Important Announcement
PubHTML5 Scheduled Server Maintenance on (GMT) Sunday, June 26th, 2:00 am - 8:00 am.
PubHTML5 site will be inoperative during the times indicated!

Home Explore HEKASI VI

HEKASI VI

Published by Palawan BlogOn, 2015-09-21 03:28:09

Description: HEKASI VI

Search

Read the Text Version

Pandarayuhan Panloob Panlabas ____________________  ____________________ ____________________  ____________________ ____________________  ____________________ ____________________  ____________________ ____________________  ____________________ PAGSANAYAN MOPanuto: Basahin ang sumusunod na tanong. Isulat ang titik ng tamang sagot sa iyong kwadernong sagutan. 1. Ang paglipat ng tao buhat sa isang lugar patungo sa ibang lugar upang manirahan ay A. paglalakbay B. pagliliwaliw C. pandarayuhan D. pakikipag-ugnayan 2. Ano-ano ang dahilan kung bakit nangingibang bayan o nangingibang bansa ang isang tao/pamilya? A. upang maglakbay B. upang mandayuhan C. upang makipag-ugnayan D. upang magkaroon ng magandang pamumuhay

3. Mag-aaral sa Maynila ang mga anak nina G. at Gng. Ceromonia kayat lumipat sila doon. Ano ang kanilang dahilan? A. pampulitika B. pangrelihiyon C. pangkabuhayan D. pangkarunungan4. Ang pagkakaroon ng maraming pagawaan sa isang pook ay umaakit sa pandarayuhan samantalang ang nagtutulak ay ang pook na A. may pagkakakitaan B. may mabuting klima C. maraming kaguluhan D. may makabagong kagamitan5. Ang mga Taga-Mindanao ay lumilipat sa NCR dahil sa kaguluhan sa kanilang lugar. Anong uri ng pandarayuhan ito? A. pandarayuhang panloob B. pandarayuhang panlabas C. pakikipag-ugnayang panloob D. pakikipag-ugnayang panlabas TANDAAN MO  Pandarayuhan ang tawag sa paglipat ng lugar na tinitirhan. Ito ay maaring paglabas ng bansa at maaari rin namang ito ay sa loob lamang ng bansa.  Ilan sa mga dahilan ng pandarayuhan ay: - Makapasok sa malalaki at modernong paaralan - Makagamit ng mahahalagang kagamitan - Makapunta at makapaglibang sa magandang pook pasyalan at magkaroon ng mabuting pamumuhay - Makaiwas sa gulo at karahasan ng lugar na pinanggalingan. - Makaalis/lisanin ang/sa napinsalang pook at kabahayan dulot ng kalamidad

ISAPUSO MO Ibigay ang wastong saloobin sa sitwasyon na ito. Isang nandarayuhan mula sa lalawigan ang nagtayo ng bahay sa inyong likod-bahay.Ano ang maari mong gawin upang maging maayos ang pagtira ng iyong kasambahay? Sumulatka ng ilang pangungusap bilang kasagutan sa iyong paliwanag. Gawin ito sa iyong kuwadernongsagutan. _____________________________________________________________________ ________________________________________________________________________ ________________________________________________________________________ ________________________________________________________________________ ________________________________________________________________________ ________________________________________________________________________ ________________________________________________________________________ GAWIN MOSa iyong kwadernong sagutan.1. Paghambingin ang pandarayuhang panloob at panlabas. Isulat sa kahon ang mgalugar na kung saan ginagawa ang pandarayuhan. Magsulat ng tig-limang lugar sabawat kahon. Panlabas Panloob2. Isulat ang dahilan ng padarayuhan ng mga tao ayon sa sitwasyon.

1. Magaling na guro si Gng. Javier ngunit hindi sapat ang kaniyang kinikita para sa kanyang pamilya. Napilitan siyang magturo sa Estados Unidos. Dahilan ___________________________________________ 2. May bagong bukas na pagawaan sa Laguna. Maraming manggagawa ang lumipat ng tirahan dito. Dahilan __________________________________________ 3. Laging binabaha ang lugar nina Mang Julio. Natatakot siyang magkasakit at maging ang kanyang pamilya kaya lumipat sila ng tirahan. Dahilan __________________________________________ 4. Magaling na accountant si G. De Castro. Ngunit nagsara ang bangkong kanyang pinapasukan. Napilitan siyang lumuwas ng Maynila. Dahilan __________________________________________ 5. Inaatake ng hika ang mga anak nina G. De Villa kapag napakainit ang panahon lalo na kapag tag-tuyot. Lumipat sila sa lugar na malamig ang klima. Dahilan __________________________________________ PAGTATAYAIsulat ang A kung panloob na pandarayuhan at B kung panlabas na pandarayuhan. ______1. Ang mga Pilipinong nars ay nagtungo sa Luzon upang magtrabaho. ______2. Ang mga Hapones ay nakarating at nanirahan sa Pilipinas upang makaiwas sa kaguluhang pampulitika sa kanilang bansa. ______3. May mga taga-Barangay Valenzuela sa Makati na pumunta sa Batangas upang magtrabaho sa bagong bukas na pabrika ng plastik doon.

______4. Ang mga Taga-Mindanao ay lumilipat sa NCR dahil sa kaguluhan sa kanilang lugar. ______5. Ang pamilya ng De Villa ay nagtungo sa Canada upang makapiling ang kanilang mga kamag-anak na naninirahan doon. PAGPAPAYAMANG GAWAINBumuo ng isang talata batay sa larawan. Itala ang mga kadahilanan at ang magigingepekto nito sa pook na nilisan nila at nilipatang lugar. Maaari kang magsimula rito. Ang Pandarayuhan ng Mamamayan __________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________ Maaari mo na ngayong simulan ang susunod na modyul.

GRADE VI PAGPAPAHALAGA NG MGA PILIPINO ALAMIN MOMadalas nating naririnig ang awiting “Bayan Ko”. Subalit maaring hindi natin pinag-uukulan ngpansin ang kahulugan ng mga salita. Basahin mo ito. Napapaloob sa awiting ito ang ilangpagpapahalaga ng mga Pilipino. Ano-anong pagpapahalaga ang isinasaad sa awitin? “Ibon mang may layang lumipad, Kulungin mo at umiiyak Bayan pa kayang sakdal dilag Ang di magnasang makaalpas Pilipinas kong minumutya Pugad ng luha ko’t dalita Aking adhika makita kang sakdal laya.” Sa araling ito, matutuhan mo ang mga bagay na pinahahalagahan nating mga Pilipino. Halika, alamin mo!Suriing mabuti ang mga larawan. AB Ano ang iniisip ng lalaki sa larawan A? sa larawan B?

