gasera DEPED COPY- isang ilawan na yari sa recycled materials gaya ng bote, lata, mitsa na pinapailaw sahayop na ligaw pamamagitan ng paglalagay ng gas.ikinararangalIndigenous People - mailap na hayop na matatagpuan sa kagubataninestima - ipinagmamalakiinternet - mga katutubong pangkat na nakapagpanatili ngipinagbubunyi kanilang sinaunang kultura magpahanggangispirituwal ngayonkaakibat - inasikasokabihasnan - makabagong teknolohiya na nagbibigaykabuluhan ng mga impormasyon na makatutulong sa komunikasyon, pagkain, trabaho, medisina at iba pa - ipinagdiriwang - pagkakaroon ng mapayapang kalooban sa pamamagitan ng mabuting ugnayan sa Diyos, pamilya at sa kapuwa - katapat - tumutukoy sa antas ng pamumuhay ng isang komunidad, tribo o lipunan na kakikitaan ng pag-iral ng mga institusyon (pamahalaan, relihiyon, edukasyon, ekonomiya) at sistema ng pagsulat. Sinasabing mataas na ang antas ng pamumuhay kung may kabihasnan na. Tinatawag din itong sibilisasyon - kahulugan o importansiya 248 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
DEPED COPYkalipi- kasama sa lipi o pangkat etnikokultura - tumutukoy sa paraan ng pamumuhay nglikas-kayang isang pangkat o komunidad na masasalaminpag-unlad sa kanilang gawi (folkways), pamantayan nglugod tamang pagkilos o pakikipag-ugnayan (norms),lumbay mga pagpapahalaga (values) at kaugalianlunggati (attitudes). Kabilang din dito ang mga materyalmaaliwalas na aspekto ng kultura tulad ng mga kagamitan, imbensyon, pananamit, libangan, sining at panitikan. Ito ang nagsisislbing batayan ng pagkakakilanlan (identity) at kamalayan (consciousness) ng isang kasapi ng pangkat. May dalawang anyo ang kultura: materyal at di materyal. Materyal ang mga nahahawakang patunay ng pag-iral ng isang kultura (damit, sasakyan, kagamitan, imbensyon, produkto ng sining at panitikan) samantalang ang di materyal ay yaong mga pamantayan o batas, pagpapahalaga, paniniwala at kaugalian. - o sustainable development, ay ang tamang paggamit at pangangasiwa sa mga likas yaman at pag-iingat sa mga ito para sa pangangailangan ng susunod na henerasyon - saya, ligaya - lungkot - kasiyahan, kaligayahan - mapayapa, maliwanag 249 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
magandang balita - ulat ng mga positibong pangyayari tungkol sa ginagawa ng tao na inaakalang pananabikan o mabatid at mapaglilibangan ng mambabasa, nakikinig o nanoodmahinahon - pagiging kalma o panatag sa alin mang pagkakataon o sirkumstansya o pangyayarimaiambag - maibahagimaibsan - mabawasan DEPED COPYmakabuluhan - mahalaga, may pakinabangmapanagutan - alam na may dapat gawin o kayang magawa(responsibility / nang may komitmentaccountability)mapanghamong - tungkol sa mga pangyayaring may karahasan,balita droga, sekswal na hindi angkop sa batang nanood o nakikinigmapanuring pag-iisip - may kakayahang magsuri at mapag-aralan(critical thinking) muna ang isang bagay bago magpasiyaMILF - acronym ng Moro Islamic Liberation Front; isang grupo ng mga Muslim na separatista sa Timog ng Pilipinasnetizen - internet citizen na gumugugol ng napakaraming oras sa loob ng isang araw upang makipagtalastasan at gamitin ang teknolohiya para sa iba’t ibang dahilannon-biodegradable - mga di nabubulok na basura tulad ng mga plastik na lalagyan, bote at bakaloyayi - awit sa pagpapatulog ng bata 250 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
pagninilay - mas malalim na pag-iisip tungkol sa mga sitwasyon, pangyayari, kalagayan bago makabuo ng isang pagpapasiyapagpapasyang etikal - ang pagbuo ng pasiya na may preperensiya sao moral kabutihan magpapaunlad o lilinang sa pagkatao ng tao. Isa itong proseso na kinapapalooban ng a;) pag-alam sa mga detalye ng sitwasyon, at b.) maingat na pagsasaalang-alang ng mga moral na pagpapahalagang nararapat sa isang sitwasyon. Sa pagbuo ng pasiya, dapat ring maging sensitibo sa mga aspektong moral ng mga sitwasyon sa pang-araw-araw na buhay at ang kamalayan sa mga tao o pangkat na maaapektuhan ng magiging pasiyaDEPED COPYpakikibahagi sa - pagtugon sa pangangailangan hindi lamang sapandaigdigang sariling bansa kundi ng buong daigdigpagkakaisapangkat etniko - mga taong sama-samang naninirahan sa isang lugar na may sariling wika, kaugalian, tradisyon at paniniwala 251 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
panlipunan– DEPED COPY- pagkakaroon ng mga kailangang kakayahan sapandamdaming pagkilala at pagmamahal sa sarili, paglinangpagkatuto (social- ng pagmamalasakit sa kapuwa, pagbuo ngemotional learning) mapanagutang pasiya, pakikipag-ugnayan at pagharap sa mga mapanghamong sitwasyon.patapong bagay Isa itong paraan ng paglinang ng mga kakayahanpillow to lean on ng mag-aaral upang mapagtagumpayan niyarabies o rabis ang anumang gawaing makakaharap niya sa buhay. May limang uri ang mga kakayahang ito: a) Kamalayang Pansarili, b) Pamamahala ng Sarili, c) Kamalayang Panlipunan, d) Pamamahala ng Pakikipag-ugnayan, at e) Mapanagutang Pagpapasiya - mga pinagbasyuhang karton, lata, bote (plastik man o babasagin), lumang papel, magasin, kalendaryo at iba pa - (idioma) taong mapaghihingahan ng problema, sama ng loob, kalungkutan, kabiguan o pighati upang gumaan ang nararamdaman - mula sa Latin: rabies, “kaululan” o “kabaliwan”, ay isang karamdamang sanhi ng birus na nagdudulot ng matinding pamamaga ng utak (encephalitis) sa mga hayop na maiinit ang dugo. Ang sakit na ito ay soonotiko (zoonotic), na nangangahulugang maaari itong mailipat magmula sa isang species papunta sa iba pa, katulad ng pagkahawa mula sa mga aso papunta sa mga tao, na pangkaraniwan sa pamamagitan ng isang kagat na nagmula sa isang hayop na naimpeksiyon. Ang birus ng rabis ay nakakaimpeksiyon ng sistema ng nerbiyos, na sa panghuli ay nakapagsasanhi ng karamdaman sa utak at kamatayan. 252 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
recycle - tumutukoy sa muling paggamit ng mga pataponsalawikain ng bagay, o muling paggamit nito bilang sangkapsocial network ng ibang produktoT’boli - may hatid na aral o katotohanang magagamitT’nalak nating gabay sa ating buhayyamang likas - isang website na nagbibigay daan upang kumonekta sa mga kaibigan at kapamilya, at magbahagi ng mga kuwento, balita, larawan o video - kilala rin sa tawag na Tiboli o Tagabili, ay kabilang sa mga katutubong tao sa Timog Cotabato - isang uri ng tela na hinabi mula sa abaca - pangunahing pinagmulan ng yaman at batayan ng kaunlarang pangkabuhayan; yaman na biyaya ng kalikasanDEPED COPY 253 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
DEPED COPYSanggunian:Binagong Kodigo Penal ng Pilipinas, Artikulo 253CONSCIENCE: A Catholic Filipino View, 2nd ed. p29DENR Administrative Order No. 37, series of 1996Eleanor Antonio, et.al., Gabay 4Encyclopedia Britannica, 2006Environmental Management Bureau (EMB), Department of Environment and Natural Resources (DENR)Maricar AD. Clamor, Growing with Values Grade 5 - Innovative Educational Materials, Inc.Sr. Lourdes M. Dulay, “I Am a Child of the Universe Grade 7”, ICM. Phoenix Publishing HousePredential Decree No. 705 - Revised Penal CodeRepublic Act No, 8485 - Animal Welfare Act of 1998Republic Act No. 8749 - The Philippine Clean Air ActRepublic Act No. 9003, Seksiyon 48 - Solid Waste Management ActRepublic Act No. 9147 - Wildlife Resources Conservation and Protection Act of 1998Republic Act No. 9275 - The Philippine Clean Water Act of 2004United Nations Development Programme (UNDP) - Community-Based Ecological Solid Waste ManagementValues Education for the Filipino - 1997 Revised Version of the DECS Values Education Program, UNESCO National Commission of the Philippine Education Committee Project 254 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
DEPED COPYhttp://emb.gov.ph/news/053006/News_Releaseswm.htm http://emb.gov.ph/nswmc/pdf/iec/Republic%20Act%209003tagalogersion. pdf http://en.wikipedia.org/wiki/Bajau_people https://mgalarongFilipino.blogspot.com/2012/patintero.html http://www.balita.net.ph/2014/06/06/lilikha-ng-mas-malaking-butas http://www.emb.gov.ph/news/053006/sunogbasurafactsheet.pdf h t t p : / / w w w. e m b . g o v. p h / p o r t a l / P o r t a l s / 1 0 / p r o p e r % 2 0 w a s t e % 2 0 segragation.pdf http://www.ethnicgroupsphilippines.com/people/ethnic-groups-in-the- philippines http://www.flicker.com h t t p : / / w w w. g l o b a l p i n o y. c o m / g p . t o p i c s . v 1 / v i e w t o p i c . php?postid=4fab9f8176a31&channelName=4fab9f8176a31 http://www.gmanetwork.com/news/story/368317/publicaffairs/iwitness/ galamay-ng-karagatan-ngayong-sabado-10-30-pm-sa-i-witness http://www.katutuboproject.org. https://www.youtube.com/watch?v=77dEflJnQlo&feature= youtube_gdata_ player https://www.youtube.com/watch?v=084UwHrnPqc http://www.youtube.com/watch?v=KsTCjhJlDnE http://www.youtube.com/watch?v=u3afgesVmfA 255 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
4 Edukasyonsa Pagpapakatao Patnubay ng Guro Ang aklat na ito ay magkatuwang na inihanda at sinuri ng mga edukador mula sa mga publiko at pribadong paaralan, kolehiyo, at / o unibersidad. Hinihikayat namin ang mga guro at ibang nasa larangan ng edukasyon na mag-email ng kanilang puna at mungkahi sa Kagawaran ng Edukasyon sa [email protected]. Mahalaga sa amin ang inyong mga puna at mungkahi. Kagawaran ng Edukasyon Republika ng Pilipinas i
