V
GRADE V PANGKALINISAN AT PANGKALUSUGAN NG PAGDADALAGA AT PAGBIBINATA ALAMIN MOHi! Kaibigan. Nais kitang tulungan at subaybayan ngayong ikaw ay nasa panahon ngpagdadalaga at pabibinata. Mahalagang malaman mo na maisagawa ang wastongpamamaraan ng pagiging malinis upang ang iyong katawan ay maging malusog,maunlad ang isipa, at madama mong normal lamang pala ang mga pagbabagongmagaganap sa iyong buhay. Sa modyul na ito matutunan mo ang tamang paraang pangkalinisan atpangkalusugan sa panahon ng pagdadalaga at pagbibinata. Tingnan ko kung alam mo pa ang mga kaisipang iyong natutunan sa baitang IV tungkol sa mga kailangang dapat gawin upang mapanatiling mabikas ang tindig at maayos ang paggayak sa lahat ng oras. Ang mga larawan ay makatutulong upang mapunan mo ang mga blankong espasyo na inihanda ko para sa iyo. 1
PANUTO: Sabihin kung anong paraan ng pagpapanatili ng mabikas at maayos na katawan ang ipinakikita ng larawan. Isulat ang iyong sagot sa kuwadernong sagutan. 1. ______________________ 2. ______________________ 3. ______________________ 4. ______________________ 5. ______________________ 2
PAG-ARALAN MO Nais mo bang mabasa ang liham ng isang anak sa kanyang ina gayundin angkasagutan niya sa kanya? Unawain mong mabuti. Liham Blg. 1 Hunyo 29, 2012Minamahal kong Nanay, Marahil po ay magtataka kayo kung bakit sinulatan ko po kayo gayongmaaari naman tayong mag-usap. Nahihiya po ako sa inyo at tuloy nag-aalala sa mganangyayari sa aking katawan. Unti-unti pong lumalaki ang aking dibdib ngunitbahagya po itong sumasakit lalo na nang una kong maranasan ang pagreregla. Lalo poakong natakot nang maramdaman ko ang pananakit ng aking katawan. Sabi po ngaking mga kaibigan ay lumalapad ang aking balakang. Pati po si Kuya na dalawang taon lamang ang tanda sa akin ay nagtatakarin kung bakit madalas daw pong pumipiyok ang kanyang boses at nararamdamanniyang parang may bumubukol sa kanyang leeg. Pati raw po kilikili aynagkakaroon na ng buhok at unti-unti siyang nagkakaroon ng bigote. Sa halip pongbalakang ang lumalapad ay balikat naman po ang lumalapad sa kanya. Normal po baito? Sana po’y sagutin ninyo itong liham ko! Nagmamahal, Helen 3
Liham Blg 2. Hulyo 1, 2012Pinakamamahal kong Helen, Huwag kang magtaka at lalong huwag matakot sa nangyayari sa iyong katawan.Natural lamang iyan sa isang nagdadalaga. Ang pananakit ng dibdib mo ay iyongnararamdaman kapag malapit ka ng magkaroon ng regla. Habang lumalaki ka aylalaki rin ang dibdib mo. Huwag kang matakot kung magkaroon ng buhok angmaselang bahagi ng iyong katawan. Buwan-buwan ay magkakaroon ka ng regla atito’y hindi isang sakit. Walang pagbabago sa takbo ng gawain sa araw-araw kahitmay regla. Gayon pa man dapat iwasan ang mabigat na gawain kapag may regla. Isapang palatandaan ng pagdadalaga ay ang pagtubo ng tagihawat sa mukha. Dapat lagikang malinis sa iyong katawan, may sarili kang sabon at sariling tuwalya. Ganito rin ang sabihin mo sa iyong kuya. Iyong bumubukol sa kanyang leeg aytinatawag na Adam’s apple. Lalaki talaga at magbabago ang kanyang boses. Ang mgapagbabagong ito ay natural na nagaganap sa isang nagdadalaga at nagbibinata sanhing pagbabago ng metabolismo ng katawan at maging sa paghahanda sa pagiging amaat ina.. Pwede na ba kitang makausap para sa mga iba pang dapat malaman? Nagmamahal, Nanay 4
Gawain 1 Sa pamamagitan ng Venn Diagram paghambingin mo ang pagkakatulad atpagkakaiba ng mga pisikal na pagbabago sa isang nagdadalaga at nagbibinata.Nagdadalaga Pagkakatulad Nagbibinata1. 1. 1.2. 2. 2.3 3 34. 4. 4.Gawain 2 Kung ikaw ay nagdadalaga na, isulat mo sa Pyramid A ang mga pangkalinisan atpangkalusugang gagawin mo sa panahon ng pagreregla at kung ikaw naman aynagbibinata, isulat mo sa pyramid B ang pangkalinisan at pangangalaga ng gagawinsa panahon ng iyong pagtutuli.PYRAMID A PYRAMID B11223344 5
SUBUKIN MOA. Subukin mong sagutin ang mga sumusunod na sitwasyon: Sitwasyon 1 Matalik mong kaibigan si Jose. Siya ay nagpatuli sa isang albularyo. Ang ginawa ng albularyo ay binalot ang sugat ng dinikdik na dahon ng bayabas at iba pang halamang nakapagpapagaling. Makalipas ang dalawang araw ang sugat ay namaga. Ano ang maipapayo mo sa iyong kaibigan upang ang kanyang kalusugan ay mapangalagaan? Sagot: _____________________________________________ Sitwasyon 2. Ikaw ay nagkaregla. Ano ang una mong gagawin? Bakit? Sagot: ___________________________________________ TANDAAN MO Mahalagang makasunod at maisagawa nang tama ang wastong pangangalaga ng katawan sa panahon ng pagdadalaga at pagbibinata upang matamo ang kalinisan at kapreskuhan ng sarili ay maramdaman. 6
