Important Announcement
PubHTML5 Scheduled Server Maintenance on (GMT) Sunday, June 26th, 2:00 am - 8:00 am.
PubHTML5 site will be inoperative during the times indicated!

Home Explore HEKASI VI

HEKASI VI

Published by Palawan BlogOn, 2015-09-21 03:28:09

Description: HEKASI VI

Search

Read the Text Version

“Bilang pangalawang pangulo ng IkatlongRepublika minabuti kong ipairal ang pagpapabuting kasunduang pangkaligtasan. Inanyayahan koang mga pinuno ng mga bansa sa Asya na dumalosa ating bansa upang magkaroon ng samahan sapagtataguyod ng magandang kalipunan,” wika niElpidio Quirino.“Sa aking panunungkulan itinatag ko ang Samahanng Pakikipagkasundo sa Timog Silangang Asya(Southeast Asia treaty Organization) na kasama sasimulain ang bansang Thailand, New Zealand,Australia, Pransya, Iran, Britanya at EstadosUnidos,” sabi ni Ramon Magsaysay“Ipinatupad ko ang patakarang “Asya para sa mgataga Asya” at higit kong pinahalagahan angpakikiisa sa mga kalapit bansa sa larangan ngkabuhayan at kultura, kaya ipinanukala ko rin angASA (Association of Southeast Asia) na binubuong Pilipinas, Thailand at Malaysia,” pahayag niCarlos P. Garcia“Bilang pangulo ng Ikalimang Republika itinatagko ang “MAPHILINDO”, samahan ng Malaysia,Pilipinas at Indonesia”, winika ni DiosdadoMacapagal

“Sa aking panunungkulan muli kong binuhay ang ASA at binuo ko ang Samahan ng mga Bansa sa Timog Silangang Asya (ASEAN),” pahayag ni G. Ferdinand E MarcosNaging kapaki-pakinabang ba ang pakikipag-ugnayang panlabas ng Pilipinas para sa kabuhayanng bansa?Sa aling panahon sa palagay mo naging maayos at maganda ang pakikipagkalakalan ngPilipinas sa bansa? Sa paanong paraan niya ito isinagawa?Hanggang sa kasalukuyan ay patuloy pa rin ang pakikipag-ugnayan ng kasalukuyang pangulo,Gloria Macapagal Arroyo upang maibigay ang mga pangangailangan ng bansa at ng mamamayan.Pinagsisikapan niyang maiahon ang kalagayang pang-ekonomiya ng bansa at matugunan angpangangailangan ng taong bayan.Narito ang van, nasasaad dito ang pakikipag-ugnayan ng Pilipinas sa iba’t ibang panahon. Ilagay mo sa bawat van ang mga bansa na nakipag-ugnayan ang mga Pilipino. Pakikipag- ugnayan ng Pilipinas PAGSANAYAN MOA. Isulat mo sa tsart ang ilan sa mga ginagawang pangkalakalan ng Pilipinas sa iba’t ibang panahon. Panahon ng mga Panahon ng Panahon ng Panahon ngSinaunang Pilipino Espanyol Amerikano Ikatlong Republika

B. Sa palagay mo, nakapagbibigay ba ng tulong sa bansa at sa taong bayan ang ginagawang pakikipagkalakalan ng kasalukuyang namumuno sa pamahalaan? Bakit? TANDAAN MO  May iba’t ibang paraan ng pakikipag-ugnayan ang Pilipinas sa iba’t ibang panahon na nagbibigay ng kabutihang dulot sa pangkabuhayan at pangkaligtasan ng bansa. ISAPUSO MOAlam ko na marami ka ng natutuhan sa aralin mo ngayon tungkol sa pakikipag-ugnayan ngPilipinas sa iba’t ibang panahon. Narito ang epekto ng pakikipag-ugnayan nila sa ating bansa.Lagyan ng  kung ikaw ay sang-ayon at  kung hindi ka sang-ayon. 1. Nakikipagpalitan ang bansa sa Mehiko. 2. Ang pagkaalis ng base militar ng Amerikano sa bansa natin. 3. Ang pakikipag-ugnayan ng mga ninuno sa pamamagitan ng pakikipagpalitan ng kalakal sa mga dayuhang Tsino. 4. Pagbili ng mga paninda galing sa iba’t ibang bansa. 5. Pakikiisa sa mga kalapit bansa sa larangan ng kabuhayan at kultura na ipinatupad ni Pangulong Carlos P. Garcia.