Edukasyon sa Pagpapakatao – Ikaapat na BaitangPatnubay ng GuroUnang Edisyon, 2015ISBN: _____________ Paunawa hinggil sa karapatang-sipi. Isinasaad ng Seksiyon 176 ng BatasPambansa Bilang 8293: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anumangakda ng Pamahalaan ng Pilipinas. Gayon pa man, kailangan muna ang pahintulotng pamahalaan o tanggapan kung saan ginawa ang isang akda upang magamit sapagkakakitaan ang nasabing akda. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabingahensiya o tanggapan ay ang patawan ng bayad na royalty bilang kondisyon. Ang mga akda/materyales (mga kuwento, seleksyon, tula, awit, larawan, ngalanng produkto o brand names, tatak o trademarks, palabas sa telebisyon, pelikula, atbp.)na ginamit sa aklat na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagtibay ngisang kasunduan ng Kagawaran ng Edukasyon at Filipinas Copyright Licensing Society(FILCOLS), Inc. na ang FILCOLS ang kumakatawan sa paghiling ng pahintulot sanagmamay-ari ng mga akdang hiniram at ginamit dito. Hindi inaangkin ni kinakatawanng tagapaglathala (publisher) at mga may-akda ang karapatang-aring iyon.Inilathala ng Kagawaran ng EdukasyonKalihim: Br. Armin A. Luistro FSCPangalawang Kalihim: Dina S. Ocampo, PhD Mga Bumuo ng Patnubay ng GuroConsultant: Fe A. Hidalgo, PhDMga Tagasuri at Editor: Irene C. de Robles, Erico M. Habijan, at Joselita B. GulapaMga Manunulat: Felamer E. Abac, Gina A. Amoyen, Jesusa M. Antiquiera, Henrieta A. Bringas, Grace R. Capati, Maria Carla M. Caraan, Rodel A. Castillo, Rolan B. Catapang, Isabel M. Gonzales, Noel S. Ortega, Marilou D. Pandiño, Adelaida M. Reyes, at Portia R. SorianoMga Tagaguhit: Eric S. de Guia, Fermin M. Febella Jr., at Randy G. MendozaMga Tagapagtala: Gregorio T. Pascual at Bryan R. Simara Naglay-out: Gregorio T. Pascual at Elizabeth T. Soriao-UrbanoPunong Tagapangasiwa: Joselita B. GulapaPangalawang Tagapangasiwa: Marilou D. PandiñoInilimbag sa Pilipinas ng ____________Department of Education-Instructional Materials Council Secretariat (DepEd-IMCS)Office Address: 5th Floor,Mabini Bldg, DepEd Complex Meralco Avenue, Pasig City Philippines 1600Telefax: (02) 634-1054 at 634-1072E-mail Address: [email protected] ii
Para sa Iyo, Guro ng Edukasyon sa Pagpapakatao Inihanda ang patnubay na ito upang magabayan ka sa iyongpagtuturo ng Edukasyon sa Pagpapakatao (EsP) sa Ikaapat na Baitang.Layunin ng asignaturang ito na magabayan ang mga mag-aaral na makilalaang kaniyang sarili, ang bahaging ginagampanan sa kaniyang pamilya,pamayanang ginagalawan bilang isang Pilipino upang makibahagi sila sapagtatayo ng pamayanang pinaiiral ang katotohanan, kalayaan, katarungan,at pagmamahal. Isinaalang-alang sa paghahanda ng patnubay ang sumusunod:A. Batayan • Patnubay ng kurikulum ng K to 12 pokus ang EsP • Kagamitan ng Mag-aaral sa EsP Baitang 4 • Balangkas ng DepEd sa Pagpapahalaga • Napapanahong paksa at thrust gaya ng pakikiangkop sa panahon ng pangangailangan, kaligtasan, likas kayang pag-unlad, paggalang sa sarili, pagiging positibo at iba pang pagpapahalaga na makatutulong sa mabuting pagkataoB. Prosesong Ginamit Bahagi ng magiging pag-aaral ng mga mag-aaral sa ikaapat nabaitang ang mga proseso ng pag-unawa (Alamin), pagninilay (Isagawa),pagsangguni (Isapuso), pagpapasiya (Isabuhay), at pagkilos (Subukin)upang higit nilang maunawaan ang mensahe ng anumang leksiyon,maisabuhay at maisakatuparan ang tamang desisyon na may tamangpagkilos. Narito ang sumusunod na proseso na dapat gamitin: • Alamin Natin. Sa prosesong ito, ang mga mag-aaral ay binibigyan ng pagkakataong maalala o maipakita ang anumang dating kaalaman na may kinalaman sa leksiyon. Dito rin maaaring malaman o matandaan ng mga mag-aaral at maiproseso sa sarili ang anumang maling kilos o gawa at tuluyan itong itama sa patnubay ng guro. iii
• Isagawa Natin. Upang higit na maunawaan ng mga mag-aaral ang bawat aralin, sila ay magsasagawa ng iba’t ibang gawaing batay sa anumang layunin. May mga gawaing indibidwal at pangkatan. • Isapuso Natin. Ang prosesong ito ay naglalaman ng mga kaisipang dapat tandaan at pahalagahan ng mag-aaral. Ang pagbibigay ng iba’t ibang gawaing higit na magpapatibay sa anumang natutuhan ay dapat ding isaalang-alang. • Isabuhay Natin. Naglalaman ang bahaging ito ng mga gawaing magpapalalim ng pag-unawa sa bawat pagpapahalagang tinalakay sa bawat aralin at kung paano ito isasabuhay. • Subukin Natin. Naglalaman ang bahaging ito ng mga pagtataya ng mga natutuhan ng bawat mag-aaral tungkol sa mga aralin batay sa mga layunin na nasa EsP Curriculum Guide. Naglaan ng tatlumpung minuto kada araw upang malinang ang mgapagpapahalaga sa bawat aralin sa Edukasyon sa Pagpapakatao. Ang bawataralin ay maaaring umabot nang limang araw. Nilalayon nito na tumimo saisipan ng mga mag-aaral ang mga kasanayan at pagpapahalaga.C. Mga Teorya at Estratehiyang Ginamit 1. Interaktibong Teorya ng Pagkatuto (Social Learning Theory) ni Albert Bandura Ayon sa paliwanag ng Interaktibong Teorya ng Pagkatuto o Social Learning Theory ni Albert Bandura na isang Canadian Psychologist, ang mga pagkatuto tulad ng pagkakaroon ng mabuting ugali at bagong impormasyon ay maaaring makuha sa pagmamasid sa ibang tao. Sa teoryang ito, naniniwala na ang kapaligirang kinamulatan o kinalakhan ng isang mag-aaral ang siyang humuhubog sa pagkatuto at sa pag-uugali niya. Higit din silang natututo sa pagbibigay ng direksiyon at mga paulit-ulit na iv
mga gawain. Pinaniniwalaan din sa ilalim ng teoryang ito na ang anumang marahas o malupit na pag-uugali o gawi ay natutuhan ng mag-aaral ayon sa kaniyang nakita at hindi likas sa kaniya. Ang mga gagawin ng mga mag-aaral sa pag-aaral ng EsP ay dapat magmula sa guro.2. Teorya ng Constructivism Layunin sa pagtuturo ng Constructivism na pagnilayan o magbalik-tanaw ang mga mag-aaral sa kanilang mga naging karanasan. Maaaring dito makabuo ng kongkretong ideya, kasagutan, tamang kilos, at pag-uugali ang mga mag-aaral. Sa ganitong pagkakataon din maaaring maituwid ang anumang maling kaalaman, konsepto, kilos, at pag-uugali sa pamatnubay ng guro.3. Teorya ng Pagkatuto mula sa Karanasan (Experiential Learning) ni David Kolb Ayon sa Teorya ng Pagkatuto mula sa Karanasan, ang mga karanasan ang pinagkukunan ng mga pagkatuto na sinusuportahan ng Teorya ng Constructivism. Ayon sa isang artikulo, ang teoryang ito ay nagbibigay ng pagkakataon sa mga mag-aaral na makabuo ng kaalaman at kasanayan sa kanilang pag-aaral sa silid-aralan. Ito rin ay isang paraan na humuhubog sa kanilang kakayahang mamuno at mamahala. Sa paraang ito, ang mga mag-aaral ay maaaring makagawa ng positibong pagbabago sa kanilang buhay bilang mag-aaral. Ang tatlong hakbang sa modelong ito: a. Pagpaplano. Kaagapay ng guro ang mga mag-aaral sa pagbibigay ng kaniyang ideya o saloobin tungkol sa anumang pinag-usapan. Magpasiya kung ano ang dapat pang pag- aralan, gawin, at tandaan. b. Paggawa. Mahalagang isaalang-alang ng guro sa kaniyang paggabay ang kakayahan ng mag-aaral upang maunawaan ang pakikialam kung hindi kailangan. v
c. Pagsusuri. Pagkatapos ng gawain, pabalikan ang mga proseso at karanasang pinagdaanan mula sa simula hanggang sa sila ay matapos. Sa ganito, matutulungan ang mga mag- aaral na makabuo ng mas malinaw na mensahe, kaisipan o ideya, at katotohanan na may kinalaman sa kanilang buhay.4. Panlipunan-Pandamdaming Pagkatuto (Social-Emotional Learning) Ito ay ang pagkakaroon ng mga kakayahang kailangan sa pagkilala at pamamahala ng sarili, paglinang ng pagmamalasakit sa kapuwa, paggawa ng mapanagutang pagpapasiya, pakikipag- ugnayan, at pagharap nang epektibo sa mga mapanghamong sitwasyon. Ito ay paraan ng paglinang ng mga kakayahan ng mag- aaral upang magtagumpay sa mga pang-araw-araw na gawain sa buhay. Ang limang batayang panlipunan–pandamdaming pagkatuto (SEL) ay binubuo ng sumusunod: Kamalayang Pansarili (Self-Awareness). Sa kakayahang ito ay nakikilala at nasusuri ng mga mag-aaral ang sariling damdamin, interes, at gusto. Natutukoy rin ng mga mag-aaral ang kanilang kalakasan at kayang panindigan, gayundin ang hindi pa nila kayang magawa o maipakita. Pamamahala ng Sarili (Self-Management). Naipakikita ng mga mag-aaral ang kanilang pamamahala sa sarili sa pagtatakda ng tunguhin o hangarin sa pamamagitan ng pagkilala sa mga pamaraang maaaring makatulong gayundin ang paghanap ng magagamit (resources) upang mapamahalaan ang anumang problema o pangamba, pagkontrol sa udyok ng damdamin, at masigasig na mapagtagumpayan ang anumang balakid. Ang mga mag-aaral ay nakapagtatakda at nasusubaybayan ang kanilang sariling pag-unlad bilang mag-aaral upang makamtam ang akademikong mithiin. Ang mga mag-aaral ay nagpapakita rin ng tamang damdamin o emosyon sa iba’t ibang pagkakataon. vi