ISAPUSO MOB. Panuto: Kung ang kaisipang isinasaad sa bawat bilang ay tama, isulat ang paliwanag sasagot sa ilalaim ng tama. Kung ang kaisipang isinasaad sa bawat bilang ay mali, isulatang paliwanag mo sa ilalim ng mali.Tama Kaisipan Mali 1. Maligo ng mabilis araw-araw kung may regla. 2. Tanggapin ng may pangamba ang pagbabagong nagaganap sa sarili maging ito ay pisikal, sosyal at emosyonal. 3. Masamang kumain ng maasim at kung may regla at bagong tuli. 4. Magpalit ng pasador tuwing ikatlo o ikaapat na oras o kung kinakailangan. 5. Dalasan ang paghihilamos upang maiwasan ang pagkakaroon ng tagihawat. GAWIN MOA. Gumawa ng isang talata kung anong pangkalinisang gawi ang dapat tandaan kapag may regla ang babae. PAGTATAYAA. Panuto: Basahin ang sumusunod na mga pangungunsap. Piliin at isulat ang titik ng tamang sagot. 7
1. Alin ang nagpapatunay na si Mark Jon ay binata na? A. lumiliit ang braso B. lumalapad ang balakang C. lumalapad ang baywang D. pumipiyok at lumalaki ang boses, at tumutubo ang buhok sa kili-kili2. Masakit ang puson ni Nene dahil siya ay may regla. Alin ang mabuti niyang dapat gawin? A. maligo ng maaga B. maglinis ng bahay C. matulog buong maghapon D. magpatong ng hot water bag sa ibabaw ng puson3. Bakit tinutuli ang isang lalaki? A. upang maging macho B. upang mabago ang kilos C. upang maging matangkad D. upang manatiling malinis ang dulo ng tunod4. Alin sa mga sumusunod ang walang katotohanan kapag may regla? A. Ang pagkaloka ay sanhi ng paliligo kung may regla. B. Ang magaang na ehersisyo ay nakabubuti sa katawan. C. Ang pagbalot sa plastik ng napking ginamit bago itapon ay isang gawing pangkalinisan. D. kumunsulta sa manggagamot kung parating nananakit ang puson.5. Bakit mahalaga ang pagsunod sa wastong pangangalaga ng katawan kapag bagong tuli? A. upang mapabilis ang paghilom ng sugat B. upang lumaki ang mga masel ng katawan C. upang maging binata ang lalaki D. upang higit na bumilis ang pagtangkad Kung nasagutan mo nang buong husay ang bahaging pagtataya ng modyul, binabati kita! Maaari mo nang pag- aralan ang susunod na modyul. 8
GRADE V MGA KASUOTAN SA IBA’T IBANG OKASYON ALAMIN MONais mo bang madagdagan ang iyong ganda o tikas ng katawan? Nais mo bangmadama ang kaginhawaan ng sarili at tuloy madagdagan ang tiwala mo sa sarilikahit sa harap ng karamihan? Kung ganoon, ang iyong kaibigang modyul saKarunungang Pantahanan ang makatutulong sa iyong kalagayan. Sa modyul na ito matututunan mo ang angkop na kasuotang dapat gamitin saiba’t ibang panahon at pagkakataon. 1
PAGBALIK-ARALAN MOKilalanin mo ang mga bahagi ng kasuotan. Piliin sa kahon sa ibaba ang iyong sagot at isulat sakuwaderno. 2 1 Sagot: 1. 2. 3. 4. 5.3 kuwelyo ohales 5 manggas bulsa laylayan butones4 2
PAG-ARALAN MONarito ang iba’t ibang uri ng kasuotan. Kilalanin ang bawat isa at sabihin kung saan at kalian ito ginagamit. 3
Makikita sa mga sumusunod na mga larawan ang iba pang uri ng kasuotan. Pag-aralan ang bawat pangkat ng mga larawan. Mga damit panlaro Mga damit panloob 4
Mga damit pantulogMga damit pantag-ulan 5
Mga damit panlamig Mga damit pamasok Ano-anong mga kasuotan ang nakikita mo sa larawan? Saan – saang lugarmaaaring isuot ang mga ito? 6
Basahin at unawain ang kuwento. ANG BALIKBAYAN Si Renato ay isang balikbayan. Marami siyang dalang iba’t ibang kasuotan para sakanyang mga magulang, kapatid, kamag-anak at mga kaibigan. “Ang ganda ng jogging pants! Gusto ko ang tatak. Gagamitin ko ito sa aking paglalaro,” wika ni Mark Jon. “Sa akin ang daster na ito, para meron akong bagong pambahay,” wika naman ni tiya Consor. Ano ba ito? Ah! Bathing suit pala. Isusuot ko ito sa paliligo sa dagat,” ang masayang wika ni Liezel. “Sweater na lang ang sa akin, malapit na ang tag-ulan,” ang wika ng ama ni Renato. “Aba, manipis ang telang ito, walang kwelyo at manggas. Ito na lang ang gusto ko dahil mainit ang panahon ngayon. Presko ito sa katawan,” sabi ni Gina. “Uy, simple at disente ang damit na ito! Mainam itong pansimba,” wika ni Joy. Naging masaya ang lahat sa mga pasalubong ng balikbayan. Subukin kung naunawaan mo ang kuwento. Sagutin ang sumusunod na mga tanong. Isulat ang iyong mga sagot sa kuwaderno. 1. Ano-ano ang mga kasuotang binanggit sa kuwento? 2. Anong kasuotan ang nagustuhan ni Mark Jon? Bakit? 3. Sino ang kumuha ng daster? Bakit? 4. Anong kasuotan ang nagustuhan ni Liezel? Bakit? 5. Bakit nagustuhan ni Gina ang damit na manipis ang tela? Bakit? Mahalagang malaman mo na may iba’t ibang kasuotang angkop isuot sa tamang okasyon at sa tamang panahon. Narito ang talaan ng mga kasuotan ayon sa uri ng gawain, okasyon at panahon o pagkakataon. 1. Pambahay- ito ay mga damit na maluluwag at maginhawa tulad ng daster, shorts at t-shirts. Ito ay mga simpleng damit na hindi nakasasagabal sa mga gawaing–bahay. 2. Pantrabaho- Ito ay mga damit na matibay at di-madaling kapitan ng dumi, kadalasan ito ay ipinapatong lamang sa kasuotan upang hindi marumihan tulad ng apron at overall. 3. Panlaro- ito ay mga kasuotang maluluwag, maginhawa at madaling matuyo ang pawis. Kabilang dito ang T-shirts, shorts, at bloomer. 7
