Important Announcement
PubHTML5 Scheduled Server Maintenance on (GMT) Sunday, June 26th, 2:00 am - 8:00 am.
PubHTML5 site will be inoperative during the times indicated!

Home Explore HEKASI VI

HEKASI VI

Published by Palawan BlogOn, 2015-09-21 03:28:09

Description: HEKASI VI

Search

Read the Text Version

Nabatid na ang naapektuhang mga pananim ay makikita sa Barangay Calanugas,Magumbali, Mapaniqui, Baranca, Bakayawan, Pescadores, Bambang at Paralaya. Bukod dito nabatid naman kay Malindang Meyor Perlito “Lightning” Empinado na aabotsa P51 milyon ang napinsalang isda sa mga palaisdaan sa Brgy. Sarangca, Lapanique, Saligui,Parang at Magumbali na may sukat na 2,050 ektarya. Nangako naman si Gene Marasigan, DENR Environment Bureau Director, na gagawasila ng agarang aksyon laban sa mga may-ari ng Pabrika sa bayan ng Malindang. Nakatakda namang maglunsad ng malawakang protesta ang mga naapektuhangmagsasaka at fishpen operator sa tanggapan ng DENR upang ipaabot ang kanilang problema.  Anong uri ng polusyon ang isinasaad ng balita?  Paano napinsala ang mga tanim sa bukid at palaisdaan sa bayan ng Malindang?  Ang pagtatayo ng malalaking pabrika na naglalabas ng mga nakalalasong kemikal, sa iyong palagay, tama ba na ipagpatuloy pa ito? Bakit?  Paano malulunasan ang ganitong pangyayari? Ako si Mary Jane Dolor ang inyong SMM Patrol: Bantay KalikasanCDO NG LMG PLANT HINDI BABAWIIN Inihayag kahapon ni Pasig City Mayor Vicente Eusebio na hindi niya babawiin angipinalabas niyang Cease and Desist Order (CDO) sa LMG Chemical Plant na una na niyangipinasara dahil sa dalawang beses na umanong pagsingaw ng mabaho at nakalalasong usok nanaging dahilan umano ng pagkamatay ng isang residente at pagkasugod sa pagamutan sa 26estudyante. Ang pahayag ay ginawa ng Alkalde bilang reaksyon sa ipinalabas na Lifting Order ngDepartment of Environment and Natural Resources (DENR) na nagpapahintulot ngpansamantalang pagbubukas ng LMG Chemical Plant. Ayon kay Mayor Eusebio, kung sakali umanong sumingaw muli ng nakalalasong sulfuricacid ang LMG ay wala umanong dapat sisihin kundi ang DENR partikular umano si RegionalDirector Sixto Tolentino. Anang alkalde, dapat ngayon pa lamang, tiyaking mabuti ng DENR at pamunuan ngLMG na hindi na magkakaroon ng leak sa planta upang hindi na maulit ang naganap na trahedyanoong Agosto 2001 na naging dahilan umano ng pagkamatay ng isang nagngangalang AnaCahindi at pagkakasugod sa pagamutan sa 30 residente ng Pasig.

Base sa record ng Pasig City Hall muling sumingaw ang LMG plant noong September10, 2004 kung saan, 26 na estudyante ng San Joaquin Elementary School ang naospital nangmahilo at magsusuka nang malanghap umano ang sulfuric acid.  Basahin ang balita.  Suriin ang mensahe.  Sagutin ang mga tanong sa ibaba. - Bakit ipinasara ang LMG Chemical Plant? - Ano ang epekto nito sa mga nakatira roon? - Sa iyong opinyon, dapat pa bang buksan ang planta? Bakit? Naunawaan mo ba ang balita? Nasuri mo ba ang mga di-kanais-nais na pangyayaring nakapipinsala sa mga likas na yaman sa kapaligiran na nagdudulot ng di-mabuting epekto sa tao? Subukin mong sagutin ang talahanayan sa ibaba. Gawaing Epekto ng Nakakapinsala Likas na Yaman Maling Tamang Paggamit Paggamit1. kagubatan at bundok2. pangisdaan/ dagat3. minahan4. kapatagan

PAGSANAYAN MO Isulat ang W kung wasto at DW kung di-wasto ang isinasaad ng pangungusap. _______1. Ang pagkakaingin ay di-kanais-nais na gawain sa kagubatan. _______2. Nakakalbo ang ating kagubatan dahil sa maling gawain ng ilan nating kababayang nagtotroso. _______3. Mapapangalagaan ang mga kagubatan kung magtatanim ng punla bilang kahalili ng punong pinutol. _______4. Ang polusyon ay mabuti sa kalusugan ng tao. _______5. Upang dumami ang mahuhuling isda maaring gumamit ng sasakyang de motor at dinamita sa pangingisda. TANDAAN MO Ang mga di-kanais-nais na pangyayari na nakapipinsala sa mga likas na yaman at nagdudulot ng di-mabuting epekto sa tao ay nagiging sagabal sa layuning mapaunlad ang mga ito. ISAPUSO MO 1. Nakakita ka ng iligal na magtotroso sa gubat. Ano ang iyong gagawin? 2. Kasama ka sa pangingisda ng iyong ama. Wala siyang gaanong mahuling isda. Dumukot sa bulsa at may inilabas na bagay na may mitsa. Pagkakita mo rito, ano ang iyong gagawin at sasabihin?

3. Nagtatalo ang iyong dalawang kapatid tungkol sa masama at mabuting gawain ng minero. Sa masamang paraan, malaki ang kikitain, ngunit sa mabuting paraan kakaunti lang ang kikitain. Kanino ka papanig? Bakit? GAWIN MOA. Hanapin mo ang limang salita na may kinalaman sa pagamit ng likas na yaman. Isulat ito sa iyong kwaderno. AD P O L U S YONO P C E AOAD Z LMNDQ PAGKAKA I NG I N X S TWZ E DC P ONA MT OABMAB QNAB N Q T P C I F A R MM C L LRQOKGZ S L I D S MO N R A HWT K T E BWS U S L I XU J A F P X O V T K J WV I H G 1. 2. 3. 4. 5. B. Piliin ang mga pangungusap na nagpapakita ng pagkalbo ng kagubatan at ng pagdumi ng tubig. Isulat ito sa iyong sagutang kuwaderno.  Gumamit si Mang Jose ng cyanide sa paghuli ng isda.  Pagtatanim ng puno sa bundok.  Pagputol ng punongkahoy na bata pa.  Itinatapon ni Lydia sa ilog ang kanilang basura.  Nagkakaingin si Mang Roger.  Gumagamit si Rey ng lambat na malalaki ang butas.

C. Magsulat ng isang talata tungkol sa masamang epekto ng pag-aabuso sa likas na yaman ng bansa. Isulat ito sa isang malinis na papel (Intermediate paper) PAGTATAYAIsulat ang titik ng wastong sagot sa sagutang kuwaderno. 1. Alin sa sumusunod ang may kinalaman sa pagkasira ng pangisdaan? A. paggawa ng parke sa dalampasigan B. pagkakalat at pagtatapon ng dumi sa dagat C. paggawa ng mga palaisdaan mula sa kakahuyan ng bakawan D. paglilinis ng mga pangisdaan 2. Ano ang mangyayari kung patuloy ang pagkakaingin ng mga tao sa kabundukan? A. sasapat ang pagkain para sa lahat B. dadami ang makukuhang prutas C. uunlad ang kabuhayan D. guguho ang lupa at babaha nang husto sa mababang lugar 3. Alin ang higit na di-kanais-nais na ginawa ng tao sa likas na yaman ng bansa? A. di-makatwirang paggamit ng likas na yaman B. pagkakaingin C. paghuli sa mga maiilap na hayop sa kagubatan D. hindi pinapalitan ng tao ang mga yamang maaaring palitan 4. Ang mga likas na kalamidad o pangyayari ang may kinalaman sa mabilis na pagkakasira ng kagubatan. Alin ito? A. pagkakaingin B. labis na pagtotroso C. bagyo D. lahat ng nabanggit 5. Ang sumusunod ay di-mabuting ginagawa ng tao maliban sa isa. Ano ito? A. pagtatapon ng dumi at kemikal mula sa pagmimina B. pagputol ng kahoy kahit walang lisensya C. paghuli ng ibon at maiilap na hayop sa kagubatan D. pagtatanim ng maliliit na punong-kahoy

PAGPAPAYAMANG GAWAINGumawa ng plakard na nagsasaad ng kampanya tungkol sa matalinong paggamit ngmga likas na yaman upang maiwasan ang mga di-kanais-nais na pangyayaringnakapipinsala sa likas na yaman. Ibigay mo ang iyong mga ginawa sa Kapitan ng inyong barangay upang maipaskilat mabasa ng taong bayan. Maaari mo na ngayong simulan ang susunod na modyul.

GRADE VI LIKAS NA YAMAN AY GAMITIN: BATAS AY DAPAT SUNDIN ALAMIN MOPag-aralan ang larawan.  Sino ang makikinabang kung ang mga babala ay susundin?  Sino naman ang maapektuhan kung babalewalain ang mga kautusan?  Sa pag-aaral ng modyul na ito, matutuhan mo na may mga batas tungkol sa  paggamit ng likas na yaman

Gusto mo ba itong malaman? PAGBALIK-ARALAN MOPagbalik-aralan mo muna ang matalinong pagpapasya sa paggamit ng likas na yaman ay maykinalaman sa pagtataguyod ng pagiging malaya ng estado. Isulat ang T kung tama ang isinasaad ng pangungusap at M kung mali. _______1. Kailangang magsaliksik ng makabago at pinagbuting uri ng isda, butil at pananim upang madagdagan ang ani. _______2. Hindi dapat bungkalin ang lupa. _______3. Ang pagtatanim sa pagitan ng katutubong tanim ay nakapagpapataba rin ng lupa. _______4. Ang pagkasira ng kagubatan ay dahilan kung bakit nauubos ang mga hayop at ibon sa gubat. _______5. Ang pagkakaingin ay nakatutulong sa magsasaka at nakatutulong upang ang gubat ay di-masira. _______6. Ang pagtatayo ng pambansang parke sa kagubatan ay dagdag gastos lamang sa pamahalaan. _______7. Itapon ang mga nakuhang dumi at kemikal sa dagat. _______8. Ilagay ang mga basura sa kanal upang umagos sa ilog. _______9. Magtanim ng bagong puno sa bawat punong pinutol. _______10.Upang dumami ang mahuhuling isda, maglagay pa ng palaisdaan sa gitna ng lawa.

PAG-ARALAN MOKakaiba naman ang mapapanood mo sa araw na ito. Panoorin mo naman ngayon ang sigaw ngmga likas na yaman. Basahin mo isa-isa ang kanilang mga sinasabi. B – Bayan tayo’y gumising likas na yaman ating sagipin. A – Ang biyayang dulot na kaginhawahan patuloy natin itong nararamdaman. T – Tapusin na at ating wakasan pagsira sa ating kapaligiran. A – Ang mga batas ay dapat sundin kalutasan ng problema’y kakamtin. S – Sana tayo’y kumilos na para sa bansang sinisinta. Mabuhay! Bansang Pilipinas! Mabuhay! Mga likas na yaman!Bago ka magpatuloy, sagutin mo naman ito. 1. Ano ang mensahe ng tula? 2. Anong batas ang dapat sundin ng tao? 3. Ano ang maaaring mangyari kung ang mga tao ay hindi susunod sa batas?

Kami ang mga likas na yaman, Lupa, dagat, mineral at kagubatan. Kami man ay may buhay at pakiramdam, Ngunit kami’y mawawala at kayo’y mauubusan. Kaya ang payo namin, batas ay dapat pairalin Mamamayan ay susunod, kapayapaan ang tatamuhin.Sagutin mo ang sumusunod: 1. Sino-sino ang mga likas na yaman?

2. Bakit sinasabing sila ay may buhay at pakiramdam? Totoo ba ito? Ipaliwanag mo. 3. Ano ang mangyayari kung ang batas ay paiiralin?Narito na ang mga Batas ng Kalikasan.ATAS NG PANGULO 1058 Ang batas na ito ay nagpaparusa sa mga taong gumagamit ng dinamita, lason at pinong lambat sa pangingisda.BATAS PAMBANSA 826 Batas ito na nangangalaga, nagpapanatili at pumipigil sa paggamit ng mga parke, monumento, kagubatan at tirahan ng ibon at hayop.ATAS NG PANGULO 296 Ang batas na ito ay nagpapaalis ng mga bahay at mga nakatira sa bahagi ng mga ilog, sapa, estero dagat at mga kanal. Ito ay upang maiwasan ang baha at magamit ang mga anyong tubig na ito sa wastong paraan.ATAS NG PANGULO Ipinatutupad ng mga batas na ito ang pananaliksik sa1281 at 463 pagtuklas ng mineral at pagsasaayos ng mga lupang minahan upang maging ligtas sa pagguho ng lupa.

KAUTUSANG Ipinagbabawal ng batas na ito ang pagputol at pagkuha ngPAMPANGASIWAAN 78 narra at ibang matataas na uri ng kahoy sa lupang pribado at kagubatan ng walang pahintulot o lisensiya. Basahin mo naman ngayon ang isang balita. Illegal logging heinous crime na Hiniling ni Pangulong Arroyo sa Kongreso na amyendahan ang kasalukuyang umiiral na batas para mapatawan ng mas mabigat na parusa ang illegal loggers at ang kanilang mga kakunsaba sa illegal na pamumutol ng kahoy sa bundok at gubat. Sa hinihinging bagong batas, sinabi ng Pangulo na kailangang isali rin sa ipapataw na parusa ang mga opisyal ng gobyerno at mga tagapagpatupad ng batas na nagbibigay proteksyon o permiso sa walang pakundangang pamumutol ng kahoy sa kagubatan. “I urge the Congress to amend existing environmental laws to promulgate stiffer penalties against illegal loggers ang their cohorts including erring government officials and law enforcers,” pahayag ng Pangulo. Tiniyak din ng Pangulo na hindi ito titigil hanggang hindi natutukoy kung sinu-sino ang responsable at dapat managot na naging sanhi ng malawakang baha at pagguho ng mga lupa sa mga lugar na apektado ng bagyong Unding, Winnie, Violeta at Yoyong. Sa isang pahayag ng Pangulo sa National Disaster Coordinating Council nang muling bumisita siya dito kahapon, tinagurian niyang karanggo ng mga terorista, kidnapper at drug traffickers ang illegal loggers kaya’t nararapat lang na patawan sila ng mabigat na parusa sa kanilang karumaldumal na krimen. Ayon kay Press Secretary at Presidential Spokesman Ignacio Bunye, naniniwala ang Malacañang na hindi maisasakatuparan ang iligal na pamumutol ng kahoy sa mga kalbo nang gubat at bundok kung hindi nalalaman ito ng kinauukulang mga opisyal.

Sinabi pa ni Bunye na sinimulan na ni DENR Sec. Mike Defensor ang pagbabalasa sa Department of Environment and Natural Resources lalo na yaong may hurisdiksyon sa mga lugar na malubhang binaha at nagkaroon ng pagguho ng lupa na ikinasawi ng maraming tao.Sagutin mo ang sumusunod: Isulat sa kwaderno ang iyong mga sagot. 1. Bakit hiniling ni Pangulong Arroyo na amyendahan ang batas sa pagtotroso? 2. Ano-ano ang mangyayari kung hindi susunod ang mga mamamayan sa batas sa pagtotroso? Magaling! Sagutin mo naman ang sumusunod: 1. Anong suliranin ang binabalikat ngayon ng ating bansa? 2. Ano ang magiging epekto ng suliraning ito sa pamumuhay natin? 3. Anong paraan ang isinasagawa ng ating pamahalaan para matugunan ang suliraning ito ng bansa? Gawin mo naman ito. Tukuyin mo ang mga batas pangkalikasan na ipinatutupad ng ating pamahalaan. Subukin mong isulat ang mga batas na sa palagay mo ay sinusunod at ang nilalabag ngmga tao. Ipaliwanag mo ang dulot ng mga ito sa pamumuhay ng tao. Gawin mong gabay ang tsart sa ibaba.

A. Sinusunod na Batas/Babala Dulot sa Pamumuhay ng TaoB. Nilalabag na Batas/Babala Dulot sa Pamumuhay ng Tao PAGSANAYAN MO Isulat ang Tama kung ang pangungusap ay nagpapakita ng pagsunod sa alituntunin o sabatas at Mali kung hindi. 1. Kahit sinong tao ay maaaring magsagawa ng pagmimina. 2. Dapat palitan ng bagong puno ang bawat punong pinutol. 3. Ang mga bato at dumi mula sa mga minahan ay maaaring itapon sa ilog at sa iba pang daluyan ng tubig. 4. Iwasan ang pagtapon ng basura sa ilog at dagat. 5. Ang proyektong “total log ban” ay dapat ipatupad. 6. Ang mga bulaklak sa parke ay puwedeng pitasin upang gawing palamuti sa bahay. 7. Kahit saang lugar ay puwedeng magtayo ng bahay upang matirahan ng iyong pamilya.

8. Magsaliksik nang makabago at pinabuting uri ng isda, butil at pananim upang madagdagan ang ani. 9. Kailangang isaayos ang mga lupang minahan upang maging ligtas sa pagguho ng lupa. 10. Pinahihintulutan ng pamahalaan ang paggamit ng dinamita sa panghuhuli ng isda upang kumita ng malaki ang mangingisda. TANDAAN MO Nagpalabas ang pamahalaan ng mga batas at kautusan upang mapangalagaan ang mga likas na yaman. Laging sundin ang mga tuntunin o batas sa wastong paggamit ng pinagkukunang yaman.ISAPUSO MO A. Magtala ng mga batas o babala na nakikita mo sa inyong lugar, sa paaralan o sapamayanan. Lagyan mo ng tsek () ang hanay ng iyong sagot kung kailan mo ito sinusunod. Gamitin mo ang tsart sa ibaba bilang iyong gabay. Mga Babala Kailan Sinusunod1. Palagi Bihira Hindi2.3.4.5.6.7.8.9.10.B. Pag-aralan ang iyong mga sagot.

Ano ang masasabi mo sa iyong mga naging sagot? Buuin mo ang sumusunod: 1. Natuklasan ko na ______________________________________ ____________________________________________________. 2. Nakatutuwang matuklasan na ako pala ay __________________ ____________________________________________________ ____________________________________________________. 3. Nakahihiyang aminin na_________________________________ ____________________________________________________ ____________________________________________________. GAWIN MOA. Isulat ang tamang sagot sa tamang kahon na nasa ibaba ng pangungusap. 1. Pagkasira ng kapaligiran ay malulunasan, kung ang mga _______ ay susundin at paiiralin. 2. Ang batas 1058 ay ipinagbabawal ang maling paraan ng ___________________. 3. Ipinagbabawal ang pagtatayo ng _______ sa bahagi ng dagat, ilog at sapa. 4. May batas na ipinatutupad tungkol sa pagsasaayos ng lupang ____________ upang maging ligtas sa pagguho.

5. Ang Kautusang Pampangasiwaan 78 ay ipinagbabawal ang _________________ nang walang lisensya o permisyo. PAGTATAYA A. Lagyan ng bandila () kung ang pangungusap ay nagsasaad na ito ay tuntunin obatas na dapat sundin at ekis (x) kung hindi. 1. Gumamit ng pinong lambat sa paghuli ng isda. 2. Pagbabawal sa pagputol ng mga mura pang punongkahoy. 3. Pabayaan ang mga sasakyang nagbubuga ng itim na usok. 4. Magtapon ng basura sa baybay dagat ay ipinagbabawal. 5. Maaaring magtanim ng gulay/puno sa mga bakanteng lupa. B. Basahin ang bawat pangungusap. Sabihin kung ang isinasaad nito ay Tama oMali. 1. Ang pamumutol ng kahoy sa bundok nang walang pahintulot ay maituturing na isang krimen. 2. Ang mga yagit at damong tumutubo sa gubat ay sinusunog upang bumilis ang paglaki at paglago ng mga punongkahoy. 3. Ang pagkakaingin ay isa sa mga dahilan nang mabilis na pagkasira ng mga kagubatan. 4. Ang mga biglaang pagbaha ay isa sa masamang epekto ng pagkasira ng gubat. 5. Ang mga naninira ng kagubatan ay dapat parusahan.

PAGPAPAYAMANG GAWAIN1. Gumawa ng patalastas o babala tungkol sa napag-aralan upang maibahagi ito sa mga tao sa pamayanan.2. Itala ang mga lugar na dapat paglagyan ng babala at tukuyin ang babalang ipapaskil dito. Humingi ka ng tulong sa iyong pamilya o sa pinuno ng inyong pamayanan. Maaari mo na ngayong simulan ang susunod na modyul.

GRADE VI PROYEKTO: PANGALAGAAN ANG MGA LIKAS NA YAMAN ALAMIN MO Floating Hospital, dinala na sa Quezon Tumulak na patungong lalawigan ng Quezon ang “floating hospital” ngPhilippine Coast Guard (PCG) upang magbigay ng tulong medikal sa mga nagingbiktima ng bagyong Winnie at Yoyong. Sinabi ni PCG Spokesman Lt. Armand Balilo, na lulan ng mini-floating hospitalang kumpletong kagamitang medikal upang mabigyang lunas ang mga tinamaan ng sakitpartikular na sa mga lugar na hindi nararating ng mga doktor dahil sa patuloy na pagbahasa iba’t ibang lugar. Maliban pa rito, may maliit ding surgery room ang naturang floating hospitalkung saan maaring magsagawa ng operasyon sa mga biktimang nasa bingit ang buhay. Kumpleto rin umano ang barko ng mga gamot, volunteer doctors, nurses atmedical assistants na aalalay sa mga pangangailangang medikal ng mga sinalanta ngmga nagdaang bagyo. Bukod dito, may mga dala ring relief goods ang mga tauhan ng PCG naipamamahagi sa mga biktima ng kalamidad.  Basahin ang nilalaman ng balita. Tungkol saan ang balita. Ano ito? Sa paanong paraan isasagawa ng pamahalaan ang pagbibigay ng tulong sa mga biktima ng bagyo? Bakit may mga proyektong tulad ng nasa balita?  Sa pag-aaral ng araling ito, matututuhan mo kung paano nakikilahok ang sambayanang Pilipino sa mga gawain, proyekto o kilusan para sa pangangalaga sa teritoryo at likas na yaman ng bansa.

PAGBALIK-ARALAN MOA. Ito ang Barangay Malinis. Angkop ba ang pangalan ng barangay? Tulungan mo ang mga mamamayan na humanap ng sampung bagay na dapat iwasto at mailagay sa tamang lugar upang maging malinis at ligtas ang barangay na ito. Lagyan mo ng tsek () ang lugar na gagawin mong malinis.

PAG-ARALAN MONamamasid na natin ang mga nangyayaring kapinsalaan sa ating kapaligiran. Gusto mo bangmagpatuloy ito? Marahil ang isasagot mo ay hindi. Kung gayon ano ang nararapat natinggawin? A. Basahin mo ang mga patalastas tungkol sa mga proyektong mahalaga sa teritoryo at likas na yaman ng bansa. Sa ating paaralan at pamayanan ay may mga kilusan at programang pangkapaligiran tulad ng Alay Linis, Alay Tanim, Bantay Kalikasan at iba pa na maaari nating lahukan. Kung tulung-tulong ang mga mamamayan at kusa ang pagbibigay ng paglilingkod ay maganda ang magiging resulta. Sasariwa ang ating paligid at magiging kasiya-siya ang ating panirahan.

Ang mga mag-aaral at iba pang mamamayan ay maaari ring mag-isip ng iba pangmga paraan upang manumbalik ang kasaganaan ng ating mga likas na yaman tulad ngpakikiisa sa kanyang laban sa polusyon na dala ng mga pabrika ay pagawaan.Ang pamahalaan ay patuloy na nagpapatupad ng mga batas tungkol sa kalikasan atiba pang mga proyektong nakapagpapaganda ng ating kapaligiran. Naglulunsad din ng mga paligsahan upang mapasigla ang kampanya sakalinisan ng paligid. Isa pa ring programa nito ang pagbibigay ng pag-aaral tungkol sa kaalamangteknikal para sa kapakinabangan ng mangingisda, magsasaka at iba pa.

B. Sagutin mo muna ang tanong bago ka magpatuloy sa iyong pag-aaral. “Anu-ano ang programang pangkapaligiran?” Tingnan ang “concept map” sa ibaba. Isulat ang sagot sa iyong kuwadernong sagutan upang mabuo ang semantic web. Anu-ano ang programang pangkapaligiran?  May iba’t ibang paraan pa upang masagip ang ating kalikasan at kapaligiran. Gusto mo bang malaman ang mga ito?  Basahin at unawain mo naman ang nilalaman ng mga balita. ‘Lingkod-linis’ sa BulacanMalolos, Bulacan – Pinasimulan na ng pamahalaang panlalawigan ng Bulacan angprogramang “Lingkod-Linis” at “Sinop-Kalat” sa pamamagitan ng paglilinis sa mgakailugan at sapa sa bawat bayan ng lalawigang ito upang maturuan ang mga mamamayandito na maging masinop at mapagmahal sa kalikasan. Ang pagsisimula ng naturangprograma ay sinimulan at pinangunahan ni Bulacan Gov. Josie M. dela Cruz, sa Plaridel,kung saan ay sumakay mismo ang gobernador sa bangka upang pangunahan ang paglilinissa Angat River. Ang mga lokal na opisyal dito, maging si Vice Gov. Rely Plamenco, ay masiglangnakikiisa sa programang pangkalinisan kung saan ang bise gobernador ay nagpapakita ngehemplo na kahit sila ay hahawak ng walis bilang mga lingkod-bayan. ‘Luntiang Pilipinas’, Inilunsad!

Isinagawa sa Mamplasan Interchange sa pangunguna ni Senadora Loren LegardaLeviste, pangulo ng Trees for Life Foundation Inc., ang seremonya ng “Luntiang Pilipinas”sa pakikipagtulungan ng Philippine National Construction Corporation (PNCC), kamakailansa naturang bayan. Ito ay isang malawakang programa sa pagtatanim ng puno na naglalayon namakagawa ng forest parks sa urban areas partikular na sa mga bayan at munisipalidad. Angnaturang pagtatanim ng puno ay makatutulong upang maiwasan ang madaliang pagbaha. Layunin din ng naturang programa na maitaas at mabigyang halaga ng mga Pilipinoang pagtatanim ng puno upang maging maganda at kapaki-pakinabang para sa ating bansa. Samantala, nakiisa ang pamahalaang bayan ng Biñan sa pangunguna ni MayorHermis “Boy” Perez kasama sina Konsehal Rading Almazora, Biñan Information officerJose Calata at iba pang kagawad at punong-bayan. Ayon kay Mayor Perez, labis siyang nasiyahan sa ganitong klase ng proyekto nanaging matagumpay sapagkat marami ang nakiisa. Dagdag pa niya na dapat umanongpagtuunan ng pansin at bigyang halaga ang ating kapaligiran. Sa gayon ay maiwasan angmadaling pagbaha at madagdagan ang mga puno na nagpapaganda sa ating kapaligiran nakaugnay din naman sa kasalukuyang proyekto ni Perez na “Clean and Green” na kanya nangnasimulan.  Anu-ano pa ang programa o proyekto ng pamahalaan tungkol sa pangangalaga ng kapaligiran? Ibigay ang mga layunin ng bawat isa.  Gawing gabay ang tsart sa ibaba. Programa/Proyekto Layunin1.2.

Ang Bigas ay Buhay!Magkabalikat na inilunsad kahapon ng grupo ng mamamahayag at educators ang isangmalawakang kampanya na pagpapahalaga sa bigas sa Kapihan, sa Sulo Hotel, Quezon City. Ito ay tinatawag na “Integrated RICE (Rice Information Communication andEducation Campaign ng MEDIA Advocacy Network Phils. Ang rice awareness campaign ay dinaluhan ng ilang piling tagapagsalita na sina Mr.Zac Sarian, Chairman ng RMAN; Dr. Santiago R. Obien, Executive Director ngPHILRICE; Dr. Glenn B. Gregorio, Project Scientist, IRRI; Mr. Bejamin D. Javier,Director ng Public Affairs, NFA; Dr. Emil Q. Javier, Chairman, Asia Rice Foundation; Dr.Edita T. Burgos, President, PHEA. Isang paraan ang naturang kampanya ng pagbibigay kaalaman sa masa ng mgaproblema na dinaranas ng mga magsasaka, siyentista, teknolohista, at iba pang gawain napagpapalago ng industriya ng bigas sa pamamagitan ng midya at institusyong pang-edukasyon. Nakatutok sa dalawang bahagi ng RICE campaign ang impormasyong atkomunikasyon. Nakiisa rin sa kampanyang ito ang PhilippineHome Economics Association (PHEA) bilang katuwangng RMAN upang maimulat ang mga kabataan sa maramingkabuluhan at kahalagahan ng bigas. Inaasahang magkakaroon ng panibagongpandama at pang-unawa ang mga mamamayan sanaglalahong sakahan, iwasan ang kakulangan sa bigas,at itaguyod ang palay bilang haligi ng kinabukasan namay kasapatan sa pagkain. Sagutin mo naman ito. 1. Ano ang RICE CAMPAIGN? 2. Ano ang pinahahalagahan ng kampanyang ito? 3. Anu-ano ang layunin ng pangangampanyang isinasagawa? 4. Makatutulong ba ito sa kabuhayan ng mga mamamayang Pilipino? Paano? Ngayon, sang-ayon ka ba na “Ang bigas ay Buhay”? Sa iyong pagsagot, gamitin mo ang mga dahon ng palay ng grapikong presentasyon na nasa ibaba. Pagkatapos isulat sa kwaderno ang iyong mga sagot. Magagawa mo kaya?

Rehabilitasyon, relief operations; pinabilisan paPinalabas kahapon ng Malakanyang ang kambal na utos tungkol sa pagpapabilis ng reliefoperations at rehabilitasyon ng mga pininsala ng bagyong Unding, Violeta, Winnie atYoyong. Sa kanyang pagbabalik sa mga bayan ng Quezon na labis na sinalanta ng kalamidad,iniutos ng Pangulo sa mga pamahalaang lokal na ihanda ang rehabilitation plans ng mgaapektadong bayan ng Real, Infanta at Gen. Nakar na winasak ng nasabing mga bagyo. Iniutos din ng Pangulo sa iba’t ibang ahensiya ng gobyerno na pabilisin ang reliefoperations sa maraming nagugutom ng mga biktima ng kalamidad. Ang utos ay ipinaabotniya kina Quezon Governor Wilfrido Enverga at Vice Gov. Jayjay Suarez. Kasabay nito, iniutos din ni Health Secretary Manuel Dayrit na bantayan angkalusugan ng mga biktima ng kalamidad sa iba’t ibang evacuation centers sa bansa. Ang mga medical team ay 24 na oras na nakatalaga sa evacuation centers upangmahadlangan ang pagsingaw ng mga sakit na nakukuha sa maruming kapaligiran,maruming tubig, kontaminadong pagkain, sabi ni Dayrit. Iniulat din na marami na ang nagkakasakit na mga bikitima, ayon kay Maj.GenPedro Cabuay, chief ng Southern Luzon Command.  Tungkol saan ang balita?  Ano ang kambal na kautusan na pinalabas ng Malakanyang sa balita?  Sa paanong paraan isasagawa ng ahensya ng pamahalaan ang pagtulong sa mga sinalanta ng kalamidad?  Bakit totoong inagapan ng pamahalaan ang pagtulong sa mamamayan na naapektuhan ng kalamidad? Isulat mo sa “Concept Map” ang tulong ng pamahalaan sa mga nasalanta ng kalamidad.

PAGSANAYAN MOIsulat ang T kung tama ang isinasaad ng pangungusap at M kung mali. 1. Mahigpit na ipinagbabawal ang pagkakalat at pagtatapon ng dumi sa dagat. 2. Ipinagbabawal ng pamahalaan ang panghuhuli ng ibon sa “open season” 3. Dapat tayong manghimok nang mapasigla ang wastong pagyari at maparaang paggamit ng kahoy sa paggawa ng produktong kahoy. 4. Ang pagkakaroon ng mahigpit na 16,000 ektaryang sukat ng palaisdaan sa lawa ay mahigpit na ipinagbabawal ng pamahalaan. 5. Ang paggamit ng dinamita sa panghuhuli ng isda upang kumita nang malaki ang mangingisda ay pinahihintulutan ng pamahalaan.

TANDAAN MO May mga ahensya ng pamahalaan na nangangalaga at nangangasiwa sa yamang likas. Mahalaga ang pakikilahok ng mamamayan sa pangangalaga ng ating kapaligiran.ISAPUSO MOAng mga mamamayan at pamahalaan ay tulong-tulong sa pakikilahok sa mga programangpangkapaligiran. Ikaw, bilang munting mamamayan paano ka nakikiisa sa proyekto sa inyongpamayanan? A. Sagutin ang tseklis. Lagyan ng () kung gaano mo ito kadalas ginagawa. Gawain Palagi Paminsan- Hindi minsan1. Itinatapon ko ang basura sa tamang lalagyan.2. Gumagamit kami ng kemikal sa pamuksa ng mga lamok at langaw.3. Tumutulong ako sa paglilinis sa mga sulok ng bahay.4. Nagwawalis ako ng aming bakuran.5. Inaalis ko ang tubig na nakalagay sa lalagyan ng paso.B. 1. Suriin ang sinagutang tseklis. Ano ang masasabi mo sa iyong mga sagot? 2. Nasiyahan ka ba? Bakit? 3. Mayroon bang hindi mo talaga kayang gawin? Alin ito?

PAGTATAYAPiliin ang titik ng tamang sagot. 1. Bakit tinatakdaan ng pamahalaan ang pagmimina sa bansa? Upang____________. A. maiwasan ang polusyon B. mabawasan ang mga minero C. mabawasan ang gastusin ng pamahalaan D. maiwasan ang pang-aabuso sa mga minahan 2. Ang mga programang pangkapaligiran na makatutulong sa pagsagip sa kalikasan ay _____________. A. Alay Tanim B. Lingkod Linis C. Bantay Kalikasan D. lahat ng nabanggit 3. Ang ahensya ng pamahalaan na nangangalaga sa ating kapaligiran ay _____________. A. DOT B. DOH C. DENR D. DEPED 4. Ang sumusunod ay paglilingkod na ibinibigay ng pamahalaan maliban sa ______________. A. pagtatanim muli ng puno sa kagubatan B. paglulunsad ng paligsahan sa kalinisan C. pagpapahintulot ng paggamit ng dinamita sa pangingisda D. pagbibigay ng programa sa pag-aaral ng kaalamang teknikal 5. Paano magagamit ang mga likas na yaman nang maingat at wasto? A. makisama sa mga gumagawa ng iligal B. ipagwalang-bahala ang nakikita sa kapaligiran C. kumilos nang mabilis upang kumita nang malaki D. magtulungan ang mamamayan at pamahalaan upang mapangalagaan ang

kapaligiran PAGPAPAYAMANG GAWAINMakipag-ugnayan sa gawain sa araling EPP o sa nakatatanda na may kaalaman sagagawing proyekto sa pamayanan sa inyong tahanan. Magmasid sa pamayanan kung sino ang gumagamit ng basurahan at kung sinoang nakalilimot. Gumawa ng mga paalala para sa kanila. Maaari mo na ngayong simulan ang susunod na modyul.

GRADE VI BAKIT MAHALAGA ANG PAMAHALAAN? ALAMIN MOPag-aralan ang mga larawan. Ano ang ipinakikita ng mga larawan? Sa iyong palagay, sino ang nagkakaloob ng mga ito sa taong bayan?Sa pag-aaral ng araling ito matututuhan mo ang sumusunod: Kahalagahan ng pamahalaan Iba’t ibang paglilingkod na ibinibigay ng pamahalaan sa mga mamamayan at sa ating bayan.

PAGBALIK-ARALAN MOLagyan ng tsek (  ) ang pangungusap na nagsasaad tungkol sa pamahalaan at ekis ( X ) kunghindi. Isulat ang sagot sa iyong kwaderno. _____ A, Namamahala at tumutugon sa pangangailangan ng mamamayan. _____ B. Nagpapagawa ng mga kalsada at tulay upang makarating sa liblib na pook. _____ C. Pinaglilingkuran lamang ang malalapit na kaibigan at mga kamag- anak. _____ D. Nagpapatupad ng mga tuntunin at patakaran para sa kapayapaan at katahimikan ng bansa _____ E. May mga pinuno na gumaganap ng iba’t ibang tungkulin. PAG-ARALAN MOPag-aralan ang sinasabi ng mga bata. 1. Maraming serbisyo ang pamahalaan sa atin. Libreng edukasyon, libreng pagpapagamot sa ospital pampubliko. May bahay ampunan para sa mga batang ulila, matatanda at mahihirap.2. May mga batas na ipinatutupad upang mapangalagaan ang kapayapaan at kaayusan ng bansa. May pabahay rin na mura ang halaga.

3. Kung ikaw ay may kaso, may manananggol na ibinibigay kung wala kang pambayad. May mga proyekto rin ang pamahalaan sa pagpapaunlad ng pamumuhay. Halimbawa kooperatiba, pagtuturo ng makabagong teknolohiya sa pagsasaka at pangingisda. 4. May inilunsad ding iba pang programa tulad “Linis Ganda” para sa kalinisan ng kapaligiran, “Bantay Bata” para matulungan at mapangalagaan ang kapakanan ng mga batang biktima ng karahasan, at mga “street children” Batay sa nabasa mo sa dayalogo, mahalaga ba ang pamahalaan? Ano-ano ang paglilingkod ng pamahalaan na nabanggit sa bawat diyalogo? Ano kaya ang mangyayari sa isang bansa kung walang pamahalaan?Basahin. Kailangan natin ang pamahalaan upang mapangalagaan ang kapakanan at kaligtasan ng mga mamamayan. Mahalaga na may tagapamahala sa bansa upang mapanatili ang kaayusan at kaunlaran ng sambayanan. Hindi magiging maayos at tahimik ang kapaligiran kung walang tagapamahala. Maraming pangangailangan ang mamamayan upang mabuhay nang matiwasay. Kailangan niyang maging malusog at malakas. Upang maging masagana at kapaki-pakinabang sa lipunan kailangan din niya ng maunlad na edukasyon at mabuting kalagayang pangkalusugan. Kasama na rito ang benepisyo na murang pabahay. Ang mga ito at iba pang pangangailangan ng tao ay ibinibigay ng pamahalaan.

PAGSANAYAN MO Balikan mo ang larawan sa pahina 1. Itala mo ang mga paglilingkod ng pamahalaang ipinakita sa larawan. Isulat ang sagot sa iyong kwaderno. PAMAHALAAN,

TANDAAN MO Mahalaga ang pamahalaan sa pangangalaga ng kapakanan at kaligtasan ng mga mamamayan. Ang pamahalaan ay isa sa tumutugon sa pangangailangan ng mga mamamayan. May iba’t ibang paglilingkod na isinasagawa ang pamahalaan para sa mamamayan.ISAPUSO MOBasahin ang mga pangungusap tungkol sa kahalagahan ng pamahalaan. Lagyan ng tsek ( ) angS kung sang-ayon at ekis ( X ) ang DS kung hindi sang-ayon. Isulat ang iyong sagot sakwaderno.Mahalaga ang pamahalaan sa: S DS1. pagbibigay ng tulong sa mga kakilala.2. pag-unlad at pagsulong ng pamumuhay3. pagpapanatili ng kaayusan at katahimikan ng bansa4. Pagbibigay ng iba’t ibang paglilingkod sa mga mamamayan5. pagtupad sa mga ipinangako sa panahon ng halalan na hindi isinasaalang-alang ang pangunahing pangangailangan.

GAWIN MO Maayos at malinis na kapaligiran?Libreng edukasyon Ano-anong Tulong materyal at paglilingkod ng pera dulot ng sunogLibreng pagpapa- pamahalaan na gamot tinatamasa ang baha o bagyo inyong mag- anak? Proteksyon laban sa panganibTahimik at payapang pamayananPiliin sa bilog ang paglilingkod na tinatamasa ng inyong mag-anak. Isulat sa iyong kwadernokung paano mo ito natamo.

PAGTATAYAPiliin ang mga pangungusap na nagpapahayag kung bakit ang pamahalaan ay mahalaga. Isulatang titik ng tamang sagot sa loob ng mga lobo. A. Nangangalaga ng mga “drug lords”. B. Pinayayaman ang mga pinuno ng pamahalaan. C. May Hukbong Pandagat na nagpapatrulya sa karagatan. E. Pinangangalagaan ang buhay at ari-arian ng mga mamamayan. D. Pinapananatili ang pambansang kaligtasan sa anumang panganib. F. Nagbibigay ng libreng pagpapagamot sa mga maysakit na nangangailangan. G. Nagbibigay ng bigas, mga damit, de lata at iba pang pantulong sa biktima ng kalamidad.

PAGPAPAYAMANG GAWAIN1. Gumawa ng poster na nagpapakita ng mga ginagawa ng pamahalaan para sa mamamayan.2. Gumupit ng mga larawan tungkol sa mga paglilingkod na ibinibigay ng pamahalaan. Sumulat ng ilang pangungusap tungkol dito. Maaari mo na ngayong simulan ang susunod na modyul.

GRADE VI ANG PAMAHALAAN AT ANG MGA MAMAMAYAN NITO ALAMIN MOSuriin mo ang mga larawan. Ano ang nakikita mo sa larawan? Ano ang ginagawa ng mga taong naglilingkod sa mga taong bayan? Sa inyong palagay sino ang nagkakaloob nito sa mga mamamayan? Sa modyul na ito matututuhan mo kung paano naglilingkod ang ating pamahalaan sa taong bayan at ang kahalagahan nito sa ating estado.

PAGBALIK-ARALAN MOBago mo simulan ang bago mong aralin, sino ang mga taong tinutukoy sa bawat bilang? Isulatang sagot sa kwadernong sagutan. 1. Ako ay isang trabahador Nakikita sa mga lansangan Naglilinis at nagpapaganda ng kapaligiran Sino ako? __________________ 2. Dahil sa akin, nalinang at Napagyaman ang inyong kaisipan Natuto kayong bumasa, sumulat at bumilang Ngayon, hasang-hasa na sa pangangatwiran. Sino ako? __________________ 3. Bawat minuto, oras na lumipas Tinitingnan, sinusuri ang sakit na dumapo Inililigtas kayo sa anumang karamdaman Ganito ang trabaho namin hanggang sa kasalukuyan Sino ako? __________________ 4. Hatid doon, hatid dito Mga sulat at iba pang regalo Maaga pa, nariyan na minu-minuto Sulat po, hatid magandang ngiti ang serbisyo. Sino ako? __________________ 5. Pinapatay ko ang mga apoy Kapag may nasusunog. Hila roon, hila rito ng “hose” na itututok. Sino ako? __________________

PAG-ARALAN MO Oo, naman. Nagkaroon ng pamahalaan nang dumami naBasahin ang Komik Istrip. ang nangangailangan ng Alam mo ba kung tulong, karamay at pagkalinga paano nagsimula ang sa mga pangangailangan. pamahalaan?Nagsimula ito sa sama-samang Natutuhan nilang gumawa ng bataspamumuhay at pagtutulungan ng o tuntunin upang magsilbingmga tao. Nauunawaan nila ang patnubay sa kanilang sama-samangkahalagahan ng pamumuhay nang pamumuhay. Pumili sila ngmagkasama, nagtutulungan at may namumuno sa kanila.pagkakaisa ang bawat isa.

Pumili sila ng mamumuno At dahil siya angna magtatanggol laban sa pinakamatanda sa tribumga dayuhang gustong naging tungkulin niya angsakupin ang bansang pagpapasunod sa mgaPilipinas. kinaugalian ng kanyang mga nasasakupan.Sa tulong ng nakatatandang At alam mo ba ang mgakasapi ng tribu ang puno ang batas na ginawa nanghumuhusga at naggagawad panahong ito ang nagingng karampatang parusa sa simula ng pagkakabuo ngmga nagkasala. pamahalaan para sa kasalukuyang panahon.

Basahin ang teksto. Malaking tulong ang pagkakaroon ng pamahalaan na sinimulan noong unang panahon. Ang institusyon na ito ang tumutugon sa pangangailangan ng mamamayan na panatilihin ang katahimikan at kaayusan ng bansa. Pinamumunuan ang pamahalaan ng mga taong pinili, inihalal o pianagkalooban ng kapangyarihan ng nakararaming mamamayan upang mangasiwa o maglingkod sa bayan. Mahalaga sa isang bansa ang pamahalaan. Kailangan ito ng mamamayan upang magkaroon ng mga batas at tuntunin na dapat sundin para mapangalagaan ang kapanatagan at ari-arian ng mga tao. Ang pag-papairal ng katarungan at kapayapaan ay ginagampanan ng namumuno sa pamahalaan tungo sa pag-unlad at pagsulong ng mga panlipunan, pangkabuhayan, pulitikal at pangkulturang kalagayan. Maraming ginagawang paglilingkod ang pamahalaan para sa kagalingan at kaayusan ng pamumuhay ng bawat tao. Pag-aralan mo ang iba’t ibang paglilingkod na ibinibigay ng pamahalaan sa mga mamamayan. Ano-ano ito? PAMAHALAAN

May itinalagang paglilingkod pangkabuhayan, pampulitika at panlipunan angpamahalaan.Ang layunin nito ay upang mapabuti ang pamumuhay ng mga mamamayan atmatulungan na magkaroon ng maunlad na kinabukasan. Sa pagpapaunlad nitobinigyang halaga ang paglinang sa likas na yaman, pagpapaunlad ng pagsasaka,industriya, transportasyon at komunikasyon.Sa pampulitika, sinisikap ng pamahalaan na mapanatili ang pambansang kalayaanat mapangalagaan ang kapakanan ng taong-bayan sa makatarungan atdemokratikong pamamaraan. Ang pagtatanggol sa pambansang kaligtasan,pangangalaga sa buhay at ari-arian at pakikipag-ugnayan sa ibang bansa ay patuloypa rin isinusulong sa bansa upang mabigyan ng proteksyon ang mga tao.

Naglalaan din ng maraming programa na nauukol sa paglilingkod panlipunan, at sinisiguro ng pamahalaan na ang mga ito ay tinatamasa ng ating mamamayan. Ang pagtataguyod sa edukasyon, pagtulong sa kapus-palad, may kapansanan at walang hanapbuhay ay binibigyan ng pangunang-pansin ng pamahalaan. Sa kasalukuyan ay marami nang propesyonal na nakapangibang bansa na nagtatrabaho na at nakatutulong na rin sa gobyerno. Ang iba naman ay nagkaroon ng kalinangan at kasanayan sa paggawa tungo sa ikasusulong ng kanilang pamumuhay. Narito ang mga larawan at suriin mo nang may pang-unawa. PAGSANAYAN MOPiliin ang tamang sagot. Isulat ang titik sa iyong kwaderno. 1. Ano ang tawag sa institusyong tumutugon sa pangangailangan ng katahimikan at kaayusan ng bansa? A. senado B. paaralan C. patakaran D. pamahalaan 2. Tungkulin ng pamahalaan na itaguyod ang kapakanan ng mamamayan. Anong magandang saloobin o pagpapahalaga ang dapat gampanan ng mamamayan?

A. pagmamalasakit B. pakikipagkaibigan C. pakikipagtulungan D. pakikipagpaligsahan 3. Ang demokratikong pamahalaan ay pinamumunuan ng isang lider, dahil sa: A. mga mamamayan ang namili B. mga mamamayan ang naghalal C. mga mamamayang ang may kapangyarihan D. lahat ng nabanggit 4. Kailangan ang pamahalaan ng mga taong bayan upang A. makapagtayo ng maraming gusali B. may gagastusin sa pang-araw-araw na pangangailangan C. may mautangan ang mga mamamayan kapag nagigipit sa pangkabuhayan D. maitaguyod at maisulong ang pangkabuhayan, pampulitika at panlipunang paglilingkod 5. Isa sa programa na bibigyang pagpapaunlad ng pamahalaan ay ang transportasyon at komunikasyon upang ang bawat isa ay A. madaling magkaunawaan B. maging mabilis ang palitan ng produkto C. mapabilis ang anumang transaksyon sa pagtatayo ng iba’t ibang industriya D. lahat ng nabanggit TANDAAN MO  Ang pamahalaan ay gumagawa ng iba’t ibang paraan ng paglilingkod upang matugunan ang pangangailangan ng mga mamamayan. ISAPUSO MOGinagawa ng pamahalaan na matugunan ang pangangailangan ng mamamayan kaya dapatlamang na tayo ay makiisa sa anumang proyekto tungo sa kaunlaran ng bansa natin.

GAWIN MOSipiin sa iyong kwaderno ang mga salita sa kahon. Isulat ang sumusunod na paglilingkod ngpamahalaan para sa mga mamamayan.Paglilingkod na Palilingkod na Paglilingkod naPangkabuhayan Pampulitika Panlipunan 1. pinauunlad ang iba’t ibang industriya sa bansa 2. pinanatili ang pambansang kaligtasan sa anumang panganib 3. pinangangalagaan ang buhay at ari-arian ng mga mamamayan 4. pinaglilingkuran ang mga kapus-palad, may kapansanan at walang hanapbuhay 5. pinagtutuunan ng pansin ang paghubog sa mga mag-aaral upang maging mabubuting mamamayan PAGTATAYABibigyan kita ng pagsusulit. Subukin natin ang iyong kakayahan sa araling iyong napag-aralan. 1. Anong mayroon ang pamahalaan na ipinatutupad sa mga mamamayan upang maging mapayapa, tahimik at maunlad na bansa? A. mga aral B. mga utos C. mga batas D. mga pakiusap 2. Ano ang pangunahing tungkulin ng pamahalaan?

A. itaguyod ang kagalingan ng opisyal B. itaguyod ang piling kailangan ng mamamayan C. itaguyod ang kagalingan ng mamamayan D. itaguyod ang ilang pangangailangan ng mga opisyal 3. Anong uri ng paglilingkod ang ibinibigay ng pamahalaan sa mga tao sa pagpapatayo ng paaralan sa iba’t ibang barangay? A. kaunlarang pansarili B. kaunlarang panlipunan C. kaunlarang panrelihiyon D. kaunlarang pangkabuhayan 4. Ano ang ginagawa ng pamahalaan kapag may dumating na kalamidad? A. nagsasawalang-kibo B. tinutulungan ang nasalanta C. pinagtatrabaho ang mga nasalanta D. pinagbabawalan ang mga taong tumutulong sa nasalanta 5. Ano ang katangian ng pamahalaan? A. pinamumunuan ng mga taong pinili o inihalal ng mga mamamayan B. pinangangalagaan ang karapatan at kapakanan ng mga mamamayan C. bumubuo, nagpapahayag at nagpapatupad ng mga layunin at pinagkasunduan ng mga tao. D. lahat ng nabanggit PAGPAPAYAMANG GAWAINMagtungo sa iyong Barangay Captain. Kumuha ng impormasyon tungkol sapaglilingkod na naibibigay ng barangay na sa inyong pamayanan. Maaari mo na ngayong simulan ang susunod na modyul. Susi sa Pagwawasto (Pagtataya)

GRADE VIURI AT KATANGIAN NG PAMAHALAAN ALAMIN MOBansa Bansa BansaKilala mo ba ang mga nasa larawan?Anong bansa kaya ang kanilang pinamamahalaan?Anong kapangyarihan kaya mayroon ang kanilang pinamahalaan?Sa modyul na ito makikilala natin kung ano ang katangian at ang tunay nakapangyarihan ng pinamamahalaan nila.Handa ka na ba?

PAGBALIK-ARALAN MOKatatapos lamang ng aralin na tungkol sa kahalagahan ng pamahalaan. Nalaman mo namahalaga ang pamahalaan para sa ikauunlad ng bansa upang matamo ang kapayapaan, kaayusanat kaligtasan ng mamamayan.Narito ang larawan ng bahay.Basahin ang sumusunod na pangungusap at isulat ang titik nito sa loob ng bahay kung bakitkailangan natin ang pamahalaan. Kailangan ng Pamahalaan A. Nagpapatupad ng batas. B. Nangangalaga ng “drug lords” C. Nakikilahok sa mga digmaang pandaigdig. D. Nagpapanatili ng katahimikan at kaayusan. E. Nangangalaga ng kalusugan ng mamamayan. F. Pinayayaman ang mga pinuno ng pamahalaan. G. Pinipili ang relihiyon ng bawat pangkat ng tao. H. Nakikipag-ugnayang diplomatiko sa ibang bansa. I. Tumutugon sa mga pangangailangan ng pamahalaan. J. Pinamamahalaan ang kaunlarang Panlipunan at Pangkabuhayan ng bansa.


Like this book? You can publish your book online for free in a few minutes!
Create your own flipbook