 Magkatulad ba sila ng nais bilhin?  Ang lalaki sa Larawan A ay nag-iisip na pagkain ang kanyang bibilhin. Para sa kanya ito ay mahalaga kaya ito ang una niyang naiisip.  Ano naman ang iniisip ng lalaki sa Larawan B? Para sa lalaking ito, alin ang higit na mahalaga, pagkain o bahay? Bakit? Sa mga larawang ito, maliwanag na ipinahihiwatig na magkaiba ang pagpapahalaga ng dalawang lalaki. Ano sa palagay mo ang dahilan kung bakit magkaiba sila ng pagpapahalaga? Alam mo ba kung ano ang pagpapahalaga? Magpatuloy ka sa pag-aaral. PAG-ARALAN MOBasahin at pag-aralan mo ang bawat sitwasyon. Ang bawat tao ay may kani-kaniyang pagpapahalaga sa buhay. Basahin at pag-aralan ang sumusunod na halimbawa: A. May mga taong nais magtapos muna ng pag-aaral bago magtrabaho. Ang iba naman ay trabaho agad kahit hindi pa tapos sa pag-aaral.  Bakit kaya nagtatapos muna ng pag-aaral ang iba bago magtrabaho? Ano ang mahalaga sa kanya?  Bakit kaya ang iba naman ay hindi na nagtatapos ng pag-aaral at nagtatrabaho na agad? Ano ang higit na mahalaga sa kanya? Ang sitwasyon A ay nagpapakita ng dalawang taong magkaiba ang pinaniniwalaan.

Ang una ay naniniwala na mas mahalaga ang pag-aaral o edukasyon.Dahil mahalaga ang edukasyon, nagsisikap siya na makapagtapos, naniniwala siya na madalingmakakahanap ng trabaho ang taong tapos ng pag-aaral. Para sa kanya ito ay mahalaga at dapatingatan. Para naman sa ikalawa higit niyang pinahahalagahan ang pagtatrabaho. Marahil,naniniwala siya na maaari niyang makamit ang mga bagay na gusto niya kung siya ay maytrabaho.Basahin ang sumusunod at sabihin kung ano ang pinahahalagahan.B. May taong gustong mamasyal sa magagandang pook. Ang iba naman ay nasisiyahan na lamang manood ng magagandang pook sa telebisyon.  Ano kaya ang pinahahalagahan ng taong mahilig mamasyal?  Bakit kaya ang iba ay nasisiyahan na nasa bahay na lamang?C. May taong mahalaga ang tumulong sa kapwa. Ang iba naman ay hindi pinapansin ang mga nangangailangan.  Sino sa kanila ang may pagpapahalaga? Bakit?  Sino ang walang pagpapahalaga? Bakit?Suriin mo ito at sagutin sa iyong kwaderno. B AAno ang ginagawa ng mga tao sa Larawan A? Sa inyong palagay, ano ang mahalaga sakanila? Larawan B? CD

Ano ang ipinakikita ng mga larawan C at D? Alin sa dalawang larawan ang nagpapakita ng may magandang pagpapahalaga ang mga tao; ang C ba o D? Ipaliwanag mo ang iyong sagot. PAGSANAYAN MO1. Maglaro ng “Rank Order”. A. Kumuha ng tatlong bagay sa loob ng bag o bulsa. B. Isulat sa bilang 1 ang pangalan ng pinakamahalagang bagay para sa iyo; sa bilang 2 ang susunod na mahalaga; at sa bilang 3 ang hindi gaanong mahalaga. Ipaliwanag ang dahilan kung bakit mo inayos ang mga ito ng 1,2,3.2. Basahin ito, tukuyin ang bagay na pinahahalagahan sa bawat pangungusap. A. Hindi baleng mahirapang magbanat ng buto para may makain huwag lamang kumain ng galing sa nakaw. B. Kahit hindi makatapos ng pag-aaral ang mga anak, basta maraming anak. C. Hindi baleng magbigay palagi ng abuloy huwag lamang ikaw ang aabuluyan. D. Hindi baleng maliit ang lupa’t bahay basta sarili naman. E. Kahit na anong uri ng relihiyon ang mahalaga ay naniniwala sa Diyos. F. Kahit na hindi umasenso, huwag lamang magkakalayo ang mag-anak.

3. Basahin. “Huwarang Pamilya ng Taon” ang mag-asawang Pedro at Nelia Cruz. Natanggap nila ang karangalang ito dahil sa magandang pag-uugali at pakikisama nila sa bawat isa at sa kapwa. Palagi silang nagbibigay ng tulong sa simbahan at sa mga nangangailangan. Naiimbitahan sa mga pagpupulong upang magbigay ng lektura. Hindi sila nakalilimot sa Diyos. Iniiwasan ang masasamang gawain o bisyo ng lipunan. Iginagalang at minamahal sila sa kanilang lugar dahil sa kanilang katapatan at pantay na pagtingin sa kapwa. Katulad nila, naging matagumpay din sa kabuhayan ang kanilang dalawang anak dahil sa nakatapos sila sa pag-aaral. A. Sino ang tinaguriang “Huwarang Pamilya ng Taon”? B. Bakit sila pinarangalan? C. Ano-anong bagay ang kanilang pinahahalagahan? D. Tama ba ang kanilang ginagawang pagpapahalaga? Bakit? TANDAAN MO Ang pagpapahalaga ay pagbibigay kabuluhan sa mga bagay na mahalaga o mahal sa atin. Bawat pangkat ng tao ay may mga pagpapahalaga. Isa ito sa mga bagay na nagbubuklod sa isang pangkat. Ang mga Pilipino ay may mga magkakatulad na pagpapahalaga.

