5. Ipasulat sa kuwaderno ang katangian nina Lydia at Mina. Gabayan ang mag-aaral upang mapaghambing ang dalawang tauhan sa kuwento. Maaari pang magdagdag ng mga katanungan sa ibinigay sa Alamin Natin sa Kagamitan ng Mag-aaral. Ipaliwanag sa kanila na ang ginagawa nilang pagdamay sa damdamin ng kanilang kaklase, kaibigan, kalaro at iba pang tao ay tinatawag na Empathy. Nagpapakita rin sila ng kabaitan sa ginagawa nilang pagdamay sa mga ito. 6. Ipaliwanag nang mas malalim ang mga halimbawa ng Empathy at Kindness. Maaaring gamiting halimbawa ang ginagawa ng mga taong sa palagay nila ay nagpapakita ng mga pagpapahalagang ito. Mas mabuti kung ang gagamiting halimbawa ay kilala ng mag-aaral. Gamitin ang lokalisasyon.Isagawa Natin 1. Ipasuri ang mga larawan sa Gawain 1 ng Isagawa Natin sa Kagamitan ng Mag-aaral. Iugnay ang naging talakayan sa Alamin Natin sa mga ipinahihiwatig ng mga larawan. 2. Ipagawa ang iba pang gawain sa Gawain 1. 3. Matapos gawin ng mga mag-aaral ang Gawain 1, iproseso ang kanilang mga sagot. 4. Muling itanong sa kanila kung anong pagpapahalaga ang kanilang naipakita sa paraan ng pagtulong. Bigyang-diin na hindi lamang ito dapat isang plano, mas mabuti kung ang mga ito’y totohanang gagawin nila. 5. Para sa ikalawang gawain, sundin ang panutong ibinigay sa Kagamitan ng Mag-aaral. Hingin ang opinyon ng mga mag-aaral kung bakit “Awa” at “Unawa” ang pamagat ng laro. 64
6. Makabubuti rin kung gagamit ng musikang may mabilis na tempo habang nagpapasahan ng bola. 7. Siguraduhing purihin ang sagot ng mag-aaral.Isapuso Natin 1. Itanong sa mag-aaral ang kanilang damdamin tuwing nakapagpapakita ng pagdamay sa kalungkutan ng iba. Kung may mag-aaral na hindi pa nakagagawa ng pagpapahalagang ito, tulungan silang makagawa ng plano upang masimulan nila ang katangiang ito. 2. Gabayan ang mga mag-aaral sa kaisipang hindi sa lahat ng oras ay sila ang magbibigay ng pag-unawa at tulong sa iba. May mga pagkakataong sila naman ang mangangailangan at tatanggap nito. Ipaliwanang ang ideya ng give and take. 3. Padugtungan sa mag-aaral ang isang panalangin para sa mga taong nangangailangan ng pag-unawa at pagdamay. 4. Ipabasa at bigyan ng paliwanang ang Tandaan Natin na tungkol sa pag-unawa sa damdamin ng kapuwa at sa pagtulong sa mga nangangailangan.Isabuhay Natin 1. Napakahalaga ng gagawing pagsasabuhay ng pag-unawa sa damdamin ng mga mag-aaral. Kailangang gabayan sila upang makapagbuo ng isang samahan na dadamay sa mga mag-aaral na may suliranin. Maaaring simulan ito sa pamamagitan ng pagtulong sa paggawa ng mga gawaing bahay o tutorial sessions. Bigyan ang pangkat ng pangalang “Gabay sa Kamag-aral”. Hingin ang koordinasyon ng Guidance Counselor. Simula sa tutorial sessions, sanayin ang pangkat upang magkaroon pa ng ibang kasanayan sa pag-unawa at pagiging mabait sa ibang mag-aaral na may suliranin. 65
2. Upang masubaybayan ang mga gawain ng samahan, isusulat ng mag-aaral ang nagawa nilang pagdamay sa kapuwa. Itatala ito sa talaarawan tulad ng nasa Isabuhay Natin sa Kagamitan ng Mag- aaral. Kailangan din itong lagdaan ng guro tuwing huling araw ng Linggo.Subukin Natin 1. Itanong sa mag-aaral kung may kilala silang beauty queen o kaya ay isang batang nanalo sa isang paligsahan. Halimbawa: Ryzza Mae Dizon at iba pa. Puwedeng gawing halimbawa ang isang natapos na paligsahan sa paaralan at sa pamayanan. 2. Bumuo ng dalawang pangkat. Ang unang pangkat ay magsasadula ng kasiyahang naramdaman ng nanalo sa paligsahan. Ang ikalawang pangkat ay gagawa ng sanaysay tungkol sa damdamin ng hindi pinalad na manalo sa paligsahan. 3. Ipabasa ang sagot ng mag-aaral at bigyan ng puna o papuri. 4. Pagawin sila ng isang speech balloon sa kuwaderno at ipasulat sa loob nito ang ibibigay nilang payo kay Mico. Gabayan ang mag-aaral upang makapili ng isang pinakamahusay na payo na nagpapadama ng pag-unawa sa damdamin. 66
Aralin 5 Kapuwa Ko, Nandito Ako!Layunin: Naisabubuhay ang pagiging bukas-palad para sa mga nangangailangan at sa panahon ng kalamidadPaksa/Pagpapahalaga: Pagdama at pag-unawa sa damdamin ng iba (Empathy), Pagkabukas-palad (Generosity)Mga Kagamitan: mga larawan ng kalamidad at mga biktima, kwaderno, kartolina, bond paper, papel na sulatan ng tanong tulad ng makikita sa Kagamitan ng Mag-aaral, apat (4) na piraso ng Mapa ng Regalo’t Hagdan, isang pirasong papel na hugis bilog na magsisilbing butil sa paglalakbay sa mapa, apat (4) na piraso ng dice (maaaring gumawa ng isang maliit na box at lagyan lamang ng dots mula 1-6 na magsisilbing indikasyon kung ilan ang maaaring iakyat na hagdan/kahon ng mag-aaral), mga sinaliksik tungkol sa programa ng iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan para sa mga biktima ng kalamidad at para sa mahihirap.Integrasyon: Araling Panlipunan, MSEPPamamaraan:Alamin Natin 1. Simulan ang aralin sa pamamagitan ng isang pagninilay (reflection) tungkol sa mga nangyayari sa ating kapaligiran. 2. Hingan ng halimbawa ang mga mag-aaral sa mga nangyayaring kalamidad sa ating bansa. Ano ang karanasan nila sa pagtulong sa mga biktima ng kalamidad? 3. Iayos ang upuan upang makaikot ang mga mag-aaral para sa gagawing pakikinig sa kuwento ni Paola. Ipakilala ang gawain at tawagin itong paglalakbay sa “Conscience Alley”. Ang mga mag- aaral ay iikot sa loob ng silid-aralan ayon sa pagkakaayos ng upuan 67
upang makita ang mga larawang ipakikita at ipaliliwanag ni Paola. Ang larawang nasa Alamin Natin sa Kagamitan ng Mag-aaral ay halimbawa ng gagamiting mga larawan. Ganyakin ang mga mag- aaral na magtanong tungkol sa gagawin nilang paglalakbay. 4. Gamitin ang Discovery Approach upang maunawaan ng mga mag- aaral ang layunin ng paglalakbay sa Conscience Alley. 5. Piliin ang isang mag-aaral na gaganap bilang Paola. Nasa unahan siya ng pila upang maipaliwanag ang bawat larawan. Maaaring ikuwento ang sarili niyang karanasan kung naging biktima na siya ng kalamidad. 6. Bago matapos ang paglalakbay, hayaang magtanong ang mga mag-aaral kay Paola (sasagutin ito ni Paola). Ipasulat muna ang kanilang tanong sa papel na sulatan ng tanong. Gabayan sila sa pagtatanong upang mailabas ng mga mag-aaral ang tunay na pag- unawa sa damdamin ng kapuwa (empathy). Hayaang pumili ng lider upang mapag-usapan ang mga sagot sa mga tanong sa Kagamitan ng Mag-aaral. 7. Pabalikin ang mga mag-aaral sa upuan upang makagawa sila ng plano ng pagtulong kay Paola. Matapos ang limang minuto, magpalitan ng ginawang plano ang mga mag-aaral. Gabayan sila kung paano bibigyang puna ang ginawang plano. 8. Bilang gawaing bahay, ipasaliksik ang mga ginagawa ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) para sa mga biktima ng kalamidad. Ipasaliksik din sa mga mag-aaral ang tungkol sa 4Ps o Pantawid Pamilyang Pilipino Program.Isagawa Natin 1. Para sa ikalawang araw, balikan sandali ang nakaraang talakayan. Iugnay ito sa babasahing diyalogo nina Rolan at Marla. Sikaping maipaliwanag ng mga mag-aaral ang kanilang nalaman na mga programa ng pamahalaan para sa mahihirap at mga biktima ng trahedya. 68
Itanong: “Ano-anong ahensiya ng pamahalaan ang nagbibigay ng tulong sa mga naging biktima ng kalamidad?” Inaasahang sagot: “Ang sumusunod na ahensiya ng pamahalaan ay tumutulong sa biktima ng kalamidad at sa mga kapos-palad: • Department of Social Welfare and Development (DSWD) • Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) • Department of Interior and Local Government (DILG) • Department of Health (DOH)”2. Magdagdag ng kaalaman sa mga mag-aaral tungkol sa mga programa ng pamahalaan. Maaari itong makita sa internet o sa mga diyaryo.3. Mahalagang ipaunawa sa mag-aaral na hindi mabuti na laging umaasa sa bigay ng mga ahensiya ng pamahalaan. Bigyang-diin na mas mabuting kumikilos sa sariling pagsisikap.4. Ang ikalawang gawain ay isang larong hinalaw sa “Snakes and Ladders”. Bago pumunta sa kanilang pangkat, dapat na naunawaan na ang mga panuto sa laro at hawak na ng lider ang mga kagamitan.5. Bawat miyembro ay bibigyan ng isang pirasong papel na hugis bilog. Ito ang magsisilbing butil sa paglalakbay sa mapa ng “Regalo’t Hagdan”.6. Ihahagis pataas ng bawat miyembro ang dice upang malaman kung pang-ilan sa pila ang aakyat sa Regalo’t Hagdan.7. Ilalagay ang butil sa tamang bilang ayon sa lumabas nang inihagis ang dice. Kung dalawang tuldok (dots) ang nasa ibabaw ng dice dapat ang butil ay aakyat sa ikalawang kahon sa Regalo’t Hagdan.8. Ipabasa ang nasa kahon. Ayon sa sagot, maaari itong umakyat sa ibang kahon. Ang lider ang siyang magpapasiya ayon sa sagot ng kapuwa kamag-aral. Bigyan ng kopya ang lider ng Regalo’t Hagdan 69
na may makikitang sagot at bilang ng kahon na maaaring akyatin. Habang naglalaro ang mga mag-aaral, alalayan din ang apat na lider sa pagtaya/pagsukat (evaluate) kung tama o mali ang bawat sagot ng mag-aaral. Muling mabibigyan ng pagkakataong maghagis ng dice ang mag-aaral na tama ang sagot. 9. Uulitin ang paghagis ng dice kapag lahat ng miyembro ay nakaakyat na para sa susunod na bilang ng pag-akyat. 10. Ang mag-aaral na unang makaakyat sa kahon 25 ang siyang mananalo. Kapag malapit nang matapos ang oras at wala pang nakaakyat sa kahon 25 ang mag-aaral na nasa pinakamataas na bilang ng kahon ang siyang itatakdang panalo upang maproseso ang mga sagot sa tanong na nasa Kagamitan ng Mag-aaral bago matapos ang itinakdang oras ng EsP sa araw na ito.Isapuso Natin 1. Ang sulat para sa DSWD ay gagawin ng magkapareha. Maaari pang pumili ng ibang ahensiya ng pamahalaan na may kaparehong programa. Ipabasa at iproseso ang nakasaad sa kanilang liham. Itanong: “Bakit ang ahensiyang ito ang napili ninyong sulatan upang ilapit ang mga biktima ng kalamidad na tulad ni Paola?” (tanggapin ang iba’t ibang katwiran ng mag-aaral) 2. Napakahalaga ng aspektong ito sapagkat dito mararamdaman ng mag-aaral ang tunay na kahulugan ng pakikipagkapuwa-tao. Itanong sa mga mag-aaral: a. “Ano ang iyong nararamdaman tuwing nagbibigay ka ng tulong sa iyong kapuwa?” Asahan ang iba’t ibang sagot. b. “Lahat ba ng humihingi ng tulong ay dapat bigyan?” Inaasahang sagot: “Hindi.” 70
c. “Sino ba ang dapat bigyan ng tulong?” Inaasahang sagot: “Ang mga taong totoong nangangailangan. Hindi dapat sanaying manghingi ng tulong ang mga taong may kakayahang maghanapbuhay at mga batang ginagawang hanapbuhay ang panghihingi sa kapuwa.” d. Ano-ano ba ang uri ng pagbibigay ng tulong? Inaasahang sagot: -- “May mga taong napipilitan lamang magbigay.” -- “May nagbibigay ng bukal sa kalooban. Nauunawaan ang damdamin ng binibigyan.” -- “Mayroon ding nagbibigay dahil nakikigaya lamang sa kaibigan.” -- “May nagbibigay dahil nasa batas ng kanilang samahan.” -- “Mayroon ding nagbibigay ng mga gamit na hindi na niya kailangan.” * Ang mga tulong ay maaaring pinansiyal, materyal na bagay, at emosyonal3. Talakayin nang mas malalim ang kahulugan ng Empathy at Sincerity. (Maaaring magamit ang nasa Appendix para maipaliwanag sa mga mag-aaral ang kahulugan ng pagbibigay batay sa konsiyensiya). Magpabigay ng mga totoong halimbawa na nararanasan ng mag- aaral at batay sa kanilang mga nakikita sa kapaligiran. Iugnay ito sa “Reflection on the Act of Giving” na makikita sa Appendix.4. Ipabasa ng may pang-unawa sa mga mag-aaral ang Tandaan Natin sa Kagamitan ng Mag-aaral. Itanong: • “Paano natin maipakikita ang pagmamahal sa kapuwa?” Inaasahang sagot: “Ang pagbibigay sa kapuwa ay ginagawa nang bukal sa loob at may pag-unawa sa kanilang damdamin.” 71
Magagamit sa pagpapaliwanag ang Interaktibong Teorya ng Pagkatuto (Social Learning Theory) ni Albert Bandura. Maaaring gamiting halimbawa ang pagiging bukas-palad ni Mother Theresa ng India sa pagtalakay.Isabuhay Natin Sa puntong ito ay naipakikita na ng mga mag-aaral ang pagdamay sakapuwa at handa na silang magbigay ng tulong ng bukal sa loob. Ipatutupadna ang gagawing outreach program batay sa inaasahang kasagutan ngDSWD o ng iba pang ahensiya ng pamahalaan.Mga dapat gawin: 1. Idulog sa punongguro ang programa. 2. Gumawa ng liham para sa mga magulang. 3. Hingin ang kooperasyon ng ibang guro upang tumulong sa pangangalap ng goods. 4. Samahan sa Tanggapan ng Barangay at DSWD ang mga mag-aaral upang makipag-ugnayan hinggil sa gagawing programa.Subukin Natin Pasagutan ang mga tanong na nasa Kagamitan ng Mag-aaral. Mga inaasahang sagot: 1. B 2. B 3. B 4. D 5. C Kapag may nagbigay ng ibang sagot, talakayin sa mag-aaral angkaniyang sagot. 72
Appendix para sa Aralin 2 Reflection on the Act of Giving Every decision making process requires a reflection on the act itself.First of all, I must analyze the nature of the act. What is it that I am thinkingof doing? Does it conform with the objective moral norm of the law? Is itobjectively morally right? Secondly, I must ask myself: what is my personal intention in doingthe action? For example, is it always right to give money to the poor? Wewould say that normally it is a good thing to give to the poor. But evensuch an apparently good act is not always right and even the degree ofrightfulness can be affected by the intention. Did I give money to the poorout of genuine concern to help them? Did I give money so that others willthink I am generous? Or did I do it because I am trying to relieve the guilt Ihave from stealing money? Thirdly, besides the nature of the act and the intention, there is thethird moral dimension, circumstances. Since I live with others, my actionsaffect them. Therefore, I need to look into the consequences of my action.If the money given to the poor was the money that my parents had savedfor my school tuition fee, how does this affect the act? Again do ‘dole-outs’really help the poor? Or do they encourage laziness? After generating information and reflecting on the act of giving, whichleads me to judge what is the right thing to be done, or what should beavoided. (An article taken from CONSCIENCE: A Catholic Filipino View, 2nded. p.29) 73
Aralin 6 Igagalang Ko, Oras ng Pahinga MoLayunin: Nakapagpapakita ng paggalang sa iba sa oras ng pagpapahinga at sa may sakit (maaaring idagdag ang iba pang karapatang pantao)Paksa/Pagpapahalaga: Paggalang (Respect)Mga Kagamitan: kuwaderno, sagutang papel, kopya ng Values Education for the Filipino - 1997 Revised Version of the DECS Values Education Program, UNESCO National Commission of the Philippines Education Committee ProjectIntegrasyon: FilipinoPamamaraan:Alamin Natin Ihanda ang mga mag-aaral sa panibagong aralin. Ipabasa sa kanilaang Panimulang Salita ng aralin. Tulungan ang mga mag-aaral na bumuong kaisipan tungkol sa kahalagahan ng aralin.1. Ipabasa sa mga mag-aaral ang kuwentong “Salamat sa Paggalang” sa Alamin Natin sa Kagamitan ng Mag-aaral.2. Tulungan ang mga mag-aaral na unawain ang kuwento. Ipasagot sa kanila ang mga tanong pagkatapos ng kuwento. Sa pamamagitan ng teoryang Konstruktibismo, magbalik-tanaw sila sa kanilang mga naging karanasan na katulad ng kuwento. Bigyan sila ng pagkakataon na ibahagi sa klase ang kanilang mga naging karanasan sa paggalang sa iba sa oras ng pagpapahinga at kapag may sakit ang ibang tao.3. Maaaring sabihin sa mga mag-aaral na bigyan si Raul ng paglalarawan batay sa magandang pagpapahalaga na ipinakita niya. 74
Isagawa Natin 1. Ipasagot sa mga mag-aaral ang Gawain 1 sa Isagawa Natin sa Kagamitan ng Mag-aaral. Talakayin ang mga kasagutan. Subuking palabasin mula sa mga mag-aaral ang kaalaman nila tungkol sa karapatang pantao na dapat igalang batay sa ipinakikita ng larawan sa Gawain 1. 2. Sa Gawain 2, tulungan ang mga mag-aaral na bumuo ng tatlong pangkat. Ibigay ang mga panuto at ipaliwanag ang gawain ng bawat pangkat. Bigyan ng sapat na oras ang bawat pangkat na maisagawa ang gawain. Sa bahaging ito, kakailanganin mong tulungan ang mga mag-aaral gamit ang karanasan at kaalaman at ilapat ito sa pamamagitan ng awit, sayaw at pantomina. Kakailanganin silang gabayan at gamitin ang social learning na teorya sa tulong ng guro sa pagbibigay ng direksiyon at sa paulit-ulit nilang paggawa upang sa pagtatanghal ay maging maganda ang kalalabasan. Kakailanganing gamitin ng mga mag-aaral ang kanilang creative thinking upang makalikha sila ng awit, sayaw, at pantomina. Ipatanghal ito sa klase. 3. Pagkatapos ng pagtatanghal ay iproseso ang kanilang ginawa gamit ang pamantayan o rubric na makikita sa Kagamitan ng Mag-aaral. 4. Maaaring pagbigayin ang mga mag-aaral ng iba pang hakbang o aksiyon na nagpapakita ng paggalang sa kapuwa na hindi napasama sa pagtatanghalIsapuso Natin Sa bahaging ito, maaaring gumawa ang guro ng mas malakinglarawan ng tren upang makita ng buong klase. Maging malikhain sapagsasagawa ng gawain sa bahaging ito 75
1. Tulungan ang mga mag-aaral na gawin ang nasa Isapuso Natin sa Kagamitan ng Mag-aaral. Tumawag ng ilang magbabahagi ng sagot sa klase. Iproseso ang kanilang mga sagot. 2. Ipabasa ang Tandaan Natin sa mga mag-aaral nang may pang- unawa. Gabayan ang mga mag-aaral upang higit na maunawaan at maisapuso nila ang konsepto ng paggalang sa kapuwa sa oras ng pamamahinga at kapag mayroong may sakit. Maaaring basahin ng guro ang Values Education for the Filipino - 1997 Revised Version of the DECS Values Education Program, UNESCO National Commission of the Philippines, Education Committee Project para sa karagdagang kaalaman. Ipaliwanag ang nilalaman nito sa paraang maiintindihan ng mga mag-aaral.Isabuhay Natin Pasagutan ang gawain sa Isabuhay Natin sa Kagamitan ng Mag-aaral. Sa bahaging ito ay magkakaroon ng pagpapalalim ng konsepto ngpaksa. Subuking palabasin ulit ang mga dapat tandaan tungkol sa paggalangsa nagpapahinga, may sakit at iba pang sitwasyon na nangangailanganng paggalang. Sikaping masabi ng mga mag-aaral ang kahalagahan nitoupang makamit ang isang mapayapang pamayanan sa pamamagitan ngpagsasagawa nito araw-araw at kung hinihingi ng pagkakataon. Maaaringmagdagdag ng likhang-kuwento tungkol dito kung kinakailangan.Subukin Natin 1. Ipahanda sa mga mag-aaral ang sagutang papel. Ipasagot ang Subukin Natin sa Kagamitan ng Mag-aaral. 2. Pagkatapos ng mga mag-aaral sa gawain muli itong iproseso at tulungan silang pagnilayan ang kanilang mga sagot sa pamamagitan ng mga tanong gaya ng: a. Bakit hindi pa ito naranasang gawin? 76
b. Ano ang dapat gawin sa mga hindi pa nasubukang gawin na pagpapakita ng paggalang? c. Kailangan bang igalang ang ibang tao? Ipaliwanag ang sagot.3. Hikayatin ang mga mag-aaral na may mga hindi pa nasubukang gawin na nagpapakita ng paggalang na subukan din ang mga ito.4. Maaaring magbigay ng takdang-aralin kung kinakailangan para sa susunod na aralin.5. Sabihin: “Sa puntong ito, ipagpatuloy mo ang pagpapakita ng paggalang sa iba sa oras ng kanilang pamamahinga at kapag sila ay may sakit.” “Binabati kita! Alamin ang iba pang paraan ng pagpapakita ng paggalang sa ibang sitwasyon sa susunod na aralin.” 77
Aralin 7 Mga Gawain Mo, Igagalang KoLayunin: Nakapagpapakita ng paggalang kapag may nag-aaral, at pakikinig kapag may nagsasalita/ nagpapaliwanagPaksa/Pagpapahalaga: Paggalang (Respect)Mga Kagamitan: activity card, kuwaderno, kartolina, pangkulay, pangguhitIntegrasyon: Sining, Gawaing PansibikoPamamaraan:Alamin Natin Pukawin ang interes ng mga mag-aaral sa mga gawaing pakikinig atpagsunod sa panuto. 1. Magkaroon ng maikling gawain tungkol sa mga ginagawa ng mga mag-aaral sa ilang sitwasyon. 2. Sabihin sa mga mag-aaral na iaksiyon o ikilos ang kanilang ginagawa sa sumusunod na sitwasyon: • kinakausap ka ng iyong nanay • nagbabasa ng pahayagan ang iyong tatay • nagsesermon ang pari sa simbahan • nagsusulat si Ate • gumuguhit si Kuya 3. Alamin ang damdamin ng mga mag-aaral sa kanilang ginawa o iniaksiyon. 4. Gabayan ang mga mag-aaral sa pagtunghay sa mga larawan sa Alamin Natin sa Kagamitan ng Mag-aaral. Bigyan ng sapat na panahon ang mga mag-aaral upang mapag-aralang mabuti ang mga larawan. 78
5. Pasagutan nang pasalita sa mga mag-aaral ang mga tanong tungkol sa dalawang larawan na nasa Kagamitan ng Mag-aaral. 6. Pag-usapan ang sagot ng mga mag-aaral. Bigyan-diin ang mga positibong reaksiyon o aksiyon sa bawat gawain tulad ng pakikinig nang mabuti, at pananahimik kung may nag-aaral. 7. Gamitin ang kahusayan sa malikhaing pagtatanong upang malinang ang kahulugan ng salitang “paggalang” (respect). Maging bukas sa ibang pamamaraan ng mga mag-aaral sa pagpapakita ng paggalang.Isagawa Natin Mahalaga na maunawaan ng guro ang iba’t ibang kakayahan ng mgamag-aaral upang makapagbigay ng mga gawaing lilinang sa iba’t ibanghusay nila. 1. Ilahad sa mag-aaral ang Gawain 1 sa Isagawa Natin na nasa Kagamitan ng Mag-aaral. Pasagutan sa mga mag-aaral ang gawain dito at magbigay ng mga gabay sa magalang na pakikipag-usap sa iba. 2. Patnubayan ang mga mag-aaral sa pagbuo ng pangkat para sa Gawain 2. Ipaalala na ang pagbuo ng pangkat ay maaaring gawin nang hindi gumagawa ng ingay na ikagagambala ng iba. Ibigay ang activity card para sa bawat grupo. 3. Magtakda ng oras para sa pagpapakita ng gawa ng bawat pangkat. Subaybayan ang bawat pangkat sa pagbuo ng mga gawain na nakalaan sa kanila. Sa gawaing ito, magagamit ang teorya ng konstruktibismo kung ang mga mag-aaral ay gagawa ng isang bagay na mula sa kanilang paunang alam. Ipadama sa kanila na ang kanilang mga karanasan ay mahalaga para sa gawaing ito. Ang mga karanasang iyon ang gagamitin nila upang makabuo sila ng panibagong gawa o output. Gabayan ang mga mag-aaral sa epektibong paggawa kasama ang ibang tao. Ipaunawa sa kanila na ang grupo ay binuo upang 79
matutuhan nilang magbahagi at makibahagi sa talakayan. Angpagiging bukas ng miyembro ng pangkat sa lahat ng suhestiyon aymaghahatid sa kanila sa isang kongkretong gawa.Isapuso Natin Sa mga gawain nang nakaraang araw, mapapansin ng guro na angmga mag-aaral ay nakapagpakita ng sariling paraan ng paggalang sa iba’tibang sitwasyon.1. Bigyan ng pagkakataon ang mga mag-aaral na mapagnilayan ang mga kilos nila sa anumang sandali. Ipagawa sa kanilang kuwaderno ang gawaing “Timbang-timbangin” sa Isapuso Natin na nasa Kagamitan ng Mag-aaral.2. Bigyan ng ilang sandali ang mga mag-aaral na pag-isipan ang dami ng sagot nila sa magkabilang timbangan.Itanong: “Ano ang masasabi mo matapos ang gawain?” “May nais ka bang baguhin?” “Paano mo ito gagawin?”3. Bigyan-diin ang Tandaan Natin. Sa bahaging ito, bigyan ng pagkakataon ang mga mag-aaralna ibahagi ang kanilang ideya tungkol sa aralin. Hayaan silangmagkaroon ng pagbabahaginan sa klase kung paano nila ipakikitaang paggalang sa kanilang kapuwa.Isabuhay Natin Bago simulan ang gawain, pangkatin ang mga mag-aaral. Pabalikansa kanilang isip ang mga tuntunin sa pangkatang gawain. Mahalaga namaipabatid sa kanila ang mga proseso sa paggawa tulad ng pagpapalitanng kuro-kuro. 80
1. Maging mapamaraan sa pagpapangkat ng klase. Hatiin sila sa apat na pangkat. 2. Bigyan ng gawain ang bawat pangkat. Ipagawa ang gawain sa Isabuhay Natin na nasa Kagamitan ng Mag-aaral. 3. Magtakda ng oras para sa pagpapakita ng palabas ng bawat pangkat. 4. Bigyan ng pagkakataon ang bawat pangkat na sabihin ang kanilang saloobin sa mga palabas na kanilang nakita. Gabayan ang mga mag-aaral sa pagbibigay ng puna sa ginawang bawat pangkat. Ipaunawa sa mga mag-aaral na maging sensitibo sadamdamin ng iba sa pagbibigay ng kanilang puna. Magbigay ng mgakonstruktibong puna.Subukin Natin 1. Ilahad sa mga mag-aaral ang gawain sa Subukin Natin sa Kagamitan ng Mag-aaral. 2. Ipaliwanag ang mga hakbang sa pagsasagawa ng gawain. 3. Magtakda ng araw ng pagtsetsek sa gawa ng mga mag-aaral. Maaari ding pagbalik tanawin ng mga mag-aaral ang nakalipas na mga araw mula noong Lunes. Sabihin sa kanila na alalahanin ang mga nagdaang araw at kung sino ang mga tao na nagawa nilang pakinggan habang nagsasalita o nagpapaliwanag, at habang nag- aaral. Sa gawaing ito, mahalaga na maipaunawa sa mga mag-aaral nahindi dapat tumigil sa paggalang sa gawain ng iba kahit mapunan na angmga bilog sa diagram. 81
Aralin 8 Ingatan Natin, Pasilidad na GagamitinLayunin: Nakapagpapakita ng paggalang sa iba sa pamamagitan ng paggamit ng pasilidad ng paaralan nang may pag-aalala sa kapakanan ng kapuwa.Paksa/Pagpapahalaga: Paggalang sa Karapatan ng Kapuwa/PaggalangMga Kagamitan: kuwaderno, larawan ng iba’t ibang pasilidad ng paaralan at komunidad, activity cards, metacards, panulat, graphic organizer, mapa ng paaralan, picture tree, kartolina o manila paper.Integrasyon: Panitikan, Karapatang Pantao, SiningPamamaraan:Alamin Natin Bago pasimulan ang gawain sa bahaging ito, inaasahan na nakaguhitang guro o kaya ay nakapaghanda ng isang larawan ng matang nakamulat.Gamitin ang paunang kaalaman ng mga mag-aaral.1. Muling alalahanin sa tulong ng mga mag-aaral ang mga tuntunin sa pagbasa ng kuwento.2. Ipakita sa klase ang larawan ng isang matang nakamulat. Itanong: “Ano ang pumasok sa iyong isip nang makita mo ang larawan?” “Ano sa palagay ninyo ang kinalaman ng larawan sa kuwentong babasahin?”3. Ipabasa nang tahimik sa mga mag-aaral ang kuwentong “Isang Pagkamulat” sa Alamin Natin na nasa Kagamitan ng Mag-aaral. 82
4. Magkaroon ng pagbabahaginan ng kuro-kuro sa pagsagot sa mga tanong pagkatapos basahin ang kuwento.5. Maging masining sa pagtatanong. Dagdagan ng kambal na tanong kung kinakailangan upang mailabas ng mga mag-aaral ang tamang pagpapahalaga ng kuwento.6. Sikaping maipalabas sa mga mag-aaral ang maayos na paggamit ng pasilidad ng paaralan bilang paraan ng pakikipagkapuwa-tao. Para sa higit na ikauunawa ng aralin, maaaring magdagdag ng mga gawain ang guro gamit ang template sa ibaba.Pasilidad Ginawa ni Arvin Gagawin MoIsagawa Natin Balikan ang kuwentong “Isang Pagkamulat”. Pumili ng ilang mag-aaral at ipasabi sa klase ang pinakagusto nilang bahagi ng kuwento.Gawain 1 1. Ipagawa sa mga mag-aaral ang Gawain 1 sa Isagawa Natin na nasa Kagamitan ng Mag-aaral. 2. Tingnan ang natapos na gawain ng mga mag-aaral. Maaari ding ipakita ng mga mag-aaral ang kanilang gawa sa kanilang katabing kamag-aral upang suriin ang sagot. 83
Gawain 2 Ipaliwanag sa klase na ang kanilang silid-aralan ay gagawin opagmumukhaing mga pasilidad ng paaralan. Isasama rin ang ibangmga pasilidad sa komunidad na kahalintulad ng mayroon sa paaralan.Subaybayan ang mga mag-aaral sa pagbuo ng limang grupo. Maaari kangmagtakda ng paraan kung paano ipapangkat ang klase. 1. Ipaliwanang nang mabuti sa bawat pangkat ang mga hakbang na dapat isagawa. Ipamahagi ang mga activity cards. 2. Bigyan ang bawat pangkat ng lugar sa loob ng silid-aralan kung saan nila gagawin ang nakaatas na gawain sa kanila. 3. Subaybayan ang bawat grupo habang gumagawa. Hikayatin ang mga mag-aaral na sikaping maipakita ng bawat miyembro ang pagtutulungan sa grupo. Magtakda ng sapat na oras upang maisagawa ng bawat grupo ang kanilang gawain. Ang lahat ng gawain na ito ay kinakailangang matapos sa loob lamang ng 30 minuto kasama ang lahat ng gawain sa Isagawa Natin. 4. Puntahan ang bawat lugar na ginawa ng bawat grupo. Ipaliwanag ang kahalagahan at ang paraan ng paggamit ng rubric na nasa Kagamitan ng Mag-aaral. Pagkatapos nito, bigyan ng pagkakataon ang bawat grupo na magsagawa ng gallery walk. Papuntahin ang mga mag-aaral sa bawat lugar kung saan ipinakita ng bawat grupo ang mga pasilidad na nakaatas sa kanila. Pagbigayin ng puna ang bawat grupo gamit ang rubric. Dapat isaisip ng guro na kinakailangang maipakita ng mga mag- aaral ang kanilang pagiging malikhain. Kinakailangang maiproseso ng guro nang buong husay na ang maayos na paggamit ng mga pasilidad sa paaralan ay nagpapakita ng paggalang sa kapuwa at sa iba pang gagamit nito. Kinakailangan na maitanim sa isip at puso ng mga mag-aaral ang disiplina, paggalang at pagsasaalang-alang sa kapuwa sa tuwing gagamit sila ng anumang pasilidad. 84
Isapuso Natin Sa bahaging ito, inaasahan na may mga nakahanda ka nangmetacards, panulat at graphic organizer para sa bawat grupo. Hangga’tmaaari ay maghanda ng himig ng awit na “Magtanim ay Di Biro” upangsabayan ng mga mag-aaral sa pagsasagawa ng gawain. Ihanda rin angliriko ng awit na maaaring nakasulat sa kartolina o manila paper. 1. Ipaliwanag nang mabuti ang tuntunin ng gagawin. Hikayatin ang lahat na umawit. Makiisa rin ang guro sa pag-awit. 2. Siguraduhin na lahat ng miyembro ng grupo ay nakapagsulat na sa metacards. Ipaayos ang mga metacards sa graphic organizer na katulad ng nasa Kagamitan ng Mag-aaral. Maaaring sulatan ang arrow ng graphic organizer ng pangalan ng mga pasilidad. Hikayatin ang bawat pangkat na maging malikhain sa pagsasaayos ng kanilang commitment. Sa harap ng klase ay sasabihin ng bawat isa ang kanilang commitment. Siguraduhing maipaliwanag sa mga mag-aaral ang kahulugan nito. 3. Ipabasa sa mga mag-aaral ang Tandaan Natin sa Kagamitan ng Mag-aaral. Sikaping magkaroon ng mas malalim na talakayan at pagpapalitan ng kuro-kuro. Ikaw ang magsisilbing tagapamagitan ng mga mag-aaral.Isabuhay Natin Ipaliwanag sa mga mag-aaral ang mga gawain sa hamon sa IsabuhayNatin na nasa Kagamitan ng Mag-aaral. Maaaring ang gawaing ito ayisang simulation lamang ng totoong YES-O Club o Youth for Environmentin School’s Organization ng paaralan kung hindi posibleng maging totoosilang kasapi nito. 1. Magkaroon ng organisadong pamamaraan kung paano pipili ng mga mag-aaral na bubuo sa YES-O Club. Ang mga natitirang mag- aaral na lalaki ay awtomatikong magiging kasapi ng boy scout at ang mga babae naman ay sa girl scout. 85
2. Ibigay sa grupo ng mga boy scout, girl scout at YES-O Club ang mapa ng paaralan. Gamit ang kaalaman sa direksiyon, pupuntahan ng mga batang scout ang mga pasilidad sa paaralan. Papasyalan nila ang mga ito at gagamitin. 3. Ipaunawa sa opisyales ng YES-O Club na sila ang magbabantay sa bawat pasilidad. Idodokumento nila ang gagawing paggamit sa mga ito ng mga batang scout. Kukuhanan nila ng larawan ang bawat pasilidad bago at pagkatapos gamitin ng mga batang scout. 4. Sa loob ng klase, gagawa ng ulat ang mga miyembro ng YES-O Club na nagbantay sa bawat pasilidad. 5. Alamin ang naging damdamin ng mga mag-aaral sa ginawang aktibidad. Pabayaang magkuwento ang mga mag-aaral ng kanilang nararamdam at natutuhan sa gawain. 6. Hingin ang suhestiyon ng mga mag-aaral kung ano ang proyekto na maaari nilang imungkahi sa grupong kanilang kinabibilangan tungkol sa pagpapanatili ng maayos na pasilidad ng paaralan at ng komunidad.Subukin Natin 1. Ipagawa ang Gawain A sa Subukin Natin na nasa Kagamitan ng Mag-aaral. Hikayatin ang mga mag-aaral na maging matapat sa pagsagot sa bawat bilang. 2. Ang gawaing ito ay susubok sa pagiging maayos at malikhain ng mga mag-aaral sa paggawa. Sa puntong ito ay ipinagpapalagay na nasabi ng guro na ipa- develop o ipaimprenta ang mga nakuhang larawan sa ginawang gawain kahapon. Inatasan na din niya ang iba pang mag-aaral na magdala ng mga larawan ng mga pasilidad ng paaralan man o ng komunidad. 86
a. Ipaliwanag nang mabuti ang gagawin. Ipahanda ang mga kakailanganing kagamitan. b. Bigyan ng sapat na oras ang mga mag-aaral. Sa pagtatapos ng oras, sabihin sa bawat pangkat na ipakita ang kanilang ginawa. Idisplay ito sa Art Center o sa isang bahagi ng silid-aralan. Maaari ding pagawain ang mga mag-aaral ng slogan para sa kanilang obra.3. Bilang karagdagang gawain, ipabisita sa mga mag-aaral ang palaruan ng bayan, Municipal Library, at ang iba pang pasilidad sa pamayanan. Kuhanan ng larawan ang mga ito. Gumawa ng ulat tungkol sa kalagayan ng mga pasilidad na binisita. 87
Aralin 9 Kaaya-ayang Kapaligiran: Sa Sarili at KapuwaLayunin: Pagpapanatili ng tahimik, malinis at kaaya-ayang kapaligiran bilang paraan ng pakikipagkapuwa- tao.Paksa/Pagpapahalaga: Paggalang sa Karapatan ng Kapuwa/Paggalang (Respect)Mga Kagamitan: kartolina istrips na may mga nakasulat na salitang DISIPLINA ANG KAILANGAN, task card, kuwaderno, sagutang papel, makukulay na piraso ng papel na hugis puso, kartolina, video (http://www.youtube.com/watch?v=KsTCjhJlDnE)Integrasyon: Gawaing Pansibiko at SiningPamamaraan:Alamin Natin Pag-usapan ang sagot ng mag-aaral sa sitwasyon sa simula ngaralin. Pukawin ang kanilang damdamin sa pamamagitan ng pagsasagawang sitwasyon. Ipaliwanag sa mga mag-aaral na ang kanilang ginagawa aymay kinalaman sa kanilang araling tatalakayin.1. Ipakita ang kartolina istrips na may mga nakasulat na salitang DISIPLINA ANG KAILANGAN na wala sa tamang ayos. Ipaayos sa mga mag-aaral ang mga letra upang mabuo ang tamang salita. Matapos buuin ang mga salita na nasa bawat istrip, ipaayos ang pagkakasunod-sunod nito upang makabuo ng isang ideya. Ipabasa ang nabuong ideya.Sabihin: “Ngayong araw ay magbabasa tayo ng tula.”2. Ipabasa sa mga mag-aaral ang tulang “Disiplina ang Kailangan”. Maging malinaw sa mga pamantayan sa pagbasa ng tula. 88
3. Ipasagot ang mga tanong sa Alamin Natin na nasa Kagamitan ng Mag-aaral pagkatapos ng tula. Magkaroon ng talakayan upang higit na maunawaan ng mga mag-aaral ang nilalaman ng tula. Maging mahusay sa pagpoproseso gamit ang malikhaing paraan sa pagtatanong. Kinakailangang malinang sa mga mag-aaral ang pagpapahalaga sa pagpapanatili ng tahimik, malinis at kaaya-ayang kapaligiran bilang paraan ng pakikipagkapuwa-tao. 4. Pagbigayin ang mga mag-aaral ng mga pangyayari kung nakapagpakita sila ng disiplina na nakatulong upang maging tahimik at malinis ang kapaligiran. 5. Bigyan ng pagkakataon ang ibang mag-aaral na ibahagi ang mga karanasan o nasaksihang sitwasyon na hindi nagpapakita ng disiplina para sa tahimik at malinis na paligid. 6. Hingin ang reaksiyon ng mga mag-aaral sa sitwasyon na ibinigay ng mga kaklase. Gabayan sila na magpalitan ng kuro-kuro. Bilang karagdagang gawain, maaaring ipakita sa klase ang video (http://www.youtube.com/watch?v=KsTCjhJlDnE). Hingin ang kanilang reaksiyon sa pinanood. Gawin itong takdang-aralin ng mga mag-aaral. Ipasulat ito sa malinis na papel.Isagawa NatinGawain 1 Sa gawaing ito, ipakikita ng mag-aaral ang kaniyang pagkakaunawasa mga salita na kaniyang makikita. Magkakaroon siya ng pagpapasiyangpansarili kung ang mga bagay bang ito ay makatutulong o hindi sapagpapanatili ng kaaya-ayang kapaligiran. 1. Ipagawa sa mga mag-aaral ang Gawain 1 sa Isagawa Natin na nasa Kagamitan ng Mag-aaral. 89
Gawain 2 Gabayan ang mga mag-aaral sa pagbuo ng tatlong pangkat. Ibigaysa grupo ang task card na naglalaman ng kanilang gawain. Sa bahagingito, ang estratehiyang panlipunan-pandamdaming pagkatuto ay gagamitin.Mahalaga na maipaliwanag sa mga mag-aaral ang mga proseso ngpaggawa kasama ang kanilang kapuwa. Pangkat 1 - Bilang mga kasapi ng Pupils Government, magsagawa ng isang proyekto kung paano ninyo maipakikita ang pagpapanatili ng malinis na kapaligiran. Pangkat 2 - Bilang mga kasapi ng isang organisasyon na nagtataguyod sa turismo ng isang komunidad, kumuha ng video ng pamayanan o barangay na nagpapakita ng tahimik at malinis na kapaligiran. Pangkat 3 - Bilang mga kasapi ng produksiyong panradyo, bumuo ng balitang panradyo. Ibalita ang mga hakbang na ginagawa ng isang komunidad sa pagpapanatili ng malinis at tahimik na kapaligiran. Magkaroon ng talakayan sa ipinakita ng bawat pangkat. Pag-aralanang mga hakbang o gawain na ipinakita ng bawat pangkat. Bigyang-diin angpagpapakita ng paggalang sa iba bilang epektibong paraan sa pagpapanatiling tahimik, malinis at kaaya-ayang kapaligiran. Pag-usapan din ang mgapatakaran sa paaralan at mga hakbangin nito tungkol sa pagpapanatili ngkaaya-ayang kapaligiran. Magbigay ng iba pang suhestiyon bukod sa mgaipinakita ng bawat pangkat. Bilang takdang-aralin, maaaring pagsaliksikin ang mga mag-aaralng mabuting naidudulot ng isang kaaya-ayang kapaligiran. 90
Isapuso Natin Inaasahan na sa gawaing ito, may nakahanda nang makukulay napapel na hugis puso. Ipamigay ito sa bawat kasapi ng pangkat. Kaugnaynito, inaasahan din na nakapaghanda sila ng pinalaking imahe sa kartolinang tsart na nasa Kagamitan ng Mag-aaral. 1. Ipagawa ang gawain sa Isapuso Natin na nasa Kagamitan ng Mag-aaral. Maaaring magpatugtog ng isang malamyos na musika habang idinidikit ng mga mag-aaral ang kanilang hawak na pusong papel sa kartolina na nasa pisara. 2. Ipabasa ang Tandaan Natin. Magdagdag ng paliwanag upang higit na maunawaan ng mga mag-aaral ang aralin. 3. Balikan ang ginawa ng mga mag-aaral na nasa pisara. Tumawag ng ilang mag-aaral upang magpaliwanag sa natapos na gawain. Alamin ang magkakapareho at magkakaibang sagot ng mga mag- aaral. 4. Buuin ang mga kaisipan na idinikit ng mga mag-aaral bilang pagtitibay sa kanilang pangako. Pagnilayan ang tanong sa Kagamitan ng Mag- aaral pagkatapos ng gawain.Isabuhay Natin Kinakailangang maiproseso sa mga mag-aaral na ang pagpapanatiling malinis, tahimik at kaaya-ayang kapaligiran ay hindi lamangmaisasakatuparan sa kanilang bahay o sa paaralan. Ang komunidado pamayanan na kaniyang kinabibilangan ay nararapat din na magingkabahagi nito. 1. Pangkatin ang klase sa dalawa. 2. Bigyan ang bawat pangkat ng gawain na makikita sa Isabuhay Natin sa Kagamitan ng Mag-aaral. 91
3. Magtakda ng oras para sa pagpapakita ng natapos na gawain. Ipaunawa sa mga mag-aaral ang kahalagahan ng pagpapalitan ng kuro-kuro lalo na sa pangkatang gawain.Subukin Natin 1. Ipagawa sa mga mag-aaral ang mga gawain sa Subukin Natin na nasa Kagamitan ng Mag-aaral. Patnubayan sila sa pagsasakatuparan ng mga gawain. 2. Matapos makumpleto ang mga gawain, ibigay na pagsasanay sa mga mag-aaral ang paggalang sa kaaya-ayang kapaligiran na bunga ng mga gawain. Bilang karagdagang gawain, maaaring atasan ang mga mag-aaralna magsaliksik ng isang pamayanan na nabigyan ng pagkilala o parangaldahil sa kaaya-aya nitong kapaligiran. Ilahad ang mga pamamaraan naginagawa ng tao dito. 92
Mungkahing Pangwakas na Gawain Para sa Yunit IIGawain: Patimpalak para sa Bb. at G. International EsP (United Nations Day cum Gift Drive)Pamantayan sa PagganapPara sa Markahan: Naisasagawa nang mapanuri ang tunay na kahulugan ng pakikipagkapuwaMithiin: Maipakita ang pakikipagkapuwaBahaging Gagampanan: Kalahok sa Bb. at G. International EsP (pagdiriwang ng United Nations), bagger, tagapamahagi, make-up artist, emcee, choreographer, mananayaw, mang-aawitManonood: mga guro, mga kamag-aral, mga magulangSitwasyon:1. Sasali ang mga mag-aaral sa timpalak ng Bb. at G. International EsP na ang kraytirya ay 50% Kayamanan (pinakamadaming nabiyayaang bata sa mga nakumpuning mga laruan, damit, sapatos, pagkain at iba pa), 50% Pagpapahalaga (Question and Answer tungkol sa mga natutuhan sa Yunit II).2. Isang buwan bago pa man ang timpalak ay magdadala na ang mga mag-aaral ng mga laruan, damit, sapatos, pagkain at iba pa na maaari pang gamitin at pagyamanin na ibabahagi sa mga batang nangangailangan. Bawat kalahok sa Bb. at G. International EsP ay magkakaroon ng kagrupo na magiging kasama nila sa pagkolekta, pag-aayos at pagbibigay sa mga nakumpuning kayamanan sa mga batang mabibiyayaan. May magiging taga-make-up din sa grupo at mga choreographer, mananayaw at mang-aawit kung kinakailangan.3. Sa selebrasyon ng United Nations Day gaganapin ang Bb. at G. International EsP. Ang 50% nito ay maaaring gawin din sa araw na ito na ibahagi na ang mga regalo sa mga batang bibigyan ng mga 93
kayamanan. Ang ikalawang 50% (Pagpapahalaga) ay manggagalingsa Q & A pagkatapos ng parada ng mga kalahok sa kani-kanilangcostume (ng iba’t ibang bansa). Maaari ding ipakita rito ang mgarap, tula at sayaw na ginawa o itinanghal sa mga naunang aralin saikalawang yunit.Pagganap/Produkto: Patimpalak sa Bb. at G. International EsP, Mga Pakete ng KayamananPamantayan:Pamantayan 3 2 1Kayamanan Higit sa 20 11-20 na bata 1-10 na bata ang na bata ang ang nabiyayaan nabiyayaan sa nabiyayaan sa sa mga mga kayamanan mga kayamanan kayamanan Hindi nasagotPagpapahalaga Nasagot at Nasagot ang ang tanong naipaliwanag tanong ngunit nang tama ang kulang ang tanong paliwanag Palatuntunan para sa Timpalak para sa Bb. at G. International EsP (maaaring magsimula ang timpalak nang 7:30 ng umaga) Pambansang Awit……………………………………………… Awit Panalangin………………………………………………... Pambungad na Pananalita………………………………..….. Pagpapakilala sa mga Kalahok………………………………. Pampasiglang Bilang (maaaring sayaw) …………………… Pagpapakilala sa mga Kalahok/Pangkalahatang Bilang (suot ng kalahok ang UN costumes) ……………………. Sa bahaging ito, isasagawa ang fashion show ng mga mag-aaralna may kasuotan ng iba’t ibang bansa bilang paggunita sa pagdiriwang ngUnited Nations Day. 94
Magaganap din dito ang Pampasiglang Pananalita. Dito aymagbibigay ng isang kasabihan na tumutukoy sa mga napag-aralang paksasa ikalawang yunit pagkatapos sabihin ang kani-kaniyang pangalan.Pagtatanong sa Unang Dalawang Pares na Kalahok………..Pagbibigay sa Unang Sampung Recipients ………………….Pampasiglang Bilang (maaaring kanta) ……………………….Pagtatanong sa Ikatlo at Ikaapat na Pares na Kalahok……….Pagbibigay sa Ikalabing-isa hanggang Ikadalawampung Recipients ……….............................……………………Pampasiglang Bilang (maaaring tula) ……………………………Pagtatanong sa Ikalima at Ikaanim na Pares na Kalahok ……. Pagbibigay sa mga Ikadalawampu’t isa hanggang Ikatatlumpung Recipients ………………………………..……Tugon Mula sa mga Tumanggap ng Kayamanan……….………Pampasiglang Bilang (maaaring pagsasadula) ………………..Pangwakas na Pananalita ………………………………………..Pangwakas na Panalangin……………………………………….. Maaaring magdagdag ng iba pang parte depende sa dami ngkalahok at mga kayamanan (recipients) Mga Tagapagdaloy: _____________________________ _____________________________ 95
Halimbawa ng Rubric sa pagganap: Pamantayan 32 1Husay ng Lahat ng kasapi 1-2 kasapi ng 3-4 na kasapipagganap sa pangkat pangkat ay ng pangkat ay ay nagpakita hindi nagpakita hindi nagpakita ng husay sa ng husay sa ng husay sa pagganap pagganap pagganapAngkop/ Naipakita nang Naipakita nang Hindi naipakitaTamang maayos at maayos ngunit ang tamangsaloobin sa may tiwala ang may pag- saloobin sasitwasyon tamang saloobin aalinlangan ang sitwasyon sa sitwasyon tamang saloobin sa sitwasyon 96
Appendix A - Unang Markahang Pagsusulit Yunit II. Panuto para sa bilang 1-5:Piliin ang tamang sagot sa bawat bilang. 1. Napili ka ng iyong guro na siyang maging tagapagdaloy ng palatuntunan, ano ang iyong gagawin? A. Pipilitin ko ang aking kamag-aral na palitan ako. B. Sasabihin kong ayokong maging tagapagdaloy ng palatuntunan. C. Lalakasan ko ang aking loob at tatanggapin ang ibinigay na gawain. D. Magdadahilan ako na masakit ang aking lalamunan at hirap sa pagsasalita. E. Makikiusap ako na iba na lamang ang gawing tagapagdaloy ng palatuntunan. 2. Maraming nilabhang damit ang Nanay. Ipinasasampay niya ang mga ito kay Annie. Ano ang dapat gawin ni Annie? A. Itago ang mga damit na ipinasasampay ng nanay. B. Magkunwari na hindi narinig ang utos ng nanay. C. Magsabi sa Nanay na hindi niya ito kayang gawin. D. Iutos sa nakababatang kapatid ang pagsasampay ng damit. E. Pagtiyagaang isampay ang mga damit para makatulong sa nanay. 3. Oras ng rises, mahaba ang pila sa pagbili ng pagkain sa kantina. Nasa bandang hulihan ng pila si Paolo. Kung ikaw si Paolo, ano ang gagawin mo? A. Hindi na pipila at titiisin na lamang ang gutom. B. Sisingit sa bandang gitna ng pila para mapabilis. 212
C. Magtitiis na pumila hanggang sa makaabot sa unahan. D. Pupunta sa unahan ng pila at makikiusap na paunahin siya. E. Uutusan ang kamag-aral na nasa may unahan ng pila na ibili na lamang siya ng pagkain. 4. Narinig ni Mark na may parating na bagyo at sinuspinde na ang mga klase sa kalapit na lugar. Ano ang dapat gawin ni Mark? A. Magdasal na lalong lumakas ang ulan. B. Muling matulog dahil wala na rin sigurong klase sa kanilang paaralan. C. Tawagan ang mga kamag-aral at sabihing wala na rin silang pasok. D. Sabihin sa nanay na ayaw niyang pumasok sa paaralan dahil umuulan. E. Makinig sa radyo o manood sa telebisyon para sa mahahalagang pahayag. 5. Tuwang-tuwa ka dahil pinasalubungan ka ng tatay ng isang kahong “loombands”. Itinago mo ito bago pumasok sa paaralan. Pagdating mo sa bahay, nakakalat ang mga ito at ang iba ay itinapon ng iyong nakababatang kapatid. Ano ang gagawin mo? A. Mag-iiiyak ako. B. Aawayin ko ang aking kapatid. C. Sasabihin ko sa tatay na paluin ang aking kapatid. D. Itatapon ko na lamang ang natitira pang “loombands”. E. Magtitimpi ako at iaayos ang natitirang “loombands”.II. Panuto para sa bilang 6-10: Ilahad ang inyong mga sagot sa sumusunod na tanong sa bawat talata. 6. Isinama ka ni nanay sa palengke. Marami kayong pinamili kaya’t kailangan kang magbitbit ng mabigat na bayong. Ano ang dapat mong gawin? 213
7. Palaging nawawala ang lapis ni Ronnie sa kaniyang pencil case. Nalaman niyang si Gabriel, ang kaniyang katabi sa upuan ang kumukuha nito. Kung ikaw si Ronnie, ano ang sasabihin mo kay Gabriel?8. Sinabi ng iyong kalarong si Tessie na hindi mo dapat kaibiganin ang isa pa ninyong kalaro na si Yvette sapagkat hindi maganda ang ugali nito. Ano ang sasabihin mo kay Tessie?9. Pista sa inyong lugar. Kinausap ka ng inyong punong barangay na sumali sa paligsahan sa plasa. Alam niyang magaling kang sumayaw at kumanta pero nahihiya ka. Ano ang magiging pasiya mo?10. Pinuri si Buena ng kaniyang guro dahil napakaayos ng mga aklat sa kanilang mini library. Alam ni Buena na ang kaniyang kamag-aral na si Krizzie ang nag-ayos ng bahaging ito. Ano ang dapat sabihin ni Buena sa kaniyang guro?III. Panuto para sa bilang 11-20: naman Gumuhit ng sa patlang kung tama ang ginawa atkung mali.______ 11. Matiyaga kong tinapos ang aking takdang-aralin kahit inaantok na ako.______ 12. Kahit alam kong mapapagalitan ako ni nanay, sinabi ko pa rin na ako ang nakabasag ng pinggan.______ 13. Tinanggihan ko ang ibinigay sa aking parte sa programa sapagkat nahihiya ako______ 14. Hindi ko inaway ang aking kamag-aral nang matapunan niya ng sopas ang aking kuwaderno.______ 15. Sinulatan ng bunso kong kapatid ang aking kuwaderno. Inaway ko siya at sinaktan214
______ 16. May dumating kaming bisita at tiniis kong matulog sa sopa.______ 17. May nabasa akong mga dapat gawin kung may bagyo. Isa-isa ko iyong inunawa at inalam kung maaaring ilapat sa sitwasyon namin sa aming bahay.______ 18. Nainis ako nang sabihin sa akin ng aking guro na hindi masyadong maganda ang isinulat kong talata.______ 19. Gutom na ako kaya siningitan ko ang aking kamag- aral sa pila sa pagbili sa kantina.______ 20. Hindi ko sinabi sa guro na isa ako sa mga gumawa ng proyekto sapagkat hindi maayos ang pagkakagawa nito.IV. Panuto para sa bilang 21-30: Tapusin ang pangungusap ayon sa iniisip mong tamang gawin. 21. Hindi ako sigurado kung ang narinig kong balita sa radyo ay totoo o hindi. Ako ay _____________________________________. 22. Kinukulit ako ng aking kamag-aral. Siya ay aking_______________. 23 Sinabi ng aking kaibigan na masama sa kalusugan ang pag-inom ng malamig na juice sa umaga. Ako ay ________________________. 24. Pinagsabihan ako ni tatay sapagkat napabayaan ko ang aking bunsong kapatid. Ako ay ______________________________. 25. Isinali kami ng aming guro sa rondalya. Hindi pa ako masyadong mahusay tumugtog ng bandurya. Sasabihin ko sa guro na ___________________________. 26. Malayo ang paaralan sa aming bahay at kailangan akong maglakad. Ako ay ________________________________. 215
27. Medyo maluwag ang nabiling sapatos ni nanay. Kailangan kong gamitin iyon pagpasok sa paaralan. Ako ay ___________________.28. Tumatakbo ang aking kamag-aral at ako ay nabangga. Natumba ako at nasaktan. Ako ay ______________________________.29. Hindi ako nakapasok sa paaralan nang nakaraang araw sapagkat ginabi ako sa panonood ng telebisyon. Nang tanungin ako ng guro, ang sinabi ko ay _______________________________.30. Maingay ang katabi kong kamag-aral. Hindi ko marinig ang sinasabi ng guro. Ako ay ______________________________.V. Panuto para sa bilang 31-35:Isulat ang titik ng ipinakikitang pag-uugali.A - Katatagan ng Loob; B - Pagkamatiyaga; C - Pagkamapagtiis;D - Pagkamapagpasensiya; E - Pagmamahal sa Katotohanan; atF - PagkamahinahonSitwasyon Pagpapahalagang Ipinakita31 Sinasabi ang totoo kahit mapagalitan.32. Hindi nagagalit kahit may ginawang mali ang kamag-aral o kaibigan.33. Isinasakatuparan ang iniatang na gawain kahit hindi madali.34. Hindi sumisingit sa mahabang pila sa pagbili sa tindahan.35. Ipinakikita ang kakayahan kahit kinakabahan.Susi sa Pagwawasto: 16. 31. E 17. 32. D 1. C 11. 18. 33. B 2. E 12. 19. 34. C 3. C 13. 20. 35.A 4. E 14. 216 5. E 15.
Yunit II1. Ipaliwanag sa mga mag-aaral ang layunin ng pagtatayang sasagutan nila.2. Bigyan sila ng labinlimang minuto upang sagutin ang mga katanungan.3. Iwasto ang kanilang sagot at gawin itong gabay upang mabigyan ng pagpapalalim ang pagpapahalagang mahina pa sa kanila.I. Panuto:Gaano mo kadalas ginagawa ang sumusunod na gawain? Lagyanng tsek (ü) ang iyong sagot. Palagi Paminsan- Hindi ko Gawain minsan ginagawa mga 1. Tinatanggap ko angnegatibong puna ng maluwag saaking kalooban.2. Nagbibigay ako ng tulong sa mgabiktima ng kalamidad.3. Hindi ako nag-iingay kapag alamkong may natutulog pa sa bahay.4. Hindi ako gumagamit ng mgasalitang nakasasakit sa damdaminng aking kapuwa.5. Nakikinig ako sa aking guro kapag siyaay nagpapaliwanag ng aming aralin.6. Tumutulong akong maglinis ngmga kanal sa barangay.7. Iniingatan ko ang palaruan saaming paaralan.8. Humihingi ako ng tawad kapagnakagagawa ako ng pagkakamalisa aking kapuwa.9. Sumasali ako sa “Oplan Linis” ngaming barangay.10. Nakikibahagi ako sa paglilibangng mga kaibigan. 217
II. Sagutin ang mga tanong. Isulat ang letra ng iyong sagot sa sagutang papel. 1. Alin sa sumusunod ang nagpapakita ng pagiging mahinahon sa kilos at damdamin? A. Nakikipag-away sa mga ayaw kumampi kapag may ipinaglalaban. B. Nakikiayon sa sinasabi ng kapuwa para maiwasan ang gulo. C. Nakikipag-usap ng maayos sa kapuwa upang magkaunawaan. D. Kumakampi sa mas marami ang umaayon upang hindi mapag-isa. 2. Alin sa sumusunod ang nagpapakita ng totoong pagiging bukas-palad? A. Naghulog ng dalawang piso sa collection box kahit walang nakakakita. B. Ibinahagi ang pagkain sa katabing walang pagkain dahil nakatingin ang guro. C. Dinala ang mga damit na ayaw nang gamitin para sa mga biktima ng baha para magkaroon nang mas madaming puntos ang aming grupo. D. Dumalo sa pag-eempake ng mga relief goods para sa mga nasalanta ng bagyo. 3. Bakit kailangan igalang ang kapuwa? A. Para mapanatili ang mapayapang pamayanan B. Para igalang ka din ng kapuwa C. Para walang magalit sa iyo D. Para masaya ang lahat 4. Bilang mag-aaral, alin sa sumusunod ang paggalang sa karapatan ng may sakit ang kaya mong gawin? A. Pagbigay ng prutas at damit B. Pagbisita sa may sakit C. Pagbibigay ng payo sa may sakit D. Pagbibigay ng gamot sa may sakit 5. Paano maipakikita ang pag-unawa sa damdamin ng kapuwa? A. Sa pakikiiyak sa kanila B. Sa pakikipag-usap sa kanila 218
C. Sa pagbibigay ng sariling kuwento sa kanila D. Sa pakikinig sa oras na may problema sila at pagbibigay ng payoIII. Basahin ang sitwasyon at magbigay ng iyong pasiya. 1. Narinig mo sa isa mong kamag-aral na ang iyong katabi ay nang- umit ng pera sa kantina ng paaralan. Isinulat mo ito sa facebook at marami ang nagkomento. Nalaman mong hindi pala totoo ang narinig mong balita. Paano mo itutuwid ang iyong pagkakamali? 2. Nagpunta si Christian sa silid-aklatan ng Mababang Paaralan ng Bagolayag. Napansin niya ang maayos na pagkakasalansan ng mga aklat. Malinis din ang paligid ng lugar. Paano niya mapananatili ang kaaya-ayang paligid ng silid-aklatan? 3. Nililinis na mabuti ang mga eskuwela ni Gng. Ligaya ang palikuran ng kanilang silid-aralan sa tuwing gagamitin nila ito. Ano ang iyong maitutulong upang mapanatili ang kaayusan nito? 4. Napakaraming bata ang nakatira sa ilalim ng tulay. Nakikita mo sila tuwing papasok ka sa paaralan. Sa hapon nama’y makikita mo silang namamalimos sa mga lansangan. Ano ang magagawa mo para sa kanila? 5. May sakit ang iyong kalaro. Nais mo siyang puntahan dahil wala kang makalaro sa labas ng bahay. Sabi ng nanay niya hindi pa siya puwedeng maglaro. Ano ang gagawin mo?Susi sa PagwawastoI. Asahan ang iba’t ibang sagot ng mga mag-aaral na maaaring gamiting gabay sa pagtutuwid ng kanilang pagpapahalaga.II. 1. C 4. A B C D 2. A D 5. D 3. A B C D 219
III. Ito ang inaasahang mga sagot, subalit maaaring magbigay ng iba’t ibang sagot ang mga mag-aaral. 1. Lalapit ako sa kamag-aral na nagawan ko ng pagkakamali at hihingi ako ng tawad sa kaniya. 2. Aayusin ko ang mga aklat at upuan sa tuwing gagamitin ko ang silid-aklatan. 3. Lilinisin ko ito sa tuwing ako ay gagamit ng aming palikuran. 4. Ipagbibigay alam ko ang kanilang kalagayan sa kinauukulang ahensiya ng pamahalaan. 5. Hindi ko aabalahin ang kaniyang pagpapahinga at hihintayin ko siyang gumaling. 220
Yunit IIII. Gaano Mo Kakilala ang Kultura Mo (Knowledge and Awareness)Panuto: Kompletuhin ang mga bugtong, salawikain, linya ng tula at kanta. Punan ang patlang ng tamang salita.1. Ang hindi lumingon sa pinanggalingan, di makararating sa p p p p p p p p n p pp p p p p p p p p2. Ang paa ay apat, hindi maka ppppp p p p p a a mong ppppp p p p p3. Sa dagat at bundok, sa simoy at sa bughaw.4. Ikaw at ako, hindi man magkalahi ay dapat matutong magmahal. Isipin mong tayong lahat ay p p p p aap p p p aa p p p p p p p p5. Aling pag-ibig pa ang hihigit kaya sa pagkadalisay at pagkadakila, gaya ng pag-ibig sa tinubuang aa aaII. Pagdesisyunan Mo (Decision-Making) Para sa bilang 1 – 5 Panuto: Piliin ang letra ng mga larawang nagpapakita ng sitwasyong makatutulong sa pagpapanatili ng kalinisan at kaayusan ng kapaligiran. 221
Batang lalaki na Mga bata ng Magkakaklase na nagtatapon ng isang paaralan na kumakain habang plastik na bote sa naglalakad ngunitbasurahan na may pinagbubukod- tatak na Hindi bukod ang mga itinatapon ang papel, lata, boteng plastik kung saan- Nabubulok plastik at babasaginA B saan CIsang grupo ng mga Mga batang tao na naglilinis ng gumagawa ng Mga bata na estero at drainage proyekto gamit ang nagkakampanya lumang diyaryo,D mga boteng plastik, para i-recyle o karton, at iba pa. gamitin muli ang E mga patapong bagay FPanuto: Pag-aralan ang sumusunod na sitwasyon. Ano ang iyong gagawin kung ikaw ang nasa ganitong kalagayan? Isulat ang letra ng iyong sagot sa kuwaderno. 6. Pinasalubungan ka ng iyong ninang ng isang malaking balot ng tsokolateng galing sa Japan. Pag-uwi ninyo ng nanay mo sa bahay, nakita ng iyong kapatid na bunso ang pasalubong na bigay sa iyo. Namilog ang kaniyang mga mata, bakas ang tuwa. A. Aalukin ko siya kung gusto niya. B. Bibigyan ko siya pati na rin ang iba ko pang mga kapatid. C. Tatanungin ko siya kung kumakain siya ng tsokolate. D. Kunwari ay sasabihan ko siya na hindi ko siya bibigyan. 7. Naatasan ang inyong pangkat na magtanghal sa palatuntunang inihanda para sa mga mag-aaral mula sa Malaysia upang maipakilala sa kanila ang kulturang Filipino. Alin sa sumusunod ang pipiliin ninyo? A. Sumayaw ng Pandanggo sa Ilaw B. Umawit ng nauusong kanta ngayon. C. Lumikha ng bagong himig at tugtugin sa piano. D. Sumayaw ng katutubong sayaw ng Malaysia 222
8. Bumisita sa inyong bahay ang iyong kaibigan kasama ang pinsan niyang balikbayan. Kung ikaw ang tatanungin, ano ang ihahain mo sa kanilang meryenda? A. suman sa ibos at tsokolateng tablea B. spaghetti at pineapple juice C. pizza at softdrinks D. siopao at pansit 9. Napansin mong walang gaanong kumakausap sa bago ninyong kaklase dahil hindi siya marunong mag-Filipino. Ano ang gagawin mo? A. Hindi ko na lang din siya kakausapin dahil baka nahihiya siya. B. Ngingitian ko siya. C. Kakaibiganin ko siya at sa abot ng makakaya ay tuturuan ko siya ng Filipino. D. Kakausapin ko ang aming guro at ipaaalam kong hindi marunong mag-Filipino ang bago naming kaklase.10. Naatasan kang mag-ulat ukol sa isang kaugaliang Filipino. Alin ang pinakamainam na piliin? Ipaliwanag kung bakit iyon ang napili. A. Utang na Loob B. Pagkamagalang C. Bahala Na D. Paghahanda kung may pista11. Ang Pilipinas ay may iba’t ibang pangkat etniko na mayaman sa napakaraming kultura. Alin sa sumusunod ang hindi nagpapakita ng kultura? A. Ang magagandang tanawin sa isang lugar B. Ang mga katutubong kasuotan, kuwentong bayan, sayaw, awit, laro at iba pa. C. Ang mga kaugalian at mga pagpapahalaga ng mga tao sa isang lugar. D. Ang mga lumang kagamitan at paraan ng pamumuhay. 223
12. Ang sumusunod ay ilan sa mga kultura ng ating bansa. Alin ang hindi? A. Pagmamano B. Pagsisimba tuwing araw ng pagsamba C. Pag-aasawa nang wala sa edad D. Pamahiin tuwing may patay13. Alin sa sumusunod ang pagpapahalaga sa sarili mong kultura? A. Panonood ng mga pagtatanghal ng mga katutubong sayaw at awitin. B. Pagsusuot ng mga katutubong kasuotan nang may pagmamayabang. C. Pagbili ng mga produktong galing sa ibang bansa. D. Pagtangkilik sa mga Filipinong kinikilala sa pandaigdigang larangan.14. Sino sa sumusunod ang may pagmamalaki at pagpapahalaga sa sarili niyang kultura? A. Ang mahusay na boksingerong si Larry na palaging sinasabi na siya ay galing sa kanilang probinsiya sa General Santos. B. Ang sikat na mang-aawit na si Mia na panay ang Ingles sa kaniyang mga panayam sa Pilipinas. C. Ang magaling na rapper na si Adel d Em na palaging bumabalik sa kaniyang kinagisnang probinsiya para tumulong sa kaniyang dating mga kababayan. D. Ang magandang si Maria na nagwagi bilang Miss World na Tagalog ang ginamit sa kaniyang panayam at pasasalamat.15. Si Isabel ay isang Tasaday. Nang siya ay makapag-aral sa kabayanan at makapagtapos, bumalik siya sa kanilang lugar at tinulungan ang kaniyang mga kasama na baguhin ang mali nilang kinasanayan tulad ng hindi pagkakaroon ng tamang palikuran at ang pag-aasawa nang wala sa edad. May pagpapahalaga ba siya sa kanilang pangkat etniko? A. Mayroon B. Wala 224
C. Maaari D. Hindi ko alam16. Anong batas sa pagpapanatili ng kaayusan at pangangalaga sa kapaligiran ang dapat ipasunod sa ilog na malinis? A. Bawal Manigarilyo Dito B. Huwag Magtapon ng Basura C. Tumawid sa Tamang Tawiran D. Iwasan ang Pagtapak sa Damuhan17. Anong batas sa pagpapaganda ng kapaligiran sa inyong paaralan ang dapat mong sundin? A. Munting Basura, Pakibulsa Muna B. Huwag Magtakbuhan sa Hagdan C. Bawal Magsalita Nang Malakas sa Pasilyo D. Panatilihing Tahimik Anumang Oras18. Alin ang pamayanang hindi nakasusunod ang mamamayan sa mga batas at panuntunang pinaiiral ukol sa pangangalaga nang kapaligiran? A. Ang Brgy. Kay-inam na sama-sama ang mga tao sa paglilinis ng mga kanal bago dumating ang tag-ulan. B. Ang Brgy. Maunlad na hindi magkakakilala ang mga nakatatanda dahil maagang umaalis para sa trabaho at gabi na ring umuuwi. C. Ang Brgy. Pinagkaisahan na nagkakaisa ang mga naninirahan sa paghihiwa-hiwalay ng basura sa kanilang lugar. D. Ang Brgy. Maligaya na masigasig ang kapitan sa pagpapairal ng proyekto ukol sa malinis na hangin at paninigarilyo.19. Alin sa sumusunod ang nagpapakita ng disiplina sa pangangalaga sa kalikasan kahit walang nakakakita? A. Sa Parke hindi mo pinipitas ang mga magagandang bulaklak na nakikita mo. 225
B. Sa palikuran ay ipina-flush mo ang kubeta at hindi itinatapon ang tissue sa toilet bowl para malinis na magamit ng ibang tao. C. Sa palaruan ay itinatapon mo ang iyong basura sa ilalim ng slide dahil may tagalinis naman dito. D. Sa daan ay inilalaglag mo ang mga basura galing sa iyong bulsa mula sa paaralan.20. Nagmamadali kang umuwi dahil may dadaluhan kang birthday party ng iyong kapitbahay. Paglabas mo ng silid-aralan, nakita mong umaapaw ang basura sa labas. Ikaw na lang ang tao dahil nauna nang umuwi ang iyong mga kaklase. Ano ang gagawin mo? A. Pababayaan ang basura dahil baka mahuli sa birthday party na iyong dadaluhan. B. Mabilisang aayusin ang mga basura sa sako bago umuwi. C. Magkukunwaring hindi nakita ang umaapaw na basura sa sako. D. Magkikibit-balikat dahil hindi naman ikaw ang tagalinis sa araw na iyon.21. Palagi ninyong nararanasan ang pagbaha sa Metro Manila. Ano kaya ang dahilan kung bakit nangyayari ito? A. Maling paraan ng pagtatapon ng basura sa ating paligid na bumabara sa mga estero at kanal. B. Talagang mas malakas na ang buhos ng ulan sa ngayon. C. Masyado nang makapal ang tao sa Metro Manila. D. Tinatakpan ng mga tao ang mga drainage.22. Bakit kailangang malaman ng mga tao na ipinagbabawal ang pagsusunog ng basura? A. Maaari itong maging sanhi ng pagkasunog ng mga bahay sa paligid. B. Puwedeng i-recycle ang mga patapong bagay na susunugin. C. Ang pagsusunog ng basura ay puwedeng magbunga ng maruming hangin at kapaligiran. D. Ang pagsusunog ay ipinagbabawal ng batas. 226
23. Ano ang gagawin mo bilang isang mamamayang may disiplina upang mapanatili ang kalinisan at kaayusan ng kapaligiran? A. Sumunod paminsan-minsan sa mga batas na may kinalaman sa kapaligiran. B. Palagiang pagwawalis sa bakuran at kalsada. C. Madalas na pagtapon ng basura sa kanto kung saan dumadaan ang trak ng basura. D. Pagsasagawa ng paghihiwa-hiwalay ng basura sa halip na pagsunog sa mga ito, at pag-recycle ng mga patapong bagay. 24. Ano ang kahulugan ng “recycling”? A. Paggamit muli ng mga patapong bagay na puwedeng mapakinabangan B. Paghihiwa-hiwalay ng mga basura. C. Paglilinis ng mga maruming boteng babasagin at plastik. D. Pagsusunog ng mga pinagsama-samang basura. 25. Ano ang puwedeng mangyari kung patuloy na walang disiplina ang mga tao sa pamamahala ng kanilang basura? A. Magiging malinis pa rin ang paligid dahil may nangongolekta naman ng basura. B. Tuluyan nang magiging marumi at walang kaayusan ang ating kapaligiran. C. Maraming tao ang yayaman dahil sa pagbebenta ng mga basurang naiipon. D. Mag-aaway-away ang mga tao dahil mag-uunahan sa pagkuha ng basura na puwedeng ibenta.III. Unawain at Suriin A. Basahin ang mga sitwasyon. Iguhit ang masayang mukha kung ito ay paraan para mapanatili ang kalinisan at kaayusan ng kapaligiran at malungkot na mukha kung hindi naman. 227
1. Nagtatapon ako ng basura kung saan-saan lalo na kapag walang nakakakita. 2. Ang basura sa aming tahanan ay pinagbubukod-bukod para magamit pang muli ang mga ito. 3. Pinagsasabihan ko ang aking mga kaklase na itapon sa tamang tapunan ang mga basurang papel. 4. Nililinisan namin ang mga basyong lata ng gatas upang taniman ng mga halaman. 5. Nakikiisa ako sa kampanya para mag-recycle ng mga patapong bagay. B. Suriin ang mga halimbawa ng kaugaliang Filipino sa ibaba. Isulat ang PAN kung sa palagay mo ay dapat panatilihin, PANIBAGO kung dapat panatilihin ngunit may dapat baguhin at IWA kung dapat ay iwaksi na dahil hindi nakabubuti sa ating pamumuhay bilang mga Filipino. 1. Paggalang sa mga Nakatatanda 2. Paghahanda tuwing may Pista 3. Pagpapabukas ng Maaaring Gawin Ngayon 4. Pagtanaw ng Utang na Loob 5. BayanihanSusi sa Pagwawasto (Key to Correction) I. Gaano Mo Kakilala ang Kultura Mo (Knowledge and Awareness) (5 aytems) 1. paroroonan 2. lakad 3. langit 4. magkakapatid 5. lupa II. Pagdesisyunan Mo (Decision-Making) (25 aytems) Para sa 1-5 (A, B, D, E, F) 228
Search
Read the Text Version
- 1
- 2
- 3
- 4
- 5
- 6
- 7
- 8
- 9
- 10
- 11
- 12
- 13
- 14
- 15
- 16
- 17
- 18
- 19
- 20
- 21
- 22
- 23
- 24
- 25
- 26
- 27
- 28
- 29
- 30
- 31
- 32
- 33
- 34
- 35
- 36
- 37
- 38
- 39
- 40
- 41
- 42
- 43
- 44
- 45
- 46
- 47
- 48
- 49
- 50
- 51
- 52
- 53
- 54
- 55
- 56
- 57
- 58
- 59
- 60
- 61
- 62
- 63
- 64
- 65
- 66
- 67
- 68
- 69
- 70
- 71
- 72
- 73
- 74
- 75
- 76
- 77
- 78
- 79
- 80
- 81
- 82
- 83
- 84
- 85
- 86
- 87
- 88
- 89
- 90
- 91
- 92
- 93
- 94
- 95
- 96
- 97
- 98
- 99
- 100
- 101
- 102
- 103
- 104
- 105
- 106
- 107
- 108
- 109
- 110
- 111
- 112
- 113
- 114
- 115
- 116
- 117
- 118
- 119
- 120
- 121
- 122
- 123
- 124
- 125
- 126
- 127
- 128
- 129
- 130
- 131
- 132
- 133
- 134
- 135
- 136
- 137
- 138
- 139
- 140
- 141
- 142
- 143
- 144
- 145
- 146
- 147
- 148
- 149
- 150
- 151
- 152
- 153
- 154
- 155
- 156
- 157
- 158
- 159
- 160
- 161
- 162
- 163
- 164
- 165
- 166
- 167
- 168
- 169
- 170
- 171
- 172
- 173
- 174
- 175
- 176
- 177
- 178
- 179
- 180
- 181
- 182
- 183
- 184
- 185
- 186
- 187
- 188
- 189
- 190
- 191
- 192
- 193
- 194
- 195
- 196
- 197
- 198
- 199
- 200
- 201
- 202
- 203
- 204
- 205
- 206
- 207
- 208
- 209
- 210
- 211
- 212
- 213
- 214
- 215
- 216
- 217
- 218
- 219
- 220
- 221
- 222
- 223
- 224
- 225
- 226
- 227
- 228
- 229
- 230
- 231
- 232
- 233
- 234
- 235
- 236
- 237
- 238
- 239
- 240
- 241
- 242
- 243
- 244
- 245
- 246
- 247
- 248
- 249
- 250
- 251
- 252
- 253
- 254
- 255
- 256
- 257
- 258
- 259
- 260
- 261
- 262
- 263
- 264
- 265
- 266
- 267
- 268
- 269
- 270
- 271
- 272
- 273
- 274
- 275
- 276
- 277
- 278
- 279
- 280
- 281
- 282
- 283
- 284
- 285
- 286
- 287
- 288
- 289
- 290
- 291
- 292
- 293
- 294
- 295
- 296
- 297
- 298
- 299
- 300
- 301
- 302
- 303
- 304
- 305
- 306
- 307
- 308
- 309
- 310
- 311
- 312
- 313
- 314
- 315
- 316
- 317
- 318
- 319
- 320
- 321
- 322
- 323
- 324
- 325
- 326
- 327
- 328
- 329
- 330
- 331
- 332
- 333
- 334
- 335
- 336
- 337
- 338
- 339
- 340
- 341
- 342
- 343
- 344
- 345
- 346
- 347
- 348
- 349
- 350
- 351
- 352
- 353
- 354
- 355
- 356
- 357
- 358
- 359
- 360
- 361
- 362
- 363
- 364
- 365
- 366
- 367
- 368
- 369
- 370
- 371
- 372
- 373
- 374
- 375
- 376
- 377
- 378
- 379
- 380
- 381
- 382
- 383
- 384
- 385
- 386
- 387
- 388
- 389
- 390
- 391
- 392
- 393
- 394
- 395
- 396
- 397
- 398
- 399
- 400
- 401
- 402
- 403
- 404
- 405
- 406
- 407
- 408
- 409
- 410
- 411
- 412
- 413
- 414
- 415
- 416
- 417
- 418
- 419
- 420
- 421
- 422
- 423
- 424
- 425
- 426
- 427
- 428
- 429
- 430
- 431
- 432
- 433
- 434
- 435
- 436
- 437
- 438
- 439
- 440
- 441
- 442
- 443
- 444
- 445
- 446
- 447
- 448
- 449
- 450
- 451
- 452
- 453
- 454
- 455
- 456
- 457
- 458
- 459
- 460
- 461
- 462
- 463
- 464
- 465
- 466
- 467
- 468
- 469
- 470
- 471
- 472
- 473
- 1 - 50
- 51 - 100
- 101 - 150
- 151 - 200
- 201 - 250
- 251 - 300
- 301 - 350
- 351 - 400
- 401 - 450
- 451 - 473
Pages: