro ang Susi saPagwawasto. Kumusta ang iyong iskor? Kung 7 pataas ang iyong nakuha, nangangahulugan lamangna lubusan mong naunawaan ang aralin at maaari ka nang pumunta sa susunod na aralinngunit kung 6 pababa, kailangan mo munang sagutan ang kasunod na gawain. Kayang-kayamo ito sapagkat kaugnay pa rin ito ng ating aralin. Maaari mo nang simulan.yaman ito bayan mahalin angng ating kalikasankalikasa’y sakuna baya’y kung sa’tingmaiiwasan ating aalagaanKunin mong muli ang Susi sa Pagwawasto sa iyong guro at itsek ang iyong kasagutan.Maaari ka na ngayong pumunta sa susunod na aralin.ARALIN 2: Tatsulok na Daigdig Anu-ano ang mga tiyak na matututunan mo? Inaasahang iyong matatamo ang sumusunod na kasanayan matapos mapag-aralan ang modyul na ito: 24

1. Natutukoy ang iba’t ibang uri ng tayutay na ginamit sa akda 2. Nailalarawan ang kagandahan ng kalikasan at ang ibinunga nito sa pangunahing tauhan 3. Nailalarawan ang bisa ng pagkakagamit ng kalikasan at kapaligiran batay sa teoryang romantesismo 4. Napatutunayang mahalaga ang pagmamahal sa kalikasan at kapaligiran 5. Nakabubuo ng talata na binubuo ng mga kaisipan kaugnay sa akdang binasa Mga Gawain sa Pagkatuto 1. Alamin mo… Panuto: Hanapin at tukuyin ang limang uri ng kalikasang makikita sa larawan.1. __________ 2. __________ 3. __________4. __________ 5. __________ Natukoy mo bang lahat ang limang uri ng kalikasang nakapaloob sa larawan? Kuninmo sa iyong guro ang Susi sa Pagwawasto at itsek ang iyong gawain at pagkatapos ay ihandamo ang iyong sarili sa kasunod na gawain. 2. Basahin mo… Sinisiguro kong magugustuhan mo rin ang pangalawang akdang iyong babasahinsapagkat may kaugnayan din ito sa unang aralin na ating tinalakay. Isa itong nobelangHapones na isinalin sa wikang Filipino. Maupo ka nang maayos at simulan mo na ang pagbasa. 25

TATSULOK NA DAIGDIG Ni Natsumi Soseki Salin ni Aurora E. Batnag Paakyat sa landas ng bundok, nakapag-isip-isip ako. Kapag laging utak ang pinapangibabaw mo, magiging malupit ka, sumagwan ka sa ilog ngemosyon at matatangay ka ng agos. Palayain mo naman ang iyong mga hangarin at di ka mapakali saiyong pagkakakulong. Hindi kasiya-siyang mamuhay rito, sa daigdig na ito. Habang lumulubha ang pagkayamot,ibig mong tumakas kung saan higit na magaan angbuhay. Pagdating lang sa puntong una mong napag-isip-isip na sadyang mahirap mabuhay kahitmalayo na ang narating mo, saka isinisilang ang isang tula, o nalilikha ang isang larawan. Ang mundong ito ay di likha ng Diyos o ng demonyo kundi ng mga karaniwang tao sa atingpaligid; yaong mga nakatira sa tapat o sa kapitbahay, na tinatangay ng pang-araw-araw na agos ngpamumuhay. Maaaring napakahirap mabuhay sa mundong ito na nilikha ng mga karaniwang tao peromay iba pa bang mapupuntahan? Kung mayroon man,tiyak iyon ay isang lupaing “di-pantao”, atanong malay natin,baka mas kasumpa-sumpa pa ang mundong iyon kaysa rito? Hindi tayo makatatakas sa daigdig na ito. Samakatuwid, sa hirap ng buhay, wala kangmagagawa kung di magpakaginhawa sa taghirap, bagamat maikling panahon lamang ang kaya mongtiisin, upang kahit papaano’y makaya mo ang iyong maikling buhay. Sa puntong ito nagsisimula angbokasyon ng isang alagad ng sining at dito rin itinatalaga ng langit ang gawain ng isang pintor.Pasalamatan mo ang langit dahil sa mga tao na sa iba’t ibang paraan ng kanilang sining, aynaghahatid ng katiwasayan sa mundo at nagpapataba ng mga puso. Alin sa mundo ang lahat ng alalahanin at problemang nagpapabigat sa buhay sa halip ayilarawan ang isang daigdig na punung-puno ng biyaya at pagmamahal. Magkakaroon ka ng musika,ng isang larawan, o tula, o iskultura. Hindi lang ito, idaragdag ko pang hindi kailangang magkatotooang pananaw na ito. Sapat nang ilarawan sa isip at magkakabuhay ang tula, magkakahimig ang awit.Bago mo pa man isulat ang iyong inisip, mararamdaman mong parang napupuno ang iyong dibdib ngkristal na taginting ng mga kampanilya; at kusang magliliwanag sa iyong mga mata ang lahat ngmaningning na kulay, kahit di nagagalaw sa kabalyete ang iyong kanbas na di pa nahahaguran ngpintura. Sapat nang magkaroon ka ng ganitong pananaw sa buhay at ang marumi’t bulgar namundong ito ay magiging malinis at maganda sa mga mata ng iyong kaluluwa. Maging ang makatana wala pang naisusulat kahit isang taludtod, o ang pintor na walang pintura at wala pang naipipintakahit isang bahagi ng kanbas, ay makatatagpo ng kaligtasan, at makaaangat sa mga makamundonghangarin at damdamin. Kailanma’t ibig, mapapasok nila ang isang daigdig ng dalisay na kalinisan, atkapag naitapon ang pagkakasakim at pagkamakasarili, ay makapagbubuo ng walang katulad at dimapantayang daigdig. Sa lahat ng ito, higit pa silang maligaya kaysa sa mayayaman at tanyag; kaysa 26

sa sino mang panginoon o prinsipeng nabuhay sa mundong ito; tunay na mas maligaya kaysa sa lahatng nagtatamasa ng pagmamahal sa bulgar na mundong ito. Pagkaraang mabuhay nang dalawampung taon, napag-isip-isip kong karapat-dapat mamuhaysa mundong ito. Sa edad na beinte-singko, naunawaan ko na tulad ng liwanag at dilim namagkabilang tabi ng iisang bagay, saan man may liwanag ng araw, tiyak na may anino. Ngayon, saedad na treinta, ganito ang nasasaisip ko: sa kailaliman ng kaligayahan, naroroon ang kalungkutan; atkung lalo kang maligaya, lalo ring matindi ang sakit. Subukin mong ihiwalay sa lungkot ang tuwa atmawawalan ka ng kapit sa buhay. Itabi mo ang mga ito sa isang sulok at guguho ang mundo.Mahalaga ang pera, pero kapag naipon, di ba nagiging problema lamang ito na bumabagabaghanggang sa pagtulog? Ang pag-ibig na nakatutuwa pero kapag nagkapatung-patong ang mgakagalakang ito hahanap-hanapin mo ang mga araw noong di mo pa kilala ang tuwa. Ang mga balikatng estado, ang Gabinete, ang nagsusuporta ng mga pasanin para sa milyun-milyon, ang mga paa nito;at pabigat sa kanila ang mga sagutin ng gobyerno. Iwasan mong kumain ng napakasarap na bagay, atpakiramdam mo’y may nakaligtaan ka. Kaunti lamang ang kainin mo at pagtindig mo sa mesa,mararamdaman mong gusto mo pang kumain. Kumain ka nang napakarami at pagkaraan ay sasamaang pakiramdam mo. Sa bahaging ito ng paglalakbay ng aking isip, napatapak ang aking kanang paa sa isangmatulis na bato at nadulas ako. Tuluyan na akong bumagsak matapos kong bawiin ang kaliwang paana bigla kong naisipa sa pagtatangkang mabalanse ang katawan ko. Mabuti na lamang at napaupo akosa isang malaking bato na may lapad na tatlong piye, kaya ang nangyari lamang ay nakalog angkahon ng pintura na nakasukbit sa aking balikat. Swerte na lamang at walang nasira. Nang tumayo ako at tumingin sa paligid, napansin ko sa dakong kaliwa ng landas ang isangnamumukod na tuktok na korteng baliktad na balde. Nababalutan ito mula ibaba hanggang itaas ngmakapal na berdeng puno, na di ko makilala kung cryptomeria o sipres. Sumasalit sa mga dahon ang ilang kumpol ng ligaw na cherry na kulay maputlang pula atdahil sa napakakapal na ulap sa ibabaw tila naglanguyan at naghalo ang mga kulay at imposiblengmakita nang malinaw ang mga puwang sa pagitan ng mga puno at sanga. Nasa di kalayuan ang isangkalbong bundok. Namumukod ito sa paligid at parang abot-kamay lamang ang layo. Parang pinalakolng isang higante ang walang kapunu-punong gilid nito at napakatarik ng batuhang mukha nadiretsong pababa sa kapatagang nasa kailaliman. Sa tingin ko’y pulang pino ang nag-iisang punongiyong nasa tuktok. Kitang-kita maging ang mga piraso ng langit na masisilip sa pagitan ng mgasanga. May dalawampung yarda sa dako pa roon, biglang naputol ang landas, pero pagtingala ko,may nakita akong isang pigurang nakabalot ng pulang kumot na pababa sa gilid ng bundok, atnaitanong ko sa aking sarili, makarating kaya ako roon kung aakyat ako. Terible ang daang ito. Kung lupa lamang ito, hindi sana ganito katagal lakarin, pero may nakabaong malalaking batosa daan. Mapapantay mo ang lupa, pero nakausli pa rin ang mga bato. Mapagpipira-piraso mo angmaliliit na bato, pero hindi ang malalaki. Hindi mo maaalis ang mga batong iyon. Ang mga bato ayparang nangungutya at tiwalang-tiwala sa sarili na nakapwestong di masusupil sa tambak ng di patagna lupa. Wala yatang daan dito na di mo muna paghihirapan. Kung gayon, dahil ayaw magparaan ngating kalabang di mapagbigay, kailangang umakyat tayo o kaya’y ikutan ito. 27

Hindi pa rin madaling lakarin ang lugar na ito kahit hindi ito mabato. Mataas angmagkabilang tabi at may hukay sa gitna ng landas. Ang hukay na ito ay mailalarawan sapamamagitan ng heometriya. Tatsulok ito na ang lapad ay may anim na piye, na ang mga gilid aynagtatagpo sa isang matulis na anggulo, na nasa gitna ng landas. Para kang naglalakad sa ilalim ngilog sa halip nasa isang landas. Dahil sa simula pa’y di ko na inisip na magmadali, magdahan-dahanlang ako sa paglakad at haharapin ang di mabilang na paliku-liko kapag nanduon na. Sa ibaba ng aking kinatatayuan, biglang umawit ang isang pipit. Ngunit kahit gaano ko paman titigan ang kapatagan, talagang ni anino ng ibon ay di ko makita; ni hindi ko malaman kung saanito naroroon. Malinaw kong naririnig ang tinig nito, pero hanggang doon lamang. Dahil malakas atwalang tigil ang pag-awit ng ibon, pakiramdam ko’y masiglang nagpaparoo’t parito ang hangin paramatakasan ang nakaiinis na kagat ng libu-libong pulgas. Talagang hindi tumigil ang ibong iyon kahitsaglit. Para bang hindi ito masisiyahan hangga’t hindi nakaaawit nang husto araw at gabi sa buongnakasisiyang tagsibol; at hindi lamang umawit kundi patuloy na lumipad magpakailanman. Walangdudang doon na mamamatay ang pipit sa itaas ng ulap. Maaring sa pinakaitaas ng kanyang paglipad,mararating ng pipit ang lumulutang na ulap at doo’y lubusang maglalaho hanggang sa tanging bosesna lamang ang maiiwan, na ikinukubli ng hangin. Biglang lumiko ang landas sa isang nakausling kanto ng bato. Ang isang bulag ay maaringmagtuluy-tuloy hanggang sa bingit, pero naiwasan ko ang peligro at nakuha kong kumanan. Sa ibaba,natanaw ko ang mga rape-blossom na parang alpombrang nakalatag sa kapatagan. Mapapadpad kayaroon ang isang pipit? – Hindi. Siguro, naisip ko, lilipad ito mula sa mga ginintuang bukirin.Pagkaraa’y inilarawan ko sa isip ang dalawang pipit, ang isa’y pasisid habang ang isa nama’y paitaas,nagkasalubong sa paglipad. Sa wakas ay naisip kong pasisid man o paitaas o magkasalubong man sapaglipad, malamang magpapatuloy pa rin ang masiglang pag-awit ng pipit. Sa tagsibol, inaantok ang lahat. Nalilimutan ng pusa na manghuli ng daga, at nalilimutan ngtao ang kanilang mga utang. Kung minsan, pati kaluluwa’y nalilimutan nila at sila’y nagmimistulangtuliro. Ngunit nang tanawin ko ang dagat na iyon ng mga rape-blossom, waring natauhan ako. Atnang marinig ko ang awit ng pipit, naglaho ang ulap at muli kong natagpuan ang aking kaluluwa.Hindi lamang lalamunan ang umaawit sa pipit, kundi ang kabuuan nito. Sa lahat ng nilalang namaaaring magsatinig sa mga gawain ng kaluluwa, walang sinlakas at buhay na buhay na gaya ngpipit. Tunay itong kaligayahan. Kung nasasaisip mo ito at maaabot mo ang ganitong antas ngkaligayahan, iyon ay tula. Biglang pumasok sa isip ko ang tula ni Shelley tungkol sa pipit. Tinangka kong bigkasin, perodadalawa o tatlong saknong lang ang naaalala ko. Narito ang ilang taludtod: Lumilingon at tumatanaw Hinahangad ang wala sa kamay: May halong pait Ang pinakamatapat mang halakhak, Pinakamatamis ang awit tungkol Sa pinakamatinding sakit. 28