ISAPUSO MO1. Ipalagay na pagkakalooban kayo ng parangal katulad nina Pedro at Nelia Cruz, paano mo pahahalagahan iyon?2. Halimbawa ikaw ay kapitbahay nina Pedro at Nelia Cruz, ano ang gagawin mo? Bakit? GAWIN MONarito ang tatlong salawikain. Basahin mong mabuti, pumili ng isa sa mga salawikain atipaliwanag mo. Gawin mo ito sa iyong kwadernong sagutan. A. Kung may isinuksok, may madudukot B. Maganda ang kinabukasan kung may pinag-aralan C. Ang pagsasabi ng tapat ay pagsasama ng maluwagPAGTATAYAA. Lagyan ng tsek ( ) ang hanay na naayon sa iyong pagpapahalaga. Mga Napakahalaga Hindi Gaanong Mahalaga Pagpapahalaga Mahalaga1. Kaibigan2. Kalusugan3. Kayamanan4. Katalinuhan5. KagandahanB. Gumawa ng hagdan at isulat sa baitang ang sumusunod nang naaayon sa iyong pagpapahalaga. Ilagay sa bilang 5 ang pinakamahalaga, bilang 4 ang susunod na

mahalaga, bilang 3 ang pangatlong mahalaga; bilang 2 ang pang-apat na mahalaga; bilang 1 ang hindi gaanong mahalaga. Lagyan ng paliwanag ang sagot.  Pamilya  Kaibigan  Edukasyon  Maraming pera  Magagandang damit PAGPAPAYAMANG GAWAINKapanayamin mo ang iyong mga kasambahay. Itanong sa kanila kung ano ang bagay nakanilang pinahahalagahan. Ipasabi mo rin ang dahilan ng kanilang pagpapahalaga. Isulatmo ito sa iyong kwadernong sagutan. Maaari mo na ngayong simulan ang susunod na modyul.

GRADE VI PAGPAPAHALAGA NG PILIPINO: TULONG BA O HADLANG SA PAG-UNLAD NG BANSA? ALAMIN MOBakasyon na. Ang mag-anak ni Gigie ay masayang nagtungo sa kanilang lola na nasalalawigan. Si Gigie ang paboritong apo ng kaniyang lola kaya:

1. Ano ang nangyari sa pangarap ni lolo? 2. Ano-anong katangian ang taglay ni lolo? 3. Ano naman ang naging epekto nito kay Gigie? 4. Ano ang naging epekto nito sa kabuhayan nila? 5. Ano kaya ang kaugnayan nito sa kabuhayan ng pamayanan at bansa?Sa araling ito, malalaman mo na may mga pagpapahalaga na nakatutulong at nakakahadlang sapag-unlad ng tao at ng buong bansa. Ano-ano ang pagpapahalagang nakatutulong sa pag-unladng kabuhayan ng bansa? Ano-ano ang pagpapahalaga na kailangan nang baguhin? Ilan lamangang mga tanong na ito na sasagutin sa pag-aaral ng araling ito.

PAGBALIK-ARALAN MOBago mo simulan ang bagong aralin, magbalik-aral ka muna.Suriin mong mabuti ang bawat pangungusap. Tukuyin mo kung ang pangungusap sa bawat titikay:Paniniwala o PagpapahalagaA. Naghahanda ng bilog na prutas o pagkain sa hapag-kainan kung “Media Noche” upang maging masagana sa buong taon.B. Naglalagay ng buhay na sisiw sa ibabaw ng kabaong ng taong pinatay upang hindi mapalagay ang pumatay at siya’y susuko.C. Tinanggihan ang magandang alok na trabaho sa ibang bansa huwag lamang mapahiwalay sa pamilya.D. Ibinili ng lupa sa subdibisyon ang perang napanalunan kaysa itabi sa bangko.E. Pinaiikot muna ang kinainang pinggan bago umalis upang malayo sa panganib sa paglalakbay.F. Ipinagbili ni Mang Nardo ang kalabaw upang maibayad sa matrikula ng anak.G. Anumang bagay na hindi kanya ay isinauli ni Rita.H. Pagpepenitensiya tuwing Mahal na Araw upang mabawasan ang kasalanan.I. Sinisikap ni Lena na maging malinis at maayos sa kanyang gawain.

PAG-ARALAN MO Basahin mo. Si Avelino ay anak mahirap. Siya ay nagtitinda ng diyaryo sa araw at nag-aaral sa gabi. Nagkaroon siya ng dalawang anak. Sa pagdaan ng mga araw, dumami ang bumibili sa kanya ng diyaryo. Nakabili siya ng sariling sasakyan upang irasyon ang mga diyaryo sa kanyang mga suki. Nakapagtayo siya ng malaking bahay at nakapag-aral ang mga anak. Dahil sa kanyang sipag at tiyaga, umunlad rin ang kanilang kabuhayan at nakatapos pa rin siya ng abogasya. Kilalang-kilala at iginagalang siya ng kababayan. Sa kasalukuyan, siya ang gobernador ng kanilang lalawigan. Sagutin ang sumusunod na tanong. A. Anong katangian mayroon si Avelino? B. Paano ipinakita ni Avelino ang sipag at tiyaga? C. Ano ang naging epekto nito sa kanilang buhay? D. Anong pagpapahalaga ang ipinakikita ni Avelino? E. Gagawin mo rin ba ito? Paano? F. Kung hindi niya minahal ang kanyang trabaho, ano kaya ang naging buhay nila ngayon? G. Bakit mahalaga ang pagkakaroon ng sipag at tiyaga sa trabaho? H. Ano kaya ang magiging epekto ng pagpapahalagang ito sa pamayanan? sa kabuhayan ng bansa?Sagutin ang mga tanong at hanguin ang pagpapahalagang inilahad sa kuwento. Ulilang lubos si Dennis. Binigyan siya ng pera ng kanyang kamag-aral upang gamiting puhunan. Binalak na gamitin ni Dennis sa pagtitinda ng diyaryo ang puhunan ngunit nag-atubili siya. Nag-aalala siya na baka hindi maubos ang diyaryo. Nagtanung-tanong siya sa mga kapitbahay, kakilala at kaibigan kung sino ang gustong magparasyon ng diyaryo.Sa bandang huli nagpasya na rin siya na magtinda. Bahala na, ang sabi niya sa sarili. Sagutin ang mga tanong ukol sa kuwento.

A. Ano ang binalak ni Dennis? B. Bakit siya nag-aalala? C. Ano ang kanyang naging pasya? D. Anong katangian ang pinahalagahan niya? E. Ano ang naging epekto nito sa kanyang buhay? F. Kung hindi niya itinuloy ang pagtitinda, ano kaya ang mangyayari? G. Ito ba’y nakatulong o nakahadlang sa kabuhayan niya? Sa pamayanan? Sa bansa? Pangatwiranan. H. Anong pagpapahalaga ang inilarawan dito? I. Kung ang lahat ng tao ay katulad ni Dennis, ano ang mangyayari sa bansa? J. Kung ang iba ay hindi katulad ni Dennis, ano naman kaya ang mangyayari sa bansa? Batay sa mga pinag-aralang sitwasyon anong mga pagpapahalaga ang ipinamalas ng mga taong nabanggit? Alin sa mga pagpapahalagang ito ang sa palagay mo ay makatutulong sa pag- unlad ng kabuhayan ng mga taong nabanggit? Bakit? PAGSANAYAN MOA. Basahin ang mga sitwasyon. Sagutin ang mga tanong tungkol dito. Ano ang pagpapahalaga sa bawat sitwasyon? 1. Mataas na ang sahod ng dalawang anak ni Jose at Mira. Balak pa ng opisina nila na ipadala sila sa ibang bansa upang magpakadalubhasa at itataas pa ang sahod dahil sa kanilang kasipagan at tamang saloobin sa trabaho.  Anong katangian ang taglay ng magkapatid?  Ano ang dahilan at sila ang ipinadala sa ibang bansa?  Bakit ipadadala sa ibang bansa ang dalawang anak ni Jose at Mira? 2. Maraming tahiin si Aling Vicky araw-araw. Kahit na mahal siyang sumingil sa kanya pa rin nagpapatahi ang marami. Hindi siya nauubusan ng telang tahiin. Palaging malinis at maayos ang kanyang mga tahi at maunawain sa mga parukyano.  Bakit hindi siya nauubusan ng parukyano?  Paano niya pinahahalagahan ang kanyang gawain? 3. Sa kagustuhan nina G. at Gng. San Pedro na mapag-aral ang kanilang mga anak, ginagawa nila ang lahat. Nagtatrabaho sila sa araw at gabi kaya naging maganda ang pamumuhay ng kanilang mga anak.

 Bakit mahalaga ang pag-aaral?  Paano nila pinahahalagahan ito?  Ano ang pinahalagahan nina G. at Gng. San Pedro? 4. Si Gng. Montes ay isang punung-guro na kinaiinisan ng ilang mga guro. Nais niyang pumasok nang maaga, magturo nang maayos ang kanyang mga guro at pagandahin ang silid-aralan.  Bakit kinaiinisan si Gng. Montes ng kanyang mga guro?  Paano pinahahalagahan ni Gng. Montes ang kanyang gawain? 5. Binalak ni Annie na magbitiw na sa trabaho dahil nahihirapan siya. Dahil sa mahirap humanap ng trabaho, nagtiis pa rin siya at nag-aaral pa sa gabi sa kolehiyo.  Bakit magbibitiw sana si Annie?  Paano niya pinahahalagahan ang kanyang trabaho? TANDAAN MO Nagnanais ang ating lipunan, sa pamamagitan ng edukasyon na magkaroon ng mabuting pag-uugali at mga bagong saloobin sa pagpapahalaga ang mga mamamayan para sa napakabilis na nagbabagong daigdig. Kailangan ang pagbabago sa mga tradisyunal na pagpapahalaga upang ang bawat mamamayan ay maging makabuluhan. Sa ganito, makatutulong sila sa pag-unlad ng bayan.

ISAPUSO MO Sagutan mo nang naayon sa iyong pagpapahalaga ang isinasaad sa bawat bilang. Isulat mo ang iyong sagot sa kwadernong sagutan. 1. Si Leonardo Advincula ay kinikilala bilang isang matapat na Pilipino dahil sa pagsasauli niya sa may-ari sa perang naiwan sa minamanehong taxi. Pinaparangalan siya ng iba’t ibang institusyon n gating bansa at maging sa ibang bansa. Paano mo matutularan ang katapatan ni Leonardo Advincula? 2. Paano mo pauunlarin ang negosyo mong diyaryo upang makatulong sa iyong kabuhayan? GAWIN MOSumulat ng isang maikling talata na tatalakay sa pagpapahalaga ng mga Pilipino. Ipaliwanagkung paano ito nakatutulong o nakahahadlang sa pag-unlad ng bansa. PAGTATAYA A. Basahin mo ang maikling sitwasyon sa bawat bilang. Piliin ang titik ng tamang sagot. 1. Gustong-gusto ni Gina ang makatapos ng pag-aaral subalit hindi siya kayang pag- aralin ng kanyang magulang. Ano ang dapat gawin ni Gina? A. magtrabaho habang nag-aaral B. maghintay na mapag-aral ng magulang C. ipagbili ang mga kasangkapan sa bahay D. magpaampon sa isang mayamang kamag-anak 2. Bilang isang negosyante, alam mong marami kang kalaban sa negosyo. Paano mo maipakikita ang pagtitiwala sa sarili na kaya mong itaguyod ang iyong negosyo?

A. magsara ng iyong negosyo B. mangutang palagi ng puhunan C. magbigay ng mabuting serbisyo D. makipagtalo sa mga kalabang negosyante 3. Si G. Noli dela Cruz ay tumanggap ng malaking pensyon sa kanyang pagreretiro. Bumili siya ng lupa, nagpatayo ng bahay at pinalitan ang mga lumang kasangkapan. Anong pinahahalagahan niya? A. pagpapahalaga sa salapi B. pagpapahalaga sa kasangkapan C. pagpapahalaga sa pagmamay-ari D. pagpapahalaga sa kapangyarihan 4. Hindi lamang ang mga kawani ng pamahalaan ang dapat maglingkod nang matapat sa bayan. Ikaw ay maaari ring maglingkod. Paano? A. maglagi sa mga pook pasyalan B. magsundalo lalo’t sa oras ng digmaan C. sumama sa barkada sa paggamit ng bawal na gamot D. kusang-loob na makikilahok sa mga programa ng pamahalaan 5. Marami sa mga Pilipino ang nagpapahalaga sa edukasyon. Paano nila ito ipinakikita? A. hindi tinatapos ang pag-aaral B. nagtatrabaho habang nag-aaral C. bumibili ng diploma upang i-display D. hindi gaanong malikhain sa pag-aaral PAGPAPAYAMANG GAWAIN Mangolekta ng limang salawikain o kasabihang Pilipino. Tukuyin kung anong pagpapahalaga ang ipinahihiwatig ng bawat nakalap na salawikain. Magsasaliksik ng ibang kuwento tungkol sa buhay ng isang matagumpay na tao sa inyong pamayanan.

Maaari mo na ngayong simulan ang susunod namodyul.

GRADE VI MAGKAKATULAD NA PAGPAPAHALAGA: BATAYAN NG PAMBANSANG PAGKAKAISA ALAMIN MOSuriin mo ang larawan. Ano-anong pagpapahalaga ang ipinakikita ng mga ito? Alin-alin ang nakatutulong sa pag-unlad ng ating bansa? Alin ang nakakahadlang?