Kamalayang Panlipunan (Social Awareness). Naipakikita ngmga mag-aaral ang pagdama at pag-unawa sa damdamin ngibang tao o grupo, sa pamamagitan ng pagkilala ng mga pahiwatigo senyas na maaaring pasalita o nakikita sa aksiyon o sitwasyon.Nahihinuha rin ang nadarama ng ibang tao sa iba’t ibang kalagayankaya madali siyang makiramay.Pamamahala ng Pakikipag-ugnayan (RelationshipManagement). Naipakikita ng mga mag-aaral ang pagpapanatiling katatagan, malusog, at maayos na pakikipag-ugnayan sakapuwa nang may pagtutulungan. Madali silang maging kabahaging isang team o grupo. Napaglalabanan ang anumang panggigipitat naiiwasan, napamamahalaan, at kayang lutasin ang anumangkasalungat na saloobin. Sila rin ay humihingi ng tulong kungkinakailangan.Mapananagutang Pagpapasiya(ResponsibleDecisionMaking).Dito, ang mga mag-aaral ay nakabubuo ng isang desisyon nanaaayon sa etikal na pamantayan na may pagsasaalang-alang sakaligtasan. Ang anumang desisyon ay naaangkop sa panlipunangkaugalian, na may paggalang sa kapuwa, at inaasahan anganumang kahihinatnan ng iba’t ibang pagkilos. vii
Yunit II Talaan ng Nilalaman Pakikipagkapuwa-tao ..............………………………..…..43 Aralin 1 Pagkakamali Ko, Itutuwid Ko……..........................…….….46 Aralin 2 Puna at Mungkahi Mo, Tanggap Ko …..........…........……...51 Aralin 3 Mga Biro Ko, Iniingatan Ko…………….......…..…………….56 Aralin 4 Damdamin Mo, Nauunawaan Ko………………………........63 Aralin 5 Kapuwa Ko, Nandito Ako!……… ….……..……..........…….67 Aralin 6 Igagalang Ko, Oras ng Pahinga Mo……….……...….…..…74 Aralin 7 Mga Gawain Mo, Igagalang Ko…………………............…. 78 Aralin 8 Ingatan Natin, Pasilidad na Gagamitin……..........…….…..82 Aralin 9 Kaaya-ayang Kapaligiran: Sa Sarili at Kapuwa….... ....…. 88 Mungkahing Pangwakas na Gawain Para sa Yunit II………......….....93Appendix A Unang Markahang Pagsusulit…………....……..............212 Yunit I………….......………………………….…..……………...............212 Yunit II...............………....…………………..…………..……………....217 Yunit III....…………………….…………………………………..............221 Yunit IV……………………………………………..……………............ 230Appendix B ……………………….....…………..…………………….......236 B.1 Mapa ng Pilipinas …………………..……………...............236 B.2 Si Jacob Maentz ng Katutubo Project at ang kaniyang mga kuhang larawan ng iba’t ibang pangkat etniko .……237 B.3 Republic Act 9003 – The Ecological Solid Waste Management Act of 2003 ……...........……..……………...244 B.3 Sunog Basura Fact Sheet ….……………..…………….... 245Talasalitaan………………..………………..………………….……..........253 viii
xi Republika ng Pilipinas Kagawaran ng Edukasyon DepEd Complex, Meralco Avenue Lungsod ng Pasig K to12 Gabay Pangkurikulum EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO Baitang 4 Disyembre 2013
xii K to 12 BASIC EDUCATION CURRICULUM ANG BATAYANG KONSEPTWAL NG EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO Ang tunguhin o ”outcome” ng pag-aaral sa batayang edukasyon ay ang panlahatang pag–unlad taglay ang mga kasanayan sa ika–dalawampu’t isang siglo. Taglay ito ng isang mag-aaral kung mayroon siyang mga kakayahang pangkaalaman, pandamdamin at pangkaasalan na magbibigay sa kanya ng kakayahan upang: 1. mamuhay at magtrabaho 2. malinang ang kanyang mga potensiyal 3. magpasiya nang mapanuri at batay sa impormasyon 4. makakilos nang epektibo sa lipunan at pamayanan sa konteksto ng sandaigdigan upang mapabuti ang uri ng kanyang pamumuhay at ng kanyang lipunan (Literacy Coordinating Council, Setyembre 1997). Ibinatay ang kahulugan at ang limang palatandaan nito sa Apat na Batayan (Pillar) ng Edukasyon at sa konsepto ng UNESCO tungkol sa mga panghabambuhay na kakayahan (life skills) na binuo ng International Commission on Education para sa ika-21 siglo. Ang sumusunod ang limang palatandaan nito: (a) may kakayahang makipagtalastasan, (b) nag-iisip nang mapanuri at may kakayahang lumutas ng suliranin, (c) ginagamit ang mga likas na yaman nang mapanagutan para sa susunod na salinlahi at (d) produktibo, napauunlad ang sarili at ang pakikipagkapwa, at (e) may malawak na pananaw sa daigdig. Sa Edukasyon sa Pagpapakatao (EsP), ang palatandaan o batayang kakayahan ng functional literacy ay nagpapasya at kumikilos nang mapanagutan tungo sa kabutihang panlahat. Ibig sabihin, nilalayon ng EsP na linangin at paunlarin ang pagkataong etikal ng mag-aaral. Ang EsP ay naglalayong gabayan ang mag-aaral na mahanap / matagpuan ang kabuluhan ng kanyang buhay, ang papel niya sa lipunang Pilipino upang makibahagi siya sa pagtatayo ng pamayanang pinaiiral ang katotohanan, kalayaan, katarungan at pagmamahal. Upang maipamalas ito, kailangang taglay niya ang limang pangunahing kakayahan (macro skills)*: pag-unawa, pagninilay, pagsangguni, pagpapasiya at pagkilos. 1. Pag-unawa. Mahalagang maipamalas niya ang kakayahang mahinuha ang mga konsepto at prinsipyong nagbibigay-paLiwanag sa sariling karanasan, mga sitwasyong namasid, sinuri at pinagnilayan gamit ang obhektibong pamantayan ng moral na pamumuhay. 2. Pagninilay. Sa gitna ng mabilis na daloy ng impormasyon at ingay ng kapaligiran, kailangang mag-ukol ng panahon ang mag-aaral sa maingat at malalim na pag-iisip sa mga sitwasyong naobserbahan at mga konseptong natutuhan tungkol sa moral na pamumuhay. 3. Pagsangguni. Kailangang humingi siya ng payo o gabay sa mga taong may higit na kaalaman o kasanayan sa moral na pamumuhay at marunong magsala (weigh) ng mga impormasyong mula sa iba’t ibang uri ng media batay sa obhektibong pamantayan ng moral na pamumuhay. 4. Pagpapasiya. Kailangang matuto siyang bumuo ng sariling posisyon, paniniwala, paninindigan o kilos na isasagawa batay sa obhektibong pamantayan ng moral na pamumuhay. 5. Pagkilos. Mahalagang mailapat niya ang konsepto o prinsipyong nahinuha mula sa mga konkretong sitwasyon ng buhay at maipakita ang kahandaang isabuhay ang mga mabuting ugali (virtues) na natutuhan batay sa obhektibong pamantayan ng moral na pamumuhay.
xiii K to 12 BASIC EDUCATION CURRICULUM Ang mga pangunahing kakayahang ito ay nililinang sa apat na tema sa bawat taon sa paraang “expanding spiral” mula Kindergarten hanggang Grade 12. Ang sumusunod ang apat na tema: (a) Pananagutang Pansariliat Pagiging Kasapi ng Pamilya , (b) Pakikipagkapwa at Katatagan ng Pamilya, (c) Paggawa Tungo sa Pambansang Pag-unlad at Pakikibahagi sa Pandaigdigang Pagkakaisa, at (d) Pagkamaka-Diyos at Preperensya sa Kabutihan. Pitong pangunahing pagpapahalaga (core values) ang nililinang sa mga temang ito: Kalusugan at Pakikiisa sa Kalikasan, Katotohanan at Paggalang, Pagmamahal at Kabutihan, Ispiritwalidad, Kapayapaan at Katarungan, Likas-kayang Pag-unlad, Pagkamaka-Pilipino at Pakikibahagi sa Pambansang Pagkakaisa (Values Education for the Filipino: 1997 Revised Version of the DECS Values Education Program, ph. 10-11). Ang Pilosopiya at mga Batayang Teorya ng Pagtuturo-Pagkatuto Ang Batayang Konseptwal ng Edukasyon sa Pagpapakatao ay batay sa pilosopiyang Personalismo tungkol sa pagkatao ng tao at sa Etika ng Kabutihang Asal (Virtue Ethics). Ayon sa pilosopiya ng Personalismo, nakaugat lagi sa pagpapakatao ang ating mga ugnayan. Nililikha natin ang ating pagpapakatao sa ating pakikipagkapwa. Sa Virtue Ethics naman, sinasabing ang isang mabuting tao ay nagsasabuhay ng mga virtue o mabuting gawi (habits) at umiiwas sa mga bisyo o masamang gawi. Samakatwid, ang nagpapabuti sa tao ay ang pagtataglay at ang pagsasabuhay ng mga mabuting gawi. Sa murang edad na 6 hanggang 12 taon, maaaring hindi pa lubos na maunawaan ng isang bata ang kanyang pagkatao bilang tao ayon sa paLiwanag ng pilosopiyang Personalismo. Ngunit maaari siyang sanayin sa mga virtue at pagpapahalaga upang lumaki siyang isang mabuting tao. Sa mga edad na ito, mauunawaan niya na dapat siyang magpakabuti hindi lamang sapagkat ito ang inaasahan sa kanya ng lipunan kundi dahil tao siya - may dignidad at likas ang pagiging mabuti. May dignidad ang tao dahil siya ay bukod-tangi at may ugnayan sa kanyang kapwa, sa Diyos, at kalikasan. Ang Interaktibong Teorya ng Pagkatuto (Social Learning Theory) ni Albert Bandura, Pagkatutong Pangkaranasan (Experiential Learning) ni David Kolb, Konstruktibismo (Constructivism) at Teorya ng Pamimili ng Kurso (Theory of Career Development) ni Ginzberg, et. al. at Super ang iba pang teorya na nagpapaLiwanag kung paano natututo ang mag-aaral sa EsP. Ayon sa paLiwanag ng Interaktibong Teorya ng Pagkatuto (Social Learning Theory) ni Albert Bandura, maaaring makuha sa pagmamasid sa ibang tao ang mga pagkatuto tulad ng pagkakaroon ng mabuting ugali at bagong impormasyon. Ayon pa rin sa teoryang ito, mahalaga ang mga iniisip ng tao sa kanyang pagkatuto ngunit hindi nangangahulugang magbubunga ito ng pagbabago sa kilos. Ang mga karanasan din ang pinagkukunan ng mga pagkatuto ayon kay David Kolb at sa Teorya ng Pagkatuto ng Konstruktibismo. Ayon saTeorya ng Pagkatutong Pangkaranasan ni Kolb, ang mga nasa edad (adults) ay natututo sa pamamagitan ng kanilang pagninilay sa kanilang mga karanasan, pagbuo ng mga konklusyon o insight mula sa mga ito, at paglalapat ng mga ito sa angkop na mga sitwasyon ng buhay. Sinusuportahan ang pananaw ni Kolb ng Teorya ng Konstruktibismo. Sinasabi ng teoryang ito nanagkakaroon ng pagkatuto ang tao at gumagawa ng kabuluhan (meaning) batay sa kanyang mga karanasan. Naipamamalas ito sa pagtuturo sa pamamagitan ng pagbibigay ng tuon sa mag-aaral. Nagkakaroon siya ng mga bagong pagkatuto gamit ang mga tanong ng guro at ng kanyang malikhaing paraan.
