VI
GRADE VIKAHALAGAHAN NG KASANAYAN SA PAGTATANIM NG PUNO/ BUNGANGKAHOY ALAMIN MOTingnan mo ang paligid ng inyong bahay. Mayroong bang mga punongkahoy? Anoang nararamdaman mo kapag nasa ilalim ka nito at nagpapahinga? Sa palagay mo,mahalaga ba ang pagtatanim ng mga puno/bungangkahoy? Pag-aaralan mo sa modyul na ito ang tungkol sa kahalagahan ng kasanayan sapagtatanim ng puno/bungangkahoy at ang kabutihang naidudulot nito sa pamumuhayng mag anak. PAGBALIK-ARALAN MO Bago simulan ang aralin, balikan mo ang natutunan noong unang taon tungkol samga halaman. Punan ang puwang sa bawat patlang ng tinutukoy na uri ng halaman.Piliin ang sagot sa loob ng kahon sa ibaba at isulat sa papel. 1. ____________ - mga halaman na itinatanim dahil sa makukulay nilang bulaklak at mababangong halimuyak. 2. ____________ - mga halaman na gumagapang tulad ng kampanilya at “kadena de amor” 3. ___________ - ito ay may matigas na sanga na maaaring gamiting pambakod. Ang iba ay namumulaklak din. 1
4. ___________ - pangkat ng punong-kahoy na nagbibigay ng masarap at masustansiyang prutas. Halimbawa: mangga, at bayabas.5. ____________ - kabilang din dito sa mga punongkahoy na itinatanim upang magbigay ng lilim, magsilbing palamuti at mapagkunan ng panggatong Halimbawa: ay narra at akasyaPunong prutas Halamang dahonHalamang baging Punong-kahoy na walang bungaHalamang namumulaklak Halamang palumpon Nakuha mo ba ang tamang sagot? Kung tama ang iyong sagot, binabati kita!Pwede mo nang simulan ang susunod na gagawin. PAG-ARALAN MOMay iba’t ibang kahalagahang dulot ang pagtatanim ng mga puno at bungang kahoy. Angmga puno ay pinagkukunan ng mga materyales sa paggawa ng bahay at iba’t ibangproyekto samantalang ang mga bungangkahoy ay nagbibigay ng pagkain, maliban dittoang mga ugat ng puno ay pumipigil sa mabilis na daloy ng tubig sa kabundukan nanagiging sanhi ng pagbaha sa kapatagan. Upang lubusan mong maunawaan ang kabutihang dulot ng pagtatanim nito, basahingmabuti ang tula at sagutin ang mga tanong. Dapat Bang Magtanim ng Puno/Bungangkahoy? Kapaligiran ay kaygandang pagmasdan Kung ito’y palibot ng mga halaman Ang maraming tao ay nagpapasyalan At sa ilalim nito, ay isang libangan. Puno sa paligid at mga bungangkahoy Nagbibigay lilim at mga pagkain Polusyo’y nasusugpo, sakit naitataboy Tension at suliranin naaalis din. 2
Laking pakinabang mga dulot nito. Sa mga pamilya at sa buong mundo Labis na aning prutas pagkikitaan nyo Upang makaipon ang pamilya mo. Puno sa bakuran at sa kagubatan Mga bahagi nito ay may kagamitan Kaya ‘wag putulin at ‘wag paglaruan Kaya’t marapat ito’y alagaan. Tapos ka na bang magbasa? Subukan natin kung naintindihan mo ang tula.Kumuha ka ng papel at sagutin ang mga tanong. 1. Bakit isinasaad sa tula na kay gandang tingnan ang kapaligiran? 2. Ano-ano ang mga kabutihan naidudulot sa pagtatanim ng puno/bungang kahoy? 3. Paano naaalis ang tens’yon at suliranin ng isang tao kung siya’y nagtatanim ng puno? 4. Gaano kahalaga sa mag-anak kung sila ay may malawak na taniman ng bungangkahoy? 5. Ano-anong mga salita ang magkakatugma?SUBUKIN MO Matapos mong mabasa ang tula, isulat ang tinutukoy ng bawat saknong ng isa odalawang pangungusap.1. Unang saknong- 3.Pangatlong saknong-2. Pangalawang saknong- 4. Pang-apat na saknong- 3
TANDAAN MO Mahalagang masanay sa pagtatanim ng puno/bungangkahoy para sa ikagaganda ng kapaligiran, pagkakaroon ng sariwang hangin at masustansiyang pagkain at dagdag na kita para sa pamilya. ISAPUSO MOA. Basahin ang mga sumusunod na nakatalang gawain. Isulat sa patlang ang titik G kung ginagawa mo at DG kung di-ginagawa. _____ 1. Pinaglalaruan ang puno ng kahoy. _____ 2. Pinipitas ang prutas at itinatapon. _____ 3. Nagpapahangin sa ilalim ng puno. _____ 4. Tumutulong magtanim ng puno/bungangkahoy. _____ 5. Nagbibigay ng payo sa ibang bata na kumakain ng sariwang prutas. _____ 6. Nilalagyan ng bakod ang bagong tanim na punong kahoy. _____ 7. Pinuputol ang mga sanga ng punongkahoy upang gawing gatong sa pagluluto. _____ 8. Dinidiligan araw-araw ang bagong tanim na punong kahoy. _____ 9. Pinagtatalian ng hayop ang bagong tanim na punongkahoy. ____ 10. Pinapalitan ang mga nabuwal na punongkahoy. GAWIN MO Tingnan mo ang mga tanim na puno ng iyong mga kapitbahay. Kung may puno sila, tanungin mo kung ano ang kahalagahan ng punong ito sa kanilang mag-anak at kung may nais pa silang itanim, ano ito at bakit? Isulat ang panayam mo sa isang papel at ibigay mo sa guro pagkatapos. 4
PAGTATAYAA. Sa loob ng mga kahon sa ibaba, isulat ang kahalagahan ng pagtatanim ng puno/bungangkahoy sa iyo, sa mag- anak, at sa komunidad at paano magkakaugnay ang isa’t isa. SA SARILISA MAG-ANAK SA KOMUNIDADB.1. Magmasid-masid ka sa paligid kung kaninong bakuran ang mapuno at tanungin ang may-ari kung anong kahalagahan ng pagtatanim ng puno/ bungangkahoy ang nakukuha niya. Ibahagi sa inyong kamag-aral ang kaalaman sa inyong natutuhan.B.2. kumatha ng tula na naaayon sa kahalagahan ng kasanayan sa pagtatanim ng Puno/Bungangkahoy.Kung nasagutan mo nang buong husay ang bahagingpagtataya ng modyul, binabati kita! Maaari mo nang pag-aralan ang susunod na modyul. 5
GRADE VI MGA KASANGKAPAN SA PAGHAHALAMAN AT PANUNTUNANG PANGKALUSUGAN ALAMIN MO Sa paghahalaman, May mga kasangkapang ginagamit upang mapadali ang pagbubungkal ng lupa at ang pag-aalaga ng mga pananim. Kung may kakulangan sa kagamitan maaaring gumawa ng mga panghalili sa mga kasangkapan kung masipag at mapamaraan. Ngunit kailangan ding pangalagaan itong mga kasangkapan sa paghahanda upang matagal silang mapakinabangan. Sa modyul na ito, pag-aaralan mo ang tungkol sa wastong paggamit ng mga kasangkapan sa paghahalaman at ang mga panuntunang pangkaligtasan. PAGBALIK-ARALAN MO Balikan mo sa iyong isipan. Pagkatapos ay sagutan mo ang mga katanungang ito sa iyong kuwaderno ang tulang binasa kahapon bago ka dumako sa bagong aralin. 1. Ano-ano ang mga kahalagahan ng kasanayan sa pagtatanim ng puno/bungangkahoy? 2. Ano-ano ang mga Kabutihang naidudulot ng pagtatanim ng puno/bungangkahoy sa pamumuhay ng mag-anak? Binabati kita! Ang galing mo! Ngayon ay maaari mo nang simulan ang bagong aralin. 1
PAG-ARALAN MO Basahin ang panayam ni Gng. Cynthia Zamora, bagong guro sa San Rafael (BBH)Elementary school kay G. Cenon Cruz, isang magaling na guro sa Agrikultura.Gng. Zamora : Magandang Hapon po, G. Cruz. Ako po ay isang bagong guro na nagtuturo ng Agrikultura. Ang aralin po namin sa susunod na linggo ay tungkol sa wastong paggamit ng mga kasangkapan.Gng. Cruz : Sa pagtatanim ng puno/bungang kahoy, kailangang isaalang– alang ang wastong paggamit ng mga kasangkapan.Gng. Zamora : Ano-ano po ang mga kasangkapan at kagamitan sa pagtatanim at paano po ito gagamitin?G. Cruz : Una po, hindi tutubo nang maayos ang mga pananim kapag tuyo, matigas at bitak-bitak ang lupa. Bungkalin muna ang lupa upang maging buhaghag. Gumamit ng asarol sa pagbubungkal. Piliin at alisin ang mga bato at matitigas na bagay sa lupa.Gng. Zamora : Ano po ang gagamitin sa paglilinis sa madamong bahagi na pagtatamnan ng halaman.G. Cruz : Putulin ang damo at tanggalin ang lahat ng bagay na nakasasagabal sa pagtatamnan sa pamamagitan ng gulok, karit, machete at palataw.Gng. Zamora : Ano po ang gagamitin sa pag-ipon ng damo?G. Cruz : Ipunin ang damo gamit ang kalaykay, pagkatapos alamin ang patnubay sa pagtatanim at markahan ang lugar na 2
pagtataniman ng punong kahoy sa pamamagitan ng tulos.Gng. Zamora : Metro din po ba ang ginagamit sa pagsukat ng layo o luwang sa bawat puno na itatanim?G. CruzGng. Zamora : Oo, metro din ang gamitin. : Kailangan din po ba bungkalin ang halaman at diligan?G. Cruz : Gamitin ang dulos sa pagbubungkal ng lupa sa paligid ng halaman at paglilipat din ng punla. Sa pagdidilig naman ng halaman ay gamitin ang rigadera. Ang timba at tabo ay ginagamit ding pandilig.Gng. Zamora : Ano ang gagamitin sa paghuhukay ng butas sa lupa atG. Cruz pagsasaayos ng tamang taniman? : Ang pala ang siyang gagamitin sa paghuhukay paglilipat at ng lupa. Ginagamit din ito sa taniman. pagsasaayos ng lupa sa tamangG. Zamora : Paano po tayo makakatiyak ng kaligtasan sa paggamit ng mgaG. Cruz kasangkapan? : Unang-una ay gamitin nang angkop ang kagamitan at kasangkapan. Maglaan ng isang matibay at maayos na lalagyan. Iwasang nakakalat ang mga may talim na kasangkapan sa lupa kapag hindi gagamitin para hindi paglaruan at maapakan ng mga bata. 3
G. Zamora : Maraming salamat po, G.Cruz. Malaking bagay po ang mgaG. Cruz paliwanag mo kaya nakahanda na po akong ituro ito sa mga bata bukas. : Wala pong anuman. Matapos mong basahin ang panayam ni Gng. Zamora kay G. Cruz, kumuha ka ngsagutang kuwarderno at sagutin ang mga sumusunod na tanong: 1. Ano-anong kasangkapan ang kailangan sa pagtatanim ng puno/bungangkahoy? 2. Ano ang angkop na gamit ng gulok at dulos? 3. Paghambingin ang gamit ng gulok at dulos. 4. Alin sa mga kasangkapan ang binanggit ni G. Cruz na di dapat nakakalat sa lupa? 5. Bakit maglalaan ng isang matibay at maayos ng lagayan para sa mga kasangkapan ng paghahalaman. Nakuha mo ang tamang sagot? Magaling! Tingnan naman natin sa susunod nagawain. SUBUKIN MO Ang mga sumusunod ay ilan sa mga kasangkapan sa paghahalaman ng puno/bungangkahoy . Iayos ang mga titik upang mabuo ang pangalan ng kasangkapan ayonsa wastong gamit nito.1. Tinitipon nito ang mga dahong tuyo - l a k y a y a k damo at iba pang uri ng kalat2. Ito ay ginagamit sa pagbubungkal - olaras ng lupa.3. Ginagamit ito sa pagputol ng mga - l u s o d nakasasagabal sa pagtatanim ng puno/bungang kahoy4. Pangsukat ng layo o luwag sa - omterIsa’t-isa ng mga halamang itatanim 4
5. Itinutusok ito sa lupa ng tamang gabay - o s t u l sa hanay ng tamang taniman TANDAAN MO Ang mga kasangkapang ginagamit sa pagtatanim ng puno/bungangkahoy aykailangang gamitin nang wasto at sa tamang paraan upang makatiyak ng kaligtasan. ISAPUSO MO Basahin at intindihing mabuti ang mga sumusunod na gawain. Kung kasiya-siya,iguhit ang mukhang masaya at mukhang malungkot kung di-angkop. 1. Napipili ang angkop na kasangkapan para sa gawain. 2. Sinusuri kung ito ay nasa ayos. 3. Itinatapon pagkatapos gamitin. 4. Nasusunod ang mga tagubiling pangkaligtasan. 5. Nililinis pagkatapos gamitin. 5
GAWIN MO 1. Sumulat ng slogan tungkol sa wastong paggamit ng kasangkapan sa paghahalaman ng puno/bungang kahoy at ilagay sa malapad na sukat ng papel. 2. Kapanayamin ang isang maghahalaman tungkol sa pag-iingat ng mga kasangkapan sa paghahalaman. Ihambing ang sasabihin ng maghahalaman sa mga natutuhan sa aralin tungkol sa paksa ng panayam. PAGTATAYAA. Iguhit sa sagutang kuwaderno ang mga kagamitan o kasangkapan sa paghahalaman na tinutukoy sa pangungusap. 1. Ginagamit sa pagsusukat ng layo o luwag sa isa’t-isa ng mga halamang itatanim sa taniman ng prutas o punong kahoy. 2. Ginagamit ito sa pagdidilig. Ito’y may mahabang lagusan ng tubig na may maliliit na butas sa dulo. 3. Ginagamit sa pagbubungkal ng lupa sa paligid ng halaman. Mahusay ring gamitin sa paglilipat ng mga punla. 4. Ito ay paglilinis ng bakuran. Tinitipon ang mga kalat na halaman tulad ng mga dahong tuyo at iba pa.B. Kung ikaw ay magtatanim ng mga puno/bungangkahoy itala sa kuwaderno ang mga panuntunang pangkaligtasan sa paggamit ng mga kasangkapang panghalaman. Kung nasagutan mo nang buong husay ang bahaging pagtataya ng modyul, binabati kita! Maaari mo nang pag- aralan ang susunod na modyul. 6
GRADE VI TUWIRANG PAGTATANIM NG PUNO/BUNGANGKAHOY ALAMIN MO Sa oras na maihanda na ang iyong kamang taniman, ang susunod na mahalagang hakbang ay ang pagtatanim. Isa sa mga paraan ng pagtatanim ng mga puno/bungangkahoy ay ang tuwiran o tuluyang pagtatanim. Sa araling ito ay malalaman mo ang tungkol sa tuwiran o tuluyang paraan ng pagtatanim ng mga puno/bungangkahoy. 1
PAGBALIK-ARALAN MO Bago natin talakayin ang bagong aralin, balikan muna natin ang natutuhan mo sa unang modyul. Kilalanin itong mga kasangkapang gamit sa pagtatanim at isulat rin sa sagutang kuwaderno ang angkop na gamit nito.1. 2. 3.4. 5. 2
PAG-ARALAN MO Basahin mo ang kuwento at sagutin ang mga tanong sa ibaba.Si Jayson ay kaisa-isang anak ni Mang Karyo na isang magsasaka. Siya ang naiiwansa bahay tuwing aalis ang tatay niya. Kahit kailan di niya naranasan ang magbungkalng lupa, magtanim at kahit man lang magdilig ng halaman. Isang araw ay tinawag siya ng mga kaibigan niya upang maglaro. “Jayson…..Jayson…..Jayson.” tawag ng kanyang mga kalalaro. Mabilis siyang bumaba ng bahayat sumigaw,” Huraah….. maglalaro na naman ako!” Doon sila naglaro sa malapit sa mga puno ng ipil-ipil. Masaya silangnagtatakbuhan at nagsisigawan. Habang abala sa kalaro, napansin ni Jayson angmaraming buto ng ipil-ipil na nakakalat sa daan. Tinawag niya ang kanyang mgakalaro, “Hoy! Tingnan n’yo!..Ano itong mga nakakalat? Damputin natin at gawingpambato sa ibon.” “Huwag! Sigaw ng isang kalaro.” Kunin natin at dalhin sa tataymo, Jayson. Tiyak na alam niya ito.” Tumakbo ang magkakalaro kay Mang Karyo atipinakita nila ito. Noong makita ni Mang Karyo ang mga buto, sinabi niya “Ito ay mga buto ngpuno ng ipil-ipil. Huwag niyo itong paglaruan. Dapat ay itanim sa lupa para ito’ymagbunga at mapakinabangan.” “Pero, paano namin ito itatanim Tatay? “tanong niJayson “Madali lang ‘yan,” sabi ni Mang Karyo. “Ang buto ng ipil-ipil o kahitanong puno/bungangkahoy ay maitatanim sa tuwiran o tuluyang paraan ngpagtatanim. Madali at payak ang paraang ito. Ginagamit sa halos lahat ng halaman.Itinatanim ang buto ng direkta sa lupang pagtatamnan. Sa pamamagitan ng patpat,gumawa ng butas na may sapat na layo ang bawat isang puno. Kung ang pagtatanimay gagawin sa panahon ng tag-init at ang lupa ay buhaghag at mabuhangin, lalimanang butas. Kung sa panahon naman ng taglamig at ang lupang gagamitin ay siksik,gawing mababaw ang butas. Pagkatapos ihulog ang dalawa hanggang tatlong buto samga butas na ginawa, takpan ng lupa at bahagyang pipiin ng kamay. Diligin angpinagtaniman at gawin ito nang buong ingat upang mapangalagaan ang mga butongbagong tanim. “Salamat, Mang Karyo, sa paliwanag mo,” wika ng mga kalaro ni Jayson. Tinipon ng mga bata ang lahat ng buto ng ipil-ipil at sinubukan nilang sundin angturo ni Mang Karyo sa tuwirang paraan ng pagtatanim. 3
Matapos mong basahin ang kuwento, sagutin mo ang mga sumusunod na tanongat isulat sa kuwadernong sagutan: a) Anong paraan ng pagtatanim ang itinuro ni Mang Karyo sa mga bata? b) Sa ganitong paraan ng pagtatanim, kailangan bang gumawa ng butas sa lupa? Ano ang dapat tandaan kung gagawa ng butas? c) Ano ang susunod na gagawin kapag naihulog na ang buto sa butas? d) Ano ang magandang naidudulot ng tuwirang paraan ng pagtatanim?SUBUKIN MOPag-aralan mabuti ang mga nakatalang halaman sa loob ng kahon.Lagyan ng tsek () kung ito ay maaaring itanim nang tuwiran at ekis (x) kunghindi. Halaman Tuwiran Hindi1. Mangga2. Water Lily3. Pechay4. Santol5. Narra6. Akasya7. Kamatis8. Mabolo9. Mustasa10. Kaymito 4
TANDAAN MO Ang tuwirang pagtatanim ng puno/bungangkahoy ay payak at madaling gawin.Inihuhulog lamang ang mga buto o binhi sa butas na lupang pagtatamnan. ISAPUSO MO Nakita mong walang tanim na puno/bungangkahoy ang bakuran ninyo. Humingika ng buto sa mga kapitbahay at kaibigan at itinanim mo ito ayon sa natutuhan mongwastong paraan sa pagtatanim. Anong katangian mayroon ka? GAWIN MO Mag-aya ka ng kalaro o kahit sinong bata at ipakita sa kanila ang tamang paraanng tuwirang pagtatanim at ipasulat sa kanila sa isang malinis na papel ang mgahakbang ng pagtatanim na ginawa mo. Kunin mo sa kanila ang mga papel pagkataposat ibigay sa guro. 5
PAGTATAYAA. Suriing mabuti ang pangungusap. Lagyan ng tsek ( ) kung tamang paraan ang nasusunod sa tuwirang pagtatanim at ekis (x) kung hindi tama. Gawin ito sa kuwadernong sagutan. 1. Gumawa ng butas sa lupa na may sapat na layo. 2. Huwag takpan ng lupa pagkatapos ihulog ang buto sa butas. 3. Ang tuwirang pagtatanim ay mahirap na gawain. 4. Ibuhos nang malakas ang tubig sa butong bagong tanim. 5. Ihulog ang buto sa lupang pagtatamnan.B. Subuking magpatubo ng mga puno/bungangkahoy sa inyong bakuran sa paraang tinalakay natin.C. Kapanayamin ang isang maghahalaman sa inyong lugar at tanungin kung ginagamit niya ang tuwirang pagtatanim. Paano niya ito isinasagawa at ihambing ang paraan niya sa natutunan mo. Kung nasagutan mo nang buong husay ang bahaging pagtataya ng modyul, binabati kita! Maaari mo nang pag- aralan ang susunod na modyul. 6
GRADE VI DI – TUWIRANG PAGTATANIM NG PUNO/BUNGANGKAHOY ALAMIN MO Pagmasdan mong mabuti ang larawan. Ano ang ginagawa ng bata sa punlang halaman? Bakit niya ito ginagawa? Hindi lahat ng halamang puno/bungangkahoy ay naitatamin nang tuwirang o tuluyan. Mayroong naitatanim sa pamamagitan ng paglilipat ng punla galing sa kahong punlaan. Sa araling ito matutuhan mo ang mga paraan ng di- tuwirang pagtatanim ng puno/bungang kahoy. 1
PAGBALIK-ARALAN MO Bago ka magpatuloy sa sumusunod na aralin, balikan mo ang nakaraan. Isulat sa kahon ang mga paraan ng tuwirang pagtatanim. Gawin ito sa kuwadernongsagutan. PAG-ARALAN MO Basahin at suriin nang maayos ang mga sumusunod na paraan ng pagtatanim ng puno/bungangkahoy. Sagutin ang mga tanong pagkatapos at isulat sa sagutang kuwaderno. 2
MGA HAKBANG SA PAGLILIPAT O DI-TUWIRANG PAGTATANIM NG PUNO/BUNGANGKAHOY:Sa oras na dumating at magkaroon ng mga punla ng punongkahoy/bungangkahoy, alisinagad ang balot at suriin ang mga puno. Tingnan mabuti ang mga ugat at surin din kung lantana ang balat. Ang mga lantang balat ay nagpapakilala na ang punong-kahoy ay napabayaangmatuyo sa pagdadala. 1. Pungusin ang mga ugat ng maliit na punongkahoy na ililipat lamang kung kailangang- kailangan upang maalis ang mga sira at may pinsalang ugat. 2. Tingnan kung ang mga lupa sa ilalim ay buhaghag upang magkaroon ng maluwag na lugar ang mga ugat 3. Punuin ang butas ng pinulbos o pinong-pinong lupang pang- ibabaw at alugin nang marahan ang punongkahoy upang kumalat ang mga lupa sa mga ugat. 4. Idiing mabuti ang mga lupa ng malapad na patpat o ng paa. 5. Buhusan ng kaunting tubig ang butas kung may ¾ na ang pagkapuno ng lupa. Ito ay makatutulong sa pagkapit ng lupa sa paligid ng mga ugat at makaragdag pa ang pagbibigay sa halaman ng pagkakataong mabuhay. Hayaang manatilia ang butas hanggang tuluyang masipsip ang tubig. 6. Tapusin ang paglalagay ng lupa sa butas at hayaan ang lupang buhaghag sa ibabaw. 7. Iwasang maiwan o nakakalat ang mga kagamitan. Linisin at itago ang mga ito sa tamang lalagyan. Tingnan natin kung naintindihan mo ang aralin. Sagutin ang sumusunod na mga tanong at isulat ang sagot sa kuwadernong sagutan. 1. Bakit kailangang alisin agad ang balot at suriin ang punla ng puno? 2. Anong gagawin sa punongkahoy na ililipat pa lang? 3. Ano ang gagawin sa punla pagkatapos makita kung ang lupa sa ilalim ay buhaghag? 4. Ilang sukat ng tubig ang ibubuhos sa butas ng lupa? 5. Paano tatapusin ang paglipat sa punlang puno/bungangkahoy? 3
SUBUKIN MO Isulat ang mga hakbang sa paglilipat o di-tuwirang pagtatanim ng puno/bungang kahoy sa loob ng cluster map. Gawin ito sa kuwadernong sagutan. 2. 1. 3.7. Mga paraan ng paglilipat o Di-tuwirang pagtatanim 4. 5. 6. TANDAAN MO Ang di-tuwirang pagtatanim ay isang paraan ng pagtatanim na kailangang magmula at ilipat ang sibol sa takdang panahon sa taniman. 4
ISAPUSO MO Sipiin ang mga sumusunod na tseklist sa kapirasong papel at lagyan ng tsek ang mgapamantayan sa paggawa kung gagawin mo ang wastong pamamaraan sa paglilipat ngtanim.Mga Pamantayan Kasiya-siya Di-kasiya-siya1. Pagsunod sa wastong hakbang ng pagsasagawa ng gawain.2. Naihahanda ko ang mga kagamitang kailangan bago magsimula ng gawain.3. Nasusunod ang mga tuntuning pangkaligtasan habang gumagawa.4. Naisasagawa ang gawain sa takdang oras. GAWIN MO Kumuha ng punla ng puno/bungangkahoy o kahit anong halaman at itanim ito sabakuran ninyo sa pamamagitan ng di- tuwirang paraan ng pagtatanim. Sundin angtamang hakbang o pamamaraan. 5
PAGTATAYAA. Pagsunod-sunurin ang mga pangungusap ayon sa wastong paraan ng paglilipat o di- tuwirang pagtatanim. Isulat sa papel ang tamang pagkasunod-sunod. - Punuin ang butas ng pinulbos o pinong-pinong lupang pang-ibabaw at alugin nang marahan ang punongkahoy. - Pungusin ang mga ugat ng maliit na punongkahoy - Idiing mabuti ang lupa ng malapad na patpat o ng mga paa. - Tapusin ang paglalagay ng lupa sa butas at hayaang buhaghag sa ibabaw - Buhusan ng kaunting tubig ang butas kung may ¾ na ang pagkapuno ng lupa.B. Magtungo sa isang pataniman ng prutas at kapanayamin ang may-ari kung ginagamit niya ang di-tuwirang pagtatanim. Anong mga paraan o hakbang ang sinunod niya? Isulat mo ito sa papel at ipakita mo sa guro ang tamang paraan ayon sa natutuhan mo. Kung nasagutan mo nang buong husay ang bahaging pagtataya ng modyul, binabati kita! Maaari mo nang pag- aralan ang susunod na modyul. 6
GRADE VI PAGPAPARAMI NG PUNONGKAHOY/BUNGANGKAHOY ALAMIN MO Isa sa mga gawain sa pagnanarseri ang pagpaparami ng halaman. Iba-iba ang mga pamamaraan sa gawaing ito. Sa modyul na ito, pag-aaralan mo ang mga gawain sa pagpaparami ng mga punongkahoy o bungangkahoy. PAG-ARALAN MO Ang Iba’t ibang uri ng halaman at punong kahoy ay maaaring palaganapin o paramihin sa pamamagitan ng iba’t ibang paraan. Narito ang mga pamamaraan: 1. Sa pamamagitan ng buto Pag-aralan ang larawang ito. 1
Karaniwang paraan ng pagpaparami ng halaman ang paggamit ng buto. Angabocado, mangga at santol ay mga punongkahoy o bungangkahoy na pinarami sapamamagitan ng buto. Dapat tandaan na ang butong gagamitin ay tiyak ang pinanggalingan opinagmulan. Kailangang kuha ito sa malusog at magulang na halaman upang lumakiat sumibol nang wasto. Ibabad muna ang buto nang magdamag, bago itanim upang lumambot angbahaging labas na pumipigil sa paglambot at pagtubo nito. 2. Sa pamamagitan ng Sanga Pagmasdan ang larawan: Ang pagpaparami sa pamamagitan ng mga sanga ay ginagawa sa pamamagitan ngpagpili ng sanga sa bahagi ng halaman na may suloy sa tagiliran at dulo. Putulin angisang dulo ng sanga nang pahilis at itanim ito sa lupa nang patayo hanggangkalagitnaan ng sanga. 2
3. Sa pamamagitan ng pagmamarcot (marcotting) Pag-aralan ang larawang ito: Sa paraang ito, magkakaugat ang halaman, habang ito’y nakakabit sa puno. Angpinauugatang halaman ay mananatiling buhay at namumulaklak kung wasto angginawang pangangalaga. 4. Sa pamamagitan ng pagpapabuko 3
Ang pagpapabuko ay isang mainam na paraan upang mapataas ang uri ng mgapananim. Ang halamang pinarami sa pamamagitan ng pagpapabuko ay matibay samga sakit at insekto. Mababa lang ang puno kaya, ito ay madaling abutin. Ligtas dinito sa bagyo o malakas na hangin. Sa pagpapabuko kailangan ang ilang kagamitan o kasangkapan tulad ng scion nanagtataglay ng buko, stock ng halaman, kutsilyong matalas, tape na pambalot atalkitran.SUBUKIN MO Sagutin ang sumusunod na bugtong. Pumili ng sagot sa mga salita at parirala saloob ng kahon. Isulat ang sagot sa sagutang papel:Pagmamarcot Sa pamamagitan ng sangaPagnanarseri PaghahalamanPagpapabuko Buko1. Punong kahoy pinanggalingan ko Maaaring prutas na kinain mo Kung malusog, magulang pinagmulan ko Pag itinamin, tutubo ako. Ano ako?2. Piling sanga ng punong kahoy Tagiliran at dulo may suloy Gawing pahilis ang pagputol Itanim sa lupa, at sisibol. Ano ako?3. Sa paraang ito’y nakatitiyak Sanga ng halamang magkakaugat Mananatiling buhay, namumulaklak Kung pangangalaga ay wasto at sapat. Ano ako?4. Pagpaparami ng bungangkahoy. Ito’y ligtas sa hangin, bagyo Matibay sa sakit, peste at insekto Mababa lang ang puno, maaabot mo Ano ako? 4
5. Pagpapalaki at pagpaparami ng halaman Maaaring gawin sa iba’t-ibang paraan Hanapbuhay ito, madaling pangasiwaan Lalo kung ang pamilya ay magtutulungan. Ano ako? TANDAAN MO May iba’t-ibang paraan ng pagpaparami ng halaman na dapat gawin sa wastongparaan. ISAPUSO MO Pagsikapang gawin nang wasto ang bawat Gawain. Pagsikaping isaulo ang pangungusap na ito at maaari mo itong gawing isa sa mgapanuntunan sa buhay. GAWIN MOA. Sa inyong bahay, ipunin ang mga buto ng mga prutas na kakainin. Ang mga naipong buto ay maaaring mong ipamahagi sa mga kapitbahay at mga kaibigan na nagnanais magtanim ng mga bungangkahoy. Maaari ka ring magtanim ng buto kung nais mo.B. Itala sa kuwadernong sagutan ang mga bungangkahoy na maaaring paramihin sa pamamagitan ng: 5
a. Buto b. Sanga c. Pagpapabuko 1. 1. 1. 2. 2. 2. 3. 3. 3. 4. 4. 4. 5. 5. 5.PAGTATAYA Punan ang patlang ng salita o mga salita upang mabuo ang diwa ng pangungusap.Pumili ng sagot sa kahon at isulat sa sagutang papel. Pagpapaugat matibay Buhay ibabad Buto pagpapabuko1. Karaniwan ang mga halaman ay pinararami sa pamamagitan ng ___________.2. Ang pagpaparami ng halaman sa pamamagitan ng _________ ay ginagawa upang mapataas ang uri ng pananim.3. Sa pamamaraang ito, makatitiyak na magkakaugat ang halaman. Habang ito’y pinauugat ang halaman ay mananatiling.______________4. Bago itanim ang ibang buto kailangan________ muna nang magdamag upang lumabot ito.5. Ang halamang pinararami sa pamamagitan ng pagpapabuko ay_________ sa sakit at insekto. Kung nasagutan mo nang buong husay ang bahaging pagtataya ng modyul, binabati kita! Maaari mo nang pag- aralan ang susunod na modyul. 6
GRADE VI ASEKSWAL/ARTIPISYAL NA PAGPAPARAMI NG HALAMAN ALAMIN MO Pagmasdan ang mga larawang ito: Bukod sa pagpaparami ng mga halaman sa pamamagitan ng sekswal na pamamaraan, ano-ano ang iba’t ibang pang pamamaraan ng pagpaparami ng mga halamang bungangkahoy? Alamin mo Ang asekswal/artipisyal na paraan ng pagpaparami ng halaman ay ginagamitan ng iba’t-ibang bahagi tulad ng dahon, sanga, at ugat na nahahati sa mga pangkat, ayon sa pagsasagawa nito. Sa modyul na ito, pag-aaralan mo ang mga salik sa pagpaparami ng halaman sa pamamaraang artipisyal o sekswal. 1
PAGBALIK-ARALAN MO Suriin natin ang iyong kaalaman sa Pagpaplano ng narseri a pamamagitan ngpagsagot sa sumusunod na bugtong. Pumili ng sagot sa kahon at isulat sa kuwaderno. 1. Mahirap Kitain Madaling Gastusin Matitipid mo, kung gugustuhin. 2. Ginto kung tawagin. Kapag maraming gawain. Paglipas nito, di mo pansin. 3. Carbohydrate w/ proteins Produkto ako Sa paggawa ng mga gawain Kailangan mo. 4. Mapapagaan trabaho mo Sa paggawa, katulong ako Mabibigat na gawain kakayanin Kung ako ay iyong gagamitin. 5. Pinatutubong pananim dito matatagpuan Bahagi ng halaman at buto ang pinagmulan Sa lugar na ito inaayos, inaalagaan Hanggang mailipat sa permanenteng tanimanNarseri kagamitanLakas peraOras 2
PAG-ARALAN MO Ang asekswal o artipisyal na pamamaraan ng pagpaparami ng bungangkahoy ayginagamitan ng iba’t-ibang bahagi ng halaman, upang makabuo ng panibagonghalaman. Basahin at pag-aralan ang apat na pamamaraan at ang mga hakbang sapagsasagawa nito.A. PAGPUPUTOL (CUTTING)- Isinasagawa ito sa pamamagitan ng isang bahagi ng halaman. Ang mga punongkahoy na pinararami sa pamamaraang ito ay sa pamamagitan ng ugat lamang. Ang mga ugat ay hinahati sa ilang piraso at itinatanim nang pahalang sa lupa at saka ililipat sa permanenteng taniman, kung may 33 sentimetro na ang taas. Ang rimas, langka at kakaw ay mga halimbawa ng mga bungangkahoy na pinaparami sa paraang pagpuputol sa pamamagitan ng ugat. 3
Karaniwang kinukuha ang putol sa mga pangalawang ugat ng halaman na pinaghati hati mula 1 hanggang 15 sentimetrong haba batay sa laki ng ugat. Tiyakin na may buko ang bawat putol upang lumago ang bagong halaman.B. PAGPAPAUGAT (MARCOTTING)-Ito ang pinakamadaling paraan ng pagpaparami ng halaman na kadalasang ginagawa sa panahon ng tag-ulan. Sa paraang ito ang magulang na sanga ay pinauugatan bago putulin at itanim bilang bagong halaman. Pinanatili itong mamasa masa upang madaling mag-ugat. MGA HAKBANG SA PAGPAPAUGAT “MARCOTTING” 1. Pumili ng magulang na sanga 2. Tanggalin ang balat sa palibot ng sanga na may habang apat hanggang anim na sentimetro. 3. Lagyan ng basing lupa o putik ang bahaging inalisan ng balat 4. Balutin ng plastic at lagyan ng tali. 4
C. PAGSUSUGPONG (GRAFTING)- Sa paraang ito, ang isang bagong halaman ay tumutubo sa pamamagitan ng pagdurugtong ng supang o scion o itaas na bahagi , at stock o ibabang bahagi. Meron dalawang uri ang pagsusugpong-grafting at budding. Grafting ang tawag kung gumagamit ng supang ng isang sanga na nakakabit o nakahiwalay sa magulang na halaman. Tinatawag namang budding kung ang supang na ginamit ay buko na may kasamang maliit na piraso ng kahoy. Isang pamamaraan ng grafting MGA HAKBANG SA PAGSUSUGPONG O “GRAFTING”1. Ilahad ang mga kagamitan2. Putulin ang gawing bahagi ng halaman na dudugtungan o ang tinatawag na “stock”3. Lagyan ng biyak na hugis “V” ang “stock” gamit ang matalim na bagay na kutsilyo o “budding knife”4. Ilagay o isugpong ang “scion” sa “stock”5. Talian ng plastic ang pinagsugpong na “stock” at scion.6. Lagyan ng supot na plastic ang “supang” o scion.” 5
Isang pamamaraan ng BuddingD. PAGSASARAYANG O LAYERAGE Ang paraang ito ay pagpaparami ng halaman sa pamamagitan ng pagpapaugat sa sanga habang nakakabit pa sa halaman. Sa pinakapayak na paraan ng pagpapaugat o simple layering, binabaluktot papalapit sa lupa ang mahabang sanga. Inaalisan ng balat ang palibot ng bahagi ng sanga na ilalapat sa lupa na may habang apat hanggang anim na sentimetro, pagkatapos ay tinatakpan ang bahagi ng sanga na nais paugatan. Hinahayaang nakalantad ang naiwang dulo ng sangang may dahon. Ito ang iba’t ibang paraan ng asekswal na pagpaparami ng halaman. 6
SUBUKIN MO Isulat sa iyong sagutang papel ang salitang tama kung ang isinasaad ngpangungusap ay tama at mali kung mali ang isinasaad ng pangungusap. ________ 1. Ang mga punongkahoy na pinararami sa pamamagitan ng pagpuputol (cutting) ay ginagamitan ng ugat lamang. ________ 2. Ang mangga at santol ay maaaring paramihin sa pamamagitan ng pagpuputol. ________ 3. Ang pagmamarkot ay pinakamadaling pamamaraan ng pagpaparami ng mga halamang bungangkahoy. ________ 4. Ang pagpapaugat ay maaaring gawin lamang kung panahon ng tag-araw. ________ 5. Ang bawat putol ng halaman ay kinakailangang mayroong buko upang lumago ang bawat halaman. ________ 6. Ang pagpapatubo sa pamamagitan ng grafting ay ginagamitan ng scion at stock. ________ 7. Sa pagsusugpong, mahalagang kunin ang halaman sa iisang pamilya lamang. ________ 8. “Simple layering” ang pinakapayak na paraan ng pagpapaugat ng halaman. ________ 9. Ang bungangkahoy mula sa budding ay matibay laban sa mga sakit at pesteng mapaminsala. ________ 10. Ang asekswal o artipisyal na pamamaraan ng pagpaparami ng halaman ay ginagamitan ng iba’t ibang bahagi ng halaman. 7
TANDAAN MO Ang asekswal na pagpaparami ng bungangkahoy ay nahahati ayon sa:pagpuputol, pagpapaugat, pagpapasarayang at paghuhugpong. Mahalagang isaalang-alang ang mga salik sa bawat pamamaraan upang magingmatagumpay at magkaroon ng mataas na uri ang iyong paghahalaman. ISAPUSO MO Maraming pakinabang ang dulot ng mga punongkahoy at bungangkahoy tulad ngpagbibigay ng lilim, sariwang hangin at iba pa. Kung kayat, mahalagang pangalagaannatin ang mga ito. GAWIN MOPumili ng isang uri ng pagpaparami ng halamang at gawin ito sa bahay.Gumawa din ng talaan kung paano mo ito ginawa.PAGTATAYAA. Kilalanin ang tinutukoy ng pangungusap. Buuin ang mga “JUMBLED WORDS” para sa iyong sagot. Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel.1. Ito ay pamamaraan ng pagpapatubo ng mga bungang kahoy sa pamamagitan ng paggamit ng iba’t-ibang bahagi ng katawan.L KSA S EW 8
2. Ang kakaw at langka ay halimbawa ng mga punongkahoy na pinatutubo sa pamamagitan ng: L O T U P U P G AP 3. Pinakamadaling asekswal na pamamaraan ng pagpapatubo ng mga bungangkahoy. TAGAU P P A P A G 4. Pamamaraan ng paparami ng bungangkahoy sa pamamagitan ng paggamit ng scion at stock. O PUH UHG A P G NG 5. Kapag ang supang na ginagamit ay buko na may kasamang maliit na piraso ng kahoy sa pagpaparami ng bungangkahoy, ito ay tinatawag na. GN F R A G T IB. Pagsunod-sunorin ang mga hakbang sa pagsusugpong o Grafting. Lagyan ng bilang 1-6 ang mga patlang. ____ Lagyan ng biniyak na hugiv “V” ang stock gamit ang matalim na kutsilyo o budding knife. ____ Lagyan ng supot na plastik ang supang o “scion.” ____ Ihanda ang mga kagamitan. ____ Ilagay o isgupong ang scion sa stock. ____ Putulin ang gawing bahagi ng halaman na dudugtungan o ang tinatawag na stock. ____ Talian ng plastik ang pinagsugpong na stock at scion.C. Anu-ano ang mga pamamaraan ng pagpaparami ng bungangkahoy? 1. 2. 3. 4. Kung nasagutan mo nang buong husay ang bahaging pagtataya ng modyul, binabati kita! Maaari mo nang pag- aralan ang susunod na modyul. 9
GRADE VI SEKSUWAL NA PAGPAPARAMI NG HALAMAN ALAMIN MO Ano ang karaniwang paraan ng pagpaparami ng mga halamang bungangkahoy at iba pang mga halaman? Sa modyul na ito, pag-aralan mo ang sekswal na pamamaraan ng pagpaparami ng halaman. PAGBALIK-ARALAN MO Pagbalik-aralan mo ang aralin kaugnay sa sekswal na pamamaraan na pagpaparami ng halaman. Sa iyong sagutang papel, isulat ang sagot na hinihingi ng sumusunod na tanong. A. Anu-ano ang asekswal na pamamaraan ng pagpaparami ng halaman? 1. 2. 3. 4. B. Magbigay ng 3 halimbawa ng bungangkahoy na maaaring paramihin sa pamamagitan ng pagpuputol. 5. 6. 1
C. Anu-ano ang mga salik na dapat isaalang-alang sa asekswal na pamamaraan ng pagpaparami ng bungangkahoy? 7. 8. 9. D. Ano ang tawag sa pagpaparami ng halaman sa pamamagitan ng iba’t-ibang bahagi nito? 10. PAG-ARALAN MOMahalaga ang mga salik na dapat isaalang-alang sa sekswal na pamamaraan ngpagpaparami ng halaman. Basahin at pag-aralan ang kuwento ni Danica sa kanyang karanasan sa lakbay-aralng klase nila sa agham. 2
Lakbay-Aral sa Narseri Isang araw ng Sabado, maagang gumising at gumayak si Danica, dahil araw ngkanilang lakbay-aral sa Los Bańos, Laguna. Masayang-masaya ang grupo habang nagbibiyahe. Kuwentuhan, tawanan atkantahan ang naririnig sa loob ng sasakyan. Si Danica naman, na nakaupo sa maybintana ng bus ay tahimik na nagmamasid sa mga halaman sa gilid ng daan. Iba’tibang halaman ang nakita niya. Mga punong kahoy, bungangkahoy, halamangnamumulaklak at marami pang iba. Nakakita din siya ng narseri. Alas diyes ng umaga nang sila ay dumating sa UP Los Bańos. Mabilis na bumabaang mga bata sa sasakyan. Narseri ang una nilang pinuntahan. Nagmasid sila sapaligid at napansin din nila ang mga bungangkahoy na pinanarseri sa iba’t ibangparaan. May pinatutubo sa pamamagitan ng pagpuputol, sa pamamagitan ngpagpapaugat, sa pamamagitan ng pagsusugpong, at sa pamamagitan ngpagpapasupling. Nakatawag-pansin kay Danica ang mga punongkahoy at mga bungangkahoy napinararami sa pamamagitan ng sekswal na pamamaraan o sa pamamagitan ng buto.Pinagmasdan niya ang mga ito at maraming katanungan ang pumasok sa isip niya,tulad ng: “Ano-ano ang mga salik na dapat tandaan sa pagpapatubo ng mga halamano bungangkahoy sa pamamagitan ng buto? Sa isang sulok ng narseri, malapit sa mga kahong punlaan, nakita niya sa isangpader na may nakasulat na ganito: MGA DAPAT TANDAAN SA PAGPAPARAMI NG HALAMAN SA PAMAMAGITAN NG BUTO 1. Alamin ang pinagmulan ng mga buto upang makatiyak na ito ay mataas na uri at puno. Kunin ito sa malusog at magulang na halaman upang lumaki at sumibol nang wasto. Upang makatiyak, maaaring kumuha o bumili ng Buto sa Kagawaran ng Agrikultura o sa Bureau of Plant Industry o dili kaya sa mga kilalang tao o pamilihan. 2. Ang buto ay may kakayahang tumubo. 3. Ang pananahimik ng buto (dormancy) ay dapat iwasan sa pamamagitan ng paggamit ng pre-germination treatment, tulad ng pagbababad ng mga buto nang magdamag bago ito itanim. 3
4. Dapat panatilihing mahalumigmig ang kapaligiran, mahangin at may tamang temperatura kapag sumibol na ang binhi hanggang sa ito’y ilipat sa taniman. Dapat ding puksain ang mga peste at kulisap sa pagkakataong ito. Isa-isang binasa ni Danica ang mga nakasulat. Naunawaan na niya kung bakitmalulusog at magaganda ang tubo ng mga punla ng mga bungangkahoy na pinararamisa pamamagitan ng buto. Patuloy na naglakbay ang grupo ni Danica. Pinuntahan nila ang magagandangtanawin sa loob ng UP Los Bańos, Laguna. Maghapon nilang naikot ang paaralan,kung kaya’t pagod ang mga bata nang sila ay umuwi. Naunawaan mo ba ang kuwento? Sagutin ang mga sumusunod na tanong. Isulatang sagot sa kuwadernong sagutan: 1. Saan nagpunta ang Science Class ni Danica? 2. Anong araw nang sila ay naglakbay-aral? 3. Ano-ano ang narinig sa loob ng sasakyan habang papunta sila sa Los Bańos? 4. Ano-ano ang mga natanaw ni Danica sa gilid ng daan habang siya ay nasa sasakyan? 5. Sa loob ng narseri, anu-ano ang nakatawag pansin kay Danica? SUBUKIN MO Piliin ang tamang salitang bubuo sa pangungusap. Pumili ng iyong sagot sa loobng panaklong at isulat ito sa sagutang papel. 1. Ang sekswal na pamamaraan ng pagpaparami ng halaman ay ginagamitan ng (sanga, dahon, buto, ugat). 2. Mahalagang alamin ang pinagmulan ng mga buto upang makatiyak na ito ay mataas na (buto, sanga, uri, temperatura). 3. Ang pananahimik ng buto ay tinatawag na (treatment, dormancy, germination, reproduction). 4. Dapat (alagaan, puksain, panatilihin, ingatan) ang mga peste at kulisap sa mga punla. 4
5. Kapag sumisibol na ang mga punla, dapat panatilihin ang tamang (sukat, laki, temperatura, hangin) 6. Ang mga butong gagamitin ay dapat tiyak ang (pinanggalingan, pagtubo, pagsasapamilihan, pagpaparami). 7. Sa pagtanim sa pamamagitan ng buto, dapat tiyakin na ito ay may kakayahang (anihin, tumubo, lumaki, paramihin). 8. Upang makatiyak sa uri ng mga butong itatanim, maaaring bumili o kumuha sa (ahensya ng pamahalaan, palengke, mga tao, pamilihang bayan). 9. Upang lumambot ang mga butong itatanim, kinakailangan (pakuluan, ibilad, ibalot, ibabad) nang magdamag bago itanim. 10. Alin sa mga halaman sa loob ng panaklong ang hindi pinatutubo sa pamamagitan ng buto? (abocado, mangga, atis, saging) TANDAAN MO May mga dapat malaman at tandaan sa pagpaparami ng halaman. Sa sekswal naparaan, dapat malaman ang mga katangian ng butong itatanim. Ang mga buto ay mayiba’t ibang uri, laki at sukat. May mga madaling sumibol at mayroon din namanmabagal ayon sa kanilang pisikal na katangian. ISAPUSO MO Mahilig kumain si Noel ng prutas na may buto. Pagkatapos niyang kumain, iniipon niya ito upang itanim. Ano ang magandang katangian ang ipinakikita ni Noel? Isapuso at ibahagi sa mga kamag-aral, kaibigan at sa mga kasambahay ang magandang gawi ni Noel. 5
GAWIN MO Mag-ipon ang iba’t ibang uri ng mga buto ng bungang kahoy at subukangmagpatubo ng ilan sa mga naipon mo. Isaalang-alang ang mga natutuhan sapagpapatubo o pagpupunla ng mga buto.PAGTATAYA Ang mga sumusunod na pangungusap ay mga gawain sa pagpaparami nghalaman. Sa iyong sagutang papel, pangkatin ang mga gawain ayon sa:Seksuwal Aseksuwal- Gumamit ng supang scion.- Paugatan ang magulang na sanga bago putulin.- Kumuha ng buto mula sa mga kilalang tao o pamilihan.- Hahatiin ang mga ugat ng ilang piraso at itatanim ng pahalang.- Ibabad ang buto nang magdamag.- Pagdugtungin ang scion at stock.- Itanim ang mga binhi sa kahon o kamang punlaan.- Balatan ang sanga paikot, nang may habang 4 hanggang 6 na sentimetro.- Putulin ang sanga nang makinis at takpan ng alkitras.- Ilipat ang mga punla kapag nasa hustong gulang na. Kung nasagutan mo nang buong husay ang bahaging pagtataya ng modyul, binabati kita! Maaari mo nang pag- aralan ang susunod na modyul. 6
GRADE VI PANGANGALAGA NG LUPA AT BUNGANGKAHOY ALAMIN MO Katulad din ng mga bagay at kagamitan, ang lupa at halaman ay mahalagang pangalagaan, upang lumaking malusog at mapakinabangan. Sa modyul na ito, pag-aralan mo ang pangangalaga sa lupa at mga halamang bungangkahoy. PAG-ARALAN MO Pagmasdan at pag-aralan ang larawang ito: Ang pagdidilig at pagbubungkal ay mga gawain sa paghahalaman upang makatiyak ng higit na kapakinabangan sa alagang pananim, sundin o gawin ang sumusunod na pamamaraan: 1
1. Diligin ang Tanim. Kailan dapat diligin ang mga pananim? Paano ito isinasagawa? Iba’t ibang halaman, iba’t-iba ang pangangailangan ng tubig. May mga halaman na nangangailangan ng araw-araw na pagdidilig at mayroon namang sapat na ang tatlong ulit sa isang linggo. Ang pagdidilig ay dapat ginagawa sa umaga at sa hapon lamang. Kung matindi ang sikat ng araw ay makakasama sa mga halaman.2. Bungkalin ang lupa. Kailan dapat bungkalin ang lupa? Ano ang naidudulot nito sa lupa at sa halaman? Anong kasangkapan ang ginagamit sa pagsasagawa nito? Ang pagbubungkal ng lupa ay kalimitan sa umaga o hapon. Gumamit ng angkop na kasangkapan sa pagbubungkal at gawin ito ng buong ingat upang hindi mapinsala ang mga ugat. Layon ang lalim ng pagbubungkal sa ilalim ng tubo ng mga halaman. Makatutulong ito upang makahinga ang mga ugat sa ilalim ng lupa at makasagap ng sariwang hangin.3. Bunutin at alisin ang mga ligaw na damo. Ano ang ligaw na damo? Bakit kailangang bunutin o alisin ang mga ligaw na damo? Paano ito isinasagawa? Ang mga ligaw na damo ay madaling makilala dahil kakaiba ito sa halamang nakatanim. Dapat itong bunutin at alisin upang hindi makuha ang sustansiyang 2
taglay ng lupa. Sa pag-alis ng mga ligaw na damo, kailangang gumamit ng dulos o palang tinidor upang madali itong mabunot at tiyakin na kasama ang mga ugat upang hindi na muling tumubo ang mga ito. Kapag dikit-dikit ang pagkakatanim ng mga halaman, mainam pa ring gamitin ang kamay sa pagbunot ng mga ligaw na damo. Ito ay dapat gawin nang madalas, upang ang mga ito ay hindi na dumami at lumaki. Sa malawakang taniman pagkaraniwan na ang paggamit ng herbicide. Kinakailangan lang ang wasto at maingat na pagsunod sa mga panuto sa etiketa upang maiwasang mapinsala ang halaman at ang taong gagamit nito.4. Lagyan ng Pataba ang Lupa Bakit kailangang maglagay ng pataba sa lupa? Ano-anong mga pataba ang maaaring ilagay sa lupa? Paano ito isinasagawa? Kailan inilalagay ang abono o pataba sa lupa? Ang lupang taniman ay dapat taglay ang mga sustansyang kailangan ng pananim. Kung hindi na sapat ang sustansya nito, dapat maglagay ng pataba o abono upang ang mga panamin o halamang nakatanim ay makuha ng sustansiya sa lupa. Maaaring gumamit ng mga komersiyal na pataba na nabibili sa mga tindahan sa anyong pulbos o butil-butil at inihahalo sa tubig na pandilig. 3
Ang paggamit ng compost ay higit na mabuti. Ito ay isang pataba na nagmumula sa mga bulok na bagay tulad ng tuyong damo, dahon, mga balat ng prutas at gulay; at mga dumi ng hayop. Ang paglalagay ng pataba o abono ay naayon sa: 1. Pangangailangan ng lupa 2. Kulang sa sustansiya ng lupa 3. Kakayahan ng lupang makapagbigay ng iba pang sustansya. Kung kailan naman ilalagay ang abono ay naaayon naman sa: 1. uri ng tanim 2. panahon 3. lupa Ang wastong paglalagay ng abono sa tamang panahon ay makatutulong sa pagtubo at paglaki ng inaaning bahaging tanim.5. Puksain ang mga peste at kulisap Paano pinupuksa ang mga peste at kulisap na sumisira sa mga pananim? Ano-ano ang ginagamit sa pagpuksa ng mga peste at kulisap? Ang mga gamot o insecticide ay ginagamit sa pagpuksa ng peste at kulisap na sumisira sa mga pananim. Ihahalo ito sa tubig bago ibomba o kaya’y nasa anyong gas na ini-spray nang tuwiran sa mga dahon ng halaman. 4
Ang paggamit ng insecticide ay nagbibigay ng madaling lunas ngunit itoay dapat gampanan ng isang taong may sapat na kaalaman sa mabuti at masamangepekto nito. Maaaring hindi lamang kulisap at peste ang malason kung hindi patina rin ang mga isda, ibon, mga alagang hayop at pati tao. Dapat isaalang-alangang mga tagubiling pangkalusugan at pangkaligtasan upang maiwasan anganumang sakuna. Ang mga bahaging may pinsala ay dapat alisin upang hindi ito kumalat paat tuluyang makahawa. Maglagay din ng bakod sa mga pananim, upang hindimasira ng mga mapaminsalang mga hayop na kumakain ng mga tanim. Ang kalusugan ng mga nagtatanim ay dapat ding pangalagaan.Makabubuting isaalang-alang ang mga sumusunod na tuntuning pangkalusugan atpangkaligtasan nang maiwasan ang anumang sakuna o aksidenteng maaaringmaganap. Ang mga sumusunod ay mga tuntuning pangkalusugan at pangkaligtasanupang maiwasan ang anumang sakuna o aksidente gayundin nang mapangalagaanang kalusugan ng mga nagtatanim. 1. Ang paggamit ng mga kasangkapang masisira o sira na, tulad ng mga kinakalawang at mapupurol ay dapat iwasan. 2. Mahalaga ang paggamit ng angkop na kasangkapan. 3. Dapat maglaan ng maayos na lalagyan o taguan para sa mga gamot pamuksa sa kulisap at iba pang peste. 4. Magtanong o sumangguni sa guro at iba pang ahensiya ng pamahalaan tungkol sa mga gagamiting pamuksa ng kulisap at iba pang peste na dumadapo sa halaman. 5. Habang nagbobomba ng mga pamatay-kulisap at peste, laging lagyan ng takip ang ilong at bibig. 6. Mahalagang gumamit ng sabon at maghugas na mabuti ng kamay pagkatapos gumawa sa halamanan. 5
Search
Read the Text Version
- 1
- 2
- 3
- 4
- 5
- 6
- 7
- 8
- 9
- 10
- 11
- 12
- 13
- 14
- 15
- 16
- 17
- 18
- 19
- 20
- 21
- 22
- 23
- 24
- 25
- 26
- 27
- 28
- 29
- 30
- 31
- 32
- 33
- 34
- 35
- 36
- 37
- 38
- 39
- 40
- 41
- 42
- 43
- 44
- 45
- 46
- 47
- 48
- 49
- 50
- 51
- 52
- 53
- 54
- 55
- 56
- 57
- 58
- 59
- 60
- 61
- 62
- 63
- 64
- 65
- 66
- 67
- 68
- 69
- 70
- 71
- 72
- 73
- 74
- 75
- 76
- 77
- 78
- 79
- 80
- 81
- 82
- 83
- 84
- 85
- 86
- 87
- 88
- 89
- 90
- 91
- 92
- 93
- 94
- 95
- 96
- 97
- 98
- 99
- 100
- 101
- 102
- 103
- 104
- 105
- 106
- 107
- 108
- 109
- 110
- 111
- 112
- 113
- 114
- 115
- 116
- 117
- 118
- 119
- 120
- 121
- 122
- 123
- 124
- 125
- 126
- 127
- 128
- 129
- 130
- 131
- 132
- 133
- 134
- 135
- 136
- 137
- 138
- 139
- 140
- 141
- 142
- 143
- 144
- 145
- 146
- 147
- 148
- 149
- 150
- 151
- 152
- 153
- 154
- 155
- 156
- 157
- 158
- 159
- 160
- 161
- 162
- 163
- 164
- 165
- 166
- 167
- 168
- 169
- 170
- 171
- 172
- 173
- 174
- 175
- 176
- 177
- 178
- 179
- 180
- 181
- 182
- 183
- 184
- 185
- 186
- 187
- 188
- 189
- 190
- 191
- 192
- 193
- 194
- 195
- 196
- 197
- 198
- 199
- 200
- 201
- 202
- 203
- 204
- 205
- 206
- 207
- 208
- 209
- 210
- 211
- 212
- 213
- 214
- 215
- 216
- 217
- 218
- 219
- 220
- 221
- 222
- 223
- 224
- 225
- 226
- 227
- 228
- 229
- 230
- 231
- 232
- 233
- 234
- 235
- 236
- 237
- 238
- 239
- 240
- 241
- 242
- 243
- 244
- 245
- 246
- 247
- 248
- 249
- 250
- 251
- 252
- 253
- 254
- 255
- 256
- 257
- 258
- 259
- 260
- 261
- 262
- 263
- 264
- 265
- 266
- 267
- 268
- 269
- 270
- 271
- 272
- 273
- 274
- 275
- 276
- 277
- 278
- 279
- 280
- 281
- 282
- 283
- 284
- 285
- 286
- 287
- 288
- 289
- 290
- 291
- 292
- 293
- 294
- 295
- 296
- 297
- 298
- 299
- 300
- 301
- 302
- 303
- 304
- 305
- 306
- 307
- 308
- 309
- 310
- 311
- 312
- 313
- 314
- 315
- 316
- 317
- 318
- 319
- 320
- 321
- 322
- 323
- 324
- 325
- 326
- 327
- 328
- 329
- 330
- 331
- 332
- 333
- 334
- 335
- 336
- 337
- 338
- 339
- 340
- 341
- 342
- 343
- 344
- 345
- 346
- 347
- 348
- 349
- 350
- 351
- 352
- 353
- 354
- 355
- 356
- 357
- 358
- 359
- 360
- 361
- 362
- 363
- 364
- 365
- 366
- 367
- 368
- 369
- 370
- 371
- 372
- 373
- 374
- 375
- 376
- 377
- 378
- 379
- 380