6. B 16. B 7. A 17. A 8. A 18. B 9. C 19. B10. B 20. B11. A 21. A12. C 22. C13. C 23. D14. B 24. A15. A 25. BIII. Unawain at Suriin (10 aytems)A. 1. 2. 3. 4. 5. B 1. PAN 2. PANIBAGO 3. IWA 4. PANIBAGO 5. PAN 229
Yunit IVI. Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot sa bawat bilang at isulat ang sagot sa iyong papel. 1. Alin sa sumusunod ang nagpapakita ng tamang pangangalaga sa sarili? a. Kumain ng sapat at tamang pagkain. b. Pag-eehersisyo minsan sa isang linggo. c. Pag-iwas sa pag-inom ng gatas dahil nakasisira ito ng tiyan. d. Natutulog nang walo hanggang sampung oras bawat araw. 2. Alin sa sumusunod ang hindi nagpapamalas ng pagpapahalaga sa ating kapuwa? a. Pagbabahagi ng pagkain sa walang makain b. Umaakay sa mga matatandang tumatawid sa lansangan c. Pagbibigay ng tulong sa mga piling nasalanta ng bagyo d. Pinakikitunguhan ang mga taong may kapansanan tulad ng pakikitungo ko sa iba. 3. Namasyal kayo sa Manila Zoo. Nakita mong binabato ng isang batang katulad mo ang isang buwaya. Ano ang gagawin mo? a. Babatuhin ko rin ang buwaya. b. Pagsasabihan siya ng mabibigat na salita. c. Isusumbong ko siya sa namamahala ng Zoo d. Pagsasabihan ko siya na hindi tama ang kaniyang ginagawa. 4. Ang Clean and Green ay isang paraan ng pagsasaluntian ng kapaligiran at pagpapanatiling maayos at malinis nito. Ano ang dapat mong gawin sa nasabing programa? a. Huwag pansinin b. Makisali at suportahan ito. c. Ipagwalang-bahala. d. Ipakita ang pakikilahok paminsan-minsan 230
5. Alin sa sumusunod ang nagpapakita ng pangangalaga at pagmamalasakit sa ating kalikasan? a. Tinatapakan ko ang bagong tanim na halaman sa aming bakuran b. Itinatapon ko ang aming basura sa tabing-ilog kung gabi. c. Hinahayaan ko ang aking kaklase na magkalat ng dumi sa aming silid-aralan. d. Tumutulong ako sa paglilinis sa aming kapaligiran.6. Kumakain ka ng kasoy. Nang maubos mo ito, napagpasiyahan mong huwag itapon ang buto nito. Sa anong paraan nakatulong ang batang katulad mo sa pagsasagawa ng ugaling ipinakita? a. Hindi pangangalaga sa mga halaman. b. Pagpapahalaga sa pagpapatubo at pagpaparami ng halaman c. Pagpapakita ng kalinisan sa kapaligiran d. Pagpaparami ng kalat na buto7. Alin sa sumusunod ang tama? a. Ang pagputol sa malalaking puno ay nagpapakita ng proteksiyon sa kapaligiran. b. Ang pag-iisprey ng insecticide sa mga gulayan ay tanda ng pagpapanatili ng balanseng kapaligiran. c. Ang pagsusunog ng mga tuyong dahon ng mga halaman ay tamang paraan upang tugunan ang problema sa basura. d. Ang pangangalaga at paghanga sa mga bulaklak at iba pang halaman ay isang paraan ng pagpapakita ng pagmamahal sa ating Diyos.8. Ang sumusunod ay nagpapakita ng pagmamahal sa ligaw na hayop maliban sa _______________________. a. Pagtirador sa mga Philippine Eagle b. Paggawa ng tirahan para silungan ng usa c. Paghikayat sa kaibigan na alagaan ang mga ligaw na hayop 231
d. Panonood ng mga programa tungkol sa mga ligaw hayop upang madagdagan ang kaalaman tungkol sa mga ito9. Alin sa sumusunod ang nagpapakita ng pangangalaga sa mga gamit o kagamitan sa inyong bahay? a. Itinatago ko sa kahong matibay ang mga gamit o kasangkapang hindi ko na ginagamit b. Tumutulong ako sa paglilinis ng mga gamit o kagamitan sa display cabinet para magandang tingnan. c. Iniiwan ko sa mesa ang mga baso, pinggan, kutsara at tinidor na ginamit ko sa pagkain. d. Ginagamit ko nang may wastong pag-iingat ang mga gamit o kagamitan sa aming bahay upang hindi masira.10. Alin sa sumusunod ang nagpapakita ng pangangalaga at pagmamalasakit sa ating kalikasan? a. Tinatapakan ko ang bagong tanim na halaman sa aming bakuran b. Itinatapon ko ang aming basura sa tabing-ilog kung gabi. c. Hinahayaan ko ang aking kaklase na magkalat ng dumi sa aming silid-aralan. d. Tumutulong ako sa paglilinis sa aming kapaligiran.II. Lagyan ng tsek (P) kung ang pahayag ay tama at ekis (O) kung mali.______ 11. Pinahahalagahan ko ang aking buhay dahil kaloob______ 12. ito ng Diyos. Nilikha ng Diyos ang ating kapuwa upang maging______ 13. katuwang natin sa ano mang pagsubok kaya______ 14. pahalagahan natin sila.______ 15. Magiging masaya at panatag ang loob natin kung______ 16. tayo ay malusog. Nakakapag-isip tayo nang mabuti kapag tayo ay gutom. Huhuli ako ng tarsier at ipagmamalaki ko ito sa mga kaibigan ko. Tinatanggap ko nang maluwag sa kalooban ko ang aking kapatid na may kapansanan. 232
______ 17. Naipakikita ko ang paggalang sa aking kapuwa sa pamamagitan ng pagsunod sa lahat ng nais niyang______ 18. gawin kabilang ang pagliban sa klase.______ 19. Ang pagtulong sa kapuwa sa panahon ng kahirapan,______ 20 kaguluhan at malnutrisyon ay tanda ng pagmamahal.______ 21. Tayo ay nilikha upang ihayag o ipakilala ang kadakilaan ng______ 22. Diyos sa pamamagitan ng paggawa ng kabutihan sa kapuwa.______ 23. Ang pagbibigay ng damo sa alagang kabayo ay tamang______ 24. pangangalaga nito.______ 25 Susuportahan ko ang panghuhuli ng mga Philippine Eagle. Ang pagiging luntian ng kapaligiran ay sumasagisag sa kalusugan ng katawan at isip. Maaaring maubos ang mga halaman dahil sa ating kapabayaan. Ang paghihiwalay ng basurang nabubulok sa hindi nabubulok ay tamang paraan ng pagbabasura. Sinusuportahan ko ang mga samahang nagtataguyod ng wastong gamit ng likas na yaman.III. Unawain ang sumusunod na sitwasyon at sabihin kung ano ang iyong gagawin. 26. Puro tocino, hotdog, fried chicken lamang ang kinakain mo. Nanghihina na ang iyong katawan. 27. Alam mong masustansiya ang gulay. Ngunit ayaw mong kumain nito. Inimbitahan ka ng kaibigan mo ngunit ang ulam nila ay gulay. 28. Gutom na gutom ka at wala kayong ulam kundi gulay at isda. Ayaw mong kumain ng mga ito. 29. Nakita mong basang-basa ng pawis ang damit ng iyong kapatid dahil naglinis siya sa bakuran at nagdilig ng mga halaman. Gusto niyang maligo agad. 30. Niyaya ka ng iyong tatay sa paghingi ng binhi ng itatanim ngunit niyaya ka ng iyong kaklase na maglaro sa plasa. 233
31. Walang espasyo sa inyong paaralan upang pagtamnan ng mga halaman ngunit hangad mong tumulong sa pagkakamit ng layunin ng Programang Clean and Green. 32. Nakita mo ang iyong mga kaibigan na sinisipa ang aso upang sumunod ito. 33. Mukhang napabayaan na ang bahay ng iyong alagang aso. May nagkalat na mga dumi sa loob nito. 34. Marumi na ang kanal sa tapat ng aming bahay. Ayokong magkaroon ng pagkabara ng basura dito. 35. May nakita akong patay na daga sa likod ng aming bahay. Malapit kami sa ilog.Para sa bilang 36-40 Ang mga nasa parihaba ay mga likha ng Diyos, mga biyayang handogNiya sa atin. Sa loob ng puso isulat kung ano ang mga maaari mong gawinbilang tanda ng pasasalamat sa mga biyayang ito. Isulat ang sagot sa loobng puso.Pamilya Kapuwa 234
Ligaw na hayop Halaman KalikasanSUSI SA PAGWAWASTO:I 1. a 6. b 2. c 7. d 3. d 8. a 4. b 9. d 5. d 10. dII 11. P 16. P 21. O 12. P 17. O 22. P 13. P 18. O 23. P 14. O 19. P 24. P 15. O 20. P 25. PIV. Para sa bilang 26–35 at 36-40, inaasahang magbibigay ng iba’t ibang kasagutan ang mga mag-aaral 235
Appendix B B.1. Mapa ng Pilipinas (para sa Yunit III – Aralin 1) Paggagamitan: Maaaring gumuhit ng mapa ng Pilipinas omagpakita ng yari nang mapa na magagamit sa pangganyak na gawain.Sa palibot ng malaking mapa at idikit ang mga larawan ng halimbawa ngmaterial na kulturang Filipino. 236
B.2. Si Jacob Maentz ng Katutubo Project at ang kaniyang mga kuhang larawan ng iba’t ibang pangkat etniko (para sa Yunit III – Aralin 3) Jacob Maentz Agta 237
AgtaCordilleras 238
Cordilleras 239
CordillerasDatu Aguido Mansaka 240
Mansaka 241
Mansaka LumadTau’t Bato - Palawan 242
Tau’t Bato - Palawan 243
B.3. Republic Act 9003 – The Ecological Solid Waste Management Act of 2003 (para sa Yunit III – Aralin 7) 244
B.4. Sunog Basura Fact Sheet (para sa Yunit III – Aralin 8) 245
Talasalitaan4P’s - “Pantawid Pamilyang Pilipino Program”, isang pinakamalaking pambansang programa ngBaybayin pamahalaan laban sa kahirapan at para sabiodegradable kaunlarang panlipunan. Ito ay para sa mahihirapblogsite na mamamayan na may edad 0-18 na tutulong sabugtong kanilang pag-aaral at kalusugan sa pamamagitanbullying ng pagbibigay ng itinakdang halaga ng gobyerno. - tumutukoy sa sinaunang script o sistema ng pagsulat at pagbasa ng mga sinaunang Pilipino na kahawig ng mga katabing kabihasnan sa Asya - mga nabubulok na basura tulad ng tira-tirang pagkain, papel, halaman at mga patay na hayop - makabagong teknolohiya na pinagsasamang teksto, imahe, at mga link sa iba pang mga blog at mga web page at iba pang media na may kaugnayan sa paksa - matalinhagang paglalarawan ng mga bagay na ang pangunahing layunin ay hamunin o patalasin ang ating isipan - kahit anong paraan ng panggigipit na ginagawa ng isa o ng isang grupo sa isa pa - pisikal man, berbal o mental - na nagbubunga ng kawalang gana o takot na pumasok ang isang estudyante sa paaralan 246
compost pit - isang uri ng paraan upang maging mataba ang lupa sa pamamagitan ng paggamit ng mga basurang nabubulok bilang pataba sa lupang tatamnancultural diversity - sa Tagalog, kultural na pagkakaiba-iba; tumutukoy sa pagkakaiba-iba ng mga pangkat etnikong pinanggalingan o cultural background ng mga tao; maaari ding tumukoy sa isang sitwasyon o lipunan kung saan ang mga kasapi o bahagi ay galing sa iba’t ibang pangkat etniko. Sinasabi ding umiiral ang cultural diversity sa isang lipunan kung may pagtanggap at paggalang sa pagkakaiba-iba ng kulturang pinagmulan ng mga kasapi nito.diwa - isip, kamalayanDSWD - acronym ng Department of Social Welfare and Development, o Kagawaran ng Kagalingang Panlipunan at Pagpapaunlad; ang departamento ng Pamahalaan ng Pilipinas na nangangalaga sa karapatan ng bawat Pilipino sa kagalingang panlipunan at sa pagpapayabong ng pag-unlad ng Pilipinas.ekumenikal - kinabibilangan ng iba’t ibang pangkat ng tao naemail magkakaiba ang relihiyong pinaniniwalaan - pinaikling electronic mail. Ito ang tawag sa liham na ipinadadala sa pamamagitan ng mga website.endangered - mga hayop na nanganganib mawala ang lahianimalsexperiential - karanasan sa pagkatutolearning 247
gasera - isang ilawan na yari sa recycled materials gaya ng bote, lata, mitsa na pinapailaw sahayop na ligaw pamamagitan ng paglalagay ng gas.ikinararangalIndigenous People - mailap na hayop na matatagpuan sa kagubataninestima - ipinagmamalakiinternet - mga katutubong pangkat na nakapagpanatili ngipinagbubunyi kanilang sinaunang kultura magpahanggangispirituwal ngayonkaakibat - inasikasokabihasnan - makabagong teknolohiya na nagbibigaykabuluhan ng mga impormasyon na makatutulong sa komunikasyon, pagkain, trabaho, medisina at iba pa - ipinagdiriwang - pagkakaroon ng mapayapang kalooban sa pamamagitan ng mabuting ugnayan sa Diyos, pamilya at sa kapuwa - katapat - tumutukoy sa antas ng pamumuhay ng isang komunidad, tribo o lipunan na kakikitaan ng pag-iral ng mga institusyon (pamahalaan, relihiyon, edukasyon, ekonomiya) at sistema ng pagsulat. Sinasabing mataas na ang antas ng pamumuhay kung may kabihasnan na. Tinatawag din itong sibilisasyon - kahulugan o importansiya 248
kalipi - kasama sa lipi o pangkat etnikokultura - tumutukoy sa paraan ng pamumuhay nglikas-kayang isang pangkat o komunidad na masasalaminpag-unlad sa kanilang gawi (folkways), pamantayan nglugod tamang pagkilos o pakikipag-ugnayan (norms),lumbay mga pagpapahalaga (values) at kaugalianlunggati (attitudes). Kabilang din dito ang mga materyalmaaliwalas na aspekto ng kultura tulad ng mga kagamitan, imbensyon, pananamit, libangan, sining at panitikan. Ito ang nagsisislbing batayan ng pagkakakilanlan (identity) at kamalayan (consciousness) ng isang kasapi ng pangkat. May dalawang anyo ang kultura: materyal at di materyal. Materyal ang mga nahahawakang patunay ng pag-iral ng isang kultura (damit, sasakyan, kagamitan, imbensyon, produkto ng sining at panitikan) samantalang ang di materyal ay yaong mga pamantayan o batas, pagpapahalaga, paniniwala at kaugalian. - o sustainable development, ay ang tamang paggamit at pangangasiwa sa mga likas yaman at pag-iingat sa mga ito para sa pangangailangan ng susunod na henerasyon - saya, ligaya - lungkot - kasiyahan, kaligayahan - mapayapa, maliwanag 249
magandang balita - ulat ng mga positibong pangyayari tungkol sa ginagawa ng tao na inaakalang pananabikan o mabatid at mapaglilibangan ng mambabasa, nakikinig o nanoodmahinahon - pagiging kalma o panatag sa alin mang pagkakataon o sirkumstansya o pangyayarimaiambag - maibahagimaibsan - mabawasanmakabuluhan - mahalaga, may pakinabangmapanagutan - alam na may dapat gawin o kayang magawa(responsibility / nang may komitmentaccountability)mapanghamong - tungkol sa mga pangyayaring may karahasan,balita droga, sekswal na hindi angkop sa batang nanood o nakikinigmapanuring pag-iisip - may kakayahang magsuri at mapag-aralan(critical thinking) muna ang isang bagay bago magpasiyaMILF - acronym ng Moro Islamic Liberation Front; isang grupo ng mga Muslim na separatista sa Timog ng Pilipinasnetizen - internet citizen na gumugugol ng napakaraming oras sa loob ng isang araw upang makipagtalastasan at gamitin ang teknolohiya para sa iba’t ibang dahilannon-biodegradable - mga di nabubulok na basura tulad ng mga plastik na lalagyan, bote at bakaloyayi - awit sa pagpapatulog ng bata 250
pagninilay - mas malalim na pag-iisip tungkol sa mga sitwasyon, pangyayari, kalagayan bago makabuo ng isang pagpapasiyapagpapasyang etikal - ang pagbuo ng pasiya na may preperensiya sao moral kabutihan magpapaunlad o lilinang sa pagkatao ng tao. Isa itong proseso na kinapapalooban ng a;) pag-alam sa mga detalye ng sitwasyon, at b.) maingat na pagsasaalang-alang ng mga moral na pagpapahalagang nararapat sa isang sitwasyon. Sa pagbuo ng pasiya, dapat ring maging sensitibo sa mga aspektong moral ng mga sitwasyon sa pang-araw-araw na buhay at ang kamalayan sa mga tao o pangkat na maaapektuhan ng magiging pasiyapakikibahagi sa - pagtugon sa pangangailangan hindi lamang sapandaigdigang sariling bansa kundi ng buong daigdigpagkakaisapangkat etniko - mga taong sama-samang naninirahan sa isang lugar na may sariling wika, kaugalian, tradisyon at paniniwala 251
panlipunan– - pagkakaroon ng mga kailangang kakayahan sapandamdaming pagkilala at pagmamahal sa sarili, paglinangpagkatuto (social- ng pagmamalasakit sa kapuwa, pagbuo ngemotional learning) mapanagutang pasiya, pakikipag-ugnayan at pagharap sa mga mapanghamong sitwasyon.patapong bagay Isa itong paraan ng paglinang ng mga kakayahanpillow to lean on ng mag-aaral upang mapagtagumpayan niyarabies o rabis ang anumang gawaing makakaharap niya sa buhay. May limang uri ang mga kakayahang ito: a) Kamalayang Pansarili, b) Pamamahala ng Sarili, c) Kamalayang Panlipunan, d) Pamamahala ng Pakikipag-ugnayan, at e) Mapanagutang Pagpapasiya - mga pinagbasyuhang karton, lata, bote (plastik man o babasagin), lumang papel, magasin, kalendaryo at iba pa - (idioma) taong mapaghihingahan ng problema, sama ng loob, kalungkutan, kabiguan o pighati upang gumaan ang nararamdaman - mula sa Latin: rabies, “kaululan” o “kabaliwan”, ay isang karamdamang sanhi ng birus na nagdudulot ng matinding pamamaga ng utak (encephalitis) sa mga hayop na maiinit ang dugo. Ang sakit na ito ay soonotiko (zoonotic), na nangangahulugang maaari itong mailipat magmula sa isang species papunta sa iba pa, katulad ng pagkahawa mula sa mga aso papunta sa mga tao, na pangkaraniwan sa pamamagitan ng isang kagat na nagmula sa isang hayop na naimpeksiyon. Ang birus ng rabis ay nakakaimpeksiyon ng sistema ng nerbiyos, na sa panghuli ay nakapagsasanhi ng karamdaman sa utak at kamatayan. 252
recycle - tumutukoy sa muling paggamit ng mga pataponsalawikain ng bagay, o muling paggamit nito bilang sangkapsocial network ng ibang produktoT’boli - may hatid na aral o katotohanang magagamitT’nalak nating gabay sa ating buhayyamang likas - isang website na nagbibigay daan upang kumonekta sa mga kaibigan at kapamilya, at magbahagi ng mga kuwento, balita, larawan o video - kilala rin sa tawag na Tiboli o Tagabili, ay kabilang sa mga katutubong tao sa Timog Cotabato - isang uri ng tela na hinabi mula sa abaca - pangunahing pinagmulan ng yaman at batayan ng kaunlarang pangkabuhayan; yaman na biyaya ng kalikasan 253
Sanggunian:Binagong Kodigo Penal ng Pilipinas, Artikulo 253CONSCIENCE: A Catholic Filipino View, 2nd ed. p29DENR Administrative Order No. 37, series of 1996Eleanor Antonio, et.al., Gabay 4Encyclopedia Britannica, 2006Environmental Management Bureau (EMB), Department of Environment and Natural Resources (DENR)Maricar AD. Clamor, Growing with Values Grade 5 - Innovative Educational Materials, Inc.Sr. Lourdes M. Dulay, “I Am a Child of the Universe Grade 7”, ICM. Phoenix Publishing HousePredential Decree No. 705 - Revised Penal CodeRepublic Act No, 8485 - Animal Welfare Act of 1998Republic Act No. 8749 - The Philippine Clean Air ActRepublic Act No. 9003, Seksiyon 48 - Solid Waste Management ActRepublic Act No. 9147 - Wildlife Resources Conservation and Protection Act of 1998Republic Act No. 9275 - The Philippine Clean Water Act of 2004United Nations Development Programme (UNDP) - Community-Based Ecological Solid Waste ManagementValues Education for the Filipino - 1997 Revised Version of the DECS Values Education Program, UNESCO National Commission of the Philippine Education Committee Project 254
http://emb.gov.ph/news/053006/News_Releaseswm.htmhttp://emb.gov.ph/nswmc/pdf/iec/Republic%20Act%209003tagalogersion. pdfhttp://en.wikipedia.org/wiki/Bajau_peoplehttps://mgalarongFilipino.blogspot.com/2012/patintero.htmlhttp://www.balita.net.ph/2014/06/06/lilikha-ng-mas-malaking-butashttp://www.emb.gov.ph/news/053006/sunogbasurafactsheet.pdfh t t p : / / w w w. e m b . g o v. p h / p o r t a l / P o r t a l s / 1 0 / p r o p e r % 2 0 w a s t e % 2 0 segragation.pdfhttp://www.ethnicgroupsphilippines.com/people/ethnic-groups-in-the- philippineshttp://www.flicker.comh t t p : / / w w w. g l o b a l p i n o y. c o m / g p . t o p i c s . v 1 / v i e w t o p i c . php?postid=4fab9f8176a31&channelName=4fab9f8176a31http://www.gmanetwork.com/news/story/368317/publicaffairs/iwitness/ galamay-ng-karagatan-ngayong-sabado-10-30-pm-sa-i-witnesshttp://www.katutuboproject.org.https://www.youtube.com/watch?v=77dEflJnQlo&feature= youtube_gdata_ playerhttps://www.youtube.com/watch?v=084UwHrnPqchttp://www.youtube.com/watch?v=KsTCjhJlDnEhttp://www.youtube.com/watch?v=u3afgesVmfA 255
4 Edukasyonsa Pagpapakatao Patnubay ng Guro Ang aklat na ito ay magkatuwang na inihanda at sinuri ng mga edukador mula sa mga publiko at pribadong paaralan, kolehiyo, at / o unibersidad. Hinihikayat namin ang mga guro at ibang nasa larangan ng edukasyon na mag-email ng kanilang puna at mungkahi sa Kagawaran ng Edukasyon sa [email protected]. Mahalaga sa amin ang inyong mga puna at mungkahi. Kagawaran ng Edukasyon Republika ng Pilipinas i
Edukasyon sa Pagpapakatao – Ikaapat na BaitangPatnubay ng GuroUnang Edisyon, 2015ISBN: _____________ Paunawa hinggil sa karapatang-sipi. Isinasaad ng Seksiyon 176 ng BatasPambansa Bilang 8293: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anumangakda ng Pamahalaan ng Pilipinas. Gayon pa man, kailangan muna ang pahintulotng pamahalaan o tanggapan kung saan ginawa ang isang akda upang magamit sapagkakakitaan ang nasabing akda. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabingahensiya o tanggapan ay ang patawan ng bayad na royalty bilang kondisyon. Ang mga akda/materyales (mga kuwento, seleksyon, tula, awit, larawan, ngalanng produkto o brand names, tatak o trademarks, palabas sa telebisyon, pelikula, atbp.)na ginamit sa aklat na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagtibay ngisang kasunduan ng Kagawaran ng Edukasyon at Filipinas Copyright Licensing Society(FILCOLS), Inc. na ang FILCOLS ang kumakatawan sa paghiling ng pahintulot sanagmamay-ari ng mga akdang hiniram at ginamit dito. Hindi inaangkin ni kinakatawanng tagapaglathala (publisher) at mga may-akda ang karapatang-aring iyon.Inilathala ng Kagawaran ng EdukasyonKalihim: Br. Armin A. Luistro FSCPangalawang Kalihim: Dina S. Ocampo, PhD Mga Bumuo ng Patnubay ng GuroConsultant: Fe A. Hidalgo, PhDMga Tagasuri at Editor: Irene C. de Robles, Erico M. Habijan, at Joselita B. GulapaMga Manunulat: Felamer E. Abac, Gina A. Amoyen, Jesusa M. Antiquiera, Henrieta A. Bringas, Grace R. Capati, Maria Carla M. Caraan, Rodel A. Castillo, Rolan B. Catapang, Isabel M. Gonzales, Noel S. Ortega, Marilou D. Pandiño, Adelaida M. Reyes, at Portia R. SorianoMga Tagaguhit: Eric S. de Guia, Fermin M. Febella Jr., at Randy G. MendozaMga Tagapagtala: Gregorio T. Pascual at Bryan R. Simara Naglay-out: Gregorio T. Pascual at Elizabeth T. Soriao-UrbanoPunong Tagapangasiwa: Joselita B. GulapaPangalawang Tagapangasiwa: Marilou D. PandiñoInilimbag sa Pilipinas ng ____________Department of Education-Instructional Materials Council Secretariat (DepEd-IMCS)Office Address: 5th Floor,Mabini Bldg, DepEd Complex Meralco Avenue, Pasig City Philippines 1600Telefax: (02) 634-1054 at 634-1072E-mail Address: [email protected] ii
Para sa Iyo, Guro ng Edukasyon sa Pagpapakatao Inihanda ang patnubay na ito upang magabayan ka sa iyongpagtuturo ng Edukasyon sa Pagpapakatao (EsP) sa Ikaapat na Baitang.Layunin ng asignaturang ito na magabayan ang mga mag-aaral na makilalaang kaniyang sarili, ang bahaging ginagampanan sa kaniyang pamilya,pamayanang ginagalawan bilang isang Pilipino upang makibahagi sila sapagtatayo ng pamayanang pinaiiral ang katotohanan, kalayaan, katarungan,at pagmamahal. Isinaalang-alang sa paghahanda ng patnubay ang sumusunod:A. Batayan • Patnubay ng kurikulum ng K to 12 pokus ang EsP • Kagamitan ng Mag-aaral sa EsP Baitang 4 • Balangkas ng DepEd sa Pagpapahalaga • Napapanahong paksa at thrust gaya ng pakikiangkop sa panahon ng pangangailangan, kaligtasan, likas kayang pag-unlad, paggalang sa sarili, pagiging positibo at iba pang pagpapahalaga na makatutulong sa mabuting pagkataoB. Prosesong Ginamit Bahagi ng magiging pag-aaral ng mga mag-aaral sa ikaapat nabaitang ang mga proseso ng pag-unawa (Alamin), pagninilay (Isagawa),pagsangguni (Isapuso), pagpapasiya (Isabuhay), at pagkilos (Subukin)upang higit nilang maunawaan ang mensahe ng anumang leksiyon,maisabuhay at maisakatuparan ang tamang desisyon na may tamangpagkilos. Narito ang sumusunod na proseso na dapat gamitin: • Alamin Natin. Sa prosesong ito, ang mga mag-aaral ay binibigyan ng pagkakataong maalala o maipakita ang anumang dating kaalaman na may kinalaman sa leksiyon. Dito rin maaaring malaman o matandaan ng mga mag-aaral at maiproseso sa sarili ang anumang maling kilos o gawa at tuluyan itong itama sa patnubay ng guro. iii