Sa modyul na ito matututo kang bumuo ng kongklusyon na ang magkakatulad napagpapahalaga at paniniwala ng mga Pilipino ay nagiging batayan ng pambansangpagkakaisa. PAGBALIK-ARALAN MOAno ang ipinakikita sa sumusunod na sitwasyon. Isulat sa iyong sagutang papel ang titik ngmga kasagutang nakapaloob sa kahon.A. hiya D. pagkakalapit ng pamilyaB. pakikisama E. pagpapahalaga sa itinadhanaC. utang ng loob F. pagpapahalaga sa mga kalakihan1. “Ayokong pagandahin ang gawa ko. Baka sabihin mayabang ako.”2. “Mag-aaral akong mabuti para matuwa ang lola kong nagpapaaral sa akin.”3. “Si Demetrio ang ating iboto. Mas kaya niyang mamuno kahit mas marunong si Wilma.”4. Ibibigay ko sa kanya ang kahit anong hihilingin niya dahil tinulungan niya ang tatay na maipasok sa trabaho.5. “Mabuti na lamang at sa amin nakatira ang tita kong titser. Natuturuan niya ako sa mga leksyon ko sa eskuwela.”PAG-ARALAN MOPag-aralan mo at suriing mabuti ang dalawang larawan.Larawan A

Tingnan mo ang larawan A.  Ano ang ipinahihiwatig ng larawan?  Saan naman papunta ang tatlong ibon?  Nagkaisa ba sila kung saan sila pupunta?  Anong pagpapahalaga ang ipinakikita nila?  Makatutulong ba ito sa ating bansa? Bakit?  Ano ang masasabi mo sa mga ibon? Saan sila papunta? Larawan B  Ano ang napapansin mo sa larawan?  May ibig bang ipahiwatig ang mga ito?  Anong pagpapahalaga ang ipinakikita ng mga ibon?  Magiging batayan kaya ito ng pambansang pagkakaisa?  Sa palagay mo kapag ganito nang ganito ang mangyayari, magkakaroon kaya ng mabilis na pag-unlad ang ating bansa?Ang pagpapahalaga ng tao ay hindi magkakatulad. Maaaring higit ang pagpapahalaga ng isangtao sa pag-iimpok ng pera kaysa sa pagpapahalaga ng iba sa paggamit ng kanilang pera sapamamasyal. Naiimpluwensiyahan ang kilos, gawi, saloobin, pananaw at paniniwala ng mga taong kanyang pagpapahalaga.May mga pagpapahalagang ang epekto ay nakatutulong at mayroon namang nakahahadlang samga adhikain sa buhay. Ang pagpapahalaga sa kasipagan at pagkamalikhain ay may epekto sakaunlaran sa sarili at ng bansa. Ang pagpapahalaga sa pagsasama ng pamilya kapalit ngpagkakataon sa magandang hanapbuhay sa ibang bansa ay maaaring may epekto ringnakahahadlang sa kaunlaran ng sarili at ng bansa.Ang pagpapahalaga ng mga Pilipino sa yamang nakukuha sa bansa ay dapat panatilihin. Dapatding ipagmalaki at pasalamatan ang pagtugon ng ating bansa sa pangangailangan ng mgamamamayan.

Sagutin mo: 1. Paano makatutulong ang bawat isa bilang tugon dito? 2. Alin-alin sa mga ito ang dapat baguhin at dapat alisin? 3. Alin-alin sa mga pagpapahalagang ito ang may kaugnayan sa pag-unlad? 4. Makasasama ba o makabubuti sa pag-unlad ng bansa ang ganitong mga pagpapahalaga? Bakit? TANDAAN MO Ang magandang pagpapahalaga ng mga Pilipino ay nakatutulong sa pagpapaunlad ng bansa. ISAPUSO MOMay mga pagpapahalaga tayo na kailangan sa pag-unlad ng bansa. Dapat na patuloy natin itonglinangin para sa mga kabataang Pilipino na siyang magmamana ng tungkulin sa lipunan atpamahalaan. GAWIN MOPaghambingin ang larawan A at larawan B. Larawan A Larawan BSagutin mo ang mga tanong. 1. Sino ang kanilang pinag-aagawan? 2. Ano ang napapansin mo sa larawan A? Sa larawan B? 3. Sa palagay mo, sino ang may iniisip na maganda para sa bayan?

4. Anong pagpapahalaga ang ipinakikita ng larawan A? ng larawan B? 5. Sa palagay mo ano ang maaaring mangyari sa ating bansa kapag ganito nang ganito ang gagawin ng mga politiko sa larawan A? sa larawan B? PAGTATAYABasahin mo at sagutin. Alin-aling mga pagpapahalaga ang nagiging batayan ng pambansang pagkakaisa at kaunlaran? Piliin at isulat ang titik ng mga tamang sagot sa iyong sagutang papel. A. Pagtangkilik sa mga gawang Pilipino. B. Pagiging matalino sa paggastos sa kita. C. Pinahahalagahan nila ang matibay na buklod ng pamilya . D. Madalas sabihin ng mga Pilipino, “Ang kapalaran hindi ko man hanapin, dudulog, lalapit, kung talagang akin. E. Ipinakikita ang kabayanihan hindi lamang sa panahon ng paghahanda ng bukid, pagtatanim at pag-aani kundi maging sa mga handaan o pagdiriwang. PAGPAPAYAMANG GAWAIN Paano mo pinahahalagahan ang sumusunod para makatulong ka sa pagpapaunlad ng bansa? A. pagtutulungan B. pangangalaga sa kapaligiran C. paggalang sa kapangyarihan D. matibay na buklod ng pamilya Maaari mo na ngayong simulan ang susunod na modyul.

GRADE VI MAGKAKAPANTAY KAHIT IBA-IBA ALAMIN MOPag-aralan mo ang larawan.Sino-sino ang nasa larawan?Iba-iba ba ang lahing pinagmulan?May mayaman ba o mahirap sa kanila?Sa iyong palagay, magkakaiba ba sila o magkakatulad?Pareho ba ang kulay ng kanilang balat, hugis ng kanilang mata at ilong?Sa pag-aaral mo ng modyul na ito, matutuhan mo kung ang mga Pilipino aypantay-pantay.

PAGBALIK-ARALAN MOPumili ng limang titik na nagsasaad ng pagpapahalagang nakapagpapaunlad. Isulat ang mga itosa sagutang papel. A. Pakikisama kahit sa tiwaling kaparaanan. B. Pagkamagalang sa nakatataas ng tungkulin sa tanggapan. C. Ipinakita ni Jomar ang angking talino at kakayahan sa taong tumanggap at nagpasok sa kaniya sa trabaho. D. Sa bawat bansang mapuntahan, ipinagmalaki ni Janice ang bansang kaniyang pinagmulan. E. Gumagawa na ng paraan si Aida upang matupad ang mithiing maging maayos ang kaniyang pamumuhay. F. Nag-aaral nang mabuti si Samantha upang makakuha ng mataas na marka. PAG-ARALAN MOBago mo simulan ang pag-aaral. Sagutin mo muna ang mga tanong sa ibaba. Sino/Ano ang Mahalaga sa Iyo? bata o matanda kababihan o kalalakihan maraming kaibigan o kaunting kaibigan kayamanan o kagandahan kalusugan o katalinuhan kalayaan o kapangayarihan

Ang mga nabanggit ay mahalaga. Ito ay may kaugnayan sa paksang iyong pag-aaralan. Masdan mo ang larawan. Basahin mo ang report ni Jayar.Bawat tao ay mahalaga, anuman ang lahing kaniyang pinagmulan. Iba-iba man ang kanilangkulay ng balat, hugis ng ilong at mata. Magkakaiba man ang katayuan sa lipunan at dipagkakatulad sa pagpapahalaga at paniniwala, iisa pa rin ang kanilang puso, diwa at pananaligsa simulain ng kalayaan at demokrasya.Saan ka man pumaroon, madarama mo na ang mga Pilipino ay naniniwala sa pagkakapantay-pantay ng mga tao. Magkakatulad ba ang lahat ng tao o may pagkakaiba? Bakit? Isulat mo sa tsart ang pagkakaiba o pagkakatulad ng mga tao. TAO PAGKAKAIBA-IBA PAGKAKATULAD1. 1.2. 2.3. 3.

 Suriin mo naman ang report ni Zenaida. Kilalanin mo ang mga nasa larawan sa ibaba.Ang lahat ng tao ay dapat magtamasa ng pantay-pantay na karapatan at pare-parehongpagkakataon na mapaunlad ang kanyang buhay. Mahirap man o mayaman, anuman angkaniyang pinag-aralan ay may karapatang humawak ng tungkuling pambayan. Ang mahalaga ayang kanilang mga ugali at katauhan. Si Andres Bonifacio ay isang maralitang taga-Tondo. Si Apolinario Mabini ay isanglumpo. Si Ramon Magsaysay ay isang karaniwang mekaniko. Si Elpidio Quirino ay anak ngisang guwardiya sa bilibid. Lahat sila ay itinuturing na lider nang kanilang kapanahunan. Bago ka magpatuloy sa iyong pag-aaral. Gawin mo muna ito. Sa iyong binasa, ano-anoang nagpapakita ng pagkakapantay-pantay ng tao? Itala mo ang iyong sagot sa ibaba.

Pagkakapantay-pantay ng tao Nais mo bang malaman kung pantay-pantay ang karapatan ng mga babae at lalaki sa ating bansa?Pansinin mo ang mga nasa larawan sa ibaba.Basahin mo naman ang pag-uulat ni Rosario.

Naaayon sa Saligang Batas ang pagkakaroon ng pantay na karapatan ng mga babae at mga lalaki.Mahirap man o mayaman ay nararapat bigyan ng pantay na pribilehiyo, gawain at pangangalagang pamahalaan. Walang sinumang dapat itangi sa pagpapatupad ng batas. Pinuno man ngpamahalaan o pangkaraniwang mamamayan, may kalayaan ang bawat isa na ipagtanggol angsarili sa hukuman kung siya ay naparatangang nagkasala. Lahat ay dapat sumunod sa batas, maykapansanan man o wala, bata man o matanda.Ang pang-aapi at di-makatarungang gawain ay mahigpit na tinututulan sa bansang maydemokrasya. Ang mamamayang Pilipino ay nagkakabuklod sa hangaring makamit ang pantayna karapatan at hustiya. Ang sinumang nasa katwiran ay dapat na may proteksyon sa ilalim ngbatas.Mahalaga ba ang pagkakapantay-pantay ng tao sa kapayapaan at katiwasayan ng bansa?Bakit? Subukin mong isulat naman sa grapikong presentasyon ang kahulugan na nagpapakita ng pagkakapantay-pantay ng mga tao. Pagkakapantay- pantay ng Tao

PAGSANAYAN MOSinasabing may pagkakapantay-pantay ang tao. Ngunit may mga pagkakataon na hindi itonasusunod. Ilagay mo sa basket A ang bilang na nagpapakita ng pagsunod sa pagkakapantay-pantayng tao at Basket B ang hindi nagpapakita ng pagsunod. Isulat ang wastong sagot sa kuwadernong sagutan. 1. Sa harap ng batas walang mayaman at mahirap. 2. Ang mahihirap ay hindi dapat magbayad ng buwis. 3. Ang biyayang dulot ng kalikasan ay para lamang sa mahihirap. 4. Mayayaman lamang ang puwedeng magmay-ari ng lupa at bahay. 5. May pagkakataon ang bawat mamamayan na mapaunlad ang sarili. 6. Lahat ng tao ay may karapatang ipagtanggol ang sarili sa hukuman.

7. Walang maasahang tulong ang mga may kapansanan sa pamahalaan. 8. Anak mayaman lang ang maaaring mag-aral sa mga pribadong paaralan. 9. May pagkakataong makapamuhay ng produktibo kahit may kapansanan. 10. Magkakaiba ang tinatamasang karapatan at kalayaan ng mahihirap at mayayaman. TANDAAN MO  Ang pagkakapantay-pantay ng tao ay nangangahulugan ng pagkakabuklod ng mamamayang Pilipino na may hangaring makamit ang pantay na karapatan at hustiya upang mapaunlad ang kanyang sarili. ISAPUSO MOAno ang nararamdaman mo kung ikaw ang nasa sumusunod na sitwasyon? Iguhit angmukhang angkop sa iyong damdamin. Ipaliwanag kung bakit ito ang iyong nararamdaman.Sitwasyon 1: Kahit na anak ng mayora si Ryan, siya ay nakulong din dahil sa paglabag sa batas.Sitwasyon 2: Mahirap lamang sina Aida, pero dahil siya ay masipag mag-aral siya ay naging balediktoryan.Sitwasyon 3: Si Benedict ay anak ng mag-asawang tindera ng isda sa palengke. Kahit siya ay nakapag-aral hindi siya puwedeng manungkulan na bilang pinuno ng bayan.

GAWIN MOBasahin ang laman ng mahiwagang bola. Pagsamahin mo ang dalawang salita na nagpapakitang pagkakapantay-pantay ng tao. Isulat mo ang mga salita sa bawat kahon. mahirap  matanda  kawani llaallaakkmi ay  marunong mkaapyaksaapnaasnanan  babae bbaattaa  malusog dpdiiin--nnuaankkoaappaagg--aarraall  mayaman pinuno

PAGTATAYA Isulat ang Tama kung ang pangungusap ay nagpapakita ng pagkakapantay-pantay atisulat ang Mali kung hindi. 1. Pinarusahan kaagad si Ines sa kanyang kasalanan dahil siya ay mahirap. 2. Si Salvacion Montemayor ay tinanggap sa “Philippine Military” kahit siya ay babae. 3. Nais nina G. at Gng. Pantanilla na tumira sa isang subdibisyon. May pera silang pambili pero hindi sila pinayagan ng may-ari ng subdibisyon. 4. Ang mga nakasakay sa “wheel chair” ay pinalalaanan ng tanging lugar bilang pagsasaalang-alang sa kanilang kapansanan. 5. Kahit na pinuno ng tanggapan si Ginoong Vasquez, siya ay nakulong din dahil sa paglabag sa batas. 6. Mahirap lang sina Rosanna. Nagpatala siya sa isang paaralang pribado at tinanggap naman siya. 7. Hinalughog ng mga maykapangyarihan ang tahanan ni Mang Eduardo habang siya ay wala. 8. Si Renato ay anak-mayaman kaya siya ay tinutulungan ng pamahalaan na makalaya kahit siya ay may kasalanan. 9. Marunong ngunit maralita lamang sina Marissa ngunit pumili siya ng paaralang mapapasukan niya. 10. Napagbintangan si Romano na kasama sa mga nagnakaw sa bangko. Binigyan siya ng abogado ng pamahalaan upang maipagtanggol ang kanyang sarili.

PAGPAPAYAMANG GAWAINSumulat ng isang talata o gumuhit ng larawan tungkol sa islogan.“Lahat ng tao’y pantay sa batas ng tao at ng Diyos” Maaari mo na ngayong simulan ang susunod na modyul.

GRADE VI ANG TERITORYO NG PILIPINAS ALAMIN MOSuriin ang mapa. May hangganan ba ang Pilipinas? Ano-ano ang katawan ng tubig na nagsisilbing natural na hangganan ng Pilipinas?

Ang bawat bansa ay may kanya-kanyang hangganan. Tulad ng isang nagmamay- ari ng isang lupain, tungkulin niyang malaman kung hanggang saan ang sakop ng kanyang pag-aari. Sa modyul na ito, malalaman at matutukoy ninyo ang hangganan at lawak ng teritoryong sakop ng Pilipinas. PAGBALIK-ARALAN MOSuriin ang globo. 90 75 6090 S 45 75 60 45 30 15 C 30 B 15 0 15 30 45 6R 0 75 0 N 15 30 45 90 75 60Sagutin ang mga tanong at isulat ang iyong sagot sa patlang. 1. Saang digri longhitud matatagpuan ang N?___________ 2. Ang S ay matatagpuan sa _____________ digri H latitud. 3. Saang digri latitud matatagpuan ang C? ______________ 4. Ang B ay matatagpuan sa ___________ digri K longhitud. 5. Anong lugar ang matatagpuan sa pagitan ng 0° at 15° H latitude?

PAG-ARALAN MOBasahin mo at unawain ang bawat talata.Ang teritoryo ay isa sa mga sangkap ng isang estado. Bilang estado ang Pilipinas ay maysariling hangganan. Ang hangganan ng ating bansa ay itinakda sa pamamagitan ng sumusunodna dokumento: 1. Kasunduan sa Paris Ito ay nilagdaan ng Estados Unidos at Espanya noong Disyembre 10, 1898. Ang pamamahala ng Pilipinas ay inilipat ng Espanya sa Estados Unidos sa halagang $20,000 bilang kabayaran sa pagpapaunlad ng Pilipinas. Ginamit sa pagtukoy ng tiyak na hangganan ng bansa ang longhitud at latitude nito. 2. Kasunduan sa Washington Ito ay nilagdaan ng Estados Unidos at Espanya noong Nobyembre 7, 1900. Sa kasunduang ito, isinama ang mga pulo ng Cagayan, Sulu at Sibutan bilang bahagi ng teritoryo ng Pilipinas. 3. Kasunduan ng Estados Unidos at Gran Britanya Nilagdaan ito noong Enero 2, 1930. Nagkasundo ang dalawang bansa na ang pulong Turtle at kapuluan ng Mangsee sa pagitan ng Borneo at Sulu ay maging bahagi ng Pilipinas. 4. Saligang Batas ng 1935 Ito ay tumutukoy sa mga teritoryong tiyak na nasasakupan ng pamahalaan. Sa pamamagitan nito, ang mga pulo ng Batanes nasa labas ng hangganan ng Pilipinas ayon sa Kasunduan sa Paris ay naging bahagi ng Pilipinas. 5. Ayon sa Saligang Batas ng 1987

Binubuo ang pambansang teritoryo ng Kapuluan ng Pilipinas ng mga pulo at katubigang napapaloob dito, at lahat ng teritoryong nasa ilalim ng kapangyarihan ng Pilipinas na binubuo ng kalupaan, katubigan at himpapawirin nito, pati na rin ang dagat teritoryal, and lupa sa ilalim ng dagat, at ang mga nasa ilalim ng dagat na tumutubo o nakalagay doon, at iba pang lugar na submarina nito. Batay sa Saligang Batas ng 1987, ang hangganan ng teritoryo ng bansa ay tiyak at eksakto. 6. Doktrinang Pangkapuluan Sa kasalukuyan ang tinatangkilik natin ay ang Doktrinang Pangkapuluan na nagsasaad na “Ang Pambansang Teritoryo ng Pilipinas ay binubuo ng kapuluang Pilipinas kasama ang lahat ng mga pulo at tubig na saklaw nito, at ang mga tubig na nakapaligid sa pagitan at nag-uugnay sa mga pulo ng kapuluan, maging anuman ang lapad at laki ng mga ito”. Ayon sa doktrinang ito, ang buong lawak na 48 kilometro mula sa baybayin ang siyang bumubuo ng teritoryo ng Pilipinas.Ngayon alam mo na ang mga hangganan at lawak ng teritoryong sakop ng Pilipinas. Bakit dapat may hangganan ang isang bansa? Nakatutulong o nakahahadlang ba ito sa kaunlaran ng isang bansa? Bakit?