GAWIN MOLagyan ng tsek (  ) ang hanay na nagpapakita ng paraan ng pakikipag-ugnayan ng mga ibangbansa sa Pilipinas. Paraan ng pakikipag- Sinaunang Espanyol Amerikano Ikatlong ugnayan Pilipino Republika1. Pangkabuhayan2. Pangkultura3. Panlipunan4. Pampulitika5. Panrelihiyon PAGTATAYA Isulat sa patlang ang titik ng panahon sa paraan ng pakikipag-ugnayan ng Pilipinas natinutukoy sa loob ng kahon. A. Panahon ng Ninuno B. Panahon ng Espanyol C. Panahon ng Amerikano D. Panahon ng Ikatlong Republika_______1. Nakipagkalakalan ang Pilipinas sa Mexico._______2. Naging kasapi tayo ng United Nations Organization._______3. Nakipagpalitan ng kalakal ang mga Pilipino sa mga Tsino._______4. Nakipagkasundo ang Gobernador Heneral sa mga pinuno ng mga_______5. bansang Silanganin. Ang ugnayang panlabas ay pinamamahalaan ng Kagawaran ng Ugnayang Panlabas (DFA).

PAGPAPAYAMANG GAWAINGumawa ka ng Album tungkol sa pakikiupag-ugnayan ng Pilipinas sa panahon ngSinaunang Pilipino, panahon ng Espanyol, Amerikano at Ikatlong Republika. Maaari mo na ngayong simulan ang susunod na modyul.

GRADE VI PAKIKIPAG-UGNAYAN NG PILIPINAS SA MGA BANSANG MAUNLAD AT PAPAUNLAD ALAMIN MOHanapin sa palaisipan ang mga bansa. Bilugan mo ang mga ito. LAOS PACD VAME R I C A I NHAPONC E OAMS P P A TODA I Q I N NNNLN I LA AEAAGE I D MS RYAT PA I I ASPA I O RA B I ONNN S L EARAAV ELH I EASV MCH I NAAD Ano-ano ang bansa na mabubuo mo sa palaisipang ito? Bilugan mo ang mga ito. Ang Pilipinas ay may pakikipag-ugnayan sa ibang bansa, sa mga bansang mauunlad at papaunlad. May kahalagahan ba ito sa mga Pilipino? Ito ay pag- aaralan natin sa modyul na ito.

PAGBALIK-ARALAN MOTingnan natin kung natatandaan mo pa ang mga paraan ng pakikipag-ugnayan ng mga nagingpangulo sa Ikatlong Republika. Isulat mo ang titik ng tamang sagot sa sagutang papel.A. Carlos P. Romulo D. Elpidio QuirinoB. Diosdado Macapagal E. Ferdinand E. MarcosC. Ramon Magsaysay F. Manuel RoxasSimulan mo rito.1. Nagtatag ng Samahan ng Pakikipagkasundo sa Timog Silangang Asya o SEATO.2. Ipinatupad niya ang patakarang “Asya Para sa Mga Taga-Asya”.3. Itinatag ang MAPHILINDO (Malaysia, Pilipinas, Indonesia) sa pakikipagkalakalan sa panahon ng kanyang panunungkulan.4. Nabuo sa kanyang panunungkulan ang Association of Southeast Asian Nations o ASEAN.5. Binigyang diin ang pakikipag-ugnayan ng Pilipinas at Estados Unidos at nakipagkasunduan ukol sa kabuhayan at kaligtasan.PAG-ARALAN MONapag-aralan mo na ang mga paraan ng pakikipag-ugnayan ng Pilipinas sa iba’t ibangSamahan. Ngayon alamin natin kung anong pakikipag-ugnayan ang ginagawa ng Pilipinas samauunlad na Bansa.Basahin mo ang ginawang ulat nina Jose at Nora sa klase ng HEKASI.

Ang Pilipinas at ang dating Unyong Sobyet ay nagsimula ng kanilang ugnayang diplomatiko. Lumagda ang dating Pangulong Nikolai Podgorny ng kasunduang pangkalakalan. Umangkat ang Unyong Sobyet sa Pilipinas ng langis ng niyog, asukal, tanso at abaka. Nagkaroon ng embahada ang Pilipinas sa Moscow at ang Unyong Sobyet sa Maynila. Ano ang nilagdaan ni dating Pangulong Marcos at Pangulong Nikolai sa pakikipag- ugnayan nila sa bansa?Nagsimula ang ugnayang Pilipino sa mgaArabe noong ika-9 na dantaon. Ang Arabeay nakipag-ugnayan sa Pilipinas at ditonabigyan ng pagkakataon ang mgamanggagawang Pilipino namakapaghanapbuhay noon. Sila rin angnagpalaganap ng relihiyong Islam atnagtatag ng Pamahalaang Sultano.Ano ang naitulong ng bansang Arabe sakabuhayan ng Pilipinas? Ano ang naitulong ng bansang Arabe sAankgabmughaayPailnipnignoPailtipHinapaos?nes ay matagal nang may pag-uugnayan. Kahit may alaalang iniwan ang bansang Hapon sa Pilipinas noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig patuloy pa rin ang pakikipag- ugnayan ng Pilipinas sa bansang Hapon. Pinagtibay ang Kasunduang Pangkatahimikan noong Mayo 9, 1986. Ito ang kasunduan tungkol sa pagbabayad ng Pamahalaang Hapones para sa pinsalang dulot ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig.

 Ano ang ginagawang pakikipag-ugnayan ng Hapones sa kalagayang pangkabuhayan ng Pilipinas? Ang pakikipag-ugnayan ng Pilipinas at Estados Unidos ay patuloy pa rin hanggang sa kasalukuyan. Pinagtibay ang kasunduan sa pangkalahatang ugnayan sa pagitan ng dalawang bansa. Ang kalakalang pangkultura, pang-edukasyon at pangkabuhayan ay naipatupad. Maraming pagbabagong naganap sa buhay ng mga Pilipino sa panahon ng pamamahala ng mga Amerikano. Ang mga kaugalian, pamamaraan sa pamumuhay at iba pang natutuhan sa kanila ay naging bahagi na ng kulturang Pilipino. Ano ang pinagtibay na kasunduan sa pagitan ng dalawang bansa? Sa aling pangkat ng mga bansang maunlad o papaunlad nagkaroon ng maraming kabutihang naidulot ang pakikipag-ugnayan? PAGSANAYAN MO 1. Saan-saang maunlad na bansa nakipag-ugnayan ang Pilipinas? A. Amerika B. Vietnam C. Espanya D. Saudi Arabia 2. Ano ang kabutihang dulot ng pakikipag-ugnayan ng Pilipinas sa mga bansang Arabe? A. naakit nila itong maging Kristiyano B. naging Muslim ang maraming Pilipino C. makapagbigay ng hanapbuhay sa mga Muslim D. nakapagbigay ng hanapbuhay sa mga Pilpinong manggagawa

3. Ano ang nangyari sa pakikipag-ugnayan ng Pilipinas sa Estados Unidos matapos ang digmaan? A. nawala B. naputol C. tumatag D. di-nagbago 4. Kailan nagsimula ang mabuting pagkakaibigan ng Pilipinas at bansang Hapon? A. nang umunlad ang Pilipinas B. nang umalis ang mga Amerikano C. nang dumating sa Pilipinas ang mga Hapones D. nang mapagtibay ang kasunduang pangkatahimikan 5. Bakit nakikipag-ugnayan ang Pilipinas sa mga bansang papaunlad? A. upang makautang tayo B. upang matulungan ang Pilipinas C. upang makatulong sa bansa tulad natin D. upang makapagtrabaho sa kanilang bansa TANDAAN MO  Mahalaga sa pagsulong at pag-unlad ng Pilipinas ang pakikipag-ugnayan sa ibat ibang bansa  May pakikipag-ugnayang ginawa ang Pilipinas sa bansang Estados Unidos at bansang Hapon. ISAPUSO MOAno ang magiging damdamin mo sa sitwasyong ito?Matinding kahirapan ang naranasan ng mga mamamayang Pilipino noong panahon ng Hapon.Gutom, hirap at sakit ng kalooban ang natamasa natin sa pananakop ng mga Hapones. Haloslahat ng taong bayan ay takot na takot na makaharap at makausap sila lalo na ang kababaihan.Habang ito ay pinagbabalik-aralan mo, ano ang nararamdaman mo? _______________________________________________________ _____________________________________________________________ _____________________________________________________________

_____________________________________________________________ ______________________.Ngayong malaya na ang ating bansa at sa kasalukuyan ay nakikipakalakalan na tayo sa kanila,anong nararamdaman mo? Isulat sa maikling pagpapaliwanag. _______________________________________________________ _____________________________________________________________ _____________________________________________________________ _____________________________________________________________ _____________________.