xiv K to 12 BASIC EDUCATION CURRICULUM Nailalapat ang mga pagkatutong ito sa paggawa ng mga pasiya tulad ng kukuning kurso o propesyon. Ayon sa Teorya ng Career Development nina Ginzberg, et. al. at Super, dumadaan sa iba’t ibang yugto ang pagpapasya ng bata ukol sa kurso o propesyon batay sa kanyang pagtingin sa sarili (self-concept), saloobin (attitude) at mga pagpapahalaga. Tinatanggap o tinatanggihan niya ang isang kurso o trabaho batay sa obserbasyon niya (halimbawa, mga kilos ng kanyang magulang ayon sa propesyon nito) at sa tinuturing niyang mahalaga (halimbawa, malaking sweldo o paglilingkod sa lipunan). Mga Disiplina ng Edukasyon sa Pagpapakatao Ang nilalaman at istraktura ng Edukasyon sa Pagpapakatao ay nakaankla sa dalawang disiplina: Ethics at Career Guidance. Ang Etika ay ang siyensya ng moralidad ng kilos ng tao. Samantalang Career Guidance naman ang paggabay sa mag-aaral na magpasiya ng kursong akademiko, sining at isports o teknikal-bokasyonal na tugma sa kanyang mga talento, kakayahan at aptitude at mga trabahong kailangan ng industriya. Mga Dulog sa Pagtuturo Ang mga pangunahing dulog na gagamitin sa pagtuturo ng mga konsepto ay ang pagpapasyang etikal (ethical decision making) sa pamamagitan ng pagsusuri ng suliranin o isyu), ang Panlipunan–Pandamdaming Pagkatuto (Social-Emotional Learning), at pagpaplano ng kursong akademiko o teknikal-bokasyonal. Ang paggawa ng pagpapasyang etikal o moral ay ang pagbuo ng pasiya na may preperensya sa kabutihan at magpapatingkad o maglilinang ng pagkatao ng tao. Proseso ito na kinapapalooban ng (a) pag-alam sa mga detalye ng sitwasyon at (b) maingat na pagsasaalang-alang ng mga moral na pagpapahalaga na mahalaga sa isang sitwasyon. Mahalaga rin dito ang pagiging sensitibo sa mga aspetong moral ng mga sitwasyon sa pang-araw-araw na buhay at ang kamalayan sa mga tao o pangkat na maaapektuhan ng pasiya. Ang Panlipunan–Pandamdaming Pagkatuto (Social-Emotional Learning) ay ang pagkakaroon ng mga kakayahang kailangan sa pagkilala at pamamahala ng sarili, paglinang ng pagmamalasakit sa kapwa, paggawa ng mapanagutang pasiya, pakikipag-ugnayan, at pagharap nang epektibo sa mga mapanghamong sitwasyon. Paraan ito ng paglinang ng mga kakayahan ng mag-aaral upang magtagumpay sa mga gawain sa buhay. Nahahati sa limang uri ang mga kakayahang ito: Kamalayang Pansarili, Pamamahala ng Sarili, Kamalayang Panlipunan, Pamamahala ng Pakikipag-ugnayan at Mapanagutang Pagpapasiya.
xv K to 12 BASIC EDUCATION CURRICULUM Pilosopiya ng Personalismo Figure 1. Ang Batayang Konseptwal ng Edukasyon sa Pagpapakatao
K to 12 BASIC EDUCATION CURRICULUM Deskripsyon ng Asignatura Ang Edukasyon sa Pagpapakatao (EsP) ay isa sa mga asignatura ng Pinaunlad na Programa ng Batayang Edukasyon na K to 12 na gagabay at huhubog sa mga kabataan. Tunguhin nito ang paghubog ng kabataang nagpapasya at kumikilos nang mapanagutan tungo sa kabutihang panlahat. Nangangahulugan ito na lilinangin at pauunlarin ang pagkataong etikal ng bawat mag-aaral. Upang maipamalas ito, kailangang magtaglay siya ng limang pangunahing kakayahan (macro skills): pag-unawa, pagninilay, pagsangguni, pagpapasya at pagkilos. Nililinang sa apat na tema sa bawat antas mula Kindergarten hanggang Baitang 10 ang mga pangunahing kakayahang ito: (a) Pananagutang Pansarili at Mabuting Kasapi ng Pamilya, (b) Pakikipagkapwa-tao, (c) Paggawa Tungo sa Pambansang Pag-unlad at Pakikibahagi sa Pandaigdigang Pagkakaisa, at (d) Pananalig at Pagmamahal sa Diyos at Paninindigan sa Kabutihan. MGA PAMANTAYAN SA PROGRAMA (LEARNING AREASTANDARDS) Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa mga konsepto sa pananagutang pansarili, pamilya, kapwa, bansa/daigdig at Diyos; nakapagpapasiya at nakakikilos nang mapanagutan tungo sa kabutihang panlahat upang mamuhay nang maayos at maligaya.xvi PANGUNAHING PAMANTAYAN NG BAWAT YUGTO (KEYSTAGE STANDARDS) K – Baitang 3 Baitang 4 – 6 Baitang 7 – 10 Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa mga konsepto at gawaing nagpapakita ng pananagutang konsepto at gawaing nagpapakita ng pananagutang konsepto sa pananagutang pansarili, pagkatao ng tao, pansarili, pampamilya, pagmamahal sa kapwa/ pansarili, pampamilya, pagmamahal sa kapwa, sa pamilya at pakikipagkapwa, lipunan, paggawa at mga pamayanan, sa bansa at sa Diyos tungo sa maayos at bansa/ daigdig at sa Diyos tungo sa kabutihang pagpapahalagang moral at nagpapasiya at kumikilos masayang pamumuhay. panlahat. nang mapanagutan tungo sa kabutihang panlahat upang mamuhay nang may kaayusan at kaligayahan.
K to 12 BASIC EDUCATION CURRICULUM ANG BATAYANG KONSEPTWAL NG EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO Grade Level Standards (Pamantayan sa Bawat Baitang/Antas) BAITANG PAMANTAYAN Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa pagkakaroon ng kamalayan sa paggalang at pagmamahal sa sarili, kapwa at Diyos K bilang gabay tungo sa maayos at masayang tahanan. 1 Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa mga paraan ng paggalang sa sarili, kapwa, bansa at Diyos bilang gabay tungo sa maayos at masayang tahanan at paaralan.xvii Naipamamalasng mag-aaral ang pag-unawa sa pagpapakikita ng mga kilos na nagpapahalaga sa sarili, kapwa, bansa, Diyos at sa 2 Kanyang mga nilikha bilang patnubay sa maayos at masayang paaralan at pamayanan. Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa mga gawain na nagpapakita ng pagpapahalaga tungo sa maayos at masayang 3 pamumuhay na may mapanagutang pagkilos at pagpapasiya para sa sarili, kapwa, pamayanan, bansa at Diyos . Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa mga makabuluhang gawain na may kaakibat na pagpapahalaga tungo sa wasto, 4 maayos, masaya at mapayapang pamumuhay para sa sarili, kapwa, bansa at Diyos. Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa masusing pagsusuri sa pagpapahayag, pagganap ng tungkulin na may 5 pananagutan at pagsasabuhay ng mga ito tungo sa masaya, mapayapa at maunlad na pamumuhay para sa sarili/ mag-anak, kapwa/ pamayanan, bansa/ daigdig at Diyos.
K to 12 BASIC EDUCATION CURRICULUM BAITANG PAMANTAYAN Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa mga gawain na tumutulong sa pag-angat ng sariling dignidad, pagmamahalsa 6 kapwa na may mapanagutang pagkilos at pagpapasiya tungo sa maayos, mapayapa at maunlad na pamumuhay para sa kabutihang panlahat. Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa mga angkop na inaasahang kakayahan at kilos sa panahon ng pagdadalaga / 7 pagbibinata, kakayahan at talento, hilig at pagkatao ng tao tungo sa pagtupad ng mga tungkulin sa sarili, sa kapwa, sa bansa/ daigdig at sa Diyos at pagtatakda ng mithiin upang mapanagutan ang kahihinatnan ng mga pasya at kilos. Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa layunin at kahalagahan ng pamilya at pakikipagkapwa upang maging mapanagutan sa 8 pakikipag-ugnayan sa iba tungo sa makabuluhang buhay sa lipunan.xviii 9 Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa mga konsepto tungkol sa lipunan at paggawa bilang paglilingkod tungo sa tamang pagpili ng kurso o hanapbuhay na magiging makabuluhan at kapaki-pakinabang sa kanya at sa lipunan. 10 Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa mga konsepto tungkol sa pagkatao ng tao, makataong kilos, pagpapahalagang moral at mga isyung moral at nagpapasya at kumikilos nang may preperensya sa kabutihan upang maging matatag sa gitna ng mga isyung moral at impluwensya ng kapaligiran.
Pamantayan Para sa K to 12 BASIC EDUCATION CURRICULUM Baitang 4 BAITANG 4 Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa mga makabuluhang gawain na may kaakibat na pagpapahalaga tungo sa wasto, maayos, masaya at mapayapang pamumuhay para sa sarili, kapwa, bansa at Diyos. BATAYANG PAMANTAYANG PAMANTAYAN PAMANTAYAN SA PAGKATUTO CODE PAGPAPAHALAGA/ PANGNILALAMAN SA PAGGANAP ( Learning Competencies) MGA KAUGNAY NA (Content Standard) (Performance Standard) EsP4PKP- PAGPAPAHALAGA 1. Nakapagsasabi ng katotohanan anuman ang Ia-b – 23 maging bunga nito EsP4PKP- I. Pananagutang Pansarili at Mabuting Kasapi ng Pamilya – Unang Markahan Ic-d – 24 2. Nakapagsusuri ng katotohanan bagoxix 1. Katatagan ng loob Naipamamalas ang pag- Naisasagawa nang may gumawa ng anumang hakbangin: EsP4PKP- (Fortitude) unawa sa kahalagahan mapanuring pag-iisip ang Ie-g - 25 ng pagkakaroon ng tamang pamamaraan/ 2.1. pagsangguni sa taong kinauukulan 2. Pagkamatiyaga katatagan ng loob, pamantayan sa pagtuklas (Perseverance) mapanuring pag-iisip, ng katotohanan. 3. Nakapagninilay ng katotohanan mula sa pagkamatiyaga, mga: 3. Pagkamapagtiis pagkamapagtiis, (Patience) pagkabukas-isip, 3.1. balitang napakinggan pagkamahinahon at 3.2. patalastas na nabasa/narinig 4. Mapanuring pag-iisip pagmamahal sa 3.3. napanood na programang pantelebisyon (Critical thinking) katotohanan na 3.4. nababasa sa internet at mga social magpapalaya sa 5. Pagkakaroon ng anumang alalahanin sa networking sites bukas na isipan buhay ng tao bilang (Open-mindedness) kasapi ng pamilya 6. Pagmamahal sa 4. Nakapagsasagawa nang may mapanuring EsP4PKP- katotohanan (Love of pag-iisip ng tamang pamamaraan/ Ih-i - 26 truth) pamantayan sa pagtuklas ng katotohanan. 7. Mapagpasensiya (Patience/Self- Control) 8. Pagkamahinahon (Calmness)
K to 12 BASIC EDUCATION CURRICULUM BATAYANG PAMANTAYANG PAMANTAYAN PAMANTAYAN SA PAGKATUTO CODE PAGPAPAHALAGA/ PANGNILALAMAN SA PAGGANAP ( Learning Competencies) MGA KAUGNAY NA (Content Standard) (Performance Standard) PAGPAPAHALAGA II. Pakikipagkapwa-tao -Ikalawang Markahan 1. Pagdama at pag- Naipamamalas ang pag- Naisasagawa nang 5. Nakapagpapakita ng pagkamahinahon sa EsP4P- IIa- unawa sa damdamin unawa na hindi mapanuri ang tunay na damdamin at kilos ng kapwa tulad ng: c–18 ng iba (Empathy) naghihintay ng kahulugan ng anumang kapalit ang pakikipagkapwa 5.1. pagtanggap ng sariling pagkakamali at EsP4P- 2. Pagkabukas-palad paggawa ng mabuti pagtutuwid nang bukal sa loob IId–19 (Generosity) 5.2. pagtanggap ng puna ng kapwa nang EsP4P- 3. Pagkamatapat/Pagigi maluwag sa kalooban IIe– 20 ng Totoo (Sincerity/Honesty) 5.3. pagpili ng mga salitang di-nakakasakit ng damdamin sa pagbibiro 6. Nakapagbabahagi ng sariling karanasan o makabuluhang pangyayaring nagpapakita ng pang-unawa sa kalagayan/pangangailangan ng kapwa 7. Naisasabuhay ang pagiging bukas-palad sa 7.1. mga nangangailangan 7.2. panahon ng kalamidadxx 8. Nakapagpapakita ng paggalang sa iba sa mga sumusunod na sitwasyon: 4. Paggalang (Respect) Naisasagawa ang 5. Kabutihan (Kindness) paggalang sa karapatan 8.1. oras ng pamamahinga ng kapwa 8.2. kapag may nag-aaral 8.3. kapag mayroong maysakit 8.4. pakikinig kapag may nagsasalita/ EsP4P-IIf- i– 21 nagpapaLiwanag 8.5. paggamit ng pasilidad ng paaralan nang may pag-aalala sa kapakanan ng kapwa 8.5.1. palikuran 8.5.2. silid-aklatan 8.5.3. palaruan 8.6. pagpapanatili ng tahimik, malinis at kaaya-ayang kapaligiran bilang paraan ng pakikipagkapwa-tao
K to 12 BASIC EDUCATION CURRICULUM BATAYANG PAMANTAYANG PAMANTAYAN PAMANTAYAN SA PAGKATUTO CODE PAGPAPAHALAGA/ PANGNILALAMAN SA PAGGANAP ( Learning Competencies) MGA KAUGNAY NA (Content Standard) (Performance Standard) EsP4PPP- PAGPAPAHALAGA IIIa-b–19 III. Pagmamahal sa Bansa at Pakikibahagi sa Pandaigdigang Pagkakaisa – Ikatlong Markahan EsP4PPP- IIIc-d–20 1. Pagmamahal sa Naipamamalas ang pag- Naisasabuhay ang mga 9. Nakapagpapakita ng kawilihan sa pakikinig o Bansa unawa sa pagmamahal gawaing nagpapakita ng pagbabasa ng mga pamanang kulturang sa bansa sa pagpapahalaga sa kultura materyal (hal. kuwentong bayan, alamat, 1.1. Pagpapahalaga pamamagitan ng mga epiko) at di-materyal (hal. mga sa Kultura pagpapahalaga sa magagandang kaugalian, pagpapahalaga sa (Appreciation of kultura nakatatanda at iba pa) One’s Culture) 10. Naipagmamalaki/napahahalagahan angxxi nasuring kultura ng iba’t ibang pangkat etniko tulad ng kuwentong-bayan, katutubong sayaw, awit, laro at iba pa 2. Likas-kayang Pag- Naipamamalas ang pag- Naisasabuhay ang patuloy 11. Nakasusunod sa mga batas/panuntunang EsP4PPP- unlad unawa sa kahalagahan na pagninilay para pinaiiral tungkol sa pangangalaga ng IIIe-f–21 2.1. Pagkakaroon ng ng pagkakaroon ng makapagpasya nang kapaligiran kahit walang nakakakita Disiplina sariling disiplina para sa wasto tungkol sa epekto EsP4PPP- (Discipline) bansa tungo sa ng tulong-tulong na 12. Nakatutulong sa pagpapanatili ng kalinisan IIIg-i–22 pandaigdigang pangangalaga ng at kaayusan ng kapaligiran saanman sa 3. Pandaigdigang pagkakaisa kapaligiran para sa pamamagitan ng: Pagkakaisa kaligtasan ng bansa at (Globalism) daigdig 12.4. segregasyon o pagtapon ng mga 3.1. Kalinisan at basurang nabubulok at di-nabubulok Kaayusan sa tamang lagayan 12.5. pag-iwas sa pagsunog ng anumang bagay 12.6. pagsasagawa ng muling paggamit ng mga patapong bagay (Recycling)
K to 12 BASIC EDUCATION CURRICULUM BATAYANG PAMANTAYANG PAMANTAYAN PAMANTAYAN SA PAGKATUTO CODE PAGPAPAHALAGA/ PANGNILALAMAN SA PAGGANAP ( Learning Competencies) MGA KAUGNAY NA (Content Standard) (Performance Standard) EsP4PD- PAGPAPAHALAGA IVa-c–10 IV. Pananalig at Pagmamahal sa Diyos; Paninindigan sa Kabutihan – Ikaapat na Markahan EsP4PD- IVd–11 13. Napahahalagahan ang lahat ng mga likha: EsP4PD- 1. Ispiritwalidad Nauunawaan at Naisasabuhay ang may buhay at mga materyal na bagay IVe-g–12 (Spirituality) naipakikita ang pananalig sa Diyos sa 13.1. Sarili at kapwa-tao: EsP4PD- IVh-i –13 pananalig sa Diyos sa pamamagitan ng 13.1.1. pag-iwas sa pagkakaroon ng sakit 2. Pagmamahal sa pamamagitan ng paggalang, pagtanggap at 13.1.2. paggalang sa kapwa-tao Diyos (Love of God) paggalang, pagtanggap pagmamahal sa mga likha at pagmamahal sa mga 13.2. Hayop: 3. Pag-asa (Hope) likha 13.2.1. pagkalinga sa mga hayop na ligaw at endangered 4. Pagkakawanggawa (Charity) 13.3. Halaman : pangangalaga sa mga halaman gaya ng : 13.3.1. pag-aayos ng mga nabuwal halamanxxii 13.3.2. paglalagay ng mga lupa sa paso 13.3.3. pagbubungkal ng tanim na halaman sa paligid 13.4. Mga Materyal na Kagamitan: 13.4.1. pangangalaga sa mga materyal na kagamitang likas o gawa ng tao
K to 12 BASIC EDUCATION CURRICULUM CODE BOOK LEGEND Sample: EsP10PB-IIIg-12.1 LEGEND SAMPLE DOMAIN/ COMPONENT CODE Edukasyon sa PKP Learning Area and Pagpapakatao EsP Tungkulin Ko Sa Aking Sarili at Pamilya P Strand/ Subject or 10 PPP Baitang 10 Mahal Ko, Kapwa Ko PD Specialization PS Para Sa Kabutihan ng Lahat, Sumunod Tayo PT First Entry PB Paggawa ng Mabuti, Kinalulugdan ng Diyos P Grade Level Pagkilala at Pamamahala sa mga Pagbabago sa IP Sarili PL Uppercase Letter/s Domain/Content/ Ang Pagpapahalaga at PB Ang Pagkatao ng Tao TT Component/ Topic Birtud - KPxxiii III Ang Pagpapahalaga at Birtud PK Roman Numeral Quarter Ikatlong Markahan g Ang Pakikipagkapwa *Zero if no specific quarter Week - MP Ikapitong linggo 12.1 Mga Isyu sa Pakikipagkapwa MK Lowercase Letter/s Competency PI *Put a hyphen (-) in between NakapagpapaLiwanag ng Ang Papel ng Lipunan sa Tao letters to indicate more than a kahalagahan ng pangangalaga sa Ang Tungkulin ng Tao sa Lipunan specific week kalikasan Mga Kaugnay na Pagpapahalaga sa Paggawa Arabic Number Mapanagutang Pagpaplano ng Kursong Akademiko o Teknikal-Bokasyonal, Sining at Isports, Negosyo o Hanapbuhay Ang Moral na Pagkatao Ang Makataong Kilos Ang Aking Posisyon sa mga Isyung Moral
Yunit IIPakikipagkapuwa-tao 43
Ang kasabihang “Those who are happiest are those who do themost for others” ay sumusuporta sa konsepto ng pakikipagkapuwa-tao.Walang taong maaaring mabuhay na nag-iisa. Ang pakikipagkapuwa-taoay kinakailangang maisaisip, maisapuso, at maisabuhay ng bawat isa mulasa kaniyang pagkabata upang umunlad tayo bilang isang indibidwal, isangpamayanan, at isang bansa. Ang katatagan ng mga yunit ng lipunan aynaka-ugat sa makabuluhang pakikipagkapuwa-tao ng mga kasapi nito.Nais ipahatid ng kasabihan na nakapagbibigay ng kaligayahan sa isangtao ang pag-unawa sa damdamin at pagtulong sa kapuwa. Ang yunit na ito ay gagabay sa iyo bilang guro, upang maikintalsa isip at puso ng bawat mag-aaral ang mga pagpapahalaga sa bawatkakayahan. Ang mga pagpapahalaga tulad ng pagdama at pag-unawa sadamdamin ng iba, pagkabukas-palad, at kabutihan ay ipoproseso bilangbahagi ng pagbuo sa pagkatao ng bawat batang Pilipino. Pinahahalagahan ng yunit na ito ang pagkakaugnay-ugnay ng mgaaralin, at ang mga gawain na tumutugon sa pangangailangan ng isangindibidwal patungo sa isang ganap na pagpapakatao. Tatalakayin din ditoang iba’t ibang paraan ng pakikipagkapuwa-tao at mapagninilayan ang mgapagkakataon na kumikilos ang tao para sa sarili at sa kaniyang kapuwa nghindi naghihintay ng anumang kapalit sa paggawa ng mabuti. Binibigyang-pansin din ang paggalang sa karapatan ng kapuwa. Nahahati sa siyam (9) na aralin ang Ikalawang Yunit namagsasakatuparan ng mga pagpapahalaga at kaisipang pangnilalaman:Aralin 1: Pagkakamali Ko, Itutuwid KoAralin 2: Puna at Mungkahi Mo, Tanggap KoAralin 3: Mga Biro Ko, Iniingatan KoAralin 4: Damdamin Mo, Nauunawaan KoAralin 5: Kapuwa Ko, Nandito Ako!Aralin 6: Igagalang Ko, Oras ng Pahinga MoAralin 7: Mga Gawain Mo, Igagalang KoAralin 8: Ingatan Natin, Pasilidad na GagamitinAralin 9: Kaaya-ayang Kapaligiran: Sa Sarili at Kapuwa 44
Sa pagtatapos ng mga aralin sa yunit na ito, ang mga mag-aaral ayinaasahang: 1. Nakapagpapakita ng pagkamahinahon sa damdamin at kilos ng kapuwa. 2. Nakapagbabahagi ng sariling karanasan o makabuluhang pangyayaring nagpapakita ng pang-unawa sa kalagayan/ pangangailangan ng kapuwa. 3. Naisabubuhay ang pagiging bukas-palad. 4. Nakapagpapakita ng paggalang sa kapuwa sa iba’t ibang sitwasyon. Iminumungkahing talakayin ang mga aralin sa Yunit II sa loob ngsiyam (9) na linggo sa Ikalawang Markahan ng taong panuruan. 45
Aralin 1 Pagkakamali Ko, Itutuwid KoLayunin: Naisasagawa nang mapanuri ang tunay na kahulugan ng pakikipag-kapuwaPaksa/Pagpapahalaga: Pagdama at pag-unawa sa damdamin ng iba (Empathy)Mga Kagamitan: kuwaderno, sagutang papel, metacards, mga larawang nagpapakita ng iba’t ibang emosyon.Integrasyon: FilipinoPamamaraan:Alamin Natin1. Magpaskil ng mga larawang nagpapakita ng iba’t ibang emosyon (masayang mukha, malungkot na mukha, galit at iba pa). Maaaring gumamit ng laptop o tunay na larawan.2. Itanong: “Kailan ka nagiging masaya?“ “Kailan ka naman nagiging malungkot?” ‘Kailan ka rin nagagalit?”3. Gabayan ang mga mag-aaral sa pagproseso ng kanilang mga emosyon. Halimbawa: nagiging masaya ang isang tao kapag nakagawa siya ng kabutihan sa kapuwa, nalulungkot o kaya ay nagagalit kapag may nagawang pagkakamali o kaya ay nakasakit ng kapuwa.4. Ipabasa nang tahimik sa mga mag-aaral ang kuwentong “Parol ni Carla” at talakayin pagkatapos ang mga katanungan. Tanggapin at talakayin ang iba’t ibang sagot ng mga mag-aaral.5. Sikaping makapagpaliwanag ang mga mag-aaral kung bakit tama o mali ang paghingi ng paumanhin kapag nakagagawa ng pagkakamali sa kapuwa. Gamitin ang iyong kaalaman sa Art of Questioning 46
upang makuha ang nais na sagot mula sa mga mag-aaral. Itanong sa mag-aaral kung ano ang nararamdaman nila tuwing nakakakita sila ng mga taong kinukutya o kaya ay pinagtatawanan. Ipaliwanag na kapag nararamdaman nila o nauunawaan ang damdamin ng kapuwa, ang tawag dito ay empathy.6. Bilang karagdagang gawain sa Alamin Natin, (optional) payuhan ang mga mag-aaral na ipikit ang kanilang mga mata at iparinig ang kantang “Bulag, Pipi, at Bingi”. Sa bawat yugto ng buhay, may wasto at may mali Sa bawat nilalang ay may bulag, may pipi at may bingi Madilim ang ‘yong paligid, hatinggabing walang hanggan Anyo at kulay ng mundo sa ‘yo’y pinagkaitan H’wag mabahala, kaibigan, isinilang ka mang ganyan Isang bulag sa kamunduhan, ligtas ka sa kasalanan. Chorus Di nalalayo sa ‘yo ang tunay na mundo Marami sa ami’y nabubuhay nang tulad mo Di makita, di madinig, minsa’y nauutal Patungo sa hinahangad na buhay na banal. Ibigin mo mang umawit, hindi mo makuhang gawin Sigaw ng puso’t damdamin wala sa ‘yong pumapansin Sampung daliri, kaibigan, d’yan ka nila pakikinggan Pipi ka man nang isinilang, dakila ka sa sinuman. [Repeat Chorus] Ano sa ‘yo ang musika, sa ‘yo ba’y mahalaga Matahimik mong paligid, awitan ay di madinig Mapalad ka, o kaibigan, napakaingay ng mundo Sa isang binging katulad mo, walang daing, walang gulo [Repeat Chorus] Di makita, di madinig, minsa’y nauutal Patungo sa hinahangad na buhay na banal 47
Matapos pakinggan ang awit ay ipadilat ang kanilang mga mata atsabayan ang awitin. Maaari ding itanong ang sumusunod: a. Itala ang mga taong binanggit sa awit. Ano ang kanilang mga kapansanan? b. Ano ang iyong naramdaman para sa kanila habang nakikinig ka sa awit? c. Ano sa palagay mo ang nararamdaman ng mga taong may kapansanan kapag sila ay nililibak at pinagtatawanan ng mga taong nakapaligid sa kanila? d. Ano ang maaari mong gawin kapag nakita mong ang isang taong may kapansanan ay sinasaktan ng iba? e. Kung ikaw naman ang nakagawa ng pagkakamali sa iyong kapuwa, lalo na sa mga may kapansanan, paano mo ito itinutuwid? 7. Magbigay pa ng ibang halimbawa ng mga sitwasyon upang higit na maintindihan na ang pagkakamali ay nangyayari subalit dapat silang maging handa upang harapin at ituwid ang mga ito.Isagawa Natin 1. Iugnay ang Gawain 1 sa Isagawa Natin sa naging talakayan sa Alamin Natin. 2. Itanong: “Sino ang kapuwang nasaktan o nagawan mo ng pagkakamali, sinasadya man o hindi?” Maaaring ito’y mga kaibigan, kaklase, kalaro, o kapamilya at iba pa. Ipasulat ito sa unang hanay tulad ng nasa Kagamitan ng Mag-aaral. Puwede nilang isulat ang pangalan kung nais nila. Sa ikalawang hanay ay ipasulat kung anong kamalian ang nagawa, at sa ikatlong hanay ay ang paraan kung paano nila itutuwid ang pagkakamali. 48
3. Matapos ang Gawain 1 ay pangkatin sa apat ang mga mag-aaral para sa Gawain 2, upang maiproseso ang kanilang sagot. Gabayan sila sa pagbuod ng mga sagot. 4. Maghanda ng metacards na may apat na kulay upang makilala kung saang grupo galing ang sagot. Ipaliwanag sa mag-aaral ang one card one idea na ang ibig sabihin, isang sagot lang ang isusulat sa bawat metacard. Maghanda rin ng mapagdidikitang kartolina. 5. Itanong: a. “Ayon sa inyong mga sagot sa unang hanay, sino ang mas madalas nagagawan ng pagkakamali?” b. “Alin sa mga ito ang pare-parehong pagkakamali na madalas na nagagawa?” c. “Sang-ayon ba kayo sa paraan ng pagtutuwid sa pagkakamali na ginawa mula sa mga sagot ng bawat pangkat? Ipaliwanag.” 6. Talakayin nang mas malalim ang ikatlong hanay. Gabayan ang mga mag-aaral upang maintindihan nilang may mga paraan upang maituwid ang pagkakamali. Maaari rin magkaroon ng karagdarang talakayan o debate upang higit na maunawaan ang paraan ng pagtutuwid ng pagkakamali.Isapuso Natin 1. Magkaroon ng balik-aral sa mga salitang ginamit sa pagtutuwid ng pagkakamali. Pasagutan sa mga mag-aaral ang mga gawain sa Isapuso Natin sa Kagamitan ng Mag-aaral. Iproseso ito sa pamamagitan ng pagtawag sa mag-aaral upang basahin sa harap ng klase ang kanilang isinulat. 2. Itanong sa mga mag-aaral kung ano ang pagkakaunawa nila sa kasabihang “Huwag mong gawin sa kapuwa mo ang ayaw mong gawin sa iyo.” Tanggapin ang iba’t ibang kasagutan. Mahalagang maiproseso ang kanilang mga sagot. 49
3. Ipabasa at ipaunawa ang nilalaman ng Tandaan Natin. Dapat maikintal sa isip at puso ng mga mag-aaral ang pagpapahalagang tinalakay dito.Isabuhay Natin 1. Sa puntong ito ay mas malalim na ang pagkaunawa ng mga mag- aaral sa mga salitang pagtutuwid ng kamalian. Talakayin sa kanila ang kahulugan ng “sorry o patawad”. Ipaliwanag na ang salitang ito ay dapat ginagamit nang may katapatan at bukal sa loob (Sincerity). 2. Pagawain ang mga mag-aaral ng isang card para sa taong nagawan nila ng kamalian. Ipasulat sa card ang mga bagay na naging dahilan ng pagkakamali. Kailangan ding humingi sila ng tawad at paumanhin sa taong pagbibigyan ng card. Itsek muna ang card at siguraduhing maibibigay ang card na ito. 3. Ipaulat sa mga mag-aaral ang naging bunga ng paghingi ng paumanhin.Subukin Natin 1. Ipahanda sa mga mag-aaral ang sagutang papel at ipasagot ang Subukin Natin na nasa Kagamitan ng Mag-aaral. 2. Pagkatapos masagutan ng mag-aaral ang gawain, muli itong talakayin. Mahalagang malaman ang dahilan ng kanilang mga sagot. 3. Hingian ang mga mag-aaral ng natutuhan tungkol sa natapos na aralin. 50
Aralin 2 Puna at Mungkahi Mo, Tanggap KoLayunin: Nakapagpapakita ng pagkamahinahon sa damdamin at kilos ng kapuwa tulad ng pagtanggap ng puna ng kapuwa nang maluwag sa kaloobanPaksa/Pagpapahalaga: Pagdama at pag-unawa sa damdamin ng iba (Empathy), pagiging totoo (sincerity)Mga Kagamitan: kuwaderno, kartolinaIntegrasyon: ArtPamamaraan:Alamin Natin 1. Bilang pagsisimula ng aralin, gabayan ang mag-aaral sa pagtiklop ng papel tulad ng ibinigay na panuto at hakbang sa Alamin Natin sa Kagamitan ng Mag-aaral. Ipaliwanag na mabuti sa mag-aaral ang mga hakbang na susundin upang makagawa ng PUNAYPAY. Magpatugtog ng musikang mabilis ang tempo upang mas masigla ang pagpapasa ng PUNAYPAY. 2. Ibabalik ito sa may-ari at hayaang basahin niya ang isinulat na mga puna ng kaniyang kaklase. 3. Pagawain sila sa kanilang kuwaderno ng dalawang kahon upang mapagkompara ang ibinigay na mga puna. 4. Matapos ang pagsusulat ng mga mag-aaral, iproseso ang kanilang mga sagot 5. Magdagdag pa ng tanong bukod sa ibinigay sa Kagamitan ng Mag- aaral upang higit na maunawaan ng mag-aaral na dapat nilang tanggapin nang positibo maging ang mga negatibong puna. 51