PAGSANAYAN MOA. Ilahad mo ang mga bumubuo sa teritoryo ng Pilipinas ayon sa Saligang Batas 1935. Isulat ito sa Petal Web. 13 Artikulo I Saligang Batas 2 1935 4B. Ano-anong dokumento ang nagtatakda ng hangganan at lawak ng Pilipinas? Isulat ang mga ito sa patlang. 1. _________________________ 4. _________________________ 2. _________________________ 5. _________________________ 3. _________________________

TANDAAN MO Iba’t iba ang mga datos ukol sa hangganan at teritoryo ng ating bansa. May naaayon sa kasaysayan, sa Saligang Batas ng 1935 at 1987, at Doktrinang Pangkapuluan.ISAPUSO MOAng anumang bagay o lugar ay may hangganan. Ang ating bansa ay may hangganan. Ito angteritoryong tumutukoy sa nasasakupang lupa, katubigan, himpapawid at submarinong bahagi ngisang bansa. Dapat natin itong bantayan at pangalagaan.GAWIN MOBumuo ng Data Retrieval Chart na nagpapakita ng mga batayan sa paglawak ng teritoryo ngPilipino. Punan ang mga kahon ng hinihinging sagot. ANG PAMBANSANG TERITORYO NG PILIPINASKasunduan/Batas Taon ng Pagpapatibay Probisyon

PAGTATAYAIsulat ang tinutukoy o inilalarawan. __________ 1. Inilalarawan dito ang sakop ng teritoryo ng ating bansa. __________ 2. Ito ay ginagamit sa pagtukoy ng tiyak na hangganan ng bansa. __________ 3. Isang sangkap ng estado na tumutukoy sa hangganan ng isang bansa. __________ 4. Ayon dito, ang hangganan ng teritoryo ng bansa ay tiyak at eksakto. __________ 5. Isinama sa kasunduang ito ang mga pulo ng Cagayan, Sulu at Sibutu bilang bahagi ng teritoryo ng Pilipinas. PAGPAPAYAMANG-GAWAIN Tingnan ninyo ang layo ng Palawan sa Spratly Islands. Bakit dapat angkinin ng Pilipinas ang Spratly Islands? Gamitin ang “Discussion Web” sa pagsagot ng tanong. Kung ang sagot mo ay Oo isulat ang suporta ng iyong sagot sa ilalim ng Oo, kung ang sagot mo ay hindi, isulat ang suporta ng inyong sagot sa ilalim ng Hindi. Oo Hindi Dapat bang angkinin ng Pilipinas ang Spratly Island?

Maaari mo na ngayong simulan ang susunod namodyul.

GRADE VI GAMIT NG GRID ALAMIN MOIto ang mundo. Matutukoy mo ba kung saan dito matatagpuan ang ating bansa?Halika, hanapin mo!Sa modyul na ito, matututuhan mo ang paggamit ng grid sa paghahanap ng tiyakna kinalalagyan ng isang lugar.

PAGBALIK-ARALAN MOBalik-aral natin ang pinag-araln mo noong ikaw ay nasa ika-4 na baitang. Itambal ang hanay Asa hanay B. Isulat ang titik ng tamang sagot sa iyong kwaderno. Hanay A Hanay B1. modelo ng mundo A. digri2. pahalang na guhit sa gitna B. ekwador C. globo ng globo D. grid3. magkabilang dulo ng E. hating-globo F. polo mundo4. ginagamit sa paghahanap ng tiyak na kinalalagyan ng isang lugar5. ginagamit sa pagsukat ng layo ng isang lugar mula sa ekwadorPAG-ARALAN MONoong ikaw ay nasa ika-4 na baitang napag-aralan mo kung paano nabubuo ang grid. Paanokaya mahahanap ang tiyak na kinalalagyan ng isang lugar sa pamamagitan ng grid? AtingAlamin!Basahin mo ito. Sa pagsasama-sama ng guhit parallel at guhit meridian ay nabubuo ang grid. Sa pamamagitan ng grid madaling mahanap ang tiyak na lokasyon o kinalalagyan ng isang lugar o bansa sa mundo.

Pansinin at suriin ang larawang ito. Silangan Hilaga Kanluran TimogTingnan mo ang prime meridian. Ito ay patayong guhit meridian na may zero (0°). Mula sa zero(0°) pakaliwa ay patungong kanluran.Basahin at pansinin mo ang ekwador. Ito ang pahalang na guhit na may zero (0°). Mula saekwador patungo sa polong hilaga ay ang Hilagang Hatingglobo. Mula sa ekawador patungo sapolong timog ay ang Timog Hatingglobo.Nasundan mo ba ang iyong binasa?Pag-aralan natin ang isa pang larawan tungkol sa globo. Ating susuriin ang larawang ito.Basahin mo ang mga katanungan sa susunod na pahina at sikapin mong masagot ang mga ito.

PAGSANAYAN MONaunawaan mo ba ang ating aralin ngayon? Pag-aralan ang mapa at sagutin ang mga tanong.Isulat ang titik lamang ng tamang sagot sa iyong kwaderno. 1. Anong bansa ang nasa pagitan ng 50° at 90° H. latitud, at 15° at 60° K. longhitud? A. GAT B. CALI C. EVER D. HARI 2. Saan matatagpuan ang bansang BALI? A. pagitan ng 50° at 80° . latitud at 15° at 45° S. longhitud B. pagitan ng 0° at 45° H. latitud at 15° at 45° S. longhitud C. pagitan ng 50° at 80° H. latitud at 45° at 75° K longhitud D. pagitan ng 20° at 50° H. latitud at 15° at 60° K. longhitud 3. Anong bansa ang nasa pagitan ng 0° at 25° H. latitud at 0 at 45 K. longhitud? A. ALI B. FAT C. CALI D. DOLE

4. Anong bansa ang nasa pagitan ng 0° at 25° H. latitud at 0 at 45 K. longhitud? A. FAT B. GAT C. BALI D. DOLE 5. Saan matatagpuan ang bansang EVER? A. pagitan ng 5° at 55° H. latitud at 0° at 60° S. longhitud B. pagitan ng 0° at 45° H. latitud at 15° at 45° S. longhitud C. pagitan ng 50° at 80° H. latitud at 15° at 45° S. longhitud D. pagitan ng 20° at 50° H. latitud at 15° at 60° K. longhitud TANDAAN MO Ang grid ay ginagamit sa paghahanap ng tiyak na kinalalagyan ng isang lugar sa mundo. GAWIN MO


Like this book? You can publish your book online for free in a few minutes!
Create your own flipbook