Important Announcement
PubHTML5 Scheduled Server Maintenance on (GMT) Sunday, June 26th, 2:00 am - 8:00 am.
PubHTML5 site will be inoperative during the times indicated!

Home Explore ARALING PANLIPUNAN 3 Part 1

ARALING PANLIPUNAN 3 Part 1

Published by Palawan BlogOn, 2015-10-12 04:28:15

Description: 3ARPA1-3

Search

Read the Text Version

Sanhi ng Pag-unlad at PagbagsakPag-unlad:  Pinalawak ang imperyo sa pamamagitan ng pagkakasundo ng mga Hindu at Muslim sa imperyo.Pagbagsak  Napabayaan ang pamahalaan sa panahon ni Aurangzeb (1695-1707), na nagtuon ng pansin sa pakikidigma sa pag-asang masasakop ng imperyo ang buong India.Ambag sa Kabihasnan  Istilong Mogul sa sining at arkitektura. Ito ay sining ng India na hinaluan ng impluwensya ng Persia.  Ang Taj Mahal na itinayo sa pagitan ng 1620-1648 ay itinuturing na isa sa pinakamagandang halimbawa ng arkitekturang Indian. Ipinatayo ito ni Shah Jahan para sa paborito niyang asawa na si Muntaj Mahal. Gawain 2: Pagpapalalim ng Kaalaman Gumawa ng Venn diagram na naghahambing sa heograpiyang pisikal ngdalawang bansa. Ano ang napansin mo?Mesopotamia India 29

Tandaan Mo! Kung titingnan nang masusi ang mapa ng India, mapapansin na tila dalawang tatsulok na pinagdikit sa baso ang hugis nito. Nakatutok ang maliit na tatsulok sa mga kabundukan ng hilagang Asya habang ang malaki naman ay sa karagatang India. Dahil sa laki ng India, binubuo ito ng apat na rehiyong heograpikal. Ang kapatagan sa India-Ganges, Talampas ng Deccan, mga kabundukan sa hilaga, at Baybaying Gilid. Ang mahalagang ambag ng sinaunang India sa daigdig ay ang relihiyong Hinduismo at Budismo, konsepto ng karma at reinkarnasyon, mga Veda at Upanishad na nagging mahalagang bahagi ng panitikan, mga epikong Ramayana at Mahabharata, sistemang decimal, mga pintang fresco, at arkitekturang Mogul at Persian gaya ng tanyag na Taj Mahal. Gawain 3: Paglalapat Maging dito sa Pilipinas ay maraming taga-India na namumuhay bilangmga mangangalakal. Sa iyong palagay, bakit mahusay sa negosyo ang mga Indian?Pangatwiranan mo. 30

ARALIN 4KABIHASNAN SA SINAUNANG TSINA Sa ating paligid, makikita ang mayabong na kabihasnang Tsino. May mganinuno rin tayong Tsino sapagkat nakarating dito ang mangangalakal na Tsino bago paman dumating ang mga Kastila. Paano ba yumabong ang kabihasnang Tsino?Tutuklasin mo iyan sa araling ito. Matapos ang Araling ito, inaasahan na ikaw ay: 1. Makapagbibigay ng mga aral mula sa pilosopiyang Tsino; 2. Makapagsusuri ng mga mahalagang ambag ng mga dinastiya sa sinaunang Tsina; at 3. Makapagpapaliwanag sa mga naging sanhi ng pagbagsak ng mga dinastiya sa sinaunang Tsina. Gawain 1: Pag-isipan Mo! Ipaliwanag ang isang mahalagang turo ni Confucius na maituturing na isang ginintuang panuntunan: “Huwag mong gawin sa iba ang ayaw mong gawin sa iyo.” _______________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________. 31

Ano ang ipinahihiwatig ng panuntunang iyan tungkol sa kabihasnan ngsinaunang Tsina? Iyan ay tutuklasin mo sa mga sumusunod na buod ng kasaysayan ngsinaunang Tsina.Kabihasnan sa Sinaunang Tsina Tinagurian ang Tsina na isa sa mga dakilang bansa dahil sa kanyangkabihasnan at nakasulat na kasaysayan sa loob ng apat na libong taon. Kilala angTsina sa katawagang “Natutulog na Higante” dahil sa matagal na panahong hindi nitopakikisalamuha sa ibang kultura at ang pagsasara ng lupain nito sa mga dayuhan.Diumano, nagkaroon ng xenophobia o pagkatakot sa mga dayuhan ang mga Tsinokaya ipininid nito ang kanyang mga pintuan sa mga dayuhan. Ano kaya ang sinasabi ngkanilang kasaysayan? Iisa-isahin sa sumusunod na buod ang pinagdaanang panahon at kabihasnan ngTsina. Ito ang panahon ng mga dinastiya. Mga Dinastiya sa Sinaunang Tsina Hsia (200 B.C. – 1600 o 1500 B.C.)  Ang dinastiyang itinatag ni Emperor Yu sa may lambak ng Huang Ho ang itinuturing na pinakauna sa kasaysayan ng Tsina. Nakabatay sa tradisyon ang mga tala tungkol sa dinastiyang ito. Pinamunuan ito ng mga paring-hari na pinaniniwalaang gumawa ng mga sikretong kalendaryo na ikinamangha ni Confucius noong panahon ng Han kung kaya’t binuhay niya ang paggawa at paggamit nito.  Wala pang mga ebidensyang nahukay ang mga arkeologo na nagpapatunay sa dinastiyang ito. Shang (1700-1200 B.C.)  Sila ang mga unang dayuhang permanenteng nanirahan sa Tsina. Nakasentro ang kanilang kabihasnan sa lambak ng Huang Ho. Nakabuo sila ng mataas na antas ng lipunan na pinamumunuan ng aristokrasya. 32

Kultura  Naniniwala ang mga Tsino noong panahong ito na taglay ng kanilang pinuno ang bisa ng “Utos ng Langit” na batayan ng kanilang pamumuno. Kapag nawala na ang bisa nito, babagsak ang pinuno at papalitan ng bago.  Pinaghalong animismo at pagsamba sa mga ninuno ang kanilang relihiyon. Kaugnay nito, naniniwala sila sa oracle bone reading o panghuhula sa pamamagitan ng pagbasa ng mga nakaukit sa buto ng hayop o bahay ng pagong.  Calligraphy o kaligrapo ang uri ng pagsulat na naitatag ngmga Shang. Pictogram o mga larawan ang kanilang gamit sa calligraphy na dikit-dikit ang pagkakasulat upang makabuo at maipakita ang ideya.  Gumamit ng elepante bilang sasakyang pandigma gayundin ng karwaheng hila ng kabayo.Ekonomiya  Pagsasaka ang pangunahing industriya ng mga Shang. Umani sila ng millet, palay, at barley. Sila ang maituturing na unang pangkat na natutong kontrolin ang pagbaba ng ilog Huang He sa pamamagitan ng sistemang irigasyon.  Nag-alaga dito na baka, baboy, manok, at aso.  Natutong mag-alaga ng uod bilang pagkukunan ng seda (silkworm) na tanging Tsina lamang ang marunong gumawa sa buong daigdig noong sinaunang panahon.  Marunong maghulma ng bronse upang gawing mga gamit.  May kasanayan sa paggawa ng mga alahas mula sa jade.  Ang mga artisanong Shan gang nagpasimula ng paggawa ng mga seramika gamit ang kaolin, isang uri ng maputing putik.Sanhi ng Pagbagsak  Naging masama at makasarili ang mga huling pinuno.  Nilusob ng mga Chou, mga barbaro mula sa lambak ng We sa kanlurang bahagi ng Tsina. 33

Ambag sa Kabihasnan  Paggamit ng tanso  Paggamit ng elepante at karwaheng hila ng kabayo bilang mga sasakyang pandigma  Sistemang irigasyon at pagkontrol sa tubig-baha  Nakaimbento ng kalendaryong lunar na sampung araw ang pinakamalaki – anim na tigsasampung araw ang bumubuo ng 360 araw sa loob ng isang taon. Chou (1122-256 B.C.)  Nagmula ang mga Chou sa kanlurang bahagi ng Tsina ngunit direktang namuno sa hilagang bahagi lamang nito, sa pangunguna ni Wu Wang, ang nagtatag nito. Ang silangang bahagi nito ay pinamumunuan ng ibang mga miyembro ng pamilya at pinagkakatiwalaang kasapi ng military. Naghari sa loob ng 900 taon, ito ang itinuturing na pinakamahaba at pinakadakilang dinastiya sa Tsina. Sa panahong ito naging matatag at permanente ang pamahalaan bilang isang institusyon.Pamahalaan  Pinamunuan ng emperador katulong ang limang ministro o mandarin: punong ministro (Mandarin of Heaven); ministro ng seremonya (Mandarin of Ceremonies); ministro ng digma (Mandarin of Summer); ministro ng krimen (Mandarin of Autumn); at ministro ng publikong paggawa (Mandarin of Winter).  Sa ilalim ng mandarin, ang iba pang opisyal ay pinili mula sa hanay ng mga iskolar na may kaalaman sa kasaysayan at relihiyon.  Ipinatupad ang sistemang civil service kung saan kailangang pumasa sa pagsusulit ang mga magiging opisyal at kawani ng pamahalaan. Sa pamamagitan nito, napahusay ng mga Chou ang pamamalakad ng pamahalaan.  Sa panahong ito, nagsimula ang pilosopiyang Legalism kung saan higit na pinahahalagahan ang estado at ang pinuno nito, taliwas sa mga turo ni Confucius at iba pang mga pantas. 34

Lipunan  Itinatag ang piyudalismo o ang sistemang sosyo-pulitiko at ekonomikong pamamahala na nakabatay sa pag-aari ng lupain. Pinamamahalaan ang mga lupaing piyudal ng mga warlord na nasa ilalim ng kapangyarihan ng emperador. Siya ang regular na bumibisita rito upang magbigay ng tributo.  Bawat estado ng dinastiya ay may libreng paaral at tinustusan ng mga aklat tungkol sa kasaysayan, panitikan, pilosopiya, agrikultura, at maging sa mahika.Kultura  Itinuturing ng Ginituang Panahon ng pilosopiyang Tsino ang Chou dahil sa pagsikat ng sumusunod na mga pantas. a. Confucius (551-479 B.C.) – nagpakilala sa daigdig ng Five Classics at Four Books. Ayon sa kanya, may anim na salik na dapat sundin ang tao sa pakikipag- ugnayan: kagandahang-asal, kabutihan, katapatan, pagkamakatarungan, pagkakawanggawa, at katalinuhan. Ilan sa kanyang mga ginintuang palaisipan ang sumusunod. 1. Huwag mong gawin sa iba ang ayaw mong gawin sa iyo ng ibang tao. 2. Kapag nakakita ka ng mabuting tao, tularan mo siya; kapag masamang tao, suriin mo ang iyong puso. 3. Ang taong nakagawa ng kamalian na hindi nagtatangkang iwasto ito ay makagagawa pang muli ng isa pang kamalian. b. Lao Tzu (604-517 B.C.) – nagpakilala ng Tao Te-ching kung saan nakasulat ang kanyang mga turo. May mga paliwanag ito ukol sa landas na dapat tahakin ng bawat tao tungo sa kabutihan. Ayon din sa kanya, makakamtan ng tao ang walang hanggang kaligayahan kung susundin niya ang “Daan Tungo sa Kabutihan” o “Way of Virtue”. Itinuro niya na kailangang maging matiyaga, mahinhin, at mababa ang loob ng tao. Ang kanyang mga ginituang aral ay ang sumusunod. 1. Lumagi ka sa hulihan at bago mo malaman, ikaw ay nasa unahan na. 2. Ang taong nasusupil ang iba ay matapang, subalit ang taong nasusupil ang sarili ay higit na matapang. 35

c. Mencius (372-289 B.C.) – may-akda ng Doctrine of Mean, naniniwalang may karapatan ang mga mamamayang gumamit ng dahas ngunit dapat sikaping manatili ang kapayapaan dahil walang mabuting ibubunga ang digmaan. Para sa kanya, ang tao ang pinakamahalagang salik ng bansa kaya tungkulin ng pamahalaan na paunlarin ang kanilang kabuhayan at kaisipan. Ayon sa kanya, ang taong hindi nagtataglay ng damdaming makatao ay walang karapatang manatili sa trono ng kapangyarihan. d. Mo Ti o Mo Tzu (480-390 B.C.) – nagtaguyod ng pandaigdigang pagmamahalan at pagtutulungan bilang mga prinsipyo ng isang maayos na lipunan. Tinawag na Mohism ang pilosopiyang kanyang itinaguyod.  May elemento ng pilosopiya, kasaysayan, at tula ang panitikan na yumabong noong panahong ito. Kinakatawan ito ng tatlong aklat: a. Book of Changes – isang manwal na nagsasaad na hindi nakasalalay sa mga diyos o kapalaran ang kinabukasan ng tao at kaluluwa kundi nasa sistema ng pagbabago sa mundo. b. Book of Documents – koleksyon ng mga makasaysayang dokumento mula sa mga talumpati ng mga hari at opisyal ng imperyo. Ipinakilala nito ang mga kaisipang pangkasaysayan at pulitikal na mga pinuno ng panahong ito. c. Book of Poetry o Book of Songs – koleksyon ng mga dalit at awit na naglalarawan ng mga hinagpis at tuwa sa araw-araw na buhay.Sanhi ng Pagbagsak  Pagpapagawa ng mga proyektong irigasyon kung saan kinakailangan ang maraming manggagawa. Dahil dito, nawalan ng bantay ang mga hangganan na nagpahina sa depensa nito, higit sa kanlurang bahagi kung saan nagmula ang pagsalakay ng mga barbaro.  Paglakas ng mga warlord ng imperyo. Inilipat ng mga Chou ang kanilang kabisera mula Xi’an sa Luoyang (Henan ngayon) sa may silangan.  Bagaman noong 771 B.C. tunay na nagwakas ang kapangyarihan ng Chou, nanatili sa pangalan ang pamamahala nito hanggang 256 B.C. 36

Ambag sa Kabihasnan  Mga pilosopiyang itinatag nina Confucius, Lao Tzu, Mencius, at Mo Ti.  Pagpapatupad ng sistemang civil service para sa pagpili ng mahuhusay na kawani ng pamahalaan. Qin o Ch’in (246-206 B.C.)  Sa huling mga taon ng dinastiyang Chou, isa si Prinsipe Cheng sa mga warlord na naghahari sa silangang bahagi ng imperyo. Noong 221 B.C., matapos na talunin ang mga kaaway nito, itinatag niya ang dinastiyang Ch’in o Qin. Naghari siya sa loob ng 15 taon at higit na kilala sa pangalang Shih Huang-ti o Shih Huang Ti. Ang kanyang dinastiya ang kauna-unahan sa kasaysayan ng Tsina na may matatag na pamahalaang sentral. Siya rin ang nagsimulang magpalawak ng teritoryong nasasakupan ng Tsina. Pinangalanan niyang Tsina ang kanyang kaharian, hango sa kanyang pangalang Ch’in.Pamahalaan  Itinatag niya ang kaharian batay sa prinsipyong legalismo, hindi sa mga nakagisnang kaugalian at katuruan.  Pinagtibay ang depensa ng dinastiya laban sa mga dayuhan sa pamamagiatn ng pagdurugtong sa pader na sinimulan ng mga nakaraang dinastiya. Tinawag na Great Wal of China ang depensang ito na nagpalawak sa teritoryo ng kaharian ni Shih Huang-ti.Lipunan at Kultura  Ipinasunog ni Shih Huang-ti ang mga aklat ng katuruang klasiko, lalo na ang mga aklat ni Confucius upang maipag-ibayo ang mga pagbabago ng kaharian.  Sinunog din ang lahat ng talaan ng nakaraan upang maalis sa isipan ng mga tao ang tungkol sa nakaraang pamahalaan. Subalit maraming iskolar ang nagtakas ng mga aklat at ibinaon upang mailigtas ang mga ito. Ipinasunog ni Shih ang 500 na iskolar nang malaman niyang tinangka ng mga ito na magtago ng mga klasikong aklat. Pinalayas naman ang ibang mga iskolar na tumuligsa sa pamahalaan o patuloy na nagtuturo tungkol sa mga klasiko. 37

 Sinimulan ang sistema ng scholarship, ang pagsasanay sa mga hihiranging gobernador at opisyal ng imperyo.  Ginawang simple ang sistema ng pagsulat upang mas maraming mamamayan ang matutong magbasa at magsulat.Ekonomiya  Binuwag ni Shih Huang-ti ang piyudalismo at isinalin sa kanyang kapangyarihan ang lahat ng lupain.  Binigyan niya ng trabaho ang mga tao at ipinatunaw ang lahat ng mga kagamitang pandigma at ginawang estatwa sa kanyang palasyo.  Pinagdugtong ang mga lalawigan ng kaharian sa pamamagitan ng pinahusay na sistema ng transportasyon.  Ipinatupad ang sistema ng salapi.  Ginawang simple ang sistema ng pagtitimbang at pagsusukat ng mga produkto upang mapadali ang paglikom ng buwis at ang pakikipagkalakalan.Sanhi ng Pagbagsak  Pagkawala ng mga iskolar na gumagabay sa pagpapatakbo ng pamahalaan.  Sa pagkamatay ni Shih Huang-ti noong 206 B.C., wala ng malakas na pinuno ang pumalit sa kanya na naging dahilan upang maagaw ng mga nagrerebeldeng mamamayan ang pamahalaan.Ambag sa Kabihasnan  Great Wall of China – may habang 2,200 kilometro, taas na 7 metro, at lapad na 6 metro. May tore ito sa bawat 9 metro. Bumabaybay ito mula hilagang silangan ng Hopei hanggang kanluran ng Kansu. Han (206-219 B.C.)  Ang mga Han ang sumunod na nagtatag ng dinastiya pagkatapos ng Ch’in. Naghari ito ng 400 taon. Si Wu Ti (140-87 B.C.) ang itinuturing na nagpalawak at nagpalakas sa kaharian.Pamahalaan  Pinamunuan ng emperador ang estado. Siya ang tagagawa ng mga batas, 38

tagapagpatupad nito, at tanging hukom sa buong kaharian. Isang pari naman ang kinikilalang makapangyarihan sa lahat ng mga ritwal na panrelihiyon.  Katulong ng emperador ang isang Gabinete na binubuo ng dalawang pangkat: a. Tatlong Duke – ang chancellor, kalihim ng imperyo o vice chancellor, at great commandant na namahala sa pamahalaang sibil at militar. b. Siyam na Ministro – higit na nakatalaga sa pagpapatupad ng mga batas.  Pagtataguyod ng agresibong patakarang panlabas na nagpahina sa mga Hun sa may hilagang hangganan ng imperyo.Lipunan at Kultura  Pinag-ibayo ang pagpapanumbalik sa mga klasikong kaalaman. Tinipon nito ang mga aklat na naitago at hindi nasunog ng Ch’in.  Sinimulang linangin ang edukasyon. Nagkaroon ng historyador at mga manunulat ang Tsina. Nagsimulang magtipon ng mga impormasyon tungkol sa kasaysayan ng Tsina si Pan-chao.  Sa panahong ito, ipinakilala ng mga Indian ang relihiyong Budismo sa Tsina.Sanhi ng Pagbagsak  Malawakang rebelyon noong 220 A.D. na nagpahina sa kaharian.Ambag sa Kabihasnan  Papel – naimbento noong 105 A.D.  Lexicon o diksyunaryo – nalathala dulot na rin ng pagkakaimbento ng papel. Sui (581-618 A.D.)Pamahalaan  Dahil sa magulong buhay-pulitika bunga ng pamumuno ng batang emperador sa trono ng dinastiyang Chou, iniluklok ni Yang Chien ang isang bata bilang puppet- emperador at pagkatapos inagaw niya ang trono. Siya ang muling nagbuklod sa Tsina sa pamamagitan ng Grand China.  Pinamahalaan ni Yang Chien ang buong hilagang Tsina. Itiinatag ang Ta-shing bilang bagong kabisera. Pinalakas niya ang depensa sa hilaga laban sa mga Turko sa pamamagitan ng pagpapaayos ng Great Wall. Nagtagumpay siya sa 39

muling pagkakaisa ng imperyo.  Pagpapatupad ng binagong kodigo, ang kodigong K’aihuang, na higit na payak kaysa mga batas ng hilagang Tsina.  Ang sentro na pamahalaan ay binubuo ng mga direktor, lupon, ministro, at hukuman.  Nagtatag ng sistemang hsiang sa lokal na pamahalaan na ang bawat isa ay binubuo ng 500 pamilya.Ambag sa Kabihasnan  Sistema ng pamamahala  K’aihuang Code – naging modelo ng Kodigo Tang, ang pinakamaimpluwensyang kalipunan ng mga batas sa ilang bansa sa silanganSanhi ng Pag-unlad at PagbagsakPag-unlad  Maayos na pamamahala ni Yang Chien at ibang pinuno  Pagsasaisa ng imperyoPagbagsak  Paghina ng militar dulot ng mga kampanya, pagbabanta ng mga Turko, rebelyon ng bawat rehiyon ng imperyo, at pagtatanghal sa sarili ng emperador ng bagong dinastiyang T’ang. T’ang (618-906 A.D.)  Itinuturing na panahon ng kasaganaan at malawakang kultural na pag-unlad ang 300 taong paghahari ng mag T’ang. Una itong pinamahalaan ng ama ni Li Shih- min. Noong 626, pinatalsik ni Shih-min sa trono ang kanyang ama at siya ang naghari rito. Kinilala siya bilang Emperador Tai Tsung. Sa panahon ni Ming Huang nakamit ng T’ang ang pinakamalawak na sakop nito.Pamahalaan  Isinanib ang mga prefecture sa mga lalawigan sa buong imperyo upang higit na mapaunlad, mapanatili, at mapadali ang pamamahala.  Pinasimulan ang tunay na sistema ng serbisyo sibil batay sa galing. Ang Chin- Shin ang pinakamataas na pagsusulit para sa nais makabilang sa pangkat ng 40

mga namumuno.  Batay pa rin sa katuruan ni Confucius ang pagsusulit sa serbisyo sibil.Ekonomiya  Ipinakilala ang isang uri ng palay na madaling itanim at anihin mula dalawa hanggang tatlong ulit bawat taon. Malaki rin ang naging ani ng tsaa at seda na iniluwas ng mga Tsino sa Asya at Europa.  Nakilala ang mga Sung sa paggawa ng makikinis at makikintab na porselana.  Umunlad sng sericulture o ang pag-aalaga ng uod sa paggawa ng telang seda.Sanhi ng Pagbagsak  Paglaki ng populasyon at pagsalakay ng mga Mongol mula sa hilaga.Ambag sa Kabihasnan  Mga naimbento sa panahon ng Sung: gunpowder, wheelbarrow, movable printing. Yuan (1280-1367 A.D.)  Mga dayuhan ang mga Mongol. Sila amg kauna-unahang dayuhan na naghari sa Tsina. Sinimulan ni Gengis Khan ang pagsalakay sa hilagang bahagi ng Tsina noong 1205 hanggang sa masakop niya ito noong 1227. Ito ang naging simula at pundasyon ng pinakamalaking imperyongnaitatag sa buong mundo. Si Kublai Khan, ang kanyang apo, ang nagpatuloy sa kanyang nasimulan hanggang sa masakopniya ang mga lupain ng mga Sung sa timog. Itinatag ni Kublai noong 1260 ang dinastiyang Yuan, na nangangahulugang “Unang Simula” at kinilala bilang Great Khan.  Malaki ang pagkakaiba ng mga Mongol sa mga Tsino. Iba ang kanilang kultura, wika, at mga kaugalian. Hindi nila inangkop ang kulturang Tsino bilang isang paraan ng pagkontrol sa mga ito.Pamahalaan  Hindi binago ang sistema at balangkas ng pamahalaan. Pinanatili ang anim na dibisyon sa ilalim ng anim na ministro, gayundin ang ehekutibo, militar, at administratibong sangay ng pamahalaan. Gayunpaman, pawang mga Mongol 41

ang itinalagang mga opisyal sa mga ito. Yaong mga mababang posisyon lamang ang ibinigay sa mga Tsino.  Iba ang mga batas ang kanilang sinunod kaysa mga batas na ipinatupad nila sa buong bansa.  Naging bukas ang mga Mongol sa pakikipag-ugnayan sa mga taga-Kanluran tulad ng mga mangangalakal na Europeo at mga misyonerong Kristiyano. Patunay nito ay ang pagdating at pananatili sa bansa ni Marco Polo at ang kanyang tiyo na si Maffeo Polo.Lipunan at Kultura  Hiwalay ang panahanan ng mga Mongol sa mga Tsino.  Inangkop at itinaguyod ang ideolohiyang Confucian sa buong imperyo.  Kilala bilang Ginintuang Panahon ng dulang Tsino.  Malaking pagbabago sa pagpipinta at naging aktibo sa Tibetan Buddhism.Ekonomiya  Ipinagpatuloy ang mga industriya ng agrikultura at kalakalan at inobasyon na sinimulan ng T’ang at Sung.  Malawakang paggamit ng papel na pera sa halip na ginto, pilak, at tanso.Sanhi ng Pagbagsak  Kawalan ng pondo dahil na rin sa lubhang magastos na digmaang kinasangkutan ni Kublai Khan.  Hindi nakalimutan ng mga Tsino na dayuhan ang mga Mongol. Noong 1368, pinangunahan ni Chu Yu-chang, isang mongheng Budista, ang isang pag-aalsa at pinatalsik ai Shun Ti, ang huling haring Mongol.Ambag sa Kabihasnan  Sa lawak ng sakop ng imperyo, naging madali ang pakikipagpalitan ng mga ideya at imbensyon sa pagitan ng Tsina, Europa, at ibang bahagi ng Asya. Ming (1368-1643 A.D.)  Si Chu Yu-chang ang nagtatag ng dinastiyang Ming at kinikilala bilang Emperador Hung Wu o Hung-wu. Matapos ang 74 taong pamamahala ng mga 42

dayuhan, ninais ni Hung Wu na ibalik sa tradisyong Tsino ang estado.Pamahalaan  Ibinatay sa tradisyong T’ang at Sung ang organisasyon ng pamahalaan.  Ibinalik at pinag-ibayo ang pagsusulit para sa serbisyo sibil sa pagpili ng mga opisyal ng pamahalaan. Nilimita lamang sa kaalaman tungkol sa ideolohiyang Confucian ang paksa sa pagsusulit.  Itinuring na kasalanan ang hindi pag-uulat agad ng mga opisyal tungkol sa mga kalamidad sa kanilang lugar. May karampatang kaparusahan ang paglabag na ito.Lipunan at Kultura  Hindi katuyad ng mga klasiko ang panitikang nasulat sa panahong ito. Ngunit ang mga nobelang nalathala ay tinangkilik ng mga ordianryong tao at ng mga iskolar.Ekonomiya  Pinaigting ang pakikipagkalakalan sa ibang bansa, tulad ng India, Arabia, at Aprica sa pamamagitan ng pagpapadala ng mga ekspedisyon.  Pinag-ibayo ang paggawa ng mga mamahalin at pinong porselana na naging pangunahing kalakal sa pandaigdigang kalakalan.Sanhi ng Pagbagsak  Pagtulong sa Korea laban sa pananalakay ng mga Hapones noong 1590. Isa ito sa mga dahilan ng paghina ng depensa ng dinastiya.  Ang kaguluhan at rebelyon sa loob ng imperyo ay nagpadali sa paglusob ng mga Manchu mula sa hilaga.  Itinatag ang mga tanggapan na nagbigay ng balanse sa pamamalakad ng pamahalaan. a. Imperial Secretariat – tagapagbuo ngmga patakaran ng imperyo b. Imperial Chancellor – tagasuri ng mga patakarang binuo ng Imperial Secretariat c. Department of State Affairs – tagapagpatupad ng mga patakarang sinang- ayunan ng una at ikalawang tanggapan d. Board of Censors – taga-ulat sa emperador ng mga taong hinihinalang taksil sa pamahalaan. Iniuulat din dito ang mga katiwalian ng mga emperador. 43

 May pakikipag-ugnayan sa Persia, Arabia, at iba pang bansa sa Kanlurang Asya, gayundin sa Timog-Silangang Asya tulad ng Annam (Vietnam ngayon).Lipunan at Kultura  Higit na pinasigla ang kaisipang iskolar dulot na rin ng pagkakaimbento ng imprenta.  Nalimbag ang unang aklat at diyaryo sa panahong itona nakapagpaibayo sa edukasyon at pagsusulit para sa serbisyo sibil. Nilinang din ang panitikan at sining.  Lumitaw si Li Po, Tu Fu, at iba pang dakilang manunula.  Nagkaroon din ng kalipunan ng mga batas.Sanhi ng Pagbagsak  Katulad ng mga salik ng pagbagsak ng dinastiyang Han.Ambag sa Kabihasnan  Unang imprenta na yari sa bloke ng kahoy. Nauna itong naimbento kaysa imprenta sa Europa. Sung (960-1278 A.D.)  Kaguluhan ang naghari sa Tsina matapos bumagsak ang dinastiyang T’ang. Walang malakas na pinuno ang pumalit sa trono kung kaya’t nailuklok ang limang magkakasunod na dinastiya na naghari sa Tsina sa loob ng kalahating dantaon. Sa kabila ng kaguluhan at kawalan ng kontrol sa pamahalaan ng limang dinastiya, nagpatuloy ang kulturang Tsino.  Nagwakas ang paghahari ng limang dinastiya noong 960 B.C. nang talunin ni K’uang-yin. Siya ang nagtatag ng dinastiyang Sung na muling nagbuklod sa buong Tsina. Kinilala siya sa kasaysayan bilang T’ai Tzu.Pamahalaan  Higit na sentralisado ang pamahalaan kaysa panahon ng T’ang.  Higit na may direktang kontrol sa pangungulekta ng buwis kung kaya’t malaki ang kita ng pamahalaan at hindi naging suliranin ang pondo para sa mga proyekto nito. 44

 Pinagtibay ang Chin-Shin o ang pagsusulit sa serbisyo sibil at ibinigay ito tuwing ikatlong taon.  Ibinatay ang pag-angat sa puwesto ng mga opisyal ng pamahalaan sa haba ng serbisyo, kagalingan, markang nakuha sa Chin-Shin, at nominasyon ng isang mataas na opisyal ng pamahalaan.  Mabisa ang sistema ng serbisyo sibil ng Sung. Nahikayat nito ang mag bata, mahusay, at matalinong mamamayan na manilbihan sa pamahalaan. Dahil dito, napaalis ang mga kawani ng militar at mga walang alam na nasa pamahalaan.Lipunan at Kultura  Higit na pinag-ibayo ang panitikan, sining, at edukasyon.  Naimbento ang gunpowder na ginamit sa paggawa ng mga paputok.  Naimbento rin ang movable printing na higit na nagpasigla sa panitikan, sining, at edukasyon.  Nagawa ang kalendaryo at kompas.  Umabot sa 10 milyon ang populasyon ng Tsina sa panahong ito. 45

Gawain 2: Pagpapalalim ng Kaalaman Ilagay sa talahanayan ang iba’t ibang dinastiyang Tsino at angkanilang naiambag sa sinaunang sibilisasyon.Mga Dinastiya Taon Mga Ambag sa Kabihasnan 46

Tandaan Mo! Malawak ang Tsina at tinagurian itong bansa ng mga ilog at kabundukan na siyang pangunahing dahilan ng pagkakaiba-iba ng mga Tsino. Sa ilog-lambak nito, lalo na ang makasaysayangHuang Ho sa hilaga at ang ilog Yangtze umusbong ang sinaunang kabihasnan ngmga Tsino.Umusbong ang pilosopiyang Tsino sa panahon ng Dinastiyang Chou. Pangunahingpantas na kinilala sina Confucius, Lao-Tze, Mencius, at Mo Tzu.Sa mga ambag ng sinaunang kabihasnang Tsino, nangunguna ang Great Wall ofChina, sistema ng irigasyon, serbisyo sibil, pilosopiyang Confucianism at Taoism,ang sistema ng sericulture at seda, agrikultura, literatura, at istruktura ngpamahalaang imperyo.Masasabi na pinakapundasyon ng sinaunang kabihasnan ang dinastiyang Shang atChou. Dito nalinang ang kultura ng mga Tsino. Sa Shang pinanday ang kanilangkaisipan. Nahubog ng Confucianismo at Taosimo ang katauhan ng mga Tsino.Tinangka itong burahin ng dinastiyang Ch’in subalit nag-ugat na ito nang malalim samga Tsino at walang sinumang makabubura nito sa kanilang pagkatao. Hindi namabibilang ang mga sumunod na dinastiya, subalit naging pamantayan nito angmga naunang dinastiya. 47

Gawain 3: PaglalapatIpaliwanag mo ang mga kasabihang ito mula sa mga pilosopong Tsino.Paano mo ito maiuugnay sa iyong pakikipagkapwa-tao?1. “Kapag nakakita ka ng mabuting tao, tularan mo siya; kapag masamang tao, suriinmo ang iyong puso.” -Confucius2. “Ang taong nasusupil ang iba ay matapang, subalit ang taong nasusupil ang sarili ayhigit na matapang.” -Lao Tzu MGA DAPAT TANDAAN SA MODYUL NA ITO Ngayong natapos mo na ang mga aralin sa modyul na ito, ano ang mahahalagang kaalaman na dapat mong tandaan? Ang mga sinaunang kabihasnan ang nagsilbing pundasyon ng kasalukuyang kabihasnan ng daigdig. Nasa Fertile Crescent o Mesopotamia ang mga pangunahing sinaunang kabihasnan. Binubuo ito ng mga Sumerian, Hittite, Hebreo, Phoenician, Babylonian, Persiano, Assyrian, at Chaldean. Pangunahing ambag ng Sumerian ang pagtatag ng mga lungsod-estado; mula sa mga Babylonian, ang kodigo ng mga batas; Bibliya at pagsamba sa isang Diyos o monotheism mula sa mga Hebreo; Zoroastrianismo mula sa mga Persiano; alpabeto mula sa mga Phoenician; at mula sa mga Chaldean, ang Hanging Garden. Unang naitatag ang kabihasnang ng India sa mga kambal na lungsod ng Mohenjo-Daro at Harappa na nasa lambak ng Ilog Indus. Nagsimula ang kabihasnan ng Ehipto sa lambak ng Ilog Nile na kung tawagin ay Nile Delta. Unang naitatag ang kabihasnan ng Tsina sa mga lambak ng Ilog Huang-ho o Yellow River at Ilog Yangtze. 48

PANGWAKAS NA PAGSUSULIT:Suriin at ibigay ang tamang kasagutan. Bilugan ang titik.1. Ang nagsimula ng Budismo. C. Taoism A. Buddha D. Shintoism B. Athesia2. Ang sumulat ng Encyclopedia sa Medisina. C. Charaka A. Khufu D. Buddha B. Hammurabi3. Ang dakilang guro ng Tsina. C. Tai Tsung A. Confucius D. Ming Huang B. Shih Huang-ti4. Ang emperor ng Tsina na nagpatayo ng Great Wall.A. Confucius C. Shih Huang-tiB. Wu Wang D. Lao Tzu5. Ang paraon ng Ehipto na nagpatayo ng Pyramid of Giza.A. Minos C. AshurbanipalB. Khufu D. Nebuchadnezzar6. Ang haring nagdala sa Chaldea sa rurok ng tagumpay.A. Ashurbanipal C. NebuchadnezzarB. Minos D. Charaka7. Ang kilala bilang traders of antiquity. C. Sumerian A. Babylonian D. Phoenician B. Assyrian 49

8. Sa mga sinaunang hari ng Babylonia, kilala si Hammurabi dahil sa:A. Kodigo ng mga Batas C. NihonjiB. Sampung Utos D. Old Testament9. Dahil sa malupit at mapanlupig ang mga Assyrian, tinagurian ang kanilangpunong-lungsod bilang:A. Salot ng mga bansa C. Salot ng mundoB. Salot ng mga lungsod D. Salot ng sangkatauhan10. Ang grupo ng taong pinaniniwalaang unang nanirahan sa India at nagtatag ngMohenjo-Daro at Harrapa.A. Dravidian C. ShiiteB. Lugar D. Hittite11. Ang tinaguriang kambal na ilog: C. Ilog-lambak A. Tigris at Euphrates D. Ilog Tigris B. Golpo ng Delta12. Ang tinaguriang lupain sa pagitan ng dalawang ilog:A. Babylonia C. ChaldeaB. Assyria D. Mesopotamia13. Ang ginamit bilang unang pamalit ng kalakal sa Sumeria.A. abaka C. kapeB. cacao D. buko14. Ang bansang luminang ng konsepto ng zodiac sign at horoscope.A. Sumeria C. HittiteB. Babylonia D. Chaldea 50

15. Ang ambag sa sibilisasyon ng Imperyong Gupta na gintong barya na inuukitanng tula at iba pang disenyo.A. Dinar C. DolyarB. Peso D. Decimal16. Unang dayuhang permanenteng nanirahan sa Tsina:A. Hsia C. ShangB. Chou D. Ch’in17. Ang dinastiyang itinatag ni Emperor Yu sa may lambak ng Huang Ho.A. Chou C. Ch’inB. Shang D. Hsia18. May akda ng Doctrine of the Mean, naniniwalang may karapatan ang mgamamamayang gumamit ng dahas ngunit dapat sikaping mapanatili angkapayapaan.A. Lao Tzu C. ConfuciusB. Mencius D. Mo Tzu19. Sino ang nagsimula ng pagsalakay sa hilagang bahagi ng Tsina noong 1205?A. Gengis Khan C. Lao TzuB. Huang Wu D. Kublai Khan20. Ang nagtatag ng Dinastiyang Yuan na nangangahulugang “Unang Simula”.A. Gengis Khan C. Lao TzuB. Huang Wu D. Kublai Khan 51

GABAY SA PAGWAWASTO: 11. A 16. A 12. B 17. CPANIMULANG PAGSUSULIT 13. C 18. A 1. A 6. A 14. D 19. C 2. B 7. A 15. C 20. D 3. C 8. D 4. D 9. D 5. B 10. D ARALIN 1: MGA UNANG KABIHASNAN SA MESOPOTAMIA GAWAIN 1: PAG-ISIPAN M I. Ang sagot ay batay sa iyong kaalaman. Ipatsek sa gurong tagapamatnubay ang iyong sagot. II. Ang mga unang kabihasnan ay malapit sa anyong-tubig (dagat o ilog). Mahalaga ang tubig sa kanila, maaaring ginagamit na sistema ng transportasyon at pinanggagalingan ng pang-araw-araw na pangangailangan.GAWAIN 2: PAGPAPALALIM NG KAALAMAN 1. Mesopotamia. Ito ay hugis kalahating buwan. 2. Tigris at Euphrates. Tinawag itong lambak ba ilog dahil nagsisimula ito nang nag-iisa ngunit pagdating sa ibaba ay maayos nang naghihiwalay ngunit muling nagtatagpo palabas ng Golpo ng Persia. 52

GAWAIN 3: PAGLALAPATTingnan sa sumusunod na talahanayan ang mga sagot na dapat ilagay sagulong.Kabihasnan Dahilan ng Pag-unlad Dahilan ng Pagbagsak1. Sumerian  Unibersyon  Madalas na labanan  Pagtatatag ng mga  Kawalan ng lungsod-estado pagkakaisa  Edukasyon2. Babylonian  Maayos na  Paglusob ng ibang pamamahala pangkat ng tao na  Pakikipagtulungan ng may mahuhusay na mga tao at opisyal sa armas pamahalaan  Kodigo ni Hammurabi3. Hittite  Pagkatuklas sa bakal  Pang-aabuso ng mga kamag-anak ng  Sistema ng pagbabatas hari  Pakikipag-alyansa sa Ehipto ng  Paglawak kapangyarihan ng4. Assyrian mga Griyego  Patuloy na pag- aalsa ng  Pagsalakay Chaldean, Medes, at Persian5. Chaldean  Mabuting pinuno  Pagpili ng matatalinong kabataan bilang 53

katulong sa pamamahalaARALIN 2: KABIHASNAN SA SINAUNANG EHIPTOGAWAIN 1: PAG-ISIPAN MO Ang Ilog Pasig noon ay pangunahing landas ng transportasyon kaya’t sentro rinng kalakalan. Ang mga ilog ay mahalaga sa pagyabong mga kabihasnan dahil sa tubigna dulot nito sa pagtaba ng lupain at pananim at pagdudulot ng transportasyon atmapagkukunan ng pagkain. Dahil sa Ilog Nile, nalinang ang kabihasnan sa Ehipto. Kung wala ang ilog,walang magdadala ng matabang lupang banlik sa mga lambak. Maaaring nagingbahagi ng disyerto Sahara ang bansa kung walang ilog dahil magiging tigang ang lupa.GAWAIN 2: PAGPAPALALIM NG KAALAMANKaharian Pinuno Mga Nagawa1. Lumang Kaharian a. Zoser  Step-pyramid – kauna-unahang piramide b. Khufu o Cheops sa Ehipto c. Unis  Great Pyramid of Giza  Nakatuklas sa Pyramid Texts o2. Gitnang Kaharian a. Amenemhet I hieroglyphics ang  Binuhay pakikipagkalakalan sa Syria at Palestina b. Amenemhet III  Nagpagawa ng a. Ahmose sistema ng irigasyon3. Bagong Kaharian  Nagtatag ng kauna- 54

unahang magaling na hukbong pandigmab. Thutmose II  Idinagdag sac. Hatshepsut imperyo ang Nubia, Syria,d. Thutmose III at Palestinae. Amenhotep IV o Ikhnatonf. Tutankhamen  Unang babaengg. Rameses II namuno sa daigdig  Nagpatayo ng magagarang templo at obelisk  Nagpasimula ng monoteismo  Ibinalik ang polyteismo  Ipinagtanggol ang imperyo laban sa Hittites; Nagtayo ng maraming monumento niyaGAWAIN 3: PAGLALAPAT 1. Pangunahing dahilan ng pagbagsak ng kaharian: pagsalakay ng mga mananakop at ang pag-aalsa ng mga tao sa kaharian. 2. Ang sagot ay sarili mong opinion. Ipatsek sa gurong tagapamahala ang sagot.ARALIN 3: KABIHASNAN SA SINAUNANG INDIAGAWAIN1: PAG-ISIPAN MO Ipakita ang iyong sagot sa gurong tagapamahala.GAWAIN 2: PAGPAPALALIM NG KAALAMAN 55

walang bundok may mahabang hanay ng bundok, talampas, at kipot lambak; may mga ilog na dumadaloy sa mas malaking anyong-tubigGAWAIN 3: PAGLALAPAT Mahuhusay ang mga taga-India sa matematika kaya magaling din sila sanegosyo. Sa kanila nanggaling ang decimal system, ang pi, simbolong zero, at bilang 1hanggang 9.ARALIN 4: KABIHASNAN SA SINAUNANG TSINAGAWAIN 1: PAG-ISIPAN MO Ipatsek sa gurong tagapamahala ang iyong sagot.GAWAIN 2: PAGPAPALALIM NG KAALAMANMga Dinastiya Taon Mga Ambag sa Kabihasnan1. Hsia 200-1600 BC Paggawa ng kalendaryo2. Shang 1700-1200 BC Calligraphy, tanso, elepante bilang transportasyon, sistemang irigasyon, at pag-imbento ng kalendaryong lunar 56

3. Chou 1122-256 BC Pilosopiyang Confucianism4. Han 206-219 BC at Taoism at pagtatayo ng5. Sui 581-618 AD6. T’ang 618-906 AD Great Wall of China7. Yuan 1280-1367 AD8. Ming 1368-1643 AD Pag-imbento ng papel at9. Sung 960-1278 AD leksikon o diksyunaryo K’aihuang Code Gunpowder, wheelbarrow, at movable printing Pakikipag-ugnayan sa Europa at Asya Unang imprenta na yari sa bloke ng kahoy Kalendaryo at kompasGAWAIN 3: PAGLALAPAT Ipatsek sa gurong tagapamahala ang iyong paliwanag sa dalawang kasabihan.Batay ito sa iyong sariling opinyon.PANGHULING PAGSUSULIT 11. A 1. A 12. D 2. C 13. B 3. A 14. D 4. C 15. A 5. B 16. C 6. C 17. D 7. D 18. B 8. A 19. A 9. B 20. D 10. B 57

(Effective Alternative Secondary Education) ARALING PANLIPUNAN III MODYUL 4ANG PAGSIBOL NG SIBILISASYONG GRIYEGO BUREAU OF SECONDARY EDUCATION Department of Education DepEd Complex, Meralco Avenue Pasig City 1

MODYUL 4 ANG PAGSIBOL NG SIBILISASYONG GRIYEGO Bagamat marami at natatangi ang mga sumilang na sibilisasyon sa Silangan,ang kauna-unahang sibilisasyon sa kanluran ay pinangunahan ng mga Griyego. Silaang naging tagapaghubog ng sibilisayong kanluranin. Mula sa kanila naipakilala angideya ng demokrasya sa daigdig. Ang naibahagi nila sa iba’t ibang larangan ngpamumuhay ay nagbigay daan sa paglago at pag-unlad ng sibilisasyong kanluranin. Saaraling ito, matutunghayan mo at mauunawaan ang pagsibol ng sibilisasyong Grigeyoat ang mga kontribusyon nito sa sibilisasyong kanluranin. May apat na araling inihanda para sa iyo sa modyul na ito: Aralin 1: Ang Sinaunang Sibilisasyong Aegean Aralin 2: Ang Pag-usbong ng Sibilisasyong Heleniko Aralin 3: Panahon ng mga Digmaan at Pagpapalawak ng Nasasakupan Aralin 4: Ang Pamumulaklak ng Sibilisasyong Helenistiko Pagkatapos mong mapag-aralan ang modyul, inaasahang magagawa mo ang mga sumusunod: 1. Mailalarawan ang heograpiya ng Gresya; 2. Maipaliliwanag kung paano nakaapekto ang heograpiya ng Gresya sa pagsibol ng sibilisayong Aegean; 3. Maibibigay ang pagkakaiba ng pamumuhay sa Athens at Sparta; 4. Matutukoy ang dahilan ng pag-usbong ng sibilisasyong Heleniko; 5. Masusuri ang naging dahilan ng mga digmaang naganap sa Gresya; 6. Makikilala ang mga taong nakatulong sa pamumulaklak ng sibilisasyong Helenistiko; at 7. Maiisa-isa ang mga kontribusyon ng Gresya sa iba’t ibang larangan ng ating pamumuhay. 2

PANIMULANG PAGSUSULIT:I. Panuto: Isulat ang titik ng tamang sagot.1. Ito ang naging sentro ng kulturang Helenistiko sa Ehipto. A. Alexandria B. Cairo C. Damanhur D. Nile Valley2. Isa ito sa pinakamagandang arkitekturang nagawa sa Gresya at kilala rin bilang Templo ni Athena. A. Acropolis B. Colosseum C. Olympic Stadium D. Parthenon3. Kinilala siya bilang “Ama ng Kasaysayan.” A. Herodotus B. Pericles C. Sophocles D. Thucydides4. Pinagsanib na kultura ng Gresya at Asya na naging bunga ng pananakop ni Alexander the Great. A. Macedonia B. Heleniko C. Helenistiko D. Persiano5. Dito isinilang si Alexander the Great. C. Persia A. Athens D. Sparta B. Macedonia 3

6. Ito ang digmaan sa pagitan ng Athens at Sparta na tumagal nang mahigit na 27 taon, at nagbunga ng malaking pagkawasak sa mga lungsod-estado ng Gresya. A. Digmaang Peloponnesian B. Digmaang Persians C. Digmaang Punic D. Digmaang Trojan7. Ang lungsod-estadong ito ang may pinakamalaking populasyon at siyang naging sentro ng demokrasya. A. Athens B. Crete C. Sparta D. Thebes8. Siya ay isang mamamayang Athenian na naatasang gumawa ng kauna-unahang batas na kasulatan para sa Athens. A. Draco B. Minos C. Pisastrus D. Minos9. Ito ang tawag sa mga lungsod-estado ng Gresya. A. Acropolis B. Metropolis C. Polis D. Stoa10. Sinaunang sibilisasyon sa Isla ng Crete na ipinangalan sa dakilang hari nila na si Minos. A. Aegean B. Ionian C. Minoan D. Mycenean 4

11. Ito ang tawag ng mga Griyego sa kanilang bansa. A. Aegean B. Hellas C. Metropolitan D. Polis12. Ang tawag sa Sibilisasyong Griyego ay A. Doric. B. Heleniko. C. Helenistiko. D. Ionic.13. Sila ang nakaimpluwensya sa mga sinaunang Griyego na gumamit ng barya o sinsilyo. A. Babylonians B. Lydians C. Phoenicians D. Sumerians14. Ito ang digmaan kung saan tinalo ng mga maliit na puwersang Athenian ang puwersa ng Persia. A. Digmaang Marathon B. Digmaang Persian C. Digmaang Thermopylae D. Digmaang Salamis15. Ito ang pamilihang bayan ng mga sinaunang Griyego. A. Agora B. Acropolis C. Polis D. Stoa 5

16. Sa panahon ng kanyang panunungkulan naging sentro ng kulturang Griyego ang Athens. A. Cleisthenes B. Draco C. Pisastratus D. Solon17. Dito naganap ang isa sa pinakadakilang digmaan sa karagatan sa pagitan ng mga Athenian at Persians. A. Dardanelles B. Hellespont C. Salamis D. Thermopylae18. Ang alyansang itinatag sa Delos upang tigilan ang ano mang banta ng panganib sa lungsod-estado. A. Delian League B. Dorian League C. Ionic League D. Peloponnesus League19. Sa panahon niya narating ng Athens ang kanyang ginintuang panahon. A. Cleisthenes B. Draco C. Pericles D. Pisastrasus20. Ang may-akda ng Iliad at Odyssey ay si A. Homer. B. Plato. C. Socrates. D. Sophocles. 6

ARALIN 1SINAUNANG SIBILISASYONG AEGEAN Tulad sa ibang mga tao, malaki ang naging impluwensya ng heograpiya ng Gresyasa naging uri ng pamumuhay ng mga Griyego. Anu-ano ang mga katangiang pisikal ngGresya na nagpaunlad sa sibilisasyong Gresya? Paano nagsimula ang iba’t ibangsibilisasyong bumuo ng matatag sa sibilisasyong Griyego? Sasagutin ng araling ito angmga katanungang iyan. Matapos ang araling ito, inaasahan na iyong: 1. Mailalarawan ang heograpiya ng sinaunang Gresya; 2. Matatalakay ang naging pag-unlad ng sibilisasyong Aegean; at 3. Mapaghahambing and sibilisasyong Minoansat Mycenaean. Gawain 1: Pag-isipan Mo! Pansinin ang larawang ito galing sa isang pelikula na marahil ay napanood mo.Ganito sa simula ang pamumuhay ng mga Griyego. Magtala ka ng tatlong obserbasyonsa kanilang sinaunang sibilisasyon mula sa larawang ito:(Troy the movie) 7

1. ____________________________________________________________________ ____________________________________________________________________2. ____________________________________________________________________ ____________________________________________________________________3. ____________________________________________________________________ ____________________________________________________________________ Heograpiya ng Sinaunang Gresya Naging sentro ng sinaunang Gresya ang mabundok na bahagi ng tangway ng Balkan sa timog at ilang mga pulo sa karagatan ng Aegean. Samantala, ang karagatan ng Mediterranean ang naging tagapag-ugnay ng Gresya sa iba pang panig ng mundo. Sa mundo ng mga sinaunang Griyego, ang karagatan ang pinakamainam na daanan sa paglalakbay. Dahil dito karamihan sa mga pamayanan nila ay matatagpuan 60 kilometro lamang mula sa baybay-dagat. 8

Ang lupain ng Gresya ay mabato at bulubundukin. Ito ang pangunahing nagingsagabal sa mabilis na daloy ng komunikasyon sa mga pamayanan. Naging mabagalang paglago ng mga kaisipan at teknolohiya. Subalit ito rin ang naging dahilan upangang bawat lungsod-estado ay magkaroon ng kani-kanilang natatanging katangian nanagpayaman sa kanilang kultura. Ang mga mainam na daungan na nakapaligid sa Gresya ay nagbigay daan samaunlad na kalakalang pandagat na naging dahilan ng kanilang maunlad nakabuhayan. Ito rin ang nagbigay daan upang magkaroon sila ng kaugnayan sa iba’tibang uri ng tao na nakatulong naman upang mapayaman nila ang kanilang kultura atmaibahagi ang kanilang mga naging tagumpay sa iba’t ibang larangan ng pamumuhaysa sandaigdigan.Ang mga Minoans Ayon sa mga arkeologo, ang kauna-unahang sibilisasyong Aegean ay nagsimulasa Crete mga 3100 BC o bago isilang si Kristo. Tinawag itong Sibilisasyong Minoanbatay sa pangalan ni Haring Minos, ang maalamat na haring sinasabing nagtatag nito.Kilala ang mga Minoan bilang mahuhusay gumamit ng metal at iba pang teknolohiya.Nakatira sila sa mga bahay na yari sa laryo (bricks) at may sistema sila ng pagsulat.Magagaling din silang mandaragat. Di nagtagal, kinilala ang Knossos bilang isang makapangyarihang lungsod atsinakop nito ang kabuuan ng Crete. Dito matatagpuan ang isang napakatayog napalasyo na nakatayo sa dalawang ektarya ng lupa at napapaligiran ng mga bahay nabato. Ang palasyo ay nasira ng sunud-sunod na sunog at iba pang mga natural nakalamidad. Paglipas ng ilan pang taon na tinatayang mula 1600 hanggang 1100 BC,narating ng Crete ang kanyang tugatog. Umunlad nang husto ang kabuhayan dito dulotna rin ng pakikipagkalakalan ng mga Minoan sa Gitnang Silangan at sa paligid ngAegean. Dumarami ang mga bayan at lungsod at ang Knossos ang nagingpinakamalaki. 9

Sa pamayanang Minoan ay may apat na pangkat ng tao: ang mga maharlika,mga mangangalakal, mga magsasaka, at ang mga alipin. Sila ay masayahing mga taoat mahiligin sa mga magagandang bagay at kagamitan. Maging sa palakasan ay dinagpahuli ang mga Minoans. Sila na siguro ang unang nakagawa ng arena sa buongdaigdig kung saan nagsasagawa ng mga labanan sa boksing. Ang sibilisasyong Minoans ay tumagal hanggang mga 1400 BC. Nagwakas itonang salakayin ang Knossos ng mga di nakikilalang mga mananalakay na sumiranagwasak ng buong pamayanan. Tulad ng inaasahan ang iba pang mga lungsod ngmga Minoan ay bumagsak at isa-isang nawala. Mga 1100 BC, ibang pangkat na naman ng mga mananalakay ang lumusob saCrete. Sila ay kinilala bilang mga Mycenaeans na nagmula sa Gitnang Gresya. Sapamamagitan nila, nagkaroon ng tuwinang ugnayan ang Crete sa sibilisasyongumusbong sa Gresya.Prinsipe ng Minoans 10

Ang mga Mycenaean Bago pa man salakayin at sakupin ng mga Mycenaean ang Crete, nasimulan nanilang paunlarin ang ilang pangunahing sibilisasyon sa Timog Gresya. Ang Mycenaea na matatagpuan 16 kilometro ang layo sa aplaya ng karagatangAegean ang naging sentro ng sibilisasyong Mycenaean. Ang mga lungsod dito aypinag-ugnay ng maayos na daanan at mga tulay. Napapaligiran ng makapal na paderang lungsod upang magsilbing pananggalang sa mga maaring lumusob dito. Pagdating ng 1400 BC, isa nang napakalakas na mandaragat ang mgaMycenaean at ito ay nalubos ng masakop at magupo nila ang Crete. Naiugnay nila angCrete sa lumalagong sibilisasyon sa Gresya. Maraming mga salitang Minoan angnaidagdag sa wikang Griyego. Ang sining ng mga Griyego ay naimpluwensyahan ngmga istilong Minoan. Ilan sa mga alamat ng Minoan ay naisama sa mga kwento atalamat ng mga Griyego. Bagamat walang naiwang mga nakasulat na kasaysayan, ang pagsasalin-salinng mga kwento ng mga hari at bayaning Mycenaean ay lumaganap. Di naglaon angmga kwentong ito ay nag-ugnay sa mga tao at sa mga diyos-diyosan. Ito angsinasabing naging batayan ng mitolohiyang Griyego. Sa bandang huli, di nailigtas ng mga pader na kanilang ginawa ang mgaMycenaean sa paglusob ng mga mananalakay. Noong 1100 BC isang pangkat ng taomula sa hilaga ang pumasok sa Gresya at iginupo ang mga Mycenaean. Sila aykinilalang mga Dorian. Samantala, isang pangkat naman ng tao na mayroon dinkaugnayan sa mga Mycenaean ang tumungo sa timog nga Gresya sa may lupain saAsya Manor sa may hangganan ng karagatang Aegean. Nagtatag sila ng kanilangpamayanan at tinawag itong Ionia. Nakilala sila bilang mga Ionian. Ang mga pangyayaring ito ay tinaguriang dark age o madilim na panahon natumagal din nang halos 300 taon. Naging palasak ang digmaan ng mga iba’t ibangkaharian. Nahinto ang kalakalan, pagsasaka, at iba pang gawaing pangkabuhayan.Maging ang paglago ng sining at pagsulat nang unti-unti ay naudlot din. 11

Gawain 2: Pagpapalalim ng Kaalaman Sa tulong ng Venn Diagram, paghambingin ang sibilisasyong Minoan atMycenaean. Isulat ang katangian ng bawat isa sa tamang bilog at ang pagkakatulad samagkasalikop na bahagi.Minoan Mycenaean Tandaan Mo! Isang mahalagang salik ang heograpiya sa sinaunang Gresya sa uri ng sibilisasyong sumibol dito. Naging mahalagang daanan ang karagatansa pananakop ng mga teritoryog Aegean at Mycenaean.Ang sibilisasyong Minoan na pinamumunuan ni Haring Minos ang pinakaunangsibilisasyong Aegean.Pagdating ng 1400 BC naging makapangyarihan ang mga Mycenaean sa paligid ngAegean at yumabong na ang mga sibilisasyong Mycaenean. Subalit dahil da patuloyna digmaan sa pagitan ng mga yumayabong na iba’t ibang sibilisasyon, tinawag angpanahong ito na dark age o madilim na panahon. 12

Gawain 3: Paglalapat Patunayan na malaki ang naging bahagi ng karagatan sa pag-usbong ng sibilisasyong Aegean. Bago mo ito gawin, pag-aralan mo muna angmapang naglalarawan sa Europa. Bilugan mo ang bahagi ng Gresya. Pagkatapos aymagbigay ka ng tatlong patunay at paliwanag sa bawat isa.Patunay 1: __________________________________________________________________________________________________________________________________Patunay 2: __________________________________________________________________________________________________________________________________Patunay 3:___________________________________________________________________________________________________________________________________ 13

ARALIN 2ANG PAG-USBONG NG SIBILISASYONG HELENIKO Mula sa labi ng madilim na panahon, unti-unting umusbong sa Ionia ang isangbagong sibilisasyon na mabilis ding lumaganap sa kabuuan ng Gresya. Ilangpamayanan sa baybayin ng Gresya na tinatawag ang kanilang sarili na Hellenes oGreeks ang nagkaroon ng malaking bahagi sa sibilisasyong ito. Kinilala ito sakasaysayan bilang sibilisasyong Heleniko mula sa kanilang tawag sa Gresya na Hellas.Ito ay tumagal mula 800 BC hanggang 400 BC at naging isa sa mga pinakadakilangsibilisasyong naganap sa kasaysayan ng daigdig. Ipauunawa sa iyo ng araling ito angpag-unlad ng sibilisasyong ito. Matapos ang araling ito, inaasahan na iyong:1. Matatalakay ang pangyayaring nagbigay-daan sa pag-usbong ng sibilisasyong Heleniko; at 2. Mapaghahambing ang naging uri ng pamumuhay sa Athens at Sparta . Gawain 1: Pag-isipan Mo! Alam mo ba kung saan nagmula ang mga salitang ito? Subukan mong piliin angtamang sagot mula sa kahon sa ibaba. Isulat lamang ang titik ng iyong sagot sa mgapatlang._________ 1. Agora _________ 4. Solon_________ 2. Acropolis _________ 5. Ostracism_________ 3. Metropolis _________ 6. Tyrants 14

a. Mataas na lungsod b. Mapang-abusong pinuno ng pamahalaan c. Pagtatakwil sa isang tao d. Lungsod-estado e. Tagapagbatas f. Pamilihang bayan Pagkatapos mong basahin ang teksto ng araling ito, ihambing mo ang iyong mgasagot sa itaas sa nilalaman ng aralin. Mapapansin mo na ang mga salitang agora,acropolis, metropolis, solon, ostracism at tyrants, ay pawing galing sa sibilisasyongHeleniko.Ang mga Polis Dahil sa mga digmaan bago pa ang panahong Heleniko, nagtayo ng mga kutaang mga Griyego sa mga lugar sa may gilid ng mga burol at sa mga taluktok ng bundokupang maprotektahan ang kanilang sarili sa pagsalakay ng iba’t ibang pangkat. Angmga pook na ito ay naging pamayanan. Dito nagsimula ang mga lungsod-estado opolis kung saan hango ang salitang may kinalaman sa pamayanan tulad ng pulisya,pulitika at pulitiko. May malalaki at maliliit na polis. Ang pinakahuwarang bilang na dapatbumuo ng isang 5000 na kalalakihan dahil noon ay sila lamang ang nailalagay saopisyal na talaan ng populasyon ng lungsod-estado. Karamihan sa mga polis ay maymga pamayanang matatagpuan sa matataas na lugar na tinawag na acropolis omataas na lungsod. Sa panahon ng digmaan, ito ang naging takbuhan ng mga Griyegopara sa kanilang proteksyon. Sa acropolis matatagpuan ang mga matatayog na palasyoat templo kung kaya’t ito ang naging sentro ng pulitika at relihiyon ng mga Griyego.Samantala, ang ibabang bahagi naman ay tinawag na agora o pamilihang bayan. Ito ay 15

napapaligiran ng mga pamilihan at iba pang mga gusali na nagbigay daan sa malayangbilihan at kalakalan Sa mga lungsod-estado, naramdaman ng mga Griyego na sila ay bahagi ngpamayanan. Ito ang dahilan kung bakit ipinagkaloob naman nila dito ang kanilangkatapatan at paglilingkod. Hindi lahat ng mga nasa lungsod-estado ay mamamayannito. Ang mga lehitimong mamamayan ay binigyang karapatang bumoto, magkaroon ngari-arian, humawak ng posisyon sa pamahalaan, at ipagtanggol ang sarili sa mga korte.Bilang kapalit, sila ay dapat na makilahok sa pamahalaan at tumulong sa pagtatanggolsa mga polis sa panahon ng digmaan. Ang lahat ng ito, dagdag pa ang paglago ngkalakalan, ay nagbigay daan sa pag-unlad ng mga lungsod-estado. Kasabay nito angmabilis na paglaki ng populasyon na naging pangunahing dahilan naman kung bakitnangibang lugar ang mga Griyego. Ang iba ay napadpad sa paligid ng mga karagatangMediterranean at Iton. Bagamat napunta sila at nanirahan sa malalayong lugar, dinawala ang kanilang ugnayan sa pinagmulang lungsod-estado o metropolis. Mula sa pakikipagkalakalan sa iba’t ibang panig ng daigdig, natutuhan ng mgaGriyego ang mga bagong ideya at teknik. Mula sa mga Phoenician ay nakuha nila angideya ng alpabeto na naging bahagi naman ng kanilang sariling alpabeto. Ginamit dinnila ang mga teknik ng mga Phoenician sa paggawa ng mas malalaki at mabibilis nabarko. Sa mga Sumerian naman ay namana nila ay ang sistema ng panukat. Mulanaman at sa mga Lydians ay natutuhan nila ang paggamit ng sinsilyo at barya sapakikipagkalakalan.Metropolis 16

Sparta, ang Pamayanan ng mga Mandirigma Ang polis o lungsod-estado ng Sparta ay itinatag ng mga Dorian saPeloponnesus na nasa timog na bahagi ng tangway ng Gresya. Sa lahat ng mgalungsod-estado, ang Sparta lamang ang hindi umasa sa kalakalan. Ito ay maymagandang klima, sapat na patubig at matabang lupa na angkop sa pagsasaka.Pinalawak ng mga Spartans ang kanilang lupain sa pamamagitan ng pananakop ngmga karatig na lupang sakahan at pangangangamkam nito. Ang mga magsasaka mulasa nasakop na mga lugar ay dinala nila sa Sparta upang maging mga helot o tagasakasa malawak nilang lupang sakahan. Samakatwid, naging alipin ng mga Spartans angmga helot. Maraming pagkakataon na nag-alsa laban sa mga Spartans ang mga helotngunit ni isa dito ay walang nagtagumpay. Dahilan sa palagiang pag-aalsa ng mgahelot, nagdesisyon ang mga Spartan na palakasin ang kanilang hukbong militar atmagtatag ng isang pamayanan ng mga mandirigma upang maging laging handa sakahit anong pag-aalsang gagawin ng mga helot. Ang naging pangunahing mithiin ng lungsod-estado ng Sparta ay magkaroon ngmga kalalakihan at kababaihang walang kinatatakutan at may malalakas napangangatawan. Ang mga bagong silang na sanggol ay sinusuri. Kapag nakitang ito’ymukhang mahina at sakitin ang isang sanggol ay dinadala ito sa paanan ng mgakabundukan at hinahayaang mamatay doon. Samantala, ang mga malulusog nasanggol ay hinahayaang lumaki at maglaro sa kani-kanilang bahay, hanggang sumapitang ika-7 taon nila. Pagsapit ng pitong taon, ang mga batang lalaki ay dinadala na samga kampo-militar upang sumailalim sa mahigpit na disiplina at sanayin sa serbisyomilitar. Malakas na pangangatawan, katatagan, kasanayan sa pakikipaglaban, atkatapatan ang ilan sa pangunahing layunin ng pagsasanay. Tinitiis nila ang mga sakit athirap nang walang reklamo. Pinapayagan lamang sila na makita ang kanilang pamilyasa panahon ng bakasyon. Sa gulang na dalawampu, ang mga kabataang lalaki aymagiging sundalong mamamayan at ipinapadala na sa mga hangganan ng labanan. Saedad na tatlumpu, sila ay inaasahang mag-aasawa na ngunit dapat na kumain atmanirahan pa rin sa kampo, kung saan hahati na sila sa gastos . Sa edad na animnapu,sila ay maaari nang magretiro sa hukbo. 17

Sa lipunan ng mga Spartan, ang lahat ay nakikiisa upang mapigilan ang mgapag-aalsa ng mga helot. Maging ang mga kababaihan ay sinasanay na magingmatatag. Di tulad ng mga kababaihang Griyego na limitado ang ginagampanan salipunan, ang mga kababaihang Spartan ay maraming tinatamasang karapatan. Sila angmga nag-aasikaso ng lupain ng kanilang mga asawa habang ang mga ito ay nasakampo militar. Nangunguna din sila sa mga palakasan at malayang nakikipaghalubilosa mga kaibigan ng kani-kanilang mga asawa habang masaya silang nanonood ng mgapalarong tulad ng pagbubuno o wrestling, boksing, at karera. Ang Sparta ang responsable sa pagkakaroon ng pinakamahusay nasandatahang lakas sa buong daigdig. Sa simula, labu-labo kung makipagdigma angmga Griyego. Oo nga’t sama-samang nagmamartsa sa lugar ng digmaan, ang mgasundalo ay isa-isang nakikipaglaban sa mga kaaway hanggang sila ay manghina atmamatay. Nang lumaon ang mga Griyego, lalo na ang mga Spartan, ay mas nagingmaparaan sa kanilang pakikipagdigma. Sa halip na lumusob ng isa-isa sa mga kalaban,sila ay nananatiling sama-sama sa pagkakatayo pasulong man o paurong sa labanan,hawak ang pananggalang sa kaliwang kamay at espada naman sa kanan. Ang hukbongito na tinaguriang phalanx ay karaniwang binubuo ng hanggang 16 na hanay ng mgamandirigma. Kapag namatay ang mga sundalo sa unang hanay, ito ay mabilis nasinasalitan ng mga susunod pang hanay. Ang phalanx ay hindi mga bayarangmandirigma, sila ay tagapagtanggol ng kanilang polis.Phalanx 18

Ang mahabang pagsasanay-militar, ang sistemang phalanx, ang hukbongsandatahan, at ang paggamit ng mga helmet ay nagbigay daan upang talunin ang mgaGriyego ang mga kalabang mandirigma na halos doble nila ang bilang. At ang mgaSpartan ang pinakamahusay sa kanilang lahat. Habang patuloy na namumuhay sa pakikipagdigma, ang mga Spartan ay nakilalabilang mga simpleng tao at walang hilig sa luho. Hindi humikayat ng sining at iba panggawaing pampagkatuto ang mga Spartan, kaya’t wala pagbabagong naipakilala nanakapagdulot ng pag-unlad sa kanilang lipunan. Habang naging mabilis ang pag-unladng ibang lungsod-estado, ang mga Sparta ay nanatiling agrikultural na lipunan nanakadepende sa aliping manggagawa at naging tagasunod sa paniniwalang pang-militar ng kanilang lungsod-estado.Ang Athens at ang Pag-unlad Nito Sa simula ng 600 BC, ang Athens ay isa lamang maliit na bayan sa gitnangtangway ng Gresya na tinatawag na Attica. Ang buong rehiyon ay hindi angkop sapagsasaka kaya karamihan sa mga mamamayan nito ay nagtrabaho sa mga minahan,gumawa ng mga ceramics, o naging mangangalakal o mandaragat. Hindi nanakop ngmga kolonya ang Athens. Sa halip, pinalawak nito ang kanilang teritoryo na nagingdahilan upang ang iba pang nayon sa Attica ay sumali sa kanilang pamamahala. Sa sinaunang kasaysayan, ang Athens ay pinamunuan ng mga tyrant na noonay nangangahulugang mga pinunong nagsusulong ng karapatan ng karaniwang tao atmaayos na pamahalaan. Bagamat karamihan sa kanila ay naging mabubuting pinuno,may mangilan-ngilan din na umabuso sa kanilang posisyon na nagbigay ng bagongkahulugan sa katawagang tyrant bilang malupit na pinuno sa ating panahon, sakasalukuyan. Sa simula, ang Athens ay pinamunuan ng hari na inihalal ng asembleya ngmamamayan at pinapayuhan ng mga mga konseho ng maharlika. Ang asembleya aybinubuo naman ng mayayaman na may malaking kapangyarihan. Ang mga pinuno nitoay tinawag na Archon na pinapaburan naman ang mga maykaya sa lipunan. 19

Di nagtagal, nagnais ng pagbabago ang mga artisano at mga mangangalakal.Upang mapigil ang lumalalang sitwasyon ng mga di nasisiyahang karaniwang tao,nagpagawa ang mga mayayamang tao o aristokrata ng nakasulat na batas kay Dracoisang tagapagbatas. Malupit ang mga batas ng Griyego at hindi ito binago ni Dracongunit kahit na paano ang kodigong ginawa niya ay nagbigay ng pagkakapantay-pantaysa lipunan at binawasan ng mga karapatan ang mga namumuno. Sa gitna ngpagbabagong ito nanatiling di kontento ang mga mamamayan ng Athens. MaramingAthenian ang nagpaalipin upang makabayad ng malaking pagkakautang. Marami rin sakanila ang nagnais ng mas malaking bahagi sa larangan ng pulitika. Athens Ang sumunod na pagbabago ay naganap noong 594 BC sa pangunguna niSolon na mula sa mga pangkat ng aristokrata na yumaman sa pamamagitan ngpakikipagkalakalan. Kilala din siya sa pagiging matalino at patas. Inalis niya ang mgapagkakautang ng mga mahihirap at ginawang ilegal ang pagkaalipin nang dahil sautang. Gumawa rin siya ng sistemang legal kung saan lahat ng malayang kalalakihangipinanganak mula sa mga magulang na Athenian ay maaring maging hurado sa mga 20

korte. Ang mga repormang pampulitika na ginawa ni Solon ay nagbigay ngkapangyarihan sa mga mahihirap at karaniwang tao. Nagsagawa rin siya ng mgarepormang pangkabuhayan upang maisulong ang dayuhang kalakalan at mapabuti angpamumuhay ng mga mahihirap. Nalutas ng repormang pangkabuhayan ang mga ilangpangunahing suliranin ng Athens at napaunlad ang kabuhayan nito. Sa gitna ngmalawakang repormang ginawa ni solon, di nasiyahan ang mga aristokrata. Para sakanila, labis na pinaburan ni Solon ang mga mahihirap. Sa kasalukuyan, ginagamit angsalitang Solon bilang tawag sa mga kinatawan ng pambansang pamahalaan na umuugitng batas. Noong mga 546 BC, isang pulitikong nagngangalang Pisistratus, ang namunosa pamahalaan ng Athens. Bagamat mayaman siya, nakuha niya ang suporta atpagtitiwala ng mga karaniwang tao. Mas radikal ang mga pagbabagong ipinatupad niyatulad ng pamamahagi ng malalaking lupang sakahan sa mga walang lupang mgamagsasaka. Nagbigay siya ng pautang at nagbukas ng malawakang trabaho sa mgamalalaking proyektong pampubliko. Pinagbuti niya ang sistema ng patubig sa lungsodng Athens, at nagpatayo ng magagandang templo. Ipinakita rin niya ang kanyanginteres sa sining at kultura sa pamamagitan ng pagbibigay suporta sa mga pintor at samga nangunguna sa drama. Ang pagsusulong niya sa sining ang nagbigay-daan upangtanghalin ang Athens na sentro ng kulturang Griyego. 21


Like this book? You can publish your book online for free in a few minutes!
Create your own flipbook