Important Announcement
PubHTML5 Scheduled Server Maintenance on (GMT) Sunday, June 26th, 2:00 am - 8:00 am.
PubHTML5 site will be inoperative during the times indicated!

Home Explore Edukasyon sa Pagpapakatao Grade 4

Edukasyon sa Pagpapakatao Grade 4

Published by Palawan BlogOn, 2015-12-04 03:33:35

Description: Edukasyon sa Pagpapakatao Grade 4

Search

Read the Text Version

2. Ipagawa sa mga mag-aaral ang Gawain 1 at 2 sa isang araw kaya tiyaking masunod ang itatakdang minuto sa bawat gawain (limang minuto para sa Gawain 1, 25 minuto para sa Gawain 2). Kung hindi posible, maaaring hatiin ito sa dalawang sesyon. Gabay para sa Gawain 2:a. Pangkatin ang klase sa ganitong mga pangalan:• Pangkat Mahal - mga may kapansanan (jazz chant)• Pangkat Kapuwa• Pangkat Handog - mga nawalan ng bahay (awit)• Pangkat Likha - mga may sakit (rap) - mga biktima ng kalamidad (tula)b. Linawin ang panuto: Bawat pangkat ay magpapakita ng palabas kung paano pahalagahan ang mga naitalang likha ng Diyos. Magsagawa ng pagpaplano sa loob ng limang minuto at ipakita ito sa loob ng tatlong minuto.3. Linawin sa mag-aaral ang pamantayan.4. Bigyan sila ng Smiley Board na inihanda ng guro bago ang gawain.5. Para sa aralin bukas, magpadala ng bond paper at gunting.Isapuso Natin 1. Ipagawa ang nasa Isapuso Natin. (Gugupit ang mga mag-aaral ng hugis puso dahil dito nila isusulat ang mga taong nakasalamuha nila na kanilang iginalang at pinahalagahan at kung ano ang ginawa nila upang ipakita ang paggalang at pagpapahalaga sa mga taong sinulat nila.) Gabayan ang mga mag-aaral sa gagawin. 2. Basahin at bigyang-diin ang Tandaan Natin. Ipabasa ito sa mga mag-aaral nang may pang-unawa. Ipaliwanag nang mahusay ang mensahe nito upang lubos na maisapuso ito ng mga mag-aaral.183

Isabuhay Natin 1. Ipagawa ang Isabuhay Natin na nasa Kagamitan ng Mag-aaral. Linawin ang panuto. 2. Magpasulat ng isang panalangin ng pasasalamat sa buhay na kaloob ng Diyos.Subukin Natin 1. Ipagawa ang Subukin Natin na nasa Kagamitan ng Mag-aaral. 2. Maaaring sumulat ng isang tula ang mga mag-aaral sa halip na sanaysay. 3. Maaaring tapusin ang sesyon sa pamamagitan ng pagsasabi nito: “Binabati kita! Natapos na namang muli ang isang aralin. Naniniwala akong ang pagpapahalaga mo sa buhay ng iyong kapuwa-tao ay kinalulugdan ng Diyos. Inaasahan kong ipagpapatuloy mo ito sa lahat ng oras at pagkakataon. Handa ka na ba sa susunod na aralin? Ipagpatuloy mo ang hangaring matuto. Pagpalain ka ng Diyos!” 184