• Isagawa Natin. Upang higit na maunawaan ng mga mag-aaral ang bawat aralin, sila ay magsasagawa ng iba’t ibang gawaing batay sa anumang layunin. May mga gawaing indibidwal at pangkatan. • Isapuso Natin. Ang prosesong ito ay naglalaman ng mga kaisipang dapat tandaan at pahalagahan ng mag-aaral. Ang pagbibigay ng iba’t ibang gawaing higit na magpapatibay sa anumang natutuhan ay dapat ding isaalang-alang. • Isabuhay Natin. Naglalaman ang bahaging ito ng mga gawaing magpapalalim ng pag-unawa sa bawat pagpapahalagang tinalakay sa bawat aralin at kung paano ito isasabuhay. • Subukin Natin. Naglalaman ang bahaging ito ng mga pagtataya ng mga natutuhan ng bawat mag-aaral tungkol sa mga aralin batay sa mga layunin na nasa EsP Curriculum Guide. Naglaan ng tatlumpung minuto kada araw upang malinang ang mgapagpapahalaga sa bawat aralin sa Edukasyon sa Pagpapakatao. Ang bawataralin ay maaaring umabot nang limang araw. Nilalayon nito na tumimo saisipan ng mga mag-aaral ang mga kasanayan at pagpapahalaga.C. Mga Teorya at Estratehiyang Ginamit 1. Interaktibong Teorya ng Pagkatuto (Social Learning Theory) ni Albert Bandura Ayon sa paliwanag ng Interaktibong Teorya ng Pagkatuto o Social Learning Theory ni Albert Bandura na isang Canadian Psychologist, ang mga pagkatuto tulad ng pagkakaroon ng mabuting ugali at bagong impormasyon ay maaaring makuha sa pagmamasid sa ibang tao. Sa teoryang ito, naniniwala na ang kapaligirang kinamulatan o kinalakhan ng isang mag-aaral ang siyang humuhubog sa pagkatuto at sa pag-uugali niya. Higit din silang natututo sa pagbibigay ng direksiyon at mga paulit-ulit na iv
mga gawain. Pinaniniwalaan din sa ilalim ng teoryang ito na ang anumang marahas o malupit na pag-uugali o gawi ay natutuhan ng mag-aaral ayon sa kaniyang nakita at hindi likas sa kaniya. Ang mga gagawin ng mga mag-aaral sa pag-aaral ng EsP ay dapat magmula sa guro.2. Teorya ng Constructivism Layunin sa pagtuturo ng Constructivism na pagnilayan o magbalik-tanaw ang mga mag-aaral sa kanilang mga naging karanasan. Maaaring dito makabuo ng kongkretong ideya, kasagutan, tamang kilos, at pag-uugali ang mga mag-aaral. Sa ganitong pagkakataon din maaaring maituwid ang anumang maling kaalaman, konsepto, kilos, at pag-uugali sa pamatnubay ng guro.3. Teorya ng Pagkatuto mula sa Karanasan (Experiential Learning) ni David Kolb Ayon sa Teorya ng Pagkatuto mula sa Karanasan, ang mga karanasan ang pinagkukunan ng mga pagkatuto na sinusuportahan ng Teorya ng Constructivism. Ayon sa isang artikulo, ang teoryang ito ay nagbibigay ng pagkakataon sa mga mag-aaral na makabuo ng kaalaman at kasanayan sa kanilang pag-aaral sa silid-aralan. Ito rin ay isang paraan na humuhubog sa kanilang kakayahang mamuno at mamahala. Sa paraang ito, ang mga mag-aaral ay maaaring makagawa ng positibong pagbabago sa kanilang buhay bilang mag-aaral. Ang tatlong hakbang sa modelong ito: a. Pagpaplano. Kaagapay ng guro ang mga mag-aaral sa pagbibigay ng kaniyang ideya o saloobin tungkol sa anumang pinag-usapan. Magpasiya kung ano ang dapat pang pag- aralan, gawin, at tandaan. b. Paggawa. Mahalagang isaalang-alang ng guro sa kaniyang paggabay ang kakayahan ng mag-aaral upang maunawaan ang pakikialam kung hindi kailangan. v
c. Pagsusuri. Pagkatapos ng gawain, pabalikan ang mga proseso at karanasang pinagdaanan mula sa simula hanggang sa sila ay matapos. Sa ganito, matutulungan ang mga mag- aaral na makabuo ng mas malinaw na mensahe, kaisipan o ideya, at katotohanan na may kinalaman sa kanilang buhay.4. Panlipunan-Pandamdaming Pagkatuto (Social-Emotional Learning) Ito ay ang pagkakaroon ng mga kakayahang kailangan sa pagkilala at pamamahala ng sarili, paglinang ng pagmamalasakit sa kapuwa, paggawa ng mapanagutang pagpapasiya, pakikipag- ugnayan, at pagharap nang epektibo sa mga mapanghamong sitwasyon. Ito ay paraan ng paglinang ng mga kakayahan ng mag- aaral upang magtagumpay sa mga pang-araw-araw na gawain sa buhay. Ang limang batayang panlipunan–pandamdaming pagkatuto (SEL) ay binubuo ng sumusunod: Kamalayang Pansarili (Self-Awareness). Sa kakayahang ito ay nakikilala at nasusuri ng mga mag-aaral ang sariling damdamin, interes, at gusto. Natutukoy rin ng mga mag-aaral ang kanilang kalakasan at kayang panindigan, gayundin ang hindi pa nila kayang magawa o maipakita. Pamamahala ng Sarili (Self-Management). Naipakikita ng mga mag-aaral ang kanilang pamamahala sa sarili sa pagtatakda ng tunguhin o hangarin sa pamamagitan ng pagkilala sa mga pamaraang maaaring makatulong gayundin ang paghanap ng magagamit (resources) upang mapamahalaan ang anumang problema o pangamba, pagkontrol sa udyok ng damdamin, at masigasig na mapagtagumpayan ang anumang balakid. Ang mga mag-aaral ay nakapagtatakda at nasusubaybayan ang kanilang sariling pag-unlad bilang mag-aaral upang makamtam ang akademikong mithiin. Ang mga mag-aaral ay nagpapakita rin ng tamang damdamin o emosyon sa iba’t ibang pagkakataon. vi
Kamalayang Panlipunan (Social Awareness). Naipakikita ngmga mag-aaral ang pagdama at pag-unawa sa damdamin ngibang tao o grupo, sa pamamagitan ng pagkilala ng mga pahiwatigo senyas na maaaring pasalita o nakikita sa aksiyon o sitwasyon.Nahihinuha rin ang nadarama ng ibang tao sa iba’t ibang kalagayankaya madali siyang makiramay.Pamamahala ng Pakikipag-ugnayan (RelationshipManagement). Naipakikita ng mga mag-aaral ang pagpapanatiling katatagan, malusog, at maayos na pakikipag-ugnayan sakapuwa nang may pagtutulungan. Madali silang maging kabahaging isang team o grupo. Napaglalabanan ang anumang panggigipitat naiiwasan, napamamahalaan, at kayang lutasin ang anumangkasalungat na saloobin. Sila rin ay humihingi ng tulong kungkinakailangan.Mapananagutang Pagpapasiya(ResponsibleDecisionMaking).Dito, ang mga mag-aaral ay nakabubuo ng isang desisyon nanaaayon sa etikal na pamantayan na may pagsasaalang-alang sakaligtasan. Ang anumang desisyon ay naaangkop sa panlipunangkaugalian, na may paggalang sa kapuwa, at inaasahan anganumang kahihinatnan ng iba’t ibang pagkilos. vii
Talaan ng NilalamanYunit III Pagmamahal sa Bansa at Pakikibahagi sa Pandaigdigang Pagkakaisa .............................................97Aralin 1 Kultura ng Ating Lahi, Ating Pahalagahan………..….........100Aralin 2 Kultura Ko, Ipinagmamalaki Kong Tunay……............….. 111Aralin 3 Pangkat na Magkakaiba, Pinahahalagahan ng mga Pilipinong Nagkakaisa….............…….......……………..….118Aralin 4 Kultura ng mga Pangkat Etniko, Mahalagang Malaman ..126Aralin 5 Sariling Disiplina sa Pagsunod sa mga Batas………........136Aralin 6 Nagkakaisang Lahi, Mundo’y Maisasalba....……..............143Aralin 7 Disiplina sa Pagtatapon ng Basura: Isang Pandaigdigang Panawagan .......……….…….…...................……....…......148Aralin 8 Patuloy na Panawagan: Pagsusunog ng Basura, Itigil Na! ............................................................................155Aralin 9 Mag-Recycle ang Lahat Para sa Magandang Bukas........163Mungkahing Pangwakas na Gawain Para sa Yunit III ……...............170Appendix A Unang Markahang Pagsusulit…………....……..............212 Yunit I………….......………………………….…..……………...............212 Yunit II...............………....…………………..…………..……………....217 Yunit III....…………………….…………………………………..............221 Yunit IV……………………………………………..……………............ 230Appendix B ……………………….....…………..…………………….......236 B.1 Mapa ng Pilipinas …………………..……………...............236 B.2 Si Jacob Maentz ng Katutubo Project at ang kaniyang mga kuhang larawan ng iba’t ibang pangkat etniko .……237 B.3 Republic Act 9003 – The Ecological Solid Waste Management Act of 2003 ……...........……..……………...244 B.3 Sunog Basura Fact Sheet ….……………..…………….... 245Talasalitaan………………..………………..………………….……..........253 ix
xi Republika ng Pilipinas Kagawaran ng Edukasyon DepEd Complex, Meralco Avenue Lungsod ng Pasig K to12 Gabay Pangkurikulum EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO Baitang 4 Disyembre 2013
xii K to 12 BASIC EDUCATION CURRICULUM ANG BATAYANG KONSEPTWAL NG EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO Ang tunguhin o ”outcome” ng pag-aaral sa batayang edukasyon ay ang panlahatang pag–unlad taglay ang mga kasanayan sa ika–dalawampu’t isang siglo. Taglay ito ng isang mag-aaral kung mayroon siyang mga kakayahang pangkaalaman, pandamdamin at pangkaasalan na magbibigay sa kanya ng kakayahan upang: 1. mamuhay at magtrabaho 2. malinang ang kanyang mga potensiyal 3. magpasiya nang mapanuri at batay sa impormasyon 4. makakilos nang epektibo sa lipunan at pamayanan sa konteksto ng sandaigdigan upang mapabuti ang uri ng kanyang pamumuhay at ng kanyang lipunan (Literacy Coordinating Council, Setyembre 1997). Ibinatay ang kahulugan at ang limang palatandaan nito sa Apat na Batayan (Pillar) ng Edukasyon at sa konsepto ng UNESCO tungkol sa mga panghabambuhay na kakayahan (life skills) na binuo ng International Commission on Education para sa ika-21 siglo. Ang sumusunod ang limang palatandaan nito: (a) may kakayahang makipagtalastasan, (b) nag-iisip nang mapanuri at may kakayahang lumutas ng suliranin, (c) ginagamit ang mga likas na yaman nang mapanagutan para sa susunod na salinlahi at (d) produktibo, napauunlad ang sarili at ang pakikipagkapwa, at (e) may malawak na pananaw sa daigdig. Sa Edukasyon sa Pagpapakatao (EsP), ang palatandaan o batayang kakayahan ng functional literacy ay nagpapasya at kumikilos nang mapanagutan tungo sa kabutihang panlahat. Ibig sabihin, nilalayon ng EsP na linangin at paunlarin ang pagkataong etikal ng mag-aaral. Ang EsP ay naglalayong gabayan ang mag-aaral na mahanap / matagpuan ang kabuluhan ng kanyang buhay, ang papel niya sa lipunang Pilipino upang makibahagi siya sa pagtatayo ng pamayanang pinaiiral ang katotohanan, kalayaan, katarungan at pagmamahal. Upang maipamalas ito, kailangang taglay niya ang limang pangunahing kakayahan (macro skills)*: pag-unawa, pagninilay, pagsangguni, pagpapasiya at pagkilos. 1. Pag-unawa. Mahalagang maipamalas niya ang kakayahang mahinuha ang mga konsepto at prinsipyong nagbibigay-paLiwanag sa sariling karanasan, mga sitwasyong namasid, sinuri at pinagnilayan gamit ang obhektibong pamantayan ng moral na pamumuhay. 2. Pagninilay. Sa gitna ng mabilis na daloy ng impormasyon at ingay ng kapaligiran, kailangang mag-ukol ng panahon ang mag-aaral sa maingat at malalim na pag-iisip sa mga sitwasyong naobserbahan at mga konseptong natutuhan tungkol sa moral na pamumuhay. 3. Pagsangguni. Kailangang humingi siya ng payo o gabay sa mga taong may higit na kaalaman o kasanayan sa moral na pamumuhay at marunong magsala (weigh) ng mga impormasyong mula sa iba’t ibang uri ng media batay sa obhektibong pamantayan ng moral na pamumuhay. 4. Pagpapasiya. Kailangang matuto siyang bumuo ng sariling posisyon, paniniwala, paninindigan o kilos na isasagawa batay sa obhektibong pamantayan ng moral na pamumuhay. 5. Pagkilos. Mahalagang mailapat niya ang konsepto o prinsipyong nahinuha mula sa mga konkretong sitwasyon ng buhay at maipakita ang kahandaang isabuhay ang mga mabuting ugali (virtues) na natutuhan batay sa obhektibong pamantayan ng moral na pamumuhay.
xiii K to 12 BASIC EDUCATION CURRICULUM Ang mga pangunahing kakayahang ito ay nililinang sa apat na tema sa bawat taon sa paraang “expanding spiral” mula Kindergarten hanggang Grade 12. Ang sumusunod ang apat na tema: (a) Pananagutang Pansariliat Pagiging Kasapi ng Pamilya , (b) Pakikipagkapwa at Katatagan ng Pamilya, (c) Paggawa Tungo sa Pambansang Pag-unlad at Pakikibahagi sa Pandaigdigang Pagkakaisa, at (d) Pagkamaka-Diyos at Preperensya sa Kabutihan. Pitong pangunahing pagpapahalaga (core values) ang nililinang sa mga temang ito: Kalusugan at Pakikiisa sa Kalikasan, Katotohanan at Paggalang, Pagmamahal at Kabutihan, Ispiritwalidad, Kapayapaan at Katarungan, Likas-kayang Pag-unlad, Pagkamaka-Pilipino at Pakikibahagi sa Pambansang Pagkakaisa (Values Education for the Filipino: 1997 Revised Version of the DECS Values Education Program, ph. 10-11). Ang Pilosopiya at mga Batayang Teorya ng Pagtuturo-Pagkatuto Ang Batayang Konseptwal ng Edukasyon sa Pagpapakatao ay batay sa pilosopiyang Personalismo tungkol sa pagkatao ng tao at sa Etika ng Kabutihang Asal (Virtue Ethics). Ayon sa pilosopiya ng Personalismo, nakaugat lagi sa pagpapakatao ang ating mga ugnayan. Nililikha natin ang ating pagpapakatao sa ating pakikipagkapwa. Sa Virtue Ethics naman, sinasabing ang isang mabuting tao ay nagsasabuhay ng mga virtue o mabuting gawi (habits) at umiiwas sa mga bisyo o masamang gawi. Samakatwid, ang nagpapabuti sa tao ay ang pagtataglay at ang pagsasabuhay ng mga mabuting gawi. Sa murang edad na 6 hanggang 12 taon, maaaring hindi pa lubos na maunawaan ng isang bata ang kanyang pagkatao bilang tao ayon sa paLiwanag ng pilosopiyang Personalismo. Ngunit maaari siyang sanayin sa mga virtue at pagpapahalaga upang lumaki siyang isang mabuting tao. Sa mga edad na ito, mauunawaan niya na dapat siyang magpakabuti hindi lamang sapagkat ito ang inaasahan sa kanya ng lipunan kundi dahil tao siya - may dignidad at likas ang pagiging mabuti. May dignidad ang tao dahil siya ay bukod-tangi at may ugnayan sa kanyang kapwa, sa Diyos, at kalikasan. Ang Interaktibong Teorya ng Pagkatuto (Social Learning Theory) ni Albert Bandura, Pagkatutong Pangkaranasan (Experiential Learning) ni David Kolb, Konstruktibismo (Constructivism) at Teorya ng Pamimili ng Kurso (Theory of Career Development) ni Ginzberg, et. al. at Super ang iba pang teorya na nagpapaLiwanag kung paano natututo ang mag-aaral sa EsP. Ayon sa paLiwanag ng Interaktibong Teorya ng Pagkatuto (Social Learning Theory) ni Albert Bandura, maaaring makuha sa pagmamasid sa ibang tao ang mga pagkatuto tulad ng pagkakaroon ng mabuting ugali at bagong impormasyon. Ayon pa rin sa teoryang ito, mahalaga ang mga iniisip ng tao sa kanyang pagkatuto ngunit hindi nangangahulugang magbubunga ito ng pagbabago sa kilos. Ang mga karanasan din ang pinagkukunan ng mga pagkatuto ayon kay David Kolb at sa Teorya ng Pagkatuto ng Konstruktibismo. Ayon saTeorya ng Pagkatutong Pangkaranasan ni Kolb, ang mga nasa edad (adults) ay natututo sa pamamagitan ng kanilang pagninilay sa kanilang mga karanasan, pagbuo ng mga konklusyon o insight mula sa mga ito, at paglalapat ng mga ito sa angkop na mga sitwasyon ng buhay. Sinusuportahan ang pananaw ni Kolb ng Teorya ng Konstruktibismo. Sinasabi ng teoryang ito nanagkakaroon ng pagkatuto ang tao at gumagawa ng kabuluhan (meaning) batay sa kanyang mga karanasan. Naipamamalas ito sa pagtuturo sa pamamagitan ng pagbibigay ng tuon sa mag-aaral. Nagkakaroon siya ng mga bagong pagkatuto gamit ang mga tanong ng guro at ng kanyang malikhaing paraan.
xiv K to 12 BASIC EDUCATION CURRICULUM Nailalapat ang mga pagkatutong ito sa paggawa ng mga pasiya tulad ng kukuning kurso o propesyon. Ayon sa Teorya ng Career Development nina Ginzberg, et. al. at Super, dumadaan sa iba’t ibang yugto ang pagpapasya ng bata ukol sa kurso o propesyon batay sa kanyang pagtingin sa sarili (self-concept), saloobin (attitude) at mga pagpapahalaga. Tinatanggap o tinatanggihan niya ang isang kurso o trabaho batay sa obserbasyon niya (halimbawa, mga kilos ng kanyang magulang ayon sa propesyon nito) at sa tinuturing niyang mahalaga (halimbawa, malaking sweldo o paglilingkod sa lipunan). Mga Disiplina ng Edukasyon sa Pagpapakatao Ang nilalaman at istraktura ng Edukasyon sa Pagpapakatao ay nakaankla sa dalawang disiplina: Ethics at Career Guidance. Ang Etika ay ang siyensya ng moralidad ng kilos ng tao. Samantalang Career Guidance naman ang paggabay sa mag-aaral na magpasiya ng kursong akademiko, sining at isports o teknikal-bokasyonal na tugma sa kanyang mga talento, kakayahan at aptitude at mga trabahong kailangan ng industriya. Mga Dulog sa Pagtuturo Ang mga pangunahing dulog na gagamitin sa pagtuturo ng mga konsepto ay ang pagpapasyang etikal (ethical decision making) sa pamamagitan ng pagsusuri ng suliranin o isyu), ang Panlipunan–Pandamdaming Pagkatuto (Social-Emotional Learning), at pagpaplano ng kursong akademiko o teknikal-bokasyonal. Ang paggawa ng pagpapasyang etikal o moral ay ang pagbuo ng pasiya na may preperensya sa kabutihan at magpapatingkad o maglilinang ng pagkatao ng tao. Proseso ito na kinapapalooban ng (a) pag-alam sa mga detalye ng sitwasyon at (b) maingat na pagsasaalang-alang ng mga moral na pagpapahalaga na mahalaga sa isang sitwasyon. Mahalaga rin dito ang pagiging sensitibo sa mga aspetong moral ng mga sitwasyon sa pang-araw-araw na buhay at ang kamalayan sa mga tao o pangkat na maaapektuhan ng pasiya. Ang Panlipunan–Pandamdaming Pagkatuto (Social-Emotional Learning) ay ang pagkakaroon ng mga kakayahang kailangan sa pagkilala at pamamahala ng sarili, paglinang ng pagmamalasakit sa kapwa, paggawa ng mapanagutang pasiya, pakikipag-ugnayan, at pagharap nang epektibo sa mga mapanghamong sitwasyon. Paraan ito ng paglinang ng mga kakayahan ng mag-aaral upang magtagumpay sa mga gawain sa buhay. Nahahati sa limang uri ang mga kakayahang ito: Kamalayang Pansarili, Pamamahala ng Sarili, Kamalayang Panlipunan, Pamamahala ng Pakikipag-ugnayan at Mapanagutang Pagpapasiya.
xv K to 12 BASIC EDUCATION CURRICULUM Pilosopiya ng Personalismo Figure 1. Ang Batayang Konseptwal ng Edukasyon sa Pagpapakatao
K to 12 BASIC EDUCATION CURRICULUM Deskripsyon ng Asignatura Ang Edukasyon sa Pagpapakatao (EsP) ay isa sa mga asignatura ng Pinaunlad na Programa ng Batayang Edukasyon na K to 12 na gagabay at huhubog sa mga kabataan. Tunguhin nito ang paghubog ng kabataang nagpapasya at kumikilos nang mapanagutan tungo sa kabutihang panlahat. Nangangahulugan ito na lilinangin at pauunlarin ang pagkataong etikal ng bawat mag-aaral. Upang maipamalas ito, kailangang magtaglay siya ng limang pangunahing kakayahan (macro skills): pag-unawa, pagninilay, pagsangguni, pagpapasya at pagkilos. Nililinang sa apat na tema sa bawat antas mula Kindergarten hanggang Baitang 10 ang mga pangunahing kakayahang ito: (a) Pananagutang Pansarili at Mabuting Kasapi ng Pamilya, (b) Pakikipagkapwa-tao, (c) Paggawa Tungo sa Pambansang Pag-unlad at Pakikibahagi sa Pandaigdigang Pagkakaisa, at (d) Pananalig at Pagmamahal sa Diyos at Paninindigan sa Kabutihan. MGA PAMANTAYAN SA PROGRAMA (LEARNING AREASTANDARDS) Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa mga konsepto sa pananagutang pansarili, pamilya, kapwa, bansa/daigdig at Diyos; nakapagpapasiya at nakakikilos nang mapanagutan tungo sa kabutihang panlahat upang mamuhay nang maayos at maligaya.xvi PANGUNAHING PAMANTAYAN NG BAWAT YUGTO (KEYSTAGE STANDARDS) K – Baitang 3 Baitang 4 – 6 Baitang 7 – 10 Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa mga konsepto at gawaing nagpapakita ng pananagutang konsepto at gawaing nagpapakita ng pananagutang konsepto sa pananagutang pansarili, pagkatao ng tao, pansarili, pampamilya, pagmamahal sa kapwa/ pansarili, pampamilya, pagmamahal sa kapwa, sa pamilya at pakikipagkapwa, lipunan, paggawa at mga pamayanan, sa bansa at sa Diyos tungo sa maayos at bansa/ daigdig at sa Diyos tungo sa kabutihang pagpapahalagang moral at nagpapasiya at kumikilos masayang pamumuhay. panlahat. nang mapanagutan tungo sa kabutihang panlahat upang mamuhay nang may kaayusan at kaligayahan.
K to 12 BASIC EDUCATION CURRICULUM ANG BATAYANG KONSEPTWAL NG EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO Grade Level Standards (Pamantayan sa Bawat Baitang/Antas) BAITANG PAMANTAYAN Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa pagkakaroon ng kamalayan sa paggalang at pagmamahal sa sarili, kapwa at Diyos K bilang gabay tungo sa maayos at masayang tahanan. 1 Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa mga paraan ng paggalang sa sarili, kapwa, bansa at Diyos bilang gabay tungo sa maayos at masayang tahanan at paaralan.xvii Naipamamalasng mag-aaral ang pag-unawa sa pagpapakikita ng mga kilos na nagpapahalaga sa sarili, kapwa, bansa, Diyos at sa 2 Kanyang mga nilikha bilang patnubay sa maayos at masayang paaralan at pamayanan. Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa mga gawain na nagpapakita ng pagpapahalaga tungo sa maayos at masayang 3 pamumuhay na may mapanagutang pagkilos at pagpapasiya para sa sarili, kapwa, pamayanan, bansa at Diyos . Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa mga makabuluhang gawain na may kaakibat na pagpapahalaga tungo sa wasto, 4 maayos, masaya at mapayapang pamumuhay para sa sarili, kapwa, bansa at Diyos. Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa masusing pagsusuri sa pagpapahayag, pagganap ng tungkulin na may 5 pananagutan at pagsasabuhay ng mga ito tungo sa masaya, mapayapa at maunlad na pamumuhay para sa sarili/ mag-anak, kapwa/ pamayanan, bansa/ daigdig at Diyos.
K to 12 BASIC EDUCATION CURRICULUM BAITANG PAMANTAYAN Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa mga gawain na tumutulong sa pag-angat ng sariling dignidad, pagmamahalsa 6 kapwa na may mapanagutang pagkilos at pagpapasiya tungo sa maayos, mapayapa at maunlad na pamumuhay para sa kabutihang panlahat. Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa mga angkop na inaasahang kakayahan at kilos sa panahon ng pagdadalaga / 7 pagbibinata, kakayahan at talento, hilig at pagkatao ng tao tungo sa pagtupad ng mga tungkulin sa sarili, sa kapwa, sa bansa/ daigdig at sa Diyos at pagtatakda ng mithiin upang mapanagutan ang kahihinatnan ng mga pasya at kilos. Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa layunin at kahalagahan ng pamilya at pakikipagkapwa upang maging mapanagutan sa 8 pakikipag-ugnayan sa iba tungo sa makabuluhang buhay sa lipunan.xviii 9 Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa mga konsepto tungkol sa lipunan at paggawa bilang paglilingkod tungo sa tamang pagpili ng kurso o hanapbuhay na magiging makabuluhan at kapaki-pakinabang sa kanya at sa lipunan. 10 Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa mga konsepto tungkol sa pagkatao ng tao, makataong kilos, pagpapahalagang moral at mga isyung moral at nagpapasya at kumikilos nang may preperensya sa kabutihan upang maging matatag sa gitna ng mga isyung moral at impluwensya ng kapaligiran.
Pamantayan Para sa K to 12 BASIC EDUCATION CURRICULUM Baitang 4 BAITANG 4 Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa mga makabuluhang gawain na may kaakibat na pagpapahalaga tungo sa wasto, maayos, masaya at mapayapang pamumuhay para sa sarili, kapwa, bansa at Diyos. BATAYANG PAMANTAYANG PAMANTAYAN PAMANTAYAN SA PAGKATUTO CODE PAGPAPAHALAGA/ PANGNILALAMAN SA PAGGANAP ( Learning Competencies) MGA KAUGNAY NA (Content Standard) (Performance Standard) EsP4PKP- PAGPAPAHALAGA 1. Nakapagsasabi ng katotohanan anuman ang Ia-b – 23 maging bunga nito EsP4PKP- I. Pananagutang Pansarili at Mabuting Kasapi ng Pamilya – Unang Markahan Ic-d – 24 2. Nakapagsusuri ng katotohanan bagoxix 1. Katatagan ng loob Naipamamalas ang pag- Naisasagawa nang may gumawa ng anumang hakbangin: EsP4PKP- (Fortitude) unawa sa kahalagahan mapanuring pag-iisip ang Ie-g - 25 ng pagkakaroon ng tamang pamamaraan/ 2.1. pagsangguni sa taong kinauukulan 2. Pagkamatiyaga katatagan ng loob, pamantayan sa pagtuklas (Perseverance) mapanuring pag-iisip, ng katotohanan. 3. Nakapagninilay ng katotohanan mula sa pagkamatiyaga, mga: 3. Pagkamapagtiis pagkamapagtiis, (Patience) pagkabukas-isip, 3.1. balitang napakinggan pagkamahinahon at 3.2. patalastas na nabasa/narinig 4. Mapanuring pag-iisip pagmamahal sa 3.3. napanood na programang pantelebisyon (Critical thinking) katotohanan na 3.4. nababasa sa internet at mga social magpapalaya sa 5. Pagkakaroon ng anumang alalahanin sa networking sites bukas na isipan buhay ng tao bilang (Open-mindedness) kasapi ng pamilya 6. Pagmamahal sa 4. Nakapagsasagawa nang may mapanuring EsP4PKP- katotohanan (Love of pag-iisip ng tamang pamamaraan/ Ih-i - 26 truth) pamantayan sa pagtuklas ng katotohanan. 7. Mapagpasensiya (Patience/Self- Control) 8. Pagkamahinahon (Calmness)
K to 12 BASIC EDUCATION CURRICULUM BATAYANG PAMANTAYANG PAMANTAYAN PAMANTAYAN SA PAGKATUTO CODE PAGPAPAHALAGA/ PANGNILALAMAN SA PAGGANAP ( Learning Competencies) MGA KAUGNAY NA (Content Standard) (Performance Standard) PAGPAPAHALAGA II. Pakikipagkapwa-tao -Ikalawang Markahan 1. Pagdama at pag- Naipamamalas ang pag- Naisasagawa nang 5. Nakapagpapakita ng pagkamahinahon sa EsP4P- IIa- unawa sa damdamin unawa na hindi mapanuri ang tunay na damdamin at kilos ng kapwa tulad ng: c–18 ng iba (Empathy) naghihintay ng kahulugan ng anumang kapalit ang pakikipagkapwa 5.1. pagtanggap ng sariling pagkakamali at EsP4P- 2. Pagkabukas-palad paggawa ng mabuti pagtutuwid nang bukal sa loob IId–19 (Generosity) 5.2. pagtanggap ng puna ng kapwa nang EsP4P- 3. Pagkamatapat/Pagigi maluwag sa kalooban IIe– 20 ng Totoo (Sincerity/Honesty) 5.3. pagpili ng mga salitang di-nakakasakit ng damdamin sa pagbibiro 6. Nakapagbabahagi ng sariling karanasan o makabuluhang pangyayaring nagpapakita ng pang-unawa sa kalagayan/pangangailangan ng kapwa 7. Naisasabuhay ang pagiging bukas-palad sa 7.1. mga nangangailangan 7.2. panahon ng kalamidadxx 8. Nakapagpapakita ng paggalang sa iba sa mga sumusunod na sitwasyon: 4. Paggalang (Respect) Naisasagawa ang 5. Kabutihan (Kindness) paggalang sa karapatan 8.1. oras ng pamamahinga ng kapwa 8.2. kapag may nag-aaral 8.3. kapag mayroong maysakit 8.4. pakikinig kapag may nagsasalita/ EsP4P-IIf- i– 21 nagpapaLiwanag 8.5. paggamit ng pasilidad ng paaralan nang may pag-aalala sa kapakanan ng kapwa 8.5.1. palikuran 8.5.2. silid-aklatan 8.5.3. palaruan 8.6. pagpapanatili ng tahimik, malinis at kaaya-ayang kapaligiran bilang paraan ng pakikipagkapwa-tao
K to 12 BASIC EDUCATION CURRICULUM BATAYANG PAMANTAYANG PAMANTAYAN PAMANTAYAN SA PAGKATUTO CODE PAGPAPAHALAGA/ PANGNILALAMAN SA PAGGANAP ( Learning Competencies) MGA KAUGNAY NA (Content Standard) (Performance Standard) EsP4PPP- PAGPAPAHALAGA IIIa-b–19 III. Pagmamahal sa Bansa at Pakikibahagi sa Pandaigdigang Pagkakaisa – Ikatlong Markahan EsP4PPP- IIIc-d–20 1. Pagmamahal sa Naipamamalas ang pag- Naisasabuhay ang mga 9. Nakapagpapakita ng kawilihan sa pakikinig o Bansa unawa sa pagmamahal gawaing nagpapakita ng pagbabasa ng mga pamanang kulturang sa bansa sa pagpapahalaga sa kultura materyal (hal. kuwentong bayan, alamat, 1.1. Pagpapahalaga pamamagitan ng mga epiko) at di-materyal (hal. mga sa Kultura pagpapahalaga sa magagandang kaugalian, pagpapahalaga sa (Appreciation of kultura nakatatanda at iba pa) One’s Culture) 10. Naipagmamalaki/napahahalagahan angxxi nasuring kultura ng iba’t ibang pangkat etniko tulad ng kuwentong-bayan, katutubong sayaw, awit, laro at iba pa 2. Likas-kayang Pag- Naipamamalas ang pag- Naisasabuhay ang patuloy 11. Nakasusunod sa mga batas/panuntunang EsP4PPP- unlad unawa sa kahalagahan na pagninilay para pinaiiral tungkol sa pangangalaga ng IIIe-f–21 2.1. Pagkakaroon ng ng pagkakaroon ng makapagpasya nang kapaligiran kahit walang nakakakita Disiplina sariling disiplina para sa wasto tungkol sa epekto EsP4PPP- (Discipline) bansa tungo sa ng tulong-tulong na 12. Nakatutulong sa pagpapanatili ng kalinisan IIIg-i–22 pandaigdigang pangangalaga ng at kaayusan ng kapaligiran saanman sa 3. Pandaigdigang pagkakaisa kapaligiran para sa pamamagitan ng: Pagkakaisa kaligtasan ng bansa at (Globalism) daigdig 12.4. segregasyon o pagtapon ng mga 3.1. Kalinisan at basurang nabubulok at di-nabubulok Kaayusan sa tamang lagayan 12.5. pag-iwas sa pagsunog ng anumang bagay 12.6. pagsasagawa ng muling paggamit ng mga patapong bagay (Recycling)
K to 12 BASIC EDUCATION CURRICULUM BATAYANG PAMANTAYANG PAMANTAYAN PAMANTAYAN SA PAGKATUTO CODE PAGPAPAHALAGA/ PANGNILALAMAN SA PAGGANAP ( Learning Competencies) MGA KAUGNAY NA (Content Standard) (Performance Standard) EsP4PD- PAGPAPAHALAGA IVa-c–10 IV. Pananalig at Pagmamahal sa Diyos; Paninindigan sa Kabutihan – Ikaapat na Markahan EsP4PD- IVd–11 13. Napahahalagahan ang lahat ng mga likha: EsP4PD- 1. Ispiritwalidad Nauunawaan at Naisasabuhay ang may buhay at mga materyal na bagay IVe-g–12 (Spirituality) naipakikita ang pananalig sa Diyos sa 13.1. Sarili at kapwa-tao: EsP4PD- IVh-i –13 pananalig sa Diyos sa pamamagitan ng 13.1.1. pag-iwas sa pagkakaroon ng sakit 2. Pagmamahal sa pamamagitan ng paggalang, pagtanggap at 13.1.2. paggalang sa kapwa-tao Diyos (Love of God) paggalang, pagtanggap pagmamahal sa mga likha at pagmamahal sa mga 13.2. Hayop: 3. Pag-asa (Hope) likha 13.2.1. pagkalinga sa mga hayop na ligaw at endangered 4. Pagkakawanggawa (Charity) 13.3. Halaman : pangangalaga sa mga halaman gaya ng : 13.3.1. pag-aayos ng mga nabuwal halamanxxii 13.3.2. paglalagay ng mga lupa sa paso 13.3.3. pagbubungkal ng tanim na halaman sa paligid 13.4. Mga Materyal na Kagamitan: 13.4.1. pangangalaga sa mga materyal na kagamitang likas o gawa ng tao
K to 12 BASIC EDUCATION CURRICULUM CODE BOOK LEGEND Sample: EsP10PB-IIIg-12.1 LEGEND SAMPLE DOMAIN/ COMPONENT CODE Edukasyon sa PKP Learning Area and Pagpapakatao EsP Tungkulin Ko Sa Aking Sarili at Pamilya P Strand/ Subject or 10 PPP Baitang 10 Mahal Ko, Kapwa Ko PD Specialization PS Para Sa Kabutihan ng Lahat, Sumunod Tayo PT First Entry PB Paggawa ng Mabuti, Kinalulugdan ng Diyos P Grade Level Pagkilala at Pamamahala sa mga Pagbabago sa IP Sarili PL Uppercase Letter/s Domain/Content/ Ang Pagpapahalaga at PB Ang Pagkatao ng Tao TT Component/ Topic Birtud - KPxxiii III Ang Pagpapahalaga at Birtud PK Roman Numeral Quarter Ikatlong Markahan g Ang Pakikipagkapwa *Zero if no specific quarter Week - MP Ikapitong linggo 12.1 Mga Isyu sa Pakikipagkapwa MK Lowercase Letter/s Competency PI *Put a hyphen (-) in between NakapagpapaLiwanag ng Ang Papel ng Lipunan sa Tao letters to indicate more than a kahalagahan ng pangangalaga sa Ang Tungkulin ng Tao sa Lipunan specific week kalikasan Mga Kaugnay na Pagpapahalaga sa Paggawa Arabic Number Mapanagutang Pagpaplano ng Kursong Akademiko o Teknikal-Bokasyonal, Sining at Isports, Negosyo o Hanapbuhay Ang Moral na Pagkatao Ang Makataong Kilos Ang Aking Posisyon sa mga Isyung Moral
Yunit IIIPagmamahal sa Bansa at Pakikibahagi sa Pandaigdigang Pagkakaisa 97
Pilipino ako, ipinagmamalaki ko ito Pamanang kultura, ikinararangal ko Biyaya ng Maykapal, bansang sinilangan ko Pangangalagaan at pagyayamanin ko. Kaysarap maging Pilipino! Hiling namin na sa pagbagtas ng mgamag-aaral sa mga araling nakapaloob sa yunit na ito ay maranasan nilaang damdaming ito. May tatlong mahahalagang layunin ang yunit na itopara sa mga mag-aaral. Una, ang lubos nilang makilala ang kanilang sarilibilang Pilipino habang binabalikan ang mayamang pamanang kultura ngkanilang lahi. Pangalawa, ang ikarangal nila na sila ay Pilipino, at pangatlo,ang mamuhay sila nang may giting at pagmamalasakit para sa kapuwa atbansa. Muling binalikan ng mga aralin ang makukulay na aspekto ngkulturang Pilipino. Naniniwala kaming sa pagkilala sa mayamang kulturasumisibol ang tunay na malasakit at pag-ibig sa bansa. Mas pinili ng mgamanunulat na bigyang-diin ang kagandahan at kabutihan ng kulturangPilipino upang magsilbing inspirasyon sa mga mag-aaral. Ipinakita rinsa mga aralin na ang lahing Pilipino ay nagkakaisa sa adhikain para sakapayapaan at kaunlaran bagamat binubuo ng iba’t ibang pangkat etniko.Ipinakita ng mga aralin na ang pagtataglay ng disiplina sa sarili ay isangmabuting simula sa pagtugon sa mga adhikaing nabanggit. May magagawa sila at malaki ang kanilang maitutulong sa pagpapanatilingbuhay at pagpapatuloy ng kulturang Pilipino at pangangalaga sa bansang biyayasa kanila ng Maykapal. Ang mga mapanghamong aralin ukol sa kapaligiranay naglalayong ipakita sa kanila ang bigat ng suliraning kinakaharap hindilamang ng bansa kundi ng buong mundo dahil sa patuloy na pagbabalewala at pag-abuso sa kalikasan. Sa kabuuan, ang mga aralin ay mgapanawagan para sa pagbabago at pagkilos na hindi na maaaring isaisantabio ipagpaliban pa. Bilang mga Pilipino, dapat nilang tugunin ang mgapanawagang ito para sa kabutihan ng bansa at ng mamamayan nito. 98
Search
Read the Text Version
- 1
- 2
- 3
- 4
- 5
- 6
- 7
- 8
- 9
- 10
- 11
- 12
- 13
- 14
- 15
- 16
- 17
- 18
- 19
- 20
- 21
- 22
- 23
- 24
- 25
- 26
- 27
- 28
- 29
- 30
- 31
- 32
- 33
- 34
- 35
- 36
- 37
- 38
- 39
- 40
- 41
- 42
- 43
- 44
- 45
- 46
- 47
- 48
- 49
- 50
- 51
- 52
- 53
- 54
- 55
- 56
- 57
- 58
- 59
- 60
- 61
- 62
- 63
- 64
- 65
- 66
- 67
- 68
- 69
- 70
- 71
- 72
- 73
- 74
- 75
- 76
- 77
- 78
- 79
- 80
- 81
- 82
- 83
- 84
- 85
- 86
- 87
- 88
- 89
- 90
- 91
- 92
- 93
- 94
- 95
- 96
- 97
- 98
- 99
- 100
- 101
- 102
- 103
- 104
- 105
- 106
- 107
- 108
- 109
- 110
- 111
- 112
- 113
- 114
- 115
- 116
- 117
- 118
- 119
- 120
- 121
- 122
- 123
- 124
- 125
- 126
- 127
- 128
- 129
- 130
- 131
- 132
- 133
- 134
- 135
- 136
- 137
- 138
- 139
- 140
- 141
- 142
- 143
- 144
- 145
- 146
- 147
- 148
- 149
- 150
- 151
- 152
- 153
- 154
- 155
- 156
- 157
- 158
- 159
- 160
- 161
- 162
- 163
- 164
- 165
- 166
- 167
- 168
- 169
- 170
- 171
- 172
- 173
- 174
- 175
- 176
- 177
- 178
- 179
- 180
- 181
- 182
- 183
- 184
- 185
- 186
- 187
- 188
- 189
- 190
- 191
- 192
- 193
- 194
- 195
- 196
- 197
- 198
- 199
- 200
- 201
- 202
- 203
- 204
- 205
- 206
- 207
- 208
- 209
- 210
- 211
- 212
- 213
- 214
- 215
- 216
- 217
- 218
- 219
- 220
- 221
- 222
- 223
- 224
- 225
- 226
- 227
- 228
- 229
- 230
- 231
- 232
- 233
- 234
- 235
- 236
- 237
- 238
- 239
- 240
- 241
- 242
- 243
- 244
- 245
- 246
- 247
- 248
- 249
- 250
- 251
- 252
- 253
- 254
- 255
- 256
- 257
- 258
- 259
- 260
- 261
- 262
- 263
- 264
- 265
- 266
- 267
- 268
- 269
- 270
- 271
- 272
- 273
- 274
- 275
- 276
- 277
- 278
- 279
- 280
- 281
- 282
- 283
- 284
- 285
- 286
- 287
- 288
- 289
- 290
- 291
- 292
- 293
- 294
- 295
- 296
- 297
- 298
- 299
- 300
- 301
- 302
- 303
- 304
- 305
- 306
- 307
- 308
- 309
- 310
- 311
- 312
- 313
- 314
- 315
- 316
- 317
- 318
- 319
- 320
- 321
- 322
- 323
- 324
- 325
- 326
- 327
- 328
- 329
- 330
- 331
- 332
- 333
- 334
- 335
- 336
- 337
- 338
- 339
- 340
- 341
- 342
- 343
- 344
- 345
- 346
- 347
- 348
- 349
- 350
- 351
- 352
- 353
- 354
- 355
- 356
- 357
- 358
- 359
- 360
- 361
- 362
- 363
- 364
- 365
- 366
- 367
- 368
- 369
- 370
- 371
- 372
- 373
- 374
- 375
- 376
- 377
- 378
- 379
- 380
- 381
- 382
- 383
- 384
- 385
- 386
- 387
- 388
- 389
- 390
- 391
- 392
- 393
- 394
- 395
- 396
- 397
- 398
- 399
- 400
- 401
- 402
- 403
- 404
- 405
- 406
- 407
- 408
- 409
- 410
- 411
- 412
- 413
- 414
- 415
- 416
- 417
- 418
- 419
- 420
- 421
- 422
- 423
- 424
- 425
- 426
- 427
- 428
- 429
- 430
- 431
- 432
- 433
- 434
- 435
- 436
- 437
- 438
- 439
- 440
- 441
- 442
- 443
- 444
- 445
- 446
- 447
- 448
- 449
- 450
- 451
- 452
- 453
- 454
- 455
- 456
- 457
- 458
- 459
- 460
- 461
- 462
- 463
- 464
- 465
- 466
- 467
- 468
- 469
- 470
- 471
- 472
- 473
- 1 - 50
- 51 - 100
- 101 - 150
- 151 - 200
- 201 - 250
- 251 - 300
- 301 - 350
- 351 - 400
- 401 - 450
- 451 - 473
Pages: