Ang mga aralin ay masusing idinisenyo na napapanahon at mayinteraktibong pagdulog upang higit na maiugnay ng mag-aaral ang kanilangsarili sa bawat aralin. Ang mga ginamit na lunsaran sa talakayan ay bataysa mga aktuwal na pangyayari upang maging makatotohanan. Ilan sa mgaaralin ay kakikitaan din ng interdisiplinaryong pagdulog. Isinaalang-alangang pagkakaiba-iba sa kakayahan at interes ng mga mag-aaral sa mgagawaing inihanda upang maging kawili-wili at mapanghamon ang bawatyugto ng mga aralin. Ang yunit na ito ay hinati sa siyam (9) na aralin: Aralin 1: Kultura ng Ating Lahi, Ating Pahalagahan Aralin 2: Kultura Ko, Ipinagmamalaki Kong Tunay Aralin 3: Pangkat na Magkakaiba, Pinahahalagahan ng mga Pilipinong Nagkakaisa Aralin 4: Kultura ng mga Pangkat Etniko, Mahalagang Malaman Aralin 5: Sariling Disiplina sa Pagsunod sa mga Batas Aralin 6: Nagkakaisang Lahi, Mundo’y Maisasalba Aralin 7: Disiplina sa Pagtatapon ng Basura: Isang Pandaigdigang Panawagan Aralin 8: Patuloy na Panawagan: Pagsunog ng Basura, Itigil Na! Aralin 9: Mag-Recycle Ang Lahat Para sa Magandang Bukas “self- “pride” o Inaasahang ang mga aralin ay magsisilbing makabuluhang kaagapayng mga mag-aaral sa kanilang paglalakbay tungo sa pagkakaroon ngmastery” o matapat na pagkilala sa sarili bilang mga Pilipino,dangal bilang Pilipino at “self-discipline” o displina sa sarili na kakailanganinnila sa pakikibahagi tungo sa pagtataguyod ng isang mapayapa, marangal,malinis, maayos, at mapanagutang lipunan na makapag-aambag sapandaigdigang kapayapaan at pagkakaisa. 99
Aralin 1 Kultura ng Ating Lahi, Ating PahalagahanLayunin: Nakapagpapakita ng kawilihan sa pakikinig o pagbabasa ng mga pamanang kulturang materyal (halimbawa: kuwentong-bayan, awit, laro o libangan, pagkain, pananamit)Paksa/Pagpapahalaga: Pagpapahalaga sa Kulturang PilipinoMga Kagamitan: Pampagtuturo: malaking mapa ng Pilipinas gawa sa manila paper, mga larawan ng materyal na kulturang Pilipino (tingnan sa apendiks) Para sa Brochure: bond paper, oslo paper o lumang folder na maaari pang guhitan at sulatan, mga gamit sa pagguhit tulad ng lapis, krayola, at ruler. Para sa Poster: kartolina o lumang poster na maaaring gamitin ang likurang bahagi, pentel pen, mga gamit sa pagguhit tulad ng lapis, krayola, at ruler. larawan o video na nagpapakita ng kulturang Pilipino, sagutang papelIntegrasyon: Araling Panlipunan, Filipino, Sining, Edukasyon sa Pagpapalakas ng Katawan, Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan, Information and Communication Technology (ICT)Pamamaraan:Alamin Natin1. Ganyakin ang mga mag-aaral na pagmasdan ang mapa ng Pilipinas na nasa pisara.2. Sabihin: “Pansinin natin ang mga larawan sa palibot ng mapa ng Pilipinas. Ano-ano ito?”Maaaring isulat ng guro sa pisara ang mga sagot na ibinigay ng 100
mga mag-aaral.3. Itanong: a. “Ano ang kaugnayan ng mga larawang ito sa Pilipinas?” b. “Paano mo ilalarawan ang Pilipinas batay sa mga larawan?” c. “Sa paanong paraan pa nakikilala ang isang bansa?” d. “Ano ang tawag natin sa pamumuhay, mga kaugalian at gawi na natatangi lamang sa isang pangkat at siyang nagbibigay sa kanila ng pagkakakilanlan?” Inaasahang sagot: Kultura Ipaunawa sa mga mag-aaral na tayo ay nakikilala sa pamamagitan ng ating kultura. Sinasaklaw ng kultura ang ating mga gawi (folkways), kaugalian at paniniwala, mga pagpapahalaga, mga bagay na sumasagisag sa ating pamumuhay at pagkatao kasama na ang mga gawang-sining. Ang mga sangkap na ito ang bumubuo sa ating kultura. Maaaring magkalap pa mula sa mga mag-aaral ng mga halimbawa ng gawing naglalarawan sa mga Filipino. Maaari ding magpakita ng mga larawan o video na nagpapakita ng kulturang Pilipino.4. Pabuksan ang Kagamitan sa Mag-aaral sa pahina ng Aralin 1 Yunit III at ganyakin ang mga mag-aaral na basahin nang tahimik ang mga talata.5. Talakayin ang baybayin. Tanungin kung may alam sila tungkol dito at hayaan silang magbahagi ng nalalaman (dulog konstruktibismo). Iproseso ang sagot ng mga mag-aaral sa mga kaugnay na tanong. Bigyang-diin na ang pagkakaroon ng maayos na sistema ng pagbasa at pagsulat ng ating mga ninuno ay nangangahulugan lamang na may maunlad na tayong kabihasnan na hindi nahuhuli sa mga katabing bansa sa Asya. 101
Ang baybayin ay binubuo ng labing apat na katinig at mga patinig na a, e/i, o/u na may pagkakahawig sa mga sinaunang kabihasnan sa Asya. Karaniwang ginagamit ito ng mga ninuno natin sa paggawa ng liham, tula, o mga awitin o sa pagtatala ukol sa kanilang mga pang-araw-araw na gawain. Inuukit nila ang mga baybayin sa kawayan. Binabasa ang mga ito nang kaliwa papuntang kanan, mula sa unang hanay pababa. Katulad ito ng paraan ng ating pagbabasa ngayon gamit ang ating alpabeto.6. Tanungin ang mga mag-aaral kung may iba pa silang alam na patunay ng pagkakaroon ng kultura at kabihasnan sa Pilipinas noong sinaunang panahon.7. Pasagutan ang mga tanong at gawain sa Alamin Natin sa Kagamitan ng Mag-aaral upang matukoy ang lawak ng kaalaman sa kanilang kultura bilang Pilipino.8. Ipagawa ang pagbubuo ng web na makikita sa Kagamitan ng Mag- aaral. Alamin ang iskor ng mga mag-aaral at kilalanin ang mga nakakuha ng mataas na iskor. Iproseso ang kanilang sagot sa mga tanong na nasa Kagamitan ng Mag-aaral. Isa-isang tukuyin ang mga bilang sa pamamagitan ng pagtatanong sa mga mag-aaral. Halimbawa: “Nakakain ka na ba ng kamatsile? Alam mo ba ang awit na Sa Ugoy ng Duyan?” Maaari ding ipalarawan ang mga salitang nasa kahon. Kung may mga aytem na hindi pamilyar sa mag-aaral, halimbawa ang prutas na kamatsile, maaaring magpakita ng larawan nito. Maaari ding magbigay pa ng dagdag na mga salita ang guro, (halimbawa: mansanitas, tawilis) at itanong kung alam ng mga mag- aaral kung ano ang tinutukoy ng mga salitang ito.9. Bago tumungo sa Isagawa Natin, tanungin ang mga mag-aaral kung bakit mahalagang alam natin ang ating kultura. Bigyan ng pagkakataon ang mga mag-aaral na mapag-isipang mabuti ang kanilang sagot. • Kung hindi nila agad ito masagot, maaaring tanungin ang mga mag-aaral kung saan maaaring maihambing ang kultura. 102
• Kung hindi nila ito makuha, maaaring ang guro ang magbigay ng analohiya. Sabihing maaaring maihambing ang kultura sa isang mapa. Ito ay nagsisilbing gabay sa pagpunta sa isang lugar. Gayundin naman, ang kultura ay nagsisilbing gabay sa pagkilala sa mga Pilipino. Para sa mga nagnanais na maging bahagi ng lipunang Pilipino, kailangang malaman nila ang kultura nito. • Sa huli, dalhin sila sa realisasyon na bilang mga Pilipino, tungkulin nilang alamin, pagyamanin at palaganapin ang kulturang Filipino.Isagawa NatinGawain 1 Bago ipagawa ang Gawain 1, tanungin ang mga mag-aaral kungsa palagay nila ay marami na bang pagbabago sa ating kultura. Hayaangmagbigay sila ng patunay sa kanilang obserbasyon. Sabihin sa mga mag-aaral na tayong mga Pilipino ay kilala sa ating mga kahanga-hangangpagpapahalaga. 1. Ipagawa sa mga mag-aaral ang Gawain 1 ng Isagawa Natin na nasa Kagamitan ng Mag-aaral. Ang kultura natin ay nahahati sa dalawa: materyal tulad ng mga bagay na ginamit, imbensiyon, mga sagisag at mga gawang-sining. Samantala, di materyal ang tawag sa mga kaugalian, paniniwala at mga pagpapahalagang taglay ng mga Pilipino. 2. Iproseso ang sagot ng mga mag-aaral. Gamit ang pagdulog na konstruktibismo, tanungin ang mga mag-aaral kung may mga pagkakataong naipamalas din nila ang mga pagpapahalagang ito. Maaari din silang tanungin ng iba pang mga pagpapahalagang isinasabuhay ng iba na maaaring hindi alam ng nakararami. 103
Tanungin din sila kung paanong nagiging matingkad at buhay ang mga pagpapahalagang ito. 3. Dalhin sila sa realisasyon na tayong mga Pilipino ang nagpapatuloy sa ating kultura. Pinagyayaman natin ito habang isinasabuhay o patuloy na tinatangkilik ang mga materyal at di materyal na aspekto ng ating kultura. Maaaring tanungin ang mga mag-aaral ukol sa mga kilalang Pilipino na pinagyaman o pinalaganap ang kulturang Pilipino sa pamamagitan ng natatangi nilang gawa.Gawain 2 Para sa gawaing ito, tanungin muli ang mga mag-aaral kung paanonailalarawan o nakikilala ang ating kultura. 1. Ganyakin silang tingnan ang mga larawang ginamit sa pagsisimula ng aralin. Tiyaking ang mga larawan ay nakahanay ayon sa materyal at di materyal na anyo ng kultura. Hayaan ang mga mag-aaral na tukuyin o ayusin ang mga larawan ayon sa materyal at kung ano ang materyal at di materyal na anyo ng kultura. 2. Pangkatin ang mga mag-aaral batay sa isinasaad sa Kagamitan ng Mag-aaral. Mas makabubuting may pangkat na talaga ang mga mag-aaral sa simula pa man ng taon. Para sa mga pangkatang gawain, magandang gamitin ang collaborative learning bilang isang approach sapagkat nagkakaroon ng pagkakataon ang mga mag- aaral na magbahagi ng kanilang ideya, magtalakayan, makinig sa pananaw ng iba at maging responsable sa pagkatuto ng bawat isa. Ito ay naiiba sa simpleng pangkatang gawain lamang sapagkat kung palagi na sila ang magkakasama sa pangkat at ang kanilang mga gawain ay itinatala, higit nagiging masigasig sila sa pakikilahok sa gawain. Iminumungkahi ring magbigay ng premyo o gantimpala ang guro para sa may pinakatamang gawa ayon sa mga batayan o kraytiryang ibibigay ng guro. Dapat ding sapat lamang ang bilang ng mga miyembro, mga apat hanggang lima lamang upang maiwasan ang mga floaters o free riders na aasa lamang sa iba. Bigyan din 104