4. Pantulog- Ito ay mga kasuotang manipis, maluwag at maginhawa tulad ng padyama at nightgown. Ang kamisetang malalaki ay maaaring gamiting pantulog.5. Pamasok- Kabilang dito ang mga uniporme na ginagamit sa paaralan. Karaniwan, ang mga ito ay blusa at palda para sa mga kababaihan at polo at pantalon o shorts naman para sa mga kalalakihan. Dahil ginagamit ito araw-araw, ang uniporme ay madaling labhan, patuyuin at plantsahin.6. Panlakad- Naiiba ito sa karaniwang damit na isinusuot sa araw-araw. Ito ay ginagamit sa pamasok, pansimba at pandalo sa mga okasyon.7. Pantag-init- Yari ito sa telang koton kaya’t maiiwasan ang pagkatuyo ng pawis sa katawan. Ang mga kasuotang ito ay simple, walang manggas at maikli.8. Panlamig- Ito ay mga kasuotang nagbibigay ng proteksyon sa katawan upang hindi ito ginawin, kabilang dito ang sweater, dyaket at tsaleko.9. Pantag-ulan- Ito ay mga kasuotang yari sa plastik o goma na ipinapatong sa damit upang hindi mabasa ng ulan. Kabilang dito ang kapote at dyaket.10. Panloob- Ito ay mga kasuotang ginagamit sa lahat ng panahon upang bigyang proteksyon ang maseselang bahagi ng katawan. Kabilang sa mga ito ang kamison, sando, bra, half-slip, medyas, panty, at brief. 8
SUBUKIN MO Kumpletuhin ang Tree Diagram. Sipiin ito sa iyong kuwaderno. Ang unangbahagi ay ginawa para sa iyo. Mga Kasuotan sa Tamang PanahonPamasok Pantulog Panlakad Panlaro Pantag-init Katangian Katangian Katangian Katangian Katangian1. madaling 1. 1. 1. 1.labhan 2.2. madaling 2. 2. 2.patuyuin Halimbawa 1. Halimbawa Halimbawa 2. Halimbawa Halimbawa1. palda at 1. 1. 1.blusa2. polo at 2. 2. 2.pantalon TANDAAN MO Kailangan iangkop ng bawat isa ang kanyang kasuotan o pananamit sa tamang okasyon at panahon. Higit na magtatagal ang mga damit kung ito ay ginagamit sa wastong paraan at panahon. 9
ISAPUSO MO Anong pagpapahalaga o magandang asal ang ipinakikita sa bawat isinasaad ngpangungusap. Isulat sa patlang ang iyong kasagutan. Gawin sa iyong kuwaderno 1. Itinabi nang maayos ni Rose ang kanyang isinuot na “Maria Clara” ng siya ay sumayaw sa isang palatuntunan. Sagot_________ 2. Simpleng damit na malinis ang isinuot ni Helen sa kanyang pagsimba. Sagot _______________ 3. Palaging iniingatan ni Ruben na hindi madumihan ang kanyang puting polo short. Sagot ______________ 4. Laging inaangkop ni Lydia ang kanyang kasuotan sa okasyong pupuntahan. Sagot_______________ 5. Damit na luma at kupasin ang pantrabahong isinuot ni Tatay Ino sa bukid. Sagot.__________________ PAGTATAYA Sabihin kung anong kasuotan ang nakatala sa bawat bilang. Isulat ang iyong sagotsa kuwadernong sagutan.Halimbawa: daster- pambahay1. Palda at blusa-2. Nigthgown-3. Padyama-4. T-shirts, shorts, bloomer-5. Kapote-6. Sando, bra, panty-7. Karaniwang damit-8. Pants- 10
9. Sweater-10. Jogging pants-11. Epron, bra, overall Kung nasagutan mo nang buong husay ang bahaging pagtataya ng modyul, binabati kita! Maaari mo nang pag- aralan ang susunod na modyul. 11
GRADE V PANGANGALAGA NG KASUOTAN ALAMIN MOIniingatan mo ba ang iyong kasuotan? Salamat naman kaibigan at naglaan ka ngiyong panahon sa pangangalaga ng kasuotan. Ipagpatuloy mo ang magandang gawain. Ang maayos na pagsunod sapangangalaga ng kasuotan ay replica ng iyong pagpapahalaga sa pansarili mongkagamitan at kasuotan. Sa modyul na ito, matutuklasan mo ang iba’t ibang paraan ngpangangalaga sa kasuotan at pansariling kagamitan ng bawat kasapi ng pamilya. PAGBALIK-ARALAN MO Ibigay ang mga hakbang sa paglalagay ng butones sa isang polo. Tingnan mo kung kaya mo pang gawin ang iyong natutunan sa baiting IV. 1
PAG-ARALAN MOBasahin mo at unawain ang kuwentong inihanda ko para sa iyoSitwasyon I Ang ligaya ng isang ina Kaligayahan ang naramdaman sa sarili ni Aling Siony habang pinagmamasdanniya ang kanyang tatlong anak na pawang mga mag-aaral pa sa Elementarya atSekondarya. Bagamat maaga silang naiwanan ng kanyang kabiyak ay pinagbutiniya ang pagpapalaki sa kanyang mga anak lalo’t higit ang paglalaan ng oras sapangangalaga ng kasuotan. Pagdating ng bahay buhat sa paaralan, ang kanyangbunsong si Alex ay agad naghanger ng kanyang napawisang uniporme. “Totoonga pala nanay na kapag ang pinawisang damit ay di pinahanginan ito ay nagigingsanhi ng masamang amoy sa katawan. Maaari ring dahilan ng pagkakaroon ngmantsang tagulamin sa kasuotan”. Tumango si Aling Siony na may ngiti sakanyang mga labi. Naalaala niya si Alex ng bata pa nang pagsabihan niya itongilagay sa shoe rack ang sapatos na ginamit upang di nakakalat. Bigla siyangnagalit at nagdabog paakyat sa itaas ng bahay. Malaki na ang ipinagbago ng akinganak, ang nasambit ni Aling Siony. Dati rati’y . . . siyang pagdating ni Leonybuhat sa labahan. Betty nasaan ka? Bakit may mantsa ng chewing gum ang paldamo? Lagyan mo agad ito ng yelo at kuskusin ng mapurol na kutsilyo ang chewinggum. Pati ang iyong bulsa ay butas na. Sulsihan mo nga agad ito ng hindi nalumaki ang sira. Salamat po Panginoon. Masunurin ang aking mga anak. May naituro ako sakanila, ang sambit ni Aling Siony.Natuwa ka ba sa kuwentong binasa? Ugaliin mo ring gawin sa araw-araw angiba’t ibang paraan ng pangangalaga sa kasuotan tulad ng pagsasabit ng damit sahanger, paglalagay ng maruming damit sa ropero, pagkukumpuni agad ng sirangkasuotan at iba pa. 2
