Important Announcement
PubHTML5 Scheduled Server Maintenance on (GMT) Sunday, June 26th, 2:00 am - 8:00 am.
PubHTML5 site will be inoperative during the times indicated!

Home Explore ARALING PANLIPUNAN 3 Part 1

ARALING PANLIPUNAN 3 Part 1

Published by Palawan BlogOn, 2015-10-12 04:28:15

Description: 3ARPA1-3

Search

Read the Text Version

Ang krusada ay isang ekspedisyong military na inilunsad ng KristyanongEuropeo dahil sa panawagan ni Papa Urban II noong 1095. Ito ay isang banal nalabanan ng mga relihiyosong Europeo laban sa mga Turkong Muslim na sumakop banalna pook sa Jerusalem. Mula Jerusalem balak salakayin ng mga Turkong Muslim na itoang Imperyong Byzantine kaya humingi ng tulong ang Emperador ng Byzantine saPapa sa Roma lalo pa at sa pagsalakay na ito ay mapapalaganap ang relihiyong Islam.Sa panawagan ni Papa Urban, hinimok niya ang mga kabalyero (knights) na magingkrusador at pinangakuan niya ang mga ito na papatawarin sila sa kanilang mgakasalanan; kalayaan sa mga pagkautang; at kalayaang pumili ng “fref” mula sa lupa nakanilang masakop. 15

Unang Krusada Ang unang krusada ay binuo ng mga 3000 na kabalyero at 12000 na mandirigmasa pamumuno ng Prinsipe at mga Frances na nabibilang sa “nobility”. Matagumapy nanabawi ng grupong ito ang Jerusalem noong 1099 at nagtatag sila ng EstadongKrusador malapit sa Mediterranean. Sa pagsalakay nila sa Jerusalem, maramingMuslim ang napatay, pati na ang mga Hudyo at Kristyano. Nanatili sila ng mgalimampung taon sa Jerusalem ngunit sinalakay din sila ng mga Muslim.Ikalawang Krusada Sa paghihikayat ni St Bernard ng Clairvaux, sinamahan siya nina Haring Luis VIIng Pransya at Emperor Conrad III ng Germany. Maraming balakid na naranasan anggrupong ito sa pagpunta sa Silangan at ang pinakatagumpay nila ay ang pagsakop ngDamascus.Ikatlong Krusada: Krusada ng mga Hari Ito na marahil ang pinaka mahalagang Krusada dahil; tatlong Hari ng Europa angnanguna ditto: Frederick Barbossa ng Germany; Richard I ng England and PhilipAugustus ng France. Hindi pa man sila nakalayo sa pinanggalingang Europa aynalunod nsi Ferdirick at si Philip naman ay bumalik sa France dahil nag-away sila niRichard. Nagpatuloy si Richard hanggang sa nagkasagupaan sila ni Saladin, angpinuno ng mga Turko. Sa kahulihulihan nagkasundo silang tumigil ng labanan sa loobng tatlong taon ang mga Kristiyano ay malayang nakapaglakbay sa Jerusalem.Binigyan pa sila ng maliit na lupain malapit sa baybayin. 16

Krusada ng mga Bata Noong 1212 isang labing dalawang taong Frances na ang pangalan ay Stephenay naniwala na siya ay tinawag ni Kristo na mamuno ng krusada. Libong mga bata angsumunod sa kanya ngunit karamihan sa kanila ay nagkasakit, nasawi sa karagatan atang iba ay ipinagbili bilang alipin sa Alexandria.Ikaapat na Krusada Ang ikaapat na krusada na inulunsad noong 1202 ay nagging isang iskandalo.Ang mga krusador ay ibinuyo ng mga mangangalakal ng Venetra na Kristyanong bayanng Zara. Nagalit ang Papa sa ginawa nilang ito kya sila ay dineklarang “excomunicado”.Nagpatuloy sa pagdarambong ang mga krusador hanggang sa Constantinople kungsaan nagtayo sila ng sariling pamahalaan. Noong 1261 sila ay napatalsik saContantinople at naibalik ang imperyong Byzantine. Ang huling kuta ng mga Kristiyanosa Arce ay napasakamay ng mga Muslim at ito ay naging simula ng paghina ngkrusada.Iba pang Krusada Nakaroon ng ibang krusada noong 1219, 1228, 1224 ngunit lahat ng mga ito aynagging bigo sa pagbawi muli sa Holy Land. Sa kabuuhan, ang mga krusada ay pawang bigo, maliban sa una na nahawakannila ang Jerusalem sa loob ng isang daang taon at pagkatapos nito ay nanumbalik nanaman sa kamay ng mga Turkong Muslim ang lupain. 17

Resulta ng Krusada Kung mayroon mang magandang naidulot ang krusada, ito ay sa larangan ngkalakalan. Napalaganap ang komersyo at ito ay nagsilbing salik sa pag-unlad ng mgalungsod at malalaking daungan. Ang kulturang Kristyano ay napayaman din. Sa kabilang panig, ang krusada ay naglantad ng tunay na mga layunin ng mgasumama sa gawaing ito. Hindi pagmamalasakit sa simbahan ang nagging dahilan sapagsama sa banal na laban na ito kundi ang pagkakataong makapaglakbay atmangalakal. Gawain 2: Pagpapalalim ng Kaalaman Gumawa ng “retrieval chart” kung saan itatala mo ang mga sumusunod.3 Importanteng Pinuno Katangian Bunga Krusada 18

Tandaan Mo! Ang krusada ay ekspedisyong militar na ginawa ng mga Kristyano para makuha muli ang banal na lupain. Maraming krusada ang nailunsad ngunit lahat ay bigo, ganon pa man may kabuthan ding naidulot ito dahil napaunlad ang kulturang Kristyanosmo. MGA DAPAT TANDAAN SA MODYUL NA ITO Ngayong natapos mo na ang mga aralin sa modyul na ito, ano angmahahalagang kaalaman na dapat mong tandaan?  Ang Kristiyanismo ay nag-ugat sa Hudaismo. Si Jesus ang pinadalang Tagapagligtas o Messiah ng Diyos Ama ngunit hindi Siya tinanggap ng mga Hudyo. Siya ay pinako sa Krus ngunit nabuhay muli at ang kanyang turo ay pinalaganap ng kanyang mga apostoles, disipulo at tagasunod.  Ang Papa ang pinuno ng Simbahang Katoliko. Ang unang kinilalang pinuno ay ang unang Obispo sa Roma na si Peter. Ang Obispo ng Roma ang siyang kinilalang pinuno rin ng Simbahang Katoliko at siya ay tinawag na Papa na ang kahulugan ay ama ng mga Kristyano. Ang Papa ay napakamakapangyarihan noong gitnang panahon.  Ang krusada ay ekspedisyong militar na ginawa ng mga Kristyano para makuha muli ang banal na lupain. Maraming krusada ang nailunsad ngunit lahat ay bigo, ganon pa man may kabuthan ding naidulot ito dahil napaunlad ang kulturang Kristyanosmo. 19

PANGWAKAS NA PAGSUSULIT: I. Panuto: Bilugan ang titik ng tamang sagot.1. Ano ang pinakamataas na pangkat bsa lupunan noong panahong midyibal?a. burgis c. cleregob. maharlika d. mangangalakal2. Sino sa mga sumusunod ang pinuno ng Turkong Muslim nanasagupa ni HaringRichard I ng England?a. Philip c. Saladinb. Mohammad d. Abu Bakr3. Sentro ng Simbahang Greek Orthodox sa Silangan na bahagi ng ImperyongRomano.a. Jerusalem c. Constantinopleb. Damascus d. Antioch4. Si Charlemagne na nagging Emperador ng Banal na Imperyo Romana ay mulasa:a. Germany c. Franceb. Italy d. Constantinople5. Ang Krusada noong panahong midyibal ay: a. Kilusan ng mangangalakal b. Banal na digmaan c. Kampanya sa pagpapalaganap ng Kristiyanismo d. Torneo na iidinadaos pagpista sa kaharian6. Ang sagisag ng Krusada ay c. medaly a. espada d. kabayo b. krus 20