Isagawa Natin 1. Ipaunawa sa mga mag-aaral na sa pang-araw-araw na buhay ay maaari silang makatanggap ng positibo at negatibong puna. Magbigay ng sariling halimbawa ayon sa karanasan. Hingan ng opinyon ang mag-aaral. 2. Ibigay na halimbawa ang pagsali ng isang kalahok sa anumang paligsahan. Halimbawa nito ang “Birit Bulilit” na tinalakay sa Gawain 1 ng Isagawa Natin sa Kagamitan ng Mag-aaral. Gabayan ang mga mag-aaral upang maunawaan nila na ang bawat tao ay maaaring mabigo o hindi matupad ang labis na inaasahan. 3. Idagdag sa mga katanungan: a. May karanasan ba kayo na tulad ng naranasan ng nasa kuwento? Maaaring sa ibang larangan kayo sumali at hindi natupad ang inyong inaasahan. b. Kapag nangyari ito sa iyo, ano ang iyong gagawin? Magagalit ka ba sa pumuna sa iyo? 4. Mahalagang maunawaan ng mag-aaral na dapat pagbuhusan nila ng pansin ang mungkahi at puna upang mas mapaunlad ang sarili. 5. Ipaunawa din sa kanila na hindi sila dapat masanay na laging negatibong puna ang kanilang matatanggap. Kailangang paunlarin ang kasanayan upang makatanggap ng mga papuri at magagandang puna. Ipaunawa sa mag-aaral na dapat maging competent at competitive upang mas maging maayos ang pagtupad sa mga pangarap sa buhay. 6. Gamit ang kanilang kuwaderno, pasagutan ang Gawain 1. 7. Para sa Gawain 2, pangkatin ang klase sa apat. Gabayan ang bawat pangkat upang makaguhit ng isang huwarang silid-aralan na nakasentro sa Pagpapahalaga o Values. Ang tema ng paligsahan 52
ng mga silid-aralan ay makabuo ng classroom of characters na tinawag nilang “Pagpapahalaga sa Class Home Ko”. Hindi lamang sa dekorasyon makikita ang Pagpapahalaga kundi sa kilos at pag- uugali ng mga mag-aaral.8. Pagawain sila ng action plan kung anong Pagpapahalaga (Values) ang bibigyang-diin bawat buwan. Tuwing katapusan ng buwan ay may mananalong silid-aralan. Ang iginuhit na huwarang silid-aralan ay susukatin sa pamamagitan ng sumusunod na pamantayan sa ibaba. Anyayahan ang Guidance Counselor, kinatawan ng Supreme Pupil Government at kinatawan ng Samahan ng Magulang at Guro upang maging hurado Mga Pamantayan 32 1Nakapokus ang May pokus ang Kulang sa Hindi nabigyangdekorasyon sa pansin angPagpapahalagang planong ayos pokus ang nais ipokus nabinibigyang-diin. Pagpapahalaga ng silid-aralan. plano. (Values) sa planong Maayos at pagpapaganda ng silid-aralan. organisado ang pagkakalagay ng mga Pagpapahalagang (Values) nais bigyang-diin.Tamang saloobin Ang bawat kasapi Hindi Hindi nakapag- ng pangkat ay gaanong ulat ng outputsa pagpapakita ng nagpakita ng nagpakita ngoutput positibong pag- kasiglahan ang pangkat. uugali sa pag- sa pag-uulat uulat ng output. ang mga Halimbawa: kasapi ng Magalang sa pag- pangkat. uulat. 53
Isapuso Natin 1. Ipabasa nang tahimik ang mga sitwasyon sa Isapuso Natin sa Kagamitan ng Mag-aaral. 2. Gamit ang kuwaderno, ipasulat sa mag-aaral ang kanilang magiging pasiya kung dumating ang katulad ng ibinigay na sitwasyon sa kanila. 3. Iproseso ang sagot ng mag-aaral. Ipabasa nang malakas ang sagot ng bawat isa. (Gawan ng paraan na makapagbasa ang bawat mag- aaral ng isang sagot). 4. Ang mga impormasyon sa Tandaan Natin ay dagdag na kaalaman para sa mag-aaral. Inaasahan na may malawak na pagpapaliwanag ang guro upang mas maramdaman ng mag-aaral ang araling ito. 5. Maaaring magamit sa pagpapaliwanag ang kaalaman tungkol sa Teorya ng Interaktibong Pagkatuto (Interactive Learning Theory) ni Albert Bandura. Sinasabi sa teoryang ito na ang isang tao ay maaaring matuto sa pamamagitan ng pagmamasid at pagkuha ng bagong impormasyon sa kaniyang kapuwa. 6. Iugnay ang teoryang ito sa paraan ng pagtanggap ng mga puna at papuri.Isabuhay Natin 1. Bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng wikang pambansa, atasan ang mag-aaral na magsaliksik ng buhay ni Manuel L. Quezon, ang ama ng Wikang Filipino. 2. Pangkatin ang klase sa apat at bigyan ang bawat pangkat ng sapat na oras upang makapaghanda ng tatlong minutong pagsasadula ng isang bahagi ng buhay ni Manuel L. Quezon. 3. Gabayan ang bawat pangkat upang makapagbigay ng puna sa presentasyon ng ibang pangkat. 54
4. Gabayan ang mag-aaral upang maipakita ang mahinahong pagtanggap ng negatibo at positibong puna sa kanilang pagtatanghal. 5. Kung may mag-aaral na magpapakita ng pagkapikon sa mga natanggap na puna, muling balikan ang mga paraan ng mahinahong pagtanggap ng mga ito.Subukin Natin 1. Gamit ang kuwaderno ng mga mag-aaral, pasagutan ang Subukin Natin sa Kagamitan ng Mag-aaral. 2. Hingan ng insights ang mga mag-aaral hinggil sa natapos na aralin. 55
Aralin 3 Mga Biro Ko, Iniingatan KoLayunin: Pagpili ng mga salitang di nakasasakit ng damdamin sa pagbibiroPaksa/Pagpapahalaga: Pagdama at pag-unawa sa damdamin ng iba (Empathy), pagiging totoo (Sincerity)Mga Kagamitan: video clip ng isang comedy show, larawan ng mga batang binu-bully ng kapuwa bata (na may speech balloon), kopya ng Anti-Bullying Act of 2013Integrasyon: Araling Panlipunan; R.A. 10627Pamamaraan:Alamin Natin(Inaasahang may kaalaman ang guro sa Republic Act 10627 o Anti-BullyingAct of 2013 bago simulan ang araling ito) 1. Simulan ang aralin sa pagpapakita ng isang video clip ng isang comedy show. Itanong: “Napanood na ba ninyo ang comedy show na ito? Nagustuhan mo ba ang palabas na ito? Bakit”? (tanggapin ang iba’t iba nilang sagot) 2. Ipakita din ang larawan ng mga batang binu-bully ng kapuwa bata. Itanong: “Naranasan mo na bang mapikon sa isang biro? Ano ang iyong ginawa”? (tanggapin ang sagot ng mga mag-aaral) 3. Ang kuwento sa Alamin Natin na nasa Kagamitan ng Mag-aaral ay maaaring isadula ng mga mag-aaral. Pumili ng mag-aaral na magbabasa ng mga pagbibirong nakasaad sa kuwento. Maaari itong ipaulit sa mga mag-aaral hanggang makapili ng pinakamahusay at pinakanakatutuwang magbiro. 56
4. Matapos basahin o isadula ang kuwento, pasagutan ang tanong nang pasalita. Ipaguhit ang isang mukha na nagpapakita ng kanilang damdamin kung sila ang nasa kalagayan ni Ikeng. Itanong sa kanila kung bakit ito ang kanilang nararamdaman. Bigyan sila ng limang minuto upang makaguhit. 5. Laging bigyang-diin ang kanilang mararamdaman kung sila ang nasa kalagayan ng kanilang kapuwa. Hingin ang opinyon ng mga mag-aaral. Hayaan din silang magkuwento ng kanilang karanasan (o karanasan ng kakilala nila) tulad ng nangyari kay Ikeng. 6. Sabihin sa mga mag-aaral na kailangan nilang magsaliksik tungkol sa Anti-Bullying Act of 2013. Maaari silang magtanong sa mga kasapi ng Child Protection and Anti-Bullying Committee ng paaralan.Isagawa NatinGawain 1 1. Sa puntong ito, ipaliwanang sa mga mag-aaral na ang kanilang ginagamit na mga salita ay maaaring makasakit ng kapuwa. 2. Pasagutan sa mga mag-aaral ang mga tanong sa Gawain 1 ng Isagawa Natin sa Kagamitan ng Mag-aaral.Gawain 2 1. Pangkatin ang klase sa apat. Ipaliwanag ang gagawin ng bawat pangkat. Maaaring isulat sa unang hanay ang pangalan ng tao o pamagat ng palabas sa telebisyon ng pinanggalingan o nagsabi ng biro. Ipaliwanag sa mag-aaral na ang isusulat nila sa ikalawang hanay ay maaaring nakasasakit o nakapagpapasaya sa damdamin 2. Bigyan ang bawat pangkat ng sampung minuto upang sagutan ang gawain at iulat ang kanilang sagot sa binigay na takdang oras. 57
3. Markahan ang kanilang presentasyon sa pamamagitan ng pamantayan sa ibaba. Lagyan ng tsek (ü) ang tapat ng iskor na nakuha ng pangkat gamit ito. Mga 5 puntos 4 na 3 puntos 2 puntos 1 puntosPangkat puntos12345 - Naibigay ang lahat ng hinihinging impormasyon. Ang lahat ng miyembro ay nakiisa sa gawain. Makikita ang pagtutulungan sa pangkat. May kahandaan ang pangkat. Maayos na naiulat ang datos4 - May isang kulang sa mga ebidensiyang hinahanap sa pamantayan3 - May dalawang kulang sa mga ebidensiyang hinihingi sa pamantayan.2 - Walang kahandaan ang pangkat kaya’t kulang ang naibigay na impormasyon1 - Hindi angkop ang mga sagot na naibigay. Pag-usapan ang naging presentasyon ng pangkatang gawainupang mas maunawaan ng mga mag-aaral kung bakit iyon angnakuha nilang iskor.Isapuso Natin 1. Ipabasa sa mga mag-aaral ang sitwasyon sa Isapuso Natin sa Kagamitan ng Mag-aaral. Pagkatapos basahin ay gagawa sila ng pagpapasiya kung ano ang nararapat gawin sa sitwasyong ito. 58
2. Talakayin sa mag-aaral ang tungkol sa Anti-Bullying lalo na ang pang-aabuso sa kapuwa gamit ang masasakit na salita. Muling balikan ang kanilang nararamdaman kapag nakaririnig sila ng mga salitang nakasasakit ng damdamin. Iugnay ang isusulat nila sa speech balloon sa kahalagahan ng paggamit ng mga birong hindi nakasasakit ng damdamin.3. Gawing seryoso ang pagtalakay sa kahulugan ng Empathy at Sincerity. Ipaunawa sa mag-aaral na hindi lamang sa pangkaraniwang pag-uusap naipakikita ang pagkamahinahon. Maging sa pagbibiro at pagtanggap ng mga biro ay naipadarama ito sa kapuwa.4. Ang Guidance Counselor ng paaralan ay makatutulong upang maipaliwanag sa mga mag-aaral ang kahalagahan ng pag-unawa sa damdamin ng kapuwa.5. Talakayin ang Tandaan Natin sa Kagamitan ng Mag-aaral at itanong ang mga sumusunod: a. “Paano maipakikita ang pagiging mahinahon sa pakikipag- usap sa kapuwa”? Inaasahang sagot: “Ang pagiging mahinahon ay maipakikita sa pamamagitan ng paggamit ng mga salitang di nakasasakit ng damdamin. Mahalaga din ang tono ng ating pagsasalita. Maging sa pagbibiro, isipin lagi na ang layunin ay magpasaya at hindi makasakit.” b. “Ano ang epekto ng masasakit na salita sa kapuwa”? Inaasahang sagot: “Ang emosyon, katawan, at kaisipan ng tao ay naaapektuhan ng masasakit na salitang ginagamit sa kaniya. Bumababa ang pagpapahalaga at tiwala niya sa sarili.” 59
c. “Ano ang dapat gawin kapag nabu-bully”? Inaasahang sagot: “Sabihin agad sa guro at mga magulang. Maaari din na magsumbong sa kinauukulan, at mahalagang alamin ang tungkol sa batas na Anti-Bullying.” Ipaliwanag sa mga mag-aaral na hindi sila dapat matakot sa mganambu-bully subalit lalong hindi sila dapat mam-bully. Magbigay ngpaliwanag tungkol sa nilalaman ng batas na ito lalo na ang tungkol sapang-aabusong berbal. Nakasaad sa paliwanag sa ibaba ang mga datosna makatutulong sa pagpapaliwanag tungkol sa “Anti-Bullying Act of 2013.” Ang “Anti-Bullying Act of 2013” ay kilala rin bilang “Republic Act10627”. Ang batas na ito ay pinirmahan ni Pangulong Benigno AquinoIII noong ika-12 ng Setyembre, 2013. Naglalayon ang batas na ito naipagbawal sa mga paaralan sa buong bansa ang bullying. Ang pambu-bullyay mangangahulugan ng kahit anong paraan ng panggigipit na ginagawang isa o ng isang grupo sa isa pa - pisikal man, berbal o mental - nanagbubunga ng kawalang gana o takot na pumasok ng isang estudyantesa eskuwelahan. Kasama rin dito ang tinatawag na cyber-bullying. Sa ilalim ng nasabing batas, ang lahat ng paaralan sa elementaryaat sekondarya ay kinakailangang gumawa ng mga alituntunin laban sabullying sa kani-kanilang institusyon. Ang kopya ng mga alituntunin aykailangang ibigay sa mga mag-aaral at magulang nila. Kabilang sa polisiya ay ang pagbabawal sa bullying sa loob ng mgapaaralan at kahit sa mga school-related activities. Ipinagbabawal din angpaggamit ng teknolohiya sa bullying. Ang pananakot gamit ang teknolohiyaay isang napakalaking isyu sapagkat ang mga kabataang tulad mo anghigit na naaapektuhan nito. May mga mungkahi upang maiwasang ma-bully sa internet o “cyber bullying”: 1. Huwag tumugon Kung may nananakot sa iyo, tandaan na ang iyong reaksiyon 60
ay ang gustong palabasin ng nananakot. Binibigyan siya nito ng kapangyarihang na higit sa iyo. Sino ang may gustong magpalakas sa isang nananakot?2. Huwag gumanti Kapag gumanti ka sa nam-bully sa iyo, magiging katulad ka lamang niya. Tumulong na iwasang maulit pa ang pananakot.3. Itabi at ingatan ang ebidensiya Ang tanging magandang balita tungkol sa digital na pananakot ay karaniwang maaaring makuha, maitabi, at maipakita ang mga mensahe ng panggigipit sa isang taong maaaring makatulong. Itabi o likumin ang ebidensiya kahit na maliit na bagay lang ito - kung sakaling lumaki ang problema.4. I-block ang nananakot Kung ang panggigipit ay nagmumula sa anyo ng mga instant message, text, o komento sa profile, gawan ng pabor ang sarili. Gamitin ang mga kagustuhan o tool sa privacy upang i-block ang tao. Kung nasa chat ito, umalis sa room. Maaaring hindi nito wakasan ang problema, ngunit hindi kailangang harapin ang panggigipit sa lahat ng oras, at ang walang reaksiyon ay paminsang nagpapawalang- gana sa mga nananakot kaya titigil sila.5. Humingi ng tulong Maaring humingi ng tulong mula sa pakikipag-usap sa isang kaibigan na mapagkakatiwalaan. Karaniwang mabuting isama ang isang magulang ngunit - kung hindi ito magagawa - maaaring makatulong ang tagapayo ng paaralan. Kung talagang ninenerbiyos tungkol sa pagsasabi ng isang bagay, tiyaking may paraan upang iulat ang pangyayari nang hindi nakikilala sa paaralan. Maaari itong magresulta sa pagbibigay ng tulong na kinakailangan sa mga nananakot upang mabago ang kanilang pag-uugali. 61
Inatasan ng RA 10627 ang mga paaralan na magpataw ng parusasa mga mahuhuling nambu-bully. Kailangan din silang sumailalim sarehabilitation program na pangangasiwaan ng paaralan. Nakasaad naman sa batas na kailangang gawing “confidential” angpagkakakilanlan sa nasangkot sa bullying. Ang tanging makaaalam lamangnito ay ang school administration, ang gurong direktang responsable samga biktimang estudyante, Guidance Counselor ng paaralan, at mgamagulang o tagapangalaga ng mga naging biktima ng pambu-bully.Isabuhay Natin 1. Sabihin sa mga mag-aaral na magkakaroon ng isang pagtatanghal sa inyong paaralan bilang pagdiriwang ng Buwan ng Wika. Ang isang bahagi ng programa ay ang pagkakaroon ng “Kuwelang Bulilit” upang makapagpasaya sa buong paaralan. Ang mag-aaral na nais makasali ay dapat maghanda ng mga biro o jokes na maaaring sariling gawa o kinuha sa internet. 2. Pipiliin ng guro ang mga mag-aaral na magtatanghal sa “Kuwelang Bulilit” gamit ang pamantayan na nasa ibaba.Biro o Joke / Nakapagpapasaya Nababagay sa Nagustuhan Pick –up at hindi mga nakikinig/ ng mga Line # nakasasakit ng nanonood nakikinig/ damdamin (3pts.) nanonood (5pts.) (2pts.)Subukin Natin 1. Pasagutan sa sagutang papel ang mga tanong sa Subukin Natin sa Kagamitan ng Mag-aaral. 2. Pagawain ang bawat isang mag-aaral ng pick-up line na may temang pagmamahal sa kapuwa. 3. Bilang pagwawakas, hingan ang mga mag-aaral ng insights o natutunan sa araling ito. 62
Aralin 4 Damdamin Mo, Nauunawaan KoLayunin: Nakapagbabahagi ng sariling karanasan o makabuluhang pangyayaring nagpapakita ng pang-unawa sa kalagayan/pangangailangan ng kapuwaPaksa/Pagpapahalaga: Pagdama at pag-unawa sa damdamin ng iba (Empathy), Kabutihan (Kindness)Mga Kagamitan: video clips ng pagdamay o larawang nagpapakita ng pagdamay sa mga nalulungkot, kuwaderno, musikang may mabilis na tempo, plastik na bolaIntegrasyon: MSEP - PaglalaroPamamaraan:Alamin Natin 1. Bago simulan ang araling ito, mag-flash ng mga video clips ng pagdamay o kaya naman ay mga larawang nagpapakita ng pagdamay sa mga nalulungkot. Halimbawa ng mga larawan: namatayan ng mahal sa buhay, naiwan ng magulang, nag-iisa, malungkot, at iba pa.2. Hingin ang reaksiyon ng mag-aaral sa nakitang mga larawan o napanood na video.3. Hayaang magkuwento ang mga mag-aaral ng kanilang mga karanasan sa pagdamay, sa isang kaibigan o kakilala.4. Tumawag ng isang mag-aaral at ipabasa nang malakas ang kuwento sa Alamin Natin sa Kagamitan ng Mag-aaral. 63
Search
Read the Text Version
- 1
- 2
- 3
- 4
- 5
- 6
- 7
- 8
- 9
- 10
- 11
- 12
- 13
- 14
- 15
- 16
- 17
- 18
- 19
- 20
- 21
- 22
- 23
- 24
- 25
- 26
- 27
- 28
- 29
- 30
- 31
- 32
- 33
- 34
- 35
- 36
- 37
- 38
- 39
- 40
- 41
- 42
- 43
- 44
- 45
- 46
- 47
- 48
- 49
- 50
- 51
- 52
- 53
- 54
- 55
- 56
- 57
- 58
- 59
- 60
- 61
- 62
- 63
- 64
- 65
- 66
- 67
- 68
- 69
- 70
- 71
- 72
- 73
- 74
- 75
- 76
- 77
- 78
- 79
- 80
- 81
- 82
- 83
- 84
- 85
- 86
- 87
- 88
- 89
- 90
- 91
- 92
- 93
- 94
- 95
- 96
- 97
- 98
- 99
- 100
- 101
- 102
- 103
- 104
- 105
- 106
- 107
- 108
- 109
- 110
- 111
- 112
- 113
- 114
- 115
- 116
- 117
- 118
- 119
- 120
- 121
- 122
- 123
- 124
- 125
- 126
- 127
- 128
- 129
- 130
- 131
- 132
- 133
- 134
- 135
- 136
- 137
- 138
- 139
- 140
- 141
- 142
- 143
- 144
- 145
- 146
- 147
- 148
- 149
- 150
- 151
- 152
- 153
- 154
- 155
- 156
- 157
- 158
- 159
- 160
- 161
- 162
- 163
- 164
- 165
- 166
- 167
- 168
- 169
- 170
- 171
- 172
- 173
- 174
- 175
- 176
- 177
- 178
- 179
- 180
- 181
- 182
- 183
- 184
- 185
- 186
- 187
- 188
- 189
- 190
- 191
- 192
- 193
- 194
- 195
- 196
- 197
- 198
- 199
- 200
- 201
- 202
- 203
- 204
- 205
- 206
- 207
- 208
- 209
- 210
- 211
- 212
- 213
- 214
- 215
- 216
- 217
- 218
- 219
- 220
- 221
- 222
- 223
- 224
- 225
- 226
- 227
- 228
- 229
- 230
- 231
- 232
- 233
- 234
- 235
- 236
- 237
- 238
- 239
- 240
- 241
- 242
- 243
- 244
- 245
- 246
- 247
- 248
- 249
- 250
- 251
- 252
- 253
- 254
- 255
- 256
- 257
- 258
- 259
- 260
- 261
- 262
- 263
- 264
- 265
- 266
- 267
- 268
- 269
- 270
- 271
- 272
- 273
- 274
- 275
- 276
- 277
- 278
- 279
- 280
- 281
- 282
- 283
- 284
- 285
- 286
- 287
- 288
- 289
- 290
- 291
- 292
- 293
- 294
- 295
- 296
- 297
- 298
- 299
- 300
- 301
- 302
- 303
- 304
- 305
- 306
- 307
- 308
- 309
- 310
- 311
- 312
- 313
- 314
- 315
- 316
- 317
- 318
- 319
- 320
- 321
- 322
- 323
- 324
- 325
- 326
- 327
- 328
- 329
- 330
- 331
- 332
- 333
- 334
- 335
- 336
- 337
- 338
- 339
- 340
- 341
- 342
- 343
- 344
- 345
- 346
- 347
- 348
- 349
- 350
- 351
- 352
- 353
- 354
- 355
- 356
- 357
- 358
- 359
- 360
- 361
- 362
- 363
- 364
- 365
- 366
- 367
- 368
- 369
- 370
- 371
- 372
- 373
- 374
- 375
- 376
- 377
- 378
- 379
- 380
- 381
- 382
- 383
- 384
- 385
- 386
- 387
- 388
- 389
- 390
- 391
- 392
- 393
- 394
- 395
- 396
- 397
- 398
- 399
- 400
- 401
- 402
- 403
- 404
- 405
- 406
- 407
- 408
- 409
- 410
- 411
- 412
- 413
- 414
- 415
- 416
- 417
- 418
- 419
- 420
- 421
- 422
- 423
- 424
- 425
- 426
- 427
- 428
- 429
- 430
- 431
- 432
- 433
- 434
- 435
- 436
- 437
- 438
- 439
- 440
- 441
- 442
- 443
- 444
- 445
- 446
- 447
- 448
- 449
- 450
- 451
- 452
- 453
- 454
- 455
- 456
- 457
- 458
- 459
- 460
- 461
- 462
- 463
- 464
- 465
- 466
- 467
- 468
- 469
- 470
- 471
- 472
- 473
- 1 - 50
- 51 - 100
- 101 - 150
- 151 - 200
- 201 - 250
- 251 - 300
- 301 - 350
- 351 - 400
- 401 - 450
- 451 - 473
Pages: