3. Pasagutan ang mga tanong. Kinakailangang iproseso ang sagot ng mga mag-aaral. Ipaalala na mahalaga ang palagiang pagmamasid at pagninilay upang mapanatili ang kalinisan at kaayusan ng kapaligiran. Bilang paghahanda sa susunod na gawain, magpadala ng iba’tibang klase ng basura na makikita sa kanilang tahanan, paaralan o kahit sapamayanan. Bilang pag-iingat, ipaalala na dapat silang magsuot ng gloves,tong (pansipit kapag namulot ng basura) o anumang supot sa kamay bilangproteksiyon bago mamulot ng basura. Ipadala rin ang gloves o tong saklase. Maghanda rin ng tatlong kahon na gagamitin para sa segregasyonng basura. Bisitahin ang website na nasa ibaba para higit na maunawaanang tamang pagbubukod-bukod ng basura bago ipagawa ang gawain.http://emb.gov.ph/nswmc/pdf/iec/Republic%20Act%209003tagalogersion.pdf Isagawa NatinGawain 1 1. Ihanda ang tatlong kahon na gagamitin para sa gawaing ito. Lagyan ng marka ang bawat isa tulad ng nasa ibaba. Siguraduhin na mababasa ng mga mag-aaral ang mga ito.TUYONG MGA LATA, BOTE,PAPEL AT TIRANG AT IBA PANG PAGKAIN, LALAGYAN DAHON PRUTAS AT GULAY NA YARI SA GLASS, PLASTIK, AT METAL 149
Mga halimbawa ng basura:Papel BotePlastik Food wastesMetalLata -- mga sirang pagkain, prutas, gulayGarapong babasagin -- pinagbalatan ng anumang prutas at gulay2. Sa simula, tumawag ng tatlong mag-aaral na unang magtatapon ng basura sa mga kahong nasa harap ng klase. Ipaalala na basahin muna ang nakasulat sa mga kahon at tumayo sa tapat nito. Dapat nilang ipakita ang basurang dala-dala bago ihulog sa mga kahon sa senyas ng guro. Siguraduhin na ang buong klase ay magmamasid sa gagawing pagtatapon.3. Palinyahin ang mga mag-aaral na isa-isang magtatapon ng kanilang basura sa dapat nitong kalalagyan. Kung may isang awitin tungkol sa kapaligiran, maaari itong patugtugin hanggang sa matapos ang lahat ng mag-aaral. Kung nakapagtapon na ang lahat, pasagutan ang mga tanong sa Isagawa Natin na nasa Kagamitan ng Mag- aaral.Mga karagdagang tanong: • Batay sa iyong karanasan o obserbasyon, ganito rin ba ang iyong ginagawa sa tahanan, paaralan o pamayanan? Pangatwiranan ang iyong sagot. (Itala sa pisara ang bilang ng mga mag-aaral na pare-pareho ang obserbasyon. Ito ay puwedeng maging batayan upang paigtingin ang kampanya sa tamang pagtatapon ng basura.) • Ano kaya ang mangyayari kung isasabuhay ng bawat isa ang ganitong paraan ng pagtatapon ng basura? 150
4. Pagkatapos ng maikling talakayan, maaaring magsaliksik ang mga mag-aaral ng mga lugar kung saan isinasagawa ang segregasyon ng basura.Gawain 2 1. Pangkatin ang klase sa tatlo. Bigyan sila ng panahon na pag-usapan at pagnilayan ang iba’t ibang mukha ng pagtatapon ng basura sa kanilang tahanan, paaralan, barangay o pamayanan. 2. Umikot sa bawat grupo para masubaybayan ang talakayang ginagawa at upang gabayan sila sa kanilang dapat gawin pagkatapos mag-usap. 3. Gamit ang manila paper, ipaguhit sa kaliwang bahagi ng itinuping manila paper ang isang gawain na magpapakita ng totoong sitwasyon sa pagtatapon ng basura. Ipasulat naman sa kanang bahagi ang kanilang suhestiyon o rekomendasyon para mabago ang maling pagtatapon ng basura. 4. Muling pasagutan ang mga tanong. Piliting mailabas sa talakayan na may responsibilidad ang bawat tao pagdating sa pagtatapon ng basura.Isapuso Natin 1. Pangkatin ang klase sa apat. Bawat pangkat ay papipiliin ng kanilang lider at tagatala. 2. Sa pagkakataong ito, tuluyan nang ipakikita ng iba’t ibang grupo ang naiisip nilang plano para maiwasan ang maling ugali sa pagtatapon ng basura. 3. Ipahanda rin ang mga kagamitan para sa pagbuo ng isang modelo (miniature) ng kanilang plano. Himukin ang mga mag-aaral na gumamit ng lokal na materyales o mga patapong bagay upang makatipid. 151
4. Ipabasa ang impormasyon na nasa Tandaan Natin. Tulungan ang mga mag-aaral na maintindihan at maisapuso ang tunay na dahilan kung bakit kailangang ipraktis agad-agad ang segregasyon ng basura. Ipaalala rin sa kanila ang nararamdaman nating epekto nito sa ating bansa pati na sa buong mundo.Isabuhay Natin 1. Sa pagkakataong ito, muling magsasagawa ng isang pangkatang gawain ang mga mag-aaral. Magtalaga ng pangkat na magmamasid sa bawat silid-aralan mula sa Una hanggang sa Ikaanim na baitang maliban sa Ikaapat na Baitang. Sundin ang nasa Isabuhay Natin sa Kagamitan ng Mag-aaral. 2. Bago isagawa ang imbestigasyon, ipaalam sa punongguro at mga guro na iikot ang mga mag-aaral upang magmasid sa loob ng kanilang silid-aralan. Magkaroon ng malinaw na pamantayan na dapat isagawa upang higit na magamit ang itinakdang oras para sa gawaing ito at maiwasan ang pagkalito at ingay sa oras ng pag- iikot. 3. Ipatala sa mga mag-aaral ang kanilang obserbasyon kung paano isinasagawa ng bawat klase ang pagpapanatili ng kalinisan sa loob ng silid-aralan. 4. Pagbalik mula sa pag-ikot, hayaan ang bawat pangkat na mag-usap at ipakita sa isang role play ang kanilang natuklasan. Itanong ang sumusunod na tanong at iproseso ang sagot ng mag-aaral upang higit nila itong maunawaan. • “Ano ang inyong naisip habang papunta sa mga silid-aralan?” • “Sa inyong palagay, may disiplina ba ang mga mag-aaral sa iba’t ibang klase? Ipaliwanag ang inyong sagot?” 152
• “Ano naman ang inyong maitutulong para matuto ang kapuwa- mag-aaral na magsegregeyt ng kanilang basura?” • “Kung ipatutupad ng lahat ng tao ang segregasyon, ano kaya ang mangyayari sa ating kapaligiran pagkalipas ng limang taon?”Subukin Natin 1. Hayaan ang mga mag-aaral na muling pagnilayan ang kanilang gawain mula sa Alamin Natin hanggang sa Isabuhay Natin. 2. Pangkatin ang klase sa tatlo na magpapakita ng skit batay sa nakalagay sa Subukin Natin sa Kagamitan ng Mag-aaral. 3. Bigyan ng kaunting oras ang bawat pangkat para sa paghahanda ng isang skit na magpapakita ng tunay na segregasyon ng basura. Ipaalala ang masusing panonood ng bawat isa. Bigyan ng limang minuto ang bawat grupo para rito. 4. Bigyan ng marka ang bawat pangkat gamit ang rubric scoring guide na nasa ibaba.Pamantayan 3 21Husay sa Lahat ng 1-2 kasapi ng 3-4 napagganap kasapi sa pangkat ay kasapi ng pangkat ay hindi nagpakita pangkat nagpakita ng ng kahusayan ay hindi kahusayan sa sa pagganap nagpakita ng pagganap kahusayan sa pagganap 153
Pamantayan 3 21Tamang paraan Naipakita nang Naipakita nang Hinding pagtatapon ng maayos at maayos ngunit naipakitabasura may tiwala ang may pag- ang tamang tamang paraan aalinlangan paraan ng ng pagtatapon ang tamang pagtatapon ng basura paraan ng ng basura pagtatapon ng basura5. Bilang takdang-aralin, ipagawa sa mga mag-aaral ang segregasyon sa kani-kanilang tahanan. Upang masiguro na ito ay kanilang ginawa, magpadala sa mga mag-aaral ng larawan bilang ebidensiya nito. Sa gawaing ito, mabibigyan ng pagkakataon ang mga mag- aaral na isabuhay ang kanilang natutuhan sa wastong segregasyon ng basura sa ating kapaligiran. Dito ay ginagamit natin ang pamamaraang experiential learning na dito, natututo ang mga mag- aaral sa pamamagitan ng paulit-ulit na pagsasagawa ng anumang natutuhan o tinatawag nating learning by doing. Sa pamamaraan ding ito nahahasa ang kakayahan ng mag-aaral sa pamamahala at pamumuno. Maaari ding lumawak ang pag-unawa at pag-intindi ng mga mag-aaral sa kanilang aralin sa pagkakataong ito.6. Muling ipaalala na mahalaga na maisabuhay ang patuloy na pagtulong at paghikayat sa iba na pangalagaan ang kapaligiran para sa pananatili ng kaligtasan at kalinisan ng bansa at daigdig. 154
Aralin 8 Patuloy na Panawagan: Pagsusunog ng Basura, Itigil Na!Layunin: Nakatutulong sa pagpapanatili ng kalinisan at kaayusan ng kapaligiran saanman sa pamamagitan ng: • pag-iwas sa pagsunog ng anumang bagayPaksa/Pagpapahalaga: Pagkakaroon ng Disiplina (Discipline) and Kalinisan at Kaayusan (Cleanliness Orderliness)Mga Kagamitan: cards, pentel pens, flyer mula sa DENR http://www.emb.gov.ph/news/053006/ sunogbasurafactsheet.pdf, kuwadernoIntegrasyon: Agham, Asignaturang Pangkalusugan, ICT, Edukasyong Pantahanan at PangkabuhayanPamamaraan: Ipabasa sa mga mag-aaral ang panimulang pananalita. Bigyan silang pagkakataon na pagnilayan ang mga tanong. Maaaring tumawag ngilang mag-aaral upang sagutin ang mga tanong. Kung hindi masagot angibang tanong, ipaliwanag na higit nilang maiintindihan ang pagpapahalagana dapat isabuhay upang maibsan o mabawasan ang masamang epektong pagsusunog ng basura.Alamin Natin 1. Ipasuring mabuti ang bawat sitwasyon sa mga larawan. 2. Pagkatapos ng ilang minuto, gabayan ang mga mag-aaral upang maisulat sa metacards ang posibleng dahilan ng mga pangyayari sa larawan. Ipapaskil ang kanilang isinulat upang makita ng buong klase. 3. Ipasuri sa buong klase ang ipinaskil na sagot ng mga mag-aaral. Pasagutan ang mga tanong at iproseso ang sagot ng mga mag-aaral. 155
