MGA DAPAT TANDAAN SA MODYUL NA ITO Ngayong natapos mo na ang mga aralin sa modyul na ito, ano angmahahalagang kaalaman na dapat mong tandaan? Ang mga mangangalakal sa gawing Mediterranean ay patuloy na nakipagkalakalan sa mga taga-silangan. Nagkaroon ng dalawang ruta o daan ng kalakalan patungong silangan. Ang pinakamadaling paglalakbay ay mula sa Tsina patungong Golpo ng Persiya na humahantong sa Ilog Tigris sa Mesopotamia. Ang isa pang ruta ay ang rutang karaban patungong Constantinople. Ang paglalakbay-dagat ay inaabot ng dalawang taon at lalong higit na matagal ang paglalakbay sa karaban. Sa simula, ang mga bayan-bayanan ay kontrolado ng mga mamamayanng panginoon o panginoong piyudal. Itinuring na pagmamay-ari ng panginoong may- lupa ang mga mamamayan pati na ang mga mangangalakal at manggagawa. Nang lumaon ang mga ito ay humingi na ng kalayaan at mga karapatan. Ang mga kaharian ay kadalasang naitatayo sa isang lugar na angkop para maging tirahan ng maraming tao at magkaroon ng pakikipamuhay at interaksiyon. Maaaring isang lugar na may tulay upang matawid ang isang ilog at daanan ng kalakalan. Maaari rin namang sa tabi ng dagat kung saan may daungan ng mga sasakyang- dagat na pangkalakal. Kadalasan, ang pamayanan ay nabubuo sa tabi ng palasyo o kastilyo upang karakara silang mabigyan ng proteksiyon ng hari. Maraming salik ang itinuturing na dahilan kung bakit nawala ang kapangyarihan ng panginoong may-lupa at nalipat ito sa mga hari. Kabilang sa mga dahilang ito ay ang paggamit ng salapi upang mabili ang kalayaan, ang epektong idinulot ng krusada, at ang pagkakaroon ng isang wika na nakatulong upang mapalapit sa isa't isa ang mga mamamayan at magtiwala sa kanilang hari. 21
PANGHULING PAGSUSULIT:I. Panuto: Bilugan ang titik ng tamang sagot.1. Ang mga sumusunod ay ginampanan ng mga bayan at lungsod maliban sa isa? A. Nagsilbing sentro ng mga kaharian at naging mahalaga ang papel nito sa kaunlaran ng lipunan. B. Naging tagpuan ng mga pisante na tumakas sa kanilang amo sa bukid. C. Naging lunduyan ng mga naghaharing uri. D. Lahat ng nabanggit.2. Naging bagsakan ng mga iba’t ibang produkto tulad ng seda, mga balat ng hayop,kahoy at amber sa Panahong Midyibal:A. Baybabaying Dagat C. KapataganB. Lambak at Ilog D. Lahat ng nabanggit3. Ang mga bata sa gulang na 7 lamang ay pumapasok na bilangA. Apprentice C. MasterCraftsmenB. Journeymen D. Merchant Guilder4. Ang ligang Hanseatic ay binuo ng __ lungsod mula sa Rusya hanggang BritanyaA. 70 C. 47B. 57 D. 275. Ang isang ___ ay haharap sa grupo ng mga maestro na siyang huhusga sakanyang kakyahan.A. Apprentice C. Master CraftsmenB. Journeymen D. Merchant Guilder6. Pangyayaring nagbigay-daan sa pag-unlad ng mga bayan at lungsod:A. Krusada C. Sistemang piyudalismoB. Digmaang sibil D. Pagbagsak ng monarkiya 22
7. Isang sitwasyon na kung saan nagkaroon ang mga mamumuhunan atpamahalaan ng isang kasunduan na magpapautang ng pera ang mgamamumuhunan samantalang ang pamahalaan ay magbibigay ng mga barko, taoat sandatahang lakas upang maprotektahan ang manlalakbay sapakikipagkalakalan sa Silangan:A. Merkantilismo C. ImperyalismoB. Kolonyalismo D. Kapitalismo8. Sa sistemang Merkantilismo, nakabatay ang kapangyarihan at kayamanan ngbansa sa:A. Sandatahang lakas C. Malawak na LupainB. Ginto at Pilak D. Lahat ng nabanggit9. Monarkiyang tumulong sa ekspedisyon ni Columbus sa Bagong Daigdig:A. Portugal C. EspanyaB. Italya D. Pransya10. Alin sa mga sumusunod ang hindi nagbigay-daan sa pag-unlad ng monarkiyang nasyonal? A. Pagkakataon ng mga mangangalakal na bumili ng kalayaan sa kanilang Panginoong Maylupa. B. Paggamit ng baril bilang sandatang pang-depensa. C. Pagkakaroon ng isang wika. D. Lahat ng nabanggit.11. Ang mga bansang kanluraning sumunod sa sistemang merkantilismo: A. Maraming nailuwas kaysa inangkat na kalakal. B. Maraming inangkat kaysa nailuwas na kalakal. C. Maraming inangkat kaysa iniluwas. D. Lahat ng nabanggit. 23
12. Saang kipot nakipagpalitan ng mga kalakal ang mga Tsino sa mga manganglakalmula sa India na may dalang rekado?A. Malacca C. AdriaticB. Malaya D. Lahat ng nabanggit13. Ano ang naging Sentro ng mga bayan sa Panahong Midyibal?A. Manor C. PamilihanB. Taniman D. Kaharian14. Ano ang karaniwang ayos ng tindahan sa mga bayan at lungsod sa Panahon ng Midyibal? A. Ang tindahan ay nasa silong ng bahay ng manggagawa. B. Ang tindahan ay nasa paligid ng kalsada. C. Bukas ang tindahan sa loob ng buong araw. D. Wala sa nabanggit.15. Itinaguyod ng mga bayan ang mga sining ng pagpipinta, iskultura at arkitektura,Sumulpot ang mga uri ng arkitektura maliban sa:A. Byzantine C. GothicB. Romanesque D. Saracenic16. Sa pag-unlad ng bayan at lungsod, napabantog ang mga pamantasang midyibal maliban sa: A. Pamantasan ng Paris. B. Pamantasan ng Salem sa Italya. C. Pamantasan ng Bologna sa Italya. D. Pamantasan ng London sa Ingglatera.17. Ano ang pinaniniwalaang bilang ng mga mamamayang bumubuo sa Bayang Midyibal? 24
A. 2,000 – 5,000 C. 10,000 – 15,000B. 5,000 – 10,000 D. 15,000 – 20,00018. Maraming paglilingkod na ibinibigay ang mga guild sa mga kasapi nito. llan sa mga sumusunod ang hindi kabilang dito: A. pagtatakda ng pamantayan ng mga produkto. B. Pagbibigay ng proteksyon ng samahan sa mga kasapi nito laban sa mga taga-labas. C. Kontrolado ng mga samahan ang kompetisyon. D. Wala sa nabanggit.19. Ang pag-unlad ng mga bayan at lungsod ay nagbigay-daan sa isang bagongpilosopiya na tinawag naA. Scholasticism C. DemocracyB. Sarasenic D. Militarialistic 25
GABAY SA PAGWAWASTO: 11. C PAUNANG PAGSUSULIT 12. B 1. A 13. A 2. A 14. B 3. B 15. B 4. D 16. D 5. A 17. A 6. B 18. A 7. A 19. D 8. A 20. D 9. C 10. C 11. D 12. APANGHULING PAGSUSULIT 13. A 1. D 14. C 2. A 15. A 3. A 16. D 4. A 17. D 5. B 18. B 6. B 19. D 7. A 8. B 9. C 10. C 26
(Effective Alternative Secondary Education) ARALING PANLIPUNAN III MODYUL 11ANG RENAISSANCE (MULING PAGSILANG) BUREAU OF SECONDARY EDUCATION Department of Education DepEd Complex, Meralco Avenue Pasig City 1
MODYUL 11 ANG RENAISSANCE (MULING PAGSILANG) Ang muling pagsilang ng karunungan sa loob ng tatlong siglo makalipas,matapos ang Panahong Midyibal sa Europeo, nagsimula ang maraming pagbabagongpanlipunan, pampulitika at higit sa lahat sa mga bagong kaisipang pinalaganap ng mgapilosopo at siyentista mula ika-14 hanggang ika- 16 na dantaon. Mapupukaw ang iyong kaalaman sa modyul na ito kung paano namulat ang taosa katotohanang mahalaga ang pagkatao at sa mahalagang nagagawa nila. Binigyandiin at inimulat ng Renasimyento kung paano sinikap ng tao na linangin ang kanyangmga potensyal sa paggamit ng pag-iisip, pangangatwiran at pag-eeksperimento na siyanaming nagsulong sa pag-unlad ng kilusang intelektual at humanistikong pag-aaral. Samodyul na ito, mababatid mo kung ano nga ba ang tinatawag nating Renaissance, mgasalik na nagbigay-daan sa sa kilusang ito, ang paglaganap ng humanismo at higit salahat ang kahalagahan nito sa kasaysayan. May apat aralin sa modyul na ito: Aralin1: Kahulugan ng Renaissance Aralin 2: Mga Salik sa Pagsibol ng Renaissance sa Italya Aralin 3: Paglaganap ng Humanismong Renaissance Aralin 4: Kontribusyon at Epekto ng Renaissance Pagkatapos mong mapag-aralan ang modyul, inaasahang magagawa mo ang mgasumusunod: 1. Mabibigyang kahulugan ang konseptong Renaissance; 2. Masusuri ang mga salik na nagbigay - daan sa Panahong Renaissance; 3. Mahihinuha ang mahalagang ginampanan ng Humanismo sa Panahon ng Renaissance; at 4. Mapahalagahan ang mga kontribusyon ng Renaissance sa daigdig 2
Handa ka na ba? Subukan mong sagutin ang mga sumusunod na tanong.Huwag kang mangamba sa pagsagot. May mga tulong sa pag-aaral na inihanda parasa iyo.PANIMULANG PAGSUSULIT:Panuto: Bilugan ang titik ng tamang sagot:1. Rene Descartes: Discourse on Method; Isaac Newton: _______ a. Advancement of Knowledge b. Mikrospoyo c. Prinsipyo ng Grabitasyon d. Pag-inog ng planeta2. Ang bayang sinilangan ng Renaissance? c. Switzerland a. Germany d. Italy b. Spain3. Ang muling pagsilang ng kaalaman sa Europaa. Humanismo c. Manorb. Renaissance d. Feudalismo4. Ang kilusan na kumikilala sa kahalagahan ng tao.a. Krusada c. Guildb. Humanismo d. Espesyalisyason5. Prinsipe ng mga Humanista. c. Thomas More a. Petrarch d. Machiavelli b. Erasmus b. Johannes Guttenberg6. May akda ng The Prince. a. Thomas More 3
c. Erasmus d. Machiavelli7. Sumulat ng Utopia. c. Machiavelli a. Thomas More d. Petrach b. Johannes Guttenberg8. Makata ng mga makata at Romeo at Juliet.a. Raphael Santi c. Miguel de Cervantesb. William Shakespeare d. Leonardo da Vinci9. The Last Supper at Mona Lisa. c. Raphael Santi a. Leonardo da Vinci d. Titian b. Michaelangelo10. Sistine Chapel sa Vatican. c. Raphael Santi a. Michaelangelo d. Titian b. Leonardo da Vinci11. Don Quixote de la Mancha. c. Thomas More a. William Shakespeare d. Miguel de Cervantes b. Leonardo da Vinci12. Araw ang sentro ng Sansinukob. c. Johannes Kepler a. Sir Isaac Newton d. Nicolas Copernicus b. Galileo Galilei13. Teleskopyo. c. Galileo Galilei a. Johannes Kepler d. Sir Isaac Newton b. Nicolas Copernicus14. Ang kulturang klasikal ay tumutukoy sa kulturang 4
a. Tsino c. Indo-Europeob. Griyego- Romano d. Americano15. Ang bansa sa Europa na hugis bota at napapaligiran ng Dagat Adriatico atMediterranean.a. Spain c. Italyb. Rome d. Portugal16. Ama ng Humanismo c. Thomas More a. Petrarch d. Machiavelli b. Erasmus17. Pambansang sigla sa pag-aaral ng mga kaalamang klasikal.a. Dark Age c. Humanismob. Renaissance d. Golden Age18. Boccaccio: Decameron, Thomas More:______.a. Divine Comedy c. The Princeb. In Praise of Folly d. Utopia19. Bakit sa Italya unang sumibol ang Renaissance? a. Lokasyon b. Katatagang Pampulitika at Pang-ekonomiya c. Maraming mga tagapag-ambag ng Renaissance ay isinilang dito d. Lahat ng nabanggit20. Aklat na nanlalait sa mga kamangmangan ng lipunan at ng simbahan.a. Decameron c. In Praise of Follyb. La Pieta d. The PrinceARALIN 1ANG KAHULUGAN NG RENAISSANCE 5
Tatalakayin ng araling ito ang konseptong Renaissance, bakit ito iniukol o iniangkop sa kasaysayan ng Europa mula ika-14 hanggangika-16 na dantaon (1350- 1600). Malaking pagbabago ang naganap sa mgaEuropeo sa pagwawakas ng Panahong Midyibal. Sa panahong Renaissance tatalakayin ng araling ito kung ano angpinanumbalik o binuhay na muli, na lumikha ng mga pagbabagong nagbigay- daansa makabagong panahon. Matapos ang Araling ito, inaasahan na iyong: 1. Mabibigyang kahulugan ang konseptong Renaissance; 2. Makakapagpapaliwanag kung bakit ito iniangkop sa kasaysayan ng Europa mula ika-14 hanggang ika-16 na dantaon; at 3. Matutukoy ang mga binuhay na muli ng Renaissance. Gawain 1: Pag-isipan Mo! MAG-REVIVE KA NGA! • Magtala ng mga awiting revival na naririnig mo hanggang sa kasalukuyang panahon. • Nagustuhan mo ba ang mga awiting ito? Bakit? • Ano ang katangian ng mga awiting ito at ano ang nais ipahiwatig nito?Renasimyento (Renaissance) 6
Ang salitang Renaissance ay hindi na bago, hango ito sa salitang Latin“renovatio” o “ spiritual rebirth.” Nasaad sa Bagong Tipan,( Jesus said to Nicodemus:Verily, verily, I saw unto Thee, Except a man be born again, he cannot see thekingdom of God.” [John3: 3] ). Ano ang ibig sabihin ng Renaissance? Sa salitang Pranses, ito aynangangahulugang: muling pagsilang o rebirth. Muling pagkamulat, mulingpagkabuhay at pagpapanibago o revival. Hindi isang kagyat na rebolusyon ang pagpasok ng Renaissance sa Europa,kundi ito ay isang unti-unting transisyon para matamo ang kanilang pagbabago. Sa panahong ito muling pinatili at pinanumbalik ang mga sinaunang kulturangklasikal ng Gresya at Roma, na nakapagdulot ng sigla sa kaisipan ng Europa atnagbigay daan sa maraming pagbabago sa larangan ng sining, arkitektura, ateskultura. Naging inspirasyon din ang Renaissance sa mga mangangalakal dahilnaging maunlad ang ekonomiya at sa larangan ng eksplorasyon binigyang sigla angmga manlalakbay na galugarin ang mundo na kung saan naitatag ang mga bagongimperyo ng Europeong mananakop. Isang panahon sa Renaissance na nabuhay namuli ang interes ng mga mamamayan sa kalikasan ng tao. At mula rito, naglabasanang mga taong may taglay na kakayahan, kumbaga, “ all the talented people came,for its their time to shine,” Sa kabuuan, ang diwang ito ng kalayaang intelektual ang nagtayo ng tuntungansa pagpasok ng Renaissance na sumunod sa Panahon ng Karimlan (Dark Ages).Nabuksan ang isipan ng mga tao na gamitin ang kanyang abilidad at talento sapagtuklas ng mga bagay-bagay at nagresulta ng mga ambag na napakinabangan nglipunan. Gawain 2: Pagpapalalim ng Kaalaman Panahon pa ni Kristo nabigyan na ng kahulugan ang salitangRenaissance, nangangahulugan itong 7
”Spiritual Rebirth”. Sa panahong mula ikalabing-apat na taon hanggang ikalabing-anim na taon, ito ay naging “Muling Pagsilang.” Sa ngayon, paano mo itogagamitin o bibigyang kahulugan? “Ang Simbahan ang institusyong hindi natitinag ng Panahon.” Iniugnay ito sapaglakas ng kapangyarihan ng Simbahang Katoliko sa Panahon ng Karimlan. SaPanahon ng Renaissance nagkaroon ng pagbabago, natinag ang kapangyarihangito. Sa kasalukuyan, bakas pa ba ang kalakasan ng simbahan? Sa araling itoanong aral ang napulot natin? Tandaan Mo! Ang terminong Renaissance ay mula sa salitang Pranses na ibig sabihin ay muling pagsilang o revival Ito ay muling paglago ng sining, panitikan at pag-aaral na naganap sa Europa mula ika –14 hanggang ika-17 dantaon. Isang transisyon mula sa kalagitnaang panahon patungo sa ModernongPanahon. Gawain 3: Paglalapat Magbigay ng sariling pakahulugan na nauugnay sa salitang Renaissance at gamitin ito sa sariling pangungusap. 8
RENAISSANCEMuling pagsilang o Sariling kahuluganrebirth. Mulingpagkamulat, mulingpagkabuhay atpagpapanibago orevival Gamitin sa sariling pangungusap ARALIN 2 MGA SALIK SA PAGSIBOL NG RENAISSANCE SA ITALYA Nagsimula sa Italya ang Renaissance: Bakit hindi sa Pransiya, saInglatera,kaya, o saan man sa Europa. Bakit sa Italya? Anong mahalagang salikang nagbigay bentahe upang maging tahanan ng Renaissance ang Italya? 9
Matapos ang Araling ito, inaasahan na iyong: 1. Masusuri ang mga kadahilanan sa pagsibol ng Renaissance sa Italya; at 2. Mahihinuha ang kahalagahan ng kinaroroonang pangheograpiya sa kasaysayan ng bansa. Gawain 1: Pag-isipan Mo! BAKIT SA ITALYA?Pansinin ang nakalarawang mapa sa itaas. Sagutin ang mga sumusunod natanong: • Anong mga katawang-tubig ang nakapalibot sa lupain ng Italya? • Anu-ano ang mga pangunhing lungsod-estado na matatagpuan sa mapa? • Sa ganitong uri ng heograpiya, Ano sa palagay mo ang maaring maitulong ng Kipot ng Adriatiko at Dagat Mediterrenean sa Italya? Pinakamahalagang salik ang kinaroonang pangheograpiya ng Italya. Samapa ng daigdig, matatagpuan ang Italya sa pagitan o dakong gitna ng KanlurangEuropa at Kanlurang Asya. Dahil sa magandang lokasyon nito, nagkaroon ngbentahe ang mga lunsod-estado ng Italya na noong panahon yaon, angpinakamayaman sa Europa, na nagkaroon ng pagkakataon na makipagkalakalansa mga bansa sa Kanlurang Asya at Kanlurang Europa. Nakatulong din angkinaroonang sentral ng Italya sa pagtanggap ng iba’t- ibang kaisipan mula saKanluran at Silangan. Naganap sa Italya ang Renaissance, sa kadahilanang itinuturing ng mgaItalyano sa dugo at wika, na sila ang may kaugnayan sa mga Romano kaysa 10
alinmang bansa sa Europa. Dahil sa pananaw na ito, muling nabigyang- sigla angkanilang pagnanasang mapanumbalik ang tagumpay ang kabihasnang klasikal ngsinaunang Roma. Mahalagang papel ang ginampanan ng mga unibersidad sa Italya,naitaguyod at napanatiling buhay ang kulturang klasikal at ang mga teolohiya atpilosopiyang kaalaman ng kabihasnang Griyego at Romano. Sa pagkakaroon ngmalayang pag-aaral sa unibersidad, naging praktikal ang mga tao sa kanilangpananaw sa buhay at mas naging malaya sa paglinang ng kanyang mgakakayahan at kagustuhan. Higit na hinangad ng mga tao ang lubos na kasiyahansa kasalukuyang –buhay kaysa sa pag-aalala sa kanilang kamatayan. Sa paglitaw ng Renasimyento, nakatulong din ang mga Griyegong tumakas sa pananakop ng Turkiya sa bansang Gresya. Sa pagtakas nila papuntang Mediterranean tungo sa mga lungsod –estado ng Italya, nadala nila ang mga namanang kulturang Griyego na nakapagdulot ng karagdagang impluensiya sa makasaysayang pag-unlad ng mga Renasimyento. Itinuturing na isa sa maraming dahilan kung bakit naging tunay na sinilangan ng Renaissance ang Italya, ay ay kanyang kinaroonan. Bunga nito naging maunlad at sentrong pangkomersyo ang mga lungsod- estado ng Italya. Kabilang sa mga mayayamang bangkero, mangangalakal at maharlikang angkan ng lungsod- estado ay nagkaroon ng pagkakataon at kakayahan na itaguyod ang mga alagad ng sining. Ginamit nila ang kanilang kayamanan sa pag-aanyaya sa mga matatalino at malikhaing manunulat at artista upang itaguyod na muli ang mga kaalamang o kaisipang klasikal. Pinatira nila ang mga ito sa kanilang palasyo o tahanan. Pinakabantog sa lahat si Lorenzo de Medici o Lorenzo ang Dakila, na gumugol ng limpak-limpak na salapi sa pagtaguyod ng kanilang natatanging likhain. Hindi din pahuhuli ang mga kababaihan sa panahon ng Renaissance. Sa iba’t- ibang larangan, nakilahok at naging kolektor sila ng mga obra maestra.Gawain 2: Pagpapalalim ng Kaalaman 11
“ ANG KAPALIGIRANG PISIKAL NG ISANG BANSA AYHUMUHUGIS SA KANYANG KASAYSAYAN.”Anong konklusyon ang mahihinuha mo sa nabanggit na pangungusap? Tunghayan mo ang mapa ng Italya. Hanapin ang Florence, Rome atVenice. Paanong ang lokasyon ng Venice ang nakapadulot sa kanya ng pang-ekonomiyang pag-unlad? Tandaan Mo! Ang terminong Humanismo ay mula sa salitang Latin na Humanitas na ibig sabihin ay Kultura. Ito ay isang kilusang kultural para sa muling pagsilang ng karunungang Greek at Latin, ang pagpaparangal sa mga natamo ng tao at pagpapahalaga sa kulturang Klasikal noong ika-14 na siglo. Ang Humanismo ay hindi nangangahulugan nang pagtalikod sa Kristyanismo, tinalikuran lamang nito ang ideyang Midyibal ng Teolohiya ang pinakamahalagang pag-aaral ng tao. Itinaas ng humanismo ang materyal na karangalan ng tao. Gawain 3: PaglalapatTanong 1 Ano ang nangyari sa Europa mula ika-14 hanggang ika-16 na dantaon 1. ___________________________________________________________ 2. ___________________________________________________________ 3. ___________________________________________________________ 4. ___________________________________________________________ 5. ___________________________________________________________ 12
Tanong 2: Bakit kaya ganoon ang nangyari? 1. ___________________________________________________________ 2. ___________________________________________________________ 3. ___________________________________________________________ 4. ___________________________________________________________ 5. ___________________________________________________________Tanong 3: Ano ang kinahinatnan ng bunga ng pangyayari? 1. ___________________________________________________________ 2. ___________________________________________________________ 3. ___________________________________________________________ 4. ___________________________________________________________ 5. ___________________________________________________________ ARALIN 3 PAGLAGANAP NG HUMANISMONG RENAISSANCE Ayon kay Peter Abelard na sinusugan ang pilosopiya ni Roger Bacon, “Sa pag- aalinlangan napupunta tayo sa pagtatanong, at sa pagtatanong nararating natin ang katotohanan.” Aalamin natin ang ibig ipakahulugan ng pangungusap na ito sa pagsilang ng Humanismo sa panahon ng Renaissance. Matapos ang Araling ito, inaasahan na iyong: 1. Mapapahalagahan ang pagsilang ng Humanismo; at 2. Matutukoy ang mga bunga ng Kilusang Humanismo. 13
Gawain 1: Pag-isipan Mo! KAKAYANAN MO! ALAMIN MO! Isipin mo na ikaw ang nasa larawang ito at itala ang iyong mga kakayananbase sa pagkakakilanlan mo sa iyong sarili. Itala ito sa talahanayan sa ibaba ayonsa iba’t-ibang uri ng kasanayan. PANGKISIPAN PANDAMDAMIN PANGKATAWANHal. Malikhaing isip Hal. Pagpapahalaga Hal. Pagbuo ng mga bagay 14
Ang Pasilang ng Humanismo Itinaguyod ng pilosopiya ni Roger Bacon, na lahat ng kaalaman aynapasailalim ng lalong mahigpit na pagsusuri sa pamamagitan ng eksperimento atkatibayan. Nagbago sa panahon ng Renaissance ang pananaw sa buhay ng tao.Sa kauna-unahang pagkakataon, natuklasan ng tao ang kanyang sarili, higit nasilang mapagtanong at mapanuri sa mga bagay na dati’y madali nilang tanggapin. Ang pag-uusisa at hilig sa kaisipang klasikal ang nagtatag ng tuntungan sakilusang tinatawag na Humanismo. Minsan, nabanggit ni Cicero ang ganito: “Lahat ng tao’y tinatawag na tao, nguni’t maari lamang tawaging makatao ay yaongnaging sibilisado dahil sa pag-aaral na angkop sa kultura. Ang Humanismo ayisang kilusang kultura na ang saloobin sa buhay ay ang panunumbalik atpagbibigay-halaga sa kulturang klasikal ng Griyego at Romano. Nagsilbing inspirasyon sa mga Humanista ang mga panitikan at sining ngmga sinaunang Griyego at Romano. Nagsaliksik at masusing nilang pinag-aralanang mga manuskrito ng mga manunulat na Griyego at Romano at isinalin nila itosa Latin. Hinubog ng mga humanistang palagay ang pag-iisip at saloobin ng taoupang baguhin ang maling paniniwala at pamahiin noong Medieval Period.Nagsimula ng magkaroon ng lamat ang pananalig ng tao sa simbahan at pag-aalinlangan sa mga paniniwalang panrelihiyon. Ang Humanismo ay hindi laban sa Kristiyanismo, manapa, ipinadadama nitona hindi lamang ang paghahanda sa sarili sa susunod na buhay ay pangunahingtungkulin sa mundo. Kundi, dapat din hangarin ng tao ang lubos na kasiyahangpangkasalukuyan. Sa larangan naman ng sining at panitikan, sa halip na sumusunod sa istilona ginagawa noong panahong midyibal, ikinintal ang makabagong pamamaraansa pagpinta at pagsulat, binigyan daan ang realismo, perspektiba at kariktan sapanitikan. Nabuhay sa panitikan ang kahinaan ng tao at kabiguan ng tao. 15
Gawain 2: Pagpapalalim ng Kaalaman Ayon kay Peter Abelard, “ Sa pag-aalinlangan napupunta tayo sa pagtatanong, at sa pagtatanong nararating natin ang katotohanan.” 1. Paano mo maipapaliwanag ang pilosopiyang ito ni Peter Abelard? 2. Sa palagay mo, paano napukaw nito ang kilusang Humanismo? 3. Ibig bang sabihin ng pilosopiyang ito, na ang Humanismo ay isang kilusang laban sa Simbahan? Tandaan Mo! Ang Renaissance ay nagsimula sa Italya dahil sa mga sumusunod na salik:Ang Italya ay nasa pagitan ng Gitnang Silangan at Kanlurang Europa. Angmagandang lokasyon nito ay nagbigay pagkakataon sa mga lungsod dito namakipagkalakalan at makatanggap ng iba’t-ibang kaisipan mula sa ibangbansa.Ang mga Italian ay mas malapit sa mga sinaunang Romano sa dugo at wikakaysa sa ibang Europeo.Ang mga Unibersidad sa italya ang nagbigay diin sa mga kaalaman sateolohiya at Pilosopiya ng mga Griyego at RomanoAng pagtataguyod ng mga maharlikhang angkan sa mga taong mahusay sasining at masigasig sa pag-aaral Gawain 3: Paglalapat1. Ilista ang mga pangalan ng mga kilalang tao noong panahon ng Renaissance 16
Search
Read the Text Version
- 1
- 2
- 3
- 4
- 5
- 6
- 7
- 8
- 9
- 10
- 11
- 12
- 13
- 14
- 15
- 16
- 17
- 18
- 19
- 20
- 21
- 22
- 23
- 24
- 25
- 26
- 27
- 28
- 29
- 30
- 31
- 32
- 33
- 34
- 35
- 36
- 37
- 38
- 39
- 40
- 41
- 42
- 43
- 44
- 45
- 46
- 47
- 48
- 49
- 50
- 51
- 52
- 53
- 54
- 55
- 56
- 57
- 58
- 59
- 60
- 61
- 62
- 63
- 64
- 65
- 66
- 67
- 68
- 69
- 70
- 71
- 72
- 73
- 74
- 75
- 76
- 77
- 78
- 79
- 80
- 81
- 82
- 83
- 84
- 85
- 86
- 87
- 88
- 89
- 90
- 91
- 92
- 93
- 94
- 95
- 96
- 97
- 98
- 99
- 100
- 101
- 102
- 103
- 104
- 105
- 106
- 107
- 108
- 109
- 110
- 111
- 112
- 113
- 114
- 115
- 116
- 117
- 118
- 119
- 120
- 121
- 122
- 123
- 124
- 125
- 126
- 127
- 128
- 129
- 130
- 131
- 132
- 133
- 134
- 135
- 136
- 137
- 138
- 139
- 140
- 141
- 142
- 143
- 144
- 145
- 146
- 147
- 148
- 149
- 150
- 151
- 152
- 153
- 154
- 155
- 156
- 157
- 158
- 159
- 160
- 161
- 162
- 163
- 164
- 165
- 166
- 167
- 168
- 169
- 170
- 171
- 172
- 173
- 174
- 175
- 176
- 177
- 178
- 179
- 180
- 181
- 182
- 183
- 184
- 185
- 186
- 187
- 188
- 189
- 190
- 191
- 192
- 193
- 194
- 195
- 196
- 197
- 198
- 199
- 200
- 201
- 202
- 203
- 204
- 205
- 206
- 207
- 208
- 209
- 210
- 211
- 212
- 213
- 214
- 215
- 216
- 217
- 218
- 219
- 220
- 221
- 222
- 223
- 224
- 225
- 226
- 227
- 228
- 229
- 230
- 231
- 232
- 233
- 234
- 235
- 236
- 237
- 238
- 239
- 240
- 241
- 242
- 243
- 244
- 245
- 246
- 247
- 248
- 249
- 250
- 251
- 252
- 253
- 254
- 255
- 256
- 257
- 258
- 259
- 260
- 261
- 262
- 263
- 264
- 265
- 266
- 267
- 268
- 269
- 270
- 271
- 272
- 273
- 274
- 275
- 276
- 277
- 278
- 279
- 280
- 281
- 282
- 283
- 284
- 285
- 286
- 287
- 288
- 289
- 290
- 291
- 292
- 293
- 294
- 295
- 296
- 297
- 298
- 299
- 300
- 301
- 302
- 303
- 304
- 305
- 306
- 307
- 308
- 309
- 310
- 311
- 312
- 313
- 314
- 315
- 316
- 317
- 318
- 319
- 320
- 321
- 322
- 323
- 324
- 325
- 326
- 327
- 328
- 329
- 330
- 331
- 332
- 333
- 334
- 335
- 336
- 337
- 338
- 339
- 340
- 341
- 342
- 343
- 344
- 345
- 346
- 347
- 348
- 349
- 350
- 351
- 352
- 353
- 354
- 355
- 356
- 357
- 358
- 359
- 360
- 361
- 362
- 363
- 364
- 365
- 366
- 367
- 368
- 369
- 370
- 371
- 372
- 373
- 374
- 375
- 376
- 377
- 378
- 379
- 380
- 381
- 382
- 383
- 384
- 385
- 386
- 387
- 388
- 389
- 390
- 391
- 392
- 393
- 394
- 395
- 396
- 397
- 398
- 399
- 400
- 401
- 402
- 403
- 404
- 405
- 406
- 407
- 408
- 409
- 410
- 411
- 412
- 413
- 414
- 415
- 416
- 417
- 418
- 419
- 420