Aralin 3 Pamilya Tungo sa Isang Mapayapang KomunidadLayunin: Napahahalagahan ang lahat ng mga buhay na likha ng Diyos (halimbawa: paggalang sa pamilyang bumubuo ng isang komunidad)Paksa/Pagpapahalaga: Espiritwalidad, Pagmamahal sa DiyosMga Kagamitan: sagutang papel, kopya ng kantang “Ako, Ikaw,Integrasyon: Tayo ay Isang Komunidad’, bond paper, lapis, krayola Araling Panlipunan, Musika, Arts, Human RightsAlamin Natin1. Simulan ang aralin sa pamamagitan ng pagsabi nito: “Hangad ng bawat isa sa atin ang mabuhay nang matiwasay at payapa sa isang pamilya. Upang matamo ito, bawat kasapi ng pamilya ay inaasahang gumawa ng kabutihan, magmahalan, magpakita ng pagmamalasakit at paggalang, at higit sa lahat maipamalas ang kapayapaang panloob para makamtan ang magandang kinabukasan.”2. Ipalabas ang Kagamitan ng Mag-aaral. Ipabasa ang pinagsama- samang (Ekumenikal) na Panalangin ng Isang Komunidad. Ipaliwanag ang ibig sabihin ng ekumenikal (pinagsama-samang tao mula sa iba’t ibang uri ng simbahan o pinaniniwalaan).3. Ipasagot ang mga tanong na nasa Kagamitan ng Mag-aaral.4. Tiyaking naunawaan ng mga mag-aaral ang panalangin. 185

Isagawa Natin 1. Bago ipagawa ang Gawain 1, sikaping iugnay ang tinalakay kahapon sa gagawin ngayon. 2. Ipalabas ang mga gamit sa pagguhit at ipagawa ang Gawain 1 na nasa Kagamitan ng Mag-aaral. Iproseso ang gawain sa pamamagitan ng paggabay sa mga mag-aaral sa pagsagot sa mga tanong. 3. Linawin ang panuto sa Gawain 2 bago ito ipagawa sa mga mag- aaral. 4. Magpaguhit sa mga mag-aaral ng isang kubo sa kanilang sagutang papel. Sabihin: Tingnan ang mga pagpapahalagang nakasulat sa loob ng mga kahon. Ipalagay na ang mga ito ay “materyales” sa paggawa ng bahay. Bumuo kayo ng isang bahay gamit ang mga pagpapahalagang ito. Saang bahagi ng bahay mo ilalagay ang pagpapahalagang ito? Ipaliwanag kung bakit dito mo ito ilalagay. 5. Iproseso ang sagot ng mga mag-aaral sa tanong na “Ano ang naramdaman mo sa iyong ginawa? Bakit?”Isapuso Natin 1. Ituro sa mga mag-aaral ang kantang “Ako, Ikaw, Tayo ay Isang Pamilya.” (sa tono ng kantang “Roll Over the Ocean”). 2. Sabihin sa mga mag-aaral: “Pag-aralan ang kanta at sagutin ang mga tanong.” Iproseso ang sagot ng mga mag-aaral. 3. Basahin at bigyang-diin ang Tandaan Natin. Ipabasa ito sa mga mag-aaral nang may pang-unawa. Ipaliwanag nang mahusay ang mensahe nito upang lubos na maisapuso ito ng mga mag-aaral.Isabuhay Natin 1. Ipagawa sa mga mag-aaral ang gawain sa Isabuhay Natin sa Kagamitan ng Mag-aaral. 186

2. Sikaping mahikayat ang mga mag-aaral na magnilay nang husto bago gumawa ng desisyon. 3. Magpadala sa mga mag-aaral ng mga kagamitan para sa gagawin kinabukasan: a. bond paper o isang buong papel b. lapis c. krayolaSubukin Natin 1. Ipagawa sa mga mag-aaral ang gawain sa Subukin Natin na nasa Kagamitan ng Mag-aaral. 2. Tiyaking naunawaan ng mga mag-aaral ang panuto. 3. Tapusin ang sesyon sa pamamagitan ng pagsabi nito: “Binabati kita sa pagtatapos mo sa araling ito! Tiyak kong handang- handa ka nang tumungo sa susunod na aralin. Dalangin ko na bilang kasapi ng isang komunidad maisapuso mo ang mga inaasahang paggawa ng kabutihan, pagmamahalan, pagmamalasakit, paggalang, at higit sa lahat pagpapamalas ng kapayapaang pansarili upang tiyak na makamtan ang magandang kinabukasan para sa isang tahimik na pamayanan.” 187

Aralin 4 Mga Hayop na Ligaw at Endangered, Kalingain at AlagaanLayunin: Napapahalagahan ang lahat ng mga likha ng Diyos na may buhay (halimbawa: pagkalinga sa mga hayop na ligaw at endangered animals)Paksa/Pagpapahalaga: Pagmamahal sa Diyos (Love of God) Pagmamahal sa mga Likha ng DiyosMga Kagamitan: larawan ng mga hayop na ligaw o endangered, sulatang papel, kuwaderno, bond paper, paste o glue, pangkulay, lapis, at pamburaIntegrasyon: Agham at Araling Panlipunan (Pangangalaga sa mga Hayop na Ligaw at Endangered Animals)Pamamaraan:Alamin Natin 1. Magbalik-aral. Maaaring gawin ito sa pamamagitan ng maikling talakayan. 2. Simulan ang aralin sa pamamagitan ng pagtatanong sa mga mag- aaral kung sila ay nakapamasyal na sa Manila Zoo. Sa bahaging ito, bigyan ng pagkakataong mag-isip ang mga mag-aaral upang alalahanin nila ang kanilang mga naging karanasan sa pamamasyal at kung paano nila pinahalagahan ang mga nakita nilang hayop na ligaw at endangered animals. 3. Ipabasa ang kuwentong “Ang Paglalakbay sa Manila Zoo” sa Kagamitan ng Mag-aaral. Magkaroon ng malayang talakayan gamit ang sumusunod na tanong: a. Ano ang gawain na siyang ikinatuwa ng magkapatid na sina Jasper at Justin? 188

b. Ano-ano ang natuklasan ng magkapatid nang nakarating sila sa Manila Zoo? c. Sa anong pamamaraan inaalagaan at kinakalinga ang mga hayop na ligaw at endangered animals? d. Sa iyong palagay, tama bang alagaan at kalingain ang mga hayop na ligaw at endangered animals? Bakit? Sa bahaging ito ng talakayan, maaari mong gamitin ang pagpapasiyang etikal (Ethical Decision-Making) upang makabuo ang mga mag-aaral ng pasiya o maisaalang-alang ang pagpapahalaga sa mga hayop na ligaw at endangered animals. 4. Ibigay ang takdang-aralin. Sabihin sa mag-aaral na magsaliksik tungkol sa mga hayop na ligaw at endangered animals na matatagpuan dito sa ating bansa. Pagdalahin din sila ng mga lumang magasin, pandikit at gunting na gagamitin sa Isagawa Natin.Isagawa Natin 1. Ipakuha sa mga mag-aaral ang ipinadalang mga magasin at ipahanap ang mga larawan ng mga hayop na ligaw at endangered animals. Ipadikit sa kuwaderno ang napiling larawang ginupit. 2. Suriin ang kinalabasan ng gawain. Magkaroon ng maikling talakayan tungkol sa mga sagot / gawa ng mga mag-aaral. Ipagpatuloy ang gawain. 3. Ipaulat sa klase ang sinaliksik tungkol sa mga hayop na ligaw at endangered animals na matatagpuan dito sa ating bansa. Ipatala ang mga pangalan ng mga ito at ang mga pamamaraan ng pangangalaga o pagkalinga sa kanila. 4. Magkaroon ng talakayan tungkol sa kanil-kanilang saloobin sa pagkalinga sa mga hayop na ligaw at endangered animals. Ipagpatuloy ang nakalaang gawain. 189

5. Ipaliwanag ang pamantayan o rubric sa ibaba na gagamitin sa pagtataya ng kakayahan ng mga mag-aaral para sa Gawain 3 na nasa Kagamitan ng Mag-aaral. Bigyan sila ng sampung minuto upang maghanda sa kanilang pangkatang gawain na ipakikita sa loob ng dalawa hanggang tatlong minuto. Sa bahaging ito, bigyan ng pagkakataon ang mga mag-aaral na maipaskil ang kanilang output sa pisara upang ipaliwanag ng isa sa mga miyembro ang iginuhit na zoo.Pamantayan 3 21Husay ng Lahat ng kasapi 1-2 kasapi ng 3-4 na kasapipagkakaguhit sa pangkat pangkat ay ng pangkat ayng mga larawan ay nagpakita hindi nagpakita hindi nagpakita ng husay sa ng husay sa ng husay saTamang pagtulong sa pagtulong sa pagbuo ngsaloobin sa pagbuo ng pagbuo ng gawain.pagpapakita ng gawain. gawain.pagganap Naipakita nang Naipakita nang Hindi naipakita maayos at maayos ngunit ang tamang may tiwala ang may pag- saloobin sa tamang saloobin aalinlangan ang pagganap. sa pagganap. tamang saloobin sa pagganap.Isapuso Natin 1. Ipagawa ang Isapuso Natin. Gabayan ang mga mag-aaral sa pagbuo ng “Pangako sa Pag-aalaga ng Hayop na Ligaw”. 2. Pasagutan ang kasunod na gawain. Gabayan ang mag-aaral upang lubos na maayos ang paggawa ng maikling sulat panawagan tungkol sa mga taong nanghuhuli ng mga endangered animals at gayon din sa mga nais pumatay sa kanila. 3. Magkaroon ng malayang talakayan tungkol sa mga nabanggit na sitwasyon matapos nilang sagutan ang nakalaang gawain. 190

4. Bigyang-diin ang Tandaan Natin. Ipabasa nang may pang-unawa. Ipaliwanag ang mensahe upang lubos na maisapuso ito.Isabuhay Natin 1. Ipabasa at ipaliwanag sa mga mag-aaral ang gawain sa Isabuhay Natin. 2. Ipaalala sa mga mag-aaral ang maaaring gawin upang makatulong sa pagprotekta, pagkalinga at pangangalaga sa mga hayop na ligaw at endangered. Pasagutan ang nakalaang gawain. Magkaroon ng pagbabahaginan tungkol sa sumusunod na katanungan: • Sa iyong palagay, bakit mahalagang protektahan, kalingain at pangalagaan ang mga hayop na ligaw at endangered animals sa bansa? Lubos na mapapalalim ang pagpapahalagang natutuhan ng mga mag-aaral sa araling ito kung maisasakatuparan ang gawaing nakatakda. Himuking maglaan ng oras o panahon ang bawat isa sa inaasahang gawain.Subukin Natin 1. Magbigay ng pagtataya gamit ang Subukin Natin sa Kagamitan ng Mag-aaral. Ipabasa at ipaliwanag ang panuto. Ipasulat sa kuwaderno ang kanilang sagot. 2. Matapos masagutan ng mga mag-aaral ang Subukin Natin, muling iproseso ang kanilang mga sagot. Mahalagang maipaunawa sa kanila ang kanilang mga sagot. Batiin ang mga mag-aaral sa natapos na aralin at muling ihandasila sa susunod na aralin. Maaaring magbigay ng takdang-aralin kungkinakailangan para magsilbing motibasyon na makapaghanda sa susunodna aralin. 191

Aralin 5 Halamanan sa Kapaligiran, Presensiya ng Pagmamahal ng MaykapalLayunin: Napahahalagahan ang lahat ng mga likha ng Diyos na may buhay (halimbawa: pangangalaga sa mga halaman)Paksa/Pagpapahalaga: Pagmamahal sa Likha ng Diyos, Pag-asaMga Kagamitan: kuwaderno, sagutang papel, bond paper, lapis, krayolaIntegrasyon: Filipino (pagsulat ng kuwento gamit ang mga elemento nito), Science, Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan (Tree Planting o Clean and Green Project)Pamamaraan:Alamin Natin 1. Simulan ang aralin sa pamamagitan ng pagsasabi nito: “Handa na ba kayo sa paksang tatalakayin natin sa araw na ito?” “ Alam ba ninyo na sa panahon natin ngayon ang pagkakaroon ng luntiang kapaligiran ay tila imahinasyon na lamang. Naniniwala ka ba sa pahayag na ito? Ang pagsasaluntian ng kapaligiran ay pagtatanim ng mga halaman o punongkahoy upang madagdagan o mapalitan ang mga nabuwal na puno’t halaman. Naipakikita ang pagmamahal sa Poong Maykapal kung pinahahalagahan at pinangangalagaan ang mga ito. Alamin kung paano mo ito gagawin?” 2. Ipabasa ang kuwentong pinamagatang “Tayo na sa Halamanan” at ipasagot ang mga tanong. Iproseso ito. 192

Isagawa Natin 1. Bago ipagawa ang Gawain 1, magbalik-aral upang maiugnay ang nakaraang aralin sa tatalakayin o gagawin ngayon. 2. Ipagawa ang Gawain 1 sa Kagamitan ng Mag-aaral. (Magpatala ng pangakong maaaring gawin upang makatulong sa pagpapalago at pagbibigay ng pagpapahalaga sa mga halaman.) 3. Pangkatin ang mga mag-aaral sa tatlo. Hayaang pumili ang bawat pangkat ng lider, tagasulat at tagaulat. Papipiliin ang bawat pangkat ng iguguhit na larawan upang isakatuparan. Halimbawa: a. Pagtatanim ng halaman o gulay sa paso b. Pagdidilig ng mga halamang bagong tanim c. Paggawa ng mga kampanyang humihikayat sa pagtatanim 4. Pagawain sila ng plano gamit ang Action Plan Template na nasa Kagamitan ng Mag-aaral bilang gabay. Ipasulat ito sa kanilang kuwaderno.Isapuso Natin 1. Magpakuha ng papel upang pagsulatan ng mga mag-aaral ng kanilang sagot sa gawaing nakalagay sa Isapuso Natin sa Kagamitan ng Mag-aaral. Ipagawa ang gawain. 2. Basahin at bigyang-diin ang Tandaan Natin. Ipabasa ito sa mga mag-aaral nang may pang-unawa. Ipaliwanag nang mahusay ang mensahe nito upang lubos na maisapuso ito ng mga mag-aaral.Isabuhay Natin 1. Ipagawa sa mga mag-aaral ang gawain sa Isabuhay Natin sa Kagamitan ng Mag-aaral. 193

Subukin Natin 1. Ipagawa sa mga mag-aaral ang gawain sa Subukin Natin sa Kagamitan ng Mag-aaral. Gabayan ang mga mag-aaral sa pagsagot nito. 2. Tapusin ang sesyon sa pamamagitan ng pagsabi nito: “Binabati kita sapagkat maluwalhati mong natapos ang araling ito. Hinahamon kita na nawa’y ipagpatuloy mo ang iyong pagmamalasakit sa luntiang kapaligiran sa lahat ng oras at pagkakataon. Mahusay!” 194

Aralin 6 Pangangalaga sa Kapaligiran, Tanda ng Paggalang sa Diyos na LumikhaLayunin: Napahahalagahan ang lahat ng mga likha ng Diyos na may buhay (halimbawa: pangangalaga ng kapaligiran sa pamamagitan ng pagtatanim ng mga puno’t halaman)Paksa/Pagpapahalaga: Pagmamahal sa Diyos, Pag-asaMga Kagamitan: sagutang papel, bond paper, lapisIntegrasyon: Science, Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan (Tree Planting o Clean and Green Project)Pamamaraan:Alamin Natin1. Bago dumako sa aralin para sa araw na ito, magbalik-aral sandali tungkol sa buod ng nakaraang aralin. Sabihin ito: “Alam ba ninyo na ayon sa mga nakatatanda, ang pagsagip sa Inang Kalikasan ay nangangahulugang pagsagip sa buhay. Sa hangarin nating umunlad, hindi natin namamalayan na unti-unti nang nasisira ang ating kapaligiran. Bilang mag-aaral, may malaki kang maiaambag sa pagpapaganda at pagsagip kay Inang Kalikasan. Matututuhan mo sa araling ito ang pangangalaga sa kapaligiran.”2. Ipakuha ang Kagamitan ng Mag-aaral. Sabihin sa mga mag-aaral: “Basahin at unawain ninyo ang kahulugan ng bawat saknong ng tula na pinamagatang, “Halaman… Karugtong ng Buhay.” 195

3. Ipasagot ang mga tanong. Hayaang isulat ng mga mag-aaral sa kanilang kuwaderno ang kanilang mga sagot. Iproseso ito.Isagawa Natin 1. Bago ipagawa ang Gawain 1, magbalik-aral upang maiugnay ang nakaraang aralin sa ipagagawa ngayong araw. 2. Ipakuha ang mga gamit sa pagguhit at ipagawa ang Gawain 1 na nasa Kagamitan ng Mag-aaral. Iproseso ang gawain. 3. Isunod ang pagpapagawa ng Gawain 2. (Pagsulat ng maikli o simpleng kuwento na nagpapakita ng pagmamahal at pangangalaga sa mga halaman gamit ang mga elemento na makikita sa Kagamitan ng Mag-aaral.) Ipabasa ito sa klase ng may damdamin.Isapuso Natin 1. Ipabasa at ipasuri ang mga pangungusap sa Isapuso Natin sa Kagamitan ng Mag-aaral. 2. Basahin at bigyang-diin ang Tandaan Natin. Ipabasa ito sa mga mag-aaral nang may pang-unawa. Ipaliwanag nang mahusay ang mensahe nito upang lubos na maisapuso ito ng mga mag-aaral.Isabuhay Natin 1. Ipagawa sa mga mag-aaral ang gawain sa Isabuhay Natin sa Kagamitan ng Mag-aaral. 2. Makiusap sa punongguro na isama niya sa kaniyang SOSA (State of the School Address) bago matapos ang school year ang proyektong naisakatuparan ng mga mag-aaral. 196

Subukin Natin 1. Ipagawa sa mga mag-aaral ang gawain sa Subukin Natin sa Kagamitan ng Mag-aaral. Gabayan ang mga mag-aaral sa pagsagot nito. 2. Tapusin ang sesyon sa pamamagitan ng pagsasabi nito: “Binabati kita! Kahanga-hanga ka dahil matiyaga mong natapos ang araling ito. Nawa’y maging handa ka sa susunod na aralin para patuloy mong maisaalang-alang ang pagpapahalaga sa ating kapaligiran.” 197

Aralin 7 Mga Biyaya ng Kalikasan, Dapat na PahalagahanLayunin: Napahahalagahan ang lahat ng mga likha ng Diyos na may buhay (halimbawa: pagtatanim ng mga halaman)Paksa/Pagpapahalaga: Pagmamahal sa Diyos, Pag-asaMga Kagamitan: kuwaderno, bond paper, lapisIntegrasyon: Filipino, Science (Clean and Green Program)Pamamaraan:Alamin Natin 1. Simulan ang aralin sa pamamagitan ng pagsasabi nito: “Mabait ang kalikasan sa atin. Dito natin kinukuha ang ating ikinabubuhay. Ito ang nagbibigay sa atin ng ating kinakain. Ito ang pinagmumulan ng mga yaman na ating tinatamasa. Ito ay ating proteksiyon. Ano naman kaya ang isinusukli natin sa kaniyang kabutihan?”2. Sabihin sa mga mag-aaral: “Maglaro tayo. Ang pamagat ng ating laro ay Mag-isip tayo: Isa, Dalawa, Tatlo….. Handa na ba kayo?”3. Ipakuha ang Kagamitan ng Mag-aaral at ipagawa ang nasa Alamin Natin. Bigyan sila ng limang minuto para sa gawain.4. Ipasagot ang mga tanong. Hayaang isulat ng mga mag-aaral sa kanilang kuwaderno ang kanilang mga sagot. Iproseso ito.Isagawa Natin 1. Bago ipagawa ang Gawain 1, magbalik-aral upang maiugnay ang nakaraang aralin sa ipagagawa ngayong araw. 2. Ipagawa ang Gawain 1 na nasa Kagamitan ng Mag-aaral. Iproseso ang gawain. 198

3. Pangkatin ang mga mag-aaral sa tatlo. Hayaang pumili ang bawat pangkat ng lider, tagasulat at tagaulat para sa nakalaang gawain tungkol sa sinuring mga larawan. 4. Isunod ang pagpapagawa ng Gawain 2. (Paggawa ng maikling diyalogo gamit ang mga pangalan ng mga taong gaganap: Naranja - isang puno, Banguso - isang isda, Hagibis - isang hangin. Ipaunawa sa mga mag-aaral na kailangang bigyang-diin nila sa gagawing diyalogo ang mga hinaing ng bawat isa na sila ay mailigtas, matulungan, at mapahalagahan.Isapuso Natin 1. Ipagawa sa mga mag-aaral ang sumusunod na gawain sa Isapuso Natin sa Kagamitan ng Mag-aaral. a. Sa kuwaderno ng mga mag-aaral, magpasulat ng buong pusong pangako sa pakikilahok sa proyekto ng pamayanan para sa pangangalaga at pagpapahalaga sa malinis at ligtas na kapaligiran. b. Sa bond paper, magpagawa ng isang simpleng panalangin para sa pagmumulat ng kaisipan sa kahalagahan ng pangangalaga sa kalikasan. Ipadikit ito sa dingding ng silid- aralan upang gawing panalangin sa pagtatapos ng aralin. 2. Basahin at bigyang-diin ang Tandaan Natin. Ipabasa ito sa mga mag-aaral nang may pang-unawa. Ipaliwanag nang mahusay ang mensahe nito upang lubos na maisapuso ito ng mga mag-aaral.Isabuhay Natin 1. Ipagawa sa mga mag-aaral ang gawain sa Isabuhay Natin sa Kagamitan ng Mag-aaral. (Pagguhit ng graphic organizer tungkol sa mga paraan upang maipakita ang pagtulong at pagpapahalaga sa pagpapanatili ng luntiang kapaligiran.) 199

2. Magkaroon ng gawain na “Tanim kong halaman, aking aalagaan!”. Ang mga halaman o pananim na puno na dala ng mga mag-aaral ay itatanim sa paligid ng paaralan. Payuhan ang mga mag-aaral na alagaan nila ito bilang simbolo ng kanilang pagmamahal sa luntiang kapaligiran.Subukin Natin 1. Ipagawa sa mga mag-aaral ang gawain sa Subukin Natin sa Kagamitan ng Mag-aaral. Gabayan ang mga mag-aaral sa pagsagot nito. 2. Tapusin ang sesyon sa pamamagitan ng pagsasabi nito: “Binabati kita! Muli mo namang natapos ang isang aralin. Naniniwala akong ang pagpapahalaga mo sa balanseng kalikasan ay kahanga- hangang tunay. Hangad kong ipagpapatuloy mo ito sa lahat ng oras at pagkakataon. Handa ka na ba sa susunod na aralin? Ipagpatuloy mo ang mabuting hangaring ikaw ay matuto!” 200

Aralin 8 Mga Yamang Likas, Ating AlagaanLayunin: Napahahalagahan ang lahat ng mga likha ng Diyos tulad ng mga materyal na bagay (halimbawa: pangangalaga sa mga materyal na kagamitang likas)Paksa/Pagpapahalaga: Pagkakawanggawa Pagmamahal sa mga Likha ng DiyosMga Kagamitan: larawan ng mga likas na yaman o kalikasan na inabuso ng mga tao, ginupit na larawan na nagpapakita ng pangangalaga ng ating likas na yaman o kalikasan, paste/glue, gunting, manila paper, at kuwadernoIntegrasyon: Filipino (Pagbasa ng Sanaysay) Agham (Pangangalaga ng Kalikasan Kapaligiran) atPamamaraan:Alamin Natin 1. Magbalik-aral. Maaaring gawin ito sa pamamagitan ng maikling talakayan. 2. Simulan ang aralin sa pamamagitan ng pagpapakita ng mga larawan ng mga likas na yaman o kalikasan na inabuso ng mga tao. Itanong: “Ano ang mararamdaman mo kung makakita ka na ganito ang nangyayari sa likas na yaman o kalikasan? Sikaping maipalabas sa mga mag-aaral ang tunay na nararamdaman kung makikita ang ganitong sitwasyon. Magagamit mo rito ang kaalaman sa teorya ng panlipunan-pandamdaming pagkatuto (social-emotional learning)”. 201

3. Ipabasa ang sanaysay sa Alamin Natin na nasa Kagamitan ng Mag-aaral na may pamagat na “Ikaw at Ako: Tagapangalaga ng Kalikasan”. Magkaroon ng malayang talakayan gamit ang sumusunod na tanong: a. Ano-ano ang likas na yaman na nabanggit sa sanaysay? b. Sino ang dapat na maging tagapangalaga ng ating kalikasan o likas na yaman? c. Kung ikaw ang kagubatan, kabundukan, ilog at karagatan, ano ang iyong magiging kahilingan sa sangkatauhan? d. Ano naman ang iyong sagot sa hiling ng likas na yaman? e. Kung kayo ay magkakasundo ng likas na yaman, ano kaya ang kahihinatnan ng iyong mundong kinabibilangan? 4. Ibigay ang takdang-aralin. Sabihin sa mag-aaral na magsaliksik sa lumang magasin ng mga larawan na nagpapakita ng pangangalaga ng likas na yaman o kalikasan. Gayundin, pagdalahin sila ng pandikit at gunting na gagamitin sa Isagawa Natin.Isagawa Natin 1. Ipasuri sa mga mag-aaral ang mga sitwasyon na makikita sa Gawain 1 ng Isagawa Natin sa Kagamitan ng Mag-aaral. Magkaroon ng talakayan tungkol sa kanilang saloobin tungkol sa maaaring mangyari sa pag-aabuso ng ating likas na yaman o kalikasan. 2. Pangkatin ang mga mag-aaral sa tatlo at ipagawa ang Gawain 2 ng Isagawa Natin na nasa Kagamitan ng Mag-aaral. Ipaliwanag ang pamantayan o rubric na gagamitin sa pagtataya ng kakayahan ng mga mag-aaral para sa gawaing ito na makikita sa Kagamitan ng Mag-aaral. Bigyan sila ng sampung minuto upang pag-usapan at maghanda sa kanilang pangkatang gawain na ipakikita sa loob ng 202

dalawa hanggang tatlong minuto. Ipaulat sa klase ang natapos nagawain. Sa bahaging ito, bigyan ng pagkakataon ang mga mag-aaralna maipaskil ang kanilang output sa pisara upang ipaliwanag ngisa sa mga miyembro ang ginupit na mga larawan na nakadikit samanila paper at nabuong tula, awit o interpretative dance.Mga Pamantayan 3 21Husay ng Lahat ng 1-2 kasapi ng 3-4 na kasapipagkakadikiit ng mga kasapi sa pangkat ay ng pangkatlarawan pangkat ay hindi nagpakita ay hindi nagpakita ng ng kahusayan nagpakita ng kahusayan sa sa pagtulong kahusayan pagtulong sa sa pagbuo ng sa pagbuo ng pagbuo ng gawain. gawain. gawain.Tamang saloobin Naipakita Naipakita nang Hindisa pagpapakita ng nang maayos maayos ngunit naipakitaoutput at may tiwala may pag- nang wasto ang nabuong aalinlangan ang nabuong tula, awit, o ang nabuong tula, awit o interpretative interpretative dance. tula, awit o dance. interpretative dance.3. Ibigay ang takdang-aralin. Sabihin sa mag-aaral na magsaliksik o magbasa ng diyaryo o lumang magasin at gumupit ng isang balita tungkol sa pangangalaga o pang-aabuso ng mga tao sa likas na yaman o kalikasan. Magpagawa ng isang reaksiyon tungkol sa napiling sitwasyon. Ipasulat ang sagot sa kuwaderno at maghanda para sa pag-uulat nito sa klase. 203


























































Like this book? You can publish your book online for free in a few minutes!
Create your own flipbook