Gaano man kaligaya ang makata, hindi niya maibubuhos sa awit ang kanyang galak tulad ngmalaya at walang pakialam na taos-pusong pag-awit ng pipit. Madalas gamitin sa Kanluraningpanulaan, at makikita rin sa panulaang Tsino, ang pariralang “di mabilang na bushel ng kalungkutan.”Marahil, bushel ang ginagamit sa pagsukat sa lungkot ng makata, samantalang sa kariniwang tao ayni hindi pa makapupuno ng pint man lamang. Marahil, ngayong napag-isip-isip ko, dahil mas mapag-alala ang makata kaysa sa karaniwang tao, mas matalas ang kanyang pakiramdam. Totoong may mgasandaling nakadarama siya ng di masukat na tuwa, pero mas madalas din naman siyang nakadama ngdi masukat na lungkot. Dahil dito, dapat munang isaalang-alang na mabuti bago ka magpasiyangmaging makata. Dito, pantay-pantay ang landas nang may ilang hakbang. Nasa kanan ang burol na natatakpanng mga palumpong, at sa kaliwa naman, hanggang sa maaabot ng tanaw ay puro rape-blossom. Samagkabila, nakatapak ako ng mga dandelion, na may mga dahong parang ngipin ng lagari nanakatayong nagmamalaki upang ipagtanggol ang ginintuang lobo sa gitna. Nakapanghihinayang dahilsa katatanaw ko sa mga rape-blossom ay natapakan ko ang mga dandelion. Pero paglingon ko, nakitakong di nagalaw ang mga ginintuang lobo sa pagitan ng mga nagsasanggalang na dahon. Kaylayangbuhay! Binalikan kong muli ang aking iniisip. Siguro, hindi mawawala sa makata ang kalungkutan, pero nang marinig kong umaawit angpipit, ni katiting na sakit o lungkot ay wala akong naramdaman; at pagtingin ko sa mga rape-blossom,ang tanging alam ko’y lumulukso at sumasayaw ang aking puso. Gayon din ang nadama ko nangmakita ang dandelion at ang namumukadkad na cherry, na ngayo’y nawala na sa aking paningin.Doon sa kabundukan, malapit sa kagalakang hatid ng kalikasan, lahat ng makikita mo at maririnig aynakasisiya. Ito’y galak na di mababawasan ng alinmang hirap. Posibleng manakit ang mga binti mo,o maaring sabihin mong wala kang makaing masarap, pero iyon lang, at wala nang iba. Bakit kaya ganito? Siguro, dahil pagtingin mo sa tanawin para bang nakatingin ka sa isanglarawang binuksan para sa iyo, o kaya’y nagbabasa ka ng tula sa isang iskul. Sarili mo ang buongpaligid, pero dahil iyo’y gaya ng larawan o tula, hindi mo naiisipang paunlarin ito, o magkapera sapamamagitan ng pagtatayo ng riles mula sa siyudad. Wala kang inaalalang anuman sapagkat tanggapmo ang katotohanang walang magagawa ang tanawing ito para busugin ka o kaya’y dagdagan ngkahit kusing ang iyong suweldo, kaya kuntento ka nang pagmasdan na lamang ito. Ito ang malakingpang-akit ng Kalikasan na sa isang kisap-mata, madidisiplina nito ang puso at isip, maisasantbi anglahat ng paghamak, at ihahatid ang mga ito sa dalisay at walang dungis na daigdig na tula. Sa obhetibong pananaw, masasabing maganda ang pagmamahal ng isang lalaki sa kanyangasawa o sa kanyang mga magulang, at mainam maging tapat at makabayan. Ngunit kapag kasangkotka na sa mga ito, bubulagin ka ng marahas na agos ng mga kontra at kampi, mga bentaha atdisbentaha, at di mo na makikita ang ganda at kinang, at tuluyan nang maglalaho ang tula. Para mapahalagahan ang tula, kailangang lumagay ka sa lugar ng miron na dahil puwedenglumayo, ay makikita ang tunay na nangyayari. Sa puwestong ito lamang magiging nakasisiya angisang nobela o dula dahil malaya ka sa mga personal na interes. Makata lamang habang nanonood onagbabasa, at di ka pa aktuwal na kasangkot. Pagkasabi nito, dapat kong amining karamihan ng mga dula at nobela ay puno ng pagdurusa, atpagluha, kaya kahit miron lamang ay di maaaring di masangkot sa emosyon. Matatagpuan na lamang 29

niya, na sa isang punto ay karamay na siya, at nagdurusa rin, naiinis, nagiging palaaway, at umiiyak.Sa ganitong pagkakataon, ang tanging bentaha sa kanyang puwesto ay ang pagyayaring hindi siyaapektado ng ano mang damdamin ng kasakiman o paghahangad ng personal na ganansiya. Ngunitang kawalan niya ng interes ay nangangahulugang ang ibang mga damdamin niya’y higit pangmatindi sa karaniwan. Kaysaklap naman! Sa loob ng mahigit na tatlumpong taon ng pamumuhay sa daigdig na ito, labis na angnararanasan kong pagdurusa, galit, paglaban, at kalungkutan na di napapawi; at talagang napakahirapkung paulit-ulit na matatambakan ng pampagising sa mga emosyong ito kapag nagpupunta ako sateatro, o kapag nagbabasa ako ng mga nobela. Ibig ko ng tulang naiiba sa karaniwan, at nag-aangat saakin, kahit pansamantala, mula sa alikabok at dumi ng pang-araw-araw na buhay; hindi yaongnagpapatindi nang higit sa karaniwan sa aking damdamin. Walang duda, gaano man kadakila, nawalang emosyon at iilang nobela ang tiwalag sa konsepto ng tama at mali. Tatak na ng nakararamingmandudula at nobelista ang kawalang kakayahang humakbang palabas sa makamundong ito. Angmga kalikasang pantao ang sentro ng paksa ng mga Kanluraning makata sa partikular kaya di nilapinapansin ang daigdig ng dalisay na panulaan. Dahil dito, pagdating sa dulo ay mapapahinto siladahil hindi nila alam kung may matatagpuan pa sa dako pa roon. Kuntento na silang talakayin angkaraniwang itinitindang simpatiya, pag- ibig, katarungan, at kalayaan, na pawang matatagpuan sapansamantalang palengke na tinatawag nating buhay. Maging ang pinakamatulin sa mga ito ayabalang-abala sa pang-araw-araw na gawain, kaya ni hindi na nagkakapanahong kalimutan angsusunod na pagbabayaran. Hindi kataka-takang nakahinga nang maluwag si Shelley nang marinigniya ang awit ng pipit. Mabuti na lamang at paminsan- minsan, ang mga makatang Silanganin ay nagkakaroon ngsapat na pagkaunawa upang makapasok sa daigdig ng dalisay na panulaan. Sa ilalim ng halamang-bakod Sa Silangan pumili ako ng krisantemo, At naglakbay ang aking paningin sa mga Burol sa Timog. Dadalawang taludtod, ngunit kapag nabasa mo ang mga ito, lubos mong mamamalayan kungpapaanong ganap na nagtagumpay ang makata na makalaya sa mapaniil na mundong ito. Hindi itotungkol sa babaeng nakasilip sa kabilang bakod; o sa mahal na kaibigang nakatira sa kabilang burol.Ang makata ay nasa ibabaw ng lahat ng ito. Sapagkat natanggal na niya ang lahat ng alalahanintungkol sa bentaha at disbentaha, tubo at pagkalugi, natamo na niya ang dalisay na takbo ng isip. Nag-iisa, sa gitna ng kawayanan Kinalabit ko ang kuwerdas; At mula sa aking alpa Pumailanlang ang nota. Sa madilim at di dinadaanang landas Tumatanglaw ang buwan sa pagitan ng mga dahon. 30

Sa pagitan ng iilang maikling linyang ito, isang buo at bagong mundo ang malilikha. Angpagpasok sa mundong ito ay di tulad ng pagpasok sa mundo sa mga popular na nobelang gaya ngHototogisu at Konjiki Yasha. Para itong pagtulog nang mahimbing at pagtakas sa nakapapagod namga bapor, tren, karapatan, tungkulin, moral, at kagandahang- asal. Ang uring ito ng tula, na hiwalay sa mundo at sa mga problema nito, ay sing-halaga ngpagtulog upang matagalan natin ang bilis ng pamumuhay sa ikadalawampung dantaon. Gayon man,sa kasamaang palad, lahat ng makabagong makata, kabilang na ang kanilang mga mambabasa, aylabis na nabighani sa mga Kanluraning manunulat kaya hindi makuhang maglakbay sa lupain ngdalisay na tula. Hindi ko talagang propesyon ang pagtula, kaya hindi ko intensiyong mangaraltungkol sa makabagong panulaan, upang mapagbagong-loob ang iba na sumunod sa uri ngpamumuhay nina Wang Wei at Tao Yuan-Ming. Sapat nang sabihing sa aking opinyon, anginspirasyong natatamo sa kanilang mga akda ay higit pang mabisang panlaban sa mga problema ngmakabagong pamumuhay kaysa sa panonood ng sine o pagdalo sa mga sayawan. Bukod dito, para saakin, ay higit na kasiya-siya ang ganitong uri ng tula kaysa sa Faust o Hamlet. Ito ang tanging dahilankung bakit pagdating ng tagsibol, mag-isa kong nilalakad ang landas sa bundok, sukbit sa balikat angaking tripod at kahon ng pintura. Hinahanap-hanap kong makuha mula sa Kalikasan mismo ang kahitna bahagyang atmospera ng daigdig nina Yuan-Ming at Wang Wei; at kahit pansamantala lamang,naglalakad-lakad ako sa lupaing lubusang hiwalay sa mga pandama at emosyon. Ito'y isangkakatwang ugali ko. Mangyari pa, tao lamang ako. Kaya gaano man kahalaga sa amin ang ganitong napakasarapna pagkatiwalag sa mundo, may hanggan kung saan ako makapag-iisa sa isang panahon. Hindi akonaniniwalang maging si Tao Yuan-Ming ay walang tigil na pinagmasdan ang mga Katimugang burolsa loob ng ilang taon. Ni hindi ko mailarawan sa isip si Wang Wei na natutulog sa kanyangpinakamamahal na kawayanan nang walang kulambo. Malamang, ipinagbibili ni Tao sa isangmagbubulaklak ang lahat ng krisantemong di na niya kailangan, samantalang naunahan naman niWang ang gobyerno sa pagbebenta ng labong sa lokal na pamilihan. Iyan ang uri ng pagkatao ko.Gaano man ako naakit sa pipit at sa mga rape-blossom, mortal pa rin ako at di nagnanaismagkamping sa gitna ng kabundukan. May makikilala ka kahit sa isang lugar na tulad nito; sa isang matandang lalaki na nakapaloobsa likod ang kimono at may bandang nakabuhol sa baba; isang kabataang babaeng nakapaldang pula;kung minsan, may makakasalubong ka pang kabayo na ang mukha ay higit na mahaba kaysa sa tao.May bahid pa rin ng amoy ng mga tao ang hangin kahit dito sa taas na ilang daang piye mula sakapatagan ng dagat. Hindi yata tamang sabihing \"may bahid \", dahil inaakyat ko ang bundok na ito sapag-asang makapagpalipas ng gabi sa isang otel sa mga mainit na bukal na Nakoi. Depende sa kinaroroonan mo, ang isang bagay ay maaring magmukhang ibang-iba. Minsan,sinabi ni Leonardo da Vinci sa isang estudyante: \" Pakinggan mo ang tunog ng kampanang iyon. Iisalang ang kampana, pero maririnig mo ito sa napakaraming paraan.\" Dahil sa subhetibo ang paghuhusga natin, maaring magkaiba-iba ang mga opinyon tungkol saiisang tao, lalaki man o babae. Sa ano't ano man, dahil ang layunin ko sa paglalakbay na ito aypagtagumpayan ang emosyon, at masdan ang mga bagay-bagay nang walang damdamin tiyak na ibana ang tingin ko sa mga tao ngayon kaysa noong namumuhay pa ako sa piling nila sa isang masikipna klayenon sa magulo at isinumpang siyudad - ang daigdig ng tao. Di man ako maging ganap na 31

obhetibo, kahit papaano, ang damdamin ko'y di dapat maging mas matindi pa kaysa kung ako'ynanonood ng dulang Noh. Kung minsan, maging ang Noh ay nagiging sentimental. Papaanomakatitiyak na hindi ka paluluhain ng Shickikiochi o Sumidagawa? Gayon man, tunay na emosyonang treinta porsiyento ng Noh, at teknik naman ang natitirang sitenta porsiyento nito. Ang husay atpang-akit ng Noh ay hindi dahil mahusay nitong ipinamamalas ang emosyon at ugnayang pantao naparang tunay na buhay kundi dahil humahango ito ng mga pangyayaring pangkaraniwan saka itodinadamitan ng patung-patong na sining, upang makalikha ng mabagal at halos nakaaantok namodelo ng kaasalan, na di makikita sa tunay na buhay. Ano kaya ang mangyayari, kung habang isinasagawa ko ang maikling paglalakbay na ito, ayituturing kong bahagi ng dulang Noh ang mga pangyayari, at ang mga taong nakikilala ko ay mgaaktor. Dahil tula ang pangunahing layunin ng paglalakbay na ito, ibig kong samantalahin na angpagkakataon ng pagiging malapit sa kapaligirang Noh sa pamamagitan ng pagtitimpi sa aking mgaemosyon hangga't maari, bagamat alam kong hindi ko lubusang maisasantabi ang mga iyon. Ang\"Katimugang mga Burol\" at mga \"Kawayanan\", ang pipit at mga rape-blossom ay may taglay nasariling karakter, na ibang-iba sa sangkatauhan. Gayon man, hangga't maari, ibig kong pagmasdanang mga tao mula sa punto de bista ng dalisay na mundo ng tula. Kay Bassho, kahit ang kabayongumiihi sa tabi ng kanyang unan ay eleganteng paksa ng Hokku. Mula ngayon, ituturing ko na ringbahagi lamang ng pangkahalatang kanbas ng Kalikasan ang lahat ng makita kong magsasaka,negosyante, klerk sa nayon, matandang babae at lalaki. Alam kong naiiba sila sa mga pigura sa isanglarawan, dahil bawat isa'y kikilos ayon sa gusto niya. Gayun pa man, sa palagay ko'y bulgar angpagsusuri ng karaniwang nobelista sa kanilang mga tauhan, ang pagtatangka nilang silipin ang isipanng mga ito at ang pakikialam sa pang-araw-araw nilang mga problema. Walang halaga sa akin kahitgumagalaw ang mga tao, dahil iisipin kong sila'y gumagalaw sa larawan lamang; at ang mga pigurasa isang larawan, gumalaw man nang gumalaw, ay nakakulong sa dadalawang dimensiyon.Siyempre, kung iisipin mong may tatlong dimensiyon sila, magkakaroon ng kumplikasyon dahilmakikita mo na lamang na natutulak ka, at minsan pa, mapipilitan kang pag-isipan ang inyongpagbabanggaan ng mga interes. Maliwanag na imposible para kanino mang nasa sitwasyong ito natingnan ang mga bagay sa punto de bista ng sining. Mula ngayon, magiging obhetibo ako sapagmamasid sa lahat ng makikilala ko. Sa ganitong paraan, makaiiwas ako sa ano mang ugnayangemosyonal na maaring mamagitan sa aming dalawa, kaya hindi ako maaapektuhan gaano man siyakalapit sa akin. Sa maikling salita, para lang akong nakatayo sa harap ng isang larawan , nagmamasidsa masiglang kilos ng mga tauhan dito. Sa layong tatlong piye mula sa kanbas, mahinahon mo itongmapagmamasdan, dahil walang panganib na masasangkot. Sa ibang salita, hindi maaagaw ng sarilinginteres ang iyong kakayahang mag-iisip kaya maibubuhos mo ang atensiyon sa pagmamasid sa mgagalaw ng mga tauhan mula sa artistikong pananaw. Nangangahulugang maibubuhos mo nang hustoang iyong pansin sa paghusga sa kung alin ang maganda at alin ang hindi. Nang makabuo ako ng ganitong konklusyon, napatingala ako at napansin kong nagbabantaang langit. Pakiramdam ko'y nasa tuktok ko na ang bigat ng ulap. Ngunit halos di ko napansin,biglang kumalat ang ulap at ang buong kalangitan ay naging isang napakagandang dagat ng ulap, nanaghuhulog ng masinsing patak ng ulang tagsibol. Nasa pagitan na ako ngayon ng dalawang bundokat malayo ang mga rape-blossom. Hindi ko nga lamang masabi kung gaano na kalayo, dahilnapakasinsin ng ulan. Paminsan-minsan, may sumasalit na hangin at nahahawi ang mataas nakurtinang ulap, saka lilitaw sa dakong kanan ang maitim na abuhing gilid ng bundok. Tila may mgakabundukang nakalatag sa kabila ng kapatagan. Sa dakong kaliwa, tanaw ko ang paanan ng isa pangbundok, at kung minsan sa kabila ng parang kurtinang ambon, nabubuo ang tila aninong hugis ng 32

mga punong pino, na nalalabas saglit at muling magtatago. Hindi ko alam kung ulan o ang mga punoang gumagalaw, o kung ang lahat ng nasasaksihan ko ay bahagi lamang ng panaginip. Ano man iyon,sa tingin ko'y ibang-iba sa karaniwan at napakaganda. Sa dakong ito, di ko inaasahang naging napakaluwag ng daanan; dahil pantay ito, angpaglalakad ay hindi napakasakit sa likod na gaya ng dati. Mabuti naman, dahil hindi konapaghandaan ang ulan mula sa aking sumbrero nang makarinig ako ng pagkuliling ng mgakampanilya sa layong sampu o labindalawang yarda. Mula sa kadiliman, sumulpot ang anino ngkutsero. \"May alam ba kayong matitigilan dito?\" \"May tea house sa banda roon, mga isang milya ang layo. Basang-basa na kayo, a!\" Isang milya pa! Lumingon ako at pinagmasdan ang kutsero na nagmimistulang anino sa isangumaandap na mahiwagang lampara, hanggang sa unti-unting sumanib ang anyo nito sa ulan atlubusang mawala sa paningin. Ang mga patak ng ulan, na kanina'y parang pinung-pinong ipa na tinatangay ng hangin, aypapalaki na ngayon at papahaba, at nakikita ko nang buo ang bawat patak. Basang-basa na ang akinghaori at ang ulang bumabasa maging sa aking mga panloob na kasuotan, ay maligamgam na sa init ngaking katawan. Napakakawawa ng pakiramdam ko kaya itinakip ko sa isang mata ang akingsumbrero at binilisan ang paglakad. Kung sa iba mangyayari ito, naisip ko na ang pagkabasa sa ulan na napaliligiran ng dimabilang na patak ng pilak habang naglalakad sa abuhing kalawakan, ay magandang paksa ng isangkahanga-hangang tula. Kapag lubos ko lamang nalimutan ang aking materyal na buhay, at tiningnanang aking sarili sa isang obhetibong pananaw, saka ko pa lamang maiaakma ang sarili, tulad ngpigura sa larawan sa kagandahan ng Kalikasan sa aking paligid. Sa sandaling mainis ako sa ulan, omayamot dahil sa pagod na ako sa paglalakad, hindi na ako ang karakter sa isang tula, o ang pigura saisang larawan, at muli akong mababalik sa dating walang pang-unawa at walang pakiramdam nalalaki sa kalye gaya ng dati. Kung ganoon ay bulag ako sa kagandahan ng nagdaraang ulap; walangpakiramdam sa pagkalagas ng bulaklak o iyak ng ibon, at lalo nang walang pagpapahalaga sanapakagandang larawan ng aking sarili na nag-iisang naglalakad sa kabundunkan isang araw ngtagsibol. Nang una, hinatak ko pababa ang sumbrero at binilisan ko ang paglakad. Nang malaunan,pinagmasdan kong mabuti ang mga paa ko. Sa wakas, talunan at laylay ang mga balikat, humakbangakong parang kawawang-kawawa. Sa lahat ng dako, inaalog ng hangin ang mga tuktok ng puno, atpinagmamadali ang ulilang naglalakad. Pakiramdam ko'y napalayo na ako nang husto sasangkatauhan! Kumusta ang iyong pagbabasa? Naramdaman mo rin ba ang emosyong naghari sa tauhan ng akda? 33

Kung inunawa mo at binasang mabuti ang akda, masasagutan mo ang mga gawainginihanda ko para sa iyo. Madali lamang ang mga ito at makatutulong sa iyong pagsagot angpag-unawang mabuti sa mga panuto sa bawat gawain. Ang unang gawain ay tungkol sa matatalinghagang pahayag o tayutay at mga uri nito.Hayaan mong magbigay muna ako ng maikling paliwanag tungkol dito. Ayon kay Dr. Villa Panganiban, ang tayutay o figura ay isang sinadyangpaglayo sa karaniwang paggamit ng mga salita upang pasarapin ang pag-unawa atgawing lalong maharaya, mabisa at kaakit-akit ang pagpapahayag: Ang paggamit ngtayutay ay nakapagdaragdag ng kalinawan at kagandahan ng isang katha o akda,pasalita man o pasulat. Ang pananayutay ay kasingkahulugan din ng paggamit ng patalinghagangpagpapahayag. Madalas makita ang mga ito sa tula, sanaysay, maikling kuwento, dulaat nobela. May iba’t ibang uri ang tayutay at narito ang ilan sa pinakagamitin: Simili o Pagtutulad- ito’y lantad na paghahambing ng dalawang magkaibang bagay na ginagamitan ng mga pariralang tulad ng, wangis, wari, gaya ng, tila, mistula, animo at iba pa. Halimbawa: Sakong na waring kinuyam na rosas. Metapora o Pagwawangis- ito’y tuwirang paghahambing ng dalawang magkaibang bagay na di ginagamitan ng mga salita o pariralang pagtutulad. Halimbawa: Labanos sa kaputian ang kanyang kutis. Personipikasyon o Pagtatao- ito’y pagbibigay-buhay sa mga bagay na walang buhay. Isinasalin ang mga talino at katangiang sadyang angkin lamang ng tao sa mga karaniwang bagay. Halimbawa: Lumuha ang mga bituin sa kalangitan. Hyperbole o Pagmamalabis- tinatawag din itong eksaherasyon. Ito’y nagbibigay ng lagpas-lagpas, kalabisan o kakulangang angkin ng mga bagay, tao, pangyayari, kalagayan o katangian. Halimbawa: Nanliit ako sa sobrang kahihiyan. 34

Apostrope o Pagtawag- Ito’y tuwirang pagtawag o pakikipag-usap saisang di kaharap o panawagan sa isang bagay na bagamat wala ayipinalalagay na naroon.Halimbawa: Mahiganting langit! Bangis mo’y nasaan?Onomatopea o Paghihimig- Ang pagtatayutay dito’y isinasagawa sapamamagitan ng mga tunog ng mga bagay na pinagmumulan nito. Angmga tunog na ito’y ang kumakatawan sa kahulugan.Halimbawa: Teng! Teng! Teng! Orasyon na naman.3. Linangin mo… a. Pagsusuring Panlinggwistika Panuto: Suriin ang sumusunod na pangungusap at piliin ang letra ng tayutay na tumutugon dito.A. Simile o Pagtutulad D. Hyperbole o PagmamalabisB. Metapora o Pagwawangis E. Apostrope o PagtawagC. Personipikasyon o Pagtatao F. Onomatopea o Paghihimig1. Nagpaparoo’t parito ang malamig na hangin.2. Makikita ang mga dahon na parang ngipin ng lagari.3. Ang mga patak ng ulan na pinung-pinong ipa sa kalangitan.4. Napupuno ang iyong dibdib sa kalansing ng mga kampanilya.5. Ang buong kalangita’y naging isang napakagandang dagat sa ulap.b. Pagsusuring Pangnilalaman b.1 Panuto: Isulat ang letrang B kung ang pahayag ay naglalarawan sa kagandahan ng kalikasan at nagbibigay ng magandang bunga sa nagsasalita sa akda at H kung hindi.1. Nakita niya ang nagsasayawang puno ng rape-blossom.2. Habang naglalakad ay napansin niya ang kalbo at batuhing bundok na kanyang tinatahak.3. Nakatapak siya ng dandelion na may mga dahong parang ngipin ng lagari na nakatayong nagmamalaki.4. Narinig niya ang awit ng isang pipit.5. Nakita niya ang pira-pirasong bato sa daan. 35

b.2 Panuto: Suriin ang mga simbolo at ikonek sa pamamagitan ng linya ang magandang ibinunga ng pagpunta sa Tatsulok na Daigdig ng pangunahing tauhan. Ang akdang katatapos mo lang basahin ay isa ring nobela na katulad ng akdangbinasa at sinuri mo sa unang aralin ngunit ang binibigyang-diin dito ay TeoryangRomantesismo. Ang namamayani rito ay emosyon o likas na kalayaan. Pinaiiral ditoang sentimentalismo at ideyalismo. Higit na pinahahalagahan ang damdamin kaysaideyang siyentipiko. Sa teoryang ito, inspirasyon ang pangunahing kasangkapan upangmabatid ng tao ang katotohanan, kabutihan at ang kagandahan. Naging maliwanag ba sa iyo kung ano ang tinatawag na Teoryang Romantesismo?Makatutulong sa iyo ang binasang paliwanag sa pagsagot sa susunod na gawain. Kung handaka na, maaari mo nang simulan.c. Pagsusuring PampanitikanPanuto: Basahin ang sumusunod na pangyayari sa akda at piliin ang letra ng emosyong nangingibabaw sa damdamin ng tauhan sa akda.A. Pag-asa C. Pagtataka E. PagkatuwaB. Paghanga D. Pagsisisi F. Pagkayamot1. Ibig na tumakas sa buhay na naranasan at magtungo kung saan higit na maganda ang buhay.2. Sa halip na ilarawan ang mundo na puno ng alalahanin at problemang nagpapabigat sa buhay ay ilarawan ang isang daigdig na punung-puno ng biyaya at pagmamahal.3. Sa kailaliman ng kaligayahan, naroon ang kalungkutan; at kung lalong maligaya, lalo ring matindi ang sakit; mahalaga ang pera, pero kapag naipon, di ba nagiging problema lamang ito na bumabagabag hanggang sa pagtulog? 36

4. Terible ang daang kanyang nakita… Pagtingala, makikita ang pigurang nakabalot ng pulang kumot na pababa sa gilid ng bundok. 5. Pagtingin nya sa rape-blossom, dandelion at ang namumukadkad na cherry ay lumukso at sumayaw ang kanyang puso. d. Halagang Pangkatauhan d.1 Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga linya sa awitin at pagkatapos ay piliin ang lahat ng uri ng kalikasan na nabanggit na dapat mahalin at pangalagaan ng mga tao. KAPALIGIRAN Wala ka bang napapansin Sa iyong mga kapaligiran Kay dumi na ng hangin Pati na ang mga ilog natin Hindi na masama ang pag-unlad, At malayu-layo na rin ang ating narating Nguni't masdan mo ang tubig sa dagat Dati'y kulay asul, ngayo'y naging itim Ang mga duming ating ikinalat sa hangin, Sa langit huwag na nating paabutin Upang kung tayo'y pumanaw man, Sariwang hangin, sa langit natin matitikman Mayro'n lang akong hinihiling Sa aking pagpanaw, sana ay tag-ulan Gitara ko ay aking dadalhin Upang sa ulap na lang tayo magkantahan Ang mga batang ngayon lang isinilang May hangin pa kayang matitikman? May mga puno pa kaya silang aakyatin? May mga ilog pa kayang lalanguyan? d.2 Panuto: Kaugnay ng awitin, magbigay ka ng tatlong paraan kung paano mo mapahahalagahan ang kalikasan at kapaligiran. Marami-rami na rin ang iyong nasagutang gawain. Nasiyahan ka ba sa pagsagot?Maaari mo nang kunin sa iyong guro ang Susi sa Pagwawasto upang malaman mo ang iskorna iyong nakuha sa bawat gawain. 37

4. Palalimin mo… Anu-ano sa palagay mo ang mga bagay na dapat mong isaalang-alang matapos mabasa ang aralin? Panuto: Ikahon ang unang isasaalang-alang, bilugan ang ikalawa at guhitan ang ikatlo. • Iwasan ang pagiging emosyonal. • Takasan ang problema. • Magkaroon ng magandang pananaw sa buhay. • Hanapin sa Tatsulok na Daigdig ang kasagutan sa problema. • Mahalin ang kalikasan at kapaligiran. Tingnan mong muli ang makukuha mong iskor. Kunin mo sa iyong guro ang Susi sa Pagwawasto. 5. Gamitin mo… Panuto: Lagyan ng tsek ang mga pahayag sa akda na tumutugon sa positibong pagpapahalaga sa buhay. 1. Karapat-dapat mamuhay sa mundong ito na puno ng pagsubok. 2. Dapat na pahalagahan ang mga gawain. 3. Bigyang-halaga ang mga kalikasan sa paligid. 4. Iwasan ang masyadong maging emosyonal sa mga pangyayaring nagaganap sa buhay. 5. Magandang libangan ang pag-akyat sa kabundukan. 6. Sulatin mo… Panuto: Bumuo ng isang talata na kinapapalooban ng tatlong pangungusap na naglalahad ng mga kaisipang may kaugnayan sa akdang binsa. Gamitin ang mga salita sa loob ng dayagram. tao buhay pagsubok kapaligiran Maayos ba ang nabuo mong talata? Nagamit mo bang lahat ang mga salitang nasaloob ng dayagram? 38

Ang susunod na gawain ay susubok naman sa lahat ng natutunan mo sa aralin.Maaari ka nang magsimula. 7. Lagumin mo… Panuto: Bumuo ng maayos na mga kaisipan o konsepto mula sa akdang binasa gamit ang mga pariralang nasa loob ng dayagram.8. Subukin mo… Panuto: 1-3. Isulat ang letra ng uri ng tayutay na nagpapaloob sa bawat pahayag.A. simili C. hyperboleB. metapora D. personipikasyon1. Sumayaw ang puso ni Shelley sa narinig na awit ng mga pipit.2. Habang pababa sa bundok ay napansin niyang nagbabanta ang langit.3. Nang mga sandaling iyon ay naramdaman nyang nasa tuktok na niya ang bigat ng ulap.4-10. Piliin ang letra ng pinakaangkop na sagot.4. Habang papaakyat pa lamang si Shelley sa bundok, ang paglalarawan niya sabuhay sa daigdig ay:a. masama c. malungkotb. magulo d. kasumpa-sumpa5. Malayo pa siya sa tuktok ng bundok na inakyat ay pansin na pansin na niya angitsura ng bato. Alin sa mga ito ang tanda ng paglalarawan nya sa bundok?a. kalbo c. masukalb. mabato d. walang puno 39

6. Napahinto siya sa paglalakad nang marinig ang awit ng pipit, makita ang dahonng dandelion at rape-blossom. Ano ang ibinunga ng mga ito sa kanya?a. kasiyahan c. kapanataganb. kalungkutan d. kawalang-pag-asa7. Naipaliwanag sa akdang binasa ang bisa ng pagkakagamit ng:a. tauhan c. katalinuhanb. nobela d. kalikasan at kapaligiran8. Ang teoryang pampanitikan na binibigyang-diin sa akda ay:a. Realismo c. Klasisismob. Humanismo d. Romantesismo9. Napatunayan sa akda na ang kapaligiran ay nakapagbibigay sa tao ng:a. inspirasyon c. kagalakan sa buhayb. masaganang pamumuhay d. malusog na katawan10. Sa patuloy nating pamumuhay sa mundo, ang dapat gawin sa mga kalikasan atkapaligiran ay:a. paunlarin c. gamitin sa negosyob. pakinabangan d. pagkunan ng ikabubuhay Iwasto mo ang iyong mga gawain. Kunin mo sa iyong guro ang Susi sa Pagwawasto. Ano ang nakuha mong iskor? Kung 7 pataas, maaari ka nang magsimula sa kasunodna gawain ngunit kung 6 pababa, sagutin mo muna ang gawaing “Paunlarin mo…” Kayang-kaya mo ito sapagkat kaugnay naman ito sa katatapos lang na aralin. Maaari mo nangsimulan. 9. Paunlarin mo… Panuto: Hanapin sa Venn Diagram ang dalawang salita na binibigyang-diin sa akda na dapat bigyang-pansin ng mga tao sa daigdig. Madali lang di ba? Nabuo mo ba ang dalawang salita? Kunin mong muli ang Susi saPagwawasto sa iyong guro at iwasto mo ang iyong mga kasagutan. Sagutin mo ngayon ang susunod na pagsubok. Ang mga katanungan dito ay maykaugnayan sa dalawang aralin na tinatalakay natin. Maaari ka nang magsimula. 40

 Gaano ka na kahusay?Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga pangungusap. Piliin ang letra ng pinakaangkop na kasagutan.6. Naramdaman ni Shelley ang patak ng ulan na napaliligiran ng di mabilang napatak ng pilak. Nangangahulugang ang ulan ay:a. ambon c. malakasb. mahina d. katamtaman7. Ang uri ng tayutay na nakapaloob sa unang bilang ay:a. simili c. hyperboleb. metapora d. onomatopea8. Sa kalaliman ng kaligayahan, naroon ang kalungkutan. Nangangahulugan lamang na ang buhay ay: a. tulad ng isang kandila na may katapusan b. maihahalintulad sa isang matayog na kawayan c. parang gulong, minsan nasa ilalim, minsan nasa ibabaw d. tanghalan o teatro na maaaring makapagbigay aliw at kalungkutan9. Maraming alam si Wak Katok mula sa panggagamot, pagtatanggol sa sarili atmga bulong kaugnay sa birtud. Ang naging bunga nito ay itinuring siyang:a. amo c. bathalab. hari d. pinuno10. Lumayo sa mundo si Shelley at nagtungo sa Tatsulok na Daigdig upang makapag-isip-isip at ang ibinunga nito sa kanya ay:a. paghanga c. paghihimagsikb. kalungkutan d. pagkamulat ng isipan11. May mga taong tumitira sa kagubatan upang doon manguha ng ikabubuhay. Angmaaaring maging epekto nito sa kagubatan ay:a. masira c. makalbob. magulo d. mamatay12. Ang namamayani sa nobelang Tatsulok na Daigdig ay emosyon atpinahahalagahan ang damdamin. Samakatuwid ito ay nabibilang sa teoryang:a. Klasismo c. Humanismob. Naturalismo d. Romantesismo13. Inilarawan sa nobelang Tigre! Tigre! ang mga tauhang matatagpuan sa kagubatan na maihahalintulad sa bangis ng isang tigre at naglalaman ng kasuklam-suklam na mga detalye. Ang teoryang binibigyang-diin sa akdang ito ay: 41

a. Klasismo c. Humanismob. Naturalismo d. Romantesismo14. Sa dalawang akdang binasa, higit na binibigyang-pansin at halaga angpagmamahal sa:a. tao c. daigdigb. buhay d. kalikasan at kapaligiran15. Ang islogan na angkop sa dalawang seleksyon ay: a. Ang mga tao sa mundo, dapat laging magtrabaho b. Problema ay wag takasan, atin itong solusyunan c. Atin sanang bigyan ng halaga, ang buhay nating tinatamasa d. Kapaligiran at kalikasan, yamang tunay nating mamamayan Kunin mong muli ang Susi sa Pagwawasto sa iyong guro at itsek ang iyong hulinggawain. Nawa’y nagdulot sa iyo ng kasiyahan at nagbigay ng karagdang kaalaman angdalawang araling ating tinalakay. 42

Susi sa PagwawastoAralin 1: Tigre! Tigre!Ano ba ang alam mo? 1. c 2. c 3. c 4. b 5. d 6. d 7. c 8. b 9. b 10. bMga gawain sa PagkatutoAlamin mo… 1. matapat 2. mabangis 3. tuso 4. taksil 5. masipagLinangin mo… a. Pagsusuring Panlinggwistika 1. b 2. a 3. b 4. a 5. db. Pagsusuring Pangnilalaman1. S2. B3. S4. B5. B 43

c. Pagsusuring Pampanitikan1.2.3.4.5.d. Halagang PangkatauhanPalalimin mo…Positibo Kawili- 1 wili Negatibo 4 7 32 65Gamitin mo…1. c2. d3. a4. b5. eSulatin mo… Ang nobela ay pinamagatang Tigre! Tigre! Inilahad kasi rito ang maruming paraan ng pamumuhay, gawi at mga katangian ng tauhan. Lahat sila ay masasabing taglay ang ugali ng isang Tigre, mabangis, matapang at animo’y hari ng kagubatan.Lagumin mo… 44

Subukin mo…1. b2. c3. a4. d5. c6. a7. a8. a9. b10. bPaunlarin mo…. Mahalin ang kalikasan, yaman ito ng ating bayanSakuna sa ating baya’y maiiwasan kung kalikasa’y ating aalagaanAralin 2: Tatsulok na DaigdigMga gawain sa Pagkatuto Alamin mo… 1. ibon 2. puno 3. ilog 4. hayop 5. bundok/ kabundukan Linangin mo…a. Pagsusuring Panlinggwistika1. c2. a3. b4. f5. db. Pagsusuring Pangnilalamanb. 11. b2. h 45

3. b4. b5. hb.2 buhayc. Pagsusuring Pampanitikan1. f2. a3. c4. b5. ed. Halagang Pangkatauhand.11. hangin2. ilog3. tubig sa dagat4. ulap5. punod.2• Iwasan ang pagtatapon ng basura at dumi sa mga ilog at karagatan• Magtanim ng mga puno at iwasan ang pagputol sa mga ito• Panatilihing malinis ang hangin 46

• Iwasan ang pagbubuga ng mga sasakyan at pabrika ng nakalalasong usokPalalimin mo… Iwasan ang pagiging emosyonal Magkaroon ng magandang pananaw sa buhay Mahalin ang kalikasan at kapaligiranGamitin mo…1.2.3.4.5. Sulatin mo… Pagbuo ng talatang kiinapapalooban ng tatlong pangungusap na naglalahad ng mga kaisipang may kaugnayan sa akdang binasa. Gagamitin ang mga salita sa loob ng dayagram. tao buhay kagubatan kapaligiran Pagbubuo ng kaisipan gamit ang mga pariralang nasa loob ng dayagram. Kapaligiran ay Kapaligiran… Mahalaga ang Kalikasan… Ang buhay sa daigdig ay… 47

Lagumin mo…1.2.3.4.5.6.7.8.9.10.Subukin mo…1. a2. a3. c4. d5. c6. a7. d8. d9. a10. aPaunlarin mo…KalikasanKapaligiranGaano ka na kahusay?1. c2. c3. c/d4. d5. d6. d7. d8. b9. d10. d 48

Kasanayang PampanitikanModyul Blg. Pagsalita Pagbasa Pampanitikan Pagsulat Pamagat13 Nabibigyang - Nilalahad ang Naipaliliwanag Nakasusulat Tigre! kahulugan ang mga bahaging ang teoryang ng Tigre! mga salita at nagpapakita naturalismo salaysay pahayag na ng sanhi at batay sa mga kaugnay ng may tagong bunga ng mga pangyayaring mga tauhan at kahulugan pangyayari sa binanggit sa pangyayari sa akda nobela akda Napatutunayang ang pag-aalaga at pagmamalasakit sa kalikasan at lahat ng nilikha ay lubhang mahalaga tungo sa pagkaka- roon ng maayos na pamumuhay Natutukoy ang Nailalarawan Nailalarawan Nakabubuo ng Tatsulok iba't ibang uri ng ang ang bisa ng tayutay na ginamit pagkakagamit talata na na kagandahan ng ng kalikasan at sa akda kalikasan at ang kapaligiran binubuo ng Daigdig ibinunga nito sa Napatutunayang batay sa mga kaisipan mahalaga ang pangunahing teoryang pagmamahal sa tauhan romantesismo kaugnay sa kalikasan at kapaligiran akdang binasa 49

Modyul Blg. 14 Pagsusuri ng Akda Batay sa Teoryang Feminismo Tungkol saan ang modyul na ito? Kumusta ka na? Alam kong marami ka nang modyul na napag-aralan na luminang sa iyong kakayahan. Ito’y ginawa para sa iyo. Ang susunod mong babasahin ay pinamagatang “Lupain ng Taglamig,” na isinulat ni Yasumari Kawabata at isinalin sa Tagalog ni Rogelio Sicat. Tiyak kong masisiyahan ka rito dahil kakaiba ang istorya nito na mula sa bansang Hapon. Sa akdang ito mo malalaman na dapat pahalagahan ang katayuan ng mga kababaihan sa lipunan kanyang ginagalawan. Paano? Iyan ang dapat mong tuklasin. Ang iyong kaalaman sa pagsusuring panlinggwistika, pangnilalaman at pampanitikanay lalo pang mahahasa sa araling ito. Maiuugnay mo ang mga dati mo nang kaalamangnatutunan. Kasama na rin dito ang mga karanasang pansarili at iba pang maaari mongpaghanguan ng iyong kasagutan. Handa ka na ba? Simulan mo na. Ano ang matutunan mo? Nailalapat ang mga batayang kaalaman at kasanayan sa pag-unawa sa akda. Paano mo gagamitin ang modyul na ito? Gabay mo sa pagkatuto ang modyul na ito. Magiging makabuluhan at maayos angiyong pag-aaral kung susundin mo nang wasto ang mga tuntunin at tagubilin sa paggamit nito.Huwag kang mag-alala, ito’y ginawa para sa madali mong pagkatuto. 1

1. Sagutin mo nang may tiwala sa sarili ang Panimulang Pagsusulit sa bahaging Ano Ba Ang Alam Mo?. Gabay mo ito upang masukat ang lawak ng iyong kaalaman sa paksa2. Iwasto mo ang mga sagot. Hingin mo sa iyong guro ang Susi sa Pagwawasto. Kung marami kang mali huwag kang mag-alala. Tutulungan kang linawin ito sa Pagpapayaman.3. Basahin at pag-aralan mong mabuti ang akda. Isagawa mo ang mga kaugnay na gawain. Mababasa mo kung paano ang dapat gawin.4. Tingan mo kung naragdagan ang iyong kaalaman. Sagutin ang pangwakas na pagsusulit o ang bahaging Gaano Ka Na kahusay. Kunin mong muli sa iyong guro ang Susi sa Pagwawasto. Maging matapat ka sa pagwawasto.5. Ingatan mo ang modyul na ito. Gawin mo itong kaibigan. Iwasan mo ang sulatan ito at ingatan para hindi masira. Gumamit ka ng hiwalay na papel o kaya notbuk.Ano ba ang alam mo? Ito ang panimulang pagsusulit na sasagutin mo. Huwag kang matakot. Layon ngpagsusulit na ito na sukatin ang iyong kaalaman sa paksa.Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang isinasaad ng bawat pangungusap. Piliin at isulat ang titik ng wastong sagot.1. Malinis ang babae hanggang sa gilit ng mga daliri sa paa. Ang ibig sabihin ng may salungguhit ay;a. hiwa c. kukob. pagitan d. sugat2. Mula sa pagkakaupo sa pasimano ng bintana, tumayo ang babae at naupo sa banig sa ibaba nito. Ano ang kahulugan ng may salungguhit?a. barandilya c. ibabawb. salamin d. gilid3. Isang mapusyaw na pamumula ang kumalat sa mukha ng babae.a. kupas c. madugob. mapulang-mapula d. maputla 2

4. Ang kwento ay nagmula sa bansanga. Singapore c. Indonesiab. Hapon d. Cambodia5. Ang pangunahing tauhan sa kwento ay sia. Yoko c. Shimamurab. Komako d. Kim6. Ang babae ay mahilig tumugtog nga. piyano c. gitarab. organo d. samisen7. Natutong tumugtog ng samisen si Komako kahit walang pormal na pag-aaral. Mahihinuha na siya’y:a. mahilig sa musika c. pinipilit ng magulangb. natutuwa sa samisen d. nang-aakit ng lalaki8. May isang batang babae, dalawang taong gulang, na tuwing makakakita ng geisha ay tinatawag niya itong Komako. Mahihinuhang:a. kilalang-kilala ng bata ang mga geishab. naaalala niya ang kanyang ina.c. mahal niya si Komakod. nagpakita ng pagmamahal si Komako sa bata.9. Madalas na maibili ng damit ang kapatid mong lalaki at ito’y napapansin mo. Ano angiyong gagawin?a. iiyak na lang c. lalayasb. magsasawalang kibo d. kakausapin nang mahinahon ang magulang10. Igagalang ka ng iba, kung igagalang mo ang iyong sarili. Ito’y isang:a. salawikain c. panuntunanb. kawikaan d. batas Nahihirapan ka ba sa pagsagot? Iwasto mo ang iyong mga sagot sa susi sa pagwawasto nanasa iyong guro. Huwag kang mag-alala kung mababa man ang iyong nakuhang iskor, tutulunganka ng modyul na ito. 3

Aralin I: LUPAIN NG TAGLAMIG Anu-ano ang mga tiyak na matututunan mo?Matapos mong basahin ang akda, inaasahang matatamo ang mga sumusunod na kasanayan.1. Nabibigyan-kahulugan ang mga piling salita / simbolo na nasa akda.2. a. Nasusuri ang katauhan ng mga pangunahing tauhan sa akda. b. Nahihinuha at nabibigyang-kahulugan ang mga pahiwatig sa akda.3. Nasusuri ang akda batay sa lakas na taglay ng pangunahing tauhang babae.4. Naiisa-isa ang mga panuntunan ng pantay na karapatan ng babae at lalaki.5. Nakabubuo ng isang maikling talata tungkol sa hinahangaang babae. Mga gawin sa pagkatuoAlamin mo… Panuto: Isaayos mo ang mga pinaghalong letra na nasa kahon upang makabuo ng mgapangalan ng tao. Isulat sa ibaba ang iyong sagot. YUDO ADAG QCI NSN ANR ORAT__________________ __________________ MAHT TMRCH THOSE HATAR EERR AGETER__________________ __________________ 4

Nasagutan mo bang lahat ang gawain? Kayang-kaya mo hindi ba? Hiramin mo sa iyong guro ang susi sa pagwawasto. Iwasto mo na. Basahin mo na… LUPAIN NG TAGLAMIG Ni Yasunari Kawabata (Salin ni Rogelio Sicat)“Noon”: lipas na ang panahon ng panganib dahil sa mga pagguho ng yelo, dumating na ang panahonng pag-akyat sa bundok sa kaluntian na tagsibol. Si Shimamura, na nabubuhay sa kawalan ng magawa, ay nakatuklas na kung minsa’ynawawala ang katapatan niya sa sarili, at malimit siyang nagpupuntang mag-isa sa bundok upangmabawi rito ang kung anong bahagi nito. Bumaba siya sa nayon ng mainit na bukal pagkaraan ngpitong araw sa hangganan sa bundok. Nagpatawag siya ng isang geisha. Gayunman, sabi ngkatulong na babae na baka okupado ang lahat ng geisha dahil may selebrasyon nang araw naiyon…Ngunit baka sakaling makapunta ang babaeng nakatira sa titser ng musika. Kung minsan,tumutulong ito sa mga pagtitipon ngunit umuuwi na pagkaraan ng dalawa o tatlong sayaw lamang.Nang mag-usisa pa si Shimamura, nagkwento ang katulong tungkol sa babaeng nakatira sa titser: angtitser ng samisen at ng sayaw ay may kasamang isang babae, hindi geisha, ngunit kung minsa’ynapapakiusapang tumulong sa malalaking pagtitipon. Dahil walang bata sa bayan na nagsasanay paramaging geisha,at dahil karamihan sa mga lokal na geisha ay nasa gulang na ayaw nang sumayaw,mahalaga ang serbisyo ng babae. Hindi siya kailanman dumarating na mag-isa para aliwin ang isangbisita sa otel, ngunit hindi rin naman siya matatawag na baguhan – sa pangkalahata’y ganito angikinuwento ng katulong. Kakatwang istorya, sabi ni Shimamura sa sarili, at ito’y kinalimutan niya. Gayunman,pagkaraan ng may isang oras, dumating ang babaeng nakatira sa titser ng musika, kasama angkatulong. Tumayo si Shimamura. Paalis na ang katulong ngunit tinawag ito ng babae. Nagbigay ang babae ng impresyon ng lubos na kalinisan at kasariwaan. Palagay niShimamura ay malinis ito hanggang sa gilit ng mga daliri ng paa.Napakalinis nito kaya naisip niyangbaka dinadaya siya ng kanyang matang nasanay sa katitingin sa maagang tag-araw sa kabundukan. May bagay sa pananamit ng babae na nagpapahiwatig ng isang geisha, kahit hindi nito suotang mahabang saya ng geisha. Sa halip, suot nito ang malambot at pantay-araw na kimono nanagbibigay ng anyong kagalang-galang. Mukhang mamahalin ang obi, hindi bagay sa kimono atlihim siyang nalungkot. Tahimik na lumabas ang katulong nang magsimula silang mag-usap tungkol sa mga bundok.Hindi tiyak ng babae ang pangalan ng bundok na nakikita mula sa otel at dahil hindi ganadonguminom ng alak si Shimamura na maaari niyang maramdaman kung kasama ang isang ordinaryonggeisha, sinimulang isalaysay ng babae ang nakaraan nito. Ipinanganak siya sa lupaing ito ng yelongunit siya’y kinontrata bilang geisha sa Tokyo. Di nagtagal, nakatagpo siya ng patron na nagbayadng kanyang mga utang at nag-alok na tutulungan siyang maging titser ng sayaw, ngunit sakasawiang-palad, namatay ito pagkaraan ng isa’t kalahating taon. Nang dumating sa punto ng kungano ang nangyari mula noon, bantulot itong magkwento ng kanyang mga sikreto. Sinabi ng babae na 5

siya’y disinwebe anyos. Akala ni Shimamura ay beinte uno o beinte dos ito at dahil ipinalagayniyang hindi ito nagsisinungaling, ang kaalamang maaga itong tumanda ay nagdulot sa kanya ngbahagyang kapanatagang inaasahan niyang madama sa piling ng isang geisha. Nang simulan nilangpag-usapan ang Kabuki, natuklasan niyang mas maraming alam ang babae tungkol sa mga aktor atestilo kaysa kanya. Nagkwento ang babae na parang sabik sa isang tagapakinig, at di nagtagal,naging panatag ang loob nito na sa wakas ay naglantad dito bilang tagapaghatid ng aliw. At sapangkalahatan, parang alam nito ang lahat ng dapat malaman tungkol sa mga lalaki. Gayunman,inisip ni Shimamura na ito’y baguhan at pagkaraan ng isang linggo ng pag-akyat sa bundok na walasiyang nakausap kahit isa, natagpuan niya ang sariling naghahanap ng isang kasama.Pakikipagkaibigan, samakatwid at hindi ano pa man ang naramdaman niya sa babae. Lumawak angnaging damdamin niya sa kabundukan upang sakupin pati ang babae. Kauupo pa lamang ng babae nang hilingin niya ritong ikuha siya ng isang geisha. “Ikuha ka ng geisha?” “Alam mo ang ibig kong sabihin.” “Hindi ako pumasok dito para utusan ng ganyan.” Bigla itong tumayo at lumapit sabintana,namumula ang mukha habang nakatingin sa kabundukan. “Walang ganyang babae rito.” “Huwag mo na akong lokohin.” “Iyan ang totoo.” Mabilis itong bumaling upang humarap sa kanya at pagkaraa’y naupo sapasimano ng bintana. “Walang nakakapilit sa geisha na gawin ang ayaw niya. Bahala ang geishamismo. Serbisyo iyan na hindi maibibigay sa iyo ng otel. Sige, kung gusto mo’y ikaw ang tumawag.Ikaw mismo ang makipag-usap.” “Ikaw ang tumawag para sa akin.” “Bakit ako ang gusto mong gumawa niyan?” “Itinuturing kitang kaibigan. Kaya nga tinatrato kitang mabuti.” “At ganito ang ipagagawa mo sa isang kaibigan?” Gumagaya sa kanyang pamamaraan,ang babae’y tila naging nakakatuwang bata. Ngunit pagkaraan ng ilang saglit, bumulalas ito:”Anggaling mo naman at ako pa ang hinilingan mong gumawa ng gayong bagay!” “Anong masama? Masyado lang akong lumakas pagkaraan ng isang linggo sa kabundukan,iyan lang. Mali-mali tuloy ang naiisip ko. Ni hindi ako makaupo rito para makipag-usap sa iyo saparaang gusto ko.” Tahimik ang babae, nakatingin sa sahig. Umabot na si Shimamura sa puntong alam niyangipinaparada lamang niya ang kawalanghiyaan ng isang lalaki ngunit mukhang sanay na rin dito angbabae at hindi nasisindak. Tiningnan niya ito. Marahil, ang malantik na pilikmata ng nakababangmata ang nagdudulot sa mukha nito ng init at tukso. Umiling nang bahagya ang babae, at muli, isangmapusyaw na pamumula ang kumalat sa mukha nito. “Kunin mo ang geisha na gusto mo.” “Di ba iyan nga mismo ang hinihingi kong gawin mo? Ngayon lamang ako nakaratingdito, at wala akong idea kung sinong geisha ang pinakamaganda.” “Ano ba ang maganda sa iyo?” “Iyong bata. Hindi ka masyadong magkakamali kapag sila’y bata. At iyong hindigaanong madaldal. Malinis at hindi gaanong mabilis. Kung gusto kong may kausap, maaari kitangkausapin,” ‘Hindi na ako babalik dito.” “Huwag kang gaga.” “Sabi ko’y hindi na ako babalik. Bakit pa ako babalik?” 6

“Di ba sinabi ko na sa iyo na gusto kong magkipagkaibigan sa iyo kaya tintrato kitangmabuti?” “Tama na’ng sinabi mo.” “Halimbawang sumobra ako sa pakikitungo sa iyo, malamang na bukas lang ay hindi nakita gustong kausapin. Hindi na kita gusto pang makita. Pupunta ako sa bundok upang mulingmagustuhang makipag-usap sa tao, at iiwan kita para makausap ko. At ikaw mismo, paano ka?Hindi ka maaaring magpakaingat sa mga nagpupunta rito.” “Totoo.” “Talagang totoo. Isipin mo ang sarili mo. Kung siya’y isang babaeng hindi mo gusto,hindi mo na hahangaring makita pa ako pagkaraan. Mas mabuti para sa kanya kung siya’y babaengiyong pinili.” “Tama na, tama na.” Biglang bumaling ang babae, ngunit maya-maya’y idinagdag nito:“Mayroon kang ibig ipakahulugan sa iyong sinabi.” “Isang panandaliang relasyon, iyon lang. Walang maganda rito. Alam mo iyan – hindinagtatagal.” “Totoo. Laging ganyan ang lahat ng nagpupunta rito. Ito’y isang bukal at napaparitoang tao ng isa-dalawang araw at pagkaraa’y aalis na.” Prangka ang kanyang pananalita – napakabilisng kanyang pagbabago. “Karaniwang mga nagbibiyahe ang naparirito. Bata pa ako pero narinig kona ang lahat ng usapan. Ang bisitang hindi nagsasabi sa iyo na gusto ka niya, gayong alam monamang gusto ka - siya ang mas magiliw mong natatandaan. Hindi mo siya malilimutan kahitmatagal ka na niyang iniwan, sabi nila. At siya rin ang nagpapadala ng sulat sa iyo.” Mula sa pagkakaupo sa pasamano, tumayo ang babae at naupo sa banig sa ibaba nito.Para itong nabubuhay sa nakaraaan,ngunit tila napakalapit din niya kay Shimamura. Taglay ng boses ng babae ang tono ng malapit na damdamin at bahagyang nakonsensyasi Shimamura. Parang napakadali niyang napaglalangan ang babae. Gayuman’y hindi siya nagsisinungaling. Para sa kanya’y baguhan ang babaeng ito.Ang kasabikan niya sa isang babae ay hindi iyong mag-uudyok sa kanya na gustuhin ang particularna babaeng ito – kasabikan iyong kailangang idaos nang walang pananagutan Napakalinis ngbabaeng ito. Mula nang ito’y kaniyang makita, inihiwalay na niya ang babaeng ito sa iba pa. Bukod dito, nang pinag-iisipan na niya kung saan pupunta para takasan ang init ng tag-araw, naisip niyang maaari niyang dahilan ang kanyang pamilya sa bukal na ito sa bundok. Sakabutihang-palad, ang babae ay baguhan. Pwede itong mabuting kasama ng kanyang maybahay.Maaari pa niyang paturuan ng sayaw ang kanyang maybahay upang huwag itong mainip. Medyoseryoso siya rito. Sinabi niyang pakikipagkaibigan lamang ang nararamdaman niya sa babae ngunitmay dahilan siya sa paglusong sa mababaw na tubig nang hindi nagpapakabasa. At walang dudang may bagay na katulad ng panggabing salamin sa pangyayaring ito.Ayaw niyang isipin ang mahabang komplikasyon ng relasyon sa isang babaeng alanganin angkatayuan ngunit bukod dito, nakita niya ang babae na parang hindi totoo, tulad ng mukhang babae sa panggabing salamin Gayon din ang panlasa niya sa sayaw na Kanluranin, parang hindi totoo. Lumaki siyasa distrito ng komersyo sa Tokyo, at mula sa pagkabata ay pamilyar na pamilyar na siya sa teatro ngKabuki. Bilang estudyante, nabaling ang kanyang interes sa sayaw na Hapon at sayaw-dula. Hindinasisiyahan hangga’t hindi niya natututuhan ang lahat ng gusto niyang pag-aralan, nagsaliksik siya samga lumang dokumento na pinuntahan ang mga puno ng iba’t ibang eskwelahan ng sayaw at dinagtagal naging kaibigan niya ang mga sumisikat na personalidad sa daigdig ng sayaw at nagsulat ngmaaaring tawaging mga pananaliksik at mapanuring sanaysay. Natural lamang kung gayon, namabuo sa kanya ang malalim na pagtutol sa nahihimbing na matandang tradisyon at sa mga 7

repormador na ang gusto lamang ay bigyang-kasiyahan ang kanilang mga sarili. Nang ipasya naniyang wala nang ibang dapat gawin kundi lubusang ilahok ang sarili sa kilusan ng sayaw at dahilhinihimok siya ng ilan sa mga batang personalidad sa daigdig ng sayaw, bigla siyang lumipat sasayaw ng Kanluranin. Maaaring masabi na sa kauna-unahang pagkakataon, nagagamit niya ngayon nanghusto ang kanyang kaalaman, pagkat ang usapan sa sayaw ay nakatulong upang lalong mapalapit angbabae sa kanya; ngunit possible rin bagaman hindi niya halos namamalayan na tinatrato niya angbabae gaya ng mismong pagtrato niya sa Kanluraning sayaw. Bahagya siyang nagsisi na parang dinaya niya ang babae nang makita niyang angpambobola ng manlalakbay na aalis bukas ay sumanggi sa isang bagay na malalim at seryoso sabuhay ng babae. Ngunit nagpatuloy siya:”Maaari kong dalhin ang pamilya ko rito at magigingmagkakaibigan tayo.” “Naiintindihan ko ang ibig mong sabihin.” Ngumiti ang babae bumaba ang boses atlumutang ang bahagyang mapaglarong himig ng isang geisha. “Mas gusto ko pa nga ang gayon.Mas magtatagal kung magiging magkaibigan lamang tayo.” “Itatawag mo ako ng iba kung gayon?” “Ngayon?” “Ngayon.” “Pero ano ang masasabi mo sa isang babae e araw na araw?” “Kung gabi, napakadelikadong may matirang latak na di gusto ng sinuman.” “Akala mo’y mababang klaseng bukal ang bayang ito tulad ng iba. Parang alam mona pagkakita mo pa lang.” Naging seryoso na naman ang tono ng babae. Inulit nito nang may diingtulad ng dati na walang babae rito tulad ng kanyang kursunada. Nang ayaw maniwala niShimamura,nagsiklab ang babae,at pagkaraa’y umurong ng isang hakbang. Depende sa babae kungmananatili siya sa gabi o hindi. Kapag nanatili siya nang walang permiso mula sa kanyang bahay,sariling responsibilidad niya iyon. Kung siya’y may permiso, malaki ang responsibilidad ng bahay,anuman ang mangyari. Iyon ang pagkakaiba. “Buong responsibilidad?” “Kung magkakaanak, o magkakaroon ng anumang sakit.” Bahagyang napangiwi si Shimamura sa kamalian ng kanyang tanong. Sa isangnayon sa bundok, gayuman, ang kasunduan ng geisha at ng kanyang kostumer ay maaari nganggayon pa kasimple. Sa pangkalahatan, ang bahay na nagmamantini ng geisha ay may kupas na kurtinangnag-aanunsyo na ito’y restawran o inuman ng tsa ngunit isang sulyap lamang sa lumang estilongdumudulas na pinto, na ang mga panel na papel ay nangingitim sa kalumaan, ay sapat na paramagsuspetsa ang nagdaraan na kakaunti ang kostumer. Ang tindahang nagbebenta ng kendi osarisaring gamit pang-araw-araw ay may isang geisha at ang may-ari ay may kapirasong bukid,bukod pa sa tindahan at sa geisha. Marahil, dahil nakatira ang babae sa titser ng musika, tila walangpumupuna sa pangyayaring hindi pa siya lisensiyado bilang geisha ay tumutulong na siya paminsan-minsan sa mga pagtitipon. “Ilang lahat mayroon?” “Ilang geisha?” Labindalawa o labintatlo, palagay ko. “ Sino ang irerekomenda mo?” Tumayo si Shimamura upang kulilingin angkatulong. “Maaari na ba akong umalis?” “Huwag. Miwan ka.” 8

“Hindi ako maaaring magpaiwan.” Nangusap ang babae na parang binabawi angpagkapahiya, “Aalis na ako. Huwag kang mag-alala. Babalik din ako.” Nang pumasok ang katulong gayuman, naupo ang babae parang walang nangyari.Makailang itinanong ng katulong kung sinong geisha ang tatawagin, ngunit tumanggi ang babaengmagbigay ng pangalan. Isang tingin lamang sa disiotso anyos na geisha na pinapasok sa kwarto aynaramdaman na ni Shimamura na nawala ang pangangailangan niya sa isang babae. Ang mga kamaynito na makutim sa ilalim ay hindi pa hustong nagkakalaman at may bagay ritong nagpapahiwatig ngisang mabuting batang hindi pa nahuhubog nang husto. Nahirapan si Shimamura na itagong wala nasiyang interes at kunwa’y maginoo niya itong hinarap ngunit hindi niya maiwasang mas tumingin sasumisibol na kaluntian sa bundok ng likuran nito…Gayunman, nagawa niyang palipasin ang isang oras. Naghahanap ng dahilan para ito’y madispatsa,naalala niyang may pera nga pala siyang ipinatelegrama mula sa Tokyo. Kailangan niyang pumuntasa opisina ng koreo bago ito magsara, sabi niya, at silang dalawa ng geisha ay lumabas ng silid. Ngunit sa pinto ng otel, tinukso siya ng bundok. Matindi ang amoy ng mga bagongsibol na dahon. Patakbo siyang umakyat dito. Pagkaraa’y nagtawa siya nang nagtawa na sarili niya mismo’y hindi niya alam kung anoang nakakatawa. Pagod na ngunit nasisiyahan, bigla siyang luminga at hinihigpitan ang obi ng kanyangkimono, patakbo at pasugod siyang bumaba sa dalisdis. Dalawang dilaw na paruparo ang lumipad sakanyang paanan. Paikut-ikot ang mga paruparo at lumipad paitaas sa linya ng hangganan ng bundok, angdilaw na kulay ay naging puti sa malayo. “Ano’ng nangyari?” Nakatayo ang babae sa ilallim ng mga punong cedar. “Masayang-masaya ka siguro dahil panay ang tawa mo.” “Suko na ako.” Tumalikod ang babae at marahang lumakad sa kulumpon ng mga puno.Tahimik na sumunod si Shimamura. Isang templo ang nasa loob ng kakahuyan. Naupo ang babae sa isang malapad na bato.Sa tabi ay may mga asong nililok sa bato na nilulumot na. “Laging malamig dito. Malamig ang hangin maski sa kalagitnaan ng tag-araw.” “Gano’n ba’ng lahat ang geisha?” “Halos magkakatulad sila, palagay ko. Ilan sa medyo may-edad ang nakaaakit kung isa sakanila ang nagustuhan mo.” Nakatingin ang babae sa lupa at malamig ang kanyang pagsasalita.Humuhugis sa kanyang leeg ang matingkad na kaluntian ng mga cedar. Tiningala ni Shimamura ang sanga ng mga cedar. “Tapos na. Naubos na ang lakas ko –nakakatawa pero totoo.” Mula sa likod ng malaking bato, tuwid ang katawan ng matataas na cedar, sobra ang taaskaya nakikita lamang ni Shimamura ang mga taluktok kung liliyad siya. “Nagkamali ako. Nakita kita pagbabang-pagbaba ko mula sa bundok at inisip kong lahatng geisha ay katulad mo.” Tumawa siya. Ngayo’y naalala niya ang ideang ibig niyang ilabas agadang lahat ng lakas ng pitong araw sa kabundukan ay una niyang naisip nang makita niya angkalinisan ng babaeng ito. Tumitig ang babae sa ilog sa ibaba, malayo sa sikat ng panghapong araw. Medyo hindinakatitiyak si Shimamura sa kanyang sarili. “Nalimutan ko pala,” biglang sabi ng babae, pinipilit pagaanin ang pagsasalita. “Dinalako ang tabako mo. Bumalik ako sa iyong kwarto kani-kanina at nalaman kong umalis ka. Inisip ko 9

kung saan ka maaaring nagpunta at nakita kitang patakbong umaakyat sa bundok. Pinanood kitamula sa bintana Nakakatawa ka. Eto.” Dinukot nito ang tabako sa manggas ng kimono at nagsindi ng posporo para sa kanya. “Hindi maganda ang ipinakita ko sa kawawang batang iyon.” “Kung tutuusin naman, depende sa bisita kung gusto na niyang paalisin ang geisha.” Sa katahimikan, umabot sa kanila ang dagundong ng ilog nang may supil na kalambutan. “Kung hindi rin lang kasimbuti mo, naiisip kong nadaya ako kapag nakita kitapagkaraan.” “Huwag mong sabihin sa akin iyan. Ayaw mo lang tanggapin na natalo ka. Gano’nkasimple.” May pagkutya sa boses ng babae ngunit nagkaroon ng isang bagong uri ng pagtatangi sakanilang pagitan. Nang maging malinaw kay Shimamura na ang babaeng ito lamang ang gusto niya saumpisa pa lamang, tulad ng dati’y nagpaikut-ikot pa siya sa pagsasabi nito, nagsimula siyang mapootsa sarili, at ang babae’y higit na gumanda. May bagay sa mahinahong babaeng ito na tumagos sakanya matapos siyang tawagin nito sa lilim ng cedar. Bahagyang malungkot, tila naninimdim, ang mataas at manipis na ilong ng babae, ngunitang buko ng kanyang mga labi ay bumubuka at madulas na sumasara tulad ng isang maliit atmagandang sirkulo ng mga linta…Ang gilid ng kanyang mga mata ay hindi umaangat o bumababa.Tila may isang espesyal na dahilan, tuwid itong nakaguhit sa kanyang mukha. May bagay nabahagyang nakatatawa rito ngunit mabining nakalaylay ang maikli at makapal niyang kilay upangpinidong takpan ang guhit. Walang katangi-tangi sa hubog ng kanyang bilog at may bahagyang tulisna mukha. Sa kanyang balat na tila porselana na pinatungan ng mapusyaw na rosas at sa kanyangleeg na tila sa bata pa, hindi pa hustong nagkakalaman ay nangingibabaw ang impresyon ngkalinisan, hindi ng tunay na kagandahan. Ang dibdib niya’y matambok para sa isang babaeng nasanay sa mataas at mahigpit naobi ng isang geisha. “Naglalabasan na ang mga langaw,” sabi ng babae na tumayo at pinagpag ang saya ngkanyang kimono. Nag-iisa sa katahimikan, wala silang anumang maisip na sasabihin. Alas diyes na marahil nang gabing iyon. Mula sa bulwagan, malakas na tumawag angbabae kay Shimamura at isang sandali pa, bumagsak ito sa kanyang kwarto na parang may nagsalya.Bumagsak ito sa harap ng mesa. Inihahampas ang lasing na kamay sa anumang nagkataong naroon,nagsalin ito ng isang basong tubig at sunud-sunod na lumagok. Nang gabing iyon, lumabas ang babae upang sumalubong sa ilang manlalakbay nabababa mula sa bundok, mga lalaking naging kaibigan niya noong panahon ng skiing nang nakaraangtaglamig. Inimbitahan siya ng mga ito sa otel, na pinagdausan nila ng magulong parti, kompletohanggang geisha at ito’y nalasing. Pabaling-baling ang ulo nito at tila hindi titigil sa kasasalita. Maya-maya’y natauhan ito.“Hindi ako dapat narito. Babalik na lang ako. Hahanapin nila ako.” Sumuray ito palabas sa kwarto. Pagkaraan ng may isang oras, nakarinig si Shimamura ng di pantay na hakbang mula samahabang bulwagan, Parang hahapa-hapay ang babae, bumabangga sa dingding, natatalisod sasahig. “Shimamura, Shimamura,” malakas ang tawag ng babae. Hindi ako makakita,Shimamura.” Ang tawag na iyon na walang pagtatangkang magkunwari ay hayag na puso ng isangbabaeng nagpapatulong sa lalaking itinatangi. Nagitla si Shimamura. Dagli siyang bumangon. 10

Binutas ng daliiri ng babae ang panel na papel, kumapit ito sa balangkas ng pinto at mabigat nanapasadlak sa kanya. “Narito ka,” sabi ng babae. Yumayakap sa kanya, napaupo ito sa sahig. Sumandal ito sakanya habang nagsasalita. “Hindi ako lasing. Sinong may sabing lasing ako? A, ang sakit, ang sakit.Talagang masakit. Alam ko’ng aking ginagawa. Bigyan mo ako ng tubig, gusto ko ng tubig.Pinaghalo ko ang aking ininom, nagkamali ako. Iyon ang pumapasok sa ulo. Masakit. May bote silang murang wiski. Pa’no ko malalamang mura iyon?” Pinunasan nito ng mga kamao ang noo. Biglang-biglang lumakas ang ingay ng ulan sa labas. Tuwing luluwagan ni Shimamura ang kanyang yakap, kahit bahagya lamang,nagmumuntikanang bumagsak ang babae. Mahigpit na nakapulupot ang kanyang braso sa leeg ngbabae kaya nagulo ang buhok nito sa kanyang pisngi. Ipinasok niya ang isang kamay sa leeg ngkimono nito. Idinagdag niya ang mga salitang pang-alo ngunit hindi ito sumagot. Parang harang naitiniklop nito ang braso sa ibabaw ng dibdib na kanyang hinihinging luwagan. “Ano ka ba?” Mabangis na kinagat ng babae ang sariling braso na parang galit sapagtanggi nitong humarang. “Putang ‘na mo, putang ‘na mo. Tamad. Inutil. Inutil. Ano ba’ngnangyayari sa iyo?” Gulilat na napaurong si Shimamura. May malalim na marka ng ngipin sa braso ngbabae. Ngunit hindi na ito tumutol. Nagpapaubaya sa kanyang kamay, nagsimula itong sumulatsa pamamagitan ng dulo ng daliri. Sasabihin nito sa kanya ang mga tao nitong gusto, anang babae.Pagkaraang maisulat ang pangalan ng may dalawampu o tatlumpung actor, isinulat nito, Shimamura,Shimamura,” nang paulit-ulit. Ang katakam-takam na alon sa ilalim ng palad ni Shimamura ay uminit. “Ayos na ang lahat.” Mahinahon ang kanyang boses. “Ayos na naman ang lahat.”Nakaramdam siya ng bagay na parang sa isang ina sa babae. Ngunit bumalik na naman ang sakit ng ulo nito. Nag-alumpihit at namilipit ang babae atnaupo sa sahig sa sulok ng kwarto “ayaw maalis. Ayaw maalis. Uuwi ako. Uuwi.” “Palagay mo ba’y makakalakad ka nang gayon kalayo? Pakinggan mo’ng ulan.” “kung kailanga’y tapak ako uuwi. Gagapang ako hanggang bahay.” “at akala mo ba’y hindi delikado iyan? Kung kailangang mong umuwi ihahatid kita.” Ang otel ay nasa isang burol at matarik ang kalsada. “Subukan mong luwagan ang damit mo. Mahiga ka sandali nang mapahinga ka bagoumuwi.” “Hindi, hindi. Ito ang daan. Sanay ako rito.” Tuwid na naupo ang babae at huminga nangmalalim, ngunit malinaw na nahihirapan itong huminga. Para raw itong masusuka, sabi nito atbinuksan ang bintana sa likod ngunit hindi makasuka. Tila pinipigil nito ang darili na bumagsaknang namimilipit sa sahig. Maya’t maya’y natatauhan ito. “Uuwi ako, uuwi ako,” at di nagtagal aypasado alas dos na. “Mahiga ka kapag may nagsasabi sa iyo.” “Pero ano’ng gagawin mo?” Tanong ni Shimamura. “Mauupo ako rito. Ganito. Kapag bumuti-buti ang pakiramdam ko, uuwi ako. Uuwi akobago mag-umaga.” Paluhod itong gumapang at hinila siya. “Matulog ka na. Huwag mo akongpansinin, sinasabi ko sa iyo.” Nahiga uli si shimamura. Dumuhapang ang babae sa mesa at muling uminom ng tubig. “Bangon. Bangon kapag may nagsasabi sa iyong bumangon.” 11

“Ano ba talaga ang gusto mong gawin ko?” “sige, matulog ka na.” “Alam mo, hindi kita maintindihan.” Hinatak ni Shimamura ang babae sa kama pagkaraanniyang mahiga. Kalahati ng mukha nito’y nalatalikod, nakakubli sa kanya ngunit hindi nagtagal, marahasnitong ibinaling ang mga labi sa kanya. At pagkaraan, parang nagdedeliryong sinasabi nito ang kanyang sakit, inulit-ulit ng babae,hindi malaman ni Shimamura kung ilang beses: “Hindi, hindi. Hindi ba sabi mo’y gusto mongmagkaibigan tayo?” Ang halos napakaseryosong tono nito ay nakapagpalamig sa kanyang gana at habangnakikita niya ang pagkulubot ng noo nito sa pagtatangkang kontrolin ang sarili, naisip niyangpanindigan ang binitiwang pangako. Ngunit sinabi ng babae: “Hindi ako magsisisi. Hindi ako kailanman magsisisi. Pero hindiako ganoong babae. Hindi magtatagal. Hindi ba’t ikaw mismo ang may sabi niyan?” Halos lito pa ang babae sa alak. :Hindi ko kasalanan ito. Kasalanan mo. Talo ka. Ikaw ang mas mahina. Hindi ako.” Tilanahihibang na parang nilalabanan ang kaligayahan. Ilang sandaling tumahimik ang babae sa malas ay naubusan ng sasabihin. Pagkaraan, tilaang pagkaalala’y dumating dito mula sa isang sulok ng gunita, nang-uusig ito: “Nagtatawa ka, ano?Pinagtatawanan mo ako.” “Hindi.” “Sa sarili mo’y pinagtatawanan mo ako. Kung hindi man ngayo’y pagkaraan. “Hindi itomakapagsalita sa pag-iyak. Tumalikod ito sa kanya at ibinaon ang mukha sa mga kamay. Ngunit ilang sandali pa’y kalmante na naman ito. Mahinahon at maamo na tila ipinauubayaang sarili, bigla itong naging masuyo at sinimulang ikwento ang lahat tungkol sa kanyang sarili.Parang nalimutan na nito ang sakit ng ulo. Wala itong sinabi tungkol sa nangyari lamang kanina. “Aba, salita ako nang salita’y umaga na pala.” Bahagya itong ngumiti na tila napahiya.Kailangan niyang umalis bago lumiwanag, sabi nito. “Madilim pa. Pero maagang gumising ang mgatao rito.” Tuwi-tuwina’y tumatayo ito upang dumungaw. “Hindi pa nila ako mamumukhaan. Atumuulan. Walang lalabas papuntang bukid ngayong umaga.” Tila bantulot pa itong lumakad bagamat naaaninaw na. kahit umuulan, ang mga hugis ngbundok at mga atip sa dalisdis nito. Nagbalik si Shimamura sa Tokyo nang araw na iyon. “NATATANDAAN mo ba ang sinabi mo noon? Nagkamali ka. Sino’ng luku-luko angpupunta sa gayong lugar sa Disyembre.” Hindi kita tinatawanan.” Iniangat ng babae ang ulo. Ang pisngi nito, mula mata hanggang tulay ng ilong nadumagan sa kamay ni Shimamura ay namumula sa ilalim ng makapal na polbo. Nagpaalala kayShimamura ang lamig sa lupain ng yelo ngunit dahil sa kaitiman ng buhok ng babae, may tanging initdito. Banayad na ngumiti ang babae, tila nasisilaw sa isang matinding liwanag. Marahil nangsiya’y ngumiti, nagunita niya ang “noon” at pinamula ng mga kataga ni Shimamura ang buongkatawan nito. Nang yumuko ang babae, nang may bahagyang katigasan, nakita ni shimamura na patiang likod nito sa ilalim ng kimono ay matingkad na namumula. Naiiba dahil sa kulay ng buhok,parang hubad na inilatag sa harap niya ang mamasa-masa at nakatutuksong balat. Ang buhok nito’yhindi naman masasabing makapal. Kasintigas ng sa lalaki at nakapusod pataas ayon sa estilo ngbuhok ng Haponesa, wala ni isang naligaw na buhok at nagniningning itong tila isang mabigat atmaitim na bato. 12

Minasdan ni Shimamura ang buhok at inisip kung ang lamig na labis na gumitla sa kanya –kailanma’y hindi siya nakahipo ng gayon kalamig na buhok, sabi niya – ay hindi dahil sa lamig ngtaglamig sa lupain ng yelo kundi dahil sa isang bagay sa buhok mismo. Nagsimulang magbilang angbabae sa mga daliri. Ilang sandali itong nagbilang. “Anong binibilang mo?” tanong ni Shimamura. Nagpatuloy pa rin ang pagbibilang. “Noo’y ikadalawampu’t tatlo ng Mayo.” “Binibilang mo pala ang araw. Huwag mong kalilimutan, ang Hulyo at Agosto ay dalawangmagkasunod na mahahabang buwan.” “Ikaisandaan at siyamnapu’t siyam na araw. Exaktong ikaisandaan at siyamnapu’t siyam naaraw.” “Paano mo natandaang iyo’y ikadalawampu’t tatlo ng Mayo?” “Titingnan ko lang ang diary ko.” “Nagda-diary ka?” “Masarap basahin ang lumang diary. Pero wala akong itinatago kapag sumusulat ako saaking diary. Kung minsan nga’y nahihiya pa akong basahin ito.” “Kailan mo sinimulan?” “Noong bago ako magpunta ng Tokyo bilang geisha. Wala akong pera at ang binili ko’ysimpleng notebook, na aking ginuhitan…Nang magkaroon ako ng pambili ng diary, hindi na katuladng dati na napakaingat ko. Sinimulan kong ipagwalang-bahala ang mga bagay. Gano’n din sapagpapraktis kong sumulat. Dati nagpapraktis muna akong sumulat sa diyaryo bago ko subukin samahusay na papel pero ngayon, sa mahusay na papel na mismo ako nagsisimula.” “At hindi ka tumigil sa paggawa ng diary?” “Oo. Mula noong disisais ako, pero ang pinakamaganda’y ngayong taong ito. Sumusulatako sa aking diary pagdating ko mula sa isang parti bago mahiga at kapag binasa ko uli, nakikita koang mga lugar kung saan ako nakatulog sa pagsulat.. Ngunit higit pa sa diary, nagulat si Shimamura sa sinabi ng babae na maingat nitongitinatala ang bawat nabasang nobela at maikling kwento mula nang ito’y kinse o disisais anyos.Sampung notebook na ang napuno nito. “Isinusulat mo rin ang iyong kritisismo?” “Hindi ko kailanman kayang gawin iyon. Isinusulat ko lamang ang awtor at ang mgatauhan at kung ano ang relasyon nila sa isa’t isa. Iyon lang.” “Pero anong napapala mo? “Wala.” “Pagsasayang lang ng oras.” “Pagsasayang lang talaga ng oras,” masayang tugon nito na parang bale-wala ang gayongpagtanggap. Mataman itong tumitig kay Shimamura, gayunman. Lubos na pagsasayang ng oras. Sa kung anong dahilan, ibig idiin ni Shimamura angpuntong ito. Ngunit naaakit siya sa babae nang sandaling iyon at naramdaman niyang umaagos sakanya ang isang katahimikang katulad ng boses ng ulan. Alam niyang para sa babae ay hindi itopagsasayang ng oras, ngunit kahit gayon ang pagpapasyang ito nga’y pagsasayang ay nagkaroon ngepektong patiningin at dalisayin ang karanasan nito. Ang kwento nito tungkol sa mga nobela ay tila walang kinalaman sa “panitikan” sa pang-araw-araw na kahulugan ng salitang ito. Ang tangi nitong karanasan sa pakikipagkaibigan sa mganakatira sa nayon ay pakikipagpalitan ng mga magasing pambabae at pagkaraa’y mag-isa na lamangitong nagbabasa. Hindi ito gaanong pihikan at kakaunti ang naiintindihan sa panitikan at hinihiramnito maging mga nobela at magasing nakita sa kwarto ng mga panauhin sa otel. 13

Masaya ring nagkwento ang babae ng mga pelikula at dulang hindi nito napanoodkailanman. Halatang sa mga nagdaang buwan ay labis itong nasabik sa isang taong makikinig.Nalimutan na kaya nito na isandaan at siyamnapu’t siyam na araw na ang nakaraan, ganitung-ganitoring klase ng usapan ang nagsilbing udyok upang isadlak nito ang sarili kay Shimamura? Muli,natangay ang babae sa kwentuhan at muli ang mga kataga nito’y tila nagpapainit sa sariling katawan. Ngunit ang pagnanasa nito sa lungsod ay nagmistulang isang mapaghanap na pangarap,nababalot ng simpleng pagpapaubaya sa kapalaran at ang himig ng nasayang na panahon ay higit namatingkad kaysa anumang pahiwatig ng matinding pagkabigo ng isang nanirahan doon. Sa sarili’ytila hindi gaanong malungkot ang babae ngunit sa tingin ni Shimamura, may kakatwang bagaytungkol ditto na nakakaawa. Kung pababayaan niya ang sariling patangay sa isipan ng nasayang napanahon, palagay ni Shimamura ay mahahatak siya sa isang malayong emosyonalismo atmasasayang din ang sarili niyang buhay. Ngunit nasa harap niya ngayon ang maliksi, buhay namukha ng babae, namumula sa hangin ng kabundukan. Ano’t anuman, binago niya ang pagtingin sa babae at natuklasan niya, nakapagtataka, naang pagiging geisha nito ay lalong nagpahirap sa kanya para maging malaya at bukas dito. Lasing na lasing nang gabing iyon, mabangis na kinagat ng babae ang kamay na dahil sapamamanhid ay ayaw gumalaw sa kanyang utos. “Ano ka ba? Putang ‘na mo, putang ‘na mo.Tamad. Inutil. Ano bang nangyayari sa iyo?” At hindi makatayo, pabiling-biling itong gumulong. “Hindi ako kailanman magsisisi.Pero hindi ako gayong babae. Hindi ako gayong babae.” “Biyaheng hantinggabi papuntang Tokyo.” Tila namalayan ng babae ang kanyangpagbabantulot, at nangusap ito na parang iyo’y itinataboy. Sa silbato ng tren, tumayo ito. Pahaltaknitong binuksan ang pintong may panel na papel at ang bintanang nasa likod naupo sa pasimano atinihilig ang katawan sa barandilya. Rumaragasang palayo ang tren, ang alingawngaw ay naglaho atnaging isang tunog na katulad ng panggabing hangin. Bumaha ang malamig na hangin sa kwarto. Nasisiraan ka ba ng ulo?” Humakbang din si Shimamura patungo sa bintana. Tahimik salabas, walang pahiwatig ng hangin. Nang maramdaman ng babae ang paglapit ni Shimamura, yumakap ito sa barandilya.Walang pahiwatig ng kahinaan sa ganitong posisyon. Manapa, sa dilim ng gabi, ito angpinakamalakas at pinakamahigpit na pag-iwas na maaari niyang gawin. Narito na naman tayo, naisipni Shimamura. Maitim man ang mga bundol, nang mga sandaling iyo’y maningning ito dahil sa kulay ngyelo. Kay Shimamura, ang mga bundok ay tila tagusan, tila mapanglaw. Nawala ang kaisahan nglangit at bundok. Sinalat ni Shimamura ang lalamunan ng babae. “Masisipon ka. Nakita mo nang malamigdito.” Tinangka niyang hilahin ang babae ngunit ito’y kumapit sa barandilya. “Uuwi ako.” Impit ang boses nito. “Sige, umuwi ka.’ “Bayaan mo muna akong ganito.” “Mananaog ako para maligo.” “Hindi samahan mo ako rito.” “Kung isasara mo ang bintana.” “Bayaan mo lang akong ganito.” Kalahati ng nayon ang nagtatago sa likod ng kulumpon ng cedar sa templo. Sa istasyon ngtren, walang sampung minuto sa taxi, umaandap-andap ang ilaw na parang ito’y naglalamat dahil salamig. 14

Ang buhok ng babae, ang salamin ng bintana, ang manggas ng kanyang kimono – anglahat ng kanyang hipuin ay malamig. Malamig na kailanma’y hindi pa niya naranasan. Maging ang banig sa kanyang paa ay tila malamig. Humakbang siyang pababa sa banyo. “Sandali. Sasama ako sa iyo.” Mabait na sumunod ang babae. Nang inaayos na nito ang mga damit na inihagis ni Shimamura sa sahig sa labas ng banyo,isa pang panauhin, isang lalaki ang pumasok. Yumuko ang babae sa harap ni shimamura at itinagoang mukha. “Aba, may tao pala.” Umurong ang lalaki “Sandali,” mabilis na tawag ni Shimamura. “Lilipat kami sa kabilang pinto,” Dinampotniya ang mga damit at humakbang sa banyo ng babae. Sumunod sa kanya ang babae na parang sila’ymag-asawa. Lumusong si Shimamura sa banyo nang di lumilingon. Naramdaman niyang lumabasang isang malakas na tawa sa kanyang labi nang malaman niyang kasama niya ito. Inilapit niya angmukha sa gripo ng mainit na tubig at maingay na nagmumog. PAGKABALIK SA KWARTO, iniangat ng babae ang ulo mula sa unan at itinaas angbuhok sa gilid sa pamamagitan ng maliit na daliri. “Labis akong pinalulungkot nito,” anang babae. Iyon lamang ang sinabi nito. Ilangsandaling naisip ni Shimamura na medyo nakadilat ang mata ng babae, ngunit nakita niyang likha ngmakapal na pilikmata ang ilusyong iyon. Ang babae na laging hindi mapalagay ay buong gabing hindi nakatulog. Marahil ay ingay ng itinataling obi ang gumising kay Shimamura. “Ikinalulungkot ko, nagising kita. Pinabayaan na sana kitang matulog. Madilim pa.Tingnan mo – nakikita mo ba ako?” Pinatay nito ang ilaw. “Nakikita mo ba ako? Hindi?” “Hindi. Napakadilim pa.” “Hindi, hindi. Tingnan mo akong mabuti. Ayan. Nakikita mo na ako?” Binuksan nitoang bintana. “Masama ito. Nakikita mo ako. Uuwi na ako.” Muling nabigla sa lamig ng umaga, iniangat ni Shimamura ang ulo mula sa unan. Kulaypa rin ng gabi ang langit ngunit sa kabundukan, umaga na. “Pero hindi bale. Hindi gaanong abala ang mga magsasaka sa panahong ito at walanglalabas nang ganito kaaga. Pero palagay mo ba’y may aakyat ngayon sa bundok?” Kinakausap ngbabae ang sarili at lumakad-lakad, nahihila nito ang nakalawit na dulo ng itinataling obi. Walangdumating na panauhin sa biyaheng alas singko mula sa Tokyo. Wala pang gaanong trabaho ang mgatao sa otel.” Kahit naitali na ang obi, tumayo ito at umupo at tumayo uli at naglakad-lakad sakwarto, sa bintana nakatingin. Hindi ito mapakali, tulad ng isang alumpihit na hayop panggabi nanatatakot sa pagdating ng umaga. Tila napapaibabawan ng isang kakatwa at may mahikangkabaliwan. Mayamay’y napakaliwanag na sa kwarto kaya nakikita na ni Shimamura ang pula sapisngi ng babae. Pumako ang kanyang mata sa napakatingkad at nangingislap na kapulahan ito. “Nagliliyab ang pisngi mo. Ganyan kalamig ngayon.” “Hindi ito dahil sa lamig. Tinanggal ko lang ang aking polbo. Magkulubong lamangako sa kama’y iinit na akong tulad ng isang pugon.” Lumuhod ang babae sa salaming nasa tabi ngkama. “Araw na. Uuwi na ako.” Sinulyapan siya ni Shimamura at dagling itinungo ang tingin. Yelo ang puting nasakalaliman ng salamin at lumulutang sa gitna nito ang mapula at nangingislap na pisngi ng babae.May hindi mailarawang sariwang kagandahan sa pagkakaiba. 15

Sikat na nga ba ang araw? Mas matindi ngayon ang liwanag ng araw, tila malamig itongnasusunog. Sa harap nito, lalong naging maitim ang buhok ng babae, pinatungan ng matingkad atmakislap na pula. MARAHIL, para mapigil ang pagtambak ng yelo ang tubig sa mga banyo ay pinaagos sapaligid ng pader ng otel sa pamamagitan ng isang pansamantalang kanal at sa harap ng entrada,kumalat itong tila isang mababaw na bukal. Isang malaki at itim na aso ang nakatayo sa bato sa tabing pinto at dumidila-dila sa tubig. Sa pagtatapos ng taon, ang kalsada’y hindi na makikita dahil sa bagyo ng yelo. Sapagdalo sa mga parti, kakailanganin ng babae na magsuot ng mataas na botang goma, ng lawlaw na“pantalong pambundok” sa ibabaw ng kanyang kimono, magbabalabal ito ng isang kapa at tatakpanang mukha ng isang belo. Sa panahong iyon, mga sampung talampakan marahil ang kapal ng yelo –bago mag-umaga’y dinungaw ng babae ang matarik na kalsada sa gulod at ngayon, bumababa na siShimamura sa kalsada ring ito. Sa mga bukid, nag-i-ski ang mga batang nayon. Nang papasok si Shimamura sa parte ng nayon na kaharap ng haywey, nakarinig siya ngisang tunog na tila mahinang ulan. Sa mga medyo-agwa, mabining kumikislap ang naglawit na piraso ng nagyeyelong tubig. Binabasag ng mga bata ang yelo mula sa kanal at ang mga piraso’y ibinabalibag sa gitnang kalsada. Pinagkakatuwaan nila ang kislap ng tumatalsik na yelo habang nadudurog. Habangnakatayo sa liwanag ng araw, hindi makapaniwala si Shimamura na gayon kakapal ang yelo. Sandalisiyang tumigil para manood. Naririnig ni Shimamura ang kagat ng katam ng karpintero sa isang gawaan ng ski, mgapito o walong pinto pababa sa kalsada. Mga lima o anim na geisha ang nagdadaldalan sa lilim ngkabayong medya-agwa. Sa mga ito, natitiyak ni Shimamura,kabilang ang babae, si Komako –nalaman niya ang pangalan nito bilang geisha sa isang katulong nang umagang iyon. At totoo nga,naroon ito. Sa malas, napansin siya nito. Inihihiwalay ito ng napakaseryosong mukha sa ibanggeisha. Mangyari pang mamumula ito at sana makapagkunwari man lamang itong walang nangyari –ngunit bago pa masundan ni Shimamura ang naiisip, nakita niyang namumula na ito hangganglalamunan. Nag-aapoy din ang mga pisngi ni Shimamura. Mabilis siyang lumampas sa mga geishangunit dagli siyang sinundan ni Komako. “Sandali, “ habol nito, “hinihiya mo ako sa paglalakad sa ganitong panahon.” “Ipinahiya kita- at akala mo ba’y hindi rin ako napapahiya nariyan kayong lahat paraabangan ako? Halos hindi ako makaraan dito. Ganito ba lagi?” “Oo, sa ganitong oras. Sa hapon.” ”Pero palagay ko’y lalo kang mapapahiya kung ganyang namumula ka’t naghahabol saakin.” “Ano kung mapahiya ako?” Malinaw at tiyak ang mga salita ngunit namumula na namanito. Tumigil ito at ipinupulupot ang isang kamay sa isang punong persimmon sa gilid ng kalsada.“Hinabol kita dahil naisip kong baka maaari kitang imbitahan sa aking bahay.” “Malapit ba rito?” “Napakalapit.” “Pupunta ako kung ipababasa mo sa akin ang iyong diary.” “Susunugin ko ang aking diary bago ako mamatay.” “Pero hindi ba mayroong may-sakit na lalaki sa inyong bahay?” “Paano mo nalaman?” 16

“Sinalubong mo siya sa istasyon kahapon. May suot ka pang matingkad na asul. Malapitsa kanya ang upuan ko sa tren. At may kasama siyang babae, napakabait na inaalagaan siya. Asawaba niya? O isang sumundo para siya’y iuwi? O isang taga-Tokyo? Para talagang siyang ina.Humanga ako.” “Bakit hindi mo man lang binabangggit kagabi? Bakit napakatahimik mo?” May bagayna bumabalisa rito. “Asawa ba ng lalaki?” Hindi sumagot si Komako. “Bakit wala kang sinabi kagabi? Nakapagtataka kang tao.” Hindi nagustuhan ni Shimamura ang ganitong katalasan. Wala siyang nagawa at walangnangyaring anuman para sa ganitong usapan at iniisip niyang baka may bagay na likas sa babae naitinatago nito at ngayon lumilitaw. Gayunman, nang puntahan siya nito sa ikalawang pagkakataon,tinanggap niyang tinatamaan siya sa isang marupok na bahagi. Ngayong umaga nang sulyapan niyasi Komako sa salaming kinakikitaan din ng yelo, mangyari pang nagunita niya ang babaeng nasabintana ng panggabing tren. Bakit wala siyang sinabing anuman? “E ano kung meron mang may-sakit na lalaki? Walang sinumang nakakapasok sakwarto ko.” Lumusot si Komako sa bukas na bahagi ng isang mababang pader na bato. Sa kanan nila ay may isang maliit na bukid at sa kaliwa naghilera ang mga punongpersimmon sa pader na hangganan ng katabing bukid. Tila may hardin ng bulaklak sa harap ngbahay at lumalangoy ang mga pulang larpa sa lawa-lawaang may lotus. Binasag ang yelo sa lawa atitinambak sa pampang. Matanda na at nabubulok ang bahay tulad ng tuyot nang puno ng isangpersimmon. May patse-patse ng yelo sa atip, nakalundo ang mga kilo na alun-along nakaguhit samedya-agwa. Kulob at malamig ang hangin sa sahig na lupa ng pasilyo. Inakay ni Komako siShimamura paakyat sa hagdan bago nasanay ang kanyang mata sa dilim. Matatawag nga iyonghagdan pagkat ang kwarto ni Komako ay nasa attic, sa ilalim mismo ng bubong. “Ang kwartong ito’y dating alagaan ng uod na kinukunan ng seda. Nagulat ka ba?” “Maswerte ka ‘ka mo. Sa lakas mong uminon mabuti’t hindi ka nahulog. “Nahulog na ako. Pero karaniwan kapag sumobra ang naimon ko, gumagapang ako sakotatsu sa ibaba at doon natutulog.” Tinatantyang ipinasok nito ang kamay sa kotatsu, pagkaraa’ybumaba upang kumuha ng uling. Luminga-linga si Shimamura sa kakatwang kwarto. Kahit iisa lamang ang mababangbintana, sinasangga ng bagong palit na papel sa pinto ang sikat ng araw. Ang mga dingding aymatiyagang dinikitan ng papel kaya ito’y natulad sa loob ng isang kahong papel. Ngunit kahit dukhaang mga dingding at sahig, wala iyong kadumi-dumi. Sa ilang sandali, naguni-guni ni Shimamura na sa silid na ito tumatagos marahil angliwanag kay Komako, tulad ng pagtagos nito sa maninipis na balat ng mga uod. Ang kotatso ay natatakpan ng isang makapal na kumot katulad ng magaspang at guhitangtelang koton ng karaniwang “pantalong bundok.” Luma na ang aparador ngunit ang hilatsa ng kahoyay pino at tuwid – naipundar marahil ni komako noong ito’y nasa Tokyo. Paluksong umakyat ng hagdan si Komako, may dalang uling. “Galing ito sa silid ng maysakit. Huwag kang mag-alala, ang apoy daw ay hindinagkakalat ng mikrobyo.” Halos sumagi sa kotatsu ang bagong ayos nitong buhok nang haluin nitoang uling. May tuberculosis sa bituka ang anak ng titser sa musika, aniya at umuwi sa kinagisnangbahay para mamatay. Pero hindi tamang sabihing ito’y “umuwi sa kinagisnang bahay.” Ang totoo, ni hindi itoipinanganak dito. Bahay ito ng kanyang ina. Nagturo ng sayaw ang kanyang ina sa baybayin magingnang ito’y hindi na geisha ngunit inatake ito sa puso noong nasa edad kwarenta at kinakailangang 17

bumalik sa bukal na ito para magpagaling. Ang anak, ang ngayo’y maysakit ay mahilig sa makinamaging noong bata pa at nagpaiwan upang magtrabaho sa isang pagawaan ng relo. Hindi nagtagal,lumipat ito sa Tokyo at nagsimulang mag-aral sa gabi, at hindi ito nakaya ng kanyang katawan.Beinte singko anyos pa lamang ito. Lahat ng ito’y walang anumang isinalaysay ni Komako ngunit wala itong sinabinganuman tungkol sa babaeng nag-uwi ng lalaki at wala rin kung bakit mismo’y nakatira sa bahay naito. Sa sinabi ni Komako, gayuman, lubos na hindi mapalagay si Shimamura, Nakabitin sakawalan,. Parang nagsalaysay si Komako sa apat na direksyon. Nang lumabas sa pasilyo si Shimamura, may napansin siyang bagay na mamuti-muti sasulok ng kanyang mga mata. Kahon ito ng samisen at napuna niyang mas malapad ito at mahabakaysa nararapat na sukat. Hindi niya mapaniwalaan na nadadala ni Komako ang ganito kahirapdalhing bagay sa mga pagtitipon. Bumukas ang madilim na pinto sa loob ng pasilyo. “Pwede ko bang tapakan ito, Komako?” Iyo’y malinaw na boses, napakaganda kaya halos malungkot. Boses iyon ni Yoko, angboses na tumawag sa station master sa kabila ng makapal na yelo nang gabing nagdaan. “Sige lang.” Magaang na tumapak si Yoko sa kahon ng samisen hawak ang isang kristal na orinila. Sa pamilyar na paraan ng pagkausap nito sa station master nang gabing nagdaan at saparaan ng pagsusuot nito ng “pantalong bundok,’ malinaw na ito’y katutubo sa lupaing ito ng yelongunit ang lutang na burda ng obi nito na kalahati’y kita sa ibabaw ng pantalon ay nagpasariwa atnagpasaya sa magaspang na mapulang kayumanggi at itim na guhit ng pantalon. Sa ganito ringdahilan ang mahabang manggas ng lanang kimono nito ay nagkaroon ng isang natatangi atmapanuksong halina. Ang pantalon, na biyak sa ibaba ng tuhod ay humakab sa balakang at angmakapal na telang koton kahit natural na matigas ay tila numipis at lumambot. Pinukulan ni Yoko ng mabilis at matalim na sulyap si Shimamura pagkaraa’y tahimik nahumakbang sa lupang sahig at lumabas. Maging nang makaalis na siya ng bahay, binabagabag pa rin si Shimamura ng sulyap naiyon na nagliliyab sa harap mismo ng kanyang noo. Kasinlamig ito ng isang napakalayong liwanagpagkat ang hindi mailarawang kagandahan nito ay nagpasikdo ng kanyang puso nang gabingtumawid sa mukha ng babae sa bintana ng tren at sandaling tinanglawan ito. Muling nagbalik angimpresyon kay Shimamura at kahalo nito ay ang gunita ng isang salaming puno ng yelo atlumulutang ang namumulang pisngi ni Komako sa gitna. Binilisan niya ang lakad. Bilugan at mahaba ang kanyang hita ngunit saklot siya ng isangnatatanging sigla habang lumalakad na nakatitig sa mga bundok na labis niyang kinagigiliwan.Bumilis ang kanyang hakbang kahit ito’y halos hindi niya namamalayan. Laging nakahandangpatangay sa gising na pangangarap. Hindi niya mapaniwalaan na ang salaming lumulutang sapanggabing tanawin at ang isa pang salamin na puno ng yelo ay sadyang likha ng tao. Ang mga ito’ybahagi ng kalikasan at bahagi ng isang tila napakalayong daigdig. At ang kwartong nilisan niya ngayon lamang ay naging bahagi na rin ng napakalayongdaigdig na iyon. Nagitla sa sarili at nangailangan ng isang bagay na makakapitan, tumigil siya sa harap ngisang bulag na masahista sa tuktok ng burol “Pwede mo ba akong masahihin?” “Sandali. Anong oras na ba?” Kinipkip ng masahista ang tungkod at pagkadukot sa isangmay takip na pambulsang relo sa obi ay kinapa ng kaliwang kamay nito ang oras. “Alas dos treinta’y 18

singko. May nagpapamasahe sa akin sa makalampas ang istasyon nang alas tres medya. Pero pwedenaman siguro akong mahuli.” “Ang galing tumingin ng oras,” “Walang salamin kaya nakakapa ko ang mga kamay.” “Nakakapa mo ang mga numero?” “Hindi mga numero.” Muli nitong inilabas ang relo na yari sa pilak, malaki para sa isangbabae at pinitik ang takip. Inilatag nito ang mga daliri sa mukha, ang isa’y sa alas dose at ang isangsa alas sais at ang pangatlo sa gitna sa ala tres. Tumatama rin naman ang pagbasa ko ng oras.Maaaring huli ako nang isang minuto pero hindi ako kailanman pumapaltos nang hanggang dalawangminuto.” “Hindi ka ba nadudulas sa kalsada?” “Sinusundo ako ng anak kong babae kapag umuulan. Sa gabi, mga tao sa nayon angminamasahe ko at hindi ako nakakarating nang ganito kalayo. Nagbibiruang lagi ang mga tao saotel, sabi’y ayaw daw akong palabasin ng asawa ko kung gabi.” “Malaki na ba’ng anak mo?” “Dose anyos ang panganay kong babae.” Narating nila ang kwarto ni shimamura atsandali silang natahimik nang magsimula na ang pagmamasahe. Mula sa malayo, umabot sa kanilaang tunog ng isang samisen. “Sino kaya iyon?” “Nahuhulaan mo ba kung sinong geisha sa tunog lang?” “Iyong iba. Ang iba’y hindi. Hindi ka dapat magtrabaho. Tingnan mo ang kinis-kinis atang labu-lambot mo.” “Wala akong matigas na masel.” “Matigas dito sa may puno ng leeg. Pero tamang-tama ka lang, hindi masyadong mataba,hindi masyadong payat. Hindi ka umiinom ano?” “alam mo kung umiinom?” “may tatlo akong kostumer na katulad ng katawan mo.” “Karaniwang katawan.” “Pero kung hindi ka iinom, hindi mo naman malalaman kung paano mo talagamapapasarap ang buhay mo – ang makalimutan ang lahat ng nangyayari.” “Umiinom ang asawa mo, ano?” “Sobra.” “Pero kung sino man iyon hindi siya gaanong mahusay tumugtog.” “Mahina talaga.” “Noong bata pa ako. Mula noong ako’y walo hanggang maglabingwalo. Labinlimangtaon na akong hindi tumutugtog. Mula nang mag-asawa ako.” Lahat kaya ng bulag ay mukhang mas bata kaysa kanilang itsura? Naisip ni Shimamura. “Pero kapag natuto ka nang bata pa, hindi mo na malilimutan.” “Nasira ang kamay ko sa trabahong ito pero magaling pa ang aking tainga. Hindi akomapalagay kapag naririnig ko sila. Pero palagay ko’y hindi rin ako kuntento sa sarili kong pagtugtognoong bata pa ako.” Sandaling nakinig ang masahista. “Si Fumi siguro sa Izutsuya. Pinakamadalingmalaman ang pinakamagaling at pinakamahina.” “May magagaling?” “Napakagaling ni Komako. Bata pa siya pero alam mo naman hindi masyadong mataasang pamantayan namin dito sa bundok.” “Hindi ko siya talagang kilala. Pero nakasakay sa tren kagabi ang anak ng titser ngmusika.” 19


Like this book? You can publish your book online for free in a few minutes!
Create your own flipbook