Sitwasyon II (Dula-dulaan)Ina: Mga Anak nais kong kayo ay lumaki na marunong mangalaga sa pansarili ninyong kagamitan. Alalahanin ninyo na kung ano ang inyong kinalakihan ay madadala ninyo sa inyong pagtanda.Mga Anak: Ganoon po ba nanay?Ina: Nais ko Rosa na ang iyong pansariling kagamitan tulad ng panyo at ipit sa buhok ay hindi nagkalat. Ilagay mo ang mga ito sa isang lalagyan upang madali mong hanapin kung kinakailangan.Rosa: Opo, pero iyan po si Jay ay pakalat-kalat din ang kanyang sinturon at sombrero.Ina: Pahanginan mo ang mga sombrero sa pamamagitan ng pagsasabit sa pako. Kung ito’y yari sa tela kinakailangan itong labhan at plantsahin. Gayon din ang sinturon. Isabit mo sa tamang lalagyan nang hindi magkabuhul-buhol. Ang sapatos na ginamit ay iyong iayos sa shoerack upang hindi nakakalat.Mga Anak: Salamat po nanay sa inyong paalala sa amin. Mahalagang malaman mo ang tamang pangangalaga sa mga pansariling kagamitan tulad ng panyo, alahas, pang-ipit sa buhok, at iba pa. Ang mga ito ay kinakailangang may kani- kaniyang lalagyan upang matukoy kung saan hahanapin kapag kailangan na. PAGSANAYAN MOSipiin sa iyong kuwaderno ang mga graphic organizer sa ibaba. Kumpletuhin ito sapamamagitan ng pagsagot sa mga tanong. 3
Gawain 1Tanong: Ano-ano ang wasto at maayos na paraan ng pangangalaga ng kasuotan?Pangangalaga ng kasuotan Tanong: Anu-ano ang wasto at maayos na paraan ng pangangalaga sa kasuotan? Gawain 2Panuto: Isulat mo sa blankong espayo ang tamang pangangalaga sa pansarili mong kagamitan Mga Pansariling Kagamitanpayong paanyyoon sombrero at Ipit sa buhok g sinturon 4
TANDAAN MO1. Ang maayos na pagsunod sa tamang paraan ng pangangalaga sa kasuotan at kagamitan ay tanda na ang isang tao ay maingat at may pagpapahalaga sa kanyang kasuotan at kagamitan. Higit na makatitipid tayo sa salapi, oras, at lakas kung isasagawa ang wastong pangangalaga sa kagamitan at kasuotan.ISAPUSO MO Basahin ang tseklist ng pagpapahalaga sa sariling kagamitan at kasuotan. Lagyan ng tsek (√) ang kolum ng sariling kasagutan. Oo Hindi Paminsan minsan1. Isinasabit ko ba sa pako ang aking sinturon/sombrero matapos gamitin2. Nilalabhan ko ba agad ang ginamit kong medyas?3. Sa shoerack ko ba inilalagay ang sapatos na ginamit?4. Inaalis ko ba agad ang mantsa ng aking damit pagkakita rito?5. Sinusulsihan ko ba agad ang aking damit na may punit?6. Pinag-iingatan ko bang di-marumihan ang aking kasuotan sa araw-araw?7. Inilalagay ko ba sa hanger ang naisuot na uniporme bago ilagay sa ropero?8. Tinatakpan ko ba ng plastic ang mga damit na kung isuot ay paminsan-minsan lamang?9. Pinagsasama-sama ko ba sa isang lalagyan ang mga kagamitan at kasuotan na magkakauri?10. Nililinis ko ba ang aking bag na pamasok kahit minsan isang linggo Rubriks10 – 9 = Lubos na kasiya-siya8–7= Higit na kasiya-siya6–5= Kasiya – siya4–3= Kailangang pagbutihin pa2–1= Hindi kasiya-siya 5
GAWIN MO Awitin sa himig ng Leron-Lerong Sinta Tayong mga bata, ay may kaalaman Sa pangangalaga nitong kasuotan Ang turo ng guro, gawaing gampanan Sariling gamit mo’y iyong pag-ingatan Ihanger ang damit pagdating sa bahay Ginamit na medyas, labhan at isampay Mga sinturong balat, sombrero’y ihanay Sa pakong sabitang ginawa ni TatayGawain 1Isulat ang mga pansariling kagamitang ginamit na binanggit sa awitin. Isulatkung ano ang dapat gawing pangangalaga rito?Kagamitan Pangangalagang Gagawin1. medyas B. Iguhit at kulayan ang mga pansariling kagamitan at pagkatapos ay ipakita sa iyong guro. PAGTATAYAMagdala ka ng 5 kasuotan. Tiklupin mo ito nang maayos at ipakita sa guro upang ito aybigyan ng grado. Kung nasagutan mo nang buong husay ang bahaging pagtataya ng modyul, binabati kita! Maaari mo nang pag-aralan ang susunod na modyul. 6
GRADE V PAG-AALAGA NG MAYSAKIT ALAMIN MOKumusta ka, kaibigan? Naranasan mo na bang mag-alaga ng kasama sa bahay namaysakit? Nabahala ka ba ng labis? Mula ngayon hindi ka na mababahala sa pag-aalaga ng maysakit sapagkat ang iyong kaibigang modyul ay handang tumulong saiyo. Layunin ng modyul na ito na maihatid sa iyong kaalaman ang wastong paraanng pag-aalaga sa maysakit. 1
\ PAGBALIK-ARALAN MO Ang mga nakikita mo sa kahon ay pawang ginagamit sa pag-aalaga ng nakababatang kapatid. Sabihin mo nga kung saan mo ginagamit ang mga ito kapag ikaw ay nag-aalaga ng iyong kapatid? 2. 1. 4. 8.5. 6. 7. Sagot 1. ____________________ 2. ____________________ 3. ____________________ 4. ____________________ 5. ____________________ 6. ____________________ 7. ____________________ 8. ____________________ 2
PAG-ARALAN MOBasahin Mo Paraan ng Pag-aalaga sa Maysakit1. Pagpapakain sa Maysakit Alamin mo ang uri ng sakit ng pasyente at ihanda ang pagkaing nararapat sa kanya. Mga Uri ng Pagkain Para sa MaysakitRegular Ito ay kailangan ng mga pasyenteng walang diet ipinagbabawal ngunit sapat lamang ang dami na dapat ibinibigay sa kanya.Light Ito ay mga pagkaing walang mantika, malambot at diet masabaw. Kailangan ito sa pasyenteng may sakit sa tiyan na hindi dapat dumumi ng marami. 3
Soft Ito ay mga pagkaing malambot ang mga hibla. Walang diet lasa at anghang kung kaya’t madali itong matunaw sa tiyan.Special diet Ito ay pagkaing angkop para sa diabetic, high blood maysakit sa puso at iba pa.Liquid Ito ay mga pagkaing sinabawan o osteorized. diet• Paupuin mo nang wasto ang maysakit upang siya ay makakain nang maayos.• Pakainin mo ang pasyente sa tamang oras at tamang dami ng pagkain.• Bantayan mo siya habang kumakain.2. Wastong pag-aayos ng silid-higaan ng maysakit Ang isang malinis at kaaya-ayang silid ay makatutulong sa pagpapabuti ngpakiramdam ng maysakit. • Panatilihin mong malinis ang silid ng maysakit. • Ilagay sa silid ang pangunahing pangangailangan. • Panatilihing bukas ang bintana upang makapasok ang sariwang hangin. 4
3. Wastong pagpapainom ng gamot sa maysakit Tandaan mo na ang pagpapainom ng gamot ay dapat nakalantad sa lugar nanakikita ng lahat. • Maglaan ng lalagyan ng gamot. Iwasang maalis ang etiketa. Alisin ang mga gamot na hindi na kailangan. • Panatilihing malinis ang baso, kutsara at takalan ng gamot. Alisin ang mga hindi na kailangan.4. Wastong pagpupunas sa maysakit Nararapat na maging malinis ang maysakit upang maging maginhawa angpakiramdam at hindi dapuan ng iba pang sakit dulot ng maruming paligid. 5
• Ihanda ang mga kakailanganing kagamitan sa pagpupunas tulad ng labakara, palanggana at sabon. • Maglagay ng tabing na kumot sa higaan ng pasyente. • Sapinan ang kutson ng plastik o dyaryo ng hindi mabasa. • Alisin ang damit ng pasyente at takpan ang katawan hanggang dibdib. • Punasan ang maysakit mula sa mukha hanggang daliri ng paa. Tiyakin na hindi malalantad sa hangin ang katawan. • Punasan din ang maselang bahagi ng katawan subalit kung kaya ng pasyente ay maaaring siya na ang maglinis. • Suklayin ang buhok at masahiin ang likod, braso at daliri ng kamay upang siya’y malibang sa iyo. • Putulan ng kuko at linisin ang tainga. • Palitan ang takip ng kama at pati ang punda ng unan. • Sikaping sipilyuhan ang ngipin kung hindi niya kaya. • Kung ang pasyente ay gumagamit ng arinola, sikaping maitapon agad ang laman nito. • Bigyan ng sapat na pahinga ang maysakit. SUBUKIN MOGawain 1: Sa pamamagitan ng Wheel Map isulat mo ang iba’t ibang paraan ng pag-aalaga sa maysakit.15 Paraan ng 2 Pag-aalaga ng Maysakit43 6
Gawain 2: Sagutin mo sa sagutang kuwaderno ang tanong na nakasulat sa ibaba.142 Mabuting 5 Tagapag-alaga 63 Tanong: Anu-anong magandang katangian ang dapat taglayin ng isang mabuting tagapag-alaga ng maysakit. TANDAAN MO Ang wastong pagsunod sa iba’t ibang paraan ng pag-aalaga sa maysakit ay nagdudulot ng kaginhawahan sa tagapag-alaga gayon din sa maysakit. Maagang gagaling ang isang maysakit kung ang tagapag-alaga ay malusog, masayahin at husto ang kaalaman sa pag-aalaga. 7
ISAPUSO MOSubukan Mong GawinPanuto: Basahin mo ang pangungusap kung sa palagay mo ay wasto ang ipinahahayag.Lagyan ng tsek (√) ang kolum ng tama at kung mali ang ipinahahayag lagyan mo ngekis (x) ang kolum ng mali. Tama Mali1. Reseta ng doktor ang gamot na pinaiinom ni Medy sa tiyahing maysakit.2. Habang pinakakain mo ang may sakit masayang kwento ang iyong dapat iparinig.3. Nakapagpapagana ang malamig na sopas para ibigay sa lolang maysakit.4. Tinitiyak ni Glo na ang silid ng maysakit ay malinis at maayos.5. Sinisipilyuhan ni Charing araw-araw ang asawang na- stroke.6. Sinisikap ni Romy na maitapon agad ang laman ng arenola.7. Ang label ng gamot ay di dapat tinatanggal sa lalagyan upang madaling makita ng nag-aalaga.8. Magalang na pananalita ang binitawan ni Arian kapag kinakausap si Lola Isabel.9. Minamasahe ng bunsong anak ang mga daliri ni Inay habang nanonood ng TV.10. May nakalagay na mask ang bibig at ilong ni Lorna habang ibinibigay sa maysakit ang baso ng tubig. 8
