Sagutin ang mga tanong. Isulat ang sagot sa iyong kwaderno. 1. Saan matatagpuan ang Palawan? A. 123° at 124° H. latitud at 8° at 12° S. longhitud B. 117° at 120° H. latitud at 8° at 12° S. longhitud C. 122° at 123° H. latitud at 10° at 12° S. longhitud D. 118° at 121° H. latitud at 10° at 12° S. longhitud 2. Anong lalawigan ang nasa pagitan ng 122° at 123° H. latitud at pagitan ng 10 ½° at 11 ½° S longhitud? A. Aklan B. Capiz C. Iloilo D. Antique 3. Anong lugar ang nasa 122° H. latitud at 10 ½ °-12 °S longhitud? A. Aklan B. Capiz C. Iloilo D. Antique 4. Anong lalawigan ang nasa 123° H. latitud at 9° at 10 ½° S. longtitud? A. Aklan B. Palawan C. Negros Oriental D. Negros Occidental
PAGTATAYANgayon tingnan ko kung magaling ka nang maghanap ng tiyak na kinalalagyan ng mga bansa samapa. Suriing mabuti ang mapa. Sagutin ang pagsubok na kasunod.
Itambal ang hanay A sa hanay B. Isulat ang titik ng tamang sagot sa iyong kwaderno Hanay A Hanay B1. Pilipinas A. pagitan ng 4° at 21° H. latitud at 116°2. Taiwan at 127° S. longhitud3. Tsina4. Myanmar B. pagitan ng 23° at 26° H. latitud at 120°5. Japan at 122° S. longhitud C. pagitan ng 16° at 28° H. latitud at 92° at 102° S. longhitud D. pagitan ng 19° at 55° H. latitud at 74° at 135° S. longhitud E. pagitan ng 31° at 45° H. latitud at 131° at 152° S. longhitud PAGPAPAYAMANG-GAWAINHanapin ang tiyak na kinalalagyan ng sumusunod na lugar sa mapa ng Pilipinas.1) Samar2) Mindanao Maaari mo na ngayong simulan ang susunod na modyul.
GRADE VI LOKASYONG INSULAR AT BISINAL NG PILIPINAS ALAMIN MOPag-aralan ang mapa ng Pilipinas . Ano ang malaking anyong tubig na nakapalibot sa Pilipinas sa dakong
silangan? kanluran? timog? hilaga?Ito ang isang paraan ng paglalarawan ng kinalalagyan ng ating bansa. Mayroonpa ba kayang iba? Ito ang pag-aaralan natin sa modyul na ito. PAGBALIK-ARALAN MOIsulat ang nawawalang titik upang mabuo ang pangalan ng bansa.1. Bansang nasa hilaga ng Taiwan at Pilipinas. HPN2. Malaking bansa sa hilagang kanluran ng Pilipinas.TS A3. Lalawigan sa bansang Tsina na nasa hilaga ng Pilipinas. TIN4. Bansang nasa timog-kanluran ng Pilipinas. M L YS A5. Bansang nasa kanluran ng Thailand at Pilipinas. MY
PAG-ARALAN MOPag-aralan ang mapang ito ng Asya. 1. Ano ang malaking anyong tubig na nasa gawing kanluran ng Pilipinas? 2. Saang direksyon matatagpuan ang Karagatang Pasipiko? 3. Anong anyong tubig ang nasa dakong hilaga ng bansang Pilipinas? 4. Saang direskyon matatagpuan ang Bashi Channel? Ito ang paglalarawan ng lokasyon ng ating bansa ayon sa kalapitan nito sa mga anyongtubig na tinatawag na lokasyong insular.
Tingnan muli ang mapa, anu-ano naman ang bansang karatig ng Pilipinas? Anong mga bansa ang nasa gawing kanluran? Sa dakong hilaga, anu-anong bansa ang matatagpuan doon? Mayroon din bang bansa sa bahaging timog? Ano-ano ang mga ito?Sa silangang bahagi naman ng bansa natin, matatagpuan ang Estados Unidos, Hawaii,Marianas at Guam.Malalaman din ang kinalalagyan ng Pilipinas sa pamamagitan ng mga karatig-bansa nito.Ito ay tinatawag na lokasyong bisinal.PAGSANAYAN MOBalikan muli ang mapa ng Asya sa pahina 3. Gamitin ang krokis sa ibaba sa pagtukoy ng mga anyong tubig sa bawat direksyon. Isulatsa iyong kwaderno ang sagot. HilagaHilagang kanluran Hilagang silanganKanluran Silangan Timog kanluran Timog silangan Timog1. Hilaga : _____________________________
2. Hilagang Silangan : ___________________ 3. Hilagang Kanluran : ___________________ 4. Silangan : ____________________________ 5. Kanluran : ____________________________ 6. Timog : _______________________________ 7. Timog Silangan : _______________________ 8. Timog Kanluran : _______________________ TANDAAN MO Ang lokasyong insular ay paglalarawan ng lokasyon ng bansa sa pamamagitan ng mga anyong tubig na nakapaligid dito. Ang lokasyong bisinal ay paglalarawan ng kinalalagyan ng bansa sa pamamagitan ng mga karatig-bansa nito. ISAPUSO MOPaano mo dapat gamitin ang globo upang mapakinabangan pa ng mga susunod na mag-aaral sapagtalunton ng iba’t ibang lugar sa daigdig?
GAWIN MOBasahin at unawain ang tula. “Itong Pilipinas”(Hango sa sanayang aklat sa Makabayan nina L. Raganit at Mr. Agapay) Itong Pilipinas ang mahal kong bayan Namumukod tangi di-mapapantayan Tila nakalutang sa dakong silangan Malalaking dagat ay matatagpuan. Sa dakong hilaga ay ang Bashi Channel At doon sa timog ay Celebes naman Dagat Timog Tsina ay nasa kanluran Karagatang Pasipiko ay nasa silangan. Marami rin namang bansa sa paligid Tulad nitong Taiwan, Tsina, Korea, Hapon Sa bandang hilaga naman naroroon At sa silangan nito’y Micronesia naman. Doon nga sa timog nitong Pilipinas Silangang Malaysia, Brunei, Indonesia At lalong marami roon sa kanluran Kampuchea, Laos, Burma, Thailand at Vietnam. Naibigan mo ba ang tula? Ano ang natutuhan mo sa mensahe nito? Makakaya mo bang isaulo ito? PAGTATAYATingnan ang mapa sa pahina ___. Hanapin a3ng mga lugar ayon sa hinihingi sa bawat bilang.Isulat ang titik ng tamang sagot sa iyong kwaderno.
1. Anong kapuluan ang nasa timog ng Pilipinas? A. Guam B. Taiwan C. Indonesia D. Kanlurang Malaysia2. Saang direksyon ng Pilipinas matatagpuan ang Vietnam? A. Hilaga B. Timog C. Silangan D. Kanluran3. Anong anyong tubig ang matatagpuan sa silangan ng Pilipinas? A. Dagat Celebes B. Dagat Mindanao C. Dagat Timog Tsina D. Karagatang Pasipiko4. Saang direksyon ng Pilipinas matatagpuan ang Dagat Celebes? A. Hilaga B. Timog C. Silangan D. Kanluran5. Ang Hapon ay nasa hilaga ng Pilipinas. Alin ang isa pang bansa na nasa hilaga nito? A. Tsina B. Malaysia C. Thailand D. Indonesia PAGPAPAYAMANG GAWAINAng tulang “Itong Pilipinas” na binasa mo ay maaari ring isaawit sa himig ng “Paru-parong Bukid”. Subukin mo nga. Nasiyahan ka ba sa pag-awit? Maaari mo na ngayong simulan ang susunod na modyul.
GRADE VI KAHALAGAHAN NG LOKASYON NG PILIPINAS ALAMIN MOPag-aralan ang mapa. Ang Timog Silangan Asya
Ano ang napansin mo sa mapa? May sarili ba tayong lupang sinasakop na hindimaaaring angkinin ng ibang bansa? Ano-ano ang kalapit na bansa ng Pilipinas?Mahalaga ba ang lokasyon ng Pilipinas kung ang pag-uusapan ay ang latitude atkaratig bansa? Bakit kaya?Sa modyul na ito malalaman mo ang kahalagahan ng lokasyon ng Pilipinas ayonsa latitud at karatig bansa. PAGBALIK-ARALAN MOIsulat mo ang: Likas na Hangganan ng Pilipinas INSULAR BISINAL Hilaga Timog Kanluran Silangan PAG-ARALAN MOBasahin mo ito:Kung higit pang susuriin, matatagpuan ang ating bansa sa timog – silangang Asya, sa dakongitaas ng ekwador. Nasa pagitan ito ng latitude na 4° - 21° Hilagang latitud at 116° - 127°Silangang longhitud.Mga karatig bansa natin ang Taiwan, China at Japan sa hilaga, ang Micronesia at Marianas sasilangan, Brunei at Indonesia sa timog at ang Vietnam, Laos, Cambodia at Thailand sa kanluran.
Ang mabuting lokasyon ng ating bansa ay nakatutulong upang maging sentro ito ng mgakalakalan sa rehiyon ng Asya. Nagsisilbing daanan ito ng mga kalakal na inilululan sa mgabarko at eroplano mula sa iba’t ibang bahagi ng rehiyon. Gayundin naman ito ay naging tagpuanng iba’t ibang kultura ng mga nagsasariling bansa. Ano ang eksaktong lokasyon ng Pilipinas sa digri latitud at digri longhitud? Ibigay ang mga bansang nakapaligid sa Pilipinas? Isulat ang sagot sa inyong kwaderno. Mahalaga ba ang pagkakaroon ng hangganan ng teritoryo? Bakit? PAGSANAYAN MOIpakita ang tiyak at relatibong lokasyon ng Pilipinas sa pamamagitan ng tree diagram. Lokasyon ng PilipinasTiyak Relative BisinalAno-ano ang kahalagahan ng lokasyon ng ating bansa sa rehiyon ng Asya kung ang pag-uusapan ay ang latitud at karatig bansa?
TANDAAN MO Malaki ang naitutulong ng lokasyon ng ating bansa para maging sentro ng kalakalan sa rehiyon ng Asya lalo na’t napapalibutan ito ng mga bansang Asyano. ISAPUSO MOBilang isang Pilipino dapat mong ipagmalaki ang lokasyon ng Pilipinas dahil malaki angnaitutulong nito sa ekonomiya ng ating bansa. Bukod sa pagmamalaki dapat mo ring malamanna ang lupang sakop ng Pilipinas ay hindi maaaring angkinin ng ibang bansa. GAWIN MO Isulat ang S kung sang-ayon ka sa ipinapahayag ng pangungusap at DS kung di-sang-ayon. Isulat sa iyong kwaderno ang iyong sagot. ________1. Ipagmalaki natin ang pagkakaroon ng magandang lokasyon. ________2. Mabuti ang lokasyon ng Pilipinas kaya’t sentro ito ng kalakalan at kultura sa Asya. ________3. Tungkulin ng mamamayan na alamin ang eksaktong lokasyon ng Pilipinas. ________4. Ang Turtle Islands at Mangsee Islands ay pinamamahalaan ng Pilipinas dahil malapit ito sa bansa. ________5. Palawakin ang kaalaman tungkol sa Pilipinas sa pamamagitan ng pagbabasa ng aklat at magasin.
PAGTATAYAIbigay ang hinihinging sagot. Isulat ang mga ito sa iyong sagutang papel: 1. Ano-ano ang bansang nakapaligid sa: Hilaga – Timog – Silangan – Kanluran – 2. Ibigay ang eksaktong lokasyon ng PIlipinas sa digri latitud at digri longhitud. _______________ at _______________ 3. Magtala ng tatlong dahilan kung bakit mahalaga ang lokasyon ng Pilipinas ayon sa latitud at karatig bansa. A. B. C. PAGPAPAYAMANG GAWAIN Ano ang dapat mong gawin sa mga sitwasyong ito: 1. Ibig mong matutuhang mabuti ang hangganan at teritoryo ng Pilipinas at ang kahalagahan nito. _____________________________________________________________ __________________________________________________________________ _________________________________________________________________. 2. Nagkaroon ng pagtatalo ukol sa mga karatig bansa ng Pilipinas. Sinasabi ng ilang kamag-aral mo na nasa hilagang bahagi ang Guam. _____________________________________________________________ __________________________________________________________________ _________________________________. Maaari mo na ngayong simulan ang susunod na modyul.
GRADE VI MGA LIKAS NA YAMAN NG BANSANG PILIPINAS ALAMIN MOSubukin mong tukuyin ang mga likas na yaman ng bansa sa larawan. Ano-ano ang nakita mo sa larawan? Saan-saan mo nakikita ang mga larawang ito? Bakit may mga puno? Saan nagmula ang mga isda? Saan nagmula ang ating mga kinakain? Ang tawag sa mga ito ay ang mga likas na yaman ng bansa. Kasama ang mga likas na yaman sa teritoryo ng Pilipinas. Ito ang mga yamang likas sa kapaligiran na pinagkukunan ng ikabubuhay ng ating mga mamamayan. Sa modyul na ito matutukoy natin ang mga likas na yaman na matatagpuan sa iba’t ibang pook ng bansa. Handa ka na ba?
PAGBALIK-ARALAN MONatatandaan mo pa ba ito? Subukin mo ngang punan ng mga salita ang “graphic organizer” naito. TOPOGRAPIYA NG PILIPINAS ANYONG LUPA ANYONG TUBIG1. _________________ 1. _________________2. _________________ 2. _________________3. _________________ 3. _________________4. _________________ 4. _________________5. _________________ 5. _________________6. _________________ 6. _________________7. _________________ 7. _________________PAG-ARALAN MO
Basahin mo ang maikling tula sa pahina 3. BAYANG SINILANGAN I Bayang sinilangan, may likas na yaman Na hango sa akin nitong kalikasan Sa kaparangan man at sa kabundukan Ang kasaganaa’y siyang natatanaw II Ang payapang dagat, ilog, talon, batis Tila kristal sa ganda at linis Kalinisan at kalusugan Sa yamang tubig maasahan III Dalawang uri ng mineral Ang metal at di-metal Ginto, bakal at iba pa Kabuhayan, sasagana. IV Tiwangwang na lupa’y pinagtataniman Ng binhing malusog na pang-agdong buhay Mataba ang lupa ng lupang sakahan Kaya’t umuunlad itong kabuhayan Nagustuhan mo ang tula? Ano ang isinasaad ng tula? Saan daw tayo sagana? Ano-anong likas na yaman ang nabanggit sa tula? Magaling! Tama lahat ang iyong mga sagot. May inihanda akong grapiko na dapat mong suriin. Simulan mo nang basahin.
YAMAN NG BANSASA GUBAT SA TUBIG MGA MINERAL SA LUPApunongkahoy isda metal niyog dipterocarp hipon ginto abaca coral karbon tubo bulaklak alimasag pilak tabako molave perlas bakal gulay kabibe chromite mais pine hayopAng mga nakatalang yaman sa grapiko ay ilan lamang sa mga likas na yaman ng bansa.Tingnan mo ang mga larawan sa ibaba.Ito ang yamang gubat. Ang yamang gubat ay isa pa ring mahalagang likasna yaman. Maraming dolyar ang naipapasok ng mga produkto mula sakagubatan tulad ng troso, kahoy, dagta o katas na ginagamit na panangkapsa mga gamot, pabango, pomada at langis ng buhok.May matataas na uri ng kahoy ng bansa katulad ng narra, apitong,kamagong, ipil, lawan, yakal at tindalo na bantog sa ibang bansa.Malaki rin ang nagagawa ng mga gubat sa pagsugpo sa baha at paghadlangsa malakas na hangin. Sinisipsip ng mga ugat ng mga puno sa gubat angtubig-ulan kaya hindi ito umaagos sa mga kapatagan. Sa gayon naiiwasanang pagbaha.
Sa panrehiyong lawak ng kagubatan, ang Palawan ang may pinakamataas nabahagdan ng kagubatan. Pumapangalawa ang Mindanao at ang Visayas ang maypinakamaliit. May mahuhusay na uri ng kahoy sa kagubatan. Ito ang dipterocarp. Angmga halimbawa nito ay ang tangile, apitong, lawan, yakal, guijo at manggachapui. Sumunod ang Punong Molave. Ito ay matatagpuan sa kanlurang bahagi ngPilipinas. Kabilang sa pamilya nito ang narra, tindalo, dao at ipil. Ginagamit ito sapaggawa ng mga cabinet at iba pang kasangkapan.
Ang Pine ay matatagpuan sa Hilagang Luzon at Mindoro. Ang dalawangmahalagang uri nito ay ang pino at tapulaw. Ginagamit ito sa pagpapatayo ngbahay at sa pagmimina sa Lalawigang Bulubundukin. Ginagamit ito sa magagaang na konstruksyon bilang panggatong, at sapaggawa ng uling. Sa ibang lugar ang nipa na dahon ng sasa ay ginagamit napambubong at sa ibang pagkakataon naman ay ginagawang tuba na isang uri ngmaiinom.
Ano ang naitutulong ng yamang gubat sa kabuhayan ng mga mamamayan? Ano ang nagagawang tulong ng yamang kagubatan sa pamumuhay ng bawat tao? Ano-ano ang uri ng punongkahoy na matatagpuan sa kagubatan?Tingnan mo naman sa larawan sa ibaba ang mga yaman ng tubig.
Biniyayaan ang ating bansa ng saganang pinagkukunan ng tubig.Nagmumula ang mga pang-ibabaw na tubig sa mga ilog, batis at look. Angmasaganang pang-ilalim ng lupang tubig ang tumutustos sa pangangailangan satubig ng mga tahanan at higit sa lahat, ng mga pook rural. Matatagpuan sa mga ilog, lawa, dagat at sapa ng Pilipinas ang iba’t ibanguri ng isda, perlas kabibe at iba pang pagkaing dagat. Ang pinakamalaking isdaang tinatawag na balyenang pating o pating bulik at ang pinakamaliit na isdanaman sa daigdig ay Pandaca Pygmea. Matatagpuan ito sa Lawa ng Buhi,Camarines Sur. Ang pangunahing pagkain ng mga Pilipino ay kanin at isda.Pinagkikitaan ito ng mga Pilipinong naninirahan sa mga baybayingpampangisdaan tulad ng Estancia, Iloilo, Orani, Bataan, Binangonan, Rizal atNavotas, Metro Manila. Ang mga suso at kabibe naman ay matatagpuan sa mga dagat at lawa nabukod sa nakakain ay ginagawa ring mga palamuti sa katawan tulad ng kuwintas,pulseras at hikaw. Saan-saang anyong tubig matatagpuan ang iba’t ibang uri ng isda? Ano ang pinakamaliit na isda sa daigdig? Saan ito matatagpuan? Ano-ano ang pangunahing pagkain ng mga Pilipino?
Ang mga larawan sa itaas ay mga halimbawa ng Yamang mineral. Isaang Pilipinas sa mga bansang mayaman sa pinagkukunan ng mineral. Maydalawang uri ang yamang mineral – Metal at Di-Metal. Ang mga metal na mineral ay chromite, tanso, ginto, bakal, lead,manganese, mercury, tingga at zinc. Binubuo naman ng asbestos, barite, hilawna materyal para sa semento, luwad, carbon feldspar, guano, gypsum, apog,marmol, sulpur, petroleum, natural gas at buhanging silica ang mga di-metalna yamang mineral ng bansa. Alam mo ba na ang Pilipinas ay isa sa sampung nangungunangprodyuser ng ginto at chromite? Ang pinakamalaking deposito ng Nikel aynasa pulo naman ng Nonoc, Surigao. Ang may pinakamalaking deposito ngchromite ay matatagpuan sa Zambales. Ang marmol naman ay sa Romblon.Ang guano ay matatagpuan sa mga yungib sa Cotabato, Zambales, Palawan atCebu. Noong 1993, may natagpuang deposito ng natural gas sa Maguindanaona kapag nalinang nang mabuti ay maaring makatustos ng enerhiya ngMindanao. Ano uri ng metal kilala sa pagkakaroon ng napakalaking deposito sa Pilipinas? Ano-ano ang dalawang uri ng Yamang Mineral? Saan Matatagpuan ang malaking deposito ng ginto at pilak? Kayamanan din ba ito ng Pilipinas? Bakit?
Ito naman ang yamang lupa. Isa sa pinakamahalagang likas na yamanng bansa ang malawak na lupa. Batayan ito ng kaunlarang pambansa. Ditonakasalalay ang buhay ng tao, mga halaman at hayop. Sa kabuuang lawak nglupain ng Pilipinas na tinatayang umaabot sa 300,000 kilometro kwadrado,28.3 bahagdan nito ang binubuo ng mga sakahan. Bukod sa mga lupang pansakahan ng bansa, may mga lupa ringpangkomersiyo, pantirahan, pampalaruan at panlibangan. Maraming uri ng pananim ang pinatutubo rito na kadalasan aynagbibigay ng masaganang ani dahil sa matabang lupa at magandang klima.Hindi lamang ang kapatagan ang ginagamit na taniman ng mga magsasaka.Ang mga gilid ng bundok ay tinataniman din tulad ng Hagdan-hagdangpalayan ng Ifugao, mga Talampas ng Bukidnon at Batangas. May pakinabangdin tayo sa mga lupang malapit sa ilog na may matabang lupa at mga lambaktulad ng Lambak Trinidad sa Benguet.
Makikita mo sa mapang pangkabuhayan ang iba’t ibang produkto ng yamang lupa sa iba’tibang lalawigan.
Matapos mong maunawaan ang iyong aralin makakaya mo na bang tapusin ang grapikong ito? Yaman ng Bansa Sa Lupa Sa Tubig Mga Mineral ___________ ___________ ___________ ___________ ___________ ___________ ___________ ___________ ___________ ___________ ___________ ___________ ___________ ___________ ___________Saan-saang rehiyon makikita ang pangunahing produkto ng bansa tulad ngniyog, asukal, saging at palay? Gamitin ang mapang pangkabuhayan.Ano ang maidudulot ng mga produktong ito sa kabuhayan ng bansa natin?Bakit? PAGSANAYAN MOMatapos mong pag-aralan ang mga likas na yaman, sagutin mo ang sumusunod na katanungan? Ano-ano ang likas na yaman ng bansa? Ano-ano ang naitutulong nito sa ating pangkabuhayan? Mga yamang likas sa kapaligiran ang pinagkukunan ng ikabubuhay ng isang bansa. Paano mapakikinabangan ng isang bansa ang mga likas na yaman na ito? Ano sa palagay mo ang mga kahalagahan ng mineral sa tao? Dahil sinasabing ang likas na yaman ang pinagkukunan natin ng kabuhayan ano ang magagawa mo upang mapaunlad mo ang mga ito? Simulan mo sa sumusunod: A. yamang lupa B. yamang tubig C. yamang mineral D. yamang kagubatan
TANDAAN MO Ang mga likas na yaman ng bansa ay binubuo ng yamang lupa, yamang kagubatan, yamang mineral at yamang tubig. Ito ay nagdudulot ng kapakinabangan sa mamamayan nito. ISAPUSO MONatukoy mo na ang likas na yaman ng bansa. Nalaman mo na rin ang lugar kung saan itomatatagpuan. Bilang isang mamamayan ano ang gagawin mo sa mga likas na yaman na iyongnapag-aralan?Narito ang larawan ng punongkahoy, larawan ng caravan at bangka at isulat mo sa loob ang mgayamang likas na dapat mong pangalagaan at pag-yamanin.
GAWIN MOTunghayan mo muli ang Mapang Pangkabuhayan.Tukuyin kung saang lugar matatagpuan ang mga yamang matatagpuan sa iba’t ibang lalawiganng bansa sa mga datos na nakatala sa tsart. Likas na Yaman Pook na Katatagpuan1. tubo2. palay3. pinya4. saging5. deposito ng chromitePAGTATAYATingnan mo muli ang Mapang Pangkabuhayan. Tukuyin kung anong mga produkto angmakukuha mo sa bawat rehiyon.1. NCR _________, _________, _________,2. Rehiyon 4 _________, _________, _________,3. Rehiyon 10 _________, _________, _________,4. CAR _________, _________, _________,5. CARAGA _________, _________, _________,PAGPAPAYAMANG GAWAINTunghayan mo muli ang mapang pangkabuhayan sa bahagi ng modyul.Iguhit mo ang mga produktong nakukuha sa lugar ninyo at kulayan ang bawat isa.Sumulat ng isang maikling talata tungkol sa inyong pamayanan.
Maaari mo na ngayong simulan ang susunod namodyul.
GRADE VI TOPOGRAPIYA NG BANSA: ANYONG TUBIG, YAMAN NG BANSA ALAMIN MOPag-aralan mo ang Mapang Pisikal. Ano-anong anyong tubig ang nakikita mo sa mapa? Saang mga lugar sa mapa nakikita ang mga anyong tubig? Sa Mapang Pisikal makikita mo rito ang topograpiya ng Pilipinas. Bukod sa anyong lupa, tumutukoy din ito sa anyong tubig. Sa modyul na ito malalaman mo ang iba’t ibang anyong tubig na matatagpuan sa ating bansa at ang mga naitulong nito sa ating kabuhayan.
PAGBALIK-ARALAN MONapag-aralan mo na mahalaga ang yaman ng bansa. Ito ang nagtutustos ng mga pangunahingpangangailangan ng mga Pilipino.Narito ang pagsasanay tungkol sa likas na yaman ng ating bansa. Bilugan mo ang likas nayaman na naiiba sa pangkat. 1 2 3 4 5ginto niyog kabibe sakahan pastulantanso palay graba niyugan minahanabaka kamote sigay palaisdaan kagubatanpilak perlas korales palayan nara PAG-ARALAN MOTunghayan mong muli ang mapang pisikal ng Pilipinas. Ito ang gagabay sa iyo sa pamamagitanng paggamit ng iyong hintuturo sa pagtukoy ng mga anyong tubig.Bukod sa iba’t ibang anyong lupa, ang Pilipinas ay may iba’t-ibang anyong tubig napinagkukuhanan ng pagkain at iba pang pangangailangan natin.Muli, ano-anong anyong tubig ang nakikita mo sa mapa? Tingnan mo ang malalaking anyongtubig na nakapaligid sa bansa natin. Bukod diyan marami pang maliliit na anyong tubig saPilipinas tulad ng mga ilog, bukal, kipot, talon, lawa, batis, sapa, golpo at look.
Simulan mong pagmasdan ang larawan sa ibaba. Tingnan mo ang larawan ng karagatan. Ito ang pinakamalaking anyong tubig sa bansa. Dagat naman ang bahagi nito na maalat at mas mainit. Makikita sa mapa ang mga karagatan at dagat na nakapaligid sa buong kapuluan. Ito ay ang Dagat Tsina sa kanluran, ang Karagatang Pasipiko sa Silangan, Dagat Celebes sa Timog, Dagat Pilipinas, Dagat Mindanao at Dagat Visayas. Sa pagitan ng Palawan at Mindoro makikita ang Dagat Sulu. Ito ay pinakamalaking dagat sa loob ng kapuluan. Malaki ang ginagampanang papel ng karagatan sa kabuhayan ng mga mamamayan. Sagana ang dagat sa iba’t ibang uri ng isda at pagkaing dagat. Sa panloob na dagat naman sinisisid ito upang makakuha ng mga perlas, koral at mga kabibeng pangkomersiyo. Paano nakatutulong ang karagatan sa pangkabuhayan ng mga mamamayan?
Tingnan mo ang lawa. Ano ang nakapaligid dito? May humigit kumulang sa 59na lawa sa ating bansa. Anim sa pinakamalaking lawa sa Pilipinas ay ang LagunaDe Bay sa Laguna. Lawa ng Lanao sa Lanao Del Sur, Lawa ng Taal saBatangas, Lawa ng mainit sa Surigao Del Norte, Lawa ng Naujan sa OrientalMindoro at Lawa ng Buluran sa Sultan Kudarat. Nakatutulong sa kabuhayan ng magsasaka at mamamayan ang lawa sahinuhuli nilang sari-saring isda, hipon at iba pang pagkaing dagat. Anong pangkabuhayang pangkaunlaran ang itinutulong ng lawa samangingisda, mamamayan o bansa man?Ikaw, narating mo na ba ang Maynila? Saang bahagi ng Maynila humihinto anglahat ng barkong pampasahero at pagsakay ng kargamento sa pagluwas nakalakalan? Ito ang larawan ng look, isang bahagi ng dagat na nakapasok sa baybayinnito. Ito ang itinuturing na pinakamahusay na daungan sa Dulong Silangan.Lahat ng klaseng barko na pampasahero ay gamit sa pagluluwas ng produkto na
galing sa iba’t ibang bansa ay humihinto sa lugar na ito, ang look ng Maynila. Malaki rin ang naiambag nito sa hanapbuhay ng mga tao sa bansa sapakikipagkalakalan. Bumibili ang mga mamamayan ng mga produkto galing saibang bansa at ipagnagbibili naman ito sa bawat bahagi ng lugar sa bansangPilipinas. Sa palagay mo ba malaki ang naitulong ng look, isa sa mga anyong tubigsa kabuhayan ng ating mamamayan at ekonomiya ng bansa natin? Ito naman ang kipot. Kasama ito sa mga anyong tubig ng bansa. Isang makipot na anyong tubig ang kipot na nagdurugtong sa dalawangmalalaking anyo ng tubig. Maraming iba’t ibang kipot na matatagpuan sa Pilipinas. Ang Kipot ngSan Bernardino ay nasa pagitan ng Sorsogon at Hilagang Samar; Ang Kipot ngIloilo sa pagitan ng Iloilo at Pulo ng Guimaras, Kipot ng Biliran sa pagitan ng Pulong Biliran at Leyte; Kipot ng Basilan sa pagitan ng Zamboanga at pulo ngBasilan. Ang Kipot ng San Juanico ay nasa pagitan naman ng Samar at Leyte. Makikita sa larawan ang tulay na itinayo sa ibabaw ng kipot, ang tulay ngSan Juanico na itinuturing na pinakamahabang tulay sa buong Asya. Pinag-uugnay ng tulay na ito ang Samar at Leyte. Ano ang malaking naitulong ng pagkakaroon ng Tulay ng San Juanico lalona sa lugar ng Samar at Leyte?
Ngayon, bilang karagdagan sa mga anyong tubig na gusto mo pangmalaman, tingnan mo ang mga larawan. Tunay na kaaki-akit pagmasdan atnanghihikayat na maligo sa napakalinis na tubig sa kapaligiran nito. Kaakit-akit pagmasdan. Masarap paliguan lalo na kapag tag-init angpanahon. Karaniwan nagsasama-sama ang pamilya sa ganitong panahon. Ang nasa larawan ay talon. Ito ay tubig na umaagos mula sa mataas nalugar tulad ng bundok. Sa mga talon ng Pagsanjan, pinakabantog ang talon ng Pagsanjan ngLaguna. Maraming turista ang dumarayo rito upang maranasan angpamamangkang pasalungat sa agos patungo sa talon. Ipinagmamalaki ang MariaCristina Falls dahil sa ito ang nagtutustos ng lakas elektrisidad sa malakingbahagi ng Mindanao. Ang ikalawang larawan naman ay ilog. Ito ay mahaba at paliku-likonganyong tubig na tumutuloy sa dagat. Hindi maalat ang tubig dito. Mayroong 132pangunahing ilog sa bansa. Ang pinakamahabang ilog ay Ilog Cagayan at angpinakamalaki ay ang Rio Grande de Mindanao. Ang Ilog Pasig ang maituturing napinakamakasaysayan sapagkat ito ang ginamit na daanan ng mga negosyante mulasa mga katabing bansa sa Asya upang magdala ng mga kargamento sa loob atlabas ng Maynila. Sa pamamagitan ng tubig sa ilog ang taniman sa bukid ay lumago sa lahatng dako ng bansa, gayundin ginagamit ito sa mga pang-araw-araw na gawain sabahay. Nagsilbing tulong ang ilog sa paghahatid ng mga tao at kalakal sa mgakaratig pulo ng bansa. Ginagamit din ang ilog sa kalakalan at pakikipag-ugnayan. Ang Bukal ay anyong tubig ng nagmumula sa ilalim ng Lupa. Ang tubig
na nanggaling dito ay maiinit at mayaman sa mga mineral. Ang Pansol Hot Spring ang pinakabantog na bukal sa Laguna. Sa Albay natuklasan ang mainit na singaw na nanggagaling sa Hot Spring. Ito ay maaring pagkunan ng Lakas Heotermal na makatutustos ng elektrisidad sa Bikol. Masasagot mo ba ang mga tanong? Anong anyong tubig sa Pilipinas ang madalas dayuhin ng mga turista? Alin ang napagkukunan ng kuryente ng mga taga-Mindanao? Bakit ipinagmamalaki ang ilog? Anong anyong tubig ang nagmumula sa ilalim ng lupa? PAGSANAYAN MOMaaari mo nang sagutin ang mga katanungan sa ibaba. Piliin ang titik ng tamang sagot. 1. Ang buong kapuluan ng Pilipinas ay pinaliligiran ng maraming anyo ng tubig. Isa na rito ang Dagat Sulu. Ilarawan ang Dagat Sulu. A. pinakamalaking dagat sa loob ng bansa B. pinakamahabang dagat sa loob ng bansa C. pinakamalinis na dagat sa loob ng bansa D. pinakamalaking dagat sa pagitan ng Cebu at Leyte 2. Ang lawak ng Laguna ay kilalang-kilala sa lahat ng lawa sa Pilipinas dahil sa ito ay ___________. A. pinakamaliit B. pinakamalaki C. pinakamalinis D. pinakamaganda 3. Anong tawag sa kipot na bumabagtas sa pagitan ng Samar at Leyte? A. kipot ng Iloilo B. kipot ng Biliran C. kipot ng San Juanico D. kipot ng San Bernardino
4. Anong anyong tubig ang mainit-init na matatagpuan sa Laguna? A. ilog B. lawa C. look D. bukal 5. Alin ang anyong tubig? A. look B. bundok C. kapatagan D. karagatan TANDAAN MO Ang mga anyong tubig ay binubuo ng dagat, golpo, lawa, look, ilog, talon, sapa o batis. Ito ay may malaking naitutulong sa pinagkukunan ng lakas at enerhiya. ISAPUSO MOBiyaya ng Panginoon ang magagandang tanawin sa bansa kaya dapat natin itong mahalin atpagyamanin. Ang mga ito ay tumutugon sa mga pangangailangan ng tao kaya dapat magingmaayos ang paggamit sa mga ito.
GAWIN MOPunan ng datos ang “grapic organizer” na ito. Ibigay ang mga lugar kung saan matatagpuan ang mga anyong tubig na nakatala sagrapiko. MGA ANYONG TUBIG SA PILIPINAS Look Dagat Karagatan Talon1. _________ 1. _________ 1. _________ 1. _________2. _________ 2. _________ 2. _________ 2. _________ Lawa Kipot Ilog1. _________ 1. _________ 1. _________2. _________ 2. _________ 2. _________
PAGTATAYAItambal ang Hanay A sa Hanay B. Isulat ang titik ng wastong sagot sa patlang. HANAY A HANAY B1. Anyong tubig na napapaligiran ng lupa A. ilog2. Pinakamahusay na daungan sa Dulong B. look ng Maynila C. kipot Silangan D. lawa3. Tubig na umaagos mula sa mataas na lugar E. dagat F. talon tulad ng bundok4. Mababa at paliku-likong anyong tubig na tumutuloy sa dagat5. Isang makipot na anyong tubig na nagdurugtong sa dalawang malalaking anyong tubig PAGPAPAYAMANG GAWAINSumulat ng isang maikling talata tungkol sa inyong pamayanan. Ilarawan angkinalalagyan ng mga anyong tubig sa kapaligiran ninyo at ibigay kung ano angnaitutulong sa bansa. Maaari mo na ngayong simulan ang susunod na modyul.
GRADE VI TOPOGRAPIYA NG PILIPINAS: ANYONG LUPA, YAMAN NG BANSA ALAMIN MOPagmasdan mo ang larawan. Ano-ano ang mga nakikita mo sa larawan? Saan-saang lugar mo nakita ang mga larawang ito? May pagkakaiba sa anyo ang kapaligiran ng bansa. Mapapansin mo sa mga larawan na may mga pook na higit na mataas kaysa iba. May mga pook na patag at tumpok-tumpok sa mga burol. Ang kabuuang larawan ng Pilipinas ay binubuo ng anyong lupa. Ito ay tinatawag na topograpiya ng bansa. Sa modyul na ito matututuhan mo ang iba’t ibang anyong lupa na nagdudulot ng malaking bagay/pag-unlad sa kabuhayan ng bansa. Game ka na ba?
PAGBALIK-ARALAN MONapag-aralan mo na ang mga likas na yaman. Suriin mo ang iba’t ibang likas-yaman nanakasulat sa ibaba. Punan mo ang tsart sa pamamagitan ng pagtala nito sa tamang pangkat.1. ginto troso pilak apog2. bangus mais palay niyog3. molave kamagong nara ipil-ipil4. korales pandaca pygmea chromite5. bundok karagatan burol bulkanYamang-Lupa Yamang-Tubig Yamang-Mineral
PAG-ARALAN MOPagmasdan mo ang larawan. Ito ang kapatagan ng Pilipinas sa Gitnang Luzon, mataba ang lupang pansakahan dito kaya tinaguriang “Bangan ng Bigas” ang pook na ito. Dito nanggagaling ang malaking bahagi ng bigas na panustos sa bansa. Nang pumutok ang Bulkang Pinatubo naapektuhan nang husto ang mga lupang pansakahan tulad ng lalawigan ng Pampanga, Zambales at Tarlac. Hanggang sa kasalukuyan nadarama pa rin nila ang epekto nito sa kanilang kabuhayan. Bukod sa pansakahan, ang malaking pagawaan at industriya ay nasa kapatagan. Ang lupain ng bansa ay pinangangalagaan at pinangangasiwaan dahil sa yamang lupa nito na maaaring makatugon sa pangangailangan ng bansa. Saan matatagpuan ang matabang lupang pansakahan na tinaguriang “Bangan ng Bigas” sa Pilipinas? Anong nangyari sa Gitnang Luzon na nakaapekto sa kabuhayan ng mga taong naninirahan doon?
Ang Luzon ay pinakamalaking pulo ng Pilipinas. Iba-iba ang anyong lupa rito.Ang pinakamahabang hanay ng bundok na matatagpuan sa Pilipinas ay ang Sierra Madre.Nasasakop nito ang mga lalawigan ng Cagayan, Isabela, Nueva Viscaya, Nueva Ecija,Quirino, Aurora at Quezon. Ang pinakamataas na tuktok na nararating sa Sierra Madreay mga 2,000 metro mula sa pantay-dagat. Nakikita sa larawan ang mga bulkan na matatagpuan sa Zambales, Cordillera,Nueva Viscaya sa Timog Silangan.Pagmasdan mo ang Bulkang Pinatubo. Ito ay itinuring na bulkang patay na naging aktibonoong 1991. May taas itong 1,790 metro. Ito ay isa lamang sa mga halimbawa ng mgabulkan na malaking kapinsalaan ang naidulot sa kabuhayan ng bansa. Ano ang nangyari sa lupang sakahan ng mga taga Zambales, Pampanga at Tarlac? May natitira pa kayang ganda ng tanawin sa mga pook na nabanggit matapos pumutok ang Bulkang Pinatubo? Saan kayang lugar napatira ang mga tao sa lugar na ito?
May mga bundok din sa katimugang bahagi ng Bataan. Kabilang dito ang BundokSamat, Bundok Maraviles at Bundok Natib. Matatagpuan naman sa Nueva Viscaya angBundok Pulog na pinakamataas sa Luzon. Sa pagitan ng mga hanay ng bundok na itomakikita ang Lambak ng Cagayan. Ang Lambak na ito ay binubuo ng mga lalawigan ngCagayan, Isabela, Nueva Viscaya at Quirino. Sa Luzon matatagpuan ang pinakamalapadna kapatagan sa bansa – Ang Gitnang Luzon, na nasa gawing Silangan ng mga bundokng Zambales. Tingnan mo ang larawan ng Chocolate Hills sa ibaba. Hugis pabilog ang itaasnito. Ang Chocolate Hills na matatagpuan sa Carmen, Bohol ang pinakatanyag sa mgaburol sa Pilipinas. Kung tag-araw parang tumpok ng tsokolate ang mga ito, kayadinarayo ito ng turista. Bukod sa Bohol mayroon ding mga burol sa lalawigan ng Rizal, Batangas, Samarat Gitnang Luzon Ito naman ang larawan ng Lambak at Talampas.
Ang lambak ay isang patag na lupa sa pagitan ng dalawang bundok o kabundukan. Ang Talampas ay isang patag na lupa rin sa itaas ng bundok o bulubundukin. Samga talampas ng bansa, nangunguna ang Bukidnon. Matatagpuan sa Timog Silangang Luzon ang Bundok Makiling at BundokBanahaw. Makikita rin ang Bulkang Taal, ang pinakamaliit na bulkan sa daigdig, na isasa mga aktibong bulkan ng bansa. Nasa Timog Silangang bahagi rin ang Tangway. Mayroon itong bulkang gaya ngMayon (ang pinakamagandang bulkan sa Pilipinas), Isarog, Iriga at Bulusan. Alam mo ba na kahit nakapipinsala at mapanganib sa buhay at ari-arian, maramiring ibinibigay na kapakinabangang pangkabuhayan ang mga bulkan. Ang pagdayo ngmga turistang banyaga ay nangangahulugan ng pagpasok ng maraming dolyar saPilipinas. Ang mga putik na galing dito ay nagsisilbing pataba. Puro kapinsalaan lang ba ang idinudulot ng pagputok ng bulkan? Kung ikaw ay naninirahan sa isang lugar na malapit sa bulkan. Ano-ano ang nararapat mong gawin?May isa pa ring anyong lupa na may bahaging nakausli at napapaligiran ng tubig. Ito ayang Tangway. Pagmasdan mo ang larawan sa ibaba. Ang Zamboanga at Bicol ay mga tangway o peninsula samantalang nakarugtongang isang bahagi ng mga ito sa mga karatig-lalawigan, may mga bahagi ang mga ito nanapaliligiran ng tubig.
PAGSANAYAN MOBasahin ang sumusunod. Isulat ang titik ng tamang sagot.1. Saan matatagpuan ang matabang lupang pansakahan na tinaguriang “Bangan ng Bigas”? A. Timog B. Silangan C. Gitnang Luzon D. Kanlurang Visayas2. Saan matatagpuan ang Sierra Madre, ang pinakamahabang hanay ng bundok sa Pilipinas? A. Bohol B. Laguna C. Zambales D. Cagayan at Isabela3. Ang pangunahing katangian ng topograpiya ng Pilipinas ay ang pagiging mabundok nito. Bakit kaya ang Bundok Apo ay kilala sa lahat ng mga bundok sa bansa? A. ito ang pinakakalbong bundok sa bansa B. ito ang pinakamataas na bundok sa Pilipinas C. ito ang pinakamahabang bundok sa Pilipinas D. ito ang pinakamaganda sa lahat ng bundok sa bansa4. Ang mga di-aktibong bulkan ay kabilang din sa mga topograpiya ng bansa. Anong bulkan ang nagdala ng maraming pinsala sa mga tao sa Pampanga at Zambales at sa mga karatig bayan at gayon din sa Metro Manila? A. Bulkang Tao B. Bulkang Mayon C. Bulkang Kanlaon D. Bulkang Pinatubo5. Ano ang tawag sa isang patag na lupa sa pagitan ng dalawang bundok o kabundukan? A. burol B. lambak C. tangway D. talampas
TANDAAN MO Iba’t iba ang anyong lupa sa Pilipinas, may kapatagan, kabundukan, lambak, burol, bulkan, talampas, tangos at tangway.ISAPUSO MOAlin sa sumusunod ang iyong ginagawa? Lagyan ng tsek ang iyong sagot. Mga Gawi Ginagawa Di-ginagawa1. Naglalaro sa kapatagan2. Nagbabasa ng tungkol sa topograpiya ng Pilipinas3. Ipinagmamalaki ang magagandang tanawin sa bansa4. Nagtitipon ng mga larawan tungkol sa topograpiya ng bansa5. Gumagawa ng paraan upang mapanatili ang kalinisan at kaayusan ng ating anyong lupa
GAWIN MOSangguniin ang mapang pisikal ng Pilipinas sa ibaba. Magbigay ng halimbawa ng sumusunod: 1. ilog 2. lambak 3. bundok 4. kapatagan 5. burol o talampas
Search
Read the Text Version
- 1
- 2
- 3
- 4
- 5
- 6
- 7
- 8
- 9
- 10
- 11
- 12
- 13
- 14
- 15
- 16
- 17
- 18
- 19
- 20
- 21
- 22
- 23
- 24
- 25
- 26
- 27
- 28
- 29
- 30
- 31
- 32
- 33
- 34
- 35
- 36
- 37
- 38
- 39
- 40
- 41
- 42
- 43
- 44
- 45
- 46
- 47
- 48
- 49
- 50
- 51
- 52
- 53
- 54
- 55
- 56
- 57
- 58
- 59
- 60
- 61
- 62
- 63
- 64
- 65
- 66
- 67
- 68
- 69
- 70
- 71
- 72
- 73
- 74
- 75
- 76
- 77
- 78
- 79
- 80
- 81
- 82
- 83
- 84
- 85
- 86
- 87
- 88
- 89
- 90
- 91
- 92
- 93
- 94
- 95
- 96
- 97
- 98
- 99
- 100
- 101
- 102
- 103
- 104
- 105
- 106
- 107
- 108
- 109
- 110
- 111
- 112
- 113
- 114
- 115
- 116
- 117
- 118
- 119
- 120
- 121
- 122
- 123
- 124
- 125
- 126
- 127
- 128
- 129
- 130
- 131
- 132
- 133
- 134
- 135
- 136
- 137
- 138
- 139
- 140
- 141
- 142
- 143
- 144
- 145
- 146
- 147
- 148
- 149
- 150
- 151
- 152
- 153
- 154
- 155
- 156
- 157
- 158
- 159
- 160
- 161
- 162
- 163
- 164
- 165
- 166
- 167
- 168
- 169
- 170
- 171
- 172
- 173
- 174
- 175
- 176
- 177
- 178
- 179
- 180
- 181
- 182
- 183
- 184
- 185
- 186
- 187
- 188
- 189
- 190
- 191
- 192
- 193
- 194
- 195
- 196
- 197
- 198
- 199
- 200
- 201
- 202
- 203
- 204
- 205
- 206
- 207
- 208
- 209
- 210
- 211
- 212
- 213
- 214
- 215
- 216
- 217
- 218
- 219
- 220
- 221
- 222
- 223
- 224
- 225
- 226
- 227
- 228
- 229
- 230
- 231
- 232
- 233
- 234
- 235
- 236
- 237
- 238
- 239
- 240
- 241
- 242
- 243
- 244
- 245
- 246
- 247
- 248
- 249
- 250
- 251
- 252
- 253
- 254
- 255
- 256
- 257
- 258
- 259
- 260
- 261
- 262
- 263
- 264
- 265
- 266
- 267
- 268
- 269
- 270
- 271
- 272
- 273
- 274
- 275
- 276
- 277
- 278
- 279
- 280
- 281
- 282
- 283
- 284
- 285
- 286
- 287
- 288
- 289
- 290
- 291
- 292
- 293
- 294
- 295
- 296
- 297
- 298
- 299
- 300
- 301
- 302
- 303
- 304
- 305
- 306
- 307
- 308
- 309
- 310
- 311
- 312
- 313
- 314
- 315
- 316
- 317
- 318
- 319
- 320
- 321
- 322
- 323
- 324
- 325
- 326
- 327
- 328
- 329
- 330
- 331
- 332
- 333
- 334
- 335
- 336
- 337
- 338
- 339
- 340
- 341
- 342
- 343
- 344
- 345
- 346
- 347
- 348
- 349
- 350
- 351
- 352
- 353
- 354
- 355
- 356
- 357
- 358
- 359
- 360
- 361
- 362
- 363
- 364
- 365
- 366
- 367
- 368
- 369
- 370
- 371
- 372
- 373
- 374
- 375
- 376
- 377
- 378
- 379
- 380
- 381
- 382
- 383
- 384
- 385
- 386
- 387
- 388
- 389
- 390
- 391
- 392
- 393
- 394
- 395
- 396
- 397
- 398
- 399
- 400
- 401
- 402
- 403
- 404
- 405
- 406
- 407
- 408
- 409
- 410
- 411
- 412
- 413
- 414
- 415
- 416
- 417
- 418
- 419
- 420
- 421
- 422
- 423
- 424
- 425