GAWIN MOMagtala ng dalawang mahalagang pakinabang na dulot ng pakikipag-ugnayan ng Pilipino sa mgabansang nabanggit sa ibaba. Pakikipag-ugnayan ng Pilipinas saMga Bansang Bansang Bansang Hapon Mga Bansang Sosyalista Estados Unidos Arabe1._________ 1._________ 1._________ 1._________2._________ 2._________ 2._________ 2._________ PAGTATAYA Isulat ang S kung sumasang-ayon ka sa isinasaad ng pangungusap at DS kung hindi kasumasang-ayon Simulan mo rito. _______1. Nakatulong sa pagpapaunlad ng Kultura ng bansa ang pakikipag- ugnayan sa bansang Estados Unidos.

_______2. Nakapagbigay ng hanapbuhay sa mga Pilipinong manggagawa ang pakikipag-ugnayan ng Pilipinas sa mga bansang Arabe. _______3. Naghirap ang bansa nang magkaroon ng ugnayang diplomatiko sa mga bansang Sosyalista. _______4. Nakipag-ugnayan ang Pilipinas sa mga bansang papaunlad upang makapagtrabaho ang mga Pilipino sa kanilang bansa. _______5. Nang matapos ang digmaan nawala ang pakikipag-ugnayan ng Pilipinas sa Estados Unidos. PAGPAPAYAMANG GAWAINMangalap ng clippings ukol sa pakikipag-ugnayan ng Pilipinas sa bansang mauunlad atbansang papaunlad pa. Maaari mo na ngayong simulan ang susunod na modyul.

GRADE VI KONTRIBUSYON NG MGA PILIPINO SA MGA SAMAHANG PANREHIYON AT PANDAIGDIG ALAMIN MOSuriin mo ang larawan. Ano kaya sa palagay mo ang kanilang pinag-uusapan? May kahalagahan bang magagawa ang kanilang pagpupulong? Makalulutas kaya sa suliraning pangkabuhayan, pangkapayapaan, pangkultura at pang-edukasyon ang kanilang usapan? Sa modyul na ito matututuhan mo kung sino ang mga kinatawang Pilipino sa pandaigdigang samahan ang nagbibigay karangalan sa ating bansa at matutukoy ang mga iba’t ibang ahensya ng UN na nasa Pilipinas na maraming mga Pilipino ang natulungang makahanap ng trabaho.

PAGBALIK-ARALAN MOTingnan mo ang mapa sa ibaba. Ano-anong bansa ang kasapi sa ASEAN?1. _________________ 6. _________________2. _________________ 7. _________________3. _________________ 8. _________________4. _________________ 9. _________________5. _________________`

PAG-ARALAN MOTingnan mo ang larawan at kilalanin mo ang mga taong ito: Ang Pilipinas ay isa sa mga unang naging kasapi ng Samahan ng mga Bansang magkakaanib. Isa ito sa mga lumagda sa Karta ng UN noong Oktubre 24, 1945. si Carlos P. Romulo ang lumagda para sa Pilipinas. Isa siya sa naging pangulo ng Pangkalahatang Asamblea, ang pangunahing ahensya ng UN. Tinagurian siyang Mr. United Nations. Si Leticia Ramos- Shahani ay kilala bilang tagapagtanggol sa mga kapakanan ng mga kababaihan at naging pangulo ng United Nation Komisyon para sa katayuan ng mga kababaihan. Ang sumusunod ay kinatawan ng mga Pilipino na nagbigay karangalan sa bansa at humawak ng matataas na tungkulin sa samahan. 1. Rafael Salas – Direktor ng Pondo para sa mga Gawaing Pampopulasyon (United Nations Fund for Population Activites) 2. Miguel Cuaderno – Humawak ng Dalawang sangay ng UNO, ang International Monetary Fund (IMF) at World Bank. 3. Dr. Juan Salcedo – Kauna-unahang Asyano na naging Pangulo ng World Health Organization (WHO) 4. Blas Ople – Pangulo ng Pagpupulong ng Pandaigdig na Samahan sa Paggawa (International labor Organization o (ILO) 5. Cesar Bengzon – Hukom sa Pandaigdig na Hukuman

6. Leticia Ramos Shahani – Naging tagapangulo ng Komisyon ng UNO sa Katayuan ng Kababaihan. 7. Estefania Aldaba Lim – Nanungkulan bilang pangalawang kalihim ng Social Development and Humanitarian Affairs. 8. Felixberto Serrano – Naging Pangulo ng Komisyon sa Karapatang Pantao noong 1959.Bukod sa mga Pilipinong gumanap ng iba’t ibang katungkulan, naging masigasig din angpakikilahok ng Pilipinas sa mga kampanya at proyekto ng UNO. Sinuportahan nito ang pag-aalisng patakarang apartheid (diskriminasyon laban sa mga negro) na pinaiiral sa Timog Aprika sapamamagitan ng pagputol sa pakikipag-ugnayan dito. Sino-sino ang kilalang Pilipino na tumulong upang mabigyan ng magandang kalakalan ang bansa, pahatiran o palitan ng mga kaalaman sa iba’t-ibang larangan? Sa paanong paraan nakatulong ang mga ito sa Samahan ng mga Bansang Magkakaanib? Mga Samahang Pandaigdig at Proyektong PangkapayapaanAng mga aktibong samahang pandaigdig at ang kanilang mga sagisag ay ang sumusunod. Angilan sa mga ito ay ang Ahensya ng Samahan ng mga Bansang Magkakaanib. 1. World Health Organization (WHO) – nangunguna sa pagbibigay ng tulong- pangkalusugan sa mahigit na 150 bansa at mga teritoryo. 2. UN Development Program (UNDP) – pinakamalaking tulay para sa pandaigdig na tulong teknikal at puhunang pangkalakalan. 3. Food and Agricultural Organization (FAO) – tumutulong sa pagpapaunlad ng Agrikultura, pangingisda at kagubatan. 4. UN International Children’s Fund (UNICEF) – aktibo sa mga gawaing kaugnay ng mga bata sa lansangan, nutrisyon para sa mga ina at anak, pagsugpo ng mga sakit, at pagtulong sa mga biktima ng kalamidad. 5. International Labor Organization (ILO) – tumutulong sa pagbibigay ng mga tulong na legal at teknikal sa mga manggagawa sa daigdig. 6. UN Industrial Development Organization (UNIDO) – nagsasanay ng mga eksperto sa larangan ng agham at teknolohiya. 7. International Finance Corporation (IFC) – Korporasyon ng mga bansang nagbibigay ng tulong pananalapi sa mahihirap na bansa.

8. UN High Commisioner for Refugees (UNHCR) – nagbibigay ng tulong sa mga biglaang pangangailangan at mga suliraning kaugnay ng mga refugees mula sa mga bansang sinalanta ng digmaan. 9. UN Educational, Scientific and Cultural Organization (UNESCO) – aktibo sa pagpapalaganap ng mg kaalamang pang-edukasyon pang-agham at pangkalinangan upang patuloy na umunlad ang pamumuhay ng mga bansa sa daigdig. 10. UN Department of Technical Cooperation and Development (UNDTCD) – tumutulong sa paglinang ng mga batas tungkol sa pagmimina at pagbubuo ng mga programang hihikayat sa pamunuan sa mga mineral. Nakatulong ba sa bansa ang mga ahensya ng UN na nasa Pilipinas para sa kagalingan ng pamumuhay ng mga Pilipino? Anong ahensya ng samahang nagsasanay ang mga Pilipino na maging eksperto sa larangan ng agham at teknolohiya? PAGSANAYAN MOBasahin at piliin ang titik ng tamang sagot. 1. Alin ang pinakamalaking samahan ng mga bansa sa mundo? A. UN B. ILO C. APEC D. ASEAN 2. Bakit itinatatag ang UN? A. upang matulungan ang maliit na bans B. upang magkaroon ng katahimikan sa mundo C. upang magkaroon ng malayang kalakalan ang mga bansa. D. upang magkaroon ng pagbabagong pangkultura ang mga bansa. 3. Aling Samahan ang naglalayong mapadali ang pamumuhunan sa pangangalakal ng mga bansang kasapi?

A. UN B. ILO C. APEC D. ASEAN 4. Bakit itinatag ang ASEAN? a. upang malutas ang mga krimen sa Asya b. upang lumago ang pangangalakal sa Asya c. upang matigil ang paglaganap ng komunismo sa mga bansang kasapi d. upang higit na makipagtulungan sa ilang suliranin ang bansang kasapi 5. Bakit sumapi ang Pilipinas sa UN? a. upang magkaroon ng kapayapaan b. maitaguyod ang programang pangkabuhayan c. maitaguyod ang pangkalusugan at populasyon d. lahat ng nabanggit TANDAAN MO  Malaki ang mga naitulong ng mga Pilipino bilang mamamayan ng daigdig at kontribusyon ng Pilipinas sa mga Samahang Panrehiyon at Pandaigdig.  Si Carlos P. Romulo, kinatawan ng Pilipinas ay nahalal na Pangulo ng Pangkalahatang Kapulungan ng UN. ISAPUSO MOSadyang taglay ng mga Pilipino ang kasipagan at talino. Handang gamitin ang mga ito sapaglilingkod sa tao. Dapat nating bigyang pagpapahalaga ang pagmamalasakit nila sa atingbansa at ito’y dapat na gawing huwaran ng mga susunod ng henerasyon.

GAWIN MOKilalanin kung ano o sino ang sumusunod. Isulat ang sagot sa patlang.1. UN _________________________2. ASEAN _________________________3. UNESCO _________________________4. Cesar Bengson _________________________5. Carlos P. Romulo _________________________ PAGTATAYAAnong Samahan ng mga Bansang Magkakaanib ang nakatutulong sa sumusunod na sitwasyon: 1. Paglusob ng Iraq sa Kuwait __________________ 2. Pagkakaroon ng epidemic sa Kolera o H-Fever ______________ 3. Nagkakagulong refugees mula sa Vietnam at Cambodia ________ 4. Pagbibigay ng seminar tungkol sa pagpaplano ng pamilya ________ 5. Pagpapadala ng mga iskolar sa ibang bansa para magpakadalubhasa sa agham at siyensiya. ______________________________

PAGPAPAYAMANG GAWAIN Isulat ang iyong kuru-kuro sa paksang ito.Ano-ano ang maaaring mangyari kung ititigil ng Pilipinas ang pakikipag-ugnayan nito saibang bansa? ______________________________________________________________ Maaari mo na ngayong simulan ang susunod na modyul.

GRADE VI SAMAHANG PANREHIYON AT PANDAIGDIG NA KASAPIAN NG PILIPINAS ALAMIN MOSuriin mo ang larawan. Ano ang nakikita mo sa larawan? Ano ang gustong ipahayag ng larawan? Bakit ipinakita sa larawan ang pagkakapit-kamay ng bawat isa sa larawan? Sa modyul na ito matutuhan mo ang kahalagahan ng pagsapi ng Pilipinas sa mga Samahang Panrehiyon at Pandaigdig.

PAGBALIK-ARALAN MOTingnan ko kung natatandaan mo pa ang ating nakaraang aralin tungkol sa pakikipag-ugnayan ngPilipinas sa ibang bansa sa iba’t-ibang panahon. Isulat kung ang mga pangyayari ay naganap sa panahon ng Unang Pilipino, panahon ngEspanyol, Panahon ng Amerikano o Panahon ng Ikatlong Republika. Isulat ang UP para saUnang Pilipino, E para sa Espanyol, A para Amerikano at IR para sa Ikatlong Republika saunahan ng bawat bilang. _______1. Nakipagpalitan ng kalakal ang mga Pilipino sa mga Tsino _______2. Ang pakikipag-ugnayang panlabas ay pinamamahalaan ng Bureau of Insular Affairs. _______3. Naging kasapi tayo ng United Nations Organization. _______4. Ang gobernador-heneral ang nakikipagsundo sa mga bansang silanganin. _______5. Ang ugnayang panlabas ay pinamamahalaan ng Kagawaran ng Ugnayang Panlabas. PAG-ARALAN MOSuriin mo ang mga logong ito. Ito ang tatlong logo sa mga pangunahing samahang kinabibilangan ng Pilipinas UN,ASEAN at APEC.

Malalaman mo sa araling ito ang kabutihang naidulot sa bansa ng pagsapi sa mga samahangpanrehiyon at pandaigdig. 1. Basahin mo ang sanaysay na ito: Ang Samahan ng mga Bansa sa Timog Silangang Asya o Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) ay isang samahang panrehiyon. May kanya-kanyang kultura at kasaysayan ang mga bansang Indonesia, Malaysia, Thailand, Singapore at Pilipinas at sila ay nagkabuklud-buklod upang itatag ang ASEAN, sa pamamagitan ng paglagda sa Deklarasyon ng ASEAN noong Agosto 8, 1967 sa Bangkok, Thailand. Naging matagumpay ito at nadagdagan ang mga kasaping bansa nito nang umanib ang Cambodia, Brunei, Vietnam, Myanmar at Laos. Binubuo ang ASEAN upang matamo ng mga bansang kasapi nito ang kaunlarang pangkabuhayan, panlipunan at pangkultura at pangalagaan ang kapayapaan sa rehiyon. Ang mga tao sa estado ay nagsikap ng pamamaraan na mabuhay nang matiwasay sa kani-kanilang lugar at maiwasan ang digmaan kaya ang bansang Pilipinas ay hindi nag- atubili na lumagda sa KARTA ng UNO na may 51 bansang kaanib na ito. Ang UNO ay itinatag at pinagtibay noong Oktubre 24, 1945. Ang ASIA PACIFIC ECONOMIC COOPERATION (APEC) ay samahan ng mga bansang kahangga ng Dagat Pasipiko. Ang mga kasaping bansa sa Austarlia, Brunie Darussalam, Canada, Chile, People’s Republic of China, Hongkong, Indonesia, Japan, Republic of Korea, Malaysia, Mexico, New Zealand, Papa New Guinea, Pilipinas, Singapore, Chinese, Taipei, Thailand at ang Estados Unidos ng Amerika. Sa pakikipag-ugnayan sa ibang bansa, isinasaalang-alang ng Pilipinas ang pambansang soberanya, karangalan at teritoryo, pambansang interes at karapatan sa sariling paninindigan. Batay ito sa patakarang pagsasarili sa mga gawaing panlabas ng bansa. Ang pamamahala sa mga gawaing panlabas ng Pilipinas ay tungkulin ng Kagawaran ng Ugnayang Panlabas (DFA). May mga tauhan itong nakatalaga sa iba’t ibang bansa na tinatawag na diplomat. Ang mga ito ang nangangalaga sa interes ng Pilipinas at kapakanan ng mga Pilipino sa bansang kinaroroonan nila. Ang pakikipag-ugnayan ng ating bansa sa mga kasaping bansa ay mga layuning pulitika, ekonomiya, militar at kultura. Ito ang tinatawag na pag-aasahan ng mga bansa sa daigdig.

2. Pag-aralan mo ang tsart. Kahalagahan sa Bansa Samahang Kasapi ang Pilipinas  Pagpapaluwag ng mga regulasyon sa 1. ASEAN malayang talakayan 2. UNO  Paglulunsad ng mga programa sa pananaliksik 3. APEC  Pagpapalitan ng mga estudyante alagad ng sining at mga pang-kulturang pangkat ng mga kasaping bansa  Pagkakaroon ng matatag at malapit na ugnayang pandiplomatiko at pang- ekonomiya.  Pagkakaroon ng magandang edukasyon, kapayapaan, agham at teknolohiya karapatang pantao at pagbibigay proteksyon sa kalikasan.  Pagbabawal ng pag-empleyo ng mga bata sa mga pagawaan.  Pagkakaroon ng sentro ng mga gawain upang matamo ang kaunlaran.  Pag-unlad ng siyensya at teknolohiya, pang-industriya sa paraan ng palitan ng mga kaalaman at kasanayan ng mga kasapi nito.  Paunlarin ang kalakaran, paglinang ng yamang tao, enerhiya, tele- komunikasyon, transportasyon, turismo at pangisdaan.  Pagpapataas ng antas ng ekonomiya  Pagkakaroon ng isang matatag na palitan ng salapi o exchange rate at mababang inflation rate.  Pagpapataas ng antas ng edukasyon Kailangan bang sumapi ang Pilipinas sa mga samahang panrehiyon atpandaigdig? Bakit?

Nakatutulong ba ang mga samahang panrehiyon at pandaigdig sa Pilipinas? Ipaliwanag mo ang iyong sagot.Sa bawat samahang panrehiyon at pandaigdig ang Pilipinas ay nakikipagkaisa atnakikipagtulungan sa mga bansa sa daigdig. Hangad ng Pilipinas na mapasama tayo upangmaiparating sa kinauukulan ang suliranin at isyu na kinasasangkutan ng bansa. Angpinakamagandang halimbawa nito ay ang usapan tungkol sa (OFW) overseas Filipino worker atang suliranin tungkol sa Spratlys. PAGSANAYAN MO Bibigyan kita ng mga katanungan upang malaman ko kung nauunawaan mo ang aralin mo ngayon. Handa ka na ba? 1. Ano ang pangunahing layunin ng ASEAN? A. pag-unlad ng kabuhayan B. paglutas ng suliranin ng bansa C. pagtatanghal ng timpalak sa kagandahan D. paglahok ng mga manlalaro sa ASEAN games 2. Ang Pilipinas ay kasapi ng pangrehiyon at pandaigdig na samahan tulad ng A. NSDB B. NCEE C. ASEAN D. PAG-ASA 3. Mga bansa sa Timog-Silangan Asya ang bumubuo ng ASEAN. Alin ang hindi kasapi nito? A. Hapon B. Malaysia C. Singapore D. Indonesia 4. Ang ASEAN ay itinatag upang mapangalagaan ang kalagayan ng mga kasaping bansa sa anong larangan? A. ideolohiya

B. teknolohiya C. pangkabuhayan D. pag-uugnayan 5. Ano ang sinisikap gawin ng mga Pilipino bilang kasapi ng ASEAN? A. patibayin ang pagkakaibigan B. patibayin ang pagsasamahan C. patibayin ang pagiging magkalapit-bansa D. patibayin ang pakikipag-ugnayan sa mga bansang kasapi nito TANDAAN MO  Ang pagsapi ng Pilipinas sa mga samahang panrehiyon at pandaigdig ay mahalaga sa kaunlaran ng bansa.  Nagkakaroon ng ugnayang pangkalakalan na makatutulong sa pagpapaunlad ng kabuhayan ng bansa. ISAPUSO MOAng pagsapi sa UN, ASEAN at APEC ay naghahangad ng kapayapaan at kaunlaran. Dapatlamang na igalang natin ang mga kasaping bansa na tumutulong sa ating ekonomiya . GAWIN MO Pag-aralan mo ang puzzle. Hanapin at bilugan ang pangalan ng mga bansang kasapi sa ASEAN.

LAOS PACD V I BRUNE I I NDUME S Y E DAMA P P I TODASQ I D NNNL I YL E AEAANE I N MS LYGT PD I I I SAA I O RA A I P NN N S LHAOAAV E L TARA S V MYANMA R D PAGTATAYALagyan ng tsek () ang kahulugan ng pagsapi ng Pilipinas sa ASEAN/UNO at(x ) ang hindi. _______1. Nakatutulong na mapanatili ang kapayapaan. _______2. Magkakaroon ng pakikipag-ugnayan sa mga bansang kasapi. _______3. Natutulungan ang Pilipinas sa kanyang mga suliranin. _______4. Naging palakaibigan sa ibang bansa. _______5. Nagkaroon ng alitan ang mga bansa.

PAGPAPAYAMANG GAWAINPumunta sa aklatan para makabasa ng Bagong World Almanac o ensayklopidyangmagbibigay ng impormasyon tungkol sa mga bansang kasapi sa ASEAN. Buuin angtsart.Bansa Bilang ng Relihiyon Uri ng PRODUKTO Populasyon Pamahalaan1. Malaysia2. Thailand3. Singapore4. Brunei5. Indonesia Maaari mo na ngayong simulan ang susunod na modyul.










































Like this book? You can publish your book online for free in a few minutes!
Create your own flipbook