Rubriks: - Lubos na kasiya-siya - Higit na kasiya-siya 10 – 9 - Kasiya-siya 8–7 - Hindi kasiya-siya 6–5 - Nangangailangan ng tulong 4–3 2–1 GAWIN MOMaaari mo itong awitin o tulain. Handa ka na ba? Awitin Mo sa Himig na Pamulinawen Alagaan mo si Lolang maysakit Bigyan mo ng gamot, himasin ang tuhod Pahigupin mo, sabaw na malapot Ang higaaay kutsong malambot Wastong paligo ang kailangan niya Nang guminhawa ang pakiramdam niya Basong malinis, pinggan at kutsara Agad gagaling, ang mahal na lola. Hanapin mo sa iyong inawit o tinula ang limang salitang may kaugnayan sa pag- aalaga sa maysakit. Isulat ang iyong sagot sa kuwadernong sagutan. 9
PAGTATAYAA. Lagyan ng tamang salita o lipon ng salita ang patlang ng bawat pangungusap. Isulat ang sagot sa sagutang kuwaderno.1. _____ ay ang mga pagkaing walang mantika, malambot at masabaw at ito’y kailangan ng pasyenteng may sakit sa tiyan.2. _____ ito’y walang lasa at anghang kung kaya’t madali itong matunaw.3. _____ ay pagkaing angkop para sa diabetic, high blood at may sakit sa puso.4. _____ ito ay mga pakaing sinabawan.5. _____ ito ay kailangan ng mga pasyenteng walang ipinagbabawal ngunit sapat lamang ang dami na ibinibigay sa kanya.B. Magtanong sa Nanay o kapitbahay kung naranasan na nilang mag-alaga ng may sakit na kasambahay. Paano nila inalagaan ito? Itala sa sagutang kuwaderno ang mga paraan ng pag-aalaga na kanilang sinunod. Lagyan ng tsek (√) ang mga tamang paraan na natutuhan mo sa modyul na ito. Kung nasagutan mo nang buong husay ang bahaging pagtataya ng modyul, binabati kita! Maaari mo nang pag- aralan ang susunod na modyul. 10
GRADE V PAGPAPAGANDA NG TAHANAN ALAMIN MOPangarap mo bang tumira sa isang maayos at magandang tahanan? Sabi nga,kahit maliit ang isang tahanan basta’t maayos, malinis at angkop ang mga bagayat palamuting ginamit ay tiyak na maganda ang tahanan. Ang modyul na ito ang tutulong sa iyo upang mabigyan ka ng sapat nakaalaman sa pag-aayos at pagpapaganda ng tahanan. 1
PAGBALIK-ARALAN MO May mga bugtong akong inihanda sa iyo. Hanapin mo ang mga kasagutan saloob ng kahon. Isulat sa kuwaderno ang iyong sagot.bunot basahan brush o escobamop walis tambopandakot walis tingting1. Ako’y galing sa larangang 4. Ako ay kapirasong damit bilog na biniyak, kapag Na nasa mesa mo ay tinatapakan at ipinunas sa nagpapahid sahig ay kikintab. Ano ako? _____ Sagot: _________ 5. Ako’y panlinis ng maruming sahig2. Ito’y isang gamit May hawakan akong upang tuluyang maalis mahaba at tuwid. mga basurang nakasingit Ano ako? _____ at mga duming nakasabit. 6. Lahat ng duming naipon Sagot: _________ Pinupulot ko’t itinatapon Ano ako? _____3. Alikabok sa kwarto mo Inaalis at pinapawi ko Ano ako? _____ 2
PAG-ARALAN MO Basahin ang liham na ginawa ni Zeny sa “Sagot Kita T.V. Program.” Natitiyakkong magiging inspirasyon mo ito. Bgy.Mabuhay Sta. Cruz, Marinduque Agosto 21, 2012 Sagot Kita T.V. Program BCA Network Quezon City Sa Kinauukulan: Kumusta na po kayo? Alam ko po na mabuti kayong tao kaya’t ako ay nagkaroon ng lakas ng loob na kayo ay sulatan. Maaga pong namatay ang aming ama. Ang gawain po ni inay ay ang paglalako ng ulam at kakanin. Panganay po ako sa apat na magkakapatid na pawang nasa mababang paaralan. Pangarap ko na sana’y magkaroon ng kasangkapan sa pamamagitan ng inyong palatuntunan. Sana po ito ay magkaroon ng katuparan. Ang magkaroon ng mesang kainan, silyang upuan at kamang tutulugan ay pinapangarap ko. Sana’y matulungan po ng inyong programa ang aming kalagayan. Salamat po! Naghihintay, Zeny dela Cruz - Makalipas ang dalawang buwan nabigla si Zeny sa malaking sasakyang tumigil sa kanilang bahay. Dala ang mga kasangkapan at may kasama pang tagapag-ayos ng bahay. 3
Interior Designer : Aayusin at pagagandahin po namin angZeny inyong tahanan. Susunod lang po tayo sa mga tuntunin ng pag-aayos at pagpapaganda nito. : Makikinig po ako sa inyo. SILID TANGGAPAN1. Panatilihin mong malinis ang sala sapagkat dito mo tinatanggap ang bisita. • Ang malaking muwebles ay dapat nakaayon sa dingding. • Ang mga silya ay magkaharap upang maging maayos ang pag-uusap ng nakaupo. • Ang sulok na bahagi ay may angkop na muwebles upang makadagdag ganda sa silid. • Ang pyano, telebisyon at palamuting halaman ay makatutulong din sa pagpapaganda ng salas. • Ang kurtinang babagay sa silid at mga larawang pangdekorasyon ay maaaring isabit din sa dingding. 4
2. SILID KAINAN • Ang mesang kainan, mga silya at estante ay pangunahing kasangkapang makikita sa silid-kainan. • Upang maging makulay ang mesang kainan, maaari mong lagyan ng prutas ang prutera o kaya’y bulaklak na nasa mababang lalagyan. • Ang mga larawang may kaugnayan sa pagkain ay maaaring isabit sa dingding.3. SILID TULUGAN • Ang silid-tulugan ay kailangang maayos. • Ilagay ang kama sa tabi ng dingding o malapit sa palikuran upang madaling puntahan kung gabi. • Maglagay sa silid-tulugan ng larawan ng mag-anak. 5