7. Alin sa mga sumusunod ang may malaking ginampanang papel sa paglakas ngSimbahang katoliko dahil nahikayat nila ang mga barbaro na maging Kristiyano?a. panginoong Piyudal c. mongheb. kabalyero d. Obispo8. Sino ang kinikilalang Tagapagligtas o Messiah ng mga Kristiyano?a. St.Peter c. St. Paulb. Jesukristo d. Moses9. Sino ang itinuturing na “ Ama ng mga Hudyo”?a. Moses c. Abrahamb. Jacob d. Jesus10. Sino sa mga sumusunod ang binigyan ng Sampung Utos ng Diyos?a. Moses c. Abrahamb. Jacob d. Jesus 21

GABAY SA PAGWAWASTO:PANIMULANG PAGSUSULIT PANGWAKAS NA PAGSUSULIT 1. B 1. B 2. C 2. C 3. C 3. C 4. B 4. C 5. B 5. B 6. A 6. B 7. C 7. C 8. B 8. B 9. C 9. C 10. D 10. A 22

(Effective Alternative Secondary Education) ARALING PANLIPUNAN III MODYUL 9SISTEMANG PIYUDAL SA GITNANG PANAHON SA EUROPA BUREAU OF SECONDARY EDUCATION Department of Education DepEd Complex, Meralco Avenue Pasig City

MODYUL 9 SISTEMANG PIYUDAL SA GITNANG PANAHON SA EUROPA Ang modyul na ito ay magdadala sa iyo sa Gitnang Panahon saKanlurang Europa kung kailan ang sistemang piyudal ang umiral. Kaakibat nitoang sistemang pampulitika, panlipunan, at pang-ekonomiya noong mgapanahong iyon. Ang sistemang pampulitika ay makikita sa desentralisadong pamamahala.Ang sistemang pang-ekonomiya ay naisasalarawan ng sistemang manoryal nasiyang sentro ng mga gawaing pangkabuhayan. Ang sistemang panlipunannaman ay makikita sa pagkakapangkat-pangkat ng lipunan sa tatlo: 1) uringmaharlika; 2) mga klerigo; 3) at mga pesante. Ang Simbahang Katoliko ang naging tagapagbuklod ng mga estadongKristiyano. Ang Simbahan at ang pagsunod sa mga doktrina nito ay nagingmalaking bahagi ng araw-araw na gawain ng tao. May tatlong araling inihanda para sa inyo sa modyul na ito: Aralin 1: Ang Pag-usbong ng Piyudalismo Aralin 2: Ang Sistemang Manoryal Aralin 3: Ang Pagsimula at Paglaganap ng mga Bayan at Lungsod Pagkatapos ng mga gawain sa modyul, ikaw ay inaasahang: 1. Makapagtatalakay ng mga pangyayaring nagbigay-daan sa pag-usbong at paglaganap ng piyudalismo sa Gitnang Panahon sa Europa; 2. Makapaglalarawan ng ugnayan ng mga hari, basalyo, kabalyero, at magbubukid sa sistemang piyudal; 3. Makapagpapaliwanag ng mga salik ng sistemang manoryal;

4. Makatutukoy ng ginampanang papel ng Simbahan sa sistemang piyudal; at5. Makapagbibigay ng kuro-kuro hinggil sa impluwensya ng sistemang piyudal sa kasalukuyang panahon. Handa ka na ba? Subukan mong sagutin ang mga sumusunod na tanong.Huwag kang mangamba sa pagsagot. May mga tulong sa pag-aaral na inihandapara sa iyo.PANIMULANG PAGSUSULIT:Panuto: Bilugan ang titik ng tamang sagot.1. Alin sa mga sumusunod ang tamang pagsasalarawan ng mga Burgis? a. Sila ay nabibilang sa maharlika. b. Sia ay mayamang mangangalakal. c. Sila ay panginoon ng magbubukid. d. Sila ay pinuno ng guild.2. Ang basalyo ay yaong tao na: a. nagbigay ng lupa. b. nabigyan ng lupa. c. nagtatrabaho sa lupa. d. nangungolekta ng buwis.3. Ang tawag sa artisano na nagpapakadalubhasa sa kanyang gawain sapamamagitan ng pagsasanay sa gabay ng master aya. journeyman c. apprenticeb. burgis d. bailiff

4. Sa sistemang piyudal, ang sentro ng lipunan at ekonomiya ng mga tao ayang:a. kastila. c. manor.b. palasyo. d. simbahan.5. Mahalaga ang papel ng mga kabalyero sa sistemang piyudal dahil sa silaang gumaganap ng gawainga. panlipunan. c. panrelihiyon.b. pang-ekonomiya. d. pangmilitar.6. Ang bansa kung saan maraming lungsod ang umunlad dahil sa kalakal aya. Ingglatera c. Italyab. Pransiya d. Alemanya7. Ang unang paggamit ng pera o salapi sa kalakalan ay naganap saa. manor c. bankob. perya d. pistahan8. Ang pag-iral ng sistemang piyudal sa Gitnang Panahon ay nag-ugat sa a. pagbasak ng Emperyong Roma. b. paghina ng Banal na Emperyong Roma. c. pagsalakay ng mga Asyano. d. paglakas ng Simbahang Kristiyano.9. Ang pag-unlad ng kalakalan sa pagitan ng mga lunsod ng Italya atGitnang Asya ay nag-ugat saa. Piyudalismo. c. Sistemang Guild.b. Krusada. d. Kristiyanismo.10. Alin sa mga sumusunod ang hindi salik sa pag-unlad ng mga kabayanan? a. Bagong teknolohiya sa pagtatanim b. Paglakas ng kalakalan c. Bagong pamamaraan sa pagtatanim d. Pagtatayo ng “guild”

ARALIN 1ANG PAG-USBONG NG PIYUDALISMO Ang paghina ng pamamahala ng tagapagmana ni Charlemagne angnagpasimula ng sistema kung saan ang local na pamamahala ay lumakas. Dito mag-uugat ang piyudalismo. Matapos ang araling ito, inaasahang magagawa mo ang mga sumusunod: 1. Matutukoy ang pag-usbong ng piyudalismo sa Kanlurang Europa; 2. Maipaliliwanag ang katangian ng institusyong ito; 3. Mailalarawan ang panlipunan at pampulitikal na katangian nito; at 4. Matutukoy ang papel ng kabalyero sa sistemang piyudal. Gawain 1: Pag-isipan Mo! Bilang Pilipino, napag-aralan mo sa Kasaysayan ng Pilipinas ang tungkol sa Sistemang Encomienda noong panahon ng Kastila. Magbigay ng dalawang katungkulan ng Encomienda at dalawa ring katungkulan ng nasasakop na Indio. Isulat sa isang pirasong papel at itabi hanggang matapos mong basahin ang aralin na ito. 5

Ang Pagtatag ng Piyudalismo Ang Piyudalismo sa Gitnang Panahon ay nag-ugat sa paghahati-hati ng Banal naImperyo ni Charlemagne batay sa kasunduan sa Verdum. Mahihinang tagapamahalaang mga tagapagmana ni Charlemagne kaya ang mga opisyal ng pamahalaan at mgamay-ari ng lupain ay humiwalay sa pamumuno ng hari. Naibangon muli ang mga localna pamahalaan na ngayon ay pinatatakbo ng mga maharlikha katulad ng mga konde atduke. Sa sitwasyong ito pumasok ang mga barbarong Viking, Magyar, at Muslim.Sinalakay nila ang iba’t ibang panig ng Europa lalo na sa bandang Pransya. Ang mgaViking na kilala rin sa tawag na Normans ay nabigyan ng lupain sa bandang Pransyakapalit ng pagtanggap nila ng Kristiyanismo. Ang lupaing napasakanila ay kilala ngayonsa tawag na Normandy. Ang madalas na pagsalakay na ito ng mga barbaro ay nagbigay ligalig sa mgamamamayan ng Europa. Dahil dito, hinangad ng lahat ang pagkakaroon ng proteksyonkaya naitatag ang sistemang piyudalismo.Ang Institusyong Piyudalismo Ang salitang Piyudalismo (Feudalism) ay hango sa salitang “feodus” or “fief”, angsalitang tumutukoy sa lupa na ibinigay sa unang basalyo (vassal). Ang may-ari ng lupa(Panginoon) ay nangakong bibigyan ng protesyon ang basalya at ipagtatanggol angkanilang karangalan. Ang basalyo naman ay nangako ring magiging matapat sapanginoong piyudal at magbibigay ng suporta sa oras ng pangangailangan katulad ngpakikipaglaban sa digmaang kinasasangkutan ng panginoon at paminsan-minsangpagbibigay ng tirahan, aliw, at pagkain sa panginoong piyudal. Sa sistemang umiiral sa Europa, ang salitang basalyo at panginoon aynagkakaugnay. Ang isang basalyo ay maaari ding tawaging panginoon kung siya aymagbibigay ng bahagi ng kanyang lupa sa isang tao na ngayon ay tatawagin niyangbasalyo. 6

Ang Piyudalismo Bilang Pamahalaan Sa sistemang piyudal, ang basalyo ay may layang pamahalaan ang lupangnasasakupan. Siya na ang nag-aayos ng usaping legal at namamahala sa sandatahanglakas, supply ng pagkain, at paniningil ng buwis.Sistemang Panlipunan Sa sistemang piyudal, ang lipunan ay nakalathala sa tatlo: 1. maharlika - kinabibilangan ng hari, basalyo, at iba pang panginoon 2. pari o clerigo - ang tanging pangkat na nakapag-aral ng iba’t ibang asignatura, bukod pa sa pakikipagdigma. Ang mga Obispo at iba pang matataas na ranggong Clerigo ay namumuhay na parang mayayaman samantalang ang pari sa nayon ay mula sa mababang uri at hindi gaanong nakapag-aral.Ang Kabalyero sa Sistemang Piyudal Ang lalaki na mula sa mababang antas ng lipunan ay halos hindi nabibigyan ngpagkakataong maging kabalyero. Para makatiyak na ang mga magiging kabalyero aymanggagaling sa angkang maharlikha, ang pagsasanay sa pagkakabalyero aymahigpit. Ang kabalyero ay mula sa salitang Pranses na “Chevalier” na ang ibig sabihin aymangangabayo. Ang nagnanais na maging kabalyero ay dumadaan sa pagsasanayayon sa Codigo ng pagiging Kabalyero. Ang pagsasanay ay nagsisimula sa mga gulangna pitong taon kung saan siya ay nagsisilbi sa Corte ng kastilyo o palasyo bilang “valet”(little vassal) o damoireau (little lord) habang natututo ng kagandahang asal atpagsasanay sa pakikidigma. Sa pagbibinata, siya ay magiging “assistant” o “squire” ngkabalyero. Maaari na siyang sumama sa digmaan at kung mapatunayan ang kanyangkasanayan sa kagandahang asal at pakikidigma, siya ay gagawin nang kabalyero sa 7

pamamagitan ng isang seremonya kung saan siya ay bibigyan na ng damit at gamitpandigma. Gawain 2: Pagpapalalim ng Kaalaman Kunin mo ang iyong ginawa sa Gawain 1 at ngayon ay magtala ngdalawang katungkulan na ginagampanan ng panginoong piyudal at dalawa ringkatungkulan ng basalyo. Ihambing mo ang dalawang gawain na ginawa mo at magbigay ngpagkakahawig at pagkakaiba ng mga nasabing tungkulin. Sundan ang “format” na ito: Katungkulan PaghahambingPanahon ng Panahong Pagkakahawig PagkakaibaKastila PiyudalA. Encomendero A. Panginoong Piyudal1. 1. 1. 1.2. 2. 2. 2. B. Indio (Tenant) B. Basalyo 1. 1.1. 1.2. 2. 2. 2. 8

Tandaan Mo! Ang piyudalismo ay isang sistema kung saan mahigpit ang kasunduan ng panginoong piyudal at basalyo. Bawat isa ay may katungkulan na dapat tuparin.ARALIN 2SISTEMANG MANORYAL Ang sistemang manoryal ay nakasalalay sa pagsasaka. Dito kinukuha angpanggastos para sa pagpapatakbo ng pamahalaang piyudal. Ang manor ay sentro nglipunan at ekonomiya ng mga tao na nakatira dito. Ikaw ba ay nakapunta na sa isang hacienda dito? Kung nakapunta ka na, maypagkakahawig ang kaanyuan ng dalawa. Pagkatapos mong basahin ang Araling ito, inaasahan na iyong: 1. Maisasalarawan ang manor; 2. Maipaliliwanag ang sistemang umiiral dito; at 3. Mapahahalagahan ang papel ng babae sa manor. 9

Gawain 1: Pag-isipan Mo! Tingnan mo ang larawan sa ibaba. Ito ay larawan ng manor. Ano angmasasabi mo sa kaayusan ng manor? __________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________ 10

Sistemang Manoryal Ang sistemang manoryal ang sistemang pang-ekonomiya noong GitnangPanahon. Sa manor nanggagaling ang halos lahat ng produkto at serbisyong kailanganng mga tao.Pagasasaka: Batayan ng Sistemang Manor Ang sistemang manor ang sentro ng lipunan at ekonomiya ng mga tao nanakatira dito. Ang isang fief ay maaaring binuo ng maraming manor na nakahiwalay saisa’t isa. Ito ay maaaring maihalintulad sa isang pamayanan (village) kung saan angmga naninirahan dito ay umaasa ng kanilang ikabubuhay sa pagsasaka sa manor. Sakabilang dako ang kanilang panginoon ay dito rin umaasa sa kita ng pagsasaka samanor na kanyang magiging kayamanan. Ang kastilyo ng panginoong piyudal ang pinakapusod ng isang manor. Maari ringang bahay sa manor ay isang malaking nababakurang gusali o kaya ay palasyo. Anglupain sa loob ng manor ay nahahati ayon sa paggagamitan nito. Kumpleto sa mgakakailanganin ng magsasaka ang mga gamit sa manor. Para sa mga naninirahan doon,ang mga pangangailangan nila ay napapaloob na sa manor. Nandiyan ang kamalig,kiskisan, panaderya, at kuwadra ng panginoon. Mayroon ding simbahan, pandayan, atpastulan. Kung maibigan ng panginoon, ang mga kaparangan at kagubatan ay kanyanghinahati ngunit nag-iiwan siya ng pastulan na maaaring gamitin ng lahat.Ang Pamamahala sa Manor Ang Panginoong Piyudal ay karaniwang abala sa pakikidigma. Sa ganitongpagkakataon ang pamamahala sa manor ay ipinagkakatiwala sa mga piling opisyales.Halimbawa sa England ang mga pinagkakatiwalaan ay tinatawag na steward, bailiff, atreeve. Ang steward ang may pinakamataas na ranggo. Siya ang legal na 11

tagapamahala sa korte ng manor. Binibisita niya ang iba’t ibang manor para matingnanang sitwasyon dito. Ang bailiff naman ang nangangasiwa sa mga gawain ng magbubukid at sapagsasaka. Siya ang namamahala sa pagkukuwenta ng salapi at sa paniningil ng upa,multa, at iba pang bayarin. Ang reeve ay tumutulong sa bailiff. Maraming reeve ang kailangan kapag angmanor ay malaki. Sila ang namamahala sa pagpaparami ng dayami at sa pagtatagonito. Sila rin ang nag-aalaga ng kawan ng hayop at sa nag-aani ng mga pananim. Siyarin ang nagpapaabot sa panginoong piyudal ng reklamo ng mga magbubukid tungkol samga opisyales. Sa panig naman ng mga pesante, sila ay obligadong magtrabaho ngdalawa hanggang tatlong araw sa bawat linggo sa lupa ng panginoong piyudal. Bahaging kanilang ani ay kinukuha bilang buwis. Kung sila naman ay gumagawa ng tinapay oalak, halos lahat ng ito ay ibibigay din sa panginoon. Ang mga itinuturing na serf ay hindi malayang makaalis sa manor. Sila ayitinuturing na pag-aari ng panginoon. Hindi rin sila makapangaso sa gubat omakapangisda sa batis. Dahil sa walang pinag-aralan at itinuturing na tanga, ang mga magbubukid aynakakita ng kasiyahan sa mga paniniwala tungkol sa mangkukulam, mahika, athalimaw. Kung minsan sila ay nagdaraos ng kasiyahan tulad ng piyesta, sayawan, atpaligsahan.Katayuan ng mga babae sa Manor Ang mga babaeng nabibilang sa maharlikang angkan ay tinatawag na “ladies”.Sila ay nagmamana ng lupain at maaaring humawak ng mahalagang posisyon. Kungnasa digmaan ang Panginoong Piyudal, ang mga asawa nito ang namamahala ngmanor at nagtatanggol dito kapag nagkaroon ng mga pagsalakay. Kung sakaling angpanginoon ay nabihag, ang asawa nito ang nagtitipon ng pantubos upang siya aymailigtas. 12

Ang mga babaeng magbubukid naman ay gumagawa ng lahat ng trabaho sabukid. Sila ang nagtatanim at nag-aani ng mga butil. Sila ang naggugupit ng balahibong tupa at naggagatas sa baka. Gumagawa din sila ng atip na pangbubong mula sadayami. Maagang nag-aasawa noon ang babae. Sa gulang na labing-apat, siya aymaaari nang ipagkasundo. May mga pagkakataon na sanggol pa lang ang babae aymaaari na rin siyang ipagkasundo. Ang babae ay pwede lamang makasal kung siya aymayroong dote na salapi, lupa, o produkto na kanyang dadalhin o babaunin sapagpapakasal. Gawain 2: Pagpapalalim ng Kaalaman Magbigay ng reaksiyon o komentaryo sa papel na ginagampanan ng babae sa manor. Mayroon na bang pagpapahalaga sa babae noon? Tandaan Mo! Ang manor ay mahalagang bahagi ng fief. Dito nakasalalay ang ikabubuhay ng lahat ng tao—mula maharlika hanggang serf. 13

ARALIN 3ANG PAGSIMULA AT PAGLAGANAP NG MGA BAYAN AT LUNGSOD\ Panahon ng ika-sampu hanggang ikalabing-isang dantaon ng lumitaw ang mgabagong bayan at lungsod sa Europa. Ang pinakamabilis na pag-unlad ay naganapnoong ikalabintatlong dantaon. Ang lungsod ay lugar kung saan ang mga bagong uri ng tao ay yumaman atnaging makapangyarihan. Ito rin ang nagsilbing sentro ng edukasyon, panitikan, atsining. Matapos ang araling ito, inaasahan na iyong: 1. Maisasalarawan ang sitwasyon na naging salik sa pagsimula at paglaganap ng lungsod; 2. Matutukoy ang mga lugar sa Europa na naapektuhan ng maunlad na kalakalan; at 3. Maisasalarawan ang bagong uri ng tao. Gawain 1: Pag-isipan Mo! Dito sa Metro Manila, maraming bayan ang naging siyudad. Dati-rati apatlang ang siyudad dito: Manila, Quezon City, Caloocan, at Pasay City. Bakit sa hulingtatlong taon halos lahat ng bumubuo sa Metro Manila ay siyudad na? Magtala ka ngang 8 bayan sa Metro Manila na naging siyudad kamakailan lang. Ano kaya ang mgakatangian ng mga bayan na ito para gawing siyudad? 14

Bayan Katangian1. 1.2. 2.3. 3.4. 4.5. 5.6. 6.7. 7.8. 8.Kalakalan sa pagitan ng Lungsod ng Italya at ng Gitnang Silangan Ang krusada ay may malaking naidulot sa pag-unlad ng kalakalan sa pagitan ngmga lungsod sa Italya at Gitnang Silangan. Nagkaroon ng palitan ng produkto. Ang mgatao sa Kanlurang Europa, lalo na ang mga maharlika ay nagustuhan ang mgapampalasa at telang seda mula sa Asya. Ang kalakal na mula sa mga lungsod ngVenice, Genoa, at iba pang lungsod sa Italya ay dinadala rin patungong Inglatera athilagang Europa. Dahil sa pag-unlad ng kalakalan sa pagitan ng Europa at Asya,lumawak ang kalakalan. 15

Paglago ng mga Bayan Ang paglakas ng kalakalan ay naging malaking tulong sa paglago ng mga bayan.Nagkaroon ng pagbabago sa agrikultura bunsod ng pagtuklas ng mga bagongteknolohiya at mga bagong pamamaraan sa pagtatanim. Bunga nito, tumaas ang anikaya nagkaroon ng magandang uri ng pamumuhay ang mga tao. Nakatulong din nangmalaki ang pagsasaayos ng mga kalsada upang mapadali ang pagdala at pagbili ngmga produktong agrikultural. Marami ang nanirahan sa mga lugar na malapit sapangunahing daan.Paggamit ng salapi Sa unang mga taon ng Gitnang Panahon, ang sistema ng kalakalan ay palitan ngprodukto o barter. Dinadala ng mga magbubukid o kaya ng “serf” ang mga produktongbukid o produktong gawa sa bahay sa mga lokal na pamilihan. Dito nagpapalitan ngprodukto ang mga tao. Ang local na pamilihan ay nagaganap lamang bawat linggo samga malalawak na lugar malapit sa palasyo o simbahan. Sa paglawak ng kalakalan kung saan maraming lugar na ang sumali, naisip ngpanginoong piyudal na magtatag ng taunang perya. Dito sa peryang ito nagkatagpo-tagpo ang mga mangangalakal. Sa peryang ito kumikita ang panginoong piyudal dahilsiya ay naniningil ng buwis at multa dito. Dito sa peryang ito nakita ang paggamit ng salapi ngunit iba-iba ang kanilangsalaping barya. Dahil dito, nagsulputan ang mga namamalit ng salapi (money changer),na sa maliit na halaga ay namamalit ng iba’t ibang barya. Sa pagpapalit ng salapi na ito nasabing nagsimula ang pagbabangko.Natuklasan ng ilang mangangalakal na hindi delikado ang mag-iwan ng malalakinghalaga sa mga namamalit ng salapi. Ang salaping ito ay ipinauutang din nang may tubo.Ang isang mangangalakal ay maari ring magdeposito ng salapi sa isang lungsod atbibigyan siya ng resibo. Itong dineposito niya ay maaari niyang kolektahin sa ibanglungsod. Sa ganitong paraan naging ligtas ang paglipat ng salapi. 16

Ang sistemang ito ng pagpapautang at pagbabangko ay nalinang sa hilagangItalya. Ang paggamit ng pera ay nakatulong sa paglalapit ng mga tao buhat sa iba’tibang lugar.Ang paglitaw ng Burgis Sa pag-unlad ng kalakalan at industriya at paglawak ng mga bayan, isangmakapangyarihang uri ng tao ang lumitaw. Sila ay tinatawag na burgis (men of burg oburgers o bourgeoisie). Ang interes ng grupong ito ay nasa kalakalan. Ang mataas nauri ng bourgeoisie ay ang mga mauunlad na negosyante at mga bangkero. Angkanilang mga anak ay nag-aaral sa mga magagaling na unibersidad. Ang mgabourgeoisie ay ang nagiging gitnang uri at mababa ang pagtingin sa kanila ngpanginoong piyudal dahil sa sila ay mga bagong yaman lamang. Ang mga burgis ay patuloy na umiral at sila ang nagtaguyod ng sining atnakalinang ng sariling uri ng pagkamaharlika. Mababa rin ang pagtingin nila sa mgadalubhasang manggagawa kaya nagkaroon ng pag-uuri ng tao sa lipunan batay sayaman at hindi na sa angkan.Ang Sistemang “Guild” Ang “guild” ay isang samahang institusyunal na ang pangunahing layunin ayprotektahan ang interes ng mga kasapi. Bawat “guild” ay may sinusunod na patakaran.Nawata nila ang pagsali sa kalakalan nang hindi kasali sa “guild”. Ang “guild” ng artisano ang nangangasiwa sa pagsasanay ng isang tao sapamamagitan ng sistemang “apprenticeship”. Bago tanghaling dalubhasa ang isangartisano, siya ay dumadaan sa dalawang antas ng pagsasanay: 1) ang kandidato(apprentice) ay kailangang tumira kasama ang isang dalubhasa o master sa gawaingnais niyang pag-aralan. Siya ay bibigyan ng damit at tuturuan ng kagandahang asal.Obligasyon ng apprentice ang sundin lahat ang utos ng master at kailangang manatilinglihim ang mga sikreto sa sining at paggawa na natutuhan niya sa master. Ang antas na 17

ito ay 3 hanggang 12 taon; at 2) sa ikalawang antas siya ay magiging journeyman,isang bihasang artisano na naglilingkod sa isang panibagong master at tumatanggap ngaraw-araw na sahod. Ang gawa ng isang artisano na pumasa sa pamantayan ng “guild”ay itinuturing na “obra maestra”. Gawain 2: Pagpapalalim ng Kaalaman Sagutin ang mga sumusunod. 1. Ikaw ba ay nakaranas nang manirahan sa probinsiya o nayon? Kung napatira ka na doon, ano ang mga magagandang katangian ng probinsiya? a. ________________________________________________________ ________________________________________________________ b. ________________________________________________________ ________________________________________________________ c. ________________________________________________________ ________________________________________________________ 2. Kung ikaw naman ay hindi pa nakaranas manirahan sa probinsiya, ano ang mga nalalaman mo o naririnig na katangian ng probinsiya? a. ________________________________________________________ ________________________________________________________ b. ________________________________________________________ ________________________________________________________ c. ________________________________________________________ ________________________________________________________ 18

3. Kung ikaw ay papipiliin, saan mo gustong manatili? Bakit? ___________________________________________________________ ________________________________________________________________ ________________________________________________________________ Tandaan Mo! Ang lungsod ay kilala sa umiiral na malakas na kalakalan noong Gitnang Panahon lalo na noong matapos ang Krusada. MGA DAPAT TANDAAN SA MODYUL NA ITO Ang piyudalismo ay isang sistema kung saan mahigpit ang kasunduan ng panginoong piyudal at basalyo. Bawat isa ay may katungkulan na dapat tuparin. Ang manor ay mahalagang bahagi ng fief. Dito nakasalalay ang ikabubuhay ng lahat ng tao—mula maharlika hanggang serf. Ang lungsod ay kilala sa umiiral na malakas na kalakalan noong Gitnang Panahon lalo na noong matapos ang Krusada. 19

PANGHULING PAGSUSULIT: Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot. 1. Ang manor ay pag-aari ng a. Magsasaka b. Mangangalakal c. Panginoon d. Simbahan2. Alin sa sumusunod ang hindi lungsod ng Italya? a. Genea b. Venice c. Cologne d. Milan3. Isang piyesta sa pamilihan na karaniwang idinaraos kung pista opisyal kung saan maraming mangangalakal galing sa iba’t-ibang panig ng Europa ang dumarating para mamili at magtinda. a. Pasko b. Perya c. Palaro d. Torneo4. Ang samahang midyibal na binubuo ng mangangalakal at manggagawa na naglalayong protektahan ang kanilang sarili sa di makatarungang paggawa, presyo, at suweldo. a. Basalyo b. Guild c. Burgis d. Maharlika5. Isang bagong pangkat ng tao na lumitaw at ang layunin ay para mangalakal, hindi pandirigma. a. Basalyo b. Kabalyero 20

c. Burgis d. Apprentice6. Noong panahong midyibal ang sentro ng kalakal ay mga lungsod sa Italy at ___, a. America b. Gitnang Silangan c. China d. Silangang Indies7. Alin sa mag sumusunod ang hindi salik sa pag-usbong ng piyudalismo? a. Paglusob ng mga barbaro b. Paghina ng kapangyarihan ng hari c. Paglakas ng kalakalan d. Pagsasamantala ng malalakas na local na pamahalaan8. Ang tirahan ng mga panginoong piyudal ay ang a. kamalig b. kastilyo c. palaruan d. kumbento9. Ang sistemang piyudal ay umiral dahil a. Ang mga maharlika ay humingi ng proteksyon b. Marami ang naging kabalyero c. Ang hari ay naging makapangyarihan d. Ang simbahan ay sumuporta sa hari10. Isa sa mga salik sa pag-unlad ng bayan ay a. Pagkakaroon ng mga magagandang daan b. Pag-usbong ng mga guild c. Paglitaw ng mga kabalyero d. Pagbagsak ng Roma 21

GABAY SA PAGWAWASTO: 6. C 7. BPANIMULANG PAGSUSULIT 8. B 9. B 1. B 10. D 2. B 3. C 6. B 4. C 7. C 5. D 8. B 9. APANGHULING PAGSUSULIT 10. A 1. C 2. B 3. B 4. B 5. C 22

(Effective Alternative Secondary Education) ARALING PANLIPUNAN III MODYUL 10BOURGEOISIE, MERKATILISMO AT MONARKIYANG NASYONALBUREAU OF SECONDARY EDUCATION Department of Education DepEd Complex, Meralco Avenue Pasig City 1

MODYUL 10 BOURGEOISIE, MERKANTILISMO AT MONARKIYANG NASYONAL Sa pagbagsak ng Panahong Piyudal, muling umigting ang kapangyarihan ngmga hari o monarkiya. Nabago ang nakagisnang pamumuhay sa aspetong pang-kabuhayan, pang-pulitikal at pang-sosyokultural. Sa modyul na ito ay tatalakayin angpaglakas ng bourgeoisie o panggitnang uri ng lipunan. Bunga ng pagbabago saaspetong pangkabuhayan isinilang ang sistemang merkantilismo at ang pagyaman ngmga mangangalakal na nagbigay-daan naman sa pagtatatag ng MonarkiyangNasyonal. Bibigyang pansin sa modyul na ito ang mga paksang iyan. May tatlong araling inihanda para sa inyo sa modyul na ito: Aralin 1: Yaman at Impluwensiya ng Bourgeoisie Aralin 2: Pagsilang at Epekto ng Merkantilismo Aralin 4: Pagtatatag ng Monarkiyang Nasyonal Pagkatapos mong mapag-aralan ang modyul, inaasahang magagawa mo angmga sumusunod: 1. Masusuri ang mga pangyayari kung paano lumakas ang kapangyarihan ng mga bourgeoisie; 2. Maipaliliwang ang sistemang merkantilismo sa Europa at mga epekto nito; 3. Maiisa-isa ang mga salik sa pag-usbong ng monarkiyang nasyonal; at 4. Mapahahalagahan ang mga pagbabago sa Europa sa pag-usbong ng bourgeoisie, merkantilismo at monarkiyang nasyonal. Handa ka na ba? Subukan mong sagutin ang mga sumusunod na tanong.Huwag kang mangamba sa pagsagot. May mga tulong sa pag-aaral na inihanda parasa iyo. 2

PANIMULANG PAGSUSULIT: Panuto: Bilugan ang tamang sagot:1. Bakit itinuring na mas abala ang naging kalakalan sa Silangang Europa kumpara sa kanlurang Europa? A. Hindi maunlad ang Kanlurang Europa. B. Kawalan ng transportasyon at sapat na produkto. C. Marangyang pamumuhay sa Kanlurang Europa. D. Digmaang Sibil.2. Alin sa mga sumusunod ang hindi naging sentro ng kalakalan sa Europa?A. Venice C. FlorenceB. Genoa D. Paris3. Ligang nabuo upang maprotektahan ang kalakalan sa Hilagang Europa:A. Hanseatic League C. North Atlantic LeagueB. Merchant Guild D. Baltic Guild4. Ang pinakaabalang sentro ng negosyo sa Hilagang Europa atat naging sentro sapaggawa ng lana:A. Florence C. HelsinkiB. Bruges D. Amsterdam5. Kinilala dahil sa mabuting uri ng telang lana sa Europa:A. Antwerp C. VeniceB. Lisbon D. London6. Kalakalang naganap sa pagitan ng mga mangangalakal na ginanap lamang saloob ng isang taon.A. Trade fair C. PalengkeB. Trade post D. Bangko 3

7. Isang bagong uri ng mga mamamayan na bumubuo ng panggitnang pangkat salipunan.A. Maharlika C. BourgeoisieB. Alipin D. Clergy8. Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa katangian ng mga panggitnang pangkat? A. May-ari ng mga bangko B. Mga negosyante C. Mga susunod na hari o pinuno D. Wala sa nabanggit9. Itinuturing na pinakabalakid sa kalakalan noong kalagitnaang panahon: A. Kawalan ng salapi B. Digmaang Sibil C. Lindol, bagyo at kalamidad D. Pang-aabuso ng Hari at ng Simbahan10. Ang unang baryang ginto na ginamit bilang salaping internasyunal sa Europa:A. Ducat C. BrugesB. Florin D. Peso11. Alin sa mga sumusunod ang mabuting naidulot ng pag-unlad ng mga bayan at lungsod? A. Nakilala ang tao ayon sa kanyang kakayanan. B. Umunlad ang panggitnang uri ng tao sa lipunan. C. Naging makapangyarihan ang hari. D. Nagsimula ang Korporasyon. 4

12. Samahang lumaganap sa Europa na binubuo ng mga mangangalakal:A. Craftsmen C. Hanseatic LeagueB. Merchant’s Guild D. Bourgeoisie13. Alin sa mga sumusunod ang mabuting naidulot ng Merchant’s Guild? A. Naprotektahan ang pansariling interes ng mangangalakal. B. Naipunyagi ang karapatan ng bawat isa mangangalakal. C. Nagpatuloy sa pagbabayad ng buwis ang mga mangangalakal. D. Napaunlad ang kanilang negosyo.14. Tawag sa samahan ng mga manggagawang may kasanayan:A. Apprentice C. Master CraftsmenB. Journeymen D. Craftsmen’s Guild15. Manggagawang naglakbay upang kumita ng arawan:A. Apprentices C. Master CraftsmenB. Journeymen D. Craftsmen’s Guil16. Isang dahilan kung bakit naging masikap ang mga bayan sa kalagitnaang Panahon: A. Paglalagay ng mga pader. B. Pagdami ng mga pamilihan. C. Paglago ng dami ng mga manggagawa. D. Wala sa nabanggit.17. Isang suliranin sa mga bayan noong Panahonng Midyibal:A. Pagkalumo sa alak C. NakawanB. Prostitusyons D. Lahat ng nabanggit18. Alin sa mga sumusunod ang hindi naging bunga ng kalakalan sa Panahong Midyibal? 5

A. Espesyalisasyon C. SalapiB. Bourgeois D. Wala sa nabanggit19. Itinuring na sentro ng ruta ng pangangalakal sa Panahong Midyibal:A. Fertile Crescent C. Ilog MississippiB. Ilog Nile D. Ilog Yellow20. Alin sa mga sumusunod na daungan ang pinaka-abala noong KalagitnaangPanahon?A. Daungan sa Tsina C. Daungan sa PransyaB. Daungan sa Ehipto D. Daungan sa Ingglatera. 6

ARALIN 1YAMAN AT IMPLUWENSIYA NG BOURGEOISIE Sa kalagayang panlipunan ng Pilipinas, pinaniniwalaan na ang may pinakamaliitna bilang na porsyento ng populasyon ay ang mga mayayaman na siyangnagmamay-ari ng malaking lupain at kumpanya. Samantala, ang masa naman angsiyang halos bumubuo sa kabuuang populasyon na kadalasang unaasa sa mgaprogramang inilunsad ng pamahalaan. Ngunit huwag nating kaligtaan na sa atinglipunan ay mayroong ding tinatawag na middle class o mga propesyunal sa iba’tibang larangan. Sa kasalukuyan ang mga middle class na ito ay kilala bilang mgapropesyunal na guro, doktor, inhinyero, abugado at iba pa. sino naman kaya sanaging kasaysayan ang mga middle class o bourgeoisie sauropa? Sila ba aypropesyunal o mangangalakal? Masasagot sa modyul na ito ang katanungang iyan. Matapos ang Araling ito, inaasahan na iyong:1. Masusuri ang mga dahilan sa paglakas ng kapangyarihan ng mga bourgeoisie; at2. Matatalakay ang ninanais na pagbabago ng mga bourgeoisie. Gawain 1: Pag-isipan Mo! Panuto: Ayusin ang mga letra upang mabuo ang pinahulaan mula sa gay na katanungan. Isulat ang kasagutan sa bakanteng linya. L-A-L-A-N-G-G-A-M-A-K-A-N Sagot: _________________________________________________ 7

• Sila ay nabibilang sa panggitnang uri o bourgeoisie. • Sila ng may hawak ng mga negosyo. • Nagnais sila na tumaas ang kanilang kalagayan sa lipunan kapantay ng mga maharlika at hindi ng mga manggagawa at nagbubukid.Dahilan ng Paglakas ng Kapangyarihang Bourgeoisie Kasabay ng pag-unlad ng mga bayan at lungsod sa Europa, lumaganap angmga pagbabago sa gawaing pangkabuhayan. Karamihan ng mga mamamayan aytumigil sa pagsasaka at sa halip ay nagpakadalubhasa sa paghahabi ng tela atpaggawa ng sapatos, mga alahas, at mga kasangkapan sa bahay. Nang dumami ang mga produktong likha ng mga manggagawa, dumami rinang mga tagapamahagi nito. Ang kaganapang ito ang nagbunsod sa isang bagong uring mga mamamayan na bumuo ng panggitnang-uring pangkat sa lipunan na tinatawagna bourgeoisie. Naging makapangyarihan ang grupong ito ng mga mangangalakal atnegosyante. Itinuring silang kapakipakinabang hindi lamang sa aspeto ng kabuhayan,kundi maging sa pangangailangan din ng mga hari. Ang mga bourgeoisie ay nagtustosng mga pondong kakailanganin ng mga hari para sa isasagawang digmaan.Pagbabagong Isinulong ng Bourgeoisie Ang kapangyarihan ng bourgeoisie ay unti-unting yumabong nang binigyansila ng hari ng posisyon sa pamahalaan bilang katumbas na kanilang boto atrepresentasyon sa konseho dahil sa kanilang pagpapautang at pagtulong sa pag-unladng kaharian. Bagamat nabigyan sila ng ganitong prebilehiyo sa konseho ay hindi pa rin itosapat upang kalimutan ng bourgeoisie ang kanilang pangarap at pagnanais na maalissa ikatlong estado na kinabibilangan ng mga ordinaryong mga mamamayan at 8

magbubukid. Ipinilit ng mga bourgeoisie na mapabilang sa ikalawang estado nakinabibilangan ng mga mayayaman at mga maharlika o noble. Sa ganitong kalagayanay ninais ng mga bourgeoisie na mabago ang kanilang estadong kinabibilangansapagkat nakikita nila ang kanilang kahalagahan sa pag-unlad at paglago ng lipunan.Ang mga tinatamasang kapangyarihan ng mga bourgeoisie ay nagkaroon ng limitasyon.Bagamat mayroong silang kayamanan at edukasyon, tunutulan ng mga maharlika namapasama sila sa pangalawang uri. Sibalit sa paghadlang ng mga maharlika upangmapabilang sila sa unag uri, binigyang pansin ng bourgeoisie ang kaisipangpagkakapantay-pantay at kalayaan na taliwas sa kaisipang awtokratiko ng mgamaharlika. Gawain 2: Pagpapalalim ng Kaalaman Suriin mo ang larawang nagpapakita ng halimbawa ng mga taong kabilang sa bourgeoisie. Sagutin mo ang mga tanong sa ibaba pagkatapos mong pag-aralan ang larawan. 9

1. Ang larawan bang ipinakikita ay masasabing makatotohanan o tipikal na anyo sa Panahong Midyibal? 2. Anong katangian ang tinataglay ng mga mangangalakal sa larawang ipinapakita? 3. Paano ipinapakita sa larawan ang espesyalisasyon sa paggawa? (Ang esepesyalisasyon ay tumutukoy sa kakayahan ng isang manggagawa o mangangalakal na lumukha ng produkto, base sa kanyang gawain.) Tandaan Mo! Ang bourgeoisie ay ang panggitnang uri ng lipunan na binuo ng mga mangangalakal, may-ari ng mga bangko, abugado, doktor, manunulat at iba pang propesyunal. Noong ika-18 na siglo, lumaki ang impluwensiya ng mga bourgeosie sa publiko sa ginamit nila ang kanilang sa kanilang propesyon upang makagawa ng mga reporma sa pamahalaan at mapalaganap ang pagkakapantay-paatay sa Europa. Hinadlangan man ng mga maharlika ang mga adhikain ng bourgeoisie, naging mahalagang pangkat din ng lipunan, bilang panggitnang-uri, ang bourgeoisie. Napasimulan nila ang layunin tungo sa pagkakapantay-pantay ng tao sa lipunan. Gawain 3: Paglalapat May pagkakaiba ba o pagkakatulad ang kalakalan noong PanahongMidyibal sa kasalukuyang kalakalan mula sa ibang bayan o palengke? Punan mo angtsart ng iyong sagot. 10

PALENGKE PAGKAKATULAD PAGKAKAIBA PANAHON 1. Midyibal2. KasalukuyanARALIN 2PAGSILANG AT EPEKTO NG MERKANTILISMO Sa mga nakaraang modyul, nailarawan na ang ekonomiya sa lipunang piyudal aynakasentro sa lupa. Sa paglakas ng panggitnang uri o bourgeoisie kasabay nanapalitan ng panibagong anyo ang sistemang pang-ekonomiya na kung saan ang mgaginto at pilak ang naging batayan ng pagpasok ng makabagong panahon. Tatalakayinsa modyul na ito ang mga kaganapang iyan. Matapos ang araling ito, inaasahan na iyong: 1. Matutukoy ang mga dahilan sa pagsilang ng sistemang merkantilismo; at 2. Maipaliliwang ang epekto ng sistemang merkantilismo sa Europa. 11

Gawain 1: Pag-isipan Mo! Pansinin ang larawan. Ganyan ang anyo ng malalaking bara (bar) ng ginto Isipin mo na ikaw ay nagmamay-ari ng maraming ginto iyan. Ano angnaramdaman mo? Ano sa palagay mo ang kahalagahan ng pagmamay-ari mo ngmaraming ginto? itala ang mga kapakinabangang maidudulot ng pagkakaroon ng isangtao ng maraming ginto. 1. ________________________________________________________________ ________________________________________________________________ 2. ________________________________________________________________ ________________________________________________________________ 3. ________________________________________________________________ ________________________________________________________________ 4. ________________________________________________________________ ________________________________________________________________ 5. ________________________________________________________________ ________________________________________________________________ 12

Pagsisimula Ng Merkantilismo Dahilan sa pag-unlad ng mga bayan at lungsod, sistemang piyudalismo saEuropa. Ang dating mga lupaing pansakahan ay hindi na gaanong mainam pagtamnankayat ang mga lupaing ito ay pinagtayuan ng mga industriya at plantasyon. Nagdulot itong mabilis na pagbabago sa anyo ng ekonomiya sa Europa. Ganoon pa man ay ninaisng mga mangangalakal mula sa iba't ibang panig ng Europa ang makipagkalalakalan atpag-ibayuhin ang ekonomiya ng bawat estado. Sa panahong ito ay lumaganap sakabuuan ng Europa ang paggamit ng salapi bilang batayan ng pagbili ng mga produktotulad ng pagkain, damit, sandata, kagamitang hilaw, palamuti, handicraft at maging angmga sangkap sa pagkain na unang natuklasan ng mga taga-Europa noong panahon ngkrusada. Ang mga krusador ay nakatikim ng iba’t ibang klase ng sangkap na noon ayhindi madaling nabibili sa Europa. Ang mga mangangalakal sa Venice at Genoa lamangang may magandang ugnayan sa sultan ng Ehipto, kayat sila lamang ang nagkaroon ngkakayahan upang maipadala ang mga sangkap sa Mediterranean at ipagbili ito saEuropa sa mataas na halaga. Dahil hindi makapasok sa kalakalan ng pampalasa ang mga Portuges at Kastila,minarapat nilang humanap ng ibang ruta na kung saan may bansang maaaringpagkunan ng mga sangkap. Nagkaroon ng kasunduan sa pagitan ng mgamamumuhunan at pamahalaan kung saan ang mga mamumuhunan ay magpapaunlakng pera samantalang ang pamahalaan ay magbibigay ng mga barko, tao atsandatahang lakas upang maprotektahan ang mga manlalakbay. Ang ganitongkaayusan ay tinawag na sistemang merkantilismo. Pangunahing layunin ngpamahalaan sa mga estado sa Europa ang magkamal ng maraming ginto at pilak parasa kaban ng bayan. Ang kayamanan ng isang bansa ay nakabatay sa laki ng reserbangbullion o dami ng ginto at pilak. Ang layuning ito ay nakamit sa pamamagitan ngkalakalan ng sangkap. 13

Epekto ng Merkantilismo Dumating ang panahon na kung saan ang mga bansang sumunod sa sistemangmerkantilismo ay higit na maraming iniluwas na produkto na galing sa kanilang mgaindustriya kaysa sa mga inangkat na produkto mula sa kanilang mga kolonya. Saganitong kalagayan lalong umunlad at naging makapangyarihan ang mga estado saEuropa. Ang mga kolonya ay nagkaroon ng pananaw na ang mga produktong galing saEuropa ay higit na mataas ang kalidad at binibili kahit mahal. Samantala, ang mgaprodukto ng mga kolonya ay nabibili sa murang halaga sapagkat kalimitan ay hilaw namateryales. Dito sa panahon ng merkantelismo nagsimulang maging mayayaman atmakapangyarihan ang mga bansa sa Europa. Gawain 2: Pagpapalalim ng Kaalaman. SENTRO AT RUTA NG PANGANGALAKAL 14

Tatlong ruta ang ginagamit na daanang pangkalakalan noong panahon ngmerkantelismo. Nasa pagitan ng silangang Dagat Mediterranean ang tatlong ruta.Dumadaan sa Dagat na Pula ang isang ruta. Ibinababa ang mga kalakal na karga ngbapor na mula sa India sa malapit sa Dagat na Pula. Mula dito ay dinadala ang mgakalakal sa Nile at sa Alexandria at doon ipinagpapalit ang mga ito. Isang ruta namanang Golpo ng Persian, patawid sa Tigris Euphrates at patungo sa Damascus at Antiochpahilaga sa Dagat Itim. Pinakamahirap ang ikatlong ruta dahil sa lupa ito nagdadaan.Nagsimula sa Tsina at Hilagang India, tumatawid ang caravan sa Dagat Caspian atDagat Itim. Mula rito dinadala ang mga produkto sa Rusya o sa Kanlurang Europapatungo sa Constantinople.Sagutin ang mga tanong: 1. Paano naging hamon sa mga bourgeoisie ang pagtuklas ng panibagong ruta? 2. Bakit noong panahong iyon, mahirap tahakin ang rutang kalupaan? Isulat mo sa iyong kuwaderno ang mga sagot sa tanong sa itaas. Tandaan Mo! Ang mga Europeo ay may malalaking paniniwala na ang ginto at pilak ay makakatulong para sa kanilang adhikain maging makapangyarihan at maunlad. Ang merkantilismo ay isang sistemang pang-ekonomiya na lumaganap sa Europa na naghahangad ng pagkakaroon ng maraming ginto at pilak bilang tanda ng kayamanan at kapangyarihan ng bansa. Ang pera o salapi ay higit na naging mahalaga bilang pinagkukunan ng kapangyarihan sa panahong iyon kaysa sa lupa. Ang mga bansang sumunod sa sistemang merkantilismo ay higit na marami ang iniluwas na produkto kaysa sa inangkat na produkto mula sa mga kolonya ng bansa. 15

Gawain 3: Paglalapat Kung noong panahon ng merkantelismo, ikaw ay isangmangangalakal, mananatili ka ba sa kinagisnang ruta o maghahanap ng ibang rutangtatahakin? Ilarawan ang iyong ruta sa mapang matatagpuan sa ibaba. Ipaliwanag morin ang iyong dahilan. 16

ARALIN 3MONARKIYANG NASYONAL Dumating ang panahon na isa-isang nasupil ng mga hari ang humihinang lakasng mga panginoong piyudal. Ang paggamit ng sobrang kapangyarihan ng mgapanginoong piyudal ang nagtulak sa mga mamamayan upang ibaling ang kanilangkatapatan at serbisyo sa hari at kilalanin ito bilang pangkalahatang pinuno. Matapos ang araling ito, inaasahan na iyong: a. Maisa-isa ang mga salik sa pagtatatag ng monarkiyang nasyonal; at b. Mapahahalagahan ang pagbabagong dulot ng pagtatatag ng monarkiyang nasyunal. Gawain 1: Pag-isipan Mo! Nais mo na bang maging isang hari o reyna? Ano ang gagawin mo bilang isang hari o reyna? Pag-isipan mo kung papaano ka mamamahala sa iyong nasasakuapan. _________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________ 17

Mga Dahilan ng Pagyabong ng Monarkiya Sa huling bahagi ng Kalagitnaang Panahon, unti-unting lumakas angkapangyarihan ng mga hari. Samantala, ang mga panginoong may-lupa at ang mgamaharlika ay nawalan ng kapangyarihan. Ang mga sumusunod ay mga salik o dahilan sa paglakas ng monarkiyangnasyonal at paghina ng panginoong may-lupa. Una, ang krusada. Maraming mga panginoon ng may-lupa ang nahalina nasumama sa krusada. Nang hindi na nakabalik ang mga ito sa kanilang mga estado,humina at nabawasan nang malaki ang kanilang bilang sa Europa. Ikalawa, dahil sa malawakang paggamit ng salapi at paggamit ng buwis naibinabayad ng mga mamamayan ay nakapagtatag ng sundalong hukbo ang mgatagapamahala ng mga bayan at lungsod. Sa ganitong kalagayan ay hindi na silaumaasa sa mga panginoong may-lupa sa pagtatanggol ng kaharian. Ikatlo, nagkaroon ng pagkakataon ang mga mangangalakal at mga alipin nabumili ng ng kalayaan ng kanilang bayan at sarili mula sa mga panginoong may-lupa.Bukod dito, nais ng mga mangangalakal at ng mga alipin na mapasailalim atmapamunuan ng isang hari kaysa sa isang panginoong may-lupa sapagkat binigyansila nito ng hari ng proteksiyon, sistemang batas, at pananalapi. Ikaapat, ang pagkakaroon ng isang wika ng isang lugar. Ang mga mamamayanna may magkakatulad na wika ay nagkaroon ng higit na pagkakaisa at naging matapatsa kanilang estado at sa hari nito. Gawain 2: Pagpapalalim ng Kaalaman Bawat indibidwal ay naghangad ng kapangyarihan sa huling yugto ngPanahong Midyibal. May tatlong pangkat o grupo ang naghangad na magtamasa ngkapangyarihan. Ang hari, ang mga maharlikha, at ang simbahan. Ngunit angkapangyarihang ito ay matatamasa lamang sa pamamagitan ng pagsuporta ngnakararaming pangkat ng tao, o ang masa. Sinasabing ang hari at ang simbahan angnagtamasa ng kapangyarihang ito sapagkat ang pangangailangan ng masa o 18

ordinaryong mamamayan gaya ng pagkakaroon ng kaligtasan o seguridad at kalayaanay kanilang natugunan. Sa iyong nabasa sa itaas, sino sa palagay mo sa dalawang pangkat na ito angnararapat na nagtamasa ng higit na kapangyarihan, ang hari o ang simbahan?Ipaliwanag o ang iyong kuru-kuro. Tandaan Mo! Sa pagkawala ng kapangyarihan ng mga panginoong maylupa, ang hari ang nagsilbing pinuno at nagpatingkad sa pagtatatag ng monarkiyang nasyonal. Ang wika ang nagsilbing ugnayan ng mga mamamayan upang mapanatili ang suporta sa kanilang nahirang na hari. Malaki ang ginampanan ng salapi sa pag-unlad ng monarkiyang nasyonal sapagkat ang mga mamamayan ay nagkaroon ng pagkakataon na bilhin ang kanilang kalayaan mula sa kanilang panginoong maylupa. Sa pagtatatag ng monarkiyang nasyonal nabago ang pamumuhay ng mga kanluranin sa gawaing pang-ekonomiya sapagkat ang kabuhayan ay hindi lamang nakatuon sa lupa kundi higit na naging malawak at aktibo na kinabibilangan ng iba’t ibang pangkat sa lipunan. 19

Gawain 3: Paglalapat Kung ikaw ay isang karaniwang mamamayan na nabuhay panahon ngmonatkiya, paano mo suportahan ang hari na nagbigay sa mamamayan ng proteksyonat kalayaan? Magbigay ng tatlong paraan at ipaliwanag kung bakit mo gagawin angbawat isa. I. ________________________________________________________________ ________________________________________________________________ ________________________________________________________________ ________________________________________________________________ ________________________________________________________________ 2. ________________________________________________________________ ________________________________________________________________ ________________________________________________________________ ________________________________________________________________ ________________________________________________________________ 3. ________________________________________________________________ ________________________________________________________________ ________________________________________________________________ ________________________________________________________________ _______________________________________________________________________ 20


Like this book? You can publish your book online for free in a few minutes!
Create your own flipbook