Important Announcement
PubHTML5 Scheduled Server Maintenance on (GMT) Sunday, June 26th, 2:00 am - 8:00 am.
PubHTML5 site will be inoperative during the times indicated!

Home Explore HEKASI VI

HEKASI VI

Published by Palawan BlogOn, 2015-09-21 03:28:09

Description: HEKASI VI

Search

Read the Text Version

PAG-ARALAN MOAno-ano ang uri ng ? Iba’t ibang Ano ang uri ngpamahalaan sa bawat uri ng kapangyarihangbansa? pamahalaan ipinapatupad sa bawat bansa?Kanino nagmumula  Katangian ngang kapangyarihan ng bawat uri ng Sino ang nagpapasyapamahalaan ng pamahalaan ng pamamahala sabansang Pilipinas? kani-kanilang batas?A. Pag-aralan ang talaan 1 ISA GRUPO O PANGKAT MARAMIMonarkiya Aristokrasya/ Oligarkiya DemokrasyaIpinakikita sa talaang ito ang uri ng pamahalaan ayon sa bilang ng namumuno.

B. Tingnan at suriin ang talaan 2 MAKADEMOKRATIKO DI-MAKADEMOKRATIKODemokrasya Awtoritaryan/ TotalitaryanSa talaang ito masusuri ang pamahalaang makademokratiko.C. Suriin ang talaan 3Uri ng Pamahalaan Katangian Monarkiya  Ang kapangyarihan ay madaling abusuhin dahil maaaring kapakanan ng sarili o pamilya ang isulong ng namumuno.  Ang kapangyarihang mamuno ay nasa kamay ng isang tao, gaya ng hari, reyna, emperador, o emperatris  Ang kapangyarihang mamuno ay naipamamana sa miyembro ng pamilya, kadalasa’y ang unang anak na lalaki ang pinuno.Awtokrasya  Nasa grupo ng elitista o mga taong nasa mataas na antas ng lipunan ang kapangyarihang mamuno. Maaring mauwi ito sa oligarkiya.  Tinatawag ding aristokrata ang namumuno sa ganitong uri ng pamahalaan.

Demokratiko  Kinakatawan ang bawat mamamayan.  Maaaring manggaling sa anumang antas ng lipunan ang mamumuno.  Nakabatay ito sa prinsipyo ng pagkakapantay-pantay.  Malaki ang papel ng masa sa pagluklok at pagpapatalsik sa kapangyarihan na namumuno sa pamamagitan ng pagboto.  Kinikilala ang pamantayang mayorya.  Iginagalang ang minorya.  Pamahalaan ito ng mamamayan, binubuo ng mamamayan, at para sa mamamayan.Awtoritaryan  Walang demokrasya.  Ang namumuno ay elitistang grupo, na gumagamit ng puwersa upang manatili sa kapangyarihan.  May kapangyarihan ang pamunuan sa maraming aspekto ng buhay ng mga mamamayan.Totalitaryan  Kontrolado ng pamahalaan ang lahat ng aspekto ng pampulitika at pang- ekonomiyang gawain ng mga mamamayan  Ang pinuno ay tinatawag na diktador.  Walang demokrasya.  Ang pamahalaan ay kontrolado ng isang partidong pulitikal, gaya ng partido ng Nazi o partido komunista, na pinamumunuan naman ng isang maliit na pangkat, gaya ng politburo o komiteng sentral. Ipinakikita sa talaang ito ang mga uri ng pamahalaan at katangian ng bawat isa.Alam mo na ngayon ang iba’t ibang uri ng pamahalaan batay sa dami ng bilang ng mganamumuno, makademokratiko man o hindi. Sa tingin mo angkop ba sa Pilipinas ang uri ngpamahalaang umiiral? Kung ikaw ay papipiliin, ano ang pinakamainam na uri ng pamahalaan atbakit?

PAGSANAYAN MONabasa mo na nang maayos ang iba’t ibang uri ng pamahalaan? Masasagot mo na ba ang mgakatanungan sa ibaba? Gawin ito sa iyong kuwadernong sagutan. ______1. Anong uri ng pamahalaan na ang kapangyarihan ay nasa kamay ng mga mamamayan? A. demokratiko B. monarkiya C. diktatoryal D. aristokrasya ______2. Anong uri ng pamahalaan na ang ganap na kapangyarihan ay hawak ng isang tao lamang at kontrolado niya ang tatlong sangay ng pamahalaan? A. totalitaryan B. awtoritaryan C. aristokrasya D. demokratiko ______3. Ang kapangyarihan ay madaling abusuhin dahil maaaring kapakanan ng sarili o pamilya ang isinusulong ng namumuno. Nasa anong uri ng pamahalaan ito? A. aristokrasya B. demokratiko C. monarkiya D. totalitaryan ______4. Sino ang kahalili sa pamahalaang monarkiya kapag namatay ang namumuno rito? A. pangulo B. pangalawang pangulo C. sinumang inihalal ng mga mamamayan D. pinakamatandang anak na lalaki ng hari ______5. Bakit nagkakaiba-iba ang uri ng pamahalaan? A. dahil sa heograpiya ng bansa B. dahil sa yaman ng isang bansa C. dahil sa desisyon ng mga mamamayan ng bansa D. dahil sa pinanggagalingan ng kapangyarihan ng namumuno rito. Magaling, mahusay kang mag-aaral!

TANDAAN MO May iba’t ibang uri ng pamahalaan batay sa pinagmulan ng kanilang kapangyarihan.ISAPUSO MOBasahin ang tseklis. Lagyan ng tsek () ang hanay ng naaayon sa iyong sagot.Mga Damdamin/Gawain Oo Paminsan - Hindi Minsan1. Ikinagagalak ko ang pagkakaroon ng demokratikong uri ng pamahalaan.2. Iginagalang ko ang pasya ng nakararami.3. Kinikilala ko ang mga namumuno sa amin.4. Tumutulong ako sa pagpapanatili ng katahimikan ng bansa.5. Nasisiyahan ako sa pamamalakad ng pamahalaan.

GAWIN MOSa bawat loob ng kahon ay nakalagay ang mga uri ng pamahalaan. Tukuyin mo kung anong uring pamahalaan ang isinasaad ng bawat pangungusap. Isulat mo ang bilang sa angkop na kahon.Monarkiya Demokrasya Aristokrasya Totalitaryan1. Naisasalin ang naturang kapangyarihan ng pamamahala lalo na sa kamag-anak.2. Lubos ang kontrol ng pamahalaan sa buhay at ari-arian ng mga nasasakupan.3. Karaniwang diktador ang tawag sa namumuno nito.4. Isang tao ang may kapangyarihan na kung tawagin ay reyna, emperador, hari, sultan at ang bansa ay tinatawag na kaharian.5. Mahalaga ang pamantayang mayorya at iginagalang ang bansa ng minorya.6. Ang kapangyarihan ay nanggaling sa masa.7. Ang namumuno ay maaaring manggaling sa anumang antas ng lipunan.8. Walang demokrasya sa bansang ito dahil ang umiiral ay ang mga batas at kautusan na ipinatutupad ng namumunong elitistang grupo.9. Madali itong mauuwi sa oligarkiya at nagiging oligarko ang mga may kapangyarihan.10. Karaniwa’y diktador ang tawag sa namumuno rito.Buuin mo ang tsart sa ibaba. Pinuno Paraan ng Pamamahala Uri ng Pamahalaan1. demokratiko2. monarkiya3. totalitaryan4. aristokrasya5. awtoritaryan

PAGTATAYA Isulat ang D kung ang pahayag ay nauukol sa Demokratiko M kung Monarkiya T kungTotalitaryan at P kung sa Parliyamentarya. _______1. Ang pinuno at opisyal ay inihahalal ng mga mamamayan. _______2. Hari o Reyna ang pinanggalingan ng kapangyarihan. _______3. Mahalaga ang kalayaan at karapatan ng tao. _______4. Walang maaaring sumalungat sa desisyon ng pinuno. _______5. Ang punong ministro at ang kanyang gabinete ang namamalakad sa pamahalaan. PAGPAPAYAMANG GAWAIN Gumamit ng Ensayklopedia. Magsaliksik ng mga bansa na ang sistema ng pamahalaan ay nasa sumusunod: 1. Totalitaryan 2. Demokrasya 3. Monarkiya 4. Aristokrasya 5. Parlamentarya Maaari mo na ngayong simulan ang susunod na modyul.

GRADE VISANGAY NG PAMAHALAAN: KARAMAY NG BAYAN ALAMIN MO Ano ang ipinakikita sa tanghalan? Sa iyong palagay, sino ang nagbigay na ng tulong sa taong bayan? Ang nilalaman ng modyul na ito ang magbibigay ng malawak na impormasyon sa iyo kung paano ang ating sangay ng pamahalaan ay nagiging karamay ng ating lipunan higit sa lahat ng mga Pilipino.

PAGBALIK-ARALAN MOKilalanin mo kung anong uri ng pamahalaan ang isinasaad sa pangungusap. Nakasulat sa kahonsa ibaba ang mga pagpipiliang uri ng pamahalaan.1. Ang mga tao ang naghalal ng taong kakatawan sa kanila.2. Ang pamumuno ay minamana.3. Nakasalalay sa isang pangkat lamang ng tao ang kapangyarihan nito.4. Isang uri ng pamahalaan na kung saan ang kapangyarihan ay nanggaling sa iisang tao lamang.5. May karapatan ang mga taong tumutol o sumalungat sa pamahalaan.Demokratiko OligarkiyaMonarkiya AristokrasyaParliyamentarya TotalitaryanDiktador PAG-ARALAN MOPag-aralan ang larawan.PROYEKTONG PABAHAY

Tulungan po ninyo ako Diyos ko. Sana mabigyan ako ng hustisya. Marami ang naitutulong ng mga sangay ngpamahalaan natin. Ginagawa nila kaagad angkalutasan ng problema upang matulungan ang mgatao. Nagpapatayo ng maraming bahay ang panguloat binigyan ng kaluwagan sa trabaho angmamamayan. Maliban dito pinapanatili rin nilaang kaayusan at katahimikan ng bansa.

Anong mga bagay ang ginagawa ng bawat sangay ng pamahalaan sa taong bayan batay saisinasaad ng “Komik Istrip”?Bilang karagdagan sa iyong kaalaman tingnan mo ang sistema ng pamamahala ng tatlong sangayng pamahalaan Mga Sangay ng PamahalaanTagapagpaganap Tagapagbatas Tagahukom1. Pangulo ang may 1. Ang 1. Nagbibigay kontrol kapangyarihang kahulugan sa tagapagbatas ay sa Saligang Batas2. Humirang at mag- Kongreso ng tiwala sa tungkulin Pilipinas. 2. Liwanagin at isakatuparan ang3. Makipagkontrata o 2. Gumawa ng mga ipinag-uutos ng gumarantiya sa batas, magbago at batas. utang sa labas magpawalang bisa sa mga ito. 3. Dumidinig at4. Nagpapatupad ng lumulutas ng mga batas 3. Imbestigahan ang hidwaang may mga bagay na kinalaman sa5. Maghanap ng pampubliko karapatan at Pambansang tungkol sa gawain tungkulin ng mga Badyet sa ng pamahalaan. mamamayan. Kongreso ng Pilipinas. 4. Magpatunay, magpatotoo at magbilang ng boto para sa pangulo.

PAGSANAYAN MOBasahin at piliin ang titik ng tamang sagot. 1. Ilan ang sangay ng pamahalaan? A. 4 B. 3 C. 2 D. 5 2. Sino ang pinuno ng tagapagpaganap? A. hukom B. senado C. pangulo D. pangalawang pangulo 3. Bakit mahalaga ang Kataas-taasang Hukuman? A. para yumaman ang kasapi nito B. nag-apruba ng taunang badyet ng pamahalaan C. para maparusahan ang gusto nilang maparusahan D. para maiwasan ang pagmamalabis at pagkakamali ng nasa mababang hukuman 4. Ang sangay ng pamahalaan na nagpapatupad ng mga batas upang mapangalagaan ang mga karapatan, buhay at ari-arian ng mga mamamayan ay ang A. batasan B. konseho C. hudikatura D. panguluhan 5. Bakit sinasabing malaya ang mga hukuman sa Pilipinas? A. nabibili ang kanilang mga desisyon B. pinapanigan nila ang mga mahihirap C. pinapanigan nila ang mg mayayaman D. walang pinapanigan ang kanilang mga desisyon

TANDAAN MO  May iba’t ibang tungkulin ang sangay ng pamahalaan. ISAPUSO MONagkagulo sa inyong pamayanan. Naroon ka at nasaksihan ang simula ng kaguluhan. Kitang-kita mo ang mga taong gumagawa ng away. Ano ang magagawa mo upang makatulong ka sakaayusan ng pagtatalo at upang maiwasan ang alitan? Magbigay ng maikling paliwanag sasagutang papel. __________________________________________________________ _____________________________________________________________ _____________________________________________________________ _____________________________________________________________ GAWIN MOPunan mo ng sagot ang grapiko sa iyong kuwadernong sagutan. Itala ang tatlong sangay ngpamahalaan at ang tungkulin nito sa bilog.