4. SILID LUTUAN • Ang kusina ay dapat maging malinis sapagkat dito tayo naghahanda ng pagkain. • Isaalang-alang ang apat na sentrong matatagpuan tulad ng: * lutuan * hugasan * taguan * gawaan ng pagkain • Ang kusina ay may iba’t ibang hugis.L-shaped kitchen U-shaped kitchen one-wall shaped kitchen • Ang mga kabinet ay maaaring nasa ilalim ng gawaang lugar o itaas ng bahaging gawaan.Ano kaibigan natatandaan mo bang lahat? Aba! Ayos ka talaga . . . • Ang magandang tahanan ay kailangan na malinis at maayos sa tuwina. • Ang mga muwebles ay ilagay sa tamang lugar. • Ang palamuti ay kailangan payak. 6
• Ang kulay ng kurtina at mga sapin sa mesa ay dapat angkop sa iba pang kasangkapan. SUBUKIN MO Subukin mong sagutin ang mga sumusunod na katanungan. Isulat ang sagot saiyong kuwaderno. 1. Ano-ano ang mga silid ng isang tahanan? 2. Itala o isulat sa kuwaderno ang mga kasangkapang dapat makita sa bawat silid gayundin ang mga palamuting maaaring ilagay sa bawat silid. TANDAAN MO May mga paraan ng pag-aayos at pagpapaganda ng tahanan na kailangan sundin. ISAPUSO MOPanuto: Basahin at unawain ang sitwasyon. Isulat mo sa kuwaderno kung anong kanais-nais na asal ang ipinahahayag sa bawat bilang. 1. Nilinis ni Ruby ang mesang gawaan bago pumasok sa paaralan. Anong uri ng bata si Ruby? ___________ 2. Ang mantel sa mesa ay mula sa patapong bagay na ginawa ni Jose. Si Jose ay isang batang ___________. 3. Nilinis ni Leny ng disinfectant ang inodoro upang maiwasan ang pangangamoy at mamatay ang mikrobyo. Si Leny ay batang ___________. 4. Ang kurtina ay inayos ni Josie sa silid. Si Josie ay batang ___________. 5. Sa paglilipat ng kasangkapan, inuuna ni Liezel ang malalaking muwebles pagkatapos ay ang maliliit na kagamitan. Si Liezel ay isang 6. batang___________. 7
GAWIN MOIsulat mo sa iyong kuwaderno ang mga kasangkapan at kagamitan sa iyong silid tuluganat sala. PAGTATAYA Panuto: Isulat ang Oo sa kuwaderno kung ang pangungusap ay tama at Hindi kung ito ay mali. 1. Ang kama sa silid-tulugan ay dapat ilagay sa gitna ng silid. 2. Ang estante ng mga gamit sa kusina ay iayos sa salas. 3. Ang larawan mo sa kwadro ay dapat isabit sa dingding sa sala. 4. Sa kusina matatagpuan ang sentro ng hugasan, lutuan at taguan ng kasangkapan. 5. Ang paglilinis, pagpapaganda ng tahanan ay isang gawaing dapat pagtulung-tulungan ng buong mag-anak. Rubriks 5 - Lubos na kasiya-siya 4 - Higit na kasiya-siya 3 - Kasiya-siya 2 - Hindi kasiya-siya 1 - Nangangailangan ng tulong Kung nasagutan mo nang buong husay ang bahaging pagtataya ng modyul, binabati kita! Maaari mo nang pag- aralan ang susunod na modyul. 8
GRADE V PAGBABALAK NG PAGKAIN NG MAG-ANAK ALAMIN MO Kumusta na kaibigan! Ako ang iyong modyul sa EPP na nagbibigay sa iyo ngkaalaman tungkol sa pagbabalak ng pagkain ng mag-anak. Alam mo ba na angpagbabalak ng pagkain ay mahalaga upang magkaroon ng sapat na panahon sapaghahanda ng mga ito ayon sa kagustuhan at pangangailangan ng bawat kasapi ngmag-anak. Ang pagkain ng mag-anak ay binabalak at kailangan pagplanuhansapagkat malaki ang matitipid na lakas, panahon at pera kung marunongmagbalak, gayundin higit na kasiya-siyang kumain kapag alam ng mag-anak namaingat na binabalak ang kanilang pagkain. O, sige gamitin mo ako nang maypang-unawa, konsentrasyon at madali mong mauunawaan ang nasasaad sa modyulna ito. Handa mo na bang basahin ang mga pahina ko para sa iyong pag-aaral? 1
PAGBALIK-ARALAN MO Natatandaan mo pa ba ang iyong aralin tungkol sa paghahanda at pagdudulot ngwastong pagkain noong ikaw ay nasa ika- 4 na baitang? Kung ganoon, suriin mo ang mgalarawan sa ibaba, tungkol sa tatlong pangunahing pangkat ng pagkain na kailangan ngkatawan. Isulat ang mga pagkain sa bawat pangkat sa kuwaderno gayundin ang kabutihangnaibigay nito.Tatlong pangunahing Pagkaing pinagkukunan Kabutihang dulotpangkat ng pagkainPangkat IPagkaing nagbibigay lakasPangkat IIPagkaing nagpapalaki 2
Tatlong pangunahing Pagkaing pinagkukunan Kabutihang dulotpangkat ng pagkainPangkat IIIPagkaing nagpapasigla Ang tatlong pangunahing pagkain ang unang dapat isaalang-alang sa pagbabalakng pagkain ng mag-anak. PAG-ARALAN MO I. Maraming bagay ang dapat isaalang-alang kapag nagbabalak ng pagkain para sa mag-anak. Basahin mo ang mga sitwasyon ayon sa mga salik sa pagbabalak ng pagkain. Sagutin sa iyong sariling pagkaunawa ang mga tanong pagkatapos ng bawat sitwasyon 3
Sitwasyon I- Laki ng Pamilya Magkasabay sa pamamalengke ang magkumareng Aling Eden at Aling Pura. “Kumare, mukhang marami kang pamimilihin at malaki ang basket mo,” ang bati ni Aling Pura. “Oo, Mareng Pura, darating kasi ang mga anak ko, mga apo at mga manugang.” Inalam ko nga muna kung ilan sa kanila ang siguradong makararating upang malaman ko kung gaano karami ang aking bibilhin at ihahandang pagkain.Ano ang isinaalang-alang ni Aling Pura sa pagpaplano ng kanyang bibilhingpagkain batay sa sitwasyon sa itaas? Sitwasyon II – Gustong pagkain ng Pamilya “Mareng Eden, anu-ano ba ang mga edad at gawain ng iyong mga anak, manugang at apo na darating sa inyo ngayong araw na ito na inyong paghahandaan?” “Syempre Mare, mga bata pamangkin, mga apo na may gulang na 6 hanggang 15 taon, samantala ang aking mga anak at manugang ay may gualng na 27 hanggang 35 taon na pawang mga nag-oopisina, ang iba ay guro naman.”Bakit inalam ni Aling Pura ang edad at gawain ng mga magiging bisita ni AlingEden? Magkatulad ba ang pagkain na paborito ng mga bata at ng masnakatatanda? Bakit? Sitwasyon 3 Badyet Para sa pagkain “Mareng Eden, marami ka palang paghahandaan ng pagkain.” “Aba, oo Mareng Pura, kaya’t ang aking pamimilhin ay naka-badget na, subalit kahit na maliit ang aking badget para rito ay mahalaga pa ring pumili ng masustansiyang pagkain.”Bakit mahalagang isaalang-alang ang badyet sa paghahanda ng pagkain? Sang-ayon ka ba sa sinabi ni Aling Eden na kahit maliit lang ang badyet ay mahalaga paring pumili ng masustansiyang pagkain? Bakit? 4
Sitwasyon 4- Panahon at Oras na Gugugulin “Ano-ano ba Mareng Eden ang pagkaing nasa panahon na iyong bibilhin at lulutuin ngayon upang makatipid ka sa iyong gastusin?” “Mayroon akong dalang “market list” batay sa recipe na aking pinili. Pinag-aralan ko itong mabuti”, wika ni Aling Eden. Mahalaga bang isaalang-alang ang panahon at oras na gugugulin sa pagbablak ng mga ihahandang pagkain? Bakit? SUBUKIN MO Punan ng tamang salita ang mga patlang sa sumusunod na pangungusap.Piliin ang tamang titik ng sagot at isulat sa kuwaderno.1. Sa pagpaplano ng pagkain para sa mag-anak, alin ang dapat ibatay sa kinikita ng pamilya? A. badyet B. sustansiya C. laki ng pamilya D. panahon at oras2. Dapat bigyan ng pansin ang ___________ batay sa dami o bilang ng kakain. A. badyet B. sustansiya C. laki ng pamilya D. panahon at oras3. Ang batang katulad mo na mabilis lumaki ay kailangan ng mga pagkain na __________ A. mura B. madami C. masarap D. masustansiya 5
4. Ang mga pagkaing madaling ihanda at madaling lutuin ay nangangailangan ng kaunting panahon at __________ sa paghahanda. A. oras B. sustansiya C. salapi D. budyet 5. Ang mag-anak ng Pilipino ay mahilig kumain ng __________beses maghapon. A. tatlong B. apat na C. limang D. anim na TANDAAN MO Mahalagang isaalang-alang ang mga salik sa pagbabalak ng pagkain upangmaibigay ang kailangang sustansiyang pagkain ng bawat kasapi ng mag-anak. ISAPUSO MO Sagutin ang sumusunod na pangungusap. Oo/Hindi.______1. Ang mga may mabibigat na gawain tulad ng pagtatrabaho sa mainit na lugar ay kailangan ng higit na maraming pagkain kaysa mga gumagawa lamang sa opisina. Bakit?_____2. Sa pagbabalak ng pagkain, ang bilang ng mag-anak ay mahalagang pag- ukulan ng pansin. Bakit?_____3. Malaki ang matitipid na lakas, panahon at pera kung marunong magbalak Anong salik ang isinasaad nito. 6
Search
Read the Text Version
- 1
- 2
- 3
- 4
- 5
- 6
- 7
- 8
- 9
- 10
- 11
- 12
- 13
- 14
- 15
- 16
- 17
- 18
- 19
- 20
- 21
- 22
- 23
- 24
- 25
- 26
- 27
- 28
- 29
- 30
- 31
- 32
- 33
- 34
- 35
- 36
- 37
- 38
- 39
- 40
- 41
- 42
- 43
- 44
- 45
- 46
- 47
- 48
- 49
- 50
- 51
- 52
- 53
- 54
- 55
- 56
- 57
- 58
- 59
- 60
- 61
- 62
- 63
- 64
- 65
- 66
- 67
- 68
- 69
- 70
- 71
- 72
- 73
- 74
- 75
- 76
- 77
- 78
- 79
- 80
- 81
- 82
- 83
- 84
- 85
- 86
- 87
- 88
- 89
- 90
- 91
- 92
- 93
- 94
- 95
- 96
- 97
- 98
- 99
- 100
- 101
- 102
- 103
- 104
- 105
- 106
- 107
- 108
- 109
- 110
- 111
- 112
- 113
- 114
- 115
- 116
- 117
- 118
- 119
- 120
- 121
- 122
- 123
- 124
- 125
- 126
- 127
- 128
- 129
- 130
- 131
- 132
- 133
- 134
- 135
- 136
- 137
- 138
- 139
- 140
- 141
- 142
- 143
- 144
- 145
- 146
- 147
- 148
- 149
- 150
- 151
- 152
- 153
- 154
- 155
- 156
- 157
- 158
- 159
- 160
- 161
- 162
- 163
- 164
- 165
- 166
- 167
- 168
- 169
- 170
- 171
- 172
- 173
- 174
- 175
- 176
- 177
- 178
- 179
- 180
- 181
- 182
- 183
- 184
- 185
- 186
- 187
- 188
- 189
- 190
- 191
- 192
- 193
- 194
- 195
- 196
- 197
- 198
- 199
- 200
- 201
- 202
- 203
- 204
- 205
- 206
- 207
- 208
- 209
- 210
- 211
- 212
- 213
- 214
- 215
- 216
- 217
- 218
- 219
- 220
- 221
- 222
- 223
- 224
- 225
- 226
- 227
- 228
- 229
- 230
- 231
- 232
- 233
- 234
- 235
- 236
- 237
- 238
- 239
- 240
- 241
- 242
- 243
- 244
- 245
- 246
- 247
- 248
- 249
- 250
- 251
- 252
- 253
- 254
- 255
- 256
- 257
- 258
- 259
- 260
- 261
- 262
- 263
- 264
- 265
- 266
- 267
- 268
- 269
- 270
- 271
- 272
- 273
- 274
- 275
- 276
- 277
- 278
- 279
- 280
- 281
- 282
- 283
- 284
- 285
- 286
- 287
- 288
- 289
- 290
- 291
- 292
- 293
- 294
- 295
- 296
- 297
- 298
- 299
- 300
- 301
- 302
- 303
- 304
- 305
- 306
- 307
- 308
- 309
- 310
- 311
- 312
- 313
- 314
- 315
- 316
- 317
- 318
- 319
- 320
- 321
- 322
- 323
- 324
- 325
- 326
- 327
- 328