Important Announcement
PubHTML5 Scheduled Server Maintenance on (GMT) Sunday, June 26th, 2:00 am - 8:00 am.
PubHTML5 site will be inoperative during the times indicated!

Home Explore HEKASI VI

HEKASI VI

Published by Palawan BlogOn, 2015-09-21 03:28:09

Description: HEKASI VI

Search

Read the Text Version

Gawin mo ito sa grapikong presentasyon sa ibaba. Pagkamamamayan sa Paraang Naturalisasyon Paano naman kaya mawawala ang pagkamamamayang Pilipino?  Unawain mo ang sumusunod sa sitwasyon:1. Si Virgilio ay naging naturalisadong mamamayan ng ibang bansa at nanumpa ng katapatan dito.2. Si Mariano na taga-Mindoro ay sumapi sa Hukbong Sandatahan ng Estados Unidos at itinakwil ang bansang pinagmulan.3. Si Veralyn ay nakapag-asawa ng taga-Australia at doon nanirahan na nagpawalang-bisa ng kanyang pagkamamamayang Pilipino.Sagutin mo ito. Ano-Ano ang dahilan ng pagkawala ng pagkamamamayang Pilipino? Isulat ang iyong sagot sa grapikong presentasyon. Pagkawala ng pagkamamamayang Pilipino

 Kung nawala ang pagkamamamayang Pilipino, natatamo kayang muli ang pagkamamamayang ito?  Basahin mo naman ang tulang ito. Pagkamamamayang Pilipino: Muling Natamo Pagkamamamayang Pilipino ay muling natatamo. Sa pamamamagitan ng mga pamamaraang ito. Una’y pagsasagawang muli ng naturalisasyon. Ikalawa’y sa bisa ng kongreso’y inaksyon. Ikatlo’y muling panunumpa ng katapatan sa Republika ng Pilipinas, bansang sinilangan. Panghuli’y pagpapatawad sa isang tumakas sa kinaanibang Sandatahang Lakas.  Naunawaan mo ba ang mensahe ng tula? Ano-ano ang paraan upang matamo muli ang pagkamamamayang Pilipino? Isulat mo sa bandila ang iyong sagot.Pagtatamo muli ngPagkamamayangPilipino

 Subukin mo namang gawin ang BAHAY Tsart sa ibaba. Pumili ka ng angkop na salita na nasa ibaba na ilalagay sa bawat hanay ng Pagkamamamayang Pilipino. Pagkamamamayang PilipinoPAGTATAMO PAGKAWALA MULING PAGTATAMO Jus Sanguinis Muling Naturalisasyon Pagsapi sa Hukbong Jus Soli Sandatahan ng ibang bansaPag-aasawa ng isang dayuhan Muling panunumpa ng katapatan PAGSANAYAN MOIsulat ang tamang sagot sa tamang kahon sa ilalim nito. Isulat sa kwaderno. 1. Ang proseso ng pagtamo ng pagkamamamayan sa pamamagitan ng batas o hukuman ay tinatawag na ____________.

2. Sa JUS SAGUINIS ang relasyon sa _____________ ang batayan ng pagtatamo ng pagkamamamayan. 3. Ang batayan ng patatamo ng pagkamamamayan sa ilalim ng tuntuning JUS SOLI o JUS LOCI ay ang ____________ na sinilangan. 4. Ang isang dahilan ng pagkawala ng pagkamamamayang Pilipino ay ang panunumpa ng _____________ sa isang bansa. 5. Ang dating mamamayan ng Pilipinas ay maaaring matamong muli ang pagkamamamayang Pilipino sa pamamagitan ng bisa ng aksyon ng __________. TANDAAN MO Maaring matamo ang pagkamamamayang Pilipino sa pamamagitan ng pagsilang at naturalisasyon. Ang pagkamamamayang Pilipino ay maaaring mawala at maaring matamong muli sa pamamamagitan ng hatol ng hukuman o batas ng kongreso.

ISAPUSO MOMasasabi mo ba na ikaw ay isang tunay na mamamayang Pilipino? Paano?Ano ang iyong nararamdaman:    kung ikaw ay bibigyan ng pagkakataong mamili ngpagkamamamayan batay sa mga pangyayari sa iyong buhay, alin ang pahahalagahan mo, angiyong pagka-Pilipino o ang pagkamamamayan ng ibang bansa? Bakit?Kung ang napili mo ay ang pagka-Pilipino, isulat mo ang sagot sa kasuotang “Barong Tagalog”at kasuotang “Amerikano” kung pagkamamamayan ng ibang bansa. Lagyan mo ng mukha angiyong nadarama. Gawin at isulat sa iyong kwaderno. GAWIN MOBasahin mo ang sumusunod na sitwasyon. Isulat mo ang NT kung ang pagkamamamayangPilipino ay natamo, NW kung nawala at MMT kung muling matatamo. 1. Ako ay si Mario, ipinanganak sa Bohol. Ang ama ko ay Pilipino. Intsik ang aking ina. Ang aking pagkamamamayang Pilipino ay _____________.2. Ako ay si Virgilio. Sumapi ako sa HukbongSandatahan ng Amerika. Ang akingpagkamamamayang Pilipino ay _____________.

3. Ako ay si Beth. Ang tatay at nanay ko ay Ifugao. Ang aking pagkamamamayang Pilipino ay _____________. 4. Ako ay si Lalaine. Nakapag-asawa ako ng taga- Malaysia at doon na kami naninirahan. Ang aking pagkamamamayang Pilipino ay _____________. 5. Ako ay si Sally ay naging mamamayang Amerikano. Nagbalik-bayan ako at gusto niyang maging Pilipino muli. Nagharap siya ng kahilingan sa hukuman at pinagtibay ng kongreso. Ang aking pagkamamamayang Pilipino ay _______________. PAGTATAYAIsulat ang T kung tama ang ipinahahayag ng pangungusap at M kung ito ay mali. _______1. Ang pagkamamamayang Pilipino ay maaring matamo ni Aida So sa pamamagitan ng naturalisasyon.

_______2. Si Rosamila ay Pilipino sapagkat mamamayan na siya ng Pilipinas mula sa pagsilang._______3. Ang pagkamamamayang Pilipino ni Elizabeth ay nawala dahil nakapag- asawa siya ng Espanyol._______4. Hindi na muling magiging Pilipino si Arsenio dahil sumapi siya sa Hukbong Pandagat ng Estados Unidos._______5. Si Reynaldo ay anak ng mamamayang Pilipino. Siya ay ipinanganak sa Canada. Pagsapit niya ng 21 taong gulang, Maaari niyang piliin ang kanyang pagkamamamayan.PAGPAPAYAMANG GAWAIN Ipinagmamamalaki mo ba na ikaw ay mamamayang Pilipino, Bakit? Bilang munting mamamayang Pilipino, paano mo ikararangal na ikaw ay Pilipino? Maaari kang lumikha ng tula, tugma o sanaysay o gumuhit. Gawing gabay ang paksang. Maaari mo na ngayong simulan ang susunod na modyul.

GRADE VIKARAPATAN MO, ALAMIN AT IPAGLABAN MO ALAMIN MOAlam mo ba ang iyong mga karapatan? Mahalagang malaman mo ang iyongmga karapatan sapagkat ito ang nagsisilbing patnubay sa pakikipagkapwa atwastong pakikitungo mo sa mundong iyong kinabibilangan at ginagalawan.Sa araling ito, matutuhan mo ang iyong mga karapatan na dapat mong matamasa.Handa ka na ba? Iyong Alamin!

PAGBALIK-ARALAN MOAlin sa sumusunod ang tinatamasa o nagagawa mo nang malaya. Isulat ang ( ) kungtinatamasa mo at ekis ( x ) kung hindi sa iyong kwaderno. _____ 1. panonood ng telebisyon _____ 2. paglalaro at paglilibang _____ 3. pagsasabi ng nasa kalooban _____ 4. pagbabasa ng aklat at dyaryo _____ 5. Pagpili ng susuoting damit _____ 6. Paglalakbay sa iba’t ibang lugar ng bansa _____ 7. Pagsali sa mga palatuntunan _____ 8. pagmamahal at pagaaruga ng magulang _____ 9. panonood ng telebisyon _____10. Pagsisimba sa kinalakihang relihiyon PAG-ARALAN MOPag-aralan ang nakalarawan. Ang nakikita mo sa larawan ay ang Saligang Batas ng ating bansa.

Ito ay ang Saligang Batas ng ating bansa. Sa Artikulo III nito nakatala ang mgakarapatang dapat nating matamasa. Pinamagatan itong “Kalipunan ng mga Karapatan” o “Bill ofRights”. Alin kaya sa mga karapatang ito ang tinatamasa mo ngayon?Masdan at pag-aralan ang mga larawan.Ano-ano ang karapatang ipinakikita sa larawan?Basahin mo: Nakapag-aaral tayo sa alinmang paaralan na gusto nating pasukin. Nakapaghahalal tayo ng mga pinunong nais nating manungkulan sa pamamagitan ng matalinong pagboto. Nakapagpapahayag tayo ng ating karaingan sa kinauukulan at nakalalahok tayo nang malaya sa mga pagtipun-tipon.Larawan A Larawan B

Anong mga karapatan ang ipinakikita sa larawan? Suriin ang mga ito. Basahin mo: Ang pangtatanggol sa sarili ay isa ring karapatan ng tao. Hindi maaaring hatulan ang taong nasasakdal nang walang paglilitis. Maaari rin siyang kumuha ng tagapagtanggol. Sa Larawan B may karapatan din ang tao na gumanap ng tungkuling pambayan.Sa larawang nasa itaas, Ano ang mga karapatang ang iyong nakikita?Basahin:May karapatan din tayong pumili ng nais nating relihiyon. Ikaw ano ang iyong relihiyon? Angpagkakaroon ng ari-arian tulad ng lupa at bahay ay isa rin karapatan. Walang sinuman namaaaring kumuha ng ari-arian ng ibang tao nang walang sapat na dahilan at di-naayon sa batas.Narito pa ang iba pang karapatan na tinatamasa ng mga mamamayan sa isang demokratikongbansa tulad ng Pilipinas.  Karapatan sa malaya at payapang pamumuhay.  Karapatan laban sa di-makatuwirang paghahalughog at pagsamsam. Walang sinuman maaari maghalughog ng inyong bahay maliban kung may mayroon silang “search warrant” mula sa korte. Hindi rin maaaring dakpin ang isang tao kung walang “warrant of arrest” ng korte.  Karapatan sa lihim na komunikasyon. Walang karapatan ang sinuman na magbukas at bumasa ng liham ng iba maliban sa legal na utos ng hukuman. Ngayon alam mo na ang iyong mga karapatan, dapat mong itaguyod at tamasahin nang maayos dahil ang mga ito ay nagbibigay proteksyon at pagpapahalaga sa ating pagkatao. Walang

sinuman ang maaaring humadlang sa mga karapatang ito sapagkat ito’y paglabag saKonstitusyon natin. Ngunit tandaan mo na bawat karapatan ay may katapat na tungkulin. PAGSANAYAN MOTingnan ko kung may natutuhan ka sa iyong binasa. Sagutin ng T kung tama ang isinasaad ngpangungusap at M kung hindi. Isulat ang sagot sa iyong kuwaderno._____1. Ang karapatan ng mamamayang Pilipino ay itinakda ng Artikulo III ng Saligang Batas, !987._____2. Walang karapatan ang nagkasala sa batas._____3. Ang karapatan ay nababatay sa kagustuhan ng pinuno._____4. Walang sinuman na maaring umangkin sa ari-arian ng isang tao nang walang sapat na dahilan at di-naaayon sa nasa batas._____5. May karapatan tayong buksan ang sulat o liham ng iba. TANDAAN MOMay iba’t ibang karapatang tinatamasa ang mamamayang Pilipino.Ang”Kalipunan ng mga Karapatan” ay nakatakda sa Artikulo III ng Saligang Batas ngPilipinas. ISAPUSO MOBilang isang mamamayang Pilipino, may mga karapatan kang tinatamasa sa iyong bayan:tulad ng karapatang makapag-aral, karapatang makapaglaro at maglibang, karapatangmagsalita at iba pa. Paano mo gagamitin ang mga karapatang ito? Isulat ang sagot sa iyongkwaderno.

GAWIN MOAlin sa sumusunod na sitwasyon ang nagpapakita ng pagtatamasa ng karapatan? Iguhitkung tama at kung hindi. Ilagay ang iyong sagot sa kwaderno._____1. Nais ninyong iparating sa meyor ang inyong mga karaingan kaya’t humingi kayo ng pahintulot para mag-rally. Binigyan naman kayo._____2. Ayaw kang pag-aralin ng iyong ina dahil walang mag-aalaga sa iyong bunsong kapatid._____3. Pinadalhan ka ng sulat ng pinsan mo. Bukas na nang ibinigay sa iyo._____4. Gumawa ng kalsada sa inyong lugar. Madadamay ang lupa ng lola mo. Pumayag siya at binayaran siya ng pamahalaan._____5. Katulong si Nena ni Dr. Reyes. Siya ay pinapayagang mag-aral sa hapon._____6. Ang magpahayag ng karaingan sa pamahalaan ay isang tungkulin._____7. Ang paglahok sa mga rally at demonstrasyon ay labag sa batas._____8. Maaaring magtayo ng tirahan sa alinmang bakanteng lupa o sa pook na maibigan ng tao._____9. Hinuhuli at pinarurusahan ang mga taong nagsasalita laban sa pamahalaan._____10. Napagbintangan si Mang Lito na nagnakaw ng kalabaw. Kaagad siyang hinuli at ikinulong. PAGTATAYAA. Anong karapatan ang tinatamasa ng tao sa sumusunod ng pangyayari? Piliin ang titik ng tamang sagot sa talaan sa ibaba. Isulat sa iyong kwaderno ang titik ng tamang sagot. 1. Nagtipun-tipon sa harap ng pabrika ang mga manggagawa upang iparating ang kanilang karaingan. 2. Dating Protestante si Ana ngunit nahikayat siya na maging Katoliko ng kanyang kaibigan. 3. Nakabili ng lupa sa Tagaytay si Rudy upang pagtayuan niya ng bahay bakasyunan. 4. Pinapasok ni Aling Maring ang kanyang katulong sa paaralan upang matutong bumasa at sumulat. 5. Lumipat ng tirahan ang pamilya ni G. Baltazar sa bayan ng San Jose dahil tahimik ang lugar dito.

A. Karapatang mabuhay nang tahimik B. Karapatang magtipun-tipon C. Karapatang magkaroon ng ari-arian D. Karapatang makapag-aral E. Karapatang makapaglibang F. Karapatang pumili ng relihiyonB. Basahin at unawain. Sabihin kung ano ang karapatang nalabag. Ipaliwanag ang inyong sagot. 1. Wala ang iyong ate, nang dumating ang kartero. Isang pakete ang dala-dala nito para sa kanya. Sabik kang malaman ang laman nito kaya dali-dali kang umakyat ng bahay at binuksan ang kahon. Tama ba ito? Bakit? 2. Galing sa Samar ang mag-anak ni Mang Pedro. Wala silang tirahan sa Maynila. Isang bakanteng lupa ang nakita nila. Kaagad silang nagtayo ng kanilang barung-barong. Tama ba si Mang Pedro? Bakit? PAGPAPAYAMANG GAWAIN Gumuhit o gumupit ng larawan na nagpapakita ng mga karapatang iyong tinatamasa sa inyong pamayanan o sa inyong paaralan. Sa bawat karapatan, isulat ang iyong tungkulin sa dapat gawin o gampanan. Maaari mo na ngayong simulan ang susunod na modyul.

GRADE VIBUWIS, KABALIKAT NG BANSA SA KAUNLARAN ALAMIN MO Suriin ang larawan. Ano-ano ang pangangailangan ng tao ang ipinakikita sa larawan? Ang anumang bagay o proyekto na gagawin ng tao ay kadalasang nangangailangan ng salapi o pondo. Maisasagawa at matatapos lang ang gawain kung may sapat na salapi o pondo. Gayun din ang pamahalaan. Matutugunan nito ang ating pangangailangan kung may sapat na pondo. Sa palagay mo paano matutugunan ng pamahalaan ang ating mga pangangailangan? Sa modyul na ito ay matututuhan mo, ang sumusunod:  Pinanggagalingan ng kita ng pamahalaan  Kahalagahan ng pagbabayad ng buwis sa takdang panahon. Handa ka na ba?

PAGBALIK-ARALAN MOLagyan ng angkop na salita ang bawat patlang upang mabuo ang talataan. Pumili ng tamangsalita sa kahon. Isulat sa kuwaderno ang tamang sagot.panggastos pagpataw pagtataguyodpantustos pagkakakitaan pagpapahiram Sa _1_.______ ng kapakanan ng mga mamamayan, ang pamahalaan ay may mgaisinagawang hakbang upang may _2_._______. Isa na rito ang _3_.________ ng buwis samga naghahanapbuhay. Ito ay ginagamit ng pamahalaan sa _4_. _______ sapangangailangan ng bansa. Ang _5_. _______ naman ng pamahalaan ay naayon sa badyetng bansa.PAG-ARALAN MOBasahin ang “Komik Istrip” # 1Nang lumabas sa klase sina Jun, Bing, Tina at Mark, pinag-usapan nila ang kanilang leksyon saklase tungkol sa kung saan ginagamit ng pamahalaan ang buwis.Nagbabayad ba ng buwis Oo, palagi ko silang kinukulitang papa mo? sinasabi ko sa kanila na ito ay kailangan ng pamahalaan sa pagpapagawa ng paaralan, tulay, ospital, daan at iba pa.

Sabi ko nga sa mga Talaga namang dapat tayongmagulang ko na maging maging matapat upang angmatapat sa pagbabayad ng bansa ay umunlad. Sa bawatbuwis, dahil malaki ang pisong buwis na ibinabayad,mawawala sa bayan. Ito ang ang bayan ang nakikinabang.natutuhan namin sa amingklase.Basahin ang Komik Istrip # 2Pakikipanayam ng isang T.V. host sa Direktor ng Rentas Internas at Meyor ng isang lungsod.Magandang umaga sa inyong lahat.Narito tayo sa programang “AtingAlamin” ang ating panauhin ayang Direktor ng Rentas Internas atang Meyor ng isang lungsod.Ating alamin ngayon saannaggaling ang kita ng pamahalaan. Una nating tanungin si Meyor. Magandang umaga po. Meyor! Nais po namin malaman sa inyo kung saan nanggaling ang kita ng pamahalaan.

Alam mo Mae, ang mgapinanggalingan ng kita ngpamahalaan ay mula sa mgabuwis na nanggaling sa mgasahod, kalakal, produkto atmarami pang iba. Samakatwid po, meyor maraming pinanggalingan ang kita ng pamahalaan?Oo, may buwis din naibinabayad sa mga ari-ariantulad ng bahay at lupa. Kayo naman director Jose ng Rentas Internas, saan naman kaya nangangalap ng kita ang pamahalaan? Sa buwis na ibinabayad sa mga kalakal na inaangkat sa ibang bansa tulad ng tela, bakal at iba pa. \ \

Kayo naman Direktor Carlosng Adwana. Saan po galingang buwis o pondo ngpamahalaan? Nagbabayad din ng buwis ang mga taong may hanapbuhay tulad ng guro, doctor, abogado at iba pa. Ang mga negosyo tulad ng restoran, hotels at iba pang negosyo ay nagbabayad din ng buwis.Saglit nating putulin ang atingpanayam para sa isangpatalastas. Ako po ay si G. Cruz ng Kawanihan ng Rentas Internas. Malapit na naman po ang takdang panahon ng pagbabayad ng buwis. Lagi po nating isaisip na tungkulin ng isang mabuting mamamayan ang pagbabayad ng buwis sa takdang panahon.Sagutin:  Saan ginagamit ng pamahalaan ang buwis?

 Tungkulin ba ang pagbabayad ng buwis?  Bakit kailangang maging matapat sa pagbabayad ng buwis?  Sa gulang mo, paano ka makatutulong sa pagbabayad ng buwis?Basahin ang tula para sa iyong karagdagang kaalaman: Ang Buwis Ang buwis ang buhay ng pamayanan na dapat bayaran ng mamamayan. Mahirap, mayaman ito’y kailangan para sa kaunlaran ng ating bayan. Dito kinukuha ang lahat ng bagay Suweldo ng guro, kalsada at tulay mga mesa, upuan at paaralan. Lahat ng kasangkapan sa pagamutan, ang lahat ng ito’y pinagkakagastusan. Sa buwis na ibinabayad ng taong bayan Kaya huwag manghinawa mga kaibigan Buwis ay bayaran, huwag iwasan.Batay sa tula:  Ano ang buwis?  Saan ginagamit ang buwis?  Ano ang maaring mangyari kung hindi magbabayad ng buwis ang mga tao? PAGSANAYAN MOIguhit ang  kung tama ang nakasaad sa pangungusap at kung hindi._____1. Magbayad ng buwis sa takdang panahon._____2. Ang ibinabayad na buwis ay para sa kaunlaran._____3. Ipagwalang-bahala ang pagbabayad ng buwis._____4. Buwis ay bayaran, huwag iwasan.

_____5. Ang pagbabayad ng buwis ay tugon sa pangangailangan ng bayan. TANDAAN MO Ang buwis ay salaping nalikom ng pamahalaan sa mga tao, ari-arian at kinikita sa paghahanapbuhay. Kailangan ang matapat na pagbabayad ng buwis upang maitaguyod ng pamahalaan ang kapakanan ng mga tao at kabutihan ng bansa. ISAPUSO MOAyon sa iyong napag-aralan, isa ka sa nabigyan ng pamahalaan ng libreng edukasyon mula sanalikom na buwis. Paano mo ito pahahalagahan? GAWIN MOBasahin at unawain ang nilalaman ng tseklis sa ibaba. Lagyan ng ( ) ang hanay ng iyongsagot.Sumasang-ayon ka ba na ang buwis Lubos Di-gaano Di-tiyak Hindiay……..1. nakatutustos sa pag-aaral ng mga bata?2. nakatutulong sa pagpapagawa ng paaralan, daan at tulay?3. pambayad sa sahod ng mga kawani ng pamahalaan?4. nakapangangalaga sa kapayapaan at kaayusan?5. nakatutulong sa mga tao sa oras

ng kalamidad? PAGTATAYA Iguhit ang bituin () kung epekto ng matapat at maayos na pagbabayad ng buwis at∆ kung hindi. Isulat ang sagot sa iyong kuwaderno. _____1. Naibibigay sa oras ang suweldo ng mga kawani ng pamahalaan. _____2. Natitigil ang pagpapagawa ng mga kalsada at tulay. _____3. Nakapagpapatayo ng irigasyon para sa magsasaka. _____4. Nakabibili ng kagamitan ng mga ospital. _____5. Natitigil ang panustos sa pangangailangan ng hukbong sandatahan. PAGPAPAYAMANG GAWAINIbigay ang iyong opinyon kung dapat bang magtaas ng buwis na binabayaran ang mgamamamayan. Isulat sa iyong kuwaderno. Maaari mo na ngayong simulan ang susunod na modyul.

GRADE VI SOBERANYA: TATAK NG ISANG BANSANG MALAYA ALAMIN MOPagmasdan mo ang larawan. Naalaala mo pa ba ito? Malaya na nga ba ang Pilipinas? Anong mahahalagang pangyayari ang nasa larawan? Natatamo ba natin ang pagiging malaya? Ang bansang malaya ay may kataas-taasang kapangyarihang pangasiwaan ang bansa na tinatawag na soberanya. Sa modyul na ito higit na malalaman kung ano ang soberanya at mga uri nito.

PAGBALIK-ARALAN MOKilala mo ba ang mga nasa larawan?Balik-aralan natin ang ginawang kabayanihan ng ating mga bayani upang makamit angkalayaan ng ating bansa.Itambal ang hanay A sa hanay B. isulat ang titik ng tamang sagot sa iyong kwaderno. Hanay A Hanay B1. Nagtatag ng La Liga Filipina A. Andres Bonifacio2. Utak ng Katipunan B. Emilio Aguinaldo3. Ama ng Katipunan C. Jose Rizal4. Unang Pangulo ng Repblika D. Apolinario Mabini5. Dakilang Lumpo E. Emilio Jacinto

PAG-ARALAN MO Suriin mo ang larawan.Ano-ano ang nakikita mo sa sagisag o simbolo ng bansang Pilipinas?Bawat isang titik ay may inilalarawan.Alamin natin!Basahin mo ito.Nakatatak sa simbolo ng Republika ng Pilipinas ang tatlong panahong pinagdaanan ng mgaPilipino mula sa kamay ng mga dayuhang mananakop. Leon – ipinakikita nito ang impluwensiya ng Espanyol. Agila – ipinakikita nito ang impluwensiya ng Estados Unidos. Araw – sagisag ito ng mataas ng mithiin ng mga Pilipino na maging isang malayang bansa. Tatlong bituin – kumakatawan sa Luzon, Visayas at Mindanao. Republika ng Pilipinas – nangangahulugan ito na ang Pilipinas ay mayroon ng kalayaan at sariling pamahalaan na siyang nangangasiwa sa kapakanan ng bansa.

Ano ang kahulugan ng salitang ito? SOBERANYA Ang soberanya o kapangyarihan ay pangunahing sangkap ng pagiging isang bansang malaya. Taglay na ito ng Pilipinas sapagkat nagsasarili na ito at kinikilalala ng malalayang bansa. Saklaw ng kapangyarihang ito ang lahat ng mamamayan, ari-arian at mga bagay na nasa teritoryo ng Pilipinas. Paano masasabi na ang Pilipinas ay nagsasarili na at kinikilala na malayang bansa? Pag-aralan ang grapikong presentasyon sa ibaba. May dalawang uri ng soberanya. Ito ay soberanyang panloob at panlabas. Katangian ng Bansang Nagsasarili Kapangyarihang KapangyarihangPamahalaan ang Bansa makapagsariliNasa mamamayan ang Pagsasakatuparan ngkapangyarihang mga layunin at mithiinpampamahalaan para sa kabutihan at kaunlaran ng mga mamamayan at ng PilipinasAng mga Ang mga pinuno na Karapatang Pagkakaroon ngmamamayan ay pinili ng mamamayan lumutas ng patakarang panlabasmay karapatang sa pamamagitan ng  Suliranin  Upang mapanatili  Pumili ng mga halalan ang may  Kaguluhan sa kapangyarihang ang mabuting pinuno ng  magpatupad ng bansa pakikipag-ugnayan bansa sa ibang bansa batas  Magpadala ng mga  magsagawa ng sugo/ embahada sa ibang bansa kautusan para sa maayos na pamumuhay ng mga Pilipino

Kapag ang bansa ay may soberanya ito ay nangangahulugan na malaya ang bansa na makapagsarili.Ang bansang malaya ay may karapatan. Ano-ano ito? Tingnan ang tsart sa ibaba. Unawain ito Mga karapatan ng Pilipinas bilang isang Bansang Malaya Karapatang Karapatan sa Karapatang Karapatang Karapatang Karapatangmakapagsarili pantay na Mamahala Mag-angkin Magkipag- Ipagtanggol pagkilala ng ari-arian ugnayan ang kalayaanMalaya sa Magkakatulad ng Pangangalaga sa Lahat ng mga Nagpapadala at Tungkulin ngpakikialam ng karapatan at  Pulo pag-aaring saklaw tumatanggap ng Pamahalaan atibang bansa. tungkulin sa  Hangganan ng teritoryo ng mga ng Sambayanang  Paniniwala ng bansa bansa Pilipino na  Ideolohiya  Sugo pangalagaan ang  Sistemang  Kumakatawan kalayaan ng  Embahador bansa panlipunan mula sa ibang Lahat ng mga bansa mamamayan ay maaaring atasanTungkuling Pagtatalaga ng ng batas nahuwag mga batas magkaloob ngmanghimasok sa pormal nagawain ng ibang paglilingkodbansa militar o sibil

Naunawaan mo na ngayon ang ibig sabihin ng bansang may soberanya? PAGSANAYAN MOBasahin at bilugan ang titik ng tamang sagot. 1. Ano ang kahulugan ng soberanya? A. kayamanan B. katungkulan C. pagkamatapat D. kapangyarihan 2. Anu-ano ang inilalarawan sa tatak ng bansang Pilipinas? A. leon B. agila C. lahat ng nabanggit D. araw at tatlong bituin 3. Ano ang kumakatawan sa tatlong bituin? A. Luzon B. Visayas C. Mindanao D. lahat ng nabanggit 4. Ano ang katangian ng bansang nagsasarili tulad ng Pilipinas? A. palagian at walang taning na panahon B. malawak na saklaw C. pansarili at lubos D. lahat ng nabanggit 5. Ano-ano ang karapatang tinatamasa ng Pilipinas bilang isang bansang malaya? Isulat mo ito. A. ___________________________________________________ B. ___________________________________________________ C. ___________________________________________________ D. ___________________________________________________ E. ___________________________________________________ F. ___________________________________________________

TANDAAN MO  Ang soberanya ay ang kataas-taasang kapangyarihan umiiral sa bansa.  Ang soberanya ay maaring panloob at panlabas. ISAPUSO MOAno ang iyong gagawin sa sumusunod na sitwasyon? Isulat ang sagot sa iyong kwaderno.Si Luis ay bunsong kapatid mo na 18 taong gulang na. Tinatawag siya upang maglingkod saHukbong Sandatahan ng Pilipinas. Ayaw pumayag ng iyong mga magulang sapagkatmapanganib daw. GAWIN MO Iguhit mo ang larawan ng tatak ng bansang Pilipinas sa loob ng kahon.

PAGTATAYAIsulat ang titik ng tamang sagot sa unahan ng bilang. 1. Kailan natamo ang ating kalayaang ganap na kinikilala ng mga bansa? A. Hulyo 4, 1946 B. Hunyo 12, 1898 C. Disyembre 10, 1898 D. Setyembre 21, 1972 2. Kailan masasabi na ang isang bansa ay malaya A. isang ganap na malaya B. may kalayaang kinikilala ng ibang bansa C. may kapangyarihan mamamahala sa nasasakupan D. lahat ng nabanggit 3. Alin sa sumusunod ang nagpapakita ng soberanyang panloob? A. . pag-alis sa bansa B. pagpapatupad sa sariling batas C. pakikialam sa suliranin sa Tsina D. pag-angkin sa teritoryo ng karatig bansa 4. Alin sa sumusunod ang nagpapakita ng soberanyang panlabas? A. tumutukoy sa kasarinlan ng bansa B. tumutukoy sa kapangyarihan ng bansa C. ang mamamayan ng bansang estado ang nagpapalakad ng pamahalaan D. itinataguyod o isinusulong ang lahat ng gawain sa bansa nang walang pagsakop o pamamahala ng ibang bansa 5. Ano ang sumasagisag sa Leon? A. ipinapakita nito ang impluwensiya ng Espanyol? B. ipinapakita nito ang impluwensiya ng Estados Unidos? C. may sariling pamahalaan sapagkat malaya na ito at may soberanya D. sagisag ito ng mataas ng mithiin ng mga Pilipino na maging isang malayang bansa.

PAGPAPAYAMANG GAWAINSumulat ng maikling talata tungkol sa Ang Pilipinas, Isang Bansang Malaya. Maaari mo na ngayong simulan ang susunod na modyul.

GRADE VIMGA KARAPATAN NG PILIPINAS BILANG ISANG BANSANG MALAYA ALAMIN MO Pagmasdan ang larawan tungkol sa pagpapahayag ng kalayaan ng ating bansa. Ang bansang Pilipinas ay nagtamo ng kalayaan noong Hunyo 12, 1898. Sa unang pagkakataon tayo ay nagkaroon ng soberanya. Pero ito ay nawala nang tayo ay sinakop ng mga Amerikano. Noong Hulyo 4, 1946, ipinagkaloob naman ng Estados Unidos ang pinakamimithing kalayaan ng bansa. Nagkaroon muli tayo ng tunay na soberanya. Malaya na nga ba ang Pilipinas? Sa araling ito, aalamin mo ang mga karapatang tinamo ng Pilipinas nang ito ay maging ganap na malaya. Handa ka na ba?

PAGBALIK-ARALAN MO Isulat  kung soberanyang panlabas ang isinasaad ng pangungusap at  kungsoberanyang panloob. _______1. Hindi maaring utusan o diktahan ng mga bansang banyaga ang pinuno ng bansang malaya kung paano lulutasin ang mga suliranin nito. _______2. Ang kabuhayan at pamahalaan ng bansa ay hindi maaaring pakialaman ninuman. _______3. Ang bansa ay may kapangyarihan magpasya sa paraan ng pagtatanggol sa bansa. _______4. Ang pinuno ng bansa ay nagpapatupad ng mga batas sa nasasakupang teritoryo at mamamayan. _______5. Ang bansa ang lumilinang ng sariling likas na yaman. PAG-ARALAN MO Dahil sa isa nang bansang malaya ang Pilipinas, ito ay nagtataglay ng mga karapatan. Ang mga karapatang ito ay ipinagkait sa bansa nang nasasakop pa ito ng mga dayuhan. Pag-aralan ang paglalahad sa grap at alamin ang mga karapatan ng bansa nang ito ay ganap nang malaya.

Mga Karapatan ng Pilipinas Bilang Isang Bansang MalayaKarapatang Karapatan sa pantay Karapatang Karapatang mag- Karapatang Karapatangmakapagsarili angkin ng ari-arian makipag-ugnayan ipagtanggol ang na pagkilala mamahala kalayaanMalaya sa Lahat ng bansa Pangangalaga sa Lahat ng mga Nagpapadala at Tungkulin ngpakikialam ng maliit man o mga pulo at mga pag-aaring tumatanggap ng pamahalaan atibang bansa malaki, anuman hangganan ng saklaw ng mga sugo, samabayanang ang paniniwala, bansa teritoryo ng kumakatawan o Pilipino naTungkuling ideolohiya at bansa embahador mula pangalagaan anghuwag sistemang Pagtatalaga ng sa ibang bansa kalayaan ngmanghimasok sa panlipunan ay mga batas bansagawain ng ibang magkakatulad ngbansa karapatan at Lahat ng mga tungkulin mamamayan ay maaaring atasan ng batas na magkaloob ng pormal na paglilingkod militar o sibil

Ano-ano ang karapatan ng isang bansang malaya? Ano kaya ang mangyayari kung walang karapatan at kalayaang tinatamasa ang isang bansa? Ano ang dapat gawin upang manatiling malaya ang ating bansa? Kung ikaw ay nasa hustong gulang na tutulong ka bang ipagtanggol ang ating bayan? Kung Oo ang iyong sagot. Magaling! PAGSANAYAN MOTingnan ko kung natatandaan mo ang iyong binasa. Gumuhit ng katulad ng nasa larawan saiyong kwaderno at isulat ang mga karapatan sa loob ng mga bilog. Karapatan ng Bansang Malaya

TANDAAN MO  May iba’t ibang karapatang tinamo ang bansang Pilipinas nang ito’y naging ganap na malaya. ISAPUSO MO Nagkaroon ng kaguluhan sa bansa. Maraming kabataan na ipinatawag upang umanib sa Hukbong Sandatahan ng Pilipinas na magtatanggol sa bansa. Kung ikaw ay isa sa ipinatawag, ano ang nararapat mong gawin? Susunod ka ba o hindi? Bakit? GAWIN MO Isulat ang mukhang kung nasisiyahan ka at  kung nalulungkot sa ipinapahayag ngbawat pangungusap. Ang Pilipinas bilang isang bansang malaya ay: 1. maaring diktahan ng mga bansang banyaga tungkol sa suliranin sa Mindanao ______________. 2. hindi maaring panghimasukan o pakialaman ninuman__________. 3. nakapagpapayaman sa paglinang ng mga pinagkukunang yaman ng bansa____________. 4. maaring mang-angkin ng lahat ng saklaw ng teritoryo ng bansa____________. 5. dapat sumunod sa batas ng ibang bansa______________.

PAGTATAYA Isulat kung anong karapatan ng Pilipinas ang isinasaad ng pangungusap sa bawat bilang.Isulat ang titik lamang.1. Nagpapadala ang Pilipinas ng sugo, a. karapatang makapagsarili kinatawan o embahador sa ibang bansa. b. karapatan sa pantay na pagkilala2. Ang Pilipinas ay nakikilahok sa pagbibigay-pasya sa isang isyu sa c. karapatang mamahala sa Samahang ng Bansang nagkakaisa. nasasakupan3. May karapatan ang Pilipinas na atasan d. karapatang mag-angkin ng na magkaloob ng personal na ari-arian. paglilingkod na militar o sibil ang mga mamamayan nito. e. karapatang makipag- ugnayan4. Ang mga gusaling pambayan tulad ng paaralan, kampo at kutang militar at f. karapatang ipagtanggol ang embahada ang pag-aari ng bansa. kalayaan5. Ang Pilipinas ay hindi maaaring panghimasukan o pakialaman ng ibang bansa.PAGPAPAYAMANG GAWAINGumupit ng mga balita tungkol sa mga gawain ng Pilipinas bilang isang malayang bansa.Idikit ang mga ito sa iyong kuwaderno.Maaari mo na ngayong simulan ang susunod namodyul.

GRADE VI PAKINABANG NG PILIPINAS SA KANYANG TERITORYO AT KUNG PAANO ITO MAIPAGTATANGGOL ALAMIN MOSuriing mabuti ang larawan. Nabasa o narinig mo na ba ang isyu hinggil sa pag-angkin ng Pilipinas sa Spratly Island bilang isang teritoryo nito? Ano-ano ang alam mo ukol dito? May katwiran bang ipagtanggol ito ng ating pamahalaan? Sa modyul na ito matutuhan mo ang pakinabang ng mga Pilipino sa teritoryong sakop ng Pilipinas at kung paano ito maipagtatanggol.

PAGBALIK-ARALAN MO A. Alin-alin sa sumusunod na karapatan ang maituturing na karapatan ng bansa nang ito ay magkamit ng ganap na kalayaan? Piliin at isulat ang titik ng mga tamang sagot sa iyong sagutang papel. A. Karapatang pumili ng sariling relihiyon B. Karapatang magsarili C. Karapatang Mag-angkin ng mga Ari-arian D. Karapatang makibahagi sa Sining at Agham E. Karapatan sa pantay na pagkilala F. Karapatang makapag-aral G. Karapatang mamahala sa nasasakupan H. Karapatang ipagtanggol ang kalayaan PAG-ARALAN MOAlam mo ba?Ang bawat bansa ay may kanya-kanyang katangian. Ang mga katangiang ito ay maykaugnayan sa uri ng teritoryong nasasakop ng naturang bansa. A. Ang Pilipinas ay may katamtamang laki. Pinagsisikapan ng mga mamamayan na magkaroon na ng sapat na kaalaman upang mapagyaman, mapangalagaan at magamit nang wasto ang mga kayamanang matatagpuan dito. Sa ganitong paraan ay makapagdulot ito ng kaunlaran. Ang ating teritoryo ay nagdudulot ng maraming pakinabang.

1. Dito tayo kumukuha ng mga pangangailangan.2. Sa ating teritoryo tayo gumagawa at nagtatrabaho.3. Kung gusto nating maglibang, maraming pook na mapapasyalan.

4. Dito rin tayo nakatira at nagkakaroon ng katahimikan ng kalooban dahil ating sariling bansa ito. Isang napakahalagang tungkulin at pananagutan ng pamahalaan at ng sambayanangPilipino, ang pagtatanggol sa bansa. Iba’t ibang kagawaran at ahensya nito ang nangangalaga sakatahimikan at kaayusan ng ating bansa. Pinamamahalaan ito ng Kagawaran ng TanggulangBansa sa pagtiyak na ang teritoryo ng bansa ay iginagalang. Narito ang mga tumutugon salayuning ito. 1. Sandatahang Lakas ng Pilipinas – ito ang nangungunang ahensya na nagtatanggol sa bansa sa anumang uri ng panloob at panlabas na panganib o kaguluhan. Binubuo ito ng apat na sangay. a. Hukbong Katihan (Phil. Army) – ipinagtatanggol nito ang bansa sa panahon ng digmaan. Sila ang tanod ng bayan sa sinumang dayuhan na naghahangad na sakupin muli ang ating bansa. b. Hukbong Dagat (Phil. Navy) – sila ang tinatawag na bantay – dagat. Nagpapatrulya sila sa ating mga karagatan upang matiyak na walang makakapasok na mga dayuhan sa loob ng teritoryo ng Pilipinas. Tinitingnan din nila ang mga kontrabandong pumapasok sa ating bansa. c. Hukbong Himpapawid (Phil. Airforce) – nangangalaga naman ito ng katahimikan ng ating papawirin. Sila ang nagbabantay sa maaaring panganib na darating sa ating bansa. d. Pambansang Pulisya – pinangangalagaan din nila ang katahimikan at kaayusan ng ating bansa. Nag-aayos din sila ng trapiko

2. Kagawaran ng Ugnayang Panlabas (Department of Foreign Affairs) – nagkakaroon ng pulong ang mga ambassador ng magkakalapit na bansa upang pangalagaan ang hagganan ng kani-kanilang bansa.3. Isa pang mabisang paraan sa pagtatanggol sa bansa ay ang magandang pakikipag- kapwa sa iba’t ibang bansa. Isinasagawa ito sa pakikipagpulong at pagdalaw ng pangulo ng Pilipinas sa iba’t ibang bansa o pagsanib sa mga samahan ng mga bansa sa Asya at Daigdig.Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel.Ano-ano ang pakinabang na nakukuha natin mula sa ating teritoryo?Paano ipinagtatanggol ng Kagawaran ng Tanggulang Bansa ang ating teritoryo?PAGSANAYAN MO Suriin kung ang pahayag ay isang katotohanan o opinyon. Isulat ang sagot sa iyongkuwaderno._________ 1. Marami tayong pakinabang sa ating teritoryo._________ 2. Tungkulin lamang ng pamahalaan na pangalagaan ang teritoryo ng Pilipinas._________ 3. Masigasig na nangangalaga ng ating papawirin ang Hukbong Panghimpapawid._________ 4. Maaaring sumapi ang lahat ng mamamayang Pilipino sa hukbo sa oras ng digmaan._________ 5. Magkakatulad ang mga gawain ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas. TANDAAN MO Malaki ang pakinabang na nakukuha natin mula sa ating teritoryo. Kailangang ipagtanggol ng mga mamamayan ang mga teritoryo at hangganan ng bansang Pilipinas.

ISAPUSO MOItanim natin sa ating isipan na malaki ang pakinabang natin sa ating bansa kaya bilang isangPilipino tungkulin natin at pananagutan ng pamahalaan ang pagtatanggol sa bansa.GAWIN MOLagyan ng tsek ang patlang na matapat na naglalarawan sa paksang nasa ibaba.PAGTATANGGOL SA TERITORYO NG PILIPINASmaayos magulomakaluma makaaghamsistematiko walang batayanhiwa-hiwalay magkakaugnaymakatwiran di-makatwiranPAGTATAYAPiliin at isulat ang titik ng tamang sagot sa iyong sagutang papel. 1. Sino ang maaaring magtanggol sa ating bansa sa oras ng digmaan? A. lahat ng Pilipino B. mga piling mamamayan C. mga pinuno sa pamahalaan D. mga mamamayang may 21 taong gulang 2. Aling ahensya ng pamahalaan ang may pangunahing tungkulin sa pagtatanggol ng ating bansa? A. ROTC

B. Kagawarang Panlakas C. Hukbong Katihan ng Pilipinas D. Sandatahang Lakas ng Pilipinas 3. Sila ang may nakaatang na tungkuling ipagtanggol ang estado kung hinihingi ng pagkakataon. A. mga sundalo B. mga estudyante C. mga kalalakihan D. mga mamamayan 4-5. Magbigay ng dalawang pakinabang ng Pilipinas sa kanyang teritoryo. PAGPAPAYAMANG GAWAINAno ang gagawin mo sa mga sumusunod na sitwasyon:1. Nabalitaan mong maraming dayuhan ang nangingisda sa katubigang sakop ng teritoryo ng Pilipinas.2. Maraming turista ang bumibisita sa ating bansa. Maaari mo na ngayong simulan ang susunod na modyul.

GRADE VI PAKIKIPAG-UGNAYAN NG PILIPINAS SA IBA’T IBANG PANAHON ALAMIN MOTingnan mo ang mapa ng Mundo Sa mapa ng mundo, ano-anong bansa sa palagay mo nakikipag-ugnayan ang bansa natin? Ang pakikipag-ugnayan ng Pilipinas sa iba’t ibang bansa ay isang paraan upang umunlad ang ating pamumuhay. Ano-anong paraan ang ginawang pakikipag-ugnayan ng Pilipinas sa panahon ng mga ninuno, Amerikano, Espanyol at sa Ikatlong Republika? Ito ang tatalakayin sa modyul na ito.

Handa ka na ba? PAGBALIK-ARALAN MO Bilang isang bansang malaya alam natin ang ating mga karapatan. Isa-isahin mo muli ang iyong mga karapatan sa pagsagot ng mga isinasaad sa bawat pangungusap. Isulat kung anong karapatan ang hinihingi sa bawat bilang. (karapatan sa pantay na pagkilala, karapatang mamahala sa nasasakupan, karapatang mag-angkin ng ari-arian, karapatang makipag-ugnayan, karapatang ipagtanggol ang kalayaan.) 1. Ang mga gusaling pambayan tulad ng paaralan, kampo at kutang miliitar, mga embahada ay pawang pag-aari ng bansa. 2. Nagpapadala ang Pilipinas ng sugo, kinatawan o embahador sa ibang bansa. 3. Hindi ito maaaring pakialaman ng ibang bansa. 4. Maaring bilhin ng pamahalaan ang anumang ari-arian ng pribadong tao kung gagamitin sa kapakanang pampubliko. 5. Tungkulin ng Pilipinas na huwag manghimasok sa mga gawain o suliraning panloob ng ibang bansa.Nasagot mo bang mabuti ang pagsubok na ito?Kung gayon nakahanda ka na sa susunod na aralin. PAG-ARALAN MOMulat na ang karaniwang mamamayan sa katotohanan na ang bansa tulad ng tao ay hindimaaring mabuhay nang nag-iisa. Kailangan nito ang tulong mula sa ibang bansa lalo na kung itoay maliit na gaya ng Pilipinas.

Suriin mo ang tsart na ito. Unang Panahon Pakikipag-ugnayan ng Panahon ng Pilipinas EspanyolSimulan mo ang pagbasa sa unang panahon. Panahon ngPagmasdan mo ang larawan. Amerikano Panahon ng Ikatlong Republika Ano-ano ang nakikita mo sa larawan?Sino-sino sila?Basahin mo ang teksto:

Bilang isang bansang nagsasarili, nagsimula nang makipag-ugnayan ang ating mga ninuno namay kinalaman sa ekonomiya. Sila ay nakipag-ugnayan sa pamamagitan ng pakikipagpalitan ngkalakal sa mga dayuhang tsino.Bukod sa Tsina, nakipag-ugnayan din sila sa Hapones, Indian, Borneo at Arabe sa pamamagitanng palitan ng produkto o barter.Ang produktong porselana, seda, lambat, payong, tsinelas at iba pa ay galing sa Tsina.Nakipagpalitan naman ang Pilipinas sa Tsina sa produktong kabibe, perlas at pagkit.Makikita ang impluwensya ng mga Tsino sa pagkain, pananamit, kaugalian, wika at kagamitan.Ang impluwensya naman ng Indian ang nagbigay ng kaalaman sa bansa natin na gumawa nggitara, pagmimina ng apog, paggamit ng pantalong hapit at burdadong kalakal.Natutuhan ng mga Pilipino sa Hapones ang pag-aalaga ng bibe, isda mula sa palaisdaan atnegosyong tingian.Pagdating ng Arabe, lumaganap ang relihiyong Islam at naitatag ang Pamahalaang Sultanato.Ano ang ginagawang pakikipag-ugnayan ng mga dayuhan sa bansa natin? Isa-isahin mo ngaito.Anong magandang epekto ang nagawa ng pakikipagkalakalan ng sinaunang Pilipino sa mgadayuhan?Suriin mo naman ang sumusunod na pahayag ng ilan sa ating mga kababayan tungkol sapakikipag-ugnayan natin sa Amerika. “Ang Amerika ang tumutulong sa atin upang makabangon sa kahirapan dulot ng pagsakop sa atin ng mga Hapon noong World War II. Nagkaroon ng mga patakarang pang- ekonomiya upang umunlad ang ating kabuhayan.”

“Pinapayagan ng Pilipinas na magtayo angAmerika ng Military at Naval Base, gaya ngClark Air Base at Subic Naval Base saOlongapo.”“Ang Visiting Forces Agreement (VFA) ayugnayang panlabas na binubuo ng Pilipinasat Amerika pagkatapos lisanin ng Amerikaang Pilipinas nang mapaalis ang basemilitar.”“Hindi naging maganda ang nagingreaksyon ng Amerika nang paalisin ngPilipinas ang base militar kaya naghigpit itosa mga produktong iniluluwas ng mganegosyanteng Pilipino sa kanila.”“Nagkaroon ng matinding epekto saekonomiya ng daigdig ang pagbagsak ngWorld Trade Center noong September11,2001. Bilang bahagi ng patakarangpanlabas ng Pilipinas, ipinahayag ngPangulong Arroyo ang lubos na suporta ngPilipinas sa Amerika laban sa terorismo.”

Basahin mo naman ang iuulat ng unang pangkat tungkol sa panahon ng pakikipag-ugnayan saEspanyol. Eric : Dahil sa pinakamatagal ang naging ugnayan ng Espanyol sa Pilipinas hindi kataka-taka na malaki rin ang naging impluwensya sa atin nito tulad ng paraan ng pagsamba, pananalita, pananamit, pag-uugali at pati na sa pagluluto ng pagkain.Sarah : Ang pagdiriwang na panrelihiyon tulad ng piyesta, binyag, prusisyon pagdiriwang ng pasko, sinakulo, pasyon ang ilan sa mga impluwensya ng mga Espanyol sa Pilipinas.Angelo : Alam ba ninyo na ang simbahang Katoliko, paaralan, ospital ay ipinatayo rin ng Espanyol sa mga lalawigan at lungsod.Neneth : Kaya kilalang-kilala ang pinakamatandang Unibersidad sa Asya, ang Unibersidad ng Sto.Tomas sa Maynila at ag Simbahan ng Sto. Domingo sa Lungsod ng Quezon.Batay sa inulat ng mga bata ano ang ginawang pakikipag-ugnayan ng Espanyol na nag-iwan ngmalaking impluwensya sa kultura ng mga Pilipino?May nakuha bang malaking tulong ang mga Pilipino sa pakikipag-ugnayan sa Espanyol? Saanong paraan?Sa Ikatlong Republika, bawat pangulo na namuno ay malayang nakikipagkalakalan.Basahin mo ang ginawang mensahe nina Manuel L. Quezon,, Elpidio Quirino, RamonMagsaysay, Carlos P. Garcia, Diosdado Macapagal at Ferdinand E. Marcos. “Sa aking panungkulan noon, binigyang diin ko ang kasunduan sa kabuhayan at kaligtasan ng aking mga mamamayan. Sa kasalukuyang administrasyon natatamasa ang kaginhawaan ng mga mamamayan sa kasunduang kabuhayan at kaligtasan, wika ni Manuel L. Quezon.”


Like this book? You can publish your book online for free in a few minutes!
Create your own flipbook