Pamahalaan ng Pilipinas Mga TungkulinPAGTATAYAIsulat mo kung anong sangay ng pamahalaan ang tinutukoy._______1. May kapangyarihang gumawa ng mga batas._______2. Nakasalalay ang kapangyarihang dinggin at lutasin ang mga suliraning may kaugnayan sa pagpapatupad ng batas._______3. Nagpapatupad ng batas upang mapangalagaan ang mga mamamayan._______4. Dinidinig at nilulutas ang mga hidwaan sa pagitan ng mga mamamayang pribado at pampubliko._______5. Kapangyarihang gumawa, bumuo at magtibay ng mabibisa at legal na mga batas.

PAGPAPAYAMANG GAWAINMagsaliksik tungkol sumusunod:A. Mga senador sa kasalukuyanB. Pangalan ng mga hukom sa kataas-taasang Hukuman ng Pilipinas Maaari mo na ngayong simulan ang susunod na modyul.

GRADE VIGAWAIN NG PAMAHALAAN: TUGON SA PANGANGAILANGAN NG MAMAMAYAN ALAMIN MO Ano ang nakikita mo sa larawan? Anu-ano ang ginagawa ng mga taong nasa larawan? Magiging maayos ba ang pamumuhay ng mga Pilipino kung palaging ganito ang pamamalakad ng pamahalaan para sa mga mamamayan? Sa modyul na ito malalaman mo na ang mga tuntunin at gawaing pinaglilingkuran ng pamahalaan para sa taong bayan.

PAGBALIK-ARALAN MOSa nakaraang leksyon natutuhan mo ang kahalagahan ng Pamahalaan. Susubukin ko ang iyongkakayahan sa iyong mga napag-aralan sa pagsagot ng sumusunod na katanungan.Basahin mo ang mga tanong at isulat ang titik ng tamang sagot. 1. Ano ang dapat gawin upang umunlad ang ating bansa? A. maging masipag B. maging palautang C. maging mareklamo D. maging mapagmatyag 2. Bakit tayo may Hukbong Sandatahan ng Pilipinas? A. upang mangalaga sa mga “drug lords” B. upang mangalaga sa kalusugan ng tao C. upang mangalaga sa transportasyon ng bansa D. upang mangalaga sa katahimikan at kaayusan ng buong bansa 3. Bakit may ugnayang diplomatiko tayo sa ibang bansa? A. upang hindi nila tayo sakupin B. upang maging tahimik sa ating bansa C. upang mapahina ang kabuhayan ng bansa D. upang magkaroon tayo ng pakikipagkasunduan sa larangang pangkabuhayan, pampulitika at pangkapayapaan 4. Bakit kailangang ipatupad ng pamahalaan ang mga batas sa paggawa? A. upang magtalo-talo ang mga tao B. upang maging tama ang ginagawa ng mga tao C. upang magkaroon ng trabaho lahat ng mga tao D. upang mapangalagaan ang mga karapatan sa trabaho ng mga tao 5. Alin sa sumusunod ang hindi naibibigay na kabutihan ng mga batas sa paggawa? A. naibibigay ang minimum wage ng mga manggagawa B. mapangalagaan ang kanilang benepisyo sa SSS o GSIS C. nabibigyan ng benepisyong makapag-abroad nang madalas D. napangangalagaan ang kanilang oras at takdang bilang ng mga paglilingkod at pagtatrabaho

PAG-ARALAN MOPanseguridadTagapagpatupad (Ehekutibo) Kagalingang PanlipunanKagalingang Pang-ekonomiyaPAMAHALAANTagagawa Tagapagpatupadng ngBatas Batas(Legislatibo) (Hudikatura)Katarungang Panlipunan Ipinakikita sa dayagram na ito ang mga pangunahin at iba’t ibang gawain ngpamahalaan.Ang tatlong ito ay kumakatawan sa tatlong sangay ng pamahalaan na mapag-aaralanninyo sa susunod na mga aralin. Ang ilan pang gawain na iyong nakikita sa dayagram ayang mas tiyak na serbisyo na ipinakakaloob ng pamahalaan sa mga mamamayan.

Tingnan at pag-aralan ang talaan. Mga Ilan sa Ahensya ng Pamahalaan at mga Gawain Nito Ahensya Akronim Mga Gawain/HalimbawaKagawaran ng Edukasyon DepEd Pagbibigay ng edukasyon sa mgaKagawaran ng Tanggulang DND kabataan mula elementarya hanggangBansa DOJ haiskul.Kagawaran ng Katarungan DOH Halimbawa: Pampublikong Paaralan, DENR Paaralang Elementarya ng Makati,Kagawaran ng Kalusugan Mataas na Paaralang Tandang Sora DOLEKagawaran ng Kapaligiran at Pangangalaga ng kaligtasan ng bansaLikas na Yaman laban sa terorismo, panlabas at panloob na banta/smuggling.Kagawaran ng Paggawa atEmpleo Pagprotekta sa karapatan ng bawat isa sa lipunan Halimbawa: pagsasampa ng kaso laban sa mga tiwaling opisyal ng gobyerno. Pangangalaga sa kalusugan ng bawat isa sa lipunan. Halimbawa: pagkakaroon ng sentrong pangkalusugan at pampublikong ospital. Pagsagip para sa kaligtasan at preserbasyon ng kalikasan. Halimbawa: pagtatanim ng punongkahoy, pagbabawal sa pagputol ng punongkahoy nang walang permit pagbabawal sa pangunguha o panghuhuli sa mga papaubos ng lahi ng mga hayop. Pagbibigay ng pagkakataon sa pagtatrabaho sa loob at labas ng bansa at pagprotekta sa karapatan ng bawat manggagawa. Halimbawa: pakikipag-ugnayan sa iba’t ibang ahensya pribado man o pampubliko na may kinalaman sa paggawa sa lokal, nasyonal o pang- ibayong dagat.

PAGSANAYAN MOBasahin at bilugan ang titik ng tamang sagot. 1. Ano ang layunin ng ating pamahalaan para sa mamamayang Pilipino? A. para sa ating kabutihan at kaunlaran B. para maging bahagi tayo ng kanilang gawain C. upang matiwasay at payapa ang ating bansa D. upang magkaroon tayo ng sapat na kabuhayan 2. Agad na sinusuri ng kaukulang ahensya ang mga dayuhang mandaragat na natatanaw na nangingisda sa loob ng hangganan ng teritoryo ng Pilipinas. A. seguridad B. kagalingang panlipunan C. kabutihang pampamilya D. kaunlarang pang-ekonomiya 3. Pinapatnubayan at sinusuri ng pamahalaan ang kalagayan ng pagtaas ng dolyar upang hindi ito gaanong makaapekto sa ating kabuhayan. A. kagalingang panlipunan B. katarungan panlipunan C. kabutihang pangkalusugan D. kaunlarang pang-ekonomiya 4. Marami nang naitayong mga pampublikong pagamutan at paaralan sa bansa. A. seguridad B. katarungang panlipunan C. kagalingang panlipunan D. kaayusang pangkapayapaan 5. Ano-ano ang nagtutulungan upang lubos na matugunan ang ating mga pangangailangan? A. mga ospital B. mga tindahan C. mga pamilihan at paaralan D. mga ahesiya ng pamahalaan

TANDAAN MO  Maraming paraang ginawa ang pamahalaan para sa kabuhayan at kaligtasan ng tao sa bansa  Nagkaroon ng ahensya ng pamahalaan upang makatiyak sa serbisyo nito sa pagtugon sa pangangailangan ng mamamayan. ISAPUSO MOSa mga programang inilaan ng pamahalaan para sa kapakanan ng bayan at sa mga ahensyangtumutulong sa pagtugon sa pangangailangan ng mamamayan dapat tayong magtulungan atmakiisa upang matamasa ang kaunlaran at kapayapaan ng bansa. GAWIN MOBasahin ang talata sa loob ng kahon. Sagutin ang tanong pagkatapos nito. Gawain ng pamahalaan ang gumawa ng batas, magpatupad ng batas at bigyan ng pagpapakahulugan ito. Hindi lamang ito ang dapat gampanan ng pamahalaan. Binibigyang pansin din nito ang iba pang gawain na ang ilan ay iniatas pa ng Saligang Batas. Halimbawa nito ay gawaing panseguridad, kaayusang panlipunan at pang- ekonomiya at katarungang panlipunan. Sa panseguridad sinisikap ng pamahalaan na ang bawat mamamayan nito ay ligtas sa anumang kapahamakan. Tinutulungan ng pamahalaan ang pangangailangan ng mamamayan katulad ng nasalanta ng mga kalamidad, bagyo, pagbaha, lindol at pagputok ng bulkan at iba pang sakunang dulot ng kalikasan at gawa ng tao. Sa kagalingang panlipunan, may pabahay na inaalok ang pamahalaan sa abot kayang halaga para sa mga iskwater sa kalunsuran. Ang proyektong pangkabuhayan ang nauuna sa mga listahan upang makapagtrabaho nang maayos sa pamilya at sa bansa. Sa katarungang panlipunan may programa ang pamahalaan upang mabigyan ng proteksyon ang karapatan ng biktima at akusado. Ang isang halimbawa nito ay ang Witness Protection/Department of Justice na nagbigay seguridad sa mamamayang testigo laban sa akusado sa pagkakasalang kriminal.

Anong serbisyo ang ipinakita ng pamahalaan para sa seguridad ng bansa natin?Ano-ano ang kagalingang panlipunan ang ginagawa na mga ito?Ano naman ang katarungang panlipunan? Malaki ba ang naitulong nito sabansa? PAGTATAYA Isulat ang ahensyang tumutugon sa mga pangangailangan ng sumusunod na sitwasyon:Piliin ang ahensya sa kahon sa ibaba.Piliin ang sagot na nasa kahon. 1. Ibig makapag-aral ni Bino na isang matalinong mag-aaral sa kolehiyo ngunit walang maitustos ang kanyang pamilya. ______________________________________ 2. Suliranin ni Mang Jose ang lubhang pagkatuyo ng kanyang mga pananim. ______________________________________ 3. Pinangangalagaan nito ang maayos at wastong paggamit ng ating likas na yaman. ______________________________________ 4. Tinutulungan nito ang mga manggagawa ukol sa wastong pamamalakad ng kani- kanilang pinagtatrabahuhan. ______________________________________ 5. Nag-uutos sa mga pagamutang pampubliko na magbigay ng libreng gamot, bakuna at payo sa mahihirap. ______________________________________Kagawaran ng Edukasyon Kagawaran ng Gawaing Pampubliko atKagawaran ng Tanggulang Bansa PanlansanganKagawaran ng Katarungan Kagawaran ng Paggawa at Pag-Kagawaran ng Kalusugan eempleoKagawaran ng Kapaligiran at Likas naYaman

PAGPAPAYAMANG GAWAINGumawa ng pananalisik. Alamin ang napapanahong programa na inilunsad ngpamahalaan sa pamamagitan ng mga ahesya nito. Maaring gumawa ng poster at kulayanito. Maaari mo na ngayong simulan ang susunod na modyul.

GRADE VITAPAT NA PAGLILINGKOD: NAGBUBUKLOD SA MGA PILIPINO ALAMIN MO Ikaw, ano ang nais mo sa iyong paglaki? Nakikita mo ba sa larawan ang iyong sarili? Ang iyong pamilya? o mga lider ng iba’t ibang sektor ng lipunan? Kung ikaw ay bibigyan ng pagkakataon, sino sa mga nasa larawan ang nais mong makatulad? Nagpapatunay lamang na lahat tayo ay may mga pangarap o mithiin sa buhay na siyang nagiging gabay natin sa pagkakaroon ng tahimik at maayos na pamumuhay. Sa araling ito, ikaw ay bibigyan ng pagkakataon na makilala ang ilang taong magiging gabay mo sa iyong paglilingkod o paghahanapbuhay. Simulan natin ang aralin.

PAGBALIK-ARALAN MO Iguhit ang bandila (  )kung sang-ayon ka sa ipinahahayag ng pangungusap at ekis ()kung hindi ka sang-ayon. Isulat sa iyong kwadernong sagutan ang katwiran ng pagsang-ayon atdi-pagsang-ayon sa mga nakalahad sa bawat bilang. 1. Ang mayayaman ay mas pinapanigan ng batas. 2. Ang mahihirap ay hindi dapat magbayad ng buwis. 3. Walang maasahang tulong sa pamahalaan ang mahihirap. 4. Lahat ng tao ay pantay-pantay sa kalikasan at sa harap ng batas. 5. May pagkakataon ang bawat mamamayang mapaunlad ang sarili. 6. Ang may kapansanan ay may pagkakataong makapamuhay nang produktibo. 7. Lahat ng tao ay may karapatang ipagtanggol ang kanilang sarili sa hukuman. 8. Anak mayaman lang ang may karapatang mag-aral sa mga pribadong paaralan. 9. Ang mga tao ay may karapatang magmamay-ari ng lupa at bahay para sa kanilang mag-anak. 10. Magkakatulad ang tinatamasang karapatan at kalayaan ng mahihirap at mayayaman.

PAG-ARALAN MO Ako’y natutuwa at naging matagumpay ang inyongMagandang umaga Po pamumuhay. PaanoMam. Nasisiyahan po naman kayo naglilingkodkami at muli namin sa inyong kapwa?kayong nakapiling.Ako po ay isang abugado sa Isang kawani naman po ako saating hukuman. Maginoo, ating pamahalaan. Tinatapos kowalang kinikilingan, ang aking gawain sa takdang orasmakatarungan at matapat. at hindi ko ipinagpapabukas pa.

Barangay Chairman naman Ako naman po ay isang inhinyero sa isang sangay ngpo ako. Palakaibigan, sa ating pamahalaan. Ako po aytuwina’y dumadalaw sa nangangasiwa sa pagpapagawa ng mga proyektongpamayanan at naglilingkod imprastraktura sa bansa.sa taong bayan.Pinuno naman ako ng isang Isang guro rin po ako sa pam-ahensya ng pamahalaan. publikong paaralan. Tulad ninyoIsinasaalang-alang ko ang matapat ko pong tinuturuan atkapakanan ng nakararami at ginagabayan ang aking mgahindi ang kapakinabangan ko. mag-aaral.

o kayong dalawa ano naman ang inyong ginagawa? Ako po ay isang pari at siya ay madre… kapwa naglilingkod sa mga tao, pinuno o kawani man ng pamahalaan o pribadong tanggapan.Nakilala mo na ba ang mga kawani o pinuno ng pamahalaan? Sino sa kanila angnais mong tularan? Bakit?Sa palagay mo, mayroon pa kayang mga taong tulad nila?Ikaw sa iyong paglaki, paano mo paglilingkuran ang bayan mo?

Gumuhit ka ng iyong picture frame tulad ng nakalarawan. Dito mo itala ang iyong mga sagot.`  Gusto mo pa bang makakilala pa ng maaaring maging huwarang kawani o pinuno ng pamahalaan? Kung ganoon, basahin mo ang lathalain sa loob ng kahon. Lunes, Ika-24 ng Hunyo, Ika-6:00 ng umaga Lubhang napakalakas ng ulan nang nagdaang gabi, at patuloy pa rin ang pagbuhos ng ulan ngayong umaga. Ang dating low pressure ay ganap nang naging bagyo, si Bining. Sa lakas ng buhos ng ulan, kabi-kabila ang baha. Tunay ngang malaking pinsala ang nagawa ng bagyo sa mga tao at bayan. Sa gitna ng mga pangyayaring ito, nandoon si Mayor Jose Bautista ng bayang Malasique na nagsisimulang magbigay ng tulong sa mga nasalanta ng bagyo. Sunud-sunod ang pagdating ng mga tulong na pagkain, gamot, damit at iba pang pangangailangan na ipinagkatiwala kay Meyor. Dumating ang maraming volunteer na nakiisa at nakilahok sa kanyang mithiin, ang tapat na pagsasakatuparan ng kaniyang tungkulin sa sambayanan. Samantala sa Barrio Mapayapa ay tulog na tulog ang Alkalde sapagkat malamig ang simoy ng hangin. Ang taong bayan ay sunud-sunod na dumarating at humihingi ng tulong dahil nasira ng bagyo ang kanilang mga pananim at tirahan pero sila ay umuwing malungkot. Naunawaan mo ba ang nilalaman ng iyong binasa? Anong mga katangian ng pinuno mayroon ang dalawang mayor? Sa palagay mo, sino sa kanila ang naglilingkod nang tapat? Makikita pa rin ba natin ang mga ito sa panahon ngayon?

Sa inyong lugar, ganito rin ba ang inyong pinuno? Kung ikaw ay magiging isang pinuno o kawani ng pamahalaan, paano ka maglilingkod?Subukin mo namang tumulong sa pagpili ng isang matapat na kawani o pinuno ng pamahalaanupang sila ay maparangalan. Dugtungan mo ng angkop na katangiang nasa ibaba ng bawatpangungusap. BAHAY PAMAHALAAN ANG MATAPAT NA KAWANI AT PINUNO AY:  Tinatapos ang gawain sa ______________________ (mahabang oras, takdang oras)  Isinasaalang-alang ang kapakanan ng __________ (kakaunti, nakararami)  _____________ang pagtupad sa tungkulin (Pinagbubuti, Pinagtatagal)  Gumagawa ng ____________sa paglilingkod sa pamahalaan. (kabutihan, katiwalian)  _____________sa pagsasakatuparan ng tungkulin. (mahusay, mapagsamantala)  Nakatutulong sa _____________ng mga mamamayan. (paghihiwalay, pagkakabuklod)Tapos ka na ba sa iyong pagsagot? Magaling. Sagutin mo naman ang pagsasanay sa iyongkwaderno.

PAGSANAYAN MO Iguhit mo ang medalya () kung nagsasaad ng kahalagahan ng matapat na paglilingkodng mga pinuno at kawani ng pamahalaan at bulaklak () kung hindi. 1. Nagbabayad ng tamang buwis. 2. Magiliw sa mamamayang kausap. 3. Namimili ng boto tuwing eleksiyon. 4. Walang sinasayang na oras sa trabaho. 5. Pinagtatakpan ang maling gawa ng kasama. 6. Pinararangalan ang matapat na paglilingkod. 7. Maluwag sa kalooban ang pagtanggap ng puna. 8. Ginagampanan ang tungkulin sa abot ng makakaya. 9. Pumapasok nang maaga sa trabaho at gumagawa agad. 10. Laging may ngiti sa labi sa pagsalubong sa mga taong kaharap. TANDAAN MO  Ang pagiging tapat sa paglilingkod ng mga kawani at pinuno ng pamahalaan ay makatutulong sa pagkakabuklod ng mga Pilipino.

ISAPUSO MOA. Ito ay “bilog” ng paglilingkod sa kapwa. Nasa gitna ka dahil bilang munting mamamayan may mahalaga kang tungkulin sa bansa. Itala ang maari mong magagawang paglilingkod sa bayan gamit ang mga patlang katapat ng bilog. Bansa Pamilya:Pamayanan ________________________ ________________________ Paaralan ________________________ Pamilya Paaralan: Ako ________________________ ________________________ ________________________ Pamayanan: ________________________ ________________________ ________________________ Bansa: ________________________ ________________________ ________________________B. Makipanayam sa iyong kasambahay. Tanungin mo sila sa kanilang paglilingkod. Pag- usapan kung bakit kayo nagkakapareho o nagkakaiba? Ano ang natuklasan mo sa iyong sarili at sa iyong kasambahay?

GAWIN MO Iguhit sa loob ng bilog ang mukhang angkop sa naramdaman sa mga namasid napaglilingkod. AB  Nalulungkot Nasisiyahan1. 2.3. 4.5.

PAGTATAYASa iyong kwadernong sagutan, isulat ang titik ng tamang sagot.1. Bakit mahalaga na maging matapat sa paglilingkod ang pinuno at kawani ng pamahalaan? A. mawawala ang tiwala ng mamamayan sa pamahalaan B. kakaunti ang matatapos na mga gawain sa pamahalaan C. naaantala ang paglilingkod ng mga pinuno ng pamahalaan D. makikilahok nang kusang-loob ang mga mamamayan sa mga programa ng pamahalaan2. Kilalang-kilala ang inyong pamilya bilang matulungin at mahusay makipagkapwa. Inalok ang iyong ama na tumakbo bilang meyor. Ano ang maipapayo mo sa kanya? A. kumandidato upang magkapera B. hayaan siya sa kanyang magiging plano. C. kumuha ng maraming tao sa ibang lugar upang bumoto D. maging matapat siya sa kanyang panunungkulan3. Ang sumusunod ay mabubuting katangian ng isang kawani o pinuno maliban sa ________. A. masayahin ngunit makasarili B. matapat sa kanyang tungkulin C. tinatapos ang gawain sa takdang panahon D. pinagbubuti ang gawaing iniatang sa kaniya4. Ang sumusunod ay mga kabutihang dulot ng matapat na paglilingkod sa pamahalaan maliban sa isa. Alin ito? A. matapat na pagbabayad ng buwis B. kusang-loob ang pakikiisa sa mga taong-bayan C. inuuna ang kabutihan ng nakararaming mamamayan D. tumatanggap ng pabuya sa anumang paglilingkod na ibinibigay sa taong bayan5. Bilang munting mamamayan, sino ang tutularan mo sa maayos na pamumuhay? A. Si Gng. Santos na magiliwin sa mga taong kaharap lalo na kung sila’y mayaman.

B. Si Gng. Reyes na nakikisama lamang sa kanyang pinuno upang itaas siya ng tungkulin. C. Si Gng. Ramos na pumapasok sa takdang oras at pinagbubuti ang kanyang mga gawain. D. Si G. Cruz na minsan lamang kung pumasok sa tanggapang kanyang pinapasukan ngunit buo pa rin ang sahod. PAGPAPAYAMANG GAWAINA. Makipanayam sa ilang tao sa inyong pamayanan na huwaran sa maayos na pamumuhay. Gawing gabay ang tsart sa ibaba. Pangalan Tungkulin sa Paraan ng1. Pamayanan Paglilingkod2.3.B. Gumawa ng poster na naglalarawan tungkol sa sawikaing ito: Gamitin ang inyong kasanayan sa pagguhit at ipaliwanag ang kahulugan ng ginawang poster. “Ang isang taong tapat, pinagkakatiwalaan at ang pinagkakatiwalaan ay umuunlad.” Maaari mo na ngayong simulan ang susunod na modyul.

GRADE VI ANG MGA BATAS SA BANSA ALAMIN MOBasahin at unawain ang kawikaang ito “Ang mga batas ay ginawa upang sundin at isagawa.” Bakit kaya may mga batas? Ano-ano ang maaring mangyari kung walang batas na sinusunod sa barangay, sa bayan at sa bansa? Maging magulo o tahimik kaya ang lugar? Alam mo, magiging maayos, matahimik at masagana ang isang lugar kung may batas na pinaiiral. Sa araling ito, matutuhan mo ang mga batas na ipinag-uutos ng barangay, ng bayan lungsod at lalawigan at ng bansa upang mapangalagaan ang karapatan at kapakanan mo at ng bawat isa sa atin. Handa ka na ba?

PAGBALIK-ARALAN MOPagtambalin ang kolum A at B. Isulat ang titik ng wastong sagot sa inyong kwaderno. A B1. Ipinagbabawal ang paggamit ng A. upang mapangalagaan ang dinamita sa pangingisda kapakanan ng kabataan2. Ipinagbabawal ang pag-inom ng B. upang mapanatili ang alak sa menor de edad kagandahan at kaayusan3. Kailangang magbayad ng buwis C. upang maiwasan ang sakuna sa takdang panahon D. upang hindi madamay ang4. Sundin ang mga babala sa parke. maliliit na isda5. Sundin ang ilaw-trapiko E. upang may magugol ang pamahalaan sa paglilingkod sa mamamayan

PAG-ARALAN MONarito ang uri ng batas, batas sa Saligang BatasBasahin: Teksto – I Pambansang BatasAng pambasang batas ay ipinatutupad sa buong bansa. Tungkulin ng lahat ngmamamayang Pilipino na sumunod dito.Ito ang batas na ginawa ng Kongreso:Halimbawa ng mga batas na ito ang sumusunod:  Batas sa pagbubuwis – ito ay taunang pagbabayad ng buwis batay sa naging kita ng isang tao. Kapag hindi nakapagbayad ng buwis sa itinakdang petsa, may multa o parusa.  Batas sa ipinagbabawal na gamot. Ito ay nagpapataw ng mabigat na parusa sa gumagamit, nagbibili at nagbubuyo ng ibang tao na gumagamit ng droga.  Batas sa wastong oras sa pagtatrabaho. Ang isang kawani o manggagawa ay walong oras lamang dapat magtrabaho. Kapag lumagpas sa walong oras, siya ay may karapatang tumanggap ng “overtime pay.” Saan ginawa ang mga Pambansang batas? Saan ipinatutupad ang mga ito? Ilang oras dapat magtrabaho ang isang kawani o manggagawa ng isang tanggapan?

Teksto – II Ordinansa - 2 Ito ay ginagawa sa mga bayan, lungsod o lalawigan at ipinatutupad kung saan lugar ito binuo. Halimbawa ng mga ordinansa:  Pagbabawal ng pagtatapon ng basura sa lansangan.  Pagbabawal ng paninigarilyo sa loob ng pampublikong lugar tulad ng sasakyan, pamilihan at tanggapan.  Pagtawid sa sadyang tawiran.  Pagbabawal ng pagtatayo ng sugalan, bar at sinehan na malapit sa paaralan.  Pagbabawal sa mga sasakyang nagbubuga ng sobrang usok.  Saan ginawa ang mga ordinansa?  Saan ipinatutupad ang mga ito?  Magbigay ng halimbawa nito. Teksto – III Kautusang Pambansa Binuo ang mga kautusang ito ng mga taong namumuno sa barangay batay sa mga kalagayang dapat bigayang pansin. Ipinatutupad ito sa mga mamamayang sakop lamang ng barangay. Narito ang mga halimbawa ng batas na ito.  “Curfew Hour”  Paglilinis ng kapaligiran  Pagbabawal ng pagtatapon ng basura sa mga kanal.  Paghuli sa mga gumagalang aso o hayop  Saan ginawa ang mga kautusang pambarangay  Saan ipinatutupad ang mga ito?  Magbigay ng halimbawa nito.Tingnan ko kung talagang naunawaan mo ang iyong binasa. Isulat ang iyong sagot sa angkopna tauhan ng “ Bubble Tree.”Halimbawa: Tanong A sa kahon A gayon din sa tanong B at C

A. Ano ang tatlong uri ng batas batay sa saligang batas? B. Saan ipinatutupad ang mga ito? C. Saan naman ginagawa ang bawat isa? Mga Uri ng Batas sa Bansa Batay sa Saligang BatasA AABC BC BCPAGSANAYAN MOPaghambingin ang batas pambansa, ordinansa at kautusang pambarangay. Punan ng datos angtsart. Gawin ito sa iyong kwaderno.Uri ng Batas Saan Ipinatutupad Saan Ginagawa1. Pambansang Batas2. Ordinansa3. Kautusang Pambarangay

TANDAAN MO  May tatlong uri ng batas – ang pambansang batas, ang ordinansa at ang kautusang pambarangay.  Ang pambansang batas ay ipinatutupad sa buong bansa, ang ordinansa sa mga bayan, lungsod at lalawigan at ang kautusan sa mga barangay. ISAPUSO MOPumili ng isa sa sumusunod na kalagayan. Isulat ang isagot sa iyong kwaderno. 1. Kailangan mong makarating agad sa iyong pupuntahan ngunit malayo pa ang pook-tawiran tatawid ka ba kahit walang pook-tawiran? Bakit? 2. Nakita mo ang iyong kaibigan ay nagsusulat sa pader. Alam mo na ito ay ipinagbabawal sa inyong barangay. Ano ang iyong gagawin? 3. Ipinagbabawal ang pagtatapon ng basura kahit saan. Inip na inip ka na sa pagdating ng trak ng basura ng tagahakot ng mga basura. Tanghali na ay hindi pa sila dumarating. Ano ang iyong gagawin? GAWIN MO Isulat ang titik ng tamang sagot. 1. Ang kautusang pambarangay ay ipinatutupad sa ________. A. bayan B. lungsod C. barangay D. lalawigan 2. Ang namumuno sa pulong ng Sangguniang Bayan ay ang ______. A. pangulo B. senador C. konsehal D. punong bayan

3. Ang ordinansa ay batas na ipinatutupad sa ________. A. bansa B. nayon C. barangay D. ordinansa 4. Ang kongreso ang gumagawa ng _________. A. ordinansa B. pambansang batas C. pandaigdigang batas D. kautusang pambarangay 5. Ang pambansang batas ay dapat sumusunod ng ____________. A. mga mamamayan sa barangay B. mga mamamayan sa lalawigan C. mga mamamayan sa buong bansa D. mga mamamayan sa ibang bansa PAGTATAYA Isulat kung anong uri ng batas ang sumusunod. Isulat ang titik ng tamang sagot sa loobng “Graphic Organizer”. A. “Curfew hour” B. Pagsunod sa ilaw trapiko. C. Pagsugpo sa ipinagbabawal na gamot C. Paghuli sa mga gumagalang aso o hayop. D. Pagbabayad ng buwis sa takdang panahon. E. Pagtawid sa “pedestrian lane” o tawiran ng tao F. Pagbabawal sa pagtatapon ng basura sa mga dagat at lawa. G. Pagbabawal sa pagbubuga ng labis na usok ng mga sasakyan.

Pambansang Mga Uri ng Batas Kautusang Batas Ordinansa PambarangayPAGPAPAYAMANG GAWAINMagmasid nang masusi sa inyong pamayanan. Itala sa kuwaderno ang mga suliranin naiyong napansin na inaakala mong nangangailangan ng pagpapatupad ng kautusangpambarangay. Maaari mo na ngayong simulan ang susunod na modyul.

GRADE VIPAGKAMAMAMAYANG PILIPINO, NAWALA AT MULING NATAMO ALAMIN MO Alam mo ba ang nasa larawan? Ito ang tinatawag na sedula o Community Tax Certificate. Bawat mamamayan na may labingwalong taong gulang pataas ay dapat kumuha nito. Dito nakasulat ang mahahalagang impormasyon ng isang tao. Isa ito sa mga katibayan ng pagkamamamayang Pilipino. Sa modyul na ito matutuhan mo ang sumusunod:  Pagtatamo ng pagkamamamayang Pilipino  Pagkawala ng pagkamamamayang Pilipino  Muling pagtatamo ng pagkamamamayang Pilipino

PAGBALIK-ARALAN MOSino ang mamamayang Pilipino? Gumuhit ng watawat () kung mamamayang Pilipino at bituin(  ) kung hindi mamamayang Pilipino sa bubong ng bahay. Gawin sa kwaderno. 1. __________ 3. __________ 2. __________ Si Linda ay Si Gregory ay Si Procesa ayisinilang sa Maynila. ipinanganak sa ipinanganak saAma at Ina niya ay Canada. Ang Cotabato. Angkapwa taga-Bulacan. kanyang ama at ina ay kanyang ama ay taga- parehong Kastila. Mindanao. Arabo ang 4. __________ kanyang ina. Si Nanding ay isang Pilipino na 5. __________ naglilingkod sa Hukbong Pandagat Si Fely ay ng Estados Unidos ipinangak sa sa loob ng 12 taon. Hongkong. Ang kanyang ama ay isang Koreano at ang kanyang ina ay Pilipino.

PAG-ARALAN MOMasdan mo ang larawan.Sila sa mga ilang halimbawa ng mga mamamayang Pilipino na naninirahan saating bansa. Natamo nila ang pagkamamamayang Pilipino sa pamamagitanng pagsilang at ng naturalisasyon. Sagutin mo ito. 1. Sino ang mamamayang Pilipino? 2. Paano natatamo ang pagkamamamayang Pilipino? Isulat mo ang iyong sagot sa “concept map” sa ibaba.

Pagka- mamamayang Pilipino Basahin mo ang interbyu sa mga taong naninirahan sa Tondo, Maynila. Suriin mo kung paano nila natamo ang pagkamamamayang Pilipino sa pamamagitan ng pagsilang.Tagapagsalita : “Magandang umaga po!” Narito na naman tayo sa ating programa: “Pagkamamamayang Pilipino, Ikarangal Mo!” Marami pa tayong mga panauhing kapwa Pilipino. Paano po ninyo natamo ang pagkamamamayang Pilipino?G. Santos : “Ako po ay Pilipino. Ang batayan ng pagtatamo ng aking pagkamamamayan ay sinusunod ko ang pagkamamamayan ng aking mga magulang saan mang bansa sila isinilang. Tinatawag po itong JUS SANGUINIS. Ito ang tuntuning nananaig sa Pilipinas.Gng. Reyes : “Ako po ay Pilipino rin. Ang batayan ng pagtatamo ng aking pagkamamamayan ay ang lugar na aking sinilangan. Ang tuntuning ito ay tinatawag na JUS SOLI o JUS JOCI.”

Tagapagbalita : “Pakinggan naman po natin ang isang tao na naging mamamayan ng isangRyan Cruz : bansa ayon sa kung saan siya ipinanganak maging anuman ang pagkamamamayan ng kanyang mga magulang.” “Ako po ay Pilipino. Kapwa Pilipino ang magulang ko at isinilang sa Estados Unidos. Subalit ako ay Pilipino rin batay sa tuntuning JUS SANGUINIS. Dalawa ang taglay kong pagkamamamayan. Kapag ako ay tumuntong ng 21 taong gulang, maaari ko nang piliin ang aking pagkamamamayan. Ito ang tuntuning sinusunod sa Estados Unidos.Ayon sa interbyu sa mga tao, paano nila natamo ang pagkamamamayan sa pamamagitan ngpagsilang? Subukin mong gamitin ang “Graphic Organizer” sa ibaba. Isulat mo ang dalawangprinsipyong nakapangyayari sa kanyang pagkamamamayan at ang batayan nito.

Pagka- mamamayang Pilipino Pagkamamamayan ayon sa pagkasilang May isa pang paraan kung paano natatamo ang pagkamamamayang Pilipino. Ito ay sa pamamagitan ng paraang naturalisasyon. Ang naturalisasyon ay ang pagtalikod ng dayuhan sa kanyang pagkamamamayan upang tanggapin ang pagkamamamayang Pilipino. Ito ay maaaring matamo sa pamamagitan ng hatol ng hukuman o batas ng Kongreso.

 Tingnan mo ang larawan ng isang dayuhang Intsik. Ano ang ipinakikita nito?  Ano-anong katangian ang dapat taglayin upang maigawad ang naturalisasyon? Basahin mo ang tekstong ito. Ang sinumang dayuhan na humiling sa hukuman ng naturalisasyon ay kailangang magtaglay ng sumusunod na katangian: 1. Hindi kukulangin sa 21 taong gulang sa araw ng pagdinig ng kaso. 2. Naninirahan na sa Pilipinas sa loob ng sampung taon o mahigit. 3. Nagmamay-ari ng mga lupain o kaya’y may matatag na hanapbuhay. 4. Nabubuhay nang marangal at may mabuting pagkatao. 5. Nagpapaaral ng kanyang mga anak sa mga paaralang pampubliko o paaralang pribado na kinikilala ng pamahalaan. May kakilala ba kayo na humiling ng naturalisasyon sa hukuman sa pagtatamo ng pagkamamamayang Pilipino? Ano-ano ang katangiang dapat taglayin?


Like this book? You can publish your book online for free in a few minutes!
Create your own flipbook