Important Announcement
PubHTML5 Scheduled Server Maintenance on (GMT) Sunday, June 26th, 2:00 am - 8:00 am.
PubHTML5 site will be inoperative during the times indicated!

Home Explore HEKASI VI

HEKASI VI

Published by Palawan BlogOn, 2015-09-21 03:28:09

Description: HEKASI VI

Search

Read the Text Version

PAGTATAYA Subukin mong tukuyin kung ano ang isinasaad ng mga katangian ng mga anyong lupa.Maaari kang pumili ng sagot sa kahon sa ibaba. 1. Pinakamaliit na bulkan sa daigdig _________________. 2. Pinakamataas na bundok sa Luzon _________________. 3. Pinakamataas na bundok ng Pilipinas ________________. 4. Pinakamagandang bulkan sa Pilipinas _________________. 5. Pinakamalawak na kapatagan sa Pilipinas _______________. Zambales Bundok Apo Sierra Madre Bulkang Taal Bulkang Mayon Bundok Pinatubo PAGPAPAYAMANG GAWAIN Humanap ka ng larawan ng anyong lupa. Idikit mo sa iyong kwaderno. Pumili ng isa at sumulat ng isang paglalarawan tungkol dito. Maaari mo na ngayong simulan ang susunod na modyul.

GRADE VI MGA URI NG LIKAS NA YAMAN ALAMIN MOPagmasdan mo ang mga likas na yaman. Ito ang mga likas na yaman ng bansa na makikita sa yamang kagubatan, yamang mineral, yamang tubig at yamang lupa. Ito rin ang yamang likas na pinagkukunan ng ikabubuhay sa bansa. Magkakaugnay ang bawat bahagi sa mga yamang ito. Ang anumang pagkasira o pagkaubos nito ay magbibigay ng karagdagang suliranin sa ating bansa. Sa modyul na ito malalaman mo na ang mga yamang likas ay mapapangkat- pangkat ayon sa uri nito. Handa ka na ba?

PAGBALIK-ARALAN MONakatala sa ibaba ang mga likas na yaman na matatagpuan sa kagubatan, karagatan, kalupaan atminahan. Magbalik tanaw ka sa iyong napag-aralan sa mga likas na yaman na matatagpuan saibat-ibang panig ng bansa. Isulat mo kung saan matatagpuang lugar ang mga likas na yaman. Likas na Yaman Pook1. palay, mais, patatas, ginto2. ginto, pilak, nickel, copper3. gulay, palay4. palay, mais, tubo5. palay, mais, pataba(Maaring tingnan ang Mapang Pangkabuhayan sa pagtukoy ng lugar) PAG-ARALAN MOAng mga pulo ng Pilipinas ay may kanya-kanyang yaman na dapat ipagmalaki. Maramingpagbabago ang nangyayari sa paligid habang nagdaraan ang panahon. Lumalaki angpopulasyon, dumarami ang iba’t ibang pangangailangan at suliranin kaugnay sa pangangailanganat pamumuhay ng tao sa araw-araw. Anong mangyayari kung walang pagmamalasakit nanakikita sa taong bayan sa pangangalaga sa likas na yaman? Tandaan na may hangganan atnauubos ito.

1. Pag-aralan mo ang tsart Yamang Yamang Napapalitan Nauubos Yamang Hindi Nauubos2. Basahin mo ang teksto. Ang Pilipinas ay sagana sa likas na yaman na nanggagaling sa lupa, sa gubat,mineral at tubig. Iilang bansa lamang ang makapapantay rito. May likas na yamang nauubos at hindi na napapaliitan. Mayroon namangnauubos ngunit napapalitan pa. Ang yaman ng lupa bagamat nauubos ay maaring mapalitan. Nauubos ang tabang lupa at nadadala ng agos ng tubig ngunit nanunumbalik sa pamamagitan ng patabangbuhat sa mga kemikal. Ang naaagnas ay naibabalik ng nabubulok na halaman, dahon,damo at mga siit na kahoy. Ang yamang gubat ay nauubos din. Ang mga punongkahoy, pagkatapos maputol,ay maaring manumbalik dahil sa mga buto o ugat na muling tutubo. Hindi tuluyang mauubos ang mga yamang galing sa tubig dahil ang mga isda,kabibe, hipon at mga perlas ay nangingitlog na muli at patuloy ang kanilang paglago.May panganib din na mauubos ang mga ito kung hindi mapangalagaan mabuti ang mgayamang tubig, gaya ng pagamit ng dinamita, labis na pangingisda at polusyon sa tubig.. Subalit ang mga yamang mineral ay hindi na napapalitan. Nasusukat ng mgaminero ang laki o dami ng namimina sa isang minahan. Kapag nahukay nang lahat angmina doon tiyak naubos na ito. Wala nang tutubong mineral. Wala nang magagawaupang madagdagan o maibalik pa ang mineral. Maaaring ring mapalitan ang mga likasna yamang ito dahil wala itong buhay.Sagutin mo ang mga tanong:  Ano-anong uri ng likas na yaman ang napapalitan o yamang di-nauubos?  Ano naman ang mga likas na yaman na di-napapalitan o yamang nauubos?  Bakit dapat na malaman mo na may mga likas na yaman na napapalitan at di- napapalitan?  Sa palagay mo ba magkakaroon ng problema o suliranin sa paggamit ng labis ng likas na yaman kung walang gagawing pag-iingat ang mga tao?  Ano ngayon ang gagawin mo sa paggamit ng likas na yaman na alam mo nauubos?

Ngayon tukuyin mo ang mga likas na yaman na nauubos at di-nauubos sa pagtatala sa grapikongito. Mga Likas na Yaman Nauubos Di-Nauubos1. 1.2. 2.3. 3.4. 4.5. 5.6. 6. PAGSANAYAN MOSagutin mo ito. 1. Ano ang di-nauubos na likas na yaman? A. tubig B. hayop C. mineral D. halaman 2. Alin ang dahilan ng kakulangan sa produksyon sa ating bansa? A. pagkakalayu-layo ng mga pulo B. katamaran ng mga manggagawa C. kakulangan sa mga likas na yaman D. kakulangan sa mga makabagong kagamitan

3. Bakit mahalaga ang wastong paggamit ng likas na yaman? A. upang kumita nang malaki B. upang matulungan ang mahihirap C. upang maitaguyod ang sariling kapakanan D. upang matamo ng Pilipinas ang pambansang karapatan 4. Bakit tinatakdaan ng pamahalaan ang pagmimina sa bansa? Upang A. maiwasan ang polusyon B. mabawasan ang mga minero C. mabawasan ang gastusin ng pamahalaan D. maiwasan ang pang-aabuso sa mga minahan 5. Bawal magtroso ng matitigas na punongkahoy sa gubat sa inyong pook. Ngunit isang araw nakita mong dumaan ang isang trak at may lamang pinutol ang malalaking puno. Kahit alam mo na ito ay yamang napapalitan, ano ang gagawin mo? A. isusuplong sa pulis ang nakita B. ibabahagi sa magulang ang nakita C. magkukunwaring walang nakikita D. pag-usapan ang nakita kasama ang mga barkada TANDAAN MO Ang mga yamang kalupaan, karagatan at minahan ay napapangkat sa dalwang uri. Yamang napapalitan o yamang di-nauubos. Yamang di-napapaplitan o yamang nauubos. Ang yamang napapalitan ay mga bagay-bagay na nakikita natin sa kapaligiran tulad ng mga halaman at punongkahoy. Ang yamang di-napapalitan ay ang mineral na hindi na muling tutubo o magkakaroon pa ng pinagkukunan.

ISAPUSO MOMatapos mong malaman ang mga uri ng likas na yaman – yamang nauubos at yamang di-napapalitan paano mo maipapakita ang pagpapahalaga sa paggamit nito? Ipakita mo sa tsart ang tama at dapat gawin sa halip ng mga maling ginagawa na nasakaliwang hanay. Maling Ginagawa Dapat/Tamang GawainA. pag-ubos ng mga tao sa mga puno sa kagubatan.B. pagbili ng mga ginto ng mga dayuhan sa bansa.C. paggamit ng pinong lambat sa pangingisda.D. pagpapabaya sa pagiging masukal ng kagubatan.E. paggawang tapunan ng dumi ng mga tahanan at pabrika ang mga ilog at iba pang katubigan.GAWIN MOPangkatin ang sumusunod na likas yaman ng bansa. Isulat ang mga ito sa angkop na hanay. isda tubig ibonpunong-kahoy gas bungang-kahoy ginto lupa metal

PAGTATAYA Isulat ang N kung napapalitan ang likas na yaman sa listahan at H naman kung hindinapapalitan._________ 1. suso _________ 6. langis_________ 2. bakal _________ 7. saging_________ 3. pusit _________ 8. buhangin_________ 4. abaka _________ 9. Philippine Eagle_________ 5. marmol _________ 10. halamang ornamental PAGPAPAYAMANG GAWAINGumawa ng poster tungkol sa mga likas na yaman ng bansa. Ipaliwanag ang mensahengisinasaad ng poster. Maaari mo na ngayong simulan ang susunod na modyul.

GRADE VI LIKAS NA YAMAN: GAMITIN AT PANGALAGAAN ALAMIN MOMagandang araw sa iyo. Naiiba naman ang gagawin mo sa araw na ito.Hulaan mo kung ano ito?Anong salita ang nag-uugnay sa mga salitang nasa bilang I-II?Subukin mong sagutin ang mga tanong sa palaisipang ito. Isulat mo ang titik ng angkop na salita sa loob ng bawat kahon. Handa ka na ba? 1. 2. 3. 4. 5. 6. 7. 8. 9. 10. 11. 1. Hindi gaanong mainit o di-gaanong malamig ang nararamdaman sa Pilipinas. Ano ito?

2. Ginagamit ito ng magsasaka upang maging malusog at mabilis ang paglaki ng tanim. Ano ito? 3. Nagbibigay ng tabla, lilim, gamot, pugad ng ibon at iba pa. Ano ito? 4. Kung mauubos ang mga punongkahoy, madaling magkakaroon ng ___________. Ano ito? 5. Ang Gitnang Kapatagan ng Luzon at ilang kapatagan sa Cotabato ang may pinakamalawak na taniman ng ______________. Ano ito? 6. Malaki ang naitutulong nito sa paglaki ng pananim. Ano ito? 7. Kapag nagtanim ka nito sa inyong bahay problema sa pagkain ay malulunasan. Ano ito? 8. Ang Pilipinas ay napapaligiran ng ____________. Ano ito? 9. Ang sikat nito ay kailangan upang sumigla ang iyong katawan. Ano ito? 10. Yamang di-napapalitan kaya kailangang gamitin ito nang mahusay. Ano ito? 11. Ang lugar na ito ay patag, malawak at mataba ang lupa para pagtamnan. PAGBALIK-ARALAN MOBago mo simulan ang pag-aaral ng modyul, gawin mo muna ang sumusunod upang makita mokung ano ang alam mo sa paksang tatalakayin dito. A. Tingnan ang mapa ng Pilipinas. Ilagay ang likas na yaman kung saan ito matatagpuan:

B. Bilugan ang titik ng tamang sagot sa mga tanong:

1. Saang lugar sa Pilipinas matatagpuan ang rhinodean typus, ang pinakamalaking isda? A. Bacoor, Cavite B. Pandan, Antique C. Navotas, Malabon D. Lake Buhi, Camarines Sur2. Saan matatagpuan ang pinakamalaking deposito ng chromite? A. Iloilo B. Mindoro C. Pampanga D. Surigao del Norte3. Saan matatagpuan ang pinakamalaking kagubatan sa Pilipinas? A. Abra B. Bicol C. Laguna D. Palawan4. Saan natuklasan ang minahan ng langis sa Pilipinas? A. Cebu B. Cotabato C. Sorsogon D. Reeds Bank5. Saan matatagpuan ang maraming gulay? A. Benguet B. Romblon C. Bacoor, Cavite D. Camarines NorteC. Ilagay sa basket ang likas na yaman ayon sa uri nito. langis isda halaman hayop lupa bakalpunong-kahoy ginto tanso gulay chromite ibon

Kung tama ang lahat ng iyong kasagutan, magaling. Maaari mo pa ring basahin ang modyulupang madagdagan ang iyong kaaalaman. Kung may mali sa iyong mga sagot, huwag mabahala.Pag-aralan mo ang modyul upang maintindihan ang paksa rito. PAG-ARALAN MO Suriin ang ipinapakita ng larawan.

Basahin mo.Ang Pilipinas ay maraming likas na yaman. Ang mayamang kagubatan, pangisdaan at minahansa ating kapaligiran ay nakatutulong sa pag-unlad at pagsulong ng ating bansa. Angpaglilinang at wastong pangangalaga ng mga likas na yaman ang makatutugon sa materyal napangangailangan ng tao.Nangunguna ang pamahalaan sa paglinang ng ating mga likas na yaman. May mga ahensiyang pamahalaan na nagsasagawa ng mga programa upang linangin ang mga pinagkukunang-yaman tulad ng Kagawaran ng Kapaligiran at Likas na Yaman. Ang mga magsasaka aytinuturuan ng makabagong pamamaraan sa pagsasaka. Pinalalawak din nito ang industriya ngpangingisda at paghahayupan.Ang pangangalaga at pangangasiwa ng mga likas na yaman ay tungkulin hindi lamang ngpamahalaan kundi pati na rin ang mamamayan. Kapag napabayaan at naubos ang mga ito,wala nang maipanunustos sa mga pangangailangan ng bansa hanggang sa susunod nahenerasyon.Sagutin mo ang sumusunod: 1. Paano nililinang at pinangangalagaan ang mga likas na yaman? 2. Bakit dapat na linangin, pangalagaan at gamitin nang wasto ang mga likas na yaman? 3. Sino-sino ang may tungkuling pangalagaan ang likas na yaman?  Nasagot mo ba ang mga tanong? Magaling!  Alamin mo naman ngayon kung paano dapat gamitin ang mga likas na yaman.

Basahin mo ang lathalain tungkol sa yamang kagubatan. Nasisira ang kagubatan dahil sa labag sa batas na pagtotroso, pagkasunog gawa ng kaingero at gawa na rin ng kalikasan tulad ng bagyo, lindol, kidlat, malakas na hangin at iba pang pangyayari. Upang maiwasan ang tuluyang pagkasira ng kagubatan, inilunsad ng DENR ang Pambansang Programa sa Paggugubat (National Forestation Program), (NFP) na naglalayon ng pagpapanatili ng yamang gubat. Naglunsad din ng programa para sa muling pagtatanim ang Kawanihan ng Pagpapaunlad ng Kagubatan (Bureau of Forest Development) (BFD). Pinangangalagaan ang ilang hayop at halaman at isinaayos ang magagandang gubat at ginagawang parke na maaring liwaliwan at kanlungan ng hayop at ibon. May mga batas tungkol sa pangangalaga ng kagubatan ang ipinatutupad ng pamahalaan. Sagutin ang sumusunod: 1. Ano-ano ang dahilan ng pagkasira ng kagubatan? 2. Ano-anong ahensiya ng pamahalaan ang nangangalaga ng ating kagubatan? 3. Paano natin dapat gamitin ang mga yamang kagubatan? Pag-aralan mo naman ngayon kung paano natin dapat na gamitin ang Yamang Tubig at pangisdaan.Basahin mo.

Ang Pilipino ay may mayaman at malawak na pangisdaan. Maaring maubos ang yamang ito dahil sa maling paraan ng pangingisda. Upang maiwasan ang suliranin, nagpalabas ng mga batas at kautusan ang pamahalaan sa pamamagitan ng DENR. Isa sa batas ay ang Atas ng Pangulo Bilang 1085. Ipinagbabawal nito ang paggamit ng mga dinamita, lason at sasakyang de motor sa pangingisda. May kaukulang parusa sa sinumang lumabag sa batas na ito.Sagutin mo ito. 1. Ano-ano ang ipinagbabawal ng Atas ng Pangulo Bilang 1085? 2. Bakit kailangan sundin ang batas sa pangingisda?Suriin mo naman ngayon kung bakit dapat gamitin nang matalino ang yamang likas tulad ngyamang mineral. Basahin mo. May masamang idinudulot sa kapaligiran ang hindi maayos na pangangasiwa sa mga gawaing kaugnay ng pagmimina. Halimbawa, kadalasang itinatapon ng mga minero ang kanilang nakuhang dumi at bato mula sa mga minahan sa mga ilog at daluyan ng tubig. Kung hindi itinambak naman ito kahit saan hanggang sa magkapatung-patong. Ang ganitong gawain ay nagdudulot ng pagguho ng lupa. Upang maiwasan ang ganitong mga pangyayari nagpalabas ng mga batas at kautusang magbibigay-pansin sa kapaligiran habang nililinang ang mga yamang mineral ng bansa. Kaya noong Enero 1978 ipinahayag ang Atas ng Pangulo Bilang

Sagutin mo ang sumusunod: 1. Ano-ano ang idinudulot ng hindi maayos na pagmimina? 2. Paano nilinang ang mga yamang mineral ng bansa? Matutuhan mo naman ngayon ang ilang paraan sa pagpapayaman ng lupa. Basahin mo. Ang Kawanihan ng Lupa ang nangangasiwa sa pangangalaga sa mga lupang pansakahan. Nagsasagawa ito ng mga pananaliksik upang higit na mapakinabangan ang lupang taniman. Natuturo ito ng makabagong paraan ng pagpapanatili ng katabaan ng iba’t ibang uri ng lupa. Naririto ang ilan sa mga pamamaraan sa pagpapayaman ng lupa: Paggamit ng mga Pataba Ginagamitan ng pataba ang mga nabubulok na tanim, dumi ng hayop at mga kemikal. Pagtatanim sa Pagitan Nagtatanim ng ibang halaman sa pagitan ng mga hanay ng mga puno o tanim upang hindi masayang ang lupa at upang mapangalagaan ang lupang pang-ibabaw. Karaniwang tanawin sa Cavite lalo na sa Silang ang pagtatanim ng pinya sa pagitan ng niyog at papaya. Bai-baitang na Pagtatanim Tinataniman ang mga gilid ng burol o bundok upang mapigil ang daloy ng tubig at pag-agos ng lupa. Ang magandang halimbawa nito ay ang taniman sa Banawe.Sagutin mo ang sumusunod: 1. Paano pinangangasiwaan ng Kawanihan ng Lupa ang mga lupang pansakahan? 2. Ano-ano ang paraan sa pagpapayaman ng lupa?

Pagkatapos mong matutuhan ang paglinang at paggamit ng mga likas na yaman, masasabi mokaya kung matalino o di-matalinong paraan ito?Magtala ng mga gawaing nagpapakita ng matalino at di-matalinong paraan sa paggamit ng likasna yaman. Isulat ito sa grapikong presentasyon na nasa ibaba.

PAGSANAYAN MOA. Hanapin sa Hanay B ang karugtong o may kaugnayan sa mga pariralang nasa Hanay A. Isulat ang titik ng wastong sagot sa kuwadernong sagutan. Hanay A Hanay B1. ibayong pagtulong A. ang nararapat gamitin sa pagtatanim2. makakapal na kagubatan upang makapag-ani nang masagana.3. nakakalbo ang mga bundok4. pagyamanin at pangalagaan B. ay dapat pangasiwaan nang mabuti5. ang maka-agham na C. ng pamahalaan ay kinakailangan ng pamamaraan mga magsasakang mahihirap D. ang mga likas na yaman upang maging sagana ang bayan E. kaya kailangang magtanim na muli ng mga punog-kahoyB. Lagyan ng tsek ( ) ang pangungusap na nagsasaad ng tamang paggamit ng likas na yaman at ekis ( x ) kung hindi. Isulat ang sagot sa kuwadernong sagutan. 1. Maaring magtanim ng puno sa mga bakanteng lugar. 2. Ang tao ay malayang makapuputol ng mga kahoy sa gubat. 3. Ang pagtatapon ng basura sa ilog at dagat ay ipinagbabawal. 4. Makapanghuhuli ka ng isda sa panahon ng “open season”. 5. Pagtatanim ng punla bilang kahalili ng punong pinutol. TANDAAN MO Ang paglinang at paggamit ng mga likas na yaman ay ginagawa sa matalinong paraan.

ISAPUSO MOMagsaliksik, magmasid at mag-uri sa iyong kapaligiran. Gamitin ang tsart sa ibaba.Gawain A. Paksang Sasaliksikin Likas na Yaman sa KapaligiranUri ng Likas na Yaman Paraan ng Paggamit Epekto sa TaoGawain B. Pag-aralan ang iyong natuklasan sa gawain A. Buuin ang sumusunod: 1. Natuklasan ko ______________________________________________ __________________________________________________________ __________________________________________________________ ___________________________. 2. Nais ko ____________________________________________________ __________________________________________________________ ____________________________________________________.Gawain C. Ano ang gagawin mo sa mga isinulat mo sa gawain A? Suriin at lagdaan:  Ipagpatuloy ko ang __________________________________________ __________________________________________________________ ___________________________________________.  Babasahin ko ang ___________________________________________ __________________________________________________________ _________________________________________________________. ____________________ Lagda

GAWIN MOA. Lagyan mo ng puso () ang nagpapakita ng matalinong paggamit sa likas na yaman at ekis ( x ) ang hindi. 1 Iniiwasan ni Arlene ang pagtatapon ng basura sa ilog. 2. Gumagamit si Mang Joaquin ng dinamita sa pangingisda. 3. Pinuputol ni Mang Boyong ang lahat ng mga puno pati na ang bago pa lamang lumalaki. 4. Si Mang Rudy ay isang minero. Tinatapon niya ang nakuhang dumi at bato mula minahan sa mga ilog at daluyan ng tubig. 5. Si Bb.Arevalo ay nagsasagawa ng mga pananaliksik tungkol sa makabago at pinabuting uri ng isda, butil at pananim.B. Alay Tanim sa Paaralang Padre Gomez. Tulungan mo ang mga mag-aaral ni Ginang Zuñiga sa kanilang gagawing pagtatanim. Isulat mo sa paso ang titik ng mga dapat nilang gawin.

A. Bubuhusan ng langis ni Bart ang taniman upang madaling tumubo ito. B. Mananaliksik naman si Florentino tungkol sa makabago at pinabuting uri ng punla, butil at pananim. C. Gagamit ng pataba si Macaria at pagyayamanin ang itinanim na halaman. D. Sa pagitan ng itinanim na sili ay magtatanim naman si Edwin ng mani upang hindi maubos ang sustansiya ng matabang lupa. E. Bubudburan ni Rosita ang ibabaw ng lupa ng mga dayami o mga dahong tuyo at hayaan itong mabulok. F. Magbubungkal ng lupa si Wilson ngunit di-niya tatamnan ito upang makahinga ang lupa at manumbalik ang kalusugan nito. PAGTATAYAA. Isulat ang titik ng tamang sagot. 1. Kinakailangan ang pagtutulungan ng mga tao sa pamayanan upang mapangalagaan ang yamang lupa. Ano ang isa sa mga paraan na maaaring gawin? A. gumamit ng mabilis ngunit maling paraan ng pagtatanim B. iwanang nakatiwangwang ang lupa C. umasa sa tulong ng kalikasan D. gumamit ng mga pataba at patubig 2. Alin ang hindi makatutulong sa pangangalaga sa yamang mineral? A. pangangasiwa sa maayos na pagtatapon ng mga basura B. pagsasagawa nang maayos na pagtatambak ng hinukay na lupa C. paglinang sa mga minahan ng sinuman kahit walang pahintulot D. pananalisik sa pinakabagong paraan ng pagtuklas ng mineral 3. Alin sa sumusunod ang hindi dapat mapabilang sa pangkat? A. gumagamit ng dinamita sa pangingisda B. itinatapon ang mga kalat sa ilog C. gumagamit ng pataba sa pagsasaka D. nagsasagawa ng pagkakaingin 4. Alin ang nagpapakita ng pangangalaga sa yamang tubig?

A. paggamit ng pinong lambat B. pagsasagawa ng reforestation C. pangingisda kung panahon ng pangingitlog D. pagtatapon ng dumi at kemikal sa tubig 5. Mahalaga ang mga pinagkukunang-yaman sa kaunlaran ng bansa. Ano ang dapat mong gawin? A. hayaang linangin ng mga dayuhan B. aksayahin ang paggamit nito dahil marami ito C. pabayaan ang mga ito D. tumulong sa pangangalaga ritoB. Isulat ang Tama kung matalinong paraan ang pangangalaga sa likas na yaman at Mali kung di-tama. 1. Tinataniman ang mga gilid ng burol o bundok upang mapigil ang daloy ng tubig at pag-agos ng lupa. 2. Pinuputol ang mga punong tirahan ng mga isda upang gawing panggatong. 3. Paggamit ng mga dumi ng hayop at bagay na galing sa ”compost pit” na nakapagpapayaman ng lupa. 4. Gumamit ng pinong lambat sa pangingisda upang malunasan ang kakulangan sa pagkain. 5. Pagsasagawa ng mabuting pananaliksik sa enerhiya upang mabawasan kung hindi man tuluyang maiwasan ang pag-aangkat ng langis sa ibang bansa. PAGPAPAYAMANG GAWAIN Gumawa ng poster na nagpapakita ng wastong paggamit at pangangalaga ng likas na yaman. Sumulat ng tatlong pangungusap tungkol sa iyong ginawa. Maaari mo na ngayong simulan ang susunod na modyul.



GRADE VI LIKAS NA YAMAN: MAHALIN AT PAGYAMANIN ALAMIN MOPagmasdan mo ang larawan sa ibabaw. Ano ang nakikita mo sa larawan? Nasisiyahan ka ba sa pagmamasid sa mga larawang ito? Bakit kinakailangan mong ingatan at pagyamanin ang mga tanawing ito? Halika na at basahin mo ang tamang paglinang at pagpapayaman ng likas na yaman.

PAGBALIK-ARALAN MOUriiin mo kung anong likas na yaman ang umusunod:1. coral 6. alimango2. ginto 7. ibon3. hipon 8. bakal4. bulaklak 9. punongkahoy5. manganese 10. kalabawPAG-ARALAN MO Likas na Yaman, Mahalin at PagyamaninLikas na Yaman biyaya sa KapuluanLupa, pangisdaan, minahan, kagubatanMahalaga sa kabuhayan ng mamamayanNakasalalay sa pag-unlad ng bayanLupa, batayan ng Kaunlarang pambansaNa dapat alagaan at pagyamaninUpang mapakinabangan ang lupang tanimanNg mga magsasaka at mamamayan dinKagubatan malaking nagagawaHumahadlang sa pagsugpo ng bahaSinisipsip ng mga ugat ng mga puno sa gubatSa gayon, maiiwasan ang anumang kalamidadPangisdaan, malaking kapakinabangan sa bansaBatas at Kautusan ng pamahalaan, ipinanukalaSa maayos na paglilingkod ng mangingisdaKasaganaan sa industriya matatamasaSa mineral, hindi pahuhuli ang bansaMayaman sa mineral, metal at di-metalNangunguna sa ginto,bakal, pilak at tansoNaipagbibili sa mataas na uring pangkomersiyo

Mahalin at pagyamanin ang likas na yaman Maging maingat at matalino sa pagpapasiya Magtulungan tayo sa ating kaunlaran Na tutugon sa pangangailangan ng ating mamamayan PAGSANAYAN MOMakakaya mo na kayang sagutin ang mga tanong? 1. Ano-anong uri ng likas na yaman ang nabanggit sa tula? A. yamang lupa B. yamang gubat C. yamang mineral D. lahat ng nabanggit 2. Ano ang malaking naitutulong ng kagubatan sa pamumuhay ng tao? A. Tinatayuan ng pabrika. B. Ginagawang tapunan ng basura C. Humahadlang at sumusugpo sa pagbaha sa kapatagan D. Ginagawang tipunan ng pagpupulong ng mga kaingero 3. Paano nakatutulong sa kabuhayan ng bansa ang yamang lupa? A. nakatutulong sa hanapbuhay ng magsasaka B. nakasalalay dito ang buhay ng tao, halaman at hayop C. nagbibigay ng magandang kabuhayan sa mamamayan D. lahat ay tama. 4. Paano mo malilinang at magagamit nang wasto ang mga likas na yaman? A. Makisama sa mga gumagawa nang hindi tama. B. Kumilos nang mabilis upang kumita nang malaki. C. Ipagwalang-bahala na ito at iaasa na lang sa pamahalaan. D. Magtulungan at pagyamanin nang wasto ang likas na yaman. 5. Bakit mahalaga ang wastong paggamit ng likas na yaman? A. kumita nang malaki B. makabayad sa pinag-uutangan C. maitaguyod ang sariling kapakanan D. matamo ng Pilipinas ang pambansang kasapatan

TANDAAN MO  May pagpapahalaga ang mga Pilipino na nakatutulong o kaya’y nagiging hadlang sa pag-unlad.  Kailangan ang pagbabago sa ilang tradisyunal na pagpahalaga upang ang mamamayan ay makatulong sa pag-unlad ng bayan. GAWIN MO1. Gumawa ka ng poster ukol sa kahalagahan ng matalinong pagpapasya sa paggamit ng likas na yaman.2. Itala mo ang mga paraang alam mo na isinasagawa ng pamahalaan o pamunuan ng inyong rehiyon upang mapangalagaan ang mga likas na yaman.

PARAANG ISINAGAWA NG PAMAHALAAN O PAMUNUAN NGINYONG REHIYON SA PANGANGALAGA AT PAGPAPAYAMAN SA LIKAS NA YAMAN Kagubatan Pangisdaan Minahan Kalupaan1.2.3. PAGTATAYABasahin ang bawat bilang. Piliin ang titik ng tamang sagot at isulat sa iyong kwaderno. 1. Ang mga likas na yaman ng bansa ay mahalaga sa kabuhayan ng mga tao. Ito ay pangunahing pinagkukunan ng mga mamamayan. Ito ay may hangganan at pagkaubos. Ano ang kailangang gawin ng mga tao? A. mag-angkat sa ibang bansa. B. gamitin nang may pag-iingat. C. pangalagaan at gamitin nang maayos. D. gamitin nang gamitin upang maubos. 2. Sa iyong kakayahan bilang isang mag-aaral, paano mo pahahalagahan ang paggamit ng likas na yaman? A. Magtipid sa paggamit ng tubig. B. Pitasin ang mga bulaklak sa hardin. C. Panoorin ang mga magsasaka sa kanilang gawain. D. Mag-alaga ng baboy sa tabing-ilog upang maging madali ang paglilinis ng kulungan.

3. Ang mina ay likas na yamang di-napapalitan. Paano ka makikilahok sa mga programa ng pamahalaan upang mapangalagaan ang mga ito? A. Ipagbili ang mga ginto at pilak sa murang halaga. B. Tunawin ang ginto pilak at iba pa at muling buuin. C. Itapon ang mga sirang alahas, kaldero, pilak at ginto. D. Gamitin ang mineral kahit walang kuwentang paggamit.4. Ang gubat ay nagsisilbing bulwagan ng ibon at ng mababangis na hayop. Paano tayo makatutulong sa pagpapanatili ng kagubatan? A. Magsiga at iwanan pagkatapos. B. Iwasan ang pagputol ng mga murang puno. C. Palawakin ang sistema ng pagkakaingin upang lumaki ang aning palay. D. Pagbibigay ng pagkakataon sa mga tao na manirahan sa kagubatan upang mabigyan ito ng proteksyon ito.5. Bakit mahalaga ang matalinong pagpapasya hinggil sa paggamit ng likas na yaman? A. May magagamit ang mga tao. B. May maiaangkat sa ibang bansa C. May maipagbibili at mapagkakakitaan D. Nagdudulot ito ng kasaganaan sa kabuhayan ng mga mamamayan at ng mga sumusunod na salinlahi. PAGPAPAYAMANG-GAWAIN Sumulat ng isang slogan na may kaugnayan sa wastong paglinang at pagpapayaman ng mga likas na yaman. Ikaw ay maaring makapamili sa mga uri ng mga likas na yaman sa mga sumusunod. A. yamang lupa B. yamang gubat C. yamang mineral D. yamang pangisdaan Maaari mo na ngayong simulan ang susunod na modyul.

GRADE VI MATALINONG PAGPAPASYA SA PAGGAMIT NG LIKAS NA YAMAN ALAMIN MO SAAN ANG DAAN? Tulungan natin sina Nora, Nicole at Norman na matukoy ang daan sa pagbili ng pagkain.  Suriin ang isinasaad ng larawan.  Sino sa mga bata ang tumatahak sa tamang daan?  Sa palagay mo, tama ba ang kanyang ginawang pagpapasya sa pagbili ng pagkain. Bakit? Sa araling ito, matututuhan mo ang matatalinong pagpapasya sa paggamit at pag- iingat ng likas na yaman.

PAGBALIK-ARALAN MOA. Isulat ang ME kung ang bawat bilang ay nagsasaad ng mabuting epekto ng paggamit ng likas na yaman o DME kung di-mabuting epekto. Matalinong ginagamit ang likas na yaman ____ 1. upang di-kapusin sa pagkain ang mga tao. 2. upang may maputol na kahoy ang magtotroso. 3. upang maiwasan ang pagbaha ng kapaligiran. 4. upang mawala ang hayop at ibon sa gubat. 5. upang di-maubos ang isda.B. Isulat ang Tama kung tama ang isinasaad ng pangungusap at Mali kung mali. 1. Ang paggamit ng salakab at bingwit ay di-matalinong pamamaraan ng pangingisda. 2. Nakakalbo ang kagubatan kung magtatanim ng bagong puno bilang kahalili ng punong pinutol. 3. Ang pagkakaingin ay di-kanais-nais na gawain sa kagubatan. 4. Dapat nating gamitin ang mga likas na yaman sa matalinong paraan upang magamit at matamasa ito ng susunod na salinlahi. 5. Mapangangalagaan ang ating kagubatan kung magtatanim ng bagong puno bilang kahalili ng punong pinutol.

PAG-ARALAN MO Basahin mo. ALIN ANG NARARAPAT?Nakagawa ka na ba ng pagpapasya para sa iyong sarili? Para sa iba? Masayaka ba sa mga ginawa mong desisyon? Paano ba ginagawa ang pagpapasya? Ang mga batang katulad mo ay makabubuo ng matalinongpagpapasya. Una, alamin mo ang mga pangyayari. Suriin ang mga ito. Angmabuting tagapagpasya ay pinag-aaralan muna ang sitwasyon. Pagkatapos,magplano ng mga hakbang na dapat gawin. Isaalang-alang din ang kabutihanng ibang tao bago magpasya. Pinag-aaralan niya ang magkabilang panig opananaw ng bawat pangkat. Handa niyang harapin ang panganib at angkahihinatnan ng kanyang mga pagpapasya. Handa ka na bang magpasya?

Bago mo gawin iyon, sagutin mo naman ito. Ano-ano ang hakbang upang makabuo ng matalinong pagpapasya? Gawin mong gabay ang grapikong presentasyon na nasa ibaba. Idugtong mo ang iyong sagot sa susunod na baitang. Isulat mo ang sagot sa iyong kwaderno. MGA HAKBANG SA MATALINONG PAGPAPASIYA 6. 5. 4. 3. 2. Hal. Alamin ang pangyayari 1. Napag-aralan mo na ang ating bansa ay mayaman sa likas na yaman. Subalit ang kasaganaang ito ay maaaring maubos kung mali ang paraan sa paggamit nito. Bilang isang mamamayan na nagtatamasa ng biyaya mula sa mga likas na yaman, ano ang maaari mong maitulong sa pagpapasya para sa matalinong paggamit ng likas na yaman? Pag-aralan at suriin mo ang sitwasyon.

Saan kaya itatapon ni Emma ang dalang basura? Tingnan natin ang kanyang pupuntahan. Tulungan mo siya sa pagpapasya. Piliin ang aksyong magpapakita ng pangangalaga sa kapaligiran. Aksyon Bilang 1: Itatapon ang basura sa daan. Aksyon Bilang 2: Itatapon ang basura sa kanal. Aksyon Bilang 3: Itatapon ang basura sa “garbage truck”. Sagutin ang sumusunod. 1. Aling aksyon ang iyong gagawin? Isulat mo ito sa iyong kwaderno. 2. Ano ang magiging bunga o kalalabasan ng bawat aksyon? 3. Paano mo ipakikita ang iyong pangangalaga sa yamang tubig? Isulat mo ang iyong pasya.Sa iyong pagsagot, gamitin mong gabay ang grapikong presentasyon sa ibaba. Isulat sa patlangang iyong mga sagot.

PUNO NG PAGPAPASYASAAN ILALAGAY ANG BASURA?

 Basahin at suriin mo naman ngayon ang kaso ng Laguna de Bay. Ang Kaso ng Laguna de Bay Ang Laguna de Bay ay isa sa mga pangunahing mapagkukunan sa Luzon ng bangus, tilapia at iba pang produktong dagat. Natutugunan nito ang pangangailangan sa pagkain ng mga naninirahan sa paligid ng lawa, Metro Manila, at mga kalapit na lalawigan. Noon, mga 334 kilo ng isda sa bawat taon hanggang sa matutunan ang makabagong paraan ng pagpapalaki ng isda. Nagkaroon ng mga palaisdaan sa lawa. Ang paggamit ng makabagong teknolohiyang ito ay nakapagpataas sa produksyon ng isda ng hanggang 15,000 kilo sa bawat ektarya bawat taon. Gayunpaman, kailangang mapangalagaan ang lawa. Dahil dito, itinakda ng Sanggunian ng Pagpapaunlad ng Laguna Bay (Laguna Lake Development Authority o LLDA) ang lawak ng lawa na maaaring masakop ng mga palaisdaan. Ito ay hanggang 16,000 ektarya lamang. Subalit nagpatayo ng palaisdaan na higit ang sukat sa itinakda ng LLDA. Umabot na sa 34,000 ektarya ang nasasakupan ng mga itinayong palaisdaan sa lawa. Sa pangyayaring ito, ang mga may-ari na lamang ng mga palaisdaan ang nakikinabang at kumikita. Nawalan na nga hanapbuhay ang maraming maliliit na mangingisda sa lawa. Hindi na halos lumalaki ang mga isdang kanilang nahuhuli. Halos sa gilid na lamang sila nakapangingisda. Ang maraming daan o lagusan patungo sa laot ay nasarhan na ng mga palaisdaan. Bunga nito, nagkaroon ng kaguluhan sa dating matahimik na pook. Iba’t ibang samahan ng mga mamamayan ang nagpakita ng pagtutol at tumuligsa sa hindi pagkakapantay-pantay ng karapatang ito sa paggamit ng lawa.Sagutin ang sumusunod upang makapagbuo ng matalinong pagpapasya. 1. Ilang kilo ng isda ang kanilang nahuhuli noon? 2. Sino ang higit na nakikinabang sa Laguna de Bay? Bakit? 3. Ilang mangingisda ang nabubuhay sa pangingisda sa Laguna de Bay. 4. Tumaas ba ang produksyon ng isdang nahuhuli? Ilang kilo ang itinaas? Bakit? 5. Ayon sa LLDA, ilang ektarya lamang ng lawa ang puwedeng pangisdaan? Ilan naman ektarya ang itinayo ng mayayamang mamamayan at korporasyon? 6. Sa iyong palagay, tama ba na magpatuloy pa ang ganitong pangyayari? Paano ito pinagpasyahan ng ating pamahalaan?

Ibigay mo ang iyong matalinong pagpapasya. Ano ang epekto nito?Gamitin mo ang grapikong presentasyon sa ibaba.Pagkakaroon ng palaisdaan saLaguna de Bay Epekto EpektoIpagpatuloy ang palaisdaan Paalisin ang palaisdaan Mangingisda Mayayaman

 Basahin mo naman ang lathalain tungkol sa pagmimina. Pangunahing suliranin ng pagmimina ang pagtatapon ng mga duming nagmumula sa mga minahan. Isang paraang isinasagawa ng ilang kompanya ng minahan ay ang paglalagay ng mahahabang tubo kung saan maaaring magdaan ang mga duming itinatapon ng minahan tuluy-tuloy sa dagat. Sa ngayon pinag-aaralan pa rin kung paano ang mga dumi at kemikal mula sa minahan ay makaaapekto sa mga yamang tubig. May ilang minahan naman na gumagawa ng daan o tunnel sa ilalim ng lupa kung saan maaaring maglagos ang dumi at kemikal na nagmumula sa minahan. Ang mga duming ito ay kinakailangang tumawid pa ng bundok hanggang dagat. Pinag-aaralan din kung paano makaaapekto ang ganitong sistema sa mga bukirin at pangisdaan na dinaraanan ng mga dumi. Patuloy namang sinisikap ng pamahalaan na maipatupad ang Atas ng Pangulo Bilang 463. Umiisip at gumagawa pa rin ng paraan ang pamahalaan at mga pribadong mamamayan na nakatutulong sa pagkakaroon ng timbang na kapaligiran o Ecological balance. Sagutin mo ang mga tanong. 1. Bakit kailangan ang maingat na pangangasiwa sa mga gawaing kaugnay ng pagmimina?

2. Paano nakaaapekto sa mga yamang tubig at bukirin ang mga dumi at kemikal mula sa minahan?Kung ikaw ay isang minero o may-ari ng minahan. Ano ang iyong gagawin?Subukin mong magpasya. Lagyan mo ng angkop na mukha ang iyong pasya. Isulat mo angiyong mga kasagutan sa grapikong presentasyon sa ibaba. Suliranin: Pagtatapon ng mga dumi mula sa minahan  A. Itatapon ang dumi sa dagatB. Itatapon ang dumi sa ilalim ng lupaC. Hindi na magtatapon ng dumi Tingnan at pag-aralan mo kung paano tinanggap at binigyang halaga ng mga taga- Palawan ang programa ng pamahalaan sa pagkakaingin. Ipinakikita sa larawan sa ibaba kung paano nasisira ng mga kaingero ang kagubatan.

Isa ang Palawan sa mga pook sa bansa na may suliranin tungkol sapagkakaingin. Ang suliraning ito ay sinisikap at patuloy na binibigyan ng solusyonsa pamamagitan ng programang Integrated Social Forestry o ISF ng BFD. Angprograma ay naglalayong itaas ang kalagayang panlipunan at pangkabuhayan ngmga kaingero at iba pang mamamayan na umaasa lamang sa gubat para sa kanilangikabubuhay. Bawat kasaping kaingero ay binibigyan ng karapatang manirahan atlinangin ang lupang hindi hihigit sa pitong ektarya. Tumanggap siya ng isangsertipiko ng paglilinang dito mula sa BFD. Ito ay isang kasunduan na nagbibigay ngkarapatan sa kaingero na ariin ang lupa at doon manirahan. Katumbas nito,pananagutan ng bawat kaingero na paunlarin ang lupang ipinagkaloob sa kanya.Kung hindi makatutupad sa kasunduan ang kasapi sa paraan ng pagpapaunlad nglupa, babawiin ang karapatan sa kanya. Sagutin mo. Kung ikaw ay isang kaingero tatanggapin mo ba ang ibinibigay na karapatang ariin ang lupa at dito ka na maninirahan? Bakit? Subukin mong magpasya, gawin mong gabay ang grapikong presentasyon sa ibaba. BUNDOK NG PAGPAPASIYA Kasunduan sapagmamay-ari ng LupaTatanggapin ang Di-tatanggapin kasunduan ang kasunduanKalalabasan o ibubunga Kalalabasan o ibubunga1. 1.2. 2.3. 3.

PAGSANAYAN MO Iguhit ang  kung ang sumusunod na pagpapasya ay may kinalaman sa pagtataguyod ngpagiging maunlad na estado at  kung hindi. 1. Itaguyod ang pagpapatupad ng “total log ban.” 2. Iwasan ang pagtatapon ng dumi o basura sa ilog at dagat. 3. Ang mga ibon sa parke ay hindi dapat hulihin. 4. Itapon ang basura sa bakanteng lupa ng iyong kapitbahay. 5. Huwag pansinin ang panawagan ng pamahalaan ukol sa paggamit ng dinamita. TANDAAN MO  Ang matalinong pagpapasya sa paggamit ng likas na yaman ay may kinalaman sa pagtataguyod ng pagiging malaya ng estado.  Malaki ang pananagutan ng mga Pilipino sa pagganyak at pagpapaunlad ng mga likas na yaman ng bansa. ISAPUSO MO A. Alalahanin ang pasyang ginawa mo sa pagtalakay ng mga aralin. Sagutin mo ang sumusunod. 1. Naging makatwiran ba ang iyong pasya? 2. Maipagmamalaki mo ba ang iyong pasya? Bakit? 3. Ano ang gagawin mo sa susunod na pagpapasya?

B. Suriin mo naman ngayon ang iyong sariling pag-uugali: Markahan ang sarili sa pagpapasyang isasagawa sa sumusunod. Ang bilang 10 ang pinakamataas. Isulat ang sagot sa iyong kwaderno. 1. Mahigpit na pagbabawal sa paggamit ng dinamita. 0 1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 2. Pagsusunog ng mga tuyong damo. 0 1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 3. Pagpapairal muli ng pagtatanim ng puno. 0 1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 4. Paglalaba sa ilog. 0 1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 5. Isuplong sa maykapangyarihan ang mga sasakyang nagbubuga ng maitim na usok. 0 1 2 3 4 5 6 7 8 9 10GAWIN MOSagutin mo ang tseklis. Lagyan ng ekis (x) ang napili mong hanay. Isulat ang sagot sa iyongkuwaderno. Gawain Matinding Sang-ayon Hindi Tutol Matinding Pagsang-ayon Tiyak Pagtutol1. Paggamit ng mga pataba at patubig sa pagtatanim

2. Pagsasagawa nang muling pagtatanim ng mga puno 3. Ipagpatuloy ang pagkakaingin 4. Pangangasiwa sa maayos na pagtatapon ng mga basura 5. Paggamit ng dinamita sa pangingisda PAGTATAYABasahin ang bawat sitwasyon. Piliin ang titik ng tamang sagot at isulat sa sagutang papel. 1. Sa Barangay Perez ay nakita mong pinaglalaruan ng mga naliligong bata ang tubig sa poso. Ano ang gagawin mo? A. sumama ka sa kanilang paglalaro B. sigawan mo sila at isara ang gripo C. sawayin mo sila at ipaliwanag ang kahalagahan ng tubig 2. Namasyal ka sa isang parke at nakita mong pinutol ng bata ang sanga ng isang puno. Ano ang gagawin mo? A. takutin at paalisin ang bata B. isumbong sa may kapangyarihan C. pagsabihan na di-mabuti ang pamumutol ng puno 3. Nasa tabing-dagat ka at nakita mo ang isang mangingisda na gumagamit ng pinong lambat sa paghuli ng isda. Ano ang gagawin mo? A. ipagbigay-alam agad ito sa may kapangyarihan B. ipagawa rin sa amang mangingisda ang nakita mo C. ipagwalang-bahala ang nakitang ginagawa ng mangingisda 4. Nakita mong ginugupit-gupit ng iyong kapatid ang mga sanga ng halaman sa harap ng inyong bahay. Ano ang gagawin mo? A. pagagalitan mo siya B. isusumbong mo sa iyong tatay C. pagsabihan mo siya na di-tama ang kanyang ginagawa

5. Nakita mong nagtapon ng basura at mga patay na hayop ang kapitbahay mo sa ilog na kinukunan ng panluto at pinaglalabhan sa inyong lugar. Ano ang gagawin mo? A. gayahin mo siya sa pagtatapon ng basura B. kukunin ang basura at ibalik sa kanilang looban C. pagsabihan mo nang maayos ang nagtapon ng basura na masama ang ginagawa niya PAGPAPAYAMANG GAWAIN Mangalap ng mga balita, babasahin o patalastas tungkol sa paggamit ng likas na yaman. Kapanayamin mo ang nakatatanda mong kasambahay. Alamin mo ang kanyang saloobin o pasya sa maaaring mangyari kung di natin bibigyang halaga ang wastong paggamit ng likas na yaman. Maaari mo na ngayong simulan ang susunod na modyul.

GRADE VI DI-KANAIS-NAIS NA PAGGAMIT SA LIKAS NA YAMAN ALAMIN MOBaha na naman!  Pag-aralan ang larawan. Sa iyong palagay, bakit kaya may baha sa barangay Maginaw gayong bahagya lamang ang ulan? Dapat ba itong pagtuunan ng pansin? Bakit? Ano ang maaaring epekto ng ganitong sitwasyon sa pamayanan?  Sa araling ito, masisiyasat ang mga di-kanais-nais na pangyayaring nakapipinsala sa mga likas na yaman sa kapaligiran na nagdudulot ng di- mabuti sa tao.

PAGBALIK-ARALAN MO Lagyan ng tsek ( ) ang pangungusap na nagsasaad ng matalinong paggamit ng likas nayaman at ( x ) kung hindi. _______1. Ipinagbawal ang paggamit ng pinong lambat sa pangingisda. _______2. Dapat manghuli ng isda sa panahong nangingitlog ang mga ito. _______3. Nagtatayo ang pamahalaan ng pambansang parke sa kagubatan upang di maubos ang mga ibon at hayop sa gubat. _______4. Ang paggawa ng daan o tulay ay ipinagbabawal ng pamahalaan kung ito’y makasasagabal sa malayang pagdaloy ng tubig sa ilog. _______5. Iniutos ng pamahalaan na alisin ang mga palaisdaan sa mga ilog at lawa. PAG-ARALAN MO Basahin mo. May mga suliraning kinakaharap ang bansa dulot ng masamang gawain ng iba nating kababayan tulad ng di-makatwirang paggamit at pagsasamantala sa likas na yaman. Kung ipagpapatuloy pa rin ang gayong gawain, anong kinabukasan kaya ang naghihintay sa sambayanang Pilipino? Papayagan ba natin ang di-wastong paggamit nito?  Ang mga balitang iyong mababasa ay ang matinding pinsala sa ating kalikasan.  Sa araw na ito matutunghayan mo ang Parada ng mga Balita ng mga mag- aaral. Basahin mo ang iniulat ng Samahang Munting Mamamayan (SMM) Patrol: Bantay Kalikasan.

 Magandang Umaga, ang bati ko sa iyo. Samantha Martinez, ang inyong SMM Patrol: Bantay KalikasanBAHA SA MAGUINDANAO, P30 M NASIRA Tatlumpong milyong pisong halaga ng mga pananim ang tinangay ng bumaha sa Sultan Kudarat. Naglutangan ang mga kagamitan nang bumuhos ang malakas na ulan na naging sanhi ng pag-apaw ng tubig sa Rio Grande River.  Basahin mo ang balita. Ano ang mensahe nito?  Ano ang nadarama mo sa iyong namasid sa larawan?  Bakit kaya nagkaroon ng ganitong pangyayari?  Paano malulunasan ang di-kanais-nais na pinsala sa likas na yaman? Isulat sa kwaderno ang iyong mga kasagutan.  Basahin mo naman ang pag-uulat ng susunod na SMM Patrol.

Magandang araw sa iyo kaibigan at unawain mo ang aking balita.GUTOM KAKAMBAL NG EL NIÑO(Jasmine Kate N. Jumig) Isang mabigat na problema ang kinakaharap ng bansa sa lima hanggang anim na buwangpananalasa ng El Niño phenomenon o tagtuyot sa taong 2005 dahil kakambal nito ay hindibirong kakapusan ng pagkain na kung hindi maaagapan ay maaaring humantong sa malawakangpagkagutom. Ito ay makaraang aminin ni Nathaniel Cruz, Direktor ng Weather Forecast Service ngPhilippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), nabagama’t pumasok na sa Luzon ang tagtuyot na ipinararamdam ng mababang antas ng rainfall,ang aktuwal na tatamaan ng El Niño ay ang malaking bahagi ng Mindanao. Higit umanong nakakatakot ang senaryo dahil ang naturang rehiyon ang tinatawag na“bread basket” ng Pilipinas. Base sa pagtataya ng PAGASA, mararanasan ng central islands atkalahati ng kanlurang bahagi ng Mindanao ang matinding panunuyo sa unang tatlong buwan napapasok na taon. Ngayon pa lamang ay ipinapayo na ng PAGASA ang paghahanda at paglalatag ng mgaalternatibong solusyon, partikular sa panig ng Department of Agriculture (DA), kung paanososolusyunan ang kakapusan sa pagkain na magiging epekto ng El Niño. Mga tanong:  Ano ang kahulugan ng El Niño Phenomenon?  Ano ang kakambal ng El Niño?  Paano sosolusyunan ang nagiging epekto ng El Niño?  Nasagot mo ba ang mga tanong? Magaling! Magandang Umaga! Ako po si Felipe San Gabriel, ang inyong SMM Patrol: BantayKalikasanMARAMING DAHILAN ANG POLUSYON Malubhang suliranin ng daigdig sa kasalukuyan ang polusyon ng kapaligiran, lalo, na samga bansang industriyalisado. Bagaman, sa Pilipinas ay hindi pa gaanong mapanganib angkalagayan ng polusyon. Napipigil pa rin ito ng mga pagsisikap na isinasagawa ng iba’t ibangsangay ng ating pamahalaan. Napatunayan sa mga pagsusuring isinagawa ng National Water andAir Pollution ControlCommission (NPCC) ang karumihan ng hangin at tubig sa ating kapaligiran.

Polusyon ng Tubig. Maraming dahilan ang polusyon ng tubig lalo na sa Metro Manila.Isa na rito ang dumi’t basurang nanggaling sa tahanan na umaagos sa mga imburnal patungo sailog at mga estero. Karaniwang hindi maayos at sapat ang mga imburnal kung kaya’t tuluyannang itinatapon ang mga dumi sa kanal at ilog. Karaniwan ding ang mga palengke at matadero’y katabi ng ilog, kaya’t dito na rinnapapatapon ang kanilang mga basura. Ilang halimbawa’y ang palengke ng Quinta sa Quiapo nakatabi lamang ng ilog Pasig, ang palengke ng Pritil na malapit sa Estero de Pritil at ang palengkeng Paco na nasa gilid ng Estero de Paco. Subalit ang lalong malubhang dahilan ay ang mga duming nanggaling sa mga pabrika atplanta. Gaya halimbawa ng industriya sa pagsasaka ng mga gulay at bungangkahoy, pagawaanng pagkain ng mga hayop, planta ng mga kemikal at sofdrinks, pabrika ng papel, sabon, langis atmantika. Saklaw ng Polusyon. Sa huling pagsusuri ng NPCC, napatunayang 37 bahagdan aybunga ng mga dumi’t basurang pantahanan. Sa kabila ng pagkontrol sa mga duming ibinubuga ng mga pabrika, nananatili pa rin angpolusyon ng tubig sa mga estero, ilog at lawa sa Metro Manila. Kasama na rin dito ang look ngMaynila at mga palaisdaan sa Navotas. Basahin ang balita at suriin ang nilalaman nito.  Ano ang polusyon?  Ano-ano ang dahilan ng polusyon?  Paano maaring malunasan ang suliranin ng polusyon sa tubig? Narito naman ang inyong SMM Patrol: Bantay Kalikasan, si Chezka Manuntag anginyong lingkod.Basahin ito.P100 M PANANIM, PALAISDAAN;NASALANTA NG POLUSYON MULA SA PABRIKA Tinatayang nasa P100 milyong halaga ng tanim sa bukid at palaisdaan ang nasalanta ngpolusyong dulot ng polusyon mula sa pabrika sa Lungsod ng Malindang. Ayon kay Konsehal Nilo Boloron, Malindang Sangguniang Bayan Committee Chairmanof Agriculture, nasalanta umano ng kontaminadong dumi ng tubig ang may P50 milyongpananim sa 1,460 ektarya ng bukirin dulot ng kuntaminadong kemikal na inilabas angdambuhalang pabrikang pag-aari ni G. Tyron Gonzales.


Like this book? You can publish your book online for free in a few minutes!
Create your own flipbook