Mga karagdagang tanong: • Masdan mo naman ang babae sa susunod na larawan. Ano ang posibleng dahilan ng pagsakit ng kaniyang ulo? • Pagmasdan naman ang ikatlo at ikaapat na larawan. Ano ang posibleng dahilan ng panghihina o pamamayat ng mga tao o hayop? • Ngayong alam na ninyo ang epekto ng pagsunog ng basura, ano ang maaari ninyong gawin upang mabawasan ang ganitong pangyayari? • Sa inyong palagay, nangyayari rin kaya ang mga ito sa ibang parte ng mundo? Pangatwiranan ang inyong sagot. 4. Suriin ng guro kung lumabas ang konsepto ng pagsusunog ng basura. Magdagdag ng tanong kung kinakailangan.Isagawa NatinGawain 1 Gagamitin sa gawaing ito ang teorya ng konstruktibismo na dito,mahalaga ang mga naunang kaalaman ng mga mag-aaral. Sa mgahalimbawang ibinigay, binibigyan natin ng pagkakataon ang mga mag-aaralna palagian nilang isipin ang kanilang mga karanasan upang makita nilaang kaugnayan nito sa kanilang buhay. Higit ding mahalaga na maitamanila kung anumang maling kilos o gawa tulad ng pagsusunog ng basura nasa tingin nila ay tama. 1. Ihanda ang kalooban ng mga mag-aaral para sa gawaing ito. Gamit ang estratehiyang Think-Pair-Share, ipasuri ang mga larawan sa Gawain 1 ng Isagawa Natin na nasa Kagamitan ng Mag-aaral at pagnilayan kung may karanasan silang katulad ng mga sitwasyon. Pagkatapos nilang makapagnilay, maaari na silang humanap ng kapareha para ibahagi ang kanilang kuwento. Ulitin ang prosesong ito nang tatlong beses. Ipaalala na dapat nilang itala kung ilan sa kanilang mga kaklase ang nakaranas nito. 2. Pagkatapos ng gawain, itanong ang sumusunod: 156
• “Nagustuhan ba ninyo ang gawain?” • “Ilang kamag-aral ang inyong nakausap?” • “Ano ang inyong napansin habang nagbabahagi kayo ng inyong karanasan sa inyong kapareha?” • “Sa isang banda, may pagkakaiba ba sa inyong mga karanasan?” • “Gagawin ba ulit ninyo ang mga gawaing ito? Pangatwiranan ang inyong sagot.” • “Ngayong alam na ninyo ang posibleng epekto ng pagsusunog ng basura, paano ninyo ito ibabahagi sa iba?” 3. Pasagutan ang mga tanong na nasa Kagamitan ng Mag-aaral. Kinakailangan ang malalim na pag-intindi sa mga tanong upang higit na maunawaan ng mga mag-aaral na kinakailangan nang paigtingin ang pagbawal sa pagsunog ng basura upang maiwasan ang malawakang pagbabago ng klima sa ating bansa at sa iba’t ibang panig ng daigdig. Tiyaking tatatak sa isipan nila na ang bawat tao ay may responsibilidad na sumunod sa mga alituntunin ukol sa pangangalaga sa kapaligiran upang mabawasan na ang masamang dulot ng pagsusunog sa kalusugan ng tao at mga hayop pati na rin ng ating kapaligiran.Gawain 2 Bilang panimula, ipaalala sa mga mag-aaral ang gawain nila saAlaminNatin. Sabihin na sa pagkakataong ito, patuloy pa rin nating tutuklasin angiba’t ibang praktis sa pagsusunog ng mga basura. Kailangang gabayanang mga mag-aaral para maituwid at maitama ang mga maling desisyontungkol sa kapaligiran. 1. Pangkatin ang klase sa apat. Ang bawat pangkat ay may nakatalagang sitwasyon kung saan dapat nilang pagnilayan at pag- usapan hanggang makabuo sila ng isang desisyon. 2. Subaybayan ang bawat pangkat at gabayan kung kinakailangan para higit na mapalalim ang kanilang ideya. 157
3. Pagkatapos makapag-ulat sa pamamagitan ng rap o isang malikhaing sayaw, iproseso ang mga ito gamit ang mga tanong sa Gawain 2 ng Isagawa Natin na nasa Kagamitan ng Mag-aaral. Ipasuri kung ang bawat desisyon ay tumutugon o umaayon samithiin na matigil ang pagsusunog ng basura. Kung hindi ito tumutugon,maaaring tulungan ang grupo sa pamamagitan ng pagsuri ng buong klasesa sitwasyon. Muli ang iyong paggabay bilang guro ay higit na kailangan.Isapuso Natin 1. Ipabasa ang mensahe bago ang gawain. Nilalayon na sa pagkakataong ito ay tunay na titimo sa isipan at puso ng mga mag- aaral na dapat bigyan ng pansin ang palagiang pagninilay upang makagawa ng isang desisyon na makabubuti sa lahat ng nilikha - tao, hayop at ang Inang Kalikasan. 2. Sa gawaing ito, mahalaga ang desisyong gagawin ng isang mag- aaral. Dito pa lang ay mahahasa na ang kanilang kakayahan na suriin at palaging pagnilayan ang anumang desisyon. Mahalaga na maunawaan nila na marami pa rin ang hindi sumusunod sa patakaran na tigilan ang pagsunog ng basura at sila bilang may kaalaman ay may kakayahang magdesisyon kung ano ang tama at nararapat. Sa pagkakataong ito, naisabubuhay na nila ang ethical decision making. Mainam din na maunawaan nila na sa anumang desisyon ay kailangan ang katatagan ng loob dahil alam nila ang katotohan at mayroon din itong kaakibat na responsibilidad. 3. Kung ang dahilan ng mag-aaral ay taliwas sa katotohanan, maaaring tulungan siya ng guro upang hindi siya malito kung ano ang tama at mali. Mahalaga ang higit na pang-unawa para gabayan ang mag- aaral at hindi uuwi na may agam-agam sa kaniyang isipan. 4. Ipabasa ang Tandaan Natin para sa karagdagang impormasyon. Maaari mong bisitahin ang sumusunod na websites para sa karagdagang impormasyon. 158
• http://www.balita.net.ph/2014/06/06/lilikha-ng-mas-malaking-butas/ • http://www.emb.gov.ph/news/053006/sunogbasurafactsheet.pdfKaragdagang impormasyon.Sanggunian: http://emb.gov.ph/news/053006/News_Releaseswm.htm Pagbabawal sa Pagsusunog ng Basura PinatindiMas magiging matindi ang kampanya laban sa pagsusunog ng basuramula sa mga lokal na pamahalaan. Ito ay matapos na matagumpay namaisagawa ang Forum ukol sa Bantay Sunog Basura na inilunsad ngEnvironmental Management Bureau (EMB) ng Department of Environmentand Natural Resources (DENR), sa pakikipagtulungan ng National SolidWaste Management Commission (NSWMC) – Secretariat.Ang pagtitipong ito na dinaluhan ng ilan sa mahahalagang sektor ng lipunan,kabilang ang mga Punong Barangay, mga opisyal ng lokal na pamahalaan,mga guro, at ilang mamamayan, ay isang pagsasamang puwersa nglokal na pamahalaan, at ng DENR, upang isulong ang pagtataguyod ngordinansa ng mga lokal na pamahalaan laban sa pagsusunog ng basura.Ipinagbabawal ang pagsusunog ng basura sa ilalim ng Republic Act No.9003, o ng Ecological Solid Waste Management Act, at sa Republic Act No.8749, o ng Philippine Clean Air Act. Ito ay sa dahilang ang pagsusunog ngbasura ay nakapagdudulot ng lasong nakaaapekto sa kapaligiran, lalo sakalusugan ng mamamayan.Ang kampanyang Bantay Sunog Basura ay inilunsad sa ilalim ngProgramang Linis Hangin noong Nobyembre taong 2004 na dito ay kinilalaang masamang epekto ng usok na idinudulot ng pagsusunog ng basura.Sa isinagawang Forum ay nagpahayag ng layong makiisa ang mga lokal napamahalaan sa kampanyang ito, sa pamamagitan ng pagpaplano ng mgagawaing sang-ayon sa alituntunin ng Bantay Sunog Basura na ipinatupadmula Abril 2006 hanggang Disyembre 2007.Isa sa mga nangunguna sa paggawa at pagpapatupad ng ordinansang 159
nagbabawal sa pagsusunog ng basura ay ang munisipalidad ng San Juan.Sa bisa ng ordinansa ay mahigpit na ipinagbabawal ang pagsisiga at angpagsusunog ng basura sa kahit anong kalye o bakuran, pribado man opampubliko, dahil sa masamang epekto ng gawaing ito sa kapaligiran,hangin, kalusugan ng tao, bukod pa sa maaari itong maging sanhi ngsunog. Ang mga mahuhuling magsusunog ng basura sa San Juan aypagmumultahin ng mula P500.00 hanggang P1,000.00.Kabilang din sa mga lokal na pamahalaan na nagpapatupad ng mgaordinansang alinsunod sa pagbabawal sa pagsusunog ng basura ay angMakati, na may kaukulang P1,000.00 multa o lima hanggang tatlumpungaraw na pagkakulong sa mga taong susuway dito; ang Lungsod QuezonP1,000.00 hanggang P3,000.00 o isang araw na pagseserbisyongpangkomunidad at seminar, hanggang isang araw na pagkakulong, angparusa sa mga lalabag sa ordinansa; gayundin naman sa Navotas, namay parusang mula P500.00 hanggang P1,500.00 multa, o, tatlong arawhanggang pitong araw na serbisyong pangkomunidad, o pagkakulonghanggang labinlimang araw.Ilan sa mga ipinangako ng mga dumalo sa Forum ang pagpapalaganap ngkaalaman hinggil sa masamang epekto ng pagsusunog ng basura, kabilangna ang tamang paraan ng pagkokompost, sa pamamagitan ng malawakangedukasyon; ang pagtatanim ng mga puno para makamit ang balanse saekolohiya; ang pagbuwag ng sistemang “palakasan”; ang pagtataguyod ng“Talakayan sa Barangay”; ang paglalagay ng mga “streamers”, at ang pagbuong mga grupong susuporta sa kampanya laban sa pagsusunog ng basura.Kabilang sa mga tagapagsalita sa nasabing Forum ay sina DirektorFernandino Concepcion ng EMB-DENR; Engr. Ma. Sonabel Anarna ngDepartment of Health; Regional Director Arnulfo Hernandez ng EMB-NCR;at si Executive Director Atty. Zoilo Andin ng NSWMC-Secretariat.Para sa karagdagang impormasyon hinggil sa kampanyang Bantay SunogBasura, at sa tamang pangangasiwa ng basura, maaaring bumisita satanggapan ng National Solid Waste Management Commission – Secretariat,sa Ikalawang Palapag ng HRD Bldg., DENR Compound, Visayas Avenue, 160
Diliman, Quezon City. Maaari ding tumawag sa mga numero 920-2252;920-2279; 925-4796/925-4797 lokal 3.Isabuhay Natin 1. Pasagutan sa kuwaderno ng mga mag-aaral ang Isabuhay Natin sa Kagamitan ng Mag-aaral. 2. Sabihin na dapat pag-isipang mabuti ang isang tamang desisyon sa bawat bilang ng gawain. Dito masasalamin kung tunay na tumimo sa puso at isipan ng mga mag-aaral ang adhikaing itigil na ang pagsusunog ng basura para sa pagpapanatili ng kalinisan at kaligtasan ng ating bayan. 3. Ipasuring muli ang mga desisyong tumatalima sa adhikain para maunawaan ng lahat. Humingi ng ilang pagpapaliwanag sa mga sumagot dito. Para sa desisyong mukhang di malinaw o medyo salungat sa adhikain, tulungan ang mga mag-aaral na makita ang buong larawan kung bakit kailangang baguhin ang desisyong mali. Bilang guro, hindi mo dapat diktahan ang mag-aaral bagkus ay gabayan mo siya na maliwanagan hanggang makamit niya ang desisyong makabubuti sa lahat.Subukin Natin 1. Ipagawa sa mga mag-aaral ang Subukin Natin sa Kagamitan ng Mag-aaral 2. Gabayan ang buong klase para matagumpay na maisakatuparan ang kampanya laban sa pagsusunog ng basura. 3. Tulungan sila sa mga kagamitan na dapat nilang ihanda upang mas maging epektibo ang kanilang kampanya. 4. Muli, ipaalam sa inyong punongguro at mga guro ang gawaing ito. 5. Tiyaking handa ang mga mag-aaral sa pagsagot sa anumang tanong kung bakit hindi dapat magsunog ng basura. 161
Gamitin ang rubric sa ibaba sa pagtataya ng gawain.Pamantayan 3 21Husay sa Lahat ng kasapi 1-2 kasapi ng 3-4 na kasapipaghahanda para sa pangkat ay pangkat ay ng pangkatsa kampanya nagpakita ng hindi nagpakita ay hindi kahusayan sa ng kahusayan nagpakita ng paggawa ng sa paggawa kahusayan mga materyales ng mga sa paggawa at ng plano para materyales at ng mga sa gagawing ng plano para materyales at kampanya sa gagawing ng plano para kampanya sa gagawing kampanyaPaghahatid ng Naihatid nang Naihatid nang Hindikampanya laban maayos at maayos ngunit naihatid angsa pagsusunog may tiwala ang may pag- impormasyonng basura impormasyon aalinlangan tungkol sa tungkol sa ang pagbabawal pagbabawal sa impormasyon sa pagsunog pagsunog ng tungkol sa ng basura basura pagbabawal sa pagsunog ng basura Para sa karagdagang gawain, ipatala sa mga mag-aaral ang kanilangobserbasyon tungkol sa pagsusunog ng basura. Ito ay isang paraan paramapaigting sa barangay o pamayanan ang pagbabawal sa gawaing ito.Palagian itong ipaalala upang patuloy itong maisabuhay ng mga mag-aaral.Pasalamatan ang pakikiisa ng mga mag-aaral sa gawaing ito. 162
Aralin 9 Mag-Recycle ang Lahat Para sa Magandang BukasLayunin: Nakatutulong sa pagpapanatili ng kalinisan at kaayusan ng kapaligiran saanman sa pamamagitan ng: • pagsasagawa ng muling paggamit ng mga patapong bagay (Recycling)Paksa/Pagpapahalaga: Pagkakaroon ng Disiplina (Discipline) and Kalinisan at Kaayusan (Cleanliness Orderliness)Mga Kagamitan: kuwaderno, manila paper, pentel pens, krayola, flyer mula sa DENR: h t t p : / / w w w. e m b . g o v. p h / p o r t a l / P o r t a l s / 1 0 / proper%20waste%20segragation.pdfIntegrasyon: Agham, Asignaturang Pangkalusugan, SiningPamamaraan:Alamin Natin Bilang panimula, ipakilala sa mga mag-aaral ang salitang recycleo paggamit muli ng anumang bagay. Ipaliwanag na may mga gamit satahanan o paaralan tulad ng basyong lata ng gatas, bote at karton namaaaring maging kapaki-pakinabang sa halip na itapon ang mga ito.Maaaring itanong ang sumusunod: • “Saan karaniwang nakapaskil ang salitang recycle?” • “Ginagawa na ba ninyo ito sa inyong tahanan o paaralan?” 163
Pagkatapos ng maikling talakayan tungkol sa pag-recycle, maaarinang tumuloy sa unang gawain. Sa pagkakataong ito, isinasaalang-alangang gamit ng experiential learning na dito dapat nilang balikan anganumang karanasan na may kinalaman sa larawan. Maaaring makinig angibang mag-aaral sa kuwento ng kanilang kaklase na walang naranasantungkol dito. 1. Hayaang magnilay ang mga mag-aaral para sa mga dahilan kung bakit nagkaroon ng ganitong klaseng problema sa kapaligiran. Maaaring tumawag ng ilang mag-aaral para magbahagi sa klase. 2. Ipasagot sa kuwaderno ng mga mag-aaral ang mga tanong sa Alamin Natin na nasa Kagamitan ng Mag-aaral. Kung may ilang mag-aaral na nakaranas na nito, itanong ang sumusunod na tanong: • “Ano ang inyong naramdaman noong mga panahong nararanasan ninyo ang matinding pagbaha at maraming basura ang nakalutang sa tubig?” • “Ano kaya ang dahilan kung bakit nagkaroon ng ganitong problema?” Isaalang-alang ang damdamin ng mga mag-aaral sa pagkakataongito. Maaaring may ibang karanasan na sobrang tumatak sa isip ng mag-aaralat nagkaroon sila ng phobia. Kung may ganitong pagkakataon, mainamna kausapin ang mag-aaral upang lumakas ang kaniyang loob at mawalaang takot sa dibdib niya. Paalalahanan ang buong klase na makinig nangmabuti at isipin kung bakit kaya nangyari ito sa kanilang lugar. Para sa mga hindi nakaranas ng ganitong kalamidad, itanong angsumusunod: • “Ano ang masasabi ninyo sa mga kaklase ninyong nakaranas ng ganito?” • “Kung kayo ang nasa sitwasyon, ano ang inyong mararamdaman?” 164
Itanong sa lahat: • “Sa inyong palagay, matindi ba ang epekto ng basura sa malawakang pagbaha sa ating bayan? Pangatwiranan ang inyong sagot.” Mahalaga rin na maintindihan nila na maraming tao pa rin ang matigasang ulo o mapagsamantala at hindi iniisip ang kahihinatnan kung patuloyna dadami ang basura. Ipaunawa na kung hindi matututo ang mga taona mag-recycle, hindi lamang tayo o ang ating bansa ang maaapektuhankundi pati na rin ang buong daigdig. Ipaalala na ang anumang pagsira ngisang tao sa kapaligiran ay maaaring magbunga ng malawakang pagkasirang Inang Kalikasan.Isagawa NatinGawain 1 1. Ipakompleto ang talahanayan na nasa Kagamitan ng Mag-aaral. Bago ito ipagawa, tiyaking naunawaan ng mga mag-aaral ang mga bahagi nito. Ipagawa ito sa kanilang kuwaderno. 2. Kapag nakompleto na ng mga mag-aaral ang gawain, ipasagot na ang mga tanong na nasa Kagamitan ng Mag-aaral. Iproseso ang iba’t ibang sagot sa mga tanong.Gawain 2 1. Pangkatin ang klase sa tatlo. Hikayatin ang bawat pangkat na magkaroon ng malalim na talakayan kung ano ang masamang dulot sa kalusugan at kapaligiran ng patuloy na hindi pag-recycle ng mga patapong bagay. 2. Sa oras ng talakayan, kailangang subaybayan ang bawat pangkat upang matiyak na may pokus ang kanilang pinag-uusapan. Siguraduhin na ang bawat miyembro ay may kontribusyon sa talakayan. 165
3. Gabayan ang mga mag-aaral habang iginuguhit ang kanilang mga ideya. Ang gawa ng bawat pangkat ay dapat bigyan ng pansin at dapat iproseso upang higit nilang maunawaan ang masamang epekto kung patuloy na hindi magre-recycle ang mga tao. Ipapaskil ang mga ito sa silid-aralan pagkatapos ng leksiyon. Sa gawaing ito, ang teorya ng konstruktibismo ay isinaalang-alangna ang mga mag-aaral ay nag-iisip kung ano ang posibleng maging epektong maling pag-uugali ng mga tao pagdating sa pamamahala ng basura.Binibigyan din sila ng pagkakataon na maitama ang maling pag-uugalitungkol sa pagtapon ng basura. Ito ay makatutulong din para mahasa angkanilang critical thinking sa pagbuo ng mga konsepto at kakayahan nakanilang dapat tandaan at isabuhay kalaunan. Pag-aralan ang karagdagang impormasyon kung ano ang magigingepekto naman kung patuloy tayong magre-recycle. Source: Solid Waste Management Module for Schools (2005) Miriam College-Environmental Studies Institute Environmental Management Bureau-DENRIsapuso Natin 1. Para sa gawaing ito, ang mas malalim na pagninilay ay kinakailangan upang higit na maisapuso ang recycling. 2. Gabayan ang mga mag-aaral na kompletuhin ang mga pangungusap sa Isapuso Natin sa Kagamitan ng Mag-aaral. Ipaliwanag na ang bubuo sa bawat bilang ay magpapahayag ng tamang desisyon na buhat sa konteksto ng paggamit muli ng mga patapong bagay. 166
Posibleng sagot: • Magsisimula na akong mag-recycle dahil alam kong makababawas ito sa basura namin sa bahay. • Bago ako bumili ng isang bagay, iisipin kong mabuti kung ito ay aking kailangan o hindi. • Tinutupi ko at tinatalian ang mga tuyong karton para hindi ito kumalat at magamit pang muli kung kinakailangan. • Kung hindi pa alam ng kapatid ko ang pag-recycle dapat ko siyang turuan at paliwanagan tungkol dito. • Ako ay palagi nang magre-recycle dahil makatutulong ito sa pagpapanatili ng kalinisan at kaayusan ng kapaligiran. 3. Ilan lamang ang mga ito sa posibleng sagot. Para sa may ibang sagot, tanungin kung bakit ito ang kanilang naging sagot. Gabayan natin sila hanggang maintindihan nila ang bawat aytem. Maaaring may ibang sagot din na batay sa ibang karanasan. 4. Ipabasa ang Tandaan Natin para sa karagdagang kaalaman. Muling iproseso kapag may magtanong.Isabuhay Natin Kaya na ba ninyong isabuhay ang pagre-recyle?Gawain 1 1. Hayaan ang mga mag-aaral na mag-isip kung anong produkto ang puwedeng gawin kapag ni-recycle ang mga bagay na nakasaad sa Gawain 1 ng Isabuhay Natin sa Kagamitan ng Mag-aaral. Ipasulat sa kuwaderno ng mga mag-aaral ang kanilang sagot. 167
Gawain 2 1. Bumuong muli ng apat na pangkat. Ipatalakay sa bawat pangkat ang magandang idudulot ng pagre-recycle. 2. Gabayan ang mga mag-aaral na maghanda para sa gagawing kampanya upang paigtingin ang pag-recycle ng mga patapong bagay. Magpagawa sa kanila ng mga campaign materials gamit ang iba’t ibang estratehiya na nasa Kagamitan ng Mag-aaral. 3. Habang naghahanda ang ibang pangkat, pulungin ang lider ng bawat pangkat para pag-usapan at pagplanuhan ang gagawing kampanya sa loob ng paaralan. Muling kausapin ang punongguro upang mas maging maayos ang iskedyul ng kampanya at magkaroon ng partisipasyon ang mga mag-aaral buhat sa ibang baitang.Subukin Natin 1. Panatilihin ang apat na pangkat para sa gawaing ito. Ipaliwanag na kailangan nilang balikan ang kanilang natutuhang pagpapahalaga sa mga nakalipas na araw tungkol sa recycling. Ipagawa sa kanila ang kanilang plano para sa isang proyekto gamit ang talahanayan bilang gabay. 2. Ipaalaala ang mga panukalang pangkaligtasan upang maiwasan ang anumang aksidente habang isinasagawa ang proyekto. Kung hindi matapos ang gawain sa loob ng 30 minuto maaaring gawin ng mga mag-aaral sa kanilang libreng oras hanggang sa ito ay matapos sa itinakdang oras. Ipalarawan at ipaliwanag ang dahilan ng anumang proyektong ginawa. 3. Palagyan ito ng pangalan, tema at kung saang materyal ito yari. Ipaskil ito sa isang bahagi ng silid-aralan. Maaari itong gamitin sa exhibit o kung pulido ang pagkakagawa maaari rin naman itong ibenta upang may maipon ang klase na maaaring gamitin sa iba 168
pang proyekto. Ipaalala na mabuti ng hasain nila ang kanilang kakayahan. 4. Kumausap ng ilang magulang o miyembro ng komunidad upang makatulong ng mga mag-aaral para sa medyo mabigat o delikadong gawain. Sabihin ito sa mga mag-aaral bago simulan ang anumang proyekto. 5. Muling gabayan ang mga mag-aaral para makagawa ng mga mas kapaki-pakinabang na bagay. 6. Ipaliwanag na maaari silang magpraktis pa upang mahasa ang kanilang kakayahan. Batiin ang mga mag-aaral sa pagkakaroon ng bukas na isipan parasa tunay na pagpapahalaga para sa ating kapaligiran. Iugnay ang kanilangmga natutuhan sa yunit na ito sa susunod na yunit tungkol sa Pagmamahalsa Diyos. 169
Mungkahing Pangwakas na Gawain Para sa Yunit III Sa pagtatapos ng Ikatlong Markahan, ang pampinid na gawaing itoay iminumungkahi upang masukat ang antas ng natutuhan ng mga mag-aaral tungkol sa mga pamanang kulturang materyal tulad ng kuwentongbayan, alamat, mga epiko at mga pamanang kulturang di materyal tulad ngmagagandang kaugalian at iba pa. Layunin din nito na maipagmalaki o mapahalagahan ang nasuringkultura ng iba’t ibang pangkat etniko tulad ng kuwentong bayan, katutubongsayaw, awit, laro at iba pang magagandang ambag o kontribusyon namagpapakilala at magpapayaman sa kanilang kultura. Maliban dito,binibigyan ng pansin ang pagsunod sa mga batas o panuntunang pinaiiraltungkol sa pangangalaga ng kapaligiran at iba’t ibang paraan upangmapanatili ang kalinisan at kaayusan ng kapalagiran. Bilang hudyat ng pagtatapos sa panahon ng Ikatlong Markahan,inihanda ang mga mungkahing gawain kung saan (1) mabubuo,mapagsasama-sama ang mga nalinang na pagpapahalaga; (2)masusubaybayan ng guro ang mga bagay na ipinangako ng bawat mag-aaral kung ito ba ay natupad na o sinimulang isabuhay pa lamang; (3)magkakatulungan sa pamamagitan ng paglahok ng mga magulang otagapag-alaga at iba pang taong may kinalaman sa pagpapakatao ng mag-aaral. Pumili ng mga gawain na nakatala sa ibaba bilang pagpapakitang pagpapahalaga ng kultura ng iba’t ibang pangkat etniko at gawain namagpapahalaga sa pagpapanatili ng kalinisan at kaayusan sa kapaligiran.I. Maikling Palatuntunan na Magtatanghal ng mga Kultura ng Iba’t ibang Pangkat Etniko. 1. Maaaring magkaroon ng pagpapakita ng mga kasuotan at katutubong tugtugin, awit at sayaw ang bawat klase na maaaring ihanda ng lahat ng grado. Kung iisa lang ang pangkat ng Baitang 4 sa paaralan ay maaaring bumuo na lamang ang guro ng mga pangkat. Maaaring mag-imbita sa paaralan ng pangkat etniko 170
na maaaring makapagbahagi ng kanilang kultura. Mainam din kung magkaroon ng pagbigkas ng mga tula at pagbabasa ng kuwento. 2. Ipaalala ang kahalagahan ng pagiging simple at matipid na paghahanda para sa gawaing ito. 3. Kapag may malapit na museo, maaari ding iplano ang pagbisita rito upang makita ng mga mag-aaral ang mga pamanang materyal at di materyal mula sa ating mga ninuno. Mekaniks: • Gabayan ang mga mag-aaral sa kanilang pagpaplano ngunit hayaang sila ang magpatakbo ng palatuntunan. • Maglaan ng panahon para sa kanilang paghahanda sa pagtatanghal at gabayan sila sa kanilang praktis. • Ianunsiyo sa palatuntunan ang adbokasiya ng klase. • Bigyang-diin pa rin ang mga aralin sa pagpapahalaga at pagmamalaki sa mga kultura ng bawat pangkat etniko.II.- A. Pagkakaroon ng Interaktibong Eksibit May tatlong tema o paksa ang eksibit na ito: 1. Ipakita ang iba’t ibang pangkat etniko at kanilang natatanging kultura. 2. Muling bigyang-buhay o alalahanin ang sining at panitikang Pilipino. 3. Itaguyod ang mga gawain o proyektong nagsusulong ng pangangalaga ng kapaligiran at responsableng paggamit ng mga likas-yaman. 171
Mekaniks: • Bigyan ng sapat na panahon ang mga mag-aaral na maghanda para sa ilalagay nila sa kanilang eksibit. Maaaring bumuo ng mga komite na mamamahala ng mga gawain. • Maaaring gamitin ang mga naunang proyekto o output ng mga mag-aaral sa mga naging aralin sa Ikatlong Markahan (advocacy materials, comic strip, drawing o paintings, panitikan). • Dagdagan lamang ito ng ilang larawan at babasahin tulad ng mga aklat o nobela. • Maglaan ng isang estasyon para sa isang pagsubok na dito ay maaaring bumunot ng mga tanong ang mga magmamasid. Maaari silang bigyan ng simpleng token tulad ng recycled crafts o bookmark na may nakasulat na mga pananalitang nagbibigay ng pag-asa. • Maglaan din ng isang estasyon para sa pagtanggap ng mga donasyon tulad ng mga gamit sa paaaralan, toiletries, tsinelas o de-lata na ipamimigay sa napiling paaralan o komunidad. • Maglaaan din ng estasyon para sa pangangalap ng pirma para sa pangangalaga ng kapaligiran. Halimbawa: Laban sa pagsusunog o pagsisiga.B. Paglingap sa mga Batang Katutubo Mga Paghahanda: • Gamit ang mga patapong bagay at iba pang gamit, gumawa ng mga kapaki-pakinabang na bagay tulad ng bag na puwedeng ibenta. Ang kikitain ay maaaring ipambili ng mga personal na gamit para ibigay sa mga kapatid nating katutubo. 172
• Ang iba pang makakalap na kagamitang pang-eskuwela at toiletries ay maaaring ibigay nang direkta sa paaralan o ipadaan sa mga organisasyong may kahawig na adbokasiya tulad ng “Klasrum ng Pag-asa” na naglalayong makapagpatayo ng mga silid-aralan sa mga paaralang nasa mga liblib na lugar at may higit na pangangailangan sa pasilidad. • Maglakip ng isang simpleng kard o bookmark na nagbibigay ng pag-asa sa mga mag-aaral na tatanggap ng tulong.C. Alay-Tanim sa Bagong Taon para sa Kalikasan, Panayam at Eksibit • Dahil sa buwan ng Enero magtatapos ang Ikatlong Yunit, maaaring isagawa ang gawain sa unang Biyernes ng Bagong Taon. Ito ay bilang pagsasabuhay sa pangangalaga sa kalikasan kahit walang nakakakita. Magpadala ng mga puno na itatanim ng mga mag-aaral o kung hindi ay maaaring manghingi sa opisina ng lokal na tagapangalaga ng kapaligiran sa mga munisipyo o barangay. • Magkaroon ng isang forum tungkol sa segregasyon ng basura, bakit ipinagbabawal ang pagsusunog ng basura at ang pagsusog sa recycling. Mag-imbita ng mga taong may katungkulan sa pangangalaga sa kalikasan upang magbigay ng panayam. Mainam ang gawaing ito para masalamin ng mga mag-aaral ang mahalagang bahagi nila sa pagliligtas at pangangalaga sa kalikasan. • Pagkatapos ng forum, bigyang-daan ang isang eksibit ukol dito. Magpadala ng mga na-recycle na kagamitan na ginagamit nila sa tahanan. Pangkatin ang klase at maglaan ng mga mesa o exhibit area ang guro sa labas ng kanilang silid-aralan. 173
Para sa lahat ng gawain, tapusin ang bawat aktibidad sa pamamagitanng isang pagninilay tungkol sa mga isinagawang gawain. Maaari nilangisulat sa metacards ang kanilang mga nararamdaman o iguhit ito. Ipaskilang mga ito sa isang korner sa silid-aralan. Tapusin ang pampinid na gawain sa isang panalangin na maaaringpamunuan ng isang mag-aaral o magulang. 174
Appendix A - Unang Markahang Pagsusulit Yunit II. Panuto para sa bilang 1-5:Piliin ang tamang sagot sa bawat bilang. 1. Napili ka ng iyong guro na siyang maging tagapagdaloy ng palatuntunan, ano ang iyong gagawin? A. Pipilitin ko ang aking kamag-aral na palitan ako. B. Sasabihin kong ayokong maging tagapagdaloy ng palatuntunan. C. Lalakasan ko ang aking loob at tatanggapin ang ibinigay na gawain. D. Magdadahilan ako na masakit ang aking lalamunan at hirap sa pagsasalita. E. Makikiusap ako na iba na lamang ang gawing tagapagdaloy ng palatuntunan. 2. Maraming nilabhang damit ang Nanay. Ipinasasampay niya ang mga ito kay Annie. Ano ang dapat gawin ni Annie? A. Itago ang mga damit na ipinasasampay ng nanay. B. Magkunwari na hindi narinig ang utos ng nanay. C. Magsabi sa Nanay na hindi niya ito kayang gawin. D. Iutos sa nakababatang kapatid ang pagsasampay ng damit. E. Pagtiyagaang isampay ang mga damit para makatulong sa nanay. 3. Oras ng rises, mahaba ang pila sa pagbili ng pagkain sa kantina. Nasa bandang hulihan ng pila si Paolo. Kung ikaw si Paolo, ano ang gagawin mo? A. Hindi na pipila at titiisin na lamang ang gutom. B. Sisingit sa bandang gitna ng pila para mapabilis. 212
C. Magtitiis na pumila hanggang sa makaabot sa unahan. D. Pupunta sa unahan ng pila at makikiusap na paunahin siya. E. Uutusan ang kamag-aral na nasa may unahan ng pila na ibili na lamang siya ng pagkain. 4. Narinig ni Mark na may parating na bagyo at sinuspinde na ang mga klase sa kalapit na lugar. Ano ang dapat gawin ni Mark? A. Magdasal na lalong lumakas ang ulan. B. Muling matulog dahil wala na rin sigurong klase sa kanilang paaralan. C. Tawagan ang mga kamag-aral at sabihing wala na rin silang pasok. D. Sabihin sa nanay na ayaw niyang pumasok sa paaralan dahil umuulan. E. Makinig sa radyo o manood sa telebisyon para sa mahahalagang pahayag. 5. Tuwang-tuwa ka dahil pinasalubungan ka ng tatay ng isang kahong “loombands”. Itinago mo ito bago pumasok sa paaralan. Pagdating mo sa bahay, nakakalat ang mga ito at ang iba ay itinapon ng iyong nakababatang kapatid. Ano ang gagawin mo? A. Mag-iiiyak ako. B. Aawayin ko ang aking kapatid. C. Sasabihin ko sa tatay na paluin ang aking kapatid. D. Itatapon ko na lamang ang natitira pang “loombands”. E. Magtitimpi ako at iaayos ang natitirang “loombands”.II. Panuto para sa bilang 6-10: Ilahad ang inyong mga sagot sa sumusunod na tanong sa bawat talata. 6. Isinama ka ni nanay sa palengke. Marami kayong pinamili kaya’t kailangan kang magbitbit ng mabigat na bayong. Ano ang dapat mong gawin? 213
7. Palaging nawawala ang lapis ni Ronnie sa kaniyang pencil case. Nalaman niyang si Gabriel, ang kaniyang katabi sa upuan ang kumukuha nito. Kung ikaw si Ronnie, ano ang sasabihin mo kay Gabriel?8. Sinabi ng iyong kalarong si Tessie na hindi mo dapat kaibiganin ang isa pa ninyong kalaro na si Yvette sapagkat hindi maganda ang ugali nito. Ano ang sasabihin mo kay Tessie?9. Pista sa inyong lugar. Kinausap ka ng inyong punong barangay na sumali sa paligsahan sa plasa. Alam niyang magaling kang sumayaw at kumanta pero nahihiya ka. Ano ang magiging pasiya mo?10. Pinuri si Buena ng kaniyang guro dahil napakaayos ng mga aklat sa kanilang mini library. Alam ni Buena na ang kaniyang kamag-aral na si Krizzie ang nag-ayos ng bahaging ito. Ano ang dapat sabihin ni Buena sa kaniyang guro?III. Panuto para sa bilang 11-20: naman Gumuhit ng sa patlang kung tama ang ginawa atkung mali.______ 11. Matiyaga kong tinapos ang aking takdang-aralin kahit inaantok na ako.______ 12. Kahit alam kong mapapagalitan ako ni nanay, sinabi ko pa rin na ako ang nakabasag ng pinggan.______ 13. Tinanggihan ko ang ibinigay sa aking parte sa programa sapagkat nahihiya ako______ 14. Hindi ko inaway ang aking kamag-aral nang matapunan niya ng sopas ang aking kuwaderno.______ 15. Sinulatan ng bunso kong kapatid ang aking kuwaderno. Inaway ko siya at sinaktan214
______ 16. May dumating kaming bisita at tiniis kong matulog sa sopa.______ 17. May nabasa akong mga dapat gawin kung may bagyo. Isa-isa ko iyong inunawa at inalam kung maaaring ilapat sa sitwasyon namin sa aming bahay.______ 18. Nainis ako nang sabihin sa akin ng aking guro na hindi masyadong maganda ang isinulat kong talata.______ 19. Gutom na ako kaya siningitan ko ang aking kamag- aral sa pila sa pagbili sa kantina.______ 20. Hindi ko sinabi sa guro na isa ako sa mga gumawa ng proyekto sapagkat hindi maayos ang pagkakagawa nito.IV. Panuto para sa bilang 21-30: Tapusin ang pangungusap ayon sa iniisip mong tamang gawin. 21. Hindi ako sigurado kung ang narinig kong balita sa radyo ay totoo o hindi. Ako ay _____________________________________. 22. Kinukulit ako ng aking kamag-aral. Siya ay aking_______________. 23 Sinabi ng aking kaibigan na masama sa kalusugan ang pag-inom ng malamig na juice sa umaga. Ako ay ________________________. 24. Pinagsabihan ako ni tatay sapagkat napabayaan ko ang aking bunsong kapatid. Ako ay ______________________________. 25. Isinali kami ng aming guro sa rondalya. Hindi pa ako masyadong mahusay tumugtog ng bandurya. Sasabihin ko sa guro na ___________________________. 26. Malayo ang paaralan sa aming bahay at kailangan akong maglakad. Ako ay ________________________________. 215
27. Medyo maluwag ang nabiling sapatos ni nanay. Kailangan kong gamitin iyon pagpasok sa paaralan. Ako ay ___________________.28. Tumatakbo ang aking kamag-aral at ako ay nabangga. Natumba ako at nasaktan. Ako ay ______________________________.29. Hindi ako nakapasok sa paaralan nang nakaraang araw sapagkat ginabi ako sa panonood ng telebisyon. Nang tanungin ako ng guro, ang sinabi ko ay _______________________________.30. Maingay ang katabi kong kamag-aral. Hindi ko marinig ang sinasabi ng guro. Ako ay ______________________________.V. Panuto para sa bilang 31-35:Isulat ang titik ng ipinakikitang pag-uugali.A - Katatagan ng Loob; B - Pagkamatiyaga; C - Pagkamapagtiis;D - Pagkamapagpasensiya; E - Pagmamahal sa Katotohanan; atF - PagkamahinahonSitwasyon Pagpapahalagang Ipinakita31 Sinasabi ang totoo kahit mapagalitan.32. Hindi nagagalit kahit may ginawang mali ang kamag-aral o kaibigan.33. Isinasakatuparan ang iniatang na gawain kahit hindi madali.34. Hindi sumisingit sa mahabang pila sa pagbili sa tindahan.35. Ipinakikita ang kakayahan kahit kinakabahan.Susi sa Pagwawasto: 16. 31. E 17. 32. D 1. C 11. 18. 33. B 2. E 12. 19. 34. C 3. C 13. 20. 35.A 4. E 14. 216 5. E 15.
Yunit II1. Ipaliwanag sa mga mag-aaral ang layunin ng pagtatayang sasagutan nila.2. Bigyan sila ng labinlimang minuto upang sagutin ang mga katanungan.3. Iwasto ang kanilang sagot at gawin itong gabay upang mabigyan ng pagpapalalim ang pagpapahalagang mahina pa sa kanila.I. Panuto:Gaano mo kadalas ginagawa ang sumusunod na gawain? Lagyanng tsek (ü) ang iyong sagot. Palagi Paminsan- Hindi ko Gawain minsan ginagawa mga 1. Tinatanggap ko angnegatibong puna ng maluwag saaking kalooban.2. Nagbibigay ako ng tulong sa mgabiktima ng kalamidad.3. Hindi ako nag-iingay kapag alamkong may natutulog pa sa bahay.4. Hindi ako gumagamit ng mgasalitang nakasasakit sa damdaminng aking kapuwa.5. Nakikinig ako sa aking guro kapag siyaay nagpapaliwanag ng aming aralin.6. Tumutulong akong maglinis ngmga kanal sa barangay.7. Iniingatan ko ang palaruan saaming paaralan.8. Humihingi ako ng tawad kapagnakagagawa ako ng pagkakamalisa aking kapuwa.9. Sumasali ako sa “Oplan Linis” ngaming barangay.10. Nakikibahagi ako sa paglilibangng mga kaibigan. 217
II. Sagutin ang mga tanong. Isulat ang letra ng iyong sagot sa sagutang papel. 1. Alin sa sumusunod ang nagpapakita ng pagiging mahinahon sa kilos at damdamin? A. Nakikipag-away sa mga ayaw kumampi kapag may ipinaglalaban. B. Nakikiayon sa sinasabi ng kapuwa para maiwasan ang gulo. C. Nakikipag-usap ng maayos sa kapuwa upang magkaunawaan. D. Kumakampi sa mas marami ang umaayon upang hindi mapag-isa. 2. Alin sa sumusunod ang nagpapakita ng totoong pagiging bukas-palad? A. Naghulog ng dalawang piso sa collection box kahit walang nakakakita. B. Ibinahagi ang pagkain sa katabing walang pagkain dahil nakatingin ang guro. C. Dinala ang mga damit na ayaw nang gamitin para sa mga biktima ng baha para magkaroon nang mas madaming puntos ang aming grupo. D. Dumalo sa pag-eempake ng mga relief goods para sa mga nasalanta ng bagyo. 3. Bakit kailangan igalang ang kapuwa? A. Para mapanatili ang mapayapang pamayanan B. Para igalang ka din ng kapuwa C. Para walang magalit sa iyo D. Para masaya ang lahat 4. Bilang mag-aaral, alin sa sumusunod ang paggalang sa karapatan ng may sakit ang kaya mong gawin? A. Pagbigay ng prutas at damit B. Pagbisita sa may sakit C. Pagbibigay ng payo sa may sakit D. Pagbibigay ng gamot sa may sakit 5. Paano maipakikita ang pag-unawa sa damdamin ng kapuwa? A. Sa pakikiiyak sa kanila B. Sa pakikipag-usap sa kanila 218
C. Sa pagbibigay ng sariling kuwento sa kanila D. Sa pakikinig sa oras na may problema sila at pagbibigay ng payoIII. Basahin ang sitwasyon at magbigay ng iyong pasiya. 1. Narinig mo sa isa mong kamag-aral na ang iyong katabi ay nang- umit ng pera sa kantina ng paaralan. Isinulat mo ito sa facebook at marami ang nagkomento. Nalaman mong hindi pala totoo ang narinig mong balita. Paano mo itutuwid ang iyong pagkakamali? 2. Nagpunta si Christian sa silid-aklatan ng Mababang Paaralan ng Bagolayag. Napansin niya ang maayos na pagkakasalansan ng mga aklat. Malinis din ang paligid ng lugar. Paano niya mapananatili ang kaaya-ayang paligid ng silid-aklatan? 3. Nililinis na mabuti ang mga eskuwela ni Gng. Ligaya ang palikuran ng kanilang silid-aralan sa tuwing gagamitin nila ito. Ano ang iyong maitutulong upang mapanatili ang kaayusan nito? 4. Napakaraming bata ang nakatira sa ilalim ng tulay. Nakikita mo sila tuwing papasok ka sa paaralan. Sa hapon nama’y makikita mo silang namamalimos sa mga lansangan. Ano ang magagawa mo para sa kanila? 5. May sakit ang iyong kalaro. Nais mo siyang puntahan dahil wala kang makalaro sa labas ng bahay. Sabi ng nanay niya hindi pa siya puwedeng maglaro. Ano ang gagawin mo?Susi sa PagwawastoI. Asahan ang iba’t ibang sagot ng mga mag-aaral na maaaring gamiting gabay sa pagtutuwid ng kanilang pagpapahalaga.II. 1. C 4. A B C D 2. A D 5. D 3. A B C D 219
III. Ito ang inaasahang mga sagot, subalit maaaring magbigay ng iba’t ibang sagot ang mga mag-aaral. 1. Lalapit ako sa kamag-aral na nagawan ko ng pagkakamali at hihingi ako ng tawad sa kaniya. 2. Aayusin ko ang mga aklat at upuan sa tuwing gagamitin ko ang silid-aklatan. 3. Lilinisin ko ito sa tuwing ako ay gagamit ng aming palikuran. 4. Ipagbibigay alam ko ang kanilang kalagayan sa kinauukulang ahensiya ng pamahalaan. 5. Hindi ko aabalahin ang kaniyang pagpapahinga at hihintayin ko siyang gumaling. 220
Yunit IIII. Gaano Mo Kakilala ang Kultura Mo (Knowledge and Awareness)Panuto: Kompletuhin ang mga bugtong, salawikain, linya ng tula at kanta. Punan ang patlang ng tamang salita.1. Ang hindi lumingon sa pinanggalingan, di makararating sa p p p p p p p p n p pp p p p p p p p p2. Ang paa ay apat, hindi maka ppppp p p p p a a mong ppppp p p p p3. Sa dagat at bundok, sa simoy at sa bughaw.4. Ikaw at ako, hindi man magkalahi ay dapat matutong magmahal. Isipin mong tayong lahat ay p p p p aap p p p aa p p p p p p p p5. Aling pag-ibig pa ang hihigit kaya sa pagkadalisay at pagkadakila, gaya ng pag-ibig sa tinubuang aa aaII. Pagdesisyunan Mo (Decision-Making) Para sa bilang 1 – 5 Panuto: Piliin ang letra ng mga larawang nagpapakita ng sitwasyong makatutulong sa pagpapanatili ng kalinisan at kaayusan ng kapaligiran. 221
Batang lalaki na Mga bata ng Magkakaklase na nagtatapon ng isang paaralan na kumakain habang plastik na bote sa naglalakad ngunitbasurahan na may pinagbubukod- tatak na Hindi bukod ang mga itinatapon ang papel, lata, boteng plastik kung saan- Nabubulok plastik at babasaginA B saan CIsang grupo ng mga Mga batang tao na naglilinis ng gumagawa ng Mga bata na estero at drainage proyekto gamit ang nagkakampanya lumang diyaryo,D mga boteng plastik, para i-recyle o karton, at iba pa. gamitin muli ang E mga patapong bagay FPanuto: Pag-aralan ang sumusunod na sitwasyon. Ano ang iyong gagawin kung ikaw ang nasa ganitong kalagayan? Isulat ang letra ng iyong sagot sa kuwaderno. 6. Pinasalubungan ka ng iyong ninang ng isang malaking balot ng tsokolateng galing sa Japan. Pag-uwi ninyo ng nanay mo sa bahay, nakita ng iyong kapatid na bunso ang pasalubong na bigay sa iyo. Namilog ang kaniyang mga mata, bakas ang tuwa. A. Aalukin ko siya kung gusto niya. B. Bibigyan ko siya pati na rin ang iba ko pang mga kapatid. C. Tatanungin ko siya kung kumakain siya ng tsokolate. D. Kunwari ay sasabihan ko siya na hindi ko siya bibigyan. 7. Naatasan ang inyong pangkat na magtanghal sa palatuntunang inihanda para sa mga mag-aaral mula sa Malaysia upang maipakilala sa kanila ang kulturang Filipino. Alin sa sumusunod ang pipiliin ninyo? A. Sumayaw ng Pandanggo sa Ilaw B. Umawit ng nauusong kanta ngayon. C. Lumikha ng bagong himig at tugtugin sa piano. D. Sumayaw ng katutubong sayaw ng Malaysia 222
8. Bumisita sa inyong bahay ang iyong kaibigan kasama ang pinsan niyang balikbayan. Kung ikaw ang tatanungin, ano ang ihahain mo sa kanilang meryenda? A. suman sa ibos at tsokolateng tablea B. spaghetti at pineapple juice C. pizza at softdrinks D. siopao at pansit 9. Napansin mong walang gaanong kumakausap sa bago ninyong kaklase dahil hindi siya marunong mag-Filipino. Ano ang gagawin mo? A. Hindi ko na lang din siya kakausapin dahil baka nahihiya siya. B. Ngingitian ko siya. C. Kakaibiganin ko siya at sa abot ng makakaya ay tuturuan ko siya ng Filipino. D. Kakausapin ko ang aming guro at ipaaalam kong hindi marunong mag-Filipino ang bago naming kaklase.10. Naatasan kang mag-ulat ukol sa isang kaugaliang Filipino. Alin ang pinakamainam na piliin? Ipaliwanag kung bakit iyon ang napili. A. Utang na Loob B. Pagkamagalang C. Bahala Na D. Paghahanda kung may pista11. Ang Pilipinas ay may iba’t ibang pangkat etniko na mayaman sa napakaraming kultura. Alin sa sumusunod ang hindi nagpapakita ng kultura? A. Ang magagandang tanawin sa isang lugar B. Ang mga katutubong kasuotan, kuwentong bayan, sayaw, awit, laro at iba pa. C. Ang mga kaugalian at mga pagpapahalaga ng mga tao sa isang lugar. D. Ang mga lumang kagamitan at paraan ng pamumuhay. 223
12. Ang sumusunod ay ilan sa mga kultura ng ating bansa. Alin ang hindi? A. Pagmamano B. Pagsisimba tuwing araw ng pagsamba C. Pag-aasawa nang wala sa edad D. Pamahiin tuwing may patay13. Alin sa sumusunod ang pagpapahalaga sa sarili mong kultura? A. Panonood ng mga pagtatanghal ng mga katutubong sayaw at awitin. B. Pagsusuot ng mga katutubong kasuotan nang may pagmamayabang. C. Pagbili ng mga produktong galing sa ibang bansa. D. Pagtangkilik sa mga Filipinong kinikilala sa pandaigdigang larangan.14. Sino sa sumusunod ang may pagmamalaki at pagpapahalaga sa sarili niyang kultura? A. Ang mahusay na boksingerong si Larry na palaging sinasabi na siya ay galing sa kanilang probinsiya sa General Santos. B. Ang sikat na mang-aawit na si Mia na panay ang Ingles sa kaniyang mga panayam sa Pilipinas. C. Ang magaling na rapper na si Adel d Em na palaging bumabalik sa kaniyang kinagisnang probinsiya para tumulong sa kaniyang dating mga kababayan. D. Ang magandang si Maria na nagwagi bilang Miss World na Tagalog ang ginamit sa kaniyang panayam at pasasalamat.15. Si Isabel ay isang Tasaday. Nang siya ay makapag-aral sa kabayanan at makapagtapos, bumalik siya sa kanilang lugar at tinulungan ang kaniyang mga kasama na baguhin ang mali nilang kinasanayan tulad ng hindi pagkakaroon ng tamang palikuran at ang pag-aasawa nang wala sa edad. May pagpapahalaga ba siya sa kanilang pangkat etniko? A. Mayroon B. Wala 224
C. Maaari D. Hindi ko alam16. Anong batas sa pagpapanatili ng kaayusan at pangangalaga sa kapaligiran ang dapat ipasunod sa ilog na malinis? A. Bawal Manigarilyo Dito B. Huwag Magtapon ng Basura C. Tumawid sa Tamang Tawiran D. Iwasan ang Pagtapak sa Damuhan17. Anong batas sa pagpapaganda ng kapaligiran sa inyong paaralan ang dapat mong sundin? A. Munting Basura, Pakibulsa Muna B. Huwag Magtakbuhan sa Hagdan C. Bawal Magsalita Nang Malakas sa Pasilyo D. Panatilihing Tahimik Anumang Oras18. Alin ang pamayanang hindi nakasusunod ang mamamayan sa mga batas at panuntunang pinaiiral ukol sa pangangalaga nang kapaligiran? A. Ang Brgy. Kay-inam na sama-sama ang mga tao sa paglilinis ng mga kanal bago dumating ang tag-ulan. B. Ang Brgy. Maunlad na hindi magkakakilala ang mga nakatatanda dahil maagang umaalis para sa trabaho at gabi na ring umuuwi. C. Ang Brgy. Pinagkaisahan na nagkakaisa ang mga naninirahan sa paghihiwa-hiwalay ng basura sa kanilang lugar. D. Ang Brgy. Maligaya na masigasig ang kapitan sa pagpapairal ng proyekto ukol sa malinis na hangin at paninigarilyo.19. Alin sa sumusunod ang nagpapakita ng disiplina sa pangangalaga sa kalikasan kahit walang nakakakita? A. Sa Parke hindi mo pinipitas ang mga magagandang bulaklak na nakikita mo. 225
B. Sa palikuran ay ipina-flush mo ang kubeta at hindi itinatapon ang tissue sa toilet bowl para malinis na magamit ng ibang tao. C. Sa palaruan ay itinatapon mo ang iyong basura sa ilalim ng slide dahil may tagalinis naman dito. D. Sa daan ay inilalaglag mo ang mga basura galing sa iyong bulsa mula sa paaralan.20. Nagmamadali kang umuwi dahil may dadaluhan kang birthday party ng iyong kapitbahay. Paglabas mo ng silid-aralan, nakita mong umaapaw ang basura sa labas. Ikaw na lang ang tao dahil nauna nang umuwi ang iyong mga kaklase. Ano ang gagawin mo? A. Pababayaan ang basura dahil baka mahuli sa birthday party na iyong dadaluhan. B. Mabilisang aayusin ang mga basura sa sako bago umuwi. C. Magkukunwaring hindi nakita ang umaapaw na basura sa sako. D. Magkikibit-balikat dahil hindi naman ikaw ang tagalinis sa araw na iyon.21. Palagi ninyong nararanasan ang pagbaha sa Metro Manila. Ano kaya ang dahilan kung bakit nangyayari ito? A. Maling paraan ng pagtatapon ng basura sa ating paligid na bumabara sa mga estero at kanal. B. Talagang mas malakas na ang buhos ng ulan sa ngayon. C. Masyado nang makapal ang tao sa Metro Manila. D. Tinatakpan ng mga tao ang mga drainage.22. Bakit kailangang malaman ng mga tao na ipinagbabawal ang pagsusunog ng basura? A. Maaari itong maging sanhi ng pagkasunog ng mga bahay sa paligid. B. Puwedeng i-recycle ang mga patapong bagay na susunugin. C. Ang pagsusunog ng basura ay puwedeng magbunga ng maruming hangin at kapaligiran. D. Ang pagsusunog ay ipinagbabawal ng batas. 226
23. Ano ang gagawin mo bilang isang mamamayang may disiplina upang mapanatili ang kalinisan at kaayusan ng kapaligiran? A. Sumunod paminsan-minsan sa mga batas na may kinalaman sa kapaligiran. B. Palagiang pagwawalis sa bakuran at kalsada. C. Madalas na pagtapon ng basura sa kanto kung saan dumadaan ang trak ng basura. D. Pagsasagawa ng paghihiwa-hiwalay ng basura sa halip na pagsunog sa mga ito, at pag-recycle ng mga patapong bagay. 24. Ano ang kahulugan ng “recycling”? A. Paggamit muli ng mga patapong bagay na puwedeng mapakinabangan B. Paghihiwa-hiwalay ng mga basura. C. Paglilinis ng mga maruming boteng babasagin at plastik. D. Pagsusunog ng mga pinagsama-samang basura. 25. Ano ang puwedeng mangyari kung patuloy na walang disiplina ang mga tao sa pamamahala ng kanilang basura? A. Magiging malinis pa rin ang paligid dahil may nangongolekta naman ng basura. B. Tuluyan nang magiging marumi at walang kaayusan ang ating kapaligiran. C. Maraming tao ang yayaman dahil sa pagbebenta ng mga basurang naiipon. D. Mag-aaway-away ang mga tao dahil mag-uunahan sa pagkuha ng basura na puwedeng ibenta.III. Unawain at Suriin A. Basahin ang mga sitwasyon. Iguhit ang masayang mukha kung ito ay paraan para mapanatili ang kalinisan at kaayusan ng kapaligiran at malungkot na mukha kung hindi naman. 227
1. Nagtatapon ako ng basura kung saan-saan lalo na kapag walang nakakakita. 2. Ang basura sa aming tahanan ay pinagbubukod-bukod para magamit pang muli ang mga ito. 3. Pinagsasabihan ko ang aking mga kaklase na itapon sa tamang tapunan ang mga basurang papel. 4. Nililinisan namin ang mga basyong lata ng gatas upang taniman ng mga halaman. 5. Nakikiisa ako sa kampanya para mag-recycle ng mga patapong bagay. B. Suriin ang mga halimbawa ng kaugaliang Filipino sa ibaba. Isulat ang PAN kung sa palagay mo ay dapat panatilihin, PANIBAGO kung dapat panatilihin ngunit may dapat baguhin at IWA kung dapat ay iwaksi na dahil hindi nakabubuti sa ating pamumuhay bilang mga Filipino. 1. Paggalang sa mga Nakatatanda 2. Paghahanda tuwing may Pista 3. Pagpapabukas ng Maaaring Gawin Ngayon 4. Pagtanaw ng Utang na Loob 5. BayanihanSusi sa Pagwawasto (Key to Correction) I. Gaano Mo Kakilala ang Kultura Mo (Knowledge and Awareness) (5 aytems) 1. paroroonan 2. lakad 3. langit 4. magkakapatid 5. lupa II. Pagdesisyunan Mo (Decision-Making) (25 aytems) Para sa 1-5 (A, B, D, E, F) 228
6. B 16. B 7. A 17. A 8. A 18. B 9. C 19. B10. B 20. B11. A 21. A12. C 22. C13. C 23. D14. B 24. A15. A 25. BIII. Unawain at Suriin (10 aytems)A. 1. 2. 3. 4. 5. B 1. PAN 2. PANIBAGO 3. IWA 4. PANIBAGO 5. PAN 229
Yunit IVI. Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot sa bawat bilang at isulat ang sagot sa iyong papel. 1. Alin sa sumusunod ang nagpapakita ng tamang pangangalaga sa sarili? a. Kumain ng sapat at tamang pagkain. b. Pag-eehersisyo minsan sa isang linggo. c. Pag-iwas sa pag-inom ng gatas dahil nakasisira ito ng tiyan. d. Natutulog nang walo hanggang sampung oras bawat araw. 2. Alin sa sumusunod ang hindi nagpapamalas ng pagpapahalaga sa ating kapuwa? a. Pagbabahagi ng pagkain sa walang makain b. Umaakay sa mga matatandang tumatawid sa lansangan c. Pagbibigay ng tulong sa mga piling nasalanta ng bagyo d. Pinakikitunguhan ang mga taong may kapansanan tulad ng pakikitungo ko sa iba. 3. Namasyal kayo sa Manila Zoo. Nakita mong binabato ng isang batang katulad mo ang isang buwaya. Ano ang gagawin mo? a. Babatuhin ko rin ang buwaya. b. Pagsasabihan siya ng mabibigat na salita. c. Isusumbong ko siya sa namamahala ng Zoo d. Pagsasabihan ko siya na hindi tama ang kaniyang ginagawa. 4. Ang Clean and Green ay isang paraan ng pagsasaluntian ng kapaligiran at pagpapanatiling maayos at malinis nito. Ano ang dapat mong gawin sa nasabing programa? a. Huwag pansinin b. Makisali at suportahan ito. c. Ipagwalang-bahala. d. Ipakita ang pakikilahok paminsan-minsan 230
5. Alin sa sumusunod ang nagpapakita ng pangangalaga at pagmamalasakit sa ating kalikasan? a. Tinatapakan ko ang bagong tanim na halaman sa aming bakuran b. Itinatapon ko ang aming basura sa tabing-ilog kung gabi. c. Hinahayaan ko ang aking kaklase na magkalat ng dumi sa aming silid-aralan. d. Tumutulong ako sa paglilinis sa aming kapaligiran.6. Kumakain ka ng kasoy. Nang maubos mo ito, napagpasiyahan mong huwag itapon ang buto nito. Sa anong paraan nakatulong ang batang katulad mo sa pagsasagawa ng ugaling ipinakita? a. Hindi pangangalaga sa mga halaman. b. Pagpapahalaga sa pagpapatubo at pagpaparami ng halaman c. Pagpapakita ng kalinisan sa kapaligiran d. Pagpaparami ng kalat na buto7. Alin sa sumusunod ang tama? a. Ang pagputol sa malalaking puno ay nagpapakita ng proteksiyon sa kapaligiran. b. Ang pag-iisprey ng insecticide sa mga gulayan ay tanda ng pagpapanatili ng balanseng kapaligiran. c. Ang pagsusunog ng mga tuyong dahon ng mga halaman ay tamang paraan upang tugunan ang problema sa basura. d. Ang pangangalaga at paghanga sa mga bulaklak at iba pang halaman ay isang paraan ng pagpapakita ng pagmamahal sa ating Diyos.8. Ang sumusunod ay nagpapakita ng pagmamahal sa ligaw na hayop maliban sa _______________________. a. Pagtirador sa mga Philippine Eagle b. Paggawa ng tirahan para silungan ng usa c. Paghikayat sa kaibigan na alagaan ang mga ligaw na hayop 231
d. Panonood ng mga programa tungkol sa mga ligaw hayop upang madagdagan ang kaalaman tungkol sa mga ito9. Alin sa sumusunod ang nagpapakita ng pangangalaga sa mga gamit o kagamitan sa inyong bahay? a. Itinatago ko sa kahong matibay ang mga gamit o kasangkapang hindi ko na ginagamit b. Tumutulong ako sa paglilinis ng mga gamit o kagamitan sa display cabinet para magandang tingnan. c. Iniiwan ko sa mesa ang mga baso, pinggan, kutsara at tinidor na ginamit ko sa pagkain. d. Ginagamit ko nang may wastong pag-iingat ang mga gamit o kagamitan sa aming bahay upang hindi masira.10. Alin sa sumusunod ang nagpapakita ng pangangalaga at pagmamalasakit sa ating kalikasan? a. Tinatapakan ko ang bagong tanim na halaman sa aming bakuran b. Itinatapon ko ang aming basura sa tabing-ilog kung gabi. c. Hinahayaan ko ang aking kaklase na magkalat ng dumi sa aming silid-aralan. d. Tumutulong ako sa paglilinis sa aming kapaligiran.II. Lagyan ng tsek (P) kung ang pahayag ay tama at ekis (O) kung mali.______ 11. Pinahahalagahan ko ang aking buhay dahil kaloob______ 12. ito ng Diyos. Nilikha ng Diyos ang ating kapuwa upang maging______ 13. katuwang natin sa ano mang pagsubok kaya______ 14. pahalagahan natin sila.______ 15. Magiging masaya at panatag ang loob natin kung______ 16. tayo ay malusog. Nakakapag-isip tayo nang mabuti kapag tayo ay gutom. Huhuli ako ng tarsier at ipagmamalaki ko ito sa mga kaibigan ko. Tinatanggap ko nang maluwag sa kalooban ko ang aking kapatid na may kapansanan. 232
______ 17. Naipakikita ko ang paggalang sa aking kapuwa sa pamamagitan ng pagsunod sa lahat ng nais niyang______ 18. gawin kabilang ang pagliban sa klase.______ 19. Ang pagtulong sa kapuwa sa panahon ng kahirapan,______ 20 kaguluhan at malnutrisyon ay tanda ng pagmamahal.______ 21. Tayo ay nilikha upang ihayag o ipakilala ang kadakilaan ng______ 22. Diyos sa pamamagitan ng paggawa ng kabutihan sa kapuwa.______ 23. Ang pagbibigay ng damo sa alagang kabayo ay tamang______ 24. pangangalaga nito.______ 25 Susuportahan ko ang panghuhuli ng mga Philippine Eagle. Ang pagiging luntian ng kapaligiran ay sumasagisag sa kalusugan ng katawan at isip. Maaaring maubos ang mga halaman dahil sa ating kapabayaan. Ang paghihiwalay ng basurang nabubulok sa hindi nabubulok ay tamang paraan ng pagbabasura. Sinusuportahan ko ang mga samahang nagtataguyod ng wastong gamit ng likas na yaman.III. Unawain ang sumusunod na sitwasyon at sabihin kung ano ang iyong gagawin. 26. Puro tocino, hotdog, fried chicken lamang ang kinakain mo. Nanghihina na ang iyong katawan. 27. Alam mong masustansiya ang gulay. Ngunit ayaw mong kumain nito. Inimbitahan ka ng kaibigan mo ngunit ang ulam nila ay gulay. 28. Gutom na gutom ka at wala kayong ulam kundi gulay at isda. Ayaw mong kumain ng mga ito. 29. Nakita mong basang-basa ng pawis ang damit ng iyong kapatid dahil naglinis siya sa bakuran at nagdilig ng mga halaman. Gusto niyang maligo agad. 30. Niyaya ka ng iyong tatay sa paghingi ng binhi ng itatanim ngunit niyaya ka ng iyong kaklase na maglaro sa plasa. 233
31. Walang espasyo sa inyong paaralan upang pagtamnan ng mga halaman ngunit hangad mong tumulong sa pagkakamit ng layunin ng Programang Clean and Green. 32. Nakita mo ang iyong mga kaibigan na sinisipa ang aso upang sumunod ito. 33. Mukhang napabayaan na ang bahay ng iyong alagang aso. May nagkalat na mga dumi sa loob nito. 34. Marumi na ang kanal sa tapat ng aming bahay. Ayokong magkaroon ng pagkabara ng basura dito. 35. May nakita akong patay na daga sa likod ng aming bahay. Malapit kami sa ilog.Para sa bilang 36-40 Ang mga nasa parihaba ay mga likha ng Diyos, mga biyayang handogNiya sa atin. Sa loob ng puso isulat kung ano ang mga maaari mong gawinbilang tanda ng pasasalamat sa mga biyayang ito. Isulat ang sagot sa loobng puso.Pamilya Kapuwa 234
Ligaw na hayop Halaman KalikasanSUSI SA PAGWAWASTO:I 1. a 6. b 2. c 7. d 3. d 8. a 4. b 9. d 5. d 10. dII 11. P 16. P 21. O 12. P 17. O 22. P 13. P 18. O 23. P 14. O 19. P 24. P 15. O 20. P 25. PIV. Para sa bilang 26–35 at 36-40, inaasahang magbibigay ng iba’t ibang kasagutan ang mga mag-aaral 235
Search
Read the Text Version
- 1
- 2
- 3
- 4
- 5
- 6
- 7
- 8
- 9
- 10
- 11
- 12
- 13
- 14
- 15
- 16
- 17
- 18
- 19
- 20
- 21
- 22
- 23
- 24
- 25
- 26
- 27
- 28
- 29
- 30
- 31
- 32
- 33
- 34
- 35
- 36
- 37
- 38
- 39
- 40
- 41
- 42
- 43
- 44
- 45
- 46
- 47
- 48
- 49
- 50
- 51
- 52
- 53
- 54
- 55
- 56
- 57
- 58
- 59
- 60
- 61
- 62
- 63
- 64
- 65
- 66
- 67
- 68
- 69
- 70
- 71
- 72
- 73
- 74
- 75
- 76
- 77
- 78
- 79
- 80
- 81
- 82
- 83
- 84
- 85
- 86
- 87
- 88
- 89
- 90
- 91
- 92
- 93
- 94
- 95
- 96
- 97
- 98
- 99
- 100
- 101
- 102
- 103
- 104
- 105
- 106
- 107
- 108
- 109
- 110
- 111
- 112
- 113
- 114
- 115
- 116
- 117
- 118
- 119
- 120
- 121
- 122
- 123
- 124
- 125
- 126
- 127
- 128
- 129
- 130
- 131
- 132
- 133
- 134
- 135
- 136
- 137
- 138
- 139
- 140
- 141
- 142
- 143
- 144
- 145
- 146
- 147
- 148
- 149
- 150
- 151
- 152
- 153
- 154
- 155
- 156
- 157
- 158
- 159
- 160
- 161
- 162
- 163
- 164
- 165
- 166
- 167
- 168
- 169
- 170
- 171
- 172
- 173
- 174
- 175
- 176
- 177
- 178
- 179
- 180
- 181
- 182
- 183
- 184
- 185
- 186
- 187
- 188
- 189
- 190
- 191
- 192
- 193
- 194
- 195
- 196
- 197
- 198
- 199
- 200
- 201
- 202
- 203
- 204
- 205
- 206
- 207
- 208
- 209
- 210
- 211
- 212
- 213
- 214
- 215
- 216
- 217
- 218
- 219
- 220
- 221
- 222
- 223
- 224
- 225
- 226
- 227
- 228
- 229
- 230
- 231
- 232
- 233
- 234
- 235
- 236
- 237
- 238
- 239
- 240
- 241
- 242
- 243
- 244
- 245
- 246
- 247
- 248
- 249
- 250
- 251
- 252
- 253
- 254
- 255
- 256
- 257
- 258
- 259
- 260
- 261
- 262
- 263
- 264
- 265
- 266
- 267
- 268
- 269
- 270
- 271
- 272
- 273
- 274
- 275
- 276
- 277
- 278
- 279
- 280
- 281
- 282
- 283
- 284
- 285
- 286
- 287
- 288
- 289
- 290
- 291
- 292
- 293
- 294
- 295
- 296
- 297
- 298
- 299
- 300
- 301
- 302
- 303
- 304
- 305
- 306
- 307
- 308
- 309
- 310
- 311
- 312
- 313
- 314
- 315
- 316
- 317
- 318
- 319
- 320
- 321
- 322
- 323
- 324
- 325
- 326
- 327
- 328
- 329
- 330
- 331
- 332
- 333
- 334
- 335
- 336
- 337
- 338
- 339
- 340
- 341
- 342
- 343
- 344
- 345
- 346
- 347
- 348
- 349
- 350
- 351
- 352
- 353
- 354
- 355
- 356
- 357
- 358
- 359
- 360
- 361
- 362
- 363
- 364
- 365
- 366
- 367
- 368
- 369
- 370
- 371
- 372
- 373
- 374
- 375
- 376
- 377
- 378
- 379
- 380
- 381
- 382
- 383
- 384
- 385
- 386
- 387
- 388
- 389
- 390
- 391
- 392
- 393
- 394
- 395
- 396
- 397
- 398
- 399
- 400
- 401
- 402
- 403
- 404
- 405
- 406
- 407
- 408
- 409
- 410
- 411
- 412
- 413
- 414
- 415
- 416
- 417
- 418
- 419
- 420
- 421
- 422
- 423
- 424
- 425
- 426
- 427
- 428
- 429
- 430
- 431
- 432
- 433
- 434
- 435
- 436
- 437
- 438
- 439
- 440
- 441
- 442
- 443
- 444
- 445
- 446
- 447
- 448
- 449
- 450
- 451
- 452
- 453
- 454
- 455
- 456
- 457
- 458
- 459
- 460
- 461
- 462
- 463
- 464
- 465
- 466
- 467
- 468
- 469
- 470
- 471
- 472
- 473
- 1 - 50
- 51 - 100
- 101 - 150
- 151 - 200
- 201 - 250
- 251 - 300
- 301 - 350
- 351 - 400
- 401 - 450
- 451 - 473
Pages: