Important Announcement
PubHTML5 Scheduled Server Maintenance on (GMT) Sunday, June 26th, 2:00 am - 8:00 am.
PubHTML5 site will be inoperative during the times indicated!

Home Explore ARALING PANLIPUNAN 3 Part 1

ARALING PANLIPUNAN 3 Part 1

Published by Palawan BlogOn, 2015-10-12 04:28:15

Description: 3ARPA1-3

Search

Read the Text Version

Noong 510 BC, naganap muli ang pagbabago sa sistemang pulitikal ng Athenssa pamumuno ni Cleisthenes. Hinati niya ang Athens sa sampung distrito. Limampungkalalakihan ang magmumula sa bawat distrito at maglilingkod sa konseho ng tagapayoupang magpasimula ng batas sa Asembleya ang tagagawa ng mga pinaiiral na batas.Sa kauna-unahang pagkakataon, nakaboto sa asembleya ang mga mamamayan, may-ari man ng lupa o wala. Upang mapanatili ang kalayaan ng mga mamamayan ipinatupad ni Cleisthenesang isang sistema kung saan bawat taon ay binibigyan ng pagkakataon ang mgamamamayan na ituro ang taong nagsisilbing panganib sa Athens. Kapag ang isang taoay nakakuha ng mahigit 6,000 boto, siya ay palalayasin sa Athens ng 10 taon. Dahil saang pangalan ay isinusulat sa pira-pirasong palayok na tinatawag na Ostrakon, angsistema ng pagpapatapon o pagtatakwil sa isang tao ay tinawag na ostracism.Bagamat kaunti lamang ang naipatapon ng sistemang ito, nabigyan ng mas malakingkapangyarihan ang mga mamamayan. Sa pagsapit ng 500 BC, dahil sa lahat ng mga repormang naipatupad sa Athens,ang pinakamahalagang naganap ay ang pagsilang ng demokrasya sa Athens, kungsaan nagkaroon ng malaking bahagi ang mga mamamayan sa pamamalakad ngkanilang pamahalaan. Gawain 2: Pagpapalalim ng Kaalaman Maraming mahalagang kaalaman sa iba’t ibang aspeto ng pamumuhay ang nagsimula sa sibilisasyong Heleniko. Anu-ano ang mga ito? Isulat satalahanayan ang pagkakatulad o pagkakaiba ng dalawang malalaking lungsod-estadona umunlad noong panahong iyon. SPARTA ATHENSParaan ng PamamahalaParaan ng PamumuhayEdukasyon 22

Papel ng KalalakihanPapel ng Kababaihan . Tandaan Mo! Ang sinaunang Gresya ay binubuo ng mga lungsod-estado na tinatawag na polis. Ang Sparta at Athens ang dalawang pinakamaunlad na polis noong panahon ng sinaunang Gresya. Sibilisasyong Heleniko ang itinawag sa bahaging ito ng kasaysayan ng Gresya. Ito ay tumagal hanggang 400 BC at itinuring na isa sa pinakadakilang sibilisasyon sa kasaysayan ng daigdig. Ang mga Spartan ay kinilala dahilan sa pagiging mahusay na mandirigma at sa kanilang simple at di masining na pamumuhay. Sa Athens sumibol ang ideya ng demokrasya o pagbibigay ng tungkulin sa pakikilahok ng mga mamamayan sa pamamahala Gawain 3: Paglalapat Kung ikaw ay nabuhay sa panahon ng mga lungsod-estado, saan mo mas nanaisin manirahan, sa Athens o sa Sparta? Bigyang katwiran ang inyong kasagutan sa pamamagitan ng isa o dalawang talata. ______________________________________________________________________ ______________________________________________________________________ ______________________________________________________________________ ______________________________________________________________________ ______________________________________________________________________ ______________________________________________________________________ ______________________________________________________________________ ______________________________________________________________________ 23

______________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________ARALIN 3PANAHON NG MGA DIGMAAN AT ANG PAGPAPALAWAK NG NASASAKUPAN Ang humigit kumulang na 50 lungsod-estado ng Gresya ay may magkakatulad nawika at kasaysayan bagamat sila ay nahati sa maliliit na lungsod-estado. Nagsumikapsilang maging matapang ang kani-kanilang sarili at lumaban para sa kadakilaan ngkani-kanilang polis. Tinatawag nilang barbaro o mga taong may paurong na sibilisasyonang mga di Griyego.samantala ang mga kapwa Griyego ay itinuturing nilang edukado atsibilisado. Naging mapagmataas sila at laging nakikipaglaban kung kaya’t di nilanakasundo ang mga tao sa labas ng kani-kanilang lungsod-estado. Naging palasak angmga tunggalian. Ang pakikipagtunggalian at pakikipaglaban ay karaniwan ngnaglalabas sa kagalingan ng bawat isa, ngunit ang labis nito ay maaari rin maging salika pagbagsak ng isang bansa at ng kanyang sibilisasyon. Matapos ang araling ito, inaasahan na iyong: 1. Mailalarawan ang mga kaganapan sa Digmaang Persia.; 2. Maipapaliwanag kung paano narating ng Athens ang kanyang ginintuang panahon; 3. Matutkoy ang mga dahilan kung bakit naganap ang Digmaang Pelopennesian; at 4. Makikilala si Alexander, ang Dakila. 24

Gawain 1: Pag-isipan Mo! Maituturo mo ba sa mapa ang mga lugar na ito.Marathon SalamisDardanelles DelosDigmaang Persia Maaring nagkakaisa ang Athens at Sparta sa ilang mga bagay na magkakatulad sila ngunit hindi lamang sa larangan ng pulitika. Nag pangamba lamang ng pananakop ng Imperyo ng Persia ang nagbigay daan sa kanilang pansamantalang pagsasanib pwersa upang labanan ang sunod-sunod na digmaan mula 490-479 BC na tinawag na Digmaang Persia. Para kay Darius I, ang dakilang hari ng Imperyong Persia ang mga lungsod- estado ay maliliit at hiwa-hiwalay para makagawa ng malawakang paglaban sa kanyang gagawing pananakop. Bukod dito di minabuti ni Daruis I ang ginagawang pagtulong ng Athens sa mga ilang kolonya ng Persia, na noon ay nagrerebelde na ang Gresya bago ito tuluyang lumakas naglunsad ng pag-atake si Darius I noong 490 BC sa Marathon mga 26 na milya mula Athens. Kasama ang mahigit kumulang 25,000 sundalo at ilang barko sinalubong sila ng mga naghihintay na Athenian. Bagamat mas kaunti himalang natalo ang mga Persian sa digmaang ito na tinawag na Digmaan sa marathon. Dahil sa labis na kagalakan inutusan ng mga heneral ang kanilang pinakamabilis na mensahero na si Philippides upang balita ang tagumpay sa Athens. Sa loob ng 48 oras ay tinakbo ni Philippides ang humigit kumulang na 150 milya. Pagsapit sa Athens, isinigaw niya ang “Magdiwang! Tayo ay nagwagi!“ at siya ay biglang bumagsak at tuluyan nang namatay. Sa kasalukuyang panahon ang marathon ay isang uri ng karera sa pagtakbo ng di kukulangin sa 26 milya ang ang layo. Hindi naging madali para sa mga Persian na tanggapin ang kanilang pagkatalo. Paglipas ng 10 taon, si Xerxes na anak ni Darius I, ay bumuo ng mas malaki at 25

malakas na hukbo upang balikan at sakupin ang Gresya. Sila ay dumaan sa katubiganng Hellespont (isang dagat-kipot, na kilala na ngayon bilang Dardanelles, na nasapagitan ng karagatang Marmara at Karagatang Aegean). Pagkatapos ay tinalunton nilaang makitid na daan sa kabundukan ng Thermopylae. Dito nila nakasagupa ang mgaGriyego na noon ay pinamumunuan ng mga Spartan. Matapos ang tatlong araw nalabanan na tinawag na Digmaan sa Thermopylae, natalo at walang awang napatay angmga Griyego. Narating ng mga Persian ang Athens at sinunog ang acropolis. Maaaringnasira nila ang Athens ngunit hindi sumuko ang mga Griyego. Sa pamumuno ng mgaAthenian, sinagupa ng mga Griyego ang pwersang Persian sa look ng Salamis. Dito aynaganap ang isa sa pinakanatatanging digmaan sa karagatan. Sa pagkakataong ito,natalo ang mga Persian at tuluyan na silang umatras sa labanan. Dahilan sa patuloy na banta ng panganib, kahit na natalo ng mga Griyego angmga Persian ay sinikap pa nilang palakasin ang kanilang sandatahan. Nagtatag sila ngalyansa noong 478 BC na may humigit kumulang na 150 lungsod-estado kasama naang Sparta at Athens at ilang lungsod-estado sa Asya Manor at sa mga isla sa Aegean.Nagkasundo ang aliyansa na mag-ambag ng barko, sundalo at salapi sa kanilangalyansa na kinilala bilang Delian League dahilan sa ang naging sentro nito ay ang islang Delos. Ang Athens na siyang pinakamayaman at may pinakamalakas na hukbo ayunti-unting namuno sa Delian League. May mga lungsod-estado na nagnais tumiwalagsa alyansa ngunit di sila pinayagan ng Athens. Ito ang nagbigay daan sa pagkakatatagng Imperyong Athenian. Naging napakahalaga ng sumunod na mga pangyayari pagkatapos matalo angmga Persian ng mga Griyego. Nagsimula ng umunlad hindi lamang sa larangan ngpulitika kundi maging sa kultura at ang Athens ang naging sentro nito.Ginintuang Panahon ng Athens Noong 461 BC, si Pericles, isang strategos o heneral na inihalal ng mgakalalakihang mamamayan sa ang namuno sa Athens. Taun-taon ay nahahalal siPericles hanggang sa sumapit ang kanyang kamatayan noong 429 BC. 26

Sa loob ng mahabang panahon ng kanyang panunungkulan, maraming ipinairalna mga programang pampubliko si Pericles. Lahat ay naglalayong gawingpinakamarangyang estado ang Athens. Nais ni Pericles na lumawak pa ang umiiral na demokrasya sa Athens kungkaya’t dinagdagan niya ang bilang ng mga manggagawa sa pamahalaan atsinuwelduhan niya ang mga ito. Lahat ng mamamayan ay nagkaroon pagkakataongmakapagtrabaho sa pamahalaan mayaman aman o mahirap. Kaya di nagtagal mgaikatlong bahagi (1/3) ng populasyon ng Athens ay bahagi na ng mga gawain ngpamahalaan. Ngunit hindi lahat ay nasiyahan sa mga repormang ipinatupad ni Pericles. Parasa mga mayayaman ang ginawa niyang mga pagbabago ay magdudulot ng pagkalugisa pamahalaan at maghihikayat ng katamaran sa mga ordinaryong mamamayan.Ipinagtanggol niya ang kanyang mga ginawang pagbabago sa pamamagitan ngpagbibigay ng isang pahayag na naitala naman ni Thucydides, na isang historyador.Ayon kay Pericles “ Ang ating konstitusyon ay isang demokrasya sapagkat ito ay nasamga kamay ng nakararami at hindi ng iilan.”Athena 27

Mahalaga ang edukasyon para sa mga Athenian. Ang mga lalaki ay pinag-aaralsa mga pribadong paaralan kung saan sila ay natuto ng pagbasa, matematika, musika,at mga obra ni Homer na Iliad at Odyssey. Hinikayat din silang talakayin ang sining,pulitika at iba pang usapin. Ang palakasan ay bahagi rin ng kanilang pag-aaral. Sa edadna 18 taong gulang, ang mga lalaki ay nagsasanay sa militar ng 2 taon at pagkataposay maaari nang maging mamamayan ng Athens at makibahagi sa pamahalaan nito. Samantala, ang mga kababaihan ay itinuring na mas mababa sa mgakalalakihan. Hindi sila nabigyan ng pagkamamamayan at hindi maaaring makibahagi sapamahalaan. Hindi rin sila maaaring magmay-ari ng kahit ano at walang karapatangmag-aral. Ang kanilang buhay ay umiikot sa mga gawaing bahay at pag-aalaga ng mgaanak. Sa edad na 14-16 sila ay ipinakakasal sa mga lalaking napili ng kanilang mgamagulang. Pagsasaka ang karaniwang ikinabubuhay ng mga Athenian. Ang mga ani aykanilang kinakain. Ang mga sobrang produkto ay ipinapalit nila ng iba pang kagamitangpambahay. Bagamat marangya at magarbo ang ang mga gusaling pampubliko, ang mgatahanan naman ang simple lamang, maging ito ay pag-aari ng mayayaman okaraniwang tao. Sa kabuuan, simple lamang ang naging pamumuhay sa sinaunang Gresya.Ngunit mula sa simpleng pamumuhay na ito ay lumitaw ang pinakamahuhusay naartista, manunulat, at mga pilosopo na tinitingala sa sandaigdigan hanggang sa atingmakabagong panahon. Ang may-akda ng mga natatanging pilosopong Griyego sa larangan ng pulitikaay kinilala sa mundo tulad ng The Republic ni Plato at Politics ni Aristotle. Maging sa larangan ng arkitektura ay nakilala ang mga Griyego. Kahangahangaang arkitektura ng mga templo. Ang ilan dito ay matatagpuan sa Athens, Thebes,Corinth, at iba pang syudad. Ang tatlong natatanging istilo na Ionian, Doric, atCorinthian ay naperpekto nila nang husto. Ang pinakamagandang halimbawa ay angParthenon, isang marmol na templo sa Acropolis sa Athens. Ito ay itinayo nina Ictinusat Calicrates at inihandog kay Athena, ang diyosa ng karunungan at patrona ng Athens. Ilan sa mga labi ng iskulturang Griyego ay matatagpuan din sa mga templo ngCrete, Mycenaea, at Tiryus. Ang pinakadakilang Griyegong iskultur ay si Phidias. Ang 28

istatwa ni Athena sa Parthenon at ni Zeus sa Olympia ay ilan lamang sa mga obramaestra niya. Ilan pang mga natatanging iskultura ay ang Collossus of Rhodes niChares at Scopas ni Praxiteles na parehong itinanghal na Seven Wonders of theAncient World. Kinilala rin ang kontribusyon ni Herodotus sa larangan ng kasaysayan. Angkanyang mga paglalakbay sa Asya at Spuka ay nakatulong upang maging obra maestraniya ang Kasaysayan ng Digmaang Persian. Tinawag siyang Ama ng Kasaysayan.Sinundan ito ng isa pang historyador, si Thucydides. Ilan sa mga isinulat niya ay angAnabis, isang kwento ng sikat na martsa ng mga Griyego mula sa Babylonia hanggangDagat na Itim at Memorabilia na kalipunan ng mga kwento ng guro niyang si Socrates. Nagkaroon din ng kaalaman sa makabagong medisina sa sinaunang Gresya.Ang pinakadakilang Griyegong manggagamot ay si Hippocrates na kinilala bilang Amang Medisina. Itinaas niya ang larangan ng medisina bilang agham at hindi bunga ngmahika. Marami ring Griyego ang kinilala at dinakila dahil sa kanilang naging ambag salarangan ng agham at pilosopiya. Ang kauna-unahang pilosopiya ay ipinakilala niThales ng Militus. Ayon sa kanya ang sandaigdigan ay nagmula sa tubig, angpangunahing elemento ng kalikasan. Samantala si Pythagoras naman ang nagpasikatng doktrina ng mga numero kung saan sinasabi niya na ang bilang na tatlo, lima at pitoay maswerteng mga numero.Socrates 29

Ilang dekada matapos ang Digmaang Persian, isang pangkat ng mga guro natinatawag na mga Sophist ang sumikat sa Athens. Nagpakilala sila ng pagbabago samga umiiral na pilosopiya. Ayon sa kanila maaaring turuan ang mga tao na gumawa ngmagagandang batas, makapagsalita at makipagdebate sa mga Asembleya. MaramingAthenian ang tumuligsa sa mga pilosopiya ng mga Sophist. Isa na rito ay si Socrates.Ayon sa kanya mahalaga na kilalanin mo ang iyong sarili (know thyself). Ayon sakanya dapat na patuloy na magtanong ang mga tao hinggil sa mga bagay-bagay upangmatiyak kung sila ay may mga kasagutan sa mga kataningang ito. Ang pamamaraangito ay kinikilala ngayon na Socratic Method. Di nagustuhan ng mga Athenian angginawang pagtatanong ni Socrates lalo na ang mga tungkol sa mga diyos-diyosan atilang patakaran ng Athens. Dahilan dito siya ay nakulong at nahatulan ng kamatayan.Ngunit bago pa siya naparusahan, siya ay nagpakamatay sa pamamagitan ng paglasonsa sarili. Ang lahat ng mga ideya ni Socrates ay hindi niya naisulat. Si Plato, angkaniyang pinakasikat na mag-aaral, ang nagsumikap na maitala ang lahat ng dayalogosa pagitan ng dalawa o mas higit pang tauhan. Ang pinakatanyag ay ang Republic,isang talakayan tungkol sa katangi-tanging polis at ang uri ng pamahalaan namakapagbibigay ng kaligayahan sa mga mamamayan nito. Samantala, si Aristotle, ang pinakamahusay na mag-aaral ni Plato, aynagpakadalubhasa sa pag-aaral ng halaman, hayop, astronomiya, at pisika na pawingnangangailangan ng masusing pagmamasid. Ayon sa kanya, ang alinmang teorya aymaari lamang tanggapin kung ito ay batay sa masusing pagmamasid ng mgakatotohanan. Kinilala si Aristotle na Ama ng Biyolohiya. Ilan sa mga tanyag niyang aklatay ang Poetic, isang pagsusuri sa mga iba’t ibang dula-dulaan, ang Rhetoric nanagsasabi kung paano dapat ayusin ng isang nagtatalumpati ang kanyang talumpati, atang Politics kung saan tinalakay ng mga mamamayan ang iba’t ibang uri ngpamahalaan. Sa pamamagitan ni Aristotle narating ng pilosopiyang Griyego ang kanyangtugatog. Naimpluwensyahan ni Aristotle di lamang ang kanyang mga mag-aaral kundimaging mga pilosopo at siyentipiko ng mga sumunod na henerasyon. 30

AristotleDigmaang Peloponnesian Nais ni Pericles na manatili ang kapayapaan di lamang sa Athens kundi magingsa mga kalapit nitong mga lungsod-estado at maging sa Persia. Habang umuunlad angAthens, lumawak din ang kanilang kapangyarihan sa kalakalan. Ito ang naging dahilankung bakit sa panahon ng Delian league ay naging isang imperyo ang Athens. Hindi lahat ng lunsod-estado ay sumang-ayon sa ginawa ng Athens napagkontrol sa Delian League subalit wala silang nagawa upang umalis sa alyansa.Kayat ang mga lungsod-estado na kasapi sa Delian League tulad ng Sparta, Corinth atiba pa ay nagtatag ng sarili nilang alyansa sa pamumuno ng Sparta at tinawag itongPeloponnesian League. Noong 431 BC nilusob ng Sparta ang mga karatig pook ng Athens na nagingsimula ng Digmaang Peloponnesian. Batid ni Pericles na mahusay na mandirigma salupa ang mga Spartan kung kayat iniutos niya ang pananatili ng mga Athenian sapinaderang lungsod. Samantala, inatasan niya ang sandatahang lakas ng Athens nalusubin sa karagatan ang mga Spartan. Ngunit sinawing palad na may lumaganap nasakit na ikinamatay ng libu-libong tao, kasama na si Pericles, noong 429 BC. Lahat ng 31

mga pumalit kay Pericles ay hindi nagtagumpay dahilan sa mga mali nilang mgadesisyon. Isa na rito si Alcibiades. Matapos siyang akusahan ng mga Athenian nalumalabag sa paniniwalang pangrelihiyon, tumakas siya patungong Sparta upangiwasan ang pag-uusig sa kanya. Doon siya ay naglingkod laban sa kanya mismongmga kababayan. Di naglaon bumalik din si Alcibiades sa Athens at siya ay pinatawad atbinigyang muli ng pagkakataong pamunuan ang sandatahang lakas ng Athens.Bagamat naipanalo niya ang ilang laban nila sa Sparta, lubhang malakas ang mgaSparta at noong 404 BC, sumuko ang mga Athenian. Bilang ganti, ipinapatay ng mgaSpartan si Alcibiades. Ang dalawampu’t pitong taong Digmaan ng Peloponnesian ay isang malakingtrahedya para sa Gresya. Nagkaroon ng malawakang pagkawasak ng ari-arian atpagkamatay ng mga tao. Lumala rin ang suliranin sa kawalan ng hanapbuhay, pagtaasng presyo ng mga bilihin, at kakulangan sa pagkain.Ang Macedonia at si Alexander Patuloy na pinangambahan ng mga Griyego ang pananakop ng ImperyongPersian. Lingid sa kanilang kaalaman, may isang bagong kaharian, ang Macedonia, nanasa hilagang bahagi ng tangway ng Gresya, ay unti-unting lumalakas at nagigingmakapangyarihan.Alexander the Great 32

Noong 359 BC isang pinuno sa katauhan ni Philip ang naging hari ngMacedonia. Siya ay nagtatag na malakas na sandatahan na naging daan upangmakuha niya ang suporta ng mga lungsod-estado na kalaban ng Athens. Bagamatnoong panahong iyon na nagbigay babala na si Demosthenes, isang kilalang orador saGresya, sa napipintong panganib, di pa rin nagkaisa ang mga magkakalabang lungsod-estado upang pigilan ang darating na mga mananakop. Pagsapit ng 338 BC sa lupain ng Chaeronea, nilupig ng hukbo ni Philip angGresya at inagaw ang pinakamamahal nilang kalayaan. Di nagtagal, noong 336 BC, napatay si Haring Philip at ang kanyangdalawampu’t dalawang taong gulang na anak na si Alexander ang humalili sa kanya.Kinilala sa kasaysayan si Alexander, ang Dakila. Mula sa kanyang ama ay nakuha niyaang husay sa pakikidigma at pamumuno. Pangarap niya na dumating ang araw namapasailalim niya ang Imperyong Persian. Mula naman kay Aristotle natutunan niyaang pagmamahal sa kulturang Griyego, at paghanga sa mga epikong isinulat ni Homer.Pinangarap niya na matulad sa mga bayani ng Iliad at Odyssey. Dinakila sakasaysayan ang talino at pagkakaroon ng matatag na loob ni Alexander sa pakikidigma.Noong 334 BC, mula sa Helespont pinalaya niya ang ilang kolonya ng Griyego sa AsiaMinors. Hindi nagtagal, maging ang lupain ng Phoenicia ay nasakop niya. Nangmasakop niya ang Ehipto, itinatag niya roon ang lungsod ng Alexandria. Pagsapit ng331 BC, maging ang Mesopotamia ay napasakamay ni Alexander. Nang talunin niya siDarius III, hari ng Persia, napalawak niya ang kanyang kapangyarihan hanggang saHilagang India. Sa pagitan ng 334 BC hanggang 326 BC, tuluyan nang nakuha ngpuwersa ni Alexander ang mga lupain sa Ehipto hanggang sa India na di man langnatalo sa kahit na isang digmaan. Dala marahil ng pagod sa walang tigil at aktibo niyang pamumuhay, isang umagaay nilagnat ng mataas si Alexander habang siya ay nasa Babylon na ikinasawi niya.Inilagay ang kanyang labi sa isang ginintuang kabaong at dinala sa Alexandria. Sa gitnang malawakang pagpapahayag ng pagkadakila at pagmamahal at pighati, inilibing siAlexander sa lungsod na kanya mismong tinatag. Bagamat naihabilin kay Peridiccus, isa sa mga heneral, ang Imperyo, hindi niyanakayanan ang pamumuno rito. Ang mga heneral ay naglaban-laban upang magingpinuno. Matapos ang mahabang panahon ng labanan, nahati sa tatlo ang malawak na 33

Imperyo. Ang kahariang Ptolemaic sa Ehipto, ang Imperyong Selericid sa Asya, at angKahariang Antigonid sa Macedonia. Ang tatlong ito, di naglaon, ay sinakop ng kapangyarihang Romano.Gawain 2: Pagpapalalim ng Kaalaman Itala ang mga sanhi at bunga ng dalawang malalaking digmaan na unti-unting humubog sa pamumuhay ng mga sinaunang Griyego. Balikan ang Teksto ng aralin upang mabuo ang talahanayan. Sanhi BungaDigmaang Persian DigmaangPeloponnesian Tandaan Mo! Ang Digmaang Persian ay pinamunuan ni haring Darius I atXerxes. Pagkaraan ng digmaang ito, nagsimulang maitatag ang ImperyongAthenian. Naging kasangkapan sa pagpapalawak ng Imperyong Athenian angDelian League.Naging sentro ng kaunlaran ng sinaunang Gresya ang Athens. Sa kanyangginuntuang panahon (416-404 BC) yumabong ang kultura, sining, pilosopiya atpulitikang Gresya. Nakilala ang mga pilosopong Griyego gaya nina Socrates, Platoat Aristotle, sa larangan pulitika ay nakilala naman si Pericles. Sa agham atsyensiya, ibinigay ng Gresya sa daigdig sina Hippocrates, Thales ng Militus, at 34

Pythagoras. Sa sining ay may malaking ambag sina Phidias at Praxiteles. Si Herodotus ang itinituring na Ama ng Kasaysayan. Ang Digmaang Peloponnesian ay nagdulot ng malaking trahedya sa Gresya. Nagbunga ito ng pagkalagas ng populasyon ng Gresya, pagkawasak ng mahahalagang likha ng sining, at pagkalugmok ng mga ekonomiya ng Sinaunang Gresya. Sa pamamagitan ni Alexander nagkaroon ng uganyan ang kulturang Griyego sa kulturang Asyano na nagbukas ng daan sa Sibilisasyong Helenistiko. Gawain 3: Paglalapat Ano ang iyong masasabi sa pagkalupig at pagkasakop sa Gresya ni Alexander the Great? Sa iyong palagay, nakatulong ba ito sa kasalukuyangkalagayan sa Gresya at sa Daigdig? Sang-ayon ka bas a mga pagbabagong naganapsa Gresya dahil sa pananakop ni Alexander the Great? Kung hindi niya sinakop angGresya, ano ang maaring nangyari sa Gresya? Magbigay ng kuru-kuro hinggil sa mga tanong sa itaas. Sumulat ka ng isangsanaysay sa nagpapaliwanag ng iyong posisyon. __________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________. 35

ARALIN 4ANG PAMUMULAKLAK NG SIBILISASYONG HELENISTIKO Ang lungsod ng Alexandria, noong panahon ng pamumuno ni Ptolemy ay nagingsentro ng makabagong karunungan at kaalaman. Nagpatayo si Ptolemy ng magarangsilid-aklatan at sentro ng pananaliksik na kinilala sa buong daigdig. May mga museo,zoo, at obserbatoryo upang mapag-aralan ang mga bituin sa kalangitan. Ang silid-aklatan ay naglaman ng humigi’t kumulang na 500,000 aklat na nakasulat sa mgapapyrus. May mga sipi ito ng mga akda ni Homer, mga dula na isinulat ng mgaAthenian, mga aklat sa medisina mula sa paaralan ni Hippocrates, at mga banal naaklat ng mga Hebreo na isinalin sa wikang Griyego. Inanyayahan din sa aklatan angmga natatanging iskolar, at sinuportahan ang kanilang mga pangangailangan upangmagsaliksik at magsulat.Matapos ang araling ito, inaasahan na iyong: 1. Maipaliliwanag kung bakit naging sentro ng sibilisasyong Helenistiko ang Alexandria; 2. Matutukoy ang mahahalagang pagtuklas sa Gresya noong panahong ito sa larangan ng aghan at pilosopiya; at 3. Masusuri ang mga pilosopiyang epicureanismo at storcismo. Gawain 1: Pag-isipan Mo! Sa ibaba ay nakalarawan ang mga ng Ehipto. Matutukoy mo ba kung nasaan angAlexandria? Ituro ang Alexandria sa mapa ng Ehipto. 36

. Ang Alexandria: Sentro ng Sibilisasyong Helenistiko Ang pagkakawatak-watak ng imperyong itinayo ni Alexander ay di naiwasan matapos siyang pumanaw, ngunit ang mga naging bunga ng kanyang pananakop ay nagpatuloy sa mahabang panahon. Ang panahon mula sa pagkamatay ni Alexander hanggang sa mapasailalim ang Ehipto sa Roma ay panahon ng pamumulaklak ng Sibilisasyong Helenistiko. Noong panahong Heleniko ay nahati ang Gresya sa dalawang pangkat ng tao, ang Griyego at ang Barbaro, na salitang ginamit upang tawagin ang sinumang di- Griyego. Ang panahong ito ay inilarawan bilang pinagsamang sibilisasyon ng Heleniko o Griyego at Asya. Sa madaling salita, ito ay Sibilisasyong Graeco-Oriental kung saan ang Alexandria sa Ehipto, Antioch sa Syria, at Pergamum sa Asya Manor ang nagsilbing mga pangunahing lungsod. 37

Iba pang Pagtuklas Archimedes Ang mga siyentipiko mula sa Alexandria noong panahong ito ay nagsagawa rinng iba’t ibang pagtuklas na nakaimpluwensiya maging sa ating kasalukuyang panahon. Si Euclid ay naging kilalang matematisyan. Ang kontribusyon niya sa larangan ngGeometry ay ginagamit pa rin ng ating mga mag-aaral ng matematika sa ngayon. Si Erastosthenes, isang iskolar at punong librarian sa Alexandria, ay nagbigay ngtinatayang distansya ng ating mundo sa tulong ng kanyang kaalaman sa geometry. Si Aristarchus, isa pang matematisyan at astronomer mula sa Samos, ay lumikhang kontrobersiya nang makipagtalo siya na ang mga planeta ang umiikot sa araw. Si Archimedes naman ay nag-aral sa Alexandria ngunit naglagi ng matagal saisla ng Sicily. Kilala rin siya sa larangan ng matematika at pisika. Marami siyangimbensyon ngunit ang armas sa pakikidigma na tinatawag na catapult angpinakanatatangi. 38

Mahahalagang Pilosopiya Dalawang mahalagang pilosopiya ang nagsimula sa Athens noong PanahongHelenistiko. Isa rito ay ang Epicureanismo na hango sa pangalan ni Epicurus ngSamos, isang maestro at manunulat. Pinag-aralan ni Epicurus ang mga pamamaraanupang magkaroon ng mapayapang pamumuhay. Ayon sa kanya, dapat umiwas ang taosa walang katapusang pagnanais na yumaman, magkaroon ng kapangyarihan atmaging tanyag upang mabuhay ng matiwasay at malayo sa pangamba. Ayon pa rin kayEpicurus ang katawan ay dapat na malayo sa mga sakit at ang isip Malaya sa takot atpag-aalala. Ipinayo niya ang matalinong pakikipag-usap sa kaibigan o ang paghiga sadamuhan bilang mga simpleng pamamaraan ng pagmumuni-muni ng buhay. Zeno Samantala ang pilosopiyang stoicismo na ipinakilala naman ni Zeno. Angpilosopiyang ito ay natuklasan ni Zeno habang naglalakad siya sa portico o balkon samga pamilihan ng Athens. Ang mga stoic tulad nina Socrates ay may malakingpagpapahalaga sa dignidad, pagpipigil sa sarili at katwiran. Dahilan sa katwirang ito ngmga stoic niya rin ang dignidad ng ibang tao. Ang paniniwalang ito ng pagkakapantay-pantay ng tao sa buong mundo ay naging patunay ng nagbabago ng pananaw ng mga 39

Griyego sa Panahong Helenistiko. Matagal at malawak ang impluwensiya ng stoicismoat nananatili hanggang sa kasalukuyang panahon. Gawain 2: Pagpapalalim ng Kaalaman Ang Sibilisasyong Helenistiko ay nagbigay sa daigdig ng mga pantas at siyentista na may mahalagang ambag sa iba’t ibang larangan. Punan angtalahanayan upang mgakaroon ka ng isang pagbubuod ng mahahalagang tao noongpanahong ito. Ang unang halimbawa ay maaari mong tularan. MAHALAGANG TAO LARANGAN AMBAG O PANGUNAHING1. Ptolemy TUKLAS2. Euclid3. Eratosthenes4. Aristarchus5. Archemedes6. Epicurus 40

7. Zeno Tandaan Mo! Ang sibilisasyong Helenistiko ay may mga katangian ng mga sibilisasyong Heleniko at Asyano na umusbong noong panahon ng pananakop ni Alexander the Great. Ang Alexandria ang naging sentro ng sibilisasyong Helenistiko. Maraming pagtuklas pa sa larangan ng agham at matematika ang naganap sa Gresya. Nagkaroon ng malaking impluwensiya sina Ptolemy, Euclid, Eratosthenes, Aristotle, Archimedes, Epicurus at Zeno. Ang dalawang mahalagang pilosopiya na nakaimpluwensya sa pamumuhay ng mga Athenian noong panahong Helenistiko, at hanggang ngayon ay ang epicureanismo at storcismo. Gawain 3: Paglalapat May dalawang pilosopiyang namayani noong panahon ng sibilisasyong Helenistiko. Epicureanismo at Stoicsismo. Alin sa dalawa ang pinaniniwalaan mo? Pumili ng mas malapit sa sarili mong paniniwala at ipaliwanag mo kung bakit mo pinaniniwalaan ang pilosopiyang iyong pinili. Magbigay ka ng mga halimbawa mula sa iyong karanasan. ________________________________________________________________ ______________________________________________________________________ ______________________________________________________________________ ______________________________________________________________________ ______________________________________________________________________ ______________________________________________________________________ _____________________________________________________________________. 41

PANGWAKAS NA PAGSUSULIT:I. 1. Alexandria 2. Parthenon 3. Digmaang Peloponnesian 4. Helenistiko 5. Athens 6. Macedonia 7. Polis 8. Minoan 9. Hellas 10. Digmaang Thermopylae 11. Agora 12. Salamis 13. Delian LeagueII. Kilalanin 1. Homer 2. Pericles 3. Pisastrus 4. Lydians 5. Draco 42

(Effective Alternative Secondary Education) ARALING PANLIPUNAN III MODYUL 5ANG PAGSIBOL NG IMPERYONG ROMANO BUREAU OF SECONDARY EDUCATION Department of Education DepEd Complex, Meralco Avenue Pasig City 1

MODYUL 5 ANG PAGSIBOL NG IMPERYONG ROMANO Sa panahong sumisibol ang sibilisasyong Griyego, isang maliit at natatangingestado sa gitna ng Italya ang Roma. Bagamat maliit, hindi ito nagtagal bilang isanglungsod-estado. Sa pagsapit ng A.D. 200, halos lahat ng mga lupaing nakapaligid sakaragatang Mediterranean ay kanyang nasakop. Naitatag ang isang malawak naImperyong Romano. Ang mga lupaing nasakop at napasailalim sa kapangyarihan ng mga Romano aynakinabang nang lubos. Kaakibat ng naging pagsakop ay ang kapangyarihan,kaunlaran, at kaayusan. Lumaganap nang husto ang kulturang Romano sa mga lupaingito. Subalit walang imperyo na nanatili habambuhay. Matapos ang mahabangpanahon ng pamamayagpag, bumagsak din ang imperyo noong AD 476. Ang kahusayan ng mga Griyego ay nakita sa pamumulaklak ng sining at agham.Samantala, ang mga Romano ay mas praktikal na mga tao. Nanguna sila sa batas atpamahalaan at naging mahuhusay din silang inhinyero. Mula sa Imperyong Romano,kinilala ang relihiyong Kristiyanismo. Sa katunayan, hanggang sa kasalukuyan angRoma pa rin ang sentro ng pananampalatayang Kristiyano sa buong daigdig. Sa modyul na ito, matutunghayan mo ang pinagdaanang sibilisasyon ng Roma at ang mga impluwensiya ng sibilisasyong ito sa kultura, relihiyon at pulitika ng iba’t ibang bansa sa daigdig. May limang araling inihanda para sa iyo sa modyul na ito: Aralin 1: Sinaunang Roma Aralin 2: Pagpapalawak ng Imperyong Romano Aralin 3: Ang Krisis sa Republika Aralin 4: Ang Pamumuhay sa Imperyong Romano Aralin 5: Ang Pagbagsak ng Imperyong Romano at ang Paglaganap ng Kristiyanismo 2

Pagkatapos mong mapag-aralan ang modyul, inaasahang magagawa mo angmga sumusunod: 1. Mailalarawan ang sibilisasyon ng Sinaunang Roma; 2. Matatalakay ang mga pangyayaring nagbigay daan sa paglawak ng Imperyong Romano; 3. Masusuri ang mga naging krisis sa Republikang Romano; 4. Mailalarawan ang Imperyong Romano at ang mga namuno dito; 5. Maibibigay ang mga kadahilanan ng pagbagsak ng Imperyong Romano; 6. Maipapaliwanag kung paanong lumaganap ang Kristiyanismo sa lupain ng mga Romano; at 7. Mapahahalagahan ang naiambag ng Imperyong Romano sa daigdig. Handa ka na ba? Subukan mong sagutin ang mga sumusunod na tanong.Huwag kang mangamba sa pagsagot. May mga tulong sa pag-aaral na inihanda parasa iyo. 3

PANIMULANG PAGSUSULIT: I. Panuto: Bilugan ang titik ng tamang sagot.1. Ang pinakaunang pangkat ng tao na nanirahan sa Italya:A. Latins C. LydiansB. Hittites D. Sumerians2. Pangkat ng tao mula sa Asya Manor na sinasabing lubos na nakaimpluwensyasa pamumuhay ng mga Romano:A. mga Babylonian C. mga PhoenicianB. mga Mesopotamian D. mga Etruscan3. Ang kapangyarihan ng pamahalaang ito ay nasa kamay ng mga pinunonginihalal ng mga mamamayan.A. Monarkiya C. RepublikaB. Oligarkiya D. Estado4. Sila ang mga karaniwang tao C. Urban poor A. Plebeians D. Elite B. Patricians5. Bumubuo ng 300 konseho ng mga patricians: C. Punong-lungsod A. Mababang Kapulungan D. Kagawaran B. Senado6. Unang talaan ng mga nakasulat na batas ng mga RomanoA. Kodigo ng Hamurabbi C. Twelve TablesB. Konstitusyon D. Sampung Utos7. Ang mga digmaang Punic ay naganap sa pagitan ng Roma at ng:A. Sicily. C. Sardinia.B. Corsica. D. Carthag 4

8. Isang dakilang Heneral na Carthaginian: C. Sargon A. Hannibal D. Darius B. Attila9. Ang pamilyang nagsagawa ng mga reporma upang sagipin ang humihinangRepublika:A. Tiberius C. GracchusB. Caesar D. Julian10. Ang namuno sa pag-aalsa ng mga alipin noong 73 BC:A. Mga Spartans C. MosesB. David D. Abraham11. Binuo nina Gracens Pompey, Marcus Licinus Crassus, at Julius CaesarA. First Triumvirate C. Assembly of TribesB. Second Triumvirate D. Ides of MarchE.12. Kinilala bilang Augustus: C. Lepidus A. Mark Anthony D. Octavian B. Brutus13. Lumaganap ito sa Roma noong Pax Romana. C. digmaan A. kapayapaan D. pananakop B. demokrasya14. Pinakahuli sa mga mabubuting emperador: C. Marcus Aurelius A. Hadrian D. Nerva B. Trojan15. Ang may-akda ng Iliad at Odyssey: C. Horace A. Levy D. Virgil B. Homer16. Ang kabisera ng Imperyong Romano sa silangan:A. Syria C. ConstantinopleB. Egypt D. Adrianople 5

17. Ang labanan sa Adrianople ay sa pagitan ng dalawang pangkat na ito.A. Romano at Visigoth C. Romano at OstrogothB. Romano at Hun D. Romano at Vandals18. Ang matapang na heneral ng mga Hun: C. Odoacer A. Theodoric D. Attila B. Diocletian19. Ang relihiyong hango sa buhay at aral ni Hesus :A. Hinduism C. KristiyanismoB. Judaism D. Zoroastrianism20. Noong 380 BC, hinirang niya ang Kristiyanismo bilang opisyal na relihiyon ngImperyong Romano:A. Constantinople C. PeterB. Theodosius D. Paril 6

ARALIN 1SINAUNANG ROMA Ang sibilisasyong Romano ay nagsimula sa makitid at hugis botang tangway ngItalya.Tulad ng Gresya, ang Roma ay napapaligiran rin ng karagatang Mediterranean,bagamat mas mainam ang lokasyon nito sapagkat ito ay nasa gitna ng Italya. Ang Italyanaman ay nasa gitna rin ng Mediterranean. Dahil dito, naging sentro ng kalakalan sabuong Italya ang Roma. Matapos ang araling ito, inaasahan na iyong: 1. Maituturo ang Italya sa mapa ng Europa at ang Roma sa mapa ng Italya; 2. Matatalakay ang pag-usbong ng pamayanang Roma; at 3. Makikilala ang mga katangian ng mga Plebeian at Patrician bilang tagapamahala ng sinaunang Roma. Gawain 1: Pag-isipan Mo! A. Ituro sa mapa ng Europa ang Italya. Markahan ng pulang bolpen o krayola ang hugis at hangganan ng italya. 7

B. Masdan ang kinalalagyan ng Roma sa mapa ng Italya. Paano nakaapekto ito sa pamumuhay ng mga tao roon. Pagkatapos mong gawin ang mga gawaing ito, mas higit mong mauunawaanang nilalaman ng aralin. Handa ka na ba?Sinaunang Pamayanan ng Italya at Ang Heograpiya Nito Sa habang 1120 kilometro at lapad na 240 kilometro, ang Italya ay umaabot saTimog ng Europa patungo sa Aprika at hinahati ang karagatang Mediterranean sasilangan at kanlurang bahagi. Mula sa nakapagitnang lokasyon nito, naging napakadalipara sa mga Romano na pamahalaan ang kabuuan ng mga lupain sa Mediterranean. Marami pang mga pangheograpiyang katangian ang Italya na nakatulong sapag-unlad nito tulad ng mga kabundukan na bumabalot sa kabuuan ng tangway. AngBundok Alps sa hilaga ang siyang naghihiwalay sa Italya sa kabuuan ng Europa. Angbulubundukin naman ng Apennines ay matatagpuan mula hilaga hanggang timog ngbansa. Ang lupa ay mataba at angkop na angkop sa pagtatanim. Dahilan samahalumigmig at mamasa-masang klima nito, ang mga magsasaka ay nakapagtatanimng iba’t ibang butil, gulay, olives, at iba pang mga prutas. Samantala, ang pag-aangkat 8

at pagpapasok ng mga produkto ay hindi naging madali dahilan sa limitado nitongdaungan. Ito ang dahilan kung bakit ang mga sasakyang panlupa ang pangunahinggamit sa paglalakbay at kalakalan. Ang pangyayaring ito ay nakatulong upangmagkaisa at magkalapit ang iba’t ibang rehiyon ng Italya. Di nagtagal, ang mganagkakaisang rehiyon ay napailalim sa iisang pamahalaan. Ilang libong taon mula 2,000-1,000 BC, ang Italya ay sinakop ng mga Indo-European na sinasabing may kaugnayan sa mga Mycenaean ng Gresya. Ang mgamananakop na ito ay nagtayo ng mga pamayanan at nagsaka ng mga lupang sakahan.Isa sa mga pangkat ng Indo-European ay tinawag na mga Latin sapagkat sila aynagtayo ng mga pamayanan sa kapatagan ng Latium. Sila ang naging ninuno ng mgaRomano. Pagkatapos ng ilang daang taon, iba pang pangkat ng tao ang dumating saItalya. May mga tao mula sa Asya-Minor ang nagtayo ng pamayanan sa hilaga ng mgapamayanan ng mga Latin. Sila ang mga Etruscan. Samantala, ang mga Griyego aynagtayo din ng kanilang pamayanan sa katimugan ng Italya at sa dulong bahagi ng Islang Sicily. Ang mga Etruscan at Griyego ay nagkaroon ng malapit na ugnayangpangkalakalan at nagbigay daan upang maipamana nila ang kanilang kultura sa mgaLatin. Malaki ang naging impluwensya ng kulturang Griyego sa pamumuhay ng mgaLatin. Maging ang sining nila ay makakakitaan ng impluwensyang Griyego.Pag-usbong ng Republikang Romano Pagsapit ng 800 BC, maraming pamayanan ng mga Latin sa gitnang bahagi ngItalya ang nagsama-sama sa isang pamayanan na tinawag na Roma. Nakontrol ngmga Romano ang Ilog ng Tibes na ruta ng kalakalan mula hilaga hanggang timog ngtangway ng Italya. Ang mga Etruscans, sa pamumuno ng pamilyang tinatawag na Tarquins, aynagtatag ng monarkiya sa Roma. Ginawa nilang pinakamayaman at pinakamalakinglungsod-estado ng Italya ang Roma. Sa gitna ng lungsod ay itinayo ang forum opamilihan. Bagamat maraming natuhunan mula sa mga Etruscans ang mga Romanodumating din ang panahon na ninais nilang lumaya kaya’t noong 509 BC, itinaboy nila 9

ang Tarquins at itinatag ang isang Republika – isang uri ng pamahalaan kung saanang pinuno ay inihahalal ng mga mamamayan.Ang mga Plebeian at Patrician Di tulad ng Athens na isang demokratiko, sa Republikang Romano ang namunoay mga aristokrata. Lahat sila ay nagmula sa mga mayayamang may-ari ng mga lupana tinatawag na patrician. Bagamat sampung porsiyento lamang ng kabuuangpopulasyon ang mga patrician, nasa kamay nila ang halos lahat ng pangunahingposisyon sa pamahalaan at nagtamasa sila ng mas maraming karapatan. Karamihannaman sa mga Romano ay mga plebeians. Sila ay mga karaniwang taona angmula samayamang mamamayan, negosyante, artisano, magsasaka hanggang sa mgamanggagagawa. Bilang mamamayan sila ay nagbabayad ng buwis at naglilingkod sasandatahan ngunit hindi kapantay ng mga tinamasang karapatan ng mga patrician angkanilang tinaasang karapatan.Ang Pamamahala ng Republika May maayos na takbo ng pamamahala ang pamahalaang Romano. Maytagapagpaganap (Executive) at tagapagbatas (Legislative). May dalawang patrician natumatayong tagapagpaganap. Sila ang nagangasiwa sa pamahalaan at sa hukbongsandatahan. Sila ay inihalal sa tungkulin at may terminong isang taon upangmakapaglingkod. Sa mga kamay nila nakasalalay ang kapangyarihan ng buong Roma.Maaari rin nilang i-veto o di tanggapin ang desisyon ng bawat isa. Kinakailangangmagkasundo sila sa mga pangunahin at kritikal na desisyon. Sa panahon ng krisis,maaari silang pumili ng diktador mula sa mga pinagkakatiwalaang opisyal ngpamahalaan. May anim na buwan lamang na termino ang mga diktador o hanggang dinatatapos ang krisis. Sa ganitong pamamaraan, napipigilan ang ganap nakapangyarihan ng mga diktador at napangangalagaan ang demokrasya. Ang tagapagbatas ay bumubuo ng 300 kinatawan. Ang pinakamakapangyarihanay ang senado. Ang 300 kinatawan ay mula sa mga patrician. Sila ay inihalal at may 10

terminong panghabambuhay. Tinatawag silang senador. Ang pangunahing gawain nilaay ang magbigay ng payo sa consul, maghain ng batas, at magtalakay ng mgapatakarang panlabas. Hindi lahat ay sumang-ayon sa ganitong pamamahala. Noong 471 BC, ang mgaPlebeians ay nagdesisyon na hindi na sila maglilingkod sa hukbong sandatahan ngRoma, bagkus ay magtatatag ng sarili nilang lungsod-estado. Ito ay upang maiwasanang digmaang sibil at mapanatili ang kapayapaan. Sumang-ayon ang mga patrician sailang nais ng mga Plebeian. Isa na rito ay karapatang pumili ng sampung pinuno nila sakanilang hanay na tatawaging tribunes na siyang magsusulong ng kanilang interes sapamahalaan. Ang mga tribunes ay maaaring mag-veto ng ano mang desisyon ngconsul o ng iba pang namumuno. Dahilan sa karapatang mag-veto, napangangalagaanng mga Plebeian ang kanilang sariling interes laban sa mga patrician. Nagkaroon dinang mga Plebeian ng kanilang sariling asembleya na kinilala bilang Assembly ofTribes. Pagsapit ng 287 BC, isa na itong pangunahing tagapagbatas sa Roma. Sa simula ng Republika, ang mga batas ng Roma ay di nakasulat. Ang mgapatrician ang may kontrol sa batas at ipinaalam lamang ito sa mga Plebeians. Pagsapitng 451 BC, pinagbigyan ng mga patrician ang kanilang hiling. Ang mga batas ng Romaay inukit sa mga tabletang tanso at inilagay sa forum upang mabasa ng lahat. Ito aytinawag na Twelve Tables na siyang naging batayan ng iba pang batas sa Romanoong mga sumunod na panahon. Kasabay nito, bumuti rin ang katayuan ng mgaplebeian. Pinayagan na silang makapag-asawa ng patrician at maglingkod sa mgapampublikong tanggapan. Pagsapit ng 287 BC, pantay na ang karapatang tinatamasang mga patrician at Plebeian. Ngunit, hindi maipagkakaila na ang kapangyarihangpulitikal ay nasa kamay pa rin ng mga patrician at ilang mayayamang plebeian. Patunayito na ang republika at ang senado ay nasa kapangyarihan pa rin ng iilangmamamayan. Gawain 2: Pagpapalalim ng Kaalaman Magtala at paghambingin mo ang mga tungkulin at karapatan ng mga patrician at plebeian. May magkakatulad ba silang tungkulin? Kung mayroon, ilagay ito sa tamang sa Venn Diagram. 11

Patrician Plebeian Tandaan Mo! Noong 509 BC, pinabagsak ng mga Romano ang kapangyarihan ng monarkiyang Etruscan at sila ay nagtatag ngisang Republika.Pagsapit ng 471 BC ang mga Plebeian o mga karaniwang mamamayan ay nag-alsa laban sa mga patrician upang mapabuti ang kanilang katayuan at noong287 BC may pantay na karapatan na ang mga Plebeian at patrician.Mula sa Republikang Romano nagsimula ang pagkakaroon ng mga pormal nasangay ang pamahalaan gaya ng tagapagpaganap (executive) at tagapagbatas(legislative). Nanggaling sa pamahalaang Romano noong panahong ito ang mgakonsepto ng republika at senador na sinusunod pa maging sa kasalukuyanpanahon. 12

Gawain 3: Paglalapat A. Sa ating kasalukuyang panahon, may mga senador ba na maituturing na patrician o plebeian? Magtala ng mga katangian ng mga senadorna patrician at mga senador na plebeian base sa iyong nababasa o naoobserbahansa Senado ng Pilipinas. Gamitin mo ang talahanayan sa pagbuo ng iyong sagot. Katangian ng Senador na Patrician Katangian ng Senador na Plebeian1. 1.2. 2.3. 3.4. 4.5. 5.B. Kung ikaw ay boboto sa halalan para sa pagka-senador, kaninong katangian ang pagbabatayan mo, sa patrician o plebeian? ______________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________ 13

ARALIN 2PAGPAPALAWAK NG IMPERYONH ROMANO Habang patuloy na nagnanais ang mga Plebeian ng mas malakingkapangyarihan sa loob ng Republika, ang Roma ay patuloy na nagpalawak ng kaniyangnasasakupan. Pagsapit ng 265 BC nasa ilalim na ng kapangyarihan ng Roma angkabuuan ng tangway ng Italya. Matutunghayan mo sa araling ito kung paano napalawakng Roma ang kanyang imperyo. Iginalang ng mga Romano ang mga lupaing kanilang nasakop. Nakipagkaibigansila sa mga mamamayan nito. Hinayaan nilang manatili ang kanilang kultura attradisyon, maging ang kani-kanilang mga batas. Ang tanging hiniling nila ay suportahansila ng mga ito sa pamamagitan ng pagbubuwis at pagiging matapat na kaalyado ngRoma. Bilang kapalit, sila naman ay may proteksyon sa sandatahang lakas ng Roma.May ilan ding mga mamamayan ng lupaing nasakop ang naging mamamayan ngRoma. Ilan lamang iyon sa mga kaalamang ihahatid sa iyo sa araling ito. Matapos ang araling ito, inaasahan na iyong: 1. Mapatutunayan na ang malakas na hukbong sandatahan ang pinakamalaking salik sa pagiging matagumpay ng Roma; 2. Mailalarawan ang mga kaganapan sa una at ikalawang Digmaang Punic; at 3. Maipaliliwanag ang naging epekto ng tagumpay ng Roma sa Silangan at sa Asya. Gawain 1: Pag-isipan Mo! Ituro sa mapa ang Carthage. Bakit mahalaga sa mga Romano na masakop ito? 14

Ang Hukbong Sandatahan ng Roma Dahilan sa ang mga mamamayang Romano at ang mga plebeian ay may bosessa pamahalaan, tapat sila rito. Ang mga matitipunong magsasaka ay mahuhusay nasundalo. Kaya nilang magmartsa ng 30 milya araw-araw at dala-dala ang 60 libra ngmga armas at iba pang suplay pandigma. Ang malakas na hukbong sandatahan ngRoma ang pangunahing dahilan ng pananagumpay nito sa Italya. Ang pagigingmalakas ng sandatahan ay bunga ng pagkakaorganisa nito. Ang pangunahing yunit aylegions na binubuo ng mula 3,000 hanggang 6,000 sundalo na tinatawag nalegionnaires. Sa pamamagitan ng mga legions, ang sandatahan ay mas malakas atmas mabilis makipaglaban. Kumpara sa mga Griyego kung saan ang mga phalanx aykumikilos paurong lamang at pasulong, ang mga phalanx ng Romano ay mas magalingkumilos maging pakaliwa o pakanan sa mga labanan. Ang taktikang ito at ang labis nakatapatan sa Roma ang pangunahing mga dahilan ng kanilang tagumpay. Sa loob ng 15

isang siglo, may ilan din labanan na sila ay natalo ngunit sa lahat ng digmaan nakanilang sinalihan sila ay nanalo. Sila na marahil ang pinakamalakas na hukbongsandatahan na nakilala sa kasaysayan. Dahil dito, naging mabilis ang pagpapalawak ngImperyong Romano.Ang Unang Digmaang Punic Pagsapit ng 200 BC, isa na lamang ang kalaban ng Roma sa Mediterranean:ang Carthage na nasa hilagang Aprika. Ito ay dating kolonya ng mga Phoenician atnaging kabisera ng isang malaking imperyong pangkalakalan na umaabot mulaEspanya hanggang Sicily. Mula 264 hangang 241 BC, nagkaroon ng maramingdigmaan sa pagitan ng Roma at Carthage upang makuha ang karapatan sa Sicily. Angunang tatlong digmaan ay kinilala bilang Digmaang Punic. Ang ibig sabihin ng Punic ayPhoenician. Ang Carthage ay itinatag bilang sentro ng kalakalan ng Phoenician. Simpleang naging dahilan ng kanilang alitan: natakot ang Carthage na makuha ng Roma angSicily. Ang Roma naman ay natakot na baka harangan ng Carthage ang kalakalan sapagitan ng Italya at Sicily.Mga Guho sa Carthage 16

Sinimulan ng Roma ang Unang Digmaang Punic nang may mas pinalakas nahukbong sandatahan, ngunit may mahusay sa digmaang pandagat ang mgaCarthaginian. Kayat ginamitan ito ng mga Romano ng taktika at dali-dali silang gumawang mga barkong halos katulad ng mga barkong pandigma ng Carthage. Gamit ang mgabarkong ito, ang Roma ay nanalo sa ilang labanan nila sa Carthage. Ngunit tumagal itong halos 20 taon bago tuluyang napabagsak ng Roma ang Carthage at nasakop angisla ng Sicily. Nagbayad ng indemnity o bayad pinsala ang mga Romano.IKALAWANG DIGMAANG PUNIC Bumagsak nga ang Carthage ngunit hindi ito tuluyang nanahimik. Sa halip, ito aynagpalawak pa ng kapangyarihan sa Espanya sa pamumuno ni Heneral HamilcarBarca. Pagsapit ng 221 BC, ay nagkaroon ng mahusay na pinunong Carthaginian angEspanya sa katauhan ni Hannibal, isa sa pinakamahusay na heneral ng hukbongEspanya sa kanyang kapanahunan. Noong 218 BC nilusob ni Hannibal ang Roma kasama ang sandatahang lakas nabinubuo ng 4,000 sundalo at 50 elepante. Tinahak nila ang daan sa hilagang silanganng Espanya at timog na bahagi ng Pransya at tinawid ang mayelong kabundukan ngAlps, kung saan maraming sundalo at elepante ang namatay dala sa napakalamig naklima. Bagamat mas kaunti, natalo nina Hannibal ang mga sundalong Romano nasumalubong sa kanila sa naganap na Labanan sa Cannae sa timog silangan ng Italya.Nakarating ang mga Espanyol sa bukana ng Roma ngunit hindi nila ito pinasok. Umasasi Hannibal na makikipagkasunduan ang Roma sa kanila ngunit hindi ito nangyari.Habang nasa Italya ang hukbo ni Hannibal, nagkaroon ng ibang kaganapan. Nilusob ngisang sundalong Romano na nagngagalang Hen. Publius Scipio ang mga Carthaginiansa Espanya. Kung kaya’t di sila nakapagpadala ng tulong kay Hannibal na noon aynahaharap sa kabi-kabilang pakikipaglaban sa Italya. Noong 204 BC sinakop na rin ngmga Romano ang Hilagang Aprika. Upang maipagtanggol ang kanilang lupain, bumalik si Hannibal sa Carthagengunit siya ay natalo ni Scipio sa labanan sa Zama noong 202 BC. Ang pagkatalong ito 17

ang nagwakas sa ikalawang Digmaang Punic. Nanatili ang kalayaan ng Carthagengunit nawala na ang kapangyarihan nito.Ang Ikatlong Digmaang Punic Makalipas ang 50 taon pagkatapos ng ikalawang Digmaang Punic nagkaroon ngkapayapaan sa pagitan ng Roma at Carthage. Sa mga panahong ito ay umunlad namuli ang Carthage. Bagamat wala ng pangambang maidudulot ang Carthage sa Roma,ang mga malalagim na alaala ng mga ginawa ni Hannibal ay patuloyn na nagsilbingbangungot para sa mga Romano. Ito ang naging dahilan upang naisin nila ang tuluyangpagkawasak ng Carthage. Kaya pagsapit ng 149 BC sinimulan nila ang ikatlongDigmaang Punic. Nagpadala sila ng mga sundalo sa Hilagang Aprika at nilusob angCarthage. Sa loob ng tatlong taon, nagpatuloy sa pakikipaglaban ang Carthage bagotuluyang sumuko. Pagkatapos nito, sinunog ng mga Romano ang kabuuan ng Carthageat sinabuyan ng asin ang lupang sakahan nito upang tuluyan na itong mawalan ngpakinabang. Ang mga taong di namatay ay pinagbili bilang mga alipin. Napakalakingtagumpay ito sa Roma at nagkaroon sila ng ganap na kapangyarihan sa kanlurangMediterrenean.Tagumpay sa Silangan Hindi lamang ang mga Digmaang Punic ang sumubok sa lakas ng Roma.Habang nakikipaglaban sila dito, sila rin ay may nakikipagtunggali sa HelenistikongSilangan. Matapos ang marami-raming labanan, natalo nila ang mga Macedonian atnoong 146 BC, naging probinsya ng Roma ang Macedonia. Sumunod na nilusob ng Roma ay ang gitnang silangan. Noong 133 BC,napasailalim sa kapangyarihan ng mga Romano ang Kaharian ng Pergamum sa Asya.Bagamat nanatili ang kalayaan ng Ehipto at Syria, naging kaalyado ng Roma ang mgapamahalaang ito. Pagsapit ng 100 BC, nasakop na ng Roma ang halos lahat ng lupaingnakapaligid sa Mediterrenean. 18

Gawain 2: Pagpapalalim ng Kaalaman Itala ang mga naging epekto ng mga Digmaang Punic upang mapatibaymo ang iyong kaalaman. Sa Roma Sa CarthageUnang Digmaang Punic 1. _____________________________ 1. _____________________________ _____________________________ _____________________________ 2. _____________________________ 2. _____________________________ _____________________________ _____________________________Ikalawang Digmaang Punic 1. _____________________________ 1. _____________________________ _____________________________ _____________________________ 2. _____________________________ 2. _____________________________ _____________________________ _____________________________Ikatlong Digmaang Punic 1. _____________________________ 1. _____________________________ _____________________________ _____________________________ 2. _____________________________ 2. _____________________________ _____________________________ _____________________________ 19

Tandaan Mo! Ang sandatahang lakas ng Roma at ang kahusayan nito ang pangunahing dahilan ng pananagumpay ng Roma sa Italya at sa paligid ng Mediterrenean sa Italya. Pakikidigma ang naging kasangkapan ng mga Romano upang itatag ang kanilang imperyo. Nagkaroon ng Tatlong Digmaang Punic sa panahon ng pagpapalawak ng Imperyong Romano. Ganap na napabagsak ng Roma ang Carthage noong 149 BC at sinunog ang kabuuan ng lupain ng mga Carthaginian. Pagsapit ng 100 BC nasa kapangyarihan na ng Roma ang halos lahat ng lupain sa paligid ng Mediterrenean. Gawain 3: Paglalapat Sa iyong palagay, magiging makapangyarihan kaya ang mga Romano at maitatag ang kanilang imperyo kung hindi sila nagsulong ng mgadigmaan? Sumulat ng dalawang talata na nagpapaliwanag ng inyong posisyon oopinyon. ____________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________ 20

ARALIN 3ANG KRISIS SA REPUBLIKA Habang lumalaki at yumayaman ang Republikang Romano, unti-unti rin itongnakaranas ng iba’t ibang panloob na suliranin na yumanig sa pinkapundasyon nito. Oonga’t ang mga digmaang Roma ay nagbigay ng karagdagang lupain at kapangyarihanpara sa Romano, nagdulot din ito ng maraming suliraning pulitikal at pangkabuhayan.Nagsikap ang mga pinuno na lutasin ang mga suliraning ito ngunit patuloy pa rin nahumina at nawalan ng katatagan ang Republika. Matutuklasan mo sa araling ito angmga pangyayari noong panahonh iyon. Matapos ang araling ito, inaasahan na iyong: 1. Masusuri ang mga naging dahilan ng pagkakaroon ng krisis sa Republikang Romano; 2. Matutukoy ang naging pangunahing epekto ng krisis na ito para sa Roma at sa mga Romano;at 3. Matatalakay ang mga pamamaraang sinubukan ng mga pinuno upang binigyang lunas ang krisis sa Republika; Gawain 1: Pag-isipan Mo! Anu-ano ang mga suliraning maaring makapagdudulot ng krisis sa isang bansa? Magtala ng tatalo. 1. ________________________________________________________________ ________________________________________________________________ 2. ________________________________________________________________ ________________________________________________________________ 3. ________________________________________________________________ ________________________________________________________________ 21

Ang Teritoryo Bagamat hinayaan ng Roma ang mga lupaing nasakop nito na panatilihin angkani-kanilang wika, relihiyon, batas, kultura at tradisyon, sila may tungkuling magbayadng buwis at maging tapat sa kapangyarihang Romano. Ginawang probinsya ng Roma ang karamihan sa mga kolonya nito, Sa simula aydi naging maayos ang pamahalaan sa mga probinsyang ito. Upang mapadali angpagsasaayos, humirang ng mga Gobernador o Proconsuls ang mga Romano upangmamuno dito. Ngunit imbis na mkatulong marami sa mga proconsul ay nagpabaya sakanilang mga tungkulin at may iba na tumanggap din ng suhol sa mga transaksyon ngpamahalaan. Kasabay nito, hinirang din ng mga Romano ang mga publician upangmangolekta ng buwis mula sa mga probinsyang ito. Upang sila rin ay makinabang samga nakolektang buwis tinaasan ng mga publician ang kanilang sinisingil sa mgamamamayan. Naging dahilan ito upang magalit ang mga mamamayan sa pamahalaanng Roma, ngunit dahilan sa malakas at matatag na sandatahang lakas, napigil ang anomang banta ng pag-aalsa. Unti-unti natanggap ng mga kolonya ang uri ng pamamahalang mga Romano.Panlipunan at Pangkabuhayang Pagbabago Halos nawasak ang ng Roma noong Ikalawang Digmaang Punic. Angpananakop ni Hannibal sa Italya ay nagdulot ng malawakang pagkasira ng mga lupaingsakahan. Ang iba namang sakahan ay naiwanang nakatiwangwang habangnakikipaglaban sa digmaan ang mga may-ari nito. Nawalan ng mapagkakakitaan angmga pamilya ng mga magsasaka kung kaya’t napilitan silang ibenta ang kani-kanilangmga lupang sakahan sa mga Romanong yumaman sa panahon ng pananakop. Sa panahon din ng pananakop nagkaroon ng kapangyarihan sa mga lupa saprobinsya ang pamahalaang Romano at pinaupahan ito sa mga mayayamang Romano.Di naglaon nagkaroon sila ng malalawak na lupain na tinatawag na Latifundias kungsaan sari-saring butil ang itnanim at ibenenta sa Italya. Naging napakadali rin para samga mayayamang ito na humanap ng magsasaka sa kanilang lupain dahilan sa 22

napakaraming alipin ang handang magtrabaho sa murang sweldo lamang. Dahilan samababang, halaga ng produksyon mas mura nila naibebenta ang kanilang mgaprodukto. Ito ang naging dahilan kung bakit ang mga mahihirap na magsasaka sa Italyaay di makasabay sa kanilang pagbebenta sa murang halaga kung kaya’t napilitan angmga ito na huminto sa pagsasaka, nagbenta ng lupa at lumipat sa mga lungsod. Sa paglipat ng mga magsasaka sa mga lungsod, lalong lumaki ang mga nagingsuliranin ng Republika. Naging masikip ang mga lungsod dahil sa paglaki ngpopulasyon doon. Maging sa Roma ay patuloy na nagdagsaan ang mga magsasaka nanagpalawig nang husto sa pagkakaiba ng uri ng pamumuhay ng mayayaman atmahihirap. Kasabay nito, lalong naging aktibo ang kalakalan sa mga probinsya nanagdulot ng lalong pagyaman sa mayayamanng Romano. Ang kapangyarihan saekonomiya ng Roma ay mapasakamay ng mga equites o grupo ng mga negosyante.Maraming mga matatandang patrician at mayayamang plebeian ang naging abala sapagpapayaman sa halip na isulong ang kapakanan ng Roma at ng mga karaniwang tao,kasama na ang mga libo-libong magsasaka at mga walang hanapbuhay na mgamaralitang taga-lungsod.Ang Repormista Sa gitna ng krisis sa pamahalaan ng Roma noong panahon ng Republika, maymangilan-ngilan ding mayayamang Romano ang nabahala sa katayuan ng mgamahihirap. Para sa kanila, dapat na lunasan ang lumalalang sitwasyon bago pa manmagbunga ito ng pag-aalsa. Para sa kanila ang pagpapahalaga sa disipilina,pagsasakripisyo at katapatan sa Republika ay dapat na ibalik upang makaiwas sa anomang banta ng pag-aalsa. Isa sa mga repormistang ito ay si Tiberius Gracchus, isang repormista attagapagsutlong ng mapayapang pagbabago. Naging tribuno siya noong 133 BC atipinasa niya ang mga batas na tutulong sa mga mahihirap sa pamamagitan ng mgabagong batas nalimitahan ang lupain ng mga mayayamang may-ari. Hindi sinang-ayunan ng mga mayayamang senador ang kanyang ginawang pagbabago at nang 23

muling tumakbo si Gracchus bilang tribune, nagkaroon ng madugong riot na ikinasawiniya at 300 pang kaalyado niya. Makalipas ang sampung taon ang nakababatang kapatid ni Tiberius na si GaiusGracchus ay nahalal bilang Tribune. Tulad ng kapatid niya, isinulong nito ang repormasa lupa at pinarami ang bilang ng maliliit na magsasaka. Naging maayos ito sa kanyangdalawang termino bilang Tribune, ngunit tulad ng kanyang kapatid siya rin ay pinaslangng kanyang mga kaaway sa isang madugong riot. Nagpatuloy din ang kaguluhan sa republika na dulot ng lumalaking populasyonng mga alipin. Noong 73 si Spartacus, isang alipin, ay nagdeklara ng digmaan upangpalayain ang mga alipin sa Italya. Sa loob ng dalawang taon nagpatuloy ang labanan ngmga hukbo ng mga alipin at hukbong sandatahan ng Roma. Natigil lamang ito nangmapatay si Spartacus at 6000 pang ibang alipin sa sumama sa kanya.Pamumuno ng mga Heneral Nabigo ang lahat ng pagtatangkang magkaroon reporma. Nawalan na rin ngtiwala ang mga mahihirap sa pamahalaan. Nagsunud-sunod ang pag-aalsa ng iba’tibang grupo na labis na nagahina sa Republika. Sa panahon ng kaguluhan, nagkaroonng pagkakataon ang mga heneral nang mamuno. Noong 108 BC si Gaius Marius, isang tanyag na heneral, ay nagsimulangkumuha ng sundalong mula sa mga maralitang walang hanapbuhay. Kung noon, mgakalalakihan lamang na may-ari ng lupain at tapat sa Roma ang maaring maging sundalosa sandatahang lakas, sa pagkakataong ito nagboluntaryo kay Marius ang mgamahihirap dahil pinangakuan niya sila ng pera at bahagi sa ano mang lupain namakukuha niya. Samakatuwid naging tapat sila kay Marius at hindi sa pamahalaan. Si Marius ay may mahigpit na katunggali sa posisyon: si Sulla. Sa loob ng animna taon nagpalitan sila ni Marius sa pagiging heneral. Pagsapit ng 82 BC natapos naang kanilang labanan kung saan si Sulla ang nagwagi. Di nagtagal itinanghal ni Sullaang kanyang sarili bilang pang habambuhay na diktador ng Roma. Maaaring naitanghal ni Sulla ang kanyang sarili bilang diktador ngunit di itonagtagal sa kanyang puwesto. Si Pompey isang heneral, at si Crassus, isang pulitiko, 24

ang naipalit sa kanyang puwesto sa suporta ng batambatang si Julius Caesar. Noong60 BC itinatag nina Pompey, Crassus, at Julius Caesar ang Triumvirate, isang pangkatna may talong pinuno na may magkakapantay na kapangyarihan. Sa paglipas ng panahon, di nagkaisa ang Triumvirate. Si Julius Caesar na maymalaking ambisyong pulitikal, ay nagsarili. Pinalakas niya ang kanyang hukbo sa Gaul(France na ngayon) at sinakop ito. Di nagtagal maging Britanya ay sinakop rin niya,kayat nasakop na nang ganap ng Roma ang hilagang bahagi ng Europa. Noong 49 BC sa pagkamatay ni Crassus sa isang digmaan, tuluyan nangnabuwag ang Triumvirate. Naging mortal na magkaaway si Julius Caesar at Pompey.Pumunta si Julius Caesar sa Gresya kung saan tinalo niya si Pompey. Tumakas siPompey patungong Ehipto ngunit napaslang naman siya ng Hari ng Ehipto na galit samga Romano. Kasabay nito kinilala ni Caesar ang kapatid ng hari na si Cleopatra nanoon ay namumuno sa Ehipto, bilang kaibigan ng Roma. Pagbalik ni Caesar sa Roma, itinanghal siya bilang pinakdakilang bayani ngRoma at namuno sa pamahalaan. Nakuha niya ang titulo bilang hari at consul nangsabay. Maraming pagbabago ang kanyang ipinatupad. Inayos niya ang pamahalaan atbinabaan niya ang buwis. Upang matulungan ang mga mahihirap sa Roma, pinadalaniya ang 100,000 sundalo at iba pang mga tao sa mga lupaing kanilang nasakop atdoon sila ay binigyan ng lupaing sakahan. Nagbigay siya ng pagkamamamayan sa masmaraming tao sa labas ng italya. Nagpalabas din siya ng bagong kalindaryo napinangalanan sa kanya: ang Julian Calendar. Pagsapit ng 44 BC ganap na siyangdiktador na panghabambuhay, ngunit naging dahilan ito upang mangamba ang mgamayayaman. Natakot sila na kung magiging Hari si Caesar, mawawala na ang senado,at mawawasak nang tuluyan ang Republika. Kaya isang pangkat na binubuo ninaMarcus Brutus at Gaius Cassius ang nagplanong paslangin si Caesar. Sinaksak nilasi Julius Caesar sa Senado noong Ides of March (Marso 15) 44 BC.( Sa JulianCalendar ang Ides ay petsa kung saan ito ay kalagitnaan ng bawat buwan nasumasabay sa pagbilog ng buwan). 25

Ang Pagwawakas ng Republika Sa pagkamatay ni Julius Caesar, nagkaroon ng panibagong tunggalian sakapangyarihan sa pumumuno ng Roma. Ang ikalawang Triumvirate ay nabuo ng mgataga suporta niya, na sina Octavian, isang malapit na kamag-anak ni Caesar, MarcAnthony, isang heneral na kaalyado ni Caesar, at si Lepidus isang pangunahingpinuno ni Caesar. Ipinaghiganti nila ang naging kamatayan ni Caesar. Hinati nila angmga lupain ng Roma sa kani-kanilang pangangasiwa. Kinuha ni Ocatavian angkanluran, samantalang ang silangan ay kay Marc Anthony, at si Lepidus naman angnamuno sa hilagang Aprika. Silang tatlo naman ang namuno sa Italya. Tulad nginaasahan, nagtalu-talo rin ang tatlong pinuno. Pinilit ni Octavian na umalis sa tungkulinsi Lepidus upang siya na ang maghari sa Italya at hilagang Aprika. Samantala patuloyna namuno sa Silangan Si Marc Anthony. Namuno din siya sa Ehipto kasama angreyna nitong si Cleopatra. Di ito nagustuhan ni Octavian kayat noong 31 BC sa isangbahagi ng karagatan naganap ang labanan sa Actium sa may kanlurang bahagi ngGresya at tinalo niya ang magkasanib ng puwersa nina Cleopatra at Marc Anthony. SiOctavian na lamang ang mag-isang namuno sa Roma at mga lupain nito. Upang hindimagpatuloy ang kaguluhan sa Republika, kinailangang magtatag si Octavian ng bagongpamahalaan upang mapanatili ang kaayusan. Dito nagwakas ang Republika sa Roma. .Gawain 2: Pagpapalalim ng Kaalaman Paano sinikap bigyan ng kalutasan ng mga pinuno ng Roma ang krisis sa Republika? Ilagay sa talahanayan ang angkop na sagot. Mga Kasapi Layunin Sistema ng Naging Bunga Pamumuno1. Proconsul2. Publician 26

3. Mga Repormistang Tribune4. Unang Triumvirate5. Ikalawang Triumvirate Tandaan Mo! Habang patuloy na lumalaki at yumayaman ang Republikang Romano sumailalim naman ito sa mga suliraning panloob na nagdulot ng krisis sa pamunuan nito. Sina Tiberius at Gaius Gracchus ay ilan lamang sa mga repormistang nagpanukala ng reporma sa gitna ng krisis sa Republika. Ang krisis ay nagbigay daan sa pagtatamo ng kapangyarihan ng mga Heneral bilang pinuno ng pamahalaan tulad nina Marius at Sulla. Ang unang Triumvirate ay binuo nina Pompey, Crassus, at Julius Caesar. Ang ikalawang Triumvirate ay binuo naman nina Octavian, Marc Anthony, at Lepidus. Noong 31 BC itinanghal si Ocatvian bilang nag-iisang pinuno ng Republikang Romano. 27

Gawain 3: Paglalapat A. Alin sa mga sumusunod ang may pinakamalaking impluwensya sa pagkawasak sa Imperyong Romano. Ibigay ang iyong katwiran. 1) mahinang pamumuno 2) lumalalang kondisyong pang-ekonomiya 3) tunggalian ng mga iba’t ibang uri ng tao sa lipunanB. Sa iyong palagay maihahambing ba ang mga suliranin ng sinaunang Republikang Romano sa mga suliraning hinaharap ng ating bansa kasalukuyan? Alin sa tatlong nakatala sa (A) ang maipapalagay mong pinakamalaking suliranin ng Pilipinas sa kasalukuyan? Lahat ba nang iyang ay kinakaharap ng ating bansa sa ngayon? Ipaliwanag ang iyong opinyon. ________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________ 28

ARALIN 4ANG PAMUMUHAY SA IMPERYONG ROMANO Paano pinamunuan ni Augustus Ceasar ang Imperyong Romano? Anong uri ngpamumuhay ang umiral noong panahon ng Imperyo? Sisikaping sagutin ng aralin angmga tanong na iyan. Matapos ang araling ito, inaasahan na iyong: 1. Makikilala ang mga naging emperador sa Imperyong Romano; 2. Mailalarawan ang naging pamumulaklak ng sibilisasyong Romano; at 3. Maiisa-isa ang naging pamana ng Romano sa mundo. . Gawain 1: Pag-isipan Mo! Ang araling ito ay tungkol sa mga unang emperador ng Roma. May kilala kabang emperador ng isang bansa sa kasalukuyan? Tukuyin at ilarawan ang kanyangtungkulin at katangian bilang emperador. ________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________ 29


Like this book? You can publish your book online for free in a few minutes!
Create your own flipbook