ng pagkakataon ang bawat miyembro ng grupo na bigyan ng grado ang mga kasama niya sa grupo sa pagtatapos ng markahan. Sa pamamagitan ng collaborative learning, mas nagiging responsable ang mga mag-aaral sa kanilang pag-aaral at nagkakaroon sila ng kamalayan sa kanilang pag-aaral. Ito ang tinatawag nating meta- cognitive learning. 3. Bigyan ang mga mag-aaral ng lima hanggang pitong minuto upang makagawa ng kanilang word tree. Mag-obserba ang guro sa bawat pangkat at maging handa sa pagtulong sa mga mag-aaral kung makita na nahihirapan sila. Kapag nakatapos na ang mga mag-aaral sa kanilang nagawa, ipapaskil ang mga ito at bigyan ng tig-isang minuto ang bawat pangkat upang ipakita at ilarawan ang kanilang ginawa. Para sa mga may pasilidad na ICT, maaaring ipagawa sa mga mag-aaral ang word tree gamit ang alin man sa sumusunod na application: 1. Wordle 2. Easel.ly 3. Tagul.comIsapuso Natin Bago tumungo sa gawaing ito, ipaliwanag sa mga mag-aaral naang mga pagbabago bunsod ng teknolohiya at mga bagong kaalamangnatutuklasan ay maaaring makapagbago ng ating kultura. 1. Ipagawa sa mga mag-aaral ang gawain sa Isapuso Natin sa Kagamitan ng Mag-aaral. 2. Ganyakin ang mga mag-aaral na tingnan ang mga larawang nagpapakita ng pagbabago sa pamumuhay ng mga tao bunsod ng mga imbensiyon. 3. Tanungin sila kung ano-ano ang pagbabagong naidulot nito sa mga kaugalian, gawi o pamumuhay ng mga tao. Dalhin sila sa realisasyon na dapat maging mapanuri tayo. Hindi lahat ng uso ay dapat nating gayahin o tanggapin. 105
4. Tumawag ng mga mag-aaral upang magbigay ng mga patunay batay sa kanilang mga nababasa o obserbasyon.5. Ipaalala rin sa mga mag-aaral na anumang bagay ay maaaring makasama sa isang tao kung hindi niya ito gagamitin nang tama. Halimbawa, ang cellphone ay isang bagong imbensiyon na nakatutulong upang higit na mapabilis ang komunikasyon ng mga tao ngunit dapat na isalugar din ang paggamit nito. Anumang bago na makita o marinig natin, hindi rin natin dapat kalimutan ang kulturang pinagmulan natin. Kung kayang maipahayag ng mag- aaral ang mga konseptong ito sa pamamagitan ng mga tanong, higit na makabubuti ito kaysa manggaling sa guro ang mga konsepto. Halimbawa ng mga tanong: • May naiisip ba kayong mga bagay na uso na nakapagbago sa ating kultura? Halimbawa sa pananamit, mga bagong imbensiyon, awitin o sayaw? Masasabi ba ninyong positibo ang naidulot nitong pagbabago? Bakit? • Sa inyong palagay, paano natin mapangangalagaan ang ating kultura? Dapat bang tanggapin na lamang basta-basta ng mga Pilipino ang anumang bago o uso? Kung ikaw ay maatasang ipakilala ang iyong kultura, paano mo ito ipakikilala?6. Iproseso ang pagbabahaging ginawa ng mga mag-aaral. Ipapaskil ang nagawang poster bago sila magsimulang magbahagi.7. Kapag natapos na ang lahat sa kanilang pagbabahagi, gabayan ang mga mag-aaral sa pagbuo ng mahahalagang konsepto batay sa kanilang mga ipinakita sa pamamagitan ng pagbubuo ng web. Tingnan ang Apendiks para sa mungkahing web.8. Bigyang-diin ang Tandaan Natin. Ipabasa ito sa mga mag-aaral na may pang-unawa. Ipaliwanag ito ng guro upang lubos itong maunawaan at maisapuso ng mga mag-aaral. 106
Isabuhay Natin Para sa Isabuhay Natin, maaaring magpakita ng sample brochureso leaflets para magsilbing template. Maaari ding magpakita ng video adsng Kagawaran ng Turismo. Maglaan ng isang mesa o display board napaglalatagan ng brochures. Ipaskil ang kanilang mga gawa sa labas ngsilid-aralan upang makita at mabasa ng iba. Lagyan ng kawili-wiling tag lineo pamagat. Maaaring gamitin ang rubrics sa ibaba bilang kraytirya o pamantayanng ebalwasyon ng nagawang brochure.PAMANTAYAN 4 3 2 11. Paksa o Malinaw na Nailahad ang Hindi Hindi konseptong nailahad ang konseptong gaanong nailahad ang nais ilahad konseptong nais ipahatid nailahad ang konseptong sa brochure o nais ipahatid konseptong nais ipahatid flyer nais ipahatid2. Pagkaka- Malinis at Sa pangka- Hindi Hindi gawa ng maayos ang lahatan ay gaanong malinis, brochure pagkaka- maayos maayos at parang gawa malinis ang minadali at3. Pagka- Malikhain pagkaka- di angkop malikhain at Napaka- ang gawa ipamahagi. Paghahanda malikhain. pagkaka- sa Ginawa Nagpakita ng gawa at may Kulang Hindi angkop na sapat na sa pagka- kinakitaan Marka kahandaan paghahanda malikhain ng pagka- ang gawa sa paggawa at halatang malikhain kinulang sa at hindi panahon ng nag-ukol ng paghahanda sapat na panahon para paghandaan ang gawain.Subukin Natin Ipahanda sa mga mag-aaral ang papel na sagutan at ipasagot angSubukin Natin sa Kagamitan ng Mag-aaral. 107
Iproseso ang sagot ng mga mag-aaral upang mapagnilayan nilangmuli ang mga pagpapahalagang natutuhan. Maaaring tumawag ng ilang mag-aaral upang ibahagi ang kanilangsagot.Mga sagot sa Unang Bahagi: 1. Lydia de Vega 2. malasakit 3. Rona Mahilum 4. Emilio Advincula 5. JollibeeMga Sagot sa Ikalawang Bahagi 1. Sagot: c Dahilan: Dahil baka hindi niya alam na mali ang kaniyang ginagawa; dahil dapat akong maging mahinahon. 2. Sagot: d Dahilan: Dahil ang sungka ay isang larong Filipino 3. Sagot: b Dahilan: Dahil dapat akong makiisa sa aming gawain; dahil magandang maipakita natin ang pagmamahal sa bansa sa pagtangkilik ng sarili nating sayaw 4. Sagot: c Dahilan: Dahil kahit mahirap ang pumunta sa nasalantang lugar ay marami pa rin sa atin ang tumutulong sa kapuwa; kahit ordinaryo lamang sila at di talagang mayaman, tumutulong pa rin sila sa nangangailangan. 5. Sagot: b Dahilan: Dahil gusto ko siyang tulungan.Mga Posibleng Sagot sa Ikatlong Bahagi 1. Pagtangkilik sa ating kultura. 2. Hindi ko ikahihiya ang aking kultura bilang Pilipino. 108
Tanong o Gawain Bilang Paghahanda sa Susunod na Aralin: Gumawa ng pakikipanayam sa inyong mga lolo at lola at tanungin silaukol sa kultura noong unang panahon. Maaari silang tanungin ukol sa mgaawitin, sayaw at libangan noong kanilang panahon. Ipalarawan ang mgaPilipino noon ayon sa kanilang gawi, kaugalian at mga pagpapahalaga.Pagkatapos ay ihambing ito sa kasalukuyan. Aspeto ng Kultura Panahon Noon Panahon NgayonGawi (Pananamit,Pagkain, Libangan)Kaugalian/PagpapahalagaSayawAwitTula, Bugtong, oSalawikainAPENDIKS: 1. Mga Larawan ng Materyal na Kultura • Sipa • Kakanin • Dyipni • Pananamit • Mga Pambansang Sagisag 2. Mga Larawan ng Di Materyal na Kultura • Pagpapahalaga • Kaugalian 109
3. Mga Halimbawa ng BrochureSource: https://www.flickr.com/ retrieved 08/15/2014Source: http://mgalarongFilipino.blogspot.com/2012/10/patintero.htmlretrieved 08/15/2014 110
Aralin 2 Kultura Ko, Ipinagmamalaki Kong TunayLayunin: Nakapagpapakita ng kawilihan sa pakikinig o pagbabasa ng mga pamanang kulturang materyal (halimbawa: kuwentong-bayan, awit, laro o libangan, pagkain, pananamit)Paksa/Pagpapahalaga: Pagpapahalaga sa Kulturang FilipinoMga Kagamitan: scrap materials na maaaring i-recycle tulad ng butones, beads, lumang magasin; tape o video ng mga awiting “Sa Ugoy ng Duyan” at “Dandansoy” (kung wala ay aawitin na lamang ito ng guro at pagkatapos ay gaganyakin ang lahat na makisabay sa pag-awit); mga bagay na maaaring gawan ng bugtong o alamat; bond paper, oslo paper o lumang folder na maaari pang pagguhitan at sulatan, kuwaderno, sagutang papelIntegrasyon: Araling Panlipunan, Filipino, Sining, Edukasyon sa Pagpapalakas ng Katawan, Edukasyong Pantahanan at PangkabuhayanPamamaraan:Alamin Natin:1. Bago tumungo sa gawain, ipaunawa sa mga mag-aaral na bilang mga Pilipino, dapat nilang tangkilikin ang sariling sining at panitikan. Higit nilang makikilala ang kulturang Pilipino sa pamamagitan ng pag-aaral nito.2. Tanungin ang mga mag-aaral kung may alam silang katutubong awit o sayaw, o may mga natatandaang bugtong, salawikain o mga kuwentong alamat. Maaaring ipaawit ang sagot kung ito ay alam. Sabihin sa mga mag-aaral na ang pamanang kultura natin ay masasalamin sa sining (pag-awit, pagsayaw, pagguhit , pagtatanghal) at panitikan (kuwento, sanaysay, tula, salawikain, salaysay). 111
3. Sabihin sa kanila na sa araw na ito ay pag-aaralan nila ang isang katutubong awitin. Tanungin kung may nakaaalam sa kanila ng “Dandansoy”. Hayaan silang magbahagi ng nalalaman. Bilang paunang impormasyon, sabihin na ang awit ay isinulat sa Hiligaynon. Ito ang diyalekto ng mga Ilonggo. Ang mga Ilonggo na karaniwang matatagpuan sa rehiyon ng Kanlurang Bisaya (Iloilo, Capiz) ay kilalang palakaibigan, malambing at mapagmahal. Ganyakin ang mga mag-aaral na makinig at makisabay sa pag-awit. Upang maintindihan ng mga mag-aaral ang nilalaman ng awitin, maghanap ng Tagalog na bersyon nito.4. Pangunahan ang mga mag-aaral sa pag-awit. Kung hindi pamilyar ang awit sa kanila, maaaring ipakinig ito nang dalawang beses.5. Suriin ang awit gamit ang sumusunod na tanong: • Ano sa palagay mo ang damdaming inilalarawan sa awit? (Sagot: malungkot, dahil malumanay ang tono, o dahil parang malungkot ang umaawit). • Ano kaya ang ibig sabihin ng “Dandansoy”? Pangalan kaya ito ng lugar o tao? (Sagot: Tao) Ganyakin ang mga mag-aaral na tingnan ang larawan sa Kagamitan ng Mag-aaral. Sa bahaging ito, maaaring ipakita o gamitin na lamang ang translation ng awit at ganyakin ang mga mag-aaral na suriin ang ibig sabihn nito. • Kung tunay na minamahal ni “Dandansoy” ang umawit, ano ang gagawin niya? • Anong kaugalian ang ipinakikita ng awitin? 112
(Sagot: mapagmahal, ang pagiging mayumi ng mga kababaihan, pagpupursigi ng mga kalalakihan para sa nililiyag) • Itanong sa mga mag-aaral kung may alam pa silang ibang katutubong awitin na nagpapakita ng kaugaliang Pilipino at kung ano ang ipinahihiwatig nito.Isagawa NatinGawain 1 1. Bago ipagawa ang Gawain 1, tanungin ang mga mag-aaral kung alam nila kung ano ang bugtong at salawikain. Maaaring magpakita ng isang halimbawa ng bugtong at isang salawikain. Pahulaan ang bugtong. Itanong sa mga mag-aaral kung ano kaya ang naisip ng mga unang Pilipino nang lumikha sila ng mga bugtong. (Para malibang, para mapatalas ang isipan). Halimbawa ng bugtong: Tapat kong kaibigan, kasama ko kahit saan. (Sagot: anino). 2. Ganyakin naman silang basahin ang salawikain. Itanong sa kanila kung ano naman ang ipinahihiwatig ng salawikain. “Bakit kaya sila lumikha ng mga salawikain?” (Maaaring sagot: Upang magsilbing gabay sa kanilang buhay, payo para sa kabataan, para huwag maligaw ng landas o magkamali, para maging matagumpay). Halimbawa ng salawikain: Kapag may isinuksok, may madudukot. (Kahulugan: Kapag natutong mag-impok, sa panahon ng kagipitan ay may mapagkukunan). 3. Iproseso ang sagot ng mga mag-aaral. Gamit ang teoryang konstruktibismo, tanungin muna sila kung ano ang napansin nila sa pagkakalahad ng mga bugtong. 113
(Maaaring sagot: nakakatawa, kailangan mong mag-isip na mabuti kung ano ang tinutukoy). Para sa mga bugtong, bigyang-pokus ang cue words o mga salitang maaaring magbigay sa atin ng clue o gabay para mahulaan ang bugtong.4. Ipasuri naman ang mga salawikain. (Matalinghaga, may tugma ang mga salita kaya magandang pakinggan o basahin). Para naman sa salawikain, ipaunawa sa mga mag-aaral na kung minsan gumagamit ng analohiya ang mga salawikain. Ibig sabihin, inihahambing nila sa isang bagay ang isang pangyayaring maaaring maranasan ng tao. (Halimbawa: Kung maiksi ang kumot matutong mamaluktot). Tiyaking nakuha ng mga mag-aaral ang nais ipahiwatig ng mga salawikain.5. Sabihin na ang Pilipinas ay mayaman sa mga bugtong at salawikain.Mga Sagot sa Gawain 1: B. Bugtong A. Salawikain1. nakatunganga 1. mata2. kabaitan 2. daliri3. painumin 3. bangka o barko4. kumain 4. atis5. lagi 5. yoyoGawain 2 1. Para sa gawaing ito, ang mga mag-aaral ay bubuo ng limang pangkat. 2. Bawat pangkat ay gagawa ng dalawang sarili nilang bugtong na may tugma ang huling salita ng bawat linya, at isang salawikain na may anim o walong pantig. 114
3. Pagkatapos ay magkakaroon sila ng laro. Pahuhulaan ng bawat pangkat ang nagawa nilang bugtong. Tutukuyin naman ang paksa ng nilikhang salawikain. Gawing paligsahan ang pagbabahagi upang maging mas kawili-wili ang gawain.Isapuso Natin 1. Bago tumungo sa gawaing ito, itanong sa mga mag-aaral kung may napag-aralan na silang mga kuwento, sayaw, awit, at produktong sining ng mga Pilipino sa kanilang ibang asignatura. Ipaalala sa kanila ang mga ito. Maaari ding maglaan ng mga babasahin ang guro bilang sanggunian ng mga mag-aaral sa kanilang gagawin. 2. Bawat pangkat ay may nakalaang gagawin na makikita sa Isapuso Natin na nasa Kagamitan ng Mag-aaral. 3. Ibigay ang mga pamantayan sa pagganap o kraytirya para sa ebalwasyon ng performans o ginawa. 4. Bigyan ng sapat na panahon ang mga mag-aaral upang makapaghanda. Magbigay ng lugar o puwesto upang doon sila maaaring magtalakayan at maghanda para sa kanilang presentasyon. 5. Kilalanin ang mga mag-aaral sa kanilang magandang performans at likha. Maaaring bigyan ng insentibo ang pangkat na may pinakamataas na nakuhang iskor. Bigyan ng pagkakataon ang mga mag-aaral na punahin ang presentasyon ng bawat pangkat. 6. Kapag natapos na ang lahat sa kanilang paglalahad o pagpapakita ng nagawa, gabayan ang mga mag-aaral sa pagbuo ng mahahalagang konsepto ukol sa aralin gamit ang isang graphic organizer. Ipakita na ang mga materyal na kultura tulad ng mga bagay o kagamitang ginamit, mga gawang sining at panitikan ay pare-parehong nagpapakita ng natatangi nating kultura bilang mga Pilipino. Patnubayan din sila sa realisasyon na ang ating naiiba o katangi-tanging kultura ay sumasalamin sa ating pinagmulan at pagkakakilanlan. Dapat nating tangkilikin at ipagmalaki ang sarili nating kultura. 115
Sining Bagay Panitikan oKagamitan7. Bago tumungo sa susunod na gawain, ipabasa sa mga mag-aaral nang may pang-unawa ang Tandaan Natin sa Kagamitan ng Mag- aaral. Ipaliwanag ito ng guro upang lubos itong maunawaan at maisapuso ng mga mag-aaral.Isabuhay Natin Para sa Isabuhay Natin, hayaan ang mga mag-aaral na pumili ngnais nilang gawin. Kung kukulangin sa oras, maaaring ipagpatuloy angkanilang ginagawa sa bahay ngunit tiyaking nakita ng guro ang kanilangnasimulang gawa. Tulungan silang mapaganda o mapabuti pa ito. Sabihinsa mga mag-aaral na ang kanilang ginawa ay ididispley sa isang exhibit naioorganisa ng klase sa tulong ng guro.Subukin Natin 1. Iparinig sa mga mag-aaral ang awiting “Sa Ugoy ng Duyan”. 2. Ipahanda sa mga mag-aaral ang kanilang kuwaderno at ipasagot ang Unang Bahagi ng Subukin Natin na nasa Kagamitan ng Mag- aaral. 116
Mga Sagot sa Unang Bahagi:a) Tama b) Wala c) Mali d) Tama e) Malif ) Tama g) Wala h) Tama i ) Tama j) Mali3. Ipasagot naman sa sagutang papel ang Ikalawang Bahagi ng Subukin Natin na nasa Kagamitan ng Mag-aaral.Mga Sagot sa Ikalawang Bahagi: 4. c 5. b 1. d 2. a 3. e4. Ipasagot naman sa bond paper ang Ikatlong Bahagi ng Subukin Natin na nasa Kagamitan ng Mag-aaral.5. Iproseso ang sagot ng mga mag-aaral upang mapagnilayan nilang muli ang mga pagpapahalagang natutuhan. Maaaring tumawag ng ilang mag-aaral upang ibahagi ang kanilang sagot.Tanong o Gawain Bilang Paghahanda sa Susunod na Aralin: Kakapanayamin ng mga mag-aaral ang kanilang mga magulangat tatanungin nila kung ano ang pangkat etnikong kinabibilangan nila.Maglilista sila ng ilang katangian ng kanilang pangkat etniko. Magsasaliksik ang mga mag-aaral ng limang pangkat etniko atmaglilista ng tigtatatlong katangian ng bawat isa. Ibabahagi nila ito sa klase. Kung ang paaralan ay may internet connection, maaaring ipabisita sakanila ang mga site na ito: Ethnic Groups of the Philippines at KatutubongFilipino Project. 117
Aralin 3 Pangkat na Magkakaiba, Pinahahalagahan ng mga Pilipinong NagkakaisaLayunin: Naipagmamalaki / napahahalagahan ang nasuring kultura ng iba’t ibang pangkat etniko, tulad ng kuwentong bayan, katutubong sayaw, awit, laro at iba pa Bagamat ito ang nakasaad sa kurikulum, ninais ng manunulat na isama ang konsepto ng paggalang sa pagkakaiba-iba ng mga pangkat etniko. Nilalayon nitong mahimok ang mga mag-aaral na makatulong sa pagtataguyod ng lipunang may pagtanggap sa iba’t ibang pangkat etniko at paggalang sa kanilang pamanang kultura.Paksa/Pagpapahalaga: Pagpapahalaga at Paggalang sa Pagkakaiba- iba ng KulturaMga Kagamitan: mga larawan ng iba’t ibang pangkat etniko, padron, at mga gamit sa paggawa ng “biographic doll“ patpat o karton na maaaring gamiting suporta sa flower organizer, lumang folder o kartolina na maaaring gamitin sa paggawa ng flower organizer (maaaring patungan ng art paper), pentel pen o krayola, gunting, glue o pandikit, lumang magasin, kalendaryo o poster, sagutang papel, tray, malaking mapa ng PilipinasIntegrasyon: Araling Panlipunan, Filipino, Sining, Edukasyon sa Pagpapalakas ng Katawan, Edukasyong Pantahanan at PangkabuhayanPamamaraan: 118
Alamin Natin 1. Bago ang gawain, ipaunawa sa mga mag-aaral ang konsepto ng diversity o pagkakaiba-iba, na ito ay isang realidad o katotohanan. Maaari ding ipakilala ang konsepto ng “cultural diversity.” 2. Dalhin ang mga mag-aaral sa realisasyon na kahit iba-iba tayo ng pinanggalingang pangkat etniko, lahat tayo ay mga Pilipino. Iisa ang bansa natin. Sa kabila ng mga pagkakaiba-iba, kayang-kaya nating itaguyod ang pagkakaisa. 3. Ipagawa sa mga mag-aaral ang nakalagay sa Alamin Natin na nasa Kagamitan ng Mag-aaral. Ipasulat sa isang papel ang kanilang sagot sa mga tanong. 4. Ganyakin ang mag-aaral sa tanong na, “Ipinagmamalaki mo ba na ikaw ay isang Pilipino?” Pangatwiranan. 5. Gamit ang principle of integration, iugnay ang mga natutuhan nila sa asignaturang Araling Panlipunan.Dagdag Kaalaman Ang Pilipinas ay binubuo ng mahigit isang daang pangkat etniko.Bawat pangkat ay may kani-kaniyang kinagisnang gawi o kultura. Gayonpa man, iisa ang ating pagkakakilanlan. Pare-pareho tayong mga Pilipinokaya marapat na tayo ay nagtutulungan para sa ikauunlad ng bawat isa atng ating bansa. Sa araling ito ay mababatid mo na ang Pilipinas ay binubuo ng iba’tibang pangkat etniko. Bawat pangkat ay may taglay na mga katangian.Naiiba man sila sa pangkat na kinabibilangan mo, dapat natin silang igalangat mahalin pagkat tulad natin, sila ay Pilipino rin. Handa ka na bang sila aykilalanin? 119
Ayon sa Ethnic Groups of the Philippines (2014), tinatayang mahigitsa 150 ang mga pangkat etniko rito sa Pilipinas. Ang bawat pangkat aymakikilala sa kanilang mga katangiang pisikal, mga paniniwala, kagawianat wika o diyalekto. Dumami ang mga pangkat etniko sa bansa at lumawakang pakikipag-ugnayan sa bawat pangkat. Nagkaroon ng “intermarriage” opag-aasawa sa pagitan ng magkaibang pangkat. Kaya sa ngayon, ang ibangmga Pilipino ay bunga na ng iba’t ibang pangkat. Halimbawa, maaaring angiyong nanay ay Cebuano ngunit ang tatay mo ay Ilokano. Samakatuwid,maaaring maimpluwensiyahan ka ng mga katangiang Cebuano at Ilokano.Magkagayun man, ikaw at ang mga magulang mo ay magkakaparehongPilipino. • Ano ang maaaring epekto ng pagkakaroon ng iba’t ibang pangkat etniko? • May iba pa ba kayong alam na pangkat etniko bukod sa nasa mapa? Ilarawan sila. 1. Sabihing ang Pilipinas ay tahanan ng iba’t ibang pangkat etniko na may kani-kaniyang kultura. Tanungin ang mga mag-aaral kung alam nila ang pangkat na kinabibilangan nila. 120
2. Para sa pagpapakilala ng mga mag-aaral na kumakatawan sa ilang pangkat etniko, maaaring tumawag ng mga mag-aaral na gaganap bilang mga mag-aaral tulad ng nakalagay sa Kagamitan ng Mag-aaral. Maaaring tumawag din ng iba pang mag-aaral upang ipakilala ang kanilang sarili sa pamamagitan ng pagbanggit sa kanilang pangkat na pinagmulan.3. Matapos ang mga pagpapakilala, tanungin muli ang mga mag-aaral ng konsepto ng kultura. Balikang muli ang konsepto nito, na ito ay kumakatawan sa mga katangian at karanasang pinagsasaluhan (shared) ng isang pangkat o kalipunan ng mga tao mula sa isang maliit na komunidad, tribo, lipunan hanggang sa bansa. Sinasaklaw nito ang mga kaugalian, paniniwala, gawi at mga pananaw na maaaring makaimpluwensiya sa mga kabilang sa pangkat.4. Itanong sa mga mag-aaral kung paano natututuhan ang kultura ng isang pangkat? Halimbawa, gamit ang pagdulog na konstruktibismo itanong sa mga mag-aaral kung paano nila natutuhan ang kanilang pagkain, pananamit, pagsagot sa nakatatanda, pag-aalaga sa sarili at iba pang mga gawi. Dalhin sila sa realisasyon na ipinanganak tayo sa isang pangkat na may kultura na at sa patuloy nating pakikipag-ugnayan sa mga miyembro nito, nakukuha o natututuhan natin ang kanilang kultura. Halimbawa, tanungin sila kung paano kaya natuto ng Filipino ang mga banyagang nandito? Sa puntong ito, maaaring ipaalala sa mga mag-aaral ang konsepto ng “cultural diversity.” Maaaring magkakaiba-iba tayo ng kultura ngunit hindi ito hadlang sa pagkakamit ng matiwasay na pamumuhay at kapayapaan. Kailangan lamang na pagtuunan natin ng pansin ang ating pagkakatulad sa halip na pagkakaiba-iba. • Tanungin ang mga mag-aaral kung saan sila nagkakatulad. -- Mga bata -- Naghahangad ng kapayapaan -- May mga karapatan -- May mga pangarap 121
• Tanungin ang mga mag-aaral ng iba’t ibang paraan kung paano makapagpapakita ng paggalang at pagtanggap sa kultura ng iba.Isagawa NatinGawain 1 1. Ipagawa ang Gawain 1 sa Isagawa Natin na nasa Kagamitan ng Mag-aaral. Linawin sa mag-aaral ang kanilang gagawin. 2. Bigyan ng kalayaan ang mga mag-aaral sa pagpili ng pangkat etnikong nais gawin. Gamitin ang teoryang scaffolding. Maaaring magpakita ng halimbawa ang guro ng sariling gawa ngunit sabihin sa mga mag-aaral na malaya silang disenyuhan ang kanilang mga manika ayon sa mga katangian ng kinabibilangang kultura. May dalawang opsiyon para sa gawaing ito: a. Isasabit ang mga nagawang manika sa isang napiling lugar o sulok ng silid-aralan. b. Ididikit ang mga manika sa isang malaking mapa ng Pilipinas. 3. Gabayanangmgamag-aaralhabanggumagawa.Kungkinakailangan, tulungan sila sa higit na pagpapainam ng kanilang nagawa sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga mungkahi o tuwirang pagtulong sa kanila lalo na sa pagdidisenyo. Maaaring itago ang kanilang mga nagawa at gamitin sa exhibit na isa sa mga pangwakas na gawain para sa Ikatlong Markahan. 4. Iproseso ang nagawa ng mga mag-aaral. Mangalap ng ilang impresyon matapos makita ang kabuuan ng kanilang ginawa bilang isang klase. Muli, ipaalala sa kanila ang konsepto ng diversity. Maaaring magkakaiba sila ng estilo ng paggawa ngunit kapag pinagsama-sama na ang mga ito, isang magandang larawan ang mabubuo. Ganito rin ang nais nating mangyari hindi lamang sa ating bansa kundi maging sa buong mundo. 122
Gawain 2 1. Para sa gawaing ito, ipakilala si Jacob Maentz. Bigyang-diin na bagamat isa siyang banyaga, naroon ang marubdob niyang pagnanais na ipakilala ang mga katutubong pangkat na kahanga- hangang napanatiling buhay ang kanilang kultura. Maaaring magdagdag ng impormasyon ukol sa kaniya at sa kaniyang adbokasiya. Maaaring ipakilala ang konsepto ng Indigenous People o IP. 2. Bubuo ang mga mag-aaral ng limang pangkat. Sabihin sa kanila na sa pamamagitan ng mga larawang ibibigay ng guro, aalamin nila ang kultura ng mga pangkat etnikong naitalaga sa kanila. Maaaring gumamit din ng karagdagang materyal ang guro ukol sa mga katutubong pangkat. 3. Maaaring gamitin ng bawat pangkat para sa kanilang pag-uulat ang mga gabay na tanong na makikita sa Kagamitan ng Mag-aaral. 4. Ipaalala sa mga mag-aaral ang pamantayan sa paghahanda at presentasyon at ang mga kraytirya sa ebalwasyon. Sabihin sa mga mag-aaral na malaya silang gumawa ng sarili nilang graphic organizer sa pagpapakita ng kanilang nagawa. 5. Bago tumungo sa Isapuso Natin, gabayan ang mga mag-aaral sa paghahalaw ng mga paraan ng pagpapakita ng pagtanggap at paggalang sa kultura ng iba. 6. Itanong, “Sa paanong paraan natin maipakikita ang pagtanggap at paggalang sa kultura ng iba?”Isapuso Natin 1. Ipagawa sa mga mag-aaral ang Isapuso Natin na nasa Kagamitan ng Mag-aaral. Para sa gawaing ito, tiyaking nauunawaan ng mga mag-aaral ang kanilang gagawin. 2. Gabayan sila habang ginagawa ang kanilang flower organizer. Bigyang-diin sa kanila na sa bud ng bulaklak o sa bilog ay isusulat 123
ang pagkakatulad. Maaaring ilagay dito ang kanilang mga katangian, pangarap, hangarin at dalangin. 3. Bigyan ng sapat na panahon ang mga mag-aaral na mabasa ang ginawa ng lahat ng pangkat. Pagkatapos, maglagay ng isang bulaklak na blangko ang mga talulot at sa bud nito ay hayaan ang ilan na sumulat dito. Tiyakin lamang na magkaroon ng sistema upang hindi sila magkagulo. Maaaring tumawag lamang ng ilang mag-aaral. 4. Sabihin sa mga mag-aaral na may mga katutubong pangkat na may kinakaharap na mga suliranin ngayon. Maaaring magbigay ng ilan - displacement, sanitasyon, kalusugan at iba pa. 5. Para sa pagpapayaman ng kaalaman, maaaring puntahan ang mga site na ito: http://www.katutuboproject.org/. http://www.ethnicgroupsphilippines.com/people/ethnic- groups-in-the- philippines 6. Tapusin ang gawain sa isang maikling panalangin. 7. Ipabasa sa mga mag-aaral ang Tandaan Natin na nasa Kagamitan ng Mag-aaral. Gabayan sila sa ipinahihiwatig ng nilalaman nito.Isabuhay Natin Para sa Isabuhay Natin, maaaring magpakita ng isang segmentng palabas na ang naka-feature ay isang pamilyang Agta at ang kanilangkalagayan. Tanungin ang mga mag-aaral kung ano ang maaari nilangmagawa upang matulungan ang iba pang mga katutubong tulad ng batangAgta sa palabas o larawan. Maaring bisitahin ang site na ito: http://www.gmanetwork.com/ news/story/368317/publicaffairs/iwitness/galamay-ng-karagatan- ngayong-sabado-10-30-pm-sa-i-witness Para mapanood ang episode ng i-witness na “Galamay ngKaragatan”, pumunta sa: https://www.youtube.com/watch?v=77dEflJnQlo&feature=youtube_gdata_player 124
Kung nais na i-download ang video para mapanood ng klase, mag-install ng youtube downloader at dito i-download ang naturang video.Pagkatapos ay i-save sa iyong computer o i-save sa USB o CD. Hayaang gumawa ng plano ang mga mag-aaral para sa isang proyektona maaari nilang mailunsad para makatulong sa mga batang katutubo.Maaari din silang pasulatin ng isang liham para sa mga kinauukulan upangmatulungan ang mga kapatid nating katutubo sa kanilang kalagayan.Subukin Natin Ipahanda sa mga mag-aaral ang papel na sagutan at ipasagot angSubukin Natin na nasa Kagamitan ng Mag-aaral. Iproseso ang sagot ng mga mag-aaral lalo na sa ikalawa at ikatlongbahagi. Kung mapagtanto na may kailangang itama sa kanilang pananaw,tiyaking nagawa ito ng guro. Maaaring tumawag ng ilang mag-aaral upang ibahagi ang kanilangsagot.Unang Bahagi: d. Tau’t Bato a. Mansaka e. Indigenous People / Katutubong Pangkat b. Agta c. AmerasianTanong o Gawain Bilang Paghahanda sa Susunod na Aralin: Gumawa ng pagsasaliksik sa mga pangkat etniko sa Mindanao.Ilarawan sila ayon sa kanilang: 1. materyal na kultura (pananamit, pagkain, gawi, laro o libangan, panitikan, sining)di-materyal na kultura (paniniwala, pananaw at pagpapahalaga) 2. di materyal na kultura (paniniwala, pananaw at pagpapahalaga). 125
Aralin 4 Kultura ng mga Pangkat Etniko, Mahalagang MalamanLayunin: Naipagmamalaki / napahahalagahan ang nasuring kultura ng iba’t ibang pangkat etniko tulad ng kuwentong bayan, katutubong sayaw, awit, laro at iba paPaksa/Pagpapahalaga: Pagpapahalaga sa KulturaMga Kagamitan: repolyong’ yari sa binilog na papel, music player, masiglang tugtugin, pinalaking larawan para sa Isapuso Natin, video clip sa Isabuhay Natin, video player/laptop o projector, kuwadernoIntegrasyon: Araling Panlipunan, SiningPamamaraan:Alamin NatinPaalaala sa Guro: Ang kuwentong “Maipagmamalaking T’boli si Tatay!” sa Alamin Natinna nasa Kagamitan ng Mag-aaral ay medyo mahaba. Maaaring ipabasa itobilang takdang-aralin bago sumapit ang araw ng pagtuturo: 1. Kung sa oras ng klase babasahin ang kuwento, maaaring gawin ang sumusunod: Itanong: -- “Naranasan na ba ninyo ang magbakasyon sa probinsiya?” “Saang probinsiya naman kayo nakapagbakasyon?” (Hayaang makapaglahad ang mga mag-aaral ng kanilang karanasan sa bahaging ito. Huwag magmadali ang guro.) -- “Alam ba ninyo kung nasaan ang South Cotabato?” 126
Sabihin: • May babasahin tayong kuwento ukol sa isang pamilyang nagbakasyon sa South Cotabato. Sa kanilang pagbabakasyon at pamamasyal ay may natuklasan ang dalawang batang tauhan dito ukol sa kanilang kultura. Ating alamin. • Gabayan ang mga mag-aaral sa pagbasa ng kuwentong “Maipagmamalaking T’boli si Tatay!” na nasa Kagamitan ng Mag-aaral2. Kapag ibinigay mo bilang takdang-aralin ang kuwento, ito naman ang maaaring gawin: • Sa oras ng klase, pag-usapan kung ano ang kuwentong kanilang binasa. Maaaring itanong ang sumusunod: -- “Ano ang kuwentong ipinabasa sa inyo sa bahay”? -- “Katulad ng kuwento, naranasan na rin ba ninyo ang magbakasyon sa probinsiya? Saang probinsiya naman kayo nakapagbakasyon?” (Hayaang makapaglahad ang mga mag-aaral ng kanilang karanasan sa bahaging ito. Huwag magmadali ang guro.)3. Pagkatapos na mabasa ang kuwento ipagawa ang gawaing MagLAR-NUNGAN Tayo: Cabbage Roll kung saan sasagutan ng mga mag-aaral ang mga tanong tungkol sa kuwento na nasa Kagamitan ng Mag-aaral. Sabihin: “Napakahalaga na nabasa mo ang kuwentong “Maipagmamalaking T’boli si Tatay!” upang makalahok ka nang mahusay o masagot mo ang mga tanong sa ating susunod na gawain. Handa ka na ba”? MagLAR-NUNGAN Tayo: Cabbage Roll a. Sa saliw ng isang masiglang tugtugin, ipapasa ng guro sa isang mag-aaral ang isang ‘repolyo’ na yari sa binilog na mga papel. 127
b. Ipapasa rin niya ito sa kaniyang mga kamag-aral habang tumutugtog. c. Pag tumigil ang tugtog ay tatayo ang natiyempuhang mag-aaral na may hawak ng ‘repolyo’. d. Aalisin ng may hawak ng ‘repolyo’ ang isang balat nito at pagkatapos ay babasahin at sasagutin niya ang isang tanong na nakasulat dito. Maaari siyang humingi ng tulong sa kaniyang kaklase upang sumagot. e. Maaaring maglagay din sa ilang bahagi ng dahon ng repolyo sa pagitan ng mga tanong na ang nakasulat ay, “Magandang araw! Kumusta ang iyong pakiramdan?” o “Binabati kita, may premyo ka sa iyong guro” upang maging mas masigla at kaiga-igaya ang pagpapasahan ng repolyo. Maaaring magbigay ang guro ng ilang simpleng sorpresa tulad ng lapis o gamit sa pag aaralPaalaala sa Guro: Ang guro ay inaasahang tagapaggabay lamang sa oras ng tanunganhabang nagpapasahan ng ‘repolyo’. Hayaang ang mga mag-aaral angmagpalawak ng mga ideya at kasagutan sa mga tanong sa pamamagitanng kaniyang pagiging matalinong tagapamagitanKaragdagang Paalala: Maaaring banggitin ang integrasyon sa buwan ng Disyembre bilangpagdiriwang ng Historical, Cultural and Arts Festival of Excellence kungsaan ay binibigyang halaga ang mga kalinangan at kahusayan ng iba’tibang kultura sa Pilipinas.Isagawa Natin Makatutulong upang mapalawak pa ang pagkaunawa ng mga mag-aaral sa kagandahang asal na nais maituro ng guro ang sumusunod nagawain: 128
Itanong: “Ano-anong kulturang T’boli ang nabanggit sa kuwento sa kanilang katutubong kasuotan, sayaw, awit, instrumentong pangmusika at iba pa?”Gawain 1 Maaaring gumamit ng larawan ng mga T’boli upang mas magingkawili-wili pa at makatotohanan ang pagbibigay ng impormasyon. Ipagawaang Gawain 1 sa kanilang kuwaderno.Sabihin: “Ngayong araw ay kultura naman ng sarili nating pangkat etniko ang ating dapat ipagmalaki. Handa na ba kayong malaman ang mga ito?”Gawain 2 Inaasahang magsasaliksik ang guro sa bahaging ito ukol sa kulturang pangkat etnikong kinabibilangan ng rehiyon o pangkat etniko. Sundanlamang ang padron ng sanaysay katulad sa ibaba. Palitan lamang angmga detalye na nakasalungghit. Maaaring magbawas ng mga nakalistangkultura depende sa kakayahang makalap ang impormasyong hinihingi owala talaga nito sa tinutukoy na rehiyon o pangkat etniko.Halimbawa 1: Ang Cavite ay nasa Rehiyong Timog Katagalugan. Ang mga tao ritoay kabilang sa pangkat etniko ng mga Caviteño. Mayaman din sa kulturaang ating pangkat etniko. Kilala tayo sa katutubong kasuotan na BarongTagalog sa kalalakihan at Baro’t Saya sa kababaihan. Ilan sa kuwentong-bayan na kilala rito ay ang Bernardo Carpio ng Rizal at Maria Makiling ngLaguna. Ilan sa mga katutubong sayaw na dito rin nanggaling ay ang Subling Batangas at Maglalatik ng Laguna. Sa mga awitin naman ay ilan samga itinuturo sa paaralan ang ‘Tayo na sa Antipolo’ at ‘Lutong Filipino’ mulasa Rizal. Kung pagkain naman ang pag-uusapan, sa Timog Katagaluganmatatagpuan ang kesong puti, puto, kalamay at iba pa. Sa mga larongpambata, bahagi na ng kasaysayan ang mga laro tulad ng taguan, patinteroat luksong tinik na nilalaro din ng ibang pangkat etniko. 129
Halimbawa 2: Ang Tawi-tawi ay nasa Rehiyong ARMM o Autonomous Region inMuslim Mindanao. Ang mga tao rito ay kabilang sa pangkat etniko ng mgaBadjao. Mayaman din sa kultura ang ating pangkat etniko. Kilala tayo sakatutubong kasuotang patadjong. Ilan sa kuwentong bayan na kilala ritona nasa anyong paawit o kata-kata ay ang Kuwento ni Prinsesa Ayeshang Johore at Ang mga Sultan ng Brunei at Sulu. Ilan sa mga katutubongsayaw na dito rin nanggaling ay ang Pangigal na sinasaliwan ng tugtog naDayang-dayang. Sa mga awitin naman ay ilan sa mga itinuturo sa paaralanang leleng, binoa, tenes, panulkin, at ang lugu. Kung pagkain naman angpag-uusapan, sa Tawi-tawi matatagpuan ang syagul, guso, syanglag, tyulaitum at iba pa. Sa mga larong pambata, bahagi na ng kasaysayan anglarong sipa na namana natin sa kalapit na bansang Malaysia.Source: http://en.wikipedia.org/wiki/Bajau_people http://www.globalpinoy.com/gp.topics.v1/viewtopic. php?postid=4fab9f8176a31&channelName=4fab9f8176a31Paalaala sa Guro: Ang halimbawa 2 ay ginamitan ng manunulat ng pangkat etnikongBadjao sa Tawi-tawi. Mayroon pa ring ibang pangkat etnikong nakatirasa Tawi-Tawi tulad ng Sama o Samal, Tausug at iba pa kaya’t maaaringbaguhin rin ito ng guro. Kapag nabuo na ang sanaysay sa itaas, basahin ito habang nakikinigang mga mag-aaral. Gabayan sila na sagutan ang tsart. Ipasagot din angtanong na nasa ibaba nito. Ipagamit ang kuwaderno sa gawaing ito. Kultura Mga Halimbawa Mula sa Pangkat Etnikong Kinabibilangan MoKuwentong BayanKatutubong SayawAwitLaro 130
Paano mo maipagmamalaki at pahahalagahan ang mga ito?_____________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________Isapuso Natin 1. Upang mahinuha at maisakatuparan pa ng mga mag-aaral ang layunin ng aralin ng guro sa linggong ito kailangang gabayan ng guro ang mga mag-aaral na maisadamdamin ang kalinangan sa pagpapahalaga, pagmamalaki at pagsasabuhay ng nakagisnang kultura sa pangkat etnikong kinabibilangan. Sabihin: Ngayongaraw,naiskongmalamankungmaipagmamalaki na talaga ninyo ang inyong sariling pangkat etniko. • Ano kaya ang maituturing natin sa isang tao na hindi nagmamalaki sa kaniyang pangkat etniko? • Mayroon na ba kayong nabalitaan o nakita mismo na taong ikinahihiya ang sarili niyang pangkat etniko? 2. Ipagawa ang Isapuso Natin na nasa Kagamitan ng Mag-aaral. Magpaskil ng mas malaking modelo ng larawan sa Isapuso Natin. 3. Ganyakin ang mga mag-aaral na buuin ang larawan dito sa pamamagitan ng pagguhit ng katutubong kasuotan ng pangkat etnikong kanilang kinabibilangan. Ipalagay rin ang kanilang larawan sa loob ng kahong nakalaan. Kung babae ay sa kaliwa at kung lalaki naman ay sa kanan. Maaaring pakulayan ang iginuhit. 4. Ipabuo rin ang patlang sa pamamagitan ng paglalagay ng hinihinging impormasyon. 5. Bigyang-diin ang Tandaan Natin. Ipabasa ito sa mga mag-aaral nang may pang-unawa. Ipaliwanag nang mahusay ang mensahe nito upang lubos na maisapuso ito ng mga mag-aaral. 131
6. Maaaring magbigay ng takdang-aralin: Magsaliksik pa ng ibang kultura ng ating pangkat etniko sa katutubong awit, laro at sayaw. Maaari ding magdala ng katutubong kasuotan na inyo pang naitatago.Isabuhay Natin Sabihin: “Kahapon ay nalaman ko na tunay na naisapuso ninyoang pagmamalaki at pagpapahalaga sa sarili nating pangkat etniko.Ngayon naman ay nais kong makita kung maisabubuhay na rin ninyo angpagmamalaki rito.” Itanong: “May nagdala ba sa inyo ngayong araw ng ilang halimbawang nasaliksik pa ninyong mga kulturang atin? May nakapagdala ba ngkatutubong kasuotan? Ikinahihiya ba ninyong isuot ito dahil sa maiiklingdamit na uso ngayon? Tingnan ko nga kung ano-ano ito?” 1. Maaaring magkaroon muna ng video presentation ang guro na nagpapakita ng isang balita tungkol sa mga mag-aaral na Ifugao na naglaro ng basketball nang nakabahag lamang. 2. Narito ang link ng video mula sa Youtube: https://www.youtube.com/ watch?v=084UwHrnPqc 3. Pangkatang Gawain Pagkatapos mapanood ang mga mag-aaral ng isang paaralan sa Baguio City na naglalaro ng basketball habang nakasuot ng bahag na kanilang katutubong kasuotan, itanong: “Ano ang masasabi ninyo rito? Paano nila ipinakita ang pagpapahalaga at pagmamalaki sa kanilang kultura? Makabuluhan ba ang kanilang ginawa?” 4. Kung wala namang maipakikitang video ay maaaring basahin ng guro ang maikling kuwento na may pamagat na “Mga Kasuotang Tatak Pilipino”. Hayaang makinig ang bawat pangkat. 132
Mga Kasuotang Tatak Pilipino Ako ay nagtaka nang iabot sa akin ni Ginoong Castro, akingtagasanay sa pagsulat ng lathalain, ang dalawang pirasong lumanglarawan at sinabing, “Mona, galing ang mga larawang ito sa mgagamit ng dating tagamasid pampurok na matagal nang sumakabilangbuhay. Gumawa ka nga ng lathalain ukol dito.” Bulong ko sa sarili, “Nakakainis! Ano naman kayang artikuloang maisusulat ko para sa mga lumang larawang ito? At sakanakakatakot naman, baka multuhin pa ako ng mga taong narito samga larawan.” Ngunit nang aking tingnan ang mga nagsisimula nangmagbitak-bitak at kupas na mga larawan napagtuunan ng akingpansin ang kakaibang kasuotan ng mga tao rito. Tinawag ko angaking kaibigang si Claret at siya man ay namangha at naaliw samga larawang ito. “A, ito ang tinatawag na baro at saya ng mga babae at barongtagalog naman para sa mga lalaki. Ang mga ito ang isinusuot ngmga ninuno natin noong unang panahon. Sabi ng lola ko, masmagaganda at makukulay pa ang isinusuot kapag may espesyal napagdiriwang, lalo na ang mga kadalagahan,” wika ni Claret. “Talaga! Nakakatuwa naman ang mga kasuotan noon. Kaygagaraat mahahaba ang yari, parang kayhirap isuot!” sagot ko sa kaniya. “Hindi naman, pero kung estilo ang titingnan at ikokompara samga uso at modernong kasuotan sa ngayon ay nagpapakita ng simple,maganda ngunit kagalang-galang na pananamit,” sagot niya sa akin. Napag-isip-isip ko, tama siya.Ang baro at saya at barong tagalogay sumasalamin sa payak na pamumuhay ng mga Pilipino noon. Sa aking pagmumuni-muni ay sumabad muli ang akingkaklase, “Mona, tingnan mo o, pati ang mga bata sa larawan aygayundin ang suot! Ano kaya’t ganito pa rin ang kasuotan natin sangayon?” tanong niya sa akin na nanlalaki ang mga mata. 133
“Ewan ko. Pero alam ko mahihirapan tayong tumakbo kapaghuli na tayo sa klase,” nakangiti kong wika. “Naku, oo nga! Huli na tayo para sa susunod nating klase.Halika na!” sabay hagilap niya sa kaniyang mga gamit. At nagmamadali kaming pumunta sa susunod naming klase.At habang patakbo-takbong akay ng kaklase, naalaala ko ang bilinni Ginoong Castro na nagbigay ng dalawang mahahalaga palanglarawang nasa aking mga kamay. “Naku, gusto kong makita rin itong iba pang mag-aaral na tulad ko. Ito ay bahagi ng kasaysayangPilipino. Aba, may naisip na akong artikulo! Sana’y magustuhan itong guro ko,” bulong ko sa aking sarili.5. Bawat pangkat na may piniling lider ay susulat ng isang maikling talata hinggil sa napanood na video/napakinggang kuwento at ilahad sa harap ng klase sa pamamagitan ng sumusunod:Pangkat 1 - PakoroPangkat 2 - RapPangkat 3 - Sabayang BigkasPangkat 4 - Haiku (isang uri ng tula na may lima-pito- lima (5-7-5) na pantig at binubuo ng tatlong taludtodSubukin Natin 1. Sabihin sa mga mag-aaral na sa araw na ito ay nais mong malaman kung gaano na kalalim ang pagpapahalaga nila sa kultura na kinapapalooban ng mga katutubong kasuotan, sayaw, awit, kuwentong bayan, laro at iba pa mula sa mga pangkat etniko sa bansa na kanilang natutuhan. 2. Ipasagot ang Subukin Natin na nasa Kagamitan ng Mag-aaral. 134
3. Sabihin din na walang maling sagot sa mga pagpipilian dito. Bibigyan sila ng pagkakataong ipaliwanag ang kanilang sariling kuro-kuro at saloobin kung bakit iyon ang napili nilang letra ng sagot. 4. Pagkatapos masagutan ng mga mag-aaral ang bawat katanungan, muli itong iproseso. Mahalagang magabayan ng guro ng wastong pagpapaliwanag at mga tamang kadahilanan kung bakit ang sumusunod ang mga pinakatumpak na sagot: 1. c 2. b 3. c 4. a 5. a Bigyan ng mga kasagutan ang mga tanong na: • Naniniwala ka ba sa iyong mga sagot? • Pinaninindigan mo ba ang iyong mga sagot? Muli itong pagnilayan. Batiin ang mga mag-aaral sa natapos na aralin at ihanda sila sasusunod na aralin. Maaaring magbigay ng takdang-aralin kung kinakailanganpara magsilbi itong motibasyon sa susunod na pag-aaralan. 135
Aralin 5 Sariling Disiplina sa Pagsunod sa mga BatasLayunin: Nakasusunod sa mga batas/panuntunang pinaiiral tungkol sa pangangalaga ng kapaligiran kahit walang nakakakitaPaksa/Pagpapahalaga: Pagkakaroon ng DisiplinaMga Kagamitan: sample ng plano ng isang arkitekto o mula sa internet, sample ng hand stamping, kuwaderno, manila paper, water color na kulay berde, bond paperIntegrasyon: Araling Panlipunan, Environmental Education, SiningPamamaraan:Alamin Natin1. Itanong: a. “Gusto ba ninyo ng buhay na laging may nakakakita sa lahat ng inyong ginagawa?” b. “Paano kaya kung ganoon ang bawat isa sa atin?”2. Sabihin: “Alam natin na ang ilan sa mga tao ay gumagawa lamang nang mabuti dahil alam nilang may ibang taong nakakakita sa kanila. Ano ang masasabi ninyo sa mga taong ganoon?”3. Gabayan sila sa babasahing kuwentong “Kahit Walang Nakakakita, Gumawa ng Tama.”4. Pagkatapos basahin ang kuwento, ipasagot ang mga tanong na nasa Kagamitan ng Mag-aaral. 136
Isagawa Natin Makatutulong sa pagbuo ng konsepto ng aralin ang pagsagot saIsagawa Natin sa Kagamitan ng Mag-aaral. Sabihin: “Tingnan natin kung tulad ng tauhan sa kuwentong atingbinasa kahapon ay matutularan din ninyo ang kaniyang ginawa.” 1. Ipagawa sa mga mag-aaral ang Gawain 1 sa Isagawa Natin na nasa Kagamitan ng Mag-aaral. Talakayin ang mga sagot sa bawat larawan. Bigyang-diin ang pagsunod sa batas nang wasto at dahil ito ang idinidikta ng kanilang damdamin kahit walang nakakakita. 2. Patnubayan ang mga mag-aaral sa pagsasagawa ng Gawain 2: Arkitekto Kami! Kung may maipakikitang halimbawa ng isang plano o guhit ng hardin mula sa internet ay maaaring ipakita ito. a. Gabayan ang mga mag-aaral sa pagpapangkat at sa pagpili ng lider. Sabihing sila ay magiging mga arkitekto. b. Ipaliwanag nang pahapyaw kung ano ang arkitekto. c. Bawat pangkat ay ilalaan sa isang bahagi ng paaralan na dapat bigyan ng pansin ukol sa kalinisan at kaayusan. d. Sabihing iguhit sa manila paper ang isang plano kung paano mapagaganda pa ang lugar na inilaan para sa kanila. e. Sabihing dapat makita sa plano ang mga plant boxes, mga nakatanim na halamang gulay o namumulaklak at mga puno. f. Pipiliin ng guro ang may pinakamagagandang plano. Maaaring magbigay ng ribbon ang guro sa bawat pangkat na mapipili. 137
Paalaala sa Guro: Magbigay ng takdang-aralin sa mga mag-aaral ukol sa mgakagamitang gagamitin sa Isapuso Natin.Isapuso Natin Para lalo pang mapalalim at maitimo sa damdamin ng mga mag-aaral ang konseptong gustong buuin ng pangkat, makatutulong na ipagawaang sumusunod: 1. Sabihin: “Ngayong araw ay nais kong maipakita ninyo sa akin ang malalim ninyong intensiyon na makatulong at makasunod sa mga ipinapatupad na alituntunin sa pangangalaga sa ating kapaligiran. Gagawa tayo ng isang artwork mula sa mga kagamitang ipinadala ko sa inyo kahapon.” Itanong: “Bakit kaya kailangang mag-stamp ang mga tao sa mga legal na dokumento kagaya ng sedula?” 2. Sabihin: “Tulad ng sedula, palad ang gagamitin natin sa pag-iistamp o pagbakat sa isang buong bond paper. Berdeng water color lamang ang ating gagamitin. Sasagisag ito sa inyong konbiksiyon o matinding hangarin bilang mga sundalong magliligtas sa kalikasan.” “Pagkatapos ninyong magawa ito at habang pinatutuyo ninyo ang kaniya-kaniyang bond paper, gawin at buuin ninyo ang Panata para sa Kapaligiran. Kapag sigurado ka na sa iyong panata ay isulat mo na ito nang may disenyo sa ilalim ng inistamp o binakat mong palad sa bond paper.” 3. Pipiliin ng guro ang may pinakamagagandang ginawa at ipapaskil sa bulletin board ng Edukasyon sa Pagpapakatao. 138
PANATA PARA SA KAPALIGIRAN Ako ay nilalang ng Diyos katulad din ng kalikasan. Katungkulan ko ang pangalagaan ang kapaligiran at ang kalikasan. Para sa ikagaganda ng kapaligiran, ako ay __________. Para sa kalinisan nito, ako ay _________________________. Para tularan ako ng aking mga kamag-aral, ako ay ________________ upang lalo pang maging maayos ang aming paaralan. Sa bahay naman ako ay ________________ upang matuwa ang aking mga magulang. Nais ko ring ang buong bansa at ang mundo ay maging ligtas kaya ako ay susunod sa ____________________________. Kasihan nawa ako ng Poong Maykapal. 4. Bigyang-diin ang Tandaan Natin. Bilang karagdagang impormasyon, basahin ang tungkol sa ikapitong Millenium Development Goal ng United Nations at iba pang impormasyon upang maiangat ang antas ng ating kamalayan tungkol sa pangangalaga sa kapaligiran. Paalala sa Guro Ayon sa Republic Act 9512: Environmental Awareness and EducationAct of 2008 ito ay isang batas na itinataguyod ang kamalayan tungkol sakapaligiran sa pamamagitan ng Environmental Education at sumasaklawsa integrasyon sa kurikulum ng paaralan sa lahat ng antas, maging ito aypampubliko o pribado, kabilang ang pormal, teknikal, bokasyonal, at out-of-school youth na kurso o mga programa. Ang Seksiyon 6 ng batas ay nagsasabi na ang DepEd, CHED, TESDA,DENR, DOST at iba pang mga ahensiya ng gobyerno, sa pagsanggunisa mga dalubhasa sa kapaligiran at sa academe, ay humantong sapagpapatupad ng edukasyon at kamalayan sa mga programang pampublikosa proteksiyon at pangangalaga ng kapaligiran sa pamamagitan ng 139
collaborative inter-agency at mga multi-sectoral sa pagsusumikap sa lahatng antas. Nakasaad sa ikapitong adhikain ng Millenium Development Goalso MDG ng United Nations ang masiguro ang pagpapanatili ng kalikasan.Kaakibat nito ang tatlong mahahalagang layunin tulad ng : 1. Isama sa konsepto ng sustainable development o likas–kayang pagpapaunlad sa mga batas at programa ng bawat bansa upang maibalik ang pagkawala ng mga likas na kayamanan, 2. Makalahati, sa taong 2015, ang bilang ng mga taong may koneksiyon sa malinis at naiinom na tubig, at 3. Makamit ang makabuluhang pagbuti sa buhay ng humigit-kumulang 100 milyong tao na nakatira sa mahihirap na mga lungsod. Dahil sa mga nabanggit, marapat lamang na ang bawat isa, bataman o matanda ay patuloy na makapag-isip at makapagpasiya nang wastotungkol sa epekto ng tulong-tulong na pangangalaga sa kapaligiran para sakaligtasan ng bansa at daigdig. Susunod ang bawat isa sa mga pinaiiral nabatas at alituntunin para sa pangangalaga ng kapaligiran. Ang buwan ng Nobyembre ay itinalaga bilang EnvironmentalAwareness Month. • Maaaring magsaliksik pa ng mga detalye ukol dito.Isabuhay Natin 1. Ipagawa ang Isabuhay Natin sa Kagamitan ng Mag-aaral sa pamamagitan ng pangkatang gawain. Makatutulong ito sa pagpapalalim ng tinalakay na kagandahang asal. Sabihin: “Tulad ng ginawa natin kahapon, alam kong naisapuso na ninyo ang pagiging mabuting mag-aaral dahil sa pagsunod sa mga batas at tuntunin sa pangangalaga ng kapaligiran. Ngayong araw 140
naman ay mas nais kong makita kung tataglayin nga ninyo angkatangiang ito habang kayo ay nabubuhay.”Itanong: “Masarap ba sa pakiramdam kapag nagiging bahagi ka ngpaghilom ng mga sugat o pagkasira ng ating kalikasan?”Sabihin: “Pumikit nga tayo at huminga nang malalim at damhin anginyong mga sarili.”2. Gabayan ang mga mag-aaral sa pagbuo ng pangkat at pagpili ng lider. Ipagawa ang sumusunod sa bawat pangkat. Maglaan ng oras kung gaano kahaba ang gugugulin sa pagbuo ng mga gawain.Pangkat 1 - Gumawa ng infomercial na humihikayat sa mgaPangkat 2 tao sa pansariling disiplina tungo sa kaligtasan ngPangkat 3 kalikasan.Pangkat 4 - Gumawa ng skit na nagpapakita ng paggawa ng maganda para sa kalikasan kahit walang nakakakita - Gumawa ng awit na nagsasaad ng mga batas na dapat nating sundin ukol sa pangangalaga sa kalikasan kahit walang nakakakita. - Gumawa ng komiks na naglalarawan ng komunidad na may sariling disiplina at tulong- tulong na nangangalaga sa kalikasan.Paalaala sa Guro Iproseso muli ang mga ginawa ng mga mag-aaral. Pansinin angnaging daloy ng pagpapakita ng bawat pangkat. Papurihan ang mga mag-aaral na nakapagpakita ng kagalingan sa kanilang pangkatang gawain. 141
Subukin Natin 1. Ipahanda sa mga mag-aaral ang kuwaderno. Ipasipi ang talahanayan at ipasagot ito. 2. Pagkatapos masagutan ng mag-aaral ang gawain, muli itong iproseso. Mahalagang maipakita ang kanilang pagninilay sa kanilang mga sagot. Bigyan ng mga kasagutan ang mga tanong na: • Ano ang iyong masasabi sa iyong mga sagot? • Naniniwala ka ba sa iyong mga sagot? • Pinaninindigan mo ba ang iyong mga sagot? Muli itong pagnilayan. Batiin ang mga mag-aaral sa natapos na aralin at ihanda sila sasusunod na aralin. 142
Aralin 6 Nagkakaisang Lahi, Mundo’y MaisasalbaLayunin: Nakasusunod sa mga batas/panuntunang pinaiiral tungkol sa pangangalaga ng kapaligiran kahit walang nakakakitaPaksa/Pagpapahalaga: Pagkakaroon ng Disiplina, Kalinisan at KaayusanMga Kagamitan: limang envelope na may lamang tig-isang tanong, pinalaking crossword puzzle, kuwadernoIntegrasyon: Environmental Education, Araling Panlipunan, SiningPamamaraan:Alamin NatinPaalala sa Guro • Mainam na maunawaan ng guro na sa aralin na ito na may kaparehong layunin ay mas lalalim pa ang pagkaunawa at pagkaukit ng ideya sa diwa ng mga mag-aaral. • Inaasahan na babasahin mo muna ang panimulang talata bago magsimula sa leksiyong ito. 1. Sabihin: “May babasahin tayong tula na may pamagat na Disiplina para sa Kapaligiran.” Itanong: “Ano ba ang katangian ng taong disiplinado?” “Kailan natin dapat ipakita ang pagiging disiplinado?” 2. Pagkatapos mabasa ang tula, pasagutan ang mga tanong na nasa Kagamitan ng Mag-aaral. Maaaring gamitin ang paraang MagLAR- 143
NUNGAN (Larong-Tanungan) Tayo kung kinakailangan para mas maging interaktibo ang talakayan. a. Paghiwalayin ang grupo ng lalaki at babae. Sabihing magkakaroon ngayong araw ng question and answer portion para sa Munting Ginoo at Binibining Kalikasan sa inyong klase. b. Papiliin ang dalawang grupo ng tiglimang kalahok mula sa kanilang pangkat na siyang sasagot ng mga tanong mula sa envelope na hawak ng guro. Papuntahin sila sa harap upang magpakilala. c. Sa iyong hudyat ay sabay na lalapit sa iyo ang tig-isang kalahok mula sa magkabilang pangkat para bumunot ng isang katanungan na pareho nilang sasagutin. d. Gawin ito sa mga susunod pang kalahok hanggang sa matawag silang lahat. e. Ilalahad ng guro ang tatlong may pinakamagandang sagot sa bawat pangkat. f. Iproseso muli ang mga kasagutan at ilahad kung sino sa dalawang pangkat ang nagwagi.Isagawa NatinSabihin: “Sa araw na ito ay nais kong malaman kung naunawaan talaga ninyoang diwa at aral ng tulang ating binasa kahapon.” 1. Ipasagot sa kuwaderno ang Gawain 1 sa Isagawa Natin na nasa Kagamitan ng Mag-aaral. Iproseso ang mga sagot pagkatapos. 2. Maaaring ipagawa ang crossword puzzle bilang karagdagang gawain sa mga seksiyon ng mag-aaral na marurunong. 144
Sagutin ang crossword puzzle. Ang mga kasagutan dito ay maykaugnayan sa tulang binasa. 3 5 2 41 Pahalang 1. itinuturing na ‘ina’ sa tula Pababa 2. gawin 3. gawain ng tao na nakapagdudulot ng kaayusan 4. pinaiiral at dapat sundin 5. tawag sa gawaing maayos 3. Pagkatapos maisagawa ang Gawain 1, bumuo ng limang grupo para sa susunod na gawain. Gabayan ang mga mag-aaral na unawain at pag-usapan ang mga sitwasyon sa Gawain 2. Hikayatin ang bawat isa na makiisa.Isapuso Natin 1. Talakayin isa-isa ang mga larawan sa Isapuso Natin na nasa Kagamitan ng Mag-aaral. Bigyang-pansin ng guro ang mga naging sanhi ng mga ipinapakita sa larawan. 2. Lalong bigyang-pansin ang magiging bunga nito kung pababayaan ito ng mga tao. Bigyang lunas ang mga suliranin sa pamamagitan ng pagkalap ng mga sagot mula sa mga mag-aaral kung papaano nila ito mabibigyan ng lunas. 145
Mga Larawan Posibleng Mensahe ng Larawan1 Huli na nang magsisi ang mga tao sa kanilang ginawang pag-ubos sa likas na yaman.2 Papel na lamang ang ginawang kunwari-kunwariang puno ng mga bata dahil hindi na sila nakakakita nito.3 Sa internet na lamang nakakakita ng kagubatan ang mga tao dahil ubos na ang mga puno. Ang mga digmaan din ay nagiging sanhi ng pagkasira4 ng kalikasan. Mainam na mas bigyan ng pansin ng mga bansa ang ukol sa kalikasan kaysa pagpapalakas ng kanilang mga sandatang pandigma. Isang malaking pagkakamali na ang mga batas o5 paalaala sa pagbabawal sa pagputol ng puno ay nakasulat sa peryodiko kung saan milyon-milyong papel din ang ginamit mula sa pinutol na mga puno. Dahil sa paghahangad na magkaroon ng mas6 maraming salapi, ang mga tao ay hindi tumatanggi sa napakaraming industriyang itinatayo sa ating lugar.3. Bigyang diin ang Tandaan Natin. Ipabasa ito sa mga mag-aaral nang may pang-unawa. Ipaliwanag nang mahusay ang mensahe nito upang lubos na maisapuso ito ng mga mag-aaral. 146
Isabuhay Natin 1. Sabihin: “Batay pa rin sa napag-aralan nating tula ukol sa pagkakaroonng kalinisan at kaayusan bilang pagpapakita ng disiplina kahitsaanman, magkakaroon uli tayo ngayon ng pangkatang gawain.”2. Bawat isang pangkat ay magpapakita ng isang buong pamilya. Magpakita ng maikling skit na ang eksena ay pumunta ang inyong mag-anak sa isang lugar at bawat isa ay nakasusunod sa mga batas at panuntunan sa lugar na inyong pinuntahan ukol sa kalinisan ng kalikasan.Pangkat 1 - Sa Luneta ParkPangkat 2 - Sa pamamasyal sa siyudadPangkat 3 - Sa pagbibiyahePangkat 4 - Sa bahay dalanginanPaalala sa Guro: Maaaring maghanda ang guro ng props na gagamitin o magpadala samga mag-aaral. Maaaring sombrerong buli ang sa tatay, basket pampiknikang sa nanay, at iba pa. 3. Iproseso muli ng guro ang mga ginawang skit ng mga mag-aaral.Subukin Natin 1. Pasagutan sa kuwaderno ng mga mag-aaral ang Subukin Natin sa Kagamitan ng Mag-aaral. 2. Hayaan din silang magbigay ng mga batas at alituntuning dapat ipairal. 3. Muli pagnilayan ang mga sagot. Batiin ang mga mag-aaral sa natapos na aralin at ihanda sila sasusunod na aralin. Maaaring magbigay ng takdang-aralin kung kinakailanganpara magsilbi itong motibasyon sa susunod na pag-aaralan. 147
Aralin 7 Disiplina sa Pagtatapon ng Basura: Isang Pandaigdigang PanawaganLayunin: Nakatutulong sa pagpapanatili ng kalinisan at kaayusan ng kapaligiran saanman sa pamamagitan ng: • segregasyon o pagtapon sa tamang lagayan ng mga basurang nabubulok at di nabubulokPaksa/Pagpapahalaga: Pagkakaroon ng Disiplina (Discipline) and Kalinisan at Kaayusan (Cleanliness Orderliness)Mga Kagamitan: tong/gloves o anumang supot na puwedeng gamitin sa pagpulot ng basura; tatlong kahon para lalagyan ng basura; manila paper; lumang kalendaryo, diyaryo, magasin at iba pang patapong bagay na puwedeng i-recycle; pentel pens; lokal na materyales; awitin tungkol sa kapaligiran.Integrasyon: Agham, Asignaturang Pangkalusugan, SiningPamamaraan: Ipabasa sa mga mag-aaral ang panimulang kaisipan bilangpaghahanda sa araling ito. Maaaring magbigay ng sagot ang ilang mag-aaral tungkol sa mga tanong na nakapaloob dito.Alamin Natin 1. Ipabasa sa mga mag-aaral ang isang tula na naglalayong maipakita ang kondisyon sa kapaligiran na epekto ng maling paraan ng pagtatapon ng basura. 2. Pagkatapos na mabasa nila ang tula, bigyan ng ilang minuto na pagnilayan nila kung ano ang mensahe nito sa kanila bilang isang mag-aaral. 148
Search
Read the Text Version
- 1
- 2
- 3
- 4
- 5
- 6
- 7
- 8
- 9
- 10
- 11
- 12
- 13
- 14
- 15
- 16
- 17
- 18
- 19
- 20
- 21
- 22
- 23
- 24
- 25
- 26
- 27
- 28
- 29
- 30
- 31
- 32
- 33
- 34
- 35
- 36
- 37
- 38
- 39
- 40
- 41
- 42
- 43
- 44
- 45
- 46
- 47
- 48
- 49
- 50
- 51
- 52
- 53
- 54
- 55
- 56
- 57
- 58
- 59
- 60
- 61
- 62
- 63
- 64
- 65
- 66
- 67
- 68
- 69
- 70
- 71
- 72
- 73
- 74
- 75
- 76
- 77
- 78
- 79
- 80
- 81
- 82
- 83
- 84
- 85
- 86
- 87
- 88
- 89
- 90
- 91
- 92
- 93
- 94
- 95
- 96
- 97
- 98
- 99
- 100
- 101
- 102
- 103
- 104
- 105
- 106
- 107
- 108
- 109
- 110
- 111
- 112
- 113
- 114
- 115
- 116
- 117
- 118
- 119
- 120
- 121
- 122
- 123
- 124
- 125
- 126
- 127
- 128
- 129
- 130
- 131
- 132
- 133
- 134
- 135
- 136
- 137
- 138
- 139
- 140
- 141
- 142
- 143
- 144
- 145
- 146
- 147
- 148
- 149
- 150
- 151
- 152
- 153
- 154
- 155
- 156
- 157
- 158
- 159
- 160
- 161
- 162
- 163
- 164
- 165
- 166
- 167
- 168
- 169
- 170
- 171
- 172
- 173
- 174
- 175
- 176
- 177
- 178
- 179
- 180
- 181
- 182
- 183
- 184
- 185
- 186
- 187
- 188
- 189
- 190
- 191
- 192
- 193
- 194
- 195
- 196
- 197
- 198
- 199
- 200
- 201
- 202
- 203
- 204
- 205
- 206
- 207
- 208
- 209
- 210
- 211
- 212
- 213
- 214
- 215
- 216
- 217
- 218
- 219
- 220
- 221
- 222
- 223
- 224
- 225
- 226
- 227
- 228
- 229
- 230
- 231
- 232
- 233
- 234
- 235
- 236
- 237
- 238
- 239
- 240
- 241
- 242
- 243
- 244
- 245
- 246
- 247
- 248
- 249
- 250
- 251
- 252
- 253
- 254
- 255
- 256
- 257
- 258
- 259
- 260
- 261
- 262
- 263
- 264
- 265
- 266
- 267
- 268
- 269
- 270
- 271
- 272
- 273
- 274
- 275
- 276
- 277
- 278
- 279
- 280
- 281
- 282
- 283
- 284
- 285
- 286
- 287
- 288
- 289
- 290
- 291
- 292
- 293
- 294
- 295
- 296
- 297
- 298
- 299
- 300
- 301
- 302
- 303
- 304
- 305
- 306
- 307
- 308
- 309
- 310
- 311
- 312
- 313
- 314
- 315
- 316
- 317
- 318
- 319
- 320
- 321
- 322
- 323
- 324
- 325
- 326
- 327
- 328
- 329
- 330
- 331
- 332
- 333
- 334
- 335
- 336
- 337
- 338
- 339
- 340
- 341
- 342
- 343
- 344
- 345
- 346
- 347
- 348
- 349
- 350
- 351
- 352
- 353
- 354
- 355
- 356
- 357
- 358
- 359
- 360
- 361
- 362
- 363
- 364
- 365
- 366
- 367
- 368
- 369
- 370
- 371
- 372
- 373
- 374
- 375
- 376
- 377
- 378
- 379
- 380
- 381
- 382
- 383
- 384
- 385
- 386
- 387
- 388
- 389
- 390
- 391
- 392
- 393
- 394
- 395
- 396
- 397
- 398
- 399
- 400
- 401
- 402
- 403
- 404
- 405
- 406
- 407
- 408
- 409
- 410
- 411
- 412
- 413
- 414
- 415
- 416
- 417
- 418
- 419
- 420
- 421
- 422
- 423
- 424
- 425
- 426
- 427
- 428
- 429
- 430
- 431
- 432
- 433
- 434
- 435
- 436
- 437
- 438
- 439
- 440
- 441
- 442
- 443
- 444
- 445
- 446
- 447
- 448
- 449
- 450
- 451
- 452
- 453
- 454
- 455
- 456
- 457
- 458
- 459
- 460
- 461
- 462
- 463
- 464
- 465
- 466
- 467
- 468
- 469
- 470
- 471
- 472
- 473
- 1 - 50
- 51 - 100
- 101 - 150
- 151 - 200
- 201 - 250
- 251 - 300
- 301 - 350
- 351 - 400
- 401 - 450
- 451 - 473
Pages: